You are on page 1of 8

Mga Tungkulin ng Wika

Interaksyonal - nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal. Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan. Regulatori - kumokontrol, gumagabay sa kilos/asal ng iba. Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Imajinativ - nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Heuristik - naghahanap ng mga informasyon/datos. Informativ - nagbibigay ng informasyon/datos.

Ang Tungkulin Ng Wika - Presentation Transcript


1. Ginagamit natin ang wika, hindi kaya ginagamit tayo nito? c Mga Panlahat na Gamit ng Wika c Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos, kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag- uugali. Naglahad sina Michael A.K. Halliday, Roman Jakobson at W.P. Robinson ng pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo. 2. I. Ayon kay Michael A.K. Halliday c 1.Instrumental Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari / maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin ( manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang. c Halimbawa: c Mga bigkas na ginaganap (performative utterances) pagpapangalan/ pagbabansag, pagpapahayag, pagtaya. c Iba pa pagmumungkahi, panghihikayat, pagbibigaypanuto, pag-uutos, pagpilit. 3. c 2.Regulatory - Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para sumangayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at pag- abala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba. c Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap. c Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/ gawa, pagtatakda ng mga tuntunin at alintuntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa. 4. c 3.Representasyunal Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, paguulat ng mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp. c May nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan. May mga tuntunin upang alalayan ang gawi/ ugaling pangwika kapag may pagpapalitan ng impormasyon ay dapat maging totoong-totoo at hindi kalahati lamang ang dapat gumawa ng palagay (assumptions) tungkol sa alam ng tagapakinig; hindi dapat kulang o pumupuri ang impormasyong ibinibigay; at kung tapat ang intensyon, dapat iwasan ang ano mang misrepresentasyon at kalalabisan. c Sa mga pagkakataong naiiba(idiosyncratic view) ang pananaw ng isang tao tungkol sa kung ano ang daigdig; maaaring ituring na naiiba (peculiar) ang mga bigkas na nagsasaad ng pagkatawan sa daigdig. 5. c Magiging dahilan ng pagturing sa isang tao na henyo/ pantas (genius) o nasisiraan ng bait; mapangarapin o di kayay tagapagligtas ang ilang uri ng pagiging iba (peculiarities). Maaaring mag-iba-iba sa iba-ibang panahon ang isipan ng karamihan (consensus) na nagiging batayan ng pagpapasya ng iba-ibang kinatawan ng pagbabago sa daigdig (world shifts), patag ang daigdig; maliliit (particles) ng atom, patay ang Diyos; marumi ang sex, pasalita ang wika, atbp.

c Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng mensahe, pagbibigay ng tama/ maling impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag. c Karamihan sa pang-araw-araw na gamit ng wika ang gamit na ito. 6. c 4.Interaksyunal - (Phatic communion ayon kay Malinowski) Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion; iyong mga di-pinupuna/ walang kabuluhang (meaningless) pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na tulay (channel) ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan. c Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito sa lahat ng gamit ng wika upang mapanatili ang mga lipon/ grupo: salita ng mga teenager; mga biruan ng pamilya/ mag-anak; mga katawagan sa bawat propesyon (jargon), mga palitan sa mga ritwal; mga wikang panlipunan at panrehiyon, atbp. c Dapat matutuhan ng mga tao ang mga ibat ibang uri ng gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang mahusay sa iba. 7. c Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng wastong pag-uugali (good manners), wastong pagsasabi sa wastong paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian (presented way). c Madaling makita ang mga paglabag sa kaugalian, maging malaswang salita (dirty words) sa maling tagpuan o di pagtayo sa ilanga pagkakataon. Maaaring parusahan ang mga ito nang higit pa sa pagkadulas sa pangyayari. c Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap, atbp. 8. c 5.Personal Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. May tinig o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin. c Binibigyan din ng wika ang bawat tao ng paraan ng pagpapahayag ng damdamin maging ito ay sa anyo ng mga padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa pamamagitan ng maingat na pagpili ng salita. Maaaring ding magkaroon ng pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng damdamin. c Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura, pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin 9. c Totoong may gamit na personal ang wika ngunit napakahirap itong ilarawan nang buo. Sa gamit na ito, nagsasama-samang gumagalaw sa mga paraang walang nakaaalam ang wika, ang isipan, ang kalinangan/ kultura at ang katauhan/ personalidad. 10. c 6. Heuristic Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, konklusyon ang pangangatwiran, mga bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp. c Ang gamit na ito ang batayan ng kaalaman sa iba-ibang disiplina. Binibigyan ng wika ang tao ng pagkakataong magtanong tungkol sa kalikasan ng daigdig na pinananahanan nila at bumuo ng mga posibleng sagot. Isang paraan para ipakilala ang kabataan sa gamit na ito ng wika ang pormal na edukasyon. Karaniwan nang isang sistemang abstraktong nagpapaliwanag ng isang bagay ang kinalalabasan nito. Kaya isang resultang kailangan sa paglikha ang simbolismo ng metalanguage isang wikang ginagamit sa pagtukoy sa wika na naglalaman ng mga katawagan tulad ng tunog, pantig, kayarian, pagbabago, pangungusap, atbp. 11. c Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran, pagbibigay-konklusyon, paggawa ng hypothesis, pagbibigay katuturan, pagsubok/pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna, pagsusuri, pagbuo, pageeksperimento, pagsang-ayon, di- pagsang-ayon, pag-uulat, pagtaya. c Naging institusyon na ang gamit na ito ng wika sa mga kalagayang pang-edukasyon at sa mga gawaing pangkaalaman ngunit patuloy pang makapupukaw ng iba- ibang panananaliksik ang mga posibleng paraan ng pagkaalam sa pamamagitan ng wika at hindi paggamit ng wika. Isa ring suliranin ay kung pano nabubuo, inaaayos at nililinang ang kaalaman. Mahalaga ang papel ng wika sa mga pagbabagong nangyayari sa retorika ng iba-ibang disiplina. 12. c 7. Imahinatibo Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian visions) sa isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako. c Ito rin ang wikang ginagamit

13.

14.

15.

16.

17.

18.

para sa kasiyahan sa paggamit ng wika bilang tunog; pag-iingay ng sanggol ( babys babbling), pag-awit ng isang mang-aawit at ang paglalaro ng malikot na isip ng makata. Mga larong pangwika, panunukso, panunudyo, pagsasalaysay nang labis. Ilan lamang ito sa mga pagkakataong gamit ng imahinatibo ng wika upang aliwin ang sarili o ibang tao. c Pinahihintulutan din ng gamit na ito ng wika na pansinin di lamang ang tunay na daigdig kundi pati na ang mga posibleng daigdig at marami pang imposibleng daigdig. c Pinahihintulutan din nito ang paglalagay ng sarili sa katauhan ng mga nababasa/ nakikita sa telebisyon at sine: nakikinig sa radyo, cd player, MP3 player (vicarious experience). c Tinutulungan ding matugunan ang maraming estetiko at artistikong pangangailangan (urges). Pinahahalagahan ang gamit na imahinatibo kung nagbubunga ito ng artistikong paglikha ngunit sa karamihan, nagsisilbi itong isang susi sa mga pagkakataon sa paglikha at pagtakas sa katotohanang ipinahihintulot nito. II. Ayon kay Roman Jakobson c Kognitibo/ reperensyal/ Pangkaisipan Pagpaparating ng mensahe at impormasyon. c Conative Paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap. c Emotive Pandamdamin, Pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon. c Phatic pakikipagkapwa-tao c Metalinggwal paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin (intensyon) ng mga salita at kahulugan. c Poetic patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan. III. Ayon kay W.P. Robinson c Estetiko Paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan. c Ludic Pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan, pagsubok sa mga posibilidad ng wika habang natututuhan ito, pagbibiro. c Pag-alalay sa pakikipagsalamuha at pakikipagkapwa-tao paggamit ng wika upang simulan, alalayan at tapusin ang pagkikita ( nangyayari kapag ang dalawa o higit pang tao ang nagkikita), mga ritwal sa wika (kumusta/pagbati), wika bilang kagandahang asal (kumusta ka?); pagbati, pasasalamat, pagpapahayag ng kalungkutan o pakikiramay. c Pag-alalay sa iba Paggamit ng wika upang alalayan o impluwensiyahin ang kilos o damdamin ng iba paggamit ng mga tuntunin at ekspresyon ng tungkulin/ obligasyon paguutos, pakiusap, pagbababa, pagpuna, pagpapalakas ng loob, panghihikayat, pag-aanyaya, pagpapahintulot, panghihiram, pagtawad. c Pag-alalay sa sarili Kaugnay ang ugali at damdamin Pagkausap sa Sarli nang tahimik o mag-isa, pagpaparating sa iba ng ating iniisip, pagbibigay ng opinyon, pangangatwiran, pagpapaliwanag. c Pagpapahayag ng Sarili Pagpapahayag ng sarili, katauhan at damdamin tuwiran sa pamamagitan ng pandamdam, paggamit ng mga salita tungkol sa damdamin; di-tuwiran sa pamamagitan ng bilis, taas ng tinig, tunog ng tinig (voice quality). c Pagtatakda sa tungkulin o Papel sa lipunan paggamit ng wika upang itakda o ipahayag ang kaugnayang pansosyal ng mga tao mga ginagamit kapag nakikipag-usap sa isang tao at mga ginagamit kapag nagsasalita tungkol sa iba (G. Gng. Bb) c Pagtukoy sa daigdig na di-panglinggwistika a) Pagkilala (discrimination) pagkilala at pagpapahayag ng kaibhan at pagkakatulad ng mga bagay. b) Pagbuo (organization) pag-uuriuri at pagbibigay katuturan sa mga kaugnayan ng mga bagay sa ibang bagay. c Pagtuturo Paggamit ng wika sa pagpaparating (imparting) ng bagong impormasyon at kasanayan. c Pagtatanong at Panghuhula Pagtataka, paghahanap, paghingi ng impormasyon at panuto, pagbuo ng haraya (imagining) pagpapasubali (suppoising). c Metalangguage - Paggamit ng wika sa pagtalakay.

Katangian ng wika
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. a. Ponolohiya o fonoloji pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat]. b. Morpolohiya o morfoloji pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitangugat, panlapi at fonema. Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han Fonema = a *tauhan, maglaba, doktora c. Sintaksis pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa. Hal. Mataas ang puno. Ang puno ay mataas. The tree is tall. (hindi maaaring Tall is the tree. o Tall the tree.) d. Semantiks pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag. Hal. Inakyat niya ang puno. Umakyat siya sa puno. Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na datiy [niya] ngayoy [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap. 2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya) 3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika. Halimbawa Wikang Swahili atanipena (magugustuhan niya ako) Wikang Filipino Opo, po Wikang Subanon gmangga (mangga) Wikang Ingles girl/girls (batang babae/mga batang babae) Wikang Tausug tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo) Wikang French Francois (pangngalan /fransh-wa/) Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika. 5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika. Halimbawa: BOMBA Kahulugan a. Pampasabog b. Igipan ng tubig mula sa lupa c. Kagamitan sa palalagay ng hangin d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao 6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kayat itoy patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ka na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng tu at bo. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educa ion]. 7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa. 8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika. 9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na bi ay sinasagisag ng titik na b. Ang simbolong m ay sumasagisag sa tunog na em. 10. May level o antas ang wika.

Levels of Comprehension
The three levels of comprehension, or sophistication of thinking, are presented in the following hierarchy from the least to the most sophisticated level of reading. y Least = surface, simple reading y Most = in-depth, complex reading Level One LITERAL - what is actually stated. y Facts and details y Rote learning and memorization y Surface understanding only TESTS in this category are objective tests dealing with true / false, multiple choice and fill-inthe blank questions. Common questions used to illicit this type of thinking are who, what, when, and where questions. Level Two INTERPRETIVE - what is implied or meant, rather than what is actually stated. y Drawing inferences y Tapping into prior knowledge / experience y Attaching new learning to old information y Making logical leaps and educated guesses y Reading between the lines to determine what is meant by what is stated. TESTS in this category are subjective, and the types of questions asked are open-ended, thought-provoking questions like why, what if, and how. Level Three APPLIED - taking what was said (literal) and then what was meant by what was said (interpretive) and then extend (apply) the concepts or ideas beyond the situation. y Analyzing y Synthesizing y Applying In this level we are analyzing or synthesizing information and applying it to other information.

F our Levels of Comprehension " There are four levels of comprehension. These includeli t e r a l,i n fe re n t i a l,e v a lu a t i v e, and appreciative. Teachers evaluate student responses to reading questions based on these four levels of comprehension. .The first, literal, is the simplest and consists of facts that were clearly stated in the reading. .Inferential comprehension builds on stated facts and reveals whether or not the student is able to interpret the facts, in other words, whether or not they can read between the lines. .Evaluative comprehension shows an understanding of facts and opinions including bias and assumptions which can be used to make comparison of works and conclusion as well as to relate what they have learned to real-life experiences. .A ppreciative comprehension is more abstract and is based on a deeper understanding and even emotional reactions to the authors language, ideas, imagery, and values.

There are four levels of comprehension. These include literal, inferential, evaluative, and appreciative. Teachers evaluate student responses to reading questions based on these four levels of comprehension. The first, literal, is the simplest and consists of facts that were clearly stated in the reading. Inferential comprehension builds on stated facts and reveals whether or not the student is able to interpret the facts, in other words, whether or not they can read between the lines. Evaluative comprehension shows an understanding of facts and opinions including bias and assumptions which can be used to make comparison of works and conclusion as well as to relate what they have learned to real-life experiences.

Abstract
This paper reports two studies that investigate differences in comprehension monitoring skills between good and poor comprehenders. Two groups of 9 to 10-year-olds, who were matched for reading vocabulary and word recognition skills but who differed in comprehension skill, were selected. In the first study, in which the children were required to find anomalous words and phrases, the skilled comprehenders engaged in more accurate monitoring of sentence level anomalies (but not word level anomalies) than did the poorer comprehenders. In the second study, the comprehension monitoring task required the children to detect pairs of sentences, in short texts, that were contradictory. In addition, the working memory demands of the task were varied by placing the two items of inconsistent information either in adjacent sentences, or in sentences that were separated in the text by several others. As in the first study, less-skilled comprehenders performed more poorly on the detection task, but the difference between the groups was considerably more pronounced when the sentences were separated than when they were adjacent. In addition, the children were given a numerical working memory test, and the poorer comprehenders performed more poorly on this test. However, although working memory performance was related to performance on some of the error detection tasks, comprehension ability was also a good, and sometimes better, predictor. The results are discussed in terms of the different cognitive abilities that might contribute to efficient comprehension monitoring.

You might also like