Ang ating iba t ibang anyo ay namana natin sa ting mga ninuno.

Ang ating mga ninuno ay ang pangkat ng mga taong dumayo sa Pilipinas noong unang panahon. Sa kanila natin minana ang ating anyo ganoon din an gating pamumuhay, paniniwala at pag uugali. Ibinibilang ang karamihan sa mga mamamayan ng Pilipinas sa mga liping Mongoloid, ngunit bagaman kalapit at kaugnay sila "sa dugo" ng mga Intsik, Hapones, at taga-Malaysia, mayroon pang naunang mga grupo ng mga tao na nagpunta at nanirahan sa sinaunang Pilipinas. Kabilang dito ang Taong Tabon at ang mga nagsidating na mga Negrito, Indones (mga sinaunang Indonesyano), at mga sinaunang Malay. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa kapuluan ng Pilipinas, palagian nang nakikipag-unayan ang mga Intsik - bilang mga mangangalakal - sa mga mamamayan ng sinaunang Pilipinas. Sa loob ng maraming mga dantaon, nagkaroon ng pagpapakasal sa pagitan ng mga sinaunang mamamayan ng arkipelago at mga Intsik. Ang lahat ng mga ito ang tinatawag na mga unang mga mamamayang namuhay sa kapuluan, subalit may natatanging tatlong pangkat ng mga sinaunang taong dumating sa Pilipinas: ang mga NEGRITO, mga INDONES, at mga MALAY.

MGA NINUNO NG MGA PILIPINO Ilan sa mga ninuno ng mga Pilipino ang nagbuhat sa mga pangunahing-lupain ng TimogSilangang Asya, at pinaniniwalaang naglakbay at naglakad sa ibabaw ng mga "tulay na lupa" na dating nagkakabit at nagdurugtong ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya. Ang mga salinlahi ng mga ninunong ito ang naging nakikilalang mga Pilipino sa kasalukuyan at naging mayoridad sa Pilipinas.[1] Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.[2] Naganap pa ang iba pang migrasyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon. Ngunit sa ilang paniniwala ang TAONG TABON ang kauna unahang taong nanirahan sa ating bansa.

mga 22. Ang kanilang utak ay katulad na ng mga kasalukuyang tao. ang mga butó ay kasama ng mga tumpók ng pinagtabasan (flakes) at mga gamit(tools) sa mga pagawaan ng bató (Stone Age factories) sa 4palapág (levels) ng pinaka-malakíng silíd (chamber) ng yungíb.Ang mga TAONG TABON Ang Homo sapiens ay nahukay sa kweba ng tabon sa Palawan noong 1962. Ito ay isang fossilized na bungo. PINAKA-UNANG katibayan ng tao sa Pilipinas ang pira-pirasóngbungô (cráneo.na tinatawag ngayóng Tao ng Tabon (Tabon Man). Maunlad sila sa kagamitan tulad ng lanseta. Natuklás sa mga yungíb (cave) ngTabon. Mataas ang noo na hindi gaanong matambok. 000 taon na ang nakakaraan. Ang bawat palapág ay pahiwatig ng pagtirá duón ng mga Unang Tao. Maliliit ang mga ngipin at mas maliit at nakausli na ang baba. Ang hitsura ng homo sapiens ay halos kapareho nang ating pangangatawan. jawbone) ng 3 tao . kayá paniwalà ngayóng . sa pulô ng Palawan. Nahukay ito kasama ng mga gamit nila. Ang homo sapiens ay tinatawag din na "nakatatandang marunong na tao" dahil marunong na silang mag-isip at alamin ang mga nangyayari sa kanilang paligid. malapit sa Quezon. skull) at pangâ (mandibula.hindî matantô kung mga babae o lalaki .

subalit hindî pa nasisiyasat. Natuklás ang iká-4 pang tumpók sa ilalim.000 . Bitbít din nilá ang mga mas mabuting sa paggawâ ng kagamitáng bató. workers) sa bawat palapág . . Sapantaha na marahil. natantô na ang pinaka-mataás na palapág ay 9. itó ay tinahanan ng mga unang Pilipino 45.000 taôn sa nakaraán.000 50.gamit at butó.tinahanan ang yungíb nang 4 ulit.000 taôn sa nakaraán.000 taón sa nakaraán. at libu-libong taôn ang pagitan dahil sa makapál na alikabók at lupà na tumabon sa bawat sahíg na pinag-iwanan ng mga pinagtabasan.24. Ang abó ng lutuán sa unang 3 tumpók o palapág ay nahukay ng mga nakatuklás at. patí mga batà.000 taôn ang tandâ. pagkasurì ng mga dalubhasa (experts) sa carbon-14 dating. Maniwaring nagtagál din ang mga manggagawa (obreros.000 taôn ang tandâ. halos lahát ng Pilipino ay nag-nga-nga na rin. Dito natuklás ang bungô ng Taong Tabon.nakapagluto pa ng pagkain. Ang kasunód ay bandáng 22. Ang iká-3 palapág ay mahigít 30. at ang nga-nga (betelnut chewing) hanggáng 5.

wala silang permanenteng tirahan. may mga pag-aaral na nagsasabing maaaring may iba pang nauna kesa mga Negrito. bagaman may mga ginawang paghahambing sa pagitan ng mga Negrito at ng mga aboriheno ng Bagong Gineya at Melanesya. na tumutukoy sa kanilang maliit na pangangatawan. ayon kay H. nagkaroon ng mga katanungan kung naging marunong din sa ganitong mga gawain ang mga Negrito.[1] Sapagkat marunong gumamit ngpalakol at askarol (batong pinatulis) ang mga tinutukoy na aboriheno. na nagkukumpolsa kanila sa mga mamamayang may katulad na kayariang pangkatawan sa Gitnang Aprika. tinataguriang mga pigmi(mula sa salitang pygmy ng Ingles. minsan ding ginagamit ang salitang Negrito sa mga pigming Aprikano. Kabilang sa mga pinakamatandang katibayan ang tao sa Tabon. Kung minsan.000 taon hanggang 18. Mindoro at ilang bahagi ng Mindanao. Diumano. Hinango ang salitang Negrito mula sa Kastilang negro.000 taon sa nakaraan). kung kaya't may mga naniniwalang hindi mga Negrito ang naunang taong namuhay sa Pilipinas. Gayon din. ang sinasabing unang pangkat na dumating sa kapuluan ng Pilipinas noong mga may 20. Ginamit ito ng unang mga eksplorador na Europeano na sinapantahang nanggagaling ang mga Negrito mula sa Aprika. Otley Beyer. Isa sa mga dating sapantaha ang naglalahad na nakarating sa Pilipinas ang Negrito noong huling panahon ng tag-ginaw (mga 30.000 na taon na ang nakararaan. at nangangahulugang "maliit na taong maitim". kung kailan bumabaw ang mga karagatan kaya't nakalakad ang mga tao sa lupang lumitaw mula Biyetnam. pinaniniwalaang ring nanggaling sila sa Borneo at naglakad at tumawid sa pamamagitan ng mga tulay na lupa para marating ang Palawan. Ngunit hindi pa rin natitiyak kung kailan talaga dumating ang mga Negrito sa kapuluan. at palipat-lipat ng mga pook. Ito ang sinapantaha sapagkat pinaniniwalaang hindi marunong ang mga Negrito sa larangan ng pamamangka at paglalakbay sa mga katubigan. Indonesya at Malaysia. Nalalaman lamang na may gawi silang nomadiko o palabuy-laboy. at may kaalaman din sa pamamangka. Subalit nagkaroon ng mga suliranin sa paghanap ng mga sinauna nilang kagamitang yari sa mgabato o mga katulad mula sa mga kasukalan ng mga kagubatan. pagala-gala. kahit man mga libingan ng mga namatay na kauri.[2] Kung minsan pa rin. ginagamit din ang salitang Negroid para . Bagaman isa ito sa mga pinaniniwalaan. partikular na sa mga karagatan.Ang mga NEGRITO Ang mga Negrito sa Pilipinas.

