no ang tula?

1.Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita. ISANG PAMPANITIKANG NAG BIBIGAY DIIN SA RITMO , NAG PAPAHAYAG NG DAMDAMIN AT NAG BIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA.

Panulaan
Ang panulaan o tula ay isang uri ngs ining atpanitikan na kilala sa malayang paggamit ngw ika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ngtayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba. Mga anyo ng tula •Malayang taludturan •Tradisyonal •May sukat na walang tugma •Walang sukat na may tugma Mga uri ng tula • Liriko o pandamdaming tula ○ Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman ○ Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan. ○ Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan ○ Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal) ○ Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro • Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari • Naratibo o nagsasalaysay • Padula/Drama • Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa:bal agtasan • Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang