TANDAAN NG LIDER
Ito ang mga mapag-uusapan sa kuwentong ito. Ito ang gusto nating mas maintindihan ng grupo Ang Dios ang Manlilikha at Siyay dakila at makapangyarihan. Ang tao ay nilikha sa larawan o wangis ng Dios. Lahat ng kailangan ng tao para mabuhay nang may kasiyahan ay ibinigay ng Dios. Nilikha ang tao para sa walang-hanggang buhay. Binigyan ng Dios ang tao ng kalayaang pumili kung magtitiwala sa Dios o sa sarili. Nagrebelde ang tao at pinalayas sa presensiya ng Dios. Walang karapatan ang taong husgahan kung ano ang mabuti at masama; Dios lang ang may awtoridad dito. Hinahabol ng kabutihan ng Dios ang tao, kahit na silay mga rebelde. May misyon ang Dios na binigay din niya sa tao.
IPAALALA SA GRUPO
Lalo na sa simula ng grupo, ipaalala ang mga ito para maging maganda at makabuluhan ang kuwentuhan. Nandito tayo para matuto at magbago; hindi lang basta kuwentuhan, kundi naisin ding mapalapit sa isat isa para tumibay ang samahan. Magkaroon ng kasiyahan, maging tuluy-tuloy ang kuwentuhan at makibahagi lahat. Tanggapin anumang hamon (challenge) mula sa kaninuman sa grupo; magtanong at mag-isip. Maging totoo at ipahayag ang nararamdaman; bawat personal na bagay na pag-usapan ay confidential at di dapat ibahagi sa iba. Subukang sagutin ang mga tanong na galing din Kuwento ng Biblia. Lahat naman ng kailangan nating matutunan sa Dios at sa tao ay makikita sa Kuwentong ito.
SIMULAN
Maaaring simulan ang pag-uusap sa ganitong tanong Ano ang gusto mong makita sa mundong tinitirhan natin na iba sa nangyayari ngayon? Di ganyan ang nakikita natin ngayon, pero may panahon na ang mundo natin at buhay ng tao ay katulad ng isinalarawan ninyoat darating ang araw na ibabalik ng Dios sa dati ang lahat ng ito. Ipinakita sa Biblia kung paano gagawin iyon ng DiosSimulan natin sa pinaka-simula ng Kuwento ng Dios
THE STORY OF GOD: Kuwentuhan sa Buong Kuwento ng Bibliya Week 1 Isang araw, ang pinakapuno sa mga anghel na ito ka? Kumain ka ba ng bunga ng punongkahoy na sinabi na si Satanas ay nag-anyong ahas at lumapit kay Eba. ko sa iyo na huwag ninyong kakainin? Sinisi ni Adan Tinanong niya ang babae, Totoo bang pinagbawalan ang asawa niya at ang Dios, Ang babae po kasi na kayo ng Dios na kumain ng bunga ng alin mang puno ibinigay nyo sa akin ay binigyan ako ng bunga ng sa halamanan? punongkahoy na iyon at kinain ko. Bakit mo ginawa Sumagot si Eba, Hindi, puwede naman naming iyon?, tanong ng Dios kay Eba. Sinisi naman ni Eba kainin lahat puwera lang dun sa Puno na Nagbibigayang ahas, Nilinlang po kasi ako ng ahas, kaya kumain Kaalaman ng Mabuti at Masama. Sinabi ng Dios na po ako. kapag kinain namin iyon, o hinawakan man lang, tiyak Kaya sinabi ng Dios sa ahas, Dahil sa ginawa na mamamatay kami. mong ito, sa buong buhay moy gagapang ka sa Sabi ng ahas sa kanya, Hindi totoong pamamagitan ng iyong tiyan at ang bibig mo ay mamamatay kayo! Sinabi iyan ng Dios dahil alam niya palaging makakakain ng alikabok. Ikaw at ang babae na kapag kumain kayo ng bungang iyon, mabubuksan ay mag-aaway. Ang lahi mo at ang lahi niya ay magang mga isip ninyo, at magiging katulad niya kayo na aaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin nakakaalam kung ano ang mabuti at masama. mo ang sakong niya. Nang makita ni Eba na maganda at mukhang