My Little Miss Sunshine

By Tifanny Chapter 1: “Good afternoon, sir. Pinatawag niyo daw po ako?” tanong ni Meg sa CEO ng network na kanyang pinagtatrabahuhan. Isa siyang news anchor ng network na ito at hindi rin naman maitatanggi na isa na rin siya sa pinakamagagaling at pinakasikat sa buong bansa kahit pa sabihing limang taon pa lamang siya sa serbisyo. Hindi na katakataka iyon sapagkat seventeen pa lamang siya nang magsimulang magliwanag ang kanyang bituin. Noong seventeen kasi siya ay umusbong ang pangalan niya sa industriya ng literatura. Nag-e-mail siya ng isa sa mga nobela niya sa isang publishing company dahil ayon na rin sa best friend niya ay mahusay siyang magsulat. Trip trip lamang ito noong una, may mapagkalibangan lamang subalit nagresponse ang editor ng publishing company sa e-mail niya. Nang mabasa nito ang kanyang likha ay nagustuhan nito iyon at ginawa na siya ng mga itong opisyal na manunulat doon. Iilan lamang ang kanyang mga nobela dahil na rin nag-aaral pa siya sa kolehiyo pero sa tuwing maglalabas na siya ng kwento ay tiyak na inaabangan na ng mga mambabasa, bata man o matanda. Ayon sa kanyang publisher, natural daw ang kanyang talento sa pagsusulat. Nang mag-eighteen siya, nakuha siyang modelo ng lipstick. Maganda daw kasi ang kanyang mga labi. Pagkatapos niyon ay kabi-kabila na ang mga offer sa kanya na magmodel. Ang akala niya ay isang pangarap lamang iyon na hindi na matutupad dahil kung tutuusin ay maliit siya sa height niyang 5‟1, hindi sila mayaman at hindi din naman siya maganda, ang kutis lamang niya ang nagdadala sa kanya at ang kakaiba niyang talino. Nang mag nineteen siya ay napasok na siya sa pagmomodelo sa mga international clothing lines. Ang kanyang pagsusulat ay umabot na sa sukdulan dahil ang mga nobela niya, mapaenglish man o tagalog ay naipapublish na rin sa ibang bansa. Naparangalan na din siya ng kung anu-anong award. Sa kabila ng matabang bank account niya ay nananatili pa rin siyang nakatapak sa lupa. Nanatili siyang mag-aaral ng unibersidad ng kanilang probinsya. Ang kanyang kinikita ay inipon ng kanyang ina para sa kanya subalit ang balak niya ay ibahagi iyon sa kanyang dalawang kapatid. Nanatili silang nakatira sa bahay nila na bagaman maliit ay maganda naman. Noong fourth year high school siya ay madalas niyang sabihing ang bahay lamang nila ang kanyang maipagmamalaki. Dinesenyo ito ng kanyang mga magulang na parehong arkitekto. Ang bahay na iyon ay bunga ng pawis at dugo ng kanyang ama mula sa kanilang pagawaan ng trophy. Kahit sikat na siya ay ang pag-aaral pa rin niya ang kanyang inuuna. Sa katunayan ay matataas pa ang grado niya. Nang makatapos siya sa pag-aaral sa edad na nineteen ay nagkaroon siya ng karangalan bilang cum laude, nag-apply siya kaagad sa network na ito at dahil na rin sikat na siya ay nakuha kaagad siya bilang isang field reporter. Ilang buwan ang nakaraan at nakilala ng network ang husay niya sa kanyang trabaho at nagkaroon ng sariling documentary show na ineair tuwing sabado at linggo at 1

naging isa na siya sa mga news anchor sa news show tuwing gabi na ineair naman tuwing weekdays at ang shift niya ay tuwing lunes at miyerkules. Ang kanyang pagsusulat ay inaatupag niya tuwing huwebes at biyernes. Madami na siyang naipundar sa buhay. May sarili na siyang bahay sa Quezon City. Naibili na niya ng farm ang kanyang mga magulang at ang hanapbuhay ng kanyang ama ay napalaki na niya, isa na itong kompanya ngayon at balak niyang magtrabaho na doon sa susunod na taon. Nakapundar na din siya ng bahay sa France at New York. Ang mga kapatid niya ay nag-aaral sa eksklusibong mga paaralan. Ang sumunod sa kanya ay fifteen pa lamang at fourth year high school at ang isa ay siyam na taon at kasalukuyang nasa elementarya pa lamang. At a very young age, she already has the life every one is craving for, she has the success everybody is dying to have, she has the most perfect life every one can ever imagine. She is perfect, for the eyes of the others, atleast. Nang ipatawag siya sa opisina ng CEO ng network ay ineexpect na niyang aaprubahan nito ang finile niyang dalawang buwan na bakasyon. Sa ilang taon kasi niyang pagtatrabaho, isama na dito ang kanyang pag-aaral ay hindi pa siya nakakapagpahinga. Madalas din itong sabihin ng kanyang ina. Palibhasa ay isang beses lang yata sa isang buwan siya nakikita sa kanila. Tanging ang kapatid niyang si Ian na nag-aaral sa Holy Spirit de Manila lamang ang nakikita niya araw-araw dahil sa kanya ito nakapisan. “Yes, yes. Have a seat.” Tugon nito. Umupo siya at naghintay sa sasabihin nito. “I have three news for you, two bad news and a good news.” Anunsyo nito. “Anong gusto mong unahin?” “The good news, sir.” Sagot niya na medyo kinakabahan. “The good news is that, I have an offer to make for you.” Kumunot ang kanyang noo. “I know how much you want to study in a fashion school, so I decided, since you‟re a big asset on the network na ako na ang magpapaaral sa iyo on one condition.” Napangiti siya.”What condition, sir?” “That condition is one of the bad news. Ipapadala ka ng network sa Korea to work for us there. You would not be just the representative of the network but as well as the whole country.” Napamaang siya. Tama ba ang dinig niya? Ang akala ba niya ay bad news. Saan siya ipapadala? Sa Korea? “Where‟s the bad news there?” “The bad news is hindi namin mapagbibigyan ang hiling mo na magbakasyon at…” binitin siya nito. Tumayo ito sa upuan at kumuha ito ng kape. “Yung docu show mo, hindi na muna ikaw ang maghohost. And I know how much you love that show.” Nabigla siya. Sobra naman yata ang kapalit noon. “Why does it have to be me, sir? Andiyan naman po yung mga seniors. Bakit ako na five years pa lang? And Lea is possible for the job. Wala siyang ibang ginagawa ngayon.” “I was afraid that would be your reaction. You are chosen because you are international, Meg. You are known everywhere in the globe.” Humigop ito ng kape. “I‟m giving you three days to decide about that. It‟s now or never Meg. It‟s now or never.” Natulala siya. “S-” “You can go now.” Utos nito sa kanya.

2

“Thank you for bringing the news, sir” paalam niya rito. “Congratulations Little Miss Sunshine!” bati sa kanya ng mga writers niya. Sikat siya sa ganoong alyas, Little Miss Sunshine. Halos lahat ng kaclose niya sa industriya ay iyon ang tawag sa kanya. Narinig na ng mga ito ang balita. “Oh bakit parang hindi ka masaya?” tanong ni Lea, ang bestfriend niya. “My golly, Meg, it‟s Korea. I know it‟s not as grand as Hollywood pero just imagine. Nandoon ang mga type mong lalaki, di ba?” She just shivered. Hindi pa rin niya alam ang gagawin. “The boss gave me an ultimatum in three days time. I‟m taking that as my off.” Paalam niya dito. Kinuha niya ang kanyang bag at naglakad patungo sa elevator. Tinawagan niya ang kanyang kapatid. “Hello ate?” bati nito. “Nasa bahay ka na ba?” “Oo, bakit? May ipapadala ka ba?” “Wala. Uuwi ako sa Bulacan ngayon, ihanda mo na yung gamit mo at dadaanan na lang kita.” Lumabas na siya ng elevator at nagtungo sa parking lot. “Pakisabi na din kay Manang na pakihanda yung gamit ko, ha?” “Sige.” Binaba niya ang kanyang telepono. Sumakay siya sa kanyang Ferrari at nagdrive na patungo sa kanyang bahay. Hindi naman mabigat ang daloy ng trapiko kaya nakauwi kaagad siya. Pagtapat niya sa gate ay bumusina lamang siya at lumabas na ang kanyang kapatid dala ang mga gamit nila. Sumakay ito sa kotse. “Hindi daw alam ni Manang kung anong damit ang gusto mong dalhin kaya pagpasensyahan mo na daw.” “Sige okay lang. Salamat.” Pagdating nila sa bahay nila sa Bulacan ay nagulat ang kanyang mga magulang. Ikwinento niya sa mga ito ang nangyari sa opisina. “Ikaw na ang bahalang magdesisyon doon, anak.” Sabi ng kanyang ina habang naghahanda sila ng hapunan. “Ang sinasabi ko lang sa iyo, baka magkasakit ka na niyan hindi ka na nagpapahinga. Aba‟y tingnan mo nga at nangangayayat ka na.” “Tama ang nanay mo, anak. Isa pa‟y masyado ka nang mataas. Hindi ka na namin nakikita, sa tv na lang.” dagdag ng kanyang ama. Napabuntong hininga na lamang siya. Pagkakain nila ay nagtungo na siya sa silid niya. Tumingin siya sa paligid. Maliit lamang ang kanyang kwarto, ang higaan niya ay foam lamang at walang frame. Marahil, sa buong mundo, siya ay isang napakaningning na bituin, baka nga araw pa para sa iba, pero dito sa bahay ng mga magulang niya, isa lamang siyang simpleng tao. Hindi naman ito liblib pero kilala naman siya ng lahat ng nandoon at kakatuwang isiping para sa mga ito ay normal lang siya. Mas gusto niya ang ganoon, sa labas ng mapanuring mata ng press. Pag nandito siya, sinisiguro niyang wala siyang dalang trabaho dahil para sa kanya, ito ang kanyang sanktwaryo. Ito ang lugar kung saan niya nalalaman ang dapat gawin, lugar na hindi na niya kailangang magtago, magkunwari.

3

Napatingin siya sa litrato sa kanyang book shelves. Dinampot niya iyon at umupo sa kanyang higaan. Litrato iyon ni Jheric Yoo, isang artista sa Korea. Nagbalik sa kanyang isipan ang lalaki. Hindi niya ito kailan man nakilala o nakita ng personal pero ang lalaking ito ang laman ng kanyang mga pangarap. Others might never believe, but she is still a typical girl at heart. Nagkakacrush din naman siya sa taong- marahil kung iisipin ng iba ay abot kamay niya lang- para sa kanya ay mahirap abutin. Isa itong icon sa Korea, hindi nga lang kilala sa buong mundo pero popular ito sa buong Asya. Kinse anyos siya at ito naman ay disisais ng una niya itong mapanuod sa isang Koreanobela. Naging avid fan siya nito at tuwing nakakaipon siya noon ng pera ay ipinambibili niya ito ng dvd ng palabas nito o movie kahit pa Korean ang lenggwahe ng mga iyon. Pinangako niya noon sa sarili niyang magkikita din sila nito, kapag sikat na siya. At kapag nagkita sila, sisiguruhin niyang maiinlove sa kanya ang lalaki. She beamed at the thought. Paniguradong pagtatawanan siya ng mga fans niya pag nalaman nila ito. Pero nakakahiya mang aminin, hanggang ngayon, pinapangarap pa rin niya ang lalaki. Marahil kung noong kolehiyo siya ay naniniwala siyang mahal na niya ito pero ngayon ay iba na. Hinahangaan na lamang niya ito pero pinapangarap pa rin niyang matitigan ang mga singkit nitong mata. Hindi niya alam, baliw na yata talaga siya. “I promised this to myself pero kailangan ko din namang magpahinga. And I love that show so much I am almost willing to put my life on risk just to have the best docu. Bakit ba napakakomplikado ng buhay?” reklamo niya sa sarili. “Best, promise, gagawin ko talaga lahat magkita lang kami!” sabi niya kay Lea. “Magiging akin din si Jheric Yoo!” “Sige! Tapos sa akin naman si Nan Kim.” Tumawa sila pareho at pinagbuhol ang mga hinliliit nila. Tapos na ang tatlong araw na palugid sa kanya ng CEO. Nakauwi na siya kahapon pa mula sa Bulacan. Tinawagan na din siya kaninang umaga ni Lea. Hinahanap na daw siya ng boss. Pinaandar na niya ang makina ng kanyang sasakyan. Iniisip kung tama ba ang kanyang desisyon. Noong huling tatlong araw, hiniling niya na sana naging simple na lang ang kaniyang buhay. Panigurado hindi siya mahihirapan ng ganito. Ang hinihiling ko lang naman eh ang makapagpahinga! Bakit kailangang pati yung docu ko eh madamay? Bulong niya sa sarili. Tama ang boss niya. It‟s now or never. Maybe it‟s time she open a door for others. “I‟m glad you took my proposal Meg. I‟m sure we‟re not wrong we pick you for this.” Masiglang bati ng CEO. “Thank you sir.” Nakipagkamay siya rito.

4

“I can assure na pagkatapos ng six months mong kontrata ay pwede ka nang magpahinga.” Naupo ito sa upuan nito. “I‟m sure nagagagalit na sa akin ang boyfriend mo at masyado na kitang kinukuha sa kanya.” Pagbibiro nito. “I don‟t have a boyfriend, sir.” “You don‟t?” kumunot ang noo nito. “But it‟s unbelievable. Sa ganda mong iyan walang nagtangka?” bulalas nito. “I don‟t accept suitors.” Ngumiti siya dito. “Well, I must be going now, sir. I‟ll see you before I leave next week.” “Very well then.” Lumabas na siya ng opisina nito. Tinanggap niya ang proposal hindi para kay Jheric Yoo kundi para na rin sa kikitain niya. She‟s thinking of building a foundation catering for the poors, and helpless. It has always been her secondary reason kung bakit siya nagtatrabaho. She is a public servant at heart. Niyakap siya ni Lea pagdating niya sa cubicle niya. “O bakit?” tanong niya dito. “You opened the door to my career. Thank you.” Ito ang nirekomenda niyang pumalit sa kanya sa documentary show niya. “Just make me proud okay, Best?” sabi niya dito. “Tatawag ka pag nasa Seoul ka na ha?” bilin nito. “Eto naman! Next week pa ako aalis eh.” Saway niya dito. “Mamimiss kita, Best.” Naiiyak na sabi nito. “Same here.” Naluha na din siya. “Ano ba yan! Tama na nga itong drama na ito.” Pinahid niya ang mga luha niya. “What if, I treat everyone tonight?” sigaw niya sa crew niya. Nagcheer ang lahat. “Yan ang gusto naming sa inyo Little Miss Sunshine eh. Di kayo nakakalimot.” Biro ng cameraman niya. Tawanan ang lahat. “Basta yung package namin Ma‟am ha?” habol nito. “Ma‟am size eleven ako.” Dagdag ng isa. “Oo naman! Padadalan ko kayo ng mga koreano at snow!” sagot niya sabay tawa.

Chapter 2: Araw na ng kanyang pag-alis. Naanunsyo na sa lahat na siya ang padadala sa Korea. Hinatid siya ng kanyang pamilya at ng mga crew niya sa airport. Kasama niya sa pag-alis ang kanyang bagong personal assistant na si Rose. Nasa airport na sila at magchecheck in na siya nang oras na iyon. “Meg, mamimiss talaga kita. Tatawag ka lagi ha?” sabi ni Lea. “Oo. Promise.” “I-hello mo ako kay Nan Kim ha?” Natawa siya saka niyakap ito. “Ingatan mo yung show ko ha?”

5

Tumango ito. “Ian, bantayan mo si Igy ha? Wag kayong magloloko. Nako. Matagal-tagal akong mawawala!” bilin niya sa kapatid niya. “Oo ate.” “Ikaw Igy wag ka munang maggigirlfriend ha?” Namula lamang ito. “Anak, mag-iingat ka doon ha? Tatawag ka.” Bilin ng kanyang ina. Naluha siya. “Kayo din, nay. Yung diet niyong dalawa ng tatay wag niyong kakalimutan ha?” “Anak, wag kang papaloko dun ha? Wag ka munang mag-aasawa.” Sabi ng tatay niya. “Tay naman. Magtatrabaho ako doon, hindi maghahanap ng papa. Saka ano ba kayo? Professional ako, hindi ako bagito dito.” Paalala niya habang pinapahid ang luha. “Ma‟am halika na po. Baka malate pa po tayo sa flight natin.” Pukaw ng P.A. niya. Tumango siya. “Oh sige na.” saka niyakap ang pamilya. Pagdating nila ng Seoul, sumalubong sa kanila ang malamig na klima nito at mga flash ng camera ng mga press. “In behalf of MBC, I would like to welcome you to Korea Miss Meg. It‟s a pleasure having you to work on our network.” Bati sa kanya ng CEO ng network na siya mismong sumundo sa kanila. “Imagine, Meg Alonzo! Ha!” bulalas nito. Napangiti siya sa papuri nito. “No, Mr. Lee, the pleasure is mine.” At nakipagkamay siya dito. “Well, it‟s cold out here and I am sure you two need some rest. Let us service you to your hotel.” Nagpaunlak siya. Sumakay sila sa limousine nito. Pagkahatid sa kanila sa hotel ay nagbilin ito sa kanya. “I am expecting you to report in my station tomorrow at seven o‟clock.” “I‟ll be there, sir.” At nagpaalam na ito. “Ano ba yan Ma‟am? Kararating lang natin dito, trabaho na kaagad?” reklamo ni Rose sa kanya. Tinawanan niya lamang ito. Palibhasa ay bago pa lamang ito. Nahiga ito sa higaan nito. “Ma‟am bakit hindi po kayo hinatid nung boyfriend niyo? Nagalit po ba siya sa inyo?” usisa nito. “Isa ka pa. Wala nga akong boyfriend.” “Wala?” bulalas nito. “Bakit ma‟am? Wag niyong sabihing tomboy kayo. Ilang taon na po ba kayo?” “Twentyfour, Rose. Hindi ako tibo. Wala lang talaga sa isip ko ang love love na iyan. Bata pa naman ako eh. Madami pa akong pangarap.” “Twentyfour pa lang kayo ma‟am? Ang galing niyo naman. Siguro galing kayo sa mayamang pamilya noh?” Umiling siya. Inayos niya ang kanyang mga gamit mula sa kanyang maleta. Pagkatapos noon ay nagbihis na siya ng pantulog. “Matulog na tayo Rose, maaga pa tayo bukas.”

