You are on page 1of 613

Shade of Love (Buenaventura Series #4)

by JulieDura

Buenaventura Series #4

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Prologue

Vote. Comment. Be A Fan.


Shades Of Love
-PrfctlyStbbrn
This is not my priority. Yung TOH ang main priority ko ngayon so expect a slow
update lol kailangan ko lang talaga siyang ilabas sa utak ko kasi para na akong
sasabog sa feels ko dito. Happy reading!
------------
Cruelty
Hindi ko maintindihan ang mundo kung ba't may taong galit agad sa'yo kahit na
wala ka namang ginagawang masama sa kanila.

Naiintindihan ko naman ang kanilang rason pero sapat na ba iyon para kamuhian
ako nang ganito na akala mo ay wala na akong karapatang mabuhay? Lahat ng kanilang
mga mata ay nasa akin ang tingin. Lahat ay pare-parehas ang tingin sa akin.

"Nandito parin pala iyan?"


"Wala talagang kahihiyan sa katawan."
"Kung ako sa kanya ay umalis nalang siya rito katulad ng pagkawala ng kanyang
kapatid."

I know I am not welcome in this place anymore. Pero anong magagawa ko? Ito lang
naman ang bayan na mabibilhan namin ng pagkain. Ito lang naman ang bayan na
pinapasukan ko. Ito lang ang bayan na malapit sa tinitirikan ng bahay namin sa
lupain.

"Pabili po ako ng kalahating kilo." Itinuro ko ang isang isdang napili para sa
magiging hapunan namin mamaya.

Ngumingiti pa ang tindera habang sinisilid ang iilang isda sa isang cellophane.
Maingay ang palengke dahil sa mga nagkalat na namimili rin kagaya ko pero may iilan
talagang nililingon ako at nasisira agad ang ekspresyon.

"Meron ka pa bang bibilhin, hija?" tanong niya sa akin at nag-angat ng tingin.


Ang kanyang labing nakakurba ay mabilis na naging linya nang makita ako.

Napansin ko kaagad ang mabilis na pagbabago ng kanyang ekspresyon.

"W-Wala na po..." Ngumiti ako sa kanya at ibinigay ang dalawang daan na pera.

Mariin na ang kanyang tingin sa akin. Marahas niya pang hinablot ang pera at
inis na inilapag sa aking harapan ang cellophane.

"Kung mamalasin nga naman... Sa dami daming paninda dito sa akin mo pa napiling
bumili. Ang malas malas!" singhal niya na ikinalingon ng iilang tindera sa kanya.

"Nagulat nga ako at hinayaan mong bumili sa'yo!" sabi naman noong katabi niya.
"Nako mare baka bukas niyan mawalan kana ng negosyo... Alam mo pa naman ang
dalang malas ng pamilya nila..."

Gusto kong ipagtanggol ang mga binibintang nila sa amin pero alam kong hindi
nila ako pakikinggan. Ano bang laban ng pamilya ko sa pamilyang iyon?

At isa pa, hindi naman nila papaniwalaan ang totoo.


"Umalis kana at h'wag kanang bumalik! Mukha mo palang halatang kriminal rin!"
Padabog niyang ibinigay sa akin iyong sukli. Ang iilang mga barya ay nahulog pa at
gumulong na sa kung saan.

"H-Hindi naman kriminal ang aking—"


"Lumayas kana! Magdadahilan pa! Baka malugi ako lalo!" Itinulak niya na talaga
ako sanhi para mabangga ko iyong iilang mga namimili rin sa aking likod.

"Ano ba!"
"S-Sorry... H-Hindi ko sinasadya..." Yumuko ako sa babaeng matalim agad ang
tingin sa akin. Ang aking mga mata ay sumuyod naman sa sahig, hinanap iyong iilang
mga baryang gumulong sa kung saan.

Inirapan ako noong babae. Ang tindera ay nakikitsismis na roon sa mga katabi
niyang nagtitinda at ako na ang topic, ang aming pamilya.

Pinulot ko agad sa isang sulok ang baryang nakita at mabilis na tumayo para
makaalis na. Nitong mga nagdaang araw ay paulit ulit na ang nangyayari sa akin.
Tinataboy agad ako na akala mo ay may nakakahawa akong sakit. Ni hindi ko kilala
ang iilan sa mga taong may matinding galit sa akin pero ganoon nalang ang kanilang
inis sa t'wing nakikita ako.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang naglalakad paalis.


Saan naman kami pupunta ni Mama kung umalis kami? Saan kami lilipat? At sa
nangyayari, pag umalis kami ay pinatunayan lamang namin na totoo ang ibinibintang
nila sa aming pamilya, sa aking kapatid.

Kahit nahihirapan ay pilit ko paring mamuhay sa lugar na kulang nalang ay isuka


kami paalis. Ang bayang ito ay kilalang kilala ako hindi dahil artista o may
angking ganda kundi dahil sa pamilyang kinabibilangan ko.

Nilakad ko nalang ang natitirang distansya papunta sa lupain kung nasaan ang
aming bahay. Medyo malayo iyon sa bayan. Maliit lamang iyon hindi kagaya sa mga
bahay na nasa bayan na malalaki at matatayog ang pagkakatayo. Iyong amin baka pag
binagyo ay lumipad agad...

Bumuntong ako ng hininga habang pinapanood ang bawat paghakbang ko. Sinisipa ko
iyong mga batong humaharang at hindi maiwasang malungkot dahil sa nangyari.
Hanggang kailan ito magpapatuloy? Wala naman kaming sapat na pera para patunayan na
walang kasalanan ang aking kapatid.

Wala naman talaga siyang kasalanan. Alam ko dahil kilala ko ang aking kapatid.
Kahit na hindi kami gaanong nakapag-usap alam kong inosente siya.

Naalala ko iyong nagkakagulo sa aming bahay. Mahimbing na akong natutulog pero


dahil sa mga boses ni Mama ay nagising rin ako. Sanay na akong nagbubunganga siya
pero sa oras na iyon ay iba na ang kanyang tinig.

"Tumakas kana! Papatayin ka nila pag naabutan ka nila rito!" si Mama iyon.
"Ma! Paano kayo rito? Hindi ako pwedeng umalis—"

"Iyan pa ba ang iisipin mo, Bram?! Noon palang binalaan na kita na layuan mo
ang babaeng iyan! Pero hindi ka nakinig! At ngayon, ikaw ang sinisisi nila!"
Humagulhol ang aking ina sa galit at sa pagkadismaya.

Bumangon agad ako sa pagkakahiga at kinusot ang aking mga mata para masilip
sila sa labas ng kwarto.

Hinawi ko ang kurtina at dinungaw sila sa sala. Si Mama ay umiiyak habang may
sinisilid na mga damit sa isang malaking bag. Problemado naman ang mukha ni Kuya
pero ang mga mata ay namumugto.

"Ma?" tawag ko na kapwa nila ikinalingon sa akin.

Agad rin namang binawi ni Mama ang kanyang tingin sa akin at mas binilisan ang
kilos. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Oo madalas silang mag-away ni Kuya
pero hindi naman umiiyak ang aking ina at umaabot sa puntong palayasin si Kuya.

"Ba't niyo po pinapalayas si Kuya, Ma!" Mabilis akong nagtungo sa dako ni Kuya
at niyakap ang kanyang beywang.

"Okay lang... Trace... Pumasok kana sa kwarto. Matulog ka ulit..." malumanay


niyang sabi at ngumiti sa akin habang pilit na tinatanggal ang aking mga kamay.

Umiling agad ako at binalingan muli ang aking ina.

"Ma! Bakit niyo palalayasin si Kuya!" Naiiyak kong tanong sa kanya.

Malapit ako sa matanda kong kapatid. Maalaga ito at napakabait kaya ganoon
nalang ang bigat ng aking nararamdaman kung ba't kailangan niyang linasin ang aming
bahay.

"Ma!—"
"Patay na si Rici, Trace! At sigurado akong ang kapatid mo ang sisisihin nila!"
sigaw sa akin ni Mama nang hinarap niya ako.

Nagulat ako roon. Tiningala ko si Kuya na bakas sa mukha ang sakit na


dinadamdam. D-Dahil ba ito...

"Umalis kana, Bram! Nagmamakaawa ako sa'yo! Umalis kana!" Itinapon ni Mama ang
bag sa kanyang paanan na mas ikinabuhos ng aking mga luha.

Ang kamay ni Kuya ay dahan dahan ring kinalas ang aking mga kamay na mahigpit
paring nakayapos sa kanyang beywang. Narinig ko pa itong suminghap na tila
nagpipigil ng kung ano. Ang aking puso ay parang nilulukot at pinipiga sa
nararamdaman ko.

Ba't naman ganito?


Tiningala ko ito at nakita ang namumula niyang mga mata. Ngumiti siyang muli sa
akin.

"Mag-iingat ka rito, Trace... Si Mama... Alagaan mo... Ikaw muna ang bahala
rito pansamantala..." Tuluyang nakalas ni Kuya ang aking mga kamay sa kanyang
beywang dahil narin sa aking panghihina.
Tumaas baba ang aking mga balikat. Ang hagulhol ay mas lumakas pa. Bakit
sinisisi nila si Kuya? Mahal na mahal niya si Ate Rici!

Dinampot ni Kuya ang kanyang bag kung nasaan nakalagay ang kanyang mga gamit.
Umiling ako at sumunod sa kanyang paghakbang papunta sa pinto. Si Mama naman ay
nakatalikod na at ayaw tingnan ang pag-alis nito.

"Kuya!" Hinila ko ang kanyang damit na ikinatigil niya.

"Trace!" tawag ni Mama sa matigas na boses sanhi para mabitiwan ko agad ang
laylayan ng damit ni Kuya.

Nilingon niya ako at ngumiti. Ang mga mata ay nangingislap sa luhang kanyang
pinipigilan.

"Babalik agad ako... H'wag matigas ang ulo, Trace..."

Kahit walang maintindihan ay tumango tango ako. Sa gitna ng gabi ay pinanood ko


kung paano lisanin ni Kuya ang aming bahay. Kung paano kainin ng dilim ang kanyang
imahe hanggang sa hindi ko na ito makita.

Si Ate Rici ay ang girlfriend ni Kuya. Ang kanilang estado sa buhay ay sobrang
malayo sa amin. Parang langit at lupa ang kanilang agwat at kahit si Mama ay tutol
roon. Marami ang tutol sa kanila pero nagulat nalang ako noong nakaraang buwan na
hiwalay na pala silang dalawa. Ayon sa mga narinig ko ay may ibang babae raw si
Kuya. Niloko niya raw si Ate Rici at pinatulan lamang ito dahil nga sa kanilang
estado. Hindi ko iyon pinaniwalaan dahil saksi ako kung gaano kamahal ni Kuya si
Ate Rici. Alam ko iyon dahil katulad ko... may tinitingnan rin ako sa tuwing
napapatingin si Kuya sa kanilang dako.

Hindi ako nakatulog buong gabi kakaiyak. Namumugto ang aking mga mata na kahit
pinagalitan na ako ni Mama na tumigil na ay hindi ko parin maawat ang aking mga
luha. Saan pupunta si Kuya? Saan siya magtatago? Wala kaming kakilala rito! Luluwas
ba siya sa syudad?

Hindi ko namalayang umaga na pala. Doon lamang nabura ang aking mga pinag-iisip
nang makarinig ako ng mga yabag ng paa ng mga kabayo sa labas ng aming bahay.

Mabilis akong bumangon at binuksan ang bintana para masilip ang labas. Ganoon
nalang ang gulat ko nang makita ko ang mga tauhan ng pamilya ni Ate Rici na
nakapaligid na sa aming bahay. May iilang kabayong papunta pa dito at may iilan
namang mga tauhan na kakababa lamang sa kabayo at handa ng sumugod sa loob.

"Halughugin ang paligid at kaladkarin palabas ang putanginang iyon!" galit na


sigaw ng kung sino.

Ilang sandali lamang ay narinig ko na ang marahas na pagkakabukas ng aming


pinto. Mabilis akong lumabas ng kwarto at nadatnan ang mga tauhan nilang pumapasok
na sa loob.

"Anong ginagawa niyo? Ba't kayo pumapasok?!" sigaw ni Mama.

"M-Ma!" Mabilis akong nagtungo sa kanyang kinaroroonan dahil sa aking takot.


Hindi nila pinakinggan si Mama at nagpatuloy lang sa kakahalughog sa kabuuan ng
aming bahay. Ang mga gamit ay walang awa nilang pinaghahawi na mabilis ring kumalat
sa sahig. Kahit ang aming dalawang kwarto ay pinasok nila at pwersahang
pinagbubuksan ang mga pinto.
Kumpara sa kanilang tindig, walang wala ang lakas namin ni Mama. Kaya rin nila
kaming durugin sa oras na ito kung gusto nila. Kaya nila kaming saktan...

"Mukhang wala na rito..." sabi noong isa sa mga tauhan sa labas. Nakita ko pa
sa kanyang gilid ang isang baril na nagpatayo ng balahibo sa aking batok.

Nagsimulang magpaligsahan ang luha sa aking mga mata gawa narin ng pinaghalong
kaba at takot. Ito ba ang rason kung bakit pinatakas agad ni Mama si Kuya kagabi?
Dahil alam niyang si Kuya ang sisisihin nila? 
Pero ano namang kinalaman ni Kuya sa pagkamatay ni Ate Rici? Bakit galit na
galit sila kay Kuya? Imposible namang pinatay siya ng aking kuya... Wala akong
maisip na dahilan at para pa akong mahihilo sa labis na takot.

May kung sino ang pumasok. Sa tindig niya palang ay kilala ko na agad ito. Ang
aking atraksyon sa lalakeng hinahangaan ko ng palihim ay hindi ko na mahagilap sa
aking loob dahil sa takot na kumalat sa aking sistema.

Israel, the brother of Ate Rici, stood infront like a mighty person wearing a
black vneck tshirt, faded jeans and black boots. Ang buhok ay medyo magulo pero
maayos namang tingnan na kahit ang kumpol na iilang hibla na nalalaglag sa gitna ng
noo ay kapansin-pansin. Kahit nanlalabo ang aking mga mata dahil sa kakaiyak ay
hinagilap ko ko parin ang kanyang mga mata.

May inapakan itong kasangkapan dahil sa paghakbang niya na mabilisang nasira.


Tumigil ito sa gitna, kung nasaan ako, saka niya iginala ang tingin.

His mysterious eyes darted on me. Nandiyan na naman iyang mga mata niyang hindi
mo matukoy. Ang kanyang tingin ay parang isang anino na kahit maliwanag ang paligid
ay mananatiling kakaiba ang mga matang iyon, madilim, malalim at misteryoso.

Ang kanyang tingin ay parang kalangitang kinain ng dilim dahil sa malalim na


gabi at ni isang bituin ay walang matagpuan roon. Those gaze screams cruelty that
even his well defined strong jaw, thick brows, thin lips and pointed nose made him
look like he's no good for a fragile girl like me...

Bumaba ang kanyang tingin sa akin. Kahit si Mama ay hinila ako para itago sa
kanyang likuran. Sumiksik ako roon pero ang aking mga mata ay sumilip parin sa may
balikat ni Mama makita lamang siya.

Israel, in his dark expression, found my eyes again. Nanliit ako sa aking
sarili at napagtanto kung ba't pa ako humanga sa kanya eh napakasimple ko lang
naman.

Tigil tigilan mo iyan, Trace! Nagkakagulo na at iyan pa talaga ang naisip mo!
Hinding hindi ka niya magugustuhan! Alam mo iyan.

"Wala ang anak ko rito kaya umalis na kayo. H'wag kayong manggulo sa pamamahay
ko!" si Mama, bakas sa boses ang takot pero sinikap na magtapang-tapangan sa
kanyang harapan.

Hindi tinantanan ni Israel ang aking mga mata. Ang tingin na iyon ay hindi mo
mabasa kung anong ibig sabihin. Kung galit ba ito o ano... Katulad ng kanyang mga
mata... Ang kanyang kabuuan ay singdilim rin ng aninong kinakain ng gabi na kahit
lumiwanag ang paligid ay mananatili itong madilim at misteryoso. Ganoon ko siya
ilarawan... Ganoon ko siya tingnan...

His superiority made me realize I am just a mere kitten compared to this


dangerous lion.... compared to this beast.
Wala siyang sinabi at sinenyasan ang mga tauhan na umalis na. Ang aking mga
mata ay mabilis na sumunod sa kanyang imahe.
He seemed off today. Hindi kagaya noong mga araw na nakikita ko siya... ngayon
ay mas dumilim ang kanyang mga mata. Mas lalong naging misteryoso ang kabuuan niya
sa akin. Dahil ba nagluluksa siya sa pagkamatay ng kanyang kapatid? Gaganti ba
sila? Anong gagawin niya sa aking Kuya kung ganoon?

Ang pagharap ni Mama sa akin ang nagpabalik sa aking sarili. Mariin na ang
kanyang tingin sa akin at halos idiin ang kanyang kamay sa magkabila kong mga
braso.

"H'wag na h'wag kang lalapit sa pamilyang iyon, Trace! H'wag kang gagaya sa
kapatid mo! Sigurado akong gagamitin ka nila para matunton ang iyong kuya... Lumayo
ka sa mga Buenaventura lalong lalo na doon sa kapatid na lalake ni Rici!" Niyugyog
niya ako. Nagbabakasakaling matauhan ako kahit na wala pa naman akong ginagawa. Ang
kanyang mukha ay masyado ng nababahala.

Ganoon agad kapait ang aking nalasahan sa aking bibig nang mapagtanto ko ang
sinabi ni Mama. Kabisado ko ang kanilang pamilya. Hindi lamang ako kundi lahat ng
tao rito. Tuso sila at mararahas. Sila ang pinakamakapangyarihan sa lugar na ito at
pinakamayamang angkan kaya nakokontrol nila ang lahat ng bagay, ang mga tao rito...
Noong nagkaroon ng relasyon si Kuya at Ate Rici, akala ko ay may pag-asa ang
iniisip ko sa paghangang inaalagaan ko hanggang ngayon. Pero sa nangyayari, mukhang
kailangan ko na iyong itapon dahil alam ko namang wala iyong patutunguhan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 1

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
Beast
Makulimlim ang langit ng umagang iyon pagkagising ko. Ang kalangitan ay parang
nagluluksa sa kung ano. Malungkot iyon na kahit ang katiting na liwanag ay walang
sumilip.
Pinagmasdan ko ang labas. Ber months na kaya siguro ganito na kalamig ang
panahon at palagi ng umuulan. Ang langit ay palaging malungkot na akala mo ay may
pinagdadaan at palaging nagdadalamhati.
"Magsuot ka ng jacket, Trace," sabi ni Kuya Bram sa akin habang inaayos ang
kanyang uniporme.
"Ihahatid mo ako, Kuya?" tanong ko sa kanya nang nilingon ko ito.
Natagpuan ko siya sa harap ng mesa at hinahalo ang mainit niyang kape. Inangat
niya ang tasa, ang isang kamay naman ay nasa beywang.
Umangat lamang ang dalawa niyang mga kilay. Ngumuso ako at ibinalik ang tingin
sa labas ng bintana. Humalukipkip ako roon at hinalikan ang sarili kong mga brasong
nakahilig roon.
Ang lamig lamig ng panahon. Ang kalangitan ay masyadong misteryoso at hindi
makitaan ng liwanag. Magiging ganito ba ang buong buwan? O baka naman panandalian
lamang?
"May bagyo raw kaya ganito ang klima. Masyadong malamig at palaging umuulan,"
si Kuya nang mapansin ang pagiging malungkot ko dahil roon.
Hindi ko alam kung ba't naaapektuhan ako sa klima. Nagiging malungkot ako pag
malungkot ang langit. Para akong nakikiramay kahit hindi ko naman alam kung anong
pinagluluksaan nito. I always wonder why the sky looks so dark when it should be
sunny? Bakit kaya?
Palaging maagang umaalis si Mama sa bahay. Nauuna siya sa aming dalawa ni Kuya.
Nagtitinda ito ng mga bulaklak sa bayan. Mahilig ako sa bulaklak kaya minsan pag
bakante ako o walang pasok ay tinutulungan ko siya sa pagbebenta at pagtatanim.
"Kuya hindi ka ba malilate? College kana... Kaya ko namang pumasok mag-isa
eh..." reklamo ko sa nakakatanda kong kapatid habang naglalakad na kami papuntang
bayan.
Hinawakan niya ang aking ulo at nakapaskil na ang matamis na ngiti sa labi.
"H'wag mo akong alalahanin Trace... Exercise narin ito. 'Tsaka mamaya pang alas
otso ang pasok ko," paliwanag niya.
First year college na si Kuya habang ako naman ay Grade 9 na. Nag-aaral ako sa
isang publikong paaralan at isang scholar. Si Kuya naman ay may scholarship lang
rin kaya nakakapasok parin sa isang Unibersidad sa kabila ng pagiging kapos namin
sa buhay.
Ni minsan, hindi naman ako nagrereklamo sa estado ng aming buhay. Hindi ako
nagrereklamo kung ba't ipinanganak kaming ganito. Palagi kong tinatatak sa aking
isipan na lahat ay nag-uumpisa sa ibaba bago ka umangat.
Wala masyadong mamahaling eskwelahan rito. Isa lang naman itong bukid at halos
lahat ng naninirahan rin dito ay kapos sa pera. Mga taong hindi kayang mamuhay sa
syudad dahil masyadong maluho roon kaya nagtitiis nalang sa simpleng buhay rito.
Pero hindi ko naman sinasabing lahat ng nakatira rito ay puro mahihirap. May
naiiba parin. May angat. May makapangyarihan. May mayaman...
Pagdating sa bayan ay ganoon parin ang paligid, ang kalangitang makulimlim.
Nakikita ko na ang iilang estudyanteng may parehas na uniporme ko.
"Sige kuya... Dito na ako... Pumasok kana rin sa school," sabi ko at tumigil sa
may gate.
Luminga linga sandali si Kuya. Tila may hinahanap ito kaya lumingon narin ako
sa aking paligid. Kunot-noo kong ibinalik sa kanya ang aking tingin nang wala naman
akong matagpuang kakilala niya.

"Mangchichix kana naman 'no?" Pang-aakusa ko sa kanya na


mabilis niyang ikinatingin sa akin.
"Ako?" Natatawa niyang itinuro ang sarili.
Tumango ako, "oo... Nanghahunting ka siguro ng chix dito 'no? May target ka
dito kaya ilang araw mo na akong hinahatid sundo dito 'no?"
Tumawa si Kuya. Ang dimple sa kabilang pisngi ay mabilis na lumabas. May iilan
pang mga babae na napatingin sa kangya.
"Ikaw ang bata bata mo pa kahit ano na ang ibinibintang mo sa akin! Di ako
ganyan, Tracy..."
Ngumuso ako, "eh ba't parang may hinahanap ka?"
"Wala... Baka kasi may pumorma sa'yo. Concern lang ako." Kinurot niya ang aking
pisngi na ikinasimangot ko. Grade 9 pa ako... At wala naman akong nagugustuhan rito
maliban kay...
Isang busina ng kotse ang nagpabalik sa aming dalawa ni Kuya sa katinuan. Nasa
daan pala kami. Mabilis akong hinila ni Kuya paalis roon at tumabi kaming dalawa.
Nang makita ko ang plakard nito ay mabilis akong nakaramdam ng kaba. Na kahit ang
aking laway ay nalunok ko.
Tumigil iyon sa nakasanayan nitong parking area. Kilalang kilala ng lahat ang
nagmamay-ari ng marangyang kotse na iyon.
"Salamat, Manong!" Ang malambing na boses ni Ate Rici ang pumaibabaw nang
lumabas ito.
Ang malaporselana niyang kutis ay masyadong maliwanag kumpara sa kalangitan.
Para itong nasisinagan ng araw dahil narin sa kanyang ngiti at mapuputing ngipin.
Ang itim na buhok ay masyadong makintab at idagdag pa ang maliit nitong mukha na
mas lalong nagpaganda sa kanya.
Grade 10 na ito at lahat ng lalake sa eskwelahan ay nahihibang sa kanya dahil
narin sa taglay na kagandahan. Mas namangha ako nang makita ang kanyang mga matang
misteryoso ngunit may kung anong ningning na maaakit kang titigan ito lalo. Ang
katangkaran at hubog ng kanyang katawan ay parang isang hourglass at ni isang
kapintasan ay wala kang matatagpuan sa kanya.
Suminghap ako saka ibinalik ang tingin kay Kuya para sana magpaalam sa kanyang
muli nang mapansin ko ang kanyang ekspresyon. Ang labi ay marahang nakaawang at
nakasunod na ang mga mata kay Ate Rici. Kumurap ako. Hindi kaya...
"Kuya," tawag kong muli sa kanya na ngayon ay natauhan na at hinila ang tingin
papunta sa akin.
"H-Huh?" wala sa sarili niyang tanong lalo na't bumalik pa sandali ang kanyang
mga mata sa entrance saka ulit ibinalik sa akin.
"Papasok na ako," paalam ko sa kanya.
"Ah... Sige... Mamaya susunduin kita," sabi niya na ikinatango ko.
Parang wala sa sarili si Kuya sa tuwing napapansin kong nasa paligid lamang ang
presensya ni Ate Rici. Sa mura kong edad, alam ko na ang mga bagay tungkol sa
pagmamahal. Siguro dahil narin sa aking kyuryusidad dahil mahiwaga iyon at
masyadong misteryoso kaya nagkakainteres ako.
Nagbabasa ako ng mga nobela at nalulungkot sa mga estoryang may mapait na
wakas. Natuto akong hindi lahat ng pagmamahal ay masusuklian ng taong gusto mo. Ang
pagmamahal ay hindi palaging masaya ang pagwawakas. Ang relasyon sa libro ay
nagwawakas sa isang tuldok habang ang relasyon naman sa reyalidad ay nagwawakas
dahil hindi nakayanan ang mga pagsubok. May mga wakas na kahit hindi mo gustong
matapos ay kailangan mong isara dahil hanggang doon lang talaga ang kabanata nilang
dalawa.
Isinara ko ang librong binabasa at nalungkot sa wakas noon. Lunch time kaya
ginugol ko ang aking oras sa pagbabasa. May mga kaibigan naman ako pero hindi rin
talaga sobrang close na bawat oras ay palagi kaming magkasama.
Lumabas rin naman ako sa library pagkatapos magbasa at nagtungo na sa
classroom. Maingay ang aking mga kaklase at mukhang mga crush na naman ang kanilang
topic.

Umupo ako sa aking upuan. Naghahagikhikan na si Rinka at


Cecille kasama ang dalawa pa nilang mga kaibigan na kaklase ko rin.
"Isama natin si Tracy!" suhestyon ni Cecille sanhi para malipat ang kanilang
mga mata sa akin.
Kumurap ako.
"H-Huh?" Hindi kaya ay balak nilang magnakaw na naman ng mangga sa malawak na
puno ng mga Buenaventura?
"Baka hindi iyan sasama eh Maria Clara pa naman itong si Tracy!" Tumawa pa si
Rinka.
Tumawa narin ako ng marahan kahit hindi ko pa alam kung ano ang kanilang pinag-
uusapan.
"Ang alin?" tanong ko.
"Isama natin nang mawala ang kainosentehan ng kanyang mga mata! Kahit iyon man
lang ay mabindisyunan natin!" si Rose, isa sa mga kaklase ko.
"H-Huh?" nagtataka kong inilipat ang aking mga mata sa kanila.
"Mamayang hapon Trace... Punta tayo sa lupain ng mga Buenaventura..." Ngumisi
na ng malisyosa si Cecille sa akin.
"Mangunguha kayo ng mangga?" tanong ko na ikinailing nila. Humagikhik pa si
Rinka at namumula naman ang mukha ni Rose.
"Tuwing hapon nanunungkit ng mangga si Israel roon. Iyong kapatid na lalake ni
Ate Rici. Silipin natin! Topless iyon palagi sa tuwing nanunungkit!" Tumili pa si
Rinka na kahit si Cecille at Rose ay niyugyog ang isa't isa.
Namula agad ang aking pisngi. Iniisip ko palang ang kanilang binabalak ay
parang hindi ko na kaya.
"Sige na, Trace! Sayang iyang mga mata mo kung hindi mo pakikinabangan ng
maayos!" si Rose.
"Oo nga! Minsan lang naman! Busugin mo rin iyang mga mata mo!" Humalakhak pa si
Rinka.
"Hindi lang naman kasi mga mangga ang masarap sa lupain ng mga Buenaventura.
Pati narin iyong may-ari!" panggagatong pa ni Cecille kaya nagtilian na ang tatlo.
Mas uminit ang aking pisngi. Ba't naman nila alam na topless si Israel tuwing
nanunungkit ng mangga?
"Sige na, Trace! Iyon ang binabalita ni Ate Rici! Pinapakuha niya raw ng mangga
si Israel tuwing hapon at minsan ay topless raw ito! Silipin natin kung totoo ba
tapos umalis agad tayo!" Niyugyog na ako ni Rose.
Lumunok ako ng laway at hindi alam kung paano sila tatanggihan. Lalo na't bawat
minuto, kahit nagsisimula na ang klase ay nagsesenyasan silang tatlo na tuloy iyon
mamaya. Pag hindi ako lumilingon sa sitsit nila ay binabato na ako ng papel kung
saan nakasulat ang kanilang plano.
Sa huli ay wala rin akong nagawa kundi pumayag nalang para matigil lamang sila.
Kaya noong uwian, hindi ko na alam kung ano ang gagawing palusot kay Kuya Bram
habang hinihintay ko ito sa tapat ng gate.
"Wala pa ang Kuya mo, Trace?" tanong ni Cecille na palinga linga narin sa
paligid.
Umiling ako. "Wala pa... Uh... Baka hindi ako sunduin at dumeritso na iyon kay
mama. Sa susunod nalang siguro ako sasama sa inyo-"
"Andyan na ang kuya mo, Trace!" Itinuro agad ni Rinka ang nakakatanda kong
kapatid.
Naiwang nakaawang sa ere ang aking bibig. Ang iniisip kong pagtangging sumama
sa kanila ay nabura rin dahil sa biglaang pagdating ni Kuya. Mukhang gusto ata ng
tadhana na mabindisyunan ang mga mata mo, Trace...
"Pakshet rin talaga iyang Kuya mo, Tracy! Ang guwapo! May girlfriend ba iyan?
Pumapatol ba siya sa bata?" si Rose na nangingisay na sa aking tabi at hinihintay
ang paglapit ng aking kapatid.
Sinapak ito ni Rinka, "Wala kang dede kaya wala kang karapatang lumande!" sigaw
niya rito na nagpabusangot kay Rose.
"Aray ko. Mas mabuti na itong walang dede kaysa naman sa'yong mukhang dede,"
sagot ni Rose.

Tumawa kami sandali pero natigil rin nang lumapit na si


Kuya Bram. Naamoy ko kaagad ang matapang niyang pabango na ikinalukot ng aking
mukha. Ba't masyadong mabango?
"Uh Kuya Bram-"
"Kuya may project po kami at kagrupo namin si Tracy sa bahay namin para doon
gawin ang project namin!" singit agad ni Cecille sa akin.
Kumunot ang noo ni Kuya, ang mga mata ay pinagdudahan agad ako.
"Anong klaseng project? Project sa kalokohan?"
Umiling silang tatlo. Ngumuso naman ako. Maninilip daw kami, Kuya...
"Hindi po kalokohan! Para po ito sa kinabukasan namin! Malaking grades po ang
nakasalalay!" dagdag pa ni Rose na ikinatango naman agad ng dalawa.
Hindi mabura bura ang pagdududa sa mukha ni Kuya. Doon lamang naalis ang
kanyang mga mata sa akin nang may narinig akong pamilyar na halakhak sa aming
likuran. Pasimple ko iyong nilingon at nakita si Ate Rici kasama ang kanyang mga
kaibigan. Tumatawa ito at masyadong mahinhin ang paglalakad.
Ibinalik ko ang tingin kay Kuya na nakaawang na naman ang mga labi. Mukha na
naman itong nahihipnotismo sa kakatitig kay Ate Rici.
"Kami nalang ang maghahatid kay Tracy pauwi, Kuya Bram!" si Rinka na hindi
naman pinakinggan ni Kuya.
"Uy silence means yes! Tara na Trace! Pumayag na ang Kuya mo!" Hinila na ako ni
Cecille.
"H-Huh? Teka? Hindi pa ata!" protesta ko pero pati si Klara ay nakihila narin
sa akin.
"Tara na!"
Nakaladkad ako ng dalawa. Tiningnan ko si Kuya na naroon parin ang tingin at
nakalimutan na ako ang sadya sa eskwelahang ito.
Tumakbo sila kaya pati ako ay nahila narin. Naghahagikhikan sila sa daan at
masyadong excited sa kanilang binabalak. Hindi ba kami mapapahamak nito? Maraming
tauhan roon! Hindi ba sila magagalit pag pumasok kami sa lupain ng Buenaventura?
Pinagpapawisan ang aking mga kamay habang papunta kami roon at masyadong
nalulunod sa mga katangunang nasa aking utak. Ba't ba ako sumama sa kamanyakan ng
tatlong ito? Pag nalaman ni Kuya Bram itong kalokohan ko ay malalagot rin ako sa
kanya.
"Malapit na tayo!" Mas hinila ako ni Rose na kahit ang kanyang pagtakbo ay
bumilis. Ang aking uniporme ay nagugusot na sa kakahila niya. Ang suot kong bag ay
kulang nalang malaglag kakatakbo.
"Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ito!" si Rinka naman na ganoon rin
kaexcited. Ako lang ata itong nangangamba sa aming binabalak.
Dahil narin sa makulimlim na kalangitan ay hindi gaanong matingkad ang kulay ng
paligid. Katamtaman lamang iyon para manilip at magtago sa malalaking puno.
"Dahan dahan..." saway agad ni Cecille sa amin nang makarating kami sa mismong
lupain.
Bumagal ang aming pagtakbo hanggang sa maingat na kaming humahakbang ng
malalaki na hindi gaanong gumagawa ng ingay. Para kaming mga kawatan sa alas singko
ng hapong iyon...
"Dito tayo!" Sinenyasan kami ni Rinka na nauuna na sa harap na magtago roon sa
malaking puno. Hinila ako ni Rose at isa isa kaming nagtago roon.
"Wala pa ata si Israel..." si Cecille na palinga linga na sa harapan.
"Lumipat tayo doon sa mas malapit na puno!" May kung anong itinuro si Rinka
kaya isa isa rin kaming lumipat roon.
"Baka hindi iyon manunungkit ng mangga ngayon?" hula ko.
Hindi sila sumagot roon at masyadong tutok sa harap.
Ilang sandali lamang, kulang nalang ay mapunit ang aking suot na uniporme nang
hilain iyon ni Rose. Si Cecille at Rinka ay kapwa impit na ang mga tili at
sinisikap magpigil.

"Ang kisig! Manganganak na ata ako sa kalandian ko! Nasa


sinapupunan ko na ang bunga ng karupukan ko..." daing ni Rose sa mahinang boses at
ako ang pinanggigilan.
Ayoko sanang tumingin dahil narin pinapangunahan ako ng hiya. Pero dahil narin
sa reaksyon nilang naglulupasay na ay kinain narin ako ng aking kyuryusidad at
nakisilip. Literal na umawang ang aking mga labi nang makita ko ang matangkad na
lalake, may dalang panungkit at walang saplot sa pang-itaas. Bakat na bakat sa
kanyang katawan ang hindi gaanong batak na abs pero masasabi mong meron talaga
dahil sa ukit noon at hulma.
"May malaking mangga rin ata siyang tinatago sa pantalon niya! Tingnan niyo!"
bulong pa ni Cecille na hindi ko na kinaya at napapikit na.
"Lumapit pa tayo!" suhestyon ni Rose.
Gusto ko sanang tumanggi pero pagdilat ko ay isa isa na silang gumapang patungo
sa mas malapit na malaking puno. Kinabahan ako at ramdam ang sobrang bilis na
pintig ng aking dibdib. Ano ba itong napasukan mo, Trace?
Gumapang narin ako papunta sa kanila. Sinilip naming muli si Israel na medyo
malapit na sa aming dako. Tumingala ito na kahit kami ay tumingala narin. Ang
kanyang panga ay masyadong matulis na pag hahawakan mo ata ang gilid noon ay
masusugatan ka. Madilim ang ekspresyon nito at masyado pang seryoso na kahit ang
magulong buhok at makapal na maitim niyang kilay ay bumabagay sa dilim na bumabalot
sa kanyang mga mata.
"Pwede bang ako nalang iyong panungkit?" si Rinka.
"Ako nalang iyong mangga. Handa akong magpahulog para sa'yo Israel... Saluin mo
ako at kainin ng buo! Matamis at hinog na ako..." nagpapantasyang bulong ni Cecille
na ikinahagikhik ni Rose.
Ako lamang itong tahimik siyang pinagmamasdang nanungkit. Silang tatlo ay
nagawa pang magsapakan at masyado ng nahihibang sa panonood. Nagsimula itong
manungkit habang nagkakasalubong ang kilay. Ilang sandali lamang ay nalaglag nga
ang mangga at gumulong na iyon sa kabilang parte.
Nalaglag ang tingin ni Israel saka iyon sinundan. Napalunok agad ako ng laway
nang mapagtantong makikita na kami rito. Tinapik tapik ko ang tatlo.
"Makikita niya ata tayo rito..." kinakabahan kong sabi.
"Sus Tracy! Hindi iyan! May nakatakip naman na mga dahon!" si Cecille.
"Oo nga Trace... Magmamadre ka ba at masyado kang banal?" Tumawa pa si Rose.
Lumunok ako ng laway at ibinalik ang tingin kay Israel na bigla nalang nawala
sa kinatatayuan nito.
"Hala nawala!" natatarantang sigaw ni Cecille.
"Itong si Tracy kasi kinuha pa ang atensyon natin! Hanapin niyo!" iritadong
sabi ni Rinka.
Iginala ko narin ang tingin sa harapan. Ang bilis niya naman ata? Hindi kaya ay
napansin niya kami rito kaya tumakbo na ito paalis?
"Lumipat tayo doon sa kabilang puno," sabi ni Rinka at nagsimulang gumapang.
Sumunod naman agad ang dalawa at ako pa itong nagdadalawang isip.
Handa na ulit akong gumapang nang hindi na ako makagalaw dahil sa pagkakaipit
ng aking palda sa kung saan. Hinila ko pa iyon.
"Tracy ang tagal mo. Bilis na-" Nilingon ako ni Cecille. Ang mukhang iritado ay
mabilis na napalitan ng pagkagulat.
Kahit ang dalawa ay ganoon narin ang reaksyon nang magsilingunan sila sa akin.
Ang mga mata ay nanlalaki at nalaglag na ang panga.
Sa reaksyon nila ay may umupo naring kaba sa aking dibdib. Dahan dahan akong
tumingala hanggang sa nakita ko ang walang pang-itaas na saplot na lalakeng
sinisilipan namin kanina pa.
"Trespassers," sabi niya sa malamig at malalim na boses sanhi para magsitayuan
ang tatlo at isa isa ng kumaripas ng takbo.
Nanlaki narin ang aking mga mata nang makita kung gaano kadilim ang tinging
iyon. Katulad ng kalangitang makulimlim, wala rin akong mahanap na liwanag sa
kanyang mukha.
Natataranta akong tumayo pero dahil apak apak niya ang aking palda ay hindi
agad ako nakaalis. Lagot ka ngayon, Tracy! Hubarin mo nalang iyang palda mo!
Mabilis kong tinanggal ang lock noon hanggang sa lumuwang nga iyon sa aking
beywang. Uminit ang aking pisngi nang mapagtanto kong wala akong short. Ano,
tatakbo akong nakapanty?!
Bago ko pa iyon mahubad sa akin ay marahas niya na akong nahila. Mabilis akong
umangat at humarap sa kanya.
"Isa ka sa mga manyak na iyon?" malamig niyang tanong, ang hininga ay tumatama
na sa aking pisngi dahil sa sobrang lapit na kahit ang mga mata niya ay hindi ko
makayanang tingnan ng matagal.
Umiling ako. Gustong magsalita pero kinain agad ng kaba ang kabuuan kong
sistema. Sa aming apat na hindi naman gaanong interesado sa kanyang katawan... ako
pa itong nahuli. At hindi ako manyak!
Mas tumalim ang tingin niya sa akin. Ang pagkakahawak sa aking braso ay mas
lalo pang humigpit na kahit ako ay nadikit na sa kanyang katawan.
Sa sobrang lapit ay mas napagmasdan ko ng malinaw ang kanyang mukha. Ang
matangos na ilong. Ang mga matang may ikinakagalit at parang maraming tinatagong
emosyon. Hindi na ako halos makahinga kakatitig sa mukha niyang tila may dalang
kapahamakan sa oras na binangga mo. He looks so cruel... parang isang mabangis na
hayop na palaging naghahanap na mabibiktima para gawing pagkain.
"B-Bitiwan mo ako..." bulong ko sa mahinang boses at natatakot na sa kanyang
imahe. Ang galit sa kanyang mga mata ay hindi man lang humuhupa at lumalalim lang
lalo ang tingin sa akin.
"Kababae mong tao pero naninilip ka," seryoso niyang sabi at mas dumilim lalo
ang ekspresyon. Paano na iyan ngayon, Trace? This beast won't let you escape...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 2
Vote. Comment. Be A Fan.
Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
Pinasukan
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang tunay na sadya ko rito.
Alangan naman sabihin ko na nadamay lang ako sa plano ng mga kaibigan kong silipin
siya? Pero kahit na Trace... Kasabwat ka parin. Kung sa pagnanakaw pa, parang
naging look-out ka at may naiambag ka paring kasalanan.

"Ano? Sagot," mariin niyang sabi na ikinalunok ko.

Umawang muli ang aking labi para magsalita pero katulad ng nangyari kanina, ni
isang salita ay wala akong mailabas. Paano ako magpapaliwanag kung pinapangunahan
ako ng sarili kong takot sa kanya? Anong sasabihin ko?

Oo... Kasama nila ako sa paninilip sa'yo... Para makita ang katawan mo...

Namula ang aking pisngi sa aking iniisip. Ang aking mga mata ay mabilis kong
naibaba sa kanyang leeg at nasulyapan pa sa ibaba ang hubog ng kanyang matigas na
tiyan. Lumunok akong muli at mabilis na ibinaling ang mga mata sa ibang direksyon.
Ang mga mata ko... Wala na Trace... Hindi na nga sila inosente...

"W-Wala naman akong balak na s-silipan ka—"

"You just did. Nahuli ko kayo ng mga kaibigan mo," pang-aakusa niya, ang galit
sa madilim niyang mga mata ay hindi parin humuhupa.

Umiling agad ako. "Nandito kami p-para manungkit rin ng mangga!" alibi ko
nalang para makawala.

"Oh really? Mukha bang mangga ang katawan ko at nasa akin ang tingin niyo imbes
sa puno?" Umangat ang makapal at maitim niyang kilay.

Umiling akong muli. Marahan pa akong lumayo sa kanya pero hindi ko man lang
mahila palayo ang aking sarili sa kanya. He doesn't want to let go of me. Ni ang
tingin ay ayaw niyang alisin sa akin.

Isa pa sa nakakabahala ay ang napakamanly niyang amoy. Nanunuot iyon sa


kasuluksulukan ng aking ilong na kahit ayaw ko siyang amuyin ay malalanghap ko
parin ang kanyang pabango. Isa rin sa nakakatangay ng pansin ang rebeldeng
pagkakaayos ng kanyang buhok na nakatali sa likod pero hindi naman gaanong mahaba
at may tumatakas parin at nalalaglag sa gilid. Ang tatlong piercing sa isa niyang
tenga... Sa imahe niyang nakalasindak ngunit nakakalaglag panga...

"Hindi naman ako ganoon katulad ng iniisip mo... Naakit lang talaga kami sa mga
mangga..." paliwanag ko sa kislap ng mga mata kong sumasayaw at hindi maipirmi sa
paggalaw.

"Liar," he accused on a deep voice.


"T-Totoo!" Frustrated kong sigaw na ikinaguhit ng iritasyon sa kanyang mukha
nang magawi ang mga mata sa aking labi.

He stared at me for awhile. Mas natakot ako roon. Parang sinisilip niya ang
loob ko na kahit ang aking kaluluwa ay handa ng humiwalay sa aking katawan.

Ang lalakeng palihim mong tinititigan sa t'wing sinusundo ang kanyang kapatid
ay nasa aking harapan na. Aaminin ko, isa ako sa mga babaeng humahanga sa kanya. At
ngayon na nabigyan ako ng pagkakataong mapalapit sa kanya ng husto ay mas lumala
lamang ang iniingat-ingatan kong atraksyon sa kanya.

Oo may gusto ako sa kanya kaya rin siguro hindi ko mahila ang sarili ko na
h'wag nalang sumama sa mga kaibigan ko kanina dahil may parte sa akin ang gusto
siyang makita. May parte sa akin ang natutupok sa t'wing naririnig ko ang kanyang
pangalan.

"Kuya?!" may tumawag sa kanya sanhi para malihis ang kanyang mga mata sa akin.
Boses iyon ni Ate Rici!

Kinuha ko agad ang pagkakataong iyon para makawala. Sipain mo Trace! Bayagan
mo!

P-Pero masasaktan ko siya! Ayoko namang kamuhian niya ako! Gawin mo nalang para
makaalis kana kaysa naman ikaw pa ang mapahamak pag hindi ka nakawala!

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinipa agad ang kanyang


gitna. Katulad ng aking iniisip ay mabilis niya nga akong nabitiwan at nahawakan na
ang kanyang gitna. Nakayuko ito at bakas sa mukha ang iniindang sakit.

"Fuck!" he growled violently while looking at me on his pained expression.

"S-Sorry! Masakit?!" Natataranta akong lumapit sa kanya para sana tulungan ito
pero nang makarinig rin ako ng kaluskos at mukhang papunta na sa aming gawi ay
napaatras na ako.

Mariin siyang pumikit. Mas napaatras ako hanggang sa tumalikod na ako at


kumaripas ng takbo paalis. Ang aking puso ay para nang lalabas habang tumatakbo ako
sa kakahuyang iyon. Ang maliit kong bag ay sagabal pa sa aking likod idagdag pa ang
maluwang kong palda na natanggalan ko ng lock kanina.

Just run faster, Trace! H'wag kanang lumingon! Malalagot ka sa Buenaventurang


iyon pag naabutan ka niya.

Pero teka, binayagan ko ba talaga siya?!


Kabadong kabado ako at para na akong mahihimatay sa kalabog ng aking dibdib. I
was panting really hard when I stop just to chase my breath. Nasapo ko ang dibdib
at napayuko, hingal na hingal kakatakbo.

Nilingon ko ang aking likuran at mukhang hindi na ako sinundan nito. Gumuhit
agad ang pagkadismaya sa aking mukha. Hindi ko inaasahang magiging ganoon ang una
naming pag-uusap. Nahuli niya ako sa aktong naninilip!

Pulang pula ang aking pisngi nang makauwi ako sa bahay. Hindi ko na namalayan
ang dumaang oras at doon lamang napagtantong masyado na pala akong matagal na
nawawala dahil sa nag-aalalang mukha ni Kuya Bram.

"Kuya—"
"Saan ka ba nagpunta, Trace?" Sinalubong niya agad ako.

"A-Ah... 'Di ba may ginawa kaming project sa bahay nila R-Rinka?" Hindi ko
maipanatili ang aking mga mata sa kanya. Lumilihis talaga iyon.

"Hindi kita pinayagan kanina ah? Bigla bigla kana lang nawawala!"
"Kasi Kuya tulala ka. Nagpaalam kami ng maayos," paliwanag ko sa kanya pero
hinila na ako nito papasok ng bahay.

"'Di ba may usapan kayo ni Mama na pupuntahan mo siya sa bayan ngayon at


tutulungan sa pagtitinda ng bulaklak?" paalala niya na ikinalaki agad ng aking mga
mata.

"Oo nga pala!" Natataranta kong nahubad ang aking maliit na bag at gusto ng
magpalit para makahabol sa bayan.

Hinawakan ni Kuya ang aking braso at ipinirmi ako.


"Anong oras na oh? Mapapagalitan ka lang noon kaya dumito kana. Gawin mo ang
assignment mo. Ako na ang mag-aalibi mamaya..." sabi niya at binitiwan ako.

Nagtungo siya roon sa lamesa at pinaghahandaan na ako noong nilagang saging.


Naglagay siya ng dalawang kapiraso sa isang pinggan saka niya ako sinenyasang
lumapit roon.

Nagtungo ako at umupo sa upuan. Naguilty agad ako sa aking ginawa. Gusto kong
sabihin sa kanya na nagtungo kami sa lupain ng mga Buenaventura pero natatakot ako
baka magtanong siya kung anong ginawa namin roon.

Nanilip Kuya. Sinilip namin si Israel na nanunungkit ng mangga habang walang


saplot sa itaas. Uminit ang aking pisngi sa pinag-iisip at sinipa agad iyon palabas
ng aking utak.

Si Kuya mismo ang nagbalat noong saging sa akin lalo na't mainit init pa iyon.
Tiningnan ko siya ng maigi. Nagkakasalubong ang kanyang kilay at seryosong seryoso
sa pagbabalat.

"Kuya... Crush mo ba si Ate Rici?" biglaan kong tanong na ikinatigil niya sa


pagbabalat.

Mabilis na nalipat ang kanyang mga mata sa akin. Gulat na iyon at medyo
natigilan.

"Huh?"
"Si Ate Rici... Iyong Buenaventura... Iyong mayaman at maganda na Grade 10,
kuya..." paliwanag ko sa malinaw na boses na ikinaloosen ng kanyang balikat. Na may
nasabi akong nagpahina sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Ang ganda niya 'no?"


Tumango agad ako. "Opo! Para siyang naliligo palagi sa gatas. At ang bango
bango rin noon, Kuya! Sikat na sikat siya sa eskwelahan at maraming nagkakagusto sa
kanya. Ikaw rin ba?"

Imbes sumagot ay tumawa siya. Hindi ko alam kung biro ba iyong naging tanong ko
o ano.

"Mayaman sila, Trace. Para narin akong naghangad na makalipad para maabot ang
langit na dapat ay tingalain ko lang," malungkot niyang sabi na kahit ang mga mata
ay namungay.

"Pero mabait ka naman ah? Maalaga ka pang kapatid! At guwapo! Pera nga lang ang
kulang sa'yo pero okay ka naman Kuya..." pangchecheer-up ko na ikinangisi niya ng
matamis.
"Kung pwedeng ipagmalaki ko ang mga katangiang iyon at mabili ang atensyon niya
sa pamamagitan noon pero hindi iyon ganoon kadali, Tracy. Halata namang ang gusto
ng kanyang mga magulang ay iyong may ikakabuga sa buhay. Iyong galing sa mayamang
angkan."

Hindi ko maintindihan ang pinupunto ni Kuya. Oo nagegets ko na malayong malayo


ang agwat nilang dalawa dahil sa estado ng pamumuhay pero ang hindi ko maintindihan
ay kung bakit ibabase roon ang pagmamahal mo sa isang tao. Doon ba nasusukat ang
pagmamahal? Sa karangyaan at kayamanan? Na pag mahirap ka ay marami nang bawal?
Ganoon ba iyon?

"Edi ibig sabihin gusto mo talaga si Ate Rici?" tanong ko, hindi na naisatinig
pa ang pag-iisip.

Nameywang si Kuya at nabasa ang pang-ibabang labi. Napunta sa malayo ang


kanyang tingin at mukhang may malalim nang pinag-iisip.

Dinampot ko ang isang saging at kinagatan iyon habang pinag-aaralan ko ang


kanyang ekspresyon. Sinasabi ko rin iyon sa kanya dahil iyon ang palagi kong
tinatatak sa aking isipan kahit na sinasampal rin ako ng katotohanan sa estado ng
kanilang buhay. Maraming naghahabol sa kanyang babae at kumpara sa akin na palihim
iyong kinikimkim, may ikakabuga sila pagdating sa estado ng buhay. May mga kaya...
May maipagmamalaki hindi kaya kong kahit dibdib ay hindi man lang lumaki.

Ang ibig kong sabihin ay bumagay lamang ang hugis noon sa payat kong
pangangatawan. Bata pa naman ako... Hindi pa iyon mahalaga ngayon, Trace.

Sabay kaming napabuntong ng hininga ni Kuya. Nagkatinginan pa kaming dalawa at


sabay ring natawa.
"Lalake iyang iniisip mo 'no?" Pang-aakusa niya sa akin.
Umiling ako. "Ikaw lang naman ang sikat sa atin Kuya... Ni isa ata ay walang
nagkakagusto sa akin." Tumawa ako ng pabiro.
Sasagot pa sana ito nang biglang mangibabaw ang isang boses na nagbigay sa akin
ng kaba.

"Bram? Si Tracy nasaan?" tanong ni Mama na kakadating lamang.

Mabilis akong napatayo at binalot agad ng takot ang mukha.

"Ma." Lumapit si Kuya sa kanya at tinulungan ito sa mga dala. Nagmano siya kaya
nagtungo narin ako doon.

Medyo nalalaglag ang iilang hibla niyang buhok at bakas sa mukha ang pagod. May
dala itong balde na supot na ang laman kung nasaan niya nilalagay ang mga bulaklak
niya. Mukhang naibenta niya iyon lahat...

"Mano, Mama..." mahina kong sabi at nakagat ang pang-ibabang labi lalo na't
nabasa ko agad sa kanyang tingin ang pasalubong niyang sermon saakin.

"Hindi mo ako pinuntahan sa bayan. 'Di ba ang sabi ko pagkatapos ng klase mo ay


humabol ka roon?" Mariin niya akong tiningnan. Si Kuya naman ay sinesenyasan pa
akong pumasok nalang sa kwarto.

"May ginawa kasi iyang mga projects Ma kaya hindi kana


napuntahan roon," palusot ni Kuya.
Tumango agad ako, dala narin ng takot na mas masermonan lalo.

"Anong projects? Baka lumakwatsa lamang ito at pinagtatakpan mo na naman!"


Tumawa si Kuya at nagtungo sa kanyang dako. Hinilot niya ang ulo nito.

"Ikaw Ma... Magpahinga kana. Ipagpabukas mo nalang ang panenermon kay Tracy,"
malambing niyang sabi at pasimple pa akong sinenyasan na siya na ang bahala kay
Mama.

Palihim akong ngumiti lalo na at humihinahon na si Mama. Naantala ang kanyang


panenermon sa akin ng gabing iyon. Ako agad ang naghugas ng aming pinagkainan para
at naglihis ng bahay bago matulog. Noong humiga ako ay ang mga mata agad ni Israel
ang pumasok sa aking utak.

Napakamisteryoso talaga ng mga matang iyon. Hindi ko alam kung ba't sa dinami-
dami ng mga matang nakikita ko araw-araw... Iyong kanya ang pinakakakaiba at
pinakamadilim. Palagi iyong misteryoso... Iyong pag tinitigan mo siya, sa sobrang
lalim ng kanyang titig ay hindi mo alam kung may dulo pa ba iyon.

Kinabukasan ay hinatid parin ako ni Kuya Bram sa eskwelahan. Gumagala na naman


ang kanyang mga mata habang ako itong nagpasyang pumasok na agad at ayaw manatili
roon ng matagal. Baka biglang sumulpot ang kotse nila Ate Rici at makita ko pa ang
kanyang kapatid.

Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay ang bungisngis agad nila Rinka ang aking
narinig. Nang makita nila ako ay mas lumakas ang tawanan ng tatlo.

"Anong nangyari sa'yo kahapon, Trace?" natatawang tanong ni Rose sa akin na


kahit may ediya sila ay gusto parin nilang marinig ang sasabihin ko.
Hinubad ko ang suot na maliit na bag saka rin hinubad ang suot kong jacket.
Pinaghihila naman nila ang kanilang mga silya papalapit sa akin. Umupo ako habang
ramdam ko naman ang kanilang mga matang nakasunod sa akin at naghihintay sa
isasagot ko.

"Nahuli niya ako," nakasimangot nilang sabi na mas ikinatawa nila.

"Oo alam namin dahil hindi kana nakahabol sa pagtakbo naming tatlo kahapon,"
natatawang sabi ni Cecille at hinampas pa ang desk ng aking upuan.

"Anong ginawa sa'yo?" si Rinka.


"Pinalo ka ba ng panungkit niya? Iyong nasa ibaba ha..." si Rose.
"T-Tumakas ako. Nasipa ko siya sa gitna... H-Hindi ko naman iyon sinasadya—"
"Sinipa mo ang betlog niya?!" gulat na tanong ni Cecille.

Napangiwi ako sa ipinangalan niya roon. Ba't ang sagwa pakinggan.

"Trace naman! Paano kung kami ang nagkatuluyan edi nabaog iyon! Hindi kami
makakabuo!" Lumukot ang ekspresyon ni Rinka.

Umawang ang aking bibig para sana sumagot pero naunahan rin agad ako ng boses
ni Rose.

"Kawawa naman ang junior ni Israel... Tinanggalan mo siya ng kalayaang ikalat


ang lahi niya Trace... Hinimas mo nalang sana!" si Rinka.

Nanlalaki ang aking mga mata at hindi nakaya ang kamanyakan ng tatlo.

"Dapat magsorry ka sa junjun niya, Trace... Hindi maganda iyang ginawa mo ha!"
si Rose naman tapos nagtawanan agad sila.

"Pero matanong ko..." Inilapit ni Rose ang kanyang mukha sa akin. "Matigas ba?
Kasing tigas ng mga mangga nila?"

"O kasing haba ng panungkit nila sa mangga?" dagdag naman ni Rose na inilapit
rin ang mukha sa akin.

Lumayo ako at pakiramdam ko ay nasunog na ang aking magkabilang pisngi dahil sa


sobrang init noon.

Sasagot pa sana ako kaso nagtilian narin silang tatlo at


may binabanggit na hugis raw ng ano ni Israel. Nailing ako at gusto nalang na
dumating na iyong guro para matigil sila sa kanilang kahalayan.

Nagconcentrate ako sa klase habang ang tatlo naman ay naririnig kong


bumubungisngis sa aking likuran. Hindi parin nila binibitawan iyong topic tungkol
kahapon.

"Ang kisig kisig... Ang guwapo guwapo! At ang tigas tigas..." narinig kong sabi
ni Rinka sa mahinang boses.

"Pinagpala talaga ang lalakeng iyon... Nasa kanya na ang lahat..." si Rose
naman.
"Swerte ng magiging girlfriend," si Cecille.
Ang swerte nga. Sino kaya ang girlfriend niya ngayon rito sa bayan? Alam ko
namang madali lang sa kanya ang pumili ng babae. Iyong mga kaibigan ko nga ay handa
ng ialay ang kanilang sarili kay Israel... Lahat ng mga babae rito ay hibang sa
kanya.

Recess na iyon. Ang bungisngis ulit ng tatlo ang pumaibabaw sa aking likod nang
makaupo ako at makabili ng aking pagkain.

"Tingnan mo ito, Trace!" Ipinakita sa akin ni Rinka ang binili niyang jumbo
hotdog. "'Di mo ba naalala si Israel dito?" natatawa niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi eh..." Paborito niya ba ang hotdog o parte na naman iyan ng
kahalayan ng kanilang mga utak.

"Nako, ganyan siguro ang panungkit ni Israel!" si Cecille.


"Baka nga mas mahaba pa rito!" tumatawang pahayag ni Rinka.
"Pakagat nga!" Akma iyong kukunin ni Rose nang mabilis ring isinubo ni Rinka
ang kalahati.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin sa tatlo. Sila itong pinakamanyakis pero ako
pa ang napagbintangan ni Israel. Ni minsan, hindi naman sumagi sa aking utak ang
kahalayan tungkol sa kanya. Ang palagi kong naiisip ay kung anong klase siyang
boyfriend lalo na't nakakasindak ang kanyang tindig. Marunong ba iyong magmahal? Oo
naman Tracy! Kasangkapan lamang ang hindi marunong magmahal.

Ginawa ang tao at nabigyan ng buhay dahil sa pagmamahal. Ang mundo ay binabalot
ng pagmamahal at kasing-importante rin iyon ng paghinga.

"Tracy sa Sabado sama ka sa amin, maliligo kami sa batis!" anyaya sa akin ni


Rose pagkatapos ng klase sa hapong iyon.
"Huh? Anong gagawin sa batis?" Baka maninilip na naman sila...

"Syempre maliligo! Kakasabi lang! Ano bang iniisip mo?" Tumawa si Cecille sa
akin habang nililigpit ang kanyang gamit.
"Siguro gusto mong silipin ulit si Israel 'no? Napagtanto mo bang nakakabusog
sa mata?" Ngumisi si Rinka sa akin na suot narin ang bag.

Umiling agad ako. "Hindi ah. Di kaya ako marupok."


"Asus! Hindi talaga?! Kahit maghubad si Israel sa harapan mo hindi talaga?!"
Umiling ako sa tanong ni Cecille. Tumatawa na naman sila.
"Imposibleng hindi mo rin iyon gusto, Trace... Ang hot at ang guwapo pa!" tili
ni Rose.
Ngumiti lamang ako sa kanila at inayos narin ang aking mga gamit. Itinuon ko
ang atensyon ko roon habang silang tatlo ay pinagnanasaan na naman si Israel.

"Sumama ka sa amin sa Sabado Trace ha. H'wag ka ngang palaging loner ano ka ba!
Uso maging tao, Tracy." Pagyayaya ulit ni Cecille.

"Kung papayagan ako ni Kuya Bram... 'Tsaka tutulungan ko rin kasi si Mama sa
bayan. Magtitinda kami ng bulaklak," paliwanag ko.

"Anong gusto mo kami ang magpaalam sa'yo? Sasabihin ko may project tayo!"
Ngumisi pa si Rose.
"Hindi na kapanipaniwala iyong project. Report nama! Sabihin natin na may
report tayong kailangang iperform sa Filipino! Iyong Florante at Laura!" suhestyon
ni Rinka ikinatango rin ng tatlo.

"Pupuntahan ka namin sa Sabado, Trace... Sama ka ha," si Cecille.


Hindi palang ako nakakatango ay nagpaalam rin ang tatlo na uuwi na. Napabuntong
ako ng hininga at hindi na naman makatanggi. Maganda rin naman kasi ang tagong
batis na iyon... Masarap liguan...
Lumabas rin ako ng classroom. Habang naglalakad palabas ng gate ay nakasabay ko
pa ang mga grupo ni Ate Rici. May topic rin sila na kung ano habang pumapaibabaw
naman ang mahinhing tawa ni Ate Rici. Bumagal ang aking paglalakad at gusto nalang
silang paunahin.

Doon ako pumwesto sa kanilang likuran. Tinitigan ko ang imahe ni Ate Rici. Fit
ang suot niyang blusa at nahuhubog ang maliit niyang beywang roon. Ang palda ay
hanggang tuhod rin pero nakikita ang makinis niyang mahahabang hita. Nalunod ako sa
kakatitig sa kanya kaya hindi ko na napansin noong tumigil siya. Nabangga agad ako
sa kanyang likuran.

"Hoy! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Mas itinulak ako palayo noong isa
sa mga kaibigan niya. Ang dalawa naman ay matalim narin ang tingin sa akin.
"Okay lang, Gena. Kasalanan ko kasi huminto ako," awat ni Ate Rici sa kanila
saka ako binalingan.
Tumagilid ang kanyang ulo at sinipat ang aking ekspresyon. Yumuko ako.
"S-Sorry..." Hindi ko na ito tiningnan pa sa mga mata at mabilis na umalis sa
kanilang harapan.

"'Di ba kapatid iyon noong guwapong si Bram?" narinig kong tanong noong isa sa
mga kaibigan nila.

"Ah iyong nakatira sa parteng bundok. Sayang guwapo sana..." Isa iyon sa
kaibigan niya.
Mas binilisan ko nalang ang aking paglalakad para hindi ko marinig ang kanilang
mga boses. Palabas na sana ako nang mapansin ko rin ang imahe ng lalakeng nagpalaki
ng aking mga mata. Naroon siya, nakapamulsa sa may gate at seryosong seryoso ang
mukha suot ang malinis na puting panloob na uniporme na medyo natatakpan ng suot
niyang denim jacket at itim na slacks na kahit ang itim na makintab na sapatos ay
bumagay roon.

Natigil ako sa paglalakad at sandaling namangha sa kanyang imahe. Napapansin ko


na hindi lang rin ako ang napapatingin sa kanya kundi halos lahat ng mga
estudyanteng nandito.

His rebellious medium lenght hairstyle showed the two round piercing on the top
of his ear at meron ring isang piercing sa ibaba na bilog rin. Mukhang sa kaliwang
bahagi lamang ng kanyang tenga ang may mga earrings pero sa kabila, ni isa ay wala
base narin noong nakaharap ko siya.

Napalingon ito sa akin at nalaglag pa ang iilang hibla na tumakas sa kumpol ng


kanyang buhok at napunta iyon sa gilid. Mabilis akong tumakbo papasok sa guard
house para doon magtago dala dala ang sariling namumutla.

Napasandal ako sa pader at nahipo ang dibdib kong lalabas na ata. Alam ko
namang iyong kapatid niya ang sadya niya rito at sinusundo ito pero may kasalanan
rin ako sa kanya! Baka bigla niya nalang akong kaladkarin at gantihan! Ano ba itong
pinasukan mong kagagahan, Tracy?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 3

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Trouble
Sumilip ako ng kaonti sa labas at nakita ang imahe niyang kausap na ang kanyang
kapatid na babae. Nakasimangot iyon at parang may sinasabi kay Israel na ikinaangat
ng makapal at maitim niyang kilay. Para iyong hindi sang-ayon sa sinasabi ng
kanyang kapatid sa kanya.

Inakbayan niya iyon saka niya iginiya sa paglalakad na mas lalong nagpasimangot
kay Ate Rici. Napabuntong ako ng hininga at medyo nabunutan ng tinik dahil sa
kanyang pag-alis. Oh 'di ba Trace? Umalis rin... Baka naman nakalimutan niya na
iyong kahapon? Pero nagsorry naman ako ah? Wasn't it enough for him?

Lumabas akong muli at saktong nakita si Kuya Bram na lumilingon lingon na.
Napangiti agad ako at kinawayan ito.

"Kuya!" Nagmamadali akong lumabas.


Lumingon siya sa akin pero lumingon muli sa ibang dako. May hinahanap pa ba
siya bukod sa akin? At iba na ang hairstyle ng kanyang buhok ngayon. Nakasuklay
iyon paatras at bakit parang sobrang presentable niyang tingnan? Hindi kaya ay
dahil iyon kay Ate Rici?

"Kuya," tawag ko nang tuluyang makalapit. "Ginagawa mo lang atang alibi ang
pagsundo sa akin pero ang totoo ay may ibang sadya ka talaga..."

Natigil siya sa kakalingon at mabilis na nalaglag ang tingin sa akin. Ngumuso


ako. Ang tapang na naman ng pabango niya!

"Minsan rin talaga iba iyang pananalita mo." Kinurot niya ang aking pisngi.
"Si Ate Rici ba? Sinundo na siya noong kapatid niyang lalake..." paliwanag ko
at hindi pinansin iyong sinabi niya.

Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha. May iilan pang estudyante rito na
napapalingon kay Kuya.

Base sa mga narinig ko kanina sa mga kaibigan ni Ate Rici, halatang hindi rin
nila gusto ang estado ng aming buhay. Dahil lamang roon ay natuturn-off sila kay
Kuya. Hindi ko naman narinig ang komento ni Ate Rici pero posible bang ganoon rin
ang iniisip niya? Alam ko namang mabait si Ate Rici pero hindi ko parin masasabing
iba ang tingin niya kay Kuya... sa estado namin.

Medyo naging matamlay si Kuya. Tahimik lamang siyang naglalakad at medyo


mabagal rin ang paghakbang. Halatang wala ito sa sariling pag-iisip at parang nasa
malayo ang iniisip. Noong tinanong ko siya kung gusto niya si Ate Rici ay hindi
naman siya tumanggi. Ano nga namang laban ni Kuya sa nararamdaman niya? Kailan mo
ba mapipigilan ang magkagusto sa isang tao kahit alam mong masasaktan ka lang pag
ipinilit mo? Para iyong sakit na walang lunas at imposibleng gumaling. Lumalala
lamang iyon at kumakalat sa buo mong sistema na pag hindi mo naagapan ay lulunurin
kana sa sarili mong nararamdaman.

Hinatid ako ni Kuya sa bayan. Umalis rin naman ito at nagpaalam na pupunta siya
roon sa kanyang part time job.

"May part time job si Kuya, Ma?" tanong ko nang alisin ko rin ang aking mga
mata sa likod ni Kuyang lumalayo na.

Tumango si Mama habang inaayos iyong mga naiwang bulaklak sa bangketa.

"Oo may part time job siya. Mukhang madami nang gastusin sa eskwelahan kaya
nagsisikap rin na magkapera ang kuya mo... Mamayang hatinggabi pa ang uwi noon,"
sabi ni Mama habang ang tingin ay nasa maliit niyang bag at binibilang na ang
kinifa roon.

Hinubad ko ang maliit kong bag at umupo narin. Kinuha ko iyong iilang bulaklak
na hindi pa natatalian ni Mama. Hindi kaya nagtatrabaho si Kuya dahil may pinag-
iipunan siyang ibang bagay? Napapansin ba siya ni Ate Rici? Sa dami rin ng
manliligaw noon at mga may kaya pa... malabo atang mapansin niya ang aking kapatid.

"Ikaw muna magbantay rito ha. Mamamalengke ako ng mauulam


natin. Ito ang panukli mo. H'wag na h'wag kang magkakamali kundi babawasan ko
talaga ang baon mo," pagbabanta niya sa akin habang tumatayo na.

Tumango ako kay Mama. Madali lang naman ang manukli. Ano pang silbi ng pagiging
Top 1 ko sa klase kung pati sa ganito ay hindi ako marunong. Scholar ako at
kailangan kong pagbutihan sa pag-aaral kaya sinisikap ko talagang manguna.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga bulaklak na nakagapos at napakagandang


tingnan. Kinuha ko iyong tulips at inayos ang pagkakatali noon. Mahilig ako sa
bulaklak dahil narin ito ang bumubuhay sa amin. Sa likod ng aming bahay ay may mga
tinanim kaming bulaklak roon para mapagkakitaan namin at maibenta sa bayan. Minsan
mabagal ang kita pero minsan ay malaki rin naman, sapat lamang para makaraos kami
isang araw at makabili ng pagkain.

May tumunog na yapak ng kabayo na ikinakuha ng aking atensyon. Ganoon nalang


ang panglalaki ng aking mga mata nang makita ko kung sino ang may sakay roon.
Nakasuot parin ito ng denim na jacket pero itim na tshirt na ang pangloob, ripped
jeans at itim na boots sa ibaba. Ang iilang hibla ng buhok niyang tumatakas sa
pagkakatali sa likod ay sumasabay sa bawat pagtalbog ng kanyang katawan dahil sa
pagtakbo ng kabayo. Hawak noon ang tali at may nakaipit na sigarilyo sa bibig, ang
mga mata ay madilim na naman at tila may galit kahit mukhang kalmado lamang.

Mabilis akong yumuko at itinago ang aking mukha. Kinuha ko pa ang aking maliit
na bag para itakip sa mukha ko. Gusto kong tumayo at umalis agad sa pwesto pero
malalagot rin ako kay mama pag iniwan ko ang aming paninda! Hindi niya naman siguro
ako mapapansin, 'di ba? Oo Tracy hindi ka mapapansin—

Ganoon nalang ang kalabog ng aking dibdib nang makarinig ako ng kalabog ng mga
paa sa sahig. Na kahit iyong yapak ng kabayo ay mukhang huminto na. Lumunok ako ng
laway at mas yumuko pa.

"Hi Israel!" Narinig ko ang iilang babaeng bumati at nasundan ng bungisngis.

Hindi ko narinig ang kanyang boses. Ilang sigundo kong pinakiramdaman ang
paligid at mukhang wala na ito kaya ibinaba ko na ang maliit kong bag. Pero ganoon
nalang ang panglalaki ng aking mga mata nang makita ang mukha siya sa aking
harapan. Sobrang lapit na noon dahil sa kanyang pagkakayuko, ang iilang hibla ng
buhok ay nalaglag at nakabulsa ang mga kamay, ang sigarilyo ay nakaipit parin.

Umatras agad ako, halos mahilo sa sobrang lapit ng kanyang mukha. Umangat ang
kanyang kilay saka ito tumayo ng tuwid. Umihip siya sa sigarilyo at dahan dahan
iyong ibinuga.

"Kung nandito ka dahil sa ginawa ko sa'yo kahapon nabigla lang talaga ako at
hindi ko iyon sinasadya. Patawarin mo sana ako..." mahina kong sabi dala narin ng
takot sa kanyang imahe.

"You almost break my..." he trailed off and eyed his thing. Namula naman ang
aking pisngi at sinikap na hindi mapatingin roon.

"Pasensya na talaga..." malungkot kong daing na sana ay palampasin niya nalang


iyon.
Ilang sandali siyang natahimik at iginagala ang tingin sa ibang direksyon.
Iginala ko narin ang aking tingin at napansin ang iilang babaeng naghahagikhikan sa
t'wing tumatama ang kanilang mga mata rito.

"Hi Israel!" Bati ng kung sino sa kanya na tianguan niya lang pero hindi na
nagawang nginitian ito.

Ngumuso ako. Ibinalik niya ang tingin sa akin kaya pasimple kong inilaglag ang
tingin sa mga bulaklak.

"B-Bibili ka ng bulaklak?" Marahan kong alok, nagbabakasakaling pagtakpan ang


atraso ko sa kanya.

Umiling siya saka sinuklay paatras ang iilang hiblang tumakas.

"Anong gagawin ko sa bulaklak?" matabang niyang tanong, ang mga mata ay malalim
na ang tingin sa akin.

Lumunok ako at nalaglag ang tingin sa kanyang suot na itim na panloob. Nabasa
ko roon ang nakasulat na "nofucksgiven".
"Ah... Baka may pagbibigyan ka? Uhm... Girlfriend?" Sinikap
kong magtunog kalmado.

"I don't like buying flowers for a girl," sagot niya agad ng diretso.

Ngumuso ako at yumuko. Aanhin niya nga naman ang bulaklak Trace? Baka
nachecheapan siya sa mga ganitong bulaklak?

Buong akala ko ay umalis na ito pero ganoon nalang ang pagkamangha ko nang
umupo siya sa aking harapan, ang pwet ay hindi sumasayad sa lupa habang ang kanyang
mga mata ay kalebel na ng akin. Nakabukaka ito at umihip muli sa kanyang sigarilyo.

"Magkano?" Kinuha niya iyong kumpol ng tulips na ikinaliwanag agad ng aking


mukha.

"Uhm... 250 iyan. Ito naman 300." Itinuro ko iyong katabi nitong bulaklak.

Nalipat ang tingin niya roon pero hindo ko makita ang pagiging interesado niya
sa mga bulaklak. Ang kanyang mga mata ay tila nababagot at walang makitang liwanag
roon. Umihip siyang muli sa kanyang sigarilyo. Ang mamula mula niyang labi ang
kumuha ng aking pansin na kahit ang piercing niya ay hindi ko na maiwasang tingnan.

"Your brother... What's his work?" biglaan niyang tanong na ikinakurap ko.

Kilala niya ang aking kapatid?


"Si Kuya Bram?"
Tumango siya at ibinalik sa pwesto iyong kinuhang bulaklak.

"Yeah, Abraham Quiamco," sambit niya sa buong pangalan ni Kuya. Ba't niya iyon
alam?

"May part time job siya at..." hindi ko agad iyon nadugtungan lalo na't umangat
na ang isa niyang kilay. May kinalaman ba ito kay Ate Rici? Nalaman niya bang may
gusto ang kuya ko sa kapatid niya?

"At mabait si Kuya," dugtong ko agad.


"Being nice won't feed your stomach. Hindi iyan nakakabusog," sagot niya sa
baritonong boses na ikinadismaya ko. Mukhang may ibang kahulugan na ang kanyang
sinasabi at hindi ko iyon magugustuhan.

"Pero hindi rin naman nakakabusog ang pagiging hambog," diretsahan ko ng sabi
na ipinagsalubong ng kanyang kilay.

Nagulat ako sa aking nabitiwang salita at napayuko. Kontrolin mo ang bibig mo


Trace...

"Hambog? Sino? Ako?" he chuckled but without any humor on it. Sobrang tabang
noon na kahit ang kanyang ekspresyon ay mukhang hindi naman masaya.

"H-Hindi sa ganoon... Pero sa sinasabi mo parang hindi mahalaga ang ugali ng


isang tao basta ang importante ay may pera," sabi ko nang ibinalik ko ang tingin sa
kanya.

Kinuha niya iyong karton sa gilid na hindi na nagagamit at inilagay sa may


pwetan nito. Umupo siya roon habang ang mga braso ay nakapatong na sa bawat tuhod
niya. Hindi niya parin binibitiwan iyong sigarilyong nangangalahati na.
"Money is everything. Ikaw... Kaya kayo nandito sa bayan at nagbebenta ng mga
bulaklak dahil sa pera 'di ba?"

Tumango ako, hindi napupunto ang tunay niyang ipinaglalaban.

"Pero hindi naman kami nagtatrabaho para yumaman kundi para tustusan lamang ang
aming pangangailangan."

His head tilted. Nalaglag agad ang iilang kumpol ng kanyang buhok dahil sa
galaw na iyon.

"I don't understand your logic. Dahil parin naman ito sa pera," saka niya
sinuklay paatras iyong ibang kumpol para bumalik sa likod.

"Hindi mo talaga maiintindihan dahil hindi mo naman nararanasan ang ganito. Iba
parin iyong pagsisikap naming magkapera kaysa sa inyong mayayaman na hindi na
kailangang magtrabaho."

Binasa niya ang pang-ibabang labi. Ang aking mga mata naman
ay hindi mapirmi sa kanya at gumagala talaga iyon sa kahit saan. Hindi ako mapakali
lalo na't nakabalandra rin ang guwapo niyang mukha sa aking harapan.

Naglabas siya ng pera sa kanyang pitaka at kumuha roon ng isang libo. Kinuha
niya iyong tulips at inilahad sa akin ang papel na pera.

"I'll buy this..."


Tahimik ko iyong tinanggap at kinalkal ang iniwang pera ni Mama para suklian
ito. Tumayo naman siya.
"Just keep the change."
Mabilis ko siyang tiningala. "H-Huh?"
"Keep it."
"Pero may panukli naman ako..."

Nagkibit siya ng balikat at inihulog ang kanyang sigarilyo. Inapakan niya iyon.

"Seems like you badly need the money. Hatian mo narin ang kapatid mo total
mukha naman iyong pera," sabi niya sa baritonong boses.

Hindi ko maiwasang ipagsalubong ang aking kilay. Di ko alam kung naaawa ba siya
sa estado namin o iniinsulto kami. It's the latter I guess... Hindi naman ganoon
ang kapatid ko. Nagtatrabaho pa nga iyon tapos sasabihan niya lang na mukhang pera?

Dinukot ko ang sukli at inilahad sa kanya iyon.


"Hindi naman kami mga pulubi na nanglilimos ng pera. At mukhang mas kailangan
mo ito. Bumili ka ng salamin dahil mukhang malabo ang iyong mga mata."

I've seen how his eyes darkened even more. Walang gumuhit ng kung anong
ekspresyon sa kanyang mukha pero tumitig na siya roon sa sukli. Oo gusto kita pero
hindi ko rin ata kayang insultuhin mo ang kapatid ko. Ibang usapan na iyon at labas
na roon ang nararamdaman ko para sa'yo. Mas matimbang parin ang pamilya ko...

Kinuha niya iyon at ibinulsa. Nagawa niya pang ihagis ang bulaklak pabalik sa
bangketa saka ito tumalikod. Mabilis na nagloosen ang aking balikat at pumakawala
ng mahabang hininga. Hindi ko tuloy maalala kung ba't ako nagkagusto sa kanya.
Hindi ko na siya nakita pa sa mga sumunod na araw. Ang sumusundo sa kanyang
kapatid na babae ay iyong driver na nila. Kahit sa bayan ay hindi narin siya
nagagawi. Baka busy sa ibang bagay.

Sabado. Ang imahe ng tatlo ay lumitaw nga sa harap ng aming bahay dala dala ang
mga inosenteng mukha.

"Hi Kuya Bram! Susunduin po namin si Tracy!" Bati ni Rinka at ngumingiti pa..

Napatingin si Kuya sa akin. Nakadungaw silang tatlo sa bintana habang kaming


dalawa ni Kuya ay nakaupo rito sa harap ng lamesa at naglalunch.

"May lakad kayo?" tanong ni Kuya sa akin.


"May kakabisaduhin kaming report kuya!" si Cecille na ang dumugtong at pasimple
pang sumenyas sa akin na magtatagumpay ang balak nila.

"Report?" tanong ni Kuya sa akin sanhi para bumagal ang aking pagsubo.
"Opo Kuya!" Matamis namang ngumiti si Rose.
"Anong klaseng report ba iyan?" tanong ni Kuya sa tatlo na napakurap at
nagkatinginan.

"Ah... Florante at Laura, Kuya..." si Rinka.


"Florante at Laura o baka naman gagala lang talaga?" Umangat ang kilay ni Kuya.

"Gagala? Hindi 'no! Mababait kaming estudyante Kuya! 'Di ba?" Nilingon ni Rose
ang dalawa sa bawat gilid niya na tumango naman agad.

"Trace... Uwi agad ha para matulungan mo pa si Mama mamaya sa bayan," paalala


sa akin ni Kuya na ikinatango ko.

Nagsikuhan pa iyong tatlo at iba na ang mga ngisi. Nailing


naman si Kuya.

"Kumain na kayong tatlo?" alok niya habang tumatayo ako at nililigpit ang aking
pinagkainan.

"Hindi pa... Nabusog ako sa kagwapuhan mo kuya..." medyo malanding sabi ni


Rinka at nagawa pang isabit ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng kanyang tenga.

Nakisali ako sa tawa ng dalawa. Si Kuya Bram naman ay ngumisi narin at nailing.

Pumasok ako sa kwarto at kinuha iyong maliit kong bag. Nalagyan ko na iyon ng
pamalit kong damit.

"Sige Kuya... Alis na kami..." Hinalikan ko ang kanyang pisngi.


"Uwi agad, Trace..." paalala niya na ikinatango ko at lumabas narin.

"Kuya alis narin kami... Teka may pahalik rin ako." Akmang papasok si Rose sa
bahay pero hinila na ni Cecille ang kanyang buhok sanhi para mapaatras ito.

Nagtawanan kami lalo na't nasira na ang ekspresyon ni Rose. Iwinagayway ko ang
aking kamay kay Kuya na tumango rin naman saka ako excited na kinaladkad ng tatlo
paalis. Halos tumakbo narin ako mapantayan lamang ang kanilang pagmamadali.

"Nagdala ka ng extra, Trace?" tanong pa ni Cecille sa akin.


"Oo nasa loob ng bag ko..."
"Bilisan natin!" sigaw ni Rinka kaya mas bumilis ang aming pagtakbo.

Tirik ang araw at hindi kagaya ng nagdaang araw ay maganda ang sikat ng araw
ngayon. Mukhang tumigil na sa pagluluksa ang kalangitan at lumiliwanag na ang
paligid. Sana naman magtuloy tuloy...

Pagdating namin sa batis ay isa isa agad nilang hinubad ang kanilang mga pang-
itaas na saplot at mabilis na lumusong sa malinaw na tubig. Lumusong narin ako,
walang balak hubarin ang aking suot na tshirt.

"Doon tayo sa dulo dali!" Hinila ako ni Rose na kahit sila Rinka at Cecille ay
nauuna naring magtungo roon.

Liblib ang batis kaya hindi malabong kami lamang ang naroon. Masyadong tahimik
at ang tanging maririnig ay ang huni ng mga ibon at ang agos ng tubig sa kung saan.
Naexcite narin ako lalo na't hindi rin ako madalas na nakakaligo rito. Maganda ang
paligid at masyadong malinaw ang tubig. Malamig pa iyon at sobrang presko rin ng
hangin dahil narin sa mga punong nakapaligid.

"Teka... May kabayo oh!" Itinuro ni Rinka ang namamahingang kabayo sa hindi
kalayuan.

Kumunot ang aking noo. Ang kabayo ay pamilyar sa akin...

"Bumalik nalang kaya tayo? Mukhang may tao ata dito..." sabi ko at akmang
tatalikod na kaso hinawakan rin ako ni Rose para pumirmi ako sa aking kinatatayuan.
Ngising aso na ang tatlo at nagkakaintindihan na sa kanilang makahulugang
tingin. Mukhang may kahalayan na naman atang naisip...

"Silipin natin baka lalake at naliligo tapos nakahubad." Humagikhik pa si


Rinka.

"Tara! Baka makakita na tayo ng totoong panungkit sa mangga!" excited namang


umabante si Cecille.

"Mukhang sinadya talaga ng tadhana na papuntahin tayo rito dahil may maganda
tayong makikita! May maganda na ata tayong kinabukasan sa paninilip!" Tumatawa rin
akong hinila ni Rose para umabante na kaming dalawa.

Naghahagikhikan silang tatlo habang ako itong hindi mahitsura ang mukha.
Kinakabahan ako na ewan lalo na't noong huling may ginawa kaming kalokohan ay ako
iyong nahuli.

"Sshh... May tao nga..." Mahinang bulong ni Rinka nang mapadpad na kami sa
dulo.

Mabilis silang nagtago ni Cecille sa may mayabong na mga damo at sinenyasan pa


kami ni Rose na pumunta rin doon.

Dahan dahan kaming nagtungo roon at nakitago narin. Sa harapan noon ay iyong
malalaking bato at sa ibaba noon ay ang malinaw na tubig na galing sa itaas. Para
iyong jacuzzi sa gitna ng kagubatan.

"Dalawa ata sila..." sabi ni Rinka nang sumisilip siya.

"Teka... Mukhang may ginagawa," mahinang sabi ni Cecille.

Sumiksik narin si Rose at nakiusyoso roon. Ako naman itong nagmamasid sa aming
likod dahil baka mahuli kami at ako na naman itong mahuli.

"Umabante tayo para makita natin ng maayos," sabi ni Rinka at mabilis agad na
lumipat sa unahan.

Sumunod naman ang dalawa kaya kahit ako ay sumunod narin at ginaya ang mga
kilos nilang sobrang tahimik at marahan.

Tumigil kami at sumilip muli. Ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata
nang makita ko kung sino iyon at kung ano ang ginagawa. Ang ayos palang ng buhok at
ang denim jacket na nasa gilid ay alam ko na agad kung sino iyon.

"Hmm... Rael..." ungol ng babae at hindi na makompustura ang pananalita na


ikinalaki ng aming mga mata at nagkatinginan pa.

"Tara na..." bulong ko sa tatlo at pinaghihila ang kanilang mga damit dala
narin ng puso kong para ng lalabas sa sobrang bilis ng pintig nito. Nagwawala na
iyon at balak na atang sirain ang aking ribcage!

"Teka lang, Trace... Dito muna tayo. Naglalaplapan sila! Panoorin natin!"
mahinang bulong ni Cecille sa akin at hindi inaalis ang tingin roon.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko kayang manood lalo na't nakita ko
kung paano niya minasahe ang dibdib nito. Ang babae ay nakasandal sa malaking bato
habang tumitingala at mariin ng nakapikit na akala mo ay nagdadasal ng kung ano.

"Grabe itong si Israel... Hindi lang pala sa panunungkit magaling kundi pati
narin sa paglilinis. Para ng vinavacuum iyong leeg ng babae kung makasipsip!"
komento ni Rinka.

"Kainis naman... Gusto ko rin ng ganyan Israel. Biktimahin mo rin ako!" daing
naman ni Cecille.
"Iyong tipong hindi mo na kailangang maligo para mabasa dahil si Israel palang
ay maliligo kana sa pawis!" si Rose.

Mas umungol iyong babae nang idiniin ni Israel ang kanyang katawan at marahan
ng gumagalaw kahit may damit pa naman ang dalawa. Pulang pula na ang aking pisngi
at napaatras dahil sa eksenang iyon nang may maapakan akong sanga na gumawa ng
malakas na ingay dahil sa pagkakabali noon.

Mabilis na napalingon ang tatlo sa akin at nanglalaki pa ang mga mata.

"Pahamak ka, Trace!" sigaw ni Cecille lalo na't napalingon narin sa aming dako
sila Israel.

"Oh my gosh, may naninilip Israel!" tili ng babae na ikinataranta agad namin.

"Takbo!" sigaw ni Rose na kahit silang tatlo ay nagsikaripas na ng takbo.

Nakitakbo narin ako sa kanila. Masyadong mabilis ang tatlo at nahuhuli pa ako.
Idagdag pa iyong dinadaanan naming tubig at mabato pa!

"Bilis Trace!" sigaw ni Rose sa akin.


Ganoon nalang ang kabang lumutang sa aking puso nang makarinig kami ng yabag ng
kabayong nagmamadali.

Sa aking takot ay hindi ko na natingnan ng maayos ang aking dinadaanan at


malalaki na ang aking hakbang hanggang sa biglaan nalang akong sumobsob sa mababaw
na tubig na dinadaanan namin dahil sa pagkakasabit ng aking paa sa ugat ng punong
hindi ko napansin.

Nakarating sa aking dako ang kabayo. Bago pa man ako makatayo para tumakbo muli
ay humarang na ang kabayo sa aking daanan. Napalunok agad ako ng laway at dahan
dahang tiningala ang lalakeng may seryosong ekspresyon habang ang madilim na mga
mata ay nakadirekta na sa akin, nanghuhusga na iyon.

Dumaloy ang tubig sa aking mukha pababa sa aking leeg dahil sa pagkakasubsob ko
na kahit ang takot ay dumaloy narin sa buo kong katawan. His cruel eyes were
telling me that I'm in trouble... Again.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 4

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Bawal na pag-ibig
Marahas ang kanyang pagkakababa sa kabayo na kahit ang tubig ay tumalsik na
nang umapak ang suot niyang boots doon. Ito na naman... Nacorner na naman ako at
hindi ko alam kung makakatakas pa bang muli.

Yumuko siya para makalebel ang ang aking mukha. Nag-iwas agad ako ng tingin
lalo na't nakabukaka na naman ito sa aking harapan.

"Are you a fucking stalker?" marahas niyang pagkakasabi.

Umiling ako at hindi magawang ituon sa kanya ang buo kong atensyon. Ano na
naman bang ipapalusot ko?

"Then why are you here... peeping on me again?"

"Naliligo lang kami! Hindi naman namin alam na may tao pala at..."

Umangat agad ang kanyang kilay. "This is your second time peeping. Isn't it too
obvious? Gusto mo ako?" Malalim niya akong tinitigan.

Namula ang aking pisngi. Hindi ko iyon masagot. Alam ko naman ang posisyon ko.
Alam ko na wala namang patutunguhan ang lihim na nararamdaman ko sa kanya. I know
he doesn't like me... He even mocked my brother... Iyon palang alam kong talo na
agad ako pag ipaglalaban ko ito.

Hinawakan niya ang aking baba at iginiya paharap sa kanya. Ang isa niyang kamay
ay nakatukod na sa kanyang tuhod at ang kamao ay nakadikit na sa gilid ng kanyang
ulo. His rebellious look screams cruelty. Para akong maliit na dagang napadpad sa
hawla ng namamahingang leyon at ngayon ay nahuli na naman.

Mas tumagilid ang kanyang ulo para lang makita ang kabuuan ko lalo na't
tinatago ko iyon. I can feel his rough hands on the skin of my chin. Dahan dahan
kong inangat ang aking mga mata sa kanya at natagpuan ang misteryoso ngunit madilim
niyang mga mata na nakasentro sa akin. The strand of his hair fell on the side as
his gaze dive deeper and deeper. It was like a sudden trance... Nabibingi na ako sa
katahimikan at naririnig ang kalabog ng aking dibdib.

"Israel?" tawag ng kung sino sa likod sanhi para mabitiwan niya ang aking baba.
Binasa niya ang pang-ibabang labi at sinuklay ang kumpol ng buhok na nalaglag
paatras saka siya tumayo.

"Iyan ba iyong nahuli mong naninilip?" tanong nito at mukhang lumalapit na.

Hinila niya ang tali ng kabayo paalis sa aking harapan. Yumuko naman ako.

"Let's go back. It's not important," sabi niya habang naglalakad na pabalik
hila hila iyong kabayo.

"Ipasampal mo nga iyan saakin! Disturbo!" galit na sigaw noong babae.


"Let's just go," pigil nito.
Bumuntong ako ng hininga at tumayo na ng tuluyan. Basa na ang aking suot na
short. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas dala ang mabigat kong pakiramdam.

Maybe this is really our fate. Magkakasalubong lang pero hindi niya ako
magugustuhan. Magkakabanggaan lang pero hindi magkakatuluyan. Malayong malayo naman
ako sa mga babaeng nakikita kong kasama niya.

I accepted it wholly. May mga bagay naman talagang hindi mo nakukuha dahil
hindi naman talaga iyon para sa'yo. May mga nararamdaman na hindi nasusuklian dahil
hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Tanggap ko naman na hanggang dito lang
talaga at hindi naman ako naghahangad ng mas malalim pa... Parang anino na akala mo
masasamahan ka sa lahat ng pagkakataon pero pag madilim na, maiisip mong mag-isa ka
lang talaga.

"Tracy!" tawang tawa sila Rinka nang makalabas ako roon at makita ako.

Hawak na ni Rose ang aking maliit na bag. Ang kanilang mga mata ay nasa suot ko
na na basang basa.

"Oh? Ba't basa ka? Sinisid ka ba ni Israel, Trace?!" tanong


ni Rose na mukhang iba na naman ang kahulugan.

Umiling ako at lumapit sa kanya para kunin ang aking bag. Hindi sila matigil
tigil sa kakatawa habang nagbibihis ako. Umuwi nalang ako ng maaga at
nagbabakasakaling maaabutan ko pa si Kuya roon. Tama nga naman ang ang hula ko pero
hindi lamang siya ang natagpuan ko roon kundi may iba pa.

Suot ang puting A-line dress, nakahalfponytail ang buhok nito at hindi
matanggal tanggal ang matamis na ngiti sa labi. Kumurap ako at natigil sa may pinto
nang makita siyang nakaupo roon sa harap ng aming lamesa.

Umawang ang aking bibig para sana bumati pero napangunahan ako ng pagkamangha.
Ang aming bahay ay hindi nababagay sa kanyang kabuuan. Para siyang isang prinsesang
napadpad sa kagubatan at naghahanap lamang ng masisilungan.

Lumitaw rin naman si Kuya at may dala pa itong kaldero. Inilapag niya iyon,
kagat kagat ang pang-ibabang labi at kumikislap ang mga mata. Napadpad ang kanyang
tingin sa akin saka siya napakurap.

"Oh? Maaga ka?" tanong niya saka muling ibinaling ang tingin sa ginagawa.

Nilingon narin ako ng babaeng may pagkakahawig sa nakaharap ko kanina. Para


siyang girl version ni Israel pero mas magaan ito at salungat sa pagiging marahas
ng kanyang kuya. Ang soft feature niya ay nababagay sa kanyang awra... hindi
katulad ng kuya niyang suplado at halatang nadidisgusto sa mga katulad naming kapos
sa buhay.

"Nakikita ko siya minsan sa school..." Tiningala niya ang aking kuya na


napatingin rin sa kanya.

"Mahiyain iyan at hindi gaanong palakaibigan pero mabait si Tracy," paliwanag


niya sa malambing na boses.

Bumaling sa akin si Ate Rici. "Halika... Dito ka oh..." Tinapik niya iyong tabi
niya kung saan siya nakaupo sa mahaba naming upuan.

Hindi agad ako gumalaw. Kung hindi lang ako tiningnan ni Kuya at sinenyasan
akong magtungo roon gamit ang kanyang mga mata ay hindi ako kikilos.

Tahimik akong nagtungo roon sa kanyang tabi at umupo ng marahan. Naamoy ko agad
ang kanyang pabango. Ang kanyang kutis ay parang gatas sa sobrang kinis at puti.

"Anong Grade ka?" tanong niya sa akin.


"A-Ano... Grade 9 na po..." mahina kong sagot.

Naglapag narin si Kuya ng plato sa aking harapan. Nagbalat siya noong saging
habang si Ate Rici naman ay hindi maalis alis ang tingin sa akin.

"Ang ganda ng kapatid mo. Kaya pala may mga kaklase akong palagi siyang topic,"
sabi niya na ikinagulat ko.

Ngumisi lamang si Kuya at inilapag iyong nauna niyang balatan sa plato ni Ate
Rici. Kumuha siya ng panibago at nagbalat ulit.

Hindi ko alam na may mga lalake palang nagkakainteres sa akin sa school. Siguro
wala lang lumalapit dahil narin minsan ay gusto kong mapag-isa. Mas naeenjoy ko ang
aking sarili sa pagbabasa kaya hindi ko na napagtutuunan ng ibang pansin ang
nakapaligid sa akin.

Buong akala ko ay sa aking plato na ilalapag ni Kuya iyong sunod na binalatan


niya pero kay Ate Rici parin pala. Binalingan niya ako.

"Oh Trace... Heto sa'yo... Kumain kana..." Kumuha siya ng dalawa roon at
inilapag agad sa plato kahit hindi pa nababalatan.

Sumimangot agad ako. Nasasanay akong siya ang nagbabalat sa nilagang saging
pero ngayon...

Pinanood ko ang pagdampot ni Ate Rici sa saging.


"Mainit pa," pigil ni Kuya sa kanyang kamay at hinawakan ang pulso nito.

"Hindi na kaya..." si Ate Rici.

"Mainit," masungit na sabi ni Kuya at kumuha ng tinidor


saka niya iyon itinusok sa isang saging at ibinigay kay Ate.

Ngumiti naman ito at kinagatan ng maliit ang katawan noon. Wala akong nakitang
pandidiri sa kanyang mukha. Nginuya niya iyon ng may ngiti at nakontento sa lasa.

"Masarap pala!" masaya niyang sabi.


"Ignorante ka sa ganito..." Tumawa naman si Kuya at naengganyong magbalat ulit
ng panibago.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Ngayon ko lang nakita ang mga mata
niyang nangingislap sa tuwa. Kahit si Ate Rici ay nag-eenjoy ring kumain.

Binalingan ako ni Kuya nang hindi ko pa ginagalaw iyong akin.


"Oh? Kumain kana rin..." si Kuya.

"Ah Kuya... tinidor rin," sabi ko pero lumipat agad ang tingin sa binabalatan
niyang saging. Minsan ay titingnan si Ate at magngingitian silang dalawa.

"Ah... Kuya... tinidor," tawag ko ulit.


"Magkamay kana lang Trace... Hindi na iyan mainit," sabi niya sa baritonong
boses saka inilapag iyong panibagong binalatan sa plato ni Ate Rici.

Ngumuso ako. Nakaka op naman ang dalawang ito. Si Kuya noon pinagsisilbihan rin
ako tapos ngayon dinidedma na ako.

Binalingan ako ni Ate Rici at kinuha iyong pagkakatusok ng tinidor sa saging.


Ibinigay niya iyon sa akin.

"Ayan oh. Uhm, gusto mo ako magbalat niyan?" Itinuro niya iyong mga saging na
hindi ko pa nababalatan.

Napatingin agad si Kuya sa saging. Dinampot ni Ate Rici iyong isa kahit hindi
pa ako tumatango pero mabilis rin iyong inagaw ni Kuya sa kanya.

"Ako na..." saka siya kumuha ng panibagong tinidor at ibinigay muli kay Ate,
suplado na naman dahil nagkamay si Ate.

Doon ko nakita na baka hindi lamang simpleng pagkagusto ang nararamdaman ni


Kuya para sa kanya. Kung paano niya iyon alagaan at kung paano niya iyon
pagsilbihan. He was so gentle... Para siyang natatakot na baka madaplisan ang
makinis na balat ni Ate Rici.

"Ihahatid na kita. Sa susunod h'wag kanang pumunta dito baka mapagalitan ka,"
narinig kong sabi ni Kuya habang ginigiya si Ate Rici palabas.

"Bram... Please... Dito muna ako..."


"Hindi pwede," supladong sagot ni Kuya.

Sumilip ako sa may bintana at nakita ang nakasimangot na mukha ni Ate Rici.
Hinawakan niya ang braso ni Kuya na ikinalunok ng laway ng aking kapatid.
Bumuntong ng hininga si Kuya.
"Ihahatid na kita." Tinanggal niya ang kanay ni Ate at hinawakan iyon. Tumango
naman ito ng marahan saka masunuring sinabayan si Kuya.

Bigla akong nakaramdam ng awa sa aking kapatid. Ang inaasal palang ni Israel ay
alam ko na agad na hindi welcome si Kuya sa kanila. He hates us. At baka isa pa
iyon sa tumutol sa kanilang dalawa.

Naiyak ako habang pinapanood silang naglalakad paalis. Tumulo nalang bigla ang
luha sa aking mga mata. Bakit ba kailangang ibase ang pagmamahal ng isang tao sa
estado? Bakit ba may mga taong humahadlang sa kasiyahan ng iba? Si Kuya Bram...
ngayon ko lang siya nakitang ganito sa babae.

Hinintay ko ang pagbabalik ni Kuya. May ngiti ang kanyang labi kahit na ganoon
kakomplikado ang kanyang pinasukan.

"Kayo na 'no, Kuya?" pang-aasar ko at nginisihan ito.


Umiling si Kuya at mas tumamis ang labi.
"Hindi pa..." sagot niya saka pumasok at nagsimulang magligpit sa lamesa.

"Hindi pa... So sa susunod pwede na?" Humilig ako sa mesa


at mas tiningala ang mukha niyang humalakhak na.
"Tigilan mo ako Trace... Bata ka pa..."
"Hindi nalalayo ang edad ko kay Ate Rici ha... Isang taon lang ang agwat
namin," sabi ko.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at ngumisi sa akin. Kumuha siya ng pamunas
saka niya pinunasan iyong lamesa. Inangat ko naman ang aking mga kamay saka niya
rin pinunasan iyong parte ng hiniligan ko.

"Pinapunta mo siya rito?" tanong ko.

Umiling siya. "Siya ang pumunta rito kaya ayun... pinakain ko ng saging ko."
Ngumisi siya at wala na sa sarili. Pero noong napagtanto niya ang kanyang sinabi ay
dahan dahang nabura ang kanyang ngiti at nilingon ako ng mabagal.

"Iyong nilagang saging," pagtatama niya kahit na wala naman akong naiisip na
iba roon. Baka kung nandito sila Rinka ay humagalpak na ng tawa ang tatlo at
gagatungan rin ng kung ano anong kahalayan iyong sinabi ni Kuya.

"Mukhang nasarapan siya sa saging mo, Kuya," sabi ko sa normal kong boses lalo
na't naubos rin ni Ate Rici ang tatlong nilagang saging.

Binasa ni Kuya ang pang-ibaba niyang labi at nailing.

"Tama na nga iyan... Pumunta kana sa bayan kung ayaw mong isumbong kita na
gumala kana naman kasama iyong tatlo. Naligo kayo sa batis." Tumuwid siya ng tayo
at nagtungo sa hugasan.

"Huh? Ba't mo alam?"


"Nakita ko ang laman ng bag mo kaninang umaga. May mga damit."
Ah...
"Kaya mo rin siguro ako pinayagang gumala dahil pupunta si Ate Rici dito 'no?!"
bintang ko na ikinangisi niya.

"Hindi ko naman alam na totohanin niya iyong sinasabi niyang pupunta siya. Ewan
ko ba..." Nahipo niya ang batok at tumingala.

Masyadong umaapaw sa saya ni Kuya na kahit iyong mga platong dapat ako ang
naghuhugas ay siya na ang gumawa. Napapansin ko ring hindi matanggal tanggal ang
kanyang ngisi. Ayokong sirain iyon kaya itinikom ko nalang ang bibig ko at nagtungo
rin sa bayan para tulungan si Mama.

"Kanina pa kita hinihintay. Ba't ang tagal mo?" Iritado ang mukha ni Mama nang
maupo ako sa kanyang tabi.

"Sorry po." Umupo ako roon at tumulong sa pagtatali ng ibang bulaklak.

Mukhang nangangalahati na ang kanyang paninda at malapit ng maubos. Natuwa ako


roon at mas naengganyo ring alukin ang iilang mga dumadaan sa aming mga bulaklak.

Gabi na noong makarating kami sa bahay. Wala si Kuya at mukhang nasa part time
job niya na. Pinagluto ako ng makakain namin. Habang nasa hapag ay kapansin pansin
ang inis sa mukha ni Mama.

"Nag-aaral ka ba ng mabuti, Trace?" tanong niya sa akin na ikinatango ko agad.

"Opo naman... Mama..."


"Mabuti kung ganoon. Alam mo ang estado natin... H'wag mong hayaang manatili ng
ganito habangbuhay. Mag-aral ka ng mabuti para respestuhin ka ng mga tao na
minamaliit ka," galit niyang sabi.

Dahan dahan kong nanguya ang aking pagkain. Hindi ko alam kung saan nanggaling
ang kanyang galit pero napansin ko, nagsimula iyon noong namili siya ng makakain
namin sa palengke.

"Ma, si Papa ba... Matalino?" tanong ko sa kanya ng biglaan.

Natigil si Mama sa pagsubo at nagkasalubong ang kilay. Alam ko namang ayaw


niyang pinag-uusapan si Papa pero hindi ko mapigilan ang bibig ko.

"Purket hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral at matalino ka ay pagdududahan mo


nang hindi ka nagmana sa akin?"

"Hindi naman po sa ganoon, Ma..." Tumawa ako. "Pero kami po ni Kuya, mga
scholar... At si Kuya Valedictorian noong high school pa. Eh 'di ba po sabi niyo
palagi kayong bagsak sa klase niyo noon?"

Mas umasim ang mukha ni Mama at akma ng kukurutin ang aking singit kaya
natatawa akong lumayo sa kanyang tabi.

"Matalino rin ako Trace! Sadyang iyong Papa mo nasobrahan lang..." inis niyang
sabi na nagpamangha ng aking mukha.

Ibig sabihin ay matalino nga si Papa?


"Pero Ma... Alam ba ni Papa na..." hindi ko matuloy tuloy ang aking tanong
dahil baka pagalitan niya ako bigla.

Limitado lamang ang alam ko sa aking ama. Ang alam ko lamang ay mayaman iyon at
naninirahan sa syudad. Iyon nga lang may iba itong pamilya...

"Ewan ko sa gagong iyon. Maitataguyod ko naman kayo ni Bram. Hayaan mo na."


Padarag siyang sumubo at bakas sa mukha ang inis.

Hindi naman kinukwento ni Mama ang tunay na nangyari. Palaging kulang ang
kanyang mga kwento at palaging nililihim ang iba. Siguro, ayaw niya lang na
masaktan kami ni Kuya sa katotohanan kaya hindi niya rin sinasabi sa amin ang
lahat.

"Mauna kanang matulog. Hihintayin ko pa ang kapatid mo. Lagot talaga sa akin
ang batang iyon..." sabi niya sa akin pagkatapos kong maghugas ng plato.

Tumango ako kay Mama at tahimik na nagtungo sa kwarto. May ediya ako kung ba't
niya hihintayin si Kuya. Siguro nalaman niya iyong pagpunta ni Ate Rici dito
kanina. May pakpak pa naman ang balita. Kahit na medyo malayo kami sa bayan ay
maglalakad parin iyon papunta roon at kakalat sa mga tsismosa lalo na't
binabantayan ang bawat galaw ng mga Buenaventura rito dahil narin sa estado ng
kanilang buhay.

Kaya noong magising ako sa hatinggabi at naririnig ang pagbubunganga ni Mama


kay Kuya ay hindi na ako nagtaka.
"Diyos ko naman, Bram! Saan mo nilagay ang kokote mo at nilalandi mo iyong
babaeng anak ni Facundo!" galit na sigaw ni Mama.

Hindi sumagot ang aking kuya. Niyakap ko ang unan at pinakinggan ang kanilang
pagtatalo. Ang aking dibdib ay naninikip para sa aking kapatid.

"Bali-balita sa bayan na pineperahan mo iyong si Rici!—"


"Ma hindi ko siya pineperahan! Kaya nga nagtatrabaho ako," frustrated na
paliwanag ni Kuya.

"Inuna mo pa talaga iyan kaysa ang makapagtapos ka ng pag-aaral ganoon ba? Wala
ka pang mapapatunayan sa pamilya nila pero nilalandi mo na! Alam mo ang mga tao
rito, Bram! Kahit hindi masama ang hangad mo ay dudungisan nila iyon dahil sa ating
estado!"

Tumahimik ulit ang aking Kuya. Kahit wala ako sa kanilang harapan, nakikita ko
sa aking utak ang galit sa mukha ni Mama at ang dismayadong mukha ni Kuya.

"Hiwalayan mo iyan—"
"Hindi pa nga kami, Ma..."
"Pwes layuan mo! Buenaventura iyan, Bram! Konting mali mo lang... mabigat na
ang kapalit!"

Hindi ulit sumagot si Kuya. Ramdam ko ang paghihinagpis niya ngayon. Kung paano
siya naiipit sa pinasukan niya. At sa nakita ko kanina... halata namang gusto rin
siya ni Ate Rici. Baka nga nagmamahalan sila. Sigurado akong pati ang magulang ni
Ate ah tutol rin sa kanilang dalawa. Gusto noon ang mas may kayang pamilya para sa
kanilang anak at kayang palaguin ang kanilang pera, kayang makaambag ng malaki sa
kanilang negosyo. Ano ba ang maiaambag ni Kuya?

"Magsisikap naman ako sa pag-aaral, Ma. Papatunayan ko ang sarili ko sa pamilya


ni Rici—"

"Magsikap ka muna at doon kana humarap sa kanila kung may narating kana, Bram.
H'wag muna ngayon. Nag-aaral pa kayong dalawa. Iyan ba ang gusto mong ituro kay
Tracy? Ikaw ang mas nakakatanda kaya dapat ikaw ang nagiging modelo niya pero
tinuturuan mo lang rin ang kapatid mong lumandi ng maaga," dismayadong pahayag ni
Mama.

Tama naman si Mama pero wala rin naman akong nakikitang mali sa ginagawa ni
Kuya. Biktima lamang siya ng malupit na tadhana. Nagmahal lang naman siya. Akala ko
pa naman palaging tama ang pagmamahal... Pero ba't kung tingnan ng iba ang
nararamdaman ni ni Kuya kay Ate Rici ay isa iyong napakalaking kamalian? Kailan mo
ba masasabing tama ang pag-ibig? Iyong parehas kayo ng estado sa buhay? Parehas
kayong may kaya? Ganoon ba ang basehan ng pag-ibig ngayon? Nakakaawa naman ang
mundong ito. Mga hipokrito ang naninirahang mga tao.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 5

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Ang mangga ni Israel
Hinatid ulit ako ni Kuya kinaumagahan. Habang nasa gate kami ay napansin ko
agad ang pamilyar na kotse na huminto sa aming harapan.
Lumabas roon si Ate Rici at napalingon sa aming dako. Isang pagod na ngiti ang
naibigay niya saka rin nag-iwas ng tingin dahil sa sumunod na lumabas roon.
Ang mga mata ni Israel ay singdilim ng gabi na walang makitaang bituin sa
kalangitan. Dumako iyon sa amin lalo na kay Kuya at may pagbabanta agad ang tingin.
Inakbayan niya ang kanyang kapatid at iginiya iyon papasok sa loob.
Binalingan ko si Kuya na nakaawang ang mga labi at mukhang wala sa sarili.
Halata namang hindi boto si Israel sa aking kuya. Kahit nga si Mama ay hindi rin
ito suportado. Ako lang ata ang nakasuporta sa kanilang dalawa.
"Kuya, papasok na ako..." sabi ko sa kanya na ikinakurap niya at bumaling sa
akin.
"Oh sige... Mamayang hapon baka hindi kita masundo dahil maaga akong papasok sa
trabaho." Sinikap niyang ngumiti sa akin at tinapik ang aking ulo.
"Okay lang Kuya... Ingat..." Ngumiti ako sa kanya at kumaway saka ako pumasok.
Hindi ko maiwasang malungkot rin para kay Kuya. Mukhang binabakuran na ni
Israel ang kanyang kapatid para hindi mapalapit sa aking kapatid. Bumuntong ako ng
hininga at tila may mabigat akong pasan pasan sa aking balikat. Doon lamang ako
bumalik sa aking sarili nang bigla nalang akong mabangga sa matigas na bagay.
Ang pabango palang na nanuot sa aking ilong ay alam ko na agad kung sino iyon.
Nag-angat ako ng tingin sa lalakeng seryosong seryoso ang mukha.
"S-Sorry..." Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagtungo sa kabilang direksyon
pero nagulat nalang ako nang humarang siyang muli roon.
Napakurap ako at tiningala ito. Kalmado lamang ang kanyang ekspresyon. Para
itong may gustong sabihin pero hindi niya lang mailabas.
Nanatili siyang tahimik kaya nanatili nalang ako sa kanyang harapan. Baka pag
umiwas akong muli ay humarang na naman ito.
"Trace!" tawag sa akin ng kung sinong pamilyar na boses.
Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang tatlo na nagulat agad nang makita
si Israel sa aking harapan.
Natigil sila sa paglapit sa akin. Ngumuso ako at nilingon muli ang lalakeng
wala parin atang umalis sa aking harapan.
"May sasabihin ka ba?" tanong ko, pilit linukubli ang nararamdamang takot sa
kanya sa aking loob.
Narinig ko ang mga yapak ng kaibigan kong lumapit narin sa akin. Nasa aking
likuran na ang tatlo at mukhang nakikiusyoso.
"Gusto mo ng mangga?" tanong niya bigla sa akin na ikinasinghap ng tatlo sa
aking likod.
"Hindi mangga ang gusto niya kundi iyong panungkit mo, Israel..." bulong pa ni
Rinka sa aking likuran na sana ay hindi umabot sa pandinig nito.
Umawang ang aking labi at hindi alam kung ano ang sasabihin. Bakit bigla siyang
naging ganito? I can't find the guilt in his eyes... Nakokonsensya ba siya dahil sa
ginawa niya sa aking bulaklak? Talaga? O baka naman may ibang rason pa.
"Oo, gusto namin!" sagot ni Cecille at ngayon ay nakahawak na sa aking braso.
Ramdam na ramdam ko ang excitement sa kanyang boses.
Umangat ang kilay ni Israel at mukhang iba na ang tingin sa aking mga kaibigan.
Ibinaling niya ulit ang mga mata sa akin.
"Pumunta lang kayo sa lupain kung gusto niyong kumain ng mangga. I'll wait
there..." sabi niya saka rin umalis sa aking harapan.
Sabay naming sinundan ng tingin ang likod niyang umalis rin habang nakapamulsa.
Laglag panga naman si Rose habang ang dalawa ay ilang sandaling natulala.

Ngumuso ako at hindi alam ang mararamdaman. Natutuwa ako na


natatakot. Masyadong misteryoso... Nakakapanibago.
Nang mawala na ng tuluyan ang likod ni Israel ay sunod sunod na silang
napatili. Niyuyugyog ako ni Rinka na kahit si Rose at Cecille ay para ng mga uod na
inasinan.
"Narinig mo 'yon Trace?! Iniimbitahan niya tayong kainin ang mangga niya!" Mas
inalog ako ni Rinka.
"Ang maasim asim at matigas niyang mangga!" tili naman ni Cecille at niyugyog
rin si Rose.
"Payag akong maging sawsawan ni Israel sa mangga niya! Isawsaw mo ang mangga mo
sa akin, Israel!" si Cecille naman.
Para ng hihiwalay ang kaluluwa ko sa akin dahil sa kakayugyog ni Rinka na kahit
ang aking tenga ay mababasag na ata sa sunod sunod nilang tili. Ang aking utak ay
nahahaluan ng kanilang kahalayan at hindi ko narin maiwasang pamulahan ng pisngi.
Dahil sa nangyari ay nalate pa kaming tatlo. Napagaligan kami ng teacher pero
ang tatlo ay palihim lamang na bumungisngis at gusto agad matapos ang klase para
makapunta na sa lupain ng mga Buenaventura.
May parte sa akin ang natutuwa pero may parte rin ang kumikirot. Palaging
nahahati ang aking isipan sa kanya. I can't remember I did something nice to him
for him to let us go to their land... Inalok niya pa ako ng mangga niya ah? Hindi
naman sa parehas narin ako ng mga kaibigan kong iba ang pagkakaintindi doon pero
hindi ko lang talaga maiwasang mapaisip.
Hindi makamove-on ang tatlo sa pangingimbita ni Israel sa amin doon. Imbes na
magtaka kung ba't bigla bigla niyang inaalok ng libre sa amin ang kanyang mga
mangga ay hindi na nila iyon naisip at iba na ang binubuo sa kanilang utak.
"Nagbunga na talaga ang paninilip natin! Siguro narealize ni Israel na tumulong
sa mga nangangailangan kaya gusto niya na tayong diligan!" wika ni Rinka nang
makalabas na ang guro at recess na namin.
"O baka naman tipo si Tracy! Nako ka, Trace... Nakita mo iyong ginawa niya sa
babae? Baka malupit pa ang dadanasahin mo! Ibabaon niya talaga sa'yo iyong
panungkit niya!" pabirong sabi ni Rose na ikinahalakhak agad ng dalawa.
"Iwan kaya natin silang dalawa mamaya? Tapos magpanggap tayong uuwi na pero
sisilip lang tayo tapos tingnan natin kung may kainan bang magaganap!" suhestyon ni
Cecille na agaran naman ikinasang-ayon ng dalawa.
"Hindi naman siguro ganoon ang iniisip ni Israel—"
"Sige! Ang swerte naman ni Tracy! Hawakan mo ng maayos ang panungkit niya ha!
Pangarap namin iyang tatlo! Ikaw nalang ang tumupad, Trace..." Hinawakan pa ni
Rinka ang aking kamay at tiningnan ako sa nangingislap niyang mga mata, ang aking
boses ay natakpan na ng kanya.
"Bakit ba kasi ang hot ng Israel na iyon?! Nakakaliyab siya ha! Nasusunog na
ako sa kalandian ko! Kaya rin nadedemonyo itong utak ko..." Sinabunutan naman ni
Rose ang kanyang sarili.
"Gaga, kahit ka lumandi demonyo kana talaga!" si Cecille.
Hindi ako makasingit sa sabay sabay nilang pagsasalita. Sa t'wing may
nangyayari na ganito ay umaayon talaga ang kapalaran sa akin. Hindi ako masusundo
ni Kuya mamaya kaya makakaderitso talaga ako doon kasama ang tatlo sa lupain.
"H'wag nalang kaya tayong pumunta? Baka gumanti iyon sa paninilip natin sa
kanya..." sabi ko noong lunch na.
"Nako! Ano ka ba! Ano namang igaganti niya sa atin? Bubugbugin tayo?" tanong ni
Rose at natawa pa.
Sumimangot ako. Hindi naman siguro iyon nananakit ng babae sa pisikal na
paraan.
"Okay lang kung bubugbugin niya ako gamit ang panungkit niya! Handa akong
pagbayaran ang paninilip ko kung ganoon ang parusa! Ipapasagad ko pa!" Ngumisi pa
ng malademonyo si Rinka.

"Kahit ako! Sus itong si Tracy hinahainan na ng prutas nag-


iinarte pa. Ayaw mo bang matikman ang mangga ni Israel, Trace?" makahulugang tanong
ni Cecille sa akin. Pinapalibutan na naman ako ng tatlo at pinapasukan ng mga
kahalayan ang aking utak.
"Iyong mangga sa puno... Oo naman..." sagot ko sa kanila na ikinahalakhak nila.
"Ayaw mo sa puno ni Israel?" Tumataas baba ng sabay ang mga kilay ni Rose
habang tinatanong iyon sa akin.
"Ang puno niyang malagubat at madilim? Ang puno niyang may mangga at may
malaking panungkit na nakasabit?" dagdag pa ni Cecille na ikinainit na talaga ng
aking pisngi.
"Teka teka! Naiimagine ko!" Tumatawang pinagpapalo ni Rinka ang desk ng kanyang
upuan.
"Tara cutting nalang tayo! Di na ako makapaghintay na pumunta sa lupain nila!
Natatakam na ako sa mangga niya!" Akma pang tumayo si Rose na hinila lamang ng
dalawa.
"Alam naming malandi ka pero h'wag kang magpahalata. Inosente tayo! Mahahalay
lang talaga ang isip!" pangaral naman ni Cecille.
"Ay oo nga... Kasing inosente tayo ni Tracy... Okay sige... Change plan...
Dadasalan muna natin ang puno ni Israel mamaya ha... Luluhuran natin..." seryoso
pang sabi ni Rinka pero maya maya ay nagkatinginan sila at nagsihagalpakan agad ng
tawa.
Natampal ko ang aking noo. Lahat nalang ata ay nakokonektahan nila ng
kadumihan. Kahit habang kumakain kami ay iyon parin ang kanilang topic. Nabulunan
pa nga itong si Rinka kakatawa. Magkadugtong ang utak ng tatlo na kahit ang aking
utak minsan ay nakikikonekta narin ata sa kanila dahil nagegets ko na iyong mga
tinutukoy nila.
Kaya noong pagkatapos ng aming klase ay halos magmadali sila sa pagpasok ng mga
gamit nila sa kanilang mga bag na kahit ako ay kinaladkad narin nila makaalis lang
agad kami.
Nagtatakbuhan kaming apat palabas. Bahala na nga... Kung ano man ang plano ni
Israel ay sasabayan ko nalang. Ayaw mo niyan Trace... Makikita mo siya. Kahit alam
mong hanggang tingin ka lang sa kanya ay sapat na iyon.
Pagdating namin sa kanilang lupain ay sobrang tahimik roon. Napakatahimik at
sobrang lawak pa ng paligid. Sumuot kami sa kakahuyan hanggang sa tuluyan kaming
makapasok sa loob. Alam kong sa dulo nito ay ang malaking bahay ng Buenaventura.
Nakikita ko ang iba nilang mga kabayo sa malawak na lupain at namamahinga roon.
"Ayun oh, may malaki!" Itinuro ni Rinka ang malaking mangga na kanyang
tinitingala.
Tumingala narin ako. Ang raming malalaking mangga sa itaas. Iginala naman ni
Cecille ang paningin.
"Wala bang panungkit rito?" tanong niya.
Ang aming mga bag ay nasa sahig na.
"Wala eh... Nasaan na ba kasi si Israel? Puntahan mo kaya sa bahay nila,
Trace?" utos sa akin ni Rinka na ikinailing ko agad.
"H'wag na no. Baka mapagkamalan ulit na trespasser si Tracy doon sa mga
nagkalat nilang tauhan. Dito nalang tayo..." si Rose naman.
"Nanunubig na ang bibig ko. Para na akong maglalaway sa mangga." Nakabusangot
ulit na tiningala ni Rinka ang mga bunga ng punong mangga.
"Umalis nalang kaya tayo? Baka nagbago na ang isip noon..." sabi ko pa.
"Kung hindi siya dadating edi aakyatin natin ang puno nila. Kailangan nating
matikman ang mangga, Trace!" si Cecille na mukhang pinipigilan lang rin ang
sariling umakyat roon.
Humangin at tinangay ang mga buhok namin. Sumabog sa ere ang kulot na buhok ni
Cecille habang isinabit naman ni Rinka ang straight at mahaba niyang buhok sa gilid
ng tenga. Si Rose lamang itong nakaponytail na kahit ang aking medyo maalong buhok
ay pinaglaruan narin ng hangin.

"Oh lala... Ayun na ang mahabang panungkit niya..."


biglaang sambit ni Cecille at nasa unahan na ang tingin. Ang kanyang ekspresyon ay
masyado ng namamangha.
Lumingon narin kaming tatlo. Nanlaki agad ang aking mga mata na kahit sina Rose
at Rinka ay nalaglag agad ang mga panga.
Ang imahe ni Israel ay masyadong nakakabighani habang naglalakad ito, tanging
pantalon nalang ang suot at walang saplot sa pang-itaas habang hawak hawak iyong
mahabang panungkit.
"Nagdedeliryo na ba ako o may nakikita akong anim na matitigas na mangga sa
kanyang tiyan?" wala sa sariling sabi ni Rinka at titig na titig parin kay Israel.
The wind blew against him. Ang iilang nakatakas na hibla ng buhok niyang
nakatali sa likod ay nalaglag na sa bawat gilid ng kanyang mga mata, ang iilan ay
tumakip pa kaya sinuklay niya lang iyon paatras para ibalik iyon sa pinanggalingan.
I saw how his muscle flexed because of that sudden movement.
"Oh Israel... Bakit ang hot mo?" bulong ni Cecille at hindi narin kumukurap.
"Ako lang ba ang nag-iisip na baka bigla niya tayong tuhuging apat sa dala dala
niyang mahabang panungkit?" bulong ni Rose.
"Mas gusto kong matuhog sa isa niyang panungkit..." si Rinka naman.
He was walking like he's ready for a battle without wearing any armor. Sapat na
ang karahasan na dumadaloy sa kanyang katawan para lumaban at makipagbakbakan. Ang
aking utak ay iba ang naiisip sa kanya. Masyado siyang mapanganib sa akin...
Dumako ang tingin ni Israel sa akin habang papalapit na siya rito kaya pasimple
akong kumurap at nag-iwas ng tingin. Sumabog ang aking buhok na isinabit ko lang sa
gilid ng aking tenga at tiningala ang mga hitik na hitik na bunga noong punong
mangga.
Ba't ba ang hilig niyang maghubad?
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko itong nakarating narin sa aming
harapan. Ang tatlo ay halatang hindi maitago ng lubusan sa kanilang sarili ang
pagnanasa sa kanyang katawan.
"Ang sarap..." Napatitig si Rose sa kanyang tiyan pero mabilis rin namang
tumingala at itinuro ang mga bunga. "Ng mga mangga! Ayon oh malaki!" pasimple
niyang palusot.
"Pahawak ako ng panungkit mo, Israel," malambing namang sabi ni Rinka at
inilahad pa ang kanyang kamay.
Nagpigil ng tawa ang dalawa habang ako ay patay malisya nalang sa kahalayan
nilang tatlo.
"Anong panungkit ba, Rinka? Nalito siya? Eh dalawang panungkit ang dala
niya..." narinig kong bulong ni Cecille lalo na't nasa gilid lang ako ng dalawa.
Hindi pinansin ni Israel ang tatlo at nagtungo sa aking direksyon. Ganoon
nalang ang aking pagkagulat nang humarap siya sa akin at tiningala rin ang aking
tinitingala.
"Ituro mo kung saan ang gusto mo," tanong niya sa akin habang naroon parin ang
tingin sa itaas.
Sumenyas agad ang tatlo sa akin. Si Rose ay tinuturo ang abs niya at si Rinka
'tsaka Cecille naman ay iyong pantalon niya na ang tinuturo. Namula ang aking
pisngi at gusto silang sawayin pero natigil rin naman ang tatlo sa kakaturo sa
kanya at mabilis nilang inilipat sa itaas nang malaglag ang tingin ni Israel sa
akin.
"Where?" he asked me on a deep voice.
"Ah..." Tumingala akong muli. "Iyon siguro..." Turo ko doon sa nakita kong
malapit.
"Nako naman Trace, ang liit niyan! Iyong malaki oh!" reklamo ni Rinka at may
itinurong malaki.
"Ah sige, iyon nalang!" Itinuro ko narin iyong itinuro ni Rinka.
Tumingala ulit si Israel, hindi umaalis sa aking harapan at ibinabalandra ang
kanyang kakisigan. Natangay pa ng aking mga mata ang tatlong piercing niya sa
kanang tenga. Na kahit iyong pagkakatali sa kanyang buhok sa likuran ay medyo
nagrerebelde rin kaya kumpol kumpol at may tumatakas.

Sinimulan niya iyong sungkitin. Ang kanyang mga braso ay


gumagalaw na dahil sa kanyang marahas na galaw. Sumesenyas pa sa akin ang tatlo sa
kanyang katawan na pag mahuhulog ang tingin ni Israel ay pasimple silang titingala
at pinapainosente agad ang mga mukha.
Silang tatlo ang tagahabol sa iilang mga manggang gugulong pag nahulog at hindi
nashoot roon sa net. Ako naman ay binabalot ng saya sa nangyayari. He's being
friendly... Ang lalakeng kilala kong delikado at misteryoso ay nakakasalamuha namin
na akala mo ay kalebel niya lang rin kami.
"Anong gusto mong sawsawan?" tanong niya sa akin.
Iyong tatlo ay may sinisenyas na naman sa akin na hindi ko na masyadong
pinagtuunan ng pansin.
"May bagoong kayo?" tanong ko.
Tumango siya. "Paborito ni Rici iyan kaya meron kaming ganoon."
Napangiti agad ako roon. Napapansin ko na mahal na mahal niya ang kanyang
kapatid kaya siguro ganoon ang tingin niya sa aking Kuya. Na baka sasaktan lamang
ni Kuya Bram ang kanyang babaeng kapatid kaya hinihigpitan niya ito at binabakuran.
Kahit si Kuya Bram ay ganoon rin naman sa akin at hindi ko rin masisisi si Israel.
He's just being a protective brother... In his own way...
"I'll get some. Pababalatan ko narin ang mga ito," sabi niya at tiningnan ang
mga manggang nasa net.
"Salamat..." ngumiti ako sa kanya na ikinatingin niya agad sa akin.
Nagkasalubong ang kanyang makakapal na kilay at mukhang nadisgusto sa aking
pagngiti kaya mabilis ko nalang iyong binura at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam
kung galit ba siya o ano...
Umalis nga ito. Ang tatlo ay tumitig pa sa kanyang likod.
"Alam niyo, noong tinititigan ko siyang manungkit... Napaisip ako kung saan rin
ang mararating ng kanyang tinatagong sungkit," wala sa sariling sabi ni Rose na
mabilis naming ikinatawa sa kabila ng namumula kong pisngi.
"Hanggang sinapupunan Rose! Wawarakin ka ng sungkit niya sa sobrang haba!" si
Cecille.
"Baka nga hanggang ngala ngala eh!" dagdag pa ni Rinka na ikinahagalpak agad
nila ng tawa.
"Diyos ko naman! Nakakamatay ang ganoong panungkit!" reklamo ni Rose at hawak
hawak na ang tiyan.
Ilang minuto kaming nagtatawanan roon habang nakaupo sa berdeng damuhan at
hindi mabitaw bitawan ang topic nilang sobrang nakakahalay ng utak.
"Pero maiba ako... Iba ang titig sa'yo ni Israel ha... May gusto ba sa'yo 'yon,
Trace?" tanong sa akin ni Rinka na ikinakurap ko.
"Paanong iba?" tanong ko.
"Basta iba... Eh ikaw nga lang ang pinapansin eh. Kami dinidedma." Umirap pa
siya at naggulong ng mga mata.
"Baka tipo ka Trace... Siguro boring iyong babae na nakalaplapan niya sa
batis." Ngumisi pa ng makahulugan si Rose sa akin.
Hindi ako kumibo at isinabit muli sa gilid ng aking tenga ang sumabog na buhok
dahil sa paghagalpak ng hangin sa akin. Parang napakaimposible talagang magkagusto
si Israel sa akin.
"Hindi siguro..." wala sa sarili kong sagot sa kanila.
"Anong hindi? Kung lalake ako magugustuhan kita 'no. Tingnan mo nga ang kutis
mo sa amin? Ang liit liit pa ng mukha mo. At iyang singkit mong mga mata. 'Di ba
may dugo kang Chinese?" tanong ni Cecille sa akin.
Tumango ako. Half Chinese ang aking ama. Iyon ang sabi sa akin ni Mama. Kahit
si Kuya ay hindi rin nalalayo ang mga mata sa akin. Kaya nga pag hindi ngumingiti
si Kuya ay sobrang suplado tingnan dahil sa kanyang mga mata.
"'Tsaka bata ka pa kaya. 16. Pag nasa tamang edad kana mas gaganda ka pa..." si
Rose.
Nalunod ako ng kanilang papuri. Hindi ko narin maiwasang isipin kung ganoon rin
ba ang nakikita ni Israel sa akin. Pero sa tuwing naiisip ko na ngayon lang naman
siya naging mabait sa akin ay hindi ko maiwasang magduda.
"Ang tagal naman... Baka pinalagyan niya na iyon ng lason at dito niya narin
tayo ililibing sa kinauupuan natin..." reklamo ni Rose at nagawa pang humiga sa
malinis na inuupuan namin.
"Ikaw ang maunang tumikim, Rose. Total patapon naman iyang buhay mo mas mabuti
narin kung ikaw ang unang mamamatay," mungkahi ni Rinka.
"Grabe ka! Eh sa ating dalawa mas wasak iyang mukha mo," giit ni Rose.
"Anong wasak? Sira lang talaga iyang mga mata mo! Isang hirit mo pa isasaksak
ko talaga sa'yo iyong panungkit ni Israel," pabirong sabi ni Rinka na ikinatawa
naming dalawa ni Cecille.
"Oh ayan na naman si Adonis... Bumaba na naman sa langit para bigyan tayo ng
liwanag gamit ang nakakasilaw niyang katawan..." nagdedeliryong sambit ni Cecille
at nasa di kalayuan na ang tingin.
Nilingon ko narin ito at nakitang muli ang kanyang imahe. May hawak itong
tupperware dala ang kanyang seryosong mukha. Ang parang leyon na lalakeng iyan ay
marunong palang maging kalmado at mabait?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 6

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
Naakit sa bulaklak ni Tracey
Inilapag niya iyong tupperware na mabilis rin namang dinumog ng tatlo.
Nakaslice na ang mga iyon at may nakahanda naring sawsawan.

Naunang lumamon si Rinka. Kumagat siya sa nakuhang slice at tila kinilig nang
matikman iyon.

"Lasang..." Nilingon niya ang katawan ni Israel saka ulit ako tiningnan.
"Lasang mangga!" sigaw niya na ikinahagalpak agad namin ng tawa.

Kumuha narin ako doon. Isinawsaw ko muna iyon sa bagoong na may suka. Gumuhit
agad sa aking mukha ang sarap. Hindi iyon gaanong maasim at masyadong malutong.
Manggang carabao ata ito?

"Anong mangga ba ito?" tanong ko at tiningala si Israel na nakapameywang.


Pasimple siyang nag-iwas ng tingin sa akin at hinawakan ang batok.

"I don't know..." sagot niya at tiningala ang mga puno.

"Mangga ni Israel, Trace..." bulong naman sa akin ni Rose at nasundan agad ng


kanyang hagikhik.

"Just take the mangoes with you if you're going to leave after eating," sabi
niya saka rin naman umalis sa aming harapan.

Pinanood namin itong umalis. Ngumuso ako.

"Ay... Bipolar? Kanina mabait ngayon naman ang sungit sungit." Umismid si
Cecille.

Nagkatinginan kaming apat. Sumisinghap singhap pa si Rose na tila dismayado sa


inaasal ni Israel.
"Nakakapagtaka nga at namigay ng mangga eh... Hindi nakakapagtaka ang
pagsusungit noon eh masungit naman talaga iyon eh," si Rinka naman na sunod sunod
na ang subo ng mangga sa kanyang bibig.

Bumagal ang pagkagat ko. Akala ko hindi na nila napansin ang bagay na iyon...
He's really mysterious. Hindi mo matukoy kung mabait ba ito o nagbabait-baitan
lang. But I guess he's trying to be nice? Para lang naman sa akin... At hindi naman
ganoon kasama ang kanyang ugali. Masungit lang talaga.

"Bukas balik ulit tayo dito... Araw-arawin natin ang mangga ni Israel,
Trace..." suhestyon ni Rose na ikinatango rin naman agad ng dalawa.

"Baka masabihan na tayong abusado noong tao pag inaraw-araw natin ang punta
rito..." sagot ko.

"Manghihina si Israel pag inaraw araw natin ang mangga niya," si Cecille.

"Eh ang sarap sarap ng mangga niya! Nakakaadik kainin!" si Rinka naman.

"Sayang naman at umalis siya edi sana para tayong nagmomovie-marathon ngayon
habang kumakain at nanonood sa kanyang katawan! Ang killjoy naman nitong si
Israel..." Sumimangot pa si Rinka at kumuha ulit ng panibagong slice.

"Pero sa tingin niyo, girlfriend niya kaya iyong babae na kalaplapan niya sa
batis?" biglaang tanong ni Rose na kumuha ng buo kong atensyon.

I know he's a womanizer. Kalat iyon palagi sa bayan at puro pa may kaya ang mga
babaeng pinapatulan niya. Iyon nga lang wala naman akong nababalitaang break-ups.
Lahat iyon ay napapangalanan lamang na fling o babae niya lamang.

Hindi naman kami gaanong close kaya hindi ko rin talaga alam ang kanyang
dahilan kung ba't hindi siya pumapasok sa seryosong pakikipagrelasyon.

"Fuckboy si Israel Rose. Takot iyon sa commitment," sagot ni Cecille.

"Magaling lang sa kama pero hindi magaling makisama." Nailing iling si Rinka.

"Itikom niyo nga iyang bibig niyo. Baka marinig tayo noon
at hindi na tayo makabalik rito," awat naman ni Rose sa kanila.

Nanatili akong tahimik at nakikinig lamang sa kanilang tatlo. Masyado ng


mabagal ang aking pagkain. Nakakalito nga naman ang pinapakitang ugali niya. Parang
napipilitan lamang itong makisama na ewan. Pero ayaw mo niyan, Trace... Ito ang
unang beses na kusangloob niya kayong inimbitahan rito para bigyan kayo ng mga
mangga.

Sa mga araw na nagdaan, palaging subsob si Kuya Bram sa trabaho. Kung noon ay
12 palang ng gabi nakakauwi na siya ngayon ay inaabot na siya ng alas dos. Tapos
maaga pa siyang gigising para pumasok. Alam ko namang may pinag-iipunan siya pero
naaawa lang ako sa kanya dahil baka magkasakit na ito.

Sabado noon. Nasa bahay lamang kaming dawala. Mamayang hapon pa ako pupunta sa
bayan kaya tinulungan ko muna si Kuya sa gawaing bahay. Kailangan ko rin kasing
maglaba dahil nagbubunganga na naman si Mama na baka ay malampasan na raw ng aming
mga labahin ang mataas na bundok ng Mt. Apo.

Sa likod ako ng bahay naglaba. Ang huli naming pagkikita ni Israel ay noong
inalok niya kami ng mangga at hindi na iyon nasundan pa. Namamataan ko siyang
hinahatid si Ate Rici sa ekswelahan pero nahihiya naman akong pansinin ito dahil
baka sabihan niya ring nagpapapansin na ako purket pinatikim niya lang ako noong
mangga niya.

Bigla akong napangiwi sa huli kong naisip. Ano ba iyan... parang nagiging
mahalay narin ang aking utak.

Kinusot ko iyong damit ni Mama habang ang aking isipan ay naglalakbay na sa


kung saan.

"Trace!" Bumukas ang bintana sa aking likod.

Nilingon ko si Kuya na walang saplot sa itaas at kakatapos lamang maligo.


Kinukusot niya ng tuwalya ang basa niyang buhok.

"Iyong tatlo mong kaibigan, nasa harap ng bahay," sabi niya na ikinatayo ko
agad.

Nandito ang tatlong iyon? Hindi ko naman maalalang may usapan kami ah? Ba't
bigla bigla nalang silang gumagala? Hindi kaya ay balak nilang pumunta sa lupain ng
Buenaventura at manguha ng mangga?

Umikot agad ako papunta sa harap ng bahay habang ipinupunas ang aking basang
kamay sa suot kong damit. Nakita ko nga ang tatlo kong kaibigan na humahaba ang mga
leeg kakasilip sa bintana.

"Nandito ako," tawag ko sa kanila pero ni hindi man lang ako nilingon at
tanging si Rose lang ang nag-abalang tingnan ako kaso mabilis ring bumalik sa loob
ang kanyang mga mata.

"Hindi ikaw ang sadya namin Trace... Ang kuya mo..." si Rinka na may suot na
short at puting tshirt, ang buhok ay nakalugay.

"Ang sarap rin pala ng katawan ng kapatid mo 'no, Trace... Nakakapanglaway


rin..." si Rose na nakabun ang kulot na buhok at nakadress.

"Ang swerte nga namin at nadatnan namin ang Kuya mong nakatapis lamang ng
tuwalya at kakatapos lamang maligo. Pinagpala talaga kami, Trace!" Pagmamayabang pa
ni Rinka.

"At least man lang may bagay na magaling kayo... Nakakalungkot rin iyong walang
talent..." pabiro kong sabi sa kanila na mabilis ikinabusangot ng tatlo.

"Alam mo minsan iyang bunganga mo may pagkapangit rin. Gusto mo sigurong


pasukan namin iyan ng panungkit ni Israel," si Cecille.

Tumawa ako at pumasok na sa bahay dahil sa matatalim nilang tingin sa akin.


Hinila ko palabas sa ilalim ng aming lamesa iyong mahabang upuan para doon sila
paupuin. Si Kuya naman ay mukhang nasa kwarto at nagbibihis na. Buti nalang talaga
at walang butas ang aming bahay kundi baka nabiktima narin ng tatlo ang aking Kuya
at sisilipan rin nila.

"Kuya luto na itong niluluto mong nilagang saging?" sigaw


ko nang kumulo na iyon at tumatagas na ang iilang tubig.

"Oo luto na iyan... Ako na diyan. Mainit 'yan Trace..." Lumabas rin naman ang
aking kapatid at nakabihis na. Nakasuot ito ng grey na tshirt na nakatupi ang bawat
manggas ng braso.

Sinenyasan ko ang tatlo na pumasok na. Iyong tatlo naman ay nginunguso ang
likod ni Kuya at kung ano ano narin ang sinisenyas sa akin na hindi ko mapunto.

Umupo silang tatlo sa parihabang upuan. Si Rinka ang nasa gitna habang sa kanan
naman si Rose at sa kaliwa si Cecille.

Humarap rin naman si Kuya at inilapag na ang bowl na may mga hindi pa
nababalatang nilagang saging. Umuusok pa iyon at halatang mainit pa.

"Uy... Saging ni Bram!" biglaang sigaw ni Rinka na ikinaangat ng kilay ng aking


kapatid.

"Ba't mo pinakuluan ang saging mo, Kuya Bram?" painosente namang tanong ni Rose
na ikinakurap ni Kuya.
"Nagbibiro lang sila, Kuya..." ngumiti ako sa aking kapatid na mukhang ibang
bagay na ang naiisip sa pinagsasabi ng tatlo.

"Kayong tatlo puro kayo kalokohan. Kumain kayo diyan. Mainit pa iyan kaya dahan
dahan lang..." paalala ni Kuya na ikinatango nilang tatlo.

Pumasok muli si Kuya sa loob ng kwarto. Nilingon ko ito sandali pero ibinalik
rin sa tatlo na mukhang may naiisip na namang kahalayan dahil sa mga mukha nilang
gumuguhit na naman ang kademonyohan.

"Mainit pa kaya dahan dahan nating isubo para hindi tayo mapaso," si Rinka.

"Para hindi mabulunan sa saging ni Kuya Bram," dagdag ni Cecille.

Kumuha ako ng mga plato at tinidor saka ko inilapag sa kanilang harapan. Isa
isa naman silang tumusok ng saging roon.

"Nalilito na tuloy ako kung kaninong prutas ang pipiliin! Ang nilagang saging
ni Bram o ang mahabang panungkit at mangga ni Israel..." Nalilitong sabi ni Rose at
bumuntong pa ng mahabang hininga na akala mo ay napakalaki ng kanyang problema.

"Ba't niyo naman sinasali si Kuya?" sabi ko


"Syempre! Iyong Kuya mo iba rin ang tindig Trace..." mahinang sabi sa akin ni
Rinka at nagawa pang lingunin ang kwarto na pinasukan ng aking kapatid.

Sinimulan nila iyong balatan. Nanonood lang ako sa kanilang tatlo. Nilingon ko
pa ang bintana na makikita ang likod at gustong silipin ang aking labahin. Baka
matagalan na naman ako sa pagpunta mamaya sa bayan at pagalitan ako ni Mama.

"Oo nga pala Trace..." mahinang sabi ni Rose sa akin kaya nilingon ko ito.

"May nakalap akong balita sa bayan. Ang kuya mo raw at si Rici..." hindi niya
agad madugtungan iyon at naninimbang ang mga mata sa akin.

Nilingon ko ang kwartong pinasukan ni Kuya at mukhang wala pa naman itong balak
lumabas kaya ibinalik ko ang tingin sa tatlo na nasa akin na ang mga mata.

"Noong nakaraan pumunta si Rici dito pero kumain lang naman ng saging at
nakipagkwentuhan saakin," paliwanag ko na ikinalaki agad ng kanilang mga mata.

Alam kong gulat rin sila na ang katulad ni Ate Rici na nabibilang sa angkan ng
mga Buenaventura, ang pinakamayaman at makapangyarihan sa lugar na ito, ay kumakain
ng nilagang saging at pumasok sa simpleng bahay namin.

"Mas nauna pang tikman ni Rici ang saging ni Bram?!" may diin ngunit mahinang
boses na tanong ni Rinka.

Sumimangot ako. Akala ko pa naman iyong iniisip nila ay katulad ng iniisip ko.
Nakalimutan mo na ba na kakaiba sila, Trace?

"Ano ba iyan, Trace! Anong klase kang kaibigan? Kami ito


kasama mo sa eskwelahan at para mo naring kapatid pero hindi mo kami magawa gawang
ilakad sa Kuya mo," inis na sabi sa akin ni Cecille.

"Sana man lang hinadlangan mo, Trace! Iyong saging na nga lang ng Kuya mo ang
kasiyahan namin..." si Rose naman na bumusangot rin.

"Nagulat rin naman ako. Pagdating ko dito binabalatan na ni Kuya iyong saging
tapos nakaupo na si Ate Rici rito sa loob..." paliwanag ko at isinabit ang hibla ng
aking buhok sa gilid ng aking tenga.

Umiling iling si Rinka. "May nangyari palang subuan dito... At itong si Tracy
ay naging pabaya."

Hindi nila tinantanan ang topic na iyon. Mas binigdeal nila iyong pagkain ni
Ate Rici ng nilagang saging ni Kuya Bram kaysa iyong namamagitan sa dalawa.

"Pero seryoso... sila na?" Biglang tuminong tanong ni Rose.

Bumagal ang pagnguya ni Rinka na kahit si Cecille ay bumagal rin ang pagsubo.
Nilingon kong muli ang kwartong pinasukan ni Kuya saka ibinalik sa tatlo na
naghihintay na ng sagot.

"Hindi ko alam e... Pero sabi ni Kuya hindi raw," sagot ko sa dismayadong
boses.

Umawang ang bibig ni Cecille para sana may sabihin pero sakto ring lumabas si
Kuya Bram kaya sumubo nalang ito ng saging.

Nilingon ko si Kuya. Nakapambihis na ito at mukhang aalis na. Nakarating pa sa


aking kinatatayuan ang kanyang pabango.

"Saan ka pupunta, Kuya?" tanong ko.

"Trabaho, Trace..." paliwanag niya habang inaayos ang sleeves ng kanyang polo.

Ngumuso ako. Trabaho? Eh ba't ganyan siya ka purmado?


Hindi nalang ako umimik. Sinundan ko lang ang kanyang kilos gamit ang aking mga
mata. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang gilid ng aking ulo.

"Aalis na ako... Pagkatapos mo rito puntahan mo na si Mama sa bayan...


Hinihintay ka noon," malumanay niyang sabi sa akin na ikinatango ko.

Binalingan niya ang tatlo na sobrang lagkit ng tingin sa kanya. Nginisihan niya
ang mga iyon saka siya umiling at nagpaalam rin sa amin.

"Ang guwapo talaga ni Kuya Bram. Ang sarap ng buhay mo Trace at may ganoon kang
kapatid," si Rinka na nasa may pinto parin ang tingin.

Ngumiti lamang ako. "Nasa likod lang ako ha... Kailangan ko pang tapusin ang
paglalaba ko."

"Teka Trace! Sasama kami sa bayan! Total wala naman kaming ginagawa," pahabol
ni Rose sa akin habang lumalabas ako.

"Kayo ang bahala." Nginitian ko sila sa may bintana saka rin ako umikot papunta
sa likod.

Umupo akong muli at nagsimulang kusutin iyong naiwan kong damit. Bumagal ang
aking galaw at napatitig sa bula dahil sa katanungang pumasok sa aking isipan.
Ipinagpapatuloy parin ba ni Kuya ang namamagitang espesyal sa kanila ni Ate Rici?
Pero alam niyang magagalit lamang si Mama. Ba't niya naman papasukin ang isang
bagay na alam niyang masyadong komplikado?

Dalawang bagay lang naman iyan. Kailangan mong makontento o ipipilit mo ang
gusto mo. At sa kaso ni Kuya, halatang pinipilit niya ang isang bagay na sobrang
komplikado. Kung may magagawa lang sana ako para matulungan siya...

Doon lamang nabura ang aking pag-iisip nang magtungo rin ang tatlo rito sa
likod. Tumulong si Cecille at Rose sa paglalaba sa akin habang si Rinka naman ay
nawiwili sa kakadilig sa mga bulaklak namin doon.

Madali kaming natapos pero nabasa rin ako at doon na naligo


sa likod dahil diniligan narin ako ni Rinka.

Nagpalit rin naman ako. Sila na ang nagsampay noong mga nilabhan namin sa
likod. Sabay kaming nagtungo sa bayan at habang naglalakad ay si Kuya Bram at
Israel parin ang kanilang topic. Natatawa nalang ako dahil kinukumpara nila iyong
mga prutas ng dalawa.
"Kaya siguro walang nanliligaw sa atin dahil masyado tayong marupok!" sigaw ni
Rinka habang dala dala ang napulot na kahoy at kinakaladkad iyon habang gumuguhit
ng linya sa sahig.

Maingay silang tatlo at hindi man lang magawang isara ang bibig sa isang
minuto. Sumasakit narin ang aking tiyan kakatawa. Ni hindi ko namalayang nasa bayan
na pala kami dahil sa kakadaldal ng tatlo.

"Mama..." tawag ko kay Mama nang makarating ako sa kanyang harapan. Busy ito sa
pag-aayos ng mga bulaklak sa bangketa.

Nag-angat siya ng tingin sa akin na kahit sa aking likuran ay napatingin narin


siya.

"Hi po!" Bati ng tatlo at kinawayan si Mama.


Ngumiti si Mama sa kanila. "Buti at napadpad kayo rito..."

Nagtungo ako sa kanyang tabi at umupo roon. Ang tatlo naman ay nasa mga
bulaklak na ang tingin.

"Total marami kayo... Oh heto... Kayo ang magtuloy sa pagtatali. Ito iyong mga
wrapper... Trace, alalayan mo sila sa ibabalot na wrapper sa bawat bulaklak."
Tumayo si Mama, "mamamalengke lang ako ng maaga baka maubusan ako noong murang
isda."

"Sige po, Tita! Kami na pong bahala rito..." si Cecille.

"Walang kalokohan ha..." Mariin niyang tiningnan ang tatlo na tumango naman
agad.

Nilingon akong muli ni Mama sa pagbabantang mga mata kaya tumango narin ako.

Pag-alis ni Mama ay isa isa rin naman silang pumwesto sa aking tabi. Kinuha ko
iyong magagandang plastik na pambalot ng mga bulaklak at may magagandang desinyo.

"Ang gaganda naman ng pagkakabalot nito, Trace... Magkano ang ganito?" tanong
sa akin ni Rose nang inangat niya iyong rosas.

"Nasa mga 400 iyan, Rose..."

"Ay ang mahal!" reklamo niya at ibinaba agad iyon.

"Ang babango ng mga bulaklak." Saka bumaling si Rinka kay Rose, "anong masasabi
mo na kapangalan mo sa kanila pero mabantot ka?"
Nasira agad ang ekspresyon ni Rose habang natawa naman kami.

"Ang halimuyak ng amoy noong Rose pero ikaw..." panggagatong naman ni Cecille.

"Tumahimik kayong dalawa eh mukha niyo palang mababaho na." Umirap si Rose.

Naiiling kong inayos ang iilang mga bulaklak. Nagtataka na tuloy ako kung
makakabenta ba kami eh puro kalokohan ang tatlong ito.

"Rose ikaw tagatawag ng costumer! Kami tagaayos ng mga bulaklak," si Cecille na


tinatalian na iyong mga bulaklak na inayos niya sa isang plastic na wrapper.

"O sige..." Tumayo naman si Rose at iginala ang tingin.

Saktong may napadaan na lalake kaya iyon agad ang kanyang pinuntirya.

"Hoy Kuya..." Malambing niyang tawag.

Lumingon naman iyong lalake at napakurap.

"Gusto mong bumili ng bulaklak ko? Pwede mong amuyin..." Ngumisi si Rose na
ikinasira agad ng ekspresyon noong lalake at mabilis na naglakad paalis.

"Ano ba iyan, Rose! Tinakot mo!" sigaw ni Cecille na


nakabusangot na.

"Baka kasi nahalata niyang lanta na ang mga bulaklak mo kaya nandiri!" si Rinka
naman.

"May mga costumer kasing hindi talaga mahilig sa bulaklak," paliwanag ko naman.

"Trace ikaw nalang kaya ang magtawag ng costumer? Mas halatang fresh ka kaysa
kay Rose..." pagbibiro ni Cecille.

"Ano namang sasabihin ko?" natatawa kong tanong at hinawi ang aking buhok
papuntang likod.

"Akitin mo sa bulaklak mo," si Rinka.


"Gayahin mo iyong ginawa ko, Trace..." si Rose naman na hinihila na ako patayo.
Nakagat ko ang aking labi at tiningnan ang iilang mga taong dumadaan sa aming
harapan. May iilang lumilingon sa akin pero magpapatuloy rin naman sa paglalakad.

"Ate..." tawag ko doon sa babaeng dumaan pero umirap agad. Sumimangot ako.

"H'wag mga babae Trace... Maiinsecure lang sila sa'yo... Lalake lang," hirit pa
ni Rinka.

Tiningnan ko silang tatlo na busy na sa pagtatali pero nililingon ako paminsan


minsan. Iginala ko ulit ang tingin hanggang sa may nakita akong pamilyar na lalake.

Those deep brown eyes suddenly scares me. Dumaloy agad ang kaba sa aking
sistema at hindi na makapagsalita dahil parang may bumara na sa aking lalamunan.
Nandito siya!

Suot ang itim na boots, itim na pantalon, puting panloob at denim niyang
jacket, nagrerebelde na naman ang iilang hibla ng kanyang buhok dahil nalalaglag
ito at hindi nasasama sa pagkakatali sa likod. Ang malalalim niyang titig ay
singlalim ng karagatang hindi mo masisid. Staring at him, I feel like I lost myself
in the woods...

Nag-iwas ako ng tingin at nakalimutan ang gagawin ko sanang pagtatawag.

"Sige na, Trace!" utos ni Rinka nang mapansin niyang hindi ako nagsasalita.

Lumunok ako ng laway. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko na ang


nakapamulsa niyang imahe na palapit na ng palapit sa aming dako.

Bago pa man ako makapagsalita ay nakarating na ito sa aking harapan. Malinaw


ang bawat detalye sa kanyang kilos kung paano siya tumigil at ang mga misteryoso
ngunit madilim niyang mga mata ay napunta agad sa akin.

"Uy may naakit sa bulaklak ni Tra-" Naputol ang boses ni Cecille at isang
singhap ang sumunod nang mapagtanto niya kung sino ang nasa aking harapan.

Umawang ang aking bibig. Ang aking mga mata ay hindi mapirmi sa kanyang mukha.
Nalilipat iyon sa bawat detalye nito. His thick eyebrows and dark brown eyes
complement his rebellious look. Iyon lang ang palaging pumapasok sa aking utak.
Palagi akong nawawala at pakiramdam ko ay nasa madilim akong parte ng kakahuyan.

"U-Uh..." nauutal kong sambit.

"Israel, gusto mong bumili ng mabangong bulaklak ni Tracey?" tanong ni Rinka at


mukhang may iba na namang pinapahiwatig.

Nilingon ko sila sandali na may kung ano ano ng sinisenyas gamit ang mga mata
saka ko ibinalik kay Israel na kagat kagat na ang kanyang labi.

"Natatakam sa bulaklak mo, Trace..." bulong sa akin ni Rose na ikinapula agad


ng aking mga pisngi.

"How much is your flower?" tanong niya at pinasadahan ng tingin ang mga
bulaklak na nakahelera.

"Ah... Ano bang klaseng bulaklak ang gusto mo?" tanong ko at napisil ang aking
pang-ibabang labi.

"Ano bang magandang bulaklak?" tanong niya pabalik.

"Para sa akin, mga sunflowers..." sagot ko at nginitian ito.

Bumalik agad sa akin ang kanyang mga mata at napunta sa aking labi. Sandaling
nagkasalubong ang kanyang kilay, mukhang naaasiwa na naman kaya mabilis ko agad
iyong binura.

"O mga rosas... Uhm, tulips... Lahat naman maganda," sagot ko nalang para hindi
matangay sa malalalim niyang paninitig.

Dumampot siya ng tatlong bulaklak na nakaplastic na at saka niya dinukot ang


pitaka sa kanyang bulsa.

"Ito, magkano lahat?" tanong niya sa baritonong boses habang naglalabas ng


pera.

"1,200 lahat..." sagot ko at binalingan ang tatlo na titig na titig kay Israel.

Binigyan niya ako ng akmang pera. Walang labis walang kulang. Natuwa agad ako
dahil ibang iba ang kanyang pakikitungo ngayon kumpara sa una niyang bili sa akin.

"Salamat..." marahan kong sabi na ikinatango niya.

"Kung gusto mong kumain ng mangga, pumunta ka lang sa lupain bukas. I'll wait
you," sabi niya saka rin naman umalis dala dala iyong bulaklak.

Sunod sunod na tili agad ang pumaibabaw at pinagyuyugyog na ako ng tatlo. Hindi
ko narin maitago ang ngiti sa aking labi.

"Nag-aalok na naman siyang kainin ang mga mangga niya, Trace! H'wag kanang mag-
inarte! Punta ka bukas!" sigaw ni Rinka sa akin at pinandilatan pa ako ng mga mata.
"Oo nga Trace! Kagatin mo na dahil mukhang kusang-loob niya ng sinusubo sa'yo!
Tipo ka ata noon!" si Rose naman.

"Punta ka bukas sa lupain Trace tapos sabihin mo, 'Handa na akong kainin ang
mangga mo, Oh Israel...'" si Cecille naman na binago pa ang boses sa nakakaakit na
paraan.

Ramdam ko ang namumula kong pisngi at tinakpan na lamang iyon. Tumawa na ako,
nahihibang sa kanilang pinagsasabi at nahihibang sa nangyayari.

"Punta ka bukas total linggo, Trace! Maghihintay raw siya roon! Sasamahan ka
namin kung nahihiya ka..." pangungumbindi pa si Rinka sa akin.

"Nahihiya nga ako..." mahina kong sambit sanhi para mas yugyugin ako ng dalawa.

Marahas na hinila ni Cecille ang aking kamay para makita ang aking mga mata.

"Napakaswerte mo na tapos aayawan mo pa!" galit niyang sabi, ang mga mata ay
nagbabaga na.

Kahit alam kong iba ang pakay ni Israel kaya siya biglang nagiging ganito sa
akin, hindi ko parin maiwasang matuwa. Para akong isang maliit na dagang nilagyan
ng keso sa isang patibong na kahit alam kong mapapahamak ako ay lalapitan ko parin
at kakainin.

Ganito ba talaga ang pag-ibig? Na kahit ang lason na papatay sa'yo ay kaya mong
inumin na para lang iyong tubig? Magpapatangay ka parin sa agos ng iyong
nararamdaman kahit na hindi ka naman marunong lumangoy. Ganoon nga siguro talaga
kadelikado ang mahulog sa taong alam mo namang hindi ka gusto.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 7

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Subo
Kahit noong nasa bahay na ako kasama si Mama ay namalagi sa aking utak ang
sinabi ni Israel. Maghihintay siya roon sa akin bukas.

Alam ko namang kaya siya lumalapit sa akin ngayon dahil sa nangyayari kay Ate
Rici at Kuya Bram. Sigurado akong magtatanong iyon ng mga impormasyon kay Kuya at
baka may iba pa siyang dahilan. Sige rin naman kasi normal iyong biglaan niyang
pagbait sa akin. Sa tinagal tagal ng pagbabanggaan ng aming mga mata, sa tinagal
tagal ko na rito at tinitingnan lamang siya sa malayo, ni minsan ay hindi niya
naman talaga ako napansin. Ngayon lang ata...
"Mama bukas... Pupunta ka ba sa bayan? Magtitinda ka ng mga bulaklak?" tanong
ko sa aking ina habang nasa lamesa kaming dalawa. May mga hinihiwa siyang gulayin.

"Oo. Mas mabenta ang bulaklak tuwing linggo. Sa hapon, puntahan mo ulit ako
doon para may maiwanan ako sa paninda pag namalengke ako," sabi niya habang
nanatili ang tingin sa hinihiwa niyang kalabasa.

Tumango ako sa kanya. Oh ayan Trace... May gagawin ka bukas kaya h'wag ka
nalang pumunta sa lupain ng mga Buenaventura. Pero ang sabi niya ay maghihintay
siya. Paano kung isang buong araw siyang naghintay? Paano kung magalit iyon?

"Hindi na ba pumupunta si Rici rito, Trace?" tanong ni Mama sa akin at nag-


angat agad ng tingin. Ang mga mata ay masyadong matalim at naghihinala.

Kumurap ako at dumako ang aking mga mata sa iilang hibla ng buhok niyang
nalalaglag sa pagkakatali. Sa edad na 40 ay makikita mo na talaga sa kanyang mukha
ang katandaan at medyo kulubot sa gilid ng kanyang mga mata. Maganda naman si Mama
pero dahil rin siguro sa hirap ng buhay at pagkakayod ay bumibilis ang kanyang
pagtanda.

"H'wag na h'wag mong pagtakpan ang kapatid mo kundi kayong dalawa talaga ang
makakatikim sa akin!" may diing sabi ni Mama at nanggigigil na ang boses.

"Hindi ma... Sila Cecille lang ang pumupunta rito," paliwanag ko at nalaglag
ang tingin sa kalabasang marahas niyang hinihiwa.

"Pagsabihan mo iyang kapatid mo, Trace! Malaki na sana pero hindi nag-iisip ng
tama! Ipapahamak lamang siya ng pag-ibig na iyan!"

"Pero ma, nagtatrabaho naman si Kuya—"

"Trabaho niyang 300 ang sweldo sa isang araw?! Tingin mo makokontento ang
pamilya ni Rici niyan? Iyong isa niya ngang kapatid na babae ay pinagkakasundo sa
mayaman roon sa syudad tapos mauuwi lang si Rici sa kapatid mong walang
maipagmamalaking negosyo? Kahibangan!" Nailing si Mama, ang kilay ay
nagkakasalubong na dahil sa inis.

Alam ko ang bali-balitang iyon tungkol sa isa pang babaeng kapatid ni Israel na
nasa syudad kaya hindi nakikita rito. Ipinagkasundo daw iyon sa mayamang pamilya na
may malaki ring negosyo sa syudad. Ang naiwan lamang rito ay ang ama nila na
namamahala ng lupain habang iyong ina naman nila ang namamahala sa negosyo nila sa
syudad.

"Hindi pahihintulutan ni Facundo na malalaglag lamang sa pobreng lalake ang


kanyang bunsong anak, Trace. Ang mga mayayaman ay gustong palaguin ang kanilang
negosyo para mas yumaman pa. Hindi nila mapapakinabangan ang Kuya mo,"
nanggagalaiti niya paring sabi na kahit ang paghihiwa ay tumutunog na dahil sa
lakas noon.

Humilig ako sa aming mesa at namungay ang mga mata.

"Malay mo Mama... Magugustuhan ni Don Facundo si Kuya para kay Ate Rici..."

Umiling iling agad si Mama kahit na hindi pa ako tapos sa pagsasalita. Kinuha
ko ang iilan niyang nahiwa at ipinasok sa bowl habang iyong panibagong gulay naman
ang kanyang binabalatan.
"Napakaimposible..."
"Bakit naman? Masama ba ang ugali ni Don Facundo, Mama? Noon po ba... Noong
binata palang siya... Ano pong ugali niya?" Napatitig ako kay Mama na ngayon ay
natigilan na.

"Matapobre. Mapagmataas. Masungit. Manyaki— Basta... Matabas ang dila noon at


akala mo kung sino!" Umirap pa si Mama na ikinakunot ng aking noo.

Alam ko namang masusungit talaga ang mga Buenaventurang lalake at mararahas


pero parang sobra naman ata ang pagkakalarawan ni Mama.

"Pero guwapo rin po ba siya noon?" tanong ko at inilagay sa magkabilang pisngi


ang aking mga palad.

Natigilan muli si Mama at nakita ko ang tinatago niyang namumulang pisngi sa


kabila ng inis niyang mukha. Napakurap ako roon.

"Hindi 'no! Mayabang lang talaga!" Padabog na inilapag ni Mama iyong petsay at
sinimulang hiwain.

"Huh? Eh ang kisig nga ni Israel—"

"Hoy Tracey tigil tigilan mo ako diyan sa sinasabi mo ha!" Itinuro niya ako
gamit iyong hawak na petchay. "Pag ikaw tumulad sa kapatid mong nagpapakaalipin
doon sa isang Buenaventura pag-uumpugin ko na talaga kayong dalawa! Bata ka pa at
mag-aral ka muna ng maaga! Hayaan mo iyang Kuya mo dahil hindi naman iyan
mabubuntis!"

"Iyon na nga Mama... Hindi naman mabubuntis si Kuya kaya hayaan mo nalang
siyang magkagusto kay Ate Rici—"

"Hindi pwede! Ikakapahamak niya lang iyan! Pagbibintangan lang siya ng kung ano
ano at maniniwala naman iyang si Rici. Sa huli, ang kuya mo ang kawawa," si Mama,
siguradong sigurado.

Tumayo siya at dinala iyong mga gulay sa harap ng lutuan. Ang aking pag-iisip
naman ay lumipad na sa kung saan. Paano ba magugustuhan ni Don Facundo si Kuya at
matatanggap ito?

Bigla kong naisip si Israel. Paano kung siya ang makumbinsi ko na mabait naman
si Kuya at may paninindigan sa buhay? Na hindi niya sasaktan si Ate Rici? Pag si
Israel ang kumumbinsi sa kanyang ama tungkol kay Kuya ay baka hindi na ito
humadlang.

Kailangan ko ngang kumagat sa kanyang bitag. Kailangan ko ring mapalapit sa


kanya at baka sakaling mabago ang kanyang pananaw kay Kuya.

Naging buo bigla ang aking pasya. Na kahit hindi pumunta iyong tatlo rito sa
bahay bukas para samahan ako sa lupain ay pupunta parin ako roon. I'll convince
him! Baka sakaling gumana ang aking plano at magbago ang kanyang isip!

Maagang umalis si Mama kinabukasan. Si Kuya naman ay tulog pa at mukhang puyat


na puyat kakatrabaho roon sa pinasukan niyang kargador sa palengke. Naghugas ako ng
plato at naglinis narin ng bahay. Maaga rin akong nagluto para paggising nito ay
wala na siyang gagawin. Kakain nalang at papayagan akong gumala ngayon.

"Kain na Kuya!" Ngumiti agad ako sa kanya habang hinahanda iyong lamesa.
Wala itong saplot sa katawan at naniningkit pa ang mga mata. Idagdag pa iyang
buhok niyang magulo. Kinamot niya ang gilid ng kanyang tiyan at nagkasalubong na
ang kilay.

"Gagala kana naman kaya sobrang sipag mo?" tanong niya saka umupo sa kahoy.

Ngumuso ako at tumango. Nanliit agad ang kanyang mga mata sa akin.
"Kasama ko naman sila Cecille. Sa kanilang bahay ako tatambay," paliwanag ko.

"Sigurado ka?" Tinitigan niya ako ng mabuti. Tumango naman agad ako.

"Pag hindi ako papayagan kuya, paano kung biglang pumunta si Ate Rici dito? Edi
hindi niyo masosolo ang isa't isa dahil nandito ako."

Ngumiwi agad ito sa akin. Nagawa niya pang kurutin ang aking ilong.

"Nangangatwiran ka pa. Hindi iyon pupunta rito dahil hindi


na iyon pinapayagang lumabas ng kanilang bahay," paliwanag niya na ikinakurap ko.

"Huh? Bakit naman?"


"Mahigpit iyong kapatid niyang lalake. Si Israel," saka siya napatitig ng
malalim sa pagkain.

Tama nga ako... Kaya dapat tumuloy talaga ako. Humahadlang siya sa kanilang
dalawa ni Kuya Israel at Ate Rici. Tutulungan ko si Kuya at baka sakaling may
magawa ako.

Nailing si Kuya sa kanyang iniisip at nasuklay ang magulong buhok.

"Dumeritso ka sa bayan at h'wag magtagal sa pupuntahan mo. Uwi agad."

"Sige Kuya..." Ngumiti ako sa kanya at tinabihan ito.

Siya mismo ang naglagay ng pagkain sa aking plato. Sinundan ko lang ang kanyang
kilos. Napapansin ko ang pagyakap ng lungkot sa kanyang mukha na kahit ngumiti man
ito ay makikita mo parin ang lungkot sa mapupungay niyang mga mata.

Ilang sandali lamang, sa gitna ng aming pagkain ay pumaibabaw na ang boses ng


tatlo sa labas.

"Nandito po ba si Tracy? May project kasi kaming gagawin! Kailangan naming


umalis!" pasigaw sigaw ni Rinka sa labas na ikinakagat ko ng aking labi.

"Ayan na. Binubuko kana ng mga kaibigan mo. Hindi niyo ata napagkasunduan ng
maayos ang lakad niyo ngayon." Inangatan pa ako ng kilay ni Kuya na ikinanguso ko.

Tumayo ako at binuksan ang bintana para dungawin ang tatlo sa labas. Lumiwanag
agad ang mukha ng tatlo.

"Tara na, Trace! Ipagpapaalam ka namin sa Kuya mo. Sasabihin namin may gagawin
tayong project—"

"Nagpaalam na ako at pumayag na siya. Gising na si Kuya at kumakain kaming


dalawa," sabi ko saka sumimangot.

Nasira agad ang kanilang ekspresyon. Si Rose ay sumenyas pa at itinuro ang loob
kung narinig ba ni Kuya ang pinagsasabi ni Rinka. Tumango ako kaya sinamaan agad
nila ni Cecille ng tingin.

"Teka lang... Kakain muna ako. Gusto niyo ring kumain?" alok ko na ikinailing
ng tatlo.

Bumalik ako sa upuan. Dumungaw naman sila sa bintana at nagsiksikan roon.

"Hi Kuya Bram! Ang sarap naman ng kinakain mo!" Bati ni Cecille at kumaway pa.

"Pumasok kayo. Kumain narin kayong tatlo." Anyaya ni Kuya sa kanila na


ikinakislap agad ng kanilang mga mata.

"Iyong nilagang saging mo ba iyan, Kuya?" tanong ni Rose sa malambing na boses


at sumisiksik sa gitna ng tatlo.

"Hindi eh... Niluto ito ni Trace. Masarap naman," sagot ni Kuya.

"Ay hindi iyan masarap. Mas masarap iyong nilaga mong saging, Kuya!" si Cecille
na ikinangisi ni Kuya at umiling na.

Kinukulit nila ang aking kapatid habang kumakain. Ang lalagkit rin ng kanilang
tingin sa katawan ni Kuya lalo na't wala itong suot na pang-itaas. Mainit na kasi
sa bahay tuwing alas dose.

Pagkatapos kong kumain ay pinaligo na ako ni Kuya at siya nalang raw ang
maghuhugad ng pinagkainan naming dalawa. Iyong tatlo naman ay nawiwili roon kaya
binilisan ko nalang ang pagligo at pagbibihis.

"Alis na kami Kuya..." Hinalikan ko ito sa pisngi na ikinatango niya.

"H'wag kayong gumawa ng kalokohan, Trace..." Paalala niya na sabay namang


ikinailing ng tatlo.

Umalis rin naman kami roon. Si Kuya agad ang kanilang bukambibig habang
naglalakad kami patungo sa lupain ng mga Buenaventura.

"Grabe iyong mga lalake ang hilig magtopless! Hindi ba nila alam na mas marupok
na ang mga babae ngayon?" Nailing si Cecille.

"Parehas lang talaga sila ni Israel. Parang nang-aakit!" si


Rinka naman.

"Ganoon talaga si Kuya sa bahay. Tuwing gigising iyon ay topless siya dahil
mainit na sa bahay lalo na kung hindi umuulan," paliwanag ko.

"Eh ano namang eksplinasyon sa pagtatopless ni Israel? Na mainit sa kanilang


malaking bahay na tinadtad ng aircon ang loob?" si Rose.

"Hindi ko alam..." Namula ang aking pisngi nang sumagi sa aking isipan ang
kanyang katawan.

Isinabit ko ang ilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tenga. Simpleng
puting dress lamang ang aking suot. Pambahay ko ito at mukha namang presentableng
tingnan. A-line iyon at lagpas tuhod ko na sa t'wing humahangin ay sumasayaw rin
iyon sa ere.
Pagdating namin sa kanilang lupain, ang tumatakbong kabayo agad ang kumuha ng
aming pansin. Tumatalbog ang katawan roon ni Israel habang pinapatakbo iyon sa
kabuuan ng kanilang lupain. Umawang ang aking bibig at namangha lalo na't sobrang
kisig niyang tingnan habang nangangabayo.

"Lintek! Magaling siyang mangabayo! Ang swerte naman ng kabayong sinasakyan


niya! Sakyan mo rin ako Israel! Mangabayo tayo sa isa't isa!" sigaw na ni Rinka
kahit na imposible naman siyang marinig.

"Tingnan niyo ang mga mangga sa itaas! Hiyang hiya sa atin dahil mas berde pa
raw tayo!" Tumingala pa si Rose at pinagtuturo ang mga malalaking mangga.
"Minsan nga sa t'wing tinitingala ko iyang malalaking mangga ay natatawa na
ako. Naiisip kong iyong mga manggang nakasabit ay ang panungkit ni Israel," si
Cecille naman.

Natawa kaming tatlo. Doon lamang sila tumino nang bumaba ito sa kabayo nang
mapansin niya kaming tatlo. Kumaway pa si Rose.

"Kung makakaway ka akala mo naman close kayo," gigil na sabi ni Cecille.

"Hindi naman si Israel ang kinawayan ko! Iyong kabayo!" palusot niya.

"Kahit iyong kabayo di ka tipo, Rose! Umirap oh!" sabi pa ni Rinka.

Tumawa ako, hindi na nakisali sa kanilang topic at nakikinig lang.

Ibinalik ko ang tingin kay Israel na hinihila na iyong tali ng sinakyan niyang
kabayo at kinaladkad na sa kanilang rancho. Nagtungo rin naman ito sa aming dako
dala dala na iyong panungkit.

"Buti at pumunta ka," sabi niya sa akin nang makalapit na rito. Medyo pawisan
ito na kahit ang kanyang pabango ay nakarating na sa aking ilong.

"Wala rin naman kasi akong ginagawa sa bahay..." paliwanag ko.

"Hindi niya matanggihan ang mangga mo, Israel," singit ni Rinka.

Umiling agad ako na baka ay iba ang isipin niya roon sa sinasabi ng aking mga
kaibigan pero mukhang wala naman siyang pakialam roon at tumingala na sa itaas.

Nagsimula siyang manungkit at katulad noong una ay siya rin ang nagbalat noon.
Pagbalik niya ay nakahiwa na iyon at may sawsawan pa.

"Anong naroon, Israel?" tanong ni Rinka at itinuro ang medyo malayong parte ng
kanilang lupain.

"Mga kabayo lang," sagot ni Israel na nakatayo lamang maliban sa aming apat na
nakaupo sa berdeng maliliit na damo at kumakain.

"Ah talaga? Pwede kaming pumunta roon?" tanong niyang muli.

Tumango si Israel, wala ng sinabi pa.


"Tara! Punta tayo doon!" Hinila agad ni Rinka si Rose patayo at sinenyasan rin
si Cecille na sumama.

"Paano si Tracey? Iiwan natin? At kumakain pa ako ng mangga," rason ni Rose


pero mas hinila siya ni Rinka patayo at pinandilatan pa ng mata. May kung ano
siyang binulong sa kanya para makumbinsi ito.
"Ay sige! Dito ka lang Trace! Doon lang kami!" sabi ni Rose
sa akin na kahit si Cecille ay kakaiba na ang ngiting ibinigay sa akin.

Tumango ako sa tatlong excited na tumakbo roon. Nakaramdam agad ako ng kaba
nang mapagtanto kong sinadya nila iyon para iwan kaming dalawa rito. Ano ang
sasabihin ko? Paano ko sisimulan iyong kay Kuya? Mahahalata niya ako pag diniretso
ko agad.

Nalingon ko ito nang magtungo siya sa aking gilid at tumabi roon. May espasyo
pa namang namamagitan sa aming dalawa pero pakiramdam ko ay masyado kaming malapit
kaya naninikip ang aking dibdib at hirap akong huminga.

Nakapiko ang magkabila niyang mga hita habang nakapatong roon ang kanyang mga
braso at hawak ng isang kamay ang kanyang pulso. Laking tuwa ko at wala siya sa
aking harapan lalo na't nakabukaka pa ito.

Umihip ang hangin. Sumabog ang aking buhok sa ere kaya mainam ko iyong
hinawakan para hindi tumakip sa aking mukha. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita
ko siyang binasa ang kanyang pang-ibabang labi.

"Uh... Madalas ka bang nangangabayo?" biglaan kong tanong sa kagustuhan kong


mag-ingay kaming dalawa dahil masyadong nakakabingi ang katahimikan.

"Oo... Ikaw, marunong ka?" Nilingon niya ako.

Umiling ako, "hindi eh... Wala naman kasi kaming kabayo. Pero si Kuya
marunong!"

Nang marinig niya ang pagbanggit ko sa aking kapatid ay nakita ko agad ang
dumaan na disgusto sa kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay parang tinakpan ng
galit kaya naging madilim agad iyon. Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Masipag kasi si Kuya at mas marami siyang alam sa buhay kaya kahit
pangangabayo ay marunong siya," paliwanag ko.

"He seems hardworking," sagot niya pero bakas ang tabang sa boses.

"At mabait... Matalino rin siya kaya nakakuha ito ng scholarship."

His thick brows furrowed like I said something stupid. Na hindi naman siya
interesado pero binibida ko.

"How about you?" biglaan niyang liko sa topic.


"Huh? Ako?"
Tumango siya at malalim na ang paninitig sa akin.

"Simple lang ako eh," sagot ko dahil kahit ako ay walang maipagmalaking bagay
sa kanya tungkol sa akin.

Humiga siya sa damuhan. Ang isang kamay ay nakaunan na sa kanyang ulo habang
ang isang kamay ay inilagay niya sa kanyang tiyan. Nakapiko ang isa nitong paa
habang ang isa ay namamahinga narin. Ang iilang sinag ng araw na nakapasok sa
kakahuyan nila ay tumama na sa kanyang katawan. Ang mukha nito ay nasinagan ng
kaonging araw kaya noong idinako ko ang tingin ko sa kanyang mga mata ay malinaw
kong nakita ang hitsura niyang may maipagmamalaki talaga.
His light brown eyes with a hint of darkness, looks enchanting. Ang pilikmata
niyang sobrang itim na nababagay rin sa kanyang makapal at maitim na kilay. Lalo na
ngayon na natatamaan ng sinag ng araw ay mas naging matingkad ang kulay ng kanyang
mga mata.

"You can lay here if you want." Nilingon niya ang kanyang gilid na ikinalunok
ko.

"Okay lang... Uupo lang ako," sagot ko sa kabila ng mga kamay kong
pinagpapawisan na.

Ayokong humiga dahil baka bigla nalang siyang papaibabaw sa akin at


mangangabayo na sa aking itaas. Nako naman, Trace! Nahawa kana talaga sa tatlong
iyon! Kahit ano ano na agad ang naiisip mo!

"Scared?" he said, taunting.


Umiling ako.
"Edi humiga ka. Wala naman akong gagawin katulad noong nakita mo sa batis. The
girl wants it too that's why we did it."

Uminit ang aking pisngi at mas nayakap ang aking mga tuhod. Ilang beses akong
napalunok hanggang sa tatlong beses ay hindi ko na nagawa dahil parang may nakabara
na roon.

"Hindi ka pa nagkakaboyfriend?" tanong niya sa interesadong boses.

"Hindi pa..." mahina kong sagot at sinipat ng tingin ang tatlo sa medyo
malayong parte na naghahagikhikan na. Siguro kahalayan na naman iyon kaya tuwang
tuwa na naman sila.

"Ah... Walang experience," mahina niyang sabi na hindi nakaligtas sa aking


pandinig.

Alam kong ignorante ako sa ganoon at walang karanasan. Alam kong boring ako.
Pero hindi rin naman ako nangangarap na mapapasaya ko siya sa pamamagitan noon
dahil alam ko namang imposible ring magkaroon kami ng tsansa. Hayaan mo na kung
boring Trace... Hindi niyo rin naman matitikman ang isa't isa.

Mariin akong napapikit sa aking iniisip. Ano ba... Linisin mo nga ang utak mo.

"Maganda ba sa babae ang may experience? Ayaw niyo sa mga walang experience?"
biglaan kong tanong.

Hindi agad siya nakasagot pero ramdam ko ang titig niya sa akin. Ipinatili ko
ang aking tingin sa harapan. Ayoko siyang lingunin dahil makikita niya lang kung
gaano kapula ang aking pisngi.

"Ang mga babaeng walang karanasan ay madaling maloloko. Kung wala kang
experience sa pag-ibig, kawawa ka."

Napakurap ako. Akala ko ibang bagay ang tinutukoy niyang experience.

"Pero hindi naman lahat ng may karanasan ay eksperto na sa pag-ibig. Kahit


gaano mo pa kagaling, masasaktan at masasaktan ka parin. Isa ata iyon sa sangkap
pagdating sa pag-ibig. Kahit gaano kasarap ang pagkakatimpla mo, dadating ang araw
na mag-iiba ang iyong panlasa at magsasawa kana," sagot ko sa marahang boses  na
ikinatahimik niyang muli ng ilang sigundo.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil alam kong hindi ko na naman napigilan
ang aking bibig na ipahayag ang saloobin ko. Nailabas ko na naman iyon.

"Paanong magsasawa eh hindi mo pa nga natitikman?" he suddenly asked.

My cheeks blushed hard. Naitago ko ang kalahati ng aking mukha sa aking mga
braso at tanging mga mata nalang ang nakikita. Ang tatlo sa hindi kalayuan ay
nagtatalon na at mukhang nawiwili sa kanilang pinaggagawa.

"Hindi naman kasi lahat ng isusubo ng tadhana sa'yo ay pag-ibig na. May mga
lalake kasing kahit hindi sila interesado sa pagkain ay titikman parin nila. Kung
hindi masarap ay maghahanap agad ng bagong putahi."

He chuckled. But without any humor.


"Alam mo naman pala pero ba't napapasubo ka pa?"

Nilingon ko siya. I smiled at him weakly that made him part his lips a bit.

"Ikaw? Alam mo namang hindi mo gusto pero bakit titikman mo pa? Hindi naman
masarap pero kakainin mo pa? Tapos pag napaglaruan mo na sa iyong bibig at nalaman
ang lasa nito ay iluluwa mo lang pala."

Bakit mo ako pinapalapit lapit sa'yo kung hindi mo naman ako gusto? Bakit ka
lumalapit lapit sa akin kung wala ka namang balak saluin ako? Tapos pag
napakinabangan mo na ako ay titigil ka rin naman sa huli at iiwanan akong may sugat
na. Tama ako 'di ba?

Nag-iwas siya ng tingin at pumikit nalang. Suminghap ako, hinayaan ang puso
kong kumirot.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 8

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Jhazmine Anne dela Cruz. Happy reading!
-----------
Sisid
Ilang minutong katahimikan ang namuo sa amin. Narinig ko sa itaas ng puno ang
mga ibong naghahabulan roon at ang iba ay dumadapo na sa mga sanga. Ngumiti ako ng
matamis at sinundan ang kanilang bawat galaw.

"Ang cute naman ng mga birdie!" narinig kong sigaw ni Rinka at itinuro pa ang
mga grupo ng mga ibong lumipad sa ere.

Humagalpak agad ng tawa ang dalawa. Ngumuso naman ako at nagpigil ring matawa
dahil alam kong ibang bagay na naman ang naiisip nila. Lahat ata ng bagay ay
nakokonektahan nila ng mga kahalayan.

Bumangon sa pagkakahiga si Israel. Napatingin ako sa kanyang likod na may


dumikit na iilang maliit na damo.
"May damo..." Itinuro ko ang mga iyon.

Lumingon siya sa kanyang likod at pilit iyong inabot. Kitang kita ko ang
paggalaw ng muscle sa kanyang braso.

"Can you get it?" utos niya at nilingon ako kaya pasimple akong nag-iwas ng
tingin sa kanyang braso.

Tumango ako at kinuha ang iilan roon. Malapad ang kanyang likod. Matigas...

Ngumuso ako habang kinukuha ang iba roon. Nang may hindi ako matanggal ay
pinagpag ko nalang iyon ng marahan. I saw how his adam apple moved sexilly. Kung
paano umawang ng kaonti ang kanyang labi at binasa agad iyon.

"Uhm, wala na..." Binawi ko ang aking kamay at itinago iyon sa aking kandungan.

Kagat kagat niya na ang pang-ibabang labi na kahit ang kanyang dila ay nakikita
ko sa gilid noon at mukhang nilalaro niya.

"Naglalakad ka lang ba pauwi?" biglaan niyang tanong.

"Tuwing klase?"

Tumango siya.

"Oo kasi ilang minuto lang naman ang lalakarin..."

"Is it safe? Hindi kana sinusundo ng kapatid mo pauwi 'di ba?"

Sandali akong natigilan. Ba't niya naman iyon alam? Binabantayan niya nga
siguro ang galaw ni Kuya. Kaya siguro pati siya ay palagi ng sinusundo si Ate Rici
tuwing uwian.

O baka nangangalap narin siya ng impormasyon sa akin dahil sa plano niya.

"Safe naman. Minsan kasi dumederitso ako sa bayan para tumulong kay Mama sa
pagtitinda kaya may kasama rin akong umuwi."

"Ah..." Tumango tango siya. "Tuwing Sabado kayo madalas maligo sa batis?"

Umiling ulit ako. "Minsan lang."

"Palagi mong kasama iyang tatlo?" Nginuso niya pa ang aking mga kaibigan.
"Minsan nasa library ako. Pag nagyayaya sila sumasama ako."

Natahimik siyang muli, mukhang may iniisip.

"Gusto mong maligo sa batis?" biglaan niyang tanong.

Prinoseso ko muna iyon sa aking isipan.

"Tayo... Baka gusto mo." Tumingala siya at pinagmasdan ang mga nakasabit na
mangga. Itinaas niya pa ang isa niyang kamay para harangan ang sinag na tumatakas
sa mga dahon at tumatama sa amin rito.

"Tayong dalawa lang?" Kinakabahan kong tanong.

"Gusto mong tayong dalawa lang?" Tumaas na ang kanyang kilay. Namula agad ang
aking pisngi at umiling.

"Hindi!"
"Bring those three. Mukhang madalas kang ngumiti pag kasama mo sila." Tiningnan
niyang muli ang aking mga kaibigan na nagtutulakan na habang tumatawa parin.

"Masaya kasi silang kasama." At mahahalay ang mga utak kaya natatawa narin ako.

"You're not close with my sister? Schoolmate kayo..."

"Hindi e... Mga may kaya ang kasama ng kapatid mo. Naiiba kami kaya nahihiya
rin akong makipagkaibigan sa kanya baka iba ang isipin ng ibang tao sa akin..."
Yumuko ako at napagtanto ang mundo naming dalawa.

Hindi rin naman ako lumalapit lapit kay Israel dahil mayaman siya. Ang gusto ko
lang ay baguhin ang kanyang isipan sa aking kapatid. Ang gusto ko lang ay h'wag na
siyang humadlang sa dalawa. Iyon lang naman.

I heard him sighed. Wala naman siyang sinabi at iyon lang ang naging sagot sa
akin. Alam kong magkaiba sila ng isip ni Ate Rici. Alam kong iba ang paningin niya
sa aming mga kapos sa buhay. Alam kong isa rin siya sa mga mababa ang tingin sa
amin. At nakakadismaya na kinukulayan niya ng puti ang isang itim para lamang
masabing mabuti ang intensyon niya. He's trying to shade the darkness of his
cruelty with white. Sinisikap niyang magmagandang loob sa akin para makuha ang
gusto niya. Sige Trace, kumagat ka sa bitag niya.

Posible kayang ang itim ay maging puti? Posible kayang bumait ang nagbabait-
baitan? Posible kaya ang iniisip ko?

Noong klase na ay hindi mawala sa aking utak ang mga napag-usapan namin ni
Israel. Napapangiti ako pero nalulungkot rin.

"Nakasimangot kana naman. Miss mo na ang mangga ni Israel?" tanong bigla ni


Rinka nang mapansin akong tahimik sa aking upuan.

"Hindi 'no." Bahagya akong ngumiti.

"Sus! Pag natikman mo na ang isang bagay, hahanap-hanapin mo na iyon," dagdag


naman ni Cecille na nakaupo sa aking likuran at katabi si Rose na kumakain ng
biskwit.

"Hindi ganoon ang iniisip ko 'no," tanggi ko at tumawa.

Nailing si Rinka. "Alam mo ikaw Trace... bad influence ka sa amin. Baka pag
palagi kang dumikit sa amin ay malinis mo ang mga utak namin ha! Bad influence!"
Suminghap singhap na siya at dismayadong dismayado.

"Sinasabi ng iba na kami ang bad influence sa'yo eh ang totoo ay ikaw itong bad
influence sa aming tatlo!" si Rose naman.

Tumawa ako at malamyang itinukod ang aking kamay sa aking pisngi. Pinihit ni
Rinka ang aking upuan at pinaharap sa kanilang tatlo.

Ngumisi agad sila sa akin. Inalok pa ako ng biskwit ni Rose. Umiling ako.

"Ay ayaw mo? Nasanay kana sa mangga ni Israel?" Sumimangot siya at sumubo
nalang.

"Magkwento ka. Anong napag-usapan niyo ni Israel kahapon?" Interesadong tanong


ni Cecille.

"Uh..." Hinawi ko muna ang medyo kulot kong buhok at inilipat iyon sa aking
likod.

"Sabi niya ngayong Sabado raw... Ano... Maligo raw tayo sa batis—"

Isang tili agad ang sumunod sa kanilang tatlo. Ang iilan kong mga kaklase ay
nagsilingunan pero nang mapansing sila iyon ay nagsiiwas nalang ng tingin at
mukhang sanay na.

"Jusko! Hindi ko kaya! Magbabasaan talaga kami sa batis ni Israel! Sisisid siya
ng malalim at lalangoy kaming dalawa sa kapusukan!" si Rinka na natatangay na naman
ng kanyang mahalay na imahinasyon.

"Gagawin kong salbabida iyong panungkit niya!" si Rose naman.

"Maglulunud-lunuran talaga ako para ma CPR niya ako!" si Cecille naman na kahit
ang aking desk ay niyugyog niya.

"Gaga! Mamamatay ka talaga kung naglunud-lunuran ka! Hindi


ka noon papansinin dahil si Tracey ang pakay niya." Binatukan pa siya ni Rinka.

"Hindi 'no. Baka friendly lang talaga siya..." Paliwanag ko na kahit ako ay
hindi kumbinsido sa sinasabi.

"Anong friendly? Hindi friendly ang kurimaw na iyon Trace! May kailangan iyon
sa'yo! Naakit ata sa bulaklak mo kaya gusto kang dapuan! Susungkitin ka noon at
nagpapasungkit ka naman!" Pangaral sa akin ni Cecille sa nanlilisik na mga mata.

Pumalag naman agad si Cecille.


"Baka nakakalimutan mong tayo ang tumutulak kay Tracey kay Israel.
Nagpapasungkit rin tayo sa kanya!" depensa niya sa akin.

"Gusto ko rin naman," sagot ko sa marahang boses na ikinalingon ng tatlo sa


akin.

Pumalakpak si Rinka at umaaktong nagpupunas ng luha kahit wala naman.

"Ayan... Babae kana talaga dahil natutukso kana. Akala ko talaga bato ka,
Trace... Sa wakas at pumapasok kana sa mundo namin..." madamdamin niyang sabi.

"Basta ang plano, iiwanan ulit natin sila. Bibigyan natin ng privacy ang
dalawa," pagpaplano naman ni Cecille.

Sumandal si Rose sa kanyang upuan at tumingala.

"Hay... May masarap na mangga... Mahabang panungkit... Magaling mangabayo... At


ngayon naman ay magaling sumisid. Bigyan niyo ako ng isang Israel Buenaventura.
Gusto kong matikman ang mangga niya, mahawakan ang mahabang panungkit niya,
mangabayo kasama siya, at higit sa lahat... masisid niya!" parang nagdedeliryong
sambit ni Rose.

Tumawa lamang kami. Ang iilang mga kaklaseng nakakarinig sa kanilang


pinagsasabi ay ngumingiwi na. Bulgar na bulgar rin kasi ang bibig ng tatlo kaya
minsan napapaaway sila pag sinasabihang malalandi raw at kung makapagsalita ay mga
pokpok.

"Kaysa naman sa'yong palihim na pokpok!" Iyon ang sagot ni Rinka.

"At mukha ring pokpok," dagdag naman ni Cecille.

"Asal pokpok," si Rose naman.

Imbes sila ang inaaway, nahuhulog na iyong nang-aaway ang mas kawawa dahil
pinagtutulungan nilang tatlo. Madalas lang rin kasi ako sa library at nagbabasa ng
libro kaya hindi ako nasasali sa mga gulo nilang tatlo.

Noong lunch ay nagtungo nga ako sa library para magbasa ng libro. May kailangan
pa akong tapusing nobela na binabalik-balikan ko roon. Iyong tatlo ay hindi kasi
mahilig magbasa kaya hindi rin sumasama sa akin.

Pagpasok ko ay may iilang estudyante agad ang lumingon sa akin. Hindi ako sanay
na may mga nakukuhang atensyon kaya medyo nakakapagtaka. Hindi kaya ay ito iyong
kumakalat na balita kay Kuya Bram?

"Nakakahiya naman... Purket guwapo ang kuya niya ay gagamitin ng puhunan ang
mukha para perahan si Rici... Nakakaturn-off." Narinig kong sabi ng isa sa mga
estudyante roon.

Hindi ko nalang iyon pinansin at nilagpasan ang kanilang lamesa. Wala rin naman
kasi akong mapapala kung magpapaliwanag ako. Hindi naman lahat ng totoo ay
kailangan mong ipaglaban. Minsan, kailangan mo lang hayaan ang taong mamulat sa
kanilang pagkakamali saka sila matututo. Hindi nila maitatama ang pagkakamali nila
kung ikaw mismo ang tatama sa kanila.

Let them speak Trace... Ganoon naman talaga iyong mga walang alam. Sila pa
itong mas maraming nasasabi.

Nagtungo ako sa ikatlong pasilyo kung saan iyong librong binabasa ko. Kinuha ko
iyon saka tahimik na naglakad papunta sa pinakadulong lamesa. Umupo ako roon at
inilapag ang libro.

Sinimulan ko iyong buklatin at hinanap ang pahinang iniwan


ko. I read it using my eyes. Itinukod ko ang aking siko sa lamesa saka inilagay ang
aking palad sa kaliwang pisngi.

Isa rin sa gusto ko sa pagbabasa ay nadadala ka ng libro sa ibang dimensyon.


Para kang naroon sa lugar na pinangyarihan at pinapanood ang mga tauhan sa kanilang
ginagawa. Pag nagkaanak ako, gusto ko ay pahalagahan rin nila ang libro. Gusto kong
mahalin niya rin ang pagbabasa.
Anak agad, Trace? At kanino ka naman magpapalahi? Kay Israel? Hay, h'wag kang
managinip ng imposible. Alam mo ang tunay na pakay niya sa'yo kaya siya lumalapit
lapit.

Nabura rin naman ang aking pag-iisip nang may malanghap akong mabango. Pamilyar
iyon at masyadong matamis sa aking ilong.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang maliwanag na mukha ni Ate Rici. Ngumiti
siya sa akin. Ang clip sa bandang gilid ng kanyang tenga ang agad kong napansin.

"Tama nga si Bram... Mahilig ka ngang magbasa at sa library ka madalas


tumatambay." Ngumiti siya sa akin at inilapag ang branded niyang bag sa lamesa.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

"Bakit po ate?" tanong ko sa mahinang boses. Ramdam ko sa aking paligid ang


paglilingunan ng ibang mga estudyante pero nagpanggap nalang akong walang
napapansin.

"Uh... Iyong Kuya mo... Kumusta?" mahina niyang tanong sa akin.

Nakita ko agad sa kanyang mga mata ang lungkot at pangungulila. Hindi kagaya ng
kanyang kapatid na ipinagkakait ang emosyon sa mga mata, siya itong mababasa mo
agad ang kanyang nararamdaman. She's his opposite...

"Okay lang naman si Kuya pero palagi siyang pagod sa trabaho. Minsan alas dos
na siya umuuwi. Parang may pinag-iipunan ata siya," painosente kong sagot at gusto
iyong malaman niya.

"Huh? Akala ko huminto na siya sa pagtatrabaho..." nag-aalala niyang sagot.

"Iba kasi si Kuya. Pag may bagay siyang gusto ay pinaghihirapan niya talaga."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin sa akin. Ibinalik ko


sandali ang aking tingin sa librong binabasa ko kahit na wala ng pumasok sa aking
isip.

"May tanong ako Trace... 'Di ba kilala mo ang Kuya ko?"

Inilipat ko ang pahina saka siya nilingon. Tumango ako at ngumiti.

"Si Israel po?"


"Oo... Si Kuya. Uhm, nilalapitan ka ba ni Kuya?" Gumuhit agad sa kanyang mukha
ang pag-aalala.

"Hindi naman kami masyadong close e," sagot ko nalang.

Gusto ko sanang sabihing oo pero alam kong isasampal niya lang sa akin ang
katotohanan kaya ito lumalapit lapit sa akin. At ayoko ring isipin niya na
nadadamay narin ako dahil lamang sa pagmamahalan nilang dalawa ni Kuya. Baka mas
maipit lamang silang dalawa. I want to help them but I don't want to be a burden.

Pag nalaman niyang nagsisimula ng lumapit sa akin ang kanyang kuya ay baka mas
layuan niya lang ang aking Kuya para tantanan na ako ni Israel. I'll just go with
the flow. Wala namang mawawala sa akin. Okay lang na magpagamit dahil hindi niya
rin naman ako masasaktan.

He doesn't need to break me because I am already broken.

Sumimangot siya at naiub-ob ang mukha sa lamesa. Nagulo ang kanyang buhok lalo
na't gumalaw galaw pa siya roon. May kung ano itong sinasabi pero hindi ko
masyadong marinig lalo na't kinakain rin ng kanyang posisyon ang kanyang boses.

Bumangon siyang muli. May kinuha siya sa kanyang bag saka


siya may ibinigay na puting maliit na envelope sa akin. Ang littering agad na
calligraphy sa labas ang aking napansin. Nakasulat roon ang pangalan ni Kuya Bram.
Abraham.

"Pakibigay sa Kuya mo ha..."

Kinuha ko iyon at tinitigan.

May iilang nagbulung-bulungan agad. May dinukot ulit itong bagay sa kanyang bag
at inilabas ang isang box.

"'Tsaka para sa'yo... Chocolates 'yan. Masarap 'yan at galing sa ibang bansa."
Ngumiti siya ng matamis sa akin.

Tinitigan ko iyon ng ilang sigundo. Sa gilid ng aking mga mata ay mas lumala
lamang ang mga estudyanteng nakikiusyoso.

"Uh... Hindi kasi ako mahilig sa chocolates..." paliwanag ko.

"Huh? Pero sabi ni Bram mahilig ka raw sa matamis." Naguguluhan niyang


paliwanag.

"Minsan mahilig pero madalas hindi. Pasensya na. Hindi ko matatanggap kasi
hindi ko rin makakain eh. Salamat nalang po, Ate..."
Sumimangot siya at tiningnan iyon.

"Ganoon ba? Sige... Uh, ano bang gusto mo? Bags? Sandals? Damit? Alahas? 'Di ba
malapit na birthday mo?"
"Hindi ako mahilig sa mga materyal e," medyo tumawa ako.

"Huh? Ayaw mo sa mga ganoon?"


Tumango ako.

"Ang misteryosa mo naman!" Tumawa siya.

"Rici!" biglaang tawag sa kanya ng isang estudyante.

Kapwa kami napalingon roon at nakita iyong tatlo niyang kaibigan. Nang makita
nilang nakikipag-usap ito sa akin ay mabilis agad na nasira ang mga mukha.

Itinago ko sa libro ang sulat ni Kuya Bram lalo na't naroon na ang tingin ng
isa niyang kaibigan at binalingan si Ate Rici na tumatayo na.

"Sige Trace... Sa susunod ulit. Pag-isipan mo kung anong hilig mo ha. And then
tell me." Ngumiti siya ng mas matingkad saka hinawi ang buhok at nagtungo na sa
kanyang mga kaibigan.

Lumingon sa akin iyong isa. Mas nandiri.

"Rici, ba't mo iyon kinakausap? Pag nalaman ng kuya mo na dumidikit ka sa mga


iyan mapapagalitan kana naman."

"Oo nga Rici. Grounded kana nga. H'wag kang lumapit diyan."

"It's okay. She's nice naman," depensa ni Ate Rici sa akin saka ako nilingon at
kinawayan. Nagpanggap nalang akong hindi iyon napansin para hindi nila isiping
narinig ko ang kanilang sinasabi.

"Tayo na Riss..." Hinila siya noong isa na hindi parin nabubura ang inis sa
mukha.

Iyon talaga ang hindi ko naiintindihan sa ibang mga mayayaman. Why do they act
so foolish? Bakit nililimitahan nila palagi ang kanilang mga sarili? Nasa batas ba
nila na pag may kaya ka sa buhay ay dapat maarte ka? Dapat ay lumayo ka sa mga
hindi mo kalebel? Dapat ay magmataas ka? Dapat iparamdam mo sa nakapaligid sa'yo na
mas angat ka? Bakit ganoon?

Bumalik rin naman ako classroom pagkatapos magbasa dala dala iyong sulat ni Ate
Rici para kay Kuya. Pagdating ko roon ay sinalubong agad ako ng tatlo.

"Binigyan ka raw ng pera ni Rici?!" pasigaw na tanong sa akin ni Rinka.

"Huh?"
"Magkano, Trace? Iyan ba?" Tiningnan ni Rose ang dala kong puting envelope.
"Huh? Hindi 'no. Hindi naman ito pera..." Nagtungo ako sa aking upuan at
ipinasok agad iyon sa aking bag para hindi na nila mapakialaman pa.

"Anong hindi? Kalat na binigyan ka raw ng pera ni Rici sa library," balita pa


sa akin ni Cecille at sinundan ng tingin ang paglagay ko noon sa loob.

Ganoon ba talaga kakitid ang utak ng mga tao?

Umiling nalang ako sa tatlo. Privacy iyon nila ni Kuya Bram kaya dapat hindi
namin pakialaman. Matutuwa si Kuya mamaya pag binigay ko iyon sa kanya.

Umupo ako sa aking upuan habang ang tatlo naman ay nasa itim na maliit na bag
parin ang tingin.

"Close na kayo ni Rici, Trace?" tanong ni Rose.

"Iiwan mo na kami, Trace? Narealize mo ba na masyado na kaming mahahalay?"


Nagpeke pa ng simangot si Rinka.

"Napasobra na ba ang kadumihan ng utak namin?" si Cecille naman.

"Oo pati mukha madumi na," pagbibiro ko saka ako tumawa.

Mabilis silang bumusangot.

"Minsan talaga may pagkademonyo rin iyang bibig mo." Umirap si Rose sa akin.

"Biro lang." Ngumiti ako sa kanya.

"Pero seryoso Trace... Kinausap ka ni Rici dahil ba kay Kuya Bram?" Curious na
tanong ni Rinka.

Tumango ako at itinuon ang aking tingin sa labas. Itinukod ko ang aking siko sa
lamesa saka ko inilagay ang aking baba sa aking palad.

"Binigay niya lang sa'kin iyon eh. Umalis agad siya kasama ang mga friends
niya," sagot ko at hindi na idinetalye ang buo naming pag-uusap.

"Ah... Bruha talaga iyong mga kaibigan ni Ate Rici! Pinagkakalat na binigyan ka
raw ng pera. Akala naman nila ikakahirap nila pag may dumikit lang na kapos sa
buhay sa kanila!" Galit na hinampas ni Rinka ang desk ng kanyang upuan.

"Ano tara, sugurin natin! Total marami namang pera iyon pwede siyang
magparetoke pagkatapos nating basagin ang mukha niya," si Rose naman.

"Tara!" si Cecille na game rin.


"H'wag na. Kayo ang mas may kakayahang umunawa kaya kayo ang magpakumbaba.
Hayaan niyo silang manira. Kung papatulan natin sila, wala rin tayong mapapala."

Ang aking sinabi ang nagpakalma ng kanilang mga mukha. Pumalakpak pa si Rinka.

"Grabe ang lalim mo talaga mag-isip, Trace!"

"Pero kahit gaano ka kalalim, magaling parin sumisid si Israel!" dagdag naman
ng kahalayan ni Cecille na ikinatawa namin.

"Hindi lang kasi sexy body ang meron si Tracey kundi pati narin sexy brain.
Full package!" pagmamalaki pa ni Rose.

"Koronahan! Bigyan ng tropeyo!" dagdag pa ni Rinka na mas ikinatawa naming


apat.

"Ihagis sa batis nang masisid agad ni Israel ang pagiging malalim niya!" hirit
na naman ni Cecille.

Tumawa nalang ako. Itinawa ko nalang iyong mga paninirang ginagawa nila sa Kuya
ko. Okay lang 'yan Kuya... Hindi naman bulag ang Panginoon.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 9

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Dahan dahan lang...
Hindi na ako nagtaka ng hapong iyong nang hindi nagpakita si Kuya sa akin.
Hindi niya ako masusundo dahil maaga pa siya sa kanyang trabaho.

Bago magtungo roon ay nagdesisyon muna akong umuwi sa bahay para ihatid ang
aking mga gamit lalo na't kailangan ko ring magpalit ng pambahay dahil baka
madumihan ang puti kong blusa.

Mag-isa akong naglalakad sa kahabaan ng kalsada patungo sa lupaing


kinatitirikan ng aming bahay. Malapit na iyon sa bundok at marami naring kakahuyan
kaya pinapangalanan na iyong parte ng bundok.

Napahinto rin naman ako dahil sa tunog ng kabayong narinig ko sa aking likuran.
Nang lingunin ko iyon ay ang imahe agad ni Israel ang aking nakita. Naroon siya...
Nakasakay at suot pa ang puti niyang panloob na polong uniporme at sinuotan niya
lamang ng denim niyang jacket. Ang buhok ay nakatali na naman sa likod na kahit ang
earing sa isang tenga ay kuminang na.

Hindi ko maalalang nasa parteng bundok ang kanilang bahay dahil tagabayan naman
ito. Ang kanilang lupain ay naroroon at hindi rito ang daanang iyon.
Huminto rin naman ang kabayo sa aking harapan dahil sa marahan niyang pagsipa
noon sa gilid. Tiningala ko siya.

"Give me your hand." Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay.

Kumunot ang aking noo.


"Huh?"
"Akin na. I'll give you a ride..." sabi niya na nagbigay ng ibang kahulugan sa
akin.

Ang aking pag-iisip ay nadudumihan na dahil sa tatlong iyon na kahit ano nalang
ang pinagsasabi.

"H'wag na... Maglalakad nalang ako 'tsaka medyo malapit lang naman." Tiningnan
ko ang daanan at napagtantong malayo layo pa iyon.

"Don't be stubborn. Tara." Yumuko pa siya at mas inabot ang aking kamay habang
ang iilang hibla ng kanyang buhok ay nalalaglag na.

"Hindi na talaga... Okay lang." Umatras ako para hindi niya ako maabot.

Nagkasalubong ang kanyang kilay at mukhang hindi nagustuhan ang aking


pagtanggi. Bigla siyang umalis roon sa itaas ng kabayo at ibinagsak ang sarili sa
lupa. Gumawa pa ng ingay ang kanyang itim na boots dahil sa marahas niyang
pagkakababa.

"Come here." Pilit niya akong inabot. Seryoso na ang mukha at makikita mo sa
mga mata ang kagustuhan niyang isakay ako roon.

"Kaya ko namang maglakad..." paliwanag ko.

Ibinaba niya ang kanyang kamay at mukhang napagod na sa kakalahad noon sa akin.
Ibinulsa niya iyon at mariin akong tinitigan. Isang klase ng titig na inililigaw na
naman ako sa kung saan... Isang klase ng titig na nakakawala ng katinuan.

"Everyone can walk. Kahit iyong kabayo nga ay kayang maglakad. And he's more
faster than you. I can ride faster than you," he tilted his head and smirked
evilly.

Namula agad ang aking pisngi. Iba na naman ang pagkakaisip ko noon.

Tiningnan ko sandali ang kanyang kabayo saka siya muling tiningnan. He really
looks like a rebel to me. Iyong palaging may dalang gulo at walang matinong
naiisip. The cruelty on his eyes never left his gaze. Palaging malalim at hindi
mapunto.

Marahan akong tumango at naglakad papalapit sa kanya.

"S-Sige..."
Ngumuso siya at nagpigil ng ngiti. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hinila
ng marahas ang aking beywang at walang hirap akong inangat saka ibinagsak doon sa
taas ng kabayo. He carried me like I am just a kid to him compared to his
masculinity. Nagmistula akong hangin sa pagkakabuhat niya ng walang kahirap hirap.

"There... Stubborn." Kinagat niya ang pang-ibabang labi at


inayos ang aking palda. Napalunok ako roon at tumulong sa pagbaba. Umangat naman
ang kanyang kilay saka iniakyat ang tingin sa akin.

Namula ang aking pisngi. Ngumuso siyang muli at mukhang nagpipigil na naman ng
ngiti. Sumimangot ako at pasimpleng iniwas ang aking tingin.

"Hold this." Ibinigay niya sa akin ang tali na ikinalaki ng aking mga mata.

"Hindi ako marunong! B-Baka tumakbo siya bigla!" I said in horror.

"Ang sabi ko hawakan mo hindi ko sinabing ikaw ang magpapatakbo. I'll take the
lead..." he said deeply like he meant something else.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tinubuan ng hiya. Idinikit ko lalo ang


aking mga hita at pinakiramdaman siyang umaakyat na sa aking likuran at doon umupo.

Parang naputol ang aking hininga nang umabante siya hanggang sa madikit ang
aking hita sa kanyang hita, ang aking braso naman sa kanyang dibdib. Para ng
masusunog ang aking pisngi.

Siguro kung nandito iyong tatlo ay kinantyawan na ako. Baka kahit ano ano ng
kahalayan ang pinagsisigaw noon sa akin. Naiisip ko palang ang lalabas sa kanilang
mga bibig ay para na akong sasabog sa hiya.

Idinaosdos niya ang kanyang mga daliri sa aking braso hanggang sa mahuli niya
iyong tali. Hindi ko na maipirmi ang aking tingin at masyado pang nang-aakit ang
kanyang pabango. Gustong gusto ko nalang tumalon pababa at kumaripas nalang ng
takbo pauwi.

"Ano bang gusto mo? Dahan dahanin ko? O bilisan ko?" tanong niya bigla na kahit
ang hininga ay tumatama na sa aking pisngi. Ganoon kami kalapit sa isa't isa.

"H-Huh?" Nilingon ko siya at halos makita ang naglalarong tingin niya sa akin.

Tumagilid ang kanyang ulo, umangat na ang isang kilay.

"Do you want me to ride slowly or you want it fast?" he asked sensually that
triggered my heart to collapse.

Para iyong huminto sa pagtibok na kahit ang aking pisngi ay uminit lalo.

"D-Dahan dahan nalang k-kasi ano... first time kong makasakay sa a-ano... s-sa
kabayo..." nauutal kong paliwanag na mas ikinaguhit ng kapilyuhan sa kanyang mukha.

"First time? Hmm... Ganoon naman talaga pag first time. Kailangang dahan dahan
at hindi dapat biglain," sabi niya habang hinihila ang tali at sinimulang palakarin
ng marahan iyong kabayo.

Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa harapan. Mariin akong napapikit at


nararamdaman ang panglalambot ng aking tuhod. Ang sistema kong nagwawala. Masyado
na ba akong nahawa sa tatlo kaya lahat ng sasabihin niya ay nalalagyan ko narin ng
ibang kahulugan?

Pero mukhang sinasadya niya talagang dumihan ang aking pag-iisip!

"Bibilisan ko na?" he asked teasingly.

"Ikaw bahala," sagot ko nalang.

"I hope you won't scream..." Hinila niya ang tali sanhi para mas madikit ako sa
kanya. Nasa magkabilang gilid ko na ang kanyang mga braso at nabibilanggo niya na
ako.

Bago pa man ako makasagot ay binilisan niya na ang pagpapatakbo. Para naring
nilipad ang aking isipan na kahit ako ay tumatalbog narin mg marahan. Napahawak na
ako sa kanyang braso para hindi mahulog. Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang
sariling sumigaw.

Sumasabog ang aking buhok sa ere at halos ilagay ko na ang buo kong bigat sa
kanyang dibdib.

"Ang bilis!" reklamo ko roon.

"Then hold on my shoulder or else you're going to fall."

Huh? Hahawak ako sa balikat niya?! Paano kung bigla siyang huminto edi nasubsob
ako sa leeg niya! Nang-aakit na iyan, Trace! He's doing this to seduce you!

"Come on! Hold on my shoulder!" panghahamon niya at mas binilisan ang


pagpapatakbo.

Mariin na akong napapikit at nakagat ang pang-ibabang labi. Bahala na nga!


Bahala na talaga!

Humawak agad ako roon. Sa aking takot na baka mahulog ay inihawak ko narin ang
isa kong kamay sa kanyang beywang at halos kumapit roon sa kanyang panloob na
tshirt. Nasa loob na ang aking kamay habang ang aking mukha ay isinubsob ko sa
kanyang dibdib.

"Fuck, this is illegal," he murmured and cursed violently.

"H'wag mo kasing bilisan!" Tiningala ko siya at kulang nalang ay maibulong na


iyon sa kanyang leeg.

He swallowed harshly. Binasa niya ang pang-ibabang labi at mas binilisan lamang
ang pagpapatakbo. Sumigaw na ako.

"Oh damn," he cursed and chuckled again.


"H'wag mong bilisan!" sigaw ko.

"But it's more fun when it's fast. Mas mabilis tayong makakarating,"
makahulugan niyang sabi.

Oh God. He's enjoying this!


"Hindi na talaga ako sasakay sa'yo!" sigaw ko pa.
"Hindi ka saakin nakasakay kundi sa kabayo ko. Oh please..." he chuckled
evilly.

Suminghap ako at mas isinubsob na ang aking mukha sa kanyang dibdib. His scent
is killing me! Ang aking atraksyon ay nakikipagtalo na naman sa sinisigaw ng aking
utak na h'wag masyadong marupok sa lalakeng iba ang pakay sa akin.

"Just hug me," he commanded.

Umiling ako roon. Hindi ako makapaniwalang ganito pala kagrabe ang kanyang
ugali.
"Dahan dahan lang..." bulong ko na at natatakot na baka mahulog ako,
madisgrasya kami.

Dinungaw niya ang aking ekspresyon. Sumasabog pa ang aking buhok at hindi iyon
mapigilan. Unti-unting bumagal ang kanyang pagpapatakbo. Dahan dahan naman akong
bumitaw sa pagkakahawak sa kanya at tiningala itong sinisilip parin pala ako.

"S-Sorry..." Nag-iwas agad ako ng tingin at itinuon sa harap.

"Ngayon alam ko na... You want a gentle ride... Ayaw mo sa mabilis..."


makahulugan niyang sabi sa aking likuran.

"Gusto ko lang mag-ingat dahil baka mapahamak tayo," daing ko.

"Nah... I'm expert," sigurado niyang sabi na ikinapula na naman ng aking


pisngi.

Bakit ba lahat nalang ng bagay ay pakiramdam ko ay may iba pang dahilan? Hindi
naman talaga ako mahalay mag-isip pero dahil nasasanay lang talaga ako sa mga
bunganga ng tatlong iyon kaya nagiging ganito narin ang takbo ng aking utak.

"Dito lang," sabi ko kaya pinahinto niya rin iyong kabayo.

Mas nauna siyang bumaba at hinawakan agad ang aking beywang saka ako binuhat
pababa. Nahawakan ko ang kanyang mga braso dahil sa biglaan niyang galaw. Bakit ba
masyado siyang mabilis at para lamang akong unan sa kanya kung buhatin niya?  I
feel so weak...

O nakakapanghina talaga siya?

"Sige... Uh, salamat pala..." Nginitian ko siya habang sinusuklay ko ang buhok
kong nabuhaghag.

Tiningnan niya ang bahay namin na ikinataas ng kanyang kilay. Alam ko... Pangit
at simple lamang hindi kagaya sa inyong masyadong malaki at maganda.

"Pupunta ka pa sa bayan?" tanong niya.


Tumango naman ako. "Oo. Kailangan ko lang kasing magbihis."

"Sinong tao sa bahay niyo?"


Sandali akong natigilan at napatitig sa kanya. Umangat ang kanyang kilay at
mukhang gusto talaga iyong malaman.

"Ako lang. Bakit?"


"Ah... Nothing. Go and change your clothes. Dito lang ako." Ibinulsa niya ang
mga kamay at sinenyasan pa akong pumasok na.

"Huh? Dapat umalis kana... Dito lang naman ang bahay namin," sabi ko.

"Pupunta ka pa sa bayan. Ihahatid kita," alok niya.

Lumunok ako ng laway at naisip agad ang eksena kanina. Hahawak na naman ako sa
kanyang balikat at isusubsob ko na naman ang aking mukha sa kanyang leeg. Maaamoy
ko na naman ang kanyang pabango. Isn't it too much? Pinapatay niya ako sa loob.

At isa pa, malalagot rin ako kay Mama pag dumating sa kanya ang balitang ito.
Anong rason ang ipapaliwanag ko kung nabalitaan niyang nakasakay ako sa kabayo ni
Israel? Na nagiging mabait lamang ito? Na nagmamalasakit sa akin? Mas magdududa
lamang si Mama.

"Hindi pwede," sagot ko sa kanya na ipinagsalubong ng kanyang kilay.

"I'll slow down don't worry," paglilinaw niya.

Umiling akong muli. "Hindi pwede..."

Gumuhit agad ang inis sa kanyang mukha. Binasa niya ang kanyang pang-ibabang
labi at hinawakan ang batok.

"I am not asking anything in return if that's what you think," medyo matabang
niyang sabi.

"Hindi naman sa ganoon. Pero bawal talaga. Makikita ako ni Mama at iisipin
niyang nagboboyfriend na ako. Baka sabihin niyang hindi ko na siniseryoso ang pag-
aaral ko. Mapagkakamalan ka niyang boyfriend ko..." palusot ko nalang.

Naroon na naman iyong nguso niyang nagpipigil ng tawa o ngiti. Nang hindi niya
nakayanan ay iniawang niya ang mga labi at dinilaan ang gilid ng kanyang labi.
Naroon iyon... naglalaro... habang ang dalawa niyang mga kamay ay nailagay niya na
sa likod ng kanyang ulo.

"I don't mind. Okay lang sa akin," casual niyang sabi na ikinasimangot ko.

"Mapagkakamalan ka noong boyfriend ko at pagagalitan ka!" pilit kong


pagpapaintindi na hindi man lang umipekto sa kanya.

"I dont mind—"


"Ang kulit!" Nakasimangot kong sigaw at naipadyak pa ang isa kong paa na
ikinaawang ng kanyang bibig sa ere dahil sa biglaan kong pagsingit. He stared at me
unbelievably. Gumuhit ang gulat sa kanyang mukha pero nawala rin naman agad.

Noong matauhan rin naman ako sa inasal ko ay pasimple ko nalang binura ang
simangot kong mukha.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at malalim na ang titig sa akin. Bumuntong
ako ng hininga. Ano ba itong nangyayari? Ano ba ang pinaplano niyang mangyari?
Balak niya ba akong mahulog sa kanya? Paano naman ako mahuhulog kung sa umpisa
palang ay nahulog na ako? Ibang klase rin...

"Fine. Hindi kita ihahatid sa bayan. Palabas lang ng lupain na ito. Pwede?"
Tumaas ang isa niyang kilay.

Ngumuso ako at dahan dahang tumango. Ngumuso narin siya at nagpigil na namang
ngumiti. Para siyang bata na nagbibinata na ewan pag ganoon siya. And it's cute...
Hay... Delikado talaga ang ganitong set-up. Baka imbes kumbinsihin ko siyang mabait
ang aking kapatid ay ako na itong mahulog lalo.

Hindi ko na siya inimbitahan sa bahay at nagmadali ng pumunta roon para


magbihis. Sa kakamadali ko ay kahit ano nalang ang hinila kong damit. Nahablot ko
iyong kulay cream na bistida na lagpas tuhod ko at laces ang straps na kailangan
pang iribbon.
Iyon na ang isinuot ko at panay lingon pa ako sa pinto
dahil baka bigla iyong bumukas kahit alam kong hindi naman siya papasok. Baka kasi
kung ano na ang tumatakbo sa utak noon. Nagsuot narin ako ng maliit na short saka
rin ako nagmadaling lumabas. Hinawi ko nalang ang kulot na dulo sa aking buhok
paatras at lumabas narin ng bahay.

Laking gulat ko nang maabutan ko siya sa may pinto. Naroon siya, kampanteng
nakasandal habang nakapamulsa.

"U-Uh... Tara?" Ngumiti ako ng pilit.


Hinagod niya ako ng tingin. Lumunok ako ng laway at hindi alam kung masyado
bang simple o masyado iyong pangit sa paningin niya.

"Sorry. Hindi talaga ako presentable manamit." I smiled weakly.

"It's fine. Sa bayan ka lang rin naman kaya bakit ganyan pa?"

Ah... So this is too much?

Hindi agad ako nakasagot roon. Tiningnan ko pa ang aking sarili. Simpleng nipis
na bistida lamang ito na pag hahangin ay aangat talaga ito sa ere.

Nag-iwas siya ng tingin at nauna rin namang umalis sa aking harapan. Bigla
nalang naging malamig.

"Nevermind. Let's go," matabang niyang sabi.

Iyon ang napapansin ko sa kanya. Paiba iba talaga siya ng mood. Minsan mabait
tapos bigla nalang magsusungit. Para siyang babaeng may dalaw kaya ganoon nalang
ang pabago bago niyang ugali.

Parang isang liwanag na biglang natatakpan ng dilim...

Tahimik nalang kami habang mabagal niyang pinapatakbo ang kabayo. Kahit ako ay
nabibingi na sa katahimikan at ang tanging naririnig ay ang yabag ng mga paa ng
kabayong naglalakad.

Bakit siya tumahimik? Kung dahil lamang da aking suot ay masyado naman atang
mababaw. H'wag kanang magtaka sa ganyang ugali niya Trace... Ganoon talaga pag
nagpapanggap na interesado sa'yo... Bigla bigla nalang manglalamig.

Katulad ng kanyang sinabi ay binaba niya rin naman ako sa dulo ng lupain at
papasok na sa bayan. Nginitian ko siya.

"Salamat pala."
Tumango lamang siya at hindi na makatingin sa aking mga mata. Sa sobrang lamig
ay gusto ko nalang yakapin ang aking sarili na giniginaw na. Pinanood ko siyang
bumalik sa pagsakay sa kanyang kabayo at sinimulan niya rin itong patakbuhin.

Ilang sigundo akong nanatili roon at tiningnan ang kabayo niyang unti-unti ng
nawawala sa aking paningin. Ang mga lalake ang galing pumeke ng kanilang
nararamdaman. Kaya nilang iparamdam sa'yo na gusto ka nila pero ilang sigundo ay
kaya rin nilang iparamdam sa'yo na hindi sila interesado. Sa sobrang galing nila sa
ganoong bagay ay ang hirap ng tukuyin kung seryoso ba o laro lang pala.

Pagdating ko sa bayan ay hindi ko maalis alis ang mga katanungang iyon sa aking
utak. Tumulong ako kay Mama sa pagtitinda pero maya maya ay matutulala ako at
maiisip ang inaasal ni Israel. Siguro nandiri iyon dahil hindi niya kayang sumama
sa kagaya kong kapos sa buhay. Maybe...
Dahil sa aking pinag-iisip ay ginamit ko narin iyon para hintayin si Kuya. Nag-
advance study nalang ako sa magiging lesson namin bukas at kahit iyong project na
sa susunod na linggo pa naman ang deadline ay ginawa ko narin ng advance.

Mga bandang alas dos nga ay narinig ko ang pagkakabukas ng pinto. Sumilip ako
ng kaonti sa aking pinto at nakita nga ang pamilyar na likod ni Kuya. Nagtungo siya
roon sa sink at kumuha ng baso.

Mabilis kong hinalungkat sa aking bag iyong envelope na pinapabigay ni Ate Rici
sa kanya saka rin ako lumabas dala dala iyon.

"Oh? Trace? Hindi ka pa natutulog anong oras na. May klase ka pa mamaya ah?"
Nagtataka niyang tanong nang mapansin ang paglabas ko.

Nakita ko agad ang pagod sa kanyang mukha. Ininom niya iyong hawak niyang tubig
saka siya umupo roon sa dekahoy naming mahabang upuan.

Tumabi ako sa kanya at inilapag sa kanyang harapan iyong sulat.

"Gumawa kasi ako ng project kaya hindi pa ako natutulog. At 'tsaka..."


Tiningnan ko iyong envelope na tinititigan niya narin lalo na't naroon ang pangalan
niyang nakasulat sa isang calligraphy.

"Ano 'to?" tanong niya.

"Envelope kuya," pabiro kong sagot na ikinaangat ng kanyang kilay.

"Buksan mo para maibsan ang pagod mo Kuya..." Nginitian ko siya.

Kunot noo niya iyong binuksan. Inilapag niya ang envelope at kinuha sa loob ang
isang papel na may sulat kamay. Binuklat niya iyon na mas ikinatamis ng aking ngiti
lalo na't unti-unting nagloosen ang kanyang balikat na kahit ang kanyang mukha ay
kumalma.

Sinilip ko iyong papel at nakita ang maganda at malinis na sulat kamay ni Ate
Rici. Kitang kita ko sa labi ni Kuya ang paglabas ng matamis na ngisi roon. Kinagat
niya pa ang pang-ibabang labi pars paigilan ang sariling ngumiti ng malaki pero
tumakas parin iyon sa kanyang labi.

"Iyong mahal ko..." Tumawa na kahit ang pagod sa mukha ay nabura na. Ang mga
mata ay kumikislap at masyadong natutuwa sa sulat na iyon.

"Hindi ka pa matutulog Kuya? Pagod na pagod ka pa naman," paalala ko sa kanya


pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa pagbasa noon gamit ang mga mata.

Ngumuso ako at gusto rin iyong basahin pero alam kong hindi siya papayag.
Ngayon ko lang talaga nakitang ganito...

"Kuya matutulog na ako. Magpahinga kana rin," sabi ko saka tumayo na.

"Sige maya-maya. Magsusulat lang rin muna ako..." Ngumisi siya sa akin na akala
mo ay hindi galing sa nakakapagod niyang trabaho.

Ibinalik niya ang tingin sa sulat na iyon na palihim kong ikinangiti. Tutulong
ako sa inyong dalawa Kuya...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 10

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Magbabasaan
Paggising ko, ang masiglang si Kuya Bram agad ang bumungad sa akin. Naghahanda
pa ito ng agahan sa lamesa at tapos ng maligo. Sumisipol sipol pa habang kinukusot
ang kanyang basang buhok.

Napansin niya ako kaya lumingon agad siya at matamis na ang ngiti.

"Morning!" bati niya sa masiglang boses.

Ngumuso ako. Okay? Ang saya saya niya... Dahil ba ito sa pasulat ni Ate Rici sa
kanya?

"Maligo kana at kumain pagkatapos. Ihahatid kita sa eskwelahan," sabi niya


habang naglalagay ng plato roon.

Bumalik ako sa loob ng kwarto at kinuha ang aking tuwalya. Si Kuya naman ay
nagpatuloy sa pagsisipol. Mukhang maaga naring umalis si Mama dahil hindi ko na ito
napansin sa bahay.

Kahit noong hinatid niya na ako sa eskwelahan ay hindi sumisipol parin si Kuya.
Nakapamulsa ito at nasa harapan lamang ang tingin. Minsan ay ngingisi at kakagatin
ang pang-ibabang labi.

"Mamayang hapon... Baka kung saan saan na naman kayo gumala noong tatlo mong
kaibigan. Pumunta ka agad sa bayan Trace... Tulungan mo si Mama," sabi niya sa akin
na ikinatango ko.

"Sige Kuya..." Nilingon ko ang loob ng eskwelahan saka siya muling tiningnan.
Gumagala rin ang kanyang tingin at mukhang may hinahanap.

"Pasok na ako, Kuya. Mag-ingat ka," sabi ko sa kanya sanhi para ibalik niya ang
tingin sa akin.

"Teka, may ibibigay ako." May hinalungkat siya sa kanyang bag at ibinigay sa
aking ang isang yellow paper.

"Pabigay ako kay Rici, Trace..." sabi niya, ang mga mata ay kumikislap na.

Kinuha ko iyon at tiningnan ang nakaukit na pangalan ni Ate Rici. Hindi ko


mapigilang mapangiti lalo na't inartehan niya pa iyon ng kung ano ano.
"H'wag mong buksan. Ibigay mo agad," sabi niya pa.

Tumango ako at ipinasok na iyon sa aking bag.

"Di ko alam ganyan ka pala kasweet, Kuya." Tumawa ako sa kanya.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nailing na.

"Wala eh... Tinamaan ako." Nahipo niya pa ang kanyang dibdib at naipikit ang
isang mata.

"Ang corny!" Hinampas ko ang kanyang dibdib at natawa.

Tumawa narin siya ng marahan at pinasadahan ang gilid ng kanyang buhok. Sakto
namang may bumusina kaya napalingon agad kami roon.

Ang pamilyar na kotse iyon nila Israel. Titig na titig ang aking kapatid roon
na kahit ako ay hindi narin maalis ang aking mga mata roon. Nandiyan rin ba siya?
Hinatid niya ba?

Bumukas nga iyon at lumabas ang malungkot na mukha ni Ate Rici. Napansin kong
mugto ang kanyang mga mata pero mapapansin mo paring sinisikap niyang magmukhang
maayos.

Napunta sa aming dako ang kanyang tingin at kitang kita ko ang pagsasalubong ng
kanilang mga mata ni Kuya. Napansin ko rin kung paano kinuyom ng aking kapatid ang
kanyang kamao at nagpipigil na.

Nag-iwas rin naman agad ito ng tingin sa kanya nang lumabas rin ang isa niyang
kapatid. Yumuko siya lalo na't nilapitan na ito ni Israel.

Narinig ko ang pagbuntong ng hininga ni Kuya. Ang kanyang saya kanina ay


mabilis na napalitan ng panibago.

"Ibibigay ko ito mamaya sa kanya Kuya para sumaya siya,"


sabi ko.

"Sige, Trace... Salamat. Pumasok kana," he smiled at me weakly. Kumikislap ang


mga mata pero halatang malungkot na.

Tumango ako at hinalikan ito sa pisngi. Mabigat ang paghakbang ko papasok ng


loob habang dala dala ang mga alalahaning iyon. Kung suportado lang rin sana ni
Israel ang dalawa edi masaya silang pareho ngayon. Paano ko naman iyon
kukumbinsihin kung minsan ay naaakit narin ako sa kanya. Natutukso narin ako.
Palagi nalang akong inaalipin ng nararamdaman ko para sa kanya.

Nasa kalagitnaan na ako nang makarinig ako ng iilang singhap sa mga estudyante
at may kung anong pinag-uusapan. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang imahe ni
Israel. Suot ang nakasanayang denim jacket at nasa panloob ang puting uniporme
niya, naglalakad ito habang nakapamulsa at masyado na namang madilim ang mga mata.
Mukha itong galit na ewan. Parang ibang iba siya ngayon kumpara sa mga araw na
nakasama ko siya. Iyong dating Israel na tinatanaw ko lang sa malayo... palaging
nababalot ng dilim.

Kinabahan ako nang mapagtanto kong masyado na siyang malapit sa akin. Nag-isip
agad ako ng pwede kong sabihin sa kanya kung huminto man ito sa aking harapan pero
nadismaya rin ako nang magpatuloy ito sa paglalakad at nilagpasan lamang ako.

Naiwan sa aking gilid ang kanyang pabango pero nag-iwan rin siya ng kirot sa
aking dibdib. Ba't bigla siyang naging ganyan? May nagawa ba ako? Nakalimutan niya
bang lumalapit lapit siya sa akin para makakuha ng impormasyon sa aking kapatid?

Dapat nga ay matuwa ako dahil bumalik na siya sa dati niya. Iyong walang
pakialam sa akin at hindi napapansin ang katulad ko. Pero nalulungkot na ang aking
sistema. Ang bilis kong nasanay sa kanya. Ang bilis kong nakalimot na wala naman
itong balak manatili sa aking tabi habang buhay.

"Trace nakita mo si Israel? Ang hot niya!" balita agad sa akin ni Rinka nang
makapasok ako.

Ngumiti lamang ako at nagtungo sa aking upuan. Ayoko ng ikwento sa kanila na


kahapon ay nakasakay ako sa kanyang kabayo dahil sigurado akong iba ang iisipin
nila. At isa pa, hindi naman talaga ako makwento sa kanila.

"Nako... Matamlay. Kulang ata ng dilig iyan..." Naiiling akong tiningnan ni


Cecille habang hinuhubad ang aking bag at inilagay iyon sa aking desk.

"Parang lantang bulaklak. Di kasi nadadapuan ni Israel kaya ganyan nalang


kawalang gana," si Rose naman.

Tinapik tapik ni Rinka ang aking balikat.

"Okay lang iyan... Alam ko namang namimiss mo na ang mangga ni Israel at


naglalaway kana. Sa Sabado... Punta tayo roon ha?"

"Eh magbabasaan pa sila sa Sabado ah? Tuloy ba iyon?" si Cecille naman.

"Ewan ko sa dalawang iyan. Kung hindi man... edi sumulong tayo sa lupain nila
Israel. Hindi pwedeng biguin niya si Tracey eh pinangakuan niya!" si Rose.
"Kung hindi niya sisiputin si Trace ipagdadasal ko talaga doon sa kanilang
lupain, na mabulok iyang mga mangga ni Israel! Ginigigil niya ang dibdib ko ha!" si
Rinka.

Humagalpak agad ng tawa ang dalawa. Bumuntong nalang ako ng hininga at itinuon
ang tingin sa labas ng bintana. Ano kayang problema noon?

Noong lunch ay lumabas rin ako sa classroom. Hindi na sumama ang tatlo dahil
sanay silang mga ganitong oras talaga ako tumatambay sa library. Pero ngayon ay
kailangan kong pumunta sa classroom nila Ate Rici para maibigay ito sa kanya.

Umakyat ako sa ikalawang palapag dahil naroon ang classroom niya. Sikat rin
kasi siya rito kaya kahit sa amin ay nakakaabot ang bawat detalye ng kanyang buhay.

May iilang mga grupo ng lalakeng nakaupo pa sa may hagdan


at may hawak na gitara iyong isa. Yumuko ako at nahihiyang dumaan sa gilid.

"Uy, pre..." Nakita ko kung paano siniko noong isa iyong isa pa.

Nagsimula itong magstrum at may kinakanta ng kanta. Ipinagpatuloy ko ang


paghakbang kahit na nilalamon na ako ng hiya dahil narin sa mga mata nilang nasa
akin ang tingin.

"Binibini sa aking pagtulog ika'y panaginip ko..." Malumanay nitong kanta sa


malamig na boses.

Mas binilisan ko nalang ang aking pag-akyat hanggang sa makarating ako sa


itaas. Kinabahan pa ako noong tumayo ang lalakeng may hawak na gitara at sinundan
ako habang kumakanta parin ito. Iyong mga kaibigan niya naman sa likod ay
nagsisipulan at kinakantyaw kami.

"O kay ganda, o kay gandang mag-alay sa'yo!" kanta niya at medyo bumirit.

Nahihiya akong lumingon sa kanya at hindi alam kung paano ito pahihintuin lalo
na't nasa amin na ang tingin ng iilang mga estudyanteng napapadaan rito at iyong
mga classroom na nilalagpasan ko.

"'Di ba iyan iyong kapatid noong Bram? Si Tracey?" Narinig kong sabi noong
isang estudyante.

"Ba't siya nandito eh Grade 9 'di ba iyan?"


"Napapabalitang close daw sila ni Rici. Imposible naman ata eh puro may kaya
ang kaibigan ni Rici."

"O baka manghihingi na naman ng pera?"

"Eh ba't iyan hinaharana ni Leo?"

"Baka napagtripan lang..."

Hindi ko na pinansin ang kanilang pinagsasabi at tumakbo nalang sa classroom ni


Rici. Laking tuwa ko at tumigil na sa pagsunod iyong lalakeng kumakanta at
nakikipagtawanan na sa kanyang mga kaibigan.

Sumilip ako sa pinto at nakita nga ito sa kanyang desk. Nakikipagngitian ito sa
kanyang mga kaibigan.

Bago ko pa man matawag ito ay may humarang na agad sa pinto at isinara pa iyon.
Tanging imahe niya nalang ang nakikita ko at natatakpan niya na ang loob.

"Ikaw na naman?" Umarko agad ang kanyang kilay nang makita ako.

"Ah... 'Di ba ikaw iyong isa sa mga kaibigan ni Ate Rici?" Ngumiti ako sa
kanya.

Imbes ngumiti pabalik ay nadisgusto siya sa akin. Tiningnan pa ako nito mula
ulo hanggang paa. Ang mga mata ay mariin ang tingin at akala mo ay isang maduming
bagay ang kanyang tinitingnan.

"Ano? Kulang ang ibinigay na pera ni Rici sa inyo kaya manghihingi kana naman?"
inis niyang sabi na ikinagulat ko.

Umiling agad ako. "Hindi naman ako manghihingi ng pera. Gusto ko lang siyang
makausap. P-Pwede bang pakitawag siya kahit saglit lang—"

"Umalis kana, gold digger!" Itinulak niya ako kaya napaatras agad ako.

Sobra naman ata iyong gold digger? Ni isang kusing ay wala pa akong natatanggap
kay Ate Rici tapos pagbibintangan niya agad ako.

"Hindi nga kami close ni Ate Rici... Kayo ang magkaibigan at sa ating dalawa,
ikaw ang pwedeng gumawa noon sa kanya dahil mas malapit kayo," sabi ko sa kalmadong
boses na mas ikinainis niya.

"Ako pa ang pagbibintangan mo!" Akma niya akong aabutin nang hindi niya rin
iyon natuloy dahil sa boses sa kanyang likod.
"Feli? Sino iyan? Nakikipag-away ka ba?" boses iyon ni Ate Rici.

Kumalma agad ang kanyang mukha at noong nilingon ito ay


ngumingiti na.

"Ah, wala..." lumambot agad ang kanyang boses.

"Sino iyan?" tanong ni Ate Rici at mukhang desididong makita ang kausap ng
kanyang kaibigan.

"Ate Rici," tawag ko na mariing ikinatingin sa akin noong nagngangalang Feli.

Binuksan ng malaki ni Ate Rici ang pinto at nagulat nang makita ako.

"Trace! Ikaw pala!" Mabilis siyang lumabas at malapad na ang ngiti sa akin.

"Rici, pag nalaman ng kapatid mo na lumalapit kana naman diyan..." Iyong Feli.

"Okay lang Feli... Sige na, pumasok kana. Mag-uusap lang muna kami," sabi niya
roon na tumango rin naman.

Pasimple pa ako nitong inirapan. Ibinalik ko ang tingin kay Ate Rici na
hinihila na ako paalis roon.

"Pagpasensyahan mo na iyong si Felicita. Ganoon talaga siya..." Ngumiti siya sa


akin.

"Okay lang po... Uhm hindi po ako magtatagal. May pinapabigay lang sa akin si
Kuya Bram. Ibigay ko raw sa inyo." Kinuha ko iyong papel sa aking bulsa at ibinigay
iyon sa kanya.

Katulad ng reaksyon ni Kuya Bram noong mahawakan ang sulat ay nagningning narin
ang kanyang mga mata. Sa sobrang tuwa ay hindi na nito naitago ang ngiti sa kanyang
labi.

"Sige po, Ate... Aalis na po ako." Ngumiti ako sa kanya at hindi na hinintay
ang magiging sagot nito. Tumakbo nalang ako kahit na tinawag niya ang aking
pangalan.

Gusto ko sanang mapalapit kay Ate Rici dahil iyon ang babaeng gusto ng kuya ko
kaso hindi ata iyon magandang ediya. Dumeritso muna ako sa library para makapagbasa
basa ng ilang minuto saka rin ako bumalik sa classroom.
Nadatnan ko naman doon ang nanggagalaiting si Rinka. Kahit ang mga kilay ni
Cecille ay pumapantay na at itong si Rose ay mababasa mo rin ang inis sa mukha.

"Ano na naman iyong pinagkakalat noong isa sa mga kaibigan ni Rici? Pumunta ka
sa classroom nila at nanghingi ng pera?" galit na tanong sa akin ni Rinka.

Ganoon kabilis kumalat ang balita at nalalagyan agad ng ibang kahulugan.

"Iyong Felicita talaga ang pinakabruha sa mga kaibigan ni Rici. Hindi naman
iyon mayaman ah? Naging close lang talaga sila dahil ama siya noong driver ng mga
Buenaventura. Nagfefeeling agad mayaman iyang Feli na iyan." Nanggigigil na sabi ni
Rose.

"Baka nga iyon pa ang ginagamit si Rici," si Cecille naman.

"May araw talaga sa atin ang babaeng iyan. H'wag na h'wag iyang magpapakita sa
atin sa labas kundi imumudmod ko talaga siya sa putikan. Akala niya ha," si Rinka
naman.

Bumuntong ako ng hininga. Ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ay iyong pisikal na


away. Ayoko sa dahas. Pwede naman siguro iyong idaan sa pag-uusap. B't ka pa
mananakit?

"Hayaan niyo na. Titigil rin iyon," sabi ko at naglakad na patungo sa aking
silya.

"Anong titigil?!" singhal ni Rose sa aking likod na ikinagulat rin ng iilan


kong mga kaklase. "Titigil siya kamo kung nabasag na namin ang bibig niya."

"Napakasocial climber pa naman noon! Halatang dumidikit sa mayaman para


makaangat rin sa buhay! Tapos siya pa ang may ganang magtaray! Ginigigil niya ang
dibdib ko ha!" Inis na sabi ni Rinka at padabog na naupo sa aking harapan.

Nahipo ko ang aking noo dahil sa mga boses nila. Ni hindi ko alam kung paano
sila pakakalmahin sa t'wing sumasabog.

"Magpapaapi ka ba, Trace?! Paano nalang kung nalaman nilang dumidikit sa'yo si
Israel edi mas maiinggit ang mga iyon! Ano, hahayaan mong maliitin ka nila?" si
Rose naman na nasa aking harapan narin.

"Hindi naman ako nagpapaapi," sabi ko.


"Oh bakit wala kang ginagawa?" si Rose.

Bumuntong ako ng hininga at pumangalumbaba sa aking upuan.

"Ayoko lang talaga ng away. Ayoko ng gulo. Ayokong dumating kami sa punto na
sasaktan na namin ang isa't isa. Mas mabuting umiwas nalang ako kung hindi niya
iyon kayang gawin. Ako nalang ang lalayo," paliwanag ko sa kanila.

Umiling si Rinka. Si Cecille naman ay mariin parin ang tingin sa akin habang si
Rose ay nakabusangot.

"Basta ako gagamit ako ng dahas. Lagot talaga sa akin ang babaeng iyan pag
nakita ko 'yan sa labas," pagbabanta ni Rinka.

Maaga nalang akong umuwi para hindi na makasalubong iyong mga kaibigan ni Ate
Rici sa eskwelahan. Naglalakad na ako pauwi nang may marinig na naman akong
pamilyar na tunog ng kabayong tumatakbo.

Mabilis ko iyong nilingon at hindi nga ako nagkamali sa aking hinala kung sino
iyon. Si Israel...

Pero akala ko pa naman hindi niya na ako papansinin dahil ang cold niya na. O
baka naman napadaan lamang siya rito at magmumukha na naman akong tanga kung
huminto pa ako at hinintay ang pagdating niya. Lalagpasan ka lang niyan, Trace...
Magpatuloy ka sa paglalakad.

Nagpatuloy nga ako sa paglalakad at umakto nalang na hindi ko napansin ang


kanyang kabayo. Malapit na siya sa aking direksyon kaya mas binilisan ko pa ang
aking paghakbang. Pero kahit siguro tumakbo ako alam ko namang maaabutan niya parin
ako dahil mas mabilis parin ang kanyang kabayo.

Naglakad nalang ako ng normal habang mahigpit na ang pagkakahawak ko sa straps


ng aking maliit na bag. Medyo malamig ang hangin at ipinagkakait na naman ng araw
ang kanyang liwanag.

Naging mabagal na ang pagpapatakbo nito sa aking gilid nang maabutan ako.
Itinuon ko ang tingin sa harap at sinikap na hindi ito tingnan kahit na sa gilid ng
aking mga mata ay nakikita ko na ang kanyang imahe. Nililingon ako nito.

"You're early," sabi niya.

Pinansin niya ako? Hindi na siya cold?

"Ano kasi... Dapat maaga ako sa bayan," paliwanag ko.

Hindi siya nagsalita ng ilang sigundo. Bumaba naman ang aking tingin sa sahig
at tiningnan ang suot kong school shoes habang naglalakad.

"Gusto mong sumakay?" anyaya niyang muli.


May kung ano ang lumundag sa aking puso pero sinikap ko iyong itali sa akin
para hindi iyon makawala. Para hindi ako takasan.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti ng maliit.

"H'wag na... Malapit narin naman,"  sagot ko.

"Iyan rin ang sagot mo noong nakaraan." Umangat ang kanyang kilay.

"H'wag na talaga. Okay lang," sabi ko.

He titled his head and watched me carefully. Ang ayos ng buhok ay ganoon parin
katulad ng aking nakasanayan at iyang paborito niyang denim jacket. Ang iilang
buhok na nagrerebelde ay tumatakas at nalalaglag sa gilid. Ang mga mata ay
singdilim parin ng aninong hindi nagbabago ang kulay, palaging maitim.

Bumaba siya roon. Buong akala ko ay kukulitin na naman ako para lang sumakay
ako roon pero tahimik niyang hinila ang kabayo sa kanyang gilid at sinabayan ako sa
paglalakad. Nasa aking tabi na ito, ang isang kamay naman ay nasa bulsa at
masyadong seryoso ang mukha pero kalmado lang naman.

His familiar manly scent drove me into sadness. Sinasanay niya akong kasama ko
siya tapos aakto siyang cold at lalapit lapit ulit para mang-iwan ulit. Paano
nalang ako? Sinisikap ko namang hindi masanay sa kanyang presensya pero sa t'wing
naaamoy ko ang kanyang pabango, pakiramdam ko ay ilang taon akong nangulila sa
kanya.

"How's school?" tanong niya sa baritonong boses.

"Okay lang... Maraming projects at malapit na ang exam."

"So you're going to be busy?" tanong niya na ikinatango ko.

Siya rin naman ah? College na siya. Parehas sila ni Kuya Bram na first year
college. Iyon nga lang nag-aaral siya sa isang prestigious school rito. Si Kuya ay
sa isang publikong eskwelahan naman.

Sa pagkakaalam ko, tatlong taon ang agwat namin sa isa't isa. Hindi ko rin
maalala kung kailan nag-umpisa ang atraksyon ko sa kanya. Basta noon, ang alam ko
ay madalas ko siyang makita noong Grade 7 palang ako at Grade 10 siya. Doon rin
siya nag-aaral sa pinapasukan ng kanyang kapatid ngayon at tambay sila sa may gate
ng kanyang mga kaibigan. Naroon siya nakahilig sa may tindahan at naninigarilyo.
Palagi ko siyang namamataang ngumingisi. Minsan ay may kasama pang babae sa
kanilang grupo.

Ang nararamdaman ko sa kanya ay atraksyon lamang na hindi ko naman inaakalang


lalala at tatagal. Siguro nasanay narin akong gustuhin siya kaya naging parte na
ito ng cycle ng buhay ko. Nakalimutan ko ng putulin ang lubid ng aking nararamdaman
para sa kanya kaya humaba lamang iyon at kahit anong hila ko pabalik ay imposible
ko ng maputol.

"Sa sabado, busy ka rin?" tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot. Binakante ko ang araw na iyon dahil ang sabi mo ay
maliligo tayo sa batis 'di ba? Nakalimutan mo na? O hindi mo lang talaga iyon
priority kaya mabilis mong nabura sa iyong utak?

Akala ko pa naman magbabasaan kami. Anong klaseng basaan ba iyan, Trace?

"Ah... Hindi," sagot ko at pilit binura ang pinag-iiisip kong kahalayan.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at tumango tango.

"That's good. Hindi rin ako busy," sabi niya.

"Pero 'di ba may pasok ka?"


"Tuwing umaga. Pero tuwing hapon ay hindi na," paliwanag niya sa akin.

Tumango ako ng marahan at iniwas ang aking mukha sa kanya dahil baka makita
niya roon ang tuwang pumaskil na sa aking mukha.

"So, busy tayong dalawa sa Sabado." Nilingon niya ako, ang mga mata ay malalim
na naman ang tingin sa akin habang ang mga labi ay basa dahil sa ginawa ng kanyang
dila.

"Hindi nga ako busy," pagtatama ko.

"No, you're going to be busy. And I'm going to be busy too. We'll get busy with
each other..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 11

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
Nang-iinit

Ang kanyang sinabi ang nagbigay ng kung anong maliliit na kulisap sa loob ng
aking tiyan. Para iyong nabuhay sa loob at gumagala na para kilitiin ako.

The feeling is very foreign to me. Gusto kong magtanong kung bakit niya ito
ginagawa pero ayoko ring may mabuo siyang panibagong kasinungalingan. I don't want
to push him and lie. He stood after me, shading the light... shading me with his
cruelty. Masyadong madilim...

I anticipated for that day even if his feelings are not as genuine as I
thought. Kasalanan mo rin naman iyan Trace... You're letting him shade you. Iyong
kahit pwede ka namang umalis sa lilim na lugar na iyon ay sumilong ka parin at
nanatili.

"Tara Trace! Magrecess tayo," yaya sa akin ni Rinka nang sumapit na ang aming
recess.
Inilipat ko ang pahinang binabasa at inilingan si Rinka. Sa kanyang likuran ay
ang dalawa ring nakatingin sa akin.

"H'wag na. Dito nalang ako," sabi ko.

Lumukot agad ang kanyang ekspresyon. Bago ko pa maibalik ang tingin sa aking
libro ay nakalapit na siya at hinihila ako paalis sa aking upuan.

"Konti nalang talaga matutuluyan kana riyan sa pagiging loner mo! Maganda ka
Trace! Irampa mo iyang mukha mo!" Mas hinila niya ako patungo sa dako ng dalawa.

"Nasobrahan kasi sa talino ayan nag-aasal nerd na," tumatawang si Cecille.

"Kaya ayokong maging matalino masyado. Sa sobrang lalim na nararating ng aking


utak ang dami dami kong naiisip na dapat iwasan. Mas mabuti iyong wala kang isip
para hindi mo nalilimitahan ang sarili mo sa pagsasaya," si Rose naman na
naglalakad narin.

Medyo lumuwag ang pagkakahawak ni Rinka sa aking pulso pero nanatili parin ang
kamay niya roon kahit hindi naman ako tatakbo.

Hinawi ko ang aking buhok sa likod at iginala ang tingin nang makalabas na kami
ng classroom. May iilang estudyanteng naghahagikhikan at maingay rin ang paligid.
Si Cecille at Rose ay mukhang may pinag-uusapan nang lalakeng estudyante na
namataan nila at pasimple naring humahagikhik ang dalawa.

"Kumusta naman ang Kuya Bram mo, Trace?" tanong sa akin ni Rinka nang mapansin
niyang masyado akong tahimik.

"Okay naman siya," sagot ko na ikinasimangot niya. Ang hanggang balikat niyang
matuwid na buhok ay kakulay ng kanyang itim na kilay.

"Palagi mo talagang tinatapos ang pag-uusap 'no? Ang tipid tipid mo... Paano
nalang kung nagkasama kayo ni Israel edi sobrang tahimik? Dapat maging madaldal
ka!" aniya.

Itinuon ko ang aking tingin sa aming nilalakaran. Ngumuso ako.

"Hindi ko rin kasi alam kung ano ang pag-uusapan... At baka... May masabi akong
hindi niya magustuhan kaya ano... tatahimik nalang ako," sabi ko sa mahinang boses.

"Kung naging lalake napakatorpe mo siguro! Baka hindi ka mahilig sa babae at


may sarili pang mundo." Nailing iling na siya.

Marahan akong tumawa.


"Malapit na ang sabado kaya ang gawin mo ay maglista ka ng pag-uusapan niyo.
Iyong makikilala niyo ang isa't isa. H'wag mo ng gayahin ang mga bibig namin dahil
baka maturn-off iyon sa'yo at sabihing easy to get ka dahil ang rupok rupok mo.
Kahit sa araw na iyan maging madaldal ka muna."

"Anong topic naman?" tanong ko.

"Kahit ano. H'wag na h'wag mong sayangin ang oras na iyon dahil minsan lang
iyon nangyayaya. Sulitin mo."

Tumango tango ako sa sinabi ni Rinka. May mga oras rin


talagang normal ang kanyang pananalita at hindi niya nahahaluan ng kadumihan.

"Pero naiintindihan rin kita kung mabablangko ka sa lalakeng iyon..." Tumingala


siya, nasa itaas na ang tingin. "Kahit ako baka kung kaharap ko iyon matukso agad
ako. Baka sunggaban ko agad..." Humagikhik siya.

"Anong sunggab? Mga mangga na naman ni Israel ang topic niyo?" Biglang lumingon
sa amin ni Cecille at naging interesado agad ang tingin.

Mabilis rin namang nalihis ang topic at pumapantay na kami ni Rinka sa dalawa.
Iba na ang kanilang topic at naghahagikhikan na naman. Kahit noong makarating kami
sa canteen ay hindi nila binitiwan ang pinag-uusapan nila.

Doon lamang iyon natigil nang may mamataan silang grupo na nagtatawanan.
Mabilis na umasim ang mukha ni Rinka na kahit si Rose ay mabagal na ang pagkagat
noong hotdog na hawak, si Cecille naman ay matalim agad ang tingin sa grupong iyon.

"Hindi naman sana impyerno ito pero may napadpad na kampon ni Satanas," marahas
na sabi ni Rinka, hindi na kumakalma ang ekspresyon.

"Sandwich at spag lang akin, Riss... Thank you ng advance," narinig naming sabi
noong Feli lalo na't malapit na sila sa amin.

"Sure! 'Yon lang ba?" tanong ni Ate Rici habang naglalabas ng pitaka.

"Hmm... Dagdagan mo narin noong shake nila. Grabe kasi sa bahay, hindi masarap
ang pagkain." Sumimangot agad ito.

Napabuga ng hininga si Rinka. Ako naman ay hinila nalang ang kanyang uniporme
para kunin ang kanyang atensyon at umalis nalang doon. Iyong dalawa naman ay gusto
pang manatili.
"Tara na..." sabi ko kaso hindi ko matinag si Rinka.

Dumako ang tingin sa amin noong Feli. Kahit iyong dalawa pang kasama ni Ate
Rici ay umaangat na agad ang kilay sa amin, sa akin. Si Ate Rici lang ata ang
kumurap nang makita ako.

"Trace!" Kinawayan niya agad ako.


Naibaba ko ang aking kamay at naitago sa aking likod. Ang isa ko namang kamay
ay hawak iyong sandwich na libre pa ni Rinka.

"Riss..." makahulugang tawag agad noong Feli sa kanya na tila binabalaan itong
h'wag gumawa ng mali sa kanilang paningin.

Tumawa si Ate Rici. "She's harmless. I know her," saka siya nagtungo sa aking
tabi.

"Anong gusto mo Trace? Libre kita," alok niya na ikinailing ko agad lalo na't
iba na ang tingin noong mga kaibigan niya na sumunod rin naman agad. Nasa likuran
niya na ang mga ito.

"Sige lang, Ate Rici. Di naman po ako masyadong gutom," sagot ko.

"Really? Ayaw mo talaga?" tanong niya pa na ikinatango ko.

"Abante na, Riss..." sabi noong kaibigan niyang may maiksing buhok.

Binigyan niya muna ako ng matamis na ngiti saka rin umabante na lalo. Nagsimula
itong tumuro ng mga pagkain.

"Parang may naaamoy akong bulok. Teka... Naamoy niyo 'yon?" Nagpanggap si Rinka
na sumisinghot sa paligid. Iyong dalawa naman ay gumaya rin.

"Oo... Parang amoy basurang humahalo sa mayayaman. Teka nga... parang... nasa
tabi tabi lang ata," si Rose naman.

Kitang kita ko ang pagkasira ng mukha noong Feli nang nilingon niya kami. Kung
paano niya tiningnan ng disgusto ang aking mga kaibigan.

Kumpara sa kinikita ng aming mga magulang, mas malaki nga naman ang sweldo na
natatanggap ng kanyang ama. Medyo nakakaangat rin naman sila sa buhay pero hindi mo
talaga masasabing mayaman. Napagkakamalan lamang siyang ganoon dahil sa mga kasama
niya palagi at close pa sila ni Ate Rici.
"Tara na, Rinka." Hinila ko na talaga ang kanyang braso
para lang maawat sila dahil baka pagmulan pa iyon ng away.

Tinaliman pa ng tingin ni Rinka si Feli at saka rin nagpatangay sa aking


panghihila. Iyong dalawa naman ay sumunod rin pero nagawa pang mag-irapan sa mga
kaibigan ni Ate Rici.

Padabog na naglakad si Rinka. Kulang nalang ay ihagis iyang pagkaing hawak


niya.

"Dapat tinumba na natin 'yon, Rinka!" Natatawang sabi ni Cecille.

"Akala ko nga ang pera lang ang may mukha pero may mukha rin palang may pera.
Mukhang pera!" si Rose naman.

"Dapat di mo ako hinila para mabalatan ko ang babaeng iyon. Akala mo kung sino
eh... Kung makaasta akala mo mas mayaman pa kay Rici!" si Rinka naman.

"Ang feeling feeling nga eh!" dagdag naman ni Rose.

Hindi ko na sila maawat kaya hinayaan ko nalang silang ilabas ang kanilang mga
galit at hintaying kumalma rin. Nanatili nalang akong tahimik. Hindi rin naman ako
apektado sa mga ganoong bagay. Mas naaawa ako sa kanila dahil kailangan pa nilang
mang-apak ng tao para lamang maiangat ang sarili. At ang mga inaapakan ay masyadong
malalakas para kargahin ang ganoong bigat.

Sa mga araw na dumaan ay palagi na nilang pinanggigigilan ang mga kaibigan ni


Ate Rici lalo na si Feli o Felicita sa buo nitong pangalan.

"Isumbong kaya natin iyon sa lalake niyang kapatid? Sino nga iyon Rose?" tanong
ni Cecille habang kumakain kami rito sa loob ng classroom at kapwa may mga dalang
lunchbox.

"Iyong Ronaldo," si Rose.

Medyo malapit lamang ang bahay nila Felicita kina Rose kaya alam niya ang buhay
nito. Tatlo raw silang magkakapatid. Iyong panganay na Ronaldo, pangalawa si Feli
at iyong bunso na hindi nalalayo ang edad sa amin na si Teresa.

"Mababait naman ang mga Barit. Ewan ko nga... Ampon ata iyang si Feli.
Nagfefeeling sosyal! Buti pa iyong kapatid niyang si Teresa, mahinhin, halatang
mabait at sobrang ganda tapos ang kinis kinis! Iyon ata ang nagmana sa ama nilang
may dugo raw na Espanyol. Kung nakita mo iyon Trace mapapanganga ka. Kaso katorse
palang eh..." pagkukwento sa amin ni Rose.

"Oo nga. Nakikita ko iyon paminsan minsan. Ang ganda nga at sobrang puti. Kaya
nga ampon ata iyang si Feli." Tumawa pa si Cecille.
"Eh kasi palagi niyang kasama si Rici at kaklase pa. Naiinggit siguro at gusto
ring magfeeling mayaman kaya nakalimutan ang estado sa buhay." Nag-ikot pa ng mga
mata si Rinka at sumubo rin.

"Iyong kapatid niyang lalake sobrang bait rin noon. Mahilig sa bata at
namimigay pa ng barya." Pagmamalaki pa ni Rose.

"Talaga Rose... Gwapo ba?" pang-uusisa naman ni Rinka.

"May hitsura rin naman..." wala sa sariling sabi ni Rose dahil tutok sa kanyang
kinakain.

"Interesado ka, Rinka? Ano? Daan tayo sa bahay nila tas silipin natin?"
Ngumingising si Cecille.

"Nako ayoko ring maging kapamilya iyang si Feli 'no!" Humalukipkip rin naman si
Rinka saka ako binalingan.

Sumubo ako at walang masabi sa kanilang pag-uusap. Hindi rin naman kasi ako
tagabayan kaya hindi rin ako makarelate sa kanilang topic.

Sabado.
Umaga palang ay iba na ang gising ko. Ang aking puso ay tumatalbog sa
excitement at pakiramdam ko ay masyadong mabagal ang takbo ng oras.

Maaga ulit akong nagising at ako na mismo ang nagluto. Si Kuya ay mahimbing pa
ang tulog dahil sa pagod.

Anong dadalhin kong susuotin mamaya? Magdress nalang kaya ako? Pero naalala ko
bigla iyong tingin ni Israel sa suot kong dress. Nasasagwaan ata siya. Ah sige...
Magshoshort nalang ako tapos ano Trace, magdala ka ng sando.

Bumungisngis ako sa aking naisip na susuotin pero natigil


rin nang may umakbay sa akin sa likuran. Napakurap ako at dahan dahang nilingon si
Kuya.

Umiling-iling siya at may pasinghap singhap pa na akala mo may mali siyang


nakita sa akin.

"Kuya... Ang aga mo nagising. 10 pa ah? Dapat bumawi ka sa tulog..." sabi ko sa


kanya.
"Mag-isa ka lang dito pero bumubungisngis ka. Dapat ba akong kabahan, Race..."
Paos niyang sabi, ang buhok ay buhaghag, namumungay pa ang mga mata at hindi
nabigkas nang maayos ang aking pangalan.

"Ah Kuya..." Panimula ko saka ibinalik ang tingin sa inaayos kong plato.

"Ayan na naman... Gagala na naman? At project na naman?" Umalis siya sa


pagkakaakbay sa akin at umikot na papunta rito sa may upuan.

Tiningnan ko siyang hilain ang mahabang dekahoy naming upuan sa ilalim ng mesa
at umupo roon. Nilagyan ko siya ng plato.

"Alam kong matalino ka Trace... Pero sobra naman ata iyang paproject ng guro
niyo?" Umangat ang kanyang kilay habang nagsasandok na ng pagkain.

Ngumuso ako at itinuon ang tingin sa kanyang ginagawa.

"Ano... Gagala kami Kuya... Maliligo kami ng batis," sabi ko sa maliit na boses
at umamin nalang.

"Sinong kasama?"
"Ako, si Cecille, si Rose... at si Rinka. Kami lang, Kuya," sabi ko sa kanya.

Umangat agad ang kanyang tingin sa akin, naninimbang iyon kaya sinikap kong
ikalma ang aking mukha.

"Hindi ka naman siguro manlalalake, 'di ba?"

Nanlaki ang aking mga mata.

"Hindi ah! Hindi ako ganyan!"

"Oh? Ba't deffensive?" Sumubo siya ng pagkain.

"Hindi ako marunong manlalake, Kuya!" Namumula kong sabi.

"Iyong tatlo mong kaibigan parang mga bihasa... Baka kung ano ano ang kalokohan
ng mga iyon at gagayahin mo naman."

"Hindi ah." Nag-iwas ako ng tingin.

Tinapik niya naman ang kanyang tabi kaya umupo narin ako doon. Pinaglaruan ko
ang aking mga daliri sa aking kandungan.

"Sabihin mo nga... Sa eskwelahan niyo... walang pumuporma sa'yo?"


Umiling agad ako. Ayoko nang ikuwento iyong may lalakeng pinagtripan ako at
kinantahan ako dahil alam ko namang hindi iyon seryoso at parte lamang ng biruan ng
kanyang mg kaibigan.

Sumubo siya at mukhang may iba ng iniisip.

"Eh crush? Wala kang gusto?"


Namula ang aking pisngi at sunod sunod ang pag-iling. Mahigpit kong nahawakan
ang laylayan ng suot kong malaking tshirt na kahit wala naman akong kinakain ay
lumunok parin ako.

Tiningnan ako ng maigi ni Kuya.


"Oh ba't namumula ka?"

"Wala kaya, Kuya!" Tinakpan ko ang aking mga pisngi na ikinangisi niya. Hinila
niya ang aking braso.

"Namumula oh." Tinagilid niya ang kanyang ulo para mas masilip lamang ang aking
ekspresyon at mas lumalapad pa ang kanyang ngisi.

"Kasi inaasar mo ako!"

"May gusto ka talaga eh. Sino iyan? Sabihin mo saakin ang pangalan nang
mabugbog ko."

Sumimangot ako. "Wala nga... Hindi pa ako tapos mag-aral Kuya. At mapapagalitan
ako ni Mama pag inuna ko ang mga ganyan. Sabi niya pa naman pagsabihan raw kita
kasi nawawala kana sa katinuan mo."

Nabura ang ngisi ni Kuya sa kanyang labi. Binasa niya


nalang iyon.

"Hindi napagsasabihan ang puso, Trace... Trabaho ng utak ang mag-isip at


trabaho lang rin ng puso ang tumibok."

"Alam ko naman iyon Kuya... Pero bakit mas pinili mong magmahal kahit alam mong
komplikado? Bakit mas pinili mong sumugal sa pag-ibig na parang imposible mong
maipanalo?" naguguluhan kong tanong.

His eyes twinkled with pain and smiled weakly. Binitiwan niya ang suot niyang
kubyertos saka ako seryosong tiningnan.

"Balang araw dadating ka sa buhay mo na kahit alam mong hindi mo maipapanalo ay


handa mo paring ipaglaban. Kahit wala kang maitaya bilang pusta ay handa mo paring
ibigay ang lahat mo kahit ubos na ubos kana," he said painfully.

Nagloosen ang aking balikat kay Kuya. Sa sobrang bigat ng aking nararamdaman ay
niyakap ko nalang ito. Nanunubig ang aking mga mata at nasasaktan ako sa hindi ko
matukoy na kadahilanan.

"Oh?" Tumawa siya at hinawakan ang aking likod. "Ba't nangyayakap ka?" Gusto
niya akong silipin pero mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya.

"Alam ko walang kumucomfort sa'yo kaya ako nalang ang gagawa. Okay lang 'yan
Kuya..." sabi ko sa mahinahong boses at sinikap na magpigil ng kung ano.

Bumuntong siya ng hininga.

"Minsan nakakapagod na pero ang hirap sukuan ng isang bagay na nagbibigay saya
sa'yo..." bulong niya pa roon.

Iyon ang mas humikayat sa akin na lumapit pa kay Israel. Mas dumoble ang
kagustuhan kong magpatangay sa agos na ginagawa niya kahit alam kong masasaktan
lamang ako. Kailangan niyang malaman na mahal na mahal ni Kuya ang kapatid niya.

Pagkatapos ng madamdamin naming pag-uusap ay nagtawanan lang rin kami. Naging


sandalan rin kasi namin ang isa't isa lalo na't kami ang palaging magkasama. Lumaki
kaming walang ama kaya tinuruan kami ni Mama na magdamayan lalo na't busy rin siya.

Mga ilang oras ay pumaibabaw rin naman ang mga boses ng aking kaibigan sa
labas. Si Kuya ang humarap sa kanila habang nagbibihis ako. Isinuot ko nalang iyong
sando sa loob at nagsuot rin ako ng isa pang tshirt para mamaya ay huhubarin ko
nalang ito. Iyong short naman ang ipangliligo ko at nagdala narin ako ng extra na
undies atsaka isang short.

"Saan kayo pupunta?" narinig kong tanong ni Kuya sa tatlo. Nailing nalang ako.
Mahuhuli talaga ngayon ang mga bibig ng tatlong iyan.

"Sa bahay kami nila Rinka, Kuya Bram. Gagawa kami ng project," si Rose iyon.

"Oo gagawa kami at magtutulungan kaming apat dahil deadline na sa Lunes,"


dagdag naman ni Cecille.

"Oo Kuya Bram at wala kaming kalokohang gagawin," inosenteng sabi naman ni
Rinka.

Isinara ko ang maliit na bag at isinuot ang straps noon sa magkabila kong
kamay. Nagpolbo ako ng kaonti at hinawi ang aking buhok papunta sa likod. Wala
naman akong mga make-ups at hindi kasi ako mahilig noon kaya tanging pulbo nalang
ang aking nailagay sa aking mukha. Biniyayaan naman ako ng natural na mapupulang
labi at mga pisngi kong mamumula-mula kaya okay narin.

Lumabas ako roon at nadatnan ang tatlo na sumisilip sa bintana at kausap si


Kuya. Napunta rin ang kanilang mga mata sa akin at sumenyas pa na okay na raw.

Binalingan ako ni Kuya.

"Galingan niyo ang paggawa ng project ha," sarkastiko niyang sabi sa akin na
ikinatango ko at natawa nalang.

"Tara, Trace!" excited na sigaw ni Rinka.

Lumapit ako kay Kuya sa may bintana kung saan siya nakahalukipkip.

"Alis na kami Kuya." Hinalikan ko ang kanyang pisngi. "Babay!" Ngumiti ako sa
kanya na ikinailing niya nalang.

"Bye Kuya Bram!" sigaw rin ng tatlo na ikinatango lang ni Kuya at may ngisi sa
labi.

Paglabas ko ay paimpit agad na tili ang ginawa ni Rose. Si Rinka naman ay


hinihila na ako habang si Cecille ay nakikipantay narin sa pagiging hyper ng
dalawa.

"Bilis Trace baka nandoon na iyon!" Mas binilisan ni Rinka ang pagtakbo.
Humahagikhik pa iyong dalawa at tumatakbo rin.

Tumawa narin ako at nagpatangay nalang. Nandoon na kaya siya? O baka naman
hindi siya matutuloy ngayon kasi may iba siyang lakad? Baka may iba siyang babaeng
kailangang asikasuhin?

Iyon ang aking pinag-iisip habang papunta roon. Noong nasa may bulwagan na kami
ng batis ay pinaghuhubad agad nila ang kanilang mga damit at nagpalit ng sobrang
nipis na mga tela ng damit.

"Magbihis kana rin Trace. Hindi naman mawawala ang mga gamit natin dito," sabi
sa akin ni Rinka na naka bra nalang at maiksing short na parang cycling na.

Nagdalawang isip akong maghubad. Gusto ko nalang na iligo itong suot ko. Pero
hindi pa naman ako nagdala ng extra na tshirt.

"Dali na!" Nilapitan agad ako ni Rose at inangat ang aking tshirt.

"T-Teka!" Pinigilan ko iyon pero kahit si Cecille ay tumulong narin sa


paghuhubad noong tshirt ko.
"Uy nakasando!" Tumawa si Cecille at pinaparatangan na ako ng kung ano dahil sa
tingin sa akin.

"Pinaghandaan naman pala!" Halakhak naman ni Rose.

"Feeling ko parang ano... masyadong sexy," reklamo ko at ngayon lamang tinubuan


ng hiya sa isinuot kong damit.

"Ano ka ba! Ikaw pa itong nahiya kaysa sa suot naming tatlo! Eh ikaw nga ang
balot na balot. Kami nagpapakita ng pusod at tiyan tapos ikaw braso lang at hita."
Umirap sa akin si Rinka.

Ngumuso naman ako at tiningnan ang mga suot nilang naiiba nga sa akin.

"Ayos na iyan, Trace! Kahit anong suot mo ikaw parin naman ang mapapansin ng
Israel na iyon. Hindi kami pasok sa taste noon. Matatabangan lang iyon sa amin,"
sabi ni Rose at hinila na ako papunta roon sa tubig na dumadaloy sa batis.

"Oo nga! Ikaw ang mas gusto niyang kainin kaysa sa aming tatlo. Siguro iniisip
noon na mukha na kaming mga panis kaya walang gana sa amin!" pagbibiro naman ni
Rinka na ikinatawa namin habang naglalakad papunta sa dulo noon.

"Grabe naman iyong panis, Rinka!" tumatawang reklamo ni Cecille at dala dala na
ang kanyang tsinelas.

Hinubad ko narin ang suot kong tsinelas at nakayapak na naglakad.

Noong makarating kami sa dulo ay nakita ko agad ang pamilyar na kabayong


naroon. Kabayo palang pero sobra sobra na ang pintig ng aking puso.

Rinig na rinig ang pagaspas ng tubig na nanggagaling sa itaas nang lumapit kami
lalo roon. Gumala naman agad ang kanilang mga mata sa paligid.

"Nasaan si Israel eh 'di ba kabayo niya iyon?" Itinuro pa ni Rinka ang kabayong
namamahinga sa hindi kalayuan.

Iginala ko narin ang aking tingin hanggang sa may napansin kaming gumalaw sa
tubig. Ilang sandali lamang ay umahon roon ang isang lalake na walang pang-itaas na
damit at hinila ang sarili paalis sa tubig. Gumalaw ang muscle sa kanyang braso na
kahit ang tubig na dumaloy pababa sa kanyang katawan. Umupo siya sa malaking bato
at humarap na sa amin habang pinapasok ang isang kamay sa isang tenga at inaalog
iyon, ang isang kamay naman ay sinuklay niya sa buhok niyang basa paatras. Ang
mamula mulang labi ay nakaawang ng kaonti.

Umawang ng bahagya ang aking labi. Hindi ko na alam kung paano aalisin ang
aking tingin sa kanya na ngayon ay nahuli narin ang aking mga mata at malalim agad
ang tingin sa akin, hinahagod na ako noon mula ulo hanggang paa.

"Para siyang hari ng kagubatan at binabantayan ang batis na ito... Ang


guwapo..." mahinang sabi ni Rose at hindi narin maalis ang mga mata kay Israel.

"Parang leyong susunggaban ka agad..." dagdag naman ni Cecille.

"Di pa naman sana ako basa pero nababasa na ako ni Israel..." pabulong na sabi
ni Rinka at suminghap pa. Nagtawanan sila maliban sa akin na para  atang
lalagnatin.

Ngayon palang, parang gusto ko nalang umatras. Di pa nga ako naliligo nalulunod
na ako sa paninitig niya... Mas lalo lamang nang-iinit ang aking pisngi sa mas
malalim niyang paninitig.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 12

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Hubarin mo
"Tara Trace! Gusto ko ng mabasa!" Hinila na ako ni Rinka nang makabawi kami sa
kanyang imahe.

"Mamaya nalang ako maliligo," sabi ko at umatras lalo na't iyong dalawa ay
nagpapaligsahan ng bumaba at sumulong roon sa tubig.

"Sigurado ka?" tanong niya na ikinatango ko.

Ilang sigundo muna akong tiningnan ni Rinka pero sumunod rin naman agad ito sa
tatlo. Iyong dalawa ay nagtutulakan na sa parang jacuzzi na tubig. May pagka kulay
berde dahil narin siguro sa paligid na puro mga puno at parang sumisilip lamang ang
sinag ng araw.

Naglakad ako pababa pero tumigil rin ako roon sa may batuhan at umupo.
Inilublob ko lamang ang aking mga paa. Si Israel naman ay hindi matanggal tanggal
ang tingin sa akin.

Tumayo siya at inihulog muli ang sarili sa tubig. Nagsitilian naman agad ang
tatlo na nagawa pang magyugyugan. Marahan akong tumawa lalo na't isinubsob pa ni
Rinka si Rose sa tubig nang hinila siya nito.

Lumangoy si Israel patungo sa aking dako hanggang sa ilang sandali lamang ay


nasa aking gilid na ito.

Inangat niya ang kanyang kamay at inihawak sa katabing bato na inuupuan ko saka
muling hinila ang sarili paakyat. Ang tubig ay mabilis na dumaloy sa kanyang
katawan pababa at kahit ang buhok niya ay tumutulo narin ang tubig.

Lumunok ako ng laway at hindi na naman matanggal ang aking mga mata sa kanyang
braso. Kahit ang ugat na lumabas roon ay hindi nakaligtas sa aking paningin. Ang
tatlong earring niyang kuminang dahil sa tumamang liwanag na tumakas sa mga dahon
at tinamaan ito.

Umupo siya sa aking tabi saka sinuklay ang basang buhok paatras. Pasimple kong
iniwas ang tingin at itinuon sa tatlo na nagpapatayan na ata dahil masyado na
silang nagkakagulo roon. Sumisenyas pa si Cecille sa tiyan daw ni Israel.

"Ayaw mo pang maligo?" tanong niya.


Ibinalik ko agad ang aking mga mata sa kanya. Nadatnan ko ang pula niyang
basang labi na nakaawang.

"M-Mamaya nalang... A-Ano kasi..." Hindi ko na agad iyon madugtungan.


"Ano? Ayaw mo pang mabasa?" tanong niya.

Tumango ako, pinapamulahan ng mukha.


"O hindi ka marunong sumisid?" Makahulugan niyang tanong.

"Hindi naman malalim diyan ah?" sabi ko, nagtataka.

"Hindi nga. Pero pwede paring sumisid," sabi niya.

Hindi na ako sumagot at nablangko na ng tuluyan ang aking utak. Iyong iniisip
ko kagabing pag-uusapan namin ay hindi ko na mahanap. Parang naiwan ko ata iyon sa
bahay.

"I bring some food and mangoes. Baka gusto mo..."

"Sige, mamaya." Napangiti agad ako sa kanya. May pagkain siyang dala?!

Tumitig siya sa aking labi pero agad rin namang nag-iwas. Nakatukod ang isa
niyang paa sa tubig habang ang isa naman ay nakalublob. Humigpit naman ang hawak ko
sa magkabila at naikuyom na ang aking mga palad. Ano ba dapat ang ioopen-up ko sa
kanya? Si Kuya agad? Ipagmalaki ko agad? Deritsuhin ko agad at sabihing h'wag niya
nalang hadlangan ang mga kapatid naming nagmamahalan? Ganoon agad?

"Trace! Doon lang kami ha! Maghahanap kami ng isda!" sigaw ni Rinka sa akin at
may itinuturong kabilang parte noong batis.

Hindi pa man ako nakatango ay isa isa na silang umalis roon at naghahagikhikan
pa. Bumuntong ako ng hininga. Hindi naman sa ayaw kong mapag-isa kay Israel pero
mas kinakabahan ako pag kami lang. Parang mapapahamak ako na ewan.

"Did you see that?" Itinuro niya iyong tubig na bumabagsak


sa ibaba.

Tumango ako at tiningnan iyong itinuturo niya.

"Alam mo bang may lagusan diyan? May liblib..."

"Talaga?" Namamangha kong sagot.


Tumango siya. "It looks like a cave with water."

Tinitigan ko iyon. Hindi rin kasi klaro lalo na't marahas ang bagsak ng tubig.

"Sisisid ka lang sa ilalim at makakarating kana sa loob noon," dagdag niya pa


sa baritonong boses.
Ilang sandali akong natahimik. Sinasabi niya ba iyon sa akin dahil gusto niyang
pumunta kami roon? Medyo madilim doon 'di ba? Balak niya ba akong dalhin doon?

"Eh meron naman pala bakit hindi mo ipinasok iyong babaeng hinahalikan mo rito
at dito pa kayo sa batuhan nag-ano—" Hindi ko nadugtungan ang aking sinabi lalo
na't naninimbang narin ang kanyang mga mata.

May tumakas ulit na sinag ng araw at pumasok rito sanhi para matamaan ang
kanyang mukha. Mas malinaw kong nakita ang kanyang mga mata. Those deep and blazing
eyes are attractive. Iyon nga lang... parang nakakatakot rin.

"Do you hate those kind of stuff?" he asked deeply.

"Huh? Iyong ano? Halikan niyo?" tanong ko na ikinatango niya ng marahan.

Hindi agad ako nakasagot. Umawang ang aking bibig pero wala namang lumabas roon
kaya itinikom ko nalang. Itinuon ko ang aking mga mata sa daloy ng tubig. Sa gilid
naman ng aking mga mata ay nakikita ko siyang nakatitig parin sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko iyon gusto dahil hindi naman
ako marunong pero may parte rin sa akin ang kinakain ng kyuryusidad. Kung ano ang
pakiramdam ng ganoong bagay at kung bakit marami ang nahihibang roon at nahuhulog
sa mas malalim pa.

Naalala ko iyong guro ko na sinabi niyang halik ang pinakadelikadong bagay.


Pwede kasi iyong lumalim at mapunta na sa pagnanasa. I am aware about making love,
too. Hindi ako ignorante sa bagay na iyon at wala lang talagang karanasan kaya
hindi ko rin alam kung ano ang pakiramdam noon.

Inihulog niya nalang bigla ang kanyang sarili sa tubig saka niya inilahad sa
akin ang kanyang kamay.

"Let's swim," anyaya niya.


Tinitigan ko muna iyon ng ilang sigundo.
"Come on, Trace..." he said huskily.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at inabot ang kanyang kamay. Walang ano-
ano'y hinila niya ako bigla hanggang sa mahulog ako roon pero mabilis rin akong
sinalo. Napahawak agad ako sa kanyang balikat at medyo napasigaw. Tumawa naman siya
sa gilid ng aking tenga.

"Ba't mo ako hinila?!" Mariin akong napapikit at hinilamos ang isa kong kamay
roon para makita ko siya ng maayos.

"So... You don't know how to swim, huh?" Inaninag niya ang aking ekspresyon at
ngising aso na.

"H-Hindi naman malalim dito..." sabi ko, nahihiyang iginala ang mga mata sa
kung saan. Napunta na iyon sa kanyang leeg.

"Hindi ako kakapusin ng hininga rito," sabi ko sa kanya at bahagya ng lumayo.

"I know something that can make you breathless..."

Tinitigan ko siya. Ayokong isipin ang isang mahalay na bagay pero ang aking
utak ay doon agad pumunta sa mahalay na parte ng aking isipan. Hinawi ko ang aking
buhok na dumikit sa aking pisngi at iginala ang tingin, pilit hindi pinapansin
iyong sinabi niya.
"Nasaan kaya iyong tatlo 'no?" palusot ko nalang.

"Nasa tabi tabi lang siguro," sagot niya at sumisisid na.

Nanatili ako sa aking kinatatayuan. Mabilis ang galaw ni Israel kaya hindi ko
ito magawang sundan gamit ang aking mga mata. Iginala ko ang aking tingin hanggang
sa hindi ko na ito mahanap.

May naramdaman akong gumalaw sa aking likod kaya mabilis rin akong lumingon.
Nagulat ako nang sobrang lapit niya na pala.

"You look scared. Takot ka ba sa'kin?" tanong niya nang hinilamos niya na ang
kanyang mukha at sinuklay muli paatras ang iilang hibla ng kanyang buhok.

Hanggang beywang niya iyong tubig habang hanggang ibabang dibdib ko naman iyon.

Tumagilid ang kanyang ulo.


"Takot ka sa'kin?" ulit niya sa malinaw na boses.

"H-Hindi," sagot ko at napisil ang pang-ibaba kong labi.

"Anong ikinakatakot mo sa akin?" Umangat na ang kanyang kilay at nasa beywang


na ang isang kamay.

Lumunok ako ng laway at iginala ang tingin. Para akong naghahanap ng sagot sa
paligid.

Iyong tatlo rin kasi kahit ano ang pinapasok sa aking utak. Kahit alam ko
namang hindi niya ako susunggaban dahil iba naman ang kanyang pakay sa akin, may
parte parin sa akin ang nagdadalawang-isip na umakto ng normal sa kanya. Siguro
narin dahil may nararamdaman ako kaya nahihiya ako. Siguro dahil ayoko lang
masyadong maattach. At dahil narin siguro sa kanyang nakakasindak na imahe. Sa mga
mata niyang singdilim ng isang anino at ang mga titig niyang tila liligawin ka sa
isang kakahuyan.

"Di ako nananakit ng babae," sabi niya pa.

"Emosyonal?" paglilinaw ko imbes na iyong pisikal ang tinutukoy niya.

Nagkasalubong ang kanyang kilay. Hindi agad nakasagot.

"Sometimes you're blunt but you act so soft... What kind of girl are you?"
nagdududa niyang tanong.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at ngumiti. Tumitig siya roon at parang


naasiwa kaya mabilis ko ring binura.

"Nagbabasaan na sila!" Ang matinis na boses iyon ni Rose.

Napalingon ako sa tatlo na papunta na rito. Iba na ang ngisi ng tatlo at may
pinaparating narin ang kanilang mga tingin.
"Baka gutom kana. I have some food," alok ni Israel sa akin na kahit iyong
tatlo ay naging interesado agad.
"Kami rin Israel... Gutom kami," singit ni Cecille.

"Mahiya ka naman!" Sinapak siya ni Rinka pero kalaunan ay bumaling rin kay
Israel. "Anong klaseng pagkain iyan, Israel?"

"Patikim rin kami," si Rose naman.

Hindi niya binalingan ang tatlo at nanatili ang tingin sa akin. Ako tuloy itong
nahihiya hindi ko alam kung bakit.

"Do you want to eat?" tanong niya.


"Ah... Hati nalang kami ng mga kaibigan ko... Kung pwede?"

"Marami iyon," sagot niya at naglakad na sa may batuhan. Inangat niyang muli
ang kanyang sarili sa batuhan.

Sinundan namin siya ng tingin. May kinuha siyang malaking tupperware at


inilapag iyon sa may malaking bato.

"Come here," sabi niya sa akin.

"Uy tara na daw, Trace!" Anyaya pa ni Rinka at naunang pumunta roon.

Umahon ang tatlo at naunang umakyat roon. Gumalaw narin ako at nagtungo sa
malalaking bato. Humawak ako para maangat narin ang sarili pero bago ko pa iyon
magawa ay bumabang muli si Israel sa may tubig at nagtungo sa aking likod.
Hinawakan niya ang aking beywang saka ako inangat.

Iba na agad ang timpla ng ngisi ng tatlo. Nahihiya kong


binalingan si Israel na paakyat na ulit.

"Salamat," sabi ko na ikinatango niya at kumuha na ng sandwich roon sa


tupperware. Ibinigay niya iyon sa akin.

Hindi ko na alam kung paano pa pakakalmahin ang puso kong gusto ng lumabas sa
aking ribcage. Nagwawala siya roon at hindi ko na makalma.

Kumain rin ang tatlo pero iniwan rin ulit kaming dalawa ni Israel dito. Kapwa
na kami nakaupo sa sahig. Ang basa niyang buhok ay medyo natutuyo na hindi katulad
sa aking tumutulo pa dahil narin mas mahaba naman iyon.

"Nagreview kana sa nalalapit na exam niyo?" tanong niya sa akin, nakapiko ang
mga paa habang nakapatong roon ang mga braso at ang isang kamay ay hawak iyong
pulso niya.

"Hindi pa. Minsan kasi si Kuya Bram ang tumutulong sa akin sa pagrereview pero
matagal na kasi siyang umuuwi galing trabaho at palagi pang puyat..." sagot ko at
minabuting isingit si Kuya.

Hindi siya kumibo pero halatang interesado niya sa aking sinasabi.

"Nagtatrabaho kasi siyang kargador sa bayan at tuwing alas dos na ng gabi


umuuwi. Tapos papasok pa. Ayoko namang makadagdag sa mga ginagawa niya eh hinahatid
pa ako noon sa eskwelahan tuwing umaga," dagdag ko pa.

"How much is his salary?" tanong niya.


"Ah... 300," sagot ko naman.

Sandali kong nakita ang pagkakasalubong ng kanyang kilay pero mabilis rin naman
iyong naghiwalay.

"Pero nag-oovertime naman siya kaya sigurado akong nadadagdagan ang kanyang
sahod.

He shifted from his place and face me. Naging mabagal naman ang pagkagat ko sa
sandwich at pasimpleng iginala ang tingin sa ibang direksyon.

"Kaya maswerte ang babaeng mamahalin ni Kuya. Maalaga siya, masipag,


mapagmahal, mabait... At guwapo pa." I said cheerfully.
His eyes darkened. It was like his gaze were shading his expession to block the
light. Singdilim narin ang ekspresyon ng mga mata.
"But those characteristic aren't enough," he muttered firmly.
"Huh? May  requirements na pala ang pagmamahal?" Marahan akong natawa at
ibinaba sa aking kandungan ang aking kamay na nakaangat dahil sa kinakaing
sandwich.
The irritation on his eyes are the evident that he dislike my brother, alot. Na
kahit purihin ko ito ay may makikita parin siyang kapintasan. Na kahit wala naman
itong ginagawang masama sa kanya ay galit parin siya.
"Ano bang karapat dapat na ugali ng isang lalake ang tingin mo na karapat dapat
magmahal ng libre? Ibig bang sabihin... bawal magmahal si Kuya dahil may kakulangan
sa kanya? Dahil ba wala kaming pera? Iyon ba?" tanong ko.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tila hindi na gusto ang timpla ng aking
pananalita. Nag-iwas siya sandali ng tingin sa akin pero bumalik rin naman agad
iyon sa akin.

"Ako... Para sa akin, hindi naman kailangang maging perpekto ka sa paningin ng


lahat para mapatunayan sa kanila na karapat-dapat kang mahalin. Kung may
paninindigan ka, kung alam mo naman sa sarili mo na mabuti ang hangad mo sa isang
tao, para sa akin... karapat-dapat kanang mahalin."

Hindi siya sumagot at umangat ang kamay para hipuin ang suot na earrings doon.
Nakonsensya rin naman agad ako sa aking sinabi pero hindi ako nagsisising nailabas
ko iyon. Ang ikinakabahala ko lang ay baka napasobra ako at nairita na siya sa
akin.

Okay lang iyan, Trace... He's never going to like you anyway. He has
boundaries. Imposible mo iyong maakyat sa sobrang taas. At kontento na akong
tingalain lamang ito sa ibaba.

"How about you, anong pasadong ugali sa'yo?" tanong niya


makaraan ang ilang minutong katahimikan.
Umiling ako at ngumiti.
"Ako kasi iyong tipo ng babae na walang standard."
Ang kulay ng kanyang mga mata ay bigla ng nagbago. Ang dilim na tumatakip
kanina ay unti-unti ng nahahawi. It's like he's interested with our topic.
"Kahit sino magugustuhan mo?"
Tumango ako at ngumiti.
"Kahit si Rudy?" Umangat ang kanyang kilay.
Natawa ako roon. Anong mali kay Rudy? Masipag rin iyon!
"Bakit naman hindi? Masipag si Rudy ha. Nagtatanim siya ng mga mais at
naniniwala siyang balang araw ay rarami iyon," sabi ko.
Nadadaanan namin minsan si Rudy tuwing papunta kami ng bayan. Masipag siyang
nagtatanim at mas inuuna pa iyon kaysa sa kanyang pag-aaral. Ang sabi niya ay
magkakapera siya roon at hindi niya na kailangan mag-aral at palalaguin nalang
iyon. They mocked him for having a mindset like that. Ginagawa nilang katatawanan.
Nababaliw na raw ito sa kanyang mga mais na tinatanim. Pero para sa akin,
pinapairal niya lang talaga ang kanyang kasipagan at inaalala ang kinabukasan niya.
Iyon nga lang nakakalungkot at nawawalan siya ng interes sa pag-aaral.

"Are you two close?" tanong niya bigla sa matigas na boses.

Umiling ako. "Wala akong close na lalake. Ayaw rin ni Kuya... At... Nahihiya
rin ako," sagot ko na ikinakalma rin naman ng kanyang mukha.

"I see..." Tumango tango siya.

Hindi ko namalayang medyo mahaba na pala iyong pinag-usapan namin. Napangiti


ako nang mapagtantong nagkakausap na kami ng normal. Maybe this is a good start for
us. Kung makikilala niya ako, mas makikilala niya rin si Kuya.

Nagyaya rin naman akong umuwi noong sumapit na ang hapon. Sumabay siya sa amin
palabas hila hila ang kanyang kabayo. Si Rinka naman ay hiningi pa iyong isang
tupperware ng mga mangga.

"Hindi kana namin ihahatid sa inyo ha... May maghahatid rin naman sa'yo," saka
makahulugang tiningnan ni Rose si Israel sa aking likuran habang dinadampot namin
ang aming mga gamit sa pinag-iwanan namin.

"Uuwi akong mag-isa. Nakakahiya na," sabi ko sa kanya.

"Sus! Palagi ka namang nahihiya, Trace," si Cecille na sinundot pa ako sa


tagiliran. "Pwede ka namang mahiya pero h'wag kanang tumanggi. .

Pinigilan ko sila gamit ang aking mga mata pero mukhang ayaw nilang magpaawat.

"Ikaw na bahala sa kaibigan namin Israel..." si Rinka na ngumingiti pa. "At


salamat pala sa mga mangga mo."

Tumango lamang si Israel, wala ng iba pang sinabi saka siya lumebel sa akin at
hila hila parin iyong kabayo.

"Mauna na kami!" Kumaway pa sila sa akin at nagtatakbuhan na. Nauunang umalis.

Napasimangot nalang ako. Desidido talaga ang tatlong iyon na itulak ako kay
Israel. Nakita ko siyang sinisipat ang suot kong sando ng kanyang iritadong mga
mata. Bumaba rin ang aking tingin at nakitang bumakat na pala roon ang bra kong may
desinyong polka dots.

"M-Magbibihis lang ako..." Mabilis kong kinuha ang isinilid kong tshirt sa loob
ng bag.

Akma ko iyong susuotin nang pinigilan niya ako.


"Basa iyang suot mo at magkakasakit ka kung natuyo iyan sa katawan mo. Just
remove it and wear your tshirt," sabi niya na ikinatigil ko.

"H-Huh?" Nabibingi kong tanong.


"Hubarin mo ang sando mo pati iyang bra mo at iyan lang ang suotin mo," mas
klaro niyang paliwanag na ikinapula agad ng aking mukha.
"H-H'wag na—"
"You're going to get sick, stubborn," he added firmly.

Nilingon ko ang dinaanan ng aking mga kaibigan. Dapat pala hindi ko muna sila
pinaalis. Sila kasi ang mas naunang nakarating rito at nakapagbihis agad! Kakayanin
ko ba ito? Paano kung bigla bigla siyang lumapit sa akin at may gawing ibang bagay?
Kahit anong sigaw ko rito ay walang makakarinig sa akin!

"Di ako maninilip katulad ng ginawa niyo sa akin," pang-aakusa niya sa mapang-
asar na boses na ikinapula lalo ng aking mukha.

"Sa bahay nalang siguro—"


Humalukipkip siya sa aking harapan. Naputol agad ang aking boses dahil sa
ginagawad na tingin ng kanyang mga mata, ang isa pang kilay ay nakaangat.

"Talikod ka nalang," sabi ko at napasuko niya rin sa huli.


Iyon nga ang ginawa niya. Tumalikod siya na kahit ang kanyang kabayo ay
pinapwesto niya rin patalikod sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at gustong
matawa sa ginawa niya pero itinuon ko nalang ang aking tingin sa paghuhubad.

Tumalikod rin ako at kinalas ang aking bra. Suminghap pa ako. Hindi ko
inaakalang dadating ako sa punto ng buhay kong maghuhubad kasama siya.

Hinubad ko rin ang short at hindi na isinama iyong panty ko. Bahala na iyon
kaysa naman hubarin ko rin iyon tapos lumingon siya bigla!

Dali dali ko ring isinuot ang tshirt at nagpalit rin ng short. Inayos ko pa ang
aking buhok saka ko inilagay sa loob ng bag iyong mga basa kong damit. Pagharap ko,
nagulat nalang ako nang nakaharap na ito.

"S-Sumilip ka?" I accused him, shocked in disbelief.

"Fair," he smirked at me.


Nalaglag ang aking panga. Tiningnan niya ako habang nagbibihis ako?!

"Wala rin naman akong nakita. Nakatalikod ka." Nagkibit pa siya at pinaharap na
iyong kabayo niya.

Dumaan ang hiya sa aking mukha. Oo nga naman Trace... Nakatalikod ka...

"Tara." Hindi ko namalayan ang kanyang presensya sa aking tabi at marahan ng


itinulak ang aking likod para umabante ako.

Para akong nakuryente roon at awtomatiko rin namang humakbang dala dala ang
namumula kong mga pisngi.

"May nakita ka 'no?" pang-aakusa ko sa kanya habang naglalakad kami. Ang aking
mga tuhod ay nanginginig parin na kahit ilang beses ko na siyang nakakasabay ay
hindi parin ako masanay sanay.

Umangat ang kanyang kilay. "Wala akong nakita. Nakatalikod ka."

"Pero nakaharap ka sa akin. Siguro meron!" Sinimangutan ko siya.

"Wala. Likod mo nga lang," sagot niya habang sumasali sa paglalakad sa kanyang
gilid ang kanyang kabayo at lumilingon lingon pa sa amin na akala mo ay
naiintindihan kaming dalawa.

"Baka meron..." mahina kong sabi at yumuko. Ngayon ko lang rin napagtantong
hindi niya pa inaalis ang kanyang kamay sa aking likod. Naroon parin iyon,
namamahinga.

His head tilted. His eyes are mocking me with his blazing gaze. Ngumuso ako.

"Kung meron akong nakita... tingin mo iuuwi kita ngayon nang maaga?"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 13

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Eishi Taal. Happy reading.
----------
Ginalit mo
Ang araw na iyon ay masasabi kong isa sa magagandang araw sa buhay ko. Para
kasing naging close na kami. Alam ko namang hindi hilig sa mga babaeng kaibigan si
Israel. He's more close with boys. Pero iyon lang, hindi mo rin talaga masasabi na
palagi niyang kasama ang mga iyon. Si Ate Rici itong friendly na maraming kaibigan
sa school. Pili nga rin...

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na ulit kami nagkikita dahil narin sa exam.
Mas lumamig ang araw ng pagpasok ng Desyembre. Nagfocus ako sa pagrereview na kahit
ang tatlo ay isinantabi narin muna ang mga gala nila. Minsan ay nagkikita kami ni
Ate Rici sa school pero nagngingitian lang at hindi na nag-uusap ng mahaba. Palagi
rin kasing mainit ang dugo noong mga kaibigan niya sa akin na kahit iyong Feli ay
makikita mo agad ang disgusto sa mukha. Sinasabi ng kanyang mga mata na dapat ay
ilugar ko ang aking sarili.

"Kailan ulit kayo magkikita ng lalake mo, Trace?" tanong ni Rinka habang
pinapasok niya ang kanyang mga gamit sa loob ng kanyang maliit na bag.

Lalake?
Noong makita niya sa aking mukha ang pagkalito ay ngumisi agad.

"Si Israel, Trace!" paglilinaw niya na kahit iyong dalawa sa likod na nakaupo
lamang at sinasagutan pa ang kanilang test paper ay napatingin rin sa amin.

"Rinka, ang boses mo. May may nag-eexam pa," saway agad ng guro sa kanya sa
harapan.

Lima nalang silang nag-eexam. Ang dalawa ay sina Rose at Cecille, may isa sa
kaliwang banda at dalawa naman sa harapan ng guro. Iyong ibang natapos na ay
nagsisilabasan na. Natapos narin ako pero hindi pa ako lumalabas at may binabasa
munang libro para sa ibang exam bukas.

"Sorry, Sir," ngumiti si Rinka sa aming guro saka ako binalingan at sinenyasan
na ako kung ano ang aking sagot sa kanyang tanong.
"Hindi ko alam e. Wala na siyang sinabi pagkatapos noon," paliwanag ko.

Totoo iyon. Inihatid niya lang ako sa tapat ng aming bahay saka rin naman
umalis. Wala siyang sinabi na magkikita ulit kami. Wala rin akong matandaan na
sinabihan niya akong pumunta sa kanilang lupain. Busy rin naman iyong tao Trace...
May iba rin iyong ginagawa.

Hindi ko narin siya nakikitang may kasamang babae. Minsan kasi namamataan ko
siyang may kasamang babae. Ngayon ay palagi na siyang mag-isa. Did he ditch them
just to be with me? Gusto niya talagang paniwalain ako na seryoso ang intensyon
niya sa akin?

Nakakatakot iyong lalakeng pinapaniwala kang seryoso siya sa'yo pero kayang
kaya ka niyang bitiwan ano mang oras. Nakakatakot na pagkatapos ka niyang isilong
sa kanya ay iiwan ka rin sa madilim na parteng iyon.

Sabayan mo nalang ang agos kahit na alam mong malulunod ka niya ano mang oras.
Sumabay ka lang hanggang sa kusang kumalma ang alon ng kanyang nararamdaman at
ibalanse ka nang mabuti.

Sumabay rin naman ako palabas ng tatlo pagkatapos mag-exam nila Rose at
Cecille. Pinipiga pa ni Rose ang kanyang ulo at makikita sa eskpresyon ang
pagkadismaya.

"Hindi ako nakaconcentrate sa isang problem kasi may sangkot na mangga! How
many kilos of mangoes ang tinatanong tapos bigla nang pumasok sa utak ko 'yong mga
mangga ni Israel!"

"Kaya ba bumubungisngis ka sa tabi ko?!" Nanlalaki naman ang mga mata ni


Cecille.

"Oo eh... Isasagot ko sana, Israel's mangoes are hard, green, big and tasty.
Kaso hindi naman konektado sa tanong kaya kahit ano nalang ang nilagay kong sagot
doon," nahihirapang paliwanag ni Rose na ikinatawa namin.

"10 kilos ang sagot doon, Rose. Dapat gumamit ka ng formula


para may gabay ka," paliwanag ko sa kanya.

"Iyon na nga, Trace! Nablangko ako kakabungisngis!" Natampal niya ang kanyang
noo. "Walanghiya itong mga mangga ni Israel..."

Tumawa kami lalo. Nabasa ko rin naman ang problem na iyon pero hindi naman
sumagi sa aking utak ang kahalayan lalo na't tutok rin ako sa aking sinasagutan
para makuha ang tamang sagot doon.

"Hi, Tracey!" biglang bati ng kung sino sa akin.

Natigil kami sa kakatawa at napalingon sa grupo ng mga lalakeng naglalakad rin


palabas ng eskwelahan.

Kumurap ako at natagpuan iyong mukha ng pamilyar na lalake sa akin. Iyong may
magandang boses at naggigitara.

"Ba't kilala niya si Tracey?" narinig kong tanong ni Cecille na ipinagkibit-


balikat lang ni Rose.

"H-Hi," bati ko pabalik kahit na hindi ko naman ito kilala. Mabilis na umingay
ang kanyang mga kaibigan at dinumog siya ng kantyaw. Ngumisi iyong lalake at
pinilit silang awatin.

"Sige na, lapitan mo na!" Itinulak siya ng kanyang mga kaibigan. Sila Rinka
naman ay umaangat na ang kilay.

"Crush ka ata Trace..." bulong ni Rinka sa akin.

Huh? Ako crush niya? O baka naman pinagtitripan lang ulit ako kagaya noong
nakaraan? Imposible namang magkagusto iyan sa akin...

"Grabe 10 na iyan ah? Si Leo?" Bulong rin ni Cecille.

"Sige na! Patorpe torpe pa!" kantyaw ng kanyang mga kaibigan at mas itinulak
siya papalapit sa akin.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at tinubuan ng hiya lalo na't may iba ring
napapatingin sa amin. Nasa gitna kasi kami ng daan at medyo malapit pa sa gate. Ang
iilang mga estudyante na nilalagpasan kami ay napapatingin sa amin.

"Guwapo, Trace!" bulong pa ni Rose sa akin.


"Sikat iyan na Grade 10 student dito! Go na!" dagdag niya pa.

"May Israel na si Tracey. Doon parin tayo sa malinamnam na mangga ni Israel,"


dagdag naman ni Rinka sa mahinang boses at sinamaan pa ng tingin si Rose.

"Ah basta ako kung sino ang gusto ni Tracey doon ako. Pero iyong hindi mo
pipiliin Trace ibigay mo nalang saakin ha..." Humagikhik pa si Cecille sa aking
gilid.

Doon lamang sila natigil nang kusa nang naglakad iyong Leo sa akin dahil sa
kakatulak ng mga kaibigan niya. Naghiyawan ang mga iyon at kahit iyong Leo ay mas
lumapad ang ngisi pero medyo nahihiya.

Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay kaya ganoon nalang ang pagkakagulantang
ko at hindi magawang umalis. Ayoko rin itong mapahiya. Baka pag takbuhan ko siya ay
masaktan ko ito at sabihing ang sama sama ko.

Siguro pwede ko namang ipaliwanag sa kanya ng maayos pag wala ng masyadong tao.
Para hindi rin siya mapahiya. Oo, Trace... Ganoon nalang.

"Uh..." Nahipo niya ang kanyang batok nang huminto siya sa aking harapan. Ang
tatlo naman sa aking likod ay impit na ang mga tili lalo na't malinaw na sa amin
ang kanyang mukha.

Tan skin si Leo at may matingkad na ngiti. Mas matangkad ito sa akin at
hanggang balikat lamang ako. Payat ang pangangatawan pero tamang tama lang naman.
May makislap siyang mga mata, matangos na ilong at ang buhok niyang kakulay ng
kanyang itim na kilay. Ang kanyang ngiti ay nakakalusaw rin at ang pabango ay
nakakaakit sa ilong.

Pero hindi ko alam kung ba't wala naman iyong epekto. Hindi ko nakukuha iyong
pinaghalong kaba at takot na nararamdaman ko sa t'wing nasa harapan ako ni Israel.
Hindi niya ako nasisindak. Medyo nahihiya ako sa kanya pero hanggang doon lamang
ang nararamdaman ko ngayong oras na ito lalo na't hindi rin talaga ako sanay sa
ganito.

"Ba't may pinagkakaguluhan?" narinig kong tanong ng kung


sino.

Nilingon ko iyon at nakita ang grupo ni Ate Rici. Ang nagtanong ay iyong may
maliit na buhok kasama rin si Feli at iyong isa pang may tuwid na buhok. Umangat
agad ang kilay ni Feli maliban kay Ate Rici na nacucurious.

"Ah... Gusto ko sanang makipagkilala..." Nahihiya niyang inilahad ang kanyang


kamay sa akin.

"Dali na Trace... Kamayan mo," bulong sa akin ni Cecille. Si Rose ay nakahawak


sa aking braso at pinanggigigilan ako habang si Rinka ay nakasimangot.

Huminto ang grupo ni Ate Rici at nakiusyoso na rito sa amin. Nakagat ko ang
pang-ibaba kong labi at tinanggap ang kanyang kamay. Sumipol at nagsigawan agad ang
kanyang mga kaibigan. Masyadong maingay ang paligid na nakakakuha kami ng atensyon.

"Tracey... Tracey Adjean Quiamco," sambit ko sa buo kong pangalan na ikinalapad


lalo ng kanyang ngisi.
"Ganda..." sagot niya habang tumititig sa akin at kinamayan na ako.

"Riss... Nandito na ang kuya mo... Tara." Boses iyon ni Feli kaya umalis rin
sila sa kanilang kinatatayuan.

Kinabahan agad ako. Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib at para akong naguilty
bigla. Napalingon ako sa may gate at nakita nga roon ang imahe ni Israel. Madilim
ang ekspresyon habang ang mga kamay ay nasa bulsa at may nakaipit na stick ng
sigarilyo sa bibig pero di pa nasisindihan. Nakasandal siya roon sa may gate habang
ang isang paa ay nakakrus sa isa. His deep stares give a chill down my spine. Ang
aking tiyan ay parang pinupulupot.

Bumaba ang kanyang tingin sa kamay naming magkahawak kaya pasimple kong binawi
ang aking kamay kay Leo na binitiwan rin naman iyon. Ngumiti si Leo sa akin at
nahipong muli ang batok kaya isang tipid na ngiti nalang ang aking naibigay saka
muling binalingan si Israel na mas dumilim lalo ang ekspresyon. Ang misteryosong
mga mata ay tila may ikinakagalit.

"Ngayon... Tingnan niyo nga si Israel at si Leo. Para kayong magkukumpara ng


buto ng manggang hindi pa namumunga kaysa sa manggang pwede nang kainin at
malinamnam na." Narinig kong sabi ni Rinka.

Hindi naman iyon naririnig ni Leo dahil tumatawa siya sa pinapaligong kantyaw
sa kanya ng kanyang mga kaibigan.

"Aalis na kami," si Rinka na mismo ang humila sa akin paalis sa kanyang


harapan.

"Ah sige... Trace... Salamat," sabi ni Leo sa akin na ikinangiti ko pabalik at


wala ng iba pang masabi.

Pagtingin ko sa dako ni Israel ay likod niya nalang ang naabutan ng aking mga
mata habang sinasabayan si Ate Rici at sumasabay rin si Feli sa kanila. Sumimangot
ako. Ba't pakiramdam ko may kasalanan ako? Iyong tingin niya parang nanghahatol na
may malaki akong kasalanan at kailangang makulong lalo na't guilty ako.

Nagseselos ba siya?
Ang aking naisip ay nagbigay ng labis na tuwa sa akin. Napangiti pa ako pero
nabura rin kalaunan nang mapagtantong imposible ang bagay na iyon. I know his real
intentions towards me. Gusto niya lang ng impormasyon. Iyon lang, Trace. H'wag kang
assuming dahil masakit iyan.

"Nako... Nakita ni Israel na lumalandi ka. Lagot ka Trace... Lalatiguhin ka


talaga noon gamit ang mahabang panungkit niya!" pananakot sa akin ni Cecille.

"Mapapasigaw ka talaga sa sakit! Humanda ka talaga!" Natatawa namang dagdag ni


Rose.
"Mahahati talaga katawan mo, Trace! Magiging manananggal ka!" Hinawakan ni
Rinka ang kanyang tiyan at mas humagalpak ng tawa.

Tumawa narin ako pero hindi ko maalis sa aking loob ang


aking pag-aalala. Tiningnan ko iyong kotse nilang umaalis na. Unti-unting nabura
ang aking pagsasaya at mas kinabahan. Bakit ba nakakaramdam ako ng ganito? Na may
kasalanan ako? Na bawal na dapat akong lumapit sa ibang lalake hindi dahil
magagalit rin si Kuya at pinagbabawalan pa ako sa mga ganoong bagay ni Mama kundi
dahil nasa batas iyon ng mga misteryoso at madilim na mga mata ni Israel.

Nagconcentrate nalang muna sa exam at pag natapos iyon ay pupunta ako sa


lupain. Talaga Trace? Ano iyan? Naghahabol ka sa lalakeng hindi naman seryoso ang
intensyon sa'yo? H'wag na nga lang. Hahayaan ko nalang siguro siya total
naipaliwanag ko narin naman ang mga bagay na kailangan niyang malaman tungkol kay
Kuya. Tanggap ko na na hanggang doon nalang ang lahat ng iyon at matatapos na ang
koneksyon sa aming dalawa.

Pagkatapos noong exam ay wala naring pasok lalo na't malapit na ang pasko. Pero
bago kami magbakasyon ay iniwan kami ng gagawin.

Grinupo kami at saktong kagrupo ko sila Cecille, Rose at Rinka. May nahalo
namang dalawang lalake sa amin para sa gagawing dula. Dalawang linggo kaming walang
pasok kaya may dalawang linggo ring ibinigay sa amin para makapagpractice.

"Saan tayo magpapractice eh hindi naman kalakihan ang lugar namin?" tanong sa
akin ni Rose. Ito na ang huling araw ng klase at sa susunod na taon na kami
babalik.

"Doon nalang kaya sa maisan ni Rudy?" Suhestyon ni Rinka.

"Anong maisan, Rinka? Eh ni isa wala pa ngang tumutubo roon," natatawang si


Rose.

"Mga imaginary niyang mais!" Hagalpak naman ni Cecille.

"Malay niyo... Mapapalago niya iyon at mapupuno ng maisan ang lupaing iyon...
Total pinamana iyon ng kanyang Lola," sabi ko naman.

"Nakakatawa lang kasi ang rason niya ba't ayaw niya nang mag-aral dahil lang
gusto niyang magtanim ng mga mais!" Pinalo pa ni Rinka ang kanyang desk at mas
lumakas ang boses sa pagtawa.

Nagtawanan na silang tatlo. Ako naman ay ngumingiti lang dahil narin sa


gumugulo sa aking isipan. Ilang araw narin kaming hindi nagkikita noon at hindi
nag-uusap. Pati ang kanyang mangga ay namimiss ko na.

Aling mangga niya ba, Trace?

Pinilig ko ang aking ulo para maalis ang pinag-iisip ko. Tumigil naman ang
dalawa sa kakatawa.

"O sa lupain nalang nila Israel? Mas malawak doon! Pwede nating gawin lahat ng
gagawin natin! At pagkatapos ay manungkit tayo ng mangga!" suhestyon naman ni
Rinka.

"Oo nga 'no! Sige Trace! Kumbinsihin mo si Israel papayag iyon!" Hinawakan pa
ni Rose ang aking braso at niyugyog ito.

"H'wag tayo doon. Sa lupain nalang nila Rudy. Pwede rin naman tayo doon eh
sapat na iyong espasyo para makapagpractice tayo," sabi ko na mabilis na
ikinadismaya ng kanilang mga mukha.

"Ha? Bakit? Trace naman! Hindi mo ba namimiss ang mangga ni Israel?!" Hinawakan
agad ni Rinka ang aking mga pisngi at pinsil iyon.

"Magpapaalam nalang ako kay Rudy. Papayag naman iyon..." sabi ko pa at hinila
ang kamay paalis ni Rinka doon.

Sumimangot agad si Cecille. Na kahit si Rose at Rinka ay ganoon narin. Nag-iwas


ako ng tingin at isinabit ang aking buhok sa gilid ng aking tenga.

"War ba kayo ni Israel? Natatakot kang malatigo 'no?" tanong ni Cecille sa akin
na hindi ko na pinagtuunan ng pansin at pinasok na ang aking mga gamit sa loob ng
maliit kong bag.

"Halata namang tipo ka ni Israel. Iyong kilos niya sa'yo... At hindi nga kami
pinapansin! Ikaw lang palagi!" inis na sabi ni Rinka at humalukipkip rin sa kanyang
upuan.

"Oo nga Trace... Hindi malabong maging kayo," sabi ni Rose


sa siguradong boses.

Malabong may kami. Yun iyon. Ganito lang naman ako. Gustuhin ko mang ipaglaban
itong nararamdaman ko para sa kanya ay mas pipiliin ko nalang iyong kimkimin. Pag
maghahabol ako, mas masakit iyon. Bakit mo hahabulin ang taong hindi nga kayang
manatili sa tabi mo. Umalis siya hindi dahil gusto niyang magpahabol sa'yo kundi
dahil ayaw niyang manatili sa tabi mo. Yun iyon, Tracey.
Natapos ang pag-uusap namin roon at napagdesisyunang sa lupain nalang ni Rudy
magpractice. Kaya noong pauwi na ako ay dinaanan ko talaga ito. Madalas siyang
naroon at nagbubungkal ng lupa habang nagtatanim ng mga buto ng mais.

Lunes iyon. Wala ng pasok kaya dinaanan ko siya habang papunta ako sa bayan.
Hindi rin naman ako nabigo dahil naroon nga siya, nagbubungkal ng lupa.

"Rudy," tawag ko sa kanya sanhi para matigil siya sa kanyang ginagawa.

Pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo at tiningnan ako.

"Oh, Trace?"
"Uh..." Iginala ko ang tingin sa lupang nabungkal niya na. Ang iba ay mukhang
nataniman na. Sa dulo naman ay malaki pa ang espasyo at mukhang hindi niya pa
natataniman dahil may mga puno pa roong kailangang putulin.

Lumapit siya sa akin.


"Bakit? May kailangan ka?" tanong niya sa mahinahong boses.

Tumango ako. "Pwede ba kaming dito magpractice? Maliit lang kasi iyong espasyo
sa amin. Kahit doon lang kami sa parteng hindi mo pa nabubungkal ang lupa. Doon sa
lilim ng puno," sabi ko sa kanya at itinuro ang parteng iyon.

Nilingon niya iyon saglit saka rin ibinalik sa akin.

"Sige ba," sagot niya na ikinaliwanag ng mukha ko.

"Salamat!" Nginitian ko siya.


Tumango naman siya at ngumiti pabalik pero natigil rin dahil sa isang tunog ng
kabayo. Kapwa kami napalingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon at nakita ang
imahe ni Israel. Suot na naman ang paborito niyang denim jacket, puting panloob at
black na boots. Ang iilang hibla ay nalalaglag na naman at nagrerebelde sa
pagkakatali noon sa likod.

Mabilis kong inalis ang aking tingin sa kanya at ibinalik kay Rudy.

"Sige salamat. Alis na ako... Sorry sa abala."


Ibinalik niya rin naman ang tingin sa akin at nginitian ako.

"Okay lang. Basta ikaw, Trace..."

Ngumiti narin ako pabalik at nagpaalam na. Mabilis ang aking paghakbang pabalik
sa aking daanan imbes na balak kong pumunta sa bayan para tulungan si Mama.

Narinig ko ang yabag ng kabayo niyang bumibilis na ata kaya mas binilisan ko
narin ang paglalakad at sa huli ay tumakbo na talaga ako para hindi niya ako
maabutan.

Sobrang lakas ng kalabog ng aking dibdib. Gusto ko nalang siyang iwasan. Total
ilang araw narin naman siyang mailap sa akin. Total mukhang tapos na ang kanyang
pakay sa akin.

Ganoon nalang ang pagkakagulantang ko nang humarang agad ang kanyang kabayo sa
aking harapan. Natigil ako at napasigaw pa dahil sa pagkagulat.

Tiningala ko siya. Nalaglag rin naman agad sa aking balikat ang mga hiblang
tinangay ng hangin dahil sa aking biglaang pagtigil sa pagtakbo. I look at him in
horror. Mas dumoble lamang ang aking takot nang makita ko ang madilim niyang mga
matang dumerikta na sa akin.

"Are you avoiding me?" tanong niya sa matigas at malamig na boses.

Umiling iling ako at ibinaba ang tingin saka dumaan doon sa gilid kaso mabilis
niya ring iniharang ang kabayo niya roon sanhi para matigil akong muli.

"Halatang hindi nga," matabang at sarkastiko niyang sabi sa akin.

Hindi ako sumagot at balak ulit na dumaan sa gilid pero hinila niya rin ang
tali noong kanyang kabayo para papuntahin doon at humarang ulit.

Tiningala ko siya. "Dadaan ako," frustrated kong sabi.

"You're suppose to go to your mother. Ba't ka bumalik sa daan mo? Dahil nakita
mo ako?" he asked eagerly.

Umiling ako at iginala ang tingin para matakasan siya.

"Babalik ako sa bahay kasi may nakalimutan ako," palusot ko at nagtangkang


dumaan sa kabila pero katulad ng ginagawa niya ay humarang parin ang kanyang kabayo
roon. Nilingon pa ako nito at tila naiinis na. Hinimas lamang ni Israel ang ulo
nito saka ito kumalma.

Mukhang nainis narin ata iyong kabayo. Baka bigla nalang akong sipain niyan!

Bumaba si Israel at hinarap na ako. Lumunok ako ng laway at umatras ng kaonti


para mabigyan kami ng mas malaking espasyo sa gitna. Ayokong mapalit sa kanya dahil
matutupok lang muli ang harang na ibinakod ko sa aking sarili.

Ginagalit mo ang kabayo ko..." sabi niya at umangat pa ang kilay sa akin.

"Ayaw mo kasi akong padaanin..." mahina kong bulong.

Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay at tumagilid na ang ulo.


"H'wag mong hintayin na magalit rin iyong isang alaga ko," makahulugan niyang
sabi na nagpasunog ng aking mga pisngi.

Lumunok nalang ako ng laway at sinikap na hindi maibaba ang mga mata. Nagalit
ko ba?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 14

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Elza Vispo. Happy reading!


--------
Berde

Ilang sandali ko siyang pinakiramdaman sa aking harapan. Sa tingin niya, para


akong may kasalanan at kaya siya nandito para singilin ako.

Ngumuso ako at inilagay ang aking mga kamay sa aking likod at doon iyon
pinagpipisil. Yumuko ako. Ang iilang hibla ay nalaglag na sa akin.

"You're not suppose to entertain boys..." he drawled like he really meant not
just one. Marami. Sobrang haba noong pagkakabigkas niya ng s sa dulo eh.

Umangat ang tingin ko sa kanya. Ang mga mata ay may kakaiba ng pinaparating at
pinaparatang sa akin.

"Wala naman akong maling nakikita roon at alam ko naman ang limitasyon ko,"
sagot ko pa.

"'Di ba iyon ang sabi ng Kuya mo sa'yo? And I thought you're busy with your
examination?" Umangat ang kanyang kilay at mas naging malalim ang paninitig niya sa
akin at nanghahatol na ang madidilim na mga mata. Binabaliwala niya lang iyong
explanation ko.

"Oo! Busy ako sa exam. Pero tapos na..." Kinuyom ko ang aking mga kamao para
doon humugot ng tingin.

"At sabi mo hindi kayo close noong Rudy. Ano... Interesado ka sa mga mais niya?
O may iba pa?"

"Huh? Kinausap ko siya kasi ano... magpapractice kami sa lupain nila para sa
presentation namin," sabi ko sa mga mata kong sumasayaw at hindi maipanatili sa
kanyang mga mata. Hindi ko iyon matagalan.
"Mas malaki ang espasyo roon sa amin. Bakit hindi doon? Was it because you like
Rudy?" pang-aakusa niya na ikinakunot na talaga ng aking noo.

Hindi ko maintindihan kung saan niya kinuha ang mga paratang sa akin. Hindi ko
maintindihan kung ba't bigdeal na sa kanya ngayon ang aking pinaggagawa at mga
kinakausap. Is he trying to play tricks on my mind? Hindi kaya ay gusto niyang
paniwalain akong nagseselos siya? Iyon ba?

"Selos ka ba?" biglaan ko nalang tanong na kahit ako ay nagulat sa aking


binigkas.

Nagulat rin siya pero mabilis rin namang nakaahon ang ekspresyon at naging
blangkong muli.

"That's funny..." seryoso niyang sabi at ngumisi pa pero walang makikitang saya
roon. Sa sobrang tabang ay napunto ko agad. Oo nga naman. Ba't siya magseselos?

"Ikaw nga... Busy ka rin naman ah?" Pang-aakusa ko narin sa kanya.

Ngayon nga lang siya nagparamdam ulit. Baka naman napagod siya roon sa iba
niyang mga babae kaya bumalik nalang siya sa akin dahil bored siya? Ganoon ba iyon?

"Pero hindi sa babae," sagot niya agad at tila gustong burahin ang aking pinag-
iisip.

"Sinabi ko bang babae?"

"Nililinaw ko lang. Hindi ako busy sa babae. Nasa lupain lang ako. Nanunungkit
ng Mangga."

Ngumuso ako. "Hindi ko naman sinabing babae," pag-uulit ko.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at nameywang sa aking harapan. Ipinasok niya
sa loob ng kanyang denim jacket ang kanyang mga kamay at nasa malayo na ang tingin.

"Kaya nga pumunta ka sa lupain para naman maging busy ako sa'yo."

Napakurap ako at hindi alam ang mararamdaman. Sinabi ko sa ibabang babae pero
ako pa ata ang tinutukoy niya.

Noong wala na akong maisagot dahil rin sa pagkakabuhol


buhol ng aking dila sa loob ay gusto ko nalang makawala sa kanyang harapan.
"Padaanin mo na ako. Pupunta pa ako kay Mama sa bayan," bigo kong sabi at gusto
nalang makawala sa kanya.

Nagtungo ako sa kanyang gilid at doon dumaan. Hindi naman siya gumalaw kaya
laking pasasalamat ko at hinayaan niya akong maglakad paalis sa kanya.

Wala ako sa sarili nang makarating sa bahay. Ni hindi ko rin alam kung ano pa
ang ibinalik ko rito. Gusto ko lang naman sanang umiwas sa kanya. Pero may parte
parin sa akin ang humihila pabalik at gusto siyang makasama. Gusto talaga Trace? Eh
hindi mo nga iyon matingnan ng deritso at palagi ka pang nahihiya sa kanya.

Nagpalit nalang ako ng nipis na bistida at lumabas rin. Sinalubong ako ng


malamig na hangin at gumalaw pa ang tela noon na kahit ang aking buhok ay sumayaw
na sa ere. Katamtaman lamang ang klima at hindi mainit ang sinag ng araw. Masyadong
malamig ang hangin na tila may nagbabadyang ulan mamayang gabi.

Naglakad ako at ganoon nalang ang pagkagulat nang makita ko ang kanyang imahe
sa pinag-iwanan ko. Nandoon siya, nakasandal sa kanyang kabayo at may iniisip ata
na malalim habang may nakaipit na namang sigarilyo sa kanyang labi. Wala iyong
sindi at pinaglalaruan niya lang ata dahil gumagalaw galaw iyon doon.

Bumuntong ako ng hininga. Paano ako iiwas kung kusa siyang lumalapit?

H'wag ka nalang umiwas Trace. Ipagpatuloy mo nalang rin iyong plano mo na


ipagmalaki sa kanya ang kuya mo. Mabuti pa nga.

Nagtungo ako roon. Nang mapansin niya ang aking presensya ay tumuwid naman agad
sa pagkakatayo. Ngumuso ako at isinabit ang ilang hibla sa gilid ng aking tenga
nang hinangin iyon.

"Ba't hindi ka pa umaalis?" tanong ko.

"Hinihintay kita. Isn't it obvious?" suplado niyang sagot.

Sumimangot ako.

"Obvious pero hindi ko naman sinabing hintayin mo ako ah?"

Nagkasalubong ang kanyang kilay at napatitig sa pagkibot ng aking labi dahil sa


pagsasalita.

Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad. Hinila niya rin naman


iyong tali ng kanyang kabayo saka nakisabay sa akin. Nang-aasar ba ito?

"Sumakay ka nalang sa kabayo mo tapos patakbuhin mo nang matulin. Pupunta ako


sa bayan," sabi ko.
"Tinataboy mo ako dahil marami kanang manliligaw?" sagot niya sa matabang na
boses.

Nasira ang aking ekspresyon. "Wala akong ganyan. Wala kayang nagkakagusto
saakin..."

"Sus... Wala..." Suplado siyang nailing.

"At sino naman kung ganoon? Wala ah..."

"How about that guy who touched your hand? At iyong Rudy?" Umangat ang isa
niyang kilay sa akin.

Nanlaki agad ang aking mga mata. Iyon lang?! Purket nagkausap lang...

"Huh? Hindi ah! Hindi nila ako gusto! Nagpakilala lang naman iyong sa
eskwelahan at iyong kay Rudy naman ay sinabi ko na sa'yo," giit ko pa kahit hindi
humuhupa ang pagkakairita niya.

"Tss... Ang tamis tamis pa ng ngiti," sagot niya at binalewala iyong mga sinabi
ko.

Sumimangot ako. "Anong matamis? Natikman mo ba?"

Mabilis siyang lumingon sa akin. Nagulat naman ako at gusto iyong bawiin pero
nasabi ko na.

"I mean... h-hindi naman iyon matamis... Ngumingiti ako kasi nginingitian nila
ako... Iyon lang naman..." Napisil ko ang pang-ibaba kong labi.

"Gusto mo rin ata ang mga iyon," pang-aakusa niya.

"Hindi ah!" giit ko naman.

"Gusto mo ang mga iyon. Sabi mo pa wala kang standard."

Ang kanyang pananatili ay tunog pagtatampo na. Hindi ko alam kung mafufrustrate
ba ako o matatawa.

Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Mas nairita siya roon. Ang makapal at maitim
na kilay ay mas nagkasalubong na.

"Bawal pa akong pumasok sa ganoong bagay. Sabi ni Mama magtapos daw muna ako sa
pag-aaral ko. At iyon rin ang gusto ni Kuya Bram sa akin..." marahan kong
paliwanag.
"And you should avoid entertaining them. Pag nalaman iyan ng kapatid mo
magagalit iyon," matigas niyang sabi habang nanatili ang tingin sa kalsada.

Hindi nalang ako umimik at tumango nalang. Nasa nilalakaran ko lang ang aking
tingin at minsan ay natitingnan narin iyong itim niyang boots. Ginagaya niya ang
paglalakad ko. Mabagal at maliliit lamang na hakbang.

Nadaanan na namin iyong lupain na tinataniman ng mais ni Rudy. Napatingin pa


ito sa aming dalawa at nalipat sa akin, ang mukha ay binalot ng pagtataka. Ngumiti
ako sa kanya at kinawayan ito. Gumanti rin naman si Rudy at kumaway rin pabalik
sanhi para lumingon si Israel sa akin nang dahan dahan, matalim agad ang mga mata.

"Friends kami," sabi ko pa. "Pumayag siyang magpractice kami sa lupain nila."

"Sa lupain nalang namin. Mas malawak at may makakain pa kayo roon," giit niya
sa supladong boses.

"Nakapagpaalam na ako kay Rudy at nakakahiya naman kung hindi kami tutuloy
doon," paliwanag ko.

Mas grumabi lang ata ang pagkakairita niya. Mukhang nawawalan ito ng pasensya
pero sinisikap nalang magpigil. Marahas siyang napabuga ng hininga at tumingala
saka isinuklay paatras ang iilang buhok na nagrerebelde sa pagkakatali. His strong
jaw tightened.

"Ang tigas rin ng ulo," mariin niyang sabi at nailing.

Ngumuso nalang ako at ayaw ng magsalita. Bakit ba kasi nakikialam siya? Siya
lang naman itong nakikipagtalo. Ang gusto ko sa lupain nila Rudy. Ayoko doon sa
lupain nila dahil baka madistract lamang kami lalo na iyong tatlo. At magtataka
iyong dalawa naming kasama kung ba't doon kami eh lupain iyon nila. That's their
private property.

Ibinalik niya sa kanyang bibig iyong sigarilyo. Pinaglaruan niyang muli iyon
pero hindi naman sinisindihan. Tiningnan ko iyon nang mabuti. Nang napansin niyang
natatangay ang aking mga mata roon ay bigla niya iyong kinuha at ipinasok sa aking
labi. Nagulat ako nang naramdaman ko iyong dulo noon. Kinuha niya iyong muli at
nabasa na ang dulo.

"Ba't mo pinasok sa bibig ko?!" Natakpan ko ang aking bibig sa sobrang gulat.

Ngumisi lamang siya at ipinasok ulit sa kanyang bibig iyong sigarilyo. Nabasa
ko iyon!

"Now I'm addicted to this cigarrette..." makahulugan niyang sabi at nabura na


ang inis sa mukha.
Namula ang aking pisngi lalo na't nanggaling iyon sa bibig ko. At nabasa ko pa!
Hindi ba may tawag sa ganoon? Nabasa ko iyon sa mga nobelang binabasa ko! Indirect
kiss!

"Ba't mo ipinasok?" hindi makapaniwala kong sagot.

"Hindi ko naman sinindihan." Umangat ang kanyang kilay at kalmado na ang


ekspresyon.

"Kahit na! Sigarilyo iyan!" giit ko at mas napasimangot. Hindi ko na natutuon


ang buo kong atensyon sa nilalakaran namin!

Marahan siyang yumuko at inilebel ang mukha sa akin. Napalunok agad ako ng
laway lalo na't amoy na amoy ko na naman ang masyadong manly niyang pabango at
masyado naring malalim ang kanyang paninitig. Sa sobrang lapit pakiramdam ko ay
mahihimatay na ako.

"Anong gusto mong ipasok ko sa bibig mo? Dila ko?"


nanghahamon niyang tanong na ikinalaki ng aking mga mata.

Tumuwid siya sa pagkakatayo at iniwan ang mukha kong sinunog niya. Ang aking
paghinga ay parang naputol na kahit ang aking dibdib ay sobrang lakas na naman sa
pagpintig. Kalma... h'wag mo namang sirain ang ribcage ko...

Napansin ko ang nakakaloko niyang ngisi sa akin. Nasisiyahan siya sa nakikita


niyang namumula kong pisngi!

Noong nasa bukana na kami ng bayan ay huminto rin naman ako at hinarap siya.
Marami ng tao roon at kung makikita kaming dalawa na magkasama baka ano na namang
issue ang lumutang. Pag nalaman rin ni Kuya na dumidikit ako sa kanya ay
pagagalitan ako noon. Lalo na ni Mama. At pag-iinitan rin ako ng mga nagkakagusto
sa kanya. Advance ako eh. Alam kong iyon talaga ang mangyayari.

"Dito ka nalang... Baka ano... Makita tayo ni Mama at mapagalitan ako..."

Tumango siya na ikinagulat ko. Mukha kasing ang amo amo niya. Hindi naman iyan
basta sumusunod.

"Bukas... Sa lupain..."

Iyon palang ay napasimangot na talaga ako. "Hindi nga pwede... Nakapagpaalam na


ako kay Rudy."
"Bahala ka. Wala ka ring choice. Maghihintay ako sa lupain bukas," sigurado
niyang sabi.

Bahala ka nga rin.

"Ang tigas ng ulo mo." Sinimangutan ko siya.

"Ah... Aling ulo ba?" tanong niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.

Ngumisi siyang muli, masyado ng malademonyo ang ngiting iyon. Nandiyan na naman
iyang mga pilyo niyang salita! Napapaligiran ako ng mga taong may berdeng bibig at
berdeng utak! Kinukulayan nila ng berde ang mundo ko!

"I'll go now. Bukas. I'll wait you," paalala niya pa saka rin ito walang
kahirap hirap na sumakay sa kanyang kabayo.

Pinanood ko siyang patakbuhin iyon ng matulin at iniwan ako ritong sobrang


nagulantang at pulang pula. Gustong gusto niyang nilalaro ang kanyang mga salita at
binibigyan iyon ng iba pang kahulugan. Minsan suplado, minsan rin naman mapaglaro.
At madalas siyang nakakatakot. Paano niya napagsasabay ang tatlong katauhan na
iyon? Pinagkasya niya iyon sa kanyang sarili at humalo na.

"Oh? Di naman mainit pero namumula iyang mukha mo." Puna ni Mama sa akin nang
makarating na ako roon.

"Ah..." Nahawakan ko agad ang aking mga pisngi.

"Umupo kana dito. Kumain kana ba?" tanong nalang ni Mama habang nagbibilang ng
pera at hindi na pinansin ang aking pamumula.

Umupo ako at pinanood siya.

"Tapos na po, Mama..." sagot ko pero binigyan niya parin ako ng singkwenta.

"Bumili ka roon ng makakain mo. May nagtitinda ng masasarap na pagkain diyan sa


dulo. Bumili ka ng gusto mo," sabi niya at nginuso pa iyong tindahang natatanaw ko
rin sa dulo.

Mukhang malaki ang kita niya kaya binibigyan niya ako ng pera para bumili ng
makakain ko.

"Salamat, Ma... Sige... Babalik rin ako." Tumayo na ako at umalis rin naman.
Tumango lamang ito at hindi na nag-abalang magsalita pa dahil sa binibilang na
pera.

Nagsimula akong maglakad lakad sa palengke. Busy ang iilang tindera kakasigaw
at nagtatawag ng mamimili. Iyong iba naman ay nakikipagtsismisan pa sa mga katabi
nilang tindahan. Nagtatrabaho si Kuya roon sa may mga tambakan ng isda at karne.
Isa siya sa mga kargador doon lalo na noong mga gulay.

Iyong mga nandito kasi ay mga kainan lamang at mga food


store. May iilan ring tiyangge na nagbibinta ng mga damit. Meron ring puro tinapay
naman.

Huminto ako sa may nagtitindang tinapay at tinitigan iyong slice ng chocolate


cake. Iyan nalang siguro?

May narinig akong tawanan sa aking likuran. Paglingon ko ay grupo iyon ng mga
babaeng mukhang balak kumain dito. May mga upuan rin kasi at lamesa at pwede kang
manatili rito habang kumakain.

May isang babae na napatingin sa akin. Tumabi naman ako para mabigyan sila ng
espasyo.

"'Di ba ikaw iyong nililigawan ni Leo?" tanong noong isang babae na


nakatirintas ang buhok.

Kumurap ako. "H-Huh? Hindi..." sagot ko.

Nakiusyoso narin iyong tatlo niya pang kasama.

"Ikaw iyong kapatid ni Bram 'di ba?" tanong naman noong isa.

Tumango ako. Base sa kanilang tindig at mga hitsura ay mukhang Grade 10 na ang
mga ito.

"Ang guwapo noong kapatid mo! Anong relasyon nila ni Rici?" tanong naman sa
akin noong may kulot na buhok.

"Ah... Hindi ko alam eh... Wala namang sinasabi si Kuya," maingat kong sagot.
Ayoko rin kasing magkalat ng impormasyon. Privacy nila iyon. Kung maraming
makikialam, mas magiging komplikado lamang ang kanilang pagmamahalan.

Iyong isa nilang kaibigan ay ang umabante at nag-order ng makakain. Puro cakes
ang tinuturo noon at nag-order rin ito ng inumin.

"Dine-in kaming lima..." sabi niya sa tinderong tumango naman.

"Nandito ka ba para kumain? Tara? Sali kana sa amin..." Hinawakan noong isang
babaeng nakacreamy dress ang aking braso at hinila ako papunta roon sa uukupahin
nilang upuan.

Nagdalawang-isip agad ako na makisali sa kanila. I am not good at socializing


with strangers. Awkward akong tao at hindi ko rin alam kung paano ko ibabagay ang
sarili ko sa kanila.
"Ba't natin siya isasali sa atin? Eh 'di ba tagabundok iyan?" narinig kong
bulong noong isa sa kaibigan.

"Kinakausap siya ni Rici. Dapat iclose natin siya," sagot naman noong isa sa
mahinang boses pero hindi parin nakaligtas sa aking pandinig.

Nagpanggap nalang akong wala akong naririnig. Nagsiupuan na silang apat roon at
ako nalang ang hinihintay na bakantehin iyong isa pang upuan.

"Upo kana. Ililibre ka naman namin don't worry..." Ngumiti sa akin iyong
pinakamaputi sa kanilang apat.

"Sorry pero naghihintay kasi si Mama sa akin. Tutulungan ko pa siya sa


panininda ng bulaklak," sabi ko sa kanila na ikinatawa noong dalawa. Iyong dalawa
naman ay nagpipigil lamang.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Dito ka muna. Mamaya na iyang bulaklak. Magkwentuhan muna tayo." Tinapik pa


noong isa na nakatshirt ang katabi niyang upuan.

Umiling ako. "Sorry pero hindi talaga pwede. Uhm sige, aalis na ako." Nginitian
ko silang apat at hindi na hinintay ang sasabihin nila.

Pagkatalikod ko ay narinig ko agad ang kanilang hagikhikan.

"Tindera pala siya?" narinig kong sabi noong isa at mukhang tawang tawa sa
ginagawa ko.

"Eh si Bram nga kargador sa palengke," sabi pa noong isa na mas ikinatawa nila.

Mas nakakatawa siguro kayo dahil malalaki na kayo pero umaasa parin kayo sa mga
magulang niyo at hindi man lang tumutulong. Mas nakakatawa kayo dahil mas marami pa
kayong oras mang-insulto kaysa tumulong sa mg magulang niyong nagpapakahirap
magtrabaho.

Isinantabi ko nalang ang aking pag-iisip at nagtungo sa kabilang tindahan.


Bumili ako ng Mamon at softdrinks saka rin naman bumalik sa pwesto ni Mama. Ubos na
agad ang kanyang mga bulaklak at malaki na ang ngiti sa akin.

Inilahad ko sa kanya iyong sukli na tinitigan niya lang at walang balak kunin.

"Oh? Ba't iyan lang ang binili mo?" tanong niya.

"Masarap rin naman ito, Ma," sabi ko at ipinakita pa sa kanya iyong tag bente
na Mamon.

"May nagtitinda ng cake sa unahan ah? Iyong nagtitinda ng mga tinapay. Ba't
iyan ang binili mo?"

"Hindi na Ma... Okay na ako dito," sabi ko pa.

"Haynako! Hindi ka naman mabubusog niyan!" Kumuha siya ng panibagong pera at sa


pagkakataong ito ay binigyan ako ng isang daan.

"'Di ba bukas may practice kayo? H'wag kanang pumunta rito at bumili ka ng mga
makakain niyo ng kaklase mo bukas."

Namangha ako sa pera pero nasasayangan rin ako. Ipambibili ko lang naman iyan
ng mga walang kabuluhang bagay. Mababawasan lang ang pera niya.

"H'wag na Ma." Ibinalik ko iyon sa kanya pero itinulak niya lang ang aking
kamay at wala iyong balak tanggapin.

"Kunin mo na. Marami naman akong kinita. Sige na... Dito ka muna at
mamamalengke lang ako ng mauulam natin mamaya." Tumayo na ito.

Kinuyom ko ang aking kamay at itinago sa palad ang pera habang sinusundan ng
tingin si Mama. Napangiti nalang ako. Ba't ko nga naman ikakahiya ang ganitong
klaseng trabaho eh marangal naman at wala kaming naaapakang tao? Problema na nila
iyon kung may nakikita silang mali rito. Hindi naman kami nagtatrabaho para bumilib
sila. Nagtatrabaho kami para mabuhay.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 15

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Myra Erana. Happy reading!
----------

Kumagat ka nalang, Trace...

Maaga rin naman akong gumising kinabukasan. Alam kong pupunta iyong tatlo rito
eh. Iyong dalawa namang lalake na kasali sa grupo namin ay kikitain na namin roon
sa lupain nila Rudy.

Maaga akong nagluto katulad ng aking nakasanayan para makakain agad si Kuya pag
nagising na ito. Magpapaalam narin ako sa kanya total naman pinayagan rin ako ni
Mama. At sa pagkakataong ito ay may totoo naman akong rason. Magpapractice talaga
kami sa aming dula.
Naghuhugas palang ako ng plato nang may kumatok sa aming pintuan. Iyong tatlo
ba iyon? Pero maingay sila pag pumupunta sila rito. At ang sabi ko mamaya nalang
alas dose eh alas dyes palang ng umaga.

Kumatok ulit iyon kaya bumaba ako sa maliit na upuang pinatungan ko para
makalebel iyong lababo saka ko pinahid ang basa kong kamay sa nakasabit na basahan
sa gilid.

"Sandali lang!" sigaw ko saka rin naman nagtungo roon.

Inalis ko iyong tarangkahan ng aming pinto at binuksan iyon. Laking gulat ko


nalang nang bumungad sa akin ang imahe ni Ate Rici at sumalubong pa sa akin ang
matamis niyang pabango.

Ngumiti agad siya ng matamis sa akin.

"Magandang umaga, Trace! Ang kuya mo?" tanong niya sa malambing na boses at
sumilip pa sa aking likod.

"Magandang umaga rin Ate. Uh... Si Kuya..." Nilingon ko ang pinto ng kwarto
nito.

"Tulog pa?" dugtong niya naman kaya bumalik agad ang tingin ko sa kanya.

Tumango ako saka napadpad ang aking mga mata sa suot niyang magandang damit.
Hindi pa nakaligtas ang gold na bracelet sa kanyang pulso at ang suot niyang
kwintas na may pendant na hugis bulaklak at halatang mamahalin. May slingbag siya
na may brand na hugis letrang C at nakabaliktad iyon na ipinagdikit habang may
bitbit na kahon. 

"Pwede bang sa loob ko siya hintayin?"


Ang kanyang boses ang nagpabalik sa akin sa reyalidad at natigil sa kakapuna sa
kanyang hitsura.

"Ay sige ate! Nakakahiya pa naman ang bahay namin... Baka manibago ka po..."
sabi ko at binuksan ng malaki ang pinto.

Marahan siyang humagikhik at iniapak ang maganda niyang flats sa semento naming
sahig. Nakaramdam agad ako ng hiya dahil mukhang masyado siyang presentable para sa
aming bahay.

"Okay lang! Hindi naman ako maarte." Ngumiti siya sa akin.

Hilaw na ngiti ang aking naibigay at nagtungo roon sa aming lamesa. Hinila ko
ang mahaba naming upuan na gawa sa kahoy.
"Upo nalang po kayo rito. Naghuhugas po kasi ako. Uhm, may gusto po kayong
kainin?" alok ko.

Bawat galaw niya ay sinusundan ng aking mga mata. Na kahit iyong paglapag niya
noong kahong dala niya at ang pag-upo niya sa dekahoy naming upuan. Kung paano niya
pinadaan ang kanyang mga kamay sa kanyang pwetan para hindi masama iyong dulo ng
kanyang dress.

"Iyong saging ng kuya mo nalang, Trace..." sabi niya sa akin na ikinatigil ko.

Ilang sigundo siguro kaming nagtitigan na naramdaman ko bigla iyong awkward.

"I mean..." Natawa siya. "Iyong nilagang saging. Masarap kasi iyon. Nasasarapan
ako sa saging ng Kuya mo," sagot niya.

"O-Oo nga..." Medyo natawa narin ako ng awkward at nagtungo roon sa harapan ng
lababo.

"Tapusin ko lang po iyong ginagawa ko ate..." sabi ko na


ikinatango niya naman.

Napapansin ko siyang gumagala ang tingin at walang makita na disgusto sa


kanyang mga mata.

"Baka gusto mo ng cake, Trace... Nagdala ako," sabi niya at tiningnan iyong
kahon niyang dala.

"Okay lang po, Ate..."

Nakontento naman siya sa aking sagot. Tumahimik ito ng ilang sigundo at


nanatili ang tingin sa akin.

"Uh... May pumupunta bang ibang babae rito maliban sa akin?" bigla niyang
tanong.

"Opo ate, meron..." sagot ko at nilingon siya habang binabanlawan iyong mga
baso.

"Meron?" gulat niyang tanong at mukhang interesado na.

"Opo... Mga kaibigan ko sila Cecille... Ako po ang sadya nila," sagot ko na
ikinakalma rin naman ng kanyang mukha.

"Ah..." Tumawa siya.


Nginitian ko nalang ito lalo na't tahimik nalang siyang nakaupo roon at mukhang
hindi naman nabobored. Pero nag-aalala parin ako. Gisingin ko nalang kaya si Kuya?
Sabihin ko na nandito si Ate Rici? Sigurado akong magigising ang buong diwa noon.

Bago ko pa man magawa ang pinaplano ko sa aking utak ay bumukas narin ang pinto
ng kwarto ni Kuya. Lumabas itong inaantok pa habang kinakamot ang gilid ng kanyang
tiyan at topless na naman. Buhaghag ang kanyang buhok at tila wala pa sa sarili.

"Anong ulam, Race?" tanong niya sa husky na boses at nagkabuhol buhol na naman
ang aking pangalan dahil kakagising palang.

"Nandiyan si Ate Rici, Kuya!" sagot ko sa kanya ng masigla.

"Si Rici ang ulam?" natatawa niyang sabi at napadpad ang tingin sa may mesa.
Ang namumungay niyang mga mata ay mabilis na kumurap at lumaki para tingnan lang ng
mabuti si Ate.

Ngumiti naman ng matamis si Ate Rici pero namumula ang pisngi. Halatang
tinubuan ito ng hiya sa presensya ni Kuya. Hindi ako relate eh. Nasanay narin kasi
ako sa presensya ni Kuya kaya siguro di ko rin makita iyong sinasabi nilang
maappeal raw ito at guwapo. Pero siguro kung hindi kami magkapatid ay mapupuri ko
rin siya.

"Morning..." bati ni Ate sa malambing na boses.

Nagkasalubong ang kilay ni Kuya at binalingan ako. Sumeryoso na agad ang


kanyang mukha kaya pasimple akong nag-iwas ng tingin at umakto nalang na nasa mga
plato ang buo kong atensyon.

"Nandito ka," sabi ni Kuya at nagtungo muli sa loob.

Noong lumabas na ito ay may dala ng puting tshirt saka iyon isinuot.

"Binisita kita," sagot naman ni Ate.

"Rici. 'Di ba pinag-usapan na natin ito? Anong sinabi ko?" Frustrated na tanong
ni Kuya at nakapameywang na sa harapan ni Ate Rici. Para siyang may pinapagalitang
paslit.

"Uhm... Ang sabi mo, 'Rici, 'di na pinag-usapan na natin ito?" Panggagaya ni
Ate Rici sa kanyang boses kaya kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at sinikap na
hindi matawa.

Noong nilingon ako ni Kuya rito ay mabilis ko ring iblinangko ang aking mukha.

Bumuntong ng mahabang hininga si Kuya.


"Di ako nagbibiro," seryoso niyang sabi na kahit ako ay ramdam iyon.

"Please... Bram... Pinayagan akong gumala." Nakita kong hinawakan niya ang dulo
ng tshirt noong kapatid ko.

"Gusto kitang makasama, please... Uuwi rin ako mamaya kung


iyon ang gusto mo. But please... Let me stay..." mas pinalambing pa ni Ate Rici ang
kanyang boses.

Nagloosen rin naman ang balikat ng aking kapatid. Mukhang hindi niya ito
matanggihan.

"Kumain kana?" tanong niya roon na umiling naman agad.

"Balak ko sanang kumain noong nilagang saging mo," pag-amin nito.

Ngumuso ako at nagpigil ng tawa. Ewan ko ba. Nahawa na talaga ako sa tatlo.
Pero noong nilingon ako ni Kuya ay siniryoso ko rin ang aking mukha dahil baka kung
ano pang isipin niya. Hindi naman ako nakikinig sadyang malakas lang ang boses
nila.

"Ang tigas talaga ng ulo..." Naiiling na sabi ni Kuya at hinuli ang kamay noon
sa gilid ng kanyang beywang kung saan ito nakahawak.

Pamilyar sa akin ang linya mo Kuya. Nasabi ko narin iyan sa isa pang
Buenaventura. At mukhang nasa lahi talaga nila iyong batas dapat nila ang
masusunod.

Pagkatapos kong maghugas ng plato ay nagpaalam rin ako kay Kuya na maliligo ako
kaso mukhang hindi na ako naririnig dahil nagpapakulo na ito ng mga saging. Naroon
rin si Ate Rici sa kanyang tabi at sumisilip rin sa loob ng kaldero.

Pagkatapos kong maligo ay nadatnan ko pa sila sa may mesa. Nasa likod siya ni
Ate Rici habang tinutulungan itong balatan iyong naunang nalutong nilagang saging.
Kinukulong niya iyon sa kanyang mga bisig.

Mabilis akong nagtungo sa kwarto at nagbihis rin naman. Noong lumabas ako ay
sinusuklay ko na ang aking buhok at hinihintay nalang na pumunta iyong tatlo rito.
Magugulat sila pag nalaman nilang nandito si Ate Rici.

Bumaling si Kuya at kunot-noo agad sa akin.


"Oh? Saan ka pupunta? Ba't ka naliligo?"
Edi pag hindi ako naligo wala akong lakad?

Napatingin narin sa akin si Ate Rici. Naging interesado ata ito sa sagot ko.

"May practice kami Kuya. Nakapagpaalam na ako kay Mama at pumayag naman siya."

"Practice o gala?" Umangat pa ang kanyang kilay sa akin.

"Practice. Kikitain nga namin nila Cecille iyong dalawa pa naming kaklase..."
sagot ko naman.

"Sinong lalake?"
"Kuya!" Ngumuso ako.

"Sino nga? Nasaan na? Pupunta ba rito? Kakausapin ko," seryoso niyang sabi.

"Hindi sila dederitso rito kasi magkikita kami roon sa lupain na tinataniman ng
mais ni Rudy. Doon kami magpapractice. Iyong may mga puno roon..."

"Sembreak na ah? Ba't may practice parin? Tracey..." makahulugan niyang tawag
sa akin na ikinasimangot ko.

"Practice nga Kuya. Nagsasabi ako ng totoo. Kahit kausapin mo pa sila Cecille
mamaya..." nafufrustrate kong paliwanag. Hindi naman sana siya ganito. Pumapayag
naman sana siya pero ba't biglang humigpit?

May sasabihin pa sana ito kung hindi lang hinaplos ni Ate Rici ang kanyang
braso na nagpakalma ng kanyang mukha. Natikom niya ang kanyang bibig at ang kilay
na nagkakasalubong ay bumalik sa dati, ang mukha ay umamo rin agad.

"Payagan mo na. Mukhang wala naman sa mukha ni Tracey ang pagsisinungaling,


Bram..." kumbinsi ni Ate.

Nalaglag sandali ang tingin ni Kuya sa kanya pero nalipat rin sa akin.
Tiningnan ko agad siya ng nakakaawa. Bumuntong naman siya ng hininga.

"Umuwi ka lang agad at h'wag ng gumala kahit saan, Trace,"


seryoso niyang sabi na ikinatango ko agad at napangiti.

"Salamat Kuya!" Nilapitan ko siya at akma itong yayakapin nang matigil ako
dahil sa mga madilim na mata ni Ate Rici na dumirekta agad sa akin. Wala naman
siyang sinasabi pero nakikita kong ayaw niya ata sa binabalak ko.

Ngumiti nalang ako na ikinangiti niya rin naman sa akin. Si Kuya naman ay hindi
mabura bura sa mukha ang pag-aalala.

Ilang sandali lamang ay dumating agad ang tatlo dahil rin sa kanilang mga
boses.

"Naamoy ko ang saging ni Bram! Pahingi!" sigaw pa ni Rinka at nakita ko ang


pagdungaw niya sa bintana kasama iyong dalawa.

Nabahiran ng gulat ang kanilang mga mukha nang makita si Ate Rici sa loob. Nasa
likod niya parin si Kuya at tinutulungan na itong magbalat noong ikawalang saging.

May ihihirit pa sana si Rose pero itinikom nalang ang nakaawang bibig sa ere na
kahit si Cecille ay ayaw naring may idugtong.

"Gusto niyo?" alok ni Kuya sa tatlo na ilang sandaling natigilan.

Akmang tatayo na ng tuwid si Kuya dahil tapos niya narin namang tulungan si Ate
nang hinawakan rin ni Ate Rici ang kanyang braso at ayaw paalisin sa kanyang
posisyon. Napakurap si Kuya at nilingon ito.

"Ah, Kuya... Alis na kami! Ate Rici, babay po..." sabi ko nalang at naglakad na
palabas.

"Sige Trace..." Ngumiti si Ate sa akin pero hindi parin binibitiwan ang braso
ni Kuya.

"Uwi agad, Trace," pahabol naman ni Kuya nang makalabas ako.

Pinaghihila ko na ang tatlo sa harap ng bintana at nakikiusyoso parin.


Nagpatangay rin naman sila at hindi na nagpaalam kay Kuya dahil sa pambabakod ni
Ate Rici.

"Nagseselos ba iyon?" tanong ni Rose sa akin habang naglalakad na kami.

"Iyong mga mata niya kanina noong sinabi kong gusto ko rin ng saging ni Bram
biglang nag-iba! Parang mga mata ni Israel pero mas grabe lang talaga ang dilim sa
mga mata ng Kuya niya," si Rinka naman.

"Pero sila na talaga, Trace? Nandoon ulit eh?" si Cecille.

"Hindi ko alam..." tanging nasagot ko sa rami ng pinagsasabi nila sa akin.


Ganoon nga siguro ang mga Buenaventura. Gusto nilang minamarkahan ang kanilang
teritoryo. Their eyes screams dominant. Iyong misteryoso... madilim... malalim
makatingin.

"Ano kayang gagawin ng dalawang iyon? Sila nalang dalawa!" Ngumisi pa ng


nakalaloko si Cecille.

"Magsusubuan ng saging syempre!" Tumatawang sagot ni Rinka.

"Ang swerte naman ni Rici! Kanina! Kinukulong siya ni Bram sa matitigas niyang
mga braso! Kahit ako rin siguro si Ate Rici ay babatuhin ko ng saging ang sumilip
sa bintana at pinagnanasaan pa iyong gusto ko!" hirit naman ni Rose sanhi para
itulak siya ni Rinka.

Natatawang tumakbo palayo si Rose.

"Bagay rin naman sila!" dagdag ni Cecille.

Iyon ang kanilang topic habang naglalakad kami patungo sa lupain nila Rudy.
Hindi na ako nakikisali at nakikitawa nalang sa kanilang kahalayan. Sila na ba
talaga? Pero iyong sinabi rin kasi ni Ate Rici kanina ay parang may problema sila.
Siguro pinagbabawalan rin siya ni Kuya na pumunta sa amin pagkatapos mapagalitan si
Ate Rici. At pinayagan siya ngayon? O baka naman tumakas siya?

Natigil lamang kami nang nakasalubong namin iyong dalawa


naming lalakeng kaklase. Nagkakamot ng ulo si Fred habang si Roel ay nasa likod ng
ulo ang mga kamay.

"Oh? 'Di ba sa lupain ni Rudy ang tagpuan? Nawawala ba ang dalawang iyan?"
tanong ni Cecille at itinuturo na ang dalawa.

Imposible naman eh nalagpasan na nga nila iyon.

Nang makarating ang dalawa sa aming harapan ay kumulubot agad ang noo ni Roel.

"Akala ko ba pwede na tayo sa lupa nila Rudy? Ba't ang sabi hindi raw pwede?"
inis niyang sabi sa amin.

"Huh? Pero nakapagpaalam na ako..." sabi ko pa.

"Ang sabi niya bubungkalin niya raw ang lupa ngayon doon. Bawal daw tayong
magpractice dahil maaabala raw natin siya," si Freddie naman.
Napatingin sa akin ang tatlo.

"Sigurado kang pumayag si Rudy, Trace?" tanong ni Cecille.

Tumango agad ako.


"O baka naman ang gusto niya ay ikaw lang ang nandoon. Hindi na kami kasali,"
hula naman ni Rose.

"Kakausapin ko nalang ulit," sabi ko at nauna nang maglakad papunta roon.


Sumunod naman agad sila sa akin.

Pagdating namin doon ay nakita ko agad ang imahe ni Rudy na nagbubungkal na ng


lupa pero hindi pa naman sinisimulan roon sa parteng may mga kahoy pa.

"Rudy," tawag ko sa kanya sanhi para matigil ito sa ginagawa.

Kinuha niya ang tuwalyang nakalagay sa kanyang balikat at pinunasan ang


pawisang mukha.

"Hindi kami pwede rito? 'Di ba pumayag kana kahapon?" tanong ko.

"Pasensya na, Trace... Kailangan ko na palang bungkalin ang lupa ngayon... Baka
kasi bukas umulan..." rason niya at nakamot ang batok.

"Hindi mo naman mabubungkal ang buong lupa ngayon, Rudy," inis namang sabi ni
Rose.

Nainis narin ito at iba na ang tingin kay Rose.

"Maghanap nalang kayo ng ibang pagpapractisan," sabi niya pa at noong ibinalik


ang tingin sa akin ay kumalma rin naman ang ekspresyon.

"Pwede kayo roon sa lupain ng mga Buenaventura, Trace... Malawak naman doon..."
suhestyon niya sa banayad na boses.

"Buenaventura?" Tumawa si Roel. "Eh private property nila iyon. Pag pumasok
tayo baka mapagalitan pa tayo ng mga tauhan nila."

"Pero sabi saakin ni Israel pwede ra—" Natutop agad ni Rudy ang kanyang
sasabihin at hindi naipagpatuloy ang pagsasalita.

Nag-iwas siya ng tingin at nagbungkal ulit ng lupa. "Baka makumbinsi niyo si


Israel... Doon nalang kayo," palusot niya.
"Oo nga Trace! Makukumbinsi mo iyon! Tara na! No choice tayo eh!" Hinila rin
naman ako ni Rinka paalis roon.

"Nahihibang na ba kayo? Malalagot tayo pag pumunta tayo roon." Hindi sang-ayong
sabi ni Fred pero sumusunod naman sa amin.

"Kasama natin si Tracey! Lahat pwede sa lupaing iyon dahil may susi tayo!"
Humagikhik pa si Cecille.

Gustuhin ko mang maghanap ng iba pang lugar pero mukhang no choice kami at doon
nalang talaga. Masasayang rin ang oras kung naghanap pa kami ng lokasyon. At medyo
malapit lang rin iyon dito. Kaysa naman lumayo pa kami.

H'wag kanang mag-inarte Trace... Lalo na't nagkikita na naman si Ate Rici at
ang Kuya mo. At sabi rin ni Israel na maghihintay siya roon. Use this chance...
Napapalapit siya sa'yo at kung mas magiging close mo pa siya baka sakaling mapaamo
mo siya katulad noong ginawa ni Ate Rici sa aking Kuya. Hinaplos niya lang sa braso
pumayag agad si Kuya na umalis ako.

Pagdating namin doon ay naroon na nga si Israel. Nanunungkit ito habang may
suot na puting tshirt, ripped jeans at nakasanayan na itim na boots. Masyadong
manipis ang tela na noong mas itinaas niya ang kanyang mga braso ay umangat agad
iyon at nakita ang kalahati ng kanyang tiyan. Kahit ang malalalim niyang collarbone
ay nakita ko rin. Sa batok ay naroon ang iilang kumpol ng hiblang hindi nasasama sa
pagkakatali at ang ilan naman ay tumatakas at minsan ay sinusuklay niya nalang
paatras.

"H-H'wag nalang kaya tayo rito?" Umatras si Freddie nang makita si Israel.
Kahit si Roel ay nag-aalangan rin.

"Hindi 'yan! Nakakailang punta na kaya kami rito!" pagmamayabang pa ni Rinka.

Ibinaba ni Israel ang kanyang panungkit at nilingon kami. Hindi man lang ito
nagulat at ineexpect pa ata nitong dito talaga ang bagsak sa amin. Makikita mo sa
kanyang mukha ang tuwa pero hindi na umabot sa labi iyon.

"Pwede kaming magpractice rito, Israel?" malambing na tanong ni Cecille at


isinabit pa ang buhok sa gilid ng tenga.

Tumango si Israel pero nasa akin ang tingin. Nalipat rin naman agad iyon sa
dalawang lalake naming kasama. Ang kanyang mga mata ay mabilis na dumilim at
nagbago na agad ang timpla ng eskpresyon.

"G-Galit ba siya sa atin, Freddie?" kabadong tanong ni Roel sa aking likod.

Nilingon ko ang dalawa at nginitian. "Ganyan lang talaga siya. Pero hindi naman
siya nananakit," sabi ko na akala mo ay isang mapanganib na leyon ang tinutukoy ko
at nagdadalawang-isip silang baka bigla silang saktan noon. Para tuloy ako iyong
amo ng mapanganib na leyong iyan...

"You can practice here. I'll watch," seryoso niyang sabi sanhi para lingunin ko
siya. Ang mga mata ay parang may pinaparating na sa akin.

Manonood siya? Paano kami makakapagpractice nang maayos kung nakatingin siya?
At takot rin sa kanya iyong dalawa. Tinatakot niya riyan sa mga mata niya. Bakit
Trace ikaw hindi ka takot? Eh isa ka rin naman...

"Sige, ikaw ang judge namin, Israel!" natutuwang sabi ni Rose.

Nagsukatan kami ng tingin. Umangat pa ang kanyang kilay na ikinanguso ko at


wala na atang magagawa dahil mukhang may kumukontrol na sa tadhana para masunod ang
kanyang gusto. O baka naman siya rin ang kumukontrol para pairalin ang kanyang
gusto?

Kumagat ka nalang Trace... Kung ito ang gusto niya ay magpasubo ka nalang. Wala
kanang magagawa.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 16

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Yzah S. Evangelista. Happy reading!
----------

Marahas
Nanatili siya roon habang nagpapractice na kami noong magiging dula namin.
Nakaupo lamang siya at nakapiko ang mga paa, nakalagay ang mga braso sa siko habang
hawak na naman ang kanyang isang pulo, tila may ikinukulong roon sa loob. Ganyan
ang nakasanayan niyang posisyon.

Malalim ang kanyang tingin sa amin. Ni hindi ko magawang gumalaw ng maayos


dahil napapaso na ako sa kanyang titig. Parang gwardyado niya ang bawat galaw ko.

"Heto ang script mo Trace... Ikaw iyong gaganap na Maria, ha... total akma
sa'yo ang description noong babae. Mahinhin,.maganda tapos may maamong mukha."
Ibinigay sa akin ni Rinka ang isa sa mga kapirasong papel doon sa hawak niyang
folder.

Si Rinka kasi ang nagpresentang gumawa sa plot ng dula namin habang si Rose
naman ang sa mga props. Ako naman ang magcocombine nito sa isang scrapbook lalo na
iyong mga makukuha naming litrato habang nagpeperform. Ito ang pinakamalaki naming
project sa Filipino.
"Lemme see the script." Inilahad ni Israel ang kanyang palad kay Rinka na
napakurap na at tila nagulat.

"Bakit?" natatawang tanong ni Rinka. "Babasahin mo? Hindi ito masyadong


maganda... Israel..." paliwanag ni Rinka pero umangat lamang ang kamay ni Israel
bilang sagot.

Ibinigay rin naman iyon ni Rinka at wala ng sinabi pa. Nagkatinginan kami nila
Rose. Nag-usap kami sa pamamagitan ng aming mga mata pero nauwi rin iyon sa
paglilipat ng tingin kay Israel na mukhang binabasa na nga iyon.

"Sige... Magpractice na tayo..." sabi pa ni Rinka kaya pumwesto rin naman kami
at tiningnan ang aming mga hawak na papel.

"May kissing scene, Rinka?" biglaang tanong ni Roel.

"Hindi naman talaga kissing scene. Bale ilalapit mo lang ang mukha mo kay
Tracey... Ganoon lang..." paliwanag niya na mabilis na ikinaangat ng ulo ni Israel
at nagkakasalubong na ang mga kilay.

"Your script is too boring," komento niya na ikinatingin naming lahat sa kanya.

Boring? Huh?
"Bakit? May hindi maganda?" tanong naman ni Rinka at mukhang nababahala sa
komento ni Israel.

"Boring ba? Eh maganda nga kasi 'di ba parang may halikan..." pabulong na sabi
ni Cecille.

"Why don't you change the characters? Tracey will play as Lena," sabi pa ni
Israel at tiningnan ako.

"Teka... Akin ang role na iyon ah?" Nagtatakang pinasadahan ng tingin ni


Cecille ang hawak na papel.

"Kaya ako nagrepresentang ako si Lena kasi sa simula palang ng kwento namatay
agad ito. Hindi ako masyadong magaling umakting kaya ito ang sinabi kong karakter
ko sa kwento..." dismayado niya pang sabi.

"Okay lang sa akin na ako si Maria, Rinka. Dula lang naman ito eh... At baka
mahirapan kana kung babaguhin mo pa iyong characters," paliwanag ko na mabilis na
ikinadilim ng mga mata ni Israel sa akin. Galit ba siya?

"You're just going to change the cast. Hindi iyon mahirap," sagot niya pa sa
akin at nakapaskil na naman sa mukha ang kagustuhang dapat masunod ang kanyang
gusto.
"Hindi ka naman kasali ah?" marahan kong sabi sa kanya na ikinagulat ng mukha
ng aking mga kaibigan.

Nagulat rin naman ako sa aking sinabi at ngumuso nalang. Hindi ko lang
nagugustuhan ang pangingialam niya.

"Ipagpipilitan mo talagang ikaw si Maria? So you want a


kissing scene?" he asked on a deep voice.

"Hindi naman sa ganoon. Pero napagdesisyunan narin kasi," paliwanag ko.

"Hindi naman talaga kissing scene—" Kinain agad ang boses ni Rinka ng
malaawtoridad na boses ni Israel.

"Kung may gagawin kayong kissing scene rito... mapipilitan rin akong isali ang
kamao ko," pagbabanta niya at mariin pang tiningnan iyong si Roel.

Napaatras agad ito at kahit sila Cecille ay nagulat. Si Rinka ay bakas rin sa
mukha ang nararamdamang tensyon. At dahil nasa teritoryo niya kami, nangingialam
siya. Kinokontrol niya kami dahil kami pa itong nasa lupain nila.

Nagsukatan kami ng tingin ni Israel. Inangatan pa ako nito ng kilay at


pinapamukha niya sa aking h'wag matigas ang aking ulo. Siya itong nagiging matigas
na naman ang ulo! Nakikialam...

"H'wag kang pumalag kundi may mukha talaga akong mababasag," seryoso niya pang
sabi sa akin at mukhang binabantaan narin ako na nasa akin ang magiging galaw niya.

Ngumisi agad ng malademonyo si Rose sa akin at si Cecille ay gusto narin atang


asarin ako. Iyong dalawang lalake sa aking likod ay namumutla ang mga mukha at
bakas sa kanilang ekspresyon ang takot. Anong nakain ni Israel? Nasobrahan na ba
siya sa kanyang mga mangga?

"Ako nalang si Maria, Trace! Kaya ko rin namang magpanggap na inosente!"


boluntaryo ni Cecille.

"Anong kaya? Eh paano naman iyong pagiging maganda? Hindi mo iyon


magagampanan!" saway ni Rose sa kanya.

"Oo nga naman Cecille... maamong mukha ang kailangan hindi pariwarang mukha!"
hirit rin ni Rinka at nagtawanan na.
"Dapat si Tracey..." Sa wakas at nagawa ring magsalita ni Roel na kanina pa
tahimik.

"Gusto mo talagang masuntok?" bulong naman ni Freddie sa kanya na hinfi


nakatakas sa aking pandinig lalo na't nasa likod ko lamang sila.

"Eh kung bayagan kita, Roel?" mataray na sabi ni Cecille at tinapunan pa ito ng
matalim na tingin dahil mukhang ayaw niyang makapartner ang aking kaibigan.

Nakipagtawanan ako sa kanila lalo na't inaasar narin ang dalawa. Noong mahuli
ko ang tingin ni Israel na iritado parin sa binabasa niyang script namin ay nabura
rin ang aking ngiti. Nag-angat siya ng tingin kaya mabilis rin akong nag-iwas.
Masyado na ata siyang nacacarried away sa pagpapanggap? Baka nafall na iyan sa
akin...

Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa aking iniisip. Kahit imposible ay hindi ko


iyon maisipang isipin. Ba't naman siya mafafall sa'yo Trace?

Nagsimula rin naman ang practice. Ang bilis na natapos noong part ko dahil
namatay rin naman agad ako. Ako iyong may pinakamaiksing role sa aming dula. Di ko
tuloy alam kung matutuwa ba ako o ano.

"I'll just get some food," sabi ni Israel at tumayo na.

Mabilis na nagningning ang mga mata nilang lahat. Nagtataka ko naman siyang
tiningnan. May papagkain siya?

"Ang bait mo Israel! Salamat!" masayang sabi ni Rinka.

Tumango lamang si Israel saka bumaling sa akin.

"Anong gusto mong inumin?"

Mabilis rin namang nalipat ang tingin ng lima sa akin. Itong si Cecille may
kung ano pang sinisenyas na hindi ko nagets lalo na't sinapak agad siya ni Rose at
humagalpak na ng tawa ang dalawa.

"Kahit ano lang... Uh, tubig..." nahihiya kong sambit.

Tumango naman siya at binasa pa ang pang-ibabang labi.


"Alright... Ano pa?"
Kumunot ang aking noo. Balak niya bang magpahanda sa akin dito?

"Iyon lang," sagot ko naman na ikinatango niya.

"Okay..." masunurin niyang sabi saka rin naman umalis.

Ilang sigundo kaming tahimik at sinundan ng tingin ang pag-alis ni Israel. Ang
aming mga mata ay nasa kanyang likod lang. Doon lamang iyon naputol nang mawala na
ito sa aming paningin.

"Ba't parang may gusto ata iyon sa'yo Trace... May relasyon kayo ni Israel?"
puno ng pagtatakang tanong ni Freddie.

Mabilis akong umiling maliban sa tatlo na tumango tango pa.

"Wala 'no..." pagsasatinig ko para mas maintindihan niya iyon.

"Pero ba't ganoon kapossessive sa'yo? At ang amo sa'yo... Pero sa amin kulang
nalang bitayin kami sa puno ng mangga kung makatingin." Nahimas ni Roel ang kanyang
batok at lumukot pa ang ekspresyon.

"Type kasi ni Israel si Tracey! Manhid lang talaga si Tracey at birhen pa ang
utak kaya walang naiisip na kalaswaan." Tumawa pa si Cecille habang sinusuklay ang
kanyang buhok gamit ang kanyang mga darili.

"Kaya nga pumapayag si Israel na dito tayo dahil kay Tracey. Tapos may pa
pagkain pa!" Binalingan ako ni Rinka. "Sundin nalang natin iyong gusto niyang ikaw
si Lena, ha..."

Umawang ang aking bibig pero natikom rin dahil sa imahe ni Israel na bumalik
agad. May dala na itong malaking tupperware na ikinaexcite nila.

Ganon ganon nalang at napapasunod niya agad ang lahat sa kanya. He's such a
bossy... Ipinipilit pa ang gusto. But on contrary, he's being nice to the people
around him. Tila maamong leyon at hindi agad nagagalit. Kalmado lamang.

Nakarating rin naman ito sa aming dako. Inilapag niya agad ang dala na
pinagkaguluhan rin ng lima. Sina Freddie at Roel ay nag-aalangan pang kumuha kaya
binigyan sila mismo ni Rose. Ako lamang itong nahuhuli at hindi alam kung kakain ba
o hindi.

Kumuha si Israel doon ng dalawang sandwich at lumapit sa akin. May dala narin
siyang bottled water. Ibinigay niya ito sa akin.

Lumingon pa si Rinka rito at bumungisngis.

"Gusto lang palang magpasilbi kaya hindi nakikisali..." pagpaparinig niya na


ikinainit ng aking pisngi.

Hindi ako nagpapasilbi ah! Hindi ko naman inuutusan itong si Israel... He's
extra nice this day.

"Hindi ako gutom," sabi ko kay Israel na umangat ang kilay.

"I am not asking if you're hungry or not. Take it." Mas inilapit niya pa iyon
sa akin.

"Hindi nga ako gutom..." giit ko.

Nagkasalubong ang kanyang kilay at ilang sigundo akong tinitigan. Iniipit niya
ang bottled water sa kanyang braso saka binuksan ang isang sandwich. Kinagatan niya
iyon ng malaki hanggang sa kalahati nalang ang natira.

"Maliit na lang," saka niya ulit inilahad sa akin iyong kalahating sandwich.

Sumimangot ako sa kanya. Bakit ba mapilit siya? Magkakaindirect kiss na naman


kami... Baka mas lalo lang akong mahulog sa kanya kasi natitikman ko iyong laway
niya. Ganoon pa naman daw iyon... Nababaliw daw ang isang tao pag natitikman ang
laway ng kung sino. Nabasa ko iyon eh...

Sa huli ay wala akong nagawa kundi tanggapin iyon. Ngumuso siya at tila
nagpipigil ng ngiti. Sa kanyang likuran ay nakikita ko ang mga mata ng tatlo na
nang-aasar na. Iyong dalawa namang lalake ay hindi na kami pinagtuunan ng pansin at
kumakain nalang.

Umupo ako roon habang nagsimula ulit silang magpractice.


Tumabi naman siya sa akin pero may espasyo paring namamagitan sa aming gitna.

"How many days are you going to have a practice?" tanong niya habang inilalahad
sa akin ang bottled water na nakabukas na.

Nginitian ko siya ng tipid at tinanggap iyon.

"Isang linggo siguro... Depende rin kung makakabisado namin agad," sagot ko
saka isinabit ang iilang hibla ng buhok na nilipad ng hangin sa aking mukha.

"Ah... Isang linggo..." Tumango tango pa siya. "So you're going to be here for
a week."

"Parang ganoon na nga." Inangat ko iyong tubig at ininom. Tumingin naman siya
sa akin, anga mata ay binabantayan ang bawat paglagot ko. Gumalaw pa ang aking mga
mata para tingnan ito at nahuli ang nakaparte niyang mga labi nang kaonti.

Bago pa ako masamid sa malalim niyang tingin ay mabilis ko ring ibinaba ang
tubig. Kung magpapatuloy ang ganito sa loob ng isang taon hindi ko alam kung
maililigtas ko pa ba ang katinuan ko. Binabaliw niya ang bawat kasuluk-sulukan ko!

"Mahal kita, Juaquin!" sigaw bigla ni Cecille at mukhang nadadala na sa


kanilang mga linya.

Tiningnan ni Roel ang hawak na papel at saka ulit nakipagtitigan kay Cecille.
Seryoso na agad ang kanyang mukha.

"Mahal rin kita, Maria... Mahal na mahal..." Humakbang papalapit si Roel at


hinaplos ang pisngi nito.

Mabilis naman na nawala sa concentration si Cecille at humagalpak agad ng tawa.


Mabilis siyang sinapak ni Rinka na kahit si Rose ay inasar ito.

"Natablan sa haplos mo Roel... eh marupok iyan!" natatawang pang-aasar ni Rose.

Napangiti narin ako habang nanonood sa kanila maliban kay Israel na


nagkakasalubong pa ang kilay.

"Ako dapat si Maria eh..." sabi ko pa sa nanghihinayang na boses at


nasasayangan dahil hindi ako nakakasali sa kanilang katuwaan.

Hindi naman talaga ako magaling makihalubilo... Ni hindi rin ako nakakaambag ng
mga salitang pwedeng ikasakit ng kanilang mga tiyan kakatawa. Ako iyong tipong nasa
sulok lang at tatawa kung may nakakatawa, makikinig kung may nagsasalita.

"You don't fit on the role," he said firmly.

Nilingon ko siya. "Bakit naman hindi? Kahit mahiyain ako marunong rin naman
akong umarte lalo na kung para iyon sa grado. Marunong nga akong sumayaw para lang
sa grado. Nawawala minsan ang hiya ko pag grado na ang sangkot."

Binasa niya ang pang-ibabang labi at sinuklay paatras ang buhok, hindi agad
nakasagot. Napadpad sandali sa kanyang suot na earrings ang aking mga mata pero
nalipat rin naman sa kanya.

Idinikit ko naman ang aking mga nakapikong hita saka ko inilagay ang aking mga
braso roon at ginawa iyong unan ng aking ulo. Nakaharap ako sa kanya at
pinagmamasdan ang bawat magiging reaksyon niya.

I can't help but to praise his side profile. Namamangha ako sa umiigting niyang
panga. Sa tangos niyang ilong. Sa makapal at maitim niyang kilay at idagdag rin ang
pilikmatang tila tinatakpan ang madidilim niyang mga mata. May tumakas na sinag sa
mga puno at tumagos sa aming dalawa. Kuminang ang suot niyang earring at nilingon
ako.

Nagkatagpo ang mga mata namin. His light brown eyes scream cruelty and
dominance as he licked his lowerlip again and stared at me deeply. Tila huminto ang
oras at kami nalang dalawa. Nasundan pa ng aking mga mata kung paano niya inangat
ang kanyang kamay at tinakpan ang sinag ng araw na tumama sa aking mukha. The way
he shade me suddenly flatters my heart.

"I don't want you to be the main character if I'm not on


the story..." he drawled almost a whisper.

My cheek blushed. Kahit na hinarang niya na ang sinag ng araw, pakiramdam ko ay


may tumagos parin at sinikatan ako kaya ganoon nalamg iyon kainit.

Kung isa parin iyan sa mga plano mo, Israel... Ngayon palang gusto na agad
kitang iyakan. Paano mo nagagawang patibukin ang puso ko kung wala ka naman
talagang balak panindigan ito? Do you want me to fall hard with you intentionally?
Hindi na ba impormasyon tungkol kay Kuya ang binabalak mong kunin sa akin kundi
pati ang loob ko?

Aray. Ang sakit pala talaga. Bakit pa inimbento ang lason kung sa pag-ibig
palang ay papatayin kana sa'yong emosyon? How can love taste like heaven but feels
like hell at the same time?

"Oh my gosh! Ba't kayo nandito?! Private property ito ah!" Isang pamilyar agad
na boses ang kumuha ng aming atensyon.

Naputol ang titigan namin ni Israel na kahit ang pagpapractice nila ay nahinto
narin para tingnan ang babaeng binalot ng inis ang pagmumukha suot ang isang kulay
itim na dress at ang buhok ay nakahalf ponytail pa. Masyado itong presentableng
tingnan na mapagkakamalan mo talagang nakatira rin sa malaking bahay ng mga
Buenaventura.

Tumayo ako na kahit si Israel ay tumayo rin. Sumuyod agad ang mga galit na
matang iyon hanggang sa natagpuan nito ang imahe ni Israel.

Naglakad agad siya papalapit kay Israel. Pasimple naman akong lumayo sa kanila.
Nilingon ako ni Israel pero nailipat rin kay Feli na hindi na makalma.

"Israel? Asan si Rici? At bakit nandito silang mga hampaslupa?" Nilingon niya
kami at disgustong tiningnan.

"Nagsalita ang mukhang lamanglupa," sagot naman pabalik ni Rinka kaya tiningnan
ko agad ito at inilingan. Na baka may gawin siyang magpapalala lamang ng sitwasyon.

Inis siyang tiningnan ni Feli pero nalipat rin naman agad ang tingin kay
Israel. Kumalma agad ang kanyang ekspresyon.

"Nasaan si Rici? 'Di ba grounded siya?"


"Pinayagan ko," tipid na sagot ni Israel at ibinulsa ang mga kamay.

"Huh?! Bakit?! At bakit sila nandito?!" Itinuro niya pa kami. Tinapunan niya pa
ako ng matalim niyang mga mata.

"Ang kapal rin..." sambit ni Rose sa matabang na boses.

"Pag nalaman ni Tito Facundo na nagpapapasok ka rito ng mga hampaslupa


magagalit iyon!" dagdag niya pa kay Israel na tinitingala niya.

"Sus... Pinapapasok ka nga," sagot naman ni Cecille.

Tinapunan rin siya ng matalim na tingin ni Feli saka rin ibinalik kay Israel.

"Paalisin mo sila, Israel... Pag nalaman ni Tito Facundo ito magagalit—"

"Enough, Feli. Just go home. Wala rito si Rici. Come here next time," putol sa
kanya ni Israel sa matigas na boses at tila nagtitimpi ng huwag sumabog.

Lumunok ako ng laway at nakaramdam ng takot. Baka kung pinagpilitan pa ni Feli


ang kanyang gusto ay sasabog na talaga sa galit si Israel.

Iginala muna ni Feli ang kanyang tingin sa amin at hindi parin nabubura ang
disgusto sa kanyang mga mata.

"Kung may pauuwiin ka sila dapat! Matalik ako na kaibigan ni Rici at close ang
pamilya namin sainyo! Iyang mga iyan ay mga hampaslupang peperahan hindi lamang ang
iyong kapatid kundi pati ikaw—"

"Fuck it!" Marahas na mura ni Israel at dumilim agad ang mga mata. Nabalot ng
takot ang mukha ni Feli na bahagya pa siyang napaatras at halos mapatalon narin
kami sa gulat.

"Baka nakakalimutan mo Feli? This is our land. Buenaventura ang nagmamay-ari


nito at batas ko ang masusunod dito. Ano ka nga ulit dito? Now, go home before I'll
call some men to drag you out," marahas niyang sabi at itinuro ang palabas ng
lupain. Mas grumabi ang ipinukol niyang tingin kay Feli na kahit ako ay natakot na
sa kanyang inaasta.
Namutla ang gulat na mukha ni Feli at tinubuan ng hiya dahil sa sinabi ni
Israel sa kanya. Bumyahe sa buo niyang mukha ang pagkamuhi sa amin at hindi ko na
matantya ang malaki niyang galit na binubuo sa pamamagitan ng tinging iyon.

"Nabrainwash kana rin!" sigaw niya sa nanlalabong mga mata at tumakbo rin naman
paalis.

Israel's strong jaw tightened as he placed his both hands on his hips. Nakagat
niya ang pang-ibabang labi at pilit na atang ikinakalma ang sarili.

Binalingan niya ako kaya napalunok agad ako ng laway at napaatras sa takot.
Kumurap siya saka unti-unting nabura ang pagsiklab kanina hanggang tuluyan itong
kumalma. Naiparte niya ng kaonti ang kanyang labi habang pinagmamasdan akong
naglalakad palayo sa kanya at papunta na sa grupo nila Rinka. I heard him take a
deep breath as he shut his eyes harshly.

"U-Uwi nalang muna tayo, Rinka. Bukas nalang ulit..." sabi ko.

Ang wala sa sarili kong mga kaibigan at nakay Israel ang tingin ay nagsibalikan
rin naman sa kanilang sarili.

"Sigurado ka, Trace?"

Tumango agad ako, walang pagdadalawang isip na makaalis narin doon. I can't
stand this place. Ewan ko ba... Ito ang kauna-unahang beses na nakita ko siyang
sumiklab at tila may bumalot na takot sa akin.

"Sige... Uh... Israel... Uwi na kami. Bukas nalang daw ulit..." paliwanag ni
Rinka na kahit siya ay hindi makatingin ng deritso sa kanya.

Hindi ko na nilingon si Israel at humawak nalang sa braso ni Cecille.


Nanghihina ang aking tuhod at nanlalambot. Kailangan ko ng makakapitan.

Nauna pang naglakad paalis sina Roel at Freddi. Nagsimula narin akong maglakad
pagkatapos magpaalam ng tatlo sa kanya.

"Trace..." Biglang tawag niya sa akin sa masuyong boses na ikinatigil ko sa


paghakbang.

Nilingon ko ito at nakita ang kalmado niyang mukha, malayong malayo kanina.
Hilaw akong napangiti ng tipid saka rin naman tumalikod at ipinagpatuloy na ang
paglalakad.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 17
Vote. Comment. Be A Fan.
Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Nabighani
Pang-ilang buntong hininga na ako habang nakahiga sa aking higaan. Hindi pa ako
dinadalaw ng antok. Hindi matanggal sa isipan ko iyong nangyari. Mababaw palang ang
galit na iyon pero natatakot na ako. Paano kung nalaman niyang nagkikita si Kuya at
si Ate Rici? Sasabog ba siya sa galit? Sasaktan niya ba ang aking kapatid?

Iyon ang bumabagabag sa akin. Masasali ba ako sa kanyang galit lalo na kung
nalaman niyang alam ko pala iyon pero hindi ko man lang nababanggit sa kanya?
Magagalit rin ba siya sa akin ng ganoon katindi katulad ng ginawa niya kay Feli?
He's raging anger is just too much. Baka humagulhol rin ako sa takot.

Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng maiinom. Sakto namang may bumukas ng pintuan
at nagkasalubong ang tingin namin ni Kuya. Napakurap ito.

"Di ka pa natutulog?" tanong niya sa mga mata niyang bakas ang pagod.

"Uh... Nagising ako kasi nauuhaw ako, Kuya," sagot ko nalang at ipinakita sa
kanya ang kinuha kong baso.

Nilagyan ko iyon ng tubig. Nilingon ko si Kuya na umuupo na sa dekahoy naming


upuan habang hinuhubad ang suot niyang sapatos. Ibig sabihin... Alas dos na ng
madaling araw? Ganoon ako katagal nagmumi-muni.

Imbes inumin ang tubig ay inilapag ko iyon sa harap niya.

"Kuya... Heto."
Umupo siya ng maayos at nginitian ako. Hinawakan niya ang baso saka iyon
inangat para inumin ang tubig. Nanatili naman ako sa kanyang tabi at tinitingnan
lamang ito.

Inubos niya iyon saka muling inilapag. Kinuha niya ang nahubad niyang sapatos
at itinabi iyon sa gilid. Ang kanyang mga matang namumungay na ay napatingin ulit
sa akin.

"May practice ulit kayo bukas?" tanong niya na ikinatango ko naman agad.

"Opo... Uhm... Sa lupain nila Rudy..." paliwanag ko at hindi agad makatingin sa


mga mata niyang naninimbang.

"Sasama ako," sagot niya na ikinalaki ng aking mga mata.

"Huh? Bakit naman, Kuya?" Nagulat ako roon.

"Oh? Practice iyan 'di ba? Edi sasama ako. Manonood ako," simple niyang sagot.

"Oo nga pero... Hindi ba pupunta si Ate Rici rito bukas?"

Umawang ang kanyang labi para sana sumagot agad pero natikom rin. Natigilan
siya ng ilang sigundo. Ibig sabihin pupunta si Ate Rici rito bukas? Papayagan ulit
siya? Sinasabi niya ba kay Israel na dito ang kanyang destinasyon? Dahil kung
sinabi niya sigurado akong hindi siya papayagan.

"Hindi kami makakapractice nang maayos pag nandoon ka Kuya... Crush na crush ka
pa noong tatlo. Baka sa'yo lang sila magconcentrate." Sumimangot ako sa kanya na
ikinaangat agad ng kanyang kilay.
"Nagdadahilan ka lang ata para hindi ako makasama. Siguro..." Naninimbang na
ang kanyang mga mata sa akin. Umiling agad ako kahit na wala pa naman siyang
sinasabi.

"Wala akong boyfriend ah! At wala akong kalandian!" depensa ko agad sa aking
sarili at umiling iling pa.

Nagkasalubong naman agad ang kanyang kilay. Nagawa niya pang itukod ang isa
niyang siko sa mesa at isinandal doon ang kanyang pisngi. Ang mga mata niya ay tila
inaantok na pero gusto pang makipag-usap sa akin.

"May sinabi ba akong ganyan?"


Ngumuso ako, "wala pero halatang doon papunta ang tinutukoy mo..."

"At guilty ka kaya dinidepensahan mo agad ang sarili mo."

"Hindi nga Kuya! At sino naman ang magugustuhan ko rito?"

"Si Israel," walang paligoy ligoy niyang sagot na ikinalunok ko. Na iyon lang
ang lalakeng nandito kaya siya agad ang nasabi niyang pangalan.

"H-Huh? Eh mayaman iyon 'tsaka imposible akong mapansin noon, Kuya," mapakla
akong natawa.

Sandaling napadpad ang kanyang tingin sa ibang bahagi. Ako naman itong lumunok
ulit at hindi mapakali ang aking mga mata.

"Paano kung lumapit lapit iyon sa'yo? Paano kung landiin ka? Bibigay ka agad
dahil lang guwapo ito at mayaman ganoon ba, Trace?" Umangat agad ang kanyang kilay
sa akin.

Umiling ako. "H-Hindi ah! At imposible iyon—"

"Kunwari lang... Paano kung mangyari iyon?" putol niya naman sa akin na akala
mo ay siguradong sigurado.

Ngumuso ako at napisil ang aking pang-ibabang labi. Mas lumukot lamang ang
kanyang ekspresyon dahil sa aking pag-iisip.

"Imposible iyon—"
"Paano kung posible nga?" putol niya naman.

"Oo... Posibleng lumapit lapit siya pero imposible naman siguradong magkagusto
siya sa akin 'di ba? Ito lang ako oh, Kuya..." Tiningnan ko pa ang aking sarili na
may suot na pantulog na bistida at nakalugay ang mga buhok na medyo kulot na naman
ang dulo.

"Hindi namimili ng sasaktan ang gagong lalake, Trace..." he said firmly.

Bumuntong ako ng hininga. "Eh kuya hindi naman iyon ang point. Ang sabi ko ay
ganito lang ako. Simple. Ni hindi ko nga alam kung maganda ba ako." I chuckled
weakly as his gaze softened.

"Maganda ka ah?"
"Huh?" Tumawa ako sa sinabi ni Kuya.
"Maganda ka naman," sagot niya sa mas malinaw na boses.

"Sinong mas maganda sa amin ni Ate Rici?" tanong ko sa kanya.

Umawang ang kanyang bibig pero natikom sandali. Sumimangot naman agad ako.

"Kapatid mo ako Kuya..."


"H'wag kang abusado. Basta maganda ka. Iyon na 'yon," sagot niya at pilyo pang
ngumisi sa akin.

"Mas mahal mo na ata si Ate Rici kaysa sa akin eh..." Nagpanggap akong maging
malungkot.

Tumawa lamang siya at kagat kagat na ang pang-ibabang labi. Pumikit siya at
napadpad na ang kamay sa kanyang noo.

"Nakakamiss..." bulong niya roon at mas lumapad pa ang ngisi.

"Namimiss mo pero pag nandito pauuwiin mo," singit ko sa kanyang pagmomoment na


ikinabura agad ng kanyang ngiti.

Kumurap ako at naitikom agad ang aking mga labi lalo na't nagkakasalubong na
ang kilay niya at nasa akin ulit ang tingin.

"Panira ka. Matulog kana roon..." Sinenyasan niya pa akong umalis na sa kanyang
harapan.

"Sige Kuya... Goodnight!" Marahan akong humagikhik at pumasok narin naman sa


aking kwarto.

Sila ni Ate Rici naman ang laman ng aking utak nang humiga na ako. Hinila ko
ang kumot saka ko tinakpan ang aking sarili. Naisip ko iyong inaasal ni Kuya minsan
kay Ate Rici. Nagsusuplado siya pero lumalambot agad. Namimiss niya pero tinataboy
niya naman pag nandiyan na. Bakit kaya? May mga pagkakataon bang ayaw niya nalang
iyong ipaglaban dahil alam niyang masyadong komplikado?

Dinalaw rin naman ako ng antok pagkatapos sumakit ang aking


ulo kakaisip sa mga iyon. Kahit saan nalang napapadpad ang aking utak na dapat
hindi ko pinoproblema pero iniisip ko parin at pinapasan rin iyon.

Tinanghali ako ng gising. Paglabas ko ng kuwarto ay si Ate Rici na ang nadatnan


ko sa may lamesa at matamis ang ngiti habang nilalagyan ni Kuya ng plato ang
kanyang pagkain. Ilang sigundo akong naroon at nasa kanya na ang aking tingin.

"Hi Trace..." Bati niya sa akin nang magkasalubong ang aming mga mata. Tipid
akong napangiti at nahihiya sa aking hitsura.

Napalingon narin si Kuya sa akin pero ibinalik rin naman sa plato ni Ate Rici.

"Kumain kana rin dito," sabi niya.


Nagtungo agad ako sa lababo at naghilamos. Nabasa pa ng kaonti ang aking damit
saka ulit ako nagmadaling bumalik sa kuwarto para punasan ang aking mukha. Sinuklay
ko narin ang buhaghag kong buhok.

Lumabas rin naman ako at nahihiyang nagtungo sa tabi ni Kuya. Umupo ako roon
habang busy parin siya sa kakalagay ng kung ano ano sa plato ni Ate Rici.
"Iyong kapatid mo naman..." malambing na sabi ni Ate.

"Malaki na 'yan," tanging sagot niya na ikinanguso ko at nagsandok ng makakain


ko.

"Malaki narin ako ah! At mas matanda pa nga ako sa kapatid mo!" Natatawang sabi
ni Ate Rici.

Tumagilid pa ang aking ulo para silipin siya roon sa tabi ni Kuya. Napansin ko
agad ang magara at maganda niyang suot na peach na dress. May pagka offshoulder
iyon habang ang kanyang mga buhok ay naka high ponytail at kitang kita ang
malalalim niyang collarbone. Ang kanyang pabango ay kumalat sa loob ng aming bahay.

May kung anong binulong sa kanya si Kuya na ikinapula ng pisngi nito. Tahimik
akong sumubo sa kanilang gilid at napansin pang masasarap ang pagkain at nasa
tatlong putahe iyon. Sa gitna naman ay isang kahon ng pastries at mukhang si Ate
Rici na naman ang may dala.

Pasimple ko silang tinitingnan habang kumakain. Nagiging invinsible narin kasi


ako rito sa gilid ni Kuya dahil binibigay niya ang buo niyang atensyon kay Ate
Rici. Hindi naman ako naiinis lalo na't masaya rin ako para sa kanya. Total palagi
naman kaming magkasama tapos sila minsan lang at mga nakaw na sandali pa.

Sumubo ako at napadpad ang mga mata sa ibaba kung nasaan ang hita ni Ate Rici.
Naroon ang isang kamay ni Kuya at nakahawak na parang tinatakpan niya iyon ng
malapad niyang palad kahit na may balat paring nakikita.

Sumagi ulit sa aking isipan ang pagsiklab ni Israel kahapon. Paano kung nalaman
niyang nandito si Ate Rici at sumugod siya bigla tapos susuntukin niya si Kuya?
Paano ko ipagtatanggol si Kuya kung ganoon nga ang mangyari pero takot rin naman
ako kay Israel?

Tigilan mo nga iyan, Trace! Kahit ano ano na naman ang pinag-iisip mo! Tapusin
mo nalang agad iyang pagkain mo nang hindi kana makadisturbo sa dalawa.

Binilisan ko nga ang aking pagsubo. Nauna nga akong matapos dahil nag-uusap pa
sila ng kung ano ano at nagkakatuwaan pa. Panay rin ang bulong ni Kuya sa kanya.
Siguro ayaw niyang marinig ko. Siguro natatakot siya na gayahin ko ang kapusukan
niya.

Paano ko gagayahin? Bulung-bulungan ko rin si Israel ng kung ano ano tapos


maweweirduhan lang iyon sa akin at baka masapak pa ako.

Naligo rin naman ako at mabilis na nagbihis para pag dumating ulit iyong tatlo
ay deritso na kami sa pag-alis at hindi na sila tumambay pa rito. Baka kasi maulit
iyong nangyari kahapon at hirit-hiritan nila si Kuya eh halatang ayaw ni Ate Rici.

Sinusuklay ko na ang basa kong buhok nang lumabas ako at tapos ng magbihis ng
simpleng floral prints na bistida at may ribbon sa may parteng dibdib. Lagpas tuhod
ko iyon.

Si Kuya Bram ay naghuhugas ng plato habang pinapanood


lamang siya ni Ate Rici at nililingon lingon siya nito ng bawat sigundo.
Napadpad ang kanyang mga mata sa akin.
"Practice niyo ulit?" tanong niya na ikinatango ko ng marahan.
"Oo nga pala... May dala ako para sa'yo." Ngumiti siya ng matamis at may
kinuhang paperbag sa ilalim ng lamesa.

Inilahad niya iyon sa akin na kahit si Kuya ay nakikiusyoso na ang mga mata sa
aming dalawa.

"Nakakahiya po Ate Rici..." Umiling ako sa kanya at tinanggihan agad ang


kanyang bigay kahit na hindi ko naman alam kung ano ang nasa loob ng malaking
paperbag at may tatak na Chanel?

"No... Take it. Since masyadong marami iyong padala sa akin ng Antie ko naisip
narin kitang bigyan total babae ka rin naman."

"Kahit na po..." Ngumuso ako at nilingon si Kuya na nasa amin parin ang tingin
habang nagbabanlaw noong mga plato.

"Please? Tanggapin mo na..." Inalog alog niya pa ang paperbag na iyon.

"Hindi rin naman mahilig sa ganyan si Tracey, Riss..." sabi ni Kuya sa


baritonong boses at mukhang pati siya ay ayaw na tanggapin ko iyon.

Sumimangot si Ate Rici.


"Bram, please? Di naman ito nakakasama sa kanya." Pumungay pa ang kanyang mga
mata na ikinabago rin ng ekspresyon ni Kuya.

"Tanggapin mo na, Trace..." sabi narin ni Kuya sa akin.

Lumiwanag agad ang mukha ni Ate Rici. Tumayo pa siya at hinila ang aking pulso
papunta roon sa upuan. Pinaupo niya ako saka niya inilapag sa aking hita iyong
paperbag. Nalaglag ang aking mga mata roon at nakita ang mga make-ups, perfume at
isang pares ng damit.

"Total napapansin ko wala kang nilalagay sa mukha mo pwede mo iyang gamitin


since magdadalaga kana rin naman. This shade of lipstick will suit you." May kinuha
siyang lipstick doon at binuksan iyon.

"Here... Lalagyan kita." Hinawakan niya ang aking baba at sinimulan na nga
akong lagyan noon kahit hindi pa ako pumapayag.

Sa gilid naman ng aking mga mata ay nakikita ko ang pag-iling ni Kuya Bram.
Seryosong seryoso ang paglalagay ni Ate Rici sa akin na kahit ang medyo malapit
niyang mukha sa akin ay malinaw ko ng nakita. Mas maganda pala ito sa malapitan.

Pagkatapos niya akong lagyan ay nakontento rin naman siya sa resulta.

"Ayan! You don't look pale anymore!" Ngumisi pa siya pa tiningnan si Kuya na
tila problemado na sa pinaggagawa ni Ate Rici.

"Tingnan mo ang kapatid mo, Bram. Isn't she pretty?" Proud na tanong ni Ate
Rici pero si Kuya Bram ay ngumiwi lamang sa akin.

"Baka mahilig iyan sa pagmimake-up at mahilig na sa pagpapaganda," tanging


komento ni Kuya.

"KJ ka! Aminin mo nalang kasing maganda ang kapatid mo at darating ang araw na
pagpipilahan rin siya ng mga lalake rito."

"Nasa bakuran palang sila tatapunan ko na sila ng kumukulong tubig at babatuhin


ko rin ng kawali," inis na sabi ni Kuya na ikinanguso ko. Ang brutal naman Kuya...

Tumawa naman si Ate Rici pero may panibagong kinukuha sa loob ng paperbag.
Iyong perfume naman ang dinampot niya saka niya iyon inispray sa akin.

Noong hindi siya nakontento sa kanyang pinaggagawa, kahit ang ayos ng aking
buhok ay iniba niya narin. Simpleng nasa gitna kasi ang hati noon at nakasabit pa
palagi sa bawat gilid ng aking tenga ang iilang hiblang nalalaglag. Ngayon ay hindi
na pantay ang pagkakahati niya roon. Mas malaki sa kabila at kaonti nalang sa
kabila. Nahuhulog pa ang iilang hibla noon at tumatakip na sa aking isang mata pero
kailangan ko lang daw hawiin.

"Look at her, Bram!" Nagsisigaw na si Ate Rici pagkatapos


akong ayusan.

Ang paglalagay ni Kuya sa mga plato sa lalagyan ay sandaling naantala nang


makita niya ako. Namangha siya ng ilang sigundo na kahit ang kanyang mga labi ay
umawang na ng kaonti.

"Ang ganda ganda mo Trace! Mag-ayos kana palagi! Pag pumasok ka ng ganito sa
school hindi malabong makakuha ka agad ng atensyon." Pumalakpak pa si Ate Rici sa
sobrang tuwa habang ako itong nahihiyang ngumiti nalang.

"Maghilamos ka pag lalabas kana, Trace... H'wag kang lalabas nang ganyan," si
Kuya na hindi na naman maipinta ang mukha.

Tumawa si Ate Rici. Nagawa pa siyang tingnan ni Kuya pero hindi iyon tumalab at
mas natuwa lamang ito.

"Salamat po sa mga ito, Ate..." sabi ko sa kanya.

"No worries, Trace! Pag naging mag-asawa na kami ng Kuya mo madalas rin kitang
aayusan," sabi niya sa masayang boses na ikinanguso ng aking kuya at tila
nagpipigil na ng ngiti.

"Baka mas marami ka pang oras sa kanya kaysa sakin," pagpaparinig naman ni Kuya
na tila nagtatampo.

"Baka nga ikaw pa ang mas maraming oras sa ibang babae kaysa sakin!" Umirap rin
naman agad ito at mabilis na nagbago ang ekspresyon.

"Selosa," natatawang sabi ni Kuya at nagawa pa itong hilain papalapit sa kanya


dahil tapos na itong maghugas.

Hindi na naman ako napansin ng dalawa. Pumasok nalang ako sa kwarto dala dala
iyong paperbag at tiningnan ang aking sarili sa salamin. Ganoon nalang ang gulat ko
nang makita ko ang aking hitsura. Ni hindi ko makilala ang aking sarili at manghang
mangha sa aking mukha. Ang maputla kong nipis na labi ay mamula mula na ngayon na
kahit ang ayos ng aking buhok ay binago ang kabuuan kong hitsura.

Doon lamang ako natigil sa kakatitig sa aking sarili nang marinig ko ang boses
ng tatlo. Nagmadali agad akong lumabas at nagpaalam na kina Kuya.

"Tara!" Anyaya ko agad sa tatlo at hindi na sila pinayagan pang dumungaw sa


bintana.
Habang naglalakad kami ay napapansin ko ang bawat paglingon nila sa akin.
Nagkakasalubong ang kilay ni Cecille habang si Rose naman ay hindi na magawang
ibalik ang mga mata sa daanan. Nagawa pang lumapit lalo ni Rinka sa akin para lang
amuyin ako.

"Nagpaganda at nagpabango! Plano mong akitin si Israel 'no?!" Pang-aakusa ni


Rinka sa akin sa nanlalaki niyang mga mata.

Umiling agad ako pero bago pa man makasagot ay hinawakan na ni Cecille ang
magkabila kong pisngi.

"Nagagandahan naman ako sa'yo Trace pero hindi ko alam na may mas igaganda ka
pa pala pag hindi ka maputla at hindi mala Maria Clara ang ayos ng iyong buhok! Ang
ganda ganda mo!" mungkahi niya sa namamanghang boses.

Ngumuso ako at pinamulahan na ng pisngi dahil sa kanilang mga compliments.

"Nako! Sa lupain talaga tayo nila Israel magpractice Trace! Sayang iyang ganda
mo pag hindi rin nakita ni Israel!" suhestyon pa ni Rose.

"Hindi pwede!" Awat ko agad sa tatlo habang naglalakad kami.

"Anong hindi? Saan tayo magpapractice kung ganoon?" Umangat ang kilay ni Rinka
sa akin.

"Sa iba nalang basta h'wag lang doon..." Mahina kong sabi na ikinailing nila.

"Hindi pwede! At isa pa, hindi naman ikaw ang pinagalitan ni Israel Trace!
Iyong social climber na si Feli ang pinagalitan niya." Paglilinaw pa ni Rose sa
akin.

"Oo nga... H'wag kang matakot eh kasama mo naman kami. At hindi pwedeng hindi
ka niya makita Trace! Ang ganda ganda mo ngayon! Payagan mo naman kaming ipagmalaki
ka sa lalakeng iyon!" si Rinka.

"Oo nga! Eh ang bait bait nga ni Israel sa atin... May pameryenda pa!" si
Cecille.

Mukhang hindi ko na maaawat itong tatlo at sesidido naring pumunta roon.


Nadatnan ulit namin sina Roel at Freddie na kausap si Rudy sa lupain nito. Nang
makalapit na kami ng tuluyan ay nalipat rin naman agad ang kanilang mga mata sa
akin pero hindi nagtagal ay napunta agad sa akin ang buo nilang atensyon.

"Tracey? Ikaw ba 'yan?" Gulat na tanong ni Rudy sa akin na ikinatango ko at


ngumiti ng kaonti.

"Uh... Binago ko lang ang ayos ng buhok ko at medyo kinulayan ang maputla kong
labi." Paliwanag ko sa kanila at napansin na si Roel na hindi na kumukurap.

"Ang ganda mo pala talaga Trace 'no? Kaya pala ang raming nagkakacrush sa'yo sa
classroom natin," siwalat ni Freddie na ikinagulat ko.

"Maraming may crush kay Tracey?" Gulat ring tanong ni Rose.

"Oo... Halos lahat ata ng mga kaklase nating lalake," sagot niya naman at
ibinalik agad ang tingin sa akin.

May mga nagkakagusto pala talaga sa akin sa classroom? Hindi rin naman kasi ako
masyadong madaldal at nakikihalubilo sa iba ko pang mga kaklase kaya wala rin ako
ganoong alam sa mga nangyayari sa loob. Nagugulat nalang ako sa mga ganitong balita
dahil kahit ako ay hindi makapaniwalang meron pala talagang nagkakagusto sa akin sa
kabila ng pagiging simple ko.

"Talaga? Eh sa amin ba? Meron?" tanong ni Rinka at may pilya ng ngiti.

Hindi agad nakasagot ang dalawa. Si Rudy ay pasimple pang tumawa habang ang
tatlo ay unti-unti naring napasimangot.

"Mga unique kasi tayo Rinka... Mga may sapat na pang-unawa at malawak lamang
ang isip ang magkakagusto sa atin." Tumatawang sabi ni Cecille.

Nakipagtawanan narin ako sa kanila na kahit iyong ilang hibla ng aking buhok ay
nalaglag pa at hinawi ko nalang katulad ng turo ni Ate Rici. Nahuli ko pa ang mga
mata ni Roel sa akin.

"Ikaw nalang kaya ulit si Maria Trace?" Wala sa sarili niyang sabi na
ikinakurap ko.

"Nabighani kana Roel." Tinapik tapik pa ni Freddie ang kanyang balikat.

"At bakit ikaw hindi?" tanong niya sa kaibigan na tinubuan agad ng hiya sa
mukha.

Ako naman itong hindi alam kung anong angkop na reaksyon sa kanilang pamumuri
sa bago kong ayos. Si Israel kaya... Magiging katulad rin ba sa kanila ang reaksyon
niya? O baka naman hindi niya rin mapapansin.

"Rinka, si Trace nalang si Maria," kumbinsi pa ni Roel na kahit si Cecille ay


matalim na ang tingin sa kanya.

"Sige Roel! Ipagpilitan mo talaga iyan kundi may madagdag na tauhan sa dula
natin at makakaeksena mo talaga ang kamao ni Israel!" Pangbabanta naman ni Rinka sa
kanya na ikinaputla niya rin agad habang kinakamot ang kanyang batok.

Nang marinig iyon ni Rudy ay tila naging interesado agad ito.

"Kaya pala... Totoo pala talaga ang hinala ko," sabi niya sa kanyang sarili na
ikinakunot ng aking noo.

"Kaya pala ano, Rudy?" pagkaklaro ko na mabilis niya rin namang ikinailing.

"W-Wala... Uh sige... Magbubungkal na ulit ako ng lupa." saka ito nagmadaling


umalis sa aming harapan.

Nacucurious tuloy ako kung si Israel ba ang tinutukoy niya. Ano kaya iyon?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 18

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
More Than Anything
Maingay na naman silang tatlo habang naglalakad kaming anim papunta sa lupain
nila Israel. Nagrereklamo pa si Freddie na natatakot daw siya kay Israel at baka
bigla siyang masuntok pero hindi niya rin mahindian ang meryenda.

"Ano ba talaga kayo Trace?" tanong ni Roel sa akin nang magbalik ulit kahapon
ang eksena sa aming isipan.

"Kaibigan?" Hindi ko siguradong sagot dahil maski ako ay napagtanto ang bagay
na iyon.

Ano ba kami? Kaibigan? Pero hindi naman iyon friendly sa mga babae at alam ko
namang napipilitan lamang siyang lumapit-lapit saakin. Edi anong ipapangalan ko sa
aming dalawa? Kaibigan kunwari?

"MU sila ni Trace... Gusto siya ni Israel Roel," si Rinka na ang sumagot na
akala mo ay totoo iyan.

"Hindi!" sagot ko agad at umiling iling pero ang mukha ng mga lalake ay tila
iyon na ang pinapaniwalaan.

"Oo may gusto si Israel kay Trace at si Tracey lamang ang manhid at hindi
marunong makiramdam. Palibhasa tagabundok," natatawang biro ni Cecille sa akin na
ikinatawa narin ng dalawa.

Sumimangot ako at hindi na sila maawat sa kanilang mga akusasyon sa amin ni


Israel.

"Ayaw mo kay Israel, Trace?" tanong ni Freddie.

Sasagot na sana ako pero itinikom ko rin agad ang aking bibig dahil hindi ko
masabing hindi at hindi ko rin masabing gusto. Hindi ko lang talaga kayang ilabas
ang aking nararamdaman dahil alam ko namang mababasura lang iyon.

Binangga ako ng marahan ni Rose.


"Asus... Crush mo rin iyon eh!" mas asar niya pa sa akin at malaki na ang
ngisi.

"Hindi nga raw sabi ni Tracey," si Roel na mismo ang sumagot at iritado pa
habang nasa bulsa ang mga kamay.

Umabante pa si Rinka sa paglalakad hanggang sa dungawin niya ang mukha ni Roel


at natatawa itong tinuro turo.

"Nagseselos ka ata eh!"


"Tigilan mo nga Rinka." Hinawi niya ang kamay ni Rinka at naiinis na nilagpasan
ito.

Humagalpak ng tawa ang tatlo habang napakurap naman ako. Hinabol agad ito ni
Freddie at inakbayan pa. Gusto ako ni Roel? Pero bakit naman? Hindi ko talaga
magets ang mga lalakeng nagkakagusto sa akin. Ano namang nagustuhan nila sa akin?
Wala nga akong experience sa mga ganyan eh.

"Ano? Gusto niyong kumpirmahin kung gusto ni Israel o hindi si Trace?"


Makahulugan na ang ngisi ni Rinka nang malapit na kami sa lupain.

"Paano?" tanong ni Cecille habang sinusuklay ang buhok gamit ang kanyang mga
daliri.

"Simple lang! Paselosin natin!" May pagesture gesture pa ito sa kanyang kamay
sa kanyang naisip.
"Oo nga 'no?!" Napapalakpak na si Rose at mukhang sang-ayon sa ediya ni Rinka.

Umiiling iling na ako pero hindi ako pinapansin at tatlo at masyado na sila
nadadala sa pagsasaya. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at kinabahan sa kanilang
binabalak. Mabibigo lang sila. Hindi naman iyon magseselos. At masasampal lamang sa
akin ang katotohanang iyon.

"H'wag na... Hindi naman iyon gagana," agad ko sa kanila.

Lumukot agad ang ekspresyon ni Rose sa akin.

"Gagana iyon, Trace! Kahapon nga halos saksakin niya si Roel sa matalim niyang
mga mata!" paglilinaw niya.

"Kaya nga papaselosin natin para malaman, Trace..." si Cecille.

"Oo. De bale nang matapon tayo paalis sa kanilang lupain!


Debale nang malagot tayo," tumatawang sabi ni Rinka.

Bumibigat na ang aking balikat lalo na nang makita ko na ang lupain nila
Israel. Napalunok ako ng laway at gusto nalang umatras sa binabalak nila. Hindi
talaga maganda iyon. Alam ko... Imposible. Para na silang humihiling na sana ay
kusang bumagsak ang mga bituin sa amin para maabot iyon. Imposible talaga.

"Ayun na!" Itinuro agad ni Rinka ang pamilyar na imahe ng kung sinong nakaupo
roon at hawak hawak na naman ang kanyang pulso habang nakapiko ang mga hita.

"Nakabukaka agad oh... Handang handa." Humagikhik si Cecille.

Nilingon ako sandali ni Roel na ikinangiti ko ng tipid sa kanya. Nahihiya itong


nag-iwas ng tingin at binatukan naman agad si Freddie na nagulat pa. Tumawa lamang
si Roel.

Para na akong mahihimatay lalo nang papalapit na kami sa kanya. Kitang kita ko
kung paano tumingkad ang kanyang ekspresyon at umahon sa pagkakadismaya. Mabilis na
tumayo si Israel at sumuyod agad ang kanyang mga mata sa amin.

"Hi Israel!" bati ni Rinka na ikinaduet rin nila Rose at Cecille.

Hindi sila pinansin ni Israel at napadpad agad sa akin ang tingin.


Nagkasalubong ang aming tingin. Sumasayaw pa ang aking mga mata at hindi alam kung
paano ipapanatili sa kanya. Ang kanyang mga labi ay umawang ng kaonti habang ang
mga makakapal at maitim niyang kilay ay nagkakasalubong na. Ngumuso ako at pilit na
hinawi ang aking buhok na tumakip sa kalahati kong mukha dahil narin sa pagbuga ng
hangin sa paligid.

Ilang sigundong nagtagal sa akin ang kanyang tingin. Ako naman itong
kinakabahan na at naalalang nagwalk-out pa pala ako kahapon nang hindi man lang
nagpapaalam ng maayos sa kanya. Kabastusan iyong ginawa ko.

Isang hilaw at tipid na ngiti ang naibigay ko sa kanya. Ang tatlo naman ay may
sinisenyas na kung ano ano habang ang dalawang lalake ay todo tingala sa mga
manggang nasa ere. Minsan ay lumilingon pa sa akin si Roel.

"Magsimula na tayo!" sabi ni Rinka habang pumupwesto na ito sa may gitna at


handa nang simulan iyon.
Nag-iwas ako ng tingin kay Israel. Sa gilid ng aking mga mata ay binasa niya
ang kanyang pang-ibabang labi at itinikom iyon.

"Halika na Trace... Ikaw pa naman si Maria," sabi ni Rinka at may kahulugan na


ang tingin sa akin.

Napalunok ako ng laway habang si Israel naman ay nagkasalubong na agad ang mga
kilay. Marahas na ang ekspresyon nito.

"Si Maria na si Tracey?" masayang tanong ni Roel pero siniko ito ni Freddie at
pasimpleng nginuso ang imahe ni Israel.

Tumikhim naman agad si Roel at hindi nalang umimik. Si Rose at Cecille ay


ngising tagumpay na kahit iyon lang naman ang reaksyon ni Israel.

"Trace," tawag ulit ni Rinka sa akin kaya nagtungo rin ako sa kanya para kunin
iyong inilalahad niyang papel sa akin.

"Si Lena si Trace, hindi ba?" matigas na sabi ni Israel.

"Ah hindi na siya si Lena... Si Maria na siya Israel. Mas bagay kasi talaga sa
kanya ang role ni Maria," paliwanag naman ni Rose sa kalmadong boses.

Nameywang si Israel. Suot ang nipis na puting tshirt, gutay gutay at mukhang
style iyon ng kanyang pantalon, itim na boots, dumilim agad ang kanyang ekspresyon.

"O sige... Simulan na natin!" si Rinka naman na hinila pa si Roel para mas
lumapit ito sa akin.

Nahihiya siyang ngumiti sa akin at nahimas na ang batok. Napangiti narin ako sa
kanya.

"Hindi siya bagay sa role," singit ulit ni Israel sa amin


kaya naantala na naman ang balak naming magsimula na.

Tiningnan ko siya sa nagtataka kong mukha. Si Freddie ay nagawa pang umatras at


lumayo ng kaonti.

"Bagay siya," sagot ni Roel sa matapang na boses na ikinakurap. Humagalpak


naman ng tawa si Cecille na kahit si Rose ay ngising aso na.

Mas dumilim at wala ng maaninag na liwanag ang mga mata ni Israel. Kagat kagat
niya na ang kanyang pang-ibabang labi at parang nagpipigil na.

"H'wag kang makisali," sabi ko sa kanya sa marahan na boses na ikinakalma ng


kanyang ekspresyon at nasa akin na ulit ang mga mata.

Bumuntong siya ng hininga at pinasadahan na ng haplos ang kanyang buhok.

"Fine," inis niyang sabi.


Ngumuso naman ako sa mabilis niyang pagsunod.

"Umupo ka nalang diyan. Manood," dagdag ko pa na ipinagsalubong ng kanyang


kilay.

Akala ko ay hindi ito susunod pero noong padabog niyang ibinagsak ang sarili sa
sahig at umupo roon habang nakabusangot ay napanguso na ako.

"Uy umaamo..." mahinang sabi ni Rose.


"Si Tracey lang pala ang kailangang humimas sa leyong iyan..." dagdag naman ni
Cecille.
"Akala ko pa naman lahat ng hinihimas nagagalit. Meron rin palang
lumalambot..." Makahulugan namang sabi ni Rinka.

Mukhang hindi naman iyon naririnig ni Israel dahil busy siya kakatapon ng
matalim na tingin kay Roel. Hindi ko rin talaga alam kung paano siya patitigilin sa
paganyan ganyan niya.

"Sige na magsimula na tayo!" Iwinagayway pa ni Rinka ang hawak hawak niyang


papel para kunin ang mga atensyon namin.

Nagsimula rin naman kaming magpractice. Masyadong paring malalim at madilim ang
mga mata ni Israel at tila walang pinapalampas na galaw namin. Ni hindi na ata ito
kumukurap. Minsan ay nililingon ko siya at doon lamang kakalma ang kanyang
ekspresyon pag nagtatama ang mga mata namin. Pero pag ibinabalik ko na ulit kay
Roel ay nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagkakairita niya.

"Sunod na iyong kissing part ha... Pero h'wag mo lang idikit ang labi mo Roel.
Ilapit mo lang..." paalala ni Rinka habang tinitingnan iyong script niya.

Tumango tango naman agad si Roel at mukhang ganado na. Ako naman itong ngumiti
lamang.

Kitang kita ko ang pagtayo ni Israel sa kanyang kinauupuan. Kung paano siya
humalukipkip at nagbabanta na ang mga mata. Nilingon ko siya na ikinapirmi niya
roon pero mas grumabi na ang dilim na yumayakap sa buo niyang mukha. Iritang irita
na ito.

"Magsimula na kayo! Lapit ka ng kaonti, Roel." Hinila ni Rinka ang braso ni


Roel papalapit sa akin hanggang sa ilang pulgada nalang ang namamagitang espasyo sa
aming dalawa.

Hindi na maalis alis ang ngiti sa labi ni Roel.


"Ang bango mo, Trace..." Mungkahi niya at nahimas na naman ang batok.

Humakbang ng isang beses si Israel pero natigil rin doon dahil sa paglingon ko.
Narinig ko siyang magmura at kung paano niya nailagay ang mga kamay niya sa likod
ng kanyang ulo saka siya tumingala, ang panga ay umiigting at mariin na ang pikit.

"Sasabog na..." pabulong bulong pa ni Cecille at mukhang excited pa.


"Lagot. May uuwi atang may pasa sa mukha," sabi naman ni Freddie.

"Sige na Trace... Basahin mo na ang linya mo." Hinawakan na ni Rinka ang aking
braso at marahan akong inalog para lang makuha niya ang aking atensyon.

Tumango naman ako at tiningnan ang aking script. Nabasa ko


roon ang pag-amin ni Maria sa nararamdaman niya para sa binata. Pasigaw dapat iyon.

Tiningnan ko si Roel na ngayon ay nasa akin na pala ang tingin, tila


naghihintay lamang  na bumigkas ako ng mga salita.
"Mahal na mahal kita— Israel!" sigaw ko sa kanyang pangalan nang makarating
siya sa aming gitna na parang hangin at pigilan ito. Ang iilang hibla ng kanyang
buhok ay nalaglag na at ang nakakuyom na mga kamao ay medyo kumaalma rin naman
dahil sa aking pagtawag.

"Ano 'yon?" tanong niya sa akin sa kalmado ng boses.


"H-Huh?" nagtataka kong tanong.
"The one you said to me, Trace... Ulitin mo," sabi niya sa sabik na boses.
"H'wag kang umieksena—" Bago pa man matapos ni Roel ang kanyang sasabihin ay
naputol na iyon.

Nanlalaki ang aking mga mata nang marahas niyang itinulak si Roel palayo sa
akin. Nawalan agad ito ng balanse at bumagsak sa sahig.

"Israel!" pigil ko pero hindi ako nito nilingon at nilapitan pa si Roel.

Napaatras agad si Freddie at tumakbo na sa mas malayong parte sa amin. Nagtago


na ito sa isa sa mga puno. Ang tatlo naman ay gulat rin.

Akmang tatayo si Roel pero inapakan lamang ni Israel ang kanyang dibdib para
pumirmi ito roon. Yumuko siya at hinablot ang hawak nitong papel saka iyon
tiningnan ni Israel, ang isang kamay ay nakabulsa.

"Hindi lahat ng bidang lalake sa drama ay nagiging masaya. Iyong iba ay


namamatay dahil rin masyadong pabida," sabi niya saka rin naman tumayo ng tuwid at
hinarap na ako. Ang ekspresyon ay mabilis na nagbago na akala mo ay hindi niya
pinagsalitaan ng kung ano ano si Roel.

Halos hindi na ako makahinga sa labis na emosyong parang humalo halo na sa


akin. Ba't mo ako binabaliw sa'yo Israel?

Mabilis namang dinaluhan nila Rose at Cecille si Roel at tinulungan itong


makatayo. Si Israel ay nasa aking harapan na habang tinitingnan iyong hawak na
papel at kalmadong kalmado na ang mukha.

"Continue your line, Trace... The one you said awhile ago..." sabi niya pa sa
akin.

Sumimangot agad ako sa kanya. Nagiging leyon siya sa isang sigundo tapos
nagiging maamong pusa agad pagkatapos. Ganoon siya kabilis maging marahas at
nagiging maamo agad. Si Rinka naman ay ngising tagumpay sa akin.

"Bakit ka ba nakikialam? Purket nandito kami sa teritoryo mo?" inis na sabi ni


Roel at pinapagpagan na ang kanyang damit na inapakan ni Israel kanina.

Binalingan siya ni Israel. Hindi naman nagbabago ang ekspresyon nito pero
nakaramdam na agad ako ng kaba dahil baka sumabog siya bigla sa galit.

"Nanghahamon ka ba ng suntukan?" kalmado niyang tanong na ikinaguhit ng gulat


sa mukha ni Roel.

"Ang akin lang, h'wag kang nakikialam dahil sinisira mo ang practice namin,"
paliwanag ni Roel sa mukhang binabalot na ng frustration.

Ngumisi lamang si Israel pero wala ng tuwa roon. Masyadong matabang at


malademonyo na ang datingan.

"Tama na." pigil ko sa kanya at hinawakan agad ang kanyang braso para hindi
niya na patulan pa si Roel.
Para siyang napatalon sa aking paghawak roon at mabilis pang napalingon sa
akin. Kahit ako ay nagulat rin kaya mabilis kong binawi ang  aking kamay at
nahihiyang itinago iyon sa aking likod.

"T-Tama na," ulit ko nalang habang nakatingin sa mga mata niyang malalim na
naman ang tingin sa akin.

Kinagat kagat niya ang pang-ibaba niyang labi at masunuring tumango. Binalingan
niya pa si Rinka.

"Change their roles..." malaawtoridad niyang utos kay


Rinka.

Tumango naman agad ang aking kaibigan at sinenyasan si Cecille na pumwesto na.

"Patay kana ulit Trace!" sabi niya pa. "Alis kana diyan... Doon na kayo ni
Israel," pagtataboy niya sa aming dalawa.

Lumapit si Cecille sa akin at kinuha ang aking script. Si Freddie naman ay


bumalik rin dito habang si Roel ay naiinis parin.

Sinenyasan ako ni Israel na umalis na kami roon. Matagal akong nakagalaw dahil
sa mabilis nilang pagsunod kay Israel pero noong maramdaman ko ang kanyang kamay sa
aking likuran at marahan na akong itulak para makaalis kami roong dalawa sa gitna
ay umabante rin naman ako.

Umupo ako roon sa damuhan at medyo malayo na kami sa kanila. Nandito kami sa
lilim ng mga punong mangga. Umupo naman si Israel sa aking tabi pero may kaonting
espasyo parin sa aming gitna. Niyakap ko ang mga hita kong ipinagdikit ko at
ipinatong sa aking mga tuhod ang aking baba. Sumimangot ako roon.

Nagseselos nga ba siya? Eh ba't naman siya aaktong ganoon? O baka naman
pinapaniwala niya lang akong nagseselos siya para iyon ang isipin ko at mahulog ako
sa balak niya. Tama ba ako?
"Pakialamero ka..." daing ko.
Hindi siya sumagot. Mas sumimangot ako.

"You smell good. Nagbago ka ng pabango," tanong niyang bigla sa akin sa


baritonong boses na akala mo ay hindi siya nainis kanina.
Nilingon ko siya. Nalaglag ang iilang hibla ng aking buhok at tumakip sa aking
mata kaya hinawi ko nalang iyon. Sumunod naman ang kanyang mga mata roon.
"Ah... First time kong gumamit ng pabango. Hindi naman ako mahilig sa pabango
pero nilagyan kasi ako ni Ate Ri— nila Cecille." dugtong ko agad.
"Ah... And you put some lipstick?" Umangat agad ang kanyang kilay at nasa aking
labi na ang tingin.
"Binigyan— Binilhan ako ni Mama ng mga make-ups..." sagot ko nalang na
ikinatango tango niya naman at ang mga mata ay napadpad narin sa aking buhok.
"It looks like the color of an apple," sabi niya at mas lumalim ang tingin sa
aking labi.
Ngumuso ako. Compliment ba iyan?
"I'm curious if it taste like an apple, too," dugtong niya pa na ikinalaki ng
aking mga mata.
"H-Huh? Hindi 'no! Lasang strawberry kaya," agap ko agad.
"Really?" Itinagilid niya ang kanyang ulo na ikinatango tango ko.
Napansin ko ang biglaan niyang paglapit sa akin. Kung paano niya hinawakan ang
aking labi at tila may binura roon saka niya iyon tinikman.
Ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata at pag-init ng aking pisngi
dahil sa kanyang ginawa. Naroon ang kanyang atensyon at kalmado lang naman habang
ako itong parang sasabog na.
"Yeah... It tastes sweet," tanging sagot niya at tinikman pa ulit iyon.
"Ba't mo iyang ginawa?" tanong ko at hindi parin makawala sa pagkakagulat.
"Do you want a kiss?" Umangat ang kanyang kilay habang tinatanong iyon sa akin.
Umiling agad ako.
"H-Hindi ako marunong," sagot ko. Napakurap siya at unti-unting napangisi. Ako
naman itong napagtanto ang naging sagot sa kanya. Nako naman, Trace!
"Kung marunong ka... Papayag kang halikan kita?" tanong niya sa nakakaakit na
boses.
"Hindi!" sagot ko agad.
"You'll learn eventually if you let me take the lead. I can teach you how to do
it," seryoso niya pang sabi na akala mo ay isang business ang inaalok niya.
Hindi pa ako nakasagot ay may sunod agad siyang hirit.
"H'wag nalang pala. You might learn..." Nahawakan niya pa ang kanyang pang-
ibabang labi habang nakatingala at tila may malalaim na iniisip. "Dapat sa'kin lang
ang una mong karanasan." Narinig ko pang sabi niya.

Sa sobrang pula ng aking pisngi ay nag-iwas na ako ng tingin sa kanya. Itinuon


ko ang buo kong atensyon sa harapan habang pinapanood sila Rinka na seryoso na sa
pagpapractice.

Ilang sigundo siyang tahimik sa aking tabi. Ako naman itong sinisikap
patahimikan ang puso kong sinisira na naman ang aking ribcage. Gusto na atang
kumawala nito.

"And you even change your hairstyle," puna niya roon na ikinalingon ko ulit sa
kanya.

"Ang dami bang nagbago?" tanong ko.


Tumango siya at sinundan ang pagkahulog ng aking hibla sa aking mukha at
tumakip na naman doon. Akma ko iyong hahawiin nang hinawakan niya ang aking pulso.
Napakurap ako at nakita itong may hinilang tali sa kanyang buhok. Mabilis namang
humiwalay sa pagkakakumpol ang kanyang buhok na ikinamangha ko. Para siyang isang
maharlikang prinsepe na may pagkarebelde.

Umabante siya ng kaonti papalapit sa akin. Nakaharap na siya ng buo at


nakabukaka pa. Kung hihilain niya ako ay madidikit talaga ako sa kanyang dibdib
lalo na't nasa gilid ko na siya at yakap yakap ko parin ang aking mga tuhod. Parang
kasya ako roon ah? Parang pwede kong isandal ang ulo ko sa balikat niya.

Tigilan mo nga iyang mga pantasya mo Trace!


Seryoso niya iyong itinali sa aking buhok. Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti at
halos kumuyom ang aking mga kamay dahil sa nararamdaman ko. My stomach feels weird.
Parang may pinupulupot sa loob at ganoon nalang kakiliti iyon.

"There..." Tinagilid niya ang kanyang ulo at napanguso pa.

Mas ngumuso ako pero kalaunan ay pumakawala rin ang ngiti roon. Nakagat niya
ang pang-ibabang labi at sumilay rin ang ngiti.

Nahihiya kong ibinaon ang aking mukha sa aking tuhod. Paano ko pa ngayon
babakuran ang aking sarili sa kanya kung ano na mismo ang kumakalas noong
tarangkahan at binubuksan ng malaki ang pinto para malaya siyang makapasok? Na kung
pwedeng hilain ko siya papasok ay parang gagawin ko na dahil sa labis labis kong
nararamdaman.
Narinig ko itong bumuntong hininga. Ganoon na siya kalapit sa akin para marinig
ko iyon.

"I'm sorry," mahina niyang bulong na ikinakurap ko.


Nag-angat ako ng tingin at nilingon ito sa aking gilid.

"Para saan?"
Nilaro laro niya muna ang pang-ibaba niyang labi at mukhang hirap sabihin ang
hinihingi niya ng patawad.

"Did I scare you yesterday?" he asked painfully.


Hindi agad ako nakasagot roon. Ang kanyang ekspresyon ay masyado nang
nakakamangha. Para siyang nasasaktan na ewan. Na pag kinamuhian ko siya ay hindi
niya iyon magugustuhan.

"I'll try to... control my anger... H'wag mo lang akong kamuhian, Trace...
H'wag ka lang matakot sa'kin..." masuyo niyang sabi na iyon ang mas importante sa
kanya.

Mas kumalabog lamang ang aking dibdib. Sa sobrang lakas ay hindi ko na alam ang
dapat kong mararamdaman. Nakakapanindig ng balahibo na inaamin niya iyon sa akin.

"B-Bakit?" tanging nasagot ko.


"Importante sa'kin 'yon. It matters to me more than anything..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 19

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Shade Of Black
Hindi ko alam kung anong isasagot sa pinagsasabi sa akin ni Israel. Totoo ba
iyon o peke? Parte parin ba iyon ng plano niya o iba na? Konting konti nalang at
bibigay na talaga ako sa kadilimang sinisilong niya sa akin. Malapit ng maubos ang
liwanag na pilit niyang tinatakpan ng itim. Malapit na akong lamunin at kainin noon
ng buo.
If he keeps on shading me with something foreign to me... I'll die on believing
that those were genuine even if I know it's not.
Baka nakakalimutan mo Trace... Lahat ng natatakpan ng itim ay takot at pait ang
dala nito sa buhay ng isang tao.
Kinagabihan, nagising ako bigla sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa boses ni
Mama na mukhang pinapagalitan na naman ang kakarating lamang na si Kuya. Siguro
umabot na naman sa kanya ang balitang pumupunta rito si Ate Rici ng dalawang araw
na. Baka nga bukas ay nandito na naman iyon mamaya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, Abraham!" Tila naubos na ang pasensya ni Mama at
natawag na ito sa buong pangalan.
"Ma..." malambing na tawag ni Kuya at mukhang gustong hinaan nito ang kanyang
boses.
"Baka magising si Tracey. Natutulog na iyon-"
"O bakit?! Nahihiya kang malaman niyang siya itong babae sa inyong dalawa pero
ikaw pa ang mas malandi kaysa sa kanya?!" si Mama.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tumagilid. Nakaharap na ako ngayon sa aming
pinto kung saan nagtatalo na naman sila sa labas. Ipiniko ko ang aking mga paa at
hinila ng kaonti ang kumot para takpan narin ang kalahati ng aking mukha.
Ang bigat bigat ng nararamdaman ko sa t'wing pinapagalitan ni Mama si Kuya.
Parang may kasalanan rin ako kay Mama kaya ramdam ko rin ang kanyang sermon.
"Nasa tamang edad na ako, Ma," nafufrustrate na sagot ni Kuya.
"Nasa tamang edad nga pero maling babae naman! Pinapapasok mo pa rito! Paano
kung mandiri iyon-"
"Hindi ganoon si Riss, Mama..."
"At paano kung nabuntis mo Bram!" Mas lumakas ang sigaw ni Mama. Para na atang
lumabas ang kanyang boses sa bahay.
"Anong ibubuhay mo sa kanila eh halos hirap mo ngang buhayin ang iyong sarili!"
dagdag pa ni Mama.
Ilang sigundong tumahimik si Kuya pero kalaunan ay nakarinig ako ng marahang
halakhak.
"Hindi pa namin iyon ginagawa, Ma. At kung gagawin man... hindi naman iyon agad
magbubunga-"
"Aba'y akala mo nagbibiro ako Bram?!" singhal ni Mama dahil sa naging reaksyon
ni Kuya.
Hindi pa nila ginagawa ang alin? Ang bagay na ano? At masyado pang bata si Ate
Rici ah? 'Tsaka tama nga naman si Mama. Baka mabuntis niya si Ate Rici at mas pag-
initan lamang siya ng mga Buenaventura.
Tumawa lamang si Kuya. Narinig ko pa ang tunog ng upuan na mukhang nagalaw.
"Ako ang sasalo sa kahahantungan nito, Ma. Di ko hahayaang madamay kayo.
Pinigilan ko naman... pero sa t'wing pinipigilan ko parang pinapatay rin ako,"
malungkot na sagot ni Kuya na ikinatahimik ni Mama.
"Kaya ko naman sanang iwasan... Pero mahal niya rin ako. Kung pwede ngang
itanan ko iyon at bahala na ang tadhana sa mangyayari ay gagawin ko." Tumawa ulit
si Kuya pero wala ng saya roon. Mas ramdam mo ang lungkot.
Binalot narin ng lungkot ang aking puso. Di ko alam pero natatamaan ako.
Mahirap nga namang iwasan lalo na kung pati siya ay lumalapit lapit sa'yo at
pinaparamdam niyang espesyal kang tao. Lahat ng kinikimkim ay sumasabog.

Noong gabing iyon ay hindi ko na narinig ang sagot ni Mama


kay Kuya Bram at ang tanging sinabi lamang ay matulog na ito at magpahinga.
Nagpatuloy ang pagpapractice namin sa lupain nila Israel. Hindi narin naman ito
nakikialam dahil pinapanindigan ko narin ang role ko bilang si Lena. Umpisa palang
ay namamatay na agad. Naroon lamang ako, nakaupo at nakikipagkwentuhan ng kung ano
kay Israel.
Habang tumatagal ang pagiging ganoon namin ay medyo hindi na ako nahihiya sa
kanya. Medyo nabawasan pero naroon parin iyong pakiramdam na palagi akong naiilang
sa kanyang presensya.
"Mukhang sobrang close niyo na ah? Uy..." Siniko siko ako ni Rinka habang
naglalakad ulit kami papunta sa kanilang lupain.
Ito na ang huling araw na magpapractice kami roon dahil bukas ay umpisa na ng
pasko. Baka sa susunod na araw ay bumalik rin kami pero hindi pa ako sigurado dahil
may iba sa amin na may lakad. Mukhang luluwas ng syudad sila Freddie para doon daw
icelebrate ang New Year dahil may mga kamag-anak sila roon.
Namula ang aking pisngi habang hindi ko mabura ang ngiti sa aking labi.
"Hindi ah," sagot ko.
Nakisali narin si Rose at sinundot sundot pa ang aking tagiliran.
"Asus! Tumatawa ka pa nga kahapon! Si Isrsel naman pangisi ngisi pa sa'yo! Baka
may namumuo nang espesyal na koneksyon sa inyo ah! Baka di mo lang sinasabi!"
bintang naman nito na nakaponytail ang buhok.
"Wala nga..." sagot ko pero mas tumamis pa ang aking ngiti.
"Eh ba't pangiti ngiti ka? Baka kayo na! Ano, sibling goals kayo ng kapatid mo
dahil parehas na Buenaventura ang nagkakagusto sa inyo!" si Cecille naman.
Tumawa ako at umiling iling. Hindi ko na alam kung paano sila aawatin sa pang-
aasar sa amin ni Kuya Bram. Araw araw ay ganoon nalang ang ginagawa nila. Palagi
nila kaming pinapaliguan ng kantyaw ni Israel.
"Kayo na ni Israel, Trace?" tanong naman ni Roel na nakasunod lamang sa aming
likuran. Ang katabi nitong si Freddie ay kumurap kurap narin at mukhang interesado
sa magiging sagot ko.
Umiling agad ako at napunta sandali ang tingin sa suot niyang puting tshirt
habang nakapamulsa ito sa suot na maong.
"Mukhang natamaan ata iyon sa'yo Trace... Masyado kang binabakuran," si Freddie
naman.
"Hindi naman kami. Nag-uusap lang talaga. Ayaw niya sigurong mabored ako..."
Tumawa ang tatlo sa naging sagot ko. Si Freddie naman ay napangiwi habang si
Roel ay nagkasalubong ang kilay.
Pinasadahan ko ng haplos ang buhok kong medyo nasasanay na sa bagong ayos noon
at ibinalik ang mga mata sa nilalakaran. Naging mabagal ang aking paghakbang dahil
narin kinukuha ng tatlo ang aking atensyon at grabe na makatawa.
"Di ako makapaniwalang ang manhid mo Trace! Para kang mangga na sinungkit niya
at nahulog at ang ikakatwiran mo ay baka aksidente ka lang niyang sinungkit at
hindi niya iyon sinasadya!" tawang tawa na sabi ni Rinka at hawak pa ang tiyan.
"O baka binundol patalikod pero ang sasabihin mo hindi niya iyon sinasadya at
aksidente lang dahil nakatalikod ka at hindi ka agad nakaiwas!" dagdag naman ni
Rose.
"Mas malala kung baka hinalikan na siya ni Israel pero mangangatwiran siyang
baka interesado lang ito sa lasa ng kanyang labi!" si Cecille naman na masyado ng
nadadala sa pagtawa at napapapikit na.
Napasimangot na ako sa kanila. Ayokong aminin na gets ko naman ang lahat dahil
pag inamin ko lang iyon ay mas lalo nila akong itutulak kay Israel. Mas mahihirapan
lamang ako pagdating ng araw na lalayuan rin ako nito.

May mga tao sigurong nagpapakamanhid nalang para bakuran


ang sarili nilang h'wag masaktan. May mga tao rin namang pinipiling magpakatanga
dahil alam nilang doon rin naman sila sasaya kahit na masakit na.
"Itong mga babae talaga ang hirap ring intindihin. Ang hilig sa pasikot
sikot..." narinig kong komento ni Freddie sa aking likod.
Ganoon nga talaga kaming mga babae mahirap intindihin... dahil pagdating sa
pag-ibig kami rin ang madaling abusuhin.
Humataw agad ng malakas ang aking puso nang dumating na kami roon sa lupain.
Naaninag ko agad ang kanyang imahe roon na nanunungkit ng mga bunga noong punong
mangga suot ang denim niyang jacket, vneck na itim na panloob, maong na pantalon at
itim na boots. Nagiging kabisado ko na ata ang istilo ng kanyang pananamit.
May kung ano ano na namang sinasabi ang tatlo pero para na akong nabingi dahil
sa ingay ng aking boses at sa buong atensyon kong nasa kanya.
Lumingon si Israel habang palapit na kami. Ang kanyang mga mata ay dumeritso
agad sa akin. Nang magkatagpo ay mabilis akong ngumiti at kumaway sa kanya. Humarap
siya ng buo habang ang isang kamay ay nailagay na sa gilid ng kanyang beywang kagat
kagat na ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngisi.
"Aba... May pakaway kaway na. Baka sa susunod niyan laway to laway na," hirit
naman ni Rinka.
Ngumuso ako at ibinaba agad ang aking kamay. Nagawa ko pa iyong itago sa aking
likod para lang hindi makita kahit na tapos ko ng magawa. Medyo na nga ako nahihiya
sa kanya!
Naamoy ko agad ang pabango ni Israel nang huminto ako sa kanyang harapan. Ang
tatlo naman ay hindi na masyadong lumapit sa amin. Ngumuso akong muli at tiningnan
sila roon. Bakit nga ba dumeritso ako sa kanya?
Lumingon sandali si Roel dito pero ibinagsak rin naman agad ang tingin sa papel
na hawak at handa ng simulan iyong practice.
Akma akong hahakbang paalis para magtungo roon nang hinawakan niya agad ang
aking braso para mapirmi ako.
"Do you want to help me?" tanong niya sa baritonong boses at tiningala ang mga
mangga habang hawak parin ang aking braso.
Tumingala narin ako. "Uh... Manunungkit ng mangga?"
Tumango siya at ibinaba sa akin ang tingin. Kahit nakatingala... nakita ko kung
paano bumaba ang kanyang mga mata sa aking leeg. Kung paano umawang ng kaonti ang
basa niyang labi at kung paano gumalaw ang kanyang adams apple.
"Hindi ako marunong e," sabi ko sa kanya at ibinaba ang aking tingin.
Kumurap siya at inalis ang mga mata sa aking leeg.
"I'll guide you."
"Huh?" Tumawa ako ng marahan.
"Here... Hold this. "Inilahad niya sa akin ang mataas na panungkit.
Nakagat ko naman ang pang-ibaba kong labi at hinawakan na iyon. Napagtanto kong
medyo may kabigatan pala pero kasya naman sa buo kong palad at nahahawakan ko naman
ng maayos.
"Mabigat," reklamo ko at inihawak narin ang isa ko pang kamay roon.
"Mabigat talaga iyan lalo na't hindi ka sanay humawak ng panungkit," sabi niya
saka nagtungo sa aking likod.
Tumingala ako. Ilang sandali lamang ay nakarating narin ang kanyang mga kamay
sa akin at para akong niyayapos roon pero ang mga kamay ay nakahawak narin sa
panungkit.
Nang-init agad ang aking pisngi nang maramdaman ko ang kanyang dibdib sa aking
likod. Matigas iyon na kahit ang kanyang pabango ay nalalanghap ko parin.
Gusto kong magconcentrate sa panunungkit pero masyado rin talagang nakakakuha
ng atensyon ang kanyang pabango at ang posisyon naming dalawa. Kulang nalang ay
yakapin niya ako...

Tinulungan niya akong iangat iyong panungkit. Iginiya niya


iyon sa nakita naming mga kumpol na mangga at doon niya itinapat.
"Paano ba iyan kinukuha nang hindi nahuhulog sa lupa?" tanong ko.
"Ipasok mo lang iyong mga sa loob..." Iginiya niya ang net at ipinasok ang mga
mangga roon. "Saka mo ito paikut-ikutin ang mga mangga sa loob noong butas..."
Inikot ikot niya rin iyon. "At isagad mo agad ang pagkakahila para walang tumakas,"
saka niya nga iyong pwersahang hinila.
Ako lang ba o mali ang pagkakaintindi ko sa mga binibigay niyang instruction?
Parang kakulay narin noong mga mangga ang aking utak. Binalewala ko nalang iyon at
namamanghang tiningnan ang mga nakuha naming mangga.
"May nakuha tayo!" Namamangha kong sabi sa kanya at mas tiningala pa ito sa
aking loob.
Nahulog ang kanyang tingin sa akin. Umiwas rin naman agad ako ng tingin at
ibinalik sa mga mangga. Paano kung yumuko siya bigla? Wala naman siguro iyon sa
utak niya 'no?
Binitiwan ko rin naman iyong panungkit nang ibaba niya na iyon para kunin ang
mga mangga sa loob.
Kumuha siya ng isang mangga roon at ibinaba rin naman sa lupa iyong panungkit.
Ang ibang bangga naman ay nanatili sa loob noong net.
"This one is already ripe." Sinimulan niyang balatan iyong manggang nakuha
niya.
Tama nga ito at hinog na nga iyon.
"Taste it." Inilahad niya ito sa akin.
Ngumuso naman ako at kinuha iyon. Kinagatan ko iyon at tumango tango dahil sa
tamis ng lasa noon. Nakontento naman ito sa naging ekspresyon ko at nagawa pang
ilagay sa magkabilang beywang ang kanyang mga kamay habang pipanood akong kainin
iyon.
"Ikaw?" Itinapat ko iyon sa kanya.
Hinawakan niya ang aking pulso at iginiya iyon palapit sa kanyang bibig saka
niya kinagatan ang parteng gilid noong mangga. Nanatili ang aking tingin sa
mapuputi niyang ngipin na naroon na at kumakagat. Dahil sa kanyang ginawa ay
tumagas ang katas noon at umagos sa aking kamay pababa.
Buong akala ko ay bibitiwan niya na iyon nang nagulat nalang ako dahil bumaba
ang kanyang ulo at sinundan ang katas saka iyon sinalubong ng kanyang dila sa dulo
at dinilaan pabalik sa mangga. Nagawa niya pang tumingin sa akin habang ginagawa
ang ilegal na bagay na iyon. Malalim ang tingin ng misteryoso at madilim niyang mga
mata at tila nang-aakit.
Nanlaki agad ang aking mga mata lalo na't ramdam na ramdam ko ang paghagod ng
dila niya roon. Kung paano niya inalis ang katas noong mangga sa pamamagitan ng
kanyang pagdila. Sigurado akong pulang pula na ang aking pisngi.
Sa aking gulat sa kanyang ginawa ay wala sa sarili ko ng nabitiwan iyong
mangga. Mabilis akong bumalik sa aking sarili at nalaglag ang tingin roon.
"N-Nahulog..." nauutal kong bigkas dala narin ng kanyang ginawa sa akin.
"That's okay. May mga bagay talagang nahuhulog kahit hindi naman sinasadya."
Nagkibit pa ito ng balikat.
Ngumuso ako at tiningnan ang kamay kong may bakas ng katas noong mangga. Medyo
malagkit narin iyon. Napadpad rin ang kanyang mga mata roon kaya ibinaba niya ang
aking kamay saka iginiya sa laylayan ng kanyang tshirt at gamit ang isa niyang
kamay ay pinahiran niya ang kamay ko sa tela ng kanyang damit.
"Madudumihan ka!" Binawi ko iyon pero mas humigpit lamang ang kanyang hawak at
nagpatuloy sa kakalinis noon.
"Marami akong damit. Okay lang," sabi niya.
Kumalma ako at hinayaan siyang gawin iyon. Seryoso niya iyong ginagawa at wala
talagang tinitirang daliring hindi niya napupunasan ng kanyang damit. Wala sa
sarili tuloy akong napangiti.

Noong nahuli niya akong nakangiti ay mabilis ko rin namang


iblinangko ang aking mukha. Siya naman itong nakagat ang pang-ibaba niyang labi at
mukhang pinipigilan ang ngisi niyang h'wag tumakas kahit na medyo klaro na iyon.
Nakalimutan ko ng nandoon ako para magpractice hindi para makipaglandian kay
Israel. Doon lamang ako nakapagdesisyong umupo nang mahuli ko ang mga mata ni Rinka
na may pinapahiwatig na at ang mga ngiti noong dalawa na nang-aasar na naman. Si
Roel ay naiirita sa tinitingnang papel habang si Freddie naman ay mukhang may
pinapractice na linya at paiyak iyak pa.
"Teka," pigil sa akin ni Israel na umupo.
Nagtataka ko siyang tiningnan hanggang napansin ko itong hinuhubad ang kanyang
suot na denim jacket saka niya iyon inilapag sa sahig.
"Sige... Umupo kana," sabi niya agad sa akin.
Ilang sandali pa akong napatitig doon at nagdadalawang isip umupo. Ang mahal
mahal ng jacket na iyan! Halata rin naman kasi sa tela. Tapos uupuan ko lang!
"H'wag na Israel. Madudumihan ang jacket mo." Pinulot ko pa iyon at ibinigay sa
kanya.
Nanatili ang kanyang dalawang kamay sa loob ng suot na pantalon habang
nakaangat na ang isang kilay sa akin. His deep brown eyes were telling me that he's
not joking.
"Either you sit on my jacket or you sit on my lap. Choose," he said huskily and
tilted his head for a clearer view of my blushed cheeks.
Ilang sigundo akong natanga. Umawang ang aking bibig para sana may sabihin pero
naitikom ko rin iyon kasabay ng pagbuga ng hangin sa akin sanhi para umangat sa ere
ang iilang hibla ng aking buhok. Mabilis kong inayos ang suot kong bistida dahil
baka umangat iyon sa ere lalo na't masyadong nipis rin ang tela.
Wala akong naging sagot sa kanyang pinapapili sa akin. Parehas na hindi ko
gusto ang dalawa. Ayoko ring kumandong sa kanya dahil nakakahiya iyon. Ayokong
upuan iyong ano niya... baka ano kasi... biglang mabuhay. May nabasa na akong
ganyan eh.
Binawi niyang muli sa akin ang jacket at inilapag iyon sa sahig.
Nauna pa siyang umupo sa tabi noon at tinapik pa iyong jacket niya na umupo
narin ako roon.
Ngumuso ako at umupo nalang. Nanatili naman ang kanyang tingin sa akin habang
ginagawa ko iyon. Nakabukaka na naman ito at hawak na naman ang kanyang pulso
habang nakapatong ang mga braso niya roon sa bawat magkabilang tuhod.
Umupo ako ng paindian squat para hindi rin ako makitaan. Ipinatili ko ang
tingin sa lima na dalang dala na sa kanilang practice at makikita mo talaga ang
angkop na ekspresyon sa binibitiwan nilang mga linya.
"Pasko na pala bukas 'no?" panimula ko sa kanya.
"Yeah..."
"Ang bilis bilis ng araw. Sa sobrang bilis nakakatakot na," marahan akong
natawa sa aking sinasabi.
"What's scary about it?" tanong niya sa seryosong boses.
Bumuntong ako ng hininga habang may ngiti sa aking labi. Masyadong mabilis ang
nangyayari. Ngayon katabi pa kita, baka bukas umiiwas kana. Ngayon masaya ako, baka
bukas umiiyak na. Masyadong mabilis ang mga pangyayari na kahit ako ay natatakot ng
tapusin ang masasayang araw dahil parang may naghihintay na dilubyo sa dulo.
"Ikaw... Hindi ka ba nakakaramdam ng takot? Wala kang kinakatakutan?" Nilingon
ko siya. Ang sinag na nakasilip na naman sa lilim ng mga dahon ay binibigyan siya
ng liwanag. Kabisadong kabisado ko na ang bawat parte ng kanyang mukha pero
namamangha parin ako sa t'wing napagmamasdan ko ito.
Tumitig siya ng malalim sa akin. Bumaba ng panandalian ang mga mata sa aking
labi pero umakyat rin naman agad sa aking mga mata.
"Meron," sagot niya at tila wala sa sarili dahil sa malalim niyang iniisip.
"Ano?"
Umawang ng kaonti ng kanyang mga labi. Binasa niya pa ito saka nag-iwas ng
tingin sa akin at napunta ang mga mata sa kalangitan.
"I'm afraid I'll bring some darkness in someone's life... No one wants to stay
in darkness... Eventually, they'll leave. Or worst... they will hate you for
shading their light with black," malungkot niyang bigkas.
Naiisip mo rin pala iyan, Israel? Ang intensyon mo ay isilong ako sa madilim
mong intensyon 'di ba? Ba't natatakot kana ngayon? Nagbago na ba ang isip mo? Ayaw
mo na ba akong hilain sa madilim na parteng iyon?
Ngumiti ako sa kanya.
"Hindi lahat takot sa madidilim. Baka may mga tao na nasanay na sa dilim at
pipiliin nalang manatili roon," sagot ko naman na mabilis niyang ikinalingon sa
akin.
Magkasalubong ang kanyang kilay at mukhang gulat sa aking sagot.
"Hindi naman lahat ng nakukulayan ng itim ay magdadala ng dilubyo sa isang
bagay. May mga pagkakataong nabibigyan nito ng tingkad ang ibang kulay..." dagdag
ko pa.
I don't need the rainbow colors if I'm comfortable with the shade of black. I'm
comfortable with your shade Israel...
And funny isn't it? You're shading me with black but everytime I'm with you all
I can see is rainbow colors.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 20

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Label
Maagang umuwi si Mama sa araw ng noche buena. Kahit si Kuya ay walang trabaho
noon kaya kompleto kaming tatlo sa bahay.

"Ang dami mong pinamili, Ma!" Nagugulat kong pinagtitingnan ang mga cellophane
niyang dala.
"Syempre... Noche buena mamaya... At pasko na bukas. Dapat may handa tayo,"
sabi niya sa maliwanag na mukha habang hinuhubad ang suot na maliit na slingbag
kung saan niya madalas nilalagay ang kanyang kita.

"Ang kuya mo?" Iginala niya ang tingin sa aming bahay.

Hinila ko ang upuang nasa loob ng lamesa at lumuhod ako roon saka inilabas ang
mga pinagbibili niya at maluto na namin.

"Nagpaalam iyong lumabas sandali, Mama... Baka mayamaya nandito na 'yon," sagot
ko.

Nagkasalubong agad ang kanyang kilay at nagawa pang lingunin ang may pinto.
Nailing ito.

"Pumunta na naman siguro iyon kay Rici! Nako... Ang batang iyon!" Nakamot ni
Mama ang kanyang ulo.

Sinimulan kong hiwain iyong mga seasonings noong karne. Si Mama naman ay
nagtungo narin sa lamesa at iyong pancit naman ang kinuha.

"Iyang Kuya mo Trace mas malandi pa sa'yo," sabi niya pa sa akin na ikinatawa
ko.

"Hayaan mo na iyon si Kuya Mama. Alam niya naman ang ginagawa niya." Inilipat
ko sa plato ang mga hiniwa kong seasonings.

Magtungo si Mama sa harap noong sink dala dala ang pancit.

"Hindi niya alam ang ginagawa niya, Trace! Nabubulag na iyon sa pagmamahal
niya," si Mama.

"Pasko naman Ma. Pagbigyan mo na si Kuya." Nilingon ko pa ito at nginisihan


kaso itinaas niya ang kanyang kamay na nakakamao na at handa atang paliparin iyon
sa akin kaya ngumuso agad ako.

"Isa ka rin!"
Iyon ang topic naming dalawa ni Mama habang tinulungan ko siya sa pagluluto.
Masarap magluto si Mama lalo na iyong Pochero na paborito ko at chicken curry. May
binili rin itong chippon cake at pang fruit cocktail. Mukhang hahaluan niya iyon ng
buko dahil bumili rin siya noon.

Hindi naman kami madalas maghanda ng marami tuwing pasko dahil narin wala
kaming pera. Noon ay bumibili lamang kami ng isang putahi bilang ulam at chippon
cake. Ganoon lang iyon palagi.
Dumating rin naman si Kuya. Marami itong dala at una kong napansin agad ay ang
hamon.

"Sosyal natin ah? Ba't may pahamon hamon kang dala?" Puna narin ni Mama. "H'wag
mong sabihin kay Ri—"

"Binili ko ito, Ma. Syempre may trabaho ako," mayabang pang sabi ni Kuya at
inilapag ang iilang dala sa lamesa.

May dala itong cake, hamon, at isa pang malaking paperbag.

Umupo siya sa aking tabi at hinuhubad na iyong sapatos na suot. Hindi maalis
alis ang ngisi sa kanyang labi habang hinihirit-hiritan siya ni Mama ng kung ano
ano.

"Baka nagpalibre ka roon sa babae mo ha—"

"Lalake dapat ang gumagastos, Ma..." kalmadong sagot ni Kuya at itinabi ang
sapatos sa gilid.

Iyong paperbag niya naman ang aking sinilip at napansin agad ang dalawang
regalo.

"Kuya para kanino 'to?" Kinuha ko iyong isang regalo at napalingon kay Mama na
nandito narin ang tingin.

"Sa dalawa ko pang babae..." sagot lamang ni Kuya at tumayo


na. Tumutulong narin ito sa pagluluto.

"Itong babaerong ito! Purket biniyayaan ng guwapong mukha aabusuhin na! Ano,
lolokohin mo si Rici! Nako! Ako talaga mismo ang puputol niyang leeg mo—" Naputol
agad si Mama dahil sa pagpunta ni Kuya sa kanyang gawi at niyakap na ito sa likod
habang tumatawa.

"Akala ko ba Ma di ka suportado sa amin ni Rici? Eh ba't nagagalit ka kung may


ibang babae ako?" natatawa niyang sabi habang si Mama naman ay iritado parin.

"Tigilan mo ako! Lumayo ka nga! Naghihiwa ako baka ang hiwain ko..." si Mama na
kahit ako ay tumawa narin.

"Syempre kayo ni Tracey ang iba ko pang mga babae. Pwede ba namang wala kayong
regalo sa'kin?" Inilaagay ni Kuya ang baba niya sa balikat ni Mama.
"Asus!" Pagalit ang boses na iyon pero kalaunan ay natawa narin si Mama na
kahit si Kuya ay ngumingisi na.

Hindi ko mabura bura ang aking ngiti habang hinihiwa iyong patatas. Minsan lang
rin kasi kami ganito kasaya. At ngayong araw na ito, kahit hindi masyadong bongga
ang aming handa katulad ng iba, kahit nasa bahay lamang kami nagcecelebrate, masaya
naman kaming tatlo kaya iyon ang mas mahalaga.

Salo salo kaming tatlo sa hapag sa gabing iyon. Nagtatawanan kaming dalawa ni
Kuya at inaasar si Mama na mag-asawa ulit para mabawasan ang pagsusungit niya sa
aming dalawa. Mabilis namang sumimangot si Mama sa amin.

"Hindi ko na kailangan ng panibagong asawa. Baka mapunta pa ako sa tamad at


palamunin lang rin kaya h'wag nalang," si Mama na sumubo pa ng pagkain.

"Napakanegative mo, Ma. Malay mo may magkagusto sa'yo eh maganda ka naman."


Pambobola pa ni Kuya sa kanya. "Diba Trace?"

Tumango agad ako at sumang-ayon. Si Mama naman itong nagpipigil ng ngiti at


pilit pinapanindigan ang pagsusungit.

"Tigilan niyo nga akong dalawa!" Sinapak pa ni Mama ang braso ni Kuya.

"Hindi ka pa naman masyadong matanda, Ma. Malay niyo diba..." sali ko narin
pero kahit ako ay inabot narin ni Mama para kurutin kaya mabilis akong umatras.
Natatawa namang hinuli ni Kuya ang kanyang kamay para pigilan iyon sa binabalak
niya.

"Oo nga, Mama! Saan pa ba nagmana ang mga mukha namin syempre sa'yo!" hirit
lalo ni Kuya na ikinapula ng husto ng mukha ni Mama.

"Aba'y syempre! Maganda ako noong kabataan ko!" pagmamalaki niya pa.

Iyon ang isa sa mga topic namin sa hapag. Nagtatawanan kaming tatlo noong ang
naging topic na namin ay iyong kabataan namin ni Kuya. Kinikwento ni Mama na hindi
raw talaga kami mapaghiwalay at palagi raw akong pinagtatanggol ni Mama. Iyong
pinagtawanan niya ng husto ay iyong umiyak ako dahil sa takot ko sa kabayo. Kinarga
nalang daw ako ni Kuya at pinasakay sa kanyang likod dahil hindi na ako matahan sa
kakaiyak dahil sa takot.

Noong tumuntong ang saktong alas dose ay binati rin namin ang isa't isa.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa kinauupuan ni Mama. Niyakap ko agad ito.

"Merry Christmas, Ma!" bati ko sa kanya na ikinatingala niya sa akin at hawak


na ang aking kamay. Hinalikan ko pa ito sa kanyang pisngi na ikinakurba agad ng
kanyang labi.

"Merry Christmas, Trace..." Ngumiti siya sa akin na ikinatamis lalo ng aking


ngiti.

Kumalas rin naman agad ako at si Kuya naman ang binati. Niyakap ko rin ito sa
likod.

"Kuya, Merry Christmas..." Hinalikan ko rin ito sa pisngi.

"Merry Christmas rin sa'yo Trace..." bati niya rin sa akin.

Nakangiti akong bumalik sa pagkakaupo habang sila naman ni


Mama ang nagbabatian sa isa't isa.

Hiniwa ko iyong cake at iyon ang inuna kong kinain. Sila mama at Kuya ay
nagagawa pang maghalakhakan dahil sa kanilang usapan. Dinilaan ko ang dulo ng aking
daliri nang aksidente kong masagi iyong icing noon. Bigla ko namang naalala ang
pagdila ni Israel sa aking kamay dahil sa umagos na katas ng mangga.

Namula ang aking pisngi dahil sa aking pinag-iisip. Napakapilyo talaga ng


lalakeng iyon. Sina Rinka ay kinakatntyaw pa nga ako na sa susunod ay ibang parte
na ng aking katawan ang didilaan ni Israel. Iyon lang ang nagtulak sa mukha kong
namula lalo. Hindi naman sa nag-eexpect ako na mangyayari iyon pero napag-isip isip
ko rin kung saang parte ng aking katawan.

Nacucurious narin talaga ako minsan at kahit saan na napadpad ang aking utak.
Minsan ay gusto ko nalang sabunutan ang aking sarili.

Kumusta naman kaya ang pasko ng lalakeng iyon? Ang alam ko ay pupunta sila
ngayon sa ibang bansa. Doon ata nila sasalubungin ang bagong taon. Isang linggo ata
sila roon at mukhang babalik lang rito pag pasukan na ulit.

Kinuha naman ni Kuya iyong paperbag na inilagay niya kanina sa ilalim na lamesa
at inilahad sa akin ang isang regalo. Iyong isa ay ibinigay niya rin naman kay
Mama.

Inalog alog ko pa iyon.


"Ano 'to Kuya?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Buksan mo..."
Inilagay ko naman agad iyon sa aking kandungan at sinimulang alisin iyong
nakabalot na wrapper noon.
"Mahal ba ito, Bram?" tanong naman ni Mama na sinisimulan naring buksan iyong
kanya.

"Sakto lang naman, Ma," sagot ni Kuya.


"Hindi mo naman sinabing magbibigay ka ng regalo edi sana nakabili narin ako,"
si Mama.

"Okay lang Ma."


Tuluyan ko ng naalis iyong wrapper at tumambad ang puting kahon. Binuksan ko
iyon hanggang sa ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata dahil isa iyong
libro! Isang poetry na libro!

"Ito iyong paborito kong libro, Kuya!" Ibinalandra ko agad iyon sa kanyang
mukha at gusto ko ng magtitili sa tuwa.

Tumawa si Kuya at nabasa pa ang pang-ibabang labi.

"Ingatan mo iyan ha," sabi niya sa akin na ikinatango tango ko agad at mabilis
itong niyakap.

"Maraming salamat Kuya! Paano na iyan... Wala akong regalo sa'yo..." Sumimangot
agad ako noong humiwalay na ako sa kanya.

Kinurot niya ang aking pisngi at nagawa pang ilipat ang kamay sa aking buhok at
ginulo iyon.

"Sapat na iyong mag-aral ka ng mabuti. Iyon nalang ang regalo mo sa akin."

Ganoon lang kasimple ang hiling ni Kuya sa akin. Ang mag-aral ako ng mabuti.
Tumango tango naman ako at ipinangako sa kanya na mag-aaral ako ng mabuti. Na mas
ipapriority ko ang aking pag-aaral kaysa sa ibang bagay.

"May bago na akong bag! Tingnan mo Trace!" Pagmamayabang pa ni Mama at


ipinakita sa akin ang regalo sa kanya ni Kuya.

"Salamat dito, Bram. Hayaan mo sa bagong taon bibilhan ko rin kayo ng regalo ni
Tracey. Hindi ko na naisingit kanina sa kakamadali e," sabi niya pa habang ang mga
mata ay nanatili sa bago niyang bag.

Isa na ata iyon sa pinakamasayang araw ng aking buhay. Kahit hindi kami
kumpleto sa hapag at wala si Papa ay okay lang dahil masaya rin naman kami. Ang
hiling ko lang ay sana masaya rin siya sa araw na iyon. Sana ay nagtatawanan rin
sila ng kanyang pamilya.
Noong pagsapit ng bagong ay sabay parin namin iyong
sinalubong. Kapwa kami nag-iingay ni Kuya at hinahampas hampas ang takip ng kaldero
sa isa't isa. Si Mama naman ay may torotot at iyon ang ginamit niyang pampaingay.
Nagtatawanan pa kaming tatlo dahil kami lamang ang nag-iingay sa lugar na iyon lalo
na't wala kaming kapitbahay.

Niregaluhan ako ni Mama ng bagong damit at niregaluhan niya naman si Kuya ng


relo. Hindi iyon kamahalan pero ang saya saya ko na. Ako lang iyong walang regalo
sa kanilang dalawa kaya ang sinabi ni Mama ay ako nalang daw ang maghugas ng plato
at maglinis ng bahay bilang regalo ko sa kanya.

Inayos ko ang bagong plantsado kong uniporme habang tinitingnan ang sarili sa
salamin. Sinuklay ko pa ang aking buhok at naglagay ng kaonting lipstick sa aking
labi para hindi ako maputlang tingnan. Nagpolbo narin ako at naglagay ng kaonting
pabango. Iyong mga binigay sa aki ni Ate Rici ay ginamit ko na dahil sayang rin
naman kung hindi ko gagalawin.

"Tara na, Kuya." Lumabas rin ako sa kwarto habang sinusuot ang maliit kong bag
sa aking likod.

Nadatnan ko naman ang nakauniporme naring si Kuya at nagsasapatos pa habang


nakaupo roon.

"Teka lang..." sabi niya.


Dumaan ako sa kanyang gilid at balak nalang itong antayin sa may pinto.

"Ang bango mo ah? Ginamit mo iyong pabangong bigay ni Rici sa'yo?" tanong niya
sa akin.

Huminto ako sa may pinto at humarap sa kanya habang hawak hawak ko ang
magkabilang straps ng aking bag.

"Opo Kuya. Iyong Chanel," sabi ko.

Hindi na siya sumagot pa at tumayo rin naman pagkatapos niyang magsapatos.


Kinuha niya ang itim niyang bag sa may lamesa saka rin iyon isinuot sa kanyang
likod.

"Pati lipstick?" Umangat pa ang kanyang kilay sa akin nang makita na ang aking
mukha.

Tumango ako habang ngumunguso. Lumabas ako ng tuluyan ng bahay gaboon rin siya.
Pinanood ko lang ang kanyang likod na isinasara na iyong pinto ng aming bahay.

"Sino ang pinapagandahan mo sa eskwelahan?" tanong niya saka ibinulsa ang susi.
"Wala naman. Nag-aayos lang ako kasi mas maganda nga namang tingnan sa babae
ang maalaga sa sarili Kuya," katwiran ko habang sinusuklay ang buhok kong medyo
basa pa gamit ang aking mga daliri.

Nagsimula kaming maglakad dalawa. Inakbayan niya pa ako at nagawang amuyin.

"Ang bango oh..."


Bahagya kong itinulak ang mukha ni Kuya.

"Ang mahal nga siguro nito eh. Galing daw ito sa ibang bansa at pinadalhan si
Ate Rici. Ganoon pala talaga sila kayaman 'no?"

Ang mukha ng aking Kuya ay bigla namang nag-iba ang timpla. Hindi ko iyon
matukoy. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at itinuon iyon sa harap ng dinadaanan
namin habang ibinulsa niya naman ang kanyang dalawang kamay.

"Napapansin ko nga rin lahat ng mga gamit niya ay halatang branded at


mamahalin." Wala sa sarili kong dagdag at napatingala pa sa kalangitan habang
iniisip ang mga napapansin kong gamit ni Ate Rici.

Nilingon ko si Kuya sa aking gilid na nakayuko na at sinisipa ang bawat batong


nakaharang sa kanyang daanan. Napakurap ako at kinabahan dahil mukhang masyado
akong naging madaldal.

"S-Sorry, Kuya..." mahina kong sabi sa kanya na ikinalingon niya naman sa akin
at binigyan ako ng tipid na ngiti.

"Okay lang Trace... May panlaban rin naman ako sa mga mamahaling gamit niya.
Mahal ko rin naman siya. Kung titimbangin ang dalawa... baka nga mas lamang pa
iyong akin at hindi nabibili."

Napangiti agad ako sa sagot ni Kuya. Buti nalang talaga at


ganoon siya mag-isip. Hindi agad ito nawawalan ng pag-asa.

Nakakamiss rin pala ang eskwelahan lalo na noong makarating kami ni Kuya Bram
sa tapat ng gate. Gusto ko na agad pumasok roon. Namimiss ko ang library, namimiss
ko ang mga subjects ko at mga proyekto sa eskwelahan. Nakakamiss humawak ng ballpen
at magsulat. Nakakamiss makinig sa guro.

"Pasok na ako Kuya..." paalam ko sa kanya.

Tumango naman ito at kinurot pa ang aking pisngi.


"Bawal mang-entertain ng lalake ha. At uwi agad." Paalala niya naman kaya
natatawa akong tumango.

Pumasok rin naman ako sa eskwelahan. Napapansin ko na may iilang estudyanteng


napapatingin sa akin. Hindi kaya ay hindi naman bagay sa akin ang bagong ayos ng
aking buhok? Napasobra rin ba ako sa paglalagay ng lipstick sa aking labi?  Pero sa
pagkakaalala ko sakto lang naman ah?

Yumuko nalang ako para walang makasalubong na mga mata. Naninibago ako sa
paninitig nila sa akin. Hindi ako sanay na may pumapansin sa akin.

"'Di ba siya iyong kapatid ni Bram? Iyong Grade 9 na?"

"Oo siya iyon. Gumanda siya 'no?"

"Maganda naman iyon dahil maamo ang mukha pero dahil naayusan ay mas lumabas
ang ganda niya."

"Kaya pala maraming nagkakagusto sa kanya rito..."

Iyon ang mga naririnig kong pag-uusap nila. Wala namang napapadpad na
masasamang komento sa akin kaya ikinatuwa ko rin iyon.

Pumasok ako sa loob ng classroom at saktong naroon pa nakaupo ang iilan kong
mga kaklaseng lalake at nagtatawanan pa. Wala pa kasing guro kaya doon muna sila
pumwesto.

"Padaan ako," sabi ko sa isa kong kaklaseng lalake na mabilis na napadpad ang
mga mata sa akin. Umawang ang kanyang bibig at tila namamangha na. Ilang sigundo pa
itong natulala kaya hindi agad ito gumalaw.

"Hoy padaanin niyo si Tracey!" Isa sa kanila ang mabilis na tumayo at hinila pa
ang kanyang upuan.

Natataranta naring tumayo ang tatlo at pinaghihila ang kanilang upuan para
hindi humarang roon. Ang laki ng binigay nilang espasyo sa akin.

Nahihiya akong ngumiti sa kanila saka rin naman nilagpasan ang mga ito na
natulala na.

Ang iilan ko pang mga kaklaseng babae ay sumusunod rin ang kanilang mga mata sa
akin. Ako naman itong naiilang na umupo sa aking upuan at hinubad na ang aking
maliit na bag. Wala pa kasi ang tatlo kaya wala rin akong mapagtuunan ng pansin.

"Gumanda siya lalo at sobrang bango pa. Bigla akong nahulog pre." Narinig kong
sabi noong isa sa mga kaklase ko.

"H'wag mong sabihin na sasali kana sa Tracey fansclub namin?"

"Pasali ako. Ang ganda niya nga pala talaga..."

Namula ang aking pisngi at itinuon nalang ang atensyon sa labas ng bintana.
Iyan ata iyong tinutukoy ni Freddie sa akin. May mga nagkakagusto pala talaga sa
akin sa classroom at ako lang talaga itong walang alam.

Kinuha ko iyong binigay na libro ni Kuya at iyon ang binasa ko habang


hinihintay ang pagdating ng guro. Sa gilid naman ng aking mga mata ay nakikita ko
ang mga kaklase kong mga lalake at palingon lingon sa akin. Mukhang may mga topic
ito na hindi ko na inabala pang pakinggan at nagbasa nalang.

"Trace! Naririnig ko ang pangalan mo sa labas! Pinag-uusapan ka! Ano, itutumba


naba namin isa isa ang mga iyon?" Ang kakarating lamang na si Rose ay pasuntok
suntok pa sa kanyang palad.

Sa kanyang likuran naman ay ang dalawa. Ang una kong napansin ay ang buhok ni
Rinka na pinutulan ata nito at hanggang balikat na lamang.

"Puro lang naman pamumuri ang narinig natin. Kung panglalait iyon siguradong si
Feli na ang nagsasalita," si Rinka naman.

Nakarating rin ang dalawa sa aking harapan. Si Cecille ay hinawakan agad ang
magkabila kong pisngi at tiningnan ako ng mabuti.

"Gumanda ka nga lalo," tumango tango niyang sabi.

"At ang bango pa!" si Rose na nagawa pa akong amuyin.

"Iba talaga pag napapakain ni Israel ng kanyang mangga. Nagiging blooming,"


mahinang sabi sa akin ni Rinka saka niya sinundot sundot ang aking gilid.

Medyo natawa ako roon.


"Kaonting pag-aayos lang naman ang ginawa ko..." sabi ko na ikinabusangot nila.

"H'wag kang magparinig sa amin Trace. Alam naming kahit mag-ayos kami ng
bonggang bongga ay wala paring magbabago sa mga mukha namin," si Rinka.

"At magpasalamat ka sa amin ha na pangit kaming tatlo. Kung hindi dahil sa amin
hindi ka mas mapapansin sa ating apat. Kami ang nagpapatingkad ng ganda mo 'no!"
mungkahi naman ni Cecille na umuupo na sa likuran.
"Itong si Trace pasimple rin kung manlait eh." Inirapan pa ako ni Rose na
ikinangisi ko nalang.

Umupo rin naman ang dalawa sa aking likod habang si Rinka naman ay sa aking
tabi at inilapit pa talaga ang kanyang upuan sa akin.

"Pero maiba ako... Magkikita ba kayo mamaya ni Israel? Dumating narin sila ah?
Pumasok na nga si Rici eh..."

Hindi ko na mabasa ng maayos ang mga salitang nasa libro dahil sa tanong ni
Rinka sa akin. Pasimple ko nalang inilipat ang pahina habang ang mga mata naman ni
Rinka ay sumunod rin doon.

Ang dalawa naman sa aking likuran ay nag-uusap rin pero mukhang may mga sarili
silang topic.

"H'wag mong sabihin na huli na iyong nakaraang taon?" Nagkasalubong na ang


kanyang mga kilay habang sinundan ang galaw ng kamay kong hinahawi ang aking buhok.

"Hindi ko alam Rinka," tanging nasagot ko sa kanya at pinatili ang mga mata sa
libro.

"Huh? Anong hindi? Ba't hindi mo puntahan sa lupain pagkatapos ng klase?


Imposible namang hanggang doon lang ang mga nangyari sa lupain ha. Dapat malagyan
niyo na iyan ng label," dagdag niya pa.

Label? Ni wala nga akong mailagay na maayos na label sa kanyang pinapakita sa


akin sa amin pa kaya.

Tipid nalang akong ngumiti kay Rinka at hindi na sumagot pa.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 21

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Already Taken

Kahit anong iwas ko sa aking mga mata at kahit saan ko man iyon ituon ay may
nahuhuli talaga akong mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko matukoy ang iilan.
May namamangha, may nagkakasalubong ang kilay at meron namang blangko lamang na
tumititig.

Sinabi ko na sa tatlo na mananatili nalang ako sa loob at hindi naman ako gutom
pero nagpumilit parin silang hilain ako palabas para magrecess.

"Kung ako ikaw, rarampa talaga ako sa buong eskwelahan!" sabi ni Cecille sa
akin habang naglalakad kami patungo sa canteen.

"Alam mo naman iyang si Tracey, Cecille! May pagka loner at tahimik pa!" sagot
naman ni Rose sa kanya.

Hawak hawak ni Rinka ang aking braso na sinisiguradong hindi ako tatakas kahit
hindi naman. Naiilang lang talaga ako sa mga paninitig nila sa akin. Nakakapanibago
lang talaga.

Sumalubong agad ang ingay ng canteen nang makarating na kami sa bukana noon.
May iilang mga estudyanteng nagtatawanan at mukhang may topic habang ang iba naman
ay tutok sa kanilang pagkain.

Hinila ako ni Rinka papasok kaya nasama narin ako sa kanilang umaabante na.
Kadalasan ay hindi naman kami tumatambay dito at bumibili lang talaga ng pagkain
saka rin aalis. Iyong madalas na naroon ay kumakain ng marami at mas gusto atang
ubusin ang pagkain nila roon.

"Libre ko na kayong tatlo total malaki ang binigay na pera sa akin ng mga Tito
ko." Ngumisi pa sa amin si Rose habang nauunang umabante para pumila na sa iilang
mga estudyanteng pumipila rin.

"Aba... Manglilibre ang kuripot," mungkahi pa ni Cecille.

"Syempre New Years Resolution ko sa kanya sana hindi na siya masyadong kuripot!
Mukhang naliwanagan iyan ng langit kaya medyo nababawasan ang sungay." Tumawa pa si
Rinka sa aking gilid.

Ako lamang ang tahimik at hindi alam kung saan ipapanatili ang aking mga mata.
Sa huli ay itinuon ko nalang iyon sa suot kong sapatos. Kahit nakayuko ako ay may
mga nararamdaman parin akong mga mata na nakatingin sa akin.

Ano kayang tinititigan nila sa mukha ko? Dahil lang bago ang aking ayos. Kahit
ako ay hindi makapaniwalang nagagandahan ang ibang tao sa akin habang ako naman ay
hindi iyon makita sa aking mukha.

"Ay nangangamoy bulok agad ang paligid..." Naiiritang sambit ni Rinka na


ikinaangat ko agad ng tingin.

Napunta ang pares ng aking mga mata sa may bukana at nakita ang pagpasok nila
Ate Rici kasama na naman ang tatlo niyang kaibigan. Isa na roon si Feli na taas
noong naglalakad at nakabun pa ang buhok. Ito ata ang unang beses na nagawa niyang
itali ang kanyang buhok ng ganoon.
Noong magtama ang aming mga mata ay may kung ano agad siyang hinawakan sa
kanyang leeg. Noong sundan ko iyon ay nakita ko ang suot niyang kwintas at ang
hinahawakan niyang kumikinang na pendant noon. Hindi ko masyadong makita kung anong
klaseng pendant iyon dahil natatakpan rin ng kanyang kamay.

"Tara..." Sulpot ni Rose sa aming harapan at may biniling apat na sandwich.

Ibinigay niya sa amin iyon isa isa. Nagpasalamat naman agad ako at handa naring
umalis bago pa kami madatnan ni Ate Rici rito kahit na nasa may gilid na namin
sila.

"Hi Trace!" Kinawayan ako ni Ate Rici kaya napakurap agad ako. Umaliwalas lalo
ang kanyang mukha at may bago naring hairstyle. Ang pinakanapansin ko naman ay ang
suot niyang simpleng kwintas pero may pendant na lock. Maganda rin iyon.

"Hi Ate..." bati ko sa kanya at kinawayan narin ito kahit


na tinutubuan ako ng hiya dahil sa mga matang nang-uusisa agad sa akin.

"Ang ganda ganda mo ngayon ah!" pamumuri niya at mas tumamis pa ng kanyang
ngiti.

Nahihiya naman akong ngumiti at nakita kung paano umasim ang mukha ni Feli.
Iyong dalawa niya namang kaibigan ang pumila at hindi na nag-abalang pagtuunan kami
ng pansin.

"Alis na po kami, Ate," pamamaalam ko na ikinatango niya naman.

"Sige!"
Binalingan ko sila Rinka na matalim ang tingin kay Feli pero wala naman silang
sinasabi. Umalis rin naman kaming apat doon dala dala ang aming pagkain habang
silang tatlo ay dala dala narin ang iritado nilang mga mukha.

"Nasusuka na talaga ako pag nakikita ko ang pagmumukha ng inggratang iyon!"


Halos bumaon ang mga paa ni Rinka sa sahig dahil sa pagmamartsa nito nang marahas.

"Kahit bagong taon na ay nanggigigil parin talaga ako sa babaeng iyan eh!"
dagdag naman ni Rose.

Kumagat ako sa hawak kong sandwich at nagawa pang silipin ang palaman noon
habang silang tatlo ay hindi matigil tigil sa kakasabi ng kung ano ano kay Feli.

"Napansin niyo... naka bun si gaga! Mukhang ang New Years Resolution noon ay
magmukhang tao kahit alam niyang napakaimposible talaga!" si Cecille.
Nagpatuloy ako sa kakakain habang naglalakad kaming apat. Sila itong hindi pa
magawang galawin ang kanilang mga sandwich dahil sa kakadaldal.

Kahit noong lunch ay iyon parin ang pulutan ng kanilang pag-uusap. Nagpaalam
nalang ako na pupunta ako sa library at babalik rin pag nagsimula na ulit ang
klase. Mas gusto kong doon magbasa dahil walang disturbo at hindi pa ako maiilang
sa mga paninitig ng iba sa akin.

Pumasok ako at nagtungo sa pasilyo kung saan nakalagay ang libro na gusto kong
basahin. Total malapit na akong makatapos bilang high school... gusto kong magbasa
ng advance sa kukunin kong kurso sa kolehiyo. Alam kong ilang taon pa bago ako
tumuntong sa stage na iyon pero gusto ko ring maging handa. Gusto ko sanang magtayo
ng sarili kong flower shop pagkatapos ng aking pag-aaral. Gusto kong magdesign ng
mga magagandang bulaklak sa mga may kasal at kung ano ano pang espesyal na okasyon.

Kinuha ko ang librong may bulaklak ang cover noon sa harap saka ako nagtungo sa
bakanteng upuan. Inilapag ko sa mesa iyong libro saka ko pinasadahan ng haplos ang
aking palda pababa saka ako umupo roon.

Itinukod ko sa mesa ang isa kong siko habang ang aking baba naman ay inilagay
ko na sa aking palad at sinimulang buklatin iyong libro gamit ang isa kong kamay.

Namangha agad ako sa front page dahil sa mga sunflowers na naroon bilang unang
pahina noong libro. Naiisip ko palang na magkakaroon ako ng ganoon karami at
kagandang mga bulaklak ay gusto ko na agad lumaki at magtanim ng marami.

Inilipat ko ang pahina at pinasadahan ng tingin ang laman ng buong libro.


Naroon ang mga title at bilang ng pahina sa bawat gilid.

Hinanap ko agad ang napili kong bilang saka rin iyon inipit sa aking siko para
hindi bumalik sa pagkakasara ang libro. Binasa ko iyon sa pamamagitan ng aking mga
mata at sa ibaba naman ay ang picture noong magandang pagtubo ng bulaklak.

Paglaki ko, gusto kong mamuhay sa simpleng bahay at napapaligiran ng


magagandang mga bulaklak. Kahit doon lang rin sa lupain namin itayo iyong magiging
simpleng palasyo namin ni Mama. Alam kong si Kuya ay magkakaroon rin ng sarili
niyang pamilya at balang araw ay bubukod rin sila noong mapapangasawa niya. Sana
nga ay si Ate Rici iyon. Sana maipaglaban nilang dalawa ang kanilang pagmamahalan
hanggang dulo.

Ako kaya? Anong klaseng pag-ibig ba ang naghihintay sa


akin? Meron na ba? Nakilala ko na ba iyong lalake? O kailangan ko munang dumaan sa
ibang lalake at masakpan para matuto. Ano kaya ang plano ng langit sa akin?
Kasingganda ba iyon sa mga nababasa ko sa libro? O kasingpait lang rin ng
napapanood ko?
Doon lamang nabura ang aking pinag-iisip nang may maramdaman akong imahe ng
kung sino ang umupo sa aking harapan. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Feli na
inilalapag doon ang librong dala dala saka niya iyon binuklat.

Kumurap ako at hindi alam kung ano ang gagawin. Gusto kong tumayo nalang at
umalis pero noong umangat ang kanyang mga mata sa akin at marahang ngumiti ay
nabura ang binabalak ko. Ito ata ang kauna-unahang beses na ngumiti siya sa akin ng
ganyan.

"Hi..." Bati niya sa malambing na boses.

"Hi," bati ko narin pabalik at tipid na ngiti lamang ang naibigay.

Bumaba ang kanyang mga mata sa libro at wala sa sarili iyong inilipat lipat.
Para itong may hinahanap na pahinang hindi niya rin naman alam kung ano.

Ginaya ko narin siya at itinuon ko nalang ang aking atensyon sa librong


binabasa ko. Wala rin naman akong maisip na gagawin niyang masama rito sa akin.
Lalo na't iyong huli naming pagkikita sa lupain nila Israel ay hindi gaanong
maganda.

"Pamilyar sa akin ang pabango mo ha. Chanel iyan 'di ba?" tanong niya sa akin.
Wala naman akong makitang galit o inis sa kanyang mukha habang sinasabi iyon.
Mukhang nagtatanong lang ito.

Hindi ako makasagot at ilang sigundong napatitig sa kanyang mukha. Marahan


siyang tumawa at inabot ang pendant noong suot niyang kwintas saka niya iyon
hinawakan.

"Alam ko namang si Rici ang may bigay niyan. Ang bait niya 'di ba?" medyo
mahina niyang sabi at nagawa pang umabante sa akin.

Napangiti ako at tumango lamang. Sang-ayon rin naman akong mabait si Ate Rici.

Binitiwan niya ang pendant noong kwintas niya at doon ko nakita ang hugis puso
na pendant noon. Simpleng hugis puso lamang iyon at hindi ko masasabing mamahalin
ba o ano.

Nag-iwas ako ng tingin doon nang mapansin niyang titig na titig ako. Yumuko
naman siya saka niya iyon tiningnan.

"Mahal pa naman ito... At kung ibebenta mo ata ay nasa ilang libo rin. Galing
ibang bansa pa ito eh... Bigay ni Rici," sabi niya sa akin na ikinakurap ko.

Ganoon kabait si Ate Rici na hindi niya na iniisip kung mura ba o masyadong
mahal iyong ibinibigay niyang bagay sa isang tao. Kaya rin siguro pinagpapala sila
dahil sa ugaling meron sila.

Hindi ako sumagot sa kanyang sinabi kaya ilang sigundo itong tumahimik at
palipat lipat parin ng pahina noong libro. Nagsimula naman akong magbasa gamit ang
aking mga mata. Nakakapagtaka nga at medyo maganda ang pakikitungo niya sa akin
ngayon. Hindi kaya ay gusto niya naring magbago total bagong taon na? Hindi iyon
imposible Trace... Lahat ng tao ay pwede namang magbago kahit kailan nila gusto.

"Uhm... Tungkol sa inyo ni Israel... Kumusta na kayo?" biglaan niyang tanong.

Natigil ako sa pagbabasa at nag-angat ng tingin sa kanya. Ngumiti agad siya ng


sobrang tamis sa akin.

"Alam mo Trace... Minsan naaawa rin ako sa'yo eh..." Nagpeke pa siya ng lungkot
habang pinapapungay niya ang kanyang mga matang nakadirekta na sa akin.

Ibinagsak niya sandali ang tingin sa librong binabasa ko pero mabilis rin
namang ibinalik sa aking mga mata.

"Noong una nagtataka ako kung bakit pinapalapit ka ni Israel sa kanya eh


kabisado ko ang lalakeng iyon... He's cruel... Ayaw noon sa mga taong manggagamit,"
paglalahad niya sa siguradong boses.

Lumapit pa siya ng bahagya sa akin habang ang mga kamay ay


nakahilig na sa mesa. Lumingon lingon siya sandali pero ibinalik rin naman agad ang
tingin sa akin.

"Pero noong nalaman ko ang rason niya... Naawa ako sa'yo." Inangat niya ang
kanyang kamay at sinuklay suklay ang gilid  ng aking buhok. "Hayaan mo...
pagsasabihan ko iyon na tantanan kana. Pero ikaw... Kung gusto mong lumapit lapit
parin sa kanya ay wala akong magagawa roon."

Ilang sigundo ko siyang tinitigan. Halata namang ang tinutukoy niya ay ang
panggagamit ni Israel sa akin para lang makakuha ng impormasyon kay Kuya. Lumalapit
lapit lang ito dahil sa kanyang kapatid na nauugnay sa aking matandang kapatid.
Hindi alam ni Feli na alam ko ang bagay na iyon at nagpapatangay nalang ako sa agos
habang nananalangin na sana ay kumalma na ang dagat at magbago ang direksyon nito.

Minsan talaga kailangan mong magpakainosente para mabasa ang mga taong
nakapaligid sa'yo. Kailangan mong umaktong wala kang alam para sila mismo ang
magpatunay na tama ang hinala mo.

Hinawi ko ang aking buhok na ikinasunod agad ng kanyang mga mata sa akin.
"Mabait naman si Israel. Ni minsan... Hindi niya pinaramdam sa akin na iba ako.
Na magkalayo ang agwat namin sa isa't isa," inosente kong sagot sa kanya na mabilis
niyang ikinatakip sa kanyang bibig at nagpipigil na humagalpak ng tawa.

"Grabe... Kahit kailan talaga pagdating sa pambobola ay eksperto ang lalakeng


iyon... Lahat napapahulog niya sa kanya," sabi niya pa at pilit kinokontrol ang
sariling hindi matawa.

Nailing iling siya habang may nakakaloko ng ngisi sa kanyang labi.

"Ayoko rin namang hadlangan ang mga balak ni Israel... Kaya sige... Magpaakit
ka pa lalo ha," sarkastiko niyang pagkakasabi at tumayo rin naman kasama ang
matagumpay na ngisi sa kanyang mukha.

Tumalikod rin naman ito at umalis na. Ni hindi niya pa binalik sa shelf iyong
librong kinuha niya kaya ako nalang ang kumuha noon. Halatang nagpapanggap lang
iyong pumunta rito para magbasa dahil ang totoo ay ako ang sadya niya. Eh iyong
librong kinuha niya ay tungkol sa mga buildings. At isa pa... hindi naman iyon
mahilig magbasa at ito nga ang kaunaunahang beses na nakita ko siyang nagkainteres
magbasa rito.

Hindi ko na binanggit pa tatlo ang napag-usapan namin ni Feli. Mas sisiklab


lamang sila at mas pag-iinitan nila iyon. 'Tsaka hindi niya narin naman kailangang
sabihin iyon sa akin dahil hindi naman ako manhid para hindi maisip ang bagay na
iyon. Siguro kaya niya iyon sinasabi para masaktan ako sa katotohanan dahil akala
niya nag-aassume na ako ng malaki.

Baon baon ko ang mga iyon habang naglalakad na ako pauwi. Ginugulo na naman ako
ng aking utak at kung ano ano na naman ang pinag-iisip nito. Doon lang iyon nabura
dahil sa yabag ng paa ng kabayong tumatakbo sa aking likuran.

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang kabayong pamilyar sa akin. Nakita ko


roon ang imahe ni Israel, suot ang puting polo ng kanyang panloob na uniporme, ang
denim jacket, maong na pantalon at itim na boots, tumatalbog ang kanyang katawan sa
ibabaw ng kabayo habang hinahawakan niya iyong tali na kahit ang iilang hibla
niyang nagrerebelde sa kanya ay umaangat rin sa ere at babagsak rin sa kanyang
mukha. Pabalik balik iyon na kahit ang kanyang mga mata ay tinitigan ko narin.
Madilim parin iyon at misteryoso pero kalmado lang naman ang kanyang ekspresyon.

Doon lamang ako bumalik sa aking sarili nang huminto ang kabayo sa aking
harapan at walang ano-ano'y bumaba siya roon. Para siyang hangin na mabilis at
swabe ang kilos na kahit ang kanyang manly na pabango ay hindi na naman nakaligtas
sa akin.

Humarap siya sa akin at hinawi ang bawat gilid ng kanyang denim jacket sa may
beywang saka niya inilagay ang magkabilang kamay niya roon. Nakapameywang na ito
habang kagat kagat ang pang-ibabang labi.
"Hey..." tawag niya sa baritonong boses.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Umawang ang aking bibig para sana magsalita pero
natutop ko rin dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Ngumuso ako
at nahawakan na ng mahigpit ang bawat straps ng aking maliit na bag.

"It's almost two weeks since the last time we saw each other. Wala ka bang
sasabihin sa akin?" he tilted his head while eyeing me closely.

"Hindi ko alam anong sasabihin ko..." mahina kong sabi sa kanya habang
tinitingala ito.

Napansin ko na mas gumwapo ata ito kahit na ilang araw lang naman kaming hindi
nagkita. Wala namang nagbago sa kanya ah? Siguro iyong mga mata ko ay masyadong
perpekto ang tingin sa kanya.

"Kahit 'Namiss kita, Israel' okay na iyon sa'kin." Nagkibit pa ito.

Ngumuso ako. "Namiss kita, Israel..." panggagaya ko sa kanyang sinabi na


ikinakurap niya.

Naialis niya ang kanyang mga kamay sa kanyang beywang habang ang kanyang mga
labi naman ay umawang ng kaonti.

"You do?" tanong niya sa mas malalim na boses.

Ang aking mga mata ay sandaling gumala. Umihip pa ang hangin sa aming dalawa
kaya sumabog ang aking buhok sa ere at kailangan ko pa iyong ayusin habang
nakasunod ang mga mata niya sa akin.

Suminghap siya at binasa agad ang pang-ibabang labi. Humakbang pa siya


papalapit kaya mabilis na umingay agad ang aking dibdib. Sa sobrang ingay ay tila
naputol na ang aking hininga.

"Close your eyes..." sabi niya sa akin na ikinakurap kurap ko.

Hahalikan niya ba ako? H-Hindi kaya iyon ang plano niya? Loko loko pa naman ito
minsan.

"B-Bakit?" nagtataka kong tanong.


"Basta... Just do it..." Ngumisi siya sa akin at nagawa na namang kagatin ang
pang-ibabang labi.

Lumunok ako ng laway saka bumagsak ang aking mga mata sa kanyang dibdib kung
hanggang saan lamang ako sa kanya. Dahan dahan akong pumikit at hinayaan nalang
siya kung ano man ang binabalak niya sa akin.

Ilang sigundo akong nakapikit at ramdam ang kanyang imahe sa aking harapan na
hindi parin umaalis dahil narin sa kanyang pabango na naaamoy ko parin.

"Now... Open your eyes."


Sinunod ko naman iyon at dumilat na. Napakurap ako nang wala man lang nagbago
na kahit ang paglapat ng kanyang labi ay hindi ko man lang naramdaman. Ay... Ano
'yon? Inuuto niya ba ako?

"Para saan iyon?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang... Gusto lang kitang pumikit," mapang-uyam niyang sabi na


ikinasimangot ko agad.

Nang mapansin niya ang aking ekspresyon ay napanguso pa ito para magpigil ng
ngiti.

Umiling nalang ako at naglakad na papunta sa bahay lalo na't nasa tapat narin
naman kami. Kailangan ko nalang humakbang ng dalawampo para makarating na sa bahay.

Nararamdaman ko siyang sumusunod sa akin kaya tumigil muna ako sa may pinto at
nilingon ito. Nagets niya naman ang ibig kong sabihin at huminto rin doon.

Tuluyan akong pumasok sa bahay at napabuntong hininga nalang sapo sapo ang
dibdib kong nag-iingay. Napakurap ako nang bukod doon ay may nakapa pa ako. Mabilis
akong yumuko at nakita ang isang kwintas na may hugis pusong pendant at sa gilid
noon ay may kumikinang na maliit na bato.

Siya ba ang naglagay nito sa akin habang nakapikit ako?! T-Teka?! Ba't niya
naman ako bibigyan ng ganito kaganda at mukhang mamahalin pang kwintas? Hindi pa
naman kami ah! Ni wala nga iyong label! Ba't ang bilis bilis niya naman atang
namimingay ng kung ano ano sa akin?

Lumabas ulit ako pero napahinto rin dahil sa biglaan kong pagkabangga sa kung
anong matigas at mabango. Nag-angat ako ng tingin at nakita ito.

Inangat ko agad iyong pendant. "Ba't mo ako binibigyan ng kwintas? Hindi ko ito
matatanggap Israel—"

"Did you see me put that on your neck?" Tumaas agad ang kanyang kilay at
pinutol pa talaga ako.

Umiling ako.
"Then you have no right to give it to me since I am not the owner," kampante
niyang sagot sa akin na ikinalaglag ng aking panga.
"Pero pinapikit mo ako kanina! Ikaw ang nagsuot nito sa akin!" giit ko.

"Nakita mo?"
"Paano ko makikita eh pinapikit mo nga ako," sagot ko at sumimangot pa.

"Ba't mo ibabalik sa'kin eh bagay naman sa'yo? The necklace looks like you're
already taken by someone..." he said on a deep voice.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 22

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Lysselah dela Cruz. Happy reading!
-----------
Kwintas
Ilang sigundo kong tinitigan si Israel sa labas ng bahay. Hindi ata talaga ito
aamin na siya ang naglagay nito sa aking leeg kahit na halata namang siya iyon.
Bumuntong ako ng hininga at pumasok muli sa bahay. Lumingon ako at nakita na
ito sa may pinto. Nakasandal siya roon habang nakapamulsa.
"Can I come in?" tanong niya sa akin nang magtama ang mga mata namin.
"Uh... Hindi masyadong maganda ang bahay namin at baka mandiri—"
Umangat ang kanyang kilay sa akin kaya natutop agad ang aking bibig. Ilang
sandaling gumala ang aking paningin pero sa huli ay naibalik ko rin sa kanya.
Ngumuso ako at walang nagawa kundi magtungo roon sa may lamesa. Yumuko ako at
hinila palabas iyong dekahoy na upuan.
Tumayo ulit ako ng tuwid saka ko iyon itinuro.
"Dito ka lang oh..." Nilingon ko siya na ngayon ay kagat kagat na ang labi
habang iyon ang pinaglalaruan.
Nagtungo rin naman siya rito. Napasimangot agad ako nang mapagtantong hindi
siya bagay sa ganitong lugar. Kung si Ate Rici mukhang kasya naman... siya ewan ko.
Pinanood ko siyang umupo roon pero hindi ito nakaharap sa lamesa. Yumuko pa
siya roon at inihilig ang mga siko niya sa kanyang hita saka niya pinagsalikop ang
mga kamay. Maliit lang ang espasyo. Nagmumukhang bahay ng daga ang bahay namin
dahil sa pagpasok ng leyon.
"Where's your room?" Sinipat niya ng tingin ang mga pintong nasa likuran ko.
Huh? Ba't niya tinatanong? Balak niya rin bang pumasok doon?
"Iyan oh." Itinuro ko ang pinto ng aking kwarto.
Tumango tango naman siya at binasa pa ang pang-ibabang labi.
"It looks cute..."
"Maliit kamo," pagtatama ko sanhi para tingalain niya ako at nakaangat na naman
ang isang kilay.
Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod rin naman.
"Bihis lang ako... Uh... Kung may gusto ka... tawagin mo lang ako," sabi ko pa
at nginitian siya ng tipid.
Kalmado siyang tumango saka niya iginala ang tingin. Pumasok rin naman ako sa
aking kwarto. Doon nanlambot ang aking tuhod at wala sa sariling nahawakan ang
pendant noong kwintas. Yumuko ako at napangiti. Ibalik mo nalang sa kanya pag hindi
niya na dinideny.
Nagbihis ako noong nipis na bistida na straps lamang at sleeveless. Above the
knee iyon kaya okay narin. Humarap ako sa salamin saka naglagay ng kaonting
lipstick at kaonting polbo. Inayos ko pa ang ayos ng aking buhok saka rin ako
nagspray ng pabango.
Noong makontento ako sa aking hitsura ay lumabas rin naman ako ng kwarto.
Nadatnan ko siya sa labas na nakatayo na at hindi parin tapos ang mga mata sa
pagsuyod sa kabuuan.
"Uh... Tara?"
Lumingon siya sa akin. At katulad ng kanyang nakasanayan ay hinagod na niya
naman ako ng kanyang mga mata. Tinagilid niya pa ang kanyang ulo na akala mo ay
sisilipan ako kahit na above the knee naman ang floral na ito.
Alam kong hindi kasingganda ng mga nakasanayan niyang kasamang babae ang suot
ko. Alam kong simple lamang ako. Alam ko iyon at hindi naman ako naghahangad na
tingnan niya rin ako kung paano niya tingnan ang ibang babae na pasok sa standards
niya.

Dumaan ako sa kanyang gilid para maunang lumabas kaso


ganoon nalang ang pagkagulat ko nang hinila niya ako at pinaharap sa kanya. Ang
aking buhok ay umangat pa sa ere dahil sa biglaang panghihila niya.
"Wait." Magkasalubong ang kanyang kilay habang ang tingin ay nasa aking dibdib.
Bumaba ako roon at nakitang hindi naman ako nakikitaan.
"B-Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Just a bit." Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka umangat ang kanyang
tingin at napunta sa garter noong damit sa may  parteng dibdib ko.
Napalunok ako sa kanyang ginawa at baka bigla niya nalang iyong hilain pababa
dahil sigurado akong malalantad talaga ang aking bra.
Naramdaman ko sa gitna ng aking dibdib ang paglapat ng kanyang kamay roon.
Kapwa naroon ang aming mga tingin. Noong nag-angat ako ay nakaawang ng kaonti ang
kanyang basang labi at malalim na ang pagkakatitig doon.
Kinuha niya roon ang pendant ng kwintas at inilabas. Dahan dahang gumapang ang
kanyang mga mata paakyat sa akin.
"Don't hide it," he whispered to me as I felt his breath on my cheeks.
Tumango ako at namumula na naman ang pisngi. Di ko na natatagalan ang mga kilos
niyang tila nanunukso. Pag nagpatuloy pa ito ay mahihimatay na talaga ako dala
narin ng hininga kong napuputol niya.
Akala ko ay tapos na ito pero napunta pa ang kanyang kamay sa aking likod
hanggang sa napansin ko ang pag-akyat noong pendant at mukhang iniadjust niya.
Ngayon ay hindi na iyon nakatago. Iyon lamang ang suot kong alahas sa aking
katawan. This necklace is too much for me...
"Uh... Hindi ba ako mahoholdap pag suot suot ko ito? Baka pag-initan ako ng mga
magnanakaw kaya ano... pwede hubarin ko nalang?" sabi ko sa kanya.
Umiling siya. "Just wear it."
"Pero... Masyado itong ano... M-Mahal... H-Hindi ako sanay sa ganito..."
"Masasanay ka rin," sagot niya at naroon parin ang tingin sa kwintas o sa
dibdib ko?
Yumuko ako at tiningnan iyong muli. Huhubarin ko ito maya maya pag nasa bayan
na ako. Susuotin ko lang pag pauwi na ako pagkatapos ng klase. Ganoon nalang
siguro? O pwede rin na itago ko nalang sa uniporme ko.
Nabura agad ang aking pag-iisip nang naramdaman ko ang hintuturong daliri ni
Israel na nasa itaas na ng aking dibdib. Tila may ginuguhit siyang nakakakiliting
linya sa balat ko kung saan namamahinga iyong kwintas.
Naninindig na ang aking balahibo at gustong umatras sa haplos na 'yon.
Nagsisisi na ako kung ba't ganito ang suot ko ngayon. Kung ba't di nalang ako
nagtshirt.
Pero may parte sa akin ang nagdidiwang dahil nagpakita ako ng kaonting balat.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung ba't nagugustuhan ko ang nakakaakit
niyang haplos.
"Wear it always... I want the necklace to touch your skin on this area..." he
said deeply.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at wala sa sariling napatango. Ngayon
lang talaga ako magrereklamo pero ang init pala talaga ng bahay namin. O baka
naman...
He breathe deeply. Ang kamay niya ay naglakbay na sa nipis at makintab na
kwintas hanggang sa makarating siya sa aking leeg. Marahan niyang hinawakan ang
gilid noon, puno ng pag-iingat...
Namungay ang aking mga mata sa kanya habang ang kanyang mga mata ay malalim
parin at nakakapaso na. His thumb caressed my jaw as he eyed me seriously. God,
Israel...
Huminga ulit siya ng malalim. Lumunok naman ako ng laway at nag-iwas agad ng
tingin. Delikado ito, Trace... H'wag mong hayaang may mangyaring pagsisisihan mo
lang. H'wag muna. Bakuran mo muna ang sarili mo.

At ano naman ang lilimitahan ko? Na hindi muna pwede ang


halik? At hindi naman ako marunong. 'Tsaka hindi naman kami naghahalikan ah?
Mukhang wala rin siyang balak halikan ako.
Umatras agad ako at hindi na mapakali ang aking mga mata. Akma akong pupunta sa
aking kwarto pero mabilis rin naman akong natauhan at naglakad na patungong pinto.
"T-Tara..." Nauna na akong umalis sa kanyang harapan at pakiramdam ko, ano mang
oras ay mabubuwal na ako sa paglalakad.
Mariin akong napapikit. Para na akong aatakihin sa puso. Grade 9 ka palang,
Trace! Hindi ka pa pwedeng sumubok sa mga ganoong bagay! Bawal ka munang
magpahalik!
Tahimik kaming dalawa habang naglalakad pabalik sa kanyang kabayo. Di parin
matigil sa pagwawala ang puso ko sa loob ng aking ribcage. Eksperto nga talaga ang
kagaya niya pagdating sa babae at ang katulad kong walang karanasan ay naninibago.
Huminto ako at pinanood siyang hilain ang pisi noong kabayo niya.
"Ihahatid na kita," sabi niya sa baritonong boses na ikinatango ko nalang.
"Come here."
Humakbang rin naman ako papalapit. Hinawakan niya ang aking beywang at walang
ano ano'y umangat na ako sa ere na tila isang hangin sa sobrang gaan.
Inipit ko agad ang aking mga hita pati na iyong aking suot para hindi umangat
mamaya pag pinatakbo niya ito ng mabilis. Noong mapansin niyang okay na ako ay doon
lang rin siya sumampa sa kabayo.
Nagsimulang tumakbo ang kabayo pero hindi gaanong mabilis. Tahimik ako at kagat
kagat ang pang-ibaba kong labi. Ganoon ba talaga ang nangyayari pag nasa isang
bahay at kayo lamang dalawa? Hindi ba talaga maiiwasan ang ganoon?
"Do you want me to fetch you tomorrow after school?" tanong niya na ikinakurap
ko.
"H-Huh? H'wag na no..."
"Ba't ayaw mo?" Umangat ang kilay niya at nahulog ang tingin sa akin.
Hinawakan ko naman ang aking buhok para hindi iyon umangat sa ere.
"W-Wala lang... Kaya ko namang mag-isa," sagot ko.
Kinagat kagat niya ang kanyang pang-ibabang labi kaya ibinalik ko sa bawat
nadadaanan namin ang aking atensyon. Sige ka Israel... Baka sa susunod nito pag
nasanay na ako hanap hanapin na kita.
Tulala ako kahit noong nasa bayan na ako. Hinubad ko pa iyong kwintas niya para
di makita ni Mama dahil baka magtaka iyon kung sino ang nagbigay at akusahan akong
may boyfriend na. Palagi niya pa namang inaakusahang mas malandi pa si Kuya kaysa
sa akin. Ma... Paano ka magpipigil kung nakakatukso talaga ang mga Buenaventura?
Isinuot ko ulit iyong kwintas noong pumasok ako ng eskwelahan pero itinago ko
nalang sa loob ng aking uniporme. Nakalugay rin naman ang natural na maaalon kong
buhok kaya okay lang rin.
"Good morning, Trace..." bati ng lalake kong kaklase pagpasok ko.
Ngumiti ako sa kanya.
"Morning..." mahina kong sagot pero sapat lamang iyon para ngumiti ito lalo.
Nagtungo rin naman ako sa aking upuan. Itinuon ko ang aking tingin sa labas ng
bintana at hindi mapigilang mapangiti. Magkikita ba ulit kami mamaya? Pupuntahan
niya ba ulit ako? Hindi naman pwedeng sunduin niya ako rito dahil pag-uusapan
lamang kami. Ayokong dumagdag ng issue sa kapatid ko. Makakarating pa ito kay Kuya
at mapapagalitan pa ako. Baka makatikim rin ako kay Mama.
"Uy pangiti ngiti! Habang tumatagal mas lalong bumublooming ah?" Bigla nalang
sumulpot si Rinka sa aking harapan at nagawa pang silipin ang aking mukha.

"Huh..." Natatawa kong sabi.


"Ano 'yang make-up mo Trace? Make-up ng mga babaeng inlove? Ikaw ha..."
Sinundot sundot niya pa ang aking tagiliran na nagpapaigtad sa akin.
"Hindi ah..." Ngumuso pa ako para magpigil na ng ngiti kaso hindi ako
tinantanan ni Rinka.
Dumating narin ang dalawa at katulad ng kanilang nakasanayan sa akin ay inaasar
na naman ako. Palagi ko nalang tinantanggi na wala lamang iyon pero hindi ko alam
ba't binubulgar ako ng aking mukha. Ni hindi ko rin mapigilan ang pagngiti ko.
Alam ng buo kong sistema kung gaano ko hinahangaan ng palihim si Israel.
Kabisado nila ako na makita ko lang ito noon ay nagwawala agad sila. Parang sila
itong nagsasabi sa aking nandiyan na naman iyong crush ko. Hindi ko rin naman kasi
inaakalang mapapansin niya ako. Iyon nga lang kahit may iba siyang dahilan pero
hindi ko parin maiwasang mapangiti.
Nasa ikalawang subject na iyon nang may pumasok sa aming classroom. Guro iyon
at ang gwardya sa aming eskwelahan. Nalipat ang aking tingin sa imahe ni Feli na
galit na galit ang mukha.
Nagtungo iyong guro niyang kasama sa guro namin at may sinabi roon na
ikinatango naman nito.
"Tumayo kayong lahat at iwan niyo ang mga gamit niyo sa upuan. Pumunta kayo
rito sa harap," sabi ng aming guro na ikinakunot ng aking noo.
Kung kahapon ay nakabun ang kanyang buhok, ngayon naman ay nakalugay na.
"Anong pakulo ng inggratang iyan..." narinig kong sabi ni Rinka.
Nagsitayuan na ang iba kong mga kaklase kaya tumayo narin ako. Iyong guard
naman ay nag-umpisang halughugin ang bag noong first row.
"Nawawala ang mamahaling kwintas ni Miss Barit," sabi ng guro at sinagot ang
mga nagtatakang mukha ng aking mga kaklase.
Kwintas? Iyong suot niya kahapon?
Lumipat ang tingin ni Feli sa akin.
"Nasaan ang bag mo, Trace?" tanong niya sa matigas na boses na ikinakurap ko.
Huh?
"Iyan..." Itinuro ko ang aking upuan kung nasaan ang aking gamit.
Nagtungo rin naman agad siya roon.
"Sumusobra na talaga siya," bulong sa akin ni Cecille at galit na ang boses na
iyon.
Hindi ko alam kung ba't bigla nalang akong kinabahan. Ang mga mata naman ng
aking kaklase ay nakay Feli na. Binuksan niya ang maliit kong bag at ibinuhos ang
laman noon sa aking upuan.
"Sigurado akong siya ang nagkakainteres sa kwintas na 'yon dahil ilang beses
niya iyong tinitingnan kahapon. At nabanggit ko rin sa kanya habang nag-uusap kami
sa library na ilang libo iyon pag binenta," paglalahad niya sa galit na boses na
ikinatingin ng aking mga kaklase sa akin.
Umawang ang aking bibig at namutla sa kanyang binibintang. Hindi ko naman iyon
magagawa sa kanya!
"P-Pero nauna kang umalis kahapon sa library Feli..." sabi ko sa kanya.
"Baka nalaglag ko roon at nakita mo pero di mo na ibinalik sa akin dahil alam
mong mahal iyon!" sigaw niya naman at nasa akin na ang buong atensyon.
Mas lalo akong namutla. Sa kanyang rason ay katanggap tanggap nga iyon.
Tiningnan ako ng aking guro na kahit iyong gurong kasama niya ay nasa akin
narin ang buong atensyon.
"Halika rito, Trace... Kakapkapan ka nalang para matapos na ito," sabi noon.
"Pero hindi naman magnanakaw si Tracey! Nambibintang na naman ang babaeng
iyan!" sigaw ni Rinka.
Mas lalong natuon sa akin lahat ng kanilang atensyon. Parang mawawalan na ako
ng dugo dahil sa pamumutla ko. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi naman ako
ganoong klase pero pinapangunahan ako ng takot at kaba.

Wala sa sarili akong humakbang papalapit doon sa babaeng


guro. Sinimulan niya akong kapkapan. Ang una niyang tiningnan ay ang aking bulsa.
Kahit ang aking sapatos ay pinahubad pa nito sa akin.
"Tingin sa taas," utos nito kaya sinunod ko rin. Sobrang blangko na ang aking
pag-iisip. Naiiyak na ako kahit na alam ko naman sa sarili kong wala akong
kasalanan.
May kung ano siyang kinuha sa loob noon hanggang sa inilabas niya ang suot kong
kwintas. Doon ko naalala ang bigay na kwintas sa akin ni Israel. Mamahalin rin
naman ito pero naiiba ang style ng pendant nito sa pendant noong kwintas ni Feli.
"Ito ba, Miss Barit?" tanong noong guro kaya mabilis na humakbang papalapit sa
akin si Feli.
Nang makita ang kwintas ay nanlaki agad ang kanyang mga mata. Walang ano ano'y
hinila niya iyon ng marahas sa aking leeg na kahit ang pagkakaalis noon ay
naramdaman ko pa ang hapding dulot nito.
"Ito ang kwintas ko Ma'am! Ninakaw niya nga!" sigaw niya na ikinalaglag ng
aking panga.
Lahat ay napasinghap sa gulat. Kahit ako ay gulat.
"H-Hindi... A-Akin 'yan..." Nauutal kong sabi sa kanya pero mas lumala lamang
ang galit sa kanyang ekspresyon.
"Anong sa'yo?! Mahal ito! Imposible namang makabili ka ng ganito eh halos nasa
bundok nga kayo nakatira! Ano lang ba ang trabaho ng Mama mo? At kahit ang Kuya
mong kargador ay hindi ito kayang bilhin!"
Nangilid agad ang luha sa aking mga mata habang umiiling. Idagdag pa ang tingin
ng mga kaklase ko sa akin.
"H-Hindi F-Feli... B-Bigay iyan n-ni..." Natigil ako at hindi kayang ibigkas
ang pangalan ni Israel. Pag sinabi ko... Mas mapapahamak lang ako lalo.
Wala akong naidugtong doon kaya mas naghinala ang mga mata sa akin ni Feli. Ang
mga kaklase ko ay nagbubulungbulungan na at ang iilan ay disgusto na akong
tinitingnan.
"Miss Quiamco, proceed to the office," sabi sa akin noong guro na ikinabuhos ng
mga luha sa aking mga mata.
"Ano?! Baka nga sinet-up lang ni Feli si Tracey! Hindi naman magnanakaw si
Tracey!" palag ni Rose at akmang lalapit na sa amin pero pinigilan ito ng matalim
na mga mata ng aming guro.
"Imposibleng ninakaw iyan ni Tracey! Hindi ganyan ang kaibigan namin!"
Pagtatanggol naman sa akin ni Cecille.
"Baka magkaparehas lang sila!" sigaw naman ni Rinka.
"Total kayo ang mga kaibigan niya... Kahapon, may suot ba siyang ganito?"
tanong ng guro na ikinatigil nilang tatlo. "H'wag kayong magsinungaling."
"Wala po pero baka ngayon niya lang naisipang suotin," sagot ni Rinka.
"Kahapon nawala ang kwintas ko at siya ang huli kong kausap sa library," sagot
naman ni Feli na ikinadiin ko lang lalo.
"Proceed to the office now," sabi ulit nito sa akin kaya mas lalo lamang akong
humagulhol habang naglalakad.
Paano ko ipapaliwanag na bigay iyon ni Israel? Kung sasabihin ko ba ay
maniniwala sila? At hindi naman pwedeng sabihin ko iyon dahil mas lalala lamang
ito. Kung pwedeng si Feli nalang ang kausapin ko na sana ay ipaliwanag niya na
hindi naman iyon kanya at naiiba ang kwintas niya sa akin. May maliit na diamond
ang akin at iyong kanya ay wala.
Pagdating sa office ay pinaupo agad ako nito. Ang mga mata noong guidance
councilor ay nasa akin na. Umupo naman si Feli sa harap at humalukipkip agad roon
habang hindi parin humuhupa ang galit sa mga mata.
"Anong kasalanan ng dalawa?" tanong ng guidance councilor sa gurong kasama
namin.
"Nawawala po ang mamahalin kong kwintas at nakita sa kanya na suot suot ito. At
sinabi niya pang sa kanya ito eh alam kong ito ang kwintas ko!" si Feli mismo ang
sumagot.
Nalipat naman agad ang tingin sa akin noong guidance councilor. Mahigpit akong
napakapit sa tela ng aking palda habang wala paring tigil sa pag-iyak.
"Totoo ba iyon hija?" tanong sa akin noon na ikinailing ko agad.
"Sinungaling! Ito ang kwintas ko!" sigaw ni Feli. "Mahal ito at imposibleng
magkaroon ka ng ganito eh tagabundok ka lang—"
"Miss Barit, enough," putol sa kanya noong guro.
"Labag sa rules ng school ang offense na ito, hija. Alam mo na pwede kang
maparusahan pag napatunayang ninakaw mo nga ang kwintas," sabi noong guidance
councilor.
"H-Hindi ko po t-talaga kinuha..." Tumaas baba ang aking mga balikat at nakusot
ang aking mga mata dahil sa mga luhang mas bumuhos sa akin. Hindi ko alam kung
paano magpapaliwanag ng maayos sa kanila.
"Bukas, papuntahin mo ang magulang mo rito para mapatunayan nilang sa'yo nga
ito. Baka nagkamali lamang at parehas kayo ng kwintas," paliwanag nito.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa buo kong katawan. Walang alam si
Mama rito at kung malalaman niyang may ganyan ako ay mas lalo lamang akong maiipit
at mapagbibintangan.
Tinakpan ko ang aking mukha at umiyak lalo. Wala akong choice... Kaysa naman
papuntahin si Mama rito...
"S-Sorry... T-Tatanggapin ko po ang parusa..." sabi ko sa gitna ng aking mga
hikbi at hirap na hirap na sa pagsasalita.
"Ibig sabihin... ninakaw mo talaga ito?" panungumpirma ng guidance councilor.
"S-Sa kanya nalang p-po iyong k-kwintas... H-H'wag niyo lang pong p-papuntahin
si M-Mama..."
"See! Guilty siya! Sigurado akong walang alam ang Mama niya sa kwintas kaya
ayaw niyang papuntahin! Ang kapal ng mukha mong sabihin na akin nalang ito eh akin
naman talaga ito! Magnanakaw ka talaga! Mga mukha kayong pera! Parehas lang kayo ng
Kuya mo!" mas malakas niyang sigaw sa akin.
Tinanggap ko ang kanyang binibintang sa akin at hindi na pinagtanggol ang aking
sarili. Mukhang kailangan kong pagtakpan ang totoo kaysa mabulgar iyon. Mas
malaking eskandalo kung nalaman nilang si Israel nga.
"Dapat sa kanya maexpell eh! Magnanakaw!" walang awat na sigaw sa akin ni Feli.
Wala na akong makita sa aking paligid at tinakpan lamang ang aking mukha.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 23

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Althea Itable. Happy reading!
------------
Kwits
Kahit anong punas ko sa mga luha sa aking mga mata ay tumatagas parin iyon na
parang gripong napabayaan. Tapos na ang klase. Ni lunch kanina ay hindi ko na
nagawa dahil sa nangyari. Palagi nalang akong naiiyak at hindi makaconcentrate sa
iba pang subject.
"Tama na 'yan Trace... Alam naming wala kang kasalanan!" Hinaplos haplos ni
Rinka ang aking likod.
"Si Israel ba ang nagbigay nung kwintas sa'yo? Kailan niya binigay eh wala
kaming napansing kwintas na suot mo kahapon," sabi naman ni Rose sa akin.
Hindi ako umimik at nagpatuloy lamang sa pag-iyak. Nanlumo silang tatlo habang
pinapanood ako. Nagsialisan na ang ibang mga estudyante habang narito parin kaming
apat.
"Iyong iba naman nating mga kaklase kung makapag-inarte akala mo alam nila ang
buong estorya! Dahil lang kaibigan ni Rici si Feli ay iyon agad ang kakampihan
nila!" inis na sabi ni Cecille.
"Ang sarap ngang pasabugin ng mga bibig eh," si Rinka.
Isang kahihiyan ang sumampal sa akin ngayong araw. Hati ang simpatya ng mga
kaklase ko. Iyong iba ay naniniwalang napagbintangan lamang ako habang iyong iba
naman ay may disgusto agad ang mga mata.
Gustuhin ko mang linisin ang pangalan ko pero wala rin akong magagawa. Natapos
na. Napagbintangan na ako at inako ko na ang kasalanan na iyon. Bukas ay kailangan
kong tumulong sa canteen bilang parusa ko. Isang linggo akong kailangang magsilbi
roon at hindi ako pwedeng pumasok sa iba kong subject hangga't hindi natatapos ang
parusa sa akin.
"Uuwi na ako..." paalam ko sa tatlo at isinuot na ang maliit kong bag.
"Gusto mo samahan ka namin, Trace?" tanong ni Rose sa akin.
Umiling ako at naglakad na paalis nang hindi sila nililingon. Ang hawak kong
panyo ni Cecille ay basang basa na dahil wala akong tigil sa pag-iyak. Gusto ko
lang mapag-isa ngayon ay umiyak buong gabi sa bahay.
Wala na gaanong estudyante dahil kanina pa ang uwian. May iilan pang natitira
pero konti nalang at nabibilang lamang.
"Nakakahiya naman... Nasa dugo pala talaga nila..."
"Oo nga eh... Mga mukhang pera kaya pati mamahaling kwintas ni Feli ay ninakaw
narin."
"Bumalik nga tayo sa daan baka tayo naman ang biktimahin niyan."
Hindi ko nalang pinansin ang dalawang babae na nagmamadaling bumalik sa
kanilang daanan. Ganoon agad kabilis kumalat ang balita. Hindi na ako magtataka
kung bukas ay maging pulutan na ako ng tsismis nila. Ilang araw narin ata akong
nakakakuha ng atensyon.
Umuwi ako at nagpasyang manatili nalang sa bahay at h'wag ng pumunta sa bayan.
Maiintindihan naman siguro ni Mama... Sasabihin ko nalang marami akong projects na
ginawa.
Nagpapasalamat narin ako at hindi lumitaw si Israel kanina habang pauwi ako.
Anong oras narin naman kasi?
Nakahiga lamang ako loob ng kwarto habang tumutulo parin ang luha sa aking mga
mata. Pinunasan ko iyon pero may panibago na namang batalyon ng mga luha ang
lulusong palabas. Wala na iyong tigil at ayaw rin atang magpaawat.
Ang sakit ng dibdib ko. Kung sino pa iyong walang ginagawang masama siya pa ang
nadidiin. Kung alam ko lang talaga na mangyayari pala ang bagay na ito ay
nagpumilit nalang akong ibalik kay Israel iyong kwintas. Dapat talaga hindi ko
nalang tinanggap eh. Sinasabi ko na nga ba at mapapahamak lamang ako. Hindi nga ako
napag-initan ng magnanakaw pero ako naman ang pinagbintangan dahil lamang sa estado
ng aming buhay ay wala na akong karapatang magsuot ng mamahaling alahas.
Pinagbintangan agad akong magnanakaw.

Pinalis kong muli ang mainit na likidong umagos sa gilid ng


aking mga mata. Kasabay noon ang isang katok sa pinto.
Nagtataka akong bumangon. Nakalock iyon pero kung si Mama ay may susi naman
siya. Pero masyado pang maaga ah? At dumederitso rin si Kuya Bram sa kanyang
trabaho. Hindi kaya sila Cecille iyan?
Kumatok iyong muli kaya bumangon ako at tiningnan pa ang mukha ko sa salamin.
Masyadong maga ang aking mga mata sa kakaiyak at pulang pula pa ang aking ilong.
Lumabas rin naman ako ng kwarto saka nagtungo sa may pinto.
Binuksan ko iyon at ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makita ko ang imahe ni
Israel na nakauniporme pa at may suot na denim jacket, maong na pantalon at ang
nakasanayan niyang itim na boots.
Umawang ang kanyang bibig para sana may sabihin saakin pero nang makita ang
aking hitsura ay mabilis na nagkasalubong ang kanyang mga kilay.
Ang tingin niya sa akin ang nagtulak sa panibagong luha sa aking mga mata para
umagos agad iyon. Kitang kita ko kung paano dumilim ang kanyang mga mata na kahit
ang buong ekspresyon ay ganoon narin.
Bigay niya pa naman iyon sa'yo Trace... Ano ngayon ang sasabihin mo?
"Ba't ka umiiyak?" tanong niya sa galit na boses.
Umiling ako at mabilis iyong pinunasan.
"S-Sinisipon lang a-ako..."
"But you're crying." Mas naging matigas ang kanyang boses at may diin na iyon.
Ni hindi ko siya matingnan ng deritso dahil sa nakikita kong galit sa kanyang
mukha.
"Wala ito... U-Umuwi kana."
Umawang ang kanyang bibig at bakas sa mukha ang pagtutol pero hindi ko na
hinintay ang isasagot niya at mabilis na isinara ang pinto.
"Fuck! Trace!" Kinatok niya iyon nang paulit-ulit. Sa sobrang lakas ay gigibain
niya na ata ang aming pinto.
Sumandal agad ako roon pagkatapos iyong ilock.
"Umuwi kana nga!"
"Open the goddamn door Trace!" sigaw niya sa labas at mas naging marahas lamang
ang pagkatok.
"Buksan mo o sisirain ko ito!" Kinalampag niya iyon sa labas. Mariin akong
napapikit habang humihingos.
"Nakasandal ako sa pinto! M-Masasaktan mo ako!" sigaw ko naman.
Huminahon siya roon at natigil sa kakakatok na kahit ang kalampag ay huminto
narin. Ilang sigundo siyang natahimik roon kaya buong akala ko ay umalis na ito.
Pero ganoon nalang ang panglalaki ng aking mga mata nang nahulog ang
tarangkahan ng aming bintana dahil sa pagpasok ng kanyang kamao para pwersahan
iyong buksan. Bumukas na iyon ng malaki at humawak na siya sa bawat gilid noon para
maangat ang kanyang sarili. Ilang sandali lamang ay nakita ko ng umapak ang mga paa
niya roon hanggang sa tuluyan siyang nakapasok rito sa loob.
Napunta agad sa akin ang kanyang tingin. Humikbi ako at hindi alam kung ano ang
uunahing tingnan. Ang nasira ba naming bintana o ang imahe niyang patungo na sa
akin.
"M-Mapapagalitan t-talaga ako ni M-Mama..." Inaninag ko ang kanyang mukha sa
kabila ng nanlalabo kong mga mata.
Nakarating rin naman ito sa aking harapan. Hindi ko alam kung tama ba ang
nakikita ko sa kanyang ekspresyon. Para siyang nag-aalala na nasasaktan na ewan.
"Who made you cry?" he asked painfully while caressing my cheek.
Umiling ako at hinawi ang kanyang kamay roon. Taas baba na ang aking mga
balikat at gustong magsumbong sa kanya sa kahihiyang napala ko dahil sa kanyang
bigay na kwintas pero hindi ko na isinatinig ang lahat ng iyon.

"Tell me Trace... Sino ang bubugbugin ko?" masuyo niyang


tanong sa akin na kahit ang kanyang hininga ay tumatama na sa aking pisngi dahil sa
sobrang lapit.
"W-Wala nga..." Itinulak ko siya paalis sa aking harapan pero dahil wala rin
akong lakas ay hindi ko man lang siya natinag.
"Di mo sasabihin? Di ako aalis dito hangga't hindi ako nakakakuha ng matinong
sagot sa'yo. Wala akong pakialam kung madatnan tayo ng Mama mo."
Nanlaki agad ang aking mga mata sa kanyang sinabi. S-Seryoso ba siya?!
Hindi agad ako nakasagot. Nasa akin parin ang malalim niyang paninitig at
desperadong makakuha ng sagot. Bumaba ang kanyang tingin hanggang sa mapunta iyon
sa aking dibdib. Mas lalong nagkasalubong ang kanyang kilay.
"Where's the necklace I gave you?" mas marahas na ngayon ang pagkakabigkas
niya.
Doon lamang grumabi ang aking mga luha at mas umagos lamang iyon na parang
falls na di na matigil.
"W-Wala na s-sakin..." Tinakpan ko ang aking mukha at doon umiyak.
"Someone stole it?" he growled.
Umiling ako pero walang masabing sagot.
"Di mo talaga sasabihin sa'kin? Pwes... Pupuntahan ko bukas ang mga kaibigan mo
sa eskwelahan at sila mismo ang tatanungin ko," pagbabanta niya na ikinababa agad
ng aking mga kamay.
"H-H'wag na!" agap ko.
Sobrang magkasalubong na ang kanyang kilay. Makikita mo sa kanyang mga mata ang
pinaghalong galit at pagkakadismaya.
"Name the culprit, Trace. I assure you... I'll beat the shit out of that
bastard. Iyang nagpaiyak ba sa'yo ang kumuha ng kwintas ko?"
Hindi ako sumagot at ramdam ang kanyang galit. Naiisip ko palang ang kaya
niyang gawin sa mga pagbabanta niya ay ayaw ko ng sabihin sa kanya ang totoo. Baka
ano pang maisipan niyang gawin. At sigurado akong nagkamali lang rin si Feli.
Siguro tutulong nalang ako sa paghahanap ng kwintas niya para matapos narin ito.
"Sinabi ko na sa'yong susunduin nalang kita! You and your stubborn head!" he
spat angrily that made me jump. Mariin siyang napapikit at marahas na ang paghinga,
tila nagpipigil ng galit.
Umiyak lamang ako ng husto. Nang makita niya ang aking mukha ay kumalma rin
naman ito sa kanyang galit pero makikita mo parin sa kanyang mga mata na kinikimkim
niya lamang iyon doon.
"Pangalanan mo ang nagpaiyak sa'yo nang maipadala ko agad sa impyerno."
Hinawakan niyang muli ang aking pisngi at pinunasan ang aking luha roon.
Nang hindi parin ako nagsasalita ay pumakawala na ito ng mahabang hininga.
Mariin siyang napapikit habang ang kanyang noo ay nakasandal na sa aking noo.
"Stop crying damn it. It's hurting me..." Bumakas sa kanyang mukha ang sakit na
akala mo ay may iniindang sugat. Sa sobrang lapit ay naaamoy ko na ang mint sa
kanyang hininga.
Hindi tumigil ang kanyang kamay sa kakapunas sa aking mga luha. Tumigil na ako
sa paghikbi pero sumisinghot parin ako.
Isang mahabang hininga ulit ang kanyang napakawalan. Inalis niya ang kanyang
noo sa akin at pinatakan ng halik ang aking mata.
"If you think you can protect the one who hurt you from me then you're wrong,"
sigurado niyang sabi.
"W-Wala ngang nagpaiyak sakin..." mahina kong sabi sa kanya.
"Ano? Iiyak kana lang bigla? Bullshit Trace. You think I'll buy that reason?"
galit niyang sabi sa akin.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at napayuko nalang. Ang bigat bigat na ng
aking mga mata dahil kanina pa ako umiiyak. Dapat pala itinulog ko nalang ito.

Umalis siya sa aking harapan at nagtungo sa may sink.


Kumuha siya ng baso roon at nilagyan iyon ng tubig saka niya iyon inilapag sa mesa.
Hinila niya pa ang upuan sa ilalim noon at sinenyasan akong magtungo roon.
Naglakad ako at umupo roon sa harap ng baso. Ininom ko iyon habang nanatili
naman siyang nakatayo sa aking gilid, nakapameywang at binabalot parin ng dilim ang
ekpsresyon.
Inilapag ko ang baso at sinikap ng tumigil sa pag-iyak dahil baka magwala
lamang ito lalo. Apektadong apektado siya eh hindi niya alam iyong kwintas niya ang
rason kaya ako umiiyak.
"Umuwi kana..." mahina kong sabi.
"Di mo pa nga sinasabi sa akin ang rason kung ba't ka umiiya—"
"H'wag mo nalang ipilit, please!" sigaw ko sa kanya na ikinaawang ng kanyang
bibig at naiwan sa ere.
Itinikom niya iyon at binasa ang pang-ibabang labi. Nag-iwas ako ng tingin sa
kanya.
"Kung di ka aalis... Mas iiyak lang ako..." pagbabanta ko sa kanya sa marahang
boses.
"Tangina!" Nailing siya at humalakhak na pero wala na akong marinig na tuwa
roon. Malademonyo ang halakhak na iyon.
Nakaramdam ako ng takot at gusto nalang magkulong sa kwarto palayo sa kanya.
Gusto kong umalis nalang ito. Wala naman siyang maitutulong eh. Papalalain niya
lang ang nararamdaman ko.
"S-Sige na please... U-Umalis kana lang..." pagmamakaawa ko sa kanya na
ikinaseryoso ng kanyang mukha.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at naikuyom ang mga kamay. Kalaunan ay isang
buntong hininga na naman ang kanyang pinakawalan.
"I'll just fix the window and after this I'll leave," matabang niyang sabi saka
nagtungo roon sa bintana.
Iyon na ang ginawa niya. Inayos niya iyon kaya nagkulong nalang ako sa aking
kwarto. Sa kakaiyak ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko kinabukasan ay deritso rin akong naligo para hindi mahalata ni
Kuya ang aking mga mata. Kaonti nalang ang pamumugto noon kaya nagpolbo nalang ako
at nagbabakasakaling matakpan ko iyon.
Maayos narin ang bintana at hindi halatang may nagsira noon kahapon para lang
makapasok sa loob ng bahay.
Habang naglalakad kami ni Kuya ay napapansin kong napapatitig ito sa aking mga
mata. Umakto akong parang normal lamang.
"Umiyak ka ba buong magdamag, Trace?" tanong niya bigla sa akin na ikinagapang
ng takot sa aking loob.
"H-Huh... Hindi 'no..." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pasimpleng sinuklay
suklay ang aking buhok.
"Anong hindi? Ba't ganyan yang mga mata mo? Parang namumugto," iritado niyang
hinawakan ang aking baba at ipinaharap ang aking mukha sa kanya.
"Umamin ka nga. Umiyak ka 'no?" Iritang irita na ang boses na iyon at idagdag
pa ang kilay niyang marahas ng nagkakasalubong.
"Hindi nga, Kuya..." Inalis ko ang kamay niya roon at mahigpit na hinawakan ang
straps ng aking maliit na bag. Itinuon ko nalang ang aking mga mata sa sapatos ko.
"Siguraduhin mo iyang iniiyak iyak mo ha. Pag nalaman ko 'yan lagot ka talaga
sa'kin..."
Kinabahan agad ako roon. Alam kong mabait si Kuya pero pagdating sa akin ay
matindi siya kung magalit. Naalala ko pa kung paano niya sinuntok iyong kaklase
kong lalaki noong elementary ako dahil inaaway ako. Inabangan niya talaga itong
lumabas at doon niya sinuntok.
Pagdating sa eskwelahan ay nagpaalam rin naman agad akong papasok na ako sa
eskwelahan para hindi na siya magtagal pa rito at baka kung ano ano ang marinig
niya. Pero sabagay, masyado pang maaga kaya kaonti palang ang mga estudyante.

Pagpasok ko sa classroom ay may grupo na roon ng mga


kaklase kong babae ang may kung anong pinag-uusapan. Nang mapansin nila ako ay
mabilis ring nasira ang kanilang ekspresyon.
"Nakakahiya naman siya... Ako sa kanya di na ako papasok."
"Di ko nga alam ba't nagkakagusto sa kanya ang mga kaklase natin at si Leo.
Magnanakaw pa nga eh."
"Pag ako nawalan ng gamit alam ko na kung sino ang aking pagbibintangan."
Pasimple nalang akong napabuntong ng hininga sa pagpaparinig nila sa akin.
Total ito ang pinili ko eh. Inako mo ang kasalanan Trace kaya h'wag kanang magtaka
sa naging bunga.
Ang hinihingal na kakarating lamang na si Rinka ang nadatnan ko. Hinanap niya
agad ang aking presensya.
"Trace! Si Israel! Sumugod sa classroom nila Feli!" sigaw niya habang hinahabol
ang hininga at sapo sapo ang dibdib.
Nalaglag agad ang aking panga at napatayo na. Kahit ang aking mga kaklase ay
napatayo narin at nagtatakbo na palabas para siguro makiusyoso.
"Ha?! B-Bakit?!" Nagmamadali akong tumakbo palapit sa kanya.
"Alam niya na ata ang totoo! At nagsumbong rin sila Rose na umiyak ka kahapon
buong araw dahil pinagbintangan kang magnanakaw ni Feli! Sinabi nila lahat pati
iyong pagkakaguidance mo!" kwento niya sa akin habang hinihila na ako palabas.
Mabilis kaming kumaripas ng takbo makarating lamang agad sa building mga Grade
10. Sumasabay rin sa bilis ng kalabog ang puso kong sisirain na ata ang aking
ribcage. Kinakabahan ako sa maaaring gawin ni Israel. Pero babae naman si Feli at
kaibigan pa ng kanyang kapatid!
Umakyat agad kami sa hagdanan hanggang sa makarating na nga kami sa classroom
nila Ate Rici. Ang raming estudyanteng nakikiusyoso sa loob na kahit sina Rose at
Cecille ay isa narin doon.
Lumingon si Rose sa amin kaya mabilis niya kaming sinenyasang lumapit doon.
"Dali Trace! Kakapasok lang ni Israel sa loob! Baka bubugbugin si Feli!"
Panghuhula niya.
Hinila ako nito at nakisiksik narin kami sa iilang mga estudyante. Itinulak pa
ako ni Rinka hanggang sa makarating ako sa may pinto at nasa unahan na. Nalaglag
nalang ang aking panga nang makita ko ang galit na galit na mukha ni Israel habang
hawak ng mahigpit ang braso ni Feli na namumutla na. Sa gilid noon ay nagtatakang
si Ate Rici.
"Give me the damn necklace you stole from Tracey." Matigas niyang sabi.
"B-Bigay iyon ni Rici sa akin, Israel!" sagot niya.
Binalingan ni Israel ang kapatid niyang napakurap agad.
"Binigay ko sa kanya iyong binigay mong kwintas... K-Kuya..." Nag-iwas agad ito
ng tingin. "At hindi ko nakita kung anong klaseng kwintas iyon pero parehas iyon
noong suot ni Tracey. Di ko kasi binuksan..." Hinawakan ni Ate Rici ang pendant
noong suot niyang kwintas at nagawa pa iyong ipasok sa loob ng kanyang uniporme.
"At hindi ko iyon ninakaw kay Tracey! Si Tracey ang nagnakaw nito sa akin!"
sigaw ni Feli habang nagpupumiglas pero hindi siya hinayaang makatakas ni Israel.
"Let me see the necklace then." Nagbabanta na ang mga mata niya nang tingnan
niya si Feli.
"Bakit pa ba Israel? Imposible rin namang may ganoong kwintas si Tracey eh
mahirap lamang sila—"
"Binigyan ko rin siya! I gave her the same necklace but there's a diamond on
it's pendant! Now show me the damn necklace Feli before I lose my temper!" he
growled angrily.
Nalaglag ang panga ni Feli. Na kahit si Ate Rici ay nagulat narin. Ang mga
estudyante namang nakikiusyoso rin sa aking likuran ay nagsisinghapan na. Ako naman
itong napalunok nalang ng laway. Iniiwas iwasan ko itong mangyari pero ang lalakeng
ito na may matigas na ulo ay hindi talaga nagpapaawat.
Mas lalo lamang namutla si Feli nang malaman ang totoo. Ang buo niyang mukha ay
binalot ng takot hanggang ang kanyang mga mata ay nanlabo na.
"H-Hindi ko naman alam na m-may kwintas rin pala siya—"
"Don't make a fool out of me Feli. Sinuot mo na pero di mo nakita ang
deperensya. Playing innocent?"
"A-Akala ko lang a-akin iyon..." nauutal na sagot ni Feli.
"Bullshit," Israel chuckled but without any humor on it. "Alam mong hindi iyon
sa'yo, Feli... Malaki ang kaibahan ng dalawa pero inangkin mo paring sa'yo.
Pinagbibintangan mo siyang magnanakaw siya ng gamit mo? Kung ganoon... Anong tawag
mo sa ginagawa mong pagkuha ng isang bagay na hindi naman sa'yo?" Umangat ang
kanyang kilay na ikinaputla lalo ni Feli. Kasingkulay na ng papel ang kanyang
mukha.
Gusto kong puntahan si Israel at awatin pero dahil narin sa kanyang galit ay
hindi ako makapagsalita.
Nalaglag ang tingin ni Israel sa may leeg nito kaya walang ano ano ay may
hinila siya roon na nagpagulat kay Feli. Mariin na itong napapikit habang umiiyak.
"Kuya..." tawag ni Ate Rici sa kanya pero hindi ito nakinig.
Ibinulsa niya iyon saka niya rin isinama ang kanyang kamay at ipinatili na
roon. Ang isa niya namang kamay ay hindi parin binibitiwan ang braso ni Feli na
madudurog na ata ng malaki niyang kamay.
"Bitiwan mo na ako Israel..." Nagmamakaawang binawi ni Feli ang kanyang braso.
Marahas niya iyong binitiwan sanhi para bumagsak si Feli sa upuan nito. Hinila
niyang muli ang inuupuan nito papalapit sa kanya at itinukod na sa magkabila ang
kanyang mga braso.
Yumuko si Israel at inilebel ang kanyang mukha kay Feli. Ang iilang hibla ng
kanyang buhok ay nalalaglag na na kahit ang earrings sa kanyang tenga ay kumintab
rin. Kitang kita ko kung paano siya ngumisi pero malademonyo na naman iyon.
"Pasalamat ka at babae ka Feli. Kung hindi..."
"Israel," tawag ko agad sa kanya bago pa may masabi ulit itong hindi maganda.
Unti-unting huminahon ang kanyang mukha at nilingon agad ako.
Tumayo siya ng tuwid at nabura na ang galit sa kanyang ekspresyon. Si Feli
naman ay natakpan ang buong mukha saka ito humagulhol.
"Kwits." Kibit balikat ni Israel saka siya nagtungo sa akin na akala mo ay wala
siyang pinaiyak.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 24

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Jenelyn Tinga. Happy reading!
-----------
Masyadong Mabilis

Nakasentro ang kanyang mga mata habang naglalakad ito papalapit sa akin. Ang
iilang mga estudyante naman sa aking tabi ay umatras agad. Ngumuso ako at umatras
narin. Isa ako sa mga estudyante sa labas na nasa kanya ang tingin at ngayon ay
kunot noo na.

"Kuya!" tawag sa kanya ni Ate Rici pero di niya man lang ito nilingon.
Dinaluhan niya si Feli at pinatahan doon sa loob.

Gusto kong magpasalamat sa ginawa ni Israel dahil nilinis niya ang aking
pangalan pero may parte sa akin ang mas natatakot. Baka lumala lamang ang
sitwasyon. Pag-iinitan ako lalo ni Feli, ng mga estudyante rito...

"Nasaan na 'yung mga nambibintang na magnanakaw si Tracey nang maipatumba natin


kay Israel," narinig ko pang sabi ni Rinka at isa lang rin sa mga estudyanteng
nakikiusyoso rito.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang huminto rin naman si Israel sa aking
harapan, seryoso ngunit kalmado parin ang ekspresyon. Abot abot na ang aking kaba
at idagdag pa ang ilang mga estudyanteng nanonood sa amin. Hindi ito maganda
Trace... Pagpepyestahan ka nila lalo!

May dinukot si Israel sa kanyang bulsa saka niya muling inilabas ang kwintas.
Para akong napako sa aking kinatatayuan nang isuot niya iyong muli sa akin na puno
ng pag-iingat. Na nararapat ko iyong suotin.
"Don't take this off. This necklace belongs to you. Do you understand?"
Tumagilid ang kanyang ulo habang tinatanong iyon sa akin.

Tumango ako at ramdam ang paninitig ng lahat sa amin. Gusto ko siyang awatin.
Gusto ko itong itigil. Wala siyang pakialam sa mangyayari pero alam ko na agad ang
kalalagyan ko nito.

"M-Maraming nanonood..." Mahina kong sabi sa kanya para awatin na ito.

Natapos na siya sa paglagay noon at ngayon ay hawak hawak niya na iyong pendant
habang malalim ang tingin sa akin. Amoy na amoy ko ang gamit niyang shower gel at
medyo basa pa ang kanyang buhok pero may nalalaglag paring ilang hibla. Malamig ang
pasok ng bagong taon at ang denim na jacket ang nagsisilbing pangharang sa ginaw
nito sa kanya.

"So what?" sabi niya pa sa akin.


"Pag-uusapan nila ito..." paliwanag ko at halos ibulong nalang iyon sa kanya.

Umangat ang kanyang kilay at binasa ang pang-ibabang labi.

"Then let them see that you own me," sabi niya sa baritono niyang boses na
ikinasinghap ng mga estudyanteng nanonood sa amin.

Narinig ko pa ang pagtili ng tatlo kasabay ng puso kong nagsuicide na sa loob.


Para iyong tumalon sa malalim na bangin dahil sa kanyang binitiwang salita.
Nakakabingi narin ang pintig nito.

"And for those who will create some stupid rumors about her... Make sure I'm
not going to know it or else..." Matalim niyang iginala ang tingin sa mga
estudyanteng nakikiusyoso sa amin.

Pulang pula na ang aking pisngi. Hindi ko na iyon kaya. Parang nasusunog na ako
sa mga salitang binibitiwan niya.

"Sila ba?"
"May relasyon sila?"
"Binigyan siya ng ganoon kamahal na kwintas ni Israel. Akala ko iyong kuya niya
lang at si Rici ang may relasyon. Sila rin pala?"

Rinig na rinig ko sa aking likuran ang pag-uusap ng iba. Gusto kong sabihing
wala kaming relasyon pero sa inasal rin ni Israel ay hindi nila ako paniniwalaan.
Okay pa silang lahat ngayon dahil nandito pa si Israel... Pero kung mag-isa nalang
ako, sigurado akong malalagot akong pagt-tsismisan rin nila ako.
"T-Tara na..." Marahan kong itinulak ang kanyang dibdib
para umalis nalang siya roon. Baka malate rin siya sa kanyang klase! At ayoko ng
dagdagan niya pa ang mga pagbabanta niya!

Nang hindi ko siya masyadong matinag ay iyong kamay niya na ang aking hinila at
humakbang na ako ng malalaki. Nilingon ko ito sa aking likod. Nagpapahila lamang
ito sa akin habang kalmado ang kanyang mukha. Ngumuso pa ito at nagpipigil ngumiti.
Nagagawa siyang magsaya sa oras na pinapasabog niya ako sa kaba!

May iilang estudyante kaming nalalagpasan na tumitigil pa talaga sa paglalakad


at nalalaglag ang panga sa lalakeng hinihila ko. Para siyang bata na nagpapatianod
lang sa panghihila ng kanyang ina at handang sumunod sa kahit saan siya nito
dalhin.

Doon kami doon sa likod ng gate. Puno nalang ang naroroon at paliko pa iyon
para makapunta sa mismong front gate ng eskwelahan pero pwede rin naman siyang
dumaan dito.

Binitiwan ko rin naman siya pero mukhang ayaw niya ang aking ediya at nagawa
pang hawakan ang aking kamay.

"Dapat hindi mo 'yon ginawa kay Feli..." panimula ko habang ang kanyang mga
mata ay nakatingin sa kamay namin.

"Do what?" wala sa sarili niyang sabi.


Binawi ko ang aking kamay na ikinakurap niya at natuon narin sa akin ang mga
mata. Hinawakan ko ang aking siko at nahimas iyon.

"Hindi mo dapat siya pinahiya at kinausap nalang nang mabuti—"

"After what she did to you? She humiliated you first, Tracey. At ano iyong
narinig ko sa mga kaibigan mo na umaga palang ay umiiyak kana pala? You didn't even
eat your lunch!" Umigting ang kanyang panga sa galit na pilit niyang kinokontrol na
h'wag lumaki.

Ano ba Israel... Natutukso na ako! Please naman!

"Pero dapat kinausap mo nalang siya nang maayos—"

"Tsss." Nailing siya at nailagay na naman ang mga kamay sa likod ng kanyang ulo
at iritado na. Tumingala pa ito saka bumukas ang kanyang bibig at lumabas ang dulo
ng dila roong pinaglalaruan na ang gilid ng kanyang labi.

Nag-iwas ako ng tingin at inayos ang buhok kong hinangin.


"Marami ang magagalit lalo sa akin dahil sa ginawa mo. Ibig sabihin ba noon ay
paiiyakin mo rin sila? Tatakutin mo rin?" dismayado kong tanong.

Hindi siya sumagot at tinitimbang lang ang aking sinasabi. Ang sikip na ng
aking dibdib sa mga iniisip ko. Ilang araw palang kaming magkalapit ganoon na agad
ang nangyari. Para iyong sunog na hindi naagapan kaya mabilis na kumalat ang apoy
at handang tumupok ng buong bahay. Pag di ko papatayin agad ang apoy ay ako ang
papatayin noon.

"Hindi iyon tama," sabi ko sa kanya na ikinapungay ng aking mga mata.

Feli cried... Kaibigan parin iyon ng kapatid niya. Malapit ang pamilya noon sa
pamilya nila. At sino lang ba ako? Ba't parang masyado naman ata siyang nadadala sa
pagpapanggap niya?

"You're just too weak you can't even defend yourself... I am here to protect
you from them, Trace."

But you forgot to protect me from you. Hindi ako takot na masaktan nila ako
Israel... Mas takot akong masaktan mo ako dahil sa'yo ako mas guguho.

Gusto ko iyong isatinig pero di ko na nagawa. Ang nangyari ay parang patikim sa


akin ng tadhana na ganoon ang mangyayari sa akin pag pinagpatuloy ko pa ito.

Tiningnan ko siya. Ang kanyang mga mata ay nanatili sa akin. Para iyong isang
direksyon na ayaw niyang huminto sa pagsunod doon kundi ay mawawala siya. Habang
ako naman itong naliligaw sa madilim at malalim niyang paninitig sa akin...
Naliligaw ako at napapadpad sa madilim na parte.

"Lumayo kana sa'kin..." Malinaw kong sabi sa kanya na


ikinaihip ng malamig na hangin sa aming dalawa.

Buo na ang aking desisyon at paninindigan ko ito.

Nagkasalubong ang kanyang kilay. Ang iilang hibla na nagrerebelde niyang mga
buhok ay sumayaw doon.

"How far?" Humakbang siya paatras na ikinasira ng aking ekspresyon.

"Lumayo kana sa akin... Iyong malayong malayo..." Pag-uulit ko habang kinukuyom


ang mga kamay at pinapanindigan ang aking desisyon.

He smirked evilly but without a humor on it.


"Then push me away if you can." Humakbang siya papalapit sa akin na ikinaatras
ko agad.

"Lumayo kana please... Tigilan mo na ito... Alam ko naman ang balak mo. Alam ko
na ang gusto mo lang ay makakuha ng impormasyon tungkol kay Kuya. Alam kong
napipilitan ka lang na dumikit sa akin. Alam kong pagpapanggap lamang..." Natigil
ako at nakagat ang pang-ibaba kong labi dahil sa mga luhang sinimulan na namang
takpan ang aking mga mata.

Natigilan siya at napasinghap. Bumakas ang kaonting gulat sa kanyang mukha pero
kalaunan ay nawala rin naman. Umalon ang kanyang lalamunan dahil sa paglunok na
iyon. Sinuklay niya paatras ang kanyang buhok at mas malalim na ang titig sa akin.

"Too bad I fell from my own trap," he smiled weakly.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sagot na kahit ang buhok sa
buo kong katawan ay tumindig na sa kanyang pag-amin. Ni hindi niya man lang iyon
dineny bagkus ay sinabi niya pa ang totoo.

Mariin na akong napapikit. Totoo nga... Tama nga ako... Alam kong may mali rin
naman ako. Pero sapat na lahat ng iyon. Tama na lahat ng impormasyon na iyon.

Humakbang siyang muli at lumapit sa akin. Umiling ako at umatras narin pero
gate na ang meron sa aking likod. Halos ibaon ko ang aking sarili roon lalo na't
nasa harapan ko na ito. Itinukod niya ang isa niyang kamay sa aking gilid at hindi
parin nagbabago ang kanyang mga mata.

"Why would you end something we didn't start yet? Ano iyan? Makikipagbreak kana
agad kahit hindi pa naman tayo?" Umangat pa ang kanyang kilay at tumama na ang
kanyang hininga sa aking leeg dahil sa pagyuko niya.

"Ba't di muna maging tayo?" panghahamon niya sa akin na ikinalunok ko ng laway.

Itinulak ko siya pero hinuli niya lang ang aking kamay. Natatangay na naman ako
ng along gawa niya. Na kung hindi niya ititigil ang paghampas sa akin noon ay
magpapaubaya na talaga ako at magpapakalunod nalang.

"You can't even push me away with your own strength..." Mapang-uyam niyang sabi
sa akin.

"Seryoso ako, Israel!" Itinulak ko siya ng ubod lakas.

"And I am serious with you, too! Ba't hindi nalang maging tayo eh seryoso naman
tayo sa isa't isa!" hirit niya sa matigas niyang boses at tila galit pa. Ang mukha
ay masyado ng seryoso at nakakapaso na ang tingin ng kanyang mga mata.
Umawang ang aking labi. Gulat na naman at nabablangko.

Paano ko siya itataboy kung ganito na siya katigas? Akala ko madali lamang
iyon... Akala ko hindi rin siya magtatagal sa akin at kusang lalayo. Pero sa
sinasabi niya at inaasal... napagtanto kong mahirap na palang baliin ang punong
itinanim ko at nagkakabunga na. Dapat noong maliit palang ito ay pinutol ko na
hindi iyong masyado na itong lumaki at namukadkad pa.

Dahil sa kakadilig ko... ito na ngayon ang napala ko.

"Please..." Pumungay ang aking mga mata sa kanya. Iyon nalang ang tanging
nasabi ko.

"Please what? Are you begging for a kiss coz I'd gladly
kiss you right now."

Nalaglag na talaga ang aking panga. God... Mababaliw na ako sa lalaking ito!

"Ang ibig kong sabihin ay layuan mo na ako... Itigil na natin ito..."


nahihirapan kong sabi. Idagdag pa na masyado kaming malapit sa isa't isa at ilang
pulgada nalang ay magkakabanggaan na ang aming mga labi.

"Ano ngang ititigil natin eh hindi pa nga tayo nagsisimula?"

"Israel naman!" Nafufrustrate kong sigaw sa kanya.

"Batas ko ang mga salita mo pero hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang masusunod.
If you want me to stop then make me stop, push me away... But if you can't even
move me a bit then I'll fucking stay."

Mariin na akong napapikit. Pulang pula na ang aking pisngi at halo halong
emosyon na ang aking nararamdaman. Hindi ko alam na ganito siya kahirap paamuhin
pag tinataboy mo na ito at pinapatigil. Ang aking utak ay nahahati na. May ibang
sunud-sunuran sa gusto ko pero may iba ring nagrerebelde sa akin.

Napadilat agad ako at nanlalaki na ang aking mukha sa gulat nang pinatakan niya
ng halik ang aking leeg.

"Israel!" Hinawakan ko ang kanyang balikat at itinulak ito pero di ko parin


siya matinag.

"H'wag kang pumipikit pikit na akala mo ay sarap na sarap ka sa akin eh wala pa


nga akong ginagawa."
Oh. My. God.

Di na ako makahinga. Para na akong nasasakal ng mga salita niya na kahit ang
aking mukha ay nasunog na ata. Pritong prito na ako at tustadong tustado na.
Mababaliw na talaga ako. Mas lalala lang talaga itong nararamdaman ko...

Umawang ang aking bibig at may sasabihin sana pero mabilis ko rin iyong
natutop. Nakukulangan na ako ng mga salita. Ubos na ubos na ako.

Tiningnan niya ang kanyang relo at doon lamang tumuwid ng tayo. Nakasandal
parin ako sa gate at tila nawala na sa sarili.

"Magsisimula na ang klase. Pumasok kana at papasok narin ako. H'wag nating
pabayaan ang kinabukasan natin dahil kawawa ang mga anak natin pag wala tayong
trabaho," seryoso niya pang sabi na ikinalaglag muli ng aking panga.

A-Ano?

Humalukipkip siya at nginuso ang gate. "Pasok na."

"Israel—"

"Sshh... Mamaya nalang ulit," putol niya sa akin.

Hindi ako makapaniwala. Hindi talaga ako makapaniwala! Ang plano kong itaboy na
ito para matigil na ito at hindi na ulit maulit pero nabaliktad niya!

Nailing pa ito nang hindi ako kumilos kaya marahan niya akong itinulak at
ipinasok ulit sa gate. Siya pa mismo ang nagsara. Isang napakahabang buntong
hininga ang aking napakawalan at nahipo pa ang aking noo. Nasabunutan ko nalang ang
aking sarili. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari...

Para akong lutang habang naglalakad pabalik sa aking classroom. Doon lamang ako
bumalik sa aking katauhan nang makita ko sa silid ang guro naming napunta agad sa
akin ang tingin.

"Miss Quiamco you're late..."

Yumuko agad ako. "P-Pasensya na po... Di na mauulit..." paghingi ko ng


paumanhin.

Tumango naman ito at sinenyasan lamang akong pumasok.

"Akala ko ako ang lider ng fansclub niya. Iyon pala... may namamahala rin sa
kanya..." narinig kong madamdaming sabi ng isa sa mga kaklase ko.
"Ang sakit pre. Kamuntik akong maheart attack nang malaman
kong taken na pala. Buti nalang at nacardiac arrest ko agad ang sarili ko!" sabi
naman noong isa.

Ngumuso ako at hindi nalang iyon pinansin. Ang iilang mga babae ay nasa akin
rin ang tingin at sinusundan lang ang bawat galaw ko.

Napansin ko pa ang mga malademonyong ngisi ng tatlo. May pinapahiwatig na iyon


at kung wala lang siguro ang guro ay magtitilian na sila sabay yugyog sa akin.

Umupo rin naman ako at kinuha agad ang aking notebook para makapagsulat na.
Itinuon ko nalang muna ang aking atensyon sa klase. Nalipat lang ang aking tingin
sa inilapag na papel ni Rinka sa aking desk. May nakasulat doon na binasa ko gamit
ang aking mga mata.

Kumusta ang first time? Masakit?

Kunot noo ko siyang nilingon na inosente pang kumukopya sa sinusulat noong


sekretarya sa blackboard.

Nagsulat ako ng reply sa kanya.

Walang nangyari.

Inilagay niya iyon sa kanyang desk saka ako muling nagsulat. Ilang sandali
lamang ay inalapag niya iyong muli sa aking desk.

Wala? Kahit kiss man lang?

Ngumuso ako at naisip iyong biglaang paghalik ni Israel sa aking leeg. Isang
patak lang naman iyon.

Wala.
Ay... Wala! Akala ko pa naman magaling si Israel!

Magaling nga siya. Magaling magpabaliw. Hindi ko na iyon isinulat pa.

Hindi ko na ito nireplayan at nagpatuloy lamang sa kakasulat. Ilang sandali


lamang ay may kumalabit na sa aking likuran.

Nilingon ko iyon at isang papel ang nakita na inilalahad sa akin ni Cecille.


Kinuha ko nalang iyon at napasimangot na. Hindi talaga makakahintay ang tatlong
ito...

Binasa ko sa pamamagitan ng aking mga mata ang sinulat doon ni Cecille at


mukhang sulat kamay naman ni Rose iyong pangalawang sentence.
Magulo ang buhok natin ah? Nasabunutan ka ba ni Israel?

Kumusta ang experience Trace? Naglaplapan kayo 'no?

Namula ang aking pisngi sa ginamit na term ni Rose. Hindi nga kami naglaplapan.
At hindi ako marunong sa ganoon!

Hindi ko na iyon sinagutan at nilukot nalang. Ipinasok ko iyon sa loob ng aking


palda.

Atat na atat ang tatlo habang nagkaklase kami. Kaya noong recess na ay
nagtilian agad sila at niyuyugyog pa ako.

"May nangyari ba?! Kayo na?! Anong ginawa niyo?! Saan mo siya dinala, Trace?!"
Sunod sunod na tanong sa akin ni Rinka.

Pakiramdam ko parang naalog narin ang aking utak. Ni hindi na sila kumukurap sa
akin. May iba pa kaming kaklase na nililingon kami at mukhang nakikinig.

"Huh? Wala 'no... Pinapunta ko lang sa klase niya," sabi ko na ikinadismaya


agad ng mukha ni Rinka.

"Huh? Imposible! Inorasan ka namin at halos kalahating oras ka nawala!


Imposibleng walang nangyari!" Hinawakan pa ni Cecille ang aking pisngi at pinisil
na iyon na ikinakurba ng labi ko.

"Wala nga..." Nakanguso kong sabi at hinawi ang kanyang kamay paalis.

"Anong wala Trace! Magkwento ka please lang! Mamatay matay kami sa kilig kanina
tapos bibitinin mo kami! Magwawala na talaga ako!" Itinulak pa ni Rose iyong isang
upuan na mabilis ring napaatras palayo sa amin.

Ngumuso ako habang pinapamulahan ng pisngi nang maisip ko iyong napag-usapan


namin kanina. Mas lumala lamang si Israel at hindi ko na matansya ang mga
nakakakilabot na salita niya. Seryoso na ba talaga ito? Halata naman Trace... Wala
na siyang mapapala sa'yo dahil sinabi mo narin naman ang totoo. Umamin rin siya sa
sarili niyang patibong. Edi ano na ang susunod?

"Lagyan mo na kasi ng label, Trace!" hirit naman ni Cecille. "Itali mo na iyon


sa'yo!"

"Pagmamay-ari mo na daw siya! Pinagmamalaki pa nga! Jusko naman! Kung ako ang
ginanon ni Israel magpapalahi talaga ako agad agad sa kanya! Magpaparami agad
kaming dalawa!" si Rinka naman na nangisay na.
Natawa na lamang ako at tikom parin ang aking bibig sa napag-usapan naming
dalawa ni Israel. Mas mabuting ganoon nalang iyon.

Noong lunch ay nagdesisyon akong lumabas para magbasa ulit sa library at


hanapin narin ang kwintas ni Feli dahil baka doon niya nga iyon nalaglag.

"Hi Tracey!" bati ng kung sinong hindi ko kilala at mukhang Grade 9 lang rin.

Naiilang akong napangiti sa kanya. Nagpatuloy naman ito sa paglalakad at


nilagpasan lamang ako. Kilala ko ba iyon?

Hindi palang ako nakakarating sa library ay grupo naman ng mga babae ang bumati
sa akin.

"Hi Trace!" sabay sabay nila akong kinawayan.

Kahit nagtataka ako ay kumaway narin ako pabalik.

"H-Hi..."

Nagsingitian sila ng matamis sa akin at lumagpas rin naman. Kumunot agad ang
aking noo at tumigil pa ako sa paglalakad para sundan sila ng tingin. Normal lamang
silang nag-uusap at mukhang iba na ang topic. Anong nangyayari?

Hindi ko nabilang ang mga estrangherong bumati sa akin ng oras na iyon. Hindi
ko naman maaalalang marami akong kaibigan at hindi rin naman ako masyadong kilala
roon. Hindi ako kasingsikat ni Ate Rici na nakukuha lahat ng atensyon. Pero ba't
parang nag-iba ata ang ihip ng hangin?

Dahil ba ito kay Israel?

"Ang ganda niyo po, Ate!" sabi pa noong Grade 8 na nakasalubong ko papasok ng
library.

Suminghap ako at hindi alam ang isasagot. Iyong kasama niya ay tumango tango
pa.

"Bagay po kayo ni Kuya Israel..." sabi noong isa.

Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact. Pasasalamatan ko ba sila o itatama
na wala naman kaming relasyon ni Israel? Kung kahapon ay kahihiyan ang sumampal sa
akin, ngayon naman ay kasikatan. Para akong bituing matingkad na ang liwanag kaya
napapansin na.
Masyado talagang mabilis... Sa sobrang bilis ay hindi ko na mapigilang itanong
sa aking sarili kung ano naman ang mangyayari bukas. Baka bukas ay umiiyak na ulit
ako dahil nasasaktan na.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 25

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Balang Araw
Nakisabay akong lumabas ng paaralan sa tatlo. Maingay na naman sila at may
ibang topic habang okyupado naman ng kung ano ang aking isipan.

"Uy si Israel iyon diba!" May itinuro si Rinka na nagpahinto sa akin


paglalakad. Kahit may kalayuan pa kami sa gate ay malinaw ko ng nakita ang imahe
niya roon.

Nakasandal ito sa nakabukas na gate habang nakapamulsa. May isang stick ng


sigarilyo naman itong pinaglalaruan sa kanyang bibig pero walang sindi habang ang
isang paa ay nakatukod sa gate.

"Tara Trace! Hinihintay ka niyan siguro!" Hinawakan ni Rose ang aking pulso at
handa na akong kaladkarin kaya mabilis ko iyong binawi.

Ang nagdidiwang nilang mga mukha ay unti-unting naglaho dahil sa aking


reaksyon.

"May kukunin pa pala ako sa classroom. Mauna nalang kayo." Mabilis na akong
tumalikod at hindi na pinakinggan ang pagtawag nila sa akin.

Nagtatakbo akong dumeritso sa kabilang gate at doon ako dumaan. Buo parin ang
aking isip na layuan nalang ito. Seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya? Lahat ng
iyon... totoo ba?

Marahil ay totoo pero hanggang saan ang hangganan noon? Hanggang kailan
magtatagal ang nararamdaman niya? Ang mahirap kasi sa mga lalake, kung gaano sila
kabilis makahanap ng babaeng mamahalin, ganoon rin sila kabilis makahanap ng
ipapalit. At si Israel... Marami namang babae riyan ah? Mga wala pang sabit. Ako...
Mahihirapan lamang siya.

Sinipa ko ang mga pinag-iisip ko paalis doon at binuksan ang gate na


nakakonekta palabas. Kaso sa kasamaang palad ay nakalock na nga ata iyon dahil
hindi naman ito ang ginagamit tuwing uwian at iyong main gate talaga.

Ilang beses ko iyong kinalampag. Kabisado ko si Israel... Maghihintay lamang


siya roon o baka pag nainip ay pumasok narin dito.

Iyon ang nagpataranta sa akin. Naghanap ako ng pwedeng pambukas noon pero alam
kong bigo ko iyong magagawa. Ang tanging nasa gilid lamang nito ay ang isang puno.
Tiningala ko pa iyon at naisip na pwede akong umakyat doon at tumalon nalang
pababa. But isn't that too risky, Trace... Paano kung sumabit ka bigla sa matulis
na bagay noong gate?

Mariin akong napapikit at pumakawala ng mahabang buntong na hininga. Pwede


namang dito muna ako pansamantala at lalabas nalang ako pag wala na siya roon diba?
Naalala ko bigla ang tatlo na naghihintay doon. Hindi kaya ay naisipan na naman
nilang magsumbong kay Israel? Sige na Trace... Umakyat ka nalang.

Iyon na nga ang ginawa ko. Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib habang
sinisikap kong umakyat sa malaking puno. Ang magaspang na balat noong puno ay
ramdam na ramdam ko sa nipis kong palad nang humawak ako roon. Hinawakan ko iyong
sanga at iniapak ang isa kong paa saka ko inihawak ang isa ko pang kamay sa nakita
kong pwede kong kapitan.

Sinikap kong iangat ang aking sarili kahit hirap na hirap na ako. Noong
nagtangka ulit akong umangat pa ay hindi ko na makayanan dahil sa parang mabigat na
bagay na humihila sa akin. Bumaba ang aking tingin para makita iyon pero ganoon
nalang ang pagkagulat ko nang iniipit na pala ang aking palda ng kaninong itim na
boots. Inapakan iyon sa may katawan ng puno.

Dahan dahan kong nalingon ang lalaking nasa aking likuran. Nakapamulsa habang
nakaangat ang isang binti at nakatukod nga roon sa aking palda, iniipit iyon.

"This is not the main gate and it's even lock. Are you avoiding me?" Umangat na
agad ang kanyang kilay at nagbabanta pa ang kanyang tingin.

Lumunok ako at umiling.

"M-Mas madaling daanan dito..." sagot ko habang parang


kwala parin sa puno ng kahoy.

"Sa posisyon mo ngayon? Oo nga... Ang dali..." sarkastiko niyang sabi na


ikinanguso ko.

Inalis niya rin naman ang kanyang paa roon at tumayo ng tuwid saka walang
kahirap hirap akong inalis doon sa puno. Kinarga niya ako na parang bago kaming
kasal at ibinaba rin naman. Napasimangot na agad ako.

"Uuwi na ako..." Hindi na ako naghintay ng kanyang sasabihin sa akin at


humakbang na ako paalis. Namumula na naman ang aking pisngi dahil sa kahihiyang
inabot. Dapat pala talaga di nalang ako umakyat!

Tumakbo pa ako at nagbabakasakaling nakasunod ito sa aking likuran. Noong


pakiramdam ko ay malayo na ang natakbo ko at nasa may gate narin ako ay nilingon ko
ito. Ganoon nalang ang pagkalaglag ng aking panga nang matagpuan ko siyang
naglalakad sa aking likuran.

Nagsimula ulit akong tumakbo palabas. Hindi ko na alintana ang iilang mga mata
ng mga estudyanteng nakasunod sa akin. Paano ko ba siya patitigilin?

Panay lamang ang pagsunod ni Israel sa akin. Kalmado itong nakapamulsa habang
naglalakad at nasa akin ang tingin na kulang nalang ay ubusin ang hininga
kakatakbo. Para siyang may tali na nakakaladkad ko kaya siya sumusunod sunod sa
akin na akala mo ay amo niya ako.
Noong mapagod ako kakatakbo ay bumagal rin ang aking paghakbang patungo sa
bahay. Hingal na hingal ako at pawisan na ang aking noo. Nasapo ko ang aking dibdib
at huminto muna kahit alam kong maaabutan na ako ni Israel. Kahit tumakbo rin
siguro ulit ako ay maaabutan niya parin ako.

"Why are you running when you can walk with me?" nagtataka niyang tanong nang
huminto siya sa aking harapan.

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Di ko alam kung hindi niya ba nagegets


ang gusto ko o nagpapanggap lamang siya.

"Sabi ko... L-Layuan mo na... Ako..." Hinihingal kong sabi.

"Pero di mo sinabing h'wag narin akong maghabol sa'yo." Umangat pa ang kanyang
kilay na tila nang-iinsulto na ang mga mata at nalamangan na naman ako.

Nalaglag ang aking panga.


"Iyon parin naman 'yon ah?!" Frustrated kong sabi at naikuyom na ang aking mga
kamay habang tinitingala siya. Nagiging sagabal pa ang aking buhok dahil sa hanging
pinaglalaruan iyon.

Kinagat niya lang ang kanyang pang-ibabang labi habang tinitingnan ako sa
mapaglaro niyang mga mata. Ang pilyong ito ay nasisiyahan pa ata.

Nailing nalang ako at iniwan siyang muli roon. Tumakbo ako hanggang makarating
ako sa bahay. Dali dali pa akong pumasok doon at inilock iyon. Noong hindi ako
makontento dahil baka sirain niya iyon ay kinaladkad ko pa ang upuan para lamang
iharang sa may pinto. Ayan! Di na iyon makakapasok.

Nagpapalit na ako ng damit nang kumatok siya roon.

"Trace..." Narinig kong tawag niya sa akin. Ang baritonong boses ay nakapasok
na sa loob ng aming bahay.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Ang tigas talaga ng ulo! Ano bang
mapapala niya sa akin? Ni wala nga akong karanasan! Oo gustong gusto ko siya pero
maling mali ang aming sitwasyon. Hindi ko naman kayang panindigan ang aking
kasiyahan kung alam kong masasaktan lamang ako pag ipipilit ko ang aking gusto.
Kontento rin naman akong kinikimkim lang ang aking nararamdaman para sa kanya...

Umupo ako sa may pinto at nanatili roon. Siguro... mapapagod rin siya.
Mapapagod siya kakasunod sa akin. May nabasa ako na iyong ibang mga lalake kaya raw
sila naghahabol sa babae dahil may gusto silang makuha sa'yo na di mo pa
naibibigay. Pwedeng iyon rin ang balak ni Israel... Baka ay... Naaano lamang siya
sa akin? Pero ang bata ko pa naman ah? Naturn on siya ng 16 years old?

"Tangina, Israel!"
Nagulat ako dahil sa pamilyar na boses na iyon. S-Si Kuya!

Mabilis akong lumabas ng aking kuwarto at hinila agad ang upuan makalabas lang
agad. Medyo natagalan pa ako dahil inilagay ko iyon doon ng patayo!

"Hindi ka ba talaga  hihinto sa mga plano mo?! Kulang pa ang nangyayari sa


kapatid ko?!"

H-Huh?
Mas nagmadali kong hilain ang upuan hanggang sa nagtagumpay akong hawiin na
iyon.

"Iipitin mo talaga ako at gagamitin mo pa ang kapatid ko!" Isang kalabog ang
aking narinig.
Pagbukas ko ng pinto ay nakaupo na si Israel sa sahig hawak hawak ang kanyang
panga. Gumapang ang gulat sa aking mukha at mabilis na tiningnan si Kuya na tumaas
baba ang balikat dahil sa galit. Ang kanyang mga kamay ay nakakamao narin.

"Malinis ang intensyon ko sa kapatid mo, Israel! Gago ka! Ginamit mo pa talaga
ang kapatid ko!" Nag-amba siyang lumapit kay Israel na masyado ng malamig ang
ekspresyon at hindi man lang tumayo kaya mabilis ko na itong nilapitan.

"T-Tama na, Kuya!" Niyakap ko ng mahigpit ang kanyang beywang. Rinig na rinig
ko ang kalabog ng kanyang dibdib at ang mararahas niyang pagbibitaw ng hininga.

"Lumaban ka ng patas tangina ka! Ni hindi ko ginagago iyang kapatid mo! Mabuti
ang hangarin ko! Pero iyong lalapit lapit ka sa kapatid ko para lang gipitin ako ay
hindi ko na pahihintulutan!" Lumapit siyang muli kaya mas hinigpitan ko ang
pagkakayakap kay Kuya.

"Tama na Kuya!" Naiiyak kong sigaw sa kanya at tiningala ang mukha nitong hindi
parin humuhupa ang galit.

Tumayo si Israel at pinunasan ang dugong lumandas sa gilid ng kanyang labi.


Walang na nasasaktan ito sa suntok pero mas dumilim lamang ang ekspresyon.
Kalaunan... ngumisi siya ng pilyo kay Kuya.

"Ba't hindi mo tanungin si Tracey tungkol sa aming dalawa? We're even seeing
each other everyday..." Nanunuya niyang sabi kay Kuya na mas nagtulak lamang sa
kapatid kong sumiklab lalo sa galit.

"Gago ka!"
"Kuya!" Mariin ko ng nahawakan ang suot niyang uniporme at isinubsob ang aking
mukha sa kanyang dibdib.

"Walang sinasabi ang kapatid mo sa'yo? Na nagkikita kami? Naliligo pa nga


kaming dalawa sa batis. Kahit sa lupain ay nakakapunta siya. Di niya pala
nabanggit?" tanong ni Israel sa boses na tila sinasagad ang pasensya ni Kuya.

Alam ko ang ugali ni Israel... Ang hangarin niya. Pero hindi ko talaga mapunto
kung ba't parang naghahamon pa siya ng suntukan kay Kuya sa pamamagitan nito.

Natigilan si Kuya at nalaglag ang tingin sa akin. Naluluha akong nag-iwas ng


tingin sa kanya.

"At pasensya na pala sa bintana niyo... Nasira ko dahil pumasok ako kahapon..."
dagdag pa ni Israel na mariin ko ng ikinapikit. Ano bang ginagawa niya?!

"Tracey!"
Halos mapatalon ako sa pagtawag sa akin ni Kuya.

"Totoo ba iyon?" matigas niyang tanong sa akin na dahan dahang ikinaluwag ng


yakap ko sa kanya.

Bahagya akong tumango.


"P-Pero ginawa ko iyon d-dahil gusto kong tumulong sa inyo ni Ate R-Rici!" agap
ko.

Lumukot agad ang ekspresyon ni Kuya. Napaawang na ang kanyang mga labi at hindi
makapaniwala sa aking sinabi.

"Lumalapit lapit ka sa gagong iyan?!" Itinuro niya si Israel. "At nahulog ka?!
Alam mo ba ang rason niya kaya siya lumalapit lapit sa'yo? Sinabi niya sa akin na
gagamitin ka niya para maipit ako! Ang gagong iyan ay gusto kang saktan para
magamit kang pain at layuan ko ang kapatid niya!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Akala ko... Akala


ko ang rason niya ay makakalap lamang ng impormasyon tungkol sa aking kapatid. Pero
iyong pahulugin ako sa kanya p-para saktan ako... Para gamitin ako laban sa aking
kapatid... Hindi ko na iyon naisip pa.

Ganoon ba talaga siya katuso? Ang dilim na akala ko ay madilim na talaga ay may
mas ikakadilim pa pala.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Sinikap kong magpigil ng luha. Tama nga
ako... Tama nga ang mga naiisip ko na baka sasaktan niya lang naman ako. Tama nga
ang desisyon ko.

"Hindi naman a-ako nahulog... Kuya... K-Kaya nga nilalayuan ko na siya kasi
ayaw ko naring dumikit sa kanya," sagot ko sa matabang na boses habang ang aking
mga mata ay nakatitig sa kawalan.

Narinig ko ang paghalakhak ni Israel sa aking likuran. Malademonyo iyon.

"Tinatakbuhan mo ako dahil ayaw mong lumala ang nararamdaman mo. Yun iyon,"
sigurado niyang sabi na ikinailing ko.

Nilingon ko siya gamit ang mga mata kong naluluha. Ang ngisi ay agaran rin
namang nawala sa kanyang labi at napalitan ng panibago ang ekspresyon.

"Hindi mo naman pagmamay-ari ang puso ko para sabihin mong tumitibok nga ito
para sa'yo," diretsahan kong sabi na ikinaalon ng kanyang lalamunan dahil sa
paglunok.

"Kung hindi ka lang talaga kapatid ng mahal ko..." Nailing si Kuya at dismayado
na ang boses.

"Umalis ka nalang..." sabi ko sa kanya na lumalim lamang ang tingin sa akin.

Umawang ang kanyang bibig para sana may sabihin pero itinikom niya rin iyon.
Ang nanlalabo kong mga mata ay iniwas ko nalang at nilingon si Kuya.

Umalis rin naman si Israel. Wala na itong sinabi pa at naglakad nalang palayo.
Siguro... Ito na 'yon... Di na siguro niya ako kukulitin.

Nakaupo na ako sa loob ng bahay habang nagsasalin naman ng tubig si Kuya.


Inilapag niya iyon sa aking harapan at naninimbang ang mga mata sa akin.

Ininom ko iyon pero kaonti lamang para maalis ang bumubukol sa aking lalamunan
saka ko iyon inilapag.

"Nabalitaan ko na napagbintangan ka raw na magnanakaw noong Felicita dahil sa


binigay na kwintas sa'yo ni Israel. Ba't mo tinanggap Trace?! Paano kung kasabwat
niya pala ang babaeng iyon at sinet-up ka?" Panghuhula niya habang iritang iritado.

Umiling ako. Naniniwala akong walang alam si Feli na binigyan rin ako ng
kwintas ni Israel at alam kong walang alam si Israel na iyong ibinigay niyang
kwintas sa kanyang kapatid ay binigay pala ni Ate Rici kay Feli.
Nasasabi lamang iyan ni Kuya dahil galit siya kay Israel.

"Tangina talaga ang gago na 'yon!" Hinampas ni Kuya ang lamesa na ikinatalon ko
sa aking upuan. Kahit ang baso ay gumalaw pa kaya hinawakan ko nalang iyon para
hindi matumba.

Nasuklay niya ang buhok at umiigting ang panga sa galit.

"Akala ko hindi ka niya nilalapitan dahil wala ka rin namang sinasabi sa akin!
Iyon pala isinakatuparan niya parin ang plano niya!"

Napayuko ako. Alam ko namang may mali rin ako dito. Hindi ko sinabi kay Kuya
ang totoo. Ginusto kong lumapit lapit kaya ba't pa ako magugulat kung may iba pa
pala siyang plano? Dismayado ka ba Trace dahil akala mo totoo na ang lahat at may
pag-asang magkagusto nga siya sa'yo?

Eh ano naman iyong sinabi niyang nahulog siya sa sarili niyang patibong? Kahit
totoo man ang lahat ng iyon... Mas okay narin itong natuldukan na ang lahat.

"H'wag kanang lumapit lapit ulit sa lalakeng iyan kung hindi ay isusumbong
narin talaga kita kay Mama!" Pagbabanta ni Kuya sa akin na ikinatango ko nalang.

Hindi na naman ako nakapunta ng bayan. Si Kuya naman ay


hindi rin pumasok para bantayan ako sa bahay. Nasa may sala ito at may sinusulat sa
kanyang notebook habang ako ay nagkulong lamang sa aking kuwarto.

Nakabukas ang bintana noon habang naroon ako... namamahinga ang aking mga braso
roon habang inuunan ko at tinititigan ang madilim na langit. Pagod akong napangiti.
Parang si Israel ang madilim na langit na iyon... Iyong akala mo ay malapit lamang
at kaya mong maabot pero hindi pala... at heto ako sa may bintana... namamangha sa
langit na walang ni isang bituin.

Ang sakit pala talaga... Ang Israel na iyon... Mahal ko na nga. Pinalala niya
lang ang nararamdaman ko sa kanya... Dapat pala nagpatuloy nalang ako sa
paglalakad... Dapat hindi nalang ako sumilong sa dilim na iyon...

Bumuntong ako ng hininga at niyakap na ng kalungkutan. Maaapektuhan ba si Ate


Rici at Kuya Bram sa nangyari? Baka dahil sa akin... Dahil sa nangyari... Kusang
layuan ni Kuya si Ate Rici. At masasaktan lamang ng husto si Ate at baka si Israel
pa ang kanyang sisihin. Ang lupit naman ng tadhana sa amin.

Isang sitsit ang kumuha ng aking atensyon. Napakurap ako at mabilis na


nakaramdam ng takot lalo at gabi na. Akma ko iyong isasara nang may nakita akong
pamilyar na imahe sa labas ng bahay. Idinungaw ko ang aking ulo palabas para
matingnan iyon ng maayos at ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makilala ko iyon.

"I-Israel?" Mahina kong tawag sa kanya.


Tuluyan siyang lumapit dito sa akin hanggang sa maaninag ko na siya. Nakasuot
ito ng itim na jacket at nakahoody pa. Inalis niya lamang iyon sa kanyang ulo at
tiningnan ako.

"Trace... Let's talk for awhile... Lumabas ka muna..." Masuyo niyang sabi.

"Diba sabi ko umalis kana?" mahina kong sabi at nilingon pa ang aking likod
dahil baka biglang pumasok si Kuya.
"Lilinawin ko lang... Pagkatapos ay aalis na ako. Please..." Nagmamakaawa na
ang boses na iyon habang ang kanyang mga mata ay namumungay na.

Nakaramdam ako ng awa. Hindi lang ata kundi pati ako ay natunaw. What gotten
into his mind to be like this to me? At dapat galit rin ako sa kanya dahil sa mga
nalaman ko pero di ko mapanindigan iyon ng buo.

"S-Sige... Hintayin mo ako diyan..." sabi ko na ikinakalma agad ng kanyang


ekspresyon. Tumango pa siya.

Sinara ko ang bintana saka ako lumabas ng aking kwarto, kabado. Nadatnan ko si
Kuya sa sala na mabilis rin namang napatingin sa akin.

"A-Ah... K-Kuya... Pwede ano... Sa labas lang ako..." sabi ko sa kanya.

Umangat ang kanyang kilay at nabitiwan na ang hawak na ballpen.

"Saang labas, Trace? At anong gagawin mo sa labas eh gabi na?" Kumunot ang
kanyang noo.

"Doon lang naman ako sa likod Kuya... M-Magpapahangin... Doon sa may mga
bulaklak..." Paliwanag ko.

"Sigurado ka? Hindi ka lalayo?"


Tumango agad ako. "Naroon lang ako Kuya..."

Kumalma naman ang kanyang mukha at tumango rin. Pinulot niyang muli ang ballpen
at nagsimula ulit sa pagsusulat.

Napangiti na ako sa kalooblooban ko habang naglalakad palabas. Ang aking puso


ay masyadong maingay at naeexcite rin kahit na nasaktan na kanina. Ang rupok ng
puso ko...

Pumunta agad ako sa likod ng bahay. Hindi ko palang naigagala ang aking mga
mata ay may humablot na sa akin at niyakap agad ako ng mahigpit. Sa sobrang higpit
ay naamoy ko na ang pamilyar na pabango ni Israel.

"I'm sorry... I'm sorry..." Paulit ulit niyang bulong sa aking leeg at mas
humihigpit pa ang yakap sa akin. "I... I didn't mean to..." Hindi niya halos
makumpostura ang kanyang mga salita.

Hindi ko alam kung ba't naiiyak ako sa isang bagay. Kung bakit nasasaktan ako.
Naguguluhan talaga ako sa'yo Israel... Gulong gulo ako sa'yo...

"H'wag tayo dito. Doon tayo..." Tinapik ko ang kanyang likod para lang makuha
ko ang kanyang atensyon.

Kumalas naman siya at nagpaubaya sa aking gusto. Madilim dito at tanging ilaw
lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Hinila ko siya roon sa aming hardin
para hindi kami gaanong maaninag ni Kuya kung sakaling pumunta iyon dito.

Huminto rin naman kaming dalawa. Tiningala ko ang kanyang mukha na sising sisi
sa isang bagay.

"Totoo... I... I said that to your brother... But I fell... I already told
you... Balak kitang saktan pero tangina Trace! Ako itong nabaliktad ng sarili ko."
Mariin siyang napapikit at nahimas pa ang noo.
"I'm sorry... I planned on tricking you but I failed..." bigo na ang kanyang
boses at puno na ng pagsisisi roon.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi saka ko hinawakan ang buhok kong
pinaglaruan ng hangin. Aminado na naman siya... Ang lalakeng masyadong misteryoso
sa aking mga mata at parang leyon kung umasta ay hindi ko inaakalang napapaamo ko.

"Anong plano mo sa atin? Dahil ako... Gusto ko ito... Gustong gusto... Pero
kung..." Naging bigo ang tingin niya sa akin. Ang kanyang kamay ay napunta na sa
aking pisngi at marahan iyong hinaplos na ikinalabo agad ng aking mga mata.

"Kung ayaw mo... rerespetuhin ko. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang gusto ko
kung ipinagbabawal mo. Batas ko iyon..." bigo niyang sabi sa akin na ikinaagos agad
ng aking mga luha.

Wrong timing tayong dalawa, Israel... Pwede naman tayong magpatuloy pero bata
pa ako... Nag-aaral pa... Paano kung ipinaglaban natin ito at may nasagaan tayo?
Paano kung sa huli ay maghiwalay rin pala? Mawawalan ng silbi ang mga ipinaglaban
natin. At kung makakahintay ka... Siguro diyan na ako mapapanatag na mabuti nga ang
intensyon mo sa akin at seryoso ka.

"Anong gusto mo?" masuyo niyang tanong sa sa mga mata niyang namumungay.

"L-Layuan mo muna ako... H-H'wag na muna tayong magkita..." sabi ko sa abot ng


aking makakaya.

Tumango tango siya at nabasa ang pang-ibabang labi. Kahit parang may magtutol
sa kanyang mukha ay pilit niyang sumang-ayon sa aking gusto.

"What else?" he asked painfully like he has no choice.

"Sila Kuya... H-H'wag mong hadlangan..." .


Tumango siyang muli. "Okay... Ano pa?"

Umiling ako at bigong bigo na. Ang aking mga luha ay walang tigil na sa pag-
agos. Kung magtatagal ang ganito... Baka bawiin ko lang lahat ng aking sinabi at
ako na mismo ang bumali ng mga iyon.

"Ako naman. Susundin ko lahat ng iyon pero sa isang kondisyon, Trace..."


malalim niya agad akong tiningnan. Sa liwanag ng buwan, nakita ko kung gaano
kaseryoso ang kanyang mukha habang pinupunasan ang aking mga luha.

"A-Ano..."
"H'wag kang mang-entertain ng lalake hangga't pwede na tayo." Nagbago rin naman
agad ang kanyang ekspresyon. "Tangina, pwede naman tayo pero ako lang itong may
gusto!"

"Hindi pa pwede kasi nag-aaral pa ako," agap ko at hinanap ang kanyang mga
mata.

Tumango na lamang siya saka muling sinalubong ang aking tingin. "Kailan kita
lalapitan kung ganoon?"

"Pag g-graduate na ako?"


Nagkasalubong agad ang kanyang kilay.

"That was years, Trace!"


"Pero iyon ang gusto ko... At baka payagan narin ako ni Mama dahil nakapagtapos
na ako..." mahina kong daing sa kanya.
Tumango siya at walang nagawa. Nameywang pa siya sa aking harapan habang
nakatingala sa langit na singdilim ng kanyang pagkatao. Tila nagdadasal siya roon.

"I'll wait then." Mataman niyang sabi na ikinalusaw ng aking puso. Ang aking
tiyan ay parang pinipilit dahil sa kanyang sinasabi.

"Balang araw... Balang araw ay ipaglalaban kita. Pero sa ngayon, hindi muna..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 26

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Christienne Red Pascual. Uwi kana. Galit na ako.
HAHAHAAHH. Happy reading!
-----------
Unfair
Sa gabing iyon... hindi ko alam kung ano ang iniiyak iyak ko. Umalis rin naman
ito saka rin ako pumasok ng bahay. Parang nagluluksa ang aking puso. Nangangamba na
baka ay hindi niya mapanindigan lahat ng binitiwan niyang salita sa akin.

Paano kung maisip niya rin na may mas higit pa namang babae riyan kaysa sa
akin? O kaya... mapagod siya kakahintay?

Kung napagod siya edi hindi talaga kayo para sa isa't isa Trace... Diyan mo
mapapatunayan kung totoo ba siya sa salita niya. Kung hindi lang ba siya hanggang
salita dahil kadalasan sa mga lalake ngayon puro nalang salita pero nababali naman
pagdating sa gawa.

Pinunasan ko ang mga luhang iyon. Di ko alam kung ba't nangangamba ako. Ngayon
pa nga lang ay hadlang na si Kuya dahil alam niyang hindi maganda ang intensyon ni
Israel sa akin. Tama lang naman iyong desisyon mo Trace... Pahupain niyo muna ang
sitwasyon. Pakalmahin mo muna ang Kuya mo. Lalo na si Mama... Pag nalaman noong
lumalapit lapit rin ako kay Israel ay sisiklab rin iyon sa galit.

Balang araw magiging malaya rin naman ako. At katulad ng sinabi ni Israel...
balang araw ay ipaglalaban ko rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa ngayon
ay kikimkimin ko muna ito. Itatago ko muna.

Palagi akong pinapaalalahanan ni Kuya Bram na iwasan na si Israel kung hindi ay


isusumbong niya agad ako kay Mama. Si Mama naman mukhang walang nakakalap na
tsismis dahil masyadong nawiwili sa mga bulaklak niyang nabebenta niya lahat. Noong
tinanong ko kasi siya ay iba ang sagot niya.

"Huh? Anong tsismis? Eh kung magkakapera ako diyan buong araw akong
makikipagtsismisan sa palengke kaso hindi naman!" Para siyang nakatikim ng isang
mapait dahil sa hitsura niya.
Sa palengke kasi madalas iyong tsismisan. Si Mama malayo naman doon. Siguro
nakarating rin iyon sa bayan pero di na nakarating kay Mama dahil masyado itong
busy sa pagtitinda. Palagi iyong goodmood dahil malaki ang kanyang kita at
pinagbibilhan pa ako ng kung ano ano.

"Ano ba iyan, Trace! Bakit mo tinaboy si Israel?! Alam mo ba ang tsismis dito?
Na si Israel daw ang nagsawa sa'yo?! Na nabagok na daw ang ulo at natauhan na!"
Galit na galit na naman akong sinermonan ni Rinka nang makaupo ako sa aking upuan.

Alam na nila ang tungkol sa amin ni Israel dahil hindi narin naman ito
nagpaparamdam sa akin. Minsan nakikita ko siyang sinusundo si Ate Rici pero
hanggang doon lamang. Balik na iyong dati... Iyong pagiging misteryoso niya sa akin
at tila di ako kilala.

Hinawi ko ang aking buhok at inilagay sa aking kandungan ang bag. Sa gilid ng
aking mga mata ay si Rinka na nagngingitngit na ata ang paningin sa akin.

"Dapat sinagot mo na! Ba't ka naman nagpapaapekto sa mga nakapaligid sa'yo eh


mga taong may makikitid na utak lang naman ang mga iyan!"

Inilabas ko ang aking notebook doon at kumuha narin ng ballpen.

"Hayaan mo na, Rinka..." sabi ko sa kanyang nang tingnan ko siya sandali.

Nalaglag ang kanyang panga at mas lalo lang atang sumabog sa inis. Itinuon ko
naman ang aking tingin sa notebook.

"Anong hayaan?! Dapat nga ay kayo na! May gusto iyon sa'yo Trace! Ano ba iyang
prinsipyo mo! Hindi naman basehan ang estado sa pagmamahal ah..."

"Hindi rin naman ganoon kadali ang pumasok sa ganoong bagay. Di pa ako handa at
nag-aaral pa ako," sabi ko at tiningnan siya. Sa kanyang likod naman ay ang
dalawang kakapasok lamang.

"Pwede mo namang ibalanse! Lahat ng estudyante rito iba iba


agad ang mga sinasabi! Na nagsawa raw si Israel sa'yo dahil ginagamit mo lang daw
ito! Na nakahanap na raw ng iba iyon!"

Dumating rin naman ang dalawa sa kanyang tabi. Nakikiusyoso agad sila.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nagsulat ng dapat kong isulat sa aking


notebook.
"Hayaan mo na. Di ka pa nasanay sa kanila eh ganoon naman talaga ang mga tao
rito..." sabi ko.

"Hay nako Rinka. Hayaan mo na nga. Paano kung ang iniisip lang ni Tracey ay ang
kinabukasan niya? Pag naging sila hindi malabong magyaya agad si Israel noong alam
mo na... at paano kung nabuntis si Tracey nang maaga edi yari siya kay Kuya Bram at
Mama niya," si Cecille.

"May condom 'no! At halatang expert naman iyong si Israel! Okay lang na mag
thrust basta may gamit na trust," si Rose naman.

Namula na ang aking pisngi sa kanilang topic. Bakit ba palagi nilang nasisingit
ang ganoon. At hindi naman ako bibigay agad sa mga ganoon. Hindi ko gusto ang
ganoong gawain...

"Pero ang aking point lang... Dapat sumugal man lang siya." Inis akong
tiningnan ni Rinka. Ramdam ko iyon sa gilid ng aking mga mata.

Sana nga ganoon lang kadaling magmahal 'no? Sana ganoon lang kadali. At alam ko
na pag nalaman ni Mama na nagkakagusto rin ako doon sa isa pang Buenaventura ay
mahihimatay na ata iyon. Si Kuya Bram naman hanggang ngayon galit parin kay Israel.
At bata pa ako! Baka di ko magampanan ng maayos ang bagay na iyon at maghihiwalay
rin kami. Makakahintay naman ang pag-ibig ah? Pag nakapagtapos ako... kahit ako pa
ang maghabol ay okay lang basta may napatunayan na ako sa aking sarili, kay Mama...

Sabado iyon noong napansin kong nagtatalo si Ate Rici at Kuya Bram sa labas ng
aming bahay. Simula rin kasi noong nag-away si Kuya at Israel... di ko na nakikita
si Ate Rici dito. Pumupunta pero si Kuya ay pinapauwi agad ito at di man lang
pinapapasok sa bahay. Minsan ay naiinis na si Ate Rici pero pumupunta parin dito.
Si Kuya naman pakipot at pinapanindigan ang isang bagay.

"Ano bang problema mo?! Ba't mo ako sinasali?! Nakakainis kana Bram!" Parang
nagpipigil na ng hikbi ang boses ni Ate Rici noon.

Nasa may upuan lamang ako at gumagawa ng aking assignments. Nakikita ko naman
sa labas ng bintana ang likod ni Kuya. Nakatingin ito sa ibang direksyon habang
nakapameywang at hinahangin ang kanyang buhok.

"Akala mo ba di ko alam?! Na kaya ka umiiwas sa akin dahil kay Kuya! Pero ang
sabi niya sa akin ay nilalayuan niya na raw si Tracey! Ngayon ikaw na naman ang
may  problema! Si Kuya itong pinapayagan na ako tapos..." naging mahina ang boses
ni Ate Rici.

"Umuwi kana lang, Riss," malamig na pananaboy ni Kuya.

Natigil ako sa pagsusulat at nilingon sila roon. Di ko makita nang maayos ang
imahe ni Ate dahil hinaharangan rin naman ito ni Kuya.
"Ang unfair mo naman... P-Pagkatapos mo akong pabaliwin sa'yo... Duwag ka pala
eh. Lalake ka pero duwag ka."

Gumalaw ang balikat ni Kuya dahil mukhang sinuntok ni Ate Rici ang kanyang
dibdib.

"Umuwi kana." Tinalikuran ito ni Kuya at umalis na sa kanyang harapan.

Nakita ko ang imahe ni Ate roon... Nanlalabo ang mga mata at dismayadong
dismayado.

"Huling beses na ito Bram! Pag nakauwi ako... Pag tumakbo na ako palayo...
Hinding hindi mo na ulit ako makikita! Napakaduwag mo! Sige! Magsisisi ka rin pag
pumayag ako roon sa pinagkakasundo ni Papa sa akin! Iyon nalang ang pakakasalan ko!
Kami nalang ang bubuo ng pamilya total ayaw mo naman sa akin! Duwag!" sigaw ni Ate
Rici at humihikbing tumakbo paalis.

Mabilis akong tumayo at sinilip si Kuya sa may bintana.


Natigilan na ito habang kinukuyom ang kanyang mga kamay. Umigting pa ang kanyang
panga habang kagat kagat ang pang-ibabang labi.

Kuya naman... Nasaan na iyong pinaglalaban mo kung sa ganito lang pala ay


susuko kana?

Napatingala si Kuya at ilang mura na ang nasambit. Tuluyan ng nawala ang imahe
ni Ate Rici dahil sa mabilis nitong pagtakbo.

Naging bigo narin ang aking mukha.


"Shit talaga!" sigaw ni Kuya saka nasabunutan ang sariling buhok saka ito
kumaripas agad ito ng takbo.

Parang lumundag ang aking puso palabas ng bintana sa sobrang saya. Gusto kong
sumigaw sigaw at icheer si Kuya sa paghabol kay Ate Rici pero kinimkim ko nalang.
Siguro natablan iyon sa pananakot ni Ate Rici sa kanya!

Napapansin ko mahilig ang magkapatid manakot... mang-ipit... Iyon ang ginagawa


nila para makuha ang kanilang gusto.

Nabuhayan ako ng loob na gawin ang aking assignment habang ang aking utak ay
sumama narin ata sa pagtakbo ni Kuya. Naabutan niya ba si Ate Rici? Paano kung
hindi? Pero mas mabilis naman ang takbo ni Kuya kaysa kay Ate. Naabutan niya iyon
sigurado ako...
Pero ano iyong kasunduan? Uso pala talaga iyon sa mayayaman. Parang katulad
noong sa isa niya pang kapatid na nasa syudad at ipinagkakasundo rin. Mukhang si
Israel lang ang hindi pinagkakasundo eh. Sa tigas ng ulo noon... baka sundin niya
rin ang kanyang gusto.

Niligpit ko ang aking mga gamit pagkatapos ko iyong sagutan. Si Kuya ay wala
pa. Ilang oras na siyang nawawala. Hindi kaya ay pumunta na iyon sa lupain ng mga
Buenaventura? May mga nagkalat pa naman na tauhan sa main gate nila. Baka kung
anong mangyari...

Nagkulong nalang ako sa aking kwarto at tinupi ang aking mga damit. Medyo
dumidilim na at nagsisimula na iyong kumalat sa buong paligid.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya mabilis akong tumayo at lumabas.


Nagkasalubong agad ang mga mata namin ni Kuya.

Napakurap ako at nagtatakang napatingin sa kanyang buhok. Medyo magulo at


natuyo lang ata? Umulan ba? Hindi naman. At basa rin ang kanyang suot na hindi na
gaanong halata.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin at pasipol sipol na pumunta roon sa sink.


Nagsalin siya ng tubig sa baso habang ako parin itong takang taka. Anong nangyari?

"Ba't ang tagal mo Kuya? Saan ka galing?" tanong ko sa kanya.

"Ah... Sa ano... Sa batis." Tanging sagot niya at nagsalin muli ng tubig.


Galing ba siya sa takbo? Ba't parang pagod?

"Huh? Batis? Eh diba hinabol mo si Ate Rici?"

Natigilan ito at tila may naalala dahil sa pagbanggit ko ng pangalan. Noong


umapaw na ang tubig sa kanyang baso ay pinatay niya agad ang gripo saka iyon
ininom.

Hinintay kong maubos niya iyon saka niya ako binalingan.

"Tsismosa ka." Ngumisi pa siya sa akin. Kakaiba si Kuya ngayon...

Iba talaga eh... At naaamoy ko si Ate Rici sa kanya. Kumakalat ang amoy ni Ate
Rici sa buong bahay. Hindi kaya...

"Bati na kayo?" Hindi ko tinantanan ang mga matang iniiwas niya sa akin.

Sumandal siya roon at nahipo ang kanyang batok. Ngumuso pa ito at tila may
naalala.
Hindi siya sumagot sa akin at nagtungo sa may ref. Binuksan niya iyon saka
dinungaw ang loob.

"Magluluto na ako. Anong ulam ang gusto mo?" tanong niya


habang may kinakalkal sa freezer.

"Naligo kayo sa batis ni Ate Rici? Ba't ang tagal naman ata?" Painosente kong
sabi at bumalik sa loob ng aking kwarto para ligpitin ang aking mga damit.

"Privacy na iyon, Trace. May pagka tsismosa ka talaga kahit kailan." Narinig
kong sabi niya sa labas.

Napanguso ako roon. Sabagay nga naman, Trace... Hayaan mo na nga eh privacy nga
naman. Pero ang mahalaga dahil mukhang nagkaayos na ulit sila. Ilang araw naring
iniiwasan ni Kuya Bram si Ate eh... Di na nga ako magtataka kung inipit niya nalang
si Kuya para masunod ang gusto niya.

Lunes iyon. Magbubuwan narin at malapit ng matapos ang aming klase. Valentines
na bukas at hindi ko alam kung ba't may klase pa eh alam ko namang mga nagkalat
lamang na mga magsyota ang ganadong pumasok.

Papunta kaming tatlo sa canteen noon habang topic nila kung sino ang
hahabluting lalake at iisali nila sa mga booth. Marami kasing ganoon tuwing
Valentines. Maraming pakulo ang mga SSG Officer.

"Si Roel nalang kaya? Total nakapares ko iyon sa dula natin. Para kasing
malagkit makatingin sa akin. Malay niyo... may lihim na pagtingin..." Ngumingisi pa
si Cecille habang hinahawi ang iilang hibla sa kanyang buhok sa malanding paraan.

Tumawa kaming tatlo.


"Ang assuming mo! Galit iyon sa'yo kaya ganoon makatingin kasi pinalitan mo si
Tracey! Gising hoy!" Binatukan siya ni Rose na halos ikabuwal ni Cecille sa
paglalakad.

"Grabe ka! Kulang nalang lumabas ang baga ko sa malakas mong hampas!" Reklamo
ni Cecille at nakabusangot na.

"Baka itong si Tracey ang maraming makakadate bukas! Uy... Sigurado akong ikaw
ang pupunteryahin ni Leo bukas..." Siniko siko pa ako ni Rinka.

"Hindi lang si Leo kundi halos ang mga lalake rito," dagdag pa ni Rose.

Ang tatlo na ang sumusundot sa aking tagiliran at panay na ako igtad. Natatawa
kong pinaghuhuli ang kanilang mga kamay para lamang pigilan sila sa kakagawa noon.
"Wala akong hilig sa ganyan 'no..." sabi ko.

"Sus... Eh balita ko pa naman open na naman iyong eskwelahan sa mga bibisitang


tagalabas na mga estudyante. H'wag kang umabsent Trace malay mo pumasok rito si..."
Hindi nadugtungan ni Cecille ang kanyang tinutukoy.

Unti-unti namang napawi ang aking ngisi at isang tipid na ngiti nalang ang
naiwan. Nagkasundo na kaming dalawa noong nakaraang buwan at hanggang ngayon ay
hindi na talaga kami nagkakausap. Minsan ko nalang rin ito makita. Nakakahiya rin
namang magtanong kay Ate Rici.

Pagdating namin sa canteen ay pumila agad kami para makabili ng makakain. May
iilang estudyante na napatingin sa akin pero hindi ko na inusisa pa. Sila Rinka
lang madalas ang nagkukwento sa akin tungkol sa mga tsismis na pinapakalat dito.
Huli rin naman kasi kaming nakitang magkasama ni Israel noong sumugod siya rito.

"Anong kakainin mo, Trace?" tanong sa akin ni Rose habang nasa likod ko ito.

"Sandwich lang siguro 'tsaka isang sprite ang bibilhin ko," paliwanag ko sa
kanya.

"Ayaw mong mag hotdog?" Suhestyon niya saka rin ito bumungisngis.

Ngumuso ako at sinipat ng tingin ang mga pagkain sa harapan. Sakto pang may
nakadisplay na mga manggang pinagpipiraso at isinilid sa maliit na plastic
cellophane. Biglang naglaway ang aking bibig at naisip ang topless na katawan ni
Israel, nanunungkit sa lupain habang seryosong nakatingin sa itaas. Hay... Ano?
Miss mo na?

May grupong pumasok na ikinuha ng aming atensyon. Ang grupo


iyon ni Ate Rici at sa tabi nito ay si Feli. Nasa likod naman nila iyong dalawa pa.

Ang napansin ko agad ay ang band-aid sa may gilid ng leeg ni Ate Rici lalo na
noong matapat sa kanya ang electric fan at umangat ang kanyang buhok. Anong
tinatago niya? Siguro...

Noong magkasalubong ang aming mga mata ay ngumiti agad siya sa akin. Napangiti
narin ako.

"Nangangamoy bulok na higad..." pagpaparinig ni Rinka at umikot pa ang mga mata


nang makita si Feli.
"Pakalat kalat parin dito. Ba't di pa iyan sinusundo ng truck ng basura?" inis
namang sabi ni Rose sa aking likuran.

Simula noong araw na umiyak siya ay medyo naging mailap narin ito. Minsan ay
nag-iiwas nalang ng tingin sa akin at minsan naman ay umiirap nalang. Pero may mga
araw rin talagang naririnig ko siyang pinaparinggan ako ng kung ano ano.

Nagtungo si Ate Rici sa nakasanayan nilang lamesa kasama iyong may maiksing
buhok habang si Feli at iyong kaibigan niya ring nakaponytail ang buhok ang
nagtungo sa aming tabi para pumila roon sa pangalawang linya.

"Umusog ka ng kaonti Trace... Mahirap na baka mahawaan ka ng virus sa tabi


tabi." Iniusog ako ni Rose papunta sa kaliwang bahagi.

Ganito talaga ang gawain ng tatlo sa t'wing nasa paligid lamang si Feli. Ang
kanilang galit na inaalagaan ay lumalaki lang ata lalo habang tumatagal.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pag-angat ng kilay ni Feli. Iyong
kaibigan niya naman ay umismid pa sa amin. Nagsimula silang mag-usap dalawa pero
ibang topic na iyon at tungkol sa program bukas.

"May kadate ka Feli?" tanong noong kaibigan niya sa kanya.

"May papatol ba diyan?" bulong pa sa akin ni Rose kaya sinaway ko ito.

"Wala akong boyfriend 'no. Wala namang kasing guwapo ni Israel dito." Marahan
pa itong tumawa.

Noong marinig iyon ng tatlo ay nasira agad ang mga mukha. Inilingan ko na
lamang sila na h'wag ng humirit pa.

Umabante na si Rinka at nagsimulang mamili. Itinuon ko naman ang aking tingin


sa pagkaing bibilhin ko pero hindi ko maiwasang makinig sa pag-uusap nila.

"Eh si Israel... Sino ang kadate noon?" tanong naman noong kaibigan niya.

Nabura na issue namin ni Israel dito kaya ang ilang estudyante ay hindi narin
ako pinapansin. Nagpapasalamat rin ako dahil balik na sa dati pero may iba parin
talagang ako itong hilig pag-usapan.

Napansin ko ang paglingon ni Feli sa akin.

"Isa iyong kolehiyana eh. Schoolmate niya. Dinala niya pa nga iyon sa bahay
nila noong nakaraang linggo."
Huh? May girlfriend siya? May babae?
"Talaga?"

"Oo. Madalas ako sa bahay nila. Nakita ko may kasama siyang babae. Mayaman
rin." Pinagdiinan niya pa ang huli niyang sinabi.

Marahang kinurot ni Rose ang aking beywang at mukhang tinutukoy ang narinig
niya. Kahit si Rinka ay nakaangat na ang kilay habang umaalis na sa harapan at
mukhang narinig rin ang sinabi ni Feli.

Ako naman ang napunta sa harapan. Sinikao ko nalang na kumalma at baliwalain


ang aking narinig.

"Isang sandwich at Sprite po..." sabi ko sa tindera saka binigay ang singkwenta
na papel.

Umabante narin naman sila Feli. Nagbigay narin siya ng pera at maraming pagkain
ang pinagsasabi. Iyong iba ay kina Ate Rici ata at sa isa pa nilang kaibigan.

"Kawawa naman ang iba diyan... Binilhan lang ng mamahaling kwintas nag-aassume
na na gusto siya. Pinagsawaan rin naman pagkatapos gamitin. Nakakaawa." Pasimple
akong nilingon ni Feli agad ngumiti pa ng matamis nang lingunin ko rin siya.

"Tumahimik ka nga Feli. Baka nga isa ka rin sa nagkakandarapang babae kay
Israel at hindi napapansin. At least si Tracey napansin. Nagustuhan," sagot naman
ni Rose sa aking likod.

Ibinigay na sa akin iyong pagkain ko kaya inawat ko agad si Rose na h'wag


nalang itong pansinin.

Umirap si Feli at kinuha narin iyong tray na ibinigay sa kanya dahil sa dami ng
kanyang order. Si Rinka ay nagtangka pang batuhin ito ng hawak niyang coke in a can
pero di niya lang itinuloy.

"H'wag kang makinig sa babaeng iyon. Doon na tayo maniwala kung nakita talaga
ng sarili nating mga mata. Alam naman natin ang bibig ni Feli... May
pagkastorymaker ang social climber na iyan," galit na sabi ni Rose.

Ngumiti lamang ako ng tipid at hinintay na si Cecille ang matapos sa pagbili ng


pagkain. Tumatawa na si Ate Rici roon sa table at hindi katulad ng kanyang mga
kaibigan... siya lang itong walang nasasabi sa akin na kung ano ano.

Iniisa isa ko ang sinabi kong kondisyon kay Israel. Ang sinabi ko lamang ay
layuan niya ako at h'wag ng hadlangan sila Kuya. Iyon lang ang ipinagbawal ko sa
kanya. Ba't bigla akong nadismaya? Kulang ang mga bawal ko... Pero nahihiya rin
naman kasi akong pagbawalan siya sa mga ganoon. Lalake siya at mabilis matukso sa
mga babae. Nasa kanya na ang pagpipigil at kung paano siya katapat sa binitiwan
niyang salita sa akin.

Nakakafrustrate naman itong naiisip ko. Ang unfair niya naman... May babae
siya. Pero hindi rin naman kayo Trace... Wala kang karapatang magreklamo.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 27

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Valentines Day
Kahit noong makapunta na ako sa bayan para tumulong kay Mama ay laman iyon ng
aking utak. Di iyon maalis sa aking isipan at parang isang bubble gum na dikit na
dikit at ayaw matanggal.

Nasa kanya naman iyon eh... Kung may babae siyang isasideline habang hinihintay
ako ay nasa kanya iyon. Di rin naman ako nag-eexpect na seryoso iyon. Alam kong may
reserba parin siya. Baka nga nagbago na ang utak noon at nawala na sa kanyang isip
ang pinag-usapan namin.

"Oh? Ba't nakabusangot ka ata?" Sinilip pa ni Mama ang aking ekspresyon.

"A-Ah... Wala po." Iniwas ko iyon at pasimple nalang na inayos ang dalawang
natitirang bouquet na bulaklak.

Anong sinisimasimangot mo Trace? H'wag ka nga kasing umasa sa lalakeng iyon.


Purket niyakap ka lang sa madilim... Sa likod ng bahay niyo... Magaling sa salita
ang mga lalake!

"Baka may boyfriend kana ha. Trace pag-aaral muna at h'wag ka munang tumulad sa
Kuya mong higad!" Lumukot pa ang ekspresyon ni Mama na ikinatawa ko.

"Grabe naman iyong higad Ma..."

"Aba'y totoo naman. Makati iyang kuya mo. Kung babae pa iyan nabuntis na
talaga." Naiiling niyang ipinasok ang mga perang inilagay niya sa bangketa sa loob
ng kanyang bag.

Naalala ko tuloy iyong umuwi si Kuya na pagod at galing daw sa batis. Di ko


alam ba't napapadpad sa ibang dimensyon ang utak ko. Ginawa nila?

Tinulungan ko si Mama sa pagbebenta. Puti at pulang rose na bulaklak nalang ang


natitira dahil narin siguro may pagka mahal kaya hindi agad nabenta ni Mama. Medyo
malapit naring gumabi at mukhang malapit nang mag-alas sais.

Nakarinig ako ng yapak ng kabayong naglalakad na mabilis kong ikinalingon.


Hindi nga naman ako nabigo nang mapatunayan kong tama nga ang aking hinala. Si
Israel ang nakasakay doon at katulad noong nakasanayan niyang suot ay iyon rin ang
kanyang suot ngayon. Ang puting uniporme bilang panloob at denim jacket naman sa
labas, maong na pantalon... itim na boots at ang kumikinang niyang tatlong earrings
sa isang tenga. May iilang hibla ng buhok na namang nirerebelde siya pero ang
kabuuan ay perpektong perpekto at wala paring pinagbago.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Ang aking puso ay humataw agad na akala mo
ay aatakihin na ako sa puso ano mang oras. May usapan kami ah! Ba't siya nandito?!

Huminto siya sa aming gilid na kahit si Mama ay napatingin narin sa kanya.


Nagtungo ito sa amin hila hila ang kanyang kulay puting kabayo.

"Bulaklak po, Sir?" Ngumiti agad si Mama. Ako naman itong yumuyuko at
pinaglalaruan ang aking mga daliri.

Hindi naman siya mahilig sa mga bulaklak. Ako talaga ang pinunta niyan dito!
Tapos si Mama nandito pa! Israel naman! Ang tigas ng ulo!

May pinulot siyang bouquet na rose.

"Ah 550 iyan..." Pagpepresyo ni Mama.

"Pwede bang balutin ito? I want a wrap bouquet and just include the remaining
flower," sabi niya na ikinaangat agad ng aking tingin. Masyado naman atang magarbo?

Wala sa akin ang kanyang mga mata at nasa bulaklak na inilalahad niya kay Mama.

"Ah ganoon ba... Sige aayusin ko Sir!" Maligalig na sabi ni Mama at inasikaso
agad iyon. Halatang tuwang tuwa na ito dahil naubos na ang paninda niya.

Binasa ni Israel ang pang-ibabang labi at hindi man lang


ako nililingon. Na parang hindi niya ako kilala at ang sadya lamang dito ay ang
bulaklak.

Oo nga pala... Valentines Day bukas. Tama nga iyong narinig ko kay Feli. May
babae na nga ito. Bibigyan niya pa ng bulaklak.

"Para sa girlfriend, Sir?" Ngumisi pa si Mama habang tinatanong iyon at


inaarrange nang maayos ang pinaghalong puti at pulang rose. Pinapalibutan ng mga
puti iyong pula.

"I don't have one," sagot ni Israel sa baritonong boses, ni walang ngiti ang
humaplos sa labi.

"Ah... Nililigawan?" ganadong tanong naman ni Mama.

"That's for my future wife," sagot ni Israel at nilingon ako.

Mabilis na uminit ang aking mga pisngi. Oh ba't ka kinikilig Trace?! Di iyan
ikaw... Baka iyan 'yung babae niya ngayon. Ang sarap tuloy gayahin noong linya ni
Ate Rici kay Kuya Bram kaso wala namang pinagkakasundo sa akin si Mama. At hindi
iyon uso sa aming pamilya.

Si Mama na yumuyuko ay napabungisngis pa.

"Trace paabot nga ako noong pulang ribbons," utos niya sa akin kaya natataranta
ko iyong kinuha.

"'Tsaka iyang plastic na wrapper at pink na paper mache, Trace... Iyang may
black na stripes..."

Kinuha ko agad iyon. Mukhang espesyal nga ang pabulaklak niya. Malalanta lang
rin naman iyan. Masisira lang rin. Gagastos pa talaga... Lasang lasa ko ang pait sa
aking bibig at di na tiningnan si Israel. Bahala ka nga. Basta ako... Magtatapos
ako ng pag-aaral. Wala namang mawawala sa akin. At marami pa namang lalake diyan na
seseryosohin ako.

Noong matapos na iyon ay inilahad rin naman ni Mama sa kanya. Ang ribbon noon
ay curly pa ang dulo. Masyadong maganda ang bulaklak at sa amin niya pa talaga
binili tapos ibibigay niya lang sa iba. May nagbebenta rin naman ng bulaklak sa
dulo ah? Ba't di siya roon namili?

"How much?" tanong ni Israel habang kumukuha ng pera sa kanyang pitaka.

"1500 lahat," si Mama naman na hindi nawawala ang ngiti sa labi t'wing nang-
eentertain ng costumer.

Naglahad ng dawalang libo si Israel at may sasabihin sana nang matutop rin ang
kanyang bibig at tila may naalala. Ngumuso lamang ako habang inaayos iyong natirang
bulaklak.

"Salamat!" Masayang sabi ni Mama at inilahad iyong sukli.

Tumango nalang si Israel saka ito tumalikod at umalis na. Tiningnan ko ang
kanyang likuran pero nag-iwas rin agad noong walang kahirap-hirap siyang sumampa sa
puti niyang kabayo.
Umalis rin naman agad ito. Naiwan ako sa upuan na dismayado. Pinapaalala ko
sa'yo Trace... Ginusto mo ha...

"Guwapo talaga ang batang 'yon. Ilang taon na ba 'yon?" Narinig kong tanong ni
Mama.

"Kaedad iyon ni Kuya Bram Mama... 20 na ata..." Wala sa sarili kong sabi at
nawalan bigla ng gana.

"Huh? Ba't mo alam?" Nagtatakang tanong nito.

Kumurap ako at mabilis na bumalik sa sarili.

"K-Kasi sa eskwelahan sikat siya. Maraming nagkakagusto sa kanya roon."

Kumalma naman agad ang kanyang mukha.

"Ah... Matapobre lang talaga." Naiiling na sabi ni Mama. "Nasa utak lang ng
kanilang pamilya ay magpalago at magparami ng pera. Nakakadismaya."

"Hindi naman siguro Mama... Si Ate Rici ang bait bait nga
eh."

"Aba'y syempre! Nagbabait baitan dahil gusto ang kuya mo!"

May sasabihin pa sana ako pero itinikom ko nalang ang aking bibig. Di kasi
talaga gusto ni Mama ang pamilya nila. Di ko nga alam kung anong mabigat niyang
rason at masyado niya itong kinamumuhian.

Naaalala ko naman iyong magandang bulaklak na binili ni Israel. Sige lang...


Okay lang sa akin na hindi kana makahintay. Bahala ka nga.

Kinabukasan ay hindi na ako nagtaka noong may mga pulang korteng puso na sa
labas ng gate. Ang ibabaw pa ay nagmistulang pyesta dahil sa mga nakasabit doon na
hugis pusong papel. May mga nakatusok rin na balloons. Puputok rin naman iyan.
Nagkakalat lang talaga sila sa eskwelahan tapos kaming mga single pa ang
maglilinis.

Walang klase ngayon dahil sa program. Walang nakauniporme ni isa at puro


nakapula. Masyado silang nagpapaganda sa okasyon.

Isang pulang top rin ang aking suot. Fit iyon at kung itataas ko ang aking mga
kamay, sigurado akong makikita ang aking tiyan. Si mama ang pumili nito noong
nakaraan habang sinasamahan ko siyang bumili ng bagong kurtina. Sa bandang braso
nito ay parang may hangin kaya nagmumukhang lobo pero hindi masyadong malaki. Sakto
lang iyon at parang iyong mga gown noong mga prinsesa noon. Medyo loose iyon sa may
dibdib pero sa may beywang ay fit na.

"Para sa'yo Trace..."

Nagulat ako sa lalakeng lumitaw sa aking harapan at naglahad ng pulang rose.


Maliit iyon at isa lamang.

Ngumiti ako at tinanggap iyon.


"Salamat..."

Nahipo niya ang kanyang batok saka rin naman umalis sa aking harapan. Grade 7
ba iyon? Parang ang bata pa kasi.

Bago pa ako makarating sa classroom ay may humarang muli at katulad noong


ginawa ng nauna ay nagbigay rin sa akin ng bulaklak. Ito iyong mga bulaklak na
binibenta sa labas ah?

Apat rin na bulaklak ang natanggap ko bago ako tuluyang makarating sa


classroom. Sa may pinto palang, nagulat ulit ako nang humarang pa si Roel at
nahihiyang naglahad sa akin ng bulaklak.

"Salamat..." Tinanggap ko iyon at nahalo na sa iba pang mga hawak kong


bulaklak.

"Trace!" Isang kaklase ko naman ang sumingit rin kay Roel at binigyan ako.
Noong may makarinig sa aking pangalan ay dalawa ulit sa mga kaklase kong lalake ang
lumapit at naglahad narin ng bulaklak. Natatawa ko iyong tinanggap at pinasalamatan
sila.

"Iba talaga pag maganda!" sigaw ni Rinka na nasa loob na.

Pumasok rin naman ako at dala dala na iyong mga bulaklak na hindi ko na
nabilang pa. Inilapag ko iyon sa aking desk saka ko rin hinubad ang maliit kong
bag.

"Kanina si Leo nakita ko sa labas may binibiling bulaklak Trace! Iyong maliit
na wrapped bouquet na nagtitinda sa labas! Swerte natin ah?" Sinundot pa ni Rinka
ang aking beywang. Nakapulang top rin ito at jeans naman sa ibaba. Ang suot ay
nababagay sa pula niya ring sandals.

"Baka naman sa iba niya iyon ibibigay," sabi ko at inayos ang iilang mga
bulaklak na natanggap.
"Pustahan, para 'yon sa'yo!" Panghuhula niya pa.

Umiling nalang ako at inayos ang ribbon sa may parteng dibdib ko.
Nakahighponytail ang aking buhok kaya lantad na lantad rin ang aking malalim na
collarbone. Hindi ko isinuot iyong kwintas ni Israel eh... Ayoko ng makakuha ng
atensyon dahil sa kwintas na 'yon.

Dumating rin naman sina Rose at Cecille. Ang tatlo ay


kinukulit pa akong manood ng program dahil magpeperform daw sila Leo. Kakanta sila.
Ang alam ko kasi may banda iyon kaya sikat rin siya sa mga kababaihan dito.

"Ano ka ba naman, Trace! Tigilan mo nga ang kakatago sa classroom! Lumabas


labas ka naman! Ang ganda ganda mo ngayon tapos magmumukmok ka sa loob!" Hinila ako
ni Rose at Cecille palabas.

"Hindi naman ako mahilig sa ganoon—"


"Di pwede! Halika na!" Nagtungo narin si Rinka sa aking likod at itinulak ako
paabante.

Wala akong nagawa dahil nakakaladkad na ako ng tatlo. Nagtatawanan sila habang
pumupunta kami sa gym kung saan gaganapin iyong program.

Ang MC agad ang aming narinig doon. Mukhang may binabasa itong mga
nagpapasecret message na mga estudyante.

"To Tracey Adjean Quiamco. Hi crush! Gustong gusto kita dahil ang ganda mo!
From: Edward."

Namilog ang aking mga mata nang pumaibabaw iyon sa kabuuan dahil sa mikroponong
gamit. Nagtilian naman agad ang tatlo habang may napapatingin sa akin.

"Parang dalawang babae ata ang maraming natatanggap na love message ah? Kay
Tracey at Rici ang palagi kong nababasa." Tumawa pa iyong MC sa mikropono.

Namula ang aking pisngi at hindi na makapaglakad ng maayos habang pumapasok


kami sa loob ng gym.

"Doon tayo umupo." Kinaladkad ako ni Rinka sa bakanteng bleachers. Medyo puno
narin kasi ng estudyante ang loob at sa harap naman ay mga puting upuan. Naaninag
ko pa si Ate Rici roon sa harap na nakaputing dress at sobrang ganda na ikinatulala
ko sa kanya sandali. Katabi niya si Feli at iyon pang dalawa niyang kaibigan.

"Sa mga gustong magbigay ng love message ibigay niyo lang sa backstage at
babasahin namin iyan. Sa ngayon... palakpakan muna natin ang susunod na
magpeperform!"

Nagsipalakpakan agad ang mga estudyante habang ang tingin ay nakatuon na lahat
sa itaas noong stage. Nakita ko ang pag-akyat ni Leo kasama ang kanyang mga
kaibigan habang may dala dalang instrumento. May dalang gitara iyong isa at iyong
isa naman ay umupo na sa harap ng drums.

Nagsimulang magtilian ang mga estudyante habang inaayos ni Leo ang stand ng
mikropono at ngumingisi pa. Ang kanyang buhok ay medyo magulo at nakasuot ng itim
na tshirt pero may leather jacket ring suot. Ang kanyang tindig ang mas nagpabaliw
sa mga manonood.

"Talaga rin naman itong si Leo! Ang guwapo!" Inalog alog na ako ni Rose at
parang mababaliw na.

"This song..." panimula ni Leo sa mikropono habang ginagala ang tingin. "Is
dedicated to someone I really like... Alot..." Mas ngumisi siya ng matamis na halos
ikasabog ng buong gym dahil sa tilian.

"Uy dedicated sa'yo! Trace!" Ngayon ay inalog alog narin ako ni Cecille. Halos
mabingi na ako at idagdag pa ang dalawang walang tigil akong niyuyugyog.

Nagsimulang maggitara iyong kasama niya sa isang marahas na tono na ikinasabay


naman agad noong drumer nila. Mas lumakas lamang ang tilian dahil sa pamilyar na
tugtog na iyon.

"Kumupas na... Lambing sa'yong mga mata!" Panimulang kanta ni Leo at kitang
kita sa mukha ang ekspresyon, kung gaano kaganda ang kanyang boses at karisma nito
sa stage.

"Nagtataka kung bakit yakap mo'y di na nadarama! May mali ba akong nagawa...
Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita... Bakit kaya... Parang hindi kana
masaya..."

Mas naging marahas iyong pagkaskas sa gitara at kinuha pa ni Leo ang mikropono
paalis sa stand. Tumalon ito at nagheheadbang na.

"Ika'y biglang natauhan, umalis kaagad nang hindi nagpapaalam! Ang sabi ko
hindi kita mamimiss, hanggang kailan ito magtitiis!"

Sumabay narin sa pagkanta ang iilan. May iba pang dalang


dala narin sa kanta na kahit ang tatlo ay panay ang yugyog sa akin.

"Ika'y biglang natauhan, umalis agad nang wala man lang paalam! Pag nawala doon
lang mamimiss! Hanggang kailan ito matitiis..."

"Alam ko na, magaling lang ako sa umpisa! Umasa ka pa sa akin, mga pangakong
nauwi lang sa wala! Sayang lang iyong pagtatyaga... Wala kang napala at puro lang
ako salita! Kaya pala... Paggising ko wala kana..."

Di ko alam kung anong meron sa kanta at natatamaan ako. Ang kinakatakot ko ay


nasa bawat lyrics noon. Parang tinutusok tusok ng maliliit na karayom ang aking
dibdib at hindi ko maiwasang hindi maapektuhan.

"Ika'y biglang natauhan, umalis kaagad nang hindi nagpapaalam! Ang sabi ko
hindi kita mamimiss, hanggang kailan ito magtitiis!"

"Ika'y biglang natauhan, umalis agad nang wala man lang paalam! Pag nawala doon
lang mamimiss! Hanggang kailan ito matitiis..."

Nakatulala nalang ako sa stage at damang dama ang kanta ni Leo. Sinusuklay niya
pa paatras ang kanyang buhok at dalang dala narin sa kanyang kinakanta. Kahit ang
mga manonood ay masyado naring natatangay noon.

Noong matapos ang kanta ay pinalakpakan agad sila. Pumalakpak narin ako at
isang tipid na ngiti ang naibigay. Bakit ganoon ang mensahe ng kantang iyon? Parang
pinapagising ako.

Isang performance naman ang sumunod. Sayaw iyon at puro lalake rin kaya
panibagong tilian na naman ang sumabog. Naging okyupado naman ang aking utak kaya
hindi na ako makaconcentrate at sila Rinka lang itong tumitili na naman.

May kumanta rin na babae at isang Grade 7 ata. May sumayaw ulit. Umikot sa
magagandang perfomance ang program at sa bawat 30 minutes ay may mga binabasang
love message. Nakailang banggit rin sa aking pangalan at sinasabi ay gusto raw nila
ako. May iba naman na pinapaliguan ako ng papuri. Hindi naman para sa akin lahat
iyong binasang love message dahil may para rin kay Ate Rici na masyado ring marami
at may para rin sa iba na hindi ko na kilala.

Pagkatapos noong program ay iyong booth naman ang pinagkaguluhan ng mga


estudyante. May nakikita akong mga estudyanteng dinadakip at pinipiringan ang mga
mata saka nila dinadala sa loob ng isang classroom. Mga taga SSG ata iyong
nangdadakip.

"Try kaya natin iyon oh!" Itinuro ni Rinka ang isang booth na mukhang para sa
mga single. Kailangan mo lang atang paputukin iyong mga nakadikit na korteng puso
na balloon sa isang pader at mananalo kana ng prize."

"Hindi ako mahilig niyan. Kayo nalang," sabi ko na ikinasira agad ng kanilang
mga mukha.
"Ang kj mo talaga Trace! Kami na nga lang!" Sinimangutan ako ni Rinka saka sila
nagtungo roon. Para silang mga batang excited sa bawat booth.

Bumalik ako ng classroom dala dala iyong iba pang bulaklak na natanggap ko.
Wala rin kasing tao roon kaya mas lumuwag ang aking paghinga. Nahihiya narin ako
lalo na't may ibang mga babae na matalim na ang tingin sa akin.

Inayos ko ang mga bulaklak na natanggap ko at iniisip kung saan ko lahat sila
ilalagay. Pero bago pa man ako makapag-isip ng kung ano ano ay may naririnig na
akong nagtitilian sa labas.

"Nandiyan siya sa loob! Dakpin niyo na!" Teka... Boses ba iyon ni Rinka?

Humarap ako sa may pinto at nagulat nalang ako nang may pumasok na tatlong SSG
Officer at iyong isa ay may dala pang pulang pangpiring ng mata.

"Sumama kana lang ng matiwasay sa amin Trace..." sabi noong isang lalakeng SSG
Officer habang papalapit na sa akin.

Nagtataka kong tiningnan ang tatlo na isa sa mga estudyanteng nakikiusyoso roon
sa may bintana. Ngumingisi pa sila.

"Utos ni Leo, Trace! Mukhang gusto kang iblind date!" sigaw


pa ni Rinka sa akin.

Kumunot na ang aking noo. Iyong ipapasok sa mga classroom? S-Seryoso?

Nakalapit na nga sila sa akin at sinimulan na akong piringan. Iyong isa naman
ay tinalian ang dalawa kong pulso at sinimulan akong igiya palabas. Kahit gusto
kong umayaw ay mukhang desidido silang gawin ang kanilang mga trabaho bilang SSG
Officer.

"Maging game ka nalang, Trace. Kung may mangyari mang masama sumigaw ka lang.
Pero wala namang gagawin iyon sa'yo dahil makikick-out iyon pag binastos ka."
Paalala pa sa akin noong isa sa mga SSG.

Itim lahat ang aking nakikita at hindi na alam ang aking nilalakaran. Ni wala
akong ediya kung nasaan na kami. Naririnig ko ang ingay ng paligid pero bukod doon
ay wala na.

Parang iginigiya na nila ako papasok sa isang classroom. Narinig ko narin ang
pagsara ng pinto at ang pagclick ng lock. Mag-isa nalang akong nakatayo at hindi ko
alam kung may kasama ba ako o wala.
"Leo?" tawag ko.
Halos mapatalon pa ako nang may humawak sa aking kamay at inalis iyong tali
roon.

"Leo?" Akma kong aalisin ang makatakip sa aking mga mata nang magsalita ito.

"Don't remove it." Matigas na sabi ng kung sinong pamilyar sa akin.

Natigilan agad ako at naramdaman ang pagtindig ng balahibo sa aking batok. Ang
boses na iyon... ang malalim at malamig na boses na iyon! Hindi iyon si Leo!

"Leo... I-Ikaw ba 'yan?" Kabado kong tanong at ayaw tawagin ang pinaghihinalaan
kong pangalan dahil baka nagkakamali lamang ako.

Narinig ko itong mag tss at sunod ay isang marahas na paghinga ang pinakawalan.

"Sinunod ko ang mga gusto mo pero iyong akin ay nilabag mo. What's this...
you're cheating?" he asked deeply.

God. Si Israel nga!

Inangat ko ang aking mga kamay at desidido ng alisin ang nakatakip sa aking mga
mata pero mabilis niya ring nahawakan ang dalawa kong pulso. Amoy na amoy ko na ang
pamilyar niyang pabango sa aking harapan. Si Israel ito!

"Israel..." marahan kong tawag at tumingala na kahit puro itim lang naman ang
aking nakikita, nagbabakasakaling matagpuan ang mukha niya.

"Tsss... Leo... Tangina." Humalakhak pa ito ng malademonyo at hindi ko matukoy


kung galit ba o ano.

Ngumuso ako at naibaba ang aking tingin.

"Akala ko kasi... T-Teka... Ba't ka nandito?"

"Obviously... I'm stalking you and I want to see you."

Namula agad ang aking pisngi. Stalking ka diyan! Eh may kadate ka ata ngayon
eh. May babae ka...

"Ah... Wala ka doon sa isa mong babae?" Matabang kong tanong.

"Who?"

"Ewan... Dinala mo raw sa bahay niyo eh." Nagkibit pa ako.


Hindi agad ito sumagot. Ngumuso naman ako at ramdam parin ang kanyang mga kamay
sa aking pulso. Hinahawakan niya iyon ng may pag-iingat.

"Dito ka pa pumunta eh pwede namang doon sa babaeng binilhan mo ng bulaklak,"


dagdag ko pa.

"That's why I'm here." agap niya.

Tiningala ko ito. Di ako naniniwala!

"Imposible." Binawi ko ang aking mga kamay sa kanya at balak alisin ang piring
sa aking mga mata pero pinigilan niya akong muli.

"H'wag mong tanggalin. Diba ayaw mong magpakita na ako sa'yo?"

Huh? Ganoon ba iyon? Ang sabi ko lumayo siya sa akin.

"Ang sabi ko lumayo ka sa'kin." Pagtatama ko.

"Malayo ako."
"Huh? Hindi ah... Malapit ka lang..."

"Can you see me?" sarkastiko niyang tanong at naiimagine ko na itong nagtataas
ng kilay.

Umiling ako. "Hindi..."


"Edi malayo ako."

Ang galing talaga, Israel!

Tumahimik ako ng ilang sigundo at iginala pa ang aking mga mata kahit na wala
naman akong nakita. Ilang sandali lamang ay umangat na ako sa ere na ikinatili ko.
Inilapag niya lang ako sa parang isang mesa at amoy na amoy ko parin ang pabango
niya, ibig sabihin ay malapit parin ito sa akin.

"Nasaan na si Leo? Ba't ikaw ang nandito?" tanong ko.

Marahas itong napabunga ng hininga na tumama pa sa aking pisngi. Ibig sabihin


ay nakalebel ito sa akin ngayon...

"So you want him over me?" he asked huskily.

"Pero sabi kasi nila si Leo..."


"Tsss. Purket kumanta lang nagustuhan mo na?" Sobrang tabang niyang sabi na
ikinanguso ko.

So kanina pa siya nandito?


"Ikaw rin naman... Meron ka rin..." mahina kong daing at napayuko na.
Pinaglaruan ko ang aking mga daliri sa aking kandungan.

He chuckled on my ears. Nanindig agad ang balahibo ko roon. Sobrang lapit niya
na at hindi na ako mapakali!

"T-Totoo naman!" Ngumuso pa ako saka ko ito itinulak palayo pero dahil hindi
naman masyadong malakas ay hindi ko ata ito natinag.

"Ayaw mong maging tayo pero kung makapagselos ka parang gusto mo lang na sa'yo
lang ako..." bulong niya sa aking labi lalo na't tumatama na roon ang kanyang
hininga.

Napalunok ako ng laway at tumataas baba na ang aking balikat. Ang aking puso ay
hindi ko na maawat sa loob! Sisirain niya na ata ang ribcage ko!

Tinangka ko ulit siyang itulak pero nahuli niya lang ang aking kamay at
inilagay iyon sa kanyang balikat.

"Damn... You're jealous." Bulong niyang muli sa aking labi.

Ngumuso ako at gusto iyong itanggi pero parang nagkabuhol buhol ang mga
salitang gusto kong ilabas. Siya lang ata ang natutuwa.

"Aalis na nga ako..." sabi ko nang makaya ko na ulit magsalita. Kinuyom ko ang
aking kamay doon at mukhang nakadenim jacket na naman ata ito dahil sa telang
nahawakan ko.

Tumawa itong muli kaya tumama na naman ang kanyang hininga sa aking labi.
Naramdaman ko pa ang paghaplos ng dulo ng kanyang ilong sa aking pisngi na
pinaglalakbay niya patungo sa buo kong mukha. God...

"I'm true to my words Trace... I don't fucking care if there are alot of pretty
girls out there... I am after for a lifetime relationship. Not for a permanent one.
I'm after you."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 28

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Jessica Marie Bustillo. Happy reading!
-----------
Abot Langit
Mabilis na kumalat ang apoy na gawa ng kanyang mga salita at tinupok na ang
aking mukha. Nasusunog na iyon at kahit buhusan ko ata ng maraming tubig ay hindi
ko na masasalba ang aking sarili. Di ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Natutop
na ang aking bibig at iniinda ang pang-iinit ng aking buong mukha.

Ilang sigundo akong natahimik at pinaglalaruan parin ang aking mga daliri.
Luminga linga pa ako at bigo ulit siyang makita. Natutukso akong tingnan ang
misteryoso at madilim na mga matang iyon. Natutukso akong titigan siya kahit alam
ko namang hindi ko matatagalan ang mga matang iyon.

Inangat ko muli ang aking mga kamay para kunin iyon paalis sa aking mga mata.

"I said do—"


Hindi ako nagpapigil at kinuha talaga iyon. Kinusot ko pa ang aking mga mata at
ilang beses kumurap kurap dahil medyo malayo pa ang aking tingin. Nakikita ko naman
ang pagura niya sa aking harapan.

Nailing si Israel at kagat na ang pang-ibabang labi. Noong tuluyang luminaw ang
aking mga mata ay nakita ko itong nakadenim jacket nga pero sa loob ay isang v-neck
black thirt na fit sa kanya ang suot doon. Bumagay ang kulay noon sa suot niyang
itim na boots habang ang denim jacket ay bagay naman sa maon niyang pantalon.

Sa bawat gilid ay may nalalaglag paring hibla ng kanyang buhok. Nakapameywang


pa ito sa aking harapan at binabalandra ang kabuuang suot na itim dahil sa
pagkahawi papuntang likod noong denim jacket niya.

Ngumuso ako at hindi alam kung ngingiti ba o ano. Mag-iisang buwan narin kaming
hindi nagkakausap. Hindi ko alam na magiging ganito ako kasabik sa kanyang
presensya.

"Ilang bulaklak ang natanggap mo ngayong araw?" tanong niya pagkatapos ng


katahimikan.

"Uhm..."  Nailagay ko ang hintuturo kong kamay sa aking baba habang tumitingala
at binibilang iyon sa aking isipan.

Umangat ang kanyang kilay at tila nang-iinsulto na ang kanyang mga mata kaya
napanguso agad ako.

"L-Lima ata?" Pagsisinungaling ko.


"Lima? Lima lang ang mabubugbog ko?" Suplado niyang sagot.

Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Ang kanyang mukha ay binabalot pa ng inis.

"Oo lima lang..." Hindi ko na nagawang itago ang ngisi at lumabas na talaga.

Nailing siya at nailabas ang dila habang binabasa na noon ang gilid ng kanyang
labi. Lomobo pa ang kanyang pisngi dahil narin sa pagpasok ulit ng kanyang dila
roon at doon niya na naman nilaro. Kalaunan ay natakpan ko ang aking bibig para
bumungisngis.

"Ikaw itong may mga lalake at ako ang pinagbibintangan may babae. And then
you're laughing... You think it's funny?" Hinawakan niya ang aking baba habang
umaangat ang kanyang kilay. Ang kanyang mga mata ay bumaba sa aking labi pero
aakyat agad sa aking mga mata habang nagkakasalubong na ang kilay.
Pinagdiinan ko sa isa't isa ang aking mga labi. Bahagya akong umiling at
nakahawak na sa aking mga tuhod ang aking palad.

Hinaplos haplos ni Israel ang aking baba na tila may binubura roon habang
malalim na ang titig sa akin. Balak na naman ata akong ligawin ng mga matang iyon
sa kanya.

"Who's your first kiss?" Magkasalubong parin ang kilay niya habang unti-unting
bumababa ang kanyang mga mata sa aking labi.

Ngumuso ako at nag-isip. Wala akong maalala...

"Meron?" Agap niyang tanong.


Kumurap ako at umiling.
"Hmm... Wala akong maalala."
"Tangina." Kunot na kunot ang noo niya sa aking sagot at malutong pa ang mura.

Ngumuso ako at nagpigil muli ng ngiti. Ang isa niya namang kamay ay humawak
narin sa aking tuhod. Nalaglag sandali ang aking mga mata roon pero iniakyat ko rin
sa kanya. Kinakabahan talaga ako pag hinahawakan niya ako. Para kasing mapapaso ako
ano mang oras.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at bumaba ang tingin sa aking dibdib.

"Where's my necklace?"
Hinawakan ko ang aking leeg at hinaplos iyon.

"Uhm... Hindi ko isinuot baka ano..." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin.

"You didn't lost it?"


Umiling agad ako.

"Hindi 'no! Tinago ko."


Tumango naman siya at binasa ang pang-ibabang labi. Ang kanyang kamay na nasa
aking tuhod ay pumunta sa gitna at bahagyang itinulak iyon palayo sa isa pa.
Ipinarte niya iyon na ikinalunok ko.

"Since you want to see me and I want to be with you so bad... let's close the
gap." Ang kanyang kamay na nasa aking baba ay dumaosdos sa aking braso hanggang sa
unti-unti iyong nakarating sa aking likuran at parang ahas na pumulupot roon.

Volts of electricity embraced me when he pushed my back towards him. At dahil


nakaparte narin ang aking mga paa ay awtomatiko siyang napunta sa aking gitna. Ang
tanging pwet ko na lamang ang nakaupo sa mesa at kalahati nalang ng aking hita
hindi kagaya kanina na hanggang tuhod pa.

His dark brown eyes stared at me deeply. Sa aking gulat ay napahawak narin ako
sa kanyang mga balikat. Masyado kaming malapit at para akong mahihimatay sa labis
labis na nararamdaman ko.

Lumapat muli ang kanyang kamay sa aking pisngi, ang hinlalaking daliri ay
humahaplos na sa aking labi at parang may binubura roon.

"Do you know how to kiss?" he asked on a low baritone voice.


Parang tanga akong umiiling iling.
"I-Ikaw? Marunong ka ba?" tanong ko pabalik sa kanya at para ng matutunaw dahil
masyado kaming malapit.

Ngumuso siya hanggang sa naramdaman ko na ang kamay niyang nasa likod ko parin
at nanghahaplos doon. Ang kanyang nadadaanan ng haplod ay strap na ng aking bra!

"Marunong..." medyo paos niyang sagot.


"Bakit ka marunong?" tanong ko pa at napatitig sa basa at mamula mula niyang
labi.

"I just learned... Since I watched some stuff..."


"Huh? Ano?" Napakurap pa ako.

Ngumuso siyang muli at tumagilid pa ang ulo. Ang kamay niyang nasa aking pisngi
ay bumaba na sa gilid ng aking leeg at doon na ako hinahawakan.

"Boy's stuff."
"Anong boy's stuff naman?" Nacucurious ko paring tanong.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tila natutuwa na sa akin. Hindi siya
sumagot. Ang kanyang malalim na paninitig ay hindi parin ako pinapakawalan.

Dinama ko ang hagod ng kanyang manly scent na yumayakap na ata sa akin. Si


Israel ata iyong tipong kahit hindi maligo ay mabango parin. Kahit siguro ang pawis
niya ay mabango.

"Throw those flowers." Biglang nagbago ang boses na iyon.

"Bakit naman? Sayang..." agap ko.

"Just throw it."


"Hindi pwede." Sinimangutan ko na ito.

"Tss. Itatapon mo o iyong mga nagbigay sa'yo ang itatapon ko?" Panghahamon
niya.

Nasira agad ang aking ekspresyon. Ang sama rin talaga minsan ng ugali nito.
Iyong parang nakakawala ang nakataling mabangit na hayop sa loob niya kaya nagiging
ganyan agad ang kanyang ugali.

Umalis siya sa aking harapan at nagtungo sa kung saan. Isinara ko naman agad
ang aking mga binti at pumakawala ang palihim kong mahabang buntong hininga. Kung
ano man iyang nagwawala sa loob mo Trace... Pwedeng pakitali? Para ng aso na
manglalapa eh.

May kung anong kinuha si Israel hanggang sa magulat nalang ako nang makita ang
bulaklak na binili niya sa amin. Hindi ko napigilang kagatin ang aking pang-ibabang
labi pero tumakas parin doon ang ngiti.

Nakarating siya sa aking harapan saka niya iyon inilahad sa akin. Natatawa
akong kinuha iyon.

"Akala ko..." Nalusaw agad ako nang tinitigan ko ang bulaklak na dinasal ko na
sana ay malanta nalang.

"Akala mo ano? Sa ibang babae?" Umangat na naman ang kanyang kilay sa akin, ang
dalawang kamay ay nakatukod na sa magkabila ko, kinukulong ako sa kanyang mga
bisig.

Marahan akong tumango habang ang bulaklak ay nasa aking kandungan na. Hinaplos
ko pa ang mga petals non...

"I like your flower," sabi niya pa sa akin na ikinaangat ng aking mga mata sa
kanya.

"It smells good." Dagdag niya at nakita ko kung paano niya kinagat kagat ang
dila niya sa loob, padausdos.

"Ito?" Wala sa sarili kong tanong at pinakita pa ang bulaklak.

"Damn," he whispered sensually. "Of course. Flowers. 'Yan nga." Pinasadahan


niya ng haplos ang kanyang batok at nag-iwas ng tingin sa akin.

Ngumiti naman ako at tinignan ulit iyon.


"Salamat..." Inilagay ko iyon sa aking gilid at napatingin sa may pinto. Ang
mga bintana rito ay sarado pa lahat. Kahit anong gawin namin dito ay wala atang
makakakita.

"Uhm... Ilang oras tayong nandito?" tanong ko at ibinalik sa kanya ang tingin.
Nakaawang ang kanyang natural na mamula mula at basang labi at tila may malalalim
na iniisip.

"Until we want."
"Huh? Talaga?"
Tumango siya.

"Mag-uusap lang ba tayo?" biglaan ko ng tanong at hindi alam kung ba't sa lahat
ng maitatanong ko ay iyon pa. Tracey! Itali mo ang nagwawala mong alaga sa loob mo!

Ang kanyang kamay ay nakahawak parin sa kanyang batok habang malalim na naman
ang titig sa akin. Napalunok ako at hindi na maipirmi sa kanya ang tingin. Gusto ko
sanang lukutin ang aking suot pero fit na jeans ang suot ko.

Hindi siya sumagot pero nagulat nalang ako nang hinubad niya ang suot niyang
denim jacket sa manly na paraan at nasa akin parin ang tingin.

"H-Hindi naman iyong ano ang tinutukoy ko s-saka hindi pa ako handa sa ganoong
bagay, Israel!" Pigil ko agad at natataranta na.

"What?" he chuckled evilly. "Im feeling hot so I took it off..." Isinabit niya
iyon sa kanyang balikat at inilapit lalo ang mukha niyang kalebel ko na.

"What are you thinking..." Pinindot niya ang aking ilong at ngising aso na.

"H-Huh... M-May nababasa lang akong ano..." Nag-iwas ako ng tingin pero parang
may magnet ang kanyang mga mata at naaattract talaga iyon sa isa't isa.

"Since it's Valentines... Maybe you want to taste something


sweet..." bulong niya sa akin sa malalim na boses.

"A-Ano?" Kinakabahan kong tanong at kulang nalang ay humiwalay na ang aking


puso sa akin dahil sa sobrang lakas ng kalabog noon.
"Do you want to taste it?" he asked sensually. Ang kanyang kamay ay nasa gilid
na naman ng aking leeg at doon nakahawak habang ang isang kamay ay nakatukod parin.

Wala sa sarili akong tumango, desidido at tuluyan na namang naligaw sa malalim


niyang paninitig.

"Are you... Sure?" Ang kanyang nakatukod na kamay ay napunta sa may pwetan ko
at itinulak akong muli papalapit.

Kusang pumarte ang aking mga hita hanggang sa mapunta siyang muli roon.
Tumitindig na ang aking balahibo lalo na noong hinawakan niya ang isa kong hita
gamit ang malaki niyang kamay at tila pinanggigigilan na iyon.

Hindi na maayos ang aking paghinga at tumataas baba na ang aking balikat. Ang
aking mga mata ay palipat lipat sa kanyang mga mata pababa sa mga labi niyang
nakaawang.

"G-Gusto ko..." sagot ko at kusa na iyong tumakas sa aking bibig.

"Tang... ina.. Trace..." Pabulong niyang sabi sa nakakaakit na boses at may


hiningang mararahas na ang sumasabay doon.

"Gusto ko nga." Nafufrustrate kong sabi sa kanya.

He smirked evilly. With one swift movement, his lips suddenly claimed mine.
Nanlalaki ang aking mga mata at hindi iyon inaasahan. Humiwalay siya pero hindi
gaanong malayo ang pagitan ng aming mga labi. Ang nag-aalab niyang mga mata ay
tiningnan ako at bumaba ulit sa aking labi saka muling inilapit ang labi niya sa
akin.

Ang nakaawang kong mga labi ay hindi ko maisara. Ang balikat ko ay tumataas
baba at kinakain ng hiya ang buo kong mukha, ang pisngi kong nang-iinit at ang
blangko kong isipan.

He shut his eyes harshly. Magkakasalubong ang kanyang kilay at ang kamay niyang
nasa aking hita ay pinsil na iyon. Para akong nakuryente at klase klaseng sensasyon
ang naglakbay sa akin.

"H-Hindi ako... M-Marunong..." Nahihiya kong pag-amin nang humiwalay siyang


muli.

Iba na ang kulay ng mga mata ni Israel. Tila inaantok ngunit madilim parin.
Binasa niya ang kanyang mga labi at nakaawang pa iyon ng kaonti habang nakatitig sa
akin.

"Turuan mo ako..." sabi ko kagat kagat ang aking labi.

Mariin siyang napapikit at napayuko pa. Ang kanyang kamay na nakahawak parin sa
aking hita ay umuusog na paitaas. Ngumuso ako habang tinititigan ang kanyang buhok.
Bigla akong nahiya sa sinabi ko. Bigla akong dinapuan ng kahihiyan.

"Joke lang! Ano kasi... Uhm... M-May nababasa akong ganoon sa libro at n-
nacucurious—"
"Oh fuck it."
Biglang naputol ang aking pagsasalita dahil sa mariin at pasagad niyang
paghalik sa akin. Tila naputol na ang kanyang inaalagang pasensya at nasagas ko
iyon ngayon. Ang kanyang isang kamay ay pumulupot na sa aking beywang papunta sa
aking likod at mahigpit na ipinulupot doon habang mariin akong itinutulak sa kanya.
My boobs got squeezed on his chest. Para akong mahihilo sa halik niyang may
diin at gumagalaw na hindi kagaya noong dampi lamang. Ang aking labi ay parang
dudugo dahil sa pagkagat niya pababa at pataas. Pero ewan ko ba kung ba't sa halip
na ayawan iyon ay nagugustuhan ko lalo.

Hindi ko alam kung paano iyon gagawin. Ang kalabog ng aking dibdib ay sobrang
lakas.

"Squeeze me on your legs..." he whispered sensually while kissing me.

H-Huh?!
Noong hindi ko iyon sinunod at hindi ko rin alam kung paano ay kusa niyang
hinila ang mga tuhod ko at tila tinatali na roon. Ang aking mga hita ay nakapulupot
na sa kanyang likod at nagwawala lamang ang aking sistema dahil sa aking posisyon.

Mariin akong napahawak sa kanyang balikat. Naikuyom ko na ang aking mga kamay
doon hawak hawak ang tela ng kanyang damit.

His lips were soft and addictive. Lasang mint iyon na sa sa bawat paghagod ng
kanyang labi sa aking mga labi at palipat lipat ay nawiwili ako, nasasabik.

Ang dalawa niyang kamay ay napunta sa aking mga beywang. Hinaplos haplos niya
iyon at parang tinutuksong iaangat ang aking suot pero hindi naman talaga.

"Tang... inang... labi yan." Matigas niyang sabi habang hinahalikan parin ako
at tila nanggigigil na.

I tried to mimick his movement. I tried to move my lips but when he groaned
painfully ay mabilis akong napatigil.

"S-Sorry!" Hinila ko agad ang aking sarili dahil sa kahihiyan. "H-Hindi ako
marunong..." Napisil ko ang aking pang-ibabang labi at hiyang hiya na.

Israel's wet and natural red lips were parted a bit when I left it. He was not
on his senses and he looks drunk. Natakpan ko na ang aking buong mukha at mabilis
na inalis ang pagkakapulupot ng aking magkabilang binti sa kanya.

"Hindi ako marunong!" I said shyly. Sobrang init na ng aking mukha at sigurado
akong pulang pula na iyon.

"It's alright Trace," he said on his low raspy voice.

Umiling ako. "N-Nasaktan ata kita!"


Narinig ko itong tumawa ng marahan. Malademonyo.

"I got turned on when you move your lips that's why I groaned..." Naramdaman ko
ang kamay niya sa aking pulso at hinahaplos haplos na ang likod ng aking palad
gamit ang hinlalaki niyang daliri.

Medyo nagloosen ang aking balikat dahil sa kanyang sinabi. N-Naturn on siya?
Huh? Ibig sabihin... t-tinayuan siya?

Gusto ko iyong silipin pero may parte sa akin ang h'wag nalang iyong tingnan.
At bakit ko naman titingnan?
Naririnig ko siyang mararahas ang paghinga. Mukhang kinakalma niya ang kanyang
sarili dahil narin mahigpit ang hawak niya sa aking pulso.

Noong ilang minuto narin ang dumaan ay ibinaba ko rin naman ang aking mga
kamay. Balik na sa dati ang kanyang hitsura. Dinampot niya pa ang kanyang denim
jacket na nalaglag kanina at pinagpagan iyon.

Anong oras narin ba? Gusto kong manatili rito buong araw kasama siya dahil alam
kong bukas ay hindi na kami ganito pero gusto ko ring lumabas at takasan ang
kahihiyang ito. We kissed! Ang masaklap, hindi ko alam kung paano. He was so
expert... Ang bawat galaw niya sa akin ay tumatak. Parang natulak ang aking sarili
sa malalim na bangin at mas lalong nahulog sa kanya.

"Pwedeng ano... l-lumabas na ako?" Nag-iwas ako ng tingin habang sinusuot niya
ulit iyon.

"Sige. This is not a safe place to stay. Madidisgrasya tayo rito," sabi niya
saka hinawakan ang aking mga beywang at ibinaba na ako.

Noong makaapak na ang aking paa sa sahig ay ramdam ko agad ang panlalambot ng
aking mga tuhod. Kamuntik pa akong mabuwal pero mabuti nalang at nasalo niya agad
ako.

"We didn't even do it..." Nanunuya niyang sabi at malademonyo pa ang ngisi
habang tinutulungan akong ibalanse ang aking sarili.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Totoo pala talaga iyong mga nababasa ko sa
libro. Akala ko kahibangan iyong manlalambot ang iyong tuhod dahil sa halik ng
isang lalake pero ngayon ay napatunayan ko na.

"Uh... M-Mauuna ba akong lumabas? Mamaya kana? Kasi baka ano... Makita tayo ng
iba?"

Tumango naman ito saka muling ibinigay sa akin ang bulaklak. Tinanggap ko iyon
saka nginitian siya.

Sabay kaming nagtungo sa may pinto. Siya ang mismong bumukas noon pero kaonti
lang. Nagkatinginan kami saglit. Hindi muna agad ako lumabas at nginitian siya muli
ng tipid.

Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa doorknob habang ang isa ay nakatago sa
bulsa.

"See you." Yumuko siya saka niya ako pinatakan ng halik sa aking pisngi.

Iyon ang pinakamagandang Valentines Day ko. Nag-usisa ang tatlo na sino raw ang
nakasama ko sa loob dahil hindi daw si Leo. Tikom ang bibig ko kahit noong mga SSG
Officer. Ang sabi ko nalang ay hindi ko kilala dahil nakatakip naman ang aking mga
mata. Ilang araw din nila akong hindi tinantanan noon. Palagi nila akong kinukulit
kung sino lalo na't masyadong mahal at maganda ang natanggap kong bulaklak.
Natatawa na lamang ako at pinapamulahan rin naman ng mukha pag naiisip kong
hinalikan ako ni Israel.

Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakatulog noong araw na hinalikan niya ako
sa gabing iyon. Ang naalala ko ay tulala ako, nakangiti at hawak hawak ang aking
labi habang nakahiga. Pag naaalala ko iyon ay literal akong nangingisay.
Pinaghalong tuwa at kahihiyan ang palagi kong nararamdaman. Di ko alam na ganoon
pala talaga katamis ang halik na iyon. Mas matamis sa pa mangga ni Israel... Mas
masarap at mas nakakatakam! Oo nga naman Trace... Nabaliw ka pa nga diba at kung
ano ano pa ang pinagsasabi matikman lamang iyon. Nakakahiya ka rin talaga!

Mama... Pasensya na pero parang mas malandi pa ata ako kaysa kay Kuya...

Noong natapos ang klase ay nakatanggap rin naman ako ng achievements. Pasok ako
sa Top 10 overall. Nasa pang apat akong pwesto at lubos ko na iyong
ipinagpapasalamat dahil may scholarship parin ako hanggang sa susunod na school
year.

Okay naman ang pasok ng tag-init. Nakakapaso nga ang init ng araw at ang naging
libangan ko naman ay tulungan si Mama sa pagtitinda ng bulaklak. Minsan ay
nagtatanim rin ako ng panibagong bulaklak sa likod ng aming bahay at dinidiligan
rin ang iba roon.

Si Israel naman ay balik ulit sa dating gawi. Hindi na ulit nagpaparamdam at


dalawang buwan ko nang di nakakausap. Nakikita ko siya minsan pero hanggang titigan
lamang kami. Magaling rin kasi iyong umaktong hindi ako kilala. Minsan nga... pati
ako ay napapaniwala niyang di nga talaga ata ako nito kilala.

Nasa bahay ako noong Sabadong iyon at naghuhugas. Wala si Kuya. Ang alam ko
mamayang hapon pa naman ang kanyang pasok sa trabaho pero di ko alam kung nasaan na
naman siya. Bigla bigla nalang iyong nawawala eh.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon ako roon at nakita itong


nakapamulsa habang sumisipol sipol. Kunot noo ko siyang tiningnan.

Lumapit siya sa akin saka kumuha ng tubig. Itinapat niya iyon sa gripo at
napansin ko pa ang matamis na ngisi sa kanyang labi. Sanay naman akong masayahin si
Kuya tuwing uuwi siya galing sa kung saan pero iba ang awra niya ngayon. Ibang iba
at umaapaw pa.

"Okay ka lang Kuya? Para kang nakadrugs sa inaasta mo," pagbibiro ko pa sa


kanya.

Tumawa si Kuya. Nailing siya at uminom pagkatapos ay inilapag ang baso sa gilid
ng lababo. Hindi naman ito umalis sa aking harapan.

"Adik nga yata ako." Humalakhak siya at nahawakan ang kanyang buhok. Para niya
iyong bubunutin lahat dahil sa panggigigil niya.

"Huh? Bakit?" Natatawa kong tanong sa kanya habang pinagpapatuloy ko na ang


paghuhugas noong baso.

"Kami na ni Rici, Trace! Kami na!" Sa sobrang saya ay bigla niya akong niyakap.
Nabitiwan ko agad ang baso at napahawak sa balikat ni Kuya habang iniikot ikot niya
ako. Ang aking mga paang hindi nakasayad sa lupa ay lumilipad narin sa ere.

"Talaga?! Congrats!" Sobrang saya ko itong niyakap habang ang kanyang mga braso
ay humigpit naman sa aking mga beywang. Tumawa pa si Kuya at hindi na makontrol ang
tuwa.

"Kami na ng mahal ko!" proud niya pang sigaw at mas umikot pa.

"Kuya! Nakakahilo!" Natatawa kong sinapak ang kanyang balikat.

Tumigil rin naman si Kuya at ibinaba ako. Noong magtama ang aming mga mata,
kitang kita ko ang kislap doon ng lalakeng abot langit ang saya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 29

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Yej Chrizza Aline. Happy reading!
---------
Tsismis
Simula noong sinabi sa akin ni Kuya na sila na ni Ate Rici ay palagi ko itong
namamataang ngumingisi bigla bigla. Kahit kumakain kami, para siyang baliw na
iiling habang ngumingisi. Di ko nga alam kung kinikiliti ba siya ng mga pagkaing
kinakain niya o iniisip niya si Ate Rici.

Wala akong gaanong ganap tuwing summer. Sila Rinka rin naman kasi ay kapwa rin
busy. Si Rose ay may trabaho na inapplayan habang si Cecille naman ay lumuwas sa
syudad para bisitahin ang kamag-anak nila kasama ang kanyang mga pamilya ganoon rin
si Rinka na may trabaho rin.

Gusto ko rin sanang magtrabaho para makatulong kay Mama at sa mga gastusin dito
pero ayaw naman nila akong payagan ni Kuya. Nairaraos naman daw kami noong
pagtitinda niya ng bulaklak at si Kuya na may trabaho rin ay nakakadagdag rin naman
sa tustusin sa bahay.

"Bakit di kayo lumuwas ng pamilya niyo sa syudad? Magbakasyon muna kayo roon
total Summer naman. Maraming magagandang pasyalan sa syudad..." mungkahi ni Ate
Rici nang magawi ito sa aming bahay.

May dala na naman itong mga chocolates at ako palagi ang nakikinabang. Ilang
araw narin kasing pumupunta si Ate Rici rito.

"Di namin afford ang ganoon, Ate..." Marahan pa akong natawa at sinipat ng
tingin ang suot niyang may mamahaling brand. Parang katulad noong bigay niya sa
aking Chanel daw.

"Huh? Kung may 5K ka pwede kanang gumala sa syudad, Trace... Wait." Kinuha niya
ang kanyang slingbag na dala na ikinalaki agad ng aking mga mata.

Nilingon ko pa si Kuya na nagluluto at napalingon narin dito sa amin.

"Bibigyan kita ng pera—"


"Riss." Tawag sa kanya ni Kuya na ikinakurap naman agad ni Ate Rici.

"5K lang naman Bram. Mabubulok si Tracey rito sa bahay niyo eh summer naman,"
paliwanag niya.

"Okay lang po. Sanay narin ako eh... 'tsaka hindi po ako mahilig sa ganoon...
Mas gusto ko ring sa bahay lang," sagot ko.

"Huh? Bakit naman? May pagka introvert ka pala talaga 'no?"

Ngumiti ako ng tipid kay Ate Rici. Sa t'wing nandito siya minsan ay nagkukulong
nalang ako sa kuwarto para mabigyan sila ng privacy. O di kaya ay nasa likod ako ng
bahay para magdilig ng mga bulaklak doon.

Noong papasok sana ako sa bahay at makita ko sa bintana ang ginagawa nila sa
loob ay tinubuan ako ng hiya at mabilis ring kumaripas ng takbo pabalik sa likod ng
bahay. Namumula ako sa nasaksihan... Si Ate Rici ay nakaupo sa upuan patalikod sa
lamesang sinasandalan niya habang si Kuya naman ay hinahalik halikan ang leeg ni
Ate na nakatagilid habang ang mga kamay ni Kuya ay nakatukod sa sinadandalang
lamesa ni Ate Rici. Hindi naman kami umabot sa ganoon ni Israel... At para lang rin
ata iyon sa magcouple talaga kaya normal lang iyon.

Tanga ka Trace... Para lang rin sa magcouple ang paghahalikan! Pero nagpahalik
ka kay Israel! Pag nalaman iyan ng mama mo masasabihan ka rin talaga ng higad noon!
Grabe pa naman iyon magsalita.

Palagi silang masaya pag magkasama sila. Nababasa ko pa naman sa libro na pag
bago pa ay sobrang saya raw talaga ng ganoon. Para ka raw dinuduyan sa ere... Pero
pag tumagal na ay bigla ka nalang ihuhulog sa lupa at masasaktan kana ng husto.

"Kumusta na ang higad mong kapatid, Trace?" tanong ni Mama sa akin noong
pumunta ulit ako sa bayan para tulungan siya.

Ayun Ma... Kumati lalo.

Iyon sana ang isasagot ko pero iniba ko nalang.

"Masaya naman si Kuya Higad, Ma..." pagbibiro ko narin.

"Nako! Ang sarap rin talagang latiguhin ni Bram! Kung hindi lang talaga ako
nakakapagtimpi diyan sa lalakeng iyan..." Gigil na gigil si Mama at makikita mo
iyon sa mga ngipin niyang pinagdidiinan niya.

Iyon ang palagi naming topic tuwing magkasama kami. Pinagt-tsismisan namin si
Kuya. Di rin kasi nila naaabutan ang isa't isa. Tuwing  umuuwi si Mama ay
nakakatulog agad siya nang maaga dahil sa pagod habang si Kuya Bram naman ay
madaling araw na dumadating. Tuwing umaga naman ay maagang aalis si Mama papuntang
bayan at tulog pa si Kuya kaya di talaga nila naaabutan ang isa't isa.

"Ayaw mo talaga kay Ate Rici, Mama? Mabait naman iyon at mahal na mahal rin si
Kuya..." Nililingon ko ito paminsan minsan habang hinahawak hawakan ko iyong
bouquet na tulips.
"Ang akin lang... Wala pang napapatunayan si Bram. Dapat ako sa kanya nagtapos
muna siya at naghanap ng magandang trabaho saka niya nilalandi iyang si Rici! Kaso
ang higad nagmamadali at kinakati na ata!"

Ngumuso ako para pigilan ang aking tawa. Siguro kung hindi lamang sa estado ng
buhay na meron si Ate Rici at sa kinabibilangan nitong pamilya ay botong boto si
Mama sa kanya. Iyon nga lang ang mapait at nagiging basehan sa mga mayayaman ang
estado sa buhay para pumili ng mapapangasawa ng kanilang mga anak habang ang
mahihirap naman ang dehado dahil ito ang mapagkakamalang piniperahan lamang iyong
mayaman kaya niya pinatulan kahit hindi iyon totoo.

"Saan nagmana si Kuya, Mama?"

"Syempre sa—" Naiwang nakaawang ang kanyang bibig sa ere at mukhang may
napagtanto.

Dahan dahan siyang napatingin sa akin sa kalmadong ekspresyon.

"Naging higad nga rin pala ako noong kabataan ko." Tumawa si Mama at nailing.

"Kay Papa po ba iyan, Ma?!" Lumiwanag na ang aking mukha at gustong makarinig
ng kwento sa kanya tungkol kay Papa.

Umirap naman si Mama sa akin at nagawa pang ilagay ang iilang hibla ng kanyang
buhok sa kanyang tenga.

"Noong nasa edad mo ako Trace... Maniwala ka man o hindi... Maraming


nagkakagusto sa akin. Iyong iba ay mga mayayaman pa! At noong napadpad ako sa
syudad para magtrabaho... Ayun... Imbes na igapang ang sarili sa kahirapan... Ako
itong ginapangan ng kalandian." Nailing pa si Mama at natampal ang noo.

Hanggang ngayon ay maganda parin naman si Mama hindi lang talaga palaayos. Sa
edad niyang patungo na sa 40 ay medyo halata na ang kulubot sa kanyang mukha pero
kung tititigan mo siya ng matagal, masasabi mo talagang may hitsura ito. Maliit at
nipis ang kanyang mamula-mulang labi habang matangos naman ang kanyang ilong, ang
kulay ng kanyang mga mata ang namana ko na pag nasisikatan ng araw ay mas nagiging
light brown iyon. Iyon nga lang ang singkit kong mga mata ay namana ko raw kay
Papa.

Ang kulay ng buhok ni Mama ay natural na brownish at maalon na namana ko rin.


May mahaba itong pilikmata at maliit na mukha. Ang nunal sa gilid ng kanyang mga
mata ang mas nagbigay ng karisma sa kanya. Payat ito at matangkad rin sa height na
5'6.

Iyon nga lang... Iyong dimple niya ay namana ni Kuya Bram at hindi napunta sa
akin. Mapupungay ang mga mata ni Kuya Bram at natural rin na maalon ang buhok pero
dahil lalake ito ay nagmumukha iyong magulo. Mas supladong tingnan si Kuya at sabi
sa akin ni Mama ay namana raw iyon ni Kuya kay Papa. Ang pagiging maamo ko naman ay
nakuha ko na sa kanya.

"Paanong hindi ako mabibihag ng intsik na iyon. Ang kisig... Ang bango... Ang
guwapo..." Napatingala pa si Mama habang sinasambit ang bawat katangian ni Papa.

"Pero noong malaman kong may fiance pala ito at buntis


pa... Bumalik nalang ako rito sa bukid. Di ko alam na nagbunga pala ang unang gabi
namin kaya ayun... Nabuntis ako kay Bram."

Huh? Bumalik siya noong buntis na siya kay Kuya rito sa bukid edi ibig
sabihin... Iba ang tatay ko?
"Ma... Sino ang tatay ko kung ganoon?"
"Siya parin, syempre!"
"Huh? Paano nangyari eh..."
Nagkatinginan kami ni Mama. Nasira pa ang kanyang ekspresyon.
"Oo nagkita kami ulit at bumigay ako ulit. May sakit kasi noon si Bram at
kailangan ko rin ng perang pampahospital sa kuya mo at bukod doon... Oo na...
Marupok ako. Pero di ko pinagsisihan na nabuo kayo ni Bram dahil lumaki naman
kayong maayos at para sa akin hindi pagkakamali ang nangyari. Bakit mo
papangalanang pagkakamali ang bagay na ginusto mo at nasarapan ka pa?"

Natawa ako roon. Parang pinapalabas niya na h'wag naming isipin ni Kuya na
bunga kami ng pagkakamali dahil naging masaya naman ito noong isinilang niya kami.
Kaya nga humahanga rin ako kay Mama dahil nagawa niya kaming itinaguyod ni Kuya
kahit mag-isa lang ito.

Gusto kong tanungin kung ayaw ba sa amin ni Papa. Gusto kong malaman kung anong
reaksyon ni Papa noong nalaman niyang buntis si Mama. Kaya ba hindi niya kami
mapanindigan dahil para sa kanya, bunga kami ng pagkakamali niya kay Mama? Iyon ba?

Niyakap ko si Mama na bigla niyang ikinagulat.

"Salamat Mama... Salamat at di mo kami ipinalaglag ni Kuya kahit na wala kang


maibibigay na Papa sa amin... Salamat at tumayo kang Papa namin..."

"T-Tigilan mo nga iyan Trace. Di pa ako baliw para pumatay ng sanggol sa tiyan
ko." Itinulak niya pa ako palayo at may disgusto ang mukha pero natatawa ko lalo
siyang niyakap. Kalaunan... ngumuso ito at may ngiti pang tumakas sa kanyang labi.

Okay lang siguro na hindi buo ang pamilya namin at wala akong Papa eh sobra
sobra naman ang pagmamahal na natatanggap ko kay Mama. Ginampanan niya ang
ginagampanan ng isang ama sa kanyang anak at doon palang ay humahanga na ako sa
kanya.

Isang linggo nang hindi bumibisita si Ate Rici sa aming bahay noon. Ang sabi ni
Kuya ay nagbakasyon daw sila ni Israel at nangibang bansa. Babalik daw naman agad
ito.
"Ngumiti kahit na napipilitan... Kahit pa sinasadya... Mo akong masaktan
paminsan minsan bawat sandali nalang..."

Ang malamig na boses ni Kuya habang naghuhugas ako ng plato sa hapong iyon.
Nasa may upuan siya, hawak ang kanyang gitara at kumakanta ito gamit ang malungkot
na boses.

Simula rin kasi noong maging sila ni Ate Rici ay madalas na niyang ginagamit
ang talento niya sa pagkanta. Malamig ang boses ni Kuya at para kang dinuduyan sa
ere. Bumili pa nga ito ng gitara at mukhang palagi niyang kinakantahan si Ate Rici.

"Yan ba ang theme song niyo, Kuya?" tanong ko sa kanya na ikinaangat ng tingin
niya sa akin at ngumisi lamang.

Nakasandal ito sa likod ng lamesa habang patuloy na inistrum ang kanyang


gitara. Ang isang paa ay nakapatong pa sa kanyang tuhod.

Imbes sagutin ako ay pumikit lamang siya at nagsimula ulit na kumanta.


Nakatingala ito at makikita mo sa kanyang mukha ang emosyon at kung gaano siya
kaseryoso sa inaawit niya.

"Tulad mo ba akong nahihirapan, lalo't naiisip ka... Di ko na kaya pa na


kalimutan... Bawat sandali nalang!"

"At aalis... Magbabalik... At uuliting sabihin na mahalin... ka't sambitin...


kahit muling masaktan! Sa pag-alis... Ako'y magbabalik... At sana naman..."

Madalas iyan ang kanta ni Kuya kaya pamilyar narin ako sa


kantang Nobela na kinanta raw ng Join the Club. Nararamdaman ko palagi ang pighati
ni Kuya at ang lungkot ng pagkakakanta niya noon sa t'wing di sila nagkakasamang
dalawa. Minsan ay doon siya sa likod ng aming bahay, sa harapan ng mga bulaklak,
habang hinahangin ang kanyang buhok at nakaupo siya roon sa aming bangko, kakanta
siya ng buong puso at makikinig lamang ako sa aking kwarto.

Sa t'wing naririnig ko siyang kumanta ng ganoon di ko alam ba't naiiyak ako


bigla. Para kasing masyadong mapait ang tadhana sa kanilang dalawa at papahirapan
sila. Sana naman... Hindi kagaya ng malungkot na kantang iyon... maging masaya
silang dalawa ni Ate Rici habang buhay.

Lunes iyon. Isang buwan nalang at magsisimula na ulit ang pasukan. Ganoon
kabilis ang panahon at magG-Grade 10 na ako. Si Kuya naman ay magdadalawang baitang
na sa college. Ang sabi niya pa sa akin, pag nakapagtapos siya at nakahanap ng
magandang trabaho ay sa syudad niya raw ako paaaralin. Mag-aaral daw ako sa isang
mamahaling private school. Tumawa pa nga ako at nakisabay narin na dapat 500 ang
baon ko araw araw.

Isa iyon sa mga masasaya naming topic pag kami lang dalawa sa bahay. Ang alam
ko ay babalik na si Ate Rici bukas eh. Pero di ko alam kung ba't may kakaiba na kay
Kuya Bram. Kaya tuwing gabi ay matagal akong natutulog at pasimple siyang
hinihintay habang nakaupo ako at binabasa ang isang libro. Iyong bigay niya sa
akin.

Naamoy ko kaagad ang isang matapang na alak nang pumasok si Kuya at sobrang
pungay ng kanyang mga mata. Napatayo ako sa gulat pero sinikap kong ikalma ang
aking sarili.

"Oh? Gising ka pa?" tanong niya sa matabang na boses at hindi na maayos ang
paglalakad.

Mabilis ko siyang tinulungan at pinaupo roon sa upuan. Hindi naman mahilig


uminom si Kuya. Wala siyang bisyo ni isa kaya nakakapagtaka talaga. Ilang araw na
siyang ganito. Masyado niya na bang namimiss si Ate Rici at nangungulila na siya
nang ganito?

"May binabasa kasi ako Kuya... Uhm... Teka iinitin ko iyong sabaw na baka.
Medyo maanghang rin iyon." Nagmadali akong pumunta sa ref saka iyon inilabas at
pinainit ko nalang.

Habang nasa harap ako ng aming stove, nililingon ko si Kuya na naroon, hawak
ang buhok at halos diinan ang kamay niyang nakasabunot doon. Nakayuko pa ito at
hindi pa hinuhubad ang suot na bag. Ni ang sapatos na nakaugalian niyang hubarin
pagdating ay hindi niya rin hinubad.

Kinakabahan ako sa inaasal ni Kuya. Hindi ko gusto... Kahapon... Noong nagising


siya ay nagrereklamo siyang masakit ang kanyang ulo kaya naghinala akong baka
umiinom nga siya. Hindi nga naman ako nagkamali.

Gumalaw ang kanyang balikat dahil sa napakahabang hininga. M-May problema ba


siya?

Pagkatapos ko iyong mainit ay inilagay ko agad iyon sa bowl at inilagay sa


kanyang harapan. Tumingala siya sa akin saka siya tipid na ngiti pero ni isang
kislap sa kanyang mga mata ay wala akong maaninag. Ang tabang tabang ng eskpresyon
at ang supladong mukha ang nangingibabaw.

Kinuha ko ang aking libro na nasa tabi noon at isinara iyon.

"May problema ka ba, Kuya?" tanong ko at hindi na magawang isawalang bahala


nalang iyon.
"Palagi naman..." Ngumisi siya ng matabang at humigop noong sabaw.

Huh? Pero masaya naman siya ah? Ngayon lang talaga simula noong umalis si Ate
Rici dahil nagbakasyon sa ibang bansa.

"Diba bukas na ang uwi ni Ate Rici, Kuya?" pasimple ko nalang tanong.

Natigilan siya pero ilang sigundo ay nagsimula ulit humigop ng sabaw.

"Sana nga hindi nalang umuwi," matabang niyang sagot sa


akin na ikinagulat ko.

"H-Huh?"
Kumalabog ng husto ang aking puso. Para akong nabingi sa sagot ni Kuya sa akin.
A-Anong nangyayari?

"Nag-away ba kayo ni Ate Rici, Kuya? Pero di pa naman siya nakakauwi ah?"
Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Nailing lamang siya at humilig sa mesa. Basa ang kanyang pulang labi at
nakaawang iyon habang nakatitig siya sa kawalan. Bigla nalang umigting ang kanyang
panga saka ulit ito ngumisi pero masyado parin iyong matabang.

"May mga pag-ibig talagang hindi napapanindigan hanggang dulo," makahulugan


niyang sabi saka siya tumayo at ginulo ang aking buhok.

"Matulog kana," sabi niya lang bago tuluyang pumanhik sa kanyang kwarto.

Hindi ko alam kung para saan ang panglalabo ng aking mga mata. Kung ba't gusto
kong humagulhol at damayan si Kuya. Bakit ganoon nalang bigla? H-Hiwalay na ba
sila? Imposible! Ang saya saya pa ni Kuya noong nakaraan! Bakit bigla siyang naging
ganito? Anong nangyayari?

Wala akong ediya sa inaasal ni Kuya Bram. Maaga narin itong pumapasok sa
kanyang trabaho at hindi na nagtatagal sa bahay pa. Noon kasi ay nagtatagal siya
dahil pumupunta si Ate Rici rito. Pero ngayon ang dating ni Ate Rici!

May kumatok sa pinto kaya natigil ako sa paghuhugas ng plato at mabilis na


nagtungo sa may pinto. Nakita ko agad ang maaliwalas na mukha ni Ate Rici. May dala
itong mga paperbag at nakapaskil ang ngiti sa kanyang labi.

"Ang Kuya mo, Trace?" Sinilip niya ang aking likuran at bakas sa tono ng
pananalita ang excitement doon.
"Uh... M-Maaga kasing umalis si Kuya Bram eh."

Kumunot ang kanyang noo at napakurap.

"Sa trabaho?"

Tumango ako kay Ate.


"Okay sige! Pupuntahan ko nalang! Oo nga pala... Ito sa'yo..." Ibinigay niya sa
akin ang isang malaking paperbag.

Tatanggi pa sana ako nang inangatan niya ako ng kilay kaya napanguso ako at
tinanggap nalang iyon.

"Salamat po... Ate..."


Ngumiti siya sa akin ng matamis.

"Ate mo narin ako dahil magiging asawa ko na ang Kuya mo after 5 years." Tumawa
pa siya. "Aalis na ako, Trace... Bye!" Kumaway siya sa akin na ikinangiti ko ng
tipid at kumaway narin.

Ang advance naman nilang magkakapatid? Nababasa ba nila ang future nila?

Nagmamadali siyang umalis dala iyong isa pang paperbag. Noong tuluyan itong
mawala sa aking paningin ay nanghina ako. Sa inaasal ni Kuya... Sa pagiging cold
niya at sa mga sinagot niya sa akin kagabi, di ko alam kung ba't gusto kong habulin
si Ate Rici at pigilan itong h'wag nalang puntahan si Kuya Bram.

Kuya naman... Panindigan mo si Ate Rici hanggang dulo hindi iyong patutunayan
mo sa akin na may mga lalake talagang sa umpisa lang magaling.

Pumunta ako ulit sa bayan para tulungan si Mama. Malayo ang palengke rito at
nasa kabila pa iyon. Kung pupunta rin ako roon para silipin si Kuya ay baka
pagalitan lang ako ni Mama. Marami rin kasing kargador doon katulad niya at baka
mabastos pa ako.

"Oh heto, bumili ka ng meryenda mo." Binigyan ako ni Mama ng singkwenta na


ikinabalik ko sa aking sarili.

"Ano pong bibilhin ko Mama?" tanong ko sa kanya habang tumatayo ako.

"Kahit ano Trace basta kumain ka lang. Kinakabahan ako sa'yo dahil tulala ka at
mukhang nalipasan ng gutom. Sige na." Sinenyasan niya pa akong umalis na.

Ngumuso ako at naglakad paalis. Paano ba naman kasi... apektadong apektado ako
sa inaasal ni Kuya. Imposible naman sigurong nawalan siya ng ganang maghintay diba?
Kahit sa inasal ni Ate Rici ay mukhang hindi naman sila nag-away. Kung ganoon... si
Kuya ang may depesensya, ang may problema.

"Nakakaawa iyong si Rici... Nako! Kung ako sa kanya hindi ako maghahabol sa
kargador na iyon! Halatang niloko lang siya noon! Pagkatapos perahan ay pinagsawaan
rin naman!"

"Baka naman nakuha na noong lalake kaya tinataboy na. Isang Buenaventura pa
talaga ang biniktima."

"Eh parang dinidiskartehan niya iyong isa rin sa anak ng supplier ng mga karne
sa palengke. May kaya rin ang pamiya noon at mukhang iyong anak na naman nila ang
target noong kargador dahil mayaman! Akala mo kung sinong guwapo!"

Natigilan ako sa narinig ko sa dalawang kaedad lamang ni Mama na nag-uusap dito


sa bakery at bakas sa mga mukha ang galit. K-Kargador? Si Kuya Bram ang pinag-
uusapan nila? At ano raw... May ibang babae ang Kuya ko?

"Miss... Anong bibilhin mo?" tanong noong tindera ng tinapay sa akin kaya
itinuro ko iyong paborito kong tinapay na Cinnamon.

"Dalawa po niyan at isang Sprite po..."


Tumango naman iyon at kinuha ang tinapay na gusto ko. Nilingon ko ang dalawang
matandang iyon na may disgusto parin ang mga mukha.

Baka naman tsismis lang iyon? Si Kuya ipagpapalit si Ate Rici? Imposible.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 30

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Ashley Dame Mercado. Happy reading!
-------------
Kriminal

Noong narinig kong dumating na si Kuya ng madaling araw na iyon ay pasimple ko


itong sinilip sa loob ng aking kwarto. Umuwi ulit itong lasing saka siya umupo sa
dekahoy na upuan. Hinawakan niya ang kanyang ulo at napayuko roon, tila nagdadasal.

Napakurap ako nang mapansin ang pumapatak galing sa kanyang mukha at ang
pagtaas baba ng kanyang balikat. U-Umiiyak ba si Kuya?

Narinig ko itong suminghot at ang paghilamos niya sa kanyang mukha habang


nakatingala. Doon ko napatunayang umiiyak nga ito.
Pero bakit? Anong problema? Pumanhik rin naman ito sa kuwarto kaya buong gabi
ay iyon ang bumabagabag sa akin. Anong nangyari?

Noong pagkagising ko ay wala na ulit si Kuya. Bakit siya masyadong maaga sa


trabaho? Dahil ba roon sa babae? Pero hindi ganoon ang Kuya mo, Trace! Umiiyak pa
nga siya kagabi! Umabot na sa langit ang pagmamahal noon kay Ate Rici at saksi pa
ako roon! Sa sobrang taas noon ay hindi mo maabot. Ganoon niya ito kamahal dahil
ngayon ko lamang iyon nakitang naging masaya at ngayon ko lang rin siya nakitang
naglalasing na akala mo ay basag na basag ito.

Kinukusot ko pa ang aking mga mata at humihikab pa ako sa oras na iyon. Mag-
aalas onse na ata. Tiningnan ko ang lamesa at walang luto roon. Umalis ba si Kuya
agad? Di siya nagluto? Palagi pa naman sana akong iniiwan ng pagkain noon.

Nagdesisyon akong magluto nalang pero habang nilalagay ko pa ang kawali sa


stove ay may kumatok na agad sa pinto.

"Bram!"
Boses iyon ni Ate Rici kaya mabilis akong tumakbo papunta sa pinto para buksan
iyon. Ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makita ko ang namumugtong mga mata ni
Ate Rici na kahit ngayon ay tumutulo ang luha roon.

"R-Race... Ang K-Kuya mo..." Hirap na ang kanyang pagsasalita habang dinudungaw
na ang loob.

"Wala si Kuya rito, Ate. Pumunta siya—"

"Pinagtatakpan mo ba ang kapatid mo, Trace?! Niloloko niyo ba akong dalawa?!"


putol niya sa akin na ikinatalon ko sa gulat.

Umiling ako. "H-Hindi ko po talaga a-alam. W-Wala po akong alam..." takot kong
sagot sa kanya dahil narin sa biglaan niyang pagsiklab.

Humagulhol ito sa aking harapan habang kagat kagat ang pang-ibabang labi at
hawak ang buhok malapit sa kanyang noo.

"A-Ang Kuya mo... Nakipaghiwalay siya sa akin, Trace! At may naririnig akong
may iba raw itong babaeng dinidiskartehan sa bayan!"

Nalaglag ang aking panga. S-Si Kuya... N-Nakipaghiwalay siya kay Ate Rici? Baka
naman parte lang iyon ng mga paninira nila sa aking Kuya! Baka ginagawan lang nila
ng tsismis si Kuya!

Hindi agad ako nakasagot habang ang hagulhol naman ni Ate Rici ay lumakas
lamang sa aking harapan.
"G-Ginagago ba ako ng kapatid mo, Trace?! B-Binigay ko ang lahat s-sa kanya...
Minahal ko s-siya higit pa sa sarili ko p-pero gaganituhin niya ako? Sana pinatay
niya nalang ako!" Napaupo siya sa sahig at mas umiyak doon.

Nanlabo agad ang aking mga mata. Yumuko ako at tinulungang makatayo si Ate Rici
pero ayaw niyang tumayo. Tinatakpan niya ang dalawa niyang mukha habang umiiyak
doon.

"B-Baka hindi totoo na may b-babae siya Ate. Kilala ko si Kuya... H-Hindi siya
ganoon." Tumulo narin ang aking luha at mabilis ko iyong pinunasan.

"Iyon rin ang pagkakakilala ko s-sa kanya p-pero noong


dumating ako... Noong n-nagkaharap ulit k-kami... Parang hindi ko na siya kilala...
Bumabalik siya sa dati niyang u-ugali... A-Ang suplado niya na sa akin a-at
tinataboy pa ako..." sagot ni Ate Rici sa gitna ng kanyang hikbi.

Awang awa ako sa aking nalaman. Alam ko namang ginagawa iyon ni Kuya sa kanya
noon at si Ate Rici ay babalik parin at nagbabakasakaling mabali ang kanyang
desisyon. Pero bakit ngayon ay para na itong bakal at hindi na kayang baliin? Anong
ginagawa mo Kuya Bram? Bakit ka nagkakaganito?

Hindi ko alam kung paano pakakalmahin si Ate Rici. Tumaas baba ang kanyang
balikat dahil sa kakahagulhol. Kahit ako ay umiiyak narin sa kanyang harapan habang
pilit siyang pinapatahan. Kuya Bram naman! Bakit mo ito nagawa kay Ate Rici?!
Nasaan na iyong itinuro mo sa akin na dapat ipaglaban ang nararamdaman mo sa isang
tao?! Kung ano man ang rason mo, kung meron man, masyado ka paring duwag! Sana
hindi mo nalang ginirlfriend si Ate Rici kung bibitawan mo lang pala bigla!

Gusto kong sigawan si Kuya Bram at gusto ko siyang pangaralan. Kaya noong gabi
ay hinintay ko itong dumating. Kaso sa kakahintay ko ay nakatulog rin ako. Noong
paggising ko ay wala na naman ito at si Ate Rici na naman ang bumungad sa akin,
nagbabasakaling nandito siya pero kasama niya na ng oras na iyon si Feli. Ang
disgusto niyang mga mata ay sumuyod sa aming bahay at bakas doon ang pangdidiri.
Umalis rin naman sila at hindi nagtagal dahil hinihila narin siya paalis ni Feli.

Naghintay ulit ako sa gabing iyon at sinikap na hindi matulog pero palagi akong
tinatraydor ng aking mga mata. Natatagalan narin kasing umuwi si Kuya at hindi ko
rin alam kung bakit. Totoo bang may iba kana talagang babae Kuya? Pero ganoon mo ba
kadaling palitan ang babaeng halos sambahin mo na?

Si Mama lang ata ang walang ediya sa nangyayari. Di rin ito mahilig makitsismis
at tutok lamang sa pagbebenta ng bulaklak. Baka nasanay na siya o wala talaga
siyang pakialam. Hindi ko alam...

Maaga akong natulog para maaga akong magising at madatnan siya. Alas syete
palang ay gising na ako at mabilis akong lumabas ng aking kuwarto.
"Oh? Ang aga aga mo naman atang nagising?" tanong sa akin ni Mama at naghahanda
ng umalis ng bahay.

"Uh... Si Kuya po, Mama?" Iginala ko agad ang aking tingin.

"Nasa kuwarto. Tulog pa. At bakit?" Inangatan ako ng kilay ni Mama na


ikinailing ko agad, natutuwa dahil sa wakas ay nadatnan ko na ito.

"Mamaya Trace... Tulungan mo ulit ako. 'Tsaka ikaw nalang ang magluto ng agahan
niyo ng Kuya mo. May karne naman diyan..." sabi niya habang sinusuklay ang basang
buhok at suot na ang kanyang bag kung saan niya inilalagay ang mga kinikita niyang
pera.

Tumango tango ako.


"Sige po, Mama..."

Nagpaalam rin namang umalis si Mama. Sisilipin ko sana si Kuya sa kanyang


kuwarto pero lock naman iyon kaya inabala ko nalang ang sarili kong magluto ng
adobo.

Hinihiwa ko na ang karne nang marinig ko ang pagbukas ng kuwarto ni Kuya.


Natigil agad ako sa paghihiwa at mabilis siyang nilingon.

Supladong suplado ang kanyang pagmumukha at nakalimutan na atang ngumiti.


Naniningkit pa ang kanyang mga mata habang magulo ang buhok at walang saplot sa
pang-itaas. Nagtungo siya sa ref saka naglabas doon ng malamig na tubig.

"Uh... K-Kuya... Si ano pala... Si Ate Rici ilang araw ng pumupunta rito. Di ka
niya nadadatnan eh..."

Hindi umimik si Kuya. Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay ibinalik niya lang
iyon sa loob ng ref saka siya nagtungo muli sa kuwarto at lumabas na may dalang
tuwalya.

Ngumuso ako at hindi alam kung paano ito kakausapin. Sa


kanyang inaasta ay nakakaramdam rin ako ng takot. Masyado siyang cold ngayon. Gusto
ko sana siyang awayin kung ba't hiniwalayan niya si Ate Rici pero pinapangunahan
ako ng takot ko, ng kaba.

Saktong malapit ng maluto iyong adobo noong natapos siyang maligo. Mabilis
akong naghanda ng plato sa lamesa para makasabay ko siyang kumain at makapag-usap
kami.

Noong lumabas na siya sa kanyang kuwarto na bihis na bihis na at may suot na


fit na black tshirt ay niyaya ko agad siyang kumain.

"Kuya..." Ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang nagkasalubong ang aming mga
mata.

"Kumain kana lang, Trace. Sa palengke na ako kakain," sagot niya na ikinakurap
ko.

"H-Huh? Pero nagluto ako ng maaga tsaka maaga pa naman ah? Di ka malilate..."

Sinundan ko ng tingin si Kuya na kinukuha na iyong sapatos niyang nakalagay sa


ilalim ng lamesa. Umupo siya sa may dekahoy naming upuan at sinintas niya ang
kanyang sapatos.

"Busog ako." Tanging sagot niya.

"Kuya..." Malungkot kong tawag kaso tumayo na ito ng tuwid at handa na atang
umalis.

Hinawakan niya ang aking balikat at marahan iyong pinisil. Nagloosen agad ang
aking balikat nang binigyan niya ako ng ngiti pero masyadong malungkot ang kanyang
mga mata.

May kung sino ang kumatok sa pinto. Si Ate Rici!

Kapwa kami napatingin doon ni Kuya Bram. Ibinalik niya sa akin ang tingin. Tila
may ediya rin ito.

"Ako na ang magbubukas. Dito ka lang sa loob," sabi niya pa sa akin kaya
tumango ako at sinundan ang likod niyang papunta na sa may pinto.

Hindi ko inalis ang tingin ko kay Kuya pero ganoon nalang ang gulat ko nang may
humila sa kanyang damit sa may leeg at pinalabas ito. Mabilis akong tumakbo sa may
bintana para silipin ang nangyayari na ikinalaglag ng aking panga dahil sa imahe ni
Israel.

"Putangina, Bram!" Sinuntok niya si Kuya na mabilis na humandusay sa sahig.

Napasigaw ako at mabilis na nagtungo sa may pinto pero hindi ko rin alam kung
paano ito aawatin. Natatakot ako sa sumisiklab na galit ni Israel at kung paano
niya sinipa ng malakas ang dibdib ni Kuya nang nagtangka itong tumayo.

Humandusay ulit si Kuya Bram. Nilapitan siya ni Israel at kinwelyuhan ito saka
niya muling sinuntok. Nagmistulang daga si Kuya na wala niyang kahirap hirap na
nasasaktan.
"Mapapatay talaga kita sa kalokohan mo!" sigaw ni Israel at sobrang nakakuyom
na ang kanyang mga kamay.

"T-Tama na..." Nanlabo ang aking mga mata at awang awa sa mukha ni Kuya Bram.
Pumutok na ang kanyang labi at dumudugo na iyon. Bakas sa kanyang mukha ang
iniindang sakit dahil sa mga pinapalipad na suntok ni Israel.

Hindi na tumayo si Kuya Bram pero nakatukod lamang sa sahig ang kanyang mga
siko at nakatingala habang mariin na nakapikit. Lumuwa pa ito ng dugo. Ayaw niyang
lumaban at hinahayaan lamang ito.

"How dare you cheated on her!" May dinampot na malaking kahoy si Israel at
itinaas iyon, handa ng ipalo kay Kuya sanhi para tumili ako ng malakas.

"Tama na!" Humagulhol ako sa labis na takot. Nanginginig ang aking mga labi.

Natigilan si Israel. Ang galit na galit na mukha ay sinikap niyang ikalma saka
niya ako nilingon. Doon nagloosen ang kanyang balikat at bumukas ang mga kamay na
nakakuyom na nang makita ang aking mukha.

"Pumasok ka sa loob ng bahay, Race... H'wag kang


makialam..." Nahihirapang sabi ni Kuya at nahawakan niya pa ang kanyang panga.

Ibinalik ni Israel sa kanya ang kanyang tingin at kinwelyuhan ito. Napatayo si


Kuya habang magkalebel na ang dalawa.

"If something bad happened to my sister... Sinisigurado ko sa'yo Bram,


papatayin talaga kita." Pagbabanta ni Israel sa sobrang dilim niyang mga mata saka
niya ito marahas na binitiwan na ikinasalampak muli ni Kuya sa sahig.

Pinunasan ko ang mga luhang umagos sa aking mga mata habang tinitingnan si
Israel na umaalis na. Para na itong isang aninong walang makitaang liwanag. Ibang
iba siya sa mga araw na nakikita ko ito. Siklab na siklab siya ngayon at parang
mananakmal ng buhay na tao.

Naubo si Kuya at lumuwa ng dugo. Mabilis ko siyang nilapitan saka ko ito


tinulungang makatayo. Mariin siyang pumikit at bakas sa mukha ang iniindang sakit
dahil sa mga natamo kay Israel.

"Pakiramdam ko natanggalan ako ng maraming ngipin..." daing niya saka niya


hinawakan muli ang kanyang panga.

Noong makatayo na ito ng tuwid ay doon ko siya tiningnan sa mga mata kong
walang tigil sa kakaiyak. Hinampas ko ang kanyang dibdib.

"K-Kasalanan mo k-kasi 'yan! S-Si Ate Rici palaging umiiyak dito, hinahanap ka!
S-Sana hinarap mo nalang s-siya!" Humagulhol ako sa harapan ni Kuya.

Naging seryoso agad ang kanyang mukha. Hinampas ko ulit ang kanyang dibdib.

"Makipagbalikan ka kay Ate Rici, Kuya! Humingi ka ng tawad! I-Ipaglaban mo ulit


siya!" Sa ikatlo kong hampas sa kanya ay hinuli niya na ang aking kamay at hinila
ako para yakapin.

Humagulhol ako sa kanyang balikat. Halo halo ang aking emosyon. Naaawa ako na
naiinis sa kanya na ewan.

Tanging mahigpit na yakap lang ang isinagot sa akin ni Kuya. Tikom na naman ang
kanyang bibig sa kanilang dalawa ni Ate Rici.

Di ko tuloy maintindihan. Kung ganoon na kalala ang kanyang pagmamahal sa isang


tao, anong naging rason niya para sukuan nalang bigla ito? Ni wala siyang pakialam
sa estado nila. Wala siyang pakialam kung pinapaliguan sila ng mga tsismis. Ang
saya niya pa nga noong naging sila. Pero sa isang iglap, bigla kong malalaman na
siya pa mismo ang nakipaghiwalay?

Konti nalang at maniniwala na talaga akong may babae nga siya roon sa bayan
kahit napakaimposible naman noon. Wala na akong ibang maisip na dahilan niya.

Tumigil na sa kakapunta si Ate Rici sa aming bahay. Wala narin akong balita sa
kanya at mukhang may iba na sigurong pinagkakaabalaha . Si Kuya naman ay nagpatuloy
sa pagtatrabaho. Normal na ulit siya pero sa t'wing nababanggit ko si Ate Rici ay
umiiba kaagad ang kanyang timpla.

"May bago kanang girlfriend, Kuya?" tanong ko sa kanya pagkaraan ng ilang


linggo noong paghihiwalay nila ni Ate Rici.

Binasa ni Kuya ang pang-ibabang labi at hindi na agad nakasagot. Nanlumo agad
ako. Ganoon nalang ba kadali ang lahat? Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin
ang nangyari sa kanilang dalawa.

Tinikom ko nalang ang aking bibig at sumubo ng pagkain. Si Kuya ay mukhang ayaw
rin iyong sagutin. Paano kung pumunta ulit dito si Ate Rici? Pero malapit narin ang
pasukan. Tapos na nga kaming mamili ng mga gamit ni Mama eh. Bukas ay pupunta ako
sa eskwelahan para magpaenroll.

Siguro tama nga si Kuya. May mga pag-ibig na hindi napapanindigan hanggang
dulo. May mga pag-ibig na akala mo matayog ang iyong pagkakatayo pero sa gitna ay
bigla lang palang guguho. Hindi ata lahat ng iyong plano sa inyong dalawa ay
mananatiling matibay. Dadating ang araw at guguho iyon bigla kasama ng mga pangako
niyo sa isa't isa.

Kaya noong gabing iyon... Noong narinig ko ang sobrang


lakas ng boses ni Mama at pinapagalitan si Kuya ay napabangon na agad ako. Siguro
nakaabot na kay Mama iyong balitang hiwalay na sila ni Ate Rici.

Pero sa gabing iyon, iba ang tono ng pananalita ni Mama at parang umiiyak pa
ito.

"Tumakas kana! Papatayin ka nila pag naabutan ka nila rito!" si Mama iyon.

"Ma? Paano kayo rito? Hindi ako pwedeng umalis—"

"Iyan pa ba ang iisipin mo Bram?! Noon palang binalaan na kita na layuan mo ang
babaeng iyan! Pero hindi ka nakinig! At ngayon, ikaw ang sinisisi nila!" Humagulhol
ang aking ina sa galit at pagkadismaya.

Bumangon agad ako sa pagkakahiga at kinusot ang aking mga mata habang sinisilip
sila sa labas ng kuwarto.

Gulong gulo ako noong oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang
reaksyon ni Mama at pinapalayas pa si Kuya sa bahay. Pero noong malaman ko ang
pagkamatay ni Ate Rici ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buo kong
katawan. Kahit si Kuya ay hindi mahistura ang kanyang mukha. Ang mga mata niya ay
pulang pula habang nakakuyom ang kanyang mga kamay.

Pakiramdam ko ay may kasalanan rin ako. Na parang sangkot rin ako sa krimeng
hindi naman namin ginawa ni Kuya. Sana pala ay hindi ko nalang hiniling kay Israel
na hadlangan ang dalawa. Hanggang ngayon ba ay buhay pa si Ate Rici?

Kaya noong sumugod ang mga Buenaventura sa aming bahay ay ganoon nalang ang
naramdaman kong takot. Ang lihim na pagtingin kong inaalagaan para sa lalakeng
singdilim ng anino at singlalim ng gabing ni bituin ay walang maaninag ay tuluyang
gumuho ang pinupundar kong atraksyon para sa kanya. Parang imposible na talaga na
may kaming dalawa at kailangan ko ng itapon ang pagmamahal na iyon dahil alam kong
wala iyong patutunguhan.

"Diba at mag-eenroll ka ngayon? Umuwi ka agad Trace. Mainit ang mga mata sa
atin ngayon ng mga Buenaventura at h'wag na h'wag mong sasabihin kung nasaan ang
Kuya mo!" Paalala sa akin ni Mama habang naghahanda siyang pumunta sa bayan para
magtinda.

"Opo, Mama..." kabado kong sagot sa kanya at naiiyak na naman dahil sa


nangyayari.
"Magpapatuloy parin ang buhay natin at hindi natin sila hahayaang ibagsak tayo.
Ikaw... Ituon mo ang buong atensyon mo sa pag-aaral mo at balang araw... Aalis rin
tayong dalawa sa lugar na 'to." dagdag pa ni Mama.

Wala akong magawa. Ni wala akong ediya kung saan na pumunta si Kuya noong
umalis siya kagabi. Di ko man lang ito natanong kung bakit sila naghiwalay ni Ate
Rici at bakit siya ang sinisisi ng mga Buenaventura.

Kahit ang laki ng pinapasan ay naligo parin ako dala ang binigay ni Mama sa
akin na pera sa eskwelahan at bayaran iyong kailangan kong bayaran. Total may
scholarship naman ako kaya hindi ganoon kalaki ang babayaran ko. Kailangan ko lang
rin ipasa ang card ko.

Pagdating ko sa eskwelahan, hindi na ako nagulat noong matuon agad sa akin ang
buo nilang atensyon. Lahat ay may disgusto ang mga mata. Lahat ay galit sa akin.

Yumuko ako at nagpatuloy sa paglalakad. Naiiyak na naman ako sa awa sa aking


Kuya. Sigurado akong siya ang sinisisi ng lahat. Wala rin naman akong nakuhang
malinaw na sagot kung ano talaga ang nangyari kay Ate Rici. Imposible namang si
Kuya Bram ang pumatay sa kanya para sisihin si Kuya sa pagkamatay ni Ate.

"Ang kapal ng mukha mo!" Isang sigaw ang kumuha ng aking tingin.

Pag-angat ko noon, nagulat nalang ako nang makarating na si Feli sa aking


harapan. Sa kanyang likuran ay ang mga kaibigan niyang namumugto rin ang mga mata
kagaya niya. Lahat sila ay nagluluksa.

"Mga hayop kayo ng Kuya mo!" Bigla niyang hinila ang aking buhok at sinabunutan
ako.

Sumigaw ako dahil sa sakit.

"Bitiwan mo ang buhok ko Feli!" Ang hagulhol ko kaninang umaga ay bumalik agad
sa akin.

"Nang dahil sa inyo ng kapatid mo, n-namatay si Rici! Pagkatapos niyo siyang
pakinabangan! Pagkatapos niyo siyang perahan!" Umiiyak niyang sigaw sa akin dala
narin ng galit at mas hinila ang aking buhok.

Mariin akong napapikit at hindi alam kung paano ito aawatin. Maraming nanonood
pero ni isa ay walang balak awatin ito. Sa kadahilanang sang-ayon rin siguro sila
kay Feli.

"Hindi naman kasalanan ni Kuya—"


"Ipinagpalit ng Kuya mo si Rici! May babae siya sa bayan habang nagbabakasyon
ang kaibigan ko! Sinaktan niya si Rici! At dahil sa Kuya mo! Dahil sa panggagago
niya, nagpakamatay si Rici!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagulat sa kanyang sinabi. S-Si Ate
Rici... N-Nagpakamatay?

May mga umawat sa akin. Pero dahil hinang hina na ako ay nakayuko nalang ako
habang umiiyak.

"Bwesit ka talaga Feli! Wala ka bang magawang matino sa buhay mo?! Ba't mo
isasali si Tracey sa galit mo!" boses na iyon ni Rinka.

Tinakpan ko ang aking mga mukha at doon umiyak. Sa bawat gilid ko naman ay
mukhang si Rose at Cecille iyon habang sa aking harapan ay si Rinka.

"Pagkatapos perahan ng magkapatid na iyan si Rici ay tinaboy agad nila! Sila


ang pumatay kay Rici! Mga kriminal!" Malakas na sigaw ni Feli.

Nanlumo ako sa kanyang pinagsasabi. Sa nangyari, kay Kuya Bram nga mapupunta
ang sisi. Sila ang sisisihin niya at dahil magkapatid kami, damay narin ako.

Ang mundo ko ay nagsisimula nang mabalot ng dilim. Sa sobrang dilim ay hindi ko


na alam kung saan ako dadaan. Gulong gulo na ang aking utak.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 31

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Kueena Levi Madiloso. Happy reading!
-----------
Malas

It was a painful day for everyone. Napapansin ko, lahat ng mga estudyanteng
naroon ay nagluluksa sa biglaang pagkamatay ni Ate Rici. Mabait kasi ito at
hinahangaan ng lahat. Kahit ako... Kahit ilang buwan lamang kaming nagsama ay
sobrang bigat na ng aking loob.

"Ano ba kasing nangyari kay Bram at Rici, Trace? Anong sinasabi nilang may
ibang babae si Bram?" Naguguluhang tanong ni Rinka sa akin nang mapadpad kami sa
ibang parte ng eskwelahan.

Nakaupo ako sa bench habang pinupunasan ang mga luha kong wala rin namang tigil
sa pagpatak.

Umiling ako. "H-Hindi ko alam kung totoo iyon eh wala namang s-sinasabi sa akin
si Kuya Bram..." Tumataas baba ang aking balikat dahil sa mararahas kong pag-iyak.
Hinimas ni Rose ang aking likuran para patahanin ako habang ang kamay naman ni
Cecille ay patuloy sa pagsuklay sa aking buhok.

"Hindi naman siguro ganoon si Bram, Trace..." malungkot na sabi sa akin ni


Rose.

"Pero kahit hindi iyon ginawa ni Bram, siya parin ang masisisi. Siya ang
pagbubuntunan ng galit ng mga Buenaventura. Alam naman natin ang ugali ng mga
pamilyang iyon..." Dismayadong si Cecille.

Mas lalo akong naiyak. Wala namang kasalanan si Kuya at bakit nila
pagbibintangang kriminal ito eh sigurado akong hindi rin ito ginusto ni Kuya. Sa
lahat ng tao rito, alam kong mas nagluluksa siya. Malaking sampal ito sa kanya.
Magsisisi iyon dahil sa pananaboy niya kay Ate Rici. Kung ano man ang kanyang rason
kaya niya ito hiniwalayan, hindi ko alam kung sapat na ba iyon para bigla niya
itong bitawan.

Tumayo rin naman ako noong kaya ko na. Namumugto ang aking mga mata habang
pumupunta kaming apat sa Registrars Office para magpa enroll na.

Ramdam ko ang matatalim na tingin sa akin ng mga estudyante. Makikita sa


kanilang mga mata ang inaalagaang galit doon na hindi na humuhupa. Wala na rito ang
grupo ni Feli pero sigurado akong lahat sila ay pinapaniwalaan si Feli.

"Dapat talaga magkaklase parin tayo. Hindi pwedeng mahiwalay tayo sa isa't isa
lalo na't pinag-iinitan ka ng lahat," mungkahi ni Rinka nang mapansin rin ang
tingin sa akin.

Tahimik akong pumila. Napapagitnaan ako ni Rose at ni Cecille. Mahaba ang pila
at puro estudyante ang nandito para magpaenroll. May iilan na pumapaibabaw ang
boses dahil sa pagt-tsismisan.

"Baka malasin din tayo. Sana hindi natin 'yan maging kaklase. Ang kapal naman
ng mukha. Wala talagang konsensya."

"Sinabi mo pa! Di na talaga nahiya at hindi nalang rin sumama sa pagtakas ng


kuya niya!"

"Ang amo amo ng mukha pero demonyita pala. Nasa loob ang kulo!"

"Buti nalang at tinigilan na siya ni Israel. Siguro narealize nun na pera lang
naman ang habol niyan."

Nilunok ko lahat ng mga narinig ko. Nagpanggap akong walang naririnig pero ang
aking mga mata ay tinatraydor ako. Nanlalabo iyon kasabay ng puso kong parang
pinupulupot sa sakit.

Kuya Bram... Kung nasaan ka man... Magpakatatag ka dahil magpapakatatag rin


ako. H'wag kang mag-alala sa amin ni Mama at alalahanin mo ang sarili mo. H'wag ka
nalang bumalik dito kung iyan ang tanging paraan mapabuti ka lang. Balang araw ay
mabibigay rin natin sa ating sarili ang nararapat na hustisya.

"Kung makapag-usap ang mga ito ang lalakas. Hoy groupings


ba iyan at pinaparinig niyo sa amin?! Pwedeng makisali? Pakihinaan mga boses niyo
ha! Ang galing galing niyong manira eh akala niyo naman perpekto kayo!" sigaw ni
Rinka sa grupo ng mga babaeng pinag-uusapan ako.

Hinawakan ko agad ang braso nito at inilingan para h'wag nalang patulan ang mga
ito.

"Ba't niyo ba iyan pinagtatanggol? Ang malas malas ng pamilya nila! Kaya siguro
ganyan silang magkapatid dahil mana sa kabit nilang Nanay! Tingnan mo ang kapatid
niyang lalake, di rin nakontento kay Rici at iyang si Tracey sigurado akong ganyan
rin ang ugali niyan!"

"Aba'y close kayo?!" Nilingon ako ni Rose. "Kapatid mo ba 'yan Trace at ang
daming alam sainyo? Iyan ba 'yung kapatid niyong tinapon ng Nanay mo sa basurahan
kasi mukhang patapon?"

"H-H'wag niyo nalang patulan, please..." mahina kong sabi sa kanila.

Hindi ko inaasahang pati si Mama ay masasali. Hindi ko inaasahang lalala ang


sitwasyon at hindi ko inaasahang mag-iiba na ang tingin ng lahat sa aming pamilya
dahil lamang sa nangyari.

Hindi ko talaga maintindihan ang mundo. Bakit ba may mga taong gustong gustong
nananakit ng kapwa nila tao? Bakit kung makapagbitaw sila ng salita ay hindi nila
iniisip kung ano ang magiging epekto nito? Hindi ba sila nakokonsensya?

Mariin akong napapikit at pinigilan ang mga luha kong kusang umagos sa aking
mga mata. Sobrang sakit na kahit ang iyong ina ay dinadamay nila.

"Totoo naman! Kabit ang nanay ni Tracey! Kaya siguro wala siyang ama dahil rin
pera lang ang habol ng mama niya sa lalake kaya di pinanindigan!"

"O baka nga prostitute iyong mama niya kaya nabuo silang magkapatid!"

Nagtawanan sila. Sila Rose naman ay parang susugod na kaya pinigilan ko agad.
Ang aking mga luha ay parang gripo nang napabayaan. Walang tigil na ang pagbuhos
noon at pinipiga ang aking puso. Para itong sinasaksak ng paulit ulit.

"Bakit kayo ganyan? Alam niyo ba ang mga isinakripisyo ng nanay ko para
maitaguyod lamang kaming dalawa ni Kuya? Alam niyo bang tumayo siyang Papa sa amin?
Alam niyo bang hindi niya kami pinabayaan? Alam niyo bang ginagapang niya kaming
dalawa araw araw sa kahirapan para lang mabuhay kami? Wala ba kayong mga magulang?
Kung makapagsalita kayo... K-Kilala niyo ba ang Mama ko?" Sa nanlalabo kong mga
mata ay tiningnan ko silang lahat. Dismayadong dismayado ako dahil napapaligiran
ako ng mga taong mali lamang ang napupuna.

Natahimik ang mga ito at iniwas ang mga mata sa akin. Natakpan ko agad ang
aking mukha at humagulhol doon lalo. Paano nalang kung narinig ni Mama ang
pinagsasabi nila... Masasaktan siya ng todo... Ayokong nasasaktan si Mama dahil
parang triple ang sakit na sinasampal sa akin.

Sila Cecille ang nagpatahan ulit sa akin. Ang pila ay unti-unti naring umuusad
kaya sinikap ko ng hindi pa maiyak kahit na bakas sa namumugto kong mga mata ang
matindi kong pag-iyak.

Naunang makatapos si Rinka sa amin kaya hinintay niya muna kami. Sunod naman si
Cecille. Pagkatapos niya ay ako naman ang pumwesto na ikinasira agad ng mukha noong
babaeng pinafile ang mga cards.

"Quiamco po—"
"Iyong sunod mo muna," putol niya sa akin sa boses na iritado.

Natigilan ako at napatingin kina Rinka na ganoon rin. Nilingon ko naman si Rose
at sinenyasang siya nalang muna.

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Rose.

Pumwesto ako sa pinakahulihan. Sa kabilang linya ay medyo kaonti nalang rin ang
pumipila roon.

Inasikaso si Rose katulad noong pag-asikaso sa iba pang mga


estudyante. Natuwa ako noong ako na ang sumunod at inilapag ang kompletong
Requirements pero nagulat nalang ako noong sinarhan niya iyon bigla.

"Lunch time pa. Mamaya ka nalang bumalik mga 1pm. O kaya lumipat ka doon sa
kabila," sabi nito sa akin.

Napalunok ako ng laway at nilingon ang ibang mga estudyanteng nang-iinsulto


parin. Iyong babae sa harapan ay lumipat pa sa kabila at may binulong doon sa isa
pang babae. Napunta ang tingin noong isa sa amin na agad ring ikinasira ng mukha
noon.
Ginapangan agad ako ng kaba. Sa inaasta nila ay baka mas mahihirapan lamang
ako.

"Ay punyetang babae... Akala ko mga kaedad lang natin ang immature meron pa
pala..." bulong sa akin ni Rinka nang hinihila niya ako papunta sa kabilang linya.

"Rinka ikaw kaya mag-enroll baka sakaling tanggapin," suhestyon naman ni


Cecille.

Iyon nga ang ginawa nila. Noong si Rinka na ay tinanggap agad iyong card ko at
tiningnan iyon. Naglahad pa ng pera si Rinka pero ilang sigundong nagtagal ang
tingin noong babae sa aking card.

"Hija, balik ka nalang mamayang 1pm. Gutom na pala ako," alibi agad noon at
ibinalik ang aking card kay Rinka.

Napalingon agad si Cecille at Rose sa akin. Bakas sa kanilang mga mukha ang
pagkakadismaya. I smiled weakly.

"Ma'am mabilis lang naman po iyan..." si Rinka.

"Mamaya nalang. Nagugutom na ako." Tumayo na ito at nagawa pang pagsarhan si


Rinka.

Binalot agad ng inis ang mukha ni Rinka. Ang ibang mga estudyante ay
nagsingitian pa ng nakakaloko sa amin habang umaalis na.

"Irereport ko talaga ito sa Principal! Hindi na tama ang ginagawa nila ha!"
Naiinis na sabi ni Rinka nang umalis nalang kami roon.

"Di ako makapaniwalang pati ang mga nasa ganoong edad ay makikitid rin pala ang
utak. Nakakatakot namang mag-aral dito. Para kasing mga walang utak ang iba baka
wala rin tayong matutunan," si Cecille.

"Bakit pati si Tracey ay isasali nila? Akala mo kapamilya rin ni Rici at


nakikiluksa kaya malaki rin ang galit sa'yo," si Rose.

Isang mahabang buntong hininga ang napakawalan ko. Lahat  ng mga tao rito ay
malaki ang tingin sa pamilyang Buenaventura. Sunud-sunuran sila at kaya silang
kontrolin nito kahit walang iutos sa kanila. Para nila itong hari at sila naman ang
mga alipin, mga nasasakupan.

Sa nangyayari, nag-aalala ako dahil baka maapektuhan ang pagtitinda ni Mama sa


bayan. Baka masali siya sa gulo at kamuhian narin. Paano nalang ito?
Naghintay ako hanggang ala una roon kasama ang tatlo. Maaga pa akong pumila at
ako agad ang pinakauna. Mamaya nalang siguro ako kakain. Kailangan kong makapag-
enroll ngayon. Pinakain ko nalang muna sila Rinka. Sasama pa sana sila pero umangal
na ako. Pati silang tatlo ay nadadamay sa akin.

Katulad ng nangyari kanina ay pinaalis parin ako sa pwesto at aasikasuhin raw


muna iyong nasa likod ko.

"Pero Ma'am ako po kasi ang nauna sa pila..." paliwanag ko sa marahang boses na
ikinasira agad ng mukha nito.

"Sabi ko, mamaya kana. Doon ka sa pinakalikod." Inis niyang sabi.

"K-Kanina pa kasi ako at sabi mo rin na kakain ka muna. M-Mabilis—"

"Ang kulit mo! Umalis kana!"

Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak. Sa sobrang lakas noon ay napaatras
agad ako at nabangga ko pa ang sunod sa akin. Lahat ng nakapila roon ay nagreklamo
agad sa akin.

"S-Sorry—"
"Umalis kana nga sa pila! Doon ka sa likod! Ang malas malas mo nadadamay pa
kami!" Marahas akong itinulak noon sanhi para maalis agad ako sa pwesto.

Lahat ng kanilang tingin ay magkakapareha at akala mo ay may nakakahawa akong


sakit kaya ganoon nalang sila kung mangdiri sa akin.

"Pasensya na..." Yumuko ako at nagtungo roon sa pinakalikuran.

Matiyaga parin akong naghintay. May grupo pa ng lalakeng bumubungisngis at


panay ang paglingon sa akin. Hindi ko nalang iyon pinansin at sinikap na tumayo
roon kahit na nangangalay na ang aking mga paa.

"Miss... Ano? Ako na mag-eenroll sa'yo?" mungkahi noong isa na medyo


katangkaran at tan skin.

Umiling ako at ngumiti ng tipid.

"Hindi na."

"Pakipot pa. Sige na. Ako na ang mag-eenroll pero may kapalit ha." Akma niyang
hahawakan ang aking pisngi kaya mabilis agad akong umatras.

Nagtawanan silang apat habang ang aking mukha ay binabalot naman ng takot.

"Pakipot sa'yo Rex," sabi noong nakadark blue tshirt.

"Oo nga eh... Sarap sanang lahian..." Sinipat pa ako nito ng tingin mula ulo
hanggang paa. "Ang kinis at ang amo ng mukha oh."

Mas lalo akong napaatras dahil sa mga mata nilang hinahagod na ang aking
kabuuan. Sa yumakap na takot sa akin ay tumakbo palang ako palayo. Sobrang bilis ng
kalabog ng aking dibdib at hindi iyon inaasahan. Sanay akong hindi nababastos dahil
narin kay Kuya. Pero ngayon na wala na ito ay wala ng magtatanggol sa akin sa mga
ganoon.

Sa aking paglalakad ay nakasalubong ko pa sila Rinka na mukhang pupuntahan na


ata ako.

"Oh? Nakapag-enroll kana?" tanong ni Rose sa akin.

Umiling ako at tipid na napangiti sa kanila.

"Bukas nalang siguro total isang linggo rin naman ang enrollment eh," sabi ko.

"Huh? Pag late enrollee ka hindi malabong hindi ka magiging kaklase namin
Trace!" kinakabahang sabi ni Rinka.

"Oo nga! Dapat magkasama tayong apat! Eh hindi mo pa naman pinagtatanggol ang
sarili mo. Di ka masasalba niyang kabaitan mo sa mga taong may ugaling demonyo!"
gigil namang sabi ni Rose.

"Okay lang. Bukas pagsisikapan ko ulit mag-enroll."

Namungay ang kanilang mga mata sa akin at bakas doon ang awa. Okay lang na
ganoon sila sa akin. Mas natatakot ako para sa kanila dahil hindi naman natutulog
ang Diyos. Nakikita niya lahat ng nangyayari rito at balang araw ay pagbabayaran
rin ng mga tao ang mga kasalanan nila. Sana hindi pa huli bago nila iyon marealize.
Sana mamulat sila na wala namang naidudulot na maganda ang pang-aapi saiyong kapwa.

Nagtungo rin naman ako sa bayan pagkatapos ko roon sa eskwelahan. Dumeritso na


ako kay Mama dahil nag-aalala rin ako doon sa kanya. Sila Rinka naman ay nagpasya
pang sumama sa akin at isusumbong daw nila kay Mama iyong inasal noong mga taga
school Registrar kaya sinabihan ko agad sila na h'wag nalang iyong banggitin pa.
"Oh? Nakaenroll kana?" tanong agad ni Mama at tiningnan ang tatlo sa aking
likuran.

"Hindi pa Ma. Bukas pa ata kasi ang haba ng pila kanina," rason ko.

"Hindi pa kayo nakakaenroll?" tanong niya sa tatlo.

"Ah, si Tracey nalang po ang hindi nakakapag-enroll," sagot ni Rinka na


ikinalunok ko.

"K-Kasi nasa huling pila ako tapos nacut-off. May mga mag-
eenroll pa naman bukas Mama 'tsaka hanggang isang linggo naman ang enrollment,"
paliwanag ko.

Doon lamang kumalma ang kanyang mukha pero bakas sa kanyang mga mata na may
inaalala itong ibang bagay.

Kumuha siya ng pera sa kanyang bag at binigyan ako ng isang daan.

"O ayan, bumili kayo ng meryenda niyong apat," sabi niya.

Napatingin ako sa kanyang panindang bulaklak at wala namang pinagbago ang


nabebenta niya. Siguro may mga tao paring walang pakialam sa issue.

Nagtungo naman kami sa bakery at doon nagpasyang kumain.

"Mukhang okay lang naman ang benta ng Mama mo, Trace," si Rinka habang
naglalakad kami.

"Iyong Mama mo rin naman kasi parang walang pakialam sa mga sasabihin ng
nakapaligid sa kanya," dagdag naman ni Rose.

"Ang amo ng mukha ng Nanay mo pero ang tindi rin ng ugali," si Rose.

Napangiti nalang ako sa kanila. Oo nga naman... Walang pakialam si Mama kung
sisiraan siya ng ibang tao pero doon lamang siya pumapalag pag kami na ni Kuya ang
sangkot. Kaya siguro ayaw niyang madawit kami sa mga Buenaventura dahil alam niyang
mangyayari ang ganitong bagay. Na kami ang kawawa dahil nga sa estado at hindi
namin kalebel ang mga ito.

Pagdating sa bakery ay may grupo ng mga babae ang nakabante sa isang mesa. May
dalawa pang bakante kaya doon kami sa isa umupo. Si Rinka naman ang nagpasyang
bumili.

Kitang kita ko kung paano nagsikuhan iyong mga babae at may isa pang ngumuso sa
akin. Ang kanilang mga eskpresyon ay mabilis na nagbago.

"Hay may salot na napadpad. Nakakawalang gana tuloy kumain," pagpaparinig noong
isa kaya awtomatikong napalingon si Rinka doon.

"Sa ganyan mo bang mukha syempre kahit ako mawawalan ng ganang kumain at gusto
nalang mamatay," marahas niyang sabi na ikinalala lamang noong ekspresyon ng isang
babae.

"Tara na nga! Baka mahawa pa tayo sa isa diyan!" reklam naman noong isa at
nagsitayuan na sila.

Napalunok ako ng laway habang sinusundan silang umalis at inirapan pa ako.

"Ganyan nga. Umalis kayo mga gaga," inis namang sabi ni Rose.

"Kikitid ng utak jusko naman! Di ako makapaniwalang may mga taong di talaga
biniyayaan ng talino!" Nailing pa si Cecille.

"Hayaan niyo nalang," tanging nasabi ko na ikinasira ng kanilang ekspresyon.

Dumating narin naman iyong tindera at napatingin pa roon sa ibang costumer na


umalis saka niya ako tiningnan. Mabilis namang nagkasalubong ang kilay nito.

"Pabili po kami nito. 'Tsaka dito po kami kakain," sabi ni Rinka at may itinuro
pang tinapay.

"Samahan mo narin noong malaking softdrinks, Rinka," si Rose naman.

Nag-iwas ako ng tingin sa tinderang titig na titig sa akin at mukhang hindi


pinapakinggan si Rinka.

"Iyan ba iyong kapatid noong kriminal na tumakas?" inis na tanong noong tindera
kay Rinka.

Mabilis ko itong nilingon.


"Hindi naman po iyong kapatid ko ang pumatay kay Ate Rici—"

"Ikaw nga ang kapatid noon!" putol niya sa akin at mas kinain ng galit ang
mukha.
"Ate mali iyong binibintang sa kapatid niya dahil mabait naman si Bram—"

"Umalis kayo diyan sa lamesa dahil nakareserve na iyan." Inis niyang putol kay
Rinka.

"Huh? Edi sige lilipat kami sa kabila." Tumayo si Rose at sinenyasan pa akong
doon daw kami sa kabila.

Tumayo narin ako at umiling sa tatlo na h'wag nalang kaming kumain doon dahil
baka mas lumala lamang.

"Umalis na nga lang kayo! Nawawalan ako ng costumer dahil sa inyo!" Pananaboy
nito sa amin.

"Mawawalan ka talaga ng costumer diyan sa ugali mo Ate," inis namang sabi ni


Rinka.

"Tayo na nga lang. Di rin naman masarap ang mga tinapay dito! Parang inulit
lang! Ipagkakalat ko talaga na may buhok sa kili kili iyong isang tinapay!" inis
namang sabi ni Rose.

Tumawa ang dalawa na kahit ako ay ngumuso na makapagpigil lamang ako ng tawa.

"Umalis na kayo! Mga walanghiya!" sigaw ng galit na tindera kaya tumakbo pa


kami makaalis lang agad.

"Ipagkakalat rin naming amoy putok ka!" pahabol pang sigaw ni Rinka kaya mas
kumaripas kami ng takbo.

Tumatawa pa ang tatlo na kahit ako ay hindi narin mapigilang matawa dahil sa
sinabi ni Rose.

"Baka habang nagmamasa sila ng harina kinakamot nila ang kili kili nila kaya
ayun nasasama!" Natatawang sabi ni Rinka.

"O mas malala kung nagkakamot sila sa ibaba tapos kulot na buhok ang nasama!"
si Rose naman.

Mas lalong naging malutong ang tawanan naming apat habang naglalakad kami.
Kani-kanila lang umiiyak ako ng husto dahil sa mga nangyayari tapos ngayon
sumasakit na ang tiyan ko kakatawa.

"Bwesit na tinderang iyon! Ang babaw rin!" inis na sabi ni Cecille pagkatapos
naming makabawi sa tawanan.
"Pasensya na at nadadamay kayo," sabi ko sa kanila.

"Ano ka ba, Trace! Mas gusto naming inaapi ka para maapi rin namin sila!
Pataasan nalang ng sungay!" pagmamayabang pa ni Rinka.

"Basta Trace... H'wag na h'wag kang magpapaapekto sa kanila 'tsaka buhay pa


naman si Israel," si Rose naman na ikinaputla ko.

Natigilan rin silang tatlo at tila may napagtanto.

"Tingin mo... galit rin si Israel sa'yo?" tanong sa akin ni Rinka nang bumagal
ang paglalakad namin.

Umiling ako.
"Hindi ko alam eh... Pero noong sumugod siya sa bahay kasama ang mga tauhan
nila... parang di na siya iyong lalakeng nakilala ko."

"Sana naman walang gawin ang mga Buenaventura. Eh hindi naman kasalanan ni Bram
kung nagsuicide si Rici. Baka may iba pang dahilan..." Tila panalangin na iyon ni
Cecille.

"Sana nga..." si Rose naman.

Iyon rin ang panalangin ko na sana ay h'wag nilang idiin lahat kay Kuya. Pero
malinaw pa sa aking utak ang binitiwang salita ni Israel kay Kuya na pag may
nangyaring masama sa kanyang kapatid ay mapapatay niya ito. Doon palang ay
kinakabahan ako. Hindi ko maisip kung anong kayang gawin ni Israel pag nakita niya
ang aking kapatid.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 32

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
Konting Tiis
Sa sumunod na mga araw ay inasikaso ko ulit ang enrollment ko. Marami paring
estudyante. May iilan na mukhang hindi naman ako kilala at bagong enroll ata rito
pero marami paring napapaismid nalang at bigla biglang lalayo sa akin.

Hindi naman ako nasasaktan pag lumalayo sila dahil noon paman ay sanay na akong
mag-isa. Mas mabuti na nga siguro iyong ganito na kusa na silang lumalayo sa akin
kaso nga lang may kasama pang paninira.

"Pre tingnan niyo, ang ganda oh!"


"H'wag yan. Kapatid iyan noong nanloko sa Buenaventura na si Rici kaya
nagpakamatay. Madadamay ka sa kamalasan niyan."

"Ay sayang! Ganda sana. Sila pala iyon..."

Hindi ko na nilingon ang dalawang lalakeng pinag-uusapan ako nang madaan ako sa
kanilang gawi. Mag-isa akong pumunta lalo na't may ginagawa rin iyong tatlo. Balik
trabaho iyong dalawa habang si Cecille ay may lakad para bumili ng gamit.

Nag-aalala pa nga silang tatlo sa akin dahil baka matulad lamang kahapon ang
nangyari at wala sila sa aking tabi pero sabi ko ay kaya ko naman. Nadala lang
siguro si Feli sa galit at pagluluksa. Naiintindihan ko naman siya dahil mas
malapit sila ni Ate Rici kaya siguro ganoon niya narin kung ipagtanggol ito.

Mahaba ulit ang pila at nasa dulo pa ako. May iilan na napapatingin sa akin at
mabilis agad ngumingiwi. Para silang nakakakita ng kasuklam suklam.

Panay rin ang lingon noong babaeng nasa harapan ko.

"Pwedeng lumayo ka ng kaonti sa akin?" inis niyang sabi kaya mabilis akong
humakbang palayo kaonti sa kanya.

"Umatras ka pa," utos niya.

Napalingon ako sa aking likuran. Pag umatras pa ako ay mahuhulog na ako roon sa
may butas na nagsisilbing daungan ng tubig sa tuwing umuulan palabas ng eskwelahan.

"Mahuhulog na ako eh," sabi ko sa kanya na kahit iyong nasa harap niyang
kaibigan ata ay nilingon na ako.

"Wala akong pakialam basta lumayo ka sa akin. H'wag kang dumidikit baka hawaan
mo ako," inis niyang sabi.

"Pero di naman ako dumikit sa'yo," paliwanag ko sa marahang boses na mas


ikinasira ng kanyang mukha.

"H'wag mo nga iyang kausapin Fey," saway na kayang kaibigan kaya umirap agad
ito sa akin.

Ngumuso ako at lumapit ulit doon ng kaonti. Buong akala ko ay makakapag-enroll


na ako pero noong ako na ulit ay bigla nalang nagbago ang pakikitungo sa akin. Ayaw
nilang iproseso ang aking enrollment sa kadahilanang cut-off na daw at mamaya ulit
hapon.

Kahit maghintay ulit ako mamayang hapon ay alam kong may panibago ulit silang
rason na sasabihin sa akin. Alam ko naman eh... Alam kong dahil sa nangyayari kaya
ganoon sila sa akin. Hindi naman ako batang paslit na kung uutuin ay mabilis na
mauuto at kaya mo lang paniwalain basta may candy na kapalit.

"Bumalik ka nalang ulit mamaya," aniya.

Akma niyang ibababa iyong pangharang kaya mabilis agad akong nagsalita.

"Pero Ma'am... unfair naman po diba kung di niyo ako tatanggapin dahil lamang
sa issue na biktima lang po ako? Di po namin ginusto ni Kuya ang pagkamatay ni
Rici. Di naman po kami ganoon kasamang tao para hilingin ang isang bagay na
makakasakit sa ibang tao. N-Nandito po ako dahil gusto ko pong mag-aral kaya sana
po... asikasuhin niyo rin po ako katulad noong pag-aasikaso niyo sa ibang
estudyante."

Kitang kita ko ang yumakap na gulat sa kanyang mukha. Pero


kalaunan ay bumalik din ang galit doon at mas malala pa ngayon.

"Ako sa'yo maghanap ka ng ibang paaralan! Iyong malayo dito! Galit na galit ang
mga Buenaventura sa pamilya niyo at baka madamay pa kami! Oo at di niyo nga pinatay
pero kayo ang rason kaya ba't nagpakamatay si Rici! Pinerahan niyo pa at
pinakinabangan saka niyo tinapon! Nakakasuka kayong magkapatid! Lumayas kana!
Nasisira mo ang araw ko!" Marahas niyang ibinaba iyong pangtakip noong bintana na
ikinaatras ko nalang.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Saan naman ako mag-eenroll eh ito lang ang
publikong paaralan dito? May scholarship naman ako pero kung lilipat ako roon sa
isa pang eskwelahan dito ay may kamahalan doon at baka dagdag gastos lamang.

Wala akong nagawa noong araw na iyon. Nagtungo ako sa bayan at tinulungan
nalang si Mama.

"Oh? Nakapag-enroll kana?" tanong niya agad.

Hinubad ko ang maliit kong bag at tinabihan ito.

"Uh... Bukas babalik pa ako Mama kasi ano ang raming estudyante kanina." Nag-
iwas ako ng tingin sa kanya.

"Tracey, umamin ka nga? Eh iyong tatlo mong kaibigan nakapag-enroll agad


kahapon ah? Ginigipit ka ba roon?!" Tuminis agad ang kanyang boses sa huling
pangungusap.

Nag-angat ako ng tingin kay Mama at akmang iiling nang itinuro niya ako.
"Kilala kita! Kahit ginagawan kana ng masama ay binabalewala mo! Umamin ka!"

Nagloosen ang aking balikat.

"Ayaw po nilang tanggapin ang enrollment ko, Mama..." sumbong ko.

"Aba't mga hayop na iyan!" Napatayo pa ito sa sobrang galit kaya mabilis ko
siyang hinila paupo.

"P-Pero bukas babalik ulit ako! Susubukan ko ulit baka makulitan sila sa akin
at sa huli ay tanggapin rin nila ang mga requirements ko."

"Talagang bukas ay maeenroll kana! Sasama ako sa'yo bukas. Makakatikim sa akin
ang mga hudas na iyan!" gigil na sabi ni Mama na ikinalunok ko ng laway.

"Mama... H'wag ka pong mag-eskandalo roon—"

"Dalawang araw kanang pabalik balik doon tapos gaganyanin ka lang! Aba'y di
kita binuhay para apihin nila, Trace!"

Ngumuso ako at namungay ang mga mata kay Mama. Siya ba... Kinikimkim niya rin
ba ang lahat? Pinagtatanggol niya kami ni Kuya Bram kaya pag pinagsasalitaan rin ng
masama si Mama ay pinagtatanggol ko rin talaga ito.

Mahirap gumalaw sa bayang ang tingin sa'yo ay naiiba ka. Kinamumuhian ka ng


lahat at tingin sa amin ay mga may dalang dilubyo na pag lumapit ay mamalasin rin
sila. Pero anong magagawa namin ni Mama, wala naman kaming sapat na pera para
umalis. Sino rin ba ang gustong tumira sa lugar na sinisira ka?

Kinabukasan, katulad ng sinabi ni Mama ay sinamahan niya nga ako sa eskwelahan.


Maaga kaming dalawa at kapwa agad dumeritso sa Registrars Office.

Nasa likod ako ni Mama habang pumipila kaming dalawa. May ibang mga
estudyanteng napapatingin pero kung tinitingnan rin ni Mama pabalik at sinasamaan
ng tingin ay mabilis rin itong nag-iiwas ng tingin. Ngumuso ako at hindi maitago
ang ngiti dahil sa kanyang ginagawa.

"Ang mga batang ito... akala mo kung sinong magaganda," narinig ko pang sabi ni
Mama.

Tila inipon niya ang inis na nararamdaman hanggang sa siya na ang sumunod ay
halos mapatalon ako sa gulat nang pahampas niyang inilapag ang mga requirements ko.

"Dalawang araw ng pabalik balik ang anak ko rito at hindi


niyo man lang pinoproseso nang maayos ang enrollment niya! Nagbabayad kami ng
maayos ah? Anong problema niyo?" galit niyang sabi sa babaeng namutla rin dahil sa
presensya ni Mama.

"H-Hindi naman sa ganoon M-Ma'am—"

"Anong hindi! Halatang kinakawawa niyo ang anak ko dahil lang sa sitwasyon
namin ngayon?! Anong kinalaman ng eskwelahang ito sa buhay namin at nakikisawsaw
kayo?! Mga Buenaventura rin ba kayo! Kamag-anak niyo iyon?!"

Hindi nakasagot iyong babae kay Mama at nag-iwas ng tingin. Kahit iyong
katabing babae ay ganoon rin. Ang iilang mga estudyante ay nakikiusyoso rin sa
pagsiklab nito.

"Dapat kayo ang magsilbing magandang ehemplo sa mga kabataan dito pero kayo pa
itong minamaliit sila! Ganyan na pala ang mga pinapasahod ng mga gobyerno ngayon?!
Namimili ng seserbisyuhan? Sige! Tingnan natin kung hanggang saan iyang mga ugali
niyo kung iaakyat ko ito sa Dep-Ed! Mawawalan talaga ng lisensya ang eskwelahang
ito dahil sa baluktot niyong serbisyo!" Inis na dinampot ni Mama ang aking
Requirements.

"Tayo na Trace! Wala tayong mapapala rito!" galit na sabi sa akin ni Mama at
naglakad na paalis.

Nalaglag ang panga noong dalawa at mas namutla. Napalunok naman ako at sinundan
ang aking ina. Mahahalatang galit ito dahil narin sa paglalakad niya at kulang
nalang ay ibaon ang kanyang mga paa sa sahig.

"Misis! Sandali lamang po!" habol noong babaeng taga Registrars Office.

Tumigil ako sa paglalakad na kahit si Mama ay tumigil narin. Lumapit sa amin


lalo ang babae na tinubuan ata ng konsensya base narin sa kanyang ekspresyon.

"P-Pasensya na po sa inasal namin sa anak niyo. H-Hindi na po mauulit..."


Yumuko pa ito.

Napangiti ako roon. Si Mama ay nag-aangat parin ng kilay at hindi kumakalma.

"Akin na ang requirements ni Miss Quiamco at ipoproseso ko na..." Inilahad niya


ang kamay niya kay Mama at ngumiti ng pilit dala narin ng ekspresyon ni Mamang
hindi nagbabago.

Ako mismo ang kumuha sa kamay ni Mama noong requirements ko at ibinigay sa


kanya. Kahit iyong bayad ko ay binigay ko narin.

"Salamat po ng marami!" bigkas ko na ikinalingon niya sa akin at tumango.


"Pasensya na talaga kahapon, hija..."

Umiling ako. "Okay lang po..."

"Sige... Aalis na ako."

Nilingon ko agad si Mama at nginitian ito na napaismid pa.

"Mga plastik! Pwe!"


"Mama naman... Humingi na ng tawad at iyon ang importante." Ngumisi ako sa
kanya.

"Kung ako ang nasa edad mo at inapi ako. Nako... Marami siguro akong masusuntok
na mukha!" naiiling niyang sabi at nagsimula ulit maglakad na ikinatawa ko. Grabe
naman!

Masaya ako noong araw na iyon. Si Mama naman itong gigil na gigil parin na
tinawanan ko nalang. Biniro ko pa ito na para niya nang gigibain iyong lugar sa
galit niya.

Siguro kung hindi rin nagalit si Mama noong araw na iyon ay hindi talaga ako
makakapag-enroll nang ako lang.

Bali-balita sa buong lugar ang nagaganap na lamay sa mansyon ng mga


Buenaventura. Marami raw ang mga pumupunta roon para makiramay at karamihan ay mga
edtudyante pa. Gusto ko rin sanang pumunta kaso takot rin ako sa mga Bueaventura at
kabilin-bilinan pa ni Mama sa akin na layuan sila.

"Pag lumapit lapit iyong lalakeng Buenaventura sa iyo


tumakbo ka agad! Tuso pa naman sila. Baka ikaw ang pagbayarin nila sa kasalanan ng
Kuya mo. Sigurado akong pinapahanap nila iyon," sabi sa akin ni Mama noong kumakain
kaming dalawa sa gabing iyon.

Tumango agad ako kay Mama. Kahit hindi niya sabihin ay iyon talaga ang gagawin
ko. Iba na ang sitwasyon ngayon. Ang leyong akala ko ay maamo ay sumiklab na. Hindi
ko na ito kilala at baka pag nilapitan ko ay mapapahamak lamang ako. Di narin ako
magtataka kay Israel kung galit narin siya sa akin ngayon. Baka ako ang sinisisi
niya sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Baka kahit ako ay kinamumuhian niya narin.

Ang mga pangakong iyon ay nawalan na ng silbi. Ano pang silbi noon eh wala na
si Ate Rici? At kahit siguro hindi ko hilingin sa kanya na layuan ako... kusa na
siyang lalayo sa akin.

"Tingin mo Mama... nasaan na kaya si Kuya? Babalik ba siya rito?" tanong ko sa


kanya na ikinabagal ng kanyang pagmuya.
Uminom siya ng tubig kaya sumubo ako at mabilis ring ibinalik sa kanya ang
aking mga mata.

"Sana nga at h'wag na siyang bumalik dito. Nang dahil sa katigasan ng kanyang
ulo ayan ang napala niya! Kung sinunod niya lang sana ako... kung nakinig lang sana
siya at hindi pinairal iyang bugso ng damdamin niya edi sana naiwasan ito!" gigil
niyang sabi at nagkakasalubong pa ang mga kilay.

Siguro... kahit anong iwas mo rin sa isang bagay, kung itinakda namang mangyari
ay mangyayari talaga. Hindi kaya at oras narin iyon ni Ate Rici? Baka may rason
para kunin siya nang maaga ng Panginoon. Siguro kailangan lang nating lawakan ang
pag-iisip natin para maintindihan ang nangyayari sa ating paligid.

Baka kahit hindi ako makialam kina Kuya Bram at Ate Rici ay gagawa parin ng
paraan ang tadhana para sa kanilang dalawa. Siguro lahat ay nakaplano na. Ako ang
ginamit bilang tulay para hindi mahadlangan ni Israel ang dalawa at dahil rin sa
pagtatagpong iyon ay may nabuo rin kaming panibagong kabanata ni Israel. Siguro
itinakda rin ng Langit na paglapitin kami sa isa't isa. Kung hindi man kami
pinagtagpo para sa isa't isa, marahil ay pinagtagpo kami para bigyan kaming dalawa
ng leksyon. Siguro ito ang paraan ng Diyos para matuto kami.

Kahit ano ano nalang ang aking naiisip. Nangingibabaw ang takot sa akin at
bumubuo ng sitwasyon sa aking isipan. Paano kung bigla kaming magkasalubong sa
daan? Anong gagawin ko? Tatakbo ba ako? Magtatago? Matutulala? Pero pag nagkita rin
kami ay ano naman ang gagawin niya? Susumbatan niya ba ako? Sisigawan ng masasakit
na salita? Tatanungin ako sa kinaroroonan ng aking kapatid? Pero paano kung
lalagpasan niya lang pala ako?

Baon baon ko ang mga katanungang iyon hanggang sa unang araw ng pasukan.
Maingay agad ang paligid at nagtitilian pa ang iba sa t'wing nakikita nila ang
kanilang kaibigan. Nagyayakapan sila at may iba pang tumatalon talon.

Natutuwa ako sa nangyayari sa aking paligid at gusto ko ring yakapin ang puno
ng eskwelahan dahil iyon ang namiss ko. Gusto kong yakapin ang mga halaman at pati
iyong parang waiting shed na mahaba na nagsisilbing upuan ng mga estudyante.

May iba na pag nagagawi ang tingin sa akin ay kusang nabubura ang ngiti sa
kanilang labi. May iba pa na napuputol ang pagsasaya nila dahil lamang sa presensya
ko at mabilis na masisira ang kanilang mga ekspresyon. Nakakalungkot naman at
pinuputol nila ang pagsasaya nila dahil lamang sa akin.

Nag-iwas nalang ako ng tingin at umaalis agad sa aking pwesto.

"Trace!"
May biglang yumakap sa aking likod at ilang sandali lamang ay nadagdagan pa
iyon.

Napangiti agad ako sa tatlo na sabik na sabik na makita ako.


"Uy grabe gumanda ka! Anong ginawa mo?! Inspirasyon mo ba iyong mga pangit
diyan sa tabi tabi na sinisiraan ka kaya mas umaangat ang ganda mo kaysa sa
kanila?!" malakas na sabi ni Rinka ay tila nagpaparinig.

Tinawanan ko ito. "Baliw..."


"Gumanda ka nga, Trace! Ano ba ang sekreto mo? Ilang araw ka lang naming di
nakita ah..." Sinuklay suklay pa ni Cecille ang buhok kong nakalugay gamit ang
kanyang kamay.

"Dasal lang naman," sabi ko sa kanila na ikinasira ng kanilang ekspresyon.

"Aray naman... Oo na kami na itong halatang hindi nagdadasal kaya parang


sinumpa ang mga pagmumukha! H'wag mo ng ipamukha sa amin na mga demonyo kami."
Umirap pa si Rose sa akin.

Tumawa agad ako.

"'Tsaka hindi ata dasal ang kailangan ng mga mukha niyo kundi albularyo,"
pagbibiro ko sa kanila na mas ikinasira ng kanilang ekspresyon.

"Itumba na natin ito, ano?" Nilingon pa ni Rinka ang dalawa na tumango naman
agad.

Bumungisngis ako sa kanilang harapan pero natigil rin dahil sa matatalim at mga
pagpaparinig nila sa akin.

"Ang kapal ng mukha. Habang nagluluksa tayong lahat ay may iba naman diyang
tumatawa pa. Wala talagang puso. Sila na nga itong may kasalanan."

"Walang konsensya."
Nag-iwas nalang ako ng tingin sa dalawang babaeng napadaan at umalis rin naman
agad para iwan ang mga salitang iyon.

"Ba't di nalang nila binulong sa ating apat iyong mga pagpaparinig nila? Paano
kung di natin alam na para pala iyon sa atin tapos parinig sila nang parinig edi
sila rin ang nagmukhang tanga!" si Rinka na narinig rin ata iyong sinabi ng dalawa.

"Akala ko talaga ako lang ang may mahinang kokote rito. Hindi ko alam na may
mas malala pa pala sa akin at sobrang dami pa!" si Cecille naman.

"Purket tumawa lang si Trace! Di nila alam minsan lang tumawa ang babaeng ito!
Lahat ata bigdeal na." Nailing namang natampal ni Rose ang kanyang noo.

Isang buntong hininga ulit ang naisagot ko sa kanilang tatlo. Wala na talaga
akong magagawa kung nagtanim na lahat sila ng galit sa akin. Mapupuna nila lahat ng
aking mali at iyon ang palalakihin dahil wala rin naman silang pakialam sa mga
tamang nagawa ko. Pag galit ka sa isang tao, kahit gaano pa ito kabuti ay puro mali
lamang ang makikita mo. Kung wala man... ikaw mismo ang maghahanap ng butas sa
kanya masiraan mo lamang ito.

Pagkatapos ng flag ceremony ay nagtungo run naman kami sa Grade 10 building


para hanapin ang magiging classroom namin. Sa unang classroom palang na tiningnan
namin ay nagtilian na agad ang tatlo nang mahanap nila ang mga pangalan nilang
magkakasama.

Iginala ko rin ang aking mga mata sa nakapaskil na papel kung nasaan nakalista
ang mga pangalan at bigong mahanap ang akin. Doon nila napagtantong wala rin ang
aking pangalan.

"Teka baka nakaligtaan lang natin." Tiningnan ulit ni Rinka ang papel at
hinanap ang pangalan ko sa may Q na letra pero wala talaga roon.

"Di natin magiging kaklase si Tracey?!" dismayadong sabi ni Rose.

"Baka pwedeng itransfer ka sa classroom namin, Trace!" si Cecille naman.

Umiling ako sa tatlong nakatingin na sa akin at nginitian sila.

"Okay lang. Expected ko narin na hindi tayo magiging magkaklase dahil nalate
rin ako sa pag-enroll at hindi nakasabay sainyong tatlo. Siguro nasa dulo lang nito
ang magiging classroom ko." Nilingon ko ang mga sunod na classroom.

"Ano ba 'yan! Bobo kaming tatlo at ikaw lang ang naaasahan namin minsan!
Babagsak talaga kami!" reklamo ni Rinka.

"At wala kang makakasama sa classroom! Baka pagtulungan ka nila!" si Cecille


naman na alalang alala rin.

"Kaya ko naman ang sarili ko 'tsaka kung mga may subject na nahihirapan kayong
intindihin pwede ko parin naman kayong tulungan. Schoolmate parin naman tayong
tatlo," sabi ko sa kanila para kumalma sila.

"Magkaklase dapat tayong apat kung hindi lang talaga nakakabwesit iyong mga
taga Tegistrar Office!" si Rose.

Ilang minuto rin silang nagbunganga sa aking harapan na kahit sa paghahanap ng


classroom ko ay tinulungan pa nila ako. Dalawang classroom lamang ang namamagitan
sa classroom nila mula sa amin. Ni isa, wala nga akong kakilala. Ni isa, wala ring
gustong makipagkilala sa akin. Lahat sila, alam kong hindi na agad ako gusto kahit
umpisa palang ng klase.
Umupo ako sa bakanteng upuan at nahirapan pa ako lalo na't nagrereklamo iyong
magiging seatmate ko na may nakaupo na raw doon kaya kailangan ko pang lumipat sa
pinakalikod at walang nagawa kundi umupo roon sa patapon at sirang upuan. Ang iilan
ay nililingon pa ako at mabilis agad na iirap.

Konting tiis lang Trace... Hindi naman siguro ganito habang buhay diba?
Matatapos rin ito kaya konting tiis pa...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 33

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Nagbago Na
Okay lang naman ang first day of school ko pero hindi rin talaga kagaya noong
dati na tinitingnan lang ako at wala namang sasabihin. Ngayon, pwede na ata akong
makagawa ng isang libro sa mga pang-iinsulto nila sa akin.

Tuwing lunch ay dinadayo lang ako ng tatlo sa classroom at nakikipagsabay sa


aking kumain pero tuwing hapon ay mag-isa parin talaga akong umuuwi lalo na't
minsan ay kailangan ko pang puntahan si Mama sa bayan. Siguro... pag tumagal ito ay
masasanay ulit ako sa pang-iinsulto nila hanggang kusa narin silang tumigil dahil
baka sakaling marealize nila na wala naman silang napapala.

Nasa loob ako ng cubicle ng girl's restroom noon nang may marinig akong
pamilyar na boses sa labas.

"Nagdadalamhati parin ba si Israel, Feli?"


"Oo. Araw araw iyong pinagsasakluban ng langit at lupa. Parehas lang sila ni
Tito Facundo na galit sa pamilya ng mga Quiamco. Sigurado akong gaganti sila dahil
iyon ang sinabi ni Tito sa anak niyang si Israel."

"Huh? Gaganti sila? Diba may something kay Israel at Tracey noon?"

Wala na ngayon! Ako na nga ang palaging nagcocomfort kay Israel. Ako ang
palaging nasa tabi niya pag malungkot siya. Baka nga nafall na 'yon saakin!"

"Bagay rin naman kayo lalo na't matalik mong kaibigan si Rici. Kaysa doon sa
Tracey na halatang golddigger!"

Nanatili ako sa loob ng cubicle at hindi muna lumabas doon habang nasa labas pa
sila. Magkatabi lang rin naman kasi ang building ng Grade 10 at Grade 11 kaya hindi
na ako nagtataka kung magkita nga kami ni Feli sa cr.

Noong marinig kong lumbas na ang mga ito ay doon lang rin ako lumabas.
Natingnan ko ang aking sarili sa salamin habang naghuhugas ako ng kamay. Si
Israel... galit na galit siya sa pamilya namin? At balak nilang gumanti? Sino ang
gagantihan nila kung ganoon? Si Kuya ba? Ako? Si Mama?

Pero tama bang gumanti sila sa amin eh hindi naman namin gusto ang nangyari kay
Ate Rici. Dahil kung alam ko lang na hahantong silang dalawa sa ganoon, edi sana
kahit ako ay humadlang nalang sa kanilang dalawa.

Kumikirot ang aking dibdib habang palabas ako ng cr. Si Feli na ang palaging
nasa tabi niya. Di nga na nakakapagtaka kung naging sila. Ano pa bang ipaglalaban
ko rito? Sigurado akong kahit ang kanyang ama ay ayaw naring nasa pamilya namin ang
mamahalin ni Israel. Ang nangyari kay Ate Rici ang magtutulak sa pamilya nilang
ituring kaming basura.

Wala sa sarili akong pumasok ng classroom habang iniisip iyon kaya hindi ko
napansin iyong biglaang pagpatid ng aking kaklase sa akin. Nabuwal ako sa
paglalakad at halos madiin ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakalagapak ko roon.

Napuno ng tawanan ang classroom habang namimilipit ako sa sakit. Nahimas ko ang
aking ilong at tumayo rin naman.

"Opse... Sorry... May tao pala!" sabi noong pumatid sa akin at tumawa pa ng
malutong kasama noong mga kaibigan niya.

Bumuntong ako ng hininga at dismayado itong tiningnan. Inangatan lamang ako


nito ng kilay at nakangisi pa.

Tumalikod ako at ayaw nalang silang patulan nang biglang may lumagapak sa aking
likod. Nahinto ako sa paglalakad at nilingon kung ano iyong binato sa akin. Isa
iyong notebook na medyo makapal.

"Kung makaasta ka akala mo ba ikaw ang pinakamaganda rito?! Siguro tuwang tuwa
ka na patay na ngayon si Rici para ikaw nalang ang nakakakuha ng mga atensyon ng
lalake!" sigaw nito sa matinding galit.

Kumunot ang aking noo at hindi alam kung ano talaga ang
pinupunto nila rito. Galit ba sila sa akin dahil sa ginawa ng kuya ko kay Ate Rici
o galit rin sila sa akin dahil nakukuha ko ang atensyon ng mga lalake? Lahat nalang
ba ay palalakihin nila? Lahat nalang ba ay isusumbat nila sa akin?

"Hindi naman ako nagagandahan sa sarili ko. Kayo lang ang nag-iisip noon at
pinapalaki niyo lang," sagot ko sa marahang boses na ipinagsalubong ng kilay noong
isa.

"Lalaban ata sa'yo Fey..." sabi noong kaibigan niya.


Lumapit sa akin iyong isa habang ang dalawa naman ay pumunta agad sa aking
likod. Lumunok ako ng laway habang nililingon sila. Umatras ako para sana umiwas
pero bigla akong tinulak noong dalawa.

Itinulak ulit ako noong nasa harap pabalik sa dalawa na itinulak ulit ako. Para
akong bolang pinagpapasahan.

"Please... Ayoko ng gulo..." Nagmamakaawa kong sabi habang walang tigil nila
akong tinulak tulak. Ang iilan ko namang kaklase ay nanonood lamang, walang balak
umawat.

"Total gusto mo namang pinagpepyestahan ka ng mga lalake ba't di ka nalang


maghubad?"

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na niyakap ang aking sarili.

"W-Wag, please! Nagmamakaawa ako. Please!" Umiling iling na ako habang


hinahawakan na ako noong dalawang babae.

Ngumisi na iyong kaklase kong papalapit na sa akin at napatingin pa sa suot


kong blusa. Ang mga kaklase ko namang lalake ay nagsimula ng sumipol sipol habang
ang ibang mga babae ay nagtatawanan na.

"Tumigil kayo! Please! Wag!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ng dalawa pero mas
humihigpit lamang ang kanilang pagkakahawak sa akin.

Nanlalabo na ang aking mga mata habang umiiling iling.

"Please!" sigaw ko ng malakas na sana ay may maawa sa akin at tulungan ako kaso
lahat sila ay walang pakialam sa akin.

"Ano boys? Gusto niyong makita ang katawan nito?" tanong niya sa mga lalakeng
tumango naman agad.

"Teka, vivideohan ko para may souvenir!" Mabilis na lumapit iyong isa kong
kaklaseng lalake dala ang kanyang cellphone at itinutok agad sa akin iyon.

Umiling ako habang ang aking mga luha ay nagpapaligsahan ng tumulo. Tumawa pa
iyong dalawang hinahawakan ako nang magpumiglas ako lalo.

Ganoon nalang ang gulat ko noong hinablot bigla noong babae ang aking blusa na
ikinaputok agad ng mga botones noon. Ang kalahati ng aking dibdib ay nakita na. Mas
lalong bumuhos ang aking mga luha.
"Wag!" Humagulhol ako at mas nilakasan ang aking pagpupumiglas para lamang
matakpan ang dibdib kong nalalantad na.

"Tamang tama lang naman pala ang dibdib nito! Iyong mga hita naman Fey! Hilain
mo iyong palda niya!" sulsol ng kaklase kong lalake na kahit ang iilang mga kaklase
konh lalake ay naghihiyawan na.

Ngumisi iyong Fey sa akin at bumaba agad sa palda ko ang kanyang mga mata.
Napayuko ako at mariing pumikit habang nagpupumiglas. Hindi sapat ang lakas ko.
Hindi sapat ang pagmamakaawa ko para lang tumigil sila. Tumaas baba ang aking
balikat dahil sa iyak na hindi ko na kayang kontrolin.

Hinawakan niya ang aking palda pero bago pa man mahila ay may mga pamilyar na
boses na akong narinig.

"Anong ginagawa niyo kay Tracey?!" sigaw ni Rinka kaya binitiwan agad ako noong
dalawa.

Dala ng namamanhid kong tuhod ay mabilis agad akong napasalampak sa sahig.


Niyakap ko ang sarili kong dibdib at humagulhol lalo.

Mas umingay ang paligid at nangibabaw ang tili noong Fey. Nang mag-angat ako ng
tingin ay pinagtutulungan na siya ni Rinka at Cecille. Kapwa nila ito sinasabunutan
habang ang kanyang mga kaibigan naman ay napaatras na.

Si Rose naman ang lumapit sa akin at tinulungan akong


takpan ang aking dibdib. Nalunod ako sa matinding kahihiyan at sa emosyon kong
nilalamon na ako.

"Bwesit ka! Insecure ka dahil maganda si Tracey kaya dinadaan mo sa


pagmamaldita mo! Pati iyang anit mo ay matatanggal talaga!" Mas pinanggigilan ni
Rinka ang buhok noon na ikinasigaw nito lalo. Si Cecille naman ay nagawa pang
sampal sampalin ang ulo nito.

Ang kanyang mga kaibigan ay tumakbo agad palabas. Gusto kong pigilan sila Rinka
dahil alam kong malalagot rin talaga sila pero kinakain ang aking kabuuan ng pag-
iyak.

"Anong nangyayari dito?!" sigaw ng maestra at nanlilisik na ang mga mata.

Mabilis na tumigil ang tatlo. Iyong kaklase kong may pangalang Fey ang hindi na
mahitsura ang mukha dahil sa buhok niyang sabog na sabog.

"Ma'am, pinagtulungan po nila ako!" Itinuro niya sina Rinka at Cecille na


binalot agad ng galit ang mga mukha.

"Anong kami?! Ma'am binully po nila si Tracey at hinubaran! May nagvivideo pa!"
sigaw ni Rinka.

Napunta ang tingin sa akin noong maestra na ikinatalim agad ng tingin niya sa
aking kaklase.

"Pumunta kayong lahat sa Office. Ngayon din!" sigaw noon na halos ikatalon
namin.

Inalalayan akong tumayo ni Rose. Si Rinka at si Cecille ay nagawa pang tingnan


ng matalim iyong kaklase ko.

"May extra tshirt ka bang dala, Trace?" tanong ni Rose sa akin na ikinailing
ko. Tumutulo parin ang mga luha sa aking mga mata at mabilis ko nalang na
pinupunasan.

"May extra ako. Teka kukunin ko." Tumakbo naman si Rinka palabas habang si
Cecille ay lumapit sa akin.

"Tingnan mo ang mukha niya, Rose. Kinalmot ko." Ngumisi pa siya at tiningnan si
Fey na nagpupunas ng luha.

"Pinalo palo mo rin ang ulo eh." Ngumisi rin si Rose.

"Baka kasi kulang lang sa hampas ang ulo niya para gumana ng matino ang utak
kaya hinampas hampas ko na," si Cecille.

Mariin nalang akong napapikit at dismayadong dismayado sa nangyari. Sigurado


akong madadamay silang tatlo sa akin. Baka maparusahan rin sila. Puro nalang
kapahamakan ang nadadala ko.

Pagdating ni Rinka ay ipinasuot niya agad sa akin iyong puti niyang extra
tshirt saka kami nagtungo sa office kasama iyong Fey. Iyong dalawang humawak sa
akin ay naghugas kamay agad at si Fey lang ang nadiin dahil siya itong nadatnan na
nakikipagsabunutan kina Rinka.

Ito ata ang pinakaunang beses na may sumabunot at nagpahiya sa akin. Ngayon ko
lang naranasan ang mabully ng ganito kalala.

"Alam niyo bang nasa School Regulations ang Bullying, girls? Pwede kayong
maexpell sa kalokohang ginawa niyo," sabi noong Guidance at isa isa kaming
tiningnan.
"Ma'am, iyang higad na 'yan ang naunang mangbully kay Tracey at pinagtanggol
lang namin ang kaibigan namin!" Itinuro pa ni Rinka si Fey na mabilis na yumuko.

"Pero hindi solusyon ang pag-aaway sa loob ng klase. Dapat ay isinumbong niyo
nalang agad sa malapit na gwardya!" sagot nito.

"Abangan natin 'yan mamaya sa labas at doon natin bugbugin," bulong pa ni Rose
kay Cecille na hindi nakaligtas sa aking tenga.

"Pero Ma'am, nasa Grade 10 bulding kami! Kung tumakbo pa kami para manghingi ng
tulong ay baka mas sinaktan na nila si Tracey!" angal ni Rinka.

Napatingin sa akin iyong Guidance Councilor.

"Nakakadalawang sugod kana ata sa lugar na 'to Miss Quiamco. Ba't lapitin ka ng
gulo eh ang amo amo naman ng mukha mo?" nagtataka niyang tanong habang binubuksan
iyong malaking notebook.

Napayuko nalang ako at hindi na sumagot pa. Di ko rin alam


kung ano ang sasabihin ko. Blangko ang aking utak at naaawa sa aking sarili.

"Marami kasing insecure sa kanya, Ma'am. Malalapitin talaga sa gulo ang


magaganda," si Rinka naman.

Nailing nalang iyong Guidance Councilor.

"Ilagay niyo ang mga pangalan niyo rito at bukas na bukas ay maglinis kayo sa
Mini Forest. Magwalis kayo roong lima bilang first offense niyo sa taong ito."

Nagsitanguan ang tatlo at game na game na inilista ang pangalan doon habang ako
itong nangangamba sa ikalawang record ko sa Guidance. Scholar pa naman ako at pwede
itong makaapekto sa profile ko. Maaaring may ibang eskwelahang umangal pag nakita
nilang marami akong record sa Guidance sa kabila ng matataas kong grado.

Sinamaan pa nila ng tingin iyong kaklase kong si Fey paglabas namin sa


Guidance. Tumahan na ako pero nakatatak parin sa aking utak ang nangyari kanina.
Paano nalang kung hindi dumating sina Rinka? Sigurado akong nahubaran na nila ako.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Dapat talaga hindi ka hiniwalay sa aming
tatlo!" galit na sabi ni Rinka habang naglalakad kami pabalik sa classroom.

Hindi ako umimik at napayuko nalang.

"Haynako! Dapat mag-aral ka ng taekwondo, Trace! Kahit sinipa mo lang sana ang
dibdib ng babaeng iyon! Tapos siniko mo iyong dalawang humawak sa'yo!" si Rose.

"O pwede mo silang paluin noong upuan para mas masakit! Kung ako ang ginanon
aabangan ko talaga sa labas at manghahamon ako ng sabunutan sa field! Kahit anit
noon hihilain ko sa ulo niya bwesit siya!" si Rinka naman na gigil na gigil parin.

"Ang sarap ilampaso ng mukha ng babaeng iyon! Ang kintab kintab pa ng noo! Di
ko alam may flowerhorn ka palang kaklase Trace!" si Cecille na nagawa pang silipin
ang aking ekspresyon.

Nag-angat ako ng tingin sa tatlo at pagod silang nginitian.

"S-Salamat... A-At pasensya na kung m-mahina ako..." Nalaglag agad ang mainit
na likido sa aking mga mata na mabilis ko nalang pinunasan. Ngumiti ako sa kanila
at sinikap na hindi tumakas ang hikbi sa aking bibig.

Mabilis na namungay ang kanilang mga mata sa akin.

"Okay lang na maging mahina Trace pero sana h'wag kang sumuko. Malalampasan mo
naman ito diba?"

Tumango agad ako kay Rinka at napangiti. Pinunasan ko ulit ang panibagong
luhang nalaglag.

"Magpapaapi ako sa kanila pero di ako magpapaapi sa pagsubok sa buhay. Tatayo


at tatayo ako kahit ilang beses pa nila akong hilain pababa," sagot ko sa nanlalabo
kong mga mata at garalgal na boses.

"Kung alam ko lang na ito ang kahihinatnan mo dapat di ka nalang namin tinulak
tulak sa Israel na iyon. Simula noong dumating siya sa buhay mo unti-unti ng
kinakain ng itim ang maliwanag mong pamumuhay. Palagi nalang makulimlim..."
malungkot na sabi ni Rinka sa akin.

Pumatak ang mga luha sa aking mga mata nang marinig ang pangalan niya. Tama si
Rinka. Simula noong hinayaan kong pumasok si Israel sa mundo ko ay naging
makulimlim na nga ang kalangitan. Ang liwanag ay kinakain ng dilim at iyon ang
palaging sumisilong sa akin. His shade brings chaos... Sa sobrang dilim di ko alam
kung kaya ko pa bang baguhin ang kulay noon at burahin ito. Di ko na mahanap ang
daan pabalik sa tamang landas sa sobrang dilim.

Bumalik rin naman ako sa classroom. Walang nagbago. Lahat sila ay


pinagkakaisahan parin ako at may ibang lalake pang sumisipol sipol. Naalala ko
bigla iyong lalakeng kaklase ko na kumuha noong video at iba na ang ngisi nito,
malademonyo na.
Pagkatapos ng klase ay umuwi agad ako dahil iba rin ang
tingin sa akin noong kaklase kong lalake na kinuhanan ako ng video. Iyong tatlo
naman ay matatagalan daw sila dahil may groupings agad at bukas na bukas na nila
ipeperform. Nagrereklamo pa nga sila dahil wala pa raw isang buwan ang klase pero
ang dami dami ng ginagawa.

Maaga akong umalis doon para makauwi pa ako sa bahay at makapagpalit ng damit.
Magtataka si Mama kung ba't ganito ang ayos ko at baka tingnan niya pa ang uniporme
kong nasira ang mga botones. Magagalit lang iyon at baka kung ano pa ang isipin.

Paglingon ko, ganoon nalang ang gumapang na takot sa akin nang makita iyong
kaklase kong lalake. Mabilis akong tumakbo para hindi niya lang ako maabutan pero
ilang sandali lang ay marahas niya ring hinila ang aking braso.

"Bitiwan mo ako!" sigaw ko at mabilis na nagpumiglas pero tumawa lamang ito


saka niya ako binitiwan.

"Chill! Hindi kita sasaktan. May sasabihin lang ako tungkol sa video na kinunan
ko." Ngumisi siyang muli sa akin nang magtama ang aming mga mata.

Kumalma ako pero hindi parin naaalis ang takot sa aking sistema. Mas matangkad
ito at kumpara sa lakas niya ay kaya niya talaga akong baliin kung gustuhin niya
lang. Medyo maitim ito at maitim rin ang kanyang buhok.

"Burahin mo iyong video, please..." Pagmamakaawa ko.

Tumango tango naman siya.


"Buburahin ko pero sa isang kondisyon..." Lumalim ang kanyang tingin sa akin at
nalaglag pa ang mga mata nito sa aking dibdib.

Napalunok ako ng laway at napaatras.

"Isang oras. May alam akong lugar... Iyong tayo lang dalawa..." sabi niya sa
malalim na boses at iba na ang iginagawad na tingin sa akin.

Kahit hindi niya pangalanan ang kapalit na gusto niya ay napupunto ko iyon.
Alam ko ang gusto nito sa akin.

"P-Pero hindi naman ako ganoong klaseng babae..." paliwanag ko sa kanya.

"Hindi ba? Balita ko may something daw sainyo noong Israel? Bakit ka niya
tinigilan? Nakuha kana niya?"

Umiling agad ako.


"Walang nangyari sa amin!" sigaw ko at lumingon lingon pa pero ni isang tao ay
wala akong matagpuan dahil nasa kalagitnaan palang ako ng daanan. Ni hindi pa ako
nakakarating sa lupain nila Rudy. Dapat pala ay dumeritso nalang agad ako sa
bayan...

"Wala? Edi patunayan mo. Isang oras at buburahin ko ang video. 'Tsaka h'wag
kang mag-alala experto naman ako. Dadahan dahanin ko at hindi mo ito pagsisisihan
dahil madadala kita sa kalangitan..." Ngumisi siya lalo sa akin at hinagod pa ang
kabuuan ko ng tingin.

Umatras ako at nang magkaroon ako ng tyempo ay mabilis akong tumakbo. Tumawa
ito at nagawa pa akong habulin.

"Shet ka! Yan ang gusto ko sa babae! Pa hard to get kahit gusto rin naman!
Maghabulan tayo!" sigaw ko sanhi para mas bilisan ko pa ang aking pagtakbo.
Tiningala ko ang langit kasabay ng mga luha kong umagos na parang gripo.
Nananalangin ako... sana h'wag mong hayaang may magawa siya sa aking pagsisisihan
niya rin! Nadadala lamang iyan sa makamundong pagnanasa!

May narinig akong yabag ng kabayong tumatakbo sa aking likuran. Nilingon ko


iyon at nasa malayo palang ito ay kilala ko na agad kung sinong nakasakay doon.
Nanindig lamang ang balahibo sa aking batok at para na akong nanghina. Sa lahat ng
taong kailangan kong iwasan ngayon... siya iyon. Dapat matuwa ako dahil sa wakas ay
may napadpad na makakatulong sa akin sa oras na ito pero hindi ako sigurado kung
tama bang siya ang napadpad dito.

Iyong kaklaseng lalake ko naman na humahabol sa akin ay mas binilisan ang


pagtakbo hanggang sa nahawakan niya ang aking bag dahil sa paghina ng aking takbo.

"Huli ka!" Hinila niya iyon ng marahas kaya mabilis kong hinubad ang aking bag
at tumakbo ulit.

Hindi palang ako nakakalayo ay naabutan niya ulit ako at nahawakan ang aking
braso. Sumigaw agad ako at nagpumiglas sa kanyang mga bisig.

Kitang kita ko kung paano bumilis ang talk noong kabayo at papalapit na sa
amin. Napalingon narin ang kaklase kong lalake roon na ikinaputla niya agad.

"Shit!" Mabilis niya akong binitiwan at tumakbo agad ito ng mabilis. Pinulot ko
agad ang aking bag kasabay ng kabayong paglagpas sa akin. Parang bumagal ang oras
at nakita ko itong nakasakay sa kanyang kabayo. Seryosong seryoso ito at sobrang
dilim ng eskpresyon suot ang fit na itim na vneck tshirt bilang pangloob at ang
nakasanayan niyang denim jacket, maong na pantalon saka ang itim nitong boots.

Sandaling naiwan ang kanyang pabango at nalanghap ko pa kasabay ng pagsabog ng


aking buhok sa ere dahil sa humampas na hangin sa akin gawa ng mabilis na paglagpas
ng kabayo niya sa akin. Sandali akong natulala at tila nawala sa aking sarili.
Naiiyak ako na ewan. Nangungulila ako sa kanyang presenya... sa kanyang pabango...
sa kanyang kabuuan pero ang kabuuan ko ay kinakain ng takot. P-Paano kung
pagkatapos niya akong tulungan ay humingi rin siya ng kapalit? Paano kung magtanong
siya tungkol sa kinaroroonan ng aking kapatid? At wala rin naman akong alam...

Sinundan ko ito ng tingin. Hinahabol niya ang kaklase kong lalakeng mas bumilis
ang pagtakbo at nililingon ang kabayong nasa likuran niya na. Mabilis na nalagpasan
noong kabayo ang kaklase ko saka bumaba roon si Israel na parang hangin sa sobrang
bilis at sa sobrang swabe. Ang aking kaklaseng tumatakbo, bago pa makatigil ay
pinahinto na siya ni Israel sa pamamagitan ng pagsipa nito ng malakas sa kanyang
dibdib sanhi para matilapon agad ang aking kaklase at humandusay sa sahig.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Binalot ako ng takot sa lalakeng walang


bakas na awa ang pagmumukha at kayang kayang manakit gamit lamang ang kanyang
kamao. Hindi na iyan ang Israel na nagustuhan mo Trace... Gaganti siya sa pamilya
mo at baka ang pagtulong niya sa'yo ngayon ang paraan niya para makapasok siya ulit
sa buhay mo. Nagbago na siya... dumilim lalo at mas naging nakakatakot.

Kinwelyuhan niya ang aking kaklase na napatayo niya at kahit ang mga paa nito
ay hindi na sumayad sa lupa dahil sa pagkakaangat niya noon. Nagpumiglas naman ito
pero mabilis siyang sinuntok ni Israel sa tiyan saka niya ito binitiwan na
ikinaluhod agad nito sa sahig yakap yakap ang tiyan.

Napaatras ako. Nanginginig ang aking mga labi at kinikilabutan na sa kanyang


galit. Dala narin ng takot ay mabilis na nanlabo ang aking mga mata. Noong mag-
angat siya ng tingin at sinalubong ang akin, doon na ako napalunok ng laway at
tumalikod agad. Kumaripas ako ng takbo palayo sa lalakeng hindi ko alam kung mabuti
pa ba ang intensyon sa akin o may iba na.

Tumakbo ka at h'wag kanang lumingon Trace! Hindi na siya ang Israel na iyon!
Binago na siya ng nangyari sa kanyang kapatid at siya ang mas magdadala sa'yo sa
kapahamakan! Tumakbo ka palayo sa kanya!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 34

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Happy Valentines everyone! Happy reading!
--------------
Panauhin
Para na akong hihikain habang tumatakbo ako ng mabilis palayo sa kanya. Para
akong may tinatakasang krimen kaya ganito ako kadesperadang makaalis doon idagdag
pa ang puso kong tila lalabas na.

Ilang sandali lang ay narinig kong muli ang yabag ng kanyang kabayo na
humahabol na kaya doon ako mas ginapangan ng matinding kaba. Tumataas baba ang
aking balikat at namumutla na ako sa iniisip kong nasa likod ko na ito.

In just a split second, he maneuvered his horse skillfully and blocked my way
infront of me. Mabilis akong napahinto kasabay ng mga buhok kong sumabay rin sa
aking galaw at mabilis ring nalaglag dahil sa biglaan kong paghinto.

My eyes widened in horror. Nakatingala na ako sa lalakeng mariin ang hawak sa


pisi ng kanyang kabayo at hindi nagbabago ang ekspresyon. Napalunok ako ng laway,
hindi alam kung ano ang gagawin.

Dahan dahan, sa nakakapanindig balahibo niyang galaw ay nilingon niya ako. Ang
aking puso ay tila sumabog na nang magtama ang aming mga mata. His eyes were
covered with something dark and something wild. Ganoon na kalala ang kanyang titig
na kahit ako ay matutunaw niya na ata.

His grip loosened. Tiningnan niya ang aking suot at hinagod ako ng tingin.
Hindi katulad ng tingin noong lalakeng kaklase ko, hindi katulad ng tingin ng iba,
iba ang panghahagod ng kanyang mga mata sa akin. Para itong may pinapapasok na mga
alagad niya sa aking loob kaya ganoon nalang ang epekto niya sa buo kong sistema.

Umawang ang kanyang bibig na ikinaatras ko na kaya agad iyong natutop.


Nanlalabo na ang aking mga mata dala narin ng nangyari kanina. I saw him... galit
siya at hindi malabong galit rin siya sa akin.

Nakakabingi ang katahimikan. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at sinikap na


pigilan ang aking mga luha. Tinitigan niya lamang ako ng malalim at mukhang pinag-
aaralan ako.

"C-Condolence pala..." sambit ko sa nanginginig kong mga labi.

Tumango siya. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang biglaang pag-iba noon.
Kung paano niya rin sinikap na kimkimin ang kanyang emosyon at panatilihin ang mga
luha roon. Alam ko... hanggang ngayon ay nagluluksa parin siya. Hanggang ngayon ay
nasasaktan parin siya. Gusto ko man siyang damayan, gusto ko mang makatulong, ayoko
namang bitiwan ang pamilya ko. Ayokong isakripisyo ang nakakabuti sa amin para lang
sa pangsarili kong kasiyahan.

"How are you doing?" he asked me painfully.

Wala sa akin ang kanyang mga tingin at nasa harap lamang iyon. Ang kalahati
lamang ng kanyang mukha ang nakikita ko.

Hindi ako agad nakasagot. Pakiramdam ko, pag sasabihin kong okay lang ako ay
tatraydurin agad ako ng mga luha ko. Ni hindi ko alam kung dapat bang itanong niya
iyon sa akin. Alam ko namang gusto niyang malaman ang tungkol kay Kuya pero anong
magagawa ko... mas matimbang ang pamilya Israel.

"A-Aalis na pala ako..." tanging sinabi ko at lumiko na sa ibang direksyon. Ni


hindi ko mabigkas ang salamat sa ginawa niya kanina. Pakiramdam ko kasi dapat ay
may kapalit rin iyon...
"Ang kapatid mo..." bigkas niya na ikinatigil ko at naging yelo na sa aking
kinatatayuan.

"Where can I see him?" tanong nito sa desperadong boses na nagpalamig sa akin.
Mas nanlabo ang aking mga mata. Gaganti ba talaga kayo, Israel?

Unti-unting kumuyom ang aking mga kamay. Nawawalan na ako ng lakas. May kung
ano talaga kay Israel na nagpapasindak at nagpapahina agad sa akin.

"Di naman kasalanan ni Kuya ah..." sagot ko sa mahinang


boses at nananalangin nalang na sana ay marinig niya.

"Bakit niyo ba sinisisi sa k-kapatid ko..." Tumaas baba agad ang aking mga
balikat at napayuko na ako dahil sa pagkabasag ng aking boses.

Tinakpan ko ang aking mukha at doon umiyak.

"D-Di naman g-ginusto ni Kuya ang n-nangyari kay Ate R-Rici... Alam ko... N-
Naniniwala akong mahal na mahal niya si A-Ate Rici..." Marahas na tumaas baba ang
aking balikat dahil sa emosyon kong pinapangunahan ako.

Hindi ito sumagot sa aking likuran. Ni hindi ko alam kung ano na ang tumatakbo
sa kanyang isipan. Ang tanging naiisip ko lang ay iyong narinig kong sinabi ni Feli
na gaganti sila sa amin, gaganti sila sa pamilya ko.

"Then tell your brother to talk to me. Gusto kong malaman ang totoo," sagot
niya sa aking likod.

Ang sabi ni Mama, layuan ko raw sila. Ang sabi ni Mama, lalapitan nila ako para
sa isang rason lamang. At sa ginagawa ni Israel, dapat ko siyang takbuhan. Dapat ay
hindi ko siya pakinggan. Pero may parte sa akin ang sumisigaw na baka ay matulungan
niya nga si Kuya. Na baka pag nalaman ni Israel ang buong istorya ay tantanan na
nila ito.

Pero sa kabilang banda ay pinapangunahan parin ako ng takot. Paano kung isa
lang ito sa patibong ng mga Buenaventura? Paano kung ako nga ang ginagamit nila
para mapalapit sila kay Kuya?

Narinig ko siyang bumaba sa kanyang kabayo na kahit ang yapak ng kanyang itim
na boots ay naririnig ko. Ilang sandali lamang ay naamoy ko na ang kanyang pabango
sa aking harapan kasabay ng pagkawala noong tunog ng kanyang yapak.

"Do you know where he is?" tanong niya sa malalim na boses.


Umiling ako at mas grumabi lamang ang aking iyak sa aking mga palad.

"K-Kung alam ko lang... H-Hindi ko rin sasabihin. Alam ko... S-Sasaktan niyo si
K-Kuya... G-Gaganti kayo sa amin... S-Si Kuya ang pagbabayarin niyo sa pagkamatay
ni A-Ate Riss—" Hindi na ako makahinga ng maluwag dahil sa kakaiyak na kahit ang
aking mga balikat ay marahas na ang pagkakaangat noon.

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likod at kung paano niya ako ibinaon sa
kanyang dibdib.

"Nagluluksa ako Trace. I am still wounded but please... don't kill me... Stop
crying..." Hinimas niya ang aking likod at pilit akong pinakalma.

Umiyak ako lalo sa kanyang dibdib. Hindi ko pa inaalis ang mga kamay ko sa
aking mukha at iyon ang ginagawa kong panangga sa kanya. Dapat layuan ko siya.
Dapat hindi ako magpadala sa kanya. Galit siya sa pamilya namin at baka
nagpapanggap lamang siya.

Pero itong nadidikit ako sa kanya, ang takot ko ay unti-unti niyang napapawi.
Ang pangamba at lahat ng aking alalahanin sa mga nagdaang araw ay unti-unti niyang
naaalis. Para niya akong tinutulungang pasanin ang isang mabigat na bagay kaya
ganoon nalang kagaan ang nararamdaman ko.

"A-Alam ko galit ka sa pamilya namin... Galit ka sa Kuya ko..." mahina kong


daing.

Paano niya nagagawang magmalasakit sa akin ng ganito? Pakulo lang ba ito o


iyong dati parin?

Tumigil sa kakahimas ang isa niyang kamay sa aking likod at pumulupot na iyon
sa aking beywang. Idiniin niya ako sa kanya lalo habang ang isa niyang kamay ay
nasa likod na ng aking ulo. Ang kanyang labi naman ay nararamdaman ko na sa tuktok
ng aking ulo saka siya napabuntong ng mahabang hininga roon.

"I don't know anymore... Alam kong galit ako pero sa oras na 'to. Di na ako
galit..." he whispered.

"G-Galit ka! Sumugod ka sa bahay namin... P-Paano kung nandoon s-si Kuya... A-
Anong gagawin niyo sa kanya?"

Hindi siya sumagot at niyakap lamang ako ng mahigpit. Gusto


kong kumawala sa kanya. Gusto ko itong itulak palayo sa akin pero pinapahina niya
na ako. Ang paninindigan ko na dapat ay layuan na ito ng tuluyan ay unti-unti niya
ng nababali.
Kahit konti lang... nananalangin ako na sana ay matulungan ni Israel si Kuya.
Kahit na imposibleng kampihan niya ang aming pamilya at paniwalaan ang taong naging
rason sa pagkamatay ng kanyang kapatid, gusto ko paring maniwala na baka sakali ay
hindi totoo ang iniisip ko sa kanya.

"Can we just... Can we just forget them for a second, Trace? Pwedeng tayo
muna?"

Kahit umiiyak, dumilat ako at tiningala ito pero di ko naman ito nakita dala
narin ng pagtatakip ko. Don't shade me with something else Israel... H'wag mong
isisingit ang isang bagay na alam nating hindi pwede. Sa gitna ng kaguluhan, h'wag
mo akong aluin na akala mo ay walang nangyayaring gyera sa paligid.

"Di ko t-talaga alam kung nasaan si Kuya kaya wala ka ring mapapala sa akin. Di
namin alam ni Mama..." pag-amin ko sa kanya kung iyon lang ang pakay niya kaya
dinadaan niya sa ganoong bagay.

Buwan na ang tumakbo simula noong namatay si Ate Rici at sigurado akong hindi
pa sapat ang mga araw na lumipas para tuluyang maghilom ang mga sugat at umakto
siyang okay lang ang lahat. Na pwede kaming bumalik sa dati.

Bumuntong siya ng hininga. Ang kanyang hininga ay tumatama na sa aking mga


palad na kahit ang kanyang noo ay inilapat niya na sa aking noo.

"Di pa nga nagiging tayo, ganito na kakomplikado," he chuckled but with so much
pain. "Why not lets build our own world?"

Naibaba ko ang aking mga kamay hanggang sa nakasalubong ko agad ang kanyang mga
mata. Madilim iyon ngunit namumungay na. Bahagya akong lumayo na ikinadaosdos ng
isa niya pang kamay patungo sa aking beywang.

"Gusto mo parin ako sa kabila ng nangyayari? Galit ang pamilya mo sa amin at


ayaw rin ni Mama na lumalapit lapit na ako sainyo! Israel, h-h'wag mo naman akong
ipasok sa bulsa mo at iparamdam sa akin na wala akong dapat ikatakot dahil sa
inaasta mo palang, tinatakot mo na ako!" I pushed him.

Nalaglag ang kanyang panga at nagkasalubong ang kilay. Di ko alam kung ganoon
na ba ako kalakas para matinag ko ito palayo ng kaonti o wala talaga siyang lakas
pagdating sa akin?

"What do you want me to do then? Nagluluksa ako pero hindi ibig sabihin ay
kasali kana sa lahat ng ito, Trace!" mariin niyang sabi sa akin, nagpipigil na
sumabog ng husto.

"A-Ang akin lang... h'wag mo akong pinapaniwala na walang nagbago sa'yo kung
ang totoo ay gusto mo lang ulit akong isilong sa panibago mong rason!"
"The fuck are you saying? Gagamitin kita para sa hustisya na gusto ng pamilya
ko? Tangina!" Humalaklak siya na ikinalunok ko ng laway lalo na't umiiling pa ito
habang nakapameywang na.

Sumeryoso rin naman kalaunan ang kanyang mukha at malalim ulit akong tiningnan.
Namumugto parin ang aking mga mata pero sinikap ko siyang tingnan. Di ko talaga
mabasa sa kabuuan niya ang gusto kong makita. Kung dapat ko ba itong pagkatiwalaan
o dapat ko itong layuan.

"Come on... Don't be so harsh on us. I want us to work someday. Labas ito sa
ating dalawa. Labas tayo sa kanila," mariin niyang sabi.

Nanlumo na ako. Hindi ko maintindihan... Hindi ko talaga maintindihan... Di ko


na alam kung totoo pa ba ito o parte nalang ng isang madilim nilang plano. Siguro,
kung walang nangyari kay Ate Rici at katulad parin ito ng dati ay madadala agad
ako. Pero iba na ngayon! Baka... Baka ako talaga ang target nila dahil alam nilang
marupok ako pagdating kay Israel at natutunaw agad pagdating sa kanya.

Ang imahe niya noong araw na sumugod siya sa aming bahay ay


nasa utak ko parin. At ngayon, makalipas ang isang buwan ay magpapakita siya at
aaktong walang nangyari?

"Aalis na ako," sabi ko sa kanya.

Tumitig siya ng ilang sigundo sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Bahagya
pa akong napaatras nang humakbang ito palapit sa akin. Nagkasalubong ang kanyang
kilay at huminto rin naman dahil sa aking inasta.

"Just tell your brother I want to talk to him. Lilinisin ko ito," buong
kasiguraduhan niyang sabi na dapat ay pagkatiwalaan ko siya.

"Maipapangako mo bang..." tumigil ako saglit at nakipagtitigan sa kanya.


"Maipapangako mo bang hindi niyo sasaktan si Kuya?" tanong ko, puno iyon ng pag-
asa.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at tinanguan ako. Lumiwanag agad ang aking
mukha at tila nabunutan ako ng tinik.

"Talaga?" namamangha kong tanong sa kanya.

Tumango siyang muli. "I will. He's under my protection."

Napangiti na agad ako. Napuno ako ng pag-asa. May mahika ang salita ni Israel
na nakakaya niya iyong bigyan ng kulay at pahupain ang alalahanin ng isang tao sa
oras na nakapagbitaw na ito ng salita.

Iyon ang pinanghawakan ko. Kahit na may parte sa akin ang hindi kumbinsido ay
kumapit parin ako sa kanyang mga salita. Noong araw na iyon ay naghiwalay rin naman
kaming dalawa. Hindi ko nalang muna binanggit kay Mama dahil alam ko ring magagalit
siya pag nalaman niyang nakipag-usap ako kay Israel.

Kuya... Nangako si Israel sa akin na poprotektahan ka niya. Pag nagkita man


kayo, sana sabihin mo sa kanya lahat ng totoo. Baka sakaling sa pamamagitan nito ay
bumalik ang lahat sa dati.

"Anong nangyari kay Tomas? Nasa hospital daw siya?"

"Oo daw eh. Bugbog sarado..."


"Huh?! Sinong may gawa?"

"Bali-balita na dahil daw iyon sa pagkuha niya ng video kay Tracey. Si Israel
daw ang bumugbog."

Nagulat ako sa narinig ko sa aking mga kaklase noong pumasok ako. I-Iyong
kaklase ko nasa hospital? Alam kong sinuntok siya ni Israel noong araw na iyon pero
hindi ko alam na ganoon pala iyon kalala para mahospital ito!

Naging matalim agad ang tingin ng ibang mga kaklase ko sa akin. Mukhang may
panibago na naman silang rason para ibunton sa akin ang kanilang mga nagbabagang
galit.

"Bakit siya ipagtatanggol ni Israel eh ang kuya niya ang rason kaya namatay si
Rici."

"Ang malas rin talaga. Si Fey naguidance noong mapalapit sa kanya ngayon naman
ay si Tomas naman."

"Lahat ng madidikit sa kanya ay mapapahamak talaga. Malas."

Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanila at nagtungo sa aking upuan para


mailagay na ang aking gamit doon at makapunta na agad sa Mini Forest para doon sa
punishment namin.

Kahit kina Rinka ay umabot ang balitang nahospital iyong lalake. Tawang tawa pa
ang tatlo habang nagwawalis kami noong mga patay na dahon at tinitipon tipon sa
gitna. Si Fey naman ay nasa malayong bahagi at hindi nakikisali sa amin.

"Buti nga sa manyakis na iyon! Buti nga sa kanya! Sana nga binayagan rin ni
Israel para di niya maipagkalat ang lahi niya!" Humagalpak agad ng tawa si Rinka.
Pumapaibabaw ang kanilang mga tawa habang hawak hawak ang walis. Ngumuso nalang
ako habang winawalis ang mga dahon.

Noong mahimasmasan ay tiningnan agad ako ni Rose.

"Pero Trace... 'Di ba ay galit ang mga Buenaventura sa'yo?"


tanong nito.

"Oo nga, Trace? Hindi kaya ay hindi naman talaga galit si Israel sa'yo? Alam
natin na may gusto 'yon sa'yo." si Cecille naman.

"Sus! Baka patibong lang iyon, Trace! Baka inaakit ka ulit para masabi mo kung
nasaan si Bram! O baka ikaw pa ang gusto nilang gantihan! Lumayo kana sa mga iyon!"
si Rinka naman na ngayon ay ang salungat na.

"Huh? Eh noon lang botong boto ka kay Israel ah? Ba't sinisiraan mo na ata
siya?" kunot-noong tanong ni Cecille.

"Syempre! Baka ipahamak niya lang ulit si Tracey! Kung di lang siya lumapit
lapit sa kaibigan natin edi sana walang ganito ngayon! Iyang mga Buenaventura naman
talaga ang marupok! Halatang si Rici ang baliw na baliw kay Bram kaya noong nalaman
niyang may iba ito ay hindi niya agad nakaya dahil sinagad niya na hanggang
kaibuturan niya ang nararamdaman niya para kay Bram," si Rinka.

"Malay mo mabait talaga si Israel pagdating kay Tracey... Alam naman natin na
pagdating sa kaibigan natin umaamo agad ang leyong iyon..." si Rose.

Hindi ako nakisali sa kanilang pag-uusap at umabante ako para lamang walisin
ang mga dahon doon. Nagpatuloy sila sa pag-uusap at nagdedebatehan. Ang gusto nila
Rose ay pagkatiwalaan ko si Israel habang si Rinka naman ay gusto niyang layuan ko
na iyon.

Itanggi ko man, sa kalooblooban ko ay gustong gusto ko paring mapalapit sa


kanya. Iyon nga lang... inaalala ko rin ang kahihinatnan noon. Alam ko namang
nangangarap ako ng imposible at kaya ko namang lumayo.

Sa ginawa ni Israel ay hindi na ako nilalapitan ng mga lalake. Mabilis agad


silang nag-iiwas ng tingin at umaalis na. Ang mga babae naman ay ganoon rin sa akin
at ang hindi lamang tumigil ay pang-iinsulto nila.

Mapayapa akong nakarating sa bayan. Nadatnan ko naman si Mama na ubo nang ubo.
Napapansin ko, ilang araw na iyan ah?
"Mama, okay ka lang?" Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kanyang noo. Ganoon
nalang ang pagkagulat ko noong mainit ito.

"Ma! May lagnat ka!" Natataranta akong tumayo. "Bigyan niyo po ako ng pera...
bibilhan ko po kayo ng gamot."

"Tinatrangkaso ata ako... A-Ang sakit pa ang katawan ko..." Nahihirapan niyang
sabi kakaubo.

"Mama naman! Ilang araw na ito? Dapat tumigil ka muna sa pagtatrabaho!"

"Kung titigil ako, mamamatay tayong dalawa, R-Race..." nahihirapan niyang


bigkas sa aking pangalan at umubong muli.

"Pwede namang ako muna ang magtinda, Mama... Magpahinga kana lang po muna sa
bahay." Namungay ang aking mga mata sa kanya.

Ito ang mapait pag wala kang katuwang sa buhay. Mag-isa mong pinapasan ang
lahat. Wala kang katulong. Si Mama lang mag-isa ang naghihirap na igapang kami para
lang mabuhay.

Naubo lamang ng marahas si Mama. Nagpasya agad akong bumili ng kanyang gamot at
nagkusa narin akong mamalengke. Ang mga tao roon, katulad sa eskwelahan ay ganoon
rin ang asta sa akin.

"Bakit hindi pa sumusuko ang Kuya mo? Ang kriminal na iyon ay dapat pagbayaran
ang kanyang ginawa!" sabi noong Pharmacist at hindi inuuna ang binibili kong gamot.

"N-Nagpakamatay po si Ate Rici. Hindi po siya pinatay ng Kuya ko..."

Nagkasalubong agad ang kanyang kilay at tila nadisgusto sa aking sinabi.

"Nagpakamatay dahil ginamit at niloko ng kuya mo! Nakakahiya naman kayong


magkapatid! Manang mana pala talaga kayo sa ina niyong kabit! Malas kayo. Umalis
kana nga!"

Napalunok agad ako roon ng laway.

"K-Kahit ibigay niyo nalang po muna iyong gamot na binibili ko 'tsaka ako
aalis. May sakit po kasi ang Mama ko..." pagmamakaawa ko.

Umismid siya sa akin at hinanap rin naman iyong gamot pero masyadong marahas
ang kanyang mga galaw at halatang may kasamang galit.
Okay lang... Konting tiis pa, Trace... Kaya mo ang lahat ng ito. Magpakatatag
ka lang.

Tumigil nga muna sa pagtatrabaho si Mama kaya ako narin ang namamalengke. Iyon
ang palaging mahirap dahil may kasama talagang galit ang pakikitungo sa akin ng
lahat. Pakiramdam nila ay mamalasin rin ang kanilang paninda dahil sa pagbili ko.
Bawat bili ko ata ay may pabonus silang maaanghang  sa salita sa akin at tinataboy
agad ako.

Pagkatapos ng aking klase ay umuuwi agad ako ng maaga para  ipagluto si Mama ng
mainit na sabaw saka ko iyon pinapasok sa kanyang kwarto kasama ang kanyang gamot
at deritso agad ako sa bayan. May mga suki narin kasi ito at marami ang binibiling
bulaklak kaya hindi rin ako nahihirapang magtinda. Gabi na ako nakakauwi at
nagpapasalamat ako dahil wala namang nangyayari sa akin sa daan. Para kasing ang
dilim mismo ang yumayakap sa akin at pinoprotektahan ako.

Nagmadali akong umuwi nang makita kong si Mama na mismo ang nagluluto.

"Mama, ba't ka po tumayo?" Natataranta ko siyang nilapitan pero itinulak niya


lang agad ang aking noo.

"Umupo kana doon para makakain ka. Magaling na ako." Umismid siya sa akin.

"Baka hindi pa! Mama naman—"

"Hay ang kulit mo mapapalo kita ng kawali pag di ka tumigil!" Pinandilatan niya
pa ako ng mga mata kaya mabilis agad akong umatras at nagtungo sa upuan.

Nililingon ko siya na seryoso ng nagluluto roon. Napanguso ako at hindi


napigilang mapangiti. Mabuti naman at magaling na siya...

"O, kumusta ang araw mo sa eskwelahan?" tanong niya habang inilalapag ang
mainit init pang adobo. Amoy na amoy ko ang bango noon.

"Okay lang naman. Ma, kain kana rin po." Nginitian ko siya at gusto ng iliko
ang topic.  Ayokong pag-usapan ang araw ko dahil alan ko namang hindi iyon palaging
maganda.

Tumitig siya ng ilang sigundo sa akin pero umalis rin sa aking harapan. Kumuha
siya roon ng plato at nagsandok narin ng kanin. Nakakamiss pala ang ganito... Iyong
pinagsisilbihan ka mismo ng Mama mo.

Gabi na noon nang may kumatok ng marahas sa aming pinto. Sa sobrang lakas noon
ay naalimpungatan agad ako sa mahimbing na pagkakatulog. Madaling araw na ah? Sino
naman kaya iyon?
Sunod sunod ang katok na iyon kaya bumangon agad ako at lumabas ng kuwarto. Si
Mama kasi, hindi agad iyon nagigising dahil narin sa pagod.

Lumapit ako sa may pinto at kabadong tumayo roon. Nagdadalawang isip akong
buksan.

"S-Sino yan?" tanong ko.


"Trace... Ako 'to," pamilyar na sagot ng kung sino sa labas.

Mabilis na lumaki ang aking mga mata at kumalabog pa ng husto ang tibok ng
aking puso. Mabilis ko iyong binuksan at hindi nga ako nagkamali sa tumambad sa
aking harapan.

"Kuya!"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 35

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Puntod ni Ate Rici
Nakasuot ito ng itim na jacket suot ang hoody at may bag ring suot. Ang madilim
niyang ekspresyon ay nakakapanibago at ang mga mata niyang walang buhay pero kinain
ako ng aking saya at mabilis siyang niyakap.

"Kuya!" Halos idiin ko ang sarili ko sa kanya. Umangat pa ako ng bahagya dahil
sa pagyakap niya pabalik sa akin.

"N-Nakakainis ka! Namiss kita ng sobra sobra..." Ibinaon ko agad ang aking
mukha sa kanyang balikat at sinikap na hindi maiyak doon. Nanunuot pa sa aking
ilong ang panibango niyang pabango na hindi ko nakasanayan.

Iginiya ako papasok ni Kuya saka niya isinara ang pinto. Humiwalay naman ako at
maluha luha siyang tiningnan. Pagod siyang ngumiti sa akin. Masayahin ang tingnan
ang kuya ko kahit suplado ito pero ngayon ay nakakapanibago talaga... parang ang
seryo-seryoso niya na.

"Si Mama?" tanong niya at iginala ang tingin.

"Tulog na po si Mama Kuya. Matutuwa iyon pag nandito kana ulit!"

Hindi niya pinakinggan ang aking sinabi at parang lutang ito base narin sa
kanyang ekspresyon. Napansin ko... Iba ang kanyang suot ngayon. Iba ang kanyang
tindig. Parang naging iba ang kanyang katauhan sa pagkawala niya ng halos dalawang
buwan.
Hinubad niya ang kanyang bag at ipinasok niya iyon sa kuwarto. Hinubad niya
narin ang suot niyang itim na jacket at tanging puting cotton shirt nalang na fit
sa kanya ang naiwan. Di ko alam pero parang ano... ang cold ni Kuya. Bakas sa
kanyang mga mata ang kinikimkim na sakit at halata sa hitsura na nagluluksa parin
ito sa ibang bagay.

Inangat niya ang kanyang pulso at tiningnan doon ang mamahalin na relong suot.
Sigurado akong mahal iyon dahil narin sa hitsura nito. Nakikita ko iyan minsan sa
mga magazine na tinitingnan ko tungkol sa mga fashion trends. Kahit ang suot niyang
sapatos... Iyong may check sa gilid... alam ko mahal iyan ah?

"Anong oras na oh? Matulog kana ulit," sabi niya sa akin na ikinasimangot ko.
Gusto kong makipag-usap sa kanya! Di na ako inaantok. Gusto kong malaman kung saan
siya nagpunta at bakit ganito na siya kagara. Imposible namang naging milyonaryo
agad ito sa loob ng dalawang buwang pagtatrabaho at ngayon ay puro na mamahalin ang
kanyang suot.

"Pero Kuya—"
"Bukas na tayo mag-uusap Trace. Matulog kana," sabi niya sa akin na ikinanguso
ko.

"Baka... Paggising ko... W-Wala kana sa bahay..." bigo kong sabi na ikinabasa
niya ng kanyang mamula mulang labi.

"Di ako aalis. Sige na... Matulog kana ulit." Sinenyasan niya pa akong pumasok
habang ang isang kamay ay nasa beywang. Kuminang pa iyong suot niyang relo doon at
hindi lang pala iyon ang suot niya kundi ang kwintas na halatang mamahalin din.
Nakatago kasi iyon sa loob ng suot niya at ngayon ko lang napansin.

Kahit na ayaw ko ay tumango nalang ako.


"Goodnight, Kuya." Nilapitan ko ito at hinalikan ang kanyang pisngi.

Tumango naman siya at isang tipid na ngiti ang ibinigay. Tinitigan ko sandali
ang kanyang dimple pero kalaunan ay umalis rin ako at nagtungo na sa aking kuwarto.

Hindi agad ako dinalaw ng antok. Gulong gulo ang aking isip at ang dami kong
tanong. Si Kuya... parang amoy mayaman. Ang kanyang pabango ay hindi naiiba sa
naaamoy kong pabango ni Israel. Ang kanyang tindig ay ibang iba hindi kagaya noon
na inuulit ulit niya pa iyong medyo kalumaan niyang sapatos, ang mga damit niyang
halatang mumurahin lamang. Ni hindi siya maluho eh kaya imposibleng siya ang bumili
ng mga iyon.

H-Hindi kaya ay may napangasawang mayaman si Kuya! Hindi


kaya ay tinutustusan siya ng isang babae at baka nga ay kasal na ito! Huh?! Posible
ba iyon Trace?! Pero sa loob ng dalawang buwan, marami ang pwedeng mangyari! Ang
rami ngang nangyari rito noong umalis siya.

Pero sa kabilang banda ay may inaalala rin ako. Mananatili na ba ulit siya
rito? Paano kung puntahan siya ng mga Buenaventura? Bakit bumalik si Kuya? Dahil ba
sa amin ni Mama o may ibang rason pa siya?

Hindi ko naman talaga nababasa si Kuya. Minsan ang bait bait niya sa akin at
may mga kilos siyang napupunto ko agad pero pag nakakaharap niya na si Ate Rici ay
tila nagiging ibang tao siya. Hindi naman siya suplado, suplado lang talaga siyang
tingnan! At hindi rin siya cold! Pero ngayon... parang... may nagbago, may nag-iba
sa kanya. Oo gumwapo at bumango ng sobra pero may iba sa kanyang presensya! Anong
nangyayari? Hindi siya mukhang masaya sa kabila ng magara niyang kasuotan.

Nakatulog ako sa mga katanungang bumabagabag sa utak ko. Bumara na iyon sa


aking utak at di ko matanggal tanggal dahil wala akong maisagot roon, wala akong
maipangtulak. Nagising nalang ako kinaumagahan ng Sabado na nagbubunganga si Mama.

"Ba't ka naman bumalik kung maganda na pala ang buhay mo roon! Ano, para
isumbat sa akin, Bram?! Para sisihin ako? Dahil hindi ko agad sinabi sa'yo?!"

"Hindi sa ganoon Ma—"


"Pero iyan ang pinapalabas mo! Na dapat ay maaga kong sinabi edi sana marangya
ang buhay niyo ngayon ng kapatid mo at hindi naging hadlang ang estado sa inyong
dalawa ni Rici!" sigaw ni Mama na nagpatayo agad sa akin sa pagkakahiga.

Binuksan ko ang pinto at sumilip doon ng kaonti. Nakapameywang si Kuya habang


kagat kagat ang pang-ibabang labi at halatang frustrated na. Ngayon naman ay naka
sweatpants na itim na ito at cotton shirt parin ang suot. Ang kanyang buhok ay
magulo pero madilim ang ekspresyon.

"Hindi ko sinabi sa inyo dahil alam kong kawawa rin kayo kay Brenda!"

"Mabait si Tita Brenda, Ma!" giit ni Kuya.

"Mabait?! Noong nagkasakit ka, noong pinuntahan ko ang Papa mo para manghingi
ng pera pampagamot sa'yo, pinagsalitaan niya ako ng masasakit! Kabit ako, Bram!
Kahit saang anggulong tingnan, ako ang lalabas na masama! Ako ang nakikisawsaw at
ako ang naninira ng pamilya! Tingin mo... Ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang
babaeng nabuntis ng ama mo kapalit noon ang pagkasira ng kanilang pamilya?! Tingin
mo masisilaw ako sa pera?! Pasensya na Bram kung mas pinili ko kayong itaguyod at
ibigay ang pamumuhay na hindi nararapat sa inyo! P-Pasensya na kung... kung ito
lang ang kaya kong ibigay..." Nanlabo agad ang mga mata ni Mama at bigong tiningnan
si Kuya.

Mabilis kong naramdaman ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang unang
beses na nakita ko si Mama na naluluha at naiiyak. Tumahimik si Kuya at nagloosen
ang kanyang balikat. Namungay pa ang kanyang mga mata.

"Pasensya na, Ma..." Nilapitan niya si Mama at niyakap ito.


"Alam ko Bram... Alam kong ipinagkait ko sa inyo ang marangya niyong buhay! P-
Pero inisip ko rin ang magiging tingin sa inyo ng lipunan! Kabit ako at kayo ang
iinsultuhin! Kaya kong tanggapin lahat lahat! Kaya kong saluin ang masasakit nilang
salita sa akin pero iyong madamay kayo... I-Iyong mapagsalitaan rin kayo ng
masasama... D-Doon ako dudurugin..." Nabasag ang boses ni Mama at nagsimula ng
gumalaw ang kanyang mga balikat.

Nagpunas ako ng luha at sinikap na hindi maiyak. Mariin namang pumikit si Kuya
at mas niyakap ng mahigpit si Mama. Hinalikan niya ang ulo nito habang hinihimas
ang likod nito.

"Pasensya na. Nadadala lang ako... Patawad, Ma..." puno ng sakit na sabi ni
Kuya sa kanya.

Hindi na sumagot ang aking ina at tanging iyak ang pumaibabaw sa kanyang boses.
Dahan dahan kong isinara ang pinto at tinakpan ko agad ang aking mukha dahil sa mga
luha kong mas grumabe na. Di naman ako nagsisisi na ganito ang estado namin...
Pinapasalamatan ko pa nga si Mama dahil nakakaya niya kaming itaguyod mag-isa ni
Kuya Bram. Kaya ang sakit marinig sa kanya na kahit siya ay nasasaktan dahil ganito
lang ang naibibigay niyang buhay sa amin ni Kuya.

Siguro nadala lang si Kuya ng kanyang galit. Kagabi pa siya


parang wala sa kanyang sarili. Alam ko namang hindi niya ginusto ang mga nasabi
niya kay Mama. Kung ano man iyon, alam ko na pinagsisisihan rin iyon ni Kuya.

Nanatili muna ako sa loob ng kuwarto at nagpanggap na tulog. Baka pag lumabas
ako agad ay mapansin nila ang mga mata kong namumugto.

Isang katok ang narinig ko.


"Trace... Kumain kana," si Kuya iyon.

Mabilis akong tumayo at inayos muna ang aking sarili bago lumabas. Ilang beses
ko pang tiningnan sa salamin ang aking hitsura dahil baka makita roon na umiiyak
ako pero dahil medyo singkit ako ay hindi narin iyon halata. Ginulo ko nalang ang
aking buhok at lumabas rin naman.

Nadatnan ko si Kuya na naglalapag na ng plato sa lamesa. Ang kanyang pabango


agad ang aking naamoy. Hindi katulad noong nakasanayan kong pabango niya na
masyadong matapang at halatang mura lang, ngayon ay masyadong nakakaakit ang amoy
noon. Ang manly manly!

"Upo kana," sabi niya sa akin nang hindi man lang ako nililingon.

Tiningnan ko ang kuwarto ni Mama. Sarado na iyon.


"Kuya, si Mama?" tanong ko sa kanya nang maupo ako roon.

"Nasa bayan," sagot niya at umupo narin sa aking tabi.

Tumango nalang ako at tiningnan ang kanyang mga niluto. Iba narin... Parang
pangsosyal ang pagkakaluto at kahit iyong kanin ay iba rin. May kung ano ano roon
at parang fried rice pa ata.

"Narinig mo kami ni Mama?" tanong niya sa akin habang sinasandukan niya ako ng
pagkain.

Ngumuso ako. "K-Konti..."


Bumuntong siya ng hininga.

"Gusto mo ring malaman kung saan ako galing at kung ba't ganito na ako ngayon?"
tanong niya.

Napalingon ako sa kanya. Sa aking mga narinig may ediya ako pero gusto ko
paring marinig ang buong kwento ni Kuya. Marahan akong tumango.

"Matutuwa ka sa sasabihin ko..." Ngumisi pa siya na ikinalabas ng kanyang


dimple.
"Huh?"

"Galing ako kay Papa, Trace. Noong tumakas ako... pumunta ako sa syudad at
hinanap ko siya," sagot niya na ikinalaglag ng aking panga.

"Hindi siya galit sa'yo, Kuya?!"

Umiling siya. "Hindi alam ni Papa na nabuntis niya si Mama. Wala siyang alam
tungkol sa ating dalawa dahil inilihim rin iyon ni Mama," bigo niyang sabi.

Kaya ba nag-away sila? Kaya ba... hindi kaya ay sinumbatan niya si Mama dahil
sa galit niya?

"Isang successful na business tycoon ang ama natin at sobrang yaman. May dalawa
pa tayong kapatid. Mababait naman sila. Pati si Tita Brenda ay mabait rin." Ngumiti
siya pero tipid na iyon.

"Talaga, Kuya? Maganda ang bahay nila at masasarap ang pagkain?" Nacucurious
kong tanong.

Ngumuso siya at tumango, nagpipigil itong ngumiti ng malaki dahil sa tanong ko.
"Higit pa sa inaakala mo, Trace... May lima silang kotse, malamansyon ang
bahay, may pool sa loob at maraming katulong."

Nanlaki agad ang aking mga mata. Alam kong may kaya ang sinabi ni Mama sa akin
na Papa namin ni Kuya pero hindi ko alam na ganito pala kayaman!

"May Mall silang business kaya ganoon rin karangya ang pamumuhay nila," dagdag
niya pa na ikinatindig na talaga ng aking balahibo.

Hindi ko alam kung paano lalakihan ang aking imahinasyon. Hindi ko iyon
mapagkasya sa aking naiisip. Ganoon kayaman?! May Mall?! Wala pa namang ganoon sa
bukid kaya di ko rin alam kung ano ang iisipin ko. Di pa ako nakakapasok sa mga
ganoon...

"Pero Kuya... Ba't ka naman bumalik kung ganoon? Pinag-


iinitan ka nilang lahat dito... Sinasabi nilang kriminal ka raw. Dapat doon ka
nalang muna nanatili sa bahay nila Papa... Okay naman kami ni Mama rito eh..."

Bumuntong ng hininga si Kuya at napayuko. Kitang kita ko ang pagngiti niya pero
puno iyon ng hinanakit.

"Naisip ko... Aanhin ko itong mamahaling bagay kung may nahawakan na akong mas
mahal at higit pa sa aking buhay?" he said painfully.

Nalusaw agad ako roon. Alam ko na mahal na mahal mo si Ate Rici Kuya! Alam ko
na siya naman talaga eh! Kaya nakakapagtaka talaga kung anong nangyari.

"Bumalik ako para masilip ang puntod ng mahal ko, Trace..." Nag-angat siya ng
tingin sa akin at doon ko nakita ang pulang pula niyang mga mata.

"Ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Binitiwan ko siya..." Nakagat niya ang


pang-ibaba niyang labi at napatingala. "Paano ko nagawang bitawan ang babaeng halos
sambahin ko na?" Umagos sa kanyang mga mata ang luha habang nakatingala ito.

Bigla akong napahikbi at naiyak sa harapan ni Kuya. Ramdam na ramdam ko ang


sakit na nararamdaman niya. Bawat salitang binibitiwan nito ay parang asidong
sumasaboy ang aking puso kaya ganoon nalang kasakit ang epekto noon.

"Pwede mo bang pakasalan ang babaeng nasa puntod na? Posible ba..." tanong niya
sa kanyang sarili na mas ikinabuhos ng kanyang mga luha habang naiiling.

"Ang gago ko..." bulong niya at nakagat ang pang-ibabang labi.


Yumuko ako at naikuyom ang aking mga kamay sa aking suot. Mas tumindi lamang
ang aking pag-iyak. Gusto kong makihati sa nararamdaman ni Kuya pero di ko alam
kung paano.

Ngumisi siya at nailing pero patuloy parin sa pag-agos ang mga luha roon. Hindi
ko nakayanan ang aking emosyon at niyakap ko na talaga si Kuya. Paano mo dinala ang
bigat ng iyong nararamdaman nang mag-isa Kuya?

"Tama ang mahal ko... duwag nga ako... gago..." bulong niya sa kanyang sarili.

Ilang oras rin akong umiyak habang si Kuya itong tahimik lang na lumuluha.
Humahagulhol ako at humihikbi habang niyayakap ko siya. Kung may gamot lang talaga
sa nararamdaman ni Kuya ay bibilhin ko siya. Kung pwede lang rin iyong akuin ay ako
muna ang kakarga para di na siya mabigatan. Kahit ako nalang muna ang pumasan...

Di ko naman talaga pinapaniwalaan iyong nagkagusto si Kuya sa ibang babae. Di


ako naniniwala roon. Kung ano man ang kanyang rason, iintindihin ko siya kahit
hindi ko ito maintindihan. Uunawain ko siya.

Noong mahimasmasan kaming dalawa ay kumain rin naman kami. Pagkatapos noon ay
may ibinigay na siya sa akin.

"Ano 'to Kuya?" tanong ko sa kanya dahil sa isang card.

"Yan ang address ni Papa sa syudad. At heto..." May ibinigay siya sa aking
malaking sobre.

Nagtataka ko iyong binuksan at ganoon nalang ang pagkalaglag ng aking panga


dahil sa makapal na perang nasa loob.

"Ang rami!"
"Bigay ni Papa sa'yo. Gamitin mo iyan sa pag-aaral mo. At sabi niya... siya
narin daw ang magpapaaral sa'yo sa kolehiyo. Pwede kang pumunta roon ano mang oras
kung gusto mo. Pwede ring dito ka lang. Kung may kailangan ka lang daw..."
paliwanag ni Kuya.

Ayoko namang umalis dito. Nandito narin naman si Kuya at nandito narin si Mama.
'Tsaka siguro pag nakapagtapos na ako ay pwede ko na siyang bisitahin.

Ganoon nalang siguro!

"Babalik ka pa ulit doon Kuya?" tanong ko sa kanya.

Sandali siyang nag-isip pero kalaunan ay umiling rin.


"Mas gusto ko dito. Bukas baka pupunta ako sa puntod ni
Rici," sabi niya.

"P-Pero nasa lupain iyon ng mga Buenaventura, Kuya," kabado kong sabi.

"Bahala na." Kibit-balikat niya at mukhang wala ng nararamdamang takot.

May naalala ako bigla kaya iyon agad ang aking isinatinig.

"Si Israel!" sigaw ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.

"Nagkikita na naman kayo ng lalakeng iyon? Diba sabi ko—"

"Kuya sabi niya sa akin gusto ka raw niyang makausap! Mas makakapasok ka sa
lupain nila pag may permiso ka ni Israel. Iyon lang naman ang sinabi niya sa akin
saka rin ito umalis."

Natigil siya dahil sa biglaan kong pagputol sa kanya. Tila nag-iisip pa ito.
Kung maganda ang rason ni Kuya, kung may mabigat siyang rason ba't niya iyon ginawa
kay Ate Rici, sigurado akong maiintindihan siya ni Israel! Kahit alam kong tuso
sila, baka sakaling paboran kami ngayon ng tadhana. Kakapit ako sa mga salita ni
Israel sa pagkakataong ito para narin mabisita ni Kuya ang puntod ni Ate Rici.

"Kahit di na kami mag-usap." Nagkibit siya muli na ikinasimangot ko.

"Pero kuya... Mas malilinis mo ang pangalan mo kung kay Israel mo mismo
ipaintindi."

Umiling siya.
"Di ako bumalik para linisin ang pangalan ko Trace... Di ko mababago ang tingin
ng mga tao at di ko narin mababago ang pagkawala ng taong mahal ko. Nawalan na ako
ng pakialam sa mundo total wala narin naman iyong itinuring kong mundo ko."

Sa sobrang tabang ng pagkakasabi ni Kuya, parang handa siyang harapin ang galit
ng mga Buenaventura at hayaan sila kung ano man ang gusto nilang gawin.

Ang tumatakbo ngayon sa aking utak ay gusto kong makausap si Israel. Gusto kong
sabihin sa kanya na nandito na si Kuya at pagbigyan ang gusto nitong mabisita ang
puntod ni Ate Rici. Pero paano ko naman iyon kakausapin eh bigla bigla lang naman
iyong susulpot.

Nanatili lang si Kuya sa loob ng bahay. Minsan ay tulala lang ito habang
nakaupo sa upuan, tatayo tapos papasok sa kuwarto. Minsan rin ay naggigitara lang
at kinakanta iyong paborito niyang kanya.

"Sa isang marikit na ala-ala'y pangitaing kay ganda... Sana nga'y pagbigyan na
ng tadhana... Bawat sandali nalang..."

"Sumabay sa biglang pagkabahala't lumabis ang pagtataka... Tunay na pagsintang


di alintana... Bawat sandali nalang!"

Mariing napapikit si Kuya at sumandal na sa lamesa habang hunahumm nalang iyong


chorus part. Panay lamang ang lingon ko sa kanya habang naghuhugas ako ng plato.
Wala akong planong pumunta ngayon sa bayan at sigurado naman akong maiintindihan ni
Mama.

Kinagabihan ay hindi sila gaanong nag-iimikan ni Mama. Si Kuya naman itong


nilalagyan ng pagkain ang plato ni Mama at hindi magsasalita kaya kahit ako ay
sasali narin sa paglalagay ng pagkain sa kanya para inisin ito.

"Anong tingin niyo sa aking dalawa, patay gutom?" inis niyang sabi nang makita
ang pinaglalagay naming pagkain.

"Oh, nakakapagsalita naman pala," si Kuya..

"Oo nga Kuya eh. Akala ko pipi..." dagdag ko naman na ikinatalim ng tingin ni
Mama sa aming dalawa.

"Ang sarap niyong pag-untugin!" gigil niyang sabi na ikinanguso naming dalawa
ni Kuya at nagkatinginan na.

"Akala niyo naman natutuwa ako, hindi!" naiinis na sigaw ni Mama at sumubo pa
ng malalaki.

"Mabubulunan ka, Ma," si Kuya.


"Eh ano ngayon? Gutom ako at—" Nagsimula na siyang maubo kaya natataranta agad
kami ni Kuyang magsalin ng tubig lalo na't tinatapik niya na kaming dalawa.

Uminom agad ito saka siya dahan dahang kumalma. Nagkatinginan ulit kami ni Kuya
at nagpigil ng tawa lalo na't matalim agad kaming tiningnan ni Mama.

"Subukan niyong tumawang dalawa—"

Naghagalpakan agad kami ng tawa ni Kuya na mas ikinabusangot ni Mama. Umirap pa


ito pero ngumuso narin kaya kiniliti siya ni Kuya sa tagiliran hanggang matawa
narin ito. Masayang masaya ang gabing iyon dahil kasama na ulit namin si Kuya at
mukhang bati na ulit sila! Nagtatawanan lamang kami at pinagtutulungan ulit naming
dalawa si Mama dahil mabilis itong naaasar saka namin siya patatawanin.
Linggo.
Maaga ulit na umalis si Mama para magtinda sa bayan. Kaya rin talaga
nagkakasakit iyon dahil grabe rin kung abusuhin ang kanyang katawan. Wala na atang
balak magpahinga.

Ang napansin ko kaagad noong araw na iyon ay ang bagong ligo na si Kuya at may
suot na fit na puting cotton shirt. Nakashort ito ng maong at mukhang may lakad.
Napansin ko rin ang isang wrapped na bulaklak sa may lamesa. Mga lily iyon.

"K-Kuya... Lalabas ka?" tanong ko agad sa kanya habang nagsusuot siya ng itim
niyang sapatos.

Tumango siya habang nagsisintas.


"B-Baka makita ka ng mga tauhan ng Buenaventura, Kuya! H-H'wag ka munang
lumabas—"

"Dadalawin ko ang puntod ni Rici, Trace. Gusto ko siyang puntahan," disidido


niyang sabi saka siya tumayo at kinuha iyong bulaklak.

"S-Sasama ako!" Natataranta akong bumalik sa kuwarto para makapagbihis kaso


pinigilan rin ako ni Kuya.

"Dito kana lang. Babalik rin ako agad."


Namungay agad ang aking mga mata. Sana... Sana makausap niya si Israel. At
h'wag kang mag-alala Trace... Nandoon naman si Israel. Nangako siya sa'yo...
Lilinisin niya ito. Iyon ang panghawakan mo.

Kahit labag sa aking loob ay pumayag nalang ako na magpaiwan sa bahay. Hindi
ako mapakali habang naglilinis. Buong araw ko atang nilinis ang bahay at maggagabi
na pero di pa umuuwi si Kuya.

Nagwawalis na ako noon at aksidente ko pang nasagi ang basong inilapag ko sa


mesa pagkatapod kong uminom ksya lumagapak iyon na ikinagulat ko at nabasag agad
ito sa sahig.

"Ang tanga..." sabi ko sa aking sarili saka ako yumuko at sinimulan iyong
pulutin. Nanginginig ang aking mga kamay at kinakanaban pa dahil alam kong
mapapagalitan ako ni Mama. Bawat kasangkapan sa bahay ay mahalaga sa kanya.

May biglang kumatok kaya sa aking gulat ay nahawakan ko iyong matulis na parte
ng basong nabasag. Dumugo agad ang aking kamay na ikinangiwi ko.

Kumatok ulit iyon kaya tumayo rin ako dahil siguradong si Kuya iyon. Tiningnan
ko pa ang aking daliring umaagos na ang dugo saka rin inilipat ang tingin sa pinto
nang makarating ako roon.
Pagbukas ko, ang naghihingalong si Kuya agad ang sumalubong sa akin. Hinang
hina ito at hawak ang gilid niyang dumudugo.

"K-Kuya?!" Natataranta ko siyang tinulungan papasok habang nanglalaki ang aking


mga mata.

Mariin siyang pumikit at mukhang ano mang oras ay malalagutan na ito ng


hininga.

"T-Tumakas... k-ka... T-trace..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 36

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Dilim
"Kuya! Anong nangyari sa'yo?!" Humagulhol agad ako habang nakikita ko sa
kanyang tinatakpang palad ang umaagos na dugo. Ang buong mukha niya ay namimilipit
pa sa sakit.

Putlang putla ako at hindi alam kung anong gagawin. Mabilis na akong nilamon ng
takot at panginginig.

Kinuha ko ang isa niyang kamay at isinabit ko ito sa aking balikat para
alalayan ito.

"Pumunta tayo sa hospital, Kuya!" Umiiyak ko siyang kinarga kahit na sobra niya
ng bigat. Nas pinto palang kami ay hirap na hirap ko na itong buhatin. Pero dahil
sa kagustuhan kong maisugod agad siya at maigamot, pinilit ko itong mapalakad.

"Tuma... Tumakas..." Mariin siyang napapikit at putlang putla na, halos hindi
narin ito makapagsalita ng maayos.

Umiling iling ako habang tinitingan siya sa nanlalabo kong mga mata at pilit
itong binubuhat. H'wag naman sanang ganito!

"Isusugod kita sa hospital!" Kahit hinang hina ay sinikap kong maglakad


palabas. Si Kuya naman ay nakatingala na at hindi narin makahakbang ng maayos.
Pumipikit na ito na mas ikinatakot ko.

"Hwag kang matulog Kuya! Pumunta tayo sa hospital! H-Hindi p-pwede!" Mas
naglakad ako at sinikap na kargahin ang buong bigat niya kaso kapwa kami natumba sa
sahig dahil sa unti-unting panghihina niya.
Mabilis akong lumuhod sa kanyang harapan at niyugyog ang kanyang balikat.
Naghahalo na ang aking uhog at ang aking luha sa kakaiyak.

"G-Gumising ka! Isusugod kita sa hospital! Kuya!" Sigaw ako nang sigaw habang
bumubuhos ang aking luha. Ang puso ko ay mas pinipiga at hindi na ako makakita ng
maayos dahil sa mga mata kong nanlalabo.

"S-Sinong m-may gawa nito sa'yo?! Kuya!" Mas inalog ko pa ito pero ang aking
kapatid ay hindi na dumidilat.

"H-Hindi... K-Kuya..." ang aking boses ay mas nanliit pa.

Sinong walang puso ang gumawa nito sa kapatid ko? May ediya ako pero iniisip ko
palang ay mas pinipiga lamang ang aking puso.

Gumala agad ang aking tingin sa madilim na bahagi kaya tumayo agad ako para
makahingi ng tulong. Malapit lang dito ang bahay nila Rudy!

Tumakbo ako habang umiiyak sa gitna ng daan. Ang aking suot na puting bistida
ay namamantsahan na ng dugo pero di ko iyon alintana.

"Tulong! A-Ang kuya ko! T-Tulungan niyo!" sigaw ko habang tumatakbo sa madilim
na kalsada. Ni isang tao roon ay wala akong maaninag. Tago ang lugar na ito at
medyo malayo pa sa bayan kung nasaan ang hospital.

Blangkong blangko ang aking isipan at nanginginig pa ako ng husto. Ang aking
utak ay naiwan sa kapatid kong nakahiga roon at wala ng malay. Putlang putla na ito
at mukhang nawalan na ng maraming dugo makauwi lamang.

Tinitingala ko ang Langit at nananalangin na sana ay hindi niya pabayaan ang


aking kapatid. Na sana ay h'wag niya muna itong kunin. Minsan lang ako humiling
sa'yo kaya kahit ito man lang... kahit ito man lang ay pagbigyan mo ako!

May narinig akong yabag ng kabayong nasa dulo ng kalsada pero noong mapagtanto
kong marami iyon ay kinutuban agad ako. Mabilis akong tumakbo pabalik sa bahay at
nilapitan agad si Kuya na wala ng malay doon.

"Kuya! G-Gumising ka! H'wag namang ganito!" Inalog alog ko siya habang
naririnig ang yabag ng mga kabayong mas malapit na at dito papunta.

Paglingon ko, nakapaligid na sila sa aming bahay. Nanlumo


ako nang mapagtantong mga tauhan nga iyon ng mga Buenaventura.
"A-Anong ginawa niyo sa Kuya ko?!" sigaw ko at hindi na makita isa isa ang
kanilang mga mukha dahil sa mga luha kong patuloy parin sa pagbuhos.

Sila rin iyong pumunta sa aming bahay para hanapin si Kuya. Imbes matakot na
baka kung ano ang gagawin nila sa akin, mas nanaig ang kagustuhan kong makakuha ng
sagot kahit alam ko namang sila talaga ang gumawa nito.

Tiningnan nila si Kuya at mukhang iyon lamang ang kanilang pakay.

"Mukhang patay na. Tara," sabi lamang noong isa saka sila nagsialisan.

Mas bumuhos lamang ang aking mga luha. Nakaramdam ako ng galit sa kanila at awa
sa aking kapatid. Niyakap ko ito at mas humagulhol ako sa kanyang balikat. Para na
akong mamamatay sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Paano nila ito nagawa sa
kapatid kong walang kalaban laban? Paano nila nagawang pumatay? Pumunta si Kuya
roon at bulaklak lamang ang dala! S-Sana binugbog nalang nila!

Parang bumaliktad ang aking mundo sa nangyayari. Halo halo ang aking emosyon at
pilit na ginigising ang kapatid kong alam kong hinding hindi na gigising. Kung alam
ko lang na ganito pala edi sana ay pinigilan ko nalang siyang umalis. Pero dahil sa
mga pangako ng isang tao sa akin, kumapit ako roon. Nagtiwala ako sa lalakeng
pinaramdam sa akin na pwede ko siyang pagkatiwalaan kahit na alam kong galit sila
sa aking Kuya.

May panibagong kabayo ang dumating at huminto agad ito sa di kalayuan. Nag-
angat ako ng tingin at nakita ang imahe ng lalakeng bumaba roon. Kahit nanlalabo,
kilalang kilala ko ang pigurang iyon.

Tumayo ako at bigong tiningnan ang lalakeng nangako sa aking poprotekhan niya
ang aking kapatid. Dapat hindi nalang ako naniwala sa kanya! Tama nga ako at
ginamit niya lang akong bitag para papuntahin ang kapatid ko roon at
nagbabakasakaling poprotektahan niya! Dapat naniwala nalang ako sa narinig kong
gaganti lamang sila sa amin! Dapat di nalang ako nagpadala sa kanyang mga salita!

Ang sinabi mo sa aking lilinisin mo ito, kasama rin ba doon ang Kuya ko?
Nandito lang rin ba ito para kumpirmahing patay narin ito?

Humakbang siya sa akin pero nailing lamang ako. Sa unang pagkakataon ay


nakaramdam ako ng pagkasuklam sa isang tao. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako
ng galit. Sa unang pagkakataon ay may kinamuhian ako. Ang atraksyon ko sa kanya ay
tila bula na naglaho na sa ere.

"P-Pinatay niyo ang K-Kuya ko..." Bigong bigo ko iyong sinabi sa kanya habang
tumataas baba ang aking magkabilang balikat.

Kitang kita ko ang pagdaloy ng takot sa kanyang mukha.


"Trace—" Lumapit siya sa akin kaya itinulak ko agad ito. Buong lakas ko iyong
ginawa kahit na hinang hina na ako.

"Pinatay niyo si Kuya! A-Ang sabi mo sa akin... A-Ang sabi mo poprotektahan mo


siya! P-Pero p-pinaikot mo lang a-ako... S-Sinadya mo iyon p-para makaganti kayo s-
sa amin!" Napayuko ako at hinang hina na. Hindi ko tanggap ang lahat lahat. Sa
unang pagkakataon, kahit labag sa langit, gusto kong manakit.

"Totoo ang sinabi kong gusto—"

"K-Kinamumuhian ko kayo... H-Hinding h-hindi ko kayo mapapatawad... S-Simula


noong d-dumating ka sa buhay ko... D-Dinala mo lang ako sa impyerno..." Bigo ko
siyang tiningnan na ngayon ay namumula na ang mga mata.

Kumuyom ang aking mga kamay. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang saktan
dahil sa galit na lumalamon sa akin. Kahit hindi naman ako ganoong tao, para akong
sinaniban ng kung ano at gusto ko nalang magwala.

"Bakit ganyan kayo? B-Bakit niyo nilalagay ang batas sa


kamay niyo? D-Dahil ba mayaman k-kayo? Nagmahal l-lang naman si K-Kuya... A-Ang
gusto niya lang... A-Ang gusto niya lang ay dalawin ang puntod ni... ni Ate
Rici..." Halos habulin ko ang aking hininga at para na akong mawawalan ng hangin
dahil sa kakaiyak ko ng husto.

Lumapit siyang muli kaya itinulak ko ulit siya. Sa bawat pagtulak ko ay


gumagapang sa kanyang mukha ang takot, pagkadismaya at sakit. Umawang ang kanyang
labi pero binasa niya lamang iyon at naitikom rin.

"P-Pinaniwala mo ako... A-Akala ko... A-Akala ko mabuti ang hangad mo... Pero
tama nga sila... Tuso kayo! Hinding hindi kita m-mapapatawad Israel... P-Pinaniwala
m-mo ako... P-Pinatay niyo siya!" sigaw ko ng ubod ng lakas sa kabila ng boses kong
mauubos na ata.

"Namatay ang Kuya ko... Namatay siya sa k-kagustuhan niyang masilayan ang
puntod ng m-mahal niya... K-Kahit ang bagay na iyon... I-Ipinagkait niyo... Ganoon
ba kayo kasamang tao? Paano niyo n-nakakayang m-manakit... D-Di niyo man lang siya
binigyan ng pagkakataon..."

Napaluhod ako sa sahig at tinakpan ang aking mukha. Umiyak ako roon na kahit
ang aking ulo ay sobrang sakit na. Ang aking mga mata ay mugtong mugto na. Wala na
akong maramdaman na kahit ano at awa lamang sa aking kapatid.

"M-Masaya na siguro kayo dahil patay na ang Kuya ko... Nakuha niyo na ang
hustisyang gusto niyo... P-Paano naman kami... Saan namin kukunin ang hustisya?
Matatawag b-ba kaming biktima ng mga taong ininsulto kami at pinaratangan sa isang
k-krimeng di namin kasalanan? P-Pero dahil makapangyarihan k-kayo... d-dahil mas
maimpluwensya kayo... s-sa amin parin mapupunta ang sisi diba?"

Nag-angat ako sa lalakeng nakatitig lang sa akin at binabalot ng ibang emosyon


ang mukha.

"B-Ba't di mo nalang rin ako p-patayin total pinatay mo narin ako? Literal mo
nalang akong p-patayin..."

Kitang kita ko kung paano namula ang kanyang mga mata at napaawang ang kanyang
mga labi.

"I'm sorry," tanging nasabi niya at umagos agad ang mga luha roon.

Humikbi lang ako lalo. Iyon lang ba ang matatanggap ko sa pagkamatay ng aking
kapatid? Iyon lang ba ang makukuha ko?

"Patawad rin Israel pero nakakatakot kang m-mahalin. S-Sana... Sana di ka


nalang pumasok sa mundo ko kung isisilong mo lang pala ako sa dilim," puno ng
hinanakit kong sabi sa kanya.

Tumingala siya sa kalangitan at mariing pumikit. Ang luha ay umabot na sa


kanyang leeg kasabay ng mga kamao niyang nagloosen na. Tumayo ako at nagtungo muli
sa aking kapatid. Ibinaon ko ulit ang aking mukha roon at umiyak ng husto.

Ganito ba talaga ang kapalaran namin? Ito ba ang kabayaran ng pagmamahal naming
nalalayo sa aming estado?

Hinayaan kong umalis si Israel noong oras na iyon. Ang lalakeng naging rason
kung ba't palagi nalang akong umiiyak. Ang lalakeng tinakpan ang liwanag sa mundo
ko. Kung noon ay gusto kong manatili sa dilim na iyon, ngayon ay napagtanto kong
lahat ng dilim ay kailangang katakutan.

Nakakabingi rin ang iyak ni Mama noong dumating ito at nalaman ang nangyari.
Rinig na rinig ko ang matindi niyang galit sa mga Buenaventura. Ang pamilyang
pinakatuso at buhay ang naging kapalit dahil lang sa buhay na nawala.

Tuluyan na ngang gumuho ang natitirang pader na itinayo kong atraksyon. Ang
tanging naiwan ay ang puso kong durog na durog na. Siguro... para nga sila sa isa't
isa ni Ate Rici. Sa kagustuhan ni Kuya na masilip ang mahal niya, ang Diyos mismo
ang gumawa ng paraan at pinaakyat narin siya. Pero paano naman kaming nagmamahal sa
kanya? Kung hiniling ko bang gusto ko ring silipin ang Kuya ko... papababain ba
siya ulit dito?

Ilang araw kaming nagluksa ni Mama. Wala kaming maibigay na


hustisya sa pagkamatay ni Kuya dahil narin sa estado ng aming buhay. Bahala na ang
Panginoon sa hustisyang hinihingi namin. Siya na ang bahalang magparusa sa
nagkasala.

Sandali akong nawalan ng ganang mabuhay. Ang lugar na ito ay pinapatay lamang
ako. Ang mga taong mapanghusga at hinihiling na maparusahan si Kuya. Ngayon na wala
na ito, titigil na ba kayo? Sana... Sana may maganda kayong napala sa panghuhusga
niyo.

Noong araw ng lamay ay maraming pumunta sa bahay para makiramay. Ang mga taong
isa sa mga uminsulto sa aking kapatid, pumunta sa kanyang pagkamatay para ano, para
humingi ng tawad? Ganoon ba talaga ang mga tao? Doon lang nila maiisip ang mga mali
nila kung saan huli na? Doon lang nila makikita ang halaga kung wala na?

"Condolence, Trace..." Niyakap ako ni Rinka.


Wala akong imik at tulala lamang habang lumuluha. Ang mga taong nandito,
nagsisiiyakan at pinaparamdam sa akin na nagluluksa rin sila kahit na noong buhay
pa si Kuya Bram, isa rin sila sa mga humiling na sana ay mawala narin ito.

"Bakit ang lupit naman ata ng tadhana sa'yo?" Humagulhol si Rose at niyakap
narin ako.

Mas lalo lamang bumuhos ang aking mga luha. Ano bang magagawa ko kung ito ang
plano ng Diyos sa buhay ko?

Tumulong silang tatlo sa pagbibigay ng mga kape at biskwit sa mga panauhin sa


labas ng aming bahay. Si Mama naman ay nakatayo lamang sa harap ng kabaong ni Kuya
Bram at tulala roon, tinitingnan ang anak niyang tila natutulog lang sa loob.

Halos mapuno ang mga upuan dahil narin sa mga estudyanteng pumunta at isa na
roon ang mga kaibigan ni Ate Rici, sila Feli.

Nagtungo ako sa kanilang gawi dala dala ang tray at binigyan rin sila ng
makakain.

"Condolence," sambit ni Feli at yumuko agad para itago ang mga luha.

Ngumiti ako ng matabang.


"Salamat. Tears of joy ba iyan? Naiiyak ba kayong lahat sa tuwa dahil ang Kuya
kong pinagtulungan niyong pagbintangan ng kung ano ano... sa wakas... s-sa wakas ay
patay na?" malakas kong sabi at iginala agad ang tingin sa mga estudyanteng
naririto. Gusto kong ilabas ang saloobin ko sa kanilang lahat.

"Ang lakas ng kapit niyo sa itaas at dininig agad ang mga dasal niyo na sana ay
maparusahan si Kuya." Ibinalik ko ang aking mga mata kay Feli. "Salamat at
makakapal ang mga mukha niyong magpakita sa lamay ng kuya ko pagkatapos niyong
insultuhin ay iiyak-iyakan niyo. Salamat sa pag-aaksaya ng oras niyo at pagsasayang
ng luha sa taong pinatay niyo sa umpisa palang sa mga isipan niyo," sarkastiko kong
sabi na mas ikinaagos ng luha sa aking mga mata at tiningnan sila isa isa na
nagpupunas ng mga luha habang yumuyuko.

Lumapit agad sa akin sina Rose at Cecille. Pagod nila akong nginitian habang
tumutulo ang aking mga luha.

"Magalit ka lang Trace... H'wag mong kimkimin. Karapatan mo iyan..." sabi niya
sa akin.

Iyon nga ang gusto ko. Ang magalit sa kanilang lahat. Oo galit na galit ako at
gusto ko ring may masisi pero wala narin naman iyong magagawa. Kahit siguro saktan
ko isa isa lahat ng mga taong nakiramay rito ay hindi parin matatanggal ang bigat
sa loob ko. Hindi na mababago ang nangyari.

Ang perang binigay sa akin ni Kuya na bigay ni Papa ang ginamit namin pangburol
kay Kuya. Halos mahimatay pa si Mama noong araw na inilibing na ito. Hilong hilo na
ako sa araw araw na pag-iyak at ang puso kong paulit ulit nalang na dinudurog.

Tuwing gabi, naririnig ko si Mama na humahagulhol sa kanyang kuwarto at


niyayakap ang natirang gamit ni Kuya. Pumapasok ako roon palagi para yakapin rin
ito.

"Ang mga demonyong iyon... Sana mabulok silang lahat sa


impyerno!" sigaw ni Mama sa sobrang galit.

Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at mas bumuhos lamang ang mga
luha kong walang tigil sa pag-agos.

Sa mga araw na nagdaan pagkatapos noong burol ay tulala lang ako sa bahay.
Dalawang linggo na akong absent. Palagi ko lang niyayakap ang gitara ni Kuya.
Palagi ko siyang naisip na nasa upuan lamang siya, naggigitara at kumakanta.
Naramdaman ko nalang ang pag-agos ng aking mga luha. Kuya... Ilang linggo na akong
umiiyak pero wala ka sa tabi ko kaya di ko mapatahan ang sarili ko... Ikaw lang
naman ang gumagawa noon diba...

"Kukunin ko ang card mo sa eskwelahan bukas," si Mama na kakarating palang at


galing sa bayan para magtinda ulit ng mga bulaklak.

Hindi ako umimik at tulala lamang sa kawalan.

"Umalis ka sa impyernong ito, Trace. Ipagpatuloy mo ang buhay mo sa ibang


lugar. Ayoko ng nandito ka dahil papatayin ka lang ng mga tao rito. Hindi ko na
hahayaang pati ikaw ay masaktan nila," sabi ni Mama habang pumapasok sa aking
kuwarto at mukhang iniimpake na agad ang aking gamit.
Siguro ang tinutukoy niya ay ang mga Buenaventura. Kahit na alam kong wala na
silang gagawin sa amin dahil nakuha na nila ang gusto nilang ganti pero di na
mapanatag ang loob ni Mama.

Hindi ako kumibo at wala ng masabi pa. Ilang araw narin akong ganito. Ang
tanging matino ko lang na nagagawa ay umiyak. Parang nakalimutan ko ng mabuhay.

"Pumunta ka sa Papa mo at sabihin mo sa kanya na hindi na kita kayang buhayin.


Lumayas kana dito. Magtapos ka ng pag-aaral at magtrabaho ka. Patunayan mo sa
kanilang lahat na kaya mong tumayo. Ang buhay lamang ni Bram ang natapos Trace.
Hindi ang buhay mo."

Mas umagos ang luha sa aking mga mata. Wala ng hagulhol o hikbi ang lumalabas
sa aking bibig at ang mga mata ko nalang itong hindi napapagod sa pagdadalamhati.
Kung ano man ang gusto ni Mama, susundin ko. Ayoko narin sa lugar na ito.

Pinroseso nga ni Mama ang aking mga papeles sa eskwelahan. Nagpapatianod nalang
ako sa agos ng aking buhay na kahit ideritso niya ako sa pangpang ay tatalon rin
ako. Ito pala iyong pakiramdam na buhay ka pa pero unti-unti kanang nawawalan ng
ganang huminga.

Pagkatapos kunin ni Mama ang aking card ay nagsulputan agad ang tatlo sa hapong
iyon sa bahay.

"Aalis ka raw, Trace?" tanong agad ni Rinka nang matagpuan nila ang aking imahe
sa likod ng bahay. Nakaupo lamang ako habang nakatitig sa mga bulaklak doon.

Tumango ako habang yakap yakap ang aking mga tuhod at nakadampi sa aking mga
tuhod.

Tumabi ang tatlo sa akin. Isinabit ni Rinka ang aking buhok sa gilid ng aking
tenga at sinilip ang aking mukha.

"Kumakain ka pa ba? Ang payat payat mo na ata? Pag nalaman ng kapatid mo na


hindi ka kumakain... bababain ka talaga noon at magpaparamdam iyon sa'yo," pabirong
sabi ni Rinka.

Sana nga ganoon nalang... Kahit buong araw akong hindi kumain para bumaba
lamang si Kuya at pagalitan ako kaso alam ko namang imposible iyon.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong nagpunas ng luha si Rose na nasa
kabila naman.

"Kung saan ka man pupunta... Sana sa lugar na iyon ay sumaya ka, Trace. Umalis
ka nalang dito dahil wala rin namang ginawa ang lugar na ito sa'yo kundi pahirapan
ka..." madamdaming sabi ni Rose.
"Pero h'wag mo kaming kalimutan ha... Pag okay kana ulit... Pag hindi kana
nalulunod sa kalungkutan mo... b-bumalik ka ha. Hihintayin ka namin dito..."
Pumiyok si Cecille at sunod sunod agad ang mga luhang umagos sa kanyang mga mata.

Napapikit ako at dinama ang mga luha kong umagos na naman. Niyakap nila akong
tatlo saka sila nagsimulang mag-iyakan. Buhay parin pala talaga ako dahil
nakakaramdam parin ako ng sakit.

"Mag-ingat kayo rito," tanging nasabi ko.

Tumango tango naman silang tatlo at nginitian pa ako habang nagpupunas ng mga
luha.

"Salamat dahil... noong mga panahong hinuhusgahan ako ng buong mundo... noong
mga panahong pinagtutulungan ako... noong mga panahong nagluluksa ako... kayo ang
nandiyan sa tabi ko..." Nginitian ko sila sa kabila ng mga luha kong umaagos.

Mas lalong humikbi si Rose at humagulhol naman si Rinka.

"Ang bait bait mo Trace! Di ko talaga maintindihan at sa dami ng masasamang tao


sa mundo, ikaw itong nagdudusa ng husto. Hindi mo naman ito deserve eh! Bakit
ganoon?" Halos habulin ni Rinka ang kanyang hininga habang sinasabi iyon.

"Di ko rin magawang kwistyunin ang Panginoon kung bakit ganito niya isinulat
ang buhay ko. Pero kung may maganda man siyang plano kaya ito nangyayari...
pipilitin kong tanggapin ang lahat..." sagot ko.

Nasa bible rin naman na pagkatapos noong baha na nangyari sa lugar kung saan
nakalutang ang malaking arka na ginawa ni Noah, pagkatapos ng dilubyong iyon ay
humupa rin ang baha at isang bahaghari ang lumabas. Hudyat iyon na sa bawat dilim,
may lilitaw paring liwanag at matatapos ang dilubyong dumating. Kusa akong
maglalakad palabas sa dilim na iyon para hanapin ang liwanag at iaalis ako sa
masalimuot kong tinahak na landas.

"Bukas ng umaga ka umalis. Pagpunta ko sa bayan... Magtungo kana sa paradahan


ng bus at sumakay ka papuntang syudad. Nagkakaintindihan ba tayo, Trace?" tanong ni
Mama sa gabing iyon na ikinatango ko.

"Paano ka dito, Mama?"


"Kaya ko naman ang sarili ko. Pero kung nandito ka rin at malapit ka sa mga
Buenaventura na iyon, sa mga sugo ng kadiliman, mas mahihirapan lamang ako. Mas
mabuti na iyong malayo ka sa kanila at nasa puder ka ng Papa mo. Doon mas
mapapanatag ako."

Nagloosen ang aking balikat at agad ko itong niyakap.

"Magtatapos ako Mama... At babalikan kita rito. Mag-ingat ka po at h'wag


masyadong magpagod..."

Tumango tango si Mama at humiwalay rin naman. Nag-iwas pa ito ng tingin sa


akin.

"O siya... Matutulog na ako." Pumasok na siya sa kanyang kuwarto.

Konting tiis rin, Mama... Di naman siguro panghabang buhay na ganito diba?
Kahit ang sakit... tanggapin nalang natin na wala na talaga si Kuya. Siguro iyon
talaga ang kapalaran niya.

Kaya noong umaga, iyon ang ginawa ko. Pagkagising ko ay wala na si Mama kaya
ako naman ang naligo, nagbihis para makaalis na. Pumunta rin naman ako sa bayan
kung saan pumaparada ang mga bus ay sumakay roon.

Noong makaupo na ako malapit sa may bintana ay tinitigan ko agad ang hawak na
card kung saan nakatira si Papa. Anong naghihintay na buhay sa akin doon?
Matatanggap niya rin ba ako katulad ng pagtanggap niya kay Kuya Bram?

Sa gilid ng aking mga mata, may nakita akong lalakeng nakasakay sa isang
kabayo. Lumingon ako sa bintana, sa bus na papaalis na, at sa huling beses ay
nagkasalubong ang aming mga mata.

Umawang ang kanyang labi at sinundan ako ng tingin. Kusa kong binawi ang aking
mga mata sa harap at walang maramdaman na kahit ano sa aking loob. Ito na ang huli,
Israel. Aalis na ako sa pagkakasilong ko sa'yo. Aalis na ako sa dilim na ibinalot
mo sa mundo ko.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 37

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Ria Ulanday. Happy reading!
-----------
Chua
Habang nasa gitna ng byahe, iniisip ko ang magiging kalagayan doon ni Mama.
Mag-isa lang siya. Kakayanin niya ba? Paano pag nagkasakit ulit siya, sinong mag-
aalaga sa kanya?
Nang rumehistro iyon sa aking utak ay gustong gusto ko ng bumaba sa bus at
bumalik sa aming bahay. Naiiyak na naman ako idagdag pa ang pangungulila ko kay
Kuya. Ang huli niyang sinabi sa akin ay tumakas ako. Gusto niyang takasan ko ang
lugar na iyon. Ayaw niya siguro akong madamay sa tuso ng pamilyang iyon.
Hindi ko mapangalanan kung anong klaseng delubyo ang humagupit sa aming buhay
at ganito nalang kung manalanta. Ngayon naman ay inaanod na ako sa panibagong lugar
at doon ulit magsisimula. Anong iisipin ni Papa pag bigla akong nagpakita roon?
Hindi ba siya magtataka? Paano kung di ako matanggap noong pamilya niya?
Dilat ako buong byahe at nakatingin lamang sa labas ng bintana. Naaalala ko ang
mga ngisi sa akin ni Kuya at ang sobrang saya niyang mukha noong naging sila ni Ate
Rici. Di ko alam kung tadhana ba talaga na kahit sa langit ay magkita sila oh
malungkot lang talaga ang sinapit ng dalawa. Di ko tuloy alam kung matatawag ko ba
iyong happy ending para sa kanilang dalawa.
Nakaidlip ako ng ilang minuto pero magigising rin dahil sa kalungkutang
yayakapin ako bigla at iduduyan sa ere. Nakakapanghina ng kalamnan lahat ng
nangyayari. Okay lang naman na pasanin ko lahat ng ibabato nilang insulto sa
akin... okay lang kung saktan nila ako, pero sana naman hindi na kasali si Kuya
roon.
Di ko na alintana ang gutom. Uminom lamang ako ng tubig kanina sa byahe at
umidlip ulit.
Nagising nalang ako noong huminto na ang bus at pinagpapalo na noong konduktor
ang pwetan noon habang sumisigaw na lumabas na lahat ng pasahero.
Mabilis kong kinuha ang isa kong malaking bag at isinuot ng maayos ang maliit
na bag sa aking likuran saka ako lumabas ng bus. Kinusot ko ang aking mga mata
habang gumagala ang aking tingin. Namangha agad ako sa mga nakita ko. Ang matatayog
agad na buildings ang kumuha ng aking atensyon at ang mga taong pakalat kalat rij
sa daanan.
Nasa syudad na ang isang tagabukid! Nasa syudad kana ng Davao City, Trace!
"Uy Miss... Saan ang punta mo? Tara ihahatid na kita." May lumapit na lalake sa
akin at nakaputing polo pa ito habang ang puting tuwalya sa kanyang likuran ay
nakasiksik ang kalahati at ang kalahati ay nakasabit sa kanyang balikat.
Umawang ang aking bibig pero napakurap rin nang sinimulan niyang kunin ang
aking dalang bag at ipasok iyon sa likod noong puting sasakyan na may nakalagay na
taxi. Binuksan niya naman iyong likod kaya doon ako pumasok. Ang lamig agad ng loob
ang sumalubong noon sa akin.
Ilang sigundo akong naghintay sa loob hanggang sa pumasok rin naman ang lalake
sa driver's seat.
"Saan ba kita ihahatid Miss Ganda?" Ngumiti siya sa akin doon sa itaas ng
salamin.
Kinuha ko agad iyong card na kinaroroonan ng Residence ni Papa.
"Dito po sa Woodridge Subdivision." Ibinigay ko iyon sa kanya.
Kinuha niya iyon saka tiningnan.
"Ah dito..." Tumango tango siya saka ulit ibinalik iyon sa akin.
Nagsimula na itong magmaneho habang ang aking mga mata naman ay natuon na sa
labas ng bintana. Manghang mangha ako sa mga nakikita ko. Napapansin ko rin ang
magagarang kotse. Nagsuot pa ako ng jacket dahil hindi ko rin makayanan ang lamig
na gawa ng loob. May nababasa akong ganito sa mga libro kaya hindi ako masyadong
naiignorante kahit first time ko rito.

Habang tumatakbo ang oras ay nakikita ko na kung paano


kinakain ng dilim ang liwanag. Kung paano nagsisimulang yakapin ng dilim ang
kabuuan. Naalala ko agad ang lalakeng binalot ng dilim ang aking mundo. Ang hiling
ko nalang sa kanya ay maging masaya siya sa buhay niya. Kahit iyon nalang...
Pumasok ang taxi sa aking malaking gate. Huminto pa kami dahil sa dalawang
gwardya na chineck-up ang loob. Noong masigurado nitong wala namang kahinahinala sa
loob ay tinanguan niya rin ang taxi driver na iniwan pa ang kanyang ID. Ganoon
siguro kahigpit dito.
Nanlaki ang aking mga mata sa nakita kong mga bahay. Medyo magkalalayo iyon
dahil narin sa laki ng bawat bahay at may iba ibang desinyo pa. Laglag panga ako at
hindi maitago ang atraksyon sa mga bahay na sobrang gara. Namamataan ko pa ang mga
kotse sa loob noon at lagpas tatlo pa ang iba. Ganito ba talaga ang mga tagasyudad?
Alam ko namang moderno sila rito pero di ako makapaniwalang ganito ka moderno.
Huminto ang taxi sa isang napakalaking bahay na may puti at itim ang exterior
design na ikinalaglag lalo ng aking panga. Sobrang laki rin ng kulay itim na gate
nila. I-Ito na ba ang bahay ni Papa?
"Mukhang iyan na ang Chua Residence Ma'am..." sabi noong taxi driver habang
sinisipat rin ng tingin ang bahay.
Lumunok ako ng laway at ramdam ang pangangatog ng aking mga paa. Bigla akong
nakaramdam ng hiya. Anong magiging reaksyon nila sa akin? B-Baka di pa ako
nakakatapak sa loob ay ipinagtabuyan na ako. Sige na Trace... Subukan mo nalang
tapos umuwi ka rin pagkatapos kung hindi naging maganda ang kinalabasan.
"Magkano po ang bayad?" tanong ko pa.
Pinindot niya iyong gitna kaya nakita ko rin ang halaga na naroroon. Nanlaki
ang aking mga mata at hindi alam kung tama ba iyong nakikita ko.
"380 lahat, Ma'am."
"H-Huh? Ba't ang laki po?" takang taka kong tanong.
"Taxi kasi ito at aircon pa. 'Tsaka malayo rin ang lokasyon ng pinaghatiran ko
sa'yo kaya ganito na kalaki. Tagabukid ka ba, Miss?" Tumawa pa ito at sinipat ako
ng tingin.
Ngumuso ako at kinuha ang aking pitaka. Nakagat ko agad ang aking pang-ibabang
labi noong makita ang pera na 200 na lamang.
"K-Kulang po ang pera ko..." Bigo ko itong tiningnan na nilingon pa ang bahay.
"Manghingi ka nalang diyan sa pupuntahan mo oh. Maghihintay nalang ako dito sa
labas," sabi nito na ikinapula agad ng aking pisngi.
Ni hindi pa nga ako sigurado kung matatanggap ako sa loob tapos manghihingi pa
ako ng pamasahe.
"P-Pero—"
Hindi pa ako nakakatapos sa aking sasabihin ay lumabas na siya roon at magawa
pang buksan ang backseat. Umikot ito sa likod at kinuha narin ang aking bag.
Ang lakas ng kalabog ng aking dibdib nang magpasya akong lumabas ng taxi.
Tahimik ang buong paligid at bukas ang ilaw ng mga bawat street lights. Medyo
malayo rin ang agwat noong kapitbahay nila at malalaki rin ang mga bahay.
"Sige na, magdoorbell kana. Mag-aapply ka bang katulong diyan? Amo mo ang nasa
loob?" Pang-uusisa pa noong taxi driver at tinitingala rin ang bahay na sobrang
laki nga.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Bigla nalang akong nilamon ng takot.
Magpahatid nalang kaya ako pabalik? Pero Trace... kulang na nga ang pera mo eh.
Akala ko kasi malaking pera na iyong 500 na dala ko. Di ko alam na pagdating sa
syudad ay nagmumukha nalang pala iyong barya.
Bago pa man ako makapagdoorbell ay may umagaw na ng aking atensyon. Nakasakay
ito isang skateboard habang nakapamulsa. Singkit ang mga mata nito nang matapat
siya sa ilaw at noong mas lumapit na ito. May suot itong itim na sleeveless, short
na parang camouflage ang desinyo at ang nakapulupot na headset sa kanyang leeg.
Para siyang cold na badboy...

Swabe niyang inihinto ang skateboard na tumayo pa saka niya


ito kinuha. Matangkad ito at supladong suplado ang pagmumukha dala narin ng
magulong buhok at hanggang batok iyon.
"Need anything?" tanong niya sa akin sa baritonong boses at umangat pa ang
kilay.
Napalingon narin sa kanya ang taxi driver at natigil na sa kakatitig sa bahay.
"Ah... Mag-aapply atang katulong sa inyo itong babae. Nagpahatid kasi rito at
kulang ang pamasahe niya."
Nilingon niya saglit ang taxi driver sa pamamagitan lamang ng kanyang mga mata
pero ibinalik rin naman agad sa akin. Ang mga mata nito ay awtomatikong hinagod ako
mula ulo hanggang paa.
"She's not our maid," matigas nitong sabi sa isang engles na mas nagpakaba sa
akin.
"A-Ano... N-Nandiyan po ba si Mr. Uh... Mr. Chua?" tanong ko sa kabadong boses
na awtomatikong ipinagsalubong ng kanyang kilay.
"You're his second illegitimate child?" deritsahan niyang tanong sa maanghang
na pananalita at matalim niyang tingin na ikinaputla ko.
Parang kumaripas ng takbo ang aking katinuan at nanlabo agad ang aking mga
mata. Ineexpect ko naman ito... Alam ko naman na hindi maganda ang magiging trato
sa akin.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at yumuko agad para hindi niya iyon makita.
Mabilis kong pinunasan ang aking mga mata para lang di iyon pumatak.
"H'wag mo namang paiyakin si Miss Ganda, Sir," sabi noong taxi driver.
Nag-angat ulit ako ng tingin at niyakap na ng takot.
"S-Sige... D-De bale nalang..." Ngumiti ako ng pilit sa lalakeng sobrang
suplado parin ng pagmumukha. Naaalala ko si Kuya Bram pero siya itong doble ata
pagiging suplado.
"Pwede niyo po ba akong ibalik sa paradahan ng Bus?" tanong ko sa taxi driver
na nagkamot agad ng ulo.
"Pero diba 200 nalang ang pera mo at lagpas 300 ang kailangan mo pang bayaran
sa akin, Miss. Kahit maganda ka di kita patatawadin dahil gipit din ako," reklamo
niya.
Namula ang aking pisngi at binalot ng pagkabahala ang aking mukha. Iyong
supladong lalake naman ay nagkakasalubong na ang kilay habang dinudukot palabas ang
isang itim na pitaka.
Naglahad siya ng 1000 bill sa taxi driver na kinuha rin naman iyon agad.
"Ah... Keep the change na po ba Sir?" tanong pa nito at ngumiti na.
"Gipit din ako. I need my change," sabi niya sa baritonong boses at hindi parin
nagbabago ang ekspresyon.
"Kuripot talaga ng mga instik," narinig ko pang bulong noong lalake habang
bumabalik na sa kanyang taxi.
Nasa akin na ulit ang tingin noong supladong intsik kaya yumuko agad ako para
di ko makasalubong ang kanyang mga mata. Noong ibinalik na sa kanya ang sukli ay
umabante rin naman ito at nagdoorbell na.
"Ah Sir, itong gamit po ni Miss Ganda," sabi niya ulit.
Nilingon kami noon. Sasabihin ko na sana na kaya ko naman iyong dalhin pero
nabulol na ang aking dila sa loob.
Tiningnan niya iyong bag ko saka rin ibinalik sa harap.
"Carry your things since it's yours," cold niyang sabi.
"Ay... Nako... Di gentleman," bulong muli noong taxi driver.
Nginitian ko ng tipid iyong taxi driver saka ko rin binuhat ang aking bag. Di
rin naman iyon mabigat dahil puro damit ko lang naman ang laman noon.
Nanatili akong nakatayo habang binubuksan na iyong maliit na gate. May sinabi
pa siya roon sa katulong saka ito dumeritso papasok.
"Akin na ang bag mo, hija, pumasok kana..." Nilapitan niya ako at kinuha ang
aking bag..

Umiling agad ako.


"H'wag na po. Nakakahiya po 'tsaka kaya ko naman..." Nginitian ko pa ito.
"Ay nako masesesante ako sa ginagawa mo. Akin na iyan. Tungkulin namin bilang
mga maid ang sundin ang utos ng amo." Kinuha niya iyon sa akin kaya wala akong
nagawa kundi hayaan nalang ito.
Sinenyasan niya pa akong sumunod kaya tuluyan rin akong pumasok sa gate. Ang
aking mga mata ay kumislap agad sa pagkamangha dahil sa nasaksihan ko. Malawak ang
espasyo at sa gilid ay may mga kotse nga akong nakita sa loob ng isang parang
silid. Ang balkonahe ay parang sa mga movie ko lang nakikita habang ang mga mwebles
ay kumikinang pa.
"Halika na, hija. H'wag kang mahiya." Hinila noong maid ang aking pulso nang
mapansin niyang tumigil ako sa paglalakad.
Dinala niya ako papasok sa loob ng bahay. Sa sobrang kintab ng sahig,
pakiramdam ko ay mabubuwal ako ano mang oras. Ang magarang hagdan agad ang aking
napansin at ang kumikinang na malaking ilaw sa itaas. Para iyong mga sinabit na
diamond na ewan. Masyadong magarbo.
"Where is she?" May narinig akong boses sa kung saan at ilang sandali lamang ay
may nakita akong lalakeng bumababa na nga sa magarang hagdanan na iyon.
Habang bumababa ito ay nililingon niya ako at sa bawat pagtama ng aming mga
mata, hindi ko alam kung ba't bigla akong kinutuban na kahit ang balahibo ko ay
tumindig at idagdag pa ang nanlalabo kong mga mata.
"Trace?" he called me using a deep yet stern voice.
"Oh God... You look like Tasha," pagbanggit niya sa pangalan ng aking ina.
Hindi ko alam kung ba't bigla akong humikbi habang papalapit siya sa akin. Ang
kanyang mga mata ay pinapaalala sa akin si Kuya. Nakikita ko rin sa kanyang mukha
si Kuya na kung tatanda siguro ang aking kapatid ay magiging kamukha niya ito.
"Oh... Don't cry..." Ngumiti siya sa akin at binuksan agad ang dalawa niyang
mga bisig.
Sa aking tansya ay nasa mid 50's na ito at singkit rin ang mga mata. Mukha
siyang intimidating pero dahil nakangiti ito ay nababawasan ang nakakatakot niyang
imahe hindi kagaya noong isang supladong lalake.
Tinakpan ko ang aking mukha at umiyak doon. Narinig ko itong tumawa ng marahan
hanggang sa tuluyan na ako nitong niyakap.
"You don't know how happy I am right now... I am your father, Trace. I am Liam
Chua," sabi niya sa baritonong boses habang hinihimas ang aking likod para
patahanin ako.
Wala akong naisagot at mas lalo lamang bumuhos ang aking mga luha. Hindi ko
maipaliwanag ang aking nararamdaman. I'm in so much awe... Ang pakiramdam na
niyayakap ako ng aking ama ay ang sarap sa pakiramdam. Na hindi ako nito tinataboy
at masaya pa ito sa aking presensya.
Tumawa itong muli at sinilip pa ang aking hitsura.
"Oh... you inherit my eyes! Look at that beautiful eyes! Di naman singkit iyong
Mama mo kaya sigurado akong mga mata ko iyan..." Pinunasan niya ang luha roon na
ikinanguso ko lalo na't nanginginig ang aking mga labi.
"Dad? Bumalik na si Kuya Bram?!" Isang matinis na boses ang nanggaling sa itaas
kaya napatingala ako sa may itaas. Nakita ko ang babaeng nakatingin dito sa ibaba
habang iyong lalake naman ay nakasandal ang mga kamay doon at nakasalikop pa ang
mga palad habang nakayuko rin at nandito ang tingin.
"Come here you two. I'll introduce you to your second sibling..." Sinenyasan
niya ang dalawa na bumaba.
Binigyan ako ng tissue noong katulong na nginitian ko agad saka ko ibinalik ang
aking mga mata sa dalawang bumababa na. Nababasa ko sa mukha ng lalake ang mahabang
"tsss" at mukhang iritadong iritado sa isang bagay habang iyong babae naman ay may
dala pang puting mabalahibong aso. Sa bawat paglalakad niya ay sumasabay sa kanya
ang suot niyang cream na strap dress at kahit ang buhok niyang nakahighponytail ay
hindi rin nakaligtas sa aking paningin. Naaalala ko sa kanya si Ate Rici pero mas
marami lang itong suot na alahas na kahit sa kanyang paa ay meron rin. Bangle ata
iyon...

Kalmado lamang ang ekspresyon noong babaeng singkit rin


noong huminto ito sa aking harapan. Iyong lalake naman ay nakapamulsa parin at nasa
damit ko ang tingin. Pasimple kong  napasadahan ng tingin ang aking sarili at
kumpara nga sa suot noong babae ay nagmumukha akong basahan. Nakasimpleng tshirt,
simpleng jeans at flats lamang ako habang may suot pa akong jacket na lagpas
beywang ko.
"Aware naman kayong dalawa na may kapatid pa si Bram, diba? She's Tracey
Adjeanne, Am I right?" Nilingon niya ako at sinilip ang aking ekspresyon habang ang
kanyang kamay ay nasa aking likod parin.
Tumango agad ako at ngumiti ng pilit.
"And Trace... This is Brennan Chua, my older son. And my daughter French Chua.
Treat them like they're your siblings too from now on," kalmado niyang sabi na may
galak pa ang boses.
Lumapit sa akin iyong babae at bebeso na sana pero naglahad nalang ng kamay.
"Hey... Nice to meet your sis..." Ngumiti siya sa akin ng pilya. Ang cheekbone
niya ay agad na nadepina dahil sa pagkurba ng kanyang labi.
Tinanggap ko naman iyon at ngumiti rin ng tipid. "H-Hi..." nahihiya kong
banggit.
"Brennan," tawag niya sa lalake na iwinagayway lang ang kanyang kamay sa akin
sa tamad na paraan dala narin ng malalamyang mga mata.
Ngumiti rin ako sa kanya at iwinagayway ang aking kamay. Kitang kita ko naman
ang tuwang yumakap sa matanda at nasisiyahan dahil sa inaasal ng kanyang mga anak
sa akin. Iyong lalake ata ang galit sa akin habang iyong babae naman ay nagagawa
pang ipawagayway rin sa akin iyong aso niya.
Napansin kong masyado silang pormal sa loob. Parang mga maharlika na sinanay
kung paano kumilos na may tamang postura at dapat palaging presentableng tingnan
kahit nasa bahay lang naman.
Umakyat rin naman ang dalawa habang ako naman ay iginiya narin ni Papa sa
magiging kuwarto ko. Hindi ko matukoy kung nagustuhan ba nila ang aking presensya o
sa loob nila ay may tinatago na agad silang galit sa akin. Sino rin ba ang
magugustuhan kung nalaman mong may anak pala ang ama mo sa ibang babae? Di na ako
magtataka kung ngayon palang ay itaboy agad ako noong dalawa.
"When I found out that Tasha has a daughter I immediately fixed this as your
room since this is vacant," paliwanag niya at binuksan ang ilaw.
Lumaki agad ang aking mga mata nang makita ko nang tuluyan ang loob. Kulay
light pink ang pader noon habang may itim na carpet naman sa sahig at halatang
napakacomfy sa paa. Ang bedsheet ay kulay pink rin at isang makapal na kulay puting
kumot ang nakaarrange roon. May parang kurtina pa ang bawat gilid noong kama at
nagmistulang kuwarto ng isang prinsesa ang loob dahil narin sa ganda at laki. Sa
gilid ay may sofa, flatscreen sa pader, glass door na kumukonekta ata sa labas at
mukhang may veranda, book shelf na punong puno ng libro, walk-in closet at cr.
Isang buong bahay namin ang aking kuwarto at aircon pa! Sa sobrang bango rin ng
loob pakiramdam ko ay may mga nagkalat na matatamis na candy sa paligid. Lahat ng
nababasa ko sa isang libro ay nakikita ko na sa aking harapan at hindi ako
makapaniwalang kuwarto ko pa iyon.
"Bram told me he'll bring you here. But where's your brother?" tanong sa akin
ni Papa na kusang ikinalaglag agad ng aking mga luha.
"P-Patay na po si Kuya."
Kitang kita ko kung paano siya natigilan at kung paano ito nagulantang. Ilang
sigundo siyang ganoon hanggang sa namula ang kanyang mga mata. Akala niya ay
nagbibiro pa ako kaya noong sinabi ko na nabaril ito noong nakaraang tatlong linggo
ay napakapit na siya sa pinto. Humagulhol ako sa kanyang harapan habang kinukwento
ang nangyari kay Kuya at namalayan kong nag-iiyakan na pala kaming dalawa. Sinabi
ko rin na kusa akong pumunta rito at ayokong idawit ang pangalan ni Mama dahil baka
siya na naman ang magmukhang masama.
Nalaman ko kay Papa na kaya pala bumalik si Kuya Bram sa bahay para daw sunduin
ako at dalhin kay Papa. Iyon ang napag-usapan nila dahil narin sa kagustuhan ni
Papa na makita ako pero mukhang iba naman iyong sinabi sa akin ni Kuya.
"Noong pumunta rin si Bram dito, tulala ang batang iyon at namumugto ang mga
mata. Umiiyak pa ito ng husto kaya hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya,"
pagkukwento ni Papa habang pulang pula rin ang mga mata kakaiyak.
"I can't believe I lost my son in just a blink of an eye! Ilang araw palang
kaming nagkasama... Nakakadismaya at ipinagkait sa akin ni Tasha ang karapatan ko
sainyong dalawa ni Bram!"
"H-H'wag niyo pong sisihin si Mama... May rason po siya kaya niya iyon inilihim
dahil ayaw niya raw po na makasira ng pamilya. Napalaki naman po kami ng maayos ni
Mama at ginagapang niya kami sa kahirapan. Nagtitinda po siya ng bulaklak at araw
araw pa po iyon."
"I know hija... Iyan rin ang depensa ni Bram kay Tasha and I am very proud she
raised you well... My poor son..." Mariing pumikit si Papa at nahilot ang sintido
habang umaagos parin ang mga luha.
"Kung alam ko lang... Di ko na talaga iyon pinayagang bumalik sa lugar niyo at
ako nalang mismo ang pumunta sainyo! But Bram is just too persistent... He wants to
go... That kid is begging me with a painful look on his eyes and it's hard to say
no..." Hirap na huminga si Papa at bigong bigo ang boses habang nagkukwento.
Siguro nagpumilit ring umuwi si Kuya dahil kay Ate Rici. Nabanggit niya rin sa
akin kung babalik pa ba siya rito pero ang sabi niya ay ayaw niya na raw at doon
nalang. Pinagpalit niya ang marangyang buhay dito na pinapangarap naming dalawa
para lamang masilip ang puntod ni Ate Rici na ipinagkait rin naman sa kanya.
"Sa'yo ako babawi, Trace... I'll give you the wealth you deserve as a Chua.
From now on, this is your home and you're my daughter." Niyakap ako ng mahigpit ni
Papa na ikinaiyak ko.
Tumango ako at napangiti habang niyayakap ang ama kong ngayon ko lang nakita sa
loob ng 17 years.
"Salamat, Papa..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 38

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Kiana Celine Lugtu. Happy reading!
---------
Imposible Ng Balikan
Sa isang iglap ay biglang guminhawa ang aking buhay. Hindi ko alam kung paano
ako makakapag-adjust. Nasanay ako sa simple at payak na pamumuhay pero bigla atang
bumaliktad ang mundo at masyado ng marangya ang pumalit.

