ASSERT

Institute for Occupational Health and Safety Development • Tomo 15 Blg 1 • Enero - Marso 2012

EDITORYAL

“We cannot have this type of legal technicality giving rise to sexual discrimination, especially in this day and age”.

Ito ang mga kataga ni Presidente Benigno Simeon Aquino III noong nakaraang Hunyo 21, 2011, sa paglagda niya sa “Night Work Law” o Republic Act 10151. Sa ilalim ng RA 10151 o “Act allowing the employment of night workers, thereby repealing Articles 130 and 131 of Presidential Decree Number four hundred forty-two, as amended, otherwise known as The Labor Code of the Philippines”, legal nang makapagtrabaho sa gabi ang mga babae, kabilang ang mga buntis. Binabawi ang nakasaad sa Article 130 ng Labor Code na nagbabawal sa mga kababaihang magtrabaho, may bayad o wala, mula 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng susunod na umaga. Ayon mismo kay Aquino, nais alisin di-umano ng batas ang diskriminasyon sa kababaihan. Sa napakahabang panahon, may ilang pagtatangi ang batas paggawa sa kalusugan ng kababaihang manggagawa. Kapag buntis ang manggagawa, pansamantalang inililipat sa mas magaan na trabaho, ipinagbabawal NILALAMAN ang palagiang pagtayo at pagtatrabaho sa gabi upang makaiwas sa mga panganib. Editoryal ................................................. p. 1 Mahalagang bahagi ito ng pagkilala sa Maligayang Pagtatapos ng mga Mag-aaral ng kababaihang manggagawa. Nararapat lang Hapilan Daycare Center ........................ p. 2 na mas bigyang pansin at pag-iingat ang mga Kababaihan, Trabaho at Kalusugan .... p.3 buntis na manggagawa dahil dalawang buhay Field Trip ng mga Bata ng Hapilan Daycare, – ang nanay at ang sanggol - ang nakataya Matagumpay .......................................... p. 3 at maaring mapinsala kung malalantad sa Tuloy ang Laban! Katarungan para sa ETON panganib. Gayundin, hindi pa man buntis, 11! ........................................................... p. 4 dapat tiyaking ligtas sa anumang panganib Maikling Baliktanaw. Isang Taon Makalipas ang kababaihang manggagawa upang hindi ang Trahedya ng ETON ........................ p. 6 maapektuhan ang kanyang kakayahan sa Unang Pulong ng Board of Directors Matagumay na Idinaos ......................... p. 9 reproduksyon.
sundan sa p. 11
1

Maligayang Pagtatapos ng mga Mag-aaral ng Hapilan Daycare Center
ni Rowena Agaton-Balino

ASSERT

Response for Enlightenment, Service and Transformation (CREST ). Tampok sa programa ang paggawad sa mga nagsipagtapos ng kanilang graduation certificate at mga special awards. Binigyan din ng pagkilala ang mga magulang para sa kanilang aktibong pagsuporta at paglahok sa mga proyekto ng daycare nang nakalipas na tatlong taon. “Lubos kaming nagpapasalamat sa mga magulang at sa buong barangay para sa inyong walangsawang pagsuporta sa ating daycare. Sana’y mas dumami pa ang mga batang makapasok at ating matulungan sa darating na mga taon,” sinabi ni Rowena Agaton-Balino, project officer ng daycare. Nagtapos ang pagtitipon sa isang mapagkaisang salu-salo at palitan ng kuro-kuro ukol sa ibayo pang pag-unlad ng proyekto sa komunidad. Bago matapos ang taon, ipapatupad na rin ang pagtatayo ng isang mobile clinic para makatulong sa pangangalaga ng kalusugan ng mga bata at kababaihan sa komunidad. z

Idinaos ang Moving Up Ceremonies para sa 21 mag-aaral ng Hapilan Daycare Center na nagtapos nitong Marso 16, 2012. Sila ang ikatlong batch mula nang ilunsad ng Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) ang proyektong ito noong 2009. Ginanap ang matagumpay na patitipon sa Barangay 105, Vitas, Tondo, Manila sa proyektong pinili at patuloy na sinusuportahan ng Australian People for Health, Education and Development Abroad (APHEDA). Ang Hapilan Daycare Center ay tumatangkilik ng mga batang mag-aaral na may edad 4-5 taong gulang. Layunin ng daycare, katuwang ang mga magulang, ang ihanda ang mga bata sa pagpasok nila sa pormal na pag-aaral sa mga paaralan. Dumalo rin sa pagtitipon ang mga magulang ng mga mag-aaral, ilang opisyal ng barangay, , mga istap ng IOHSAD at ng kapatid nitong Community
2

Kababaihan, Trabaho at Kalusugan Forum on the Impact of Work on Women
ni Emma Celada

ASSERT

Field Trip ng mga bata ng Hapilan Daycare, Matagumpay
ni Rowena Agaton-Balino

Naglunsad ng forum ang Institute for Occupational Health and SafetyDevelopment bilang paggunita sa Women’s Month noong Marso 2. Tinalakay dito ang epekto ng trabaho sa kalusugan at kaligtasan ng mga kababaihang nabibilang sa sektor ng serbisyo. Ang “Work and Wellbeing : A Forum on the Impact of Work on Women ay idinaos sa Federal Seafood Restaurant, Ayala Avenue, Makati City. Ito rin ang una sa mga forum na ilulunsad ng IOHSAD bilang paghahanda sa ika-25 anibersaryo nito sa darating na 2013. Lumahok sa forum ang mga lidermanggagawa mula sa Gabay ng Unyon sa Telekomunikasyon ng mga Superbisor sa PLDT (GUTS-PLDT), Planters Development

Masaya’t mabunga ang maghapong pagsasama-sama ng mga bata, magulang at mga guro ng Hapilan Daycare Center kasama ang buong istap ng IOHSAD sa taunang educational field trip ng daycare noong Pebrero 10 sa Manila Zoo.

Inilaan ang buong umaga para sa paglilibot sa buong zoo. Habang nag-iikot ang mga bata, ipinakikilala naman ng mga titser ang iba’t ibang mga hayop na matatagpuan sa zoo. Matapos ang masayang salusalo sa tanghalian, idinaos naman ang art workshop kung saan iginuhit ng mga bata ang paboritong hayop na nakita nila sa zoo. Kapansin-pansin ang masiglang paglahok ng mga bata sa workshop na matamang ginabayan ng masisipag na guro ng daycare na sina Teacher Nannette at Teacher Olive. Nagbigay naman ng maikling oryentasyong pangkalusugan at paunang lunas [first aid] si Emma Celada, IOHSAD Education and Training staff sa hanay ng mga sundan sa p. 12

Bank Employees Association (PDBEA), New Philippine Veterans Bank Employees Union (NPVBEU), RCBC
sundan sa p. 8
3

Tuloy ang laban! Katarungan para sa Eton 11!
Inilabas ngayong Marso ng Forbes magazine, isang international business magazine, ang listahan ng mga bilyonaryo sa buong daigdig. Anim na bilyonaryong Pilipino ang pumasok sa listahan at isa na rito si Lucio Tan. Naghuhumiyaw na US$3.5 B ang net worth nito mula sa iba’t ibang kumpanyang pag-aari niya tulad ng Philippine Airlines, Asia Brewery Inc. at ETON Properties. Lubos na di-makatarungan para sa 33.4 milyong Pilipinong nabubuhay lang sa P36- P46 kada araw ang pagkakamal ng iisang taon ng bilyun-bilyong yaman. Habang papapalaki ang kita ng bilyonaryong si Lucio Tan, papabigat naman ang kalbaryong dinaranas ng mga manggagawa sa kanyang mga kumpanya pati na rin ang kanilang mga pamilya. Kabuhayan at Kapabayaan Ipinakita ng trahedya noong Enero 2011, kung saan namatay ang 10 manggagawa ng ETON Properties, ang lubhang mapanganib at kalunus-lunos na kalagayang tinitiis ng mga construction workers. Nailantad ang mga paglabag ng ETON sa mga labor standards tulad ng pagpapasahod ng mababa sa minimum wage (P280 lang kada araw), hindi pagbabayad ng SSS para sa mga empleyado at hindi pagsunod sa mga regulasyon patungkol sa kaligtasan sa paggawa. Pinatunayan din nito ang maluwag na pakikitungo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanya sa usapin ng occupational health and safety kung saan pinahihintulutan nila ang self-regulation ng mga establisyimentong may hindi lalagpas na 200 manggagawa. Matinding kahirapan ang nagtulak kina Joel Avecilla, Celso Mabuting, Michael Tatlonghari, Kevin Mabunga, Borz Cristobal, Tisoy Perez, Vicente Piñion, William Bañez, Jaykie Legarda at Diocado Jeffrey para magtrabaho bilang mga construction worker, gaano man kapanganib at kakarampot ang sahod dito. Malalang kapabayaan naman sa panig ng ETON Properties at DOLE ang nagtulak sa kanila sa kamatayan at sa ibayong kahirapan naman para sa kanilang mga naiwang pamilya.
4 sundan sa p. 5

