You are on page 1of 3

11a.

Pananampalatayang Nakaliligtas
Ang ila’y umabuso sa biyaya: “Tutal, pinatawad na rin lang, gagawin ko na ang
kasalanang ito!” Ang iba nama’y walang lakas bumalik: “Hindi na siguro ako
matatanggap ng Diyos sa nagawa kong kasalanan!” Paano sila matutulungan?

10 at sa pamamagitan ng kalooban niya, tayo’y ginawang A BANAL sa


pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Cristo minsan magpakailanman. ….
12 Ngunit nang makapaghandog si Cristo ng isa lamang alay para sa mga
kasalanan, para sa B LAHAT ng panahon, siya ay umupo sa kanan ng Diyos. … 14
Sapagkat sa pamamagitan ng isang pag-aalay ay kanyang C PINASAKDAL para
sa lahat ng panahon ang mga pinababanal.
…. 16 "Ito ang tipan na aking gagawin sa kanila, pagkatapos ng mga araw na iyon,
sabi ng Panginoon; SA PATULOY NA PAGLALAGAY ko ng aking mga kautusan
sa kanilang puso, isusulat ko rin ang mga iyon sa kanilang pag-iisip," 17 sinabi rin
niya, "At ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan ay hindi ko na
D
AALALAHANIN pa." 18 Kung saan may kapatawaran ng mga ito, ay wala ng pag-
aalay para sa kasalanan.
E F
19 Kaya, mga KAPATID, yamang mayroon pagtitiwala na PUMASOK sa
santuwaryo sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, …. 22 tayo’y G LUMAPIT na may
tapat na puso sa lubos na katiyakan ng pananampalataya, na ang puso ay
winisikang malinis mula sa isang masamang budhi at nahugasan ang ating
katawan ng dalisay na tubig. 23 Panghawakan nating matatag ang
H
PAGPAPAHAYAG ng ating pag-asa nang walang pag-aalinlangan, sapagkat siya
na nangako ay tapat. 24 At ating isaalang-alang kung papaano gigisingin ang isa’t
isa sa pag-ibig at sa mabubuting gawa. 25 na huwag natin pababayaan ang ating
I
PAGTITIPON, gaya ng ugali ng iba, kundi palakasin ang loob ng isa't isa, lalung-
lalo na kapag inyong nakikita na nalalapit na ang Araw.
J
26 Sapagkat kung SINASADYA nating magkasala, matapos nating tanggapin
ang K LUBOS na pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang matitirang alay para sa
mga kasalanan, 27 kundi ang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang
naglalagablab na L APOY na tutupok sa mga kaaway. 28 Ang mga sumuway sa
kautusan ni Moises, sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay walang awang
namamatay. 29 Gaano pa kayang higpit na parusa sa akala ninyo, ang nararapat sa
kanila na yumurak sa M ANAK ng Diyos at lumapastangan sa N DUGO ng tipan na
O
NAGPABANAL sa kanila, sa umalipusta sa P ESPIRITU ng biyaya? 30 Sapagkat
kilala natin ang nagsabi, "Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti." At muli,
"Huhukuman ng Panginoon ang kanyang Q BAYAN." 31 Isang kakilakilabot na
bagay ang mahulog sa mga kamay ng Diyos na buhay.
32 Subalit alalahanin ninyo ang mga nakaraang araw, na pagkatapos kayong
maliwanagan, ay R NAGTIIS kayo ng matinding pakikipaglaban na may pagdurusa,
33 na kung minsan ay hayagang inilalantad sa pag-alipusta at pag-uusig, at kung
minsan ay nagiging mga kabahagi ng mga nagdaranas ng gayon. 34 Sapagkat
kayo’y S NAHABAG sa mga bilanggo, at tinanggap ninyo ng buong T GALAK ang
pagkasamsam sa inyong mga ari-arian, palibhasa’y inyong nalalamang mayroon
kayong isang pag-aaring higit na mabuti at tumatagal. 35 Kaya't huwag ninyong
itakuwil ang inyong pagtitiwala na may dakilang gantimpala. 36 Sapagkat kailangan
ninyo ng pagtitiis, upang kapag inyong U MAGAMPANAN ang kalooban ng Diyos
ay tanggapin ninyo ang pangako. 37 Sapagkat sa sandaling panahon, ang siyang
dumarating ay darating, at hindi maaantala. 38 Ang aking V MATUWID na lingkod ay
nabubuhay sa pananampalataya. Ngunit kung siya'y W TUMALIKOD, ang aking
kaluluwa ay hindi malulugod sa kanya." 39 Ngunit tayo’y hindi kabilang sa mga
umuurong kaya’t sila’y napapahamak, kundi kabilang sa mga may
pananampalataya kaya’t naliligtas. (Hebreo 10 BB)

I. PAMPALAKAS SA MAHINANG-LOOB: Para sa aling kasalanan ang handog


ni Jesus (t.12)? Para sa B __________ ng panahon. Mga dulot nito sa akin:
A. Ako’y ginawang A ___________ (t.10) o SANTO!.
B. Ako’y C ___________________ (t.14). NATAPOS NA ang kailangan Niyang
gawin para sa kabayaran ng ating mga kasalanan (Juan 19:30).
C. May pag-aari akong higit na mabuti at tumatagal (t.34).
D. Patuloy na ilalagay ng diyos sa aking puso at isip ang mga kautusan niya
(t.16) sa pakikinig ko sa tinig ni Jesus (Juan 10:27).
E. Hindi na D _____________________ pa ng Panginoon ang aking mga
kasalanan (t.17) sapagka’t inihandog na ni Jesus ang Kaniyang sarili para
sa lahat ng iyon at kay Jesus, may kapatawaran na sa lahat ng mga
kasalanan (t.18; Efeso 1:7; Colosas 1:13,14). Pagkatapos ko Siyang
tanggapin, kailangan kong magpatawad (Mateo 6:14,15) at magpahayag ng
mga kasalanan (1Juan 1:9).
F. Pwede na akong F _______________ sa presensiya ng Diyos (t.19).

II. BABALA SA MAGUGULO (1Tesalonica 5:14)—UMAABUSO SA BIYAYA:


A. Anong mga katangian mo ang hindi mo maaaring panghawakan upang
sabihing kahit patuloy at sadya kang magkasala, ligtas ka pa rin? Ako’y:
1. santo, naging O __________ (t.29; ikompara sa I.A. sa itaas)
2. anak ng Diyos, E _____________ (t.19; Job 1:6; 38:7; Judas 1:6-7).
3. tumanggap ng K __________ na pagkakilala sa katotohanan (t.26; I.D.).
4. V _______________ (t.38; Ezekiel 3:20; 18:24; 33:13)
5. kabilang sa Q __________ ng Diyos (t.30; Judas 1:5; I.F.).
B. Bakit ang patuloy at sadyaang pagkakasala pagkatapos mong malaman ang
katotohanan ay delikado (t.26-27)? Sapagka’t kung gayon ang gawin ko:
1. maaari akong hatulan na kaaway ng Diyos (t.27) dahil ako’y:
a. lumapastangan sa N ________na nagpabanal sa akin (t.29)
b. umalipusta sa P ______________ ng biyaya (t.29; Mt 12:31).
c. yumurak sa M ________ ng Diyos (t.29). Hindi mo pa nagawa ang
kasalanang ito kung lumalapit ka pa kay Jesus (Juan 6:37)
2. wala nang matitirang alay para sa kasalanan (t.26)
3. maaasahan ko ang kakilakilabot na kapahamakan (t.39) sa naglalagablab
na L ________ (t.27).
4.
III. Mula sa mga utos o halimbawa sa sumusunod na talata, anu-ano ang DAPAT
MONG GAWIN UPANG MAGING GANAP ANG KATIYAKAN NG PAG-ASA
MO HANGGANG SA KATAPUSAN (6:12):
A. Manalangin— G ______________ na may tapat na puso sa lubos na
katiyakan ng pananampalataya (t.22).
B. Magpatotoo—Panghawakan nang matatag at walang pag-aalinlangan ang
H
________________________ ng ating pag-asa (t.23).
C. Dumalo sa I _________________ upang gisingin (o himukin) ang iba na
umibig at gumawa ng mabuti (t.24,25) at magpahimok din sa iba.
U
D. _________________ ang kalooban ng Diyos (t.36).
E. R M____________ sa matinding pakikipaglaban at pagdurusa—pag-
aalipusta, pag-uusig (t.32).
S
F. M______________ sa mga bilanggo (t.34,36).
G. Tumanggap nang may T __________ sa pagkasamsam ng ari-arian (t.34).
H. Huwag W __________________ o umurong sa pananampalataya (t.39).

You might also like