Nalulula ako palagi sa malaking bahay na 3storey pa at ang itaas ay may


rooftop. Ang sabi sa akin ng mga katulong ay doon daw madalas ang tambayan ni
Brennan pag may mga inimbitahan itong barkada niya. Nag-chichill daw doon sa itaas
na hindi ko masyadong nagets kung anong klaseng chill ang tinutukoy nito.

Sa likod ng kanilang bahay ay ang malapad na pool area at ang sabi rin ni
Manang Asing sa akin, si French daw ang madalas magdala ng bisita roon lalo na't
marami itong circle of friends na puro raw elite.

Suplado si Brennan at medyo nahahawig nga kay Kuya Bram dahil narin nagmana ito
kay Papa. Masculine ito at hanggang balikat lamang ako sa kanya. Misteso siya at
dalawang taon lamang ang agwat sa akin.

Si French naman ay lamang ng pitong buwan sa akin. Kaka 18 lang nito at kaklase
ko pa ito sa isang private school dito. Nasa 5'5 ang kanyang height habang ako
naman ay 5'6 pero dahil palagi itong nakaheel ay mas matangkad siyang tingnan sa
akin. Masiyahin ito at kabaliktaran ni Brennan na may malaking galit ata sa mundo
kaya ganoon nalang kung ipagdamot ang ngiti.

Mistisa rin si French, natural na katangian ng isang pure blood na intsik at


semi long ang bagsak niyang buhok. May mga side bangs siya at mahilig ngumiti ng
pilya. Palagi niyang bitbit iyong alaga niyang aso na si Kaki. Madaldal ito dahil
madalas niya rin akong tinanong ng kahit ano.

"So you're tagabukid like Kuya Bram?" tanong niya sa akin nang puntahan niya
ako sa aking kuwarto at nadatnang nagbabasa ng libro.

Unang araw ko palang at hindi ako masyadong lumalabas dala narin ng hiya.
Pinupuntahan niya lang naman ako para kausapin ako.

Tumango ako sa kanya. Medyo di pa ako sanay sa way niya ng pananalita. Parehas
sila ni Ate Rici na hinahalo ang tagalog ang engles pero si French ay maarte lang
talaga ang pagkakabigkas hindi kagaya kay Ate Rici na smooth.
"So kaya pala you look like ignorante..." Ngumiwi pa siya sa akin habang
nakaupo sa dulo ng aking kama suot ang isang puting A-line strap dress at nakahigh
ponytail na naman ang kanyang buhok.

"Uhm... Oo ganoon na nga." Nililingon ko lang siya paminsan minsan habang


nakaupo ako sa sofa.

Bumungisngis siya roon. Ang kanyang alaga namang si Kaki ay tumatakbo na sa


aking kama at nilalaro ang aking unan na ikinatuwa ko narin.

"Dapat nagpractice ka to be like me. But don't worry I already told Dad na
sasamahan kita pag nag buy ka ng mga clothes and shoes mo. I'll help you!" Ngumisi
pa siya sa akin.

Mukhang suplada si French o Franchesca tingnan pero mabait naman ang


pakikitungo nito sa akin. Pure blood chinese kasi kaya nakakaintimidate ang singkit
nilang mga mata. Singkit rin naman ako pero hindi masyado dahil siguro half blood
lamang ako. Doon mo lang maalalman na singkit ako pag tinitigan mo na ako ng husto.

Kamukhang kamukha niya ang kanyang Mommy na kinakatakutan ko sa bahay na ito


dahil narin sa pagiging intimidating niya at hindi madalas ngumiti. Doon ata
nagmana si Brennan habang si French naman ay mana sa aking ama na masayahin.

Hindi ko makakalimutan ang unang araw na nakita ko si Tita Brenda. Umaga iyon
at iyon ang kauna-unahang beses na makakasabay ko silang lahat sa malaking hapag.
Si Papa ang nakaupo sa gitna habang sa kaliwang gilid ay si Tita Brenda na nasa
akin agad ang tinging naninimbang, sa kanang gilid ay si Brennan naman na katabi si
French at sunod ay ako.

"You went home late so you didn't meet her last night...
She's the one I'm talking to you. Si Tracey..." sabi pa ni Papa sa pormal niyang
boses sa umaga.

Hindi ko alam kung anong sasabihin dala narin ng takot sa kanyang malalim na
tingin sa akin. Ngumiti ako ng pilit at marahang yumuko.

"M-Magandang umaga po..."


Hindi siya sumagot at inalis agad ang tingin sa akin. Nilingon pa ako ni French
kaya hilaw nalang na ngiti ang naibigay ko sa kanya.

"Use this one ha if you're not familiar with the spoon..." bulong niya pa sa
akin saka niya itinuro ang nasa gitnang kutsara.

Ngumiti ako sa kanya saka pasimpleng ibinalik ang tingin kay Tita Brenda na
nagbago na ata ang timpla habang nag-uusap sila ni Papa at mukhang topic ata si
Kuya Bram.

Pumangalumbaba ako sa aking upuan at niyakap na ng takot. Idagdag pa itong mga


kubyertos sa aking harapan at hindi ko alam kung dapat ba ay gamitin ko silang
lahat. Napag-aralan na namin ang ganito sa TLE kaya medyo may alam ako kahit
kaonti.

"Don't slouch. Mommy will get mad at you sige ka." Saway sa akin ni French at
nagawa pa akong sipain ng palihim kaya mabilis akong napaupo ng tuwid. Lumingon pa
sa akin iyong Mommy niya na umismis agad saka tahimik na kumain sa napakaelegante
niyang kilos.

Alam kong hindi ako gusto ni Tita Brenda hindi dahil sa kanyang ipinupukol na
tingin sa akin kundi dahil narinig ng sarili kong mga tenga ang pag-aaway nila ni
Papa.

"My God, you're going to kill me! That girl resembles your mistress alot!
Pinapaalala niya sa akin na may babae ka noon!"

"God, Brenda! The girl won't harm you for pete's sake!"

"Tanggap ko pa si Bram dahil kamukhang kamukha mo pero iyang babae na 'yan...


Hindi ko alam kung makakaya kong nandito siya sa bahay, Liam! What if she's not
even your daughter! Baka piniperahan kana naman ng kabit mo at nagpapauto kana
naman tapos kasabwat niya iyang anak niya!" she spat angrily.

"Don't insult my daughter, Brenda. Palalampasin ko ang pang-iinsulto mo kay


Tasha pero kay Tracey na wala namang kasalanan..." My father's voice trailed like
it's a warning.

Hindi ko na nakayanang makinig dala narin ng mga luhang umaagos sa aking mga
mata kaya mabilis na akong tumakbo palayo sa Office ni Papa rito sa bahay.
Magpapaalam sana ako kung pwede akong pumasok sa silid kung saan may marami silang
libro pero sa aking mga narinig ay isinantabi ko nalang iyon.

Aksidente ko pang nabangga si Brennan habang umaakyat ako pabalik sa aking


kuwarto kaya nagalit agad ito.

"This is not a playground for you to run, damn it—"

Naputol ang kanyang pagsasalita na kahit ang iritang irita niyang mukha ay
unti-unting kumalma nang makita akong umiiyak.

"P-Pasensya na..." Yumuko at kinusot agad ang aking mga mata.

"Tss... Talent mo ba ang pag-iyak at diyan ka magaling?" tanong niya nang


tingnan ko siyang muli.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at nilagpasan nalang ito sa hagdan.


Nagtungo agad ako sa aking kuwarto at nagkulong nalang doon.

Noong una kong araw rito ay umiyak rin ako dahil sa pangungulila kay Mama,
pagluluksa kay Kuya Bram, paninibago sa bahay at lungkot. Gabi gabi akong ganoon at
kahit sa hapon ay umiiyak na naman ako pag naririnig kong nag-aaway si Papa at Tita
Brenda.

Kaya noong pina DNA Test ako ay di na ako nagtaka. 99.9 percent positive na ama
ko si Papa kaya imbes na makampante si Tita Brenda na totoo akong anak ni Papa ay
nasuklam lamang siya sa akin lalo. Minsan lang naman silang dalawa ni Papa sa bahay
at busy sa trabaho kaya nagpapasalamat rin ako na si Brennan lang ang kailangan
kong iwasan na masyado ring suplado sa akin.

"Why are you so mabagal ba?" Ang inis na inis na si French


ay nagmartsa na papasok sa aking kuwarto kinaumagahan. Nakasunod naman sa kanya
iyong maid na para sa akin at tinanggihan kong tulungan ako sa aking mga gamit
bilang unang pasok sa eskwelahan.
"Help her nga!" Inis niyang sabi roon sa katulong na natataranta rin naman
akong tinulungan sa aking uniporme.

Ang ganda ganda ni French sa kanyang puting uniporme at kulay blue na ribbon sa
gitna ng dibdib. Magkatulad lang rin naman kami ng uniporme pero natatagalan talaga
akong isuot iyon dahil hindi ako sanay.

"You have a natural wavy hair pala... You should wear some hairpins..."
Binigyan ako ni French noong parehas na hairpin sa kanya kaya tuwang tuwa ako roon.

"Salamat..." tipid akong ngumiti sa kanya at sinimulan iyong ilagay sa gilid ng


aking buhok.

Sumimangot naman agad ito.


"Why are you so formal ba? You should try speaking conyo... It's not hard naman
since you're smart..."

"Ah... Di ako sanay eh..." Marahan kong sabi na ikinangiwi niya.

"Try speaking it in conyo..."

Napisil ko ang aking labi.


"Uhm... I'm not... uh... sanay?" nahihirapan kong sabi na ikinabungisngis niya
agad.

"Try ka pa!" natatawa niyang sabi.


Ngumuso ako at nagpigil naring matawa.

"Ah... I'm speechless na..." sabi ko na ikinahagalpak niya talaga ng tawa.

"Make it more mataray like this. I'm speechless na!" May pa attitude niyang
sabi at naggulong pa ng mga mata.

Tumikhim ako at ginaya rin ang kanyang boses.

"I'm speechless na!"


Pumalakpak siya at tuwang tuwa na kahit ako ay napangiti na kaso mabilis ring
nabura dahil sa paglingon sa amin ni Brennan na nasa harapan ng sakay naming SUV
bilang hatid sundo namin sa school.

"You two look stupid," sabi niya sa amin. Umirap naman agad si French.

"Shut up ka diyan, Kuya!" saka niya rin ako sinenyasang gayahin siya kaya
nagkatitigan pa kami Brennan. Tinaasan niya ako ng isang kilay at mukhang
naghihintay na sasabihin ko iyon.

Umawang ang aking bibig pero bago ko pa man iyon mabanggit ay inunahan niya na
ako.

"You shut up," saka niya binawi ang tingin at sumandal na ulit habang ang mga
mata ay nasa harapan na.

Tumawa pa si French. "Taray ha! You're not even a girl!"

Natawa ako ng marahan sa inasal ni French. Madalas niya kasi talagang asarin
ang kapatid niya na mabilis rin namang napipikon. Naaalala ko sa kanilang dalawa
ang bond namin ni Kuya. Siguro masaya kung kasama rin namin si Kuya Bram.
Ang kuwento ni French sa akin ay napakatahimik daw ni Kuya Bram noong dumating
ito rito pero habang nagtagal ay nakasundo niya rin naman dahil nga madaldal ito.
Maayos naman daw ang pakikitungo ng Mommy niya kay Kuya at sa akin lang daw talaga
ito mukhang off.

Naalala ko pa iyong term ni French noong napag-usapan namin ang issue ng


parents namin.

"I don't know if kabit is the right term ha... Pero hindi naman kumabit 'yung
Mommy mo kay Dad kasi diba si Dad ang sumakay sa kanya so dapat si Dad ang
tinatawag sa term na "sakay"" sabay quotation niya sa magkabila niyang mga daliri.

Natawa nalang ako kay French. Di naman raw siya galit sa issue ng parents namin
dahil mabait namang ama si Daddy at naibibigay raw lahat ng luho niya. Iyong Mommy
niya lang daw talaga ang palaging sumisiklab sa galit. Mas maswerte nga sila dahil
nakasama nila ito ng matagal pero sabagay sila rin kasi ang legal na pamilya.

Hindi kagaya sa mga naging schoolmate ko na puro insulto


ang aking natatanggap, sa unang araw ko ay maayos naman. Kaklase ko si French at
seatmate ko pa. Sikat ito sa school at maraming circle of friends. Si Brennan ay
Grade 12 na kaya nasa kabilang building ito.

Humabol lamang ako sa pasukan at dahil matataas ang grado ko ay pinagayan naman
agad ako. Ipagpapatuloy ko ang pagiging Grade 10 ko sa Ateneo at ang apelyido na ni
Papa ang aking dala dala. Gusto ko sanang kay Mama lang pero mas mabuti rin daw
kung dalhin ko ang apelyido niya para may mana raw ako. Iyong iba niyang tinutukoy
ay hindi ko na gets.

"She's a Chua? So anak sa labas?" Narinig kong tanong ng kaibigan ni French na


hindi ko nalang pinansin.

"Don't be so hard on my stepsister. She's nice naman..." pagtatanggol sa akin


ni French.

"And she's pretty too, French. But she looks like a loner..." Iyong isa niya
namang kaibigan.

"She prefers being alone kasi. Annoying ata for her ang maiingay but we talked
alot sa bahay kaya she's not really a loner," si French na humagikhik agad.

"Diba you said na may stepbrother ka na guwapo?"

"Ah... My Kuya Bram died na eh. Trace told me nabaril daw... I even cried when
I found out kasi Kuya Bram is so nice to me... Mas nice pa kay Kuya Brennan kahit
they're both suplado." Malungkot niyang sabi.

"Oh my gosh! That's so sad! Condolence..."


"Thank you."

Napabuntong nalang ako ng hininga. Dahil narin siguro maimpluwensya na ang dala
dala kong apelyido ngayon ay hindi na ako basta basta naiinsulto, hindi na ako
basta basta nahuhusgahan. Ito rin siguro ang isa sa ibig sabihin ni Papa.

Unfair nga ang mundo. Nagiging basehan ang estado sa buhay kung sino ang
tatratuhin ng maayos at aalipustahin naman iyong mga kapos. Having a toxic mindset
is really not healthy.
Habang tumatagal ay medyo nakakaadjust narin naman ako. Si French ay madalas na
tambay sa aking kuwarto at kahit ano ano nalang pinagdadaldal sa akin habang
nagbabasa ako ng libro. Si Brennan naman ay suplado parin pero kaonti nalang dahil
kahit kay French ay sinusupladuhan niya rin. Si Tita Brenda ay umiismid sa akin
pero wala naman akong naririnig na masasakit na salita sa kanya. Si Papa ay tinupad
nga iyong pangako niya sa akin at todo agad bili ng mga mamahaling gamit sa akin.
Parehas kami ni French na naka iPhone. May mga gadgets narin ako such as Macbook,
airpods na hindi ko masyadong ginagamit, dslr na hindi ko rin masyadong ginagamit,
at mga branded bags like Balenciaga and Gucci. Chanel parin ang aking nakasanayang
perfume lalo na't iyon ang memory ko kay Ate Rici at Kuya Bram.

Ang una kong punta sa ibang bansa ay sa China. Nasa buwan iyon ng January noong
lumuwas kami ng ibang bansa para doon icelebrate ang Chinese New Year. Medyo may
ediya na ako kung paano nila iyon cinicelebrate. May mga kultura sila na
iginagalang talaga ng mga intsik at iyon dapat ang masunod katulad ng Reunion
dinner na pinakaimportante sa kanila pag nagcecelebrate noon.

Si French palagi ang tumutulong sa akin. Pag napapansin niyang matalim na ang
tingin ng Mommy niya sa akin ay ididistract niya agad ako. Si Brennan ay palagi
lang rin namang nagsusungit sa amin ni French kaya minsan pati ako ay tinatawanan
nalang rin siya. Minsan naiilang pa akong tawagin itong Kuya.

Noong nagdebut ako ay iniheld pa iyon sa Marco Polo Hotel na malapit lang rin
sa eskwelahang pinapasukan namin. Ang mga naimbitahan ay iyong mga kaklase ko lang
rin. Iyong gown ko ay dinesign pa mismo ng isang fashion designer kaya planadong
planado talaga at isang vintage ang theme noon. Si Papa ang first dance ko at hindi
ko pa naiwasang hindi maiyak habang sumasayaw kaming dalawa.

"Thank you po, Papa..." daing ko habang naluluha kaya


mabilis niyang sinalo iyon bago tuluyang umagos.

"Anything for you, sweetie... I'm glad you're enjoying your life being a Chua."

"Sobra sobra pa nga po..." Napangiti ako sa kanya habang ang isang nakakadalang
tunog ng violin ang nagpiplay.

"Oh please Trace... Hindi pa buong mundo ang naibibigay ko. This is just the
beginning..." Hinaplos haplos niya ang aking pisngi. "Ano pa bang gusto mo?"

Naalala ko agad ang aking ina. Alam ko kahit na gusto ko itong makita ay hindi
nila ako papayagan dahil klase pa. Napag-usapan na namin ang ganitong bagay pero
ayaw muna ni Papa na bumalik ako roon. Natrauma na ata siya sa nangyari kay Kuya
Bram na napahamak lamang sa lugar na iyon.

"Pwede po ba akong magpadala ng letters kay Mama, Pa?" masuyo kong tanong na
ikinakurap niya.

"Iyan na ang wish mo?" Ngumuso pa ito at tila mapapangiti na ng malaki.

Tumango ako.
"Wala po kasi siyang cellphone at wala rin naman akong alam kung saan ko
ihuhulog ang sulat ko. Sabi ni French sa akin sabihin ko raw po sa inyo..."

"We can send some of our men Trace... Sila ang magpapadala ng sulat sa Mama mo.
Okay ba 'yon?"
Namangha agad ako at tumango tango na. Nayakap ko pa ito na ikinatawa niya
lang. Hindi naman talaga ako humihingi ng kung ano ano dahil kahit hindi ko sabihin
ay ibinibigay niya rin ng kusa.

Ang last dance ko ay si Kuya Brennan. Ang manly manly niya sa suot na tuxedo at
ang buhok niyang nakasuklay paatras revealling his forehead pero may kumpol doon na
nalalaglag. Marami ngang nagkakacrush sa kanya sa school eh tapos si French ay
palagi siyang sinisiraan sa mga babae na masungit daw ito at bakla kaya di
namamansin ng babae dahil lalake raw ang hilig. Wala rin namang naniniwala sa kanya
dahil varsity ito.

"Happy birthday," bigkas niya sa baritono niyang boses.

"Salamat, Brennan..." Nginitian ko siya na ipinagsalubong agad ng kanyang


kilay.

"You should call me Kuya since I'm two years older than you," aniya.

Ngumuso ako. Ang kanyang singkit na mga mata ay sobrang ganda palang tingnan sa
malapitan. Ang matangos na ilong, ang makapal na pilikmata, mapulang labi at ang
nunal niya sa left side ng mga mata. Katulad sila ni Kuya pero nasa right side iyon
eh. At sa tuwing tinititigan ko siya, si Kuya na sobrang suplado ang nakikita ko.

"Akala ko kasi ayaw mo sa akin na tawagin kitang ganoon..."

Umangat agad ang kanyang kilay. "At mas ayaw kong tinatawag mo ako sa pangalan
mo. Kabastusan iyan."

"S-Sorry..." Yumuko ako at bumuntong ng hininga.

Hindi narin naman ito nagsalita at naging tahimik nalang habang sinasayaw ako.
Ilang buwan pa akong nandito sa puder nila at minsan lang kami nagkakausap kaya
naiilang parin ako.

Ang rami kong natanggap na regalo at tinulungan pa ako ng personal maid ko sa


pagbubukas noon na si Manang Asing. Siya rin ang madalas kong kausap dito bukod kay
French.

Isa sa mga natanggap ko ay kay French na isang mamahaling bracelet na may mga
maliliit na bulaklak doon dahil alam niyang mahilig ako sa bulaklak, si Brennan na
kwintas, si Daddy na bagong branded na bag at si Tita Brenda na pera lang ang
ibinigay dahil hindi niya raw alam ang ibibigay sa akin. Si French pa ang nagbigay
noon sa akin eh.

Naiintindihan ko kung bakit galit si Tita Brenda sa akin. Naiintindihan ko kung


hindi niya ako masyadong gusto. Nasaktan rin siya noon at pinapaalala ko pa sa
kanya ang pagkakamali ni Papa. Kaya sinisikap ko siyang intindihin dahil alam ko
namang masakit talaga ang pagtaksilan. Si Ate Rici nga... sa pag-aakalang
pinagtaksikan ay hindi nakaya at nagpakamatay. Matapang si Tita Brenda na nakaya
niya iyong harapin at hayaan ako ritong manirahan.

"Anong sabi ni Dad sa request mo na magsusulat ka ng letters?" tanong ni French


na nakahiga sa aking kama ganoon rin si Kaki. Bihis na bihis na ito at handa ng
matulog ano mang oras ganoon rin ako dahil mapapagalitan lamang ako ni Tita Brenda
pag di agad ako nagbihis.

"Hala, oo nga pala!" Tumayo agad ako sa pagkakasquat sa carpet kasama si Manang
Asing at nagtungo ako sa aking desk.
Kumuha ako roon ng mga binili kong magagandang construction at isang sign pen
para makapagsulat na ako. Tumabi ako kay French na nasa gilid ko lang at sumisilip
rin sa aking sinusulat.

Sinimulan ko iyon sa Dear Mama na pinuna pa ni French.

"Dapat Hey, Mommy!"


Tumawa ako sa kanyang sinabi. "Maweweirduhan si Mama sa akin pag ganoon ang
sinulat ko..."

"Okay..."
Nag-umpisa agad akong magsulat ng gusto kong sabihin sa kanya. Idinetalye ko
roon lahat lahat. Ang unang araw ko, ang kabaitan ni French sa akin, ang suplado na
si Kuya Brennan pero mabait naman. Si Tita Brenda na mabait rin naman at hindi
naman ako pinagsasalitaan ng kung ano ano at si Papa na sobrang bait talaga.
Nakatatlong construction ako sa rami ng isinulat ko. Si French nga ay napahikab na
at hindi na kayang sundan ang isinulat ko.

Mama... Sana po h'wag niyong pabayaan ang sarili niyo at bumili po kayo ng
gamot. Kumain po kayo sa tamang oras at magpahinga rin po. Okay naman ako rito...
Mahal ko po kayo.

Isa iyon sa isinulat ko sa huli. Dinesenyuhan ko pa iyon ng kung ano ano sa


gilid na si French rin mismo ang pumili. Makikintab iyon na maliliit na bulaklak.

Kaya noong pagsapit ng umaga ay isang maliit na kahon agad ang ibinigay ko sa
naatasang tauhan ni Papa na magdadala noon kay Mama. May ipon rin kasi ako kaya
pinadala ko narin iyon at iyong mga pictures ko sa mga okasyon. Madalas ngang kami
ni French iyon pero may solo shots naman ako na si French rin ang kumukuha para daw
may maipost ako sa instagram ko since ginawan niya rin ako ng social medias.

Masaya naman ako pero parang may butas parin na hindi ko mapunan. Parang isang
puzzle na may isang kapiraso paring nawawala kaya di ko mabuo-buo. Hindi ko
maramdaman iyong saya na nararamdaman ko pag kasama ko si Mama at Kuya sa isang
hapag habang nagtatawanan kami dahil sa pang-aasar kay Mama. Namimiss ko na ang
ganoon... Namimiss ko na ang dati na alam kong imposible ng balikan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 39

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Fix marriage
Sabado kaya nagmumukmok lamang ako sa bahay. Sobrang tahimik ng malaking bahay
at nasa kanya kanya ring kuwarto sina Brennan at French. Busy ang babaeng iyon sa
kung ano anong bagay at siguro mamaya pag nabored iyon ay dederitso rin dito.
Binasa ko nalang iyong sulat ni Mama sa akin noong nakaraan pang taon rito sa
veranda habang sa gilid ko naman ang slice ng cake na di ko pa nagagalaw. Kakatapos
lang rin kasi ng school year at hinihintay ko pa ang magiging desisyon ni Daddy
kung papayagan niya ba kaming magbakasyon kaso sabi ni French ay marami raw
gatherings basta summer kaya dapat nandoon daw kami bilang buong pamilya.
"Anak, Trace... Balang araw ay maiintindihan mo rin si Mama kung bakit pinaalis
kita rito. Gusto lang kitang protektahan sa mga Buenaventura at ayokong ipagkait
ang nararapat na buhay sa'yo katulad ng ginawa ko sa kapatid mo. Nang dahil sa
estado natin ay namatay ang kapatid mo dahil lamang nagmahal ito ng taong malayo
ang agwat sa estado natin. Alam mo namang kapos rin tayo at hindi kita kayang pag-
aralin sa kolehiyo. Mas mabuti na iyang nasa puder ka ng Papa mo dahil alam kong
hindi ka naman pababayaan ni Liam. H'wag ka sanang magpaapi anak. Sapat na iyong
mga pang-aaping natanggap mo rito. Kung alam mong tama ka naman, ipaglaban mo iyon.
Nagmamahal, Mama..."
Sa tuwing binabasa ko ito ay naluluha parin talaga ako. Naiimagine ko si Mama
na sinusulat ito sa akin. Hindi naman ako nagtatampo sa kanya sa ginawa niya. Sa
pamamagitan nito ay naiibsan ang pangungulila ko. Pakiramdam ko ay kausap ko lamang
ito.
Alam ko namang iniisip niya lang ang kalagayan ko. Nalulungkot lang talaga ako
dahil nagkawalay kami pero may maganda rin naman itong patutunguhan. Mag-aaral ako
ng mabuti at balang araw ay babalikan ko siya roon. Hihinto na siya sa pagtatrabaho
at ako naman ang bubuhay sa kanya. Ako naman ang magsisikap. Ipaparanas ko rin kay
Mama ang ganitong buhay balang araw.
May kumatok sa aking kuwarto. Nilingon ko iyon at ilang sandali lamang ay
bumungad na ang pinto. Ang imahe agad ni Kuya Brennan ang nakita ko.
Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya kaya ibinalik ko sa box ang sulat ni
Mama saka ko ito nilapitan. Nakablack sleeveless ito, short na maon, sapatos na
itim at iyang headset na nakapulupot na naman sa kanyang leeg. Dala dala niya na
naman ang kanyang skateboard at mukhang gagala rito sa kabuuan ng subdivision.
"Bakit?" tanong ko at naamoy agad ang pamilyar niyang pabango.
"Let's go skating," sabi niya.
"Huh? Sa labas?"
Tumango siya na ipinagsalubong pa ng kanyang kilay. Ngumuso ako at tiningnan
ang kuwarto ni French sa dulo na sarado parin saka ko ibinalik sa kanya.
"Pero..."
"Kaysa naman nagmumukmok ka rito sa loob."
"Okay..." Lumabas rin ako at isinarado ang aking kuwarto.
Nakasuot lamang ako ng short saka isang mustard na baggy shirt. Nakalugay
lamang ang aking buhok na katulad noong ayos ni Ate Rici sa akin na nasa gilid ang
hati.
Nasa hagdan pa kami noong bumukas ang pinto ng kuwarto ni French at nagmamadali
na itong tumakbo. Kitang kita ko ang pagtingala ni Brennan at nairita agad dahil sa
inasta ng kapatid. Nagagalit talaga ito pag tumatakbo kaming dalawa ni French sa
bahay.
"Where are you two going?!" sigaw ni French nang humawak siya sa grills noong
itaas at dinungaw kami rito sa ibaba.
"Sa labas daw sabi ni Kuya. Skateboarding..." sagot ko kaya binuhat niya agad
si Kaki na sumunod rin sa kanya.
"Sasama ako..." sabi niya at nagmamadali rin namang bumaba.
"I told you not to run upstairs, French," mariing sabi ni Brennan sa kapatid na
bumungisngis lang.

"Paranoid. I'm not going to trip, 'kay!" Tinapik tapik niya


pa ang balikat nito na mas ikinatalim ng tingin ni Brennan.
Iyon pala ang rason niya? Akala ko naiinis siya dahil narin sa akin iyon
pala... Ah...
Naunang bumaba si Brennan kaya sinundan nalang namin ito. Lumabas rin naman
kami ng bahay.
"I'm sure Daddy won't allow us to go swimming tomorrow since may gatherings
ata..." sabi niya habang nakabuntot kami kay Brennan.
"Relatives?" tanong ko na ikinatango niya.
"And next week may business gatherings siya. We're always invited including you
since dapat tayong makipagsocialize sa anak ng mga business partners ni Dad. I'm
sure they're going to pair us at ipagkakasundo tayo for marriage." Nalaglag ang
tingin niya sa balahibo ni Kaki at marahan iyong pinasadahan ng haplos habang ako
naman itong nagulat.
"Huh? Marriage? Ipipair tayo? K-Kasama ako?"
Tumango siya. "It's part of the culture, Trace. Sila dapat ang nagdedecide ng
pakakasalan natin kaya nga I don't have boyfriends eh... I mean pwede naman but not
a serious one coz I know someday, Dad will pair me to someone na pure blood
Chinese."
W-What? Parte iyon ng kultura nila?
"Ikaw... Ibig sabihin may pinapares na sa'yo?" tanong ko at nagugulantang
parin.
"I think meron na. Sure ako anak lang rin ng business partner ni Dad na intsik
rin. Nasa culture natin na ang Chinese ay para sa Chinese or else it's taboo. And
since you're a half blood Chinese... I'm sure Mom and Dad wants a pure blood
Chinese for you, too."
A part of me suddenly scares pero may parte sa akin ang sumisigaw na baka ay
para naman iyon sa ikakabuti ko.
"Okay lang sa'yo?"
Tumango siya at nginitian ako.
"It's not that bad if I give it a shot. And it's for the sake of business naman
so it's okay para narin makatulong ako," aniya at sinuklay pa ang buhok niyang
nakahighponytail.
Natahimik ako ng ilang sigundo at hindi agad nakasagot. Prinoseso ko pa iyon.
Sa ganitong edad, wala pa sa utak ko ang ganoong bagay. Ni ayaw ko nga munang
pumasok sa pakikipagrelasyon. Pero sa mga sinasabi ni French, hindi ko alam na
kailangan ko pa palang mas lawakan ang aking pang-unawa.
"But I'm not sure if Dad will arrange you into fix marriage this early ha since
I'm older than you so baka mauna ako but I'm not sure rin baka may matipuhan rin si
Dad na intsik for you at ipagkasundo kayo agad..." Mas ngumisi ito ng pilya sa
akin.
Namutla ako sa sinabi ni French sa akin. Alam kong marami silang sinusunod na
kultura pero hindi ako makapaniwalang pati sa pag-ibig ay meron rin pala! And
worst, ang parents ang namimili ng pakakasalan mo. Isa iyon sa pinakaimportanteng
kultura nila.
Nilingon kami ni Brennan pero itinuon rin naman sa harapan nang makita ang
kanyang mga barkada rito sa subdivision. May dala dala ring skateboards ang iba.
Ngumisi pa si French nang makita ang grupo ng mga lalake saka ako muling
tiningnan at natawa.
"You look scared! It's not that bad naman Trace since bibigyan naman nila tayo
ng time to know our soon to be grooms. Like pwede niyo pang kilalanin ang isa't
isa. Hindi naman magpapakasal agad so don't worry..." Tinapik niya pa ang aking
balikat at ngumiti ng matamis.
Naging okyupado agad ang aking utak sa sinasabi niya. Mahalaga sa kanila ang
kultura at iyon dapat ang masunod. Kahit nga si Tita Brenda ay matalim akong
tinitingnan pag hindi ako masyadong pormal sa mga okasyon kaya si French itong todo
gabay sa akin. Pero ang ganito... Ang papakasalan... Bigla akong kinabahan.

"Hi!" Kinawayan ni French ang mga barkada ni Kuya Brennan


kaso bigla siyang tinaliman ng tingin ng kanyang kapatid kaya bumungisngis agad.
Nasa mga apat sila. Lahat ay mahahalata mong nabibilang sa may kayang pamilya
at kung paano rin nila dalhin ang kanilang sarili. Hindi ito mga singkit at mukhang
anak lang talaga ng mayayaman kaya nakakahalubilo rin nila Brennan.
Nagtungo kami sa Clubhouse na malapit lalo na't doon sila madalas
magskateboarding at gawin ang tricks nila na para sa akin ay masyadong delikado.
Umupo kami sa bleachers ni French habang ang aking mga mata ay natatangay minsan sa
tricks na ginagawa ng kaibigan ni Kuya Brennan while skateboarding.
Binitiwan ni French si Kaki at hinayaan itong tumakbo agad sa bermuda grass
kung saan may playground rin. Para itong naglalaro roon.
"Iniisip mo 'no?" Tinuro pa ni French ang aking mukha nang mapansing okyupado
ako.
Kumurap ako at dahan dahang tumango.
"Wait?!" Nanlaki agad ang kanyang mga mata at natakpan ang bibig. "Don't tell
me may gusto ka doon sa bukid niyo na pinoy and then poor pa! Oh my gosh that's
taboo! Dapat di nalalayo ang estado sa buhay natin and dapat Chinese blood ang guy
na mapapangasawa mo!" Overdramatic niyang pagkakasabi.
"H-Huh, taboo?" Lumukot ang aking mukha dahil sa salitang di naman pamilyar sa
akin.
Taboo? Eh panligo ko lang iyon sa bukid namin ah?
"Yep... Pag ang pinili mong pakasalan ay hindi naman Chinese then that's called
taboo. Meron kang gusto?!" she asked using her overdramatic tone again.
Umiling agad ako para lang mabura ang kanyang sinasabi sa akin. Oo noon meron
pero matagal ko ng ibinaon sa limot ang atraksyon ko kay Israel. Sigurado akong may
ibang babae narin iyon kung nasaan man siya. Hindi naman mahirap ang bagay na iyon
sa kanya. Para siyang isang liwanag at kusang lumalapit ang mga alitaptap sa kanya
para dumapo roon. At sa nangyari sa pamilya namin, imposible na talagang mapalapit
pa kami sa isa't isa.
"Wala 'no..."
Tiningnan sandali ni French si Kaki na tumatakbo parin saka niya muling
ibinaling sa akin.
"I'm sure walang guwapo sa bukid since mga poor ang nakatira roon. Baka nga
kung di ka nahaluan ng blood ni Daddy pangit ka rin siguro!" Tumawa pa siya na
ikinangiti ko.
"Guwapo si Kuya ah..."
"Yep, but aside from Kuya Bram I think wala na."
Aangal sana ako at ibibigkas ang pangalan ni Israel pero hindi ko nalang
itinuloy.
"Wala na nga..." wala sa sarili kong sabi at itinuon ang tingin sa harap.
Aksidente kong nahuli ang mga mata ng barkada ni Kuya Brennan at nag-iwas agad
ng tingin sa akin. Si Ryle iyon. Ang alam ko ay CEO ang kanyang ama sa isang
kompanya rito at maganda rin ang family background. Minsan ko siyang nahuhuling
tinitingnan ako at mag-iiwas rin naman saka makikipagtawanan kina Kuya Brennan.
"Alam mo si Ryle parang may crush sa'yo," sabi pa sa akin ni French at mukhang
nahuli niya rin itong nakatingin.
"Di naman siguro..." Tumawa ako at nilingon muli ang grupo nila Kuya na pawisan
na at tapos na ata sa skateboarding.
Umiling ng marahas si French kaya nilingon ko itong muli.
"No... He asked me about your number kaya. And I told him na you don't like
boys kaya di ko binigay." Tinaas baba niya pa ang kanyang dalawang mga kilay habang
sinasabi iyon.
Guwapo naman si Ryle at siya ang pinakamalakas tumawa sa magbabarkada.
Palangiti ito at mabait rin. Noong nakaraang taon sila pinakilala sa akin ni Kuya
Brennan lalo na't pinapasabay niya rin kami ni French sa kanya pag nagmumukmok
lamang kami sa bahay.

"They're rich naman but he's not a Chinese so waley parin.


I'm sure kontra si Dad pag di Chinese since it's taboo. It will bring our family
daw into misfortune and such lalo na't nasa culture natin na ang Chinese ay para sa
Chinese," dagdag niya pa.
Napanguso ako sa pinagsasabi ni French. Magc-college palang kami this school
year. Nakakasama naman ako sa mga gatherings tulad ng business and such pero wala
sa utak ko na ang purpose pala kaya kami sinasama sa ganoon ay para hanapan kami ng
makakapares namin sa future. Palagi lang naman akong tahimik sa ganoon at
nakikipagkamay sa mga pinapakilala sa amin ni Dad pero kinabukasan ay makakalimutan
ko rin lahat ng pangalan nila.
I want to ask my father about this kung nakapili na ba siya ng para sa akin
pero ayoko rin namang marinig ang sagot niya dahil hindi pa talaga ako handa. This
kind of set-up gives me chill. Para kasing pag nagmahal ulit ako ay dapat nakasunod
na iyon sa kultura nila Papa, na dapat ay sila mismo ang namili noong lalake para
masiguradong pasok iyon sa standards ng culture na sinusunod nila.
Pinanood nalang kaming magskate si Brennan sa kabuuan ng gym. Iyong mga
kaibigan niya ay nagsialisan na kaya kami nalang ang naiwan. Pinatakbo niya pa iyon
papunta sa amin ni French saka siya huminto sa aming harapan.
"Wanna try?" tanong niya sa akin.
"No! H'wag kang pumayag, Trace. The last time I tried it nafall ako skateboard
and nagkagasgas ang knee ko. Don't try it." Maarteng sabi sa akin ni French at
marahas pa ang pag-iling.
"Oa ka kasi kaya ka nawalan ng balanse. Nauuna ang kaartehan," sabi pa ni Kuya
Brennan kay French na ngumuso agad.
Tumayo ako at ibinaba ang aking mga paa sa bleachers.
"Sige. Itatry ko..."
"Hold her carefully, Kuya," sabi ni French na nakahalukipkip na roon.
Hindi na sumagot si Kuya Brennan at nasa skateboard na ang mga mata na
pinupwesto niya na sa aking harapan gamit ang kanyang paa.
"Put your feet here," sabi niya sa baritonong boses at hinawakan ang aking
braso.
Humawak naman ako sa kanyang balikat bilang suporta at sinimulang iapak ang isa
kong paa roon. Sa dulo naman nito ay naroon ang kanyang paa at pinipigilang gumalaw
ang skateboard.
"Yung isa naman."
Tumango ako at iyong isa kong paa ang inilagay doon. Nakabend pa akong nakatayo
roon at medyo natatakot na tumayo ng tuwid dahil baka bigla akong mahulog.
"Don't bend, stand straight, Trace..." Hinawakan niya ang aking balikat at
iginiya iyon para lang tumuwid.
Ngumuso ako at naikuyom na ang aking kamay sa kanyang balikat.
"Tama ba 'to?" Tiningnan ko ang aking paa na ikinatango niya naman.
"T-Teka!" sigaw ko nang ginalaw niya na iyon at nagsimula akong umabante.
"You can use your other foot as your break, Trace," sabi niya.
Sinunod ko iyong sinabi niya at ginamit ang isa kong paa pag masyado na akong
nabibilisan kahit na para lang iyong paglalakad ni Kuya Brennan habang hinawakan
ang aking beywang.
Ilang oras niya akong tinuruan hanggang sa nagagawa ko na iyon ng maayos pero
hindi nga lang ako marunong magpatakbo ng mabilis. Ilang ulit pa akong nawalan ng
balanse na ikakatili agad ni French pero tatawa lamang ako at tatayo muli para
subukan ulit ito.
Habang nakasunod siya sa akin ay hindi ko na maiwasang itanong rin sa kanya
iyong napag-usapan namin ni French.
"Uh, Kuya, may nabanggit si French sa akin tungkol sa fix marriage. Totoo
iyon?" tanong ko sa kanya na sumusunod lamang sa akin.

Ang kanyang cold na mga mata ay napunta agad sa akin.


"Totoo," sagot niya na ikinalunok ko ng laway.
"Talaga? I-Ibig sabihin balang araw ay si Papa rin ang magdedesisyon ng
pakakasalan ko?"
Tumango siya at tiningnan ang paa ko sa skateboard. Bumagal lalo ang
pagpapatakbo ko. Para nalang iyong paglalakad.
"Ikaw Kuya... Meron ka ring ganoon? Eh mas matanda ka ng tatlong taon sa akin
at magf-fourth year college kana ngayong pasukan."
"I already met mine when I was 18. Dad introduced me to her during a business
gathering... Anak parin ng isang business tycoon at kaibigan ni Dad. Our parents
decided to pair us both so we have no choice since she's a pure blood chinese at
kaedad lang ni French."
Nagulat ako roon at napahinto na talaga.
"M-Meron kanang magiging asawa?" gulat kong tanong.
"Yeah... but we're not in a hurry. It's about business Trace. Sa mundo ng mga
taong business minded, mas mahalaga ang pagpapapalago sa negosyo at pagpasa noon sa
henerasyon kaysa sa ibang bagay. Love really doesn't matter..." Nagkibit pa ito na
akala mo ay isang simpleng bagay lang ang pinag-uusapan naming dalawa.
Nilingon ko sa bleacher si French na wala na roon kaya hinanap pa iyon ng aking
mga mata at natagpuan ito sa playground na nakaupo na sa swing habang sa kabila
naman ay si Kaki na pinasakay niya rin doon.
Ibinalik ko ang tingin kay Kuya.
"Payag ka sa ganoon? Mahal mo iyong babae?"
Sandali siyang tumahimik at binasa ang pang-ibabang labi. Alam ko namang wala
siyang pakialam sa ibang bagay pero hindi rin naman siguro pati sa pag-ibig. Hindi
maiiwasan ng tao ang magkagusto at magmahal. Imposibleng walang mahal si Kuya...
"The culture is more important. 'Tsaka maganda naman iyon at..." May hindi siya
naituloy at isang ngisi nalang ang sumunod.
Napakurap ako nang makita ko iyon, mas lalo itong gumwapo at may hawig nga kay
Kuya Bram. Iyon nga lang ay wala siyang dimple.
"At ano? Sexy?" Nanliit ang aking mga mata sa kanya na ikinakagat niya ng
kanyang labi.
"Yeah... she's hot." Nahimas niya ang batok at pilyo na ang sumisilay na ngisi
sa kanyang labi habang binabasa niya iyon.
Ganoon nga talaga siguro ang mga lalake. Di mawawala sa kanila ang paghanga sa
pisikal na anyo ng isang babae at iyon agad ang pupunahin bago ang ugali nito at
panloob na katangian.
"Maybe we'll work out... Dad and Mom worked out. Fix marriage lang rin naman
sila but look at them, they learned to love each other..." Ibinulsa niya ang
kanyang mga kamay saka ulit nagsimulang maglakad.
Pinulot ko ang skateboard at humabol narin sa kanya. Sinilip ko pa ang kanyang
ekspresyon.
"So papayag kang magpakasal kahit di mo mahal?" nacucurious kong tanong.
"Doon ko na pakakasalan pag mahal ko na," sagot niya.
"Huh? Eh hindi mo nga mahal edi..."
"Nahuhulog ang tao, Trace. Di mo mahal ngayon pero pag nakasama mo at nakilala
mo ng mabuti, pwede kang mahulog," paliwanag niya.
Natutop ang aking bibig at natingnan ang sarili kong anino habang naglalakad
ako. Hindi natuturuan ang puso pagdating sa pag-ibig. Posible ba ang ganoon? Eh
paano kung iyong babae naman ang ayaw mahalin si Kuya? Kung iyong babae ang hindi
siya kayang mahalin? Magwowork-out ba ang ganoon?
"Bakit? May gusto ka ba at hindi Chinese?" tanong bigla sa akin ni Kuya na
ikinailing ko agad.
Di ko na 'yon gusto 'no... 'Tsaka isipin mo rin Trace... Kung di man nawala ang
atraksyon mo sa kanya ay komplikado parin dahil sigurado akong hahadlang si Papa
lalo na't di naman iyon Chinese. Edi mas naging masalimuot ang buhay niyong dalawa.
'Tsaka ayoko ring ipaglaban ang ganoong klaseng pagmamahal na alam ko namang hindi
talaga magtatagal.
Hindi na ako nagtaka noong hindi kami pinayagan ni Papa na mag-outing dahil may
gatherings daw. Ang alam ko ay mga relatives ang makakasama namin magtitipon lahat
ng mga Chua.
Pinuntahan ako ni French sa aking kuwarto sa hapong iyon habang inaayos ni
Manang Asing ang buhok ko. Nakaroba pa ako hindi kagaya kay French na bihis na
bihis na sa isang gold cocktail dress. Ang kanyang buhok ay naka high ponytail pa
habang may suot siyang pearls sa kanyang leeg.
"I look pretty ba, Trace?" tanong niya pa sa akin at nagawa pang umikot.
Ngumisi ako sa imahe niya sa salamin at tinanguan ako.
"Palagi naman, French."
"Dapat lang since makikita ko na naman iyong mga pinsan kong feeling maganda!"
Nag-ikot pa siya ng kanyang mga mata.
"Huh? Di kayo close?"
"Close ko yung iba pero yung iba hindi. Ayaw nila sa akin kaya ayaw ko rin sa
kanila," she said using a bitchy tone..
"Mukhang ayaw rin nila sa akin," medyo natawa ako kahit na kinakabahan rin ako
dahil makikita ko na naman sila. Iyong una kasi ay hindi kami masyadong nagtagal
nila Papa dahil birthday lang naman iyon. Ngayon ay mukhang isang party talaga ng
buo nilang angkan. Makikilala na ako ng lahat...
"Ganon talaga ang mga babae na nalalamangan ang ganda, Trace. Bigla ka nilang
inaayawan dahil nalalamangan mo sila." Nginitian ako ni Manang Asing sa salamin
habang inaayos ang dulo ng buhok kong naiwan at medyo kulot iyon.
Napangiti ako kay Manang saka ko tiningnan ang buhok kong nakabun na.
"I agree..." si French naman na nakalapit na rito sa harap ng salamin at
binubuksan na ang aking jewelry box kung nasaan nakalagay ang aking mga kwintas.
Tumayo ako at pumasok sa walk-in para makapagbihis na. It's a tube top, fit and
flare, champagne colored with a mix of black, cocktail dress. It looks pretty and
very elegant. I paired it with black pumps. Ganito madalas ang aking sinusuot lalo
na pag may occasions such as important gatherings.

Noong lumabas ako ay ngumisi agad si Manang Asing sa akin.


"Ang ganda mo talaga, Trace!" aniya at pumalakpak pa.
Nahihiya akong ngumiti pabalik saka tiningnan ang sarili ko sa malaking
salamin. Masyadong bulgar ang malalalim kong collarbone at kalahati pa ng aking
dibdib ay medyo nakikita. Pagdating rin naman kasi sa mga kasuotan ay hindi
masyadong mahigpit dahil nga moderno na at normal lamang ata sa okasyon ang
nagpapakita ng balat. Iyon nga lang ay dapat naaayon parin sa okasyon.
"This necklace is pretty! Ito ang suotin mo, Trace!" Lumapit agad si French sa
akin na tapos na sa paghahanap ng ipapares kong alahas.
Napakurap ako nang makita ko kung anong kwintas iyong napili niya. Iyan 'yung
bigay sa akin ni Israel na hindi ko na sinusuot pa at itinago nalang.
"H'wag 'yan, French. Iba nalang." Tanggi ko agad lalo na't nagbalik agad ang
mga alaalang ibinaon ko na sana sa limot.
"Huh? But this looks pretty naman ah? It will match your dress..." Nagtataka
niyang tanong.
Kinuha ko iyon sa kanyang palad saka ko ibinalik sa jewelry box. Iyong bigay
nalang sa akin ni Brennan ang kinuha ko at iyon ang ibinigay ko kay Manang Asing.
Isinuot niya ito habang tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin at si French ay
takang taka parin.
"Something smells fishy ha... Siguro bigay 'yun ng ex mo 'no?" Ngumisi pa siya
sa akin at nagawa akong sundutin sa aking gilid.
"Hindi ah. Di ko lang talaga gusto..." Natatawa kong sabi.
"But it looks pretty and elegant! Dapat sinusuot mo 'yon Trace..." Humalukipkip
pa siya sa aking gilid.
Ngumuso ako at tiningnan ang kwintas na aking suot. Maganda rin naman iyon at
ewan ko rito kay French at iyon talaga ang gusto niyang suotin ko. Pag sinuot ko
iyon, para ko naring pinapasok ulit si Israel sa buhay ko. Baka maulit lang ulit
ang nakaraan at kulayan niya na naman ng itim ang mundo ko. Ayoko ng sumilong sa
kadilimang iyon...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 40

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Nikka Cayabyab. Happy reading!
Sa mga gustong magpadedicate comment niyo nalang full name niyo dito.
----------
Pangungulila
Bumaba rin naman kaming dalawa ni French pagkatapos naming maayusan. Naroon na
si Kuya Brennan, nakaupo sa sofa at masyado na namang manly sa suot niyang tuxedo
habang nakayuko at busy sa kanyang cellphone.

"Kuya... Look at us. Mas pretty pa kami sa babae mo 'no?" Pagmamayabang agad ni
French nang makababa at umikot pa sa harapan ng kanyang kapatid.

Marahan akong tumawa at naaaliw na tiningnan si French. Si Kuya Brennan naman


ay supladong nag-angat ng tingin.

"Umikot ka pa ng umikot."
"Ayoko nga! That's nakakahilo kaya." Umirap si French sa kapatid niyang umismid
pa dahil sa mga suot namin. Umiling lamang siya, di na kami masyadong tiningnan at
ibinalik agad ang tingin sa kanyang cellphone.

Lumapit naman si French sa akin at inilingkis ang kamay sa aking braso.

"That's why he's still single kasi who would love him naman kung may sayad siya
sa utak, diba?" bulong ni French sa akin na ikinatalim agad ng tingin ni Kuya
Brennan sa amin.

Ngumuso ako at dahan dahang nag-iwas ng tingin. Madadamay na naman ako sa


pinaggagawa ni French.

"Dapat pag tulog na si Kuya Bren, lets make pasok pasok sa kwarto niya and then
lets take him a picture habang nakanganga siya and topless while sleeping. Lets
spread his ugly picture sa school para maturn-off ang mga fake fangirls niya,"
dagdag pa ni French habang patungo kami sa labas.

Naimagine ko agad iyon pero parang hindi naman magmumukhang katawa tawa o
pangit si Kuya Brennan. Alam naming ganoon siya matulog dahil noong minsan na
nadatnan ko siya sa sofa, nakapatong ang dalawa niyang mga paa sa balikat ng sofa
habang ang isang kamay ay namamahinga sa tiyan, ang isang kamay ay nakatakip sa mga
mata at nakaawang ng kaonti ng mga labi niya. Kinuhanan ko na nga lang ito ng kumot
at kinumutan siya roon kaso sa kapilyahan ni French ay tinakpan niya ito at buong
mukha kaya nagising si Kuya. Halos mabuwal pa ako noon sa may hagdan habang
tumatakbo kami ni French papuntang itaas. Ako lang ata ang kinabahan noon at si
French ay mamatay matay sa kakatawa.

Nauna kami sa loob ng SUV. Kalaunan ay pumasok narin naman si Kuya Brennan sa
front seat, at sumunod naman si Papa na nakatuxedo rin, at si Tita Brenda na
nakacreamy long gown at nakabun rin ang buhok. Napakaelegante nitong tingnan at
kumikinang pa ang dyamante ng kanyang suot na mga alahas.

Nilingon kami ni Papa sa likod at ngumiti agad ito ng matamis sa amin ni


French.
"Oh look at these two gorgeous girls..." aniya na ikinabungisngis ni French.
Ngumuso naman ako at nagpigil ng ngiti.

Napalingon narin si Tita Brenda sa akin at pinasadahan lamang ako ng tingin ng


kanyang nakakaintimidate na mga mata. Lumunok ako ng laway at halos lumabas ang
aking dibdib sa kaba.

"Y-You look pretty po, Tita..." sabi ko para maibsan ang kabang dumadaloy sa
aking sistema.

Ngumiti siya pero hilaw iyon. "Thank you. And your dress looks pretty, too."
Saka nahulog ang kanyang tingin sa aking suot at doon lang rin nag-iwas ng tingin
sa akin.
Kahit iyon lang ay napangiti na ako. Umaangat pa ang mga kilay ni French sa
akin at nang-aasar na naman ang pilyang ngisi. May libro rin kasi akong binabasa
tungkol sa tradisyon at kultura ng mga Chinese. Isa sa mga facts nila ay gustong
gusto nilang pinupuri ang kanilang imahe. Para sa kanila ay puno iyon ng respeto
kung naaappreciate mo ang kanilang imahe.

"Mommy is stubborn. Ayaw nalang talagang sabihin na pati


ikaw," bulong pa ni French sa akin.

Tahimik ang loob ng van. Si French ay busy narin sa kanyang cellphone at panay
na naman update sa kanyang social medias.

"Last year lang ang account mo pero may 3, 569 followers kana. And look, umabot
sa 1K ang isang solo picture mo na nakaside view ka." Ipinakita ni French sa akin
ang screen ng kanyang cellphone kung saan nakasideview nga ako habang nakahawak ang
aking kamay sa likod ng aking ulo at nakatingin sa ibaba. Nakabun ang aking buhok
habang ang light brown kong buhok ay natatamaan ng sinag ng araw at ang maputla
kong balat ay mas lalong naging malinaw. Siya ang nagpicture niyan noong nasa isang
overview kami at siya pa ang nagturo sa akin na dapat ganoon ang aking pose.

Nagulat ako roon. Di ko rin kasi hilig iyong social media kaya minsan ay si
French nalang ang nagmamanage para magpost ng selfies ko and such. Minsan rin ako
pero puro shots lang rin na mga magagandang bagay ang pinopost ko at hindi talaga
ang mukha ko.

"And may 200 plus comments oh. You're famous like me na ha." Ngiting tagumpay
pa si French nang nagscan muli pababa sa mga pictures ko roon.

Naalala ko pa iyong sabi niya kung ba't marami siyang circle of friends para
daw madagdagan ang followers niya sa IG. She does eveything for fame.
Nakikipagsocialize siya para may maipost daw siya na magandang event sa IG niya.
She's not allowed to drink yet pero sabi ni Papa sa amin, pag college na raw kami
ay pwede na kami sa night life pero dapat may limitation lang.

Malayong malayo ang nakalakihan kong mundo sa natatamasa ko ngayon. Masyadong


moderno.

Dumating rin naman kami sa mismong venue. Nakaheld iyon sa isang isang five
star Hotel. Iginiya kami noong babae sa mismong hall kung nasaan magaganap iyong
dinner.

Ang loob ay gawa sa glass at kumikinang pa ang ilang mwebles. Masyado na namang
namamangha ang mga mata kong gumagala sa paligid dahil sa magarang lugar. Sa itaas
noon ay ang malaking chandelier, sa gilid naman ay isang lalakeng nakatayo at
tumutugtog ng violin kasama pa ng iba.

May napatingin agad sa amin nang pumasok kami. Ang iilan sa akin ay pamilyar na
pero may iilan ring estranghero talaga sa aking paningin. Nasa lagpas 20 ang mga
tao rito lalo na't nandito rin lahat pati ang mga anak at apo narin. Naamoy ko agad
ang mga pabango nilang mamahalin na kahit ang pang-iinsulto sa mga mata ng iilan ay
naamoy ko narin.

"Kailangan nating magmano kay Ahma," bulong sa akin ni French at tiningnan


iyong matanda na nakaupo sa parang hugis shell na upuan at masyadong elegante.
Tumango ako at sumunod kay French. Sina Papa at Tita Brenda naman ay
nakikipaghalikan na sa sumalubong sa kanila. Napuno ata ang hall na ito ng mga
Chua.

"Ahma..." Ngumiti ng magalang si French at nagmano roon na ikinangiti naman ng


matanda.

Ang napansin ko kaagad ay ang parang mabigat na kwintas nito dahil masyadong
malalaki ang pearls. Kahit ang kanyang kamay ay may singsing na suot at kumikinang
pa. Ang buhok ay hanggang balikat nito at bagsak na bagsak pero mahahalata mo sa
kanyang mukha ang kulubot. Nakasuot ito ng pulang dress at ang mamahaling bag ay
nasa kanyang tabi pa.

Iyong ibang nasa mesa ay tumititig sa akin pero nalilihis rin ang tingin dahil
sa paglapit ni French sa kanila at nakikipagbeso beso. May isang babae roon na
kaedad lang namin ni French at hinahagod agad ako ng mga mata niyang tila nang-
iinsulto na.

"This is Tracey po, Ahma. You heard about her naman diba..." Nilingon ako
saglit ni French saka niya ibinalik ang tingin sa matanda. Nasa tabi ko na ulit
ito.

"Oh... Ikaw pala iyon..." Ngumiti ng matamis ang matanda sa akin kaya kinuha ko
ang pagkakataong iyon para lapitan ito lalo at magmano.

"You look so pretty, hija... And I heard na matalino ka raw." Mas ngumisi pa
ito sa akin nang magtama muli ang aming mga mata.

"Thank you po..." Isang matamis narin na ngiti ang aking


napakawalan. Para akong biglang nabunutan ng tinik. Ngayon ko lang rin kasi ito
nameet talaga.

"Yes Ahma. She's very smart and minsan nagpapatulong ako sa kanya sa projects
and many stuff pa..." si French naman na ikinatango tango ng matanda at mukhang
namamangha na.

"You heard that? This girl is smart. Mana kay Liam!" anang matanda sa mga
kasama niya sa mesa na ngumiti naman agad at nagtanguan.

"She looks very pretty, Mama," anang babae na kaedaran lang rin ni Tita Brenda.

Napangiti ako at marahang yumuko.


"Thank you, po..."

"Well... Lianna... Looks like magkaedad lang kayo nitong si Trace. Dapat
magkasundo kayo," sabi noong matanda sa babaeng nakahigh ponytail, naka cream na
cocktail dress at isang tipid na ngiti lamang ang naibigay sa akin. Singkit na
singkit ang kanyang mga mata at halata talaga ang dumadaloy na dugong Chinese sa
kanya.

"I will, Ahma," kalmadong sabi noong babae.

Nag-excuse rin naman kami sa harap ng mesang iyon at lumapit ulit sa iba pa.
Nakikipagbeso beso si French sa kanyang mga Tita habang ako ay parang tuod at hindi
makagalaw. Doon lamang ako lumalapit pag sesenyasan ako ni French na gayahin rin
siya. Iyong iba ay pinupuri agad ako kaya pinupuri ko rin pabalik pero may iba na
iba ang tingin sa akin.

Noong umupo na kami sa aming mesa ay nag-ikot agad ng mga mata si French.

"Yung group of mga gaga iba ang tingin sa ating dalawa. I wish their eyeballs
turn into stones para mabulag sila at matigil sa kakatingin ng matalim sa atin,"
mahinang sabi sa akin ni French ay pasimple pang nilingon ang lamesa na tinutukoy
niyang mga pinsan naming babae.

Kasama na roon iyong Lianna at tatlo pang babae na hindi ko na nasundan ang mga
pangalan. Iyong mababait lang ata sa akin ay iyong mga anak ni Tita Melissa pero
iyong iba ay halata talagang hindi ako gusto.

Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa siniserve na pagkain. Napansin ko pa na


kulay pula ang ginamit na tela sa lamesa at may kung ano anong burda. Ang alam ko
ay swerte ang kulay pula sa mga instik kaya siguro halos kulay pula ang makikita mo
sa loob.

Pagkatapos naming kumain ay nagwa-wine na iyong mga matatanda kaya naseparate


na kami sa kanila at nasa may sofa nalang. Si Kuya Brennan ay nakatayo at kausap
iyong iba pa naming mga lalakeng pinsan malapit doon sa glass wall habang
nakapamulsa ito at nakasandal lamang doon.

May dumaan na waiter kaya kumuha ng dalawang glass of wine si French at


ibinigay sa akin.

"Light drink lang 'yan, don't worry," aniya nang napansin niyang tinitigan ko
pa iyon.

Tumango ako at sumimsim ng kaonti roon. Nahagip pa ng aking mga mata iyong
Lianna na may disgusto ang mga mata sa akin.

"Ignorante," bigkas niya na nabasa ko sa kanyang labi saka siya nag-iwas ng


tingin at ibinalik doon sa iba naming pinsan na may pinag-uusapan.

Ibinaba ko iyon at nilingon si French na kausap na iyong isa pa naming pinsan


na si Keisha. Tumagilid pa ang ulo nito at tiningnan ako.

"Alam mo French... Siguro kung half blood din tayo... ganyan rin kaganda ang
mga mata natin parehas kay Tracey," sabi niya at ngumuso pa.

Nilingon ako ni French.


"Well, pretty naman ako kaya I don't mind if masyado akong singkit." Pilya pa
siyang ngumisi.

Tumayo naman si Keisha dala dala iyong glass of wine niya suot ang isang kulay
peach na cocktail dress, nakahalf ponytail ang buhok at nasa 5'4 ata ang height.
Mistisa rin at singkit na singkit.

Tumabi siya sa akin kaya napunta sa kanya ang buo kong


atensyon.

"Pure na Filipino ba ang Mommy mo? Or may dugong espanyol?" she asked curiously
and blinked twice.
Napisil ko ang aking pang-ibabang labi habang nalalaglag ang aking tingin sa
tube top niya at ang magandang kwintas na suot nito.

"Uh..."
"Pure na malandi," sagot ng kung sino at nang lingunin ko ang boses na iyon ay
iyong Lianna na.

Kahit si French ay nagkakasalubong agad ang kilay nang tiningnan niya rin ito.

"I can smell your perfume with a brand of insecurity, Lianna. Change it. It
smells like trash," hirit agad ni French gamit ang mataray niyang pananalita kaya
hinawakan ko agad ang kanyang braso para lang awatin ito.

Noong marinig rin iyon ng iba pa naming mga pinsang babae na nandito lang rin
ay natuon agad sa akin ang kanilang tingin.

Lianna's face wrinkled. Ang galit ay makikita mo na roon.

"Shut up, famewhore," she fired back.


Tumawa lamang ng pilya si French at nagawa pang sumimsim ng wine habang ang mga
mata ay hindi niya inaalis kay Lianna. Si Keisha na nasa aking tabi ay nililingon
ako paminsan minsan at ibabalik agad kay Lianna.

"Famewhore is better than a pure whore. Ew," nasira pa ang ekspresyon ni


French.

"Tama na, French," mahina kong sabi sa kanya.

"Oo nga. Pag narinig kayo ni Ahma mapapagalitan talaga kayong dalawa," si
Keisha naman at pabalik balik ang tingin sa dalawa.

"Edi sasabihin ko kay Ahma na Lianna started it and she said horrible things to
Tracey's mother. I'm sure kahit si Daddy magagalit." Tumaas pa ang kilay ni French
kay Lianna na nakabusangot na.

"So nasan na ang Mom mo?" iyong isa sa mga pinsan namin ang nagtanong noon sa
akin. Iyong katabi ni Lianna na naka white dress at bagsak na bagsak ang tuwid na
buhok na sa pagkakaalala ko ay si Niña.

"Nasa bukid," sagot ko sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Anong work niya?" iyong isa namang nasa right side ni Lianna at naka floral
dress at nakabun rin ang buhok.

"Nagbebenta siya ng bulaklak," sagot ko.


"Huh? May flowershop siya?" Iyong Niña.

Umiling agad ako. "Hindi. Sa bangketa lang eh at tinitinda niya sa bayan..."

"Mom told me her mother is poor kaya nga nasa puder siya ni Tito Liam kasi di
siya kayang buhayin ng Mom niya," si Lianna naman na iniikot ikot na iyong hawak na
wine at tinititigan ang ice cubes doon.

"Naghahanap ka lang ng pangit sa kanya dahil wala kang mahanap na pangit sa


kabuuan niya. Yuck, Lianna. Your stupidity is too much to handle!" Tumawa pa ng
pilya si French sa aking tabi na ikinagigil lang noong pinsan namin.

Ang mga pinsan naming katabi siya ay may kung ano nalang na binulong at iba
narin ang tingin kay French na sumisimsim na ng wine at akala mo ay wala itong
sinabi na nakakaoffend kay Lianna.

Isang hilaw na ngiti nalang ang aking naisagot at ayoko nalang magsalita. Pag
sasabihin ko lang ang tunay na rason kung ba't napadpad ako sa puder ni Papa ay
mauungkat lamang ang pagkamatay ni Kuya Brennan. Kung hindi ako nagkakamali, malas
sa kanila pag pinag-uusapan ang pagkamatay ng isang tao sa mahalagang okasyon kaya
sinisikap ko nalang na itikom ang aking bibig.

Nagpaalam nalang ako na pupunta muna ako sa powder room. Napadaan pa ako sa
lamesa nila Tita Brenda kasama iyong Mommy ni Lianna na si Tita Alliana.

"Nagpapasok ka ng malas sa bahay niyo, Brenda. If I were


you, I won't accept the child! Baka kung anong kamalasan lang ang dala noong batang
iyan," narinig kong sabi nito na nagpaloosen ng aking balikat.

"Wala akong magagawa Alliana. Liam wants the child to stay. At isa pa, mabait
naman kaya hinayaan ko nalang. You know Liam... dapat masunod ang gusto noon kahit
ayoko talaga," si Tita Brenda.

"Nabilog nga talaga ng ina niya si Liam."

"Sad to say but I left with no choice. In the near future baka mapakinabangan
ko rin ang batang 'yan for business matters. Since kasundo niya rin ang anak kong
si French. Hayaan nalang..." si Tita Brenda sa kalmadong boses.

Hindi ko na hinintay ang susunod na sasabihin noong ina ni Lianna at mas


binilisan ko na ang aking paglalakad. Lumabas agad ako sa mismong hall at nagtungo
sa malapit na rest room dala ang mabigat kong nararamdaman.

Pumasok ako roon at tiningnan sandali ang aking mukha. Isang pagod na ngiti ang
aking napakawalan.

"Di mo naman mapipilit lahat ng tao na magustuhan ka, Trace... Okay lang 'yan.
Wala ka namang ginagawang ikakasama nila."

Bumuntong ulit ako ng hininga at naghugas ng aking kamay. Ayoko na atang


bumalik doon sa loob at gusto ko nalang manatili ako sa lobby.

Kaya noong lumabas ako ay nagpaalam nalang ako kay Papa na doon lamang ako sa
labas lalo na't may garden doon. Tumango naman siya kaya natuwa agad ako habang
tinatahak ang daan palabas.

Madilim na at ang mga lanterns na nakasabit sa itaas nalang ang nagbibigay ng


ilaw sa kabuuan. May iilan pang paru-paro roon na lumilipad at palipat lipat sa mga
bulaklak.

Nagtungo ako sa parang stool na maliit na nakapalibot sa isang pabilog ring


mesa. Umupo ako at humilig doon. Kahit talaga ayawan ko ang dilim, kahit minsan ay
gusto kong takasan ang dilim, hindi ko maitatangging ang dilim parin ang karamay ko
sa tuwing gusto ko nalang mapag-isa. Mas komportable ako sa dilim at mukhang
nasanay na nga ako na iyon lamang ang yumayakap sa akin sa tuwing nalulungkot ako.

Tumingala ako sa kalangitan at nakita ang mga butuing kumikislap. Napangiti


ako. Ang kalangitang madilim ay mukhang kalmadong tingnan dahil sa kanyang bituin.
Nang dahil doon ay nakakamangha ang dilim na bumabalot. Sana katulad ng langit na
kahit madilim ay may bituin rin akong kumikislap kislap. May mga bagay atang mas
kumikinang lalo na kung nababalot lamang ng itim.

Maybe the shade of darkness is not that bad afterall when in fact, the stars
looks pretty on the dark side... At hindi kikislap ang mga bituin kung hindi
kakainin ng gabi ang kalangitan.

Nakaginhawa ako ng maayos kahit papaano sa aking pinag-iisip. Mas gusto ko ata
rito kaysa doon sa loob. Mas gusto kong kasama ang madilim na langit at mas gusto
kong mag-isa. Inaamin ko namang hindi talaga ako magaling makipagsocialize at ayoko
ring makihalubilo dahil nakakagawa lamang ako ng gulo. Baka mapaaway pa si French
kay Lianna dahil sa akin.

May mga tao ba talagang malas? Naniniwala rin naman kasi ako na lahat ng taong
nabubuhay ay swerte dahil nabigyan sila ng pagkakataong makita ang magandang mundo
na nilikha ng Diyos. Pero bakit may iba na nasasabing malas ang dala ng iba? May
malas ba talaga akong dala?

Natigil ako sa aking pinag-iisip nang may maramdaman akong malambot at


komportableng tela sa aking magkabilang balikat. Nilingon ko ang aking gilid at
natagpuan ko ang imahe ni Kuya Brennan na nakapamulsa. Ang kanyang coat ay
nakapatong na sa aking likod.

"It's cold. Why are you here?" tanong niya habang tinitingala ang langit at
tanging puting polo nalang ang suot.

"Gusto ko lang magpahangin, Kuya..."


"Magpahangin o mapag-isa?" Nalaglag ang kanyang supladong mga mata sa akin at
umangat agad ang kilay.

Ngumuso ako at itinuon sa kalangitan ang aking mga mata. Nahawakan ko ang gilid
ng aking leeg habang nakahilig parin ako sa lamesa.

"Napagtanto ko lang na mas komportable na pala ako sa dilim...." I am more


comfortable with the shade of the night than anything else... the shade of
darkness...

Hindi ko na isinatinig ang iba ko pang naisip. I smiled weakly while watching
the stars. Katulad ng bituin... tahanan ko narin ata ang dilim.

"It's okay to be alone sometimes since you're surrounded with toxic people,"
aniya at umupo roon sa harap ko. Humilig din siya kagaya ko sa lamesa habang ang
malalamya niyang mga mata ay tamad nang nakasentro sa akin. Ang isa niyang kamay ay
namamahinga lamang sa ibabaw ng lamesa at ang isa ay nasa pisngi niya na.

"Grabe naman iyong toxic people," marahan akong natawa sa kanya.

"Hindi lang ang mundo ang polluted kundi pati narin ang utak ng mga tao.
Marumi, makitid at minsan ay wala pang laman," dagdag niya pa.

Alam ko namang harsh talaga magsalita si Kuya Brennan. Kung noon ay nalulungkot
ako pag pinagsasalitaan niya ako ng mararahas na salita, noong mas nakilala ko siya
ay natatawa nalang ako dahil alam kong ganoon talaga siya sa lahat. Lalo na sa
kanyang kapatid na si French.

Marahan akong natawa. His head tilted and watched me closely. Tahimik niya
akong pinagmasdan habang tumatawa ako.
Tumingala ulit ako at inilagay ang dalawa kong palad sa magkabila kong pisngi.
I smiled sweetly.

"Okay lang na hinuhusgahan nila ako. Sanay narin naman ako e... Di narin ako
nalulungkot dahil ganoon naman talaga ang buhay ko."

"Kung anong ikinapilya ni French ay iyon naman ang ikinainosente mo. Akala ko
pag nadikit ka doon ay magiging kauri mo na ang maarteng iyon pero mukhang wala
namang nagbago sa'yo simula noong dumating ka sa bahay."

Sumimangot agad ako noong maalala ko ang araw na sinupladuhan niya ako. Naiyak
pa ako sa kanyang harapan.

"At ang suplado mo parin..."


Nagkibit siya habang ginagalaw galaw ang mga daliri sa lamesa. Para siyang
nagpapiano roon.

"Pero salamat Kuya Brennan at natanggap mo ako bilang kapatid." Nginitian ko


siya ng matamis.

"Mas tanggap kitang kapatid kaysa kay French na malapit ko nang kaladkarin sa
bahay-ampunan." Umismid pa siya na ikinatawa ko ulit dahil alam mo namang biro niya
lang iyon. Kung nandito si French may maisasagot rin iyong...
"Ang sama mo Kuya... Masama na nga ang mukha mo masama pa ang ugali mo."
Ay mali. Di naman iyon ganoon magsalita ganito pala.
"Ang bad mo Kuya! Bad na nga ang face mo bad pa ang ugali mo!" Tapos iirap
agad.

Iniisip ko palang ang mga kalokohang pinaggagawa ni French sa kanya ay


sumasakit na talaga ang tiyan ko kakatawa. Mapang-asar ako kay Kuya Bram pero hindi
naman ako kasing lala ni French na pinagtitripan talaga ang Kuya niya dahil lang
masyado itong suplado.

Sa tuwing kasama ko si Kuya Brennan at kausap ko ito, pakiramdam ko ay si Kuya


Bram narin ang kasama ko at hindi lamang ngumingiti. Natutuwa ako pero
nangingibabaw parin ang lungkot dahil sa pangungulila.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 41

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Trisha Gutierrez. Happy reading!
------------
Madilim At Misteryosong Mga Mata
Bumalik rin naman kaming dalawa ni Kuya sa loob. Malakas na ang tawanan ng mga
matatanda at mukhang nagkakatuwaan na sa kanilang pinag-uusapan. Ang iilan ko
namang mga pinsan ay may kanya kanya namang pinagkakaabalahan. Si French ay
napansin ko pa na panay ang selfie sa hawak niyang wine.

"Trace, hija, come here!"


Boses iyon ni Amah na kapwa namin ikinalingon sa malaking mesa kung nasaan
nagtitipon ang mga matatanda. Kahit si Papa ay nilingon pa ako at sinenyasan rin
akong pumunta roon.
Nagkatinginan kami saglit ni Kuya Brennan. Tinanggal ko sa aking likod ang
kanyang coat at ibinigay iyon sa kanya.

"You'll be fine. Nandiyan naman si Dad," aniya at napansin siguro sa aking mga
mata ang takot.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Nagtungo rin naman ako sa mesa nila. Tinapik
ng dalawang beses ni Amah ang katabing upuan at doon ako pinaupo. Ang mga mata agad
ng naroroon ay napunta sa akin. Si Papa ay nasa kanang bahagi ng mesa katabi si
Tita Brenda, si Tita Alliana na katabi siya, ang kanyang asawa, si Tita Melissa sa
kabila, ang kanyang asawa ulit at iyong tatlo pang mag-asawa na hindi na masyadong
pamilyar sa akin.

"Itong bunso mo masyadong maganda, Liam. Look at her innocent face!" si Amah na
ikingiti ko agad.

"Salamat po..." Marahan akong yumuko habang ang aking mga kamay ay nasa aking
kandungan.

"Guwapo naman si Liam, saan pa ba magmamana?" sabi ni Tita Brenda at ngumisi


pa.

"This girl has a bright future! Nalaman ko at matalino raw ito! French told me
she's doing great in school!" si Amah at kitang kita sa mukha  ang pagmamayabang.

"Oh well, Mama... You know me..." si Papa naman na ngumisi pa at agad
ikinahalakhak ng iilang mga lalake na naririto at hindi nalalayo ang edad kay Papa.

Isang pilit na ngiti ang aking nagagawa at hindi alam kung paano aakto sa
kanilang harapan. Para silang mga araw na pag tinitigan mo ng husto ay masyadong
masakit sa mga mata dahil sa kanilang magagarbong kasuotan.

"Buti nalang at kay Liam nagmana..." si Tita Alliana at iba na ang ngisi.

Nagkasalubong pa ang aming mga mata na agad ko ring iniwas at itinuon sa mga
wine glass sa harapan. Ang kamay naman ni Amah ay nasa aking likod na at nakadampi
roon.

"So tell me... What course are you planning to take this coming school year?"
tanong nito.

"Uhm..." Nilingon ko sandali si Papa na tumango pa sa akin at kinakausap ako sa


pamamagitan ng aking mga mata na sabihin ko lang ang gusto kong sabihin.

"Gusto ko po iyong makakatulong sa pagpapatayo ko ng ano po... flowershop sa


future kaya ano... gusto ko pong magbusiness ad... at finance po sana..." sagot ko
na ikinakurap nito.

"Oh... So you want a flowershop?"


Tumango agad ako at ngumiti.

"She loves flowers, Mama," si Papa na ikinalingon saglit ni Amah sa kanya pero
ibinalik rin naman sa akin.

"Flowershop is good huh!" si Tita Mellisa.

"Bagay rin naman sa kanya dahil singganda niya rin ang mga bulaklak na ibebenta
niya," si Tito Dale naman, asawa ni Tita Alliana.
Tumango tango si Tita Brenda pero hindi na nagsalita habang
ang mukha ni Tita Alliana ay parang lumukot.

"But isn't it too... simple? Lianna is planning to take Business Finance, too,
pero ang plano niya ay isang Mall in the near future. Flowershop is just too..."
Tita Alliana's voice trailed as her face wrinkled in dismay.

Si Amah ay mukhang nag-isip isip narin na kahit si Papa ay nilingon na si Tita


Alliana. Dahan dahan kong nalukot ang dulo ng hem ng aking suot na damit. Napalunok
ako ng laway at hindi alam kung saan hahanapin ang boses na mukhang unti-unti ng
nawawala sa akin. Ang tanging nanatili sa akin ay kaba.

"Ayaw mo pa ba ng ibang kurso, hija?" tanong sa akin noong isa sa mga babae na
hindi ko natandaan ang pangalan at ina noong dalawang batang nagtatakbuhan sa may
bandang sofa.

"W-Wala po kasi akong maisip na iba bukod doon..." sagot ko sa mahinang boses.

"Brenda, you should guide her baka nahihirapan itong si Tracey sa kukunin
niyang kurso," nag-aalalang sabi ni Amah na ikinatango naman ni Tita Brenda.

"I will, Mama. Medyo busy rin kasi kami ni Liam kaya wala na kaming gaanong
panahon sa mga bata..." Hinuli ni Tita Brenda ang aking mga mata at mukhang may
kahulugan na iyon.

"Maybe Tracey will make-up her mind since it's still summer. Matalino naman
iyang anak ko. I'm sure she'll think what's best for her in the future," si Papa.

"But Liam, you still need to guide her well. Purket nasa tamang edad na ay alam
na ang makakabuti sa kanya. Baka iyong gusto niya ay hindi naman makakatulong sa
kanya sa future at masasayang lang ang kanyang pag-aaral sa mahal na eskwelahan,"
si Tita Alliana na sinipat pa ako ng tingin pero ibinalik agad kay Papa.

Natahimik si Papa at mukhang nag-iisip na ng malalim. Ang iilan ay tumango rin


at mukhang sang-ayon sa sinasabi ni Tita Alliana. Pasimple ko pang nilingon ang
dako ni French at nasa sofa ito, nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin at
mukhang kinakabahan sa pag-uusap dito. Isang hilaw nalang na ngiti ang aking
naibigay sa kanya.

Ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Para akong may suot na malaking bag at puro
bato ang laman noon kaya ganoon nalang kahirap huminga. Nakakapressure ang apelyido
nila. Gusto ata nila iyong successful ka sa buhay at may maipagmamalaki. Kaya rin
siguro nagagawa nilang ipartner ang mga anak nila sa mga mayayaman para masiguro na
ang magandang kinabukasan nito at ang paglago rin ng kanilang business.

Naisip ko tuloy iyong plano naming dalawa ni Mama pag nakapagtapos ako ng pag-
aaral. Magpapatayo kaming dalawa ng flowershop at siya parin daw ang mag-aarange at
ako naman ang magpapasweldo sa kanya. Noong mga oras na iyon ay nangangarap na
kaming dalawa ng malaki ni Mama, pero noong sinabi ko na iyon ang gusto ko sa
future, noong pinangalanan nila iyong 'simple' napagtanto ko na ang malaking
pangarap na iyon ay masyado lang palang mababa sa kanila.

Sapat lang naman ang kinikita noon at alam kong mabibigyan kami ni Mama ng
maginhawang buhay, kahit hindi na iyong magarbo. Ang gusto ko lang naman ay
makaluwag luwag na kami... Iyon lang naman. Iyong sakto lang.
Noong sumunod na isinama ulit kami ni Papa sa isang gathering ay puro mga
businessman naman ang nakasalamuha ko. Madalas ay kay French ako dumidikit na panay
rin ang kantyaw sa mga anak noong kasosyo ni Papa.

"Yuck! He's guwapo naman ha pero I don't want to be his wife baka mamana niya
'yung medyo chubby niyang katawan," kantyaw ni French sa lalakeng nakatuxedo at
mukhang kaedad lamang ni Kuya Brennan.

Nasa mesa iyon kasama ang iilan pang mga anak ng kasosyo ni Papa at mukhang may
topic rin sila habang kami naman ni French ay nandito sa maliit na mesa. Gusto
niyang lumayo layo kami para daw makantyaw niya isa isa iyong mga lalakeng
naroroon.

"The one who's sitting next to him is guwapo naman pero


walang dating. He's plain and boring..." Nailing iling pa si French nang inangat
niya ang wine glass at sumimsim doon.

Ang mga lalakeng naririto ay hindi nalalayo ang edad kay Kuya Brennan at lahat
sila ay mga singkit pa. Sa size lang talaga ng katawan nagkakalayo pero iyong mga
buhok ay parehas na dinilaan ng baka at masyado pang pormal.

Tiningnan ko ang kinaroroonan ni Kuya Brennan at nakita ang babaeng kasama niya
sa isa ring lamesa. Maganda ang babae. Singkit, maputi, payat at nakaponytail ang
ayos ng buhok suot ang isang puting dress. Para lang silang nag-uusap sa kanilang
mga mata at si Kuya itong nilalaro lang ang kanyang daliri sa kanyang hita at doon
tumatapik tapik.

"See? Boring talaga si Kuya..." sabi ni French nang mapadpad rin ang kanyang
mga mata roon.

"Baka naman naaawkward lang sila," sabi ko.


"Of course not! Years na sila magkakilala 'no and wala talagang progress. Si
Kuya naman kasi parang stick. Like hello, sinong girl ang kakausap sa stick
figure?" Maarte niyang sabi kasabay ng pag-iikot ng kanyang mga mata.

"Paano kung di nila nagustuhan ang isa't isa? Hindi ba itutuloy ang
pagpapakasal nila?" Nilingon ko ito na humarap narin sa akin at tinantanan na ang
lamesa nila Kuya.

"They have no choice but to work-out. Malaki kasi ang tulong ng parents noong
girl sa business natin if ever nagmerge at idagdag pa na panganay at lalake si Kuya
Brennan. Wala siyang magagawa kundi pumayag talaga sa gusto nila Mommy at Daddy."

"Pero pwede bang magpakasal kahit hindi niyo mahal ang isa't isa?" Nalulungkot
kong tanong na ikinatawa niya ng pilya.

"Marriage is just a piece of paper for business minded, Trace. Well... Own
opinion ko lang iyon pero love is not important for them. Aanhin mo ang pag-ibig
kung nalugi ka naman. Ganoon ata ang tumatakbo sa isip nila." She even grimaced
while saying it.

Nilingon ko ulit ang mesa nila Kuya at wala ngang nagbago. Ang babae ay
nakahalukipkip roon at gumagala pa ang mga mata.

"Trace, French, you two!" Boses iyon ni Papa kaya kapwa kami napalingon ni
French sa lamesa nila.
Tumayo rin naman kaming dalawa. Si Papa ay ngumisi sandali roon sa isa niyang
kabusiness partner.

Napalunok ako at naisip agad ang mga sinabi ni French na ipapair kami sa mga
anak ng kasosyo ni Daddy. M-Meron na bang napili si Daddy para sa akin?

"Ang gaganda ng mga anak mo, Liam," namamanghang compliment sa amin noong
nakaglasses na intsik at may katabing lalake na kaedaran lang ata namin ni French.

"Saan pa ba magmamana?" Tumatawang sabi naman ni Tita Brenda at nilingon kami


ni French.

Ngumisi ng pilya si French habang ako naman itong pinaglalaruan na ang aking
mga daliri.

"This is my daughter, Tracey and French..." Pagpapakilala ni Papa na


ikinatingin agad noong lalake sa amin, sa akin...

"And this is my son Jackson," anang matanda at tinutukoy iyong katabi niyang
kaedad naming lalake.

Tumayo naman iyong lalake saka naglahad ng kamay sa akin. Ilang sigundo ko pa
iyong tinitigan at kung hindi lang ako siniko ng palihim ni French ay hindi ako
matatauhan. Nakipagkamay ako sa kanya.

"Jackson," sabi niya sa baritonong boses.


"Tracey..." sagot ko at tipid na napangiti.

Bumitaw rin naman siya at naglahad rin ng kamay kay French na pilya rin itong
nginitian. Sumabog agad ang mga haka haka sa aking isipan na baka ay iyon na ang
lalakeng napili ni Papa lalo na't binibida na ito sa amin ni French. Pinaupo narin
kami roon at kaibiganin daw namin ang isa't isa.

Sa sobrang advance ng aking pag-iisip ay baka maaga akong


ikakasal at maagang magkakaanak ng mga instik. Ayokong isipin na baka si Jackson na
ang napili ni Papa dahil tuwing gatherings rin naman ay marami siyang pinapakilala
sa amin ni French.

"Jackson is hot 'no?" Bumungisngis si French noong gabing matutulog na dapat


kami pero heto siya sa kuwarto ko at topic ay mga lalake.

Hinila ko ang makapal kong kumot at pumasok na roon. Ang buhok kong itinali ko
noong naghalf-bath ako ay tinanggal ko rin at hinayaan itong lumugay.

"Okay lang naman siya," sabi ko kay French.


"Huh? Anong okay? He's more than okay 'no! He's very manly and very attractive
pa! Malabo na ba ang mga mata mo Tracey?" Humalukipkip si French sa paanan ko.
Naroon siya, nakaupo na parang palaka suot ang pantulog na dress at nakalugay rin
ang tuwid na buhok niyang mahaba.

Kinuha ko ang libro ni Kuya na binabasa ko tuwing gabi bago matulog. Naroon pa
ang nakaipit na sulat ni Mama kaya kinuha ko iyon at inilagay sa bedside table para
hindi mahulog.

"Okay lang naman si Jackson," ulit ko pa at hindi inalis ang mga mata sa libro.
"What's your definition ba when it comes to hot and sexy guys? I think you have
a bad taste sa lalake."

Natigil ako sa paglilipat ng pahina dahil sa tindig ng iisang lalakeng sumagi


sa aking isipan. Iyon ang basehan ko ng hot and sexy... Ang mga mata niyang
madidilim at misteryoso katulad ng langit sa gabi. Ang tindig niyang parang inukit
sa isang bato at masyadong matigas. Ang kilos niyang parang hangin sa sobrang
bilis. Ang tingin niyang nakakatunaw at para kang nililigaw sa isang kakahuyan. Ang
kabuuan niyang perpektong perpekto na kahit ang kanyang malademonyong tawa ay
parang nakakamanghang pakinggan.

Hindi ko namalayang nakaawang na pala ng kaonti ang aking mga labi at natauhan
lamang dahil pinatunog ni French ang kanyang mga daliri sa aking harapan.

"Are you sleeping na ba?" tanong niya.


Isinara ko ang libro at inilagay na iyon sa bedside table.

"Dito ka ba matutulog?" tanong ko sa kanya saka ko inabot ang lampshade para


mapatay ko na iyon.

Gumapang naman ito sa aking tabi at humiga narin doon habang nakaharap sa akin.

"Let's talk muna since I don't want to sleep yet."

Kinumutan ko siya ng maayos at tiningnan ito kahit hindi ko ito gaanong


nakikita dahil sa dilim na bumabalot sa aking kuwarto.
"Ano naman?"
"Boys!"
"Huh? Iyon talaga?" Natawa ako.

"Yep! Tell me... nagka first kiss kana ba?" deritsahan niyang tanong na mabilis
na ikinapula ng aking pisngi dahil sa panibagong ala alang nanuot sa aking isipan.

Ba't ko ba naiisip ang lalakeng dapat ay matagal ko ng kinalimutan? Argh...

"Meron na?! Oh my gosh... Sino?" Overeact niya nang masyado akong natagalan sa
pagsagot.

"Ano si... Pero matagal narin kasi 'yon kaya nakalimutan ko na." Alibi ko
nalang.

"Nakalimutan mo ang first kiss mo? Is that even possible? But wait... Tagabukid
ba?! Yuck! You let some cheap tagabukid kissed you! Dapat lang na kalimutan mo
since it's not that worth it naman pala!"

Ngumuso ako. Israel is very different from the others. Hindi nababagay ang
salitang tagabukid sa kanya dahil sa kanyang tindig. Para itong leyong naligaw
lamang sa kagubatan at nahalo sa mga hayop na walang binatbat sa kanya. Idagdag pa
ang nakatali noong buhok at ang piercing niyang lagpas isa sa isang tenga. Iyon
pang mamahalin niyang denim jacket at ang manly niyang perfume. Siya lang naman ang
ganoon sa bukid. Siya lang ang kung umasta roon ay akala mo nasa syudad siya.

Inaya ko nalang na matulog si French para matigil na ito sa


kakadaldal. Sumisingit pa si Kaki sa tabi at sumisiksik kaya tatlo na kami sa aking
kama.

Business Finance ang kinuha kong kurso sa ADDU o Ateneo de Davao University at
hindi na nagbago ang aking utak. Si French naman ay ganoon rin ang kinuhang kurso
habang si Kuya Brennan ay pinagpapatuloy ang kurso niya at nasa third year college
na.

Kaya noong nagsimula ang klase ay ganadong ganado agad si French. Excited siya
dahil may panibago na naman daw siyang makakasalamuha at dagdag followers niya sa
IG.

"Alam mo ba ang ibig sabihin nito, Trace?" Nanlalaki ang mga mata ni French
habang papunta kami sa school noon dito sa backseat.

"Huh?" Clueless kong tanong.


"May night life na tayo! We can start partying at night na! We can drink and we
can go to Bars na!" she exclaimed happily while clapping.

"Ah..." Sumunod ang tawang pilit sa akin. Di naman kasi talaga ako mahilig sa
ganyan kaya di ako relate.

"Imagine the boys dancing infront of you tapos mga topless! I'm going to die
na!" Nangisay siya sa kanyang upuan na ikinalaki pa ng aking mga mata lalo na't
dumaosdos na siya.

"Magugusot ang uniform mo, French." Hinawakan ko ang kanyang braso at hinila
itong muli paupo ng maayos.

Inayos niya ang kanyang palda pero bumalik ulit ang excitement sa kanyang
mukha.

"I haven't really try going on Bars at night, Trace, since Daddy and Mommy will
get mad at me. They're strict so I really waited for this moment! De bale ng
maipakasal sa intsik basta maenjoy ko muna ang life ko!"

"Pero 'di ba nagpaparty ka rin naman?" naguguluhan kong tanong.


"Party on houses is different on Bars, Trace! Loud music, smokes, neon lights,
cold air, and the strangers! Those are exciting! I want to experience dancing while
lasing ako!" Bumungisngis siya at nagawa pang takpan ang bibig habang nawawala ang
mga mata kakatawa.

Sa mga palabas ko lang nakikita ang ganoon eh. Mahilig rin kasing manood si
French ng hollywood movies kaya may ediya narin ako sa mga tinutukoy niya.

Natigil lang siya kakadaldal ng kung ano ano noong nakarating na kami sa
school.

"Hi French! Hi Trace!" Isang grupo ng mga babae ang bumati sa amin ni French.

"Hey!" Ngumisi ng pilya si French habang ako itong tanging ngiti lang ang
naibigay.

Lumagpas na sila habang kami naman ay nagpapatuloy sa paglalakad. Clueless ko


siyang tiningnan.

"Those were our schoolmates in highschool, Trace. Mga elites," aniya at


sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri habang nakasabit naman sa
kanyang gitnang braso ang kanyang Hermes na bag.
"Ah... Di ko kasi kilala..."
"Chua ka so you belong to elite peoples. And kahit di mo sila kilala, they know
you since we're popular," kalmado niyang sabi na ikinakurap ko.

Popular? Ako? Nasasali na ako sa elite? Nakakapanibago naman... Eh doon sa


bukid malas daw ako eh. Wala pa ngang may gustong makipagkaibigan sa akin. Ganito
pala talaga ang kayang baguhin ng pera sa'yo. Bigla kang nagugustuhan ng lahat.

May ibang mga subjects na kaklase kami ni French pero may iba ring hindi.
Tuwing lunch ay kumakain lang kami sa malapit na Restaurant sa labas ng school at
babalik rin naman papasok. Naging habit ko narin ang masanay sa karangyaang
tinatamasa at hindi na ako naiignorante.

"Alam mo Trace... You change alot na talaga..." biglang


sabi sa akin ni French noong pumasok kami sa cr para lang magretouch.

Natigil ako sa paglalagay ng lipstick sa aking labi at tiningnan ito sa


salamin.
"Huh? Nagbago ba ako?"

"I mean in a good way! You know how to carry yourself na unlike last years na
you're struggling pa and tinuturuan pa kita. Noon ang creepy and baduy mo pa
manamit and you don't even know how to pair your shoes with your outfit pero ngayon
you always stand out narin! I'm proud!" Nasapo niya ang kanyang dibdib at bakas sa
ekspresyon ang pagkamangha.

Tumawa ako ng marahan saka ko pinasadahan ang aking buhok na natural na wavy.

"Salamat at pinagtiisan mo akong turuan noon," sabi ko.

"You're my half sister kaya it's alright 'no!"

Nagtawanan nalang kami sa loob noon. Kung hindi nga rin naman dahil kay French
ay nangangapa pa siguro ako hanggang ngayon. Baka palagi na akong napapagalitan ni
Tita Brenda dahil mali mali ang kilos ko. Gusto kasi noon palagi kang presentable.
Kahit nasa bahay ka lang, dapat maayos kang tingnan hindi iyong buhaghag ang buhok
mo at di ka pa naliligo. Si French nga ay halos dalawang beses maligo sa isang araw
at kulang nalang ay iligo ang kanyang pabango.

"Ang guwapo noong nasa labas! What's his name kaya?"

"I don't know but he looks like nakakatakot eh! Pero ang hot!"

"Ilang araw narin siyang naroon ah! Pakain kain!"

Takang taka ako sa mga babaeng napadaan sa aking gilid habang palabas na ako ng
huli kong subject at vacant time ko na. Sanay naman akong may mga ganoon talagang
babae na nahahyper sa guwapo at alam kong isa narin doon si French.

Bago pa ako makapunta sa library ay nagbeep na ang aking cellphone.

Huminto ako at kinuha sa bag kong nakasabit sa aking braso saka ko tiningnan
ang cellphone kong may text galing kay French.

French:
Where are you?
Nilingon ko ang aking kinakatayuan at nagtipa rin ng mensahe.

Ako:
Nasa may tapat ng library.

Agad namang nagreply si French kaya naantala rin ang aking pagpasok.

French:
Hurry up and meet me dito sa may 1st gate. Bilis later ka nalang magpakanerd!

Kahit nagtataka ay nagtungo rin naman ako sa kanyang kinaroroonan. Pagdating ko


doon ay sinalubong niya agad ako noong mga nakalap niyang balita.

"Alam mo bang may sobrang guwapo raw at napakahottie na kumakain sa labas ng


school! Doon sa may dirty food!" Overeacting niyang pagkakaexplain.

Ang tinatawag niyang dirty food ay iyong nasa labas malapit sa 1st gate na puro
street food ang tinitinda. Klase klase iyon katulad ng kwek kwek, fishballs,
kikiam, buko juice at isaw.

Bago pa ako makasagot sa kanyang mga lintanya ay hinila na ako ni French


palabas ng gate. Napansin ko nga ang mga babaeng estudyante na parang may
pinagkakaguluhan at sinisilip doon.

"Give us space! Tabi kayo..." Pinaghahawi ni French ang iilang mga estudyanteng
nakaharang habang hawak hawak ang aking pulso na kusa rin naman kaming bibigyan ng
espasyo.

Noong may malinaw na kaming view ay tumigil rin naman kami sa harap. Ang vendor
na iyon ay nasa di kalayuan at kailangan mo pang tumawid para mapuntahan ang stool
ng kanyang mga paninda. Pero malinaw naman dito sa aming kinatatayuan.

"Oh my frigging gosh! My panty just dropped!" sigaw ni French sa nanlalaking


mga mata.

Isa lang naman ang lalakeng kumakain doon kaya hindi rin ako nahirapang tingnan
kung sino ang kanilang tinutukoy. Nakapameywang iyon habang ang isang kamay ay
hawak ang stick na tinutusok tusok niya sa mga fishball at kumakain doon. Halatang
hindi ito nag-aaral sa eskwelahan namin dahil narin sa suot niyang puting polo na
nakabukas ang dalawang botones, ang magkabilang sleeves ay nakarolyo, ang
kumikinang na relo sa kanyang pulso, itim na sapatos at ang buhok niyang clean cut
at ang ilang kumpol ng hibla sa kanyang buhok ay nalalaglag sa kanyang noo habang
ang iba naman ay nakasuklay paatras. Iyon lamang ang mga buhok na nagrerebelde.

Bigla akong ginapangan ng kakaibang kaba habang lalong tumatagal ang paninitig
ko sa lalakeng tanging side view lamang nito ang aking nakikita. Kailangan ko lang
makita ang pares ng kanyang mga mata... Iyon lang.

Sa ilang sigundo,dahan dahan itong lumingon sa aming gawi na ikinatili ng iilan


at kahit si French ay nasapo ang kanyang dibdib. Ang aming mga mata ay mabilis na
natagpuan ang isa't isa at sa mga taong lumipas, alam ko na agad kung sino ang
nagmamay-ari ng madilim at misteryosong mga matang tumitig sa akin.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 42
Vote. Comment. Be A Fan.
Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Jessica Marie Bustillo. Happy reading!
-----------
Stalker
Ang kumakain ng mga street food sa tapat ng aming eskwelahan at
pinagkakaguluhan ng mga estudyante roon ay walang iba kundi si Israel!

Hindi ako pwedeng magkamali! Kahit bagong gupit na ang kanyang buhok at hindi
na iyong nakatali, siya parin iyon! He became more manly and more cruel to me!
Masyadong marahas ang kanyang kabuuan at parang pinaulanan ng karisma ng kalangitan
kaya ganoon na ang kanyang tindig.

My knees tremble as I walked away. Kahit tinatawag ako ni French at bumalik


doon ay sinikap kong ilayo ang aking sarili. B-Ba't siya nandito? At sa lahat ng
kakainan niyang mga street food ay sa tapat pa ng eskwelahan ko! Wait... Nag-
aassume na naman ako. Pero masyado naman atang coincidence! At di ko maaalalang
kumakain iyon ng street food eh maarte siya! Anong nangyayari?

"Trace, wait! Why did you left ba?" Inis na humabol si French sa akin.

Nadatnan niya ako at mabilis na humarang sa aking harapan.

"Uhm, may kailangan pa kasi akong iresearch, French," alibi ko na ikinabusangot


niya at nakahalukipkip na.

"What? Later nalang 'yan. Let's eat some dirty food. Tara!" Hinila niya ang
aking pulso kaya mabilis ko agad iyong binawi.

Nagulat siya roon at nilingon ako.

"Di ka naman mahilig sa ganoong mga pagkain 'di ba? Madudumi 'yon, French."
Pagpapaalala ko para magbago ang kanyang isip at h'wag ng pumunta roon.

"I know! But I'm willing to eat dirty food just to see that guy closely! Ang
guwapo guwapo niya kahit malayo pa and I'm sure mas guwapo iyon pag malapit ka sa
kanya. Isugod mo nalang ako sa hospital right after pag na food poison ako."
Bumungisngis pa siya.

Isang pilit na ngiti ang aking naibigay. H'wag na h'wag kang lalapit doon
Trace! Si Israel iyon! Ang pamilya nila ang pumatay sa kapatid mo! Kahit ilang taon
na ang lumipas, hindi ko nalang pwedeng itapon ang bagay na iyon at lumapit lapit
sa kanya na parang walang nangyari sa mga nakalipas na taon.

"Sorry French pero mas mahalaga talaga ang subjects ko eh. Kailangan ko
talagang magresearch..." tanging sagot ko na ikinabuntong niya ng hininga at
nakanguso na.

"Sige ha pero next time samahan mo ako doon."

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Baka naman naisipan niya lang na kumain noong
oras na iyon 'di ba? Baka bukas ay wala na siya roon. Oo nga. Hindi niya naman
siguro ako namukhaan kanina...

Kaso ang mga pinag-iisip ko ay gumuho rin nang halos isang buwan na siyang
tambay roon at pakain kain parin ng street food sa labas! Nang dahil sa kanya ay
nagkakainteres narin ang mga mayayamang estudyanteng kumain doon para lang
malapitan ito. Pero may parte rin sa kanila ang natatakot dahil kakaiba raw ang
kanyang mga mata.

May mga sumubok na kumain daw doon pero di daw namamansin. Masyadong suplado at
pakain kain lang talaga ng mga street food. Ang tangi lang daw noong kinakausap ay
iyong lalakeng vendor pero ang mga babaeng nagtatangka siyang kausapin, dedma na
daw.

Si Israel nga iyon... Suplado talaga siya at cold! Hindi ako makapaniwalang
nandito lang siya para kumain kain tuwing hapon na akala mo ay suki na noon kaya
pabalik balik na.

"Hindi ka parin free ngayon para kumain tayo ng dirty food?" tanong sa akin ni
French nang mamataan niya ako sa vacant time ko.

Umiling ako. "Marami akong gagawin eh..."

"I hate you na talaga! Kahit minutes lang naman! Why are
you like this ba?" Inis niyang pinadyak ang isa niyang paa habang tinitingnan ako
rito sa computer lab at nagreresearch. Nasa aking gilid ko lang ito suot ang
kanyang peach na dress. Wednesday ngayon kaya wash day.

"Next time nalang, French. Or pwede kang magpasama roon sa circle of friends
mo," sabi ko sa kanya.

"But I want you! Last month pa kita niyayaya!"

Ngumuso ako. Actually wala naman talaga akong research ngayon at wala na akong
gagawin kaso nirarason ko nalang ito para di niya ako mayaya roon sa 1st gate.

Pero kung nakaraan na iyon, dapat bang magtago ka sa kanya Trace? Iisipin ni
Israel na takot ka parin sa kanya. Iisipin niyang may pakialam ka parin dahil may
epekto parin siya sa'yo. Pag nagpakita ka roon at umaktong parang wala lang... mas
mapapamukha mo sa kanya na nagbago kana.

Pero what if mag-assume iyon na nagpapapansin rin ako kagaya ng mga estudyante?
Baka sabihin niya kinakati rin ako kaya di ko mapigilang lapitan rin ito.

"Tracey! Please... Minsan lang ako humingi ng favor..." Hinawakan ni French ang
aking pulso at inalog alog pa iyon. Ang kanyang mga mata ay namumungay na at
gustong gusto talagang pumunta roon.

I sighed deeply. Kumurap siya nang makita niyang nilalog-out ko na iyong


personal account ko sa pagreresearch.

Tumayo ako at kinuha ang aking Chanel bag saka siya hinarap.

"Sige na nga..."
"Oh my gosh! Thank you!" Niyakap niya ako sa sobra niyang tuwa na ikinatawa ko
nalang.

Pagkatapos noon ay kinaladkad niya na ako palabas. Ang puso ko ay humataw agad
ng malakas noong lumalabas na kami may.entrance. Bumalik ka nalang kaya sa loob
Trace? H'wag nalang kaya? Baka... Baka may mangyaring di maganda.

I got bombarded with so many what ifs pero nabura rin at parang tubig na
tumagas sa sirang gripo palabas ang mga haka hakang iyon nang tumawid kami ni
French at nakita ko siya roon, nakadenim jacket, nakapameywang pa kaya nabalandra
ang panloob niyang suot na cotton shirt, at ang buhok niyang maayos na maayos pero
may nagrerebelde paring kumpol at nalalaglag sa gilid ng kanyang noo. Nakagat ko
ang pang-ibaba kong labi at pinamulahan ng pisngi. Ang guwapo niya parin at ang
kisig kisig... Lumala ang kanyang hitsura at para na siyang international na
modelo.

"Excuse us! Excuse us! We're going to buy!" Pinagtutulak pa ni French ang ibang
mga estudyanteng naroon at bumibili pero panay ang lingon kay Israel na nasa gilid
lang noong vendor at panay ang subo ng fishballs.

Napunta kaming dalawa sa harapan noong vendor. Sa gilid naman noon ay ang
lalakeng nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa aking loob. Ang aking mga mata ay
nanatili roon sa kumukulong mantika.

"Manong, how much po ba?" tanong ni French sa vendor.

"Alin ba dito ang gusto mo?" tanong naman noong vendor.

"Yang katabi niyo." Bumungisngis agad ng pilya si French na ikinanguso ko at


nasa mga nakahelera ng paninda ang aking tingin.

Wala akong lakas na mag-angat ng tingin sa kanya lalo na't ramdam ko ang mga
pares niyang mga matang nasa akin. Para akong masasamid sa sarili kong laway
kakalunok. Ba't ba siya tumititig? Oh baka mali lamang ako dahil magkatabi kami ni
French. Maganda naman ito at mas nakakakuha ng pansin. Sigurado akong si French.

Kaya makasigurado ay pasimple akong nag-angat ng tingin sa kanya. Napakurap


nalang ako nang matagpuan ko siyang nakaawang ang basa at mamula-mulang labi habang
hawak iyong stick niyang may nakatusok na fishball. Noong napansin niyang
nakatingin na ako ay ngumuso siya at dahan dahang isinubo iyon at mas lalo ng
lumalalim ang mga mata sa akin.

"Nako... Gusto ka ata ni Miss Ganda..." Tumawa iyong vendor


at binalingan si Israel na dahan dahang ngumunguya at hindi man lang sumagot.

"Hey!" Kinawayan agad ni French si Israel na mabilis na nagbago ang ekspresyon


noong magawi ang kanyang mga mata sa aking kapatid.

"Anong name ng kinakain mo?" tanong ni French sa malambing na boses.

"Balls," supladong sagot ni Israel at tumusok muli ng panibagong fishball.

Ayan oh! Di pa nga alam ang pangalan! Pakain kain tapos di alam ang pangalan...
May iba talaga siyang sadya rito.

"Fishball, French," sagot ko kay French na sabay nilang ikinalingon sa akin.

"What? Fish?! You mean that is isda?" Ngumiwi na si French at halata agad ang
pangdidiri sa mukha.

"Masarap naman 'yan..." sabi ko at ngumiti.


Kitang kita ko ang pagnguso ni Israel at mukhang nagpipigil na naman. Nilingon
ko siya kaya sumeryoso agad ang mukha at binasa pa ang pang-ibabang labi.
"Suggest ka nga anong kakainin ko?" tanong ni French kay Israel na sumuplado
agad ang mukha.

Itinuro niya lang ang kumukulong mantika na ikinagulat naming dalawa ni French.
Ang sama parin talaga ng ugali nito!

"Huh?! But that's mainit!"

Tumawa ang vendor at naaaliw ata kay French. Ang iilang mga estudyante ay nasa
aming likuran parin at puro rin titig kay Israel ang ginagawa. May ilan pa akong
napansin na ngumingiwi habang sumusubo ng fishball pero pinipilit ang sariling
kumain para lang makatambay dito.

"French tayo na..." Hinawakan ko ang kanyang braso para lang umalis na kami
roon dahil wala naman siyang binibili at daldal lang ng daldal kay Israel na di
siya pinapansin.

"Wait lang, Trace," sabi niya at ibinalik ulit ang tingin kay Israel.

Ngumuso ako at hindi na tiningnan si Israel. Gusto ko rin sanang kumain pero
parang ang hirap lumunok.

Nawili na si French kakabalik doon at kakadaldal kay Israel. Sumasama ako pero
minsan ay hindi na dahil rin ayoko na itong makita pa. Naaasiwa lamang ako sa
kanyang paninitig sa akin.

"Crush ko na talaga 'yon! I can't imagine na may guy pa palang ganoon ang
tindig!"

Isa iyon sa palaging lintanya ni French sa backseat na kahit si Kuya Brennan ay


rinding rindi na at nag-eearphone nalang. Crush na crush niya si Israel. Ngayon ko
lang ito nakitang nabaliw ng husto sa lalake. May mga nakakasalamuha naman kaming
guwapo pero ngayon lang talaga ito nagkaganito bukambibig niya na palagi. Kahit
iyong dirty food na pinakahate niya sana ay natutunan niya naring kainin.

"What's his name kaya? He looks rich ha! May girlfriend kaya siya?" tanong ni
French sa kanyang sarili habang nakatingala sa bubong ng kotse.

Walang nakakaalam sa pangalan ni Israel ni isa sa mga estudyante roon. Lahat


sila ay gustong malaman ni katiting na impormasyon pero kahit isa ay wala silang
makuha dahil pati iyong vendor ay wala ring alam o ayaw lang rin siguro nitong
sabihin. Ako lang ata ang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao pero ayoko namang
ipagmayabang ang bagay na 'yon. Gusto kong umakto na estranghero rin si Israel at
hindi ko kilala.

"Pero hindi naman iyon Chinese, French," sabi ko para madiscourage siya at
huminto na kakapunta roon.

"I don't care, Trace! He's so guwapo! Gusto ko talaga siya! Kahit naiinis ako
sa mga suplado like Kuya I love them na! Ang hot hot niya and his hair is so
attractive! Iyon nga lang... his eyes are very mysterious and very dark kaya
nakakatakot. But overall, he looks like a frigging Adonis!"

Nag-iwas ako ng tingin kay French at itinuon iyon sa labas


ng bintana. Di ko alam kung ba't may parang something sa loob ko ang nagwewelga.
Dapat ay wala na diba? Dapat ay namatay narin iyon at nawala na pero ba't parang
may panibagong sinisilang sa aking loob at hindi ko kayang pangalanan? Kailangan ay
umiwas na ako...

Tuwing Tuesday ay hindi na parehas ang vacant time namin ni French. May klase
ako habang bakante naman ako. Papunta na ako noon sa library nang tumawag si Kuya
Brennan sa akin.

Tumigil ako at sinagot iyon.


"Where are you?" tanong niya sa baritonong boses.

"Uhm... Nasa tapat ng library Kuya..."


"Have you eaten your lunch?" tanong nito.
"Ah... Hindi pa pero di naman ako guto—"

"Come here. Nasa entrance ako," putol niya na ikinalaki ng aking mga mata.

Huh? Ba't doon? Balak niya rin bang kumain doon sa street food? Pero di naman
mahilig si Kuya sa ganoon!

May sasabihin pa sana ako kaso binaba niya na ang tawag kaya nagmadali akong
pumunta roon. Nadatnan ko itong supladong suplado at mukhang may kinaiinisan. Nang
makita ako ay kumalma sandali pero nababasa mo parin sa kanyang mga mata ang
pagiging irita.

"Kuya?" nagtataka kong tanong habol habol ang aking hininga.

"Let's eat outside." Hinila niya ang aking pulso at kinaladkad na ako palabas.

"Huh? Bakit? Ayaw mo sa cafeteria?" tanong ko habang tinitingnan ang likod niya
pero di na ako pinakinggan nito.

Paglabas namin ay tumawid agad kami. Hawak hawak parin ni Kuya ang aking pulso
habang nakalebel na ako sa kanya. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko na naman
ang imahe ni Israel doon at kumakain na naman ng fishball. Sinikap kong hindi ito
lingunin kahit na napapansin kong natatangay ko na ang kanyang mga mata.

May malapit doon na Restaurant kaya pumasok kaming dalawa ni Kuya. Umupo kami
sa table kung saan malapit sa grupo ng mga babaeng kaparehas ko lang ng uniporme.
Nagtatawanan sila at may mga lalake ring kasama.

Umigting ang panga ni Kuya at mas naging suplado pa. Noong lumapit ang waiter
ay naglahad ito ng menu na ako nalang ang kumuha at ibinigay kay Kuya na nasa grupo
noong mga kumakain ang kanyang tingin.

"Kuya..." tawag ko.


"Order anything for us, Trace," sabi niya.

Ngumuso ako at pinasadahan ng tingin ang mga pagkain doon. Inorder ko nalang
iyong alam kong paborito niya at isa rin para sa akin.

Habang naghihintay na maiserve ang pagkain ay parang inis na inis parin si Kuya
at panay ang pagtatap ng kanyang mga daliri sa lamesa. Tatanungin ko sana kung may
problema ito nang may kumuha rin ng aking atensyon.

Si Israel na kakapasok lamang at gumala agad ang mga mata. Yumuko pa ako para
lang hindi niya ako makita kahit na hindi naman ako sigurado kung ako ba ang
kanyang hinahanap.

Ilang sandali lamang ay nasa katabi na namin itong table at kalmadong umupo
roon. K-Kakain siya rito? O baka naman sinusundan niya ako? Kasi kakakain niya lang
doon sa street food ah! Nakakapangduda na talaga ang isang 'to!

Ayokong mag-assume pero di ko mapigilan. Nakadenim jacket na naman ito pero


ibang style na at ang pangloob ay fit black shirt.

"Diba siya iyong guwapo na pinagkakaguluhang kumakain ng street food sa labas


ng school?" Isa sa mga estudyante ang narinig kong may sabi noon.

Itinuon ko ang tingin sa kanila at may napansing pamilyar


na babae roon. T-Teka... Siya iyong fiancee ni Kuya ah? Hindi kaya...

"Sinusundan mo ang fiancee mo Kuya?" pabulong kong sabi kay Kuya at sa gilid ng
aking mga mata ay nakita ko ang pagkairita ni Israel nang lumingon ito rito.

Humilig si Kuya sa mesa at mas sumuplado ang mukha.

"Ayaw sumabay ng lunch sa akin," inis niyang sabi sa akin na ikinatawa ko agad.

Gumalaw ng marahas ang upuan ni Israel at gumawa ng ingay kaya napalingon halos
ang lahat ng nandito. Binasa niya ang pang-ibabang labi saka iyon kinagat kagat at
mukhang nagtitimpi ng sumabog. Ano bang problema niya?

"Ang guwapo niya pala talaga 'no?"


"But he looks older than us pero ang dami paring nagkakagusto na mga malalayo
ang edad sa kanya. Siya nga ang bukambibig sa building ng mga first year college
eh."

"Lapitan mo kaya? Hingin mo ang number and name niya!"

"No! Nakakatakot kaya siya. He looks like a devil pero mas hot pa sa impyerno,"
at nasundan iyon ng kanilang mga bungisngis.

Pasimple akong lumingon at tumatawa narin iyong fiancee ni Kuya sa usapan ng


kanyang mga kaibigan. Iyong mga lalake naman ay nailing pero iritado rin ang iilan.

Napapansin ko na kung nasaan ako ay nandoon rin si Israel. Hindi ko alam kung
sinasadya niya ba iyon o nagkataon lamang ang lahat. Hindi niya naman ako
nilalapitan o kinakausap. Umaakto rin itong parang hindi ako kilala pero
nakakapangduda parin.
Wait... Inistalk niya ba ako? Stalker?
"Yes! Daddy agreed na magBar tayo mamayang gabi!" Balita sa akin ni French sa
linggong iyon ng hapon.

"Pumayag si Papa?"

Tumango agad siya at ibinaba si Kaki na mabilis ring kumaripas ng takbo sa


kabuuan ng aking kuwarto.

"Yep! I told you we're free na to go on Bars! But he told me na hanggang 11


lang daw tayo and after noon ay susunduin na. I am so excited!" Nagdive agad siya
sa aking kama at ginalaw galaw ang kanyang mga paa roon.

Ngumuso ako at ibinalik sa libro kong binabasa ang aking tingin. Nandito ako sa
sofa nakaupo lamang.
"Alam mo Trace... Feeling ko something is fishy doon sa crush ko. 'Yung
kumakain ng fishballs..." Panimula niya na naman sa lintanya niya tungkol kay
Israel.

"I think he's stalking someone doon... Kasi di naman siya nag-aaral sa school
natin. Maybe... may crush siya?" Panghuhula ni French habang nakasandal sa
headboard ng aking kama.

Natigil ako sa pagbabasa at inisip narin iyon. Parehas kami ng iniisip ni


French na baka ay may inistalk nga ito. Gusto kong sabihin sa kanya na baka ako
pero pag nalaman niyang kilala ko iyon ay kukulitin niya na ako tungkol kay Israel.
Hindi ko alam kung hanggang saan na umabot ang pagkagusto niya sa lalakeng iyon.
Ayokong magkuwento sa kanya tungkol kay Israel at ayoko ring... Ayokong may
makaalam ng pagkatao niya dahil gusto ko... Ako lang.

Nababaliw kana talaga, Trace. Keep your boundaries close. H'wag mo na siyang
papasukin sa mundo mo dahil alam mo kung anong mangyayari pag pumasok ulit siya.

Noong gabing iyon ay naging busy kaming dalawa ni French sa paghahanda sa


pupuntahang Bar. Nagsuot ako ng fit na dress, above the knee, tube top at denim
iyon. Sa may dibdib nito ay nakaukit doon ang brand na chanel ng dress.

"You remind me of my crush na sobrang hot pag nakadenim jacket, ha!" Kumindat
pa si French sa akin dahil sa aking suot.

Ngumuso ako at hindi napigilang isipin rin ang mukha ni Israel. Guwapo nga
naman iyon pag nakasuot siya ng denim niyang jacket.

Nagsuot siya ng fit na red dress at may gold necklace pang suot ang kanyang
leeg. Hindi ako masyadong nagsuot ng alahas at tanging gold bracelet nalang ang
isinuot. Nakabun ang aking buhok at maraming hibla ang nalalaglag para magsilbing
parang bangs ko na. Ako narin mismo ang naglagay ng light make-up sa sarili ko,
slingbag, pumps at tapos na ako.

Paglabas namin ng aking kuwarto ay ang bihis na bihis ring si Kuya Brennan ang
sumalubong sa amin. Nakaleather jacket pa ito at fit na puting panloob ang suot.

"Don't tell me sasama ka?!" sigaw ni French.

"Dad told me. Nadadamay ako sa mga plano niyo." Suplado siyang naunang bumaba.

Sumimangot agad si French at nakakuyom na ang mga kamao.

"Kuya is really nosy! Sure ako magpapaka kj lang 'yon sa Bar! Oh my gosh baka
di ako makapagsaya! Sasakalin ko na talaga siya!" Halos ipadyak ni French ang
kanyang mga paa habang pababa kami.

Maingay si French sa backseat at kung ano ano ang binabato niyang lintanya kay
Kuya Brennan na nagrereklamo narin sa kanyang boses.

"Sure ako mangingialam ka lang sa amin ni Tracey doon!"

"Tsss. Ano namang mapapala ko diyan?" Tinaliman kami ng tingin ni Kuya Brennan
sa itaas ng salamin. Siya rin kasi ang nagmamaneho.

"Kuya I hate you na talaga! Let us have fun kasi!" Sinapak ni French ang upuan
ni Kuya Brennan.

"Manlalalake ka doon?" Umangat agad ang kilay ni Kuya Brennan kay French.
"I want to flirt kaya syempre may involve talagang boys!"

Nanliit ang mga mata ni Kuya Brennan kay French. Sa tuwing nagbabangayan sila
ay tumatahimik nalang ako.

"At pag nabastos ka h'wag kang magrereklamo kung may masusuntok ako," supladong
sabi pa ni Kuya na kahit ako ay tiningnan narin sa itaas ng salamin. Huh? Kasali
ako?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 43

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Mia M. Galve. Happy reading!
------------
Dark Side
Kahit noong makarating na kami sa Bar ay nagtatalo parin ang dalawa. Ang ingay
ingay ni French at tumahimik lang noong pumasok na kami sa entrance.

Malalaki ang katawan ng mga bouncer sa bawat gilid ng pinto. Naantala pa kami
roon sa may babaeng nagbabantay para tingnan ang mga ID namin at kung nasa tamang
edad na ba kami.

Chineck ang aming gamit saka kami tinatakan sa may pulso at doon lamang
pinapasok.

Isang napakalakas agad na tugtog ang sumalubong nang buksan na noong dalawang
boucer ang pinto at pinapasok kami. Napasinghap ako at lumaki agad ang aking mga
mata dahil sa magandang Bar na may pangalang Echelon.

Halos nababalutan ng usok ang kabuuan at nagsasayawan pa ang mga neon light
doon at para kang bubulagin. Ang amoy ng loob ay pinaghalong tamis at alak. Masyado
akong namangha kakagala sa aking mga mata habang hinihila ako ni French sa mga
kumpol ng mga taong naroroon.

"Hey guys!" Bati ni French sa mga nakilala niya sa loob.

"Knew it! French!"  Iyong babae na may suot na tube top at highwaist short ang
nakipagbeso beso sa kanya.

Nabitiwan ni French ang aking pulso. Nakikipagtawanan na siya roon habang ako
itong gumagala parin ang tingin. May nahagip pa ang aking mga mata sa may gilid at
naghahalikan na ikinagulat ko. Hindi ba sila nahihiya na may mga tao rito?!

"Join us, Trace!" Tawag noong isa sa mga kaibigan ni French.


Bumalik ako sa aking sarili at sinisenyasan narin ako ni French na tumabi sa
kanya.

Pinalibutan nila iyong pabilog na babasaging mesa at may mga inumin pa.

Nawala narin ata si Kuya Brennan sa kumpol ng mga tao at hindi ko narin alam
kung saan nagsuot. Siguro may mga kaibigan rin siyang nandito. Sa dami rin naman
kasing tao, sa ilaw na dim at tanging mga neon lights lamang ang nagsisilbing
liwanag ng dilim, hindi mo talaga mamumukhaan ang mga kakilala mo.

"How I wish nandito iyong crush ko!" sabi pa ni French habang nagsasalin ng
inumin na may pangalang Black Label. O-Okay? Di naman siguro nakakalasing iyan?

Binigyan ako ni French na tinanggap ko saka niya rin itinuon ang tingin sa mga
kaibigan niyang naghahagikhikan na.

"Ang hot nga nun, French! I saw him sa labas ng school and everyday siyang
nandoon! Always perfect attendance tuwing hapon!" Iyong nakaponytail at may suot na
parang bra nalang dahil nakikita na ang pusod at itim na skirt.

"Gosh! I almost melt down when our eyes met! And he's even talking to me eh
sabi nila suplado daw! Di daw nakikipag-usap!" pagmamayabang ni French hawak hawak
na iyong maliit na shot glass.

Medyo naging uncomfortable ako dahil sa kanilang topic. Hindi ko rin alam kung
paano makikisali dahil nagtatawanan na silang lahat.

"I'm sure he has a crush on you, too, French! Landiin mo!" iyong nakafit jeans
naman and tube top rin ang suot habang nakabun ang buhok.

"Well... If he's here I'm going to make a move talaga!" Tumawa si French at
nilagok iyong hawak niya.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha na ngumiwi pero kalaunan ay tumawa rin naman
at nakuha pang sipsipin iyong lemon. Binalingan niya ako at napansing hawak hawak
ko parin iyong bigay niya.

"Drink it, Trace. It won't poison you..." Iginiya pa ni


French ang baso malapit sa aking bibig kaya napilitan akong lagukin iyon.

Para akong masasamid na ewan nang gumapang ang anghang sa aking lalamunan.
Nasira agad ang aking mukha at nauubo ko pang ibinaba ang shot glass.
Nagtawanan sila habang si French naman ay natatawa rin akong binigyan ng panyo.

"You okay?" tanong niya sa akin at panay parin ang tawa.

Tumango ako at tinanggap ang kanyang panyo. Mabilis kong pinunasan ang aking
bibig na medyo basa na kahit sa aking hita ay meron ring basa.

"Cr lang muna ako, French." Tumayo ako na ikinatango niya naman.

"Okay! Paturo ka nalang sa mga bouncer diyan ha!" sabi niya kaya tumango ako at
umalis na roon.

Bumuntong ako ng hininga habang pinupunasan ang basa kong hita at ang dulo ng
dress kong medyo basa rin. Madali lang namang alamin kung nasaan ang cr nila dahil
sa parang lagusan at may nakalagay na cr sa ibabaw noon.

Pagkapasok ko sa cr ay inayos ko agad ang aking damit. Hinubad ko ang slingbag


ko saka ko iyon ipinatong sa may sink at kumuha pa ng maraming tissue para mas
mapunasan ko ng maigi iyong dress ko. Bumuntong ako ng hininga noong naalala ang
topic nila tungkol kay Israel. Lahat sila ay nabihag agad ng lalakeng iyon...
Ganoon lang kadali! Kumain lang siya ng fishball sa labas ng eskwelahan nagkagulo
na agad! Di parin talaga siya nagbabago... Nagpapabaliw parin talaga siya ng mga
babae!

Nailing ako at nagretouch nalang. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi


kaya ay may gusto parin si Israel sa akin? Hindi kaya, kaya siya sumusunod dahil
gusto niya ako? Oh please, Trace! H'wag ka ngang assuming! Malay mo may kafling
pala iyon sa school niyo. Marami namang babae sa loob na pwede niyang gustuhin.

Lumabas rin naman ako ganoon narin ang pagsipa ko palabas noong mga pinag-iisip
ko. Pagbalik ko sa lugar kung saan ko iniwan sila French ay wala siya roon!
Nataranta agad ako at isinuyod ang tingin sa paligid.

May mga taong sumasayaw doon sa dancefloor at posibleng naroon nga siya pero
kung makikisiksik ako roon ay posible ring masiko pa ako ng iba na masyado naring
dalang dala sa pagsasayaw. Ngumuso ako at ginala pa ang tingin nang may aksidente
akong mahuling mga pares ng mga mata. Nakatingin iyon ng malalim sa akin habang
nakahilig sa sinasandalan niyang counter suot ang denim jacket, puting panloob at
ang guwapo niyang mukha.

Napalunok ako ng laway at parang mabubuwal sa aking kinatatayuan nang hinagod


niya ako ng tingin at mabilis ulit na ibabalik sa aking mukha. Umatras ako at hindi
namalayang may tao na pala sa aking likuran.

Nilingon ko agad ito para makahingi ako ng despensa.


"Sorry..." Kabado kong sabi sa lalakeng iritang irita pero nang makita ako ay
unti-unting napakurap at umamo ang mukha.

"Okay lang, Miss..." Humagod ang kanyang mga mata sa akin at tumigil pa sa
aking dibdib. Napalunok ako lalo na't iba na ang timpla ng tinging iyon.

"Oh there you are..." May biglang humapit sa aking beywang at hinila agad ako
papalapit sa kanya. Nalaglag ang aking tingin sa malaking kamay niyang nasa may
tiyan ko na at nakahawak doon.

Tiningala ko ang lalakeng gumawa noon at nakikipagtitigan na ng kakaiba sa


lalakeng nagbago rin naman agad ang ekspresyon at dahan dahang umatras. Binalot
agad ng takot ang kanyang mukha.

Parang nahulog ang aking puso sa aking dibdib at kailangan ko pa iyong pulutin
para lang ibalik ulit sa loob. Masyado akong kinakabahan at nilalamon narin ng
takot. Ang pabango ni Israel ay naamoy ko na at nakumpirma kong siya nga ito.
Nagbago lamang ang kanyang buhok, tumangkad lalo at mas naging masculine pero siya
parin ito. Ang lalakeng kauna-unahang nagparamdam sa akin ng mga paru-paro sa tiyan
at ang lalakeng sumilong sa akin sa dilim.

Nag-igting ang kanyang panga at nalaglag agad sa akin ang


tingin. Mabilis kong inalis ang kamay niyang nakapulupot sa akin na ikinagulat
niya. Para siyang napaso sa paghawak ko sa kanyang braso at paghila ko noon paalis.

Umawang ang aking bibig para sana may sabihin pero natikom ko iyon. Bago pa man
ito makapagsalita ay nagmamadali na akong umalis sa kanyang harapan.

"Trace!" sigaw niya sa marahas na boses.

Sobrang tindi ng kalabog ng aking dibdib habang tinatahak ko ang daan palabas
ng Bar. Noong nasa may pinto na ako ay tumakbo na talaga ako palabas. Magtataxi
nalang ako pauwi! Maiintindihan naman ni Kuya Brennan at French na umuwi agad ako
dahil hindi naman talaga ako mahilig sa matataong lugar.

Naghanap ako ng pwedeng masakyan pero bago pa ako makapara ng taxi ay may bigla
ng kumarga sa akin. Para akong naging hangin at walang kahirap hirap na umangat sa
ere.

"I-Israel!" sigaw ko nang makita ko ang kanyang mukha.

"Let's talk for awhile..." sabi niya sa malalim na boses na ikinailing ko agad
at nagpumiglas na.
"Ibaba mo ako!" Hinila ko ang kanyang denim at mas ginalaw galaw ang aking mga
hita pero hindi siya natinag at mas lumaki lamang ang hakbang papunta sa kung saan.

May tumunog na kotse at nasa parking lot na kami. Mas nagpumiglas ako kaso
ilang sandali lamang ay may binuksan na siyang pinto ng front seat at ipinasok ako
roon. Umikot agad siya at pumasok na sa driver's seat kaya mabilis kong binuksan
ang pinto at akmang lalabas kaso huli na.

Hinila niya ang aking beywang at hindi ako natuloy sa paglabas. Marahas akong
napabalik sa pagkakaupo saka niya muling sinara ang pinto at nagawa pang ilock iyon
sa gilid niya.

"Palabasin mo ako!" sigaw ko sa kanya sa pinaghalong kaba at takot.

"Just calm down for awhile. Hindi kita sasaktan, Trace..." Masuyo niyang sabi
nang makita ang aking ekspresyon.

Ang sakit tingnan ni Israel. Bumabalik sa aking alaala kung paano ako umiyak
dahil sa pagkamatay ni Kuya Bram. Pinapaaalala niya ang karahasan ng kanilang
pamilya noon sa amin. Nanubig agad ang aking mga mata dahil sa mga alaalang iyon.

Nang mapansin niya ay namutla agad siya. Lumunok siya at nakaawang na ang
mamula mula at basang labi.

"Di kita sasaktan. Gusto lang kitang kausapin. Iyon lang..." he said painfully
while eyeing me.

"Palabasin mo nalang ako, Israel..." pagmamakaawa ko.

Mariin siyang napapikit at nailagay ang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulo.
Tumingala siya habang mabibigat na hininga ang kanyang pinapakawalan.

"I just want to see you," bulong niya na hindi nakaligtas sa aking pandinig.

"Ayaw na kitang makita. Hindi ba iyon malinaw sa'yo noong nag-usap tayo?" Bigo
kong sabi sa kanya.

Nalaglag ang kanyang tingin sa akin.

"Ang malinaw noong oras na iyon sa akin ay yakapin ka at patahanin, Trace.


Walang laman ang utak ko dahil masyado akong nasasaktan sa nakikita ko, sa pag-iyak
mo sa harapan ko," galit niyang sabi.

Hindi... Hindi pwedeng pagkatapos ng lahat lahat ay okay na agad. Ang pamilya
nila... Sila ang pumatay sa Kuya ko! Hindi ko iyon pwedeng itapon nalang basta
basta!

"Palabasin mo nalang ako," nag-iwas ako ng tingin sa kanya at kinalampag ko na


iyong pinto.

"Let's just talk for awhile—"

"Please Israel! H'wag mo na akong guluhin dahil maayos na


ang buhay ko na sinira mo!" sigaw ko dala ng emosyong nilamon ako.

Nagulat siya roon na kahit ako ay nagulat narin sa aking isinigaw. Dumapo agad
sa akin ang pagsisisi pero huli na dahil nabitiwan ko na. Napayuko ako at napahawak
ng mahigpit sa dulo ng aking dress. Sa gilid ng aking mga mata ay hindi parin ito
kumikibo at mukhang gulat na gulat pa sa aking sinabi.

Narinig ko ang pagclick ng pinto ng kanyang kotse at mukhang hindi na iyon


nakalock. Tulala na siya sa harap at nagloosen na ang kanyang balikat doon.

"Go," sabi niya sa malungkot na boses at yumuko nalang.

Parang may punyal na sumaksak sa aking dibdib. Dapat hindi ako makaramdam ng
awa sa lalakeng nangako sa akin at hindi naman tinupad pero ewan ko ba kung ba't
nalulusaw bigla ang puso ko dahil sa lungkot at sakit na nakikita ko sa kanyang
mukha.

"Lumabas kana bago magbago ang utak ko at iuwi ka." Pagbabanta niya sa mas
malungkot at walang siglang boses habang nakayuko parin.

Sa nanlalabo kong mga mata ay binuksan ko ang pinto at lumabas doon. Anong ibig
sabihin nito, Israel? Ba't ka bumabalik sa mundo ko? Ba't mo na naman ako
binibigyan ng mga nakakalitong galaw mo?

Natigilan ako sa paglalakad at nilingon ang kotse niya. Nakagat ko ang pang-
ibaba kong labi dahil sa imahe niya kanina. Nasaktan ko siya... Naging mean ako.
Nagluksa rin siya noon, Trace. Parehas kayong nawalan. Dapat bigyan mo rin siya ng
pagkakataong linawin ang lahat.

Hindi ko alam kung ba't bigla nalang humakbang ng kusa ang aking mga paa
pabalik sa kotse siya at pumasok ulit doon. Nagulat ito nang makita akong umupo
ulit sa front seat. Ang mukha niyang parang pinagsakluban ng langit at lupa kanina
ay parang lumiwanag.

"Ano bang..." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Ano bang gusto mong sabihin?
Saglit lang ito."
"Galit ka parin ba? Hanggang ngayon?" he asked on a low voice.

Hindi ako kumibo. Wala akong maisagot doon. Galit ako sa nangyayari at hindi ko
alam kung galit parin ba itong nararamdaman ko sa kanya o takot lang talaga. Takot
ako dahil alam ko kung anong nangyayari pag malapit siya sa akin. Para siyang isang
makulimlim na langit at palaging tinatakpan ang liwanag ng araw.

"Bakit ka nandito? Umalis ka sa bukid?" pag-iiba ko ng tanong.

Tumango siya at bumuntong ulit ng hininga.

"I came here to see you," pag-amin niya na ikinasimangot ko.

"Kaya ba... Palagi kang nandoon sa..."

Nilingon niya ako. Nagkatinginan kaming dalawa. Marahan siyang tumango at


masyado na namang maamo. Ang mga estudyanteng gustong gustong makalapit sa kanya na
sinusupladuhan niya, ngayon ay nasa harapan ko, namumungay ang mga mata at kulang
nalang ay luhuran ako.

Umawang na ang aking bibig pero bago pa may masabi ay nagsalita agad siya.

"Di kita lalapitan at di kita kakausapin. Just let me see you... Doon lang
naman ako... I'm not going to do anything. Di ako gagawa ng ikakagalit mo just..."
Nakagat niya ang kanyang labi at bigo akong tiningnan. "Just let me see you..."

Biglang namungay ang aking mga mata. Parang kinukurot ang aking puso at
pinipiga iyon. Galit ako pero di ko mapanindigan iyon ng buo. Di naman ako ganoon
katibay. Di ako nagtatanim ng sama ng loob at hindi ako katulad ng iba na kayang
magmatigas.

Tumango ako ng marahan na ikinanguso niya at nagpipigil na naman ng kung ano.

"Hindi rin naman ako lalabas," sabi ko na mabilis niyang ikinadismaya.

"Pwede ka ring kumain noong kinakain ko. The balls taste


good," aniya sa masiglang boses.

Kita ko nga na nag-eenjoy siyang kumain doon. Pati ang mga babae ay nag-eenjoy
din siyang panoorin.
"Alam mo naman siguro na... Hindi na tayo pwedeng maging malapit diba?" tanong
ko sa kanya na ikinaputla niya.

"Ang pamilya mo... at ang pamilya ko... galit isa isa't isa. At kahit ako...
ayoko narin..."

Lumunok siya ng laway. Umawang ang kanyang bibig at tila nag-isip ng sasabihin.
Naitikom niya iyon at nasuklay ang hibla niyang nagrerebelde paatras.

"Sabihin mo nga sa'kin... May hihintayin pa ba ako?" tanong niya at nasa bubong
na ng kanyang kotse ang tingin.

Umiling ako at desidido ng putulin ang ano mang koneksyon na namamagitan pa sa


amin.

Nagloosen agad ang kanyang balikat at isang malademonyong tawa ang napakawalan.

"Tangina..." Humalakhak siya pero mag bahid na iyong sakit.

"Ang pamilya mo ang naging rason kung ba't namatay si Kuya—"

"Pero di naman ang pamilya ko ang kailangan mong mahalin, Trace! Bakit mo ako
isasali? Kapwa natin hindi gusto ang nangyari at hindi ko binalak na linlangin ka!"
he growled like a mad lion.

Halos maibaon ko ang aking likod sa pinto dahil sa gulat ng kanyang pagsiklab.
Nang makita niya ang takot na yumakap sa aking mukha ay napabuntong siya ng hininga
at kumalma rin naman.

"I'm sorry," bigkas niya at nahilot ang sintido.

"Pasensya narin pero hindi na magbabago ang isip ko, Israel. Pwede tayong
magkakilala nalang pero kung ako ang masusunod... Gusto ko... Kalimutan nalang
natin ang isa't isa."

He smiled weakly at me.

"Iyon na nga eh... Ikaw palagi ang nasusunod. Sunud-sunuran ako sa'yo at
nakakadismaya na ang mga gusto mo ay pinapatay ako." He sighed heavily again.

"Can we just start over? Can we just..." He sighed heavily. "Fuck... I just
want us both!" Nahilamos niya ang kanyang mukha at frustrate na frustrate na.
God... Is this even real? Ang lalakeng ito na kung makatambay sa labas ng
eskwelahan namin ay may plano pala?

"I'm sorry but... I can't... Di na ito katulad ng dati, Israel. Please...


Tigilan na natin ito. Nakikiusap ako... H-H'wag mo nalang akong gustuhin dahil
masasaktan lang ulit tayo," puno ng kasiguraduhan kong sabi.

I saw how his face darkened. Kung paano siya malalim na tumitig sa akin at
hindi ko na mabasa ang iniisip. Kung kanina ay maamo na ito, ngayon ay parang
bumabalik na sa pagiging madilim at misteryoso. Ginapangan ako ng kaba at binuksan
na ang pinto ng kotse para kung sakaling may gawin ito ay makakalabas agad ako,
makakatakbo.

Ngumisi siya. Masyado iyong malademonyo at kalaunan ay isa ng nakakakilabot na


tawa. Parang nasagad ko na ang pasensya nito at ngayon ay may iba na agad siyang
plano para paamuhin ako.

"A-Aalis na ako." Binaba ko agad ang isa kong paa.

Hindi niya ako pinigilan pero iba parin ang kanyang tingin, may pinupunto na
iyon. Ang tunay na Israel... Ang Israel na nagiging demonyo nalang bigla.

"Why would I even beg for something if I have my own ways to claim you? Sige
lang... Tumakbo ka palayo. Maghabulan tayo hanggang isa sa atin ang kusang sumuko."

Parang tumindig ang balahibo sa aking batok sa binitiwan niyang salita. Nasa
gitna na ako ng nakabukas na pinto, nakatayo roon at nakatingin sa lalakeng
kampanteng nakasandal sa pinto at nakaharap sa akin. His dark side is showing...
Ang pagiging tuso nito ay nasa dugo talaga.

"Itigil mo na 'to," tanging sabi ko at para ng mahihimatay sa kumakalabog kong


dibdib.

He chuckled evilly. Nasuklay niya pa ang hibla ng buhok niyang nagrerebelde


paatras saka niya ginawang unan ang mga kamay niya sa likod ng kanyang ulo. Para
siyang model doon at may pilyong ngisi.

"Then I dare you to kill me... Dahil hangga't humihinga ako, papakialaman kita
sa ayaw at sa gusto mo," he said on a low raspy voice.

Napaatras ako. Umiling nalang ako at isinara iyon saka tumakbo paalis sa
kanyang kotse.

Narinig ko ang pagkakabukas noon pero di na ako lumingon at mas binilisan lang
ang pagtakbo. God, Israel! Paano mo ako napapaniwalang napapaamo kita kung bigla
bigla ka nalang kinakain ng dilim! Ba't ba ayaw niyang tanggapin na hindi na kami
pwedeng maging malapit pa? Dalang dala na ako noon at kung mangyayari ulit ang
dilubyong iyon ngayon, parang malulunod na ako at malalagutan na ng hininga.

I hate it when he's shading me with his cruelty just to have what he wants.
Ganoon naman talaga siya dati pa! Gusto niyang nasusunod ang gusto niya! Lumayo ka
nalang Trace... H'wag kana ulit mahulog sa kanya. Iyon nalang ang panangga mo.

Ano rin naman ang gagawin niya?

"Oh my gosh where have you been?!" Ang naghehysterical na si French agad ang
nakasalubong ko noong pumasok ulit ako sa entrance.

"We almost report you sa pulis! I even called Dad kung nakauwi kana! Oh my gosh
I thought you got rape na!" Nahawakan niya ang kanyang ulo at binabalot ng pag-
alala ang mukha.

Umawang ang aking bibig pero bago pa ako may masabi ay lumitaw narin si Kuya
Brennan sa aking harapan.

"Where have you been Trace?" galit niyang tanong sa akin. "You're not answering
our calls!"

"L-Lumabas lang ako... H-Hindi ko namalayan..." Pabalik balik ang tingin ko sa


dalawa na hindi ko alam kung paano na pakakalmahin.

"Dapat nagpasama ka sa akin! We're so worried! Lagot tayo kay Dad! Susunduin na
tayo anytime!" si French na hindi parin humuhupa ang emosyon.

Napayuko ako. "Sorry..."


"Let's go home. Dad is worried," si Kuya iyon kaya wala akong nagawa kundi
sumunod nalang sa kanila palabas.

"This is our first night, Trace! Darn it naman! Dapat you told me nalang na
lalabas ka pala! Di ka namin nahanap sa buong Bar kaya akala ko napano kana since
may guy na nagsabi na the last time he saw you daw may lalake daw na humapit sa
beywang mo and claimed you as his girlfriend! I thought talaga you got kidnapped!"

What? Iyon ba iyong tinaliman ng tingin ni Israel? At ano? Girlfriend?

"Lumabas lang talaga ako kasi di kita nahanap sa may sofa..." Problemado kong
paliwanag.

"Nasa dancefloor kami! Hay! You caused trouble on our first night. Lagot tayo.
Baka di na tayo payagan next time." Nailing nalang si French at nauna pang pumasok
sa kotse.
Tiningnan pa ako ni Kuya Brennan habang binubuksan ang driver's seat.

"Sorry..." daing ko.


"Get in." Sinenyasan niya akong pumasok doon at pumasok narin siya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at pumasok narin. Kinausap ko lang si Israel


ganito na agad. Katulad noon, napapahamak talaga ako pag napapalapit ako sa kanya.
He's not good for me. I really need to avoid him.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 44

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Jenelyn Tinga. Happy reading!
-------------
Deal With Me
Pag-uwi namin, tama nga ang aking hinala na galit si Papa. Nakaabang silang
dalawa ni Tita Brenda pagkapasok namin sa sala. Si French naman ay nailing nalang
habang si Kuya Brennan ay nilalaro pa sa kanyang kamay iyong susing hawak.

"Papa sorry... Lumabas lang talaga ako saglit at nakalimutan kong tingnan ang
cellphone ko." Yumuko ako habang nilalaro ang aking mga kamay.

"Ilang taon kana ba sa syudad Trace? Dapat ay nagpapaalam ka," si Tita Brenda
na may galit ang boses.

"Sorry po, Tita..."


"Next time, sweetie, magpaalam ka sa mga kapatid mo. You made us all worried...
Akala namin kung napano kana," si Papa naman.

Mas lalo lamang akong napayuko.

"French, ikaw ang mas nakakatanda sa inyo ni Tracey. Dapat di mo siya iniiwan,"
si Papa.

"What?! Kuya is older than me, Dad! Siya ang first nang-iwan sa loob! Nagpoof
nalang siya bigla!" Bintang agad ni French kay Kuya Brennan na ngayon ay nakaangat
na ng kilay.

"Oh? Akala ko ba ayaw mong pakialaman ko kayo?"

"But you're older so it's your duty na bantayan kami," pambabaliktad ni French.

Nailing lang si Kuya Brennan at nabasa ang pang-ibabang labi. Si Tita Brenda
naman ay nahimas pa ang noo. Si Papa naman ay frustrated rin.

"No more night outs from now on. Dahil sa kalokohan niyong tatlo, kamuntik ng
may mapahamak. You're 1month grounded from partying. Naiintindihan niyo?"
Pagbibitaw ng salita ni Papa na ikinalaglag ng panga ni French.

"But Dad!" angal ni French at nakakuyom na ang mga kamay.


"Liam... Isn't it too much? Si Tracey nalang ang parusahan mo, h'wag mo ng
isali ang dalawa," si Tita Brenda naman at nilingon pa ako saglit.

"Ako nalang po, Papa..." malungkot kong sabi dahil alam ko rin kung gaano
kaexcited si French sa araw na ito.

"May kasalanan kaming tatlo, Ma. Masyadong naignorante si Tracey, nacarried


away naman si French at naging pabaya ako. Tatanggapin namin ang parusa," sabi ni
Kuya.
Grabe naman iyong naignorante Kuya Brennan! Di ba pwedeng may kausap lang ako
sa labas?

"What? No!" si French naman.


Tumayo na si Papa sa pagkakaupo sa sofa at nakaroba pa. Mukhang handa na ata
silang matulog kung hindi lang talaga may natanggap na tawag kay French.

"Enough. You're all grounded. Now, go to your rooms." Isa isa kaming sinenyasan
ni Papa na umalis na sa kanyang harapan.

Nauna naman agad si Kuya na umakyat habang pinapaikot parin ang kanyang susi sa
kanyang daliri. Si French naman ay nagawa pang tumakbo at inis na inis parin dahil
binangga pa si Kuya Brennan sa may hagdan. Naiwan ako sa harapan nila Papa.

"Sorry po ulit Papa... Tita Brenda," yumuko ako ng marahan habang binabalot ng
lungkot ang aking mukha.

"H'wag mo na sana itong ulitin, Tracey," mariin akong tiningnan ni Tita Brenda
na ikinatango ko ng marahan.

"Umakyat kana at magbihis. May pasok pa bukas..." si Papa naman.

Halata ang pagtatampo ni French sa akin at di ako pinapansin. Sanay naman akong
tahimik si Kuya Brennan pero di ako sanay pag tahimik si French at nagkukulong
lamang sa kuwarto niya. Hindi niya ako pinupuntahan sa kuwarto ko at hindi niya rin
ako niyayayang lumabas man lang para pumunta doon sa 2nd Gate. Di ko rin sinisilip
kung naroon ba si Israel pero ayon sa mga estudyante ay nandoon parin iyon,
kumakain lang ng fishball.

"I didn't know na nandoon pala siya sa Club Echelon that


time oh my gosh?!" Narinig ko ang boses ni French sa may sofa nang bumaba ako ng
bahay sa linggong iyon.

Nakahiga siya roon at may kausap sa cellphone habang si Kaki naman ay nasa
kanyang tiyan, nakahiga rin doon.

"I really think he's up to something! Oh my gosh I'm going to die ata!"
Pinaypayan ni French ang sarili niyang mukha.

"Yes that's him nga! Nakadenim siya! Gosh! Nawala kasi si Tracey bigla non so
nawala narin sa isip ko ang party since I'm very worried na..."

Ngumuso ako at pumasok sa kusina. Nadatnan ko naman si Manang Asing doon na


naghuhugas ng plato.

"Oh? May kailangan ka?" tanong niya at pinunasan agad ang kamay para sa iuutos
ko.
"Uhm... Meryenda lang po sana para sa amin ni French sa sala, Manang..."

"Oh sige... Teka, nagkabati na kayo ng kapatid mo?" tanong sa'kin ni Manang
habang dumudungaw sa loob ng ref.
Umiling ako at ngumuso.
"Pero occupied po siya ngayon baka makalimutan niya na po iyon," sabi ko.
"Ay sana nga. Sige at pumunta kana roon. Teka lang..."

Tumango ako at ngumiti sa kanya.


"Sige po, salamat!"

Umalis rin naman ako at nadatnan na si French na biglang napaupo sa sofa at


nagtitili na. Si Kaki ay mabilis na nalaglag sa kanyang tiyan at dumeritso sa
sahig.

"Oh my gosh Trace!" sigaw niya nang magtama ang aming mga mata. Sabi ko na nga
ba eh...

Tumayo siya habang pinapaypayan ang kanyang sarili. Nakalimutan niya na atang
isang linggo niya na akong hindi pinapansin.

"I think I know na kung sino ang inistalk nung crush ko!" Nanlalaki na ang
kanyang mga mata habang hawak ako sa magkabila kong braso.

H-Hindi kaya ay nakakahalata na si French na ako ang sadya ni Israel? H-Hindi


kaya ay napansin niya iyong titig ni Israel sa akin noong oras na nilapitan namin
ito?

"Oo French ako-"


"It's me!" Putol niya bigla sa akin at natakpan na agad ng kanyang boses iyong
akin.

Naiwang nakaawang ang aking mga labi sa ere habang si French naman itong dalang
dala na.

"He's stalking me! I found out na nasa Bar pala siya noong time na nagBar tayo!
I think he likes me! Eh 'di ba ako lang rin ang kinausap niya noong bumili tayo ng
dirty food! Oh my gosh!" Pinaypayan niya ulit ang kanyang sarili gamit ang kanyang
mga kamay at umupo muli sa sofa.

Naiwan akong natigilan at hindi alam kung anong isasagot sa kapatid kong dalang
dala na sa kanyang mga haka haka. Kamuntik ko ng sabihin sa kanya na ako ang sadya
ni Israel. Kamuntik na, Trace!

"I can't believe he's following me! Kaya iba talaga ang feeling ko eh! Iba rin
siya makatitig sa'kin, Trace! 'Di ba napansin mo 'yon?!" Nilingon niya pa ako kaya
tumango naman agad ako at nakiride in nalang.

"Oo nga... Parang iba nga..." pilit akong ngumiti sa kanya.

"He likes me oh my gosh... I need to breathe..." Natampal ni French ang kanyang


dalawang pisngi at napangiti naman agad.

Sa sobrang saya niya sa balita ay pinansin niya ako at nakalimutan na atang


dapat ay umiiwas siya. Natigil siya saglit sa pagwawala noong naglapag ng meryenda
si Manang Asing sa harapan namin pero iyon rin ang naging topic niya habang nasa
sala kami.
"Pero ba't parang di niya tinatanong ang pangalan mo,
French?" tanong ko sa kanya.

"Duh! Because he's torpe! Maybe gusto niya lang tsumempo," paliwanag niya at
sumub ng cake.

"Huh? Hindi naman ata iyon torpe... Parang nakakatakot pa nga e," rason ko.

"You're so nega, Trace! Si Kuya nga... He looks like he doesn't like his
fiancee pero he cares naman pala so baka ganon rin yung crush ko. Baka he's just
shy since parehas sila ni Kuya na suplado. Maybe ganon ang mga suplado," aniya.

Gusto ko pa sanang dagdagan ang mga negatibo kong komento kay Israel pero hindi
naman ata siya madidiscourage at baka kung ano lang rin ang isipin niya sa akin.
Hindi ko alam kung seryosong seryoso na ba itong si French sa nararamdaman niya o
naglalaro lang ito dahil doon rin naman siya mahilig. Hindi ito nagseseryoso.

"What do you think, Trace? Bagay ba kami?" Ngumisi siya ng pilya at inaabangan
ang magiging sagot ko.

Umawang ang aking bibig pero natagalan pa akong sumagot kaya tanging tango
nalang ang nagawa ko.

"Aww! Thank you! You're so supportive!" Niyakap niya ako at bumungisngis pa.

Sa isang iglap ay nakaramdam ako ng kaba. Sana naman hindi lumala itong
nararamdaman ni French para kay Israel. Concern ako sa kanya at baka matulad lang
siya sa sinapit ko. At 'tsaka imposible rin naman sila dahil hindi instik si
Israel. Hindi ito pure blood na Chinese.

Iyon na nga Trace... Kung pumayag ka rin sa gusto ni Israel na bumalik kayo sa
dati ay patong patong agad na problema ang papasanin mo. Idagdag pa si French na
may gusto sa kanya at ang background ni Israel. Pag nalaman ni Papa na ang pamilya
nila ang rason kung ba't namatay si Kuya Bram, sigurado akong magagalit si Papa ng
husto. Baka kusa niya akong pagsabihan na layuan ko rin si Israel at pati si French
ay damay narin.

Sa sobrang pait ng aking nalalasahan ay may mga ampalaya na atang tumubo roon.

Sa mga sumunod na araw ay bumalik na naman sa pangungulit si French sa akin na


kumain ulit kami roon. At dahil may atraso ako noong nakaraang linggo ay pumayag
nalang ako.

Naroon nga si Israel, nakacotton shirt lamang habang nakasabit sa kanyang


balikat ang denim na jacket. Noong nakita niya ang aking imahe ay sumunod agad ang
kanyang mga mata sa amin ni French na patawid na.

"He's looking at me..." Pigil hiningang pinisil ni French ang aking kamay
habang naglalakad kami patungo roon.

Alam ko namang ako ang tinitingnan ni Israel pero paano kung si French rin
pala?

Pagkalapit namin doon ay kumuha agad ako ng pera sa aking pera. Inilahad ko sa
matandang lalake ang isang daan na ikinangiti na sa akin.

"Ganda nito oh," narinig kong sabi niya saka niya pasimpleng nilingon si Israel
na kagat kagat na ang stick at nakalambitin na roon. Noon sigarilyo ang ginaganyan
niya. Ngayon naman iyan.

"Kikiam po akin, dalawa pong order yung 20 pesos po," sabi ko habang si French
naman ay panay sabit ng kanyang buhok sa gilid ng kanyang tenga at nakay Israel ang
tingin.

Ang ibang mga estudyante rito ay kumakain rin pero medyo malayo sa tapat ni
Israel. Tinitingnan lang nila ito sa kinatatayuan nila. Kami lang ata ang matapang
ni French at nagawang manatili rito sa harap.

"Wait, Trace. Is that masarap ba? Ayaw mo nung balls?" Itinuro niya iyong
fishballs na kinakain ni Israel.

"Mas nasasarapan kasi ako dito eh... Try mo masarap rin naman 'yan..." sabi ko
at tiningnan ang kumukulong mantika kung saan iyon piniprito ng matanda.

Ngumiwi si French.
"When ka kumain? Di kita nakitang kumakain niyan..." sabi niya.

Dahan dahang sumubo ng fishball si Israel ng isa habang naninimbang ang tingin
sa akin.

"Uh, sa bukid namin. Uso ang mga ganyan sa bayan..." paliwanag ko at hinawi ang
buhok ko papuntang likuran.

"Oh... Wait! Siguro kaya mo favorite kasi yun ang kinakain mo ng first kiss mo
'no!" saway niya na ikinalaki agad ng aking mga mata at pilit itong inaawat kaso si
French di magets ang tingin ko.

Kitang kita ko paano umangat ang kilay ni Israel at kung paano siya naging
interesado sa pinagsasabi ni French.

"Ay oo nga pala!" Tinakpan agad ni French ang kanyang bibig. "Di pala 'yun
worth it na kiss kaya gusto mo ng makalimutan. 'Di ba you forgot his name na!
Sorry!" Nagpeace sign pa siya sa akin.

Dumilim agad ang ekspresyon ni Israel kasabay ng pagkakasalubong ng kanyang


kilay. Mariin ang ginagawad niyang tingin sa tinitingnan niyang fishballs na akala
mo ay hindi iyon masarap kaya nagtatanim na siya ng galit.

"Oh heto na mga magaganda," sabi noong matanda at binigyan kami ng malaking
plastic paperplate. Mga nasa walo ang laman noon at malalaki pa.

"Nakalimutan tsss..." Supladong supladong pagpaparinig ni Israel na ikinalunok


ko ng laway. A-Akala ko ba di siya magsasalita? Di niya ako guguluhin?

Busy si French sa paglalagay ng sauce kaya wala rin itong napapansin.

"Mas masarap mayonnaise, French," sabi ko at pilit ngumiti dahil sa imahe ni


Israel na nakapameywang na at hindi mabura bura ang pagkakairita niya.

"Tsss," si Israel na naman iyon at inis na inis.

Ngumuso ako habang tinitingnan ang aking kikiam. Ano bang pakialam niya kung
gusto ko na iyong kalimutan?
"Why are you nag t 'tsss' ba? Are you mad ba kasi di kita pinapansin?" biglaang
sabi ni French na ikinagulat ko.

Tumingala lang si Israel at masyadong preoccupied at hindi na ata narinig si


French.

"Ah... French... S-Sa school nalang natin to kainin. May research pa akong
tatapusin eh," sabi ko sa kanya at hinila na ang pulso nito.

"But..."
"Bukas nalang ulit." Mas hinila ko pa ito. Nilingon niya sandali si Israel at
nagawa niya pang kawayan gamit ang isa niyang kamay.

"Ang hot niya talaga! But he looks mad ata to me. May ginawa ba ako?" nagtataka
niyang tanong noong makapasok na kami sa school.

Umiling ako.
"I think he's mad kasi. But anyway... bukas ulit ha. I really want to see him
everyday para inspired ako always," ngumiti siya sa pilya sa akin at sinusok ang
kanyang kikiam.

Nagawa niya pa iyong tinitigan at inangat ang stick saka niya iyon inamoy.

"Ew. It smells weird! Ayoko nalang pala nito." Bigla niya iyong itinapon sa
basurahang nadaanan namin na ikinasimangot ko.

"Dapat binigay mo nalang..."


Tumawa si French at hinawi ang buhok.
"You know I hate sharing!"

Napakurap ako at natigilan sa kanyang sinabi. Para kasing double meaning


iyon... Na pag nalaman niya ang totoo ay magagalit talaga siya sa akin dahil
nililihim ko. Pero hindi ko naman na gusto si Israel. Kung gusto niya ito ay wala
namang kaso iyon sa akin kaso ayoko rin namang masaktan ang kapatid ko sa kanya.

Okyupado ang aking utak sa mga pinag-iisip ko. Kaya noong


hindi pumasok ang prof sa sunod kong pinasukang subject ay nagmadali agad akong
lumabas ng eskwelahan at nagdadasal na sana ay naroon parin siya, tumatambay lang.

Paglabas ko, naroon pa nga ito. Madilim parin ang ekspresyon at mukhang may
iniisip habang nagsasalita iyong tinderong matanda. Nagmadali akong tumawid habang
iyong matanda naman ay siniko na si Israel. Walang estudyante roon at nasa main
gate ata dumadaan ang iba. Nasa kalagitnaan rin naman kasi ng klase.

Napatingin agad si Israel sa akin. Hinawakan ko pa ang aking buhok para hindi
tumakip sa aking mukha dahil nililipad na iyon ng hangin.

Tumayo ng tuwid si Israel nang huminto ako sa kanyang harapan. Ibinulsa niya
agad ang kanyang kamay at iba na ang tingin sa akin. Para itong nagtatampo na ewan.

"Ako ang humalik sa'yo. Nakalimutan mo?" mariin niyang tanong na kanina niya pa
talaga iyon dinidibdib. "Anong hindi worth it?" Mas dumilim pa ang kanyang
ekspresyon at inis na inis.

"Pwede ba tayong mag-usap pero ano... h'wag dito..." Nilingon ko ang paligid at
wala naman gaanong estudyante.

Binasa ni Israel ang kanyang labi at bumuntong ng hininga. Nagmumukha talaga


akong stick pag nakakaharap ko na ito.

"Wait here." Umalis siya sa aking harapan at mukhang may pupuntahan na.

"Di mo na mahal 'yun, hija?" biglang tanong sa akin noong matanda na ikinagulat
ko.

Naalis ko ang pagsunod ko sa likod ni Israel at napunta sa matanda.

"P-Po?"
"Iyong tambay at suki ko rito... Hindi mo na mahal?"

Napalunok ako ng laway at hindi alam ang isasagot. Ano kayang kinukwento ni
Israel sa kanya at ganyan ang sagot niya sa akin?

"Halatang mahal ka nun eh. Palagi ngang nandito tuwing hapon. At siya rin ang
nakakatulong sa akin para maubos ang paninda ko araw araw. Tumayo lang siya rito
nagsisilapitan na ang mga costumer." Tumawa siya.

Halata namang si Israel ang parang nagiging bugaw niya para magtawag ng
costumer.

"Pero alam mo... ang sabi niya ay malaki raw ang kasalanan niya sa'yo at palagi
siyang nandito para humingi ng patawad. Mukha ka namang mabait kaya...
nakakapagtaka at hindi ka parin pumapayag na makipagbalikan nalang sa ex mo."
Nanlaki ang aking mga mata at umiling agad ako.
"Hindi ko po siya ex..."
"Huh? Eh para mo iyong hiniwalayan kaya ganoon kabrokenhearted! Ang gusto niya
lang daw ay makipagbalikan. Iniechos mo ata ako eh." Tumawa siyang muli at akala ay
nagbibiro lamang ako.
May isasagot pa sana ako kung hindi lang huminto sa aking harapan ang isang
itim na kotse na may tatak na Ford saka niya binuksan ang bintana noon.
Sinenyasan niya akong umikot kaya umikot agad ako papuntang driver's seat na
binuksan niya pa sa loob.
Pagkasakay ko roon ay hinila ko agad ang seatbelt habang siya ay nagsisimula ng
magdrive. Ang kanyang tingin ay nasa harap lamang ng kalsada at hindi parin
nabubura ang irita sa kanyang mukha.
"Uh, gusto ko sanang sabihin na ano... H-H'wag ka sanang nagpaparinig ng kung
ano ano k-kasi baka kung anong isipin ni French."
Mabilis niya akong nilingon at nagkakasalubong na ang kilay.
"Di mo sinabi na ako iyong first kiss mo?"
Sumimangot ako at umiling.
"Di niya alam na... magkakilala tayo..."
Isang sandaling nanatili ang kanyang tingin sa akin pero lumipat rin naman sa
harapan. Tiningnan ko naman ang aking cellphone at chineck ang oras doon. Dalawang
oras lang ako pwede kaya nababahala na agad ako dahil hindi ko na alam ang
destinasyon niya.
"Uh... Dito nalang ako. 'Yun lang naman ang gusto kong sabihin. Pakihinto
nalang."
Hindi ako pinakinggan ni Israel pero mas bumilis lamang ang kanyang
pagmamaneho.
"Israel! May klase pa ako!"
He just smiled evilly. God! Tumutopak na naman siya!
"Israel!" sigaw ko sa kanya pero di talaga nakikinig!
Mas lalo akong sumimangot. Nang mapansin niya ang aking ekspresyon ay dahan
dahan niyang pinabagal ang pagpapatakbo at ngumuso na.
"Ihinto mo na nga. Bababa na ako. Iyon lang naman ang gusto kong sabihin..."
kalmado kong sabi sa kanya at nilingon ang distansya ng school namin. Ang layo na!
"So you want me to obey you? At iyong gusto ko di mo maibigay bigay? Tangina.
Ang spoiled mo naman ata sa akin?" Inangatan niya pa ako ng kilay at hindi
makapaniwala.
Ngumuso ako. Siya lang naman ang sinusunod ako ah! Di ko naman sinabing sundin
niya ako.
"Di ko naman sinabing sundin mo ako-"
"Pero batas ko ang mga salita mo!" may diin niyang sabi na halos ikatalon ko sa
aking upuan dahil sa pagkagulat.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at sumandal nalang sa upuan. Humalukipkip ako
roon at tumahimik na. Dapat pala di ko nalang siya kinausap. Dapat hinayaan ko
nalang ito. Baliw ka rin Trace! Alam mong tumutopak yan at kinakain bigla ng dilim
sumasama sama ka pa. Kaya ka rin talaga nasusunog dahil kusa mong nilalapit ang
sarili mo sa apoy.
Palingon lingon nalang ito sa akin. Hindi ako kumibo at ipinatili ang tingin sa
kalsada. Marahas siyang bumuga ng hangin at nagmura pa saka niya iniliko ang kotse
nito.
"Sa susunod na sasama ka ulit sa akin, nanakawin ko na talaga ang oras mo,"
galit niyang sabi at mukhang pabalik na sa eskwelahan.
Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Di ko alam kung ba't natutuwa ako kahit na
pinagbabawalan ko itong sarili ko sa kanya.
Mama... Higad nga rin ata ako.
Huminto rin naman ang kotse sa tapat ng school. Kinalas ko ang aking seatbelt
at akmang bubuksan iyon para lumabas na nang inilock niya na naman. Mabilis ko
siyang nilingon at kinunutan ng noo.
"Just a minute. Kahit h'wag kana lang magsalita. Diyan ka muna," sabi niya.
Payagan mo na Trace... Pagkatapos rin naman nito di kana ulit uulit. Layuan mo
na yan ha. Last na talaga to ha!
Sumandal akong muli sa upuan. Si Israel naman ay itinukod na ang kanyang siko
doon sa upuan at nasa gilid na ng kanyang noo ang kanyang kamao habang nakaharap sa
akin ng buo. His eyes were dim and sleepy. Malalim na naman ang tingin sa akin at
para na naman akong huhubaran.
"So... May nanliligaw sa loob?" biglaan niyang tanong.
Akala ko ba di ko na kailangan magsalita? Tumango nalang ako. Wala namang
nanliligaw dahil binabakuran rin ako ni Kuya Brennan pero merong nagpaparamdam at
pumuporma na hindi ko lang talaga binibigyan ng pansin. At gusto ko ring isipin
nitong si Israel na kaya kong magkagusto sa ibang lalake. Na hindi lang ako sa
kanya nababaliw noon. Pero di rin naman ako umamin noon.
His face darkened as his eyes sharped at me.
"Pangalan at address."
"Ba't ko naman sasabihin sa'yo?" kunot-noo kong tanong na ikinadilim lang lalo
ng kanyang ekspresyon.
Bumuga siya ng marahas na hangin at nasuklay paatras ang iilang hibla ng
kanyang buhok.
Selos ba siya? Selos selos... kala mo naman tayo.
"Di naman tayo kaya wala ka ring karapatan sa bagay na 'yon," bulong ko pa at
napunta ang aking mga mata sa aking kandungan.
Sige Trace magtapang tapangan ka diyan sa nagiging demonyo bigla. Sige. Sagarin
mo na naman ang pasensya.
"Then let's see how you deal with me. Papasok ako sa eskwelahan niyo at
hahanapin kita. Ipagdasal mo nalang na di ako makikita ng kapatid mo dahil sa kanya
talaga ako magtatanong."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 45
Vote. Comment. Be A Fan
Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Irish Vera Cruz. Happy reading!
----------
Di Ako Ganoon Katapang
Nalaglag na ang aking panga. Halatang nanghahamon na ito at ako na naman ang
naiipit sa kanyang gusto.

"Hindi pwede!" agap ko.


"Pwede," at tumaas pa ang kilay.

Mas lalo akong sumimangot. Nailing ako sa kanya at kinalampag agad ang pinto
para pwersahan na iyong buksan.

"Lalabas na nga ako. Buksan mo na. Ayoko ng makipag-usap sa'yo." Mas nilakasan
ko pa iyon at doon.

Hindi siya umimik kaya nilingon ko ito. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa aking
likod at humahagod na ang kanyang mga mata sa aking beywang.

"Ang nipis nipis mo," aniya at nagawa pang haplusin ang aking likod na
ikinatindig agad ng aking balahibo roon.

Nalaglag ang aking panga. Di niya ba ako pinapakinggan? Lumunok siya at nilaro
lalo na ng dulo ng kanyang dila ang gilid ng kanyang labi.

"Israel lalabas na ako," sabi ko sa kanya.

Nagkasalubong agad ang aming mga mata. Tinitigan niya ako at tila ayaw niya
nang mawala iyon sa kanyang tingin. He sighed heavily.

Umayos siya sa pagkakaupo at binasa muli ang labing nangingislap sa pula.

"I miss you... Comeback to me Trace... Please... I'll do good. Di kita


ipapahamak. This time... I'll be careful. Please..." he suddenly said out of
nowhere. Malamlam na ang kanyang mga mata at makikita mo ang sinseredad doon.

Nagloosen ang aking balikat. Hindi na pwede ang gusto niya. May mga bagay na
tapos na at hindi na pwedeng balikan. Si Kuya Bram... ni hindi man lang ito
nabigyan ng tsansa... Pinagkait nila iyon sa kanya. Di nila ito binigyan ng
pagkakataong magpaliwanag.

"Hindi lahat ng tao... nagbibigay ng chance, Israel..." dismayado kong sabi sa


kanya.

Nakaawang ng kaonti ang kanyang bibig at nakaharap nalang ng buo sa akin.


Inabot niya ang aking kamay pero mabilis ko iyong binawi at itinago sa aking likod.
Nagulat siya roon pero agad rin namang nakabawi at binasa ang pang-ibabang labi.

"Hindi mo na mababali ang desisyon ko Israel. Sana... Sana ito na ang huli,"
bigkas ko na ikinadilim muli ng kanyang ekspresyon. Ayan na naman...

Buong akala ko ay ngingisi na naman ito o malademonyong tatawa pero noong


tumango lamang siya at nagpaubaya sa aking gusto ay napakurap na ako.

"Ito na nga ang huli," wala sa sarili niyang sabi at mukhang may naiisip ng
iba.
Kinlick niya na iyong lock kaya binuksan ko agad ang kotse at lumabas na. Di ko
alam kung natutuwa ba ako sa sinasabi niyang ito na ang huli. Ito na ang huli na
manggugulo siya? Ito na ang huli na magkikita kami? O ito na ang huli na magiging
maamo siya? Sa mga binibitiwan niyang salita, alam ko balang araw ay matutupad niya
iyon. Alam ko na makukuha niya ang kanyang gusto sa kanyang paraan pumayag man ako
o hindi.

Hindi na ito nagpakita sa main gate kinabukasan. Di narin ako nagtaka dahil
iyon naman ang sinabi niya. Nakokonsensya ako sa hindi ko malamang kadahilanan.

"My crush disappeared! Oh my gosh magmomove-on na ako!" deklara ni French na


ikinatawa ko nalang.

Binuhos ko ang aking oras sa pag-aaral. Si Israel naman ay lulubog lilitaw lang
sa Main Gate kaya si French ay kakati agad at balik ulit sa pagpapantasya sa kanya.
Minsan may mga estudyante pang inaabangan ito pero hindi naman daw nagpapakita.
Kinakausap lang noon ang matanda at aalis rin daw pagkatapos bumili noong mga
fishball na nakahiligan na ata ng lalakeng iyon. Di ko nga alam kung ako pa ba ang
binabalikbalikan nun o yung mga "balls" na na tinutukoy niya.

Summer.
Katulad ng nangyayari tuwing summer ay busy rin kaming tatlo sa pagsama kay
Daddy tuwing may business gatherings. Napapansin ko na palagi akong pinapaclose ni
Daddy kay Jackson. Kahit si French ay ganoon rin. Iba ang kutob ko kay Jackson.
Kung hindi siya ipapares kay French, baka sa akin rin.

"Alam mo Jack, you're guwapo naman but I'm loyal to my crush eh. Did your
parents told you na ipipair daw tayo or kayo ni Trace?" tanong bigla ni French kay
Jackson noong nahalo kaming tatlo sa iisang lamesa.

Nagulantang ako sa tanong pero gusto ko ring malaman ang sagot ni Jackson.
Mistiso ito at maaliwalas ang mukha dahil sa maayos na style ng kanyang buhok at ni
isang hibla ay walang nagrerebelde. Ang singkit niyang mga mata ay nagpapasuplado
sa kanya pero ngumingiti naman ito paminsan minsan kaya nakagaan rin ng loob namin
ni French.

"Di ko alam," tangi niyang sagot at napatingin sa akin.

Nag-iwas agad ako ng tingin at pasimple nalang ibinaba ang mga mata sa suot
kong tube top na cocktail dress. Kulay gold iyon at hapit na hapit sa may beywang
ko kaya pormadong pormado ang nipis at maliit kong beywang. Ang aking buhok ay
nakalugay lamang hindi kagaya kay French na nakahighponytail suot ang isang maroon
na cocktail dress.

Wala talagang may ediya sa amin ni isa kung ba't pinagkakasundo kaming tatlo.
Ang mga magulang lang namin ang may ediya. Baka hindi pa ngayon ang oras na
sasabihin nila sa amin? Baka pinag-aaralan lang nila ang kilos namin at kung sino
ang makakasundo ni Jackson ay doon siya ipapakasal. Baka nga pero pwede ring may
iba pala silang plano.

Tuwing linggo ay lumalabas kami ni French ng bahay at pinapasyal niya si Kaki.


Nakakapagskateboard na ako kaya iyon ang libangan ko at minsan pag sumasama sa amin
ni Kuya ay tinuturuan niya ako ng mga tricks.

"Hi Trace!" Bati sa akin ni Ryle nang mapadpad na kami sa Clubhouse.


"Uhm hello... Nandito rin ako, Ryle," hirit naman ni French at kumaway pa pero
may plastik na ngiti.

Tumawa si Ryle at nahimas ang batok. Tinapik naman siya noong isa niya pang
barkada at sinenyasan na magbasketball na sila with Kuya Brennan. Ngumiti pa ito ng
matamis sa akin kaya nginitian ko nalang rin.

Umupo kaming dalawa sa bleachers at nanood ng kanilang game. Si French naman


itong todo cheer kay Kuya Brennan.

"Pumalya sana ang shoot ni Kuya! Matalo sana ang team niya! Go! Go! Go!" Iyon
ang kanyang sinisigaw kaya ang talim rin ng tingin ni Kuya sa kanya na ikinakatawa
ko lang.

"Ihahagis ko mamaya yang aso mo," pagbabanta ni Kuya Brennan at marahas na


drinibble ang bola.

"Ihahagis ko rin ang briefs mo sa kalsada sige!" sigaw naman ni French na


ikinatawa ng mga kaibigan ni Kuya.

"Pag natalo yan si Kuya kakasigaw mo mas pag-iinitan ka niyan," sabi ko sa


kanya at natatawa rin.

Humalukipkip si French at ngumuso.

"Sinumbong niya tayo kay Dad na nalate tayo noong nagBar tayo. Dapat you're
galit rin, Trace. Dyablo talaga yan si Kuya! Binubully tayo always!" inis niyang
sabi.

Oo nga pala... Kaya napagalitan kami ni Tita Brenda at Papa kinaumagahan noon
tapos si Kuya Brennan pasipol sipol pa sa itaas habang tinitingnan kami at ngumisi
pa.

Magboboo narin sana ako kay Kuya kaso tinaliman niya agad ako ng tingin kaya
itinikom ko nalang ang aking bibig.

Noong nagsecond year college naman kami ni French ay wala na talagang Israel sa
2nd Gate. Wala narin iyong matandang nagtitinda roon. Si French ay sobrang
nalungkot pa pero sabi niya magmomove-on narin daw ito. Nakakalabas na ulit kami
tuwing gabi kaya naaaliw rin naman ako sa mga Bar na pinupuntahan namin.

"Sshhh..." Sinenyasan ako ni French na h'wag kaming maingay


habang umaakyat ng hagdanan dala dala ang aming pumps.

"Sshhh..." Panggagaya ko rin sa kanya dahil narin sa paningin kong umaalon at


ramdam na ang tama noong iniinom ko.

Narinig namin bigla ang pagkakabukas ng kuwarto nila sa ibaba kaya nag-uunahan
kaming umakyat ni French at tumakbo agad sa aking kuwarto. Tawang tawa kaming
dalawa at mabilis na nagtungo sa kama.

"Dead meat talaga tayo kay Dad! Late tayo ng 5 minutes!" Tumatawang hinila ni
French ang aking kumot at humiga agad doon.

Noong may kumalampag na ng doorknob ay mabilis agad kaming nagpanggap na


natutulog na. Humahataw ng husto ang aking dibdib pero si French itong humahagikhik
pa talaga.

"Kayong dalawa..." si Papa iyon kaya bumangon agad si French at tumawa na.

Bumangon rin ako at hilaw na ngisi ang naibigay dahil takot akong mapagalitan.

"Daddy we're late sorry... Nacarried away lang talaga..." Nagpeace sign pa si
French na ikinailing nalang ni Papa at nakaroba pa.

"Magbihis na kayo at matulog."

"Goodnight po!" sabi ko na ginaya rin ni French.

Nasasali na ako sa kalokohan niya. Kahit ayoko naman sa mga ganoon, sa night
life, nakakaladkad niya rin ako dahil hindi rin naman kami papayagan pag mag-isa
kaming aalis. Minsan pa ay kasama namin si Kuya Brennan pero ayaw rin nun dahil sa
nangyari noon at baka madamay daw siya. Pilya kasi itong si French kaya kahit ano
ang naiisip.

Para ko narin itong naging bestfriend sa mga kalokohan. Minsan ay pinapayuhan


ko naman pero mas makamandag talaga ang masasama at siya palagi ang nananalo.

Sa Club Echelon kami madalas na Bar. Palagi rin kasing nananalangin si French
na makikita niya ulit iyong crush niya na si Israel. Kahit ako ay wala naring ediya
kung nandito pa ba iyon o bumalik na sa mansyon nila doon sa bukid.

Kaya ko namang magpatawad. Kaya ko iyon pero iyong sakit at naranasan ko ay


mahirap paring alisin sa sistema ko. Sana... Sana maintindihan ni Israel ang gusto
ko.

"Cheers para sa lovelife ko na hindi na naman matutuloy this year!" Itinaas ni


French ang kanyang baso kaya ganoon rin ang ginawa ng kanyang mga kaibigan dito sa
couch.

Nagbungguan ang mga iyon at tumawa rin sila. Tipid lamang na ngiti ang aking
naibigay katulad ng aking nakagawian na tahimik lang at doon lang magsasalita pag
tinatanong ako.

"Malay mo French this coming school year ay magpapakita ulit iyon..." si Layza
iyon, isa sa mga circle of friends ni French.

"I'm not sure nga eh. It's been what? Almost two years na siyang di
nagpapakita! And 4th year college na kami ni Trace this coming school year! He's
very paasa!" Madrama niyang sinapo ang kanyang dibdib at nilagok ang inumin.

Tumawa sila habang ako naman ay sumisimsim lamang sa hawak ko. Ayokong biglain
dahil masyadong mahapdi sa lalamunan.

"But French, diba your Dad will going to pair you sa isang Chinese? Your crush
is not Chinese, French... So bawal parin kayo!" iyong isa niya namang kaibigan na
nasundan agad ng halakhak.

Dismayadong inilagay ni French ang baso sa mesa.

"I'll find a way. Hindi naman ako lalake like Kuya Brennan na kailangan talaga
ipush so maybe..." Nag-isip isip pa siya pero kalaunan ay bumusangot rin. "Now I'm
starting to hate my Nationality..." Mapakla siyang tumawa at nailing.
Di na ako nakisali sa kanila. Tiningnan ko nalang ang aking cellphone at
nagsimulang magbrowse sa aking instagram. Umabot na sa 7k followers ang account ko.
Karamihan siguro nito ay ang mga schoolmates ko at iyong mga nakakahalubilo namin
ni French tuwing may gatherings and party.

"Oh my gosh! I think it's your crush, French!" sigaw nila


at may kung sino ng tinuturo.

Mabilis na kumalabog ang aking dibdib dahil narin alam ko kung sino iyon. N-
Nandito na ulit siya? Bumalik siya?

"Oh hell... He's so frigging hot! Hell! It's so mainit guys paypayan niyo ako!"
Natatarantang sabi ni French habang pinapaypayan niya ang kanyang sarili na kahit
ang kanyang mga kaibigan ay tumulong narin.

"Let's call him!"


"Wait we don't know his name! Let's call him pogi nalang!"

At iyon nga, isa isa na silang sumigaw noon para lang tawagin si Israel sa dim
na Bar. Malakas ang tugtog pero dahil sabay sabay rin silang sumisigaw ay naririnig
narin ang kanilang mga boses.

"Pogi! The one wearing with denim jacket!"

"And white shirt!"


"Yep you! Come here! Our friend wants to meet you!"

Iyon ang sinigaw sigaw nila at may sinesensayan ng lumapit kaya pasimple akong
lumingon. And there he is... blazing hot with his handsome face wearing a denim
jacket with a white cotton shirt inside on it, tight pants, and black boots.
Nakapamulsa ito at hindi parin nagbabago ang ayos ng kanyang buhok pero mas naging
manly lamang ito. Dapat sanay na ako sa kanyang imahe dahil ganyan naman talaga ang
pormahan niya pero di ko naiwasang umawang ang aking bibig. Mas lalong naging
madilim ang kanyang misteryosong mga mata at tumalim ang pinupukol na tingin kahit
kalmado lang naman.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makarating na siya sa aming gawi.


Pasimple nalang akong umakto na walang napapansin at pinagtuunan ang aking
cellphone. Kahit saan saan na ako napapadpad at hindi ko narin alam ang tinitingnan
kong wall.

Nagtilian sila habang si French naman na nasa aking harapan lang at nasa
kabilang sofa ay mas pinaypayan ang sarili.

Sa bawat gilid ko, napansin ko roon ang mga kamay niyang itinukod niya. At
dahil nakasandal ako roon ay ganoon na kami kalapit dahil amoy na amoy ko na ang
kanyang manly na pabango.

"Give him a drink dali!" Hirit noong isang kaibigan ni French kaya natataranta
namang nagsalin ng inumin iyong isa na katabi ko lang at inilahad agad kay Israel
sa likod.

"Dito ka oh. Our friend wants to meet you. This is French pala!" Pagpapakilala
noong isa.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at kulang nalang ay dumugo iyon. Ang
kanyang isang kamay ay nadikit na sa aking likod habang ang isa ay tinanggap iyong
inuming binigay sa kanya.

"I'll stay here," sabi ni Israel sa baritonong boses na ikinapula agad ng


pisngi ni French at halata ang kilig sa kanyang mukha.

Nagsimula akong mapalunok nang maramdaman ko ang daliri niyang humahaplos na sa


aking likod lalo na't nakatube top lamang ako. Para niya iyong dinadaanan ng
nakakaliting linya ng palihim. He was caressing my back gently and sending volts
inside me! Nakukuryente talaga ako at kung di ko kokontrolin ang aking sarili ay
mahahalata talaga nila na may maling nangyayari sa likuran ko.

"So what's your name?" tanong noong katabi ni French na pilya narin ang ngiti.

Hindi sumagot si Israel at hinila pa ang suot ko paitaas. Dim ang paligid at
masyado silang nagcoconcentrate sa imahe niya sa likod kaya walang nakapansin noong
umangat na ang aking suot. Ang pilyong ito...

"You have a girlfriend na ba?" tanong ni French na nakarecover na ata sa


paghahyperventilage.

"Wala nga eh," sagot ni Israel at nagawa pang yumuko para lamang ilapag ang
baso roon sa mesa.

Halos sumabog ako nang makita ko ang gilid ng kanyang mukha


at ang pagkakasandal ko sandali sa kanyang katawan dahil sa pag-abante niya.
Pasimple niya pa akong nilingon at bumagsak agad ang tingin sa aking dibdib na
ikinadilim ng kanyang mga mata.

"Oh, so you're single!" Isa sa mga kaibigan ni French at nagsimula ulit silang
magwala. Niyugyog nila ang aking kapatid na pulang pula narin ang mukha at masyado
ng kinikilig.

Umatras rin naman si Israel at nagawa pang ilebel ng pasimple ang kanyang mukha
sa aking gilid.

"Don't drink too much," he whispered deeply. Ang kanyang hininga ay tumama pa
sa balat ng aking leeg.

Napalunok ako ng laway at hindi ko maalis alis ang mga mata ko kina French na
dalang dala na sa emosyon. Tumayo muli ng tuwid si Israel sa aking likod at wala na
ang kanyang mga kamay sa bawat gilid ko.

"I'll go now," sabi niya pa at hindi ko alam kung sino ang sinasabihan.

"Ay! Wait! Give us your number!" pahabol noong isa pero si Israel na suplado ay
nagpatuloy na sa paglalakad paalis.

"Gosh! He's so mysterious talaga! He's so suplado and he's so guwapo! I can't
believe he's here again!" Napasandal si French sa couch at pinaypayan muli ang
sarili.

Iyong isa niya pang kaibigan ay naglahad agad ng inumin sa kanya at deri-
deritsong nilagok iyon.

"Dapat you chase him and ask for his number! It's  obvious naman na he likes
you! He's stalking you French!"

"Oo nga French and the way he stares at you ha! Nakakapaso like he's just
waiting for a right moment and then aatakihin kana niya!"

Nagtawanan sila ganoon rin si French na pulang pula parin ang mukha. Ngumuso
ako at uminom narin. Gusto kong alisin sa aking sistema ang kakaibang pakiramdam na
iyon. Bigla akong naging sabik sa presensya niya na kahit ang aking mga alaga sa
loob ay nagwala rin.

Ano 'to? Namimiss ko kahit ayaw ko namang makita?!

"Pag nagpakita ulit siya this school year sa 2nd Gate confirm na talaga French,
he's stalking you talaga!"

"Like dapat go kana! Make a move na French!"

"I will don't worry guys... I'll make a move na if ever nagkita ulit kami,"
paninigurado ni French at ngumisi pa ng pilya.

"Gosh you're so swerte ha! How to be like you ba!"

Tumawa lamang si French habang pinapaliguan siya ng compliments ng kanyang mga


kaibigan. Ako naman itong parang sinasakal na ewan at di ko na naman maintindihan
ang sarili ko. Para akong sinasabuyan ng asido sa tuwing nagbibitaw sila ng kung
ano ano tungkol kay French at Israel. Alam ko naman na ako 'yon at hindi ko rin
naman ito gusto pero ba't parang nakakafrustrate? Ba't gusto kong akuin ang isang
bagay na pinagbabawal ko naman sana sa sarili ko?

Sobrang good mood si French sa gabing iyon. Natulog pa ito sa aking kuwarto
para lang makipagdaldalan at palagi paring kinikilig. Akala ko pa naman magmomove-
on na siya.

"Akala ko magmomove-on kana..." Naisaboses ko na talaga ang aking iniisip


habang nagpapahid ako ng lotion at kakatapos lang maghalf bath.

Nakabathrobe narin si French at sinusuklay ang kanyang mahaba at tuwid na buhok


habang nakaupo sa dulo ng aking kama.

"Pero nagparamdam siya ulit, Trace! Like... dapat di daw ako magmove-on kasi
babalikan niya ako! That's the feeling!" Itinuro niya pa ako gamit iyong brush
niya.

Itinuon ko ang aking tingin sa hita ko at iyong isa naman ang nilagyan ko ng
lotion. Dapat masaya ako dahil masaya siya pero may humaharang talaga sa akin.
Tanging pait lamang ang nalalasahan ko sa aking bibig at mukhang namunga na naman
iyong mga ampalayang itinanim ko doon.

"I'm going to make sure talaga this pasukan na icaclarify ko na. Aamin na ako
sa kanya Trace! So please wish me luck ha! Samahan mo ako!"

Natigil ako roon. S-Sasamahan ko siya? At aamin na siya kay Israel?

Parang piniga ang aking puso. Ni ngiti ay hindi ko na kayang gawin. Masyado ng
weird ang nararamdaman ko at gusto ko biglang humadlang sa plano niya.

"P-Paano kung masaktan ka lang sa lalake na 'yon, French? Di mo naman 'yon


kilala ng husto..." Sinikap kong sabihin iyon ng maayos kahit na para na akong
mahihimatay sa pakiramdam na pumapaibbaw sa akin.
"I don't care at least I tried! I'm sure he likes me naman eh so we'll work out
maybe." Puno ng pag-asa niyang sabi.

Pinagpatuloy ko ang pagpapahid. Wala na akong masabi at ang tanging


nangingibabaw ay pagkakabigo sa isang bagay na ayoko ring ipaglaban.

Ginusto mo rin namang h'wag niyo nalang ipagpatuloy diba Trace? Bakit ngayon
aakto kang nasasaktan? Bakit ngayon ay nagseselos ka sa isang bagay na dapat ay
sa'yo pero tinanggihan mo. Ilang beses niyang hiniling ito sa'yo noon Trace... At
kung kailan sinabi niyang iyon na ang huli, magsisisi ka bigla?

Pero tama lang rin naman itong ginagawa ko. Di ko na iyon pwedeng ipaglaban
kahit nangako rin ako sa sarili kong dadating ang araw na ipaglalaban ko siya.
Sinukuan ko na iyon simula noong namatay si Kuya Bram. At magagalit rin si Mama sa
akin kung ang napili kong mahalin ay ang lalakeng nabibilang sa pamilya ng taong
pumatay sa kapatid ko.

Di ako ganoon katapang para sumugal. Di ako ganoon katapang para magmahal. Di
ako ganoon katapang para lumaban at siya ang piliin. At di ako ganoon katapang para
isuko ang lahat sa lalakeng nakakatakot mahalin.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 46

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Kim Gonzales. Happy reading!
----------
Nalulunod
Siguradong sigurado na si French sa kanyang plano. Hindi na ulit kami
nakapagBar sa mga sumunod na araw dahil rin sa panibagong party nila Papa.

"Did you know, party rin iyong dineklara nila Dad na may fiance na pala si
Kuya?" sabi sa akin ni French habang inaayusan ako sa loob ng aking kuwarto.

Napansin ko nga na bongga ang magiging party mamaya dahil hindi pumayag si Tita
Brenda na mga katulong lang namin ang mag-aayos sa amin. Nagpadala siya ng stylist
sa bahay at iyon ang umasikaso sa amin.

"Talaga?" tanong ko kay French sa kabilang salamin na minimake-up an narin.

"Yep... And I have this feeling na baka isa sa atin ang may fiancee na pala
since we're already 4th year college na. At siguro kaya tayo hinahayaan ni Dad na
mag-enjoy kasi ipapakilala niya rin this time ang mapapangasawa natin. Gosh..."
Nasapo ni French ang kanyang dibdib na kahit ako ay biglang kinabahan.

Kung totoo man na ngayon iyon... pwede pa naman sigurong mag get to know each
other pa diba? Katulad noong kay Kuya... Kinilala rin naman nila ang isa't isa at
saksi kami ni French sa naging progress.
"I think ako ang mauuna since I'm older than you," kabadong sabi ni French at
namumutla pa.

Kung noon ay okay lang sa kanya na ipakilala sa kanya anytime ang mapapangasawa
niya, ngayon ay ayaw niya na ata. May ediya ako sa kanyang rason pero ayoko naring
isipin.

"I don't want to marry a Chinese anymore... May gusto ako and he's not
Chinese... Di naman pwedeng magkakafiancee ako bigla tapos diyan pa ako
magcoconfess. This is insane..." Natampal niya ang kanyang noo kaya tumigil pa
sandali ang make-up artist sa pagmimake-up sa kanya.

Mas gusto ko nalang atang magkafiancee siya kaysa naman umasa siya kay Israel.
Masasaktan siya doon... Siguradong sigurado ako. Ilang babae narin ba ang pinaiyak
noon doon sa bukid? Maraming nagkakandarapa sa kanya at hindi siya basta bastang
bumibigay rin na purket gusto siya ay lalandiin niya na. Nagiging masungit talaga
ito at kayang manreject ng harap-harapan.

Noong pagkatapos naming lagyan ng make-up at ayusin ang aming buhok ay nagpalit
rin naman kami ng maisusuot. Isang half sleeve, floral lace long dress ang aking
isinuot. Sumasayad iyon sa lupa at may pagka beige ang kulay. Ang aking buhok ay
nakabraid sa likod at nalalaglag ang iilang hibla na kulot rin hindi kagaya kay
French na nakabun at long gown rin naman ngunit tube top iyong kanya at kulay
champagne.

"Alam mo, ang ganda ganda mo. Para kang sinaunang Prinsesang tumakas sa libro
at nanirahan lang dito," compliment noong babaeng tumutulong sa akin na itali ang
laces sa likod at tinitingnan rin ako sa salamin. Kapwa kami nakatayo sa harap ng
malaking salamin habang ang aking mga mata at hindi ko maialis sa aking mukha.

Napangiti ako sa kanya at huminga pa ng malalim nang mas humigpit ang


pagkakakapit noong dress sa aking beywang. A-line iyon at kung iikot ata ako ay
lilipad rin iyon sa ere. Medyo transparent ang nasa may parteng tiyan ko at sa may
dibdib lamang ang natatakpan noong floral na parang tinahi pa. Sa aking likod ay
nakaekis na mga laces na ang naroon.

"Gandang ganda rin naman ako doon sa isa mo pang kapatid pero ikaw kasi... Ang
amo amo ng mukha mo at nakakaakit kang titigan. Pag ako natomboy panagutan mo ako
ha..." pagbibiro niya pa nang sinilip niya akong muli sa salamin na sabay naming
ikinatawa.

"Grabe naman po..."


"Aba'y totoo! Kaya nga nilagyan kita beige smokey eye para magmukha kang
inosente ngunit nakakaintimidate. Narinig ko rin kasi sa kapatid mo na baka ay
ipapakilala sa inyo ang mapapangasawa mo kaya dapat maakit mo ang lalakeng
ipagkakasundo sa'yo," dagdag niya pa na ikinanguso ko.
Totoo nga ang kanyang sinabi dahil, dahil sa smokey eye ay
parang natatakpan noon ang pagiging maamo ng aking mukha. Ang aking kaputian ay
kumomplement sa aking light make-up. Para nga akong isang maharlikang Prinsesa...

"Di ko nga po alam kung sino sa amin ng kapatid ko..." sagot ko sa kanyang
tanong kanina.

Nailing ito at natapos rin naman sa pag-aayos sa aking likod. Iyong sunod niya
namang inayos ay ang dulo noon.

"Uso talaga sa mga instik ang pinagkakasundo ang anak nila. Ewan ko ba... Kaya
hindi rin sila basta bastang nauubusan dahil masyado silang sigurista. Kahit mga
anak ay handang itulak sa mga lalakeng may kalebel ng kanilang estado para lang mas
yumaman lalo."

Sang-ayon ako roon pero di nalang ako umimik at tumahimik nalang.

Pagkatapos rin naman niyang ayusin ang aking kabuuan ay lumabas rin naman kami.
Pumalakpak agad si French nang makita ako.

"Gosh! You look gorgeous Trace! Sobra!" aniya na ikinangiti ko.

"Salamat, French... Ikaw rin!"

"I know! Always naman," confident niyang sabi na ikinatawa nalang naming
dalawa.

Minsan nalang si Kuya sa bahay kaya kami na madalas ang magkasama ni French.
Pero sa mga ganitong okasyon ay nagkikita rin naman kaming tatlo. Mamaya sigurado
akong naroon rin siya.

Iniheld sa isang five star hotel ang gaganaping party. May pa red carpet pa
sila at nakakasilaw sa mga ang mga flash ng camera. Todo ngiti si French sa aking
tabi at todo anggulo kaya ginagaya ko narin at ngumiti lamang ng matamis. Siya
itong hihinto pa sa gitna, magpopose at isang pilyang ngisi ang gagawin.

"You need to look great since lalabas tayo sa magazines. This party is for
elite people, Trace! Pagkakaguluhan tayo sa social media so dapat maganda ang
kinalabasan mo sa pictures," sabi niya pa noong tuluyan na kaming pumasok sa loob.

"Wala akong confidence katulad niyang sa'yo French." Tumawa ako.

"It's okay! You're pretty naman so I'm sure maganda ka parin sa pictures!" sabi
niya at gumala agad ang tingin sa loob.
Nagkalat agad ang mga business man na nakatuxedo at ang kanilang mga asawa na
nakalong gown rin at may hawak pang wine glass. Isang pianist ang nasa gitna noong
stage at may tumutugtog rin ng violin habang biniblend nila ang tugtog at lumilikha
ng napakacomportableng kanta.

May pagka vintage ang lugar at parang bumagay ang suot kong kulay beige sa
paligid. Naggugrupo ang iilan at nag-uusap. Si French naman ay hinila ako papunta
roon sa may mahabang mesa kung saan may mga nakahelerang pagkain.

"Di tayo mabobored pag nakiblend-in tayo sa mga food." Ngumisi pa siya sa akin
at kumuha na ng maliit na plato.

Tumawa ako at ginaya narin siya dahil natatakam nga naman ako roon sa mga
matatamis nilang desserts. May maliliit pang hiwa ng cakes roon kaya iyon agad ang
aking inuna. Si French naman ay sumubo ng grapes saka rin iginala ang tingin.

"Gosh... I'm like kinakabahan talaga... I'm praying na sana Dad won't pair me
tonight... This is so insane!" Nailing siya at bakas sa mukha ang pag-aalala.

Iginala ko narin ang tingin at marami nga namang kaedad namin ngayon. Lahat ay
singkit at ang iba ay may katulad kong mga mata. Puro intsik ang nandito.

"Si Kuya, dumating na?" tanong ko kay French na iginala rin sa iba pang
direksyon ang kanyang mga mata.

"What if tumakas nalang tayo later Trace? Since diba... We don't like this kind
of parties naman! We can't relate sa mga old people 'no. He'll understand naman
siguro."

"Pero French baka nga ipakilala tayo ni Papa at hanapin


tayo..."

Natampal niya ang kanyang noo at sumimangot na.

"I hate being next to Kuya. How I wish bunso nalang ako... Dapat ikaw nalang
ang mas ate..." Sumimangot siya sa akin.

"Baka naman hindi pa ikaw diba... Baka nga ako eh," sabi ko sa kanya para lang
mabawasan ang pag-aalala nito.

Naroon lang kami ni French sa may mga pagkain. Umiinom na siya ng wine habang
ako naman ay hindi matigil sa kakakain ng matatamis. Bahalang bahala siya sa
magaganap lalo na't nagsisimula ng magspeech iyong ibang business tycoon sa
harapan. Pag kailangang pumalakpak ay papalakpak ako kahit wala naman akong
naiintindihan sa pinag-uusapan nilang lahat.

"Oh my gosh! Jackson is here na naman!" Tinuro ni French ang imahe ni Jackson
na kakarating lang at nakapamulsa pa. Nakatuxedo rin ito at lumilitaw ang
kasupladuhan dahil sa ayos ng kanyang buhok na nakabalandra ang noo at masyado na
namang maaliwalas ang mukha.

"I really have a strange feeling towards that guy, Trace! If Dad will pair me
talaga tonight tatanggi talaga ako right away!"

Mas naging paranoid lamang si French at ako itong mas ginanahan sa pagkain
dahil sobrang sarap ng mga makalatag na matatamis. Mas may connection pa ata kami
ng mga pagkain kaysa sa ibang tao rito. Nag-eenjoy akong pasubo subo lang.

"Jackson, may sinabi ba ang parents mo na mangyayari right now?" tanong agad ni
French nang lumapit ito sa amin.

Pinasadahan ako sandali ng tingin ni Jackson pero ibinalik rin naman ang mga
mata kay French.

"Wala eh. Bakit?" tanong niya at tiningnan ako saglit pero ibabalik rin ulit
kay French.

Dahan dahan akong sumubo at nakatingin na sa dalawa.

"I think sasabihin na ni Dad sa akin tonight na magkakafiancee na ako." Nagalaw


galaw ni French ang kanyang mga kamay.

"Ah? Hindi si Tracey?" Tiningnan ako ni Jackson ng makahulugan.

"Hindi ko rin alam, Jack..." sabi ko sa kanya na ikinatitig niya pa sa akin. Si


French naman ay natampal na ang noo.

"Either it's me or si Trace!"

"Baka ikaw..." sabi ni Jackson sa akin na hindi parin inaalis ang mga mata sa
akin.

"Di ko alam eh." Hilaw nalang akong napangiti at hindi alam kung ano ang
magiging reaksyon kung sakaling ako nga.

Tinawag rin naman si Jackson sa lamesa kung nasaan sina Papa at Tita Brenda.
Sinenyasan niya kaming pupunta lang siya roon kaya tumango rin kaming dalawa ni
French at nakasunod narin ang aming mga mata.

Si Papa ay may kausap na singkit na babae at kaedad lamang ni Tita Brenda.


Tumabi naman si Jackson doon at sa gilid niya ay may binulong ang Daddy niya sa
kanya na ikinatango nito. So that's his Mom? Kompleto ang parents ni Jackson
ngayon? Madalas lang kasi ay ang Dad niya ang nandito.

"French, Mommy iyon ni Jackson ata," sabi ko sa kanya at tiningnan ang babaeng
kausap ni Papa na nagkakatuwaan narin. Nakahigh ponytail ang buhok nito habang
nakasuot ng black dress. She looks very intimidating pero dahil ngumingiti ay
nagiging maamo rin ang mukha. Magkatulad na magkatulad ang mga mata nila ni
Jackson...

"Oh gosh! No... No... No! Gosh! This is really not happening! Jackson is such a
sly! Feeling ko may alam siya rito at ayaw niya lang sabihin! Kompleto sila! May
maipagkakasundo talaga ngayong gabi, Trace!" Niyugyog na ako ni French.

"Kumalma ka nga. Baka nga ako eh..." Natatawa kong


hinawakan ang kanyang balikat para mapirme lamang ito.

Namataan ko ang pagdating ni Kuya at may kasamang babae. Napatingin ito saglit
sa amin ni French kaya kinawayan ko na pero ang supladong iyon ay tumango lamang at
ibinalik ang tingin sa kasamang babae.

Si Kuya Brennan talaga may pagka Kuya Bram. Naeechapwera ang kanyang kapatid
pag may kasama siyang babae. Nakakalimutan niyang kami ang kadugo niya at hindi ang
kasama niya.

Umupo rin si Kuya sa lamesa kung nasaan sila Papa.

"Labas nalang tayo Trace. Let's stay sa pool area. Jackson's Mom is so weird
she keeps on glancing at me! I really hate this..." Hinila na ni French ang aking
kamay makalabas lamang kami sa Hall na iyon.

Dala dala ko pa iyong platito na may mga matatamis at nilingon ko ang lamesa
nila Papa. Kausap niya parin iyong babae at si Papa ay ngumingiti na saka kami
tiningnan.

"Teka ibabalik ko lang itong platito, French," sabi ko kaya bumalik ulit ako sa
lamesa.

Sakto namang tumayo narin si Papa at nagtungo sa akin kaya napahinto pa ako.
Nilingon ko si French na kagat kagat na ang labi habang nakatingin kay Papa.
"Are you having fun, anak?" Nakangiting tanong sa akin ni Papa.

Tumango naman agad ako at napatingin sa kanilang lamesa. Ang mga mata agad ni
Jackson ang aking natagpuan pero iniwas niya rin at nakipag-usap na sa kanyang
Mommy.

"Gusto mong umupo roon? Or you're fine here?" tanong muli ni Papa na
ikinatingin ko agad sa kanya.

"Ah... I'm fine here po, Papa..." sagot ko na ikinatango tango niya naman at
iginala ang tingin. Huminto iyon sa kinatatayuan ni French kaya sinenyasan niya
itong lumapit.

Nilingon ko narin si French na napipilitan pang maglakad papunta rito. Iba


narin ang hataw ng aking puso. Parang may kakaiba rin talaga. Buo ang pamilya ni
Jackson at iba na ang tono ng pananalita ni Papa ngayon. Parang may gusto siyang
sabihin sa amin ni French.

"What is it, Dad? Pupunta sana kami sa pool area since gustong magpahangin ni
Trace. You know her naman... she doesn't like crowded places..." Pilit na ang ngiti
ni French at pasimple nalang pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok.

"Oh I see... Gusto mong magpahangin doon, Trace? Gusto mo bang pasamahan kita
kay..." May nilingon siya sa kanilang lamesa at may mga tiningnan roong lalake. Ang
iba ay kaedad lang rin ni Jackson.

Nagkatinginan agad kami ni French. Umiling agad ako kay Papa.

"Okay lang po ako Papa," sabi ko na ikinabalik ng mga mata ni Papa sa akin.

"Dad, kaming dalawa ni Trace ang pupunta doon. Sasamahan ko siya," si French.

"Oh no, you can't sweetie. You need to stay. I need you there..." Nilingon niya
pa ang lamesa saka ulit tiningnan si French ng makahulugan.

"H-Huh? But why..." Napaatras na si French at napalunok na.

"Well... For business purposes. May ipapakilala lang ako sa'yo. Let's go," saka
ako nilingon ni Papa. "And Trace... You sure you're fine? Ayaw mong magpasama sa
iba?"

Umiling agad ako.


"Okay lang po ako, Papa..."
Tumango tango naman si Papa at sinenyasan na si French na sumama sa kanya.
Nagkatinginan kaming dalawa at ang tanging naibigay niyang tingin ay pagkadismaya.
Nakasimangot na ito at mukhang may ediya na.
Tiningnan ko silang maglakad doon. Para akong nabunutan ng
tinik nang mapagtantong hindi ako ang may makakapares ngayon. Ibig sabihin lamang
nito... si Jackson nga ang fiancee niya?

Pero ayaw rin naman ni French ang maikasal. Ano ngayon ang gagawin niya? Sure
ako na magagalit si Dad pag di natuloy ang isang kasunduan sa isang pamilya. Baka
pag nalaman rin ni Dad na may kinakalokohan si French at hindi Chinese kaya
tumatanggi... baka mas malagot lamang siya.

Kausap na ulit ni Papa iyong Mommy at mukhang pinapakilala na sa kanya si


French. Ako naman itong lumabas nalang at nagtungo sa sinasabing pool area ni
French. Nagtanong nalang ako sa waiter na nakasalubong ko at inihatid rin naman ako
sa pool area nila.

Paglabas ko, ang kabuuan agad ng syudad ang aking nakita. May mga citylights
doon at ang liliit tingnan noong mga matatayog na building sa malayo. Malapad ang
kanilang swimming pool at sa harap noon ay parang isang countertop pa kung saan
nakalagay ang mga inumin.

May mga upuan doon at akma sa pool. Sa gilid ay mga pine trees at pinalilibutan
ng parang fairy lights. Umihip ang malamig na hangin at bahagyang gumalaw ang aking
suot na kahit ang hibla ng mga buhok kong nasa gilid lamang ay sumayaw narin sa
ere.

Hinubad ko ang aking pumps at inilagay iyon sa gilid. Bahagya ko pang itinaas
ang aking suot na long gown para makita ko ang aking mga paa. Napangiti ako at
dumaan sa gilid ng pool. Ang lamig na dulot ng sahig ay naramdaman ko na.

Para akong Prinsesang may tinakasang pagsasalo at nandito ngayon, mag-isa sa


pool area—

May biglang sumipol na halos ikinagulat ko at nabitiwan ang pagkakahawak sa


bawat gilid ng aking gown. Sa aking pagkakataranta ay naapakan ko pa ang dulo ng
aking damit hanggang sa mawalan ako ng balanse. Napatili ako at naramdaman nalang
ang paglubog ko sa pool. Nasa 6feet ako! Oh my gosh! Di ako marunong lumangoy!

Nakarinig ako ng marahas na tunog ng tubig at mukhang may tumalon. Ako naman
itong todo sikap na makaahon pero lumulubog rin talaga ako. Nakakainom na ako ng
tubig!

Ilang sandali lamang ay naangat na ulit ako sa itaas at may humahawak na sa


akin.

Napakapit ako sa kung sinong balikat at nauubo na habang hinahabol ko ang


hininga kong halos hindi ko matagpuan kanina.
"You okay?" tanong ng isang baritonong boses at tumama pa sa akin ang kanyang
hininga.

Mabilis ko itong tiningnan at ganoon nalang ang aking pagkagulat nang makita ko
ang mukha ni Israel! Ang mokong na ito ang sumipol kanina?!

Mabilis ko siyang itinulak at binitiwan niya agad ako. Kaso noong lumubog rin
naman agad ako sa tubig ay bumalik rin ako sa pagkakakapit ko sa kanyang balikat.
Gosh!

"We both know you don't know how to swim." Umalingawngaw ang malademonyong tawa
niya sa gilid ng aking taenga habang hinihilamos ko ang aking mukha. Tumataas baba
ang aking balikat at marahas parin ang aking paghinga.

"Ba't ka sumipol sipol!" inis kong sabi nang makahanap na ako ng sapat na
hangin.

"Natural iyon dahil nagagandahan ako sa nakikita ko." Nagkibit pa siya na


ikinalaglag ng aking panga.

Ang pilyong ito!


"Nandito ka? Noong nasa Bar rin ako ay nandoon ka... Sinusundan mo ako..."
Bintang ko.

Napatitig si Israel sa akin at dahan dahan pang bumaba ang mga mata sa aking
labi. Basa narin ang kanyang cotton shirt at mukhang nakasweatpants pa. Ba't ganito
ang ayos niya?

Sinuklay niya paatras ang kanyang buhok kaya mas malinaw na ang kanyang mukha
ngayon. Ang kanyang kamay ay humigpit sa aking beywang at ako itong nakakapit parin
sa kanyang balikat. Masyado na akong nadidikit sa katawan niya.

"Nakacheck-in ako rito," aniya.


"Huh? Ngayong araw?"
Tumango siya. "Ngayong gabi. And you're here... How coincidence." Binasa niya
ang natural na pula niyang labi at umangat pa ang kilay habang nakatagilid na ang
ulo. Para niya akong sinisilip na ewan sa malisyosong paraan.

Coincidence? Pero parang sinasadya niya! Sinusundan niya ako...

"Pwede pakihatid ako sa gilid ng pool?" Nginuso ko pa iyon.

Nilingon niya iyon sandali pero ibinalik rin sa akin at nagawa pang bumaba ng
kanyang tingin sa dibdib kong dikit na dikit sa kanyang dibdib.
"Dito muna..." makahulugan niyang sabi at sumisilay na naman sa mukha ang
kapilyuhan.

Nasira ang aking ekspresyon. Sa tuwing nagkikita talaga kami ni Israel, palagi
akong napapahamak. Palagi akong napapahiya sa kanya. Iyong una ay nahuli niya akong
namboboso, ikawala naman ay sa batis at iyon parin ang dahilan. Ikatlo ay iyong
nagtangka akong umakyat sa puno para tumakas, at ngayon ay ito...

Naging tahimik ako at napatingin nalang sa kanyang leeg. Nakagat ko ang pang-
ibaba kong labi at nananaig na naman sa akin ang kakaibang pakiramdam sa tuwing
kasama ko siya. Kahit malamig ang tubig ng pool, bumabagay ang init ng katawan ni
Israel na dikit na dikit sa akin kaya para akong hindi nakakaramdam ng ginaw.

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at nadatnan itong nakaawang ng kaonti ang
basang labi. Sa sinag ng buwan at sa mga ikaw na naririto, mas nabigyan ng ilaw ang
kanyang guwapong mukha. His deep brown eyes is too much... Madilim ngunit malalim
ang titig sa akin at nanliligaw na naman.

"May kacheck-in ka?" biglaan kong tanong. Kusa na iyong tumakas sa aking bibig.

Kung hindi siya nandito para sundan ako... Baka may kasama siyang iba.

Hindi agad siya nakasagot at naiwas pa ang mga mata sa akin. Binasa niya ang
pang-ibabang labi at mukhang iniisip pa kung magsasabi ito ng totoo o hindi.

"Babae?" dugtong ko agad na ikinabalik ng tingin niya sa akin.

"She will leave eventually," aniya na ikinabigo ko na agaran niyang ikinanguso.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at dahan dahan ng lumuwang ang


pagkakakapit ko.

Ano ka ngayon, Trace? Aarte kang nasasaktan eh ikaw itong itinaboy na siya.
Ayaw mo na diba? Wala kang karapatang magreklamo na kumikirot ang puso mo. Wala
kang karapatang pagsabihan siya ng kung ano ano dahil ilang beses rin siyang
nagmakaawa sa'yo. Don't act so stupid.

"Ah... A-Ako rin... May kasama ako sa loob ng party... Mga lalake..." mahina
kong sabi.

Hinanap niya ang aking mga mata at wala man lang itong reaksyon sa sinabi ko.

"Kaya ba ang ganda ganda mo dahil may mga lalake kana namang makakasalamuha?"
tanong niya at nagkasalubong ang aming mga mata.
Tumango ako at ngumuso.
"Pakidala ako sa gilid ng pool area..." sambit kong muli at sa mahina ngunit
klarong boses na.

Tumitig siya sandali sa akin. Nakaawang ng kaonti ang basang labi pero maya
maya ay natikom rin at gumalaw na ito.

Halos kumapit ako sa kanya. At noong nasasayad ko na ang aking mga paa sa
ilalim ng sahig ng pool ay kusa na akong bumitaw at naglakad na. Halos hindi ko pa
iyon magawa ng maayos dahil narin sa suot kong nababasa na at bumibigat.

Noong makarating ako sa dulo ay umahon agad ako. Itinulak niya pa ako para lang
hindi ako mahirapan. Ngumuso ako at umupo roon habang siya ay umahon narin at
tumabi sa akin. Ang mga tubig ay umagos pa sa kanyang katawan at dikit na dikit na
ang suot niyang cotton shirt sa kanya. Napalunok ako ng laway at mabilis na nag-
iwas ng tingin.

Kung hindi man ako nalunod kanina, sa kanya ako palaging nalulunod at kinakapos
ng hininga.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 47

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Elza Vispo. Happy reading!
-----------
Warning: Slight SPG lols
Basang basa
Naging tahimik kami roon. Ang aking mga mata ay nakasentro sa over view sa
malayo at kumikinang pa ang mga citylights. Medyo malamig na ang ihip ng hangin
pero di ko iyon alintana.

Huli ko siyang nakita sa Bar. At ngayon na nakita ko siyang muli, di ko alam


kung ba't parang nananabik ako bigla. Sa bawat pagkikita namin, parang may
napupunang pagkukulang sa akin. Palagi iyong umaapaw at sa tuwing di ko na ulit
siya nakikita ay para rin iyong tubig na lumulubog nalang bigla.

Nakakatawa. Bakit ba ang hilig nating itaboy ang mga taong gustong gusto nating
kasama? Pero pag umalis na ay hahanap-hanapin mo pa. Gaanon ba talaga katanga ang
mga tao?

Sinuklay ni Israel ang kanyang buhok paatras at ang mga maugat na braso ay nasa
bawat gilid niya na. Kahit nakaupo kaming dalawa, hindi maikakailang napakagaan ko
kumpara sa lalakeng ito na matigas at mabigat pag dinaganan ako.
At bakit mo naman naisip, Trace?
"So... You're doing fine." Nilingon niya ako.

Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita
ko siyang nakatitig sa akin.

"Ikaw rin..." sabi ko sa kanya.


"I already accept that you're not into me. Kailangan mo lang namang tanggapin
ang isang bagay para maging masaya kana."

Parang may karayom na tumusok sa akin. I-Iyon na nga ang huli? Ayaw niya na? P-
Pero bakit niya parin ako sinusundan... O baka nagkataon lang? P-Posible ba iyon?
Dito... Nagkataon lang rin ba na sa daming hotel na pagdadalhan niya ng babae niya
ay dito pa kung saan may party rin kami?

Pero Trace... May babae na nga diba? So he already stop. You know this guy!
Hindi ito basta basta nagbibitaw ng salita kung di niya pala gagawin.

Napisil ko ang sarili kong mga daliri. Para akong nabigo na nagsisisi na ewan.
Kumikirot ang aking dibdib at parang pinipiga ang aking puso.

Kaya ko namang magpatawad... K-Kaya ko naman sigurong... At matagal narin naman


iyon. P-Pero paano kung huli na?

Trace! Hindi rin naman pwede! Bawal ka sa kanya! Ang lalakeng iyan...
ipapahamak ka lang. Gusto mo bang bumalik sa dilim na binulag ka?

Kaya mo nga binitiwan dahil nasaktan ka. Para siyang isang matulis na bagay na
kung hahawakan ko lang lalo ay mas masusugatan ako. Kaya ko siya binitiwan dahil
hindi ko na siya kayang hawakan. At ang bobo naman siguro noon kung pinulot mo ang
isang bagay na sinugatan kana. Para ano? Para masugatan ka ulit?

"What kind of party are you attending?" biglaan niyang tanong na ikinabura ng
pinag-iisip ko.

"Ah business..."
Tumango tango siya at mukhang wala namang pakialam sa bagay na iyon. So
coincidence nga lang siguro talaga kaya siya nandito.

"I have clothes in my room. We can go there. Di ka pwedeng bumalik doon na basa
ka."

Bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi. Nanlaki pa ang aking mga mata noong
nilingon ko ito.

"H-H'wag nalang..."
Umangat agad ang kanyang kilay at bumaba pa ang tingin sa aking katawan.

"I can clearly see your firm boob and your thin body. Gusto mong pagpyestahan
ka ng mga lalake sa party?" Mapang-uyam niyang sabi na ikinakurap ko.

Bumaba ang aking mga mata sa aking katawan at totoo nga...


At pag bumalik ako roon... Baka mapagalitan rin ako ni Tita Brenda. Saka ang alam
ko, hanggang Midnight ang party na iyon. At sa nangyayari roon, sigurado akong
magtatagal nga sila Papa dahil importante ang nagaganap.

Tumayo si Israel kaya tiningala ko pa ito. Sinenyasan niya akong sumunod sa


kanya. Ilang sigundo ko pa iyong pinag-isipan pero sa huli ay pumayag rin ako.

Sinundan ko ito habang palabas kami ng pool area. Ang corridor ay tahimik
habang dala dala ko ang aking pumps. Nararamdaman ko sa aking mga paa ang lambot ng
carpet nilang may pagkafloral ang design at sobrang ganda. Nababagay iyon sa kulay
ng paligid.

Huminto kami sa isang room. Binuksan niya iyon saka niya ako nilingon. Bigla
akong kinabahan pero dahil wala naman itong malisya... pumasok ako.

Malaki ang room na iyon. Ang sumalubong agad sa akin ay malamig na gawa ng
loob. Napatingin ako sa gilid at nakita ang aking kabuuan sa malaking salamin.
Basang basa nga ako at medyo natutuyo na ang aking buhok dahil nipis lang naman
iyon pero mahahalata paring basa ito. Okay pa naman ang aking hitsura lalo na't
iyong make-up na inilagay ata sa akin ay hindi basta basta nabubura.