ASSERT

Tuloy ang... mula p. 4

Katarungan Pananagutan

ASSERT

at

sagot ng mga pabayang kumpanyang ito.

Barya-barya lang ang natatanggap ng Wala pang may-ari ng isang kumpanya mga pamilya kumpara sa halagang dapat na dito sa Pilipinas, na tulad ni Lucio Tan, makuha nila bilang bayad-pinsala. Nagiging ang nakukulong dahil sa kapabayaan at malabo pang makatanggap sila mula sa kamatayan ng kanyang mga manggagawa. Employees Compensation Commission Kahit kailan ay (ECC) dahil sa hindi sila aamin desisyon nitong ng kanilang mga tatlo sa sampung Ang mga ahensya ng pagkukulang manggagawang gobyerno tulad ng SSS sa aksidenteng namatay ang at ECC na dapat sana’y nagaganap. Para nga m a a a r i n g sa ETON Properties, ng nangangalaga sa kapakanan tumanggap P150,000 lang ang kompensasyon ng mga manggagawa at halaga ng buhay ng dahil sila lamang ang isang manggagawa. lehitimong operator kanilang mga pamilya ay Ito ang kanilang ng gondola. nailalantad bilang mga ibinigay na kapanalig ng malalaking “financial help” sa Ang mga ahensya mga pamilya ng mga ng gobyerno tulad kumpanya. biktima. ng SSS at ECC na dapat sana’y Hindi pa nangangalaga nagkasya ang ETON sa pambabarat at pati sa kapakanan ng mga manggagawa at ang dapat sanang burial claims ng mga kanilang mga pamilya ay nailalantad bilang biktima mula sa SSS ay pinatos din nito. May mga kapanalig ng malalaking kumpanya. ilang pamilya ang hindi nakakubra ng burial Sa karanasan ng mga pamilya ng biktima, claims mula sa SSS dahil wala sa kanila ang napakahirap at paikut-ikot ang prosesong claim stub. Noong nagtanong sila sa SSS, kanilang pinagdaanan hanggang sa dulo nakuha na raw ng kumpanya ang halagang ay wala o kakarampot lang naman ang nakalaan para sa kanilang mga mahal sa kanilang natanggap. buhay. Hanggang sa dulo, panlalamang ang Hindi nagtatapos sa pagkakamit ng makatwirang bayad-pinsala (indemnification) ang paghahanap ng katarungan para sa mga biktima ng trahedya sa ETON. Nararapat na kilalanin din ang kriminal na responsibilidad ni Lucio
5 sundan sa p. 12

Maikling baliktanaw isang taon makalipas ang trahedya ng ETON
ni Elginreb Domopoy

ASSERT

“Justice delayed is justice denied.”
Angkop na angkop ito sa dinaranas ng mga kapamilya ng mga biktima ng malagim na aksidente sa ETON Residences. Mahigit isang taon na ang nakalipas pero mailap pa rin ang kanilang ipinaglalabang katarungan. Wala pa ring nananagot sa kapabayaang nagtulak sa kanilang mga mahal sa buhay sa kamatayan.

Napakaliit na sahod, walang benipisyo, walang katiyakan sa trabaho at napakaraming panganib sa lugar-paggawa -- ganito ang tiniis nina Benbon Cristobal, Michael Tatlonghari, Vicente Eduard Pinon, Kevin Mabunga, Jeffrey Diocado, Jaykie Legada, Joel Avecilla, William Bañez, Celso Mabuting at Tisoy Perez bago ang aksidente noong Enero 27, 2011. Sila ang 10 construction worker na namatay nang mahulog mula sa ika-28 palapag ng gusali ng Eton Residence sa Greenbelt, Makati noong isang taon. Kagyat na sinampahan ng Makati Police ang mga safety officers ng Arlo Aluminum at iba pang mga taong sangkot sa aksidente ng reckless imprudence resulting to multiple homicide. Walang sinayang na oras ang ETON Properties. Agad silang kumilos para ma-dismiss ang kasong isinampa laban sa kanila. Binigyan nila ng tig-P150,000 ang mga pamilya ng mga biktima. Kapalit nito ang pagpirma nila sa Affidavit of Desistance na nagsasaad na ang tinanggap nilang halaga ay magsisilbing quick claim at wala na silang interes pa sa kaso. Inakala ng mga nagdadalamhating pamilya na tulong pinansyal ang natanggap nilang halaga mula sa mga kontraktor. Hindi nila alam na ito ang para takasan ang kanilang sundan sa p. 7

“Hindi na dapat sapitin ng iba pang mga manggagawa ang nangyari sa aking anak”

gagamitin ng mga pabayang kumpanya

6

Maikling baliktanaw... mula p. 6 mga pananagutan. Tuluyang nadismiss ang kaso nang walang paabot sa mga pamilyang nagsampa nito kung kailan at ano ang nilalaman ng mga pagdinig.

ASSERT

Buo ang naging suporta ng Justice for Eton 11 Network, grupong binubuo ng iba’t ibang mga institusyon at organisasyong makamanggagawa, sa desisyon ng ilan sa mga kamag-anak ng mga biktima na ituloy ang pakikipaglaban para sa katarungan. “Hindi na dapat sapitin ng iba pang mga manggagawa ang nangyari sa aking anak,” panata ni Theresa Esteban, ina ni Michael Tatlonghari. Isa siya sa mga pamilyang nagpasyang magsampa ng kaso laban kina Lucio Tan, chairman ng ETON Properties Inc. at iba pang mga kontraktor. Kabilang sa mahabang listahan ng mga paglabag sa labor standards ng kumpanya ang mga sumusunod non-payment of minimum wage , employment of minor, non-payment of SSS benefits, noncompliance to occupational health and safety regulations resulting to death at iba pa. Isinampa ng mga kaanak ang mga kaso ng paglabag laban sa ETON Properties at iba pang sangkot na mga kumpanya sa National Labor Relations Commission (NLRC) at Makati Regional Trial Court noong Marso 2011. Tulad ng kanilang dating

taktika, kinausap muli ng mga kinatawan ng kontraktor ang nagdemandang mga pamilya para iatras ang mga kaso at nakakainsulto pang tinanong kung magkano ba ang kailangan nilang halaga. Nanatiling matatag ang mga pamilya sa gitna ng mga tusong pasaring ng mga kumpanya. Tuloy ang laban para sa katarungan Kasabay ng paggunita sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay, muling nagsampa ng kasong kriminal na reckless imprudence resulting to multiple homicide sa Makati RTC ang mga kapamilya ng mga biktima. Sa mahigit isang taon, ang kasong isinampa ng ama ni Vic Edward Pinon ang tanging nadesisyunan ng labor arbiter. Naglabas ito ng resolusyong nag-uutos kay Edwardo Pinon ng EPM Glazing na ibigay ang backwages na nagkakahalaga ng P150,000. Iaapela pa rin ang desisyong ito dahil nananatili pa ring ligtas sa pananagutan ang mas malalaking kumpanyang sangkot tulad ng Arlo Aluminum at ETON Properties. Tulad ng maraming mga kasong nakabinbin sa NLRC at mga korteng naghihintay ng resolusyon, nananatiling mailap ang katarungan para sa mga biktima ng trahedya sa ETON. Habang patuloy ang pakikipaglaban ng
sundan sa p. 10

7

Kababaihan, Trabaho... mula p. 3 E m p l o y e e s Association, San Miguel Group of Workers’ Cooperative (SMGWC). Binuksan din ang forum sa mga kababaihang nagtatrabaho sa industriya ng Business Process Outsourcing ( BPO).

ASSERT

Ibinahagi naman ni Emily Ilag, R.N., kinatawan ng NARS ng Bayan, ang mga panganib na kinakaharap ng mga manggagawang kababaihan partikular sa aspeto ng reproduksyon. Batay sa mga pag-aaral na inilunsad ng IOHSAD, nagdudulot ng iba’t ibang sakit tulad ng dysmenorrhea, iregular na pagreregla, abortion o threatened abortion Date  Filed   Status   ang mahabang oras ng2010-­‐08-­‐02  to  the  Comm  on  Labor   July  13,  2010   Referral  on   pagtayo sa trabaho. and  Employment   Madalas ding nakararanas ng paglaki ng ugat Approved  by  the  Committee  on  2010-­‐11-­‐24   Substituted  by  HB  4209   sa mga binti (varicose veins), impeksyon sa

Tinalakay ni Noel Colina, IOHSAD Executive Director, ang mga occupational health and safety standards para sa Bill  No.   Title   mga manggagawa fsa omen  and  Gender  Education  in  the   • HB1384     An  Act  Providing   or  W sektor ng serbisyo. Umaabot Workplace   sa halos 18.7 milyong na manggagawa nabibilang sa sektor ng

HB4209-­‐  An  act  strengthening  adult  education  programs  for  workers  and  employees,  amending  for  the  purpose  art.  210  of  PD  442,  as  amended,  otherwise   known  as  the  labor  code  of  the  Philippines     • HB1478   AN  ACT  PRESCRIBING  THE  PENALTIES  FOR  AN  IMMEDIATE  SUPERIOR   July  15,  2010   REFERRAL  ON  2010-­‐08-­‐02  TO  THE  COMMITTEE   ON  WOMEN  AND  GENDER  EQUALITY   OR  SENIOR  OFFICIAL  OF  AN  AGENCY,  PUBLIC  OR  PRIVATE,  WHO   SECONDARILY  REFERRED  TO  THE  COMMITTEE(S)   DENIES  APPLICATION  FOR  LEAVE  OF  ABSENCE  BY  A  VICTIM-­‐ ON  WELFARE  OF  CHILDREN   SURVIVOR  OF  VIOLENCE  AGAINST  WOMEN  AND  THEIR  CHILDREN  AS   DATE  READ:  2010-­‐08-­‐02   PROVIDED  UNDER  SECTION  42  OF  THE  IMPLEMENTING  RULES  AND   COMMITTEE  ACTIONS:   REGULATIONS  (IRR)  OF  REPUBLIC  ACT  NO.  9262,  OTHERWISE              1.  Scheduled  for  first  meeting/hearing  on   KNOWN  AS  THE  ANTI-­‐VIOLENCE  AGAINST  WOMEN  AND  THEIR   2012-­‐02-­‐07  (WOMEN  AND  GENDER  EQUALITY)   CHILDREN  ACT  OF  2004,  AMENDING  FOR  THE  PURPOSE,  THE  SAID   LAW   • HB1479   • HB1800   AN  ACT  AMENDING  REPUBLIC  ACT  NO.  7877,  OTHERWISE  KNOWN   AS  THE  ANTI-­‐SEXUAL  HARASSMENT  ACT  OF  1995   AN  ACT  INCREASING  MATERNITY  LEAVE  BENEFITS  FROM  SIXTY  (60)   DAYS  TO  ONE  HUNDRED  TWENTY  (120)  DAYS  OR  FOUR  MONTHS,   AMENDING  FOR  THE  PURPOSE,  P.D.  442,  AS  AMENDED  BY  R.A.  7322   AN  ACT  PROVIDING  FOR  A  NATIONAL  POLICY  ON  REPRODUCTIVE   HEALTH  FOR  WOMEN  IN  DEVELOPMENT  AND  FOR  OTHER  PURPOSES   July  15,  2010   DATE  READ:  2010-­‐08-­‐02       July  27,  2012   DATE  READ:  2010-­‐08-­‐03   COMMITTEE  ACTIONS:              1.  Scheduled  for  first  meeting/hearing  on   2012-­‐02-­‐07  (WOMEN  AND  GENDER  EQUALITY)   September   REFERRAL  ON  2010-­‐10-­‐05  TO  THE  COMMITTEE   ON  POPULATION  AND  FAMILY  RELATIONS   29,  2010   Substituted  by  HB  4244  

