Professional Documents
Culture Documents
Sa kabilang silid, sa kwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil ng pagh
ikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunod-sunod na paghikbi ay tila pandagdag s
a kalungkutan ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngay
on hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang u
malipin sa kanya.
Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakamb
al ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng
batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang
anghel. Ngunit ang damdamin ko y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.
Maliwanag na ang silangan nang ako y bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit an
g tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na n
akaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tat
ay. At madalas ang kanyang pagbubuntong-hininga.
Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang ito y gi
nagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko
sa lambat noong ito y tinapon ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit
na galit si Tatay sa ginawa ni Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. P
agkatapos ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan.
Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang matang tumingi
n sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyan
g nag-aapoy. Maliban sa takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan s
a pangyayaring iyon.
Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buong-bu
o pa rin sa aking paningin. Buong-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang
misteryong napapaloob sa lambat na iyon? Alam kong alam ni Nanay ang hindi ko na
lalaman. At kailangang malaman ko ito. May karapatan akong malaman.
Nasa dalampasigan ang mamamili ng isang dala ng mga bangkang galing sa laot. Mas
asaya silang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak a
ko sa buhangin, malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa
laot ako nakatingin at pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagan
dahan ng kalikasan.
Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang
naging bahagi na ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-p
awid sa ilalim ng kaniyugan. Patuloy ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang na
patigil sa harap ng dalawang lalaking may katandaan na. Naalala ko ang sabi ni T
atay. Bawal pumunta sa bahay-pawid na iyon. Mahigpit ang utos ni Tatay. Nagbaban
ta ng parusa.
Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda. Bumaling ak
o sa pinanggalingan ng awit na ngayo y gumaganda sa aking pandinig. At para akong
hinihila. Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad
at sa ilang saglit kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha ang
kanyang mga mata.
Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tuma
yo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngu
nit nahawakan niya ang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawal sa kanyang
pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako.
Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha. Hinimas ang aking ulo. Unti-unting l
umuwag ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin
ako sa kanya. Muli niya akong niyapos.
"Dalawin mo ako palagi, ha?"
Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi l
ahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita
ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aming bahay.
Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko
na lamang may maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mg
a mata. Sumalubong sa aking paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-
unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagy
akap at kinabig ang aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Mata
gal.
miliminas
"Tapos na ba?" Tapos... ang sunud-sunod namang itinutugon ng kanyang ina na pani
walang-paniwala hindi nga niya naririnig ang malungkot na animas.
"Ngunit, Marcos " ang baling uli ng matandang babae sa anak. "Bakit ayaw mong mari
nig ang oras na ukol sa kaluluwa? Iya'y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-uk
ol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Una-una'
y ang iyong ama, ikalawa'y ang kapatid mong panganay, ikatlo'y ang kapatid mong
bunso, saka saka si Anita." Ang huling pangalan ay binigkas na marahan at madalan
g ng matandang babae.
Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang m
ga mata niyang galling sa pagkapikit kaya't nanlabo pa't walang ilaw ay dahan-da
hang sinisiputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.
Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali't sa kanyang sarili
, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may nagsasalita.
"Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot
na tunog ng batingaw," ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang kanyan
g labi hanggang sa dumugo upang huwag ipahalata sa ina ang pagkuyom ng kanyang d
amdamin.
Akala ng ina'y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng mata
nda ay nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip niyang
kaya nalulungkot si Marcos ay sapagka't hindi pa natatagalang namatay si Anita.
Ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Na
lalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pag-iimp
ok na ginagawa upang maging isang ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At siya'y
namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot ngang maging malung
kutin ang kanyang anak. Ito ay kanyang ibig libangin. Ito ay nais niyang aliwin.
Kung maaari sana'y mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang ana
k.
"Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kai
langanin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara," ang sabi ng ina. "Wal
ang pagsalang masasayahan ka roon."
"Si Inang naman," ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang na
sasabi nang malakas. Sa kanyang sarili'y naidugtong niya na hindi masusukat ng k
anyang ina kung gaano ang pait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa'
y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyari sa pagkamatay nito.
Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang nasasabi niya uli sa kanyang saril
i samantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan
ng kanilang bayan, na ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita, "disi'y hindi ako i
tataboy sa kasayahan."
Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran
sapagka't mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pam
ahalaan ang dumating taglay ang utos ng hukumang sila'y pinaaalis sa kanilang lu
pang kinatatayuan. Sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nil
ang sinasaka.
"Inang, matalim ba ang itak ko?" ang unang naitanong ng anak sa ina matapos matu
nghayan ang utos ng hukuman.
"Anak ko!" ang palahaw na pananangis ng matandang babae, sabay lapit sa leeg ng
anak. "Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa
daigdig?"
Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag ng kalooban ng binata. Gayon man, sa hara
p ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang nagb
abalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.
Ang sabi'y talagang sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang naturang lupa. Walang si
no mang sumisingil sa kanila ng buwis at walang sinumang nakikialam sa anumang m
aging bunga ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya'y maging anuman sa
mga gulay na tanim nila sa bakuran.
Subali't nang bata pa ang kanyang ama ay may nagsukat ng lupa sa sinsabing kanil
a. Palibhasa'y wala silang maibabayad sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulan
g ng malasakit sa kanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at
karapatan. Sa wakas ay napilit silang mamuwisan nang di nila makuhang umalis do
on.
Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila'y isang salapi lamang isang taon sa bawa
t ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit nagtatagal, unti-unti na silang n
ababaon sa pagkakautang sa maylupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-pa
nahon, gaya ng takipan at talinduwa.
Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil sa malaking sama ng loob kay Don Teong.
Ang kapatid niya'y namatay din sa paglilingkod sa bahay nito, at higit sa lahat,
nalaman niyang kaya namatay si Anita ay sapagka't natutop ng ama nakipagtagpo m
insan sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.
Saka ngayo'y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?
Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, mahigit nang isang taon noon.
Sapul nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang koleh
iyo ng mga madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa k
anya. Alam ni Marcos ang kanyang kalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalab
aw at sa pagtikin sa kanilang damo sa ilog.
Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskuwelahan na silong ng kumbento sa
kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Nguni't gayon
man, nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pag
kaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sa pagkatuto sapagaka't sa pag-anib niya
sa mga samahang pambayan ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi ang
pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sariling wika na hind
i binabasa ni Marcos, kahi't manghiram lamang kung wala na siyang ibili. Nagbasa
rin siya ng nobela at ibang akdang natutuhan niya sa wikang Tagalog o kaya'y sa
linwikang nito.
Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kan
yang buhay kundi ang baling araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni
Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa'y bukod sa naniniwala siya
sa kasabihan, "Ang lahat ng tao, kahi't hindi magkakakulay ay sadyang magkakapa
ntay," tinatanggap din niya ang palasak ng kawikaang "Ang katapat ng langit ay p
usalian." Dahil diyan kaya kahi't bahagya ay hindi siya nag-atubili ng pagsisimp
an ng pag-ibig kay Anita.
At naiibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si
Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si
Marcos noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita.
Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog ata sa pamamagita
n ng langoy na hampas-tikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng il
og. Matapos niyang kalawitin ng kaliwa niyang bisiig sa may baba ang dalaga ay b
igla niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa ilalim kaya't pumaibabaw sila, at
sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagsikad ng dalawa niyang paa ay nak
asapit sila sa pampang.
"Marcos, matagal na naman kitang iniibig," ang pagtatapat ni Anita sa binata, ma
karaan ang may ilang buwan buhat nang siya'y mailigtas.
Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi a
y ari ng kanilang ninuno at binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka
silang mag-ina ay itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayong kabuktu
tan.
Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat
niya ang kanyang mga labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya
ang kanyang mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko.
Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malung
kot na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Ten
g! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hinihinga. Maliit naman ang kanilang bayan
upang malihim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalaman na may
sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay si
naktang mabuti ng ayon sa nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay.
Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng bali
ta. At nang tangkain niyang dumalaw minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may
hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Ma
aaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang iniibig, bukod sa
magiging subyang sa kanyang ina kung siya ay mawawala.
Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinaman na lamang niya sa tala
an ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan, pag-
agaw ng lupa sa kanila. At saka noo'y pagtatangka pa sa kanyang buhay. Pinakahul
i nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya'y nalagutan n
g hiningang siya ang tinatawag. Saka nitong huli ay pagpapaalis sa kanilang lupa
ng kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na mag-anak.
Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, lumaki
ang puso sa mga pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap n
g pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya'y maaa
ri pa siyang makalunok ng bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Da
tapwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis sila roon, talagang n
agdilim ang kanyang isip. Noon pa'y naisip na niyang gawing batas ang kanyang ka
may, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.
