You are on page 1of 186

------------------------------

TITLE: A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)


LENGTH: 3646
DATE: Apr 07, 2014
VOTE COUNT: 243
READ COUNT: 44047
COMMENT COUNT: 11
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: xxcalvinkleinxx
COMPLETED: 0
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-08-25 21:47:40

------------------------------

####################################
A Not So Secret Love Affair
####################################

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humihimas sa may bandang hita ko. Dahan
dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko syang nakaupo sa may paanan ko
habang nakatingin diretso sa akin. Kita ko ang pagnanasa sa mga mata nya. Napaigtad
ako ng maramdaman kong pinapasok na nya ang kamay nya sa may panty ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Hmm" Impit na ungol ko dahil sinimulan na nyang paikutin ang kamay nya sa
pagkababae ko. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman kong pinasok na nya ang isang
daliri nya sa pagkababae ko. Napahawak ako ng mahigpit sa kumot ng sinimulan na
nyang bilisan ang galaw ng daliri nya sa pagkababae ko. Nagsisimula na ding bumigat
ang bawat pag hinga ko. Malapit ko nang marating ang kasukdulan ngunit bigla nyang
hininto ang ginagawa nya. Napamulat ako ng wala sa oras at tiningnan ko sya ng may
halong pagtataka. Nakita ko syang tumayo at dali-daling hinubad ang boxer nya.

Nakita ko agad ang tayong tayong pagkalalaki nito. Napaiwas ako nang tingin dahil
nakita kong nakakatitig sya sa akin. Hindi ko naiwasang mamula ang aking pisngi
dahil sa pagkahiya. Buti na lang at madilim kaya maaring hindi nito nakita ang
pamumula nang pisngi ko.

Muli siyang pumatong sa akin at nagsimula na naman akong halikan. Kung saan saan na
din nag lalakbay ang kamay nya. Hindi ko maipaliwanag ang sensasyong dulot nito
ngayon. Kahit na palaging may nangyayari sa amin ganun pa din ang epekto tuwing
nagtatalik kami. Sabik na sabik pa din kami sa isa't isa.

Maya maya pa ay naramdaman kong napunit ang damit ko. Wala akong suot na pang loob
kaya kitang kita ngayon ang dibdib ko.

"Next time don't bother to take your shirt on when you're going to sleep,
understand?" sabi nya sa akin habang hinahalik halikan ang dibdib ko. Parang
tinutukso ako nito sa klase nang paghalik sa akin. Lalo akong nag iinit. Marahan
akong tumango dahil hindi ko na kayang sumagot. Nawawala na naman ako sa aking
sarili.

Naramdaman kong binaba nya ang short ko kasama na ang pang loob ko at Halos
manlaki ang mata ko nang bigla-bigla na lang na ipinasok ng lalaki ang kanyang pag
aari sa pagkababae nya.
Napakabilis ng pag galaw nito sa ibabaw ko. Halos masabunutan ko na din ito. Hindi
ko alam kung saan ipapaling ang ulo ko. Kung sa kaliwa ba o kanan. Halos ang mga
ungol na lang namin ang maririnig sa aking silid. Basang basa na din kami nang
pawis dahil nakapatay ang electric fan. Nalimutan ko itong buksan bago ako matulog.
Malapit ko nang marating ang kasukdulan. Hinahalikan din ako nito sa leeg. Patuloy
ang pag galaw nya sa ibabaw ko habang nilalaro-laro niya ang dibdib ko.

Maya maya pa ay naramdaman ko nang may sumabog sa loob ko. Halos magkasabay kaming
nilabasan. Humiga na din ito sa tabi ko at niyakap ako mula sa likuran. Parehas
pa kaming hinihingal ng dahil sa nangyari. Walang nagsasalita. Halos ang
paghinga na lang namin ang maririnig sa silid.

Naramdaman kong tinanggal na nya ang pagkakayakap sa akin at naramdaman ko din ang
pag galaw ng kama. Hindi ko ito nakikita dahil nakatalikod pa din ako dito.
Nahihiya ako. Kahit pa sabihin na maraming beses na may nangyari sa amin nahihiya
pa din ako.

"Goodnight" Dinig kong sabi nito. Nakapag bihis na siguro sya.

"G-goodnight" Sabi ko nang hindi man lang ito tinitignan. Nanatili lang akong
nakatalikod sa kanya.

"Tss" Marahil ay nainis sa inaasal ko. Haharapin ko na sana sya ngunit bago pa man
ako makaharap narinig ko na ang lagabog ng pintuan.

Napabuntong hininga na naman ako. Patay na naman ako nito kay Sir Jake bukas, isip-
isip ko. Papahirapan na naman ako nito.

Copyright © April 2014 - August 2014 by xxcalvinkleinxx


####################################
Love Affair no. 1
####################################

"WHERE'S MY F-UCKING BREAKFAST MARIEL?!" Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong


sabon nang marinig ko ang sigaw ni Sir Jake. Dali-dali akong naghugas ng kamay
dahil may sabon pa ang mga ito. Nilalabhan ko kasi ang mga maruruming damit ni Sir.
Halos takbuhin ko na ang daan para makarating ako ng kusina ng mas mabilis.

Pagkadating ko doon ay nakita ko agad si Sir na nakatayo sa tabi ng lamesa habang


masamang nakatingin sa akin. Sa gilid naman nito ay naka upo si Ma'am Rose habang
sumisimsim ng mainit na kape. Si Ma'am Rose ang ina ni Sir Jake. Kung anong bait
ni Ma'am Rose sakin, sya namang sama ni Sir Jake. Simula nang magtrabaho ako dito
lagi na lang akong pinag iinitan ni Sir. Wala pa man akong ginagawa, sinisigawan na
nya ako. Para bang lahat na lang ng gagawin ko mali para sa kanya. Wala na nga ata
akong ginawang tama sa mata nya.

Hindi ko naman masasabing masama syang tao dahil mabait naman sya sa iba. Tulad na
lang kay Manang Doray. Si Manang Doray ay matagal ng kasambahay ng mga Emralino.
Bata pa lang daw si Sir Jake nagtatrabaho na dito si Manang kaya pamilya na nila
kung ituring ito.

"I SAID WHERE'S MY F-UCKING BREAKFAST?!" Bumalik ako sa aking ulirat ng sumigaw na
naman ito . Umilingawngaw sa buong bahay ang sigaw ni Sir.

"Hey, Son. Ang aga aga ang init ng ulo mo. Sit down. Hayaan mong si Manang na lang
ang gumawa ng breakfast mo." Awat ni Mam Rose kay Sir. "Pasensya ka na Iha. Sige
ituloy mo na yung ginagawa mo. Si Manang na ang bahala dito" Parang nabunutan ako
ng tinik sa dibdib ng marinig ko yung sinabi ni Mam. Mabuti na lang at naandito sya
para ipagtanggol ako kay Sir.

"NO!" Pagtutol naman ni Sir. Napatingin ulit ako dito at nakita ko na naman ang mga
nanlilisik nyang matang nakatingin sakin. Ibinaba ko na langang tingin ko dahil sa
natatakot ako sa kanya.

"Stop acting like a child Jake!" Suway naman ni Mam sa kanya. Nakita kong
napasimangot na lang si Jake at umupo sa upuan katabi si Mam.

"Sige Iha. Ako na ang bahala dito" Sabi ni Mam at nginitian ako. Nginitian ko din
naman sya pabalik at nagpasalamat sa kanya. Naglakad na ko pabalik sa labas.
Itutuloy ko na lang ulit yung nilalabhan ko.

***

"SAAN KA PUPUNTA?!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko na naman ang sigaw ni


Sir sa akin. Ganito naman palagi. Pag ako ang kausap nya palaging pasigaw.
Napaatras ako ng makita ko syang lumapit sakin. Inilang hakbang nya ko at napangiwi
ako nang hinawakan nya ng mariin ang kaliwang braso ko. Masakit. Nasasaktan ako
pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya dahil lalo lang syang magagalit sakin.

"San ka pupunta?!" Ulit na naman ni Sir ng mapansin nyang wala akong balak sumagot.

"M-mamalengke po S-sir" Lalong dumiin ang pagkakahawak nya sa braso ko. Panigurado
magkakapasa ako nito. Naramdaman ko naman na niluwagan nya ang pagkakahawak dito at
maya maya pa ay tinanggal na nya ito.

Tumalikod na ito sa akin at bumalik na ulit sa sofa. Humiga na sya ulit doon at
ipinag patuloy ang panood ng TV habang ako ay nanatili pa ding naka tayo.

"No" sabi nito nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Diretso pa din itong
nakatingin sa TV.

"Sir?" Hindi ko sya maintindihan. Bakit no? Paanong no? Gusto ko sanang tanungin si
Sir na 'Sir nakadrugs ka ba?' kaso baka mabato nya ko ng flower vase na nakapatong
malapit sa kinaroonan nya kaya mas mabuting itikom ko na lang ang bibig ko.

"Pero Sir---" Magdadahilan pa sana ako ngunit pinutol na nya agad ang sasabihin ko.
Ano bang problema nito? Dati naman ako palagi ang namamalengke pero bakit ngayon
pinagbabawalan na nya ako?

"No buts. Si Manang na lang ang mamalengke. Kung hindi pwede si Manang si Venus o
si Jupiter wag lang ikaw." This time nakatingin na sya sakin. Nakita kong seryoso
talaga sya sa sinasabi nya. Sa bagay kelan pa naman to nagbiro?

Napabuntong hininga na lang ako. Sayang. Plano ko pa naman na pagkatapos kong


mamalengke bibisitahin ko ang mga kapatid ko. Miss na miss ko na kasi sila. Mag
dadalawang linggo na din simula nang huli ko silang nakita. Pabalik na sana ako
para sabihin na hindi ako pwedeng mamalengke ngunit narinig ko na naman ang boses
ni Sir.

"Mariel, Come here" Kinilabutan ako sa klase ng boses ni Sir. Hindi nya ko
sinigawan kaya mas lalo akong kinabahan. Alam kong gusto nyang may mangyari samin
ngayon.

"I'm waiting" Wala akong magagawa. Utos na ng mahal na prinsipe.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nya. Nakita ko naman na kinuha nya yung
remote at pinatay yung TV. Sht. Dapat pala sa likod na lang ako ng bahay dumaan
para hindi nya ko nakita. Napalunok ako ng makita ko syang tumingin sakin.

"S-sir?" Tanong ko ng makalapit na ako dito. Pinagpapawisan na ko at hindi ko alam


kung bakit. Dahil ba naeexcite ako sa kung anong pwedeng mangyari o dahil sa
natatakot ako na pwedeng may makakita sa amin. Nasa Sala lang kami at alam ko kung
anong iniisip nya.

Nabigla ako ng kinuha nya ang kamay ko at hinigit ako papunta sa kanya. Nakahiga na
ako ngayon at nakapatong ako sa kanya! Gusto kong mag protesta ngunit naaakit ako
sa klase ng paninitig nya.

Niyakap nya ko at ipinatong nya ang ulo ko sa dibdib nya. Ramdam na ramdam ko ang
init ng katawan nya kahit naka T-shirt sya at dinig na dinig ko din ang pagtibok
ng puso nya.

"Sir baka may makakita" Sobrang nagpapasalamat ako dahil sa wakas ay nakapag salita
na din ako.

"Hayaan mo lang sila." Hindi na ko nagprotesta pa dahil alam kong wala naman akong
laban sa kanya. Magagalit lang sya sakin pag pinag patuloy ko ang gusto ko.

Nanatili kami sa ganung posisyon. Nakapatong ako sa kanya habang nakayakap sya
sakin. Panaka naka ay inaamoy nya ang buhok ko. Maya-maya pa ay inalis na nya ang
pagkakayakap sa akin at naramdaman kong bumaba ang dalawang kamay nya. Halos
mapigil ko ang paghinga ko ng tumigil ang mga kamay nya sa pang upo ko. Pinisil
pisil pa nya ito. Kahit nakapantalon ako ramdam ramdam ko pa din ang init ng mga
palad nya.

Halos manlaki ang mata ko ng pinasok nya ang kamay nya sa pantalon ko. Hindi ko
alam kung anong reaksyon nya dahil nakaunan ako sa dibdib nya. Ramdam ko din na may
bumabangga na sa may banda ng tyan ko at naramdaman ko din ang pagbigat ng pag
hinga nya.

Hindi ko maiwasang kabahan. Sa oras na may makakita samin hindi ko alam kung
tatanggapin pa ako ng mga tao dito. Baka palayasin nila ako at mawalan na ko ng
trabaho sa oras ng mangyari yun.

Halos mapapikit ako ng mariin dahil ramdam kong ipapasok na sana nya ang kamay nya
sa panty ko ngunit napa bangon ako ng wala sa oras ng marinig ko ang tunog ng door
bell.

"Shit!" Bakas ang pagkainis sa mukha ni Sir. Napaupo sya ng wala sa oras. Patuloy
pa din ang pag door bell sa labas. Inayos ko muna ang damit ko dahil nagusot na
ito.

"S-sir titingnan ko lang po kung sino yung nagdodoor bell. " Hindi ko na inintay
ang sagot nya dahil baka pigilan pa nya ako. Tumalikod na ako kaagad. Napasandal
ako sa pintuan pagkalabas na pagkalabas ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa
sobrang kaba. Muntik na yon. Saved by the bell talaga! Kung sino man itong nag
nagdodoor bell ang laki nang utang na loob ko sa kanya.
####################################
Love Affair no. 2
####################################

"Ate!" Ito agad ang sumalubong sakin pag kabukas na pag kabukas ko ng gate. Niyakap
agad ako ng dalawa kong kapatid.

"Teka, Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko habang hindi pa din inaalis ang
pagkakayakap sa kanila. Namiss ko tong dalawang to.

"Dinadalaw ka ate. Hindi mo ba kami namimiss?" May halong pagtatampo na sabi ni


Aldwin. Ang pangalawa sa aming magkakapatid.

"Ito kasing si Biboy palaging nagmumukmok. Miss na miss ka na daw nya."


Pagpapatuloy pa ni Aldwin at ginulo pa ang buhok ni biboy. Napakunot naman ito
habang inaayos ang nagulo nyang buhok. Hindi ko maiwasang matawa sa naging reaksyon
nya.

Umupo ako para mapantayan ang bunso kong kapatid. "Totoo ba yun bunso?" Sabi ko at
kinurot ang ilong nito. Nakita ko naman na parang napipikon na ito kaya hindi na
namin napigilan ang pagtawa.

Pagkatapos noon ay ipinapasok ko sila sa bahay. Dinala ko sila sa likod ng mansyon.


Dito namin dinadala ang mga bumibisita samin dahil mahigpit na ipinagbabawal ni
Ma'am ang pagpapasok sa Mansyon nila ng mga hindi kakilala. Naiinindihan ko naman
sila. Dito din kami natutulog. Hindi kalakihan ang bahay na ito ngunit sapat lang
para saming mga kasambahay. Apat ang kwarto dito. Magkasama sa kwarto ang kambal
na sina Jupiter at Venus. Sa katabing kwarto naman ay si Mike--- Ang hardinero dito
at si Mang Kaloy--- Ang driver ng mga Emralino. Ang katabi naman noon ay ang solong
kwarto ni Manang Doray. Ako naman ang gumagamit ng huling kwarto. Solo lang ako
doon. Dati ay magkatabi kami ni Manang Doray ngunit simula nang may mangyari samin
ni Sir, bumukod na ako ng kwarto.

"Ate ang laki-laki naman nung bahay. Pag ako nakatapos na ng pag aaral ibibili kita
ng ganung bahay. Mas malaki pa dyan tapos titigil ka na sa pagiging katulong. Hindi
ka na mahihirapan pa." Gusto Kong maiyak dahil sa sinabi ng bunso ko. Niyakap ko na
lang ito at hinalikan ang ulo nito. Napaka matured na nitong magisip. Kahit 10 taon
pa lang ito parang 20 anyos na kung magsalita.

"Kamusta na nga pala kayo?" Pag iiba ko ng usapan.

"Ayos lang Ate." Sagot naman ni Aldwin. Nakapasok na kami sa bahay. Umupo na kami
sa may Sala. Tumabi sakin si Aldwin habang kumandong naman itong si Biboy sakin.
Napangiti ako ng yakapin ulit ako nito. Napaka lambing na kapatid.

"Bumaba ka nga dyan. Ang laki-laki mo na nagpapakandong ka pa." Suway naman nitong
si Aldwin habang pilit na pinaaalis si Biboy sakin.

"Ayos lang." Sabi ko "Namiss ko din naman tong si bunso e"

"Ate may susumbong nga pala ako sayo"

"Kuya!" Awat naman nitong si Biboy

"Bakit? Ano yon?" Tanong ko. Nakita ko naman ang pag iwas ng tingin sakin ni Biboy.
Naku, Pag ganito ang batang 'to alam kong may ginawa itong hindi maganda.

"Biboy." Pagtawag ko sa pangalan nya. Seryosong tinitigan ko ito, napansin ko naman


na natakot ito kaya yumuko ito.

"Eh kasi ate ano eh" Nakayuko lang si Biboy habang kinakamot ang batok nya.

"Napaaway yan ate." Mabilis na wika ni Aldwin.

"ANO?!" Napatayo ako nang dahil sa sinabi ni Aldwin. Napatayo din itong si Biboy
dahil nakakandong pa din ito sakin. Lumuhod ako para mapantayan si Biboy at ngayon
ko lang napansin na may pasa sya sa gilid ng labi nya at may sugat din sya sa
kaliwang pisngi nya. Hindi ito mapapansin dahil moreno si Biboy ngunit kung
tititigang mabuti ay makikita mo agad ito.

"Sorry ate. Sina Lemuel kasi eh. Kinuha yung pera na ipinanlimos ko eh. Gutom na
gutom na ko nun kaya namalimos na ko. Sorry ate, Wag ka magagalit huh?" Awang-awa
ako sa kapatid ko nang mga oras na yon. Nangingilid na din ang luha ko. Bago pa ito
pumatak ay pinahid ko na ito agad. Hindi ako pwedeng umiyak sa harap ng mga
kapatid ko. Kelangan kong maging matatag pag dating sa kanila.

"Ate pasensya na din. Hindi ko nabantayan tong si Biboy. Makulit din kasi tong
batang to eh. Sinabi ko nang gagawa ako ng paraan e. Ang tigas ng ulo."

"Kuya hindi ba tulong tulong nga dapat tayo. Sabi nga dun sa palabas sa TV The
family that plays together, win together." Sagot naman ni Biboy

"Si bunsoy talaga" Ginulo ko ang buhok nito at napatawa na lang ulit kami sa
reaksyon nito. Kinuwento din nila sakin ang nangyari habang wala ako. Gutom na
gutom na daw sila kaya naisipan ni Biboy namamalimos sa harap ng eskwelahan nila.
Marahil ay may naawa sa kanya kaya Madami dami daw syang nahinging pera. Pauwi na
daw sana sya ngunit pag dating nya sa may kanto hinarangan daw sya ng mga barkada
ni Lemuel. Kinuha daw nito ang pera nya. Nag pumiglas sya kaya binugbog daw sya
nito. Hindi ko maatim ang mga kinukwento nila sakin. Halos mamula na ang mga mata
ko dahil sa pagpipigil na nagbabadyang luhang tumulo sa aking mata. Sinusubukan ko
ding tumingala pag nararamdaman kong malapit ng tumulo ang luha ko. Si Lemuel ay
kaedaran ni Aldwin. Labing limang taon na si Aldwin kaya paniguradong walang laban
si Biboy dito. Apat daw ang bumugbog dito at lahat ng yon ay mas malalaki kay
Biboy! Hindi daw sya tinigilan hanggang sa nakita daw sila ng tanod.

Panay ang hingi ng tawad sakin ni Aldwin dahil hindi daw nya nabantayang mabuti ang
kapatid namin. Nakikiusap daw kasi sya kay Aling Malou na pautangin siya kahit
isang kilong bigas lang at isang delata. Kinapalan na daw nya ang kanyang mukha
dahil mag aalastres na ngunit hindi pa din daw sila nag aagahan . Pumayag naman daw
si Aling Malou ngunit sa isang kondisyon daw ay ipagbuhat daw muna sya nito ng
limang sakong bigas at dalhin ito sa palengke. Napaka walang puso! Mahigit dalawang
kilometro ang layo ng palengke sa amin tapos paglalakarin nya ito habang may dalang
sako ng bigas?! Pagkatapos daw nyang gawin iyon ay ipaglinis daw sya nito ng bahay.
Pagkapos daw noon ay pwede na daw syang umutang dito. Napaka walang puso talaga!
Palibhasa ay mas nakakaangat sya samin kaya mas madali nya kaming apak-apakan.
Tumingala ako para mapigilan ang nagbabadyang tumulong luha sa aking mga mata.

Kasalukuyan daw syang nasa palengke nun kaya hindi daw nya nagawang ipagtanggol ang
kapatid nya. Awang-awa ako sa mga kapatid ko nang mga oras na yon. Niyakap ko na
lang sila ng mahigpit dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Kahit
kailan hindi ko naisip na darating kami sa puntong ganito. Dati nakakakain kami
nang tatlong beses sa isang araw o higit pa samantalang ngayon halos makipag
patayan ang kapatid ko para lang may makain.

Hindi naman ako o si Aldwin ang may kasalanan dito eh. Kung sana hindi kami iniwan
ng magaling naming ama at sumama sa ibang babae edi sana maayos-ayos ang buhay
namin ngayon. Hindi pa sya nakontento pagkalibing na pagkalibing ni Inay nawala na
lang syang parang bula dala-dala ang pera na bigay ng mga kamag anak at kaibigan ni
Inay habang nakaburol pa ito. Kaya pala Hindi ko man lang ito nakitang malungkot
ito nung mga panahong nakikipag sapalaran si Inay sa sakit nyang kanser. Paeasy-
easy lang ito habang kami ng mga kapatid ko ay hindi na alam kung paano at saan
kukuha ng pera. Napaka walang kwentang ama! Siguro nga pabor na pabor pa dito ang
pagkamatay ni Inay dahil sa wakas ay makakapag sama na din sila ng walang kwentang
kabit nya.

"Hello Philippines, Hello World!" Halos mapatalon kaming magkakapatid ng marinig


namin ang boses ni Jupiter. Pumasok sya sa loob dala ang meryenda habang kasunod
naman nito ang kakambal nyang si Venus na may dalang dalawang baso at isang pitsel
na may lamang juice.

"Sino po sila?" Bulong sakin ni Biboy.

"Biboy at Aldwin sila si Ate Jupiter at Ate Venus nyo." Sabi ko sabay turo kina
Jupiter. "Jupiter, Venus mga kapatid ko." Nakita kong napangiti silang dalawa ng
makita nila si Biboy. Sabagay, Napaka cute naman talaga nitong bunso namin kahit
na moreno lamang ito. May pag kakoreano din kasi ang buhok nito kaya lalong
dumagdag sa appeal nito. Si Aldwin naman ay matured ng tingnan. Kung titingnan mo
ito para na itong nasa labing walong taong gulang dahil sa matangkad ito.

"Anak mo?" Tanong ni Jupiter habang hindi inaalis ang tingin kay Biboy.

"Kapatid nga daw. Tanga lang? Slow? Gusto paulit-ulit?" Napatawa kami nang binara
ni Venus ang kakambal nya. Ganito na talaga sila mag usap. Ito na ata ang way ng
paglalambingan nila.

"Slow agad-agad? Hindi ba pedeng nabobo sandali?"

"Eh kasi naman----" Magdadahilan pa sana si Venus nang biglang pinutol ni Jupiter
ang sasabihin nito. "Nyenyenyenyenye"

"EHEM" Nakuha ko naman ang atensyon ng dalawa dahilan na mapatigil sila sa


pagtatalo. Hindi namin maiwasang matawang magkakapatid dahil sa naging reaksyon ng
dalawa. Mukhang nagkakainitan na. Tawa lang kami ng tawa habang sila ay nakanguso
lang at nakahalukipkip sa isang tabi.

Maya maya pa ay nilaro na nila si Biboy. Naiwan kami ni Aldwin na nakaupo sa sala
dahil busy pa rin ang tatlo sa paglalaro.

"Ate. May pera ka pa ba? May babayaran kasi ako sa school. Nagagalit na kasi yung
teacher ko, ako na lang kasi ang hindi bayad. Pero kung wala okay lang. Ako na ang
bahala" Ngumiti sya nang pilit sa akin. Si Aldwin ay 3rd year highschool na.
Samantalang si Biboy ay Grade 4 pa lamang. Parehas sila ng school na pinapasukan.
Kahit na pampublikong paaralan ito marami pa ding binabayaran.

"Oo naman. Teka lang, Dyan ka muna. Kukuha lang ako." Nagpaalam muna ako sa kanila
saka ako pumunta sa kwarto ko.

Bago pa man ako makaalis hinawakan ni Aldwin ang braso ko. "Thank you Ate." sabi
nya at nginitian ako. "Sus! Wala yon. Ikaw pa." Sabi ko at nagpunta na sa kwarto
ko.

Nanlulumo akong napaupo sa kama ng makita ko ang laman ng wallet ko. Bente pesos.
Yan lang ang pera ko ngayon. Kulang na kulang pa yan pamasahe ng mga kapatid ko
pabalik sa bahay namin. Halos kalkalin ko na din ibang bag ko dahil baka may
napapasingit doong pera ngunit wala talaga. Miyerkules pa lang ngayon ngunit sa
Lunes pa ang sweldo namin.

Napabuntong hininga na naman ako. Kahit ano gagawin ko para sa mga kapatid ko.
Kahit na kapos na kapos kami hindi sila pedeng tumigil sa pag aaral. Ayokong magaya
sila sakin na hindi man lang nakapag tapos ng highschool. Hindi ako papayag. Isa na
lang ang naiisip kong makakatulong sakin sa mga oras na ito. Ayon naman talaga ang
kasunduan namin. Lalapitan ko sya pag nangangailangan ako ng pera.

Tumayo na ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Kaya ko 'to. Para sa mga


kapatid ko.
####################################
Love Affair no. 3
####################################

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ni Sir. Nakakadalawang katok pa lang
ako at nakita ko agad ang pagbubukas ng pinto. Iniluwal nito si Sir Jake. Nakatapis
lang ng tuwalya sa kanyang bewang. Halatang bagong ligo lang ito dahil mamasa-masa
ang kanyang buhok. Tumutulo pa ang tubig sa kanyang katawan. Sinundan ko ng tingin
ang isang tulo na nagmula sa kanyang dibdib. Pababa ito ng pababa hanggang sa
makaabot ito sa abs nya. Napalunok ako nang makitang bumaba pa ito hanggang sa----

"Yes?" Tanong nya gamit ang nakakaakit na boses. Napaiwas ako nang tingin dahil sa
ginawa ko. Ang tanga ko! Baka nahalata nya ang pagtitig ko sa katawan nya.

"Come in." Aniya at niluwagan ang pag kakabukas ng pinto. Pumasok naman agad ako
kahit na nangangatal ang tuhod ko sa kaba. Narinig ko ang tunog ng pag click ng
pinto hudyat na ni lock nya ito.

Nakatayo lang ako sa gilid. Hindi ako makagalaw sa kintatayuan ko. Nilampasan nya
ako at naamoy ko agad ang pinag halong shower gel at after shave nya. Sinundan ko
lang sya ng tingin. Nakita kong pumunta sya sa Cabinet at kumuha ng T-shirt at
short nya. Humarap sya sakin at walang pasintabing binitawan ang towel na hawak
nya! Buti na lang at maagap ako kaya nakatalikod agad ako. Inaakit ba ko nito?

Narinig ko naman ang palatak nya ngunit hindi ko na ito pinansin at nanatili lang
nakatalikod sa kanya.

"Ano bang kelangan mo?" Tanong nya. Mahahalata mo ang iritasyon sa kanyang boses.
Humarap na ko sa kanya at mabuti na lang at nakapagdamit na sya. Nakaupo na ito
habang nakaharap sa laptop nya. Nakatalikod na ito sakin.

"Kelangan ko po ng pera." Nakayuko lang ako. Pinag didikit ko ang dalawang daliri
ko. Dito ko binaling ang atensyon ko dahil hindi ko kayang tingnan sya sa mukha.
Ilang beses ko na bang ginagawa to? Pero kinakabahan pa din ako.

Kahit na wala naman talaga akong dapat ikahiya hindi ko pa din ito maiwasan. Sa una
pa lang ito na ang usapan namin. Makikipag sex ako sa kanya kapalit ang pera.
Sabihin ko lang daw kung magkano ang kelangan ko at ibibigay nya daw ito.

"Magkano ba?" Napatingin ako sa kanya nang wala sa oras. Nakita kong nakatutok lang
ang mga mata nya sa laptop nya.

"Kung pwede po sana ay mga limang libo." Sagot ko.

Nakita ko namang itong tumayo at kinuha ang wallet nya. Pagkakuha nya ng wallet nya
ay bumalik ito sa pagkakaupo. Ngayon ay nakaharap na ito sa akin. Binuksan nya ang
wallet nito akala ko ay ibibigay na nya agad agad sakin ang pera ngunit nagkakamali
pala ako.

Nilaro laro nya muna ang pera nya sa mga kamay nya. Nakita ko pang inamoy nya pa
ito. Napakunot ako ng noo sa ginagawa nya. Hindi sinasadyang napatingin ako sa
mukha nya. Nakangisi sya--- ngising demonyo.

"Come here." Sabi nya at tinapik ang hita nya. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam
kong may gusto syang mangyari samin ngayon.

Lalapit na sana ako nang maalala ko ang mga kapatid ko. Hinihintay nila ako ngayon.
Pag pinayagan ko si Sir na may mangyari samin ngayon, hindi na nya ako titigilan.
"S-sir pwede po bang next time na lang? Hinihintay na po kasi ako ---" Hindi ko pa
man natatapos ang pagsasalita ko ay nakita ko na agad ang pagbabago ng ekspresyon
ng mukha nito. Naging madilim ang aura nito. Mas lalo akong natakot.

Gusto kong bawiin ang sinabi ko sa mga oras na yon kaso baka mas lalo lang syang
magalit pag nagsalita ulit ako.

"Sinong nag hihinatay sayo huh?! Yung lalaki mo ba?!" Nakita kong bumibilis na din
ang paghinga nito at naiiyukom din nya ang kamao nya. Galit na galit ito ngayon
pero mali sya ng iniisip! Wala akong lalaki!

"Sir hindi po! Mga kapat---" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ngunit
napatigil ako nang bigla-bigla syang lumapit sakin at isampal nya sa akin ang
perang hawak nya. Napaka bilis ng pangyayari. Tumama ito sa mukha ko kaya napapikit
ako. Nalaglag ang pera sa paanan ko. Napaiyak na lang ako. Ganito ba talaga lagi?
Iiyak na lang ako ng iiyak? Ako na lang lagi ang talunan? Ang kawawa?

Lumuhod ako at sinimulang pulitin ang mga perang nasa sahig. Isa lang ang naiisip
ko sa mga oras na to. Para na din akong isang pokpok sa tabi-tabi. Ang pinag kaiba
nga lang sa isang lalaki lang ako nag pagamit.

Awang-awa ako sa sarili ko. Siguro kung may makakakita sakin ngayon tiyak maaawa
din sila sa itsura ko. Tingin ko ngayon napaka baba ko na tapos inapak apakan pa.

Pinahid ko ang luha ko bago ako tumayo. Nakita ko syang masama pa din ang tingin
sakin ngunit mas kalmado na sya kesa kanina.

"Get out." Mahina ngunit madiing sabi nya. Hindi na ko sumagot. Tumalikod na lang
ako sa kanya at lumakad palabas ng kwarto.

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal dito sa loob ng banyo. Nakaharap lang
ako sa salamin at kita kong pugtong pugto na ang mga mata ko. Sobrang nasaktan ako
sa ginawa ni Sir.Napapikit ako nang maalala ko kung pano nga ba kami nagsimula sa
ganitong set up. Hinding hindi ko yon malilimutan dahil simula ng araw na yon,
nagbago ang takbo ng buhay ko.

"Bakit ka umiiyak?" Agad akong nagpahid ng luha ko nang marinig ko ang boses ni Sir
sa likuran ko.

"Hindi Sir. Napuwing lang po ako." Pagsisinungaling ko.

"Tss. Liar" Aniya at umupo sa tabi ko. Andito kami ngayon sa labas ng bahay. Nakupo
kami ngayon sa damuhan.

"Bakit po kayo andito? May kelangan po ba kayo?" Tanong ko. Mag aalas dose na kasi
ng madaling araw e. Lumabas lang ako saglit para makapagpahangin. Hinintay kong
sumagot sya ngunit katahimikan lang ang natanggap ko mula sa kanya. Nakatingin lang
sya sa kalangitan. Madaming bituin ngayon hindi tulad nung isang araw na mangilan-
ngilan lang.

"Anong problema?" Tanong nya at tumingin sakin. Medyo nailang naman ako dahil
ngayon lang kami nakapag usap ni Sir ng ganito kalapit kaya napaiwas ako ng tingin.

"Po?"

"Anong problema, bakit ka umiiyak?" Tanong nya. Naisipan kong mag kwento sa kanya
tutal wala namang mawawala. Pakiramdam ko din kasi na pag kinimkim ko pa to, baka
sumabog na ko.
"Kapos na kapos na po kami sa pera. Nagkanda sunod-sunod ang babayarin namin.
Nagkataon pang nagkasakit si Biboy dahil sa dengue. Ilang araw na syang nakaconfine
sa hospital. Naniningil na din yung mga pinagka utangan namin na pinambayad sa
pampagamot at pampahospital nung nabubuhay pa si Inay. Ako ang nagpapaaaral at
bumubuhay sa dalawa kong kapatid kaya kulang na kulang ang perang sinweseldo ko
dito" Nakatingin lang sya sakin habang nagkukwento ako. Hindi ko namamalyang
umiiyak na pala ako. Napatawa ako nang wala sa oras. Parang pasan ko na ang buong
mundo kung tutuusin. Lahat ng pwedeng maging problema nasa akin na.

"Pwede kitang tulungan sa isang kondisyon." Sabi nya na hindi man lang inaalis ang
pagkakatitig sakin.

"Ano po ba yon?" Tanong ko.

"Virgin ka pa ba?"

"Sir!" Sigaw ko dito. Hindi ko maiwasang mamula ang mukha dahil sa tanong nya.
Akala ko ay seryoso si Sir na tutulungan ako, Ayun pala ay pinag titripan lang ako.

"What? I'm serious." Napansin ko ngang seryoso ito dahil wala man lang bakas ng
ngiti sa kanyang mukha. Naiilang na nga ako dahil hindi pa din nya inaaalis ang
tingin nya sa mukha ko.

"B-bakit po?" Hindi ko na kinaya. Yumuko na lang ako dahil hindi ko kayang
salubungin ang mga mata nyang nakatitig sakin.

"Oo o Hindi lang Mariel. Oo o Hindi." Halata sa boses nito ang pagka inip. Kelangan
ko ng sumagot dahil pag nainip ito ay tiyak kagagalitan na naman ako nito.

"O-Oo" Shit. Oo lang ang sasabihin ko pero bakit parang napaka hirap bigkasin.
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag ngisi nito.

"Good." Aniya at hinawakan ang baba ko para iangat. Nakita ko agad ang mga mata
nyang nakatitig sa akin " Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin mo. Sa hospital,
School etc. Kung kelangan mo pa ng pera lumapit ka lang sakin. Basta sa isang
kondisyon." Halos mapigil ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang hinga nya sa tenga
ko." Sex " Nakiliti ako nang magsalita ito. Lumayo na ito sa akin at hinawakan ng
dalawang kamay nya ang magkabilang pisngi ko. "Deal?" Napatulala ako sa sinabi nya.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Una, Ayaw mag sink in sakin itong mga
nangyayari. Pangalawa, Para sa mga kapatid ko. Ayokong makita ang kapatid ko na nag
hihirap at halos mamatay na ngunit ako ay wala pa ding ginagawa. At ang pangatlo,
Bakit pakiramdam ko naexcite ako bigla? Bakit ganito ang pakiramdam ko?

Wala sa sariling napatango ako. Nakita ko naman ang ngiti na sumilay sa kanyang mga
labi. Tumayo ito at Inilahad nya ang kamay nya sa akin. Alam kong sa oras na
tanggapin ko ito ay madaming magbabago. Alam kong malaking gulo itong papasukan ko
pero bahala na. Hindi ko maatim na makitang naghihirap ang mga kapatid ko.

Tumayo ako at tinanggap ang kamay nya. Lalong lumawak ang ngiti nito sa ginawa ko.

"Deal"
####################################
Love Affair no. 4
####################################

"No Ma! Hindi ako papayag."


"Son pwede ba? Stop acting like a child. Ilang weeks lang naman akong mawawala eh.
Dadalawin ko lang ang Ama mo sa Laguna. Mamimiss mo ba ko baby?" Humalakhak si Mam.
Nakita ko naman ang hindi maipintang mukha ni Sir. Umagang-umaga pero halata mo na
agad na badtrip ito. Inilapag ko sa Mesa ang kape na pinapatimpla ni Ma'am sa akin.
Hindi sinasadyang mapatingin ako sa kinaroroonan ni Sir. Kung nakakunot ang noo
nito kanina mas kumunot pa ito nang nakita nya ako.

"Hanggan kelan ka ba don Ma?" Baling ni Sir kay Ma'am Rose.

"Hmm. Siguro 2 to 3 weeks." Sagot ni Ma'am at sumimsim ng maiinit na kape.


Nagpaalam na din si Ma'am samin kahapon lang. Kagabi naman ay tinulungan namin
syang mag empake. Susundan daw nya si Sir sa Laguna dahil mag iilang buwan na daw
itong hindi nakakauwi. May inaasikaso kasi si Sir doon. Sobrang busy daw nito kaya
tutulungan na daw ito ni Mam. Nahihirapan daw kasi si Sir doon dahil mag isa lang
sya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nag kukwento si Mam sa amin. Napaka
lambing nilang mag asawa. Ako kaya? Makakatagpo pa kaya ng ganun? Napatawa ako sa
aking iniisip. Malabong mangyari yun. Malabong-malabo.

"Pano yung Resto?" tanong ni Sir. Hindi ko makita ang reaksyon nito dahil
nakatalikod sya sa akin. Nakatayo lang kami ditong tatlo nina Venus at Jupiter sa
gilid para kung sakaling kailanganin nila kami.

"Ano pa nga ba? Edi si Celine na muna ang bahala don. Bakit? May balak ka bang
magpatakbo ng Resto?" Si Celine ay kaibigang matalik ni Mam. Pumupunta ito minsan
sa Mansyon kaya kilala ko ito. May ari ng Restaurant ang mga Emralino. Ayon ang
pinag kakakitaan nila. Ang pagkakaalam ko nagsimula sila sa maliit ng Karindirya
hanggang sa lumago ito ng lumago. Mahirap lang sila noon bago sila ikasal. Hindi
naman sobrang hirap pero sapat ng nakakakain tatlong beses sa isang araw.

Ngayon ay madami ng branches ito. Meron na ito sa buong Maynila. Kaya nga pala nasa
Laguna si Sir ay dahil may balak silang magtayo na din ng resto dito. Masasarap ang
pagkain doon kaya hindi na ko nagtataka kung bakit ito tinatangkilik ng mga tao.
Dagdagan pa ng sikap at tyaga nina Ma'am kaya ito lumago ng lumago.

"No way!" Nabalik ako sa aking huwisyo nang marinig ko ang boses ni Sir. Ibinaba
nito ang hawak nyang kutsara't tinidor at sumandal sa kanyang kinauupuan.

"Ano pa nga ba?" Bumuntong hininga si Mam. "Kelan mo ba balak mag trabaho Anak?
Masasayang lang yang pinag aralan mo. Mag lilimang taon ka ng graduate pero hindi
ka man lang naghahanap ng trabaho. 'Di ba sabi naman ng Ama mo pag nahihirapan kang
mag hanap ng trabaho pwedeng-pwede ka naman sa Resto. Ayaw mo ba don? Ikaw ang boss
don. Hindi habang buhay may pera tayo. Pano na lang kung mamatay na kami. Paano ka
na?"Nakita kong nangingilid na ang luha ni Mam. Hindi sumagot si Sir. Siguro ay
natauhan sa sinabi ni Mam. Ayan ang isa sa kinaiinisan ko sa kanya. Palibhasa nag
iisang anak kaya sunod sa luho. Ako nga ay gagawin ang lahat mapagtapos lang ng pag
aaral ang mga kapatid ko samantalang sya ay isinasawalang bahala lang ito.

"Ganyan ka na lang ba hanggang sa pagtanda mo anak? Barkada at alak na lang lagi?


25 anyos ka na anak. Hindi ka na basta basta teenager lang." Alam kong disappointed
sina Mam at Sir kay Sir Jake dahil sa ginagawa nito ngunit kahit kailan ay hindi
nila ito sinuway dahil sa sobrang pagmamahal nila sa kanilang anak. Minsan nga
naisip kong masama ang sobra. Tulad na lang sa nangyari kay Sir Jake. Sa sobrang
pagmamahal nila kay Sir hindi na nila ito sinusuway at nadisiplina ng ayos. Lumaki
tuloy na suwail.

"Ma. Gets ko. Okay? Magtatrabaho ako kung kelan ko gusto. Alam ko kung anong
ginagawa ko."

"Sana nga Anak. Sana nga."


***

"Mariel makikisuyo na. Dalhin mo naman to sa garden." Sabay abot sakin ni Manang
Doray sakin ng niluto nyang sisig.

"Bakit po ang dami nito? Anong meron?" tanong ko sabay abot ng sisig na ibinigay
nya sa akin.

"Andito kasi yung mga kaibigan ni Jake. Nag iinom sila sa labas. Sige iha. Dalhin
mo na yan at baka pag initan ka na naman nun pag natagalan ka." Napasimangot ako sa
sinabi ni Manang sa akin. Akala ko ay magbabago na sya. Wala pa nga sa 12 oras na
nakakaalis si Mam bumalik na agad sya sa bisyo nya. Napaka walang puso talaga. Wala
man lang awa sa magulang.

Malayo pa lang ako ay dinig na dinig ko na agad ang tawanan nila. Medyo kinabahan
ako dahil alam kong ipapahiya na naman nya ako. Dapat ay masanay na ko sa ganito
ngunit ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hindi na ko nasanay.

Pagkalapit ko sa kanila ay marinig akong sumipol. May isa namang nagsabi ng wow
chicks. Ang babastos! Manang mana sa kaibigan nila. Mag sama-sama silang mga
manyak.

"Excuse me po. Ito na daw po yung pulutan nyo." sabi ko at inilapag sa mesa yung
pitsel at sisig. Nangangatal akong ginawa iyon dahil alam kong nakatingin silang
lahat sakin. Iniiwasang kong tingnan si Sir jake dahil natatakot ako. Natatakot
akong makita na naman ang mga mata nyang galit na galit habang nakatingin sakin.

"Sarap nun." Dinig kong sabi ng isang lalaki sa harapan ko. Hindi ko alam kung sino
ito dahil hindi ko ito kita. Nakayuko pa din kasi ako dahil inaayos ko yung pulutan
nila. Wala na kasing laman yung dalawang plato kaya dadalhin ko na ito pabalik sa
kusina.

"F-UCK. GO TO YOUR F-UCKING ROOM NOW MARIEL! WAG NA WAG KANG LALABAS HANGGA'T HINDI
KO SINASABI!" Nabitawan ko ang plato na hawak ko dahil sa pagkakagulat sa sigaw ni
Sir. Napa ayos ako ng tayo at nakita ko sya sa harap ko habang nag aapoy sa galit
ang mga mata nito. Para itong papatay. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito.

Natahimik din ang mga barkada nya. Marahil ay nagulat sa pagsigaw ni Sir. Dahan-
dahan akong tumango at lumakad na papalayo sa kanila.

Napasandal ako sa pinto pagkasarado na pagkasarado nito. Hindi ko alam kung anong
merong ugali si Sir. Wala akong ideya kung bakit sya nagalit ng ganun. Pero
sabagay, Kelan ba naman ito hindi nagalit sakin?

Umupo na lang ako sa kama at gumawa ng malalim na buntong hininga. Kahit labag sa
loob ko kelangan kong sundin si Sir kahit na madami pa akong gagawin. Lalo lang yun
magagalit sakin pag sinuway ko ito.

Humiga na lang ako. Hindi ako pwedeng lumabas dito hangga't hindi nya sinasabi.
Dinalaw ako ng antok hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako nang marinig kong lumagabog ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko
alam kung ilang oras na kong nakatulog. Napatingin ako sa pinto at nanlaki ang mga
mata ko nang makita ko si Sir na nakatayo sa gilid ng kama ko. Napaupo ako ng wala
sa oras. Galit pa rin ang mga mata nito ngunit hindi na ito katulad ng kanina na
halos mag apoy na ang mata sa sobrang galit.

"What are you doing?!" Tanong nya at hinigit ang braso ko. Mahigpit ang
pagkakahawak nya dito. Bumabaon na din ang kuko nya sa balat ko.

"W-wala po." Sabi ko habang pilit na tinatanggal ang pagkakahaw nya sa braso ko.
Lalo lang yang diniinan ang pagkakahawak dito kaya hindi na ko pumalag. Mas lalo
lang akong masasaktan.

"Wala?! Anong wala?! Ang landi mo!" Napaiyak na ko. Hindi lang dahil sa sakit nga
ginagawa nya kundi dahil sa sakit na din ng sinabi nya. Oo pumayag akong may
mangyari samin kapalit ang pera nya pero hindi ako malandi! "Ang landi mo! Alam mo
na yon?! Ang landi-landi mo!" This time, buhok ko naman ang pinag diskitahan nya.
Itinayo nya ko sa kama sa pamamagitan ng paghila sa buhok ko. Napahagulhol na ko.

Hindi ko alam kung anong ikinagagalit nya. Wala akong alam!

"Bakit ganyan ka? Para kang p*ta! Dapat pag magbibigay ng pulutan kelangan
ibinabalandra mo pa yang dibdib mo sa harap ng mga lalaki huh? Ngayon sabihin mo,
Anong pinagkaiba mo sa kanila? Malandi ka!" Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko.
Hinarap nya ko sa kanya at nakita ko na naman ang galit na galit nyang mga mata.
Tuloy-tuloy lang sa pag agos ang luha ko ngunit hindi ko na ito magawang punasan
dahil sa nanlalambot ang buong katawan ko.

"S-sir. W-wala naman pong akong ginagawa." Depensa ko.

"Magsisinungaling ka pa?! Eh kitang kita ko kung paano mo akitin kaming lahat!


Nakakadiri ka!" Halos manlaki ang mata ko nang punitin nya ang damit ko at itinulak
nya ako pahiga sa kama at pumatong sa akin.

Sinimulan nya kong halikan sa labi. Naamoy ko ang pinaghalong alak at sigarilyo sa
bibig nya. Masakit ang bawat pag halik nya. Sa tingin ko ay pagkatapos nito ay
magsusugat ang labi ko. Halos hindi ako makahinga dahil ayaw nyang tantanan ang
labi ko. Iniiwas ko na lang ang ulo ko sa kanya para makaiwas sa halik nya. Hinakan
naman nya ang magkabilang pisngi ko para hindi ako makapalag.

"S-sir. Tama na po. Nasasaktan na ko." Sabi ko ngunit parang wala lang syang
narinig. Patuloy pa din sya sa ginagawa nya sa akin. Hindi ko na napigilan ang
mapahagulhol. Masakit ang ginagawa nya ngunit dobleng sakit ang mga sinabi nya.
Napatigil sya sandali at umalis sa ibabaw ko.

Napayakap na lang ako sa sarili ko. Binababoy na nya ako ngunit wala akong
karapatang masaktan dahil una sa lahat, nabili na nya ako. Pinapamukha pa nya sakin
kung gaano ako kawalang kwenta at kung gaano ako kaduming babae. Kung ituring nya
ako para akong hindi tao. Lagi nyang pinapamukha sakin na pokpok lang ako
samantalang sya lang naman ang nakagamit sakin. Sya lang. Wala ng iba.

"Tama na po. Masakit na. Sobra-sobra na." Hindi ko alam kung anong reaksyon nya
dahil ibinaon ko ang mukha ko sa unan at doon ibinuhos ang iyak ko.

"Shit." Dinig kong sabi nito. Hindi ko alam kung anong balak nyang gawin sakin
ngayon. Hinang-hina na ko sa mga sandaling ito. Wala na kong pakealam kung
ipagpapatuloy nya ang pambababoy sa katawan ko dahil wala na kong lakas para
lumaban pa. Hahayaan ko na lang sya hanggang sa mapagod at mag sawa sya.

Katahimikan lang ang maririnig sa kwarto ko. Walang ibang maririnig kundi ang bawat
paghagulhol ko. Maya maya pa ay naramdaman kong gumalaw ang kama hundyat na umalis
ito. Kasunod nito ang mga yabag ng sapatos palayo at ang huli kong narinig ay ang
pagbukas sarado ng pinto.
####################################
Love Affair no. 5
####################################
"Kyah! Kinikilig ako." Halos mabingi ako sa boses ni Jupiter. Sinamaan ko lang ito
ng tingin at ipinag patuloy ang pagwawalis ko.

"Kyah! Tumingin sya dito! " Tukoy nya kay Mike. Napatingin ako kay Mike ng wala sa
oras. Nakita ko syang nakatingin sa gawi ko. Ngumiti sya ng mapansin nyang
nakatingin ako sa kanya. Nginitian ko na lang din ito pabalik .

"Madaya ka! Bakit ikaw ang nginitian nya! Di hamak naman na mas maganda pa ko
sayo!" Napatawa na lang kami ni Venus sa sinabi ng kakambal nya. Kahit kelan talaga
patay na patay to kay Mike.

"Bagay na bagay kami. Isang katulong na ubod ng ganda at Isang hardinerong ubod ng
yummy!" Napahalakhak sya sa sinabi nya samantalang kami ni Venus ay naiiling na
lang.

Napansin kong papalapit sya sa gawi namin. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko
samantalang si Jupiter ay halos mangisay na sa kilig. Naiiling na lang si Venus sa
ginagawa ng kambal nya.

Hindi ko naman kasi masisisi si Jupiter kung bakit ganito na lang ito mahumaling
kay Mike. Gwapo naman talaga kasi ito. Moreno at napaka tangos ng ilong. Maganda
din ang pangangatawan nito. Halatang batak na batak sa trabaho. Napaka amo pa ng
mukha. Palagi din itong nakangiti.

Mas matanda sa akin ito ng isang taon. Ang pagkakaalam ko ay limang taon na din ito
nagtatrabaho dito. Tulad ko ay mahirap lang din sya. Nakakwentuhan ko sya dati kaya
alam kong magsasaka lang ang kinabubuhay nila. Kulang na kulang daw ang kinikita
nila sa pagsasaka kaya naisipan nyang makipagsapalaran sa Maynila.

"Kamusta?" Nabalik ako sa realidad ng mapansin kong nasa harap na pala namin si
Mike.

"Ang gwapo. shet!" Ani Jupiter. Natawa kami ni Mike sa sinabi nya samantalang si
Venus ay hiyang hiya na sa ginagawa ng kakambal nya.

"Mariel may gagawin ka pa ba pagkatapos nyan? Okay lang ba natulungan mo ko sa pag


gugupit ng halaman? " Nakita ko ang pag simangot ni Jupiter matapos marinig ang
sinabi ni Mike. Napatawa ako ng tuluyan ng dahil sa ginawa nya. Napansin ko din ang
pagpipigil ng tawa ni Venus.

"Kawawa naman. Si Mariel ang gusto, hindi sya." Pang aasar ni Venus at humalakhak.
Napatingin naman ako kay Jupiter na nagmamaktol na sa isang tabi.

"May gagawin pa kasi ako eh. Kay Jupiter ka na lang mag patulong, wala yang gagawin
ngayon. " Pagsisinungaling ko. Patapos na din kasi ako sa aking ginagawa at wala na
din akong gagawin pagkatapos nito. Nakita ko naman ang pagliliwanag ng mukha ni
Jupiter. Kahit naman may pagkabaliw to, gusto ko pa din namang sumaya kahit papaano
tong babaeng to.

"Ganun ba?" Halata sa boses ni Mike ang pagkadismaya. Hindi ko na lang ito
pinansin. Tinanguan ko na lang ito.

"Kambal! Pumarito nga kayo at tulungan nyo skong magluto. Bilis!" Napalingon kami
sa kinaroonan ni Manang Doray ng marinig namin ang sigaw nito. Narinig ko ang
pagmamaktol ni Jupiter habang papalayo sa amin habang si Venus naman ay inaasar ang
kakambal nya.
Kami na lang ni Mike ang naiwan dito. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagwawalis ko.
Maya maya pa ay umalis na si Mike, akala ko ay hindi na ito babalik ngunit bumalik
ito na may hawak na walis.Tutulungan na daw nya ko para mas lalong mapabilis.

Nang matapos kami ay pumunta na kami sa gilid kung saan nakatanim ang mga halamang
aayusin namin. Kinuha ko ang tabo at sinumulan nang diligan ang mga orchids
samantalang sya ay ginugupit ang mga lantang halaman.

"Bakit ba ayaw mo pang sagutin si Jupiter? Patay na patay sayo yun ah." Biro ko sa
kanya.

"Baliw ka. Hindi ko sya gusto." Aniya at ngumiti. Tinawanan ko lang ito at
ipinagpatuloy ang pang aasar sa kanya kay Jupiter. Hindi naman sya napipikon kaya
hindi ko ito tinigilan. Tawa lang kami ng tawa hanggang sa natapos na namin ang
ginagawa namin.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Sabi nito at ibinababa ang halamang hawak nya.
Lumapit ito sa akin at tinignan ako diretso sa aking mga mata. Umiiwas ako ng
tingin dahil sa naiilang ako. Akala ko ay napikon na sya kaya magsosorry na sana
ako ngunit nagulat na lang ako ng maramdaman ko pagbuhos nya sakin ng malamig na
tubig. Hindi agad ako nakaiwas kaya basang basa ako. Humalkhak sya nang makita nya
kung anong itsura ko. Basang basa ang buong katawan ko pati na din ang buhok ko ay
nabasa.

Sa sobrang pagtawa nya hindi nya napansin ang pagkuha ko ng timba na puno na laman
ng tubig at ibinuhos ko ito sa kanya. Napatigil ito sa pagtawa. Akala ko ay aalis
na sya para makapag palit ng damit ngunit nagulat ako ng makita ko syang kumuha ng
tabo na may lamang tubig at tangkang lalapitan ako ngunit mailap ako kaya nakatakbo
agad ako. Tawa lang kami ng tawa sa ginagawa namin dahil para kaming bumalik sa
pagkabata. Binilisan ko ang pagtakbo ng makita kong malapit na nya akong maabutan.

"MARIEL ELAINE RAMOS!" Napatigil ako sa pagtakbo ng marinig ko ang boses na iyon.
Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at gayon na lang ang takot ko ng makita ko
si Sir Jake na nakatayo malapit sa kinaroroonan namin habang nag aapoy ang mga nito
sa galit. Nakakuyom din ang mga kamao nito.

Inilang hakbang nya ko at pagkalapit na pagkalapit nya sakin ay marahas nyang


hinawakan ang braso ko.

"S-sir. Teka lang po. Nasasaktan na po sya." Hindi ko napansing nakalapit na pala
samin si Mike. Halata sa boses nya na kinakabahan din sya sa nangyayari.

"Huwag kang makikialam dito." Sabi ni Sir Jake at hindi man lang inaalis ang tingin
sa akin. Dumaing ako ng maramdaman ko na mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sa
braso ko.

"Wag na wag kang makikialam dito huh! Wag na wag." Baling nya kay Mike at
kinaladkad na ako ni Sir papunta sa bahay na tinutuluyan namin. Nakita ko si Mike
na may balak pa atang sundan kami ngunit umiling lang ako sa kanya. Ayoko ng
madamay pa sya.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay ay itinulak nya ako. Napasalampak ako sa


sahig. Mabuti na lang at naituon ko ang dalawang kamay ko pang suporta.

"Bakit ba ang hirap mong turuan ng leksyon?! Napaka landi mong babae ka! Kating-
kati ka na ba at pati hardinero namin pinapatos mo?!" Itinayo nya ulit ako at
hinawakan sa magkabilang balikat. Hindi ko na kayang sumagot. Bigla-biglang parang
nawalan na lang ako ng lakas. Nanlalabot na din ang mga tuhod ko. Umiling na lang
ako. Kanina pa tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko alam na may iluluha pa pala ako.
Kahapon ganitong ganito din ang eksena namin.

"Alam mo ang hirap sayo, Dinadaan mo ko sa mga pag iyak mo! Sa tingin mo ba maawa
ako ng dahil lang dyan?! Pwes, Mag isip ka!" Binitawan nya ako at dahil dun nawalan
ako ng suporta. Napaluhod na lang ako sa sahig at napahagulhol na. Halos wala na
kong makita dahil sa mga luha ko.

"Sabihin mo nga sakin, Ilan ba lahat ng lalaki mo huh?! Ilan?!" Hinawakan nya ko sa
magkabilang pisngi at iniharap sa kanya. Nakita ko na naman ang galit na galit na
mukha nya. Diniinan nya ang pagkakahawak sa pisngin ko kaya mas napalakas ang pag
hikbi ko.

"Wa-wala po akong lalaki. Wala!" Kung naiba lang ang sitwasyon iisipin kong
nagseselos to pero malabo namang mangyari yun. Malabong-malabo. Napapikit ako ng
mariin ng maramdaman ko ang palad nya sa kaliwang pisngi ko.

"Sinungaling kang malandi ka!" Tumalikod sya at nakita kong inihilamos nya ang
dalawang kamay nya sa mukha nya. Akala ko ay tapos na sya sa akin ngunit
nagkakamali ako. Hinubad nya ang sinturon nya ai ipinulupot ito sa kanang kamay
nya. Halos manlaki ang mata ko ng maisip ko ang balak nyang gawin sakin. Tatakbo na
sana ako ngunit nahigit nya ang buhok ko.

"Alam mo ang dapat sayo, sinasaktan para magtanda ka!" Aniya at hindi man lang
inaalis ang pagkakasabunot sa buhok ko. Bigla bigla ay binitawan nya ito.
Napasalampak na naman ako sa sahig habang sya ay nakatayo sa paanan ko.

Napasigaw ako ng maramdaman kong inihampas nya sa akin ang sinturon nya. Tumama ito
sa braso ko. Mas lalong bumuhos ang luha ko at hindi ko na napigilan pa ang
mapahikbi.

Sa pangalawang pagkakataon ay hinampas na naman nya sa akin ito. Tumama ito sa may
hita ko. Sumigaw lang ako ng sumigaw at nagbabakasakaling may makarinig sakin.
Ngunit hindi ata nakikiayon sakin ang tadhana dahil wala man lang akong naririnig
na tao sa labas.

Hindi lang limang beses ako sinaktan ni Sir. Halos mamilipit na ako sa sakit.
Laking pagpapasalamat ko ng tumigil na sya. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko na kaya
pang imulat ang mga mata ko kaya pumikit na lang ako. Hinihintay ang susunod na
gagawin ng amo ko.

Maya maya pa ay naramdaman kong parang lumulutang ako sa ere. Binuhat nya ako at
narandaman kong ibinababa nya ako sa kama. Hindi sya nagsasalita. Tanging ang
paghikbi ko lang ang maririnig na ingay. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko
ngunit nabigo ako. Kahit anong pilit kong imulat ito ay nagkukusa itong pumikit.

Sobrang sakit ng katawan ko. Sa sobrang sakit ay tingin ko ay namamanhid na ito.


Narinig ko ang malalim na buntong hininga nya at naramdaman ko din ang pag galaw ng
kama hudyat na tumabi sya sa akin. Humiga sya sa kama at niyakap ako. Naramdaman ko
din ang hininga nya sa batok ko. Nakatalikod lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung
anong iniisip nya sa mga sandaling ito. Gusto kong alisin ang pagkakayakap nya sa
akin ngunit wala akong lakas. Galit ako sa kanya. Wala syang awa! Hindi sya tao,
demonyo sya!

Gustong-gusto ko ng umalis sa bahay na ito ngunit hindi pwede. Kung may pera nga
lang sana ako kapalit ng kalayaan ko.
####################################
Love Affair no. 6
####################################
"Anong nangyari sayo?!" Agad na hinawakan ni Aling Doray ang mga pasa ko sa braso.
Halos mapangiwi ako ng hawakan nya ito.

"Walang po ito. Nadapa lang po ako. " Pagsisinungaling ko. Hiling ko lang na sana
ay paniwalaan ako ng matanda.

"Nadapa? Eh halos buong katawan mo may pasa pati na iyang mukha mo may sugat din
tapos nadapa lang?"

"Totoo po. Nahulog din po kasi ako sa kanal kaya napadami ang pasa ko." Hindi ako
makatingin kay Nanay Doray dahil sa oras na gawin ko yun, baka malaman nyang
nagsisinungaling ako.

"Nasaan po ang kambal? Nakapagluto na po ba? Magluluto na po ako." Iniba ko na lang


ang usapan para hindi na makapagtanong pa si Aling Doray.

"Nasa bayan ang kambal. Pinabibili ko ng karne at gulay." Aniya "Eto na ang pagkain
ni Sir. Dalhin mo na lang ito sa kanya tapos ay magpahinga ka na muna. Kami na ang
bahala dito." Ibinigay nya sakin ang plato. Kahit labag sa loob ko ay kinuha ko
ito. Hindi pa ko handang harapin si Sir pero kailangan kong gawin to. Wala ako
karapatang mag inarte.

Huminga ako ng malalim bago ako lumapit kay Sir. Nakaupo na sya ngayon at inisa isa
ko ng ilagay ang mga plato sa ibabaw ng lamesa. Ramdam kong nakatingin sya sakin.
Hindi ko man lang ito pinasadahan ng tingin. Hindi ko din ito pinapansin. Bahala
sya sa buhay nya.

Paalis na sana ako ngunit napatigil ako ng hinawakan nya ang kamay ko. Marahas kong
binawi iyon.

"Bakit po, Sir?" May diin ang bawat salita ko. Kung hindi sya manhid ay mahahalata
nyang galit ako sa kanya. Nakipagtitigan ako sa kanya. Kung dati ay hindi ko kaya
yon, ngayon kayang kaya ko na. Wala na kong pakealam kung saktan nya ulit ako. Ayon
lang naman ang kaya nyang gawin, Ang saktan ako.

Nang mapansin kong wala syang balak magsalita ay umalis na ko sa harapan nya.
Dumiretso na ako sa aking kwarto at nahiga. Tutulog na lang muna ako.

Habang nakahiga ako hindi ko maiwasang isipin ang demonyo kong amo. Nakakapanibago
at hindi nya ko sinigawan ngayon araw. Ito ang kauna unahang beses na nangyari ito.
Kung tingnan nya din ako ngayon wala akong makikitang galit. Nakonsesya siguro?
Tss. Malabo. Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa maramdaman kong unti-unti ng
bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

Nagising ako at naramdaman ko agad ang pag aalburuto ng tyan ko. Tumingin ako sa
orasan at napabalikwas ako ng makita kong alas dos na ng hapon. Mahigit walong oras
pala ako nakatulog. Bumangon na ako at pumunta sa kusina. Kumain muna ako bago ako
nag ayos at pumunta na sa mansyon.

Nakita ko agad sina Manang at Kambal na nasa kusina at nag kukwentuhan. Napatigil
sila sa pagkukwentuhan ng makita nila ako.Lumapit ako sa kanila at halos mapatawa
ako ng inalalayan nila ako sa pag upo.

"Relax. Ayos lang ako." Natatawa kong sabi sa kanila. Kung ituring kasi nila ako
para akong baldado.

"Sigurado kang okay ka lang? Masakit pa ba yang mga sugat mo? Nagugutom ka ba?"
Sunod sunod na tanong ni Venus.
"Venus wag OA. Okay nga lang ako." Tumayo ako at kinuha ang vacuum cleaner.
"Maglilinis na po ako." Sabi ko ngunit agad din akong pinigilan ng tatlo.
Nakapaglinis na daw sila kaya wala na kong dapat alalahanin.

Nahihiya ako sa kanila dahil wala man lang akong naitulong sa paglilinis sa kanila
ngayong araw. Nagpumilit ako na may gawin. Sinabi ko na naiinip ako at gusto kong
maglinis. Sa huli ay napapayag ko na sila. Inabot sakin ni Nanay Doray ang basahan
at sinabing punasan ko ang mga picture frame na nakadisplay sa Sala.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng mga picture frame ng maramdaman kong may
kamay na yumakap sakin mula sa likod. Napaigtad ako dahil pakiramdam ko ay
nakuryente ako sa yakap nya. Isa lang naman ang pwedeng gumawa sakin nun eh, At ito
ay walang iba kundi sya. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nya sa batok ko.
Napatigil ako sa ginagawa ko. Pumikit ako ng mariin at nagdasal na sana ay walang
makakita sa amin.

"Sir!" Kinalas ko ang pagkakayakap nya sa akin at hinarap sya.Napalakas ang


pagkakatawag ko sa kanya at alam kong nabigla din sya sa ginawa ko. Ito ata ang
unang beses na nasigawan ko sya.

"Galit ka sakin?" Hindi ako makapaniwala na itinanong nya sa akin iyan. Palagi nya
akong sinasaktan at pinapahiya ngunit ito ang kauna unahang beses na tinanong nya
ko kung anong nararamdaman ko.

"Oo" Sagot ko at tinignan sya diretso sa mata nya. Nakita ko ang pagkabigla sa mga
mata nya ngunit napalitan din agad ito ng pagsisisi? o namamalik mata lang ako?
Nakipagtitigan ako sa kanya hanggang sa sya na ang unang kumalas. Tumingin sya sa
ibang direksyon at narinig ko ang buntong hininga nya.

Maya maya pa ay tumalikod na sya at lumakad papalayo sa akin. This time, alam ko sa
sarili ko na panalo ako. Hindi ako natakot sa kanya.

"Mariel, makikisuyo na. Padala naman ito kay Sir Jake. Doon daw sya kakain sa
kwarto nya." Itinigil ko ang ginagawa ko at kinuha ang tray na hawak ni Aling
Doray. Agad akong naglakad papunta sa kwarto ng demonyo kong Amo.

Kumatok muna ako ng tatlong beses ngunit walang sumasagot kaya nagpasya na kong
pumasok sa loob. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob. Nakita ko si Sir na
nakapikit at nakahiga sa kama. Akala ko ay tulog ito ngunit ng ilalagay ko na sana
ang tray sa maliit na table ay nagmulat ito at umupo sa kama.

"Pumasok na po ako kasi akala ko tulog kayo." Sabi ko."Ito na po yung dinner nyo."
Inilagay ko sa kama yung tray at aalis na sana ngunit hinawakan nya ang braso ko
para pigilan.

"Sandali lang."Sabi nya at hindi man lang inaalis ang pagkakahawak nya sa braso
ko."Subuan mo ko." Tiningnan ko sya ng masama. Nakipagtitigan din ito sakin at nang
mapansin kong wala syang balak na bawiin ang sinabi nya ay bumuntong hininga ako at
naupo na sa kama. Nakita ko sa gilid ng mata ko na lihim syang napangiti.
Isinawalang bahala ko na lang ito.

Naaasiwa ako sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang mga mata nyang nakatitig sa
akin. Kung dati ay natatakot ako tuwing tumutingin sya sa akin, ngayon ay naiilang
ako at hindi ko alam kung bakit. Binilisan ko na lang ang pagpapakain sa kanya.

Ang kanang kamay ko ay hawak ang kutsara habang ang kaliwa naman ay nasa baba nito
para kung sakaling may manlaglag ay masasalo ko ito.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpapakain sa kanya ng bigla nyang inagaw sakin ang
kutsara. Nagulat ako ng itinapat nya ito sa bibig ko. Ako naman ang pinapakain
nito. Umiling ako. Naguguluhan ako sa mga ikinikilos nya.

"Say ahh." Hindi sya tumigil. Hindi nya inaalis ang kutsara sa tapat ng bibig ko
hanggang sa sumuko na din ako. Binuka ko ang bibig ko at pinayagan na subuan ako.
Akala ko ay tapos na sya ngunit hindi na nya binitawan ang kutsara. Sinubuan nya
ako ng sinubuan hanggang sa naubos ko na yung pagkain sa pinggan.

Busog na busog ako kaya hindi ko napigilan ang pagdighal. Tatawa tawa sya habang
naiiling na lang. Binalot ako ng matinding hiya. Hindi ako makatingin sa kanya ng
diretso dahil sa sobrang kahihiyan.

Tumayo na lang ako at akmang kukuhanin ko na ang tray ngunit naunahan nya ako.
Kinuha nya ito at inilagay sa sahig. Pagkatapos ay nahiga na ulit ito sa kama at
tinapik kanang bahagi ng kama nya."Patulugin mo ko." Halos mapanganga ako ng
marinig ko ang sinabi nya. Ibang iba sya sa Jake na nakilala ko. Para syang lalake
na naglalambing sa girlfriend nya.

"Huy." Napakalambing ng boses nya. Ibang-iba sa nakasanayan ko.

Sa huli, Wala na akong nagawa kundi sumunod. Dahan dahan akong lumapit sa kama at
nahiga. Nagtataka man ako sa mga ikinikilos nya ay hindi na ako nagtangka pang
magtanong. Pagkahiga na pagkahiga ko pa lang ay niyakap na nya agad ako at
isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko.

Mahabang katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa. Walang nagtatangkang mag


salita. Hindi ko alam kung tulog na sya dahil nakasiksik pa din ang mukha nya sa
leeg ko. Nacoconscious tuloy ako dahil baka amoy pawis ako.

Nakatingin lang ako sa kisame. Ito ang kauna unahang beses na matutulog ako sa
kwarto ni Sir. Ibang iba ang ikinikilos nya ngayong araw. Ibang-iba. Mahirap man
isipin pero parang nagbago na sya. Sana nga lang ay tuloy-tuloy na.

Papikit na sana ako ngunit naramdaman ko na ang kaliwang kamay nya ay pinipisil
pisil ang isang dibdib ko. Akala ko ba ay tulog na ito?! Hindi ko ito pinansin.
Hinayaan ko lang ito. Nakakahiya mang aminin ngunit nasasarapan ako.

"Ahhh" Hindi ko na napigilan ang mapaungol ng hinalikan nya ang leeg ko. Nag iinit
na naman ako.

Umupo sya sa kama at hinubad nya ang suot kong damit pati na din ang bra ko. Agad
syang pumaibabaw sa akin ay sinimulan akong halikan sa labi. Sinasabayan ko ang
bawat paghalik nya. Ipinipilit nyang ibuka ang labi ko at pinayagan ko naman agad
sya. Naramdaman kong ipinasok nya ang dila nya at nakipag espadahan ito sa dila ko.

Habol ko ang hininga ko ng magkalas ang mga labi namin. Halikan pa lang yon ngunit
pakiramdam ko ay lalabasan na agad ako.

Gumulong sya at ipinagpalit kami ng pwesto. Ako ngayon ang nasa ibabaw at nakaupo
ako ngayon sa tyan nya.

Hinubad ko ang T-shirt nya at tumambad sa akin ang nangningning nyang abs. Parang
kumislap ang mga mata ko ng matitigan ko ito.

"Do whatever you want." Napatingin ako sa kanya at nakita ko na naghihintay sya sa
susunod na gagawin ko.

Parang magnet ang katawan nya dahil unti unti akong yumuko at sinimulang halikan
ang leeg nya. Ramdam ko ang pagbigat ng hininga nya. Sinisipsip ko ang balat nya at
alam kong mag iiwan ito ng pulang marka.

Pababa ng pababa ang halik ko hanggang sa umabot ito sa dibdib nya. Pinasadahan ko
muna ito ng kamay ko bago ko ito hinalikan. Naliliro laro ko ng dila ang kaliwang
dibdib nya.

Hindi na sya nakapagpigil at sya na ipinagpalit na nya kami ng pwesto. Pumaibawbaw


sya akin at agad na hinubad ang suot nyang pantalon. Tanging boxer na lang ang
natitira sa kanya. Agad din naman nyang hinubad ang soot kong short at isinama na
din nya ang panty ko.

Ibinuka nya ang hita ko at iniyakap ito sa baywang nya. Pinagdidikit nya ang
pagkababae ko sa pagkalalake nya. Ikinikiskis nya ito.Kahit na nakaboxer sya ramdam
na ramdam ko ang katigasan nito. Hindi ko na napigilan ang mapaungol. Sinubsob nya
ang mukha nya sa dibdib ko habang panay pa din ito sa pagkiskis.

Hindi ko na napigilan na ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng boxer nya at hinawakan


ito. Itinaas baba ko ito at panaka naka ay pinipisil ko ito. Nang dahil sa ginawa
ko hindi nya naiwasang panggigilan ang dibdib ko.

Tumayo muna sya saglit at hinubad ang boxer nya pagkatapos ay nahiga sya sa tabi ko
at hinawakan ang kamay ko papunta sa alaga nya.

Pumababaw ako sa kanya. Ang ipinagkaiba nga lang ngayon ay ang katapat ng mukha ko
ay ang pagkalalaki nya at ang katapat ng mukha nya ay ang pagkababae ko.

Kitang kita ko ngayon ang tayong-tayong pagkalalaki nito. Hinawakan ko ito at


pinisil pisil ko na naman ito na parang stress ball.

Sinimulan ko na ang trabaho ko habang sya naman ay sinimulan na dina ang trabaho
nya. Nilamon na nya ang pagkababae ko. Scratch that. Ang pangit pakinggan. Kinain
na nya ang pagkababae ko habang ako ay itinataas baba ang alaga nya. Binibigyan ko
din ito ng maliliit na halik. Isusubo ko na ito nang biglang napatigil ako dahil sa
naramdaman kong tatlo agad ang ipinasok nyang daliri sa pagkababae ko. Binilisan
nya ang paggalaw dito kaya hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko.

Itinigil ko muna sandali ang ginawa ko dahil sa nanghihina ako. Pabilis ng pabilis
ang ginawa nya hanggang sa maramdaman ko na nilabasan na ko. Nilinis nya ito sa
pamamagitan ng binig nya kaya lalo akong nanlambot.

"Your turn." Inunan nya ang dalawang braso nya. Hindi ko alam kung bakit mabilis
akong napasunod nito. Dahil ba sa kailangan kong gawin ito o dahil sa gusto ko ang
mga nangyayari?

Sinubo ko ang kanyang pagkalalaki. Malaki ito. Mali pala. Sobrang laki nito kaya
wala pa man ako sa gitna tingin ko nasa ngala ngala ko na ito. Nanlaki ang mga mata
ko ng maramdaman ko ang kamay nya sa likod ng ulo ko at pilit itong ipinapasok.

Gusto nyang isubo ko ito ng buo. Halos magkanda samid ako dahil sa ginawa nya.
Sinimulan ko ng itaas baba ang ulo ko. Naramdaman ko ding mas lumaki ito. Tanging
ungol lamg nya ang maririnig na ingay dito sa kwarto. Maya maya pa naramdaman kong
sumabog na sya. Pikit mata ko itong nilunok. Hingal na hingal sya. Niyakap nya ko
at hinila pahiga sa kama. Kinumutan na nya din ang hubad namin katawan.

Pakiramdam ko ay pagod na pagos ako kaya mabilis akong dinalaw ng antok.

Papikit na ko ng maramdaman ko na hinalikan nya ko sa noo. Ewan ko Kung nananaginip


lang ako o totoo yung narinig ko bago ako makatulog.
"I'm sorry. I'm really really sorry. "
####################################
Love Affair no. 7
####################################

"Mag ingat ka Iha. Mabuti na din yan para gumaling na agad iyang mga pasa mo at
para makapag pahinga ka na din." Niyakap ako ni Manang Doray at niyakap ko din
naman ito pabalik. Humingi ako ng tatlong araw na bakasyon kay Manang, agad din
naman itong pumayag dahil wala naman sina Ma'am Rose at ang asawa nito kaya wala
naman masyadong gagawin sa mansyon.

"Teka, Nagpaalam ka na ba kay Sir Jake?" Umiling ako. Hindi na ko nag abalang mag
paalam sa kanya dahil malaki ang posibilidad na pigilan nya ko sa pag alis. Isa pa,
Baka magalit sya at saktan na naman ako. Kahit pa nag iba na ang ikinikilos nya
nitong mga nakaraang araw may posibilidad na saktan ulit ako nito.

"Ganun ba? Sige, Mag iingat ka." Kinuha ko na ang Bag ko at nagpaalam na din sa
kambal. Pagkalabas ko ng mansyon ay nakita ko si Mike na papalapit sa akin. Ngayon
ko na lang ulit sya nakita matapos ang insidenteng nangyari sa Garden. Hangga't
maaari ay umiiwas ako sa kanya dahil alam kong madami syang itatanong sa akin.

Nang makalapit ito ay ngumiti ako sa kanya ng alanganin. Sya naman ay seryoso lang
ang tingin sa akin. Napansin kong nakatitig sya sa mga pasa ko sa braso.

"Sya ba ang may gawa sayo nyan?" Alam kong itatanong nya sa akin iyan ngunit ang
tanga ko lang dahil hindi ko napaghandaan kung anong isasagot dyan. Alam kong pag
nagsinungaling ako sa kanya ay hindi sya maniniwala.

Tiningnan ko lang ito na para bang nakikiusap. Nakita ko ang awa sa mga mata nya.

"Bakit?" Ayaw kong may malaman pa sya dahil pagnangyari yun alam kong madadamay
sya.

"Please Mike. Please." Hindi ko alam kung para saan ang pakikiusap ko sa kanya.
Basta ayun na lang ang lumabas sa bibig ko. Gumawa sya ng isang malalim na buntong
hininga.

"Ano ba talagang nangyayari? Bakit ganun ka na lang tratuhin ni Sir Jake?" Kita sa
mga mata nya na naguguluhan sya.

"Wala. Walang Nangyayari." Sabi ko. Nagpaalam na agad ako sa kanya. May sasabihin
pa sya ngunit naglakad na ko papalayo. Ayokong madamay pa sya sa gulong
kinasasangkutan ko. Tama ng ako na lang ang nasasaktan.

"Ate!" Agad akong sinalubong ng yakip at halik ng dalawa kong kapatid pagkabukas na
pagkabukas ko ng pintuan.

"Bakit hindi mo sinabing uuwi ka ngayon ate? Teka. Bakit ganan ang itsara mo? Bakit
ang dami mong pasa?!" Bakas sa boses ni Aldwin ang pag aalala. Nakakunot ang noo ng
dalawa kong kapatid habang hinihintay ang isasagot ko.

