You are on page 1of 25

Group 2

Angeles, Joshua Jared P.


Calub, Grazel Antonette
Cortez, Ma. Clariza DG.
Delarmente, Ramil Jake
Ang Ateneo Municipal:
Pinakamamahal na
Paaralan ni Dr. Jose Rizal
Ateneo Municipal
 Ang Ateneo Municipal ay dating Escuela Pia at siyang Ateneo De
Manila University ngayon

Nasa loob ito ng intramuros at ito ang sentro ng kapangyarihan ng mga


kastila na napalilibutan ng matitibay na moog

Sa dakong hilagang-kanluran nito makikita ang ilog pasig at ito


nakatago ang Fuerza Santiago

Ang Katidral ng maynila at iba pang magagandang simbahan ay


makikita din sa loob ng intramuros kasama na ang Real Audencia na
siyang pangunahing tanggapan ng pamahalaan at naging tirahan ng mga
matataas na tao sa lipunan

Sa gawing timog-silangan ay makikita ang kalawakan ng bagumbayan na


nakatunghay sa look ng manila

Ang Ateneo ay pinatatakbo ng mga Heswita sa panahong iyon


FuerzaSantiago

Katidral ng maynila

Real Audencia
Lumang Heswita Bagong Heswita
 Sila ay karaniwang kasama ng  Mataas ang pinag-aralan
mga naunang orden (e.g.:  Karamihan sa kanila ay
nagtataglay ng bagong kaisipan
Agustino Dominikano, atbp.) tungkol sa agham
noong unang ipangaral ang  Sila ay mga masigasig na tagapag-
Kristyanismo sa Pilipinas turo at karamihan ay bata pa
 Layunin nilang hubugin ang mga
mag-aaral sa katolisismo
 1768 sila ay inalis na sa Pilipinas kaalaman sa sining at agham
at ang kanilang ari-arian ay  Ang pananaw nila ay ang
kinuha matalinong katoliko ay mabuting
tagapag tanggol ng simbahan ay
naaayon sa piloopiyng Ad
Majorem Dei Gloriam(para sa
higit na kadakilaan ng panginoon
Hunyo 1872 – Dinakip ang kanyang ina na si Dona Dolay dahil sa isang
bintang na paglalason sa kanyang hipag na asawa ni Jose
Alberto. Pinaglakad siya mula Calamba hanggang Sta. Cruz,
Laguna na may layong 50 kilometro. Nakulong siya ng dalawa’t
kalahating taon bago mapawalang-sala ng Real Audencia sa di
umano’y krimen na kanyang nagawa

Hunyo 10, 1872 – Si Dr. Jose Rizal ay sinamahan ni Paciano na lumuwas ng


Maynila upang magpatala sa Ateneo. Noong una ay ayaw
siya tanggapin ng tagapagtala na si Padre Magin
Fernando dahil siya ay huli na sa pagpapatala at siya daw
ay patpatin at baka hindi kayanin ang pag-aaral sa
Ateneo. Sa kabutihang pala siya ay natulungan ni Manuel
Xerex Burgos na pamangkin ni Pardre Burgos upang
makapasok sa Ateneo. Sa panahong iyon ay malakas narin
ang sistemang Padrino o kilala ngayon sa mga paaralan
bilang backer.

Dahil sa pagkadawit ng pamilya Rizal sa pagbitay ng tatlong paring martir, Rizal


ang ipinagamit na apelyio ni Paciano kay Dr. Rizal sa pagpapatala upang makaiwas
siya sa gulo. Siya ang unang gumamit ng apelyidong ito sa kanilang pamilya.
Lubos ang kasiyahan ni Dr. Rizal sa kanyang unang araw sa klase. Nasa
antas na siya ng Bachilier en Artes na katumbas ngayon ng antas-sekondarya sa
mga paaralan ng Pilipinas. Naging seryoso siya sa kanyang pag-aaral at ang dating
kapilyuhan ay kanyang kinalimutan at sinikap niyang lalong manguna sa klase.

Mga salitang kanyang binanggit sa kanyang talaarawan

...Pumasok ako sa paaralan na isa pang bata,


may napakaliit na kaalaman sa wikang kastila,
may talinong bahagya pa lamang nahahasa, at
halos walang kapinuhan sa aking kilos at
damdamin. Subalit sa pamamagitan ng pag-
aaral, ng pag-aanalisa sa aking sarili, ng
paghahangad na magkamit ng higit na mataas
na bagay, at sa pamamagitan ng libong
pagwawasto, ako ay unti-unting nagbago...
Mayroong dalawang uri ng grupo sa klase ni Dr. Jose Rizal na kung saan ang
bawat miyembro ng grupo ay inihahanay sa kanilang tagumpay sa
kanilang pang araw-araw na leksyon.

1. Romano (hango sa pangalan ng imperyong Romano)


2. Kartigiyano (hango sa pangalan ng kaaway na imperyong Romano sa
hilagang Aprika, ang Carthage)

 Nagsimula si Dr. Jose Rizal sa grupong Kartigiyano na nasa hulihan ng talaan.


 Makaraan ang isang buwan siya ay itinanghal ng emperador at ginawaran ng
estampita
 Tumanggap ng medalya at pagkilala sa kanyang termino at tumanggap ng
markang pinakamahusay sa halos lahat ng kanyang mga aralin.
 Upang lalo pa siyang humusay sa wikang kastila siya ay pumasok sa Colegio de
santa isabel upang kumuha ng pribadong aralin.
 Nanirahan siya sa calle Caraballo na pag aari ni senora tikay.
 1873 ng siya ay matapos sa unang taon niya sa ateneo
Colegio De Santa Isabel
Ikalawang taon sa Ateneo (1874)
 Nanirahan siya sa loob ng intramuros sa Blg. 6, calle magallanes
 Ang kanyang kasera ay si Dona Pepay, isang matandang biyuda na
may apat na anak na lalaki
 Sa panahong ito ay nagkatotoo ang kanyang panaginip na kanya
namang sinabi sa ina na sa loob ng tatlong buwan siya ay lalaya.
 Muling panunumbalik ng kanyang sigla sa pagsulat ng tula

Mga tulang kanyang naisulat (1874)

 Mi Primera Inspirascion (ang aking unang


salamisim/inspirasyon)
 Por la Educacion Recibe Lustre la Patria (dahil sa karununga’y
nagkaroon ng kinang ang bayan)
Ika-3 taon sa Ateneo (1875)
 Felicitation (pagbati) – naisulat bilang tugon sa kahilingan ng kanyang
kapati na si Narsica na sumulat ng tulang pagbai sa asawa nitong si Antonio
Lopez

 Dalawang tula ng pagpupugay o oda (ode)


1. Al Nino Jesus (Para sa batang si Jesus
2. La Virgen Maria (Para sa Birheng Maria)

 Un Dialogo Alusivo a la Despidida de las Colegiales (Ang huling


Wika ng mga Mag-aaral) – huling tula na kanyang naisulat sa Ateneo. Ito ay
isang matalim at marubdob na tula ng pamamaalam sa kanyang mga kamag-aral
sa Ateneo sapagkat sila’y matatapos na sa pagka- Bachilier en Artes

 Nalinang din ng husto ang kanyang kakayahan sa paglikha ng mga sining-biswal


at paglikha ng iba pang anyo sa tulong ng kanyang paboritong guro na si Fray
Francisco de Paula Sanchez sa Ateneo
Fray Francisco de Paula Sanchez
 siya
ay 26 na taong gulang, malungkutin at may
negatibong pananaw sa mga
bagay-bagay (pesimistiko)

 siya ay inilarawan ni Dr. Jose Rizal bilang isang


huwaran ng pagkamakatwiran, pagkamaagap, at may
pagmamahal para sa pag-unla ng kanyang mga mag-
aaral
Ika-3 taon sa Ateneo
 Nahilig siya sa pagbabasa ng mga nobelang romantiko
 The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas – unang naibigang nobela
ni Dr. Jose Rizal
 Universal History of the World ni Cesar Cantus – ito ay tungkol sa
kasaysayan ng daigdig
 Travels in the Philippines ni Dr. Feodor Jagor – tungkol ito sa mga
pangyayari sa pilipinas sa panahong si jagor ay naririto
 Nahilig din siya sa pagpinta at iskultura. Naging guro niya sa mga asignaturang
ito sina Agustin Saez at si Romualdo de Jesus
 Nasubukan din ang kanyang galing sa pag-uukit nang siya’y pakiusapan ni Fray
Lleonart na umukit ng isang imahen ng Sagrao Corazon de Jesus (Sagradong puso
ni Hesus) at dito natanggap niya ang lubos na paghanga ng fraile sa kanyang
galing sa iskultura.
 Nag-aral din siya ng eskrima (fencing) at gymnastics
 Nnaging aktibo rin siya sa ekstra- kurikular sa Ateneo
 Naging kalihim siya ng Marian Congregation
 Naging kasapi ng samahan sa wikang Kastila ng Academy of Natural Sciences.
Huling Taon sa Ateneo (1876-1877)

 Nanguna siya sa klase sa lahat ng asignatura at nagkamit


siya ng limang medalya sa pagtatapos ng taong-pampaaralan

 Naisulat din niya ang dulang La Tragedia de San Estaquio


Martir na naglalahad ng malungkot na kasaysayan ni San
Estaquio Martir binubuo ito ng 2,414 bersekulo. Ipinag
kaloob niya ito kay Fray Sanchez at ito ang pinakamahabang
tulang naisulat ni Dr. Rizal

 Nagtapos si Dr. Jose Rizal noong Marso 23, 1877 sa edad na


labing-anim at natamo ang Bachilier en Artes na may mga
markang sobrasaliente.
Pagkatapos ng bakasyon ni Dr.Rizal sa calamba ay bumalik na ito pa-maynila
upang ipagpatuloy ang pag-aaral kahit pa tutol dito ang kanyang ina sa
kadahilanang natatakot ito na baka maihantulad ito sa nangyari sa GomBurZa.