6

Nang gabing iyon, hindi siya makatulog. Bukod pa sa namamahay siya ay hindi din niya maipaliwanag ang excitement. Malaki na ang possibility na magkita sila ni Jheric at kung sakasakali ay hindi niya alam ang gagawin. Maybe others were thinking she is such a jerk, but she don‟t care. She is young and maybe it‟s just normal, even for a dedicated career woman, to fantasize somenone who is handsome and who is definitely your dream guy. She sighed and focused on having a rest. Kahit busy siya, hindi niya pinapayagang hindi siyam na oras ang kanyang tulog dahil kung hindi, paniguradong totoyoin siya kinabukasan. And that won‟t do any good. Kinabukasan, kahit pupungas-pungas pa si Rose ay binasa na nito sa kanya ang schedule niya. “First thing in the morning, may meeting kayo with Mr. Lee sa office niya. At eight-thirty, ma‟am, may interview kayo sa isang talk show at studio three. By, eleven thiry, luncheon meeting with MBC news and public affairs staff. Off na natin by three thirty.” Pagakatapos ay naghikab ito. “Sige. Maliligo na ako.” Pagkatapos nilang mag-ayos ay sumakay na sila sa service na pinadala ng kompanya. Hindi pwedeng hindi, dahil international icon siya. Kahit nga sa Maynila ay may kasama pa siyang bodyguard kung minsan. Pagdating nila sa building ay napaawang siya. Maganda ito at pulido ang pagkakagawa. She have the taste for structures because she was raised by a family of architects. Pinapasok sila sa loob and was escorted to the CEO‟s office. “Thank you.” Pagpapasalamat niya sa naghatid sa kanila. Pagdating nila sa opisina ng boss ay nilapitan niya ang sekretarya nito. “I have a meeting with Mr. Lee. Tell him it‟s Meg Alonzo.” Nang marinig ng sekretarya ang pangalan niya ay agad itong tumalima. Paglabas nito ay tinawag siya at sinenyasan na pumasok. Nagbow ito bilang tanda ng paggalang at lumabas na ng opisina. “Good morning, sir.” Bati niya. “Good morning, too. Have a seat.” Sabi nito at umupo sa coffee table sa opisina nito. Naupo din siya. Magarbo ang loob ng opisina. Halatang pinagkagastusan. It was decorated with antiques and a fine chandelier. “I believe you already have your schedule with you.” “Yes sir. As a matter of fact, after this I am going to Studio three and have a oneon-one interview with Miss Choi.” Si Miss Choi ay isa sa mga sikat na host sa isang talk show. “Ah, yes yes yes.” Tila bigla nitong naalala. “Very well then let my secretary take you to your cubicle and meet your staff.” “Thank you sir.” “You can go now.” Paglabas niya sa opisina ay naghihintay na sa kanya ang sekretarya nito. “This way ma‟am.”

7

Sumunod siya dito. She‟s beginning to feel the air of being welcomed as the staff they came across bow to her. Masyado siyang ginagalang ng mga ito, parang hindi tuloy siya makapaniwala. “This will be your cubicle ma‟am. If there will be any inconvenience, just beep me, okay?” “Yes. Thank you.” Nagbow ito sa kanya na siya namang tinugon niya. Naupo siya sa upuan and Rose sat at the table beside hers. “Ma‟am kailangan na po tayo sa Studio three ngayon.” Pukaw sa kanya nito. Tumayo siya. “Tena na.” Pagdating nila sa studio three ay nakasalubong nilang palabas si Nan Kim. Tila kilala siya nito at tinawag siya. “Excuse me.” Sabi nito. “Meg Alonzo? Model of Marie Claire?” pagkukumpirma nito. Napangiti siya. “Nan Kim?” He looked relief na kilala niya ito. Overwhelmed siya dahil hindi niya kailanman naimagine na magiging ganito ang mararating niya. Nakipagkamay ito sa kanya. “It‟s a pleasure to finally meet you. We are all excited when we heard the news that you‟ll be working here.” “Really?” napalaki ang ngiti niya. “Well the pleasure is all mine.” “Oh! You know my friend and I have collected all your books.” Nagulat siya doon. She was caught off guard. Ganoon siya kasikat? Nagblush siya. “You‟re a really great writer, you know.” “I have not yet drunk praises as much as you do.” Magsasalita pa sana ito nang may lumabas na lalaki mula sa studio. “Miss Meg, we‟ll be on air in ten minutes.” Sabi nito. Tila nagulat si Nan Kim. “I‟ll catch you later.” Napangiti na lamang siya at pumasok na sa loob ng studio. Ang daming artista sa loob at lahat ng iyon ay tila gusto siyang makausap. The good thing about being in a Korean television is that, hindi naluluto ang mukha niya sa make-up kaya inubos niya ang natitirang minuto para magpaunlak ng ilang small talks. Tinawag na siya mula sa stage. “Ladies ang gentleman, Miss Meg Alonzo.” Pag-iintroduce ni Miss Choi sa kanya. Nakausap na niya ito sa back stage kanina at mukha namang mabait ito. Nakipagbeso siya dito nang abutan siya nito ng bulaklak. Pinaupo siya sa sofa set na nasa stage. “It‟s a great pleasure having you here in Korea, Miss Meg.” Muli ay sinambit nito. “Imagine, the Little Miss Sunshine in Korea.” Bulalas nito. Ngumiti lamang siya. “How long are you staying here?” “My contract is valid for six months.” “We‟ll make sure that you‟ll love it here.” “Well I‟m sure I will.” “You are a pure Filipina aren‟t you?”

8

“Not really. My father is half Spanish while my mother is half Chinese but I am a pure Filipina by heart.” Pagbibigay alam niya dito. “We are really curious with your life and struggles. Imagine being a seventeenyear-old girl who has attained the best seller spot as a writer.” “I still can‟t believe everything. It all happened in a blur. All I know is that my bestfriend and I are passing a manuscript in a publishing company and the next thing I knew is that I‟m already in this spot.” Natawa siya sa alaala. “How does it feel, being a student, a writer, a model, a daughter, a sister and a girlfriend at the same time?” “The situation was quite hard on the start, there came a time when I got to school and I didn‟t slept the whole night, I ended up sleeping on the middle of my class. But then I realized that it‟s all about time management. I study when I am at school, leave it all at school, help my mother when I am at home, and I am a writer when I am inside my bedroom. I does my modeling when I have nothing to do, pose just whenever I am available. It was actually ironic but you can call me a prima donna at the time because I was the one who calls to the company when I am available and voila, there will be an immediate contract to sign.” Tumawa siya. Nakitawa ito. “But how about your boyfriend? Is he mad that you don‟t have time for him anymore by that time? Or is he proud that he is the boyfriend of a certain Meg Alonzo?” “I don‟t really have a boyfriend.” “Whoa! But that‟s impossible!” “Maybe it‟s my way of saying to everyone that I suck at one thing that everyone is so great at. It‟s for everyone to know that I am not that perfect as they think I am.” “Have you heard it guys? Meg is so much available.” Natawa siya. Tila hindi pa rin ito makamove on sa natuklasan. “I really can‟t believe it. With your looks, brain and talent, not to mention the popularity, you are still single? Why? You think no one is good enough for you?” Natawa siya. “No, not that no one is good enough for me, I just don‟t consider having a relationship right now. Especially with my schedule, I actually don‟t care about love anymore.” Napamaang ito. “You have a point there, but aren‟t you afraid to be an old maiden?” “No, not actually. And to tell you the truth, I believe it‟s better if I will become one. Boys bring too many problems.” Humagikgik siya. “Right.” nakisama ito sa paghagikgik niya. “Going back to our topic, what about now? How did it struck to you? Being a writer, a news anchor, a tv host, and a model? And I heard that you are planning to take the presidency of your father‟s newly built company?” “The thought hasn‟t struck my mind yet. After all, I am still young and I have all the time in the world.” “How old are you by the way?” “What do you think?” hinamon niya ito. “By the weight of your success, I think you‟re twenty nine, but by your appearance, you‟re twenty.” Hula nito.

9

“I‟m twenty five.” Napamaang ito. “That is really unbelievable. When I was at your age, I haven‟t started working yet.” Ngumiti lamang siya. Sadyang usisera ang babae at kung saan-saang topic na sila napunta. “So what program are you going to be at?” “Well I would be on MBC News every Wednesday and Thursday and I will be Miss Jhi Yun‟s partner there, and I will also be on the new documentary program where in my co-host is still a surprise.” “A surprise for the public?” “A surprise to everyone including me.” “Makes me curious. I wonder…” napahawak ito sa baba nito. “Who do you think it wil be?” “I don‟t have any idea.” “Who do you hope it to be?” Jheric Yoo. Sagot niya sa kanyang isip. “Nan Kim.” Pagsisinungaling niya. “You met the guy?” “Yup. He is a nice guy and fun to talk to.” “Hmmm… if ever he decides to court you, what are his chances?” “I don‟t actually think about that for a moment. If that will happen, well, let everything that should be, be.” Ilang tanong pa ang tinanong nito sa kanya bago matapos ang oras. “Do you have any messages or tips you could give to our audience to have a successful career too?” “Well, just strive hard for the goal and always keep your feet on the ground. Never burn bridges or ladders because they‟d be your cushions so your fall won‟t hurt you that much.” “It‟s really good having you here. Thank you.” Sabi nito sa kanya. Pagkatapos ay bumaling ito sa audience. “See you everyone next week for more interviews with the stars. Have a good day. Thank you for watching.” Nagpalakpakan ang lahat at nang sumenyas ang crew na off screen na ay nagpulasan ang mga tao sa kanya, dala ang ilan sa mga nobela niya at litrato. Pumirma siya ng sa ilan pero tinawag na kaagad siya ni Rose na hindi lang P.A. ang drama dito, kundi parang manager na rin. “Miss Meg may luncheon meeting pa po kayo.” “Anong oras na ba?” “Quarter to eleven po.” “Sige sandali na lang.” Pumirma pa siya ng ilan, pero nang muli siyang kalabitin ni Rose ay tumayo na siya. “I would like to stay longer but I still have a luncheon meeting. I am really sorry. I‟ll see you next time okay?” yun lamang at lumakad na siya palabas. Nagpaalam na naman siya sa crew at sa host. Chapter 3: Paglabas ay nakita niyang muli si Nan Kim. “What are you doing here?”

10

“I told you I‟m going to catch you later.” May hinugot ito mula sa wallet. “I know you have a meeting but can you sign here?” Pinakita nito sa kanya ang picture niya noong i-feature siya sa isang international magazine. Eighteen pa lamang siya noon. Natawa siya. Hinugot niya sa bag niya ang kanyang wallet at kinuha doon ang picture niya last pose niya sa Marie Claire noong isang buwan. Pinirmahan niya ito. “I think you need a better picture.” Sabi niya saka inabot dito ang picture. “Well for me, this is your sweetest picture ever, but thanks by the way.” Kinalabit siyang muli ni Rose. “Well, clock is ticking. I‟ll be going.” Ngumiti ito. “Would you like a ride?” Dumating ng five minutes before time si Meg sa hotel na pagmimeetingan nila. Papaanong hindi ay harurot magdrive si Nan Kim. Naawa tuloy siya sa kotse nito na ginawa nitong race car. Nang pumasok siya sa restaurant ng hotel ay iilan pa lamang ang nandoon pero nandun na ang partner niyang si Jhi Yun. Nginitian siya nito at sinalubong ng isang beso. Natuwa siya. Pakiramdam niya ay parte na kaagad siya ng grupo. Bago makaupo ay nakabeso na niya ang lahat ng nandun. Overwhelmed na overwhelmed siya. Napakainit ng pagtanggap sa kanya dito. “I am so excited when they told me that you‟re going to be my partner!” bulalas ni Jhi Yun. Ang iba ay nag-uusap gamit ang Korean kaya hindi niya ito maintindihan. Bumulong siya kay Jhi Yun. “What are they talking about?” “They are saying that maybe because you‟re popular you‟ll be a pain in the neck but when you came early they were really impress. They like you.” Napatango-tango na lamang siya. Pakiramdam niya ay close na kaagad sila ng babae. Nang makompleto na sila ay nagsimula na silang kumain. Ininterview siya ng mga ito at mukha ngang gusto siya ng mga ito. Hangang-hanga ang mga ito sa kanyang mga accomplishments. Maging sa pagiging down to earth niya. Mababait ang mga ito. Ala una na nang matapos ang meeting. Hindi naman kasi talaga maicoconsider na meeting yun kundi parang bonding. Bukas ay makakasama na niya ang mga ito sa trabaho, at sa isang lingo naman ay makikilala na niya ang kanyang misteryosong co-host sa bagong documentary show niya. Docu ito tungkol sa mga sights around the globe so she can tell that she would be travelling a lot. Bumalik na sila ni Rose sa MBC at nagtungo sa cubicle nila. Inayos niya ang kanyang desk at nilagyan ng mga pictures niya. Inilalagay niya ang paborito niyang pigurin na anghel nang may kumatok sa wall ng kanyang cubicle. Napataas siya ng tingin. “I would like to introduce myself, ma‟am. I am Kevin Soh and I would be one of your field writer for the docu.” Napansin niyang mukhang hirap itong mag-english dahil medyo matigas ang dila nito.

11

Inilahad niya ang kanyang kamay at ngumiti nang inabot nito ang kamay niya. “It‟s a pleasure meeting you Kevin.” Tila may gusto itong sabihin pero nahihiya. Napakamot ito sa ulo nito. Nginitian niya ito. “Do you need something?” “Can I ask for your authograph? My wife is a very big fan of yours.” Tila nahihiya nitong sabi. Napalaki ang ngiti niya. “What if, I treat your wife for a dinner next week and she can have all the questions and autograph she wants?” offer niya dito. “You can also bring the whole family. What do you think?” Nanlaki ang mga mata nito at napangiti, ngiti na tila humaplos sa kanyang puso. Hindi niya talaga akalaing ganoon siya kagustong makasama ng mga tao. Tila naspeechlesss ito at tumango na lamang saka nagbow sa kanya. Umalis ito na para bang gusto pa nitong magtatalon. “Iba na talaga ang charm ninyo, ma‟am.” Sabi ni Rose sa kanya. Nginitian niya ito. “I-ready mo yung schedule ko for that dinner ha? Tapos pareserve mo ako dun sa hotel na pinagmeetingan namin kanina.” Utos niya dito. Tumango ito at hinarap na niyang muli ang kanyang desk. “You know what Rose? This is so much for my first day.” Napabuntong hininga siya. “Oo nga ma‟am.” Sang-ayon nito sa kanya. “Anong oras na?” “Malapit na po tayong mag-uwian.” “Sige. Pagod ka na ba?” “Hindi pa naman po. Bakit?” “Rose, pwede bang wag mo na nga akong pinopopo. Magkaedad lang tayo.” Inirapan niya ito ng pabiro. “Dito, tayo ang magbestfriend, okay?” “Pasensya na.” “Gusto mong magmall?” tanong niya dito. Nagliwanag ang mukha nito. “Basta ba libre mo eh.” “Oo naman. Mag-aaya ba ako kung hindi ko sagot?” “Naks. Sige.” Nagkatawanan sila. Nang matapos na silang mag-ayos ay nag-aya na siyang umalis. Naglalakad na sila sa hallway nang mapansin niyang nakakumpol ang mga tao sa isang side at nagtutulakan kung sino ang lalapit sa kanila. Kumunot ang noo niya. Lumapit siya sa grupo. “Yes?” tanong niya sa lalaki sa harapan. “Do you have something to tell me?” Huminga ito ng malalim at nagsimulang magsalita ng matulin. Hindi niya ito maintindihan. Nagkorean ito. Lalong kumunot ang noo niya. “AI‟m sorry I can‟t understand Korean.” “We are happy to be working for you.” Biglang sabi ng babae sa likod. Napamaang siya. “I mean, we want to introduce ourselves, ma‟am. We are going to be your crew for your next months here.” Nagsalita itong muli. Hindi itong mukhang koreana. “Pilipina ka?” tanong niya dito. Napasinghap ito at ngumiti. Naging sunod-sunod ang pagtango nito.

12

Napangiti siya. “What‟s your name?” “Justine, ma‟am. Justine Martinez.” Tumango siya. Tiningnan niya ang „kanyang‟ crew. “Okay. In my crew, I have a rule. From now on, I want you all to call me, just Meg. Is that clear?” anunsyo niya sa crew niya. They all looked confused. “In this group, I don‟t want any discrimination, we are all on the same level, okay? We‟re all brothers and sisters. That‟s simple. Do you think all of you can follow that rule?” Ngumiti ang mga ito at tumango. “And by the way, this is my manager, Rose.” “Manager ka diyan!” siko nito sa kanya. Nginitian niya lang ito at bumaling na kaagad siya pabalik sa grupo. “What about a little get to know this weekend?” yaya niya sa mga ito. “Of course, ma‟am!” sabi ni Justine. “What do you say team?” Hiyawan ang sagot ng mga ito. “Sige. We‟ll see about that.” Natutuwa siya sa mga ito. Naalala niya tuloy ang crew niya sa Pilipinas. “I‟ll go ahead. It was nice meeting you all.” Umalis na sila. Pagdating nila ni Rose sa mall ay namili sila ng kung anu-ano. Mga damit, bag, at sapatos na karamihan ay para sa paghahanda nila sa winter. Autumn na kasi ngayon. Pagbalik nila ng hotel ay pagod na pagod sila pareho kaya‟t nakatulog na kaagad sila. “Nine thirty natin mamimeet yung staff and crew nung docu mo ha? Pati na rin yung co-host mo.” Paalala ni Rose sa kanya. Isang linggo na sila doon sa Korea at kasalukuyan niyang binabasa ang mga kailangang papeles para sa first taping niya mamayang five sa MBC news. Ayaw niyang mapahiya kaya parati niyang pinaghahandaan ang lahat. “Coffee?” tanong ni Justine nang mapadaan ito sa cubicle niya. Umiling lamang siya at nagconcentrate sa binabasa. Kinapa niya sa desk niya ang kanyang ballpen pero nang magtagal na ay hindi na yata natiis ni Rose at inabot na sa kanya iyon. Natetense na siya. “Thank you.” Sabi niya. “Nanginginig ka.” Pagpapaalam nito sa kanya. “Ilang kape ba nilaklak mo kaninang umaga?” tumirik ito. “Paano kung hindi ako magustuhan ng co-host ko?” Ibinaba nito ang binabasa niya. “You‟re Meg! Who wouldn‟t want you? Hollywood hosts are willing to offer you millions just to be your co-host. Remember that Oprah offer?” Umirap siya at binalik ang pansin sa binabasa. Binaba nitong muli ang mga papel. “You‟re beautiful and smart and talented and popular and-” “Don‟t mention the height okay?” paalala niya rito. “Right. Pero ang gusto ko lang sabihin, wala kang dapat ikatakot. Wala ka namang dapat ikahiya diyan sa katawan mo kaya walang reason para hindi ka niya magustuhan.” Ngumiti ito sa kanya. Napatingin ito sa relos nito. “Prepare yourself, nine na.”

