You are on page 1of 2

Ang impeksyon sa daluyan ng ihi o UTI ay isa sa pinaka- karaniwang sakit lalo na sa mga kababaihan.

Dahil mas maikli ang daluyan ng ihi ng babae, mas mabilis makapasok ang mga mikrobyo para magdulot ng impeksyon sa pantog o bladder at sa daluyan ng ihi o urethra. Pero ang UTI ay maaring sa babae o lalaki.

Masakit na pag-ihi

Balisawsaw

Ang UTI ay maaaring gamutin base lamang sa pagkwento ng pasyente, ngunit kadalasan, ginagawa ang eksaminasyon na URINALYSIS upang matiyak kung mayroong UTI. Dito sinusuri ang ihi kung may mga mikrobyo, nana, o dugo at iba pang bagay na maaaring magpakita na may impeksyong nagaganap.

Mabaho at hindi Malinaw na ihi

Pananakit sa pantog

Ang sanhi ng UTI ay ang mga bakterya (E. Coli) na nakapasok sa daluyan ng ihi. Itoy maaring mangyari kung hindi tama ang paglinis ng maselang bahagi ng katawan, o dahil sa pakikipagtalik Subalit kailangang idiin natin na kung ang isang babae ay nagkaroon ng UTI, hindi nangangahulugang nakipagtalik siya sa lalaki. Isa lamang ito sa maaaring dahilan.

Pananakit sa tagiliran

Lagnat

Antibiotik ang pangunahing gamot sa UTI. Kumunsulta na sa doktor. Uminom ng maraming Tubig (8-10 baso/araw) upang mailabas ang mikrobyo sa daluyan ng ihi. Vitamin C ay ginagawang acidic ang daluyan ng ihi na nakakapahamak sa mikrobyo. Buko juice ay nasasabing nakakatulong sa pagpatay ng impeksyon.

Panatilihing malinis ang katawan upang makaiwas sa UTI. Maligo araw-araw at huwag kaligtaang linisan ng sabon ang puerta o ari. Regular na magpalit ng underwear. Uminom parati ng tubig (8-10 baso kada araw) Ang pakikipagtalik sa ibat ibang partner ay maaaring mag-sanhi ng UTI, pati naring mga STD. Iwasan ang ganitong gawain, o di kayay gumamit ng condom para makabawas sa probabilidad na magkaroon ng impeksyon. Umihi bago at pagtapos ng pakikipagtalik para mailabas ang mikrobyo Iwasan ang kape, alak, at maaanghang na pagkain sapagkat ang mga ito ay maaaring maka-irita sa pantog.

Ang pagkakaroon ng UTI o impeksyon sa ihi ay kailangang pagtuunan ng pansin at agapan dahil may kasabihan nga tayo ng Nasa Huli ang Pagsisi.

Kung may mga nararamdamang sintomas ng UTI o impeksyon sa ihi, agad-agad po lamang pumunta sa malapit na health center o doctor sa barangay upang mabigyan ng pangunahing lunas at nang maagapan ang sakit.