ang aninipay. Sa Pilipinas. Tinawag na Negros ang pook na Negros sapagkat napakarami ng bilang ng mga Negrito doon noong kapanahunan ng pagsapit ng mga Kastila sa Pilipinas. Kagayan at Isabela. halamang-ugat. Ayon kay James J. ang mga Baluga.[3] populasyon 12 ang mga Tumutukoy din ang katawagang Negrito sa ilang mga pangkat etnikong nasa mga hiwa-hiwalay na mga mga Aeta. Kabilang sa mga ito ang mga Aeta ng Sambales. kundi mayroon silang mga pagsasama-samang kaangkanan lamang. Bagaman walang katibayan kung ano ang mga pinakasinaunang kagamitan at kasangkapan ng mga sinaunang mga Negrito sa Pilipinas. Arya.busog. Nilalarawang wala silang tunay na tribo. pana.Y. at mga kagamitang gawa sa bato. iilan na lamang ang natitirang kapangkatan ng mga Negrito. katulad ng buhok at kulay ng balat. pango ang mga ilong. Maitim ang kanilang balat. kabilang sa mga kamakailang gamit ng mga pangkasulukuyang Negrito ang mga sumpit. ang mga Agta. partikular na sa kanilang panlabas na kaanyuhang pisikal.[4] Kabilang Malay. Liu. May mga Negritong umaabot lamang ang taas sa apat na talampakan. Ayta.tukuyin ang mga pangkat na ito. tumutukoy ang terminong Intsik na Kun-lun (Tsinong tradisyunal: bahagi ng Timog-Silangang ng Asya. ang dahilan kung bakit tinawag din silang mga taong-bundok. Ata at Ati ng Panay at Negros. Mayroon namang mga gumamit ng mga pansamantalang tahanang yari sa mga sanga at dahon ng mga punongkahoy. ang mga Batak ng Palawan at ang Mamanuwa ng Mindanaw. Dumagat at mga may 25 iba pang mga tribo sa Pilipinas. sa kanilang pangkasalukuyang ) sa mga Negrito. Ati. isang propesor na panitikang hambingan (literaturang komparatibo). Agta. makakapal ang mga labi at kulot na kulot ang maiitim na mga buhok. maging sa mga Semangtangway sa mamamayang Mani ng Taylandiya at tribong Andamanes ng Kapuluang Andaman ng Indiya. Nangangalap sila ng mga prutas. Tinawag namang Panay ang pook na Panay dahil sa katawagan ng mga Negrito sa isang halaman.[1] Bagaman pagalagala ang karamihan sa mga Negrito. . Palipatlipat sila ng tirahan upang humanap ng mga makakain. mayroon ding tumigil sa mga yungib at sa gilid ng mga bundok. Maliliit lamang ang mga Negrito sa Pilipinas.

maraming mga bulaklak sa katawan. mas kilala sila bilang mga Ati. mangisda. ang pinagmulan ng pagdiriwang naAti-Atihan. Ang mga INDONES Ang mga Indones[1] ang tinatayang sumunod na pangkat na nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga Bangka. Nagtayo sila ng mga bahay na may-hukay sa lupa o nasa tuktok ng mga puno. Baluga. Unang pangkat Nagmula ang mga unang Indones sa Timog-silangang Asya. Remontado. Mas makabago ang kanilang kalinangan kung ihahambing sa mga Negrito. Agta. Sa sari-saring mga pook sa Pilipinas. Remontado. at "daan-daan o libu-libong taon ang pagitan" ang pagitan ng mga kapanahunang ito. Marunong silang pumana. balingkinitan ang katawan. Kabilang na nga rito ang mga katagurian sa Luzon na Aeta. ang pagtawag sa kanila bilang mga Aeta. Maputi ang kanilang balat. at Pugot sa Luzon. at patagu-tago" ang mga Batak sa Palawan. kilala sila sa katawagang Ata. Ita. Tinatayang maaaring magkakahiwalay at magkakaiba ang panahon ng pagdating nila sa Pilipias. magkaingin at niluluto nila ang kanilang mga pagkain. Mayroon ding mga Negrito sa Mindanaw. at Pugot. at Ata naman sa Hilagang Dabaw.at anumang halamang maaaring kainin. Ito ay Una at Ikalawang pangkat. Sa pulo ng Panay. Sa Siyera Madre kilala sila bilang Dumagat. Dumagat. Abian.Ita. Dalawang pangkat ng mga Indones ang unang dumating sa sinaunang Pilipinas. . Sa Surigao. Sa Gitnang Kabisayaan. may kalaliman ang mata ngunit matangos ang mga ilong. iba't iba ang naging mga katawagan para sa mg Negrito. samantalang Mamanwa naman sa Samar at Leyte. kilala sila bilang ang mga Mamanwa. Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga Ilongo ng Sierra Madre at ng Caraballo. Umasa rin sila sa kanilang kapaligiran kung kaya't nangisda at nangaso sila. at Baluga. Partikular sa Gitnang Luzon. Agta. Magkakaiba ang mga gawi ng bawat pangkatin ng mga Negrito: nilalarawang mapupusok ang mga Aeta ng Kagayan at Isabela. "kimi. partikular na sa mga lalawigan ng Surigaw at Hilagang Dabaw. makitid ang hugis ng mukha may malapad na noo.

malaki ang panga. gabi. ube at iba't ibang uri ng halamang makakain. Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe. Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa naunang pangkat.Pangalawang pangkat Kaiba ang pangalawang pangkat ng mga Indones sapagkat maitim ang kanilang balat. bilugan ang mga mata at malaki ang mga katawan. malapad ang mukha. Yari sa tanso ang kanilang mga kagamitan at pinaniniwalaang marunong din silang gumamit ng patubig sa kanilang pagsasaka. Natatanim sila ng palay. malaki ang ilong. at tumira sa mga baybay ng Luzon. Nagmula sila sa tangway ng Indo-Tsina at Gitnang Asya. . makapal ang labi.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful