Bautista, Maria Minette P.

CoE-4C

June 22, 2011 Rizal life, work and writings

Magandang pagaralan ang kasaysayan at kung bubusisiin natin mabuti ang pinagmulan ng mga bagay bagay matutuklasan nating may malaking parte ito sa ating ikauunlad. Pero paano kung ang kasaysayan ng isang tao ang pagaaralan? May halaga ba ito sa ikauunlad natin? Kung pagaaralan ang buhay ng isang tao at kikilalanin ito sa lahat ng angulo, mula sa pinakamaliliit na detalye ng kanyang pagkatao hindi ba parang panghihimasok ito sa kanyang buhay na pribado? May mga kilalang tao sa panahon na ito na pinaguukulan din ng pansin na kilalanin dahil sa kanilang kasikatan ngunit hindi nagkakaroon ng pormal na edukasyon o kurso para talakayin ng buo ang kanilang pagkatao. Hindi tulad ni Jose Rizal na pinagukulan ng bayan na maituro sa mga estudyante ngayon ang kanyang buhay hindi lang ang pagiging bayani. Ibinukas ni Rizal ang kanyang buhay para sa lahat sa pamamagitan ng pagsulat ganoon din kung paanong ibinukas niya ang isip ng bawat Pilipino laban sa mga kastila. Siya ay kinilala bilang isa sa pinakarespetadong tao particular na dito sa Pilipinas. Ni hindi na nga natin maisip na siya ay pangkaraniwang tao lang din tulad natin bago pa siya kinilalang bayani. Na tulad din nating nakipaglaro kasama ng ibang mga bata, naranasang magkacrush at umibig din siya ng magbinata. Tulad din nating naging pilyo at gumawa ng kalokohan. At tulad ng pangkaraniwang tao may mga kahinaan. Ang kaibahan lang pinili niya ang magsakripisyo para sa bayan. Nangako si Rizal at kanyang nakatatandang kapatid na si Paciano na tutulong sa bayan at isa lamang sa kanila ang maaaring magpakasal. At dahil si Rizal ang mas nakababata at mas edukado siya na ang nagsakripisyo ng sariling kaligayahan. Marahil kaya hindi nagkaroon ng anak si Rizal ay dahil ayaw niya na marami ang mangulila dahil sa kanya. Sa panahon na napapalapit ang loob sa babae ay lumalayo siya. Noong una pa lang ang planado na niya na ang kanyang sarili ay para sa bayan at mahirap na sabay na maprotektahan ang minamahal at ang bayan. Ang kasaysayan ni Rizal ay magadang huwaran natin dahil ang ikauunlad ng bawat isa sa atin ay ikauunlad din ng ating bayan. Dahil sa pagiging pambansang bayani kaya marahil ay dapat alalahanin siya at bigyang importansya. Sa ganitong paraan ay mabuhay pa ang kanyang alaala sa bayang kanyang pinaglingkuran hanggang sa mga susunod pang henerasyon.