You are on page 1of 48

Mga Relihiyon

sa
Asya
Katuturan ng Relihiyon
• Ano nga ba ang relihiyon?
- Paniniwala ng tao na may isang
makapangyarihang nilalang o
pwersa na siyang pinakamataas
at nagpapakilos sa lahat ng
bagay sa daigdig.
Mga Relihiyon saAsya

• Judaism
-Nagmula sa Israel.
-Itinatag ng mga Jew oIsraelite.
-Isang monoteistikong relihiyon.
-Si Yahweh ang diyos at may likha ng lahat ng
bagay sa daigdig.
-Torah ang banal na akalat ng mga Jew. Dito
nakasaad ang mga aral at salita ni Yahweh.
• Torah – “batas at aral”
• Binubuo ng limang aklat ni Moses:
- Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers,
Deuteronomy
• Patriyarka ang tawag sa kanilang pinuno.
• Ilan sa mga patriyarka ng mga Jew ay sina
Abraham, Isaac, at Jacob.
Sampung Utos na tinanggap ni Moses
mula sa Diyos
• Ibigin mo ang Diyos higit sa lahat. Wala kang
ibang sasambahin kundi ang Diyos.
• Huwag sambahin ang anumang imahen o
idolong nasa langit o lupa.
• Huwag kang manunumpa sa ngalan ng Diyos.
• Mangilin ka kung linggo.
• Igalang mo ang iyong ama at ina
• Huwag kang pumatay ng kapwa tao.
• Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
• Huwag kang magnanakaw.
• Huwag kang magsabi ng kasinungalingan
laban sa iyong kapwa.
• Huwag mong pagnasaan ang hindi mo ari at
hindi mo asawa o ano pa mang bagay na hindi
sayo.
Kristiyanismo
• Isang monoteistikong relihiyon tulad ng
Judaism.
• Ang doktrina ay nakabatay sa mga aral at
katuruan ni Hesus.
• Sinusunod ng mga Kristiyano ang mga aral at
salita ni Hesus bilang paghahanda sa
pagbabalik ni Hesus upang husgahan ang
lahat, buhay man o pumanaw na.
• Ang mga taong sumunod sa mga utos at
isinabuhay ang salita ng Diyos ay magtatamo
ng buhay na walang hanggan.
• Samantala, ang mga sumalungat ay
magdurusa sa kabilang buhay.
• Nakapaloob ang mga aral at salita ng Diyos sa
banal na aklat ng tinatawag na Bibliya.
• Nahahati ito sa dalawang bahagi:
- Lumang Tipan – naglalaman ng salaysay
mula sa paglikha ng Diyos sa daigdig hanggang
sa paghahanda ng mga jew sa pagdating
Mesiah.
- Bagong Tipan – tungkol sa buhay ni Hesus, ng
kaniyang mga disipulo, at iba pang pangyayaring
may kaugnayan sa Kristiyanismo.
• Nakabatay sa dalawang pangunahing paniniwala
ang Kristiyanismo: Si Hesus ay Anak ng Diyos at
ang Diyos ang nagsugo kay Hesus sa daigdig
upang mamuhay at maghirap tulad ng tao,
mamatay para sa kaligtasan ng sangkatauhan at
mabuhay muli.
• Dalawang pangunahing aral:
-Ibigin mo ang Diyos ng higit salahat;
-Ibigin mo ang kapwa mo tulad ngpagmamahal
mo sa iyong sarili.
• Monoteistiko ang Kristiyanismo subalit
pinagtibay ng Simbahang Katoliko ang
paniniwala sa Santisima Trinidad (Holy Trinity).
• Paniniwala sa tatlong persona ng iisang Diyos
– ang Diyos Ama, Diyos Anak, at Espiritu
Santo.
• Sakasalukuyan, ang Kristiyanismo ang
relihiyong may pinakamaraming tagasunod sa
daigdig.
• Ang Simbahang Katolitiko ay pinamumunuan
ng Santo Papa na naninirahan sa Vatican City
sa Rome.
Islam
• Ikalawang pinakalaganap na relihiyon sadaigdig.
• Islam – “kapayapaan”, “pagsuko”, “kapayapaang
madarama kapag isinuko ang sarili sa Diyos na si
Allah”
• Si Muhammad ang nagtatag ng Islam.
• Allah – ang Diyos at siya ang lumikha ng daigdig
at sanlibutan.
• Hegira – paglisan ni ni Muhammad sa Mecca at
nagtungo sa medina kasama ang kanyang mga
tapat na tagasunod.
Limang Haligi
(Pangunahing Doktrina ng Islam)
• Shahada
– Paniniwala na walang panginoon kundi si
Allah at si Muhammad angkaniyang propeta.
• Salat
– Pagdarasal nang limang ulit sa isang araw
nang nakaharap sa direksiyon ng Kaaba
• Zakat
– Pagiging bukas-palad; mahalaga ang
pagtulong sa mga nangangailangan, maysakit,
matatanda, ulila, at iba pa.
• Sawm
– Paggunita sa banal na buwan ng Ramadan
sa pamamagitan ng isang buwang pag-
aayuno araw-araw mula madaling araw
hanggang sa paglubog ng araw.
• Hajj
– Paglalakbay sa Mecca minsan sa buong
buhay ng isang Muslim, ang taong
nakapaglakbay sa Mecca ay ginagawaran ng
titulong Hajji.
Zoroastrianism
• Pinakamatandang relihiyon sa daigdig.
• Si Zarathustra ang nagtatag ng relihiyong ito.
Itinuturing na propeta.
• Ahura Mazda – itinuturing na diyos.
Pinaniniwalang tagapaglikha at
tagapagtaguyod ng daigdig.
• Zend Avesta – banal na aklat.
Ayon sa Zoroastrianism…
• Ang daigdig ay tunggalian ng mabuti (Ahura
Mazda) at masama (Angra Mainyu)
• Ang tao ay bingyan ng diyos ng laya na pumili sa
dalawang magkatunggaling pwersa.
• Kapag pinili ang mabuti, mapupunta ang tao sa
langit kasama si Ahura Mazda. Kapag naging
masama ang tao, mapupunta siya sa impiyerno
kasama si Angra Mainyu (Ahriman)
• Maisasantabi ang hidwaan sapamamagitan ng
pagpapalaganap ng pag-ibig. Sakatapusan ng
daigdig mangingibabaw ang kabutihan.
Hinduism
- Itinatag ng mga Aryan noong 1500
B.C.E. sa hilagang kanlurang bahagi ng
India kung saan umusbong ang
kabihasnang Indus.
- Isa sa mga tinuturing na
pinakamatandang relihiyon sa
daigdig.
- Isang politeistikong relihiyon.
- Hindu ang tawag sa mga tagasunod
nito.
Mga Katangian ng Hinduism
• Tatlong pangunahing diyos:
- Brahma, ang Manlilikha
- Vishnu, ang Tagapangalaga
- Shiva, ang tagawasak
• Karma
-pangunahing paniniwala sa Hinduism
-Mula sa salitang Hindu na KARna
nangangahulugang “pagkilos” at MA na
nangangahulugang “paggawa” o “paglikha”
-nangangahulugang “isang bagay na nilikha o
bunga ng gawi ng isang tao.”
• Reinkarnasyon
-siklo ng kapanganakan at kamatayan.
-kapag namatay ang isang tao, ang kaluluwa
niya ay muling mabubuhay.
-nakabatay sa kaniyang karama kung siya ay
mabubuhay sa mas mataas o mas mababang
antas ng buhay o uri ng nilalang.
• Nirvana
- Layunin ng bawat Hindu ang makawala sa
siklo ng reinkarnasyon. Sapamamagitan ng
paulit-ulit na pagkamatay at pagkabuhay ng
kaluluwa, inaasahang makakamit ang moksha
o paglaya sa siklo ng reinkarnasyon. Kapag
nakamit ng kaluluwa ang moksha ay
mararating niya ang nirvana o tunay na
kaligayahan at katahimikan. Ang nirvana ay
ang ganap na katiwasayan at kalinisan ng
kaluluwa.
• Vedas
– Ang banal na aklat ng mga Hindu. May apat na
Vedas:
1. Rig Veda
2. Sama Veda
3. Yajur Veda
4. Atharvada Veda
Ugnayan ng Hinduism at Sistemang
Caste
Reinkarnasyon