Nalungkot ang Dios sa ginawang pagsuway ng masarap ang prutas na iyon, at dahil gusto niyang tao, pero di niya puwedeng palampasin lang iyon. maging marunong, pumitas siya at kumain. Binigyan Lahat ng ginagawa ng Dios ay mabuti, tama at din niya ang asawa niya, na katabi niya, at kumain din perpekto dahil makatarungan siya dapat lang na si Adan! Pinili nilang di maniwala sa Dios kundi sa parusahan ang kanilang pagrerebelde sa kanya. Kaya kasinungalingan. Noon din ay nabuksan ang kanilang pinarusahan sila ng Dios at pinalayas sa hardin isip at nalaman nilang hubad sila kayat nahiya sila at malayo na sa naranasan nilang pangangalaga at pagnatakot. Kumuha sila ng mga dahon at pinagtagpiiingat ng Dios. Dahil di na sila nagpasakop sa Dios, tagpi para pantakip sa kanilang katawan. pumasok ang sakit, hirap, sirang relasyon at Pagdating ng hapon, narinig nila ang Dios na kamatayan sa buhay ng tao. Sa kabila noon, patuloy dumarating, kaya nagtago sila sa likod ng puno. pa ring ipinakita ng Dios ang kanyang pag-ibig kina Tinawag ng Dios si Adan, Nasaan ka? Sumagot si Adan at Eba tumahi pa nga siya ng damit para sa Adan, Narinig ko po kayong dumarating, kaya kanila na mula sa balat ng hayop na pinatay niya. nagtago ako. Natatakot po ako dahil hubad ako. Ginawa niya para sa kanila, para matakpan ang Sumagot ang Dios, Sino ang nagsabi sa iyo na hubad kanilang kahihiyan.
PAG-USAPAN
Ito ay usapan (discussion) at hindi Q & A portion. Ang mga tanong ay pwedeng gamitin ng lider para masimulan ang pag-uusap. Ang mga sagot ay gabay lang para makatulong sa lider na magabayan ang grupo na makita ang mga pangunahing ideya sa kuwento. Tanungin din kaugnay ng sagot nila kung saan nakita sa kuwento iyon. Gawin ito pagkatapos ng kuwento ng bawat eksena.
Week 1
5. Anong klaseng relasyon meron ang tao sa isat isa? MalapitSi Eba galing sa katawan ni AdanHubot hubad at di nahihiya. 6. Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng dalawang puno sa gitna ng hardin? 7. Sa tingin mo bay nilikha ang tao na mabuhay nang walang hanggan (di mamamatay)? Saan sa kuwento makikita iyon? 8. Ano ang natutunan natin tungkol sa Dios sa eksenang ito? Pinagmumulan ng lahat ng pagpapala Makapangyarihan, Manlilikha ng lahatIpinapakita sa tao kung paano mamuhayIpinagkatiwala sa tao ang pangangalaga sa kanyang nilikhaNagbibigay ng lahat ng kailangan ng taoNasisiyahan sa kanyang ginawaNaglaan ng araw ng pahinga. 9. Ano ang natutunan natin tungkol sa kahulugan o layunin ng buhay ng tao? Bakit tayo naririto? Saang bahagi ng kuwento makikita natin iyon? Para masiyahan at matuto sa DiosGugulin ang panahong kasama siya at namumuhay ayon sa kanyang kalooban. 10. Anong kaibahan nito sa buhay at pag-iisip ng mga tao ngayon?
KARAGDAGANG PAGSASABUHAY
Bagamat kasama na sa usapan ang mga tanong kung paano isasabuhay, ang mga ito ay karagdagang puwedeng pag-usapan ng grupo: Kung totoo ang pinag-usapan natin ngayon, paano ito nakakaapekto o dapat makaapekto sa iyong buhay? Paano ito makakaapekto sa grupo natin at sa church natin? Paano ito makakaapekto sa pamilya natin, sa relasyon natin sa ibang tao at sa mundo?
Source: The Story-Formed Way Leaders Guide, available as pdf download from Soma Communities (http://www.gcmcollective.com/article/storyformed-way/)