You are on page 1of 55

Will You Be My FOREVER?

(BRIX DELA FUENTE)


TEASER
RAPE VICTIM Iyan si Sofia Santiago!
Kahit na kailan ay hinding-hindi niya makakalimutan ang mapait na sinapit sa mga kamay ng
lalaking walang awang humalay sa kaniya! Lalaking ni hindi man lamang niya nakilala!
Lalaking sumira sa mga pangarap niya! Lalaking isinusumpa niya at kahit na kailan ay hindinghindi mapapatawad!
Until she fell in love with a guy who accepted her together with her dark and bitter past. Until
she fell in love with Brix dela Fuente!
Ngunit paano kung dumating ang panahong matuklasan niyang ang lalaking iniibig ay may
pinakatatago-tagong lihim na kahit na kailan ay hindi niya kayang tanggapin?
CHAPTER 1
I AM the most beautiful bride in the whole world! nakangiting ani Sofia habang panay ang ikot
sa harapan ng malaking salamin sa loob ng kaniyang kuwarto.
Kasalukuyan siyang nakasuot ng damit pangkasal. Isinukat na niya iyon sapagkat hindi siya
makatiis na hindi man lamang matingnan ang sariling repleksyon kapag nakasuot na siya ng
wedding gown. Hindi naman siya nadismaya sapagkat talagang bagay na bagaya iyon sa kaniya
at napakaganda talaga niya! Tiyak niyang ipagmamalaki siya ng lalaking kaniyang pakakasalan,
ng lalaking kaniyang mapapangasawa. Ipagmamalaki siya ni Jeremy!
Diyos kong mahabagin! bigla niyang narinig ang tila nagulantang na palatak ng kaniyang
yayang si Sela sabay ang sunod-sunod nitong pag-sign of the cross. Bata ka! Hubarin mo yan!
Hubarin mo! anito na lumapit sa kaniya saka akmang huhubarin ang wedding gown subalit
pabigla siyang umiwas.
Nana! Arent you glad upon seeing me wearing this? Tingnan niyo, ang ganda-ganda ng alaga
niyo, aniya habang umiikot-ikot pa para ipakita sa yaya kung gaano siya kaganda.
Oo, alam ko namang maganda ka kahit hindi nakasuot nyan pero alam mo bang baka hindi
matuloy ang kasal mo dahil sinukat mo yan? tugon nito na masisilayan ang pangamba na
nakaguhit sa buong mukha.

Nilapitan naman niya ito at masuyong niyakap buhat sa likuran. Nana, dont worry. Matutuloy
ang kasal ko, naka-plano na nga, eh, aniyang pampalubag-loob dito.
Somehow, she felt happy sapagkat nararamdaman niya ang concern ng kaniyang pinakamamahal
na yaya. Ito na kasi ang naging taga-pangalaga niya at tumayong parang tunay na ina magmula
nang mamatay ang kaniyang mommy sa aksidente noong limang-taong gulang pa lamang siya.
Ang yaya Sela niya ay malayong kamag-anak ng kaniyang ina. Ang una na rin ang tumayong
yaya ng mommy niya noong maliit pa ito. Kaya naman hindi na nag-atubili pa ang kaniyang
daddy na kuning yaya si Sela sa kadahilanang kilalang-kilala na nito ang butihing matanda.
Pero anak, may pamahiin tayong
Pamahiin lang yun, nana, agaw niya. Nasa makabagong panahon na tayo kayat huwag nang
mangamba, walang mangyayaring masama, aniyang nakangiti sabay kalas sa pagyakap dito
para hubarin na ang kaniyang damit pangkasal.
Diyos ko, Ikaw na lang ang bahala. Huwag Niyong ipahintulot na may mangyaring masama at
hindi matuloy ang kasal ng pinakamamahal kong alaga, anito habang nakatingala na siyang
nagpahagikhik sa kaniya.
TAHIMIK na nagda-drive ng sariling kotse si Sofia pauwi ng mansyon. She stared at the digital
clock located at the front compartment of her car.
Mag-aalas dose na pala, sambit niya.
Ginabi siya sapagkat marami pa siyang inasikaso sa kaniyang opisina, sa nalalapit na kasal niya
at dumalo rin siya ng party celebration ng Dela Vega Publishing House o mas kilalang DVPH.
Hindi lang naman siya nagtagal doon. She just went there to fulfill her promise na dadalo siya.
Nakakahiya naman kasi sa ninong Ben niya kung hindi niya iyon tutuparin, personal pa naman
siya nitong inimbitahan. And besides, her father didnt attend the party sapagkat kasalukuyan
itong nasa States kaya naman siya na lamang ang nag-representa sa pamilya nila.
Maya-mayay narinig niya ang pag-ring ng kaniyang cellphone kayat kinuha niya iyon mula sa
compartment. Napangiti siya nang makitang si Jeremy ang tumatawag.
Hello, hon! excited niyang bati sa fiancee.
Hon, pauwi na ako tomorrow, anitong bungad. Nasa official travel kasi ito sa ibat-ibang
branches ng kompanyang pinagta-trabahuan.

Thats great, hon! Im eager to see you again, nagagalak niyang turan.
I need to get back there, ikakasal na tayo next week, anito. Oh, paano? Bye for now.
Tumawag lang ako to inform you. Ingat ka dyan, hon and I love you, saad pa nito na mas
lalong nagpangiti sa kaniya.
I love you, too, hon. Take care, as well, tugon niya saka pinindot na ang end call.
Akmang ibababa na sana niya ang cellphone sa compartment nang bigla na lamang may
dalawang itim na van na humarang sa dinaraanan niya. Awtomatiko ang naging reaksyon niya,
pabigla niyang inapakan ang selenyador ng kotse sanhi para muntik-muntikan na siyang
mapasubsob sa dashboard nyon.
Baba! utos ng lalaking naka-bonnet na may hawak-hawak ng armalight.
Lumukob sa kaniya ang matinding takot nang masilayang madami pala itong kasama at nakaambang rin ang mga pistol sa kinaroroonan niya.
Pinilit niya uling paandarin ang sasakyan at akmang iaatras iyon subalit ganoon na lamang ang
pagkagitla niya nang itutok sa kaniyang sentido ang nguso ng malaking armalight.
Ano, hindi ka bababa?! Kundi pasasabugin ko yang bungo mo! pananakot ng lalaking leader
ng mga ito.
A-ano bang kailangan niyo sakin? nahihintakutan na niyang tanong. Wala pa namang taong
nagdaraan sa lugar na iyon kayat imposibleng may makakita sa kanila at mahingan niya ng
tulong.
Ikaw ang kailangan namin! Bumaba ka na! Huwag nang mag-inarte kung ayaw mong mamatay
agad! anito na mas lalo pang itinutok sa kaniya ang nguso ng armalight.
P-pera bang gusto niyo? S-sabihin niyo lang kung m-magkano at ibibigay ko ang cheke ngayon
din, aniyang gumagaralgal na ang tinig sa matinding takot.
Hindi namin kailangan ang pera mo! Napag-utusan lang kami kaya baba! Bumaba ka na!
anitong halata na ang pagka-irita.
Nagulat na lamang siya nang magtangka itong buksan ang kotse. Ngayon niya tuloy pinagsisihan
kung bakit hindi niya isinarado ang window shield nyon.
Huwag

Halika na! madiing saad nito saka pakaladkad siyang ibinaba ng sasakyan.
S-saan niyo ba ako dadalhin?! Tulong!!! Tulungan niyo po ako!!! aniyang nagsisisigaw kahit
alam naman niyang walang makakarinig sa kaniya.
Pilit rin siyang nagpumiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalaking barako sa
pagbabakasakaling makaka-alpas siya sa mga ito. Subalit wala siyang nagawa sapagkat malaki
ang pangangatawan ng mga ito at mas malakas pa sa kaniya kaya naman nagtagumpay ang mga
itong maisakay siya sa van.
Humahagulgol na siya ng iyak ng mga sandaling yaon. Akmang lalabas na siya sa naturang
sasakyan subalit unti-unti siyang nawalan ng malay nang bigla na lamang takpan ng panyo ang
kaniyang ilong.
NAGISING si Sofia nang makarinig ng tila may dalawang lalaking nag-uusap sa labas ng
kuwartong kinaroroonan.
Boss, salamat sa pera. Malaking tulong na ito para sa aking pamilya, anang lalaki na sa tantiya
niyay siyang leader sa pang-aabduct sa kaniya kanina.
Walang anuman. Bastat walang dapat na makaalam nito.
Makaka-asa ka, boss. Paano, aalis na kami.
Sige.
Naulinigan na lamang niya ang marahang yabag ng papalayong lalaking napag-utusan. Inilibot
niya ang paningin sa malawak na silid. Maituturing niyang masters bedroom iyon at tiyak
niyang mayaman ang may-ari ng mansyong kinaroroonan.
Maya-mayay bigla siyang natigilan nang mapagtantong kailangan na niyang makatakas sa lugar
na iyon. Iginala niya ang paningin subalit gayon na lamang ang nadama niyang panlulumo nang
makitang nakasarado ang lahat ng bintana pati na rin ang pintuan doon. Agad siyang pumanaog
sa kama saka lumapit sa bintana.
Bakit naka-lock? aniyang tanong sa sarili saka dali-daling naglakad patungong banyo sa
pagbabakasakaling may bintana doon na puwedi niyang labasan subalit nanlumo rin siya nang
mapagtantong wala.
Nagsisimula nang mangilid ang luha sa kaniyang mga mata habang bumabalik sa kuwarto ngunit
gayon na lamang ang pagkapatda niya nang masilayang may lalaking naka-bonnet habang

nakahubad-barong nakaupo sa malaking kamang naroon. Marahil ay ito na ang boss na kausap
kanina ng lalaking tumutok sa kaniya ng armalight.
S-sino ka? tanong niyang kababakasan ng takot ang tinig.
Hindi mo na dapat pang malaman kung sino ako, tugon nitong deretso ang tingin sa pader.
B-bakit mo ako dinala dito? A-anong kailangan mo sakin?
Hindi ito tumugon, bagkos ay pabigla itong tumayo at nilapitan siya. Akmang iiwas na sana siya
subalit naging maagap ang lalaki para yakapin siya saka walang anu-anoy pilit nitong hinuhuli
ang labi niyang iwas ng iwas dito.
B-bakit mo ginagawa ito?! Hayop ka! Pakawalan mo ako! aniyang bulyaw habang
nagpupumiglas sa pagkakayapos ng lalaki.
Inubos na niya ang lahat ng lakas para lamang maka-alpas mula dito at nagtagumpay naman siya
kayat dali-dali siyang nagtungo ng pintuan subalit hindi pa man niya iyon nabubuksan ay naging
maagap ang lalaki para hablutin ang laylayan ng suot niyang bestida na naging sanhi para
mapunit iyon at tumambad dito ang halos hubad na niyang katawan.
Nanlaki ang mga mata niya sa magkahalong gulat at takot. Iyon ang kauna-unahang may
nakakita sa hubog ng kaniyang katawan sapagkat kahit ang boyfriend niyay hindi pa iyon
nasilayan.
Maawa hindi niya naituloy ang nais sabihin nang pabigla na naman siya nitong yakapin saka
pinilit siyang ihiga sa kamang naroon.
Bitiwan mo ako! Maawa ka sakin! umiiyak at naghe-hysterical na niyang pakiusap habang
patuloy na nanlalaban.
Habang ang lalaki namay hinubad na ng tuluyan ang lahat ng saplot niya. Hindi ito nakikinig sa
mga pagmamaka-awa at hagulgol na ginagawa niya.
M-maawa ka Ikakasal na ako aniyang nanghihina nang sambit na bigla namang ikinatigil
ng lalaki.
Mahal kita kaya ko to ginagawa, anitong sambit.
Mahal?! Kung mahal mo ako, hindi mo gagawin to! Ipauubaya mo ako sa lalaking mahal ko!
aniyang umiiyak ngunit puno naman ng galit ang tinig.

Ginagawa ko lang ito para na rin sa kapakanan mo.


Kapakanan ko?! O pagiging makasarili mo?! mapang-uyam niyang tanong. Nagmamahalan
kami ng lalaking pakakasalan ko kaya ano ang pinagsasasabi mong kapakanan ko?! Makasarili
ka! Sarili mo lang ang iniisip mo! Kaligayahan mo lang ang mahalaga para sayo at hindi ang
kaligayahan ng ibang tao! patuloy ang pagluha niyang wika. Kung sino ka man, sumpain ka
sana!
Nasilayan niyang tila nagtagisan naman ang muscles nito sa mukha na natatabunan ng bonnet
subalit hindi ito nagsalita, bagkos ay tuluyan na nitong sinakop ang labi niya.
H-hmmmpp! Bitiwan Hayop Walang hiya ka! aniyang lumuluha habang nagpupumiglas at
iwas ng iwas ang sariling mukha dito.
Naglalakbay na rin ang magkabilang palad nito para dumama at humaplos sa ibat-ibang bahagi
ng hubad na niyang katawan na kahit ang fiancee niyang si Jeremy ay hindi pa nakahawak.
Pinipilit rin niyang tanggalin ang bonnet na nakatakip sa mukha nito pero hindi niya magawa
sapagkat pabigla nitong inilalayo ang kamay niya.
Maya-mayay nakasumpong siya ng pagkakataon at ubod-lakas niya itong kinalmot sa
mabalahibong dibdib nito na naging sanhi para umagos doon ang masaganang dugo. Buti na
lamang at mahahaba ang kaniyang mga kuko sa kamay kaya naman nagamit niya iyon.
What the fuck! Bullshit! galit nitong mura habang sapo-sapo ang nasugatang dibdib.
Alam niyang nasaktan ito base sa narinig at nakikita niya ngunit maya-mayay bigla na lamang
itong bumaling sa kaniya saka buong kapangahasan na namang inangkin ang labi niya.
Siya namay pilit pa ring nanlaban sa pagbabakasakaling makaka-alpas pa siya at matatakasan
ito. Sa pangalawang pagkakataon ay kinalmot na naman niya ito na siyang naging sanhi para mas
lalong umigting ang nadaramang galit ng lalaki. Pabigla na lamang siya nitong sinuntok sa
sikmura dahilan para manghina siya ng dahil sakit na naramdaman at tuluyan nang nawalan ng
ulirat.
Hindi na niya namalayan pa ang ginawa nitong pagpasasa sa kaniyang katawan.
Chapter 2
TAHIMIK na lumuluha si Sofia habang nakatalungkong pinagmamasdan ang bahid ng dugo sa
puting kumot na itinapis niya sa hubad na katawan. Alam niyang nagtagumpay ang walanghiyang lalaki sa pag-angkin sa kaniya sapagkat nararamdaman pa niya ang kirot sa pribadong
bahagi ng kaniyang katawan.

Nawala na ang noon pa may pinaka-iingat-ingatan na niyang bagay para ibigay lamang sa
lalaking pakakasalan, para ibigay lamang kay Jeremy! Kung alam lamang niyang ganito pala ang
sasapitin niya, desin sanay noon pa niya isinuko ang sarili sa katipan.
Pinaka-iingat-ingatan siya ni Jeremy. Nagtimpi ito at ni hindi siya ginalaw sapagkat gusto nitong
malinis siyang ihaharap sa altar subalit ang lahat ay nawala sa isang iglap lamang.
Napahagulgol siya sa isiping yaon. Paano na siya? Paano na ang mga pangarap niya kasama ang
lalaking mahal niya? Ano pa ang mukhang ihaharap niya sa katipan? Hindi niya alam kung
matatanggap ba nito ang mapait na sinapit niya. Hindi niya alam kung kaya ba nitong harapin
ang mapanghusga at mapang-uyam na sasabihin ng ibang tao na rape victim ang pakakasalan
nito!
Mas lalo siyang napahagulgol ng iyak habang pahikbi-hikbing pinapahid ang luhang patuloy sa
pagpatak. Saka naman bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa mula doon ang naka-bonnet na
lalaking gumahasa sa kaniya. May dala-dala itong tray ng mainit na pagkain. Agad niyang
hinawakan ng mariin ang kumot sa takot na baka pakialaman na naman siya nito.
Kumain ka na, anito sabay lapag ng tray sa bedside table.
Hindi siya umimik, bagkos ay tahimik lamang siyang lumuluha habang naka-iwas ang tingin
mula dito.
Narinig niyang napabuntong-hininga naman ang lalaki sabay ang pag-upo nito sa gilid ng kama.
Kumain ka na, walang lason to, anitong tinikman pa ang pagkain para lamang mapaniwala
siya. Baka kung mapaano ka, kaninang umaga ka pa hindi kumakain, dugtong pa nito na pilit
siyang sinubuan.
Bigla naman niyang iwinaksi ang braso nito na naging sanhi para matapon ang pagkaing nasa
kutsara.
Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom kaysa makasama ang walang-hiya at hayop na
lalaking
katulad
mo!
Isa
kang
rapist!
matalim
ang
titi
g at puno ng poot niyang bulyaw.
Huwag ka nang mag-inarte! Wala ka nang magagawa, nakuha na kita! nakatiim-bagang nitong
saad.
Nagpanting naman ang tainga niya sa narinig kayat ubod-lakas niya itong sinampal. Kahit man
lang sa ganoong paraan ay makaganti siya dito.

Nasilayan niyang napakuyom ito ng magkabilang-kamao at ang hindi niya inaasahan ay ang
paghablot nito sa kumot na nakatapis sa hubad niyang katawan. Agad siya nitong sinunggaban at
sa pangalawang pagkakataon ay nagpilit itong kunin siya sa dahas. Siya namay pilit pa ring
nanlaban subalit ang lahat ng iyon ay wala sa lakas ng lalaki kaya naman nagtagumpay na naman
itong maangkin siya.
Diring-diri ang pakiramdam niya sa bawat kahalayang ginagawa nito sa katawan niya. Diringdiri siya sa bawat haplos ng kamay nito at ang paghalik nito sa ibat-ibang bahagi ng kaniyang
katawan.
Habang nagpapasasa ito sa kaniya ay iyak lang siya ng iyak. Iyak lang siya ng iyak hanggang sa
mairaos na nito ang pagnanasa sa ibabaw niya.
HINDI mabilang ni Sofia kung ilang ulit ba siyang inangkin ng lalaki sa mahigit isang linggo
niyang pagkakakulong sa puder nito. Halos araw-araw ay ginagamit siya nito. Noong unay
halos ubusin niya ang lahat ng lakas para malabanan ito ngunit nang lumaon ay napagod na rin
siya. Hinayaan na lamang niya kapag may gagawin na naman ito sa kaniya. Tahimik lamang
siyang lumuluha habang nagpapasasa ito sa katawan niya. Nang lumaon ay tulala na lamang siya
at walang ekspresyong kababakasan sa kaniyang mukha.
Bakit pa siya manlalaban kung wala na siyang dapat pang protektahan? Bakit pa siya manlalaban
kung nakuha na nito ang buo niyang katawan?
Sa bawat pag-angkin nito sa kaniya ay palagi niyang naririnig na mahal siya nito subalit mas lalo
lamang iyon nagpapa-igting sa nadarama niyang suklam para sa lalaki. How on earth could you
do
some
stupid
act
to
the
person
you
love?
Iyon
p
alagi ang katanungan niya kayat hindi siya naniniwala dito! At kung kilala lamang niya ito ay
tiyak niyang hindi niya ito iibigin!
Magbihis ka na. Ito ang damit. Iuuwi na kita sa inyo, narinig niyang wika ng lalaki kasabay ng
paglapag nito sa kama ng mga susuotin niya. Hindi niya namalayang pumasok pala ito sa
kuwarto ng dahil na naman sa pagkatulala niya. Babalikan na lang kita after 15 minutes. ani pa
nito saka lumabas na.
Dahan-dahan niyang kinuha ang damit saka pumasok na ng banyo para magbihis.
Alam niyang sa pag-uwi niya ay wala na siyang babalikan pa sapagkat alam niyang iyon na ang
simula ng pagbabago ni Jeremy sa kaniya. Wala na siyang babalikang kasal!
HUWAG na huwag kang gagawa ng bagay na makakakuha ng atensyon ng ibang tao, turan ng
lalaki habang pinipiringan siya ng mata.At huwag na huwag mong susubukang tanggalin ang
piring na to dahil sa oras na magkamali ka ng galaw ay hindi ako mangingiming pasabugin

yang bungo mo! determinadong pananakot nito saka inakay na siya palabas ng silid na naging
saksi kung paano siya gawan ng kahayupan ng lalaking ito, na naging saksi ng pagkabasag ng
isang bagay na noon pa man ay pinaka-iingat-ingatan na niya.
HABANG nasa daan sila ay tila tuod si Sofia. Hindi siya makagalaw sa takot na baka sa isang
maling kilos lamang niya ay bigla na lamang siyang bumulagta.
Kasalukuyang nakatutok sa sentido niya ang pundilyo ng baril na hawak-hawak ng lalaki, na tila
sinisiguro nitong hindi niya magagawang tanggalin ang piring sa mga mata.
Kapag inihinto ko na ang kotse at sinabing baba ay bumaba ka na. Hudyat iyon na naihatid na
kita. At huwag na huwag mong susubukang tanggalin ang piring sa mga mata mo kung naririnig
mo
pa
rin
ang
pagharurot
ng
sasakyan
ko.
Ni
huwag
mong
susubukang sumigaw at humingi ng tulong dahil talagang ipuputok ko ang baril na to sayo!
Nagkakaintindihan ba tayo? litanya nito sa mga dapat niyang gawin.
O-oo, naiintindihan ko, nahihintakutan niyang tugon sapagkat mas lalo pa nitong itinutok ang
baril sa kaniya.
Mabuti kung ganoon!
NARAMDAMAN na lamang ni Sofia na unti-unti nang nagmemenor ang kotseng sinasakyan
nila. Marahil ay nasa tapat na sila ng mansyon.
Bumaba ka na. Nakabukas na ang pinto. Huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko!
She stiffly nod saka maingat na bumaba ng kotse at tila tuod na namang nakatayo lamang sa
kalsada habang naririnig pa niya ang pagharurot ng sasakyan ng lalaking nanghalay sa kaniya.
Nang hindi na niya iyon narinig at tumahimik na ang buong paligid ay agad niyang tinanggal ang
piring na nakatakip sa mga mata saka lumuluhang nag-doorbell sa mansyon nila.
Hinang-hina ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon, na tila gusto nang bumigay ng
kaniyang katawan sa matinding pagod at puyat.
Maya-mayay narinig na lamang niyang may nagbubukas na sa gate ng malaking mansyon nila.
Sofi
Nana sambit niya bago tuluyang bumagsak at nawalan ng ulirat.
Sofia, anak! Diyos ko, anong nangyari sayo?! Sofia! Sofia!

IM sorry, Sofia, pero hanggang dito na lamang tayo. Alam ng pamilya ko ang sinapit mo at
ayaw nilang mabahiran ng dungis ang pangalan ng angkan namin kung sakaling pakasalan pa
kita. Mahalaga sakin sina papat mama kayat patawad kung wala nang kasalang magaganap.
Paalam, Sofia
Bigla na namang pumatak ang masaganang luha sa mga mata ni Sofia nang maalala ang mga
huling katagang binitiwan ni Jeremy bago ito tuluyang magpaalam sa buhay niya. Paulit-ulit pa
rin
niya
iyong
naririnig
kahit
pa
anim
na
buwan
na
ang
naka
lilipas magmula nang mangyari ang mapait na yugtong iyon sa buhay niya.
Ngayon ay kasalukuyan na siyang nagdadalang-tao sa anak ng hayop na lalaking gumahasa sa
kaniya. Ilang ulit niyang sinubukang uminom ng pampalaglag subalit sa tuwing gagawin naman
niya iyon ay palaging nakabantay ang yaya Sela niya. Hanggang sa lumaki na lamang ang tiyan
niya ay hindi pa rin niya nagawa ang binabalak na pagkitil sa mumunting buhay na pumipintig sa
kaniyang sinapupunan.
Anak, may bisita ka. Nandito ang kababata mo, bungad ng yaya niya ngunit hindi siya kumibo,
bagkos ay puno ng pait pa rin siyang lumuluha.
Narinig niya ang marahang yabag ng mga paa palapit sa kinauupuan niyang kama.
Sofia, kumusta ka na? tanong ng baritonong boses na nagpa-angat ng paningin niya.
Si Brix pala ang bisitang tinutukoy ng kaniyang yaya Sela. Si Brix dela Fuente na kababata niya
at noong college ay nanligaw sa kaniya subalit hindi niya binigyan ng pagkakataon sapagkat si
Jeremy ang mahal niya.
Kadarating ko lang kahapon galing States at nabalitaan ko kaagad ang nangyari sayo kaya
bigla akong napasugod dito, anito.
Totoo ang sinabi nitong galing itong States sapagkat doon na nito ipinagpatuloy ang
pagkokolehiyo magmula nang mabasted sa kaniya. Doon na rin ito nagtayo ng sarili nitong
negosyo. All the while, she thought na wala na itong balak umuwi ng Pilipinas pero nagkamali
siya.
I might be staying here for good, ani pa nito na tila nabasa ang nasa utak niya saka napatitig sa
maumbok na niyang tiyan.
Napatungo naman siya sa hiyang naramdaman. Napatungo siya sa awang nasilayan sa mga mata
ng binata. Ayaw niyang siyay kaawaan ng kahit na sino man!

Maya-mayay dahan-dahan itong umupo sa tabi niya saka masuyong hinawakan ang kamay
niyang nakapatong sa kandungan niya. Awtomatiko naman siyang napapitlag at pabiglang
napalayo sa binata. Hindi niya mawari kung bakit naroon na sa kaniya an
g takot na mahawakan man lang ng isang lalaki. Waring nagkaroon na siya ng phobia sa mga
kalahi nito.
Sophie, Im sorry kung nagulat kita, hinging-paumanhin nito na siya namang nag-udyok sa
kaniya para magsalita.
N-nothing to say sorry, Brix. Nasa akin ang problema. Marahil ay may phobia na ako sa mga
lalaking katulad mo sambit niyang napatulo na naman ang luha.
Sophie
H-hindi ko pa rin makalimutan ang kawalang-hiyaan ng lalaking iyon! Lalaking ni hindi ko
man lamang nakilala. Lalaking sumira sa mga pangarap ko, sa nakatakda kong kasal. Lalaking
may kagagawan sa lahat ng paghihirap ko ngayon! aniyang lumuluha at puno ng pait ang boses.
Isinusumpa ko siya, Brix! At kahit na kailan ay hinding-hindi ko siya mapapatawad! madiin at
puno ng poot niyang turan saka napatitig sa binatang hindi makatingin ng deretso sa kaniya.
Chapter 3
KABUWANAN na ni Sofia subalit ang lahat ay wala pa ring pinagbago sa kaniya. Bitterness and
hatred for the man who raped her is still in her heart! At sigurado siyang mamamalagi sa puso
niya ang poot na iyon sa habang panahon!
Sophie, malapit ka nang manganak, pukaw sa kaniya ni Brix.
Kasalukuyan silang nasa harden ng mansyon. Binisita na naman siya nito na may mga daladalang ibat-ibang klase ng prutas at bitamina para sa kanila ng mumunting buhay na pumipintig
sa kaniyang sinapupunan.
Kung ibang tao lang ang makakakita ay mapagkakamalan talagang ito ang ama ng dinadala niya
sa ipinapakita nitong pag-aalaga sa kaniya. Halos araw-araw ay palagi itong nagpupunta sa
bahay nila at pilit siyang nililibang. Minsan nga ay naiisip niyang sana ito na lang ang minahal
niya sapagkat tila tanggap pa nito ang mapait na sinapit niya, hindi katulad ni Jeremy na tuluyan
na lamang siyang tinalikuran nang dahil sa inaalagaan nitong pangalan.
Napabuntong-hininga siya sa pagsagi sa isipan ng nobyo niya noon. Naroon pa rin sa kaniya ang
kirot sa ginawa nitong pagtalikod subalit hindi na iyon gaya ng dati. Tila natatanggap na niyang
hanggang doon na lamang sila ni Jeremy. Marahil ay dahil na rin sa tulong at presensya ni Brix.

Tiyak kong magmamana sayo ang bata. Magiging maganda rin ito, narinig niyang nakangiti at
tila excited nitong saad habang masuyong hinahaplos ang maumbok niyang tiyan.
Wala akong pakialam kung kanino man yan magmana, blangko ang ekspresyong wika niya.
Natigilan naman ang binata sa sinabi niya. Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi nito at seryoso
ang mukhang napatitig sa kaniya.
Sofia, sana huwag mong idamay ang bata sa galit mo sa lalaking nanghalay sayo sambit
nito
na
nagpangiti
sa
kaniya
ng
mapakla.
Ewan ko lang kung magagawa ko yun sapagkat noon pa may gusto ko nang ipalaglag tong
anak ng hayop na yun! madiin niyang turan na nagsimula na namang mabuhay ang galit sa
puso para sa walang-hiyang lalaking gumahasa sa kaniya. Alam mo bang kapag nakikita kong
malaki ang tiyan ko ay naaalala ko ang kahayupang pinaggagawa sakin ng lalaking iyon? How
much more kung iluwal ko na ang sanggol na to! Tiyak na mas lalong magsusumiksik sa guniguni ko ang kawalang-hiyaan ng rapist na yun! she uttered full of hatred. Hindi na nga siya
umiiyak kapag naaalala iyon subalit ang matinding suklam para sa lalaki ay naroon pa rin sa
kaniya!
Hindi naman umimik ang binata. Nang sulyapan niya ito ay nasilayan na naman niya ang tila
nakabalot na lambong sa mga mata nito kapag ang bagay na iyon ang pinag-uusapan nila, at
talagang iyon ang nagpapagulo sa isipan niya!
SOFIA, anak! nakangiting tawag sa kaniya ng kaniyang yaya Sela habang nakasunod ito sa
nurse na may karga-kargang bagong silang na sanggol. Tingnan mo, ang cute at ang gandaganda ng anak mo! ani pa nitong tila aliw na aliw na nakatingin sa bata.
Oo, Sophie, tama si yaya Sela. Kasing ganda mo ang baby, nakangiting segunda naman ni
Brix. Nasa likuran ito ng kaniyang yaya.
Siya namay ipinilig ang ulo paiwas sa mga ito. As much as possible ay ayaw niyang makita ang
sanggol.
Ilayo niyo sakin ang batang yan, mahina ngunit madiin niyang utos.
Pero Sofia, maganda ang anak mo. Ayaw mo man lang bang makita siya? Ang ibang ina ay
sabik na sabik
Hindi ako ang ina nyan! agaw niya sa sinasabi ng kaniyang yaya. Wala akong anak!
Maya-mayay narinig nila ang biglang pagpalahaw ng iyak ng sanggol. Marahil ay naghahanap
ito ng init ng yakap at halik ng isang ina sa unang araw nito sa mundo.

Sophie, umiiyak ang anak mo. Marahil ay gusto nitong makarga mo, ani Brix na sumabat na sa
kanila.
Oo nga naman, anak. Tama si Brix, segunda ng yaya niya sabay utos nito sa nurse na ilapag na
sa tabi niya ang umiiyak na sanggol na agad namang tinalima ng babaeng nurse.
Ilayo niyo sabi yan! galit na niyang utos subalit hindi siya pinakinggan ng mga ito.
Ang sanggol namay patuloy pa rin sa pagpalahaw ng iyak at papalakas na iyon ng papalakas na
naging sanhi para mas lalo siyang magalit at balingan ng matalim na sulyap ang tatlong taong
nasa loob ng delivery room na iyon.
Ilayo niyo sabi sakin ang batang yan!!! Napaka-ingay niya!!! sumisigaw na niyang bulyaw.
Sofia, baka mabingi ang bata, ani Brix.
Wala akong pakialam! Ilayo niyo siya sakin!!! Ilayo niyo sabi!!! naghe-hysterical na niyang
sigaw. Dahil kung hindi, baka masakal ko pa yan sa ingay! namumula sa galit na niyang
pagbabanta.
Nakita niyang nahintakutan naman ang yaya Sela niya pati ang nurse sa binitiwan niyang mga
salita. Habang ang binata namay tila napatiim-bagang na nagpalipat-lipat ang titig sa kanila ng
umiiyak na sanggol sa tabi niya. Naisip niyang marahil ay naawa ito sa bata.
Sige, nurse. Ibalik mo na ang sanggol sa nursery room, pormal na utos ng binata na agad
namang tinalima ng nagtatakang nurse. Alam niyang nagugulumihanan ito kung bakit ganoon
ang iginagawi niya. Wala naman kasi itong kaalam-alam sa tunay na nangyari sa kaniya.
Saka lamang siya nahimasmasan nang mawala na sa paningin niya ang sanggol at hindi na niya
narinig ang ingay nito. Dahan-dahan niyang ipinilig ang ulo paiwas sa dalawang taong hindi niya
mawari kung kanino naaawa, sa kaniya ba o sa bata?
May luhang pumatak sa kaniyang mga mata. Alam niyang iyon na ang umpisa na palagian
niyang masisilayan ang bunga ng kahalayang iyon at hindi niya alam kung paano pakikitunguhan
ang anak ng rapist na iyon!
BRIX compassionately gazed at the baby peacefully sleeping inside the nursery room. Naaawa
siya para sa sanggol sapagkat hindi ito mahal ng sarili nitong ina.
Kung sabagay, naiintindihan naman niya si Sofia pero sana lang ay hindi nito idamay ang bata sa
nadarama nitong muhi para sa lalaking gumahasa dito.

Napangiti siya ng mapait. Naitanong niya sa sarili kung ano ang gagawin ng dalaga sa oras na
malaman nito kung sino ang lalaking humalay dito!
I CAN be the father of your child. Handa akong ibigay sa kaniya ang pangalan ko, seryosong
ani Brix na siyang nagpapatda kay Sofia.
Kasalukuyan silang nasa terasa ng mansyon at nakatingin sa napakagandang tanawing
nasisilayan buhat sa di kalayuan. Same as before, binisita na naman sila nito.
She intently stared at his pair of eyes glaring at her, too. Pilit niyang inaarok ang katapatan ng
sinasabi nitong iyon at hindi naman siya nabigo sapagkat naroon sa mga mata ng binata ang
kahandaan ng pagbibigay nito ng sarili nitong pangalan sa bata.
Iniiwas niya ang paningin sa nakapapasong titig nito saka napabaling sa malayo. You dont
have to do it, Brix. You dont have to be attached and be responsible sa bagay na hindi naman
ikaw ang dapat na umako mahina niyang pagpapaliwanag.
Hindi ito naka-imik, bagkos ay sunod-sunod lamang ang ginawa nitong pagbuntong-hininga na
tila ba may gustong sabihin sa kaniya ngunit waring may kung anong pumipigil dito.
Maya-mayay naramdaman na lamang niya ang masuyong pag-gagap nito sa palad niya saka
marahan siyang iniharap dito.
Sofia anitong sambit na hinawakan ang magkabilang balikat niya. Id like to give my name
sa anak mo kasi Brix paused and grasp for an air to breathe, at sa paulit-ulit na pagkakataon
ay nasilayan na naman niya ang bumalong na lambong sa mga mata nito. K-kasi mahal kita
Mahal pa rin kita, Sofia Nothing has changed, years had passed, yet its you who still own my
heart madamdamin nitong sambit habang titig na titig sa kaniya.
She felt Brix warmth palm slightly caressing her pair of cheeks at akmang hahalikan na sana
siya
subalit
pabigla
niyang
ipinilig
ang
ulo
paiwas
dito.
B-baka naaawa ka lang sa sinapit ko, Brix. Love and pity are entirely different thing, aniyang
napatitig na naman sa malayo.
No, Sophie! I know exactly how I feel. Alam kong mahal kita, mahal na mahal seryosong
anito na tinabihan siya.
Napakislot naman siya nang magdaiti ang mga braso nila. She couldnt explain the feeling she
felt that moment. It isnt familiar to her, she havent felt it with any other guy, not even with
Jeremy!

Hindi na lamang siya umimik, bagkos ay tahimik lang siya sapagkat hindi niya alam kung ano
ang itutugon. Oo! Masaya siya kapag kasama ang lalaki subalit hindi pa siya sigurado kung ano
ba ang ibig ipahiwatig ng tila umuusbong na kakaibang damdamin na nadarama niya para sa
kababata.
Hindi kita minamadali, Sofia, maya-mayay narinig na naman niyang anito. Handa pa rin
akong maghintay hanggang sa matutunan mo na akong mahalin Sana lang ay bigyan mo ako
ng pagkakataong patunayan ko ang tunay at wagas kong pag-ibig para sayo, Brix emotionally
uttered.
May sumilay namang mumunting ngiti sa kaniyang labi sa narinig na sinabi nito. Somehow, she
felt glad na mayroon pa palang lalaking katulad ni Brix na handang tanggapin ang mapait niyang
nakaraan, na handa siyang tanggapin ng buong-buo!
Oo, Brix. Bibigyan kita ng pagkakataong patunayan ang mga sinasabi mo, nakangiti niyang
turan bago siya pabiglang kinabig ng binata at niyakap ng napakahigpit.
Salamat, Sofia! Salamat!
Thanks, too, Brix! I know, its you who can erase the bitterness in my heart piping bulong
niya sa isip na napatulo ang luhang tanda ng munting kaligayahan habang nakahimlay ang ulo sa
matipunong dibdib ng binata.
Chapter 4
MOMMY, may assignment po kami sa school. Turuan niyo po ako, mommy lambing ng
anak ni Sofia na si Euna.
Limang-taong gulang na ito ngunit magpahanggang-ngayon ay malamig pa rin ang pakikitungo
niya sa bata. Naroon pa rin sa kaniya ang ala-ala ng kahayupang pinaggagawa ng ama nito sa
kaniya.
Busy ako, doon ka magpaturo sa lola Sela mo, aniyang tugon na hindi man lang ito pinagkaabalahang sulyapan, bagkos ay sa mga pinag-aaralang papeles nakatuon ang atensyon niya.
Mommy, ikaw po ang gusto kong magturo sakin, pangungulit pa nito na yumakap pa sa
kaniya. Alam niyang gusto ng bata na magkalapit sila.
Importante ang ginagawa ko kaysa dyan! aniyang nagsisimula nang mainis.
Mommy, sabi ni teacher mas mahalaga daw po ang pagtuturo sa anak kaysa sa ano pa mang
trabaho ng magulang, ani pa ng bata na mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kaniya.

Inis na tinanggal naman niya ang pagkakapulupot ng mumunting braso nito ra bewang niya.
Huwag ka ngang makulit! At huwag kang magpapaniwala sa teacher mo! Mas mahalaga ang
trabaho dahil nakasalalay dito ang kompanya! galit niyang bulyaw sa bata na mangiyak-ngiyak
nang nakatitig sa kaniya. Nana!!! Kunin niyo nga ang bata dito, nakaka-istorbo lang sa
ginagawa
Come here, baby. Ako na lang ang magtuturo sayo, anang baritonong boses na nagpatigil sa
pagtawag niya kay yaya Sela.
Kahit hindi man niya ito sulyapan ay alam niyang si Brix iyon. Agad namang tumakbo palapit sa
binata ang batang maluha-luha.
Nang sulyapan niya ang dalawa ay nakita niyang pormal ang mukha ni Brix na nakatitig lamang
sa kaniya na tila ba sinasabi nitong tama na ang pagpapahirap niya sa kalooban ng bata.
Iniiwas na lamang niya ang tingin dito. Ayaw niyang masilayan ang tila panunumbat sa mga
mata ng binata sapagkat baka hindi siya makapagpigil at masabihan pa niya ito ng hindi
maganda. Masabihn pa niya itong wala itong pakialam sa kung ano man ang ipakita niyang
pakikitungo sa bata dahil hindi ito ang ama at hindi nito alam ang pakiramdam ng mapait na
sinapit niya sa ama ni Euna! Kayat wala itong karapatang pakialaman siya!
TITO, does my mom loves me? inosenteng tanong ni Euna sa kaniya na siyang nagpatigil sa
katuturo niya sa assignments nito.
Hindi niya alam ang isasagot sapagkat alam naman niya ang tunay na damdamin ni Sofia para sa
bata.
Pilit na lamang siyang ngumiti. Theres nothing he could do but to tell lies para mapanatag ang
loob ng musmos. Somehow ay alam naman niyang may nakatagong pagmamahal si Sofia para sa
anak ngunit natatabunan lamang iyon ng poot nito para sa lalaking gumahasa dito.
He smiled bitterly then managed to stared at the innocent eyes of the kid na kasalukuyang nasa
kandungan niya.
Of course, your mom loves you. Anak ka niya, eh, masuyo niyang tugon.
Bakit po parang hindi at para pong galit si mommy sakin? Hindi pa nga niya ako niyayakap,
tito, eh anitong mangiyak-ngiyak na naman.
A sudden feeling of pity had crossed her heart upon seeing those innocent teary-eyed eyes of the
child. Nakakaawang sa murang edad nito ay nadarama na nito ang masakit na katotohanang iyon.

Mahal ka ng mommy mo. Masyado kasi siyang busy kaya ganoon, pampalubag-loob niyang
saad. At para rin naman sayo ang mga ginagawa niya, eh. Para sa kinabukasan mo, nakangiti
niyang turan saka marahang piningot ang mumunting ilong nito na siya namang nagpahagikhik
sa bata subalit maya-mayay bigla na naman itong nagtanong na nagpapatda sa kaniya.
Tito, do you know whos my father? And wheres he?
He stiffly glared at the kid. Hindi na naman niya alam ang itutugon. Masyadong mausisa at
matalino ang anak ni Sofia base sa nakikita at naririnig niyang mga pagtatanong nito. He tried to
grasp any idea to answer saka pilit na ngumiti at nagbiro dito.
Bakit mo naman hahanapin ang daddy mo? Nandito naman ako, ah! Di hamak na mas pogi pa
ako doon! biro niya saka napa-pogi points pa na ikinahagikhik na naman ng bata. Kung gusto
mo, ako na lang daddy mo, nakangiti niyang turan.
Talaga?! namimilog ang mga matang anito. Yes! Yehey! Daddy ko na si tito Brix! Yehey!
May daddy na ako! pumapalakpak pa nitong saad.
He amazingly gazed at the happy and joyous face of the kid subalit maya-mayay nagsalita na
naman ito na siyang nagpahalakhak sa kaniya ng napakalakas.
Pakasalan mo na si mommy para daddy na talaga kita. Sige na! Gusto ko na rin magkaron ng
kapatid, daddy, eh! inosente nitong paglalambing.
Hahahahaha!!! Oo, pag sagutin na ako ng mommy mo. Kaya tulungan mo ako para sagutin na
niya ako at magka-little brother ka na, nangingiti niyang tugon.
Oo, tutulungan kita, daddy! Yehey! pumapalakpak na namang anito na yumakap pa sa kaniya.
He simply smiled and warmthly embraced back the child. Napakasarap pakinggang tinatawag
siyang daddy ng anak ni Sofia. Napakasarap na niyayakap siya ni Euna! Subalit naroon sa puso
niya ang takot sa oras na malaman ng dalaga ang lihim na kaniyang pinakatatago-tago sa loob ng
napakahabang panahon.
MARAHANG pinahid ni Sofia ang luhang pumatak sa mga mata. Naroon siya at nakatago sa
isang mayabong na tanim. Narinig niya ng buong-buo ang pinag-uusapan ni Brix at ng anak
niya.
Somehow, her heart has been touched for what shed heard mula sa labi ng kaniyang anak.
Naroon sa kaniya ang udyok na lapitan ang mga ito, makisali sa usapan at sabihin sa anak na
mahal naman niya ito. Subalit nang ihahakbang na sana niya ang mga paa para lapitan ang
dalawa ay bigla namang nagbalik sa ala-ala niya ang lalaking nang-rape sa kaniya kaya naman

ay patakbo na lamang siyang nagtungo sa sariling silid at doon ibinuhos ang luhang walang patid
sa pagpatak.
Shes eager to embrace the present and be contented with the joy it brings, yet she couldnt do it
coz everytime she has the courage to do so ay bigla namang nagbabalik sa gunita niya ang
kaniyang mapait na kahapon. Her bitter past is always hunting her and pulling her not to gladly
embrace the present! Kaya naman magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin niya tinatanggap ang
pag-ibig na iniaalay ni Brix sapagkat hindi pa siya handa kahit na mahal na niya ito. Ang gusto
kasi niya ay sagutin ang binata sa oras na tanggap na niya ang lahat, sa oras na tanggap na niya
ang mapait na yugto ng nakaraan.
Brix has always been at their side, it is him who acted like the real father of her child. It is him
who gave name to Euna. Wala kasi siyang pakialam noon sa binyag ng bata kaya ito na lamang
ang nag-asikaso sa lahat.
Napangiti siya. Maybe, its time for her to accept Brix undying love. Sasagutin na niya ito kahit
pa sabihing naroon pa rin sa puso niya ang pait na dulot ng panghahalay sa kaniya ng rapist na
iyon.
Chapter 5
MOMMY, look! Ive got something for you, lambing ni Euna sa kaniya nang eksaktong
makauwi ito galing ng school.
Agad itong patakbong sumugod sa kinaroroonan niya sabay gawad ng halik at yakap sa kaniya.
Nasa likuran nito ang nakangiting si Brix na siyang sumundo sa bata.
Mommy, I have a greeting card for you. Ako po nag-draw nito, lambing na naman nito nang
hindi niya pansinin, bagkos ay sa laptop siya nakatutok at pinag-aaralan ang datas ng Santiago
Group of Companies.
Mommy, I wrote I love you kasi love na love ko po kayo, ani pa nito na bahagyang nagpatigil
sa kaniya.
Somehow ay tila may masuyong kamay na humaplos sa puso niya sa narinig buhat sa bata ngunit
pilit niya iyong inignora nang bigla na namang bumalik sa balintataw niya ang ama ni Euna!
Mommy, tingnan niyo po gawa ko Para po sa inyo ito, eh pangungulit nitong tila maiiyak
habang niyuyugyog-yugyog siya.
Ano ba, Euna! Alam mong may ginagawa ako, eh! bulyaw niya sa bata na pabigla itong
naitulak nang dahil sa inis.

Bigla siyang natigilan at nakonsensya nang mapapalahaw ng iyak ang bata at patakbong
napayakap sa binti ng ama-amahan nitong si Brix.
Nang sulyapan niya ang binata ay nakita niyang tila pinipigilan nito ang umiigting na galit
habang matalim ang titig sa kaniya at buhat-buhat ang bata. Agad nitong ibinigay kay yaya Sela
si Euna nang biglang mapasugod sa kinaroroonan nila ang matanda nang dahil sa malakas na
pagpalahaw ng musmos.
Dalhin mo muna sa loob ng mansyon si Euna, yaya Sela, narinig niyang seryosong wika ni
Brix
Nagkibit-balikat lamang siya na tila walang pakialam sa nangyari at ipinagpatuloy ang katututok
sa laptop subalit maya-mayay nagulat na lamang siya nang pabigla siyang hablutin ng marahas
ni Brix at pilit na itinayo. Napadaing siya sa sakit na naramdaman and automatically glared at the
fiery eyes of Brix na tila ba any moment ay bigla na lamang siyang matutupok sa matinding galit
na nasisilayan niya doon.
B-Brix, let me go, aniyang daing na biglang kinabahan. It was the first time shed seen Brix as
angry as that.
Sumusobra ka na, Sofia! Huwag mong ganunin ang bata! Huwag mo siyang idamay sa galit mo
sa kaniyang ama dahil wala siyang kasalanan! Maawa ka kay Euna! nagngangalit nitong
bulyaw na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.
Mangiyak-ngiyak na siya sa sakit ngunit biglang nagpanting ang magkabilang-tainga niya sa
narinig kaya naman ay sinalubong niya ang nag-aapoy sa galit na mga mata nito.
Maawa?! she bitterly uttered. Bakit naawa ba sakin ang hayop na ama ng batang yun?!
Hindi mo alam ang mapait na sinapit ko sa mga kamay ng rapist niyang ama kayat huwag kang
magtaka at manumbat kung bakit ganito kalamig ang pakikitungo ko sa bunga ng kahalayang
iyon! lumuluha na niyang turan.
Oo! Masakit ang mariing pagkakahawak nito sa braso niya subalit wala nang mas hihigit pa sa
sakit na dulot ng katotohanang hindi siya nito maintindihan. Hindi siya maintindihan ng lalaking
mahal niya! Hindi nito maintindihan kung bakit nagkakaganoon siya!
Naramdaman na lamang niya ang pagluwag ng pagkakahawak nito saka tuluyan na siyang
binitiwan. N-napakatagal na ang pangyayaring iyon, Sofia Hanggang ngayon ba naman ay
hindi mo pa rin iyon makalimutan? mahina nitong sambit na nalambungan na naman ang mga
mata.

Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakikilala ang hayop na yun! Hanggat hindi ko siya
nakikitang nakakulong! madiin niyang turan.
Napatingin ito sa kaniya na tila ba may gustong sabihin subalit hindi naman makapagsalita,
bagkos ay nakatitig lamang ito sa kaniya. Maya-mayay sunod-sunod itong napailing saka
mapait na ngumiti.
Maghintay ka lang, Sofia. Makikilala mo din siya. Sana lang ay huwag mong pahirapan ang
kalooban ng anak niya, mahina ngunit makahulugan nitong sambit bago naglakad palabas ng
mansyon na kuyom-kuyom ang magkabilang-kamao.
Siya namay naiwang naguguluhan sa mga huling sinabi ng binata. Na tila ba sigurado itong
makikilala nga niya ang lalaking gumahasa sa kaniya. Naguguluhan siya sa iniaakto ng lalaki, sa
ipinapakita nitong galit sa kagaspangan ng pakikitungo niya kay Euna. Na tila ba ito ang tunay
na ama ng bata!
Bigla siyang natigilan saka sunod-sunod na ipinilig ang ulo para iwaksi ang pagsagi sa isipan ng
bagay na iyon. Imposibleng ang binata ang nanghalay sa kaniya sapagkat hindi ganoon ang
pagkakakilala niya kay Brix. Napakabait nitong tao para gawan siya ng hindi maganda at
kasumpa-sumpang bagay!
Subalit bakit ganoon? Ang mga ikinikilos nito ay waring nagpapahiwatig na ito na nga ang
lalaking iyon, na ito na nga ang dapat niyang ipakulong! At ang lambong na paminsan-minsay
nasisilayan niya sa mapupungay nitong mga mata ay tila may nakapaloob na lihim na kahit na
kailan ay hindi niya kayang arukin!
MASUYONG hinihimas-himas ni Sofia ang mumunting pisngi ng kaniyang anak. Kasalukuyan
siyang nasa loob ng kuwarto nito.
Nakapagmuni-muni na siya. Its time for her to make it up on her beloved daughter. Its time for
her to fully stop being rude on her precious gem. Galing ito sa kaniya kayat nararapat lamang na
mahalin niya ang kaisa-isa niyang anak, ang kaniyang unica hija!
Tama ang mga taong nasa paligid niya. Walang kasalanan ang bata kayat hindi niya dapat na
pasakitan ang musmos na damdamin nito, hindi niya ito dapat na idamay sa nadarama niyang
suklam sa ama nito. Kaya hito siya ngayon at tatabihan sa pagtulog sa kauna-unahang
pagkakataon ang anak. She swear na pag-gising nito bukas ay ibang Sofia na ang masisilayan
nito. Ipaparamdam na niya ang kalinga at pagmamahal ng isang tunay na ina. Gagawin niya ang
bagay na iyon sapagkat ayaw niyang lumaki si Euna na may kinikimkim na galit sa kaniya!
Ayaw niyang dumating ang puntong magrebelde ito. Tutal ay hindi pa naman huli ang lahat para
sa kanila.

Napangiti siya saka hinalikan sa pisngi ang anak bago napagpasyahang matulog na habang
yakap-yakap ang kaniyang unica hija.
MARAHANG iminulat ni Sofia ang mga mata nang maramdamang tila may nakatitig sa kaniya.
Napangiti siya nang mapagtantong si Euna iyon. Titig na titig sa kaniya ang bata na tila hindi
makapaniwalang nasa tabi siya nito at yakap-yakap.
Good morning, baby, nakangiti niyang bati saka hinalikan sa pisngi ang anak.
Marahan naman nitong kinusot-kusot ang dalawang inosenteng mata na tila ba sinisiguro nitong
hindi ito nananaginip lamang.
She softly chuckled upon seeing that cute kiddie-like gesture of her child. Baby, si mommy mo
nga ito, natatawa niyang turan.
Mommy, hindi ka na galit sakin? inosente nitong tanong.
She simply smiled. All along ay akala talaga ng anak na galit siya dito. When in fact ay nadamay
lamang ito sa muhi niya sa ama ng bata.
Im definitely not. Bakit naman ako magagalit sa baby ko, huh? lambing niya na ikiniskis pa
ang sariling ilong sa mumunting ilong nito.
Napahagikhik si Euna saka mahigpit siyang niyakap. Yehey! Mabait na si mommy ko sakin!
anitong tuwang-tuwa.
Siya namay napayakap din ng mahigpit sa anak. Maluha-luha siya sa matinding kaligayahang
nadarama. It feels good that somehow, she was able to cross the first step of forgetting her bitter
past. At iyon ay ang anak niya, nagkaroon na siya ng sapat na lakas ng loob para tanggapin ang
katotohanang ito ay anak niya, regalo ng Diyos at hindi lamang bunga ng isang kapangahasan.
Mommy, dont cry, maya-mayay saad ng anak. Marahil ay nakita nito ang luhang pumatak sa
kaniyang mga mata.
Napatawa naman siya habang pinapahid ang luha. Masaya lang si mommy, baby, kaya naiiyak.
Tears of joy to, aniyang masuyong paliwanag.
Hinalikan naman siya ni Euna sa magkabilang pisngi. Kiss na lang kita para hindi ka na magcry, anito.

Gusto na naman niyang maluha sa sinabi at iginawi nito subalit pinigilan lamang niya ang sarili
sapagkat baka mas lalong mag-alala ang anak sa kaniya, kayat napahalakhak na lamang siya ng
pagkalakas-lakas na sinabayan naman ng cute na cute na hagikhik ng bata.
While they were sharing laughters of joy ay napagtanto niyang napakabait talaga ng kaniyang
anak. Hindi ito mahirap i-please. Konting bagay lang ay nagiging masaya na ito at ganoon na
ganoon siya noon! Noong hindi pa siya nahahalay ng ama nito.
Sakto namang bumukas ang pintuan ng kuwarto at iniluwa mula doon ang nagtatakang si Brix.
Tila hindi ito makapaniwala sa nasisilayang eksena, sa naririnig na malulutong na halakhakan
nila ng bata.
Daddy, friend na kami ni mommy! nagagalak at namimilog ang mga matang sumbong ni Euna
sa ama-amahan nito.
Bigla namang napangiti ang binata. Ngiting abot sa mga mata nito habang nagpapalipat-lipat ang
paningin sa kanilang mag-ina. Lumapit ito sa kama at umupo sa gilid nyon.
Eh, di matutulungan mo na ako nyan na sagutin ako ng mommy mo, pilyong saad ni Brix
sabay kindat pa sa bata na agad namang tinalima ni Euna.
Mommy, sagutin mo na si daddy. Sige na, tila nagpapa-cute nitong turan.
H-hah? Ah Eh
Sige na, mommy! Love mo naman si daddy, di ba? pangungulit pa nito.
May sumilay na mumunting ngiti sa kaniyang labi saka napatitig sa binatang nakatitig din sa
kaniya na tila hinihintay ang tugon niya.
Sige na nga! Makulit ka, eh! aniyang turan sa anak na kunyariy napipilitan lang.
Ay! Napipilitan lang si mommy! nakanguso nitong pagmamaktol na ipinadyak-padyak pa ang
dalawang paa sa kama.
Napahalakhak naman siya sa iginawi ng anak. Hahahaha!!! Okay! Okay! Sinasagot na kita, Mr.
Brix dela Fuente! aniyang nakangiting baling sa binata saka siya na ang kusang yumakap dito
na tila hindi naman makapaniwala ngunit naroon sa mga mata ang nag-uumapaw na kaligayahan.
Yehey! Magkaka-little brother na ako! pumapalakpak na bulalas ni Euna sabay lapit sa kanila
at nakiyakap na din.

Humagalpak naman ng tawa si Brix sa narinig na sinabi ng bata. Siya namay biglang namula sa
inosenteng tinuran ng anak. Madali lang sabihin iyon ni Euna sapagkat wala pa itong kaalamalam sa nakapaloob na bagay sa sinabi nitong iyon.
Hahahahaha!!! Sure, baby! Sisimulan na namin ng mommy mo! tatawa-tawang ani Brix na
kinintalan pa siya ng mariing halik sa labi.
She felt a sudden tremor striking all over her earthly body the moment she felt Brix warmth lips.
Such a very different and mysterious feeling she ever had. She ponder that it was indeed a sign of
never-ending love.
Yehey! Magkakaron na ako ng kapatid! Sige na, simulan niyo na ngayon, mommy, daddy!
inosenteng anito na mas lalong nagpahagalpak ng tawa kay Brix habang yakap-yakap silang
mag-ina.
Siya namay pulang-pula na sa pinagsasasabi ng anak saka pinandilatan ang nobyong patuloy pa
rin sa katatawa habang pilyo ang pagkakatitig sa kaniya.
Hahahahaha!!! Youre blushing, my love, anitong kinintalan na naman siya ng halik sa labi
saka binalingan si Euna at hinalikan din ang bata sa pisngi bago sila nito niyakap ng
napakahigpit.
Theyve shared each others warmth embrace. Para kay Sofia ay iyon na ang pinakamaligayang
araw sa tanang-buhay niya. It was the happiest and best morning she had in her entire life. It was
the best morning coz somehow she felt that she left a tiny bit of mournings from yester years.
She was able to cross two bridges of hope and courage to fight and face the bitterness of her dark
past. And those two bridges are none other than these two being whos currently hugging her.
Her two precious gem, the love of her life Her Euna and her Brix!
Chapter 6
EVERYTHING goes well para kay Sofia. Everything has been in its right path, in its right place.
Mag-iisang buwan na din ang relasyon nila ni Brix, and she could say that their relationship as
lovers and at the same time as friends are getting stronger. Theyre both happy in each others
arms with their instant kid Euna! Palagi silang lumalabas as family!
Napangiti siya habang mag-isang nagpapahangin sa malawak na bakuran ng mansyon.
Na-miss kita, love, pabulong na sambit ni Brix sabay ang pagpulupot ng mga braso nito sa
kaniyang bewang.

Hindi niya namalayang nakapasok na pala ang katipan sa loob ng mansyon nang dahil sa mga
iniisip niya.
Hmmm Na-miss agad? Nagkasama pa lang tayo kagabi, ah? aniyang nakangiti sabay harap
sa nobyo at pulupot ng kaniyang braso sa batok nito.
Brix suddenly kissed her kaya naman ay buong puso at alab niya itong tinugon. They shared a
minute of torrid kissing bago kapwa naghahabol ng hiningang naghiwalay ang kani-kanilang
mga labi.
I love you, Sofia sambit nitong matiim ang pagkakatitig sa kaniya.
Napangit siya. Halos araw-araw, oras-oras, minu-minutong magkasama sila nito ay palagi niya
iyong naririnig mula sa katipan kaya naman nagdudulot iyon ng hindi maipaliwanag na
kaligayahan sa kaniyang buong pusot pagkatao.
I love you more, Mr. Brix dela Fuente! aniyang matamis ang pagkakangiti saka pabirong
dinuro ang dibdib nito.
Napahalakhak naman ang nobyo. Isang halakhak na puno ng kaligayahan. Subalit maya-mayay
biglang sumeryoso.
Pakasal na tayo, love. Ayokong maagaw ka pa sakin ng iba, anitong kinintalan siya ng halik.
She could see such tremendous sincerity portrayed at Brix tantalizing eyes while saying those
lines of proposal.
Siya namay biglang natigilan sa matinding gulat na naramdaman. Isang buwan pa lang ang
itinatakbo ng kanilang relasyon pero inaaya na siya nitong magpakasal!
Napangiti siya. Hindi na siya magpapakipot pa sapagkat kahit isang buwan pa lam
ang ang relasyon nila ay kilalang-kilala na niya ang nobyo, nakasama at naging kaibigan na niya
ito for many years already. So this is it! Shell say her sweetest yes!
Kailan ang gusto mo, Mr. Brix dela Fuente? pilya niyang tanong na mas lalo pang idinikit ang
sariling katawan dito.
Napahalakhak ang binata. Hahahaha!!! As soon as possible, my love! At ngayon din ay
aasikasuhin na natin ang ating nakatakdang kasal! excited na anito saka pabigla siyang hinila
palabas ng mansyon.
Hey! Hey! Saan mo ako dadalhin? kunyariy maktol niya ngunit nangingiti naman.

Saan pa ba sa akala mo? Eh, di magpapasukat na tayo ng wedding gown mo at toxido ko,
tugon nito saka pabigla siyang kinarga.
Napatili siya sa gulat ngunit kalaunan ay napahalakhak din. Hahahahaha!!! Aba! At parang
nagpa-practice ka na for our soon-to-be honeymoon, ah! pilya niyang turan na napasablay ng
dalawang braso sa batok ng katipan.
Hahahaha! Kung gusto mo ay pagsaluhan na natin ngayon din ang ating pulot gata sa mismong
kotse ko! pilyong tugon naman nito.
Hmmmp! Pakasalan mo muna ako bago natin bigyan ng little brother si Euna! kunyariy irap
niya ngunit nangingiti naman sa nadaramang kilig.
Brix smiled cutely while lovingly staring at her. Sure, I will! I will gladly marry you because I
love you he emotionally whispered bago siya nito marahang ilapag sa malambot na upuan ng
kotse.
MAHIGIT isang buwan na lang ang hihintayin at idadaos na ang nakatakdang kasal nina Brix at
Sofia. Wala silang ginawa kundi ang asikasuhin ang ibat-ibang bagay patuon sa nalalapit nilang
pag-iisang dibdib.
Shes very much happy for everything great that came into her life. Naipangako din niyang hindi
na niya isusukat pa ang kaniyang damit-pangkasal sapagkat naroon na sa dibdib niya ang takot
na
muling
maulit
ang
kahapong
sinapit.
Natatakot
s
iyang hindi matuloy ang kasal niya sa lalaking iniibig, sa lalaking si Brix!
Call it pathetic, pero nahawa na ata siya sa kaniyang yaya Sela sa mga pamahiin nito base na rin
sa mga nangyari sa buhay niya.
Napabuntong-hininga siya. Ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang lahat. Ipinagpapasa-Diyos
na lamang niya kung makikilala pa ba niya ang lalaking humalay sa kaniya. Kung hindi man
niya ito kailanman makilala ay ayos na sa kaniya sapagkat nariyan na si Brix at ang anak niya.
Nariyan na si Brix na tinanggap at minahal siya ng buong-buo, at minahal at tinanggap din si
Euna na parang tunay nitong anak! Yet, if she could have the privilege to know the man who
raped her ay sisiguraduhin niyang makukulong ito at pagbabayarin sa kahayupang ginawa nito!
Sofia, ang lalim ata ng iniisip mo? pukaw sa kaniya ni Brix. Kasalukuyan silang nasa loob ng
pribadong opisina ng nobyo.
Wala, tipid niyang tugon na pilit itong nginitian.
Brix stared at her thoroughly na tila pinag-aaralan ang bagay na bumabagabag sa kaniya.

Iniiwas naman niya ang tingin sa mapapangasawa. Mukhang may gusto kang sabihin, Brix?
pag-iiba niya sa usapan.
Nasilayan din kasi niya sa mga mata ng binata ang tila pagkatuliro na waring may bumabagabag
dito. Kanina pa kasi ito hindi mapakali, paroot parito ito kung maglakad.
S-Sofia Brix paused saka sunod-sunod na napalunok habang titig na titig sa kaniya. Nnapatawad mo na ba ang ama ni Euna? tanong nito na siyang nagpapatda sa kaniya.
She intently gazed at Brix and asked in mind why is he asking that kind of question? Na tila ba
importante dito ang kasagutan niya. Naisip na lamang niyang marahil ay gusto nitong malaman
sapagkat
ikakasal
na
sila.
Gusto
nitong
malaman
ang
lahat-lahat ng nakakubling damdamin niya.
Nagkibit-balikat siya saka napatutok ang paningin sa malayo. Kung hindi na ako bibigyan ng
pagkakataon ng tadhanang makilala pa siya ay okay lang sakin. Nandiyan na kayo ni Euna, eh.
seryoso niyang tugon ngunit maya-mayay nabuhay na naman ang galit sa puso niya para sa
walang-pusong lalaking humalay sa kaniya. Pero kung makilala ko siya ay sisiguraduhin kong
magbabayad siya at magdurusa sa nagawa niyang katarantaduhan! Ilang ulit akong nagmaka-awa
noon ngunit hindi niya ako pinakinggan kaya hindi ko rin siya pakikinggan! I will never forgive
that kind of man who doesnt have a heart! Never will I! she stiffly said saka napatitig sa
binatang blangko ang ekspresyong nakatitig lamang sa pader. Why ask, Brix?
Umiling ito saka ngumiti, ngunit ngiti iyong tila hindi naman abot sa mga mata.
Wala Naitanong ko lang, mahina nitong tugon sabay napatayo at napatunghay sa labas ng
bintana ng opisina.
Napatango-tango na lamang siya sa tugon ng katipan, but deep inside of her entire being is
indeed asking curiously why hes acting that way.
Chapter 7
SOFIA?! tawag ng isang tinig sa kaniyang tagiliran.
Awtomatiko siyang napabaling dito just to find out who that person is.
Jeremy! she shockingly uttered for shes really suprised na magkikita pa sila nito.
Napangiti ang lalaki. Its been a long time. Hows life?

She smiled back. Shes already at ease upon seeing her ex sapagkat naka-move on na siya dito.
No more heartaches, no more bitter past memories.
Ito okay lang. Ikaw? nakangiti niyang tugon.
Im doing great, too. I already have two kids. anito.
Napatango-tango siya. Hindi na siya nagulat sa sinabi nitong iyon sapagkat matagal na itong
nakapag-asawa. Six months after na tinalikuran siya nito ay nabalitaan na lamang niyang may
pinakasalan na ang lalaki.
How about you, Sophie? tanong nito.
She was about to answer ngunit napatigil siya nang bigla na lamang lumapit sa kinaroroonan
nilang counter ang katipang si Brix sabay akbay sa kaniya with such possessive act.
Love, may nakita na akong damit doon na babagay kay Euna, anitong napakapormal ang
mukha. Kasalukuyan kasi silang nasa Mall of Asia ng mga sandaling yaon at nagsa-shopping.
Saka napabaling ito kay Jeremy. Tol, kumusta? tanong nito sabay tapik sa balikat ng lalaki.
Magkakilala din kasi ang dalawa sapagkat magkababata din ang mga ito at nagkasabayan pang
manligaw sa kaniya noon.
Ayos lang, tol, ani Jeremy na gumanti rin ng tapik. Oh, paano? Mauna na ako sa inyo. Baka
hinihintay na ako ni Misis, mamaya mabatukan na naman ako nito, natatawang anito na
nagpatawa din sa kaniya.
Sige, Jeremy. Ingat, aniya saka inihatid ng tanaw ang papalayong lalaki.
Samantala nang balingan niya ang katipan ay napakapormal at seryoso pa din ang mukha nito.
ALAM ni Sofia na nagseselos ang nobyo. Kanina pa kasi ito walang imik magmula nang
aksidenteng magkita-kita silang tatlo ni Jeremy. Kapag tinatanong niya ito ay tipid lang itong
tumutugon.
Kapag
nagke-kwento
naman
siya
ay
tumatango
lamang
ito at hindi nagsasalita.
Napangiti siya sabay baling sa tahimik at nakakunot-noong nagmamanehong si Brix.
Nagseselos ka, no? nangingiti niyang tudyo sabay sundot pa sa tagiliran ng nobyo na siyang
nagpaigtad dito.
Hindi, tipid nitong tugon.

Asus! Deny to the max pa to! Halos hindi na nga maipinta yang mukha mo, eh!
Hahahahaha!!! aniyang napahalakhak ng pagkalakas-lakas.
Bigla naman nitong inapakan ang selenyador ng sasakyan sanhi para sumagitsit ang mga gulong
nyon at tumirik sa gitna ng madilim na kalsada. Kung hindi lamang siya naka-seat belt ay tiyak
na napasubsob na siya sa dashboard nyon. Ngunit imbes na magalit sa ginawa ng katipan ay
tawa pa rin siya ng tawa. Wala lang, masaya lang siyang nakikitang nagseselos ang lalaking
mahal niya. Masaya siyang alam niyang mahal na mahal talaga siya ni Brix!
Whats funny, Sofia Santiago?! naiirita na nitong tanong.
Hahahaha! Ganyan ka pala magselos! Ang cute! Aayyy Wawa naman, bebe ko Come to
mommy. Hahahaha!!! humahalakhak niyang tudyo at pang-aasar sa nobyo habang tinatanggal
ang seat belt sa katawan.
Hindi nga ako nagsese Brix didnt got the chance to prolong what hed supposed to utter
sapagkat pabigla niya itong hinawakan sa batok sabay siil dito ng nag-aalab na halik.
Shed like to kiss him para pawiin ang nadarama nitong selos. Agad naman itong tumugon sa
mapusok niyang halik. Theyve shared extremely hot kisses inside Brix car hanggang sa
lumalim pa iyon ng lumalim.
Naramdaman na lamang niyang dahan-dahan na siya nitong inihihiga sa malambot na upuan ng
sasakyan while he was showering her trail of kisses on her flawless white neck, at ang mga palad
nitoy malaya na ring naglalakbay sa maseselang parte ng kaniyang katawan.
Napapikit na lamang siya ng mariin sa ipinapadamang iyon sa kaniya ng kaniyang
mapapangasawa. Akmang bubuksan na nito ang butones ng suot niyang blusa ngunit bigla siyang
natigilan
at
awtomatikong
naitulak
ito
saka
tatawa-tawang
umayos
ng
upo.
Not now, pretty boy. Hindi pa tayo kasal, aniyang inaayos ang nagkalat na buhok.
Sophie naman, eh! maktol nitong tila nabitin.
Nakangiting nilapitan naman niya ang nobyo at pinakatitigan ito sa mata. I kissed you just to
ease your jealousy. Huwag ka nang magselos dahil ikaw naman ang mahal ko. Everything
between us ni Jeremy ay tapos na, nakabaun na sa limot. He was my past but you you are my
present and will forever be my future Its you that I love, Brix she emotionally whispered
saka kinintalan ito ng halik.

Bigla naman siyang niyakap ng napakahigpit ng binata. Sana ay huwag magbago ang
pakikitungo mo, Sofia Sana ay walang magbago bulong nitong tila nasa boses ang pait at
paghihirap ng kalooban.
Napakunot-noo siya sa narinig na iyon sa tinig ng binata. Dahan-dahan siyang humiwalay sa
pagkakayakap ng katipan para mapagmasdan ang ekspresyon ng mukha nito. Ngunit nakangiti
na iyon. Ngiting totoo at abot hanggang sa mga mata nito.
She therefore, smiled back at him at inisip na lang na marahil ay nagkamali lamang siya sa pait
na narinig buhat sa tinig nito.
BRIX gazed at Sofia habang humahalakhak itong nakikipaglaro kay Euna. Hes really eager to
bring out in the open his deepest and darkest secret subalit waring nag-atubili siya nang makitang
napakasaya ng dalaga. Dinig na dinig niya ang malulutong nitong tawa na sinasabayan naman ng
cute na cute na hagikhik ni Euna. He doesnt want to ruin the happiness and joy of those two
important people in his life sa isisiwalat niyang katotohanan kaya naman ay napagpasyahan
niyang ipagpaliban lang muna ang nais niyang sabihin sa nobya. Hell tell it some other time, sa
oras na makahanap na siya ng magandang pagkakataon.
Mapait siyang napangiti. But when would that be kung palagi akong naduduwag at natatakot sa
maaaring mangyari? Sa maaaring kahantungan ng isisiwalat kong katotohanan Im afraid to
loose
both
of
you.
Im
afraid
that
you
will
hate
me,
So
fia puno ng paghihirap niyang bulong sa isip habang nakatitig sa napakasayang
naghahabulang mag-ina.
HINDI magkanda-ugaga si Sofia sa pag-iestima ng ibang bisita ng kaniyang daddy. Her dad is
currently celebrating his 55th birthday sa malawak na bakuran ng kanilang mansyon. Paroot
parito ang ginagawa niya. Ngiti dito, ngiti doon. Pakikipag-kwentuhan dito, pakikipagkwentuhan doon.
Nai-announce na din ng kaniyang daddy ang nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Brix. Its two
weeks half way before the said wedding kaya naman ay double purpose ang ginawa nila sa party
na iyon. It was a party for her dads birthday and at the same time engagement celebration nor
announcement for the upcoming wedding nila ng katipang si Brix.
Naroon din ang pamilya ng lalaki and shes very much glad and somewhat blessed sapagkat
tanggap ng mga ito ang kaniyang anak na si Euna, despite the fact na alam ng mga ito na anak
niya ang bata sa kapangahasang natamasa niya noon.

Alam mo, Sofia, parang anak nga talaga ni Brix si Euna, komento ng matalik niyang kaibigang
si Emily habang nakaupo na sila sa isang sulok at malayang pinagmamasdan ang dalawa. Kargakarga kasi ng nobyo ang kaniyang anak.
Napangiti siya. Kaya nga, Emily. He accepted and had loved my daughter kahit hindi ito galing
sa kaniya, aniyang tugon na napalagok ng ladies drink.
No, thats not what I mean, Sophie. Parang si Brix ang tunay na ama ni Euna, anitong
nagpatigil sa katutungga niya ng inumin saka nagtatakang napatitig sa kaibigan. Look at them
closely, hindi mo ba napapansing magkamukhang-magkamukha ang dalawa? Euna is the female
child version of Brix, dugtong pa nito na mas lalong nagpatigagal sa kaniya.
Totoo ang sinabi ng kaibigan. Totoong magkamukha nga ang dalawa. Sinabi na rin iyon ng
kaniyang yaya Sela subalit pilit lamang niyang inignora. Maski man siya ay nahalata niya iyon
habang
lumalaki
si
Euna
ngunit
binalewala
lamang
niya
at
p
ilit na idinikdik sa isipang marahil ay nagkataon lamang at napaglihian lamang niya ang binata.
Ito kasi ang palaging nasa tabi niya noong nagdadalang-tao siya sa bata.
I-its impossible, Emily. I know Brix so well. Hindi niya magagawa ang kasumpa-sumpang
bagay na yun! aniyang pilit na kinokontra ang sinabi ng kaibigan. And besides, he wasnt here
during the time na nagahasa ako. Nasa States siya.
Napailing ang kaibigan habang titig na titig pa din sa dalawang naghahabulan sa gitna ng
madamong bakuran ng mansyon.
How sure are you na wala nga siya dito? Dahil ba sa ang sabi niyay kararating lamang niya
noong anim na buwan ka nang buntis? Madali lang sabihin yun, Sofia. Madali lang ang
magtagpi-tagpi ng kuwento, seryoso nitong saad. Alam iyon ng kaibigan niya sapagkat hindi
siya naglilihim dito. Alam na alam nito ang kuwento ng buhay niya.
Maya-mayay nagsalita na naman ito. You told me before na palaging sinasabi ng lalaking
nanghalay sayo na mahal na mahal ka niya kaya niya iyon nagawa. Hindi ba sumagi sa isip
mong baka si Brix iyon? As far as I can see, siya lang ang lalaking lapit pa rin ng lapit sayo
kahit nabuntis ka na. Hindi ka niya iniwan, samantalang ang ibang gustong manligaw noon sayo
ay biglang naglaho nang malaman nila ang mapait na sinapit mo, mahaba nitong litanya na
napabaling ang titig sa kaniya.
She just stiffly stared at her best friend saka sunod-sunod na napailing. She doesnt want to buy
such stupid conclusions! Ayaw niyang isiping totoo ang sinasabi nito. Ayaw niyang isiping
totoong si Brix ang nanghalay sa kaniya! Ayaw niyang isiping ang lalaking iniibig ang may

kagagawan ng lahat ng pinagdaanan niyang hirap because the hardest thing to do is to accept the
fact that the man you love is the same man whom youve wanted to curse!
Chapter 8
BENALEWALA na lamang ni Sofia ang napag-usapan nila ng kaibigang si Emily. Her friend
suggested her to confront Brix ngunit umiling lamang siya. Ayaw niya iyong patulan sapagkat
para na ring hinusgahan niya ang katipan kapag ginawa niya iyon, at para na rin siyang naniwala
sa sinabi ni Emily.
She lived everyday of her life like theres nothing bothering her habang papalapit ng papalapit
ang nakatakda nilang kasal ng nobyo. Less than two weeks in the counting and its gonna be their
grand wedding!
Sophie masuyong tawag ni Brix sa kaniyang pangalan habang kasalukuyan silang kumakain
sa isang high-class restaurant.
Napatigil siya sa pagsubo at napatunghay sa nobyo. Hmmm? Bakit, Brix? aniyang tanong.
Napabuga muna ito ng hangin then stared at her thoroughly. Less than two weeks from now and
its gonna be our wedding. Before that day comes, Id like to tell you something anito saka
ginagap ang ang palad niya.
She surprisingly gazed at Brix hand for it was shivering and cold, as cold as ice! She
automatically glared at his pair of eyes and saw apprehensions on it, na tila ba nag-aatubili ito at
may kinatatakutang mangyari.
Sofia Brix hushly whispered her name at ilang ulit na napalunok. I am the man I am the
man who
Sofia Santiago! bulalas ng isang boses bakla na siyang nagpatigil sa pagsasalita ni Brix.
Agad silang napabaling ng paningin upang mapagsino ang tumawag sa kaniya.
Eric?!! namimilog ang mga matang bulalas niya saka napatayo at sinugod ng yakap ang
baklang kaibigan. Matagal na kasi sila nitong hindi nagkikita.
Lukaret! Im not Eric! Im Erica! Sabunutan kita dyan! Hmmmp! maarteng maktol nito. Ang
hunk naman ng kasama mong fafah! Pakilala mo naman ako, bruha! pasimpleng bulong nitong
tila kinikilig.

Agad naman siyang tumalima at ipinakilala ang katipan sa kaibigang bakla. Theyve shared
minutes of joyful conversation bago napagpasyahan ng kaibigang si Eric na magpaalam at
umalis na, saka niya binalingan ang nobyo.
What
were
osed to tell me, Brix? she asked habang nakangiti dito.

you

supp

Lumagok muna ito then gave her a curt smile. I just want to tell you that I am the man who
loves you, anito sabay iwas ng tingin sa kaniya.
Siya namay napakunot-noo. It seems like that wasnt supposedly the words hed like to tell her
awhile ago.
Nginitian na lamang niya ang nobyo kahit naguguluhan siya sa iniaakto nito. And as I do, as
well. I love you more than you ever know, Brix tugon na lamang niya.
KANINA pa palakad-lakad si Brix sa loob ng kaniyang opisina. Paroot-parito siya, pabalikbalik. He doesnt know what to do. He doesnt know what would be his introductory step.
Nalalapit na ang pag-iisang dibdib nila ng nobyang si Sofia subalit magpahanggang-ngayon ay
hindi pa rin niya naisisiwalat ang pinakamalaking lihim ng kaniyang pagkatao. Alam niyang mas
malaking problema ang kasusuungan niya oras na mismong si Sofia na ang makatuklas sa
nakakubli niyang lihim.
Marahas siyang napabuga habang napapahilamos ng sariling mukha. I need to face the
consequences because its time for me to confess before worst comes into worst! determinado
niyang turan.
MASAYANG pumasok si Sofia sa loob ng condo ni Brix. She has her own duplicate key kaya
malaya siyang nakapasok doon. Gusto niyang sunduin ang mapapangasawa sapagkat may balak
siyang magtungong Hacienda del Santiago. Kasalukuyan kasing naroon ang kaniyang anak, so
therefore, shed like to spend the whole day with her two beloved gem.
Excited siyang pumanhik sa silid ng nobyo at maingat na binuksan ang pintuan nyon. Narinig
niya ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower kayat umupo lang muna siya sa malambot
na kamang naroon.
Inilibot niya ang paningin saka napangiti nang masilayan ang malaking picture frame na
nakapatong sa bedside table. It was a photo of them kasama si Euna. Mas lalong lumawak ang
pagkakangiti
niya
habang
pinagmamasdan
ang
litratong
iyon.
Th
ey portray a happy family on that taken photo. Walang kababakasang lungkot, bagkos ay puno ng
kaligayahan ang makikita sa mga mata at ngiti nila.

She stared intently at Brix and Euna. Nagpalipat-lipat ang titig niya sa dalawang tila mag-amang
nasa larawan kasabay ng pagbabalik sa ala-ala ng mga sinabi sa kaniya ni Emily.
If I just dont know you so well, Brix, Id surely believe na totoo ang haka-haka ng kaibigan ko,
magkamukha kasi kayo ng anak ko Pero alam kong hindi mo magagawa yun sapagkat hindi
ikaw ang ganoong klaseng tao, bulong ng isip niya kasabay ng pagbukas ng banyo at iniluwa
mula doon ang tila nagulantang na si Brix.
Nakatapis lamang ito ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan. Bigla itong napatigil sa
kakakuskos ng sariling buhok nang makita siyang nakaupo sa kama.
Hey! Bakit parang nakakita ka ng multo, love? nakangiti niyang tanong habang inilalapag ang
picture frame.
Akmang magtutungo na ito sa kabinet para kumuha ng damit subalit pabigla niya itong nilapitan
sabay yakap dito buhat sa likuran. Call it liberated but she really wanted to embrace the almost
naked hunky figure of her soon-to-be husband.
Naramdaman niyang tila napakislot naman ito. She softly cackled with Brix unexplainable
gesture. Tila kasi hindi ito mapakali. Inisip na lamang niyang marahil ay nagulat ito at hindi
makapaniwala sa iniaakto niya for shes becoming liberated.
S-Sofia tila nahihirapan nitong sambit.
Humarap siya dito. Siya na ang kusang humalik sa katipan sabay sablay ng magkabilang braso
niya sa batok nito while scufflly touching his wet hair. Mas lalo rin niyang idinikit ang sariling
katawan sa binata at hindi naman siya nabigo sapagkat bigla itong nadarang sa ginagawa niya.
Tumugon din ito.
So this is it! Shell heartily give herself sa nobyo, tutal ay malapit na silang ikasal. It would be
their pre-honeymoon before the said wedding. It is the moment theyll make a little brother for
Euna!
Naramdaman
niyang
iginigiya
siya
ng
nobyo sa malambot na kamang naroon habang patuloy pa rin sila sa nakakadarang na
paghahalikan.
Akmang dadaganan na siya nito ngunit pabigla niya itong inunahan. Let me, Brix aniyang
bulong. Let me make the first move tila nang-aakit pa niyang sambit saka ginawaran na
naman ng napakapusok na halik ang nobyo.