May kinalkal si Israel sa may gilid ng malaking kama at kinuha roon ang tuwalya
saka nipis na malaking puting cotton shirt. Inilagay niya iyon sa kama at nilingon
ako. Sinenyasan niya akong kunin iyon.

Humakbang ako pero noong nakita kong walang kahirap hirap niyang hinila sa
kanyang likod ang kanyang suot at hinubad ito ay natigil na ako sa paglalakad.
Suminghap ako at mabilis na tumalikod.

"B-Ba't ka naghuhubad?! A-Akala ko ba... M-Magpapatuyo lang ako dito!" Pulang


pula kong sabi at halos lalabas na ata sa aking dibdib ang puso kong nagsisimula
naring magwala.

"I'm wet too..." he chuckled evilly, nanunuya pa ang boses!

"Chill. Don't act as if it's your first time seeing me topless. Naghalikan pa
nga tayo..." sabi niya sa nakakaakit na boses at mukhang nang-aasar na.
Mas lalo akong namula. Para na akong lalagnatin at gusto nalang kumaripas ng
takbo sa labas.

"Magbihis kana para mahubad mo na 'yang suot mo. Basang basa ka," aniya.

Kinalma ko ang aking sarili at humarap muli. Ngayon ay nahubad niya narin iyong
sweatpants niya at may panibago ng sweatpants na suot. Iyon nga lang... topless
parin. Ni hindi na magsink-in sa aking utak ang huli niyang katawan kumpara ngayon.
Ibang iba na...

Nanginginig akong naglakad palapit sa kama at kinuha iyon. Dumeritso agad ako
sa cr at para makapagbihis. Napasandal pa ako sa pinto at parang aatakihin na dahil
sa kaba. Nasapo ko ang dibdib at hinabol ang hininga. Walang malisya Trace...
Isipin mo nalang na magkaibigan kayo... Kahit iyon nalang siguro.

Hinubad ko iyong basa kong suot at nagbihis na. Okay lang iyong basang undies
kaysa naman hubarin ko rin ang aking bra tapos ang kasama ko ay alam kong may pagka
manyakis rin at sobrang pilyo pa. Parang leyon na manglalapa nalang bigla.

Sinuot ko ang tanging bigay niya sa aking cotton shirt at napagtantong wala
iyong pang-ibaba. Huh? Ano? Ito lang ang susuotin ko?! Paano ako lalabas nito kung
ganoon!

Binuksan ko ng kaonti ang cr at nagsalita.

"Uhm... Asan 'yung pang-ibaba?" tanong ko at di na ito dinungaw pa.

"I am wearing my last sweatpants while you're wearing my last shirt."

"Huh? Paano na yan!" Dinungaw ko ang aking ulo at natagpuan siya roon sa kama.
Nakaupo at nakaangat na agad ang kilay sa akin.

"Gusto mong palit tayo? Ikaw ang topless?" Nanunuya niyang


tanong kaya mabilis kong isinara ang pinto ng banyo.

Gosh! Ano?! Hanggang hita ko naman ito pero konting galaw ko lang ay makikita
na ata ang kaluluwa ko. Pag iaangat ko ang aking mga kamay ay sigurado akong
makikita niya ang panty ko! Kahit na nakakaya kong magsuot ng mga damit na medyo
nagpapakita ng balat, di ko rin naman kayang ito lang ang aking suot at nasa iisang
kuwarto pa kami!

Napatingin ako sa salamin at kitang kita ang pulang pula kong mukha. He already
gave-up, Trace! Kalma ka lang... Baka nga ikaw lang ang paranoid diyan. May babae
na ngang dinala rito eh.
Oo nga naman. Pag ipapakita ko sa kanya na may epekto siya sa akin baka umatake
lang ang kanyang kapilyuhan.

Lumabas rin naman ako dala dala iyong basa kong damit. Si Israel na nakaupo na
sa sofa at nanonood ng tv at mukhang bagot na bagot ang mukha ay napalingon agad sa
akin.

"Uh, saan ko 'to ihahanger?" tanong ko at kitang kita kung paano niya ako
hinagod ng tingin nang dahan dahan.

I've seen how his lips part a bit and how he stared at me deeply. Napalunok ako
at isinara pa ang aking binti dahil doon nagtagal ang kanyang mga mata. Nag-iwas
rin naman siya at balik sa bored niyang mukha at nasa tv na ulit ang tingin. Ang
galing!

"Over there." May itinuro siya at sa labas iyon ng veranda.

Nagtungo ako roon at sa likod niya lang dumaan. Hinawi ko ang kurtina at
binuksan ko ang transparent door ng veranda. Ang hangin agad ang sumalubong sa
akin. Malakas iyon na kahit ang aking suot ay gumalaw na. Sa sobrang nipis ay
bahagya pa iyong umangat na kahit ang iilang hibla ng aking buhok na hindi kasama
sa pagkakatali ay lumipad lipad na.

Nilingon ko si Israel na nakita kong nag-iwas rin naman ng tingin at supladong


suplado ang mukha habang nakahilig ang isa niyang kamay sa balikat ng sofa, ang
palad ay nasa pisngi at malalim na ang tingin sa tv. Okay?

Tuluyan akong lumabas at nagtungo roon sa mga upuan. Sumampa ako roon saka ko
iyon inihanger sa nakita kong pwedeng pagsampahan noon. At dahil mahangin naman,
matutuyo rin siguro ito ng mga 30 minutes? Hihintayin ko ba dito? O pwede ring dito
nalang ako umupo habang naghihintay. Pwede rin, Trace! Baka liparin pa iyan bigla
at wala kana talagang maisuot.

Humilig ako sa railings at tiningnan ang kabuuan. Sa sobrang ganda rin ng


paligid, sandali kong nakalimutan ang aking alalahanin. Napangiti ako nang wala sa
oras habang ninanamnam ang preskong hangin at tila niyayakap ako. Naiisip kong ako
lang mag-isa rito—"

"Get in. The wind is cold," biglang hirit ni Israel sa supladong boses na
ikinaputol ng pagmomoment ko.

"Di ako nilalamig," medyo malakas kong sagot para marinig niya.

"Nilalamig ako. Pumapasok ang hangin dito," rason niya na ikinasira agad ng
aking ekspresyon. Eh mas malamig pa nga sa loob dahil sa full na aircon eh! He's
bluffing!
Tiningnan ko saglit ang nakalambitin kong damit sa gilid at okay nalang naman
iyon kaya pumasok rin ako. Naroon parin siya sa sofa, nakaupo at nanonood ng HBO.
Ang palabas roon ay action ata dahil naghahabulan na ang mga lalakeng may baril na
hawak.

Isinara ko ang pinto ng veranda at naramdaman agad ang mas malamig na loob.
Itong si Israel napaka ano talaga. Maarte. Magkakasundo nga naman sila ni French
dahil kapwa sila maarte. Kung nagconyo ito pwede na talaga.

Napanguso ako sa aking pinag-iisip at nagpigil ng tawa. Ang supladong si Israel


ay mabilis akong nilingon at magkakasalubong pa ang kilay. Iritang irita ata ito na
ewan.

"What's funny?"
Tsismoso.

"Ah... Wala...." Mas ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

"Tell me. Ano yang iniisip mo?" Suplado niyang tanong at parang maiinis na pag
di ko sinabi sa kanya.

"Wala nga!" Natawa ako bigla na mas ikinasira ng kanyang ekspresyon. Para
talaga itong bata minsan.

"Tsss...." Suplado niyang inalis ang kanyang mga mata sa akin at ibinalik sa
tv.

Inilagay ko naman ang aking mga kamay sa aking likod at sumandal doon sa
transparent door. Kaso laking gulat ko nalang nang bumukas iyon ng kaonti hanggang
sa nawalan ako ng balanse dahil hindi ko iyon naisara nang maayos!

Napatili ako at ramdam ang pagbagsak ko bigla sa sahig. Mabilis ko namang


naitukod ang aking mga kamay pero ang sakit sakit ng aking balakang!

Mabilis na nakarating sa aking harapan si Israel at gulat na gulat sa aking


posisyon. Napadaing ako ako at napapikit dahil sa natamo kong pagkakatama sa
matigas na sahig.

"Ahh.... Aray..." Napangiwi ako at napatingala habang mariing nakapikit. Bali


na ata ang buto ko! Ang pwet ko! Parang balloon na pumutok! Ganoon ang feeling ko!

Narinig kong nagmura si Israel kaya napadilat agad ako. Napagtanto kong
nakabukaka ako habang nakapiko ang aking mga hita, ang cotton shirt na aking suot
ay umangat na at nilalantad ang aking pusod at ang aking kulay pulang lace panty.
Mabilis kong isinara ang aking mga hita at nanlalaki na ang aking mga mata.

Si Israel ay tila wala na sa sarili. Nakatitig siya sa akin pero di ko na siya


mabasa. Lumapit siya lalo hanggang sa pinangko niya nalang ako bigla at biglaan
akong umangat sa ere. Madilim ang kanyang ekspresyon habang karga ako at pinapasok
ako sa loob. Hinila ko ng mabilis ang aking suot para takpan ang aking tiyan pero
dahil karga karga niya ako, nakikita na ang aking panty.

Ibinaba niya ako sa dulo ng kama at lumuhod pa sa aking harapan.

"Saan ang masakit?" he asked on a hoarse voice while looking at me intently.

At dahil masyado itong seryoso ay kinakabahan narin ako na baka bigla siyang
magalit pag di ako sumagot ng maayos.

"A-Ang balakang a-at paa ko..." Itinuro ko ang paa kong nawalan ng balanse
kanina.

"This one?" Hinawakan niya ang aking paa na ikinaawang ng aking bibig dahil sa
dumaloy na kirot sa akin.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin at nakita ang aking ekspresyon.


Nagkasalubong agad ang kanyang kilay habang malalim na akong tinitingnan. Sinimulan
niya iyong masahiin at hindi man lang inaalis ang tingin sa aking nakakapaso na.

"A-Ahh... M-Masakit..." Daing ko at ginalaw ko pa iyon na sana ay binitiwan


niya nalang.

Mas hinilot iyon ni Israel kaya napahawak agad ako sa bedsheet at naitapon na
ang aking ulo sa likuran. Nasira ang aking ekspresyon at ang isa kong paa ay gusto
nalang siyang sipain.

"Aray..." daing ko sa mahinang boses.

"Close your legs, Trace. I can see your..." he said, trailing.

Nanlaki agad ang aking mga mata at naibalik ang aking tingin sa kanya. Bumangon
ako at umupo ng tuwid saka ko isinara ang aking mga binti pero bago ko pa man iyon
nagawa ay naiharang na ni Israel ang kamay niya roon.

Sobrang lapit niya na sa akin at iba na ang kanyang ekspresyon. Ang kanyang mga
mata ay mas dumilim pa at mukhang lasing na. Nagsukatan kami ng tingin. Naninimbang
ang kanya habang ang kanyang kamay ay dahan dahan ng humahawak sa gilid ng aking
hita at bumabyahe na paakyat. Mas inisara ko ang aking mga hita para ipitin ang
kamay niya roon pero ang pilyong ito ay ngumisi lang.
"Don't tell me you're not turned on right now, Trace..." he
asked deeply while leaning closer towards me.

Hindi ako makasagot at umaakyat baba na ang aking mga balikat. Tumayo siya sa
pagkakaluhod at yumuko rin para makalebel ako. Ang isa niyang kamay ay nakatukod sa
gilid ko habang ang kanyang kamay ay marahas na itinulak ang isa kong hita at
iniluhod niya nalang bigla sa aking gitna ang kanyang tuhod. Bigo na akong isara
nang maayos ang aking mga hita dahil sa kanyang ginawa.

"Israel..." saway ko sa kanya pero iba na ata ang pagkakatawag ko.

Hindi siya natinag. Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya kaya ako itong
umaatras at naitukod na sa aking likuran ang aking mga kamay.

Humagod ang kanyang mga mata sa aking mukha at nanatili iyon sa aking labi.

"Mali ito..." bulong ko sa kanya at pilit ko naring pinapaalalahanan ang aking


sarili.

"Then push me and I'll stop what I'm thinking right now... Push me..."
Nanghahamon niyang sabi sa nag-aalab niyang tingin sa akin. Masyado ng malapit ang
aming mga mukha na kahit ang kanyang hininga ay naaamoy ko na ang mint doon.

Paano... Paano kita itutulak kung tinutupok mo ako sa iyong apoy? Kung
nilalamon ako ng dilim at nagiging blangko ako?

"Come on..." napapaos niyang sabi at mas inilapit pa ang mukha sa akin.

Napapikit ako habang bumibigat na ang aking paghinga.

Sa gilid ng aking panga, naramdaman ko ang dulo ng kanyang ilong kung paano
niya iyon ipinaglandas at hinagod ako noon paakyat sa aking leeg. Tumindig agad ang
aking balahibo sa aking batok at parang pinupulupot ang aking tiyan. Nanunukso ang
kanyang kilos at mas lalo lamang akong nanghihina.

"Come on, Trace... Push me if you don't want this. I dare you... Itulak mo ako
palayo sa'yo o ang sarili ko ang itutulak ko sa'yo..." bulong niya roon sa aking
tenga at halos mabaliw ako hindi lamang sa kanyang sinabi kundi sa dila niyang
natatamaan rin ang balat ng aking tenga.

Inangat ko ang aking kamay. Pero sa halip na itulak ito ay humawak pa ako sa
kanyang balikat. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakaawang na ang kanyang basang labi
at tila may epekto sa kanya ang paghawak ko.

I smiled weakly at him. Alam mo naman diba... Alam mong pagdating sa'yo...
mahinang mahina ako. Wala akong lakas pagdating sa'yo Israel...

Ang aking kamay ay naglakbay hanggang sa makarating ako sa kanyang leeg at doon
ako humawak.

"Tangina..." bulong niya sa akin.

Bago pa man ako makapagsalita ng kung ano ano ay mabilis niya ng inangkin ang
aking labi. Ang higpit agad ng hawak niya sa aking hita at halos gusto na akong
baliin.

Masyadong mariin at sagad ang halik ni Israel sa akin. Hindi ko iyon masabayan
at nakakapanghina ang hagod ng kanyang labi. His kisses were rough and sweet. Sa
bawat paghagod niya sa aking labi, katumbas noon ang libo-libong boltaheng
naglalakbay sa loob ko at para na akong sasabog ano mang oras.

Umawang ang aking bibig kaya mas nabigyan siya ng laya na pasukin iyon at mas
hinalikan ako ng mapusok. Naitukod ko na nang tuluyan ang aking mga siko sa kama.
Ang kamay ni Israel ay nasa pisngi ko na at doon ako hinahawakan para mas igiya
ako.

Funny how I pushed him away but I can't push him literally away from me. At
heto ako, nakikipaghalikan sa kanya at nakakaramdam ng sabik.

Tumataas baba ang aking balikat nang huminto ako para habulin ang aking hininga
at pag nakita niyang nakakaadjust na ako ay hahalikan niya ulit ako. Mas itinulak
niya pa ang kanyang paang nakaluhod sa aking gitna hanggang sa mabangga niya ang
maselan kong parte na nagpadaing sa akin ng husto at nagpatigil sa akin sa paghalik
sa kanya.

Naitapon ko ang aking ulo sa likod at umawang na ang aking


bibig dahil sa boltaheng naglakbay sa akin. Sinamantala iyon ni Israel. Hindi siya
huminto sa paghalik sa akin at bumaba pa iyon sa aking panga habang ang isa niyang
kamay ay nakahawak na ng mariin sa aking braso para pumirmi ako.

Nagpaulan siya ng halik sa aking leeg na kahit ang kanyang dila roon ay ramdam
na ramdam ko na. Hindi ko nakayanan at kusa akong napahiga.

Umakyat siya muli sa akin at inatake ulit ako ng halik habang nilalagay niya na
sa akin ang kanyang katawan. Ang isa niyang kamay ay inangat ang aking binti at
ipinatong na sa kama habang iyong isang paa ko nalang ang nakasayad sa sahig.
Nakaslant ako sa dulo ng kama at nasa ibabaw ko siya.
Hinalikan niya ako ng malalim kasabay noon ang paggalaw niya sa aking gitna na
ikinadaing ko dahil sa kaselanan niyang tumatama rin sa akin. Ramdam na ramdam ko
roon ang ebidensyang turn on nga ito! My boob got squeezed on his chest when I hug
his back. Oh my God, Trace!

"Is... Rael..." tawag ko sa kanyang pangalan at hindi na alam kung gusto ko ba


siyang tumigil sa paggalaw o gusto kong iyon lang ang gawin niya.

The feeling is very addicting. He's kissing me deeply while grinding his crotch
on my most sensitive area. He's dry humping me oh God!

"Hmm? You want me to stop?" he asked evilly at di man lang pinuputol ang halik.

Umawang ang aking bibig at hindi na masabayan ang kanyang halik. Kahit na may
suot naman siyang sweatpants at itinutulak niya lang iyon sa suot kong panty ay mas
lalo lamang akong nagiging mahina. Baka... Baka dahil sa ginagawa niya ay mabasa ko
narin iyon!

"Hmmm... So you like this?" he asked me naughtily while kissing the side of my
earlobe. Marahan ang kanyang galaw roon. Pasagad at mabagal lamang. Para siyang
nanunukso at may gustong buhayin sa akin.

Di ko na maidilat ang aking mga mata na kahit ang aking bibig ay hirap narin
akong isara iyon. Binabaliw niya ako! Na kahit ang aking balakang ay gusto narin
iyong salubungin.

"Gustong gusto mo naman pala pero tinutulak mo ako. I can do worst than this
Trace... Claim me." Mas lalo pang naging mapusok ang kanyang paggalaw na ikinaliyad
ko na.

Ang isa niyang kamay ay nakarating sa aking dibdib at hinalikan akong muli. He
used his thumb to pleasure my peak while rubbing it on a circular motion. Dumilat
ako at nakita ang mukha niyang malademonyo na ang ngisi pero madilim ang mga mata.

"Fuck... I can feel your wetness..." Mas isinagad niya sa aking gitna ang kanya
at hindi tumigil sa paggalaw na ikinadaing ko na. His eyes were now covered with
lust and desire. Naghahalo na iyon at nakakapaso na ang tingin ng kanyang mga mata.

"Israel!" nafufrustrate kong sigaw at ayaw ko siyang patigilin. Napahawak ako


sa bedsheet sa may ulo ko at doon kumapit.

Nagawa pa nitong tumawa at inatake ulit ako ng halik. Nayakap ko ang kanyang
leeg at sinikap na sabayan ang hagod ng kanyang labi.

Tumigil siya sa paggalaw roon na sobra kong ikinadismaya. Tumigil pa ako sa


paghalik sa kanya at sinimangutan siya. Taas baba parin ang aking hininga at gusto
siyang sipain dahil sa frustration.

Nakaangat na ang aking cotton shirt kaya noong humaplos ang kanyang kamay roon
ay naging sensitibo agad ako. Parang umalon ang aking tiyan lalo na't dumadaosdos
na ang kanyang kamay roon.

Israel watched me closely. Mukhang gustong gusto niyang makita ang aking
ekspresyon lalo na noong nakarating ang kanyang kamay sa aking gitna at naramdaman
ko kung gaano na nga ko kahanda sa kanya.

"Wet..." sabi niya sa akin na ikinapula ng aking pisngi.

Naramdaman ko kung paano niya iyon hinagod ng haplos. Kung paano mas lumalim
ang tingin niya sa akin at mas umawang pa ang kanyang labi. Isang halingling ang
aking napakawalan at hindi na kayang makipagtitigan sa kanya. Gusto kong halikan
niya nalang ako!

His finger glided slowly on the fabric of my panty. Para akong mababaliw lalo
na noong hinagod niya na iyon nang paulit-ulit.

Dumilat ako at nakita siyang nakaawang ng kaonti ang basang labi habang
tinititigan ako. Isang hawi lamang sa aking panty at sumigaw na ako nang maramdaman
ko ang kanyang kamay roon.

His fingers are just too much that it drove me insane. Idagdag pa ang titig
niyang nakakapaso at hindi nililisan ang aking mga mata.

I can almost taste my climax. Gumagalaw na naman ang aking balakang at mas lalo
niya lang bibilisan ang hagod niya. Napaliyad na ako at hindi ko na napigilang
humalinghing ng mahaba nang may maramdaman akong lumabas sa akin. Nanghina na ako
at napapikit nalang.

Ngayon na nasa tamang huwisyo na ako at parang nakabawi na sa kalangisan dahil


nahimasmasan na, tinubuan agad ako ng hiya sa katawan.

""You just drowned from your lust, Trace. Kung di ka man nalunod kanina, sa
akin ka malulunod. Sa akin ka mas basang basa," sambit ni Israel at ramdam ko na
ang malademonyo niyang ngisi sa aking paanan.

Gosh...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 48

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Josepha Monique Zalsos. Happy reading!
-----------
Padalos dalos
I didn't know how to save face after. Noong nagpaalam siyang papasok lamang ng
cr ay nasabunutan ko agad ang aking sarili at hiyang hiya sa nangyari pagkatapos.

Kaya habang nasa loob siya ng cr ay mabilis akong nagbihis noong aking dress na
medyo malamig pang suotin pero dahil nipis naman ang tela ay di na gaanong basa.
Nagmadali akong lumabas dala ang aking pumps at iniwan siya roon at kung ano man
iyong ginagawa niya sa cr kaya ang tagal niya.

God, Trace! You let him... wait... Ano bang tawag roon. Syempre, dinaliri ka!
And that dry humping! Gosh! Paano! Matalino ka naman diba! At alam mong dapat mo
siyang layuan! Pero dapat noong sinabi niyang itulak mo siya ay ginawa mo nalang!
Ayun tuloy! Paulit ulit niyang tinutulak ang sarili niya sa'yo!

The feeling is still raw. Ramdam ko parin ang ginawa niya sa buo kong sistema.
His fingers are just too... Teka... Hindi purket turning 23 kana ay pwede kana sa
ganyan! At maling lalake pa Trace!

Para akong baliw na pinapangaralan ang aking sarili pabalik sa party na iyon.

"Are you wet?" Nagtataka akong tiningnan ni Kuya nang makasalubong ko siya
pagkapasok ko.

Umawang ang aking bibig at bigla kong naisip na basa nga ako. Oo Kuya... Basang
basa ako ngayon.

"A-Ano... Nahulog ako sa pool area, Kuya... At nagpatuyo lang ako doon..." Nag-
iwas ako ng tingin sa kanya.

"Nahulog ka? Eh hindi marunong lumangoy. Marunong kana?" tanong niya pa at


nagkakasalubong ang kilay dahil sa aking hitsura.

Inayos ko ang aking buhok at umiling.

"Nawalan ako ng balanse sa may parteng 4 feet kuya... Nasa gilid kasi ako...
naglalakad..." alibi ko nalang na ikinakalma ng kanyang mukha.

"I'll tell Dad para makauwi kana rin. Magkakasakit ka niyan," aniya na
ikinatango ko at ngumiti nalang ng pilit.

Umuwi rin naman kami at iyon nga... Napagalitan ako ni Tita Brenda habang nasa
sasakyan kami. Suot ko na ngayon ang coat ni Papa para labanan ang lamig ng loob.

"My God Trace... You're a walking disaster. Buti at di ka nalunod doon!"


pagalit na sabi ni Tita at nararamdaman ko rin sa boses ang pag-aalala.

"Trace, anak. Bawal ka talagang mag-isa. Paano nalang kung sa 6 feet ka


nahulog? Wala kaming kaalam alam na lumulutang kana pala roon at wala nang malay,"
si Papa naman na nilingon pa ako sa likod.

"Sorry po..." tanging sambit ko at nilingon si French na tahimik sa aking


gilid, nakahalukipkip at nasa labas ng bintana ang tingin.

Tahimik lamang si French hanggang nasa bahay na kami. Ni hindi na ito nag
goodnight kay Papa at kay Tita Brenda at deri-deritso lang sa pag-akyat ng kuwarto.

"She doesn't like it. See Liam?" sabi pa ni Tita Brenda.

"She'll be fine. Ganyan rin naman noon si Brennan," si Papa naman.

Binalingan ako ni Tita Brenda. "Go to your room now Trace. Kausapin mo iyong
kapatid mo baka gusto non ng kausap," sabi niya na ikinatango ko.

"Sige po Tita. Uhm, Papa, akyat na po ako."

Tumango si Papa at kahit si Tita Brenda ay nginitian ko narin na tumango rin


naman saka ulit sila nag-usap tungkol sa nangyayari. Umakyat ako ng kuwarto saka ko
nadatnan si French sa aking kama, nakahiga roon at niyayakap ang aking unan. Ni
hindi pa ito bihis.

"Dad scold me kanina kasi I told him I'm not going to marry
a Chinese. What am I going to do?" tanong niya sa garalgal na boses at mukhang
maiiyak na ano mang oras.

"Ano bang sabi ni Papa?"

"He told me mag geget to know pa naman daw. Baka daw magustuhan ko and we'll
work-out." Bumangon siya at hinarap ako. "You know I don't like Jackson, Trace! And
you know what sino ang gusto niya, ikaw! Pinrangka ko siya. I told him I don't like
him and sabi niya di niya rin daw ako gusto. He likes you! That guy likes you!"

Nalaglag ang aking panga sa isiniwalat ni French sa akin. Natampal niya pa ang
kanyang noo at naitapon ulit ang sarili sa aking kama.

"I like someone else! I am ready for this naman noon pero iba na ngayon! I
already like someone else!" Pinagsisipa niya ang kanyang mga paa roon na kahit ang
iba kong unan ay nalaglag na.

Pinulot ko iyon at ibinalik sa kama. Wala akong masabi sa nalaman kong gusto
ako ni Jackson. Ang tanging pumapaibabaw sa akin ngayon ay ang nangyari kanina sa
kuwartong iyon.

"Uhm bihis lang muna ako, French..." paalam ko pero masyado na siyang busy
kakagalaw doon sa aking kama na akala mo ay inasinan.

Naghalfbath ako at nagbihis rin naman pagkatapos. Hiyang hiya kong tiningnan
ang pula kong panty ng oras na iyon. Ni minsan ay walang nakahawak sa akin doon.
Siya palang talaga... At hindi ko pa nararamdaman ang ganoong pakiramdam sa buong
buhay ko. Ngayon palang. At the age of 22 I got so turned on and aroused. Wow
Trace... Good for you. Di kana ignorante sa bagay na iyon!

Pagbalik ko sa aking kama ay kalmado na si French at iba na ang tingin sa akin.


Di ko alam kung may napapansin ba siyang kakaiba o ako lang itong guilty dahil alam
kong may nangyari kanina.

"Magbihis kana rin," sabi ko.


"Trace... Diba you don't like anyone else right now naman?" tanong niya bigla
na ikinakurap ko.

Wala nga ba? Si Israel... Pero di naman kami pwede. Ang pamilya naming dalawa
ay maggegyera lang. At ayoko rin. Iyong kanina... naging parte lamang iyon ng
makamundo kong pagnanasa at hindi ko napigilan ang sarili ko. Normal lang iyon
dahil rin sa ginagawa ni Israel.

Pero kaya ka nga bumigay dahil gusto mo. H'wag mong lokohin ang sarili mo,
Trace. Dahil kung hindi iyon si Israel, baka nga di ka sumama sa kuwarto at
hinayaan mo nalang na matuyo sa pool area.

"Wala naman." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at umupo sa kanyang gilid.

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking mga kamay. Minsan lang clingy
sa akin si French... Lalo na pag may hihilingin itong isang bagay...

"You know how much I like that guy, diba... Yung crush ko..." sabi niya sa akin
sa mga mata niyang nangingislap.

Tumango ako at kinakabahan na.


"Trace... Can you..." Mas tinitigan niya ako sa mga mata niyang namumungay at
mas humigpit ang kapit niya sa aking mga kamay. "Can you replace me?"

Parang tumindig ang aking balahibo sa aking buong katawan. Nakakabingi ang
hinihingi niyang pabor sa akin at hindi ko agad maipasok iyon sa aking utak.
"You'll both work out I'm sure of it unlike me! I like someone else and Jackson
likes someone else too! And ikaw pa 'yon! You don't like someone else right now
naman kaya baka pag nag get to know kayo ni Jackson ay mabilis kayong magwork-out
coz I'm sure he'll make you fall inlove with him! Eh ako... I'm not going to fall
na for him kasi I fell hard na sa ibang guy. Please Trace! Ngayon lang talaga ako
hihiling sa'yo. Please help me... Please!" Mas naging nakakaawa ang boses niya
habang ako naman itong gulat parin.

Ako... Ako ang gusto niyang magpakasal kat Jackson? Gusto


niyang palitan ko siya at ako ang makipagmabutihan sa lalakeng iyon? Pero...

"Please... I beg you, Trace. I'll do anything you say just please... help me. I
don't love him... Please..." Mas namungay pa ang kanyang mga mata at kitang kita ko
roon ang kinikimkim niyang mga luha.

Parang may mabigat na bagay ang pumatong sa aking balikat. Sa sobrang bigat ay
nagloosen na iyon at hirap pa akong huminga.

Isipin mong mabuti, Trace... Ang nangyari kanina, sigurado akong lalagyan iyon
ng malisya ni Israel. Iisipin niyang may nararamdaman ka para sa kanya at mas
mahihirapan kana naman kung naghabol ulit iyon. Kung tinanggap mo ang alok ni
French, pwede mo iyong gamitin laban kay Israel para tigilan kana. At pwede mo rin
iyong isangga sa sarili mo para matigil kana sa kahibangan mo dahil alam mong
maling mali na bumigay ka kay Israel.

Tulala ako ng ilang sigundo habang si French naman ay hinihintay ang magiging
sagot ko. Mariin akong pumikit at noong dumilat ako ay isang ngiti na ang
pinakawalan ko, kahit pilit.

"Sige..."
Nanlaki agad ang mga mata ni French. Sa sobra niyang tuwa ay niyakap niya agad
ako.

"Oh my gosh! You made me so happy oh my gosh! I love you!" sigaw niya at naout
balance pa kaming dalawa kaya napahiga kami.

Tumawa ako sa kanyang reaksyon kahit na kumikirot ang aking puso. Sana... Sana
hindi mo pagsisihan ito Trace... Baka sa kakatakbo mo palayo kay Israel ay mabuwal
kana at maabutan ka rin niya.

Pag nagkita ulit kami ni Israel... sasabihin ko agad na may fiancee na ako. S-
Siguro naman titigil na siya pag iyon ang sinabi ko? Hindi naman siguro iyon
magagalit... Sana nga.

"We'll tell this to Dad tomorrow ha! And please tell him na di kita pinilit,"
sabi niya pa habang hinuhubad ang kanyang long gown.

Tumango ako kay French.


"Sige. Sasabihin ko kay Papa na game ako at siguro... uhm, mag geget to know pa
naman siguro..."

"Sige! I'll tell Mommy rin para matulungan niya tayo to convince Daddy!"

Isang tango nalang ang naibigay kong sagot kay French dahil nagmamadali rin
itong magbihis na. Masyado na siyang masaya at hindi ko na iyon kaya pang putulin.

Labag sa loob ko at ayaw ko naman sana pero di ko rin matanggihan si French. Sa


dami ng mga nagawa niya sa akin, kahit anak ako sa labas, ay tinanggap niya parin
ako at tinuring na totoong kapatid kahit noong una ay iba ang pakikitungo ng Mommy
niya sa akin. Parang ito na ang tamang panahon na ibalik ko sa kanya ang kabutihang
ginawa niya sa akin. Kahit hindi niya naman pinapamukha sa akin na dapat ko talaga
iyong suklian pero iyon rin ang gusto ko. Utang na loob ko ito sa kanya.

At siguro... katulad ng sinabi ni Tita Brenda, balang araw ay mapapakinabangan


rin ako sa business. Kaya gusto ko ring makatulong sa kanila dahil tinanggap niya
ako kahit labag sa kanyang loob. Ni minsan, hindi niya ako sinaktan ng pisikal sa
bahay o pinagsalitaan ng masasama o tinaboy man lang. Naging maayos ang pakikitungo
ni Tita Brenda sa akin at minsan ay galing pa sa kanya ang iba kong mamahaling mga
sandals. Kahit ito man lang siguro Trace... Para naman masuklian mo ang kabutihan
ng Chua sa'yo.

Kaya habang kumakain kaming apat sa hapag sa umagang iyon, nagtitinginan na


kami ni French. Nagsisikuhan pa kaming dalawa kung sino ang mauunang magsalita.

"What's the matter girls? Kanina ko pa napapansin yang pagsisikuhan niyo..."


puna ni Tita Brenda at inilapag ang tasa.

Kahit si Daddy ay napatingin narin sa amin ni French. Ang dyaryong kanyang


hawak ay nailagay niya sa kanyang kandungan. Bumagal ang aking pagsubo habang si
French naman ay nailapag na ang kubyertos pabalik sa kanyang plato.

"Uhm, about last night... Mommy Daddy... Diba I'm going to


have a fiancee na?" tanong ni French sa dalawa na nagkatinginan naman agad.

"Well... Di pa naman agad magpapakasal, French. You're just going to know each
other and then pwede niyong pag-isipan kung kailan kayo magpapakasal," si Papa
naman.

Ngumuso si French at nilingon ako. Si Tita Brenda naman ay pinunasan na ng


table napkin ang kanyang labi pero nasa amin ang tingin.
"Diba kagabi sabi ko I don't want to marry anyone else kasi may gusto akong
iba?" mahinahong sabi ni French na ipinagsalubong agad ng kilay ni Papa.

"You know you can't back-out, French. Napagkasunduan na iyon at malaki ang
maitutulong nila sa pagpapalago sa ating negosyo. Their family can bring us to the
top! Ayaw mo ba ng mas maganda pang buhay?" tanong ni Papa.

"French, Chinese ba 'yan?" tanong bigla ni Tita Brenda sa kanya na ikinalunok


ng laway ni French.

"But I thought it's okay to like someone na hindi Chinese pag naikasal na si
Kuya Brennan. And he's already married! Bakit mapupunta na naman sa akin ang
pressure, Dad? Mom?" Kapwa nilingon ni French ang dalawa.

"But we can't lose this family, French! Marami silang connection at


makakabenefits tayo ng malaki. Napagkasunduan narin ng magulang niya lalo na't
gusto rin noong maipakasal sa isang Chua. And the best part here, they're Chinese
too," si Daddy.

"But Daddy, I am not the Chua he likes! Si Tracey! Not me! I asked him and...
and he confessed his feeling towards Tracey. He loves her, Dad!" si French na
umangat na ang boses sa hapag na kapwa ikinatigil ng mag-asawa.

Kunot-noong napatingin sa akin si Daddy. Mukhang hindi niya rin inaasahan ang
sinabi ni French. Kahit si Tita Brenda ay iba narin ang tingin sa akin.

"And Tracey doesn't like someone else naman. She told me... she told me last
night na gusto niya ring itry dahil baka magwork-out sila." Nilingon ako ni French
kaya ang kanilang mga mata ay nasa akin na.

Napalunok ako ng laway. Ang mga titig nila ay masyadong mabigat at kahit anong
timbang ko ay hindi ko talaga matansya.

"Is that true, Tracey? You... You want to try?" Curious na tanong ni Papa na
dahan dahan kong ikinatango.

"Opo Papa... G-Gusto ko rin po sanang makatulong sa business. K-Kahit sa


ganitong way po... Kasi alam ko importante ito para sa inyo," sagot ko na
ikinakurap ni Papa.

"Are you sure, Trace? I mean... that's a good idea." Ngumiti na si Tita Brenda
sa akin at mukhang nagustuhan ang aking sagot.

Tumango ako at ngumiti narin.


"Opo..."
"See! And di ko siya pinilit ha!" hirit pa ni French.

Nilingon siya ni Papa at tiningnan na ng makahulugan.

"So you're inlove with someone else, French? Is that a Chinese?" tanong ni Papa
at nagkakasalubong na ang kilay.

Hindi sumagot si French at napalingon pa sa akin.

"But the main topic here, Dad, payag si Trace and matutuloy yung kasunduan niyo
sa Family nila. Mas magwowork-out rin sila ni Trace kasi he already likes Tracey...
Eh ako, I don't like him Daddy! Bakit ako ang napili mo na ipakasal sa kanya?"
pambabaliktad agad ni French para malihis iyong topic.

"It's because his Mom told me his son likes you. But I will confirm if it's
Tracey. Baka nagkamali lang ang mommy niya kagabi," sabi pa ni Papa at inangat ang
hawak na tasa saka siya sumimsim ng kape roon.

Sumubo ako at hindi alam kung ano nang sasabihin. Si French


naman ay napangiti na at ganado na sa pagsubo. Malaki narin naman ako at para rin
naman ito sa future mo, Trace... Mabait naman si Jackson eh...

Umalis si Papa sa hapag at mukhang may kausap na sa phone. Naiwan naman kaming
tatlo at nakatuon agad sa amin ang atensyon ni Tita Brenda.

"French, admit it, di iyan Chinese?" Magkasalubong na ang kilay ni Tita Brenda
at mukhang pag mali ang sagot ni French ay magagalit agad ito.

Tumango si French nang dahan dahan.


"Yes Mommy... C-Can you help me kay Dad? Please kumbinsihin mo siya na h'wag
nalang Chinese iyong akin..."

"If Tracey marry the guy then maybe your Dad will let you to marry a stranger.
Ba't hindi mo muna ipakilala sa amin. Baka guwapo lang iyan kaya kinalolokohan mo.
Di nakakabusog ang tindig at kagwapuhan, French." Umismid si Tita Brenda at kitang
kita ang pagkakairita sa mukha.

"No, Mommy! He looks like rich naman! And yes, he's very guwapo. Iyon nga lang
he's not Chinese..."

May pagdududa ang mukha ni Tita Brenda pero wala nang sinabi. Spoiled naman si
French at sigurado akong makukuha niya rin ang gusto niyang hindi Chinese ang
pakasalan. Pero iyon nga lang... g-gusto rin ba siya ni Israel?

Binalingan ako ni Tita Brenda.


"Good decision, Trace. I hope you won't change your mind," seryoso niyang sabi.

"Hindi na po, Tita. I'm sure na po." Buong kasiguraduhan kong sabi.

"I know you're smart unlike this brat." Pinaningkitan agad ni Tita Brenda ng
mga mata si French nang nilingon niya ito na ngumuso naman agad. "You just turn
down a bright future, French. You know our culture. Ang Chinese ay para sa Chinese
at ngayon, ikaw pa mismo ang lalabag. What gotten into your mind!"

"Mommy! Falling inlove is inevitable ha! Di ko naman masisisi ang self ko kung
nahulog ako! And it's not my fault too if he's not Chinese. But Tracey agreed narin
naman ah? And that guy likes Tracey! Not me! So di talaga kami magwowork-out. I'm
sure nagkamali lang si Tita Lorraine kagabi," paliwanag ni French.

"How can you even be so sure if that guy likes you, you stupid. Ipakilala mo
muna sa amin ng Daddy mo. My God French. I can't believe you." Inis na kinuha ni
Tita Brenda ang kanyang pamaypay at pinaypayan ang kanyang sarili.

"I will okay! Pag may party ulit I'll bring him. I'll introduce him," buong
kasiguraduhang sabi ni French.

Huh? Pero paano kung hindi na ulit sila magkita ni Israel? Pati ako ay
kinakabahan sa pinaplano niyang imbitahan ito sa mga party. What if... What if
Israel will cause some trouble?

At bakit naman, Trace? Iyong nangyari sa inyo... sigurado akong parte lamang
iyon ng pagnanasa. Di naman iyon maiiwasan lalo na't nasa iisang kuwarto kayo.

Bumalik rin naman si Papa sa hapag. Nasa kanya agad ang tingin naming dalawa ni
French.

Ngumisi siya at nailing.


"Ah, si Tracey nga..." si Papa na naglalakad na papalapit dito.

Parang nahulog sa lupa ang aking puso at para akong nabuhusan ng tubig. Di kana
pwedeng umatras ngayon, Trace. Padalos dalos ka, ayan na ang resulta. Ikaw na
talaga ang ipagkakasundo.

"See! I told you!" Tuwang tuwa na sabi ni French at si Tita Brenda ay nailing
nalang.

"Don't worry Trace... You will get to know each other first."
"And you can't back-out," si Tita Brenda naman dahil mukhang nababasa sa aking
mukha na napipilitan lamang ako.

Tumango ako sa kanila at ngumiti.


"Di po," sagot ko na ikinatango ni Papa at ngumingiti na.

"Mabilis kausap si Tracey, Brenda. Parang ako lang... Nagdedesisyon para sa


ikakabuti ng lahat." Proud na sabi ni Papa habang umuupo na ulit. "I told you she
can help us someday. At heto na nga... she's helping us for our business." Hinaplos
ni Papa ang kamay ni Tita Brenda na ngayon ay tumango na.

"You know my reason why I don't like her from the start, Liam. You can't blame
me." Nagkibit pa si Tita saka ako nilingon.

"I understand po, Tita," sabi ko.


"Tracey has a common sense. Malawak naman mag-isip si Tracey," si Papa.

"Dad... H'wag ka ngang nagpaparinig sakin." Umirap pa si French.

Ngumisi si Papa at binalingan ni French na nagpapanggap na nagtatampo.

"Let me meet the guy you're talking about French. Kung akala mo ay nalusutan mo
na ako dahil si Tracey ang pumalit sa'yo, hindi. Tell him to bring his family."
"H-Huh? Agad agad Dad?" Gulat na tanong ni French.

Family? H-Huh? Pag nalaman rin ni Papa na ang pamilya nila Israel ang naging
dahilan ng pagkamatay ni Kuya Bram, magkakagulo! French naman... Please...

Paano ko ba siya mailalayo kay Israel? Pag ipinagpatuloy niya ito, mauungkat
lamang ang nakaraan.

"As soon as possible. Para kung hindi namin nagustuhan ng Mommy mo ay makahanap
pa kami ng nararapat para sa'yo," si Papa.

"You will like him, Daddy. That's an assurance."


"And are you sure he likes you, French?" si Tita Brenda naman.

Ngayon, alam ko na kung saan nagmana ang tabas ng dila ni Kuya Brennan. And si
French naman ay mana kay Papa na masayahin. Silang dalawa ni Kuya Bram ang nagmana
kay Papa.

"Of course, Mommy!" si French na siguradong sigurado.

Kabado ako sa kanilang topic. Pasimple nalang akong sumusubo ng maliit dahil
pakiramdam ko rin ay mabubulunan na ako ano mang oras at masasamid sa kanilang
harapan.

Di ko talaga gusto ang nangyayari. Parang mapapahamak lamang si French. At


ayoko namang pati siya ay idamay ni Israel. Alam ko ang lalakeng iyon...

Pero paano kung nagustuhan rin siya ni Israel? At paano kung pag pinakilala
siya ni French kay Papa at Tita Brenda ay magustuhan agad nila ito? Kung estado
lamang ang basehan, alam kong kayang kayang makipagsabayan ni Israel sa mga elite.
Kahit hindi ito Chinese, alam kong mayaman talaga sila at may ikakabuga sa
pakikipagsosyalan.
Kung ganoon, kung sakali man na tama ang mga iniisip ko... kaya ko ba siyang
harapin? Kaya ko ba silang makitang dalawa ni French? Iniisip ko pa lang... para na
akong mahihimatay. Tingnan natin kung hanggang saan iyang pagtatapang tapangan mo
Trace.

Baka sa huli, ikaw rin mismo ang umatras sa kasunduan. Ngayon palang ay mag-
empake kana dahil sigurado akong magagalit sila ng husto sa'yo.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 49

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Samantha Natalie Ceniza. Happy reading!
---------
Set-up
Sa mga nagdaang araw, para akong lutang at wala sa sarili. Sa kagustuhan kong
makatakas sa dilim, sa kagustuhan kong mapalayo sa kanya, heto ako, nakatakda na sa
lalakeng di ko naman mahal.

Paano ko tuturuan ang puso kong mahalin ang ibang tao kung hanggang ngayon ay
palagi parin akong bumabagsak sa isang lalake?

I sighed thinking about it. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng damit na maisusuot


mamayang gabi sa gala namin ni French. She wants to drink. Masaya siya at gusto
niya agad magcelebrate. Naalala ko pa ang sinabi niya kanina habang kumakain kaming
dalawa.

"If my crush is there... magcoconfess ako, Trace. Malayo pa ang klase. 1 month?
And Dad is pressuring me so I need to confess na."

Ganoon siya kasigurado sa kanyang damdamin. Gusto kong sabihin na h'wag nalang
dahil kilala ko iyon pero may parte sa akin ang takot na ibulgar sa kanya ang
pagkatao ni Israel. Ang gusto ko lang naman noong una ay maging estranghero kay
Israel pero di ko alam na aabot pala sa punto na magiging baliw si French sa kanya.

Di na talaga gumagana ng matino ang utak ko. Parang kinakalawang na sa loob


kaya kahit ano ano na ang nagagawa kong desisyon.

Ang hirap rin naman kasi...


Gusto ko sanang magsuot ng itim na kulay pero baka pag nakita ni Tita Brenda ay
mapagalitan rin ako. Para sa mga Chinese, malas ang itim. Ganoon ang tingin nila sa
kulay na iyon. Swerte ang pula pero malas ang itim. Nagdadala raw ito ng
kapahamakan. Napagtanto ko na masyado palang matatapang iyong mga taong mas gusto
ang itim.

Maingay ulit ang loob ng Club Echelon nang pumasok kami kinagabihan. 9pm palang
at may curfew kami hanggang 11 lang kaya maaga kaming pumunta.

Ang nakasanayang spot ng kanyang mga kaibigan ay natagpuan namin doon ni


French. Excited silang lahat sa dala dalang balita ng aking kapatid at heto ako,
natatangay ang mga mata sa paligid.
Mausok ang loob at malamig ang pagkakatama ng hangin sa aking balat. Ang tamis
na hatid ng paligid ay nakakaakit singhutin pero mas nakakatangay rin ang kantang
pumapaibabaw. Hindi pa gaanong blast ang tugtog noong dj sa may itaas pero may mga
sumasayaw rin naman. Nasa gilid lamang kami habang may mga nakalapag na inumin. VIP
ito habang iyong malapit naman sa may DJ ay parang malalaking stool lamang at doon
nakalagay ang inumin ng iilan. Tatayo ka lang roon habang ang iba ay nagsasayawan
na sa paligid.

Para akong natatangay ng musika. Gusto ko, kahit ngayon lang ay sumayaw ako
roon. Gusto kong alisin sa sistema ko ang mga alalahanin ko.

"Oh my gosh so Tracey has a fiancee na!" Nagugulantang na natakpan noong


kaibigan ni French ang kanyang bibig na kahit ang iilan ay gulat rin.

"Yes! And I am free na to like a stranger!" balita naman ni French na mas


ikinalaki ng kanilang mga mata.

"Really French?! I thought it's taboo!" iyong isa niya pang kaibigan na
nakahigh ponytail at sobrang iksi ng suot.

"Well... Mommy told me mas importante right now daw iyong pairing kay Tracey so
pag nagpakasal siya doon ibig sabihin wala na sa akin ang burden and baka pwede na
raw akong mamili ng hindi Chinese," paliwanag niya at hindi nabubura ang ngiti sa
labi.

Sinimsim ko ang inuming hawak at walang imik sa kanilang topic. Nagtitilian na


sila at niyuyugyog si French dahil sa kanyang ibinalita. Ang saklap naman nitong
napasok ko. Umaasa na sa akin si Papa at si Tita Brenda na hindi ko sila biguin
katulad ng ginawa ni French. At si French, umaasa narin sa akin. Sa dami ng aking
hawak, kahit na malapit ng mahulog ang iba dahil masyado na akong nabibigatan,
kahit na nangangalay na ako, wala akong choice kundi mas magpakatatag nalang.

"Shet, French! Nandito ulit siya! Oh my gosh he's following


you na naman!" May kung sinong itinuro ang kaibigan ni French na ikinalipad agad ng
kanilang mga mata sa may entrance.

Kahit dim at mausok, ganoon kalinaw ang mga mata nila pagdating kay Israel.

Sobrang lakas agad ng pintig ng aking puso. Natataranta na iyon sa aking loob
na kahit ako ay hindi na mapakali lalo na't mas umiingay sila lalo.

"I'm going to confess! I'm going to confess!" sigaw pa ni French sa mga


kaibigan kaya mas naging supportive ang mga ito at desidido ng papuntahin si Israel
dito.

Bago pa siya makarating sa lugar na kinaroroonan namin, tumayo na agad ako at


umalis doon. Sumiksik ako sa kumpol ng mga tao na sumasayaw at doon dumaan para
lamang hindi ko makasalubong si Israel.

Nanunubig ang aking mga mata at naiiyak ako sa isang bagay. Di ko kaya na
naroon ako at nagtapat si French. Di ko kayang marinig ang isasagot ni Israel.
Nakakalito. Sobrang nakakadismaya at bigong bigo ako. Para akong pumulot ng
malaking bato at pinukpok ang sarili kong ulo.

Pagdating ko sa restroom ay huminga agad ako ng malalim habang tinitignan ang


sarili ko sa malaking salamin. Ang aking natural na maalong buhok ay klaro ngayon
lalo na't nakalugay lamang ito.

Kumuha ako ng tissue at pinahiran ang nagbabadyang mga luha. Wala kang
karapatang umiyak Trace. Ikaw naman ang may gusto nito eh. Panindigan mo ang
desisyon mo.

"You left."
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa baritonong boses ng kung sinong pamilyar
sa akin. Napalingon agad ako sa may pinto at naroon siya nakasandal sa gilid habang
nakapamulsa suot ang itim na fit leather jacket, puting cotton shirt na panloob,
pants at itim na boots. Ang buhok niya agad ang aking natingnan dahil sa nakakaakit
nitong ayos saka rin naman ako nag-iwas ng tingin. Hindi ko natatagalan ang malalim
at madilim niyang mga mata. Kalmado lang naman ito.

"U-Uh... Maingay kasi doon..." Alibi ko habang naghuhugas ng aking kamay.

"That night Trace... You left." Pagkaklaro niya na ikinalunok ko dahil sa mga
alaalang nagbalik.

"A-Ah... Iyon ba..." Tumalikod ako sa kanya at humarap doon sa dryer ng kamay.
Naramdaman ko ang init noon at unti-unting pagkakatuyo ng dalawa kong mga palad.

Hindi siya nagsalita sa aking likuran kaya nilingon ko ito at naabutan pa ang
mga mata niyang malagkit ang tingin sa may banda kong pwetan. Hinila ko pababa ang
aking dress na ikinaangat ng kanyang kilay at mabilis rin naman akong tiningnan.

Bago pa man ito may sabihin ay lumabas na ako kaso ang pilyong ito ay humarang
bigla kaya nabangga agad ako sa kanyang dibdib.
Mabilis kong naamoy ang kanyang pabango. Tiningala ko agad ito. Kalmado lang
naman siya... Hindi galit.

"Did you drink?" tanong niya at nagawa pang ilapit ang kanyang mukha sa akin
para makalebel ako.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Ang puso ko... di na naman makalma. Naaalala
ko ang gabing iyon...

"Konti," sagot ko at dadaan na sana sa gilid para makalabas na kaso hinarang


niya lang ang bisig niya doon. Ngayon ay nakaharang na siya sa buong pintuan.

"Don't drink too much. Ayokong nalalasing ka at wala naman ako sa tabi mo—"

"Tabi, Israel," putol ko agad sa kanya at sinimangutan ito.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at mukhang walang balak sundin ang aking
sinabi.

"Ihahatid na kita pauwi—"

"Hindi pwede!" agap ko. Masyado na akong nafufrustrate at


nakuyom ko na ang mga kamay ko.

Naging malalim ang tingin niya sa akin. Dumidilim ang kanyang mga mata pero
kalmado parin naman.

"Lahat ba ng sasabihin ko ay salungat ang gagawin mo? Ganoon ka ba talaga


palagi, Trace?" he asked on a low yet deep voice.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin pero hinanap rin ng kanyang mga mata ang
akin. Napahigpit ang pagkakakapit ko sa straps ng aking slingbag. Nagkatitigan ulit
kami.

"Di na pwede iyang ginagawa mo sa'kin," seryoso at matapang kong sabi sa kanya.

Ngumisi lamang siya pero mas lalong naging madilim ang ekspresyon.

"I am not begging for it. Pwede kang tumanggi," aniya at nanunuya pa ang boses.

"Pwes, tumatanggi ako na ihatid mo ako at kung pwede, alis na."

"Why?" he chuckled but without any humor on it.

"Dahil..." Makahulugan ko siyang tiningnan. Ang kanyang mga mata ay nag-aabang


sa isasagot ko at hindi ko alam kung masisiyahan ba siya rito o ano.

"Dahil may fiancee na ako at hindi kana pwedeng lumapit-lapit sa akin—"

"Fiancee?" putol niya agad, ang isang kilay ay nakaarko na at dumidilim na lalo
ang mga mata.

Tumango ako, ramdam ang puso kong sinisira na ang aking ribcage sa loob.
Kinakabahan ako.

"Oo fiancee. Yung nakatakda mong pakasalan balang araw—"

"I know that word. Do you even love that person, Trace?" he growled at me and
step forward.

Mabilis akong napaatras sa takot. Nasa loob na siya at ang kanyang mukha ay
iritang irita na.

"H-Hindi na ako pwedeng magback-out. At... p-para naman iyon sa ikakabuti ng


pamilya ko. S-Sa ikakabuti ko..." sagot ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.

Kumuyom ang kanyang kamao nang malaglag ang aking mga mata roon. Ibinulsa niya
iyon at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Kung sasabihin kong h'wag mong pakasalan, pakakasalan mo diba? Ganoon ka


naman... ang mga sasabihin ko ay salungat ng gagawin mo," matabang niyang sabi at
wala sa akin ang mga mata.

Napayuko ako at nalaro ang aking mga daliri. Parang may punyal n sumaksak sa
aking dibdib kaya ganoon nalang iyon kung kumirot.

"Kahit lumuhod ako ngayon at magmakaawang h'wag mong pakasalan, papakasalan mo


diba?" he chuckled but without a humor on it. "Tangina yan..." saka niya nasuklay
paatras ang tanging hiblang nagrerebelde pabalik sa likod.

"Sinabi ko na sa'yo, iyon na ang huling magmamakaawa ako." Nailing siya at


tiningnan ako. Kalmado siya pero makikita mo ang tabang sa kanyang ekspresyon.

"Gawin mo ang gusto mo at magpakasaya ka. Sige, pakasalan mo." Tumalikod siya
at lumabas rin.

Ang tanging naiwan sa akin ay ang lamig at ang kirot sa loob. Nakuha mo na ang
gusto mo Trace, wala na talaga siyang pakialam. Napagod na siya sa'yo. Baka nga may
iba narin iyong gusto kaya ganoon nalang siya, nagpapaubaya nalang.

Galit siya at malinaw na malinaw iyon sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang


labi, halos habulin ko ang aking hininga at idagdag pa ang mga mata kong nanlalabo
na. Ano ba 'to... Ano ba!

Sa mabilis na pangyayari, nakita ko nalang ang sarili kong lumalabas ng cr na


iyon at mabilis ng tumatakbo palabas.

"Israel..." Iginala ko agad ang tingin. Gusto ko siyang habulin. Gusto kong
sabihin na...

"Israel!" sigaw ko ng malakas sa Bar na iyon kahit


imposibleng may makarinig sa akin dahil narin sa malakas na tugtog.

Halos ang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Lumabas ako ng entrance at hinanap
siya roon pero bigo ko siyang natagpuan. Ayokong ito na ang maging huli. Alam ko...
Mali... Hindi ko alam kung ba't ko siya hinahabol pero ayokong ito ang maging huli!
Gusto ko lang siyang habulin.

Bumalik ulit ako sa loob at nagbabakasakaling naroon siya. Naiiyak na ako at


gusto ko ng sabunutan ang aking sarili. Bakit ka pumayag sa kasunduang iyon, Trace!
Bakit!

"Trace! Where have you been? Pinapahanap ka ni French sakin. Let's go back na!"
Isa sa mga kaibigan ni French ang nakasalubong ko at ngayon ay hinihila na ang
aking pulso pabalik.

"Yung crush ng kapatid mo, they're already getting to know each other!"
pagmamalaki niya sa akin at ngumisi na ng matagumpay.

H-Huh? S-Si Israel?


Bago pa ako makapang-usisa, sa couch namin, nakita ko ang lalakeng hinabol ko.
Naroon, nakaupo katabi ng aking kapatid na nakaharap ng buo sa kanya.

Para akong nablangko bigla. Magkatabi sila at umiinom si Israel doon habang si
French ay aliw na aliw sa kanya.

"I found your sister na, French." Balita ni Maxinne na ikinalingon agad nilang
lahat sa akin.

Lumingon rin si Israel pero malamig na ang tingin at matabang. Nag-iwas rin
naman ito saka nilagok ang hawak na inumin.

"Trace come here dali! I'm going to introduce you."

Nanginginig ang aking tuhod at nanlalabo na ang aking mga mata. Bakit niya
naman lalapit-lapitan ang kapatid ko? Kanina lang... kanina lang doon sa cr galit
pa siya. Ganoon siya kabilis nagmove-on? Ganoon siya kabilis naghanap ng kapalit?

"Gusto ko ng umuwi," tanging sabi ko kay French na mabilis na napakurap.

"Huh? Why?" nagtatakang tanong ni French.

Lumagok ulit ng inumin si Israel. Nilingon ako pero saglit lang ulit. Para
akong isang estrangherong tao sa kanya.

"Wag muna, Trace. You're so kj." Iyong isa sa mga kaibigan ni French na
bumungisngis pa at napadpad agad ang tingin kay Israel.

"Mauuna nalang ako," sabi ko at nag-iwas na ng tingin.

"Huh? No! Wait... You're not feeling well ba? You look pale." Napatayo na si
French at nagtungo na sa aking harapan.

Sa kanyang likod, nakita ko ulit ang mga mata ni Israel na nasa akin na. Tumayo
narin ito at inilapag ang inumin. Ang mga kaibigan naman ni French ay nasakanya
lahat ang mga mata.

"G-Gusto ko ng umuwi," nanginginig ang boses ko at para na akong maiiyak ano


mang oras.

"Are you okay, Trace?" Hinawakan ni French ang aking braso.

Yumuko ako at pinunasan agad ang luhang nag-aambang malaglag. Sorry French
pero... pero di ko kayang maging masaya sa kasiyahan mo. Sorry kung di kita
masuportahan katulad ng suportang ibinibigay mo sa akin palagi.

"Sige uuwi na tayo. Gosh... Kanina ka pa ba not feeling well? You look so
pale," nag-aalala niyang sabi habang bumabalik siya sa couch para kunin ang bag
niya.

"Ihahatid ko na kayo," sabi ni Israel kay French na ikinatili naman agad ng


kanyang mga kaibigan.

"Really? You'll do that?" Namamanghang sabi ni French at kahit dito sa aking


kinatatayuan, nakikita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.

Tumango lamang si Israel at nilingon akong muli. Nag-iwas


ako ng tingin saka rin naman naunang tumalikod sa kanila. Huli na nga siguro ako.
Ito naman ang ginusto ko. Panindigan mo nalang ang kagagahan mo hanggang dulo,
Trace.

Tahimik lamang ako sa back seat habang si French naman ay nasa front seat. Nasa
labas lamang ang aking tingin at pilit na kinukurot ang aking mga daliri para hindi
na maiyak pa.

"Nahihilo ka, Trace?" tanong sa akin ni French at dinungaw ako rito.

Isang pilit na ngiti ang tangi kong naibigay saka ako umiling. Namataan ko pa
ang mga mata ni Israel sa ibabaw ng salamin, naninimbang.

Bumagal ang kanyang pagdadrive hanggang sa tumigil iyon. Napatingin kaming


dalawa sa kanya ni French at naghuhubad na ito ng leather jacket niya.

"Are you cold?" tanong bigla ni Israel habang nasa jacket parin ang tingin.

"Well, yeah... since ang nipis ng suot ko." Tumawa si French saka siya nilingon
ni Israel.

"Not you. Your sister is sick," paglilinaw ni Israel sa kanya na kahit ako ay
napakurap.

"Ah... I thought it's me," hilaw ang tawa ni French saka ako nilingon.

"Cold ka?" she asked me.

Bago pa makasagot ay inilahad na iyon ni Israel sa akin. Ang kanyang mga mata
ay makahulugan agad na pag tinanggihan ko iyon ay magsisisi talaga ako.

Tinanggap ko nalang iyon at sumambit ng mahinang pasasalamat. Sinuot ko iyon at


naamoy ko agad ang kanyang pabango na yumayakap narin sa akin. Nadatnan ko pa ang
mga mata ni Israel sa itaas ng salamin at nakatingin na sa jacket niyang suot ko.

Tahimik na ulit ako. Si French naman ay todo daldal na sa kanya sa harapan.


Kahit ano ano ang sinasabi nito at si Israel ay tatango lang o iiling. Ang tipid ng
kanyang mga sagot at mararamdaman ko talagang napipilitan lamang siya sa aking
kapatid.

Hindi ko nalang iyon inisip pa. Mukhang wala na talaga akong choice kundi
ipagpatuloy nalang ang plano ko. Total... mukhang si French narin ang
dinidiskartehan niya. Ayaw ko ng humadlang sa kasiyahan ng kapatid ko. Baka ito pa
ang dahilan ng pag-aaway naming dalawa. Ano namang mairarason ko? Na kilalang
kilala ko si Israel at alam kong hindi mabuti ang hangarin nito? Pero paano kung
mabuti pala? Paano kung kay French niya nalang ibinaling ang atensyon niya dahil
alam niyang masusuklian nito ang gusto ni Israel.

"Taga saan ka ba? Are you living on a luxurious condo unit?" si French na
kanina pa ito iniinterview.

"Bukid," tanging sagot ni Israel.


"Huh? Oh M G! Bukid! Like... Bukid!" Overeacting na sabi ni French.

Tanging tango lang ang naisagot ni Israel habang nagmamaneho gamit ang isang
kamay at ang mga mata ay nahuhuli ko sa itaas ng salamin.

"But you look rich naman ah. You have a car pa nga and the way you dress
yourself. And your watch, that's expensive ah!"

Ngumuso ako at itinuon ang tingin sa labas ng bahay. Kahit sa bukid lang sila,
hindi rin naman basta basta ang mga arian nila roon. Ang hacienda nila, ang mga
kapit, ang karangyaang tinatamasa. Sila nga lang ata iyong tagabukid na nagagawa
pang magbakasyon sa ibang bansa. Si Ate Rici nga ay puro mamahalin ang suot at
ngayon ko lang talaga nalaman ang mga halaga noon na hindi basta basta mabibili ng
ordinaryong tao.

Hindi iyon sinagot ni Israel at nagawa pang hinaan ang aircon saka ako muling
tiningnan kaya ang ginawa ko ay umusog ako at dumikit na sa may bintana para di
niya na ako matingnan pa. Narinig ko siyang mag tsss pero natakpan rin iyon ng
boses ni French na iba na ulit ang tanong.

"Si Tracey tagabukid rin noon eh diba mga poor ang nakatira doon—"

Natakpan ng malakas na kanta sa stereo ng kotse ni Israel ang boses ni French


dahil sa biglaang pagpapatugtog ni Israel. Sumimangot agad ako. Kahit kailan talaga
ang lalakeng ito mahahalata mong suplado at maldito. Di ko talaga iyan
maintindihan.

Pagkatapos niya kaming ihatid ay umalis rin naman ang kanyang kotse. Kaya buong
gabing iyon ay kilig na kilig si French at niyayakap na ako. Panay siya talon sa
loob ng aking kuwarto at hindi makapaniwala sa nangyari.

"Like bigla siyang tumabi sa akin, Trace! And then I confessed! Oh my gosh! I
can't believe this! Hinatid niya pa ako oh my gosh!" Nahawakan niya ang dalawa
niyang pisngi at nangingisay na sa pagkakaupo sa aking kama.

Nagtungo ako sa walk-in dahil wala rin akong masabi sa kanya. Hinabol ko pa si
Israel kanina... Tapos sa huli, nagtapat na pala si French sa kanya at tinabihan
niya pa. Naiinis ako sa kanya at naiinis ako sa sarili ko. Iyon ang nangingibabaw
sa akin.

"But I don't even know his name! Ang mysterious talaga non! Mas lalo akong
nafafall sa kanya! Kaso... kaso ba't tagabukid?! I'm sure he's rich! Paano pag
maturn-off sila Papa since hindi siya Chinese tapos hindi pa rich!"

Walang katapusan ang lintanya ni French sa gabing iyon. Wala rin naman akong
imik at itinulog nalang lahat ng aking mga alalahanin. Kumikirot lang ang aking
puso kakaisip sa mga nangyayari.

Sa mga nagdaang araw ay mukhang nagiging malapit na nga sila sa isa't isa. May
katawag pa si French palagi sa cellphone niya at palagi siyang kinikilig. Kahit ano
ano ang pinagdadaldal niya at di ko alam kung sumasagot rin ba ang kausap niya.

"Wait, pa CR ako ha. Dito muna ako sa kuwarto mo since marami akong kwento,"
sabi ni French sa akin at nagmamadaling nagtungo sa aking cr.

Sabado at hindi kami gumagala dahil sa nalalapit na namang malaking party. Ang
sabi ni Papa sa akin ay dapat ko raw iyong paghandaan dahil ipapakilala niya ako sa
parents ng fiancee ko lalo na't si French ang pinakilala noong huli. Malapit na
akong matali...

Tumunog bigla ang cellphone ni French na nasa kama ko lang. Tiningnan ko ang
sceeen noon at ang nakaphonebook na "Crush" na may kasama pang heart ang nakita ko.
Si Israel?

"Uh, French... Yung phone mo tumutunog!" Malakas kong sabi para marinig niya
iyon.

"Pakisagot, Trace! Tell him na nasa Cr pa ako. Kausapin mo muna," sabi niya.

Bigla akong kinabahan. Nag-aalangan pa akong damputin iyon pero sa huli ay


dinampot ko rin at sinagot.

"Uh... hello?"
Narinig ko ang mahinang mura sa kabilang linya. N-Nagalit ba siya dahil ako ang
sumagot! Eh sinabi ni French sa akin sagutin ko raw!

"Nasa cr pa si French. Mamaya ka nalang tumawag," sabi ko at sapo sapo na ang


dibdib na hindi ko na naman maawat.

"I'll just wait her," sabi niya sa baritonong boses na ikinanguso ko. Ang lamig
ng boses niya sa phone.

"Sige..." Akma ko na iyong ibababa nang magsalita siya.


"Or we can... talk?" suhestyon niya.

Ewan ko sa'yo.
"Kayo nalang ni French. Magagalit iyong fiancee ko," sabi ko at ibinaba agad
ang cellphone sa kama dahil rin kinakabahan akong marinig ang isasagot niya.
Ang sakit naman ng set-up na 'to.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 50

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Kristine Nolasco. Happy reading!
------------
Checkmate
"Dumating na ang mga gowns niyo, girls. Come and check it," si Tita Brenda iyon
sa umaga ng Linggo.

Mabilis naman kaming bumaba ni French para makita iyong susuotin namin this
coming Tuesday.

"Oh gosh! Ang pretty Mommy!" Gulat na gulat na sabi ni French nang makababa na
kami ng tuluyan.

"Look at yours, Trace," sabi ni Tita Brenda sa akin kaya inangat ko rin iyong
nakaplastic na gown.

Kuminang agad ang aking mga mata sa kulay at desinyo noong akin. Tube part iyon
at sa ibaba ay lace nalang. Kulay nude ito at sa dibdib ay parang may mga beads at
ang desinyo sa may parteng dibdib ay mga bulaklak. Masyadong maganda at masyado
iyong elegante.

"This is too much..." bulong ko na na ikinangisi lang ni Tita Brenda.

"For having a filthy rich fiancee, that's normal, Trace," aniya.

Ngumuso naman agad si French.

"I'm fine with mine. Purket umurong ako inispoil niyo na ng super si Trace,"
pabirong umirap si French na ikinatawa ko.

"Ano nagsisisi kana? Sige swap kayo Trace para siya ulit ang ipapakilalang
fiancee." Kinuha pa sa akin ni Tita Brenda iyong gown ko at inilahad kay French na
umatras naman agad.

"I am not complaining ha! My gown is nice rin naman and I am pretty Mommy.
Madadala ko parin ito ng maayos 'no. And besides..." Pilyang ngumiti si French.
"Naimbitahan ko na iyong guy na ipapakilala ko sa inyo. He's coming!" Nayakap ni
French ang kanyang gown at umikot ikot na sa sala.
Ngumuso ako at kinabahan agad habang si Tita Brenda naman ay nailing.

Inimbitahan niya talaga si Israel... A-At sa araw pa na ipapakilala ako roon sa


magiging fiancee ko? Hindi kaya ay sinadya ng lalakeng iyon na lapit-lapitan si
French para makapasok siya sa party? Para magkaroon siya ng imbitasyon? God... Kung
tama man itong pinag-iisip ko, pakiramdam ko ay malaking gulo ito mamaya.

Lumapit si Tita Brenda sa akin at itinapat iyong gown ko. Tumango tango pa siya
at nakontento sa kanyang nakikita.

"H'wag mo kaming biguin ng Papa mo, Trace. We're counting on you..." sabi niya
sa akin at mukhang warning iyon na dapat ay umayon sa kanilang gusto ang kilos ko
sa party na paparating.

Tumango ako kahit na may parte sa akin ang kinakabahan. Alam ko na tuwing
nandiyan si Israel ay napapahamak ako. Hindi ako pwedeng magkamali sa kutob ko.
Israel is up to something... At kung ano man iyon, alam kong hindi iyon magandang
ediya. Ginamit niya ba si French para makapasok sa buhay ko?

Israel... just this once, stop being a devil. Stop shading me with your
cruelty!

Kaya noong dumating na ang araw na pinakahihintay naming lahat, umaga palang ay
hindi na ako mapakali. Imbes magmukhang blooming, naistress ako sa pinag-iisip ko!
Ayokong biguin si Papa at si Tita Brenda. Ayokong ako ang maging rason para masira
ang party na iyon dahil lamang may lalakeng nasisiraan na ng bait at di ko mabasa
kung ano na naman ang pakana.

Ipinagdasal ko talaga na sana ay nasa mabuting kondisyon si Israel at mag-aasal


tao sa party na iyon. Alam ko namang tuso siya, pero iyong sirain niya ang
kasiyahan, doon na talaga ako hindi makakapayag.

"Okay ka lang? Masyadong tense ang mukha mo. Relax ka muna," sabi noong make-up
artist na kanina pa siguro napapansin na iba ang timpla ng aking mukha.

Sinunod ko ang kanyang sinabi at kinalma muna ang


ekspresyon. Itinuon ko ang aking tingin sa ibaba at napisil ang aking mga kamay
habang nakaupo ako at inaayusan.

Wala rito si French at nasa kuwarto niya. Doon siya inaayusan at dito naman ako
sa aking kuwarto.

"Half Chinese ka?" tanong niya bigla sa akin nang mapadpad na siya sa parteng
mata ko sa pagmimake-up.
Tumango ako at tipid na napangiti. Niyakap ko ang robang suot habang
pinapakiramdaman ang ginagawa niya sa aking mukha.

"Ah... Kaya pala hindi ka gaanong singkit hindi gaya noong isa mong kapatid.
Edi ibig sabihin half sister mo 'yon?" tanong niyang muli.

Tumango naman ako.


"Ah... May iba ka pang halo? Chinese? Espanyol? Ang ganda ganda at ang amo ng
mukha mo. Iyong isa kasi ang taray taray tingnan."

"Di ko po alam eh," sagot ko.


Medyo nabura ang pinag-iisip ko tungkol kay Israel dahil sa pakikipag-usap ko
sa make-up artist. Kahit saan saan iyon napapadpad at napunta pa kay Tita Brenda na
supladang suplada raw at nakakatakot. Natanong niya pa nga sa akin kung mabait ba
sa akin kaya sinabi ko namang oo. Mabait si Tita Brenda, sadyang nakakaintimidate
lang talaga ang mga mata ng mga Chinese.

Ang aking buhok ay nakabun na ngayon at may ilang strands na nalalaglag pero
kulot na. Noong sinukat ko na ang aking gown ay pumalakpak agad ang hairstylist at
niligo na naman ako ng papuri. Gusto kong matuwa pero hindi ko parin nasisipa
paalis ang takot sa mangyayari maya maya.

"Magpicture nga tayo! Nakakaproud at ako ang nagmake-up sa'yo!" sabi noong
make-up artist at natataranta ng kinuha ang kanyang cellphone.

Tumawa ako at tumango. Nakipagpicture nga ito sa akin. Kadalasan sa mga make-up
artist na inaayusan ako ay nagpapapicture talaga at pinopost iyon sa kanilang IG
account. Kaya rin siguro nadadagdagan ang aking followers doon kahit na wala naman
akong circle of friends at si French lang itong close ko talaga.

Noong makalabas ako ng aking kuwarto ay umikot agad si French sa aking harapan
at inilagay ang kanyang kamay sa gilid ng kanyang beywang habang pilyang
ngumingisi. Maganda ang kanyang gown at kulay gray iyon. Sa likod noon ay backless
pero nakalugay naman ang tuwid niyang buhok at may mga hairpins siya sa bawat gilid
ng kanyang buhok.

"I'm sure pag nakita niya ako, malalaglag ang panga non!" Bumungisngis si
French habang pababa kami sa enggrandeng hagdan.

Isang ngiting hilaw ang tangi kong naisagot at walang masabi. Namimilipit na
agad ang aking tiyan kahit wala naman siyang binabanggit na pangalan ay mabilis
agad ang kalabog ng aking puso.

Pinuri rin ako ni Papa nang makita ako. Kahit si Tita Brenda, na wala namang
sinabi at tumango lang, naiintindihan ko agad na gusto niya ang ayos ko.
Mga bandang 6 na noong dumating kami sa five star hotel kung saan gaganapin
iyong party. Katulad ng aking nakasanayan ay ngumiti ako sa mga flash ng camera
habang papasok kami. Sigurado akong marami na namang elite sa party mamaya at may
mga makakahalubilo na naman kaming bago sa aming mga mata.

"Don't go anywhere, Trace," sabi sa akin ni Papa nang makapasok na kami sa


mismong hall.

Tumango ako sa amang nakatuxedo at may suot na glasses. Sa gilid niya naman ay
si Tita Brenda na naninimbang ang mga mata sa akin at masyadong elegante sa
kumikinang niyang long silver gown. Ang buhok nito ay naka high ponytail at may
hawak na maliit na purse habang ang kamay ni Papa ay nasa kanyang likod.

"We'll call you later," si Tita Brenda.

"We're not going anywhere. Chill kayo." Tumawa pa si French at iginala rin ang
mga mata.

"Behave girls." Huling habilin ni Papa bago niya tuluyang iginiya si Tita
Brenda sa mga kakilala nila.

Hinila naman agad ako ni French doon sa mga nakalatag na pagkain. Binuksan niya
ang iba roon at sinilip ang laman. Napansin ko pa ang pagtingin noong waiter sa
akin na nakabantay lamang doon para iaccomodate ang mga lumalapit para kumain.

"What time kaya iyon dadating?" Out of nowhere na tanong ni French at napadpad
na sa matatamis na desserts.

Pinasadahan niya lang iyon ng tingin pero wala naman siyang kinukuha ni isa.
Noong may dumaan na waiter at may dalang wines ay iyon ang kinuha namin ni French.

"I like her gown but her ugly face doesn't match her elegant look," biglang
sabi ni French ay may tinitingnan na kaya tiningnan ko narin iyon.

Maganda naman iyong babae pero mukhang problemado lang talaga kaya siguro
ganoon ang kanyang mukha, mukhang stress.

Panay ang gala ng mga mata ni French kahit noong nakaupo na kami sa two seated
table. Sa bawat nadadaanan ng kanyang mga mata ay pinupuna niya agad. Siguro ay
hinihintay niya rin si Israel habang ako naman itong nananalanging huwag nalang
iyong pumunta.

"Your mother in law is here na, Trace! Ayun oh!" Itinuro niya ang babaeng
masyadong maganda at elegante sa suot na champagne gown. Naka high ponytail ang
buhok noon at mapapansin talaga ang singkit niyang mga mata.

Napalunok ako lalo na't ang kanyang destinasyon ay patungo na sa kinaroroonan


nila Papa.

Kahit malamig ang loob at napakarelaxing noong tumutugtog na pianist, para


namang may tambol sa aking loob at hindi na makalma. Hindi magsink-in sa aking utak
na ngayon na ako ipapakilala.

Napalingon ako sa table nila Papa habang si French naman ay panay parin ang
paggala ng kanyang mga mata.

Nagbungguan na ng pisngi si Tita Brenda at iyong Mommy ni Jackson. Pinaghila pa


ito ng upuan ni Papa at may kung ano siyang sinabi saka sila nagtawanan. Sa
malaking mesa na iyon, marami ang nakaupo at mukhang ang iba ay kasosyo lang rin ni
Papa at mga kaibigan niya na.

Napadpad naman ang mga mata ni Tita Brenda sa akin kaya sinenyasan niya ako na
lumapit kaming dalawa roon ni French.

Ibinalik ko ang tingin kay French na hindi parin makalma ang mga matang
gumagala.

"Pinapapunta ata tayo roon ni Tita Brenda," sabi ko sa kanya.

"Huh? Ako rin?" Itinuro niya ang kanyang sarili na ikinatango ko.

Ngumuso siya at iginala saglit ang mga mata saka rin ibinalik sa akin at tumayo
na.

"Okay... Maybe later pa 'yun dadating," sabi niya.

Sana nga h'wag nalang dumating...


Nagtungo rin naman kaming dalawa roon.

"So here's my another daughter, Tracey Adjeanne..." Pagpapakilala agad ni Papa


sa akin nang makalapit na ako roon.

Ngumiti sa akin ang babae at halata agad ang pagkamangha sa kanyang mukha.

"Oh... So ikaw pala iyong tinutukoy ng anak ko." Tumawa ito ng marahan at
masyadong malambing ang boses.

"Hi po..." Lumapit ako sa kanya at nakipagbeso beso. Naamoy ko kaagad ang
matamis niyang pabango.

"Nice to meet you. I am Lorraine Breech but you can call me Tita Breech," aniya
nang lumayo na ako ng kaonti.

"Breech is too young for you, Lorraine," si Papa at


humalakhak na.

"Kaya nga, Liam. I want to sound young dahil mukhang malapit na akong maging
lola..." Tumawa narin ito na kahit si Tita Brenda ay ngumisi.

Umupo narin naman kaming dalawa ni French. Si Papa ang nasa dulo ng mesa, si
Tita Brenda na nasa kanang bahagi, si French na katabi niya, ako at dalawa pang
bakanteng upuan saka sumunod iyong lalakeng kaedad ni Papa at nakatuxedo, sa dulo
ay babaeng kaedad ni Tita Brenda, sa kaliwang bahagi naman ay si Tita Breech,
tatlong bakanteng upuan at lalakeng nakatuxedo rin, saka iyong katabi niyang babae
na asawa siguro nito.

Hindi ako nakakarelate sa kanilang topic kaya itinuon ko ang aking mga mata sa
inilapag na inumin sa aking harapan. Si French ay panay parin gala ang mga mata.

Maya maya ay dumating rin naman si Kuya kasama ang kanyang asawa. Tumabi sa
akin si Kuya at nasa kanyang tabi naman iyong babae niya.

"Umurong pala si French at ikaw raw ang pumalit. Nagpauto ka sa maarte mong
kapatid?" tanong sa akin ni Kuya Brennan at guwapong guwapo sa suot na tuxedo kahit
nangingibabaw ang kasupladuhan.

"Anong 'mong kapatid'. I'm your sister rin ah!" singit ni French nang marinig
niya ang sinabi ni Kuya Brennan saka siya umirap.

"Hindi 'no. Gusto ko ring tumulong sa business, Kuya..." Ngumuso ako at sinipat
ng tingin ang babae niya.

Hindi na ito sumagot at nakatuon na ang buong atensyon sa kasama. Itinuon ko


naman ang tingin kay Papa na kausap parin si Tita Lorraine.

"Where's your son? Wala pa ata..." si Papa.

"Oh, he's here already. Baka maya maya papasok na 'yon," sagot nito at
tiningnan pa ako kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Nagpaalam akong magcr muna. Para akong matatae kahit hindi naman at masyadong
hinuhukay ang aking tiyan dahil sa kaba. Magwowork-out ba kami ni Jackson? Paano
kung... b-bigla kong umurong mamaya? Makakaurong pa ba ako? Trace naman! Ngayon ka
pa naduwag eh nagtatapang tapangan ka! Kailangan mo itong panindigan!

Pagbalik ko sa loob ay nakasalubong ko pa papasok si Jackson. Ang kanyang


tingin ay mabilis na lumipad sa akin at huminto pa ito. Tiningnan ko ng mabuti si
Jax. Okay naman ito... Guwapo at maaliwalas ang mukha. Ang kanyang buhok ay
nakasuklay na naman paatras at medyo supladong tingnan dahil sa singkit na mga
mata.

"Uhm, alam mo na, na nagback-out si French at ako ang pumalit?" tanong ko sa


kanya.

Tumango siya at titig na titig sa akin.

"May sinabi bang iba si French sa'yo? Did she told you that... I like you?"
seryoso niyang tanong na ikinatango kong muli.

Suminghap siya at naibulsa ang mga kamay.

"That brat." Nailing si Jax habang kagat kagat ang labi at namumula ang pisngi.
Ni hindi na ito makatingin ng maayos sa akin.

"Siguro ano... magwowork-out naman tayo..."

Nagulat siya sa aking sinabi. Ang kanyang mukha ay mas lalo pang namula kahit
supladong suplado na iyon.

"Ang sabi ni French sa akin ay hindi kami magwowork-out at ngayon, sinasabi mo


sa aking magwowork-out tayo. Ibig sabihin... gusto mo ako?" Paglilinaw niya.

Lumunok ako at hindi agad makasagot. Ano naman ang sasabihin ko? Na napilitan
lamang ako rito dahil parte ito ng business? Na mahalaga ito sa aming pamilya?

May sasabihin pa sana ako nang makita ko ang pagsenyas ni Papa na pumunta na
ako roon. Kahit ang Papa ni Jackson ay naroon narin at mukhang kami nalang dalawa
ang hinihintay.

Nagtungo kaming dalawa roon habang si Jackson ay nahihimas


na ang kanyang batok.

"Nakilala ko narin kasi kanina ang Mommy mo eh... Ang sabi niya, tawagin ko raw
siyang Tita Breech." Marahan pa akong tumawa habang malapit na kami sa lamesa.

Napalingon agad si Jackson sa akin at magkasalubong na ang kanyang kilay.


"Si Mommy?"
Tumango ako bago kami maghiwalay dalawa.

"But how did you meet my Mom when she's already dead, Trace? Ang weird niyong
magkapatid." Gulat niyang sabi sa akin bago umikot sa kinaroroonan ng kanyang ama.

Parang tumindig ang aking balahibo at hindi ko agad naproseso sa aking utak ang
sinabi ni Jax. H-Huh? H-Hindi niya Mommy si Tita Lorraine?

Umupo na si Jackson at may bakante pa nga sa tabi ni Tita Lorraine. Si Papa


naman ay sinenyasan na akong umupo narin. Para akong lumulutang sa ere at
binabagabag ng sinabi ni Jackson. A-Anong... Huh? Naguguluhan ako.

Kung hindi si Jackson ang anak nito, kung ganoon... sino?

"So where's your son?" tanong ni Papa at mukhang gusto naring masagot ang aking
tanong.

"Huh? Diba it's Jackson?" bulong narin ni French sa akin nang marinig ang
tanong nito.

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay pa naming tiningnan si Jackson na kunot-


noo rin kaming tiningnan. Umiling siya sa amin na akala mo ay nababasa niya ang
aming iniisip. Mali ang akala naming dalawa ni French all this time!

"Oh here's my son," si Tita Lorraine at may tinitingnan na sa may entrance kaya
lumipad agad ang aking mga mata roon.

Ganoon nalang ang pagkakagulantang ko nang makita ko si Israel, nakatuxedo


habang itim ang panloob, itim na slacks, itim na sapatos habang nakapamulsa at may
iilang kumpol ng kanyang buhok ang nalalaglag sa kanyang noo. A-Anong... S-Si
Israel? Ano?!

"No way..." Hindi makapaniwalang sambit ni French at gulat na gulat narin.

Tuluyang nakarating si Israel sa aming harapan na kahit ang aming mga mata ay
hindi namin maalis alis sa kanya.

"Liam, Brenda, this is my son Israel..." Pagpapakilala ni Tita Lorraine na


sabay na ikinalaglag ng panga namin ni French.

A-Ano?
Chinese si Israel? Imposible! Ang alam ko, hindi sila Chinese.
"Masyado kayong nagpapahalata. Itikom niyo yang mga bibig niyo mga marurupok."
Saway pa sa amin ni Kuya Brennan dahil sa reaksyon namin ni French kay Israel.

"Pero hindi siya Chinese," sabay naming sabi ni French at kapwa pa nagugulat.

Napatingin sila sa amin. Si Papa ay napakurap na kahit si Israel ay natuon


narin ang madilim na mga mata sa akin.

"What do you mean, girls?" nagtatakang tanong ni Papa sa amin. "Kilala niyo ang
anak ni Lorraine?"

Natutop ko agad ang aking bibig habang si French naman ay hindi parin makalma
ang ekspresyon. We both  look epic!

"Im a half blood Chinese." Matagumpay na ngumisi si Israel ng malademonyo na


ikinatayo ng aking mga balahibo. Ipinaparating sa akin ng ngisi na iyon na nanalo
na naman ito sa isang bagay at nakuha niya na naman ang kanyang gusto sa kanyang
paraan.

Oh God...

"I am a pure Chinese, hija, and Israel's father is not. So half chinese ang
anak ko," paliwanag naman ni Tita Breech, ang Mommy nito.

May dugo siyang Chinese... Katulad ko... Gosh!

"Wait... What?! Pero akala ko si Jackson..." nagugulantang na sabi ni French.

"She's not my Mom, French," tanging sagot ni Jackson at hindi na ipinaliwanag


pa ang totoo dahil alam kong malas ang pagbabanggit ng kamatayan ng isang tao sa
mahalagang okasyon.

"Ibig sabihin... he was suppose to be fiancee?" French asked me in disbelief.

"Sshh, French," saway ni Tita Brenda sa kanya dahil sa pag-iingay nito.

"I can't believe this!" halos frustrated na sabi ni French sa kanyang upuan sa
mahinang boses.

At ako... Ako ngayon ang fiancee na ni Israel ganoon ba? Totoo ba ang
nangyayari? Kahit pala takbuhan ko si Israel sa pamamagitan ng pagpayag sa isang
kasunduan, hindi ko parin pala ito matatakasan ng buo!
"Trace... Come here, sweetie," tawag sa akin ni Papa na ikinalunok ko na.

Tumayo ako na kahit si Israel ay sinundan ako gamit sa kanyang mga mata. Si
French naman ay lukot na lukot ang ekspresyon at mukhang gustong magsalita pero
sinasaway siya ni Tita Brenda na kahit si Kuya ay matalim na ang tingin kay French.

"So this is my daughter, Tracey Adjeanne. I hope both of you will get to know
each other very well..." Pagpapakilala sa akin ni Papa sa lalakeng ngumunguso na sa
aking harapan at nagpipigil pang ngumiti! Anong ginawa mo, Israel!

"Nice to meet you." Inilahad sa akin ni Israel ang kanyang kamay.

Nagdalawang-isip pa akong tanggapin iyon pero dahil narin sa mga mata nilang
nakatuon sa akin ay tinanggap ko rin iyon.

Imbes makipagkamay, iniangat iyon ni Israel at hinagkan ang likod ng aking


palad. His deep brown eyes stared at me intently while kissing— no, scratching his
teeth on my hand purposely! Kinakagat niya iyon sa marahan at pasimpleng paraan!

Mabilis ko iyong binawi sa kanya at isang tipid na ngiti ang naibigay. Si


Israel naman ay kagat kagat pa ang pang-ibabang labi at pilyo parin ang ngising
pinipigilan niya lang ng husto.

Para na akong mahihilo sa nalaman ko. Si Israel... Ang umaaktong galit na galit
dahil nalamang may fiancee ako, ay nagapapanggap lamang! Pero ba't niya nilapit-
lapitan si French kung fiancee ko pala siya?

"Papa, c-can I go to the restroom?" Binalingan ko ang ama kong ngumingiti na.

"Oh? Sure Trace..."


"Son," tawag naman ni Tita Lorraine kay Israel na tumango rin.

"I'll come with you," sabi ni Israel sa akin at may pinaparating na ang tingin.

"Mabuti pa nga, hijo. The last time she went out, nahulog iyan sa pool." si
Tita Brenda naman.

"4 feet," si Kuya Brennan pa at ginagatungan.

Namula ang aking pisngi lalo na't nagtatawanan na sila. Hindi sila
makapaniwalang ganoon ako katanga sa edad kong ganito. Eh may biglang sumipol sipol
sa likod!
Ngumuso si Israel at nagpipigil na namang ngumiti dahil naroon siya noong araw
na iyon!

"4 feet pala?" malisyosong tanong ni Israel sa akin at sumisimple!

Nag-excuse na agad ako sa matatanda saka ako nagmadaling umalis. Nakasunod


naman si Israel sa akin.

Deri-deritso ang aking hakbang at hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Gusto
ko lang lumayo kay Israel.

Sumipol si Israel na ikinatigil ko. Huminto ako at nilingon itong may


itinuturong ibang daan.

"I think that's the girls restroom," aniya, kalmado ang ekspresyon at umaaktong
normal lang ang lahat.

Naningkit agad ang aking mga mata sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin
ko sa lalakeng ito.

"Half Chinese ka?" Di makapaniwala kong tanong.

"My Mom is a pure blood Chinese Trace. Kaya uso ang fix marriage sa amin. Si
Adiane, ang isa sa mga kapatid ko ay ipinagkasundo rin at si Rici... may
ipinagkasundo lang sa kanya. Nasa kultura iyon ng mga Chinese."

Nanindig agad ang aking balahibo. Alam kong nakafix marriage ang mga kapatid
niya pero iyong dahil pure Chinese ang kanilang ina ay hindi ko alam! Gosh...

Ngumisi siya ng malademonyo at humakbang palapit sa akin. Nanigas ako sa aking


kinatatayuan. Wala akong masabi sa pakulo niya.

"How was my acting? Pwede na ba akong mag-artista?" he asked me with an evil


smirk on his lips.

Nalaglag ang aking panga. I-Ibig sabihin... lahat... iyong mga inakto niya
noong sinabi kong may fiancee ako... p-pakulo niya lang?

"When I said I'm going to stop begging you... I mean it. You know what Trace?
The more you ran away from me... the more I crave to be with you." Hinaplos niya
ang aking pisngi at hinawakan ang aking baba saka niya inilebel ang mukha niya sa
akin, ang isang kamay ay nakabulsa at mas lalo lamang naging pilyo ang kanyang
malademonyong ngisi.

"Tuso ang pamilya ko pero mas tuso ako. Makakatakbo ka lang pero di ka
makakalayo," bulong niya halos sa aking labi sa nanunuya niyang boses.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at kusa akong nanigas sa aking


kinatatayuan. Ang lalakeng akala ko ay manggugulo sa party, ang lalakeng akala ko
ay walang kaalam alam sa mga nangyayari, ang buong akala kong huminto na at
hinahayaan nalang ako ay may mas malaki na palang patibong sa akin. Ang tuso mo
nga, Israel. Napakatuso... Sobra mo akong nalinlang.

"You clicked on my bait... CHECKMATE."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 51

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Virginia Filaflor S. Baroman
------------
Warning: SPG.
Markado Na Kita

Hindi ko alam kung paano irerehistro sa aking utak ang mga sinabi ni Israel.
Ang lahat lahat ng nangyayari ay hindi kapani-paniwala. Pilit kong pinapagising ang
aking sarili pero kahit anong kurot ko sa aking mga daliri ay ramdam na ramdam ko
ang sakit at ang sampal ng katotohanang totoo nga ang lahat ng ito.

"Kung ganoon... B-Ba't mo pa dinamay si French? Ba't ka lumapit lapit sa kanya,


Israel?"

"Baka bigla ka nalang umurong sa kasunduan kaya sinigurado kong hindi rin
papayag si French sa kasunduan. And let's just say she's my bait if you tried to
push me away from you again..." pag-amin niya na ikinaliit ng aking mga mata.

"Pati ang kapatid ko... pati si French ay ginamit mo para lang masunod ang
gusto mo."

"I can use all my damn cards just to win you, Trace. Walang mamamagitan sa
ating dalawa at lahat ng hahadlang ay sasagasaan ko," matigas niyang sabi.

Napaatras ako at umiling sa kanya.


"Nababaliw kana..."

He just smirked evilly. The kind of smile he flashes everytime he win over me.

"Sa sobrang katigasan ng ulo mo, sa huli ay sa akin parin pala ang bagsak mo,"
nanunuya niyang sabi at ipinapamukha talagang nalinlang niya ako sa araw na ito.
Nailing nalang ako at naglakad palayo.

"Where are you going?" Hinila niya ako bigla kaya mabilis ko itong itinulak.
Nagulat siya roon lalo na nang makita ang aking ekspresyon.

"Mag-aaway kami ni French dahil sa ginagawa mo! Guguluhin mo na naman ang buhay
ko!" singhal ko at hindi na nakaya ang emosyong nararamdaman. Di ako makapaniwalang
ganito siya katuso. Ganito kamapanglinlang! Akala ko huli na iyong noon, iyong
nangyari kay Kuya... Akala ko tapos na at nakawala na ako. Pero heto na naman.

"Bakit ba iniisip mo ang sasabihin ng iba? How about us Trace—"

"Walang tayo, Israel! Matagal ng walang tayo at kahit ipilit nating dalawa,
walang tayo!" putol ko at tinalikuran ulit siya.

Mas binilisan ko ang paglalakad at idagdag pa ang gown kong sumasayad kaya
kailangan ko itong hawakan para mas makatakbo ako ng maayos.

Nakarating ako sa lobby. Paglingon ko, nakasunod parin ito sa akin kaya mabilis
akong lumabas pero ang sumalubong agad sa akin ay ang patak ng malalaking ulan.
Ilang sandali lamang ay bumuhos na iyon at mukhang pinipigilan ako sa aking plano.

"Trace!" sigaw ni Israel nang makita akong nasa labas na.

Humugot ako ng hininga at tumakbo palabas. Kung pwedeng umuwi nalang ako at
magtaxi ay gagawin ko. Naiinis ako sa nangyayari. Ayoko na itong harapin pa.

Mabilis kong naramdaman ang lamig ng ulan at ang tuluyan kong pagkabasa.
Bumibigat na ang aking suot at hindi na ako nakakatakbo ng maayos. Ilang sandali
lamang ay nahila na ako ng malakas.

"What are you thinking? Umuulan?!" Galit niyang sabi sa akin at hinila ako
pabalik.

Nagpumiglas ako. Itinulak ko siya ng ubod lakas hanggang tuluyan niya akong
binitiwan.

"Gusto kong lumayo sa'yo, Israel! Ganito ako kadesperadong makalayo lamang
sa'yo! Ayokong napapalapit sa'yo dahil sa t'wing nagkakalapit tayo... P-Palagi
nalang dumidilim ang mundo ko! Iyon palagi ang dinadala mo at palagi nalang akong
umiiyak!" Nanubig ang aking mga mata at isinigaw ko iyon ng ubod na lakas.
"Pwede ba... T-Tumigil ka nalang... Israel? Di ka ba
napapagod na saktan ako?" Pumiyok ang aking boses at bumuhos ang aking mga luha.

Kitang kita ko kung paano siya natigilan at kung paano niya ako tinitigan ng
husto.

"Tingin mo ba... Tingin mo sinisilong kita sa dilim ko? Do you think I want to
shade you with darkness? Tangina naman! Hindi mo ba alam kung bakit ang dilim dilim
ng pagkatao ko?! Dahil rin naman iniiwan mo ako. Hindi mo rin ba natanong kung ba't
ganito kadilim ang mundo ko? Paano liliwanag kung wala ka naman sa tabi ko?"
Nagloosen ang kanyang balikat pero makikita mo parin ang galit sa kanyang mga mata.

Sinipa ko iyon palabas ng utak ko. Ayokong malusaw niya ako sa kanyang
pinagsasabi. Maling mali ang lahat ng ito at kung magpapadala ako sa kanyang agos
ay huli na ang lahat.

"Noon... Noon ako ang ginamit mo para saktan si Kuya Bram. Ngayon naman si
French? Paano kita mamahalin kung masyado kang tuso, Israel?! Nakakatakot kang
lapitan! Nakakatakot kang mahalin!"

Mariin siyang napapikit at naikuyom ang mga kamay. Umawang ang kanyang bibig at
umagos sa kanyang mukha ang patak ng ulang binabasa narin siya. Tumingala siya sa
kalangitang singdilim niya, sa kalangitang nagluluksa at nalulungkot.

"This is my last card, Trace... Please... H'wag namang ganito? Malapit na akong
maubos... Pinapahina mo ako..." Bumuntong siya ng hininga kasabay ng mga mata
niyang pulang pula na.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"This is the last time I'm going to beg. Please... Let me shade you with my
love, Tracey Adjeanne. Be with me... I'm going to say sorry to your sister...
Aaminin ko ang totoo sa kanya. Itatama ko ang mga mali ko at di na ako gagawa ng
ikakagalit mo. Huli na 'to..." Nayakap niya ako sa gitna ng ulan at ibinaon niya sa
akin ang mukha niya sa aking leeg.

Humagulhol ako. Ang laking gulo nito Israel... Pag nalaman ito ni Mama... Pag
nalaman ni Papa ang tungkol sa nakaraan nating dalawa ay hahadlang rin sila.

Tinulak ko siya palayo at umiling. Kitang kita ko ang pagkadismaya niya at pag-
awang ng kanyang bibig. Ang mga mata niyang pulang pula ay bigong bigo na.

Umiling ako at tinalikuran siya. Tumakbo ako palayo sa kanya kasabay ng


pagtakbo ng mga masasayang araw na nakasama ko siya. Kung paano ko naramdaman ang
mga bagay na siya lamang ang nagpaparamdam sa akin.

"Trace, please! Come... Comeback!" sigaw niya pero hindi ako natinag.
Nasa gitna kami ng kalsada at mas lalo lamang bumuhos ang ulan at mukhang
nakikiramay sa amin.

Nilingon ko ito at nakita ko siyang hindi na sumusunod. Naroon siya, nakaluhod


na habang nakayuko at bigong bigo na akala mo ay may pinagluluksaan.

Humarap ako at tumakbo pero habang tumatagal ay lalo lamang bumibigat ang aking
mga paa at nagiging lakad nalang ang aking pagtakbo.

Nangako ka diba, Trace? Nangako kang balang araw ay ipaglalaban mo siya.

Tumigil ako at mas lalo lamang naiyak. Nakakapagod ng tumakbo palayo sa taong
gustong gusto ko rin namang makasama. Nakakapagod ng bakuran ang sarili ko sa taong
nagpapasaya sa akin kahit na sinisilong niya lang ako sa dilim.

Napatingala ako sa langit at mas bumuhos lamang ang aking mga luha. Naaalala ko
bigla ang sinabi ni Kuya. Kung hindi siya naging duwag ay hindi magiging huli ang
lahat sa kanila ni Ate Rici. Ayokong maging ganoon rin kami ni Israel. Ayokong
maging huli ang lahat sa amin dahil lang sa pagiging duwag ko.

Mama... Papa... French... Sorry pero mahal na mahal ko


siya. Sorry pero kailangan ko siyang ipaglaban sa oras na 'to...

Mabilis akong bumalik sa aking daan at tumakbo sa lalakeng hindi parin umaalis
sa pinag-iwanan ko sa kanya. Na naroon lang siya at hihintayin niya akong bumalik.

"Israel!" sigaw ko na ikinaangat ng kanyang ulo. Nagtagpo ang aming mga mata,
katulad ng langit na lumuluha, ganoon rin ang mga mata naming basang-basa.

Suminghap siya at nabuhayan ang kanyang mukhang singdilim narin ng kalangitan


kanina. Nang makarating ako sa kanyang harapan ay mabilis ko siyang niyakap. Umiyak
ako sa kanyang balikat habang ang kanyang braso ay awtomatikong pumulupot sa aking
beywang.

"Sorry k-kung naduwag ako... S-Sorry..." Halos idiin ko ang aking mukha sa
kanyang balikat at mas niyakap ang kanyang leeg ng mahigpit.

"Natatakot lang ako dahil b-baka..." Natutop ko ang aking bibig at hikbi na ang
sumunod doon.

"Takot akong hindi ka makasama Trace. Takot na takot ako at iyon lang ang
kinakatakutan ko..." sabi niya sa akin sa garalgal na boses.
Humiwalay ako sa pagkakayakap at dinungaw ang kanyang mukha. Sa unang
pagkakataon, nakita ko sa kanyang mga mata ang takot. Ang palaging madilim ay tila
nagluluksa kaya hindi iyon makitaan ng liwanag.

"S-Sorry..." Bumuhos lalo ang aking mga luha at ibinaon ang aking mukha sa
kanyang leeg. Umiyak ako ng husto kahit na alam ko namang hindi pa huli ang lahat.

Inangat ako ni Israel kaya mas niyapos ko ang aking mga braso para hindi ako
mahulog. Para akong batang ayaw siyang bitiwan dahil baka magbago ang kanyang isip
at ako naman ang iwan nito.

Hindi ko na alam kung nasaan na kami at ayoko ring dumilat. Umiiyak lang ako at
hindi ko na matahan ang aking sarili. Sising sisi ako sa mga pinagsasabi ko sa
kanya. Sising sisi ako sa pagiging duwag ko. Sising sisi ako at ngayon ko lang
napagtanto ang binitiwang salita ni Kuya Bram sa akin. Namatay siya dahil
pinaglaban niya ang pagmamahal niya kay Ate Rici. Ganoon niya ito kamahal at pati
ang kanyang buhay ay ibinuwis niya. Ngayon, anong karapatan kong magmahal kung
hindi ko naman pala mapanindigan ang nararamdaman ko?

Naramdaman ko ang lamig sa pinasukan namin. Mukhang nasa hotel na ulit kami.

"One room," sabi niya sa baritonong boses.


Mas isiniksik ko ang mukha ko sa kanyang leeg. Namumugto ang aking mga mata at
humihingos parin ako.

Tahimik lamang si Israel at hinahalik-halikan ang aking ulo noong nasa loob
kami ng elevator. Lumabas rin naman ito hanggang sa narinig ko nalang ang
pagkabukas ng kung ano.

Mas malamig ang sumalubong sa akin. Noong idinilat ko ang aking mga mata at
iginala ang tingin ay nasa loob na kami ng isang malaking kuwarto. Ibinaba ako ni
Israel.

Naglakad siya patungo sa may aircon at kinuha ang remote noon. Nagawa ko pang
sumunod sa kanya kaya noong lumingon siyang muli ay nasa likuran niya na ako.

Nagsimula siyang kasalin isa isa ang botones ng kanyang coat habang ang mga
mata ay nasa akin.

"We need to warm each other or else we'll get sick," sabi niya na ikinanguso
ko.

Hinubad niya ng tuluyan iyon at itinapon lang sa kung saan. Kahit alam ko ang
tinutukoy niyang magpapatuyo lang kaming dalawa, ang utak ko ay may iba agad na
naiisip.
"Come here. I'll undress you." Hinila niya ako at umupo siya roon sa kama.

Napaupo narin ako sa kanyang kandungan at napahawak sa kanyang balikat.


Namumula ang aking pisngi at hindi ko alam kung ba't nasasabik pa ako.

Napadpad ang kanyang kamay sa aking likod at unti-unti ng


binababa ang zipper noon habang mariin ang tingin sa akin.

"Basa rin ito..." Hinawakan ko ang kanyang itim na fit tshirt hanggang
dumaosdos ang aking kamay sa dulo ng kanyang tshirt.

"Hubarin mo rin..." Hinila ko iyon na ikinalalim lamang ng kanyang tingin sa


akin dahil sa kamay kong umaangat na at gusto iyong hubarin.

Tumigil siya sa pagbaba sa aking zipper at gamit ang isa niyang kamay ay hinila
niya lang iyon sa kanyang likod saka niya iyon nahubad ng tuluyan. Napasinghap pa
ako dahil masyado iyong manly at masyadong swabe dahil narin sa mga muscles niyang
nagflex.

"Stand up," utos niya kaya tumayo ako hanggang sa hinila niya ang aking gown
pababa at nalantad sa kanyang harapan ang tanging suot kong panloob.

Humagod ang kanyang mga mata sa akin at ilang sigundo pa iyong nagtagal. Kitang
kita ko ang basa niyang labi na nakaawang na nang mapadpad ang kanyang mga mata sa
gitna ng hita ko. Dahan dahan niyang iniakyat muli ang kanyang tingin sa akin kaya
namumula kong hinaplos ang aking siko at nag-iwas na ng tingin. Para niya akong
hinuhubaran sa kanyang mga mata.

Israel started to unbuckle his pants. Basa rin iyon kaya niya hinuhubad pero di
ko alam kung ba't ang pula pula na ng pisngi ko dahil sa pang-iinit.

Hinila niya akong muli hanggang sa mapaupo ako sa kanyang kandungan. Napahawak
ako sa kanyang balikat at kagat kagat na ang pang-ibaba kong labi.

Kinuha niya ang isa kong kamay at hinaplos haplos ang likod noon. Nasa
kandungan ko narin iyon na kahit ang kanyang mga mata ay naroon na habang ang isa
niyang kamay ay nakayapos sa mga hita ko para di ako mahulog sa pagkakaupo sa
kanya.

"Are we good now?" tanong niya sa malungkot na boses.

Marahan akong tumango.


"Di kana galit sa'kin? Di ka uurong?" paglilinaw niya na ikinailing ko.
Ngumuso siya at nagpipigil na namang ngumisi.

"So you're my fiancee now?" Binitiwan niya ang kamay ko at nasa beywang ko na
ang kamay niya, nakayapos.

Tumango ako at napanguso narin.

"Eh pinagkasundo na tayo. Tsaka sabi nila Papa bawal daw akong umurong. For
business daw..." paliwanag ko na ikinaangat ng kanyang kilay.

"Don't include our parents, Trace. Iyong tayo lang. Linawin mo sa'kin na kahit
hindi tayo ipagkakasundo, pakakasalan mo ako. Say it to me." seryoso niyang sabi
kaya tumango ako.

"Oo... P-Pakakasalan kita..."

Pumikit si Israel hanggang sa napangisi na siya.

"Ang sarap sa tenga..." Saka siya humalakhak at niyakap ako.

Nakagat ko narin ang aking labi at pinipigilan ang ngiti pero lumalabas talaga
iyon. Ang saya saya ko... Sa buong buhay ko, sa mga desisyong nagawa ko, ito ata
ang pinaka nagpasaya sa akin.

"Mahal mo ako?" tanong niya sa aking leeg habang ang kanyang kamay sa aking
beywang ay umaakyat na patungo sa aking bra.

Tumango ako kagat kagat ang aking labi lalo na't hinahalikhalikan niya na ang
aking collarbone. Para siyang nagpapaulan roon ng maliliit at maraming halik.

"Say it..." Tuluyan niyang nakalas ang strap ng aking bra.

"Mahal kita... Israel," nahihiya kong sabi pero gusto parin iyong bigkasin.

"Again..." utos niya at unti-unti nang bumaba ang kanyang


halik sa aking dibdib.

"Mahal kita, Israel," mas malinaw at mas malakas kong sabi sa kanya.

"Tatakbo ka pa ba palayo sakin?" tanong niya at ang labi ay nakasentro na sa


aking dibdib.
Gumapang ang init sa aking katawan nang hinalikan niya ang gitna noon at
sinisipsip ang balat na nagpasinghap sa akin.

"H-Hindi na..." bigkas ko at nalaglag ang tingin sa kanyang ginagawa sa aking


dibdib.

Tumataas baba ang aking balikat nang hinalikan niya ako roon. Ang kanyang mga
mata ay tiningnan pa ako at kitang kita ko kung paano inangkin ng buo ng kanyang
bibig ang isa kong dibdib.

Napaliyad ako sa sensasyong gumapang sa aking sistema at ang tiyan kong para
nang pinipilipit. I can feel his hot mouth kissing me there while he's swirling his
tongue all over my peak.

Naipikit ko ang aking mga mata at hindi ko nakayanan nang hinawakan niya ang
aking dibdib at nilaro laro iyon gamit ang kanyang isang kamay.

Isang halinghing ang napakawalan ko nang pinaglaruan ng kanyang daliri ang isa
habang ang dila niya naman ay humahagod rin sa isa.

Narinig ko siyang magmura hanggang mabilis niya akong itinumba sa kama at


napahiga na ako roon. Sumayad ang aking mga hita sa dulo ng kama at ramdam ko pa
ang sahig pero di ko na nagawang iangat iyon nang bigla nalang pumatong si Israel
sa aking ibabaw at itinulak ang sarili sa akin saka ako hinalikan ng malalim.

Masyadong mainit at mapusok ang halik ni Israel at sinasabayan pa ng pagtutulak


niya sa aking gitna noong kanya. He's so turned on oh my God!

His kisses sent volts of electricity all over my body. Matamis iyon at
nakakapang-init. Para niya akong dinadala sa impyerno kaya ramdam ko ang apoy sa
paligid gawa ng kanyang labing mapangahas na ang pagkakahagod sa aking labi.

Pilit kong sinabayan ang kanyang halik pero masyado akong naliliyo sa sensasyon
lalo na't pinipisil pa ng isa niyang kamay ang aking dibdib at pinanggigigilan
iyon.

"You don't know how I crave for this Trace... You don't know how I want to own
you every damn second. Gusto kitang markahang akin at gusto kong daanan ng halik
lahat ng katawan mo."

Bumaba ang kanyang halik at nagtungo sa aking panga. Hinalikhalikan niya ako
roon pababa lalo sa aking leeg na kahit ang aking collarbone ay hindi niya
pinalampas. Ang isa niyang kamay na nasa aking dibdib ay dumadaosdos naman patungo
sa aking tiyan at hinahaplos iyon sa nakakatindig balahibong paraan.

Isang halinghing ang aking napakawalan nang umabot na sa aking dibdib ang
kanyang mga labi at sinimulan na akong sambahin doon. Sinipsip niya iyon at
paglalaruan gamit ang kanyang dila habang walang sawa niyang hinahaplos ang aking
tiyan at nasa may parteng pusod ko na.

He grasped his teeth on my aroused peak as I started to moan deliriously. Para


na akong mawawala sa aking ulirat at napasabunot na ako sa kanyang buhok.

Ang isa niyang kamay ay nakaabot na sa aking panty at nagsimula ng humaplos


doon.

"Is... Rael..." I called him while panting real hard. Nababaliw na ako at kung
pwedeng sabunutan ko narin ang aking sarili ay gagawin ko na talaga.

Israel's kisses went down to my tummy, navel as his hand pulled down my panty.
Nagpaubaya ako sa kanyang ginawa at tiningnan siyang nakaluhod na sa aking harapan
habang hinuhubad ang tanging suot ko.

He stop from doing such thing and stared at my flesh. Isasara ko na sana ang
aking mga hita pero pinigilan iyon ni Israel. Ang aking mga paa ay nakasayad parin
sa sahig at mas pinabukaka niya pa ako!

"Israel!" Nahihiya kong tinakpan ang aking mukha. Bakit ba


kailangan niya pang titigan?

"I can see how wet you are night now, Trace. Do you want me to clean it using
my tongue?" tanong niya na nagpadaloy lalo ng hiya sa aking mukha.

Hindi ako sumagot at naramdaman ko nalang ang pag-angat ng isa kong paa.
Hinalikan niya iyon mula sa aking binti patungo sa ibabaw. His kisses are driving
me crazy!

Napahawak na ako sa bedsheet at hindi na alam kung paano pakakalmahin ang aking
sarili lalo na noong makarating na ang kanyang labi sa gilid ng aking pagkababae.
Ang singit ko ay hinahalikan niya at ramdam na ramdam ko pa ang paghagod ng kanyang
dila roon.

I can feel my wetness. I am dripping down there! At ang lalakeng ito ay


sinasadya atang sa gilid lamang ang halikan. Ginawa niya rin iyon sa isa ko pang
paa at ako itong nafufrustrate na dahil may gustong gusto ako pero di niya pa
ginagawa. Israel!

Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang dulo ng kanyang ilong na humagod


sa aking gitna. Umawang ang aking bibig at napaliyad ako para lang magtama na ang
kanyang labi at ang akin pero ang lalakeng ito ay tumawa pa.
"Israel!" sigaw ko at dinungaw siya sa aking paanan kasabay noon ang pag-angkin
ng kanyang mga labi sa aking gitna.

Isang mahabang halinghing ang aking nagawa at parang may dumaloy na masarap na
pakiramdam sa buo kong sistema dahil sa labi at dila niyang naroon na. He's kissing
me down there while he's thrusting the tip of his tongue on my entrance.

My toes curled as I clutched the bedsheet. Isinampay ni Israel ang aking mga
hita sa magkabila niyang balikat at mas idiniin lamang ang kanyang bibig doon.

I am already crying mess. Para nang mababali ang aking likod kakaliyad at hindi
na ako maawat awat sa kakadaing. The sensation is just too much and I can't handle
it anymore.

He parted my folds using his finger and kiss me even more down there while he's
starting to pushed his finger inside me.

Parang nadislocate ang aking mukha dahil sa kirot na naramdaman ko dahil sa


kanyang ginawa pero noong gumalaw iyon at idagdag pa ang kanyang bibig na nandoon
ay bumalik ang sensasyong nagpapasigaw sa akin.

Di ko na maawat ang aking boses at mas lalo lamang iyong lumakas nang may
sumabog sa akin. Hingal na hingal ako at gusto ko ng tumigil pa pero naroon parin
si Israel, hindi pa tapos! Nawiwili na siya roon!

Itinukod ko ang aking mga kamay at tiningnan siya. Nagtama ang aming mga mata
kaya iginapang niyang muli ang kanyang halik sa aking tiyan pabalik sa aking dibdib
hanggang sa hinawakan niya ang gilid ng aking leeg at hinalikan akong muli.

"Mahal na mahal kita. You don't know how I'm madly inlove with you, Tracey,"
bulong niya sa pagitan ng aming halik.

Ngumiti ako at iniyapos ang aking mga kamay sa kanya.

"Ako rin Israel... Mahal kita," pag-amin ko na ikinatigil niya.

"Fuck. I am so damn turned on!" Mabilis niyang hinubad ang kanyang natitirang
saplot na ikinalaki ng aking mga mata nang makita ko iyon.

T-Totoo ba iyan? Ang kanyang panungkit ay malaki nga! At di ko alam kung


makakaya ko ba iyan! Baka magiging totoo na talaga iyong sinasabi ni Rinka na baka
ay hanggang ngala ngala ko na ito kahit na imposible naman iyon.

"T-Teka lang Israel." Naitulak ko agad ito nang hinalikan niya akong muli pero
mukhang ayaw na nitong magpaawat dahil sa halik niyang malalim na agad.
Kinarga niya ang dalawa kong mga hita at mas hinila ako palapit lalo. Naitukod
ko ang dalawa kong kamay at tinitingnan ang ginagawa niyang pagposisyon ng kanya sa
aking gitna. And he's even standing! Gosh... Israel!

Itinukod niya ang isa niyang kamay sa may kama para mas makalebel ako. I can
feel the tip of his thing poking my entrance.

"I'll be gentle. I promise..." Aniya saka itinulak ang sarili na mabilis kong
ikinabagsak sa kama.

Ang sakit! Ang init na naramdaman ko para na akong pinapatay! Ni hindi ko alam
kung maayos pa ba ang aking mukha dahil sa dumadaloy na sakit.

"Masakit, Israel!" sigaw ko nang pinilit niya iyong itulak ulit.

"Sa umpisa lang yan," at nagawa niya pa akong pabukakain lalo saka niya muling
itinulak ang sarili sa akin.

Naiyak na ako at hindi na talaga makayanan ang sakit. Parang nahati ang aking
katawan at kung mas pipilitin niya pa talaga iyon ay ito ang magiging dahilan ng
kamatayan ko!

Natakpan ko ang aking mukha at umiyak ako roon. Ang sakit naman! Para niya
akong sinaksak noong kanya!

"Sshh..." Hinalikan niya ang aking palad at marahang gumalaw sa aking gitna.

"Masakit Israel! H'wag kang gumalaw!" saway ko at naiiyak siyang tiningnan.

"Pero di mawawala ang sakit kung di ko ito igagalaw. Sa umpisa lang naman..."
At gumalaw na naman ito sa marahan ngunit pasagad na galaw.

Hinalikan niya ako habang ang aking mga paa ay nakaakyat narin sa dulo noon at
bukakang bukaka ako sa gitna niyang nakatayo lamang at nakadagan sa akin para
halikan ako ng malalim.

I felt his hand on my folds and rub it while pushing his thing even more.
Tamang tama lang naman ang kanyang galaw at unti-unti ng nawawala ang sakit. Nang
maramdaman niyang nakakaadjust na ako dahil sa daing ay hinawakan niya na ang aking
balakang at mas binilisan ang galaw.

Umuuga ang kama at parang hihiwalay sa akin ang aking kaluluwa sa ginagawa ni
Israel sa aking pagkababae. Inaararo niya ako ng mabilis at pasagad na ang tanging
maririnig mo sa kwartong iyon ay ang ungol ko at ang tunog ng kama.
He groaned and slammed deeper. Ang ugat sa kanyang leeg ay lumalabas na at
nakatingala na ito habang nakaawang ang basang labi. One more push and we both
screamed in ectasy.

Nliligo na kami sa aming mga pawis at hingal na hingal. Kinarga ni Israel ang
aking hita saka niya ako pinahiga ng maayos sa kama at tinabihan ako.

Nahihiya kong ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Sa akin kana ngayon. Markado na kita." Hinalikan niya ang aking ulo at niyakap
ako ng mahigpit.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 52

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Pasensya Na
Nagising ako dahil sa isang haplos sa aking pisngi at ang pagsuklay suklay sa
aking buhok ng kung sino.

Pagkamulat ng aking mga mata, ang mukha agad ni Israel ang bumungad sa akin na
nasisinagan ng araw na pumapasok dito dahil sa bukas na pinto noong veranda. Ang
guwapo guwapo niya kahit mukha itong suplado. Ang kanyang mga mata ay namumungay at
nasa akin ang tingin habang buhaghag ang kanyang buhok at nakatukod sa gilid ng
kanyang noo ang kanyang kamao. He's facing me wholly while he's topless.
God, Israel...
"Morning..." Lumapit siya at pinatakan ako ng halik sa noo.

Ngumuso ako at tipid na ngumiti habang pinapamulahan ng pisngi.

"Uhm, good morning..." bigkas ko sa mahinang boses na ikinanguso niya rin.

Inumaga kami rito sa hotel— Oh my God! Inumaga kami!

Nanlalaki agad ang aking mukha at napabangon na. Ang tanging nipis na puting
sheet na yumayakap sa akin ay nalaglag agad kaya kailangan ko pa iyong hilain para
takpan muli ang aking dibdib na nalalantad.

"Si Papa! Di ako nakapagpaalam baka nag-aalala na sila!" Natataranta kong


hinagilap ang aking cellphone pero naalala kong naiwan ko iyong maliit kong purse
sa party. Dinala na iyon marahil ni French!

"Calm down. I already told them you're with me. Di sila mag-aalala," paliwanag
ni Israel at nang nilingon ko ay nakasandal na sa headboard habang nakaunan sa
likod ng ulo niya ang dalawa niyang kamay.

"Anong sabi mo?"


Umangat ang kilay niya sa akin.
"That we're getting to know each other," sagot niya sa baritonong boses.

Sumimangot ako. Getting to know ba iyong nangyari kagabi? Para niya akong
inararo sa kama. Kahit ngayon... ramdam ko parin ang hapdi at sakit ng ginawa niya.
Sa tindig palang ni Israel, alam mo rin namang hindi marunong magdahan dahan.

Hinila niya ako kaya nausog ako sa kanya. Nakaharap na sa kanya ang aking likod
at umahon lamang siya ng bahagya para lang hawiin ang magulo kong buhok papunta sa
aking harapan at hinalik-halikan na ako sa may batok.

"Di na muna kita iuuwi. I still want to be with you..." aniya at ang kamay ay
nakahawak na sa aking braso habang ang kanyang halik ay nasa aking balikat na.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi.


"Pero wala naman akong damit na maisusuot. Di naman pwedeng maggown ulit ako
tapos huhubaran mo rin pala ulit ako," pagbibiro ko na ikinahalakhak niya ng
marahan sa aking likuran. Ang kanyang hininga ay tumatama na sa balat ng aking
balikat.

"Then just stay naked. Total tayo lang naman dito..." Gumapang na ang kamay
niya sa aking beywang at niyakap ako roon.
"Huh?" Natatawa ko siyang nilingon sa aking balikat kung saan nakasandal ang
kanyang baba.

"Wear nothing," ulit niya sa kalmadong boses na ikinatawa ko talaga.

"Baliw ka."
Nilingon lamang ako ni Israel at hinalikan sa aking labi. His kisses early in
the morning is just too passionate that it tickles me. Para akong dinadala sa ere
at hinihele.

Noong maghiwalay kami ay binasa niya ang pang-ibabang at tinitigan ako ng


mariin. His dark and mysterious eyes looks calm. Ang lalakeng masyadong marahas sa
aking paningin ngayon ay sobrang kalmado at niyayakap pa ako.

"Dito lang ba tayo?" I asked him curiously.

"Gusto mo bang dito lang tayo?" Nanunuya namang sabi niya at ang kamay ay
gumagapang na sa itaas patungo sa aking dibdib.

Ngumuso ako at hindi alam ang isasagot. Gusto ko rin naman siyang kasama at
kung pwede nga ay dito lang kami buong araw.

"Uuwi ako mamaya ha," sabi ko sa kanya.


"10 pm?" suhestyon niya habang hinahaplos niya ang gilid ng aking katawan at
tila sinusunod na ang linya noon paakyat.

"Bakit 10 pm? Hahanapin nila ako." Natawa ako na ikinatitig niya sa aking labi.

"Don't you know that I am very addicted to your sexy voice?" he said out of
nowhere on a deep voice.

Ang kamay niya ay nasa gilid na ng boobs ko at humahaplos na roon. Napalunok


ako pero hinayaan siyang gawin ang gusto niya.
"I crave for your sexy laugh all the time..." Mariin siyang pumikit at
bumuntong ng hininga. Para siyang nangungulila at ngayon lang natupad ang hiling
nito.

Hinaplos ko ang kanyang panga na ikinadilat ng mga mata niyang namumungay na sa


akin. Ngumiti ako at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Di na ulit ako lalayo sa'yo. Mahal kita, Israel... At pasensya na kung masyado
akong naging matigas..." Malungkot ko siyang tiningnan.

Binasa ni Israel ang kanyang labi at mas lumalim na ang titig sa akin.
Nagkakasalubong ang kanyang kilay at mukhang may ikinakabahala.

"Damn, Trace... You're going to kill me..." Inilapit niyang muli ang kanyang
labi sa akin at hinalikan ako ng malalim. Pinihit niya lang ako patagilid at dinala
sa kanyang harapan saka niya ako mas hinalikan pa.

Nahulog ang tanging bumabalot sa aking hubad na katawan at nasubsob na ang


aking dibdib sa kanya nang maghalikan kami at ang kanyang kamay ay humahaplos sa
bawat gilid ng aking katawan.

No matter how I escape from the dark, Israel's shade will always be my comfort
zone. Para akong nakauwi sa aking tahanan at ganoon nalang ako kasaya sa piling
niya.

Ginawa namin ulit iyon sa kama at ang walang kapagurang si Israel ay ginawa
ulit sa banyo noong naligo kaming dalawa. Ang leyong ito ay walang pahinga at bawat
oras ata akong gustong lapain.

Nakabathrobe lang ako habang nakaboxer naman siya at nakaupo ako sa kanyang
kandungan habang kumakain.

"Malapit na ulit ang pasukan namin. Nasaan na 'yung matandang nagbebenta noong
fishballs?" tanong ko sa kanya habang nakahawak ang isa kong kamay sa kanyang likod
para suportahan ang aking sarili.

"Ba't mo hinahanap? He's years older than you. Matanda na 'yon." Nagkasalubong
ang kanyang kilay at iritang irita habang sinusubuan ako.

Ngumisi ako habang ngumunguya. Mas lalo lang nagkasalubong ang kanyang kilay at
tinitigan ako.

"Eh tambayan mo 'yung stool niya ng street food. Kasi noong second at third
year na ako wala narin siya roon."

"Siya ang hinahanap mo imbes ako?" Mas lalo siyang nairita habang titig na
titig sa akin.

Tumawa ako ng marahan. Si Israel naman ay nabasa na ang pang-ibabang labi.


Natakpan ko pa ang aking bibig kakatawa kaya kinuha niya ang baso ng tubig at
binigyan ako.

Uminom ako roon habang ang kanyang ekspresyon ay di parin nagbabago, iritado at
halata ang inis sa mukha.

Inilapag ko ang baso saka hinaplos ang kanyang pisngi. Ngumisi ako at kinurot
'yun kalaunan.
"Nagseselos ka ba sa matanda?" Marahan akong tumawa at
hindi nilubayan ang kanyang pisngi.

"Tsss..." Kinuha niya ang aking kamay pero ibinalik ko ulit iyon doon at
dinungaw ang mukha niya.

"Suplado," sabi ko at ngumiti pa na ikinanguso niya lang. Kalaunan ay ngumisi


rin at nailing.

"Nasaan na nga?" tanong kong muli.


"Ewan ko rin," sagot niya lang.

"Huh? Paanong ewan mo eh close kayo nun..."

"I'm more closer with his balls."


Tumawa ako. "Fishballs, Israel. Hindi balls."

"Can you see the fish on it?" Umangat ang kanyang kilay sa akin.

Umiling ako.
"Edi balls," kampante niya pang sagot na ikinahalakhak ko. Anong balls! Kung
narinig siya nila Rinka hahagalpak ng tawa ang mga 'yun at gagatungan agad ng
kahalayan ang sinasabi niya.

May nagdoorbell kaya siya mismo ang bumukas noon. Nakasentro sa kanyang likod
ang aking tingin at mukhang may kausap na roon sa labas.

"Thanks," sabi niya at isinara rin naman iyon na may bitbit nang paperbag.

"Ano 'yan?" tanong ko.


"Our clothes... I asked someone to buy us clothes," sabi niya saka iyon
inilapag sa kama.

Tumayo ako at nagtungo narin sa kanya. Hinalungkat niya iyon at kinuha ang
cotton shirt, sweatpants na itim saka boxer. Tiningnan ko ang loob at kinuha rin
ang isang makapal na damit, below the knee, long sleeve at kulay puti. Para iyong
bistida na masyado rin atang maluwang sa akin.

"Ito ang akin?"


Tumango siya at ngumuso.
"Don't you like my taste?" tanong niya pa.

Kung si French ang nakakita nito, baka itapon nalang ito bigla.

Naalala ko bigla si French at nakaramdam agad ako ng kaba. Sigurado akong pag-
uwi ko, gegyerahin agad ako noon ng samo't saring tanong. Ano naman ang sasabihin
ko? Ipapaliwanag ko ba sa kanya lahat? But a part of me suddenly scares me. Ayokong
sukuan si Israel at ayoko ring mag-away kami ni French.

Hindi ko nalang muna iyon inalala at nagbihis na dahil may undies rin namang
pinabili si Israel. Iyon nga lang... masyadong manipis! Di ko siya maintindihan.
Masyadong balot na balot ang taste niya sa panlabas at masyado namang nipis ang
taste niya sa panloob!

Tiningnan ko ang aking sarili sa malaking salamin at nagawa ko pang itaas ang
aking mga kamay. Kasya pa ata ang isang tao sa loob ng aking suot. Hindi naman sa
maarte ako pero sa pamumuhay ko rin bilang Chua, natuto na akong manamit ng
presentable. At itong ganito... mukhang kay Israel lang ako mukhang presentable pag
ganito ang aking suot since taste niya raw ito.

"Gorgeous." Niyakap ako ni Israel sa aking likuran at tiningnan narin ang aking
imahe sa salamin.
Ngumuso ako.
"Masyadong maluwang..." sabi ko na ikinangisi niya.

Nang mapagtanto ko kung bakit iyon maluwang ay sinimangutan ko na siya.

"Pero nakarami kana!" hirit ko na ikinahalakhak siya sa aking taenga. Nilingon


ko pa talaga ito para mas lalong simangutan.

Hinalikan niya lang ang aking leeg at mas niyakap ako ng mahigpit. Ang lalakeng
ito napaka ano!

"Dapat naging magsasaka ka nalang sa bukid. Ang sipag mong mag-araro..."


Ngumuso ako.

"Masipag lang ako sa kama kung ikaw ang aararuhin ko." At ngumisi na naman ng
malademonyo.

Itinulak ko siya palayo sa akin kaya natatawa niya akong


pinigilan. Ngumuso na ako at nagpigil ng tawa pero masyado ring nakakahawa ang tawa
niya kaya kapwa kami natawa.

4pm noong magpasya akong umuwi. Ayaw pa sana ni Israel at pinipilit pa akong
doon muna kami pero kailangan kong magpakita kina Papa! Kagabi pa ako nawawala!
Kahit sinabihan niya na iyong magkasama kami, nag-aalala parin ako kay French!

Kaya si Israel, nakabusangot habang nagmamaneho para ihatid ako. Ang kanyang
mga mata ay nasa daan lamang habang nakasandal sa kanyang upuan at nagmamaneho
gamit ang isang kamay.

Pabalik balik ang tingin ko sa kanya. Di ko rin alam kung paano siya susuyuin.

"Bukas... Uhm, pwede naman tayong magkita?" suhestyon ko kaya napakurap siya at
nilingon ako.

"Makikipagkita ka sa'kin bukas?"


Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Oo... Papayag naman siguro si Papa since sabi niya nga eh kilalanin natin ang
isa't isa."

Nawala agad ang irita sa kanyang mukha at ngumuso na. Kinuha niya ang aking
kamay saka niya iyon ipinagsalikop.

"I'll fetch you tomorrow, then."


Tumango ako at ngumiti na dahil mukhang di na ito mukhang iritado. Ang bilis
rin talagang paamuhin. Ang bilis magtampo pero mabilis ring suyuin! Di ako
makapaniwala sa lalakeng ito...

"Saan tayo bukas?" tanong ko habang tinititigan ko ang kamay naming nakasalikop
sa isa't isa at nakalagay sa isa niyang hita.

"Hotel," mabilis niyang sagot at siguradong sigurado pa.


"Hotel?!"

Tumango siya at inosente akong tiningnan.


"Do you want me to date you on a cheap place, Trace?" tanong niya sa akin at
nagkakasalubong pa ang kilay.

Hindi naman iyon ang tinutukoy ko! Ang akin lang... Bakit sa hotel? Alam ko na
naman iyang plano niya!

"Pero gusto kong manood ng sine," suhestyon ko.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at nilingon ako saglit.

"Pwede tayong manood ng movie sa hotel," aniya.

Marahan akong natawa na ikinatitig niya saglit sa akin at ibinalik rin naman
ang mga mata sa daan. Talaga lang, Israel? Ang sabihin mo... may iba kang plano.

"I'm going to miss your sexy voice damn it." Nafufrustrate niyang kinagat ang
kanyang pang-ibabang labi. "I'm going to miss you later. After an hour... Tomorrow
morning..." Saka siya bumuntong ng hininga at akala mo ay problemadong problemado.

Napanguso ako at naaaliw na sa paninitig sa inaakto nito. Noon pa man... ganito


na siya at gusto niyang palagi akong kasama. Kahit noong sinabi kong h'wag kaming
magkita dahil rin sa issue roon ay pumayag siya. Ganoon siya ka masunurin pagdating
sa akin. Ang lalakeng akala mo ay masyadong delikado pero sobrang lambot at amo pag
nasa harapan ko.

"Pwede tayong magtawagan?" suhestyon ko na ikinakalma ulit ng kanyang


ekspresyon.

Lumapit ako ng bahagya at hinalikan siya sa kanyang pisngi.

"Tatawagan kita mamayang gabi at bukas magkikita tayo. Okay na?" I asked him
softly.

Tumango siya at kumalma narin.


"Can we just get married tomorrow? This is frustrating me, Trace... Ngayon na
magkasama na ulit tayo, nakakatakot kanang pakawalan. Gusto kitang itali sa tabi ko
para di na magbago ang isip mo," he said painfully.

Kahit ako ay nakaramdam narin ng lungkot. Anong nagawa ko


sa lalakeng ito at ganyan na siya mag-isip? Of course Trace... You pushed him away.
Dalang dala na yan sa katigasan ng ulo mo at pakiramdam niya ay magbabago agad ang
isip mo.

"Hindi na magbabago ang isip ko. Mananatili ako sa tabi mo," I said, assuring
him.

"Mas matimbang sa'yo ang pamilya at natatakot ako na baka sa dulo ay mas
matimbang parin sila. Na kayang kaya mo akong bitawan dahil mas mahalaga sila." Now
his words were like bullets. Natamaan ako at ramdam ko ang kirot sa dibdib.

"Pakakasalan kita, Israel. Mananatili ako sa tabi mo kahit gaano pa kadilim...


Di na kita iiwan." Pinisil ko ang kanyang kamay na nakasalikop parin na ikinalingon
niya sa akin. Ngumiti agad ako kahit na ramdam ko ang kanyang lungkot.
"Please do it."
"Gagawin ko."
"Then let's just get married today..." suhestyon niya na ikinatawa ko ng
marahan.

"But you have work!" Nakagat ko na ang pang-ibaba kong labi pero tumatakas
parin doon ang aking ngiti.

"I can bring you there... Easy." Mayabang niyang sabi na ikinanguso ko.

"At mag-aaral pa ako."

"Di nalang muna kita bubuntisin. Ihahatid kita, susunduin at sabay tayong uuwi
sa bahay natin. We'll make love every night and I'll cook your breakfast every
morning. We can date every weekends and you can be my secretary when I'm working,"
kalmado niyang sabi na tila ay nakaplanado na lahat ng iyon at pagsang-ayon ko
nalang ang kulang.

Nalaglag ang panga ako.Make love night ha! At nasa plano niya rin iyon! Kahit
ano ano na ata ang pumapasok sa utak ng lalakeng ito at wala talaga akong takas
dahil naestima niya na ang oras naming dalawa.

"God Israel... you're so..." I said trailing while staring at him unbelievably.

"So damn inlove with you. Yes I am," dugtong niya pa na ikinatawa ko na talaga
ng marahan dahil hindi naman iyon ang gusto kong idugtong.

"Di mo dapat ako pinapriority..."

"Why not? I'm addicted to you. I just want to be with you in bed every damn
second." Inangat niya ang magkasalikop naming mga kamay at hinagkan ang likod noon.

Lusaw na lusaw na ako. Kung noon ay nakakaya ko pang bumitiw at magdesisyon


para mapalayo sa kanya, ngayon, sa ipinapakita at ipinaparamdam ni Israel sa akin
ay ayaw ko na siyang bitiwan pa. I want him... So bad. Gusto ko rin siyang
pakasalan at gusto kong bumuo nalang kami ng pamilya naming dalawa.

Magtatapos ako ng pag-aaral ko at pakakasalan ko agad siya. Sasama ako palagi


sa trabaho niya. Didikit ako bawat sigundo sa kanya at susuklian ko lahat ng
paghihirap niya sa aming dalawa, sa akin. Babawi ako sa pagkakataong ito, Israel.
Lalaban na ako kasama mo. Di kita hahayaang mag-isa. Ipaglalaban kita at di kita
bibitawan. Pangako ko.

Huminto ang kotse sa tapat ng mansyon ng mga Chua. Napatingin ako sa labas at
ang malaking gate lamang ang natatanaw ko.

Ibinalik ko ang tingin kay Israel na nasa akin narin ang mga mata. Kinalas ko
ang seatbelt na ikinatingin niya roon.

"May calling card mo na ako kaya tatawagan agad kita mamaya," sabi ko agad para
makampante lang ito.

Tumango siya at tinitigan ako ng malalim.


"Can I just wait you here 'till morning?"

"Huh? Baliw!" Tumawa ako na ikinakagat niya ng kanyang labi.


"Tatawagan nga kita tapos bukas pag tapos na ang trabaho mo
magkikita tayo."

He sighed and nodded heavily. Ngumuso ako at hinaplos ang kanyang pisngi.
Hinawakan niya naman ang pulso ko at dinama ang aking kamay roon.

"Kakausapin ko lang si French pagpasok ko tapos pag nakatyempo na ako ay


tatawagan na kita."

"I'll wait for your call. Kung di ka tumawag, pupuntahan kita rito at kakatok
ako sa gate  niyo," pagbabanta niya na ikinatawa ko.

"Okay!"

Hinila niya ang hawak niyang pulso ko kaya umabante ako at lumapat sa aking
pisngi ang kanyang kamay kasabay ng pag-angkin niya ng buo sa aking labi. It was
deep and a  passionate kiss. Noong humiwalay ako ay hinabol ko lang ang aking
hininga at aatakihin niya ulit ako ng halik. Sa kanyang ginagawa, mas lalo akong
ginaganahan at nawiwili sa kanyang tabi! Ayoko naring umuwi at gusto ko ulit
bumalik kami sa hotel.

Ilang minuto rin akong hindi nakababa dahil sa kapilyuhan ni Israel. Doon niya
lang ako pinakawalan noong halos liparin na sa ere ang aking kaluluwa at nagawa ko
pang suklayin ang buhok kong medyo nabuhaghag dahil sa halikan namin. Nakagat ko
ang pang-ibabang labi na kahit ang aking mga tuhod ay nanginginig parin dahil sa
nangyari sa buong araw na ito.

Pagkapasok ko sa malaking bahay ay si Manang Asing agad ang sumalubong sa akin.


Bigo ang kanyang mga mata at alalang alala.

"Si French nagwawala iyon kagabi at ngayon ay buong araw kang hinihintay. Para
nang nababaliw ang kapatid mo, Trace!" sumbong sa akin ni Manang na ikinalunok ko
at tiningala na ang ikalawang palapag ng bahay.

"Si Papa at si Tita Brenda po?" tanong ko habang naglalakad ako paakyat sa
enggrandeng hagdanan at nakabuntot naman si Manang sa akin.

"Nasa trabaho. Kagabi, nagsagutan pa silang mag-ina, Trace. Gusto ni French na


palitan ka raw niya roon sa kasunduan pero ayaw pumayag ni Tita Brenda dahil
masyado na raw nakakahiya. Kahit ang Papa mo ay nagalit narin sa kapatid mo.
Ayun... buong araw siyang hinihintay ka at minsan ay ihahagis nalang ang gamit na
nasa paligid niya."

Halos mapalunok ako ng laway sa kwento ni Manang sa akin. Alam ko ang ugali ni
French, gusto niyang nakukuha ang gusto niya at pag di iyon naibibigay sa kanya ay
magwawala ito. Nasanay siyang lahat ng bagay ay nakukuha niya kaya ngayon na may
hindi siya nakukuha, hindi na ako magtataka kung pati ako ay ihagis niya.

"H'wag mong kausapin, Trace. Wala pa naman rito si Brennan. Baka awayin ka
bigla niyan at walang makaawat sa kanya." Pigil sa akin ni Manang nang huminto na
ako sa kuwarto ni French.

Hindi naman ganoon si French. Di niya naman siguro ako sasaktan. Alam ko
siya... Kilala ko iyon... Malambot siya sa akin. Katulad ni Israel na leyon, ganoon
rin si French na nagiging malambot pagdating sa akin.
Nagdadalawang isip akong kumatok sa kanyang kuwarto pero ginawa ko parin.

"French?" tawag ko na ikinaaktras pa ni Manang Asing.

"Trace? Is that you?" Malambing ang boses noon at mukhang garalgal.


"Oo ako ito..."
May narinig akong yabag at kalaunan ay bumukas na iyon. Nanlalaki ang aking mga
mata nang makita ko siya, namumugto at halos hindi na mahitsura ang buhok.

Sa gilid niya ay nasilip ko pa ang kuwarto niyang gulong gulo na at may mga
basag ring gamit. A-Anong ginawa niya?

"Trace!" Umiyak agad siya at niyakap ako ng mahigpit. "Please... Ikaw ang
magsabi kay Daddy na magbaback-out ka! Please... Ako dapat iyon! Convince them!
Please! Si Israel! Siya iyong ipapakilala ko dapat sa kanila! You know that!
Please!" Humagulhol siya sa aking balikat at mas niyakap ako ng mahigpit.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil alam kong hindi ko siya pwedeng
pagbigyan ngayon. Alam kong hindi ko pwedeng isuko nalang nang basta basta si
Israel.

Nilingon ko si Manang Asing na nasa gilid lamang at nanonood.

"Manang, pakitawag si Manang Linda at pakisabi na linisin ang kuwarto ni


French," sabi ko na ikinatango naman nito at nagmamadali nang bumaba.

Humiwalay si French sa akin at nagpunas ng luha.

"I thought si Jackson ang ipapakasal sa akin since siya ang pinapakilala sa 
atin ni Daddy! Akala ko rin kasi that's his Mommy! Iyon pala hindi! I think Israel
wants to marry me pero hindi niya alam na nagback-out ako at ikaw ang ipinapalit
ko!"

French naman... Halatang halata na iyon kagabi. Gusto ko mang ipaliwanag sa


kanya ang totoo ay di ko rin kaya ngayong nagwawala siya sa oras na ito at
kumakalma lamang dahil gusto akong pakiusapang umurong nalang sa kasunduan at siya
ulit ang pumalit.

Nagtungo kaming dalawa sa aking kuwarto habang pinapalinis ko ang kanyang


kuwarto. Si Kaki naman ay nagawa pang sumunod sa amin sa loob.

"Ako ang nauna sa kanya, Trace... You can't like him and I know you don't like
him so please... Tell Daddy na ako nalang ulit... Na magbaback-out kana lang," sabi
niya sa akin habang sinusuklay ko ang kanyang buhok.

Hindi ako umimik. Kung kayo man ang pinagkasundo French, kung di ka nagback-
out... Baka maagaw ko rin siya sa'yo. Pasensya na pero di ko siya kayang ipamigay
sa iba kung alam kong akin siya. Di ko siya pwedeng ibigay sa'yo dahil pagmamay-ari
ko siya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 53

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Warning: Slight SPG lols.
Pagkain
Buong gabi akong ininterrogate ni French tungkol sa aming dalawa ni Israel.
Kung ba't ako masyadong matagal at anong ginawa namin. Gusto ko namang sabihin sa
kanya ang lahat lahat pero pakakalmahin ko nalang muna siguro ang sitwasyon kaya
nangatwiran nalang ako ng kung ano ano.

Kung sinabi mo lang nang maaga, Trace... Di na siya magkakaganyan. Kasalanan ko


talaga dahil naduwag ako. Sana nga ay maagapan ko agad ito.

"Ikaw nalang mag-explain kay Dad, Trace... I'm willing to wait naman until you
convince them na kasi ayaw rin nila so baka pag ikaw ang nagback-out..." Nanatili
ang mga mata niya sa akin habang nakaupo na ako sa kama at kakatapos lang mag half
bath.

"Ano bang sabi ni Tita Brenda?" tanong ko.

Sumimangot siya at napasandal sa headboard ng aking kama. Humalukipkip siya


roon.

"She told me this is my fault kasi nag-inarte pa ako. But I didn't know naman!
Kasi kung alam ko... Di ako magbaback-out!"

Nag-iwas agad ako ng tingin at nagpatuloy sa kakalagay ng night cream sa aking


mukha. H'wag mo nalang munang sabihin Trace... Baka matanggap niya rin kalaunan at
madivert narin ang atensyon niya sa iba dahil ayaw rin naman nila Papa na magback-
out ako. At ayaw ko rin.

Nagtulug-tulugan nalang ako kunwari pero noong saktong 10pm na at mahimbing na


ang tulog ni French sa aking tabi ay mabilis kong tinawagan si Israel. Isang
sigundo palang ang lumipas ay mabilis niya iyong nasagot.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi habang tinitingnan si French sa aking gilid
at yakap yakap ang isa kong unan. Ang mabigat niyang hininga ang una kong narinig.
Bumangon pa ako sa pagkakahiga t sumandal sa headboard dahil hindi ko makaya ang
paghiga at para akong mahuhulog ano mang oras.

"What took you long?" tanong niya sa husky na boses.

"Si French kasi... Pinakalma ko muna..." sagot ko at napisil ang pang-ibabang


labi.

"That brat? Want me to tell her everything?"

"H'wag Israel!" Agap ko agad at nalingon ko pa si French dahil baka magising


ito. "H'wag muna ngayon... Baka mas lumala lang ang pagwawala niya. Sa susunod
nalang siguro..."
Bumuntong siya ng hininga na kahit sa aking isipan ay nakikita ko siyang
binabasa na ang pang-ibaba niyang labi.

"Okay. But if she did something to you... I can't promise I'll stay quiet,
Trace. Baka kahit sa harapan niya ay angkinin kita. Hahalikan kita at ipapamukha ko
na baliw na baliw ako sa'yo..." he whispered sensually.

Parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan na kahit ako ay hindi maiwasang
mapahinga. Alam ko kung ano ang nagagawa ng kanyang halik sa akin. Naaalipin ako
noon at nahahatid sa ibang dimensyon. Kahit ngayon, nasa labi ko parin ang lasa ng
kanyang halik at nakakafrustrate dahil nakakamiss nga pala talaga.

"Kasalanan ko 'to..." Nagloosen na ang aking balikat. "Kung sinabi ko lang sa


kanya agad... Kung hindi lang sana ako nag-inarte... Kasalanan ko." Natampal ko ang
aking noo at mariin ng napapikit.

Israel chuckled.
"Kung sa umpisa palang ay bumigay ka agad sa akin, baka ngayon ay nakarami na
tayo ng anak."

Oh God. Israel! Iyan lang ba ang nasa utak mo?! Mukhang tama lang ata ang
desisyon kong lumayo layo sa lalakeng ito noon dahil baka natigil rin ako sa pag-
aaral.

"Seryoso ako," sumimangot ako sa kanya.

"Seryoso rin naman ako sa'yo. Seryosong seryoso at kung pwedeng buntisin na
kita bukas na bukas ay gagawin ko."

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at hindi na maitago ang ngiti. Ang pilyo
talaga! Hindi talaga nagbabago ang dila ng lalakeng ito! Marahas at mapang-akit at
manyakis!

"Ang pilyo mo." Marahan akong tumawa saka ko narinig ang marahas niyang buntong
hininga sa kabilang linya.

"Can I just come over? Let me kiss you right now..." he said on a strained
voice.

"H-Huh? Gabi na 'tsaka may securities sa bahay namin 'no."

"Tangina naman..." bulong niya at nafufrustrate na.


Napangisi na ako ng malaki. Naiimagine ko siyang sinusuklay ang kanyang buhok
at mariin ng nakapikit.

"You and your sexy voice... Damn... This is so fucking frustrating. I want to
marry you as soon as possible."

Tumawa ulit ako ng marahan. Marahas siyang nagmura sa kabilang linya at di ko


na alam kung anong nangyayari sa kanya. Israel... Gustong gusto ko rin. Gustong
gusto.

"Bukas nalang Israel. Bibigyan kita ng halik," sabi ko at pasimpleng nilingon


si French. Hinawi ko ang kanyang buhok at isinabit iyon sa gilid.

"Bigyan mo ako ng anak. Mas gusto ko 'yun."

"Huh? But I'm still studying Israel. Di pa pwede." Tumawa akong muli.

Bumuntong ulit siya ng hininga. Di ko alam na ganito pala siya kausap sa


cellphone. Ang boses... ang pilyong mga salita niya... Ang paghinga niya at
masyadong nakakaakit sa akin.

Hindi na ito sumagot pero ramdam kong nasa kabilang linya parin siya. Nakikita
ko siya sa utak ko na supladong suplado na naman at mukhang gusto lang magpasuyo. I
want to touch his jaw and caress it. Gusto ko siyang pakalmahin.

"Israel?" tawag ko.


"Hmm..."
Ngumuso ako.
"Anong ginagawa mo?"
"Thinking about you..."

Ngumiti agad ako. Di naman napaghahalataang baliw na baliw ka sa akin 'no?

"If you're just here with me... I'm going to kiss you all night. I'm going to
kiss every inches of your skin," he said deeply.

Tumindig ang aking balahibo at kinilabutan na ako. Naiimagine ko siya...


Hinahalikan ang buo kong katawan at walang pinapalampas ang kanyang dila. God,
Israel! Binabaliw mo ako!

My toes curled as I gulped. Nakakapanghina talaga ang lalakeng ito...

"Baliw," bulong ko nalang at pilit kinakalma ang sarili.


Tumawa ito sa kabilang linya. Nanunuya ang tawang iyon na ikinasimangot ko
talaga.

"Anong nakakatawa?"
"Are you thinking about it?" he asked, taunting.

Namula agad ang aking pisngi. Hindi ah! Hindi 'no! Hindi ko naman gusto ang
ganoong bagay! Hindi ako hibang sa ganoon!

"Ikaw lang naman ang hibang sa ganoon," depensa ko agad.


"You are, too."
"Hindi ah! Ikaw lang..." Pulang pula ko ng sabi.

Tumawa siya na ikinanguso ko. Totoo naman! At nadadamay


lang ako! Kasi... Ano... Gusto ko rin naman pero nakakahiyang mag-initiate.

"My girl is the cutest baby..." he drawled on a deep voice.

Ngumuso ako at nakaramdam ng kiliti sa aking tiyan. Kung ganito siya palagi sa
tawag, mas lalo talaga akong mahuhulog sa kanya. Iyong kahit anong kapit mo na
h'wag mahulog sa kapusukan, hihilain at hihilain ka ni Israel hanggang bumigay ka
at isuko ang lahat para sa kanya.

Nakatulog ako sa pakikipag-usap sa kanya. Noong nagising ako ay wala na sa tabi


ko si French. Kinusot ko ang aking mga mata at bumangon. Hinagilap ko ang aking
cellphone at kinuha iyon sa gilid ng aking unan.

Binuksan ko agad iyon at nakita ang text ni Israel doon. Ngumiti ako saka ito
binuksan.

Israel:
Morning, gorgeous. Can't wait to see you later.

Israel:
I'll just take a bath.

Israel:
I'm on my way to work.

Israel:
Are you still sleeping?

Israel:
I want to kiss you right now.

Israel:
I miss you.
Natampal ko ang aking noo at sobrang laki na ng aking ngiti. Ang dami niyang
messages at lahat pa iyon ay ilang minuto lamang ang pagitan! 7 am palang ay
nagtext na siya  at iyong huli niyang text ay nasa 8 am na banda. Siguro nasa
trabaho na iyon.

Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya.

Good morning! Ingat ka. :')

Sinend ko agad iyon at ilang sigundo pa akong napatitig. Tama lang ba yan? Di
ba masyadong maiksi, Trace? Ang dami ng sinabi niya.

Nagtipa ulit ako.

See you later.

Ayan... Siguro naman okay na. Eh kasi naman di ako sanay na nagtetext. Buong
buhay ko wala naman akong kalandian sa text kaya di ko alam kung paano ko siya
mapapangiti. Baka pag hinabaan ko mabagot rin siya kakabasa, at baka makadisturbo
ako!

Mag kumatok sa aking kuwarto kaya napunta agad ang aking mga mata sa may pinto.
Dumungaw doon si Manang Asing.

"Dadalhin ko lang ba ang breakfast mo rito, Trace? O bababa ka?" tanong niya.

"Ah, bababa nalang ako Manang. Si French po? Kumain na?" tanong ko at tumayo
na. Inayos ko muna ang aking higaan pero pumasok rin si Manang Asing at inagaw sa
akin ang hawak kong makapal na kumot. Siya mismo ang nag-ayos noon.

"Oo maaga siyang kumain at sabi niya ay h'wag nalang daw kitang gisingin.
Mukhang good mood ang kapatid mo, Trace." Ngumiti pa si Manang sa akin at mukhang
nasisiyahan sa nangyayari kay French.

"Talaga po?"

Tumango si Manang at iyong unan ko naman ang kanyang inayos. Palingon lingon
lang ito sa akin.

"Oo... Ngumingiti pa nga at yakap yakap si Kaki."

Tila may nabunot na tinik sa akin. Mabilis akong nag-ayos para makababa na agad
at makausap ito.
Totoo ngang good mood si French at nadatnan ko siya sa sala na nakikipaglaro
kay Kaki. Tumatawa siya at tuwang tuwa sa kanyang aso.

"French..." tawag ko kaya natigilan ito saka ako nilingon.

"Good morning! Eat your breakfast na." Ngumiti siya sa akin ng pilya.

Napangiti narin ako. Mukhang normal na nga ito...

Nag-iwas rin naman siya ng tingin sa akin at itinuon na kay


Kaki ang atensyon kaya nagtungo ako sa kusina at kumain na. Siguro mamayang hapon
ay makakaalis ako pero ang ipinapangamba ko lang dahil baka sumama si French. Ayoko
ring magpasundo kay Israel dito. Pupuntahan ko nalang siguro siya.

Pagbalik ko sa aking kuwarto ay nakamissed call na ang aking cellphone kay


Israel at may text na siya roon. Umupo ako sa aking kama at binuksan ang kanyang
text.

Israel:
You don't know how to text.

Naimagine ko agad itong tumatawa at umiiling. Sabi ko na nga ba at halatang


halata!

Hindi ko na ito nireplayan pa at tinawagan si Papa para makapagpaalam. Ilang


sandali lang ay sumagot rin naman ito.

"Yes, sweetie? I'm in the middle of meeting," sabi niya at pabulong pa iyon.
Naririnig ko rin sa kabilang linya ang boses ng ibang mga kasosyo niya at mukhang
nasa meeting nga ito.

"Sorry po Papa, nakadisturbo po ako. Itetext ko nalang po," sabi ko agad.

"No... No, it's fine. Tell me..."

"Uhm... Mamaya po sana, pwede po ba akong lumabas? Babalik rin po ako at di ako
magpapagabi ng husto."

"Sure. Magpahatid ka nalang sa driver. Or I'll text Israel to fetch you para
masamahan ka sa lakad mo."

"No, Papa! Magpapahatid nalang po ako sa driver," agap ko.


"Okay... Are you taking French with you? Is she okay?" May pag-aalala agad sa
tono ng pananalita nito.

"Opo, okay naman... Uhm, mag-isa lang po ako eh."

"Ah, I see. Sige. Let's just talk when I get home okay? I love you."

"I love you too, Papa..."

Namatay rin naman ang tawag. Ano namang iaalibi ko kay French pag nagtanong
siya kung saan ako pupunta? May bibilhin ako? Pwede ring bumili ako ng school
supplies? Total malapit narin ang pasukan. Or iba nalang? Basta may bibilhin ako.

Mga 1 pm palang ay naligo na ako at nag-ayos ng aking sarili. I wore a V-


shaped, A-line cream dress. Isang pumps narin ang aking isinuot at kahit iyong
kwintas na bigay sa akin ni Israel ay sinuot ko rin. Above the knee lamang iyong
dress na pag iikot ako ay makikitaan na ata ako dahil aangat talaga iyong dulo.
Okay na 'yan, Trace... He likes accessible clothes.

God... Ang ano ko narin talaga! At ako pa itong magsusuot ng ganito para mas
mamanyak ako ni Israel! Hala sige, ipagpatuloy mo iyan nang mabuntis ka talaga ng
maaga.

Nakahighponytail ang aking buhok at kitang kita ang malalalim kong collarbone.
Light make-up lang rin ang inilagay ko para lang maenhance ng kaonti ang soft 
features ng mukha ko. Isang sling bag na chanel naman ang aking dinala at
nagperfume muna saka ako lumabas ng kuwarto. Nakasalubong agad ng aking mga mata si
French na kakaakyat lang dala dala si Kaki.

"May lakad ka?" tanong niya sa kalmadong boses na ikinatango ko. Para agad
naging tambol ang aking puso at kinabahan na.

"Uhm, may bibilhin lang..." sagot ko na ikinangiti niya naman sa akin.

"Okay! Ingat ka. Di na ako sasama since tinatamad ako today eh. Did you ask
permission na ba kay Dad?"

Tumango naman agad ako.


"Oo at pumayag naman siya..."

Tumango tango siya saka ako hinagod ng tingin at kalaunan ay ngumiti rin.
"Enjoy... I'll just wait you here nalang ha."

"Sige French, salamat."

Tumalikod rin naman ito at nagtungo na sa kanyang kuwarto kaya nakahinga ako ng
maluwag. Ano kayang nakain noon at sobrang kalmado niya? Pero alam ko namang kaya
siya ganoon dahil nag-eexpect nalang siyang iuurong ko iyong kasunduan namin ni
Israel.

Habang nasa loob ako ng kotse at nagpapahatid na ay nagtext ako kay Israel.

Ako:
Saan kita pupuntahan?

Ilang sandali lang ay isang tawag na ang pumaibabaw sa aking screen. Sinagot ko
agad iyon at inilagay sa aking tenga.

"You didn't tell me to fetch you," salubong niya na ikinanguso ko.

"Hindi na. Nagpahatid na ako sa driver. Uhm, saan kita pupuntahan?" Iginala ko
ang tingin sa labas ng bintana at nasa diversion na ako banda. Nakikita ko na ang
matatayog na mga buildings.

"Excuse me Sir Buenaventura... May meeting po kayo later with Mr—"

"Cancel it," putol agad ni Israel sa babae. "Im still here. Nasa kompanya pa
ako," sagot niya rin naman sa akin sa medyo masuyong boses hindi kagaya sa pagsagot
niya sa babae.

"Huh? Sir?"

"Move it. I have important matters to do," sagot niya rin doon sa babae.

Ngumuso na ako. Nakakadisturbo pa ata ako.

"Puntahan nalang kita diyan, Israel. Hihintayin kita. H'wag mo nalang


icancel..."

"Matagal 'yon. Mababagot ka," aniya.

"Huh? Hindi 'no. Kaysa naman imove mo pa edi mas lalong madadagdagan ang sched
mo. Okay lang naman..."
He sighed heavily. "Fine..."

Pinatay ko rin naman ang tawag at sinabi na sa driver ang destinasyon namin.
Panay text pa si Israel kung nasaan na raw ako banda. Nirereplayan ko nalang ng
malapit na ako pero ang kulit parin.

Bumaba rin naman ako sa malaking building. Tiningala ko pa iyon at namangha


dahil masyado iyong mataas. Sa kanila ba ang kompanyang ito? Kaya ba gustong gusto
ni Papa na makipagsosyo sa kanila? Paano naman iyong mga lupain nila sa bukid? Ang
ama niya parin ba ang namamahala roon?

Pumasok ako at nagtungo sa front desk. Ngumiti naman agad iyong babae sa akin.

"Yes, Ma'am?" tanong niya sa akin sa malambot na boses.

"Uhm, saan po yung floor ng office ni Israel?" tanong ko na ikinakurap nito.


Nagbago pa ang timpla ng kanyang mukha at mukhang nainsulto sa aking tanong.

"You mean, Mr. Buenaventura?" tanong niya sa akin at hinagod ako ng tingin na
kahit ang kanyang kilay ay umarko pa. "Do you have an appointment, Ma'am?"

Tumango agad ako sa kanya at may sasabihin pa sana kaso nasa telepono na
inangat niya na kinuha niya iyong telepono sa gilid at may tinatawagan na.

Tahimik ko itong pinagmasdang may kausap at tumango tango pa siya saka rin iyon
ibinaba at bumaling sa akin.

"I'm sorry but his secretary told me he has a meeting right now, Ma'am. Maybe
you can wait him here on the lobby."

Nilingon ko ang mga couch nila rito saglit at ibinaling rin naman sa kanya.
Nagkatinginan pa sila noong mga kasama niya ring babae sa front desk at tiningnan
ulit ako. Mga tatlo kasi silang nandito sa harap.

"Ah ganoon ba? Sige. Salamat..." Ngumiti ako at nagtungo


roon sa couch nila.

Nakita kong nagbulungan pa sila at nagsikuhan saka sila tumawa. Nag-iwas ako ng
tingin at sinuklay ang buhok kong nakalugay. Anong oras kaya matatapos si Israel?
Itext ko kaya? Pero nasa kalagitnaan siya ng meeting eh...

Ilang sandali lamang ay isang tawag na nga ni Israel ang bumalandra sa aking
cellphone. Sinagot ko agad iyon.
"Israel..." Ngumuso ako at napatingin sa mga babaeng nasa front desk. Panay
parin sila sa paghahagikhikan at iyong isa ay panay lingon sa akin. 

"Where are you? Kanina pa yang malapit na ako pero wala ka parin," sabi niya sa
naiinip na boses. Sa background noon ay may naririnig akong boses na mukhang
nagpapaliwanag ng kung ano. Nasa meeting siya 'di ba?

"Uh, nasa lobby na ako. Dito nalang kita hihintayin," sabi ko.

"Why are you there?" inis niyang tanong.

"Sabi kasi noong babae dito raw kita hintayin. At nasa meeting ka naman..."

"Excuse me," sabi niya roon sa kabilang linya at may mukhang kausap ng iba.

"Where are you going Mr. Buenaventura?"

"I'll just fetch my fiancee on the lobby. I'll be back right away," sagot niya
roon sa nagtanong at wala na akong narinig na sagot noong kausap niya dahil sa
pumaibabaw na pagkakabukas ng kung ano.

Ngumuso ako sa term niyang "fiancee." Parang may nabuhay sa aking tiyan at
kinikiliti ako.

"Pupuntahan kita diyan," sabi niya kaya tumango ako at wala ng sinabi pa.

Ibinaba ko na ang tawag at maayos na umupo roon. Nag-iwas ako ng tingin roon sa
mga babaeng nasa front desk at di ko alam kung ba't tumatawa. Maayos naman ang
damit ko ah? Oh baka mali ang tawag ko kay Israel? Dapat ba Sir? Or Mr.
Buenaventura? Iyon ata eh...

Nabura rin naman ang mga pinag-iisip ko nang makita ko ang imahe ni Israel.
Nakatuxedo ito at all black pa. Masyado itong intimidating dahil narin sa madilim
niyang mga mata at seryosong ekspresyon. Nagmumukha siyang suplado habang
nakapamulsa at hawak sa isang kamay ang kanyang cellphone.

Nang magtama ang aming mga mata ay tumayo agad ako. Iyong mga babae naman sa
front desk ay tumayo rin agad ng tuwid doon at sinundan ng tingin si Israel na
huminto na sa aking harapan.

"Bakit ka lumabas eh nasa meeting ka?" tanong ko nang hinagod niya ako ng
tingin sa malalim niyang paninitig.

"You're not suppose to wait here." Nagkasalubong ang kanyang kilay at hinila
ang aking beywang papalapit sa kanya. Pinatakan niya ako ng halik sa aking labi
pero iritado parin ang mukha.

"Eh may meeting ka rin..." Ngumuso ako at nakita ang ekspresyon noong mga babae
sa front desk na nagulat dahil sa paghalik ni Israel sa akin.

Iniyapos niya lalo ang braso niya sa aking beywang at namahinga sa aking tiyan
ang kanyang palad habang ginigiya ako sa paglalakad. Nagtungo pa kami sandali sa
front desk kaya nakagat ko ang aking labi dahil dumaloy ang hiya sa mukha noong
dalawa.

"Prioritize my fiancee next time. Treat her like she's your boss," sabi niya sa
matigas na boses doon sa babae na yumuko agad.

"Sorry po Sir Buenaventura..."


"Sorry po, Ma'am..."

"Okay lang..." Saka ko nilingon si Israel at hinaplos ang kanyang panga. "Okay
lang, Israel..."

Binasa lamang ni Israel ang gilid ng kanyang labi at


iritadong tiningnan ang mga babae saka niya rin ako iginiya roon paalis. Kahit
kailan talaga ang suplado nito! Di lang nasunod ang gusto nagagalit na agad sa iba.

"Dapat dumeritso ka nalang sa office ko. Look at you..." Pinasadahan niya pa


ako ng tingin nang huminto kami sa harap ng elevator. Pinindot niya iyon saka ulit
itinuon ang mga mata sa akin.

"Okay lang naman ako roon sa lobby ah?" Ngumuso ako.

"Di okay. Nagmumukha kang tourist attraction doon... Baka kung sino pang
tumangay sa'yo," iritado niyang sabi at iginiya ako papasok sa elevator.

Grabe naman ang isip ng lalakeng ito! Marahan akong natawa kaya hinila niya
lang ako lalo at isiniksik sa kanya. Hinalikan niya ang gilid ng aking ulo at tila
inamoy pa ako roon. Ang isa niyang kamay ay nakabulsa parin at mahigpit naman ang
kapit noong isang braso sa maliit kong beywang.

"Just wait me on my office. Or you can sit on my lap while I'm having a
meeting..." Suhestyon niya at nagawa pang ngumisi.

Tumigil ang elevator sa floor na pinindot niya kanina at bumukas iyon. Sinapak
ko pa ang kanyang dibdib at natawa sa kanyang pinagsasabi.
"Baliw ka. Sa office mo nalang ako," sabi ko habang naglalakad na kami.

May babae sa front desk sa dulo noong tinatahak naming corridor. Mukhang iyan
na ang office niya at mukhang ang babae ay secretary niya?

Kitang kita ko kung paano nalaglag ang kanyang mga mata sa tiyan ko kung saan
ako hinahawakan ni Israel at kung paano niya ako hinagod ng kanyang mga mata. Lahat
ata ng babae rito ay may gusto sa kanya. Pero sabagay... Sino bang hindi
magkakagusto sa tindig nito na kahit nakakasindak at suplado ang mukha ay
magugustuhan mo parin.

Nilingon ko si Israel na may pilyong ngisi at nasa akin ang mga mata. Ano na
naman bang iniisip nito?

Binuksan niya ang pinto at pagpasok na pagpasok palang ay hinalikan niya na


agad ako.

"Dito nalang siguro ako..." Aniya habang iniipit ako sa pinto at tinutulak niya
ang kanyang sarili sa akin.

"Huh? Israel ang meeting mo!" Sinapak ko g marahan ang kanyang balikat pero ang
lalakeng ito ay bumaba pa ang halik sa aking leeg.

"5 minutes... Let me kiss you first," sabi niya at inangkin ulit ng buo ang
aking mga labi.

Nalunod agad ako at iniyapos na ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Ang
kanyang kamay naman ay nakahawak na sa gilid ng aking leeg at ang isang kamay ay
nasa likod ko na at bumababa sa aking pwetan. Pinangggigilan niyang hinawakan iyon
at kahit ang isa niyang kamay ay naroon narin. He's squeezing my butt harshly while
kissing me torridly.

"Is... Rael... Ang meeting mo..." Halos malunod na ako sa pagnanasa at sa


pinaggagawa niya. Napatingala ako at kusang naglakbay ang kanyang halik sa aking
panga, sa aking leeg hanggang napadpad iyon sa aking collarbone.

Narinig ko ang pagkalock ng pinto at biglaan niyang pag-angat sa akin.


Ipinulupot ko ang aking mga hita sa kanya habang naglalakad ito at hindi tumitigil
sa paghalik sa akin. Gosh... Nasasabik ako sa pinaggagawa niya!

"Just one round, Trace..." bulong niya at ibinaba na ako sa sofa.

"Huh?!" Nawiwindang kong sabi pero mabilis niya rin akong inipit at hinalikan
ulit. Nakabukaka na ako roon habang ang kanyang kamay ay nasa aking tiyan na at
nanghahaplos.
"Pero..." Hindi ko halos maisaboses ang aking sasabihin dahil sa agresibo
niyang halik na tinutumbasan ko rin naman at hindi ito itinutulak para awatin.

Narinig ko ang pagbukas ng kanyang zipper at ang pagbaba ng halik niya sa aking
leeg habang ang isa niyang kamay ay pinipisil na ang aking dibdib. Isang halinghing
ang napakawalan ko at nagpaubaya nalang.

Hinawi niya lang ang aking suot at naangkin agad ng kanyang bibig ang aking
dibdib. Napahawak na ako sa balikat noong sofa sa aking itaas at doon kumapit lalo
na't ang kamay rin ni Israel ay nasa gitna ko na, nanghahaplos at di ko na maawat.

"Israel..." Halinghing ko nang itinaas niya na ang aking dress at doon na siya
lumuhod.

Isang marahas na pagkakahila niya lang sa aking suot na panty at naroon na siya
sa aking gitna, hinahalikan na ako at mariin ang pagkakahawak sa mga hita ko na
bukakang bukaka.

Sobra ko ng ingay sa loob at para ng lumalabas ang aking boses sa kanyang


opisina kaya kinagat ko nalang ang aking labi dahil baka marinig kami noong
secretary niya! Paano ko siya pipigilan kung pati ako ay marupok rin! Kung pati ako
ay gusto rin naman! Gosh...

Naigalaw ko na ang aking balakang at para ng mababali ang aking likod kakaliyad
dahil sa mapangahas na ginagawa ng dila niya roon. Ginagawa niyang labi ko ang
gitna ko at malalim niya rin iyong hinahalikan, sinasamba at ginagala ang dila sa
loob.

Tumigil siya sa gitna ng aking pagkamit sa rurok at bigla nalang itinulak ang
kanyang sarili. Sabay na napaawang ang aming mga labi at isang halingling ang aming
nabitiwan.

"Fuck... I miss you so much..." Nagsimula siyang gumalaw sa aking ibabaw na


ikinahigpit ng aking pagkakahawak sa balikat noong sofa.

"Israel!" Halos mawala ako sa aking katinuan dahil sa sensyasyong pumapaibabaw.

Sumambit ng mura si Israel saka niya isinampay sa headrest ng sofa ang aking
isang hita at hinawakan niya naman iyong isa saka siya gumalaw ng mabilis habang
nakaluhod ang isa niyang paa at ang isa ay nakatayo lamang. Umaangat na ang aking
balakang at tumatama na ang aking ulo ng paulit-ulit sa dulo dahil sa kanyang
paggalaw.

Noong matapos siya ay malademonyo rin ang ngisi ni Israel at tuwang tuwa pa!
Ang mabangis na leyong ito ay ginagawa na akong pagkain niya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 54

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Stalker
Iyon ang gawain ko sa Summer. Pinupuntahan ko siya sa kompanya kung masyado
siyang busy. Ayoko namang panay siya cancel ng mga meeting o kung ano pang
importanteng ginagawa niya dahil lang naroon ako at gusto niya akong asikasuhin.
Nakilala rin nila akong fiancee ni Israel dahil sa kapilyuhan noon, kahit nasa
lobby ako at sinusundo niya ay bigla nalang kakagatin ang aking leeg tapos tatawa.
Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano...
Di naman nagtatanong ng kung ano ano si French sa mga lakad ko at palagi pa
akong mag-isa. Tumatango lang siya at ngumingiti. Pero minsan ay natatopic niya sa
akin na hihintayin niya raw na sundin ko iyong usapan namin. Minsan sa pagiging
masiyahin niya araw araw ay kinakabahan na ako.
Nakaupo ako sa kandungan ni Israel habang binubuksan ko iyong folders na nasa
desk niya at tinitingnan iyon kahit wala akong naiintindihan. May tinitipa siya sa
kanyang laptop habang ang kanyang baba ay namamahinga sa aking balikat.
"Sinabi mo na sa brat mong kapatid?" tanong niya bigla sa akin habang ang mga
mata ay nasa laptop.
"Di pa eh... Di ko nga alam kung paano..."
"Just tell her I'm madly inlove with you since you're 17. Tell her I'm your
first kiss and tell her it's the happiest moment of my life." Umangat pa ang
kanyang kilay kaya natawa ako at sinapak ang kanyang dibdib.
"Baliw. Edi nagalit iyon kasi nilihim ko sa kanya." Ngumuso ako at napatitig sa
gilid ng kanyang panga na nakaharap sa akin.
"Sinabi mo pang di worth it? At nakalimutan mo? O baka naman sa sobrang sarap
ng halik ko ay nakalimutan mo?" Nanunuya niyang sabi na ikinainit ng aking pisngi..
Dinidibdib niya ba ang sinabi ni French?
"Ayaw ko lang talagang maalala... Pero worth it naman 'yon." Pag-amin ko.
"It's worth it since it's me who kissed you not just anybody," mayabang niyang
sabi na ikinatawa ko ng marahan.
"Yabang..."
Nilingon niya ako, inangatan ng kilay saka bumaba ang tingin sa leeg kong
nakamuwestra sa kanya lalo na't nakahigh ponytail ang aking buhok.
Yumuko siya saka niya ako kinagat doon. Pinanggigilan niya iyon at naramdaman
ko pa ang kanyang dila na humahaplos na sa balat ng aking leeg. Hinampas ko ang
kanyang balikat kaya ngumisi lamang siya.
"Napapansin ko palagi nang nakatali ang buhok mo. Are you purposely doing it so
that I can bite and lick your neck?" Umangat ang kanyang makapal at itim na kilay
sa akin.
"Hindi ah. Feeling." Sinimangutan ko siya at itinuon ang aking mga mata sa
folder. Ginalaw galaw ko ang mga paa kong walang suot na pumps at nasa ere lang.
Ngumisi siya saka rin naman itinuon ang tingin sa kanyang laptop at nagtipa
ulit doon. Itong si Israel ang daming napapansin sa akin! Tinatalian ko lang ang
buhok ko dahil mas presko sa feeling pag nakatali. At ano rin... gusto ko iyong
pagkakatitig niya sa akin sa tuwing ganito ang ayos ng aking buhok. Bahala nga siya
kung ano ang iisipin niya.
"Oo nga pala... Bukas di ako makakapunta rito ha," sabi ko na ikinatigil niya
sa pagtitipa roon.
Humilig siya sa kanyang swivel chair at hinaplos ang aking pisngi.
"Why?" Nagkasalubong ang kanyang kilay habang mataman na ang tingin sa akin.
"May lakad kami ni French eh. Bibili kami ng school supplies... Isang linggo
nalang klase na ulit namin, Israel."
"Kung ganoon, sasama ako." Kinuha niya sa akin iyong hawak
kong folder saka niya iyon inihagis sa desk niya.
"Hindi pwede!" agap ko agad at nahawakan ang dalawa niyang pisngi.
"Hindi pwede Israel..."
"That brat again?" He raised his brow at me, ang mga mata ay lumalalim na ang
paninitig sa akin.
Ngumuso ako at tumango.
"Next time nalang tayo magkita please. Pwede sa simula nalang pasukan? May mga
vacant time naman ako 'tsaka si French... walang kasama sa bahay eh. Panay na ako
lakad." Sumimangot ako sa kanya.
Binasa ni Israel ang pang-ibaba niyang labi at bumaba ang tingin sa aking leeg.
"Please?" Hinawakan ko ang gilid ng kanyang leeg at hinaplos haplos iyon. Ang
hinlalaki kong daliri ay hinaplos ko pa sa kanyang panga.
"So we're not going to see each other for a week? Is that it?" Paglilinaw niya
at mukhang gusto niyang bawiin ko lang iyon.
Tumango ako sa kanya.
"Aktayin nalang kaya kita sa kuwarto mo?"
"Hindi pwede Israel!" Tumawa ako na ikinabusangot niya lang.
"At 'di ba... May travel ka this Tuesday?"
"Tatlong araw lang 'yon," aniya at hindi parin kumakalma ang mga kilay niyang
nagkakasalubong.
"Magtawagan nalang muna tayo?"
His face darkened as he gripped his tie. Kinalas niya iyon kaya napunta ang
aking mga mata roon at ako mismo ang nagkalas. Ang kanyang kamay ay bumalik rin sa
aking hita at doon na humawak habang ang isa ay nakahawak naman sa aking braso.
"Isang linggo?" Paglilinaw niyang muli at halatang tutol siya roon.
Tumango ako saka ko hinagkan ang kanyang pisngi pagkatapos na iyong tanggalin.
Humawak ako sa kanyang malapad na balikat na nagloosen na at kumalma rin naman ang
kanyang ekspresyon.
"Ayaw mong sumama sa business trip ko? That's 3 days..." Masuyo niyang sabi sa
akin at hinaplos ang aking braso.
"Mas hindi ka makakaconcentrate kung nandoon ako. At palagi narin naman tayong
nagkikita. Magpamiss muna tayo sa isa't isa, Israel." Suhestyon ko na ikinaliit ng
kanyang mga mata sa akin.
"What the fuck? I even miss you right now when you're sitting on my lap. Anong
magpapamiss? I want to be with you all the time." Suplado niyang sabi.
Bumuntong ako ng hininga at humalukipkip sa kanyang harapan. Tinitigan ko siya
ng ilang sigundo hanggang sa kusang magloosen ang kanyang balikat at pinasadahan na
ng haplos ang hiblang nagrerebelde paatras.
Lumapit siya sa akin at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg saka iyon
kinagat. Naramdaman ko pa ang paghagod ng kanyang ngipin doon at dahan dahang
kinalas ang mga kamay ko.
"Anong oras kayo aalis bukas?" tanong niya sa kalmadong boses nang magtamang
muli ang aming mga mata.
"Siguro mga 2pm?"
"Chua's Mall?" Pangungumpirma niya na ikinailing ko.
"Sa ibang Mall ata kami mamimili... sa Abreeza."
"Okay. May lakad rin naman ako bukas," aniya na ikinakunot ng aking noo.
Lakad? Eh may trabaho siya bukas!
"Saan?" tanong ko na ikinanguso niya at nagpipigil pa.
"Somewhere..."
Mabilis akong sumimangot. Ang daya nito! Sinabi ko kung saan ako pupunta bukas
tapos siya hindi!

"Ikaw bahala." Nag-iwas ako ng tingin at uusog na sana kaso


hinila niya ako at niyakap na. Pinatakan niya ng maraming maliliit na halik ang
aking balikat lalo na't napasandal na ako sa kanyang dibdib.
"I'm still waiting you might change your mind, Trace... Ayaw mo talagang
sumama? Isang linggo tayong di magkikita?"
"Malapit na ang klase namin, Israel. Hindi rin ako papayagan ni Papa sa plano
mo."
Isang buntong hininga nalang ang kanyang naisagot sa akin at isiniksik pa ang
mukha sa aking leeg. Iyan ang paborito niyang gawin sa akin.
Hindi niya narin naman ako kinulit sa bagay na iyon at pumayag nalang sa gusto
ko. Medyo may kakaiba rin kasi kay French. Di ko alam pero parang may mali eh.
Normal lang naman siya pero minsan ay nahahalata ko siyang nagdududa na ewan.
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko siya sa sofa, nakaupo at hinihimas na
naman ang balahibo ni Kaki. Nagtama ang mga mata namin kaya pilya agad siyang
ngumiti.
"So, hows your day?" tanong niya at tumayo na.
"Okay lang naman," sagot ko sa kanya saka ako naglakad paakyat.
Sumunod siya sa akin.
"Dad told me nagkikita raw kayo ni Israel? Kinukumbinsi mo rin ba siyang
kumbinsihin sila Daddy na ako iyong dapat pumalit at uurong kana?" tanong niya na
ikinalunok ko.
Hindi ko alam kung iniisip niya bang kaya ako nakikipagkita kay Israel para
kumbinsihin ito o may iba pa siyang iniisip at hinuhuli lamang ako.
"Nag-eenjoy ka bang kumbinsihin siya kaya halos araw araw kanang nakikipagkita
sa kanya?" tanong niya pa noong pumasok ako sa kuwarto at sumunod rin siya.
Inilapag ko ang aking bag sa aking kama saka niya nilingon na nginitian agad
ako ng pilya.
"Alam ko namang hindi mo ako aahasin, 'di ba, Trace? You know I like him from
the start. You know I like him so much..." Mariin niya akong tiningnan pero di
parin nawawala ang kanyang ngiti.
Umawang ang aking bibig para sana sumagot pero naitikom ko rin iyon dahil wala
akong maisip.
"Di na sinasagot ni Israel ang calls ko. Di niya narin ako tinatawagan. Did you
say something to him?" Umarko ang kanyang kilay sa akin at ibinaba pa si Kaki.
"Hindi ko naman hawak ang desisyon ni Israel, French," tanging sagot ko na
ikinahalakhak niya.
"But you can back-out! What's taking you long? Did you posponed it? Don't tell
me you're falling for him, Trace?" Mariin niya akong tiningnan. Kitang kita ko sa
kanyang mga mata ang kinikimkim niyang galit.
Parang nagkabuhol-buhol ang aking dila at wala akong masabi sa kanya. Ayokong
mag-away kaming dalawa. Gusto ko iyong iwasan dahil naging mahalaga na siya sa
akin. Ayokong sa unang pagkakataon ay may pag-awayan kami at dahil pa sa isang
lalake.
"Don't betray me... I treated you like my real sister. H'wag mong hintayin na
may gawin akong hindi mo magugustuhan, Tracey. Don't test me," matigas niyang sabi
na kahit ang galit sa kanyang mukha ay yumakap na.
Umawang ang aking bibig pero tumalikod ito at tumakbo rin naman si Kaki palabas
saka niya iyon marahas na isinara. Nangatog ang aking tuhod at napaupo na ako sa
aking kama. Humugot ako roon ng hininga saka ko nasapo ang dibdib kong sobrang
lakas ng kalabog. Naiiyak ako at nadidismaya sa nangyayari.
Ano bang gagawin ko? Kahit anong isip ko ng pwedeng gawin ay magagalit talaga
siya sa akin. Litong lito ako at para akong may binabalanseng seesaw. Kung iaangat
ko ang isa ay mahuhulog ang isa. Kahit saang anggulo ay may kailangan akong bitawan
para iligtas iyong isa. Ano ba ang mas matimbang ngayon? Ang pagmamahal ko sa
lalakeng di ko na kayang bitawan o ang pagmamahal ko sa pamilya kong di ko kayang
talikuran?

Hindi ko nasagot ang tawag ni Israel sa gabing iyon. Gulong


gulo ako at nagawa ko pang tumambay sa sala para lang makapag-isip isip.
"Well look who's here? Hinihintay mo ba ako?" Ngumisi agad si Papa sa akin nang
madatnan niya ako rito.
Yumuko siya saka niya ako hinalikan sa aking noo. Sa kanyang likuran naman ay
ang imahe ni Tita Brenda na pagod na pagod ang mukha dala dala ang mamahalin niyang
bag at nakachampagne dress.
Nginitian ko si Papa ganoon rin si Tita Brenda. Ang kanyang mga mata ay umakyat
sa ikawalang palapag ng bahay saka niya ako tiningnan.
"Where's your sister?" tanong niya sa akin.
"Nasa kuwarto niya po, Tita," sagot ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.
Napailing naman agad si Papa.
"I can't understand that girl... Pabago bago ang isip. Nakakahiya naman kay
Lorraine kung sasabihin kong siya nalang ulit ang ipakasal," si Papa naman.
"French thought she's going to marry Jackson. Mukhang namisenterpret ng batang
iyon ang nangyayari," si Tita Brenda naman.
"French will get over this. Nag-iinarte lang iyan ngayon," si Papa naman.
"She told me she likes that guy, alot, Liam." Matigas pang sabi ni Tita Brenda
at nagawa akong tingnan saglit.
"Israel seems fine with Tracey. H'wag nating guluhin ang utak ng mga bata.
Enough with this. She already back-out." Naggesture pa si Papa na mukhang stress na
stress na siya sa topic na ito.
Namungay ang aking mga mata at napaiwas ng tingin. Wala namang imik si Tita
Brenda pero ramdam ko ang naninimbang niyang mga mata sa akin.
"Come with me, Trace. Let's eat," si Tita Brenda at nagtungo na sa kusina.
Tiningala ko si Papa na linuluwagan na ang kanyang necktie at hinihilot pa ang
kanyang sintido.
"I'll just change my clothes. Sumunod ka nalang muna sa Tita mo," sabi niya at
sinenyasan akong sundan ito.
Tumango naman ako saka nagtungo sa kusina. Di ko alam kung ba't nakakaramdam
ako ng kaba. Lumabas roon ang isang kasambahay dala dala ang kanyang bag at mukhang
pinapahatid sa kanyang kuwarto. May isang kasambahay naman doon na naglalapag na ng
pagkain sa mesa.
Iminuwestra niya ang upuan sa kanyang tabi kaya doon ako umupo. Pinagsilbihan
rin ako ng isa pang kasambahay habang ang aking mga mata ay di ko kayang ipanatili
sa isang direksyon.
"French is telling me you don't like that guy?" panimula niya habang hinahalo
ang kanyang tsaa.
Hindi ako nakasagot agad at kabadong nag-angat ng tingin sa kanya.
"But anyway, pinagkasundo naman kayo para sa business hindi para mahulog sa
isa't isa. She's telling me it's more convenient if Israel's fiancee is her since
she already like him. Sabi niya... Mas mabilis silang magwowork-out dahil may
feelings na." Inangat niya ang tasa at sumimsim doon.
Wala namang bahid na galit ang kanyang boses pero para paring may bukol sa
aking lalamunan at hindi agad ako nakakapagsalita. Inilapag niyang muli iyong tasa
at hinawi ang buhok.
"Maybe French is just hallucinating that Israel likes him or what? Dahil kung
gusto rin naman siya noong lalake, dapat nagreklamo agad si Israel noong ikaw ang
ipapakasal sa kanya. Lorraine told me his son is desperate to marry you." Umangat
ang kilay ni Tita Brenda sa akin.
Kaya rin ba hindi rin gusto ni Tita Brenda na umurong ako? Kaya kahit kinukulit
na siya ni French ay di niya rin ito mapagbigyan dahil sa nalaman niya sa ina ni
Israel?

Nahipo niya ang kanyang noo at pumikit na.


"French needs to wake-up. Mapapahiya siya sa ginagawa niya at ipapahiya niya
ako kay Lorraine. She's my daughter but I don't think she's right. Pinipilit niya
ang isang bagay na hindi para sa kanya," inis niyang sabi.
Nailing siya saka dumilat. Inangat niya muli ang tasa at sumimsim doon kaya
inangat ko rin ang kutsara para kumain sa inihandang pagkain sa akin. Dahan dahan
akong ngumuya.
"Liam wants you to marry Israel. Iyon rin naman ang gusto ko dahil iyon rin ang
gusto ni Lorraine. We're great friends and we want this marriage to work. Itong si
French lang talaga ang bigla bigla nalang nag-iiba ang timpla. Goodness!" Nahilot
niya ang kanyang noo at bakas sa mukha ang stress.
"Tita... Ayoko pong magback-out p-pero di ko po alam kung paano iyon
ipapaliwanag kay French," pag-amin ko.
"Let her. Bahala siya. Hayaan mo siyang magalit total di siya nag-iisip.
Hintayin mo nalang na gamitin niya ang kanyang utak para matauhan siya sa kagagahan
niya. Do what you want to do, Trace. Sundin mo ang gusto ng Papa mo dahil ayoko
naring makisali at ako na naman ang aawayin noon."
Ngumuso ako at tumango. Noong una ko rito, akala ko kay Tita Brenda at Kuya
Brennan ako mahihirapan dahil sila agad ang iba ang pakikitungo sa akin. Pero sa
mga nangyayari, mukhang kay French ata ako masasabit.
Di na nakasunod si Papa sa kusina at nakatulog na raw. Pinaakyat rin naman ako
ni Tita Brenda sa aking kuwarto dahil matutulog narin daw siya. Dinampot ko ang
iniwan kong cellphone at ang dami ng missed calls noon. Lahat galing kay Israel.
Binuksan ko ang kanyang text.
Israel:
Call me if you read this.
Tinawagan ko naman agad ito at wala pang ilang sigundo ay nasagot niya na.
Ikinwento ko nalang sa kanya iyong napag-usapan namin ni Tita Brenda at medyo
natuwa naman ito sa resulta. Nalaman ko na friendly pala talaga ang kanyang ina at
isa siguro iyon sa mga rason kaya ayaw rin ni Tita Brenda na humadlang dahil baka
masira ang pagkakaibigan nila ni Tita Lorraine.
Doon ata nagmana sa Mommy niya iyong panganay na babae at si Rici habang si
Israel naman ay nagmana sa kanyang ama. Nag-usap lang kami ng kung ano ano at
natulugan ko na naman ito.
"Trace, we're going to buy some school supplies ha," paalala sa akin ni French
nang magising ako kinaumagahan.
Tumango naman agad ako sa kanya saka rin ito ngumiti at tumalikod na. Ibang iba
ang tono niya kagabi kaysa ngayon. Mas maamo siya ngayon at kalmado lang. Di ko
alam kung kinikimkim niya lang ang galit niya sa akin o may mga araw talagang di
siya galit?
Nirereplayan ko paminsan minsan ang mga text ni Israel at nakakainis pa dahil
pinagtitripan ata ako.
Israel:
You don't know how to flirt me.
Napasimangot ako at di nalang iyon pinansin. Paano ko ba dapat siya itext?
Iniwan ko nalang iyon at naligo na. Pagkatapos ng isang oras ay lumabas rin naman
ako ng banyo na nakatapis at dinampot ang aking cellpghone sa bedside table.
Israel:
What are you doing?
Nagtipa ako ng mensahe.
Kakatapos ko lang maligo at nakatapis lang ako ng tuwalya ngayon.
Napangisi ako saka ko iyon sinend sa kanya. Di pala ako marunong ha.
Ilang sandali lang ay isang tawag na ang pumaibabaw. Natawa agad ako at
binalikan ang aking cellphone imbes papasok na ako sa walk-in. Dinala ko iyon doon.
"Hello?"
"Nakatapis ka?" tanong niya agad na ikinanguso ko.
"Di na 'no. Nasa loob na ako ng closet. Magbibihis na ako," sagot ko habang
namimili ng dress na susuotin at nakaloudspeak lang ito.

"Tss... Are you seducing me?"


"Hindi ah! Sabi mo di naman ako marunong sa ganyan," banayad kong sabi at
nililingon pa ang aking cellphone.
"But it's turning me on..." he whispered sensually.
Gosh naman, Israel!
"Di ko na 'yan kasalanan." Itinapat ko ang napili kong damit sa hubad kong
katawan.
"Are you naked?" tanong niyang muli na ikinalaglag talaga ng aking panga.
"H-Hindi!"
"You are," sagot niya sa paos na boses.
Hindi na ako sumagot at nagbihis nalang. Nagmadali pa akong magsuot ng undies
dahil pakiramdam ko ay sinisilipan niya ako sa tawag kahit alam ko namang
imposible. Tahimik lamang siya sa kabilang linya hanggang sa naisuot ko na iyong
dress ko. Buhay pa ba siya?
"Israel?" tawag ko habang inaayos ang may parteng dibdib ng aking suot.
"Hmm..." he muffled.
Huh? Anong ginagawa nito?
"Nasa work ka?" tanong ko pa.
"Yeah," saka siya marahang natawa.
Weird naman nito!
Kaya habang nagmimake-up ako ay nakaloudspeak iyon at di naman siya
nagsasalita. Naririnig ko lang ang kanyang paghinga. Nasa trabaho ata ito dahil
naririnig ko ring may tinitipa na ewan.
Nagpaalam rin naman ako sa kanya at pinatay na ang tawag noong bumaba na ako.
Inilugay ko nalang ang aking buhok total wala namang mangangagat ng leeg ko ngayon.
Topic namin ni French ang mga bibilhin at mga gagawin namin sa Abreeza Mall.
Gusto niya rin daw magshopping at bumili ng bagong shoes kaya sumang-ayon narin ako
dahil gusto ko ring bumili ng bagong dress. Iyong pasok sa taste ni Israel para
naman matuwa iyon. Di naman siya nagrereklamo sa suot ko.
Pagdating namin doon ay dumeritso agad kami sa National Bookstore. Namimili
siya ng binder ganoon rin ako at pinapakita ko pa iyon sa kanya. Nalilito ako kung
iyong black na binder or iyong may pagka beige ang kulay ang kukunin ko kaya
tinanong ko nalang talaga si French.
"Okay lang?" Ipinakita ko sa kanya ang kulay beige na may qoutes na desinyo na
ikinatango niya naman agad.
"Wait that's cute ha. Same nalang tayo," sabi niya kaya napangiti ako at
tumango.
"Same tayo ng taste but we can't share you know," dagdag niya pa at tumawa na
habang umaabante.
Double meaning ata iyon... Di ko nalang iyon pinansin at nagconcentrate sa
pamimili. Ilang sandali lamang ay tumunog ang aking cellphone. Di ko nalang muna
iyon pinansin at inilagay sa cart iyong napili kong libro tungkol sa poetry. Para
naman may bago ulit akong mabasa. It's one of R. H. Sin's books.
Binayaran rin naman namin iyon saka kami lumabas. Tinawagan ni French ang aming
driver at pinadala niya iyon sa kotse. Bumili naman kami ng milktea sa nadaanan
namin at naglakad lakad rin pagkatapos.
"Let's eat nalang kaya muna? Or magshopping na?" tanong niya sa akin habang
kinukuha ko ang aking cellphone na panay vibrate sa loob ng aking sling bag.
Tiningnan ko ang screen noon at puro text ni Israel. Nilingon ko saglit si
French na sinisipsip ang kanyang hawak na milktea habang gumagala ang tingin sa mga
botiques na nadadaanan namin.
Binuksan ko agad ang mga text ni Israel.
Israel:
The black binder is much better for me.
Israel:
Can I sip on your milktea too?
Nalaglag ang aking panga at mabilis na iginala ang aking mga mata. N-Nandito
ang lalakeng iyon at sinusundan kami!
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako:
Nasan ka?
Ilang sandali lamang ay nagreply ito.
Israel:
Bumalik ka lang sa daan mo.
Huh? Napalingon ako sa aking likod pero wala naman siya. Ang lalakeng iyon
talaga! Akala ko pa naman nasa trabaho siya ngayon!
"We'll eat nalang siguro muna," sabi niya nang tumigil kami sa isang kainan.
"Uh, magc-cr muna ako French. Sige... Mauna kana lang muna sa loob ha," sabi ko
na ikinatitig niya sa akin sandali pero kalaunan ay tumango rin naman.
"Okay... Bilisan mo ha," sabi niya na ikinatango ko.
Nagmadali akong bumalik sa aking daan habang gumagala ang aking mga mata sa
bawat nadadaanan ko. Napapatingin pa ako sa mga lalakeng nasa paligid dahil baka
siya iyon pero nagulat nalang ako nang may biglang humila sa aking beywang.
Kamuntik ko pang mabitiwan ang milk tea na hawak ko buti nalang talaga at
nakabawi agad ako sa pagkagulat nang marinig ko ang halakhak niya sa aking taenga
nang isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Nakakainis ka!" Hinarap ko ito at sinimangutan.
Ngumisi siya sa akin at malademonyo na ang tingin. Hinalikan niya pa ang aking
leeg at hinalikan rin ako sa aking labi.
"Di ka naman sana makikipagkita sa akin pero ang ganda ganda mo." Umangat pa
ang kanyang kilay nang hinagod niya ako ng tingin sa suot kong straps dress.
Sumandal siya sa may pader at hawak parin ang aking beywang. Nakawhite cotton
shirt ito at denim jacket na nakarolyo sa kanyang bawat braso habang may wayfarer
na nakasabit roon sa panloon niyang damit. He looks dashing...
"Anong ginagawa mo rito? Sinundan mo ako?" tanong ko sa kanya.
Yumuko siya at sumipsip sa aking milktea at umiling rin naman.
"I bought some pens." Dinukot niya sa kanyang bulsaang dalawang ballpen na
nakacellophane at inangatan pa ako ng kilay.
"Sinabi ko na sa'yo kahapon may lakad rin ako ngayon." Inosente niya pang sabi
at binalik sa bulsa iyong ballpen.
Seriously? Ballpen? Pumunta siya sa National Bookstore para bumili ng ballpen?
Dalawang ballpen?!
"Ang rami mo kayang ballpen sa office mo!" Tinuro ko pa ang kanyang mukha na
ikinanguso niya.
"I want a new ballpen." Yumuko siyang muli at hinagkan ako.
Sinungaling ito! Grabe Israel... Ikaw na talaga!
"Stalker ka ha."
"What's wrong if I'm following you? You're my fiancee afterall," rason niya na
ikinalaglag talaga ng aking panga.
Umamin na!
"Idadahilan mo pa na bumili ka lang ng ballpen..." Nanliit ang aking mga mata
kaya niyakap niya ako ng mahigpit at natawa na sa gilid ng aking tenga na kahit ang
kanyang napakamanly na pabango ay madikit narin sa akin. Nailing nalang ako at
niyakap nalang rin ito.
Ewan ko talaga sa'yo Israel Buenaventura...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 55

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Evangeline Lumelay. Happy reading!
-------------
Warning: SPG
Pakakasalan Kita
Hindi na nga kami nagkita ni Israel sa mga sumunod na araw. Natuloy iyong
business trip niya sa ibang bansa habang inasikaso ko naman ang nalalapit kong pag-
aaral at minsan ay nasa bahay lang, nagbabasa ng libro.

Si French ay hindi na gaanong tambay sa aking kuwarto at may sarili naring


mundo sa kanyang kuwarto. Nasa veranda ako at binabasa iyong libro ni R.H. Sin
habang may slice ng cake naman sa aking tabi.

Tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong dinampot at napangiti na ng


malapad. Pero nang mabasa ko na si Kuya Brennan pala ay napanguso rin ako.

"Kuya?" sagot ko at isinandal ang aking mga hita sa railings. Inilapag ko naman
sa aking kandungan ang libro.

"Nabalitaan ko kay Mommy na gusto raw ni French na umurong ka sa kasunduan? Ano


na namang inaarte arte niyan?" inis na tanong sa akin ni Kuya.

Wala na kasi siya rito at busy na sa babae niya kaya palagi ng huli sa balita.
O kung may alam man, siguro minsan ay wala ring pakialam.

"Ayoko namang umatras eh..." sagot ko.

"Malamang... sa lagkit ng pagkatitig mo sa lalakeng iyon aatras ka pa ba?"


Nanunuya niyang sabi na ikinasimangot ko.

"Grabe ka sa akin. Di iyon malagkit ha!"

Naiimagine ko tuloy ang sobrang suplado na mukha ni Kuya Brennan ngayon.

"Nag-aaway kayo ni French?"


"H-Hindi naman. Ang shallow naman kung mag-aaway kami dahil lang sa lalake,
Kuya..."

"French is shallow. Posibleng awayin ka niyan dahil di masunod ang gusto niya,"
puno ng kasiguraduhan niyang sabi na ikinabuntong ko ng hininga.

Mas matagal silang magkasama ni French at mas kabisado niya ito. Kabisado ko
rin naman si French pero hindi sapat ang taon ng pagsasama namin para masabi kong
kilalang kilala ko na talaga ito. Lalo na't sa pinagsasabi niya noong nakaraan sa
akin, doon palang ay kinabahan ako.

Sana nandito si Kuya Bram. Sa kanya lang rin naman ako mas comfortable sa pag-
oopen up... Sa kanya ako mas nasanay na sumandal. Ang hirap rin pala pag inaako mo
lahat ng mabigat mong dala. Nakakangalay at ang sarap magpahinga.

"Do you want to... say something?" tanong niya at mukhang nahimigan ang
pagiging tahimik ko.

Bumuntong ako ng hininga at ramdam ang bigat sa aking balikat. Na kahit siguro
ilang ulit akong bumuntong ng mahabang hininga ay di ko parin iyon maaalis.

"Natatakot akong sabihin sa kanya lahat ng totoo dahil ayokong mag-away kami,
Kuya. Napamahal na si French sa'kin... D-Di ko naman alam na magkakaganito pala.
Naduwag ako noong umpisa at ngayon ay naduduwag parin ako dahil ayoko siyang
magalit sa'kin," malungkot kong sabi at tiningnan ang langit na hindi gaanong
masakit ang sikat ng araw sa mata.

"Buong buhay mo ay pinagbigyan mo ang mga tao na nakapaligid sa'yo, Trace. I


know how kind you are. Ngayon na masaya ka naman sa pinasukan mo, unahin mo na ang
sarili mo. Nagpaubaya kana kaya tama na 'yon. Learn to fight for your happiness,
lil sis..."
Parang nalusaw ang aking puso na kung nasa harap ko lang si Kuya Brennan ay
niyakap ko na ito. Di ko alam kung anong nakain niya at tumawag siya ngayon pero
baka ramdam niya ring may mabigat kaming dinadala na mga kapatid niya. Ganoon naman
ang magkakapatid...

"Salamat Kuya Brennan," sambit ko at napangiti na.

"Pinag-aksayahan kita ng oras kaya h'wag mo akong biguin. H'wag kang maniwala
roon sa kung mahal mo ay pakakawalan mo. Mga tanga lang sa pag-ibig ang mabibiktima
niyan."

Natawa ako sa kanyang sinabi. Sa nagdaan atang taon ay mas naging mature siya
at mas naging blunt sa mga salita.

"Thank you, Kuya... I love you..."


"Okay," tanging sagot niya at pinatayan ako ng tawag. Aray naman. Iyong I love
you ko di natumbasan.

Inilapag ko ang cellphone at ibinalik ang pagbabasa. Namutawi ang matamis na


ngiti sa aking labi. Kahit papaano ay nabawasan ang dala dala ko. Sana pati si
French ay makumbinsi ko rin balang araw... Sana ay magkaayos rin kami kung sakaling
ang kahinatnan man nito ay magalit siya sa akin. Handa naman akong humingi ng tawad
dahil alam kong may kasalanan rin ako sa umpisa palang.

Tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong sinagot at inilagay agad sa
aking tainga.

"Nakokonsensya ka at mag a I love you too, ka 'no?!" Pang-aaasar ko kaagad kay


Kuya habang natatawa.

"What the fuck, Tracey? That's why I can't call you huh..." Ang supladong
boses  ni Israel ang pumaibabaw sa kabilang linya na ikinalaki ng aking mga mata.

Gosh, Trace! Namali ka!


Tiningnan ko ulit ang screen at tama nga ako dahil international call iyon. Oh
my God! Lagot ako!

"A-Ah... Si ano 'yon..." Hilaw akong natawa at ramdam ang kalabog ng puso kong
lalabas na ata sa aking dibdib.

Naibaba ko na ang aking mga paa sa railings at napaupo nang maayos.

"So you're cheating? Ayaw mong sumama sa akin at may katawagan ka pa," inis
niyang sabi na ikinanguso ko.

"Si Kuya Brennan ang tumawag 'no," pag-amin ko pero isang mahabang "tssssss"
ang isinagot.

Ilang sigundo siyang hindi sumagot kaya nagawa ko pang tingnan ang screen ng
aking cellphone at tumatakbo pa naman iyon. Ang mahal mahal pa naman tumawag sa
Pilipinas pag nasa ibang bansa ka.

"Israel?" tawag ko.


"Oh?" matabang niyang sagot na kahit ako ay ramdam ang kanyang inis.
"Ayaw mo akong kausap? Ibababa mo nalang ang tawag..." sabi ko.

"Sige ibababa ko," matigas niyang sabi na ikinasimangot ko at hinihintay nalang


iyong mamatay.

"Ibababa mo na?" tanong ko.


"Ibababa ko na... ang pride ko, tangina yan!" malutong niyang mura sa kabilang
linya na ikinakagat ko sa aking labi.

"Si Kuya nga kasi 'yon!" agap ko.

"Pero dapat sa akin ka lang ganoon," mariin niyang sabi at frustrate na


frustrate na.

Grabe, ang laki laki ng problema niya. Sobra! Hindi ako makapaniwalang sa dami
dami ng pagtatalunan namin ay ganito pa.

"Sa'yo lang naman ako ah?" sabi ko na ikinatahimik niya saglit.

Bumuntong siya ng hininga kaya napisil ko ang pang-ibaba kong labi. Ang guwapo
pa naman nito pag inis na inis na. Sayang naman at wala sa harap ko.

"I just called to asked you if you like anything... Anong gusto mong
pasalubong?" tanong niya at kalmado na ang boses. Ang bilis rin talaga nitong
kumalma!

"Huh? H'wag na 'no. Nakakahiya..."


"Seriously Trace? Nakakailan na tayo sa kama tapos mahihiya ka pa—"

"Israel!" tawag ko sa impit na boses na ikinahalakhak niya


sa kabilang linya. Pulang pula na ang aking pisngi!

"Come on. Wala kang gusto? Or I'll send some photos..."

"H'wag na nga kasi!"

"Fine. I'll just buy something for you," sabi niya na ikinatampal ko ng aking
noo.

"How are you? Do you miss me? Uuwi rin naman ako bukas," masuyo niyang sabi na
akala mo ay isang bata ang kausap niya kaya ganyan siya.

"Pero pag-uwi mo bukas may lakad rin naman ako. Pupunta kami sa school dahil
may aasikasuhin kami ni French tapos di na kami papayagang gumala kasi malapit na
ang pasukan. Sabi ko naman sa pasukan na tayo magkikita..." Malungkot kong sabi.

"Can I just... Come over? Kahit sa labas lang ng gate. I don't mind..."

Marahan akong natawa pero umiling rin kahit di niya naman iyon makikita.

"Sa pasukan na nga. Promise ko, pag vacant ko pupuntahan agad kita."

"But I miss you? Kahit silip lang?" suhestyon niya at ewan ko kung nagbibiro ba
ito o ano.

"Di nga!"
I heard him groaned. Mukhang dismayadong dismayado na naman.

"Sir, the meeting will going to start now," narinig kong sabi ng kung sinong
babaeng may malambing ang boses.

"Sige na, Israel... Ibababa ko na."

"I love you," bulong niya sa malalim na boses at nasundan pa iyon ng mahabang
hininga.

"I love you," sagot ko pabalik at di na napigilang mapangiti.

Hay... Pwede bang magpakasal nalang tayo? Pati ako nahihirapan narin eh.
Nakakafrustrate rin pag nafufrustrate siya.

Kaya sa sumunod na araw ay naging busy na nga kami ni French. Sabay naming
inayos ang aming sched at mukhang may ibang subject na hindi kami magkasama. May
mga vacant time ako na may klase siya at may mga vacant time siya na may klase
naman ako.

Minsan ko nalang nasasagot ang tawag ni Israel pero panay naman text nito sa
akin at ako itong sinasagot nalang ang mga tanong niya. Pinapatulog narin kasi kami
ng maaga at may limit na ang cellphone kaya di ko narin kami nakakapag-usap nang
maayos.

Katulad ng nakasanayan ko tuwing first day of school ay maingay na naman ang


corridor at nagkalat ang mga estudyante sa bawat sulok. Si French ay nakipagtilian
pa roon sa mga group of friends niya nang magkita sila sa may 1st floor.

"Gosh! I miss you guys! Uy you look great ha! I like your tan skin!" Compliment
niya roon sa isa niyang kaibigan na nangingitim. Nasunog siya?

Ang iba niyang mga kaibigan na napapatingin sa akin ay nginingitian ko nalang


at nag-iiwas agad ng tingin para di na ako nito makausap pa.

"French you look pretty as always ha! Wait... What happened na doon sa crush
mo? OMG like I am so excited if kayo na ba!"

"Oo nga French! That denim guy is so guwapo ha! Diba hinatid ka niya and you
said he's calling you?"

"Nagdidate na kayo? Or he's your boyfriend na! Oh M G!" Nagtilian agad iyong
lima at pinagyuyugyog pa si French na kahit ako ay napaatras na dahil sa
pagkakatama sa akin noong isa.

Tumawa si French ng hilaw at pasimple akong nilingon. Naging mahigpit ang hawak
ko sa aking bag at pasimple nalang iginala ang tingin sa eskwelahang bagong pintura
pa ata dahil masyado ng matingkad ang kulay. Iyong mga glasses na windows ay
masyado ring attractive ang kulay nito na asul.

"Let's talk it later nalang since may klase pa. See you
later guys!" Hinila rin naman ako ni French paalis sa kanilang harapan at naglakad
na kami patungo sa first subject namin.

"I hope you won't disappoint me, Trace. I'm expecting your final answer this
month." Nilingon ako ni French sa seryosong mukha at naninimbang na ang mga mata sa
akin.

This month... Palugit ko ba iyon? Para akong may utang sa kanya na nadedelay
ang bayad at ngayon ay sininisingil niya na ako. Na pag hindi ko iyon nabayaran ay
pagbabayarin niya ako sa ibang paraan.

Tuwing first day of school, may iba sa mga prof na nagbibigay agad ng kanilang
magiging topics sa buong semester pero may iba rin namang prof na di pa sumisipot
kaya before 20 minutes ay lumalabas narin ang mga estudyante.

Di sumipot iyong isa naming prof kaya lumabas ako at nagtungo nalang sa library
para doon magpalipas ng oras. May mga estudyante pa akong nakakasalubong at iyong
iba ay panay ang hagikhik.

"That guy is famous here... Tambay kasi sa labas at pakain kain ng fishball.
Nakakagulat at nandito na siya ulit eh last two years nawala silang dalawa noong
vendor eh..."

"Eh diba iyon yung napapabalitaang crush ni Chua? That one named French ata?
Senior na ata 'yun ngayon."

"Maybe siya ang pinupuntahan noong guy since may rumor na nagkikita raw sila
tuwing summer sa isang Bar."

Tumigil ako sa paglalakad at napalingon sa grupo ng mga babaeng lumagpas lang


rin naman. Si Israel ba ang tinutukoy nila? Ibig sabihin... Nasa second gate na
naman ang lalakeng iyon at tambay doon?

Nagvibrate ang aking cellphone kaya tiningnan ko agad iyon at nakita ang text
ni Israel.

Israel:
Vacant mo na?

Nagtipa rin naman ako ng mensahe.


Ako:
9 palang Israel. May dalawa pa akong subjects na 2 hours. Mamaya pa ang vacant ko.

Nagpalipas ako ng oras sa library at nagbasa roon ng libro. Dalawang subjects


pa ang kailangan kong pasukan bago ang vacant time ko na dalawang oras. Full load
rin kasi ako kaya whole day akong may klase. Baka mas maging busy pa ngayon lalo
na't Graduating.

Panay ang text ni Israel at kahit ano na ang tinatanong. Pati mga kaklase ko ay
gusto niya naring malaman kung may kumuha raw ba ng atensyon ko. Ang paranoid!

Israel:
Baka iyong prof?
Ako:
Matanda na 'no!
Israel:
I am three years older than you.

Nailing nalang ako at tumawa. Di ko na ito nireplayan saka rin ako nagtungo sa
next subject ko.

"Diba ikaw 'yung kapatid ni French Chua?" tanong sa akin ng isang estudyante
nang makapasok na ako sa sunod na subject.
Ngumiti ako sa babae at tumango.

"Matanong ko lang, boyfriend niya na ba iyong lalake na nakadenim sa labas?


Sila na?" tanong niya at nagawa pang umabante para lang mas marinig ang magiging
sagot ko.

Wala akong naisagot agad at nagpapasalamat rin ako dahil sa pagdating noong
prof. Itinuon ko kaagad ang aking tingin sa harap kahit na ramdam ko parin ang
paglingon nito sa akin. Sikat rin naman kasi si French dito kaya ang daming
nacucurious sa buhay niya.

Noong matapos ang aking klase ay tinitigan ko ulit ang aking cellphone at
naroon na nga ang sunod sunod na text ni Israel.

Israel:
You done?

Israel:
Vacant mo na.
Israel:
Nasa parking lot ako.
Israel:
Come here.

Mabilis kong naibulsa ang aking cellphone at nagmamadali na akong tumakbo


papunta roon. Wait! Kalma, Trace. Maglakad ka nga lang... Sinikap ko namang
maglakad hanggang sa makarating ako sa underground ng school at ang malapad na
parking lot agad ang sumalubong sa akin.

Maraming nakapark doon pero nang mapansin ko ang itim na kotse at ang lalakeng
nakasandal doon habang seryosong hawak ang cellphone suot ang isang itim na fit
tshirt at denim jacket na nakarolyo pa ang mga sleeves habang ang isang paa niyang
nakaitim na boots ay nakatukod sa kanyang kotse, mas umusbong ang excitement sa
akin.

"Israel!" tawag ko at napatakbo na papunta sa kanya.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin at tumuwid sa pagkakatayo. Ibinulsa niya


agad ang kanyang cellphone at ngumisi na habang hinihintay akong makarating sa
kanyang harapan.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at nayakap ko agad siya na kahit ang
aking bag ay nabitiwan ko pa. Umangat ako sa ere nang niyakap rin ako pabalik ni
Israel at inikot pa ako. Natatawa niyang isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg
at mas niyakap ko ito ng mahigpit na kahit ang pabango niya ay lumilipat narin ata
sa akin.

"Fuck... I miss you..." bulong niya sa aking leeg at nagawa na namang kagatin
iyon.

Humiwalay ako saka ko hinawakan ang kanyang pisngi. Kagat kagat niya ang
kanyang labi at ang mga mata ay makikitaan ng sabik.

"Namiss kita..." pag-amin ko at tumingkayad pa para mahalikan ko lamang ito.


Iniyapos niya agad ang kanyang braso sa aking beywang at diniinan ang halik na
dapat ay mabilis lamang.
Umatras siya at isinandal ako sa may pinto habang hinahalikan ako. Sinuklian ko
kaagad iyon ng pangungulila ko sa kanya at halos layasan na naman ng katinuan.
Humiwalay si Israel saka niya pinulot ang aking bag at binuksan ang front seat.

Pumasok naman ako roon habang sinusundan siya ng tingin na nagmamadali naring
pumasok sa driver's seat. Imbes na paandarin ang kanyang sasakyan ay lumipat lamang
siya sa aking harapan at nagawa pang itulak ang aking upuan hanggang sa makahiga na
iyon.

Gusto kong magreklamo at sabihing huwag dito pero dahil rin inatake niya na ako
ng halik ay di ko na iyon nasabi pa. Gosh! Nasa parking lot pa kami ng school!

"Fuck, I miss you!" daing niya habang hinahalikan ako at iniisa isa na ang
botones ng aking blusa.

Iniyapos ko ang aking kamay sa kanyang leeg at halos iangat ko ang aking sarili
para lang madiinan iyong halik. Inangat lang ni Israel ang aking mga binti at
nagmistula na akong palakang tila tumaob sa kanyang ilalim. Iniyapos ko iyon sa
kanyang beywang at nakaangat narin sa aking beywang ang aking palda.

"Israel..." daing ko nang gumalaw na siya sa aking ibabaw at itinutulak ang


matigas na gitna niya sa akin.
Nagkatitigan kaming dalawa at kitang kita ko ang pagnanasa roon. His dim and
dark eyes were dim and he looks like he's really drunk...

The sensation burned me. Ginagalaw ko narin ang aking balakang para lang
makasalubong ang kanyang galaw at napatingala na. Awtomatikong bumaba ang halik ni
Israel sa aking panga at pinisil ang aking nalalantad na dibdib sa kanya dahil sa
botones kong nakalas niya na nga.

"1 fucking week... Damn it... I miss you!" He groaned and claimed my peak using
his hot mouth.

Umawang ang aking bibig at hindi nakayanan ang sensasyon. Idagdag pa ang isang
kamay ni Israel na pinipisil na ang isa kong dibdib.

"N-Namiss rin kita..." tanging sambit ko at ungol na ang


sumunod.

He sucked my peak alternately. Tiningnan ko siya habang ginagawa niya iyon pero
sa tuwing nagiging mapangahas ang kanyang dila ay di ko na nakakayanan pa.
Israel's kisses travel down to my navel while caressing the fabric of my panty.
Halos dumugo ang aking labi kakakagat ko para lang hindi umungol ng malakas dahil
rin baka may tao sa labas at mahalata kami rito!

"I miss your sexy voice, Trace. Come on... Moan." Lumuhod siya sa aking harapan
at mas pinabukaka ako saka niya ako hinagkan doon.

Isang halinghing ang aking napakawalan nang naramdaman ko ang dila ni Israel sa
aking gitna, sa tela ng suot kong panty. Nagawa niya pang ipadaan ang tungki ng
kanyang ilong doon na nagpaigtad sa akin at mariin ng napapikit. Parang mababali na
ang aking likod kakaliyad at masyadong nasasabik sa susunod niyang gagawin.

Hinawi niya lang ang tela noon at hinalikan ulit ako sa gitna ko na nagpadaing
na sa akin. I was crying mess while gripping his hair and pushing myself to his
tongue, grinding my wet p-ssy to his mouth.

Ilang minutong nanatili si Israel doon pero noong mapansin niyang malapit na
ako ay saka rin siya tumigil. Gusto kong mainis pero noong narinig ko ang
pagkakababa niya ng kanyang zipper at ang paggiya niya sa kanyang kahandaan palabas
ay umurong agad ang aking dila at hindi na naisaboses pa ang gusto kong sabihin.

Isinampay niya ang isa kong hita sa kanyang balikat saka niya marahas na
itinulak ang aking sarili na sabay na ikinaawang ng aming bibig. Nayakap ko siya
saka siya nagsimulang gumalaw doon, marahan ngunit pasagad iyon habang hinahalikan
ako at nakikipaglaro sa aking dila.

Ang dalawa niyang kamay ay napunta sa aking pang-upo at pinanggigilan niya iyon
saka rin bumilis ang kanyang galaw. Israel groaned as he slammed deeper and harder.
Pakiramdam ko ay masisira niya na ang upuang sinasandalan ko at ang tangi ko nalang
nagawa ay umungol at humawak doon sa ibabaw ng upuan.

Our eyes met. Inabot ko ang kanyang labi at hinalikan siya ng buong puso.
"I love you. Be with me forever..." bulong niya sa aking labi at mas isinagad
pa ang kanya sa kanya.

Tumango ako at hindi na magawang sumagot pa dahil sa sensasyong pumapaibabaw.


Di mo iyon kailangang hilingin sa akin Israel dahil kusa ko iyong ibibigay sa'yo.

Noong matapos rin naman kami ay hingal na hingal kaming nagkatinginan. Naliligo
ako sa sarili kong pawis ganoon rin siya. Pinunasan niya ang aking noo at hinagkan
ako saka siya ngumisi.

"You look great in your uniform," sabi niya habang binobotones pabalik ang
aking blusa.

Hinila niya ulit paabante ang aking upuan hanggang ang lapit lapit ko na sa
kanya. Yumuko pa siya para lang hagkan ulit ako sa aking leeg.

"Pero hinubaran mo ako," natatawa kong sabi at hinahabol parin ang aking
hininga.

"Gusto kitang binibihisan pero mas gusto parin kitang hinuhubaran," Dinungaw
niya ako na ngayon ay nakaangat pa ang dalawang kilay na ikinatawa ko nalang.

Inayos namin ang aming mga sarili at doon lang rin umalis sa parking lot noong
nakabawi na kami. Gosh... Kahit saan nalang ata basta pwede ay game na ako. Ano
bang ginawa sa akin ng lalakeng ito? Kailan pa ako naging ganito kahanda pagdating
sa ganitong bagay?

"We still have 1 hour and 30 minutes before I drive you again to school. Let's
eat somewhere..." Nilingon niya ako na ikinatango ko at ngumiti na.

Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at hindi naitago sa akin ang kanyang
ngisi. Nagawa niya pang suklayin paatras ang hiblang nagrerebelde na nalalaglag sa
kanyang noo at sumipol sipol pa habang nagdadrive gamit ang isang kamay. Ang
tanging suot niya nalang ay iyong fit na black vneck tshirt.

"Dinala ko 'yung mga pasalubong ko sa'yo. Nasa likod," sabi niya kaya
napalingon na ako roon.

