You are on page 1of 2

Ateneo de Zamboanga University High School DEPARTAMENTO NG FILIPINO Ponema ang pinakamaliit na yunit ng isang makabuluhang tunog. (Hal.

. a) Morpema ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. (hindi na maaaring hatiin pa nang hindi masisisra ang kahulugan.) Ito ay maaaring salitang-ugat o panlapi. Pagbabagong Morpoponemiko Ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng katabing letra nito.

MGA URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO


1. Asimilasyon Ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensay ng katabing tunog. - Pagbabago sa panlaping nagtatapos sa -ng a. Ang mga salitang nagsisimula sa / d, l, r, s, t / ay inuunlapian ng (sin-) at (pan-) o ang /ng/ ay nagiging /-n/. Hal. sing + tindi = sintindi Pang + laban = panlaban b. Ang mga salitang nagsisimula sa /b, p / ay inuunlapian ng (sim-) at (pam-) o ang /-ng/ ay nagiging /-m/. Hal. pang + bato = pambato Sing + bagal = simbagal c. Ang mga salitang nagsisimula sa patinig / a, e, I, o, u / at katinig na / k, g, h, m, n, w, y / ay inuunlapian ng (sing-) at (pang-) o walang pagbabagong nagaganap sa /-ng/. (gagamit ng gitling kapag ang salitang
dudugtungan ng nasabing panlapi ay nagsisimula sa patinig.)

Hal. sing + ganda = singganda Pang + ihaw = pang-ihaw DALAWANG URI NG ASIMILASYON 1). Asimilasyong parsyal o di ganap ang pagbabagong naganap lamang dito ay nasa pinal na panlaping /ng/. Hal. sing + tindi = sintindi Pang + bansa = pambansa Pang + katuwaan = pangkatuwaan 2). Asimilasyong ganap Nagaganap ang mga pagbabagong ito kapag maliban sa mga pagbabagong nagaganap sa / - ng/ ay nawawala pa ang sumusunod na unang titik ng salitang ugat at 1

nananatili lamang ang tunog /n/ o /m/. Hal. pang + baril = pamaril Pang + takot = panakot Pang + tahi = panahi 2. Pagpapalit ng Ponema a. Kapag inuulit ang pantig na may tunog na /o/, karaniwang nagiging /u/ kapagikinakabit sa iba pang salita. Hal. sino + sino = sinu-sino Taos + puso = tauspuso b. Nagkakapalit din ang /e/ at /i/ kapag inuulit ang pantig na may /e/. Hal. babae + -ng + babae = babaing-babae Salbahe + -ng + salbahe = salbahing-salbahe c. Napapalitan ng /r/ ang /d/ kapag patinig ang tunog na sinusundan ng /d/. Hal. dito > rito ma + dapat > marapat ma + dami > marami tawid - -in > tawirin
- bagamat opisyal ang pagpapalit, higit na gamitin ang anyong may /r/ sapagkat higit na naayon sa likas na hilig ng tao nag awing lalong madali para sa kanya ang pagbibigkas.

3. Paglilipat/Metatesis ang paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Kapag nagsisimula sa /l/ o /y/, ang salitang ugat nitoy nilalagyan ng gitlaping /-in-/ at nagkakapalit ang posisyon ng /i/ at /n/, at nagiging /ni-/ Hal. yakap + /-in-/ = yinakap > niyakap ayon - /-in-/ = linayon > nilayon 4. Pagkakaltas Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Maaari itong maganap sa unahan o gitna ng salita. May mga salita ring nakakaltas ang ponema o morpema sa gitna, at napapalitan ng ponema ang nasa hulihang morpema. Hal. dala + hin > dalahin = dalhin bukas + an > bukasan = buksan 5. Pagdaragdagan nangangahulugan itong pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang ugat (hulapi) kahit mayroon nang hulapi ang salitang ugat. Hal. pa + bula + han > pabulahan + an = pabulaanan Ka + totoo + han > katotoohan + an = katotohanan