She bestowed him trail of hot kisses towards his jaw, down to his neck hanggang sa mabalahibo
nitong dibdib.
She continue kissing him on that part habang panay naman ang ungol ng binata at tawag sa
pangalan niya. She flirtlly chuckled sa naririnig niya buhat dito. She was still kissing him on his
hairy breast at akmang ipipikit na sana ang mga mata para namnamin ang sensasyong dulot ng
pagkakadikit ng kanilang mga katawan subalit bigla siyang natigilan at tila binuhusan ng
nagyeyelong tubig ang buo niyang katawan.
She stared her eyes wide-open on that two tiny scars na bahagyang natatabunan ng balahibo nito
sa dibdib. Maaaring naghilom na iyon ngunit hindi siya maaaring magkamali, iyon ang dalawang
sugat na nakuha ng lalaking gumahasa sa kaniya nang dahil sa ibinigay niyang kalmot dito.
Sunod-sunod ang ginawa niyang pagkurap sa pagbabaka-sakaling dinadaya lamang siya ng
kaniyang paningin subalit hindi, eh! Naroon pa rin ang peklat na yun sa mismong parte ng
dibdib na pinagkalmutan niya sa walang-pusong rapist na iyon!
Biglang nanlabo ang paningin niya sa nagbabadyang luhang tumulo sa mga mata. Napakasakit
tanggapin ang katotohanang kaniyang natuklasan. Napakasakit na ang lalaking iniibig at balak na
pakasalan ay ang mismong lalaking gumahasa at sumira sa mga pangarap niya!
S-Sophie
Agad siyang umalis sa pagkakadagan sa binata sabay ang pagtayo. Gusto niyang lumisan sa
lugar na yaon. Gusto niyang iwan ang lalaking puno ng pagkukunyari.
Dali-dali siyang naglakad patungong pintuan subalit naging maagap ang binata para mahawakan
siya sa braso.
S-Sophie
Awtomatikong dumako ang palad niya sa kaliwang pisngi ng binata para gawaran ito ng
nakabibinging sampal. Napabaling ang mukha nito at hindi naituloy ang nais nitong sabihin.
Puno ka ng pagkukunyari, Brix! puno ng poot niyang pahayag habang walang tigil sa pagpatak
ang masaganang luha sa mga mata. I-its almost six years pero nagawa mo pa ring itago ang
napakadumi mong lihim! How could you?! mapait niyang turan. All along ay akala kong
totoong tao ka pero wala ka ring pinagkaiba sa mga taong halos kutyain ako nang dahil sa mapait
na sinapit ko! Mas masahol ka pa sa kanila dahil ikaw pala ang hayop na rapist na gumahasa sa
akin!
S-Sophie, let me ex

I dont need your explanation. I dont need to hear anything from you! Hindi ako makikinig sa
mga paliwanag ng lalaking hindi rin pinakinggan ang mga hagulgol at pagmamakaawang ginawa
ko noon! she hatedly uttered na nagpipilit kumawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya.
Yet, she couldnt get his nasty hands off her sapagkat tila linta iyong nakakapit sa braso niya.
Hindi rin siya tumitingin sa mga mata nitong alam niyang puno ng pagkukunyari at
kasinungalingan. Kaya pala ganoon na ganoon na lamang ang ipinapakita nitong kabutihan sa
kanilang mag-ina sapagkat nakokonsensya pala ito sa kahayupang ginawa sa kaniya. It was just a
call for conscience and not a feeling of love!
S-Sofia, I did it because
Let me go, Mr. dela Fuente! she formally and expressionlessly uttered sabay ubod-lakas na
iwinaksi ang palad nito. Hindi na matutuloy ang kasal natin! Wala nang kasalang magaganap!
walang
kaemo-emosyon
n
iyang pahayag saka lumuluhang patakbong nilisan ang lugar na iyon na naging saksi kung paano
niya kusang natuklasan ang pinakamadilim na lihim ng pagkatao ni Brix dela Fuente!
NAIWANG nanghihina si Brix. So there it is! His deepest and darkest secret has been revealed in
the eyes of the woman he dearly loves.
Sa araw na iyon niya dapat kusang ipagtatapat ang lahat-lahat kay Sofia subalit naunahan siya
nito. Ito na ang sinasabi niyang worst comes into worst! Hindi niya alam kung mapapaamo pa
niya ang dalaga. Hindi niya alam kung magtatagumpay ba siya sa gagawin niyang pageekspleka. Hindi niya alam kung pakikinggan siya nito. Hindi niya alam kung mapapatawad ba
siya nito, subalit gagawin niya ang lahat para makapagpaliwanag dito!
MOMMY, galit po ba kayo kay daddy? pabiglang tanong ni Euna na siyang nagpatigil sa
kababasa niya ng fairytale book para patulugin ang anak.
Hindi niya alam ang itutugon. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin dito na ang binata
talaga ang tunay nitong ama. Masyado pa kasing bata si Euna para maintindihan ang mga
nagaganap sa buhay nila.
She tried to plaster a smile on her pretty face and tell lies para lang pagaanin ang kalooban ng
anak. Alam niya kasing malulungkot ito kapag sinabi niyang galit siya sa ama nito.
H-hindi, baby, tipid niyang tugon saka akmang ipagpapatuloy na ang pagbabasa subalit bigla
na naman itong nagsalita.
Eh, bakit po hindi niyo siya kinakausap pag nagvi-visit siya dito sa house? inosente nitong
tanong.

H-hah? Ah Ahmmm she tried to grasp any valid reason to answer. B-busy kasi si mmommy, b-baby, kapag nagvi-visit ang d-daddy aniyang pagsisinungaling na muntikmuntikan nang pumiyok nang dahil sa pinipigilang pagpatak ng luha.
Alam niya kasing mangungulila ang anak sa ama nito kung patuloy niyang kimkimin ang galit sa
ginawa sa kaniya noon ni Brix. Alam niyang mangungulila ang anak kung pilit niya itong ilayo
sa binata.
Nasilayan
niyang
tila
kumurap-kurap
na
an
g mga mata ni Euna. Alam niyang inaantok na ang bata kaya naman ay lihim siyang
nagpasalamat sapagkat hindi na siya nito kukulitin pa. Subalit nagulat na lamang siya nang
magsalita na naman ito sa inaantok na tinig.
Mommy, sana bati na kayo ni daddy para happy family na tayo I love both of you, eh I
love you, mommy sambit nito bago tuluyang igupo ng antok.
I-I love you, too, anak mahina niyang tugon sabay kintal ng halik sa noo ng bata.
Tuluyan nang pumatak ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Kahit musmos pa lamang ang
kaniyang anak ay tila alam na nito ang nagaganap sa pagitan nila ng ama nito. Napakabibo,
napakatalino at napakabait na bata ni Euna. Maaatim ba niyang ipagkait sa anak ang isang
masayang pamilyang alam niyang pinapangarap nito nang dahil lang sa poot na namamahay sa
puso niya para sa ginawa ng ama nito?
Chapter 9
KASALUKUYANG nasa veranda ng malaking mansyon si Sofia at nagpapahangin. Masisilayan
sa mapupungay niyang mga mata ang nakakubling lungkot. Hindi niya mawari ngunit tila ba
nagbalik ang dating Sofia na ginahasa noon ni Brix, puno ng pait at tila ba may kulang sa
kaniyang pagkatao.
Noon puno siya ng pait nang dahil sa kalapastanganang natamasa niya buhat sa binata ngunit
ngayon ay ibang rason na ang pait na nadarama niya. Pait iyon na dulot ng pangungulila
sapagkat tila ba may kulang sa pagkatao niya. Tila may hinahanap-hanap siya at alam naman
niya sa sarili kung ano iyon, kung sino iyon. Pilit lamang niyang dinadaya ang sarili sapagkat
iyon ang idinidikta ng kaniyang utak. Sinasabi nitong dapat niyang gantihan ang lalaking may
kagagawan sa lahat ng pinagdaanan niyang hirap. Subalit ang puso naman niyay tila gustong
magpatawad alang-alang sa kaniyang nag-iisang anak, alang-alang sa nadarama ng mga puso
nila para sa isat-isa ni Brix, alang-alang sa pamilyang pinapangarap hindi lamamg ni Euna kundi
pati na rin niya.

Yes! Shes really eager and yearning to have a family whom she can call her own at alam naman
niyang hindi iyon imposible sapagkat nasa mga kamay na niya iyon ngunit pilit lamang niyang
binibitawan at ipinagtatabuyan! Pilit niyang ipinagtatabuyan ang isang bagay na sa kaniyay
nagpapaligaya.
S-Sophe sambit ng baritong boses na siyang pumukaw sa pagmumuni-muni niya. Kahit
hindi niya ito lingunin ay alam niyang si Brix iyon.
Hindi siya nagsalita, ni hindi siya kumibo. She remained frigid at that moment, freeze for
whatever her mind tells her to do.
Narinig niya ang sunod-sunod na pagbuntong-hininga ng binata na tila ba nag-iipon ito ng sapat
na lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang lahat ng nais nitong sabihin. Marahas itong napabuga
ng hangin bago nagsalita.
S-sana ay pakinggan mo ako sa pagkakataong ito, Sophie panimula nito habang pareho
silang nakatunghay sa kadiliman ng gabi. I was in the United States when he called. I dont
have plans to get back here in the Philippines sapagkat alam kong masasaktan ako dahil ikakasal
ka na. I was really determined to stay there for good and make a living, Brix paused then grasp
an air again. Subalit nakatanggap ako ng long distance call. It was Jeremy calling. He laid down
his plans for me to abduct and rape you anitong napatigil muna sa pagsasalita.
Siya namay kunot-noong napabaling sa binata. Did she heard it right? Did she heard Jeremys
name? For sure si Jeremy na katipan niya noon ang tinutukoy nito, wala naman kasi silang iba
pang kakilalang Jeremy. Ngunit bakit iyon ginawa ng former fiancee niya? As to what shed
heard from Brix ay tila sinasabi nitong si Jeremy mismo na balak niyang pakasalan noon ang
master mind sa lahat ng mga nangyari sa kaniya.
Tumanggi ako sapagkat alam kong hindi iyon tama. Hindi tamang gawan ko ng masama ang
tanging babaeng inibig ko narinig niyang pagpapatuloy nito. He told me that it was the only
gateway he could do para hindi matuloy ang kasal ninyo. Ayaw naman kasi niyang sabihin sayo
ang buong katotohanan dahil ayaw niyang mas lalo kang masaktan. May inerereto sa kaniya ng
kaniyang mga magulang. That particular lady was their family friend and he told me that he
accidentally learned to love that woman na ngayon nga ay asawa na niya Brix paused. He
called me many times para lang kumbinsihen akong pumayag na but I refused for I know that its
he that you love. I couldnt bear to get away from you your happiness Yet, the last time he
called up ay sinabi niyang kung hindi ko daw gagawin iyon ay ibang lalaki na lang ang uutusan
niya. I was alarmed then, I felt like Ive been threatened! Ayokong mangyari iyon, ayokong
mapunta at makuha ka ng isang lalaking hindi ka naman mahal tumigil sa pagsasalita ang
binata saka napangiti ng pagak. So therefore, namalayan ko na lang na napa-oo na ako. I
accepted Jeremys offer bearing in mind that Im gonna make it up all onto you, na gagawin ko

ang lahat mabayaran ko lang ang kapangahasang nagawa ko. I also bear in mind and was really
determined to make you fall for me, to own your heart at hindi naman ako nabigo I felt like Id
succeeded nang mapa-oo kita in front of the the innocent eyes of our child. It was the happiest
day of my life knowing that youre already mine mahaba nitong paliwanag.
Siya namay lumuluha na ng mga sandaling yaon. All along ay akala niyang ginawa iyon ni Brix
sapagkat makasarili ito, na sariling kaligayahan lamang ang iniisip nito. But she was wrong!
Absolutely wrong for Brix saved her from the upcoming misery she might have been endure
from any other man. Brix saved her from Jeremys pretentious love!
But I know that I couldnt make a happy family if I have still this deepest and darkest secret
within me, narinig niyang pagpapatuloy na naman nito. I tried many times to confess you the
truth subalit palagi akong nauunahan ng takot. Naduduwag ako. I was afraid then that Id totally
loose you if I divulge everything. Noong araw na kusa mong natuklasan ang aking lihim ay iyon
ang araw na dapat magtatapat na ako sayo, but everything became late for I did see those
blazing fiery eyes of yours na tila napopoot ka sa kapangahasang nagawa ko puno ng
paghihirap nitong pahayag. I-I just want to tell you, Sofia that I did it all because of love
mahina nitong sambit saka lupaypay ang balikat na naglakad para lumisan na sa verandang iyon.
Siya namay tahimik lamang na lumuluha. She couldnt find any words to speak. Tila naubusan
na siya ng boses nang dahil sa mga isiniwalat nito. Alam niyang nagsasabi ng totoo ang binata.
She could feel those sincere lines of him striking towards the deepest soul of her heart.
MAG-ISANG nagbakasyon si Sofia sa Hacienda del Santiago. Gusto niyang mapag-isa para
makapagmuni-muni. She wanted to embrace the silence of the nature for her to be able to fully
decide the right thing to do.
Ngayon na ang nakatakda nilang kasal ni Brix subalit magpahanggang-ngayon ay tila tuliro pa
rin ang utak niya. Tila hindi pa rin ito makapag-isip ng maayos, ng mga dapat niyang gawin at
piliin.
She doesnt know if Brix would come to the church venue of their wedding. Hindi naman kasi
nila naipakansela iyon at hindi nila ipinangaladkarang hindi na iyon matutuloy. Everything
remains a secret between the two of them at walang nakakaalam nyon, maliban na lang sa mga
kasambahay niya.
Her prior plan was to put Brix in a disgusting and disgraceful situation wherein mapapahiya ito
sa hindi niya pagsipot sa kasal nilang iyon. In that way ay makakaganti na siya dito at
maipapahiya ito sa napakaraming tao! Her plan was to act like a run-away bride! Iyon ang plano
niya nang hindi pa niya naririnig ang mga paliwanag ni Brix.

Napabuntong-hininga siya. Maya-mayay naalala niya ang tila masayang-masaya at nai-excite na


pahayag ng kaniyang anak.
Im so excited to be the flower girl sa wedding ng mommy at daddy ko! Madami akong
isasaboy na bulaklak sa inyo! I love you, daddy I love you, mommy humahagikhik nitong
turan sabay yakap sa kanilang dalawa ng binata.
Biglang nangilid ang luha sa kaniyang mga mata sa pagsagi sa isipan ng ala-alang iyon. Maaatim
ba niyang ipagkait ang simpleng kaligayahan ng kaniyang unica hija? Maaatim ba niyang
masilayan muli ang kalungkutan sa mga mata nito gaya nang mga panahong pinapakitaan pa
niya ito ng kagaspangan? Would she bear to sacrifice the happiness of her very own child?
Would she bear to loose forever the man he preciously loves?
Now she definitely and absolutely know the answer for that tenacious and obstinate crazy
question of her kaya naman ay napapaluhang-napapangiti niyang pinunasan ang luha saka dalidaling lumisan sa haciendang yaon para makapagbihis ng kaniyang damit pangkasal at
makahabol pa sa nakatakda nilang pag-iisang dibdib ng lalaking tangi niyang kaligayahan!
NAPAPANGITI ng pagak si Brix habang tahimik na nakatayong naghihintay kay Sofia sa
simbahang yaon. This is the moment hes waiting for so long, the supposedly grand-wedding of
him and Sofia subalit hanggang sa mga oras na yaon ay wala pa ring Sofia na dumarating. Hed
been silently and patiently standing there for more than an hour sa pagbabakasakaling sisipot ito.
Naroon pa rin sa puso niya ang pag-asam. Umaasa pa rin siya kahit na alam naman ng utak niya
na malabo na atang mangyari iyon.
Nakikita niya sa ekspresyon ng mukha ng mga taong naroon ang pagkainip, ang iba namay awa
para sa kaniya. Nang mapadaku ang paningin niya sa kaniyang cute na cute na anak ay nasilayan
niya ang tila lungkot na nakaguhit sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. He tried to
bestowed a curt smile on his handsome face towards the kid para lang sabihin ditong huwag
malungkot at mag-alala sapagkat darating ang mommy nito.
Son, pukaw ng pare na marahan siyang tinapik sa balikat. Hindi niya namalayang lumapit pala
ito sa kinaroroonan niya. Maybe hindi na siya darating, anitong kababakasan ng awa para sa
kaniya.
Napatitig siya sa mga mata ng pareng magkakasal sa kanila ni Sofia. Kanina pa niya ito
pinakikiusapang maghintay pa ng ilang sandali na tinatanguan naman nito. Subalit ngayon ay tila
tama nga ata ito, hindi na sisipot si Sofia, hindi na siya sisiputin ng babaeng tangi niyang
minahal. Maybe its time for him to accept the reality that their supposedly grand-wedding would
turn into a dreadful nightmare for him!

May namuong luha sa mga mata niya. Napatikhim siya para pigilan iyon saka malungkot na
napatango sa pare.
Laylay ang mga balikat na naglakad siya patungong altar. Hell going to announce the
cancellation of the said wedding.
Chapter 10
HUMUGOT muna si Brix ng malalim na buntong-hininga bago napagpasyahang magsalita na.
L-ladies and g-gentleman, aniyang panimula sa gumagaralgal na tinig. I-Id like to inform
you all that the said w-wedding is c-cancelled. S-sorry to keep you all waiting, yukod-ulong
paumanhin ng binata saka nakatungong naglakad papasok sa loob ng kumbento.
He felt humiliated in front of many people and it hurts! Subalit wala nang mas hihigit pa sa sakit
ng kaloobang tuluyan na siyang tinalikuran ni Sofia, hindi siya sinipot ng babaeng mahal niya.
May tumulong luha sa kaniyang mga mata.
Daddy tila maiiyak na tawag ng kaniyang anak.
Iniiwas niya ang sariling mukha sa musmos. Ayaw niyang makita ng bata kung gaano siya
nasaktan sa ginawa ng ina nito.
Daddy, I hate mommy. I hate her!
Awtomatiko siyang napabaling sa anak just to see his little daughter crying ngunit kababakasan
sa musmos nitong mukha at mga mata ang galit sa ginawa ng ina.
Euna, dont be. Huwag kang magalit sa mommy mo, aniya dito. Ayaw niyang makitang
napopoot ang kaniyang anak sa ina nito.
She hurts you! She hurts me! She hurts us! Kaya hate ko na siya, hate ko na!
Hindi siya nakakibo. He just stiffly stared at his daughter. He just gazed at the little kid-Euna na
kababakasan ng poot ang mga mata para sa sarili nitong ina.
DAMN! What the heck is happening to you, Brix?! Naghubad na ako sa harapan mo at lahat
pero tila tuod ka pa ring hindi tumutugon! Fulfill my needs, fulfill my desire, honey ani
Lovely saka nagtangka na namang halikan ang mga labi ng binata.

Pilit niyang iniiwas ang sariling mukha at inilayo ang katawan ng babae. Im sorry, Lovely.
Wala ako sa mood ngayon. malamig niyang tugon.
Kailan ka pa nawalan ng mood?! How dare you! Akala ko ba were compatibale on sex?!
bulyaw ng babae.
Napailing siya sabay kuha ng T-shirt sa kabinet.
Lovely Fernandez has been his sex mate and fling. Isa itong International Ramp Model. Ito ang
kaniyang on and off na karelasyon magmula pa nang nasa States siya at muli niyang pinatulan
ang babae nang biglang maglahong parang bula si Sofia, magmula nang hindi ito sumipot sa
kasal nila.
He was deeply hurt then kayat palagi siyang naglalasing noon. Tila gumuho ang mundo niyang
umiinog lamang para sa ina ng kaniyang anak.
O baka naalala mo na naman ang run-away bride mo? mapang-uyam na turan ni Lovely. Its
more than a year, Brix, since that flirt Sofia left you kayat move on! Nagmumukha ka lang tang

Shut up, Lovely! Stop mentioning her name! Huwag mo siyang isali sa usapan! asik niya saka
padabog na tinungo ang pinto.
Napagpasyahan niyang bisitahin na lamang ang anak sa mansyon ng mga Santiago.
Magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin alam ng bata na siya ang tunay nitong ama. Ewan ba
niya ngunit gusto niyang silang dalawa ni Sofia ang magtapat ng katotohanan sa batang si Euna.
Umaasa pa rin kasi siyang magbabalik si Sofia.
Damn you, Brix!!! Dont you ever turn your back off me!!! Kinakausap pa kita! Bullshit!!!
nanggagalaiti nitong sigaw subalit hindi niya pinakinggan, bagkos ay dere-deretso siyang
lumabas ng condo.
He felt mad that moment, ngunit hindi naman niya alam kung kanino ba siya galit. Kay Lovely
ba na nagger o sa sarili niya sapagkat aminin man niya o hindi, magpahanggang-ngayon ay si
Sofia pa rin ang laman ng pusot damdamin niya despite the fact na tinalikuran sila nito pati ang
kanilang anak.
Where are you, Sofia? Bakit bigla ka na lang naglaho?
AAAHHHH!!! sigaw ni Ara habang sapu-sapo ang sumasakit na namang ulo.

A-anak, anong nangyayari sayo? puno ng pag-aalalang ani ng kaniyang nanay Pacita na agad
napasugod sa kinaroronan niya.
Hindi tumugon ang dalaga, bagkos ay halos mapasabunot na siya ng sariling buhok sa
napakatinding kirot na sumasagi sa kaniyang ulo.
Maraming guni-guni at mga pangyayaring pilit na nagsusumiksik sa kaniyang balintataw.
Naroon ang isang batang babaeng ipinaghehele niya at isang lalaking kaniyang kayakap at
kahalikan, subalit hindi naman niya maintindihan ang ibig sabihin ng mga iyon.
Maya-mayay humupa na ang kirot. Agad naman siyang binigyan ng tubig ng kaniyang nanay
Pacita. Dere-deretso niya iyong tinungga.
Salamat, inay, ani Ara sabay lapag ng baso.
Marahil ay unti-unti nang nagbabalik ang ala-ala mo.
Ala-ala ko? kunot-noo niyang tanong.
Tumango ito. Ito na siguro ang tamang pagkakataong sabihin ko sayo ang buong katotohanan,
Ara, seryosong anito na masuyong ginagap ang palad niya kasabay ng pagkwento ng buong
pangyayari sa kaniya.
NAKADUNGAW si Ara sa maliit na bintana ng bahay-kubo ng nanay Pacita niya.
Narinig niya mula dito ang pag-e-ekspleka subalit ni katiting ay wala talaga siyang maalala sa
kaniyang nakaraan.
Ang sabi ng butihing matanda ay nailigtas daw siya nito sa isang sumabog na bus na kaniyang
sinasakyan mahigit isang taon na ang nakalilipas. Wala itong palatandaang nakita sa kaniya
kayat nahirapan ang matanda na makilala ang tunay niyang katauhan. Nahirapan itong hanapin
ang tunay niyang pamilya sa liblib na pook na iyon.
SOFIA, where are you?! bulalas ng lasing na lasing na si Brix sabay tapon ng kopeta sa
sementadong pader ng kaniyang condo.
Here he goes again. Naalala na naman niya ang dalaga. Naalala na naman niya ang ina ng
kaniyang anak.
Napangiti siya ng pagak. Ako naaalala mo ba? Kami ng anak mo, importante ba para sayo?
Bigla ka na lang naglaho at iniwan kami, Sofia, puno ng pait niyang sambit.

Ilang ulit niyang ipinahanap ang dalaga subalit hindi ito makita ng detective agent na ini-hire
niya. Marahil ay ingat na ingat ito sa pagtatago sa kanila ng kaniyang anak.
Maybe, its time for him to move on. Maybe, its time for him to accept the reality that Sofia
couldnt learn to forgive what he did hell long ago. Kaya marahil ito umalis at nagtago para
magkaroon ng rason sa hindi nito pagsipot sa kasal nila. Ngunit bakit pati ang sarili nitong anak
ay nagawa nitong iwan? That is the worst and hardest thing to accept for him. Nakaya ng
dalagang iwan si Euna!
Napakuyom siya ng magkabilang-kamao. Hatred for Sofia is starting to sprout in the darkest part
of his heart!
KASALUKUYANG nakatuntong si Ara sa isang mataas na silya habang isinasabit ang christmas
lantern. Setyembre na kasi kayat naisipan niyang magsabit na ng mga dekorasyong pampasko.
Ayan! Ang ganda na! aniyang nasisiyahang bulalas kayat hindi niya napaghandaan ang
pagkawalan ng balanse sanhi para bumagsak siya at mabagok ang ulo sa mesang naroon.
NAGISING si Sofia na kumikirot ang sentido.
Nasilayan niya ang puno ng pagkabahalang mukha ni nanay Pacita habang nakatunghay sa
kaniya.
Ara, anak, ayos ka lang? Ano ba ang nangyari sayo at nakabulagta ka sa sahig nang madatnan
ko? sunod-sunod nitong tanong.
Ngumiti siya sa butihing matanda. Okay lang po ako, inay. Nahulog po kasi ako habang
isinasabit ang christmas decor kaya nawalan ako ng malay, aniyang tugon na napabangon. Untiunti nang nababawasan ang kirot sa sentido niya.
Ako po so Sofia.
Natigilan ang matanda subalit maya-mayay napangiti din. Naalala mo na ang lahat?
Opo, inay, at babalik na din po ako sa amin, aniya nang maalala ang anak, pati ang lalaking
minamahal.
Nasilayan niyang tila nalungkot ang matanda kayat niyakap niya ito.
Isasama kita, nanay. Ayokong mag-isa ka na lang ulit dito, nakangiti niyang saad. Malaki po
ang utang na loob ko sa inyo.

Maingat na kumalas ang matanda sa pagkakayakap niya. Huwag lang muna, Ar Esti Sofia.
Gusto ko pang manatili dito. Narito ang lahat ng ala-ala ng yumao kong kabiyak at anak, anito.
Napabuntong-hininga si Sofia. Sige po, kung yan ang gusto niyo. Pero puwede naman kitang
madalaw pa dito, inay, di ba? nakangiti niyang tanong.
Napahagikhik ang butihing matanda. Oo naman, Ar Esti Sofia pala!
MALINAW na sa balintataw ni Sofia ang naganap na trahedyang nagdulot ng kaniyang amnesia.
Nagmamadali siya noong pumasok ng kaniyang sasakyan para makahabol sa nakatakdang-oras
ng kanilang kasal ni Brix, subalit sa kasamaang palad ay hindi iyon umandar. Naubusan na ng
gasolina ang kotse sa mahaba niyang biyahe patungong hacienda, kayat napagpasyahan niyang
mag-bus na lamang para lang maka-abot pa sa kasal nila.
Napakalakas ng buhos ng ulan noon. Masyado ring maputik ang daan, palibhasay liblib ang
pook na kinaroroonan nila. Napakabilis ding magmaneho ng drayber na tila hinahabol ng
napakaraming kabayo. Maraming mga pasahero ang nagrereklamo sa pagpapatakbo nito subalit
tila bingi ito at hindi pinakinggan ang mga taong halos himatayin sa takot.
Siya namay tahimik lang habang nananalangin. Lihim rin siyang nagbubunyi sapagkat sa paraan
ng pagmamaneho ng mama ay tiyak na hindi siya mahuhuli sa kasal nila ng lalaking iniibig.
Subalit kalaunan ay narinig na lamang nila ang tila sumisigaw nang boses ng drayber at sinasabi
nitong nawalan ng kontrol ang preno ng sasakyan.
Naalarma siya habang nakikitang papabagsak na sila sa isang matarik na bangin.
Napakalakas ng impact nyon sanhi para mabagok ang kaniyang ulo sa bakal ng bus. Nagpilit
siyang kumawala doon habang nagdurugo ang natamong sugat sa ulo.
Nang eksaktong makalabas na siya ay sumabog ang bus. Napatili siya sa tindi ng takot na
naramdaman kasabay ng pagkawala ng kaniyang ulirat.
Nagising na lamang siyang nasa pangangalaga na ng kaniyang nanay Pacita na wala na siyang
naaalala sa kaniyang nakaraan.
Chapter 11
SOFIA?! gulat na gulat at nanlalaki ang mga matang bulalas ng yaya Sela niya nang
mabungaran siya nitong nasa labas ng gate ng kanilang mansyon.

Nana, asan ang anak ko? aniyang tanong.


Teka, anak. Saan ka ba nagpunta? Napakatagal mong nawala at hindi ka sumipot sa kasal ninyo
ni Brix.
Nana, sa susunod na lang po ako magpapaliwanag. Asan po si Euna? Miss ko na ang anak ko,
turan niyang nagpatiuna sa pagpasok ng mansyon.
Sakto namang nasilayan niya agad ang batang nasa sala at tahimik na nagdu-draw. Agad niya
itong sinugod at mahigpit na niyakap.
Baby, na-miss ka ni mommy. Na-miss mo ba din si mommy, anak? lambing niyang maluhaluha habang pinupupog ito ng halik.
Sa pagtataka niyay hindi ito tumugon, bagkos ay tila tuod lamang si Eunang nakatayo habang
blangko ang ekspresyong nakatitig sa kaniya, na tila ba hindi siya nito kilala.
Anak, arent you glad upon seeing your mommy back? aniyang malapit nang pumatak ang
luha. Baby, ang laki mo
Daddy! bulalas ng bata sabay takbo nito sa lalaking dumating.
Awtomatiko siyang napalingon upang masilayan lang ang pormal at seryosong mukha ni Brix na
nakatitig sa kaniya. Walang kababakasang emosyon sa gwapo nitong mukha. Tila wala na ang
kislap na nooy nasisilayan niya sa tuwing tumititig ito sa kaniya.
Binuhat nito ang bata. Siya namay dahan-dahang tumayo at akmang lalapitan ang mga ito
subalit biglang tumalikod ang binata upang magtungo ng pinto.
Are you excited, baby? tanong nito sa karga-kargang si Euna. Were going to Star City
together with your tita Lovely, anito bago tuluyang maglaho sa kaniyang paningin.
Tuluyan nang bumagsak ang luha sa kaniyang mga mata.
There it is! Everything has changed! Tila hindi na siya kilala ng kaniyang anak. Tila galit ito sa
kaniya. And Brix, it seems like the love he felt for her long ago has already been gone!
Nang sulyapan ng dalaga ang kaniyang yaya ay nasilayan niya ang tila awa na nakarehistro sa
mukha nito para sa kaniya.
N-nana, s-sino si Lovely? mahina niyang tanong.

Hindi muna ito tumugon. Tila nag-aalangan itong sabihin sa kaniya ang kasagutan.
S-siya po ba ang bagong karelasyon ni Brix? lakas-loob niyang tanong.
Marahan itong tumango.
She remained stiff for a moment. Nang makabawiy nanghihina siyang naglakad papanhik sa
sariling silid habang patuloy pa ring lumuluha.
Wala na pala siyang babalikan sapagkat may bago nang mahal ang lalaking kaniyang iniibig. Si
Lovely na nakuha na ang puso ng ama ng kaniyang anak, pati ata simpatya ng kaniyang unica
hija ay nakuha na rin ng babae.
Mas lalo siyang napaluha habang nakasubsob ang mukha sa unan na naroon.
PILIT na kinuha ni Sofia ang loob ng kaniyang anak. Wala siyang ginawa kundi ang ibuhos lahat
ng oras at panahon para sa bata. Naroong ipagluto niya ito ng paborito nitong mga pagkain, ipagbake ng ibat-ibang klaseng cake, ipasyal sa park at mall, bilhan ng ibat-ibang klaseng toys at
damit, tabihan sa pagtulog at basahan ng fairytales gaya ng ginagawa niya noon. Naroong
ipaghele niya ito at kung anu-ano pang ginagawa ng isang butihing ina para lang maramdaman
na naman niya ang mainit na pakikitungo nito sa kaniya.
Shes really eager to bring back the Euna whom shed known before, at hindi naman siya nabigo
sapagkat tila unti-unti na niya ulit nakukuha ang loob ng kaniyang unica hija.
Habang si Brix namay malamig pa din ang pakikitungo sa kaniya. It seems like she doesnt exist
in his world everytime na dumadalaw ito kay Euna. Hindi siya nito kinakausap, ni sulyapan man
lang! And it really hurts for her knowing that the man she loves is as cold as ice!
SOFIA Santiago! anang boses na nagpalingon sa dalaga.
Rodel?! bulalas niya sabay nagagalak na yumakap sa kaibigan.
Sa ibang makakakita ay mapagkakamalang may relasyon sila ng barakong lalaking ito, subalit
imposibleng mangyari iyon sapagkat si Rodel ay isang closet queen na ayaw lumantad sa tunay
nitong kasarian.
Where have you been? Nawala ka daw for more than a year? tanong ng binata nang magkalas
na sila.
Basta mahabang kuwento. Lets get inside the fastfood and Ill tell you everything, nakangiti
niyang aya na hinila pa ito sa braso.

Lingid sa kaalaman ng dalagay may isang pares ng mga matang nakakita sa kanila at
napapatiim-bagang ito habang sinusundan sila ng matalim na titig.
ABA! Akalain mo, may lalaki pala si Sofia! nang-aasar na pahayag ni Lovely nang mapansin
ang pagbabago ng timpla ng mukha ng binata.
Kasalukuyan silang nasa loob ng kaniyang kotse at sa kamalas-malasan ay ang eksena pang may
kayakapan na ibang lalaki si Sofia ang nasilayan ng kaniyang mga mata.
Wala sa oras na napasindi siya ng sigarilyo at sunod-sunod na napahithit nyon.
I bet, that guy is the main reason why that flirt Sofia acted like a run-away
Shut up, Lovely! he uttered harshly. Nasasaktan pa rin siya sa katotohanang iyon kahit pa
sabihing may kasalanan din siya sa dalaga sa panghahalay niya dito noon.
Hah! Truth hurts. Right, lover boy? Lovely said it sarcastically kasabay ng pagsibasib sa
kaniya ng halik.
He tried to respond for he was expecting na sa gayong paraan niya makakalimutan ang
nasaksihang eksena. Subalit kahit anong halik at pagdama ni Lovely sa maselang bahagi ng
kaniyang katawan ay wala pa ring nangyari.
Damm! bulyaw ng kaniyang isip sapagkat nagsumiksik na naman sa kaniyang balintataw ang
magandang mukha ng ina ng kaniyang anak.
Hindi mabuhay-buhay ni Lovely ang pagnanasang kaniyang nararamdaman gaya ng nadarama
niya kapag si Sofia ang humahalik at hamahaplos sa kaniyang pribadong katawan. So he
managed to pushed away Lovely.
Damn you, Brix! Ano na naman ba ang problema mo?! Bading ka ba at hindi mo masuklian ang
kapusukan ko?! For goodness sake! Respond torridly like the way you did before!
nanggagalaiting bulyaw ng babae.
Im not in the mood. Lets leave this place, malamig niyang turan.
Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay muling sinulyapan ng binata ang dalawang masayang naguusap sa loob ng fastfood restaurant bago inis na ipaharurot ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.
Pakiramdam niyay tila pinagtaksilan siya ni Sofia kahit pa sabihing wala na silang relasyon ng
dalaga.