"Nadapa lang si Ako. Pero ayos na ko." Sabi ko at nginitian sila. Hindi pa din
naaalis ang pagkakakunot ng noo nila kaya tinawanan ko na lang ang dalawa.

Pinangaralan ako ni Aldwin habang si Biboy naman ay paulit-ulit na sinasabing mag


ingat daw dapat palagi ako. Hindi ko maiwasang mapangiti sa inaasal ng dalawa kong
kapatid. Nasabi ko na bang maswerte ako dahil sila ang naging kapatid ko? Sila na
lang dalawa ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay. Mahal na mahal ko sila to
the point na kaya kong magpaalipin sa kamay ng ibang tao.

Nagpriprito ako ngayon ng tilapia nang biglang may kumatok sa pinto. Napaisip ako
kung sinong iyon. Wala naman akong inaasahan na bisita. Agad akong naghinaw ng
kamay at pinatay ang kalan tsaka pumunta sa pinto para pagbuksan ito.

Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang isang bulto ng tao na nakatayo sa
harapan ko.

"S-sir?" Kulang pa ang salitang gulat sa naging reaksyon ko ngayon. Halos manlaki
ang mata ko dahil sa hindi ko inaasahang pagsunod nya sa akin dito.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto para


makapasok sya. Agad din naman itong pumasok samantalang ako ay naiwang nakatanga
lang habang hawak pa din ang sedura ng pinto.

"So, dito ka nakatira?" Nabalik ako sa aking huwisyo ng magtanong sya. Sinarado ko
na ang pinto, sya naman ay nakatayo lamang habang nililibot nya ang paningin sa
kabuuan ng bahay.

"S-sir. Upo muna po kayo." Sabi ko at agad din naman syang umupo. Umupo na din ako
ngunit hindi ako tumabi sa kanya. May malaking pagitan sa aming dalawa.

"Bakit po kayo andito Sir?" Tanong ko habang nakatingin sa sahig. Ramdam ko kasing
nakatitig ito sa akin at naiilang ako dito.

"Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin?" Hindi naman sya galit nguniy
mahahalata ang pagtatampo sa tono ng pananalita nya. Napatingin ako sa kanya ng
wala sa oras at nakita ko ang pagkakakunot ng noo nya.

"S-sir. Ano po--" Hindi ko alam kung anong tamang salita ang sasabihin ko para
hindi sya magalit. Kailangan kong humanap ng tamang salita ng sa gayon ay hindi nya
ko mapag initan.

Nagtitigan lang kaming dalawa habang iniintay nya ang paliwanag ko ng biglang
bumukas ang pinto.

"Ate!" Nakangiting sigaw ni Biboy. Pawisang pawisan ito dahil kagagaling lang nito
sa pakikipaglaro.

"Sino sya?" Tanong naman nitong Aldwin. Napatigil sandali si Biboy ng mapansin na
hindi lang ako nag iisa.

Tumayo ako at agad din namang lumapit ang dalawa kong kapatid sa akin. Nakakunot
ang noo nitong dalawa na para bang kinikilatis kung sino ang kasama ko.

"Sir, Mga kapatid ko po. Aldwin, Biboy, Sya si Sir Jake. Ang Amo ko." Pagpapakilala
ko dito. Tumango lang si Sir Jake samantalang nakakunot pa din ang noo ng dalawa.
Para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Pasimple kong kinurot ang tagiliran ng
dalawa kaya naman napilitan silang ngumiti kay Sir.

Nag hahain na ako para sa hapunan. Medyo maayos na din naman ang pakikitungo ni
Aldwin kay Sir. Jake dahil kita kong nagkukwentuhan na yung dalawa samantalang si
Biboy ay nakahalukipkip lang sa isang tabi. Ayaw kasing maniwala na amo ko lang
sya. Ipinagpipilitan nyang boyfriend ko si Sir. Ayaw na ayaw pa naman nito na
magkakaboyfriend ako dahil sabi nya ay mawawalan na daw ako ng oras sa kanila.

Sabagay, Hindi ko lang sya basta basta amo dahil pinagbili ko na ang sarili ko sa
kanya.

"Kakain na." Sigaw ko at agad din namang nagsilapitan ang tatlo. Dito na din kakain
si Sir dahil niyaya ko ito. Nakakahiya naman kung mag kakainan kaming tatlo
samantalang sya ay nakatunganga lang. Akala ko ay tatanggi sya sa alok ko dahil sa
hindi sya nakain ng basta-basta ngunit nagkamali ako.

Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga pinggan habang si Sir. Jake ay nakaupo lang
malapit sa akin. Sya nga pala ang pinaka madaming nakain sa aming apat. Akala ko ay
hindi nya magugustuhan ang ulam dahil pritong tilapia at sinaing na galunggong lang
ang ulam namin ngunit sya pa pala ang pinaka maraming makakain sa amin.

Pinatay ko na ang gripo dahil tapos na ko sa paghuhugas. Kinuha ko yung towel na


nakapatong sa lamesa para ipampunas sa kamay ko. Si Sir. Jake ay nakaupo pa din.
Hindi pa din ito umaalis sa pwesto nya simula nang kumain kami kanina. Wala din
naman itong imik. Tinititigan nya lang ako. Ibang klase ang kung titigan nya ako
ngayon. Kung dati ay natatakot ako ngayon ilang na ilang na ako.

Nginitian ko lang ito ng alanganin ngunit wala lang syang karea-reaksyon. Kami na
lang dalawa ang gising dito. Tulog na ang dalawa kong kapatid. Pag kakain ay
pinaglinis ko na sila ng katawan at pinatulog na dahil maaga pa ang pasok nila
bukas. Mag aalas otso na ng gabi ngunit wala pa atang balak umuwi itong amo ko.

"Ano. Sir. Hatid ko na po kayo sa labas. Baka gabihin na kayo pauwi." Mahaba-haba
pa kasing eskenita ang lalakarin nito bago makarating sa kalsadahan. Nakakatakot pa
namang maglakad doon lalo na pag gabi na dahil ang daming adik at mga nag iinumang
kalalakihan ang madadaanan.

"Dito ako matutulog." Nanlaki ang mata ko ng dahil sa narinig.

"Sir! Hindi pwede!" Sa pangalawang pagkakataon ay nasigawan ko na naman ito pero


hindi na importante yon. Basta hindi sya pwede ditong matulog!

"At Bakit?" Mababakas ang iritasyon sa boses nya. Kung dati ay natatakot ako tuwing
naririnig ko ang iritasyon sa boses nya, ngayon ay hindi man lang ako tinablan
kahit kaunting takot. Pansin ko nitong mga nakaraang araw nagiging matapang na ko.

"Basta! Hindi pwede." Bakit nga ba?

"Bakit nga kasi?!" Mas kumunot ang noo nya. Mas lalo itong nairita.

"Ano. Hahanapin ka sa inyo." Pagdadahilan ko.

"Ano ako? Bata? San ba ang kwarto mo?"

"HINDI NGA KASI PWEDE!" Kulang na lang ay lumabas ang lalamunan ko sa lakas ng
sigaw ko. Ang kulit naman kasi eh! Sinabi ng hindi pwede. Hindi ako papayag. Hindi
ba to marunong umintindi?!

***

"Umipod ipod ka nga. Ang sikip!" Itinulak ko sya kaso ang loko, mas hinigpitan ang
yakap sakin. Hindi tuloy nahulog. Sayang! Malakas ang loob kong sigaw sigawan at
itulak tulak tong amo ko ngayon. Aba, baket? Baka nakakalimutan nya nasa pamamahay
ko sya. Sya tong nagpumilit na makitulog dito at ipagsiksikan ang sarili nya.
Magdusa sya!

"Wag ka ngang masyadong dumikit. Naiinitan ako." Hindi man lang to sumagot. Mas
lalo pa ngang isiniksik ang mukha nya sa leeg ko e. Hinigpitan pa lalo yung
pagkakayakap sakin. Nang aasar ba to? Dikit ng dikit alam namang mainit. Isa lang
kasi electric fan namin at iyon ay ginagamit ng mga kapatid ko sa kabilang kwarto.
Buti na lang at bukas tong bintana dito kahit papaano ay may pumapasok na hangin
dito sa kwarto.

"Galit ka pa sakin?" Hindi ko inaasahan na itatanong nya sa akin iyan sa


pangalawang pagkakataon. At dahil sa itinanong nya yan ay naisip kong kaya nya ako
sinundan ay dahil sa nangyaring pananakit nya sa akin. Bakit pa? Para mag sorry?
Malabo. Sa panaginip ko lang nakikitang magsosorry si sir. Pero sa totoong buhay?
Napaka imposibleng mangyari yun.

"Ewan ko. Siguro." Maging ako ay naguguluhan sa nararamdaman ko. Bigla bigla na
lang ay parang bulang nawala ang galit ko sa kanya. Nawala yung pagkamuhi ko, yung
takot. Ewan ko ba. Dahil siguro nagbago na sya? Nagbago na ba talaga sya?

Pero aaminin ko na kahit papaano may natitira pa ding sama ng loob dito sa puso ko.
Hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan yung mga pangyayari di ba? Pag naaalala
ko yung mga pinagsasabi nya sa akin ay parang may martilyong pumupukpok sa puso ko.
Nasasaktan pa din ako.

Ito ngang mga pasa ko ay hindi pa masyadong magaling paano pa kaya yung
nararamdaman ko dito sa loob ko?

Nagulat ako ng bigla biglang pumaibabaw sya sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil
narinig kong tumunog ang kama.

"Ano ba?! Hindi pwede! Tingnan mo oh, Baka magiba tong kama." Hinampas ko ito
ngunit hindi man lang ito natinag. Para bang wala lang itong narinig.

"Look at me." Sabi nya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Naiilang ako
kaya nag iwas ako ng tingin. Agad din naman nyang hinawakan ang mukha ko at pilit
akong pinatingin sa kanya.

Ngayong magkatitigan na kami, hindi ko na alam kung paano babawiin ang tingin ko sa
kanya. Sobrang lapit ng mga mukha namin na pati ang paghinga nya ay nararamdaman ko
na.

Sa hindi malamang dahilan ay parang may nag press ng button sa puso ko at bigla
bigla itong bumilis sa pagtibok.

Napapikit ako ng maramdaman kong hinalikan nya ako sa noo. Pagkatapos noon ay
bumaba sya hanggang sa may tyan ko. Akala ko ay may balak syang halayin akong gabi
ngunit napakunot ang noo ko ng kinuha nya ang kanang kamay ko.

Ngumiti sya sa akin at pagkatapos noon ay itinapat nya ang kamay ko sa labi nya.
Noon ko lang napag tanto na iniisa isa nyang halikan ang mga pasa at sugat ko sa
aking katawan.

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa
mga oras na ito. Hindi ko alam kung para saan tong mga pesteng luha ko.

Napatigil sya sa ginagawa nya ng mapansin nyang umiiyak ako. Sandali syang tumigil
sa ginagawa nya at marahang pinunasan ang mga luha ko. Pagkatapos noon ay ngumiti
sya, ngiting mas lalong nagpabilis ng pagtibok ng puso ko.
####################################
Love Affair no. 8
####################################
"Sir dito lang po muna kayo. Mag iigib lang po ako ng tubig sandali." Napatigil sa
pagkain si Sir.Jake. Napatingin sya sa timbang hawak ko kasabay ng pag kunot ng noo
nya.

"San?" Kunot noong tanong nya

"Sa may kanto lang po Sir. Mag iigib lang ng tubig para may pampaligo po kayo Sir."
Mahirap kasi dito ang daluyan ng tubig sa amin. Tulad na lang ngayon, wala na
naman. Palaging nawawalan ng tubig dito lalo na pag ganitong katanghaliang tapat.

"Sama." Tumayo sya at kinuha ang timbang hawak ko.

Tumango na lang ako. Nauna na syang maglakad palabas. Tinakluban ko muna ang
pagkaing kinakain nya dahil baka langawin ito. Mag dadalawang araw na nga pala
syang namamalagi dito sa amin. Kapag naman tinatanong ko kung bakit nya ginagawa to
ang palagi lang nyang isinasagot ay 'Trip'. Kapag naman tinatanong ko kung hanggang
kelan sya dito, ang isinasagot naman nya ay 'Baket? Hanggang kelan mo ba gustong
mag stay dito?' Hays! Ang galing kausap. Kaya sa huli, itinigil ko na ang
pagtatanong dahil ako lang din naman ang napupurwisyo.

Sinarado ko na ang pinto ng bahay namin at inilock ito. Wala kasi ang dalawa kong
kapatid dahil mamaya pang alas kwatro ang tapos ng eskwela nila. Malayo layo din
kasi ang pagkukuhanan namin ng tubig. Usong-uso pa din naman dito ang nakawan sa
lugar namin.

Magkasabay kaming maglakad habang ang hawak nya sakaliwang kamay ang timba. Pansin
kong pinagtitinginan sya ng mga taong makakasalubong namin lalo na ng mga
kababaihan. Hindi ko maiwang mainis. Dapat pala ay hindi ko na lang sana sya sinama
sa pag iigib! Kahit kasi simpleng puting T-shirt at short lang ang suot nito ay
lutang na lutang pa rin ang kagwapuhan.

Pumila kami sa pinaka dulo ng makarating na kami kung saan ang kuhanan ng tubig.
Mahaba ang pila sabayan pa ng init ng panahon kaya naman sobrang pawis na pawis na
ako. Napatingin ako sa katabi ko na diretso lang nakatingin sa unahan nya. Buti pa
tong isang to, kahit na pawis na pawis na din ay fresh na fresh pa din.

"Mariel!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig kong may tumawag sa likuran ko.
Nakita ko naman si Angelo na tumatakbong papalapit sa akin.

"Sabi na nga ba eh! Ikaw yan! Kamusta ka na?! Ang tagal nating hindi nagkita. Ang
ganda mo!" Bigla akong niyakap ni Angelo. Napangiti ako ng dahil sa sinabi nya. Si
Angelo ay kapit bahay namin. Isa sya sa mga kaibigan ko dito sa baryo namin.

Magsasalita na sana ako nang maramdaman ko ang paghapit ng bewang sakin ng katabi
ko. Bigla kong naalala na may kasama ako. Kasabay ang pagalaalang iyon ang pag
alala na ginagawa nya sakin tuwing may lumalapit sa aking lalaki.

"Sino sya?" Kumunot ang noo ni Angelo ng makita na may kasama pala ako. Samantalang
ako naman ay nanlalambot na ang tuhod dahil sa takot. Natatakot akong baka
kaladkarin ako ni Sir pabalik sa bahay at saktan na naman ako. Hinihiling ko sa
Diyos na sana ay umalis na lang si Angelo sa harap namin para tapos na ang gulo
ngunit hindi nito tinupad ang dasal ko. Nakatayo pa din si Angelo habang iniintay
ang isasagot ko.

"Jake. Amo nya." Napatingin ako kay Sir ng marinig kong nagsalita ito. Nakita kong
nag iigting ang panga nito habang masamang nakatingin kay Angelo. Dumoble ang
kabang nararamdaman ko ng dahil sa nakita.
"Amo mo to Mariel?! Nice meeting you Sir!" Bumalik ang ngiti ni Angelo at inilahad
ang kamay kay Sir Jake para makipag kamay ngunit hindi ito tinanggap ni Sir Jake sa
halip ay iniharap nya ako sa kanya at siniil ng mainit na halik. Napapikit ako ng
maramdaman ng kumakatok ang dila nya sa labi ko. Napakapit ako sa braso nya para sa
suporta samantalang sya ay nakayakap lang sa bewang ko. Mabagal lang ang halik sa
una hanggang sa pabilis ito ng pabilis. Parang bula na naglaho bigla ang
nararamdaman kong takot para kay Sir. Sya din ang unang bumitaw ng halik. Kapwa
kami habol ang hininga ng dahil sa nangyari.

Nabalik ako sa realidad ng narinig kong may tumikhim sa tabi ko. At para akong
tinubuan ng kamatis sa mukha ng maalala ko kung nasaan kami. Nang tumingin ako sa
paligid hiniling ko sa Diyos na sana ay lamunan na lang ako ng lupa sa kahihiyan
dahil lahat ng tao dito sa paligid ay napatigil sa ginagawa nila at lahat sila ay
nakatingin samin.

***

"Sir. Ano ba?! Wag ka ngang magulo. May ginagawa ako!" Bulyaw ko sa kanya at
tinignan ng masama pero imbis na matakot sya ay humalakhak lang sya ng tawa. Baliw
talaga!

"Ang bango mo naman." Bulong nya sa tenga ko kasabay nun bumaba ang labi nya sa
leeg ko. Nakikiliti ako sa ginawa nya kaya umiwas ako.

"Sir! Ang harot nyo. Tumigil ka nga!" Nakita kong napatigil sa ginagawa si Sir at
kasabay nun ang pagkunot ng noo nito. Napalunok ako. Mukhang may mali ata akong
nasabi ah.

"Ako?! Maharot?! Ah ganon ha." Kiniliti nya ako. Tawa lang ako ng tawa dahil
malakas pa man din ang kiliti ko. Parang wala naman syang naririnig dahil tuloy pa
din sya sa ginagawa nya. Napahiga na nga ako sa upuan kakaiwas sa kamay nya.
Pinipilit kong hulihin ito ngunit ayaw nyang paawat. Halos kapusin na ko ng hininga
kakatawa. Maya maya pa ay tumigil na din sya sa ginagawa nya.

Nasa bahay na nga pala kami ngayon at nagtitiklop ako ng mga damit namin. Hindi ko
matapos tapos tong ginagawa ko ng dahil sa pangungulit ni Sir. Naalala ko na naman
tuloy yung ginawa namin kanina. Hindi na ko magtataka kung machichismis ako dito sa
amin.

Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan namin. Nagkatinginan muna kami ni Sir bago
ako tumayo para tingnan kung sino man yung kumakatok na yon. Pag bukas ko ng pinto
ay nakita ko si Aling Melba na nakatayo habang may hawak na pamaypay at
pinapaypayan ang kanyang sarili.

"Maniningil ako ng renta sa bahay." Walang kaabog abog na sabi nito. Pinagtaasan pa
ko ng kilay.

"Akala ko po ba napag usapan na natin to? Hindi po ang sabi ko sa inyo ay sa isang
linggo pa ako makakabayad dahil hindi pa naman ako nakakasweldo." Sabi ko. Ayun
naman kasi talaga ang napagkasunduan namin.

"Hindi na pala. Wala akong pera ngayon. Kelangan ko ngayon yung bayad sa renta sa
bahay. Ngayon na." Mas lumakas ang boses nito kaya napatingin yung mga tao na
dumadaan malapit sa bahay namin.Medyo napahiya ako kaya naman tumungo na lang ako.
Nag iisip din ako kung paano masosolusyunan ang problemang ito. Tulad nga ng sabi
ko ay sa isang linggo pa ang sweldo ko at wala naman akong extra na pera sa ngayon
dahil ibinigay ko lahat sa kapatid ko.

"Pero--" Magsasalita pa sana ako ng maramdaman kong may yumakap sakin galing sa
likod ko. Pinatong pa nya ang baba nya sa balikat ko.

"May problema ba?" Tanong ni Sir gamit ang malambing na boses. Nabato ako sa
kinatatayuan ko kaya hindi ako nakasagot agad. Parang tanga yung puso ko dahil
bigla bigla na lang kumalabog ito. Pakiramdam ko din ay parang may nagliliparang
paro-paro sa tyan ko. Parang may hindi tama.

"Boyfriend mo ba yan, Mariel?" Sabay turo ni Aling Melba kay Sir. " Aba at maswerte
ka. Gwapo at mukhang mayaman. Sa kanya ka na lang humingi ng pera pambayad sa utang
mo para may pakinabang naman yan sayo." Tumatawang wika ni Aling Melba. Narinig
kong nag igting ang panga ni Sir. Kinalas din nya ang pagkakayakap sa akin at
pumwesto sa tabi ko. Kita ko ang mga mata nyang matalim na nakatingin kay Aling
Melba ngunit hindi man lang nagpatinag si Aling Melba at nakuha pa nitong pag
taasan ng kilay si Sir.

"Magkano kelangan mo?" May diin sa bawat salita ni Sir. Natatakot ako para kay
Aling Melba dahil baka kung anong magawa ni Sir sa kanya.

"Anim na libo lahat-lahat. Kasama na dun yung upa nung isang buwan tapos--" Mabilis
na dinukot ni Sir ang wallet sa kanyang bulsa tapos ay kumuha ng pera doon. Hindi
na natapos ni Aling Melba ang sasabihin ng sabuyan sya nito ng pera sa mukha.
Napatulala si Aling Melba ng ilang segundo. Nang matauhan ito ay tiningnan nito ng
marahas si Sir pagkatapos ay lumuhod na ito at isa-isang pinulot ang pera na
nagkalat sa lupa.

Naalala ko bigla na ginawa din ni Sir yan sa akin noong nagalit din sya dahil
inakusahan nya kong nagbibigay ng pera sa lalaki ko.

"Labing limang libo yan. Simutin mong lahat yan pagkatapos wag na wag ka mo ng
ipapakita yang pagmumukha mo dito" Hinila na ako ni Sir papasok at pagkatapos ay
malakas nyang sinaraduhan ang pinto. Naiwan namin si Aling Melba doon na kaluhod
habang panay pa ang pagsimot ng pera. Nakaramdam ako ng awa kay Aling Melba ngunit
sandali lang iyon. Nang maisip ko ang mga sinabi nya kani-kanina lang at ang pag
aalipusta at pag papahiya nya sa akin sa harap ng kapit-bahay ay nakaramdam ako ng
saya. Ito na ba ang tinatawag nilang karma?

Napansin kong nakaupo na si Sir sa silya naming kawayan habang hinihilot nya ang
kanyang sintido. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Magpapasalamat ako sa
kanya. Ngayon, Sigurado akong nagbago na sya. Hindi na sya katulad ng dati na
palaging galit sa akin at kulang na lang ay ipagduldulan nyang mali ako at madumi
akong babae. Wala man akong ideya kung anong dahilan ng pagbabago nya, masaya ako
dito at sana talaga ay magtuloy tuloy na.

"Sir. Salamat po." Napamulat sya at tumingin sakin ng marinig nya ang boses ko.

"Saan?" Kunot noong tanong nya.

"Dun po sa pagtatanggol nyo sakin kanina tsaka po--" Napatigil ako ng sasabihin ng
yakapin nya ako ng mahigpit at nilagay nya ang ulo ko sa dibdib nya.

Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng puso nya. Ambilis nito. Ang sarap pakinggan.
Parang musika sa aking pandinig. Sa lahat ng musikang narinig ko, ito ang pinaka
paborito ko.

"Sir. Wag kang ganyan. Baka masanay ako." Natatawang sabi ko. Hindi ko kita ang
reaksyon nya ngunit narinig ko ang mahinang tawa nito kasabay ang paghaplos nito sa
buhok ko.

"Edi masanay ka na." Sagot nito


####################################
Love Affair no. 9
####################################

Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Sir papalapit sa mansyon. Ilang beses ko ng


sinusubukang tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak nya ngunit mas hinihigpitan
lamang nya ito.

Nang malapit na kami sa pinto ay nakasalubong namin si Mang Kaloy na ngayon ay


nakatingin sa amin. Lumipat ang tingin nya sa kamay naming magkahawak. Babawiin ko
na sana ang kamay ko ngunit mabilis nyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.

Nang makalapit kami dito ay agad din nito kaming binati. Mabuti na lang at hindi
palatanong at madaldal si Mang Kaloy kaya tiyak na hindi ito magiging problema.
Nahihiya lamang ako sa maaaring isipin ng matanda sa amin ni Sir.

Tinanguan lang ni Sir si Mang Kaloy samantalang ako ay pilit na ngumiti lamang sa
matanda. Halatang nagtataka ang matanda sa nangyayari ngunit hindi ito nagtanong sa
amin. Nilampasan lang namin ito at nang makapasok na kami ng bahay ay agad tinawag
ni Sir si Manag Doray. Nang marinig ko ang mga yapak ng paa na papunta sa amin ay
agad kong hinigit ang kamay ko kay Sir. Galit na tumingin ito sa akin. Kukunin sana
ulit ni Sir ang kamay ko ngunit mabilis akong nakalayo dito.

"Sir! Salamat sa Diyos at umuwi ka rin! San ka ba nagsususuot bata ka?! Alam mo
bang hindi alam ng magulang mo na nawawala ka! Hindi na namin alam ang sasabihin
naming palusot pag tumatawag sila dito at hinahanap ka." Tuloy-tuloy na sermon ni
Manang Doray. Hindi sinasadyang mapatingin sya sa gawi ko. Agad kumunot ang noo nya
ng mapansing nakatayo din ako malapit sa kinaroroonan ni Sir.

"Magkasama kayong dalawa?!" Gulat na gulat na tanong ni Manang

"Hindi po!" Sigaw ko habang umiiling iling pa.

"Nakasabay ko lang po si Sir sa pagpasok sa loob ng Mansyon. Tsaka ano pong sabi
nyo? Nawala si Sir?" Kunyaring hindi makapaniwalang tanong ko. Agad din namang
tumango si Manang. Tiningnan ko si Sir na nakabusangot na ang mukha ngayon.
Pinanlakihan ko sya ng mata na parang sinasabing makisakay sya sa sinasabi ko.

Lalo lang nairita si Sir sa ginawa ko. Tingnan mo tong lalaking to! Kahit kelan
hindi marunong makisama. Narinig kong pumalatak ito bago umakyat sa taas ng hindi
man lang nagpapaalam samin ni Mang Doray.

***

Maaga akong nagising dahil wala pang alas otso kagabi ay nakatulog na ako. Hindi na
din ako pinagawa ni Manang Doray kahapon dahil baka napagod daw ako sa byahe kaya
mas mabuting magpahinga na lang daw muna ako. Nang palabas na ako ng kwarto ay
narinig ko ang sunod sunod na pag ubo galing sa katabing kwarto ko.

Kumatok ako ng dalawang beses ngunit ng walang sumasagot ay pinihit ko na ang


sedura ng pinto. Nakita ko si Mang Doray na nakahiga pa sa kama habang nakapikit at
ang kanang braso ay nakapatong sa noo nya. Wala ding tigil ang pag ubo nito.
Nilapitan ko ito pinakiramdaman kung mainit ba ito. May kaunting sinat ito kaya
napagpasyahan kong ako na lang ang magluluto ng almusal. Bago ko nilisan ang kwarto
ay pinakain ko muna ito at pinainom ng gamot.

Nagpiprito na ako ngayon ng hotdog ng maramdaman kong may yumakap sa bewang ko.
Pinatay ko muna ang kalan bago ko ito hinarap. Pagkaharap na pagkaharap ko pa lang
ay sinalubong na nya agad ako ng mainit na halik. Pagkatapos noon ay pinagdikit nya
ang noo namin at ngumiti sya. Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay palagi na
itong nakangiti. Walang pag aalinlangan na nginitian ko din ito pabalik.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang isang kamay nya na pumasok sa T-shirt ko
at inabot nito at kaliwang dibdib ko. Napakapilyo talaga! Nagsimula na nya itong
himasin kaya hindi ko na napigilan pang lumabas ang ungol na nagmula sa bibig ko.

Nang matauhan ako ay bigla ko itong naitulak. Bakas ang iritasyon sa mukha nya.

"Baka may makakita." Paliwanag ko kahit na alam kong wala namang tao sa mansyon
dahil ala singko pa lang na umaga. Si Manang Doray ay may sakit kaya imposibleng
makapunta sya dito ngayon. Si Mang Kaloy at Mike naman ay bihirang bihira lang
pumasok sa Mansyon. Samantalang ang kambal ay Alas Siete pa kung gumising.

Lumapit ulit si Sir sa akin na para bang walang narinig. Nakatingin lang sya sa
akin habang ginantihan ko lang din ito ng titig. Maya maya pa ay naramdaman ko ng
pinasok na kamay nya short ko. Napapitlag ako sandali ngunit hindi ko pa din
inaalis ang titig ko sa mga mata ni Sir. Naramdaman kong pinapasadahan nya ng kamay
ang pagkababae ko ngunit inilalayo din kaagad. Napapakagat labi ako ng dahil sa
ginagawa nya. Gusto ko syang pigilan dahil hindi dapat namin ginagawa itong mga
ganitong bagay sa lugar na to ngunit sa kabilang parte ng isip ko ay may
nagsasabing ayos lang ang ginagawa ko.

Napakapit ako sa balikat ni Sir ng maramdaman kong ipinasok na nya ang isang daliri
nya sa pagkababae ko. Mabilis nya itong pinagalaw at paminsan minsan ay
nararamdaman kong pinapaikot-ikot pa nya ito sa loob.

"Ahh" Napaungol ako ng maramdaman kong dinagdagan pa nya ng dalawang daliri ito.
Wala sa sariling napapatingala ako. Napapahigpit ang kapit ko kay Sir tuwing
mararamdaman kong isinasagad nito ang pagpasok.

Hindi sinasadyang mapatingin ako sa mukha ni Sir. Ang una ko agad napansin ay ang
mga mata nitong nakatitig sa akin habang walang humpay na nilalabas masok nya ang
mga daliri nya sa pagkababae ko. Napansin kong napapangisi sya tuwing umuungol at
kinakagat ko ang labi ko. Marahil ay natutuwa syang makita ang reaksyon ng mukha ko
tuwing nangyayari sa amin ito.

Sa huli ay ipinatong ko na lang ang ulo ko sa balikat ni Sir hanggang sa marating


ko ang kasukdulan.

Nanlalambot ako kaya muntik na akong matumba ngunit nahawakan naalalayan agad ako
ni Sir kaya hindi nanguari iyon. Dahan-dahan nyan inalis ang mga daliri nya sa
pagkababae ko at pagkatapos non ay itinaas nya ito para ipakita sa akin. Halos
mamula ako sa sobrang hiya ng makita ko na basang basa ang tatlong daliri nya at
iyon ay sahil sa akin.

"Tsk tsk tsk tsk tsk" Iiling-iling ito ngunit malaki ang ngisi sa kanyang labi.

"Taste it." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Itinapat nito ang kanyang
daliri sa aking bibig.

"Huh?" Tanong ko kahit alam kong narinig ko naman. Hindi lang ako makapaniwala sa
ipinagagawa nya dahil ito ang unang beses na sinabi nya sa akin iyon

"Taste it." Ulit nito at mas lalong idinikit ang ito sa labi ko.

Dahan-dahan kong ibinuka ang labi ko at isinubo ang daliri na nanggaling sa


pagkababae ko. Nakatingin lang ako sa mga mata nya habang ginagawa ito. Nakita ko
ang lalong pagngisi nito matapos kong gawin iyon.

Inayos ko na ang aking sarili habang nakamasid lang si Sir sa akin. Pagkatapos ay
lumayo sya sa akin at kumuha ng baso. Nagtatakang sinundan ko ito ng tingin.
Binuksan nya ang fridge at sinalinan ng tubig ang basong hawak nya. Akala ko ay
iinumin nya ito ngunit naglakad ito papalapit sa akin at inilahad ang basong hawak
nya. Kunot noong tinaggap ko ito at ininom ang tubig. Pagkatapos ay naglakad na ito
papalayo sa akin habang may malaking ngisi pa din na sa kanyang mga labi.
####################################
Love Affair no. 10
####################################

Humigpit ang yakap nya sa akin kaya mas lalo akong napalapit sa kanya. Ramdam na
ramdam ko ang init ng balat nya dahil sa wala kaming anumang kasuotan. Tanging ang
kumot lang ang nagtataklob sa aming katawan.

Kanina ko pa syang pinaaalis dito sa kwarto ko dahil mag uumaga na. Baka may
makakita sa kanya pag labas nya dito. Dito na si Sir Jake nagpalipas ng gabi si
kwarto ko. Naalimpungatan na lang ako kagabi ng maramdaman kong may mabigat na
nakapatong sa akin.

"May gamot ka pa?" Tanong nito habang nakasiksik ang mukha nya sa leeg ko. Ang
gamot na tinutukoy nya ay ang pills na iniinom ko para hindi ako mabuntis. Isa ito
sa mga napagkasunduan namin.

Tumango ako.

"Sabihin mo sakin pag wala na. Ibibili ulit kita." Hindi ko na lang sya sinagot at
ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Inaantok pa din kasi ako e.

Papikit na sana ako ng maramdaman ko na tinanggal ni Sir ang kumot na nagtataklob


sa katawan namin at pagkatapos noon ay agad din syang pumaibabaw sa akin.

Napairap na lang ako dahil sa ginawa nya. Wala pa ata sa tatlong oras ang tulog ko
kagabi dahil sa hindi nya ko tinigilan ngunit ngayon ay mag uumpisa na naman sya.
Nakita ko ang pag ngisi nya.

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at inilagay ito sa ulunan ko. Sinimulan na din
nya akong halikan sa aking labi. Walang anu-ano'y nawala bigla ang antok ko.
Nagsisimula na ding mag init ang aming mga katawan.

Pinasadahan nya ng haplos ang aking pagkababae na naging dahilan para mawala ako sa
ulirat. Napapakagat labi ako sa tuwing ginagawa nya ang bagay na iyon.

"Mariel masama pa din ang pakiramdam ni--"

Agad kong naitulak si Sir ng marinig ko ang boses ni Jupiter. Para akong binuhusan
ng malamig na yelo ng makita ko sya sa tapat ng pintuan habang nakanganga.
Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa amin ni Sir. Agad kong kinuha ang kumot ng
maalala kong wala nga pala akong kahit na anong suot.

"What?" Bakas ang pagkairita ni Sir. Wala man lang pagkabahala na mababakas sa
mukha nya.

Napapitlag si Jupiter ng tignan sya ni Sir. Agad din nyang sinarado ang pinto.
Napasapo ako sa noo ko ng dahil sa nangyari. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko.
Maaaring sabihin ni Jupiter sa kambal nya at kay Manang Doray ang nangyari. Tapos
malalaman din ni Ma'am Rose. Ito na ata ang katapusan ko. Gusto kong sisihin si Sir
Jake ang may kasalanan kung bakit kami nahuli. Bakit kasi hindi nya inilock ang
pinto nang pumasyok sya dito? Pano na lang ang mga kapatid ko pag pinalayas ako
dito? Anong trabaho ang ipapalit ko?

Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Ano na lang tumatakbo sa isip ni Jupiter
ngayon? Namalandi ako kasi inakit ko si Sir? Bwisit na buhay to! Paano na to
ngayon?

Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Agad ko din namang pinahid ang luha
ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Sir at ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko.

Gusto ko syang sumbatan pero alam kong may mali din ako. Bakit kasi hindi kami nag
iingat! Nakakahiya kay Ma'am Rose pag nalaman na nya ang tungkol dito. Ang bait
bait ng pagtrato nya sa akin pero ganito ang igaganti ko sa kanya. Bakit ngayon ko
lang na realize ang mga bagay na ito?! Ang tanga-tanga ko.

Tinanggal ko ang pagkakayakap kay sakin ni Sir at tsaka ako tumayo. Pinulot ko ang
nagkalat na damit namin.

"Tama na Sir. Umalis ka na muna." Sabi ko at tinalikuran sya. Agad akong nagbihis
ng damit at pagkatapos noon ay basta na lang ako lumabas ng aking kwarto. Hindin ko
na tiningnan kung anong reaksyon nya.

***

"Bakit?" Tanong ni Jupiter habang nakatingin sa kalangitan. Andito kami ngayon sa


garden. Pasado Alas dose na ng madaling araw at nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog
ng maalimpungatan ako sa katok ni Jupiter. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan
ay hinila na nya agad ako papunta dito.

Kanina ay hindi nya ako pinapansin. Ramdam na ramdam ko na iniiwasan nya ko kaya
hindi ko alam kung mas kakabahan ba ako o ano. Tingin ko naman ay wala pa syang
pinagsasabihan kahit kanino dahil hindi naman nagbago ang turing sakin ng mga tao
dito lalo na si Venus.

"Bakit Mariel?" Ulit nya. Ngayon ay nakatingin na sya sa akin ngayon. Nahihiya ako
sa kanya kaya ako ang nag iwas ng tingin.

Ibang tao ang kaharap ko ngayon. Hindi yung palabiro at masayahing Jupiter. Ang
nasa harap ko ngayon ay malungkot at masama ang loob na Jupiter.

Gusto ko syang sagutin sa tanong nya ngunit hindi ko alam kung paano. Narinig ko
syang bumuntong hininga.

"Sorry." Ayun lang ang alam kong pwedeng sabihin sa kanya sa mga oras na ito. Kahit
na hindi ko alam kung para saan ang paghingi ng tawad ko.

"Ano ba kasing nangyari?" Napaisip ako kung sasabihin ko ba ang lahat sa kanya. Ano
pang saysay ng pagsisinungaling ko? Siguro ay okay lang naman na may mapag sabihan
ako para kahit papano ay may isang nakakaalam kung gaano kahirap ng dinadala ko.

Sinabi ko ang lahat sa kanya. Simula sa napagkasunduan namin hanggan eksenang


nahuli nya kami. Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin pagkatapos kong
magkwento.

Akala ko ay hind sya naniniwala sa akin ngunit nagulat ako ng bigla nya akong
yakapin. Sa sobrang higpit nito ay halos hindi na ako makahinga.

"Naku, Sorry. Sorry. Sorry ha. Kanina hindi kita pinapansin. Hindi lang talaga ako
makarecover sa nakita ko ha. Sorry talaga. Dapat pinagpaliwanag muna kita bago
sumama ang loob ko sayo." Sunod-sunod na sabi ni Jupiter.

"Ano ka ba. Ayos lang yon." Sabi ko habang natatawa. "Pwede favor? Wag mong
ipagsasabi kahit kanino ang napag usapan natin. Kahit kanino." Nakita ko naman na
natigilan sya sandali.

"Okay." Sabi nya at ngumiti ng nakakaloko.


"Kaso sa isang kondisyon." Pagpapatuloy nito. Napakunot naman ang noo ko dahil sa
narinig.

"Ano?" Takang tanong ko.

"Ilapit mo ko kay Papa Mike." Aniya at humalakhak na ng tawa. Baliw talaga.


Napatawa na lang din ako dahil sa sinabi nito. Para akong nabunutan ng isang
malaking tinik sa dibdib. Wala na akong dapat pang problemahin sa ngayon.

"Nagbago ba ang tingin mo sa akin ngayon Jupiter?" Kumunot ang noo ni Jupiter.
Hinawakan ang dalawang pisngi ko at inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.

"Ahmm. Mas humaba ang pilik mata tapos medyo hmm konti lang naman na lumaki ang
eyebags mo." Sabi nya na hindi man lang inaalis ang tingin sa mukha ko.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin!" Angil ko sa kanya. "Yung tingin mo sakin ngayon?
Malandi ba? Maharot? Pinadidirian mo ba ako kasi may nangyayari sa amin ni Sir?"
Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Hmm. Hindi. Bakit ko naman maiisip yun? Sira!" Nakahinga ako ng maluwag dahil sa
narinig. Mabuti na lang at hindi basta basta nanghuhusga ng tao si Jupiter.
Maswerte na din ako dahil si sya ang nakakita sa amin.

"Ang hot nyo nga kanina e!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Agad ding
nag init ang pisngi ko.

"Jupiter!" Saway ko dito ngunit hindi man lang natinag. Tatawa-tawa pa din ito na
para bang walang narinig.

"Bakit? Anong masama dun? Akala ko ba gusto mong malaman opinyon ko?" Tatawa tawang
sabi nito. Gusto ko ngang makuha kaso hindi yung tungkol sa pagsesex namin!

"Kung makapagreact ka nga kanina yung mata mo tirik na tirik. Dinaig mo pa yung
tirik ng araw" Humahalakhak na sabi na naman nito. Sinubukan ko itong hampasin
ngunit nakaiwas kaagad sya.

"Tama na. Tama na. Hindi na ko mang aasar. Promise." Hinahapong sabi nito habang
iniilagan ang bawat hampas ko sa kanya. Tumigil na din ako dahil sumasakit na din
ang mga braso ko. Katahimikan ulit ang nangibabaw sa amin.

"Swerte mo Mariel." Napalingon ako sa kanya ng magsalita sya. Seryoso na ulit sya
at ngayon ay nakangiti na sya. Kumunot ang noo ko at inintay ang susunod nyang
sasabihin.

" Dati naaawa ako sayo kasi kung tratuhin ka ni Sir Jake parang hindi ka tao. Lagi
kang pinapahiya at pinapagalitan. Kulang na nga lang paluhurin ka nya sa harap nya
sa harap ng madaming tao. " Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Naisip
ko yung ginagawa nya sa akin nung mga panahong kinammumuhian pa nya ako.

" Tapos ngayon napag isip-isip kong swerte ka pala kasi iba ang turing nya sayo.
Mas nauna akong magtrabaho dito kesa sayo Mariel kaya alam na alam ko na ang ugali
ni Sir. Ikaw lang ang nakapag pagalit kay Sir na kulang na lang lumabas ang litid
sa leeg nya. Ikaw lang ang kilala kong babae na binibigyan ni Sir ng mahabang oras
para makasama ka. Ikaw lang ang tinitignan ni Sir ng kakaiba. Ikaw lang Mariel.
Ikaw lang."

" A-anong ibig mong sabihin?" Kinakabahan kong tanong. Parang alam ko na kung anong
patutunguhan ng usapan na to pero ayokong magexpect.

"Gusto ka nya."
####################################
Love Affair no. 11
####################################

Ipinatong ko ang bowl na may lamang pop corn sa lamesa. Pinakiramdaman ko si Sir
kung may iuutos pa sakin. Nakaupo sya sa sofa habang nakapatong ang dalawang paa sa
lamesa. Movie Marathon naman ang pinagkakaabalahan nito ngayon.

Naiiling na lang ako dahil sa katamaran nitong amo ko. Aalis na sana ako dahil wala
naman ata syang ipag uutos pa sakin nang bigla na lang hinila nya ang kamay ko na
dahilan para mapaupo ako sa tabi nya.

Pagkatapos ay binitawan nya ako at kinuha nya ang bowl sa lamesa. Kumuha din sya ng
unan at ipinatong ito sa binti nya. Inakbayan nya ako gamit ang kaliwang kamay
habang ang isa ay pinangkukuha nya ng pop corn.

Luminga-linga ako sa paligid para makasiguradong walang nakakakita sa ayos namin


ngayon. Kahit na medyo naiilang ako ay hindi ko na lang ipinahalata at itinuon ko
na lang ang atensyon ko sa panunuod ng movie.

Ang palabas ay tungkol sa isang bata na isinilang na may sakit. Ipinanganak syang
parang matanda ang balat. Namatay ang nanay nya dahil sa panganganak sa kanya.
Itatapon na sana sya ng tatay nya kaso nagbago ang isip nito at idanala ito sa home
for the aged. Inalagaan sya ng mga tao dito. Habang lumalaki sya pabata ng pabata
ang itsura nya hanggang sa mag mahal sya at nagka anak sila. Ang ending ng kwento
ay ang asawa nya ang nag alaga sa kanya hanggang sa namatay na ito.

Hindi ko namalayan na hanggang sa matapos ang pinapanood namin ay nakaakbay pa rin


si Sir sa akin. Tatanggalin ko na sana ang kamay nya ng mas lalo nya itong
hinigpitan.

"Bakit malungkot ka?" Tanong nito. Sasabihin ko sanang dahil naaawa ako sa bida
kaso baka isipin naman ni Sir na napaka arte ko kaya mas minabuting umiling na lang
ako.

"Bakit nga?" Pamimilit nito.

"Wala nga po Sir." Narinig kong bumuntong hininga sya at inalis ang pagkakaakbay sa
akin. Naramdaman ko ang pangangalay dahil halos dalawang oras kami na nasa ganong
posisyon.

"Magbihis ka mamayang gabi. May pupuntahan tayo." Tumango na lang ako kahit wala
akong kaide ideya kung saan kami pupunta. Hayy. Bahala na.

***

"Dyuskoday! Anong klaseng get up yan?! Aminin mo, Ikaw ang founder ng jologs no?"
Ani Jupiter habang kinikilatis ang suot ko. Humarap ako sa salamin. Okay naman ang
suot ko ah. Nakatokong ako tapos ang damit ko ay tshirt na may tatak na hello
kitty. May kalumaan na ang damit ko kaya may kaunting butas sa may bandang leeg.
Mabuti na lang at gabi ngayon kaya hindi masyadong mapapansin. Nag rubber shoes na
din ako dahil nakakahiya naman kung magtsitsinelas lang ako. Wala naman kasi akong
mga doll shoes o sandals.

"Ano ba yan?! Makikipagdate ka ng ganan ang ayos!" Bulyaw na naman sa akin ni


Jupiter.

"Pwede na to. Ito na pinaka maayos kong damit. Tsaka hindi ito date. Nagpapasama
lang sya sa akin." Mag iisang linggo na kasi akong hindi naglalaba dahil nga
nagkasakit si Manang. Naisuot ko na yung mga magagarang pang alis ko kahit dito
lang naman ako sa bahay.

Sasagot pa sana si Jupiter nang napatigil ito dahil sa katok ng pinto. Agad akong
kinabahan. Hanggang ngayon kasi ay wala pa din akong ideya kung saan kami pupunta.
Bubuksan na sana ni Jupiter ang pinto ng pigilan ko ito.

"Ikaw na ang bahalang magpalusot kung sakaling may maghanap sa akin." Ngingiti
ngiti namang tumango si Jupiter at nag thumbs up pa.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin ang pabango ni Sir. Napapikit ako
ng maamoy ko ito. Heaven. Agad din naman akong napamulat ng marinig ko ang
pagtikhim nito. Pinasadahan ko ang suot nya. Nakapantalong maong sya tapos nakapolo
na bukas ang unang tatlong butones kaya nasilayan ko ng kaunti ang dibdib nito

"Tara." Tumango na lang ako at nauna na syang maglakad. Nakasunod lang ako sa
kanya. Pagkasakay namin sa sasakyan ay agad din nya itong pinaandar. Wala kaming
imikan sa byahe kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagmamasid ng tanawin sa
labas. Mabuti na lang at hindi traffic ngayon kaya madali kaming makakapunta sa
pupuntahan namin.

Napansin kong tumigil ang sasakyan sa tapat ng isa sa mga kilalang bar. Madaming
tao sa labas. May mga naninigarilyo, mayroon din namang basta mga nakatambay lang.
Ang gaganda ng mga suot nila. Mga nakadress na hapit na hapit sa katawan kaya litaw
na litaw ang kaseksihan nila. Napatingin ako sa suot ko, ako ata ang kaisa isahang
tao na papasok dito sa bar na to na ang suot ay tokong at tshirt na may butas pa.

"Bakit?" Napansin nya atang wala akong balak bumaba. Baka pagtawanan lang ako ng
mga tao dyan pag nakita nila ang itsura ko. Bakit ba kasi hindi man lang sinabi ni
Sir na ganito palang lugar ang pupuntahan namin.

"Sir. Dito na lang po ako sa sasakyan. Iintayin ko na lang po kayo dito. Please."
Paki usap ko kay Sir. Natawa sya ng mahina dahil sa sinabi ko. Badtrip to ah.
Ngayon pa ko pinagtawanan kung kelan andito na kami sa tapat ng bar samantalang
nung kaninang nasa bahay pa kami ay parang wala itong pakealam sa suot ko.

"Come on. Tara na. Ako bahala." Lumabas na sya ng sasakyan at umikot para pagbuksan
ako ng pinto. Nagdadalwang isip pa ko kung bababa ba talaga ako ngunit sa huli ay
sumama na din ako sa kanya. Nakita ko na nagtitinginan sa amin este sa akin pala
ang mga taong nakatambay sa labas ng bar. Magkasabay kaming maglakad ni Sir papasok
sa loob. Napapikit ako sa matinding kahihiyan. Napamulat ko ng maramdaman kong
hinawakan nya ang kamay ko.

"Relax." Bulong nito sa may tenga ko.

Maingay. Mausok. Madilim.


Ayan ang sumalubong samin pagkapasok namin sa loob. Ito ang unang beses na
nakarating ako sa ganitong lugar. Iginala ko ang paningin ko. Madaming tao at lahat
sila pawang lahat ay masaya. May nag tatawanan, sasayawan, kwentuhan. Meron ding
naghahalikan na highschool student base na lang sa suot na uniform ng dalawa.
Napailing na lang ako dahil sa nakita. Mga kabataan talaga.

"Jake! Dito!" Napalingon ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ni Sir.
Lumapit kami doon. Hindi pa din inaalis ni Sir ang pagkakahawak sa kamay ko. Medyo
namamawis na nga e kaya nahihiya na ako.

Pagkalapit namin ay namukhaan ko agad kung sino sila. Mga kaibigan ni Sir. Sila
yung palaging pumupunta sa bahay para mag inom. Lahat sila ay may kanya kanyang
akbay na babae. Napansin kong kulang sila ng isa. Wala yung lalaking binastos ako
dato at sinabihan ako na masarap daw ako.

Gusto ko sanang itanong kung bakit hindi sila kumpleto kaya lang baka magalit ito
kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.

Naupo na kami at tinawag ng kaibigan nya ang waiter para kumuha ng maiinom namin.
Isa isang pinakilala ng mga kaibigan nya ang mga babaeng kasama nila. Kumunot ang
noo ko ng mapansin kong lahat sila ay nagpapacute kay Sir. Aba, mga malalanding to.

"Jake, Pwedeng itanong kung sino yang kasama mo? I hope you don't mind." Sabi nung
babae sa tabi ni Sir. Hah! I hope you don't mind! Malandi to.

"She's my.. my.." Lahat kami ay iniintay ang sagot ni Sir. Bakit parang nag eexpect
ako na sana higit sa katulong ang sabihin nya. Bakit pag sa tingin ko ay inamin
nyang katulong nya lang ako ay parang masasaktan. Pero ayun naman talaga ang totoo
di ba?

"Katulong!" Sigaw ng isa sa mga barkada ni Sir. Halatang may tama na ito dahil
pumipikit pikit na ito sa sobrang kalasingan. " Bro, bakit ba kasi yan ang isinama
mo? No offense ha, pero walang-wala na ba talaga kaya pati katulong mo pinapatos
mo?" Nag iwas ako ng tingin ng dahil sa sinabi nya. Tinamaan ako dun. Sinasabi na
nga ba at pag may nakaalam ng relasyon namin ay huhusgahan at huhusgahan kami e.
Kahit na wala naman talaga kaming relasyon. Ganan naman talaga ang tao e. May gawin
ka o wala. Mali man o tama. Huhusgahan at huhusgahan ka pa din.

"Tigilan mo ko Justine." Madiin ang bawat salita ni Sir. Nakita kong nilukot nya na
parang isang papel ang ininom nyang beer na nasa can. Mabilis ang bawat pag hinga
nito habang masamang nakatingin sa barkada nya.

"Bakit? Totoo naman ah! Ang daming naghahabol sayo tapos sa katulong lang--"

"P-UTANGINA! HINDI KA TITIGIL?!" Sinapa na ni Sir ang table na dahilan ng


pagbaliktad nito. Agad kaming napatayo dahil sa nangyari. Akmang susugod na ito.
Mabuti na lang at napigilan ko ito sa braso. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao
sa paligid. Hindi ko na naisip yung mga sinabi ng barkada nya. Ang naiisip ko lang
ngayon ay kung pano pakalmahin si Sir.

"Bro, Chill. Lasing lang si Justine." Sabi nung isang barkada nya habang
pumapagitna sa dalawa "John iuwi mo na si Justine." May isang lalaking lumapit at
inakay si Justine papalabas ng bar. Bumalik na sa normal ang lahat. May pumunta na
din ditong waiter para linisin yung kalat namin.

Napansin kong nakapikit si Sir habang nakatingala. Sa tingi ko naman ay hindi pa


ito tulog. Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil ito. Napamulat naman agad sya at
tinignan ako. Nginitian ko ito na para bang sinasabing okay lang yon.
Maayos na ulit si Sir. Nakikipag kwentuhan at nakikipagtawanan na ulit sya sa mga
kasama nya. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng pag ihi. Naubos ko ba naman kasi yung
isang baso ng juice e. Nagpaalam ako kay Sir na magccr lang at agad din naman itong
tumango.

Pagkapasok ko sa cr ay may nakasalubong akong dalawang babae na palabas na.


Pinasadahan ko ng tingin ang bawat cubicle at lahat ito nakabukas. Ako lang ang tao
dito. Agad akong umihi at paglabas ko ay nag hugas ng kamay.

Nagpapatuyo na ako ng kamay ng marinig kong bumukas ang pintuan. Nakita ko kung
sino ito. Sya yung babaeng nagtanong kung ano ako ni Sir. Malanding to.

"Ang kati mo din eh, no?" Hindi ko ito pinansin. Timpi lang, Mariel. Timpi.

"Paano bang pang aakit ang ginawa mo kay Jake?" Iniligay pa nito ang hintuturo nya
sa baba at wari'y nag iisip. Hah! Wala namang isip. "Lemme guess. Ahmm. Naghubad
ka sa harap nya? How pathetic." Ang pag titimpi ang susi sa tagumpay, Mariel.
Manalig ka.

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at inayos ang nagulo kong buhok. Lalabas
na sana ako ng bigla nyang hinatak ang braso ko.

"Kinakausap pa kita. Wag mo kong talikuran. Walang manners! Palibhasa walang pinag
aralan." Isinawalang bahala ko na lang ang sinabi nya. Sanay na ko sa ganyan.
Pambihira.

"Malandi ka. For sure malandi din yang Nanay mo! Tama nga ang kasabihan kung anong
puno, sya ang bunga." Humahalakhak na sabi nito.

" Sinong tatay mo? Wait. Let me rephrase it. Ilan ang tatay mo?" Sa galit ko ay
lumipad na pala ang palad ko sa kanya. Hindi ko din napansin na tumutulo na pala
ang luha ko.

"Huwag mong idadamay ang pamilya ko dito. WALA KANG ALAM!"

"Galit ka na nyan?" Natatawang tanong nito. Aww. Takot ak-" Tinigil ko ang pagdada
nya sa pamamagitan ng isang malakas na sampal.

"Wala kang karapatang husgahan ang nanay ko! Wala kang karapatan! Hindi mo sya
kilala!" Pinaghahampas ko sya. Wala akong pakealam kung masugatan man sya o
masaktan. Ang gusto ko lang ay bawiin nya yung sinabi nya tungkol sa nanay ko.
Kahit yun lang.

Pinipigilan nya ang bawat paghamlas ko hanggang sa nahuli nya ang dalawang kamay
ko. Itinulak nya ako papunta sa lababo. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkakatulak
nya ay nahigit na nya ang buhok ko. Isinubsob nya ang mukha ko sa baradong lababo
dito. Hindi ako makahinga. Nanlalambot na ako. Balak pa nya ata akong patayin.
Idinidiin nya ang pagkakalublob ko sa lababo. Nakakalunok na din ako ng tubig.

Papikit na sana ako ng maramdaman kong may humila sa akin papalayo sa babaeng to.
Akala ko ay isa sa mga alagad nito ngunit ng maamoy ko ang pabango nito ay alam ko
na agad kung sino ito.

"J-jake." Kinakabahang wika ng babae. Nakayakap lang sa bewang ko si Sir habang


sinusuri ang mukha ko. Dahan dahan nyang pinahid ang mukha ko gamit ang panyo nya.
Ingat na ingat sya habang ginagawa ito. Pagkatapos ay dahan-dahan nya akong binuhat
para maupo sa sink. Napaka amo ng mukha nya ngayon. Pakiramdam ko ay isa akong
prinsesa na ipinagtanggol ng prinsipe. Hinalikan nya muna ang noo ko bago nya
hinarap ang babae. Nakita ko ang unti-unting pagbabago ng mukha nya ng makita nya
ang babae. Nakakuyom ang kamao nito at nakalukot ang kilay.

Patay kang malandi ka.


####################################
Love Affair no.12
####################################

Nangangatal ang kamay ng babae habang dahan dahang lumalapit sa kanya si Sir Jake.

"S-sorry. H-hindi ko si-sinasadya. Nabigla lang ako." Bakas na bakas sa tono ng


babae ang takot nito.

Kung kanina ay para itong tigre ngayon naman ay para itong pusa na takot na takot
sa kanyang amo.

Itinaas ni Sir ang kamay nya at marahang hinaplos ang buhok ng babae. Napakunot ang
noo ko. Ganun na lang yon? Akala ko pa naman ay ipaghihiganti ako ni Sir!

Nakita ko naman ang pagkabigla ng babae sa ginawa ni Sir. Napangiti ito at tinignan
ako na para bang nangungutya. Edi sila na! Magsama sila. Isang malandi at isang
maharot! Bwisit.

Bababa na sana ako sa kinauupuan ko at iiwanan ko na ang dalawang to ng mapatigil


ako dahil nakita kong unti-unting nanlaki ang mata ng babae.

"T-teka, Jake. N-nasasaktan ako." Pinipilit alisin ng babae ang pagkakahawak ni Sir
sa braso nya. Tumingin sa akin ang babae na para bang naghihingi ng tulong.

"A-aray! Ano ba?!" Pilit tinatapangan ng babae ang boses ngunit mababakas pa din
ang takot dito.

Saglit na napatingin sa akin si Sir ag agad ding lumambot ang ekspresyon ang mukha
nito ng makita ako.

"Okay ka lang ba dyan?" Mahinahong tanong nya. Naging maamo ang ekspresyon ng mukha
nya. Wala sa sariling napatango ako.

Ngumiti muna agad to sa akin bago muling ibaling ang atensyon sa babae. Kahit gilid
lang ng mukha nito ang kita ko, nakita ko pa din kung paano muling bumalik sa
madilim na ekspresyon ang mukha nya.

"Dont't you ever lay your flirty hands on her! Understand?!" Marahas na itinulak ni
Sir ang babae kaya napasalampak ito sa sahig. Nakaramdam ako ng awa. Nakikita ko
ang sarili ko sa kanya.

"Answer me!" Rinig na rinig sa buong cr ang boses ni Sir.

"Y-yes." Nangangatal na ang boses nito. Umiiyak na ito ngayon.

Hindi pa man nakakabangon ang babae ay marahas na hinila ba ito ni Sir patayo.
Nagulat ako ng makita kong pinipilit ni Sir ipasok ang babae sa isa sa mga cubicle.
Agad akong napatayo ng maisip ang posibleng gawin ni Sir sa kanya. Pilit na
nagpupumiglas ang babae habang patuloy pa din sa pag iyak.

Halos manlaki ni Sir ng makita kong sinubsob nya ang mukha ng babae sa Bowl.
Nakahawak ang isang kamay nya sa ulo samantalang ang isa naman ay nakahawak sa
dalawang kamay ng babae para hindi makapagpumiglas.
Napatigil ako sa tangkang paglapit ko sa kanila. Hindi ko akalain na pati yun ay
gagawin ni Sir. Napako ako sa kinatatayuan ko.

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang malakas na paghampas ng pinto. Nakita ko


ang mga barkada ni Sir na nagsilapitan sa kanila upang patigilin ang ginagawa ni
Sir.

Tumulong na din ako sa pag awat sa mga ito. Pilit kong inilalayo ang braso ni Sir
sa pagkakahawak sa babae.

"What the hell! Ano bang ginagawa mo Jake?!" Sigaw ng isa nyang barkada habang
dinadaluhan ang babae. Basang basa ang mukha nito ngayon at hindi mapatigil sa pag
iyak. Naguilty ako bigla. Dapat ay umpisa pa lang ay inawat ko na sila.

"Sorry. Hindi ko sinasadya. Nabigla lang ako." Hindi ko na alam kung anong naging
reaksyon ng mga barkada nya dahil agad akong hinila ni Sir palabas ng Bar.

***

"Bakit hindi ka lumaban?"

"Po?" Kunot noong napatingin ako sa kanya. Nakahawak ang kamay nito sa manibela at
diretso ang mata nito sa daan.

"Kanina. Hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo." Saglit na sinulyapan nya ako.

"Sinubukan ko Sir, Malakas lang talaga sya kaya hindi ako nakalaban." Natatawang
wika ko sa kanya. Kumunot ang noo nya.

"Ayokong nakikita kang nasasaktan." Mahinang bulong nga pero narinig ko iyon. Kami
lang naman kasi ang tao dito sa kotse nagkataon na sobrang tahimik pa kaya
imposibeng hindi ko marinig ang sinabi nya.

"Sus. Parang hindi mo ko sinasaktan dati ah." Huli na ng marealize ko kung anong
sinabi ko. Dapat ay sa isip ko lang iyon! Ang tanga tanga ko!

"Galit ka pa din ba?"

"Hindi na po!" Pasigaw kong sagot. Totoo naman talaga. Matapos ba naman nya akong
ipag tanggol ng maraming beses magagalit pa ba ako sa kanya?

"Sure?" Paninigurado nya.

"Oo nga po." Natatawa kong sagot. Hanggang ngayon ay parang panaginip pa din ang
lahat. Ang dating galit na galit sa akin ay ngayong tagapagtanggol ko na. Wala pa
din akong ideya kung anong dahilan o anong pakay nya sa bigla bigla nyang
pagbabago. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang sinabi sa akin ni Jupiter nung
nakaraan. Pero napaka imposible naman kasing mangayari yun. Napaka imposibleng mag
kagusto ni Sir sa isang tulad ko.

"Sir pwedeng magtanong?"

"You're already asking a question." Natatawang sabi nito.

"Bakit kayo ganyan? I mean, hindi ba hindi naman ganto ang turing mo sakin dati
tapos bigla na lang kayo nagbago. Bakit?"

"Hmm. Sige, sasagutin ko yan in one condition."


"Ano?"

"Kiss mo muna ako." Sinuri ko ang mukha nya kung nagsasabi sya ng totoo. Nang
makita kong seryoso talaga sya ay agad akong lumapit sa kanya at mabilis na
dinampian ng halik sa pisngi.

"Ano yan?!" Naiiritang tanong nya.

"Kiss." Panatag na sagot ko. Madali naman akong kausap e.

"Hindi ganyan." Itinabi nya ang kotse sa gilid ng kalsada at sa isang iglap ay
nabuhat nya agad ako pa upo sa kanya. "Ganito." Hindi pa man ako nakakapag react ay
mabilis na nahalikan na nya ako sa labi. Nakakawala sa sarili. Hinaplos haplos nya
ang bewang ko. Ang aking mga kamay naman ay niyakap sa kanyang batok. Wala na akong
nagawa kung hindi ang pumikit ang sumabay sa bawat paghalik nya.

Kapwa kami habol ang hininga ng matapos ang halik. Nakaupo pa din ako sa kandungan
nya. Mabuti na lang at madaling araw na kaya wala ng dumadaan na sa sasakyan ngayon
dito, kung hindi ay baka may makakita sa amin na nasa ganito kaming posisyon.
Nakakahiya.

"Gusto mo talagang malaman?" Bulong nya sa tenga ko. Ramdam ko ang bawat pag dampi
nya ng labi dito kaya hindi maiwasang mag tayuan ang balahibo ko.

"Ang alin?" May itinanong ba ako dito? Hindi ko maalala. Narinig ko ang mahinang
pagtawa nya.

"Gusto kita." Bulong nya sa tenga ko. Ramdam ko ang bawat pag dampi ng labi nya
dito. Literal na nanlaki ang mata ko. Kanina lang ay iniisip kong mabuti na hindi
totoo yung sinabi ni Jupiter tapos biglang ganito.

"S-sir?" Tawag ko sa kanya pero hindi sya nagpaawat. Isiniksik nya lang ang mukha
nya sa leeg ko at pinaulanan ng maliliit na halik. Hindi pa din ako makapaniwala sa
sinabi nya sa akin. Totoo ba talaga to.

"Pero--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sinunggaban na nya ako ng halik


sa labi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang lutang na lutang ako. Hindi ko
alam kung totoo ba tong nangyayari ngayon.

"No buts. Gusto kita kaya akin ka na. Sa akin lang. Okay?" Nakakahipnotismo ang
titig nya kaya wala sa sariling napatango ako.

***

Nagising ako na may mabigat na bagay na nakapatong sa binti ko. Tiningan ko ito at
nakita ko si Sir na himbing na himbing pa din sa pagkakatulog. Dito na nya ako
dinala sa kwarto nya at hindi na ako nakatanggi. Pakiramdam ko ay lutang na lutang
pa din ako ngayon. Ayaw pa din maproseso ng utak ko ang mga nangyari.

Tiningnan ko si Sir na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa din. Napagod ba naman


kagabi. Ayaw paawat. Madaling araw na ng maisipang matulog na kami. Kung hindi pa
ako nag makaawa sa kanya ay hindi pa titigil. Napakahilig talaga!

Tinititigan kong mabuti ang mukha nya. Ito ang kauna unahang beses na magagawa ko
ito. Ang mahahaba nitong pilik mata, matangos na ilong at ang sobrang pula nitong
labi. Samahan pa ng napaka kinis nyang mukha. Mahihiya ata ang pimples na magsitubo
sa mukha nito. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip, Anong nagustuhan sa akin nito?
Tiyak naman na madaming nagkakandarapang babae dyan sa kanya pero bakit ako pa?
Anong mapapala nya sa isang tulad ko?

Ipinaling ko na lang ang ulo ko dahil sa mga naiisip. Basta ang alam ko ang gaan ng
pakiramdam ko ngayon.

Napatingin ako sa bintana at nakita kong tirik na tirik na pala ang araw. Hindi ko
napansin ito kanina dahil natatakluban ito ng kurtina. Patay! Dahan dahan kong
inalis ang braso nya at binti na nakapulupot aa katawan ko para hindi sya magising.
Tatayo na sana ako para pulutin ang nagkalat naming mga damit na napatigil ako ng
marinig ko ang mga yabag ng paa papalapit sa kwarto ni Sir. Parang slow motion na
nagbukas ang pintuan. Inisip ko kung saan ako pwedeng magtago. Wala ng oras para
tumakbo ako papunta sa cr ng kwarto.

"Iho, Anong oras-- Susmaryosep!" Ibinalot ko ang katawan ko sa kumot. Hindi ako
makatingin sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang pag ungol ni Sir. Sa gilid na
mga mata ko ay nakita kong inunat din nito ang kamay nito, marahil ay nagising sa
sigaw ng matanda. Ang lakas ng kabog na dibdib ko. Wala na. Nahuli na kami. Paano
na ako?

"Bakit may sumisigaw?" Nakakunot ang noo ni Sir. Hindi ko sya masagot. Nanatili
lang akong nakatungo. Narinig ko naman ang pagtikhim ng matanda. Napapikit ako ng
mariin. Iniisip ko pa lang namapapalayas ako ay naiiyak na agad ako.

"Oh. Good Morning." Alam kong hindi na ako ang kausap ni Sir ngayon dahil sa may
pintuan na sya nakatingin. Napasabunot ako sa buhok ko. Ayun lang ang sasabihin
nya? Walang explanation? Pangalawang beses na nangyari to. Bakit ba simpleng
paglalock lamang na pinto ay hindi pa nya magawa!

"Magbihis na kayo. Mariel, Bumaba ka na. Mag uusap tayo." Dahan-dahan akong
tumango. Hindi ko sya magawang matingnan. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Tsaka pa
lamang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko namalayan na pigil na pigil pala ako sa
paghinga. Bumuntong hininga ako. Paano na to?

####################################
Love Affair no. 13
####################################

"Anong pumasok sa kukote mo para gawin ang bagay na yan? Ha?" Hindi ako makatingin
kay Manang Doray pero ramdam na ramdam ko pa din ang talim ng pagkakatitig nya sa
akin. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa kwarto ni Sir ay hinila na nya agad
ako papunta sa bahay.

Gigil na gigil ito sa akin. Hindi ko din naman sya masisisi. Sinira ko ang tiwala
nila. Alam na ng lahat ng tao dito sa bahay ang nangyayari sa pagitan namin ni Sir.
Hindi ko lang alam kung sinabi na din ba ni Manang Doray kina Ma'am Rose ang
nangyari. Baka mapabalik sila dito sa Maynila ng wala sa oras. Ang laking gulo ng
napasok ko. Napaka laking kahihiyan ko sa lahat. Ni kahit isa sa kanila hindi ko
matingnan sa mata.

"Kinakausap kita Mariel. Sumagot ka!" Napapitlag ako sa sigaw ni Manang. Napatingin
ako sa kanya sandali at nakita ko ang galit na galit na mga nito.

"S-sorry po." Bumalik ako sa pagkakayuko. Hindi ko kayang salubungin ang bawat
pagtitig nya sa akin.

"Sorry? Ayun na yon? Alam mo ba kung anong gulo ang pinasok mo! Pinagkatiwalaan ka
ni Ma'am Rose at ng asawa nya tapos ganito ang gagawin mo?! Napaka bait ng mag
asawa sayo tapos ganito ang igaganti mo?!" Napapikit ako ng mariin. Ngayon ko lang
napagtanto kung gano kalaki ang kasalanan ko. Bakit ngayon ko lang naisip ang mga
bagay na ito kung kelan huli na?

"Manang, Tama na. Baka atakihin na kayo nyan sa puso. Malaki na si Mariel. Bente
tres anyos na yan, Alam na nyan kung anong ginagawa nya." Kung may
ipinagpapasalamat man ako sa mga nangyari ngayon ay iyon ay hindi ako iniwan ni
Jupiter kahit na nagkabukingan na. Kung wala sya sa tabi ko para ipagtanggol ako ay
hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Panginoon ko po. Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon?" Nakahinga ako ng
naluwag sa sinabi ni Manang Doray. Malumanay na ang boses nito. Hindi katulad
kanina na galit na galit.

"Manang! Hindi na nga po kami bata!" Suway Jupiter. " Si Mariel nga eh,
Nakikipagsex na." Natatawang wika ni Jupiter samantalang ako ay nanlaki lamang ang
mata. Mabuti na lamang at sumunod si Jupiter sa amin ng makita akong hila-hila ni
Manang kanina. Hindi na gaanong mabigat ang atmosphere ngayon, hindi tulad kanina.
Nakakatingin na din ako kay Jupiter. Hangga't maaari ay iniiwsan kong tingnan si
Manang dahil binabagabag ako ng konsensya ko.

"Jupiter! Itikom mo yang bunganga mo! Hindi ka nakakatulong!" Bulyaw ni Manang sa


kanya. Nakita ko naman ang marahang pagtango ni Jupiter.

"Mariel." Muli akong kinabahan ng tawagin ni Manang ang pangalan ko. "Tumingin ka
sakin." Utos nito. Sinunod ko din naman agad ito kahit hiyang hiya ako sa tuwing
nakikita ko na nakatingin sya sa akin.

"May relasyon ba kayo ni Sir Jake?" Parang bombang sumabog ang tanong ni Manang sa
akin. Napaisip ako. May relasyon nga ba kami? Hindi ko din alam. Pero sinabi nya sa
akin kagabi nya gusto nya ko. Sasabihin ko bang girlfriend nya ko kaso baka sabihin
naman ni Sir na assuming lang ako. Wala naman kasi kaming napag usapan e. Basta
sinabi nya lang sa akin na gusto nya lang ako. Yun lang.

Anong isasagot ko kay Manang? Wala po? Sex sex lang po pag may time? Tiyak iisipin
nila na baliw ako.Naisa ako sa mga babae na umaali-aligid na babae kay Sir. Hinding
hindi ko naman sasabihin sa kanila yung napag kasunduan namin ni Sir. Tamang si
Jupiter na lamang ang nakakaalam.

Sasagot na sana ako kaya lang napatigil ako ng makarinig ako ng lagabag ng pinto.

"Babe!" Hingal na hingal ito at agad ding lumapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ni
Manang samantalang si Jupiter ay tatawa tawa lamang. Ako naman ay hinihiling na
sana ay lamunin na lang ng lupa sa kahihiyan. Ayos na sana ang timing nya e, kaya
lang bakit bigla bigla na lang ako nitong tatawaging babe?

"Akala ko kung saan ka na pumunta. Nag cr lang ako sandali tapos pagbalik ko wala
kana." Itinayo na nya ako sa pagkakaupo at hinawakan ang aking dalawang pisngi.
Napaka lapit ng mukha nya sa mukha ko kaya naiilang ako at isa pa, may nanunuod sa
amin! Sasagot na sana ako ngunit nanlaki ang mga mata ko ng hinalikan nya ako ng
mabilis sa labi. "Sabi ko intayin mo ko eh." Ngumuso pa ito. Parang bata! Narinig
ko ang impit na tawa ni Jupiter at ang pagsinghap naman ni Manang. Sigurado ay
pulang pula na ako sa kahihiyan. Ngumiti na lang ako ng pilit. Hinawakan ko ang
kamay nya sa mukha ko para sana tanggalin ito ngunit ayaw paawat! Hindi man lang
nakahalata. "Namiss kita." Sabi nya at pinisil ang dalawang pisngi ko. Ano bang
nakain nito? Bakit bigla na lang naging sweet ng ganito? At seryoso ba to sa mga
sinasabi nito? Wala pa nga ata sa kalhating oras ako lumabas ng kwarto nya tapos
miss na agad?!
"S-sir. Ahh. Si ano. Sina Manang, Andito." Hindi ko mapigilamg magkanda utal-utal
dahil sa lapit namukha nya sa akin. Tila natauhan naman ito sa aking sinabi at
sandaling kumunot ang noo.

"Huh? San?" Iginala nito ang paningin sa bahay tsaka pa lamang nito nakita sa
Manang na nakatayo malapit sa harap ko at si Jupiter na nakaupo sa gilid ko.

"Manang! May breakfast na?" Masiglang tanong ni Sir. Agad namang tumango si Manang
na tila nagising sa pagkakatulala dahil sa nangyari.

"Kain na tayo Babe." Bumaling uli ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. " Subuan
mo ko ha." Natatawang sabi nito at hinila na ako pabalik sa mansyon. Hindi pa man
kami tuluyang nakakalabas ng bahay ay dinig na dinig ko na ang tawa ni Jupiter.
Hindi na ako nakaimik pa. Pakiramdam ko ay tinubuan ako ng kamatis sa mukha.

***

"Mike!" Tawag ko sa kanya pagkalapit na pagkalapit ko. Tila naman na gulat ito sa
akin kaya nabitawan nya ang hawak nyang pang tabas ng damo.

"Mariel! Kamusta?" Masayang wika nito. "Teka. Asan si Sir Jake? Baka bugbugin ako
nun pag nakita niyang mag kausap tayo." Natatawang biro nito.

"Baliw ka! Hindi naman yun magagal---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng
marinig ko na naman ang boses na yun.

"BABE!"

"Tsk tsk. Speaking of the devil." Bulong nito sakin. "Oh sya, iwan na kita dyan.
Lagot ka." Natatawang sabi nito at aalis na sana kaya lamang ay nakalapit agad si
Sir at hinawakan ang kwelyo nito para pigilan ang pag alis.

"Babe naman! Di ba sabi ko sayo sa kwarto ka lang! Bakit nakikipag usap ka sa kung
sino-sinong lalaki?" Pabalang nabinitawan ni Sir ang kwelyo ni Mike pagkapit sa
akin. Hinawakan nito ang kamay ko at idinikit sa mukha nya. Malambing ang
pagsasalita nito ngunit may pagtatampo sa boses nito. Kumunot ang noo ko. Si Mike?
Kung sino-sinong lalaki?

Magsasalita na sana ako para ipagtanggol si Mike ngunit napatigil ako ng hinapit
nya ang bewang ko at siniil nya ako ng halik sa labi. Napapikit na lang ako at
sinabayan ang bawat pag galaw ng labi nito. Nakalimutan ko na din na may Mike nga
palang nanonood sa amin. Matapos ng halikan namin ay tumingin ako kay Mike na nag
iwas ng tingin. Napaka talaga nito! Basta basta na lang nanghahalik!

"Bakit ka basta-basta na lang lumalabas ng kwarto?" Malambing na ulit ang boses


nya. Hinaplos haplos pa nito ang mukha ko. Ako naman ay naiilang dahil alam kong
nanunuod samin ngayon si Mike.

"Sir kasi--" Magdadahilan pa sana ao kaya lang ay agad nitong pinutol ang sasabihin
ko.

"Babe." Pagtatama nito at tiningnan ako ng masama. Ilang beses na nyang sinabi na
babe daw din dapat ang itawag ko sa kanya. Nakakahiya kaya! Tsaka mas sanay akong
Sir ang tawag sa kanya.

"Babe kasi po nainip ako sa kwarto kaya nagpahangin po ako sandali." Totoo naman
kasi. Nakakainip sa kwarto nya. Wala akong ginagawa kung hindi nakahiga lamang
buong maghapon. Hindi na kasi ako pinag lilinis sa Mansyon. Pinaki usap kasi yun ni
Sir kay Manang, sino ba naman si Manang para tumanggi kay Sir di ba? Kahit naman
anong pilit ko kay Sir na gusto kong makatulong sa pag lilinis sa bahay ay nag
tetengang kawali lamang ito. Mapapagod lang daw ako. Nakakahiya na nga kina Manang
dahil kahit wala akong ginagawa sa bahay tuloy pa din ang sweldo ko. Ang ginagawa
ko na lamang ay paminsan minsan ay palihim akong tumutulong sa mga gawaing bahay.

Ayos na din pala ang pakikitungo ni Manang sa akin. Bumalik na ulit ito sa dati. Si
Venus naman ay nagtampo lamang dahil nilihim daw namin sa kanya. Si Mang Kaloy
naman at Mike ay walang imik. Ganun naman talaga pag mga lalaki. Masaya naman ako
kahit papaano dahil hindi nagbago ang turing nila sa akin. Pinakiusapan ko na lang
sila isa-isa na kung pwede ay huwag sabihin kina Ma'am Rose at Sir Noel ang tungkol
sa amin. Agad din naman silang pumayag pwera na lang si Manag Doray. Hindi daw nya
kayang mag lihim kina Ma'am ngunit susubukan daw nya akong intindihin. May kaunti
pa din kasing sama ng loob sa akin si Manang at hanggang ngayon ay natutulala pa
din ito tuwing nakikita nya kaming naglalambingan.

"Akin ka lang di ba?" Tanong nya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Bakit
ba ganito ang mata nito? Nakakawala sa sarili. Isa pa tong puso ko. Ayaw paawat.
Napaka pasaway. Lagi na lang nagwawala sa tuwing malapit ako kay Sir.
Nakakahipnotismo pa ang pag titig nya. Ano ba tong nangyayari sakin? Wala sa
sariling napatango ako.

Maraming Salamat kay mjvelasc0 na nagvote every chap. Naappreciate ko talaga :) at


Thankyou din kay ElizaldeMontefalco sa pagfollow.
####################################
Love Affair no. 14
####################################

"Sinong pwedeng mamalengke ngayon?" Tanong ni Manang Doray sa kambal. Ako ay


nakapangalumbaba lang sa lamesa at tinitingnan ang mga ginagawa nila. Bakit kasi
pinagbawalan pa ko ni Sir Jake tumulong sa mga gawaing bahay. Bagot na bagot tuloy
ako ngayon.

"Ikaw na lang Manang. Busy kami." Ani Jupiter at itinuloy ang paghuhugas ng
pinggan.

"Talagang ikaw bata ka! Hindi ako pwede nirarayuma ako ngayon." Ani Manang Doray
habang nakaupo at hinihilot ang binti nya.

"Hindi din ako pwede. Nagwawalis ako ng sahig pagkatapos nito pupunasan ko pa
pagkatapos naman nito maglalaba ako tapos--" Pinutol ko na ang sasabihin ni Venus.

"Ako na lang po ang mamalengke. Wala naman po akong ginagawa." Tiningnan ako ng
masama ng tatlo.

"Gusto mo bang malintikan tayo ni Sir Jake." Ani Manang Doray "Bilisan nyong dalawa
dyan. Pagkatapos ay kayong dalawa na ang mamalengke." Sumimangot ang dalawa dahil
sa sinabi ni Manang Doray. Naawa tuloy ako sa kanila. Ang dami na nga nilang
gagawin tapos ay mamamalengke pa sila pagkatapos.

"Manang naman. Hindi naman magagalit si Sir Jake e. Tsaka hindi naman nya malalaman
kung hindi natin sasabihin. Mabilis lang naman yun. Uuwi ako ng maaga, Promise."
Pamimilit ko kay Manang. Mabuti na lang at wala si Sir Jake ngayon. Birthday daw ng
kaibigan nya. Siguradong gabi na ang uwi noon dahil mag iinuman pa ang mga ito.
Hindi naman ako gagabihin sa pamimili, mabilis lang naman yun kaya siguradong
mauunahan ko ito sa pag uwi.

Matapos ang mahabang pamimilit sa tatlo ay sa wakas ay napapayag ko na ito. Basta


siguraduhin ko lang daw na umuwi agad ako pagkatapos.
Ngiting-ngiti ako habang naglalakad. Ngayon na lang ulit ako nakalabas ng bahay.
Ang sarap sa pakiramdam. Nakatigil ako sa pedestrian line at iniintay na mag red
light. Kinuha ko ang listahan ng mga bibilhin ko. Inisa isa ko itong binasa. Ano
kayang unang bibilhin ko? Naramdaman kong nagsimula ng maglakad ang mga tao sa
tabi ko kaya sumabay na din ako sa paglalakad habang ang mga mata ko ay nakatutok
lamang sa papel. Iniisip ko kung saan ba mas magandang bumili ng karne. Yung iba
kasi ay halatang luma na.

Sa kaiisip ay hindi ko namalayan ang papalapit na kotse sa gawi ko. Huli na para
makaiwas pa ako. Sobrang bilis ng pangyayari. Nabundol ako nito dahilan para
mapasalampak ako sa sahig. Mabuti na lang at mabilis nyang nakabig ang preno kaya
hindi ako gaanong napuruhan. Napaupo ako sa kalsada. Napangiwi ako ng maramdaman ko
ang sakit ng balakang ko. Hinilot ko ito para mabawasan ang sakit. Rinig na rinig
ko ang pagsigaw ng mga tao. Agad na mga nagsilapitan ito para tulungan ako.

Nakita kong lumabas ang driver at agad akong nilapitan nito. Tinulungan naman ako
ng mga tao para makatayo. Ang iba naman ay nakikiusyoso lang sa gilid ko. Sa isang
gilid ko naman ay nakita ko ang grupo ng mga estudyante na pinipicturan ako.
Inirapan ko ang mga ito. Imbes na tulungan ako ay pagpipicture ang inaatupag. Tapos
ipopost sa FB na may caption na awang awa sila sa akin. Lalagyan pa ng
1like=1prayer. Bwisit!

"Miss Are you okay?!" Hindi ko napansing nakalapit na pala ang driver sakin.
Halatang Natataranta ito. "I'll bring you to the hospital." Hindi pa man ako
nakakasagot ay inalalayan na nya agad ako papasok sa kotse nya.

"Okay ka lang Miss? Sorry talaga. Hindi ko sinasadya." Sabi nya habang tinitingnan
ako sa salamin. Dito nya ako iniupo sa back seat. Sinabi kong okay na ko kaya wag
na nya akong dalhin sa hospital ngunit ayaw nyang pumayag.

"Ayos lang. Kasalanan ko din naman. Nakatungo ako habang tumatawid, nabangga tuloy
ako." Natatawang sabi ko. Kahit pa kasi pedestrian line yung tinawiran ko ay may
kasalanan pa din ako.

Pagkadating namin sa hospital ay inalalayan nya akong maglakad. Agad kaming


inasikaso ng doktor. Mga kalhati ding minuto tumagal ang check up. Sabi ng doktor
ay wala naman daw dapat akong ikabahala dahil wala naman daw masamang nanyari sa
katawan ko.

Magkasabay kaming naglalakad palabas ng hospital. Nakakalakad na ko ng maayos dahil


hindi na ko nakakaramdam ng kahit anong sakit sa katawan ko. Habang naglalakad
kami ay lihim kong sinusulyapan ang katabi ko. Sa porma nito ay halata mong mayaman
talaga. May pagka moreno. Sa tingin ko ay mas matangkad ito ng kaunti kay sir.
Matangos din ang ilong nito.

Umiwas ako ng tingin ng tumingin ito sakin. Sht. Nahalata ba ko nito? Pakiramdam ko
ay sobrang pula ko na ngayon.

"Ahmm. Kain muna tayo?" Tanong nito ng nakalabas na kami sa hospital.

"Hind--" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay pinutol na nya agad ito.

"Please?" Sabi nito at pinagdikit pa ang dalawang kamay nya. Napangiti na lang ako
sa ginawa nya. Parang bata. Siguro naman ay hindi kami aabutin ng hapon di ba?

***

"Ang dami naman nyan!" Sabi ko habang tinitingnan ang mga pagkain sa lamesa.
Narinig ko naman ang mahinang pag tawa nya.

"Madami ba? Edi uubusin natin." Natatawang wika nya at sinimulan ng kumain. Masarap
ang pagkain dito at mahahalata mong mga mayayaman talaga ang pumupunta.

Naubos namin ang inorder nyang pagkain kaya busog na busog kami parehas. Masaya
naman syang kasama kaya hindi nakakailang. Napaka pabiro din. Napag alaman kong
Architect pala tong lalaking to, kaya naman pala hindi nanghihinayang sa perang
ginastos nya sa pagkain. Mayaman naman pala.

"So? Hatid na kita pauwi?" Sabi nya ng makalabas na kami sa restau. Sht. Bigla kong
naalala! Namamalengke nga pala ako! Nawala sa isip ko. Ang tanga tanga ko.

"Hey. May problema ba?" Tanong nya. Marahil ay nakita nya na hindi maipinta ang
mukha ko.

"Ah. Wala. Sige una na ko. Mamamalengke pa nga pala ako. Bye. Salamat." Sabi ko at
tangkang aalis na ng biglang hinawakan nya ang braso ko para pigilan.

"Samahan na kita. Mas mapapabilis kung may sasakyan ka kesa sa magcommute."


Napaisip ako dun. Oo nga naman. Tumango naman agad ako. Nakita ko na napangiti sya.
Sumakay na kami sa kotse. Panay pa din ang kwento nya na hinahaluan ng biro minsan.

Nang makarating na kami sa palengke ay agad akong bumaba ng sasakyan. Kelangan kong
magmadali dahil mag aalas singko na. Napakunot ang noo ko ng makita kong bumaba din
sya ng sasakyan.

"San ka pupunta?" Tanong ko.

"Samahan na kita. Mas mapapadali pag kasama mo ako." Natatawang wika nya. Napailing
na lang ako sa sinabi nya at nag umpisang maglakad. Naramdaman kong sumabay sya sa
paglalakad sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin. Inilabas ko ang listahan sa
bulsa at nagsimula ulit itong basahin. Habang naglalakad kami ay napansin kong
pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin. Paano ba naman ito hindi
makakaagaw ng atensyon, Itong kasama ko ay nakapolo dagdagan pa ng shades kaya
litaw na litaw ang kagwapuhan. Iniisip siguro ng iba ay aattend ito ng JS prom.

Itong katabi ko naman ay patingin tingin lang sa mga itinitinda. Hindi ba nito
napapansin na lahat ng nakakasalubong nito ay tumitigil para tingnan sya?

Pasimple kung tinitingnan ang kilos nito. Mukhang ngayon lang ito nakarating sa
palengke dahil parang banong-bano ito sa mga manghang mangha ito sa mga nakikita.
Lihim na lang akong napangiti. Ibang klase!

Madilim na ng makalabas kami sa palengke. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Ang


hirap makipagsiksikan. Tinginan ko tong katabi ko na basa na din ng pawis pero ang
lawak pa din ng ngiti. Ano bang iniisip nito? Bakit ganito to?

"Hatid na kita." Alok nya at inilagay na agad ang mga pinamili ko sa likod ng
kotse. Tatanggi na sana ako dahil nakakahiya na ngunit pinigilan na nya agad ako

"Please? Mas mapapadali pag ihahatid kita." Tumango na lang ako. Wala na kong lakas
para makipagtalo pa tsaka isa pa mas tipid sa pamasahe.

Inabutan pa kami sa ng trapik sa daan. Kapag minamalas ka nga naman. Mag aalas
siete na ng gabi. Patay ako nito kina Manang! Sana naman ay wala pa si Sir sa bahay
kung hindi ay patay ako. Nakakagat ko na ang ibabang labi ko dala ng matinding
kaba. Anong idadahilan ko?
"Relax. Bakit parang tense na tense ka?" Kanina pa pala syang nakatingin sakin
hindi ko na napansin.

"Gabi na eh. Patay ako sa amo ko pag nagkataon."

"Amo? Bakit? Ano bang trabaho mo?" Nakita ko ang pangungunot ng noo nya.

"Katulong." Sagot ko habang nakatingin sa kanya.Titingnan ko kung anong magiging


reaksyon nya. Napatigil ito sandali.

"Seryoso?!" Hindi makapaniwalang wika nito. Nahihiyang Tumango ako.

"Wow!" Mababakas ang paghanga sa boses nya. "I'm sure magaling kang magluto! Anong
mga alam mong lutuin?! Paborito ko yung kaldereta. Marunong ka ba nun?!" Napangiti
ako sa reaksyon nya. Tumango ako. Akala ko ay pagtatawanan nya ako o mamaliitin nya
ang trabaho ko pero nagkamali ako. Napakabuting tao nya. Kahit na mayaman sya ay
hindi mapang mata.

"Basta next time huh. Ipagluluto mo ko. Promise mo yan?" Tuwang tuwa na wika nito.

"Oo na." Natatawang sagot ko.

"Teka nga. Kanina pa tayong magkasama pero hindi ko pa natin ang pangalan ng isa't-
isa." Oo nga no. Hindi ko na napansin yon dahil sa sobrang daldal nito nakalimutan
ko ng itanong ang pangalan nya.

"Mariel." Sabi ko at nginitian sya.

"Caesar. Caesar Funtanilla" Aniya at kinindatan ako. "Baliw." Bulong ko. Napaka
loko talaga.

"I heard that." Tumahimik na lang ako at tumingin sa bintana.

"Saan ba dyan ang bahay ng amo mo?" Tanong nya ng makapasok kami sa subdivision.
Tinuro ko kung saan kami liliko. Biglang bumalik ang lahat na kaba ko ng makita ko
na ang mansyon. Itinigil nya ang sasakyan sa tapat nito. Pasado alas otso na
ngayon. Sana lang ay napasarap sa kwentuhan sina Sir. Hindi ko talaga alam ang
idadahilan ko pag nagkataon.

"Malaki pala ang bahay ng amo mo." Namamanghang wika nito habang nakatingin sa
mansyon.

"S-salamat." Nauutal na ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay maiihin ana ako sa


pantalon ko. Paano kung aandyan na pala sa loob si Sir?

"Hey. Wag kang kabahan. Ako ang bahala." Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil ito.
Ngumiti na lang ako ng alanganin. Kahit na sinabi nyang sya na ang bahala ay hindi
ko pa din talaga maiwasang kabahan.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan. Inalalayan nya pa akong bumaba. Pakiramdam ko ay


nangangatal ang tuhod ko at anumang oras ay maaari akong matumba.

"Dyan ka lang. Kunin ko lang yung pinamili natin sa likod." Sabi nya at nginitian
ako. Tumango na lang ako. "Relax." Sabi nya at ginulo ang buhok ko. Ganito na ba
ako kahalata?

"Pwede ba akong pumasok? Mabigat kasi tong dala--"

"Wag!" Pinigilan ko na agad ang sasabihin nya at kinuha ang plastic na hawak nya.
Nakonsenya ako dahil nakita kong lumungkot ang mukha nya. Sorry. Baka lalong lumaki
ang gulo pag nalaman ni Sir na nagpapasok akong lalaki sa bahay.

"Next time na lang?" Tanong ko. Ayokong maghiwalay kami na masama ang loob nya. Ang
bait pa naman ng mga ipinakita nya sa akin kanina kaya makokonsensya talaga ako pag
nagkataon.

"Yes! Sure yan ha!" Lumawak ang ngiti nito ang napasuntok pa sa hangin. Natawa ako
sa ikinilos nito at napailing na lang.

"Umalis ka na nga." Taboy ko dito pero hindi pa din naaalis ang ngiti sa aking
labi. Para talagang bata kumilos.

"Bye!" Paalam nya at nagpunta na papasok sa kanyang sasakyan. Kinawayan ko na lang


ito. Hindi muna ako pumapasok. Iniintay kong mawala sa paningin ko ang sasakyan.

Papasok na sana ako ngunit napatigil ako ng mapansin kong may malaking bulto ng tao
ang nakatayo sa may gate. Hindi ko ito napansin kanina dahil natatakpan ito ng
halaman. Parang napako ako sa kinatatayuan ko at nanuyo ang lalamunan ko. Bumalik
lahat ng takot na nararamdaman ko. Nakatingin ito sa akin habang nakakuyom ang
kamao nito. Galit na galit ang mga mata nito. Sht. Nakita nya ba?

"San ka galing?!"

***

Thank you kay cloudytapp sa pagfollow :)


####################################
Love Affair no. 15
####################################

"San ka galing?!" Ulit nito. Nanatili lang akong nakatayo. Hindi ko magawang
ihakbang ang mga paa ko. Natatakot akong lumapit sa kanya. Baka saktan nya ulit
ako. Hindi ko din magawang tumingin sa kanya. Natatakot akong makita ang galit na
galit nyang mata.

"Sino yung kasama mo?" Napalunok ako. Mababakas ang galit sa boses nito.

"S-sir. Si ano po--" Napahigpit ang hawak ko sa plastik. Sht. Hindi ko alam ang
sasabihin ko. Sasabihin ko ba ang totoo? O magsisinungaling ako?

"Nevermind. Pumasok ka na. Gabi na." Napanganga ako ng marinig ko ang sinabi ni
Sir. Hindi pa man ako nakakasagot ay tinalikuran na nya ako at pumasok na sa
mansyon.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kong nakatayo dito sa labas. Hindi pa din ako
pumapasok sa loob. Naiwan akong tulala. Bakit ganun? Hindi ba sya galit sakin?

Kanina pa akong nakahiga ngunit hindi pa din ako dalawin ng antok. Nagpabali-
baligtad na ko ng pwesto pero wala pa ding epekto. Iniisip ko yung nangyari kanina.
Bakit pakiramdam ko ay nag iba sya? Ang akala ko ay sasaktan nya ako dahil sinuway
ko ang utos nya pero parang wala lang naman sa kanya ang ginawa ko.

Maaga akong nagising kinabukasan. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil hindi ako
nakatulog ng maayos. Bago ako lumabas ng kwarto ay tiningnan ko muna ang sarili ko
sa salamin. Pakiramdam ko ay sobrang pangit ko ngayon. Ang itim ng ibaba ng mata ko
dahil sa puyat.
Naglakad na ako papunta sa mansyon. Naabutan ko doon sina Manang Doray at kambal na
nag hahanda ng almusal. Naupo na lang ako sa silya dahil alam ko namang
pagbabawalan lang nila akong tumulong doon.

"Oh, Mariel! Anong nangyari kahapon? Bakit ginabi ka na ng uwi?" Ani Jupiter ng
makita nya ako.

"Basta. Mahabang kwento." Sabi ko dahil tinatamad lang talaga akong magkwento sa
kanila. Next time na lang siguro. Pakiramdam ko kasi ngayon ay hinang-hina ako
dahil sa kulang sa tulog.

"Lagot ka. Pinag-alala mo si Sir. Hindi mapakali yun kagabi nung malaman na umalis
ka." Dagdag pa nito. Lihim akong napangiti dahil sa narinig. Pakiramdam ko ay nabuo
ang araw ko dahil sa sinabi ni Jupiter.

"Manang, May breakfast na po?" Lumawak ang ngiti ko ng marinig ko ang boses nito.
Agad akong lumingon sa pinanggalinggan nito. Ano ba tong nangyayari sakin? Kagabi
ko lang to huli nakita pero pakiramdam ko ay miss na miss ko na sya.

"Sandali na lang to Iho. Umupo ka na doon. Kami na ang bahala dito" Tumango lang si
Sir at umalis na. Hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin. Bakit ganon yon?
Gusto ko syang tanungin kaso lang ay nahihiya ako. Pakiramdam ko ay wala akong
karapatang alamin ang nararamdaman nya.

"Magkagalit ba kayo? Himala ah. Hindi ka nya pinansin ngayon." Ani Jupiter. Si
Manang naman at Venus ay nakatingin lang din sa akin at iniintay ang sagot ko.
Umiling ako. Hindi ko din alam. Magkagalit nga ba kami?

"Ikaw na ang magdala nito kay Jake." Binigay ni Manang sa akin ang pinggan na may
lamang Bacon and Egg. Tumango na lang ako. Lihim na nagpasalamat kay Manang dahil
sa tingin ko ay ginawa nya ito para magkausap kami. Tinulungan ako ng kambal sa
paglalagay ng mga pagkain sa lamesa. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa
kinaroroonan ni Sir. Nangangatal kong ibinaba ang pinggan sa lamesa. Sa gilid na
mata ko ay palihim kong tinitingnan si Sir. Nakatuon lang ang tingin nya sa
pagkain. Parang hangin lang ako sa kanya. Bakit hindi nya ako pinipigilan? Hindi ba
ay ayaw nya akong tumutulong kina Jupiter? Bakit hindi nya ako pinapansin!

Pagkatapos namin ilagay ang mga pagkain ay tumayo na kami ng kambal sa gilid para
kung sakali na may iutos sya amin. Umalis na si Jupiter dahil nakahalata sya na
kelangan naming mag usap ni Sir ngunit si Venus ay ayaw pumayag. Nakatayo pa din
sya sa tabi ko. Baka daw mapagalitan sya pag umalis sya doon.

"Venus. Pakikuha naman akong tea" Sabi nya at tiningnan si Venus. Hindi man lang
lumampas ang tingin nya sa akin. Ano bang nangyayari?! Bakit nasasaktan ako sa mga
ikinikilos nya?

"Ako na po!" Hindi ko alam kung bakit ako nagprisinta sa pagkuha ng tea. Ang alam
ko lang gusto ko ay pansinin nya ako. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay isa akong
highschool na nagpapansin sa crush nya.

"Venus." Tawag at itinuloy na ulit ang pagkain. Ang babaw ng luha ko. Pakiramdam ko
ay naiiyak ako dahil lang dito. Hindi ba dapat ay maging masaya ako dahil sa wakas
ay malaya na kong makakakilos, wala ng magagalit at wala ng magbabawal sa akin?
Pero bakit ganun? Bakit ang sakit?

"S-sige po Sir." Tiningnan muna ako ni Venus bago umalis. Tinanguan ko lang sya at
saka nginitian. Halata namang peke lang ang ngiti ko. Pagkaalis ni Venus ay
katahimakan ang bumalot sa amin. Tanging ang ingay lamang ng kutsara't tinidor ang
maririnig.
"S-sir, Ga-galit ka po ba sa akin?" Mahina kong tanong ngunit sapat lang para
madinig nya. Nakatingin lang ako sa kanya habang iniintay ang isasagot nya. Hindi
ako nito pinansin. Ipinagpatuloy lang nito ang pagkain na para bang walang narinig.
Napapikit ako ng mariin.

"S-sir." Muli kong tawag dito. Ang bigat bigat na ng pakiramdam ko ngayon dahil sa
mga ikinikilos nya.

"WHAT?!" Napapitlag ako sa sigaw nya. Saglit na tiningnan ako nito at ibinalik ang
atensyon sa pagkain.

"Sir kasi--"

"Importante ba yang sasabihin mo?! Kumakain ako tapos dada ka ng dada dyan!
Nakakawalang gana ka!" Padabog na tumayo si Sir. Tumulo na ang luha ko na kanina ko
pang pinipigilan. Mas masakit to kesa nung mga panahon na pisikal na sinasaktan nya
ako. Ayokong ganito ang itrato nya sa akin. Miss ko na yung Jake na palaging
nakayapos sa akin at palaging nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Yung Jake na
pinipilit na sakanya lang ako.

"B-babe" Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at tinawag ko sya nito. Basta ang
gusto ko lang ay bumalik kami sa dati. Saglit na napatigil sya sa paglalakad. Hindi
ko alam kung anong naging reaksyon nya dahil nakatalikod na ito sa akin. Akala ko
ay lilingon ito sa akin at lalapitan ako pero nagkamali ako, naglakad sya palayo
habang iniwan akong umiiyak.

***

Dalawang araw na ang lumipas simula ng magbago ang turing sa akin ni Sir.
Tumutulong na din ako sa mga gawaing bahay dahil sa hindi na naman ako nito
pinagbabawalan. Hindi ako nito pinapansin. Pagnakakasalubong ko ito ay parang hindi
kami magkakilala.

Kahit anong pagpapansin ko kay Sir ay walang epekto sa kanya. Palagi kong
kinakausap si Mike. Umaasa na biglang susulpot si Sir tapos ay ilalayo ako kay
Mike. Ilang beses kong ginagawa yon, Ngunit walang sumulpot na Jake para ilayo ako
dito. Siguro ay nagbago na nga ito. Nagbago na ang nararamdaman nito sa akin. Hindi
na ako nito gusto. Baka nakahanap na ito ng iba na mas maayos ang antas sa buhay at
mas maganda kesa sakin. Napangiti ako ng mapait dahil sa naisip.

Naninibago na din sina Manang sa amin. Pag may nagtatanong kung anong nangyari, Ang
isinasagot ko lang ay 'Nagsawa na sya sa akin.' Gabi-gabi akong hindi na
nakakatulog ng ayos. Namamayat na din ako. Bakit ganun? Pakiramdam ko ay niloko ako
kahit na wala naman talagang namagitan sa amin. Ang sakit lang.

"Manang para san po iyan?" Pinilit kong ngumiti ng makita kong mag isa si Manang
habang nagluluto.

"Iha, Pakidala naman nito sa kwarto ni Sir Jake." Kinakabahan man ay hindi na ako
tumanggi pa. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako naglakad papunta sa kwarto ni
Sir.

Nang nasa tapat na ko ng pinto ng kwarto ni Sir ay rinig na rinig ko ang ingay na
nanggagaling sa loob. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa pinggan ng makarinig ng
boses ng naghahagikhikang mga babae. Bumigat ang bawat paghinga ko. Ang kabang
nararamdaman ko kanina ay napalitan ng selos. Boses pa lang ngbabae ang naririnig
ko pero selos na selos na agad ako. Huminga ako ng malalim bago pikit matang
kumatok.
"Pasok!" Pagkarinig ko sa boses ni Sir ay bumilis ang tibok ng puso ko.

Agad kong pinihit ko ang sedura ng pinto at dahang-dahang binuksan iyon. Mga
nakatingin sila sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ngunit wala sa kanila ang
atensyon ko, kay Sir lang na may kaakbay na ibang babae.

"Dalhin ko daw po ito sabi ni Manang." Habang nagsasalita ako ay kay Sir lang
nakabaling ang atensyon ko. Wala pa din itong pinagbago. Parang hangin pa din ako
sa kanya. Ininom lang nito ang hawak na beer at ibinaling ang tingin sa babaeng
katabi nya.

Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako. Ang sakit sakit lang na ang lalaking gusto
mo ay may ibang babae na. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag iyak.
Hindi ko namalayang nakalapit na pala ako sa kanila. Sa sobrang galit ko ay
pabalang kong ibinaba ang pinggan sa lamesa. Natapon ang laman nito ngunit hindi ko
ito pinansin. Tinitigan ko lang si Sir na parang walang pakealam sa nangyari. Rinig
ko naman na napasinghap ang mga babae sa ginawa ko.

"The hell! Mag dahan-dahan ka nga!" Bulyaw sa akin ng kalandian ni Sir. Tinaasan ko
lang ito ng kilay. Wala akong pakealam sayo. Si Sir ang pakay ko dito, gaga.

"May kelangan ka pa ba? Alis." Sa unang pagkakataon ay binalingan nya na ako.


Kinilabutan ako sa klase ng titig nya. Malamig pa sa yelo kung tingnan ako nito.
Para bang hindi ako nito kilala. Tumango na lang ako at tumalikod na sa kanila.

Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi pa man ako nakakalabas ng kwarto nya ay nag
unahan ng pumatak ang mga luha ko. Sinaktan na naman nya ako. Bakit ba kahit anong
gawin nya sa akin ay nasasaktan ako. Kung kelan naman gusto ko na sya saka naman
sya bumitaw.

Pagkasaradong pagkasaro ko ng pinto ay kumawala ang hikbi na kanina ko pang


pinipigilan. Nanghihinang naglakad ako papalayo. Pakiramdam ko ay talunan ako.
Ganun na lang ba talaga iyon? Pagkatapos nya akong pagsawaan ay parang wala na
lang?

Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan ay napatigil ako ng may biglang humatak sa
braso ko. Iniikot nya ako paharap sa kanya at ikinulong sa mga bisig nya. Lalo
akong napaiyak. Mas lumakas ang bawat paghikbi ko. Para akong bata na inagawan ng
kendi na kalaro. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Napapikit na lang ako
habang patuloy pa din ang pag agos ng luha sa mukha ko. Amoy pa lang alam ko na
kung sino to.

"B-babe" Sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko.

***

Thank you kay Liavine sa pag vote at kay khems10 sa pagfollow :)


####################################
Love Affair no. 16
####################################

SPG LOL

"B-babe" Sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko.

"Shhh. Hush babe. Tama na." Sabi nito habang nakayakap pa din sa akin. Mas lumakas
ang paghikbi ko ng inalo nya ako. Ganun naman talaga di ba? Pag may nagpapatahan
sayo, lalo ka lang napapaiyak. Basang basa na ang T shirt nito dahil sa luha ko.

Nang kumalma na ako ay hinawakan nya ako sa kamay at dinala papasok sa kwarto nya.
Nakita kong natigilan lahat ng tao sa loob ng makita nila kaming pumasok.

"Labas na kayo." Ani ni Sir na hindi man lang tinapunan ng tingin ang mga
kasamahan. Inalalayan nya ako pahiga sa kama. Hindi na ako nagtanong pa dahil
pakiramdam ko ay wala din namang boses ang lalabas sa bibig ko.

"Labas na sabi eh!" Tila natauhan ang mga kasamahan nito at isa-isang nag sitayuan.
Nakita ko ang mga lalaki na nakangisi lamang kay Sir habang ang babae naman ay
inirapan lamang ako.

"Okay ka na ba? Water? Gusto mo?" Nag aalang tanong nito ng makalabas ang barkada
nito. Umiling lang ako. Ito lang pala ang makakapag pabalik sa dati sa kanya. Kung
alam ko lang ay matagal na kong umiyak sa harap nya.

Nailang ako bigla dahil hindi inaalis ni Sir ang pagkakatitig sa akin, samahan pa
ng sobrang katahimikan. Nakaupo lang ito sa gilid ko habang ako ay nakahiga sa
kanyang kama.

Inilibot ko na lang ang paningin ko dahil hindi ko kayang lumaban ng


pakikipagtitigan sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang malikot na kamay ni Sir na humihimas
sa hita ko. Agad kong binalik ang paningin ko dito at seryoso pa din itong
nakatingin sa akin.

"Namiss kita." Sabi nito kasabay ng pagpasok ng kamay nito sa panty ko. Mahigpit
akong napakapit sa kobre kama dahil dito. Napapikit ako ng maramdaman kong
sinimulan na nyang paglaruan ang pagkababae ko. Pakiramdam ko ay lalagutan ako ng
hininga dahil sa ginagawa nya.

Agad akong napamulat ng maramdaman kong inalis nya ang kamay sa pagkababae ko.
Akala ko ay aalis na ito, ayun pala inalis lang ang kanyang saplot. Wala itong
itinira kaya kita-kita ko na ang kanyang tayong-tayong pagkalalaki. Kahit pa ilang
beses ko na ito nakita ay hindi ko pa din maiwasang humanga dito. Hindi ko lubos
akalain na nagkakasya ito sa akin.

Agad itong pumaibabaw sa akin at inisa isa ng tanggalin ang pang itaas ko. Ramdam
na ramdam ko na ang init ng balat nya. Napapaikit ako ng nagtagpo ang mga labi
namin. Namiss ko ang mga halik nya. Para kaming uhaw na uhaw sa isa't-isa. Kahit na
mabilis ang pag galaw ng labi nya ay agad ko din itong nasasabayan.

Nang mag sawa sya sa labi ko ay binaba nya ang mukha nya papunta sa dibdib ko.
Napahawak ako sa ulo nya ng sinimulang nyang sipsipin ang ibabaw ng aking kaliwang
dibdib. Habang ang kanan naman ay pinaglalaruan nya gamit ang kanyang kamay.

"S-sir! Ah!" Hindi ko na napigilang umungol ng kagat kagatin nya ito.

Saglit syang umalis sa pagkakaibabaw sa akin para alisin ang natitirang saplot ko
sa katawan. Pag kaalis nito ay agad din itong pumaibabaw sa akin at sinalubong ka
agad ito na matamis na halik. Madiin nyang pinisil ang kaliwang dibdib ko kaya
napasinghap ako. Agad nyang naipasok ang dila nya sa bibig ko dahil dito. Sinipsip
nya ito na dahilan para mas lalong lumakas ang ungol ko.

Ikinawit ko ang mga braso ko sa batok ni Sir para mas mapalalim ang pag halik.
Ramdam na ramdam ko na ang matigas na pagkalalaki nito na tumatama sa tyan ko.
Tinanggal ko ang pagkakakawit sa batok ni Sir at unti unting ibinaba ang kamay ko
papunta sa pagkalalaki nya. Pinasadahan ko muna ang kanyang abs bago ko natagpuan
ang pagkalalaki nito.

Nang matagpuan ko ito ay agad ko itong hinawakan. Pakiramdam ko ay tumitibok ito


habang hawak ko ito sa palad ko. Nahigit ni Sir ang hininga nya dahil sa ginawa ko.
Isiniksik nito ang mukha nito sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko ang bilis ng
paghinga nito.

Lihim akong napangiti dahil sa reaksyon nito.

Buong lakas ko itong itinulak sa pagkakaibabaw sa akin kaya napahiga ito sa tabi
ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata nito kasabay ang pagtataka. Nginitian ko lang
ito at dahan-dahan akong umupo sa tyan nya. Kung kanina ay malaki ang mata nito,
mas lalong nanlaki ito dahil sa ginawa ko. Hayaan mong paligayahin kita ngayon.
Bulong sa akin ng malandi kong isipan.

Yumuko ako para halikan ang mga nakaawang nyang labi. Ang mga kamay nito ay nasa
akin bewang habang panaka-nakang hinihimas ito.

Nang magsawa ako sa labi nito ay ibinaba ko ang aking mukha papunta sa kanyang leeg
hanggang sa dibdib nito. Mas bumilis ang paghinga nito kesa kanina. Nakapikit na
ito habang ang kanang kamay nito ay nakapatong sa kanyang noo.

Ginawa ko dito ang mga ginagawa nya sa akin kanina. Ito ang kauna-unahang beses na
gagawin ko ito kaya hindi ko maiwasang kabahan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Dinilaan ko ang dibdib nito. Inikot ikot ko pa ang dila ko dahil naalala kong
minsan ay ginagawa din nya ito sa akin. Hinalikan ko din ito dito at sigurado akong
mag iiwan ito ng marka.

Nang matapos ako dito ay huminga ako ng malilim bago ko inangat ang sarili ko.
Inalalayan naman nya ako para maipasok ang pagkalalakk nito sa akin. Dahan-dahan
akong umupo dito.

"Ahh!" Puro ungol lamang namin ang maririnig dito. Mas mararamdaman ko pala ang
kalakihan nito pag ako ang nasa ibabaw.

Nang mapasok na ng buo ay itinukod ko ang kamay ko sa dibdib nito para nakapag
pahinga sandali. Nang maayos na ako ay dahan-dahan akong gumalaw sa ibabaw nya
habang ang mga kamay naman nito ay nasa bewang ko para alalayan ako. Kahit na
malakas ang aircon sa kwarto ay tagaktak pa rin kami na pawis. Nang malapit ko ng
marating ang kasukdulan ay mas binilisan ko ang pag galawa sa ibabaw nya hanggang
sa labasan na ako. Ilang sandali lamang ay naramdaman kong nagpasabog na din ito ng
mainit na likido sa loob ko.

Hinggal na napahiga ako sa ibabaw nito. Pakiramdam ko ay sobrang pagog na pagod


ako. Nakahiga lang ako sa dibdib nito habang parehas pa din naming habol ang
hininga. Naramdaman kong hinahaplos ni Sir ang buhok ko. Hinayaan ko na lang ito.
Wala na akong lakas para gumulong sa kabilang parte ng kama at humiga sa tabi ni
Sir. Mas nakakapagod pala talaga pag ikaw ang nasa itaas.

Papikit na sana ako ng marinig ko ang boses ni Sir.

"Babe?"

"Hmm?" Ungol na lang ang tanging naisagot ko dahil sa tingin ko ay kahit


pagsasalita ay hindi ko na din kaya.
"Uuwi na sina Mommy." Masayang wika nito. Ako naman ay napabalikwas at mabilis pa
sa alas kwatrong napaupo sa kama. Pakiramdam ko ay tinangay lahat ng pagod ko dahil
sa narinig.

***

Thank you thank you so much kay AceLikeICE natuwa ako dun sa mga comment mo. Sobra.
Tsaka thank you Thank you sa pag vote every chapter. Nag update ako gawa mo,
tinatamad na kasi talaga akong mag update gawa nagkasakit ako LOL. Thank you
ulit :)

####################################
Love Affair no. 17
####################################

"A.YO.KO." Mariing wika ni Sir Jake. Hindi nito ako tiningnan at ibinuhos ang
atensyon sa pagbabasa ng dyaryo na hawak nya.

"Please? Hindi ka ba natatakot? Baka magalit si Ma'am Rose pag nalaman nila yung
tungkol sa atin." Pamimilit ko dito. Naisip ko kasing mas mabuting wag munang
sabihin kina Ma'am Rose ang tungkol sa amin ni Sir Jake. At magpanggap din na wala
kaming relasyon sa harap ng mga magulang nya. Hindi pa din kasi ako handang sabihin
sa mga ito. Natatakot pa ko.

"Bakit naman ako matatakot? Tsaka bakit naman sila magagalit? Hindi naman kami
mapangmata tulad ng iniisip mo." Natigilan ako saglit sa sinabi nya. Sinundot ako
ng konsensya. Hindi naman sa ganon, natatakot lang naman ako kung anong magiging
reaksyon nila pag nalaman nila ang tungkol sa amin. Bali-baligtarin man kasi ang
mundo, hindi ako babagay para kay Sir. Natatakot ako sa iisipin nila sa akin. At
isa pa, Nahihiya ako. Pakiramdam ko ay sinira ko ang tiwala nila.

"Sasabihin naman natin sa kanila. Wag lang muna ngayon. Baka mabigla lang sila.
Dadahan-dahanin lang natin." Ipinagdikit ko pa ang dalawang palad ko para mas maawa
ito sa akin.

"NO." Bumuntong hininga ako. Kahit anong pamimilit ko dito ay ayaw nitong pumayag.
Tumayo ako at pumwesto sa likod nya. Minasahe ko ang balikat nito.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na papalapit si Venus sa direksyon namin upang dalhan


kami ng pagkain ngunit isinawalang bahala ko ito. Nasa kay Sir Jake lang ang buong
atensyon ko.

"Please, Babe?" Binigyan ko ito ng mabilis na halik sa pisngi at yinakap ko din ito
mula sa likuran. Napansin kong napatigil sandali si Venus sa ginagawa nyang
paglapag ng mga pagkain sa mesa. Nakita kong bumigat ang bawat paghinga ni Sir
Jake. Ibinaba nito ang dyaryo na kanina pa nyang binabasa.

"Aish! Fine!" Agad akong humiwalay sa pagkakayakap kay Sir at bumalik sa pagkakaupo
sa tabi nya. Kung wala lang makakakita sa akin ngayon ay baka nagtatalon na ko sa
tuwa. Ang laki ng ngiti ko sa labi habang sya naman ay nakakunot lang ang noo.

"But in one condition." Wika nito at hinila ako papalapit sa kanya.

"Ano?" Kunot noong tanong ko dito.

"Date tayo." Nakangiting wika nito. Tumango lang ako. Lihim akong napangiti. Date?
Ito ang kauna unahang date na mangyayari sa buong buhay ko. Pakiramdam ko ay ang
landi ko dahil iniisip ko pa lang ang mga maaaring mangyari ay kinikilig na agad
ako. Kainis.

***
"So babe, Anong gusto mo?" Tanong nito habang nakatingin sa menu. Ang kaliwang
kamay nito ay nakahawak sa kamay ko. Simula ng pumasok kami sa mall ay hinawakan na
nya ito. Wala ata akong balak bitawan.

"Kahit ano na lang." Sagot ko. Hindi naman kasi ako sanay kumain sa mga ganitong
mamahaling restaurant tsaka hindi ko mainitindihan ang mga nakasulat.

Tumango lang si Sir at sinabi ang order namin sa waiter. Pagkaalis ng waiter ay
tahimik lang naming inintay ang order namin.

"Jake Is that you?! Oh my god! Ikaw nga!" Parehas kaming nagulat ng may magsalita
sa harap namin. Sinamaan lang ito ng tingin ni Jake.

"Sino ka?" Walang kalatoy-latoy na tanong nito. Kinagat ko ang ibabang labi ko para
mapigilan ang pagtawa ngunit hindi ako nagtagumpay. Kahit anong gawin ko ay
napapangiti pa din ako. Kitang-kita ko kung pano mamula ang babae sa sobrang
pagkapahiya. Nagtinginan kasi ang mga tao dito dahil sa lakas ng boses nya tapos
ang isasagot lang sayo ay 'sino ka?'. Inirapan muna ako nito bago ibinaling ulit
ang atensyon sa kasama ko.

"Ako to, Si Jasmin! Remember? Sa pool party ni Rafael?" Excited na sabi nito ngunit
mahahalata sa boses na natetensyon ito. Inilagay ni Sir Jake ang kamay sa baba nya
na para bang inaalala ang sinabi nitong Jasmin.

"Ah." Sagot nito at ibinaling na ulit ang atensyon sa akin.

"Gutom ka na ba?" Umiling lang ako habang nakangiti. Hindi maipinta ang mukha ng
babae. Naetshapwera ito. Feeling ko tuloy ngayon ang ganda-ganda ko.

"Ahm. Excuse me. Pwedeng makishare ng seat. On the way pa kasi yung friends ko."
Lihim ko itong inirapan. Ayaw talagang sumuko ha.
"Ge." Pagkasagot ni Sir Jake ay lumawak ang ngiti nito. Agad itong umupo sa harap
ni Sir. Mabuti na lang at wala ng upuan sa tabi ni Sir kung hindi ay baka doon pa
iyon pumwesto. Ang landi talaga. Bigla akong nanggigil dito. Napaka landi talaga.

"Naaalala mo Jake yung nagyari sa party? Si Rafael and--"

"Hindi." Pinutol ni Sir ang sinasabi ni Jasmin. Natigilan ito at itinuloy na lang
ang pagkain. Lihim akong napangiti. Iimik pa kasi e.

Habang nakain kami ay ramdam kong ayaw makasama ni Sir Jake si Jasmin, maging ako
din naman. Ang sama nga lang tingnan kung paalisin namin ito. Halatang-halata naman
kasi na nilalandi nito si Sir Jake, at alam kong naiirita si Sir dito.

Matapos naming kumain ay hiningi na ni Sir ang bill ng aming babayaran. Pagkalapit
ng waiter ay nilabas ni Sir ang wallet sa bulsa nya.

"Ako na ang magbabayad ng kinain ko. Baka maibayad mo pa ko." Nakangiting sabi ni
Jasmin at kinuha ang wallet sa loob ng bulsa nya.

"Hindi kaya." Prankang sagot ni Sir. Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Pati ang
waiter ay napatawa sa inasta ni Sir. Kung ganito ba naman si Sir sa lahat ng
makakasalamuha nyang babae ay tiyak na wala na dapat akong ipag alala pa.

Ngumiti lang ng pilit si Jasmin at ibinigay na din ang bayad sa waiter.


"San mo gusto pumunta ngayon babe?"

"Babe?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jasmin. Hindi ba kapani paniwalang may


relasyon kami nitong katabi ko? Kahit nakaupo pa kami ay tiningnan nya ako mula ulo
hanggang paa. Kita kong napangiwi sya nang mapagtanto ang suot ko. Nakapantalong
maong lang ako at blouse. Tinernohan pa ng doll shoes na pahiram sakin ni Jupiter.
Ano nga ba naman ang laban ng damit ko sa suot nyang kulay pulang dress?

"Sine? Gusto mo?" Hindi nito pinansin si Jasmin. Pakiramdam ko ay bigla akong
nanliit. Kung titingnang mabuti ay bagay na bagay sila. Para ngang sila ang
nagdedate tapos ako ang PA nila. Walang wala ako sa Jasmin na yun. Ganto ang mga
tipong nababagay kay Sir. Bigla akong nakaramdam ng insecurity sa katawan. Kelan pa
ko natuto mainsecure?

"May alam akong magandang movie! Tara!" Masayang wika ni Jasmin.

"Miss pwede ba? Tantanan mo kami ng girlfriend ko. Ang epal mo." Ang insecurity na
nararamdaman ko kanina ay nawala ng parang bula. Napalitan ito ng kilig. Ang sarap
sa pakiramdam na sabihin nya sa ibang tao na girlfriend nya ko. Pakiramdam ko ay
pinagmamalaki nya ako.

"But--"

"Akala ko ba on the way na ang mga friends mo? Asan na sila? Tantanan muna kami,
Please. Leave us alone." May diin sa bawat pagsasalita nya. Halatang kanina pa
itong nagtitimpi. Bakit imbis na matakot ako ay kinikilig ako?

Tumayo na si Sir at inalalayan ako patayo. Hinawakan nito ang kamay ko at sabay
kaming lumabas ng restau. Naiwan si Jasmin na tulala habang nakanganga. Gusto ko
sanang takpan muna ang bibig nya bago kami lumabas ng restau kaya lang ay baka
lalong magalit si Sir.

"Sine tayo babe." Tumango na lang ako. Hindi ko na mapigilan ang pag ngiti ko.
Bakit kung kailan bente tres anyos na ako ay saka ako kinikilig ng ganito.

Habang naglalakad kami ay lahat ng makakasalubong namin ay napapatingin kay Sir.


Ang iba nga ay napapatigil pa para lang matingnan itong mabuti. Pakiramdam ko ay
ang swerte-swerte ko. Hawak ng kamay ko ang lalaking pinag papantasyahan nila.
Parang gusto kong sabihin sa mukha nila na 'Mainggit kayo, please.'

Napatigil kami sa paglalakad dahil nag vibrate ang cellphone ni sir. Sandaling
binitawan nito ang kamay ko para makuha ang cellphone sa kanyang bulsa. Napansin
kong sandaling kumunot ang noo nito at ilang saglit pa ay bumalik na sa dati ang
ekspresyon ng mukha nito.

"Babe, Ano. Okay lang ba na umuwi na tayo? Next time na lang tayo manuod ng sine?"

"Bakit?"

"Nasa bahay na sina Mommy. Pinapauwi na tayo."

***

Thankyou kay jjluvluv sa pagvote at kina iam_misswatty, iza_prettie18, polyatic21,


jjluvluv at iiamabigail sa pagfollow. Thank you thank you talaga guys :)
####################################
Love Affair no. 18
####################################
Tahimik na kumakain sina Ma'am Rose at Sir Noel ng umagahan. Si Sir Jake naman ay
hindi pa lumalabas sa kanyang kwarto, marahil ay tulog pa ito. Ako at ang kambal ay
nakatayo lamang sa gilid, hinihintay ang iuutos ng amo namin. Isa ang mga napag
kasunduan namin ni Sir Jake kahapon na tutulong na ulit ako sa pag gawa ng mga
gawaing bahay. Mabuti na lang ay pumayag ito kahit labag sa loob nya.

Kahapon pa dumating ang mag asawa dito sa Mansyon. Tinupad ni Sir Jake ang hiling
ko dito. Hindi nito sinabi sa mga magulang nito ang relasyon namin.

Mabuti na lang at hindi nakahalata ang mag asawa ng makitang magkasabay kaming
umuwi sa mansyon. Ang dinahilan na lang namin ay sinamahan ako ni Sir na
mamalengke. Mukha namang naniwala agad ang mga magulang nito dahil hindi na ito
muling nag tanong pa. Pakiramdam ko ay mas lalong lumaki ang kasalanan namin dahil
sa aming pagsisinungaling. May balak din naman akong sabihin sa mga ito ang totoo,
hindi nga lang ngayon. Kailangan ko munang ihanda ang sarili ko.

Napalingon ako sa hagdan ng makita ko si Sir Jake na pupungas-pungas pa ang mata.


Agad itong ngumiti ng makita ako. Pinanlakihan ko ito ng mata dahil nasa harap kami
ng mga magulang nya. Napaka tigas talaga ng ulo. Sinabi ng wag magpahalata!

Hindi ako nito pinansin at mas lalo lang lumawak ang ngiti habang papalapit sa
upuan nya.

"Good Morning Son." Magkasabay na bati ng mag asawa.

"Morning." Tipid nitong sagot nito at ibinaling ang paningin sa akin. Agad kong
iniiwas ang paningin ko dito at lihim na nagdadasal na sana ay hindi makahalata ang
mga magulang nya. " Mariel, kumain ka na?" Napapikit ako ng mariin sa inaasta nya.
Napansin kong napatigil sa pagsubo ng pagkain ang mag asawa.

"Yes, Sir. Kumain na po kami ng kambal pati si Manang Doray." Sagot ko. Tumango
lang ito. Nakakunot na ang noo ng mag asawa habang tinitingnan si Sir Jake. Si Sir
Jake naman ay umastang parang wala lang nangyari. Umupo na ito at tahimik na
sinimulan ang pagkain.

Nang makatyempo ako na hindi magkakasama sina Ma'am Rose at Sir Jake ay agad kong
hinila si Sir. Dinala ko ito sa bahay at pagkapasok namin ay agad kong isinarado
ang pinto.

"I missed you!" Agad ako nitong niyakap ng humarap ako sa kanya.

Itinulak ko ito papalayo.

"Bakit?" Kunot noong tanong nito.

Inirapan ko ito. "Anong bakit? Hindi ba sabi ko wag na magpanggap muna tayo. Baka
makahalata ang mga magulang mo!" Singhal ko sa kanya.

"Hey. I'm trying my best here."

Hindi ko ito sinagot. Narinig ko na nagbuntong hininga ito.

"Fine. I'm sorry, Okay? Hindi ko lang talaga napigilan. Hindi kasi kita matiis."
Iniwas nito ang tingin sa akin. "Nag aalala lang ako sayo. Iniisip ko lang naman na
baka hindi ka pa kumakain kaya hindi ko napigilang itanong sayo yun sa harap nina
Mommy." Sinundot ako ng konsesya ng marinig ko ang sinabi nya. Pakiramdam ko ay
nagkapatong patong na ang kasalanan ko. Napaka makasarili ko. Ang iniisip ko lang
ay ang nararamdaman ko. Hindi ko man lang naisip na nahihirapan din sya sa
sitwasyon namin ngayon.

Ako din naman ang may kagustuhan nito hindi ba? Kung hindi ko sya pinilit na itago
sa mga magulang nito ang relasyon namin ay hindi kami mahihirapan ng ganito.
Naduduwag kasi ako e.

Lumapit ako sa kanya at agad ko syang niyakap, niyakap din naman ako nito pabalik.

"Sorry." Ang laki na ng kasalanan ko dito. Ipinapangako ko sa sarili ko na pag


naging maayos na ang lahat ay babawi ako dito.

"It's okay." Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at mabilis na hinalikan ako sa


labi. Nakangiting tiningnan ako nito, nginitian ko naman ito pabalik.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na kami ng bahay. Pinauna ko muna ito,
makalipas ang limang minuto ay tsaka lang ako lumabas. Mabuti na ang nag iingat.

Ngayon ay nasa sala sina Ma'am Rose, Sir Noel at Sir Jake at ako naman ay
nagpupunas ng mga picture frame ay ramdam ko ang nakakapasong titig sa akin. Kahit
nakatalikod ako ay alam kong si Sir Jake iyon. Pakiramdam ko ay tumatagos ito sa
likod ko. Binilisan ko na lang ang ginagawa ko para makaalis na dito sa harap ng
tatlo.

Paalis na sana ako ng mapatigil ako ng may tumawag sa akin.

"Babe-- este Mariel." Nasapo ko ang noo ko dahil dito. Bwisit ka, Jake Emralino!
Nanadya ata ito.

"Bakit po, SIR?" Pinagdiinan ko ang huling salita na para bang pinapaalala ko dito
ang napag usapan namin kani-kanina lang. Nakita kong nakatingin na din sa amin ang
mga magulang nito at tinitignan ang susunod na mangyayari. Nakaramdam ako ng takot,
pakiramdam ko ay nakakahalata na ang mga ito.

Gusto kong sapakin si Jake sa mga oras na ito, kung wala nga lang sa harap nito ang
mga magulang nya ay tiyak kanina ko pa ito ginawa.

"Hmm. Wala lang. Huwag masyadong magpapagod. " Natatawang sagot nito at binalik na
ulit ang atensyon sa panood ng TV.

Sina Ma'am at Sir naman ay hindi pa din inaalis ang tingin sa akin. Nahihiyang
nginitian ko lang ito at agad na umalis na sa harap nila. Humanda ka sakin Jake
Emralino mamaya!

Kasalukuyan akong nagwawalis ng harapan ng mansyon nang napatigil ako dahil sa


maramdaman kong may yumakap sa bewang ko. Agad akong lumayo dito at tinanggal ang
pagkakayakap sa akin.

Lumingon ako sa paligid at gayon na lang ang pag papasalamat ko ng makita kong
walang tao sa paligid.

"Ano ba?!" Sigaw ko nang makaharap ako dito.

Napapitlag sya ng sumigaw ako. Maging ako man ay nagitla sa inasta ko. Kanina pa
akong pikon na pikon dito. Nagkataon na nagkaroon pa ako ng menstruation ngayon
kaya sobrang init ng ulo ko.

Napaka kulit kasi nito. Pagkalabas namin ng bahay ay parang wala kaming napag
usapan. Hindi ko alam kung nananadya ba 'to o ano. Kung kausapin nya ako kanina sa
harap ng mga magulang nya ay para bang ako ang pinaka importanteng tao sa buhay
nya. Kung nasa ibang sitwasyon siguro ako ay malamang na namilipit na ako sa kilig.
Sana nga lang ay hindi pa din nakakahalata ang mga magulang nito. Pag nagkataon na
palayasin ako ng mga ito ay hindi ko alam kung saan kai pupulutin ng

"Galit?" Natatawang tanong nya.

Binatukan ko ito.

"Aray!" Sabi nito habang hinihimas ang ulo nito.

"Huwag ka ngang lalapit sa akin! Ang tigas talaga ng ulo mo!"

"Hindi lang ulo ko ang matigas. Pati yung ti---"

"Bastos!" Pinutol ko na ang sasabin nito nang marealize ko kung ano ito.

"Green minded. Tiyan ang sasabihin ko babe. Hindi yang iniisip mo. Yung abses ko
ang tinutukoy ko." Aniya at itinaas ang T-shirt na suot nito. Nag iwas ako ng
tingin na makita ko ito. Pakiramdam ko ay sobrang pula na naman ng mukha ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

"Ewan ko sayo! Umalis ka na nga sa harapan ko. Naiirita ako." Sabi ko na lang para
mailihis ang usapan.

"Kiss muna."

"Kiss mo mukha mo!"

"Ayaw. Gusto ko mukha mo."

"Tse!"

"Bilis na."

"Ayaw."

"Please."

"Hindi pwede."

"Bahala ka. Hindi ako aalis dito habang hindinmo ko hinahalikan. Ikaw din, baka
makita tayo nina Mommy dito. Magtataka yun pag---"

"Oo na! Oo na!" Ang dami pang sinasabi eh!

Agad itong ngumiti dahil sa sinabi ko. Ngiting tagumpay. Lumapit ito sa akin at
hinapit ang bewang ko. Parang may sariling isipan ang katawan ko dahil kusang
inilagay ko ang mga kamay ko sa batok nito. Dahan-dahang inilapit nito ang labi
nito sa labi ko.

Nang maglapat ang mga labi namin ay kusang napapikit ako at sumabay sa bawat pag
galaw ng labi nya. Ito na naman ang pakiramdam ko na para bang nawawala sa sarili.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay kapwa kami habol ang hininga.

"Sarap." Pabirong hinampas ko ito sa balikay nya. Tumawa lang ito.

Bago ito umalis ay binigyan muna ako nito ng mabilis na halik sa labi tsaka tumakbo
papasok sa loob ng mansyon. Natatawang tiningnan ko ito habang papalayo ito sa
akin. Parang bata.

"Mariel, Iha. Pwede ba tayong mag usap?" Para akong binuhusan ng malamig na yelo ng
marinig ko ang boses ni Ma'am Mariel na nanggaling sa likuran ko. Dahan-dahan akong
lumingon sa kinaroroonan nya at sinalubong ako nito ng seryosong mukha. Pakiramdam
ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Sht. Nakita nya ba kami?

***

Thank you kay tinzmarie sa pag follow. Godbless :)


####################################
Love Affair no. 19
####################################

"Hiwalayan mo ang anak ko." Ito agad ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkasok ko
sa veranda. Nakita ko si Ma'am Rose na seryosong nakatingin sa akin ngayon.

"Hiwalayan mo sya." Ulit nito. Hindi ako makapag salita. Nawala ata ang dila ko at
hindi ko alam kung saan ito napadpad. Nakatingin ito sa akin ngayon. Tingin na
naghahamon.

"M-ma'am." Tawag ko dito. Pakiramdam ko ngayon ay hapong-hapo ako kahit wala naman
akong ginagawa.

"Kelan pa?" May hinanakit sa boses nito. Nag iwas ako ng tingin ng makita ko ang
mukha nito.

Masama ang loob nito sa akin. Kung papalayasin man ako nito ay tatanggapin ko ito
ng buong puso. Sinira ko ang tiwala nila.

"Tatanungin kita, Mariel. Gusto ko sagutin mo ko ng diretso. May gusto ka ba sa


anak ko?" May diin sa bawat pananalita nito. Kinikilabutan ako dahil ito ang kauna
unahang beses na kausapin nya ako sa ganitong tono.

"O-opo." Sagot ko. Nag iinit na gilid ng mata ko at anumang oras ay lalabas na ang
luhang kanina ko pang pinipigilan.

"Mahal mo ba sya?" Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi nya. Mas mahinahon na
ang boses nito kumpara kanina.

Mahal ko nga ba sya?

"Hindi po. Hindi ko po alam." Kumunot ang noo nya dahil sa sagot ko.

"Oo o Hindi lang Mariel!" Napapitlag ako ng sinigawan ako nito. Bumalik ulit ang
takot na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Mahal ko nga ba sya? Hindi ko alam. Basta ang alam ko gusto ko sya. Gusto ko pa
lang sya.

Ano bang pinagkaiba ng gusto at mahal? Sht. Natataranta na ko dito.

"ANO?!"

"Hindi po! Hindi pa po!" Pasigaw kong sagot dahil sa takot ko kay Ma'am Rose. Para
kasi itong higante na kakainin ako ng anumang oras. Hindi ito ang Ma'am Rose na
sobrang bait kung ituring ako dati.
Sabagay, Matapos kong sirain ang tiwala nya. Asa pa naman akong bumalik ang dating
pagtrato nya sa akin.

"Hiwalayan mo ang anak ko. Hindi ka nababagay sa kanya. Huwag na huwag ka na din
magpapakita sa kanya kahit kailan." Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig ko.
Hindi ko namalayang nag uumpisa na palang tumulo ang mga luha kong kanina ko pang
pinipigilan.

Hindi ko alam kung anong mas masakit.

Ang mawalan ako ng trabaho o ang huwag ng makipag kita kay Sir Jake kahit kailan.

Iniisip ko pa lang na hindi na kami magkikita ay naninikip na ang dibdib ko.

Parang sinabi na din ni Ma'am Rose sa akin na huwag na akong huminga.

Ngayon ay napa isip ulit ako.

Mahal ko na nga ba talaga sya?

"Ma'am." May pagsusumamo sa boses ko. "Mahal ko po ang anak nyo. Mahal ko si Jake."
Hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang humagulhol basta ang alam ko ay nasasaktan
ako at hindi ko kakayaning mabuhay kung wala si Jake sa tabi ko.

Tanggap ko na tanggalin nya ko bilang kasambahay ngunit wag naman sanang pagbawalan
nya pati ang pakikipagkita ko sa Anak nya. Alam kong makapal na ang mukha ko pero
wala eh. Mahal ko na talaga.

Napatigil ako sa paghagulhol ng marinig ko ang impit na tawa ni Ma'am Rose hanggang
sa ang tawa ay naging halakhak na.

Tiningnan ko ito ng nagtataka.

"S-sorry. Sorry." Humahalak pa ding sabi nito. Ang kamay nya ay nasa tyan na din
upang matigil ang pagtawa. Nalululuha na din ang mga mata nito.

Kumunot ang noo ko dahil sa mga ikinikilos nito. Pakiramdam ko ay umurong lahat ng
luha ko.

"Joke!" Tuwang-tuwang sabi nito. "Hinuhuli lang kita." Maluha luha ako nitong
tiningnan.

Hanggang ngayon ay hindi pa din maproseso ng utak ko ang sinasabi nito.

Hindi totoong galit ito sa akin?

"Iha, Sorry. Sorry talaga. Napaover ata ang acting ko. Umiyak ka tuloy. Gusto ko
lang namang malaman ang totoong nararamdaman mo sa anak ko. Don't worry, Boto kami
ni Noel sayo. Alam naming mabuti kang tao." Paliwanag nito sa akin ng makarecover
na sa pagtawa.

Pakiramdam ko naman ay nabunutan ako ng napakalaking tinik sa dibdib. Gustong-gusto


ko itong yakapin ngayon ngunit pinigilan ko lang ang sarili ko.

Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at sya na mismo ang yumakap sa akin.

Napangiti ako.

"Welcome to the Family Mariel." Aniya habang hindi pa din tinatanggal ang
pagkakayakap sa akin.

"M-ma'am Thank you po. Sorry po talaga." Naiiyak na naman ako at iyon ay dahil sa
sobrang kasiyahan. Sobra sobra na ang bait na pinapakita ng mga ito sa akin. Paano
ko nakayanang maglihim sa mga ito?

"It's okay. Although may sama ako ng loob sa inyong dalawa kasi itinago nyo sa amin
ang relasyon nyo." May himig na pagtatampo sa boses nito.

"Sorry po talaga Ma'am. Ako po ang may pakana ng lahat." Kung pwede nga lang araw
araw ako mag Sorry sa mga ito para mabawasan ang sama ng loob nila sa akin ay
gagawin ko.

"It's okay. From now on, You can call me Tita." Nakangiting wika ni Ma'am Rose este
Tita habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko.

"Sige po Tita." Nginitian ko ito. Naiilang ako natawagin itong Tita dahil hindi
naman ako sanay na ganoon ang itinatawag ko sa kanya.

"Ahm. Iha. Pwedeng humingi ng pabor?" Nag aalangang tanong sa akin ni Tita.

Agad naman akong tumango.

Kahit ano pa iyan ay gagawin ko. Napakabuti ng ipinapakita nila sa akin kaya sino
ba naman ako para tumanggi.

"Pwede mo bang hiwalayan ang anak ko." Nanlaki ang mga mata ko. Sandali itong
tumigil sa pagsasalita. "Joke!" Aniya at nagsimula na namang humalakhak.

Ngumiti na lang ako ng pilit para kunyari ay natatawa din ako sa sinabi nya.

Kung si Venus o Jupiter lang ang gumawa sa akin nyan ay malamang kanina ko akong
nakasapak.

"Pasensya na. Pasensya na. Hindi lang talaga ako maka get over sa nangyari kanina.
Pakiramdam ko tuloy mas gumaling yung mga acting skills ko." Paliwanag nito.
"Anyway, Iha pwede mo bang pilitin si Jake na magtrabaho na. Alam ko kasing ikaw
lang ang makakapilit sa kanya." Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito.

Tumango ako at lihim na nagdadasal na sana lang ay mapilit ko ito.

Pagka alis ko sa veranda ay agad ko nakita si Jake na nakatalikod sa akin. Tumakbo


ako papalapit dito. Feeling ko ay miss na miss ko na ito kahit kanina lang kami
huling nagkita.

"Babe." Masayang bati nito sa akin. Lumingon ito sa likod ko at biglang kumunot ang
noo nito. " I mean Mariel."

Nilingon ko ang tiningnan nito kanina at nakita ko si Ma'am este Tita nakatayo sa
likod ko. Natatawang umiling lang ito sa amin bago naglakad papalayo sa amin.

Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Alam na nila ang relasyon natin. At alam mo bang hindi sila tutol dito!" Masayang
wika ko kay Jake na may kasama pang pag hampas sa braso nya.

"Nice." Matipid na sagot nito.

Palihim na kinurot ko to sa tagiliran. Sinigurado kong hindi ito makikita ni Tita.


Baka ang isipin pa nya ay minamaltrato ko ang anak nya pag nagkataon.

"Nice lang ang sasabihin mo?! Eh halos mamatay na ko sa kaba ng sinabi nyang gusto
nya akong makausap pagkatapos nice lang?!" Para naman kasing wala lang sa kanya ang
nangyari. Pakiramdam ko tuloy hindi ako importante sa kanya.

"Bakit naman ikaw kakabahan. Hindi ba sabi ko sayo na ayos lang kina Mom na
magkarelasyon tayo. Ikaw lang naman ang matigas ang ulo na gusto na maglihim pa."
Malambing na wika nito. Hinawakan nya ang pisngi ko para maiharap sa kanya.

"Alam mong hindi sila magagalit pag nalaman nila ang relasyon natin?"

"Hindi nga." Sagot nito. Halatang nakukulitan na ito sa akin.

"Bakit hindi mo agad sinabi?!" Bulyaw ko dito. Binatukan ko din ito. Umiwas lang
ito na para bang walang nangyari. Langya. Kung sinabi lang nya agad edi sana simula
pa lang hindi na ako kinabahan.

"Ikaw naman kasi ang ayaw makinig Babe eh. Tsaka nakakasakit ka naman. Ganan ba
talaga ang tingin mo samin? Hindi naman kami mapang mata. So bakit nila
pagbabawalan ang relasyon natin?" May himig ng pagtatampo sa boses nito. Bakit nga
ba hindi ko ito pinakinggan? Sht. Ang tanga tanga ko. At kung sakali man na
pagbawalan man ang relasyon namin ni Jake sa tingin ko naman ay ipaglalaban nya
ako. Sana.

"Sorry." Hindi ko alam kung naka ilang Sorry na ako sa lahat ng taong
nakakasalamuha ko ngayong araw. Ganito na ba kadami ang kasalan ko at panay ang
Sorry ko?

"Hindi ako tumatanggap ng Sorry." Nag taas baba ang kilay nito. "Parang mas prefer
ko yung salitang may three words and eight letters." Nakangising wika nito.

"Ahm. I Hate You?" Nakataas ang isang kilay ko habang nagsasalita.

Umiling ito ngunit hindi pa din mawawala ang ngising naglalaro sa kanyang labi.

"I Like you?" Nilagay ko ang hintuturo ko sa baba ko na wari'y nag iisip.

"Much better. But definitely not." Sagot nito at kinabig ang bewang ko papalapit sa
kanya.

"I Love Y-- Ummpp!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla bigang hinalikan
na lang ako nito sa labi. Mas matagal ito kumpara ng dati. Ramdam na ramdam ko
ngayon ang pagmamahal nito.

Kung ganito ba naman ang mang hahalik sayo araw araw, baka gawin ko pang hobby ito.

Ngayon ay isa na lang ang poproblemahin ko at iyon ay ang mapapayag ang batugan na
'to na mag trabaho muli.

***

Thankyou kay annepuman sa pagfollow. Godbless :)


####################################
Love Affair no. 20
####################################

"Bilis na kasi! Ang tamad tamad mo." Hindi ko alam kung ilang beses ko ng
sinubukang pilitin to ngunit napaka tigas talaga.

Kinurot nito ang ilong ko. Napangiwi ako dahil sa pagkakadiin nito. "Ayoko nga
sabi. Ba't ba ang kulit kulit mo?!"

Ngayon ay nanunuod kami ng basketball sa sala. Sya lang pala ang nanunuod dahil
hindi ko naman hilig ang mga ganitong palabas.

"Para sayo din naman yan eh! Bakit ba ayaw mo?!" Wika ko habang hinihimas ang ilong
ko. Masakit ha.

"YOLO babe. Tsaka bahala ka. Ikaw din, pag nag trabaho na ko konti na lang ang
magiging time natin together." Aniya at niyakap ako para mas mapalapit sa kanya.

"Edi mas mabuti." Bulong ko.

"Anong sabi mo?" Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Joke!" Nag peace sign ako dito. "Pumayag ka na kasi. Please?" Ipinag dikit ko pa
ang dalawang palad ko para mas effective.

"A.YO.KO." Madiin nitong pagkakasabi habang nakatutok ang buong atensyon sa TV.

"Fine!" Sabi ko at padabog na tumayo palayo sa kanya.

"Anong Fine?" Saglit na binaling ang atensyon nito sa akin.

"Break na tayo!" Sigaw ko dito.

Ginulo nito ang buhok nya at magkasalubong na naman ang kilay. "Aish! Fine!"

"Anong Fine?" Tanong ko. Fine? Pumapayag syang break na kami? Eh wala palang kwenta
'tong lalaking to eh!

"Magtatrabaho na ko." Lihim akong napangiti sa sinabi nya. Bibigay ka din pala
sakin e.

"Taob ka pala sakin." Bulong ko at bumalik na ulit sa pwesto ko kanina.

Tiningnan nya ako ng matalim. "May sinasabi ka?"

"Oo. bakit?" Tinaasaan ko ito na kilay.

"Tanong lang." Niyakap ulit ako nito gamit ang isang kamay at ang baba nya ay
nakapatong na ngayon sa balikat ko."Taray talaga". Bulong nito. Napangiti ako dahil
dito. Nagmumukha atang under sakin ngayon ang amo ko.

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil ito ang 1st day ni Jake sa trabaho. Dahan
dahan akong bumangon sa kama para hindi ito magising.

Simula ng maging legal kami sa mga magulang nya ay nakapag kasunduan nilang sa
kwarto na ako ni Jake matulog para daw mas maging komportble ako. Agad namang
sumang ayon sina Tita at Sir Noel.

Tuwang tuwa tuloy ang gago at sya pa mismo ang nag empake ng mga gamit ko. Hindi na
nila hiningi ang opinyon ko at basta na lang ako hinigit ni Jake papunta sa kwarto
nya.

Pagkababa ko sa kusina ay agad akong nagluto ng agahan. Marahil ay tulog pa sina


Manang Doray dahil alas kwatro pa lang ng madaling araw.

Gusto kong ako ang magluluto ngayon ng kakainin ni Jake para naman ganahan sya sa
pagpasok. Feeling ko tuloy ay mas excited pa ako kesa sa kanya.

Nang mag ala sais na ay bumaba na ang mag asawa. Parehas silang nakangiti ng makita
ako.

"Good Morning po." Nakangiti kong bati sa dalawa.

"Good Morning din." Sagot nila at umupo na para kumain.

Nang sinabi ko ang balitang pumayag na si Jake na makapagtrabaho na ay hindi


maibsan ang tuwa ng dalawa. Niyakap ako ni Tita habang si Sir Noel naman ay hindi
maalis ang ngiti sa kanyang labi. Panay ang pasasalamat nila sa akin at sinabing
ako daw ang dahilan kung bakit nag bago si Jake. Kung alam lang nilang mas
nagpapasalamat ako sa kanila dahil pinayagan nila akong mahalin si Jake.

Sinabi pa nilang hindi daw nagkamali si Jake sa pagpili sa akin at kung ano ano
pang kabutihan ang sinabi nila. Nahiya naman daw ako ng bahagya. Hindi ko tuloy
alam kung totoo pa ba ang sinasabi ng mga ito o binobola na lang nila ako.

Napaigtad ako ng maramdaman kong may yumakap sa bewang ko at nanggaling ito sa


likod ko at ang mukha nito na isiniksik sa leeg ko. Marahan kong tinapik ang kamay
nito para alisin ang pagkakayakap sa akin.

Napansin kong nakatingin na ang mag asawa sa akin at maging si Manang Doray ay
napatigil sa paglalagay ng plato sa lamesa ng makita ang ginawa ni Jake.

Nang mapansin kong wala itong planong tumigil sa ginagawa nya ay ako na mismo ang
nagtanggal ng kamay nito at agad akong lumayo dito. Pakiramdam ko ay pulang pula na
ang mukha ko ngayon. Hindi ba 'to marunong magpigil? Nakaramdam ako ng hiya kay
Manang Doray lalong lalo na sa mag asawa. Kahit na sabihin pang legal kami ay hindi
ko pa din maiwasang mahiya tuwing nakikita kami nina Tita at Sir Noel na magkasama
ni Jake. Marahil ay hindi pa lang talaga ako sanay.

Padabog na umupo si Jake sa upuan at nakasimangot na kinakain ang niluto ko.

Pagkatapos nilang kumain ay sabay sabay silang tatlo lumabas ng mansyon. Ang cute
nilang tingnan.

Si Tita ay naka puting dress. Nakahawak ang kamay nya sa braso ni Jake na ngayon ay
Baka simpleng asul na V neck . Si Sir Noel naman na naka long sleeve ay nauuna ng
maglakad dahil may kausap ito sa telepono.

Ako naman ay nasa likod lang ng tatlo habang dala dala ang brief case ni Sir Noel.

Nang makarating kami sa garahe ay agad tumakbo si Mang Kaloy upang pagbuksan sila
ng pinto.

Agad kong ibinigay kay Sir Noel ang kanyang brief case ng makitang papasok na ito
ng sasakyan.

"Babe?" Nagulat ako ng tawagin ako ni Jake. Ang buong akala ko ay nagalit sya sa
akin kanina dahl simula nang lumayo ako dito ay hindi na nito ako pinansin.

"Ba-baket?" Kinakabahang tanong ko dahil alam kong nakatingin samin ang mag asawa
pati na din si Mang Kaloy.
"Kiss ko?" Pinanlakihan ko ito ng mata ngunit sinamaan lang ako nito ng tingin.
Hindi ba sya aware na pinapanood kami ng mga magulang nya?! Kung makahingi ng kiss
parang naghihingi lang ng kendi!

Sasapakin talaga kita Jake pag nakahanap ako ng tyempo na wala tayo sa harap ng mga
magulang mo.

"Babe. I'm waiting." Nang mapansin kong hindi talaga ito titigil sa pamimilit sa
akin ay agad ko itong nilapitan at mabilis na hinalikan sa kaliwang pisngi.

Ngumuso ito sa ginawa ko.

"Hindi ganyan!" Ginulo nito ang magulong buhok nito na mas nakapagpadagdag sa
kagwapuhan nya. " Para ka namang bata." Wika nito at agad hinapit ang bewang ko
papalapit sa kanya. Nawala na naman ako sa aking sarili ng maramdaman ko na naman
ang malambot nitong labi sa labi ko. Tuwing nangyayari ito ay wala na akong ibang
magawa kung hindi ang pumikit at namnamin ang bawat sandali. Sya ang unang bumawi
ng halik. Pinag dikit nya ang noo namin at hindi ko namalayang naikawit ko na pala
ang mga kamay ko sa batok nya. Nag titigan kami at parehas kami habol ang hininga.

Nabalik ako sa realidad ng makarinig ako ng pagtikhim sa likod ko. "So, Ano anak?
Papasok ka pa ba o mag leleave ka muna?" Natatawang tanong ni Tita.

Napapikit ako ng mariin ng marealize ko kung anong ginawa ko. Sht. Mas nakakahiya
pa to kesa kanina. Yumuko na lang ako dahil hindi ko kayang tingnan silang lahat.

Lihim akong mag darasal na sana ay lumindol na lang o kaya ay lamunin na lang ako
ng lupa sa sobrang kahihiyan. Bakit ba naman kasi agad akong nagpadala kay Jake?!

"Alis na kami Babe." Hindi ko alam kung anong reaksyon nito dahil hanggang ngayon
ay nakatungo pa din ako. Hinalikan ako nito sa noo bago pumasok ng sasakyan.

Nang maramdaman kong nakaalis na sila ay tsaka lang ako nag angat ng tingin.
Nakakahiya talaga!

Pagkasarado ko ng gate ay nakarinig ako ng ingay sa garden kaya agad akong


dumiretso doon.

"Ano ba naman Mike! Bakit ba ang kulit mo sinabi na kasing may gusto ka sakin e!
Ayaw mo lang tanggapin kasi na iintimidate ka dahil sa sobrang ganda ko!" Boses ni
Jupiter ang umalingawngaw sa buong Garden. Nakatayo ito sa tabi ni Mike habang si
Mike ay busy sa ginagawa nyang pagdidilig na mga halaman.

"Ang tigas ng ulo mo. Wala akong gusto sayo. Ikaw ang makulit!" Napangiti ako sa
away ng dalawa. Kahit saang anggulo tingnan ay bagay na bagay talaga sila. Hindi
nila napapansin ang presensya ko dahil nakatalikod ang mga ito sa akin.

Humalukipkip si Jupiter at hindi pa rin inaalis ang tingin kay Mike. "May gusto ka
sakin! Nafefeel ko. Indeniable ka lang Mike!"

"Wala nga! Wala!" Halatang napipikon na ito sa kulit ni Jupiter. Ewan ko ba dito
kay Mike kung bakit ayaw pansinin si Jupiter. Maganda naman ito at mabait. Iba lang
talaga siguro ang taste nitong si Mike.

"Ganito na lang Mike pagbibigyan kitang manligaw sakin at dahil cute ka hindi kita
papahirapan masyado at sasagutin din kita agad." Inilagay ko ang akong kamay sa
aking labi para mapigilan ang pagtawa. Napaka pursigido talaga nito ng si Jupiter
pagdating kay sa lalaking 'to.
"Wala akong gusto sayo. Parang awa mo na, Lubayan mo na ko! Nakakaabala ka na!"
Mahahalata mo na ang iritasyon sa boses ni Mike ngunit hindi man lang natinag si
Jupiter. Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa din nila napapansin ang
presensya ko at hindi man lang nila alam na may nakakarinig na ng pinag aawayan
nila.

"Okay. Sige sige. Hindi ko alam na masyado ka palang futuristic. Alam ko naman na
nagsisipag ka sa trabaho kasi gusto mong mag settle down na tayong dalawa. Wag kang
mag alala. Major turn on yan sakin Mike." Hindi ko na napigilang humalakhak sa
sinabi ni Jupiter. Hindi akalain na ganito itong mag isip.

Napalingon ang dalawa sa akin. Si Jupiter ay nakangiti lang sa akin habang si Mike
naman ay poker face lang.

"Agang-aga LQ agad kayo?" Asar ko sa kanila. Si Mike ay sinamaan lang ako ng


tingin. Si Jupiter naman ay kinilig lang sa sinabi ko. Ibang klase talaga ang tama
ni Jupiter dito kay Mike. Kung tutuusin ay maswerte na si Mike kung sakaling si
Jupiter ang makakatuluyan nito. Ewan ko ba dyan kay Mike at napaka choosy!

"Pahard to get pa kasi itong isa eh. Sa akin din naman ang bagsak nyan." Humahakhak
na sabi ni Jupiter. Si Mike ay ipinagpatuloy ang pagdidilig na para bang walang
narinig. "Oo nga pala, Mariel. Invited ka ha." Nakangiting wika ni Jupiter

Kumunot ang noo ko. Anong meron? Malayo pa naman ang kaarawan ng kambal sa
pagkakaalam ko. "Saan?" Takang tanong ko.

"Sa kasal namin." Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang mahina ngunit malutong na
mura ni Mike. Napailing na lang ako sa inaaal ng dalawa.

Goodluck kay Jupiter. Goodluck talaga.

Iniwan ko na ang dalawa na nagtatalo. Hindi na nga ata nila napansin ang pag alis
ko.

Papasok na ko sa Mansyon ng makasalubong ko si Venus. Nginitian ko ito at nginitian


din naman ako nito pabalik.

"Ahm. May ipag uutos ka?" Naiilang na tanong nito.

Agad din naman akong umiling. Pansin ko lang na nitong mga nakaraang araw ay
lumalayo ang loob nito sa akin. Hindi tulad ni Jupiter na ganun pa rin kung itrato
ako. Si Venus kasi ay kung kausapin ako ay para na din nya akong amo. Ayoko naman
ng ganun. Mas gusto kong bumalik ang turingan namin sa dati.

"Sige. Alis na muna ako. Mamamalengke lang." Nakangiting paalam nito at lumakad na
palayo sa akin.

Papasok na sana ako sa pinto ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Oh, Ba't ka bumalik? May naiwan ka?" Tanong ko ng mapansin si Venus na papunta sa
gawi ko.

"Hindi. May bisita ka." Agad na nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni Venus. Ang mga
kapatid ko lang naman ang pwedeng bumisita sa akin. Bigla kong naramdaman na miss
na miss ko na sila.

Hindi ko ako nakapagpasalamat kay Venus dahil tumakbo na agad ako papalapit sa gate
ngunit bumagal ang takbo ko ng makita kong hindi ang mga kapatid ko ang bumisita sa
akin.
Kumunot ang noo ko at tiningnang mabuti ang lalaking nakatayo sa harap ng gate.

"Caesar?" Tanong ko ng makita ko ng buo ang mukha nya.

***

Thank you kina kittiya_02 at Elocin_Sixela sa pag follow at vote. Godbless :)


####################################
Love Affair no. 21
####################################

"Hi." Bati ni Caesar sa akin ng makalapit ako sa kanya.

"Hello. Ahm. Napadaan ka?" Nag aalangan ako kung papapasukin ko ba si Caesar sa
bahay. Baka itanong kasi nina Manang kung sino to at makarating pa ito kay Jake.

"Ah. Oo eh. Yayayain sana kitang lumabas kung okay lang?" Halatang nahihiya ito sa
sinabi nya dahil panay ang kamot nito ng ulo.

"Naku! Hindi pwede. Oras ng trabaho ko ngayon at bawal akong lumabas. Pagagalitan
ako ng amo ko." Magagalit sakin si Jake.

"Ganun ba? Kahit konting oras lang, hindi talaga pwede?" Pamimilit nito.

"Pasesya na. Hindi talaga eh." Halatang nalungkot ito sa sinabi ko kaya tinubuan
ako ng konsensya.

"Sige. Next time na lang. Pwede bang sabihin mo sakin pag may time ka na para
makapag celebrate tayo ng birthday ko?"

"Te-teka. Birthday mo ngayon?" Kaya nya ako niyayaya para may kasama sya sa mismong
kaarawan nya? Bakit ako?

"Oo eh. Pero ayos lang. Naiintindihan ko." Ngumiti ito sa akin. "Sige ha? Una na
ko. Pasenya na sa abala."

"Sandali! Saan ka pupunta?" Hinawakan ko ito sa braso para matigilan sa pag alis.

"Uuwi na. May next time pa naman 'di ba?" Tinap nito ang balikat ko."Una na ko.
Pasensya na ulit."

"Teka, Wag ka munang umalis. Intayin mo ko dito. Magpapalit lang ako ng damit."
Hindi ko na inintay ang sagot nya at tumakbo na ako papasok sa Mansyon.

Agad akong nagpalit ng maong na pantalon at T-shirt. Pagkababa ko ng hagdan ay


nakasalubong ko si Manang. Sinabi kong may bibilhin lang ako sa bayan. Hindi ko
sinabi ang totoo dahil baka malaman ito ni Jake at magalit pa ito. Ayaw ako nitong
payagan dahil baka hanapin daw ako ni Jake ngunit sa huli ay napilit ko din ito.
Sinabi kong mabilis lang ako at hindi naman ako gagabihin.

Pagkalabas ko sa gate ay nakita ko syang nakasandal sa kanyang sasakyan habang


nakapamulsa. Siguro kung hindi ko nakilala si Jake ay naging crush ko na ito. Gwapo
naman kasi ito pero syempre mas lamang pa din si Jake dito.

"Sasama ka na sakin?" Masayang tanong nya habang papalapit sa akin.

Pabirong inirapan ko ito. "Oo na. Pero mabilis lang ha?"


"Sure." Nakangiting sagot nya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

Habang nasa byahe kami ay panay ang kwento nya. Nagleave daw talaga sya sa trabaho
para dito. Iniisip ko tuloy na parang siguradong sigurado na syang sasama ako sa
kanya. Pamisan minsan ay nagbibiro sya. Ako naman ay tawa lang ng tawa sa mga
sinasabi nya. Puro kasi kalokohan.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko ng mapansing hindi na pamilyar ang
direksyon na tinatahak nya.

"Sa condo ko." Sagot nya. Nabahala naman ako bigla dahil ito ang kauna unahang
pupunta ako sa condo at isa pa condo ito ng lalaki! "Don't worry. Nandun ang Mom
and Dad ko. Wala akong gagawing masama." Natatawang wika nya ng mapansing nag iba
ang ekspresyon ng mukha ko.

Makalipas ang ilang minuto ay ipinark na nya ang kotse nya at bumaba na din agad
kami sa sasakyan. Nang sumakay kami sa elavator ay tsaka ako nakaramdam ng hiya.
Baka kung anong isipin ng mga magulang nya sa akin. Dapat ay Family bonding nila
ito ngayon pero eto ako at nakisama sa kanila.

"Relax." Sabi sakin ni Caesar ng mapansin na hindi maipinta ang aking mukha.

Nang makapasok kami sa condo nya ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. Parang hindi
lalaki ang nakatira dahil sa sobrang linis nito. Puti at itim ang kulay nito.
Pinaupo muna ako nito bago sya pumuntang kusina. Pagbalik nya ay may dala syang
isang basong juice.

"Anong gusto mong kainin? Magpapadeliver tayo." Ani Caesar at umupo sa tabi ko.

"Asan nga pala ang mga magulang mo? Akala ko andito sila?" Tanong ko ng mapansin na
sobrang tahimik ng lugar.

"Ah! Oo nga pala. I forgot. Ipapakilala kita sa kanila." Hindi na ako nakasagot ng
hinila nya ako papasok sa isang kwarto.

Madilim ito pagkapasok namin at agad din naman nyang kinapa ang switch ng ilaw. Sa
tingin ko ay ito ang kwarto nya. May computer maliit na upuan at ang nakaagaw ng
atensyon ko ay ang malaking picture na nakasabit sa ulunan ng kanyang kama. Hindi
ko maiwasang humanga dito. Para syang isang modelo.

"Asan sila?" Tanong ko ng mapansing wala namang tao sa paligid. Feeling ko tuloy ay
pinag loloko na ko ng isang 'to.

Hinarap nya ko sa isang table at nakapatong doon ang altar at dalawang parang vase
na may takip. Hindi ko ito napansin kanina dahil nasa gilid ito. Nagkaroon na ako
ng konklusyon ng makita ko ang bagay na iyon ngunit itinikom ko muna ang bibig ko.
Mas mabuting sya ang magsabi sa akin kesa sa magtanong ako.

Nakangiti lang si Caesar habang nakatingin doon. "Mom, Dad this is Mariel my
friend." Sandaling sumulyap ito sa akin. "Mariel, This is my Mom and Dad." Naawa
ako kay Caesar sa mga sandaling ito. Hindi ko alam na ulila na pala ito.

"Sorry." Ayan na lang ang lumabas sa bibig ko. Alam kong nalulungkot sya ngayon at
kailangan nya ng karamay.

Tumawa ito ngunit mahahalata na peke lang ito. "Wag ka ngang mag sorry. Hindi naman
ikaw ang pumatay sa mga magulang ko." Kahit hindi ako natawa sa sinabi nya ay
tumawa na din ako. Kahit sa ganitong pag kakataon lang, gusto ko malaman nyang may
kasama sya.

Matapos ang ilang sandali ay napag desisyonan namin na manatili na lang sa sala.
Pagkadating namin doon ay walang nag iimikan. Parehas kaming nagpapakiramdaman.

"May gusto ka bang itanong?" Basag ni Caesar sa katahimikan na nangingibabaw sa


aming dalawa.

"Oo. Marami." Sa sobrang dami ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Okay. May ikukwento ako sayo. Ang title ay 'Ang buhay ni Poging Papa Caesar' Ayos
ba? Wag mong ipapadala sa MMK. Baka dumami lalo ang admirers ko." Kinindatan ako
nito. Natawa ako sa sinabi nya at marahang tumango. Kahit talaga seryoso na ang
pinag uusapan ay hindi pa din nya maiwasang isingit ang mga kalokohan nya.

Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.

"Mukhang story telling ang mangyayari sa buong araw ng birthday ko ah. Amazing!"
Humalakhak ito at hindi ko napigilang sabayan ito. Napakaloko talaga.

"Pero may request ako bago ko simulan ang napaka poging story telling ko." Dagdag
nito.

"Ano?" Takang tanong ko.

"Please. Huwag mo kong kakaawaan. Kahit konti. Wag." Kinilabutan ako sa klase ng
boses nya. Hindi ako sanay ng seryoso ito. Nakakapanibago.

Marahan akong tumango at pilit na ngumiti.

Kinuwento nya sa akin ang nangyari simula bata pa sya. Kung paano sya umiyak pag
nadadapa sya. Kung paano sya sumimangot pag ginigising sya ng Nanay nya para
pumasok sa eskwela. Kung paano nya awayin ang kaklase nya pag may nasisira itong
laruan. Kung paano nya sulyapan ang crush nya. Mga simpleng bagay lang pero alam
kong naging masaya sya sa mga simpleng nangyaring iyon sa buhay nya.

Sobrang perpekto ng pamilya nila. May pera, malusog na pangangatawan, at higit sa


lahat sobrang mahal na mahal nila ang isa't isa. Sinabi nya sa akin na solong anak
sya kaya hindi maiwasang maispoiled ito ng Mom nya lalong lalo na ng Daddy nya.
Pero kelan man hindi nya naisipang abusuhin ito.

Masaya na sya sa simpleng ereplanong papel kesa sa airplane na de remote contol.


Masaya na sya sa kamay nyang hinlalaki at hintuturo at gagawin itong parang baril
pagkatapos ay itututok sa ibang tao kesa sa mamahalin na baril barilan na mabilis
lang naman masira. Ganun lang ang kasiyahan nya. Simple, pero may kabuluhan.

Hanggang sa mag 18 years old sya. Mas naging close daw sila ng mga magulang nya. Sa
sobrang close ay parang barkada na daw ang turingan nila pero kahit kailan ay hindi
pa din nawawala ang respeto nito sa mga magulang nya. Alam nya ang limitasyon nya.

"Pagkatapos?" Tanong ko ng mapansing tumigil sya sa pag sasalita at bumilis ang


paghinga nga hudyat na maiiyak na ito.

"Sa sobrang saya namin ay nakalimutan ko na kung paano maging malungkot." Tumingala
ito para mapigilan ang pagpatak ng luha. " At nung naramdaman ko yun, Hindi ko alam
na may kasama palang sakit. Hindi ako handa. Wala man lamang go signal. Basta ko na
lang naramdaman." Hindi ko maiwasang maawa sa sinabi nya. Mukhang hindi ko
matutupad ang pangako ko dito.
"My mom.. got raped." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "And I.. Me and my
Dad saw it." Sabi nito at napahagulhol na. Agad ko naman na niyakap ito para kahit
papano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman nya.

"I was there. Nakita ko ang lahat. Pero wala akong nagawa. Kahit konti. Hindi ko
sila nailigtas! Bullsht!" Tumayo ito at sinipa ang table na nasa harapan namin
ngayon. Agad ko naman itong inawat at pinakalma. Mukhang bad idea ata ang
pagpapakwento ko dito.

"Tama na please. Wala kang kasalanan." Sabi ko habang niyayakap sya. Alam kong
sinisisi nya sa nangyari. Ramdam ko naman na kumalma na din ito agad.

"Nakagapos kami ni Dad habang ginagawa nila yon. Wala kaming magawa kung hindi ang
umiyak, sumigaw at mag makaawa sa mga demonyong 'yon pero hindi nila kami
pinakinggan. Hindi ko alam kung anong rason nila bakit nila ginagawa 'yon! Walang
kahit konting ideya na pumasok sa utak ko."

"Pagkatapos nilang gawing 'yon, binugbog nila si Dad. From the secong time around,
wala na naman akong nagawa. Pinikit ko na lang ang mga mata ko habang si Mom naman
ang iyak ng iyak habang nagmamakaawang itigil na nila ang pag bugbog sa Dad ko."
Ramdam ko ang hinanakit sa boses nya. Hindi ko aakalain na ang Isang Caesar
Funtanilla pala ay may ganitong kalupit na pinag daanan.

"Pagkatapos nilang bugbugin ang Dad ko. May isang.. May isang armadong lalaki na
may dalang baril. Pinaulanan nya ng bala ng baril ang mga magulang ko." Akala ko ay
sa mga teleserye lang nangyayari ang mga ganitong bagay hindi ko alam na nangyayari
pala ito sa totoong buhay. "Ang hiling ko lang ng oras na yon, Sana.. Sana patayin
na lang din nila ako." Pagak na tumawa ito. "Pero malupit ata sa akin ang tadhana
e. Tingnan mo? Buhay na buhay pa ko. Alive ang kicking." Hindi ko na itinanong kung
ano pang nangyari dahil mas lalo lang syang nasasaktan. Niyakap ko na lang ulit
sya. Alam kong ito lang ang kaya kong gawin para kahit papaano ay gumaan ang
pakiramdam nya.

Napagdesisyunan kong iwanan muna sandali si Caesar ng kumalma ako para magtungo sa
kusina. Naalala kong napag usapan namin dati habang nasa kotse kami na paborito nya
ang kaldereta kaya ipagluluto ko sya ngayon nito.

Nang matapos na kong magluto ay tatawagin ko na sana ito para kumain ngunit nakita
kong papalapit na ito sa akin.

"Ang bango naman. Anong niluto mo?" Nakangiting tanong nya. Bumalik na ulit ang
masiyahing aura nya. Parang walang nangyaring iyakan kanina sa pagitan namin.

"Kaldereta. Paborito mo to 'di ba?" Sabi ko habang pinaglalagay sya ng kanin sa


plato. Sya naman ay naupo na sa upuan.

"Paano mo nalaman? Stalker ba kita?" Nagdududang tanong nya. Napangiti ako sa


inasal nya. Hindi ko talaga lubos maisip na naging masalimuot ang nakaraan nito.

"Ang sarap!" Sigaw nya pagkasubong pagkasubo pa lang ng niluto ko.

Pabirong hinampas ko naman ito. "OA ha. Hindi mo pa kaya nangunguya." Natatawang
wika ko na ikinatawa din nya.

Inalok nya akong kumain pero tumanggi ako. Tinititigan ko lang sya habang sya ay
maganang maganang kumain.

"Pwedeng magtanong?" Tumango ito. Hindi ito makapag salita dahil punong puno ng
kanin at ulam ang bibig nya.
"Yung mga ano...Yung gumawa sa mga magulang mo nun. Nahanap ba? Nakulong ba sila?"
Tinitigan ko kung anong reaksyon nito ngunit ngumiti lang ito na para bang ang
katumbas ng tinanong ko ay kamusta ka na.

"Actually hindi ko alam. Hindi ko sila pinag aksayahan ng panahon para alamin kung
anong nangyari sa kanila."

"Bakit?"

"Naalala ko kasi ang sabi nila sa akin na wag daw akong magtanim ng galit sa kapwa.
Kahit gaano man daw kalaki ang ginawang kasalanan ng tao, matuto ko daw silang
patawarin dahil sinabi nilang ang lahat ng nangyayari ay may dahilan." Tumango lang
ako at pagkatapos noon ay nagpatuloy na syang kumain. Marami pa sana akong gustong
itanong tulad ng kung anong dahilan kung bakit ginawa sa kanila iyon at marami pang
iba.

Alas kwatro na ng mapag desisyunan kong umuwi na. Baka kasi maunahan akong umuwi ni
Jake, lagot ako pag nagkataon.

Habang nasa byahe ay ikinwento ko din ang buhay ko sa kanya. Ang pag kamatay ni
Nanay, ang panloloko ng tatay ko, except lang dun sa relasyon namin ni Jake.
Tahimik lang sya habang nagsasalita ako. Paminsan minsan ay tumatango.
Pagnapapansin nyang maiiyak ako ay kumukunot naman ang noo nito.

"Wow! Parehas palang masalimuot ang buhay natin. Meant to be!" Sabi nya ng matapos
akong magkwento.

"Baliw!" Natatawang wika ko.

Pagkadating namin sa mansyon ay agad akong nag paalam sa kanya. Panay pa din ang
pasalamat nya na sinamahan ko sya.

Nang makaalis na ang sasakyan ay tsaka lang ako pumasok sa loob. Ang laki ng ngiti
ko habang binubuksan ang gate ngunit naglaho ang ngiti ko ng makita ko ang malaking
bulto ng katawan na nakatayo malapit sa akin.

Si Jake. Masamang nakatingin sa akin ngayon habang mabilis ang bawat pag hinga.

"San ka galing?!" Napapitlag ako sa lakas ng boses na umalingawngaw sa buong


paligid. Nagsisimula na ding mamuo ang takot sa aking dibdib.

"Ki-Kina Caesar. Bi-Birthday nya ngayon kaya sinamahan ko sya." Hindi ko magawang
salubungin nya kaya sa ibaba ko na lang ibinaling ang paningin ko.

"Then what? Anong binigay mong birthday gift? Katawan mo? Sex?" Hinawakan ako nito
sa braso. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nya sa akin ngunit masyado syang
malakas. Hindi ko alam kung anong mas masakit. Ang pagkakahawak nya sa akin o ang
salitang binitawan nya sakin.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo Mariel. Pinilit mo ba akong magtrabaho para kapag
wala ako makakahanap ka ng ibang lalaking pwedeng lalandiin?! Ha!" Umiling lang ako
ng umiling dahil sa oras na magsalita ako, baka bumuhos na ang luha kong kanina ko
pang gustong gustong ilabas.

Hindi ko sya kilala. Hindi ito ang Jake na minahal ko.

Nang makahanap ako ng tyempo ay itinulak ko ito papalayo sa akin. Nawalan ito ng
balanse kaya muntik na itong matumba.
"Anong ginawa nyo?! Ha?!" Papalapit na ito ulit sa akin.

"Bakit? Pag sinabi ko ba ang totoo maniniwala ka pa ba sakin?" May halong pait ang
boses ko. Natigilan ito sa tangkang paglapit sa akin at agad na lumambot ang
ekspesyon nito.

Lumakad na ako papasok sa mansyon. Kukuha lang ako ng damit ko sa kwarto at


didiretso na sa bahay na dati kong tinutulugan. Doon na lang muna ako. Ayokong
makita sya ngayon.

Papalabas na ko sa kwarto ng matigilan ako dahil nakaharang si Jake sa daraanan ko.

"Padaanin mo ko." Matigas ang bawat pananalita ko ngunit hindi man lang ito
nasindak.

"San ka pupunta?" Bumalik na sa dati ang boses nito.

"Bahay. Doon muna ako matutulog." Tipid na sagot ko.

"Bakit? Kasya naman tayo dito ah." Pilit nya akong hinahawakan ngunit tinatanggal
ko ang kamay nito na nakahawak sa akin

"Ayaw kitang katabi." Nakita kong nasaktan sya sa sinabi ko.

"Paano ako? Gusto kitang katabi."

"Problema mo na yun." Itinulak ko ito at agad din naman akong nakadaan. Ramdam kong
sinusundan nya ako pero hindi ko ito pinansin.

Nang makapasok na ko sa dati kong kwarto ko ay nakita sa gilid ng mga mata ko na


pabagsak na humiga si Jake sa kama. Kung hindi lang ako galit dito ay maaawa na ako
ngayon sa kanya. Halatang pagod na pagod na ito. Lumabas muna ako sa kwarto para
mapalit ng damit sa CR. Pagbalik ko ay nakapikit na ito at at nakapatong ang braso
sa noo nito. Nakalawit ang mga paa nito sa kama at hindi man lang natanggal ang
sapatos.

Nakonsensya tuloy ako. Kasalanan ko din naman e. Kung sana ay nagpaalam lang ako
edi sana ay hindi na umabot sa ganito.

Dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan nya. Humiga ako sa gilid ng kama at dahan
dahan itong kinumutan para hindi magising.

Nakatingin lang ako sa kisame at iniisip ang mga nangyari nitong buong araw.
Napatigil ako sa pag iisip ng maramdaman ko ang pag galaw ng katabi ko. Niyakap ako
nito at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"Akala ko tulog ka?" Hindi ako nakatiis na hindi ito tanungin.

"Hindi ko kaya. Galit ka sakin." May halong pagsisisi ang boses nito.

Huli na. Nasaktan mo na naman ako.

Hindi ko ito sinagot.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." Nanatili akong walang imik. Hindi ko na din tinangkang
alisin ang pagkakayakap nya sa akin dahil alam kong mahihirapan lang ako.
Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa dalawin na ko ng antok.
Nagising ako dahil sa pakiramdam na may mabigat na bagay na nakapatong sa binti ko.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko sa gilid ko si Jake na mulat
na mulat pa din hanggang ngayon. Maitim na ang ibaba ng mga mata nito ngunit hindi
ito nakabawas ng kagwapuhan nya. Tiningnan ko ang orasan sa gilid ko at nakita kong
alas kwatro na ng madaling araw.

"Hindi ka natulog?" tanong ko at inalis ang pagkakadantay sakin ng binti ni Jake.


Dahan dahan akong umupo sa kama.

"Hindi. Galit ka sakin e." Sabi nito at naghikab pa.

"Matulog ka muna. Ala sais ang pasok mo ah. Magluluto lang ako ng agahan." Tangkang
tatayo na ako ngunit napatigil ako ng nagsalita ito

"Hindi ako makakatulog. Galit ka." Napairap ako sa sinabi nito.

"Fine! Pinapatawad na kita." Agang aga bibwisitin ako.

"Ayoko nyan. Labas sa ilong. Gusto ko sincere." Sabi nito at humalukipkip pa habang
nakasandal sa headboard ng kama.

"Okay, Okay! Bati na tayo." Kung hindi ko lang alam na pagod ito at walang tulog
baka kanina ko pa itong nasapak.

"Ayoko pa din. Parang napipilitan ka lang." Magsasalita pa sana ulit ako pero
natigilan ako. Teka nga, parang nabaliktad ata ang sitwaston. Bakit ako ang
sumusuyo sa kanya ngayon?

"Pinagloloko mo ba ako?" Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin dito.

"Hindi. Sige na nga, bati na tayo. Kiss ko?" Agad itong lumapit sa akin at binigyan
ako ng mabilis na halik sa labi. "Inaantok na talaga ako babe, tulog na tayo." Sabi
nito at hinila na ako pabalik sa kama. Magpoprotesta pa sana ako ngunit nagsalita
ulit ito. "Hindi ako makakatulog pag hindi ka katabi." Tumango na lang ako at hindi
na nagsalita pa. Nakaramdam naman ako ng awa para dito. Pagod na pagod na nga sa
trabaho tapos ay wala pang tulog.

"Babe?" Tawag nito habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Hmm?" Sagot ko. Papikit na din ako dahil kulang din ang tulog ko.

"Naalala ko, May tinanong nga pala si Dad kahapon nung nasa kotse kami habang
papunta sa Resto." Bigla kong naalala ang halikan namin kahapon bago sya pumasok at
nakita ito ng mga magulang nya. Naramdaman ko ang pag init bigla ng pisngi ko. Sana
lang ay hindi nya ito mahalata.

"Ano?"

"Tinanong nya kung saan daw ako natutong humalik."Agad akong mapamulat ng marinig
ko ang sinabi nya. Ito ang kahuli-hulihang bagay na inisip kong itatanong ni Sir
Noel kay Jake.

Sumimangot ako ng maisip ko ang sagot.

Kanino pa ba? Edi sa mga naging babae nya. Nakaramdam tuloy ako ng paninikip ng
aking dibdib. Agang aga selos ang nararamdaman ko.

"Anong sabi mo?" Tiningnan ko ito at nakita kong nakangiti pero nakapikit na ito
Nagmulat ito at nakangiting tumingin sa akin. "Tinuruan mo ko." Humalakhak ito.

"Gago!"

***

Hi! Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat dahil sa pagsuporta ng A Not So


Secret Love Affair. Sobrang natutuwa ako dahil napasama ito sa What's Hot ng
General Fiction (Hindi ko lang nabilang kung pang ilang page. LOL). Kung hindi
dahil sayo. Oo, Ikaw mismong nagbabasa nitong message ko hindi mangyayari yun.

Sobrang sobrang thank you talaga dahil kahit hindi ako humihiling ng votes at
comments ay binibigay nyo pa rin sa akin. Basta salamat talaga :))))
####################################
Love Affair no. 22
####################################

"Aalis ka na agad?" Pupungas pungas akong umupo sa kama. Tiningnan ko ang orasan na
nasa side table. "Maaga pa ah. Alas singko pa lang." Dagdag ko at naghikab pa.
Antok na antok pa ako dahil pasado alas dose na ko natulog kahapon. Hinintay ko pa
kasi ang pagdating ni Jake bago ako matulog.

"Oo. Madaming gagawin ngayon sa Resto. Kelangang-kelangan ako dun." Sagot nito
habang nagsusuot ng sapatos.

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng si Jake ay magtrabaho. At sa loob ng isang


buwan na yun ay nawalan na kami ng oras sa isa't-isa. Sya lang pala ang nawalan ng
oras sa akin dahil ako naman ay palagi lang nandito sa bahay. Tuwing naiinip naman
ako ay naglalakad lakad na lang ako sa loob ng subdivision. Paminsan minsan ay
tumutulong ako sa pagluluto kay Manang Doray dahil mahigpit na pinagbabawal ni Jake
na tumulong ako sa mga gawaing bahay.

Sina Tita at Sir Noel ay nasa Marikina ngayon dahil sa may inererenovate doong
Resto at kailangan nilang tingnan iyon. Sa isang linggo pa ang balik ng mga ito.

"Matulog ka pa. Maaga pa." Wika nito at kinuha ang bag nya na nakalagay sa side
table. "Alis na ko. Wag mo na akong hintayin mamaya. Baka gabihin ulit ako."
Dagdag nito at mabilis na hinalikan ako sa labi. Hindi na ako nakasagot pa dahil
umalis na agad ito. Halatang nagmamadali ito para makapasok ng maaga sa trabaho.

Napabuntong hininga na lang ako ng isinarado na nito ang pinto. Naisip ko tuloy na
sana ay hindi ko na lang ito pinilit na magtrabaho. Kung alam ko lang na mawawalan
na talaga ito ng oras sa akin ay sana ay hindi ko na lang ito pinilit.

Sa kabilang bahagi naman ng utak ko ay nagsasabing tama lang ang desisyon kong
kumbinsihin sya sa pagtatrabaho. Para din naman sa kanya yun at isa pa ay matagal
ng hiniling iyon ng mag asawa na gawin ni Jake kaya dapat ay magpasalamat ako dahil
pumayag ito.

Kinagabihan ay alas otso pa lang ay humiga na ako. Pakiramdam ko ay sobrang bagal


ng oras dahil buong maghapon naman ay wala akong ginagawa. Hindi ko naman makausap
ang kambal maging si Manang Doray dahil busy ito sa kani-kanilang mga ginagawa.

Kanina ngang tanghali ay sinubukan kong tulungan si Manang Doray na mag walis sa
loob ng bahay ngunit kinuha lang nito ang walis na hawak ko at pinag sabihan ako.
Magagalit daw sa kanya si Jake pag nalaman tumulong ako dito. Napasimangot na lang
ako at nagkulong na lang ulit sa kwarto.
Kung sana lang ay nandito si Jake sa tabi ko kahit sana buong araw akong walang
ginagawa ay ayos lang sa akin.

Nakatitig lang ako sa kisame hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala


ako.

***

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Tinatamad pa akong imulat


ang mga mata ko kaya nanatili akong nakapikit.

Maya maya pa ay naramdaman ko ng lumundo ang kama hudyat na humiga na siya. Dahan
dahan kong minulat ang mata ko at napipikit ako dahil sa nasilaw ako sa liwanag.
Nang makabawi na ko sa pagkasilaw ay tiningnan ko kung anong oras na. Ala una na ng
madaling araw.

Tiningnan ko ang katabi ko ngayon ay malalim na ang tulog dahil rinig na rinig ko
na ang mahinang pag hagok nito. Padapa itong nahiga. Nakaputing sando ito at itim
na pantalon. Hindi na din nito naalis ang medyas na nakasuot sa paa nya.

Nakaramdam tuloy ako ng matinding awa para dito. Halatang pagod na pagod ito.
Inalis ko ang medyas nito at dahan-dahan na kinumutan para hindi magising.

Hindi ko tuloy alam kung nakakain pa ba ito sa tamang oras. Tingin ko kasi sa kanya
ngayon ay namamayat na ito.

Nailing-iling na lang ako at tumayo para patayin ang ilaw. Sa sobrang pagod nito ay
pati pag patay ng ilaw ay nakalimutan na nitong gawin.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina at pagkahiga ko ay agad ko itong niyakap. Kahit na


magkasama kami tuwing gabi ay pakiramdam ko ay miss na miss ko na ito.

Nakayakap lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na ulit akong dalawin ng antok.

Nagising ako kinabukasan ng wala na akong katabi. Naupo na lang ako at napasandal
sa headboard ng kama. Hindi man lang ako ginising para magpaalam na aalis na ito.
Hindi ko tuloy maiwasang sumama ang loob. Hindi na kasi na kakapag usap nito. Kung
sakaling mag usap man kami hindi ito tatagal ng limang minuto at ang kadalasang
napag uusapan lang namin ay simpleng 'Alis na ko.' 'Kumain ka na?' 'Tulog na tayo.'

Minsan nga ay naaawa na ako dito dahil hindi na ito nakakapag hapunan dala ng
matinding pagod.

Bumangon na ako at naligo muna bago lumabas ng kwarto para kumain.

Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko si Manang Doray na naghuhugas ng


pinggan.

"Mariel, Gising ka na pala. Pinapasabi ni Jake na umalis na daw sya. Hindi ka na


daw nya ginising kasi ang himbing ng tulog mo." Wika nito ng makita akong papalapit
sa kinaroroonan nya

Naupo ako at nangalumbaba sa lamesa. "Anong oras po sya umalis?" tanong ko at


pinilit na tinago ang pagtatampo sa boses.

Saglit na sinulyapan ako nito. " Alas singko. Nagmamadali nga e. Tambak daw ang
trabaho nya ngayon." Napanguso na lang ako sa narinig. Pakiramdam ko tuloy ay hindi
na ako mahalaga dito. Bakit hindi man lang gumawa ng paraan si Jake para makapag
usap kami?
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ulit ako sa kwarto at pabagsak na hiniga ang
katawan ko. Bakit kahit wala naman akong ginagawa ay pakiramdam ko ay pagod na
pagod ako? Ganto ba talaga kalakas ang epekto sakin ni Jake na pag hindi ko ito
nakakasama ay apektadong apektado ako? Siya kaya? Nararamdaman kaya nya ang
nararamdaman ko? Mukhang hindi naman. Sa tingin ko nga ay hindi ako nito naiisip
dahil tulad nga ng sabi ko kanina, sobrang abala nito sa trabaho nya.

Napatigil ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at
napakunot ang noo ko ng makita ko ang pangalan ni Jen. Si Jen ang kaibigan ko na
kapit bahay namin. Sa kanya ko din binili itong second hand cellphone mga dalawang
taon na ang nakakalipas.

Napabalikwas ako ng pagkakahiga ng mabasa ko ang mensahe nito.

Jen:

Si Biboy sinugod sa hospital. Nagsusuka at sobrang maputla na.

Agad akong nagpalit ng damit at patakbong lumabas ng bahay. Hindi na ako nakapag
paalam sa kahit kanino dahil sa sobrang pagkataranta ko. Wala namang nakapansin sa
pag alis ko sa bahay kaya dire-diretso na kong lumabas. Habang nirereplyan ko si
Jen ay nangangatal ang mga kamay ko. Muntik ko pa ngang mabitawan ang cellphone ko.

Habang nasa byahe ako ay kung ano anong tumatakbo sa isip ko. Hindi pa daw alam
kung anong sakit nito dahil ineeksamin pa daw ito ng doktor.

Pagkarating ko sa hospital ay agad akong tumakbo papasok dito. Naabutan ko si Jen


na nasa cashier.

"Asan sya?! Ano daw sakit ng kapatid ko?!" Hinihingal na tanong ko dito.

"Nasa room na sya. Food poison daw sabi ng doktor. Medyo okay na sya ngayon.
Nabawasan na din ang pamumutla nya." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang
sinabi ni Jen. Kahit papaano ay nabawasan ang pag aalala ko.

Nagpasalamat muna ako dito at tsaka pumunta na sa room kung saan nakaconfine ang
kapatid ko.

Pagkapasok ko doon ay nakita ko ang tulog na tulog na si Biboy at si Aldwin namin


ay nakaupo sa tabi nito habang pinapaypayan ang kanyang kapatid.

Anim na pasyente ang nandito sa kwarto ngayon at iisa lang ang electric fan kaya
sobrang banas dito. Kung may pera nga lang sana ako ay ililipat ko sya sa mas
maayos ayos na kwarto.

Pagkalapit ko sa kinaroroonan nila ay tsaka pa lang ako nakita ni Aldwin.

"Ate!" Agad nitong binaba ang pamaypay at patakbong lumapit sa akin. Niyakap ako
nito at niyakap ko din ito pabalik.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

Napansin ko naman ang biglang paglungkot ng mukha nito. Ginulo ko ang buhok nito at
hinila paupo para makapag usap kami.

"Wag kang mag alala. Hindi magagalit si Ate." Nginitian ko ito

Nakailang buntong hininga ito bago sinimulan ang pagkukwento. Nakakain daw si Biboy
ng panis na pagkain at hindi daw nya ito napansin dahil dala na ng matinding gutom.
Si Aldwin daw ay nag paubaya na sa kapatid ng makitang sarap na sarap ito sa
pagkain kaya hindi na ito nakiagaw pa. Makalipas daw ng kalhating oras nakaramdam
daw ito ng matinding sakit ng tyan kasabay ng pagsusuka.

"Sorry talaga Ate. Sorry." Paghingi nito ng paumanhin matapos magkwento.

"Wala kang kasalanan. Basta next time mag iingat na lang kayo para hindi na ulit
mangyari ito ha?" Malungkot na tumango si Aldwin. Sinisisi nya ang sarili nya sa
nangyari kahit wala naman talaga itong kasalanan.

Awang awa ako sa mga kapatid ko. Ganito na ba talaga kami kahirap para danasin ang
ganitong problema?

Isa pa nga palang problema ko ngayon ay kung saan ako hahanap ng pera para sa
pambayad sa hospital at gamot sa kapatid ko. Sa isang linggo pa ang sweldo ko at
pamasahe lang ang dala ko ngayon.

Naisip ko si Jake. Hindi ba may kasunduan kami dati na bibigyan nya ako ng pera
kapag kinakailangan ko at ang kapalit ay sex? Napatawa na lang ako da naisip ko.
Itinigil na nga pala namin yung kasunduang iyon simula ng maging magkarelasyon
kami.

Ayos lang kaya sa kanya na mangutang ako? Para kasing ang samang tingnan. Baka
isipin ng ibang tao lalo ng mga kaibigan nya na pineperahan ko lang si Jake. Baka
sabihin nila na pinilit ko lang itong magtrabaho para may mahingi ako dito.

Kung sana lang ay nasa tabi ko si Jake ngayon.

Maya maya pa ay nagising na si Biboy. Hindi na nga ito gaanong maputla ngunit
mahahalata mong nanlalambot pa din ito. Inalalayan ko itong maupo atsaka pinakain
ng lugaw.

Pagkatapos ay napagdesisyunan kong umuwi muna sa bahay namin para kumuha ng mga
damit ng kapatid ko. Si Aldwin ang magbabantay ngayong gabi kay Biboy. Hindi pa din
kasi sinasabi ng doktor kung kailan kami makakalabas.

Pagkadating ko sa amin ay ang daming bumabati sa akin at nangangamusta. Ngintian ko


na lang ang mga ito at tipid na sinasagot ang mga tanong nila. Ang sama kasing
tingnan kung hindi ko pansinin ang mga ito.

Nakasalubong ko si Jen ng malapit na ko sa bahay namin.

Ngumiti ito sa akin. "Jen! Thank you talaga. Magkano nga pala lahat ng nagastos sa
hospital? Promise. Babayadan kita." Sya kasi ang gumastos ng lahat pati pamasahe
pag punta doon. Basta, lahat-lahat na.

Natatawa lang ito sa akin. Mabuti na lang at may kapit bahay akong tulad ni Jen.
Kung wala sya ay hindi ko na alam kung ano ng mangyayari sa kapatid ko. "Okay lang.
Basta wag mo ng problemahin yun. Pag nakaluwag-luwag ka na tsaka mo na lang ako
bayaran." Ngumiti ako dito at nangako sa aking sarili na pag nagkapera talaga ako
sya ang unang-una kong babayaran. Medyo nakakaluwag luwag kasi ito sa buhay at sa
call center ito nagtatrabaho.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na sya dahil may pupuntahan pa daw ito.

Naglakad na ulit ako papunta sa bahay namin. Pagkadating ko doon ay kinuha ko agad
ang mga kakailaning dalhin sa hospital.
Ilalock ko na ang pinto ng mapatigil ako ng may tumawag sa pangalan ko.

Agad kong nilingon ito at nakita ko si Melanie na papalapit sa kinaroroon ko.


Napakunot ang noo ko. Bakit ako nito lalapitan? Pinasadahan ko ang kabuuan nito.
Nakasuot ito ng sobrang iksing short at spaghetti straps. Kilalang kilala ito sa
lugar namin dahil ito ay GRO sa club na malapit lang dito.

"Balita ko nasa hospital ang kapatid mo ah?" Tanong nito hang humihithit ng
sigarilyo. Hindi ko ito pinansin. Simula pa lang talaga ay ayaw ko na dito.
Naaartehan ako at alam kong magaspang ang ugali. Ang isa pang ayoko dito ay ang
tono tuwing makikipag usap ito. Hindi ko alam pero nababastusan talaga ako dito.

"Gusto mong tulong?" Hindi ko ulit ito sinagot at kinuha ko na ang mga bag na nasa
ibaba.

"Waitress lang. Kuha ka ng order tapos konting punas ng lamesa then boom! May three
thousand ka na." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi nito. "Three
thousand per night." Bulong nito sa tenga ko. Hindi ko na namalayan na nakalapit na
pala ito sa akin.

Ang laking pera na nun! Makakabili na ko ng mga gamot ni biboy at mababayaran ko na


din ang utang kay Jen.

"Fine. Ayaw mo ata e. Sa iba na nga lang. Ang dami pa namang nagvovolunteer."
Naglakad na ito papalayo sa akin.

"Sandali lang!" Sigaw ko na nakapagpatigil dito.

Umikot ito papaharap sa akin. Nakataas ang isang kilay nito.

"Kelan ako mag uumpisa?" Hindi ko alam kung tama ba ang desisyong ginawa ko. Ang
magtiwala sa isang taong kinaiinisan ko. Iniisip ko na lang ang mga kapatid ko.
Para sa kanila itong gagawin ko, hindi para sa kung kanino man. Ang kailangan ko
lang ay ang maging matatag.

"Bukas ng gabi." Ngumisi ito. "Ano na? Payag ka na?" Inapakan nito ang tinapon
nyang sigarilyo.

Pumikit ako atsaka huminga ng malalim bago sumagot. "Sige." Sagot ko at lihim na
nagdarasal na sana ay walang masamang manyari sa akin sa at sana ay tama ang
desisyong ginawa ko.

***

Thank you kay padillamiaa sa pagcocoment every chap. Natutuwa talaga ako sa mga
comment mo :)) Thank you ulit.
####################################
Love Affair no. 23
####################################

Ala una na ng madaling araw at alam kong mahimbing na mahimbing na ang tulog ng
katabi ko. Ito ang unang gabi ko sa trabaho. Ang sabi ni Melanie ay magkita na lang
kami sa labas ng bar. Pasado alas dose na ng dumating si Jake at wala pang limang
minuto ay naghihilik na ito. Hindi man lang kami nagkausap ng maayos. Tinanong lang
nya kung nakakain na ako kung bakit gising pa daw ako. Pagkasagot ko sa mga
katanungan nya ay hindi na sya nagsalita. Nang lingunin ko sya ay mahimbing na ang
tulog nito.
Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako o maiinis dito. Kahit na katabi ko sya ang
pakiramdam ko ay ang layo layo na nya sa akin.

Dahan dahan akong tumayo. Ingat na ingat para hindi magising ang katabi ko. Nang
makatayo ako ay agad kong kinuha ang bag ko. Habang naglalakad ako papunta sa pinto
ay ingat na ingat ako para hindi makagawa ng kahit na anong ingay.

Nang makarating na ako sa pinto ay dahan dahan kong pinihit ang sedura ng pinto.
Natatakot na lumikha ng kahit na anumang ingay.

"Mariel." Nahigit ko ang hininga ko ng marinig kong nagsalita si Jake. Dahan dahan
akong lumingon sa kinaroroonan nya at nakita kong ganon pa rin ang ayos nito.

"Mariel." Napangiti ako sa pagtawag nya sa pangalan ko. Tulog na tulog pa din ito.
Siguro ay napapaginipan nya ako.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Nang makalabas na ako ay tsaka pa lang ako
nakahinga mg maluwag. Hindi ko napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang
paghinga ko.

Madilim na sa buong mansyon. Patay na ang lahat ng ilaw at tanging ang liwanag ng
buwan na lang ang nagsisilbiing ilaw ko. Habang naglalakad ako palabas ay tinetext
ko si Melanie.

Bago ako lumabas ay nilock ko muna ang pinto at gate. Pasimple kong kinuha sa
kwarto ni Manang Doray ang susi ng Mansyon. Laking pasasalamat ko ng walang
nakakita sa ginawa ko.

Naglakad na lang ako palabas ng subdivision. Pagkalabas ko ay sumakay na ako ng


jeep.

Kalhating oras ang byahe papunta sa Bar na pagtatrabahuhan ko. Kinakabahan ako.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa oras na pumasok ako sa Bar na yun.
Kahit pa waitress lang ang trabaho ko, hindi malabong bastusin ako ng mga tao dun.

Pagkadating ko sa nasabing bar ay agad akong kinawayan ni Melanie. Ganun pa din ang
suot nya. Naka spaghetti straps at sobrang maikling short.

"Ang tagal mo ah. Kala ko hindi ka na darating." Aniya habang humihithit ng


sigarilyo.

"Pahirapan kasing makatakas sa amo ko eh." Dahilan ko.

Hinila na nya ako papasok sa Bar. Pagpasok na pagpasok pa lang namin ay sinalubong
na agad kami ng usok ng sigarilyo. Napapaubo ako dahil sa hindi ako makahinga.

Dinala nya ako sa isang kwarto at may binigay sa aking damit.

"Ito ang uniform mo." Aniya at kumuha ulit ng isang stick ng sigarilyo.

Napangiwi ako ng makita ko ng buo ang damit. Kulay pula itong dress at sobrang
iksi. Pagtumuwad ako ay paniguradong makikitaan ako.

"Lahat ng waitress ganan ang suot. Iba iba lang na kulay. Suot mo na yan, 'wag ng
maarte." Napasimangot ako sa sinabi ni Melanie. Kahit napipilitan ay sinuot ko na
din ang damit. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Parang hindi ako ito. Sa
buong buhay ko ay hindi ko naisip na magsusuot ako ng ganitong klaseng damit.
Pansin na pansin ang kalakihan ng dibdib ko at kitang kita din ang haba ng maputing
binti ko.
Nakita kong ngumisi si Melanie.

"Ganda mo ah. Sigurado kang waitress lang gusto mo? Subukan mong magpaligaya ng mga
customers. Tiyak na bebenta ka sa mga yon. Mas malaki ang kita don." Agad akong
napalingon sa likod ko ng marinig kong may nagsalita. Napag alaman kong ito ang
magiging amo namin. Pinipilit ako nitong huwag na lang waitress ang gawin at agad
ko din naman itong tinanggihan. Hindi ko masisikmura kung sakaling gawing kong
makipagtalik kung kanino man.

Ayoko pati na pagtaksilan si Jake.

"Tara. Trabaho na" Hinigit na naman ako ni Melanie palabas ng kwarto.

Pinakilala ako ni Melanie sa isa pa naming amo. Bale dalawa lang amo namin. Bakla
din ito at mukhang mataray. Natatakot ako sa kanya kaya hindi na ako nagtangkang
mag salita. Ilang sandali pa ay sinabi nya sa akin ang mga dapat kong gawin.
Katulad ng huwag daw ako maghihisterical pag hinihipuan na ako ng mga customer.
Ayos lang daw yun basta ang importante ay makapagbayad sila ng mga inorder nila.
Gusto ko sanang umalma at umatras na sa trabaho ngunit alam kong huli na ang lahat.
Ginapang na ko ng kaba. Hindi ko alam na ganito pala ang patakaran sa bar na ito.
Gusto kong tumakbo at tumakas na lang kaso biglang naisip ko ang kalagayan ng
kapatid ko. Para sa kanila itong gagawin ko. Hindi para sa sarili ko.

Maya maya pa ay nag umpisa na akong magtrabaho. Sa tingin ko ay mga nasa sampu
kaming waitress dito. Tama nga ang sabi ni Melanie, pare parehas kami ng suot at
magkakaiba nga lang ng kulay. Habang sumasapit ang gabi ay mas lalong dumadami ang
tao. Hindi lang pala ito bar na mga pang mahirap. May nakikita akong nakaupo sa
table na mga naka business suit at unang tingin pa lang ay alam mong mayaman na
talaga.

Kinakabahan ako tuwing may tumatawag sa akin. Pakiramdam ko ay gagawan nila ako ng
masama.

"Miss!" Napalingon ako ng may tumawag malapit sa kinaroroonan ko. Agad akong
lumapit sa table nila. Puro lalaki ang mga nakaupo doon. Tiningnan ko sila isa isa.
Mukhang mayayaman din ang mga ito base sa pananamit nila. Kung mag usap pa sila ay
ingles ang gamit na salita nila na para bang lumaki sila sa ibang bansa.

Agad kong sinulat ang order nila. Paalis na sana ako ng mapatigil ako ng may
umakbay sa akin.

"Miss padagdag pa ng isang beer." Sabi nito at mabilis na hinalikan ako sa kaliwang
pisngi. Sandaling nablangko ang isipan ko. Napako ako sa kanatatayuan ko.

Nabalik lang ako sa aking sarili ng marinig ko ang sigawan ng barkada nya.

"Neo akala ko hindi ka na makakarating!" Sigaw ng isang lalaki. So, Neo pala ang
pangalan ng humalik sa akin?

Naiilang ako dahil hindi pa din nito inaalis ang pagkakaakbay sa akin.

Tiningnan ko ito at halos matulala ako ng makita ko ang mukha nito. Maputi,
matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, malalim ang dimple at higit sa lahat,
napaka gwapo.

"Oo. Alam ko." Natatawang wika ni Neo.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Hindi ko sya mainitindihan.


"Na gwapo ako." Humalakhak ito. Tumawa din ang mga kabarkada nya.

Napangiwi ako. Ang gwapo nga, sobrang yabang naman!

Pasimple kong inalis ang pagkakaakbay nya sa akin at nang nag tagumpay ako ay basta
na lang ako umalis sa harap nila.

Naging maayos naman ang trabaho ko dito. Wala namang nagtangkang mangbastos sa
akin. Ang pinaka malalang ginawa ng customer ay yung inakbayan at hinalikan ako ni
Neo sa pisngi.

Alas kwatro na ng matapos kami sa trabaho. Binigay nung amo namin ang sweldo bago
kami umalis sa Bar. Pagkalabas ko ay agad akong nagpaalam kay Melanie. Mahahalata
sa mukha namin ang pagod.

Habang nakasakay ako sa jeep ay pipikit pikit na ko. Muntik pa nga akong makalampas
mabuti na lang at nakapara agad ako, kung hindi ay tiyak na mahaba haba ang
lalakarin ko.

Pagkadating ko sa mansyon ay dahan dahan kong binuksan ang gate. Hinubad ko na ang
suot kong sapatos para makabawas na lumikha ng ingay.

Habang paakyat ako ng hagdan ay nag uumpisa na namang kumalabog ang puso ko. Paano
kung nagising sya? Tiyak na mag wawala na naman yun sa galit. Habang pinipihit ko
ang pinto ng kanyang kwarto ay napapapikit ako sa sobrang kaba.

Tsaka pa lang ako nakahinga ng maluwag ng makita ko syang mahimbing pa din ang
tulog hanggang ngayon. Nagpalit muna ako ng damit pantulog at dahang dahang humiga
sa tabi nya. Wala pang isamg minuto ay naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng
mga mata ko.

***

Nagising akong wala na akong katabi. Napangiti ako ng mapait. Unti unti na akong
nasasanay sa kanya. Ganito naman talaga ata pag may trabaho na di ba? Sobrang busy
na. Napatingin ako sa orasan sa side table. Alas dose na ng tanghali. Napahaba ang
tulog ko sa sobrang pagod. Nag ayos muna ako sa aking sarili bago ako bumaba. Ganun
pa din ang ginawa ko. Tulad ng dati. Kakain pagkakain ay magkukulong na sa kwarto.

Napabalikwas ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Jen:

Pinayagan ng makalabas si Biboy ng Hospital. Maayos na maayos na daw ang lagay nya
sabi ng doctor.

Napangiti ako sa nabasa ko. Kumuha ako ng damit ko dahil plano kong sa bahay muna
namin ako magpapalipas ng gabi. Doon na din muna ako uuwi pagkatapos kong pumunta
sa Bar. Kinakabahan ako tuwing tatakas na naman ako kay Jake.

Kinuha ko ang cellphone ko para makapag paalam ako kay Jake.

Ako:

Sa bahay muna namin ako matutulog kahit ngayong gabi lang. Okay lang ba?

Lalagyan ko sana ng miss na kita at i love you kaso mas mabuting wag na lang. Baka
isipin nyang patay na patay ako sa kanya. Tss. Hindi man lang nga ata nya
napapansin na hindi na kami nag kakausap e. Manhid ata to.

Napangiti ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Akala ko ay hindi na ito
magrereply! Napangisi ako. Sabi na nga ba at hindi ako nito matitiis e.

Jake:

K.

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ng makita ang mensahe nya. K lang?! Sana hindi
na sya nagreply, sayang sa load. Bwisit!

Nang makarating ako sa Hospital ay ayos na ang lahat ng gamit. Masigla na ulit si
Biboy. Hiyang hiya na ako kay Jen dahil sya ang nagbayad ng bill ng hospital pati
na din mga gamot ni Biboy. Ibinigay ko naman dito ang sweldo ko kagabi. Ayaw pa nga
nyang tanggapin at sinabing tsaka ko na lang sya bayaran ngunit hindi ako pumayag.
Ayoko namang abusuhin ang kabaitan nya kaya hangga't maaari gusto kong ibalik sa
kanya ang mga tulong na ibinibigay nya sa amin.

Alas kwatro na ng hapon nang makarating kami sa bahay namin. Tinulungan pa rin kami
ni Jen sa paghahakot. Pinagpahinga ko na si Biboy dahil hindi pa syang pwedeng
mapagod.

Nang sumapit ang alas dose ay kumatok na si Melanie sa harap ng bahay namin.
Itinext ko kasi itong kaunin ako sa bahay namin. Agad ko itong pinagbuksan ng pinto
dahil baka magising ang dalawa kong kapatid. Wala silang alam dito sa pagtatrabaho
ko sa gabi.

Inilock ko muna ang pinto bago kami umalis.

Pagkadating namin sa Bar ay madami na agad ang tao. Kahit papano ay nasasanay na
ako sa suot kong maikling dress at hindi na ako masyadong naiilang pa.

"Ikaw!" Turo sa akin ng amo naming mataray. "Gusto mong lumaki sweldo mo? Maganda
ka ha. Itatable ka lang. Hindi ka itatake out basta wag kang maarte." Kinilabutan
ako sa sinabi ng amo namin. Kailangan ko ng pera ngayon dahil ang laki laki na ng
utang ko kay Jen. Pwede naman siguro no? Hindi naman ito gaanong masama.

"Wag yan boss. Iba na lang." Napalingon ako kay Melanie ng magsalita ito. Panay ang
hithit nito ng sigarilyo.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko. Wag kang sumabat!" Hinarap ako ng amo namin. "Gusto
mo ba?" Napansin kong ang ibang waitress ay nakatingin na din sa akin at iniintay
ang sagot ko. Alam ko naman ang gagawin kung sakaling pumayag ako dahil nakikita ko
ang ibang waitress na ginagawa ito.

Uupo ka lang sa tabi ng customer. Aakbayan ka at makikipag kwentuhan.

"Sige po." Nakita kong umirap sa akin si Melanie ang amo naman namin ay ngumisi.
Hindi ko alam kung anong problema sa akin ni Melanie kung bakit ayaw nyang gawin ko
iyon. Sa pagkakaalam ko ay hindi ko naman sya aagawan ng trabaho. GRO sya dito at
Waitress lang ako. Magkaibang magkaiba ang gagawin namin.

Nang maiwan kami ni Melanie ay walang nagtatangkang magsalita. Nagkunwari na lang


akong busy sa pag hila ng dress ko pababa.

"Sigurado ka bang gagawin mo yon?" Napatingin ako sa kanya at dahan dahang tumango.

Narinig ko ang buntong hinga nito."Okay. Basta pag may masamang nangyari o
pakiramdam mo ay may masamang mangyayari itetext mo agad ako ha?" Napangiti ako sa
sinabi nito. Sa sobrang saya ko ay hindi ko namalayang niyakap ko napala ito. Hindi
ko inaakalang mabuting tao sya at may pakealam sya sa akin. Maling mali ang
pagkakakilala ko dito. Mali na hinusgahan ko agad ito.

"OA ha." Umirap ito sa akin ngunit alam kong natatawa ito ito sa ginawa ko.

Nagsimula na akong magrabaho. Malalim na ang gabi kaya patuloy pa din ang pagdagsa
ng mga tao.

"Hoy Mariel! May gustong mag table sayo. Sa table number 3. Punta ka na don.
Bilis!" Hindi na ako nakapag salita pa. Basta itinulak na lang ako ng amo namin
papalapit sa isang table.

"Ito na ang order nyo oh." Natatawang wika ng amo ko.

"Akin yan!" Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin ngayon. Hinila nya ako
papaupo sa binti nya. Hindi na ako nakapalag ng paikutin nya ang braso nya sa
bewang ko.

Halatang mayaman ang mga ito. Mga nasa anim na lalaki ang naandito at lahat sila ay
may kanya kanyang akbay na babae. Maliban na lang sa lalaking nakayakap sa akin
ngayon. Marahil ay wala syang date ngayon kaya kumuha na lang sya ng babae dito sa
bar.

Naiilang ako dahil pakiramdam ko ay nakikitaan na ko sa pgkakaupo ko. Tumataas ang


suot kong dress at sa konting galaw ko lang ay paniguradong masisilipan na ako.

"Sorry. I'm late." Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng napakalamig na yelo ng marinig


ko ang boses na iyon. Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at agad
akong nagsisi dahil ginawa ko lang iyon.

Ito ba ang dahilan niya kung bakit ginagabi na sya ng uwi? Kaya pala pakiramdam ko
ay wala na syang oras sa akin.

Nang makita nya ako ay agad na rumehistro ang gulat sa mukha nya. Agad din itong
napalitan ng galit. Naglakad ito papalapit sa amin at umupo sa tapat namin kasama
ang babae nya.

Hindi ko matingnan ang mukha ni Jake. Sa magkahawak lang nilang kamay nakafocus ang
paningin ko.

Agad na dumapo ang sakit sa dibdib ko. Ang ganda nilang tingnang dalawa. Bagay na
bagay.

***

Thank you kay _TheGirlWithTheRedHair sa pagvote at comment every chapter. Thank you
so much!
####################################
Love Affair no. 24
####################################

"Jake! Akala ko hindi ka na darating." Sabi ng isang barkada nya habang may kaakbay
na babae.

Iniiwas ko ang paningin ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig nya sa akin.
Hindi ko kayang titigan sya pabalik. Nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako.
"Hinintay ko pa kasi Honey kaya medyo natagalan kami." Paliwanag nito. May kung
anong tumusok sa dibdib ko ng marinig ko ang boses nito. Atsaka anong tawag nya
dito? Honey? Akala ko ba mayroong namamagitan sa aming dalawa? Imagination ko lang
ba yon? Sht. Ano bobo ko. Bakit nga ba ako nag expect na meron saming dalawa gayong
katawan nga lang pala ang habol nya sa akin. Kahit kailan talaga ang tanga tanga
ko.

"Okay ka lang?" Nabalik ako sa realidad ng kausapin ako ng lalaking nakayakap pa sa


akin hanggang ngayon. Nakaupo pa din ako sa kandungan nya.

Tumango ako.

"Here. Drink this." May inabot sya sa aking bote ng alak. Walang pagdadalawang isip
na kinuha ko iyon at mabilis na ininom.

Umaasa na baka pag nalasing ako ay mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Nagkwentuhan lang silang magbabarkada. Naririnig kong tungkol sa trabaho ang pinag
uuspan nila. Kaya hindi pala pamilyar sa akin ang mukha ng mga ito ay dahil
nakilala ni Jake ang mga ito sa trabaho.

Kami naman ng lalaking katabi ko ay may sariling mundo. Napag alaman kong Raymond
pala ang pangalan nya. Naka upo na ako sa tabi nya dahil nangangawit akong maupo sa
hita nya at isa pa hindi ako komportable. Iniiwas kong mapatingin sa harapan ko
ngunit hindi ko talaga mapigilan. Parang may sariling isip ang mata ko at kusang
tumitingin kina Jake at sa babae nyang kalampungan.

Nakaakbay lang sa akin si Raymond at may kung ano anong sinasabi. Hindi ko
masyadong itong mainitindihan dahil sa ingay ng barkada nya at sa lakas ng tugtog
dito sa loob ng bar.

Kung ano anong klaseng alak ang pina iinom nya sa akin at walang pag dadalawang
isip ko naman itong tinatanggap. Medyo nahihilo na ako at umiikot na rin ang
paningin ko. Kahit papaano ay may epekto din pala ang alak dahil medyo nawala ang
sakit sa dibdib ko. Nagkaroon na din ako ng lakas ng loob na tingnan si Jake.
Nasasalubong ko na din ang tingin nyang kulang na lang ay patayin ako sa sobrang
galit. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtanggap na ibinibigay sa
aking alak ni Raymond.

Nakiliti ako ng maramdaman ko ang mainit nyang paghinga sa leeg ko. Hindi na talaga
ako nakakapag isip ng maayos dahil imbes na itulak ko ito palayo ay tumatawa lang
ako.

"Ang bango-bango mo." Sabi nito habang patuloy sa paghalik sa leeg ko.

Naramdaman ko ang kamay nya na humihimas sa may kanang binti ko.

Imbes na magprotesta ay pumikit na lang ako dala ng matinding kalasingan. Wala na


sa tama ang pag iisip ko. Pakiramdam ko ay lutang na lutang na ako.

Napatigil si Raymond sa ginagawa nya ng may maramdaman akong pagvibrate ng


cellphone. Napamulat ako at nakita kong nagsalubong ang kilay nya habang
tinitingnan ang screen ng cellphone nya.

"Sandali lang. Sagutin ko lang yung tawag." Bulong nya sa kaliwang tenga ko.
Tumango lang ako. Hindi ko na kayang magsalita dahil sa tingin ko pag ginawa ko
iyon ay masusuka ako. Pinanood ko na lang syang maglakad palabas ng bar.
Limang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa din bumabalik si Raymond. Naiirita ako
dahil kitang kita ko ang babae ni Jake na panay ang halik sa kanyang mukha.

Tumayo na lang ako at nagtungo sa CR. Naiihi na din kasi ako dahil sa dami ng
naiinom ko. Kahit nahihilo ay pinilit kong maglakad ng diretso. Hindi pa man ako
nakakalayo ay naramdaman ko ng may humatak sa braso ko at dinala ako sa madilim na
lugar ng bar.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Sabi mo pupuntahan mo lang ang mga kapatid mo?!
Anong ginagawa mo dito?!" Galit na galit na tanong ni Jake. Hindi ko nakikita ang
mukha nya dahil sa sobrang dilim ngunit sigurado akong magkasalubong na naman ang
kilay nito.

"Ikaw? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Kaya ba palagi kang gabi umuwi at
napakaaga mong umalis kasi busy ka? Sa babae mo?" May halong pait ang boses ko.

"Wala akong babae!" Depensa nya sa sarili.

Napangisi ako.

"Ano yung kasama mo? Bakla?" Pinilit kong alisin ang pagkakahawak nya sa akin
ngunit lalo lang nitong hinihigpitan.

"Babe!" Napalingon kami pareho ng marinig ko ang boses ni Raymond. Bago pa ito
tuluyang makalapit ay kinuha ko na agad ang braso kong ayaw bitawan ni Jake.

"Bakit magkasama kayo? Anong ginagawa nyo dyan?" Nagtatakang tanong ni Raymond.

"Hinahanap ko kasi ang CR tapos nagkasalubong kami." Pagsisinungaling ko.

"Babe huh?" Rinig na rinig ko ang pagngisi ni Jake. Hindi ito napansin ni Raymond
at hinala na ako nito pabalik sa kinaroroonan namin kanina.

Pagbalik naming tatlo ay maingay pa rin ang barkada. Halatang mga lasing na sila
dahil hindi na maintindihan ang mga sinasabi nila.

Nawala na ata ang espiritu ng alak sa akin ng kausapin ako ni Jake. Nakakapag isip
na din ako ng maayos.

"Guys! Truth or Dare tayo!" Sigaw ng isang barkada nya.

Agad namang sumang ayon ang lahat maliban lamang saming dalawa ni Jake. Tahimik
lang kasi ito habang panay ang inom ng alak. Hindi na nga nito napapansin ang
kasama nya.

Ako naman ay hindi na nila tinanong kung payag ba ako o hindi sa laro nila. Bakit
nga ba naman nila ako tatanungin? Hindi naman ako importanteng tao at binayaran
lang nila ako.

Pinaikot ng isang babaeng nakaskirt na sobrang iksi ang bote. Tumigil ito sa tapat
ni Raymond at agad na naghiyawan ang mga ito pwera lang saming dalawa ni Jake.

"Truth or Dare!" Sigaw ng isang barkada nya.

"Dare syempre." Prenteng prenteng sagot nito at inakbayan ako papalapit sa kanya.

"Halikan mo si Mariel." Utos ng babaeng nagpaikot ng bote.

Naghiyawan ang mga barkada nito habang si Raymond ay ngumisi lang.


Hinapit nito ang bewang ko at agad na pinaglapat ang labi naming dalawa. Itutulak
ko sana sya ngunit kinuha nya ang kamay ko at dinala ito sa balikat nya.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkuyom ng kamao ni Jake. Lalayo na sana ako
ngunit mas hinapit ni Raymond ang katawan ko sa kanya. Napasinghap ako ng
maramdaman ko ang kamay nya sa ibabaw ng dibdib ko. Mabilis nyang pinasok ang dila
nya sa bibig ko.

"Tangina." Agad kong natulak si Raymond ng marinig ko ang boses ni Jake. Nakatayo
na ito sa tapat namin at masamang nakatingin sa aming dalawa.

"Jake, Anong problema?" Lumapit ang babae nya sa kinaroroonan namin. Hinawakan nito
ang braso ni Jake at hinimas para pakalmahin. Iniwas ko ang paningin ko dahil kung
hindi ko gawin yon, baka maiyak lang ako sa sobrang selos.

Kumalma si Jake ng mapatingin ito sa babae nya. "Wala honey. May naalala lang ako."
Bumalik na ulit sila sa kinauupuan nila kanina.

Nagsimula ulit ang laro at halos lahat ng natatapatan ng bote at dare ang pinipili.
Ang pinapagawa naman sa mga ito ay kung ano anong kabulastugan tulad ng body shot,
kiss sa private part ng opposite sex, at kung ano ano pa. Napapangiwi na lang ako
sa mga ginagawa ng mga ito. Kung hindi lang nila ako binayaran ay tiyak na hindi
ako magtatagal sa mga ito. Tuloy lang ang kanilang laro hanggang sa tumapat ang
bote kay Jake.

"Truth or Dare!" Sigaw ng barkada nya.

"Truth." Diretsong sagot ni Jake.

"Dare na Jake! Ang boring mo naman." Sigaw ng isang babae sa gilid ko.

"Truth." Ulit nito at tinungga ang alak na nasa harap nya.

"Fine. Anong ayaw mo sa babae?" Lahat sa table ay tumahimik at hinihintay ang


sasabihin ni Jake.

"Sinungaling." Diretsong nakatingin ito sa akin. "Ayoko sa taong sinungaling."


Humina ang boses nito at nag iwas ng tingin na para bang nasaktan ko sya. Alam ko
ang gusto nyang iparating. Alam kong may mali din ako sa kanya kasi naglihim ako sa
kanya pero hindi ako sinungaling!

Ramdam kong ang iba ay nakakahalata na sa tensyon sa aming dalawa. Pinaikot na uli
ang bote at kung minamalas ka nga naman ay sa akin ito tumapat.

"Truth or Dare!"

"Truth." Simpleng sagot ko.

"Anong ayaw mo sa isang lalaki?" Tanong ng babae na nagtanong din kanina kay Jake.

"Manloloko." Diretsong nakatingin ako kay Jake. Kumunot ang noo nito habang
sinasalubong ang tingin ko. "Ayoko sa tulad mong manloloko." May diin ang bawat
salita ko. Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga barkada nito at kitang kita ko
ang babae nya na kulang na lang ay malaglag ang panga.

***

Hi kay anicapot! Thank you sa pag comment at sa pag vote :) Thank you!
####################################
Love Affair no. 25
####################################

Nang makabawi ay agad tumayo si Jake at hinila ako papalapit sa kanya. Natanggal
ang pagkaka akbay sa akin ni Raymond.

"Teka bro, Girlfriend mo ba 'tong si Mariel?" Nagtatakang tanong ni Raymond. Tumayo


din ito at lumapit sa amin ni Jake.

"Hindi." Maikling sagot ni Jake.

Nasaktan ako sa sagot nya kaya nag iwas ako ng tingin. Naiintindihan ko naman sya
kung ikakahiya nya ako sa harap ng mga kaibigan nya. Malaki nga namang kahihiyan sa
kanya pag nalaman ng mga ito na ang binayaran nilang babae ay girlfriend pala ng
isa sa kanila.

"'Yun naman pala. Akin na yan. Binayaran ko yan eh." Sabi ni Raymond at pilit akong
hinila papalapit sa kanya ngunit mas humigpit ang kapit sa braso sa akin ni Jake na
para bang ayaw na ayaw nya akong makawala.

"No." Mas dumilim ang mukha ni Jake habang diretsong nakatingin kay Raymond.

Nasasaktan na ako sa ginagawa nila. Para bang naglalaro sila ng tug of war at ako
ang nasa gitna.

"Edi ipapahiram ko na lang sayo si Mariel pagkatapos ko." Mayabang na sabi ni


Raymond. Kung wala lang kami sa loob ng bar ay kanina ko pa itong pinatulan.
Mahigpit na ipinagbabawal ng amo namin na patulan ang customer kaya nanahimik na
lang ako kahit na kating-kati na ang dila ko na sagutin sya.

Matalim na tiningnan ni Jake si Raymond.

"What? Sabi mo hindi mo naman sya girlfriend, bakit ka nagagalit dyan?" Napatingin
ako sa ibang barkada nya na ngayon ay pinapanood kami. Para bang nanonood silang
lahat ng teleserye at kaming tatlo ang bida.

"Hindi nga." Sa pangalawang pagkakataon ay nasaktan na naman ako sa sinabi nya.


Kahit na anong pilit na ipaintindi ko sa puso ko na kailangan nyang gawin yun ay
hidni ko pa ding maiwasang masaktan

"So ano mo sy--"

"Asawa." Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Jake. Rinig na rinig ko ang
singhapan ng mga katabi ko. Maging si Raymond ay nabato din sa kanyang narinig.

Hinarap ako ni Jake at hinawakan sa magkabilang pisngi. "Babe uuwi na tayo." Sabi
nito habang nakatingin diretso sa mga mata ko. "Nagtext na si Mommy. Kanina pa daw
umiiyak si Junjun. Hinahanap na daw tayo." Dagdag nito at pagkatapos ay hinalikan
ako sa noo. Anong pinagsasabi nito? Wala sina Tita at Sir Noel sa mansyon dahil
nasa Marikina pa ang mga ito at higit sa lahat sinong Junjun?

Magsasalita pa sana si Raymond ng hinila na ako ni Jake palabas ng bar. Rinig ko pa


ang pagtawag sa kanya ng mga kaibigan nya ngunit hindi nya ito pinansin.

Nang makarating kami sa sasakyan nya ay patapon nya akong pinasok sa unahan ng
kotse. Pabalabag nyang sinarado ang pinto kaya napaayos ako ng upo. Nang makapasok
sya sa driver seat ay agad nya akong hinarap.
"Explain." Malamig ang boses nito. Nag taasan ang balahibo ko ngunit nagpanggap
akong hindi apektado dito.

"Teka lang. Bakit mo ko dinala dito. Hindi pa ko pwedeng umuwi gawa--"

"NOW." Madiin nitong sabi. Matalim na nakatingin ito sa akin. Sa klase ng tingin
nya ay nanlalambot ako. Para bang pag hindi ako nagsabi ng totoo ay may
mangyayaring masama.

"Sorry. Nagkasakit kasi si Biboy kaya kelangan kong magtrabaho. Nadagdagan ang
utang namin kaya hindi sapat yung sinisweldo ko sa inyo." Nakatingin lang ako sa
ibaba habang nagsasalita. Hindi ko kayang salubungin ang mata nya dahil baka mautal
lang ako at mablangko ang isipan ko.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?!" Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paghampas nya
sa manibela.

"Busy ka masyado." Sa babae mo.

"That's bullsht!" Bullsht ka rin.

"Babalik na ako sa loob. Baka hinihanap na ko ng boss ko. Bukas na ko uuwi sa


Mansyon." Hindi ko na kaya pa ang makasama si Jake dito sa loob ng sasakyan na
kaming dalawa lang. Pakiramdam ko ay nasusuffocate ako. Hindi ako makahinga ng
maayos.

"Then what? Pupuntahan mo si Raymond? Maglalandian na naman kayo?" Bakas na bakas


ang iritasyon sa boses nito.

"Oo. Trabaho ko naman yon e." Sagot ko habang nilalaro ang laylayan ng suot kong
dress. Iniiwasan ko pa din na magtama ang paningin naming dalawa.

"Mag resign ka. Ngayon na." Agad akong napatingin sa kanya. Alam ko naman na
sasabihin nya 'yon pero ayoko talaga. Kaunti na lang mababayaran ko na si Jen.
Ngayon pa ba ako titigil?

"Hindi pwede. Kailangan ko to." Pabulong na wika ko sa kanya.

"Magreresign ka o susunugin ko 'yang bar na yan?" Tiningnan ko ito. Alam kong


nagbibiro lang sya at hindi nya ito kayang gawin. Panakot nya lang ito sa akin para
mag resign ako sa trabaho.

Hindi ako sumagot.

Nakatingin ako sa kanya ng lumabas sya at pumunta sa likod ng sasakyan. Halos


manlaki ang mata ko ng makita kong may buhat buhat syang malaking asul na
container. Agad akong bumaba ng sasakyan at nilapitan sya.

"Teka! Ano yan?!" Tanong ko kahit na may ideya na ako kung anong laman ng
container.

"Gas. Mukhang ayaw mong magresign e." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
Nagsimula na akong mag panic.

Nakita kong may kinuha sya sa bulsa nya. Lighter?! Sht. Totoo nga ang sinabi nya.
Hindi basta basta pananakot lang!

"Magreresign na! Magreresign na ko." Napatigil ito sa pagbubukas ng container.


"Hintayin mo ko dyan. Dyan ka lang. Wag kang gagalaw." Agad akong tumakbo at hindi
na hinitay ang sagot nya.

Natagalan pa ako sa paghahanap sa boss ko. Nang mahanap ko ito ay sinabi ang balak
kong pagreresign. Madami itong tinanong ngunit agad na akong nag paalam dito dahil
baka pag nainip si Jake ay mas lalong maging baliw ang pag iisip.

Nang makalabas na ako sa bar ay nakita ko agad si Jake na nakasandal sa kanyang


kotse habang nasa gilid nya ang malaking container. Hinahapo akong lumapit sa
kanya.

Nakakunot ang noo nya habang tinitingnan ako.

"Tara." Sabi nya at inilagay na ulit ang container sa likod ng sasakyan.

Habang nasa byahe kami ay walang umiimik. Nakasandal lang ako sa bintana at papikit
pikit na. Ngayon ko naramdaman ang matinding pagod.

Pagkadating namin sa mansyon ay agad nyang pinarada ang kotse. Nauna na akong
umakyat sa taas dahil nahihilo na ako sa sobrang pagod. Idagdag pa na madami akong
nainom kanina.

Pagkadating ko sa kwarto ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama.

Maya maya pa ay narinig ko na ang pagbukas sara ng pinto ngunit hindi na ako nag
abalang buksan pa ang mga mata ko.

Naramdaman kong lumundo ang kama pero nanatili pa din akong nakapikit. Unti unti na
akong nilalamon ng antok.

"Mag usap tayo." Ungol lang ang isinagot ko sa kanya. Hindi ko na kayang ibuka ang
bibig ko.

"Mariel. Gumising ka. Mag uusap tayo." Ungol lang ulit ang isinagot ko dito. Hindi
ba 'to marunong makiramdam?

Hindi na ulit ito nagsalita. Akala ko ay suko na si Jake ngunit agad akong
napamulat ng maramdaman ko ang kamay nya sa ibabaw ng pagkababae ko. Biglang nawala
ang antok ko sa ginawa nito.

"Usap na kasi tayo." Sabi nito habang hindi pa din inaalis ang kamay nya sa ibabaw
ko.

"Oo na. Oo na." Pagsuko ko at umupo sa kama. Sa katigasan ng ulo nito ay alam kong
hindi ito magpapatalo.

"Bakit hindi mo sinabi na may problema ka pala?" Nakakunot ang noo nito.

"Busy ka nga kasi." Humalukipkip ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Anong klaseng rason yan Mariel?! Nagpapakapagod ako para sayo, dahil ito ang gusto
mo tapos paglilihiman mo ko?!" Aaminin kong nakaramdam ako ng takot sa boses ni
Jake. Nakonsensya din ako. Nagpadala kasi ako sa emosyon ko. Ngayon ko lang na
realize na napaka maling desisyon ang ginawa ko.

"Sorry. Wala ka na kasing oras sa 'kin. Sobrang busy mo na sa trabaho kaya ---"

"Kaya mag lilihim ka na sakin?" That's fcking bullsht Mariel!" Umalingawngaw ang
boses ni Jake sa buong kwarto. Natatakot na ako sa maaaring gawin nya sa akin.
"Ano. Sorry. Nahihiya lang pati ako sayo tsaka baka pag humingi ako ng tulong sayo
baka isipin ng ibang tao ng pineperahan lang kita." Nahihiya ako sa mga kaibigan
nyang mayayaman.

"Tangna naman Mariel! Ganan ka ba kababaw mag isip?!" Tumayo ito at inihilamos ang
kamay sa mukha nya. Bakas ang iritasyon dito. Gusto ko sana syang pakalmahin pero
hindi pwede. Ako ang may dahilan kaya sya nagkakaganyan ngayon.

"Sorry--"

"Mas papahalagahan mo pa ba ang iisipin ng ibang tao kesa dyan sa kaligtasan mo?!"
Nag iwas ako ng tingin.

"Hindi naman sa ganon kaso lang--" Magdadahilan pa sana ako kaya lang ay pinutol na
naman nya ang sasabihin ko.

"Ako ang boyfriend mo, hindi yang ibang tao!" Napasabunot si Jake sa buhok nya.
"Paano kung may masamang nangyari sayo don?! Maiisip mo ba kung anong mararamdaman
ko?" Masasaktan ka. Bakit hindi ko ba naisip ang maaaring maramdaman ni Jake at mas
inuna ko pa kung anong iisipin ng ibang tao?! Umiral na naman ang katangahan ko.
Kahit kailan talaga wala na akong naisip na matino.y

"Sorry. Hindi ko naman talaga sinasadya. Walang-wala lang talaga ako kaya pati
ganung trabaho pinatulan ko na." Humina na ang boses ko. Ang laki ng kasalanan ko
dito. Sobra sobra na.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Sobrang tigas ng ulo mo." Humina na ang
boses ni Jake. Naupo ito patalikod sa akin at hinubad nito ang sapatos nya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko ito. Kahit sa ganitong paraan lang ay mabawasan
ang sama ng loob nito.

"Sorry. Sorry talaga. Promise. Last na 'yon. Hinding hinding hindi na ako mag
lilihim sayo. Promise." Punong puno ng sinseridad na sabi ko dito. Kung gusto nya
ay lumuhod ako sa harap nya ay gagawin ko mapatawad lang nya ako.

"Pag iisipan ko." Aniya at hinubad ang suot na pantalon. Nakaboxer at puting sando
na lang sya ngayon.

Napasimangot ako. Mukhang mahihirapan pa ata akong suyuin ang lalaking 'to.

"Arg! Ang cute mo. Kainis! Bati na nga tayo!" Napangiti ako sa sinabi nya. Niyakap
ako nito at sinandal ang mukha ko sa dibdib nya ng biglang may naalala ako.

"Ayoko. Amoy babae ka." Sabi ko at lumayo ng kaunti sa kanya.

"Babe naman. Ikaw lang ang babae ko. Wala lang yung nangyari sa Bar. Nagtext ka
kasi na sabi mo sa bahay ng kapatid mo ikaw matutulog na hindi naman pala totoo
kaya naisipan kong sumama na lang sa mga kaibigan ko tutal wala ka naman dito.
Malulungkot lang ako pag umuwi ako dito." Mahabang paliwanag nito habang pilit na
niyayakap ako pero agad ko ding inaalis ang kamay nito.

"Ewan ko sayo. Sa honey mo ikaw mag explain. Wag sakin." Sabi ko at tumalikod na sa
kanya. Magsama silang dalawa. Tutal bagay naman sila e. Bwiset.

"Honey talaga ang pangalan nun babe. Honeylette to be exact." Napalingon ako dahil
sa sinabi nya.
"Totoo?" Paninigurado ko. Oras na malaman ko lang na hindi ito nagsasabi ng totoo
ay malilintikan talaga ito sa akin.

"Oo nga. Wag ka ngang magselos. Kinikilig ako." Sabi nito at tinakpan ng dalawang
kamay ang kanyang mukha. Tiningnan ko itong mabuti at napansin kong mamula mula nga
ang mukha nya.

Napangiti ako. Ako ata ang mas kinikilig sa aming dalawa. Mas masarap pala sa
pakiramdam na sabihin sayo ng lalaki na kinikilig sya kesa sabihan ka ng kung ano
anong mabubulakalak na salita.

"Magtigil ka nga. Para kang bakla!" Sabi ko na lang para maitago ang pagkakilig na
nararamdaman.

"Bakla pala ha!" Agad itong pumatong sa akin at sinimulan na akong halikan sa aking
leeg. Tawa lang ako ng tawa dahil sa nakikiliti ako.

Naitulak ko si Jake ng may maalala na naman ako.

"Bakit ka nga pala may dalang container at gas pa ang laman ha?! Paano kung
maaksidente ka at masunong yang katawan mo?!" Angil ko aa kanya ng maalala ang
malaking container na nakalagay sa likod ng kotse nya.

"Hindi gas 'yon babe. Suka lang iyon. Binili ko kanina. Nalimutan kong dalhin sa
Resto kaya nakalagay sa likod ng sasakyan." Humahalakhak na sabi nito.

Binatukan ko ito. Napaka walang hiya! Halos himatayin na ako sa takot kanina akala
ko pa nasisiraan na sya ng bait.

"Aray babe! Palagi mo na lang ako binabatukan. Napaka sadista mo talaga." Sabi niti
habag hinihimas ang ulo nya.

"Bakit, nagrerekalamo ka?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"Hindi ah." Itinaas nito ang dalawang kamay na para bang dinedepensahan ang sarili.
"Sinabi ko lang pero hindi ako nagrereklamo." Lihim akong napangiti sa sinabi nya.
Taob talaga pagdating sakin.

"Good. Tulog na tayo." Sabi ko at humiga na. Humiga na din ito sa tabi ko at agad
akong niyakap.

"Papatay ng ilaw." Nakapikit na utos ko dito.

"Bakit ako? Ikaw na! Mas malapit ka kaya!" Sabi nito at inalis ang pagkakayak sa
akin.

"May sinasabi ka?" Pinaningkitan ko ito ng mata. Napansin ko naman agad ang takot
sa mukha nito at agad na umiling.

"Wala ah! Sige patayin ko na ang ilaw." Padabog na tumayo ito sa kama "Tangna.
Hirap maging under. Kainis!" Bulong nito ngunit hindi naka ligtas sa pang dinig ko.

Naramdaman ko na bumalik na ulit ito sa kama at mahigpit na niyakap ako hanggang sa


unti unti na akong nilamon ng antok.

***

Nagising ako kinabukasan na wala na akong katabi. Napabuntong hininga na lang ako.
Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Babangon na
sana ako ng marinig kong nagbukas ang pinto ng banyo at iniluwa noon si Jake na
tanging boxer lang ang suot.

"Wala kang pasok?" Nagtatakang tanong ko dito. Alas otso na kasi ng umaga.

"Meron. Pero hindi ako pumasok ngayon para makasama kita." Lumapit ito sa akin at
hinalikan ako ng mabilis sa labi. Nahiya naman ako dito dahil bagong gising lang
ako at hindi pa ako toothbrush. Baka may bad breath pa ako!

"Babawi ako sayo." Nakangiting sabi nya. Wala sa sariling napangiti na din ako.
Kung ganito ba naman ang bubungad sayo tuwing umaga tiyak na makukumplet na talaga
ang araw mo.

Bumangon ako at naghilamos. Nakasunod lang sya sa akin na dinaig pa ang anino ko.

"Sige. Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ko habang pinupunasan ang mukha ko ng
face towell.

"Ahmm." Umakto pa ito na para bang nag iisip. "Ah! Tara. Sex tayo!" Pinitik pa nito
ang daliri nito na para bang napakagaling ng naisip nya.

Binato ko sa kanya ang hawak kong face towell.

Puro talaga kalokohan nasa utak. Kung mag aya lang ng sex parang nag aaya lang
kumain sa labas.

"Plano ko sana ngayon na igala ang mga kapatid ko kahit sa park lang. Okay lang ba
sayo yun?" Tutal wala namang pasok sina Biboy at Aldwin ngayon at isa pa ay para
makapagrelax na din ang dalawa.

"Okay lang." Inakbayan ako nito at naglakad na kami papalabas ng kwarto. " After
nun, Magsesex na tayo?" Nakangising tanong nito.

"Ang manyak mo!" Natatawa kong sabi sa kanya at hinampas ko ito sa braso nya.

"Uyyy! Nakangiti. Gusto rin nya." Sabi nya habang sinusudot sundot ako sa
tagiliran.

"Asa ka. Kapal mo." Inirapan ko ito.

Natawa ito sa ginawa ko. "Mahal mo naman." Puno ng kasiguraduhan na wika nya.

"Asa ka." Binalik nito ang pagkaka akbay sa akin.

"Hindi mo ko mahal?" Hinarap ako ni Jake at seryoso akong tinignan.

"Mahal." Maikling sagot ko. Sht. Jake. Wag mo kong titigan ng ganyan, baka matunaw
ako.

"Nice. I love you too." Napangiti ako sa sagot nito. Kung pwede nga lang irecord
ang sinabi nito at gawin kong ringtone ng cellphone ay ginawa ko na.

"Opps. Wag ka ng sumagot. Baka kiligin na naman ako."Aniya. Kinagat ko ang ibabang
labi ko para mapigilan ang kilig. Sht. Kung wala lang si Jake sa tabi ko ay
malamang kanina pa akong umirit sa sobrang kilig.

Naglakad na kami pababa ng hagdan ng maramdaman kong may kumagat sa braso ko.
Pagtinggin ko kung ano yun ay natawa ako ng mahina. Kinagat ako ng langgam. Agang
aga nilalanggam na agad kami.
***

Hello kay diyosaaa! Thank you sa pag vote at comment :)) Thank you very much :)
####################################
Love Affair no. 26
####################################

"Magagalit talaga sayo 'yon!" Ani Caesar matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari
sa akin noong nakaraang linggo.

Nasa Mall kami ngayon dahil nag aya itong mag gala. Wala daw syang trabaho ngayon
at nabobored daw syang mag isa.

Bago ako pumunta dito ay nag text muna ako kay Jake na makikipagkita ako kay
Caesar. Mahirap na. Baka sa iba pa nya malaman at umandar na naman ang pagiging
seloso ng isang 'yon.

"Walang wala kasi talaga ako nung time na 'yon. Ayun lang ang alam kong paraan para
mag ka pera." Sabi ko habang tinitignan ang mga taong nakakasalubong ko. Bilang
lang ang tao dito sa mall, Lunes kasi kaya kalimitan ng mga tao ngayon ay nasa
trabaho at school.

"Kay Jake! Sa Boyfriend mo." Ngumisi ito sa akin.

Alam na nyang may relasyon kami ni Jake. Sinabi ko ito noong isang araw na
magkatext kami. Noong una ay hindi sya makapaniwala hanggang sa ipinaka usap ko na
sa kanya si Jake para ito na mismo ang mag sabi ng totoo.

Tumigil ito sa paglalakad ng makarating kami sa tapat ng Mcdo.

Hinila ako nito papasok sa loob. "Tara! Kain tayo." Yaya ni Caesar sa akin.

Habang kumakain ay patuloy pa din ang pagtatanong nya ng mga kung ano ano. Pag
tinatamad akong sagutin sya ay tango at iling lang ang sinasagot ko dito.

"So, Kamusta na ang relasyon nyo ni Jake? Yung pakikitungo nya sayo, Nagbago na
ba?" Tanong nya habang sinasawsaw ang fries sa barbeque sauce.

Napangiti ako ng maalala ang ginawa ni Jake kaninang umaga. Ipinagluto ako nito ng
paborito kong tapsilog bago sya umalis. Inihanda na din nito ang isusuot kong damit
pagkatapos kong maligo. Natawa ako sa aking isipan. Dapat ata ay ako ang gumagawa
ng bagay na 'yon. Mukhang nabaliktad talaga ata ang sitwasyon.

Simula ng mag away kami ay mas naging sweet ito sa akin. Sya palagi ang nag luluto
ng aalmusalin ko at ginigising na ako nito bago umalis. Tuwing gabi naman ay
pinipilit nitong umuwi ng maaga para sabay kaming kumain ng hapunan.

"Uyy. Nakangiti. Ngiting inlove." Tukso ni Caesar sa akin at sinundot sundot pa ako
sa tagiliran.

"Tumigil ka nga." Natatawang sabi ko at binato ko sya ng gamit na tissue.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong nito sa seryoso na tono. Tapos na kaming kumain at
hinihintay na lang dumating yung take out nyang large fries.

"Hindi ko alam. Bayad na naman ako sa utang sa pagkakahospital kay Biboy kaya lang
sa susunod na buwan panibagong bayarin na naman. Kulang na kulang talaga ang sweldo
ko bilang katulong." Natawa ako sa huli kong sinabi. Tuloy pa din ang sweldo ko
kahit wala na akong naitutulong sa Mansyon.

Napabuntong hininga ako.

"Kung papayagan ako ni Jake. Gusto ko sanang maghanap ng ibang trabaho. Tutal wala
naman akong ginagawa sa Mansyon. Pa tambay-tambay lang ako doon." Ayoko kasing iasa
ang lahat kay Jake. Kahit na sabihin na kayang kaya nyang bayaran ang lahat ng
gastusin ng mga kapatid ko, parang hindi pa din naman tama iyon.

"Bakit hindi ka magtrabaho dun sa Restaurant na pinag tatrabahuhan ni Jake? For


sure matatanggap ka agad don. Tsaka mas makakasama mo pa sya ng matagal, 'di ba?"

"Hindi pwede. Mga nakapag tapos ng pag aaral ang mga nagtatrabaho don. Pang mayaman
'yon. 'Di ako pwede. Hindi nga ako nakapag tapos ng highschool e." Sagot ko dito.
Naisip ko na din kasi dati ang bagay na 'yon. Kaya lang noong nakita ko kung gaano
kaganda ang lugar na pinagtatrabahuhan nya ay naisip kong hindi ako nababagay sa
ganong klaseng lugar. Pag pumasok ako doon ay para akong nasa isang exam na may
instruction na Find the difference.

Sumimangot ito. "Ang hirap sayo Mariel, masyado mong dinodown ang sarili mo."
Tumigil ito sa pag sasalita ng dumating na yung hinihintay naming take out.

"Tara na nga." Aniya at nauna ng maglakad patungo sa parking lot.

Nakasunod lang ako sa kanya. Napailing na lang ako.

Nabadtrip ata sa sinabi ko.

Habang nag mamaneho ito pabalik sa Mansyon ay tahimik lang ito kaya nagulat ako ng
walang ano-ano'y nagsalita ito.

"Yung friend ko naghahanap ng pwedeng magtrabaho sa coffee shop nya. Maliit lang
'yong coffee shop kaya panigurado maliit lang din ang sweldo. Gusto mo?" Mabilis na
tiningnan ako nito at agad ding tinutok ang atensyon sa kalsada.

Agad naman akong napangiti. Nakahinga din ako ng maluwag. "Akala ko galit ka!"
Natatawang wika ko at hinampas sya sa kabilang braso.

Napakunot naman ang noo nito. "Bakit ako magagalit?" Nagtatakang tanong nito

"Akala ko nagalit ka sa sinabi ko kanina kaya binilisan mo ang paglalakad mo."

Nagtaka naman ako ng humalakhak ito ng sobrang lakas. "Baliw! Najejebs ako kanina
kaya binilisan ko ang paglalakad." Hindi ko napagilang matawa sa dahilan nito.
"Nawala na ngayon kaya kinausap na ulit kita" Sabi nito habang hindi pa din
natatapos sa pagtawa.

Nang makabawi ay agad din nitong binalik ang topic namin kanina.
"So? Payag ka?" Tanong nito.

"Hindi ko alam. Magpapaalam muna ako." Gustong gusto ko sana kaya lang ay hindi pa
ako makakasagot ngayon. Ipinangako ko sa sarili ko na sa tuwing magdedesisyon ako
ng kahit na anong bagay, dapat alam ni Jake. Ayokong masira ang tiwala nya sa akin
ng dahil sa maling desisyong gagawin ko.

Nasa tapat na kami ng mansyon kaya itinigil na nya ang kotse. Humarap ito sa akin
at agad na ngumiti. "Well, Goodluck." Sabi nito bago ko buksan ang pinto ng kotse.
Bumusina muna ito bago umalis. Nang hindi ko na matanaw ang kotse ay tsaka lang ako
pumasok ng naglakad papasok sa Mansyon.

Laking gulat ko ng makita ko si Jake na nakaupo sa may Sala. Napakunot ang noo ko.
Bakit andito 'to? Alas kwatro pa lang ng hapon at Karaniwang Alas otso pa ang uwi
nito.

"Bakit ka andito?" Tanong ko ng makalapit dito.

"12:30PM nagtext ka sakin. 4:39PM na ngayon. Anong ginawa nyo sa loob ng 4 hours. 9
Minutes and 8 seconds?" Napanganga ako sa tanong nya. Seryoso ba sya?

Tumayo ito at lumapit sa akin. Hawak na hawak nito ang ang kanyang cellphone sa
kaliwang kamay. "4:28PM narinig kong may tumigil na sasakyan sa tapat ng gate.
4:34PM narinig kong nagbukas ang pinto ng kotse. So ibig sabihin 6 minutes and 29
seconds kayong nasa loob ng sasakyan habang nakatigil ito sa tapat ng gate. Anong
pinag usapan nyo? May ginawa ba kayo?" Kung kanina ay napanganga lang ako ay ngayon
naman ay namilog na din ang mga mata ko.

"Babe! Sumagot ka naman. Ilang beses kitang tinatawagan kanina pero cannot be
reached yung cellphone mo. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Mahal mo na ba sya?
Kaya hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kasi-- Ouch!" Hindi na ako nakapag pigil
kaya binatukan ko na ito.

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Kaya naman pala hindi ito nagrereply sa
text ko kanina ay namatay pala ang phone ko. Sa sobrang kalumaan nito ay palagi na
itong nagloloko. Palagi din itong lowbat kaya laging naka charge.

"OA ha. Namatay ang phone ko kaya hindi ko alam na tumawag ka pala." Sabi ko at nag
tungo na sa taas. Magpapalit na ako ng damit pambahay dahil kanina pa ako kinakati
sa suot ko. Ramdam ko ang pagsunod nito sa akin pero hindi ko na lang ito pinansin.

"Anong ginawa nyo nung baklang 'yon?" Inirapan ko ito. Napaka init talaga ng dugo
ng lalaking 'to pagdating kay Caesar.

"Wala. Wag ka na ngang magselos! Naiirita ako." Sabi ko at kinuha ang damit sa
cabinet. Pansin kong mataray ako ngayon at paiba-iba ng mood. Ang hirap talaga pag
may monthly period. Hindi mo makontrol ang emosyon mo.

"Babe naman. Bakit pag ikaw nagseselos kinikilig ako. Tapos pag ako naman ang nag
seselos naiirita ka? Daya! Dapat kiligin ka din." Napairap ako sa sinabi nito.
Bumabalik na naman sa asal bata.

Hindi ko ito sinagot. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng maisusuot kong damit.

"Bakit hindi sya kinikilig? F-uck. Hindi kaya one sided love lang ang meron samin?
Damn!" Bulong nya pero hindi ito nakaligtas sa pandinig ko.

Biglang may naisip ako. Dahan dahan akong lumapit dito at ikinawit ko ang dalawang
kamay ko sa kanyang batok.

"Sige. Kikiligin na ako. Pero sa isang kondisyon." Sabi ko at nginitian sya ng


napaka tamis.

"Ano?" Kunot noong tanong nya.

"Papayagan mo kong magtrabaho. Sa coffee shop --"

"NO." Bigla biglang nagbago ang mood nito. Bumalik na naman ang seryosong aura
nito.

"Okay." Sagot ko at tangkang lalabas na ng kwarto ng pinigilan ako nito.

"San ka pupunta?" Tanong nito habang hindi tinatanggal ang pagkakahawak sa akin sa
braso ko.

"Garden lang. Papalipas ng sama ng loob." Sagot ko. Paawa effect na rin.
Nagbabakasakaling magbago ang isip nya.

Gusto ko lang talagang magpahangin. Ayoko naman na magkulong na naman dito sa


kwarto. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.

"Hindi pwede!" Nagulat ako ng sumigaw ito.

"Hindi pwedeng magpahangin?" Anong plano nya ikukulong nya ako dito sa kwarto?!

"Hindi pwedeng sumama ang loob mo sa akin." Napangisi ako sa aking isipan dahil sa
sinabi nito. Nagkunwari akong walang pakealam sa narinig. Mukhang kelangan kong
umacting ngayon ah.

"Edi pagbigyan mo ang gusto ko." Sagot ko at iniwan syang mag isa.

Habang naglalakad ako papuntang garden ay hindi naaalis ang ngisi ko sa labi.
Nararamdaman kong hindi matatapos ang araw na 'to na hindi nya ako mapapagbigyan.

Maya maya pa ay naramdamam ko na ang pag sunod nya sa akin.

"Masama pa din ang loob mo sakin?" Tanong nito at hinarap ako.

Naging seryoso muli ang mukha ko ng tingnan ko ito.

"Oo nga." Kunyari ay napipikong sagot ko.

Hay nako, Jake. Kelan ka kaya mananalo sakin?

"Sige na nga!" Sabi nito na para bang naghihimutok na bata.

"Anong sige na nga?" Tanong ko kahit na alam ko na kung ano iyon. Gusto ko lang
makumpirma.

"Payag na ko." Sabi ni Jake habang ang mukha ay parang nalugi sa negosyo.

Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa labi ko.

Kung ano anong pang itinanong nya na tungkol sa pagtatrabahuhan ko tulad ng kung
mahihirapan daw ba ako doon, At kung ano ano pa.

"Oo nga pala, Sinong nag suggest sayo na mag trabaho sa coffee shop na yan?" Tanong
nito at inakbayan ako.

"Si Caesar." Napansin kong unti unti nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Patay.
Baka bawiin pa ni Jake ang sinabi niya kanina ah.

"Caesar na naman." Bulong nito. "Ipasalvage ko na kaya 'yon. Para mawalan ako ng
karibal." Sabi ni Jake na para bang kinakausap ang kanyang sarili.

"Jake hindi magandang biro yan ha." Suway ko sa kanya.


"Hindi kaya ako nagbibiro." Sagot nito.

"Jake!" Sabi ko at sinamaan ko ito ng tingin.

"Mariel!" Sabi nito at ginaya pa ang boses ko. Napairap na lang ako. Bumalik na
naman sa pagiging asal bata nya.

***

Hello kay leopadgirl :)) Thanks you sa vote at comment. Godbless :))
####################################
Love Affair no. 27
####################################

"Mariel, Si Tristan. Sya ang may ari nitong coffee shop." Pagpapakilala sakin ni
Caesar sa lalaking kaharap ko.

"Tristan, Si Mariel. Sya yung kinukwento ko sayo." Kinamayan ako nito. Hindi ko
maiwasang hindi mamangha sa itsura nya. Para itong modelo sa isang magazine. Litaw
na litaw ang kagwapuhan nya lalo na kapag ngumingiti.

"Hi. Nice to meet you. Pasensya na. Hindi gaanong malaki 'tong coffee shop ko.
Hindi kasi ako kasing yaman ni Caesar." Nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ni
Tristan. Inilibot ko ang paningin ko. Hindi nga gaanong kalaki itong lugar pero
hindi din naman gaano kaliit. Mga nasa walong table ang naririto ngayon at tatlo
kaming tauhan dito. Pinakilala na sa akin ni Caesar kanina ang dalawa ko pang
makakasama.

"Oh, Paano? Iwan ko na muna kayo. May trabaho pa ko." Tinapik na Cesar ang balikat
ko. "Bro, Wag mo masyadong papagurin si Mariel. Patay ka sa boyfriend nyan."
Pananakot ni Caesar kay Tristan. Inirapan ko lang ito. Aalis na nga't lahat, nakuha
pang mang asar. Kung hindi lang talaga malaki ang utang na loob ko dito matagal ko
na 'tong nabatukan.

Iiling-iling na lang ako habang tinitingnan si Caesar maglakad papalabas ng coffee


shop. Nahiya tuloy ako bigla. Sya kasi ang nagpumilit na ihatid ako sa unang araw
ko sa trabaho. Nagmamadali tuloy sya ngayon.

Sa Cashier ako inilagay ni Tristan. Akala ko ay nadaan lang sya dito para icheck
kami tapos ay aalis na din pagkatapos pero hindi pala. Isa din sya sa mga nag
gagawa ng order at tumutulong din sya paglilinis. Maghapon din syang naandito.
Hindi man lang sya umalis kahit saglit man lang.

Naging madali naman ang trabaho ko. Walang masyadong ginawa kaya hindi ako
nakaramdam ng pagod. Pag wala masyadong customer ay nag wawalis walis ako.

Kapansin pansin na sa tuwing may mga babaeng customer ay panay ang tingin nila kay
Tristan. Kulang na lang ay mabali ang leeg ng mga ito masubaybayan lang ang
ginagawa ni Tristan.

Pasado Alas Siete nagsasara ang coffee shop. Sinabi ni Jake na susunduin nya ako.
Nung una ay hindi ako pumayag ngunit umandar na naman ang pagkaseloso ng isang
'yon. Kinumpara na naman ang sarili kay Caesar. Bakit daw si Ceasar ay pinayagan
kong ihatid ako samantalang sya ay pinagbabawalan kong sunduin ako. Napaka isip
bata talaga. Kaya sa huli ay pinayagan ko na at baka magligalig na naman.

"Sir. Alis na po ako." Paalam ko kay Tristan. Nag angat ito ng tingin sa akin.
"Sige. Ingat ka." Sagot nito at ibinalik na ulit ang atensyon sa laptop. Mukhang
sobrang busy nito sa ginagawa. Bago ako tuluyang umalis ay nag paalam muna ako sa
dalawa ko pang kasamahan.

Paglabas ko ng coffee shop ay agad kong nakita ang sasakyan ni Jake na nakaparada
sa harapan nito. Naka sandal sya sa sasakyan habang nakapamulsa. Ngingiti-ngiti
akong lumapit dito.

"Ang sayo mo ha?" Wika nito at tinaasan pa ako ng kilay. Napasimangot naman ako
bigla. Bawal na bang ngumiti?!

Pinagbuksan ako nito ng pinto ng kotse. Pagkapasok nya naman ay hindi agad nito
pinaandar ang sasakyan.

Hinarap ako nito "Kamusta ang unang araw sa trabaho?" Tanong ni Jake at tinaasan na
naman ako ng kilay. Kung hindi ko lang boyfriend 'to iisipin ko bakla 'to.

"Masaya. Nag enjoy ako!" Napangiti ako ng maalala ko ang mga ginawa ko ngayong
araw.

"Talaga lang ha?" Ngumisi ito sa akin. "Napagod ka ba?" Dagdag nito at hinawakan
ako sa braso akala ko ay ganun lang ang gagawin nya ngunit nagulat ako inangat nya
ako paupo sa binti nya. Patagilid akong nakaupo dito.

"Napagod ka?" Ulit na tanong nito. Nakatingin lang ako sa gilid ng sasakyan.
Naiilang ako sa pwesto namin ngayon dahil hindi ako sanay na ganito kami kalapit sa
isa't isa.

"H-hindi." Sagot ko. Niyakap nya ako sa bewang ko kaya napahawak ako sa balikat
nya.

"Hmm. Ang bango mo talaga." Isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko. Napasingap ako
ng maramdaman kong dinidila-dilaan nya ito. Napatingala ako at napapikit ng wala sa
oras. Hindi ko na alintana kung nasaan kami ngayon. Mabuti na lang at madilim na sa
labas at tinted ang sasakyan nya kaya walang nakakakita na may ginagawa kaming
milagro sa loob ng kotseng ito.

Nagsisimula ng lumikot ang kamay nya. Ang kaliwang kamay nito ay nilalaro ang
kaliwang dibdib ko. Kahit na may damit pa ako ay ramdam na ramdam ko ang init ng
kamay nito. Ang kanang kamay naman nya ay tinatanggal ang pagkakabutones ng
pantalon ko.

Maya maya pa ay tinanggal pinataas nya ang kamay ko para mahubad ko ang suot kong
damit. Tinaas lang nya ang suot kong bra at walang anu-ano'y sinubsob nya ang mukha
nya dito. Iniharap nya ako sa kanya kaya paminsan minsa'y napapasandal ako sa
manibela.

Napapaungol ako sa tuwing pinapaikot nya ang dila nya sa tuktok ng dibdib ko. Para
syang uhaw na bata na sabik na sabik sa gatas ng isang ina.

"Sht." Mura nya at dali-daling hinubad ang suot kong pantalon. Nahirapan ito sa
paghubad dahil maliit lang ang space namin. Pagkahubad ko ay sya naman baba nito ng
pantalon nya at isinama na din nito ang suot nyang boxer. Paharap na umupo ulit ako
sa kanya nya. Ramdam na ramdam ko na ngayon ang katigasan ng kanyang pagkalalaki.

Pinaglaruan nya ang pagkababae ko kaya napapahawak ako sa balikat nya. Napapa angat
ako sa tuwing tangkang ipapasok nya ang daliri nya dito pagkatapos ay ilalabas
ulit. Nakagat ko ang ibabang labi ko ng hinawakan nya ang munting laman ko.
Hinawakan nya ito na para bang nanunukso.
Nakita kong napangisi sya ng makita ang reaksyon ko. Nanlaki ang mga mata ko ng
maramdaman kong kinurot kurot nya ito. Pero bakit imbes na masaktan ako ay parang
mas nag init ako.

Maya maya pa ay inalalayan nya akong umangat. Hinawakan nya ang pagkalalaki nya at
dahan dahan akong bumaba para maipasok ng buo ito. Nakahawak lang ako sa balikat
nya. Tagaktak na kami parehas ng pawis. Hindi pala nito nabuksan ang aircon. Kapwa
ungol lang namin ang maririnig sa loob ng sasakyan.

Sinasalubong nya ang bawat pag galaw ko kaya mas ginaganahan ako.

"Sht. Faster" Ungol nito at hinawakan ang bewang ko para mas mapabilis ang pag
galaw ko.

Napatingala ako ngunit hinawakan ni Jake ang pisngi ko at sinalubong ng mainit na


halik. Napasinghap ako ng naramdaman kong sinipsip nya ang dila ko. Halos maubusan
na ako ng hininga dahil ayaw nyang tantanan ang labi ko.

Patuloy lang ang pag galaw ko at maya maya pa ay nilabasan na ako. Hindi pa din ako
tumigil sa pag galaw at wala pang ilang minuto ay naramdaman kong nilabasan na din
sya. Napasandal ako sa dibdib nito. Pagod ang nararamdaman ko ngayon. Mas napagod
pa ako ngayon kesa sa maghapong pagtatrabaho ko sa coffee shop kanina.

Nang makabalik na ako sa normal na paghinga ay bumalik na ako sa kinauupuan ko


kanina at sabay kaming nagbihis.

Binuksan nya ang aircon tsaka pinaandar ang sasakyan. Hindi kami nag uusap buong
byahe. Hindi naman awkward ang sitwasyon kaya lang ay wala lang talaga akong lakas
para mag salita. Pag nagkakataon na nakatigil ang sasakyan ng dahil sa traffic ay
inaalis nito ang seat belt nya at lumalapit sa akin para bigyan ako ng mabilis na
halik sa labi.

Nang makarating kami sa bahay ay agad nyang ipinarada ang kotse. Sinalubong kami ni
Tita na abot tenga ang ngiti. Noong isang araw pa sila nakabalik at ang sabi ay sa
makalawa ay aalis ulit sila.

"Tamang-tama ang dating nyo. Halina kayong dalawa." Hindi na ako nakasagot dahil
hinila na ako nito papunta sa loob. Nilingon ko si Jake na nakasunod lang sa likod
namin habang kakamot-kamot ng ulo.

Naabutan namin si Sir Noel na napatigil sa pagsubo ng pagkain ng makita kami. "Kain
na kayo." Alok ni Sir Noel sa amin.

Sasagot na sana ako na ako ng inunahan na ako ni Jake.

"Kumain na po kami." Nagtataka ko itong tiningnan. Hindi pa kaya kami kumakain!

"Ganun ba? Saan?" Tanong ni Tita

"Sa sasakyan." Sabi ni Jake at humalakhak. Pakiramdam ko ay tinubuan ako ng kamatis


sa mukha. Kung malapit lang sa akin si Jake ngayon ay tiyak pasimple ko na itong
binatukan.

Mukha namang hindi nakahalata sina Tita at Sir Noel dahil hindi nito pinansin ang
biro ni Jake. Si Jake naman ay hindi pa din tumitigil sa pagtawa. Pag napapalingon
ito sa akin ay pasimple ko itong pinandidilatan ng mata pero mukhang mali ata ang
ginawa ko dahil mas lalo lang lumakas ang tawa nito.
Maya maya pa ay umupo na kami. Katabi ko si Jake at sa harap ko naman ay si Tita.
Pasimple kong sinipa ang paa ni Jake ngunit hindi man lang 'to nasindak. Natawa
lang sya sa ginawa ko.

"Kain lang kayo ng kain." Sabi ni Tita at nilagyan ang plato ko ng kung ano anong
putahe. "Mariel, Ngayong may trabaho kana dapat mas damihan mo ang pagkain mo para
magkaroon ka ng lakas. Tingnan mo oh. Nangangayayat ka na." Tumango lang ako sa
sinabi ni Tita at lihim na napangiti. Kung ituring na kasi ako nito ay para nya na
akong tunay na anak. Mas inaasikaso pa nga ata ako nito kesa kay Jake e.

Nung una nga ay ayaw niya akong payagan mag trabaho lalo na nung nalaman nya na
nahospital ang kapatid ko. Bibigyan na daw nila ako kahit na magkano ngunit hindi
ko ito tinanggap. Hindi ko kayang abusuhin ang kabaitan nila. Sinabi ko na lang ang
dahilan ko na pampalipas oras ko ang trabaho dahil maghapon naman akong walang
ginagawa dito sa Mansyon.

"Ma, malakas si Mariel. Hindi na nya kelangang kumain ng madami." Nabalik ako sa
aking sarili ng magasalita si Jake. Binalingan ko ito ng tingin at nakita kong
nakangisi na naman ito.

"Paano mo naman nasabi iyon, Aber?" Tanong ni Tita. Nakikinig lang ako sa kanilang
dalawa.

Tapos na akong kumain kaya kinuha ko ang baso ng tubig at ininom iyon.

"Kaya na nyang magpauga ng sasakyan." Nabuga ko ang iniinom ko ng dahil sa sinabi


ni Jake. Mabuti na lang at nakaalis na si Tita sa harapan ko kung hindi ay tiyak na
sapul na sapul ito sa kanya. Pakiramdam ko ay may lumabas ding tubig sa ilong ko.

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong nina Tita at Sir Noel.

Si Jake naman ay tinatapik ang likod ko habang hindi pa din natitigil sa pagtawa.
Malilintikan ka saking lalaki ka pag nakapag solo tayong dalawa!

***

Hello kay caelumrose salamat din sa pagbabasa :)) Thank you talaga. Natutuwa ako sa
mga comment mo.

:))
####################################
Love Affair no. 28
####################################

"Ano nga palang pangalan ng boss mo babe?" Tanong ni Jake habang nagmamaneho. Sya
ang may sabi na ihahatid nya ako papasok sa trabaho ko, kahit anong tanggi ko dito
ay ayaw talagang pumayag.

"Tristan." Sagot ko.

"Lalaki?" Kunot noo ako nitong tiningnan.

Tumango ako at tumingin sa bintana. Traffic ngayon kaya patigil tigil ang sasakyan.

"Anong itsura?"

"Gwapo." Sagot ko habang nakangiti. Magkaiba ang pagkagwapo nilang tatlo. Si Jake
kasi ay matured ng tingnan. Si Caesar naman ay may pagka baby face. Habang si
Tristan naman ay may pagkabadboy look. Natawa ako sa aking isipan. Anong sumapi sa
akin at pinagkukumpara ko 'yong tatlo.

Nakita ko ang pagsimangot nito. "Mag resign ka na." Inirapan ko ito. Dumali na
naman ang pagkaseloso ng isang 'to.

"Babe naman, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na ako lang dapat ang gwapo sa
paningin mo." Mababakas ang iritasyon sa boses nito.

Lumapit ako dito ng kaunti at tinitigan ko ang mukha nito. "Ayoko sayo. Ang haggard
mo. Mukha ka ng gurang!" Sabi ko at humalakhak.

Nanlaki naman ang mata ni Jake at agad tiningnan ang sarili sa salamin. Kinapa-kapa
pa nya ang kanyang mukha at naririnig kong kinakausap nya ang kanyang sarili.

Ako naman ay hindi pa din natitigil sa pagtawa. Nagbibiro lang naman ako. Mas lalo
pa nga syang gumagwapo sa paningin ko. Ewan ko ba dito sa isang 'to kung bakit
sineryoso ang biro ko.

Nang makarating na kami sa tapat ng Coffee shop ay hindi pa din maipinta ang mukha
ni Jake. Tatawa-tawa ako habang palabas ng sasakyan. Pagpasok ko sa loob ay
naabutan ko si Tritan na nagpupunas ng mga table. Ngumiti ito sa akin ng makita
ako.

"Aga mo ah." Sabi nito.

Tumingin ako sa relo ko. Mag aalas siete pa lang ng umaga. Alas otso pa ang bukas
ng coffee shop. Napaaga ako ngayon dahil kelangang maaga daw makarating si Jake sa
Resto, madami daw kasi itong gagawin ngayon.

Kami pa lang ang taong dalawa dito ngayon. Hindi pa dumadating ang dalawa ko pang
kasamahan.

"Si Jake kasi eh. Hinatid ako ngayon." Sagot ko at inilagay ko ang bag ko sa isang
tabi. Kinuha ko na din ang walis para makatulong sa kanya sa pag lilinis.

Nang natapos na ay umupo muna kami para magpahinga. Nagpasalamat ako ng iaabot nya
sa akin ang isang baso na malamig na tubig. Umupo ito sa tabi ko habang nagpapahid
ng pawis sa kanyang mukha. Kahit pawis na pawis ito ay amoy na amoy ko pa din ang
kabanguhan nito. Hindi ko tuloy alam kung pawis ba o pabango ang naaamoy ko sa
kanya.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano habang hinihintay namin ang dalawa pa naming
kasamahan. Natutuwa ako dito dahil may pagkamadaldal din pala ito. Kinwento nya sa
akin na may girlfriend sya ngayon at ito ay nasa ibang bansa. Modelo daw ito doon.
Namamangha ako sa kanya dahil sa tuwing binabanggit nya ang pangalan ng girlfriend
nya ay parang nangingislap ang mga mata nya. Halatang mahal na mahal nya ito. Ang
plano daw nila ay magpakasal na sila sa susunod na taon. Nag iipon na lang daw sila
ngayon para may maipang gastos sa kasal kaya kahit mahirap ay tinitiis nila ang
long distance relationship. Ngayon ay hindi na ako nagtataka kung bakit ganito na
lang ito sumubsob sa trabaho. Kaya naman pala halos dito na ito tumira sa coffee
shop.

Natigil ang pag uusap namin ng dumating ang isa naming kasamahan. Halos magkasabay
lang dumating ang dalawa. Tumayo na ako at pumunta sa may cashier dahil magbubukas
na kami. Tuwing napapadaan si Tristan sa harap ko ay nagngingitian kami. Matapos
nyang magkwento sakin, pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko sa kanya.

Walang customer sa ganitong oras kaya tumayo muna ako at kumuha ng walis at dust
pan. Nakakainip kasi kung nakaupo lang ako sa may cashier gayong wala namang
customer.

Napatigil ako sa pagwawalis ng marinig kong tumunog ang pinto hudyat na may
pumasok. Nakatalikod ako dito kaya hindi ko alam kung babae o lalaki ito. Humarap
ako dito para sana batiin ang taong pumasok ng napatigil sa ere ang sasabihin ko na
makita ko kung sino ito.

"Jake?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanya. Bakit sya andito? Oras ng trabaho
ngayon.

"Hi Babe." Sabi nya at lumapit sa akin. Nagulat ako ng kabigin nya ako papalapit sa
kanya

Napansin kong nakatingin sya sa may bandang likod ko. Lilingon na sana ako sa likod
ko para tingnan kung ano ang tinitingnan nya ng biglang hinawakan nya ang
magkabilang pisngi ko at siniil ng halik sa labi.

Nanlaki ang mga mata ko dahil nasa public place kami. Maaaring may makakita sa amin
sa ginagawa namin ngayon.

Nang matapos sya sa paghalik ay ngumiti sya sa akin ng pagkatamis matapos nyang
gawin 'yon ay seryosong tumuingin na naman sya sa likuran ko.

Tiningnan ko ang tinitingnan nya at nakita ko si Tristan na nakangiti sa aming


dalawa. Kaya naman pala ganito kumilos anh isang 'to! Napaka seloso talaga.

"Kamusta, Bro?" Bati ni Tristan kay Jake at tinapik pa ang balikat nito. Hindi ito
pinansin ni Jake at nilagay lang ang kamay sa bewang ko. "Anong best seller nyo
dito babe?" Tanong nito at hindi pinansin ang sinabo ni Tristan. Nahihiya tiningnan
ko si Tristan at tumango agad ito na para bang naiintindihan nya ako.

Si Tristan ang nag ayos ng order ni Jake. Nang wala na si Tristan sa tabi namin ay
palihim kong pinagkukurot si Jake. Panay naman ang ilag at daing nito. Buti nga sa
kanya! Ang bait-bait ni Tristan tapos ay babastusin nya!

"Babe tama na." Sabi nya habang panay ang ilag. "Hey! Nakakasakit ka na!" Tinigil
ko lang pagkurot ko dito ng dumating si Tristan dala ang inorder ni Jake.

May pumasok na dalawang customer kaya tumayo ako at tangkang pupunta na sa pwesto
ko ng pigilan ako ni Jake. "Dito ka lang." Sabi nya habang hindi binibitawan ang
braso ko.

Narinig kong natawa ng mahina si Tristan sa inasal ni Jake.

"Sige, Mariel. Ako na ang bahala dito. Asikasuhin mo na muna 'yang boyfriend mo."
Sabi ni Tristan. Nginitian ko naman ito at nagpasalamat bago sya umalis. Mabuti na
lang talaga at napaka maunawain ni Tristan.

Uupo na sana ako sa tabi nya ng hilahin na naman nya ako para maupo sa binti nya.
Aalis na sana ako ng niyakap nya ako sa bewang at isiniksik nya ang mukha sa leeg
ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang dalawang customer na nakatingin sa
amin. Si Tristan ay iiling iling na lang habang nakangiti.

Nagpupumilit akong tumayo ngunit mas hinihigpitan lang nya ang pagkakayak nya sa
akin. Hiyang-hiya na ako sa ayos namin ngayon. Okay lang sana kung walang
nakakakita pero hindi ba nya alam na nasa public place kami ngayon!

Napatigil ako sa paglilikot ng magsalita ito "Nagseselos ako." Tiningnan ko ito at


seryoso itong nakatingin sa akin. Napatitig ako sa mukha nya at bakit ngayon ko
lang napansin na nawala ang mga tumutubong buhok sa ilalim ng baba nya. Kanina
meron pa yan ah! Atsaka napansin ko ding kuminis ang mukha nya, Nawala ang itim na
nasa ilalim ng mata nya. Tsaka ko lang din napansin na nagbago ang hairstyle nya.
Ganon pa din naman kaso ay umikli ito kaya mas nagmukha syang malinis tingnan.

Sinipat ko ang mukha nya. Seryoso pa din ang mukha nito habang hindi pa din
tinatanggal ang pagkakayakap sa akin.

"Teka, Nag pagupit ka ba? Nagpafacial?" Tanong ko. Hindi na ako nagtangkang umalis
sa kandungan nya dahil sa huli ay alam kong ako lang din ang mahihirapan.

"Oo. Pagkahatid ko sayo dito ay sa mall ako dumiretso. Hindi muna ako pumasok
ngayon. Hindi ko kayang pumasok habang nagseselos pa ko." Humina ang boses nya sa
huling sinabi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kikiligin ba?
Makokonsenya? Pero sa huli ay mas nangibabaw ang kilig.

Hinawakan ko ang baba nito para maiangat ang mukha nya.

"Hindi ba sabi ko sayo wala ka dapat ipagselos?" Sabi ko habang hindi maialis ang
ngiti sa aking labi.

Dahan-dahan naman itong tumango.

"Pasensya na. Hindi ko kasi maiwasan." Huminga ito ng malalim. "Mas mahaba kasi ang
oras mo na nakakasama mo sya kesa sakin.. Baka mamaya, ipagpalit mo na ako sa
kanya." Mas lumawak ang ngiti ko sa sinabi nya. Ang Jake ko, umiral na naman ang
pagiging isip bata.

"Sayo lang ako. Okay na?" Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Jake.

"Sabihin mo ulit." Masayang wika nya. Napairap na lang ako pero hindi pa din
naaalis ang ngiti sa aking labi

Pasalamat ka mahal kita e.

"Sayo lang ako. Sayong-sayo lang." Sabi ko habang nakipagtitigan sa kanya.

"Nice!" Sabi nito at may kung anong pinindot sa cellphone. Hindi ko napansin na may
hawak pala itong cellphone sa kabilang kamay
"Gagawin kong ringtone 'yon." Sabi nya at humalakhak. Pabiro ko naman hinampas 'to
sa dibdib. Ang adik talaga!

Maya maya pa ay umalis na din si Jake para pumuta sa Resto. Alas kwatro ng hapon ay
nagsarado na kami dahil sa maagang naubos ang kape at cakes namin. Nung hapon kasi
ay panay ang dating ng customer.

Itinext ko na lang si Jake na uuwi na ko. Sinabi nyang kakaunin ako ni Mang Kaloy
ngunit agad ko itong tinaggihan. Maaabala pa kasi si Mang Kaloy at isa pa ay
nakasakay na ako sa jeep ng sinabi nya iyo.

Nang makarating ako sa Mansyon ay agad akong sinalubong ni Manang Doray para
asikasuhin.

Alas sais ng mapag desisyunan kong maglakad lakad sa may garden para makapag
pahangin. Maya maya pa kasi ang dating ni Jake kaya mag papalipas muna ako ng oras.

Nang makarating ako sa labas ay nakita ko si Venus na nakatalikod sa akin.


"Venus!" Tawag ko dito at nilapitan sya.

Nagulat si Venus ng makita ako. "Mariel." Sabi nito at ngumiti ng alanganin. Hindi
ko tuloy maiwasang mailang. Nagbago na talaga ang relasyon naming dalawa. Hindi
tulad ni Jupiter na napaka kwela pa din. Hindi na din kami nakakapag usap ni Venus
tulad ng mga personal na bagay. Namimiss ko yung dati naming samahan.

"Ahm. May ipag uutos ka ba?" Naiilang na tanong nya. Gusto ko sana syang kausapin
na 'wag parang amo ang ituring nya sa akin. Kung tratuhin nya kasi ako ay para na
din akong isa sa mga nagpapasweldo sa kanya at ayoko ng ganon. Kaibigan pa din
naman ang turing ko sa kanya. Ewan ko ba dito kay Venus kung bakit bigla na lang
nagbago ang pakikitungo sa akin.

"Nakita mo ba si Jupiter?" Tanong ko na lang para maka alis sa harapan nya. Ayoko
kasi ng bigla na lang magpapaalam sa kanya. Para kasing ambastos tingnan.

"Nasa loob." Sagot nya at kinamot ang batok. Alam kong nararamdaman nya ang ilangan
sa aming dalawa kaya napagdesisyunan kong umalis na lang ag hanapin si Jupiter.

Nakita ko ito sa bahay. Nakatingin ito sa salamin habang nagbubot ng kilay.

"Jupiter!" Sigaw ko at lumapit sa kanya. Niyakap ko ito ng mahigpit. Miss na miss


ko na itong planetang 'to.

"Problema mo?" Sabi nito at tinaasan ako ng kilay. Ang sama!

"Miss na miss na kita tapos ayan lang ang sasabihin mo sa akin?" Sabi ko at umakto
pa ako na para bang nasasaktan. Pabirong inirapan lang ako nito at tinuloy ang
pagbubunot nya sa kanyang kilay.

Napatigil ito sa kanyang ginagawa ng makarinig kami ng pagbubukas ng pinto galing


sa isa sa mga kwarto. Iniluwa nito si Mike na halatang bagong gising. Wala itong
suot na pang itaas at tanging boxer short lang ang suot.

Nabitawan ni Jupiter ang hawak nitong tsani at salamin. "Oh my god! I'm wet!" Sigaw
nito at patakbong lumapit sa kinaroroonan ni Mike. Nanlaki naman ang mga mata ni
Mike ng makita si Jupiter na papalapit sa kanya. Tangkang susuntukin ni Mike ito
kaya napaatras naman si Jupiter ng wala sa oras.

"Ano ba 'yan?! KJ." Sabi ni Jupiter at padabog na bumalik sa pwesto nya kanina.

Ako naman ay natatawa lang sa kanilang dalawa. Hindi pa pala tapos ang pagiging
aso't pusa ng dalawa. Pumasok ulit sa loob si Mike at paglabas nya ay nakaputing
sando na ito at nakasuot na ng short.

"Basag trip naman." Bulong ni Jupiter ng makitang nakabihis na si Mike.

Padabog na ibinababa ni Jupiter ang salamin sa lamesa at tumayo. Hinila na din ako
nito patayo. "Tara na nga sa labas. Dun na tayo magkwentuhan." Sabi ni Jupiter
habang palabas kami ng bahay.

Habang nagsusuot kami ng tsinelas ay nagulat ako ng biglang sumigaw si Jupiter.


"BOOM BAKAT!" Sabi nito at tumakbo papalayo sa bahay.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Jupiter na humahalakhak habang
tumatakbo papalayo sa amin.

Nagulat ako ng makita ko si Mike na nasa may pinto na at nag aapoy na ang mata sa
sobrang galit. Nakatingin ito sa tumatakbong si Jupiter. "TANGINAMO!" Mura nito at
padabog na sinarado ang pinto.

***

Habang tinatype ko 'to nasusunog na pala ang bahay ng kapit bahay namin. Kaya pala
rinig kong may mga nagsisigawan. Haha. Kung hindi pa ko kinatok sa bintana ng
pinsan ko 'di pa ko lalabas ng bahay. lol.

Hello kay MiriamGermanIgnacio :)) Salamat sa pagsuporta sa story ko. Sa pagvovote


at comment. Maraming maraming salamat :))
####################################
Love Affair no. 29
####################################

"Ayos to ah!" Nakangiting wika ni Tristan. "Mariel simula ng dumating ka dito


dumami ang palaging tumatambay sa coffee shop. Ikaw ata ang lucky charm namin
dito." Natatawang wika ni Caesar. Mabilis na nagsisang ayunan naman ang dalawa kong
kasamahan.

Napangiti ako.

Mag iisang buwan na akong nagtatrabaho sa coffee shop at sa loob ng isang buwan na
'yon ay palagi kaming dinadagsa ng customer. May oras pa nga na nauubusan na kami
ng mga cakes at inumin kaya mas napapaaga ang pag sasara namin.

"Let's celebrate! My treat." Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Tristan. Nakakahawa
ang kasiyahan nya. Para bang kahit malungkot ka, 'pag nakita mo ang mukha nya ay
mapipilitan kang maging masaya.

"Nakuu, pasensya na. Hindi ako pwede ngayon. Kelangan kong umuwi kaaagad. Exam week
kasi namin ngayon." Nanlulumong sabi ni Marione. Working student kasi 'to at ang
alam ko ay scholar ito sa isang pribadong paaralan.

"Ako din hindi pwede. Pasensya na boss. Birthday ng anak ko ngayon kaya kelangan
kong umuwi ng maaga." Malungkot na saad ni Mayeth. Halos kasing edaran ko lang ito
at ang sabi ay may tatlong taong gulang na anak na ito. Single parent sya kaya
hangga't maari ay naglalaan sya ng oras para makapagbonding silang dalawa ng anak
nya.

Sabay-sabay naman na tumingin ang tatlo sa akin.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Pwede ka?" Nag aalangan na tanong ni Tristan. Napaisip naman agad ako. Alas Tres
pa lang ng hapon at maaga pa naman kung uuwi agad ako sa mansyon. Hindi naman
siguro malalaman ni Jake kung lalabas kaming dalawa ni Tristan. Ang isa pa, wala
namang malisya ito.

"Oo naman." Sagot ko at agad namang nagliwanag ang mukha ni Tristan.

Habang nasa byahe kami ay panay ang kwento nya tungkol sa girlfriend nya. Malapit
na daw itong umuwi kaya sobrang excited na daw nya. Natigil lang ang pagkukwento
nito ng makarating kami sa isang mamahaling restaurant.

Sya ang umorder ng aming kakainin dahil wala naman akong alam sa mga ganung klaseng
pagkain. Nang dumating ang order namin ay agad kong sinunggaban ang pagkain. Gutom
na gutom na ako dahil hindi na pala ako nakapagtanghalian sa dami ng customer
kanina. Halos sumikip na ang pantalon ko matapos naming kumain.
"Maya na tayo umuwi! Maaga pa naman." Sabi ni Tristan habang hinihimas ang tyan
nya. Tumango na lang ako. Mamaya pa naman alas syete ang uwi sa Mansyon ni Jake.
Tiyak na maiinip lang ako pag umuwi ako ng maaga.

Nag punta lang kami sa Mall at naglakad lakad. Nang mag alas kwatro na ay napag
desisyunan naming umuwi.

Habang nasa byahe ay nagkukwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Nang biglang
mapatigil ako sa pag imik dahil sa pananakit ng tyan ko.

"Tristan." Tawag ko dito habang sya ay tuloy-tuloy lang sa pagmamaneho.

"Oh?"Sagot nito habang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Napapahigpit ang kapit
ko sa upuan tuwing nararamdaman kong parang may lalabas na. Sht. Bakit naman ngayon
pa?! Katakawan mo kasi Mariel!

"Najejebs ata ako." Sabi ko at pinahidan ang pawis na nasa noo ko.

"Ano?"

"Najejebs ako. Sht." Nagsisitayuan na ang balahibo ko. Kahit na ang lakas ng aircon
sa loob ng kotse ay tagaktak pa rin ako ng pawis. Sht talaga. Palibhasa bihira
akong makakain ng pagkaing pang mayaman! Pinagsaktan tuloy ako ng tiyan.

"Ayun! Doon tayo!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang karatulang may
nakasulat na 'MOTEL' hindi na ako umalma pa dahil sobrang sakit na talaga ng tiyan
ko. Kung mag iinarte pa ako ay tiyak na maabutan na ako dito sa loob ng sasakyan.

Tumingin ako sa may bintana. Nasa medyo liblib na lugar na pala kami. Walang
nakatayong Restaurant, Mall at kabahayan dito at tanging yung Motel lang ang pwede
naming mapuntahan.

Pagkatigil ng sasakyan ay agad akong bumaba. Hinila nya ang kamay ko papasok.
Mabilis nyang kinausap ang tao sa may front desk at pagkatapos non ay agad nya
akong hinila papasok sa isa sa mga kwarto.

Pagkapasok namin ay agad akong dumiretso sa CR. Nanlalambot akong lumabas ng CR


pagkatapos. Nakakapanghina pala talagang magpigil.

Nakita ko si Tristan na nakaupo at sa tapat nya ay lamesa na punong-puno ng


pagkain.

"Kasama 'to sa binayaran. Kainin na natin, kesa sa masayang lang." Natatawang wika
ni Tristan.

Sasagot na sana ako ng biglang mag ring ang phone nya. Tiningnan nya ito at agad
syang ngumiti ng makita ang tumatawag.

Alam kong girlfriend nya ito kahit hindi nya sabihin. Tumayo ito at naglakad palayo
sa akin para makausap ng maayos ang girlfriend nya.

Ako naman ay umupo sa dating pinag pwestuhan nya at tinitigan ang mga nakahaing
pagkain. Nakaramdam ako ng hiya kay Tristan. Dahil sa akin ay napagastos pa sya.
Sasabihin ko na lang sa kanya ma ikaltas ang nagastos nya dito sa susunod na sweldo
ko.

Napatigil ako sa pag iisip ng mag ring ang cellphone ko sa bulsa.


Jen Calling

"Hello."

"Ate!" Boses ni Aldwin ang nasa kabilang linya

"Kamusta? Napatawag ka. May problema ba?" Kinakabahang tanong ko.

"Wala naman ate. Nagtatampo lamg sayo si Biboy. Kinalimutan mo daw kasi ang
birthday nya. Hindi mo man lang daw sya binati." May himig na pagtatampo sa boses
ni Aldwin. Agad ko namang nasapo ang noo ko. Nakalimutan ko. Sa dami ng iniisip ko
ay nawala sa isip ko na birthday nya ngayon.

"Pasensya na Aldwin. Pasabi kay Biboy pupunta na ako dyan. Wag na syang mag tampo."
Agad namang umoo si Aldwin. Pagkatapos ko ng tawag ay sya namang saktong balik ni
Tristan.

"Oh? Bakit ganan ang mukha mo? Najejebs ka na naman?" Asar nito sa akin.

Hindi ko pinansin ang pang aasar nito. Iniisip ko kung paano ako makakabawi kay
Biboy. Anong regalo amg ibibigay ko sa kanya? Ano ba yan! Bakit nakalimutan ko ang
importanteng araw na 'to. Pakiramdam ko tuloy napaka walang kwenta kong kapatid.

"Nakalimutan kong birthday ng kapatid ko." Bumuntong hininga ako.

Kung dadaan pa ako sa divisoria ay tiyak na gabing gabi na ako makakarating sa


bahay namin. Baka mas lalong mag tampo si Biboy pag hindi ako nakauwi ng maaga.

"Oh? Anong pinoproblema mo dyan? Dalhin mo na lang 'yang mga pagkain kesa naman sa
masayang. Busog pa naman tayong dalawa eh, atsaka mapapatapon lang 'yan dito." Agad
na nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni Tristan. Oo nga! Bakit hindi ko nga ba
naisip iyon? Paborito nya ang mga ito. Fried chicken, spaggetti at kung ano-ano pa.
Tiyak na matutuwa ito dito.

Nang maipabalot na namin ang mga pagkaim ay lumabas na kami ng kwarto. Panay ang
pagpapasalamat ko dito.

"Hatid na kita sa inyo. Delikado kung mag cocommute ka pa. Malayo layo pa naman ang
inyo." Hindi na ako nakatanggi dahil itinulak na ako nito papasok sa sasakyan nya.
Ang dami dami ng naitulong sa akin ni Tristan. Nakakahiya tuloy.

Habang nasa byahe ay naisip ko bigla si Jake. Patay! Hindi pa nga pala ako
nakakapag paalam sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagcompose ng message.

Ako:
Sa bahay ako matutulog ngayon. Birthday kasi ni Biboy, nagtatampo sa akin.
Nalimutan ko kasi na bday nya.

Wala pang limang minuto ay nakatanggap na ako ng reply.

Jake:
Asan ka?

Napakunot naman ang noo ko ng makita ang reply nya. Bakit nito tinatanong kung
nasaan ako?

Ako:
Byahe na. Bakit?

Hindi ko pa nailalagay ang cellphone ko sa bulsa ay nagreply na agad ito.

Jake:
Wala lang. Sinong kasama mo.

Napa irap na lang ako sa reply nito. Dadali na naman ang pagkaseloso. Hindi ko na
sasabihin sa kanya na kasama at si Tristan ang naghatid sa akin ngayon dahil baka
mag isip bata na naman ito. Wala naman sya dapat ipag alala dahil wala naman kaming
ginagawang masama.

Ako:
Ako lang. Bakit ba? Ang dami mong tanong!

Inilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa. Malapit lapit na din ang bahay namin.
Itinuro ko kung saan banda yung sa amin. Hindi ko na sya niyaya papasok ng bahay
dahil malayo layo pa yung sa amin. May eskinita pang papasukan at nakakatakot naman
kung basta na lang nya iiwan ang kotse. Usong uso pa naman ang nakawan sa lugar
namin.

Nagpasalamat muna ako dito bago bumaba ng kotse. Pagbaba ko ay tinginan lahat sa
akin ang mga kapit bahay. Tiyak na pagchichismisan na naman ako ng mga 'yan.

Pagkapasok ko sa bahay namin ay si Aldwin lamg ang sumalubong sa akin. Si Biboy ay


nakahalukipkip lang sa isang tabi. Nang maipakita ko ang pasalubong ko sa ay agad
na nagliwanag ang mukha nya. Kinuha nya ang plastic at agad na nilantakan ang
pagkain. Tuwang tuwa ang dalawa kong kapatid sa pasalubong ko kaya hindi ko
maiwasang mapangiti.

Kinabukasan ay inilabas ko sila. Dinala ko sila sa mall at binili ng bagong sapatos


at tig isang damit. Halos mapunit na ang mga labi nito sa sobrang tuwa. Niyakap pa
ako ng mga ito at pinugpog ng halik sa mukha.

Alas Sais na ay napag desisyunan kong iuwi na ang mga kapatid ko. Babalik pa kasi
ako sa Mansyon.

Nang makarating kami sa bahay ay nilabhan ko muna ang mga damit pamasok ng mga ito
bago ako umalis. Alas siete na ng matapos ako sa paglalaba.

Pahirapan pa sa pagsakay sa jeep dahil sa punuan sa ganitong oras.

Pasado Alas Nuebe na ako nakarating sa Mansyon. Patay na ang lahat ng ilaw kaya
paniguradong tulog na ang mga tao dito. Mabuti na lang talaga at binigyan na ako ni
Jake ng susi sa Mansyon para incase daw na gabihin ako ng uwi.

Nasa gitna na ako ng hagdan ng makarinig ako ng pag ungol. Napatigil ako at biglang
lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay bumigat ang bawat paghakbang ko.
Dahan dahan kong tinuloy ang pag akyat. Lumakas ang pag ungol ng makarating ako sa
tapat ng kwarto ni Jake.

Ayokong mag isip ng kung ano. Ayokong maghinala. May tiwala ako sa kanya. Sobrang
laki ng tiwala ko sa kanya.

Nangangatal ang kamay ko ng pinihit ko ang sedura ng pinto. Dahan dahan akong
humakbang papasok sa loob ng kwarto. Pikit mata kong hinahakbang ang mga paa ko
papasok. Nang imulat ko ang mga mata ko ay laking pagsisisi ko dahil ginawa ko
iyon.
Natutop ko ang bibig ko para pigilan ang pag hikbi. Ano 'to? Bakit ganito?

Bakit nakapatong si Venus kay Jake at kapwa sila walang saplot.

Hindi pwedeng gawin sakin 'to ni Jake. Hindi pwede. Baka imagination ko lang to.
Baka dala lang 'to ng matinding pagod. Tama. Hindi nya ako kayang lokohin. Hindi
nya magagawa sa akin ang bagay na 'yon.

Muli kong pinikit ang mga mata ko. Tahimik na nagdadasal na sana ay sa pagmulat ko
mawala silang dalawa sa harapan ko. Pero hindi ito natupad. Ganoon pa rin. Panay pa
din ang galaw ni Venus habang si Jake ay diretsong nakatingin lang sa kanya.

Mas lumakas ang pag hikbi ko ng marealize na totoo nga ang nangyayari.

Napatigil si Venus sa ginagawa nya ng makita nya ako at agad itong umalis sa ibabaw
ni Jake. Hinila nito ang kumot para ipangtaklob sa hubad nyang katawan.

Gustong gusto ko silang saktan. Gusto kong lumapit sa kanila pero kahit paghakbang
ng isang paa hindi ko magawa. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas.

Nilingon ako ni Jake. Akala ko ay matataranta ito pag nakita ako at makikiusap na
pakinggan ang paliwanag pero hindi nya ito ginawa.

Anong nangyayari sayo Jake? Bakit mo 'to ginagawa?

Mas nanlumo ako sa ginawa nya. Tiningnan nya ako. Tiningnan nya LANG ako.

Tingin na para bang hindi nya ako kilala.

***

Next update. Next year. Joke. Haha. Baka sa friday na ulit.

Hello kay SE_siren. thank you sa pagsuporta sa story ko. Sa pagvovote at comment .
Thank you thank you thankyou :))

Natuwa ako kay CaelumRose napansin nyang may something kay Venus. haha
####################################
Love Affair no. 30
####################################

"A-anong ibig sabihin nito?" Tanong ko ng sa wakas ay mahanap ko na ang boses ko.
Pakiramdam ko ay naninikip na ang dibdib ko. Ang sakit lang na makita mo ang taong
mahal mo na may katalik na iba. At ang malala pa ay sa kaibigan mo pa.

Nagsimula ng mag panic si Venus samantalang si Jake ay umupo lang sa kama na para
bang walang nangyari.

"Mariel." Kinakabahang wika ni Venus. Hindi ko kayang tingnan ang dalawa kaya nag
iwas ako ng tingin.

"Magbihis ka na." Malamig na wika ni Jake. Gulong-gulo na ko. Bakit ba ganito ang
ikinikilos nya?!

Agad na nagbihis si Venus sa harap namin ni Jake. Hindi alintana ang presensya
naming dalawa. Pagkatapos nyang magbihis ay tumingin muna sya kay Jake bago umalis.
Hindi naman ito pinansin ni Jake. Nang dadaan na sya sa pwesto ko ay yumuko ito
para siguro hindi magtama ang paningin namin.
Pagkalabas ni Venus ay narinig ko si Jake na nagbuntong hininga. Tumayo ito at
isinuot ang boxer short nya.

"Jake. Kausapin mo ko. Bakit ganito? Ano bang nangyari?" Pakiusap ko dito habang
naglalakad ito papuntang cabinet ay nakasunod lang ako dito.

Gusto kong malaman ang paliwanag nya. Kahit ngayon lang, magpapakamartir ako at
magbubulagulagan sa kanya. Iisipin ko na lang na wala akong nakita basta kausapin
nya lang ako.

"Nakakasawa ka na kaya pinalitan na kita." Dire diretsong sabi nito. Napatigil


naman ako sa pagsunod sa kanya. Agad kong pinahid ang luhang lumandas sa pisngi ko
para hindi nya ito makita.

Hindi ako naniniwala sa kanya. Hindi totooo ang sinabi nya. Sigaw ng isip ko.

Nang makabawi ay agad akong lumapit dito at hinawakan sya sa kanyang braso. "Jake
naman. Wag ka ngang magbiro ng ganyan." Pinilit kong tumawa para hindi nya malaman
na nasaktan ako sa sinabi nya.

Marahas na hinawakan nito ang kamay ko para tanggalin ang nakakapit na kamay sa
braso nya. "Hindi ako nagbibiro Mariel." Sandaling tumigil ito sa pagsasalita. " Sa
tingin mo, seseryosohin talaga kita? Mag isip ka nga! Mag kaibang magkaiba ang
estado nating dalawa Mariel! Hindi tayo bagay. Hindi ka nababagay sa akin." Mariin
kong ipinikit ang mga mata ko. Parang lahat ng sinasabi nya ay tumutusok sa dibdib
ko. Ano bang nangyayari sayo Jake? Bakit mo ko sinasaktan ng ganito. Okay naman
tayo kanina bago ka umalis ah.

"Si Venus. Bakit si Venus?" Pakiramdam ko ay sobrang hirap banggitin ng pangalan


nya.

"Nilandi nya 'ko. Naakit ako. May problema ba 'don?" Sabi nya na para bang napaka
natural na bagay lamang ang ginawa nya.

Agad akong umiling sa sinabi nya.

"Matulog na tayo, Jake. Magiging maayos din ang lahat bukas. Pinapatawad na kita.
Kung ano man ang ginawa nyo ni Venus, okay lang 'yon sa akin." Hindi okay 'yon,
syempre! Pero dahil sobrang mahal kita isasawalang bahala ko na lang 'yon.
Magtatanga tangahan na lang ako at magpapanggap ng okay lang ang lahat.

Pupunta na sana ako sa kama ng mapatigil ako sa paglalakad ng mag salita ito.

"Umalis ka na." Hindi ko ito pinansin. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalalakad
papunta sa higaan.

"Ang bobo mo naman! Hindi ka ba talaga nakakaintindi?! Umalis ka na sabi!" Bakas


ang iritasyon sa boses nito. Napatigil ako sa tangkang paghiga dahil sa sigaw nito.
Aaminin kong natakot ako dito.

Umayos ako ng tayo at naglakad papuntang pinto.

"Sige. Sa bahay na lang muna ako matutulog. Magpahinga ka na." Mahina kong sabi.
Sana pag gising ko bukas ay maging maayos na ang lahat O Sana panaginip lang 'to.
Please. Nag mamakaawa ako. Sana panaginip lang 'to.

"Ang bobo talaga." Pabulong na sabi nya. Hindi ko alam kung balak talaga nyang
iparinig sa akin iyon o hindi nya lang namalayan na napalakas ang boses nya.
"Umalis ka na dito. Wag na wag ka ng magpapakita sa akin." Napatigil ako sa
paglalakad. Agad na rumehistro ang gulat sa mukha ko. Pinalalayas na nya ako?
Hindi pwede! Hindi ko kaya na wala sya sa tabi ko.

Bakit nya ba ginagawa sa akin ito? Bakit kung kelan sobrang mahal na mahal ko na
sya tsaka nangyayari ang bagay na 'to?

"Umalis ka na kung ayaw mong kaladkarin pa kita palabas ng pamamahay ko." Sabi ni
Jake habang matalim na nakatingin sa akin.

Agad akong umiling. "Jake, Ano ba talagang nangyayari sayo? Kausapin mo naman ako
oh."Pagsusumamo ko sa kanya. Ang hapdi na ng mata ko sa sobrang pag iyak pero hindi
ko na ito alintana. Kahit lumuha pa ako ng dugo bumalik lang yung Jake na minahal
ko kakayanin ko.

Lumapit ito sa akin at mariin akong hinawakan sa dalawang braso. Nanlilisik na ang
mga mata nya."Wala tayong pag uusapan at wala tayong problema kasi una sa lahat,
hindi naman naging tayo! Pinaglaruan lang kita at ikaw naman si tanga sumakay sa
laro ko!" Bigla ako nitong binitawan dahilan para mapaluhod ako sa harap nya. Mas
lumakas ang bawat pag hikbi ko ngunit kahit konting awa ay walang mababakas sa
mukha nya.

Mariin akong pumikit at lihim na nagdarasal na sana isang malakaing Joke lang ang
lahat.

"Tama na Jake, Please. Ang sakit na." Pagmamakaawa ko sa kanya habang nakaluhod sa
harap nya.

Siguro kung may makakakita sa sitwasyon namin ngayon ay iisipin nilang isa akong
desperadang babae. Siguro nga tama sila. Desperada na talaga ako. Desperada na
bumalik si Jake sa akin.

Itinaas nya ang baba ko dahilan para magkatitigan kaming dalawa. "Bakit? Ayan naman
ang gusto mo 'di ba? Kung umaalis ka na lang kasi edi sana tapos na tayong mag usap
kanina pa." Lumayo ito sa akin at naglakad papuntang Cabinet.

Sinusundan ko ng tingin ang bawat pag galawa nya. Tanging paghikbi ko lang ang
maririnig sa buong kwarto.

Kinuha nito ang mga gamit ko at naglakad syang papunta sa pinto. Nagulat ako ng
itinapon nya ang mga ito na para bang basura.

Muli ako nitong tiningnan. "Nakita mo 'yong ginawa ko sa mga gamit mo? pag hindi ka
pa umalis dyan, ganan din ang gagawin ko sayo." Naglakad ito papunta sa kama nya at
humiga patalikod sa akin.

"Bago ka umalis patayin mo ilaw."Utos nito at hindi man lang ako hinarap.

Hindi ko na kaya. Ganito pala kasakit pagnagmamahal ka. Kung alam ko lang sana sa
una pa lang pinigilan ko na agad ang nararamdaman ko sa kanya.

Pinilit kong tumayo pero hindi ko talaga kaya. Hinang hina na ako. Pinilit kong
gumapang papunta sa may upuan para may mahawakan ako. Naka ilang tumba pa 'ko bago
ako tuluyan makatayo. Pagewang gewang akong naglakad papalabas ng kwarto.

Tiningnan ko muna si Jake bago ako tuluyang lumabas. Nakatalikod pa din ito sa
akin. Mapait akong napangiti. Bakit sa kabila ng masasakit na sinabi mo sakin hindi
man lang nabawasan ang pagmamahal ko sayo.
Pahirapan bago ako makalabas sa mansyon. Sobrang hinang hina na ako tapos ay
madilim pa kaya muntik na akong mahulog sa hagdanan.

Naupo muna ako sa pinaka ibabang bahagi ng hagdan para magpahinga. Nang maibalik ko
na ang lakas ko ay tumayo na ako at naglakad palabas ng mansyon.

Hindi ko inaasahan na makikita ko si Venus sa gilid ng mansyon. Agad akong lumapit


dito. Kumukulo ang dugo ko dito. Gusto ko syang saktan hanggang sa maghirap sya.

Nang malapit na ako sa kinaroroonan nya ay tsaka lang nito napansin ang presensya
ko. "Mariel, okay ka lang?" Nag aalalang tanong nito. Mas lalong nag init ang ulo
ko sa kanya. Hindi ko alam kung may mas paplastic pa dito.

"Tinatanong mo kung okay lang ako? Matapos mong tikman ang boyfriend mo may gana ka
pang itanong ang bagay na yan! Ikaw, Okay ka lang?!" Napatda ito sa kinatatayuan
nya. Inilang hakbang ko lang sya at pagkalapit na pagkalapit ko dito ay agad ko
itong pinatikim ng mag asawang sampal. Kapansin pansin ang pamumula ng kanyang
dalawang pisngi sa ginawa ko.

"Bakit mo ginawa 'yon?!" Sigaw nya sa akin habang hawak ang kanyang dalawang
pisngi.

"Dahil malandi ka!" Sigaw ko sa kanya. Lalapit pa sana ako dito ngunit napatigil
ako ng pilit syang umaatras sa bawat hakbang ko.

Mapait akong napangiti. "Venus naman. Kapatid na ang turing ko sayo tapos
tatraydurin mo 'ko?" Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mata. Bumalik ang
imahe sa isip ko habang nagtatalik sila.

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya." Sabi nito habang nakayuko.

"Hindi sinasadya?!" Tumawa ako ng pagak. "Anong nangyari? Natulog ka tapos pag
gising mo hindi mo namalayan na nagsesex na pala kayo ni Jake?!"

Magsasalita pa sana ito ng inunahan ko na ito.

"Pasalamat ka, kaibigan ko ang kakambal mo. Kaya kahit papaano hindi pa din
nawawala ang respeto ko sayo." Kinuha ko ang mga gamit ko na nalaglag na pala
kanina sa pagsampal ko sa kanya. "Malandi na nga, plastic pa." Sabi ko bago
tuluyang umalis.

Nagsimula na namang bumagsak ang mga luha ko pagkalabas ko sa gate. Kelan ba


mauubos ang pesteng luhang 'to.

Tulala akong naglalakad palabas ng subdivision. Wala akong kapera pera. Hindi ko na
alam kung saan ko nailagay ang wallet ko. Hindi ko din alam kung saan ako pupunta.

Nakalabas na ako ng subdivision pero hindi pa din ako natigil sa paglalakad. Bahala
na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Hindi ko din alam kung gaano na ba ako
katagal na naglalakad. Kalhating oras? Isa? Dalawa? Ewan. Wala akong ideya.

Malalim na ang gabi kaya walang tao sa dinadaanan ko. Mas okay iyon dahil walang
makakakita sa akin na umiiyak na naman ako. Bumagal ang paghakbang ko ng maramdaman
ko ang pananakit ng paa ko. Pagod na pagod na ako pero hindi pa din ako tumitigil
sa paglalakad.

Nagsisimula na ding manlabo ang paningin ko. Hindi na din ako tuwid kung maglakad.
Mabuti na lang at may makakapitan ako kaya hindi ako tuluyang natutumba.
"Mariel!" Rinig kong tawag sa akin ng isang lalaki bago tuluyang mag dilim ang
paningin ko.

***

Guys, Gusto ko talagang mag thank you sa inyo. Sobrang natuwa akong basahin yung
mga comment nyo last chapter. Halos lahat ang hahaba ng comment. Ilang beses kong
binasa ang mga comment nyo tapos parang baliw akong napapangiting mag isa. thank
you talaga. Atsaka I Love you all daw sabi ni Venus. hahaha. basta thank you
talaga.

Thank you din kay LavinEclatdArpege. Sobrang natuwa ako sa comment mo last chap.
Napaisip din ako bigla. Haha. Thank you sayo. Yung feeling na kagiging ko lang sa
umaga tapos yung comment mo ang mababasa ko. thank you :))
####################################
Love Affair no. 31
####################################

Puting kisame ang bumungad sa akin pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko. Muli
akong napapikit ng masilaw sa liwanag. Sinubukan kong gumalaw ngunit napangiwi ako
dahil sa matinding sakit ng katawan ko.

"Thank God gising ka na!" Napalingon ako sa kinaroroonan ng boses. Nakita ko si


Caesar na nakaupo sa gilid ko. Mababakas ang pag alaala sa mukha sa niya.

"Anong nangyari?" Tanong ko habang inaalalayan nya akong maupo. Ang natatandaan ko
lang ay pinalayas ako ni Jake at naglakad ako ng naglakad hanggang sa nawalan na ko
ng malay.

"Stress daw sabi ng doctor kaya ka hinimatay. Ano bang nangyari? Nagdadrive ako
pauwi ng condo tapos nakita kita. Akala ko nga kamukha mo lang. Nung tinigil ko ang
sasakyan at lalapit na ko sayo bigla ka namang nawalan ng malay." Mahabang
paliwanag nya.

"Si Jake? Asan si Jake?" Tanong ko. Baka kung malaman nya na nasa hospital ako
ngayon balikan nya ulit ako. Baka sakaling maawa sya sa akin at pumunta sya dito
para kamustahin ako.

"Pinuntahan ko sya kanina. And sad to say wala sya sa bahay nila." Sabi ni Caesar
habang hinahainan ako ng pagkain.

"Kumain ka na. Kagabi pang walang laman yang sikmura mo." Ani Caesar habang
itinatapat sa akin ang kutsara na may lamang lugaw.

Pilit akong umiling para hindi nya ito maipakain sa akin.

"Wala akong gana." Sabi ko at nahiga ulit. Nagtalukbong ako ng kumot para hindi nya
ako makita.

Agad na nagsilabasan ang luha ko. Bigla bigla na lang. Walang Go signal. Wala kahit
ano.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Ano ba talagang nangyari?" Mahinahong tanong nya.

"Si Jake. Asan sya?" Nabasag ang boses ko ng banggitin ko ang pangalan ni niya.
"Actually nagsinungaling ako sayo kanina. Nakita ko sya sa labas ng bahay nyo. May
ano. Ahmm. Sht. How can I say this?" Nahihirapang tanong nya sa sarili na para bang
ingat na ingat sya sa sasabihin dahil natatakot syang masaktan ako.

"Ituloy mo." Sabi ko sa gitna ng paghagulhol ko.

"May kahalikan sya sa labas ng gate. Ahm. Familiar yung babae. Parang ano. Ahm."
Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang pagkirot sa dibdib ko.

"Si Venus." Alam mo yung feeling na sobrang sakit na kaya hindi na ako nakakaramdam
ng kahit katiting na galit. Ganon ang nararamdaman ko ngayon.

"Magpahinga ka na, Mariel. Wag mo masyadong istress ang sarili mo. Lalaki lang
'yan. Wag mong iyakan. Hindi nya deserve ang luha mo. Basta tandaan mo, Sya ang
nawalan at hindi ikaw."

***

Kinabukasan ay inilabas na ako sa Hospital. Lihim na nagpapasalamat kay Caesar


dahil hindi na sya nagtanong kung ano ba talagang nangyari. Hindi nya ako
pinilipilit mag kwento na para bang nauunawaan nya ang nararamdman ko ngayon. Basta
palagi lang syang nandito sa tabi ko, hindi nya ako iniiwan.

Sa condo ni Caesar muna ako pansamantalang maninirahan. Ayoko naman kasing umuwi sa
mga kapatid ko. Mag aalala lang sila sa akin at ayokong makita nila akong
nasasaktan.

"Magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa gamit mo." Sabi ni Caesar habang
inaalalayan akong makapunta sa kama. Hindi na ako tumutol pa. Gusto ko na din
talagang mag pahinga.

Nakahiga lang ako pero gising na gising pa din ang diwa ko. Nakatitig lang ako sa
kisame.

"Kain ka muna. Ang konti ng kinain mo kaninang umagahan." Napalingon ako sa may
pinto ng marinig ko ang boses ni Caesar.

Lumapit ito sa akin at ibinaba ang dala nyang tray na may lamang kanin at sinigang.

"Busog pa ako." Tanggi ko kahit na kanina pang kumakalan ang sikmura ko. Wala lang
talaga akong gana.

"Mariel naman. Pinapabayaan mo na yang sarili mo. Hindi na ko natutuwa sayo ha."
Pagalit na sabi ni Caesar.

"Nagsasawa ka na din sa akin? Sige. Edi iwanan mo na lang din ako." Muli akong
humiga patalikod sa kanya at nagtalukbong ng kumot. Hindi ko naman sya masisisi
kung magalit sya sa akin. Sino nga ba naman ako? Pabigat lang naman ako sa buhay
nya.

"Hindi ako nagsasawa at kailanman hindi ako magsasawa sayo. Nagagalit ako kasi ang
tanga tanga mo! Bakit ka ba nagkakaganyan?! Wag mong sabihin na hindi mo kayang
mabuhay ng wala sya kasi in your twenty two years of existence walang Jake na na
nag alaga sayo. Kelan mo lang ba sya nakilala? Hindi ba halos isang taon pa lang
naman?" Napabalikwas ako sa sigaw ni Caesar sa sobrang gulat. Ngayon ko lang sya
nakitang magalit ng ganito. Parang hindi sya ang masiyahing Caesar na nakilala ko.

Sinabunutan nito ang kanyang sarili. "Ipinanganak ka para maging tao Mariel, hindi
para maging gago!" Dagdag nito.
"Sorry." Hindi ko alam kung para saan ang sorry ko. Nag sosorry ako kasi galit sya?
Kasi pakiramdam ko pabigat ako? Hindi ko alam basta ito ang unang salita na lumabas
sa bibig ko.

"Gusto kong makita si Jake. Please. Last na 'to. Pag wala na talaga, titigil na ko.
Promise. Para atleast bago ako bumitaw masasabi ko sa sarili kong lumaban talaga
ako." Nakipag titigan sya sa akin. Maya maya pa ay bumuntong hininga ito ng malalim
bago marahang tumango.

***

Nanlalamig ang kamay ko habang tinitingnan ang restaurant na pinagtatrabahuhan ni


Jake. Kanina pa kaming nakapark dito pero walang nag sasalita. Hindi ko alam kung
anong sasabihin ko sa kanya oras na makita ko ulit siya.

"Ready?" Hinawakan ni Caesar ang dalawang kamay ko para pakalmahin. Marahan naman
akong tumango at pilit na ngumiti.

Binuksan ko na ang pinto ng kotse at bumaba na.

Bawat hakbang ko papalapit sa resto ay pabigat ng pabigat. Rinig na rinig ko ang


bawat pagtibok ng puso ko. Napakalakas. Nakakapanghina.

Pagkapasok ko sa loob ay agad akong nilapitan ng isang waitress.

"Good Morning Ma'am" Nakangiting bati nya sa akin ngunit ako ay parang isang robot
lang na walang emosyon. Hindi ko ito pinansin.

Iginala ko ang paningin ko at agad ko din naman natagpuan ang hinahanap ko.

Nasa pinakadulong bahagi si Jake ng resto. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ako
nito pansin. Nakaupo ito habang may nakakandong sa kanyang babae.

Mariin na naman akong pumikit. Dapat hindi ako umiyak. Inihanda ko ang sarili ko
para dito kaya kailangan na hindi ako pumalpak.

Dahan dahang lumapit ako dito. Bawat paghakbang ko ay pakiramdam ko ay pinipiga din
ang puso ko. Habang papalapit ako ay kitang kita ko kung paano paulanan ng halik ng
babae ang mukha ni Jake.

Ayokong maniwala. Ayokong silang tingnan pero sa mga oras na 'to, wala akong
magawa.

"J-jake." Pinilit kong maging normal ang boses ko. Napatigil sa paglalandian ang
dalawa at sabay silang tumingin sa akin.

Malamig pa sa yelo na tiningnan ako ni Jake. "Oh?" Sabi nito na para bang inip na
inip sa presensya ko.

"Pwede ba tayong mag usap." Nakita ko ang pag irap sa akin ng babae pero hindi ko
ito pinansin. Kay Jake lang nakatuon ang atensyon ko.

"May ginagawa ako. Umalis ka na. Wala akong oras sa isang katulad mo." Huminga ako
ng malalim bago muling mag salita. Kahit anong sasabihin mo Jake, tatanggapin ko.

"Mabilis lang. Please." Pag mamakaawa ko dito.

Para namang naawa sa akin ang babae dahil umalis ito sa kandungan ni Jake at inayos
ang nagusot nyang damit. Lihim akong nagpasalamat dito. Sino ba naman kasing hindi
maaawa sa itsura ko ngayon. Ang putla putla ko na, nangangalumata pa ko dahil sa
palaging pag iyak. Idagdag pa ang buhaghag kong buhok.

"Sige na Jake, kausapin mo na 'yan. Magkita na lang ulit tayo bukas." Bago umalis
ang babae ay hinalikan muna ito ni Jake sa labi. Wala na naman akong nagawa kundi
mag iwas ng tingin.

Bumuntong hininga si Jake at humalukipkip pag kaalis ng babae. Wala ata syang balak
paupuin ako kaya nagkusa na kong umupo sa harap nya.

"Ano ba 'yon? Bilisan mo. Marami pa akong gagawin." Sabi nito at sinulyapan ang
relo nya.

"Bakit ka ba nagkakaganyan?" Diretsong tanong ko sa kanya.

"Ayan na naman ba ang itatanong mo? Seriously?! Tatanungin mo na naman ako ng mga
walang kakwenta kwentang bagay then what? Ipagpipilitan mo na naman ang sarili mo
sa akin?" Sigaw nya nadahilan para makakuha ng atensyon sa mga tao dito. Rinig na
rinig ko ang mga bulungan ng mga katabing table namin. Hindi ko pinansin ang mga
masasakit na salita na naririnig ko sa kanila.

Ngumiti ako ng mapait. "Hobby mo na talagang saktan ako, no?" Tumawa ako ng pagak
na dahilan para samaan nya ako ng tingin.

"Sagutin mo lang ang tanong ko Jake. Pagkatapos nito. Pinapangako ko. Lalayo na ko
sayo. Hinding hindi na kita guguluhin pa." Nakita kong medyo natigilan ito at ng
makabawi ay agad din itong bumalik sa dati nyang ekspresyon.

"Bilisan mo." Utos nito at sumandal sa kinauupuan nya.

"Minahal mo ba talaga ako?" Tanong ko habang diretsong nakatingin sa mga mata nya.
Gusto kong makita ang magiging reaksyon nya. Sa huling pagkakataon gusto kong
matitigan sya.

"Hindi nga sabi." Prangkang sagot nito.

"Yung mga pinakita mo sa akin dati? Anong ibig sabihin non?"

"Purong pagpapanggap ang tawag don." Mabilis na sagot ni Jake. Hindi alintana na
masasaktan ako sa sinabi nya.

"Bakit mo ginagawa sakin 'to?" Halos pumiyok na ko para mapigilan ang pag iyak.
Konti na lang, Mariel. Konting tiis na lang.

"Dahil gusto ko?" Alam ng Diyos kung gaanong pagtitimpi ang ginagawa ko ngayon.
Mariin akong pumikit at huminga na malalim. Kaya mo 'yan, Mariel.

"Ano na? Hindi ka pa ba tapos? Madami akong ginagawa." Inis na pagkakasabi nito.

"Mahal kita Jake." Diretsong sabi ko habang nakatitig sa mga mata nyang walang
emosyon.

Kumunot ang noo nito. "So?"

"Mahal na mahal kita." Ulit ko.

Bumuntong hininga ito at tinitigan ako.


"Sa sobrang pagmamahal ko sayo, kahit masakit, ibibigay ko ang gusto mo. Pinapalaya
na kita." Kumawala ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Wala na. Nakita na
naman ako ni Jake kung gaano ako kahina.

Tumayo ako at pinahid ang luhang lumalandas sa mukha ko. Sa huling pagkakataon ay
tinitigan ko ito. Nakatitig lang ito sa akin. Tingin na walang ekspresyon. Tinigin
na walang pakealam.

Lumapit ako dito at inilapit ang mukha ko sa kanya. "Sana maging masaya ka." Sabi
ko at sa huling pagkakataon ay hinalikan ko sya sa labi. Hindi naman sya umiwas o
gumalaw man lang. Nananatili lang syang nakaupo na parang naestatwa sa ginawa ko.

Patakbo akong lumabas ng Resto. Sana maging masaya sya sa ginawa ko. Hindi pa man
ako nakakalayo ay may humigit na sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Okay na. Nagawa mo." Sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko. Pilit akong
pinapakalma sa gitna ng pag iyak ko.

"Wala na. Tapos na." Sabi ko sa pagitan ng paghagulhol ko. Mas humigpit ang yakap
nya sa akin.

"Magiging maayos din ang lahat. Hindi nga lang ngayon, pero pinapangako ko.
Magiging maayos ka din." Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko at ngumiti sya.

"Salamat Caesar. Maraming salamat." Sabi mo ay niyakap sya pabalik. Kahit papaano
ay gumaan ang aking pakiramdam . Ngayon ay medyo napanatag na din ang loob ko.
Atleast alam kong may isang taong hindi ako iiwan bukod sa mga kapatid ko.

***

Ito na ang request nyo. lol. haha. Salamat sa inyong lahat. Natutuwa talaga ako sa
mga comment nyo. Pag wala pa akong maisip na update pa ulit ulit kong binabasa mga
comment nyo. Haha. Thank you thank you talaga

Hello kay JellyJels, natuwa ako sa comment mo sa last chap. Thank you sa pag
suporta sa story ko.
####################################
Love Affair no. 32
####################################

After 4 years

Naalimpungatan ako dahil nararamdaman kong may kumikiliti sa paa ko. Antok na antok
pa ako kaya hindi ko ito pinansin. Nilagay ko lang ang unan pantakip sa ulo ko at
nagtalukbong ng kumot.

Akala ko ay titigal na sya ngunit napabalikwas ako ng maramdaman kong kiniliti nya
ako sa may tagiliran ko.

Binato ko ito ng unan at sinamaan ng tingin. Ayoko talaga sa lahat ay pag


iniistorbo ang tulog ko! Tatawa tawa lang ito habang nakatayo sa may paanan ng
kama.

"Good Morning. Agang aga nakasimangot ka na agad. Wag ganun. Mas nagiging kamukha
mo si Godzilla. Lalo na ngayon. Tingnan mo oh! Nanlalaki 'yang butas ng ilong mo."
Humahalakhak na sabi nya habang tinuturo ang ilong ko.

Sinamaan ko lang ito ng tingin at tiniklop ang kumot na ginamit ko. Hindi pa din
ito natigil sa pagtawa.

Hindi ba nya alam ang kasabihan na Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong
gising?

Pagkatapos kong ayusin ang kama ay naglakad na ako palabas ng kwarto. Nilampsan ko
ito ngunit nang ginawa ko iyon ay inakbayan nya ako at sumabay na sya sa akin
paglalakad.

"Magandang Umaga Ate." Lumapit sa akin si Biboy at inalalayan ako paupo. Hinainan
ako nito ng pandesal at peanut butter. Nawala ang inis ko ng makitang may
nakatimpla na palang kape para sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Kahit na binata na ito ay hindi pa din nagbabago ang pakikitungo ni Biboy sa akin.
Palagi pa din itong sweet at napaka maalaga.

Napatingin ako sa pinto ng magbukas ito. Iniluwa nito sa Aldwin na nakasuot ng


jersey at pawis na pawis ito. Kakatapos lang sigurong mag basketball.

Patakbo itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Yuck! Kadira ka Aldwin. Magpalit ka nga ng damit mo. Ano ba?! Ang lagkit lagkit
mo!" Sabi ko at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap nya. Tumawa naman ang tatlo
sa naging reaksyon ko.

"Si Ate talaga. Kahit kelan KJ. Naglalambing lang e." Natatawang sabi ni Aldwin.
Tinanggal na nito ang pagkakayakap sa akin. Pumunta ito sa Fridge at kumuha ng
malamig na tubig.

Kahit ganito kakukulit ang mga kapatid ko ay mahal na mahal ko ang mga ito. Walang
pagbabago. Si Biboy ay Grade 8 na samantalang si Aldwin naman ay 3rd year college
na. Mas matangkad na nga si Aldwin sa akin at napaka matured na ng mukha nya. Dati
ay kinwento nya sa akin na madami daw nagkakagusto sa kanya sa school. Minsan ay
nakikita ko nga syang nakikita na binabasang mga makukulay na papel. Pag tingin ko
kung ano iyo ay nanlaki ang mga mata ko dahil mga love letter pala iyon ng mga
babaeng nahuhumaling sa kanya. Si Biboy naman ay escort ng kanilang klase ngayong
taon. Ayaw na ayaw nya talaga kaya lang ay pinilit sya ng mga kaklase nya kaya sa
huli ay pumayag na din sya.

Parehas na matalino ang mga kapatid ko kaya proud na proud ako sa kanila. Kahit na
puros kalokohan ang alam ng mga ito ay pagdating naman sa pag aaral ay talagang
nagseseryoso sila.

"Lalim ng iniisip mo ah." Napalingon ako ng may magsalita sa gilid ko. Hinapit nya
ang bewang ko papalapit sa kanya. Hindi na ako tumutol pa, nag paubaya na lang ako.

"Galit ka pa din ba sa akin kasi ginising kita?" Bulong nya sa tenga ko. Agad akong
umiling. Hindi naman talaga ako galit dito. At kailanman ay hindi ko magagawang
magalit dito. Sobrang mahal ko kaya itong lalaking 'to kaya napaka imposibleng
mangyari ang bagay 'yon.

"Eh? Sige nga. Kung 'di ka galit kiss mo ko." Sabi nito at agad na pumikit at
ngumuso. Hindi ko napigilang matawa sa ginawa nya. Hinihintay nya ang halik ko,
parang tanga.

Binatukan ko ito at pinanlakihan ng mata. Agad din naman itong sumimangot. "May mga
bata." Sabi ko at tiningnan ang dalawa kong kapatid na hindi kami pinapansin dahil
nasa pagkain ang buong atensyon nila.
"Hindi naman nila kita e. Tsaka malalaki na naman 'yang mga 'yan ah." Dahilan nito
habang pilit na inilalapit ang labi nya sa labi ko.

Hinaharang ko naman ng kamay ko ito kaya ang nagyayari ay ang kamay nya ang
nahahalikan ko.

"Caesar tumigil ka ha." Sabi ko at nagpunta sa may lamesa para asikasuhin ang mga
kapatid ko.

"Damot." Bulong nito habang nakasimangot ang mukha. Nilampasan ako nito at
magdiretso papunta sa may banyo.

Pag kaalis ng dalawa kong kapatid para pumasok ay naglinis na ako ng bahay.
Napatigil ako sa ginagawa ko ng makita ko si Caesar na pababa ng hagdan. Nakabihis
na ito at handang handa na para pumasok sa trabaho.

Napa irap na lang ako ng hindi ako nito pinansin at nilampasan lang ako na parang
hangin. Binato ko ito ng tambo na hawak ko. Napalingon ito sa akin habang hinihimas
ang ulo nyang tinamaan ng tambo.

"Anong inaarte arte mo dyan?" Sabi ko at nilapitan sya. Nakapamewang ako dito at
tinaasan sya ng kilay para mag mukha akong galit dahil sa pag hindi nya pag pansin
sa akin, kahit sa totoo lang ay nag aalala ako dito. Parang napalakas ata ang pag
tama sa kanya ng tambo ma inihagis ko.

"Madamot ka kasi." Nakasimangot na sabi nya. "Kiss lang hindi pa mapagbigyan."

Lihim akong napangiti sa sinabi nito. Hinawakan ko ang kwelyo nito na syang dahilan
para sya ay mapayuko. Agad na nagtagpo ang mga labi naming dalawa. Mabilis lang ang
halik pero hindi pa din maiwasan na ako ay kiligin. Sa loob ng tatlong taon naming
relasyon ay naging masaya kami. Kahit na minsan ay nagkakaproblema ay mabilis naman
namin iyong nasosolusyunan. Parte naman talaga ng relasyon ang magkaproblema at
dahil sa magkasama kaming harapin iyon ay mabilis naming nalalampasan ang mga ito.

Napatulala si Caesar matapos ko syang halikan. Hindi ko alam kung totoo ba syang
natulala o nagbibiro lang sya. Pabirong sinampal ko sya sa pisngi. Agad naman itong
tumayo ng tuwid. "Oh my gosh! I'm gonna die na. Kaloka." Sabi nito habang pilit na
ginagawang babae ang boses. Umarte pa itong parang bakla at pumipilantik pa ang mga
daliri nito.

Natawa ako sa kanyang ginawa. Puro talaga kalokohan.

Hinatid ko ito hanggang sa may labasan. Magkasalikop ang aming mgs kamay habang
naglalakad. Kahit kelan talaga 'to hindi na nawalan ng kasweetan sa katawan. Panay
ang paalala nya sa akin na wag masyadong magpapagod, kumain ng marami, wag mag
papapasok ng hindi kilala sa bahay at kung ano ano pa.

"Alis na ko ha. Text mo ako agad pag may problema." Paalala nito bago pumasok sa
sasakyan.

"Sige. Mag iingat ka." Sabi ko habang kinakawayan sya.

"Oo naman. Papakasalan pa kaya kita." Sagot nito at kinidatan ako. Inirapan ko na
lang ito at tumalikod na papasok sa bahay. Kung hindi ko kasi ginawa yon ay
makikita nya kung gaano ako namula sa sinabi nya.

Pagkapasok ko sa bahay ay narinig kong nagriring ang cellphone ko. Agad ko itong
hinanap at pagkakita ko dito ay nakita ko ang pangalan ni Caesar sa screen.
"Oh?" Sabi ko at naglakad na papuntang kusina. Hindi ko pa kasi nahuhugasan ang mga
pinag kainan namin kanina.

"Wala man lang hello?" Tumatawang sabi nya sa kabilang linya.

"Hello?" Sabi ko na lang dahil pag inaway ko pa ito ay mas lalong tatagal ang pang
aasar nito sa telepono.

"Hi." Sagot nito at humalakhak.

"Caesar, Isa!" Palagi kaming humahantong sa ganito. Sa sobrang kakulitan nito ay


kinakailangan mo pang bilangan para mag seryoso.

"Joke lang. Nakalimutan ko lang sabihin na mahal na mahal kita. Bye." Ilang minuto
akong natulala sa sinabi nito. Naibaba na nya ang tawag pero nananatili pa ring
nasa tenga ang cellphone ko. Nang makabawi ay agad akong umirit sa sobrang kilig.
Nagtatalon pa ko na parang high school student na pinansin ng crush nya. For short,
mukha na 'kong tanga. Okay lang, mag isa lang naman ako sa bahay kaya tiyak na
walang makakakita sa ginawa ko.

Pagkatapos ng ginawa ko ay pinagpawisan akong mabuti kaya napag desisyunan kong


maligo na lang muna bago ituloy ang mga gawaing bahay. Nakabalot lang mg puting
twalya ang katawan ko ng biglan tumunog ulit ang cellphone ko. Agad akong tumakbo
para makuha agad ito. Baka si Caesar ulit ang nag text! At para akong pinagbagsakan
ng langit at lupa ng hindi si Caesar ang nagtext kundi si Ernie. Nanlulumong
binuksan ko ang mensahe nya.

Ernie

Girl, remind ko lang. May Pictorial ka sa Sat. Be ready.

Nasapo ko ang noo ko dahil sa nabasa. Nawala na sa isip ko 'yon. Mabuti na lang
pinaalala sa akin ni Ernie kung hindi patay na naman ako dito. Palagi ko kasing
nalilimutan ang schedule ko dahil nawawala ito sa isip ko.

Si Ernie ang nagpasok sa akin para maging modelo. Noong una ay nagdadalawang isip
pa ako kung papayag ba ako o hindi pero sa kalaunan ay umoo na din ako kahit malaki
ang pagtutol ni Caesar dito.

Palagi lang kasi akong nasa bahay kaya inip na inip ako dito. Gusto ko ng
mapagkakaabalahan kaya kahit naiilang ay pumayag na ako sa pagmomodelo. Tinuruan
ako ni Ernie kung anong mga dapat gawin at hindi nagtagal ay nasanay na ako.
Inaasar pa nga ako ng mga katrabaho ko na para daw akong propesyonal na modelo kung
kumilos kahit na sa totoo ay baguhan pa lamang ako.

Sa loob ng apat na taon ay nakatapos ako ng pag aaral sa kursong Bachelor of


Science and Business Administration. Kumuha ako ng exam sa TESDA at sa awa ng Diyos
ay nakapasa ako dito.

Nakapagtrabaho na ako sa bangko kaya lang ay mainit ang dugo sa akin ng boss ko.
Palagi ako nitong pinapagalitan at pinapaulit ulit ang gawain kahit sa tingin ko ay
tama naman ang mga ginagawa ko. Tinatanggap ko ang pang aapi nito at hindi na lang
ito pinapansin hanggang sa isang araw ay nakita ni Caesar kung paano ako itinulak
ng boss ko na dahilan para tumapon sa dibdib ko ang mainit na kape. Galit na galit
si Caesar sa nangyari at agad akong pinag resign sa trabaho. Hindi na ako
nakipagtalo pa dahil galit na galit talaga ito. Magsasampa pa sana ito ng kaso sa
dating boss ko, mabuti na lang at napigilan ko ito dahil malaking gulo lang pag
nangyari iyon.
Tinupad ni Caesar ang pangako nya. Hindi nya ako iniwan kahit na anong nangayari.
Kaya siguro ako madaling nahulog dito ay dahil sa taglay nitong kabaitan. Noong
nagtapat sya ng nararamdaman nya sa akin ay hindi talaga ako makapaniwala. Akala ko
ay nagbibiro lang sya ngunit nakita ko kung gaano ka seryoso ang mukha nito. Naging
mas maalaga ito sa akin ng sinabi nya ang totoong nararamdaman nya hanggang sa
hindi ko na namamalayan na tuluyan na pala akong nahulog dito.

Kung wala sya hindi makakapag aral ang mga kapatid ko, wala kaming titirhan at
hindi ko alam kung saan kami pupulutin.

Sa Davao na kami naninirihan ngayon. Lumipat kami dito para mag bagong buhay.
Kalimutan ang nakaraan at para maging masaya.

Masasabi kong si Jake ay parte na lang ng aking nakaraan. Dati, tuwing naiisip ko
sya ay puro sakit ang nararamdam ko, ngayon ay wala na. Wala na akong kahit ni
katiting na nararamdaman sa kanya. Parang isa na lang syang normal na tao sa isip
ko.

Natatawa na lang ako pag naaalala ko kung paano ako umiyak sa kanya at kung paanong
pagpapabaya ang ginawa ko sa sarili ko. Ganon pala talaga pag nakapag move on ka
na? Tatawanan mo na lang ang mga bagay na dating nakapagpasakit sayo.

Basta ako, masayang masaya na ngayon. Masasabi ko na ito ang buhay na pinapangarap
ko.

Si Caesar. Sya na ang buhay ko ngayon. Sya lang at ang mga kapatid ko.

***

Hello kay neko13 salamat ng marami sa pagsuporta sa story ko. Sa palaging pagvovote
at comment.

PS, sumbong kita sa boss mo. Nagwawattpad ka lang tuwing office hour nyo. hahaha.
####################################
Love Affair no. 33
####################################

Napalingon ako sa may pinto ng magbukas iyon. Iniluwa noon si Caesar na may pagod
na pagod na mukha. Nanlalambot itong naupo sa tabi ko.

Pinatay ko ang TV at tumingin sa relo na nakasabit sa dingding. "Hating gabi na ah.


Kumain ka na ba?" Iling lang ang isinagot nito. Nakaramdaman ako ng matinding awa
para dito. Halatang pagod na pagod sya sa trabaho. Ilang beses ko na din itong
pinagsabihan tungkol dito. Masyado nya kasing inaabuso ang katawan nya para lang sa
trabaho.

"May project na pinapagawa sa akin ang boss ko." Sabi ni Caesar habang nakapikit.
Nakapatong ang kanyang braso sa kanyang mukha.

"Ano?" Tanong ko habang humihikab. Antok na antok na kasi ako. Hindi lang talaga
ako makatulog gayong alam kong hindi pa nakakauwi si Caesar sa bahay.

"May pinapagawa syang building.. Sa Manila."

"Ganon? Ilang araw ka doon?" May halong lungkot ang boses ko. Mamimiss ko din kasi
ang kakulitan ng isang 'to.

"Hindi araw Mariel. Buwan. Baka limang buwan o higit pa bago matapos yung
pinapagawa nya." Marahas akong napatingin dito. Limang buwan o higit pa? Ito ang
kauna unahang beses na maghihiwalay kami ng ganung katagal.

"Ang tagal naman!" Sabi ko habang humalukipkip

"Kaya nga isasama kita." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

"Ha? Paano yung mga kapatid ko? Hindi pwede, Walang magbabantay sa kanila." Ayoko
din namang iwan ang mga kapatid ko. Baka magkaproblema sila at wala ako sa tabi
nila kapag nangyari 'yon.

"Hindi na naman bata ang mga kapatid mo. Kayang kaya na nila ang sarili nila. Kung
wala lang silang pasok for sure isasama ko din sina Aldwin at Biboy." Sabi niya
habang nilalaro ang daliri ko sa kamay. "Tsaka mas maganda kung doon ka mag aaply
ng trabaho. Madami kang pwedeng pag applyan sa Manila."

"Bahala na." Sagot ko.

Kinabukasan ay maaga akong naligo. Nakaalis na ang mga kapatid ko para pumasok. Si
Caesar naman ay tulog pa din nang tiningnan ko sa kwarto nya kanina. Hindi ko na
ginising dahil off naman nya ngayon.

Kasalukuyan akong nagbibihis ng biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ni
Caesar. Agad kong ipinulupot sa katawan ko ang unang bagay na nakuha ng kamay ko.

Agad nitong isinarado ang pinto

"Sorry! Ikaw kasi. Hindi ka naglalock ng pinto." Sigaw nya sa labas.

"Sorry. Nakalimutan ko." Sabi ko habang mabilis na nagbibihis.

Pagkalabas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo si Caesar habang nakasandal sa


dingding. Ramdam na ramdam ko ang ilangan naming dalawa pero hindi ko masyadong
ipinahalata. Ayun ang kauna unahang beses na nakita ni Caesar ang katawan ko. Kahit
na may suot akong panloob ng nakita nya ako, nakakahiya pa din.

"Ahm. Kain na tayo?" Sabi ko na lang para makaiwas sa awkwardness.

"Sige. Sorry ulit." Sabi nya at hinapit ako para halikan sa noo. Napangiti ako sa
ginawa nito. Ramdam na ramdam ko ang pagrespeto nya sa akin. Sa loob ng tatlong
taon namin relasyon ay walang nangyari sa amin. Hanggang yakap at halik lang kami.

***

Alas Tres na dumating ang mga kapatid ko. Kinausap ito ni Caesar tungkol sa plano
nyang isama ako papuntang Maynila. Nagdadalawang isip pa din ako hanggang ngayon.
Kung papayag naman ako, mas madali akong makakahanap ng trabaho dun. Dito kasi,
yung mga pinag applayan ko hanggang ngayon hindi pa ako tinatawagan.

Mabilis pa sa Alas Kwatro na pumayag ang mga kapatid ko. Paano ba naman hindi
papayag ,dinaan ni Caesar sa suhol! Napaka loko talaga.

"So? Wala ng problema. Tuloy na tuloy na talaga tayo." Nakangiting sabi ni Caesar
at inakbayan ako

Inirapan ko lang ito. Ano pa bang magagawa ko?

Lunes na at ngayon na ang alis namin. Gusto sanang ihatid kami nina Biboy at Aldwin
kaya lang ay hindi ako pumayag. Ayokong umabsent sila para lang dito. Tatawagan ko
na lang sila oras na makadating na kami sa Manila.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse papunta sa Airport. Medyo inaantok pa ako


kaya wala akong gana mag salita. Tumingin na lang ako sa bintana at inaliw ang
sarili ko sa pag tingin ng mga bagay na dinadaanan namin.

Pagkadating namin ng airport ay agad nyang naiparada ang sasakyan. Kinuha namin ang
mga gamit namin at magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Naupo muna kami habang
iniintay na tawagin ang flight namin.

"Huy. Selfie tayo." Napatingin ako kay Caesar ng magsalita ito. Nakatingin na ito
sa cellphone nya na nakatutok sa aming dalawa.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang buhok ko. "Ayoko nga." Sabi ko sakto namang
narinig ko ang pag click ng camera nya.

"Nice." Tuwang tuwa na sabi nya habang may kung anong pinipindot sa cellphone.
"Ilalagay ko 'to sa Insta tapos ang caption ay Selfie with Sadako". Humahalakhak na
sabi nya.

Hindi ko na lang ito pinansin. Napakababaw talaga ng kaligayan.

Tumayo na kami ng tinawag ang flight namin. Inayos ko muna ang damit ko na nagusot
dahil sa pagkakaupo ko.

Pagkasakay namin sa eroplano ay sumadal ako sa may bintana at naghanda na para


matulog. Dito na lang ako babawi ng tulog dahil napuyat ako kagabi sa
pakikipagkwentuhan sa mga kapatid ko.

Nagising ako ng makaramdam ako ng mahinang pagtapik sa pisngi ko.

"Andito na tayo." Boses ni Caesar iyon at hindi pa din tinitigilan ang tapik sa
mukha ko.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Umayos ako ng upo at inayos ang aking
sarili. Buong byahe pala akong nakatulog. Matagal tagal din iyon dahil ang byahe
papuntang Davao to Manila ay nasa isang oras at kalahati.

Inalalayan nya akong makababa sa ereplano. Sya na din ang nagdala ng mga gamit ko.
Pagkalabas namin sa airport ay ramdam na ramdam ko na kaagad ang init ng panahon.
Lalo na ngayon at katanghaliang tapat. Para tuloy kaming sinisilaban.

"Welcome Home. Grabe, namiss ko ang Pinas!" Sigaw nya habang nakatingala at
nakapikit pa ang mga mata.

Hindi ko mapigilang matawa dito dahil pinagtitinginan sya ng mga taong dumadaan.

"Feeling mo naman nag ibang bansa ka." Natatawang sabi ko sa kanya.

Namiss ko din naman itong Manila. Syempre dito na ako lumaki kaya napalapit na ang
loob ko dito.

Apat na taon na ang nakakalipas ng umalis ako dito dahil sirang sira ako ng mga
panahong iyon at ngayon na bumalik ako, bumalik ako ng buo at masaya.

Dumiretso kami sa Condo nya at nagpadeliver na lang ng pagkain. Hindi na kami


kumain sa labas dahil pagod na pagod na ang mga katawan namin.

Pagkakain namin ay nag diretso na kami sa kanya kanya naming kwarto. Pansin kong
hindi na din masyadong nag sasalita si Caesar. Namumungay na din ang mga mata nya
at panay ang hikab. Marahil ay hindi ito nakatulog sa ereplano kanina.

Pagkadating ko sa kwarto ay agad kong ibinagsak ang katawan ko. Parang lumulutang
na ako sa sobrang pagod. Wala pang limang minuto ay naramdaman ko na ang pagbigat
ng talukap ng mga mata ko.

Kinabukasan ay naabutan ko si Caesar na nakaupo sa may sala habang nagsusuot ng


sapatos.

"Aba! Gising na ang mahal na prinsesa." Biro nya.

Hindi ko pinansin ang pang aasar nya. "Aalis ako mamaya. Bibili ako ng mga pagkain.
Wala kang stock dyan sa kusina."

"Sure. Ito ang pera. Mag ingat ka." Sabi nya at inilahad sa akin ang limang libong
piso. Tinanggap ko na lang iyon at hindi na nagsalita pa. Ibabalik ko na lang sa
kanya ang magiging sukli.

Kinuha nito ang bag nya at lumabas na ng pinto. Ako naman ay naglakad na sa kusina
para kumain.

"Teka." Nalingon ko ito na ngayon ay nakadungaw sa may pinto. Ang katawan nito ay
nasa labas na at ang mukha lang nito ang tanging nakikita ko. "Mahal kita." Sabi
nya at agad isinarado ang pinto. Napangiti na lang ako sa kawalan.

Baliw, pero sweet.

Pagkapaligo ko ay bumaba na ako sa condo at pumara ng taxi. Sa mall na lang ako


bibili ng mga pagkain para makapag liwaliw na din ako. Nakakatamad naman kasing mag
isa sa condo. Baka mabaliw lang ako doon.

Pagkapasok ko sa mall ay nag lakad lakad muna ako. Mabuti na lang at wala masyadong
tao kaya hindi nakakatamad na maggala. Nag tingin tingin na din muna ako ng mga
damit para isuot sa pag aapply ko. Mabuti na lang nakapagdala ako ng extrang pera
ko. Mamaya na lang ako pupunta sa super market bago ako umuwi.

Kasalukuyan akong nag titingin ng mga blouse ng mga pamilyar na boses ang tumawag
sa pangalan ko.

"Mariel?" Lumingon ako sa likod kung saan nanggaling ang boses. Naningkit ang mga
mata ko para makitang mabuti ang mukha nito.

Unti unting nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino sya.

"Tita Rose!" Masayang bati ko dito at hindi ko na napigilan na yakapin ito. Niyakap
naman din nya ako pabalik at sa sobrang higpit ng pagkakayakap nya ay halos hindi
na ako makahinga.

"Kamusta? Oh God. Hindi ako makapaniwalang nakita kita. Kamusta ka na? Sobrang
ganda mo na ngayon. I mean ibang-iba ka na." Maluha luhang sabi nya habang inikot
ikot pa ako.

"Bola. Mabuti naman po ako. Kayo? Kamusta?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Sasagot na sana sya ng marinig ko ang isa pang pamilyar na boses na nanggagaling sa
likuran ko.

"Ma, matagal pa ba yan?" Dahan dahan akong lumingon dito para siguraduhin kung tama
ba ang hinala ko.

"Jake! Kamusta? Long time no see ah." Nakangiting sabi ko dito.

Napansin kong medyo natigilan ito. Hindi siguro ako nakilala. Natawa na lang ako sa
aking isipan.

"Anyare anak? Nganga ka ngayon." Humahalak na biro ni Tita Rose.

"Si Tita talaga-" Magsasalita pa sana ako ng biglang mag ring ang phone ko. Kinuha
ko ito mula sa bulsa.

"Hello?"

"Nasa mall ka? Samahan na kita. Maaga akong pinaalis ng boss ko. Nagsawa ata agad
sa mukha ko." Humahalhak na sabi nya.

"Baliw! Sige magkita na lang tayo. Intayin kita dito." Natatawa kong sabi dito

"Bye. Mahal kita." Sumeryoso ang boses nya sa kabilang linya.

"Mahal din kita." Nakangiti kong sabi dito bago pinatay ang tawag.

Nagulat ako ng makita kong nanonood pala sa akin sina Tita at Jake. Bakit nawala sa
isip ko 'yon?! Nakakahiya!

"Ahmm. Una na po ako. May gagawin pa kasi e." Alanganin akong ngumiti sa dalawa.

Nakita ko naman ang lungkot mukha ni Tita. "Pwede bang makuha ang number mo?" Sabi
niya at agad ko naman itong binigay. Bago ako umalis ay niyakap ulit ako ni Tita.
Magpapaalam pa sana ako kay Jake kaya lang ay mukhang busy ito kakatingin ng mga
paper bag na hawak nya.

Naglakad na ako palayo sa kanila. Pababa na ako sa escalator at nakita kong nandoon
pa din sina Tita at Jake at parehas na nakatingin sa akin. Kinawayan ko ang dalawa
at nginitian. Si Tita ay kumaway din sa akin samantalang si Jake ay hindi ako
pinansin at nag iwas ng tingin.
####################################
Love Affair no. 34
####################################

His Side

"Anak, halika muna dito. May ipapakilala ako sayo." Rinig kong boses ni Mommy sa
loob. Tamad na tamad akong tumayo at naglakad papasok ng bahay.

Nakita ko si Mommy at may kausap na isang babae. Nakaharap si Mommy sa akin


samantalang ang babae ay naka talikod sa pwesto ko.

"Ayan na pala si Jake," Ngumiti sa akin si Mommy at iminuwestra ako para lumapit sa
kanya. "Jake, si Mariel. Sya ang bago nating makakasama dito sa bahay." Ngumiti ito
sa akin. Napaka aliwalas ng mukha nya. Ang sarap titigan. "Mariel, sya si Jake. Ang
anak ko." Inilahad nito ang kamay nya at tinanggap ko din naman ito ngunit para
akong napaso nung nagdikit ang mga palad namin. Agad ko itong binatawan at umalis
na sa harapan nila. Narinig ko ang pagtawag pa sa akin ni Mommy pero hindi ko na
ito pinansin pa at nagkunwari na lang na walang narinig.

"Grabe, nakakatuwa ka namang kausap." Nag igting ang panga ko ng makita ko si


Mariel na nakikipag landian sa hardinero namin.

Ano 'to? Kanina lang ako ang nginingitian nya tapos wala pang isang oras ang
nakakalipas nakikipag usap na agad sya sa iba? Ayoko! Hindi pwede, akin lang sya.

"Mariel pumasok ka sa loob!" Nagulat ang dalawa sa sigaw ko. Namimilog ang mga mata
ni Mariel habang tinitingnan ako. "Ano pang hinihintay mo?! Pasok!" Agad tumayo si
Mariel at patakbong pumasok sa loob ng Mansyon.

Naiwan kaming dalawa ni Mike. Sinamaan ko ito ng tingin.

Nakakagago. Nakakainit ng dugo at nakakapag selos.

Napakunot ang noo ko ng makita ko syang nakaupo sa damuhan. Anong ginagawa nya dito
ng ganitong oras? Paano kung magkasakit sya? Ano ba naman yang iniisip mo Jake?
Pakealam mo naman kung magkasakit sya. Concern ka lang kasi walang mag luluto ng
umagahan mo. Tama yan. Takot ka lang magutom. Yun lang yun.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Napalingon sya sa akin at agad na pinahid


ang luhang lumalandas sa kanyang mukha.

Ikinwento nya sa akin ang pinagdadaanan nya ngayon. Bawat pag hikbi nya ay
pakiramdam ko ay tinutusok ang puso ko. Bawat pag patak ng luha nya ay pakiramdam
ko pinagsasakluban ako ng langit at lupa. Anong kagaguhan 'to? Bakit nasasaktan ako
ng ganito.

Gusto ko syang tulungan pero ayokong magmukhang mabait sa kanya.

"Virgin ka pa ba?" Pigil hininga kong tanong dito. Please, say yes. Please.

"O-Oo" Napangisi ako sa sagot nito. Dapat lang! Akin ka lang Mariel, Akin lang.

"Excuse me po. Ito na daw po yung pulutan nyo." Dahang dahan ibinaba ni Mariel ang
pulutan sa lamesa. Napansin kong napatahimik ang barkada ko dahil sa pag dating ni
Mariel.

Kitang kita ko sa pwesto ko malulusog na dibdib ni Mariel. Tangina. Inaakit nya


bang lahat kami?

Nagpanting ang tenga ko ng marinig ko ang pag pito ng barkada ko na nasa gilid.

"F-UCK. GO TO YOUR F-UCKING ROOM NOW MARIEL! WAG NA WAG KANG LALABAS HANGGA'T HINDI
KO SINASABI!" Nabitawan nya ang hawak nyang plato dahil nagulat ito sa sigaw ko.

Nag aapoy na ang mata ko sa sobrang galit. Pinaalis ko na ang mga kabarkada ko
dahil kung hindi ko gawin iyon ay baka kung ano pang magawa ko.

Kinalma ko muna ang aking sarili bago ko pinuntahan si Mariel. Ngunit kahit anong
pagpapakalma ko sa sarili ko ay hindi ko pa din maiwasang ilabas ang galit ko.

Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Para bang may sarili itong utak at ayaw
sumunod sa sinasabi ng isip ko.

"What are you doing?!" Tanong ko at hinigit ang braso nya. Mahigpit ang
pagkakahawak ko dito.

Napansin kong napapangiwi sya sa sakit. Hindi ko ito pinansin.

"W-wala po." Kita ko sa mga mata nito ang takot. Takot na takot sya sa akin. Hindi
sana mangyayari 'to kung hindi nya kami nilanding lahat! Ako lang dapat, ako lang!

"Bakit ganyan ka? Para kang p*ta! Dapat pag magbibigay ng pulutan kelangan
ibinabalandra mo pa yang dibdib mo sa harap ng mga lalaki huh? Ngayon sabihin mo,
Anong pinagkaiba mo sa kanila? Malandi ka!" Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.
Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Basta ang alam ko lang galit ako.

"Tama na po. Masakit na. Sobra-sobra na." Parang nagising ako sa katotohan ng
marinig ko ang pagsusumamo sa boses nya. Sht Jake! Anong ginawa mo?!

Kanina pa akong nakahiga pero kahit anong gawin ko ay hindi pa din ako dalawin ng
antok.

Bumangon na lang ako at patiyad na naglakad pababa ng hagdan para hindi makalikha
ng anumang klaseng ingay.

Kinuha ko ang walis at pamunas at nagsimula ng maglinis. Palagi ko na itong


ginagawa simula ng dumating sya sa bahay. Lihim kong nililinis ang buong bahay para
pagkagising nya kinabukasan ay wala na sya masyadong gagawin.

Pagkagising ko kinabukasan ay agad hinanap ng mga mata ko si Mariel. Medyo masakit


pa ang buong katawan ko dahil sa sobranv pagod kagabi pero hindi ko ito ininda.
Dali dali akong nag ayos ng sarili at bumaba na para hanapin sya. Hihingi ako ng
tawad sa ginawa ko sa kanya. Alam kong nasaktan ko sya physically at emotionally.

Nag init agad ang mukha ko ng makita ko sila ni Mike na nagtatawanan. Basang basa
silang dalawa at bakat na bakat ang suot na bra ni Mariel dahil manipis lang ang
suot nitong damit! Tangna.

At sa pangalawang pagkakataon, nasaktan ko na naman sya.

"Gusto kita." Pag amin ko sa kanya. Hindi ko na kayang kimkimin ang nararamdaman
ko. Simula pa lang alam ko ng may kakaibang nararamdaman ako dito. Naging indenial
lang ako. Hindi ko lang matanggap sa sarili ko na may nagugustuhan na 'ko ngayon.
Ito ang kauna unahang beses na makaramdam ako ng ganito.

Namilog ang mga mata nito at parang hindi makapaniwala sa narinig. Mahina akong
natawa sa naging reaksyon nito.

"No buts. Gusto kita kaya akin ka na. Sa akin lang. Okay?" Simula ng madako ang
paningin ko sayo, Idineklara ko na sa sarili ko na sa akin ka lang. Ako lang dapat
Mariel.

Ito ang unang araw ko sa trabaho. Makikita sa mukha ni Mariel na sobrang excited
ito para sa akin. Panay ang asikaso nya simula sa susuotin ko hanggang sa kakainin
ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. 'Wag ka ngang ganyan! Pakasalan kita dyan
e.

Naging maayos naman ang unang araw ko. Wala pang masyadong ginagawa. Mababait ang
mga tao dito at madaling mga pakisamahan. Excited na akong umuwi ngayon para
ibalita kay Mariel ang mga nangyari sa akin ngayon araw. Pagkauwi ko ng Mansyon ay
agad kong hinanap si Mariel. Halos ikutin ko na ang buong bahay pero kahit anino ni
Mariel ay hindi ko makita.

"Sir, ano pong hinahanap nyo?" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses
ni Venus.

"Nakita mo ba si Mariel?" Tanong ko.


"Kanina pong umaga andito sya. Pero nakita ko na may sumundo sa kanyang lalaki pag
kaalis nyo. Medyo narinig ko ang usapan nila. Ang sabi parang magdadate ata sila."
Tumalim ang tingin ko dito. Hindi ako naniniwala at wala akong oras makipag biruan
sa kanya. Hindi ko na lang ito pinansin at naglakad na palabas ng bahay. Walang
kwentang kausap!

Nakaramdam na naman ako ng matinding galit ng makita kong hinatid si Mariel ng


isang lalaki. Malaki ang ngiti ni Mariel ng bumaba ito sa sasakyan. Nanggagalaiti
na ako sa sobrang galit. Totoo nga ang sinabi ni Venus.

"San ka galing?!" Napapitlag ito sa lakas ng boses ko. Nakita ko na nagulat ito ng
makita nya ako.

"Ki-Kina Caesar. Bi-Birthday nya ngayon kaya sinamahan ko sya." Sige pa,
magsinungaling ka pa.

"Then what? Anong binigay mong birthday gift? Katawan mo? Sex?" Hinawakan ko ito
braso. Pilit nitong tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya kaya mas lalo ko itong
hinigpitan. Nagbago ako para sayo kaya magbago ka naman para sa akin!

"Anong ginawa nyo?! Ha?!"

"Bakit? Pag sinabi ko ba ang totoo maniniwala ka pa ba sakin?" May halong pait ang
boses nito. Natigilan ako sa tangkang paglapit sa akin at agad na lumambot ang
ekspesyon ko. Ang tanga tanga mo Jake! Nasaktan mo na naman sya.

Nagtrabaho akong mabuti para may mapatunayan sa aking sarili. Dati ay wala akong
pakealam kung maghapon lang akong nasa bahay. Bakit pa kelangan mag trabaho kung
mayaman naman ang mga magulang ko? Edi magpapasarap buhay na lang ako tutal hindi
naman namin ikahihirap ang pagbili bili ko ng mga alak at sigarilyo. Pero nabago
ang pananaw kong iyon ng makilala ko si Mariel. Gusto kong maging isang maayos na
lalaki. Gusto kong bumagay ako sa kanya. Gusto ko na pag dumating ang panahon at
naging mag asawa na kami hindi nya ako ikakahiya na ipakilala sa mga kaibigan nya.
Gusto ko na kapag ipapakilala nya ako ay sasabihin nyang 'Asawa ko nga pala.'
Pagkatapos ay hahalikan nya ako sa pisngi at idadagdag na 'Mahal na mahal ko 'yan.'

Napahilot ko ang sintido ko sa sobrang pagod. Nilulunod ko na ang sarili ko sa


trabaho. Nawawalan na din ako ng oras kay Mariel at ipinapangako ko naman na babawi
ako dito oras na maging maayos din ang lahat.

Nalingon ko ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa ng mag vibrate ito. Busy ako
sa pagbabasa ng kung ano anong papeles kaya hindi ko sana ito papansin kaya lang ay
pangalan ni Mariel ang lumabas sa screen kya mabilis kong ibinaba ang hawak ko at
kinuha ang cellphone.

Mariel:

Sa bahay muna namin ako matutulog kahit ngayong gabi lang. Okay lang ba?

"Sir. May naghahanap po sa inyo." Napalingon ako sa may pinto ng marinig ko ang
boses ng isa sa waitress namin dito. Tumayo ako at inayos ang suot kong damit. Ito
na ata yung kanina ko pang hinihintay, oorder ito sa amin ng mga pagkain para sa
gaganapin daw na debut ng anak nya.

Lalabas na sana ako kaya lang ay naalala ko ang text ni Mariel. Nag type na lang
ako ng 'K' dahil payag naman ako. Basta ba mag iingat lang sya.

Alas dose ng ma isipan kong umuwi na sa bahay. Naalala kong hindi nga pala
matutulog si Mariel sa bahay kaya hindi ko tuloy maiwasan makaramdam ng lungkot.
"Honey, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makita ko syang pumasok ng Resto.
Bale tatlo na lang kaming andito. Ako, si Honey at ang guard.

"Pinapasundo ka sa akin nina Calix. Pag daw kasi sinundo kita for sure hindi ka
makakatanggi." Nakangising sabi nya. Nginitian ko na lang ito at sumama na sa
kanya.

Bago kami pumunta sa sinasabi nyang Bar ay dumaan muna kami sa bahay nya para daw
makapag palit sya ng damit.

Pagkadating namin sa loob ng Bar ay agad nyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko na
lang ito pinansin pa at pinabayaan na lang. Nakakahiya naman kung tatanggalin ko
ang kamay ko dahil lang sa ayaw ko sa kanya.

"Sorry. I'm late." Sabi ko ay inisa-isang tingnan ang mga tao dito sa table. Pero
laking gulat ko ng makita kong isa dito si Mariel. Tinitigan ko itong mabuti dahil
baka kamukha nya lang ito pero hindi.

Agad na nabuo ang galit sa buong sistema ko. Nag sinungaling na naman sya. Pilit
kong pinapakalma ang aking sarili at nagkunwaring walang pakealam sa kanya. Kahit
na nagngingitngit na ako sa sobrang selos. Kitang kita ng dalawang mata ko kung
paano maglandian ang dalawa sa harap ko.

Napag alaman ko na binayaran pala sya dito para itable. Hindi ko alam kung anong
iisipin ko. Ano ba talagang nangyayari Mariel?

"Sorry. Nagkasakit kasi si Biboy kaya kelangan kong magtrabaho. Nadagdagan ang
utang namin kaya hindi sapat yung sinisweldo ko sa inyo." Mas lalo lang akong
nakaramdam ng galit ng marinig ko ang paliwanag nito. May piproblema pala sya tapos
hindi ko man lang nahalata. Anong klaseng boyfriend ako?! Atsaka bakit hindi man
lang nya sinabi sakin. Bibigyan ko naman sya ng pera at walang kapalit ang lahat ng
'yon!

"Bakit hindi mo sinabi sakin?!"

"Busy ka masyado." Ito na ata ang pinaka walang kwentang narinig ko na salita na sa
buong buhay ko.

"That's bullsht!" Sa sobrang galit ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag


mura. Tangna talaga.

"Babalik na ako sa loob. Baka hinihanap na ko ng boss ko. Bukas na ko uuwi sa


Mansyon." Mas lalo akong nagalit sa sinabi nito. Huwag mo kong subuka Mariel.

"Then what? Pupuntahan mo si Raymond? Maglalandian na naman kayo?" Bakas na bakas


ang iritasyon sa boses ko.

"Mag resign ka. Ngayon na." Utos ko na sinunod din naman agad nya. Kung hindi ko pa
tatakutin ay wala pa atang planong mag resign sa trabaho. Napaka tigas ng ulo.

Ngayon ay may trabaho na sya sa coffee shop at pakiramdam ko naman ay nag eenjoy
sya dito kaya hinayaan ko na lang. Mas mabuti na din iyon para incase na busy ako
sa trabaho ay may napagkakaabalahan syang iba. Hindi ko lang talaga maiwasang
makaramdam ng selos nung nalaman kong lalaki pala ang boss nya at lalo na nung
malaman kong hindi nalalayo sa edad ni Mariel ang lalaki.

Mas lalo ka na lang pinag buti ang trabaho ko at nang may sapat na akong ipon ay
nagsimula na akong magplano. Kung sino sino ang kinausap ko at hiningan ng tulong
dahil gusto kong maging perpekto ang lahat.

Nakasakay na ako sa sasakyan at hindi maalis ang ngisi ko sa aking labi. Konting
tiis na lang Jake. Konting-konti na lang. Ipaparada ko na sana ang sasakyan ko sa
tapat ng coffee shop ng makita ko na sabay na lumabas si Mariel at yung amo nya.
Napasimangot ako ng makita kong sumakay si Mariel sa sasakyan ng amo nya.

Hindi na ako nag abala pang bumaba ng sasakyan. Lalo lang nalukot ang mukha ko ng
makita kong tumigil ang sasakyan sa tapat ng Restaurant. Nasa loob lang ako ng
sasakyan at hinihintay silang matapos kumain. Hindi naman ako nagagalit pero
babantayan ko pa din sila. Aba! Wala akong tiwala sa boss nya. Baka kung anong
gawin nya kay Mariel.

Mas napakunot ang noo ko ng makita kong nag mall pa ang dalawa. Wala ba silang
planong umuwi?! Gusto ko ng magpakita sa dalawa at hilahin si Mariel papunta sa
akin kaso lang ay ayokong masira ang araw nya.

Nakahinga ako maluwag ng sumakay na sila sa sasakyan at sa tingin ko naman ay plano


na nilang umuwi, sa wakas!

Nasa likod lang ako nila habang nagdadrive. Hindi ko pa din maiwasang makaramdam ng
selos pero pilit kong ipinapaintindi sa sarili ko na walang magandang maidudulot
kung iyon ay papairalin ko.

Iwinaksi ko na lang sa isip ko iyon at nag isip ng ibang bagay. Hindi ko maiwasang
mapangisi dahil sa tingin ko ay magiging perpekto ang mangyayari maya-maya lang.

Literal na nanikip ang dibdib ko ng makita kong lumiko sila papuntang motel.
Malakas kong nakabig ang preno at hindi inaalis ang tingin sa sasakyan nila. Anong
balak nilang gawin? Niloloko nya ba ako?

Agad kong tinabi ang sasakyan at bumaba dito. Patakbo akong pumasok sa Motel at
halos madurog ang puso ko ng makita ko silang magkahawak kamay na pumasok doon.
Nakakagago lang.

Dali dali akong lumabas na lutang ang isipan. Kinapa ko ang bulsa ko ng mag vibrate
ang cellphone ko.

Mariel:

Sa bahay ako matutulog ngayon. Birthday kasi ni Biboy, nagtatampo sa akin.


Nalimutan ko kasi na bday nya.

Nangangatal ang kamay ko habang nagtatype. Just tell me the truth. Please.
Pipilitin kong initindihin ka.

Ako:

Asan ka?

Mariel:

Byahe na. Bakit?

Napapikit ako sa reply nya. Byahe na. Saan? Papuntang langit? Nangangatal pa din
ang mga kamay ko habang nagrereply. Hindi ko na alinta kung may luhang dumadaloy sa
pisngi. Tangna. Ngayon lang ako nagago ng ganito.

Ako:
Wala lang. Sinong kasama mo.

Pagkatype ko ng mensahe ay huminga ako ng malalim. Second chance Mariel. Just tell
me the fu-cking truth.

Mariel:

Ako lang. Bakit ba? Ang dami mong tanong!

At doon na gumuho ang mundo ko.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Sige lang, magsinungaling ka pa.

Magtatype na sana ako ng reply ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Nanlalambot kong sinagot ang tawag.

"Sir okay na okay na ang lahat. Flowers, Food and Fireworks. Pati audience handang
handa na din. Kayo na lang ni Ma'am ang kulang." Masayang sabi ng nasa kabilang
linya.

"Umuwi na kayo. Iwan nyo na lang 'yan dyan. Walang proposal na magaganap." Sabi ko
at sa hindi inaasahan ay nabasag ang boses ko. Pinutol ko na ang tawag dahil
ayokong malaman nila na umiiyak ako. Kinuha ko ang singsing sa bulsa ko at
tinitigan ito. Ang pinag ipunan ko. Ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap sa
trabaho. Walang saysay ang lahat ng ginawa ko. Hindi naman siguro makakabawas sa
pagkalalaki kung umiyak ka 'di ba? Sobrang nasasaktan lang talaga ako. Pag hindi ko
kasi ginawang ilabas ang lahat ng sakit, baka sumabog ako.

Napaupo ako sa kalsada at patuloy na nagsisipatakan ang mga luha ko. Hindi ko alam
kung anong oras na at kung ilang oras na ako andito sa labas ng motel. Tiningnan ko
ang Relo ko at pasado alas dose na.

Happy Birthday Jake. Napakaganda ng regalo nya sakin. Sana kung sisirain nya lang
din pala ang buhay ko edi sana hindi na sya nag abala pang buuin ito.

Lango sa alak akong umuwi sa bahay. Pagewang gewang akomg naglakad at napatigil ako
ng maramdaman kong may umalalay sa akin.

"Ang bait mo naman. Concern ka sa akin. Sana si Mariel din." Sabi ko at nagpatianod
na sa paglalakad nya. Alam kong bigat na bigat sya sa akin ngayon dahil ilang beses
na kaming kamuntikan ng matumba.

Inalalayan nya ako pahiga sa kama. Pinilit kong imulat ang mga mata ko ng
maramdaman kong hinuhubaran nya ako.

"Ano ba?! Si Mariel lang ang makakagamit ng katawan ko kahit na.. Kahit na may iba
ng nakagamit sa kanya." Sabi ko at muling bumuhos ang luha ko.

Sht pag dating kay Mariel nagiging mahina ako.

"Jake. Ako mahal kita. Hindi kita sasaktan. Hindi ko gagawin ang ginawa sayo ni
Mariel basta mahalin mo lang din ako." Hindi ko alam kung anong sumunod na nagyari
basta ang alam ko lang ngayon ay parehas na kaming hubad at nasa ibabaw ko na si
Venus. Wala na sa tama ang pag iisip ko.

Napansin kong napatigil sa ginagawa si Venus habang nakatingin sa may pintuan.


Sinundan ko ang tinitignan nya at parang bula na naglaho ang espirito ng alak sa
aking katawan.

Pinilit kong hindi sya tingnan at hindi sya pansinin. Bakit ganon kahit anong gawin
ko sa kanya nasasaktan at nasasaktan ako?

"Jake pag usapan naman natin ang nangyari nung gabing iyon! Alam ko, may
nararamdaman ka sa akin!" Napapikit ako dahil sa sobrang pagtitimpi. Kanina pa
akong kinukulit ni Venus pag usapan ang nangyari sa amin nung gabing iyon.

"Lasing ako ng nangyari 'yon. Hindi ko alam kung anong sinasabi mo dyan!" Angil ko
sa kanya.

"Ano ba talagang nararamdaman mo sa akin Jake? Bakit si Mariel minahal mo


samantalang ako hindi?" Nag igting ang panga ko ng marinig ko ang pangalan ni
Mariel. Hangga't maaari ay ayoko syang pag usapan.

Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa." Nandidiri ako sayo." Napansin kong medyo
natigilan ako. Aalis na sana ako kaya lang ay nakita kong may pumaradang sasakyan
sa tapat ng bahay namin. Nang tignan ko kung sino ang sakay, napakunot ako ng noo
ng makita ko si Caesar.

Agad kong hinatak si Venus at hinalikan sa labi. Gusto kong makita ng lalaking iyan
na hindi ako apektado sa hiwalayan namin ni Mariel.

Ayokong maging kawawa sa paningin nila.

"Pwede ba tayong mag usap." Pumikit ako at huminga ng malalim God. Miss na miss ko
na ang boses nya.

"May ginagawa ako. Umalis ka na. Wala akong oras sa isang katulad mo." Sige lang
Mariel. Masaktan ka lang.

"Mabilis lang. Please." Pag mamakaawa nya akin.

"Ano ba 'yon? Bilisan mo. Marami pa akong gagawin." Sabi ko at sinulyapan ang relo
ko. Kahit na wala naman talaga akong gagawin. Gusto ko lang talaga syang masaktan
sa mga sinasabi ko.

"Bakit ka ba nagkakaganyan?" Diretsong tanong nya sa akin.

"Ayan na naman ba ang itatanong mo? Seriously?! Tatanungin mo na naman ako ng mga
walang kakwenta kwentang bagay then what? Ipagpipilitan mo na naman ang sarili mo
sa akin?"

"Minahal mo ba talaga ako?" Tanong nya habnang diretsong nakatingin sa akin. Oo,
minahal kita. sobra sobra pa kaya nga ako nagago ng ganito e.

"Mahal kita Jake." Sinungaling.

Pinilit kong magpanggap na hind naapektuhan sa sinabi nya."So?"

"Mahal na mahal kita." Ulit nito.

Tama na, Please. Ayoko ng mabuhay sa kasinungalingan mo.

"Sa sobrang pagmamahal ko sayo, kahit masakit, ibibigay ko ang gusto mo. Pinapalaya
na kita." Tuluyan na syang napaluha sa harap ko. Hindi ko kayang makita syang
nagkakaganyan kaya napa iwas ako ng tingin. Hindi ko na talaga alam kung anong
nangyayari at kung bakit kami humantong sa ganito. Basta ang alam ko, parehas lang
kaming nasasaktan.

Apat na taon. Hindi ko alam kung paano ako nabuhay sa apat na taon na wala sya sa
tabi ko. Alak ang naging sandalan ko. Ang mahirap kasi ay masyado kong idinepende
ang sarili ko sa kanya. Nagbago ako ng dahil sa kanya at nung iniwan na nya ako
hindi ko tuloy alam kung saan ako pupulutin.

"Jake! Kamusta? Long time no see ah!" Napatda ako sa kinatatayuan ko ng makita ko
ang babaeng naging dahilan kung bakit ako naging miserable sa loob ng apat na taon.

Hindi ako nakasagot dahil pakiramdam ko ay umurong ang dila ko. Habang nag uusap
sila ni Mommy ay pasimple ko syang tinititigan. Ibang iba na ang aura nya ngayon at
mukha syang masaya.

Narinig ko na may kausap sya sa telepono at dinig na dinig ko kung paano nya
sabihin ang salitang 'mahal kita' sa kausap nya.

Napangiti ako ng mapait. Dati ako ang sinasabihan nya ng ganyan. Ako ang dahilan ng
bawat pag ngiti nya. Pero ngayon? Wala na. Para na lang akong isang normal na tao
na nakapaligid sa kanya.

Nung mag papaalam na sya ay nagkunwari akong busy. Kinapa ko ang cellphone ko sa
bulsa ngunit naiwan ko ata ito sa sasakyan kaya yung paper bag na lang ang napag
diskitahan ko. Nagkunwari akong nagkakalkal ng kung ano-ano kahit sa totoo lang ay
wala naman talaga akong hinahanap.

Nang nakaalis na sya ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Kung kumilos sya
parang normal na normal lang sa kanya na makita ako. Napangiti ako ng mapait.

"Mahal mo pa din 'no?" Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Mommy sa akin.


Busy kasi ako sa pagtingin kay Mariel habang naglalakad ito papalayo.

"Sobra, wala namang nagbago e. Mahal na mahal ko pa din." Sagot ko at naglakad na


papalayo. Sht. Ayokong makita ako ng magulang ko kung paano ako maging mahina.

Rinig ko ang pagtawag ni Mommy sa pangalan ko pero hindi ko ito nilingon dahil pag
ginawa ko iyon, makikita nya kung gaano ako nasasaktan.

***

Ayan na yung inaabangan nyo. lol. sabihin nyo sa akin pag naguluhan kayo. haha
####################################
Love Affair no. 35
####################################

"Nakita ko nga pala kanina si Tita Rose kanina." Tumingin ako dito saglit at
itinuloy ang pagsasalita "Kasama si Jake."

Nilingon ako nito sandali at ibinalik ang atensyon sa TV. "Nice. Kamusta sila?"
Sabi ni Caesar at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko.

"Okay lang naman. Hindi kami masyadong nakapag usap ng maayos kasi umalis din agad
ako."

"Ganun ba? Okay lang 'yon may next time pa naman." Sagot nito at ngumiti sa akin.
Ngiting pacute. Sinamaan ko ito ng tingin at ibinalik na ang atensyon sa TV.

Tumawa ito at nilamas ang mukha ko. Pilit kong tinatampal ang kamay nya para maalis
sa akin. Hindi kaya ako makahinga! Inirapan ko ito at binato ng unan. Napaka loko
talaga!

Kinabukasan ay maaga akong gumising para ipag luto si Caesar ng agahan. Maya maya
pa ay nakita ko na itong naglalakad papalapit sa akin. Nakakunot ang noo nito at
magulo ang buhok. Kahit na bagong gising ay hindi pa din maitatago ang kagwapuhan
nito. Nakasuot sya ng pajama at puting sando. Nasa Davao pa lang kami ay palaging
pajama na ang isinusuot nito bago matulog. Mas komportable daw kasing isuot ito
dahil maaliwalas sa katawan.

"Morning." Bati nya sa akin at naghikab. Umupo na ito at agad ko namang nilagyan ng
sinangag at hotdog ang plato nya.

Pagkatapos ni Caesar kumain ay naghanda na sya para pumasok sa trabaho. Ako naman
ay hinugasan ang pinag kainan namin.

Pagkaalis ni Caesar ay itinuloy ko na ulit ang paglilinis ko ng Condo nya kahit sa


tingin ko ay malinis na naman talaga ito. Wala lang talaga akong magawa kaya ginawa
kong abala ang sarili ko.

Naisipan ko din na mag sisimula na akong mag apply ng trabaho mamayang tanghali.
Nag paalam na ako kay Caesar kanina at mabilis naman ako nitong pinayagan.

Napatigil ako sa paglilinis ng mag ring ang cellphone ko. Napakunot ako ng makita
kong hindi nakasave sa cellphone ko ang number ng tumatawag.

+639285674*** calling

"Hello?"

"Iha, si Tita Rose mo 'to. May ginagawa ka ba? Punta ka naman dito sa bahay. Hindi
tayo masyadong nakapag usap nung last meeting natin. Please?" Masiglang sabi ng
nasa kabilang linya.

"Pasensya na po Tita pero may pupuntahan po a-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin
ko ng magsalita na agad ito.

"Sige okay lang. Naiintindihan ko. Alam ko naman na hindi na kami ang first
priority mo. Ibaba ko na 'to. Salamat na lang." Malungot na boses ni Tita at
sinamahan pa ng buntong hininga.

"Teka lang po!" Ano pa bang magagawa ko? Ang lakas mangonsensya!

"What time po ba?" Tanong ko.

"Now na!" Pasigaw na sabi ni Tita kasabay ng paghalakhak.

Nagpaalam na ako sa kanya para makapag ayos na. Ang napili kong isuot ay ang blue
dress na nabili ko noong nasa davao pa kami. Medyo maiksi ito sa akin pero hindi ko
na ito alintana dahil sanay na akong magsuot ng mga ganitong klaseng damit. Tuwing
nagpophotoshoot kasi kami, kalimitan ay mga ganitong damit ang ipinapasuot sa amin.

Bago ako umalis ay nagtype muna ako ng message para kay Caesar.

Ako:

Punta ako kina Tita Rose ngayon. Ininvite nya kasi ako ngayon sa bahay nila.

Kinuha ko na ang din ang envelope na may nakalagay na Resume ko. May sinabi kasi sa
akin kanina si Caesar na pwede kong pag applyan. Ibinigay nya sa akin ang address
at sinabing ibigay ko lang ang Resume.

Nag aabang na ako ng taxi ng biglang magvibrate ang cellphone ko sa bag. Kinuha ko
ito at nakita ko ang pangalan ni Caesar na lumitaw sa screen.

Caesar:

Okay. Ingat.

Nakangiti kong ibinalik ang cellphone ko sa bag. Agad akong sumakay ng may tumigil
na taxi sa harap ko. Medyo natagalan kami sa byahe dahil naipit kami sa traffic.

Pagkatigil ng taxi sa harap ng Mansyon ay hindi ko maiwasang mapangiti. Agad akong


bumaba dito at tiningala ang kabuuan ng Mansyon. Namiss ko 'tong bahay na 'to at
syempre, miss na miss ko na din ang mga tao dito.

"Mariel! Salamat. Thank you talaga! Akala ko hindi mo na ako mapagbibigyan e!" Agad
akong niyakap ni Tita Rose. Hinawakan ako nito sa dalawang braso at niyugyog.
Malakas ang pagkakayugyog nya sa akin kaya pakiramdam ko ay naalog ang utak ko.

"Ibang-iba ka na talaga. You look.. stunning." Namimilog ang mga mata nito habang
tinitignan ang kabuuan ko.

Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng pagkailang. Sanay na naman ako na pinupuri at
tinititigan ng kahit sino dahil sa pagmomodel ko. Hindi ko lang talaga maintindihan
sa sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito ngayon.

Hinila na ako ni Tita papasok sa Mansyon. Nang makapasok na kami ay iginala ko ang
paningin ko. Ganon pa rin ang ayos nito, walang pinagbago.

"Manang! Andito na ang bisita natin." Sigaw ni Tita Rose. Maya maya pa ay nakarinig
ako ng paglagabog sa kusina kasunod noon ay ang pagtakbo sa akin ni Manang Doray.

Tumakbo na din ako at sinalubong sya nga mahigpit na yakap. May harina pa ang
dalawang kamay nito kaya medyo natawa ako.

Maluha-luha ako nito tinitigan. "Susmaryosep! Mas lalo kang gumanda." Natawa kami
pareho ni Tita sa sinabi ni Manang Doray.

Maya maya pa ay inihanda na ni Manang Doray ang lamesa para makakain na kami. Panay
ang tanong ni Tita sa akin ng kung ano-ano at mabilis ko naman itong sinasagot.

"Ahm. Nasaan po ang kambal?" Tanong ko ng tumigil sila kakatanong.

Napansin kong natigilan ang dalawa at sabay na nagkatinginan. "Si Venus. Pinalayas
ko na sya." Tumigil ito sa pagsalita at tumitig sa akin. "Nung nalaman ko na sya
ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay ng anak ko. Pinalayas ko sya. Wala na
akong balita sa kanya." Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Venus. Oo, nagalit
ako sa kanya pero alam ko namang may dahilan sya kung bakit nya nagawa ang bagay na
'yon. Hindi ko tuloy maiwasang mag alala para sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi wala
na ang magulang ng kambal.

"Si Jupiter po? Nasaan?" Tanong ko ng maalalang hind ko pa nakikita si Jupiter


simula ng dumating ako dito.

"Wala na din sya. Nung nalaman nya ang ginawa ng kakambal nya, hiyang-hiya sya sa
amin kaya panay ang hingi nya ng tawad. Hindi daw na nya daw kayang mamalalagi dito
gayong alam nya na ang kakambal nya ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nyo
ni Jake." Namilog ang mga mata ko. Pati si Jupiter wala na din? Magsasalita na sana
ako kaya lang ay nag salita ulit si Tita.

"Pinigilan ko sya kaya lang ay hindi sya nagpapigil. Kagustuhan daw nyang umalis
kaya hiniling nya na pagbigyan namin sya. Hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon.
Wala na kaming contact sa dalawa." Nanlumo ako sa narinig. Kamusta na kaya ang
dalawa? Sana lang ay may maayos silang natitirhan ngayon.

Napalingon ako sa gilid ko ng makita ko ang hindi pamilyar na lalaki na nakatalikod


sa amin.

Sinundan ni Tita ang tinitignan ko at agad din naman itong nagsalita. "Si Ryan. Ang
bagong hardinero namin." Napakunot ang noo ko. Wala na din si Mike?

"One week after na umalis ni Jupiter kinausap ako ni Mike at sinabing aalis na din
daw sya." Una si Venus, tapos si Jupiter, ngayon naman si Mike?! Saan na kaya
naninirahan silang tatlo? Sana lang ay maayos ang kalagayan nila.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng makita ko ang isang pamilyar na mukha na


papalapit sa amin.

"Anak, Sumabay ka na dito." Yaya ni Tita kay Jake. Napansin kong nakatingin ito sa
akin kaya nginitian ko ito. Hindi naman ako nito pinansin kaya ibinalik ko na lang
ang atensyon ko sa pagkain. Suplado!

Umupo si Jake sa harap ko. Si Manang Doray ay nakisabay na din sa amin sa pagkain
para daw makwentuhan ako.

"Balik ka ulit dito bukas." Nilingon ko si Tita nasa tabi ko. Uminom muna ako ng
tubig bago nagsalita.

"Sorry po. Hindi na pwede. Kelangan ko na kasing makapag apply ng trabaho." Sagot
ko. Mukha kasing hindi ko na madadaanan ngayon yung sinasabi ni Caesar dahil
napasarap ang pagkukwentuhan namin.

Kinwento ko sa kanila na nakapagtapos na ako ng pag aaral. Tuwang tuwa si Manag


Doray at Tita Rose sa sinabi ko. Samantalang si Jake naman ay walang pakealam at
tuloy lang sa pagkain.

"Wow. Seryoso? Oh my god. Ang galing mo. Kaya gustong gusto kita para sa anak ko e.
Napakasipag mo." Natigilan ako at napansin kong natigilan din si Jake sa tangkang
pagsubo ng magsalita si Tita.

Tumawa ng ng peke si Tita ng marealize ang sinabi nya. "So? Anong course mo Iha?"
Pag iiba ni Tita ng usapan.

"BSBA po." sagot ko.

"Bakit hindi ka na lang sa Resto mag apply? Pwede ka doon as Manager!" Excited na
sabi ni Tita

"Pag iisipan ko po." Hindi naman kasi pwedeng basta basta na lang ako gumawa ng
desisyon. Kailangan na malaman muna ni Caesar ang bawat desisyon na gagawin ko.

"Anong pag iisipan?! Wala na dapat ganon. Basta tanggap ka na! You're hired!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tita. Ganon kabilis?

"Teka po. Itatanong ko muna sa boyfriend ko kung papayag sya." Sabi ko.
"Sige. Ikaw bahala." Malungkot na sabi ni Tita.

Nasa sala na kami ngayon ni Tita at panay pa din ang kwentuhan. Bawing bawi ang
apat na taon kong pagkakawalay sa kanila dahil sa dami na nyang nasabi sa akin. Si
Manang Doray ay nasa kusina para maghanda ng meryenda. Si Jake naman ay hindi ko na
alam dahil pag katapos nyang kumain ay nawala na ito sa paningin ko.

Napatigil si Tita sa pagsasalita ng magring ang phone ko. Nagexcuse muna ako dito
bago lumabas para sagutin ang tawag. Sa Garden ako dinala ng mga paa ko kaya ramdam
na ramdam ko ang pagdikit ng malamig na hangin sa balat ko.

"Hello?"

"Kamusta?" Boses ni Caesar ang nasa kabilang linya.

"Okay lang. Andito pa ko sa bahay nina Tita. Napasarap ang kwentuhan namin."
Niyakap ko ang sarili ko ng maramdaman ko ang malamig na hangin na tumama sa akin.

"Ganon ba? Pauwi na ako. Susunduin na ba kita o gusto mo dyan ka na muna matulog?"

"Hindi! Sunduin mo na ko." Sigaw ko. Seryoso ba sya? Payag syang dito ako matulog
sa bahay ng ex ko?

"Okay, okay." Humahalakhak na sabi nya.

"Oo nga pala, tinatanong ni Tita kung okay lang sa akin na sa Resto na lang
magtrabaho. Nalaman nya kasi na nag hahanap ako ng trabaho ngayon."

"Tapos?"

"Tatanungin kita, kung papayag ka ba?"

"Okay lang. Kung saan ka komportable okay na sakin." Napangiti ako sa sinabi nito.

Maya maya pa ay nagpaalam na kami sa isa't-isa bago ibaba ang tawag. Pagkatalikod
ko para bumalik na sana sa loob ay nagulat ako ng makita ko si Jake na nasa harap
ko. Sa sobrang gulat ay muntik pa akong mawalan ng balanse. Mabuti na lang ay agad
nya akong nahawakan, kung hindi ay malamang nakasubsob na ako sa lupa.

"Nakakagulat ka naman!" Sabi ko at lumayo ng konti sa kanya.

"Masyadong maikli ang suot mo." Aniya at hindi pinansin ang sinabi ko kanina.

"Hindi naman masyado." Medyo naconscious ako kaya pilit kong hinila pababa ang suot
kong dress. Ayoko talaga pag pinapansin ang suot ko, hindi ako mapakali.

"Huwag kang magsusuot ng maiiksi." Mariing sabi nya.

"At bakit?" Tinaasan ko ito ng kilay.

Sasagot pa sana ito ng biglang may bumusina sa tapat ng gate. Sasakyan ito ni
Caesar. Nakangiti syang lumabas ng sasakyan at ng makita nya kaming dalawa ay agad
nya kaming kinawayan. Sumenyas ako dito ng 'wait sign' at dali daling pumasok sa
Mansyon. Nagpaalam muna ako kina Manang Doray at Tita Rose bago umalis. Pagkalabas
ko sa ay nakita ko na si Jake na nakasandal sa may gate at si Caesar naman na
nakahilig sa sasakyan nya. Hindi ko alam kung may pinag usapan ba ang dalawa o
wala habang wala ako. Itatanong ko na lang siguro kay Caesar kapag nakapagsolo na
kaming dalawa.
Pagkalapit ko sa kanilang dalawa ay agad akong inakbayan ni Caesar.

"Kumain ka na ba?" Tanong nya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Ihingi mo naman akong ulam sa loob. Sawang sawa na kasi ako sa luto mong sunog na
hotdog at hilaw na tilapia." Humahalakhak na sabi nya.

"Ang kapal mo! Hindi nasusunog yung hotdog ko tsaka hindi naman hilaw tuwing
nagluluto ako ng tilapia." Binatukan ko ito pero pilit lang itong umiiwas sa bawat
hampas ko. Hindi pa din ito tumitigil sa pagtawa.

"Kidding." Pilit nyang ginagawang seryoso ang mukha nya. Namumula na ito sa
pagpigil na tawa. Nang makakuha ako ng tyempo ay binatukan ko ito. Natawa ako ng
makita kong napangiwi ito at hinaplos ang parteng natamaan ko.

Nginisian ko ito ng tumingin ito sa akin.

"Bro, una na kami." Napalingon ako kay Jake ng kausapin ito ni Caesar. Nawala na
sya sa isip ko. Nakalimutan kong andito nga din pala sya.

Tumango lang si Jake sa amin. Inalalayan na ako ni Caesar para makapasok sa


sasakyan. Habang inaalalayan nya ako ay ramdam na ramdam ko ang pagtitig sa amin ni
Jake. Nang makaupo na ako ay tiningnan ko ito at tama nga ako, hindi maalis ang
tingin nya sa amin. Bago umalis ay bumusina muna si Caesar kay Jake. Kitang kita ko
sa salamin ang paghabol ng tingin ni Jake sa aming sasakyan habang papalayo kami sa
kinaroroonan nya.

***

May nagcomment sa last chap. Ayaw daw nya kay Caesar kasi parang bakla ang
pangalan. Aray ko bh3. Crush ko si Caesar sa totoong buhay. haha. Yup, may Caesar
na nageexist. Pero syempre char char lang yung ugali ni Caesar sa story.

Ang update po ay baka sa wed or thurs na. Exam week na po kasi namin. Salamat :)
####################################
Love Affair no. 36
####################################

"Good luck sa first day mo." Ani Caesar habang hindi inaalis ang tingin sa
pagmamaneho.

Ihahatid nya ako ngayon sa Resto kung saan ako magtatrabaho. Medyo kinakabahan ako,
wala akong ideya kung anong mga mangyayari ngayong araw.

Nang makarating na kami sa tapat ng Restaurant ay mabilis kaming nagpaalam sa


isa't-isa. Hindi na ito bumaba pa dahil nagmamadali ito. Malelate na daw kasi sya
sa trabaho. Ang kulit naman kasi, sinabi nang 'wag na akong ihatid. Hindi ito
pumayag at nagmatigas. Kaya sa huli ay hindi na ako nakipagtalo pa para hindi na
humaba ang usapan.

"Good Morning po Ma'am." Bati sa akin ng isang waitress pagkapasok ko.

Nginitian ko ito at iginala ang paningin ko. Madaming nabago dito. Mas lumawak ang
loob nito. Kung dati ay dark ang color ng pintura nito, ngayon ay light na kaya mas
naging maaliswalas tingnan.
Napansin kong nanlaki ang mga mata ng waitress na bumati sa akin habang nakatingin
sa likod ko. Nilingon ko ang tinitingnan nya at nakita ko si Jake naglalakad
papalapit sa amin.

"Sir Jake?!" Hindi makapaniwalang sabi ng waitress.

Tinaasan ito ng kilay ni Jake at tumigil sa harap ko. Nakakunot lang ang noo ko
habang nagpapalit palit ng tingin sa dalawa.

Mas lumapit si Jake sa akin kaya naamoy ko ang pabangong gamit nito.

"Bakit po kayo andito? Hindi po ba si Ma'am Rose na ang nagaasikaso nitong Resto?"
Gulat na gulat na tanong ng waitress habang hindi maialis ang tingin kay Jake.

"Shut. Up." Madiing wika ni Jake. Marahil ay natakot ang waitress at agad na yumuko
at humingi ng tawad kay Jake.

"Huy. Ano yung sinasabi nung waitress? Totoo bang si Tita na ang nagpapatakbo
nitong Resto? Kung ganun, anong ginagawa mo dito? Asan si Tita?" Tanong ko ng
makaalis ang waitress. Naglalakad lang ito habang ako ay nasa likod nya at
nakasunod sa kanya

"Bahay." Tipid na sagot nya.

"Huh? Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko dito. Kung ako ang
tatanungin ay mas gugustuhin kong si Tita Rose ang makakasama ko sa trabaho. Mas
magiging komportable ako kesa pag si Jake ang kasama ko.

"Magtatrabaho. Bored ako sa bahay. Walang gagawin don." Simpleng sagot nito at
pumasok sa isang kwarto. Papasok na din sana ako ng biglang napatigil ako dahil
pinagsaraduhan nya ako ng pintuan. Napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Tingnan mo
'tong lalaking 'to. Napakabastos!

Yung magiging assistant ko ang nagturo sa akin ng mga dapat kong gawin. Dapat si
Jake ang magtuturo nito ang kaso lang hanggang ngayon ay hindi pa din ito lumalabas
sa kwartong pinasukan nya. Naging madali naman ang trabaho ko dahil wala masyadong
ginagawa. Nag nagsusupervise lang ako at paminsan minsan ay tumutulong sa mga
waitress pag madaming customer.

Natigil ako sa ginagawa ko ng makita ko si Jake na papalapit sa akin. Tumigil ito


sa harap ko at hinagis ang hawak nyang paper bag. Nakakunot ang noo ko habang
tinitingnan kung anong nasa loob nito. Isang blouse at isang pantalon ang laman
nito.

"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Isuot mo 'yan. Hindi ba't sinabi ko sayong 'wag na 'wag ka ng magsusuot


namaiiksi." Pagalit na sabi nya.

Inirapan ko ito. Anong karapatan nyang pagbawalan ako kung anong mga isusuot ko?!
Si Caesar nga na boyfriend ko ay hindi ako pinapakealaman, sya pa kaya!

Binato ko pabalik ang paper bag sa kanya. "Ayoko." Mas dumilim ang mukha nito.
Kitang kita ko ang pagtagis ng bagang nito.

"Magpapalit ka ng damit o ako mismo ang maghuhubad sayo. Mamili ka?" Maotoridad na
sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong kinuha ang paper bag sa kanya at
padabog na naglakad papuntang CR.
Tinitingnan ko sa salamin ang aking sarili. Hindi na masama. Bagay naman sa akin
ang binili nyang damit at pantalon. Maganda naman ang mga ito, kung hindi lang si
Jake ang nagbigay nito tiyak na maaappreciate ko ito. Tiniklop ko ang hinubad kong
dress at inilagay ito sa paper bag.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa ni Jake sa akin ito. Kung ano man ang tumatakbo
sa isip nya, wala akong kaide-ideya.

Huminga ako ng malalim bago lumabas sa CR. Nakita kong napangisi si Jake pagkakita
sa akin.

Hindi ko ito pinansin at bumalik na lang sa pagtatrabaho. Bahala sya sa buhay nya!
Ala una na pero madami pa ding customer. Tumutulong na din ako sa pagseserve ng
pagkain at paglilinis ng table kahit na hindi ko naman ito dapat gawin. Nakita ko
kasing aligaga na ang mga waitress at waiter dahil sa dami ng customer.

Napatigil ako sa pagpupunas ng lamesa ng lumapit si Jake sa akin. Hindi ko na sana


ito papansinin kaya lang ay naiilang ako sa pagtitig nya kaya sa huli ay tiningnan
ko na ito.

Seryoso ang mukha nito. "Sabi ng isa sa mga tauhan ko hindi ka pa daw kumakain."
Nakakunot ang noo nito.

Umayos ako ng tindig at tinaasan sya ng kilay. "And?" Sabi ko at humalukipkip.

"Anong And? It's already one o'clock for Christsake! Malilipasan ka ng gutom!"
Nagulat ako sa sigaw nito. Nakita kong napatingin din ang mga tao na malapit sa
pwesto namin.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo! Nakakahiya!" Pabulong ngunit pagalit na sabi ko
dito.

Hindi ako nito pinansin at hinawakan lang ako sa braso. Hinila nya ako papunta doon
sa kwartong pinagpasukan nya kanina.

Binitawan lang ako nito ng tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Agad na dumako ang
paningin ko sa mga pagkain na nasa lamesa. Agad kong naramdaman ang pagkalam ng
sikmura ko. Hindi maalis ang paningin ko sa mga pagkain. Inisa-isa kong tingnan ang
mga ito habang nag iisip kung anong unang kakainin.

"Eat." Napalingon ako dito ng magsalita ito. Nakaupo na pala ito habang nakatutok
na ang paningin sa laptop nya.

Napalunok ako at ibinalik ang tingin sa mga pagkain. Kung hindi ako nito ginalit
kanina ay tiyak na agad kong susunggaban ang pagkaing inaalok nya. Pride o ang
pagkalam ng sikmura? Sa huli ay pinili ko ang pangalawa.

Inismiran ko ito. "Hindi ako gutom." Pagalit na sabi ko dito at hunalukipkip. Lihim
na tinititigan ang mga pagkain. Mas lalo akong nakaramdam ng gutom ng maamoy ang
pinagsama-samang amoy ng pagkain.

"Sure?" Sandaling tinapunan ako nito ng tingin.

Napalunok ulit ako at dahan-dahang tumango. Tumayo ito at naglakad papunta sa mga
pagkain.

"Okay. Pakitingnan na lang kung may dumating na email sa laptopk o. Kakain lang
ako." Sabi nito habang naglalagay na sa pinggan ng mga pagkaing kanina ko pang
pinag iinteresan. Ang walang hiya! Hindi man lang ako pinilit. Anong klaseng tao
'to?!

Padabog akong naglakad papunta sa laptop nya. Sa mouse ko ibinunton ang galit ko.
Dinidiinan ko ang bawat pag pindot ko dito. Hindi ko maiwasang mapalingon kay Jake.
Nakaharap ito sa akin at dahan dahan pa kung ngumuya. Paminsan minsa'y pumipikit pa
ito na para bang nilalasap ang pagkain. Nakita ko din na umiiling iling pa ito
habang dahang dahang kinakagat ang fried chicken na hawak nya. Napalunok ako at
ibinalik ang atensyon sa laptop.

"Walang email!" Pasigaw kong sabi ng makita kong wala man lang bagong email sa
laptop nya.

Sandaling tiningnan ako nito. "Pakidouble check, please." Sabi nito at ibinalik ang
atensyon sa pagkain.

Napairap na lang ako sa kawalan. Nangalumbaba ako habang nagkunwaring chinecheck


ang email nya. Panay ang pindot ko ng refresh para kunwari ay may ginagawa ako.

"Wala talaga!" Sabi ko. Anong gusto bang mangyari ng isang 'to? Sa pagkakaalam ko
hindi ko naman trabaho na icheck ang email nya! Manager ako, hindi ako PA nya.

"Check mo ulit." Tiningnan ko ito at nakita ko na nagpipigil na ito ng tawa. Tsaka


ko lang narealize na pinagtitripan ako nito. Padabog kong isinarado ang laptop.

"Check mong mag isa mo. Gago!" Sabi ko at tumayo na. Nanggagalaiti ako sa sobrang
galit. Yung pakiramdam na gutom na gutom ka na nga tapos nakuha ka pang pagtripan.
Napatigil ako sa tangkang paglabas ng hinawakan ako nito sa braso at inabot sa akin
ang pinggan na punong puno ng pagkain.

Wala sa sariling tinaggap ko ito. "Arte." Sabi nya bago tuluyang lumabas ng silid.

***

"Kamusta, manager?" Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Caesar. Alas kwatro pa
lang ngayon at kaunti lang ang customer kaya naisingit ko ang pagtawag sa kanya.
Kanina pa nangangati ang kamay ko na tawagan sya, madami lang talagang tao kanina
kaya hindi ko ito magawa.

"Okay lang po Architect." Natatawang sagot ko dito.

"So, Anong nangyari? Pagod ka na ba?" Sasagot na sana ako ng makarinig ako ng
pagtikhim na nanggaling sa aking likuran.

Nakita ko si Jake na nakahalukipkip habang nakasandal sa pader.

Tinaasan ko ito ng kilay. Hindi ako nito pinansin at patuloy pa rin ang pagtitig sa
akin.

"Architect, maya na lang kita tatawagan. May gagawin pa kasi ako e." Sabi ko na
lang dahil parang wala atang plano si Jake na umalis sa kinatatayuan nya. Naisip ko
na baka may iuutos ito sa akin kaya sya andito ngayon.

"Sure Manager. Mahal kita." Napangiti ako sa sinabi ni Caesar. Kahit ilang ulit
nyang sinasabi ang katagang 'Mahal kita' hindi ko pa din talaga maiwasang hindi
kiligin.

"Mahal din kita." Sagot ko bago pinutol ang tawag.

Pagkalagay ko ng cellphone sa bulsa ay agad kong hinarap si Jake.


Nameyawang ako dito habang nakataas ang kilay. "Oh?" Sabi ko.

"Oras ng trabaho nakikipaglandian ka. Hindi mo ba alam ng bawal yang ginagawa mo?"
Madiin na sabi ni Jake.

Natigilan ako sa sinabi nito. Sinundot din ako ng konsensya. Alam ko namang mali
ang ginawa ko. Hindi ko lang talaga matiis si Caesar dahil kanina pa ito tawag ng
tawag sa akin at ni isa ay wala akong nasagot sa mga tawag nito.

"Mabilis lang naman e." Depensa ko sa aking sarili. Yumuko na din ako. Nakaramdam
din ako ng hiya sa lalaki. Baka isipin nya na porke't malapit ako kay Tita ay hindi
ko na gagawin ng tama ang trabaho ko.

Hindi ito sumagot. Narinig ko lang ang malalim na buntong hininga nito bago ito
naglakad palayo.

***

"Guys! May announcement daw si Sir bago umalis!" Sigaw ng isang waiter. Alas diyes
na ng gabi at kaming lahat ay naghahanda na para umalis. Natigilan ang lahat sa
ginagawa nila na papalapit na si Jake sa kinaroroonan namin.

Ako naman ay nakapangalumbaba lang habang hinihintay ang text ni Caesar. Sabi nya
sa akin kanina ay baka matagalan daw sya sa pagsundo sa akin dahil hindi pa daw ito
tapos sa kanyang ginagawa.

"For girls, starting tomorrow bawal na kayong magsuot ng sobrang iksi." Rinig na
rinig ko ang reklamo ng mga kababaihan pagkatapos magsalita ni Jake. Ang iba ay
napakamot ng kanilang ulo.

Bakit ba kasi big deal sa kanya ang pagsuot namin ng maikling damit? Wag nyang
idadahilan na conservative sya para sa aming mga babae.

"Sir! Paano po 'yon? Maiksi talaga ang uniform namin dito?" Sabi ng isang waitress.
Hindi ito pinansin ni Jake at nagpatuloy lang sa pagsasalita. Napairap ako sa
inasal nito. Walang pinagbago. Sobrang bossy pa din!

"And, forboys. Wag na wag kayong lalapit sa Manager nyo. Walang ibang pwedeng
kumausap at lumapit sa kanya. Ako lang." Agad na nagsilingunan silang lahat sa
akin. Nagtatakang tiningnan ako ng mga ito at nagkibit balikat lang ako.Tiningnan
ko si Jake pero hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Nakatutok ang atensyon
nito sa ibang tauhan nya.

"Possessive si Sir!" Natatawang sigaw ng isang lalaki. Agad ko itong nilingon at ng


makita ako nito na masamang nakatingin sa kanya ay agad itong yumuko.

"At ang panghuli, bawal dumalaw ang boyfriend." Nanlaki ang mga mata ko at agad na
napatayo.

"Sir naman." Ungot ng mga kababaihan habang nanlulumo ang mga mukha ng nga ito.

"Hoy teka! Hindi na ata tama 'yon. Ano 'to? Pati lovelife namin pakekealaman mo?
Noway!" Agad nagsitanguan ang iba kong kasamahan. Ang iba namang babae na sa tingin
ko ay walang boyfriend ay natatawa lang sa sinabi ni Jake.

Basta, hindi ako papayag. Paano naman kaming mga may lovelife?

"Restaurant 'to, hindi Hospital."Seryosong sabi nya.


"Sir girlfriend? Bawal din?" Tanong ng isang lalaki habang hindi maalis ang tingin
kay Jake.

Sandaling natigilan ito maya maya pa ay nagsalita na. "Okay. I'll be giving
exemption for boys. Pwede kayong dalawin ng mga girlfriends nyo dito." Agad na
naghiyawan ang mga kalalakihan habang ang mga babae naman ay hindi maalis ang
pagkadismaya.

"Unfair ." Bulong ko habang inaayos ang bag ko. Aalis na sana ako kahit hindi
nagpapalam sa kanila dahil napaka walang kwenta ng announcement nya nang biglang
matigil ako sa paglalakad ng magsalita ulit ito.

"And lastly, don't. As in don't ever disobey me." Pagkalingon ko dito ay nakatitig
ito sa akin. Pinasadahan nya ng kamay ang kanyang buhok at dahang-dahan lumapit sa
akin. Ramdam ko ang pagtitig sa amin ng mga katrabaho ko.

"Mariel, let's go. Hatid na kita." Rinig na rinig ko ang singhapan ng mga tao sa
paligid ko. Maging ako ay nanlaki ang mga mata.

"WHAT?!" Sabi ko habang nanlalaki ang mga mata.

"Again, don't ever disobey me." Sabi nya na may seryosong mukha.

***

Nag update ako kasi walang pasok kanina. lol.

Hello sa author ng PS I'm pregnant at Romancing the nanny. I am currently reading


the PS I'm Pregnant, mala 50 shades of grey sya :)

Basta Thank you sa pagbabasa nito ate. haha. Dedicated sayo 'tong chap na to. Hindi
ko lang maayos kasi nakacp lang ako ngayon. haha. Thank you ulit.

Next update baka bukas ulit. Pasensya na kung maikli. Keep safe eveyone!
####################################
Love Affair no. 37
####################################

"Hindi pwede. Susunduin ako ni Caesar ngayon." Nakita ko ang unti unting pagbabago
ng ekspresyon ng mukha nya.

"Ganon ba?" Hindi ko alam kung may lungkot ba akong nabahiran sa boses nito o baka
imahinasyon ko lamang iyon.

Tumango ako at nagpaalam na sa kanya pati sa iba pang kasamahan ko. Nakatayo lang
ako sa labas ng Resto. Mukhang matatagalan pa si Caesar dahil hanggang ngayon ay
hindi pa din daw sila tapos sa kanilang ginagawa. Sabi nya sa akin ay ipapasundo na
lang daw nya ako sa iba ngunit hindi ako pumayag, ayokong makaabala pa sa iba at
gusto ko din naman na si Caesar ang sumundo sa akin. Handa akong hintayin sya kahit
gaano pa katagal.

"Asan na daw sya?" Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Jake.
Hindi ko napansin ang paglapit nito sa akin. Tiningnan ko lang ito sandali at
ibinalik na ulit ang atensyon sa harapan ko.

"Padating na." Tipid na sagot ko. Sa totoo lang ay hindi ako komportable na
makausap ito, lalo na pag kaming dalawa lang. Siguro kaya ako nakakaramdam ng
awkwardness ay dahil sa may nakaraan kami. Kahit na wala na akong nararamdaman sa
kanya, hindi ko pa din maiwasang makaramdam ng pagkailang.

"Pinaghihintay ka?" Nakangising sabi nito at umiling-iling pa. Medyo napikon ako sa
inasal nito kaya hinarap ko ito. "Bakit? May masama ba 'don?" Nakataas ang kilay na
tanong ko dito.

"Wala naman." Natatawang sagot nito. "Nakakaturn off nga lang." Dagdag nito habang
hindi naaalis ang ngisi sa kanyang labi.

"Sorry. Pero kahit paghinintayin nya ako hanggang bukas o kahit hanggang isang taon
hinding hindi ako mateturn off sa kanya." Napansin kong natigilan ito at nablangko
ang kanyang mukha. "Kahit sobrang tagal. Handa akong maghintay." Dagdag ko.

"Parang ako." Wala sa sariling sabi nya. Hindi ko nainitindihan kung anong gustong
ipahiwatig nya kaya nanahimik na lang ako. Humarap na lang ulit ako sa kalsada at
niyakap ang aking sarili. Nilalamig na ako, ramdam na ramdam ko ang paglapat ng
hangin sa balat ko.

Kami na lang dalawa ang tao dito dahil nakauwi na ang iba pa naming kasama. Sana
pala ay sumabay na lang ako sa kanila.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong hinubad nya ang suot nyang T shirt. Magsasalita
na sana ako ng bigla nyang ipinatong sa balikat ko ito.

"Para kahit papaano mabawasan ang panglalamig mo." Hindi na lang ako nagsalita. Mas
nailang ako sa sitwasyon dahil wala na syang suot na pang taas. Hindi tuloy ako
makatingin sa kanya ng diretso.

"Paano ka?" Tanong ko habang nagkukunwaring nagtetext. Hindi ko kasi sya kayang
tingnan kaya mas mabuting sa cellphone ko na lang ibaling ang atensyon ko.

"Ayos lang ako." Sagot nito. Ilang minuto ding namayani ang katahimikan sa amin.
Walang ibang maririnig kundi ang pag ihip ng malamig hangin.

"Gaano na kayo katagal ni Caesar?" Agad akong napalingon dito. Hindi ko inaakalang
mag tatanong sya sa akin tungkol sa relasyon namin ni Caesar.

"Three years." Sagot ko.

"Nung umalis ka... Kasama sya. San kayo nagpunta?" Sabi nya na para bang hirap na
hirap bigkasin ang bawat salitang sinabi nya.

"Davao. Doon kami nagbagong buhay ni Caesar. Kasama ang mga kapatid ko." Sagot ko.

Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. "I guess, mahal na mahal mo talaga sya
e?" Nakatingin na ito sa akin habang hinihintay ang isasagot ko.

"Sobra." Tipid na sagot ko. Sa pagkakataong ito ay nakangiti na ko.

"Mabuti naman kung ganon." Nakangiting sabi nya

"Oh pano? Iwan na muna kita dyan. Nakalimutan ko, may gagawin pa nga pala ako."
Tangkang aalis na ito ng may biglang bumusina sa harap namin. Agad na lumabas dito
si Caesar at patakbong lumapit sa kinaroroonan ko.

"Sorry, natagalan ako. Yung boss ko kasi ayaw pa akong paalisin." Sabi ni Caesar
habang hawak ang dalawang kamay ko. Inilagay nito ang dalawang kamay ko sa mukha
nya na para bang pinapakiramdaman ito.
"Matagal ba kitang pinaghintay?" Tanong nya habang diretsong nakatingin sa mukha
ko.

"Hindi naman masyado." Natatawa kong sagot dito.

"Tol, hindi kita napansin. Pasensya na." Napalingon ako sa kinaroroonan ni Jake.
Napakamot ako ng ulo ko. Bakit ba sa tuwing dumarating si Caesar ay nalilimutan ko
palagi ang presensya ni Jake.

"Bakit ka nakahubad?" Kunot noong tanong ni Caesar.

"Nilalamig kasi sya kaya pinahiram ko ng T shirt ko."

"Ganon ba?" Kinuha ni Caesar ang t shirt sa balikat ko at ibinalik ito kay Jake.
"Salamat 'tol. Una na kami. Salamat sa pagbabantay kay Mariel." Tumango lang si
Jake sa amin.

Pagkasakay namin sa sasakyan ay pansin ko ang pagod sa mga mata nito. Pinipilit
lang nyang ngumiti at magkwento kahit panay na ang hikab nito. Nakaramdam ako ng
awa sa kanya kaya pagdating na pagdating namin sa condo ay minasahe ko sya. Wala pa
mang limang minuto ang ginagawa ko ay rinig na rinig ko na ang mahinang paghilik
nya.

Kinabukasan ay mas nauna syang nagising sa akin. Off pala nya ngayon kaya
napagkasunduan namin na maghahalf day ako sa trabaho. Sana lang ay payagan ako ni
Jake. Tuwing may ganitong pagkakataon na lang kasi kami nakakapagbonding ni Caesar.

Pagkadating ko sa Restaurant ay agad na akong nagtrabaho para maaga akong matapos.


Chineck ko na ang mga deliveries ng pagkain. Tiningnan ko na din kung malinis ba
ang kitchen at ang dining area.

Tangkang lalapitan ko ang isang waiter para magpatulong dito ng bigla itong umiwas
sa akin. Sumama ang timpla ng mukha ko. Naalala ko ang sinabi ni Jake sa amin
kagabi. Bakit ba nya pinagbabawalan na makipag usap ako sa mga lalaki? Kung kami pa
hanggang ngayon ay iisipin ko na nagseselos sya. Pero malabong mangyari 'yon.
Bahala sya sa buhay nya!

"Agang-aga nakasimangot na agad po kayo ah." Nakangiting sabi sa akin ng assistant


ko.

Nginitian ko ito ng pilit. Sinabi ko na sa kanya ang plano kong paghahalf day at
agad din naman itong pumayag. Magpaalam nga lang daw muna ako kay Jake dahil baka
pag initan sya nito pag umalis ako ng walang paalam.

Mag aalas otso na ng dumating si Jake. Agad syang binati ng aking mga katrabaho
maliban sa akin. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa at nagkunwaring hindi sya nakita.

Napansin kong tumigil ito sa harap ko.

"Oh?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

Umiling lang ito at naglakad na muli papunta sa kanyang opisina.

Nang matapos ako sa aking ginagawa ay nag ayos na ako ng aking sarili. Kumatok muna
ako ng tatlong beses bago pumasok sa opisina ni Jake. Pagkakita nya sa akin ay agad
tumaas ang isang kilay nya. "Oh?" Sabi nya.

"Maghahalfday ako ngayon. May lakad kami ni Caesar." Sabi ko.


"Ge." Sabi nya at agad na itinutok ang atensyon sa papel na binabasa nya. Nakahinga
ako ng maluwag. Akala ko ay pipilitin ko pa ito para lang mapapayag sya. Mabilis
naman pala tong kausap.

Hindi maalis ang ngiti ko habang tinetext si Caesar. Ang usapan namin ay sa mall na
lang kami mag hintayan. Agad ko naman syang nakita pagkababa na pagkababa ko ng
taxi. Malapit sya sa may entrance ng mall habang hindi maalis ang ngisi sa kanyang
labi. Nagkatitigan kami. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit simpleng khaki short
at itim na t shirt lang ang suot nya ay sobrang gwapo pa din nyang tingnan. Litaw
na litaw ang kaputian nito. Kung dati ay moreno ito ngayon naman ay pumuti na ito
magmula ng tumira kami sa Davao.

"Kanina ka pa?" Nakangiting tanong ko kay Caesar.

Sasagot na sana ito ng biglang may bumunggo sa kanya. Muntik ng matumba si Caesar
sa lakas ng pagkakabunggo dito. Mabuti na lang at agad ko itong nahawakan. Hindi ko
alam kung sinasadya ba o aksidente lang talaga ang pagkakabunggo dito.

"Sorry -- Wait, Mariel? Caesar? Wow! What a coincidence huh?" Sinamaan ko ito ng
tingin. Ngayon alam ko ng hindi basta aksidente lang ang nangyari.

"Jake? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Caesar.

"Wala. Medyo stress ako sa Resto kaya naisipan kong mag mall muna." Dahilan nya
habang hindi naaalis ang ngisi sa kanyang labi. Hindi na lang ako umimik. Naiinis
ako sa kanya. Eto na nga lang ang time na makakapag bonding kami ni Caesar tapos ay
eepal pa sya. Sino ba naman ang hindi maiinis dun?!

"Sige. Una na kami. Ingat bro." Pagpapalam ni Caesar kay Jake. Sinulyapan ako ni
Jake at inirapan ko lang ito.

Pagkapasok namin ni Caesar sa mall ay nag aya muna itong kumain. Napagdesisyunan
naming sa Italian Restaurant na lang kumain. Habang hinihintay namin ang order
namin ay hindi sinasadyang mapatingin ako sa may labas. Napakunot ang noo ko ng
makita ko si Jake na papasok sa loob ng Resto. Napansin kong palinga linga sya at
ng makita nya kami ay agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Hi. Pwedeng makishare?" Tanong nya ng makalapit sa amin. Tsaka lang napansin ni
Caesar si Jake ng mag salita ito.

"Hindi. Madami pa namang vaccant seat dyan. Kelangan din naman namin ng privacy, I
hope you don't mind." Mataray kong sabi dito. Alam kong rude pakinggan pero naiinis
na talaga ako. Nanandya na talaga ito dahil imposibleng hanggang ngayon ay
coincidence pa din ang nangyari.

Napipilitang tumawa si Caesar. "Okay lang bro, sige. Upo ka na." Napairap na lang
ako kay Caesar. Ayan ang mahirap sa taong sobrang bait. Hindi marunong tumanggi!
Nakangising umupo si Jake sa harap ko samantalang si Caesar ay nasa tabi ko.

Umorder na din si Jake at nang dumating ang order namin ay nagsimula na kaming
kumain. Hindi maalis ang pagsimangot sa mukha ko habang kumakain. Imbes na matuwa
ako sa date namin ngayon ay nabadtrip lang ako. Sana pala ay nagkulong na lang kami
sa condo ni Caesar at nanuod ng movie. Atleast pag doon, solo namin ang isa't-isa.

Nang matapos kaming kumain ay agad ko ng niyaya si Caesar kahit na hindi pa tapos
si Jake kumain. Siguro naman ay hindi na bastos tingnan iyon 'di ba? Naaasar lang
talaga ako ngayon sa presensya ni Jake.
"Una na kami. Manonood pa kasi kaming sine e." Sabi ni Caesar habang inaabot ang
bill sa waiter.

"Ganon ba? Anong papanoorin nyo?" Tanong ni Jake. Napakunot ang noo ko. Wag nyang
sabihin na may balak pa syang sumama sa amin panonood ng sine?! Aba naman!

"The fault in our star. Ayon ang gusto ng boss e." Natatawang sabi ni Caesar at
ginulo ang buhok ko. Pabirong hinampas ko ang braso nito. Wala kasi itong hilig sa
romance movie. Mas gusto nya ang horror o di kaya ay action. Pinagbigyan lang nya
ako sa gusto ko kaya ayon ang papanoorin namin.

"Talaga?! Paborito ko 'yon! Gustong gusto ko ngang manuod nun e. Wala lang akong
kasama." Malungkot na sabi ni Jake. Asa naman! Ang pagkakatanda ko sa kanya wala
syang kahilig hilig manood ng movie dahil dati ay bihirang bihira lang ito kung
manood lalo na ng mga ganitong klaseng genre.

Hinila ko na si Caesar patayo para hindi na ito makaimik pa. Baka yayain pa nitong
isama si Jake na manood ng sine hindi na talaga ako makakapayag nyan.

Mabuti na lang at nagpahila na si Caesar sa akin. Nang makalabas kami sa Resto ay


agad ko itong hinampas. "Bakit? Ang bad mo ha. Kinakausap pa tayo nung tao e."
Natatawang sabi ni Caesar at inakbayan ako. Inirapan ko ito. Hindi 'yan tao.
Demonyo 'yan. Demonyo!

"Ang hirap sayo, masyado kang mabait." Sabi ko dito at pinanggigilan ang dalawang
pisngi nya. Minsan nga naiisip ko, hindi ba ito marunong magselos?

Napangiwi ito sa sakit. "Masakit 'yon ha." Sabi nya habang hinihimas ang dalawang
pisngi nya.

"Edi panggigilan mo din ako." Sabi ko sa kanya.

"Ayoko nga. Edi nasaktan ka din." Napangiti ako sa sinabi nito. Pakiramdam ko ay
nag init din ang aking mukha.

Pagkakuha namin ng ticket ay iniwan muna ako nito sandali para bumili ng makakain.
Nakatayo lang ako sa may gilid habang hinihintay sya. At agad na nagsalubong ang
kilay ko ng makita ko syang bumalik ng may kasama. Magkasabay silang lumakad ni
Jake habang parehas na may dala na pop corn.

Agad akong lumapit sa dalawa. "Ano na naman 'to?" Pagalit na sabi ko. Hindi ko alam
kung kanino ako galit. Kay Caesar na sobrang bait o kay Jake na wala ng ibang
ginawa kung hindi bwusitin ang araw ko.

"Chill lang. Nakita ko kanina si Jake pagbili ng pop corn. Manonood daw sya ng sine
kahit mag isa. Nakakaawa naman kaya isabay na natin." Bulong sa akin ni Caesar

"Matanda na 'yan! Kaya na nyang mag isa." Singhal ko sa kanya.

"Mukhang ayaw ata ni Mariel na kasama nyo ako e." Nag aalangan na sabi ni Jake pero
hindi nya ako maloloko. Asa sya! Alam kong umaarte lang 'to.

"Sadya!"

"Mariel umayos ka. Hindi na 'ko natutuwa." Seryosong sabi ni Caesar. Napatahimik
ako ng wala sa oras. Pag ganitong nagseseryoso ito ay natatakot ako. Minsan lang
kasi ito magseryoso kaya hindi ako sanay.

Pumasok na kami sa loob na sinehan. Sa kanan ko si Caesar habang si Jake naman ay


nakaupo sa kaliwa ko. Pagkaupo ko ay agad kong inihilig ang katawan ko kay Caesar.
Inakbayan naman ako nito at naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko.

"Sorry kanina." Sabi ko. Alam kong hindi nya nagustuhan ang inasal ko kanina. Dahil
lang talaga sa bwisit na Jake na yan kaya ako umakto ng ganoon.

"Okay lang. Basta 'wag mo na lang uulitin. Ang sama kasing tingnan." Bulong nya.
Mag uumpisa na ang palabas kaya umayos ako ng upo.

Nakatutok ang atensyon sa palabas ng biglang maramdaman ko ang paghawak sa kamay ko


ng nasa kaliwa ko. Pababayaan ko na sana ito nang biglang marealize ko na hindi nga
pala si Caesar ang nakaupo dito. Nilingon ko si Jake at nakatutok ang atensyon nito
sa buong palabas. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko na para bang ayaw nya
akong makawala.

Nilingon ko si Caesar na nakatutok din ang atensyon sa palabas. Tinangka kong


alisin ang pagkakahawak sa kamay ko kaya lang ay mas lalo nya lang itong
hinigpitan.

"Bitawan mo nga ako!" Pabulong ngunit pagalit na sabi ko dito. Ayokong mag
eskandalo dito kaya hangga't maaari ay hininaan ko ang boses ko.

"Ano ba?! Bitawan mo sabi ako." Ulit ko dito. Masama ko itong tinitigan. Nakatingin
na din ito sa akin ngayon. "Ayoko. Hindi ko kaya." Mahinang sabi nito.

"Ngayon lang, please. Hayaan mo akong hawakan ka." Ramdam na ramdam ko ang
pagsusumamo sa boses nito. Nakaramdam ako ng matinding awa dito. Nilingon ko si
Caesar na walang kaalam alam na may kababalaghan na palang nangyayari sa pagitan
namin ni Jake .

Huminga ako ng malalim at ibinalik ang atensyon ko sa panood. Mukhang ako lang ang
mapapagod pag pinagpilitan ko ang gusto dahil parang wala syang balak bitawan ang
kamay ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak nya dito at nakita ko sa gilid ng mata ko
na panay ang hawak nya sa pisngi nya, hindi ko ito nililingon. Natatakot ako na
baka makahalata si Caesar. Sinundot din ako ng konsensya. Pakiramdam ko ay
nagtataksil ako sa kanya kahit hindi naman talaga. Ayoko lang malaman ni Caesar
dahil baka masaktan sya. Ayoko syang saktan. At isa pa, ayokong gumawa ng eskandalo
dito.

Agad akong napalingon kay Jake ng maramdaman kong inangat nya ang kamay ko. Nanlaki
ang mga mata ko idinampi nya ito sa labi nya. Marahas kong binawi ang kamay ko.
"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Caesar.

"Uwi na tayo. Sumama ata pakiramdam ko." Dahilan ko. Hanggang ngayon ay hind pa din
maproseso ng utak ko ang nangyari.

Inalalayan nya akong tumayo at nagpaalam muna kay Jake bago kami umalis. Habang
pababa kami ay sandaling sinulyapan ko ito. Nakayuko ito ngayon habang ang kamay ay
nakasapo sa kanyang noo.

***

Nakapag update din sa wakas! haha. Actually natype ko na 'to bago bumagyo. Tapos
grabe ang tama ng bagyo sa lugar namin kaya halos isang linggo kaming walang
kuryente. Hanggang ngayon naman wala pa din kaming wifi kaya ayun, hindi ako
nakakapag update. Sorry talaga. Promise pag nagkawifi na ulit kami sunod sunod na
ulit ang update. Salamat sa pagbabasa.
####################################
Love Affair no. 38
####################################

"Good Morning Sir." Napalingon agad ako sa likuran ko ng magsalita ang mga
katrabaho ko. Nakita ko si Jake na naglalakad papalapit sa pwesto ko. Nakatungo ito
habang naglalakad. Inihanda ko na ang sarili ko para sa pang aasar nya kaya lang ay
laking gulat ko ng hindi ako nito pinansin at basta nilampasan na lang ako.

Napakunot na lang ang noo ko. Anong nangyari doon? Kahapon lang kung hawakan nya
ang kamay ko sa sinehan ay para bang wala ng bukas tapos ngayon biglang parang
hangin na lang ako sa kanya!

Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at hindi na lang iyon pinagtuunan ng


pansin.

Ala tres na ng hapon at simula ng pumasok si Jake sa opisina nya ay hindi pa ito
lumalabas. Nagsisimula na akong mag alala, kahit papaano naman kasi ay may
pinagsamahan naman kami. Baka kung ano nang nangyari sa lalaki na 'yon sa loob.

Kumatok ako ng dalawang beses at ng wala akong matanggap na sagot mula sa loob ay
hindi na ako nagdalawang isip na pasukin ito.

Nakita ko si Jake na nakasubsob ang mukha sa lamesa.

"Anong kalokohan yan? Kami ay nagpapakahirap sa trabaho samantalang ang boss namin
ay paeasy-easy lang. Ganon? Gusto mong isumbong ko kay Tita ang ginagawa mo?"
Nakapameyawang na bulyaw ko dito.

Nag angat ito ng tingin. Napalitan ng pag aalala ang mukha ko ng makitang sobrang
putla ng mukha nito. Nakakunot ang noo nito habang tinitignan ako.

"Five minutes. Pahinga lang ako." Nanghihinang wika nya

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ko dito. Nakonsensya tuloy ako. Nasigaw sigawan
ko pa kanina. Malay ko bang masama pala ang pakiramdam nya.

Sumandal ito sa kanyang upuan at marahang hinilot ang kanyang sintido "Oo." sagot
nito

Lumapit dito at idinampi ang likod ng palad ko sa noo nya. Agad akong napaso ng
maramdaman kong sobrang init ng balat nya. "Oh my god! You're hot!" Sabi ko.

"Yea. Inborn." Tumatawang sabi nya. Nakapikit ito habang tumatawa. May sakit na
nga't lahat, mayabang pa din! Hindi ko na lang pinansin ang biro nya at kumuha ako
ng maligamgam ng tubig para ipainom sa kanya.

Ngayon ko lang napansin na nangangalumata na ito at mapula na ang mga mata nito.

Pagkapainom ko dito ay tangkang aalis na sana ako para humingi ng tulong ng biglang
hinawakan ako nito sa braso. "Wag." maikling sambit nya. Para tuloy syang bata na
natatakot maiwan ng kanyang magulang. Nakaramdam ako na awa at inis sa kanya. Awa
dahil nakikita kong hirap na hirap sya sa kalagayan nya at inis dahil pumasok pa
sya gayong malala na pala ang sakit nya.

"Babalik ako. Hihingi lang ako ng tulong sa labas tapos babalik na ako dito.
Dadalhin ka namin sa hospital para gumaling ka na." Mahabang paliwanag ko dito.
Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay panay na ang iling nito.

"Ayaw. Dito ka lang." Sabi nito na parang bata at isinubsob na ulit ang mukha sa
lamesa. Niyakap nito ang kanyang sarili at nangangatal na ang kanyang buong
katawan.

Nagsisimula na akong magpanic. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Tumakbo na lang ako para manghingi ng tulong. May dalawang lalaki na aalalayan sana
si Jake pero ayaw magpahawak ni Jake sa kahit sino maliban lang sa akin kaya sa
huli ay ako na lang mag isa ang nag alalay sa kanya. Nakahawak ako sa kanyang
bewang samantalang sya ay mahigpit na nakayakap sa akin. Kung wala lang itong sakit
iisipin ko ay nananantsing ito.

Ang dalawang lalaki ay nasa likod namin para incase mawalan kami ng balanse ay
nandyan sila para saluhin kami. Tuwing lalapit sila sa amin ay sinasamaan sila ni
Jake ng tingin kaya sa huli ay pinabayaan na lang nila kami.

Sa backseat ko na lang pinaupo si Jake para mas maging komportable sya. Ako na ang
nagprisintang magdrive dahil kung tatawagan pa si Mang kaloy ay tiyak na mas
matatagalan pa. Nag driving lesson naman ako nung nasa Davao pa kami kaya may alam
ako sa pagmamaneho.

"Malapit na tayo sa hospital." Deklara ko. Tumingin ako sa salamin at nakita kong
nakahiga na ito at nakapatong ang kanyang braso sa kanyang mata.

"Ayoko don. Gusto ko sa bahay." Parang batang sabi nya.

"Pupunta lang tayong hospital para matingnan ka. Tapos uuwi na din agad tayo." Sabi
ko sa mahinahon na boses.

"Ayoko nga sabi." Naiiritang sabi nya.

Napairap na lang ako at itinuloy ang pagmamaneho. Daig ko pa ang nag aalaga ng one
year old na bata!

"Ichecheck up ka lang ng doctor tapos uuwi din agad tayo." Paliwanag ko sa kanya
habang panay ang sulyap ko sa kanya sa salamin.

Kanina pa akong nagtitimpi. Kung wala lang 'tong sakit malamang ay kanina ko pa
itong natarayan.

"Uuwi na nga ako."

"Jake, 'wag matigas ang ulo."

"Bahay na kasi!"

"Bahala ka na nga sa buhay mo! Pag may masamang nangyari sayo hindi ko na kasalanan
'yon ha." Sigaw ko dito. Nagpaliko na ako at tinahak ang daan papuntang bahay nila.

Pagkadating ko sa harap ng bahay nila ay agad kong ipinarada ang sasakyan.


Nahihirapan nitong binuksan ang pinto at dahang dahan bumaba ng sasakyan. Ako naman
ay nakaupo pa din at nakatingin lang sa ginagawa nya. Nagsimula na itong maglakad
papasok sa bahay nila. Pagewang gewang pa ito kung maglakad. Kung sana ay pumayag
sya na pumunta sa hospital edi sana ay hindi na sya nahihirapan ng ganyan!

Hindi maatim ng konsensya ko na pabayaan na lang sya basta kaya sa huli ay bumaba
na ako ng sasakyan para alalayan sya.

Pagkalapit ko dito ay agad kong ikinawit ang braso nya sa balikat ko. Napansin kong
natigilan ito pero hindi na nagsalita pa.
"Asan sina tita?" Tanong ko ng mapansin sobrang tahimik ng bahay.

"Wala." tipid na sagot nito.

"Eh sinong tao dito?" Nagsimula ng tumaas ang boses ko.

"Wala."

"Wala naman pala e! Tapos gustong gusto mong umuwi! Sinong mag aalaga sayo nyan?!"
Naiinis na talaga ako. Ano ba kasing problema nya at ayaw nyang magpadala sa
Hospital?! Paano na lang kung wala ako, sinong mag aasikaso sa kanya?!

Namamanghang tiningnan ako nito matapos kong sumigaw. Sinamaan ko ito ng tingin
pero hindi man lang ito natinag. "Ikaw." Nakangiting sabi nya.

"Eh pano pag ayoko?" Tinaasan ko ito na kilay. Nakaakbay pa din sya sa akin at
hinigpitan nya ang pagkakaakbay sa akin kaya mas lalo akong napalapit sa kanya.
Magkadikit na magkadikit ang katawan naming dalawa kaya ramdam na ramdam ko ang
init ng katawan nya.

"Alam kong gusto mo, Wag ng maarte." Kahit nahihirapan ay pilit itong ngumisi sa
akin. Inirapan ko ito at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Pagkadating namin sa kwarto nya ay inihiga ko na ito sa kama nya. Agad nitong
kinuha ang kumot at ibinalot sa buong katawan nya.

Nakaawang na ang labi nito at mabigat na ang bawat paghinga. Inilapat ko ulit ang
likod ng palad ko sa noo nito at pakiramdam ko ay mas lalo itong uminit.

Hinaplos haplos ko muna ang buhok nito para makatulog siya. Alam ko kasing pag
sinabi kong bababa lang ako saglit ay tiyak na hindi ito papayag. Nang marinig ko
ang mahinang paghilik nito ay dahan dahan akong bumaba at nag init ng pwedeng
ipakain sa kanya.

Pagkabalik ko sa kwarto ay nakaupo na ito at nakasandal sa headboard ng kama.


Lumingon ito sa pwesto ko at maluluha luha na ang mga mata nito.

"Akala ko iniwan mo na ulit ako." Bakas ang takot sa boses nya. Lihim akong
napangiti. Hindi ko alam na ganito pala kung umasta 'to pag may sakit.

Inayos ko na ang upo nya at sinimulan ng subuan ng mainit na sabaw. Pagkatapos


nyang kumain ay pinainom ko na 'to ng gamot. Hinipo ko ang likod nya at nagsisimula
na syang pagpawisan.

Kumuha ako ng damit sa cabinet at tangkang aalisin na ang suot nyang polo para
maginhawaan sya ng biglang nagsalita ulit ito. "Anong gagawin mo? Magsesex agad
tayo? Mamaya na. Hindi ko pa kaya." Humahalakhak na sabi nya. Agad itong napangiwi
ng maramdaman ang sakit ng katawan nya. Yumuyugyog kasi ang balikat nya sa tuwing
sya ay tumatawa .

Samantalang ako naman ay napaawang na lang ang labi. Binato ko sa kanya ang puting
sando na kinuha ko. "Magbihis kang mag isa mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Nagbibiro lang ako. Wag kang magalit." Mahinang sabi nya.

"Magpalit ka na." Utos ko. Sinubukan nyang tanggalin ang suot nya pero kita kong
nahihirapan talaga sya.
Bumuntong hininga na lang ako at tinulungan sya sa paghuhubad. Nang mapalitan sya
ng damit ay sinabi nyang iihi muna sya. Inalalayan ko ito papunta sa banyo at nag
antay na lang ako sa labas.

Kitang kita kong nahihirapan talaga sya. Sinabi ko na kung gusto nya ay magpadala
kami ng doctor sa bahay pero ayaw pa din nyang pumayag.

Nang maihiga ko na ito ay bigla kong naalala si Caesar. Tiningnan ko ang oras sa
aking relo at halos manlaki ang mga mata ko ng makitang alas diyes na ng gabi.

Dali dali kong kinalkal ang bag ko para kunin ang cellphone at ng makuha ko ito ay
may 3 missed calls at 10 messages at lahat ng iyon ay galing kay Caesar.

Magtatype na sana ako ng reply ng biglang tumunong ulit ang cellphone ko.

Caesar calling

"Hello?"

"Asan ka na? Nag aalala na ko sayo." Bakas na bakas ang pag aalala sa boses nya.

"Okay lang ako. Ahm. Ano. Andito ako kina Jake ngayon. May sakit kasi sya. Hindi ko
magawang iwan kasi wala syang kasama dito sa bahay. Nakakaawa naman kung iwan ko
ditong mag isa." Mahabang paliwanag ko dito. Sinulyapan ko si Jake at nakita kong
nakatitig ito sa kisame.

"Ganon ba? Sige. Kamusta na sya? Gusto mo ba ng kasama? Punta ako dyan."

"Wag na. Aalis na din naman ako maya-maya." Pagtanggi ko.

"Wag ka munang umalis. Kawawa naman yung tao. Baka hindi pa masyadong magaling
yan." Napairap ako sa sinabi ni Caesar kahit na hindi naman nya ako nakikita.

"Bahala na." Sabi ko na lang para hindi na nya ako pilitin pa.

"Bahala na." Ulit nya at ginaya pa ang boses ko.

"Caesar, isa!" Sabi ko na may pagalit na boses kahit sa totoo lang ay hindi ko
mapigilang mapangiti.

"Caesar gwapo." Humahalakhak na sabi nya sa kabilang linya.

"Unggoy!" Sabi ko habang tumatawa.

"Gwapong unggoy."

"Ewan ko sayo! Bye na nga. Lilinisin ko pa yung pinag kainan ni Jake." Sabi ko ng
maalalang andito nga pala ako para alagaan si Jake. Napasarap ata ang pag uusap
namin ni Caesar.

"Okay. Bye. I love you." Naiimagine ko ang mukha ni Caesar habang sinasabi ang mga
katagang iyan. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Mahal din kita." Sabi ko.

Pagkababa ko ng tawag ay nakita kong nakatitig na si Jake sa akin. Seryoso ang


mukha nito at parang walang balak magsalita. Nailang ako kaya kinuha ko na lang ang
pinggan na pinagkainan nya para sana hugasan ito sa baba ng biglang hilahin ako
nito kaya napahiga din ako sa kama. Magpoprotesta sana ako ng biglang niyakap nya
ako ng mahigpit na halos hindi na ako makahinga at isiniksik pa nya ang mukha ko sa
dibdib nya.

"Ako na lang. Parang awa mo na. Mahalin mo na lang ulit ako." Paos na sabi nya.
####################################
Love Affair no. 39
####################################

Nag iwas ako ng tingin ng mapansin kong nakatitig sya sa akin. Kanina pang ganito
ang scenario naming dalawa. Mahuhuli ko syang nakatingin sa akin tapos mag iiwas
sya ng tingin then vice versa.

Simula ng magkasakit sya ay hindi na kami nakapag usap. Ramdam kong iniiwasan nya
ako. Pag tangkang lalapit ako dito ay agad na itong naglalakad papalayo sa akin.
Pag naman nagtatangka akong kakausapin ito ay gumagawa sya ng paraan para maging
busy ang kanyang sarili.

Gusto ko syang tanungin kung anong ibig sabihin ng sinabi nya sa akin. Pero para
saan pa? May boyfriend na ko at matagal ng tapos ang relasyon naming dalawa. Sya na
din ang nagsabi na kelanman ay hindi nya ako minahal.

"Ma'am. Kumain na daw po kayo sabi ni Sir Jake." Napatigil ako sa pag iisip ng
magsalita ang waitress na nasa harap ko na may dalang isang tray ng pagkain.

Muli kong tiningnan ang kinaroroonan ni Jake kanina pero wala na ito. Ibinalik ko
ang tingin sa pagkaing dala ng waitress at bigla akong natakam ng maamoy na mabango
ito.

Nakasimangot kong kinuha ang pagkain at umupo sa pinaka malapit na upuan.

Buong maghapon na hindi ko man lang nakausap o nalapitan si Jake. Asar na asar ako
sa sarili ko at hindi ko alam kung bakit. Ano bang pakealam ko kung iwasan nya ako?
Bahala sya sa buhay nya!

Pasimple kong iniirapan ito pag nakikita kong kausap nya ang ibang waitress. Kung
makangiti pa sya para bang wala ng bukas! Nagngingitngit na ako sa sobrang inis.
Ako ang manager pero ako ang inietchapwera?!

Inis na inis ako habang nag aantay ng taxi sa labas ng Resto. Naisipan kong umuwi
na lang ng maaga ng hindi nagpapaalam sa kahit kanino. Mas gusto ko pang magkulong
sa condo kesa sa makita ko ang mukha ng asungot na 'yon!

Nagtext sa akin si Caesar na hindi nya ako masusundo ngayon dahil sunod sunod daw
ang utos ng boss nya. Napalingon ako sa likod ko ng makarinig ako ng ingay. Nakita
ko ang mga kasamahan ko kasama si Jake na sabay sabay na naglalakad habang
nagtatawanan.

"Ma'am. Ingat po kayo." Nakangiting sabi ng isang waitress.

"Sige. Kayo din." Sabi ko at pilit na ngumuti. Nagtataka man ako kung saan sila
pupunta ng ganitong kaaga ay hindi na ako nagtanong pa. Baka isipin pa ng Jake na
'yan na mag pakealam ako sa buhay nya.

Mas nangunot ang noo ko ng nagtawanan sina Jake sa may bandang likuran. Kelan pa
naging close si Jake sa mga empleyado nya?! The last time i checked, takot na takot
ang mga emplayado nya sa kanya dahil kung sigaw sigawan ito ni Jake para bang wala
ng bukas.
"Sir. Bakit hindi po natin isama si Ma'am? Hindi po ba empleyado din naman po sya?"
Nakangiting tanong ng lalaking katabi ni Jake.

Nakita kong seryosong nakatitig sa akin si Jake habang nakapamulsa.

"Kayo bahala." Maikling sagot nito at nagpatiuna na sa paglalakad.

Sinamaan ko ito ng tingin kahit alam kong hindi na ako nito nakikita. Halos manlaki
na ang butas ng ilong ko sa sobrang inis.

"Wag na. Nakakahiya naman sa inyo. Mukha naman kasing hindi ako invited." sarcastic
na sabi ko.

"Hindi po Ma'am. Baka po nakalimutan lang ni Sir Jake na sabihan kayo. Sama na po
kayo. Celebration po nating lahat to, manlilibre daw po si Sir kasi mas dumadami
ang kumakain sa Resto ngayon. Dali na Ma'am, para may kasama naman kaming maganda!"
Natatawang anyaya sa akin ng isang lalaki. Agad na nagreact ang mga kababaihan kaya
nagtawanan na ang lahat. Maging ako ay nakitawa na at habang ginagawa ko iyon ay
pasimple kong sinusulyapan si Jake.

Nakita kong madilim na nakatitig ito sa lalaking nagsalita kani kanina lang.

"Lets go!" sigaw ni Jake kaya nagsitahimik ang lahat.

"Ma'am tara na po. Hindi po kayo makakasakay dyan kasi bihira ng dumaan ang taxi sa
ganitong oras. Sumama na po muna kayo sa amin." Sabi ng isang lalaki at hinila na
ako dahil nagsisimula ng maglakad ang iba.

Sa bar kami dinala ni Jake. Sa dami namin ay hindi ko alam kung paano kami nagkasya
sa sasakyan niya. Pagkababa namin sa sasakyan ay agad kaming sumunod kay Jake na
hanggang ngayon ay wala pa ding imik.

Sa VIP room kami pumunta kaya kami kami lang ang magkakasama. Tanaw na tanaw mula
dito ang mga tao sa baba na mga nagsasayawan.

Umorder na sila ng maiinom habang ako ay tahimik lang sa isang tabi.

Gusto ko sanang umorder na makakain dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Ang huli
kong kain ay yung pinadala ni Jake at kanina pa iyong tanghali. Hindi na ako
nakapag meryenda dahil sa dami ng customer kanina.

Mabuti na lang at madami silang inorder na pulutan kaya ayon na lang ang pinag
interesan ko. Halos ako na ang nakaubos nito kaya nakaramdam ako ng hiya. Kinuha
ko na lang ang beer at basta tinungga ito. Panay ang kwentuhan nila ng kung ano ano
at sa totoo lang ay hindi ako makarelate.

Pinagpagan ko ang suot kong pantalon dahil nanlaglag ang mga kinain ko kanina.
"Ma'am kayo?" Tanong na lalaking katabi ko.

"Anong ako?" Kunot noong tanong ko.

"Truth or dare po." Sagot na lalaking nakaupo sa harap ko. Iginala kong ang
paningin ko at napansin kong lahat sila ay nakatingin na sa akin.

"Ha?" Masyado na ba akong madaming nainom kaya't hindi ko alam na naglalaro na pala
sila.

"Truth or dare po. Sa inyo tumapat ang bote kaya kelangan nyong mamili." Paliwanag
ng isa kong kasamahan. Mas lalong nangunot ang noo ko, kailan pa sila nag umpisang
mag laro?

"Si Ma'am talaga. Masyado kasing iniisip ang boyfriend e." Pang aasar ng isa.

Biglang may naalala ako sa larong ito. Tiningnan ko sya at malalim na nakatitig na
din ito sa akin. "Truth." Sabi ko habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya.

"First boyfriend mo po ba yung boyfriend nyo ngayon?" Tanong ng babae na nakaupo


malapit sa akin.

"Hindi e." Naiilang na sagot ko dahil parang alam ko na ang patutunguhan ng tanong
na ito.

"Ganun po ba? Pang ilan po sya? Nakailang boyfriend na kayo." Dagdag pa niya.

"Dalawa pa lang." Sagot ko at huminga ng malalim.

"Sino po yung isa?!" Excited na tanong nya.

"Cheska tama na. Nakakahiya kay Ma'am. Madami na tayong natatanong sa kanya. Tsaka
imposible namang kilala nating 'yun." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng isa
kong kasamahan. Akala ko ay mauungkat pa dito ang naging relasyon ni Jake. Mabuti
na lang at tinigilan na nila ako. Kung sakali man pati na tanungin nila ako baka
hindi ko din sabihin sa kanila ang totoo. Ewan ko lang, baka kasi maissue pa kami
pag nagkataon.

"Sir. Truth or Dare." Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong beer ng maghiyawan ang
mga kasamahan ko. Nakita kong nakatitig sila kay Jake habang hinhintay ang sagot
nito.

"Truth." Maikling sagot nya. Pumikit ako at huminga ng malalim. Tulad ng dati. De
javu.

"Sir may girlfriend po ba kayo ngayon?" Kinikilig na tanong ng babaeng katabi nya.
Pasimpleng umirap ako. Ang landi. Tinandaan kong mabuti ang mukha ng babaeng iyon.
Humanda ka sa akin bukas.

"Wala." Tamad na tamad na sagot ni Jake.

Nag iritan ang mga babae matapos magsalita ni Jake. Tinakpan ko pa gamit ng kamay
ang dalawang tenga ko dahil sobrang ingay nila.

"Pero nagkagirlfriend na kayo sir?" Tanong ulit ng babaeng malandi. Talaga namang,
ayaw paawat! Kahit walang girlfriend 'yan hindi ka papatulan nyan 'neng! Ang
babaeng 'to. Kaiirita. Para naman tagyawat na tinubuan ng mukha!

"Oo." Maikling sagot ni Jake at sinulyapan ako. Nag iwas ako ng tingin at kinausap
ang lalaking katabi ko para kunwari ay hindi ako interesado sa sinasabi niya kahit
sa totoo lang ay nasa kanya ang buong atensyon ko.

"Ganun? Bakit kayo nagbreak sir?" Singit naman ng isang lalaki.

Pinagpapawisan na ang kamay ko at hindi na talagang hindi ako komportable. Bakit ba


kasi napunta dito ang usapan?!

Tinungga muna nito ang alak na malapit sa pwesto nya bago sumagot. "Gago kasi ako."
Sabi nito.

"Bakit po? Anong ginawa nyo sa kanya?"


"Sinaktan ko sya." Mahinang wika nya. "Galit ako kaya may mga bagay akong nagawa at
nasabi sa kanya. Pero hindi ko naman yun sinasadya e. Nagsisi na ko." Nakayuko na
ito ngayon. Ako naman ay parang napatda sa kinauupuan ko. Biglang may gumuhit na
sakit sa aking dibdib. Sakit na ngayon ko na lang ulit naramdaman.

"Kung bibigyan lang nya ako ng second chance. Last chance kahit kapalit ng buong
pagkatao ko, tatanggapin ko" Napansin kong nag iba na ang boses nya. Parang paiyak
na ito.

"Change topic na tayo." Nag angat ng tingin si Jake at agad na ngumiti. Pansin kong
iniiwasan nyang mapatingin sa gawi ko.

Maya maya pa ay tumayo ito at naglakad palabas sa VIP room. Hindi na ako
nagdalawang isip pa at sinundan ko ito. Hindi pa ito nakakalayo kaya madali ko
itong naabutan.

Namilog ang mga mata nito ng makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Anong ibig sabihin ng sinabi mo? Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan."
Alam kong mas lalo akong hindi matatahimik pag hindi ko sya makakausap ngayon.

Noong isang araw pa ako gulong gulo. Magmula ng mag makaawa sya sa akin at sabihin
na mahalin ko na lang ulit sya ay hindi na ako nakakatulog ng ayos. Dumating pa nga
sa punto na napapaginipan ko na sya.

"Ano ba?! Sumagot ka nga!" Bulyaw ko sa kanya. Inis na inis na ako. Sa ugali nya,
sa pagmumukha nya, sa buong pagkatao nya!

"Wala 'yon." Kalmadong sagot nya

"Anong wala 'yon?!" Tinulak ko ito pero hindi man lang ito natinag. Nananatili lang
itong kalmado at para bang walang pakealam sa nangyayari.

Tumitig ito sa akin at huminga ng malalim. "Bakit? Pag sinabi ko ba sayo babalik ka
na ulit sa akin?" May bahid ng lungkot na tanong nya.

"Hindi. Pero atleast nalaman ko ang totoo. Gusto kong malaman ang side mo. Ano ba
talagang nangyari? Bakit mo ko tinaboy four years ago?" Kalmadong tanong ko sa
kanya.

"Nakita ko kayo ni Tristan papasok sa motel." Umpisa nya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Napaawang din ang labi ko. "Pero ano. Walang
nangyari samin. Sumama lang ang tyan ko kaya kami pumunta don." Paliwanag ko kahit
alam kong wala ng saysay ang mga ito.

"Alam ko." Maikling sagot nya. "Nagkasalubong kami ni Tristan nung isang araw.
Kasama nya ang mag ina nya. Akala nya tayo pa. Nasuntok ko pa nya sya nun e."
Tumawa sya sa huli nyang sinabi. "Grabe. Ang tanga ko." Sabi nya sa kanyang sarili.

Sinubukan kong magsalita pero walang kahit nikatiting na boses ma lumabas sa labi
ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Galit? Panghihinayang? Pagkamuhi?

Hindi ko na alam. Nagkahalo halo na.

"Kung sana binigyan kita ng pagkakataon ng magpaliwanag siguro mag asawa at may mga
anak na din tayo 'no?" Kitang kita ko sa mga mata ko na nasasaktan sya. Nasasaktan
pa din sya hanggang ngayon. Hindi ko maatim na tingnan sya kaya nag iwas ako ng
tingin. Sunod sunod ang impormasyong nalaman ko. Hindi ko kinaya ang mga pasabog
ngayong araw.

Bigla bigla nya akong hinapit papalapit sa kanya at napapikit ako ng dinampi nya
ang labi sa noo ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil imbis na itulak ko
sya papalayo ay hinayaan ko lang syang yakapin ako ng sobrang higpit na para bang
natatakot syang makawala pa ako.

"Tangina. Mahal na mahal pa din kita. Sobra sobra pa." Kinilabutan ako sa sinabi
nya. Nanlamig ang buong katawan ko at napaawang din ang labi ko.

Magsasalita pa sana si Jake ng biglang mag ring ang cellphone ko. Tiningnan ko ito
at nakita ko ang pangalan ni Caesar. Ibinalik ko ang tingin kay Jake na ngayon ay
nakatingin na din sa hawak kong cellphone.

"Sagutin mo na." Sabi nya sa akin at pilit na ngumiti. "Sobrang sakit. Tangina."
Sabi nya bago tumalikod pero kahit madilim sa pwesto namin ay hindi nakaligtas ang
takas na luha na lumandas sa mukha nya.
####################################
Love Affair no. 40
####################################

"Mariel, bangon ka na dyan. Ilang araw ka ng 'di pumapasok. Nag aalala na ko sayo."
Tamad na sumandal ako sa headboard ng kama. Tiningnan ko ang kinaroroonan ni
Caesar. Nakasilip ito sa may pintuan at seryosong nakatingin sa akin.

Sinenyasan ko ito na lumapit sa akin at agad din naman nyang ginawa. Naupo ito sa
gilid ng kama. "Tinatamad akong pumasok. Dito na lang ako sa bahay." Sabi ko at
naghikab.

"Hindi pwede, mag iisang linggo ka ng nagkukulong dito? Masama ba ang pakiramdam
mo?" Nag aalalang tanong ni Caesar. Agad din naman akong umiling.

"Ano ba kasing nangyayari? Yung totoo?" Seryosong tanong nito.

"Wala nga. Tinatamad lang talaga akong pumasok." Pagsisinungaling ko sa kanya.


Hindi ko lang talaga kayang harapin si Jake sa isip isip ko.

"Mariel, alam ko pag nagsisinungaling ka. Namumula yang tenga mo. Yung totoo?"
Pinipilit nitong hulihin ang mga mata ko.

Nag iwas ako ng tingin.

"Nagkausap kami ni Jake." Nakataas ang isang kilay nito habang hinihintay ang
susunod kong sasabihin. "Tungkol dun sa naging relasyon namin dati." Dagdag ko.

Ngumiti ito sa akin at ginulo ang magulo kong buhok. "Edi okay. Atleast, nagkaroon
na kayo ng closure." Mariin akong napapikit matapos marinig ang sinabi nya. Hindi
closure ang nangyari Caesar, patawad.

Napansin kong parang natigilan ito sa naging reaksyon ko. "May bumalik ba?" Hindi
makapaniwalang tanong nya.

Hindi ako makaimik. Hindi ako handa. Hindi.. Hindi ko alam."

"Sana pala naging mahigpit ako pagdating kay Jake 'no? Kung alam ko lang.. Sana
iniwan na lang kita sa Davao." May halong pait ang boses nito.

"Caesar, sorry. Wag ka ng magalit." Sabi ko at niyakap sya ng mahigpit. Kahit sa


ganitong paraan man lang. Gusto kong mabawasan ang sama ng loob na nararamdaman
nya.

"Sorry.. Sorry.. Sorry." Paulit ulit kong sabi sa kanya.

"I'm not mad.. I can't.. I'm just hurt." Nahihirapang sabi nya.

"Caesar naman." Kinuha ko ang kamay nito at pinisil.

"Five minutes lang Mariel. Aalis muna ako. Pagbalik ko okay na ulit tayo." Sabi nya
at nginitian ako ng pilit. Inalis nito ang pagkakahawak ko sa kanya. Nanghihinang
tumayo ito at naglakad papalabas ng kwarto ko. Hindi ko makayanan na nakikita syang
nasasaktan kaya mas minabuti kong wag syang tingnan. Hindi ko inaakala na aabot
kami sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko alam kung para kanino ang luhang pumapatak sa mga mata ko. Hindi ko alam
kung sino ang iniiyakan ko. Ang tanging tumatakbo lang sa isipan ko, pare parehas
kaming nasasaktan. Si Jake, Caesar at Ako.

Hapon na at hindi pa din bumabalik sa condo si Caesar. Unattended din ang phone nya
kaya nagsisimula na akong mag alala. Pag may nangyaring masama sa kanya ay hindi ko
mapapatawad ang sarili ko. Minabuti kong lumabas na lang ng condo at
magbabakasakaling makita sya.

Hindi pa man ako nakakalayo ay natatanaw ko na ang isang pamilyar na bulto ng


katawan. Ang taong halos isang linggo kong hindi nakikita. Ang taong nagpagulo ng
isipan ko.

"Jake." Tawag ko sa pangalan nya. Gulat itong lumingon sa kinaroroonan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.

"Hinahanap ko sa Caesar." Pagkabanggit ko ng pangalan ni Caesar ay nakita kong agad


na gumuhit ang sakit sa mga mata nya.

Binalik nito ang tingin sa harapan nya at malalim na nagbuntong hininga.

"Mabuting tao si Caesar. Hindi ka nya sasaktan." Sabi nya.

"Alam ko."

"Ako, gago. Bobo na nga. Tanga pa." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Hindi ko
alam kung anong tumatakbo sa isip nya para sabihin ang mga ganang klaseng bagay.

"Samahan na kita." Sabi nya at tumayo. Humarap ito sa akin at binigyan ako ng isang
pilit na ngiti.

"Saan?" Takang tanong ko.

"Sa paghahanap sa kanya." Mas nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tinitigan ko ito at nakita ko sa mga
mata nito na hindi nga sya nagbibiro.

"Oo, Tutal nasasaktan na din naman ako edi lulubus-lubusin ko na." Magsasalita pa
sana ako ngunit nagsimula na itong maglakad. Napakamot na lang ako ng ulo habang
nakasunod sa kanya.

Mga nasa sampung minuto na kaming naglalakad kaya nagsisimula na akong mapagod.
Nananatili pa din akong nasa likod nya. "Sandali, pagod na ko." Hinihingal na sabi
ko sa kanya.

Tumigil ito sa paglalakad at kunot noong nilingon ako. Pinagtaasan ko ito ng kilay
ng nakita kong pinasadahan nya ng tingin ang buong katawan ko. Nagtagal ang tingin
nya sa may paanan ko kaya napatingin din ako doon.

Bumuntong hininga ito at naglakad papalapit sa akin. Mas nangunot ang noo ko ng
makita kong hinubad nya ang suot nyang sapatos sa harapan ko. Matapos nyang gawin
iyon ay lumuhod sya at sinimulan na nyang hubadin ang high heels ko pero mabilis ko
itong pinigilan. "Ano bang ginagawa mo?! Tumigil ka nga dyan! Nakakahiya!" Pagalit
na sabi ko sa kanya ng nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Isuot mo 'tong sapatos ko para hindi ka na mahirapan." Sagot nya at pilit ulit
tinanggal ang suot ko sa paa.

"Nahihibang ka na ba?! Anong isusuot mo? Itong akin?! Three inches ang heels nito!"
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa gusto nyang mangyari.

Natawa ito at kinuha ang paa ko, napaluhod pa din sya sa harapan ko. Hindi na ako
nakatanggi ng isinuot na nya sa akin ang kanyang sapatos.

"Anong isusuot mo?" Tanong ko sa kanya.

Tumayo ito at kinuha ang suot kong sandals. "My medyas pa naman ako." Sabi nya at
ngumiti. Nagsimula na ulit syang maglakad.

Napalingon ako sa paligid at nakita ko ang lahat ng tao ay nakangiting nakatingin


sa akin.

Tiningnan ko ulit ang sapatos nya na ngayon ay nakasuot na sa akin ngayon. Mukha
akong tanga dahil sobrang laki nito sa paa ko at isa pa, hindi ito bagay sa suot
kong damit ngayon.

"Pagod ka na ba talaga? Gusto mo buhatin kita?" Sigaw nya. Malayo na ang ito sa
akin. Nag iritan naman ang mga tao sa sinabi ni Jake. Ramdam na ramdam ko ang
pamumula ng buong mukha ko kaya tumungo ako at itinago ang mukha ko sa pamamagitan
ng aking buhok.

Agad akong lumapit dito at pinanlakihan ko ito ng mata, nangunot lang ang noo nito
at napakamot sa batok nya.

"Halika na nga!" Sabi ko sa kanya at hinila na sya.

Sinubukan ko ulit na tawagan si Caesar ngunit unattended pa din ito. Naisipan kong
puntahan ito sa pinagtatrabahuhan nya. Walang dalang sasakyan si Jake kaya
nagcommute kami.

Uwian ngayon kaya punuan ang bus. Nakatayo kami ni Jake sa may bandang likod.
Sobrang siksikan kaya naman tagaktak na kami ng pawis.

Napatingin ako kay Jake ng mapansin na hindi ito mapakali. "Problema mo?" Mataray
na tanong ko sa kanya.

"Dito ka pumwesto sa unahan ko, please." Pabulong na sabi nya.


"Bakit?" Takang tanong ko. Naka pwesto kasi ako ngayon sa tabi nya.

"Yung siko mo kasi dumidikit sa ibang lalaki." Sabi nyahabang nakatingin sa siko
ko.

"Para kang tanga." Hindi ko alam kung seryoso o nagbibiro lang ba ito sa sinabi
nya.

"Bilis na kasi." Hindi ko ito pinansin at ibinaling na lang ang atensyon sa unahan.
Kahit na malayo sa amin ang tv dahil nasa pinaka likod kami nanuod na lang ako ng
palabas. "Huy. Kahit umipod ka na lang ng konti papalapit sa akin. Konti lang."
Pangungulit nya.

"Miss pagbigyan mo na 'yang boyfriend mo at nagseselos." Kinikilig na sabi ng isang


matanda malapit sa amin.

"Hindi ko po 'yan boyfriend." Sabi ko at pilit na ngumiti sa matanda.

"Mag ano kayo?" Naguguluhang tanong ng matanda. Sasagot na sana ako ng biglang
nagsalita sa Jake.

"Ex girlfriend ko po, soon to be my wife." Dagdag ni Jake pagkatapos ay humalakhak


ng malakas. Maging ang ibang pasahero ay nakitawa na din sa kanya.

Pinagkukurot ko ito sa tagiliran. Naririnig ko ang komento ng iba na ang sweet daw
kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya.

Pagkarating namin sa pinagtatrabahuhan ni Caesar ay bigo kami dahil ni anino nya ay


hindi namin nakita doon. Naglalakad na kami ngayon. Iniisip ko kung saan pa ang
lugar na pwede nyang puntahan. Sinubukan ko ulit na tawagan ang number nya ngunit
hanggang ngayon ay hindi ko pa din ito macontact.

Nag aalala na ko sa kanya. Maggagabi na at hanggang ngayon ay wala akong kaide-


ideya kung nasaan sya.

"Gutom na ko. Kain muna tayo." Anyaya nya.

Umiling lang ako dito at tsaka nagsalita. "Ikaw na lang, hahanapin ko pa si Caesar.
Sige na. Salamat sa pagsama." Sabi ko. Hindi ko kasi kayang kumain gayong hindi ko
alam kung nasa mabuti bang kalagayan si Caesar.

"Mabilis lang naman. Hahanapin ulit atin sya pagkatapos na pagkatapos nating
kumain." Pamimilit nya sa akin. Hindi ko na nagawang sumagot dahil hinila na nya
ako.

Pagkapasok namin sa isang mamahaling Restaurant ay agad kaming nakakuha ng


atensyon. Paano ba naman hindi, hanggang ngayon ay nakasuot pa din sa akin ang
sapatos nya at sya ay tangging medyas lang ang suot sa paa. Nakahawak ang kanang
kamay nya sa braso ko habang ang kaliwa naman nyang kamay ay hawak hawak ang
sandals ko.

Hindi alintana ni Jake ang mga matang nakatingin sa amin. Habang kumakain kami ay
panay ang buntong hininga ko. Ramdam ko naman ang paninitig nya sa akin. Nagkunwari
na lang akong hindi ko pansin iyon kahit sa totoo lang ay ilang na ilang na ako.
Nakakailang kayang kumain kapag alam mong may nakatingin sayo!

Pagkatapos naming kumain ay agad na din kaming umalis doon. Panay ang tingin ko sa
cellphone, umaasa na itetext o tatawagan ako ni Caesar.
"Asan ka na ba kasi?" Bulong ko sa sarili ko.

"Baka sa mall!" Sigaw naman ng katabi ko. "At ano namang gagawin nya sa mall aber?"
Nakapayawang na tanong ko dito.

"Malay mo naga-unwind! Tara, try natin! Tapos magdate na din tayo para hindi sayang
ang oras." Tumawa sya sa huli nyang sinabi. Maging ako ay natawa na din sa
kalokohan nya.

"Gago!" Sabi ko at hinampas ang kanyang braso.

"Uwi ka na. Gabi na oh. Kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko at itinutulak sya
papalayo sa akin. Napansin ko kasing dikit na dikit na ito sakin.

"Tapos ano? Papabayaan kita ditong mag isa? No way!" Pagalit na sabi nito.

"Bahala ka." Sabi ko na lang.

Naglakad lakad pa din kami hanggang sa naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.
Natataranta komg kinuha ito sa aking bulsa. At halos manlaki ang mata ko ng makita
kong si Caesar ang tumatawag.

"Hello?! Asan ka ba?! Sobrang nag aalala na ko sayo!" Sabi ko pagkasagot na


pagkasagot ng tawag.

"Kakauwi ko lang. Umuwi ka na din. Sorry, pinag alala kita. Asan ka ba ngayon?"
Tanong nya sa mahinahong na boses.

"Sa labas. Hinahanap ka." Sagot ko. Napatingin ako kay Jake ng tumikhin ito.
"Kasama si Jake." Dagdag ko. Ayokong maglihim sa kanya. Pag ginawa ko kasi iyon,
pakiramdam ko ay mas lalong lalaki ang kasalanan ko sa kanya.

"Ganun ba? Sige, uwi ka na." Sagot nya at sa kauna unahang pagkakataon ay
pinagbabaan nya ako ng tawag.

Hindi na ako pumayag ng sinabi ni Jake na ihahatid pa daw nya ako sa Condo ni
Caesar. Pagkarating ko sa tapat ng unit nya ay huminga ako ng malalim bago pumasok
sa loob. Sobrang tahimik pagkapasok ko sa loob. Tinawag ko ang pangalan ni Caesar
ngunit walang sumagot.

Naglakad ko patungo sa kwarto nya. Kumatok muna ako ng tatlong beses at ng wala
akong matanggap na sagot ay nagpasya na akong pasukin ito. Nakita ko na nakahiga si
Caesar sa kanyang kama habang yakap ang lalagyan kung saan nakalagay ang abo ng
kanyang mga magulang. Pakiramdam ko ay unti unting dinudurog ang puso ko ng makita
ko ang kalagayan nya.

Nilapitan ko ito at marahang hinaplos ang buhok nya. Marahil nakatulugan na nito
ang paghihintay sa akin.

Dahan dahan akong nahiga sa tabi nya at niyakap sya ng mahigpit. Wala na akong
pakealam kung magising man sya. Ang gusto ko lang ay maramdaman nya ako, na hindi
sya nag iisa.

Umungol ito pero hindi ito nagising. Naisipan kong dito na lang matulog sa tabi
nya. Ito ang kauna unahang magtatabi kami ng pagtulog. Sobra namang laki ng tiwala
ko sa kanya kaya alam kong wala syang gagawing masama sa akin. Niyakap ko lang sya
ng mahigpit hanggang sa dalawin na ako ng antok.

Nagising akonng maramdaman ko na may parang dumidila sa may leeg ko. Agad na
nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas.

"Sht!" Mura ko at napahawak sa may ulo ko ng maramdaman na sumakit iyon. Biglang


bangon kasi ako kaya siguro naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko.

Nakita ko si Caesar sa gilid ng kama at halos mamatay na sa kakatawa. Kinuha nya


ang aso na kanina lang ay dinila dilaan ang leeg ko.

"Saan galing yan?!" Pagalit na tanong ko sa kanya. Nakatayo pa din ako sa ibabaw ng
kamay at si Caesar naman ngayon ay hinihimas himas ang asong hawak nya.

"Ewan ko." Sagot nya habang hindi pa din natitigil sa pagtawa.

Binato ko ito ng unan. "Ginising mo 'ko! Ang sarap sarap ng tulog ko eh." Padabog
na umupo ako sa kama at niyakap ang isang unan. Nasabi ko na bang ayoko sa lahat ng
ginigising ako ng walang dahilan? Nakakinit kaya ng dugo!

"Hindi ako ang gumising sayo ha. Si Bruno, nagulat na nga lang ako ng bigla ka na
nyang tinalon sa kama." Paliwanag nya. "'Di ba bruno? Di ba? Di ba?" Sabi nya at
pinaghahalikan ang aso.

Tiniklop ko na lang ang mga kumot dahil alam kong hindi na din naman ako
makakatulog. Mataas na ang sikat ng araw.

Pagkarating ko sa may kusina ay napansin kong may nakahanda ng agahan. Hindi ko


maiwasang mapangiti.

"Ikaw ag nagluto nito?" Nakangiting tanong ko kay Caesar.

"Hindi, si Bruno." Sabi nya at tumawa. Pabirong hinampas ko ito.

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang pagmasdan si Caesar. Nakangiti na ulit


ito at maaliwalas na ulit ang mukha. Hindi ko tuloy alam kung masaya ba talaga sya
o puros pagpapanggap lang ang ipinapakita nya.

"Caesar." Tawag ko sa kanya na dahilan para mapatigil sya sa pagkain.

Tiningnan ako nito at hinintay ang susunod na sasabihin ko. "Yung kahapon."
Panimula ko. Sht. Hindi ko alan kung anong sasabihin ko. Pakiramdam ko ay sumabak
ako sa gera na wala man lang dala na kahit na anong armas.

"Wala 'yon!" Sabi nya ng nakangiti.

"Basta kung ano man ang maging desisyon mo, andito lang ako. Kung sino man ang
mahalin mo, andito pa rin ako. Kung sino man ang piliin mo, gwapo pa rin ako."
Tumawa ito sa kanyang huling sinabi. Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng sobrang
higpit. Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Sobrang swerte ko kay Caesar. Ako na
yata ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo dahil ako ang minahal nya.

"Bakit ka umiiyak?!" Gulat na tanong nya at agad pinahid ang luha ko.

"Ikaw kasi e! Sobrang bait mo! Nakakainis ka!" Sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko.

Tumawa lang ito at ginulo ang buhok ko. "Oo nga pala, bakit doon ka natulog sa
kwarto ko kagabi?" Sasagot na sana ako ng magsalita ulit ito.

"Pagsasamantalahan mo ko no!" Ngumiti sya ng nakakaloko, ako naman ay humagalapak


naman ng tawa dahil niyakap pa nito ang sarili nya.
"Ang kapal mo!" Natatawang sabi ko sa kanya.

"May balak ka bang gahasain ako?" Naluluhang sabi nya. Nasabi ko na ba na member si
Caesar ng drama club noong highschool daw sya kaya magaling sya umarte.

"Pero on the other hand, okay na din pala. Basta ba papanagutan mo 'ko. Ayoko
kasing mawala na lang basta basta ang puri ko." Humina ang boses nito sa kanyang
huling sinabi. Para bang totoong totoo ang sinasabi nya.

"Ikaw pa ang mawawalan ng puri?!" Hindi ko mapigilan mahalakhak.

"Oo, ang kaso dehado ako. Gwapo ako tapos ikaw." Pinasadahn nya ng tingin ang aking
buong katawan. "Hindi masyadong kagandahan."

"Ang kapal mo!" Pabirong hinamapas ko ito sa braso.

Matapos naming mag umagahan ay nag ayos na si Caesar para pumasok. Pagka alis nya
ay nag imis na lang ako. Maghapon akong nagkulong sa Condo unit nya. Nag movie
marathon na lang ako pampalipas oras.

Nasa gitna na ako ng panonood ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito sa may center table at basta na lang ito sinagot. Hindi ko na
tiningnan kung sinobang tumatawag dahil nakatutok ang atensyon ko sa buong palabas.

"Hello?"

"Hindi ka na ba talaga papasok?" Napatigil ako sa pagsubo ng chips ng marinig ko


ang boses nya. Bakas na bakas ang kalungkutan nya.

