фDIMAS†ALANGф

LAYUNIN
 Mapahiwatig

sa mga manunuod ang mas detalyado at malinaw na paglalahad ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal  Maipakita sa mga manunuod ang kahalagahan ng kamatayan ni Rizal  Mapatunayan sa mga manunuod ang kabayanihan ni Rizal

ANG PAGKAKAKULONG NI RIZAL
 Nalaman

ni Rizal sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa nagaganap na madugong himagsikan sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. (KKK)  Mga kaso ni Rizal: sedisyon, konspirasyon, rebelyon  Nobyembre 3, 1896- Inilipat si Rizal sa Fort Santiago.  Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre 26, 1896 at sa nasabi ding araw, ay nagpasiya ang hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril.  Noong Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni GobernadorHeneral Camilo Polaviela ang kautusan ng pagbaril kay Jose Rizal.

ANG KAGITINGAN SA BAGUMBAYAN
DISYEMBRE 29, 1896  Ang naturang abogado ni Rizal as si Tinyente Luis Taviel de Andrade  Sa ganap na alas 6:00 ng umaga- Binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang kapasiyahan na siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na ika-7 ng umaga.  Alas 9:00 ng umaga- Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama ang sinabi ng pari na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere.

Alas 10:00 ng umaga- Dumating si Santiago

Mataix at kinapanayam si Rizal para sa pahayagang El Heraldo de Madrid.  Alas 12:00 ng tanghali- Pagkatapos mananghalian, ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Natapos na niya ang ‘Mi Ultimo Adios’ at itinago na lamang sa lutuang alkohol at ginawa na rin ni Rizal ang kanyang hulang sulat kay Ferdinand Blumentritt.

Alas 3:00 ng hapon- nagbalik si Padre Balaguer sa Fort
Santiago at kinukulit si Rizal na gumawa ng isang retraksiyon sa kanyang isinulat na laban sa simbahang Katoliko Alas 4:00 ng hapon- dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago. Lumuhod dito si Rizal at hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay ibinigay niya ang lutuang alcohol na naglalaman ng ‘Mi Ultimo Adios’ Alas 8:00 ng gabi- sinabi niya kay kapitan Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng kanyang mga kaaway

DISYEMBRE 30, 1896  Alas 5:30 ng umaga- Sinulat niya ang dalawang sulat para sa kanyang kasambahay at sa kapatid na si Paciano. Dumating si Josephine Bracken at ipinagkaloob ni Rizal ang isang aklat ni Kempis na may pamagat na ‘Imitacion de Cristo’. Sa nasabing aklat, mayroong dedikasyon si Rizal kay Josephine na: ‘To my dear and unhappy wife, Josephine’.  Alas 6:00 ng umaga- Inihanda ni Rizal ang kanyang huling sulat para sa kanyang ama at ina.

 Alas

6:30 ng umaga- Umalis sila patungong

Bagumbayan. Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade. Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo at humanga sa normal na tibok ng pulso nito.  Alas 7:00 ng umaga- Binaril si Rizal sa Bagumbayan. Pagkatapos na barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang katawan at binaril na malapitan sa puso upang tiyakin na patay na ito.

Sa katotohanan, si Rizal ay nakaharap sa may Silangan. Ngunit nais niyang humarap sa mga taong babaril sa kanya dahil siya ay naniniwala na hindi niya pinagtaksilan ang kanyang bayan.  Pagkatapos ng pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa sementeryo ng Paco

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful