AKO’Y ISANG PULIS

Ako’y Isang Pulis Pagmasdan aking tamang bihis Pangalan ko ay mababasa Sa kanan ng aking bulsa Sa taas ng aking pangalan Inyong masisilayan, Mga medalya ng karangalan at kadakilaan. Tsapa ko, sa puso nakatapat Sa serbisyong may dangal at tapat Hustisya’y paiiralin, kayo’y aking kakalingain. Sapagkat ako’y alagad ng batas Sa paggamit ng pito ay magiging matatas Upang maiwasan paglaganap ng dahas. Kasuotan ng Isang Pulis Marangal at malinis Hindi ko ito ipagpapalit kahit ano pa mang bihis. Sa tuwing ako’y inyong pupuntahan Taos puso ko kayong tutulungan, Dahil nais ko kayong maging matalik na kaibigan. Kaya mga bata at mga kaibigan Kung kayo ay may problema at kailangan Huwag kayong mag atubling ako ay lapitan.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful