You are on page 1of 5

The Family Code of the Philippines

EXECUTIVE ORDER NO. 209

July 6, 1987 I, CORAZON C. AQUINO, President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution, do hereby order and promulgate the Family Code of the Philippines, as follows: TITLE I MARRIAGE Chapter 1. Requisites of Marriage Art. 1. Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code. (52a) Paliwanag: Ang kasal ay espesyal na kontrata ng pagsasama ng lalaki at babae na pinasok alinsunod sa batas para sa pagtatayo ng buhay may-asawa o buhay pamilya. Ang kasal ay pundasyon ng pamilya at panlipunang institusyon na hindi pwedeng labagin. Ang kalikasan, kahihinatnan at pangyayari ng kasal ay sinasaklaw ng batas at hindi pwedeng kasunduan lamang. Subalit pwede lamng magkaroon ng kasunduan para ayusin ang kanilang pagsasama sa usaping may kinalaman sa kanilang mga ari-arian (properties) na siyang susundin ng magasawa habang sila ay kasal.

Paghihimay Ang kasal ay: 1.espesyal na kontrata, 2.pagsasama ng lalaki at babae, 3.pinasok alinsunod sa batas 4.para magkaroon ng buhay may-asawa o buhay pamilya, 5.pundasyon ng pamilya 6. panlipunang institusyon na hindi pwedeng labagin, 7.sinasaklaw ito ng batas at hindi pwede ang basta kasunduan lamang 8.Tanging kasunduan na pinapayagan lamang ng batas ay iyong kasunduan tungkol sa kanilang aria-arian (properties) na kanilang ilalagay sa marriage settlement. Tanong: Ano ang marriage settlement? Sagot: Ito ay katulad din ng antenuptial agreement. Ito ay isang kontrata na pinasok ng lalaki at babae na gusto ng magpasakal o nagpaplanong magpakasal na kung saan ay kanilang pinagkakasunduan na ang kanilang pangkasalukuyang at mga sariling ari-arain at darating pang mga ari-arian kapag sila ay nakasal na ay pamamahalaan ng property regime na gusto ng magpapakasal. Tanong: Anu-ano ang mga property regime na pwedeng pamilian ng magpapakasal? Sagot: Ang mga magpapakasal ay pwedeng magkasundo at ilagay sa kanilang marriage settlement ang sumusunod: (a) The regime of absolute community; (b) Conjugal partnership of gains; (c) Complete separation of property; (d) A combination of the above regimes; (e) Any other regime, like the dowry system, whereby the female before the marriage delivers a dowry or property to the male to help out in the

marriage obligations, but at the end of the marriage, the property or its value must be returned. Paliwanag: a. regime of absolute community ibig sabihin ay ang mga ari-arian ng lalaki at babae ay nagsasama rin. Ito ang sinusunod ngayon sa pilipinas kung walang marriage settlement. Halimbawa: 2 milyon ariarian ng lalaki at 1 milyon ang sa babae, sa ganitong sitwasyon ang absolute community nilang dalawa pagkatapos nilang makasal ay 3 milyon. Kapag naghiwalay legally ang mag-asawa ay hahatiin ang 3 milyon sa kanilang dalawa, bale 1.5 milyon sila bawat isa. (Kaya ngayon ay hanapan (hantingan) ng mapapangasawang mayaman at tsaka makikipaghiwalay) b. Conjugal partnership of gains ibig sabihin lahat ng ari-arian ng lalaki at ng babae ay parehong sa kanila pa rin. Halimbawa: 2 milyon ariarian ng lalakiy sa kanya pa rin at ang ari-arian ng babae na 1 milyon ay sa kanya pa rin. Hindi ito pinagsasama. Ang tanging magsasama lamang sa conjugal partnership of gains ay iyong mga kinita nilang mag-asawa. Kapag naghiwalay ay makukuha pa rin ng lalaki ang kanyang 2 milyon at ang babae ay ang kanyang 1 milyon pa rin. Ang sobra ay hahatiin na sa kanilang mag-asawa. c. Complete separation of property ibig sabihin ay kanya-kanyang ariarian at kanya-kanyang ipunan. Halimbawa: 2 milyon sa lalaki at 1 milyon sa babae. Sa ganitong sitwasyon silang dalawa ay dapat nagtatrabaho para hindi mabawasan ang kanilang ari-arian at para makaipon sila ng kanya-kanya. Kapg naghiwalay silang mag-asawa ay makukuha lamang ng lalaki at ng babae ang kani-kanilang mga natirang ari-arian. Kung kumita lamang ang lalaki at walang kinita ang babae ay magiging kawawa ang babae sapagkat wala siyang naipon. d. Combination of the above regimes pwedeng mapagkasunduan na pagsamahin ang mga regimes basta maliwanag na maisusulat sa marriage settlement at hindi kontra sa bawat isa (not contrary to each other)

e. Dowry magbibigay ng pera o aria-arain ang babae sa lalaki para makatulong sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Subalit dapat isauli ng lalaki ang nasabing dowry ngunit dapat isauli ng lalaki sa babae kapag naghiwalay na sila. Halimbawa ng mga bawal ilagay sa marriage settlement: 1. Puputulin ang private organ kapag nahuling nangangaliwa 2. Pagbabawal sa nabubuhay na muling mag-asawa muli 3. Pagbibigay kapangyarihan sa biyenan na makialam sa buhay ng magasawa 4. Pagbabawal sa lalaki o babae na magdemandahan sila sa isat isa 5. Pagbabawal na sumamba ang lalaki o ang babae sang-yon sa kanyang relihiyon 6. Pagbabawal na pumorma at magpapabango ang lalaki o ang babae Art. 2. No marriage shall be valid, unless these essential requisites are present: (1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; and (2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer. (53a) Paliwang: Kailangan kumpleto ang requirements para valid ang kasal Requirements: 1.kailangan lalaki at babae ang ikakasal 2.kailangan 18 o pataas ang edad ng lalaki at babae Edad 18 21 dapat may parental consent. Kapag walang consent ay voidable (may bisa pero pwedeng pawalang bisa) ang kasal. (Mababasa sa Article 45 ng Family Code)

Edad 21 25 dapat may parental advice. Kung ayaw ibigay ng magulang ang parental advice ay pwede pa rin naman makasal basta kumuha sila ng marriage license. 3.ang consent (pagpayag) ng lalaki o ng babae ay dapat malayang ibinigay sa harap ng solemnizing officer (pari, rabbi, ministro ng simbahan, justice, judge). Author:://Atty. Bernardo Berni M. Luceres (complete text in his library)

You might also like