Conchita L.

Panganiban BSBA I-A

FIL102

Kasalan sa Nayon BANGHAY: Sa isang nayon ay Masaya at magiliw na nagsasaya ang mga tao dahil sa nagaganap na isang kasalan. Isang Masaya at masaganang handaan ang idinaos dahil sa kasal ng panganay na anak nina Mang Isko at Aling Inday. Matagumpay naman nilang nairaos ang kasalan kasabay nito ang pagpaplano ni Roberto, bunsong anak nina Mang isko at Aling Inday, na pagpapakasal niya sa susunod na linggo ngunit ang kanyang mga magulang ay lubos na nababahala kung saan sila kukuha ng pangtustos para sa kanyang kasal lalo na at katatapos pa lang pagkagastusan ang kasal ng nakatatanda niyang kapatid. Dumating na nga ang araw ng kasal nina Roberto at Hilda. Isang magarbong kasalan nanaman ang naganap sa kanilang nayon na lubos namang ikinasaya ng kanilang mga kababayan dahil sa mayroon na namang kainan ng iba¶t ± ibang putahe ng pagkain. Labis na ikinatuwa ni Roberto ang surpresa ng kanyang ama dahil sa inaakala nito na hindi siya mabibigyan ng isang magarbong kasal ay higit pa sa kanyang inaasahan ang nangyari tulad ng kasal ng ni Antonio. Masaya ang lahat sa kasalan ngunit ng matapos ang handaan, kanya-kanya ng uwi ang mga bisita habang sila Roberto ay nagtungo na sa kanilang tahanan upang makapagpahinga dahil na rin sa sobrang paod mula sa okasyon. Natapos na nga ang buong araw na okasyon at nababahala na ngayon sina Mang Isko at Aling Inday kung paano nila mababayaran ang inutang na pera kay Mang Nikor na ginamit sa kasal ng kanilang mga anak. Hindi napansin ni Mang Isko na lihim na nakikinig si Roberto sa kanilang usapan at dahil sa narinig ay labis niya uitong ikinalungkot. TEMA: Ang kasal ay isang sagradong Gawain lalo na sa mata ng Diyos. Ito ang proseso ng pag-iisang dibdib ng isang lalaki at babae. Dito nasasabing magsisimula na ang bagong kabanata ng buhay para sa mga bagong kasal o bagong mag-asawa. TAGPUAN: Sa isang Nayon PANANAW: 3 Person
rd

TAUHAN: ROBERTO ± Ang nakababatang kapatid ni Antonio at siya ang pangunahing tauhan sa kuwento. ALING INDAY - Ang ina nina Roberto at Antonio MANG ISKO ± Ang ama nina Roberto at Antonio MANG NIKOR ± Ang Punong Bayan sa nasabing nayon at ang pinagkakautangan ni Mang Isko. HILDA ± Ang babaeng mapapangasawa ni Roberto ANTONIO ± Ang nakatatandang kapatid ni Roberto TUNGGALIAN: Nang magkaproblema sina Mang Isko at Aling Inday kung paano nila matustusan ang kasal ng kanilang mga anak gayong hirap sila sa buhay at kulang na kulang ang kanilang mga ipon para s mga anak.