Karma

Masama Mabuti

Bababa ang antas ng Tataas ang antas sa


sistemang caste sa sistemang caste sa
susunod na buhay susunod na buhay

Moksha
Nirvana
Buddhism
• Batay sa mga aral at katuruan ni Siddharta
Gautama.
• Nagmula siya sa isang maharlikang pamilya.
• Lumaki siyang hindi nakaranas ng hirap o
pagdurusa, hanggang sa siya ay magkaroon ng
sariling pamilya. Ngunit hindi pa rin nagingganap
ang kaniyang kaligayahan.
• Noong siya ay 29 taong gulang, napagtanto niya
na bahagi ng buhay ng tao ang sakit, katandaan,
at kamatayan.
• Ito ay nang sa unang pagkakataon
ay nasaksihan niya ang buhay sa
labas ng palasyo.
• Nagpasiya siyang talikdan ang marangyang
buhay at iwan ang pamilya upang hanapin
ang lunas na magwawakas sa kapighatian
ng tao.
• Buddha – “Ang Naliwanagan”
• Inialay niya ang kanyang buhay sa
pangangaral tungkol sa kaligayahang
walang hanggan.
Wheel of Life
- simboloikong kumakatawan sa
sangkatauhan
• Four Noble Truths
-sa kaniyang pagninilay sa lilim ng punong bo,
naliwanagan si Siddharta sa sumusunod na katotohanan:
-puno ng pagdurusa ang buhay ng tao;
-nagmumula ang pagdurusa sa masidhing
paghahangad
-magwawakas ang pagdurusa sa pagwawakas ng
paghahangad; at
-mawawakasan ang pagdurusa sa pagsasagawa ng Eight
Fold Path.
Nirvana
• Paraiso o kaluwalhatian; sa pagkamit ng
nirvana, na sukdulang layunin ng mga
Buddhist, makalalaya ang tao mula sa
pagdurusa at kamalayang pansarili, gayundin
mula sa siklo ng reinkarnasyon.
Eightfold Path
- tinatawag ding Middle Path; nagsisilbing gabay ito ng
tao upang makamit ang nirvana
Wastong
Pag-iisip
Wastong Wastong
Hanapbuhay Pananaw

Wastong
Pagpupunyagi Wastong
Intensyon

Wastong
Konsentrasyon Wastong
Pagsasalita
Wastong
Pagkilos
Buddhism

Mahayana Buddhism Theravada Buddhism

Itinuring si Buddha bilang


Diyos Nanatili si Buddha bilang
-Bodhisattva (lesser gods) guro at banal natao.
– ipinagpapaliban ang -Makakamit ng bawat isa
pagpasok nila sa nirvana ang nirvana sa
upang makatulong sa iba pamamagitan ng sariling
pang nasa lupa na pagsisiskap.
makamtan ito.
Jainism
• Kasabay ng paglaganap ng Buddhism ang
pagiging tanyag ng mga aral ni Mahavira (kilala
rin bilang Vardhamana) na nabuhay din sa
panahon ni Buddha.
• Ang mga katuruan ni Vardhamana ang
nagpalakas sa bagong relihiyon na umunlad sa
India, ang Jainism.
• Tulad ni Siddhartha, nagmula sa mataas na
caste si Vardhamana.
• Noong 30 taong gulang si Vardhamana, nilisan
niya ang kaniyang mariwasang buhay at
naging isang sadhana o taong nagtakwil sa
makamundong kaginhawaan.
• Saloob ng mahigit 12 taon ng pagninilayat
pag-aayuno, nakamit ni Vardhamana ang
kevela o kaliwangan.
• Kinilala siya bilang Mahavira na
nangangahulugang “dakilang bayani”
Ang simbolo ng Jainism ay
binubuo ng kamay at gulong
kung saan mababasa ang
ahimasa, ang banal na
panata ng mga Jain sa
kawalang-karahasan.
Ahimsa
• Pag-iwas sa ano mang uri ng pananakit sa ano
mang may buhay na nilalang, maging ang mga
insekto.
Sikhism
• Isang relihiyong naghahangad ng pagkakaroon ng
kapatiran.
• Walang Hindu, Walang Muslim. Lahat ay iisa at
nagtuturingan bilang magkakapatid.
• Itinatag ni Baba Nanak na higit na kilala bilang
Guru Nanak.
• Guru Grant Sahib – banal na kasulatan ng Sikhism
• Ang salitang GURU ay nangangahulugang “ang
pagpanaog ng banal na patnubay sa
sangkatauhan sa pamamagitan ng sampung
naliwanagang guru (o master)”
• Pinaniniwalaan nila na ang kanilang
Diyos ay tagalikha, tagapagtaguyod, at
tagawasak.
• Hindi sila naniniwala na
maaring magkatawang-tao
ang Diyos.
Sikhism
• Pangunahing layunin ng tao ay sirain ang siklo
ng kapanganakan at kamatayan at makiisa sa
Diyos.
• Mga Tungkulin ng Sikhi:
- Pagsunod sa mga turo ng Guru
- Pagninilay-nilay
- Paglilingkod o pagkakawanggawa
• Pag-iwas sa Limang Pangunahing Bisyo
1. Pagnanasang seksuwal
2. Galit
3. Kasakiman
4. Pagkamakamundo
5. Kahambugan

KALIGTASAN
Shintoism
- ang tawag sa paniniwala ng
mga Hapones tungkol sa diyos ng
araw at iba pang diyos ng kalikasan
Shinto – nangangahulugang “ daan o
kaparaanan ng diyos”
Kami – ang tawag sa mg adiyos na may
kapangyarihang likas
- nananahanan ang mga diyos na
ito sa ilog, puno, bato, bundok, buwan at
araw
Apat na Paninindigan ng Shinto
Tradisyon at Pamilya
Pagmamahal sa kalikasan
Kanilang kalinisan
Matsuri
Paniniwala:
Purification
Kami
Aragami
Mizuko
Mizuko Kuyo
Confucianism
-Itinatag sa China sa panahon ng
kaguluhan dulot ng digmaansa pagitan
ng mga estado at mga nagmamay-ari
ng lupa.
-Pinasimulan ni Confucius o kilala
rin bilang K’ung-fu-tzu (Kongfuzi)
na nangangahulugang “Master
Kung”
• Mula sa isang mahirap na pamilya, nagsumikap si
Confucius na makapag-aral.
• Siya ay naging isang mahusay na guro at hinangad
niyang makapaglingkod sa pamahalaan.
• Nabigyan siya ng pagkakataong manilbihan sa
pamahalaan ng Lu subalit hindi niya nagustuhan
ang pamamalakad ng mga namumuno rito.
• Nilisan niya ang pamahalaan ng Lu at nagpatuloy
sa pagiging guro.
• Naging tanyag ang pilosopiya ni Confucius at
nagsilbing pangunahing batayan ng lipunang
Tsino ang kanyang mga aral.
• Nakatuon ang Conficianism sa pagkakaroon ng
tamang asal at moralidad at pagsusulong
mabuting pamamahala.
• Ayon kay Confucius, ang isang ideyal na lalaki
ay yaong tinatawag na shi o iskolar.
Confucianism
Five Classics - Nakapaloob sa aklat na ito ang mga turo ni
Confucius. Ito angsumusunod.
Classic of Changes – orihinal na ginamit para sa
divination o upang mabatid ang mga darating na
pangyayari.
Book of History – kalipunan ng mga talumpati at
talakayan;
Classic of Odes – kalipunan ng mga awiting-bayan at mga
tulang panseremonya;
Classic of Rites – talakayan ng mga alituntunin sa pag-
uugali at sa mga seremonyang pampubliko at pribado; at
Spring and Autumn Annals – ulat o tula ng estado ng Lu.
Limang Relasyon sa Lipunan:
Sabawat relasyon ay may nakahihigit at may
nakabababa. Tungkulin ng may mababang
katayuan na sundin ang nakatataas sa kanya.
Ang mga relasyong ito ay ang sumusunod:
1.emperador sa mga nasasakupang
mamamayan.
2.ama sa anak na lalaki;
3.asawang lalaki sa asawang babae;
4.nakatatandang kapatid na lalaki sa
nakababatang kapatid na lalaki; at
5.kaibigan sa kaibigan.
Ilan sa mga pangunahing vitue na dapat
taglayin:
Jen –kagandahang-loob
Li – kagandahang asal o dekorum
Yi – pagkamakatuwiran at
pagkamakatarungan
Xiao – paggalang sa magulang
Taoism
• Naging tanyag sa China noong panahon ng
dinastiyang Zhou.
• Itinatag ni Lao Zi, na nangangahulugang “Old
Master”
• Hindi tiyak kung tunay nga bang nabuhay si
Lao Zi sapagkat may mga nagsasabi na siya ay
kathang-isip lamang.
• Nilikha lamang umano ang katauhan ni LaoZi
upang magkaroon ng tagapagtatag ang
Taoism.
• Nakabatay sa Tao na nangangahulugang
“daan”.
• Ang Tao ang nag-uugnay at nag-iisa sa lahat ng
bagay sa sanlibutan.
• Isa sa paniniwala nila ang wu wei, o “hindi
pagkilos”
• Hindi katamaran o hindi pagtupad satungkulin
ang kahulugan ng wu wei.
• Ayon dito, hindi kailangang ipilit o ipuwersang
tao ang ano man, sapagkat ang lahat ay
mangyayari nang naaayon sa Tao.
• Para sa mga Taoist, ang paghahangad ng
kapangyarihan at kaalaman ay pagtatangka ng
tao upang makontrol at mapagharian ang
kalikasan.
• Nakapaloob ang mga aral ng Taoism sa Dae de
Fing o The Book of the Way of Virtue.
Taoism
• Ang simobolo ng yin at yang ay nagpapakita
ng balanse sa kalikasan at daigdig.
• Sumisimbolo ang yin sa aspektong
pambabae: malambot at kalmado.
Kumakatawan din ito sakadiliman.
• Ang yang naman ay sumisibolo sa aspektong
panglalaki: matigas at masigla. Kumakatawan
ito sa kaliwanagan. Kapag nawala ang balanse
ng yin at yang ay magkakaroon ng kaguluhan.
THANK YOU!!!

Prepared by:
AILEEN B. GALEOS
A.P. Teacher

You might also like