B-BRIX! nahihintakutang bulalas ni Sofia habang titig na titig sa nag-aapoy sa galit na mga
mata ng binata.
Kapapasok pa lamang niya sa loob ng mansyon subalit nagulat na lamang siya nang pabigla
siyang hablutin ng binata sabay pakaladkad na hinatak siya sa madilim na sulok ng bakuran.
Damn it, Sofia! Whos that guy with you?! nagngangalit ang mga ngiping bulyaw ng binata.
S-sinong lalak
Dont play like a dumbfull innocent gal! Huwag ka nang magmaang-maangan! Nakita ko kayo
kanina ng lalaki mo!
Napakunot-noo siya. Lalaki niya? Si Rodel lang naman ang naging kasama niyang lalaki kanina.
Naisip niyang tama nga ang hinala niyang kotse ni Brix ang nakita niyang naka-park sa may
fastfood na pinagkainan nila ni Rodel.
S-si Rodel iyon. Hindi
Hah! Rodel pala! So, siya pala ang dahilan ng bigla mo na lang pagkawala at pag-iwan sa anak
mo!
Hindi ko iniwan ang anak ko! God knows
Bullshit, Sofia! Huwag mong idamay ang Diyos sa nadarama mong kati sa kataw
Galit na pabigla niyang sinampal ang binata. She was already shedding tears that time habang
nakatitig sa mga mata ng lalaking ama ng kaniyang anak. How could he possibly utter such
murky foul words at her? Gayong alam naman ng binatang hindi siya ganoong klaseng babae.
Gayong alam nitong birhen pa siya nang gahasain at makuha nito!
Naningkit ang mga mata ng binata. Nagulat na lamang ang dalaga nang pabigla siya nitong
kabigin at pasibasib na inangkin ang kaniyang mga labi.
B-Brix, s-stop
Damn it, Sofia! If this is the only way I could make you realize the humiliation and hurt youve
bestowed me during our supposedly wedding nang dahil sa hindi mo pagsipot ay gagawin ko!
anito sa pagitan ng mapangahas na paghalik sa kaniya.

No! sigaw ng isip ng dalaga habang nagpupumiglas sa tila bakal na braso ni Brix na
nakapulupot sa kaniyang katawan.
Subalit sa bawat pagwawala niyay mas lalo lamang dumidiin ang halik at humihigpit ang yakap
nito sa kaniya.
Hanggang sa maramdaman na lamang niya ang tila maalat na likidong tumigis sa pagitan ng mga
labi nila.
No! inipon niya ang lahat ng lakas upang maitulak ang binata. How dare you!
nagkakandaiyak na pinahid niya ang dugo sa mga labi.
Napangisi si Brix saka bahagyang humakbang paatras sa kaniya.
Whats wrong, Sofia? Hindi ka pa ba nasanay sa ganoong klaseng paghalik? As far as my
retentive memory is concern ay ganoon ako humalik nang ginahasa kita! Remember that
moment, Sofia Santiago? sarkastikong saad ni Brix. Kayat hindi mo matatakasan ang
katotohanang ako pa rin ang ama ni Euna at hindi ang bago mong lalaki ngayon! anitong hindi
kababakasan ng anumang simpatya sa mukha.
Damn you, Brix! lumuluha niyang bulyaw saka patakbong lumayo sa madilim na bakuran na
iyon.
Kailangan niyang takasan ang presensya ng lalaki sapagkat nasasaktan lamang siya sa paraan ng
pakikitungo na nito ngayon. Wala na ang dating Brix na puno ng pag-galang at kababakasan ng
pagmamahal ang mga mata kapag tumititig sa kaniya. Ngayon ay tila puno na iyon ng hindi
maipaliwanag na pagka-disgusto. Wala na ang kislap na nooy nababanaag niya sa mga mata
nito.
If you only knew what really happened, Brix If you only listen and give me the chance to
explain aniyang sambit sa sarili.
Hindi na niya nakita nang kumulimlim ang mukha ni Brix habang habol siya ng tanaw.
Chapter 12
SIGURADO ka na ba sa desisyon mong yan, Sofia? seryosong tanong ng kaibigang si Emily
sa kaniya.
Ito na ang araw ng flight nilang mag-ina patungong bansang Italy. They will stay there for good.
Napagpasyahan niyang doon na sila manirahan ng anak niyang si Euna.

Oo, Emily, tipid niyang tugon na inisa-isang kunin ang mga bagaheng dadalhin.
Pero paano si Brix? tanong nito na bahagyang nagpatigil sa kaniya.
Maya-mayay mapait siyang napangiti. W-what about him, Emily? aniyang patay-malisyang
tanong na iniiwas ang sariling mukha dito. Ayaw niyang mabasa ng kaibigan ang kalungkutang
nakaguhit sa mga mata niya.
Siya ang tunay na ama ni Euna. Tiyak na hahanapin niya yung bata. Hindi yun basta-basta
makakapayag na ilayo mo ang anak niya, sunod-sunod na ani Emily. Alam na kasi nito na si
Brix ang lalaking nanghalay sa kaniya noon. Naikwento na niya iyon sa kaibigan.
Muli ay napangiti siya ng pagak. Ewan ko, Emily Aaminin kong tuliro pa rin ang isip ko
magpahanggang-ngayon. Hindi ko alam ang nararapat kong gawin. Alam kong hahanap-hanapin
din siya ng anak ko Pero kailangan ko talagang lumayo nang sa gayon ay makalimutan ko
siya. Marahil ay hindi talaga kami para sa isat-isa ni Brix. Marahil ay n-nakalaan siya para kay
L-Lovely, mahina niyang sambit na pinipigilan ang mapaluha. Pero kung talagang mahalaga
kami para sa kaniya ng anak niya ay susundan niya kami Susunod siya kung talagang mahal
niya kami ni Euna
HULING sulyap ang ginawa ni Sofia bago napagpasyahang pumasok na sa loob ng eroplanong
sasakyan nila ng kaniyang anak. Nagbabakasakali pa rin siyang makita doon ang imahe ni Brix
na pinipigilan silang tuluyang lumayo, subalit nabigo siya sapagkat walang Brix na dumating
para habulin silang mag-ina.
May sumilay na mapait na ngiti sa kaniyang mga labi. Paalam Brix. Paalam mahal ko
Babaunin ko sa ala-ala ng aking puso ang lahat ng masasayang sandali sa piling mo aniyang
maluha-luhang bulong sa isip bago maingat na inakay ang anak na walang kaalam-alam sa tunay
na nagaganap.
BRIX! bulalas ni yaya Sela nang dumating ang binata sa mansyon ng mga Santiago.
Si Sofia ho at si Euna? tanong niya nang mapansing tila tahimik ang buong kabahayan.
Naku, hijo! Papaalis na silang mag-ina patungong Italy.
Ho?! gulat niyang bulalas. Hindi niya alam na may balak palang umalis si Sofia.
Oo, hijo. Ewan ko nga sa batang yun. Kundangan ba namang magdesisyong doon na sila
manirahan, ani ng butihing matanda.

What?! muli ay gulat na naman niyang bulalas. Kanina pa ho ba sila umalis? Anong oras ang
flight nila? hindi mapakaling tanong ng binata.
Oo, hijo. Kani-kanina lang. Sa pagkakaalam koy alas-tres ang flight nila, tugon ni yaya Sela.
He stared at his wrist watch. Gayon na lamang ang panlulumo niya nang masilayang pasado alasdos na.
Dali-daling lumabas ang binata ng mansyon. Hindi na siya nakapagpaalam pa sa matanda.
Kailangan niya talagang mahabol ang kaniyang mag-ina. Hindi na niya pahihintulutan pang
mawalay na naman sa kaniya sa pangalawang pagkakataon si Sofia. Once is enough, ika nga!
Kaya siya nagpunta sa mansyon ng mga ito para sanay kausapin ang babaeng minamahal.
Nakapagmuni-muni na siya. He told his self that its time for him to heartily talk to the mother of
his child. Kailangan nilang makapag-usap puso sa puso alang-alang sa kanilang anak, alangalang sa mga damdamin nila para sa isat-isa. Subalit tila mahuhuli pa ata ang lahat sapagkat
paalis na ang mga ito.
Mas lalong binilisan ng binata ang pagpapatakbo ng sasakyan. Halos sumagitsit na ang mga
gulong nyon sa daan.
Freak! mura niya nang maya-mayay makaramdam ng paninikip ng trapiko.
He stared again at his wrist watch. Ilang minuto na lang ay alas-tres na ngunit mabagal pa rin ang
usad ng mga sasakyan.
Damn it! aniyang mura na naman sabay hampas sa manibela.
Dali-dali siyang lumabas ng kotse. Theres nothing he could do but to run patungong NAIA.
Tutal ay malapit na iyon. He would run para maabutan pa niya ang kaniyang mag-ina.
Humihingal na siya nang makapasok doon at makapag-inquire sa isang staff.
Im sorry, Sir. Naka-alis na po yung plane bound for Italy.
Nanlulumong napasabunot siya ng sariling buhok. Lupaypay ang mga balikat na nilisan niya ang
airport.
B-but Ill make it a point na masundan ko kayo, Sofia. Susundan ko kayo sa Italy!
determinadong sambit ng binata.

MOMMY! humahagikhik na tili ni Euna habang kinikiliti ito ni Sofia at panay ang habulan ng
dalawa sa malawak na bakuran ng tinitirhang bahay sa Italy.
Lihim na nagpapasalamat ang dalaga sapagkat bumalik na rin sa wakas ang mainit na
pakikitungo ng bata sa maikling pamamalagi nila sa bansang yaon.
Ang bango-bango naman ng Euna ko! aniyang lambing sa anak nang mahuli niya ito habang
panay ang pupog dito ng halik.
Maya-mayay nakarinig sila ng tikhim buhat sa kanilang likuran. Awtomatiko silang napalingon
upang mapagsino ang taong yaon.
Daddy! namimilog ang mga matang bulalas ni Euna sabay kalas sa kaniya at patakbong
yumakap sa binti ng binata.
Siya namay saglit na napatda pagkakita sa ama ng kaniyang anak. Anong ginagawa nito dito?
Sinundan ba sila ng binata?
Hinalikan nito sa pisngi ang bata sabay karga kay Euna habang matiim ang pagkakatitig sa
kaniya.
Nailang si Sofia sa paraan ng pagtitig ni Brix. Tila nanunuot iyon sa bawat himaymay ng
kaniyang pagkatao kayat napagpasyahan niyang humakbang na lamang para lisanin ang magama subalit pabigla siyang hinawakan sa braso ni Brix.
Awtomatiko siyang napalingon dito. Nagsalubong ang mga mata nila. Naroon na naman ang
nakatutulirong damdamin sa puso niya at ang hindi maipaliwanag na kuryenteng nanalaytay
buhat sa mga laman nilang magkadikit.
Bumaling ang binata sa anak. Baby, puwede bang manuod ka lang muna ng TV? May mahalaga
lang kaming pag-uusapan ng mommy, anito sabay lapag sa bata.
Yes, daddy! Yes, mommy! masayang tugon ni Euna saka nagtatakbo papasok sa loob ng bahay.
B-Brix, anong
Bago pa man niya maituloy ang nais na sabihin ay pabigla siyang kinabig ng binata sabay siil sa
kaniya ng nag-aalab na halik na tila ba gusto nitong sulitin ang kanilang pagkakalayo.
Wala siyang nagawa kundi tugunin ang mga halik na iginagawad nito. After all, mahal niya ang
lalaki at ito ang ama ng kaniyang anak.

Namalayan na lamang ng dalagang napakapit na ang magkabila niyang braso sa batok ni Brix
dahil na rin sa sensasyong unti-unti na naman nitong binubuhay sa bawat himaymay ng kaniyang
pagkatao.
Nang ilayo ni Brix ang mukha sa kaniya ay may nakaguhit na pilyong ngiti sa mga labi nito.
Hindi naiwasang mamula ng dalaga. Napatungo siya subalit dahan-dahan ring iniangat ng binata
ang kaniyang mukha.
I was hurt and felt like I was mortified nang hindi ka sumipot sa kasal nat
B-Brix, kaya ako hindi
Sshhh he softly hush sabay lapat ng hintuturo nito sa mamasa-masa pa niyang labi. I
already know everything. Nanay Pacita told me. Sinundan kita noong bisitahin mo siya sa pagaakalang makikipagkita ka kay Rodel but
Rodel isnt my
Sshhh Brix softly hush again para pigilan siya sa pag-eekspleka. No need to explain. Alam
ko namang wala kayong relasyon sapagkat hindi ka ganoong klaseng babae. Nagpadala lang ako
sa matinding selos, ayaw ko kasing may ibang lalaking lalapit sayo. Im so sorry, Sofia, for what
I said offensive towards you puno ng pagpapakumbabang anito.
H-hindi ba may relasyon kayo ni L-Lovely? lakas-loob niyang tanong.
Our relationship was nothing. It was just a flimsy flings at alam iyon ni Lovely. Bumalik na siya
sa States para pumirma ng three-year contract as an International Model. I dont love her for my
heart belongs to you, at babalik at babalik pa rin ito sa babaeng ina ng anak ko Kahit saang
kasuluk-sulukan ng mundo kayo magpunta ay hahabulin ko pa rin kayo ni Euna. Kahit ilang ulit
na hindi matuloy ang kasal natin, paulit-ulit pa rin kitang aayain na maging kabiyak ko. Will you
be my Mrs. Sofia Santiago-dela Fuente? madamdaming anito.
Napapangiting-napapaluha ang dalaga sa matinding kaligayahang nadarama. Sunod-sunod
siyang napatango bago muling sinakop ni Brix ang kaniyang mga labi.
Ngayon ay alam na niya kung gaano sila kamahal na mag-ina ng lalaking kahalikan niya.
Nakangiting dahan-dahang inilayo ng binata ang mukha sa kaniya. So, lets go? anitong
ginagap ang palad niya.
Saan?

Well tell Euna na ako ang tunay niyang ama, excited nitong tugon.
Hindi mo pa pala nasasabi sa kaniya? she amusingly asked.
Hindi pa because I wanted na tayong dalawa ang magsabi sa kaniya ng totoo, nakangiting
anito.
Pabigla siyang humarap sa nobyo. Muli ay sinibasib niya ito ng nag-aalab na halik.
Nang kapwa hinihingal na naghiwalay ang mga labi nilay nakangiti niya itong pinakatitigan sa
mga mata.
Pareho pala tayo ng plano, love. Now is the right time to tell Euna everything. But before that,
Id like to tell you something Thanks for raping me, nang dahil doon nabigyan mo ako ng cute
na cute na Euna! humahagikhik niyang biro.
Napahalakhak ang katipan. Maya-mayay bigla itong sumeryoso na puno ng pag-ibig ang mga
matang nakatitig sa kaniya.
Id surely do the same if that is the only way to own your heart I love you, Sofia
I love you more, Brix madamdamin niyang sambit bago nakangiting magkahawak-kamay na
pumasok na sa loob ng bahay.
Ito na ang tamang panahon para ipaalam sa kanilang anak na si Brix ang tunay nitong ama.
NAIDAOS ng matiwasay ang kasalang Brix at Sofia sa Hacienda del Santiago.
Sa wakas, sa ikatlong pagkakataon ay natuloy na ang pinapangarap na kasal ng dalaga sa
lalaking iniirog nito. It was indeed a perfect wedding for the two of them sapagkat ang anak
mismo nila ang tumayong flower girl.
Sofia couldnt ask for more from God above. Everything has been bestowed upon her in the right
time and in the right place with the right man for her.
Nang dahil sa kalapastanganang ginawa noon ni Brix sa kaniya ay may natutunan siyang aral.
Now, she finally learnt the lesson that sometimes doing such murky things isnt that bad if it is
the only way to save the person you love
===AND THEY LIVE A LIFE LIKE A LIVING FAIRYTALE===
===THE SWEETEST ENDING===

==
Authors
Farewell
Note:
Pasensya na po kung napakabilis ng kwento at natapos agad. Talaga lang po na may sinusunod
akong format na sinabi ng Editor kaya naging ganito ito. Hehe! Hindi kasi puweding pahabain;
21,000
words
lang
at
98
pages.

Pasensya din po kung wala kayong nabasa na WILL YOU BE MY FOREVER? sa laman ng
kwento. Talaga lang po na hindi iyan ang gagawin kong title dito. Hehe!
This is a FAMILY STORY kaya para po sa mga AMAt INA dyan, LOVE your kid/kids for

they
are
a
gift
from
GOD.
Special thanks to Miss BLACK HEART na Author ng Love Under the Fireworks sa
pagbabasa ng WYBMF Series. Ayeeiiihhh! Kaka-touch lang na may nagbabasa ding Writer na
tulad mo. Hehe!
Yours,
HEAVEN ABBY
WAKAS

You might also like