Mukha ng Kamusmusan

(talumpati ni Baby Joy V. Abad) Magandang araw sa inyong lahat. Nandito ako upang ibahagi at imulat kayo sa tunay na kalagayan ng mga kabataan dito sa mapaglarong mundo ng kamusmusan. Kaganapang patuloy na nananalanta sa ulirat ng bawat kabataan na sumisibol pa lamang o banyaga sa tunay na realidad ng buhay. Ikaw, ako, tayo! Mga kabataang sumisimbolo sa liwanag ng bukas. Ngunit ikaw bilang kabataan, ano nga bang naging papel mo sa iyong lipunang ginagalawan? Saan ka nga ba nabibilang, sa dambana ng pag-asa o sa pusod ng karimlan? Kabataan, dapat kang matakot, dapat kang kilabutan sa mga pangyayaring tila sakit na lumalaganap sa lipunan. Pawang agos ng tubig na magpipilit humanap ng daan at maaring makapaminsala. Ang agos na siyang sumisira sa marupok na pundasyon ng lupa. Maging susi ka na magbubukas ng pintuan at hindi maging dahilan ng pagsara nito. Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki. Ang paglaki hindi lamang ng sukat,timbang o kaanyuan kundi ang paglaki ng kaugalian at katauhan kaakibat na rin ang responsibilidad na gagampanan. Ngunit ating gunitain ang masakit na katotohanan na sa modernong panahong ito, ang mga kabataan ay makikita kung saan-saan. Mayroong nasa cabaret at nagliliwaliw sa halip na nasa kanilang mga tahanan. Mayroong maagang namulat sa pagkayod at pagbabanat ng buto sa halip na nasa paaralan. Maraming mga kabataan ang maagang naging mga magulang at nalunod sa masamang bisyo na nagdudulot sa mga ito upang makagawa ng kaliwa¶t kanang kasamaan na nagsasadlak sa putik ng kahihiyan at kahirapan, sa piitan! Ito ba ang larawang ating iguguhit sa libro ng kasaysayan? Sino bang dapat sisihin? Walang iba..kundi ikaw! Hindi ang ating mga magulang, kaibigan o sino pa man. Ikaw na nagmamay-ari ng manubela ng iyong buhay at ikaw na lumihis sa tuwid na daan at gumawa ng sariling direksiyon patungong kawalan. Gayunpaman kapwa ko kabataan, hindi rito nagtatapos ang kabanata ng buhay. Tayo parin ang pag-asa ng bayan. Mapalad ka kaya¶t mag-aral ng mabuti¶t edukasyo¶y pahalagahan upang sa susunod na henerasyon, maging lider na maasahan. Mga nakakatanda¶y pakinggan, mga magulang ay bigyang galang. Makilahok sa iba¶t ibang mga organisasyon na nagbibigay tugon sa mga problema ng komunidad. Maging responsableng kabataan di lamang sa salita maging sa kilos at gawa. Huwag ibaling ang atensyon sa pansamantalang kaligayahan bagkus sa mga kapaki-pakinabang na mapaglilibangan. Makibahagi at makisangkot sa mga isyung panlipunan upang mas maunawaan ang tunay na kalagayan ng ating Inang Bayan. Hindi bukas, sa isang araw o sa isang taon ang araw ng pagbabago. Simulan natin«Ngayon! Wika nga sa Banal na Kasulatan ³kung ikaw ay tamad hindi mo kailanman makakamit ang iyong minimithi, ngunit kung ikaw ay magtatrabaho ng puspusan makukuha mo ang kayamanan´. Kumbaga sa isang masukal at mapanganib na kagubatan na hindi nalalayo sa daigdig na ginagalawan ng tao, kinakailangang gamitin ang natatanging angking talino, lakas, kakayahan at tapang upang harapin ang masalimuot na paglalakbay upang magtagumpay. Gumising at dumilat ka katoto ko! Hindi pa nagwawakas ang pahina ng iyong libro. Ang marungis na mukha¶y iyong hugasan at punasan. Ang naudlot na paglaki ay muling balikan. Ngayon kaibigan, tanging tanong ko¶y saan nga ba ihahatid itong bayan, sa dambana ng pag-asa o sa pusod ng karimlan? Manubela¶y ilihis sa tamang daan nang hindi maligaw sa paroroonan. Ang tatlong bituin na siyang gagabay at ang Haring Araw na magbibigay liwanag sa madilim na daan. Pula¶y ating iwaksi at asul nawa ang maghari sa isipan. Magtiwala tayo sa kapangyarihan ng Poong Maykapal upang ang Perlas ng Silangana¶y maiangat sa kinasadlakan. Lakas ng kabataan. Kapag pinagsama-sama¶y isang kinabukasan ang mabibigyang buhay! Kabataan ako, ikaw, sila«tayo. Mabuhay ang kabataang Pilipino! Maraming salamat po«