13

Bumuntong hininga na lamang siya. Sa conference room sa fifth floor ang pagdadausan ng meeting nila. Maaga pa nang makarating sila roon ng crew niya pero madami-dami na ang nandoon. Nilapitan siya ng mga ito at nagpakilala bilang executives daw, ang ilan ay ang magiging crew ng magiging co-host niya. Ibig sabihin, wala ito sa linya ng news and public affairs group. Dumating na ang producer at kasunod nito ang lalaking hindi niya inaasahan. Napuno ng mga paru-paro ang kanyang tiyan. “Little Miss Sunshine, I would like you to meet Jheric Yoo, you‟re co-host for Sights Around the Globe.” Napanganga siya. Inilahad nito ang kamay nito sa kanya. Wala sa loob na tinanggap niya ang kamay nito habang nakatingala dito. “It‟s nice to meet you Meg.” Nakangiting pahayag nito. “Nervous?” Noon lang niya napagtantong pinapasma na siya dahil sa kaba. Agad niyang binawi ang kamay niya mula dito. Ngumiti lamang siya at saka yumuko. “You may all sit down, now.” Sabi ng producer. Naupo si Jheric sa tapat niya. Lihim niyang tiningnan ito. Mas guwapo pala ito sa personal. At mas matangkad pala ito kesa sa inaasahan niya, o maliit lang talaga siya? Halos hindi pa siya umabot sa balikat nito. Ipinaliliwanag ng head writer ang presentation nito tungkol sa magiging concept ng programa pero parang walang pumapasok sa utak niya. Hindi siya makapagconcentrate. Hinimas niya ang kanyang sentido. You should be happy now that you finally had the chance to see him. Now stop peeking at him and concentrate at the presentation, dupes! Pangaral niya sa sarili. Bago pa niya mamalayan ay tapos na ang meeting. Parang hindi siya makapaniwala at nakita na lamang niyang palabas na ang mga tao. Sinapo niya ang kanyang noo. “Meg, are you alright?” tanong ni Kevin. Tinaas niya ang isang kamay. “Yes, I‟m fine.” “Did I heard that right? You just called her Meg?” pagtataka ng isang tinig. Napatingin siya. Kay Jheric iyon. Napayuko si Kevin, tila hindi malaman ang gagawin. Noong unang araw niya ay napansin na niyang mahina ang loob nito. Pinamaywangan siya nito. “I can‟t believe you let them call you that.” Matatas itong mag-english. She just shrugged. “I don‟t see any reason why they shouldn‟t.” Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi. Naglakad ito at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. “On the contrary, I still can‟t understand why you need a writing stuff, when you can write a story of your own.” Napamaang siya at tumayo. Sinenyasan niya si Kevin na umalis. “Excuse me?” baling niya kay Jheric. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “I thought you‟re here to write for me, to be my head writer.” Ngumiti ito ng nakakainsulto. “I was surprised when my manager told me that you were going to be my co-host. I thought the show was for me, only for me.”

14

Napabuga siya ng hangin. Ang yabang nito. “Do you know who you‟re talking to?” “Why of course.” Lumakad ito palayo sa kanya. “Meg Alonzo. The Filipina host slash writer slash model. So what?” Nagpanting ang tenga niya. “So what? For you information Mister, America and Europe are begging me to guest on their talkshows!” pagyayabang niya dito. “Now you‟re calling me a „so what‟? You should be flattered, you would be working with me! I am an international, while you? You were nothing compared to me.” “Let me remind you that this is not America or Europe. This is Korea.” “So? The point is I am a big star that people around the globe is dying just to see me.” Lumakad ito papunta sa kanya saka siya inikutan. “That is why I wonder what is in you that people are dying for.” Mainit na talaga ang ulo niya. Ang kapal ng mukha nito para ganunin siya. “You are so unprofessional.” Duro niya dito. “Look who‟s talking about professionalism. What do you know about it when I just heard your staff calling you with your name?” “Professionalism doesn‟t cover it. And you don‟t have any right to criticize my rules to my crew. It‟s my secret ingredient to have a successful docu. What do you know about it, by the way? In this field, I am your senior and you‟re just a stupid, hypocrite trainee!” naiinis na talaga siya dito. Nabigla tuloy siya kaya nakapagmayabang siya, na hindi naman niya ugaling gawin. Hindi niya mapigilan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Ilang taon na ba nung huli siyang magtaray? Anim? Pito? She lost count. Usually kasi, cool lang siya kahit naii-stress na siya. Hindi niya akalaing ang lalaki lang pala na ito ang makakapagpalabas ng tinatago niyang temper. Mukhang nagpanting ang tenga nito sa mga huling salita niyang binitiwan pero nanahimik ito. Hindi siya makapaniwalang ito ang lalaking pinantasya niya sa loob ng limang taon! Napakalayo ng ugali nito sa gwapong mukha nito. Kaharap na niya ito ngayon. Tinitigan siyang muli sa mata at ngumiti. “You know what?” Tinaasan niya ito ng kilay habang lumalaban ng titigan dito. “What?” “You‟re prettier when you‟re mad.” Atsaka ito muling ngumiti. Gaya ng nakikita niya sa tv, nawala ang mga mata nito sa pagngiti nito. “Thank you but I already know that I am pretty whatever expression I have!” Pagkasabi niya noon ay tinalikuran niya ito at dinampot ang bag sa lamesa saka lumabas sa conference room. Paglabas niya ng pintuan ay nakita niya si Kevin, Justine at Rose na tila nakikinig sa pag-aaway nila ni Jheric. “Let‟s go.” Utos niya sa mga ito. “Meg, I‟m sorry.” Paghingi ni Kevin ng paumanhin. “That‟s alright Kevin.” Pag-eencourage niya dito. “Now smile. I don‟t want a frowning crew. Frowning makes writer think less.” Payo niya dito. “Is Jheric really a hypocrite?” Tumango ang dalawa. “Masungit siya, paimportante at malaki ang ulo.” Sabi ni Justine.

15

Napatango siya. “Makikita natin.” Bumaling siya kay Rose. “Is it possible na umalis ako sa show na iyon?” “Bakit ka aalis doon?” tanong nito sa kanya. “Let‟s teach him a lesson. Tingnan natin kung hindi siya mapahiya kapag naghost na lang siya mag-isa. After all, bagito pa lang siya sa hosting kaya paniguradong pagtatawanan lang siya.” “Wag mong gagawin iyan. Pag ginawa mo iyan, para mo na rin siyang pinapanalo. Face him. That‟s the best way to beat him” Singit ni Justine. Si Kevin naman ay nakatingin lang, halatang hindi naiintindihan ang sinasabi nila. Naawa siya kay Kevin. “I‟ll have another rule on the team. All of you should learn how to speak tagalog.” Bumaling siya kay Justine. “Mukhang mas maganda nga iyon. That Jheric needs to get his feet back on the ground.” Chapter 4: Nang makarating sila sa opisina nila ay inanunsyo ni Kevin ang bago niyang rule. Mukhang pabor naman ang lahat. Bumalik na sila ni Rose sa cubicle nila. “I can‟t believe nagawa mo iyon. Finally, you‟re on the right reasoning.” “Me too. Ngayon lang ako nakapagyabang ng ganun.” “Hindi ka nagyayabang. Ang nagyayabang ay iyong nagsasabi ng magaganda tungkol sa kanila pero ang totoo ay wala naman talaga silang ganun. At saka, you have everything to be proud of.” Pag-eencourage nito. “Salamat.” “In four hours, magtetaping ka na para sa MBC news.” Paalala nito. Tumango lamang siya at binalik ang tuon sa mga papel na nasa harap niya. Noon nagring ang phone niya. Nagflash ang pangalan ng publisher niya. “Yes, Steff?” tanong niya dito. Nakasanayan na niyang tawagin ito sa pangalan lamang nito. Dito niya natutuhan ang istilo niya sa pamumuno ng crew niya. “I have news for you, Meg.” Masiglang bati nito. Bata pa ito. Twenty-seven siguro. Minana nito ang negosyo sa ama nitong matagal nang namayapa. “What is it?” “The third launching of your novel, Hawaiian Winter, is a success. Third day pa lang noon sa mga bookstores ay naubos na kaagad.” Napangiti siya. Iyon ang latest work niya. Five months lang ito naipublish pero pang third release na nito ngayon. She earn millions per novel, minsan nga ay billion pa. Hindi lang kasi ito sa Pilipinas pinapublish kung hind imaging sa kung saan-saang sulok ng mundo. “That‟s great news!” bulalas niya dito. “Yeah right. You react as if it‟s the first time it ever happened.” Tama ito. Halos lahat yata ng nobela niya ay ganoon ang nangyayari. Pero kahit ganoon, she treats every success like it was the first. “Hindi ka na nasanay.” Tinawanan niya ito. Tahimik lang ito sa kabilang linya. “May gusto ka pa bang sabihin?” “I have another news for you.” “Ano iyon?” Hindi ito tumugon. Kinabahan siya. “Hoy wag kang ganyan kinakabahan ako.”

16

Tumawa ito sa kabilang linya. “Free your schedule the day after tomorrow. You‟ll have a luncheon meeting with some people.” “Tungkol saan?” “It‟s a surprise.” Sabi nito saka binaba ang telepono. “Bruha talaga iyon.” Bulong niya sa sarili. Nang matapos ang taping nila sa MBC News ay dumeretso na kaagad siya sa hotel kung saan sila kakain ng pamilya ni Kevin. It‟s Wednesday night kaya walang masyadong tao dito. Papasok siya ng hotel nang makita niya si Jheric na papasok sa elevator kasama ang isang babaeng kinilala niya bilang executive ng MBC. Kaya naman pala mayabang ito, malakas ang kapit. What a waste of time. Gigolo lang pala akala mo kung sinong umasta. Humanda ka sa akin sa isang araw. Sa loob-loob niya. Para sa kanya, mayabang ito and it‟s a waste of time kung papayag siyang ito ang maging co-host niya. Kung hindi lang siya nachallenge na turuan ito ng leksiyon ay kanina pa niya pinawalang bisa ang contract niya sa MBC. Hindi naman siya masisira sa network pero paniguradong pagtatawanan siya ni Jheric kung gagawin niya ito. Pumasok na lang siya sa restaurant kesa mawalan pa siya ng pagtitimpi at makapatay. Jheric can‟t believe na nandoon din sa hotel na iyon si Meg. Natuwa siya kaninang iniinis niya ito. Ininis niya ito, nagbabakasakaling ito na mismo ang umalis at hindi na niya kailangan pang makipagtulungan sa kung kanino. He doesn‟t enjoy sharing spot lights. Nang malaman niyang andito ito sa Korea ay uminit ang ulo niya. Aminado naman siyang kahit siya ay hinahangaan niya ito. May mga poster pa nga ito sa bahay niya at kumpleto siya sa mga libro nito. Magaling itong magsulat, walang duda. But he really can‟t bear the thought na andito ito sa teritoryo niya at dahil mas sikat ito sa kanya ay paniguradong mawawala siya sa eksena pag natabi dito. Nagpapanick na siya. He loves his popularity so much, that he‟s willing to play dirty para lamang mapanatili ito. Kaya nga andito siya with Miss Sylvia Chen. Isa ito sa mga executives ng MBC at dahil may malaking utang na loob ito sa pamilya nila, gagamitin niya ito upang mapawalang bisa ang kontrata ni Meg sa MBC. Pumasok sila sa suit. “Miss Chen, you have to do this for me.” Pakiusap niya dito. Matatas siyang magIngles dahil tapos siya sa isang international school sa Korea. Bukod pa doon, he may act on screen using the Korean dialect but when he‟s off screen, he speaks more of English than Korean. “Jheric, what you want is not possible.” Paliwanag nito. “MBC have dreamt about this for a long time. We all have dreamt of having a hold of the sun, the sun, Jheric.” Npagbibigay-diin nito. “Are you aware that she‟s more popular than any Hollywood star? She is a big catch. And now that our dream has finally come true, I wouldn‟t dare waste it just because of your immature reason.” “But what about the things we‟ve done for you? If it wasn‟t because of my family, you won‟t be there!” sumbat niya dito.

17

Tumigas ang mukha nito. “As far as I‟m concern, I‟ve already paid that debt. I‟ve done too many things for you, Jheric, and I‟m not gonna let MBC fall just because of a star that doesn‟t want to shine beside the sun.” sagot nito. “You‟ve gone too far and let me tell you this. You‟re not even close enough to be the polaris, you already think of yourself as the sun. Now that you‟ve faced the real sun, you‟re panicking because the people wouldn‟t notice you as your star shines.” Pagkasabi nito niyon ay umalis na ito. Tama ito sa sinabi nito. This is the last thing he ever wanted to happen. Pero ipapakita niya kay Meg at sa lahat kung sino ang araw, ang sentro ng lahat. Dito sa Korea, siya ang araw at hindi ito. Napakamot siya sa ulo niya. “I guess it would only be me, myself and I against that Meg Alonzo.” Bulong niya. “Who cares? I shine brighter and this is my territory.” Having dinner with Kevin‟s family is so heartwarming. She even heard Kevin‟s wife telling that she is a some kind of a sun. Flattered na flattered siya sa mga ito. Kahapon ay namili siya ng ilang mga gamit pambata para sa mga anak nito. Iisa lamang pala ang anak ng mga ito, napasobra tuloy siya ng bili. Pagkatapos nilang magdinner ay nagpapicture sa kanya ang asawa nito bago sila umuwi. Kinabukasan ay nagpasya na silang lumipat ni Rose sa condo na uupahan nila. Nabigyan na din sila ng kotse ng network. Maganda ang modelo ng kotse at akma para sa kanya. May GPS ito na pwedeng magsabi sa kanya kung saan ang tamang daan sa pupuntahan niya. It‟s obvious the network and the people in Korea loves her so much. Second day niya pa lang ng taping ay tumaas na daw ang rating ng MBC News. Maging ang ilang talk show na sunod-sunod niyang pinagguestan ay tumaas din daw ang rating ng araw na iyo. She was happy to know about that. Masaya siyang nakakapagpasaya siya sa mga tao. Sa weekend nga ay dadalaw siya sa ilang ampunan para magbigay ng donasyon. It was her dream. To use her success to make other people happy, to serve the public, to help all the needy. “May meeting ka by lunch with a surprise person tapos hindi pwedeng magtagal iyon ng two hours kasi by one thirty, may pictorial kayo at magpeprepare na rin para sa shooting ninyo for Sights Around The Globe. Tapos by ten, may bonding tayo with the team. Hindi naman suppose na magtagal ang meeting mo with SATG pwera na lang kung mag-iinarte nanaman ang Jheric na iyon.” Paalala ni Rose sa kanya. “Kaya mo iyan. Pataubin mo siya ha?” “Oo naman. Hindi niya yata kilala kung sino kinabangga niya.” “That‟s the spirit.” Nginitian siya nito. “Punta muna akong cafeteria. Puntahan mo na lang ako doon kapag time na para sa meeting ko.” Bilin niya dito. Bitbit ang kanyang laptop ay nagtungo siya sa cafeteria sa fourth floor, dalawang palapag pababa ang layo sa kanyang cubicle. Magandang mag-isip sa lugar na iyon dahil may portion doon na open at tanaw ang mga puno sa likod ng building.

18

Malamig dito pero tahimik. Binuksan niya ang kanyang laptop at saka nagsimulang magresearch tungkol sa mga orphanage at shelters na pupuntahan niya sa weekend. Isa na dito ang shelter na kumukupkop sa mga young cancer patients. She has a soft heart for children kaya hindi niya maatim na hindi bahaginan ang mga ito ng kanyang success. Jheric saw Meg at the open terrace of the cafeteria. Nagging ugali na niya na pagwalang ginagawa ay ang tumambay sa cafeteria. What the hell is she doing? Sleeping on working hours? Malamig sa labas dahil sa nalalapit na pagsapit ng winter. She must be crazy. Isip niya. Lumapit siya dito, sosoplain niya ito. Nang makalapit siya dito ay nakita niya kung ano ang ginagawa nito doon. Hindi ito natutulog. Nagcocomputer ito. Nakita niya ang screen ng laptop nito. Ang akala niya ay nagsusulat ito pero taliwas ang nakita niya. May nakadisplay na web page ng isang shelter sa laptop nito. Nagring ang telepono nito. “Hello Ian?” sandali itong natigilan. Nagsalita ito ng tagalog. Ian? But I thought she is single? Hmm. This is a big scoop. Sa isip-isip niya. Balak niyang itip ito kay Miss Choi. Paniguradong machichismis ito. Tinext niya kay Miss Choi ang narinig niya. Nang papasok na siyang muli ay umihip ang hangin. Malamig ang hangin. Naalala niya tuloy na baka mamatay ito sa ginaw doon. Lumapit siya sa isang waiter sa cafeteria at nag-utos na ipaglabas ito ng kumot. At nagbilin na wag na wag sasabihin dito na sa kanya nanggaling iyon. Kahit papaano ay may puso din naman siya. Hinintay niyang makakuha ng kumot ang waiter pero bago pa ito lumabas ay nakita niya si Nan Kim na may dalang kumot at papunta sa babae. Matalik niya itong kaibigan, kahit pa sabihing sila ay magkaiba dahil mabait ito, hindi iyon nagging hadlang upang maging malapit silang magkaibigan nito. Hindi lihim sa kanya na may paghanga ito sa babae. Magkasabay nilang kinompleto ang mga nobela nito at magkasabay din nilang sinubaybayan ang pagsikat nito. Bagito pa lamang ang babae ay hinahangaan na nila ito. Pero hindi pa din siya papayag na maungusan siya nito sa kanyang teritoryo, ibang usapan na iyon. Hindi din lihim sa kanya na bagaman mabait ang kaibigan ay pilyo ito pagdating sa babae. Isa iyon sa pinagkaiba nila. Ito ay mahilig sa babae samantalang siya ay kahit babae ay hindi niya sanasanto lalo na kapag nararamdaman niyang mauungusan na siya. He even had a couple of rising stars down because of a scandal he spread. Masyado na kasi itong sumisikat. Pero siyempre excemption to the rule ang mother niya. Kaya‟t panigurado, malamang sa malamang na mabiktima nito ang babae, pero narinig niya ito kanina. Kausap nito ang nobyo nitong sa pagkakaalala niya ay Ian ang pangalan. Nag-I love you pa nga ito dito bago ibaba ang cellphone nito. Nagbuntong hininga siya. Ano bang pakialam niya dito? His only concern for her was that he has to bring her so down. Nang lumingon si Meg sa likod niya ay nakita niya si Nan Kim. Kanina pa niya alam na may tao sa likod niya, hindi lamang niya ito pinansin. “For you.” Sabi nito habang inaabot sa kanya ang dala nitong kumot.

