You are on page 1of 1

Macaraig, Klyde Ann M. T2B Rizal, isa bang duwag na bayani?

Ipinakita sa pelikulang Rizal sa Dapitan ang mga ginawa niya sa pagtigil niya duon ng apat na taon. Siya ay nagbigay ng libreng edukasyon sa mga kabataang walang kakayahang makapag-aral. Ipinakita din ang relasyon niya sa kanyang pamilya, kay Josephine, at sa simbahang Katoliko. Sinasabi din na pinapakita rin sa pelikulang ito na si Rizal ay maaaring isang duwag na bayani. Ang pananahimik ni Rizal ay hindi nating masasabing kaduwagan. Masasabi nating ito ay katapangan sapagkat hinarap niya lahat ng hatol sa kanya ng mga prayle. Maaaring hindi nga siya lumaban sa kanila, pero sa maliliit na paraan ay naipakita niya ang paglaban niya sa kanyang sariling paniniwala ukol sa katayuan ng ating bansa. Naging matapang siya at binalewala niya lang ang lahat ng paratang sa kanya ng mga prayle. Hindi siya nagpaapekto sa mga sinasabi ng mga prayle patungkol sa kanya. Sa halip ay pinagpatuloy niya kung anu ang kaniyang nasimulan sa Dapitan. Ang pagtanggi ni Rizal sa alok ng isang Katipunero na siya ay itakas sa Dapitan ay hindi din nating masasabing kaduwagan. Oo, tanggap niya na ang ganung pamumuhay sa Dapitan. Wala na nga siyang balak na lumaban pa sa mga prayle, ngunit hindi nawala sa kanya ang pagiging makabayan, ang pagnanais na makawala ang ating bansa sa pamumuno ng mga Kastila. Ipinasa niya lahat ng kanyang mga nalalaman at mga paniniwala sa kanyang mga estudyante, sapagkat naniniwala siyang sila nalang ang pag-asa ng ating bayan. Sa ganung paraan ay naipaglaban pa rin niya ang ating bayan. Ang simple, maliit, at sinasabi nating isang kaduwagan lamang na paraan na iyon ay malaking bagay na kung susuriin natin. Ito ang nagpamulat sa mga kabataan at iba pang mga mamamayan sa kalupitan ng mga prayle at mga Kastila. Siya ang nagturo sa kanyang mga estudyante na maging matapang, matatag, at matalino. Ang pagiging matapang ay hindi ibig sabihin ay hindi kana nakakaramdam ng takot. Hindi ibig sabihin ay duwag ka na kung ikaw ay natakot. Si Rizal ay maaari ngang kuntento na o tanggap na niya kung hindi man siya makalaya sa Dapitan, subalit hindi pa rin siya tumigil ipaglaban kung ano ang kanyang pinaniniwalaan. Kahit mula noong buhay pa siya, kaya na niyang manghimok ng mga taong maging mas mabuti, mas matuwid at mas magaling sa kanyang sarili. Naging inspirasyon siya ng marami kaya siya naging isang bayani at hindi lang basta bayani, kundi isang magiting na bayani. Walang takot niyang hinarap lahat ng paratang sa kanya ng mga prayle, lahat ng parusang ibinigay sa kanya at ng kanyang pamilya. Siguro ang pananahimik ni Rizal sa Dapitan ay isa lamang panakip sa maliit na paraan niya upang makatulong sa ating bansa. Maaaring ninais nga niyang manahimik nalang sapagkat nagawa na niya kung anu ang dapat. Sinusubukan pa di naman niyang makalaya pero kunteto na din siya sa kung anung meron siya sa Dapitan. Gaano man kadaming isyu ang ibato kay Rizal, sa huli, ano man ang paraan ng pagbasa at pagkilala kay Rizal ay mananatili pa rin siya bilang tinagurian pambansang bayani ng Pilipinas, isang bayaning may dakilang hangarin para sa bansa at handang isakripisyo ang sarili para sa kanyang ipinaglalaban.