You are on page 1of 2

Base sa aking napanood na pelikula na pinamagatang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, napukaw ng husto ang aking atensyon sa bidang

si Maximo Oliveros, na mas madalas na tinatawag na Maxi sa pelikula. Unang-una, napaka-cliched ng ginampanan niyang karakter, sapagkat sa panahong ito, napakadalas na tayong makakahalubilo sa mga nasa ikatlong gender o mga homosexual. Sa ating ginagalawang mundo, sa madalas silang tawaging bading o bakla. Para sa akin, naging makabuluhan ang pagganap ni Maxi bilang bading, dahil pinapakita nito na kung ikukumpara natin siya sa stereotypical na bading na iniisip ng karamihan, ang mga bading ay may pangarap din, may moral na pag-uugali, marunong magmahal, at pwedeng masaktan. Pinakita ang pagganap niya bilang bading na siya ang madalas inuutusan, taga-ayos sa bahay, taga-buo ng pamilya, taga-pagmahal sa lahat ng kasapi nito. Marahil ay natural na din nga ang pagiging magkalandi ng mga bading, pero ito ay isang bagay na nagpapakita ng kanilang identipikasyon. Pinakita sa pelikula kung paano gamitin si Maxi ng pulis na si Victor upang malaman ang totoong nangyari sa krimen. Mahal nga ba niya si Maxi? O ginamit niya lang siya para sa kanyang pangsariling kapakanan. Masakit isipin, ngunit ipinakita sa parting iyon ang realidad ng mundo sa mga homosexual. Kolokyal nating iniisip na kaya may mga lalaking pumapatol sa mga bading ay dahil binibigyan sila ng materyal na bagay o dahil may ginagawa ito sa kanila na nagkakaroon sila ng benepisyo. Pinakita dito ang paggamit ni Victor sa nararamdaman niya kay Maxi upang makuha ang mga impormasyong kailangan niya. Ngunit sa teknikal na bagay, hinangaan ko siya dahil sa kabila ng lahat, naipakita ng kanyang pagganap na ang bading ay tao rin na marunong magkamali. Aminin natin na hindi lang naman ang mga homosexual ang natatanga para sa pag-ibig, ngunit pati na din ang mga heterosexual. Lahat tayo, nabubulag ng pag-ibig kahit minsan, o kahit di pag-ibig, nabubulag pa din ang mga tao sa mga bagay na inaakala nating makapagpapasaya sa atin habang buhay. Naintindihan ko sa dulo ng kwento ang nais iparating ng pamagat nito. Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros, ay hindi pisikal. Hindi siya nagkaroon ng dibdib o ng balakang, ngunit natuto siya sa mga pagkakamaling ginawa niya. Ginamit niya ang pagkakamaling ito para matuto at maging dalaga sa pamamagitan ng paggawa ng sa tingin niyay tama.