Ang mga paring Pilipino

Mariano Gómez

José Burgos

Jacinto Zamora
Ngunit mas gusto rin ni Don Kikoy at Pociano na ipagpatuloy ni Dr.Rizal ang
pagaaral dahil para sa kanila ay kulang pa ang kaalaman nito.

 Pilosopiya y letras ang unang kursong kinuha nya ngunit nagdadalawang isip
pa sya kaya pag karaan ng isang taon, apat na asignatura ang kanyang sabay sabay
niyang pinasukan. Kosmolohiya, meta pisika, teolohiya at kasaysayan ng
pilosopiya at kumuha pa siya sa ateneo ng agrimensor na nagbigay sakanya ng
titulo na perito agrimensor sa edad na labing pito (17).

 Pagkaraan ng isang taon ay naudyukan sya na kumuha ng medisina at madali


nya itong napagdisisyunan sa kadahilanang gusto rin nyang magamot ang mata
ng kanyang ina. Ngunit hindi ito naging madali.

Gumawa ng kasunduan si Pociano at Dr.rizal noong 1878 patungkol sa


mangyayari sakanila sa hinaharap at plano para sakanilang ina.
Ang Universidad de Santo Tomas
(UST)
Noong 1878 sinimulang isulat ni Dr. Jose Rizal ang kanyang sariling
talambuhay habang nag aaral sa Santo Tomas.
Ito ay ang Memorias.

Ito ay may dalawang bahagi :


Una, Memorias de un Estudiante de Manila (Mga alaala ng isang
mag aaral ng Maynila) Pangalawa, Dos Diarios de Juventud ( Mga Talambuhay
ng isang Kabataan)

Bumuo ng lihim na samahan si Dr. Jose Rizal na tinatawag nilang


Companerismo (Kapatiran) kung saan ang mga kasapi ay tinawag na Kasama ni
Jehu ( isang bantog na personalidad sa kasaysayan ng Israel. Si Dr. Jose Rizal ang
naging pangulo at ang naging kalihim naman ay si Galicano Apacible na
kanyang pinsan.

 Nagkaroon ng sagupaan ang mga Pilipino at Kastila na estudyante sa Calle


Escolta sa Maynila. Nasugatan si Dr. Rizal at agad siyang sinugod ng kanyang
kaibigan sa Casa Tomasina na pag-aari ng kanyang tiyuhin na si Don Antonio
Rivera.
Leonor Rivera- maganda niyang pinsan na nadatnan niya sa Casa Tomasina.
-Gumamot sa sugat ni Dr. Rizal
-Isang pagtatagpong nagpasimula ng pag- iibigan ng dalawa.
Nakatala sa "El Fili, KabanataXIII na "Ang Klase sa Pisika" -Hindi nasiyahan si Dr.
Rizal sa pamamhala ng mga Dominikano sa UST dahil sa di pantay na pagtingin nila
sa mga estudyanteng Pilipino.
Makaluma ang kanilang pamamaraan sa pagtuturo. Nakatago lamang ang mga
gamit sa laboratoryo sa aparador at hindi pinapagamit sa mga estudyante na
magpahanggang ngayon ay umiiral pa din ang bulok na sistema.

Ang nobelang Elfilibusterismo (literal


na "Ang Pilibusterismo") o Ang
Paghahari ng Kasakiman ay ang
pangalawang nobelang isinulat ni Dr.
Rizal
Pagkatapos ng pag-aaral ni Dr. Rizal sa UST ay nagdesisyon siyang umalis ng
bansang Pilipinas at magtungo sa España upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral.

Nakintal sa isipan niya ang mga panlalait at deskriminasyon ng mga


Dominikanong Frailes sa UST. Ito ang nag tulak sakanya upang lisanin ang Inang
bayan.
Sinang- ayunan naman ito ni Paciano maging ang kanyang tiyuhin na si Antonio
Rivera .

Ayon kay Paciano: Si Dr. Rizal ay isang taong nilikha ng Maykapal upang
magampanan ang isang napakahalagang misyon para sa ating bansa. Nagpunta siya
sa iba't-ibang pook hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kapakanan ng ating
bansa.
Dominikanong
Frailes

Antonio Rivera

You might also like