"Huminahon ka anak ko," ang sabi ng kanyang ina. "Hindi natutulog ang Bathala sa
mga maliliit. Magtiis tayo."
Hindi niya itinuloy ang paghanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng a
gahan, nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati'y s
inakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat sa limang alaga n
iya. Lumabas siya sa bukid at hinampas niya ng tanaw ang karagatan ng namumulang
ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumatngat sa kanyang puso. Gaanong pa
god ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila'y magbungang mabuti? Saka ngayo'y
pakikinabangan at matutungo lamang sa ibang kamay.
Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig mang pagdiliman ang isi
p kung nagugunita ang utos ng hukuman, ang alaala naman ng kanyang ina'y walang
iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa
daigdig at ayaw niyang pabayaan ang kanyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng
kaligayahan ang nalalabing buhay nito, bago malagutan ng hininga ang kanyang am
a.
Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila'y magsasarili
: "Tutungo sa hilaga at kukuha ng homestead. Kakasundo ng mga bagong magsasaka;
paris ni Don Teong, kailangang magkaroon din ako ng gayak paris niya."
Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina palibhasa'y n
ababatid niyang sa dibdib ng binata ay may isang halimaw na natutulog na hindi d
apat gambalain upang huwag magising. Wala siyang nalalaman kundi tuwing takipsil
im, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon ang buong kagayakan ay isinusuot ng
kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang
ginagawa, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ng matanda.
"Marcos," sabi ng matanda. "Dalawang lingo na lamang ang natitira sa ating tanin
g ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong kung may magiging sukli ma
n lamang tayo sa ating ani ngayon?"
"Huwag ka pong mabahala, Inang," sabi ng mabait na anak. "Nalaglag po ang dahon
sa kanyang kapanahunan."
Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man may nagunita siyang isang ba
gay na ibig niyang malaman sa anak.
"Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran?" Tinutukoy niya ang kalabaw na ma
hal na mahal sa lahat ni Marcos.
Maaaring magpakahinahon si Marcos, subali't ang huling kapasiyahan ni Don Teong
ay namukaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit
Nagunita niya ang sinabi ni Rizal. "Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipi
n." Napailing siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na
ang ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong takalang dapat nang kalusin. Na
gunita rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay
ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg na manok na unti-unting s
inasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na lahat ang kayamana
ng gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagbubuwis
pa.
"Kailangang maputol ang kalupitang ito!" Ang tila pagsumpa sa harap ng katalagah
ang ginawa ni Marcos.
"Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at latigo, anak ko?" ang tanong ng m
atanda kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala
-dalahan.
"Inihahanda ko po iyon sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong," ang nak
atawang sagot ng anak. "Kung tayo po'y nakaalis na rito, tayo'y magiging malaya,
" ang tila wala sa loob na tugon ng anak.
Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng lupang sa
rili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas,
ang gora, at ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong.
Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw ha
nggang sa ito'y umuungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng b
ayan. Kung dumating siya'y dinaratnan niya ang kanyang inang matuwid ang pagkaka
luhod sa harap ng isang maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng
isang malaking kandila.
"Salamat, anak ko, at dumating ka," ang sasabihin na lamang ng matanda. "Akala k
o'y napahamak ka na."
Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lu
pa. Ang ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong ito at ang kanilan
g panginoon, ay hindi makapagpigil ang isa't isa. Nalalaman din ng matandang bab
ae na laging may dalang rebolber sa baywang ang mayamang asendero buhat nang mag
karoon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalaala ang pag-alis-alis ni
Marcos.
Subalit isang hapon, samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag
-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don
Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita p
a lamang ng kalabaw kay Don Teong ay tila may sinumpang galit sapagka't bigla na
lamang sinibad ang matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sun
gay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at pag
lagpak ay sinalo naman ng kabilang sungay.
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwi
ter sa katawan at saka ang pulinas. Kumilos agad ang maykapangyarihan upang guma
wa ng kailangan pagsisiyasat subali't ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga
sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo'y wala sa loob ang ginawa niyang
napakalaking pagkakasala.
Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa'y nagkatinginan. Hindi nila mala
man kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang
hayop.
Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang
ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw, hindi siya nababahala.
Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig ito. Sa halip n
a idalangin, ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya'y ang matapang niyang
kalabaw.
"Mapalad na hayop na walang panginoon," ang kanyang naibulong.