• HB3387  

HB4244   AN  ACT  PROVIDING  FOR  A  COMPREHENSIVE  POLICY  ON  RESPONSIBLE  PARENTHOOD,  REPRODUCTIVE  HEALTH,  AND  POPULATION  AND  DEVELOPMENT,  AND   FOR  OTHER  PURPOSES     • HB4467   AN  ACT  AMENDING  REPUBLIC  ACT  NO.  8972,  OTHERWISE  KNOWN   March  23,   REFERRAL  ON  2011-­‐05-­‐09  TO  THE  COMMITTEE   AS  THE  SOLO  PARENTS'  WELFARE  ACT  OF  2000,  BY  PROVIDING  FOR   2011   ON  REVISION  OF  LAWS  

serbisyo at kalakhan dito ay kababaihan. Isa sa mga tampok na usaping kinakaharap ng mga kababaihang manggagawa ay ang shift work o pagtatrabaho sa gabi. Ipinawalangbisa ni Presidente Aquino ang mga probisyon sa Labor Code na nagbabawal sa mga kababaihang magtrabaho sa gabi. Batay sa Republic Act 10150 o Nightwork Law, legal at maaari nang magtrabaho sa gabi ang mga babae kabilang ang mga buntis. Nahaharap sa iba’t ibang panganib sa kaligtasan at kalusugan ang mga kababaihan dahil sa bagong batas na ito.

pag-ihi (UTI) at pananakit ng balakang ang mga saleslady sa mga department stores at malls. Inilahad ni Frances Bondoc, kinatawan ng GABRIELA Women’s Partylist (GWP) ang mga isinusulong nilang batas sa Kongreso para sa kagalingan ng mga kababaihan. Sa pamamagitan ng regular na konsultasyon, patuloy na inaalam ng GWP ang kalagayan ng kababaihan upang makapagbalangkas ng mga angkop na resolusyon para sa kanilang kagalingan.
sundan sa p. 9

8

Unang pulong ng N a g i n g Board of Directors masigla at malaman ang workshop sa pagitan ng mga empleyado. Naging matagumpay na idinaos ni Rowena Agaton-Balino
Kababaihan, Trabaho... mula p. 8

ASSERT

epektibo itong pamamaraan para mailahad ang ilang mga tampok na sakit na nararanasan ng mga empleyado sa sektor ng serbisyo. Impeksyon sa pag-ihi (UTI), pananakit ng likod sanhi ng scoliosis, kanser sa lalamunan ( may ilang kasong naitala sa hanay ng mga roving tellers), high blood pressure, anemia, sipon at ubo, obesity at psychological stress ang mga karamdamang madalas na naitatala sa kanilang hanay.

Matagumpay na idinaos ang pulong ng Board of Directors (BOD) ng Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) noong Pebrero 16, 2012. Ito ang unang pulong ng pamunuan ngayong taong 2012. Dumating ang kalakhan ng mga direktor sa pagpupulong sa pangununguna ng Chairman of the Board na si Tito Go. Sa kabuuan, naging matagumpay ang unang forum ng IOHSAD para sa taong ito. Nagbukas ito para ibayo pang pag-aralan ang kalagayan ng kababaihang manggagawa sa sektor ng serbisyo. z Inilahad ni Noel Colina, Executive Director ng IOHSAD ang mga programang nailunsad ng institusyon noong nakaraang taon. Tinalakay rin ng BOD ang mga plano’t programa para sa taong ito. Nagbigay rin sa kapulungan ng ulat at mga programa para sa gawaing pampinansya. Pangunahing nilalaman ng ulat ang patuloy na paglala ng kalagayang pangkalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa sa iba’t ibang linya ng industriya. Laganap pa rin ang kapabayaan ng mga kumpanya sa usapin ng kalusugan at kaligtasan sa paggawa habang nanatili pa ring walang pangil ang mga regulasyong sundan sa p. 10

9

ipinapatupad ng Unang pulong... mula p. 9 mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE).