19

Ngayon lang niya napansin na malamig pala. Masyado siyang naabsorb ng ginagawa niya. “Thanks.” Sabi niya dito at ipinalibot sa sarili ang kumot. “How do you say beautiful in tagalog?” mayamaya ay tanong nito. “Maganda.” “Ah.” Umupo ito sa tabi niya. “You‟re very maganda.” “Thank you.” Napangiti siya dito. Una pa lang ay alam na niyang nagpapadaupang hangin na ito sa kanya. Sinasayang lamang nito ang panahon nito. Wala siyang balak pumasok sa isang relasyon habang nagtatrabaho. Mayamaya lamang ay dumating na si Rose. Dala nito ang kanyang hooded coat at sunglasses na ginagamit niya sa pagkukubli. “It‟s time!” bungad nito sa kanya. “Ah yeah.” Bumaling siya kay Nan Kim. “I have to go now. I have a meeting with my publisher.” Paalam niya dito. “‟Kay. Take care.” Naglakad na sila papunta sa parking area. Pagdating nila sa restaurant ay nakita niya kaagad si Steff. Nag-isistand-out ang European beauty nito dito. Tumayo ito at binati siya. “Hi!” nakipagbeso ito sa kanya. “How‟s MBC?” “So far, so good.” “That should be. You‟re a star!” bulalas nito habang paupo sila. “No! You‟re not just a star! You‟re the sun!” Pabirong inirapan niya lamang ito. “So, nasaan na yung kameeting ko?” usisa niya dito nang mapansin niyang walang iba sa table nila. “Mr. Scott will be here soon. Order na tayo.” Umorder na silang tatlo. Mayamaya ay may dumating na Americano. Kinawayan ito ni Steff at nakipagbeso dito. “Ano yan? Diyowa mo?” “Gaga, hindi!” umupo ito. “Meg, meet Mr. Scott. Mr. Scott, this is the very famous Little Miss Sunshine.” Nakipagkamay siya dito. “Nice to meet you, sir.” “Nice to meet you, too.” Tumawag ito ng waiter at umorder. Pagdating ng order nito ay saka ito nagdadakdak. “I would like to congratulate you for having such a wonderful novel, I mean the Hawaiian Winter, and for having it one of the best sellers again. All your works are very fantastic. How would you like to see them play on the big screen?” Natigil siya sa pagsubo at napanganga dito. Tumingin siya kay Steff na ngitingngiti. “Translation, gusto mo daw bang gawing movie yung isa sa mga novels mo?” Unti-unting nagsink in sa kanya ang lahat. “Oh God! This is-… ha!” naspeechless siya. “So what do you think Little Miss Sunshine?” Gusto niyang umiyak sa sobrang kasiyahan. “Why not all of them?” biro niya. “Of course sir! That is an every writer‟s dream!” Hindi talaga siya makapaniwala. Naluluha na siya.

20

Chapter 5: Jheric has never waited that long in his entire life. Twenty minutes nang late si Meg sa photoshoot nila. Nakuhanan na siya ng solo pictures niya at nababadtrip na siya. Lumapit siya sa director at producer. “Is this your star? She‟s already ten minutes late!” “She‟s not a star, she‟s the sun.” pagtatama ng producer. “Patience, Jheric. I know she‟s late for a reason.” Pahinahon sa kanya ng director. “No! I say, you fire her and find her a replacement!” pagmamatigas niya sa mga ito. “Alright, Jheric. If it would make you feel any better, we‟ll pack up if she didn‟t show up after ten minutes, okay?” pagsuyo nito sa kanya. “And the next time she comes late, I‟ll sue her myself.” Napangiti siya pagtalikod niya sa mga ito. Seems like everything is on his track. Masyado yata siyang naoverwhelm hindi na nila namalayan ni Rose ang oras. Masyadong napatagal ang pag-uusap nila ni Mr. Scott. Nagmamadali na siyang magdrive dahil late na siya sa photoshoot niya. Late na siya ng twenty minutes nang makarating siya sa location. “Look who‟s coming!” bungad sa kanya ni Jheric. “We‟re about to pack up if you didn‟t show up within ten minutes.” Napabuntong hiniga siya. Gaya nga ng sabi nila, a good day must always come to an end. Eto na ang pruweba. Tinapos na ni Jheric ang maligayang araw niya habang mataas pa ang tirik ng araw. Inirapan niya ito at dumeretso sa photographer, producer at director. “I am so sorry I am late. I lost track of time when I‟m on my luncheon meeting that‟s why I never noticed it was already taking too long.” Pagpapaliwanag niya sa mga ito. She heard Jheric snicker. “That‟s alright Little Miss Sunshine. You‟re worth waiting for.” Sabi ng photographer sa kanya. Napangiti siya. Her charm can really be handy in some times. “Tena na. Magbihis ka na.” sabi ni Rose. Pagkabihis ay nagpunta siya sa team niya habang hinihintay magset-up ulit ang photographer. “Guess what everyone!” sigaw niya na sinigurong maririnig ni Jheric. “What?” tanong ni Justine. “Hawaiian Winter would be in motion picture!” anunsyo niya. Napansin niyang napalingon sa kanya si Jheric. Napangiti siya. “I just talked to the producer and he assured me it would be star-studded.” Narinig niya ang paggalaw ng bangko nito at ang pagsasalita nito ng korean. Tumingin siya kay Justine. “Ang sabi niya, „nakakasuffocate ang hangin dito‟. Huh! Pabayaan mo na iyon. Inis lang iyon. Ayaw kasi noong natatabunan eh.”

21

Nagkatawanan sila. Nahinto lamang iyon nang tawagin siya ng photographer. Tuwang-tuwa ito sa kanya nang kuhanan siya nito ng litrato. Napakaprofessional daw niya at isang malaking karangalan daw para dito na maging photographer niya. Nang tawagin na si Jheric ay humahangos ang assistant nito. Ang sabi nito, umalis na daw si Jheric. Nagbilin daw ito na i-edit na lang ang picture nila para magmukhang magkasama sila. Oh that gigolo! Isip niya. “Little Miss Sunshine, I am so sorry for that.” Baling ng assistant ni Jheric sa kanya. Nakakita siya ng tiyempo. “No! I‟m not gonna let this incident just slip! Tell your damn boss that if he‟s not gonna show up here within ten minutes, this will reach the CEO and it will either be, I resign or he get fired!” pagkukunwari niyang galit. “And I am sure everybody won‟t like it if the first one happened.” I guess my good days have not yet ended as I thought before. Tumalima ito at kinuha ang telepono. “Little Miss Sunshine, I‟m sure we can work this out.” Suyo sa kanya ng director. Nagkakagulo na ang lahat. “I told you, either I resign or you fire him! I don‟t want to work with an immature, self-centered, unprofessional and inexperience bitch!” wow! Lahat na yata ng tinatago niyang kamalditahan ay lumabas na. Pero siyempre iisipin ng lahat na si Jheric ang may kasalanan noon. Nais niyang humalakhak. Lumapit sa kanya ang P.A. ni Jheric at ibinigay sa kanya ang telepono. “Damn you bitch!” bulyaw ni Jheric sa kanya. “Look who‟s talking.” Sagot niya. “I‟m not going to be there so prepare your resignation letter!” mukhang naiinis na ito. “Really? As if the big boss would let me.” Pamimilosopo niya dito. “Listen, you prepare. Prepare your resume or give in to the other network because this is for sure, if you don‟t show up, you‟re little light bulb will run out of light.” “How dare you call a star like me a light bulb?!” “Star? You? I don‟t think so. Well maybe yes, here on Korea, but I live in a bigger world and to my world, you‟re little shining star here in Korea is just a dying light bulb around the globe!” she heard him growl pagkatapos ay binabaan na siya nito ng telepono. “Don‟t panick! He‟ll be here in less than five minutes!” anunsyo niya sa nagkakagulong staff. Sigurado siya doon. Nginitian siya ng team niya. Nakingiti siya sa mga ito. He is now in the palm of her hands at kaya na niya itong paikutin. How pathetic of him. He’s willing to eat his pride just to be on top. Ganoon ba talaga kahalaga dito ang kasikatan? Kung hindi niya lamang ito gustong turuan ng leksiyon, di sana ay isinalaksak na lamang niya dito ang show. Napailing siya. Hindi siya nagkamali at dumating nga doon si Jheric wala pang five minutes. Nilapitan siya nito. “How come you can make us wait and act like nothing happened but when I left, I almost lose my job?” bungad nito sa kanya.

22

Nginitian niya ito ng mapakla. “Because I‟m the sun.” sagot niya dito. “And you‟re just an attention craving flashlight. You‟re just someone who‟s willing to do everything just for your popularity. I‟d bet you could even eat dust just to be famous.” Tinitigan siya nito ng masama. “Now let me tell you a secret. I am the sun because I never give others a hard time. People love me not because of my face, my talent, and my intelligence. They love me because of my attitude and the way I treat other people how much big or small they are. And most importantly, I always make sure my feet stays on the ground so that when I fall, it wouldn‟t hurt that much.” Bulong niya dito. Natigilan ito. Sapul! Soplang-sopla na niya ito. She‟s so proud of herself! “You know what? You‟re so immature. Where did this even started? Ah yeah, right. When you called me unprofessional because I let my crew call me with my name. I would‟ve never mind that but you made it bigger and look who‟s getting the negative outcome of it.” Gusto niyang tumawa kundi lamang lalo itong manggagalaiti sa kanya. Tiningnan niya ito ng nanghahamon. Wala pa rin itong imik. Tinawag ito ng director at hula niya ay pinagsabihan ito. Inabot hanggang gabi ang kanilang meeting at pagkatapos noon ay dumeretso na sila ng team niya sa bar. Ang first taping nila ay next week na and their first stop is around the Philippines in honor daw sa kanya. At the end of the day, Jheric found himself drinking to death at his favorite bar. For goodness sake, he was never treated that way in his entire life! Ngayon lang siya nasopla ng ganoon at hiyang-hiya siya sa sarili niya. Hindi niya ito matanggap. Lalong hindi niya matanggap na si Meg ang may gawa noon. Inis na inis siya sa babae. Napaikot siya nito dahil sa takot niyang mawala ang kanyang ningning. He felt so damn stupid at si Meg lang ang nakakagawa noon sa kanya. The very first time na nagkaencounter sila, nagmukha na kaagad siyang istupido. His plan was to get her out of Korea pero bakit parang siya ang dayuhan sa sarili niyang teritoryo? Mas pinapahalagahan ito ng mga executives kaysa sa kanya. Damn that girl. He‟s gonna find out soon something that can bring her down and he‟s not gonna stop until he succeeds. Sunday evening na at lulan na sila Meg ng plane na papuntang Pilipinas. Sa kaasaran niya, katabi niya si Jheric sa eroplano. Wala silang kibuan noong una pero bigla yatang nag-iba ang ihip ng hangin, bigla siya nitong kinausap. “Which is more beautiful to you? Korea or Philippines?” tanong nito bigla. Napakurap siya saka tinitigan ito. “Are you talking to me?” “Why, yes.” Tila inosente ito nang sumagot. “Of course, I like the Philippines more. It‟s my birthplace.” Sagot niya habang binubuklat ang magazine. “Have you ever been to the Philippines?” “Twice but I didn‟t stay long.” Binalik niyang muli ang atensiyon sa binabasa niya. “To where countries have you been?” tanong nito muli.

23

Napatingin ulit siya dito. Halatang nais nitong gumawa ng usapan at hindi siya makapaniwala doon. “Seriously, why are you talking to me and asking me stuffs llike that?” He shrugged. “Nothing. I just thought that since we‟ll be working together for six months maybe we should know each other.” Tumitig siya ulit dito saka tiningnan kung totoo ito sa sinasabi. Ibinalik niya ang tingin niya sa magazine. “I‟ve seen almost half of the globe.” Inilipat niya ang pahina ng magazine. “Let‟s see… I‟ve been to US, Japan, Thailand, Australia, Canada, Mexico, Malaysia, New Zealand, Russia, Africa, Egypt, Libya, Russia, Brazil, Hong Kong, and almost all the places in Europe.” Sabi niya na tila nagrerecite ng kinabisadong mapa saka ito nginitian ng pilit. “Really?” sumandig ito sa arm rest na nasa pagitan nila saka nagpacute. “You go there for tv guestings?” Nalukot ang kanyang mukha sa ginawa nito. Binaba niya ang binabasa niya. Mukhang nagpi-flirt lang ito, at hindi siya tanga para hindi malaman iyon. Humarap siya dito at ngumiti. “No. Sometimes I went there to give help for the less fortunates and I usually spend a one week vacation at Europe to watch some operas, ballet shows and some stuffs.” “So you love stage performances?” “And music and arts.” Dagdag niya sa sinabi nito. “Ah. Who are you with, when you watch?” Napataas ang kilay niya. “When my brothers are free, I bring them with me. But I often come with my friends.” “What about your parents?” “My mother and my father are both busy with the family business so they go to Europe by themselves.” “Like they were on a honeymoon?” “Yup.” She found herself enjoying their conversation. Minsan pala ay masarap din itong kausap. “When is the next time you‟re going to watch a play?” “Probably next month. It still has no specific date.” “Can I come with you then?” tanong nito ng walang atubili. Nagulat siya. “What exactly do you want?” Nagkibit balikat lamang ito. “Probably friendship.” Kumunot ang noo niya. “I don‟t make friends with someone who only values their popularity.” Inalis niya dito ang tingin at binalikan ang magazine niya kanina. “Well then, teach me to value other things.” Sabi nito. Napatingin siya dito. “I‟m sorry. What?” “I said teach me how not to value my fame. Teach me to value other things.” Napabuga siya ng hangin. “You‟re the only one who can teach yourself. What others can do is to make you see things but they can never teach you to love them.” “Then open my eyes.” Napamaang siya. Hindi niya malaman ang isasagot dito kaya‟t ibinalik niya ang pansin niya sa magazine.

24

Hindi na malaman ni Jheric kung ano na ang pinaggagagawa niya. Nakikipagflirt na yata siya sa babaeng ito. Kanina, ang gusto niya ay inisin lamang ito pero unti-unti ay nag-eenjoy na siyang kausap ito. Amaze siya sa babae sa mga naging tugon nito. Sa lahat yata talaga ng babae ay ito lang ang kung makatingin sa kanya ay parang allergic ito sa kanya. Nang hindi ito sumagot, naisip niyang bakit hindi nito binabanggit ang boyfriend nito kaya nang-usisa siya. After all, malaking scoop din ito para kay Miss Choi kung mapapatunayan niyang may kasintahan ito. Kahit kasi sobra ang kasikatan nito ay napapanatili pa rin nito ang privacy nito. Walang paparazzi, walang paninira. Kungsabagay, lahat ay iginagalang ito, at sa totoo lang, wala talaga siyang makitang mali sa katuhan ng babae. She was almost perfect. He wondered why destiny was so cruel that it gave her the fame and charisma she doesn‟t actually give importance and notice of. Bakit hindi na lang sa kanya ito ibinigay? Pag nagkataon ay aalagaan niya ito ng mabuti. Muli niyang inilapit ang mukha sa direksyon nito. “What?” inis na baling nito sa kanya. Nginitian niya ito. “Why? Is your boyfriend gonna punch me when he sees us like this?” pagkatapos ay inilapit niya pa ang mukha dito. “No. But my brothers and my father will do that. And if not, then I will.” Inirapan siya nito. “You know you‟re really pretty when you‟re mad.” Totoo ang sinabi niya. Pangkaraniwan lamang ang ganda nito kung susuriin pero hindi niya malaman, tila may kakaiba talagang charisma ang babae. “How long have you been together?” “Together with who?” normal na pagtatanong nito. Nagkibit-balikat siya. “With whoever your boyfriend is.” “Oh please!” umiling-iling ito at tiningnan siyang muli. “How many times do I have to tell everybody that I am single?!” “By that face?” “Yeah! And by this height!” naiinis na ito. Natawa siya. “You know, you‟re the only one who discriminates yourself with your height. Come on! You‟re a big star! So what if you‟re a small person?” Nagbuga ito ng hangin at tumitig sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Panandaliang natahimik ang paligid. “Really Jheric. I‟m sure there is something more precious to you than fame.” Lumapit ito sa kanya. “What is it?” Hindi siya makasagot. Ang lapit ng mukha nito sa kanya. Kitangkita niya ang mapupula nitong labi at ang mga mata nito. Nagulat siya. “Y-your eyes changed color.” Hindi siya makapaniwala doon. Kanina, noong una niyang tingnan iyon ay itim iyon, pero habang nagtatagal ay nagiging chocolate brown ito. Nagulat din ito sa sinabi niya at bahagyang lumayo ito sa kanya. “I-it just happen that it looks black when you don‟t look at it carefully.” Tila nahihiyang sabi nito sa kanya. “I-it‟s beautiful.” Iyon na ang huli nilang palitan bago sila bumaba ng eroplano.

25

Chapter 6: Paglabas nila ng airport ay nagtilian ang mga babaeng nakakita kay Jheric. Paniguradong lumaki nanaman ang ulo nito dahil kanina pa ito ngiting-ngiti. Naiilang siya dito dahil sa nangyari kanina sa eroplano. Hindi niya alam kung bakit pero napuno yata ng kung ano yung tiyan niya kanina noong napansin nito ang kanyang mga mata. Parang gusto niyang maglaho noong oras na iyon. Hindi niya iyon maintindihan. Bakit ganoon ang naging reaksyon niya samantalang napansin lang naman nito ang kanyang mga mata? Bumuntong hininga siya. Nang mag-angat siya ng tingin ay halos mabulag na siya sa mga flash ng camera. Parang nais niyang mainis. Para namang hindi siya reporter dito sa Pilipinas kung makakuha ng pictures itong mga hinayupak na ito. Akala mo naming mga hindi niya kasamahan. Lalapit sana siya sa mga ito pero bigla siyang inakbayan ni Jheric. Nanlaki ang mga mata niya. Haliparot na lalaki ito. Ang lakas ng loob! Ngumiti siya for the sake of the press pero bumulong siya dito. “This is my territory Jheric!” “What do you say? What‟s mine is yours and what‟s yours is mine!” patawang sabi nito habang lumalapit sila sa mga press. Nakipagbeso siya sa mga ito. “Kamusta naman kayo ni Jheric, Meg?” tanong ng senior reporter niya. “Uy, si tito, gusto ng intriga.” she smiled na bahagyang naiinis. “Ngayon palang po kami magtetaping.” “Ah.” “Jheric, what do you think of having Meg as your co-host? She is pretty professional and international.” Tanong ng iba. “At first, I was flattered and honored to have her. Of course, who wouldn‟t be? It‟s the very beautiful Meg Alonzo, for goodness sake. And together with the pleasure is the nervousness because this is my first hosting project and I have a professional co-host in here.” “Ang plastik nito.” She hissed through her breath. Tumingin ito sa kanya. Nginitian niya lamang ito at saka pasimpleng tinanggal ang kamay nito sa balikat niya. Subalit nananadya yata talaga ito. Tinanggal nga nito ang kamay sa balikat, ibinaba naman nito iyon sa baywang niya at saka hinapit siya papalapit pa dito. Nag-init ang mukha niya. Inilagay niya ang kamay sa likod nito at saka ito kinurot. Tiningnan siya nito ng masama na sinuklian niya ng mapaklang ngiti. “What do you think is the score between you and Meg? Do you think you will soon develop?” tanong ng isang reporter sa kanila. Tumawa siya. “Si tito, sabi ko nga po-” Hindi siya pinatapos magsalita ni Jheric. “There is always that possibilty.” Tila napukaw naman nito ang atensyon ng press dahil itinapat ng mga ito ang mga mikropono nila sa lalaki at naghintay.

26

Tiningnan siya ng lalaki at saka ngumiti. “Actually, Meg and I have been dating for a week now.” Nagulat ang lahat, maging siya. Napuno ng alingawngaw ang buong lugar. Pinilipit niya ang kamay nito para maalis sa baywang niya. “Eto talagang si Jheric puro biro. Hindi po totoo yun. Assuming lang ito.” Sabi niya sa press. “He‟s just kidding! You know I would never date someone like him! Masyado lang po talagang palabiro ito.” sabi niya at saka pinilit ang sariling tumawa. Nakitawa ang lahat. Mayamaya ay lumapit na ang mga executives sa press at pinasakay na sila sa sasakyan. “I‟d rather ride on my car.” Sabi niya sa mga ito. “You have to ride here Meg. You are still in our show and a part of our family.” Pigil sa kanya ng director. Napilitan siyang sumakay sa mini bus ng grupo. Naupo siya sa tabi ng kanyang crew. “Okay ka lang Meg?” tanong ni Justine. “Yeah sure.” Mayamaya ay nakita niyang tumingin si Jheric sa kanya. Nabuhay ang inis niya dito. Naglakad siya papunta dito. “Ibang klase ka rin naman noh?” sabi niya pagkalapit dito. “Nagkausap lang tayo sa eroplano kinalat mo nang nagdedate tayo! Ang kapal ng mukha mo.” Tinginan ang lahat sa kanila. “I‟m sorry, I can‟t understand a word you‟re saying.” Naguguluhang sabi nito. “I don‟t care. Maghire ka ng interpreter! Nandito ako sa Pilipinas kaya magtatagalog ako!” Kumunot ang noo nito. Nagsalita ito at kinoreano siya. “Ah putres pala!” napaawang ang bibig niya. “Justine, halika nga dito. Ano bang sinasabi nitong buwisit na ito?” “Tutal nagtatagalog ka daw, magkokoreano na lang daw siya.” Naningkit ang mga mata niya. “Eh tarantado ka rin naman pala eh noh?” Tumingin ito kay Justine. “Bitch!” sigaw niya. “Look who‟s talking! A virgin!” Nanlaki ang mga mata niya. Talaga palang iniinis siya nito. Sinapak niya ito. “How dare you?” sabi nito habang hawak ang pumutok na gilid ng nguso. “Yes I am a virgin and I am very proud of it! Atleast I‟m far from being a prostitute, you gigolo!” pinakadiinan niya ang huling salita. Sumugod pa siya. Sasapakin pa sana niya ulit ito kung hindi lamang nagpreno ang driver at nadaganan siya ni Jheric. Ang lapit ng mukha nito sa kanya. Naaamoy niya ang mabango nitong hininga at ang mga labi nito ay halos lumapat na sa kanya. Tinulak niya ito kaagad palayo. “Manong ano ba? Marunong ka bang magdrive?” sita niya sa driver. “Pasensya na Ma‟am Meg.” Bumaling siya kay Jheric at saka ito pinaningkitan ng mata at dinuro. Nagbalik siya sa upuan niya. Pagtingin niya sa paligid, nakatingin ang lahat sa kanya, shock pa rin ang mga ito sa mga nakita. Napapikit na lamang siya at pinisil ang sentido.

27

“Cool ka lang, masyadong mainit oh.” Sabi ni Rose habang dinampian ang ulo niya. “Peste talaga sa buhay ko iyang Jheric na iyan!” Jheric don‟t know what happened. All he knows is that Meg is mad at her and the next thing he saw is that she‟s punching him. He was surprised. Wala pa sinoman ang nakakasuntok sa kanya. That is his first. Nagulat din siya kanina sa sarili niya nang sabihan niya itong virgin. Lalo itong naoffend sa sinabi niya kaya muntik nanaman siyang suntukin nito kung hindi lamang nagpreno ang sinasakyan nila. When the mini bus suddenly hit its break kanina, napadagan siya dito. He was so close from her. He suddenly felt an urge to kiss her. Parang ang sarap angkinin ng mapupula nitong mga labi. Nang sinabi niya sa press kanina na nagdedate silang dalawa, parang gusto niyang magkatotoo yun. Parang he wants to have the woman, only, she was a threat to his career. Siguro kung hindi ito naging ganoon kasikat, he would have court her immediately in any way she want. Only it wasn‟t possible because everything is in the other way around. Pagdating nila sa Shangri-la Hotel ay nagmamadali siyang bumaba sa sasakayan. Pagbaba ay hinabol siya ni Jheric at pinigilan siya. Hinawakan nito ang kanyang braso saka siya pinihit paharap dito. “What?” bulyaw niya dito. “What the hell is your problem woman?” tanong nito sa kanya. “At the plane, you were so nice, then what happened? You just punched me at the bus!” Napabuga siya ng hangin. “I don‟t know how stupid you are for not seeing the obvious things.” Tinitigan niya ito. “You just said to the press that we are dating!” “Yes! But you already told them that I was just kidding!” “Oh yeah! What if they didn‟t believe? Jheric I am a respected person in my industry and I worked hard for that respect. I am not going to let that respect be gone by the wind just because of you!” Napatitig ito sa kanya. “You‟re not a respected person you know? So public appearances with you won‟t do good for the respect people give to me.” Gigil niyang sinabi dito. “Now let me go! I don‟t want to kill you.” Kumalas siya sa pagkakahawak nito at dumeretso sa hotel room. Tinawagan niya si Lea. “Hello Best!” bati niya dito. “Uy! Kamusta ka na?” tugon nito sa kabilang linya. “Okay lang. You wouldn‟t believe this!” “Everything about you is unbelievable.” Tumawa ito sa kabilang linya. “So what is it?” “Jheric Yoo is a total bitch and I just punched him!” Narinig niyang napasinghap ito. “Really?” “Yeah!” nilaglag niya ang sarili sa higaan. “The bitch just called me virgin!” “What‟s wrong with it? Virgin ka pa naman talaga ah.” “Arg. Tama bang pagkadiinan pa iyon?”

28

“Don‟t tell me ikinahihiya mo iyong bagay na iyon.” “No. Syempre hindi. I‟m proud of it kaya lang by the way that guy spoke that out loud, parang nakakainsulto eh.” “Aba eh kasalanan mo iyan kung bakit virgin ka pa. Tama ba naman kasing magpakamanang?” tumawa ito. “By the way I gotta go. Nasa taping kasi ako ngayon eh.” “Ganun ba? Sige. Goodluck!” Binaba na niya ang telepono. Pinikit niya ang mga mata niya. Pagod siya sa biyahe. Hindi malaman ni Jheric pero kahit kailan yata ay hindi na siya masasanay sa mga pasabog ng babae tungkol sa kanya. Ilang beses na silang nagkakasagutan pero wala pa rin siyang maisagot dito kahit iisa lang ang kinababagsakan ng pagtatalo nila, ang pagiging malaki ng ulo niya. I’m going to find a way to bring you down. Pangako niya sa sarili. “Damn!” napakamot siya ng ulo. I’m desperate enough to use the last plan I have on mind! He took another gulp of his beer. His biggest plan is a scandal. Gagawan niya ito ng scandal para mawala na ang babae sa mundo ng entertainment for good. Pero may maniwala kaya sa kanya? As Meg said, she is a respected person in her industry. Malamang na mawala ang respeto ng lahat sa babae pag naikalat na niya ang eskandalo. He smirked. “Sir Jheric.” tawag sa kanya ng P.A. niya. “Someone is waiting for you at the hotel cafeteria.” Nagulat siya. Andito na ang mag-eedit ng video. “Tell him I‟m already sleeping. Tell him to just come back tomorrow.” Utos niya dito. Parang bigla ay gusto niyang umurong. Parang nakokonsensya siya. Pinaghirapan ni Meg ang respetong iyon at base sa pananalita nito kanina ay halatang mahalagangmahalaga ito sa kanya. Nagbuntong hininga siya. That small woman is too small to give him such a huge problem. Pag hindi niya ito ginawa, malalaos siya, pag ginawa niya ito, bababa lalo ang tingin ng babae sa kanya at makokonsensya siya sa kaalamang siya ang sumira sa pangalan nito. But he is Jheric Yoo, he is rootless. He has to be, in order to remain on top. Lumagok ulit siya ng beer. Her mother is a superstar at her early days. Bumagsak lamang ito nang may bagong umusbong na mas bata dito. That is why his mother raised him up to be that way. Tinuruan siya nitong maging ganid sa kasikatan. Gusto nitong maipaghiganti niya ito sa lahat. He sighed again. Naalala niya ang sinabi ni Meg kanina. “Really Jheric. I’m sure there is something more precious to you than fame. What is it?” Ano nga ba? Parang wala naman siyang maisip. Umiling siya. He washed everything from his head away. He has to do this. Jheric was about to meet the video editor today. Papalabas na siya ng hotel nang may makasalubong siyang dalawang lalaki at isang babae. Napahinto siya sa paglakad nang marinig niyang tinawag ng babae na Ian ang pinakamatanda sa mga lalaki.

29

Ang hinala niya, isa sa mga ito ang boyfriend ni Meg. Tiningnan niya ang tatlo. Sigurado siyang yung matangkad ang Ian sapagkat masyadong bata yung isa. Kaya siguro tinatago ni Meg ang boyfriend nito dahil masyado itong bata para dito. Tantiya niya ay malaki ang agwat ng edad ng dalawa. Pero pwede din naman na yung bata ang Ian. Marahil ay anak nito iyon. Napaawang ang bibig niya sa naisip. Maaari ngang anak nito iyon! Sinundan niya nang palihim ang tatlo. Si Meg nga ang pinuntahan ng mga ito. Today was their rest day. Nagpunta siya sa cafeteria kung saan sila magkikita nila Ian at Igy kasama ng mga ito si Lea. She terribly misses her brothers so much. Pagdating niya sa cafeteria ay nakita niya kaagad ang mga ito. Kaagad niyang niyakap ang mga kapatid. “Nakasalubong namin si Jheric Yoo kanina. Ang aga naming gumala noon.” Sabi ni Lea sa kanya. “Ano kayang gagawin nun?” pagtataka niya. “Oh, well. Lika kain na tayo.” Umupo sila sa upuan ng mga ito kanina. “Kamusta school, Ian?” “Okay naman ate.” “What about my Ferrari?” tanong niya. Nagpaalam na kasi itong ang sasakyan muna niya ang gagamitin nitong service. “It‟s still good.” “Very well then. Ikaw Igy?” “Syempre very good ako.” Pagyayabang nito. Napangiti siya. “Pagkakain punta tayo dun sa hotel suit namen nila Rose. Nandoon yung mga uwi ko sa inyo.” The rest of the day happened in a blur. Bukas ay simula na ng taping nila. Their first stop is Intramuros. Inupahan na nila ang cousin niyang si Xandra at ang traveling agency nito na maging tour guide nila. Xandra is not just a tour guide ng kung anong traveling agency. Xandra is a Cojuangco. Ang papa nito, na pinsang makalawa ng ina niya ay may-ari ng isang real estate company. While Xandra has a ranch and a villa herself. Sa lahat ng mga malalayong kamag-anak nila, sa Xandra lang ang kaclose niya kahit noong hindi pa siya sikat. Down to earth kasi ito kaya nagkasundo kaagad sila. Nakita ni Jheric si Meg na nakaupo sa may roof top. Kagagaling lang niya sa video editor at nagbilin siyang kapag natapos ito ay ipadala ang video kay Miss Choi sa Korea. Hindi naman niya pinarush ito kaya sa tingin niya ay makakatapos pa sila ng dalawang bansa. Naisipan niyang magpunta sa roof top para sana magrelax. Nakatanaw si Meg sa malayo habang hawak ang cellphone, halatang malalim ang iniisip. Tinatamaan ng araw ang alun-alon nitong buhok. Nagulat nanaman siya. The woman was so full of surprises. Ang buhok nito ay mamula-mula sa ilalim ng sikat ng araw. Napaisip tuloy siya kung natural ba iyon? Pero wala naman sa itpo nito ang nagpapagalaw ng buhok. Natural ang pagiging alun-alon ng buhok nito.

30

Chapter 7: Tinitigan niya ito ng matagal sa unang pagkakataon. Nakashort lamang ito at sleeveless. Makinis ang balat nito. Masyado din iyong manipis kaya makikita na ang mga ugat nito. Nasa tamang hubog ang katawan nito. Ang mga mata nito ay medyo singkit. Ang tanging pangit lang na nakita niya dito ay ang ilong nito. Hindi naman ito pango pero may kalaparan ang ilong nito pero ayos lang dahil kaya nitong dalhin ang bahaging iyon ng katawan. Napatitig siya sa labi nito. Napalunok siya. Pumikit siya at binura ang nasa isip. Pagdilat niya ay nakatingin na sa kanya si Meg. “Have you been there long?” tanong nito. Umiling siya. “I just arrived.” Pagsisinungaling niya. Tumayo ito. Napakagraceful nitong gumalaw. At kahit ganoon lamang ang damit nito ay mukha pa rin itong elegante. Nilagpasan siya nito. “Where are you going?” tanong niya dito. “I‟m sorry I interrupted you.” Napatigil ito at tumingin sa kanya. “Did I hear it right? You‟re apologizing?” pinagtaasan siya nito ng kilay. “Maybe.” Ngumiti ito sa kanya. “Well it‟s a good start for a change.” Napangiti siya. Umupo siya sa kinauupuan nito kanina. “Come on. Join me here.” Sabi niya sabay pagpag sa tabi niya. Ngumiti ito sa kanya at umiiling na tumabi sa kanya. Tiningnan nila ang siyudad. Malaki ang pagkakatulad ng Korea sa Pilipinas. Only, it was too warm here. Narinig niyang naghum ang babae. Mukhang maganda ang mood nito. “So what are you planning to do to me?” tanong nito sa kanya. Napatingin siya. Parang bigla siyang nanlamig. “Ha?” “I mean, why do you want me to join you here?” paliwanag nito. Nakahinga siya ng maluwag. Ang akala niya ay nabuko na siya nito. “Nothing. I just want someone to talk to.” “About?” “Everything I guess?” Lumabi ito. “Does your mom knows what you‟re doing?” “What do you mean?” “I mean your attitude when you work?” Natahimik siya. “Never mind.” Bawi nito. “So when did you discover your talent on writing?” tanong niya, pilit na gumagawa ng mapag-uusapan. “When I was in high school. It is like a hobby. I never slept peacefully at night thinking that I haven‟t wrote a single story for a day.” Kwento nito. “How did you get discovered then?” “When I was a freshman in college. I decided to try but nothing in serious.” Sandali silang natahimik. “H-how does that struck you? Fame, you know?” tanong niya ulit.

31

“Fame was actually nothing to me. I walk and live normally everyday, like as if nothing like that has ever occured.” She shrugged. Nagulat siya. “Why did you ever work then?” “I don‟t treat it as a work actually. It is like something that has taken place on my system. Like a kid when he plays. I just love what I‟m doing and I leave the rest to the others. If it‟s a success, then praise Him, if not, do better next time.” “I don‟t get it. You mean you don‟t do it for the fame and the money? You just do it for the happiness you get when you work?” paglilinaw niya. Tumango ito at ngumiti sa kanya. “Don‟t you know that you‟re wasting such opportunity? Everyone wants to have what you have, but you? You don‟t even care about it.” “Everyone like you?” Napangiti ito sa kanya. “I never chose it. I never wanted it. All I dreamt of was to help and to do what I love.” Napatingala ito. Nagsisimula nang dumilim. “If I could have all the chances in the world, I would trade everything just to have my normal life back.” Tumingin ito sa malayo pagkatapos ay tinitigan siya nito sa mata. “What about you? What do yo get from fame? Why do you love it so much?” “I love the attention every girl gives me. You know my mother don‟t really pay that much attention to me. She has a career of her own and my father only sees me once or twice every year. So maybe I am really attention craving.” Napamaang ito. “You know what? I read on a book that having a partner can be a solution to attention craving persons.” Pag-iinform nito sa kanya. Kung makapagsalita ito parang close na sila at hindi niya malaman kung bakit tila natutuwa siya doon. “Then can you be the solution to my problem?” bigla na lamang niyang nasabi dito. Napatingin ito bigla sa kanya. “Hmm?” Napaawang ang bibig niya. Nagulat siya sa sinabi niya. “Nothing… That‟s a joke.” Tumawa ito. Pinisil nito ang pisngi niya. “Ouch!” angal niya. Natawa ito ng malakas. Ang sarap tumawa nito, parang galing sa puso kaya nadamay na din siya sa pagtawa. Napakagaan sa loob na kausap nito kapag hindi sila nagtatalo. Ang sarap din nitong titigan kapag tumatawa. Parang nawawala ang problema niya. Ito ba ang babaeng ipagkakalat niya na may sex video? Marahil sa trabaho ay hindi na ito inosente pero sa mga mata nito ay nagtatago ang kainosentehan nito. Siguro kung hindi ito nasabak ng maaga sa trabaho ay mukha itong neneng na neneng pa. Tinitigan niya ito. Natigil ito sa pagtawa. “I love the color of your eyes.” Sabi niya. Nagblush ito. Hindi na malaman ni Meg ang nangyari. The next thing she knew is that papalapit na ang mukha nito sa kanya at sandali na lang at maghihinang na ang kanilang mga labi. He kissed her. Pagkatapos ay lumayo ito ng bahagya at tinignan siya sa mata. Hinawi nito ang buhok sa kanyang mukha at hinalikan ulit siya. She was surprised. It was her first kiss. Hindi niya alam kung paano magrereact.

32

His kisses were gentle and passionate. Ang tamis ng mga labi nito. Wala na siya sa katinuan. Namalayan na lamang niya ang sariling tumutugon sa halik nito. Nang maramdaman niya ang kamay nitong bumababa sa likod niya ay natauhan siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Lumayo siya at nang magsasalita ito ay hinarang niya ang kamay sa harap nito. “I‟m sorry.” Sabi niya habang nagmamadaling umalis. Pagpasok niya sa hotel suite niya ay inilock niya kaagad iyon. Pumikit siya at sumandig sa pintuan saka hinabol ang hininga. Pagdilat niya, noon lamang niya nalamang may tao pala sa loob. Nakaawang ang bibig ni Rose at ni Justine, halatang gulat pa rin sa bigla niyang pagpasok. “I‟m sorry. I didn‟t notice you were there.” Paghingi niya ng paumanhin sa dalawang babae. Tila nakabawi na ang dalawa. “May humahabol ba sa iyo?” tanong ni Justine. Tila nag-aalala. “Ah… eh… wala. May nakalimutan lang ako na gagawin ko nga pala ngayon.” Sabi niya saka nagtuloy-tuloy sa silid. Pabagsak na umupo siya sa higaan niya saka hinaplos ang labi. Napapikit siya nang maalala niya ang nangyari kanina. Nasabunutan niya ang sarili. “Oh God, what have I done?” Kinuha niya ang toothbrush niya at tumuloy sa banyo saka nagtoothbrush. Mayamaya, narinig niyang may kumakatok. Siya na sana ang magbubukas pero nakita na niyang nasa pintuan si Rose. Nagbalik siya sa harap ng lababo at saka nagmumog. Hinilamusan niya ang mukha at kinuskos ng kinuskos ang bibig. First day of taping and Jheric just can‟t help but to stare at the girl he kissed last night. Hindi na siya nakapagpigil kagabi. Sa bawat tingin niya kasi sa mga labi nito ay parang nag-aanyaya ito. Hindi niya malaman kung ano ang nangyari at humiwalay ito. Hindi naman siya bad breath. Siguro nga ay talagang may nobyo na ito at masyado itong loyal dito. “Sir Jheric the shooting is about to begin.” Pukaw sa kanya ng P.A. niya. Tinanguan lamang niya ito. Nagpunta na siya sa pwesto nila. “Okay, one, two, three… action!” “Welcome everyone to Sights Around the Globe!” bungad ni Meg. “With me, Jheric Yoo and the very pretty Meg Alonzo.” “We would be your official tour guide to different spots around the globe.” “And our first stop…” bitin niya. “Philippines!!!” sabay nilang sambit. Break na nila. Hindi makatingin ng diretso si Meg kay Jheric pero para sa show, pinilit niya ang sarili. Nagpunta siya sa mga nanonood ng shooting nila. “Meg paautograph naman!” sigaw ng mga ito. Nginitian niya ang mga ito. Kumuha siya ng ballpen at saka tinanggap ang mga papel na binigay sa kanya ng tao. Ang iba ay nagpapapicture.

33

Maya-maya ay nagtilian ang mga kababaihan maging ang mga bakla. Napatingin siya sa kanyang likod. Nakita niya si Jheric na papalapit, may dala itong dalawang upuan. Nginitian siya nito. Napanganga siya. Paglapit nito ay inilapit nito sa kanya ang upuan. Tininganan niya lang ito habang umuupo sa upuan nito. Ngumiti itong muli. Nagpahiwatig na pinapaupo siya nito. Parang nanigas siya. Nang hindi pa siya umupo ay hinila siya nito. Nakatingin pa rin siya dito. Muli itong ngumiti saka tumingin sa mga tao. “Autograph?” tanong nito. Nagtilian ang mga kababaihan. Napilitan siyang ibalik ang atensiyon sa mga fans niya. Ang iba ay nagpapicture ng kasama silang dalawa at ang iba ay silang dalawa lang. Tila nag-eenjoy naman ang lalaki. Naisip niyang marahil ay dahil iyon sa atensyon. Wala na yata talaga itong pagasang magbago. Napabuntong hininga lamang siya. Maya-maya ay tinawag na sila ng direktor. Ibinagsak ni Jheric ang katawan niya sa higaan. Nakakapagod palang magtour sa Intramuros pero sulit dahil maganda ang lugar at naipreserba ang mga istraktura nito noon. Kanina, nang magbreak sila, naisipan niyang lapitan ang babae. Nagpaunlak siya sa mga gusto ng fans niyang Pilipino. Noon, pumipirma lang siya ng autograph kapag magrerelease siya ng movie at natutuwa siya dahil sa atensiyon. Ngayon lang niya nadama na matuwa sa ganoon dahil sa ligayang naibibigay niya sa iba. Magaan ito sa pakiramdam. Tila lahat ng may kinalaman sa babae ay magaan sa pakiramdam. Magaan itong kausap, kasama, at ang mga ginagawa nito ay nakakapagpagaan sa kanyang kalooban. May magic yata ang babae at nagagawa nito ang mga iyon. Sa unang pagkakataon ay nais niyang aminin na gusto niyang makilala pa ang babae at maranasan pa ang hiwagang dala nito. Nais niyang mapalapit dito. Tila ang mga mata ng puso niya, unti-unti ng bumubukas at nais niyang makita ang mga bagay na hindi niya nakikita noon. Pagkatapos nila noon sa Intramuros ay dumeretso sila sa Bulacan para sa Biak na Bato then Vigan pagkatapos ay sa Davao and now they are already in Boracay. One day ulit ang allotted day nila para makapagpahinga. One week and a half na silang nagkakausap ni Jheric and sa tingin naman ni Meg ay may kaunti ng pagbabago si Jheric. Mas mabait na ito sa kanya ngayon at sa iba pang staff and crew. Sa tuwing may meeting ay pumapasok itong maaliwalas ang ngiti at pakantakanta pa. Nang magtaping sila ay nagpabida pa nga ito ng joke. Lahat ng tao ay halos nanibago dito. Noong una ay nagkatinginan lamang ang lahat at natahimik pero ngayon ay nasanay na sila. Jheric is now learning to value small things even in a short period of time. Sa sandaling panahon din na iyon ay unti-unti na silang nagkakalapit ng lalaki. Madalas siya nitong sinasabayan sa pagkain at nagtatanong sa mga bagay- bagay. Madalas na din itong

34

makihalubilo sa iba hindi kagaya noon na lagi itong mag-isa at ang tingin sa lahat ay aksaya ng panahon. Kahit papaano ay natuto na rin ito ng ilang tagalog na salita. Nagpapaturo ito sa kanya kapag nagkakasama sila. Maya-maya ay may kumakatok na sa kanyang cabin. Naisip niyang baka si Justine iyon dahil silang tatlo ulit ang magkakasama. Si Rose ay kanina pa naman nakapag-ayos ng gamit. Dapat ay mayroon siyang solong cabin pero hindi siya sanay sa ganoon. Ang gusto niya, kung saan ang iba, doon din siya kahit pa sabihing V.I.P. siya. Kahit nga kapag nagtratravel siya ng mag-isa ay sa economy lang siya. “Come in, Tine.” Sigaw niya dito. Pumasok siya sa c.r. para maghilamos kaso nakalimutan niya ang tuwalya niya. “Tine, yung towel ko nga please.” Nakapikit na sabi niya. Nakapa niya ang tuwalya sa harap niya at pinunasan na ang basa niyang mukha. “Thank you.” “Welcome.” Boses lalaki ito. Napatigil siya sa pagpupunas at tumingin sa lalaki. Si Jheric ang nakita niya. Nagulat siya. “W-what are you doing here?” Ngumiti lang ito at hinalikan siya sa labi. Mabilis lamang iyon. Napangiti siya saka ikinawit ang braso sa batok nito. Hinalikan siya nito muli, tender and soft. Parang nagiging normal na sa kanila ang ganoon. Hindi nga lang niya alam kung ano ang ilelabel sa kanilang dalawa. “Let‟s go.” Sabi nito nang maghiwalay ang mga labi nila. “Where?” “At the beach. Let‟s go swimming.” Yaya nito. “I‟m tired.” Sabi niya dito. Napalabi ito saka siya tinitigan. “Ang ganda-ganda mo talaga.” Sabi nito na medyo slang pa. Natawa siya. Binobola na siya nito para pumayag siyang magpunta ng beach. “After the taping tomorrow, I promise.” Sa isang araw, first thing in the morning ay aalis na sila sa Boracay back to Manila. One day for rest, then they will fly back to Seoul. Nagbuntong hininga ito. “Ang hina-hina ko talaga sa iyo." Angal nito. Ginulo niya ang buhok nito. “Drama nito. Being an actor suites you.” Napapailing na sinabi niya. Humiwalay ito sa kanya at dumeretso sa higaan. Ibinagsak nito ang katawan nito sa kama. Sinundan niya ito saka pinagmasdan. “You know, you‟ve really changed a lot. And I‟m so proud of you.” Sabi niya. “My mom‟s gonna be so surprised to see me like this.” Nagbuntong hininga ito. “But I‟m not sure if she‟ll like it.” Nagulat siya. “She should.” Tumingin ito sa kanya at sinserong siyang tumitig dito. “Thank you.” Pasalamat nito. Nginitian niya ito. Pabalik na sila ng Seoul and Jheric has never been this happy in his entire life. Tama ang sinasabi ni Meg sa kanya nitong mga huling araw. He changed a lot and he

35

loved the new him. People loved him more because of it. Nagkaroon siya ng mga kaibigan at mas maganda ang kinalabasan ng show nila. It was all thanks to Meg. She made him see the world in a diferrent perspective, she taught him how to value things whether they are big, small, expensive or not. And he feels a part of heaven when she is beside him. Parang lahat ay napakaganda pag ito ang kasama niya. He has never been in love in his entire life kaya hindi siya sigurado kung love iyon but one thing is for certain, he values her more than how much he used to value his fame. Chapter 8: Hindi alam ni Jheric kung ano na ang maitatawag sa kanila. He kisses her everytime they meet, everytime they are alone, madalas silang magkahawak kamay, pero aside from it, walang spoken relationship. Sabagay, paano nga namang magkakaroon? Iniisip niyang marahil ay sila pa rin ni Ian. Hindi niya matanggap iyon, na parang pangreserba lang siya, na may kahati siya. Hindi naman niya masabi kay Meg na hiwalayan ito sapagkat baka hindi ito pumayag at sa halip ay siya pa ang layuan nito. Baka hindi niya kayanin iyon. He almost cried at the thought. Tiningnan niya ito na kasalukuyang nakasandig sa balikat niya habang natutulog sa eroplano. Hinawi niya ang buhok nito at hinalikan sa noo saka hinawakan ang kamay. Naalimpungatan ito. Tumingin ito sa kanya at dinampian siya nito ng halik sa labi. “Rest, sweet thing.” Bulong niya dito. Sumandig ulit ito sa kanyang balikat at yumakap sa braso niya. Isang sasakyan lang ang sinakyan ni Jheric at ni Meg papunta sa MBC pagdating nila sa Korea. Pagsakay pa lang nila, parang tensiyonado na si Jheric sa hindi niya malamang dahilan. Inisip na lang niyang marahil ang iniintindi nito ay ang reaksyon ng mga tao pag nalaman nilang nagbago na ito. She opened her phone at nakita niyang kanina pa pala nagtetext sa kanya si Kevin na naiwan dito sa Korea. Little Miss Sunshine, once you read this message, call me as soon as you can. Bilin nito. Tinawagan niya ito. Unang ring pa lang ay sinagot na nito ang telepono. “Little Miss Sunshine, where are you?” “I‟m at the car Kevin. Why?” “You‟ve got to go here at MBC quickly.” “We‟re on our way Kev. What‟s the problem?” tanong niya dito na medyo kinakabahan. “I‟ll show you as soon as you get here. Little Miss Sunshine, you have to ready yourself.” “Kevin this is ridiculous. What is really happening there?” “Where are you now?” “We are still at the car, Kevin. Damn it! Tell me what‟s wrong!”

36

Kinabahan siya bigla na hindi niya malaman. Something is so wrong. Tila napuno ng paru-paro ang tiyan niya at hindi siya mapakali. Hindi maintindihan ni Jheric ang gagawin niya. Pagbukas niya ng cellphone niya, ang unang bumulaga sa kanya ay si Miss Choi. She told him she already have the video tape. Nanlamig siya bigla. Nawala sa isip niya ang tungkol sa video at ngayon ay naipalabas na ito sa Korea kaninang umaga. Hindi siya makatingin kay Meg. She was talking with one of her writers at mukhang sinasabi na nito ang tungkol sa video. Pinagpapawisan na siya ng malamig. Paano siya ngayon makakapagpaliwanag dito? Damn you, Jheric! mura niya sa sarili niya. Naiinis siya sa sarili niya. Sa lahat ng mawawala sa loob niya, bakit iyon pa? Gusto niyang iuntog ang sarili sa pader pero magtataka si Meg. Binaba nito ang telepono matapos murahin ang kausap. “Hey, you‟re cold.” Bati nito nang hawakan siya nito sa kamay. “H-Huh?” Kumunot ang noo nito. Pagdating nila sa MBC ay naghihintay na ang writer nito dito. Pumulas kaagad ito pababa. “I‟ll see you later.” Sabi nito. I hope you’d still want to see me later. “Kevin, I really don‟t understand why we have to run and hide from everyone.” Sita niya dito. Hindi ito sumagot. Hila pa rin siya nito. Nang makarating sila sa isang opisina, humarap ito sa kanya. “Little Miss Sunshine, breathe.” Utos nito. Kumunot ang noo niya. Binuksan nito ang t.v. doon at may ipinakita itong sex video. “Oh my, Kevin! What the hell are you trying to do?!” “Shh. Wait. Here it comes.” Tumingin ulit siya sa screen. Nakita niya ang mukha niya. Napaurong siya bigla. “Oh shit! What the heck…” napamura siya. Hindi siya makapaniwala. Paano siya magkakasex video samantalang virgin pa siya? “Miss Choi aired that at her show this morning. They are trying to bring you down Little Miss Sunshine. I think Jheric is the one behind this. Two years ago, MBC had a new artist and she started building a name in the industry. When she became very popular, a sex video suddenly showed up. The same incident happened last year and the last was before you came.” “Why are you guys thinking that Jheric is all behind this? Do you have any proof?” hindi pa din siya makapaniwala. Una sex video, pagkatapos ay sinasabi nitong si Jheric ang may gawa nito. “All of them became close to Jheric and when they all lose their career, Jheric rose up again.”

37

Hindi siya makahinga. Binagsak niya paupo ang sarili niya sa sahig. “Be strong Meg. You have to tell them that everything is not true.” Sabi nito. Noon lang niya namalayang umiiyak na siya. “I thought he changed.” Sumandal siya sa pader at saka inuntog ang sarili. Pinabayaan lamang siya ni Kevin. Maya-maya, nagring ang phone niya. Si Rose. “I heard and watched the news. Okay ka lang ba?” “Sa tingin mo ba magiging okay ako?” humagulgol siya. “Tahan na. Labanan mo, Meg. Kaya mo iyan. Alam nating lahat ang totoo.” Iyak pa rin siya ng iyak. “Rose, take me home.” “Nasaan ka ba?” “Second floor, old avr.” “Papunta na kami ni Tine. Tahan na ha?” Binaba niya ang telepono. Maya-maya ay panay ang ring ng telepono niya. Tinatawagan siya ng CEO, tinetext siya ng press, ng pamilya niya, ng mga katrabaho niya. Lalo siyang napahagulgol. Dumating na si Rose at sinalubong niya ito ng yakap saka umiyak ulit. Pumalatak ito. “Meg, it‟s positive. Si Jheric nga ang gumawa noon. He is nowhere in sight. Kung hindi siya ang gumawa noon, he should be here at pinapatahan ka.” Sabi ni Justine. “I‟ll kill him for this.” Gigil niyang sabi. “Let‟s go.” Yaya ni Rose. Inakay siya ni Kevin. Nanlalata pa rin siya hanggang ngayon. Mawawala na ang pinaghirapan niya. Ang respeto, ang pangalan, ang dangal niya. Kinamumuhian niya si Jheric. She‟ll make sure he‟ll pay for this pagkatapos niyang tapusin ang problemang ito. Para saan pa at naging belter siya sa martial arts. Mapapatay niya ito. Akala niya ay napagbago na niya ito. She believed him, she even loved him! And she can‟t believe it. For once, mali ang naging desisyon niya na tama lang na mahulog siya sa lalaki. Nang makauwi sila ay hinang-hina pa rin siya pero pinapalakas siya ng galit. “Announce a press conference tomorrow at ten o‟clock.” Sabi niya kay Rose. “Pero hindi mo pa kaya.” “Puwes kakayanin ko Rose. Hindi puwedeng magtagal ito.” Hindi na niya hinintay na sumagot ito at sa halip ay pumasok na siya sa kwarto at kinandado ang pinto. Buong gabi siyang umiiyak. Nasaktan siya sa ginawa ng lalaki. Pinagtibay ni Meg ang loob niya bago humarap sa press. Namamaga pa ang mata niya. Pagpasok niya sa loob ay halos mabulag ang mata niya sa mga lente ng camera ng press. Umupo siya at itinaas ang kamay. Tumigil ang lahat. “I would like to clear this out before the presscon begins. I am not going to answer any question from you, but I would like you to publish and air whatever statement I am going to say.” Ngumiti siya. Mukha namang pumayag ang lahat. Nagpatuloy siya. “Well, first things first. I would like to clear out that the video is clearly edited in a certain purpose to bring me down. I am a virgin and obviously, the video is not true. I am willing to undergo tests if that would clear everything and prove that what I‟m saying is true. Second, I know who is responsible for all of these. He is also the one responsible for

38

the video of three rising stars two years ago. The evidences are all in my hands and I am going to file a case against him. Third, if ever you don‟t believe me, think about this. At an early age, my story is already an open book for everyone. I don‟t lie. Now if you‟re not gonna believe me, so what? As long as I and my family knows that what I‟m saying is true, I don‟t care about your opinion. After all, I would always be America and Europe‟s sun even if Asia dumps me. Thank you.” Bago pa makapagtanong ang press ay umalis na siya. Nang papunta na siya sa opisina ng CEO para sa resignation niya ay nakasalubong niya ang mga kasama niya sa news and public affairs team. Ang akala niya ay galit ang mga ito sa kanya, nagulat tuloy siya ng yakapin siya ni Jhi Yun. “We trust you. You don‟t have to leave Korea because of it. People would also know the truth.” Sabi nito. Naluha siya. Niyakap na din siya ng iba. “Thank you.” Bumitaw na sila. Pinahid niya ang luha niya. “You don‟t have to leave Meg.” pigil nito sa kanya. “I want to. I‟m going back home. I‟m going on a vacation and get away from evrything.” Matigas niyang sagot dito. Ngumiti ito. “We will always be here for you.” Nais na niyang mapaluha sa suporta at pagmamahal ng mga ito sa kanya. Nagpaalam siya sa mga ito at saka dumeretso sa opisina ng CEO. “Sir-” “Meg, I know it‟s not true. We all does. You don‟t have to leave.” “I‟m sorry, sir.” Sandaling natahimik ang paligid. Nagkibit balikat ito at sinabi, “If that is your decision, I respect it. I can‟t blame you. Go on and take your break. I thank you for coming into our lives.” Napaiyak na nga siya. Lumapit siya dito at yinakap ito. “Thank you so much, sir.” Ilang araw nang hindi lumalabas si Jheric sa silid niya. Galit na galit siya sa sarili niya for letting things happen. Nasa peak na siya ng kaligayahan, nasa kamay na niya ang lahat pati na ang babaeng tinatangi ng kanyang puso pero ang lahat ay nawala ng dahil sa kanyang kapabayaan. Kaya‟t hayun siya, umiiyak at nagpapakalunod sa alak. Narinig niya sa news ang lahat. Malinis na ang pangalan ni Meg pero umalis pa din ito ng Korea noong isang linggo. “That‟s alright, bro.” sabi ni Nan Kim sa kanya. Tumungga siya ng alak. “I-I didn‟t even had the chance to tell her how much I love her!” sintimyento niya dito. “I wish the idea didn‟t slip in my mind.” Nanggigigil na binato niya ang basong hawak. “Jheric, you have all the chances in the world.” Hinawakan siya nito sa braso. “Go follow her. Go follow your heart. Let it take you to the right place.” “She‟s mad at me. How am I suppose to tell her if that is the situation?” “Don‟t tell, show it.”

39

Sinunod niya ang payo ng kaibigan. Pumunta nga siya ng Pilipinas. Nagpasya siyang magpalipas muna ng ilang araw bago niya hanapin ang dalaga. Hindi niya pa alam kung paano hihingi ng tawad. Sa ikatlong araw ni Jheric doon, nagpasya na siyang tawagan ang network na pinagtratrabahuhan ni Meg. “Good afternoon GFR channel 28. What can I do for you?” “Hello, may I speak with Ms. Meg Alonzo?” “I‟m sorry but Little Miss Sunshine is currently on a vacation right now.” “Oh. Well, can I just have her number or her exact location right now?” “I‟m sorry sir but we are not allowed to give personal datas about our talents.” “For goodness sake do you know who you‟re talking to?!” naiinis na siya. Kailangan niyang makausap si Meg. “For your information, this is Jheric Yoo you‟re currently talking to!” “I‟m really sorry Mr. Yoo but we are really not entitled the right to give personal datas about our talents especially Little Miss Sunshine.” “For the last time, just give me the place she‟s into.” “I-” “This time, I won‟t take any other answer except for her location!” “I heard Little Miss Sunshine is going to Bulacan.” Mabilis na sinabi ng kausap niya na para bang natatakot. “Where in the world is Bulacan?” wala siyang ideya doon. “It‟s in the Philippines sir.” Sagot ng kausap niya. “Thank you.” Binaba niya ang telepono at umorder ng mapa sa opisyal ng hotel. “Okay, so where in Bulacan?” nagulat siya ng makitang may kalakihan pala ang Bulacan. He decided to surf the net. Maybe he could find there where her hometown is. “Anak, eto na yung gamit mo o.” Sabi ng ina ni Meg sa kanya. Pupunta siya ng Africa ngayon, yun ang latest project ng foundation niya. Pupunta siya doon kasama ang ilang volunteer para magdonate. “Salamat, nay.” “Wag mong kakalimutang inumin yung gamut mo ha?” paalala nito. “Sabi ko naman kasi sa iyo wag ka ng magpunta doon, napakatigas talaga ng ulo mo. Basta tandaan mong pag sumakit ang ulo mo, magpahinga ka na kaagad ha?” Nais niyang maiyak. Natatouch siya sa pag-aalala ng kanyang ina. Noong isang linggo, habang nasa taping ay hinimatay siya dahil sa sobrang sakit ng ulo. Ang akala niya noon ay migraine lamang iyon kaya madalas sumakit ang ulo niya, noong isang araw lang niya nadiskubreng tumor na pala iyon. Ayon sa doktor ay kailangan niyang magpahinga para maghanda sa operasyon kaya nagpasya siyang magleave ng tatlong buwan sa network na agad namang inaprubahan. Ipinagpaliban din muna niya ang pag-eenroll sa fashion school na sponsored ng network gaya na rin ng napag-usapan nila ng CEO dahil na rin sa kalagayan niya. Kaya nga nagagalit ang kanyang mga magulang, nagleave nga daw siya para magpahinga, pupunta naman daw siya ng Africa. Last na ito, promise. Kailangan ko lang talagang maglibang. I need to get him out of my system. Sabi niya sa sarili.

40

Bukas na ang alis nila sakay ng kanyang private plane. Ayaw niya munang pagkaguluhan ng mga tao ngayon. Chapter 9: Dalawang araw pa lamang siya sa Africa ay inatake na siya ng sakit niya kaya‟t kinailangan siyang iuwi sa Pilipinas at i-confine sa ospital. Ayon sa doktor, lumalala daw ang tumor niya nang dahil sa stress. Hindi daw siya dapat nag-iisip ng kung anu-ano na makakasama ng loob niya. Ilang beses na niyang kinukulit ang doktor niya na ayos na siya at gusto na niyang lumabas sa ospital pero ayaw namang pumayag ng kanyang ina. “Nay, ano ba? Lalo lang akong magkakasakit dito.” Pagmamaktol niya. “Oy Meg, ikaw nga ay magtigil diyan! Ayoko pang malagasan ng anak ah!” sagot nito na medyo nabasag ang boses at maluha-luha. “Tay, sabihan mo naman si nanay.” “Anak, tama ang nanay mo. Dumito ka na muna.” Bakas sa mata ng ama niya ang lungkot nito dahil sa kalagayan niya. Nahihiya tuloy siya sa mga magulang. Nagbuntong hininga siya saka binagsak ang sarili sa higaan. “Dahan-dahan, baka mapanu ka.” Saway ng ama niya. “Alam niyo bang parang lalo lang akong magkakasakit pagnanatili ako dito?” reklamo niya. “Jeez.” “Kasalanan ito ni Jheric.” sabi ng kanyang ama. Napatingin siya dito. “Paano naman magiging kasalanan nung bata, aber? May powers ba iyon para lagyan ng tumor yang utak ng anak mong pasaway?” banat ng kanyang ina. Ngumiti siya ng parang aso. “Tama na nga iyan. Magpapahinga na lang ako.” Iniwan siya ng mga ito. Bumuntong hininga siya. Jheric is definitely out of her life. Ilang araw na ba siya dito sa Pilipinas? Ilang araw na bang pumutok ang balita noon sa Korea? Hanggang ngayon ni hindi man lamang siya kinontak nito at kung sakali ay hindi man lamang ito humingi ng tawad. Ang tagal na niyang naghintay. Kailangan na niyang magmove-on. Namamahinga si Meg sa bahay niya sa Quezon City nang araw na iyon. Kagagaling lang niya sa ospital kahapon at ang sabi ng doktor niya ay maaari na siyang operahan sa isang linggo kung magpapahinga siya at kapag lumakas ang katawan niya. Ayaw man niyang aminin, dama niya na bawat araw ay lumalala na ang sakit niya. Nawawalan na siya ng control sa kanyang katawan. Madalas siyang madapa o kaya ay makalaglag ng mga kasangkapan. Ayaw niyang kaawaan siya ng tao kaya‟t ang kalagayan niya ay pilit niyang itinatago sa publiko. Naupo siya sa sofa at nagbasa ng diyaryo. Maya-maya ay nilapitan siya ng kanyang kasambahay. “Ma‟am may bisita po kayo.” “Sino daw?” tanong niya ng hindi binaballingan ito ng tingin. Nagkibit balikat lamang ito.

41

Nagbuntong hininga siya, ibinaba ang diyaryo at inayos ang sarili. “Sige papasukin mo na.” Umalis ito. Maya-maya ay may narinig siyang mga yabag. “Meg…” Kinabahan siya bigla. Sumikdo ang puso niya pagkarinig ng pamilyar na boses na iyon. Tumingin siya sa likod niya. “Jheric?” bulong niya. Hindi ito tumugon. Napatayo siya, subalit dahil sa lagay niya ay medyo nawawalan siya ng balanse. “Anong ginagawa mo dito?” matigas niyang tanong. “I came here to apologize.” Tinitigan siya nito sa mga mata. Napapikit siya, pinipigil ang luha. “I don‟t want to hear it Jheric.” “Meg, I‟m really sorry.” “You‟re two months too late, Jheric.” Tinalikuran niya ito at nagtungo sa kusina. Sinundan siya nito. Inabot niya ang baso ng tubig. Subalit dahil sa lagay niya, nabitawan niya ito na naging dahilan ng pagkabasag ng baso. Nagtangka itong lumapit pero tinaas niya ang kanyang kamay. “Don‟t you dare get any closer to me, Jheric! I‟m sick of you! I‟m sick of everything! I hate you so much Jheric. I hate you, I almost wish I never met you!” sigaw niya dito kasabay ng pagtulo ng luha niya. “Meg…” “Please Jheric. Let me get over you. I don‟t want you in my life any more.” Tumalikod siya dito. Nang papalabas na siya ay sumakit ang ulo niya. “Aaahhh!!!” sigaw niya sa sakit. Jheric came rushing to Meg. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Ngayon lang siya nataranta sa buong buhay niya. Nang marinig niyang sumigaw ito sa sakit ay otomatiko siyang napatakbo papunta dito. Nakita niyang sapo nito ang ulo pagkatapos ng ilang sandali ay hinimatay ito. Nagpasya siyang pangkuhin ito at dalhin sa pinakamalapit na ospital na makikita niya. Kanina pa niya hinihintay na lumabas ang doktor. Kanina pa ito sa loob at hanggang ngayon ay hindi pa ito lumalabas. “Oh God. Please. Just make her safe and I‟m ready to give up my stardom.” Dalangin niya. Ilang saglit pa ay lumabas na ang doktor. Otomatiko siyang napatayo ng makita ito. “How is she?” “Mr. Yoo, let me discuss it to you in my office.” Dinala siya nito sa opisina nito na hindi gaanong kalayuan at saka sila naupo. “What is her condition?” “Mr. Yoo, Ms. Alonzo has been under my medical supervision ever since she was a toddler. I could say that Meg has a very weak body.” Huminga ito ng malalim. “I am so glad that this is where you brought her. Meg has been keeping her poor health to the public and I have been keeping that secret for almost five years now. One month ago, Meg was brought here from her taping because she fainted. It is then that I discovered that she is suffering from a sickness.”

42

“What sickness?” “Meg has brain tumor. It‟s just lately that we have discovered it but it is already in a high stage. I suggested that she should take a rest to get ready for her operation. She is in a very sensitive condition. She is not allowed to get tired, or be mad.” “Brain tumor?” hindi siya makapaniwala. May sakit pala ito kaya ito nangayayat. At hindi lang basta sakit dahil ano mang sandali ay maaari itong bawian ng buhay. “If she gets an operation, what is her chances of surviving?” “To tell you the truth Mr. Yoo, she only has forty percent of surviving. On the contrary, if her body is too weak, she would survive but her body wouldn‟t have any responses. She couldn‟t talk, or move, she could just breathe and her heart would just pump. She could just open her eyes and hear you but she couldn‟t respond any more.” Lalo siyang napatigalgal. Tumayo siya sa upuan at lumabas ng silid. Dumaan siya sa kwarto ni Meg at tiningnan ang natutulog nitong katawan. Napaluha siya. Kasalanan niya ito. Pumasok siya sa loob at umupo sa upuan sa tabi nito. Dapat pala ay noon pa niya ito nilapitan. Dalawang buwan na siyang nananatili sa Pilipinas at naghihintay lang ng tamang pagkakataon na kausapin ito. Ang akala niya ay maaayos na ang lahat pag punta niya sa bahay nito kanina. Hinawakan niya ang kamay nito saka ito hinalikan. Gumalaw ito. Nang makita siya nito ay agad nitong binawi ang kamay at tumitig sa kanya ng masama. “Get out of here Jheric.” “Meg, I‟m sorry. The doctor told me everything...” “Masaya ka na ba ha? After what you‟ve done to me, you should‟ve been rejoicing by now.” “Meg…” hindi niya malaman kung ano ang sasabihin dito. “Get out Jheric! I don‟t need you here!” “Meg…” “Your pity is the last thing I would ever wish for Jheric! Get out!” pumatak ang luha nito. “Please…” Nilapitan niya ito. “Jheric, please. Leave me alone!” Humakbang pa siya palapit pero natigilan siya nang makita niyang sapuhin nito ang ulo. Napasigaw ito. Tumakbo siya palabas ng silid at sumigaw. “Doc, doc?” hinanap niya ang doktor. Nang matagpuan niya ito ay agad niyang sinabi dito ang kalagayan ni Meg. Tumakbo ito papunta sa silid ni Meg. Nanatili siya sa labas habang naririnig niyang sumisigaw sa sakit si Meg. Binagsak niya ang sarili sa sahig at saka umiyak nang umiyak. He felt so hopeless. Wala siyang magawa para sa taong pinakamamahal niya. All he could do is cry habang dinig na dinig niya ang palahaw ni Meg. Maya-maya ay bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang mga nurse na tinutulak si Meg habang nasa higaan ito papunta sa operating room. Napatingin siya sa doktor. “Why are you taking her there?” “The tumor has already spread in her brain and we need to do it right away or else…”

43

Napatulala siya. Iniwan na siya nito. Nanatili siyang walang imik sa loob ng ilang minuto. Gusto niyang sakalin ang sarili. Siya ang may kasalanan sa lahat ng ito. Siya lang at wala ng iba. Naupo siya sa upuan sa tabi ng operating room. Maya-maya ay dumating na ang pamilya ni Meg. Sinugod siya ng ama nito. Pinitserahan siya nito at tinulak siya sa pader. “What did you do to my daughter?!” nanggigigil na tanong nito. “If anything bad happens to my daughter, I would hunt you down.” Pinigil ito ng ina ni Meg. “Go away Jheric.” sabi nito sa kanya. Nanghihinang umalis siya sa lugar. Lumabas siya at tinawagan si Nan Kim saka ikinuwento dito ang lahat. “I feel so helpless. I… I can‟t do anything but to cry for her.” “Everything will be alright, Jheric.” “If anything bad happens to Meg, I would kill myself.” “Don‟t speak like that. Listen Jheric, everything will be just fine. Trust Him.” Binaba na niya ang telepono. “If anything bad happens to you Meg, I would follow you even in the deepest part of the world.” Pangako niya. Sumakay siya ng kotse at nagdrive pabalik ng hotel. Kukunin niya ang baril niya. Nang makarating siya sa hotel, noon nagbalik ang alaala nilang dalawa doon dati. Umakyat siya sa rooftop. Doon ang first kiss nila ni Meg. Naupo siya sa may bakod noon saka umiyak ng umiyak. Inalala niya lahat ng masasayang alaala nila. “I love the color of your eyes.” Sabi niya. Nagblush ito. Nilapit niya ang mukha niya dito at hinalikan ito sa mga labi. Iyon ang unang halik nila. Tila ang tagal niyang pinanabikan na matikman ang mga labi nito. “Meg, please. Teach me to value small things.” Jheric pleaded. Ngumiti ito sa kanya, ngiting nagdala sa kanya ng langit na kanyang pinapangarap. Nilapitan siya nito at hinalikan. Sandali lamang but it made him crave for more. Hinapit niya ang baywang nito at saka ito binigyan ng isang maalab na halik. Matagal ang naging halik nila sa isa’t-isa. Tila pareho silang matagal nang naghihintay na mangyari ito. “Sarang hamnida…” bulong niya dito. “I beg your pardon?” “Nothing.” Ngayon siya nanghinayang na hindi niya inulit ang sinabi niya rito noon. Sana inulit niya iyon para kahit papaano alam nito na mahal niya ito. Sana naalala niya ang tungkol sa video tape para hindi sila nagkahiwalay, para hindi ito namuhi sa kanya. Sumigaw siya sa rooftop saka umiyak muli. Hindi namalayan ni Jheric na nakatulog na pala siya sa rooftop. Malamig doon kaya paggising niya ay nabahing siya.

