You are on page 1of 24

Ang Pagbabansag sa Angkan

Bilang Binhi ng Pag-usbong ng


Panitikang Marikeño
Ni:

Aurora V. Tirad-Olegario, MA / LPT


Problematiko
Buhat noong 1999, ipinagdiriwang na ang Ka-Angkan ngunit
matagal nang umiiral ang mga “angkan.”
Kadalasan ang mga ito ay tahasang may mga “bansag” na
hindi nagmumula sa kanilang apelyido. Karamihan sa
pinagmulan ng mga bansag ay mula sa mga taong nasa paligid
nila. May ilang nahihiya sa bansag, ngunit kalaunan bunga na
rin ng islogan na “Angkan ng Marikina, Angkan ng
Mabubuting Tao,” mas naipagmamalaki na ang pagiging
kasapi ng angkan, anuman ang bansag nito.
May ilan na ring tesis na nalikha bunga nito ngunit wala pang
tumatalaky dito bilang umuusbong na panitikan ng Marikina
Layunin
Matugunan ang mga
sumusunod na suliranin:

1. Anu-ano ang mga


kwento / naratibo ukol sa
bansag ng angkan?
2. Papaano ang mga
kwento/ naratibong ito ay
maituturing na isang
aspekto upang umusbong
ang panitikan ng Marikina?
3. Ano / anu-ano ang mga
talinghagang nakapaloob
dito?
Kahalagahan ng Pag-aaral
1. Mapahahalagahan ang umuusbong na panitikan ng
Marikina.
2. Mauunawaan at mapagtatagpo ang nakaraan ng
Marikina sa kasalukuyan at sa hinaharap sa aspekto
nitong pangkultura at pampanitikan.
3. Maisasadokumento ang naratibo ng mga
pagbabansag sa mga angkan at masusuri ang
kabuluhan nito sa pamayanan ng Marikina at marahil
sa buong katagalugan.
4. Magsisilbing gabay ito para sa mga bagong henerasyon
upang mas makita nila ang kahalagahan ng mga naratibo
ng bansag at mas magkaroon ng pagkilala sa sarili.
Saklaw at Limitasyon
ilang piling naratibo ng
angkan na pumapaloob sa
heograpiya ng ilog ng
Marikina.
Metodolohiya
 pakapa-kapa , 2002 (Salazar
2008)
 Etnograpiya,
 pakikipagkwentuhan at
 nakikiugaling pagmamamasid sa
pagdiriwang at sa piling ng mga
angkan
Batayang Heograpiya ng Pag-aaral
Ang Kwento / Naratibo / Ang
Pagbabansag
Angkan ng Gonzaga-Kanduli
(katangian ng tao)
Ang Kwento / Naratibo / Ang
Pagbabansag
Angkan ng Tabo
• (katangian ng tao at pisikal na kaanyuan)
Ang Kwento / Naratibo / Ang
Pagbabansag
• Angkan ng Tetong Magtatakong
(gawain ng angkan o hanap-buhay)
Ang Talinghaga ng mga Kwento / Naratibo
/ Pagbabansag
• Masasalamin natin ang pagiging malikhain ng
mga Marikenyo para tawaging Tigete (maliliit
na kanduli) na kalaunan ay naging Kanduli ang
mga anak na laging kabuntot ng ina matapos
maglaba at maligo sa ilog.
• Marami ang namisteryuhan kung bakit may
dalang tabo si Cornelio samantalang papunta
sa ilog kung kaya marahil siya nabansagan ng
Tabo.
Ang Talinghaga ng mga Kwento /
Naratibo / Pagbabansag
• Madalas ding malaki ang tabo kaya mas
nabigyang diin ang bansag na ito na nadala ng
buong angkan at kalaunan ay pagkakakilanlan
na rin ng kanilang negosyo na pansiteria sa
Calumpang.
• Sumakto ang palayaw na Teto sa Tetong
Magtatakong na nagpapadaling matandaan
ang isang taong may makabuluhang gampanin
sa negosyong sapatusan sa Marikina.
Ang Talinghaga ng mga Kwento /
Naratibo / Pagbabansag
• Paghanga marahil ang nasa isip nang nagbansag
na Butiki sa Nuno ng angkan ng Butiki kaya ito ay
niyakap na rin ng angkan.
• Isang malaking pagsasakripisyo ang manatili sa
bubungan upang protektahan ang bubong sa
kabila ng sama ng panahon, lagpas pa ito sa
pangangalaga ng bubungan kundi sa mas malalim
nitong pananaw, ito ay pagproteksyon sa pamilya.
Isang bagay na matuturing na katangian ng isang
miyembro ng isang pamilyang Pilipino- magulang
na handang mag-alay ng buhay para sa pamilya.
Ang Talinghaga ng mga Kwento /
Naratibo / Pagbabansag
• Nagawa ng bansag na sile na bigyang diin ang
bansag sa pamamagitan ng 3 puntong idinikit
dito. Una ang pagkahilig sa pagkain,
pangalawa ang kaugaliang pagpapahid ng sile
sa damit ng kung sinumang nakikitang naliligo
(katuwaan) at panghuli ay bilang parusa sa
sinumang nahuhuling nang-uumit ng kanilang
pananim.
• Sa 5 bansag na nabanggit may nakatagong hiwaga, na
kailangang alamin upang ganap na maunawaan ang
kwentong pinagmulan ng bansag. May talinghaga sa
mga kwento / naratibo / pagbabansag.
• Isang tula ni Pacifico Hernandex (PH), 81 taong gulang,
ang naglalahad ukol sa sila ay naliligo nang hubo’t
hubad sa ilog ng Nangka, Marikina na binigyang
patotoo ni Tita Lydia ng Angkan ng Kanduli. Wala pang
malisya noon ang paliligo ng hubot’hubad, kaya ang
kwento ng paglalagay ng sile sa damit ay hindi imbento
dahil ito ay pinatotohanan ng tula at maging ng
pagpapatotoo nang mismong nakaranas sa bagay na
ito.
• Bagaman kakatwa ang bansag na Intsik ay
inilahok pa din ito ng angkan dahil marahil
sa kontekstong napapaloob sa bansag.
Gaya nga ng nabanggit sa hulihang bahagi
ng kanilang kwento,
• …Maaaring mawala ang bansag na Intsik sa
kanilang pamilya tulad ng pagpanaw ni
Lelong at ni Tatay ngunit kailanman sa
kanilang sarili, isipan at dugo ay patuloy na
mabubuhay at dadaloy ang dugo ng
kanilang ninuno, ang kanilang Lelong, si
Pertong Instik (Baluyot).
Konklusyon
• Matagal ng mayroong bansag sa isang
tao na nadadala ng angkan subalit ito ay
kadalasang oral o pasalita lamang.
• Pinaigting ng mga bansag na ito ang pag-
usbong ng mga naratibo o kwento na
hindi na lamang binibigkas kundi naisulat
na rin.
Konklusyon
• Mas nakilala ang mga angkan sa Marikina
sa pamamagitan ng bansag.
• Kung susuriin ang mga kwento / naratibo
maging ang mga tulang isinusulat ng mga
Marikeno ay mapapatunayang hindi
isang kathang isip ang mga bansag kundi
ito ay ibinatay sa tunay na pangyayari.
Konklusyon
• Kailangan pang payabungin ang mga
kwento / naratibo katulad ng isang tanim
at hikayatin pa sana ang marami na
magtanim, magdilig at magmahal ng mga
binhi hanggang sa ito ay lumago at
mamunga.
Konklusyon
• Masasabing patotoo ito ng sinabi ni
Lefevre (1971) na “everyday
insignificance can only become
meaningful when transformed into
something other than everyday life; kung
dati rati’y hindi masyadong malay ang mga Marikeno sa mga
bansag dahil bahagi na ng kanilang pang-araw araw na
pamumuhay, ngunit ngayon ay mas napahalagahan na nila
dahil ito ay naging bahagi ng taunang pagdiriwang ng
pagkakatatag ng Marikina.
Konklusyon
• Pinatutunayan din ng pag-aaral na ito na
ang mga tulang nalikha na matuturing na
“bago” sa panahong nalikha ito (halimbawa ni
dahil sa pagkaunawa
Pacifico Hernandez at ng yumaong Rodolfo dela Paz)
sa pangangailangan ng pagsulpot ng bago. Ito ay dulot ng
malay na pagpupursiging pag-aralan ang luma o namamayani
at latak na kaisipan at kalakaran sa panitikan at ang mismong
karanasan sa panitikan na nagpapaliwanag ng kasaysayan at
lipunan sa mambabasa (Tolentino, 2004)
Maraming
Salamat po!