ASSERT

mga proseso at teknolohiya. Bukod sa mga ito, ipagpapatuloy ng IOHSAD ang mga programa nito sa health training, publication at iba pa. Puspusan din ang paghahandang gagawin ngayong taon para sa ika-25 anibersaryo ng IOHSAD sa 2013. Tinuldukan ang unang pulong ng Board of Directors kasama rin ang mga istap ng masayang salusalo, balitaan at palitang kurukuro hinggil sa maiinit na isyung panlipunan at mga aasahan sa ilalim ng “matuwid na daan “ ng gobyernong Aquino. z

Dalawang malagim na sakuna sa lugar-paggawa ang maagap na tinugunan ng IOHSAD noong 2011. Sampung manggagawa ng ETON Properties ang namatay nang bumagsak ang sinasakyan nilang gondola noong Enero 21 sa Makati. Samantala, anim na manggagawa naman ng Keppel Shipyard sa Subic, Zambales ang namatay nang bumagsak ang isang steel tower ramp noong Oktubre 7. Kagyat nagbigay ang IOHSAD ng tulong sa larangang medikal, legal at edukasyon sa mga naiwang pamilya ng mga nasawing manggagawa ng ETON Properties at Keppel Shipyard. Naging matagumpay rin ang isinagawang balikatang pananaliksik sa pagitan ng IOHSAD at ng Visayas Human Development Agency (ViHDA) noong 2011 sa hanay ng mga kababaihang manggagawa sa garments sa Cebu. Nakatakdang ilathala ang mga naging resulta ng pag-aaral ngayong taon. Isa sa tampok sa mga programang inihanay ng IOHSAD para sa taong ito ang muling pagbubukas ng health clinic at iba pang serbsiyong medikal sa hanay ng mga manggagawa. May isasagawa ring pag-aaral hinggil sa mga panganib na kinakaharap ng mga manggagawa sa electronics sa harap ng makabagong
Sundan sa itaas...

k
mga pamilya para sa katarungan, nailalantad naman ang lubhang mapanganib na kalagayan ng mga construction worker at ang kawalang aksyon ng gobyerno para pangalagaan ang buhay at kaligtasan ng mga manggagawang Pilipino. z
Maikling baliktanaw... mula p. 7

Bisitahin ang Justice for ETON 11 Network website sa www.eton11.tumblr.com
10

Bago pa man pirmahan Editoryal... mula p. 1 ang nasabing batas, inilantad na ng International Agency for Research on Cancer (IARC), isang ahensya sa ilalim ng World Health Organization noong Disyembre 2007 ang mga panganib na dulot ng pagtatrabaho sa gabi. Ayon sa kanilang papanaliksik, Class 2A carcinogen o maaari itong makapagdulot ng kanser. Tumataas din ang tsansang makakuha ng kanser sa dibdib ang mga kababaihan at kanser naman sa bayag para sa mga kalalakihan. Tinuturo ang pagkasira ng “circadian rhythm” o ang normal na oras ng pagtulog at pamamahinga ng katawan bilang dahilan sa pagtaas ng posibilidad ng pagkakaroon ng kanser. Noong hindi pa batas ang RA 10151, obligadong ilipat ng management mula night papuntang day shift ang mga manggagawang buntis. Masalimuot para sa mga kumpanya, lalo na para sa mga nasa industriya ng Business Process Outsourcing (BPO) ang ganitong kalakaran. Bukod sa halos walang kliyente ang mga BPO sa umaga, napipilitan din silang lumikha ng mga bagong posisyon para ilagay ang inilipat na mga m anggagawang buntis. Maaari namang sampahan ng kasong “illegal termination” ang mga kumpanyang magtatanggal ng mga manggagawang buntis. Kaya napakalaking tulong ng RA 10151 para sa mga kumpanya dahil sertipikasyon lang mula sa doktor, mapapakinabangan na ang mga kababaihang manggagawa sa araw

ASSERT

man o gabi. Halos tatlong taon din ang pagitan ng paglalabas ng resulta ng IARC at pagpirma sa Night Work Law. Walang pagkilala ang gobyerno sa mga panganib na maaaring idulot sa mga kababaihan ng pagtatrabaho sa gabi na malinaw na nakasaad sa pag-aaral ng IARC at WHO. Tulad ng Pilipinas, inalis din ng India ang pagbabawal sa pagtatrabaho sa gabi noong Abril 2009. Samantala, kagyat at positibo naman ang naging tugon ng Denmark sa pag-aaral ng IARC. Isinama na nito ang kanser dulot ng pagtatrabaho sa gabi bilang isang compensable disease. Hindi diskriminasyon sa kababaihan ang nais alisin ni Aquino sa pagpasa nito ng RA10151. Malinaw na nagsisilbi ang batas para sa kapakanan ng mga kumpanya at hindi sa kababaihang manggagawa. Binunot nito ang mga balakid sa mga kumpanya, lalo na sa BPO na itinuturing ngayon ng gobyerno bilang “sunshine industry“. Tinanggal pa nito ang katiting na proteksyon ng batas para sa kalusugan at kaligtasan ng mga kababaihan. Ito ang trahedya ng ating panahon: Isang pabayang gobyernong nagtutulak sa mamamayang harapin ang panganib ng kanser para lamang mabuhay sa ngayon.
z

11

Tuloy ang... mula p. 9 Tan at ng iba pang mga kumpanyang sangkot sa trahedya. Kailangang mailantad ang pagka-inutil at pakikipagsabwatan ng DOLE sa malalaking kapitalista hinggil sa pagpapatupad ng mga regulasyon patungkol sa occupational health and safety.

ASSERT

Mahigit isang taon matapos ang trahedya, padausdos man ang kabuhayan ng mga naiwang pamilya, papataas pa rin ang kanilang determinasyon na makamit ang katarungang nararapat para sa mga mahal sa buhay. z

Isang Dokumentaryo ng Mayday Multimedia sa direksyon ni Jun Resurreccion at Kathy Molina. Handog ng IOHSAD at APHEDA sa paggunita ng Workers Memorial Day. 1 at 3 ng hapon, Abril 28, 2012, Bantayog ng mga Bayani, Quezon Avenue corner EDSA, QC.
LUPON NG PATNUGUTAN Noel Colina Executive Director Emma Celada Health Services Program Officer Rowena Balino Women and Children Program Officer Elgin Domopoy Research and Documentation Officer Ang ASSERT ay opisyal na pahayagan ng Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD). Layunin nitong makapagpalaganap ng mahalagang impormasyon at datos tungo sa patuloy na pangangalaga at pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa sa lugar-paggawa. Inilalathala ang ASSERT tuwing ikatlong buwan sa wikang Filipino at Ingles. Ang IOHSAD ay isang pribadong institusyon na nagtataguyod sa pagtitiyak ng mga karapatan at kalagayan ng mga Manggagawa para sa Maayos, Ligtas at Maka-taong Lugar-paggawa. Hinihikayat din namin kayong mag-padala ng inyong artikulo (Filipino o Ingles) sa ASSERT batay sa inyong mga kongkretong karanasan na may kinalaman sa isyung kalusugan at kaligtasan sa inyong lugar-paggawa. Bukas din ang ASSERT sa anumang mungkahi o puna upang higit pang mapaunlad ang ating babasahin. 406 Ramagi Building, 1081 Pedro Gil Street Paco, Manila, Philippines Tel.: 521-12161 E-mail: iohsad@yahoo.com Website: www.iohsad.org Twitter: @iohsad Facebook: facebook.com/iohsad.philippines Ang nilalaman ng ASSERT ay nasa ilalim ng Creative Commons Attribution-Non-Commercial-Share Alike 3.0 Philippine License 12

PIYON

k
magulang. Masiglang talakayan, demonstrasyon at workshop ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral. Tinalakay din ang karaniwan at laganap na mga sakit sa komunidad at kung paano ito bibigyan ng paunang lunas.
Field trip... mula p. 3

Natapos ang aktibidad sa pamamagitan ng masayang kwentuhan at simpleng salusalo ng lahat ng mga dumalo. Bakas ang sigla at saya sa mukha ng mga bata at mga magulang sa kabila ng maghapong paglilibot at pag-aaral. z