You are on page 1of 30

MODYUL 5: ISIP AT Miss Ruby Angela Peña

ruby.angela01@gmail.com
KILOS LOOB
Katulad sa halaman, ang Katulad sa hayop, ang
tao ay kailangang alagaan
tao ay may damadamin
upang lumaki, kumilos at
dumami. Kumukuha siya kaya’t siya’y
ng sapat na sustansya nasasaktan, marahil
dahil sa kapabayaan o
upang makaya niyang
suportahan ang sarili. Tao paghihirap.

Halaman Hayop
TATLONG MAHAHALAGANG
SANGKAP NG TAO (DR. MANUEL DY JR.)

ISIP
-kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod
ng isang bagay.
m
-Ito ay may kapangyarihang maghusga,
mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
TATLONG MAHAHALAGANG
SANGKAP NG TAO (DR. MANUEL DY JR.)

ISIP
-Ang isip ay tinatawag na katalinuhan
(intellect), katwiran (reason), intelektwal
na kamalayan (intellectual consciousness),
konsensya (conscience) at intelektwal na
memorya (intellectual memory) batay sa
gamit nito sa bawat pagkakataon.
TATLONG MAHAHALAGANG
SANGKAP NG TAO (DR. MANUEL DY JR.)

PUSO
- Ito ay maliit na bahagi ng katawan na
bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
- nakararamdam ito ng lahat ng bagay na
nangyayari sa ating buhay.
TATLONG MAHAHALAGANG
SANGKAP NG TAO (DR. MANUEL DY JR.)

ISIP
- dito nanggagaling ang pasya at emosyon.
- sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao.
- lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito
natatago.
TATLONG MAHAHALAGANG
SANGKAP NG TAO (DR. MANUEL DY JR.)

KAMAY O KATAWAN
-Ito ang sumasagisag sa pandama, panghawak,
paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o
pagsusulat).
-Ito ang karaniwang ginagamit sa
pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.
TATLONG MAHAHALAGANG
SANGKAP NG TAO (DR. MANUEL DY JR.)

KAMAY O KATAWAN
-Ito ay mahalagang bahagi ng pagkatao dahil ito
ay ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng
isip at puso sa kongkretong paraan.
-Naipapakita ng tao ang nagaganap sa kanyang
kalooban.
TATLONG MAHAHALAGANG
SANGKAP NG TAO (DR. MANUEL DY JR.)

KAMAY O KATAWAN
-Instrumento sa pakikipag-ugnayan sa ating
kapwa.
“God created man in
His own image and
likeness;
Male and female—He
created them.”
Ang tao ay ginawa ng Diyo
na kawangis Niya.”
Ang kapangyarihan niyang
mangatuwiran ay tinatawag na ISIP.
Ang kapangyarihang pumili, magpasyaat
isakatuparan ang pinili ay tinatawag na
KILOS-LOOB.

ISIP KILOS-LOOB
Gamit Pag-unawa Kumilos/gumawa
Tunguhin Katotohanan Kabutihan
ANG ISIP
 Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap
ng katotohanan.
 Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong upang
makamit ang katotohanang ito.
 Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan,
maaari siyang gumawa para sa ikabubuti ng
kanyang kapwa.
 Ang isip ng tao ay nakadarama ng kakulangan.
ANG KILOS LOOB
 Ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de
Aquino, ito ay isang makatwirang
pagkagusto (rational appetency),
sapagkat ito ay pakultad (faculty) na
naaakit sa mabuti at lumalayo sa
masama.
 Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan.
ANG KILOS LOOB
 Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa
kasamaan; hindi nito kailanman
magugustuhan ang mismong masama.
 Nagaganap lamang ang pagpili sa
masama kung ito ay nababalot ng
kabutihan at nagmumukhang mabuti at
kaakit-akit.
ANG KILOS LOOB
 Ito ay umaasa sa ibinibigay na
impormasyon ng isip.
 Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-
loob dahil hindi nito nanaisin o
gugustuhin ang isang bagay na hindi
niya alam o nauunawaan.
ANG KILOS LOOB
 Ito rin ang nagbibigay ng
kapangyarihan sa tao na gumawa at
pumili, kung kaya’t ang kilos-lob ang
siyang ugat ng mapanagutang kilos.
 Sa pamamagitan ng kilos-loob,
maaaring piliin ng tao na gawin ang
mabuti.
 Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad
ng katawan, ay kailangang sanayin at
linangin upang magampanan ng mga
ito ang kani-kanyang layunin.
 Inaasahang magkasabay na pinauunlad
ng tao ang kanyang isip at kilos loob.
TANDAAN:
 Ang katalinuhan ay hindi nasusukat sa
dami ng nalalaman at taas ng pinag-
aralan, kundi kung paano ginagamit
ang kaalaman upang ilaan ang sarili
sa pagpapaunlad ng kanyang
pagkatao, paglingkod sa kapwa at
pakikibahagi o paglilingkod sa
pamayanan.
BAKIT NATATANGI ANG
TAO?
Dahil sa kakayahan ng isip at
kilos-loob na kumilos ayon sa
kanyang kalikasan…
GAWAIN
Pag aralan ang sumusunod na sitwasyon.
Bilang isang nagdadalaga at nagbibinata,
ano ang iyong iisipin at gagawin sa mga
sitwasyong ito. Gamit ang ilustrasyon ng
angkop na speech balloon, isulat sa iyong
kwaderno ang iyong iisipin at gagawin sa
bawat sitwasyon.
Isulat sa loob ng speech
balloon na ito ang dapat
na iisipin sa mga
sitwasyon.

Isulat sa loob ng speech


balloon na ito ang dapat
na sasabihin o gagawin sa
mga sitwasyon.
1. Nagmamadali kayong magkaibigan. Malayo pa ang
overpass o tulay kaya kahit na may nakasulat na,
“Bawal Tumawid,” hinihikayat ka ng iyong kaibigang
tumawid na hindi dadaan sa overpass o tulay. Ano ang
iyong gagawin?
2. Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpaalam sa
iyong mga magulang sinita ka nila at hinihingian ng
paliwanag. Takot sabihin ang totoo dahil baka lalo kang
pagalitan. Ano ang iyong iisipin at gagawin?
3. Mahaba ang pila sa kantina, nakita mong malapit na sa
unahang pila ang iyong bestfriend at niyaya kang pumuwesto na
sa kanyang likuran upang mapadali ang pagkuha mo ng pagkain.
Ano ang iyong iisipin at gagawin?
4. May iniinom kang juice, nang maubos ito at wala kang
makitang basurahan kung kaya’t sinabi ng kaibigan mo
itapon mo na lang ito sa iyong dinadadaanan.
5. Pakiramdam mo ikaw ang pinag-uusapan at pinagtatawanan
ng dalawa mong kaklase. Nasabi mo ito sa iyong kaibigan at ang
sabi niya komprontahin ninyo pagkatapos ng klase. Ano ang
iisipin at gagawin mo?
Ang tao ay __________ na nilalang dahil siya ay
may:
Isip na Kilos-loob na
__________ __________

Ang gamit ng isip ay Ang gamit ng kilos-loob ay


____________________ ____________________

Ang tunguhin ng isip ay Ang tunguhin ng kilos-loob ay


____________________ ____________________

Kaya, nararapat na _____, _____, at _____ ang isip at kilos-


lob upang mabigyan ng halaga ang kakayahang ito ng
tao.

You might also like