Napakurap ako at nakita ang mga paperbags, kahon na mukhang sapatos ata ang
laman, saka may iba ring maliliit na box at iyong iba ay di ko na alam kung ano.
"Sa akin yan lahat?" Nanlaki ang aking mga mata at inabot ko pa iyong isang
paperbag.

"But this is too much!" Hindi makapaniwala kong sabi nang sinilip ko ang
paperbag at natagpuan ang mga damit doon.

"Too much?" Nagkasalubong pa ang kanyang kilay kaya may inabot pa ulit akong
box sa likod. Si Israel naman ay nagawa pang hilain ang aking palda pababa.

Umupo ako ulit nang maayos saka ko binuksan ang box na nakuha at nagulat sa
gold necklace na may pendant na Israel's. Nilingon ko siya na ngayon ay nakanguso
na. Sumipol nalang ito kaya nailing ako at kumuha ulit ng iba pang naroon. Binuksan
ko ang malaking box at tama nga ang hinala ko na sapatos iyon.

Umawang ang aking bibig para sana may sabihin ako pero naunahan niya na ako.

"That's all yours. Di mo pwedeng ibalik sa'kin."

Ngumuso ako at nalaglag ang tingin sa sapatos. Kinuha ko ito at namangha dahil
sa kulay.

"May ganyan rin ako. Let's jog next time and wear our couple shoes..."

"Ano?" Natatawa kong tanong.

Kinagat kagat niya ang kanyang labi at inangatan nalang ako ng kilay.
Pinaparating noon na narinig ko naman ang sinabi niya.

"Sige. Salamat." Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi na


ikinanguso niya agad at tila nagpipigil na namang mapangisi.

"Dapat masanay kanang tumatanggap ng mga bagay sa'kin. Pag ikakasal tayo... ako
rin naman ang bibili ng mga gamit mo. You need to get used to me, spoiling you with
things and such..." Nilingon niya ako at kinuha pa ang isa kong kamay saka niya
iyon hinagkan.

"Di lang ako sanay."


"Kailan ka masasanay kung ganoon? Pag ilang ulit na kitang nabuntis?"
Malademonyo siyang ngumisi sa akin kaya sumimangot nalang ako.

Lumingon siya sa akin saglit at hinawakan ang aking baba. Ginalaw galaw niya
iyon kaya para na akong umiiling. Binasa niya ang pang-ibabang labi at hindi na
nabubura ang ngisi roon.

"Mababaliw ata ako pag di ikaw ang pinakasalan ko. I badly want you to be my
wife," he said on a deep baritone voice and glance at me like I'm the prettiest
girl in the world.

"Pakakasalan kita at gustong gusto ko ring maging asawa mo, Israel," sagot ko
at nginitian ito. "Kahit komplikado, kahit madilim... pakakasalan kita kahit kahit
pa tumutol ang buong mundo."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 56

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Marienelle Arimado. Happy reading!
-------------
Di Ko Kaya
Naging usap-usapan nga ang pagbabalik noong vendor at pagiging tambay ulit ni
Israel sa second gate. Naroon na ulit ito tuwing hapon, tuwing vacant time ko. Doon
kami nakakapagquality time at ang leyong iyon ay hindi talaga maawat ang
kapilyuhan.

"French let's go later sa main gate! Nandoon na ulit 'yung lalake mo."

"Oo nga French. We'll support you later."

Napatingin ako sa dalawa sa mga circle of friends ni French sa isa naming


subject. Hawak hawak ko ang ballpen at may sinusulat ako sa aking notes habang nasa
harapan ko naman sila. Si French ay sinusuklay ang kanyang buhok at sa kanyang
harapan ay iyong dalawang nakatayong babae.

Sandali akong nilingon ni French kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.


Nagpanggap nalang akong nasa notes ko ang buong atensyon.

Ibinalik niya ang tingin sa dalawa.


"I can't eh. May gagawin ako later and hindi siya match sa vacant time ko,"
rason niya.

"Ay? But this Sunday? Are you going to party with us?"

"If Daddy will let me then sure!"


"Okay, French. We'll expect your presence ha. Dalhin mo yung crush mo." Tumawa
pa iyong babae kaya tumawa rin si French.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Ang laki naman ng expectation ng mga tao
rito sa rumor tungkol kay French at Israel. Bakit kaya mahilig ang mga taong
magpakalat ng maling balita? Kaya rin siguro pinipressure ako nitong si French para
may mapatunayan siya sa circle of friends niya. Siguro...

Nagvibrate ang aking cellphone kaya natigil ako sa kakasulat at dinungaw ang
screen noon. Si Israel...

Israel:
30 minutes more.

Inoorasan ata ako ng pilyong ito. 30 minutes after ay vacant time ko na at


kabisadong kabisado niya rin ang schedule ko. Hiningi niya iyon noong first day of
school sa hotel habang kumakain kami.

Nagtipa ako ng mensahe habang si French naman ay pasimple akong nililingon.


Napapansin ko lately mas nagiging mapagmatyag siya sa'kin. Wala naman siyang
sinasabi pero ramdam ko sa kanyang mga mata na gusto niyang magtanong kung si
Israel ba ito.

Ako:
Pero may gagawin ako mamaya. Baka di ako makalabas.

Inilapag ko iyon at akmang magsusulat ulit nang magvibrate na naman ito. Nakita
ko kaaagad sa screen ang kanyang reply.

Israel:
Come on, Trace. Nasa tapat lang ako.
Ngumuso ako at nakita agad ang kanyang imahe roon sa aking utak, kumakain ng
fishball at hinihintay ako habang pinapalibutan ng mga babae roon na pakain kain
rin.

Ako:
Gusto ko rin pero marami akong gagawin. Di tayo pwedeng maghotel.

Naisend ko na iyon at napatitig pa ako sa huli kong sinabi. Seriously... Iyon


nalang rin ang laman ng utak ko! Feeling ko tuloy ngumingisi na ng malademonyo ang
lalakeng iyon!

Israel:
Hotel?

Sumimangot ako at di na siya nireplayan pa. Nagpapainosente na naman at


sigurado akong tinatawanan na naman ako noon ngayon. Tinapos ko ang aking gawain.
Panay vibrate ang aking cellphone kaya di ko muna pinansin. Wala talaga akong
matatapos ngayon pag pinansin ko itong kakulitan at kapilyuhan ni Israel.

Noong pwede ng lumabas dahil tapos na ang subject ay


nagseparate lang kami ni French. May next subject pa siyang papasukan habang ako
naman ay kailangang dumeritso sa library.

"So sa library ka lang?" tanong niya sa akin habang lumalabas kami ng


classroom.

"Oo French, ang rami kong gagawin eh..." sabi ko sa kanya.

"Sige. I need to go na to my next subject. Later nalang ulit." Ngumiti siya ng


tipid sa akin kaya ngumiti narin ako pabalik.

Nauna itong tumalikod dala dala ang Gucci niyang bag at nagawa pang hawiin ang
buhok paatras na sumunod naman agad sa kanyang gusto. Nagiging less clingy na siya
sa akin at hindi na masyadong nakikipag-usap. Parang may biglang naging off sa
kanya sa pakikitungo sa akin. Parang limit nalang...

Ngumuso ako at nagtungo rin naman sa room kung saan pwede kang magcomputer.
Kailangan kong magresearch muna tapos mamaya ay sa library ako tatambay.

Kakaupo ko palang sa harap noong monitor nang nagvibrate  na ang aking


cellphone at tawag na ni Israel ang naroon. Ngumuso ako at tinitigan iyon.
Bumuntong ako ng hininga saka iyon sinagot.

"Israel?" tawag ko sa kanya.

"Come here, Trace..." sabi niya sa masuyong boses na ikinanguso ko.

"Hindi pwede 'di ba? May gagawin ako..."


"What is it?" tanong niya.

Inipit ko ang aking cellphone sa aking balikat at naglog-in na sa computer.

"May kailangan akong isummarize," sagot ko.

"Ah sige ako nalang ang papasok," kalmado niyang sabi na ikinalaki ng aking mga
mata.

What? Pagkakaguluhan siya rito! He's just going to stir up some rumors!

"Huwag!" agap ko agad at napatingin pa ang iilang estudyante sa akin.

Tumikhim ako at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa iba. Nilog-out ko iyong aking


account sa computer saka na ako tumayo dala dala ang aking bag. Alam ko naman
kasing di rin ito magpapapigil.

"Come on... I want to see my fiancee. I'll date you for awhile..." Nanunuya
niyang sabi at feeling ko ay ngumingisi na siya.

Naglakad ako palabas at kailangan itong puntahan sa main gate para mas
ipaliwanag sa kanya na marami akong gagawin. At may trabaho ito ah? Lumabas na
naman siya para lang talaga tumambay diyan sa second gate!

"Pero Israel, marami talaga akong tatapusin," nafufrustrate kong paliwanag.

"Lalabas ka o papasukin kita?" tanong niya at mukhang nakaangat na ang kilay.

Ano raw? Papasukin? Papasukan? Huh? Ang dumi dumi na talaga ng utak ko!

Noong makarating ako sa second gate ay mabilis na nagtama ang aming mga mata.
Ngumuso naman agad ito. May iilang estudyante roong kumakain pero medyo malayo sa
kanya at panay lang lingon.

"Come here," masuyo niyang sabi sa nakakaakit na boses at malalim na ang tingin
sa akin. Ang isang kamay ay nakabulsa pa.

Sumimangot ako at ibinaba ang tawag. Haynako... Babagsak ata ako sa subjects ko
at kay Israel ako lalagapak.

Tumawid ako habang nakasunod naman ang kanyang mga mata sa akin. Napapansin ko
pa ang tingin ng mga babae sa kanya na sobrang lagkit. Hindi ko nalang iyon
pinansin at tuluyan siyang nilapitan.

"May gagawin nga ako," paliwanag ko agad noong pumwesto ako sa harapan ng stool
at naroon naman siya sa gilid.

Kaso si Israel ay ngumisi lang at nagawa pang tumusok ng fishball! Sinimangutan


ko siya kaya iyong isusubo niya sana ay nagawa niyang itapat sa aking bibig.

Tinitigan ko iyon at sa aking gilid ay ramdam ko ang


pagsinghap ng iilang estudyante dahil sa kanilang nakikita. Syempre, sinong mag-
eexpect na ganito siya kasweet eh masyado iyang intimidating ang tindig niya lalo
na't ngayon ay naka all black pa. Fit Leather jacket na itim at fit na cotton shirt
na itim rin ang pangloob, itim na pantalon at itim na boots. Pumapaibabaw rin ang
madilim at misteryoso niyang mga mata pero mas lalo lamang iyong dumagdag sa
kaguwapuhan niya ngayon.

"Nako... Naiinis na ata sa'yo Israel." Tumawa pa iyong Manong na vendor dito.

Ginalaw galaw niya ang stick at tinagilid pa ang ulo para mas masilip ang aking
ekspresyon.
"I'll help you don't worry," sabi niya pa sa akin at mas inilapit ang stick sa
akin.

Ngumuso ako at inilapit ang aking labi para kainin na iyon kaso bigla niya
iyong ibinaba at yumuko na saka sinalubong ang aking labi. Nanlaki ang aking mga
mata at gulat sa kanyang ginawa. Ngumisi lang siya at isinubo sa kanya iyong
fishball. Gosh, Israel!

Sa gilid ng aking mga mata, may estudyante pang nalaglag ang kanyang maliit na
paperplate na hinahawakan sa pagkagulat. Ngayon ay expose na sa ibang estudyante
rito ang kalandian ng Buenaventurang ito sa akin!
Namula ang aking pisngi at pinanood si Israel na tinusok iyong panghuling
fishball saka niya tinapik iyong balikat ng matanda.

"I'll just date my fiancee," aniya na ikinangisi naman agad noong matanda sa
akin.

"Oh sige... Buti pa nga at mukhang nagseselos na iyan kakatambay mo rito,"


panghuhula nito at tumawa pa.

Sinenyasan niya lang ito na aalis na kami saka hinila ni Israel ang aking
beywang at inilapit ako sa kanya.

"Marami ba ang ginagawa mo?" seryoso niyang tanong at mukhang kinalimutan na


ang ginawa niya sa akin.

"Marami tapos kinukulit mo ako." Pinaningkitan ko siya ng mata at gustong


magtunog galit pero ang hirap hirap. Di ko naman kayang magalit sa kanya. At kahit
anong gusto kong iprioritize ang mas importanteng bagay, itong si Israel ay di ko
rin talaga kayang talikuran. Gusto ko siyang pagbigyan palagi...

"Pumunta tayo sa hotel tapos—"


"Marami nga akong gagawin, Israel!" agap ko habang ginigiya niya ako sa
paglalakad.

"Easy." Tumawa siya at yumuko pa para halikan lang ang aking leeg. Mas lalo
lang akong napasimangot.

"I'm just going to help you. Gusto mong dito sa daan gawin iyong mga research
mo? Humilata tayo rito sa daan?" sarkastiko niyang sabi at inangatan pa ako ng
kilay.

Napabuntong ako ng hininga. Sige na. Siya na ang magaling mangatwiran. Malapit
lang rin naman kasi iyong Marco Polo Hotel sa school namin kaya nagiging convenient
sa kanya ang pagpunta namin doon lalo na't mabilis niya lang rin akong maihahatid
pabalik sa school.

"Akin ang dalawang oras sa isang araw mo, Trace. Kung ipagkakait mo iyon sa
akin ay mapipilitan akong nakawin ka sa loob ng eskwelahan na 'yan. Papasukin kita
at yayayaing lumabas," seryoso niyang sabi sa akin.

Hindi agad ako nakasagot. Alam ko namang sa kanya ang dalawang oras ng vacant
time ko. Iyon nalang ang hinihingi niya sa akin araw araw dahil busy na ako sa
klase at siya rin naman ay busy sa trabaho niya. Kaso may hahabulin akong deadline
kaya ayoko sanang makipagkita sa kanya.

"Eh pag magkasama tayo pinapagod mo lang naman ako." Nag-iwas ako ng tingin sa
kanya lalo na't pinapamulahan na ako ng mukha.
"Pwede namang di muna natin gawin. I'll just help you right now," paliwanag
niya hanggang sa tumigil kaming dalawa. Sa unahan noon ay ang gate papunta sa
parking lot ng school.

Tumango siya at binasa ang pang-ibabang labi.

"Or we can kiss after?" suhestyon niya na ikinatawa ko at mabilis na sinapak


ang kanyang dibdib.

"Iba na yang kiss mo!" Natatawa kong sabi.

He chuckled and crouched a bit to kiss me.

"I'll just get my car. Wait here," aniya at hinaplos ang aking siko para
magpaalam.

Tumango naman ako at sinundan ang kanyang likod na pumupunta na roon.


Nililingon pa ako habang kagat kagat niya ang pang-ibabang labi na ikinanguso ko
nalang.

Tinotoo niya nga naman ang sinabi niyang tutulungan niya ako sa ginagawa ko.
Siya ang nagsusulat ng aking notes habang ako naman ang naghahighlight sa dala kong
libro ang kailangan niyang isulat. Seryosong seryoso siya roon sa kama habang
nakasquat at nasa isang hita niya nakalagay iyong notebook ko.

Sumubo ako rito sa kanyang paanan habang sa harap ko ay iyong mesa kung saan
nakalagay ang order naming pagkain. May hawak akong libro at binabasa iyon gamit
ang aking mga mata at paminsan minsan ay sinusubuan ko nalang rin si Israel na
naroon ang buong atensyon sa pinapagawa ko sa kanya. Nakahubad ang kanyang leather
jacket at nalalaglag pa ang iilang buhok niya kakayuko habang magkasalubong ang
kilay at nagagawa pang kagatin ang dulo ng aking ballpen. Iyan iyong binili niya sa
National Bookstore na binigay niya rin naman sa akin.

"When are you going to pass this?" tanong niya sa akin at nagsulat ulit.

"Bukas na." Ngumuso ako kaya nag-angat siya ng tingin.

"Bukas? When did the prof gave this to you?"

Tumingala ako at napisil ang aking pang-ibabang labi.

"Uhm, noong Monday?" di sigurado kong sabi na ikinaangat ng kanyang kilay.

"Monday? But it's already Wednesday. Di mo 'to ginawa kahapon?"

"Nakalimutan ko kasi mas inuna ko iyong isa ko pang subject tapos meron pa pala
ito..." Nalaglag ang aking mga mata sa aking notes.

"Ang hilig mo rin kasing iprioritize ang ibang bagay na pwede namang hindi muna
unahin," aniya at nailing saka ulit nagsulat.

Huh? Double meaning ba iyon?


"At katulad ng? Paghohotel kasama ka sa vacant time ko?" sarkastiko kong sabi
sa marahang boses na ikinaangat ng tingin niya sa akin sandali.

"That's important."
Sumubo ako ng pagkain at sinubuan ko rin ito. Importante... Eh syempre gustong
gusto niya.

"Nasabi mo na sa brat mong kapatid?" tanong niya makalipas ng ilang sigundo.

Tumigil ako sa pagbabasa gamit ang aking mga mata at sumimangot na. Sa gilid
naman ng aking mga mata ay ang naninimbang niyang tingin sa akin.

"Pag patatagalin mo 'yan, mas lalo iyang magagalit. Kung sasabihin mo ngayon,
magagalit parin. Just tell her and let her get mad."

"Pero Israel... Di ko kayang magalit siya sa akin."

Nabasa niya ang kanyang labi at nagkasalubong na ang kilay noong nagsulat ulit
ito. Ibinalik ko ang aking mga mata sa aking binabasa.

Nauna siyang matapos sa akin. Ganoon niya kabilis natapos isulat ang 2 pages na
kailangan kong isummarize at back to back pa iyon. Pagkatapos niya ay nilapitan
niya agad ako sa inuupuan ko at kinarga. Siya ang umupo roon at ako naman ang nasa
kandungan niya. Iniyapos ko ang isa kong kamay sa kanyang leeg habang ang isa kong
kamay ay hawak parin iyong libro at binabasa iyon gamit ang aking mga mata.

Hinalikan niya ako sa aking leeg at sinilip rin pagkatapos


ang librong hawak ko.

"Do you want me to help you read that?" tanong niya na ikinatawa ko.

"Edi walang pumasok sa utak ko pag ikaw ang pinabasa ko..."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumitig sa aking mukha. Ibinalik ko ang
aking mga mata sa libro. Si Israel naman ang sinubuan ako paminsan minsan at
kumakain rin ito.

"Wala kang meeting?" tanong ko sa kanya.

"Pinamove ko dahil nakasched sa vacant time mo."

Naibaba ko ang aking libro at kunot-noo siyang tiningnan. Lumingon siya sa akin
at nakipagtitigan na.

"Huh? Bakit? Dapat tumuloy ka nalang..."

"Kung itinuloy ko, tingin mo may tutulong sa'yo ngayon?" Umangat pa ang kanyang
kilay.

Hinaplos haplos ko ang ibabaw ng buhok sa kanyang batok pataas. Ang kanyang
kamay namang nakayapos sa aking beywang ay namamahinga lamang doon.

"Sorry kung nakakadisturbo ako..." Pagod akong napangiti.

"Naging parte narin naman ng aking routine araw araw. I started doing this
since you're first year college. You don't have to say sorry on the things that I
really love to do."

Namungay ang aking mga mata kay Israel. How did I end up with this guy? He's
just too perfect. Ni hindi ko ito naaappreciate noon. Di ko nakikita ang halaga ng
ginagawa niya dahil nabubulag ako sa desisyon ko. Pero ngayon na halos magkasama na
kami araw araw, di ko ata mapapantayan ang mga sakripisyo niya para sa akin.

Hinaplos ko ang panga ni Israel kaya umangat rin ang kanyang kamay at hinawakan
ang likod ng aking palad. Namungay ang kanyang mga mata at nakaawang na kaonti ang
labi niyang basa at natural na pula. I sighed heavily and smiled at him. Hinaplos
haplos ko ang kanyang pisngi gamit ang hinlalaki kong daliri habang tinitingnan ang
kanyang buhok na namamahinga sa kanyang noo.

"Ilang anak ba ang gusto mo?" Out of nowhere kong tanong sa kanya na
ikinaliwanag naman agad ng kanyang mukha.

Alam ko ang mga gusto ni Israel. Alam ko ang mga bagay na nakakapagpasaya sa
kanya bukod sa makasama ako sa isang araw at bukod pa roon sa gustong gusto niyang
ginagawa naming sexy time. He loves planning our future. He loves asking me about
the things I want after marrying him. Gusto niya iyong mga topic tungkol sa pagbuo
ng pamilya.

"How about five?" Suhestyon niya na ikinatawa ko.

"Five?! Ang rami naman! Ayaw mo ng dalawa?"

Nagkibit siya at ngumisi. "As long as it's our child. Ano bang gusto mo?
Lalake?" tanong niya na ikinailing ko.

"Babae talaga ang gusto ko eh... Ayoko ng lalake kasi baka magmana sa'yo tapos
intimidating, suplado, pilyo, at marahas. O baka nga tuso. Dapat babae," sabi ko na
ikinanguso niya at nagpipigil lang matawa.

"Why are you so harsh to me?" Lumapit siya sa akin at pinatakan ako ng halik.

"Totoo nga kasi!" Natatawa kong sabi nang humiwalay siya.

"But what if it's a boy?" hula niya.


"Edi gawa ulit tayo!"
"But what if it's still a boy." Ngumisi pa siya ng malademonyo.

"Uhm... Gawa ulit tayo?" suhestyon ko na ikinahalakhak niya sa aking tainga.

"Sana lalake nalang palagi para pwede kitang buntisin ng ilang beses..."
Kinagat niya ang aking tainga at hinalikan na ako roon. Sobrang nakakakiliti iyon
kaya natawa ako at sinapak ang kanyang braso.

"Ang sama mo! Ikaw kaya manganak! Palibhasa ituturok mo lang sa akin 'yang
sa'yo tapos ako ang iere. Masakit 'yun alam mo ba?" Sinimangutan ko siya.

Isinandal niya sa akin ang kanyang noo at pumikit na ito. Ginalaw galaw niya
ang kanyang ulo at ipinagtama ang aming mga ilong.

"2 children is enough. Isang lalake, isang babae... I just want to have a
family with you Trace... O kahit isang anak nalang basta makabuo lang tayo ng
pamilya, maging asawa lang kita, tumanda lang tayong magkasama. I'm fine with it as
long as you're with me," halos ibulong niya iyon sa aking labi at puno ng
sinseredad na ang kanyang boses.

Napapikit narin ako at isang ngiti na ang napakawalan. Tumango ako.

"Bubuo tayo ng pamilya natin Israel. Magkasama tayong tatanda..." I whispered


back and felt his lips with mine.
Gumalaw iyon at marahan lamang ang hagod noon sa aking labi. Napahawak ako sa
gilid ng kanyang leeg at buong pusong tinumbasan ang matamis niyang halik.

Binalot niya ng dilim ang mundo noon ko pero bakit ganito... Bakit gustong
gusto ko paring manatili sa tabi mo, Israel? I just want your shade...

Our kisses lasted for a cuople of minutes. Ako itong hihiwalay para hahabulin
ang hininga at kung napansin niyang nakakaadjust na ulit ako ay aatakihin niya ulit
ako ng malalim niyang halik. Para siyang may nakaimbak na malaking hininga sa
kanyang loob at ako lang ang palaging kinakapos. I got used to it... Sanay na sanay
na ako sa pagsasama naming dalawa at di ko na kayang bitawan pa siya.

I'm really sorry French...

Naipasa ko iyong notes ko sa prof at tuwang tuwa pa ako dahil sulat kamay iyon
ni Israel. Mas okay kasi na ipasa mo sa tamang deadline ang mga school works mo
kaysa naman malate ka edi bawas grado pa 'yun. Ayoko rin kasing maulit iyong
matatambakan ako ng mga gagawin dahil madadamay na naman ang oras ni Israel.

"Where have you been yesterday? Wala ka sa library," si French kinaumagahan


noong makapasok na kami sa first subject namin lalo na't katabi ko rin ito.

Napakurap ako at naigala ang tingin.

"Ah... Lumabas ako saglit," alibi ko na ikinatitig niya sa akin.

"It's been 2 weeks. Wala ka parin bang balita sa akin?" Pag-oopen up niya
tungkol kay Israel.

Pinagmasdan ko siyang hinawi ang buhok at seryoso ang mukha sa akin. Nalaglag
sandali ang aking mga mata sa desk kung nasaan ang aking binder pero itinuon ko rin
ulit ang aking mga mata kay French.

"P-Pero si Papa kasi..."


Kinuha niya ang aking notes at binuklat iyon sa isang subject. May sinimulan
siyang kinopya roon pero ang mga mata ay nililipat niya sa akin minsan.

"Dad is pushing you to marry Israel kasi di ka rin naman nagbaback-out. And
Mommy only cares about her name. Ayaw niyang masira ang pangalan niya kay Tita
Lorraine but if you convince her papayag rin naman 'yun since she doesn't want so
much headache," paliwanag niya habang nagsusulat.

"Pero French, kaya rin ayaw ni Tita Brenda na umurong ako dahil rin
nagmamalasakit siya sa friendship nila ni Tita Lorraine. Mas mahalaga iyon para sa
kanya." Katulad ko, ayaw ko naring sabihin sa'yo ang lahat dahil mas mahalaga sa
akin ang friendship natin.

Hindi ko na iyon naisatinig pa dahil sa pagdaloy ng inis sa kanyang mukha.

"Don't use my parents as an excuse, Trace. Just tell me nalang that you're
falling for him, too! Kaysa naman papaasahin mo ako na uurong ka pero di pala."
Halos magkasalubong na ang kanyang kilay.
Umawang ang aking bibig para sana may sabihin pero inunahan niya agad ako.
"Pag nalaman kong inaagaw mo na pala siya sa'kin... Baka magalit ako sa'yo ng
husto at kamuhian ka, Trace. Please h'wag mong hintayin na umabot tayo sa ganoon,"
mariin niyang sabi at binuklat pa ang aking notes.

Napabuntong ako ng hininga. Wala na akong masabi at napisil nalang ang aking
mga daliri na nasa aking kandungan. Padabog namang ibinalik ni French ang aking
binder sa aking desk at tumayo rin ito paalis. Sinundan ko lang siya ng tingin saka
ako ulit bumuntong ng hininga.

She will hate me if I told her everything... Para narin akong mawawalan ng isa
pang kapatid nito... N-Nawala na si Kuya Bram sa akin. Siguro kaya rin ako
naduduwag dahil sa pinag-iisip ko. Nadala na ako sa nangyari sa akin noon.

Mabilis kong pinunasan ang luha kong tumulo at napasandal sa aking upuan. Di ko
na kayang mawalan ulit ng mahal sa buhay... Masakit 'yun... Di ko kaya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 57

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Angel Mondejar. Happy reading!
-----------
Fiancee
Naging malamig na nga ang pakikitungo ni French sa akin. Nakikipagtawanan naman
siya sa mga circle of friends niya kaya pag niyayaya ako ng iba niyang kaibigan na
sumama sa kanila ay tumatanggi nalang ako at dumidistansya.

"Kawawa si French ha. If totoo 'yung kumakalat na rumor na inaahas siya ng


kapatid niya sure ako mas kawawa si French. Eh diba she's anak lang sa labas and
her Mom is kabit pa? Edi parang ganon narin ang ginawa niya kay French. Inagawan
niya rin like her Mom did to French's Mom."

"O M G. Poor French. I thought she's mabait rin eh kasi diba she's very
innocent and she's very quiet pa. Yun pala nasa loob ang kulo..."

"But French seems okay naman and di naman siya inaaway. What if nagparaya pala
siya for the sake of her sister nalang 'no?"

"French hates sharing ha. She's spoiled kaya..."

Mabilis kong kinuha ang binili kong pagkain at umalis na roon sa cafeteria. Ang
dalawang conyo na iyon ay isa sa mga circle of friends ni French dito sa school. Di
na ako magtataka kung may kumakalat na rumor tungkol sa amin ni Israel dahil rin
naman iyon sa paghalik ni Israel sa akin sa second gate. Ayoko naring itago at
hayaan nalang kung ano ang isipin nila. Hayaan mo nalang silang husgahan ka total
sanay ka rin naman sa ganito, diba Trace?

Pero bakit ba may mga tao talagang ang hilig pag-usapan ang buhay ng isang tao?
Nakakapagtaka talaga.

Siguro ay nakaabot na ito kay French kaya ganoon na kacold ang babaeng iyon sa
akin at hinihintay nalang ang magiging desisyon ko. Di naman magbabago eh...
Ipaglalaban ko si Israel pero di ko rin kayang magkagalit kami. Minsan di ko na
talaga alam kung saan ako lulugar. Sana ay dumating ang araw na wala na akong
inaalalang ganito at mamuhay nalang ng mapayapa.

Nagkita ulit kami ni Israel pero saglit lang. Pumayag naman ito at di na ako
kinulit. Nagpaalam rin siya sa aking may tatlong araw ulit siyang business trip
kaya pumayag rin ako para magamit ko iyong vacant time niya at gawin ng advance ang
mga school works ko.

Tumambay ako sa sala sa gabing iyon. Doon ko ginawa ang aking mga kailangang
sagutan na assignment at may isa pa akong project sa isa ko pang subject.

Umalog ang sofa at naramdaman ko nalang ang presensya ni Papa sa aking tabi.
Nilingon ko siya na nakasalamin na at nakaroba.

Inangat niya iyong isang bond paper kung saan ko isinulat iyong isa ko pang
ginawa na report ko. Pinasadahan niya iyon ng tingin at tumango tango pa.

"Do you have a powerpoint for this?" tanong niya na ikinailing ko.

"Gagawa pa po ako bukas, Papa," sagot ko at tiningnan ito ng mabuti.

"You're good huh. Di ako magtataka kung naging Cum Laude ang anak ko." Ngumisi
siya sa akin at hinawakan ang aking ulo.

"Parang imposible po ata Papa kasi may mas magaling pa naman sa akin." At
normal lang naman ang mga grades ko. Wala akong bagsak pero di naman iyon pang Cum
Laude talaga. Di rin kasi ako masyadong active sa school eh. Wala nga akong
sinasalihang kung ano ano sa school. Normal lang na estudyante.

"It's okay. I know you're smart. I'm fine with your achievements. Si Kuya
Brennan mo nga halos bumagsak pa iyon sa isang subject." Nailing si Papa na
ikinatawa ko ng marahan.

Alam ko ang kuwento niyan! Ang sabi pa ni Kuya Brennan nun, "Ganoon talaga ang
mga taong di perpekto, nagkakamali." And Papa just laughed at him. Si Tita Brenda
ay natampal nalang ang noo dahil kabisado niya rin ang ugali ni Kuya.

"Kayo ata ni Bram ang nakamana ng katalinuhan ko. Itong


dalawa... Si French at Brennan, sakit sa ulo ang namana," pabulong niyang sabi sa
akin na sabay naming ikinahalakhak.

"Papa, mas matalino po si Kuya Bram sa akin eh. May exam iyong napeperfect
niya."

"I'm such a proud father. Di ako nagsisisi at nagkaanak ako kay Tasha dahil
biniyayaaan niya ako ng dalawang anghel." Lumapit si Papa sa akin at hinalikan ako
sa noo. Napanguso ako at nagpigil na ng ngiti.

"Salamat po, Papa..."


"Anything for you, sweetie."

Nagngitian kami ni Papa saka ko rin naman ibinalik ang tingin sa aking
ginagawa. Mukhang tulog na si Tita Brenda at pagod na pagod sa trabaho.

"Oo nga pala... Kumusta na kayo ni Israel? May progress ba? That guy is very
intimidating and..." My father trailed off. Kumunot lang ang kanyang noo at mukhang
hindi alam kung paano ilalarawan si Israel. Madilim, marahas at manyakis po,
Papa...

"Nakakatakot po?" dugtong ko na ikinatango niya agad.

"Yes. But you see... Chinese people prefer older man for their daughter. Mas
mature sila at mas marunong magdala ng pamilya. I don't want you to pair with boys
dahil baka paglaruan ka lang. Kaya rin gusto ko si Israel para sa'yo dahil mukhang
hindi pabaya kahit ganoon ang tindig."
Kung alam mo lang Papa... masyado na iyong advance mag-isip kung future lang
ang pag-uusapan. Bukambibig noon palagi ang buntisin ako. Masyado na talaga iyong
ata magkapamilya at parang hinihintay lang na makagraduate ako.

I know Papa prefers older men. Iyon rin ang kultura nila eh. And my father is
just so into it. The more mo raw kasi sinusunod ang kultura, the more raw na
suswertehin. Kaya nga sinisikap ko ring pag-aralan ang kultura nila dahil natatakot
akong baka malas lang ang dala ko.

"But he's Lorraine's son kaya alam kong mabait ka namang pakikitunguhan noon
kahit mukhang masungit. And seems like you two are doing well huh." Umangat ngat pa
ang mga kilay ni Papa at mukhang tinutukso ako.

Ang bait nga naman ni Israel... Ang amo amo sa akin. Ang leyong kaya palang
pakalmahin ng katulad ko.

"But I have a tiny problem..." Sumandal si Papa sa sofa at nasa kawalan na ang
kanyang tingin. "Hindi parin ako kinakausap ni French at mukhang nagtatampo parin.
I even told her I'll just buy her a car kaso ayaw niya raw." Natatawang sabi ni
Papa at hindi ata masyadong sineseryoso ang tanging hiling ni French.

"Magiging okay lang po ba siya, Papa?" tanong ko sa namumungay na mga mata.

Tumingala si Papa at nag-isip.


"Noong bata yang si French... May kaklase siyang kinaiinisan niya ng husto and
she told me to pay the school para lang ikick-out iyon nang di niya na makita. But
you know I can't do that so nagtampo siya. She even told us di nalang siya papasok
ng school. Brenda wants her to transfer pero ayaw niya rin kaya naging no choice
yung batang kinaiinisan niya at kailangang lumipat. We talked to her parents and
just paid for her enrollment."

Nagulat ako roon. G-Ganoon kalala si French?! Alam ko namang maldita iyon at
spoiled. Pero iyong ganoon ay sobra na ata!
"Parehas lang sila ni Brennan," natatawang sabi ni Papa. "Yang Kuya mo isa rin
'yan. Ang raming napapaiyak na mga babae noong Elementary palang siya kaya pag
nagiging kaklase siya wala pa siyang ginagawa nagsisiiyakan na yung mga bata."
Tumawa pa si Papa sa pagkukwento na kahit ako ay ganoon narin. I can imagine Kuya
Brennan throwing dagger looks! Kahit ako siguro na bata ay iiyak talaga ako.

Ang layo layo pala talaga namin ni Kuya Bram sa dalawa. Kami kasi ni Kuya ay
nagpapaligsahan sa achievements hindi kagaya ng dalawa na nagpapaligsahang bigyan
si Papa ng sakit sa ulo. Pinalaki rin kasi kami ni Mama na ipriority ang pag-aaral
at minulat niya kami sa aming estado kaya nagsisikap rin kami. Eh si Kuya Brennan
at French namulat sa maluhong pamumuhay kaya siguro naging ganoon ang mindset nila.

"I hope French will realize this, sooner. May mga bagay na
hindi niya makukuha sa pamamagitan ng estado, ganda at pera. This is her lesson for
being a brat and I want her to learn from this."

I hope, too, Papa. Kaso sa inaasta ni French, parang gusto niya talagang
ipagpilitan ang bagay na di pwede.
Noong matapos ako sa aking ginagawa ay umakyat rin naman ako sa aking kuwarto.
Napabuntong ako ng hininga at nahilot ang aking balikat. Inikot ko pa ang aking ulo
dahil sa nangingirot kong leeg. Tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong
pinuntahan at nakita ang facetime roon.

Ngumiti agad ako at nakipagvideocall kay Israel na... topless.

"I've been calling you for an hour. May ginagawa ka?" tanong niya at inaayos
ang magulong buhok. Mukhang nasa isang kuwarto ito.

"Oo. May mga ginawa akong projects, reports and assignments. Bukas gagawa ako
ng powerpoint," paliwanag ko saka dumaloy ang pagod sa aking mukha.

"Rest. Lay in bed, Trace," aniya.

Ginawa ko rin naman iyon dahil rin gustong gusto ng huminga. Sa sobrang lambot
at comportable ay gusto ko na agad pumikit pero sinikap ko nalang tingnan si Israel
na nakasandal na sa headboard at pinapanood ako ng malalim.

"Kumusta kana? Galing ka sa trabaho? Kakatapos lang?" tanong ko kaya tumango


siya at nakaawang pa ang basang labi.

"And I'm happy to come home tomorrow after buying you some things... May
maisusuggest ka?" Umangat ang kanyang kilay.

Itinaas ko ang aking cellphone at hinawi ang aking buhok para hindi maging
sagabal. Umiling ako at ngumisi. Ayoko talagang binibilhan niya ako ng kung ano
ano. Nakakahiya parin!

"Okay. Ako nalang ang bibili para sa'yo."

Tumango ako. "Sige... Uh, anong oras ka uuwi bukas?"

"Baka gabi narin at sa susunod na araw pa kita makikita. Why... Do you miss our
sexy time?" He licked his lowerlip and flashes his evil smirk.
Iyon lang talaga ang nasa utak ng pilyong ito!

"Hindi ah!" Namula agad ang aking pisngi at nagawa ko pang tumagilid sa
pagkakahiga.

Nakita ko ang pagbaba ng kanyang tingin kaya bumaba rin ang aking mga mata at
napansing nakikita na pala ang kalahati kong dibdib dahil sa nipis kong suot na
maluwang na tshirt.

Akma ko iyong hihilain paakyat nang magsalita siya.

"Don't. Di kita masisilipan niyan kung tatakpan mo," he chuckled evilly.

"Bastos!" Tumawa ako at gusto itong hampasin kung pwede lang talaga.

Ilang sigundo kaming nagtitigan. Ngumuso ako at di napigilang bumuntong ng


hininga.
"You look sad? You want me to come home right now?" Nag-aalala niyang tanong
kaya umiling agad ako.

"H'wag na! Di naman ako malungkot... N-Namimiss lang kita..." Namungay agad ang
aking mga mata at di na maitago ang bagay na iyon sa kanya.

Naging malalim ang kanyang tingin sa akin.


"If only I can hug and comfort my fiancee right now... Do you miss me so much,
hmm?"

Tumango ako at sumimangot. Ngumisi naman siya at nakagat ang pang-ibabang labi.

"Do you want me... to come home right now?"

Umiling ako at nakasimangot parin kaya humalakhak na siya.

"Oh damn it. I badly want to kiss my precious baby..." he said on a deep voice.

Tiningnan ko lang siya at hindi parin nagbabago ang aking


ekspresyon. Nalalapit na iyong sinasabi ni French at nalalasahan ko na ang pait sa
aking bibig na magiging kinalabasan nito. Namumunga na ang galit na inaalagaan niya
sa akin at mukhang di na iyon magtitimpi sa araw na iyon.

"You really look sad, Trace. Do you miss me or..." Umangat ang kanyang kilay.
"That brat?" Dumilim agad ang kanyang ekspresyon nang mabanggit ang katagang iyon.

"H-Hindi. Namimiss nga kita."

Mas lalo lang dumilim ang kanyang mga mata at di na ako nilulubayan. Napalunok
ako dahil kabisadong kabisado ko ang tingin na iyan.

"Wait until I come home," seryoso niyang sabi at hindi niya na iyon
dinugtungan. May plano siya?

"Di nga iyon... Namimiss kita kaya ako malungkot." Bumuntong ulit ako ng
hininga. Ayokong may gawin si Israel dahil naduduwag ako. Ayokong siya ang kumilos
dahil alam kong sisiguraduhin niya talaga na masakit ang kapalit noon sa mga taong
tingin niya ay may ginagawang hindi maganda sa akin.

Hindi sumagot si Israel at mas naging seryoso lang ang kanyang paninitig. I
smiled weakly at him. Mariin siyang napapikit at naitapon na ang ulo sa likod.
Sumandal siya roon at nahawakan ang kanyang buhok. Umalon ang kanyang adams apple
at noong dumilat na ay namumungay na ang kanyang mga mata.

"Your sadness is killing me..." he sighed heavily and licked his lowerlip
because of frustration.

"Sorry..." mahina kong sabi at nag-iwas ng tingin.

"Sleep now. I'll call you tomorrow and just rest."

Tumango ako at ngumiti.

"I love you," sambit ko na ikinanguso niya rin naman at nagpigil na ng ngisi eh
kanina lang ang seryoso niya.

"I love you, too. So much. More than anything..."

Baon baon ko sa umaga ang matatamis na salita ni Israel kaso nabura rin naman
ang aking ngiti nang makita ko ang tingin ni French sa akin at ang seryoso niyang
mukha.
Nauna siyang pumasok sa kotse at doon pa umupo sa front seat. Mag-isa lang ako
sa back seat at sinisikap nalang na h'wag maiyak. Ba't ba kasi ang hina hina ko
pagdating sa ganitong bagay? Ba't palaging nagiging matimbang sa akin ang relasyon
ng isang pamilya kaysa pairalin ang kasiyahan ko? Nagpunas agad ako ng luha nang
may tumakas roon sa aking mga mata.

Ang bigat bigat sa pakiramdam. Di ako sanay na may galit sa akin at di ako
sanay na ganyan siya makitungo sa akin. Para akong pinapatay sa aking loob.

"Nag-away kayo ni French?" tanong ng isa sa mga kaklase ko nang pumasok ako sa
classroom. Hindi ko kaklase si French ngayong subject na ito pero kilala rin naman
siya ng lahat. Isa ata ito sa mga kaibigan ni French or tagahanga?

Umiling agad ako. Cold lang naman siya sa akin...

"Sure ka?" Tumawa pa ito. "Eh diba inahas mo yung gusto niyang lalake? Nag-away
kayo eh." Malakas niyang sabi na ikinalingon narin ng iba pa naming kaklase.

Hindi ko nalang ito sinagot at pumasok na ako sa loob. Sumunod siya kaya
kinabahan agad ako dahil baka maulit iyong nangyari sa akin noong highschool palang
ako.

"Di ka ba naaawa? I mean... binihisan ka nila. Tinanggap ka ng buo kahit na


anak ka sa labas. French treated you like her real sister pa. Di ba dapat may utang
na loob ka pa?" kalmado niya lang namang sabi pero ramdam ko na ang pang-iinsulto
roon.

Hindi ako sumagot at ipinatili ang tingin sa aking bag. Inilabas ko roon ang
libro na kailangan ko pang basahin.

"Gucci pa ang bag mo. And your perfume smells Chanel. That elegant necklace...
Branded shoes... And your iPhone. You're living a luxurious life since you're a
Chua yet you can't pay their kindness back. Nagagawa mo pang mang-ahas." Tiningnan
niya ako ng mariin na kahit ang aming mga kaklase sa subject na ito ay nakikiusyoso
narin.

Tiningala ko siya at ang tangi kong nasagot ay ang


nanlalabo kong mga mata. Pakiramdam ko pag nagsalita ako ngayon ay bubuhos agad ang
luhang kinikimkim ko. Wala naman kasi sila sa posisyon ko. Di nila alam kung gaano
kabigat ang dinadala ko. Kaya mo bang sabihin ang isang bagay na sisira ng relasyon
niyo bilang magkapatid? Sana nga ay ganoon ako kawalang puso na kaya kong tiisin
ang galit ni French pero mas doble ang sakit noon sa akin.
Nang makita niya iyon ay nagulat rin naman siya at napaatras.

"Tsss. Weak." Umirap siya at naglakad rin naman paalis.

May iba na nag-iwas rin naman ng tingin kaya mabilis kong pinunasan ang aking
mga luha. Ang duwag duwag... Ang hina hina mo, Trace... Bakit ba ganito ako mag-
isip? Na mas matatapang ang mga taong malawak ang pang-unawa at mas pinipili nalang
tumahimik kaysa palakihin ang isang bagay? Mahina na ba iyong mga taong mas gustong
tumahimik nalang?

I carried the burden alone. Parang ang bigat na dinadala ko noon ay bumabalik
na naman. Ayoko namang sisihin si Israel dito dahil ginusto ko rin naman ito at
kasalanan ko. Magtapos kana lang sa pag-aaral Trace... Hindi naman panghabang buhay
na kasama mo sila. Just reach your goals and make your parents proud. Iyon
nalang...

Nakatulog ako nang maaga kaya noong gumising ako ay nakailang missed call na
pala si Israel kagabi. May text rin siya roon na magkikita raw kami ngayon. Bigla
akong kinabahan dahil baka may plano siya. Kabisado ko siya at pag nagbitaw siya ng
salita, gagawin at gagawin niya iyon.

Nagreply ako sa iba niyang text.


Israel:
Nasa condo na ako.
Israel:
I'll meet you tomorrow.
Israel:
Tulog kana?
Israel:
Morning.
Israel:
I'll wait you on the parking lot of your school later.

Nagtipa ako ng reply.


Ako:
Good morning. Oo maaga akong natulog sorry di ko nasagot calls mo.

Ako:
Sige, see you.

Ginawa ko rin naman ang daily routines ko at di ko alam kung ba't kinakabahan
ako ngayong araw. Dalang dala narin kasi ako sa mga salita ni Israel. Palagi niya
akong nagugulat. Para siyang nagbibitaw ng salita at sasabog rin sa tamang oras na
itinakda niya.

Minsan ay may naririnig pa akong topic ang issue namin ni French pero may iba
rin namang mas tutok sa pag-aaral nila eh college na. Some were saying na buhay
naman daw namin ito pero may iba talagang nakikisawsaw rin at gustong updated ata.

Nasa loob pa ako ng classroom sa huli kong subject bago ang aking vacant nang
tumunog ang aking cellphone. Natigil ako sa pagsusulat saka iyon tiningnan. Si
Israel...

Inilagay ko iyon sa aking tainga.


"Hello?"
"Where are you?"

"Wait lang... May ginagawa pa ako," sabi ko at binilisan na ang pagsusulat.

"Come on, Trace... I miss you..." Masuyo niyang sabi at may pinaparating na
naman ata. Kilala ko siya pag ganyan na ang linyahan niya!

"Miss miss ka diyan mamaya iba na pala yang miss mo."

And the devil chuckled evilly. May plano na naman 'to.

"Don't you miss my kisses? Namimiss ko na ang labi mo. Come on..." Mas naging
nakakaakit ang boses na iyon kaya isinara ko nalang ang aking notebook at ipinasok
na iyon sa aking bag. Mamaya ko na nga lang tatapusin!
Pumunta agad ako sa parking lot at naroon nga siya,
nakasandal na naman habang nakapaskil sa kanyang mukha ang ngisi.

Pinaliguan niya agad ako ng halik sa aking mukha at nagawa pang humalakhak nang
hinampas ko ang kanyang dibdib. Pumasok kami sa kotse at noong lumingon ulit ako sa
likod ay patong patong na naman ang mga pinagbibili niya para sa akin.

"I bought something..." May kinuha siyang paperbag at ibinigay iyon.

Nagsimula naman siyang magdrive habang ang aking mga mata ay naroon na sa
kanyang ibinigay. Nag-eexpect ako ng damit na naman na maluluwang at tama nga ang
hinala ko ko nga lang...

"Ang liit nito!" Inangat ko ang dress na sobrang liit talaga at kahit sa may
balikat ko ay di ata magkakasya. Kulay pink pa iyon at may floral prints.

"Tingin mo ba sobrang liit ko?!" Natatawa kong inihampas iyon sa kanya at


ngumisi pa siya.

"That's not for you. That's for our baby... Since it's cute and you want a baby
girl so I bought it," paliwanag niya na ikinalaglag ng aking panga.

"What? Baliw ka! Eh di pa naman ako buntis!" Mas pumaibabaw ang aking tawa. Eh
kakatapos nga lang ng period ko kahapon eh.

"For future purposes, Tracey," kampante niyang sagot at nililingon pa ako.

Binili niya dahil cute at dahil gusto ko ng babaeng anak someday. Gosh, Israel!
Ano na bang nasa utak mo? Baka bukas crib na ang bilhin nito!

"Pero paano kung lalake pala?" hula ko pa.

"Then we'll let him wear it." Nagkibit siya na ikinalutong ng aking tawa.

"Hoy! Baka maging bakla ang anak natin!" Nahawakan ko na ang aking tiyan
kakatawa at halos makalimutan ko ang pagiging malungkot sa nagdaang araw noong wala
siya.

"The baby won't complain. Let's take him a picture para paglaki niya may
maiaasar tayo sa kanya. We'll prank him and let's say napagkamalan natin siyang
babae noong baby pa siya." Ngumisi narin siya.

Mas nayakap ko ang aking tiyan at para na akong kinikiliti ng mga demonyo. Di
ko rin talaga mahulaan ang mga pumapasok sa utak niya dahil kahit ano naman iyon.
Feeling ko magiging bully siya na ama sa mga anak niya. Sana babae nalang para
naman hindi kawawa ang panganay namin dahil papasuotin talaga ni Israel nitong
binili niya!
Hinimas niya pa ang aking tiyan kahit walang laman.

"I hope you're a boy. Come out and wear this..."

Sinapak ko agad ang kanyang kamay.


"Baliw ka."

Humalakhak lamang si Israel. Inatupag ko naman ang pagbubukas noong iba niyang
binili na akin na talaga at hindi na roon sa future baby daw namin.

Pumasok ulit kami sa Marco Polo hotel at balak kumain roon. Pero pagkapasok
palang ay inatake niya na agad ako ng halik.
"Israel! Akala ko ba kakain!" Sinapak ko ang kanyang balikat habang tinutulak
niya sa akin ang kanyang sarili at hinahalikan ang aking panga pababa sa aking
leeg.

"I'll eat you first before we eat." Malademonyo na siyang ngumisi at hinalikan
ako ng malalim habang ang kanyang dalawang kamay ay nasa blouse ko na. Isa isa niya
iyong kinalas at agad na inangkin ang dalawa kong dibdib gamit ang kanyang mga
kamay.

Napaungol ako sa kanyang bibig at napakapit nalang sa kanyang leeg. Halos


suklayin at sabunutan ko ang kanyang buhok habang sinasabayan ang ritmo ng kanyang
nakakaliyong halik.

Biglang tumunog ang aking cellphone sa aking palda at mukhang tawag iyon kaya
huminto muna ako. Kaso itong si Israel ay bumaba lamang ang halik sa aking leeg at
naglakbay ang mga kamay sa aking pwet saka iyon ang kanyang pinanggigilan.

Nanlaki pa ang aking mga mata nang makita ang pangalan ni French.

"Teka, sasagutin ko lang ang tawag ni French." Marahan ko siyang itinulak pero
hindi ko ito natinag.
Namatay ang tawag at nakita ko roon ang text ni French na "Where are you?" Huh?
Bakit?
Magrereply pa sana ako pero nakalas niya na ang lock ng aking palda at nahulog
na iyon sa sahig.

"Israel!" Tinapik tapik ko ang kanyang balikat pero ang lalakeng ito ay lasing
na lasing na ata sa kanyang nararamdaman at nagawa pang kunin sa akin ang aking
cellphone.

"Mangdidisturbo lang siya. Talk to her later... I miss you come on..." Kinarga
niya ang dalawa kong hita at ayaw na atang magpapigil pa kaya nadala narin ako sa
init.
Nagbihis rin naman ako pagkatapos habang siya ay topless na. Siya pa ang
nagbotones ng aking blouse at nakasandal ang kanyang noo sa akin.

"This Sunday? Do you have plans?"


Itinukod ko ang aking mga kamay sa likod at tiningnan ang pagbobotones niya.
Kapwa nasa kama pa kaming dalawa at buhaghag na ang aking buhok dahil sa nangyari
kanina.

"Huh? Wala ata eh... Bakit?" Inaninag ko ang kanyang mga mata na naroon lang sa
dibdib ko ang tingin.

"I want to go somewhere... Gusto kong mag-overnight sa isang Resort. Gusto mo?"

Kumurap ako. Talaga?


"Pero di pumayag si Papa kasi kinabukasan niyan may klase ako." Sumimangot ako
sa kanya.

Natapos siya sa pagbobotones at iyong buhok ko naman ang kanyang inayos.

"Ako ang magpapaalam. Papayag 'yon." Ngumisi siya at pinatakan ako ng halik.

"Okay..."
Baka kasi kailangan niya ring magpahinga kakatrabaho. Ayokong tumanggi. Lahat
ata ng gusto ni Israel ay gusto ko narin. Kahit saan niya ata ako dalhin ay payag
ako.

Hinatid niya rin naman ako sa school pabalik. Natatawa pa akong lumabas dahil
hindi siya matigil sa kakahalik sa akin. Kumaway ako kaya bumusina lamang siya.

Pagpasok ko sa aking subject ay iba na agad ang tingin sa akin ni French. Sa


aking likod ay nakasunod rin naman ang babaeng prof namin kaya dumeritso na ako sa
aking upuan. Ramdam ko ang matalim niyang tingin sa akin.

Nagsimulang maglecture ang prof at sa kalagitnaan ay may biglang kumatok sa


nakabukas naming pinto. Lahat ng aming tingin ay napunta roon at nakita ko ang
imahe ni Israel, nakasandal roon. Gosh!

Maraming napasinghap at pinaglilingon agad nila si French na pinamulahan na ng


pisngi. Ramdam ko ang kalabog ng aking dibdib at kung pwede lang na matunaw nalang
ako sa aking kinauupuan. Ba't siya pumasok at nandito pa?!

"Yes?" Ngumiti ng matamis ang aming prof. Kahit ang aking mga babaeng kaklase
ay hindi na ata kumukurap kakatitig sa kanya.

May kung anong dinukot si Israel sa kanyang pantalon at ipinakita ang aking
cellphone. Mas lalo akong ginapangan ng kaba.

"My fiancee left her phone," sabi niya sa baritonong boses at tila inanunsyo pa
iyon sa buong klase.
Jesus Christ, Israel Buenaventura!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 58

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Shiela Mae Miole. Happy reading!
------------
Your Place
"Fiancee? Who?" tanong pa ng aking prof at iginala ang tingin.
Lahat ng naririto ay mukhang interesado at hindi na ata kumukurap ang iba
kakatitig kay Israel sa may pinto.
"Gosh! Fiancee mo na siya, French?!" tanong ng isa sa mga kaibigan niya at
nasundan agad ng nakakabinging tili sa loob ng classroom.
Halos mapalunok ako at hindi alam kung titingnan ba si Israel o hintayin nalang
na umalis ito. Ramdam ko ang pawis sa aking kamay at ang kalabog ng dibdib ko.
"Oh so it's French?" panghuhula naman ng aming Prof na tumawa pa ng marahan at
isinabit ang buhok sa gilid ng tenga.
"Well... She's shy. Can I come in?" tanong ni Israel na mas ikinaingay ng loob
namin.
"Sure!" iyong prof ko naman at nakikisabay narin sa mga estudyante.
Halos tumaas baba ang aking balikat at gustong hilain si Israel palabas kaso di
narin ako makagalaw. A-Ano bang balak nito?
"Ay ba't niya nilagpasan si French?"
"Huh? Edi totoo yung rumor na kumakalat?"
"Iyong kapatid ni French ang sadya niya?"
"Edi hindi si French ang fiance niya?"
Nakakabinging katahimikan ang sumunod sa mga bulung-bulungan na iyon nang
tuluyang huminto si Israel sa aking desk. At dahil nasa harap ako nakaupo ay kitang
kita nila itong lahat kung paano siya yumuko at itinukod ang isang kamay sa aking
mesa saka niya inilapag sa aking harapan ang aking cellphone.
"You left your phone. Di kita matatawagan niyan kung nasa akin," aniya at
itinukod narin ang dalawang kamay sa aking harapan at inilebel na ang kanyang mukha
sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Halos mabingi ako sa katahimikan at sa gilid
ng aking mga mata ay ramdam na ramdam ko ang matalim na tingin ni French sa akin.
"S-Salamat, Israel," bigkas ko at nahihiyang nag-angat ng tingin sa lalakeng
nakanguso na sa aking harapan.
"Huh? Akala ko si French ang nakakamabutihan niya?" isa iyon sa pumaibabaw na
boses.
Umangat ang tingin ni Israel at tumayo siya ng tuwid. Ibinulsa niya ang kanyang
mga kamay.
"French who? My fiancee's brat sister?" Umangat ang kilay ni Israel at
supladong suplado na ang mukha.
Mariin akong napapikit at halos buhusan ako ng malamig na tubig sa buo kong
katawan.
"Pero 'di ba tambay ka sa 2nd gate? At noong nasa Bar kami ni French naroon ka
rin. Hinatid mo pa nga si French diba?" Isa sa mga kaibigan ni French ang
nagtatanong noon.
Mabilis akong nag-angat ng tingin kay Israel na malademonyo na ang ngisi.
"Israel—" Pigil ko pero natakpan lang ang aking boses.
"You didn't tell them about our past?" Inosente pang tanong sa akin ng lalakeng
ito at nadedemonyo na naman ata.
Makahulugan ko siyang tiningnan pero mukhang hindi niya nagets ang pinaparating
kong umalis na o nagegets niya at ayaw niya lang talagang magpaawat. Napatingin ako
sa prof na ayaw rin atang putulin si Israel dahil kahit ito ay nakatunganga nalang
sa kanya.
"Huh? May past kayo?" Isa naman sa mga kaibigan ni French iyon.
"Ah... Nilayasan kasi ako ni Tracey sa bukid kaya sumunod lang ako rito. Galit
siya sakin kaya tumatambay nalang ako sa labas. I'm his stalker and now his
fiancee." Anunsyo niya at mukhang pinagmamalaki pa talaga.

Napasinghap ang lahat at halos lagnatin na ako dahil sa


pinagsasabi niya. Ang aking dila ay parang nagkabuhul-buhol at di ko na alam kung
kaya ko pa bang magsalita sa oras na 'to.
"Kung di rin naman umurong si French sa kasunduan ay hindi rin naman si Tracey
ang mapapakasalan. Diba fix marriage lang?" Isa na naman iyon sa mga kaibigan niya.
Israel chuckled evilly.
"Baka ako ang umurong sa kasunduan kung di si Tracey ang pakakasalan ko. Sa
kanya ko lang ata kayang itulak ang sarili ko." At ngumisi pa siya sa akin.
Mas lalong nagulat ang lahat ng nandito. Napapansin ko pang may nagvivideo sa
amin na kahit ang aming prof ay nakikitsismis narin ata roon sa katabi niyang
estudyante at palingon lingon rin sa amin. Halos tumigil ang aking mundo at ngising
aso na ang pilyong si Israel.
Sinenyasan ko nalang siyang lumabas na kaya tumango naman siya at nagawa pang
yumuko para patakan ako ng halik habang nakapamulsa parin.
Nanlalaki ang aking mga mata. Sinasadya niya ba 'to? Ito ba 'yung sinasabi niya
na lagot si French sa kanya pag-uwi niya? H-He just kissed me infront of everyone!
"I'll call you later," sabi niya.
Umawang ang aking bibig at may sasabihin sana pero natikom ko rin. Binasa niya
naman ang pang-ibabang labi at lumabas rin ng classroom, pasipol sipol pa!
Ilang sigundong katahimikan ang nangibabaw at ni isa ay wala atang nagtangkang
huminga. Ang kanilang tingin ay nasa akin pa. Ang iba ay mukhang hindi rin makaget-
over sa pagpasok ni Israel dito. Parang dinaanan ng multo ang paligid kaya
nakapaskil sa mga mukha ang gulat at hindi makapaniwala.
"O M G! Alam mo ba 'to French?!"
"But you told us nagkakamabutihan na kayo diba and he's calling you!"
"Ba't si Trace ang fiance—"
"Shut up!" Putol sa kanilang lahat ni French na nagpatalon sa aming lahat.
Tumataas baba ang kanyang balikat at matalim ang tingin sa akin. Her face
crumpled as she pushed her desk and pulled her bag harshly.
Halos magsitayuan ang iilan na nakapaligid sa kanya dahil sa marahas niyang
pagtayo na at nagwalk-out na dala dala ang matinding galit.
Tumayo rin ang kanyang mga kaibigan at sumunod kay French habang ako itong
halos mamutla na. Sa aking kaduwagan, mukhang ang tadhana na ang gumawa ng paraan
para malaman hindi lamang ni French ang totoo sa aming dalawa ni Israel kundi sa
lahat ng nandito.
"Nagselos ata ang kapatid mo," si Prof na tumayo na at nailing.
"Ang suwerte mo naman Trace! Fiancee mo pala talaga 'yon at ikaw pala ang sadya
rito?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.
"Ang guwapo niya ha! At ang hot kahit nakakatakot tingnan..." Iyong prof ko
naman nang makabawi na sa pagkagulat.
Para akong naging bato sa aking kinauupuan. Sigurado akong galit na galit si
French dahil narin sa inasta niya. Darating rin naman talaga ang araw na ito, na
malalaman niya ang lahat.
Yumuko ako at kinuha agad ang aking cellphone. Nagtipa ako ng mensahe para kay
French.
Ako:
Sorry. Mag-usap tayo mamaya please.
Iyon lang ang tangi kong nasabi. Heto na... Si Israel na mismo ang nagtulak sa
aking harapin ang galit ng aking kapatid. Di ko alam kung maiinis ako sa lalakeng
iyon o pasasalamatan ko siya dahil siya na ang gumawa sa bagay na di ko kayang
gawin.
Hindi ako umalis sa aking subject at hinintay lamang iyon na matapos. Ang mga
estidyante ah may pinapanood atang video sa mga cellphone nila at sa tuwing
napapadaan ako ay napapatingin sila sa akin. Halos lahat rito ay topic na ata ang
pagpunta ni Israel sa aming classroom at nabulgar na, na ako ang fiancee nito.

"Edi siya pala talaga? Akala ko iyong isang Chua?"


"Assuming ata si French eh."
"Pero ba't di niya sinabi agad agad? Inahas niya ata talaga eh."
"Kawawa naman si French. Akala ko siya talaga ang sadya noong guwapong lalake
eh..."
Napabuntong nalang ako ng hininga at pumasok na sa next subject ko. Di ko rin
alam kung nasaan na si French. Siguro mamaya pag-uwi ng bahay ay kakausapin ko
nalang siya? Magpapaliwanag ako?
Nakatanggap ako ng mensahe kay Israel pagkapasok ko sa aking subject.
Nalulungkot ako dahil bakit kailangan pang umabot sa punto na siya ang gumawa ng
isang bagay na dapat ay ako ang gumagawa.
Israel:
I hope you're not mad.
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Ako:
Hindi naman. Kakausapin ko nalang si French mamaya.
Israel:
I'll call you later.
Di ko na iyon nireplayan pa dahil sa panibagong mensahe na pumasok.
Nakakapagtaka at nagtext si Manang Asing sa akin. Kinabahan agad ako nang buksan ko
iyon.
Manang Asing:
Trace! Jusko! Si French wawasakin na ata ang kuwarto mo! Pinapasunog niya sa amin
ang mga damit mo! Umuwi ka muna! Awatin mo ang baliw mong kapatid dito!
Mabilis na akong napatayo at tumakbo na agad ako palabas ng classroom. Alam ko
namang magagalit siya. Expected ko na iyon pero iyong magwawala siya ay wala na sa
aking isipan!
Mabilis akong nagpahatid sa taxi makauwi lang agad. Tumawag pa si Manang Asing
habang nasa byahe ako.
"Hello Trace... Si French sinisira na ang mga gamit mo! Nagwawala siya sa
kuwarto mo!"
Napasinghap ako at nawalan ng kulay ang aking mukha.
"Manang pauwi na po ako. P-Pakiawat po—"
"Nako pag nagwawala iyan di 'yan naaawat, Trace! Lahat kami takot na baka isali
niya kami sa kanyang galit!" sigaw niya sa nanginginig na boses.
"Sige po, Manang. Pauwi na po ako," kabado kong sagot at pinatay rin naman ang
tawag.
Sinabihan ko pa ang taxi driver na kung pwede ay bilisan niya. Pawis na pawis
na ang aking mga kamay dahil sa kaba at nanginginig narin ang aking tuhod. Gusto
kong umatras nalang at h'wag nang umuwi pa pero kasalanan ko rin naman ito! Kung
sinabi ko lang nang maaga... B-Baka naiwasan ko pa.
Pagkababa ko ng taxi ay sumalubong agad si Manang Asing sa akin sa malaking
gate. Bakas sa kanyang mukha na hindi na maganda ang nangyayari sa loob.
"Trace tinawagan ko narin ang Kuya Brennan mo. H'wag kana lang kayang pumasok
baka kung ano pang gawin ni French sa'yo!" Pinigilan ako ni Manang at hawak na ang
aking mga braso.
Ibinigay ko sa kanya ang aking bag at binawi ang aking braso.
"Ako nalang pong bahala Manang... B-Baka mapakalma ko po siya," hindi sigurado
kong sabi at kahit labag sa kanyang kagustuhan ay pumasok parin ako.
Narinig ko agad ang mga pagkabasag at ang bigong mukha ng mga katulong sa
ibaba. Lahat sila ay walang nagawa para pigilan si French sa itaas.
Umakyat agad ako at nagtungo sa aking kuwarto. Ganoon nalang ang panglalaki ng
aking mukha nang makita ko ang wasak wasak kong mga gamit, mga damit kong nagkalat
at mukhang ginunting niya pa ang iba at ang bedsheet kong hinila niya na. Basag ang
transparent glass na pinto ng aking veranda na kahit ang aking mga gadgets ay di
niya pinalampas.
Parang dinaanan iyon ng malaking delubyo at nagkawasak wasak ang bawat parte na
kahit ang buong gamit ko ay wala na sa mga nararapat nilang pagkalagyan. Everything
is a mess and there, French, sitting on my sofa cooly while smirking naughtily.

Nagkasalubong ang aking mga mata. Masyadong nakakatakot ang


pilya niyang ngiti habang hinihimas ang balahibo ni Kaki na nakaupo sa kanyang
kandungan. Tumayo siya na ikinatalon ng kanyang aso paalis. Halos mapaatras ako
nang magsimula siyang maglakad patungo sa akin.
"F-French," tawag ko sa nanginginig na boses.
"Do you like your new room? Nagustuhan mo ba ang pagkakaayos ko?" tanong niya
sa akin at mas naging pilya ang ngiti.
"H-Hayaan mo akong magpaliwanag please—" Umawang ang aking bibig at halos
mabali ata ang aking leeg nang isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi.
Halos mapunta sa likod ang aking tingin dahil sa sobrang lakas noon at parang
humiwalay na ang ulo ko sa akin.
"How dare you lie to me! How dare you!" sigaw niya sa boses na galit at
nanginginig na. Ibang iba na ang kanyang ekspresyon ngayon hindi kagaya kanina.
Tiningnan ko siya sa mga mata kong nanlalabo. Gusto ko siyang pakalmahin muna
para makapag-usap kami nang maayos pero sa kanyang pagsabog ay di ko na alam kung
ano ang dapat gawin!
"Pinagmukha mo akong tanga! All along... All along it was you! I asked you many
times Tracey! Tinanong kita kung may gusto ka at tumanggi ka! You even said boto ka
sa amin! What's this?! Malalaman ko na noon palang ay may namamagitan na pala sa
inyo! And you kept it!" Bumuhos ang kanyang mga luha na kahit ako ay napahagulhol
na.
"D-Di ko sinabi sa'yo noong una dahil akala ko d-di naman iyon importante. Di
ko naman inaasahang mangyayari pala ito at magkakagusto ka—"
"Shut up! You're such a liar! Hindi mo naman siya gusto noon diba! Noong nakita
mong baliw na baliw ako sa kanya ay doon ka nainggit! Kontrabida!" Nagngitngit na
sigaw niya sa galit.
Umiling ako at pilit hinawakan ang kanyang braso pero marahas niya lang akong
itinulak. Natakpan ko ang aking boses at mas lalo akong humagulhol. Ang kanyang mga
mata ay pulang pula at bumubuhos ang kanyang mga luha pero mas nangingibabaw ang
poot doon.
"I treated you..." Itinuro niya ako at tumataas baba na ang kanyang balikat. "I
treated you like a real sister, Trace... Lahat... Lahat ng sekreto ko sinasabi ko
sa'yo! Pinagkatiwalaan kita! P-Pero ba't ikaw... Bilang kapatid mo... B-Ba't di mo
nagawang sabihin sa akin ang totoo? You made a fool out of me! Napahiya ako sa
school at napagbibintangan akong assuming! Kung sinabi mo lang na ikaw pala ang
gusto niya, hindi na dapat ako umasa!"
"French gustong gusto kong sabihin sa'yo lahat... K-Kaso napangunahan ako ng
takot. Kitang kita kong masaya ka at ayokong sirain iyon. Nagpigil ako ng husto
French... Pinigilan kong h'wag ng mahulog sa lalakeng minahal ko simula noong nasa
bukid pa ako... P-Pero di ko inaakalang sa huli ay babagsak parin pala ako sa
kanya... I-Iyong kasunduan... Pumayag ako para mapalayo ako sa kanya at hayaan
nalang kayong dalawa pero di ko naman alam na s-siya pala—"
Nailing siya at pinutol agad ako.
"But you didn't try harder! You like this too! Di ka umurong! Masyado kang
selfish! Manang mana ka sa Mommy mo na ahas! Binigay namin ang lahat sa'yo pero di
ka nakontento! Nakita mo lang na sobrang saya ko ay tinubuan ka agad ng landi at
kung pati iyon ay ibigay ko sa'yo!"
"H-Hindi nawala ang pagmamahal ko kay Israel, French! Itanggi ko man, kimkimin
ko man... Palagi parin akong nahuhulog pagdating sa kanya!—"
"Tumahimik ka! I won't buy your reasons! Kung si Mommy ay nakayang patirahin ka
rito, pwes ako, hindi ko kayang makasama ka sa bahay na'to. Leave Trace.
Kinasusuklaman kita!" Tinulak niya ako ng buong pwersa na ikinabuhos ng aking mga
luha.
Niyakap ko siya kaso dala narin ng panghihina ay naitulak niya lang rin ako.
"A-Ayoko lang naman na magalit ka s-sakin French... G-Gusto kong iwasang
magalit ka sakin dahil ayaw ko nang mawalan ng kapatid... P-Pero paano kita
pagbibigyan kung d-di ko rin kayang sukuan ang lalakeng mahal na mahal ko parin
hanggang ngayon. S-Sorry..."

Umiyak ng husto si French sa aking harapan at tumataas baba


na ang balikat habang nakakuyom ang kanyang mga kamay. Nagtangka akong lumapit ulit
pero umatras lamang siya at umiling. Ang aking mga damit na nagkalat sa sahig ay
mabilis niyang pinulot at pinagtatapon sa aking mukha.
"Leave! Lumayas ka rito! Kung alam ko lang na ganyan pala ang ugali mo, ang
pagiging makasarili mo, di nalang sana ako pumayag na tumira ka rito! You don't
deserve being a Chua! You don't deserve being my sister! Leave!" sigaw niya ng ubod
lakas at nilapitan ulit ako para itulak palabas.
Halos mawalan ako ng balanse dala narin ng panghihina. Nagmartsa si French
patungo sa iba ko pang gamit at mas kinalat niya iyon. Ang iba ay nagawa niyang
ihagis sa pader hanggang sa nawasak ang mga iyon. Sumisigaw siya at hindi matigil
sa pagwawala.
Tinakpan ko ang aking mukha at tumaas baba lalo ang aking balikat. Hilong hilo
na ako pero gusto ko paring magpaliwanag. Gusto ko paring humingi ng tawad.
"Oo... Duwag ako... Duwag na duwag ako dahil nilihim ko lahat sa'yo... Takot na
takot akong malaman mo d-dahil baka ito ang rason para magalit ka sa akin... A-
Ayoko lang naman na... N-Na mawalan ulit ng kapatid. A-Ayokong magalit ka s-saakin
at kamuhian mo ako d-dahil a-ayokong l-lumayo ang loob mo s-sakin... Sorry
French... Di ko s-sinasadya... P-Pasensya na talaga..."
"Shut up! Tumahimik ka! H'wag mo akong daan daanin sa pagpapaawa mo! You're
such a two faced bitch! Lumayas kana! Leave Trace!" Nilapitan niya akong muli at
itinulak ng sobrang lakas na kulang nalang ay matilapon na ako.
May kung anong matigas na bagay ang tumama sa aking likuran at humawak ng aking
mga braso kaya naibalanse ko agad ang aking sarili. Nang tiningala ko iyon sa
umiiyak kong mga mata ay nakita ko na ang galit na mukha ni Kuya Brennan.
"Francheska!" sigaw ni Kuya.
"That liar! She fooled me Kuya! Pinagmukha niya akong tanga at pinahiya niya
ako sa school! I hate her to death and I want her out in this house!" Pinulot ulit
ni French ang iba kong gamit sa kanyang paanan at pinaghahagis niya pa iyon.
Binitiwan ako ni Kuya at pumasok siya sa loob. Marahas niyang hinila si French
na nagpumiglas pa.
"You stop!" sigaw ni Kuya sa matigas na boses.
"Kampihan mo siya! Sige! Kampihan mo!" Tinulak tulak niya ang dibdib ni Kuya
Brennan at bumuhos ang kanyang mga luha.
"Sumusobra kana! How can you act so shallow and immature?"
"Inagawan niya ako Kuya!"
"Walang inagaw sa'yo French! Ba't di mo iyan maipasok sa kokote mo?!"
Dismayadong napatingin si French kay Kuya Brennan at sa akin. Kumuyom ang
kanyang mga kamao.
"Lahat nalang inagaw mo! Pati ngayon ikaa ang pinagtatanggol!" Pumulot ulit ng
gamit si French at akma na iyong itatalon sa kung saan nang masalo ni Kuya Brennan
ang kanyang pulso at inagaw ang aking gamit.
"Kung kay Tracey ka galit? Ba't di siya ang saktan mo? Saktan mo." Kinaladkad
niya si French papunta sa akin na binawi rin naman agad ang kanyang kamay.
"Hurt her!" sigaw ni Kuya Brennan kaso sumalampak lang si French sa sahig at
niyakap ang kanyang mga tuhod saka niya ibinaon ang kanyang mukha roon.
"Sorry F-French..." daing ko sa boses kong hindi ko na makompostura.
Tanging nakakabinging iyak ni French ang pumaibabaw. Lumuhod si Kuya sa kanyang
harapan at itinulak niya ito sa kanyang dibdib. Hinimas niya ang likod nito at bigo
akong tiningnan. Ang mga matang iyon ay dismayado dahil hindi niya ako kayang
patahanin ngayon. Okay lang Kuya Brennan... K-Kasalanan ko naman...

"Hindi lahat ng bagay na gusto mo sa mundong ito ay para


sa'yo French," sabi ni Kuya sa kanya na ikinakapit nito sa kanyang tshirt at mas
lumakas lamang ang kanyang iyak.
Isang batalyon ang sumunod dahil sa imahe nilang dalawa sa akin. Ang malas ko
nga... Wala si Kuya Bram... W-Walang magtatanggol sakin... Walang magpapatahan
sakin... W-Walang magpaparamdam sa akin na di ako nag-iisa...
"Make her leave, Kuya... Ayoko na siyang nandito! I hate her!"
Napayuko ako at natakpan na ang aking mukha. Tama nga naman si French... Di ko
deseve na maging Chua... Di ko deserve na maging parte ng pamilyang ito.
Tahimik akong bumaba roon habang pinupunasan ang aking mga luha. Lumapit si
Manang Asing sa akin at dinaluhan ako.
"M-Manang... A-Aalis po muna ako. P-Pag nagtanong si Papa p-pakisabi na
nagpahangin lang po ako..." Umagos ang panibagong luha sa aking mga mata na kahit
si Manang Asing ay niyakap na alo.
"Trace naman!" Hinaplos niya ang aking ulo. "Anak... Minsan na nga lang kitang
makitang masaya, ngayon ay umiiyak ka pa..."
Kumawala ulit ang hikbi sa aking boses. Ganoon nga talaga siguro... Na pag
masaya ako ay bibigyan agad ako ng isang hagupit para lang umiyak ulit. Wala nga
atang magtatagal sa akin...
Humiwalay ako at kinuha ko ang aking bag sa kanya. Tiningala ko sandali ang
ikawalang palapag at binawi rin naman ang aking mga mata roon saka ako naglakad
palabas ng bahay.
Nasa may gate palang ako ay narinig ko na ang pagring ng aking cellphone.
Kinuha ko iyon habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ng subdivision.
Nakita ko roon ang pangalan ni Israel kaya sinagot ko iyon. Inilagay ko ito sa
gilid ng aking tenga at natakpan agad ang aking bibig dahil sa luha kong parang
sirang gripo na bumuhos na.
"Trace?" tawag niya sa akin na ikinatakas ng impit ng aking iyak na pilit kong
tinatago.
"Are you crying?" Naging seryoso agad ang kanyang boses.
Umiling ako pero wala akong masagot sa kanya. Pinunasan ko ang aking mga luha
pero mas lalo lamang silang gumagrabe.
"Where are you?" Matigas niyang tanong.
"N-Nasa labas ng b-bahay..." Halos maputol ang aking hininga na kahit ang aking
pagsasalita ay di ko na maayos.
"Stay there and wait for me."
Namatay agad ang tawag kaya nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa bahay at
makalabas lamang sa subdivision. Nahipo ko ang aking dibdib na sana ay tumigil na
sa kakakirot. Hinang hina na ako at sobrang hapdi na ng aking mga mata. Pag nalaman
ito ni Tita Brenda, ni Papa, b-baka pati sila ay magalit sa akin dahil nag-away
kaming dalawa ni French.
Nangangalahati palang ako sa paglalakad ay may pamilyar na kotse na akong
natanaw na masyadong mabilis ang pagpapatakbo. Tumigil ako sa paglalakad at mas
lalo lamang akong napahagulhol. Ilang sandali lang ay huminto na iyon at lumabas
roon ang galit na galit na imahe ni Israel.
Nilapitan niya ako at tiningnan ang aking kabuuan. Para siyang naghahanap ng
sugat sa akin kaya ganito ako makaiyak at masyado ng madilim ang kanyang mga mata.
"G-Galit si French..." Nabasag ang aking boses at mas lalo lamang akong
napahagulhol.
Nanginginig ang kanyang mga kamay nang hinawakan niya ang aking pisngi at mas
niyakap ng dilim ang kanyang mukha.
"Did she... slapped you?" bulong niya at mukhang ilang sigundo lang ay sasabog
na.
"Tangina!" Binitiwan niya ako at papunta na sa aming bahay kaya mabilis kong
niyakap ang kanyang likod.
"P-Please... H-H'wag na! M-Mas lalo lang s-siyang magagalit s-sa'kin Israel!"
pigil ko sa kanyang binabalak at naisubsob na ang aking mukha sa kanyang likod.
Ang kanyang mga kamay ay kuyom na kuyom na at marahas na ang kanyang paghinga.
Halatang kinokontrol niya ang kanyang galit kayapinadaosdos ko ang aking kamay sa
kanyang kamao hanggang unti-unti iyong nagloosen.
Humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Kumapit ako sa kanyang damit
at kulang nalang ay sumalampak ako sa sahig.
"G-Galit na galit s-siya sa akin at kinamumuhian n-niya na a-ako..." sumbong ko
kaya hinagod niya ng aking likod at hinagkan ang aking ulo.
Parang sa isang iglap, ang masayang nabuo naming alaala ni French ay parang
nahulog sa lupa at nabasag agad. Ang akala kong matibay na ay may ikakaguho pa
pala. Para ulit akong nagluksa sa isang bagay na nawala. Naiisip ko na tuloy kung
itinakda ba talaga ng tadhana na madilim ang aking mundo. Na mas karapat-dapat sa
akin na mag-isa nalang dahil ang mga napapalapit ay napapahamak ko lang.
Dinala ako ni Israel sa kanyang condo. Ni hindi ko na naigala ang aking mga
mata at purihin sa aking isipan ang malaki niyang condo unit dahil sa nawarak kong
damdamin.
Binigyan niya ako ng malamig na tubig na tinanggap ko naman at ininom iyon.
Nasa kusina niya ako at nakaupo sa isa sa mga upuan doon.
Umupo si Israel sa aking harapan para makalebel ako at hinaplos ang aking
pisngi kung saan ako sinampal ng malas ni French.
"Masakit parin?"
Umiling ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa baso na nasa aking kandungan na.
Kalmado na ang ekspresyon ni Israel pero masasabi mo paring may natitirang galit sa
madidilim niyang mga mata.
"Baka maya maya lang kumalma na si French at—"
"Do you think I'll let you come home when that brat is still there?" galit
niyang sabi at umigting pa ang panga. "Di na kita ibabalik doon."
Hindi agad ako nakaimik. Kahit ako ay di ko narin mabasa ang takbo sa utak ni
French. Akala ko lang talaga ay magagalit siya sa akin at magiging cold pero iyong
ganoon... Iyong magwala siya at nagawa pa akong itaboy at pagsalitaan ng masasakit
na salita ay di na pumasok sa aking isipan. Akala ko mapapakalma ko siya pero mali
ako...
Tumunog ang aking cellphone na nasa lamesa kaya sabay kaming napatingin doon ni
Israel. Inis niya iyong kinuha at tiningnan ang screen. Umangat ang kanyang kilay
at umangat rin ang kanyang mga mata sa akin. Sinagot niya iyon at inilagay sa
kanyang tenga.
"She's staying in my place," sagot niya agad doon.
Tumayo si Israel at nameywang na. Binasa niya pa ang kanyang labi at hindi
humuhupa ang kilay niyang magkasalubong parin. Tinititigan ko lang ang kanyang
ekspresyon at walang ediya sa sinasabi ng kung sino sa kabilang linya.
"Send your crazy sister to Mental Hospital first and I'll let my fiance go
home. Pero kung wala kayong balak na gawin 'yon ay wala rin akong balak na pauwiin
siya ngayon," saka niya binaba ang tawag at pinatay ito.
Nalaglag ulit ang tingin niya sa akin kasabay ng pagkalma ulit ng kanyang
ekspresyon.
"Si Kuya Brennan?" tanong ko na ikinatango niya.
"Dito ka nalang. This is your place, anyway. You have all the right to stay."
Hindi ako nakasagot at natulala nalang.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 59

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Rechelle Lecera. Happy reading!
---------
Bloody War
Nasa kusina parin kaming dalawa. Nakapagbihis na ito ganoon rin ako at iyong
mga binili niyang maluluwang na damit ang aking suot. Hanggang below the knee iyon
at kulay mustard. Siya naman itong puting cotton shirt at sweatpants ang suot.
Hawak ko ang aking cellphone pero panay rin ang titig ko sa likod ni Israel at
nagluluto ng kung ano.

Paminsan minsan niya akong nililingon at mukhang chinecheck lamang ako kaya
ngumingiti agad ako ng tipid pag magtatama ang aming mga mata. Alas tres na. Ang
aking isipan ay nasa bahay parin at nasa imahe ni French at ni Kuya. Tumahan na ba
siya? Galit parin kaya siya sa akin? Paano na ito bukas? Magkikita rin naman kami
sa school. Baka matulad ako noong sinabi ni Papa na may ayaw si French at gusto
niyang makick-out agad iyon.

Kinuha rin naman ng inilapag na pagkain ni Israel sa aking harapan ang buo kong
atensyon. Fried rice iyon na may mga sahog at nakita ko pa ang maliliit na shrimps.
Nagluto rin siya ng pasta saka niya ako sinalinan noong pineapple juice.

"You look great on it," puna niya sa aking suot at umupo na sa aking harapan.

"At sobrang luwang," sabi ko pa.


Ngumuso siya at nagpigil ng ngiti. Alam ko naman ang kanyang rason kaya ganito
ang mga gusto niya. Accessible clothes para mamanyak niya ako.
Binigyan niya ako ng kubyertos habang nakangat ang kanyang kilay. Siya ang
naghalo noong pasta habang nagsimula naman akong sumubo noong fried rice. Napakurap
ako at dahan dahan iyong nanguya.

"Masarap?" tanong niya na ikinatango ko.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi saka niya hinaplos ang aking pisngi.
Binitiwan ko ang aking cellphone at sinubuan narin ito. Ang mga mata ni Israel ay
nasa akin parin. Nakaharap rin siya ng buo sa aking gilid at ang isa niyang kamay
ay hawak na ang aking hita.

"Ihahatid kita bukas sa school. Or you want to transfer?" tanong niya sa akin.

"H-Huh?"
"I want you to stay away from that brat, Trace. Tingin mo pagkatapos ka niyang
saktan at nakita kitang naglalakad sa daan habang umiiyak ay hahayaan ko pa na
lumapit lapit ka sa baliw na iyon?" matigas niyang sabi at gumuguhit na naman ang
galit sa kanyang mukha.

Binitiwan ko ang kubyertos saka namungay ang kanyang mga mata.

"Pero kapatid ko parin naman siya—"


"Tss." Isang marahas na pagkakabuga na ng hangin ang nagawa ni Israel at
nailing. Pinasadahan niya ng haplos ang kanyang buhok at sobrang magkakasalubong na
ang kilay.

"Give me a one damn good reason for me to like her, Trace." Ibinalik niya sa
akin ang kanyang mga matang singdilim na naman ng kalangitang walang bituin ni
isang makita, walang kislap.

"Kasalanan ko naman ito d-dahil di ko sinabi agad sa kanya. Kung nalaman niya
lang nang maaga—"

"Kung nalaman niya nang maaga ay mas maaga siyang nakapanggulo ganoon ba? Mas
maaga ka niyang nasaktan? Ba't ikaw ang kailangang mag-adjust sa inyong dalawa?
Kahit hindi ka magpaliwanag, dapat inintindi ka niya. And the fuck she cares about
our relationship? The fuck is wrong with her?"

"Dahil gustong gusto ka niya, Israel... Noong tambay ka palang sa 2nd Gate. At
nasanay siyang nakukuha ang kanyang gusto kaya ngayon na hindi siya napagbibigyan
ay nagagalit na siya ng husto. Iyon ang sabi sa akin ni Papa. Kaya bilang kapatid
niya ay gusto ko siyang intindihin—"

"Oh that fucking brat. Kahit ata maghubad iyon sa aking


harapan at bumukaka ay mababalibag ko lang siya," suplado niyang sabi at inis na
kinarga ang dalawa kong mga hita saka niya iyon isinabit sa isa niyang hita. Hinila
niya pa lalo ang aking upuan at iginapang ang kanyang kamay sa aking beywang.

Hindi ako umimik at naglakbay ang aking isipan sa maaari kong gawin para
mapatawad ako ni French. Alam ko naman ang gusto niya. Alam ko na kahit nalaman
niya na ang totoo ay wala siyang pakialam sa nakaraan namin base narin sa
pinagsasabi niya kanina sa akin. Useless rin pala kahit malaman niya ang side ko.
She just want to own Israel...

"Don't please her. I know you Trace. Handa mong isuko ang isang bagay pagdating
sa pamilya." Naging bigo na ang boses ni Israel at nasa kandungan ko na ang tingin.
Nakayuko siya roon at mukhang may ikinakabahala.

"I hope you don't change your mind..." he sighed heavily.

Umiling agad ako sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Umahon ang kanyang
tingin at napadpad na sa akin. Nginitian ko siya.

"Hindi na magbabago ang isip ko sa ating dalawa. Hinding hindi na," paglilinaw
ko para lang mapanatag siya.

Umabante siya sa akin at hinagkan ako. Pumikit ako nang manatili iyon sa aking
labi ng ilang sigundo. Dampi lang naman iyon pero sapat na para gumaan ang aking
loob kahit papaano. Dinampian niya rin ng halik ang aking pisngi. Ilang beses niya
iyong hinalikhalikan at hinawakan na ang gilid ng aking leeg habang hinahaplos
iyon.

"Simula sa araw na 'to, di ko na hahayaang may manakit pa sa'yo," buong


kasiguraduhan niyang sabi.

Ang madilim kong mundo ay kinukulayan na naman ni Israel ng matitingkad na


kulay. Siya lang ang may kayang gumawa noon na kahit isilong niya ako sa dilim ay
magiging komportable parin ako dahil sa pinaparamdam niya sa akin.

Normal lang naman siguro na sinusubok ng tadhana ang isang relasyon. Doon
makikita kung gaano kayo katatag at gaano katibay ang pundasyon na nabuo niya.
Dahil kung hindi niyo kaya iyon ngayon palang, paano pa kaya kung mag-asawa na?

Pagkatapos kumain ay tumambay rin naman kami sa kanyang kuwarto. Nagpasya


siyang manood kami ng movies para malibang ako. Yakap yakap niya ako at nakaunan
lamang ako sa kanyang dibdib na kahit ang aking mga hita ay nakadagan sa kanya
habang nakasandal siya sa headboard ng kama. Paminsan minsan ay yumuyuko siya at
hinahagkan ang aking ulo.

"Just live with me. You're more secure when you're with me, Trace. Aalagaan
naman kita," sabi niya sa akin kaya tiningala ko siya.
Ang kanyang madilim ngunit maamong mga mata sa akin ay nangungusap. Hinaplos ko
ang kanyang pisngi.

"Pero Israel... Ang gusto pa ni Papa ngayon ay makapagtapos muna ako. At


malapit narin naman... Pag nagkaayos kami ni French ay wala ng hadlang..."

"I'm just scared you might change your mind. Baka bukas nito nilayasan mo na
ulit ako at handa mo na akong itulak sa kapatid mo magkaayos lang kayo," bigong
sabi niya.

Umiling ako at hinagkan siya. Paulit ulit ko iyong ginawa hanggang sa


naramdaman kong nagloosen na ang kanyang balikat at namungay na ang kanyang mga
mata.

"Di na magbabago ang isip ko sa'yo."


Niyakap niya pa ako ng mahigpit kaya sumiksik ako lalo sa kanya na kahit wala
namang espasyo ay gusto ko paring madikit ng husto. Komportableng komportable ako
at pinaparamdam niya sa akin na walang makakapanakit sa akin hangga't magkasama
kaming dalawa.

Gusto kong maging positibo sa amin ni French. Gusto kong isipin na nadala
lamang siya ng kanyang galit kaya siya sumiklab. Gusto kong balang araw ay bumalik
rin ang dati naming relasyon bilang kapatid. Kahit di niya muna iyon maibigay sa
akin ay handa akong maghintay sa kanyang kapatawaran.

Gabi na noon nang makatanggap ako ng tawag kay Papa.


Napabangon ako sa dibdib ni Israel nang kinuha niya ang aking cellphone at
tiningnan ang aking screen. Tiningala ko siya na nakatitig rin doon kaya kinuha ko
iyon sa kanya.

"Sasagutin ko lang," sabi ko na ikinatango niya naman.

Bumangon ako at umupo nang maayos sa kama saka ko inilagay sa aking tenga ang
screen ng cellphone ko. Bumangon rin si Israel at niyakap ako sa likuran habang ang
kanyang baba ay nasa balikat ko na.

"Trace?" tawag ni Papa sa nag-aalalang boses.


"Papa..."
Isang buntong hininga agad ang kanyang napakawalan.

"Are you okay? Ang sabi ni Brennan sa akin ay nasa condo ka raw ni Israel.
Diyan ka muna?"
Nilingon ko si Israel sa gilid ng aking balikat na nasa tv ang tingin. Nang
mapansin niyang nasa kanya na ang aking atensyon ay nilingon niya rin ako.

"Opo Papa. Dito nalang po muna ako..."

Bumuntong ulit ng mahabang hininga si Papa. Parang piniga ang aking puso dahil
alam kong naiipit siya sa aming dalawa ni French katulad ng nangyari kay Kuya
Brennan.

"Mabuti pa nga. Pakalmahin mo muna ang kapatid mo at ipapaayos ko pa ang


kuwarto mo rito. Kausap na ni Brenda si French sa kuwarto niya."

"Sige po, Papa. Kakausapin ko nalang po siya ulit bukas sa school."

"Sige, sige. Pag-usapan niyo itong dalawa at h'wag na kayong mag-away. Ayokong
ganito kayo, Tracey. I'm going to talk to her and tell her to say sorry to you."

"Sorry rin po..." Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para magpigil ng emosyon.
Niyakap naman ako ng mahigpit ni Israel at hinagkan ang aking pisngi. 

"French is really a brat, Trace. Ganito siya pag di nasusunod ang gusto niya.
Try to fix this okay?"

Tumango ako kahit hindi niya iyon makita. Nahulog ang aking tingin sa kama at
bigong napangiti.

"Okay po, Papa."


"Take care. I'll just send some money to you for your allowance. I love you."

"I love you po, Papa..." Nilingon ako ni Israel kaya ibinaba ko narin ang
tawag.

"Just don't fix it for you to stay longer on my place until you Graduate. Kaya
naman kitang pag-aralin," si Israel na mukhang narinig ang pag-uusap namin ni Papa.

"Kailangan kong ayusin ito at makipagbati sa kapatid ko, Israel. Ayaw ni Papa
na nag-aaway kami at ayoko rin nang ganito."

Pumikit siya at bumuntong ng hininga. Wala siyang sinabi at naging tahimik


nalang.

Kumain kami sa loob ng kanyang kuwarto at nawili sa kakapanood ng movies. Pero


dala siguro ng pagod at pag-iyak ko kanina ay maaga akong dinalaw ng antok sa
kanyang bisig.
Kinaumagahan ay si Israel ang gumising sa akin. Naramdaman ko nalang ang
nakakakiliti niyang halik sa aking batok at ang paglandas ng kanyang kamay sa aking
likod lalo na't nakakulob ako. Gumising rin naman ako dahil rin may pasok pa kahit
may parte sa akin ang hindi mapanatag sa mangyayari mamaya.

Sabay na kaming naligo at sabay pa kaming nagbihis. Laking pasasalamat ko at


Miyerkules. Wala rin kasi akong unipormeng dala at tanging bag ko lang na dala dala
ko tuwing may klase ang naisama ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga damit kong pinagbibili sa akin ni Israel at


hindi alam kung ano ang susuotin. Nasasanay narin kasi ako sa fit A-line dress eh
itong sa kanya di man lang fit sa beywang at deritso na hanggang tuhod. Maganda
naman ang design kaso...

"Can't decide?" tanong ni Israel sa akin habang nagbibihis


narin siya sa aking gilid.

"Tingin mo, anong mas bagay sa'kin?" tanong ko.

Nakaslacks na siya ng itim at nagsisinturon na pero wala pang suot sa pang-


itaas. Ang basa niyang buhok ay magulo parin at kalmado ang seryosong mukha.
Lumapit siya sa mga nakahanger kong damit at may kinuha roon.

"This one." Itinapat niya pa iyon sa aking katawan at tumagilid ang ulo para
silipin ang aking kabuuan.

Tumango ako at kinuha iyon sa kanya. Humalukipkip naman siya sa aking harapan
at malalim na ang tingin sa akin kaya hindi ko natuloy ang paghuhubad ng aking
roba.

"Uh... Talikod ka." Itinulak ko siya ng bahagya pero umangat lang ang kilay.

"Ano pang itatago mo sa akin? We already made love multiple times. Mahihiya ka
paring maghubad sa aking harapan?" Nanunuya niyang tanong at pilyo na ang ngiti.

Ngumuso ako at di na nakasagot dahil sa pamumula ng aking pisngi. Hinubad ko


ang roba sa kanyang harapan at ako nalang ang tumalikod dahil sa kahihiyan. Tanging
undies palang ang aking suot kaya nagmadali akong magbihis at noong nilingon ko si
Israel sa aking likod ay hinahagod niya na ako ng tingin.

Lumapit pa siya sa akin at tinulungan ako sa zipper noon sa likod saka niya
hinagkan ang aking batok.

"Gusto kong dalawang bagay lang ang dumikit sa balat mo. Mga damit at bagay na
binibili ko para sa'yo at katawan ko."

Di ko na napigilan ang aking ngiti. Nailing nalang ako sa kapilyuhan niya.

Buti nalang pala at di ko iniuwi ang mga bigay niya sa akin at pinalagay ko
lang dito. Napapakinabangan ko rin dahil ang mga gamit ko sa bahay ay nasira na ata
halos lahat ni French. Nasasayangan tuloy ako. Ilang pera narin iyon... Paghihirap
iyon ni Papa at may iba rin doon na kay Tita Brenda pa galing. Ni minsan di ko
talaga nagawang magbasag o manira ng gamit dahil naiisip ko agad ang hirap ng isang
tao mabili lamang iyon. Lumaki rin kasi ako na kapos kaya alam ko kung paano
pahalagahan ang isang bagay na bigay sa'yo. Di naman kasi iyon libre.
Pinagtatrabahuan na ngayon lahat ng pera.

Pagkatapos naming kumaing dalawa ni Israel ay hinatid niya rin naman ako sa
school. Magkasalikop ang aming mga kamay habang tahimik lang ako sa driver's seat.
Kinakabahan ako dahil alam kong magkikita na ulit kami ni French pagkatapos ng
nangyari kahapon.

"Pupuntahan kita mamayang vacant mo," si Israel na ikinalingon ko sa kanya.

"Huh? Eh magkasama na tayo ah? Pupunta ka parin?" Nagtataka kong tanong.

"Your vacant time is mine. And I'll treat you some lunch. Baka gutumin ka sa
loob," rason niya.

"May pera naman ako at pwede naman akong kumain sa cafeteria, Israel."

Binasa niya ang pang-ibaba niyang labi at nilingon ako saglit.

"I want to have lunch with you. Mas mabubusog ako pag ikaw ang kasama ko."

At pagod rin ako pag ikaw na ang kasama ko. Itong si Israel may katakawan rin.
Mahilig kumain...

"And that crazy brat might do something stupid to you again. Malaki naman ang
espasyo sa Mental ba't di pa siya ipasok doon?" Ngayon ay naiinis na naman ito.

"Hindi naman siya baliw..."


"That's how I see her, Trace. Akala niya naman nakakaakit siya. Balahibo ang
tumatayo sa akin pag nakikita ko ang babaeng iyon," aniya.

Hinaplos ko nalang ang kanyang panga para kumalma lang ito.


Nang hindi man lang bumalik sa dati ang magkakasalubong niyang kilay ay hinagkan ko
nalang ang kanyang panga at hinaplos ang kanyang braso. Nagloosen rin naman ang
kanyang balikat.

"You really know how to make me calm. Haplos mo palang nanghihina na agad
ako..." Ngumisi siya sa akin ng pilyo at mukhang nakalimutan na nitong iritadong
iritado siya.

"Di ko nga alam ba't ka ganyan sa'kin tapos sa iba ang supla-suplado mo."
Ngumuso ako at umayos rin naman ng upo.

"That's how you affect me. Buong katawan ko ay naaalipin mo. And no one can
affect me like how I lose my senses everytime I see your face... Damn you for being
a sexy angel..." Binasa niya ang pang-ibabang labi at sobrang husky na ng boses.

Pinamulahan ako ng pisngi. Nakakagulantang na marinig sa kanya na ganoon pala


ang epekto ko. He's making me feel that I'm the most lucky girl in the world... Na
kaya niya akong sambahin. Ako at ako lang...

Nalaglag ang tingin niya sa aking kandungan. Ngumisi siya na ito.

"Nice..." Gumapang ang kanyang kamay sa aking hita at pumasok pa sa aking suot.
Dahil maluwang nga naman iyon ay wala niyang kahirap hirap na nahawakan ang aking
legs at ipinaglandas na ang kanyang kamay paakyat.

Nailing nalang ako at hinayaan siya. Kagat kagat niya ang pang-ibaba niyang
labi at nasa daan ang tingin habang tumatakas ang pilyo niyang ngisi. Namahinga
lang doon sa loob ng kanyang malaking kamay at wala namang ginagawa.

Walang ginagawa. Dismayado ba ako o ano?

Pinabaunan niya ako ng pera para daw may extra ako kahit tinanggihan ko na iyon
dahil papadalhan naman ako ni Papa. Hindi lang iyon ang kanyang pinabaon at may
kasama ring matamis na halik. Iipunin ko nalang siguro at ipapadala rin kay Mama.
Iyon kasi ang gawain ko pag may sobra sobra akong pera. Pumapayag naman si Papa
total ipon ko rin daw. Kumusta na kaya iyon? Huli kong sulat sa kanya noong Summer
lang eh. Dapat talaga may cellphone si Mama.

Pagkapasok ko sa eskwelahan ay pansin ko agad ang tinginan ng ilang estudyante


sa akin. Dahil ba sa suot ko o dahil sa issue? Okay naman ang suot ko at sigurado
akong dahil ito sa issue kaya ganito sila kung makatingin.

Pagkapasok ko ng classroom ay wala pa si French pero may iilan nang estudyante


sa loob. Ngumiti ang iilan sa akin na nginitian ko pabalik at nagtungo rin ako sa
aking upuan.

"Okay kayo ni French, Trace? Nag-away kayo kahapon?" tanong ng isa sa mga
kaklase kong babae.
"Ba't di kayo magkasama?" Iyong isa naman.

"A-Ah... Nauna kasi ako." Tangi kong sagot at nag-iwas na ng tingin sa kanila
para di na nila ako makulit pa ng kung ano ano tungkol sa amin ni French.

Ayokong ikwento sa kanila ang lahat dahil hindi ko rin naman alam ang takbo ng
mga utak nila. At 'tsaka kung anong nangyari sa bahay ay mananatili iyon doon.
Isang respetadong business tycoon si Papa at ayokong dungisan ang pangalan niya,
ang apelyido nila.

Inilabas ko ang aking notes at nagbasa nalang. Exam narin kasi next week kaya
kailangan ko ng mag advance study.

Ilang sandali lang ay narinig ko na ang boses ng mga kaibigan ni French. Bigla
akong nanigas sa aking upuan nang makita ko sa gilid ng aking mga mata ang kanilang
pagpasok kasama ang aking kapatid na tumatawa rin.

Pasimple ko siyang nilingon at nagtama pa ang aming tingin. Nakahigh ponytail


ang kanyang buhok at pulang dress ang suot na may pagka V-line ang parteng dibdib
at nakaheels. Ang kanyang mga kaibigan ay kinawayan ako kaya ngumiti lang ako ng
pilit. Di ata nila alam na nag-away kami? Di kinuwento ni French sa kanila?

Nag-iwas rin naman ito ng tingin sa akin at nakipag-usap


agad sa kanyang mga kaibigan. Di ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin at medyo
nabunutan ako ng tinik dahil mukhang normal naman siya.

Panay ang paglingon ko kay French. Hindi niya ako tinitingnan pabalik at
hinahawi lang ang buhok paatras. Kaya noong matapos na ang subject ay nagmadali
agad akong ligpitin ang aking mga gamit saka ako lumapit sa kanya.

"F-French... Mag-usap tayo," sabi ko na ikinalingon niya sa kanyang mga


kaibigan na hinihintay siya.

"Guys, sunod nalang ako." Sinenyasan niya iyong apat na umalis muna. Tumango
naman agad ang mga ito at nagpaalam rin sa amin.

Noong nahalata niyang kami nalang dalawa ay awtomatikong umangat ang kanyang
kilay at humalukipkip na. Pinasadahan niya pa ako ng tingin at mukhang nadisgusto.

"What?" matabang niyang tanong.

Nahimas ko ang aking siko at pilit na pinakalma ang puso kong lalabas na naman
ata sa aking ribcage.
"Gusto ko lang sanang humingi ulit ng tawad. S-Sa ginawa ko... Ayokong nag-
aaway tayo—"

"Oh stop mentioning it. It's done na. Just stay away from me nalang," mataray
niyang sabi sa akin at kinuha na ang kanyang bag.

"Pero French nag-aalala rin si Papa sa ating dalawa. A-Ayoko ring ganito
tayo... Handa naman akong maghintay hanggang sa mapatawad mo ako dahil alam ko
namang kasalanan ko rin 'to..." Malungkot kong sabi na ikinaikot ng kanyang mga
mata.

Don't worry, I won't ruin your reputation here sa school. Just act nalang na
we're still close when in fact I am disgusted to be with you in one place. You
irritate me alot."

"Hindi naman ang reputastyon natin sa school ang tinutuko ko kundi ang relasyon
natin bilang magkapatid..." paliwanag ko pero mukhang hindi niya ako pinapakinggan
at nasa loob ng kanyang bag ang buong atensyon.

May sobre siyang kinuha roon at inilahad sa akin.

"Here oh. Iyong limos na hinihingi mo kay Daddy." Ngumiti siya ng may halong
insulto sa akin. "Mukhang you enjoyed leaving the house naman since kinupkop ka rin
ni Israel, right? Did you enjoy the night being with him?" Mas lalong umakyat sa
itaas ang kanyang kilay at kulang nalang ay humiwalay na iyon sa kanyang noo.

Wala akong maisagot doon. Sinasaksak ang aking dibdib at ang sakit sakit
pakinggan ng salita niya. Kung noon ay pinapanood ko lang siyang magtaray sa iba,
ngayon ay naexperience ko narin talaga.

"Oh well... Mukha mo lang naman ang maamo at inosente 'di ba? If I know you're
happy kasi you're always with him na. What a whore... Siguro nagmana ka sa Mommy
mo?" Tumawa pa siya at mas malisyoso na ang tingin sa akin. "So here... Tanggapin
mo na... Don't be shy I know you're walanghiya." Mas inabot niya pa iyon sa akin at
mas lumaki pa ang kanyang pilyang ngiti.

Naikuyom ko na ang aking mga kamay. Ang mga mata kong nanlalabo pa kanina ay
tuluyan ng tumakas.

"H'wag mo naman sanang idamay ang Mama ko, French. Hindi mo alam kung ano ang
mga isinakripisyo niya para lang pangalanan mo siya ng kung ano ano. Sige...
Malandi na ako... Inakit ko si Israel at naging marupok ako! Sige! Yun nalang ang
sabihin nating nangyari! P-Pero ba't mo kailangang idamay si Mama?" Naging bigo ang
tingin ko sa kanya. Umagos ang luha sa aking mga mata at pagod na pagod ng umiyak
sa paulit-ulit na rason.

Nagulat siya sa aking pagsagot pero kalaunan ay nag-iba rin ang ekspresyon.

"Anong tawag sa ina mong kabit? 'Di ba malalandi? Higad? Makati." Mas maanghang
niyang sabi.
Iyon ang nagpaubos ng aking pasensya. Parang may naputol na lubid sa aking loob
at di ko na nakaya pang kimkimin iyon.

"Kung ganoon... Ako na fiancee... anong itatawag ko sa'yo na nakikisawsaw sa


amin ni Israel? Anong itatawag ko sa'yo na inaagaw ang taong hindi ka naman gusto.
Feeling? Assuming? O nananaginip ng gising?"

Nalaglag ang kanyang panga at gulat na gulat sa aking isinagot. Kahit ako ay
nadala narin at nagulat rin pero huli na dahil nasabi ko na.

Tumaas baba ang kanyang balikat at nakuyom na ang kamay. Sa sobrang galit ay
marahas niyang itinapon sa aking dibdib ang sobre na agad namang ikinatapon ng
laman noon sa sahig at kumalat na ang mga pera roon.

"See! All this time nagpapanggap ka lang na mabait! You want a war, Trace? Then
fine! Kung di kami, di rin magiging kayo. Guguluhin ko kayo and I'll make sure di
kayo sasasaya. I'll give you the bloody war you deserve!" sigaw niya sa aking mukha
at binangga na ang aking balikat noong nilagpasan niya na ako.

Napaupo ako sa upuan dahil sa tuhod kong nanginginig na. Pinalala ko lang...
Ngayon ay sigurado akong mas mahihirapan akong hingin ang kanyang kapatawaran.
Ayoko lang naman sanang pinagsasalitaan niya ng kung ano ano si Mama...

Kaya ko pa ba?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 60

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Jhean Mendoza. Happy reading!
-----------
One Mistake
Hindi ko nalang binanggit kay Israel ang naging sagutan namin ni French sa
classroom. Hindi ko rin alam kung anong plano niya sa aming dalawa ni Israel.
Umiiwas nalang ako sa kanya sa eskwelahan lalo na't hindi niya rin naman ako
pinapansin.

Sa pamamalagi ko sa condo ni Israel ay sumasaya rin naman ako kahit na


pinapalungkot ako ng nangyayari sa amin ni French. Kay Israel ako ngayon kumukuha
ng saya. Sa kanya ako kumukuha ng lakas at sumasandal pag di ko na kaya. Ilang araw
narin kaming magkasama at marami narin kaming oras para sa isa't isa. Minsan ay
tinutulungan niya ako sa mga school works ko at tuwing weekends ay sinasamahan ko
rin siya sa kompanya para makatulong rin ako roon sa kanya.

Pinagliligpit ko ang mga dadalhin ko sa pupuntahan naming Resort. Linggo kaya


gusto niyang magrelax daw kami. Puro raw kami trabaho at kung ano ano pa. Kaya
heto... Pinaghahandaan ko na ang lakad namin mamaya.

Isang long dress na straps ang ipinasok ko sa maliit kong bag at mga sunblock.
Sinigurado ko ang mga personal kong gamit at ako narin ang naghanda ng dadalhin ni
Israel.

Lumabas rin naman ito sa banyo at kinukusot na ang kanyang buhok. Nauna kasi
akong maligo sa kanya. Minsan naman sabay kami pero minsan ay mag-isa lang ako lalo
na pag may mga lakad kami dahil natatagalan kami sa loob pag kaming dalawa. Minsan
ay lumalagpas ng tatlong oras...

"Nahanda ko na ang gamit mo." Proud kong anunsyo sa kanya at itinuro pa ang bag
ng pinaglagyan ko sa kanyang kama.

Ngumisi agad ito at lumapit sa aking tabi. Sinilip niya ang loob noon at
nakontento naman sa kanyang nakita. Amoy na amoy ko pa ang halimuyak ng kanyang
showergel at nasundan rin ng aking mga mata ang tubig na tumutulo pa sa kanyang
buhok pababa sa topless niyang katawan. Ang tuwalya sa kanyang beywang ay nakayapos
at nakikita ko ang V-line doon...

"Handa kana talagang maging asawa ko ah?" tanong niya sa akin at iginapang agad
sa aking beywang ang kanyang braso.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at ngumiti na.

"Marami pa akong kailangang matutunan 'no. Sanay naman ako sa gawaing bahay
kasi alam mo naman ang naging estado ng buhay ko sa bukid noon pero gusto ko paring
matuto kung paano magiging mabuting asawa mo."

Mas lalo lang lumaki ang ngisi ni Israel. Kitang kita ko sa kanyang mukha na
nasisiyahan siya sa pinagsasabi ko.

"Ano pa bang gusto mong matutunan?"

Napisil ko ang aking pang-ibabang labi at nag-isip na.

"Hmm... Pag-aalaga ng bata? Baka kasi pag di ko nagampanan nang maayos ang
pagiging asawa mo ay hihiwalayan mo ako bigla."

Humalakhak siya sa aking tenga at nagawa pang ilebel ang mukha sa aking leeg
para lang kagatin ako ng marahan doon.

"Seryoso nga! H'wag kang tumawa..." Sumimangot ako at hinagilap ang kanyang mga
mata..

"It's just that you're so adorable. Can't help it..." Kinagat niya ang kanyang
pang-ibabang labi.

"Totoo naman kasi! Uso ang divorce ngayon, Israel. Pag di tayo nagwork-out
bilang mag-asawa doon tayo mahuhulog."

"Sa isa't isa lang tayo mahuhulog," aniya at umangat pa ang kilay.

"Posible tayong mahulog sa ganoon." Marahan ko siyang itinulak at humarap ulit


sa aking ginagawa roon sa kama. Isinara ko na ang aking maliit na bag habang si
Israel naman ay umupo na gilid noon at itinukod pa ang dalawang kamay sa likuran.
Ako ang nababahala diyan sa tuwalyang nakatapis... Baka malaglag bigla!

"Ba't tayo mahuhulog doon?" Nagkasalubong na ang kanyang


kilay at mukhang interesado na sa aking sagot.

"Kasi wala pa akong masyadong experience sa ibang bagay."

"Edi makikipagdivorce ka dahil lang doon?" tanong niya at nafufrustrate na


naman ata.

Humalukipkip ako sa kanyang harapan at pinagbihis muna ito para makaalis narin
kaming dalawa. Buong akala ko ay nakalimutan niya na iyong topic pero kahit nasa
byahe kami ay iyon parin ang kanyang bukambibig!

"Makikipagdivorce ka sa'kin pag ikinasal na tayo? You're planning to break up


with me? How about our kids?" Magkasalubong na naman ang kanyang kilay habang
nililingon ako.

Kagat labi ko siyang tiningnan at gusto ng matawa. Ano bang iniisip nito? What
ifs iyon at biro lang rin. Dinidibdib niya na naman...

"Hindi sa ganoon. Uso ang divorce—"


"At makikiuso ka?" putol niya pa sa akin.

Haynako Buenaventura. Minsan rin talaga ang hirap mong kausapin.

"H'wag na nga lang tayong magtopic ng tungkol sa divorce." Nailing ako at


nasuklay na ang aking buhok.

"Dahil hindi naman talaga tayo magdidivorce," si Israel na pinoproblema ang


maliit na bagay.

"Di nga tayo magd-divorce."


"Hindi talaga. I'm not going to sign it even if you beg for it." Sinuklay niya
paatras ang kanyang buhok at iba na ang timpla ng kanyang ekspresyon.
Natawa ako ng marahan. "Di pa nga tayo kasal eh."

"Pakakasalan kita," seryoso niyang sabi sa akin.

"Oo nga, Buenaventura." Tumawa lang ako lalo at natutuwa na naman ako sa maliit
na bagay naming pinagtatalunan.

Nagpatugtog nalang ako sa kanyang stereo. Si Israel ay nagsusuplado na naman


kaya kumakanta kanta nalang ako para aliwin ang aking sarili. Noong naging seryoso
na ang kanyang ekspresyon at hindi na umimik ay nakonsensya narin ako.

Ano ba 'yan... Wala kaming pinag-aawayan na malalaking bagay pero iyong ganito
kaliit talaga ang nakukuha naming pagtalunan. Paano rin ako maiinis kung nakakaaliw
siya?

"Hassle rin kaya ang divorce, Israel," pag-oopen-up ko ulit.

"Are you really expecting us to divorce someday?" Nanliit ang kanyang mga mata
sa akin.

"Di mo talaga gets." Humalukipkip ako sa aking upuan. "Kanina... Ang sabi ko
gusto kong maging handa sa pagiging asawa mo dahil natatakot ako na baka magdivorce
tayo dahil di nagwork-out." Naggesture na ako at pilit iyong pinapaintindi sa
kanya.

"Ba't di tayo magwowork-out? How can you even say we'll fall on that thing when
I'm only falling hard for you?"

Dahan dahan ko siyang nalingon at nakita ang kanyang frustration. Kalaunan ay


natawa rin ako at kinurot na ang kanyang pisngi.

"Oo na nga! Di tayo magdidivorce someday." Tumatawa kong pinagdiskitahan ang


kanyang pisngi.

"Tsss..." Hinawi niya ang aking kamay pero mas pinanggigilan ko lang iyon kaya
ngumuso narin siya at di na naitago ang ngisi.

"Stop it..." sabi niya sa baritonong boses.


Humalakhak ako at hinagkan nalang ang kanyang pisngi.

"Oh damn..." Nabasa niya ang pang-ibaba niyang labi saka niya ipinagsalikop ang
aming mga kamay. "My precious baby is driving me crazy... Damn..." Inangat niya
iyon at hinalikan ang likod ng aking palad.
"Baliw!" Hagikhik ko.
Ngumisi siya at inilagay sa kanyang hita ang aming mga kamay na magkasalikop
parin. Naging ganoon ang aming posisyon sa buong byahe. Tinapon ko na iyong topic
dahil baka magsuplado na naman siya.

Nakarating rin naman kami sa mismong resort. Nakabook narin kasi si Israel dito
noong nakaraang araw palang. Palagi kasing di natutuloy iyong plano namin dahil
minsan ay tinutubuan kami ng katamaran at mas gusto nalang manatili sa condo niya.

Tiningnan ko sa bintana ng kinuha naming room ang labas. Natatanaw ko ang


maganda nilang swimming pool at may jacuzzi pa roon sa di kalayuan. Matatanaw mo
roon ang kabuuan ng syudad at makikita raw ang Citylights tuwing gabi.

"Mag-oovernight tayo?" tanong ko kay Israel na nakapolo na ng puti ngunit bukas


lahat ng botones noon habang may hinahalungkat siya sa kanyang bag.

"We will," aniya at nagpatuloy sa kakahalughog doon.

Naexcite agad ako at ibinalik ang tingin sa labas. May iilan na roong mga
nakabikini at naliligo na. Sa ibaba ng resort ay ang malawak na asul na karagatan
at napakaputing buhangin. Nasa itaas kasi banda iyong swimming pool at may perfect
view rin. May mga coconut trees pang nakatayo malapit sa pool area at parang
nakalinya roon. Ang ganda naman rito...

"You forgot to bring some of my boxers?" tanong niya na ikinalingon ko agad sa


kanya.

"H-Huh? Wala ba?" Naglakad ako malapit sa kanyang dako.

Tumango siya at binasa na ang pang-ibabang labi.


"Yun ang hindi mo nadala."

Kinabahan ako at kinalkal narin ang loob ng kanyang bag. May mga sweatpants
niya akong dinala, cotton shirts, sunblock, showergel niya, toothbrush, at personal
niya pang gamit pero iyong boxer... W-Wala.

Napatingala ako sa kanya na ngayon ay nakapameywang na sa aking likod. Umangat


pa ang kanyang kilay at may iilang buhok na nalalaglag sa kanyang noo. Sumimangot
ako at nadismaya.

"Did you purposely forget them?" Nanunuya na ang kanyang boses kaya nang-init
agad ang aking pisngi at nalaglag ang tingin sa nakabalandra niyang tiyan. Nakikita
ko ang kanyang abs dahil sa mga botones na nakabukas.
"H-Hindi ah... Akala ko kasi nalagyan ko na..." Napabuga ako ng mahabang hangin
at natampal ang aking noo. "Palpak. Sabi ko naman sa'yo marami pa akong kailangang
matutunan bilang asawa mo." Nafufrustrate kong sabi na ikinatagilid ng kanyang ulo.

Hinila niya ako sa aking beywang kaya awtomatiko akong nadikit sa kanya.
Pinatakan niya ako ng halik at halos maligo na ako noon.

"But it doesn't mean we're going to divorce just because you don't have any
experience... Di naman trabaho ang papasukan mo, Trace. You're going to be my wife.
Anak lang ang hinihingi ko sa'yo at wala ng iba. I don't care if you burn our
kitchen. I don't care if you forgot my boxers and misplace our things. I don't
fucking care if you're bad at everything. Iyong pinakasalanan mo ako... doon palang
ay ang laking bagay na para sa'kin." Hinaplos niya ang aking pisngi at mataman na
akong tiningnan.

Nalusaw agad ang aking puso. Para iyong isang matigas na bagay na pinainit ni
Israel at ngayon ay naging caramel na sa sobrang pagkatunaw. Paano ko naman
hihindian ang lalakeng ito? Paano ko siya susukuan kung ganito siya sa akin? Baka
pag binitiwan ko siya ay ikamatay ko pa.

"Paano kung buong bahay ang masunog ko?" pagbibiro ko sa kanya na ikinangisi
niya.

"Then you're banned from entering our kitchen after we get married..."

"Hoy!" Natatawa ko siyang hinampas. Ang mokong naman


kinarga pa ako at humalakhak na.

"Marunong ako magluto, maglaba at magplantsa 'no!" sabi ko habang lumalabas


kami at karga niya parin ako.

"Ah... You're just forgetful..." Pang-aasar niya.

"Ngayon lang 'no. Nawala sa utak ko ang boxers mo."

"Okay lang. Maghuhubad rin naman ako mamaya sa harapan mo." Yumuko siya at
kinagat ang aking leeg. Nasa corridor palang kami at hindi pa nakakalabas papuntang
swimming pool.

Naghaharutan kaming dalawa papunta roon. Doon niya lang ako ibinaba nang
makarating na kami sa bukana noon. Nakalong dress parin ako at may pagka seethrough
ang parte noong legs at sa bandang tiyan. Ang aking buhok at nakabun at litaw na
litaw ang aking malalalim na collarbone. Natutuwa ako sa nakaribbon na straps noon
dahil si Israel pa ang may gawa.
Ang mga malalagkit agad na tingin ng babae kay Israel ang una kong napuna.
Tumayo ako sa gilid kung saan hindi natatamaan noong init na sikat ng araw.

"I'll gust get your sunblock," aniya na ikinatango ko.

"Doon lang ako ha." Itinuro ko iyong mga chaise lounge chairs sa may tapat
noong pool. Tiningnan iyon ni Israel at ibinalik sa aking suot ang tingin.

"Sige na..." Itinulak ko ng bahagya ang kanyang dibdib at natatawa na akong


umalis. Nagkasalubong pa ang kanyang mga kilay habang sinusundan ako ng tingin.

Umalis rin naman ito. Umupo ako roon sa bakanteng lounge chair. May parang
malaking payong naman ang tapat noon para di ganoong mainit. Ipiniko ko ang isa
kong paa at iyong isang paa lamang ang namamahinga.

May dumaan na mga grupo ng lalake at tiningnan pa ako. Iyong isa ay siniko ang
kanyang kaibigan at nginuso ako kaya ang tingin rin noong tatlo ay nasa akin na.

"Hi Miss!" Kumaway sa akin iyong isa kaya pasimple nalang akong nag-iwas ng
tingin.

"Di ka type!" Humalakhak iyong kaibigan niyang nakaitim ng trunks. Lahat sila
ay topless at nakatrunks at mukhang kakaahon lang sa pool dahil sa mga katawan
nilang basa.

Nagulat ako nang nagtungo na sila sa aking harapan. Ang view ng pool area ay
tinakpan na nila.

"Ilang taon kana Miss? Mukhang kaedad ka lang namin ah? Gusto mong sumama sa
amin? Mag-isa ka lang dito oh..." Hirit noong may maiksing trunks at pilyo ang
ngiti.

Umiling lang ako sa kanila at tipid na ngumiti. Nagkatinginan pa sila at


mukhang ayaw paawat.

"Ayaw mo? Sige na. H'wag ng pakipot." Hinagod ako ng tingin noong isang lalake
at siniko niya pa ang kanyang katabi.

"May kasama kasi ako," tanging sambit ko hanggang sa makita ko nga ang madilim
na ekspresyon ni Israel sa kanilang likuran. He towered the four boys like he's
more mighty and masculine. Walang wala ang tindig ni Israel sa apat na nagmukhang
typical college boys hindi kagaya niyang sobrang manly na ang dating at itong mga
apat ay nasa stage pa ng puberty.
"Kasama? Sus iwan mo na 'yon. Iniwan kang mag-isa rito oh."

"Oo nga! Pabayaan mo na 'yon. Sa amin ka nalang sumama mas maaaliw ka pa


namin!"

"Oo nga miss! Sayang yang ganda mo kung mag-isa ka rito!"

Umangat ang kilay ni Israel sa likuran at humalukipkip na roon. Ngumuso ako at


nagpigil ng tawa dahil sa pagdilim ng kanyang mga mata at pinapakiramdaman lang ang
apat sa kanyang harapan.

"Sayang rin yang mga mukha niyo kung ang fiancee ko ang
hihirit-hihirit hiritan niyo. Baka gusto niyo ring makilala ang kamao ko?" sambit
ni Israel sa aking likuran na ikinalingon agad ng apat sa kanya.

Nang makita nila ang kanyang tindig ay napaatras agad ang apat. Iyong isa pa ay
lumunok ng laway.

"A-Ah... M-May kasama ka pala..." Iyong isang lalake at hilaw na natawa sa akin
habang kinakamot ang batok.

"Mukha bang tourist attraction ang fiancee ko at dadayuhin niyo?" Isa isa
niyang tiningnan ang apat sa madilim at matalim niyang mga mata na ikinasindak agad
nila.

Wala pang limang sigundo ay mabilis ng nagsialisan ang apat at tumakbo na


palayo sa amin. Sinundan pa ito ng tingin ni Israel at sobrang nagkasalubong na ang
kanyang kilay.

"Mga putangina," narinig kong sambit niya sa mahina ngunit matigas na boses at
nang ibinalik ang tingin sa akin ay kumalma rin naman ang ekspresyon.

Nagtungo siya sa katabing lounge chair nitong akin at doon pumwesto. Umupo siya
roon habang nakaharap sa aking hita at iritadong naglagay ng sunblock sa kanyang
palad.

"Nawala lang ako ng ilang minuto, pinagpyestahan kana." Hinawi niya kaonti ang
aking dress at pinahiran ng sunblock ang may parteng tuhod ko pababa.

"Mga friendly kaya ang mga tao," sabi ko at ngumiti na. Naaaliw na naman ako sa
mukha niyang iritang irita sa isang bagay.

"Friendly pagdating sayo. Di ka nga marunong mang-akit pero mukha mo palang


nang-aakit na." Pinaglandas niya ang kanyang palad sa aking paa at ikinalat ang
cream doon.

Umahon ako ng kaonti sa pagkakasandal sa upuan saka umupo. Ang isa kong paa ay
hinila niya pa para madikit sa isa ko pang paa para di ako masilipan. May suot
naman akong cycling.

"Ikaw rin kaya ganoon ka rin naman noon sa akin ah?"

"Anong ganoon?" Hinawi niya ng kaonti ang aking dress hanggang sa malantad ang
aking legs at iyon naman ang pinahiran niya.

"Papansin ka rin kaya sa akin. Edi katulad ka rin sa kanila," pang-aasar ko pa


sa kanya at ngumiti ng matamis.

Tumitig siya sa akin sa kilay niyang magkakasalubong. Ngumiti pa ako at kinurot


ang dalawa niyang pisngi. Nang nasira lang lalo ang kanyang ekspresyon ay tumawa na
ako. Pikon talaga kaya ang sarap rin asarin.

"Kung di ako nagpapapansin sa'yo, tingin mo may fiancee ka ngayong guwapo?"


Mayabang niyang sabi.

"Yabang!"
Ngumisi siya at iyong isang legs ko naman ang nilagyan niya ng sunblock. Kahit
ang aking mga braso ay siya rin ang naglagay. Pinatingala niya pa ako at nilagyan
rin ako roon ng cream at ang pilyong ito ay kinagat pa ako saka niya iyon
natatawang pinahiran dahil sa pagsimangot ko. Napakapublic talaga nitong kalandian
ni Israel.

Noong mga hapon na kami naligo. Panay lang ako angkas sa kanyang likod at
minsan ay sumisigaw pa ako pag pumupunta kami sa malalalim na parte. Idagdag narin
ang mga mata ng mga babaeng namamalagi talaga sa kanya. Ako lang naman ang
nakakapansin dahil si Israel ay nahihibang na naman at panay lamang tawa at nasa
akin ang buong tingin.

Sa jacuzzi rin naman kami tumambay noong gabi na. Amin iyong buong jacuzzi at
nag-iiba pa ang kulay noon habang pinagmamasdan ko ang tingin sa malayo. Nakahilig
ako roon sa may dulo nang maramdaman ko si Israel sa aking likod.

"Ang ganda 'no..." bulong ko sa kanya at sobra nang naakit ang aking mga mata
sa kumikislap na mga citylights. The darkness was filled with lights making them
look enchanting to my eyes.

"Parang ikaw lang at ako..." Niyakap niya ako galing sa


aking likuran at hinalikan ang exposed kong balikat. Nakabikini lang rin kasi ako
total kami lang namang dalawa rito.

"Huh?" Nilingon ko siya sa aking gilid. Nakasuklay paatras ang basa niyang
buhok pero sa gilid noon ay naroon na naman ang iilang hiblang nagrerebelde sa
kanya.

"Imagine the city without lights, Trace."


"Uhm... Madilim."

"Exactly. Imagine my world without you. Imagine me without you." Namungay ang
kanyang mga mata sa akin.

"Mahal kita," sambit ko na at di na nakaya ang pagkalusaw ng kabuuan ko.

Hinalikan niya ako ng marahan na tinugunan ko agad ng buong puso. Nakasandal na


ang aking ulo sa kanyang balikat para bigyan siya ng access sa aking labi. Isang
pihit niya lang sa aking beywang ay napaharap niya na ako ng buo sa kanya at mas
hinalikan ako ng malalim.

Niyapos ko ang aking kamay sa kanyang leeg at natangay na sa hagod ng kanyang


mga labi. Sa magandang lugar, sa mga kumikislap na citylights sa kabuuan,
naghalikan kami roon at ginawang paraiso ang paligid. Kung uso man ang fairytales
at ang mga fantasy sa libro, sa reyalidad ay halik lang ni Israel ay napaparamdam
niya agad sa akin na para akong prinsesa niya at at lumulutang na kaming dalawa sa
ere. Ganoon palagi ang epekto sa akin. Ang mundong madilim ay nakukulayan na ng
matitingkad na kulay at mas lalong gumaganda ang paligid.

Sinikap kong walang tumakas na ungol sa aking bibig kahit na kami lang dalawa
roon at inarkilahan niya ang jacuzzi para masolo namin iyon. Nakahilig ako ngayon
patalikod sa citylights habang tumitingala at nababaliw na naman sa sensasyon dahil
sa galaw ni Israel. Marahan iyon ngunit pasagad na sa bawat diin niya ay para akong
mawawala sa aking katinuan.

Isa iyon sa ginawa namin sa jacuzzi at naulit lang nang bumalik kami sa
kuwarto. Nakasandal ako sa may pader at hawak niya ang aking dalawang hita na
nakapulupot sa kanya habang gumagalaw sa aking gitna at hinahalikan ako sa aking
leeg. Doon ko na napakawalan ang mga ungol na kinimkim ko kani-kanina pa. Kahit
nangangalay ay sinikap kong tumbasan ang kanyang galaw dahil gusto ko rin siyang
mapasaya. I want to pleasure him like how he sent volts of electricity inside me.

"You're driving me crazy real big time, Trace..." Habol habol niya ang kanyang
hininga at naliligo na ng pawis habang walang sawa paring gumagalaw.

Hinawakan ko ang gilid ng kanyang leeg gamit ang isa kong kamay habang ang isa
naman ay nasa panga niya at hinalikan siya ng malalim. Nang hindi ko na nakayanan
ang sensasyon ay umawang nalang ang aking labi at sinalubong narin ng aking
balakang ang kanya.
Nakakarelax nga naman... Sa sobrang relax pagod na pagod kaming dalawa. Ibang
klase, Israel Buenaventura.

Noong matapos rin naman kami ay kapwa na kami nakahiga sa kama. Nakasandal siya
sa headboard ng kama habang nakaunan ako sa kanyang dibdib. Sinusuklay niya ang
aking buhok habang nakayapos sa akin ang isa niyang kamay at ang isa ay ginawa
niyang unan niya.

"Magpakasal nalang kaya tayo bukas?" biglaan niyang sabi sa gitna ng


katahimikan.

Tiningala ko siya.
"Huh? Bukas agad? Eh klase ko nga bukas eh..."

Nasa kawalan ang kanyang tingin at tila may iniisip na malalim.

"Gusto na talaga kitang buntisin. Damn it." Nakagat niya ang pang-ibaba niyang
labi at idinagan na sa akin ang isa niyang hita saka niya ako isiniksik sa kanyang
leeg.

Tumawa ako roon at humawak sa kanyang balikat.


"Pagka Graduate ko nalang Israel... Please?"

Bumuntong siya ng hininga at yumuko saka ako hinagkan ng matagal sa aking ulo.
Palagi niya talaga akong kinukulit sa pagpapakasal. Pangarap ko rin namang maikasal
sa kanya pero pangarap ko ring makapagtapos ng pag-aaral. Pangarap kong mabigyan si
Mama ng magandang buhay at maalis siya roon sa bukid. Gusto ko ring manirahan siya
rito o kaya magtravel kami ni Mama. Magugustuhan niya ang mga Resorts dito.

"How's that crazy brat? May sayad parin?" tanong niya.

"Okay lang naman siya. Grabe ka talaga." Hinampas ko ang kanyang dibdib pero di
man lang natablan.

Hinawi niya lang ang ilang hibla ng aking buhok at isinabit iyon sa gilid ng
aking tenga.

"Di ka inaaway?"
Sa mga nagdaan na araw... hindi naman. Kinakabahan nga ako kung ano iyong
tinutukoy niyang Bloody War. Ngayon na tahimik lang naman siya at iniiwasan ako, di
ko maiwasang hindi kabahan. Si Papa ay gusto narin akong pauwiin this month dahil
okay na raw kami ni French. Ang alam ko hindi pa naman kami okay ah?

"Hindi naman..."
"Isumbong mo sa akin pag inaway ka," aniya at akala mo ay bata ang kausap niya.

Tumawa ako. Ano ako bata na kailangang magsumbong?


"Oo nga pala... Gusto nga ni Papa this Month umuwi na raw ako sa bahay."

Iyon ang kumuha ng buo niyang atensyon. Nagkasalubong pa ang kanyang kilay at
interesado na sa aking sinabi.

"So... Uuwi kana?" Nahimigan ko agad ang lungkot sa boses niya.

Tumango ako at malungkot na napangiti. Hinaplos ko ang kanyang panga. Ang


kanyang mga mata ay nanatili sa akin habang nakaawang ng kaonti ang basa niyang
labi.

"Baka namimiss narin ako ni Papa, Israel. At baka ito ang maging daan na
magkaayos rin kami ni French... Baka kailangan ko lang siyang suyuin..."

"Paano mo susuyuin ang isang taong wala sa tamang pag-iisip?" Iritado niyang
sagot.

Galit na galit talaga ito kay French. Sa tuwing napag-uusapan namin ito ay
nasisira talaga ang kanyang ekspresyon at sobrang disgusto ang mukha.

"Ilang araw naman tayong magkasama. Babawi rin naman ako pag Summer na.
Paplanuhin natin ang kasal tapos pwede na akong hindi umalis sa tabi mo," malambing
kong sabi.

Tumango lang siya at hindi na umimik kaya bumangon ako at umupo sa kanyang
harapan. Nalaglag agad ang buhaghag kong curly hair sa aking likuran at niyakap ko
nalang ang aking dibdib habang naeexpose sa kanya ang aking curves at may kumot na
nakatakip sa kalahati kong katawan. Dahan dahang bumaba ang mga mata ni Israel sa
aking mukha patungo sa aking leeg at nanatili sa aking dibdib. Ang mga matang iyon
ay gusto na atang hawiin ang aking kamay para malantad iyong tinatakpan ko.

"Please? Payagan mo na ako. May vacant time naman ako. Balik nalang muna tayo
sa dati..." sabi ko sa kanya pero mukhang hindi siya nakikinig at bumaba pa ang mga
mata niya sa aking maliit na beywang.

"Israel," tawag ko kaya ibinalik niya agad ang kanyang mga mata sa akin.

"One mistake..." aniya at dumilim agad ang kanyang mga mata. "Isang pagkakamali
lang at babawiin talaga kita sa mga Chua."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 61

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Mary Joy Chesca. Happy reading!
------------
Pagsuko
Sumapit rin naman ang nalalapit na third exam namin sa semester na iyon. Ang
sabi ko nalang kay Papa na uuwi ako pagkatapos ng exam. Isang linggo nalang ako
roon sa condo ni Israel at minsan ay kinukulit niya pa ako na doon nalang daw ako
hanggang pagka Graduate ko. Naaawa ako kasi lonely siya roon, mag-isa lang. Pero
busy rin naman siya sa kompanya kaya iyon ang napagkakaabalahan niya.
Pag naiisip ko talaga ang pagiging maamo niya sa akin ay wala sa sarili akong
napapangiti. Sinasabi niyang si French ang baliw eh ang totoo ay ako ang nababaliw
na sa kanya.
"Umuwi kana ba sa inyo, Trace?" biglang tanong noong isa sa mga kaibigan ni
French nang pumasok ako sa next subject ko.
Katabi ko rin siya siya rito. Wala naman siyang nakukwento sa'kin na may
sinasabi si French tungkol sa pag-aaway namin. Kasi kung ipinaalam niya sa lahat na
galit siya sa akin, sigurado akong hindi narin ako papansinin ng mga kaibigan niya.
Kaso mukhang normal parin naman.
"Hindi pa eh. Sa lunes pa..." sagot ko at umupo na sa kanyang tabi.
"Uy... You're having fun being with your hot fiancee 'no! Ang swerte mo talaga
Trace!" Ngumisi pa siya sa akin na ikinangiti ko.
Hindi na ako sumagot pa at inatupag nalang ang aking cellphone dahil wala pa
namang prof. Nagtipa ako ng mensahe para kay Israel.
Ako:
Anong ginagawa mo?
Sinend ko iyon at hindi ako nakontento kaya nagtipa pa ako ng isa pa.
Ako:
Miss na kita.
Ako:
Anong oras mo ako susunduin?
Ngumuso ako at nayamot nang ang tagal niyang makareply. Binalibag ko ang aking
cellphone sa aking desk at sumimangot na. Busy ba siya?
Napansin pa noong katabi ko ang aking inasal at kumunot pa ang kanyang noo.
"Nag-away kayo?" tanong niya na hindi ko na sinagot dahil nalunod na ako sa
aking pinag-iisip.
Pumasok rin naman ang Prof at nagdiscuss lang tungkol sa exam bukas. Nireview
niya lang kami habang ako naman ay hindi na mapakali. Nakapag advance review narin
naman ako.
Nagvibrate ang aking cellphone kaya mabilis ko iyong kinuha at tiningnan agad
ang text ni Israel. Ngumiti pa ako pero nang napagtantong matagal siyang nagreply
ay sumimangot rin.
Israel:
You're texting too much. You're in the middle of your class.
Kabisado niya ang aking schedule at dahil lang doon kaya ayaw niyang itext ko
siya?
Gigil akong nagtipa ng mensahe.
Ako:
Sige di na kita itetext.
Binalibag ko ulit ang aking cellphone sa loob ng aking bag. Kaya buong subject
na iyon ay hindi ko na chineck ang aking cellphone.
Sa sumunod na subject ay namataan ko kaagad si French sa kanyang upuan. Kausap
niya ang kanyang mga kaibigan at nagtatawanan sila. Nagtungo rin naman ako sa aking
upuan at pasulyap sulyap sa kapatid kong di na ata ako kilala.
Ba't naninibago ako sa kanya ngayon? May kakaiba sa mukha niya. Ewan. 'Tsaka
yung high ponytail niya... parang naging mataas na sungay. Natawa ako sa aking
pinag-iisip. Napansin ko pa ang paglingon ni French sa akin kaya mabilis akong nag-
iwas ng tingin at kinagat nalang ang pang-ibabang labi.
Review lang rin ang ginawa noong prof na pumasok at hinayaan kaming magstudy.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko si French na sumusulyap sa akin. Narinig
ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa aking bag kaya naasiwa rin ako at nainis kay
Israel. Bahala siya. Ayaw niya namang tinitext ko siya.

Niligpit ko rin naman ang aking mga gamit pagkatapos.


Naisip ko agad kung saan ako tatambay ngayong vacant time ko. Di ko sisiputin si
Israel. Pero baka pumasok siya. Kaso gusto ko rin naman siyang makita. Pero naiinis
ako! Hay. H'wag na nga lang.
Napansin kong kami nalang pala ni French sa loob. Naroon siya sa may pinto at
nakahalukipkip. Ang kanyang tingin ay nasa akin. May sasabihin ba siya?
Kinuha ko rin ang aking bag at naglakad na palabas. Tiningnan niya pa ako mula
ulo hanggang paa at mas lalo ata siyang nadisgusto na ewan. Seryoso ko siyang
tiningnan.
"Bakit?" tanong ko lalo na't halata namang may sasabihin siya.
"Daddy told me you're coming home this Monday? After the Examination?" Umarko
ang kanyang kilay.
"Oo..." Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Sige... Alis na ako," saka ako
nagsimulang maglakad.
"Wait," aniya kaya napahinto ako. Ayoko sanang makipag-usap ng matagal sa kanya
dahil baka magbangayan ulit kami.
Nilingon ko siya. Pilya agad siyang ngumiti sa akin. Ngayon lang ata ako
naasiwa sa ngiti niya. Gusto ko na atang maniwala kay Israel na nababaliw na nga
ang kapatid ko at kailangan nang suotan ng puting damit na nakayapos sa kanya.
"Ano nga ulit ang rason bakit namatay si Kuya Bram?" biglaan niyang tanong.
"H-Huh? Nabaril?" Nagtataka kong sagot eh kinuwento ko na sa kanya iyon noon
eh.
"Who shot him?" Mas naging pilya ang kanyang ngiti na ikinabilis ng kalabog ng
aking dibdib.
"You didn't tell us the whole story. Alam ba ni Tita Lorraine kung sino ka
talaga? And what about Israel's father? Close ba kayo roon sa bukid?" Makaluhugan
na ang kanyang tingin sa akin at mas nagiging malisyoso na ang ngiti.
"They say... ang mga tahimik na tao ay marami raw tinatago. Pero alam mo Trace,
walang sekretong natatago."
Umawang ang aking bibig at pinagpawisan na ako. Para akong binuhusan ng malamig
na tubig at nanigas na ako sa aking kinatatayuan.
"I give up. Sige sa'yo na si Israel. Magpakasal kayo. But you see..." Hinawi
niya ang kanyang buhok at kinagat ang pang-ibabang labi. Marahan siyang natawa at
umiling.
"Will Daddy let you marry the son of a criminal? I'm sure he'll get mad if he
found out you didn't tell us Israel's background. And by the way... What if your
Mom find out na pakakasalan mo ang anak ng nagpapatay kay Kuya Bram?"
Nanginig agad ang aking tuhod. Napakapit ako sa pinto at gumapang ang takot sa
aking mukha. P-Paano niya nalaman ang lahat ng ito? Wala akong kinukwento sa kanya
at hindi niya naman kilala ang pagkatao ni Israel. Ni isa, walang nakakakilala sa
nakaraan namin ni Israel. Bangungot iyon na tinalikuran na naming dalawa at gustong
ibaon sa limot.
"Di lang naman ikaw ang busy eh. I am busy too... Ang rami talagang nagagawa ng
pera 'no? You can pay someone just to investigate someone's profile and boom... May
infos kana," makahulugan niyang sabi.
M-May tao siyang binayaran?
Masyado akong nagulat na kahit ang paglapit niya at tinapik tapik ang aking
balikat ay di ko na alintana pa.
"Just pray my mouth will shut forever. Those info's will ruin your happy
ending. Prepare for a battle, Trace. I can't just fight alone you know... This
time, buong pamilya mo ang makakalaban mo."
Kusang nalaglag ang mga luha sa aking mga mata nang tuluyang nagwalk-out si
French. Humagulhol agad ako at natakpan ang aking bibig. Ang kinakatakutan ko ay
ginawang alas ni French sa akin. Pag nalaman ni Mama ang pinaggagawa ko rito...
sigurado akong kakaladkarin niya ako pabalik doon. At pag nalaman ni Papa ito...
Natatakot ako sa maaari niyang desisyon.

Nilamon ako ng takot. Nanginginig ako sa sobrang kaba at


pakiramdam ko ay mahihilo na ako ano mang oras. Ang plano kong lumabas ng classroom
na iyon ay hindi ko natuloy dahil sa kakaiyak ko. Lumabas nalang ako at dumeritso
sa cr para makapaghilamos.
Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin. Namumula ang aking ilong dahil sa
aking pag-iyak kanina at naniningkit ang aking mga mata. Ang nakabun kong buhok ay
kinalas ko at inilugay iyon. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at gusto ko na namang
maiyak sa frustration. Nanggigil ako sa inis. Nanggigil ako sa nangyayari.
Nakaramdam ako ng inis kay French dahil masyado na siyang brat at pakialamera.
Paano niya ito nagagawa sa akin?
Isusumbong ko siya kay Israel!
Nang maalala ko ang lalakeng iyon ay mabilis kong kinuha ang aking cellphone.
Nakita ko kaagad ang maraming missed call doon at mga text niya.
Israel:
Papasukin na kita kung di ka lalabas diyan sa loob.
Israel:
Nasa parking lot ako.
Israel:
The fuck Trace?
Israel:
Hey...
Israel:
Galit ka ba?
Israel:
Papasok na talaga ako.
Marami siyang text at may mga text rin siya kanina na di ko na binasa pa.
Lumabas agad ako ng cr at mabilis na naglakad papunta sa parking lot. Ang bilis ng
kalabog ng aking dibdib at idagdag pa ang kaba ko dahil sa pinagsasabi sa akin ni
French. Pag nalaman ito ni Israel... Isusumbong ko siya!
Nagulat ako nang masalubong ko na si Israel at mukhang palabas na nga ng
parking lot papunta sa aming eskwelahan. Nang magtama ang aming mga mata ay nanlabo
agad ang akin. Umawang ang kanyang labi at nagtataka na dahil sa aking reaksyon.
Mabilis niya akong nilapitan at naging madilim agad ang mga mata. Hinawakan
niya ang aking dalawang pisngi kaya hinawakan ko rin ang kanyang pulso.
"What happened to you?" tanong niya sa masuyo ngunit matigas na boses.
"Si French..."
"French..." Galit niyang bigkas noon.
"S-Si French inaway ako..." At kasabay noon ang pag-agos ng malalaki kong mga
luha. "Inaway niya ako Israel." Sumbong ko at pumakawala na ng hikbi.
"What? What did she do?" Ngumuso siya at hindi ko alam kung galit ba ito o
ano...
"Seryoso ako! Inaway niya ako! Ang sabi niya... Isusumbong niya raw ako kay
Papa!" Nafufrustrate kong paliwanag habang pinupunasan niya ang aking mga luha.
"Kaya nagsusumbong ka rin sa'kin?" kalmado niyang tanong na ikinatango ko agad.
Dapat galit siya!
"Kanina ka pa ha! Di mo pa nga ako nirereplayan tapos ngayon parang matatawa ka
pa!" Hinampas ko ang kanyang dibdib at sobra na akong naiinis. Naiinis ako kay
French, sa buhok niya, sa late reply ni Israel, sa kanya. Naiinis ako at
nafufrustrate at gusto ko nalang umiyak buong araw mag-isa!
"No... I mean..." Nabasa niya ang pang-ibabang labi at takang taka na.
Nalaglag ang aking mata sa kanyang tuxedo. Inangat ko ang kanyang necktie at
pinunasan ko ang aking luha roon. Ang reaksyon naman ni Israel ay di ko na
matansya. Sanay naman sana akong pag umiiyak ako ay nagagalit siya, ngayon parang
natutuwa! Ang weird nito!
"Nakakainis ka ngayon? Ba't ka ganyan?" Mas lalo lang akong naiyak dahil parang
wala na siyang pakialam na umiiyak ako.
"Why are you so fucking cute, Trace?" Namutawi na ang ngisi sa kanyang labi at
hinila na ako para yakapin.

Cute! Ako?! Umiyak ako at nagsumbong sa kanya. Di ko na


kaya ang ginagawa ni French kaya gusto ko may kakampi rin ako pero itong lalakeng
ito sa dami ng araw na hindi siya magseseryoso ay ngayon pa!
"Ewan ko sa'yo. Umuwi kana nga lang. Kakain nalang ako mag-isa." Itinulak ko
siya at tinalikuran ko na. Kaso di palang ako nakakalayo ay nahila niya na ang
aking beywang palapit sa kanya.
"Akala ko ba namimiss mo ako? You texted me you miss me..." sabi niya sa aking
tenga nang mapasandal ako sa kanyang dibdib.
"Hindi na. Kanina lang 'yon. Di mo naman ako siniseryoso." Kinalas ko ang
kanyang kamay sa aking tiyan pero mas humigpit lang.
"Let's eat and tell me what your brat sister did. Aawayin ko rin siya," aniya
sa kalmadong boses.
Huminahon rin naman ako at sumama sa kanya. Nasa labas lang ng bintana ang
aking tingin. Ang aking inis ay nasa loob parin at hindi mawala wala sa aking utak
ang sinabi ni French.
"You didn't reply on my texts," biglang tanong ni Israel.
"Ayaw mo naman," sagot ko at hindi siya nilingon.
"You don't text when you're in the middle of class Trace. Nasanay akong ganoon
ka—"
"Edi masanay kana rin na hindi ako magreply. Nasanay kana man pala..."
"What?" gulat niyang sagot sa akin at hindi inaasahan ang pananalita ko.
Dapat pala di nalang ako sumama kay Israel. Dapat nasa library nalang ako o
kaya ay sa cafeteria nalang. Kaysa naman sa kanya.
Pagdating namin sa hotel ay wala parin akong imik. Dumaloy na ang frustration
sa mukha ni Israel. Di ko nalang ikukwento sa kanya iyong sinabi ni French.
Sasarilihin ko nalang.
"I tried to call you pero di mo rin sinagot," paliwanag niya ulit pagkatapos
ibaba ang telepono sa kanyang order.
Tumalikod lang ako sa kanya at umupo ako roon sa kama.
"Trace," tawag ni Israel.
"Uuwi na nga lang ako." Tumayo na ako at kinuha na ang aking bag pero mabilis
agad siyang humarang sa akin.
"What's wrong? Galit ka ba? Five minutes lang 'yon Trace. Di ko agad nabasa
dahil di ka naman nagtetext sa akin sa ganoong oras."
"Alis nga. Uuwi na ako sa bahay."
Nagkasalubong lalo ang kanyang kilay at hindi talaga umalis sa aking harapan.
Nameywang siya at di na mahitsura ang mukha.
"Lunes ka pa uuwi at may klase ka pa mamaya. What did French do? What's
happening?" Gulong gulo niyang tanong.
"Wala." Tanging sagot ko at dadaan sana sa gilid pero nahuli niya agad ako at
mabilis akong kinarga. Nagpumiglas ako at itinulak ko pa siya pero sa kanyang lakas
ay nahubad lang ang aking suot na sapatos.
Umupo siya sa kama kaya napaupo narin ako sa kanyang kandungan.
"I'm sorry okay?" Hinalikan niya ang aking labi. Nang napansin niyang hindi
humuhupa ang inis sa aking mukha ay hinalik-halikan niya ang aking panga.
"Mainit ata ang ulo ah?" Hinaplos niya ang aking pisngi na tuluyan kong
ikinakalma.
"Ayokong pumasok bukas," sabi ko at humalukipkip.
"What? Why?"
"Gusto ko tumambay sa office mo," sagot ko at nainis dahil alam kong makikita
ko lang si French doon at kung ano ano na naman ang sasabihin.
Israel chuckled. Tumitig ako sa guwapo niyang mukha at nagustuhan ang kanyang
pilyong ngisi, ang kanyang tawa, kung paano niya binasa ang pang-ibabang labi...
Parang nakakaano... Nakakaturn on?

"But tomorrow is your exam?" Hinaplos niya ang aking likod.


Ay. Nadismaya agad ako. Sayang. At iyon na naman ang nagpafrustrate sa akin. Di
ko maintindihan ang pinagmumulan ng galit ko at pagkakairita.
Dumating rin naman ang pagkain at kumain kaming dalawa. Panay ang titig sa akin
ni Israel habang may pilyong ngisi habang nakaupo ako sa kandungan at kapit na
kapit ako sa kanyang balikat. Ang sexy naman... Nakakaano talaga.
"You look so gorgeous... Habang tumatagal gumaganda ka ata? You look madly
inlove with me..." Mas lumaki ang pilyo niyang ngisi kaya napatitig ako roon. Ni
hindi ko na napagtuunan ng pansin ang kanyang pinagsasabi dahil doon.
Wala sa sarili akong umabante para lang mahalikan siya. Hinawakan ko ang
kanyang pisngi at mas hinalikan siya. Israel response immediately. Humarap na ako
ng buo sa kanya at inihawak ko na ang aking isang kamay sa gilid ng kanyang leeg.
Noong humiwalay ako at hinabol ang aking hininga ay mas lumandas lang sa labi
niya ang pilyong ngisi. Kalaunan ay humalakhak siya at tuwang tuwa. Ang guwapo sana
nito kung ganito siya palagi. Gusto ko ganito siya palagi. Gusto ko palagi siyang
ngumingisi ng pilyo sa akin. Gusto ko tumatawa siya sa aking tenga. Gusto ko palagi
niya akong hinahalikan. Gusto ko magkasama kami palagi. Nababaliw na ako pero gusto
ko talaga!
"Pakasal na tayo, ano?" Panghahamon ni Israel sa akin habang di parin nabubura
ang kanyang ngisi. Doon lang ako tumititig.
Sasagot na sana ako kung di lang nagvibrate ang aking cellphone sa aking palda.
Si Israel ang dumukot noon sa aking bulsa. Humawak naman ako sa kanyang panga at
hinaplos haplos iyon. Tiningnan niya ako saglit kaya ngumiti agad ako na ikinailing
niya at pilyo na naman ang ngisi. Ang guwapo...
Tiningnan niya ang aking cellphone habang ako ay parang loka loka na nakaupo sa
kanyang kandungan at hindi matigil sa kakahaplos sa kanyang panga. Naaakit ako ng
husto sa mukha niya. Kung noon ay natatakot ako sa pagiging misteryoso at marahas
niya, ngayon sa pagsasama namin palagi ay nakahiligan ko ng titigan ang mukha niya.
At ngayon... lalo na ang pilyo niyang ngisi.
Naging seryoso ang mukha ni Israel at nagkasalubong na ang kilay sa kanyang
binabasa. Nacurious ako kaya sinilip ko narin ang aking cellphone.
"Nagbago ang isip ng Papa mo at pinapauwi kana ata," aniya na ikinaawang ng
aking bibig.
Kinuha ko sa kanya ang aking cellphone at nabasa roon ang cryptic message ni
Papa sa akin.
Papa:
Go home later.
Ilang sandali lamang ay may sumunod pa na text.
Papa:
I'm very disappointed Tracey Adjeanne. Let's have some dinner later at mag-usap
tayo ng masinsinan kasama si Israel and his Mom. We need to tackle something.
Kinabahan na agad ako. H-Hindi kaya ay...
Kinuha ni Israel ang aking cellphone at binasa narin iyon. Nagkasalubong ang
kanyang kilay.
"About what?" tanong niya.
"Sabi ko naman sa'yo nagsumbong si French. N-Nalaman niya iyong tungkol sa past
natin. I-Iyong pagkamatay ni Kuya Bram... Ewan ko kung ano ang pinagsasabi niya kay
Papa..."
Gumuhit agad ang galit sa mukha niya. Naging madilim agad ang kanyang mga mata
at seryosong seryoso na. Nag-iwas ako ng tingin roon. Mahihilo na ata ako sa
nangyayari. Parang gusto ko nalang matulog dahil sa kaba.
"Pumunta tayo, kung ganoon. Since it's a family dinner," si Israel.
"P-Pero paano kung..." hindi ko agad iyon nadugtungan.
"Gusto tayong sirain ng kapatid mo. Let's show her no one can ruin us. Pag ako
napuno sa kanya ay mukha niya talaga ang una kong masisira sa kanya," iritado ng
bigkas ni Israel at kahit alam kong nagbibiro lang naman siya doon ay alam kong
galit parin siya.

Kaya noong pumasok ulit ako sa eskwelahan ay pilya na ang


ngisi ni French. Tuwang tuwa ata ito dahil nakuha niya ang gusto niya.
"See you later sa family dinner. I am so excited... Feeling ko may mangyayaring
maganda," si French pagkatapos noong subject.
Hindi nalang ako umimik at sa aking cellphone ko nalang itinuon ang aking
tingin. Nagchange ako ng wallpaper at iyong kaming dalawa ni Israel sa may lounge
roon sa pool area. Nakaupo ako sa kanyang kandungan habang hinalikan ko siya sa
pisngi at nakangisi ito ng pilyo sa akin. Pampakalma ko nalang ito sa sobrang
stress na nangyayari.
Sinundo nga ako ni Israel mga bandang 5pm. Umuwi lamang kami sa condo para
makapagbihis ng maisusuot. Kabadong kabado ako at nahihilo na sa aking pinag-iisip
sa mangyayari. Ba't iyon bigla biglang nagyayaya ng dinner? Tapos kasama si Tita
Lorraine? Anong pag-uusapan naming mahalaga?
"You okay? You look pale." Pinisil ni Israel ang aking kamay habang nasa kotse
na kami.
Nilingon ko siya na nagdadrive gamit ang isang kamay habang nakasuot ng fit
white cotton shirt at denim jacket, maong na pantalon saka itim na timberland.
Tumango at hilaw na napangiti. Nagpolbo nalang kasi ako at lipgloss nalang
dahil sa kakamadali ko. Natataranta ako kahit na hindi naman kami minamadali ni
Papa na pumunta roon.
Tahimik ako buong byahe. Si Israel naman ay pinipisil pisil nalang ang aking
kamay na hawak niya. Nauuna na ang aking utak doon sa pupuntahan naming five star
Restaurant. Iba ang kutob ko at di ko ito gusto. Iniisip ko palang ang galit ni
Papa ay naiiyak na ata ako.
Hinapit ako ni Israel sa aking beywang at hinawakan niya ako sa aking tiyan.
Doon namahinga ang kanyang kamay habang naglalakad kami sa isang VIP room.
Pagpasok naming dalawa roon ay nakita ko kaagad si Tita Brenda na nakadress ng
pula, si Papa sa tabi niya na nakaformal attire parin at mukhang galing lang sa
trabaho pero seryosong seryoso ang mukha, si French na nakaputing dress na at pilya
agad ang ngisi, si Kuya Brennan na nakaleather jacket na itim, puting panloob at
supladong suplado ang mukha saka si Tita Lorraine na nakahigh ponytail at
nakakaintimidate ang intsik na mga mata.
Pinaghila ako ng upuan ni Israel sa tabi ng kanyang ina. Doon ako umupo at
marahan ko pa itong binati. Pinasadahan ko rin ng tingin sila Papa pero masyadong
seryoso ang mga ito na hindi ko na kayang ngumiti pa sa kanila dahil sa kaba.
Umupo narin naman si Israel sa aking tabi. Si French ay sumulyap pa sa kanya ng
ilang sigundo, halatang namamangha.
"Buti at nandito na kayo," si Papa na ipinagsalikop pa ang mga kamay sa lamesa.
"Bakit po, Papa?" tanong ko sa kanya.
"Iuurong natin ang kasal," deritsahan niyang sabi at nilingon si Israel na
umaangat na ang isang kilay.
Nagulat agad ako. Kahit si Tita Brenda ay napatingin na sa kanyang asawa. Si
Kuya ay mabilis na nag-angat ng tingin kay Papa at si French lang ata ang
ngumingiti, natutuwa sa nangyayari.
"Liam..." Tumawa ng hilaw si Lorraine. "B-But why... I thought we're here to
tackle their wedding?"
"Papa..." Bigo ko ng tawag sa kanya at para na akong maiiyak.
Sumandal naman si Israel sa kanyang upuan at malalim na ang tingin sa aking
ama. Ang kanyang kamay ay nakahawak sa aking hita at ramdam ko kung gaano siya
ngayon kaseryoso.
"Alam mo ba na pinatay ang aking panganay na lalake?" tanong ni Papa kay Tita
Lorraine.
"Y-Yes... Nakwento sakin ni Brenda. But why are we going to tackle about
someone's death Liam. This is a special gathering and talking about death—"

"Hindi ba nabanggit sa'yo ng asawa mo ang ginawa niya sa


panganay ko, Lorraine? We're good friends but I won't tolerate this!" Nahampas ni
Papa ang lamesa sa sobrang galit.
Nagulat kami roon maliban lamang kay Israel at Kuya Bram na kampante sa
kanilang mga upuan.
"W-What?"
"Your husband's men killed my son!" Mas lalong naging grabe ang galit  ni Papa
na kahit si Tita Brenda ay hindi na umiimik.
Nagsimula ng manlabo ang aking mga mata. Alam ko naman na magiging ganito ang
reaksyon ni Papa... Noon palang ito na ang kinakatakot ko.
"Walang kasal na magaganap at hindi ko hahayaang madungisan ng Buenaventura ang
pamilya ko! This is insane! Bakit natin ipagkakasundo ang anak ko sa pamilya ng
lalakeng nagpapatay sa anak kong lalake!" Papa spat angrily.
"Is this true, Trace?" Naguguluhan naring tanong ni Kuya sa akin.
Wala agad akong naisagot. Nagkatinginan pa kami ni Tita Brenda at mukhang si
Papa lang ang nagdesisyon nito dahil sa pananahimik niya.
"Tracey keep it to us. Nagulat nga ako bakit di niya sinabi sa atin. Pag
nalaman rin ito ng Mommy niya baka sisihin pa kami noon kasi pinapakasal namin si
Tracey sa lalake na naging rason ng pagkamatay ni Kuya Bram—"
"You shut up, brat," si Israel mismo ang pumutol sa kanya na ikinagulat nito at
namutla sa dilim ng mga matang iginawad ni Israel.
"No you shut up, youngman. Starting today, stay away from my daughter. Hindi ko
pahihintulutang maging kapamilya ang pumatay sa panganay ko," saka ako binalingan
ni Papa. "Tumayo kana. We're going home and this is done." Tumayo si Papa na kahit
si French ay tumayo narin. Si Tita Brenda ay ganoon na na kahit si Tita Lorraine ay
nababahalang tumayo.
"Liam let's just settle this! Brenda!" si Tita Lorraine at hinarap agad ang
mag-asawa.
Nagsimula ng pumatak ang luha sa aking mga mata. Si Kuya Brennan ay hindi parin
tumatayo at naninimbang ang tingin kay Israel na tahimik rin sa aking tabi. Di ko
na naman mabasa ang ekspresyon niya. Bumabalik ang kanyang imahe noong nakita ko
siyang sumugod sa bahay at walang makitaang kislap ang mga mata.
"Liam..." si Tita Brenda naman at mukhang kampi kay Tita Lorraine.
"Kawawa ang mga bata. Nagmamahalan na sila," iyong ina ni Israel at nilingon pa
kami.
"This is a disappointment, Lorraine! Magdadala lang ito ng malas sa ating mga
pamilya! I can't just let my daughter marry your son! Ni hindi naawa ang iyong
asawa sa aking panganay at pinapatay niya! For what? Because Bram is madly inlove
with your daughter?! And how about my daughter? Ipapapatay rin ganoon ba?"
"No Liam!—"
"No, Lorraine. Walang rason para maging isa ang mga Chua at Buenaventura," mas
galit na sabi ni Papa at nilingon ako. "Trace. Stand up and let's go home!"
Halos mapatalon ako sa gulat. Awtomatiko akong napatayo na kahit si Israel ay
sinundan agad ako ng tingin. Si Kuya Brennan naman ay nalipat sa akin ang mga mata
at naninimbang na.
"Papa..." Bumuhos ang aking mga luha at humikbi na.
"Sa bahay natin pag-usapan ang paglilihim mo. From now on, stay away from that
man—
Pumaibabaw ang pagkabasag ng mga babasaging plato at mga baso sa mesa nang
bigla iyong binalibag ni Israel at tumayo na dala ang matinding galit. Lahat kami
ay nagulat na kahit si Papa ay nalaglag ang panga at si French ay nagawa pang
umatras. Si Kuya Brennan na nakaupo parin doon ay sinipa lang paalis sa kanyang
paanan ang ilang kubyertos.
"Son... Calm down," takot na sabi ng ina ni Israel.
"She's not going anywhere. She's going to be my wife whether you like it or
not," matigas na sabi ni Israel at tiningnan ng matalim si Papa.
"I can't believe your son is rude, Lorraine. This is a big mistake. Ako ang
magdedesisyon kung sino ang pakakasalan ng anak ko. Tracy. Let's go!" Mas galit na
akong tinawag ni Papa.
Umigting ang panga ni Israel at sinipa ang upuan na nasa kanyang harap. Kumuyom
ang kanyang mga kamao na kahit ako ay napaatras na.
"Israel," tawag ng kanyang ina at mukhang gusto itong awatin.
"Ginagalang ko kayo pero kung hahadlang rin kayo..." Ngumisi siya ng
malademonyo at nailing na. "Pasensayahan tayo pero handa akong makipagpatayan
mapakasalan lang ang anak niyo." Hinawakan ni Israel ang aking kamay at
ipinagsalikop niya iyon sa isa't isa. Na kaya niya akong ipaglaban sa oras na ito
ano man ang mangyari.
Sunod sunod na hikbi ang aking napakawalan. Umiiyak na ako ng husto at tumataas
baba pa ang aking balikat. Nailing si Papa at dismayadong dismayado na. Ang kanyang
galit ay masyado ng kumakalat sa buo niyang mukha.
"Liam..." Hinaplos ni Tita Brenda ang kanyang balikat habang si French naman ay
namumutla parin at nakay Israel ang tingin.
"Tracey! Don't disappoint me! Halika na rito bago kita hilain palayo sa
lalakeng iyan!" sigaw ni Papa na ikinaluwang ng aking pagkakakapit kay Israel.
Nagulat si Israel doon at nilingon na ako..
"No... Don't do this Trace..." Takot niyang sambit sa akin at humupa na ang
galit nang tingnan ako.
Tuluyan kong kinalas ang aking kamay sa kanya at mas lalo akong naiyak. Kitang
kita ko ang mabilis na pagpula ng kanyang mga mata sa aking harapan at parang
nadurog sa aking ginawa. Hinawakan niya parin ang aking kamay pero tuluyan ko lang
iyong nabawi.
"Don't... I beg you... Don't..." sambit niya sa akin sa bigong mukha.
Mas lalo akong humagulhol at naglakad patungo kay Papa. Iniwan ko siya roong
bigo at parang binagsakan ng langit. Ang lalakeng ilang beses ko ng tinalikuran at
sinukuan ay nakatulala nalang sa kawalan.
"Patatawarin kita sa paglilihim mo pero hinding hindi kita mapapatawad kung
nagpakasal ka sa lalakeng iyan, Tracey! H'wag mong lahian ng kriminal ang pamilya
nating mga Chua!" si Papa nang huminto ako sa kanyang harapan.
Nilingon ko si Israel at naroon siya, nakatayo habang umaagos ang mga luha sa
pula niyang mga mata at nanigas na habang nakatingin sa kawalan.
Niyakap ko agad si Papa.
"Nagpapasalamat po ako sa lahat ng ginawa niyo sa akin Papa... Nagpapasalamat
po ako sa pagiging ama niyo sa akin... K-Kahit sa sandaling panahon ay naramdan ko
ang pagmamahal ng isang ama. Nagpapasalamat po ako at ibinigay niyo sa akin ang
apelyido niyo... P-Pero Papa... M-Mahal na mahal ko po si Israel... D-Di ko po siya
kayang sukuan..." Humiwalay  ako sa kanya at bigo siyang tiningnan. Kitang kita ko
kung paano umagos ang kanyang mga luha.
Nilapitan ko rin si Tita Brenda sa kanyang tabi at niyakap ko ito.
"T-tita... Maraming salamat po at hinayaan niyo akong tumira sa inyo kahit na
a-anak po ako sa labas ni Papa. Maraming salamat at naging ikalawa ka pong ina sa
akin... Tatanawin ko po itong malaking utang na loob hanggang sa pagtanda ko..."
Humiwalay rin ko sa kanya at nakita ko ang pagpupunas niya ng luha.
Si French na nasa kanyang tabi na ay nag-iwas ng tingin sa akin. Nilapitan ko
siya at niyakap ko rin ito ng mahigpit.
"S-Sorry... Sorry kung nabigo kita at di ko naiparamdam sa'yo ang gusto mo. P-
Pero nagpapasalamat ako at pinunan mo ang pangungulila ko sa aking kapatid. Salamat
sa lahat..." Humiwalay ako sa kanya na tinakpan agad ang kanyang mukha at
humagulhol na siya roon.
Ibinalik ko ang mga mata ko kay Papa. Umiiyak na ito at nagugulat sa aking
ginagawa. Ang kanyang balikat ay nagloosen na at medyo kalmado na pero mapapansin
mo patin ang pagkadismaya.
"Alam ko malaki ang utang na loob ko sa inyo... Alam kong dapat ko iyong
tumbasan pero h-hindi ko kayang sukuan si Israel..." Isinuko ko ang cellphone ko at
inilagay iyon sa paanan ni Papa. Ang tanging bagay na hawak ko ngayon na pagmamay-
ari nila. "A-Ayoko pong dungisan ang pamilya ng mga Chua k-kaya po... Isusuko ko na
ang pagiging Chua ko. T-tama si French... H-Hindi ko deserve ang apelyido mo
Papa... P-Pasensya na pero ilang beses ko ng sinukuan si Israel at gusto kong sa
oras na 'to... Gusto kong siya naman ang piliin ko. Pasensya na..."
Tumalikod ako at binalikan ang lalakeng naghihintay lang sa akin. Nang
makarating ako sa kanyang harapan ay niyakap niya agad ako. Masyado iyong mahigpit
at mukhang ayaw na akong pakawalan.
"Fuck... You scared me... Fuck..." Nabasa ang aking leeg dahil sa pagsiksik ni
Israel doon.
"H'wag mo ng gagawin ulit 'yon. I almost died... Akala ko... Akala ko susukuan
mo na naman ako. Akala ko iiwan mo na naman ako... I'm so scared... Damn it!"
Nanginginig niyang sabi at ramdam ko ang takot niya.
Alam ko... Alam ko na mas matimbang ang pamilya. Pero ilang beses ko ng
ipinaglaban ang mga bagay na nakakahadlang sa aming dalawa ni Israel. Ilang beses
ko na siyang tinalikuran. Ilang beses ko ng itinulak palayo ang lalakeng ito kaya
sa pagkakataong ito... Gusto kong siya naman ang ipaglaban ko. Gusto kong talikuran
ang lahat at piliin siya.
Lumapit si Kuya Brennan sa amin kaya humiwalay ako kay Israel.
Niyakap ko agad ito. Hinalikan niya ako sa aking ulo at hinaplos ang aking
likod. Para kong naramdaman si kuya Bram. Niyakap niya ako ng mahigpit at gustong
iparating sa akin ang bagay.
"K-Kuya... P-Pasensya na kung kailangan kong isuko ang apelyido natin. Maraming
salamat at pinaramdam mo sa akin ang presensya ni Kuya Bram. Samalat sa pagiging
Kuya ko..."
"Masaya ako sa desisyon mo Trace. Pamilya mo ako at suportado kita sa ikakasaya
mo.Di kita nakampihan noong umiiyak ka at nag-aaway kayo ni French kaya ngayon...
ikaw naman ang kakampihan ko. Hindi naman masamang sukuan ang isang bagay lalo na
kung gusto mong ipaglaban ang makakapagpasaya sa'yo. You deserve to be happy..."
Mas lalo lang bumuhos ang aking mga luha sa kanyang sinabi. Parang may tama
akong nagawa sa buong buhay ko. Humiwalay rin naman siya sa akin at tinapik ang
balikat ni Israel.
"Alagaan mo ang bunso namin."
Tumango si Israel.
"I will." Hinila niya ulit ako sa aking beywang at itinago ang aking mukha sa
kanyang dibdib. Sinilip ko parin sila para matingnan ang ekspresyon nilang hindi
nagbabago. Naninigas parin at hindi makapaniwala sa naging desisyon ko.
"And yes you're right, brat. She doesn't deserve being a Chua because my
fiancee deserves being a Buenaventura."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 62

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Rona Jean Arellano. Happy reading!
-------
Selos
Iyak ako ng iyak habang pauwi na kami ni Israel at nilisan namin ang lugar na
iyon. Naging tahimik sila Papa at mukhang pinoproseso parin nila sa kanilang isipan
ang ginawa kong desisyon. Alam ko namang dapat piliin ko ang aking pamilya. Alam ko
namang importante rin ang bagay na iyon... Pero kami ni Israel, balang araw ay
bubuo rin kaming dalawa ng sarili naming pamilya. Pagod na pagod na akong sukuan
ang isang bagay na ilang beses ko ng hindi ipinaglaban. Pagod na pagod na akong
unahin ang iba na kahit labag sa aking loob, para lang matuwa sila sa akin ay
magbibitaw ako ng desisyon na naaayon sa gusto nila.

Kahit noong dumating na kaming dalawa sa condo ay mas bumuhos lang ang aking
mga luha. Tumataas baba na ang aking mga balikat at hindi ko mapigilang hindi
umiyak. Para akong namatayan na ewan na dapat ay masaya naman ako.

"Nagsisisi ka ba sa desisyon mo?" bigong tanong ni Israel at hinawakan ang


magkabila kong pisngi habang nakaupo ako rito sa dulo ng kama.

Ibinaba ko ang aking mga kamay at umiling. Pinunasan niya iyon habang sinisikap
ko siyang tingnan kahit na nanlalabo na ang aking mga mata.

"They will accept us eventually... But for now, let's just give them space to
think about it." Yumuko siya at hinagkan ang aking mata.

Kumapit ako sa pulso ni Israel habang ang isa kong kamay ay mariin na ang
pagkakahawak sa suot ko. Ang raming tumatakbo sa aking isipan ngayon. Nahihilo na
naman ako na ewan at pumipintig na ang aking ulo sa sakit. Nasobrahan na ako
kakaiyak at gusto ko nalang lumayo rito.

"Gusto kong..." Napayuko ako at hindi agad iyon natuloy.

"Anong gusto mo?" Tuluyang lumuhod si Israel para makalebel ako. Inangat niya
ang aking baba at nagkasalubong ang aming mga mata. Namumungay ang kanya at handang
sundin ang aking kapritso ngayon. Na kahit ano pa ito ay papayag agad siya basta
ikakasaya ko.

"Gusto kong bumalik sa bukid, Israel. A-Ayoko na dito..." Humikbi akong muli at
bumuhos na naman ang panibagong mga luha.

"W-What? But what about your school? May exam ka pa bukas?" Hinaplos ni Israel
ang aking buhok at ang isang kamay ay patuloy parin sa pagpunas ng aking mga luha.

"I-Isinuko ko na ang pagiging Chua ko. Si Papa naman a-ang nagpapaaral


sa'kin..."

"I can pay for your expenses in school, Trace. Ako ang magpapaaral sa'yo,"
aniya.

Agad akong umiling. Ang gusto ko ngayon ay umuwi sa amin. Nababahala ako dahil
baka nagsumbong narin si French kay Mama. Ayoko nalang patagalin ito at gusto kong
sa aking bibig mismo manggaling ang balita.

"Gusto ko ng umuwi." Natakpan ko ang aking mukha at umiyak lalo. Tumataas baba
na naman ang aking balikat at naninikip na ang aking dibdib.

"Ayoko na dito... G-Gusto ko ng umuwi sa bukid..." hirap kong bigkas at


hinahabol ko pa ang aking hininga.

"But we can't travel right now since gabi na, Trace. Bukas nalang ng umaga—"

"Pwede..." putol ko sa kanya at nafufrustrate na naman ako dahil bakit


kailangan pang ipagpabukas. Di na ata ako makakatulog. Iiyak lang ako buong gabi at
sasakit lang ang aking dibdib kakaisip na tinalikuran ko si Papa. Sigurado akong
galit na galit siya sa akin. Wala akong utang na loob.
"We can't. Let's just leave tomorrow morning," aniya at hinawakan na ang aking
pulso.

"Pag dito lang ako... B-Baka maisipan kong umuwi kay Papa, Israel!" sigaw ko sa
frustration sa nakatakip kong mukha na ikinatahimik niya.

Ilang sandali lang ay binitiwan niya na ang aking pulso at


tumayo na ito.

"I'll just pack our things." Sigurado niyang sabi kaya ibinaba ko na ang aking
mga kamay at nakita ko siyang pumasok sa walk-in.

Kaya habang nag-iimpake siya ay umiyak ulit ako sa kama. Naroon lang ako,
nakaupo at tinatakpan ang aking mukha. Pupuntahan ako ni Israel at hahalikan ang
aking ulo saka niya ulit ipagpapatuloy ang pag-iimpake. Tatahan ako tapos iiyak na
naman ulit. Minsan naiisip ko kung ano na ang iniiyak iyak ko. Tumutulo lang bigla
bigla ang aking mga luha. Konting pag-iisip ko lang ay maiiyak na agad ako.

Pinagbihis ako ni Israel ng makapal na maisusuot. Nasa dalawang bagahe ang


aming mga gamit. Hawak niya ang aking kamay habang palabas kami ng condo at patungo
ng parking lot. May suot akong maliit na bag at iyon lang ang tangi kong dala hindi
kagaya ni Israel na kahit ako ay bitbit niya rin dahil sa higpit ng pagkakahawak
niya sa aking kamay.

Pagdating sa parking lot ay inilagay niya ang mga gamit sa likod ng kotse. Nasa
likod niya naman ako at hinihintay lang siyang matapos. May scarf pang nakabalot sa
aking leeg at kahit ang aking mga kamay ay hindi ko na makita dahil sa mahabang
longsleeve noong jacket. Kay Israel ito... Mas makapal kasi ang kanya.

Hinila niya rin naman ako at pinagbuksan doon sa front seat. Pumasok ako roon
saka ko siya sinundan ng tingin na umiikot na patungong driver's seat. Nagseatbelt
siya kaya angseatbelt rin ako.

"How about your school?" tanong niyang muli sa akin.

Nanghihinayang ako. Importante ang pag-aaral pero may parte rin sa akin na
hindi makausad doon dahil lang sa aking desisyon. Sigurado akong aawayin lang ako
ni French at susumbatan na makapal ang mukha kong mag-aral roon eh sumuko na ako sa
pagiging Chua. Baka sabihin niyang sinasamantala ko na si Papa...

"Next year? Pwede naman 'yon. Magtatrabaho ako para makapag-ipon ako ng sarili
kong pera at pag-aaralin ko ang sarili ko," sabi ko pa habang binubuhay niya na ang
kanyang kotse.

"I won't let you work, Trace. I'll pay for your expenses. But for now... I'll
give you time to think. Baka ito rin ang nakakabuti sa'yo. I don't want to stress
you..."

Tumango ako sa kanya at kinuha ko agad ang kanyang kamay bago niya pa makuha
iyon ng una saka ko siya hinawakan ang kanyang pulso. Inalis niya iyon at
ipinadaosdos niya ang kanyang mga daliri sa aking palad saka niya iyon
ipinagsalikop.
Hindi na ako makapalag sa desisyon ni Israel. Pag ipipilit ko lang ito ay
ipipilit niya rin ang kanyang gusto. Ang mas gusto ko rin naman ngayon ay umuwi
kaming dalawa roon at gusto ko doon muna kami. Sasabihin ko ang lahat kay Mama at
tatanggapin ko ang kanyang desisyon. Gusto ko lang namang wakasan na ang lihim na
ito. Hindi naman ako naghahangad na matanggap nila kami ni Israel, ang gusto ko
lang ay malaman nilang mahal na mahal ko ang lalakeng kinamumuhian nila. Gusto ko
ring dalawin ang puntod ni Kuya Bram. Gusto kong umiyak doon sa frustration ko.
Alam ko naman pag nandito siya ay susuportahan niya rin ako. Alam ko 'yon dahil si
Kuya Bram ang numero uno kong tagahanga ko na suportado ako sa lahat ng bagay.

Kumakain lamang ako habang nasa byahe kami. Ayokong matulog dahil hindi naman
tulog si Israel. Minsan ay sinusubuan ko siya at natutuwa akong makita ang pagngisi
niya sa akin.

"Namimiss ko na ang bulaklak namin sa bahay..." sambit ko sa kanya habang


nagbubukas ako ng panibagong pagkain. Isa itong goldilocks polboron. Dinala rin
kasi ni Israel ang mga pagkain namin sa ref para may makain ako tuwing byahe.
Mahilig rin kasi ako sa matatamis.

"We can plant some flowers if you want," aniya at tiningnan ang aking ginagawa.

"Talaga? Pero saan naman?" tanong ko.

"Iyong unahan sa bahay niyo. That's my grandfather's land.


Pinamana niya sa akin," aniya na ikinakurap ko.

Malawak ang lupain doon sa unahan ng aming bahay. Di ko iyon napupuntahan


minsan dahil wala rin namang magandang tingnan doon at masyado naring makapal ang
mga damo. Sa kanila parin pala iyon?

"Talaga?" Sumubo ako ng isang polboron na ikinalingon niya sa akin. Tumango


siya.

"You'll see..." saka siya ngumisi ulit ng pilyo, may pinapahiwatig na naman
iyon. 

Tumitig ako saglit doon at ngumiti narin. Ang lawak lawak na nga ng nasasakupan
ng mga Buenaventura at hindi malabong pati ang kinatitirikan noong aming bahay ay
pagmamay-ari rin nila? Pero mahigit anim na taon narin ang nakalipas simula noong
umalis ako sa bukid.

Hindi ko alam kung bakit ngayon lang ako nangulila ng husto sa bukid. Namimiss
ko ang preskong hangin doon... ang katahimikan ng paligid, ang batis, ang malawak
na lupain na matatanaw mo, ang huni ng mga ibon sa umaga, namimiss ko ang buong
bukid at gusto kong doon muna ng ilang araw para naman mahimasmasan ako sa mga
nagpatong patong na problema. Mas makakahinga ata ako ng maluwag doon.

Pinagmasdan ko ang mga streetlights sa labas ng bintanang nadadaanan namin.


Matatayog ang mga poste na nagsisilbing ilaw ng daan at kumikislap sa unahan ang
mga nakalinyang street lights. Sobrang ganda nilang pagmasdan at idagdag pa ang
ilang ilaw ng mga sasakyang rumaragasa sa kahabaan ng daan. Pumapaibabaw naman ang
nakakaheleng kanta sa loob ng sasakyan at gustong gusto ko ang lamig na dulot ng
aircon at ang pagkakayapos ng damit ni Israel sa akin na nagbibigay sa akin ng
init. Medyo kumalma narin ako kahit papaano.

Bumuntong ng hininga si Israel kaya nilingon ko ito. Ang kanyang mga mata ay
nasa daan lang naman ang tingin pero parang may bumabagabag sa kanya.

"How painful..." Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay na kanina


niya pa hindi binibitiwan.
"Huh? Ang alin?"
"You... giving up..." Huminga siyang muli.
"Sorry kung natakot kita..."

"It's okay. I just thought you're giving up again... You're going to leave me
again... Nasanay lang siguro ako na ganoon ka palagi sa akin," he said painfully.

Nagloosen ang aking balikat at gustong yakapin si Israel. Ang matigas na


lalakeng ito ay nanlalambot pagdating sa akin. Ang akala mong walang kinakatakutan
ay meron pala. Kung gaano ko siya katapang tingnan sa tuwing ipinaglalaban ako,
ganoon naman siya kahina sa tuwing sumusuko ako.

Sinikap kong hindi maiyak kahit na nanlalabo na naman ang aking mga mata.
Hinagkan ko ang kanyang panga na ikinahinga niya ng maluwag at parang may mabigat
na bagay na naalis sa kanyang mga balikat.

"Don't leave me again, okay?" Nilingon niya ako nang humiwalay na ako sa kanya.

Tumango ako at ngumiti. "Hinding hindi, Israel. Pangako."

Namutawi ang ngiti sa kanyang labi at nakontento na sa aking binitiwang salita.


Inangat niya ang aking kamay at hinagkan iyon ng paulit-ulit.

Nakaidlip ako sa front seat. Noong paggising ko ay umaga na at mukhang wala na


kami sa syudad. Mga puno na ang nakikita ko sa labas ng bintana at puro narin mga
bundok ang natatanaw ko.

"Morning..." Hinila ni Israel ang aking kamay para mas mapalapit ako sa kanya.
Hinagkan niya ang gilid ng aking ulo at ngumiti na.

Bakas ang pagod sa kanyang mukha at nagmamaneho siya gamit lamang ang isa
niyang kamay. Dapat pala sa umaga nalang kami bumyahe... Nakakaawa naman si Israel.

"Di ka nakatulog." Sumimangot ako sa kanya at binitiwan ang


pagkakahawak niya sa aking kamay.

Idinampi ko sa kanyang pisngi ang aking palad saka ko hinaplos haplos ang
kanyang panga.

"It's okay. Malapit narin tayo. Ilang minuto nalang..." aniya.

"Dapat tumigil ka nalang sa gilid ng daan tapos nagpahinga ka rin."

"Stop worrying... How's your sleep?" Nilingon lingon niya ako.

"Okay lang naman," sagot ko at itinuon ulit ang tingin sa bintana. Naeexcite
ako sa pagbabalik sa bukid kahit na alam ko namang ilang beses na akong isinuka ng
lugar na iyon paalis.

Kahit saan ata ako ilagay ay itataboy ata ako. Ganoon ata ang nakatadhana sa
akin. Sa tabi nalang siguro ako ni Israel dahil alam kong kahit gaano kadilim ay
yayakapin niya lang ako at hindi ako pakakawalan. Sa kanya talaga ang bagsak ko
kahit gaano pa kakomplikado at kagulo ang aming mundo.

Noong nasa bayan na kami ng bukid ay para ng tambol ang aking puso na pinapalo
palo ng malakas. Sa unahan nito ay ang papunta na sa lupain! Malapit na ako sa
bahay namin! Sa kakagala ng aking tingin ay may nadaanan kaming kalinderya. Sa
gilid naman noon ay ang pinapaypayan na barbeque at umuusok pa.

"Israel... Gusto kong kumain diyan oh." Itinuro ko ang bintana at naroon na ang
tingin.

"Where?" Tiningnan niya rin ang aking tinuturo at nagkasalubong na ang kilay.

"Diyan?" tanong niya sa akin na ikinatango ko agad.

"Kumakain ka parin sa kalinderya?"

"Oo naman! Purket puro na kami Restaurant ni French at Kuya Brennan kumakain
parin ako 'no." Ngumuso ako at hindi nilubayan sa bintana ng tingin ang kalinderya
at ang usok doon.

I'm hungry...
Bumagal ang kanyang pagdadrive hanggang sa ipinark niya na iyon sa gilid.
Tumunog naman ang aking tiyan dala narin ng pinagkakain ko kagabi na puro lang
matatamis. At si Israel, hindi pa nakakakain!

Ang kanyang magarang itim na kotse na Mercedes Benz S-class ay ipinarada niya
na sa gilid ng daan at pinagtitinginan na ng mga taong naririto. Nagiging
interesado rin naman kasi ang mga tao rito pag may napapadpad na kotse lalo na't
bago iyon sa kanilang paningin at hindi sanay.

Naunang lumabas si Israel. Kitang kita ko ang mga matang awtomatikong namalagi
sa kanya. Ang mga grupo ng babaeng nagsikuhan at nginuso ni Israel. Ang kanilang
mga mata ay parang sinisilaban kaya ganoon nalang ang tingin sa kanya. But who
wouldn't glance at him? Wearing a black jacket with his serious face and messy
hair, Israel opened the door for me.

Tiningnan ko saglit ang aking mukha sa ibabaw ng salamin. Humalukipkip naman


siya roon at tiningnan ang aking ginagawa habang nakasandal sa gilid noong kotse.

"You look like an angel eary in the morning. No need to worry about your face,
Trace..." aniya nang hinalungkat ko na ang aking bag.

Bahagyang namula ang aking pisngi at nilingon ito. Umabante siya at pinatakan
ako ng halik sa aking labi.

"There... just wear my kiss and you're done. Let's go and eat. I'm sure you're
hungry." Kinuha niya ang aking bag at itinabi na iyon saka niya ako hinila palabas.

Kasi naman... naaasiwa ako sa mga mata nila. Inayos ko nalang ang aking buhok
habang hawak hawak ni Israel ang kamay naming magkasalikop at hinihila parin ako.
Naamoy ko kaagad iyong usok ng barbeque. May mga malalaking kaldero pa roon at
mukhang mga sabaw ata iyon na baka? Meron ring ganito roon sa may palengke eh...
Medyo nasa unahan pa ata iyon.

Ang tingin ng mga tao ay mas inagaw na ata naming dalawa at


may iba pang takang taka.

"Di ba iyan 'yung anak ni Don Facundo? Iyong lalake?"


"Oo nga 'no? Siya 'yan..."
"Bumalik na pala siya?"
"Kasal na ba iyan? May babaeng kasama... Baka asawa niya?"
"Sino 'yan?"
"Tagasyudad?"
"Tagasyudad ata. Makinis oh..."

Sa gilid ng aking mga mata ay ramdam ko ang nanunuring tingin nila sa akin.
Nakajeans ako at jacket rin na itim ni Israel at sandals lang. Nagtaka ako sa aking
mga narinig. Huh? Walang nakakakilala sa akin? Masyado ba akong nagbago? O baka
naman hindi na umabot dito iyong issue sa amin ni Kuya Bram? Pero imposible dahil
pinag-usapan iyon sa buong bukid. Baka di lang ako namumukhaan?

Pagkapasok sa kalinderya ay nagsilingunan pa ang kumakain sa amin. Para kaming


mga dayuhan na napadpad sa isang lugar. May mga lalake akong namataang hinahagod
ako mula ulo hanggang paa at itong si Israel ay bigla nalang haharang sa aking
harapan habang binubuksan buksan ko iyong mga nakahelerang stainless na puro mga
ulam.

Binitiwan ni Israel ang aking kamay at iniyapos ang kanyang kamay sa aking
beywang.
"Ano po yung nasa malaking kaldero?" tanong ko sa tindera na nakay Israel..
"Ah... Sinabawang baka iyon..." sagot niya at di man lang matanggal tanggal ang
tingin kay Israel.
"Ah sige. At limang barbeque na rin..." sabi ko sa babaeng palingon lingon
parin kay Israel.
"Ano?" tanong niya pa ulit at mukhang hindi nagets ang pinagsasabi ko.
Nakakapang-init ulo naman ang tinderang ito. Kinalabit ko ito kaya natuon sa
akin ang kanyang atensyon. Ngumiti ako sa kanya.
"Uhm, di tayo magkakaintindihan kung palingon lingon ka sa fiancee ko," sabi ko
sa kanya na ikinadaloy ng hiya sa kanyang mukha.
Si Israel naman ay nagkakasalubong rin ang kilay at masyadong suplado na sa
aking gilid.

"Ilang cup po ng kanin?" iritado niyang tanong at padabog pang binuksan iyong
malaking kaldero ng kanilang kanin.

"Uh... Tig dadalawa nalang kami," saka ko hinawakan ang kamay ni Israel.

Nalaglag ang tingin niya sandali sa aking kamay at nag-iwas rin naman agad. Si
Israel naman ay gumala ang mga mata para maghanap ng mauupuan namin.

"Drinks?" tanong niya pa.


"'Yung sprite nalang, dalawa... Yun lang." Ngumiti ako sa kanya at hinila na si
Israel paalis.

Ang mga babae ngayon... kahit may kasamang girlfriend iyong lalaki, lalandiin
parin nila sa kanilang mga mata. Ang lagkit makatitig.

Sumimangot ako sa aking pinag-iisip. Umupo kaming dalawa ni Israel na


magkakasalubong parin ang kanyang kilay.

"Dapat sa hacienda nalang tayo kumain," aniya at iritado na ata.

Ang aking simangot ay mabilis na nabura. S-Sa hacienda nila ako dadalhin?

"H-Huh? Doon tayo dederitso?" tanong ko sa kanya na ikinatango niya.

"I'll just get some things at aalis rin naman tayo."


Aalis rin kami?
"Aalis?" Nagtataka kong tanong na ikinatango niyang muli.

Saan kami pupunta pagkatapos?

Napalingon pa ako sa gilid namin dahil sa kabilang lamesa


at naghahagikhikan iyong apat na babae roon habang pasulyap sulyap kay Israel.
Nakaspaghetti strap silang lahat at ang iiksi ng short. Iyong isa pa ay hinahampas
ang kanyang katabi at susulyap ulit dito.

"Yes. Pero kung ayaw mong pumunta tayo roon dumeritso nalang tayo lupain," si
Israel.

Ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya.


"Pero dapat umuwi muna ako. 'Tsaka... si Mama... di niya pa alam iyong sa
atin," sabi ko.

Dumating rin naman iyong babae at inilapag iyong mga order namin. Napatingin
ako roon habang si Israel naman ay hinihintay lang na matapos iyong babae para
makapagsalita ulit.

Kinuha ko ang barbeque at iyon ang kinagatan. Ang babae naman ay sumulyap kay
Israel at pasimpleng ngumiti ng matamis at umalis rin. Sinundan ko ito ng tingin
pero bumalik rin ang aking mga mata sa pagsasalita ni Israel.

"Are you going to tell her today? About us two?" tanong niya at kinuha na ang
kubyertos.

Tumango ako at tiningnan ang kinakain kong barbeque. Malinamnam ang karne noon
at mukhang nanuot pa ang sauce.

"Tikman mo, Israel. Ang sarap..." Itinapat ko sa kanya iyon kaya kumagat siya
roon.

"Sasama ako sa bahay niyo?" tanong niyang muli habang ngumunguya.

Kumagat ako ulit. Tiningnan ko pa ang apat pang barbeque.

"Trace..." tawag ni Israel kaya napagtuunan ko siya ng pansin.

"Ah... Ayokong biglain si Mama pero pwede mo akong hintayin sa labas ng bahay?"
Kumagat akong muli.

Tinitigan niya ako ng ilang sigundo. Umangat ang kanyang kamay at pinunasan
lamang ang gilid ng aking pisngi dahil sa sauce na lumagpas na ata roon saka niya
iyon inilagay sa kanyang bibig at kinain. Ang mga babaeng nasa gilid namin ay
napabusangot na.

"You'll tell her today?" tanong niya ulit.

Pero kakarating ko palang... Paano kung magalit siya bigla at paalisin rin ako
ng bahay? Ipagpabukas ko nalang kaya? Gusto ko munang makipagkwentuhan kay Mama.
Gusto ko siyang makumusta.

"Bukas?" di sigurado kong sagot na ikinaangat ng kanyang kilay.

"I'm going to fetch you tomorrow morning then," sigurado niyang sabi at sumubo
na ng pagkain.
Ibinaba ko iyong stick na naubos ko na kaya humigop ako roon sa mainit nilang
sabaw. Nagloosen ang aking balikat at tuwang tuwa sa lasa noon. Kaya siguro ang
rami ring costumer dito dahil masarap ang mga luto nila. Kahit iyong maliit na
pinagpipirasong baka ay ang sarap ring kainin.
Pinulot ko ulit iyong isang barbeque naman ang aking sinimulang kainin. Si
Israel ay naeengganyo kakatitig sa akin habang kumakain ako at nakahilig pa ang
isang braso sa lamesa habang humihigop ng sabaw, ang mga mata ay nasa akin.

Kung ano man ang magiging reaksyon ni Mama, tatanggapin ko. Ayoko ng mag-isip
isip pa ng kung ano ano. Mas mabuti na iyong masabi ko sa kanya kaysa naman
manggaling pa sa ibang tao at magagalit lamang siya lalo.

Ilang oras kami roon sa kalinderya kakakain ko ng barbeque. Nagiging mainit na


ang paligid at pinagpapawisan narin ako dala ng suot kong jacket. Tumabi na si
Israel sa akin at inasikaso ang aking buhok. Tinalian niya iyon habang kumakain
ako.

"Can you stop the electricfan to my fiancee? She's sweating." Utos niya roon sa
babaeng nagbigay ng order namin.

"H'wag na Israel! Maraming kumakain..." sabi ko pa kaso ang kanyang mga mata ay
naroon sa electric fan na panay ikot.

Iyong babae naman ay mabilis na sinunod ang kanyang gusto at itinapat na nga sa
akin iyong electric fan. May mga babae ng napapatingin sa akin at bubusangot lalo.
Naartehan siguro sila sa akin. O inggit ang mga ito?

Nagtake-out nalang si Israel ng sampo pang barbeque dahil napansin niyang


nawiwili ako kakakainin. Ano kayang sauce nila? Ang sarap kasi ng pagkakatimpla.

Nasa harap na siya noong cashier at nagbabayad na habang ako naman ay nasa
tapat ng mga barbeque at tinititigan iyong ginagawa ng lalake sa pagbabaliktad ng
mga karne at papahiran niya ng kung ano.

"Thank you, Sir... Balik po ulit kayo dito ha..." Napatingin agad ako roon sa
kinaroroonan ni Israel dahil sa lambing noong boses ng babae at pasimple pang
hinawakan ang kamay ni Israel nang kinuha na nito ang inilalahad na sukli.

Walang sinabi si Israel at umalis rin naman sa kanyang harapan. Sinundan pa


siya nito habang ako rito ay kinakain na ng usok at mukha na akong susunduin ni
Kamatayan o ako na ata itong may gustong sunduin. Sininangutan ko iyong babae. Di
na kami babalik dito.

"You ate alot today. I hope you're always like this everyday..." Ngumisi na si
Israel at pinatakan pa ako ng halik sa gilid ng aking noo saka niya iginapang ang
kanyang kamay sa aking beywang.

Hindi ako umimik at nagpatangay na kay Israel pabalik sa kotse. Di naman sa


masyado akong judgemental pero ang akin lang... dapat di mo na nilalandi ang isang
lalake pag may kasama ng babae at halatang may namamagitan pa sa kanila kasi kung
ginawa mo iyon magmumukha kang malandi sa paningin noong babaeng kasama niya.
Nagtatrabaho siya sa Club?

Marahas kong hinila ang seatbelt at hindi mabura bura ang aking simangot. Nang
mapansin iyon ni Israel ay nagkasalubong na ang kanyang kilay at takang taka.

"You okay?" Hinawakan niya ang aking baba pero inalis ko lang iyon.
Mas lalo siyang nagtaka. Pagkatapos kong ikabit ang seatbelt ay humalukipkip
rin naman ako.

Binuhay ni Israel ang kanyang kotse at tinulak na ang clutch. Inikot niya ang
manibela saka ako nilingon na wala paring imik. Iyong supot naman ng mga barbeque
ay nasa gilid lamang at pasimple kong nililingon pero pag naalala ko ang nakita ko
kanina ay parang kumukulo ang aking dugo.

"I'll bring some barbeques for you tomorrow morning—"

"Babalik ka pa roon?!" putol ko at nalakasan na ang aking boses.

Naiwang nakaawang ang labi ni Israel at mukhang nagulat sa akin. Sumimangot


ulit ako at mas humalukipkip pa sa aking upuan saka ko itinuon ang aking mga mata
sa harap.

"I will come back tomorrow to buy you some barbeques—"

"Barbeques o iyong babae na sinabihan kang bumalik ka roon?" Nilingon ko siya


at pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Israel stared at me with confusion. Kalaunan ay ngumuso na siya at nagpipigil


ngumisi kahit na mahahalata mo ang kinokontrol niyang ekspresyon.

"Kahit di niya ako sabihan... babalik talaga ako roon. I never seen you ate
like that before... You look so skinny and you haven't eating alot Trace..." Binasa
niya ang pang-ibaba niyang labi at palingon lingon na.

Dinadahilan niya lang ata ang kapayatan ko eh. Iyong babae talaga ata ang sadya
niya.

"Pag babalik ka bukas doon, di na ako makikipagkita sa'yo," matigas kong sabi
na ikinaguhit na ng ngiti sa kanyang labi.

"My angel is jealous?" he chuckled.


Hindi ako umimik at uminit lamang ang aking pisngi. Mas lalong tumawa si Israel
at tuwang tuwa na.

"Oh damn... I want to make love to you right now. Nakakapanggigil ka." Sinuklay
niya pa ang kanyang rebeldeng buhok paatras na ikinainit lalo ng aking pisngi.

"Yung babae nalang. Magtusukan kayong dalawa ng barbeque," inis kong sabi na
ikinalingon ni Israel sa akin at pilyo na naman ang ngisi.

Hindi ko mapigilang hindi iyon lingunin. Ang kanyang kamay ay nagtungo sa aking
hita at humawak doon.

"Mas gusto kong ikaw ang tinutusok ko..." pilyo niyang sabi na ikinanguso ko.

"Baka mas gusto mong siya nalang... Okay lang sa'kin," dagdag ko pa sa
nagtatampong boses.

Humalakhak si Israel at tuwang tuwa na.


"Alam mo, sa tuwing nagseselos ka ng ganyan... ang sarap mong hubaran at halik-
halikan ang buo mong katawan. The more you get jealous... The more I want to spread
your legs and make love to you until you realize I'm more inlove with you..."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 63

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Krizza Contayoso. Happy reading!
--------
Sabik na sabik
Naging pamilyar na ang paligid sa labas ng bayan. Ang alam ko... malapit nalang
rito ang palengke at ang pinagtitindahan ni Mama. At malapit narin dito ang malaki
nilang bahay. Nasa may unahan iyon at sa likod na noon ay ang malawak nilang
lupain, ang kanilang mga punong mangga. Ang tambayan namin noon at unang beses na
nagkatitigan kami ng husto.

"Dito nalang siguro ako, Israel," sabi ko habang ang aking mga mata ay
tinitingnan na ang daan patungong palengke.

Naging mabagal ang kanyang pagpapatakbo kaya kinalas ko na ang aking seatbelt.

"Why here? I'm going to drive you home," aniya nang nilingon ko ito.

"H'wag na. Mga ganitong oras nandiyan si Mama eh... Nagbebenta siya ng
bulaklak," sagot ko.

Tinitigan niya ako ng ilang sigundo. Nagiging malalim iyon at parang


pinaparating sa akin na ayaw niya akong umalis. Ngumuso na ako at napangiti.

"Break muna tayo," pagbibiro ko na ikinasalubong ng kanyang kilay.

"The fuck are you saying?" Kinalas niya rin ang kanyang seatbelt at iritado na
ang mukha.

"I mean, maghiwalay muna tayo. Bukas nalang ulit..."

"Sasama ako," sigurado niyang sabi.


"Hindi nga pwede, Israel!"

"But why not? Isn't it more convenient if I talk to your mother?" Umangat ang
kanyang kilay sa akin.

Sumimangot ako. Nakikita ko agad sa aking utak ang ekspresyon ni Mama pag
nakita si Israel. Sigurado akong magliliparan ang mga kaldero, kawali, plato o kung
ano ano pang pwedeng itapon ni Mama sa kanya.

Hinaplos niya ang aking pisngi at maamo na naman ang mukha. Hinawakan ko ang
kanyang pulso at napangiti na.

"Please?" he insisted.
"Ba't mo naman gustong sumama sa bahay?"

"To be with you," kibit balikat niya at iyon lang ang rason.

Tumawa ako at nailing kagat kagat ang balikat.

"Bukas nalang ng umaga, Israel... Baka mabigla si Mama... At baka bigla nalang
siyang magalit saakin eh di ko pa nga siya nakakamusta."

Napabuntong siya ng hininga at tumango ng marahan.

"Sige... Bukas ko nalang kakausapin si Mama," aniya.


"Anong? Mama?" Mas natawa ako.

Ngumuso siya at pinigilan ang kanyang ngisi.

"Mama ko narin 'yon. Since I'm going to marry you... Your mom will be my Mom
too," nangingislap ang mga mata niyang sabi.

Natawa ako na ikinaguhit na talaga ng ngisi sa kanyang mukha.

"Tatanungin ko siya bukas... 'Ma, ilan ang gusto mong apo?'" bigkas niya roon
sa baritonong boses.

Nalaglag ang aking panga at nanlalaki ang aking mga mata. Tumawa naman si
Israel.

"Mababato ka talaga ni Mama!"

"Kung ikaw ang ibabato niya sige lang... sasaluin naman kita..." Umabante siya
at pilyo na ang ngisi. "I'll gladly catch you..." hanggang sa tumama na ang kanyang
hininga sa aking labi dahil sa sobrang lapit.

Ang aking kamay ay napunta na sa kanyang braso at napatitig


sa kanyang labing basa at nakaawang. Umawang narin ng kaonti ang akin at hinihintay
na dumampi iyon sa akin.

Hinalikan niya ako ng marahan na ikinapilipit agad ng aking tiyan. Ang balahibo
sa aking batok ay nagsisitayuan na lalo na't nanunukso ang hagod ng labi ni 
Israel. Ang aking kamay ay naglakbay paakyat sa kanyang balikat at inilapit ko ulit
ang aking sarili para mahalikan niya lang.

Nagkatitigan kami. Ngumuso siya at mukhang natutuwa dahil kusa na naman akong
nagpapadala sa kanyang mga nakakaliyong halik.

Inalis ko ang aking kamay sa kanyang balikat at inihawak sa kanyang leeg. Doon
ako kumapit at gusto ko siyang itulak ulit sa akin.

"Di tayo magkikita ng isang araw..." sabi ko pa sa kanya.

"And?" he drawled while staring at me with an evil smirk.

"At... Baka... Mamiss mo ang halik ko?" sabi ko na ikinahalakhak niya agad.

Ang kanyang hininga ay tumama na sa aking pisngi. Natangay ang aking mga mata
sa kanyang labi at napasimangot ako. Nafrustrate agad ako dahil mukhang
pinagtitripan niya na ako at ayaw niya talaga akong halikan.

"Look who's addicted to my kisses?" Nanunuya ang kanyang boses at gumapang na


ang kamay sa aking beywang.

Hindi ako sumagot at iniyapos na ang aking kamay sa kanyang leeg. Nakaharap na
ako ng buo sa kanya at sa aking frustration ay lumuhod na talaga ako para lang mas
mapalapit lalo. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at ako na mismo ang humalik sa
kanya. Israel's moan ehoed on my ears. Hinawakan niya narin ang aking pisngi habang
humigpit naman ang pagkakayapos ng kanyang braso sa aking beywang.

"Can I just park the car outside your house?" tanong niya nang humiwalay ako
para huminga.

Umiling ako at hinalikan siyang muli. Israel groaned out of frustration. Hinila
niya ako at iginiya ang aking mga hita sa kanyang gitna hanggang sa tuluyan akong
bumagsak sa kanyang kandungan. Umayos siya ng upo at mas idiniin ang halik sa akin.

"Why not? Di naman kita papasukin sa bahay niyo... I'm just going to wait until
morning..." Suhestyon ng pilyong nagngangalang Israel habang hindi pinuputol ang
halik.

"Please... Di ako magpapakita kay Mama. I'm not going to do anything... Sige
na..."

Nakakailang tawag na ba siyang 'Mama' kay Mama? Itong si Israel! Advance!


Tumigil ako sa paghalik at napahawak na sa kanyang mga balikat. Ang halik naman
ni Israel ay naglakbay na sa aking panga habang ang isa niyang kamay ay hinahaplos
na ang likod.

"May pinaplano ka 'no?" Kumunot ang aking noo at hinanap ang mga mata niyang
wala sa akin.

Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg kaya marahan akong tumingala para bigyan
siya ng access doon. Nakakakiliti ang marahang pagkagat niya roon at hahalikan niya
agad.

"I just want to see you... Iyon lang... I don't mind sleeping on my car, Trace.
Please..."

Naawa na ako sa boses niya. Para siyang humihiling ng isang bagay at


nakasalalay na ang kanyang buhay. Wala akong nagawa kundi tumango nalang. Gusto ko
rin naman kasing makita ko siya. Baka bigla itong pumunta roon sa kalinderya.

"Sige. Sa labas ka lang ha," sabi ko na ikinatigil niya sa paghalik at nasa


akin na ulit ang mga mata.

Tumango siya at hinagkan ang gilid ng aking labi. Feeling ko talaga may balak
ito eh...

Pinakawalan rin naman ako ni Israel. Nakampante na siya


dahil pumayag ako sa gusto niyang magpark lang siya sa labas ng bahay. Ang rami ko
tuloy iniisip. Oo masunurin si Israel pero hindi masyado! May mga sarili siyang
desisyon at kilos na nagpapagulat nalang sa akin.

Nagtungo ako sa bayan. Hinubad ko na iyong makapal na jacket ni Israel at


nagbihis na ng komportableng top. Iyong isa sa mga binili sa akin ni Israel. Wala
rin naman kasi akong gamit na nadala sa bahay ni Papa. Pinagsisira narin ata lahat
ni French?

Napapansin ko ang mga matang napatingin agad sa akin nang makarating ako sa
mismong palengke. Nagkakasalubong ang kanilang mga kilay at titig na titig sa akin.
May hawak akong payong habang ang aking buhok ay nakasuklay sa kaliwang bahagi.
Umaalon ang aking buhok at naririnig ko ang sariling pintig ng aking puso dahil sa
kaba at excitement.

Malayo palang ako ay nakita ko na agad si Mama sa kanyang pwesto. Lumiwanag ang
aking mukha at mas bumilis na ang aking paglalakad. Kung pwedeng tumakbo agad ako
roon ay gagawin ko na talaga pero sinikap kong magdahan dahan.

Noong tumigil ako sa kanyang harapan ay nag-angat agad siya ng tingin at


ngumiti na.

"Ganda... Bibili ka ng bulaklak?" tanong niya at pinasadahan pa ng tingin ang


mga bulaklak niya.

Nakagat ko ang aking labi at ilang sigundo lamang ay nanlabo agad ang aking mga
mata.

"M-Mama..." bigkas ko na mabilis na ikinaangat ng kanyang mga mata sa akin.

Tinitigan niya ako ng husto hanggang sa nanlaki ang kanyang mga mata at
napatayo na.

"T-Trace..."
Tumango ako at kusa ng nahulog ang butil ng mga luha sa akin. Nabitiwan ko ang
aking payong at mabilis na nagtungo sa kanyang gawi saka ko siya niyakap.

"Ma..." Umiyak agad ako sa kanyang balikat. Ang kanyang amoy ay hindi parin
nagbabago at katulad noong nakasanayan ko noon ay ganoon parin ngayon.

"Anak... Totoo ba ito? Nakabalik kana?" Hindi makapaniwala niyang tanong kaya
mabilis akong humiwalay at humarap sa kanya.

"Opo..." Nginitian ko siya habang umaagos ang aking mga luha.

Nangingislap naman ang kanyang mga mata at nanlalabo narin. Halatang kinikimkim
niya ang mga luha para di iyon malaglag. Mahahalata mo sa kanyang mukha na
tumatanda na talaga ito sa paglipas ng panahon. Medyo may puting hibla ng buhok ng
humahalo sa sobrang itim niyang buhok. Pumayat siya at sa gilid ng mga mata ay may
kulubot narin.

"Ang ganda ganda mo na Trace... Di agad kita nakilala! Ang kinis kinis mo! Ang
tangkad mo narin! At ang bango bango pa!" Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi
at sinuri ako ng mabuti.

Hinawakan ko ang kanyang mga pulso at napangiti.

"Syempre, Ma... Mana po ako sa'yo..." sabi ko na ikinatawa niya habang


pinupunasan ang aking mga luha.

"Masaya ako at hindi ka pinabayaan ni Liam sa syudad. Natanggap ko yung mga


padala mo at ang ganda ganda mo roon sa mga pictures! Akala ko nga ay artista o
sikat na modelo roon! Ang gara gara rin ng pinupuntahan niyong lugar. Kahit di mo
ako kasama ay masaya ako dahil alam kong nararapat ang ganoong buhay sa'yo..."
aniya.
May panibagong luha ang sumalakay sa aking mga mata. Nanlabo agad iyon. Ang
Mama ko ay nagsakripisyong mawalay ako sa kanya at nagtiis dahil alam niyang
maginhawa ang buhay ko roon. Nasaktan agad ako dahil sa sinasabi ng iba sa kanya.
Na malandi ito at kung ano ano pa ang insultong nakuha ko dahil mana ako sa kanya.
Oo, mana ako kay Mama pero hindi iyon ang namana ko kundi ang kabutihan ng kanyang
puso. Iyon ang ipagmamalaki ko dahil alam kong lumaki ako ng maayos dahil sa kanya.

Niyakap ko ulit siya at napapikit nalang ako habang umaagos


ang aking mga luha. Ayoko nang mawalay sa kanya. Gusto ko ay dito muna ako... Dapat
nga ay hindi na siya nagtatrabaho eh... Dapat sa bahay nalang siya.

Naging emosyonal ako ng ilang minuto. Pinupunasan naman ni Mama ang aking mga
luha habang tumatawa ito. Sinama niya agad ako sa palengke at namalengke kaming
dalawa para sa lulutuin niya mamaya dahil bumalik na ako. Buti nalang at binigyan
ako ng pera ni Israel kaya iyon ang ibinigay ko. Tumanggi pa si Mama pero sa huli
ay tinanggap rin naman dahil sa aking pamimilit.

"Sino iyang kasama ni Tasha?"


"Ang puti puti... Ang ganda. Modelo ba 'yan?"
"Teka pamilyar siya..."
"Grabe ang ganda niya... Tagasyudad ata..."

Iyon ang mga naririnig ko sa mga nalalagpasan namin at sumusunod sa akin. Si


Mama naman ay busy ang mga mata sa paggala.

"Opagluluto kita ng Chicken Curry," si Mama at tumigil na roon sa may mga manok
na nakahelera.

"Mama magluto rin po kayo noong Pochero," sabi ko pa at naexcite na dahil


sobrang namimiss ko ang mga luto ni Mama.

"Oh sige..."
May napasinghap nang tinawag kong Mama si Mama. Ang kanilang mga mukha ay
naging interesado agad na kahit iyong lalake na tinitimbang na manok na binili ni
Mama ay nasa akin na ang mga mata.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko pa iyong mga tinderang nagbubulung-


bulungan at nagsisikuhan habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Dinala ko
ang mga pinamili kay Mama at nagdesisyon narin akong bumili ng prutas.

Ang mga nakahelerang berdeng mga mangga agad ang una kong napansin at mabilis
na naalala si Israel. Nakagat ko ang sarili kong labi at namiss agad ito. Tama rin
ang desisyon ko na hayaan itong magpark sa labas ng bahay. Ipapatikim ko sa kanya
iyong mga masasarap na luto ni Mama!

"Ang ganda mo naman, hija..." sabi noong matandang babae sa akin na ikinangiti
ko na.
"Salamat po, Lola..."
Namangha siya sa aking sagot at titig na titig na sa aking mukha habang
inilalahad sa akin iyong supot ng grapes na binili ko.

Bumalik rin naman ako sa kinaroroonan ni Mama at may mga dala na ulit siyang
pinamili niya. Noon, pag ganito karami ang aming pinapamili ay masasabi mo talagang
bagong taon na dahil ganoong okasyon lang naman naghahanda ng marami si Mama.
Nakakatuwa dahil ganito agad siya kasabik na ipagluto ako ng marami dahil bumalik
na ako.

Umuwi rin naman kaming dalawa kahit na hindi pa nauubos ang kanyang mga
bulaklak. Sumakay kami ng tricycle at hindi na naglakad pa dahil mainit rin daw at
sayang ang kutis ko. Natawa nalang ako roon na kahit ang panay paglingon ng driver
sa akin ay ramdam ko.

Wala pa roon ang kotse ni Israel sa labas ng aming bahay. Siguro may pinuntahan
pa iyon. Kaya tinulungan ko nalang muna si Mama sa pagluluto.

"Ako na rito, Trace... Upo ka lang diyan at kwentuhan mo ako. Teka, tapos kana
ba sa pag-aaral? Pero ngayong taon pa iyon ah?" tanong niya sa akin habang hinihiwa
iyong mga ihahalo niya sa Pochero.

"Umuwi po ako Mama... Baka ano... Next year ko na ipagpatuloy?"


Kumunot agad ang kanyang noo.

"Huh? Bakit naman? At pumayag ang Papa mo? Teka... Inaapi ka ba ng Brenda na
iyon roon?!" Dumaloy agad ang galit sa kanyang mukha kaya mabilis akong umiling.

"Hindi po, Mama! Mabait si Tita Brenda at okay naman ako


roon... Di naman ako inaapi," sabi ko na ikinakalma rin ng kanyang mukha at
nagpatuloy na sa ginagawa.

"Kung ganoon... Ba't ka umuwi? Sayang naman..."

"Namiss ko po kasi rito, Ma. At kayo po," pag-amin ko na ikinangiwi niya.

"Asus... Di kana bata para umaktong ganyan!"

"Totoo nga po!" Tumawa at at humilig sa lamesa. "Okay naman po ang syudad pero
mas okay parin po talaga iyong nakalakihan mong lugar..."

Kumurap siya at tinitigan ang mukha kong nakalagay na ang mga palad sa bawat
pisngi ko.
"Oh sige... Pero magtapos ka ha. Baka mapagalitan ka rin ng Papa mo..."

Tumango agad ako sa kanya at natuwa na dahil sa kanyang desisyon. Magtinda


nalang rin kaya ako ng bulaklak? O magpatayo ako ng flowershop sa bayan?
Manghihiram ako ng puhunan kay Israel tapos pag kumukita na ako ay babayaran ko na
siya. Mabuti pa nga! Para pag bumalik ako sa pag-aaral ay di na ako mamroblema.
Ayoko naring umasa kay Papa pagkatapos ng ginawa ko.

May biglang bumusina sa labas kaya napatayo agad ako. Si Mama ay takang taka
ring napatingin sa may bintana namin habang ako ay naglalakad na patungo roon para
masilip ito.

"Oh? Sino iyan?" tanong ni Mama at nasa aking likod narin.

Nakita ko sa labas ng bintana ng tinted na itim na kotse ni Israel at pinapark


niya na nga. Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Iyong pakakasalan ko po, Mama...

"Sino iyan Trace?" tanong ulit ni Mama na nagpatalon na sa akin sa gulat.

"Ah... Ano po..." Pabalik balik ang tingin ko sa kotse at kay Mama.

"Iyan ba ang naghatid sayo rito sa bukid? Isa sa tauhan ng Papa mo? Eh may
naghahatid rin ditong sulat mo eh... Tauhan daw siya ng Papa mo..." sabi niya kaya
tumango agad ako.

"Opo, Mama!"
"Oh... May pa driver pa pala ang Papa mo sa'yo." Ngumisi na siya at bumalik sa
kanyang ginagawa.

Nanatili naman ako sa may bintana at nasa kotse lang ang tingin. Kumaway pa ako
kaya bumusina ito. Ngumuso ako at natawa sa aking pinaggagawa.

"Ba't di mo papasukin rito? Pagmeryendahin mo ang driver mo, Trace..." si Mama.

"Ah... Mamaya po, Mama. Hahatdan ko nalang po siya..."

"Huh? Bakit naman? Nako... Ang mga tagasyudad talaga maaarte. Kasya naman
siguro iyan sa ating bahay."

Hindi na ako sumagot at bumalik sa aking upuan. Si Mama naman ay nagsisimula ng


magluto ng Pochero.

"Oo nga, Mama. Maaarte po talaga ang mga tagasyudad. Iyong kapatid ko ngang si
French ang arte rin po..." kwento ko pa.

Nameywang si Mama sa harap ng stove at may hawak ng malaking wooden spoon.

"Iyong magandang kasama mo palagi sa picture... Mukhang mataray, Trace. Buti at


magkasundo kayo."

"Mabait naman po iyon, Mama..." sabi ko at naging malungkot na ang aking ngiti.

Di parin ako nawawalan ng pag-asa na dadating ang araw at magkakaayos kami ni


French... Kapatid parin ang turing ko sa kanya...

"Iyong isa mo pang kapatid na lalake ang supla-suplado!" Nilingon niya ako.
"Medyo hawig sila ni Bram, Trace. Napansin mo?"

Tumango agad ako kay Mama.

"Opo, Ma. Lalo na pag nagsusungit. Si Kuya Brennan kasi


singkit na singkit talaga dahil pure Chinese kaya mas supladong tingnan."

Ibinalik ni Mama ang tingin doon sa harap.


"Ang guwapo nga noon. May girlfriend na iyon, Trace?"

"May asawa na nga Mama. Uso po kasi sa mga Chinese ang fix marriage, Ma..."

"Oh? Buti at di ka ipinagkasundo ng Papa mo. Mahirap iyang ganyan lalo na't di
mo naman mahal..."

Hindi ako sumagot doon. Meron rin po ako Ma at mahal na mahal ko po ang
ipinagkasundo sa akin ni Papa. Na kahit tumutol sila sa huli ay nagawa kong isuko
ang apelyido na Chua para lang hindi ko madungisan ang kanilang apelyido at sundin
ang gusto ng puso ko.

"Eh ikaw, may boyfriend kana rin siguro?" Nilingon ako ni Mama at kakaiba na
ang kanyang ngisi.

"22 kana, Trace. Normal na sa edad mo ang ganyang bagay."

Namula agad ang aking pisngi. Ang sarap sabihing iyong tinatawag niyang tauhan
at driver ko ay ang boyfriend ko ngayon at fiancee ko pa. Kaso baka bigla niya
nalang sugurin si Israel sa labas...
"Hindi kita pinapayagan noon dahil bata ka pa. Pero ngayon malaki kana naman...
At sa hitsura mong 'yan imposibleng walang nabihag sa'yo roon sa syudad."

Aanhin ko iyong mga nagkakagusto sa akin kung nasa isang tao lang naman
nakasentro ang aking tingin.

Tumayo ako at nagtungo ulit doon sa bintana. Humilig ako roon at tinitigan ang
sasakyan ni Israel. Payag na si Mama pero paano kung nalaman niyang si Israel pala
ang gusto kong pakasalan? Papayag ba siya?

"Magtapos kana Trace nang makaalis na tayo rito. Ayoko ng mabuhay sa isang
lugar na malapit sa mga demonyong Buenaventura," aniya at galit na agad ang boses.

Iyon ang nagpakaba sa akin. Hindi parin nagbabago ang pananaw ni Mama sa
nangyari. Galit parin ito at may baong hinanakit sa kanilang pamilya sa nakaraan.
Ngayon ko pa ba bibitiwan si Israel kung kailan marami na kaming naisuko?

"Pero Ma, 'di ba matagal narin iyon? Ba't di nalang natin sila patawarin..."
sagot ko habang nasa bintana ang aking tingin.

"Bakit mo papatawarin ang mga taong hindi nga humihingi ng patawad sa atin? Ang
dapat sa kanila masunog sa impyerno!" galit na sabi ni Mama.

"Pwede namang tayo nalang ang magpatawad kung di nila kayang gawin iyon, Ma...
Tayo nalang ang umunawa at patawarin ang mga taong nagkasala sa atin kahit hindi
nila iyon hinihingi. Para narin po iyon sa atin... Para makalaya tayo sa galit at
sakit ng kanilang ginawa..."

"Haynako hindi! Anak ko iyon at ganoon nalang nila pinatay! Dinala ko siya ng
siyam na buwan sa aking sinapupunan, inere ko kahit sobrang sakit at pinalaki ko ng
maayos tapos bigla nilang papatayin? Kung hindi lang talaga labag sa mata ng Diyos
ang pumatay ay sumugod na ako sa bahay ng mga Buenaventura at ginitilan rin ng leeg
iyang si Facundo."

Napasimangot ako sa sinabi ni Mama. Ayaw niya parin atang magpatawad. Siguro
mahirap ito sa kanya dahil nawalan siya ng anak. Siya ang mas naghirap. Siya ang
nagluwal kay Kuya Bram... Siguro di ko maiintindihan ang pakiramdam ng inang
nawalan ng anak. Baka mas doble ang sakit na naramdaman niya kaysa sa akin.

Noong matapos sa pagluluto si Mama ay hinandaan ko agad si Israel. Titig na


titig naman si Mama sa aking ginagawa lalo na't maayos pa ang pagkakaplating ko sa
pagkain.

"Dalhan mo narin ng juice, Trace. O tulungan nalang kita..." Akmang tatayo na


si Mama kaya mabilis ko siyang pinigilan.

"H'wag na, Mama! Ako na po." Mabilis akong nagsali ng juice sa baso at inangat
narin ang isang plato, sa kabila naman ay iyong juice.

Maingat akong naglakad palabas ng bahay. Nagtungo ako roon


sa may driver's seat na awtomatiko ring binuksan ni Israel at kinuha ang plato.

"Ubusin mo ha," sabi ko pa at inilahad rin ang baso.


Tumango siya at pilyong ngumisi.
"You want to come in?" Sinenyasan niya ako gamit ang kanyang ulo.

Nilingon ko ang bahay at ibinalik kay Israel na inilalagay na ang baso sa gilid
niya at ang plato naman ay nasa kandungan na.

"H'wag na. Sasabay ako kay Mama..."


Tumango rin naman siya at nagawa pa akong patakan ng halik.

"Stay often on the window, Trace. I want to watch you there..."

Ngumuso nalang ako at isinara narin iyong pinto. Napangisi ako at masayang
bumalik sa loob. Tumabi ulit ako kay Mama at nag-usap ulit kami ng kung ano ano.
Pinagkukwento niya ako at ang rami niya ring tanong sa akin. Ako ang nagpresentang
maghugas ng plato pero nagdadaldalan parin kami ni Mama. Ang utak ko ay lumilipad
pa minsan sa labas ng bahay.

Humihilig ako minsan sa may bintana at nagpapasikat kay Israel. Total sabi niya
rin naman... Kahit di ko siya nakikita ay nakikita ko naman ang mukha niya sa aking
isipan.

Kinagabihan ay tatlong putahe naman ang niluto ni Mama. Hindi pa nga nauubos
iyong Pochero pero nagdagdag ulit siya. Nagluto siya ng Chicken Curry, kaldereta at
adobo. Hinatdan ko ulit si Israel na nasa loob lamang ng kotse, naaaliw sa
pamamalagi roon.

Ako ulit ang naghugas habang si Mama naman ay naglilinis. Kahit ang aking
kuwarto ay inayos niya rin para maging komportable raw ang aking pagtulog at kinuha
rin ang isa pang electricfan ni Kuya sa kanyang kuwarto. Matagal narin kasing di
nagagamit.
Nagbihis ako ng pambahay. May mga naiwan pa naman akong damit sa aking kuwarto
kaso nga lang masyadong loose at straps pa. Hanggang hita ko nalang iyon at mukhang
tumangkad nga ako. Eh noon sa may bandang tuhod pa ito...

Nagpolbo ako at naglagay ng liptint para medyo hindi ako maputlang tingnan
dahil narin sa aking kaputian. Paglabas ko ng kuwarto ay nakasalubong ko pa si Mama
na napatingin agad sa aking ayos.

"Oh... Lalabas ka?" tanong niya.


"Ah... Opo, Mama... M-Magpapahangin lang po ako..."

"Hay. Pagpasensyahan mo na ang bahay natin Trace. Alam ko namang nasanay kana
sa aircon..." aniya at dismayado na ang mukha.

Tumawa ako at umiling.


"Okay lang po, Mama. Sanay rin naman po ako sa ganito noon eh..."

"O sige... Sa labas ka lang. Pero pumasok ka agad ha. Gabi na at baka mapano ka
diyan..."

"Opo Mama... Matulog na po kayo." Hinalikan ko ang kanyang pisngi at


nagmamadali rin akong lumabas. Ilang minuto muna ang aking pinadaan at chineck kung
nasa loob na ba ng kuwarto si Mama saka ako mabilis na nagtungo sa kotse ni Israel
dala dala iyong isang pack ng grapes.

Siya ang bumukas noon kaya pumasok rin ako at isinara iyon ng dahan dahan.
Paglingon ko kay Israel ay hinalikan niya agad ako. Natatawa kong iniyapos ang
aking mga kamay sa kanyang leeg at nakipaghalikan sa kanya.

"Can I sneak in your room tonight?" tanong niya noong humiwalay na siya.

Nakacotton white shirt nalang siya, sweatpants at nalalaglag na naman sa


kanyang noo iyong mga rebeldeng hibla ng kanyang buhok.

"Hindi pwede... Maagang gumigising si Mama at baka marinig


niya tayo sa kuwarto ko Israel..." Nafufrustrate kong paliwanag. "At maliit rin ang
kama ko... Maliit ang kuwarto ko... 'T-Tsaka baka umabot ang boses ko sa kuwarto
niya eh hindi pa naman gawa sa concrete ang pader... Dito nalang..." Suhestyon ko.

Umangat ang kanyang kilay at iba na ang tingin sa akin. Ang kanyang labi ay
kumukurba na at pilyo na ang ngiti. Humawak siya sa isa kong hita at humahaplos na
roon na ikinalunok ko ng laway habang nakikipagtitigan sa kanya. Ang aking mga
kamay ay nasa balikat niya pa at masyado rin kaming malapit sa isa't isa dahil sa
naganap na halikan kanina.

"So... You're thinking I'm going to make you scream tonight?" Nanunuya niyang
tanong at iba na ang titig idagdag pa ang ngisi na mas pilyo na.

"H-Huh..." Namula ang aking pisngi. Ang kanyang kamay naman ay pumasok na sa
aking suot na ikinakaexcite ko na ewan.

"You're addicted to my kisses and now you're addicted to my touch... My


innocent angel is getting wild huh?" Binasa niya ang pang-ibabang labi at kinagat
kagat pa iyon.

"E-Eh iyon naman talaga ang hilig mo... K-Kaya akala ko..." Nag-iwas ako ng
tingin at mas uminit lamang ang aking mukha.

Israel chuckled sexily. He got this raspy yet cold voice that drives me insane.
I am aching for his touch... At sa totoo lang... Iyon palagi ang nasa isip ko!
Hinahanap hanap ko ang sensasyon na pinaparamdam niya sa akin. Gusto ko palagi ko
iyong nararamdaman. Gusto kong palagi ko iyong nakukuha. I want him to touch me at
gusto kong baliwin niya ako sa galaw niya. Di ko alam ba't ganito na kahalay ang
aking utak. Para siyang isang makating bagay na dumikit sa aking katawan at gusto
kong kamutin niya iyon mismo. Gusto kong palitan niya iyon ng masarap na
pakiramdam. Gosh!

"You're wet," gulat at namamangha niyang sabi nang makarating na ang kanyang
kamay sa aking gitna at ramdam ko na siya sa aking panty.

Napayuko ako at tinubuan ng hiya dahil sa kahandaan ko para sa kanya. Nagawa po


pang ipitin ang kamay niya roon at isara ang aking mga hita para lang h'wag niya
nalang ituloy pero hinagod parin iyon ni Israel. Isang halinghing agad ang aking
napakawalan.

"This is how you badly want it, Trace? You're already wet..." May galak niyang
sabi nang isandal ko ang aking noo ko sa kanyang balikat.

Di ko alam Israel... Di ko alam kung ba't sabik na sabik ako sa'yo. Di naman
ako manyak o ano! Di ko rin naman gusto iyong ganoon! Pwede nga occasional lang
dapat pero ewan ko! Gusto ko!

Itinulak lang ni Israel ang isa kong hita at nakabukaka na ulit ako. Umawang
ang aking bibig nang isang hawi niya lang sa aking panty ay naroon na siya agad sa
loob. He caress my fold that sent volts of electricity all over my body.

Napayakap ako ng mahigpit kay Israel. Halos kagatin ko ang kanyang balikat nang
hinagod niya iyon sa nakakabaliw na ritmo.

"Did you purposely wear this accessible dress for me to touch you easily? You
didn't even wear a short, Trace!" Aniya at humalakhak sa aking tenga.

Nafrustrate ako sa kanyang sinabi. Gusto ko siyang itulak sa kahihiyan pero


ayoko rin namang itigil niya ang ginagawa niya sa akin.

Rinig na rinig ko ang aking kahandaan roon at rinig na rinig ko rin ang
paghinga kong bumibigat na sinusundan rin ng halingling. Israel's other hand cupped
my boob and played with it. Napunta ko sa kanyang leeg at doon ko na itinago ang
aking mukha.
"Masarap palang magluto si Mama..." bigla niyang sabi kaya dumilat ako at
tiningnan ang kanyang panga. I can't see him wholly. Ba't iyan ang sinasabi niya?

"Masarap nga..." tangi kong sagot sa mahinang boses at dalang dala na sa


kanyang ginagawa.

Israel chuckled evilly. Namimilipit na ang aking mga paa at kusa naring
gumagalaw ang aking balakang dahil sa sensasyon. Ano na ba ang nangyayari sa akin?!
Ang manyak ko na... Ang manyak manyak ko na...

"Paborito mo?" tanong niya at yumuko pa para silipin ang aking mukha.

Tumango ako at namula. Israel's fingers move expertly. I am already crying


mess! Para na akong isang bulaklak na ilang taon nang hindi nadidiligan kaya ngayon
ay nasasabik ng mabasa.

Yumuko si Israel at hinalikan ang aking leeg. Mas lalo lang grumabi ang
sensasyon at nasunog na ako sa init ng kanyang halik, sa kanyang pamimisil sa aking
dibdib, at sa hagod ng kanyang mga daliri sa aking gitna.

"I always dream for this... I always want you to go crazy over me. Gusto kong
maging sabik ka palagi sa akin. Gusto kong makita sa'yo na gustong gusto mo rin ito
at hindi lang ako itong pinagpapantasyahan ka sa isip ko. And it turns me on right
now when you're already wet for me. Your making my thing so hard right now,
Trace..."

Nalunod na ako sa pagnanasa at hindi na naisalba ang sariling hibang na hibang


na naman sa kanya, sabik na sabik sa kanyang ginagawa.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 64

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Toneerose Gabagat Fajardo. Happy reading!
--------
Beginning

Di ko na namalayan ang oras kagabi. Basta ang alam ko lang ay ang tagal kong
namalagi sa loob ng kotse ni Israel. Lumipat pa kami sa backseat... Gusto ko nga ay
doon nalang matulog pero magtataka rin si Mama eh.

Lumabas rin naman ako ng aking kuwarto. Buhaghag ang aking buhok at nadatnan pa
si Mama sa may mesa na naghahanda na ng agahan. Nakasuot ito ng floral prints na
duster at nakayapos ang kanyang mga buhok pero may ilang hiblang nalalaglag at
namamahinga na sa kanyang balikat.
Nagkasalubong agad ang kanyang mga mata nang makita ang suot kong dress.
Sinundan ko ang kanyang tingin at ganoon nalang ang pagkagulat ko nang sumasabit
nalang pala ang isang strap at natanggal na sa pagkakakabit sa likod. Di ko alam
kung nasira ba iyon o ano. Israel!

"May nakaaway ka ba?" tanong niya nang hinila ko agad ang strap at isinabit sa
aking balikat kaso mukhang sa likod noon ay nasira na nga ang lock.

"M-Magbibihis lang po ako, Ma."


Mabilis akong bumalik sa loob ng aking kuwarto at hinubad iyon. Nanlaki agad
ang aking mga mata nang mapansin ko ang mga pulang marka sa aking hita. Namula ang
aking pisngi nang maalala ko ang pinaggagawa ni Israel. Sinilip ko ang aking dibdib
at meron rin sa gilid! Mariin akong napapikit at nakikita ko na siya sa aking
isipan na malademonyo na ang ngisi. Gustong gusto mo rin naman, Trace! Ewan ko
talaga sa'yo.

Nagbihis ako ng longsleeve at pajama. Medyo kasya pa naman sa akin kahit


papaano dahil malalaki rin naman kasi ang mga damit ko noon at loose pa.

Lumabas akong muli at nadatnan si Mama na mukhang may malalim na iniisip.


Nagtungo ako sa kanyang tabi at umupo roon. May tatlong putahe sa mesa. May hotdog,
ham at iyong Pochero kahapon na mukhang ininit niya lang.

Sumandok ako noong Pochero habang ramdam ko naman ang naninimbang na mga mata
sa akin ni Mama. Kinakabahan tuloy ako.

"Iyong driver mo... umalis na?" tanong niya na ikinatango ko.

"Opo..." Umalis na iyon kagabi dahil ayokong matulog siya sa loob ng kanyang
kotse. Pumayag rin naman siya at gusto naring maligo. Sinabihan niya lang ako na
bukas ng umaga ay babalik siya rito sa bahay para tumambay ulit sa loob ng kanyang
kotse.

"Anong oras kanang pumasok sa bahay kagabi? Narinig kong bumukas ang kuwarto mo
at mukhang mahigit alas onse na ata iyon... Saan ka nagpahangin?" Nagtatakang
tanong ni Mama na ikinabagal ng aking pagsubo.

"U-Uh... Sa likod po ng bahay..."

"Sa likod?" Nabitiwan ni Mama ang kanyang kubyertos.

Tumango ako at mas lalo lang kinabahan dahil sa naging reaksyon niya.

"Paanong sa likod eh marami ng damo roon? Medyo magubat na dahil wala narin
iyong mga bulaklak," aniya na ikinagulat ko.
Wala ng mga bulaklak sa likod?! Dapat pala sinabi ko nalang sa harap ng bahay!

"I mean hindi naman sa likod mismo, Ma... Gumala lang ako sa paligid ng bahay,
M-Ma..." Nag-iwas ako ng tingin kay Mama at sumubo.

May sasabihin pa sana ito nang tumunog ang busina sa labas na nagpatalon sa
akin sa gulat. Mabilis akong tumayo at nagtungo agad sa bintana para lang makita
ang kanyang kotse kahit di ko naman ito makikita sa loob. Nakagat ko ang pang-ibaba
kong labi at hindi maitago ang ngiti roon.

"Kumain ka muna, Trace," si Mama na ikinalingon ko sa


kanya.

"Driver mo lang naman iyan..." aniya at hindi nawawala ang pagtataka sa aking
mukha.

Sinenyasan niya akong bumalik kaya nilingon ko muli si Israel at bumalik roon.
Medyo nakaramdam pa ako ng kirot sa aking ulo dahil siguro sa biglaan kong pagtayo
kanina. Kumurap ako at parang mahihilo na ewan. Medyo masakit rin ang aking
balakang at mukhang ngayon ko lang naramdaman. N-Napasobra ba kami kagabi? Pero di
naman masakit kagabi. Ewan ko ba...

Uminom ako ng tubig para ikalma ang sarili. Si Mama naman ay sumubo pero
nililingon parin ako.

"Matanong nga kita..." Naging seryoso ang boses ni Mama kaya napatingin narin
ako sa kanya ng buo.

Nalaglag sandali ang aking tingin sa lamesa pero desidido si Mama at sinundan
pa ang aking mga mata kaya ibinalik ko ulit sa kanya.

"May relasyon ba kayo ng driver mo?" takang taka niyang tanong at gumuhit na
ang pandidiri sa kanyang mukha.

"P-Po?!" Nagulat ako. I mean... Si Israel naman ang tinutukoy niya pero
nakakagulat parin.

"Bakit niya kailangang tumambay sa labas ng bahay? At narinig ko ang kotse niya
kagabi... Doon lang siya umalis noong pumasok na siya sa kuwarto. Malakas ang kutob
ko... May relasyon kayo," si Mama na tila siguradong sigurado siya.

Namutla ako sa kanyang sinabi. Hindi agad ako makasagot at sinundan ko pa ng


tingin ang pag-inom niya ng tubig at pagkasira agad ng kanyang ekspresyon sa akin
nang inilapag niya na iyon.
"Trace... Kaya ko gustong makapagtapos ka para makahanap ka ng lalakeng may
magandang trabaho at makapagtrabaho ka rin. Nararapat sa'yo ang maganda at
marangyang buhay pero kung mahuhulog ka lang sa tauhan ng Papa mo at driver mo
pa... Diyos ko naman Trace... Mamili ka naman ng maayos..." Nahimas niya ang
kanyang noo at halatang nafufrustrate.

Hindi ako nakasagot at nalaro lang ang aking mga daliri sa aking kandungan. Si
Mama naman ay tila namomroblema na.

"Mama..." tawag ko na ikinatingin niya sa akin.

"Ano? Sasabihin mo sa aking mahal na mahal mo at hindi importante ang estado sa


buhay?" matabang niyang sabi kaya tumango ako ng marahan.

Napaawang ang kanyang bibig at hindi na makapaniwala na sumang-ayon ako. Di


naman ito mukhang galit pero kinakabahan parin ako at natatakot.

Uminom ulit siya ng tubig at naging seryoso na ang mukha.

"Sige, papasukin mo rito at kakausapin ko. Baka gago iyan at lolokohin ka.
Ipakilala mo sa akin..." aniya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gusto kong umiling. Gusto kong itago
si Israel sa kanya pero ito rin naman ang rason ko kaya rin gusto kong umuwi...
Gusto kong ipakilala sa kanya si Israel. Gusto kong sa akin niya mismo malaman.

"Sige na. Papasukin mo. Hindi ako magagalit. Kikilalanin ko lang..." sabi niya
sa kalmadong boses.

Hindi ka magagalit kasi di mo naman alam na si Israel...

Tumango ako kay Mama at tumayo na. Nanginginig ang aking tuhod at para na naman
akong mahihilo na ewan dala ng matindi kong kaba. Ang sama ng aking pakiramdam
siguro dala narin ng aking pinag-iisip sa mangyayari. Di ko na maintindihan ang
pumapaibabaw sa akin.

Bumukas rin naman ang may driver's seat at sumalubong sa akin ang manly na
pabango ni Israel. Naroon siya nakaupo sa loob, bagong ligo dahil sa buhok niyang
medyo basa pa suot ang isang fit na plain v-neck, black tshirt at isang maong na
pantalon tsaka isang itim na boots.

"You look pale..." Gumuhit agad ang pag-alala sa kanyang


mukha at nagawa pang bumaba roon para lang mahawakan ang dalawa kong pisngi.
"Did you already have your breakfast? Are you okay, Trace?" Mas nagkasalubong
pa ang kanyang kilay.

Sumayaw ang aking mga mata sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang pulso at masyado
nang malakas ang pintig ng aking puso.

"Si Mama... G-Gusto ka raw niyang makausap sa loob. Di ko naman sinabing ikaw
iyong driver ko... N-Napagkamalan ka niyang driver," paliwanag ko agad.
"Kinakabahan lang ako..."

Huminahon ang kanyang ekspresyon nang makumpirma niya ang aking rason kung ba't
ako namumutla.

"Magagalit siya, Israel... Sigurado ako roon. Galit parin siya sa pamilya
niyo..." Nafufrustrate kong paliwanag sa kanya.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at pinatay ang kanyang kotse. Kinuha niya ang
susi roon saka niya ibinulsa at isinara ang pinto.

"I'll talk to her." Iniyapos niya ang kanyang kamay sa aking beywang at
hinawakan ang aking tiyan sa kanyang kamay.

"Kinakabahan ako..." Daing ko nang maglakad na kami papunta roon sa bahay.

Yumuko si Israel at hinalikan ang aking ulo.


"I'm here."

Kung ano man ang magiging desisyon ni Mama rerespetuhin ko, tatanggapin ko.
Haharapin ko ang kanyang galit. Kasama ko si Israel... Handa akong tanggapin ang
lahat ng galit na itatapon niya sa akin.

Pagkapasok namin sa pinto ay para ng masisira ang aking ribcage dahil sa


mabilis na tibok ng aking puso. Nasapo ko ang aking dibdib para lang makalma ang
aking sarili at para na akong mahihimatay ano mang oras. Ilang hakbang pa ay nakita
rin namin si Mama kasabay ng paglingon niya sa amin.

Tumigil ako kaya tumigil rin si Israel. Ang kalmadong eskpresyon ni Mama ay
mabilis na napalitan at nanlalaki pa ang kanyang mga mata. Mabilis siyang napatayo
dala dala ang galit sa kanyang mukha.

"Anong ginagawa niyan rito, Trace?!" Itinuro niya si Israel at sumiklab na.
"Lumayas ka sa bahay ko!"

Gumapang agad ang takot sa aking mukha pero sinikap kong magsalita ng maayos.
"Ma! S-Siya po ang m-mahal ko." Pag-amin ko na ikinalaglag ng panga ni Mama.

"Ano?" matigas niyang tanong at tumalim na ang tingin sa akin.

Nanlabo agad ang aking mga mata.


"Ma... Si Israel po... Siya po ang mahal ko." Nakita ko si Mama na humakbang
papalapit sa amin. "Fiancee ko po siya-" Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay
umangat na ng mabilis ang isang palad ni Mama at akmang sasampalin ako pero mabilis
iyong nasalo ni Israel.

Nagkatinginan sila ni Mama. Dumaloy agad ang luha sa aking mga mata. Kitang
kita sa mukha ni Mama ang poot at hinanakit niya. Ang nag-aalab niyang tingin.

At dahil hawak ni Israel ang isang kamay ni Mama ay walang hesitasyong inangat
ni Mama ang isa niyang palad at mabilis na isinampal iyon kay Israel.

Nagulat agad ako. Umawang lamang ng kaonti ang bibig ni Israel at tumagilid ang
kanyang ulo pero nanatiling blangko ang ekspresyon nito.

"Walanghiya ka! Pagkatapos niyong patayin ang aking isang anak ay si Tracey
naman ang lalapit-lapitan niyo! Hindi paba sapat ang isa kong anak?!"

"Ma-"
"Tumamihik ka Trace!" Tinuro ako ni Mama nang tingnan niya ako. "Hindi mo na
ginalang ang pagkamatay ni Bram! Ang pamilya nila ang pumatay sa kuya mo! Ano bang
pumasok sa kokote mo at kusa mong itinulak ang sarili mo sa apoy! Sa mga demonyong
iyan!" Nilingon niya si Israel na tahimik lamang sa aking gilid.

"Ma... Sinikap ko naman pong p-pigilan... Dahil alam kong


hindi pwede... A-Alam kong hindi mo pahihintulutan... P-Pero Ma... Katulad po ni
Kuya Bram ay hirap na hirap rin po akong kimkimkimin ang nararamdaman ko... Ang
hirap pong pigilan..." Bumuhos ang aking mga luha.

Nailing si Mama at hindi matanggap ang aking sinabi. Hinila niya ako palayo kay
Israel. Sa sobrang lakas noon ay kusang natanggal ang braso ni Israel sa aking
beywang.

"Ma!" sigaw ko at binawi agad ang aking kamay sa kanya. Nabitiwan ako ni Mama
at laglag pangang nilingon ako. Nanginginig na ako at hindi ko na mapigilan ang
aking mga luha.

"Nababaliw kana!" Isang lagapak ang tumunog at naramdaman ko agad ang hapdi sa
aking pisngi dulot ng sampal ni Mama sa akin.
Kitang kita ko sa gilid ng aking mga mata ang paghakbang papalapit ni Israel sa
akin at hinila ulit ang aking beywang. Nang makita iyon ni Mama ay mas lumaki
lamang ang kanyang galit.

"Matalino ka naman sana! Pinag-aral ka pa ng ama mo sa pribadong paaralan pero


walang laman ang utak mo! Di ka nag-iisip ng tama! Paano mo..." Nabasag ang boses
ni Mama at dismayadong dismayado na ang tingin sa akin. "Paano mo nagawa ito sa
akin, Trace? Gusto mo na ba talagang mamatay ako nang maaga?!"

Umiling ako at natakpan na ang aking mukha. Tumataas baba ang aking balikat
kakaiyak. Para na akong naubos kakapaliwanag sa paulit ulit na dahilan. Pagod na
pagod na ako dahil sa paulit ulit kong iniiyakan. Palagi nalang kaming
hinahadlangan. Parang ikakaguho ata ng mundo pag nagkatuluyan kaming dalawa..

Gusto ko lang naman sanang maging masaya. Gusto ko lang namang mahalin ng
malaya ang lalakeng gusto kong mapangasawa. Iyon lang naman ang gusto ko pero ba't
ang laking bagay naman ata ng hinihingi ko at ganito nalang kung humadlang ang mga
taong nakapaligid sa akin?

Bumitaw si Israel sa aking beywang. Sinilip ko siya at nakita ko ang kanyang


pagluhod sa aking ina. Bumuntong siya ng hininga roon at inilagay ang mga kamay sa
kanyang hita. Tiningala niya ang aking ina na nagulat at nanigas na sa kanyang
kinatatayuan.

Kinilabutan ako ng husto sa kanyang ginawa at napaawang na ang aking bibig. T-


This is too much!

"I know my father caused a war between our family. Inaako ko ang galit niyo at
inaako ko ang kasalanang nagawa ng aking ama. Gusto kong ako mismo ang humingi ng
tawad. Alam kong hindi ko na maibabalik ang inyong panganay sa pamamagitan nito
pero ang maipapangako ko lang sa harap niyo ay ang kaligtasan ng bunso niyong anak
sa kamay ko. She's my world... I want to marry her and I want to have a family with
her. Mahal na mahal ko ang anak niyo at wala akong hangad..." malumanay na sabi
niya at ramdam mo ang sinseredad sa kanyang salita.

Umalingawngaw ang aking iyak. Si Israel... Ang lalakeng kinakatakutan ko at


kinakatakutan ng lahat rito ay nakaluhod sa harapan ng aking ina, inaako ang
kasalanang hindi niya naman sana ginawa.

Tumulo ang luha ng aking ina at umagos iyon na parang gripong napabayaan.
Humikbi siya roon. Iyong unang beses ko siyang nakitang umiyak sa pagkamatay ni
Kuya ay bumabalik sa akin.

"Nandito ako sa harapan niyo... Gustong mangako sa inyong harapan at magbitaw


ng salita na hinding hindi ko sisirain... Aalagaan ko siya hanggang sa huli kong
hininga. Hanggang maubos ako. Di ko siya sasaktan at iingatan ko siya." Nagloosen
ang balikat ni Israel at napayuko na. Para itong hinang hina na ewan.
Nagtungo ako sa kanyang harapan at pinatayo ko ito.

"Tumayo ka, Israel... Tumayo ka..." Hinila ko pa siya pero desidido siyang
luhuran ang aking ina. Desidido siyang makuha ang kapatawaran nito na alam kong
hindi pa maibibigay ang aking ina sa kanya.

Hindi na sumagot si Mama at nagtungo na sa kanyang kuwarto.


Marahas niyang isinara ang pinto at iniwan kaming dalawa ni Israel. Napaluhod narin
ako at niyakap ang lalakeng walang ginawa kundi patunayan sa akin na tama lang na
ipinaglaban ko siya.

"Kahit hindi pahintulutan ni Mama, kahit tumutol siya sa ating dalawa...


Pipiliin at pipiliin parin kita, Israel... Di mo 'to kailangang gawin..." Isinubsob
ko ang aking mukha sa kanyang leeg at umiyak ng husto roon.

"May kasalanan ang pamilya ko sa inyo, Trace. Ang ama ko... Di pa nga sapat ito
para makabayad kami sa aming kasalanan."

"Hindi kami naniningil, Israel! Hindi ako naniningil! Nasaktan rin kayo... N-
Nawala si Ate Rici... Nasaktan ang mga pamilya natin at hindi natin ginusto ang mga
nangyari..." Hinarap ko siya at hinawakan ang kanyang mga pisngi.

Namungay ang kanyang mga mata sa akin. Hinalikan niya ang aking noo at ilang
sigundo iyong nagtagal roon.

Mariin siyang pumikit at isinandal ang kanyang noo sa akin pagkatapos.

"Let's go home, Trace... Pwede bang iuwi nalang kita?" Masuyo niyang tanong na
ikinatango ko na.

Nilingon ko ang kuwarto ni Mama at bumuhos ang panibagong mga luha sa akin.
Kilala ko si Mama... Alam kong mabilis rin siyang lumambot. Alam kong hindi siya
bulag at nakikita ang mabuting hangad ng isang tao. Sana ay makapag-isip isip siya
at bigyan ng tsansa si Israel...

Mama... Hihintayin ko ang araw na kusa kang magpatawad. Hihintayin ko ang araw
na unti-unti mong mabitiwan ang sakit na dulot ng nakaraan. Hihintayin ko iyon at
balang araw ay magiging okay rin ang lahat.

Ibinalik ko ang tingin sa harap at tumango na kay Israel. Kumalma agad ang
kanyang ekspresyon at tila nakahinga ng maluwag sa naging pasya ko.

"Sasama ako sa'yo," sabi ko.


Lumabas rin naman kami ng bahay. Sumama ako sa kanya. Ang alam ko ay nasa
unahan lamang ang lupang pagmamay-ari ng kanyang lolo na ipinamana sa kanya.
Malawak iyon roon at hindi ko alam kung ano na ang hitsura sa parteng iyon.

Umiiyak parin ako sa loob ng kotse. Tumutulo ang aking luha at mabilis ko ring
pinupunasan. Israel was in awe... Awang awa narin siguro ito sa akin dahil panay
nalang ako iyak. Idagdag pa ang pakiramdam kong hindi ko rin mapunto. Ipinikit ko
ang aking mga mata at isinandal ang ulo sa aking upuan. Pumipintig na naman iyon sa
sakit. Lalagnatin na ata ako dahil sa mga patong patong na problemang hinaharap
namin ni Israel.

"You look pale again. You need to see a doctor, Trace." Bumagal ang
pagpapatakbo ni Israel hanggang sa unti-unti niya na iyong inililiko.

Hinawakan ko ang aking noo at umiling.

"Masakit lang ang ulo ko. Siguro kakaiyak ko ito..." Hinilot ko iyon at ramdam
parin ang nanghahapdi kong mga mata kakaiyak.

"So you're feeling sick? And you didn't tell me earlier. We'll see a doctor."
Tuluyang nailiko ni Israel ang kanyang kotse at mabilis na iyong pinatakbo.

Hilong hilo na ako at para na akong nawawalan ng ulirat ano mang oras. Hinang
hina ako kahit wala naman akong ginagawang makakapagod sa akin. Para akong biglang
nauubusan ng lakas at hindi ko na maramdaman ang aking sarili. Gusto ko nalang
matulog buong araw, gusto kong magpahinga at gusto kong humilata sa malambot na
kama.

Nakarating kami sa hospital sa bayan. Pampubliko iyon pero maayos naman.


Ipinasok ako ni Israel sa loob at karga karga pa ako. Kaya ko namang maglakad pero
masyado na siyang nag-aalala.

"Sir Buenaventura." May sumalubong sa kanya na doktor.

"Can you check my fiancee? She's pale..." aniya at bakas sa mukha ang
frustration.

Tumango naman agad ang doktora at sinenyasan si Israel na


sumunod dito. May ibang nagtitinginan na sa amin at nagawa pa talaga kaming unahin.
Namumutla lang ako at masakit ang ulo ko.

Inilapag ako ni Israel sa malambot na kama at nameywang agad habang nakasunod


ang tingin sa ginagawa noong doktora.

Kumuha ito ng stetoscope at nilapitan ako. Si Israel naman ay napatingin sa


akin kaya pagod ko siyang nginitian.

"Pwede bang lumabas ka muna, Mr. Buenaventura?"

Nag-aalangan pa si Israel sa gusto noong doktor. Hinaplos ko ang kamay ni


Israel na ikinaloosen ng kanyang balikat at tumango na.

"Nasa labas lang ako." Yumuko si Israel at hinalikan ang aking noo.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang likod na lumalabas na, na kahit si Doktora ay


tiningnan rin ang likod ni Israel at ngumisi rin nang ibalik sa akin ang mga
tingin.

"I've never seen that man so scared like that. Alam niya pala ang ganoong
ekspresyon?" aniya at manghang mangha na.

Namula ang aking pisngi sa sinabi nito. Sino rin bang hindi makakakilala kay
Israel rito eh para nilang kaharian ang buong bukid.

Sinimulan niya akong icheck. Nakahiga lang ako roon at sinusunod ang kanyang
gusto. Kinunan rin ako ng blood pressure at tinimbang ako. Mukhang bumaba nga ang
timbang ko.

Bumalik ulit ako sa kama at sumandal sa headboard. Para na naman akong mahihilo
na ewan.

"These past few days may masakit ba sa'yo?" tanong niya habang may sinusulat
siya roon sa kanyang lamesa.

"Uh... Masakit po ang balakang ko. At ang ulo ko po," sagot ko.

"Hmm.. Nahihilo ka ba minsan?" tanong niya pa na ikinatango ko. Ilang araw


narin akong nahihilo.

"Getting emotional at small things? Mood swings?"

Ngumuso ako. Maliliit ba iyon na bagay? Pero mabilis akong nafufrustrate at


naiiyak agad. Tumango ako sa kanya at kinabahan na. Masisira na ata ang aking
ribcage dahil sa bilis ng kalabog noon.

Tumango tango siya at may tiningnan roon sa inaatupag niyang folder. May
isinulat lang siya at nagtanong ulit.

"How about your sex drive? Madalas ka bang..." Hindi niya natuloy ang kanyang
dapat sabihin at nakipagtitigan sa akin, na nagegets ko na ang balak niyang
sabihin.

Uminit ang aking pisngi.


"O-Opo..." Pag-amin ko at mariin ng napapikit dahil sa kahihiyan.

Nitong mga nagdaang araw... ang manyak ko na. Nakakahiya naman itong
pinagtatanong sa akin.

"Oh that's normal. " Marahan siyang tumawa kaya dumilat ako.

"Just avoid getting stress, hija. Eat healthy foods with fiber and all you need
is a bed rest. Reresetahan nalang rin kita ng vitamins..."

"Sige po. Uh? Ano pong sakit ko?" tanong ko sa kanya.

Nag-angat siyang muli ng tingin at nagkasalubong na ang aming mga mata. Ang
kanyang tingin ay may pinapahiwatig na.

"You're not sick. Your symptoms are normal since you're pregnant," aniya at
nginitian na ako. "Congratulations. You're having a baby Mrs. Buenaventura."

Suminghap ako at para akong nahulog kahit nasa kama naman ako. Nananayo na ang
aking balahibo at hindi ko pa halos maproseso sa aking utak ang kanyang sinabi.

B-Buntis ako?
"P-Pero di naman po ako nagsusuka," sabi ko pa na ikinatayo niya.

"Well... You're 2 weeks pregnant at normal lang na hindi ka pa masyadong


nasusuka. Later on, mararanasan mo rin ang bagay na iyon... Magsusuka ka,
magkakacravings, may aayawang amoy, morning sickness and so on," paglilinaw niya.

Oh God... Ngayon ko lang naalala na delayed na pala ako. Hindi na ako dinidugo.
Ni hindi ko na iyon napansin kakaano namin ni Israel. Akala ko sumasakit lang ang
aking balakang dahil nasobrahan na. A-Akala ko kaya ako masyadong emosyonal dahil
rin sa nangyayari sa amin ni Israel. Iyon pala... Wala sa sarili kong nahimas ang
flat kong tiyan.

May baby na kami...


Lumabas ang doktor at nagpaalam na kakausapin lamang si Israel. Hindi ko
maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halo halo na iyon at di ko na mapangalanan.
Naeexcite na natatakot ako na ewan. Para akong nakalutang sa ere at hindi ko na
naman maramdaman ang sarili ko.
"She's pregnant?!" Boses na iyon ni Israel sa labas. Ang kanyang boses ay
parang bombang sumabog sa buong lugar kaya ganoon iyon kalakas.

Ilang sandali lamang ay nakapasok na siya. Nagkasalubong agad ang aming mga
mata at sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nakita ang mga mata niyang
nangingislap sa saya. Parang isang madilim na kalangitan at may sumabog na
fireworks kaya ganoon nalang iyon kakislap at kagandang titigan.

Nagmamadali siyang pumunta sa aking harapan. Nagkatitigan kami at sinakop niya


agad ang dalawa kong pisngi. Nahawakan ko ang kanyang kamay at napangiti na dahil
sa kanyang reaksyon. Gulat na gulat at manghang mangha.

"For real?" Nanginginig niyang tanong na kahit ang kanyang kamay ay sobrang
pag-iingat akong hinahawakan. Na bigla akong mababasag at magkakapiraso pag masyado
niya akong hinawakan ng may pwersa.

Tumango ako na mariing ikinapikit ni Israel.


"God... You're pregnant." Naisandal niya ang kanyang noo sa akin at hindi na
mabura bura ang ngiti sa kanyang labi.

"How can I hug you right now if I'm so scared I might break you because of too
much excitement, Trace?" Nanginginig ang kanyang kamay at dumausdos iyon sa aking
likod.

Ako mismo ang yumakap sa kanya. Alam kong ito ang kanyang pangarap at ang
mabigyan siya ng anak ay natutuwa ako.

"Fuck... I'm going to be a father. My innocent angel is pregnant!" he whispered


with so much excitement.

Tumawa ako at lumandas agad ang luha sa aking mga mata.

"May baby na tayo, Israel... Buntis ako..." sabi ko at hindi rin magsink-in sa
akin ang lahat.

Isinubsob niya sa aking leeg ang kanyang mukha at naramdaman ko roon ang
kanyang ngiti, ang balikat niyang nanginginig at ang unti-unting pagkabasa ng aking
leeg. Umiiyak ba ito?

"Fuck... I am so happy I want to marry you right now," bulong niya roon na mas
ikinabasa lalo ng aking leeg.

Hinimas ko ang kanyang likod. Ang malalang umiiyak si Israel dahil lang buntis
ako ay nakakakilabot. Palagi niya nalang talaga akong pinapamangha.
Si Israel ang mas excited sa aming dalawa. Kung kanina ay natatakot ako sa
aking sitwasyon dahil baka hindi ko pa kaya pero iyong makita ang kanyang
ekspresyon na akala mo ay naabot niya ang kanyang pangarap ay naiibsan ang aking
alalahanin. Nasasabik narin akong magkababy dahil alam kong magiging mabuti siyang
ama sa aming anak. Ngayon ko lang siya nakitang sobrang saya!

Umalis rin naman kami sa hospital. Maingat niyang


nagmamaneho at sobrang bagal pa na akala mo ay may sakay siyang babasaging bagay.
Panay ang kanyang pagngisi at minuminuto ako nililingon. Kung noon ay nasasanay
akong humahawak siya sa aking hita at ipinapasok niya pa iyon sa aking dress, o
kaya hawak niya ang aking kamay, ngayon ay nakadampi na ang kanyang malaking palad
sa aking tiyan at tila pinoprotektahan agad ang nasa loob noon.

"Wala ka pa bang cravings? That's the reason why you ate alot! Gusto mo ng
barbeque? Tell me, Trace," naeexcite niyang tanong.

"Wala naman akong naiisip na gustong kainin eh..."

"Wala? But you need to eat. I need to feed you and our child... Di naman
pwedeng wala." Nagkasalubong pa ang kanyang kilay pero nanatiling kalmado ang
mukha.

"Wala eh... 2 weeks pa naman Israel... Di pa nga ako nagsusuka eh. Wala pang
hinihingi yung baby sa loob," sabi ko pa.

Nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi at mas lumawak lamang ang kanyang
ngisi. Itong araw na ito ang pinaka may matagal record holder ng pagngisi niya.
Kanina pa siya ganyan!

"Nagbunga rin ang paghihirap ko. Ang mga pawis na nailabas at mga—"

"Israel!" Namula agad ako dahil alam ko kung saan na patungo ang mga salita
niyang ganyan.

"This is my dream, Trace... You... getting pregnant with my child." Nabasa niya
ang pang-ibabang labi at mas lumiwanah pa ang kanyang mukha.

"Fuck... I want to make love to you," nanggigigil niyang sabi na ikinakagat ko


sa aking labi at di ko narin mabura bura ang aking ngisi.

Nababaliw na nga siguro kaming dalawa ni Israel. Kani-kanina lang ay umiiyak


ako at heto na kaming dalawa ngayon, tuwang tuwa na.

Pumunta rin naman kami roon sa lupain na sinasabi ni Israel sa akin. Napansin
ko agad ang malaking bahay at mukhang mansyon na sa aking paningin. T-Teka? Di ko
napansin ang isang bahay sa lupaing ito ah? Ang alam ko ang pinakamalaking bahay
lamang ay naroon sa bayan at sa kanila pa iyon.

Nagulat ako nang binuksan ang gate ng kung sinong lalake sa loob at ipinasok ni
Israel ang kotse. Huh?

Nilingon ko ito at pilyo na ang ngisi.

"Welcome to our home," aniya saka huminto ang pag-andar ng kotse at binuksan
ang pinto.

Our home? Bahay namin? Huh?! May bahay na kami?! Pinatayo niya?!

Nabura rin ang aking mga katanungan nang binuksan niya na ang front seat at
inalalayan agad ako sa pagbaba.

"Careful," sabi niya habang hawak ang aking kamay at nasa aking paa ang kanyang
tingin, walang pinapalampas sa aking galaw.

Umapak rin naman sa sahig ang dalawa kong mga paa. Namangha agad ako sa harap
ng bahay dahil sa fishpond na naroroon at may malaking statwa pa sa gitna at may
hawak itong jar kung saan umaagos ang tubig. Pinapalibutan pa ang bawat gilid noon
ng mga bulaklak at hindi lang iyon, sa bawat gilid ay may mga bulaklak rin!

"Sa'yo 'to?!" Nagulat na talaga ako lalo na at wala naman siyang nababanggit sa
akin.

Napatingin pa iyong lalake sa akin na mukhang tauhan ni Israel rito sa malaking


bahay sa akin saka niya rin ito sinenyasang iwanan muna kami.

Iniyapos niya ang kanyang braso sa aking beywang at inilagay agad ang palad sa
aking tiyan. Yumuko siya at pinatakan ako ng halik sa aking balikat at umakyat pa
iyon sa gilid ng aking ulo.

"Hindi sa akin, sa atin..." Pagtatama niya at iginiya na ako papasok.

Bumungad sa akin ang bulwagan ng malaking bahay. Kuminang agad ang aking mga
mata nang makita ko na ang loob at napakalaking chandelier sa itaas. Gawa sa marmol
ang sahig at pag tatakbo ako ay mabubuwal ata ako. Ang living room ay may
pagkatradisyunal ang interior design at may carpet pa na kulay beige kung nasaan
rin ang puting malalaking sofa at may parisukat na mesa pa sa gitna noon. May
fireplace pa sa harap noon at at sa bawat gilid nito ay nagsilbing parang shelf
dahil may mga librong nakalagay roon.

May enggrandeng hagdan na kumukonekta sa ikalawang palapag ng bahay. Gandang


ganda ako at di ko na namalayang nakaawang na pala ang aking bibig. May mga
malalaking bintana pa iyon at natatakpan lamang ng mahahabang kurtina. Dito na ba
talaga kami titira?! Ito ba ang magiging tahanan namin?

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin at nakabulsa na ang isang kamay habang
dinudungaw ang aking ekspresyon.

Tumango tango ako. Gustong gusto ko siya! Parang ang comfy tirhan ng bahay lalo
na't marami ring bulaklak na nakapaligid at mga kakahuyan. Masarap sa pakiramdam
manirahan sa ganitong mga lugar.

Napunta ang aking tingin doon sa may kusina. Hinila ko siya at nagtungo kami
roon. Napasinghap ako nang makita ang countertop at ang mga upuang nakikita ko sa
mga maharlikang pamilya. May pinto rin na kumukonekta ata sa labas kaya binuksan ko
rin iyon at sinilip kung ano ang naroon. Natawa ako sa sobrang tuwa nang makakita
ako ng swing na parang upuan, mga bulaklak sa paligid at may mga upuan ring
nakapalipot sa isang parisukat na lamesa. May mga nagkalat pang paru-paro at
dinadayo ang paligid dahil sa mga bulaklak na nagkalat. Paraiso na ata ang lugar na
ito...

Sa itaas naman kami nagtungo ni Israel. May apat na kuwarto roon at iyong
dalawa ay para raw sa babae 'tsaka lalake na magiging anak namin, iyong isa naman
ay guestroom. May cellar room rin sa dulo at gym niya. May mga equipments na roon
na kahit ang cellar ay napuno narin ng mga wines. Iyong mga gamit rin naming dalawa
ay nasa master's bedroom narin. Iyon ang pinakamalaking kuwarto rito sa itaas.

"Pero masyadong malaki ang bahay na 'to, Israel... Mansion na ito," sabi ko pa
nang makapasok kami sa kuwarto at di ko parin mapigilang mamangha.

Niyakap niya ako galing sa likod at isinandal ang kanyang baba sa aking
balikat.

"This is enough for us, for our baby, for our family, Trace... Pupunuin natin
ang bahay na ito ng mga masasayang alaala hanggang tumanda tayong dalawa. This is
just a beginning for the both of us... Magsisimula ulit tayong dalawa. Iyong wala
nang hadlang at walang pumapagitna. Simula sa araw na 'to, ang tanging papagitna
lang sa atin ay ang malaki mong tiyan at wala nang iba pa."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 65

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
Kung Wala Siya
Nagising ako sa unang umaga sa mansion sa mainit na yakap ni Israel sa akin. Sa
ilalim ng isang makapal na kumot na pinagsasaluhan namin ay ang mga katawan naming
hubad at ang tanging nakayapos sa akin ay ang kanyang mga bisig. Nakatalikod ako sa
kanya habang nakasandal ito sa aking balikat at mukhang mahimbing pa ang tulog.
Gumalaw ako at nag-ambang tumayo para buksan sana ang mahabang curtains at
papasukin ang sinag ng araw sa loob nang idinagan niya narin sa aking hita ang
kanya.
"Where are you going?" tanong niya sa husky na boses at tumatama pa ang kanyang
hininga sa aking leeg.
Bahagya ko siyang nilingon. Nakapikit parin ito at buhaghag ang buhok.
"Bubuksan ko ang bintana?"
"Later... Let's just cuddle," aniya.
"Umaga na, Israel," sabi ko pa.
"Hmm, don't stand-up. You might slipped and you're going to hurt yourself...
our baby."
"Ano?" Natatawa kong hinanap ang kanyang mga mata kahit na alam kong nakapikit
parin siya.
Pinihit niya ako paharap hanggang sa makita ko na ang kanyang kabuuan. Niyakap
niya akong muli at ipinahinga sa aking beywang ang kanyang braso.
Nasiksik ako sa kanyang leeg. Amoy na amoy ko ang kanyang natural na pabango sa
umaga.
"You're fragile. You might break yourself anytime..."
Tumawa ako at itinulak siya ng marahan para makita ang kanyang mukha. 2 weeks
palang akong buntis at hindi pa naman lumalaki ang aking tiyan. Kaya ko pang gawin
ang mga bagay bagay at siya itong masyadong paranoid.
"Eh bakit nag-ano tayo?" biglaan kong tanong dahil sa nangyari kagabi.
Dahan dahan siyang dumilat hanggang sa magkatitigan kami. Nakaunan na ako sa
isa niyang braso habang ramdam ko ang kanyang mga daliri sa aking batok at
sinusuklay na ang aking buhok roon.
"I was extra careful last night and the doctor said it's okay to do it."
Lumandas na ang kanyang palad sa kurba ng aking beywang at para iyong hinuhulma.
Namula ako sa kanyang sinabi. Tinanong niya talaga ang bagay na iyon sa doktor?
Baka isipin noon napakaano namin. Pero normal lang naman daw...
Ngumisi siya habang tinititigan na ako ng malalim. Kahit medyo dim pa ang
kuwarto ay kitang kita ko ang maliwanag niyang mukha. Israel's handsome face and
his sexy smirk is better than breakfast in the morning.
"Why are you so damn beautiful?" biglaan niyang tanong. Ang kanyang mga mata ay
gumagala na sa aking buong mukha.
"H-Huh?"
"Do you know how attractive you are to me?" Umangat pa ang kanyang kilay sa
akin.
Di ko iyon nasagot. Nalulusaw na naman ang aking puso sa kanyang inaasal.
Natatangay na naman ako sa kanyang mga salita. Nababaliw na naman ako.
"You're going to be the most beautiful wife and a mother to my child." Binasa
niya ang pang-ibabang labi at tumitig na sa aking labi.
Ngumiti ako kay Israel. Hinaplos ko ang kanyang panga at hinagkan ito. Pumikit
siya at dinama ang paglapat ng aking labi sa kanya. Nagawa niya pang ngumisi habang
nakapikit.
"You and your sweet kisses..." he drawled and buried his face on my neck. "What
do you want for breakfast? Wala ka parin bang gustong kainin? How about our baby?"

Bahagya siyang umahon hanggang sa tuluyan siyang bumaba at


lumebel na sa aking tiyan. Naexpose na ang aking dibdib at kalahati nalang ng aking
katawan ang natatakpan noong kumot.
"Israel," saway ko sa kanya roon pero inilebel niya lang ang kanyang mukha sa
aking tiyan at pinaulanan niya na ng maliliit na halik.
"What do you want to eat?" tanong niya roon sa aking tiyan at itinapat niya pa
ang kanyang tenga. Natawa ako sa kanya.
"Hindi pa siya sasagot 'no..."
Ngumisi siya roon at hinaplos na ang aking tiyan.
"Be good there, okay? H'wag mo masyadong pahirapan si Mommy sa pagbubuntis."
Hinalikan niya ulit ito na ikinangiti ko na.
Inabot ko ang kanyang mukha roon at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Masuwerte sila sa'yo kasi alam ko magiging mabuti kang ama sa kanila,
Israel..."
Umakyat rin naman siya patungo sa akin at pumaibabaw na. Hindi niya naman ako
dinadaganan pero sapat lang ang paglebel ng kanyang mukha sa aking mukha. Umabante
pa siya lalo hanggang lumapat ang kanyang labi sa akin at hinalikan ako ng marahan.
Nakatitig siya sa akin habang hindi nabubura ang ngisi at humahagod sa mabagal na
paraan ang kanyang halik.
Doon ata ako mas nawiwili. Iyon ata ang gusto kong matikman palagi. Ang matamis
at masarap na halik ni Israel sa akin. Kung pwedeng buong araw nalang sana kaming
maghalikan. Sana sa kuwarto nalang kami palagi.
Bumaba rin naman kaming dalawa para makakain raw agad ako ng aking agahan. May
dalawang kasambahay. Ang sabi niya ay magdadagdag pa raw siya ng isa lalo na't
buntis ako. Iyong si Dancio naman ay mukhang hardinero niya at tagaligo noong mga
kabayo.
Malawak ang lupain sa labas. May napapansin rin kasi akong mga tauhan doon at
mukhang may pinagkakaabalahan. Maraming pananim ang kanilang lupa at sa likod pa ay
mga puno ng mangga na pinagnanasaan ko ring sungkitin.
"Dalhan natin ng mangga si Mama, Israel," sabi ko sa kanya nang nagpasya kaming
lumabas dalawa. Gusto kong maglakad lakad sa lupain.
"Sige. Bibisitahin mo si Mama ngayon?" tanong niya sa akin at nasa nilalakaran
ko ang kanyang tingin.
Tumango ako at isinabit ang buhok kong sumayaw sa ere dahil sa hangin. Ang suot
kong dress na nipis ay hinahangin at pinaglalaruan rin kaya gumagalaw galaw iyon.
Isa itong A-line strap dress. May desinyo iyong flotal prints at tanging tsinelas
naman ang aking suot bilang sapin sa paa.
Gumala sandali ang tingin ni Israel sa malawak na lupain. May mga tauhan siyang
tinanguan lamang lalo na't nasa kanya ang tingin. Nakasuot lamang ito ng puting
cotton shirt at isang maong na short at timberlands naman sa pang-ibaba. Guwapong-
gwapo na naman ito sa nagrerebelde niyang iilang hibla at tumatakip sa kalahati ng
kanyang noo.
Kinawayan ko ang mga tauhan niya at ngumiti sa kanila bilang pagbati kaya halos
lahat ata sila ay kumaway narin sa akin pabalik at tuwang tuwa na.
Mabilis akong nilingon ni Israel, magkasalubong na ang kilay.
"Ganoon ka dapat bumati, Israel," sabi ko pa sa kanya.
Iginiya niya agad ako paalis roon.
"You can't just do that to my men, Trace. Mawawalan sila ng trabaho sa ginagawa
mo," suplado niya pang sabi habang nakabulsa ang isang kamay at magkakasalubong
parin ang kilay.
Tumawa ako. Ang suplado rin talaga nito!
Sa umagang iyon ay pinanood kong manungkit si Israel. Nakahubad na ang kanyang
pang-itaas na damit at titig na titig na ako sa pagfeflex ng kanyang muscles.
Umawang pa ang aking bibig nang makita ko ang v-shape sa parte ng kanyang tiyan
pababa. Nakaawang ng kaonti ang kanyang mga labi habang nakatingala at sinusungkit
iyong grupo ng mga mangga sa itaas.

Ngayon ko lang talaga napagtanto iyong mga sinasabi nila


Rinka sa akin na masarap pala talagang panoorin si Israel habang topless at
nanunungkit ng mga mangga. He looks so manly, so hot, so addicting...
Naalala ko bigla iyong tatlo kaya nahimasmasan ako sa aking pinag-iisip. Oo nga
pala... Nandito parin ba sila sa bukid? O umalis rin sila? Kumusta na kaya ang
tatlong iyon?
Inilagay namin iyon sa basket ni Israel at nagtungo rin kami sa bahay. Nadatnan
namin si Mama sa may pinto na may hawak na itak kaya kinabahan agad ako.
"M-Ma," tawag ko sa kanya na ikinatigil niya roon at binalot agad ng inis ang
mukha.
"Oh? Ba't ka pa bumalik dito? 'Di ba ay pinili mo na iyan?" matabang niyang
tanong at nagsimula ring maglakad.
Nagkatinginan kami ni Israel. Ibinalik ko kaagad ang tingin sa aking ina at
akma itong susundan nang humigpit ang braso niya sa akin.
"You're pregnant, Trace. What if she slap you again?"
Tiningala ko ang nag-aalala niyang mukha.
"Hindi naman siguro, Israel... Ilagay mo nalang sa loob ng bahay iyong mangga."
Kinalas ko ang kanyang braso sa akin na unti-unti rin namang lumuwag.
Tumango siya at pinakawalan rin naman ako kaya sumunod agad ako kay Mama.
Naroon na siya sa likod, nadatnan ko itong iniitak iyong mahahabang damo roon.
"M-Ma," tawag ko ulit at napisil na ang aking mga kamay.
Hindi siya umimik at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Ngumuso ako at isinabit
ang ilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tenga.
"Ma..." tawag kong muli.
"Ano?" iritado niyang sagot at mukhang nakukulitan na sa akin.
"Galit parin po ba kayo?" Malungkot kong tanong.
Hindi siya sumagot at marahas na pinag-iitak iyong nadadaanan niya. Ilang
sandali lamang ay si Israel naman ang nagtungo rito at nagawa pang lumapit sa aking
ina. Ako ang natatakot sa ginagawa niya dahil baka sapian ng demonyo si Mama at
bigla siyang itakin!
"Ako na, Ma," si Israel na nagawa pang ilahad ang kanyang kamay kay Mama.
Natigil si Mama sa kanyang ginagawa at nilingon ang kamay ni Israel. Nagawa
niya pa akong lingunin kaya pilit agad akong napangiti. Ibinalik niya rin naman ang
kanyang mga mata kay Israel at iritadong ibinigay iyon sa kanya.
Nagwalk-out si Mama pagkatapos niya iyong ibigay kay Israel. Sinundan namin
siya ng tingin kaya sinenyasan niya akong sundan ito. Tumango ako at sinimulan ring
alisin ni Israel iyong mga damo roon. Sumunod ulit ako kay Mama na pumasok na sa
bahay. Naroon siya sa lamesa, nakatitig na sa mga mangga kaya nagtungo rin ako roon
at kumuha ng iilang mangga.
"Babalatan po kita ng mangga," sabi ko at mabilis na nagtungo sa harap ng sink.
Umupo naman si Mama roon at humalukipkip pa. Palingon lingon ako sa kanya at di
parin nagbabago ang kanyang ekspresyon.
"Mukhang ang saya mo sa kanya ah?" matabang na sambit ni Mama.
"Mabait naman po si Israel, Mama..."
"Tsss... Inlove ka lang," sagot niya pa.
Ngumuso ako at itinuon ang aking mga mata sa aking binabalatang mangga.
"Alam mo po, Mama... Nagtayo po ng malaking bahay si Israel doon sa dulo ng
lupain. Maganda po 'yung bahay. May mga katulong rin po. May mga punong mangga...
bulaklak, at para po iyong mansyon," pagkukwento ko sa kanya.
"Oo alam ko 'yan. Kalat sa bayan ang balitang may ipinatayo siyang mansyon
doon," sagot niya pero di parin nawawala ang inis sa tono ng pananalita.

"Ma... Maganda naman po ang hangarin ni Israel. Iba naman


po iyong kay Kuya Bram at Ate Rici. Iba rin po sa amin ni Israel. At ni minsan po
Mama, di po ako sinaktan ni Israel. Ako palagi itong nasasaktan siya. Ako palagi
ang bumibitaw. Ilang beses ko po siyang tinaboy at sinukuan. Sa harap ko po, nakita
ko kung gaano siya kahina pagdating sa akin at kung paano siya umiyak. Karapat
dapat pong ipaglaban ang mga ganoong lalake, Mama..."
Hindi na sumagot si Mama at tahimik lamang na nakaupo roon. Bumuntong ako ng
hininga at pagod nalang na napangiti. Konti nalang Israel...
Hindi na ako nagsalita pa lalo na't medyo nakakaramdam narin ako ng pagkahilo.
Tumigil ako sa pagbabalat at nahipo ang aking ulo. Sakto namang pumasok si Israel,
medyo pawisan na at nasa akin agad ang mga mata.
Nilingon siya ni Mama. Inilapag ni Israel ang itak sa gilid at mabilis akong
dinaluhan.
"Ako na. Just sit." Inagaw niya agad sa akin iyong kutsilyo saka niya hinugasan
ang kanyang mga kamay.
"Tulungan nalang kita," sabi ko pa pero iba na ang kanyang tingin sa akin.
"Stop moving around like you're not pregnant, Trace. What if you hurt yourself
with this knife?" inis niyang sabi.
Mabilis na napalingon si Mama sa amin. Doon ko napagtanto ang sinabi ni Israel
lalo na't dumirekta na ang kanyang mga mata sa aking tiyan.
"Buntis ka?" tanong ni Mama na ikinalunok ko ng laway.
Marahan akong tumango. Si Israel naman ay inilingkis agad ang isang braso sa
akin at hinawakan ang aking tiyan. Para niya itong pinoprotektahan.
Umawang ang bibig ni Mama para sana may sabihin pero natikom rin ang kanyang
bibig. Nakapaskil roon ang gulat na mabilis niya rin namang nabawi at nag-iwas na
ng tingin sa akin.
Tiningala ko si Israel. Ang aming mga mata lang ata ang nag-uusap sa reaksyon
ni Mama.
"Umupo ka rito," biglang sabi ni Mama.
Lumuwang ang braso ni Israel sa aking beywang at hinayaan akong makawala sa
kanya. Nagtungo ako roon sa isang upuan at umupo. Si Israel naman ang nagpatuloy na
sa pagbabalat.
"Ilang araw na?" tanong ni Mama sa magkakasalubong na kilay at matigas na
boses.
"2 weeks na po, M-Ma," sagot ko.
"Paano ang pag-aaral mo? At bakit hindi mo sinabi agad sa akin?"
Napatingin agad ako sa likod ni Israel. Nilingon niya rin ako.
"Ahh..." Ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya.
"Pag-aaralin ko siya sa susunod na taon, Ma. Total gusto rin ni Trace na
makapagtapos. At kahapon lang rin namin nalaman," si Israel ang sumagot.
Umawang ang bibig ni Mama.
"At paano ang apo ko kung nag-aral kana?!" galit na tanong ni Mama kasabay ng
panlalaki ng kanyang mga mata.
Wala agad akong maisagot doon dahil maski ako ay wala naring alam. Nabablangko
na ako.
"I'll take care of our child while she's studying," sagot naman ni Israel at
palingon lingon lang.
"Wala kang trabaho?" Iritadong nilingon ni Mama si Israel sa kanyang likod.
"I have, Ma. Maybe I'll just take some leave and-"
"Ako na ang mag-aalaga sa apo ko," suhestyon ni Mama sa boses niyang pagalit
parin.
Napakurap ako. Nagkatinginan pa kami ni Israel sa kanyang sagot. Nagtungo rin
naman siya sa amin at inilapag na iyong bowl na may mga slices ng mangga.

"I can hire some nanny, Ma. Baka mapagod ka," si Israel.
"Anong mapapagod? Purket magiging lola na ako ay mapapagod na agad? Mahina na?
Bata pa ako! Kung di mo lang binuntis nang maaga ang anak ko edi hindi ako tatanda
ng maaga!"
Napanguso si Israel at nagpigil na ng ngisi. Ako naman itong nanglalabo ang mga
mata at maiiyak na ata ano mang oras dahil sa inaasta ni Mama.
Tumayo ako at niyakap agad si Mama. Nagsilaglagan agad ang aking mga luha at
napakipit na.
"Ma... Sorry kung pakiramdam niyo ay nabigo ko po kayo..." tangi kong bulong sa
kanya.
Nagloosen ang balikat ni Mama at hindi na umimik. Sa aking likod naman ay
naroon ang kamay ni Israel at hinahagod iyon.
"Mahal na mahal po kita Mama at di ko po kayang galit kayo sa'kin..." Nabasag
agad ang aking boses at humagulhol na.
"Tigil-tigilan mo ako sa drama mo, Trace. Buntis ka lang talaga kaya ang
emosyonal mo."
"Totoo naman kasi, Ma! Ayoko pong galit ka sa'kin..." Humikbi ako sa kanyang
balikat. Hinagod lalo ni Israel ang aking likod.
Suminghot si Mama at umangat pa ang kanyang kamay para may punasan na kung ano
sa kanyang pisngi. Kinalas niya ang aking mga kamay at sinenyasan akong bumalik sa
aking upuan.
"Galit ako sa'yo dahil sinusuway mo ako. Manang mana ka rin talaga sa Kuya mo.
Ang tigas ng mga ulo niyo," si Mama na hindi na makatingin sa akin.
Pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata habang si Israel naman ay nasa akin
parin ang tingin. Ngumuso si Israel at nagtungo naman sa loob ng ref.
"Kumain na kayo, Ma?" tanong ni Israel habang sinisilip ang laman. "You don't
have enough food here. Why not just live with us?"
Nagkatinginan kami ni Mama sa sinabi ni Israel. Nilingon ko narin si Israel at
nakitang naglalabas na ng karne roon. Hindi naman siya sinasaway ni Mama.
Hinahayaan niya ngang tawagin siyang 'Mama' na Israel. H-Hindi kaya ay natablan
siya noong ginawa ni Israel? Ni hindi niya kami tinaboy kaninang dalawa. Ganito
naman talaga si Mama, umaaktong naiinis kahit ang totoo ay nagmamalasakit.
"Ba't naman ako titira roon?" Umirap si Mama at kumuha ng mangga saka sumubo.
"Talaga, Israel? Pwede si Mama sa bahay?" Naeexcite kong tanong na ikinatango
ni Israel.
"It's better if she's with us."
Ngumuso si Mama at ipinatili ang inis sa mukha. Napangiti naman agad ako ng
malapad kay Mama.
"Ma!"
"Hindi," matigas niya paring sabi at gusto lang atang magpakumbinsi.
Tumayo na ako na ikinatingin ni Israel. Nagkakasalubong ang kanyang kilay sa
bawat galaw ko.
"Ako na po ang mag-iimpake sa mga gamit niyo, Ma," sabi ko pa at nagtungo na sa
kanyang kuwarto.
Naiwan roon si Mama na gulat at tinatawag ako pero di ko na ito pinakinggan.
Kinuha ko iyong malaking bag at binuksan ang kanyang drawer saka ko sinimulang
kunin ang kanyang mga damit. Naririnig ko naman silang nag-uusap ni Israel pero di
ko na masyadong pinagtuunan ng pansin dahil masyado akong natatangay sa ginagawa
ko. Mas maganda rin naman kasi talaga na kasama namin si Mama at di siya mag-isa
rito. 'Tsaka gusto ko rin na palagi kaming magkasama eh.
Paglabas ko ay kakalapag lang ni Israel sa kanyang niluluto. Pinaupo niya ulit
ako roon at pinunasan pa ang namuong pawis sa aking noo. Si Mama naman ay
nagkakasalubong ang kilay pero walang sinasabi.
Kumain kami roon at pagkatapos ay si Israel pa ang nagpresentang hugasan ang
mga plato. Ngumingiwi pa si Mama nang makita itong ekspertong naglalapag ng mga
babasaging plato at walang nababasag. Pagkatapos noon ay nagwalis pa siya at kulang
nalang ay linisin ang buong bahay. Ngayon ko lang nakitang ganito si Israel. Si
Mama mukhang namamangha rin pero pag nahuhuli ko siyang ganoon ay mabilis niyang
binubura iyon sa kanyang mukha.

"May mga labahin ka, Ma?" tanong ni Israel na ikinagulat


ko.
Medyo pawisan na ang kanyang noo pero walang pagod na makikita sa mukha.
"Nasobrahan ka naman ata sa pagpapapansin," si Mama.
Ngumisi si Israel at nameywang na.
"Don't worry I'm not going to ask anything in return... just your daughter's
hand." Binalingan pa ako ni Israel.
Namula ang aking pisngi. Si Mama ay mas nasira ang ekspresyon.
"Ipagdadamot ko pa eh binuntis mo na. At isa pa, marupok si Tracey kaya kahit
ilayo ko iyan gagapang iyan pabalik sa'yo."
"Grabe, Ma!" Natawa ako sa kanyang sinabi.
"Aba'y hindi totoo?" Inangatan ako ng kilay ni Mama.
Sumimangot ako at hindi na sumagot. Tumawa naman si Israel at tuwang tuwa sa
sinabi ni Mama.
"Marupok ka pala, Trace?" Nanunuyang tanong ni Israel sa akin habang
nakapameywang parin sa kanyang kinatatayuan.
"Hindi 'no," sinimangutan ko siya.
"Sus..." si Mama naman.
Pinagtutulungan ba nila akong dalawa? Close na sila?
May sasabihin pa sana ako kung hindi lang may pumaibabaw na mga boses sa labas
ng bahay. Tinatawag ng kung sinong pamilyar sa akin ang aking pangalan at sumisigaw
na sa labas.
Napatayo agad ako. Sinundan naman ako ng tingin ni Israel. Binilisan ko ang
aking paglalakad kahit na tinawag ako ni Israel at mukhang nababahala sa aking
kilos pero di ko na ito pinakinggan.
Pagbukas ko ng pinto ay tama nga ang hinala ko, naroon ang tatlo at sobrang
nagbago na ang kanilang mga postura.
Nanlaki ang mga mata ni Rinka nang makita ako. Si Cecille at Rose ay nalaglag
pa ang mga panga nang tingnan ako mula ulo hanggang paa. Napansin kong short hair
na si Rose, si Rinka naman ay mahaba na ang buhok na nakaponytail at si Cecille ay
medyo pumuti. Dalagang dalaga na ang mga ito at tumangkad rin.
"Totoo nga ang kumakalat sa bayan na sobrang ganda mo na! Nagbalik kana!"
Mabilis akong hinila ni Rinka at niyakap ng mahigpit.
Iyong dalawa ay nakisali narin at nagtitilian na sila. Inamoy amoy pa ako ni
Cecille na ikinatawa ko narin.
"Ang bango bango mo Trace! Pabango na ba ang nililigo mo?!" si Rose.
"Amoy rich kid kana ah! Di kana rin mareach! Mukha kanang modelo! Nakapangasawa
ka ba ng matandang mayaman sa syudad?!" si Cecille naman na isinigaw pa talaga iyon
sa sobra niyang excited.
"Namiss kita, Trace! Alam mo ba na ang boring pala pag wala kang inosenteng
kasama! Itong dalawa kasi sobrang dumi na ng mga pagmumukha! Binagay nila sa mga
utak nila!" si Rinka naman na mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Syempre Rinka, nainspire kami ni Rose sa mukha mo!"
Tumawa ako sa kanilang pinagsasabi at medyo nasusuffocate na sa sobrang higpit
ng yakap ng tatlo. Nasa gitna nila ako at di ko na sila maawat.
May tumikhim sa likod namin kaya doon lumuwang ang kanilang yakap. Napalingon
sila roon kaya nilingon ko narin si Israel, nakasandal sa gilid ng pinto habang
nakahalukipkip na akala mo ay may-ari ng bahay.
"Don't hug my fiancee too much. Our baby might get hurt..." si Israel na Oa.
Iyon ang ikinalaglag ng kanilang mga panga at ikinalaki ng kanilang mga mata.
Pabalik balik ang kanilang tingin sa akin. Gulat na gulat silang tatlo.

"Buntis ka?!" sigaw ni Rinka at natakpan agad ang boses.


"Si Israel ang ama?!"
"Teka, kayo?!"
"Trace! Nagkabalikan kayo?!"
"Fiancee?! Live in na kayo rito?!"
Sa dami rami ng kanilang tanong ay di ko na alam kung sino ang unang sasagutin
at di ko narin mahabol kung sino ang nagtatanong noon. Palipat lipat ang mga mata
ko sa tatlo. Nang hindi makapagtimpi si Rinka at gusto agad malaman ang totoo ay
kinaladkad na nila ako palayo kay Israel. Nilingon ko siya at tumuwid pa ito ng
tayo at magkasalubong na ang kilay.
"Careful," inis na sabi ni Israel.
"Pahiram ng kaibigan namin!" sigaw ni Cecille at humabol narin ang dalawa.
Noong malayo na kami roon ay nagtilian agad ang tatlo sa aking harapan. Kulang
nalang ay mangisay si Rinka sa sahig at si Rose naman ay nasasampal ang kanyang mga
pisngi. Natawa ako ng marahan dahil hindi parin sila nagbabago. Ang hahyper parin.
"Pinasukan kana ng panungkit niya?! Jusko, Trace! Ang mga pangarap namin ay
natupad mo na!" si Rinka.
"Ano... abot sinapupunan ba? O abot ngala ngala?" si Rose naman.
"Gaano kahaba Trace?! Grabe ka! Noon pahard to get ka pa at diring diri ka pa
sa mga kwento namin tapos ngayon buntis kana! Ilang beses niyong ginagawa!" si
Cecille.
"Experto, Trace? Magaling bang mangabayo? Eh mahilig mangabayo si Israel! Ikaw
na ata ang pinalit niya!"
"Idetalye mo sa amin, Trace! Parang awa mo na magkuwento ka! Si Israel na iyon!
Ang pinakahot at guwapong lalake rito! Naiisip ko palang ang labi noon hihimatayin
na ako tapos paano pa kaya kung iyong panungkit niya!"
"Masakit ba Trace? Dumugo ang ano mo sa sobrang laki?! Napaiyak ka ba?"
"Hinawakan mo ba ng maayos ang mga pangarap namin, Trace?! Jusko ang swerte mo!
Pinagpala ka ng husto! Dapat talaga nagpakabait ako at nagbasa basa nalang ng libro
eh! Edi sana biniyayaan rin ako ng isang Israel!" si Rinka naman na nagawa pang
ipadyak ang kanyang mga paa.
Pulang pula na ang aking buong mukha sa kanilang tanong. Medyo nahilo pa ako sa
kanilang sunod sunod na pagsasalita. Nahimas ko ang ulo kong kumirot kaya medyo
nataranta sila.
"O-Okay ka lang..." si Rose na hinawakan agad ako.
Tumango naman ako at ngumiti.
"Okay lang. Normal lang daw ito lalo na at buntis ako..." sabi ko pa saka ko
hinawakan ang aking flat na tiyan.
"Masyado lang talaga kaming naeexcite, Trace. Sige sa susunod kana lang
magkuwento pero dapat idetalye mo talaga ha!" si Rinka naman na desidido atang
malaman ang pinaggagawa namin ni Israel.
Ngumuso ako. Si Cecille naman itong biglang hinawakan ang aking mga pisngi.
Tumitig siya sa akin at manghang mangha na.
"Grabe... Mas lalo kang gumanda. Kung ako rin si Israel mangangabayo agad ako
sa ibabaw mo. Ang ganda ng lahi niyo, Trace!"
"Buti ka pa nga buntis na at may jowa pa. Eh kami... Hirap pang mag-aral kaya
sumasideline sa pagtatrabaho para makaipon." Humalukipkip si Rose at sumimangot na.
"Ako rin naman hindi pa nakakapagtapos..." sabi ko sa kanila.
Sa dami ng kanilang gustong malaman ay nagtungo nalang kami sa bahay lalo na't
pinapapasok narin ako ni Israel dahil medyo masakit na sa balat ang sinag ng araw.
Nagbalat siya muli ng mangga at iyon ang inilapag niya sa lamesa habang
nagkukwentuhan kaming apat. Tinatanong nila ang naging buhay ko sa syudad. Minsan
ay nililingon pa nila si Israel at hahagikhik agad.

"Edi bati na ang Mama mo at ang mga Buenaventura?" pabulong


na tanong sa akin ni Rinka.
Si Israel ay may panibagong niluluto kaya nakatalikod ito sa amin. Si Mama
naman ay nasa kuwarto niya lang.
"Hindi ko alam eh... Pero parang okay na kay Mama si Israel," sagot ko.
"Talaga? Mabuti naman pala. Eh mabait naman si Tita Tasha 'no..." si Cecille.
"Pero maswerte ka ha at hindi ka inaapi noong asawa ng Papa mo. Eh uso pa naman
ang ganoon sa mga napapanood ko sa tv." Humilig si Rinka sa lamesa at hawak na ang
gilid ng kanyang leeg.
Ngumiti nalang ako at hindi na idinitalye pa ang pagsuko ko sa apelyido ni
Papa. Di ko narin kinuwento ang pag-aaway namin ni French. Ayoko namang sirain ang
half sister ko sa kanila. Gusto kong iyong masasaya naming alaala ni French ang
malaman nila. Alam kong nadala lang talaga si French sa galit niya.
"Pero maiba ako Trace... Iyong Brennan, guwapo?" Ngumisi agad ng malisyoso si
Cecille. Nilapit niya pa nga ang kanyang mukha sa akin.
"Uh... May asawa na siya," deritso kong sagot na ikinasira agad ng kanilang
mukha.
"Aray ko naman. Di mo man lang dinetalye sa amin ang hitsura. Winasak mo ang
pagpapantasya namin. Sa kuwento mo na nga lang kami sumasaya sisirain mo pa,"
madramang sabi ni Rose.
"May asawa na kasi talaga si Kuya. Maganda iyong babae. Chinese, matangkad,
maputi, basta maganda siya at nabibilang sa mayamang angkan," paliwanag ko pa na
ikinabusangot na talaga ng tatlo.
"Ba't di ka nalang bumalik sa syudad, Trace? Umuwi kana lang doon. Ayaw na pala
naming makita ka," umirap si Rinka sa akin na ikinatawa ko.
"Pinapamukha mo talaga ang mga bagay na wala sa aming tatlo eh. Mas malaki pa
ang hinaharap namin kaysa sa'yo ha," si Cecille naman.
"Iyon lang naman ang lamang niyo," sagot ko naman na sabay talaga nilang
ikinatayo.
Pabiro silang nagwalk-out at kunwari ay naiinis na. Tumawa ako sa aking upuan.
Natawa rin naman sila at nagsibalikan rin.
"Sa anak mo na nga lang ako aasa. Sana lalake... Hihintayin ko talaga, Trace.
Para naman malahian ako ng dugo ng isang Buenaventura 'no." Ngumisi na si Rinka.
"Kadiri ka! Sugarmommy kana kung lumaki na iyong bata!" si Cecille naman pero
humagikhik rin kalaunan. "Pero sana ay may sumunod na lalake. Hihintayin ko nalang
rin!"
"Sa mga anak mo nalang kaming tatlo aasa, Trace! Sana lalake! Ipagdadasal ko
talaga nang malahian rin kami ng magandang lahi 'no!" si Rose naman.
"Mapapariwara ang mga anak ko sainyo," sabi ko pa at sumimangot na.
Nagtawanan sila at masyado naring excited sa aking baby. Kahit ano na ang
binubuo nilang pangalan.
Ang rami naman noong tatlo. At gusto ko rin babae eh. Baka nagkataon may
tatlong Israel na dumagdag... Si Israel pa nga lang nababaliw na ako paano pa kaya
kung may tatlo pa at mana sa kanya lahat? Di ko maimagine ang mga madidilim at
misteryosong mga mata ng mga bata. Tapos suplado at nakakatakot pa.
May biglang bumusina sa labas ng bahay. Nahinto kami sa pagkukwentuhan na kahit
si Mama ay napalabas narin ng kanyang kuwarto.
"Ba't ang rami atang dumadayo ngayon sa bahay?" Takang taka niyang tanong.
Si Israel ang nagtungo sa may bintana at tiningnan kung sino ang nasa labas.
Nakarinig ako ng pagkakasara ng mga pinto ng kotse na kahit si Israel ay umangat na
ang kilay nang nilingon niya ako.
Bumalik siya sa kanyang niluluto.
"I'll just get the knife. The brat is here," pabirong sabi ni Israel pero
kalmado lang naman boses.

"Huh?! Si French?!" Napatayo na ako sa aking kinatatayuan.


"French? Iyong halfsister mo? Nandito?" si Mama naman.
"Uy talaga! Patingin!" Tumayo na si Rinka at nagtungo sa may bintana. Kahit ang
dalawa ay nakiusyoso narin doon. Kitang kita ko kung paano nila ako nilingon at
laglag panga na saka sila nagsapakang tatlo habang nangingisay roon na akala mo ay
inasinan.
"Ang guwapo ng kapatid mong lalake, Trace! Jusko! Kung ako ang naging kapatid
niyan ay magkakasala ata ako!" si Rinka.
"Ang kisig! Para lang ring si Kuya Bram ang tindig!" si Rose.
"Ang sarap naman luhuran niyan!" si Cecille naman.
Nagtungo ako sa may pinto at hindi pinansin ang lintanya ng tatlo. Si Israel
naman ay nakasunod ang mga mata sa akin pero ibinabalik rin sa kanyang niluluto.
"Kaya talaga marupok itong anak ko dahil napapalibutan ng tatlong may tig aapat
na sungay," sabi ni Mama sa apat na nagtawanan agad.
Ang huli kong maalala ay magkagalit kami ni French. Hindi kaya...
"Gosh! It's a bit maputik! My Gucci shoes!"
Narinig ko na nga ang maarte at matinis na boses ng aking kapatid. Pagbukas ko
ay nakita ko nga ang aking mga kapatid na naglalakad na patungo rito. Nahuhuli si
French kasama ang kanyang aso at iniiwanan ni Kuya Brennan dahil masyadong maingat
si French sa paglalakad at iniiwasan ang tingin niya ay madumi.
"Kuya!" Nakasimangot na sigaw ni French at nakuyom na ang mga kamay pero nang
magkatagpo ang aming mga mata ay huminahon rin naman ang kanyang ekspresyon.
Naunang nakarating si Kuya Brennan sa aking harapan suot ang kanyang supladong
mukha at isang fit leather jacket, cotton shirt at maong na pantalon. Tiningnan ko
ang sapatos niyang wala namang putik. At hindi naman masyadong maputik ah? Dry
naman ang sahig.
"You left," panimula agad ni Kuya Brennan sa malamig niyang boses.
Iyong tatlo namay ay mabilis na nagtungo sa aking likuran. Kumaway pa sila kay
Kuya pero tiningnan lang sila saglit nito at ibinalik rin sa akin.
Sinilip ko si French sa kanyang likod at nagmamadali narin itong maglakad.
Nakahigh ponytail ang kanyang buhok at bitbit pa talaga si Kaki. Nakahaltered top
siya na kulay cream, heels at isang fit na itim na jeans.
"Oh my gosh so this is your house?! Feeling ko pag bumagyo maaanod ang bahay
niyo! It looks so maliit!" Iyon agad ang sinabi ni French nang tuluyan naring
makalapit. Ang kanyang mga mata ay gumagala sa labas.
"Ay ang arte ng kapatid mo, Trace. Ang ganda ganda sana pero ang arte," bulong
sa akin ni Rinka sa aking likod.
Hindi ko nalang iyon pinansin at itinuon ang mga mata kay Kuya.
"Kuya, ba't kayo nandito?" tanong ko.
Ibinalik ni French ang kanyang mga mata sa akin.
"Daddy told us to pick you up. Continue your studies daw muna bago ka umuwi
rito. He's sad kasi you left so inutusan niya kami na pumunta rito-"
"Sinuggest ni French na puntahan ka namin rito," putol ni Kuya kay French na
nalaglag agad ang panga.
"It's not true! It was Daddy's plan nga. And no choice ako kasi utos niya,"
rason naman ni French.
Napangiti na ako. Alam ko ang ugali ni French... At iyong malaman na gusto niya
akong puntahan rito... Nakakatuwa!
"Papasukin mo ang mga bisita mo, Trace. H'wag kayo diyan sa may pinto," si Mama
iyon.

Pinapasok ko nga ang dalawa sa bahay. Gumala naman agad ang


mga mata ni French pero nang makita si Israel ay napasimangot agad siya. Inangatan
siya ng kilay ni Israel at masyado nang suplado ang mukha nito habang naglalapag
noong pinagluluto niya.
"Magsiupo kayo." Iminuwestra ni Mama iyong mahabang upuan namin.
"Hi po, Tita!" Kinawayan ni French si Mama na tumango naman at hilaw ang ngiti.
Pinakawalan niya si Kaki na kumaripas agad ng takbo sa paligid. Lumapit siya sa
akin at bumulong.
"Did you tell her na inaway kita?" bulong niya na ikinailing ko.
Kumislap ang kanyang mga mata at wala nang sinabi. Lumayo rin naman siya nang
napagtanto niyang kinausap niya ako.
Iyong tatlo ay ang lagkit na makatitig kay Kuya Brennan. Nagkasya naman silang
lima sa upuan. Si Kuya sa dulo, si French, si Rinka na katabi si Cecille at sa dulo
rin ay si Rose.
Tumulong ako kay Mama sa paglalagay ng plato. Si Israel naman ay panay ang
sunod ng kanyang mga mata sa akin habang nilalagay sa isang bowl ang kanyang
niluluto kanina.
"Ang bango," narinig kong sabi ni Rose at humagikhik agad ang tatlo.
"Ah... Oo nga pala, French... Si Rinka, Cecille at Rose. Mga kaibigan ko rito,"
sabi ko sa kanya na ikinatingin niya sa tatlo at ngumiti ng pilya.
"Hi!" Kumaway siya. Si Kuya Brennan naman ay nakatunganga sa kanyang cellphone.
Eh wala namang signal dito. Dapat sinama niya nalang rin ang asawa niya.
Naging maingay ang loob ng bahay. Si French naman ay panay ang pakikipag-usap
kay Mama. Napapangiti nalang ako dahil alam kong bumalik na siya sa dati.
Nasisiyahan ako dahil mukhang unti-unti nang natatanggap ng mga taong humahadlang
sa amin ni Israel na para kaming isang bagay na hindi pwedeng paghiwalayin.
Kaya pagkatapos kumain ay si Israel ulit ang nagpresentang maghugas. Manghang
mangha pa ang tatlo dahil nakikita nila itong kumikilos sa bahay. Si Kuya Brennan
naman ay nasa labas at itinataas ang kanyang cellphone, naghahanap ng signal.
Iyong tatlo ay nagbalat ng mangga at iyon naman ang kanilang pinagkaabalahan
habang humahagikhik. Si Mama ay tinutulungan si Israel sa loob habang kami ni
French ay nasa labas. Kapwa kami nakasandal sa pader habang pinapanood ko si Kuya
na kahit saan na pumupunta at ang kanyang tingin naman ay nakay Kaki na tumatakbo
na sa paligid.
"I know I've been a brat. Assuming, and you know... Nanaginip ako ng gising."
Tumawa si French at sinuklay ang kanyang buhok.
"Nadala lang ako non..." sabi ko sa dismayadong boses.
"No..." Umiling siya at nilingon ako. "You're right naman. Nadala lang rin ako
sa pagseselos ko kasi Israel is just too attractive for me. Kaso when I saw him cry
for you... I realized you deserve to be happy rin. The way he fight for you... The
way he held you tightly and cried on your neck kasi akala niya you're going to left
him... I realize I am so cruel for creating a war..." Napabuntong siya ng hininga
at ngumiti sa akin pero may halo nang sakit.
"I cross the line... I am so stupid and Mommy is right. Nasanay lang ako na
nakukuha ko ang gusto ko. I got hurt rin kasi hindi mo agad sinabi sa akin..."
"Naiintindihan kita, French. Kung di mo rin iyon ginawa, di ko maipaglalaban ng
ganoon ang lalakeng ilang beses ko ng tinalikuran. Naging tulay ka para harapin ko
ang kinatatakutan ko, ang ipaglaban siya sa lahat ng bagay. Di ko rin kasi iyon
nagagawa... Pero dahil sa nangyari, sumugal ako at gusto kong patunayan kay Israel
na kahit ganito kadilim ang mundo naming dalawa, kahit parang nilalamon na ng itim
ang paligid... handa akong manatili sa tabi niya."

Kuminang ang mga mata ni French at nanlabo iyon. Kumurap


kurap siya at tumingala. She was in awe...
"Aww... I'm a fan na ata. I can't believe I almost ruined your fairytale... Ako
pa ata 'yung naging witch sa story niyong dalawa." Tumawa siya habang nagpupunas ng
luha.
Nanlabo narin ang aking mga mata at mabilis na nagpatakan ang mga luha. Niyakap
ko siya at hinaplos ang kanyang likod.
"I got carried away kaya I told you, you don't deserved being a Chua. But you
deserve to be happy rin naman, Trace... And you don't know how happy I was noong
nagkaroon ako ng babaeng kapatid. I think it's normal naman na nag-aaway rin ang
magkakapatid. But I promise I'll be mature na. I am such a brat rin talaga eh..."
"Di mo naman kailangang baguhin ang sarili mo para mapatawad ka ng isang tao,
French. Iyong inaamin mo palang ang pagkakamali mo, na may mali ka rin, doon palang
ay mature kana."
"Kaya talaga I hate you rin sometimes kasi you're so mabait!" Humiwalay siya sa
akin at sumimangot. "Feeling ko I'm a devil kasi you're such an angel..."
Tumawa ako kaya tumawa narin ito.
"Yeah, you are a devil," biglang sulpot ng boses ni Israel sa may bintana.
Napalingon kaming dalawa ni French sa kanya. Nakahilig siya roon at nasa harap
lang naman ang tingin.
Umirap rin naman agad si French.
"I can't believe nagkacrush ako sa'yo eh you're so mean naman."
Nilingon siya ni Israel at inangatan ng kilay. Tumagilid ang kanyang ulo at
sinilip ako sa tabi ni French. Hinagod niya lang ako ng tingin saka rin naman
umalis roon at walang sinabi na.
"Gosh! He's very suplado! Now I hate him na. Same lang sila ni Kuya eh."
Humalukipkip na siya at inis na inis.
Parang noon lang baliw na baliw siya tapos ngayon kung makaasta parang iyong
normal niya naring reaksyon kay Kuya Brennan.
Pagbalik namin sa loob ay si Mama at French naman ang nagkwentuhan. Tumatawa pa
si Mama at tuwang tuwa sa pinagsasabi ni French tungkol sa mga kapalpakan ko noon
habang nasa tabi ko ito. Ang tatlo ay nasa gilid ko rin ay nakikisali sa pag-uusap
at nasa may lamesa sila habang kumakain ng mangga.
"Buti at di pinagalitan ng Mama mo sa kapalpakan ni Trace, French?" si Mama at
tawang tawa parin.
"Mommy will just throw dagger stares at her kaya tinuturuan ko talaga si Trace
ng Chinese cultures namin," paliwanag ni French.
"Bakit ba uso iyong fix marriage sainyo? Kahit di mo mahal kailangan mo
talagang pakasalan?" si Cecille naman.
"Yep. Because parents choose our partners for business purposes."
"At totoo rin ba na mga kuripot ang mga intsik?" si Rinka naman.
"My Kuya is very kuripot sa money so I guess totoo ata," nagkibit si French at
pilyang ngumisi.
"Ay talaga? And why ba hinahalo mo ang english and tagalog ba? It's mahirap
magspeak pag its tagalog and its english and it's halo halo ah!" pagcoconyo ni
Cecille na ikinahagalpak agad ng tawa naming lahat maliban kay French na nasira ang
ekspresyon.
Kaya pala titig na titig siya habang nagsasalita si French at palagi pa siyang
ngumingiwi. Iyon pala dahil sa pananalita nito.
"Sa syudad kasi, conyo is normal," si French.
"Oh anong sagot mo roon, Cecille," tawang tawa namang sabi ni Mama at naluluha
na.
Umakto naman agad na seryoso si Cecille at ginaya rin ang ekspresyon ni French
na medyo pataray.

"Ah. Here kasi sa bukid... We don't halo halo english and


tagalog kasi you're mapagkakamalang may sira sa head. If magcoconyo ka here sa
bukid... the people will laugh kasi you're nalipasan na ng gutom and they will isip
isip na your tongue is kulang sa plantsa," sagot naman ni Cecille na ikinatawa ulit
namin.
"Kaya mo yan, Cecille! Itayo mo ang mga tagabukid!" Pangchecheer pa ni Rinka.
"It's not being abnormal ha. But you know I like you na!" si French naman na
natutuwa narin sa pakikipag-usap kay Cecille.
"I like your brother narin!" sagot naman ni Cecille kaya mabilis siyang sinapak
ng dalawa.
"Tumigil kana, di na kami natutuwa!" si Rinka.
"Ang rurupok niyo talagang tatlo. Kaya siguro itong si Trace sainyo natututo!
Ayan, buntis!" si Mama.
Ngumuso ako lalo na't nalaglag agad ang panga ni French sa akin. Natakpan niya
pa ang kanyang bibig.
"You're buntis na?!"
Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango. Mas lalo lang nanlaki ang kanyang mga
mata.
"J-Just when? Yung time ba na..." Gumuhit agad ang takot sa kanyang mukha at
mukhang gets ko na kung ano ang tinutukoy niya. Siguro iyong sinampal niya ako at
itinulak tulak.
"2 weeks palang eh," sagot ko na ikinakalma niya rin naman.
"That's why you're so emotional! Oh M G! If Dad finds out he's going to
celebrate!"
Ilang oras atang nagulantang si French at nafocus na naman sa akin ang aking
pag-uusap. Si Israel at Kuya Brennan ay nasa labas rin kasi. Mukhang nag-uusap rin
ata ang dalawa.
Noong gabi na ay umuwi narin naman sila. May klase pa kasi si French bukas.
Gusto niya nga sanang manatili nalang muna kaso may reporting daw siya. Ang sabi
niya pa ay babalik siya rito pag summer para bisitahin ako. Iyong tatlo ay naging
close niya rin kasi agad lalo na si Cecille. Binigyan niya pa ito noong bracelet
niya, kay Rinka naman ay iyong kwintas at kay Rose ay iyong hikaw niya. Kahit si
Mama ay dala rin pala siyang pasalubong. Siguro bumabawi siya dahil sa sinabi niya
sa akin noon kay Mama. Mapagbigay naman kasi si French... Maarte lang talaga at
brat minsan.
Umuwi rin naman ang tatlo. Si Mama ay sinama narin ni Israel sa bahay. Pinaayos
niya iyong guest room at doon na ang magiging kuwarto ni Mama. Katulad noong una
kong apak sa loob ng mansyon ay sobra ring nagulantang si Mama sa loob. Makikita mo
talaga sa kanyang ekspresyon ang pagkamangha.
Nagsisimula na nga kong magsuka tuwing umaga sa mga nakalipas na araw. Mukhang
lagpas na isang buwan ang aking tiyan kaya naeexperience ko na iyong morning
sickness na normal sa mga buntis. Palagi akong umiiyak tuwing umaga dahil sa sama
ng aking pakiramdam. Si Israel naman ay yayakapin ako at patatahanin. Bubulung-
bulungan niya ako ng kung ano ano na ikakakalma ko.
Nakayapos ang aking buhok at sumasayaw ang aking suot na puting strap dress
habang naglalakad kami sa isang lupain. Ang braso ni Israel ay nakayapos sa maliit
kong beywang suot ang puting polo na nakarolyo ang sleeves, maong na pantalon at
itim na boots. Nakasuklay naman ang highcut niyang buhok paatras pero sa kalahati
ng kanyang noo ay may nalalaglag na hibra para tumakip doon.
Huminto kami sa lapida ng dalawang taong masaya narin sa itaas dahil alam kong
magkasama na sila.
Sabay naming inilapag ang mga bulaklak naming dala. Ang alam ko ay nakalibing
si Kuya Bram sa ibang lupain. Pero nagulat nalang ako noong nalaman ko kay Mama na
pumayag siyang ilipat na ni Israel si Kuya Bram.
"Payag ang Papa mo na ilipat ang libingan ni Kuya Bram sa tabi ni Ate Rici?"
tanong ko sa kanya.
"Kahit hindi siya pumayag, kailangan kong tumupad sa usapan. Alam mo bang ito
ang tanging hiling ng kapatid mo sa'kin?"
Nagulat ako roon. Alam niyang mapapahamak siya sa pagpunta niya sa lupain ng
mga Buenaventura pero sumugal parin siya. At ang malamang ito ang hiling ni Kuya ay
gusto ko agad humagulhol.
Mabilis na umagos ang aking mga luha habang tinititigan ang lapida ni Kuya.
"Masaya ka naman diyan, Kuya, 'di ba? Nariyan rin si Ate Rici... Magkasama na
ulit kayo..." Ngumiti ako pero mas lalo lang bumuhos ang aking mga luha.
"Masaya rin ako rito, Kuya... Alam kong pinapanood mo ako diyan... At
ipinaglaban ko rin ang pagmamahal ko katulad ng ginawa mo K-Kuya." Nabasag ang
aking boses kaya niyakap ako ni Israel.
Humagulhol ako sa kanyang dibdib pero iyong luha ko ay magkahalo halo na ang
rason. Natutuwa ako at nalulungkot pero mas matimbang ang saya sa akin. Hinagod ni
Israel ang aking likod at pinatakan ako ng halik sa aking ulo.
Nang tumahan na ako ay tumitig rin siya sa lapida ng kanyang kapatid. Mukhang
may sinasabi siya pero idinadaan niya nalang iyon sa kanyang isipan dahil sa lalim
ng tingin niya roon at masyado naring seryoso ang kanyang ekspresyon.
Itinuon niya ang kanyang tingin sa lapida ni Kuya Bram. Nagloosen ang kanyang
balikat habang sumasayaw na sa ere ang iilang hibla ng kanyang buhok.
"I was there... watching him cry while hugging my sister's gravestone. Narinig
ko lahat... Ang mga salita niyang humiwa sa puso ko. Para akong nanonood ng isang
trahedya na ang sakit panoorin. Galit na galit ako sa kapatid mo Trace... Gusto ko
siyang patayin noon sa sobrang sakit ng nararamdaman ko... Pero noong makita ko
siya sa puntod ni Rici, mas grabe pa ata ang paghihinagpis niya... Mas grabe ata
ang naramdaman niyang sakit na kahit patayin man siya ay hindi noon mapapantayan
ang sakit na pumatay sa puso niya."
Bumuhos ulit ang aking mga luha. Ang pag-iibigan ni Ate Rici at Kuya Bram ay
mananatiling alaala nalang sa aming lahat. Gusto kong malaman kung ano ang buong
nangyari pero may parte sa akin na h'wag nalang dahil baka hindi ko kayanin ang
sakit.
Ibinulsa ni Israel ang isa niyang kamay habang ang isa ay hinagilap ang akin at
ipinagsalikop niya ang aming mga daliri. Nilingon niya ako at nagkasalubong agad
ang aming mga mata.
"Pinakita sakin ng kapatid mo kung gaano niya kamahal ang kapatid ko. Nakita ko
na karapat dapat siya sa kay Rici kahit may mali siyang nagawa. I know your brother
doesn't trust me for you... Alam kong naging gago rin ako noon pero ipinapangako ko
sa harap ng kanyang puntod mamahalin kita at hindi ka sasaktan. I promise I'm going
to take care of you until my last breath. I promise I will love you endlessly."
Napangiti ako sa kabila ng mga luha kong wala ng tigil sa pagbuhos. Inangat ni
Israel ang aking kamay at hinalikan ang likod noon habang nasa akin ang mga mata.
"I want him to be a witness too... Just like how I became a witness to his
endless love for my sister, I want him to see me loving you endlessly. Gusto kong
makita niya kung paano kita itatali sa akin habangbuhay..."
Napasinghap ako nang dahan dahang lumuhod si Israel sa aking harapan. Sa mata
niyang nangingislap, sa harap ng puntod ng aming mga kapatid, inilabas niya ang
kamay niya sa kanyang bulsa at iminuwestra sa akin ang isang kumikinang na
singsing.
"Tracey Adjeanne Quiamco Chua... Will you change your last name again and be my
Mrs. Buenaventura? Marry me..." Kinagat niya ang pang-ibabang labi at umagos ang
mga luha roon.
Natakpan ko ang aking bibig at nahulog na ang mga luhang mas dumami pa.
Nakayuko ako sa lalakeng nakaluhod at umiiyak habang nakangiti. Tumaas baba ang
aking balikat at tumango na. Ni hindi ko na kayang bumigkas dahil sa ekspresyong
niyayakap ako. Grumabe ang aking hagulhol na kahit ang hangin sa paligid ay para na
kaming niyayakap ni Israel dahil sa kakaibang lamig noon.
Tiningnan ko siya habang nanginginig ang kanyang kamay at ipinapasok sa aking
ring finger iyong singsing. Bumuhos ang kanyang luha niyakap ang aking mga hita.
Lumuhod narin ako sa kanyang harapan at niyakap siya.
The night shade the stars for them to shine brighter. The black shade the white
for them to look whiter. Lahat ng bagay na nasisilungan ng itim ay hindi naman
palaging nilalamon ng dilim. May mga bagay na doon lamang napapansin kung
nakukulayan na ng itim.
Siguro may mga pagmamahal na kailangan lang lamunin ng dilim para kusa niyong
makita ang halaga ng isa't isa. May mga pag-ibig na kailangan lang kulayan ng itim
para mapatunayan niyo kung sino ang handang manatili sa tabi mo kahit sobrang dilim
na. At ang pagmamahal ni Israel ay kinulayan ang mundo ko ng itim pero hindi ako
titingkad kung wala siya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Special Chapter

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Mary Antonette Lagumbay Fuentes. Happy reading!
-----------
Untold  Part of Israel Buenaventura
Matino

"This is so not you, Es... Getting interested with the family business."
Tinawanan ako ng aking ina nang dumalaw ito sa aking condominium sa umaga ng
Biyernes.
"Noong pinalago mo ang lupain ay bumilib na ako. At ngayon na nagtatayo ka ng
sarili mong business dito sa syudad ay humanga ako. And now... Ito namang business
natin na noon ko pa pinipilit sa'yo na hawakan mo ay interesado kana rin... What's
the sudden change?"
Mom was right. Di naman ako mahilig sa mga ganito noon. I don't even care about
our business. Ni wala akong plano sa kinabukasan ko. Pero sa mga nangyari, may
nagpabago rin ng isipan ko. Someone made me change to be a better person.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi habang nakahilig ako sa countertop at
pinagmamasdan itong naghahanda ng pagkain.
"I'm into business now, Ma," sabi ko.
Mom's connection in Chinese businessman is wide. Friendly ang aking ina at
nakikipagsalamuha sa mga business tycoon rito sa syudad, kadalasan ay mga katulad
niyang Chinese. When it comes to my Dad, she's more approachable.
Nililingon ako ni Mama at interesadong interesado ang kanyang mukha dahil sa
pagtatanong ko sa business. It's not just a business. I want to know if she knows
the Chua family.
"Marami ka bang kaibigang Chinese rito? You know... Pure bloods, Half..."
Tinitigan ko siya ng mataman.
Hinawi niya ang kanyang buhok at tila nag-isip na. Ang suot na puting dress ay
bumagay sa ina kong maputi rin lalo na sa kanyang singkit na mga mata.
"Hmm... Pure bloods, yes marami naman. Lim, Yap, Chua, Ong... Marami." Naglagay
siya ng kubyertos sa gilid ng plato na ikinaangat agad ng aking kilay.
Chua. There... My girl's new surname.
Napatayo na ako ng tuwid at umupo narin doon sa kanyang harapan.
"Iyong mga Chua," direkta kong sabi sa kanya. "Tell me about their fam, Ma."
My mothers brow furrowed while she looks really confuse. Sumubo ako at ibinalik
agad ang kanyang mga mata sa kanya na ngayon ay nakaupo narin.
"They're my close friend. Brenda and Liam are my close friend," aniya sa boses
na nagdududa parin, ang mga mata ay pabalik balik sa akin at sa pagkain.
"Eh 'yung mga anak... Babae..." dagdag ko pa.
Naningkit bigla ang kanyang mga mata na may mas ikakasingkit pa pala.
"Israel Buenaventura. Aren't you too old for being an asshole? Pati anak ng mga
babaeng kaibigan ko ay papatulan mo na? And I thought graduate kana sa pagiging
higad mo?"
"I just want to find a wife, Ma. And Chinese people are fond of fix marriage.
Baka makahanap ako sa mga kliyente mo, sa mga chinese na kaibigan mo." Sa mga Chua.
"What?! You know what happened to your sister. Di ko na pahihintulutan ang fix
marriage. Nagsisisi ako sa bagay na iyon kung ba't kailangan pang mangyari iyon kay
Rici..." Nailing si Mama at nahilot na ang sentido.
Rici's death brought a scar on our heart. Kahit ako ay sising sisi kung ba't di
ko nagampanan ang pagiging matandang kapatid ko sa kanya.
Tracey's brother, Bram, isn't suspecious from the start. Siguro itong kapatid
ko ang may gusto talaga sa kanya, as what I found out. My sister has lots of
stalkers, secret admirers, at kung ano ano pang pwedeng itawag sa mga lalakeng
nagkakandarapa sa kanya noong highschool siya.

Wala namang nangangahas kaya ganoon nalang ang galit ko


noong una nang malaman ko iyong tungkol kay Bram.
"Did you put some make-up?" Tiningnan ko ang pagmumukha ng kapatid ko sa likod
ng sasakyan sa lunes ng umagang iyon.
Papunta kaming dalawa sa eskwelahan at nauuna siyang ihatid. Ang Grabe 9 na
babaeng ito ay naglalagay na ng make-up.
"Kuya... Normal lang naman sa girls ang nagpapaganda and such," sabi niya
habang may kinakalkal sa kanyang bag na nasa kanyang kandungan.
"Alam mong maraming manyak sa school, Riss," matalim ko itong tinitingnan pero
ngumisi lang sa akin.
"I know. But theyre afraid you might kill them..." Saka siya tumawa at nagspray
na noong perfume na nakuha niya sa loob.
Iritang irita ako. I am already a Grade 12 student at nasa kabilang building
lang, medyo malapit narin naman sa kanila. Wala namang nagtatangkang pumorma sa
aking kapatid pero naiirita at nadidisgusto parin ako pag ganyan siya. Para niyang
ibubugaw ang sarili niya sa mga lalake kaya siya nagpapaganda.
"Pag nahuli kitang nagboboyfriend..." I said, trailing.
"Oo bubugbugin mo 'di ba... But why do you hate men eh pare parehas lang naman
kayo? Are you afraid someone's going to hurt me just like how you play with
someone's feelings, Kuya?" Umarko ang kanyang kilay sa akin.
"Lalake ako at di ako mabubuntis," tanging sagot ko.
Sometimes she makes sense and it irritates me. Masyado siyang vocal, masyadong
direkta at sinasabi ang saloobin.
Tumigil na ang sasakyan sa gate. Hinawakan niya rin naman ang kanyang bag at
handa ng bumaba.
"Don't worry... I'll pray na someone will tame you... Yung mababaliktad ka."
Tumawa pa siya sa akin habang bumababa.
Siya itong pinapangaralan ko pero ako naman itong pinagsasabihan niya ng kung
ano ano.
I'm not going to deny that I'm an asshole. Ang mga babae ay madali lang makuha
sa paraang gusto ko. Para akong nakaupo lang sa mesa at naghihintay sa menu. Pipili
lang at iyon agad ang iseserve. I can have them naked if I want to. Ganoon
kasimple.
Sinasideline ko ang pambababae sa school. Let's just say they're my stress
reliever. Just a good fuck and I'm okay with it. Kahit di mo mahal, basta maganda,
masarap ang katawan, malaki ang dibdib at may tindig ay puwede na.
Pagkatapos ng klase ay tambay nalang ako sa labas ng tindahan kasama rin ang
aking mga kaklase. Minsan, may mga babae kaming kasama at madalas ay girlfriend
nila at iyong akin naman ay panandaliang saya lang.
"Maraming magaganda sa Grade 8 kaso sayang... ang babata pa," si Noel, isa sa
mga kaklase ko at may hawak na supot ng softdrink.
"Oo nga eh. At madalas ay mga inosente pa. Sayang naman..." si Rick naman na
nakahilig sa may tindahan at nasa may gate ang tingin habang may hawak na
chichirya.
Dahan dahan akong bumuga ng usok sa sigarilyong nangangalahati na sa aking
kamay. Sa aking tabi naman ay ang babaeng nakahawak sa aking hita at panay ang
himas doon habang nasa akin ang tingin.
Nakilala ko lang ito kahapon. Grade 10. Sexy, matangkad, payat, maganda at
malaki ang hinaharap. Iyon na.
"Saan tayo mamaya?" bulong niya sa akin at akmang hahalikan ang aking panga
nang umiwas ako.
Hindi ako sumagot at inilagay muli ang sigarilyo sa aking bibig. Ang tatlo
naman sa aking harapan ay tumatawa na dahil sa kanilang topic.
"Israel..." tawag sa akin nito sa malambing na boses at umupo na sa aking
kandungan kaya tinulak ko ito na ikinabalik niya ulit sa pagkakaupo sa aking tabi.
She almost lost her balance.

Napatingin sa akin ang tatlo. Ang kanilang mga ngisi ay


nabura at mukhang naaawa sa ginawa ko sa babae.
Nagkasalubong ang aking kilay at nairita kaya tumayo ako. Humilig ako roon sa
tindahan at ibinuga ang usok ng aking sigarilyo.
I hate clingy girls. I only want them to be clingy and wild in bed... not in
public. I'm not that proud.
"Kailan ka ba good mood, Israel?" tanong ni Rick sa akin.
Hindi ako sumagot at tumitig lang sa kawalan. Sinuklay ko paatras ang iilang
hiblang namamahinga sa aking noo na malalaglag lang rin naman ulit.
"Good mood yan pag nasa kama at nakaibabaw sa babae..." si Noel naman na siniko
agad ni Kenneth at sinenyasan na tumatahimik dahil narito ang babae ko.
"Umalis kana lang muna, Gwen..." marahang sabi ni Kenneth sa babaeng napahiya
sa aking mga kaibigan.
Tumayo naman ito at umalis na. Tiningnan iyon ng tatlo saka lumipat ang mga
mata nila sa akin.
"Ikaw lang ata ang playboy na suplado," asar ni Rick sa akin.
"Okay naman si Gwen gawing gilfriend ah?" si Kenneth naman.
"Alam niyo si Israel... kuripot... ayaw matali at ayaw nageeffort." Ngumisi pa
si Noel sa akin.
He's right. Di ata ako iyong pang boyfriend material. I find it corny. Buying
gifts for her, cooking for her and taking her to Restaurants, taking care of her,
calling and texting her and such. It's tiring. I can't even take care of myself.
Hindi na ako umimik sa kanila at gusto ng ubusin ang isang sigarilyo.
Inaabangan ko ring lumabas ang aking kapatid para makauwi na.
"Ayan siya oh." Siniko agad ni Noel ang dalawa na katabi niya lang at may
nginuso na sa may gate.
Tumuwid pa sila sa pagkakatayo at humahaba na ang mga leeg, ang tingin ay nasa
iisang lugar lang.
"Grabe ang ganda talaga ng batang 'yan. Kung di lang talaga kapatid ni Bram at
kung di lang Grade 8 ay papatulan ko talaga..." Parang nagpapantasya na sa utak si
Rick dahil narin sa tono ng kanyang pananalita.
Madalas kong naririnig ang topic nila tungkol sa kapatid noong Bram na Grade 12
lang rin at maganda raw. Hindi naman ako interesado sa mga Grade 8 o Grade 9. Mas
gusto ko talaga iyong mga hindi nalalayo sa akin ang edad para game at hindi hassle
pag binitiwan. Immature young girls are annoying and clingy.
"Ang amo amo oh..." si Kenneth naman.
"Uy shit pre! Lumingon na naman dito! Feeling ko may type talaga yan sa atin
eh! Madalas ko yang nahuhuling lumilingon rito!" si Rick naman na masyado ng
natatangay sa emosyon.
Inihulog ko ang natirang sigarilyo at inapakan iyon. Kumuha ako ng panibago sa
sa pakete na nasa bulsa lang ng aking uniporme at inipit na iyon sa aking labi.
Nilingon ko narin ang gawi ng gate dahil narin sa kyuryusidad. Di ko pa iyon
nakikita.
Madali mong mapapansin kung sino ang kanilang tinutukoy. Isa lang naman ang
kapansin pansin sa mga estudyanteng lumalabas ng gate.
It was like a sudden trance to me. As my eyes found her innocent face, I lose
track with time and space. She got this natural long wavy hair and an angelic face.
Her light brown eyes matches the color of her brownish hair and pale white skin.
Her small face, pointed nose, chinky eyes and rosy cheek complements her
simplicity. Wala akong makitang ni bahid na kolorete sa kanyang mukha. She's very
natural...
Nang mapansin niyang isa narin ako sa nakatingin sa kanya ay mabilis siyang
nag-iwas ng tingin at parang binalot ng takot ang mukha.
She walked like she's just floating. Ang kanyang buhok ay sumasabay sa magaan
niyang galaw at kung paano siya yumuko sanhi para malaglag ang iilang hibla niya at
tumakip na sa kanyang mukha. Hindi naman gaanong mainit dahil sa klimang pabago
bago pero nagmukha siyang liwanag sa maputlang kulay ng paligid.

My lips part a bit as my eyes followed her. That Grade 8 is


like an angel...
"Ang ganda 'di ba, Israel!" Tinapik narin ako ni Kenneth nang mapansin siyang
nakatitig narin ako.
Nag-iwas ako ng tingin nang matauhan ako at sinindihan ang aking sigarilyo.
Pwede narin naman... Di nasayang ang paglingon ko.
"Grade 8," tanging sagot ko na ikinahagalpak nila ng tawa.
"Oo! Di pasok sa standards mo! Pero kung nasa Grade 10 na iyan... Papatulan ko
talaga! Makikipagsuntukan ako kay Bram," pagbibiro ni Noel.
Simula noong araw na nakita ko siya ay palagi narin akong napapalingon. Na sa
tuwing lumalabas siya ng gate ay tinitingnan ko narin ito  ng pasimple at mabilis
siyang mag-iiwas ng tingin.
Baka ako ang gusto niyan? Palaging nagkakasalubong ang aming mga mata at palagi
ko siyang nahuhuling tinitingnan ako. I've been with girls. Alam ko kung ano ang
ibig sabihin ng kanilang mga galaw. Kung may gusto ba sa'yo o hindi interesado.
Malademonyo akong napangisi dahil sa nasaksihan kong kilos niya. May gusto 'yon
sakin.
Hindi ko pa iyon nakikita sa malapitan. Palagi ko lang siyang namamataan pag
lalabas na sa gate at uuwi na. Minsan ay kasama niya iyong Kuya niyang si Bram.
"Alam mo itong si Bram guwapo sana pero di ginagamit ang utak. Kung ako sa
kanya ay landiin niya iyong mga babae na nagkakagusto sa kanya at perahan niya. Eh
kapos sila sa buhay kaya mas mabuting may pinagkikitaan rin siya," si Noel nang
mamataan ulit namin iyong Grade 8 kasama na ngayon ang kanyang Kuya.
"Suplado raw 'yan sa mga babae. Scholar kaya tutok sa pag-aaral. Bakla ata,"
pabirong sabi ni Kenneth saka sila nagtawanan.
Hindi ko iyon masyadong pinagtuunan ng pansin at sinundan ng tingin ang kapatid
ni Bram na tinitingala ang kanyang Kuya at ngumingiti. Nagkasalubong agad ang aking
kilay. She has a sweet smile...
Noong grumaduate na at nagkolehiyo na ay nakalimutan ko narin naman ang mga
bagay bagay na nakakakuha ng atensyon sa akin noong Grade 12 palang ako. Noong
summer rin ay nagpunta kami sa Manila para magbakasyon sa Palawan at bumalik lang
ulit sa bukid para ipagpatuloy ang pagkokolehiyo ko.
"Ayaw mo sa syudad, Israel?" tanong sa akin ni Mama nang bumisita siya rito.
Nasa syudad siya palagi dahil narin sa mga business namin doon. Importante sa
mga Chinese ang negosyo kaya di rin mabitaw-bitawan ng aking ina dahil siya ang
nagmamanage noon habang nag-aaral pa kami. Ang aking ama naman ay ang lupain namin
dito ang kanyang inaasikaso.
"I'm comfortable here, Ma," sabi ko.
"Ayaw mong magmanage ng business?"
I'm not interested with my parent's business. Ang gusto ko ay dito nalang at
iyong lupain ang pamamahalaan ko pag nakapagtapos na ako. I don't mind riding the
horse all day...
Nang hindi na ako sumagot ay nakumbinsi rin naman ang aking ina sa takbo ng
aking utak.
"But you need to decide for your future, Es... Di ka babae para gabayan pa. At
huwag puro babae." Nailing nalang ang aking ina.
Tss.. Business and future really sucks.
"Gusto lang kasi niyan ng anak mo ay mangabayo rito. Let him, Lorraine," ang
aking ama na sumulpot na rito sa kusina.
"Mangabayo o iba ang kinakabayo?" Umarko pa ang kilay ni Mama sa akin.
Tumawa ang aking ama. Ngumisi naman ako.
"He's still a first year college. And I want him to manage our land here. May
ipinamana pang lupain si Papa sa kanya. He's not a city boy, you know." Nakarating
na siya sa aking likod at hinawakan na ang aking balikat habang nakaharap sa ina
kong naningkit lang ang mga mata.

"And how about our business in the City? Ako parin?" si


Mama.
"Si Ate nalang," tanging sagot ko.
"Israel... Mas mabuti kung ikaw ang magpalago noon," namungay na ang mga mata
ni Mama sa akin.
"Bibigyan kita ng apo. Iyon ang tutulong sa'yo sa pamamahala sa syudad, Ma,"
pagbibiro ko na ikinahalakhak ng aking ama lalo na't bumusangot na ang aking ina.
Isa sa rason kaya di nila ako mapilit pilit sa syudad at iyong kapatid kong
babae ang naipagkakasundo nila dahil ayaw ko rin. The City is not for me. I mean, I
just hate the noise in the City.
I'm sure my older sister is pressured too. Pinagkakasundo iyon sa kasosyo ng
aking ina para imerge nalang ang kompanya at may magmanage. Probably my Ate's
future husband.
"How do I look, Kuya?" tanong sa akin ni Rici sa umagang iyon ng Lunes habang
papunta kami sa eskwelahan.
Kumikintab na naman ang kanyang labi. Ngumingiti pa siya ng matamis sa akin at
may hairpin ang gilid ng tuwid niyang mahabang buhok.
"You look like a pet," sabi ko na ikinabusangot niya.
"Why are you so serious and very mean? You don't appreciate someone's beauty!
Kaya siguro walang nagtatagal na babae sa'yo," umirap siya.
"Wala akong ginigirlfriend kaya wala talagang tumagal."
"Tss... Jerk. I hope dinggin na ang prayers ko. Sana talaga ay turuan kana ng
leksyon."
Inakbayan ko ito at pinitik ang kanyang ilong na ikinabusangot niya.
"I'm not into serious relationship right now, Riss... I can't even decide for
my future. I just want to go with the flow. Live and get old. Then die," tangi kong
sagot kaya tinulak niya ako.
"Kasi wala ka pang nahahanap na rason kung bakit masarap mabuhay. Kuya... stop
being selfish and come out from your own shade. Come out from your darkness. It's
not just you and the world. Dapat may pakialam ka rin sa mga bagay bagay..."
Nagmana ito kay Mama. Palagi rin akong sinisermonan ng kung ano ano. What's
wrong if I'm not interested with the things around me? Pwede namang mangabayo
nalang ako rito ah? Why bother working hard for your future when you already have
everything? I mean we're fucking rich! I don't want to brag about it pero iyon rin
naman ang totoo.
"Hi Israel!" Bati sa akin ng anak ni Mang Ador, ang driver namin. She's Rici's
classmate and her friend.
Hindi ko ito nilingon at ipinatili ang mga mata sa tv. It's Sunday...
"Rici is upstairs," tanging sabi ko.
Humakbang siya papalapit sa akin at umupo sa aking tabi. Nanood rin ito ng tv.
"Ano 'yan? Anong movie 'yan?" tanong niya sa malambing na boses.
Nairita ako kaya pinatay ko ang tv at tumayo na. Mangangabayo nalang siguro
ako.
I can sense Felicita's feeling for me. She's interested with me. Tuwing nandito
ito ay palagi nalang akong kinukulit o kung ano ano pa. I respect her for being our
driver's daughter and Rici's friend pero pag di ako nakapagtimpi diyan ihahagis ko
talaga yan palabas ng bahay.
"Kuya..." Tumabi sa akin si Rici Lunes ng hapong iyon. Kakauwi lang nito sa
school.
"Oh?"
"Kuya manungkit ka ng mangga please... Gusto kong kumain ng mangga." Niyakap
niya pa ang aking braso at ipinahinga sa aking balikat ang kanyang ulo.
I hate clingy girls but aside from my sister.
"May plano ka?" Umarko ang aking kilay sa kanya at binitiwan ang remote.

"Huh?!" Tumuwid siya sa pag-upo at tiningnan ako. "Gusto


kong kumain ng mangga, Kuya..."
Tinitigan ko ito ng ilang sigundo. Ngumiti pa siya at nagpapaawa na kaya tumayo
nalang ako. Tuwang tuwa ito at hindi ko alam kung saang parte siya natutuwa.
"Guard the first gate and the back door." Utos ko sa mga tauhan sa bahay na
tumango naman agad at nagkalat na sa buong lugar.
Kung balak noong tumakas kaya ako pinapakuha ng mangga, di rin siya makakalabas
dito.
Nameywang ako at tiningala ang mga hitik na hitik na bunga noong punong mangga.
Hinila ko ang suot kong damit sa likod at hinubad iyon saka ako nagsimulang
manungkit. Nahulog pa iyong isa at gumulong sa kung saan kaya sinundan ko iyon ng
tingin at nakita ang paggalaw ng damuhan. May nahagip rin akong mga nagtatago roon.
Umikot agad ako sa likuran para tingnan kung sino ang naroroon. May tatlong
estudyante ang nagtatago at mukhang naninilip sa akin. Iyong dalawa ay umabante na
habang iyong isa naman ang naiwan kaya ang ginawa ko ay inapakan ko ang palda noon.
Her two friends ranaway when they saw me. Dumilim agad ang aking paningin.
Iyong isa naman ay dahan dahan nang nilingon ako until our eyes met.
And in instance, as I saw her innocent and angelic face, a sudden trance just
happened again. Ito iyong babaeng kinahuhumalingan ng mga kaibigan ko noon. And
she's the sister of Bram. What the fuck in the world is she doing here?
She fumbled on the side of her skirt and she looked very tense just to get away
from me. Marahas ko siyang hinila patayo na kahit ang kanyang natural na maalon na
buhok ay gumalaw sa ere. I even smelled her shampoo... It drove me crazy.
Iyon ang kauna-unahang beses na natitigan ko siya ng malapitan. She has this
small face, pointed nose... rosy cheek and a natural red lips. Para iyong kulay ng
isang apple na masyadong kapansin pansin dahil sa maputla niyang balat at sa kulay
niyang malapapel sa sobrang kinis. Her chinky eyes look terrified. Nanginginig rin
ang kanyang labi at sumasayaw ang kanyang mga matang may takot sa akin.
"Isa ka sa mga manyak na iyon?" matigas kong tanong sa mga mata kong nakapako
na sa kanya.
Agad siyang umiling, ang buhok ay sumabay na naman at bakas sa mukha ang kaba.
"B-Bitiwan mo ako..." she whispered on her shaky voice that gives chill to me.
Ang kanyang boses ay malamig ngunit nakakaakit. Sobrang lambot noon at sobrang
malambing. This innocent angel has a sexy voice...
"Ano? Sagot." Lemme hear your voice again come on...
Namula ang kanyang pisngi na ikinamangha ko.
"Wala naman akong balak na s-silipan ka—"
"You just did. Nahuli ko kayo ng mga kaibigan mo."
Umiling agad siya. "Nandito kami para m.m-manungkit rin ng mangga!"
I don't believe her. Noong nakaraang taon ay nahuhuli ko siyang tinitingnan
ako, at ngayon ay nandito na siya at sinisilipan ako. I have this strong guts that
she really likes me.
Yes, she likes me!
Sa bawat pagsagot niya sa aking mga tanong ay para akong nanggigigil. Mas
humigpit ang hawak ko sa kanya at hinila pa ito papalapit sa akin. I leered at her.
I cant take my eyes off her. Maybe she will fit in my bed... or when I'm on top of
her. Her moan will surely kill me—
"Kuya?!" It was Rici's voice.
Mabilis akong natauhan at napalingon sa aking likod. Pero bigla niya nalang
akong sinipa sa aking gitna na ikinapulupot ko dahil sa sakit. Fuck!

Nagawa pang magsorry at tumakbo rin paalis. My face


crumpled as I felt the pain between me. Di na ata ako magkakaanak dahil sa babaeng
iyon! If I catch her again, siya talaga ang aanakan ko! Tangina.
"Kuya! Bakit mo pinabantayan ang buong bahay?!" Inis na tanong sa akin ni Rici.
Sinikap kong tumayo ng tuwid pero ang sakit talaga.
"W-Wait? What happened to you?" Dinungaw ako ng aking kapatid.
Hindi ako sumagot at iniisip ang ganti sa babaeng iyon. Kaya kinabukasan ay
nagtungo ako sa eskwelahan at inabangan ito. Nahuli ko pa siyang tumakbo para
magtago. How can she move like she's always on a trance? Masyadong magaan ang
kanyang galaw.
Tuwing weekends ay nasa bahay namin si Feli. Minsan ay bumababa ito para kumuha
ng pagkain sa kusina at nagagawa niya pa talagang daanan ako sa sala na nanonood
rin ng action movie.
"Alam mo ba na si Rici may crush?" biglaan niyang pag-oopen up na ikinakuha ng
aking atensyon.
She smiled at that and lend me some of her chips. Hindi ako kumuha roon at
umangat ang aking kilay. Rici has a crush?
"Kilala mo si Bram? Concern lang kasi ako kaya ko sinasabi sa'yo. Kasi alam mo
si Rici... Mapagbigay. What if lang naman itong akin... What if gamitin siya?
Perahan? Eh kasi halatang di naman siya gusto non tapos bigla nalang daw siyang
pinansin eh mahirap lang iyon at nakatira pa sa bundok."
Kaya noong mapadpad ako sa bayan at makita roon ang kapatid niyang babae na
nagtitinda ng bulaklak ay hindi ko na naiwasang manguha ng impormasyon. So his
brother is working? Still, that's not enough to convince me. He's going to take
advantage of my sister.
I said awful things to his brother. Bakas rin naman sa mukha nito na hindi niya
nagugustuhan ang pang-iinsulto ko.
In my entire life... no one answered me bluntly. I got pissed. Akala ko pa
naman gusto ako nito at magpapaka easy to get sa aking harapan. But I was wrong.
I got so fucking stress that I need to smoke just to calm myself from anger.
Ako, hambog? At ano? Bibili ako ng salamin dahil malabo ang mga mata ko? Damn you.
Kaya rin naman kitang bilhin kung gusto ko.
Kaya sa sumunod na araw ay naghanap na ako ng babaeng magpapawala ng stress ko.
Dinala ko ito sa batis at gusto kong doon nalang gawin.
I was completely drunk with my lust pero may kaluskos pa akong narinig.
"Israel, may naninilip!" The girl pushed me.
Nakaawang pa ang basa kong mga labi at niyakap niya ang mga dibdib niyang
expose na. Gusto ko ulit siyang halikan pero tumanggi na siya at nangangamba roon
sa mga naninilip sa amin.
Tangina!
Kaya noong maabutan ko ang isang babae na nadapa palabas sa batis ay gusto ko
agad sumabog sa galit.
At sa hindi ko mabilang na pagkakataon, iyong kapatid na naman ni Bram. After
what she said to me... After playing hard to get? Pagkatapos magsuplada ay susundan
niya ulit ako? Maninilip ulit?!
Basa ito at nakaupo sa daanan ng tubig. Bumaba pa ang aking mga mata sa kanyang
blusa at nakita ang kanyang dibdib. Maliit pero sakto lang sa kanyang katawan.
Kaya noong pagbalik namin doon sa batis ay di ko na naituloy pa. Nawalan ako ng
gana at gusto nalang umuwi. Pinauwi ko narin iyong babae kahit tutol siya.
Nagising ulit ako sa umaga sa paulit-ulit na panaginip at ang palagi kong
pinoproblema. I looked down and the bulge on my pants is the evidence that I am so
damned turn on! I am fucking hard again because of that dream... I was fucking her
roughly. Ang maamo niyang mukha ay palagi kong dinudungisan sa aking panaginip. I
don't even like her or what! Pagkatapos noong makita ko siya sa batis na basang
basa ay gabi gabi nalang akong nagpapantasya sa kanya!

Napaupo ako sa gilid ng aking kama at nahawakan ang aking


ulo. I can't even touch her and it's frustrating me! Kamay ko na naman ang
kailangan kong gamitin para lang mahimasmasan ako. Tangina!
Rici is acting strange these past few days. Palagi na siyang tumatakas at ewan
ko kung saan pumupunta. Tinanong ko nalang iyong kaibigan niya dahil alam kong
hindi naman iyon magsisinungaling sa akin.
"Huh? Umaalis palagi si Rici? Eh ba't hindi mo pasundan?" si Felicita.
"Tumatakas kaya paano siya mapapasundan?" Umangat ang aking kilay.
Natawa naman agad siya.
"Ah oo nga 'no? Pero sige... Aalamin ko nalang kung anong ginagawa niya tapos
sasabihin ko sa'yo."
Kaya noong malaman kong pumupunta pala ito sa bahay noong Bram ay sumiklab agad
ako. Lalo na sa mga pinagsasabi sa akin ni Felicita.
"Naaawa ako kay Rici kasi di naman siya gusto ng supladong iyon! Tapos bigla
bigla lang silang naging close noong nagpapakita na ng motibo si Rici! Peperahan
lang siya nito, Israel! At si Rici, masyadong mabait kaya bibigay agad! Eh
nagdadala nga ng pagkain roon sa kanilang bahay!"
I was in rage that afternoon. Sa lahat ng paglalaruan ay ang kapatid ko pa.
Naalala ko iyong sinabi nila Rick na pwedeng perahan ni Bram ang mga nagkakagusto
sa kanya total kapos sila sa pera.
Putangina, Bram. Iyang dalawang ulo mo talaga ang mababasag ko.
Kaya noong mamataan ko siya sa college building, kung saan rin ito nag-aaral at
isang scholar lamang, ay binantaan ko agad ito.
"Nababagot kana ba sa estado ng buhay niyo kaya sa aking kapatid ka kakapit?"
Napangisi ako ng malademonyo.
Hindi siya sumagot at tumitig sa akin. Kasingtangkad ko lang ang animal at
magulo ang kanyang buhok, singkit ang mga mata katulad ng kanyang kapatid pero
suplado nga ang pagmumukha.
Tiningnan ko pa ito mula ulo hanggang paa. Ganito ba kababa ang standard ni
Rici sa lalake? Eh glasses nalang ang kulang sa kanya at magmumukha na siyang
baduy. I smirked evilly on his shoes. Nice... Vintage? Nasa sinauna pa ata eh.
Nang mapansin niya ang aking titig ay akma na sana itong aalis.
"Oo nga pala... Iyong kapatid mong babae... Maganda pala?" Painosente kong sabi
na ikinadilim agad ng kanyang ekspresyon nang nilingon niya ako.
Ibinulsa ko ang aking mga kamay at napangisi. Naglakad ako papalapit sa kanya.
"Lumayo layo ka sa kapatid ko o kapatid mo ang pagbabayarin ko."
The asshole didn't say anything. He's guilty. Tss. Ibang klase rin.
Si Felicita ang naging mga mata ko sa aking kapatid. Nagagamit mo talaga ang
mga babae lalo na kung may gusto sa'yo. They will do everything just to please you.
Kahit siguro utusan mong bumukaka sa iyong harapan ay susunod agad sila.
"Pinapabaliw na ni Bram si Rici sa kanya! Pinapasok raw siya sa bahay nila,
Israel! At babalik daw ulit siya roon dahil mukhang gusto narin siya ni Bram! Do
something! Baka masaktan lang ang kaibigan ko... ang kapatid mo..." Hinaplos ni
Felicita ang aking braso pero dahil sa aking galit ay tumayo agad ako.
Then he's giving me no choice but to use his sister over him. Bago niya
masaktan ang kapatid ko, uunahan ko siya para magsilbi itong leksyon sa kanya na
hindi basta basta ang kinalaban niya.
I started my plans. Make her fall inlove with me and break her heart. Iyon ang
plano ko total hindi naman iyon mahirap dahil mukhang gusto rin ako non. And
innocent girls are ignorant and dumb! Mabilis lang naman silang utuin.

I invited her on our land. I even offered her some of our


mangoes. Palagi niyang kasama iyong tatlong maiingay. Siya lang ang naiiba...
tahimik at maganda...
Kaya noong lumayo layo ang mga kaibigan niya sa amin at iniwan kaming dalawa ay
nakausap ko rin naman ito. Tracey is deep and vague to read. Di mo alam kung ano
ang tumatakbo sa utak niya. Para siyang isang balon na masyadong malalim at
lulunurin ka sa kyuryusidad.
"Uh... Madalas ka bang nangangabayo?" biglaan niyang tanong sa namagitnang
katahimikan sa amin.
She's interested with rides? O baka naman...
"Oo... Ikaw, marunong ka?" Do you know how to ride?
Umiling siya.
"Wala naman kasi kaming kabayo, pero si kuya marunong!"
Ayan na naman... Sa tuwing nakakausap ko siya ay ibinibida niya talaga ang Kuya
niya. The fuck with her? Siya ang gusto kong makausap at mapahulog sa akin pero
palagi nalang naliliko ang usapan.
"Hindi naman kasi lahat ng isusubo ng tadhana sa'yo ay pag-ibig na. May mga
lalake kasing kahit hindi sila interesado sa pagkain ay titikman parin nila. Kung
hindi masarap ay maghahanap agad ng bagong putahe," sagot niya sa tanong ko.
I understand her logic at di ko alam kung sinasadya niya bang patamaan ako.
Kulang nalang ay sabihin niyang pataygutom ako sa babae. Na kahit anong ihain sa
aking babae ay titikman ko. Na hindi ko tatanggihan at doon lang bibitawan pag di
ko nagustuhan o tapos ko ng pagsawaan.
She's deep. Very deep that I want to dive deeper. I want to dive her.
"Daddy! You can't just lock me inside the house!" sigaw ni Rici nang
mapagdesisyunan ng aking ama na parusahan ito. She's grounded.
"Tigilan mo muna ang kahibangan mo, Rici. How can you like someone who's..."
Nadisgusto agad ang mukha ng aking ama. Nadatnan ko sila rito sa sasa at
nagdedebate.
Inilapag ko ang bag ko sa couch at tiningnan ang ekspresyon ni Rici na
dismayadong dismayado na.
"Who's poor? Out of all people Dad... Bakit kayo ganyan?" Nabasag ang kanyang
boses.
"You're going to ruined your future! Ang gusto ko sa'yo ay mapabuti ka. Kung di
ka titigil ay ipagkakasundo ka rin namin ng ina mo!"
Humikbi agad ang aking kapatid. Dinaluhan ko ito kaya yumakap agad siya sa
aking beywang. Itinago niya ang mukha niya sa aking dibdib.
"Enough, Pa," sabi ko.
Nameywang ang aking ama habang ang isang kamay ay nahilot ang sentido.
"Pangaralan mo ang kapatid mo, Israel. Ako ang napapahiya sa mga naririnig kong
kumakalat."
"Then don't listen to them. Hindi niya ako ginagamit! Bram is nice, Pa—"
"Shut up! How can you stoop down on their level, Rici? You can't like someone
who lives like a rat! Halatang piniperahan ka lang!"
My sister jumped because of my father's voice. Sinenyasan ko nalang ito na ako
na ang bahala sa aking kapatid.
Dahil rin sa pagtatalo nilang dalawa ay mas nabibigyan ako ng rason para
lumapit lapit sa kapatid ni Bram. Ginugulo ng kanyang kapatid ang buhay namin.
Mukhang nabibilog niya na nga dahil nagagawa nang sagutin ang aking ama.
"Si Rici, binigyan ng sobre iyong kapatid ni Bram sa library... Baka libo libo
pa ang laman. Grabe na talaga. Feeling ko ginagawa nang suggar mommy ni Bram si
Rici... Kawawa ang kaibigan ko."
Isa iyon sa mga balita sa akin ni Feli na mas nagpapasiklab lang sa apoy ng
aking galit. Gusto ko na agad gumanti at magpaiyak. Kaso noong sumipot siya sa
batis, noong makita ko siya ay nabura rin ang aking plano.
There's something on her that stops me from doing something evil to her... Ang
kanyang maamong mukha ay pinapaamo rin ang demonyo sa aking loob. She's feeding
them with something for them to behave. Para akong mabangis na hayop at siya lang
ang tanging makakapagpaamo sa akin.
Oh damn... I'm slowly drowning...
Pinayagan kong gumala si Rici kahit grounded ito at alam ko kung saan siya
pupunta. I want her free. Ayoko iyong kinukulong siya rito. If he likes him then...
I'll just support her. Gagabayan ko nalang.
Sa araw araw na kasama ko si Tracey ay nagbabago na ang pananaw ko sa pamilya
nila. Oh ako lang itong nagiging bulag narin dahil sa nararamdaman ko tuwing kasama
ko ito. I am starting to think there's something on that family. Dahil ang alam ko
ring issue sa kanilang ina ay isa rin daw itong kabit.
"Makamandag ang pamilyang iyan! Nabibihag ang mga mayayaman! Ginagamit nila ang
kanilang mga mukha para magkapera!"
"Oo nga naman, mana sa ina nilang kabit rin!"
Iyon ang palagi kong naririnig sa bayan tungkol sa kanila. Kaya siguro doon
sila sa may bundok naninirahan dahil rin sa mga tao rito sa bayan. O ganoon lang
talaga sila kahirap na hindi nila kayang magtayo ng komportableng bahay.
I like her already. No... This is more than just a normal attraction. I can't
even stand her with boys. Ayokong malapit siya sa iba at gusto ko ay sa akin lang.
Kahit iyong Rudy ay pinag-iinitan ko. I am getting possessive and it's scaring me.
Hindi naman ako ganito!
Nawala ang aking plano. Imbes siya ang gusto kong mahulog, ako ang nahulog!
Para akong naglagay ng bitag para sa kanya pero aksidente ko ring nagalaw kaya ako
ang naunang natamaan. Na dapat gamitin ko siya laban sa kanyang kapatid pero iba na
ang takbo ng aking plano. I just want to spend my time with her.
I've never so demanding with someone's time... the fuck I care with them? But
this innocent girl... I want her to be busy with me. I want her all by myself.
Gusto ko, pagdilat ko sa umaga ay matagpuan ko agad ang maamo niyang mukha sa aking
kama. I don't mind if she's naked or not. I just want her in my bed, in my life!
I got so overprotective to her that I'm always at rage when she cries. Ang
sarap pumatay. I just want to protect her from everything... Ganoon na ako kabaliw
sa kanya na kahit halikan ang kanyang mga paa ay gagawin ko na talaga.
At simula noong nilalapit-lapitan ko na si Tracey ay ginigyera narin ako ng
aking kapatid. I think she knows. Maybe Bram told him about what I said pero
nagbago na ang isip ko.
"Kuya! Kayo ni Tracey? Teka... Are you still going to use her just to—"
"Cut it, Riss. Ikaw ang may kasalanan sa akin baka nakakalimutan mo. Pinamigay
mo sa iba ang binigay ko sa'yo." Umigting ang aking panga lalo na't naalala ko na
naman ang rason kung ba't napahamak si Tracey.
Namutla agad siya pero mabilis na nag-iwas ng tingin.
"I just don't need it kaya binigay ko nalang..." At may hinawakan pa siya sa
kanyang leeg. Isang kwintas na hindi naman gaanong kamahalan.
Umiling nalang ako at hindi na nagtanong pa ng kung ano ano.
Kaya noong malaman rin ni Tracey ang totoo ay hindi na ako mapakali. His
brother even punched me. That's my payment for being an asshole. I was an asshole
pero matino na ang hangarin ko! Seryoso na ako!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Special Chapter

Vote. Comment. Be A Fan.


Shade of Love
-PrfctlyStbbrn
This chapter is dedicated to Reizhyl Faye Dolenzo. Happy reading!
--------
Untold Part of Israel Buenaventura
Light
That was summer when Rici is acting strange. Palaging namumugto ang kanyang mga
mata at minsan nalang lumalabas ng kuwarto niya. I wonder if their relationship is
okay? Ngayon ko lang siya nakitang matamlay at mukhang umiiyak pa.
I checked her and found her on her bed, lying while hugging a pillow.
Umupo ako sa gilid ng kanyang kama.
"Is there a problem, Riss?"
Umiling lang siya at mahahalata mong hinang hina dahil kahit ang galaw na iyon
ay walang kabuhay buhay.
Palagi ko siyang tinatanong kung anong problema pero wala naman siyang
sinasabi. Did they fight? Nagloko ba si Bram? O may hindi lang pagkakaintindihan? I
tried to be positive for the sake of Tracey. Ayokong sumiklab agad dahil alam ko na
natatakot siya sa akin pag ganoon ako.
Kaya noong nalaman ko ang totoo ay di ko na talaga napigilang magwala. Sinugod
ko agad ito. I wanted to kill him for cheating over my sister! Pumayag ako na
maging sila pero ito ang isusukli niya?! Gagaguhin niya!
Kung wala lang talaga ang kanyang kapatid, kung hindi ko lang talaga nakitang
umiiyak ay babasagin ko talaga ang kanyang pagmumukha. I don't fucking care about
his reason! Gusto ko lang talagang pagbayarin siya sa ginawa niya sa aking kapatid.
Rici worsened. Di na masyadong lumalabas at palagi nalang sa kanyang kuwarto. I
don't even know how to calm her.
"Check on her, Israel... I can't go home. I have so many things to do here,"
sagot ng aking ina sa kabilang linya.
Nabasa ko ang pang-ibabang labi. I'm not good at giving advices! Anong
sasabihin ko? Move-on and find another man, Riss... It's not that simple.
Dapat si Ate Adiane ang gumagawa nito. But that girl is busy with her own
lovelife too. She's busy in the City.
"Let her get over it. She needs time to heal herself. Makakamove-on rin siya."
My Dad said while we're having our dinner.
Bakit ba ganito sila kakalmado? I hate that they're taking this so fucking
simple. Na ako lang ang nababahala at naninibago sa aking bunsong kapatid.
Hindi ako makampante. Palagi namang pinapadalhan ng pagkain si Rici sa kanyang
kuwarto pero di parin ako mapakali. Kaya noong dadalhan ulit siya ay ako na ang
nagpresenta. I don't even know if she's eating well... My parents only cares for
their business and such. Tss.
Kumatok ako sa pinto. She didn't answer kaya binuksan ko nalang. Nagkasalubong
agad ang aking kilay dahil nakalock na iyon.
Sumigaw ako at tinawag ang kasambahay na namataan kong malapit lang. Kinabahan
na ako. Ang aking puso ay nagwawala na sa loob.
"Get her keys! It's lock! Faster!" sigaw ko na ikinataranta nito at tumakbo
agad.
Kinalampag ko ang doorknob. Sinipa ko pa iyon at gusto ko na agad sirain.
"Rici! Open the damn door!" Pinalo ko iyon ng malakas pero hindi ko mabuksan.
Bumalik rin naman ang katulong dala dala ang susi. Mabilis ko iyong binuksan sa
nanginginig kong kamay at nagulat nalang sa tumambad sa aking harapan. Napasigaw
ang katulong habang ako ay parang nanlamig dahil sa kapatid kong nakahandusay
nalang sa sahig, wala nang malay.

I immediately went to her. Kinarga ko siya sa pagkakahiga


roon at tinapik tapik ang kanyang pisngi.
"Riss! Riss!" Namula agad ang aking mga mata. She was so pale. May mga nagkalat
ring tableta sa sahig.
I checked her pulse and I can't feel her heartbeat anymore. Kinilabutan ako.
God!
Mabilis ko siyang kinarga. My father ran towards me noong lumabas na ako at
nagmamadaling isugod ito sa hospital.
"What happened?!" tanong ng aking ama na sumusunod. Bakas sa mukha ang pag-
aalala.
"She took some meds!" Iyon lang ang tanging nasagot ko.
It was the most painful moment in my entire life. My sister didn't make it.
Naoverdose raw ito. She killed herself!
Pang-ilang beses kong nasuntok ang pader ng hospital habang nanginginig ang
aking mga balikat at tumutulo ang aking mga luha. Di ko iyon matanggap. Ang kapatid
ko... Nawala nalang bigla.
Pinaghalong sakit at galit ang naramdaman namin. Ang aking ama ay walang ibang
sinisisi kundi ang nanakit kay Rici. Na kahit ako ay si Bram rin ang aking
sinisisi.
"Sugurin niyo sa bahay ang putangina na 'yon at kung pwedeng patayin niyo ay
gawin niyo narin!" sigaw ng aking ama sa kanyang mga tauhan sa umagang iyon.
Sumama ako dahil alam kong hindi lang si Bram ang naroon sa bahay na iyon.
Naroon rin si Tracey. I still want to protect her even if it hurts alot. Gusto ko
paring masiguradong okay lang siya pag sumugod ang mga tauhan doon.
Gusto kong sumabog sa galit sa bahay na iyon at sirain ang tahanan ng gagong
iyon pero nang makita ko siyang nagtatago sa likod ng kanyang ina, umiiyak ngunit
nagagawang sumilip sa akin ay humupa ang bagyo sa aking loob.
Ang nandidilim kong mga mata ay nakahanap ng liwanag na nagpahupa ng aking
galit. I want to pull her and hug her!
Kaya noong hindi namin matagpuan si Bram doon ay sinenyasan ko agad na umalis
ang mga tauhan dahil ayoko ring matakot na siya ng husto sa akin. I don't want to
scare her. I don't want to hurt her. Na kahit kadugo niya iyon, kapatid... hindi ko
parin magawang kamuhian ang kanilang pamilya dahil sa kanya!
Napauwi narin si Mommy rito dahil sa nalaman. Si Adiane ay nasa ibang bansa pa
at ewan ko kung anong ginagawa. We're all in pain. Niyakap ako ng aking ina at
umiyak sa aking balikat habang nakatayo ako at nakatitig nalang sa kawalan. Ang
hawak kong puting rosas ay hindi ko na magawang ihulog sa kanyang kabaong.
I never got a chance to say how I love her as my little sister. Naging pabaya
akong kapatid. Kung binantayan ko lang siya... Kung ginabayan ko lang... Siguro ay
kinaya niyang dalhin ang bigat na nararamdaman niya. I should have hug her more and
stay by her side.
"May kapatid 'di ba ang putanginang 'yon? Ba't di iyong babae ang matyagan
niyo? May alam iyon at sigurado akong tinatago lang nila." Narinig ko ang aking ama
na sinisigawan ang mga tauhan na walang nakuhang impormasyon tungkol sa
kinaroroonan ni Bram.
Pumasok ako na ikinalingon niya sa akin.
"Ako na ang bahalang magtanong sa babaeng kapatid ni Bram," malamig kong tugon.
Kumalma naman ang ekspresyon ng aking ama.
"Gaganti tayo, Israel. Hindi pwedeng hindi natin bigyan ng hustisya ang
pagkamatay ni Rici," galit niyang sabi.
Binalingan ko ang mga tauhan ng aking ama.
"Lumayo kayo sa babae at ako na ang gagawa ng pagtatanong tungkol sa kapatid
niya."
Tumango naman sila.
Iyon ang inaakala ng aking ama, na tumutulong ako sa plano nilang gumanti. But
the truth is... I just want to protect her. Mas mabuting ako ang lumapit lapit sa
kanya kaysa sa mga tauhan ng aking ama dahil baka idamay nila ito. She's more safe
to me...

I got in tears while staring at my sister's gravestone.


Makulimlim ang kalangitan at mukhang nagluluksa rin sa hapon ng Biyernes na iyon.
Madalas lamang akong nandito, nakaupo sa gilid at sobrang pinapatay sa sakit. Di na
ako masyadong gumagala sa bayan para mamasyal.
I failed as a brother...
Kagat kagat ang pang-ibabang labi, umagos ang luha sa aking mga mata. I
remembered her words to me... She loves him more than her life. Kung tutuusin, mas
mabait naman ang aking kapatid kaysa sa akin. Patapon ako at inaaksaya ang aking
oras sa mga walang kabuluhang bagay. Ni hindi ako napapakinabangan sa business.
Mabisyo, madalas mambabae at matigas ang ulo. How in the world you let me live? How
in the world I deserve to live than my sister?
Madilim na nga ang mundo ko... mas pinadilim mo pa. Kinuha mo ang isa sa mga
nagpapaliwanag ng buhay ko.
Bram showed up on our land. Nadatnan ko siya sa harapan ng lapida ng aking
kapatid. I wanted to punch him. Gusto ko siyang itaboy paalis pero nakakabingi ang
kanyang malakas na iyak.
May mga sinasabi siya roon na nagpakuyom ng aking kamao. Dapat hindi ako
makaramdam ng awa sa kanya dahil tama lamang ito. Pero sa mga sinabi niya ay
nakaramdam ako ng sakit at awa.
I... I didn't know. Tangina!
Pinaalis ko kaagad ito kahit na ayaw niya dahil sa mga tauhang nagkalat sa
aming lupain.
"Putangina, umalis kana!" Hinila ko siya paalis sa puntod ni Rici. Sa sobrang
hina ay nawalan pa siya ng balanse at gagapang na sana pabalik doon kaya hinila ko
agad ang kwelyo at pinatayo ito.
Bigong bigo ito at ayaw nang lumayo sa puntod ng aking kapatid. Humahagulhol
siya at wala na atang pakialam.
"Leave or they're going to shoot you in the head!"
"Sige lang... Patayin niyo na ako. Gusto ko na siyang makita... Gustong gusto
ko na..." Tumingala siya at umagos ang kanyang mga luha kaya sinuntok ko ito sa
kanyang mukha.
Okay lang na sumunod siya doon kahit ako pa ang maghatid sa kanya! Pero di rin
nag-iisip ang gagong ito!
"At paano ang kapatid mo?!"
Napatingin siya sa akin.
"Diba mahal mo? Alagaan mo siya..." Tinapik niya ang aking balikat. "Kung
mamamatay man ako ngayong araw... Kahit itabi mo nalang ako sa puntod niya. Kapalit
nito ay pumapayag ako sa inyo ng kapatid ko."
Naikuyom ko ang aking mga kamay. Wala na akong masabi sa lahat lahat ng
naririnig kong pinagsasabi niya kanina sa puntod ni Rici. Nilamon narin ako ng
galit.
Kaya noong nagsisuguran na ang mga tauhan ay pinatakbo ko nalang ito pauwi.
Pinuntahan ko agad ang aking ama para utusan silang itigil ang paghahabol kay Bram.
"Nakalimutan mo na ba na ang gagong iyon ang pumatay sa kapatid mo—"
"Nagpakamatay si Rici! Hindi siya pinatay!" putol ko sa amang kinain narin ng
galit.
"Gusto mong may masisisi dahil sa pagkamatay niya, ganoon ba?!" Sumiklab agad
ako at gustong magwala.
Tumahimik ang aking ama at nag-iwas ng tingin.
"Putangingang pamilyang 'to! How can you call a family like this when you're
the one who's crushing us into pieces!" Sinipa ko ang malaki naming vase na nabasag
agad.
Nanlaki ang mga mata ng aking ama at nagalit agad.
"Sabihin mo sa akin... Kaya mo ba nilalapit-lapitan ang kapatid ng lalakeng
iyon dahil mahal mo narin?! You're choosing those rat over your family?!" Nilapitan
ako ng aking ama at kinwelyuhan.

"Gagaya ka rin sa kapatid mo at magpapalinlang ka rin sa


magkapatid na iyon?!"
Nakipagtitigan ako sa madilim at matalim niyang mga mata. Halos mandilim na ang
akin. Nakakalimutan kong sarili ko itong ama. Sirang sira na ang pamilyang ito.
"Don't you dare do something stupid, Israel! Baka pati 'yang kapatid ni Bram ay
ipapatay ko rin—
Sa aking galit ay nasuntok ko ito na ikinatumba niya agad. Bumakas ang luha sa
kanyang mukha at hindi makapaniwala sa aking ginawa.
"Baka mauuna kita bago mo iyon magawa sa kanya." Madilim kong bigkas sa ama
kong napahawak sa kanyang panga.
"I'm your father!" he spat.
"And you just created another version of demon. I'm your son... May
pinagmanahan lang ako sa pagiging tuso. Kaya kitang baliktarin sa oras na iyong
babae ko na ang pinakialaman mo. Ama nga kita..." Ngumisi ako ng malademonyo.
Nakasalubong ko ang mga tauhan ng aking ama habang papunta na ako sa bahay nila
Tracey. Kung di sila pipigilan ng aking ama, ako nalang.
But I was already late...
Akala ko ang pagkamatay na ni Rici ang pinakamasakit na mararamdaman ko. Akala
ko wala ng sasakit doon pero mali ako.
"K-Kinamumuhian ko kayo... H-Hinding hindi ko kayo mapapatawad... S-Simula
noong dumating ka sa buhay ko... D-Dinala mo lang ako sa impyerno..."
Bigo ang kanyang namumugtong mga mata kakaiyak nang walang tigil habang
nakakuyom ang kanyang kamao at makikita mo ang halo halong galit, sakit at
pagkakadismaya niya sa akin.
"Bakit ganyan kayo? B-Bakit niyo nilalagay ang batas sa kamay niyo? D-Dahil ba
mayaman k-kayo? Nagmahal l-lang naman si K-Kuya... A-Ang gusto niya lang... A-Ang
gusto niya lang ay dalawin ang puntod ni... ni Ate Rici..." Habol habol niya na ang
kanyang hiningi at hindi na maayos ang pagsasalita.
Nagtangka akong lumapit sa kanya pero itinulak niya lang ako palayo. It's like
she's disgusted when I'm near her. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang
patahanin pero nanghihina ako sa pagtulak niya. Para akong napapaso.
"P-Pinaniwala mo ako... A-Akala ko... A-Akala ko mabuti ang hangad mo... Pero
tama nga sila... Tuso kayo! Hinding hindi kita m-mapapatawad Israel... P-Pinaniwala
m-mo ako... P-Pinatay niyo siya!" sigaw niya.
"Namatay ang Kuya ko... Namatay siya sa k-kagustuhan niyang masilayan ang
puntod ng m-mahal niya... K-Kahit ang bagay na iyon... I-Ipinagkait niyo... Ganoon
ba kayo kasamang tao? Paano niyo n-nakakayang m-manakit... D-Di niyo man lang siya
binigyan ng pagkakataon..."
Napaluhod siya at tinakpan ang kanyang mga mata.
"M-Masaya na siguro kayo dahil patay na ang Kuya ko... Nakuha niyo na ang
hustisyang gusto niyo... P-Paano naman kami... Saan namin kukunin ang hustisya?
Matatawag b-ba kaming biktima ng mga taong ininsulto kami at pinaratangan sa isang
k-krimeng di namin kasalanan? P-Pero dahil makapangyarihan k-kayo... d-dahil mas
maimpluwensya kayo... s-sa amin parin mapupunta ang sisi diba?"
Wala akong magawa. Nanghihina na ako sa kanyang iyak. I feel so useless...
"B-Ba't di mo nalang rin ako p-patayin total pinatay mo narin ako? Literal mo
nalang akong p-patayin..."
Napaawang ang aking labi at sinikap na ipanatili ang mga luha sa aking mga
mata. Why are you begging that to me? Ako ang pinapatay mo sa sakit, Trace...
"I'm sorry," tanging nasabi ko at umagos na ang aking mga luha.
"Patawad rin Israel pero nakakatakot kang m-mahalin. S-Sana... Sana di ka
nalang pumasok sa mundo ko kung isisilong mo lang pala ako sa dilim."
Tumagos iyon sa akin. Tama nga siya... Iyon lang ang
naibigay kong kulay sa kanyang mundo simula noong pumasok ako. I shade her with my
own darkness. Nadadamay siya sa dilim ng mundo ko.
Tracey left the place. Gusto ko sana siyang makausap sa huling beses kaso alam
kong fresh pa sa kanya ang lahat. While she's away, I focus with our land.
Pinagkakitaan ko ang mga punong mangga namin. Kahit iyong malawak na lupaing
ipinamama ni Lolo sa akin ay inasikaso ko narin. Pinataniman ko iyon. I hired some
farmers to help me with it.
Pagkatapos ng klase ay tumutulong agad ako sa mga tauhan sa lupain at sa pag-
aangkat ng mga mangga. Ang perang kinikita ay inipon ko para makapagpatayo rin ng
isa pang negosyo sa syudad pagkatapos ng aking pag-aaral.
Lumago nga naman ang lupain. Pagkagraduate ko ay ginamit ko ang aking napag-
aralan sa kolehiyo at nagtayo ng sariling kompanya sa syudad gamit ang kinita ko sa
lupain. Ang perang kikitain naman ng kompanya na pinangalanan kong TAB Company o
Tracey Adjeanne Buenaventura Company ay balak kong ipatayo ng sariling mansyon sa
bukid.
Inayos ko ang aking sarili sa mga nagdaang mga taon. Gusto kong pag bumalik na
siya ay hindi na ganoon kadilim. That I already change for the better. I even cut
my shoulder length hair. Di ko na iyon kailangang itali at sinusuklay nalang
paatras.
Hindi ko pinapabayaan ang aking sarili. Naggym ako syempre. I want her to show
that I am far from that person she used to pushed away from her.
Funny how she let go of me even when she never held me. Binitiwan niya agad ako
kahit noong umpisa palang ay hindi niya naman talaga ako hawak. She never held
me... She was too afraid I might break her that's why she broke me first.
She knew I was weak and fragile when it comes to her... But she still dropped
me.
She got hurt, Israel. You can't blame her for pushing you away. Bawiin mo
nalang ulit.
Iyon nga ang ginawa ko. I've been stalking Tracey these past few months. She's
doing great. Nag-aaral ito sa isang mamahaling Unibersidad dito sa syudad. Her
father is a great business tycoon. May Mall rin ang Chua at may dalawa pa siyang
mga kapatid. I think she's treating them nicely.
Nagkakausap kami minsan ni Tracey pero hindi ko parin mabali bali ang kanyang
desisyon. She doesn't want me anymore. Kahit siguro luhuran ko ito ay di ko na
mababali ang kanyang paninindigan.
Sinisisi niya rin ako dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
"Sino ba sa mga estudyante ang sadya mo rito, hijo?" tanong sa akin noong
madalas kong tinatambayang stool ng mga bilog bilog niyang tinitinda.
"Siguro ex mo 'no? At gusto mong makipagbalikan?" Ngumisi sa akin ang matanda
habang nagluluto.
The balls taste good. Iyon ang pampalipas oras ko at nagbabakasakaling makita
si Tracey.
Hindi ako umimik sa sinabi ng matanda kaya nailing ito.
"Yang mga babae sa umpisa lang naman yan pakipot... Pag sinuyo mo nang sinuyo
ay bibigay rin yan."
Bibigay nga rin naman iyon sa akin. Kahit magmatigas siya ay mapapalambot ko
parin siya.
I was so desperate to have her again after pushing me away kaya noong bumisita
ang aking ina sa condo ko ay nagtanong na ako tungkol sa mga kaibigan niyang
Chinese. Hindi nga naman ako nabigo dahil isa nga iyon sa circle of friends niya.
"Fine, I'll talk to them. Iyong anak nilang lalake ay fix marriage rin naman
iyon kaya papayag rin siguro nilang ipagkasundo ang babae nilang anak," sagot ng
aking ina sa usapan namin tungkol sa gusto kong pangasawahing Chinese.
Kaya noong binalita niya sa akin na pumayag narin ang mga
Chua na ipagkasundo sa akin ang anak nilang babae ay napangisi nalang ako ng
demonyo.
Sige lang... Takbuhan mo lang ako. Di mo alam palihim kana palang nakatali at
mahihila parin kita pabalik sa akin.
Naging kampante na ako sa nagdaang taon. Di na masyadong tumatambay sa labas.
"Oh? Aalis kana? Minsan ka nalang dito ah..." Binigyan agad ako ng stick noong
matanda nang mapadpad ako roon.
"I'm busy with my work..." sagot ko saka tumusok ng noong bilog bilog.
"Ah... Simula noong di kana tumatambay dito humina ang benta ko. Ikaw lang
naman ang dahilan ba't maraming mga mayayamang kumakain dito."
Dinukot ko ang pitaka sa aking bulsa na ikinatingin niya roon. Inilabas ko
lahat ng aking pera na di ko alam kung ilang libo iyon saka ko ibinigay sa kanya.
"Gawin mong puhunan mo. Magtayo ka ng negosyo at bumalik ka ulit dito sa
susunod na taon." Inilahad ko ang pera na ikinalaki ng kanyang mga mata.
"Nako... Di ko iyan matatanggap, Israel!"
"Di ito libre. Gawin mo lang puhunan. Kung kumita kana then pay me. Let's meet
again after 1 year or so."
It calm him. Napatitig pa siya roon kaya inilapag ko na sa kanyang tabi ang
pera.
Kung may natutunan man ako sa buhay ay iyon ang magbigay sa mga taong
nangangailangan. Kung kaya mo namang tumulong, ba't di mo gawin? Di mo naman
madadala sa langit ang pera. Di mo rin ito mababaon sa impyerno.
Alam kong naging matapobre ako. Tracey was right... Di ko nga naman
maiintindihan ang buhay ng mga kapos dahil lumaki ako na ibinibigay sa akin ang
lahat at nakukuha iyon sa madaling paraan.
"Umatras daw ang anak ni Liam, Israel. She doesn't want to get married dahil
may iba na raw mahal," balita sa akin ni Mommy sa kabilang linya na ikinatagis ng
aking bagang.
How come she likes someone else?! Wala akong namamataang umaaligid na lalake sa
kanya at iyong intsik niya lang na kapatid! Iyon lang ang nasa listahan ko!
I was so angry I planned on using her sister as a bait, that brat. Kung uurong
man siya ay may alas agad ako. I'm sure she has no choice if I told her I'm going
to break her sister's heart if she didn't marry me.
But it turns out fate has a better plan. Nakikisama rin ata sa akin.
Nasa meeting ako noong tumawag si Mommy sa akin.
"Israel... Iyong French ba ang balak mong mapangasawa? Iyon lang naman kasi ang
alam kong anak ng mga Chua. Di ko alam na may isa pa pala... Nahuli ako sa balita."
"Iyong maganda, Ma."
"Maganda iyong French!"
The description doesn't match her face.
"No. The other one. That Chua named Tracey Adjeanne..."
"Ah! Iyon ngang half Chinese na anak ni Liam sa ibang babae. Di ko pa iyon
nakikita dahil si French ang madalas kong namamataan. Iyon ang umurong at ang
pumalit ay iyong half Chinese na."
Napabangon agad ako sa pagkakasandal sa upuan. Ang iilan pang mga ka board
meeting ko ay napatingin sa akin pero sinenyasan ko nalang na h'wag akong pansinin.
"Icoconfirm ko nalang sa mga Chua na iyong half Chinese ang gusto mo," tanging
sabi ng aking ina na ikinabasa ko ng aking pang-ibabang labi.
Kaya sa mga nagdaang araw ay nakahinga na ako ng maluwag. Sinusundan ko nalang
ito. At nakakainis pa dahil pati sa Bar ay dinadala rin siya noong kapatid niya.
This place doesn't suit her!

I followed her on the restroom. She was checking herself on


the mirror. Sumandal ako sa pinto at hinagod agad ng tingin ang kanyang katawan.
She grew into a fine woman. Medyo malaki narin ang dibdib. Her figure screams
heaven. Nakikita ko ang sarili kong hinahalikhalikan ang kanyang batok pababa
habang pinipisil pisil ang kanyang dibdib.
I offered her to drive her home but her answer shocked me.
"D-Dahil may fiancee na ako at hindi kana pwedeng lumapit lapit sa'kin—"
"Fiancee?" putol ko at nagtunog galit para di siya maghinala na may alam ako.
Tumango ito.
"Oo fiancee... Yung nakatakda mong pakasalan balang araw—"
Oh damn you for being so fucking adorable!
I acted like I was mad. Na dapat makita niyang labag sa gusto ko ang desisyon
niya. May ugali kasi siyang sinasalungat ang mga gusto ko. And I want her to teach
a lesson.
"Kahit lumuhod ako ngayon at magmakaawang h'wag mong pakasalan, pakakasalan mo
'di ba?" Tumawa ako pero sinikap kong magtunog hilaw. "Tangina yan..." Nasuklay ko
ang aking buhok paatras. Tangina yan ang swerte ko naman!
"Sinabi ko na sa'yo, iyon na ang huling magmamakaawa ako." Nailing ako.
Iyon na ang huli dahil nahulog kana sa bitag ko.
She looks so frustrated. Damn it. I need an assurance! Pwede namang umurong ka
doon dahil mas napili mo akong pakasalan nalang. And I'll surprise you that it's me
you're going to marry. Pero kung magmamatigas ka parin ay baka masorpresa nalang
kita dahil akala mo nakatakbo kana ng malayo pero iyon pala ay nasa finish line na
ako at naghihintay nalang sa pagdating mo.
"Gawin mo ang gusto mo at magpakasaya ka. Sige, pakasalan mo." Pakasalan mo
ako.
Ngising demonyo nalang ang nagawa ko at nabura na ang pinipeke kong galit noong
iwan ko na siya. Damn... I think I got a bright future as an actor!
Tinatawagan ko minsan si French at pinapakinggan ang mga kwento niya sa kanyang
araw. Nasasama roon si Tracey kaya kahit papaano ay may sense rin naman iyong iba
niyang sinasabi.
"I didn't know, Brenda! Akala ko talaga isa lang ang babaeng Chua sa pamilya
niyo!" narinig kong sabi ni Mama noong magkita silang dalawa sa isang Restaurant.
Nasa kabilang table ako, kumakain at nakikinig sa pinag-uusapan nila.
"Sino bang legal na asawa ang papayag na patirahin ang anak ng kabit ng asawa
mo? Imagine my situation, Lorraine!"
"Mahirap nga iyan. Baka di ko rin kayanin..."
"Di ko talaga kaya. I've seen Tracey's Mom and she really look like her!
Naalala ko pa noong nalaman kong binigyan niya ng pera ang kanyang kabit!
Nakipagkita sa kanya! I was so mad I said all the hurtful words! Dalang dala na
ako..."
Bahagya kong nilingon ang ekspresyon nito at naniningkit na nga ang kanyang mga
matang singkit na sana. You can see the hatred on her face.
"I understand you Bren... Baka ako rin ay makapagbitaw ng masasakit pag nalaman
kong may kabit ang asawa ko. But you know... Di rin naman kasalanan ng mga bata,"
my Mother said gently.
"Bram, Liam's other son, is okay to me. Iyong babae lang talaga ang kinaiinisan
ko ng husto. Palagi kaming nag-aaway ni Liam. Pero noong tumagal rin... Di ko alam
kung ba't lumalambot ako sa bata. There's something about her that stop me from
doing something cruel to her... Gusto ko ngang alipustahin pero di ko magawa dahil
parang hinahaplos ng anghel ang puso ko."
Ngumisi ako at nabasa ang pang-ibaba kong labi. My girl can tame all the
monster in this world. Makita mo lang ang mukha noon ay mapapaamo kana agad.

Nasanay na siguro ang tadhana na paulanan kami ng mga


problema para lang masubok kung gaano kami katatag. I almost died when her hand
loosened. Noong binitiwan niya ako at tinalikuran para sa kanyang pamilya ay halos
hindi ko na maramdaman ang aking sarili.
If she gave me up this time... I don't think if I have the strength to fight
again. Ubos na ubos na ako. Hinang hina na at kaonting tulak niya lang sa akin ay
mababasag na ata ako pag bumagsak ako.
Kaya noong nagdesisyon siyang sumama sa akin at mas piniling umuwi nalang sa
bukid ay pumayag na agad ako. I'm not going to let her go even if it's complicated.
Kinuha ko ang aking mga gamit sa bahay para mailipat narin doon sa sarili kong
ipinatayo. Kakatapos lang nito noong nakaraang buwan. My father got mad at me for
building another house. Ako lang rin naman daw ang magmamana noong isa pa naming
bahay sa bayan.
"Hindi mo naman tanggap si Tracey 'di ba? At wala rin akong balak na ipakilala
siya sa'yo. I'm not going to allow you." Matigas kong sabi noong kinuha ko ang
aking mga gamit.
We're not okay. Pagkatapos rin kasi noong nangyari sa mga nagdaang taon ay
sinikap kong tumayo sa aking sarili. Ni hindi na ako humingi ng pera sa kanya at
itinaguyod ang sarili kong pag-aaral. Ang kinikita ko sa lupain ang ginamit kong
pang-aral. I even lived near the land. Nagtayo lang muna ako ng maliit na bahay.
Hindi siya umimik at tiningnan ang mga gamit kong kinukuha ko. He's getting
older. The last time I saw him is very far from he was right now. Matanda na talaga
at kulubot na ang balat.
"You know son, I never regret being so cruel... Namatayan ako ng anak. You
can't blame me for being so mad."
Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa kakahakot ng aking mga gamit papasok sa
kotse. I'm going to leave this house. Buburahin ko na ang mga alaala na iniwan ko
rito. I'm going to take everything.
"I was just trying to protect our family. But the sad part here... You never
saw my pain as a father. Gusto ko lang naman na mapabuti kayo..." He sighed.
I will never understand his pain. What he did is too much! He never gave him
the chance to prove to him that he's worthy for Rici! Wala na akong pakialam diyan
sa iniisip niyang sakit na naramdaman niya.
But when I found out that Tracey is pregnant with my child... I burst into
tears. Tumatak sa aking utak na poprotektahan ko sila sa lahat ng bagay kahit
mapasama pa ako. Hinding hindi na ako makakapayag na may manakit sa mag-ina ko.
And then I remembered my father's words. I will never understand his pain as a
father... At ngayon na magiging ama narin ako ay unti-unti na akong naliliwanagan
sa galit niya noon. I can't blame him. Dahil baka kung mangyari rin iyon sa
magiging anak ko ay makakapatay rin ako. I will never show no mercy.
Pinukpok ko ng martilyo ang kahoy sa punong pinagtayuan ko ng tree house.
Mahilig si Tracey sa mga bulaklak kaya nagpasya akong punuin ng mga sunflower ang
lupaing medyo malayo sa aming mansyon. Malalakad lang naman ito at nasa dulo lang.
"Done!" Bumaba agad ako.
This treehouse will going to be her shade from the heat of the sun.
"Pag sobrang laki na ng tiyan ko di na ako makakaakyat diyan..." Sumimangot
siya.
She's three months pregnant now. Ang payat nitong pangangatawan ay nakakatakot
dahil baka mabali ko siya. But the doctor said she's healthy. Our baby is healthy.
Sa harapan noon ay ang mga sunflower na nagsisimula palang lumaki at tumutubo
na. Siguro sa mga dadaang araw ay rarami sila rito at mas lalaki na.
"I know... Pero habang hindi pa malaki ay gawin nalang muna nating tambayan pag
nandito tayo..."
Ngumiti siya at lumapit doon sa may hagdan na ginawa ko. Tinulungan ko siyang
makaakyat doon at siniguradong hindi ito mapapano. Noong tuluyan siyang makapunta
sa itaas ay sumunod din naman ako.

Naglagay rin naman ako ng upuan doon sa loob para hindi


siya mangalay kakatayo lalo na't lumulobo na ang kanyang tiyan.
"Here... Sit here." Iginiya ko iyon paharap sa bintana para mapagmasdan niya ng
mabuti ang mga bulaklak na maliliit palang.
Umupo siya roon at inihilig ang mga braso.
"Siguro pag lumaki na si baby dito narin siya maglalaro. Itong tree house na
'to ang magiging playground niya," sabi niya.
"Our baby will going to like this place. She will likes the flower..." sabi ko
naman at niyakap na ito sa kanyang likod.
Hinawakan ni Tracey ang aking braso. I sighed and kissed his head. I'm always
at peace when I'm with her. She's my star in darkness. She's my light...
"Bati na kayo ng Daddy mo?" tanong niya sa akin at tiningala ako.
She's aware we're not in good terms. Di niya tanggap na pinakasalan ko si
Tracey. Nagluluksa parin siya hanggang ngayon. Ang tanging naging kasama kong
pamilya sa araw ng kasal ko ay ang kapatid ko, ang asawa nito at maliit nilang anak
na lalake, si Mommy... Iyon lang. Naroon rin naman ang mga Chua at ang ina ni
Tracey. Maliit lang ang bisita sa enggrandeng kasal naming dalawa noong nakaraang
buwan.
Tumayo si Tracey at hinaplos ang aking pisngi. Naipikit ko ang aking mga mata
at dinama ang malambot niyang haplos roon.
"Hindi naman pwedeng panghabang buhay kayong magkagalit, Israel... Papa mo
parin iyon."
Dumilat ako at nakita ang mga mata niyang namumungay. Ngumiti siya at hinagkan
ang aking pisngi.
"Takot ako sa kanya pero ayoko rin namang ganito kayo..." she said gently.
Maybe I'll just wait for that day. Dadating rin naman ang araw na magiging
maayos ang lahat.
We used to hang-out on the treehouse. Nagdadala ako ng mga pagkain doon dahil
gustong gusto niyang tumatambay sa loob para pagmasdan ang paglaki ng mga
sunflowers na tinanim namin.
Pag di ko rin kasi nadadala roon ay tatakas nalang siya. Ako ang nag-aalala
dahil baka sa pag-akyat niya ay mapahamak siya.
"Israel..." Humawak siya sa aking balikat habang nakasandal ito sa pader ng
treehouse.
I kissed her neck and left some marks on it. Tumingala siya at nagustuhan ang
aking pinaggagawa kaya bumaba lalo ang aking halik.
I pulled down her dress and showered her mound with small kisses. Naramdaman ko
ang pagliyad niya kaya pinisil ko ang kanyang isang dibdib habang ang isa ay
tinakpan ko na ng aking bibig.
She moaned deliriously. I swirled my tongue on her aroused peak as I pinched
the other one. Her voice sent shiver all over me. Gustong gusto ko iyong naririnig
dahil alam kong napapabaliw ko na siya.
Isang hila lang ng kanyang maluwang na damit pababa ay lumantad na ang katawan
niya sa aking harapan. I covered her with my own body and started to grind my
crotch between her thigh. I groaned when her moaned echoed on my ears.
She likes it alot. Her wetness is the evidence that she likes this alot. I
smiled wickedly and pulled the chair for her.
"Sit," sabi ko na sinunod niya rin naman.
I kneeled infront of her. Her cheeks blushed hard while staring at me,
anticipating for my next move.
I spread his legs apart and delved between her. Napaliyad siya at mas lumakas
ang kanyang ungol. I twirled my tongue inside her wet pussy and hold her legs
firmly.
Napahawak siya sa aking buhok at doon ako pinanggigilan. Isinampay ko ang
dalawa niyang mga hita sa aking balikat. I rubbed his folds while sucking and
licking her. I did it a minute until she convulsed for the second time.
I took my pants off and let her stand as I buried myself deeply. Her lips
parted as she moaned while she pushed her head back. I carried her leg on my other
arm and started to move fast. I was staring at her sweaty yet beautiful face with
my part lips. I was lost in the waves of sensation. I just want her to convulse
again... I want her to reach her climax again. I want her crazy over me.
"I love you..." I whispered as my pace went fast.
Hinalikan ko siya. She was too occupied with something that she can't respond
to my kisses. She's enjoying this.
"I..." Nasundan iyon ng halinghing. "I love you..." At halingling niyang muli.
Iyon ang nagtulak sa akin para mas bilisan pa. She's making me so damned turn
on everytime she said those 3 words to me.
Tuwing umaga ay nauuna akong gumising para lang isama ito sa pagjajogging ko.
Kahit simpleng paglalakad lang ay sapat na para maging malusog ang bata sa kanyang
tiyan. May pagkamatigas pa naman ang ulo nito minsan at tinatamad nang tumayo!
"Palibhasa kasi hindi malaki ang tiyan mo kaya di ka nakakaramdam ng pagod. Eh
ako..." reklamo niya at sobrang bagal na ng paglalakad.
Ngumisi ako sa kanya. She's already sweating. Medyo nakakalayo narin kami sa
mansyon.
"Di ka nga nagrereklamo pag nasa ibabaw mo ako..." Nanunuya kong sabi na
ikinapula agad ng kanyang pisngi.
"Israel!" sigaw niya na ikinahalakhak ko.
"Mabigat rin ako pero nakakaya mo naman pag pumapaibabaw ako sa'yo—"
Tumigil siya at gumala agad ang tingin para maghanap ng bato. Mas lalo akong
humalakhak.
"Babatuhin kita!" pananakot niya pa.
"Oh you're guilty?" I licked my lowerlip while smirking.
She frowned even more. Pikon nanaman ang buntis.
"Oh... Magandang umaga Ma'am Tracy... Don Israel," bati sa amin ng ina ni
Felicita na tanging kapitbahay namin sa lupaing iyon.
Kapwa natuon ang mga mata namin sa babaeng nagdidilig ng kanyang mga halaman.
Kumalma ang mukha ni Tracey at ngumiti agad sa kanya.
Simula noong namatay ang kanyang asawa na sarili rin naming driver noon ay
nagdesisyon narin itong manirahan malayo sa bayan. Dahil rin kasi roon ay nawalan
na ng kabuhayan ang kanilang pamilya at nalugmok sa utang. Ipinagbili nila ang
kanilang bahay para ipambayad at nagtayo nalang ng maliit na bahay rito. Naawa ako
kaya binigyan ko nalang ito ng pera para makapagsimula ng negosyo. Ilang taon rin
naman kaming pinagserbisyuhan ng kanyang asawa bago ito pumanaw sa isang sakit.
She started to plants some vegetables for a new income. Kahit maliit ay
sinisikap niyang kumita ng pera para maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak.
Ang lalake niyang anak ay napilitang lumuwas sa syudad para doon magtrabaho. 
Iyong isa niya pang babaeng anak ay nasa kabilang nayon narin at mukhang
nakapangasawa narin ng tagaroon. Si Feli lang ang nabalitaan kong nag-asawa ng
mayaman. Kahit noon pa man, alam ko naman talagang social climber ang babaeng iyon.
Di na ako magtataka kung dahil lang rin sa pera kaya niya iyon pinakasalan.
"Magandang umaga po..." Lumapit si Tracey sa kanya at nagmano.
Bumaling naman ito sa akin kaya tumango ako at nameywang. Si Tracey ay pawisan
na.
"Lalake siguro 'yan..." Hula nito at ngumisi na sa akin ang matanda.
"Talaga po?"
Tumango naman ito.
"Oo... Malakas lang ang kutob ko na lalake iyan dahil iba ang pagiging blooming
mo."
"Tracey wants a girl," sabi ko pa.
"Pero kung lalake... Okay lang rin naman!"
Nagtawanan silang dalawa. Ngumisi rin ako at napatitig pa sa pwet ng aking
asawa. My eyes drifted on her thigh as I licked my lowerlip.
Minsan ay nagdadala pa ng mangga si Tracey para ibigay sa ina ni Feli. Ni hindi
niya na inisip na ina iyon noong babaeng nanakit rin sa kanya noon.
When she gave birth to our son we named it Uno as our first born child. I never
stop making love to her and I want her pregnant again, and again. They're my angel
who filled my darkness with light...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Epilogue
Vote. Comment. Be A Fan.
Shade Of Love
-PrfctlyStbbrn
You are at the end of the story. Thank you for making all the way here. Salamat
sa suportang ibinuhos niyo sa Shade of Love na bigla bigla ko nalang ibinagsak. At
sa pagtatapos ng lovestory nila, gusto kong malaman niyo na tuwang tuwa ako sa
feedbacks na binibigay niyo sa mga works ko. And yes, may story po si Bram pero
baka di ko pa ibabagsak dahil may kailangan pa akong tapusin. Abangan niyo nalang
sa notifs niyo. I love you all, stubborn readers!
------------
This chapter is dedicated to Vanessa Solmayor. Happy reading!
Falling star
"Ma'am! Ang mga kabayo po sa rancho! Pinakawalan lahat ni Sir Dos!" sigaw ng
katulong na nakukunsumisyon na naman sa aking ikalawang anak.
Natigil ako sa pamimili ng mga damit nang marinig ko ang sigaw na iyon.
I was preparing for the upcoming party later! Sa sobra kong kaba na baka hindi
kami maging presentable sa dadaluhang party ay maaga na akong namili ng mga damit.
Mabilis akong bumaba sa hagdan. Ang puso ko ay para na namang nagsuicide
palabas dahil sa nabanggit na pangalan ng aking ikalawalang anak. That 11 years old
kid is really into troubles!
Nadatnan ko pa ang siyam na taong gulang kong bunso sa sofa, nakahilata habang
may binabasang libro. He looks so bored na siya lang itong walang pakialam sa
nangyayari habang nagkakagulo na ang mga tauhan sa labas dahil narin sa nakikita
kong repleksyon nila roon sa malalaking bintana rito.
"Ma'am! Nagtatakbuhan po ang mga kabayo sa may pananim!" sigaw na naman sa akin
noong isa pang tauhan na ikinasinghap ko.
Oh no Dos Buenaventura!
Sumunod sa akin si Manang Aneng sa paglabas ng bahay. Binuksan nga ang
tarangkahan at kahit ang malaking gate na kumukonekta sa mga panamim ay nakabukas
kaya doon lahat dumeritso ang mga kabayo.
Dapat mga kahoy nalang ang ilagay roon at lagyan ng mga alambre kaysa naman
gate! I'll suggest this to Israel.
Nagkalat nga ibang kabayo sa labas ng lupain at tumakbo na sa mga pananim. Some
of the men where chasing the horse. Iginala ko ang aking mga mata at hindi ko
mahanap si Dos!
"Si Dos? Nasaan?" tanong ko sa tauhan na nahuli na iyong isang kabayo.
Nagkamot agad ito ng ulo. Bakas pa sa kanyang mukha na nahirapan ito sa paghuli
sa kabayo.
"Nakisali sa pagdakip Ma'am. Tumatakbo na roon sa dulo." Ngumiwi iyong lalake
na kahit ako ay nakagat na ang pang-ibabang labi.
Napatingin ako saglit sa mga pananim na naapakan ng mga kabayo. Ang isang linya
ata ay parang dinaanan ng bagyo.
"Si Uno?" tanong ko naman.
"Ah... Sumali rin po, Ma'am. Nakasakay po siya sa kabayo niya..."
Nahaplos ko ang aking noo. Gusto ko ng tumakbo pabalik sa mansyon at tawagan si
Israel na pasunurin na rito. Mamaya pa iyon dadating but I want him to come here
right now!
Tuwing Summer ay dito niya binabagsak ang tatlo para hindi natututong gumimik
sa syudad. The City is just too bad influence... Iyon ang sabi ni Israel. Mga bata
palang rin naman sila at gusto ko ring makita nila ang ganda ng bukid. Kaso si Dos
kahit saan ilagay ay kahit ano talaga ang naiisip.
"Okay lang po kayo, Ma'am Tracey?" tanong ni Manang Aneng sa akin na kanina pa
nasa aking likuran.
Tumango ako at ngumiti ng hilaw. Mahihimatay na talaga ako sa mga kalokohan ng
aking anak. Naging maayos naman ang pagbubuntis ko sa kanya. Para siyang
nasasaniban ng kung ano!
Lumitaw rin naman ang aking panganay na dose anyos palang
at papunta na sa aking direksyon. Umatras na ako palayo sa mga pananim para
salubungin siya roon sa patag.
Si Uno ang kalmado kong anak at seryoso. He reminds me of Israel alot pero
pagdating sa pagiging marahas ang galaw ay nakuha na iyon ni Dos na palagi ring
galit ang mga mata. Si Tres naman ang bunso ko na suplado at akala mo ay may
sariling mundo. Namana niya sa akin iyong pagiging book lover niya at tahimik
lamang.
Noon, pinangarap kong magkaroon ng babaeng anak. Pero tatlong lalake ang
ibinigay sa amin. Katuwang ko naman si Israel sa pag-aalaga noon. Pero noong lumaki
na sila ay kailangan na talaga ng mga katulong lalo na't puro pa mga lalake.
Idagdag pa ang sobrang kakulitan ni Dos na daig pa ang dalawang bata!
Okay lang naman kung parehas lang ni Tres na siyam na taong gulang na at
tahimik lang. But Dos... that kid? Masyado iyong trouble maker! Si Uno ay seryoso
narin naman sa buhay at kung nandito kami ay pangangabayo lang ang inaatupag.
The three inherit Israel's dark and mysterious eyes. Na sa tuwing tinititigan
ko sila ay mga mata agad ni Israel ang naiisip ko. Si Uno lang itong madalas
ngumisi hindi kagaya ng dalawa na kailangan ay may rason pa. Dos likes to smirk
evilly. Iyong malademonyong ngisi ni Israel ay siya ang nakakuha. At si Tres
naman... masyadong suplado at ipinagdadamot ang kanyang ngiti. Palagi lang
nagkakasalubong ang kilay.
"Si Dos?" tanong ko sa aking panganay.
"He's already riding the horse," sagot niya, ang buhok na shoulder length ay
nakatali na dahil medyo wavy pa iyon. He's wearing a cotton white shirt paired with
fit maong pants and timberlands.
Humalukipkip ako at sumimangot. Tumagilid ang ulo ni Uno at nababahala sa aking
ekspresyon.
"I'll follow him, Mama..." sabi nito sa marahang boses at hinila na muli iyong
tali ng kanyang kabayo.
Tumango naman ako kaya pinatid niya lang ito sa gilid at mabilis iyong
pinatakbo.
His father taught him how to ride a horse skillfully. Naturuan rin naman si Dos
pero iba rin kasi ang kanyang ginagawa. Gumagawa ito ng tricks sa kabayo at minsan
ay tumatayo pa ito roon. Pinagbawalan siya ng ama niyang mangabayo pero heto
siya... pinakawalan lahat ng kabayo.
Siya iyong klase ng bata na pag sinabihan mong bawal ay mas magkakainteres siya
at lalabagin iyong batas mo.
"Ma'am... Pumasok nalang muna po kayo sa mansyon. Mainit po. Ipaghahanda ko po
kayo ng meryenda..." Hinawakan ng matanda ang aking siko para kunin ang aking
atensyon.
"Ma'am... Susundan nalang po namin at pauuwiin si Sir Dos," iyong isa naman sa
mga tauhan at mukhang napansin ang pag-aalala ko.
Tumango ako at ngumiti ng tipid.
"Salamat."
Bumalik nga ako sa loob ng bahay. Wala na si Tres sa sala. Baka naroon na siya
sa likod at nakaduyan doon sa upuan.
"Pakidalhan nalang kami ng meryenda sa garden, Manang," sabi ko sa katulong na
tumango rin naman.
Nagtungo ako roon sa likod. Hindi nga naman ako nagkamali dahil naroon lang si
Tres at payapang nagbabasa sa loob noon.
"Pwedeng pumasok?" tanong ko sa kanya na tumango rin naman at naglipat ng
pahina.
Umupo ako sa kanyang tabi. Bumuntong agad ako ng hininga at sumandal sa kanyang
balikat.
"Si Kuya Dos mo... pinakawalan ang mga kabayo sa rancho," sumbong ko sa aking
anak.
"Ipasok nalang natin si Dos sa orphanage. Ipaampon natin siya, Mama," suhestyon
niya.
Tres is more blunt. Ang ikinakamangha ko sa kanya ay
malawak itong mag-isip at malalim. Matalino ito dahil narin sa mga scores niya sa
exam sa elementary. Nagiging top 1 rin ito at walang ibang pinagkakaabalahan bukod
sa kanyang pag-aaral.
"Pero mawawalan ka ng kapatid! Mawawalan ako ng anak at malulungkot ako..."
Bumangon ako saka sumimangot sa kanya.
"Pero di na sasakit ang ulo niyo," sagot niya naman at nilingon na ako sa mga
mata niyang misteryosong misteryoso.
His hair were disheveled a bit. Dahil siguro ito sa paghiga niya kanina sa
sofa. Inayos ko iyon at ginaya ang ayos ng buhok ni Uno. He didn't complain and let
me touched his hair. Sinuklay ko paatras ang iilang buhok at nag-iwan ako ng kumpol
sa kanyang noo.
Si Tres ang girl version ko. Pero iyong mga mata niya ay mana rin talaga sa
kanyang ama. Si Uno kasi ay kamukhang kamukha ni Israel lalo na pag ngingisi. Si
Dos naman ay kamukha rin ni Israel pero iyong pag galit, pag marahas.
Sa tatlo ay siya lang ang nagkakainteres sa mga libro. Si Uno kasi business rin
agad ang mukhang hilig... Si Dos... Ayoko nalang magsalita.
Ngumiti ako sa kanya at hinalikhalikan ang kanyang noo habang hawak ko ang
kanyang mga pisngi.
Sumimangot siya sa aking ginawa pero di rin nagreklamo.
"Ang pogi pogi ng baby Tres namin..." Pinagkukurot ko ang kanyang pisngi.
"I am. Mana ako kay Daddy." Tumango pa siya.
"Pero you're my boy version..." Tiningnan ko ang kanyang buhok at ibinaba rin
sa kanyang mukha.
Tumango rin siya at hindi na nagsalita pa. Ibinalik niya ulit sa kanyang libro
ang atensyon at nawiwili kakabasa roon.
Dumating ang meryenda kaya doon natuon ang aking atensyon. Nakibalita narin ako
kay Manang Aneng kung ano nang nangyari sa pangalawa kong anak.
"Nakikipagkarerahan daw sa tauhan, Ma'am..." nag-aalala niyang sagot na
ikinailing ko nalang.
Pag dumating si Israel ay mapapagalitan na naman iyon.
Umuwi rin naman si Dos... sa wakas. Dumeritso siya rito at may tinatago pang
kung ano sa kanyang likod. Nakabuntot naman si Uno sa kanya na nakapamulsa at kagat
kagat ang pang-ibabang labi, ang tingin ay naroon sa likod ng kanyang kapatid.
"Dos..." Tinapik ko ang isang upuan.
Imbes umupo siya roon ay nanatili siyang nakatayo sa aking harap. Si Uno naman
ay naroon sa railings at humilig na.
"You think you can cover your mistake with another mistake?" Nanunuyang sabi ni
Uno at hinahangin pa ang buhok na hindi na nakatali at sinusuklay niya lang
paatras.
Tinaliman siya ng tingin ni Dos saka rin naman ibinalik ang mga mata sa akin at
kalmado na.
Dos is more intimidating than the two. Siya ang mas may matalim na mga mata at
akala mo ay palaging galit. Matangkad ito kahit bata pa habang ang mga buhok ay
magulo at nirerebelde siya ng lahat.
"I picked some flowers for you," saka niya inilahad ang nakabouquet na sobrang
daming maliliit pa na sunflower.
"Did you..." Sumayaw ang aking mga mata roon at di na madugtungan ang gusto
kong sabihin. Ang aking panganay naman ay humagalpak na ng tawa. Di ko alam kung
matutuwa ba ako kay Dos o papangaralan ito.
Mas inilapit niya pa iyon sa akin. Tinanggap ko iyon at nginitian nalang ito.
At least he's fine.
"Ang sweet mo... Salamat, Dos." Pinisil ko ang kanyang pisngi. "I was so
worried... Akala ko nasaan kana naman," sabi ko.
"I got bored... Nasa tabi tabi lang ako." Nag-iwas pa siya
ng tingin at ngumuso.
Tabi tabi? Iyong huling nawala siya ay nagreklamo si Rudy sa akin dahil kinalbo
raw ng anak ko ang kalahati ng maisan niya. Israel even payed for the damages.
Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay sa suot niyang short. Tumitig siya sa aking
mga bulaklak at seryosong seryoso ang ekspresyon.
"Pinakawalan mo ang mga kabayo sa rancho. Bakit?" tanong ko.
"I just want to chase them... I want to play," aniya na ikinanguso ko.
"Pero Dos... Masyadong delikado ang ginawa mo. At nasira ang iilang pananim."
"That's why I gave you some flowers for a peace offering."
Mas humalakhak si Uno. Tumalim sandali ang mga mata ni Dos sa kanya pero
bumusangot rin.
"Kinalbo mo lang ang garden ni Mama. Dad will surely get mad..." si Uno naman.
"I picked the flowers effortly, Mom. Just don't tell this to Dad," aniya.
Inilapag ko ang bulaklak sa mesa at hinaplos ang kanyang pisngi. Nalaglag
sandali ang aking mga mata sa suot niyang itim na tshirt saka ko ibinalik sa
madilim niyang ekspresyon. Masyado itong malditong tingnan lalo na pag di
ngumingiti.
"Pero Dos... Malalaman rin ito ng Daddy mo. Magagalit talaga iyon..."
"Just tell him the men accidentally open the gate."
"Isusumbong kita. You need a punishment," singit naman ni Uno.
Sa ikatlong pagkakataon ay tinapunan niya ito ng masamang tingin. Nagkasalubong
agad ang kanyang mga kilay noong bumaling muli sa akin pero tumango na lamang ito.
He looks disappointed. Ewan ko nga bakit gustong gusto niyang sinusuway ang ama
niya pero ayaw rin namang pinapagalitan.
Para hindi nalang ito lumabas pa ay pinasabay ko nalang ito sa akin. Inayos
kong muli iyong mga damit na inihahanda ko.
"Do you like your tuxedo?" Ngumiti ako at ipinakita sa kanya ang susuotin niya.
I stared at it for awhile. Nagkasalubong pa ang kanyang kilay at tiningnan
iyong inihanda kong ibang damit ng kanyang kapatid.
"Where's Uno's suit? Yan?" Itinuro niya iyong kulay puti para sa kanyang
kapatid.
Tumango ako. Nang nagkainteres agad siya at akma iyong kukunin ay pinigilan ko
na ang kanyang kamay.
"But the dark one will suit you, Dos... 'Di ba you like dark colors?"
"I want Uno's suit. Sa kanya nalang yan."
"Huh? Oh sige... Iyong kulay puti na sa'yo ha." Ibinigay ko sa kanya iyong
hanger para maisukat niya rin.
"Isusukat ko, Mama?" tanong niya at itinapat na nga iyon sa kanyang katawan.
Tumango ako at nasiyahan. Iyong damit naman ni Israel ang inihanda ko para pag
dumating siya ay hindi na ito mamomroblema.
Nakasanayan ko nang ihanda ang mga gamit nila. Tumutulong ako sa paghahanda sa
kanilang almusal lalo na pag papasok sila ng school. Si Dos pa naman ang hirap
papasukin. He hates going to his class. Ilang beses rin akong napapatawag dahil sa
mga ginagawa niya.
Onhand ako pagdating sa mga anak ko. Di ko sila iniaasa sa mga katulong dahil
baka malayo rin ang loob nila sa akin. Siguro pag malaki na sila ay pwede ko naring
pabayaan at gabayan nalang sa mga desisyong pipiliin nila.
Alas tres na ng hapong iyon noong makarinig kami ng busina. Nagtakbuhan silang
tatlo palabas ng mansyon hanggang sa sinalubong nila ang ama nilang kalalabas lang
ng kotse at may dala dalang paperbag.

"Yes!" sigaw pa ni Dos nang makita iyong pasalubong ni


Israel na nasa paperbag.
Baka isa iyan sa mga kapritso niya sa kanyang ama at pinagbigyan agad. Their
father is spoiling them too much.
Israel chuckled. He looks tired pero nang dahil sa mga anak ay lumiwanag rin
ang mukha. Sumandal ako sa may pinto at humalukipkip roon habang tinititigan silang
apat.
"Here's your new book, buddy." Ibinigay niya naman iyong panghuli niyang
paperbag na dala.
Si Uno ay may hawak hawak naring paperbag at dinudungaw na iyon.
"Cool! Thanks Dad!" si Uno.
Si Dos ay tumakbo rin paakyat ng hagdan dala dala iyong kanya at sigurado akong
hindi na bababa dahil alam niyang may kasalanan siya.
"Thanks, Dad," sabi ni Tres nang tiningala niya ang kanyang ama na ginulo ang
kanyang buhok.
Tumango siya at napunta rin naman sa akin ang mga mata. Ngumuso siya at hinagod
pa ako ng tingin habang naglalakad patungo sa akin.
Iginapang niya ang kanyang kamay sa aking beywang saka ako hinila palapit at
pinatakan ng halik. Naamoy ko kaagad ang manly niyang pabango. Ang pabango ng asawa
ko...
"How's my wife? May ginawa na naman bang kalokohan si Dos?" Umangat pa ang
kanyang kilay habang dinudungaw ang aking ekpsresyon.
Napatingin ako saglit sa katulong na hinihila ang mga gamit ni Dos para iakyat
na. Ibinalik ko rin naman sa kanya ang aking mga mata at humawak sa kanyang
balikat.
"You know Dos... Makulit talaga. Pero okay naman..."
Tumango siya sa akin.
Ayoko nang ikuwento ang mga ginawa ng anak niya sa araw na 'to.
"I'm going to ask Uno later."
"Huh?" Natawa agad ako. "Uhm, kumain kana? Sinong naiwan sa kompanya? Si Mama
parin?" tanong ko sa kanya para maiwala iyong topic.
Naglakad kaming dalawa patungo sa kusina.
"Yeah... She's going to handle the company for the mean time and since it's
summer. Alam niya namang nasa inyo ang oras ko tuwing bakasyon na ng mga bata."
"Eh sila Creizler at Adiane? Pupunta rin ba sila mamaya rito?"
Tumango siya sa akin. Tumango tango naman ako at  sinimangutan siya.
"Wala akong pasalubong sa'yo? Sila lang tapos akin wala?"
Israel chuckled. Pagkapasok namin sa kusina ay isinandal niya agad ako sa pader
at inipit ako roon. He crushed his lips with mine. Mainit at malalim agad ang
kanyang atake na ikinapulupot ng aking kamay sa kanyang leeg.
"Pwedeng ito nalang?" sabi niya habang hindi pinuputol ang halikan namin.
Tumango ako at ngumisi. Naramdaman ko ang kanyang dila na pumasok na habang ang
kanyang mga kamay ay bumaba na sa aking pwetan at pinisil pisil iyon.
Pilyo siyang ngumisi at itinulak ang kanyang sarili sa akin. Gumagalaw na siya
habang ang kanyang halik ay bumababa na sa aking leeg. Tumawa ako at nakiliti kaso
nang mapansin ko si Tres sa aming gilid na nakatayo roon at nasa amin ang tingin ay
napatayo agad ako ng tuwid.
"T-Tres..." tawag ko sa anak kong nakahawak pa ng baso at tinitingala kaming
dalawa ni Israel gamit ang misteryoso niyang mga mata.
Natigil rin si Israel at nilingon na ang anak naming hindi mabasa ang blangkong
ekspresyon. Umawang ang aking bibig para sana may sabihin nang nagsimula rin naman
itong maglakad. Nilagpasan niya kami at kumuha ng maiinom sa loob ng ref saka rin
tahimik na umalis at di na kami nilingon pa.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Israel.


"Manang mana sa'yo ang bunso natin." Pilyo siyang tumawa sa gilid ng aking
tenga.
"Ganon ba ako?" Sumimangot agad ako.
"Ganon ka. You're silent and mysterious..." sabi niya habang sobrang lapit ng
labi sa akin.
Itinulak ko siya palayo dahil hindi ko na kaya na baka si Uno o si Dos naman
ang makakita sa amin.
"Let's just go to our room," aniya at hinila na ako sa itaas.
Binuksan ko ang aming kuwarto pagkarating namin doon at naroon pa sa mga kama
ang pinaghahanda kong mga susuotin mamaya ng mga bata.
Kinalas niya ang kanyang necktie at nagloosen ang balikat. Tinulungan ko naman
siyang alisin ang botones ng kanyang polo.
"You look prepared..." Tumagilid ang kanyang ulo at nasa kama ang tingin.
"Syempre... Nininerbyos ako kay Papa kaya gusto ko ay maging maayos ang
lahat..."
Israel chuckled.
"Hanggang ngayon ay nagpapaimpress ka parin? Dad already likes you..."
Ngumuso ako.
"Pero dahil lang naman ata iyon sa mga bata. Sa kanila siya natutuwa..."
"I don't think so. Di siya magkakaapo kung hindi dahil sa'yo." Inangatan niya
pa ako ng kilay.
Tuluyan kong nahubad ang kanyang polo. Nagtungo ako sa walk-in para kumuha ng
kanyang pamalit. Sumunod naman ito.
"Pero Israel... Alam mong takot ako sa kanya at ni minsan ay hindi niya naman
ako kinakausap. Iyong mga bata ang madalas niyang inientertain." Napasimangot ako
habang hawak na iyong kanyang damit.
Kinuha niya iyon sa akin at nagbihis sa aking harapan. Humilig naman ako sa
malapit na drawer na hanggang pwetan ko lang. Mahigpit akong napahawak doon.
I watched him unbuckled his pants. Hinubad niya iyon at nagbihis rin ng
sweatpants.
Pagkatapos niyang magbihis ay nagtungo rin siya sa aking harapan at ikinulong
na ako sa magkabila niyang mga bisig. Sinuri niya ang mukha kong kabado.
"You're overthinking..."
"Feeling ko lang kasi..." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Hinawakan niya ang aking baba at iginiya ang aking mukha sa kanya.
"Everything's going to be fine. You're with me so relax okay?" bulong niya at
sobrang lapit na ng labi sa aking labi.
Tumango ako at ngumiti na. Palagi rin naman kasi akong nakakaramdam ng ganito
tuwing may okasyon ang pamilya nila. Si Mama kasi busy rin kakatravel sa ibang
bansa kasama iyong napangasawa niyang Engineer. Natutuwa ako dahil masaya narin
ito.
Pagsapit ng gabi ay nagbihis na nga kami. Isang long gown na backless ang aking
suot at kulay nude iyon. Nakalugay ang buhok kong tuwid na tuwid at tinatakpan ang
aking likod.
Pagkatapos nilang magbihis ay nagtungo rin naman kami sa isa pang malaking
mansyon ng mga Buenaventura sa bayan. Doon gaganapin sa open space ang malaking
party.
Marami nang nakapark na mga kotse roon. Napapalibutan rin ng fairylights ang
mga puno para magsilbing ilaw at may mga lamesa na roong nakahelera.
"Ma? It's ripped." Ipinakita sa akin ni Uno iyong puti niyang suit na may punit
ng ang bandang kili kili.
Nanlalaki ang aking mga mata at nilingon si Dos na pasimpleng nag-iwas ng
tingin saka siya sumipol sipol habang nakabulsa.
"Dos," tawag ko sa kanya pero umabante na ito at naglakad na patungo sa mga
tao. Sumunod rin sa kanya si Tres.

Ibinalik ko ang aking mga mata kay Uno na panay ang tingin
sa punit na iyon. His wavy shoulder lenght hair looks properly tamed. Mukha siyang
prinsepe sa suot niyang puting tuxedo at iyon nga lang ay punit.
"What happened?" tanong narin ni Israel nang maantala kami sa may gate.
"Dad... It's ripped," saka niya rin itinaas ang kanyang dalawang kamay at
nakita nga roon ang punit na mukhang ginunting pa.
Isang sando ang panloob niya kaya kapansin pansin nga iyon pag itataas niya ang
kanyang kamay.
"I think Dos did this..." hula ni Uno na kahit ako ay iyon rin ang iniisip.
"Hindi naman masyadong klaro. Just don't raise your hand," si Israel.
"P-Pero Israel..." Kabado ko siyang tiningnan. "Paano nalang kung nakita 'yan
ng Papa mo... B-Baka isipin niya..." Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi.
"It's fine, Ma," si Uno at ibinulsa narin ang mga kamay. "Di ko rin napansin
kanina..."
Ipinulupot ni Israel sa akin ang kanyang braso at hinalikan ang aking balikat.
"Relax, Mrs. Buenaventura," aniya sa nakakaakit na boses.
Ikinalma ko ang aking sarili. Huminga ako ng malalim at pinakawalan ang aking
alalahanin. Ngumiti ako kay Israel. Masyado nga akong tense... Masyado lang talaga
akong nag-iisip ng kung ano ano.
Maraming bisita ang nagkalat. Masasabi mo talagang may mga pangalan sa
industriya lalo na't ang tindig palang ay maaamoy mo na ang karangyaang tinatamasa.
Alam kong malawak talaga ang nasasakupan ng mga Buenaventura sa negosyo. Ang
Chinese niyang ina ay maraming koneksyon idagdag pa ang ama ni Israel na hindi rin
basta basta. Halos pagmamay-ari na nga nila ang buong bukid dahil sa lawak ng
kanilang lupain at galing pa raw sa kanilang mga ninuno.
Napalago ni Israel iyong lupain na minana niya sa kanyang Lolo pero hindi pa
kasali roon ang lupain nila sa bayan na sa pagkakaalam ko ay ipapamana rin ng ama
ni Israel sa kanya.
Namataan ko agad sa malaking mesa na humalakhak na dahil pinapalibutan na ni
Uno, Dos at Tres na nagmamano sa kanya.
Lumunok ako ng laway at nanginginig na ang aking paa habang humakakbang ako.
Nagpapasalamat talaga ako sa aking long gown at naitatago ko ang aking kaba.
Israel's hand caressed my back. Binalingan ko siya.
"Si Papa lang 'yan..." aniya.
Anong 'lang'? That's Facundo Buenaventura! Ang pinakamakapangyarihang tao sa
lugar na ito!
Gusto kong sumagot kay Israel pero pinangunahan na ako ng kaba lalo na't
malapit narin kami sa kanilang mesa. Nasa dulo ang kanyang papa habang sa gilid ng
kanang bahagi ay ang kanyang asawa, sa kaliwang bahagi naman ay naroon ang kapatid
niyang babae at katabi rin ang kanyang asawa.
Napalingon si Papa sa amin. I tried to smile. Kahit pilit ay sinikap ko paring
ngumiti habang humihigpit naman ang pagkakahawak ko sa aking maliit na purse.
Israel's father is anticipating for our presence. Ni hindi niya inaalis ang
tingin niya sa amin na kahit si Ate Adiane ay napalingon narin. Nalipat ang aking
mga mata sa kanya na nginitian ako. Ngumiti ulit ako kahit hirap.
Nagsiupuan narin naman ang mga bata sa kani-kanilang upuan. Naunang lumapit si
Uno at nagmano agad. Kitang kita ko ang pagtagilid ng ulo ng matanda at mukhang may
sinilip.
"Your coat is ripped..." puna nito na ikinakagat ko ng aking labi.
Binulungan ni Uno ang kanyang Lolo na mabilis lumingon kay Dos saka siya
humalakhak.

"Oh... Like father like son! Makulit at pilyo!" Natawa ang


matanda na kahit si Mama ay ngumiti narin kahit walang naririnig at mukhang
natutuwa sa pagbulong ni Uno.
"I am not like that," si Israel nang huminto na kami sa kanyang harapan.
Sinundan niya sandali ng tingin si Uno na nagtungo na sa bakanteng upuan sa
dulo katabi ni Dos saka niya kami binalingan ulit.
"Gusto mo bang isa-isahin ko para mapahiya ka sa asawa mo?" Umangat ang kanyang
kilay at nilingon ako.
"Kung alam mo lang, Trace..." si Mama naman na marahang tumawa at inangat iyong
wine glass. Masyado siyang eleganteng tingnan sa suot niyang itim na long gown at
kumikintab pa ang may parteng dibdib dahil sa maliliit na bato na naroon.
Binasa ni Israel ang kanyang labi at ngumisi.
"Uh... H-Happy birthday po, P-Papa..."
Inilahad naman ni Israel sa kanya iyong paperbag na dala dala niya. Tinanggap
iyon ng kanyang ama at inilagay sa gilid.
"Well, thank you... I'm glad you came," aniya sa baritonong boses.
"Tracey wants to be here in your birthday. Gusto rin ng mga bata kaya pumunta
kami," paliwanag ni Israel.
"Edi asawa mo lang ang may pakialam sa birthday ko?"
Nagkibit si Israel at ngumisi.
Natuon muli ang kanyang mga mata sa akin, ang pares ng mga matang katulad ng
kay Dos. Iyong galit at sobrang dilim pero kalmado lang naman. Halos maputol ang
aking paghinga.
"Thanks to you my son changed his mind."
Ngumiti ako at naibsan ang kaba. Siguro tama nga si Israel... nag-ooverthink
lang talaga ako. Palagi akong pinapangunahan ng takot ko sa kanilang angkan.
Umupo ako sa tabi ni Mama, sa gilid ko naman ay si Israel na katabi narin ang
aming tatlong anak. Sa kabila naman ay ang mga anak ni Creizler at Ate Adiane na
puro rin mga lalake. Kaedad lang ni Tres ang bunso nilang si Kazi habang ang
panganay naman na si Trever ay lamang ng isang taong gulang kay Uno.
Umalis saglit si Mama sa lamesa para puntahan ang lamesa ng mga bisita. Si Papa
naman ay tinataas nalang ang hawak na wineglass sa ibang table na tatango sa kanya
at magtataas rin ng wine glass.
Pumapaibabaw ang tugtog ng violin sa kabuuan ng lugar. Maririnig mo ang mga
pinaghalong boses ng mga bisita na nagkakatuwaan sa kanilang mga lamesa. Naaalala
ko iyong mga meetings ni Papa sa mga kasosyo nilang Chinese at ganito rin ang aking
nararamdaman.
"I wonder why I don't have a grand daughter? Wala na ba kayong balak bigyan
ulit ako ng apo?" tanong ni Papa habang nagsisimula na kaming kumain.
"Ako lolo... Bibigyan kita ng babaeng apo," sagot bigla ni Dos na ikinalingon
naming lahat sa kanya.
Nanlalaki ang aking mga mata. Ang aking anak ay nagawa pang hiwain ang kanyang
steak at umaaktong normal lang ang sinabi niya.
Papa's laughter filled the whole place. Malutong iyon at tuwang tuwa sa sagot
ng kanyang apo. Lahat ay natawa narin maliban sa akin. Nilingon ko si Israel na
nakangisi pa kaya nang makita niyang ngumuso ako ay tumikhim siya at binura ang
ngisi.
"That's why I like this kid!" Tinuro niya si Dos at nailing.
"He sound like Israel. The younger version. Iyan rin ang sagot niya sa akin
noong sinabihan ko siyang pamahalaan ang business sa syudad. And he told me na
bibigyan niya nalang ako ng apo para tulungan ako!" si Mama naman na ikinatawa
nilang muli.
"It runs in Buenaventura's blood, Ma. Advance," si Israel.
"Aabangan ko ang ibibigay mong apo sa akin, Dos..." pagbibiro pa ni Papa.

"Sige ka pa... Pag nakabuntis iyan ng maaga ay


makukunsumisyon si Israel." Tumawa si Ate Adiane at itinulak ang iilang hiblang
nalaglag pabalik sa likod. Nakatube top ito at kulay cream na dress ang kanyang
suot. Nakalugay lamang ang kanyang kulot na buhok at halatang nagmana kay Mama
dahil sa pagkakahawig ng dalawa.
"Creizler... Aren't you planning to give me a grand daughter? Di mo na
bubuntisin si Adiane?" tanong ni Papa sa asawa nito.
Binalingan saglit ni Creizler ang kanyang asawa na ngumuso pa saka niya
ibinalik ang tingin sa ama ni Israel.
"I don't think Adiane wants another child... Kontento na raw siya sa dalawa,"
sagot nito sa baritonong boses.
Napakaintimidating nitong tingnan sa all black niyang suot, nakasuklay paatras
ang buhok at nakabalandra ang noo. His sharp eyes look intense. Hindi naman gaanong
madilim ang mga mata at misteryoso katulad ng mga Buenaventura pero masasabi mo
talagang may pagkasuplado ito dahil narin sa kanyang seryosong ekspresyon.
"How about you Israel... Ayaw mo nang magdagdag?"
Ngayon ay napunta na ulit sa amin ang kanilang mga mata.
"I would love to but..." Nilingon ako ni Israel habang ang kanyang kamay na
namamahinga sa aking hita ay pinisil na ako roon.
"My wife doesn't want to get pregnant anymore."
"Oh... So puro lalake ang apo ko?" Nagtunog pagtatampo agad ang tono ng
pananalita ni Papa.
"Uh... Gusto ko po kasing tumulong na kay Israel sa business, Pa... 'Tsaka
malaki narin naman ang mga bata," sagot ko at sinikap na magtunog kalmado.
Lumiwanag ang mukha ni Mama.
"Really?! That's good!" aniya.
Umangat ang kilay sa akin ni Israel. Si Papa naman ay tumango tango.
"Pwede niyo namang iwan sa akin ang mga bata tuwing bakasyon," si Papa.
"Sekretarya ka rin ni Israel, Trace?" Ngumisi pa ng makahulugan si Ate Adiane
sa akin.
"Secretary para mabantayan ang asawa. Mga babae..." Nailing si Creizler.
Nagtawanan kami sa hapag. Nginusuhan pa ni Adiane ang asawa na inangatan lang
siya ng kilay.
"Sino bang mamamahala sa kompanya, Israel? Sinong tutulong paglaki ni Trever?"
tanong ni Papa.
Tiningnan ko rin si Israel. Alam ko namang si Uno ang balak niya dahil ngayon
palang ay iyong anak na naming panganay ang nakikitaan niya ng interes sa negosyo.
Imposibleng si Dos... Si Tres mukhang wala ring hilig.
"Si Uno," sagot ni Israel.
"How about our land here? Si Dos?"
"Did you hear what happened to Rudy's corns? Kinalbo ni Dos ang kalahati!"
pagkukwento ni Mama na ikinatawa namin.
Tawang tawa na naman si Papa sa kapilyuhan ng aming ikalawang anak. Namana raw
nito ang katigasan ng ulo ni Israel noon.
Umikot ang topic sa mga future ng mga bata. Mga advance nga talaga ang mga
Buenaventura. Kahit si Tres ay gusto nilang magmanage ng mga mangga rito at
magfocus sa farming. Kaso mukhang wala ring interes ang bunso ko roon. Kung hindi
raw si Tres ay pwedeng si Kazi.
Noong sobrang lalim na ng gabi ay nagpasya narin naman kaming umuwi. Sila
Adiane ay dito na raw matutulog sa mansyon ng mga Buenaventura.
Kinarga ni Israel si Tres na nakatulog na pala kanina sa kanyang upuan at
inilagay ito sa backseat. Si Uno ay kausap pa ang kanyang pinsan habang si Mama
naman ay nawiwili sa pakikipag-usap kay Dos.

Naiwan naman ako sa harap ng kanyang mga ama na nasa kotse


ang tingin pero ibinalik rin sa akin.
"Thank you for coming in my birthday, hija... Naging masaya ako dahil sa mga
apo ko," sabi nito sa akin na ikinatango ko.
"Walang anuman po, Papa..." Ngumiti ako sa kanya.
"At salamat dahil sa'yo ay nagbago ang isip ni Israel. Baka di ko na nakita ang
mga apo ko dahil sa kanyang galit. Thank you for convincing my son to forgive
me..."
Umiling agad ako.
"Di naman po iyon sa pangungumbinsi ko. Papa niya po kayo at sigurado akong may
parte rin sa kanya ang gustong makipagbati sa inyo."
He stared at me for a moment. Kalaunan ay ngumiti ito at binuksan ang kanyang
mga kamay.
"Let me hug you..."
Parang nalusaw ang aking puso at mabilis na lumapit sa kanya. Niyakap niya ako.
"No wonder Israel betrayed me just to fight for you. You changed him into a
better man... Thank you."
"Walang anuman po, Papa..."
Para akong nabunutan ng tinik at lumulutang nalang sa ere. Ang pagtanggap na
gusto ko ay nararamdaman ko na. Ang mga taong hadlang sa amin noon ay suportado na
kaming dalawa. Ang lumipas na taon ang nagsilbing lunas ng mga pusong nawasak.
Ginamot iyon hanggang unti unting natakpan ang sakit na duot ng nakaraan.
Hindi mabura ang aking ngiti hanggang sa pauwi na kami sa bahay. Si Uno at Dos
ay gising pa habang si Tres naman ay tulog na tulog.
Pagdating namin ay kinargang muli ni Israel si Tres na yumakap rin sa kanyang
leeg.
"Matulog na kayo. Goodnight... I love you..." Hinagkan ko isa isa ang ulo ng
aking mga anak.
"Love you too, Mom..." Dos murmured.
"Love you too, Mama..." marahan namang sagot ni Uno at hinalikan ako sa aking
pisngi.
Hinatid ko ang dalawa sa kani-kanilang mga kuwarto. Lumabas rin naman si Israel
sa kuwarto ni Tres saka ako nilapitan.
"Pinatulog mo na ang tatlo?" tanong niya.
"Oo..."
Kumpara kasi sa dalawa na kayang magpuyat, si Tres ang mabilis antukin.
Nagtungo rin naman kami sa kuwarto. We stayed on the veranda and watched the
beautiful night. Ang dilim ng kalangitan ay naging maganda dahil sa mga bituing
kumikislap kislap doon.
Humigpit ang yakap ni Israel sa aking likuran at hinalik-halikan ang aking
balikat. Nakaupo ako sa kanyang kandungan at nakaangat ang aking mga paa para di ko
maramdaman ang lamig ng sahig.
"Tama ka nga... Nag-ooverthink nga ako na galit si Papa sa akin... Hindi pala."
Tumawa ako at itinagilid ang aking ulo.
Isinisksik naman ni Israel ang mukha niya sa aking leeg. Hinawakan ko ang mga
kamay niyang nakayapos na sa aking beywang.
"I told you... My Dad is already old. Baka naisip niya rin na magpatawad na,"
sabi niya.
Nilingon ko ito at inangat ang isa kong kamay. Idinampi ko ang aking palad sa
kanyang pisngi na ikinapikit niya.
"Nagpasalamat pa siya sa'kin dahil nagbago raw ang isip mo dahil sa'kin. Eh
alam ko naman na gusto mo ring makipagbati sa ama mo..."
He stared at me. Nandiyan na naman iyang malalim na tingin ng kanyang mga
matang madilim. Namumungay na iyon na akala mo ay nakatingin sa bituin sa
kalangitan.
"That's true. You always shade my decision with your own light. Na hindi ako
maliligaw pag sinundan ko lang ang liwanag na iyon. Nasa maling landas na siguro
ako kung hindi kita nakilala. Baka wala parin akong silbi," aniya at tumawa na
ikinatama ng kanyang hininga sa aking pisngi.
"Maswerte rin naman ako sa'yo ah? Kung hindi naging tayo edi hindi ako nabigyan
ng tsansang aming ina sa tatlong anghel natin."
He licked his lowerlip.
"But I am more luckier. You saw my worst but you stayed... You saw my dark side
yet you chose to be with me..." he sighed heavily.
Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang kanyang panga. Katulad ng kanyang
reaksyon tuwing ginagawa ko iyon ay kumakalma ang kanyang ekspresyon at
napapapikit. May mga salita kasing di ko na mapangalanan kaya dinadaan ko nalang sa
ganito.
Dumilat siya at hinalikan ako. Nahulog ang aking mga mata sa pagpikit at dinama
ang hagod ng kanyang labi.
"Thank you for marrying me... You're my falling star from the sky," he
whispered.
"Baka nahulog ako dahil nakatakda talaga akong mahulog sa'yo... Mas kumikislap
ako sa dilim mo..."
Ngumiti siya at hinalikan akong muli. Sa madilim na kalangitan, sa mga bituing
kumikislap, naging saksi sila sa itinumbas kong halik sa lalakeng hindi na dilim
ang isinilong sa akin kundi ang kanyang walang katumbas na pagmamahal.

You might also like