You are on page 1of 6

PANIMULA Ang teenage pregnancy o pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19 ay isang malawakang isyu hindi lamang sa Pilipinas

kundi sa buong mundo. Ayon sa estadistika ng Save the Children, 13 milyong babae sa ibat ibang parte ng mundo ang nabubuntis sa edad 20 pababa taun-taon. Dahil dito, malawakang kampanya ang ginagawa ng mga gobyerno upang ibaba ang bilang ng kaso ng teenage pregnancy. Sa datos noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan, pito sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa 19 ang edad. Pinatunayan ito ng World Bank at sinabing ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga batang ina. Sa Pilipinas, malaking porsyento ng mga kabataang maagang nabubuntis ay nabibilang sa low-income generating group. Dahil wala pa sa hustong gulang, karamihan sa mga kabataang maagang nabubuntis ay hindi nagpapakasal. Napipilitan din silang tumigil sa pag-aaral hanggang makapanganak. Ngunit, marami sa kanila ang tuluyan nang humihinto sa pag-aaral upang magtrabaho. Ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis ay sinasabing sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang lumulobong populasyon at kawalan o limitadong kakayahan ng mga kabataan na suportahan ang kanilang mga anak ay isa sa mga nagiging dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa. Sa madaling sabi, mas maraming maagang nabubuntis, mas tumataas ang antas ng kahirapan. Sa kabataan ngayon nadadala sila ng kanilang mga damdamin at nakakagawa ng isang pagkakamali na hindi na matatakbuhan, at sabandang huli ay pinagsisihan kung bakit ito nagawa.Ang isyu ng teenage pregnancy ay laganap sa ibat ibang bansa sabuong mundo. Kasalukuyan, tayong nahaharap sa napasakit na katotohanannasa napaka batang edad, karamihan sa mga kabataan ngayon ay may sariling mga anak. Pilipinong bilang ng 88,600 ayon sa 2007 cencus, Angmaynila may mga 88,570,00 pilipino bilang ng Agosto 1, 2007, batay sa(NSO). Ang mga resulta ng senso ng populasyon (POPCEN 2007). Ang maagang pagbubuntis ay Hindi magandang tignan sa ating mga kabataan itoay naka iiba ng kalidad bilang isang babae at nakakaepekto sa atingemotional na damdamin. Marami ngayon sa mga kabataan ang nasasangkot sa premarital sex na nagiging dahilan ng pagbubuntis. Wala kasing sex education sa Pilipinas. Sa isang artikulo sa pahayagang Abante noong april 4,

2003, ang sex education ang susi sa pag-iwas sa maagang pagtatalik, pagbububntis ng dalaga at maagang pagpapakasal. Dahil sa kawalang kaalaman nagdudulot ito sa hindi pag-iingat at nagdudulot din ng maagang pagbubuntis. Hindi tototong magiging mas mapusok ang kabataan kapag natutunan ang ukol sa seks. Natatalakay kasi ng maigi ang mga negatibong epekto ng mga sitwasyong ito sa mga kabataan. Nabibigyan ng kapangyarihan ng kaalaman ng kabataan at ito ang gumagabay sa kanila tungo sa responsableng aksyon. Nagiging mas malinaw ang mga panganib ng maaagang pagpapakasal at pagpapalaki ng anak nang hindi pa handa. Ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy ay tumutukoy sa kabataang babaeng nasa 20 anyos pababa. Mas mahirap and dinadanas ng kabataang nabubuntis kumpara sa mga nabubuntis ng nasa edad 21 pataas. Bukod sa pinansyal na problema, magkakaroon din ng problema sa kanilang pangangatawan o kalusugan Hindi kasi madali ang pagdadala ng sanggol, minsan hindi ito kaya ng katawan (Campbell,2003). Minsan may kaso pa nga ng nalalaglagan ng bata. At hindi din madaling gumawa ng bata. Mainit ang isyu tungkol sa maagang pagbubuntis ng kabataan lalo na sa mga bansang hindi gaanong debelop at mababa ang antas o standard ng edukasyon. Sa panahon ngayon, maraming nang kabataan ang nagiging mapusok at maagang nagkakaanak. Hindi nila alam ang mga pwedeng mangyari sa kanilang buhay. Maraming nagtatangkang magpalalag ng bata. Ni wala pa silang tamang kaalaman sa pagtataguyod ng isang pamilya. Hindi nila alam ang mga pwede nilang danasing hirap nang dahil sa kanilang kapusukan. Noong araw naman ay hindi ganito ang mga kabataan. Malawak ang pag-iisip ng mga kabataan noon sa pwede nilang kahitnan. Iniisip nilang mabuti ang kanilang kinabukasan.Samantalang ang mga kabataan ngayon at taliwas sa kabataan noon. Ano nga ba ang sanhi ng kanilang pagiging mapusok? Bakit sobrang babaw magisip ng mga kabataan ngayon?Ating tuklasin ang punot dulo nito sa papamamagitan ngaming masususing pag-aaral. Isa sa mga tinuturong dahilan ng pagbubuntis ng mga batang babae ang kakulangan ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa pakikipagtalik. Partikular sa Pilipinas, ang partuturo ng sex education sa mga paaralan ay isang isyu na patuloy na pinagdedebatehan. Bagamat malakas ang panawagan ng ibat ibang sektor ng lipunan

para sa sex education, ang simbahang Katoliko at ibang konserbatibong grupo ay mahigpit itong tinututulan. Dahil likas na konserbatibo ang mga pamilyang Pilipino, ang sex ay isang paksa na hindi napag-uusapan ng mga magulang at anak. Dahil dito, hindi nagagabayan ng mga magulang ang mga anak lalo na sa panahon ng puberty kung kailan ang mga kabataan ay likas na interesado sa mga bagay na patungkol sa sex. Dumagdag pa rito ang paglaganap ng mga media materials gaya ng programa sa telebisyon, pelikula, at magasin na may temang sex. Ang Internet din ay hitik sa mga pornographic materials na madaling ma-access ng mga kabataan. Kulang din sa kaalaman ang karamihan ng kabataan tungkol sa contraception at reproductive health na syang dapat tinatalakay sa sex education at counseling. Dahil ang kanilang pangangatawan ay hindi pa lubusang handa para sa pagbubuntis, ang mga kabataang babae ay nahaharap sa ibat ibang suliraning pangkalusugan sa panahon ng pagbubuntis. Marami sa kanila ay may nutritional deficiencies at walang access sa maayos na health care. Napag-alaman din sa mga pag-aaral na ang mga kabataang maagang nabubuntis ay may mataas na tsansang magkaroon ng mga komplikayon na maaaring nilang ikamatay o ng kanilang sanggol. Ayon sa World Health Organization, mas mataas ang panganib ng ng mga kabataan edad 15 hanggang 19 sa pregnancy-related death kaysa mga babae edad 20 hanggang 24. Prince Charming! yan ang magdadala sa akin sa palasyong puno kaligayahan at magpapalimot sa lahat na aking problema dinadala. Ito ang karaniwang wikain ng mga kabataang babae ngayon. Ngunit nangyayari ba ito? Hindi! Subalit sa realidad,ang nangyayari ay dinadala sila sa mga motel, sa mga iskinita at lansangan kung saan mangyayari ang kaligayahang sinasabi ngunit mali ang nangyayari dahil sila ay ibinabalandra na lamang. Sa kapanahunan ngayon, maraming kabataang babae ang nalululong sa maagang tukso na wala man lamang silang alam kung ano ang mangyayari at kalalabasan nito. Laganap ito hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Sa aking pananaw, ang nangyayari ngayon ay nagiging libangan na lamang ito at kapag sila ay

nakaranas na makipagtalik sa sinasabi nilang prince charming ay nakaranas na nang maagang pagbubuntis. Dati rati, nang panahon pa ng ating mga ninuno ay iniingatan ang nga kababaihan subalit ngayon ay napapabayaan na lamang. Dahil dito ay nalalapit sila sa tukso na magaadya sa kanila sa maagang pagkakaroon ng responsibilidad na hindi nila inaasahan at walang ideya kung paano nila ito haharapin. Ito ang tinatawag na teenage pregnancy. Kasalukuyan tayong nahaharap sa malaking problema ng katotohanan na dinaranas ng halos ng mga kabataang babae na nagkakaroon ng kanilang mga sariling anak bunga ng tuksong tinahak na labag naman sa kanilang loob na gampanan ang naging bunga ng kanilang katuksuhan.

Ang teenage pregnancy ay mapanganib din para sa mga sanggol. Ayon sa mga datos, ang kaso ng premature birth ay mas mataas sa mga sanggol na isinilang ng kabataang babae. Gayundin ang low birth weight rate. Sampung porsyento ng mga sanggol na isinilang ng mga kabataang babae ay malnourished. Ang kakulangan sa kahandaan ay nakaaapekto sa pagpapalaki sa mga anak. Ayon sa pag-aaral, dahil hindi pa sila handa sa emosyonal na aspeto ng pagiging magulang, ang mga kabataang ina ay mas malayo sa kanilang mga anak na syang nagiging dahilan ng mga behavioral problems sa mga bata. Ayon pa sa ibang pag-aaral, ang mga batang isinilang ng mga kabataang ina ay maaaring magkaroon ng kakulangan sa tamang nutrisyon, magkaroon ng academic difficulties at maging biktima ng pang-aabuso at kapabayaan. Bukod dito, ang mga anak na lalaki ay sinasabing may malaking tsansang masangkot sa mga gulo at makulong. Ang mga anak na babae naman ay maaari ring maagang mabuntis gaya ng kanilang ina.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK Ang kaalaman sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan ay mahalagang malaman ng bawat kabataan para maiwasan ito. Ang maagang pagbubuntis ay napapanahon ngayon. Ang papel na ito ay makakatulong upang masugpuan ang dumadaming bilang ng kabataang nabubuntis. Ang papel na ito ang gigising sa isipan ng mga kabataan dahil maraming kabataan ang naliligaw ng landas. Minsan alam nila na naliligaw sila ng landas, at minsan naman ay wala silang kamalay-malay dahil na rin sa dulot ito ng kanilang kapaligiran. Matagal ng isyu ang pagbubuntis ng kabataan at habang tumatagal lalo itong lumalala.

Kinakailangan ang pananaliksik na ito upang makakalap ng ibat ibang imporamasyon ukol sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Bukod dito ayupang matulungan ang mga: 1.)kabataang maging responsible sa maaring mangyari sa kanilang buhay; 2.)magulang upang gabayan ang kanilang mga anak sa tamang landas ng buhay. Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon ukolsa mga epekto maagang pagbubuntis o early pregnancy sa mga kababaihan.Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin upang makabuo ng mgakonkretong impormasyon para maging aral sa mga kabataan na walangmaidudulot na kabutihan ang maagang pakikipagtalik.

Sa mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makakapagbigay ng impormasyong sa mga kabataang wala pang kamuang-muang sa sex. Makakatulong din ito sa pagmulat sa mata ng mga kabataan ukol sa masamang epekto ng maagang kapusukan at pakikipagtalik ng walang basbas ng kasal. Sa mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga magulang para mabigyan ng ideya kung paano nila madidisiplina ng ayos ang kanilang mga anak. Makakatulong din ito para mabigyang pansin kung paano nila pangangaralan ang

kanilang mga anak sa paraang makakabuti para hindi ito gugawa ng masama at magrebelde.

Sa mga mananaliksik. Makakatulong ito sa mga researcher para mapatuunang pansin ang isyu tungkol sa teenage pregnancy. Makakapagbigay din ito ng impormasyong para magkaroon sila ng ideya at makahanap ng solusyon para mabawasan ang paglaganap ng pagdami ng insidente tungkol sa maagang pagbubuntis.

Sa simbahan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito,mapapalaganap lalo ang layunin ng simbahan na mabawasan, kundi man matigil ang pagdami ng kaso ng maagang pagbubuntis. Sa tulong din nito, ang aral ng simbahan ukol sa maagang pakikipagtalik na siyang sanhi ng teenage pregnancy at ang aborsyon, na maaring maging solusyon ng mga maagang nabubuntis sa kanilang problema, ay lalo pang mapalaganap sa mga kabataan.

Sa komunidad at pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pamahalaan sa pagkontrol sa pagdami na populasyon sanhi ng maagang pagbubuntis. Sa komunidad naman, ay makakatulong para magtayo ng mga programa.

Sa DOH. Ana pag-aaral na ito ay makakatulong para malaman na Department of Health kung paano sila gagawa na kampanya para mabawasan ang paglaganap na teenage pregnancy tulad ng pagtuklas ng ibat-ibang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik tulad ng STD, HIV, at AIDS.

You might also like