"B-bakit?" Nauutal na tanong ko sa kanya.

"Miss na miss na kasi kita." Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa boses nya.

"Jake. Ahm. Ano. May gagawin pa kasi ako. Next time ka na lang tumawag." Hindi ko
na ito hinintay pang sumagot at basta na lang pinatay ang tawag.

Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag, hindi ko napansin na habang kausap ko pala ito
ay pigil na pigil ang bawat paghinga ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Gusto ko syang iwasan pero aaminin ko na
parang may kulang pag hindi ko sya nakikita. Hindi ko na talaga alam ang gagawin
ko. Bumuntong hinga ako at pumikit ng mariin.

Akala ko wala na akong nararamdaman pa sa kanya. Akala ko parte na lang sya ng


nakaraan.

Hindi pala. Mali pala. Akala ko lang pala.

***

Hi! Wala pa din kaming net kaya sorry talaga kung minsan na lang ako mag update.
Salamat sa pagbabasa :)

May inadd akong reader sa real acct ko sa fb kasi sobrang natuwa ako sa ginawa nya
kaso di nya ako inaaccept. haha
####################################
Love Affair no. 41
####################################
Binitiwan ko ang aking cellphone at sinimulan ng ayusin ang aking sarili. Nagtext
sa akin si Ernie dahil nalaman nyang nasa Maynila ako, naandito din sya ngayon
dahil may photoshoot na magaganap mamaya. Sinabi nya sa akin na tamang tama ang
pagpunta ko dito, nagkulang kasi sila ng model.

Agad naman akong pumayag sa sinabi nya. Mas gugustuhin ko pang lumabas kesa ikulong
na naman ang aking sarili dito sa loob ng condo unit ni Caesar.

Bago ako umalis ay tinitigan ko muna ang aking sarili sa harap ng salamin. Naglagay
na lang ako ng light na lipstick at pulbos sa aking mukha. Nang makontento ako ay
kinuha ko na ang bag ko at naglakad na papalabas ng unit.

Pagdating ko sa lugar na sinabi ni Ernie ay kitang kita ko ang pagkataranta ng mga


tao dito. Umupo muna ako sa isang tabi at sinubaybayan ang bawat galaw nila.

"Babe." Nagsitayuan ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit na hininga nya sa


tenga ko. Hindi pa man ako lumilingon ay alam ko na agad kung sino ang mapangahas
na bumulong sa akin.

Napatayo ako ng wala sa oras."Anong ginagawa mo dito?!" Pagalit na tanong ko dito.

"Coincidence I think?" Nakangising sabi nya sa akin.

Inirapan ko ito. "Coincidence mo mukha mo! Sinusundan mo ko no?!" Pag aakusa ko sa


kanya. Tiningnan nya lang ako. Medyo nailang ako sa klase ng pagtingin nya sa akin
dahil para bang tinitingnan nya ang buong pagkatao ko.

"Mariel! Oh my G, I miss you!" Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Ernie na


papalapit sa akin. Pagkalapit nito sa akin ay agad ko itong sinalubong ng yakap,
nakipag beso din muna ito sa akin bago ibinaling ang tingin kay Jake.

"Jake Emralino, right?" Tanong ni Ernie habang nakatingin kay Jake. Nagtataka man
kung paano nakilala ni Ernie si Jake ay mas minabuti kong manahimik na lamang.

Nakapamulsa si Jake at hindi pa din inaalis ang tingin sa akin. "Yea." Maikling
sagot nya.

Hinapit ko si Ernie papalapit sa akin. "Bakit 'yan andito?" Pabulong na tanong ko


dito.

"Baka sinusundan ka girl! Ang gwapo! " Kinikilig na sabi ni Ernie. Binatukan ko
ito, tatawa-tawa lang sya habang pasimpleng sinusulyapan ang kinaroroonan ni Jake.

Maya-maya ay nagpaalan muna ito sa aming dalawa dahil aasikasuhin daw muna nya ang
ibang model.

Hinarap ko si Jake na ngayon ay prenteng-prente na nakaupo sa kinauupuan ko kanina.


"Ano bang ginagawa mo dito?! Umalis ka na nga!" Sigaw ko dito.

Napatingin ako sa gilid ko ng makarinig ako ng hagikhikan. Nakita ko ang grupo ng


mga babae habang nakatingin sa pwesto ni Jake. Sinamaan ko sila ng tingin at para
bang balewala lang sa kanila iyon. Patuloy pa din sila sa pagtingin kay Jake.
Lalong kumulo ang dugo ko, mga malalanding walang pakiramdam!

Napalingon ako kay Jake ng maradaman kong tumayo ito at tumabi sa akin. Nakapamulsa
ito at nilingon ang kinaroroonan ng mga naghahagikhikang babae. "Mga Miss, alis
kayo dyan. Nagseselos 'tong misis ko." Sabi ni Jake at inakbayan pa ako.
Nakita ko ang pagkabigo sa mukha ng mga babae at agad din naman silang umalis. Nang
makaalis sila ay tsaka lang rumehistro sa utak ko ang sinabi ni Jake. "Gago ka ah!
Bakit mo sinabi 'yon?" Sabi ko at pinagkukurot sya.

Humalakhak lang sya habang iniiwas ang katawan sa akin. "Tama na, masakit." Sabi
nya habang tumatawa.

Nang mapagod ako ay tumigil na ako sa pananakit sa kanya. Umupo muna ako at
nagpahinga. "Tubig oh." Sabi ni Jake sabay lahad sa akin ng isang basong tubig.

Hindi na ako naginarte pa at kinuha na lang iyon, uhaw na din naman kasi ako. Naupo
ito sa sahig at pinaglaruan ang kanyang binti, pinapalo nya ito na parang drum.
Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa nya iyon. Naririnig ko din na
sinasabayan nya iyon ng mahinang pagkanta.

Napatigil sya sa ginagawa nya ng may biglang umupo sa harap nya at hinawakan sya sa
dalawang balikat. "Parang awa mo na, kulang kami ng model na lalaki kaya kelangan
ka namin. Please, nagmamakaawa ako sayo." Sabi ni Ernie habang niyuyugyog ang
balikat ni Jake. Nakakunot naman ang noo ni Jake na para bang hindi naiintidihan
ang nangyayari.

"Bakit? Sinong wala?" Tanong ko. Bumaling sa akin si Ernie. "Si Ephraim." Sagot
nya. Tumahimik ako at inisip kung ano nga bang itsura nung Ephraim. Agad ko din
naman itong naalala, moreno ito at sobrang tangkad. Nakapartner ko na ito sa
photoshoot ko sa Davao kaya lang ay hindi kami nakakapag usap. Tahimik kasi ito at
palaging gustong mapag isa.

Hindi pumayag si Jake kaya bigong-bigo si Ernie. Kahit anong pilit nya ay hindi ito
pumayag. Bumulong pa sa akin si Ernie na pilitin ko si Jake ngunit hindi ko ito
ginawa. Ayokong makealam sa desisyon nya. Nanatili lang akong tahimik at nakatingin
ang dalawa. Sa huli ay napagdesisyunan na lang na magdodoble ng gagawin ang isang
lalaki. Isang solo ang gagawin at isang may kapartner.

Habang inaayusan ako ay hindi ko maiwasang isipin si Jake. Hanggang kelan ba nya
gagawin ang bagay na 'to? Hangga't maaari ay ayokong masanay sa presensya nya.
Ayokong dumating ang araw na hahanap hanapin ko ang presensya na.

Napatigil ako sa pag iisip ng magsalita ang make up artist at sinabing ako na daw
ang susunod.

Napangiti ako ng malaman ko na si Neil ang kapartner ko ngayon. Kaclose ko kasi ito
at napaka loko din. Pabirong hinampas ko ito ng makalapit ako dito. "Long time no
see!" Sabi nya at hinalikan ako sa kaliwang pisngi. Normal na sa aming model ang
ganitong bagay. Wala itong malisya dahil ang turingan namin dito ay magkakapatid.
"Miss mo ko?" Tanong ko habang nakangisi.

"Sobra." Natatawang sagot nya. Napatigil kami sa pag uusap ng tawagin kami ng
photographer. Nagpunta na kami doon at agad akong nasilaw ng itapat sa amin ang
ilaw. Hindi na ako sanay sa ganitong klaseng liwanag dahil matagal tagal na din na
hindi ako nakapag photo shoot.

Nang masanay ang mata ko sa liwanag ay agad na kaming nagpose ni Neil. Ang unang
pose namin ay nakatalikod ako sa kanya habang sya ay nakatitig sa akin at
nakayakap, ako naman ay seryosong nakatingin sa camera.

Agad kaming napalingon ng marinig ko ang matinis na pag irit ni Ernie.

"Neil! Alis ka na dyan! Shoo. Hindi na ikaw ang kapartner ni Mariel." Bumitaw sa
pagkakayakap sa akin si Neil at naguguluhang hinarap si Ernie.

"Bakit?" Kunot noong tanong nya. Maging ako man ay nagtataka sa sinabi nya. Ano
bang nangyari? Hindi ba nya nagustuhan yung ginawa namin kanina? Sabi naman nung
photographer ay okay na okay daw kaming dalawa.

"Si Jake na dyan." Kinikilig na sabi ni Ernie. Namilog ang mga mata ko ng lumabas
si Jake sa isang dressing room. Rinig na rinig ko ang singhapan ng mga tao. Maging
ako ay napatulala sa kanya. Parang tumigil ang mundo at lahat ng tao ay nawalang
parang bula. Wala akong nakikita kung hindi sya lang, wala ng iba. Parang slow
motion itong lumapit sa kinaroroonan ko. Napalunok ako ng mapatitig ako sa kanyang
katawan. Wala itong suot na pang itaas kaya kitang kita ang biceps nya. Ang tanging
suot lang nito ay pantalon, mababa ang pantalon nya na para bang konting galaw lang
nya ay mahuhubaran na sya.

Narinig ko ang pagngisi nya ng makalapit ito sa akin. Napakunot ang noo ko ng
pinasadahan nya ng hawak gamit ang kanyang hinlalaki ang gilid ng labi ko at
pagkatapos noo ay inilapat nya sa labi nya ang hinlalaki nya. "Laway mo babe
tumutulo, sayang naman." Nakangising sabi ni Jake.

Inirapan ko ito para maibsan ang pagkapahiya. Pasimpleng kinapa ko ang gilid ng
labi ko at ng maramdaman kong tuyo naman ito ay tsaka ko narealize na pinagtitripan
nya ako. Sisigawan ko pa sana ito ng biglang tinawagan na kami ng photographer at
sinabing magsisimula na kami.

Aaminin kong naiilang akong kadikit sya. Wala syang suot na pang itaas kaya ramdam
na ramdam ko ang init ng balat nya. Para bang pagnagkakadikit kaming dalawa ay
napapaso ako.

Sa tagal ko ng nagmomodel ay ito ang ngayon na lang ulit ako nailang sa kapartner
ko. Hindi ako makakilos ng ayos at hindi ko sya matingnan sa mata. Naka ilang beses
kaming umulit at alam kong kasalanan ko iyon. Ramdam kong naiinis na ang
photographer sa inaasal ko.

"Sandali nga muna, Mariel anong nangyari sayo? Okay ka naman kanina 'di ba?" Tanong
ng photographer at ibinaba ang kanyang hawak na camera. Mababakas sa boses nito ang
iritasyon.

"Sorry, medyo pagod na kasi ako." Pagsisinungaling ko. Nahihiya ako dahil alam kong
malaki na ang nasasayang naming oras. Kung sana ay umayos lang ako edi sana ay
kanina pa kaming tapos.

"Okay ka lang? Gusto mong magpahinga muna?" Nag aalalang tanong ni Jake. Parang
ibang tao ngayon ang kasama ko. Kung kanina ay ang Jake na sobrang yabang ngayon
naman ay ang Jake na sobrang maaalahanin at alam kong hindi ako papabayaan.

Ngumiti lang ako ng pilit at sinabing magsimula na ulit kami.

"Wait! Mariel magpahinga ka muna." Sabi ng photographer at pagkatapos ay iginala


ang kanyang paningin. "Ikaw Sharlene! Ikaw muna ang pumalit kay Mariel." Tiningnan
ko si Jake na ngayon ay nag aalalang nakatingin sa akin. Kung hindi ikaw ang
kapartner ko hindi ako magkakaganito, gago!

May lumapit sa aming babaeng sobrang puti at agad nitong kinawayan si Jake.
Nakasimangot akong naglakad sa isang tabi. Nakita kong enjoy na enjoy ang babae sa
paglalapat ng balat nilang dalawa ni Jake. Palagi pa itong nakalingkis dito.
Nakakainis! Ako dapat ang nandon, ako dapat ang nakakandong kay Jake ngayon!

Naningkit ang mga mata ko ng makita ko na hinihimas na ng babae ang braso ni Jake
at panay pa ang bulong dito. Si Jake naman ay nasa akin pa din ang buong atensyon.
Sinusubaybayan nya ang bawat galaw ko. Nakatingin lang ito sa akin na para bang
hindi nag eexist ang babaeng nasa harap nya.

Tuwang tuwa ang photographer ng matapos na sila. Mas nag init ang ulo ko ng makita
kong niyakap nung babae si Jake ng sinabi ng photographer na very good sila sa
ginawa nila.

Tumalikod na lang ako at padabog na inayos ang nga gamit ko. Non sense lang ang
pagpunta ko dito. Hindi naman pala ako kailangan.

Napatigil ako sa pag aayos ng marinig ko ang boses ng kinaiinisan ko. "Mariel."
Tawag nya sa pangalan ko.

Nagkunwari akong walang narinig. Matapos kong mag ayos ay humarap ako sa kanya.
Hindi ako makakadaan dahil nakaharang sya sa pinto. Nakakunot na ang mga noo nya na
sa tingin ko ay mas nagpagwapo sa kanya.

"Alis dyan." Sabi ko at pilit na inaalis sya sa dadaanan ko.

"Anong nangyari? Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo samahan kita sa doktor?" Sunod-
sunod na tanong nya.

Huminga ako ng malalim at tsaka sya itinulak. Tumakbo ako at pagkalabas ko ay agad
kong pumara ng taxi. Rinig ko ang malakas na pagtawag ni Jake sa pangalan ko ngunit
hindi ko na ito pinag aksayahan ng panahon na lingunin pa.

Pagkabukas ko ng pintuan ng condo ay nakita ko sa Caesar na nakaupo habang nanunuod


ng TV. Agad sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng makita nya ako. Nakakahawa ang
kalase ng pagngiti nya. Para bang kahit na pagod na pagod ka na, makita mo lang ang
ngiti nya ay mapapangiti ka na rin.

"Aga mo." Sabi ko at naglakad papalapit sa kanya.

Umupo ako sa tabi nya at inihilig ang ulo ko sa kanyang balikat. Ngayon ako
binubulabog ng aking konsensya. Pakiramdam ko ay sobrang laki na ng kasalanan ko sa
kanya. "Nagkita ulit kami ni Jake kanina." Pag amin ko dito. Alam kong masasaktan
sya sa sinabi ko at alam kong mas masasaktan sya pag naglihim ako.

Kahit anong gawin ko, masasaktan at masasaktan sya.

"Okay lang." Sabi nya gamit ang pinakanormal na tono.

Bumaling ako dito at hinawakan ang kanyang kanang kamay, pinisil ko ito. "Caesar
naman. 'Wag ganito. Magalit ka sakin." Para na akong nagmamakaawa sa kanya.

Umiling ito. "Mariel hindi ko kayang gawin 'yon." Sabi nya na para bang napaka
imposibleng bagay ang hinihiling ko sa kanya.

"Tama na nga 'yan. Kain na tayo. Alam kong pagod ka." Sabi ni Caesar at inalalayan
akong tumayo. Sya din ang nag ayos ng pinggan ko. Ipinagsandok nya din ako ng kanin
at ulam. Habang ginagawa nya iyo ay nakatitig lang ako sa kanya.

Sobra sobrang swerte ko kasi ako ang minahal nya, pero bakit ganito? Anong
kalokohan 'tong nararamdaman ko? Hindi ko na talaga alam. Basta ang alam ko hindi
ito maganda.

Pagkatapos kong kumain ay nanuod na lang muna kami ng TV habang nagkukwentuhan.


Kung tutuusin nga ay hindi na namin naiintidihan kung anong pinanonood namin, para
bang yung TV na lang ang nagsisilbing background music namin.

Alas onse na ng mapagdesisyunan naming matulog na. Nagsisimula na din kasi akong
maghikab. Bago kami magpunta sa kanyang kanyang kwarto ay niyakap muna ako ni
Caesar at hinalikan ako sa noo. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginawa nya.

Kanina pa akong nakahiga at hindi ako mapakali. Kanina ay nakakaramdam na ako ng


antok tapos ngayon naman na nasa kama ako ay bigla itong nawala.

Napatigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinapa ko
ito sa may side table. Sobrang dilim ng kwarto ko kaya napapikit ako dahil sa
pagkasilaw sa liwanag ng pindutin ko ang cellphone ko.

Nagtaka ako ng makita ko na lumitaw ang pangalan ni Tita Rose sa screen. Bakit sya
magtetext ng dis oras ng gabi? Nakapikit ang isang mata ng binuksan ko ang message
nya. Napigil ko ang hinga ko ng mabasa ko ang mensahe nya. Parang may kung anong
gumuhit na sakit sa dibdib ko. Inilang ulit ko itong basahin para makasigurado na
tama ba ang pagkakabasa ko.

Kusang pumatak ang mga luha ko, kasabay noon ang lalong paninikip ng dibdib ko.
Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa sobrang pangangatal.

Apat na salita lang ngunit nagimbal na ang buong pagkatao ko.

Tita Rose:

Patay na si Jake.
####################################
Love Affair no. 42
####################################

Nagsimula ng bumuhos ang luha ko. Wala akong ideya kung anong nangyari sa kanya.
Ang pagkakaalam ko naman ay wala syang sakit! Oo nilagnat sya pero alam kong
simpleng lagnat lang 'yon! Kani-kanina lang ay kasama ko sya tapos ngayon naman ay
sasabihin na patay na sya?!

Hindi na ako makapag isip ng maayos. Basta na lang ako lumabas ng condo. Hindi ko
na nga naalalang tawagan si Tita Rose para tanungin kung anong nangyari. Lutang na
lutang ang isip ko habang nakasakay sa elavator. Hindi ko na alintana ang pagpatak
ng luha ko. Wala na akong pakealam sa kung anong itsura ko.

Pagkabukas ko ng elavator ay agad akong tumakbo papalabas, batid ko na


pinagtitinginan ako pero wala akong pakealam. Pagkalabas ko ay may humigit sa akin.
"Ma'am, hatid ko na po kayo." Hindi ko sya nakilala dahil sa nanlalabo na ang
paningin ko pero ng nagsalita ito ay agad ko itong nabosesan.

"Ano pong nangyari, Mang Kaloy?" Tanong ko habang umiiyak. Imbes na sagutin ako ay
inalalayan lang nya ako na maglakad papunta sa sasakyan.

Habang nasa byahe ay panay ang pahid ng luha ko. Nakatingin lang ako sa labas at
minsan ay bigla na lang akong mapapahagulhol. Sinusubukan kong pumikit pero ang
masayang mukha ni Jake ang nakikita ko.

Muli akong humagulhol ng maalala ang nangyari kanina. Sa sobrang selos ko ay hindi
ko ito pinansin at basta na lang sya iniwan. Agad nagflashback sa isipan ko ang mga
nangyari sa amin ni Jake. Ang pananakit nya sa akin dati, ang pag amin nyang mahal
nya din ako at ang pagmamakaawa nya na mahalin ko ulit sya.
Hindi ko namalayan na nakatigil na pala kami sa tapat ng Mansyon nina Jake.
Nanghihinang bumaba ako sa sasakyan. Sobrang liwanag ng buong mansyon. Humakbang
ako papasok sa loob. Bawat paghakbang ko ay mas bumibigat ang pakiramdam sa dibdib
ko. Parang may kung anong pumipigil sa aking huminga.

Nakita ko si Tita Rose na nakaupo sa may sala. "Nasa kwarto sya." Nakayukong sabi
nya sa akin.

Gusto ko syang yakapin para icomfort sya pero mas lamang ang kagustuhan kong makita
si Jake. Hindi na lang ako nagsalita at tumakbo na lang ako paitaas.

Nang makatapat na ako sa kwarto ay pigil hininga akong pumasok sa loob. Napaluha na
naman ako ng makita ko na ang katawan ni Jake. Nakahiga ito sa may Kama at
nakabalot na ng puting kumot ang kanyang buong katawan.

Humakbang ako papalapit kay Jake, bawat paghakbang ko ay pakiramdam ko ay


lumulutang ako sa ere. Nihindi ko maramdaman ang sarili ko.

Naupo ako sa kama at nangangatal ang kamay na inalis ang kumot na tumataklob sa
kanyang mukha.

Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat, pero hindi eh. Totoo ang mga
nangyayari.

Hinaplos ko ang mukha nito. Nangatal ang daliri ko ng dumikit ang mga ito sa balat
nya. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa boses ko kung hindi ang
paghagulhol.

Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi yakapin na lang sya ng sobrang higpit.
Gusto kong itanong sa Diyos kung bakit sya pa? Sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit
sya pa?

Pinisil pisil ko ang kamay nito na para bang magigising sya sa ginawa ko. Basang
basa na ng bedsheet at ng dahil iyon sa luha ko. "Jake naman, bakit ngayon pa?
Bakit ngayon pa kung kelan narealize kong mahal pa din kita?" Para akong baliw na
kinakausap na ang isang patay. Nakatitig lang ako sa kanya, kinakabisado ang bawat
parte ng mukha nya. Ito na ang huling beses na makikita ko sya. Ito na ang huling
beses na mahahawakan ko sya ng ganito.

Muli akong napahagulhol sa naisip ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa kama at


nagsimula na ulit umiyak.

"Mahal pa din kita. Bakit ngayon pa?" Sabi ko habang panay pa din ang paghagulhol.
Basa na ang buong mukha ko, pinaghalong luha at sipon pero hindi na ako nag abalang
punasan iyon. Ang gusto ko lang ay hawakan ang kamay ni Jake kahit sa huling
pagkakataon.

Kulang ang salitang sobrang sakit sa nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman kong may humahaplos ng ulo ko pero hindi na ako nag angat ng tingin para
tingan iyon. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi sakit, pagsisisi at
panghihinayang.

Madami tanong na gumugulo sa isip ko pero hindi ko alam kung saan mag sisimula.

Nakarinig ako ng parang may nagbubulungan kaya nag angat ako ng tingin. Nakita ko
si Tita Rose na ngayon ay nasa tabi ko na.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Ngingitian ko sana ito kaya lang ay
naalala ko na nagdadalumhati sya ngayon kaya mas minabuti kong hawakan na lang ang
kamay nya.

Nakita ko sa mga mata nito na hindi ito mapakali. Nang mahimasmasan na ako ay
kinuha ko ang panyo ko at pinahid ang luha at sipon ko.

Ngayon ko naramdaman ang pananakit ng mata ko. Alam kong pugtong pugto na ang mga
ito. Tumingin sa akin si Tita at tumingin kay Jake. Nagpabalik balik ang tingin
nya sa aming dalawa.

"Tita, ano po bang nangyari?" Sa dami kong gustong itanong ay ito lang ang lumabas
sa bibig ko. Sa pagtitig ko kanina kay Jake ay wala naman akong nakitang mali sa
itsura nya. Hindi sya namayat kaya nakakasigurado akong wala syang sakit. Wala din
syang sugat o kahit anong pasa sa katawan.

"Kasi ano. Aksidente nyang natapon yung juice sa kotse tapos may lumipad na ibon
tapos..." Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Para
bang hirap na hirap ito sa pagsasalita. Hindi ko mahuli ang mga mata nya. Muli
akong tumingin kay Jake para sana hawakan muli ang kamay nya ngunit agad akong
napatayo sa pagkakaupo ng makita ko itong nakamulat at at kasalukuyang
pinanglalakihan ng mata si Tita Rose!

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. Alam kong hindi na maipinta ang mukha ko
ngayon. Anong nagyari?! Pinaglalaruan ba nila ako?! Joke joke lang ba 'yong text
niya kanina?!

"A-anong ibig sabihin nito?" Nauutal na tanong ko. Si Tita Rose ay tumingin kay
Jake. Naupo si Jake sa kama at panay ang kamot ng ulo.

"Mariel, sorry--"

"Sorry?! Tangina. Sorry talaga?! Niloko nyo ko. Anong trip nyo ha?! Nakakatawa ba
Jake? Nakakatawa ang pag iyak ko kanina dahil sayo?!" Sobrang lakas ng boses ko
dahil sa sobrang galit.

"Hindi sa ganun--"

"Eh ano?!" Napasabunot ako sa sarili ko sa sobrang pagkairita. Hindi ko akalaing


gagawin nilang isang malaking kalokohan ang pagkamatay ng isang tao, ang masaklap
pa ay kasabwat pa si Tita.

"Ma, iwan nyo po muna kami." Baling ni Jake kay Tita Rose. Bago umalis ay tangkang
lalapitan ako ni Tita kaya lang ay umiwas ako. Napatigil ito at narinig ko ang
pagbuntong hininga nito. Hindi ko sya tinitingan. Galit ako sa kanilang dalawa. Si
Mang Kaloy? Kasabwat din ba sya sa kalokohang 'to?!

Pagkaalis ni Tita ay marahas kong tiningnan si Jake.

Hindi pa din ako makapaniwala, buhay siya! Hindi ko alam kung anong mararamdaman
ko. Matutuwa dahil buhay naman pala sya o magagalit dahil niloko nya ko.

Nakatayo na ito at ngayon ay mga ilang hakbang lang ang layo sa akin. Hindi ito
nagtatangkang lumapit sa akin, marahil alam nya na iiwas ako pag ginawa nya iyon.

"Alam ko galit ka." Pagsisimula nya. "Oo, pinlano ko 'to." Humalukipkip ako at
iniintay pa ang susunod nyang sasabihin. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako
makapaniwala sa mga nangyayari. Parang lumilipad pa din ang isip ko.

"Wala na kasi akong maisip na ibang paraan eh." Nakatitig pa din ako dito kaya
kitang kita ko na nagsisimula ng magtubig ang mga mata nya.

"Naging tanga na naman ako, Ito na lang kasi ang naisip kong paraan para mapaamin
kita." Nag iwas ito ng tingin. "Hindi ko man lang naisip na masasaktan ka ulit."
Humina ang boses nya.

Pagkarinig ko ng paliwanag nya ay parang bula na nawala ang nararamdaman kong galit
sa kanya. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit
pero pinigilan ko ang sarili ko, hinayaan ko syang magsalita pa.

"Pero kelangan bang mamatay muna ako bago mo aminin na mahal mo pa din ako?"
Umiling ako.

"Pasensya na, Sorang mahal na mahal lang talaga kita." Parang dinudurog ang puso ko
ng makita na may pumatak na luha sa mukha nya.

Lalapitan ko na sana sya ng bigla itong tumalikod. "Tatalikod ako ha. Para hindi mo
ako nakikitang nasasaktan." Sabi nya habang nakaharap sa pader. Nag simula na ulit
magpatakan ang luha ko.

Sige Jake, tumalikod ka lang. Para hindi mo din ako makitang nasasaktan.

Narinig ko ang pilit na pagtawa nito. "Pasesya na, naiyak na naman ako. Pagdating
kasi sayo nagiging mababaw ang luha ko."

"Jake." Tawag ko sa kanya.

"Sige, uwi ka na. Pasensya na ulit sa abala."Akmang maglalakad na ito kaya agad ko
itong nilapitan para yakapin. Humarap ito sa akin kaya kita kita ko ngayon kung
gaano na kapula ang mga mata nya, kitang kita ko ang lungkot sa mga ito.

"Mahal kita." Sabi ko. Malungkot itong ngumiti sa akin.

"Alam ko, pero may iba ka na." Hindi ko nagawang sumagot. Tama naman kasi sya.
Niyakap ko na lang ito ng mahigpit.

Hindi ko na alam kung ilang oras na kami magkayakap. Mabigat na din ang paghinga
nito, naramdaman ko ang bigat ng katawan nito senyales na nakatulog ito.

Inalalayan ko si Jake pahiga sa kama. Dahan dahan ko itong inihiga para hindi ito
magising. Kinumutan ko ito bago ako umupo sa gilid ng kama. Tinitigan kong mabuti
ang mukha nito. Nakakunot ang noo nito habang natutulog.

Muli ko itong tinitigan bago tumayo. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas sa
silid.

Gusto ko munang mag isip. Gusto kong lumayo sa kanilang dalawa. Gusto kong mapag
isa. Gusto kong sarili ko muna ang intindihin ko, wala akong ibang iisipin. Sarili
ko lang. Cliche man pakinggan pero gusto kong hanapin ang sarili ko.

Kinabukasan ay kinausap ko si Caesar. Naisipan kong lumipat na lang muna ako ng


matitirhan. Ayaw nyang pumayag sa kagustuhan ko pero pinilit ko ito. Sinabi pa nya
sa akin na papayag sya sa kondisyon na sya ang magbabayad ng mga bills ko pero
hindi ako pumayag.

Halatang masama ang loob nito habang naglalakad kami papalabas ng condo. Sya ang
may bitbit ng maleta ko habang ang isang kamay naman nya ay nakaalalay sa akin.

"Wag kang magpapagutom." Tumango ako at itinuloy ang paglalakad. Aaminin kong
nalulungkot ako sa paglayo ko kay Caesar pero kailangan kong gawin ito. Kelangang
kong lumayo sa kanilang dalawa.

"Wag kakalimutang mag lock ng pinto." Dagdag pa nya. Tumigil kami sandali ng
tuluyan na kaming makalabas sa condo. Kumuha ito ng payong at agad itong binuksan
dahil mainit sa pwesto namin.

"Pag may problema tawag--" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nito at basta na lang
ito niyakap. Nabitawan nito ang hawak na payong at ramdam kong nanigas ito sa
ginawa ko. " Salamat Caesar." Sabi ko at mas hinigpitan pa ang pagkakayap sa kanya.

***

"Ate si Kuya nag uwi ng babae sa bahay kahapon!" Pagsusumbong ni Biboy sa akin.
Iniloud speaker ko ang phone para habang kausap ko ang mga kapatid ko ay may magawa
ako.

"Aldwin totoo ba 'yon?" Pagalit na tanong ko at ipinatong ang cellphone ko sa


lamesa. Kinuha ko ang mga sinampay kong damit at sinimulan ng tiklupin ang mga ito.

"Opo ate." Pag amin ni Alwin sa akin. Napatigil ako sa ginagawa ko. Lokong batang
'to, hindi man lang tumanggi!

"Loko ka ah! 'Wag mo ng uulitin yan! Baka gayahin ka ni Biboy!" Sigaw ko sa kanya.
Narinig ko naman ang pagtawa ni biboy sa kabilang linya.

"Ate naman! Malaki na ko. Hanggang ngayon hindi pa din ako pwedeng mag girlfriend?!
Marunong na nga akong mag masturb---" Agad nanglaki ang mata ko mg marealize ang
sasabihin ni Aldwin. Halos masamid pa ako sa sarili kong laway ng marinig ko sa
background si Biboy na sumigaw ng 'Ako rin Ate! Marunong na!'

"Magsitigil nga kayo! Aldwin ikaw ha. Kung ano anong itinuturo mo sa bata. Humanda
ka sa akin pag balik ko dyan." Narinig ko ang pag ungot ni Aldwin sa kabilang
linya.

Maya maya pa ay nagpaalam na ang mga ito sa akin dahil may pasok pa daw sila. Kung
tutuusin ay wala naman talagang masama sa mga sinabi nila. Okay lang naman na mag
kagirlfriend pero hindi ko lang talaga matanggap sa sarili ko na lumaki na talaga
sila. Akong mag isa ang nagpalaki sa dalawa kong kapatid kaya kung ang isa man sa
kanila ay mawala sa akin ay tiyak na malulungkot ako.

Ilalagay ko na sana ang mga damit ko sa cabinet ng makarinig ako ng pagkatok sa


pintuan. Naglakad ako papalapit dito. Naisip ko na baka delivery lang ng tubig yung
kumakatok.

"Uso pa ba ang harana.. Marahil ikaw ay nagtataka." Literal na nanlaki ang mga mata
ko ng makita ko si Jake sa harap ng pinto habang tumutugtog ng gitara. Hindi ko
alam kung saan ako magugulat, sa pagkanta nya ba na mali mali sa tono? Sa basta
basta pagstrum nya ng gitara para may masabing may back ground music lang? o sa
kung paano nya nalaman kung saan ako nakatira ngayon?

Napansin kong napatigil ito sa ginagawa nya at ibinaba ang hawak nyang gitara.
"Pangit ba?" Nag aalangang tanong nya.

"Oo." Pag amin ko. Mas mabuti namang aminin ko sa kanya ang totoo kesa naman na
magpaka plastic ako sa kanya at sabihing ang galing galing nya at sobrang ganda ng
boses nya kahit hindi naman totoo.

"Gusto mo ulitin ko?" Tanong nya at muling itinaas ang gitara at tangkang tutugtog
na ulit pero agad ko itong pinigilan.

"Wag na. Okay na." Sabi ko. "Anong trip mo?" Tanong ko at pinag taasan sya ng
kilay.

Imbis na sagutin ako ay naglakad lang sya papasok sa loob at basta na lang ako
nilampasan.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito?! Labas nga!" Bulyaw ko sa kanya pero hindi man lang
ito natinag. Nakatayo lang ito sa gitna habang iginagala ang kanyang paningin.

"Magkano renta mo dito?" Tanong nya habang nililibot ng tingin ang buong apartment.

"Pake mo?" Pagalit na sagot ko sa kanya. "Paano mo nalaman na andito ako?" Tanong
ko ay umupo sa kawayan na upuan.

"Pake mo?" Tumatawang sabi nya. Sinamaan ko ito ng tingin. Isa pang pabalang na
sagot ay tiyak masisipa ko na ito palabas ng bahay.

"Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko dito.

"Mamaya na." Sabi nya at dumiretso sa kusina. Napairap na lang ako. Napaka tigas ng
ulo. Ano pang sense ng pagkakalayo ko kung aali-aligid si Jake sa akin?

***

"Babe, ito na yung tubig na ipampapaligo mo." Kinuha ko ang towel ko at lumabas na
ng kwarto. Nakita ko si Jake na naglalakad papuntang CR habang buhat ang isang
timba na may lamang tubig.

Mag iisang linggo na simula ng umalis ako sa bahay ni Caesar. At sa loob ng isang
linggong iyon ay palaging andito si Jake para tulungan at guluhin ako sa mga
gawaing bahay. Kahit anong pangtataboy ko sa kanya ay hindi ito umaalis kaya sa
huli ay sumuko na ako. Hindi naman kami nawawalan ng komunikasyon ni Caesar. Palagi
kaming nakakamustahan sa text.

Lagi nyang tinatanong kung kamusta ang kalagayan ko. Hindi ko binanggit sa kanya na
palaging napunta dito si Jake. Baka kasi isipin nya na kaya ako umalis sa poder nya
ay para makasama ko sya at alam kong hindi naman ito totoo.

Pagkapaligo ko ay nanood na lang muna ako ng TV. Wala akong maisip na pwedeng gawin
kaya inabala ko na lang ang sarili ko na manood ng kung ano-ano.

"Miss, tae ka ba?" Napatingin ako kay Jake na nasa gilid ngayon ng pinto. Andito pa
pala ang lalaking ito, akala ko ay umalis na sya dahil maaga ang pasok nya ngayon.

"Tae ka ba?" Ulit nya.

Sinamaan ko ito ng tingin. Sige, pick up line pa kahit korni. "Bakit? Hindi mo ako
kayang tiisin?" Bentang benta na yang pick up line na 'yan.

"Hindi." Umiiling na sabi nito.

"Eh ano?" Hindi ko mainitindihan ang sarili ko kung bakit pinapatulan ko pa ang mga
kalokohan ni Jake. Siguro ay dahil sa sobrang bored na din ako kaya ko ito
ginagawa.

"Gusto kasi kitang ilabas mamaya." Sabi nya at kinindatan ako. Inismiran ko lang
ito kahit sa totoo lang ay napapangiti ako.
***

Mag iisang buwan na simula ng umalis ako sa poder ni Caesar at mag iisang linggo na
din akong hindi ginugulo ni Jake. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ba ako
dahil dito. Siguro ay matututwa ako dahil makakapag isip isip na ako ng maayos at
malulungkot din dahil walang tumutulong sa akin sa mga gawaing bahay lalo na sa pag
iigib. Malayo pa naman ang kuhanan ng tubig dito kaya hirap ba hirap ako.

Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga ako. Buong maghapon na hindi ko
nakausap si Caesar dahil busy ito sa trabaho nya. Sinabi nya sa akin na gusto nya
akong dalawin noong isang araw pero tumanggi ako. Hindi ko alam kung tama ba ang
ginawa ko, nagiging unfair na ba ako? Si Jake ay pinapayagan kong dumalaw dito
samantalang si Caesar ay hindi? Ewan ko. Si Jake lang naman ang ipinagpipilitan ang
sarili nya dito.

Umupo ako at kinuha ko ang envelope na nakapatong sa may side table. Binuksan ko
ito at muli kong binasa, Resignation Letter. Naisipan kong mag resign na sa
Restaurant dahil alam kong wala na naman akong naitutulong doon. Isang buwan at
kalahati na akong absent kaya hindi sasama ang loob ko kung malaman kong pinaltan
na nila ako. Gusto ko lang magpasa ng resignation letter ng sa ganon ay maging
legal ang pag alis ko. Hindi iyong basta basta na lang ako umalis ng walang paalam.

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil malayo layo sa kinaroroonan ko ang


Restaurant nina Jake. Mahaba habang byahe ito kaya malamang ay mga tanghali na ako
makakaratin doon.

Pagkasakay ko sa bus ay hindi ko maiwasang kabahan. Nandun kaya si Jake? Isang


linggo na syang hindi nagpaparamdam sa akin kaya wala akong balita sa kanya. Hindi
ko tuloy maiwasang maiisip kung nagsawa na ba sya sa akin? May ibang babae na ba
syang pinagkakaabalahan? Maisip ko lang ang bagay na iyo ay nagngingitngit na ako
sa selos.

Napatigil ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako ng
makita ko ang pangalan ni Caesar.

Caesar:

San ka?

Nakangiti ako habang nagtatype ng relpy.

Jake:

On the way sa Resto ni Jake. Magffile ako Resignation Letter. Y?

Wala pang isang minuto ay nagreply na agad ito.

Caesar:

Wala lang :)

Hindi ko na ito nireplayan dahil malapit na akong bumaba. Pagkababa ko ay naglakad


pa ako ng kaunti bago ko narating ang Restaurant.

Pagkapasok ko sa loob ay nakita kong madaming tao. Tanghaling tapat kaya abalang-
abala ang mga waiter. Walang nakapansin sa akin dahil lahat ng mga ito ay busy sa
kani-kanilang mga ginagawa. Tiningnan ko isa isa ang mga kasamahan ko dati sa
trabaho. May iba akong nakitang bago ang mukha pero karamihan ay pamilyar.
"Ma'am!" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng may magsalita sa likuran ko.
Hinarap ko ito at nakita ko ang pamilyar na mukha ng waitress habang nakangiti sa
akin.

"Kamusta po? Ang tagal nyong absent Ma'am." Nakangiting sabi nya sa akin.

Muli kong inilibot ang paningin ko at nagbabakasakaling makita sya. "May papasa
sana ako ng resignation letter." Sabi ko. Nakita ko naman na nalungkot ang mukha
nya. "Asan si Jake?" Sasagot na sana ito ng biglang nagtilian ang mga tao. Akala ko
ay may artistang dumating kaya napakunot ang noo ko ng makitang wala naman.

Maging ang waitress na kumausap sa akin kani-kanina lang ay halos mamatay na sa


kakatili. Napansin kong nakatingin sila sa may likod kaya humarap ako doon.

Halos mahigit ko ang hininga ko ng makita ko si Caesar na ngayon ay nasa harap ko


at kinakamot ang kanyang batok. Napansin kong pulang pula ito at pilit na
ngumingiti. Sya ba ang pinag titilian ng mga tao?! Pero bakit?

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, kung saan ako mag sisimula. Sa huli
ay napagdesisyunan ko na lang na titigan sya. Mahigit isang buwan ko na sya hindi
nakikita kaya miss na miss ko na sya. Sa pagtitig ko sa kanya ay masasabi kong mas
lalo syang gumwapo. Nagpagupit ito ng buhok kaya nawala ang pagkababy face nito.
Nagmukha syang matured tingnan.

Napansin kong parang hindi ito mapakali. Naiisip ko tuloy na baka kaya sya ganoon
ay dahil nasa amin ang buong atensyon. Hihilahin ko na sana ito palabas para
makapag usap kami ng maayos ng biglang lumuhod ito sa harap ko. Hindi ko inaasahan
ang ginawa nya kaya literal na nanlaki ang mga mata ko.

Kinuha nito ang maliit na box sa bulsa nya at inilahad sa akin. Tiningala ako nito
at nginitian. Sa sobrang pagkagulat ko ay wala akong masabi.

"Will you marry me?" Tanong nya habang diretong nakatingin sa mga mata ko.

Hindi pa man ako nakakabawi ng maagaw ng atensyon ko ang pinto dahil malakas na
nagbukas ito. Nakita ko si Jake na papalapit sa pwesto namin. Si Caesar na hanggang
ngayon ay nakaluhod pa din sa harap ko ay napakunot ang noo. Maging ako ay
nagtataka sa pagsulpot nya bigla dito. Oo alam kong sya ang may ari ng Restau pero
bakit ngayon pa nya naisipang sumulpot.

Nang makalapit ito sa amin at tinap nito ang balikat ni Caesar. "Tol, pasingit."
Sabi ni Jake at hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa dahil bigla biglang
lumuhod din ito sa harap ko at inilahad sa akin ang hawak nyang singsing.

"Marry me." Sabi ni Jake. Rinig na rinig ko ang singhapan ng mga tao. Katahimikan
ang namayani sa amin. Walang nagtatangkang magsalit. Lahat sila ay iniintay ang
isasagot ko.

Napaatras ako sa ginawa nya.

Ano bang nangyayari? May nagpropropose sa aking dalawang lalaki ngayon? Same time,
Same place.

Sa sobrang pagkasurpresa ko ay hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Tinitigan ko ang dalawa na ngayon ay hinihintay kung sino ang pipiliin ko. Mahirap,
Napaka hirap! Kung ang ibang babae ay kikiligin kung sa kanila mangyari ito, sa
akin ay hindi. Mas gusto ko ang isa lang. Walang masasaktan, walang maiiwan.
Ito na ata ang pinaka mahirap na desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko.

Si Caesar, si Caesar na kahit kailan ay hindi ako iniwan. Palaging nasa tabi ko at
tanggap ang bawat kamalian ko.

O si Jake, si Jake na dati na akong sinaktan at pinagmalupitan pero nagsisi na sa


mga kamaliang ginawa nya. Si Jake na handang isakripisyo ang buong buhay nya para
lang sa kabutihan ko.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pag mulat ko ay agad kong nakita ang mukha ng
lalaking pipiliin ko at gusto kong makasama sa habang buhay.

Sana ay tama ang desisyon ko. Sana ay hindi ko ito pagsisihan.


####################################
EPILOGUE
####################################

After 9 months

Kasalukuyan kong hinahaplos ang tiyan ko ng maramdaman kong humilab ito. Napangiwi
ako, ngayon ang kabuwanan ko kaya halatang-halata na ang kalakihan ng tiyan ko.
Nahihirapan na akong kumilos dahil sa bigat nito. Naiiyak ako pag tumitingin ako sa
salamin. Ang taba taba ko na, feeling ko tuloy ngayon ay sobrang pangit ko. Pag nag
uumpisa na akong umiyak ay agad akong aaluhin ng asawa ko. Sobrang swerte ko dahil
napaka maunawain nya. Minsan ay inaaway ko sya ng walang dahilan. Ewan ko ba, basta
feel ko lang na awayin sya.

Naaawa na nga ako sa kanya dahil ramdam kong nahihirapan na sya sa akin pero ang
ikinatutuwa ko naman ay kahit nikatiting ay wala akong reklamong natanggap sa
kanya.

Nagsearch ako sa internet at nakita kong ganito daw talaga pag buntis, nagiging
moody at madalas ay emosyonal.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya dahan-dahan akong tumayo para kumuha ng tubig pero
nabigo ako. Sinubukan ko ulit tumayo pero hindi ko talaga kaya dahil sa sobrang
bigat ng katawan ko.

"Caesar!" Sigaw ko, agad naman itong lumabas galing sa isang silid.

Nilapitan ako nito at marahang hinaplos ang braso ko. "Bakit? May masakit ba?" Nag
aalalang tanong nya.

Umiling ako. "Gusto kong tubig. Nauuhaw ako." Sabi ko.

Agad din naman ako nitong kumuha ng tubig at ibinigay sa akin. Pagkainom ko ay
nilagyan muna ako nito ng unan sa likod para mas maging komportable ako tapos ay
bumalik na ulit sya sa kwartong pinasukan nya kanina.

Wala akong magawa kaya naisipan ko na lang manood ng TV kaya lang ay malayo ang
remote sa akin. Sinubukan kong abutin ito gamit ang kamay ko pero hindi ko talaga
kaya.

Kaya sa huli ay wala akong nagawa kung hindi tawagin ulit sya.

"Caesar." Wala pang isang minuto ay nakita ko na ito.


"Yes po?" Nakangiting sabi nya habang naglalakad papalapit sa akin.

"Makikisuyo naman nung remote." Pakiusap ko sa kanya habang tinuturo ang


kinaroroonan ng remote. Kinuha niya ito sa ibabaw ng TV at pagkabigay sa akin ay
agad ako ditong nagpasalamat.

Kanina pang nakabalik si Caesar sa kwarto at ngayon naman ay nakakaramdam ako ng


gutom. Tumingin ako sa orasan at nakita kong pasado alas dos na ng hapon. Kaya pala
ako nagugutom ay hindi pa ako nakakapag meryenda. Tatayo na sana ako ngunit ng
maalala kong hindi ko nga pala kaya ay tinawag ko na lang ulit ang pangalan ni
Caesar.

Tatlong beses ko ng tinawag ang pangalan nya ngunit nakalipas na ang dalawang
minuto ay wala man lang akong natanggap na sagot at wala ding Caesar na nagpakita
sa akin.

"Caesar." Ulit ko.

Maya maya pa ay lumabas na ito habang nagkakamot ng ulo. Pilit na ngayon ang
pagngiti nito sa akin. Alam kong napipikon na sya dahil ang kulit kulit ko pero
ayaw nyang ipahalata. "Ano 'yon?" Tanong nya ng makalapit sa akin. Sinabi ko ang
gusto ko at agad din nya itong kinuha.

"May kelangan ka pa ba?" Tanong nya ng maibigay sa akin sa isang jar na cookies.
Umiling ako at muling nagpasalamat sa kanya.

Huminga itong malalim at ginulo ang buhok ko bago muling bumalik sa kwarto.

Nasa kalagitnaan ako ng panood ng biglang sumakit ang tyan ko. Akala ko ay humilab
lang ulit ito ngunit mas nadagdagan pa ang sakit nito. Napahigpit ang kapit ko sa
upuan. Sht! Manganganak na ata ako!

"C-caesar." Imbis na sigaw ay naging bulong ang nasabi ko.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Relax. Kaya mo 'yan Mariel.

"Caesar." That's it. Konting lakas pa.

"CAESAR!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko ay sa tingin ko ay rinig na din iyon ng mga


kapit bahay.

Maya maya pa ay nakita ko na humahangos na tumakbo si Caesar papalapit sa akin.

"Bakit? Bakit?" Nagpapanic na tanong nya habang hawak ako sa dalawang balikat.

"M-manganganak na ata ako." Sabi ko habang hinihimas ang tyan ko.

"Sabi ng doctor next week pa daw 'di ba?" Nakataas ang isang kilay habang
nagsasalita si Caesar. Kung hindi lang masakit ang tyan ko ay nabatukan ko na ito.
Para bang sa tono ng boses nya ay pinagdududahan nya ang sinasabi ko.

"Manganganak na ako!" Sigaw ko. Inalalayan nya akong tumayo. Pagkatayo ko ay


naramdaman kong parang may basa na sa pagitan ng hita ko. Akala ko ay naihi lang
ako pero nanlaki ang mga mata ko ng tumingin ako sa ibaba ko. Shit! Pumutok na ang
panubigan ko!

"Oh shit, oo nga! Ba't 'di mo agad sinabi?!" Hindi na magkadaugaga si Caesar sa
gagawin nya. Inupo muli ako nito at nagtatakbo pataas para kumuha ng mga damit.
Binuhat ako nito at mabilis na isinakay sa sasakyan. Panay ang sigaw ko habang sya
ay nagmamaneho. Tingin ng tingin ito sa akin at pilit akong pinapakalma.

"Sabi ko naman kasi sayo manganganak na ko!" Sigaw ko. Nakahiga ako sa likod ng
sasakyan at hindi ko alam kung saan ako kakapit. Napapangiwi na ako sa sobrang
sakit.

"Sorry na. Sorry. 'Wag kang umimik, nagpapanic ako!" Sabi nya habang nagpapalit-
palit ang tingin sa kalsada, sa akin at sa side mirror.

Nang makarating sa hospital ay may umalalay sa aking dalawang nurse na lalaki at


isinakay ako sa wheelchair. Pagkatapos ay inihiga ako sa stretcher at may kung ano
anong itinusok sa akin bago ako dalhin sa operating room.

Nang nasa tapat na kami ng OR ay tumigil kami saglit. Hanggang dito na lang sa
labas si Caesar dahil bawal sya sa loob. Hinawakan nya ang kamay ko at nginitian na
para bang sinasabing makakayanan ko ito. Dahan-dahan akong tumango at hindi ko na
namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Marahil ang luhang ito ay dahil sa
pinaghalong kaba, takot, saya at excitement.

"Misis, Push!" Sabi ng doctor at walang sabi sabi'y ginawa ko ang utos nya.
Tagaktak na ang pawis ko sa buong mukha. Madaming nurse ang nakapalibot sa akin
ngayon ngunit hindi ko sila maaninag dahil nasisilaw ako sa liwanag na tumatama sa
mukha ko.

"One more, Push!" Utos ulit ng doctor. Hingal na hingal na ako. Mabilis na ang
bawat paghinga ko pero sinunod ko pa din ang sinabi ng doctor.

Maya maya pa ay nakarinig na ako ng iyak ng isang sanggol. Hindi ko maiwasang


tumulo ang luha ko. Naaninag ko na hawak sya ng isang nurse kaya napangiti ako.
Itinapat niya ito sa akin ng sa gayon ay makita ko. Hahawakan ko na sana ito kaya
lang ay sa sobrang panglalambot ko ay hindi ko magawang maigalaw ang kamay ko.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon kaya
tanging mga daliri lang sa kamay ang kaya kong igalaw ngayon.

Mas lalo inilapit sa akin ng nurse ang baby ko kaya lang ay nagsisimula ng manlabo
ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok.

***

Pagkagising ko ay puting kisame ang bumungad sa akin. Iginala ko ang paningin ko at


agad nakita ng mga mata ko si Caesar habang panay ang kain ng Fries sa isang tabi.

"Huy!" Tawag ko sa kanya dahil busy ito sa panonood ng TV.

Lumingon ito sa akin at agad na ngumiti ng makita na gising na ako.

"Ang tagal mong tulog!" Tumatawang sabi nya. Inirapan ko ito. Imbis na kamustahin
ang panganganak ko ay ang pagtulog ko ang pagdidiskitahan nya. Malamang! Pagod ako
kaya napahaba ang tulog ko.

Lalapitan na sana ako nito ng biglang lumagabag ang pinto. Iniluwa nito ang
hinihingal na si Jake.

"BABE!" Tawag nya sa akin at agad agad akong nilapitan para yakapin. Sa sobrang
higpit ng yakap nya ay halos hindi na ako makahinga kaya tinapik ko ang braso nya.
Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin pero hindi nya binibitawan ang dalawang braso
ko.
"Sabi ng doctor next week ka pa manganganak. Sinungaling, Asan na ba 'yon? Dapat
tinatanggalan yun ng lisensya!" Galit na galit na sabi ni Jake. Binatukan ko ito.
Nag oover reacting na naman kasi. Pati ang walang kamalay malay na doctor at
idadamay nya sa kalokohan nya .

"Tumahimik ka. Galit ako sayo." Sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

Pagkatalukbong ko ng kumot ay agad kong tinakpan ang labi ko para hindi nya marinig
ang mahinang pagtawa ko.

Narinig ko ang pag ungot nito at naramdaman kong hinaplos nito braso ko. "Sorry
na." Aniya.

Naramdaman ko ang pagsundot nya sa akin sa tagiliran. "Ano ba?!" Kunwari'y galit na
sabi ko dito. Tumigil ito sa ginagawa nya at narinig ko ang malalim na pagbuntong
hininga nya.

"Lagot Jake, galit si Mariel. Baka maisipan nyang magfile ng annulment. Patay ka."
Humahalalhak na sabi ni Caesar.

Inalis ko ang pagkakatalukbong sa aking mukha at umayos ng upo.

"Shut the fck up dude." Galit na sabi ni Jake.

Imbis na matakot si Caesar ay mas tinawanan nya lang si Jake. Maging ako man ay
natatawa sa itsura ni Jake ngayon pero pinaninindigan ko ang pagiging 'galit' ko sa
kanya kaya hindi ako pwedeng tumawa.

"Masama loob sayo nyan. Nanganak sya ng hindi ikaw ang kasama. Saklap nun!"
Panloloko pa ni Caesar. Lalong nalukot ang mukha ni Jake.

Nang tingnan ko si Caesar ay nakatingin na ito sa akin at kinindatan ako. Pasimple


kong hinawakan ang labi ko para hindi makita ni Jake na nangingiti ako.

Ang totoo ay hindi ako galit sa kanya at nikatiting ay wala akong nararamdaman na
sama ng loob. Opening ng Restaurant ni Jake sa Italy. Ito ang unang branch ng
Restaurant ni Jake na itinayo sa ibang bansa. Pangarap nya 'yon. Once in a lifetime
lang mangyari kaya dapat grab the opportunity na. Alam kong kahit hindi nya sabihin
sa akin ay gusto nyang pumunta doon ngunit hindi nya iyon magawa dahil malapit na
ang panganganak ko. Ayaw nya akong iwan mag isa kaya sinabi kong si Caesar na lang
ang magbabantay sa akin. Hindi pwedeng ang mga magulang ni Jake dahil busy ang mga
ito sa trabaho. Ayoko namang abalahin pa sila ng dahil lang sa akin.

Hindi sya pumayag sa desisyon ko pero pinilit ko sya. Sinabi ko na hindi ko


ilalabas ang bata pag hindi sya pumunta sa Italy. Sa huli ay pumayag sya dahil sabi
naman doctor ay next week pa ang panganganak ko pero napaaga kaya hindi nya ito
naabutan, nakabook na sya na uuwi sya ng Pilipinas sa makalawa. Tuwing nag iskype
kami ay panay ang sabi nito na excited na sya sa panganganak ko. Palaging ang topic
namin ay ang mga gagawin nya sa bata sa oras na ilabas ko na si Baby.

"Misis, ito na po ang baby nyo." Nabalik ako sa realidad ng may pumasok na babaeng
nurse habang karga karga ang anak ko.

Ibinigay sa akin ito ng nurse at ng makita ko ang buong mukha nito ay ewan ko ba
kung bakit kusa na lang nagpatakan ang mga luha ko. Magkamukhang magkamukha silang
mag ama.

"Ano pong ipapangalan natin sa bata?" Tanong ng nurse.


Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin si Jake at Caesar habang
tinititigang mabuti ang anak ko.

Tumingin ako kay Jake na ngayon ay nakatingin na din pala sa akin. Tumango ako
dito.

"Vincent.. John Vincent Emralino." Ani Jake.

Napangiti ako. Muli kong tiningnan si Baby Vincent na ngayon ay tulog na tulog pa
din hanggang ngayon.

"Pabuhat!" Ani Caesar na ngayon ay nakaupo na sa gilid ko.

Marahang hinaplos ni Jake ang kamay ni Baby Vincent. "Ako muna! Ako ang ama." Ani
Jake at masamang tiningnan si Caesar.

"Ako muna. Madaya! Alphabetical order. Letter C ako J ka." Ani Caesar habang
pinipilit akong ibigay ko sa kanya ang bata.

Sinamaan ko ito ng tingin. Ano na naman bang trip ni Caesar at


nakikipagkumpentensya pa sa ama ng bata. "Fine. Fine. Pagkatapos kong bantayan si
Mariel habang wala ka. Hindi marunong tumanaw ng utang na loob!" Matigas na sabi ni
Caesar at umalis sa tabi ko. Kinuha nito ang fries na kanina nyang kinakain at
pasalampak na umupo sa isang tabi. "Joke." Sabi nya at nag peace sign. "Nakikiepal
lang." Humahalakhak sabi nya at sinubo ang isang pirasong fries.

Napangiti ako sa inasal nya, Siyam na buwan na ang nakakalipas pero hindi pa din
ito nagbabago. Sya pa din ang dating Caesar na nakilala kong puro kalokohan ang
alam. Walang pinagbago. Sya lang ata ang tao na hindi marunong magalit at hindi
marunong malungkot. Abnormal din tong lalaking to eh.

Muling sumagi sa isip ko ang nangyaring proposal ng dalawa siyam na buwan na ang
nakakaraan.

Gulong-gulo ang isip ko ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung sinong pipiliin ko.
Mahalaga silang dalawa sa akin at ayokong makita silang nasasaktan.

Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Pagkapikit ko ay nakita ko ang imahe na


gusto kong makasama habang buhay.

Si Jake.

Alam kong pagpinili ko ulit si Jake ay hindi lang isa o dalawa kung 'di maraming
beses ulit ako masasaktan. Pero alam kong natural lang sa isang relasyon ang
mangyari ang ganitong klaseng bagay. Lahat ng magkakarelasyon nagkakaproblema.
Nasasainyo na naman 'yan kung papaano nyo ito panghahawakan.

Pagmulat ko ay ganun pa din ang itsura nila. Nakaluhod pa din sila parehas habang
hinihintay ang isasagot ko.

Iginala ko ang paningin ko at nakita kong lahat ng tao ay nasa amin na ang buong
atensyon. Maging ang mga empleyado na punong abala kanina ay napatigil ngayon sa
kanilang mga ginagawa.

Magsasalita na sana ako na sa labas na lang kami mag usap na tatlo ng biglang
tumayo si Caesar at niyakap ako ng mahigpit. Wala akong ibang nagawa kung hindi
suklian ang yakap nya.
"Be happy. Alam ko na mahal mo pa din sya. Nung sinabi mo dati na nagkita na ulit
kayo ni Jake, kitang-kita ko kung paano kuminang 'yang mga mata mo. Mahal mo pa sya
and I think he learned his lesson na kaya isasauli na ulit kita sa kanya. Be happy
Mariel." Hindi ko maiwasang mapaluha sa sinabi ni Caesar. Oh God! I'm so lucky na
nakilala ko ang isang taong tulad nya.

Bumitaw si Caesar sa akin at marahang pinahid ang aking luha. Napapikit ako ng
halikan nya ako sa noo.

Inilapit nito ang kanyang bibig sa aking tenga. "Puntahan mo na sya. Nagmumukha na
syang tanga." Tumawa ito sa huli nyang sinabi. Tiningnan ko si Jake na ngayon ay
nakaluhod pa din ngayon. Kita ko sa mukha nya na nasasaktan sya sa nakikita nya
ngayon. Marahil ay iniisip nyang si Caesar ang pinili ko.

Tinapik ni Caesar ang aking balikat. "Go." Sabi nya at marahan akong tinulak
papunta kay Jake.

Dahan dahan akong naglakad sa kinaroroonan nya. Nakakunot ang noo nito. Lihim akong
napangiti. Pasalamat ka mabait ang karibal mo!

"Tayo na dyan." Utos ko sa kanya.

Marahan itong tumayo at nagpabalik balik ang tingin aa aming dalawa ni Caesar.

"What if pakasalan kita? Anong mga maiooffer mo sakin?" Tanong ko habang nakataas
ang isang kilay.

Kinuha ko ang singsing na nakalagay sa maliit na box at ako na mismo ang nagsuot
nito sa aking daliri.

Napangiti ako ng magkasya sa ito sa akin, sukat na sukat sa daliri ko. Hinaplos ko
ang singsing na kumikinang ng dahil sa naglalakihang mga diamonds.

Sinulyapan ko si Caesar. Nakapasok ang kanyang dalawang kamay sa bulsa. Kinindatan


ako nito ng makitang nakatingin ako sa kanya.

Tumikhim sa Jake kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Puso ko. Buhay ko at buong
pagkatao ko." Seryosong sabi nya kaya hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o totoo.

"Korni ha!" Sigaw ko sa kanya. Pero bakit pakiramdam ko uminit bigla ang pisngi ko?

"Seryoso ako. Papakasal ka na sakin?" Aniya habang malalim ang pagkakatitig sa


akin.

"Pag iisipan ko." Sagot ko.

"Huwag mo ng pag isipan. Promise magbabait na 'ko. Susundin ko lahat ang utos mo.
Ipagmamalaki ko sa lahat na under mo 'ko. Ano pa ba? Sht. Jake isip!" Sinabunutan
nito ang kanyang sarili. Narinig ko ang tawanan ng mga tao. Nakalimutan ko na may
nanonood nga pala sa amin.

"'Yon lang?" Tanong ko.

"Kahit anong hilingin mo gagawin ko. Kung ayaw mo ng dikit ako ng dikit sayo, sige
gagawin ko. Kung ayaw mo ang pagiging seloso ko ano, fine. Susubukan ko..."
Pinagtaasan ko ito ng kilay.

"Aish! Fine. Pipilitin ko. Kung ayaw mo ng---"


"Oo na." Sabi ko at walang sabi sabing hinalikan ko ito. Nakita kong gulat na gulat
ang mukha nya. Nang makabawi ay sinagot na din nya ang halik ko. Oh God, how I
missed his lips.

Segurista ang gago dahil kinabukasan, tulog pa ang karamihan, kakasikat pa lang ng
araw ay nagpakasal na kami. Kaya pala ilang ara itong hindi nagpaparamdam sa akin
ay inaasikaso na nya ang kasal. Napaka yabang! Alam naman daw nya na papakasalan ko
sya kaya inasikaso na daw nya 'yon kahit wala pang permiso galing sa akin.

Ang isa pang dahilan kung bakit atat na atat syang magpakasal ay dahil sa apat na
taon daw ang nasayang namin kaya kelangan naming bawiin ang apat na taon na iyon.
Sa tingin ko naman ay bawing-bawi na talaga dahil sa loob ng siyam na buwan ay
hindi kami mapag hiwalay. Kulang na lang ay pati pag punta kong CR ay sumama sya sa
akin.

Tatlong araw lang pala kaming nagkahiwalay at iyon ay noong pinapunta ko sya sa
ibang bansa dahil sa opening ng Restaurant. Malas nga lang nya dahil noong oras na
iyon ay ipinapanganak ko si Baby Vincent.

"Babe. Ang gwapo gwapo ng anak natin oh! Tingnan mo. Gumagalaw yung labi nya."
Nabalik ako sa realidad ng kausapin ako ni Jake. Hawak na hawak na nya si Baby
Vincent at parang manghang mangha sa nakitang pag galaw ng labi ni Baby.

"Baby, say papa. Pa-pa." Napatawa ako sa pinaggagawa ni Jake. Turuan ba namang
magsalita. Wala pa ngang isang araw na ipinapanganak si Baby Vincent. Baliw talaga.

"Ano?" Napatingin ako kay Caesar ng magsalita ito. Akala ko ay isa sa amin ni Jake
ang kausap nya ngunit nakita kong nakadikit ang cellphone nito sa tenga.

"Kasalanan mo din naman kasi 'yan... Ewan ko ba sayo.. Ako oo gwapo ako.. Problema
mong Planeta ka? Pupunta ako dyan." Napakunot ang noo ko. Tama ba ang pagkakarinig
ko? Planeta? Maaari bang isa kina Venus at Jupiter ang kausap nya?

Tiningnan ko si Jake na ngayon pala ay nakatingin na din sa akin. Parehas kami ng


naiisip.

"Sinong kausap mo?" Hindi ko matiis na hindi itanong sa kanya. Malakas talaga ang
kutob ko, isa sa kambal ang kausap nya kanina.

Ngumisi ito sa akin. "Secret." Sabi nya at humalakhak.

Pipilitin ko pa sana ito dahil hindi talaga ako mapakali ng hindi nalalaman kung
sino ba iyon kaya lang ay nagpaalam na ito. Maging si Jake ay pinipilit na din
syang umamin kung sino ang kausap nya pero tanging ang tawa lang ang nagiging sagot
nito.

Naisip kong kung sakali mang si Venus ang kausap nya ay tatanggapin ko ito. Wala na
akong sama ng loob sa kanya. Oo, aaminin kong dati ay galit na galit ako dito pero
ngayon ay wala na. Alam kong may dahilan kung bakit nya nagawa iyon, at kung ano
man ang dahilang iyon ay papakinggan ko at tatanggapin ko pa rin sya ng buong buo.
Hindi naman ako masamang tao para magtanim pa ng sama ng loob dito. Maistress lang
ako kung gagawin ko 'yon. YOLO nga daw sabi ng mga kabataan. Kung ang Diyos nga
natutong magpatawad, tao pa kaya?

Kung sakali mang si Jupiter ang kausap ni Caesar ay mas mabuti. Kung may
namamagitan man sa kanila ay masaya ako sa kanilang dalawa. Bagay na bagay sila
kahit na may pagkamanyak lang si Jupiter. Wala na akong balita sa kanya. Hindi ko
na alam kung patuloy pa din ba ang paghahabol nito kay Mike o ano. Matagal ko ng
hindi nakikita si Jupiter at sobrang miss na miss ko na ito.
Wala pang kalhating minuto nakakaalis si Caesar ay biglang nagbukas na naman ang
pinto. Akala ko ay Caesar bumalik si Caesar. Ayun pala ay sina Tita Ro-- I mean
Mommy at Daddy, Nang magpakasal kami ni Jake ay sinabi nilang ayun na lang ang
itawag ko sa kanila.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ko kung paano nila ako kausapin na Mommy
and Daddy na lang ang itawag ko sa kanila.

Nag umpisa sa Ma'am and Sir, napunta sa Tita and Tito na nauwi sa pagtawag ng Mommy
and Daddy.

"Ang gwapo ng apo ko!" Tuwang-tuwa na sabi ni Mommy. Si Daddy naman ay hindi
nagsasalita pero ngiting-ngiti habang pinaglalaruan ang kamay ni Baby Vincent.

Nakaupo na si Mommy ngayon habang buhat si Baby. Si Daddy naman ay nakaupo din sa
tabi ni Mommy habang hindi maalis ang tingin nya kay Baby.

"Are you happy?" Tanong ni Jake. Nakayakap sya sa akin galing sa likuran. Ipinatong
nya ang baba nya sa balikat ko at pinaglalaruan ang aking mga daliri sa kamay.

"Sobra." Sagot ko at kinurot ang ilong nya. Mahina akong napatawa dahil sa pagngiwi
nito.

"Ate!" Halos mabingi ako sa sigaw ng kapatid ko. Iniluwan ng pinto ang hinihingal
na sina Biboy at Aldwin.

"Asan si Baby? Nung nalaman namin na nanganak ka na kumaripas agad kami ng takbo
papunta dito." Hiningal na sabi ni Aldwin.

"Si kuya OA. Nag jeep kaya tayo." Nakangusong sabi ni Biboy. Nagtawanan kaming
lahat maliban lang kay Aldwin na ngayon ay masamang tinitingnan si Biboy.

Sa gitna ng tawanan namin ay umiyak na si Baby Vincent.

"Gutom na ata." Ani Mommy at ibinigay sa akin si Baby Vincent.

"T-teka. Ano pong gagawin ko?" Sabi ko habang hinehele si Baby Vincent. Mas lumakas
ang pag iyak nito kaya nagsimula na akong mataranta. Nakita ko naman si Jake na
nagmemake face at pilit na pinapatawa si Baby.

Natawa ng malakas sina Mommy at Daddy sa ginawa niya. Kung wala lang ako sa
ganitong sitwasyon ay matatawa na din ako pero umiiyak ang anak ko at hindi ko alam
kung anong gagawin kong pagpapatahan dito.

"Padedehen mo." Sabi ni Mommy at lumapit sa aming pwesto.

Nahihiyang itinaas ko ang suot kong damit. Sobrang naiilang ako dahil lahat sila ay
nanunuod sa amin.

Narinig ko ang pagtikhim ni Jake sa gilid ko. "Labas nga muna kayo, nahihiya ang
asawa ko." Aniya.

Natawa si Mommy at napailing na lang. Walang sabi-sabing lumabas si Daddy at


sumunod doon ang dalawa kong kapatid.

Naiwan sina Jake at Mommy na parehas nasa gilid ko.

"Ma, labas na." Ani Jake at pilit na marahang itinutulak si Mommy palabas.
"Jake." Tawag ko sa kanya. "Okay lang. Hindi ako naiilang kay Mommy." Sabi ko.
Binatukan ni Mommy si Jake at agad na bumalik sa pwesto nya. "Actually sayo ako
naiilang. Labas ka muna." Nakita ko na ang unti unting paglaki ng mga mata nito.
Para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko kaya nagsalita ulit ako. "Labas na."

Totoong naiilang ako sa kanya. Mas gusto kong si Mommy muna ang kasama ko dito sa
loob dahil sa pinagdaanan nya na din naman ito at isa pa ay babae sya. Kung tingnan
kasi ako ni Jake kanina habang pinapadede ko si Baby Vincent ay para bang gusto
nyang pumalit sa pwesto ng bata. Sobrang lalim ng tingin nya na pakiramdan ko ay
kayang kaya nya akong higupin.

Narinig ko ang paghalakahak ni Mommy sa gilid ko. Nilingon ko muli si Baby Vincent
na tahimik na ulit ngayon.

"Ako ang asawa tapos ako mapapaalis! Hindi ba't---" Tinaasan ko ito ng kilay kaya
napatigil ito sa kanyang pagsasalita. Kitang kita ko kung paano magbago ang
ekspresyon ng mukha nya Ang dami pang sinasabi eh!

"Kukunin ko lang yung wallet ko." Sabi nya habang nagkakamot ng kanyang batok.

Pagkalabas ay malakas na paghalakhak ang namayani sa buong silid. Halos maiyak na


si Mommy sa pagtawa.

"Mas malala si Jake kaysa kay Noel! Sobrang under sayo!" Ani Mommy habang
pinupunasan ang gilid ng kanyang mata dahil naluluha na ito sa kakatawa.

Kinabukasan ay lumabas na kami ng hospital. Hawak hawak ko si Baby habang si Jake


naman ang may dala ng mga gamit namin.

Pagkadating namin sa bahay tsaka ko naramdaman ang matinding pagod. May sarili na
kaming bahay, ipinagawa ito ni Jake bago kami kinasal. Oh diba, handang-handa ang
gago.

Sinalubong kami ng dalawa kong kapatid. Kinuha nila ang mga gamit na bitbit ni
Jake. Pagkapasok ko sa bahay ay inihiga ko muna si Baby Vincent sa kama tsaka ako
tumabi sa kanya. Maya maya pa ay naramdaman kong lumundo ang kama hudyat na tumabi
sa akin si Jake.

Niyakap nya ako sa bewang. "Babe." Aniya. "Masama ang loob ko." Dagdag niya.

Kunot noong tiningnan ko ito. "So?" Sabi ko sa mataray na tono.

"Hind ko nakita habang ipinapanganak mo si Baby Vincent." Aniya na may bahid ng


lungkot ang boses. Nakaramdam naman ako ng awa dito kaya tiningnan ko ito.

Nakapikit na ito at ginawa nyang unan ang dalawang braso nya.

"Tarantado 'yung doctor na 'yon. Malilintikan sakin 'yung gagong 'yon." Malakas na
binatukan ko ito.

"Bunganga mo!" Sabi ko at masamang tiningnan sya. Hanggang ngayon pala ay hindi pa
din sya natatapos sa paninisi sa doctor kung bakit hindi nya nakita ang panganganak
ko kay Baby Vincent.

"Seryoso ako Babe." Sabi nya habang hinihimas ang parteng binatukan ko.

Umupo ito at sumandal sa headboard ng kama.


"Pwede bang ibalik si Baby Vincent dyan sa.. Something mo tapos ano.. Vivideohan
ko.. Tapos---"

"Jake umayos ka! Hindi na nakakatawa! Matulog ka na." Utos ko sa kanya. Ano ba
naman kasing pag iisip meron tong lalaking 'to? Hindi ko talaga alam kung seryoso
sya sa mga pinagsasabi nya o natural na talaga sa kanya 'yan.

Agad itong nahiga at nagtalukbong ng kumot. Sa inaaksyon nya ay para syang bata na
takot na takot dahil pinagalitan ng nanay. Napailing na lang ako. Hay nako Jake, sa
ginagawa mong 'yan, lalo akong naiinlove.

Dahan dahan akong tumayo at binuhat si Baby Vincent para ihiga sa crib. Pagkababa
ko kay Baby Vincent ay agad akong humiga sa kama.

Niyakap ko si Jake ng mahigpit. Nag iinarte na naman ata ang lalaking 'to.

"Hoy lalaki." Sabi ko habang pilit inaalis ang kumot na nakatalukbong sa kanyang
mukha.

"Bakit babae?" Tanong nya habang nakatalukbong pa din ng kumot ang kanyang mukha
kaya hindi ko alam kung anong reaksyon nya.

"Umayos ka nga! Isa, para kang tanga." Narinig ko ang paghalakhak nito pagkatapos
ay inalis ng kumot na nakatukbong sa kanyang mukha.

Mahigpit na niyakap ako nito at naramdaman ko ang marahang paghaplos nya sa buhok
ko. Nakakaantok ang ginagawa nya kaya hindi ko mapigilang mag hikab.

"Babe?" Tawag nya sa akin.

Hinawakan nya ang baba ko at pinatigin ako sa kanya. Akala ko ay hahalikan nya ako
pero hinaplos nya ang noo ko. "May pimple ka." Aniya, hinawakan ko ang parte na
hinahaplos nya at agad kong naramdaman ang pimple na tumubo sa aking noo.

Pinasadahan nya ng haplos ang aking pisngi. "Ang mukha, oily." Dagdag pa nya at may
kasama pang pag iling-iling. Agad kong kinapa ang pisngi ko. Nagtataka na ako sa
mga pinagsasabi nito, ano bang gusto nyang mangyari?

"Nagkaka wrinkles ka na. Tumatanda ka na! Kaya pala napapansin ko medyo nagiging
haggard ka." Ang huling salita ay pabulong nyang sinabi.

Padabog akong naupo sa kama. Eh ano naman ngayon kung pangit na ako?! Walang 'ya
'tong lalaking 'to, pagkatapos akong buntisin tsaka sasabihin sakin yung mga
negative na nangyayari sa sarili ko.

"Wag ka magalit! Tae naman, patapusin mo kasi muna ako!" Pasigaw na sabi nya
habang pilit akong pinapakalma.

Humalukipkip ako at masamang tinitigan sya.

"Pero kahit ganun, mas lalo lang kitang minamahal. Mas gumaganda ka sa paningin ko.
Yung mga eyebags mo, tingin ko, nagsisibing make up 'yan sa mukha mo. Damn, mas
naiinlove ako sayo. Kahit pag utot at pangungulangot mo nateturn on ako. Shit.
Normal pa ba 'to?" Hindi ko maiwasang hindi mapaluha sa sinabi nya. Shit. The
sweetest man alive!

"I love you. So damn much." Aniya at siniil ako ng halik sa labi.

Hindi ko na napigilang pumatak ang luha ko. Ngayon ay masasabi kong ito na talaga.
Itong ito na talaga ang buhay na pinapangarap ko, ang buhay na pinapangarap ng
kahit sinong tao sa mundo.

Ang dalawa kong kapatid, si Mommy at Daddy, si Caesar, si Jake at si Baby Vincent,
silang lahat ang dahilan ng bawat pag ngiti ko. Sila ang dahilan kung bakit ako
masaya ngayon. Sila ang buhay ko. At ang pinaka huli sa lahat, sila ang dahilan
kung bakit may kwento kayong nababasa ngayon.

*** THE END ***

Surprise! Lol. Oo, Alam kong nagulat kayo dahil tapos na agad ang story nina Mariel
and Jake. Hindi ko talaga inaannouce at wala akong pinag sabihan para surprise.
haha. So ayun, gusto kong magpasalamat sa inyo alam ko na halo halo ang naging
reaksyon nyo, may mga natuwa, nadisappoint at kung ano ano pa pero ganon pa man,
lubos pa din akong nagpapasalamat sa inyo. Hanggang dyan na lang talaga ang kaya ng
utak ko. Said na said na. haha. Pasensya na talaga kung may hindi kayo nagustuhan
sa mga nangyari. Ako po ay hindi batikan na manunulat. Talagang natripan ko lamang
'to. lol

Basta sobrang thank you talaga. Actually, hindi ko ineexpect na madaming magbabasa
nitong ANSSLA. Ang main goal ko lang talaga ay makatapos ng isang story. So ayun,
sobrang dream come true talaga to sakin may bonus pang dumami ang reads.

Gusto kong magpasalamat sa kauna unahan kong reader, sina mjvelasco at AceLikeICE.
Sa mga palagi kong nakakausap at palaging laman ng comment box, sina Jennaration,
LavinEclatArpege, jeanmatias, MoonRain, anicapot, NaMheLoNheNg, flor_clyne,
SE_siren, leopadgirl, JellyJells, MarygraceTarrozaDuma, foreverruth atpb. haha.
(tinamad na kong magtype.)

GOOD NEWS: Magkakaroon na ng story si Jupiter at ang title ay 'Pakasalan mo 'ko,


gago!' Kung kelan ko ipopost ay hindi ko pa po alam. Sobrang busy pa sa school
works.

At yung about kay Caesar naman. Sa mga nagtataka kung ano ng nangyari sa kanya.
Makikita nyo ulit sya sa story ni Jupiter.

Sino pong marunong gumawa ng cover photo para kay Jupiter? Please do PM me.
Salamats.

No softcopy. No Book 2.

Thank you ulit! Thank you so much! Thank you! Thank you! Thank you!

You might also like