44

Binalewala niya iyon. Wala iyon sa hirap at panganib na pinagdadaanan ni Meg ngayon. Kinapa niya sa bulsa ang cellphone niya at saka tinawagan ang doktor. “What‟s the news?” tanong niya kaagad dito. “The operation is successful, but we still have to wait for her to wake up. We‟re still not sure if her body has good response to it. There are still the chances of her to wake up half dead.” Tila nanlumo siya sa sinabi nito. “How is she?” “She‟s sleeping now. She needs some rest. Her family left at two o‟clock after the operation. You could visit her until seven in the morning.” “Thank you.” Gusting-gusto niyang makita ito. Agad siyang sumakay ng elevator at nagtungo sa kotse niya saka nagdrive papuntang ospital. Nagtatatakbo siyang pumunta sa silid nito. Inabutan niya ang doktor nito. “She‟s not yet that well and there are still some precautions with her. You should not make her mad when she woke up.” Paalala nito bago umalis. Tumango siya at dumeretso sa upuan sa tabi nito saka hinawakan ang kamay nito. “Thank God you‟re safe Meg.” Sabi niya dito. Hinaplos niya ang buhok nito saka hinalikan ang kamay nito. Ika-limang araw na ni Meg na walang malay. Patuloy siyang dumadalaw dito kapag wala ang mga magulang nito. Nang minsang abutan siya ng mga ito ay nabigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag sa mga ito. Sa kabutihang palad, kinakausap na siya ng mga ito kahit papaano. Papunta siya sa ospital ng may madaanan siyang nagtitinda ng bulaklak. Napansin niya ang mapupulang tulips na tinda ng ale kaya‟t binili niya ito. Naalala niyang paborito ni Meg ang mga tulips. Inilagay niya sa vase ang mga bulaklak pagkatapos ay naupo siya sa upuan sa tabi nito. “I have to go back to Korea tomorrow, Meg.” Kwento niya dito. Nakasanayan na niyang kwentuhan ito kahit tulog ito. Ang sabi ng doktor ay maaaring naririnig siya nito. “I have a contract to sign but I promise I won‟t be that long. I‟ll be here on time to see you wake up.” Umunan siya sa kamay nito. Maya-maya ay naramdaman niyang gumalaw ito. Nag-angat siya ng mukha. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang gumagalaw ito. Maya-maya ay nagmumulat na ito ng mata. Nagbuzz siya sa doktor. Napayakap siya dito ng mahigpit. “Thank goodness you‟re finally awake.” Bumitaw siya dito. “Does your head hurt? Do you want something? Are you hungry?” natatarantang tanong niya dito. Tumitig ito ng matagal sa kanya, parang di makapaniwala. Maya-maya ay umiling ito. “Sila mama?” “They‟re out for a while.” Maya-maya lang ay dumating na ang doktor. Tiningnan nito si Meg, chineck ang BP, ang pulse rate at kung anu-ano pa. “We have to make some test to see if Meg is fine. Until such time, we still have to take precautions with her.” Sabi nito sa kanya. Tumingin ang doktor kay Meg. “But I‟m absolutely sure you‟re fine.”

45

Ngumiti si Meg. “I‟m a strong girl, right, Tito?” biro nito sa doktor. Tumango lang ito. “Gaano ako katagal natulog?” tanong nito. “Five days.” Sagot niya. Tumango-tango ito. “Paano, Meg? I have to go. I‟ll call your parents for you.” Paalam ng doktor. “Thank you po.” Pagkasara ng pinto ay lumapit siyang muli dito. “Gutom ka ba?” Umiling ito. “I‟m fine, Jheric. You don‟t have to feel guilty anymore. I‟m now fine.” Nangilid ang mga luha nito. “You can now leave.” Nagtangka itong tumayo. Napanganga siya. Inalalayan niya ito hanggang sa makaupo ito. “What are you saying? I‟m not going to leave you.” Nagkbibit-balikat ito. Chapter 10: “Meg…” nilapitan niya ito. Hinaplos niya ang mukha nito. Yumuko ito at umiwas ng tingin sa kanya. “Listen to me.” Inangat niya ang mukha nito pero hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. “I‟m not going to leave you. I won‟t allow anything to happen that would make us apart again. I can‟t take it.” “You don‟t have to say it Jheric because of guilt. I understand everything. You did it for your work. You don‟t have to say anything sweet to me so I can forgive you.” Tumitig ito sa kanyang mga mata. “I don‟t want to feel that pain anymore.” “Tell me, do you love me, Meg?” tanong niya dito. Hindi ito sumagot. “Do you love me?” ulit niya. “Yes.” Bulong nito. “So much, that it hurts.” Pag-amin nito. Napangiti siya at saka yumuko. He kissed her gently and full of caution. “Umalis ka na, Jheric.” Taboy nito sa kanya na halos umiyak na. “Meg… I know I‟ve caused you a lot of pain and I am really, really sorry.” Pumikit ito saka huminga ng malalim. “Pinapatawad na kita. You are now free of guilt. Go back to Korea, Jheric. I know you need it.” Magsasalita pa sana siya pero bumukas ang pinto ang iniluwa noon ang mga kapamilya ng Meg. Lumabas muna siya upang bigyan ng oras ang mga magulang at kapatid ni Meg na makasarili ito. Alam niyang kagaya niya ay nananabik na rin ang mga ito sa babae. Pag-upo niya ay hindi niya namalayang kasunod niya pala ang ama ni Meg. “Sir.” Nagbigay-galang siya dito. Nginitian niya ito. “I was wrong about you, Jheric.” Tumingin siya dito. “I know how much you love my daughter. I‟m sorry for judging you wrong.” Ngumiti siya dito. “I understand, sir.” “My daughter is the most important woman in my life, next to my wife and my mother. I hope you understand that as his father, ayoko siyang makitang nasasaktan.” “Naiintindihan ko po.” Hinawakan siya nito sa braso. “Salamat.”

46

Babalik na sana ito sa loob pero pinigilan niya ito. “Sir, I‟m going back to Korea tomorrow…” Kumunot ang noo nito. “Hindi ka ba magpapaalam kay Meg?” Umiling siya. “It seems that she won‟t give me the chance.” Tumangu-tango ito. “Mag-ingat ka na lang, hijo. Salamat ulit.” Ngumiti siyang muli dito. “Salamat din po.” Tumuloy na ito sa pagpasok. Nakalabas na si Meg sa ospital at pinayagan na siyang sa bahay na siya magpahinga. Ilang linggo siyang bed-ridden at kinailangan niyang gumamit ng wheelchair at sumailalim sa isang therapy ng ilang lingo dahil pakiramdam niya‟y hindi na siya marunong maglakad. Malungkot siyang tumanaw sa hardin niya. Tama ang hinala niya. Naggi-guilty lang si Jheric kaya siya nito pinuntahan sa ospital at binantayan. Nang sinabi niyang pinapatawad na niya ito ay nilayasan na siya nito at bumalik ng Korea. Pinatawad niya ito dahil ang umasa siyang may pag-asa sa kanilang dalawa pero tama pala ang hinala niya. Nagbuntong-hininga siya at nagtungo sa sala upang manood na lamang ng telebisyon. Nabisita na siya ng mga kasamahan niya sa trabaho noong nasa ospital pa siya. Maging ang mga nagging kasama niya noon sa Korea ay nabalitaan na pala ang nangyari sa kanya kaya‟t noong isang araw lang ay nagpadala ang ito ng get well soon gift sa kanya. Pagbukas niya ng telebisyon ay isang celebrity talk show ang palabas. “Little Miss Sunshine, totoo nga bang nagkasakit siya kaya nawala siyang bigla?” tanong ng host sa isa sa mga kasamahan niya. Hindi niya yata alam na iinterviewhin ito tungkol sa kanya. “No, hindi totoo iyon. Nagpapahinga lang si Meg dahil sa sobrang stress.” Pagsisinungaling ng kasamahan niya. “Stress? Totoo ba ang napapabalitang naging sila ng sikat Korean artist na nagkalat ng fake na sex scandal niya noon?” tanong pa ng host. “Jheric and Meg has never been an item. Alam naman nating lahat that Meg is very professional kaya malabo na makipagrelasyon siya sa katrabaho niya.” Napangiti siya dahil sa pagtatakip na ginagawa ng mga kasamahan niya sa kanya. She owe them big time. “Kung ganoon bakit umalis kaagad siya sa Korea at nawala sa sirkulasyon?” kulit pa nito. “Nagpapahinga lang si Meg. We advised her to. And she has to prepare para sa pagpasok niya next school year sa fashion designing school sa France.” “Ibig sabihin aalis na talaga ang Little Miss Sunshine sa harap ng camera?” “No. Magrereport pa rin siya, tuloy ang trabaho niya this year after ng vacation niya pero next year madalang, but not totally hindi, na natin siyang makikita sa t.v.” Tumango-tango ang host. “Actually, the network is planning na ipadala na lang muna siya sa isang network doon sa Paris.” “Parang yung nangyari noon kaya siya pinadala sa Korea.” “Yes.”

47

Tumangu-tango muli ang host. “So, ayun po mga kaibigan. Hindi totoong nagkarelasyon si Little Miss Sunshine sa isang Koreanong artista at hindi rin po totoong nagkasakit siya. The Little Miss Sunshine is fine.” Muli itong bumaling sa kasamahan niya. Nahuhulaan na ni Meg kung ano ang susunod na tanong nito sa kasamahan niya. Paniguradong uusisain nito ang tungkol sa on process na paggawa ng nobela niya sa pelikula sa hollywood. Napag-usapan na nila ni Steff iyon na ito na muna ang mamahala doon habang nagpapagaling siya. Noong isang buwan pa iyong sinimulang gawin at gusting-gusto niya ang mga linya ng artistang ipinasok doon. “Kamusta na nga pala ang Hawaiian Winter?” tama siya. Iyon nga ang itinanong ng host. “Sa ngayon, wala akong balita doon. Iwanan na lang natin ang detalyeng iyon kay Meg kapag nagpaunlak na siya ng interview.” Iwas ng kasamahan niya. “Pero balita namin magaganda ang linya ng mga artistang kinuha doon.” Nagkibit-balikat ang kasamahan niya. “Meg, anak.” Tawag ng ina niya mula sa likuran niya. “May tawag ka.” “Sino po?” tanong niya. Wala naman siyang inaasahang tawag nang hapong iyon. Hindi sumagot ang ina niya bagkus ay ipinasa na lamang nito ang telepono sa kanya. Nagtatakang itinapat niya ang telepono sa tenga. “Hello. Meg Alonzo speaking. Sino „to?” “Good afternoon, Ms. Alonzo.” Sagot ng hindi pamilyar na tinig ng babae sa kanya. “This is Kristina Arellano of UP Diliman College of Mass Communication. May gaganapin po kasi kaming seminar sa isang araw, and you are one of our award winner.” “Hindi ba pwedeng I‟ll send a representative na lang?” “We would gladly appreciate your presence there, Ms. Alonzo.” Napangiwi siya. “I‟ll try my best to attend. Sa UP ba? What time?” “Seven pm, ma‟am. Hindi po sa UP gaganapin ang event. Sa restaurant po ng Manila Hotel, ma‟am.” “I see. I‟ll call if ever I can make it or not, okay?” “Thank you po.” “Sigurado ka bang kaya mo nang pumunta, Meg?” paninigurado ng ina niya sa kanya habang nag-aayos siya papuntang hotel. “Perfectly, Ma.” Nginitian niya pa ito para hindi na ito mag-alala pa. “Ipahahatid kita kay Ian.” “Ma, wag na. Kailangan niyang matulog ng maaga dahil maaga pa ang pasok noon bukas. Kaya ko na.” “Kaya na ng anak mo iyan.” Suporta ng ama niya sa kanya. “Ayan ka nanaman ha?” baling ng ina niya sa ama niya. “Hindi ka ba nag-aalala para sa anak mo?” “Ilang buwan na ba nang maoporeahan iyan?” tumawa ang ama niya. “Wag mo nang pigilan iyan at baka mahuli pa sa lakad niya.” Ngumiti siya ng malawak. “Aalis na po ako.” Humalik siya sa mga magulang at sumakay na sa sasakyan niya.

48

Pagpasok niya sa hotel ay agad siyang iginiya ng hotel boy sa isang hall. Nagtaka pa siya nang walang nakitang mga estudyante doon o kahit na sinong tao. Pagpasok niya sa isang event hall ay nakita niyang iisa lamang ang lamesa doon at may upuan ito para sa dalawa. Nilingon niya ang hotel boy. “Sigurado ka bang dito mo ako dapat dalhin? Sa seminar ako pupunta.” “Ma‟am, sumusunod lang po ako sa utos.” Iginiya siya nito paupo sa silya at saka ito nagpaalam na. Nagtatakang inilibot niya ang paningin. Walang ibang tao doon kundi siya. Mayamaya ay pumailanlang ang tugtog ng violin. Lumapit sa kanya ang violinist at tinugtugan siya. Pag lingon niya sa kabilang gilid niya ay may kamay nang nakalahad sa harap niya. Tiningnan niya kung kanino nanggaling ang kamay. “Jheric?” nagulat siya nang makita itong nakatayo sa gilid niya. Biglang dumagundong ang puso niya. Napakaguwapo nito sa suot nitong amerikano. “A-anong ginagawa mo dito?” Nginitian siya nito saka dinampot ang kamay niya na nakapatong sa hita niya. Hinila siya nito patayo at dinala sa gitna ng hall. Pagdating nila sa gitna ay nagsimula itong magsway. Nagpadala na lang siya dito. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya ulit. Hindi ito sumagot pero malawak ang pagkakangiti nito. Kumunot ang noo niya. “Wag mong sabihing ikaw ang may pakana nang tawag na iyon!” Ang ngiti nito ang nagkupirma ng lahat. “Sabi ko naman sa iyo pinatawad na kita „di ba?” “I know.” “You don‟t have to make up for it.” “But I want to.” Na-disappoint siya sa sinagot nito. Inaasahan niyang may sasabihin ito bukod doon. “Take me home.” “I could, but I won‟t.” Marahas na napatingin siya dito. “Ipinagpaalam kita sa papa mo.” Pag-iistruggle nitong magtagalog. Nanlaki ang mata niya. “Kaya pala todo suporta siyang paalisin ako kanina.” Bumuga siya ng hangin. Bumitaw siya dito. Inipon niya lahat ng disappointment, galit at inis niya dito saka niya ito pinagbabayo sa dibdib. “Nakakainis ka! I hate you! I hate you! I hate you!” Hinuli nito ang kamay niya. Nagulat na lang siya nang mamalayang umiiyak na pala siya. Hinila siya nito saka niyakap. “I‟m sorry for everything.” Umiyak lang siya sa dibdib nito. “I hate you!” bulong nito. Naramdaman niyang hinahalikan siya nito sa ulo. Hinawakan nito ang mukha niya saka itinaas iyon paharap sa kanya. Pinahid nito ang mga luhang naglalandas sa pisngi niya. “Meg…” usal nito sa pangalan niya bago siya nito hinalikan sa mga labi.

49

“Sarang hamnida.” Paulit-ulit niyang bulong sa pagitan ng halik niya dito. Tinugon nito ang kanyang halik at napangiti siya dahil doon. Binaba niya ang mga kamay niya sa baywang nito at hinapit ito palapit sa kanya. Kinawit naman nito ang mga braso sa kanyang leeg at saka diniinan ang paghalik. Tiningnan niya muli ito at nang makita niyang nakatingin ito sa kanya ay inulit niya ang sinabi niya kanina, ang bagay na matagal na dapat niyang sinabi dito. “Sarang hamnida. I love you. Mahal kita.” Ngumiti ito sa kanya ng malawak habang parang maiiyak nanaman. “Mahal din kita. Mahal na mahal.” “I know.” Nakangiti niyang tugon dito saka muli itong hinalikan, mas malalim, mas puno ng pagmamahal at pananabik. “You have no idea how much I longed to be with you again.” Bulong niya dito. Humagikgik ito. “I missed you terribly Jheric.” Dinampian niya ng halik ang noo nito. “I‟m really sorry for what I‟ve done Meg. I forgot everything about the tape as I was enjoying myself in your company.” “I forgive you.” “If you want I‟m ready to start a new life. A life with no super stardom… a life without pride… a life far from the world I used to know.” Tinakpan nito ang bibig niya gamit ang isang daliri nito. “You don‟t have to do it.” Sumilay ang pilyang ngiti nito. “Baka lalo kang magmukhang dying light bulb lang sa tabi ko.” Napangiti siya sa sinabi nito. In that instance, he knows his Meg is back. Dinampian niya ng halik ang labi nito. “I love you more than anything in this world.” “I love you, too.” “Very well then, will you marry me?” Nanlaki ang mga mata nito. Lumuhod siya sa harap nito saka dinukot sa bulsa ang kahitang naglalaman ng binili niyang diamond engagement ring para dito. “Will you marry me, Meg Alonzo? Will you marry a dying light bulb, Little Miss Sunshine?” Napaluha ito at niyakap siya. “I will, for goodness sake!” bulalas nito. Sinuot niya dito ang singsing at saka tumayo upang halikan itong muli. “Paano ang mama mo?” tanong nito sa kanya. “My mom would surely love you.” Paninigurado niya dito. Nagkausap na sila ng ina bago siya magpunta dito upang alukin ito ng kasal. Nagulat siya sa naging reaksyon nito dahil gusting-gusto nito ang ideyang magiging kapamilya na nito si Meg. “I love you Little Miss Sunshine.”

50

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful