"Maagang Pag-aasawa" Mga kababayan, hindi kaila sa atin ang suliranin ng ating bayan.

Ito ay ang maagang pag-aasawa ng ating mga kabataan. Minsan ba naitanong natin sa ating mga sarili kung saan o kung anu-ano ba ang pinagbuhatan ng maagang pag aasawa ng mga kabataan? Siguro nga hindi natin lubos na maisip sapagkat may kani-kaniya ring suliranin ang bwat pamilya. Kaya’t hindi natin pinagtutuunan ng pansin ang ganitong problema ng ating bayan. Iniisip ng ilang mga kabataan na masarap, masaya kapap ginawa nila ang bagay na tanging mag-asawa lamang ang gumagawa nito. Alam niyo naman siguro mga kababayan kung anu ang aking tinutukoy. Oo nga’t masarap, pakiramdam mo nasa langit ka subalit pag nariyan na ang responsibilidad ng pagiging isang ina’t isang ama, saka lamang nila mauunawaan ang pagkakamali na kanilang ginawa. Nakakalungkot isipin na meron naman ibang kabataan na masolusyonan lamang ang kanilang problemang kanilang kinakaharap ay ipapa-abort nila ang sanggol na walng kamalay-malay. Akala nila dahil doon ay matatapos na, ang hindi nila alam, hindi lamang sila nagkasala sa mata ng tao ngunit higit sa mata ng Panginoong Diyos. Hindi lamang yon, susundutin din sila ng kanilang konsensiya. Isa pa sa nakalulunos ring isipin ay kung ano ang kahahantungan ng kinabukasan ng kanilang magiging supling, sapagkat hindi man lamang nakatapos sa pag-aaral ang kaniyang mga magulang. Sana nga kababayan, naiisip ito ng mga ilang kabataan na nalilihis ng landas. Kaya nga kababayan, lalong higit sa mga mahal na magulang, sama-samsa po tayo sa pagsugpo sa ganitong uri ng problema ng ating bayan. Ang naiisip ko pong hakbangangin ay ipaliwanag natin sa kanila ang masamang bunga ng maagang pag-aasawa. Halina mga kababayan, tayo’y magkumahog sa pagsulong ng ating adhikain upang mailayo ang ating mga kabataan sa maagang pagaasawa. MGA BUNGA NG MAAGANG PAG-AASAWA? July 10, 2009 (July 9, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio- )

(Host): “Hanggat maari ayaw ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay magasawa ng maaga. Bakit? Minimithi o pangarap ng mga magulang na makatapos muna ng pag-aaral at makanahap ng permanenteng trabaho ang kanilang mga anak bago magkapamilya. Dahil bilang mga magulang alam nila ang hirap at sakripisyo ng pagpapamilya at pagkakaroon ng mga anak na kailangang alagaan at palakihin ng maayos. At alam nila na ang bunga ng maagang pag-aasawa ay hindi madali. Kaka alih: “Ang mga bunga nito ay ang mga sumusunod: 1. Pag bata pa ang babae at ito ay nagbuntis agad at nanganak, maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya, at dahil dito maaga kang mababalo my friend. 2. Pag bata pa pareho ang mag-asawa madalas ang kanilang pag-aaway at pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa, akala kasi ni bahay-bahayan lang, hoy, Ting /Adi may kasabihan tayo na ang pag-aasawa ay hindi kanin na isusubo na pag ikaw ay napaso ay pwede mong iluwa. 3. Magiging kawawa ang mga magulang dahil natural na sa kanila pa rin pipisan o makikitira ang mag-asawa dahil kapwa hindi nakatapos, walang mahanap na trabaho. Kaya naman Ting, Bai, Awi, Adi, Inday, Dong, maawa ka kay nanay at tatay, magtapos ka muna ng pag-aaral bago mag-asawa. 4. Kung mag-kakaanak agad, (Ay ano?.. di lang masisira ang figure oy) Alam mo ban a, hirap ang daranasin.. Hindi lang sila ang mahihirapan kundi pati mga ang kanilang mga anak. (mga apo mo yun) Hindi maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay. 5. Sabagay sa kabilang banda, may maganda ring bunga ito dahil parang makakasabayan lang nila ang paglaki ng kanilang anak,(di mabuti, para ka na ring may kapatid na bunso) (Hahahaha- PLAY THE STINGER LAUGHING) Bweno hanggang dito na lamang at mag-aasawa na ako .. ay mali… hanggang sa susunod na episode ng Nakaka ni Kaka Alih…

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful