You are on page 1of 1007

598–760 minutes

Castillion Brothers Series 2: Second


Castillion
by Kuyajen

COMPLETED
Soon to be published in Elf King
Publishing House

This is an unedited version. Printed


version will be edited.

Bookcover: Ruffa Mhae

---------------------------
--

Second Series

Queen Antonia Santez, babaeng


nabuhay sa madilim at malungkot na
mundo simula ng magpakamatay ang
kanyang matalik na kaibigan na
tumayong nag-iisa niyang kapamilya
at karamay sa buhay dahil sa
pagkabigo nito sa pagmamahal.
Sukdulan ang naitanim niyang galit
sa kanyang puso para sa lalaking
naging dahilan ng kanyang pag-iisa,
ng kanyang pagiging malungkot at
mailap sa lahat.
Ngunit tunay ngang mapagbiro ang
tadhana. Nagkasalubong ang
kanilang landas ni King Second
Castillion, ang lalaking bumigo sa
kanyang kaibigan.
Palihim niyang ginawa ang plano niya
ng magkaroon siya ng pagkakataon
ngunit hindi naging madali para sa
kanya iyon dahil sa bawat araw na
nakakasama niya ito ay unti unti ring
nagugulo ang kanyang pagkatao.
Kaya nga bang tunawin ng
pagmamahal ang suklama at galit?
Paano kung malaman niya ang
katotohanan sa likod ng kwentong
kumulong sa kanya ng lagpas
dalawang taon? Magiging masaya
nga ba siya o tuluyang lalamunin ng
lungkot?

I'ts me again, @kuyajen. Please keep


on supporting my story.

---------------------------
--

PROLOGUE

"Lorette, calm down okay? Just


please calm down." Hindi
magkandaugagang sabi ko habang
mabilis na isinuksok ang susi ng
kotse para buhayin ang engine nito.
"I hate him, but I still love him Anton."
Humahagulhol siya habang ako ay
napapahigpit ang kapit sa monobela.
"I know, I know, wag kang gagawa ng
kung ano. Papunta na ako dyan." Alo
ko.
Hindi na niya nagawang sumagot
dahil malakas na naman siyang
napahikbi. I hate hearing her sob,
naiinis ako kapag nakikita at naririnig
ang ganitong side niya. Ilang ulit na
bang nangyari ito kay Lorette pero
mas malala ang ngayon. At sa iisang
dahilan na naman, ang boyfriend
niya.
Magboyfriend ka ba naman ng isang
babaero at nagmula sa mayamang
angkan malamang isa ka lang sa
mga laruan n'on. Gusto kong isatinig
pero pinili ko nalang na manahimik at
baka lumala ang sitwasyon.
Masyadong syang sensitive kapag
ang boyfriend niya ng usapan at ang
mabisang paraan ay ang manahimik.
Tsk. Martyr.
"Magpapakamatay nalang ako."
Pagkuay sabi niya matapos kong
pakinggan ang ilang minuto niyang
paghikbi.
Mas lalong napabilis ang
pagpapatakbo ko at kung maaari ay
paliparin ko na ang kotse ko
makarating lang sa apartment niya.
Natatakot ako para sa kanya dahil
matagal ko ng kilala si Lorette at alam
kong may isang salita siya. Kung ano
ang maisipan at sabihin ay talagang
ginagawa.
"Don't, wag mong gagawin ang bagay
na 'yan. Lalaki lang siya at darating
ang araw na makakalimutan mo rin
siya. Please, wag mong sayangin ang
buhay mo para lang sa walang
kwentang lalaki." Pilit kong
pinapakalma ang boses ko kahit ang
totoo ay gusto ko ng magwala,
hanapin ang punyetang kasintahan
nito at pagbubugbugin hanggang sa
hindi na makalakad.
"Hindi lang siya lalaki Anton, I love
him so much at hindi ko matanggap
na nakipaghiwalay siya sa'kin dahil
lang sa may nakita na siyang iba."
Sigaw niya sa kabilang linya.
Shit! Kung nasa ibang sitwasyon lang
kami baka kanina ko pa pinatay ang
tawag, I hate talking and using mobile
phone pero dahil sa matalik ko siyang
kaibigan ay napipilitan akong maging
madaldal at gumamit ng letshugas na
cellphone na 'to.
"Please Lorette don't say that
bullshit!" Hindi ko na napigilan na
mabakas ang inis sa boses ko.
Nagpatuloy na naman ito sa pag-iyak
at basag na basag na ang boses.
Panay ang salita niya na parang may
binabanggit na pangalan pero hindi
ko maintindihan.
Malas! Naibulong ko sabay hampas
ng monobela ng maipit ako sa traffic.
Walang tigil ako sa pagbusina at wala
akong pakialam kung nagsisisgawan
na ang ibang tao dahil sa ingay.
Putangina! Baka wala na akong
maabutan!
"Hey, Lorette? Lorette?" Panay ang
tawag ko sa kaibigan ko habang
nagpupumilit na makaalis sa traffic.
Wala akong narinig na sagot kundi
hikbi at hagulhol.
"Talk to me, Lorette." Sabi ko ulit.
"Ma'am bawal po dito." Rinig kong
boses ng isang lalaki sa kabilang
linya.
"I don't care." Matinis na sigaw
naman niya.
"Under renovation po ang rooftop
kaya bawal po ang umakyat doon."
Sabi pa ng lalaki.
Binundol ako ng kaba habang
pinapakinggan ang usapan ng
dalawa sa kabilang linya. Isa lang
ang laman ng isip ko ngayon at
ipinagdarasal ko na sana mali ako,
sana maling hinala lang.

"Wala nga akong pakialam,


nagbabayad ako ng tamang renta sa
apartment ko tapos pag-akyat lang sa
rooftop pagbabawalan niyo ako?"
Asik na naman nito.
Hindi nalawa ang kaba ko kahit pa sa
wakas ay nagawang kong makaalis
sa traffic. Ang kaninang mabilis kong
pagpapatakbo ay doble na ngayon.
Alam kong ilang sandali lang ay may
hahabol na sa'king mga pulis pero
wala akong paki kung makulong ako
ang mahalaga ay masiguro ang
kaligtasan ng kaibigan ko.
"Lorette, wag mong papatayin ang
tawag okay?" Sabi ko kahit pa parang
wala na sa isip nito na katawag niya
ako.
"Ma'am!" Sigaw ng lalaki kasabay ng
pagkaputo ng linya.
Malutong akong napamura at ng
makarating sa building kung saan
ang apartment ni Lorette ay hindi na
ako nag-abalang magpark ng
maayos. Dali dali akong bumama at
tinakbo ang elevator.
"Bilis!" Bulong ko, halos durugin ko
na ang pagpindot sa key papuntang
rooftop.
Kaba, takot at galit ang
nararamdaman ko ngayon habang
nagkatingala at naghihintay sa
pagbukas ng elevator. Nang
tumunog, hindi pa man tuluyang
bumubukas ay mabilis akong lumusot
sa siwang nito at muling tumakbo.
Nakarating ako sa rooftop at panay
ang linga ko sa paligid. Totoo ngang
under renovation ito dahil nadaanan
ko pa ang signage nila na
nagsasabing hindi allowed ang mga
tao dito dahil delikado.
"Humawak po kayo ma'am."
Owtomatiko akong napalingon sa
pinanggagalingan ng boses. Nasa
dulong bahagi ito kung saan ay
walang kahit akong harang at sa
tantya ko isang maling hakbang lang
ay maaari kang mahulog.
Fot pete's sake! Twenty floor ang
building na 'to at talagang durog ang
mga buto mo kapag nahulog ka.
Deritso morgue ka pa.
"Lorette." Naibulong ko, tumakbo ako
sa gawi nila.
Hawak hawak ng lalaki ang kamay ni
Lorette na ayon sa suot nito ay
parang construction worker. Umiiyak
ang kaibigan ko kaya parang tinitibag
ang puso ko sa kalagayan niya.
Inabot ko ang isa niyang kamay para
hilahin siya.
Sa tanang buhay ko ngayon lang ako
nakaramdam ng takot. Konti nalang
at maaari siyang makabitaw sa
pagkakahawak namin habang ang
katawan ay nakabutay sa ere.
"Wag kang bibitaw, please." Sabi ko,
naramdaman ko ang pagtulo ng mga
luha ko habang mahigpit na
nakahawak sa kamay niya.
Gusto kong magtanong kung anong
nangyari at nasa ganito siyang
sitwasyon pero hindi ko magawa
dahil ang gusto ko lang ngayon ay
mailayo siya sa kamatayan.
Tama ba ang hinala ko kanina, na
magpapakamatay siya kaya siya
pumunta dito sa rooftop? Na
tototohanin niya ang mga sinabi niya?
"Bitawan niyo ko, gusto ko ng
mamatay." Sigaw niya habang pilit na
gustong kumawala sa pagkakahawak
ko.
Mas lalong akong napaiyak at
nasasaktan sa nakikita kong
kalagayan niya. Kaya niya ba
talagang sayangin ang buhay niya
para lang sa isang lalaki? Para lang
sa isang pag-ibig?
"No, Lorette please wag kang
bibitaw." Nakadapa ako sa semento
para mas lalong mapahigpit ang
hawak sa kanya samantala ang
construction worker ay ganon rin.

"Bitawan niyo ako." Mas lalong


sumigaw si Lorette habang
humahagulhol at iwinawasiwas ang
kamay niya.
Mas lalo rin akong napaiyak dahil
konti nalang ay mabibitawan ko na
siya.
"Paano naman ako Lorette? Ikaw
nalang ang pamilya ko, mas
mahalaga ba talaga sa'yo ang
lalaking 'yon kaysa sa'kin? Tayo
nalang ang magkakampi s mundong
ito, pati ba naman ikaw ay iiwan
ako?" Kasabay ng pagpatak ng mga
luha ko sa kamay na nakahawak sa
kanya ay ang tuluyan niyang
pagbitaw.
"Lorette!" Sigaw ko.
Para akong nabato habang
nakatanaw sa katawan niyang
tinatangay ng hangin pabagsak sa
unang palapag. Hindi ako nakagalaw,
hindi ako makapag-isip ng tama lalo
ng balutin ng dilim ang pagbagsak
niya.
Mariin kong nakagat ang mga labi ko
habang pinipilit na isiksik sa sarili ko
ang mga nangyari. Nagsitayuan ang
mga balahibo ko dahil sa paghampas
ng malamig na hangin sa mukha
kong luhaan.
"Ma'am lumayo po kayo dito."
Walang akong marinig kundi ang
malakas na tibok ng puso ko habang
patuloy na naririnig ang mga huling
katagang narinig kong ibinulong niya
bago bumitaw sa pagkakahawak ko.
"I love you so much Second
Castillion."
"DIREK, ayos lang po ba kayo?"
Nakakunot noo akong bumaling sa
isang staff na nag-aalala sa harapan
ko.
Hindi ako sumagot, nakatuon lang
ang tingin ko sa cellular phone na
hawak ko. Cellphone ni Lorette.
"Kanina ka pa po tulala." Aniya.
Marahas akong umiling bago muli
ibinalik ang tingin ko sa staff.
Napapakamot ito sa ulong yumuko.
"Direk, wala pa po si Sir Second."
Imporma niya.
Napatingin ako sa relo ko. It's three
P.M at ang schedule ng shooting ay
one, dalawang oras na siyang late.
Tumango ako bago tumayo, siniguro
kong nasa bulsa ko ang cellphone.
Tanging alaala na naiwan sa'kin ng
nag-iisa kong matalik na kaibigan,
kapatid at pamilya.
"Pack up." Sabi ko. Nakita ko pa ang
pagtango niya na hindi ko na
pinansin. Nagtuloy tuloy ako sa
sasakyan ko na nasa parking lot ng
Castillion Hotel, dito ang location ng
shooting para sa bagong teleserye ni
Second pero tulad ng nakasanayan
na niya ay pasakit siya sa ulo.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan
ko papunta sa condo unit nito isang
kanto lang papunta sa location.
Sinalubong ako ng isang security
guard ng makarating ako doon kaya
ibinigay ko ang susi para i-park niya
ng maayos ang kotse ko. Hindi ako
marunong magpark.
"Hi Miss King, natutulog pa po si
Queen." Sabi ng receptionist. Hindi
ko ito pinansin dahil nagtuloy tuloy
lang ako sa top floor kung saan ang
condo niya na katabi ng condo ko.
Agad kong in-enter ang password
niya at walang sabi sabing pumasok
sa kwarto ng barakong ito. Naabutan
ko siyang nakahubad sa kama, tulog
na tulog at tanging sa baba lang ang
tinakpan ng kumot. Napapaling akong
pumunta sa kusina, kumuha ng isang
plangganang tubig at ibinuhos sa
hubad niyang katawan.
Parang isdang nailayo sa tubig
siyang bumangon, pumisikpisik siya
at nagbabaga ang mga tinging
bumaling sa'kin.
"What the hell Queen Antonia
Santez." Sigaw niya habang parang
wala sa sariling tumayo. Tama ang
hinala ko wala nga siyang saplot ni
isa.
Hindi ako nagsalita, pumasok naman
ako sa walk in closet niya at kumuha
ng semi formal na damit at lumabas
ulit. Inilapag ko iyon sa couch na
nasa harap niya at umupo.
Nakadekwatro akong nakaupo kahit
pa ang sandata niya ay nakalantad
sa mga mata ko.
Tinanguan ko siya at itinuro ang C.R.
"Ayoko, hindi ako maliligo. Hmp."
Hinampo niya at sa laki niyang tao ay
gan'on siya umasta. Nameywang
lang ito na parang gustong
magpagahasa.
"Go." Ako.
Mabibigat ang hakbang nito na
lumapit sa'kin at kumapit sa braso ko.
Naupo sa tabi ko.
"Eeh, ayoko nga. Masakit ang ulo ko
at isa pa kailangan ba talagang
buhusan mo ako ng tubig para
gisingin pwede namang tapikin
nalang ako di ba?" Pagdadaldal niya.
"Gusto mo ba akong patayin?"
Mabilis akong tumango dahil sa
tanong niya. Hindi ka naman gigising
kung tatapikin lang kita dahil tulog
mantika ka. Gusto kong isatinig pero
tinamad akong magsalita.
Nakakapagod ibuka ang bibig ko.
Padabog siyang tumayo muli at
tinignan ako ng masama.
Nakipagtitigan ako sa kanya at siya
ang unang umiwas kaya nagbunyi
ang kalooban ko.
"Nakakainis ka, ayoko ngang
pumunta sa set at sana sinabi mo
agad sa'kin ang schedule ko para
hindi ako nagpunta sa bar kagabi."
Litanya niya.
Sa pagkakataong 'to siya naman ang
sinamaan ko ng tingin at talagang
hindi ako umiwas, napapakamot sa
ulo niyang pinulot ang mga damit na
ihinanda ko para sa kanya.
"Ang pangit mo." Asik niya bago
tuluyang pumasok sa C.R.
Tsk. Isip bata.
Habang naghihintay sa kanya ay
hindi ko namalayang nakaidlip ako.
Naalimpungatan ako ng
maramdaman kong may naglalaro sa
buhok ko. Napadilat ako at
sinalubong ang nakangiting mukha ni
Second.
Dahan dahan akong bumangon
sabay tapik sa kamay niyang
nakahawak sa buhok ko.
Pinasadahan ko siya ng tingin, suot
na niya ang ihinanda kong damit.
Blue semi formal long sleeve na
tinernohan ng black fitted jeans.
Nakayapak lang ito at walang kaarte
arteng nakaapak sa makalat niyang
sahig.
"Bakit black ang kinuha mong
underwear ko, tsk ang pangit." Angal
niya. Tinitigan ko siya ng ilang minuto
bago ako tumayo at hinila siya sa
harap ng full lenght mirror. Inayos ko
ang gusot niyang kwelyo at itinupi ito
hanggang sa kanyang siko. Inayos ko
rin ang pagkakalock niya ng kanyang
sinturon.
"It's monday so kulay black." Paalala
ko.
May schedule ang kulay ng
underwear na dapat niyang isuot
bawat araw.
Monday is Black.
Tuesday is Red.
Wednesday is Gray.
Thursday is Maroon.
Friday is Yellow.
Saturday is Fuchsia.
And Sunday is Green.
"Tss. Dapat fuchsia nalang, you I love
anything as long as it's fuchsia."
Angal na naman niya.
Sa lahat ng taong nakilala ko ay siya
ang pinakamadaldal,
pinakamareklamo at pinakasakit sa
ulo. Hindi ko alam kung saan pinaglihi
ang lalaking 'to at parang hindi isang
barako lung umasta.
Ang pagkakaalam ko ay mga straight
ang mga kapatid nito at mahirap
malapitan dahil sa mga mukha pa
lang ay masungit na pero ang isang
'to kilay at mustache lang ang
masungit pero kapag nag-ahit
siguradong magmumukhang bakla.
"Go on." Banta ko syaka ang buhok
naman niya ang inayos ko. Hindi
nagkakalayo ang tangkad namin dahil
sa mataas rin ako pero kinailangan
ko pang tumingkayad para lang
maabot ang buhok niya.
Sa sobrang kaburara at katamaran
ng lalaking 'to kahit boxer at brief ay
hindi kayang maglaba.
Naglalambing siyang yumakap sa'kin
ng makita ang seryoso kong mukha
na mas lalong naging seryoso.
"Oo na nga di ba black na nga e. Tss.
Ang sungit mo talaga at ang harsh
mo palagi parang hindi mo ako
bestfriend."
Hindi ko binigyan ng pansin ang
pagiging isip bata niya at
ipinagpatuloy lang ang pag-aayos ko
sa buhok niya. At nang matapos ay
lumabas na ako ng condo niya at
dumiretso sa parking lot.
"Hintayin mo naman ako." Hindi ko
siya nilingon na nakahabol pala sa
paglalakad ko. Tinatamad akong
igalaw ang leeg ko. Tss.
Hanggang sa makasakay ako sa
kotse ko, pumasok naman siya sa
passenger seat na hinihingal pa.
"Ang harsh mo talaga sa'kin kapag
ako nainis sa'yo gagahasain kita."
Banta niya na tinanguan ko lang.

---------------------------
--

Chapter 1

Second POV
"ANG harsh mo talaga sa'kin, kapag
ako nainis sa'yo gagahasain talaga
kita." Banta pero tumango lang siya
kaya lalo akong napasimangot. Biro
lang naman 'yon 'no, hindi ko kayang
gawin sa kanya ang bagay na 'yon
dahil baka bukas wala na ang
pinakaiingatan ko.
Malakas pa naman ang tama ng
babaeng 'to. Sino ba namang
matinong tao na mambubuhos ng
tubig para manggising, paano kung
nalunod ako? Pero alam ko namang
kahit ganyan siya ay nagmamalasakit
pa rin siya sa'kin, bestfriend kaya
kami.
"Pupunta pa rin ba tayo sa shooting,
King?" Tanong ko na tinanguan
naman siya.
Hmp. Hindi talaga ako naniniwala na
ako ang pinakatamad na tao sa
buong mundo tulad ng palagi nilang
sinasabi, itong babaeng 'to mas
tamad pa sa tamad pati pagsasalita
tinatamad pa.
Inirapan ko siya. Oo marunong akong
umirap, ang dali kaya. Dahil sa
sobrang boredom dahil kahit bumaho
ang laway ni King ay hindi 'yan
magsasalita kapag walang kwentang
usapan ay in-on ko nalang ang radio
ng kotse niya. Napangisi ako dahil
sakto ang paborito kong kantang
pang-asar sa kanya ang nakaere.
Titibo-tibo by Moira Dela Torre.
Sinabayan ko ang pagkanta habang
iniiba ang lyrics para maasar siya.
"Elementary pa lang napapansin na
nila
Mga gawi kong parang hindi panlalaki
e kasi
Imbes na bola at baril barilan laruan
ko ay barbie
Tapos ka-jamming ko lagi noon mga
binabae sa amin." Panay ang kanta
ko at nagdidiwang na ang kalooban
ko dahil kunot na kunot na ang noo
niya, parteda with feelings ang
pagkanta ko 'no at may action.
"Nung ako’y mag-high school ay
napabarkada sa mga gay
Curious na lalaki na ang hanap din ay
lalaki
Sa halip na gitara bitbit ko ay make
up kit
Tapos pormahan ko lagi ay pulang
panty at faded na bra
Pero noong nakilala kita nagbagong
bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond at mag-
ahit ng kilay at least once a month
Hindi ko alam kung anong meron ka
na sa akin ay nagpatigas nang bigla
Sinong mag-aakalang lalake pala ang
bibihag sa tulad kong pusang gala."
Sumulyap siya sa'kin dahil sa
sobrang pagkairita dahil sa
pagpapalit ko ng ibang lyrics.
Magdusa siya, kasalanan niya naman
e kasi ang tamad niya magsalita.
Kahit ako’y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa’yo
Isang halik mo lamang at ako ay
tinitigasan
At ang aking pagkalalaki ay
nabubuhayan
Na para bang bulaklak na
namumukadkad
Dahil alaga mo sa halik at
katamtamang
Ilaw ng gabi-gabi mong pag-ibig
Sa’king buhay nagpapasarap
Nung tayo’y nag-college ay saka ko
lamang binigay ang matamis na oo
Sampung buwan mong trinabaho
Sa halip na tsokolate at tipikal na
mga diskarte
Nabihag mo ko sa mga irap at sa
mga salita mong panggangster
Kaya nga noong makilala kita alam
mo na agad na mayroong himala
Natuto akong magtakong at
napadalas ang pagsuot ng bestidang
pula
Pero di mo naman inasam na ako ay
magbabagong tuluyan para
patunayang
Walang matigas na tinapay sa mainit
na kape ng iyong pagmamahal
Kahit ako’y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa’yo
Isang halik mo lamang at ako ay
tinitigasan
At ang aking pagkalalaki ay
nabubuhayan
Na para bang bulaklak na
namumukadkad
Dahil alaga mo sa halik at
katamtamang
Ilaw ng gabi-gabi mong pag-ibig
Sa’king buhay nagpapasarap."
Talagang tinaasan ko pa ang tono ng
kanta para mairita siya pero hindi pa
rin talaga siya nagsalita.

Ilang sandali lang ay nakarating kami


sa location. Busy lahat ng staff sa
pagseset-up ng mga gagamitin sa
scene pati na ang mga camera man
upang humanap ng tamang anggulo.
Nasa isang coffee shop ngayon ang
set-up dahil iyon ang sunod na
setting ng istorya.
Lahat bumabati sa'min lalo na sa'kin
pero hindi ko pinapansin dahil
nakahawak lang ako sa braso ni King
habang panay ang daldal ko.
"Akala ko ba sa hotel namin ang first
location bakit tayo nandito?"
Pangungulit ko.
Tumigil siya sa paglalakad at
humarap sa'kin na walang pinagbago
ang reaction. Nanlisik iyon na parang
sinasabing 'may gana ka pang
magtanong na alam mo namang dahil
sa pagiging batugan mo kaya
nacancel ang sanay shooting sa
hotel'. Ako na ang nag-interpret ng
titig niya kaysa hintayin ko siyang
magsalita, baka abutin kami dito ng
gabi't madaling araw.
"Sabi ko nga hindi na ako
magtatanong." Pag-iwas ko sa
matatalim niyang tingin bago siya
akbayan.
'Bagay sila 'no? Hihihi kinikilig ako.'
'Oo nga e, parang 'yong sa wattpad
lang pero sa estado nila baliktad dahil
nagmumukhang prinsipe si Direk
samantalang si Sir Second
nagmumukhang prinsesa.'
'Sa pangalan pa lang bagay na bagay
na, Queen Antonia Santez and King
Second Castillion.'
'Kaya nga alam ng marami na ang
tawag ni Sir Second kay Direk ay
King samantalang si Direk naman
ang tawag niya kay Sir Second ay
Queen.'
'Iyon nga ang mas nakakakilig e.'
Napatago ako sa likod ni King dahil
sa mga naririnig kong bulong
bulungan ng mga nadadaanan
naming staff pati ang ibang mga fans
na nag-effort maghintay ng matagal
para mapanood ang shooting ko.
"Ang gwapo ko talaga 'no, hindi sila
pagkamayaw sa pagchichismisan
tungkol sa'kin." Tuwang tuwang sabi
ko. Wala akong nakuhang sagot sa
kanya.
Dumiretso kami sa temporary tent na
itinayo sa harap ng coffee shop
upang magsilbing dressing room.
Nakangiting sinalubong kami ni Anna,
ang make up artist ko at designer.
"It's good to see Sir Second."
Salubong niya pero inirapan ko lang.
Akmang hihiwalay na sa'kin si King
pero mas lalo kong hinigpitan ang
pagkakaakbay sa kanya dahilan para
tingalain niya ako na may malamig na
tingin.
"Pwede bang next time nalang ang
shooting? Tinatamad talaga ako e."
Hirit ko.
"Bumati ka." Madiing utos niya syaka
bahagyang binalingan si Anna na
naghihintay na bumitaw ako kay
Direk.
"Ayaw." Tanggi ko. Naramdaman ko
ang malakas niyang kamay na
nakahawak sa braso kong nasa
balikat niya.
"Ayusin mo 'yang ugali mo ha!?
Bumati ka." Pag-uulit niya. Alam ko
namang mali ang hindi bumati sa
mga taong nakapaligid sa'kin at
himala mang isipin siya ang nagturo
sa'kin ng bagay na 'yon kahit pa hindi
naman niya ginagawa.
"Bakit ako lang ikaw nga puro tango
lang e." Reklamo ko at napilitang
humiwalay sa kanya syaka ako
padabog na umupo sa single chair na
nandito sa loob ng tent.
Nakita ko ang pagyuko ni Anna bago
ito lumabas at iniwan kaming dalawa
ni King. Syempre lalabas talaga 'yon
bilang respeto takot lang nila kay
King.
"Wag mong sagarin ang pasensya ko
dahil kaninang umaga kapa
namumuro sa'kin wala akong
panahon para makipagsabayan diyan
sa matigas mong ulo." Bakas na ang
kawalan niya ng pasensya pero
nananatili akong nakaupo at umiwas
lang ng tingin. "Five minutes,
bibigyan kita ng limang minuto para
mag-ayos ng sarili mo, walang
designer and make up artist within
one month." Aniya bago ako inwan.
Napangisi ako ng mapag-isa syaka
tumawa ng mala albularyo.
"Wahahaha. Nagawa ko siyang
pagsalitain ng mahaba." Tinapik tapik
ko pa ang dibdib ko. "Isa ka talagang
magalaing Second." Pinalakpakan ko
pa ang sarili ko dahil sa napakalaking
achievement ko ngayong araw.
Okay lang na walang mag-aayos
sa'kin sa loob ng one month alam ko
namang hindi niya ako matitiis.
Ilang sandaling pagdiriwang ko ay
siya namang pagbalik ni Anna.
Napatalon ako sa sobrang tuwa at
niyakap siya. Sabi ko na nga ba hindi
ako matitiis ni King, mahal kaya ako
ng bestfriend kong 'yon.

"CUT!" Sigaw ng assisstant director


habang ginagawa namin ang scene.
"Ano ka ba naman Second simpleng
kissng scene lang hindi mo magawa!"
Sigaw niya pero hindi ko pinansin.
Paki ko ba.
"Sabi ni Direk ten minutes break
daw." Sabi ng isang staff na
namimigay ng mga tubig. Pagkarinig
kong break muna ay mabilis akong
tumakbo sa pwesto ni King na nasa
harap ng mga cameraman.
Naglalambing na kumapit ako sa
braso niya at nagpacute para
pagbigyan niya ako sa hihilingin ko.
"King pwede bang alisin 'yong kissing
scene? Alam mo namang ayoko ng
may kissing e, baka pagkatapos nito
gahasain niya ako kapag natikman
niya ang matamis kong labi. At isa
ayokong siya ang maging first kiss
ko." Reklamo ko. Agad na
nagsialisan ang mga cameraman sa
harapan namin kaya napilit kong
humarap siya sa'kin. "Sige na please,
sige na. Bakit ba kasi hindi mo muna
pinabasa sa'kin ang script ide sana
napaedit ko!?"
"May panahon kang magbasa?"
Sarkastikong balik tanong niya kaya
napakamot nalang ako sa ulo ko.
Tama siya, tamad kaya akong
magbasa kahit may panahon ako.
Kaya nga ang mga linya ko
nalalaman ko lang kapag malapit ng
magshoot syaka ko lang babasahin at
isasaulo.
"A, basta tanggalin mo nalang ayoko
nga sa kissing scene di ba? Virgin pa
ko 'no at ibibigay ko lang ang virginity
ko sa babaeng magiging asawa ko."
Maktol ko ulit, naririnig ko na naman
ang kilig at tawanan ng mga taong
nasa paligid karamihan mga babae
pero hindi ko pinansin. Naiinis talaga
ako ngayon kaya wala akong
pakialam sa kanila.
"Nasobrahan ka sa pag-aartista, ang
OA mo." Seryosong sagot ni King.
Nagseryoso ako dahil hindi naman
joke para sa'kin ang mga sinasabi ko
dahil totoo 'yon pero parang wala
lang siyang paki.
"Hindi ako OA, alam niyong ayoko sa
kissing scene pero bakit meron
ngayon?"
"Para maiba naman Sir Second, dahil
sa lahat ng nagawa niyong project
walang kissing or intimate act isa pa
teleserye ito kaya expected na dapat
may kissing lalo at matured ka na
naman at iyon ang hanap ng mga
fans mo. Gusto nilang makita kung
gaano ka ka'aggressive." Singit ng
assisstant director, 'yong kanina pa
sigaw ng sigaw sa'kin dahil ilang take
na hindi ko pa rin daw magawa.
Kunot noo ko siyang binalingan.
"Wala akong paki sa gusto ng mga
fans ko o ng kung sinong poncho
pilato ang gusto ko ngayon palitan
ang scene na 'yon." Asik ko.
Tumahimik ang lahat dahil nakikita
siguro nila na hindi ako nagbibiro sa
pagkakataong ito. Ayoko sa kissing
scene. Period. Ano bang mali sa
ayaw ko?
"Pero kailangan e." Apila niya ulit.
"Wala nga akong paki, kung hindi
tatanggalin ang ganyang mga scene
hindi ko na itutuloy 'to."
"Makukulong ka kung hindi mo
tatapusin ang kontrata or kailangan
mong bayaran."
"Ide makulo o magbayad kahit
magkano basta ayoko sa ganyang
mga scene. Tapos ."
Tumayo si King at pumasok sa tent
kong saan ang parang dressing room
ko. Sumunod naman ako dahil sign
iyon na gusto niyang walang
makakarinig sa usapan namin at
baka mapabalita pa ako.
"Sige na naman kasi King, please."
Pagmamakaawa ko.
"Kailangan mong gawin 'to para
naman maiba ang acting mo at
maging matured ka dahil ang mga
susunod mong mga project ay
kailangan mo 'yon." Paliwanag niya.
"Ayoko nga."
"Ano bang kinakatakot mo?"
Napabuntong hininga ako sabay lapit
sa tenga niya para bumulong. "Hindi
ako marunong humalik." Nahihiyang
bulong ko.
Yumuko ako dahil sa hiya dahil akala
ko tatawa siya at aasarin ako pero
ilang sandali ang lumipas wala akong
narinig sa kanyang kahit ano kaya
napilitan akong tumingin ulit sa
mukha niya. Nakakunot lang ang noo
niya at walang nagbago sa reaction,
seryoso pa rin.
"Ano namang mali sa lalaking hindi
marunong humalik?" Takang tanong
niya.
"Malaking mali, sa laki kong tao hindi
ako marunong humalik. Gosh, ang
lakas ko pa namang magyabang sa
mga babae sa bar tapos hindi ako
marunong e. Kaya nga ayoko sa mga
scene na gan'on at baka pagtawanan
ako ng mga nakakapareha ko at
gawing malaking issue." Hindi
mapakaling litanya ko habang hawak
hawak siya sa balikat. "Kaya sige na
palitan mo na."
"Hindi pwede, dapat may respeto
tayo sa script writer, pumirma tayo ng
kontrata so wala tayong magagawa
kundi ang sundin 'yon." Mahabang
paliwanag niya, alam kong nag-aalala
rin siya sa'kin dahil nagagawa niyang
magpaliwanag ng mahaba, sa tagal
ng pagkakaibigan namin kilalang
kilala ko na siya kaya kahit wala man
akong makitang pag-aalala sa mukha
niya nakikita ko naman iyon sa
paraan ng pananalita niya. Kaya nga
kampanti ako kapag siya ang
kasama.
"Ano ng gagawin ko ngayon?"
Nawawalan ng pag-asang tanong ko
sabay yakap sa kanya. "Ikaw ang
umisip ng paraan." Lambing ko pa
para tulungan niya ako.
"Don't worry okay may naiisip na
ako." Aniya.
"Talaga? Ano naman?"
"Tuturuan kita."

---------------------------
--

Chapter 2

Second POV
NGINGITI ngiti akong pumasok sa isa
sa maraming kompanya na pag-aari
ng pamilya namin, isa itong radio
station slash tv network na
pinamamahalaan ni Third, ang isa sa
mga kapatid kong close na close ko
talaga. Para na kaming pinagbiyak na
bunga dahil sa pagiging malapit
namin. Katatapos lang ng shooting ko
sa bago kong teleserye at agad
akong tumuloy dito para
makapagpahinga.
Tulad ng nakasanayan ko na ay lahat
ng tao sa lobby ay napapatingin
sa'kin. Sino ba naman ang hindi kong
isang Second Castillion ang
masisilayan nila, aba gwapo na nga
macho pa mayaman pa. Total
package na.
Pero sorry sila dahil hanggang tingin
at pagnanasa lang sila.
"Good afternoon sir Second."
Salubong sa'kin ng secretary ng
kapatid ko.
Imbes na ngumiti ay hindi ko nalang
siya pinansin dahil baka bigyan niya
ng ibang meaning ang pagngiti ko sa
kanya. Ayoko ng kahit na anong
attachment sa mga babae maliban
nalang sa bestfriend kong si King.
Napangiti ako ng maalala ang
nakasimangot niyang mukha.
Nakita ko ang pagsimangot nito na
hindi ko nalang pinansin. Nagtuloy
tuloy ako sa office ni Third at hindi na
nag-abalang kumatok pa.
Abala ito sa pagbabasa ng mga
dokomento at hindi manlang tumingin
sa kinatatayuan ko. Nakangisis kong
kinuha ang sapatos na suot ko syaka
ibinato sa kanya. Napahagalpak ako
ng tawa ng masapol ito sa ulo.
"You're crazy and childish." Inis na
sabi niya sabay bato pabalik sa'kin ng
sapatos na agad ko namang nasalo.
"Ang seryoso mo kasi sa pagbabasa
baka magkapalit kayo ng papel na
'yan." Tatawa tawa akong lumapit sa
upuang kaharap ng office table niya.
"Bakit ka na naman nandito?" Taas
kilay na tanong niya habang
seryosong nakatingin sa'kin. Hindi na
siya bumalik sa pagbabasa ng boring
na mga papeles na 'yon.
"Bored lang ako."
"Mambabae ka." Suhestyon niya na
ikinasimangot ko.
"Gago, gagawin ko lang 'yon kapag
nainlove ka na." Sinamaan niya ako
ng tingin kaya hindi ko na naman
napigilang mapahalakhak.
"Tapos ka na ba sa pagpapasakit ng
ulo ng director mo kaya nandito ka na
naman?"
Kilala niya si King, well, lahat naman
ng mga kapatid ko kilala ang
bestfriend ko at minsan kapag wala
silang magawa sa buhay ay
kinakantiyawan nila ako tungkol kay
King. Ipinagkikibit balikat ko lang 'yon
dahil alam kong malabong mangyari
ang gan'ong bagay sa pagitan
naming dalawa. Aba parang bato
'yong bestfriend ko kaya imposible.
"Dude kahit anong katigasan ng ulo
ko sa taas at sa baba, mahaba ang
pasensya n'on pagdating sa'kin baby
niya nga ako e."
"Ewan ko ba kay Anton at nagagawa
niyang pagtyagaan ang tulad mo,
mas matanda pa akong mag-isip
sa'yo e."
Ngising aso lang ako sa sinabi niya.
"Halos fifteen years na kaming
magkaibigan bro kaya sanay na
sanay na siya sa'kin." Pagmamalaki
ko.
"Kaya wala kang love life dahil
nakadepende ka lang sa kanya."
"Wow, Third brother ikaw ba 'yan?
Usapang love life ba? Pass ako diyan
dahil alam mo namang pareho ang
likaw ng bituka natin, pareho tayong
naniniwala na hindi babae ang
makakapagpasaya satin. Don't me
dude, wag si Second Castillion."
Doon ko narinig ang pagtawa niya.
"Yeah right, at nakigaya ka pa sa
prinsipyo ko."
"Prinsipyo my as bro, ayoko lang
talaga sa babae dahil hassle." Totoo
naman talaga ang mga sinabi ko, no
girlfriend since birth ako dahil ayoko
ng commitment and complication.
Ayokong sumakit ang ulo ko dahil sa
babae, masaya na ako sa buhay ko
na shooting, inuman at bonding lang
sa bestfriend ko umiikot ang buhay
ko.

"So anong tingin mo kay Anton?


Hindi mo lang alam na ang tingin sa
inyo ng mga empleyado ko na mag-
asawa kayo." Kantiyaw niya pa na
iningusan ko naman sabay taas ng
middle finger ko.
"Fuck you bro."
"No thanks natitiis ko pa naman ang
mariang palad." Sabay kaming
humalakhak dahil sa sinabi niya.
"Baka mamatay tayong virgin."
Tumawa ulit kami na parang wala ng
bukas.
Hindi pa man humuhupa ang tawa
namin sa sarili naming mga
kalokohan ay bumukas ang pinto at
nagsipasok ang mga kutong lupa.
Sina Fourth, Fifth, Six and Seven.
Pare parehong nakangisi ang lahat
maliban kay Fourth na walang
reaction sa paligid.
"Hey Queen." Bati nila sa'kin at sabay
na nagtawanan.
"Ano namang nakakatawa do'n?"
Ngisi ko sabay isa isang apir sa
kanila. Nagsiupo sila sa couch at
humarap sa'min ni Third.
"Damn, Kuya Second career na
career mo talaga ang gan'ong pet
name nagmukha kang reynang may
ulo sa baba." Hirit ni Six.
"Gago, walang masama do'n ang
saya nga e para akong prinsesa dahil
may taga alaga sa'kin." Pagmamalaki
ko.
Wala naman talagang masama sa
endearment na 'yon, tinawag akong
Queen dahil sa maginhawa kong
buhay na parang reynang nasa
palasyo na walang ibang ginawa
kundi ang humilata at magpahinga
kahit hindi naman nabanat ang buto
at King naman si Anton dahil siya ang
halos gumagawa ng dapat ay
gagawin ko, inaalagaan niya ako,
siya ang director ko, assisstant,
nanny, nanay at lahat lahat na.
"Hindi ka na nahiya Kuya sa laki
mong 'yan ang batugan mo, kawawa
naman si Ate Anton." Tugon ni
Seven.
Binato ko siya ng sapatos ko na
mabilis niyang nailagan kaya sabay
sabay kaming napatawa. Ganito
kababaw ang kaligayahan naming
magkakapatid, as long as
magkakasama kami konting kibot at
kalokohan ay nagtatawanan.
"But seriously, wala ka ba talagang
gusto kay Anton Kuya?" Seryosong
tanong ni Fourth. Kumunot naman
ang noo ko sa pagtatanong niya,
kailan pa siya nagkainterest sa
gan'ong bagay?
"Obvious naman ang sagot itatanong
pa e." Syempre wala akong feelings
para sa bestfriend ko dahil hindi kami
talo. Tumatango tangong sagot ko.
Nagkatinginan naman sila at alam ko
kung ano ang mga nasa isip nila
ngayon. Mga gugong talaga, mga
lalaki pero parang mga bakla kung
magchismisan.
"Oo nga naman obvious na obvious
nga naman talaga." Natatawang
tugon ni Third na may halong pang-
aasar.
"Obvious na may gusto siya kay
Anton." Sabay sabay nilang tugon.
Dahil wala na akong pambato sa
kanila ay dinamba ko silang apat na
nasa couch, nagwristling kaming lima
habang nagtatawanan.
Pinagtutulungan nila ako kaya ako
ang nasa ilalim. Sya namang
pagbukas ng pinto at bumungad sa
paningin ko ang madilim na mukha ni
King. Ang ngiti ko kanina ay napalitan
ng ngiwi at pasimple akong nagtago
sa katawan ng mga kapatid ko.
Patay na naman ako nito, nahanap
na naman niya kung saan ako.
"Follow me." Kahit hindi niya ako
nakita ay sinabi niya ang mga
katagang iyon na seryosong seryoso.
"Oh, oh nandyan na ang commander
mo Kuya." Tawa ng tawa si Fifth at
naramdaman kong umalis siya sa
harapan ko at lumapit kay King.
Gan'on din ang ginawa ng tatlo kaya
wala akong nagawa kundi ang
tumayo nalang at harapin ang tigreng
masama ang timpla ng mood.
Napapakamot sa ulong lumapit ako
kay Third para humingi ng tulong
pero ang gago kong kapatid
naghands up lang tanda na wala
siyang balik na tulungan ako kaya
napilitan akong bumaling kay King.

"Akala mo naman kung


makapagrelax ay walang trabahong
tinakasan." Asar ni Seven na
pasimple kong sinamaan ng tingin.
"Lagot ka na naman sa misis mo."
Dugtong ni Six.
Wala talaga akong aasahan sa mga
ulupong na 'to. Kapag talaga
ganitong sitwasyon nilalaglag nila ako
dahil alam nilang si King lang ang
nakakapagpatiklop at
nakakapagpasunod sa'kin. Paanong
hindi ko siya susundin siya ang
gumagawa ng lahat para mabuhay
ako kaya kapag nawala siya patay
ako sa gutom.
Isa pa mahal ko 'tong bestfriend ko e
dahil siya lang nakakatagal sa ugali
ko, parang bato kasi.
"Bakit ka tumakas sa shooting?"
Tanong niya habang ako ay
nakayuko, ang mga kapatid ko
naman ay nagsibalik na ng upo sa
couch matapos bumati kay King, para
silang nanonood ng action movie sa
pagtunganga sa'min.
"Hindi ako tumakas, naghanap ako
ng CR kaso wala akong nahanap
kaya dito na ako tumuloy para
magbawas, pabalik na nga sana ako
kaso dumating ka." Palusot ko. Ang
totoo kasi hindi pa tapos ang shooting
nabored ako dahil sa panlalandi
sa'kin ng kalove team ko sa project
na 'to na mukhag clown sa Halloween
kaya tumakas ako at pumunta dito.
"May CR sa cafè."
"Barado." Sagot ko at agad siyang
inakbayan. "Tara na total tapos na
naman akong magCR, di ba nga
tuturuan mo akong humalik?" Pag-
iiba ko sa usapan. Akala ko mahihiya
siya at mamumula tulad ng normal na
reaction ng isang babae dahil sa
sinabi kong halik pero siya walang
nagbago sa reaction at tanging tango
lang ang sagot bago muling
tumalikod at naglakad palabas ng
office ni Third.
Nangibabaw ang mapang-asar na
tawa ni Fifth ng makaalis si King.
"Tangna! Under ka talaga bro, at
anong tuturuan ka ng halik? Damn,
Bro taking for granted mo ang
sitwasyon at pagiging misis niya e."
Inambahan ko lang ng suntok ang
mga walang kwenta niyang
pinagsasabi.
"Yan napapala mo sa pagyayabang
na may talaga alaga ka, meron nga
pero nag-ala misis Andres de saya
ka." Si Six.
"Mga gago kayo." Nagpakawala ako
ng malulutong na mura na mas lalong
ikinatawa nila. Bago pa ako maasar
ay sumunod na ako kay King, ano
naman ngayon kung mala Andres de
saya ako wala lang naman 'yon
kompara sa sakripisyo at pag-aalaga
niya sa'kin kaya ayos lang total sa
huli ang gusto ko pa rin ang
sinusunod niya.
Pagkarating sa parking lot nakita
kong pasakay na si King sa motor
niya. Nagsalubong ang mga kilay ko
ng makita ang ginamit niyang
sasakyan papunta rito. Malalaki ang
ginawa kong hakbang papalapit sa
kanya at walang kahirap hirap ko
siyang inalis sa pagkakasampa sa
motoriklo niya bago pa man iyon
humarurot palayo. Kainis, kababaeng
tao nakasakay sa Ducatti with a color
of mix silver and black, ako nga kahit
bike ayokong gumamit dahil baka
mapahamak ako sa daan tapos siya
higanteng motor ang ginagamit.
"Di ba sabi ko wag mo ng gagamitin
ang motor na 'yan? Paano kung
mapahamak ka?" Iritang sambit ko.
Mas lalong nag-init ang ulo ko ng
magkibit balikat lang siya. Tangna!
Hindi naman totoo na ako lang palagi
ang sakit sa ulo dahil minsan may
pagkapasaway rin ang babaeng 'to
kahit hindi halata. Minsan nga kapag
tinutopak mas malala pa sa'kin ang
saltik sa utak.
"Nagusap na tayo tungkol sa motor
na 'yan King." Asik ko at wala sa
sariling namewang ako sa sobrang
inis.
"Kung hindi ka tumakas hindi ako
mapipilitang gamitin 'yan." Rason
niya.
"May kotse ka naman di ba?"
"Mas mabilis kitang mapupuntahan
kung ito ang gagamitin ko, hindi ka ba
nahihiya sa mga taong parte ng
project na 'to at umiiral na naman
'yang katamaran mo at kapag bored
ka na tatakas ka nalang ng basta
basta? Matanda ka na Second pero
hindi ka man lang nagbago kahit
konti, napakairesponsable mo pa rin
dahil alam mong ang mga taong nasa
paligid mo ay kaya kang pagbigyan."
Dire-diretso niyang tugon sa
mababaw na tono pero alam kong
galit na siya dahil sa haba ng mga
sinabi niya, nabibilang palang sa mga
daliri ko sa kamay ang mga
pagkakataon na naubos ang
pasensya niya pero dahil naiinis
talaga ako sa pagiging matigas rin ng
ulo niya ay hindi ako natinag kahit
masakit sa'kin ang mga sinabi niya.
Sinalubong ko ang malamig niyang
tingin.
"Ako itong nagmamalasakit lang pero
nagagalit ka, oo tumakas ako sa
shooting pero pwede ka namang
gumamit ng kotse o hindi naman
kaya hinintay mo akong bumalik."
"Hintayin kang bumalik? Bakit may
balak ka bang balikan ang mga
naiwan mong trabaho? Alam mong
kilala kita kaya wag mo akong bigyan
ng ganyang rason."
Napabuntong hininga ako. "Yon na
nga e, kilala mo na ako so bakit ka
nagagalit sa ginawa kong pagtakas?"
"Hindi ako galit, disappointed ako
dahil sa tanda mong 'yan ay
immature, iresponsable at batugan ka
pa rin." Bakas ang pagkadismaya sa
maamo niyang mukha.
Natahimik ako sa huli niyang sinabi,
isa pa wala na naman talaga akong
balak na bumalik sa walang
kwentang tandem na 'yon.
"Kung ayaw mo ng mga bagay at
trabaho na meron ka ngayon
magsabi ka hindi 'yong
pagmumukhain mong tanga ang mga
tao na dugo at pawis ang puhunan
matapos lang ang trabahong
nasimulan nila at hindi 'yong
gagamitin mo 'yang pagiging isip bata
mo. Gosh, Second Castillion, wala ka
ngayon sa kinatatayuan mo kung
hindi dahil sa mga taong nakapaligid
sa'yo."
Nag-iwas ako ng tingin dahil tagos sa
puso lahat ng mga sinabi niya.
Padabog akong tumalikod at
naglakad papunta sa kotse ko at
mabilis iyong pinaharurot palayo sa
lugar. Ayoko na siyang sagutin pa
dahil alam ko kung saan patungo ang
usapan kapag sinabayan ko ang galit
niya. Hindi man siya sumisigaw
bakas naman iyon sa diin ng bawat
salita niya. Naiinis na pinalo ko ang
monobela.
"Gusto ko lang naman na wag na
siyang gumamit ng motor na 'yon
dahil baka mapahamak siya tapos
ako pa ang naging masama, oo
tumakas ako sa shooting pero hindi
naman tama na pagsalitaan niya ako
ng masasakit dahil d'on." Sigaw ko sa
monobela, alam kong para akong
tanga ngayon pero sobrang nainis
talaga ako sa mga sinabi niya.
"Iresponsable? Immature? Batugan?
Hindi naman ako magiging ganito
kung wala siya sa tabi ko." Asik ko sa
sarili habang sapo ang noo.

Please support the other story of


Castillion Brothers. :) thank you. Don't
forget to vote and comment.

---------------------------
--
Chapter 3

Second POV
DAHIL nawalan na ako ng gana na
tuluyang bumalik sa location ay
nagpasya nalang ako na tunguhin
ang isang exclusive bar na palagi
kong pinupuntahan kapag ganitong
mainit ang ulo ko o di kaya naman ay
may problema.
Nang makarating ako doon ay
marami ng tao kahit palubog pa lang
ang araw. Maraming sumasalubong
sa'kin na mga babae na ang mga
suot ay halos wala ng itinagong balat
ng katawan. Lahat sila mukhang
mayayaman at may ipagmamalaki rin
naman kung ganda ang pag-uusapan
pero sadyang mababa talaga ang
tingin ko sa ganitong mga babae.
Wala ako ni isang pinansin, hindi
naman ako nahirapang mang-snob
dahil gawain ko na iyon kapag nasa
ganitong mga lugar na maraming
mga tao.
Yes, makulit ako, isip bata, madaldal
at maloko pero iyon ay kapag pamilya
at malapit na tao sa buhay ko ang
kasama ko. Hanggang sa pagtanda
ko sinusunod ko pa rin ang bilin ni
Mommy na, 'don't talk to strangers'
hindi ako mahilig makipagsalamuha
sa iba dahil ayoko. Kapag nasa harap
ng ibang tao, seryoso ako at hindi
ngumingiti para sila na mismo ang
lumayo sa'kin pero madalas pa rin
talagang may naglalakas loob na
kumausap at lumapit sa'kin kahit
kalat na sa buong Pilipinas na ako
ang nangunguna sa mga listahan ng
mga artista na may bad record and
image sa mga fans.
Hindi ako pumapansin ng kahit na
sinong fans kahit sabihin pang sila
ang dahilan kung bakit ako sikat,
hindi ako nagsasign ng autograph
dahil tinatamad ako at lalong hindi ko
hilig ang pagmomall show tulad ng
mga gawain ng ibang mga artistang
tulad ko para magpromote o kung
anu ano pa para mas lalong sumikat,
well, kahit gan'on ang record ko mas
lamang pa rin talaga ang humahanga
sa'kin kaysa ang madisappoint sa
pagiging snob ko daw in public.
Speaking of disappointment naalala
ko na naman ang sinabi kanina ni
King kaya sa inis ko ay umorder ako
ng ilang bote ng whisky at agad iyong
tinungga pagkaupong pagkaupo ko
sa stool sa harap ng counter.
"Immature ako? Isip bata? At
iresponsable? Pwes, papatunayan ko
kung gaano ako kawalang kwentang
tao." Asik ko habang masama ang
titig sa alak na nasa harapan ko.
Inalok ako ng barista ng baso pero
tinanggihan ko.
Tangna! Ang sakit talaga sa loob ng
mga sinabi niya.
Upang libangin ang sarili ay humarap
ako sa dance floor kung saan may
mangilan ngilan na sumasabay sa
malamyos na music. Kapag maaga
pa ay hindi pa wild ang mga kantang
pinapatugtog nila kundi mga OPM o
mga love songs, hindi pa rin gamit
ang lahat ng dancing light kundi dim
light lang kaya nagmukhang romantic
ang gitna ng dance floor. Para
lamang sa mayayamang tao at parte
ng alta syudad ang nakakapasok sa
bar na ito kaya hindi
nakapagtatakang kahit ang mga
couch ay halatang mamahalin kahit
sa unang tingin pa lang, may VI room
rin sa second floor at iilang kanto na
mas maganda ang pwesto. May mga
nag-iinuman na rin, siguro tulad ko na
masama ang loob kaya kahit maaga
pa ay naglalasing na.
"Hello handsome." Hindi ko binigyang
pansin ang malanding boses ng
babae na lumapit sa'kin. "Wow, totoo
nga ang mga humors na napakasnob
ng isang King Second Castillion sa
personal." Sabi ulit nito.
Sa pangalawang pagkakataon ay
hindi ko pa rin ito pinansin. Muli
akong humarap sa counter at
uminom sa bote ng alak. Magsasawa
rin 'yan sa kakalandi. Bulong ko sa
sarili.
Naramdaman ko ang paglakbay ng
kamay nito papunya sa zipper ng
pantalon ko. Agad na uminit ang ulo
ko hindi dahil tinablan ako sa haplos
niya kundi dahil mas lalo akong
nairita. Hindi ako tulad ng ibang lalaki
na madaling matukso sa ganitong
bagay, mas matatag pa rin ang
prinsipyo kong hindi babae ang
makakapagpaligaya sa'kin kaysa ang
makaramdam ng libog.

"Kung ako sa'yo miss tatanggalin ko


na ang kamay ko dyan sa bagay na
hindi mo dapat hinawakan kung ayaw
mong putulin ko 'yan." Nagtatagis ang
mga bagang na tugon ko pero ang
puta mas lalo lamang pinag-igi ang
malanding paggalaw ng kamay doon.
Nawalan na agad ako ng pasensya
kaya agad kong tinabig ang kanyang
kamay sa marahas na paraan.
Salubong ang mga kilay at masama
ang tingin na binalingan ko siya,
isang babaeng na sa isang tingin pa
lang sex lang ang ikinaliligaya sa
buhay, in short slut!
"Maghanap ka nalang ng ibang
lalandiin mo miss dahil wala akong
oras sa mga babaeng katulad mo."
Bumakas ang inis sa mukha niya na
ikinangisi ko naman. Aba, wag niya
akong subukan sa ganitong lagay ng
mood ko kung ayaw niyang maging
trending topic sa buong Pilipinas na
nambugbog ako ng babae tutal
immature at iresponsable ako kayang
kaya ko 'yong gawin.
"Hey, dude girlfriend ko 'tong
binabastos mo." Maangas na sabi ng
lalaking kadarating lang. Hindi
nagkakalayo ang katawan namin
pero kung mukha ang babasihan
wala siyang binatbat kahit ilong pa
lang ang pag-uusapan.
Natumayo ako at namulsa harap nila
ng girlfriend niya kuno na biglang
tumago sa likod niya.
"Girlfriend mo 'yan? Magshoshota ka
nalang 'yong parausan pa ng buong
barangay." I know masyadong harsh
at below the built para sa parte ng
babae pero ginusto niya 'to e. At
naniniwala ako na nakukuha ang
respeto na dapat ibigay sa kanila
kung karespe-respeto ang galaw.
"Aba, ang angas mo porke't artista ka
at sikat ang angkan mo? Wala kang
respeto sa babae." Galit na sigaw
nito. Nagkibit balikat lang ako.
"Dapat bang bigyan ng respeto ang
babaeng nanghahawak ng ari ng
lalaki at lantad na lumalandi? Hindi
naman siguro siya naghihirap kaya
hindi siya pokpok dito sa bar na 'to,
so ang gan'ong mga klaseng babae
na mas inuuna ang libog kaysa sa
dignidad ay mga puta." Walang
habas kong tugon na ikinagalit niya
lalo, akmang susuntukin niya ako ng
unahan ko siyang bigyan ng suntok
sa panga.
Tumilapon siya sa sahig at umungol
dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko
sa mala punching bag niyang mukha.
"Dude, girlfriend mo ang pagsabihan
mo." Payo ko, susugod na naman
sana siya pero mabilis kong sinipa
ang sikmura niya dahilan para
bumalik siya sa pagkakasubsob sa
sahig at namilipit sa sobrang sakit.
Dinaluhan naman siya ng kanyang
girlfriend.
Tangna! Ang dadrama ng mga ungas
na 'to.
Walang nakialam sa nangyari
hanggang sa dumating ang mga
bouncer. Akmang hahawakan nila
ako ng sinamaan ko sila ng tingin.
"Yan ang palabasin niyo sa lugar na
'to dahil wala akong kasalanan."
Kalmado kong tugon sabay pakita ng
wallet ko. Nang makita ang pangalan
ko ay bumakas ang pagkabahala sa
mukha ng bouncer.
Anong silbi ng yaman ng mga
magulang at ng angkan ko kung hindi
ko gagamitin? Alam nilang malakas
ang connection ng pamilya namin at
sikat ang mga Castillion kaya gan'on
ang reaction nila.
"Pasensya na po Mr. Castillion."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay
kinaladkad nila palabas ang dalawa.
"Hindi niyo alam na pader ang
binabangga niyo." Dinig ko bang sabi
ng isang bouncer ng papalabas na
sila.
Kapag may salapi may
kapangyarihan. Napangisi ako sa
naisip syaka muling bumalik sa
pagkakaupo. Nangangalahati na ang
laman ng bote ng whisky nang
tumunog ang cellphone ko,
mawawala sana agad ang init ng ulo
ko kung si King ang tumatawag pero
hindi e. Si Third. Tinatamad ko 'yong
sinagot.

"Bakit?" Ako.
"Nasa'n ka?"
"Dito sa tambayan natin." Pagtukoy
ko sa bar na palagi naming
pinupuntahang magkakapatid.
"Tsk. Pupunta ako diyan." Hindi pa
man ako nakakatutol ay agad na
niyang pinatay ang tawag napapailing
nalang ako, parang siya ang mas
matanda kung umasta.
"Hindi ako galit, disappointed ako
dahil sa tanda mong 'yan ay
immature, iresponsable at batugan ka
pa rin." Nag-echo na naman sa utak
ko ang mga sinabi ni King.
Ang laki ng epekto sa'kin ng mga
sinabi niya dahil hindi ako sanay na
ganon siya magsalita dahil madalas
naman pinapalagpas niya ang mga
kolokohan ko pero kanina talagang
napuno siguro kaya nagalit. Nagsisisi
ako na palagi kong hinihiling na
maging madaldal ang bestfriend ko
dahil minsanan na nga lang magsalita
ng mahahaba tagos pa sa kaluluwa
ang mga panlalait na lumalabas sa
bibig niya. Mas mabuti pa pala 'yong
one to two words na pagsagot niya o
di kaya naman tango para iwas sakit
sa kalooban.
"Ang aga mo namang maglasing."
Napangiti ako ng marinig ang
pamilyar na boses ni Third at ang
pagtapik niya sa balikat ko. Hindi ko
namalayang nakarating na siya, kung
sa bagay malapit lang naman ang bar
na 'to sa company niya.
"Badtrip kasi si King e." Sumbong ko.
"Bakit anong nangyari? Tinatawagan
ko siya kanina para itanong kung
nasaan ka pero hindi sumasagot,
gusto sana kasi kitang yayain para
pumunta dito sakto nandito ka na
pala." Sumenyas siya sa bartender
ng isang alak na agad naman nitong
sinunod.
Ikweninto ko sa kanya ang
nangyaring paninermon at sagutan
namin ni King kanina sa parkinng lot.
Imbes na kampihan ako ay tumawa
lang siya ng tumawa at sinabing
bagay lang sa'kin ang mga sinabi ni
King.
"Wala namang masama sa pagsasabi
ng totoo." Kantyaw niya pa, pabiro ko
siyang sinapak sa braso.
"Alam ko pero hindi naman sana
'yong gan'on kaharsh." Angal ko.
"Gan'on talaga 'yon dahil hindi ka
sanay na nauubos ang pasensya niya
sa pagiging pasaway mo, palagi ka
niyang kinokunsente kaya 'yong
nangyari sa inyo kanina ay normal
lang, kahit parang bato siya na
walang emosyon ay tao pa rin siya
kahit papaano, nauubusan ng
pasensya lalo kung sa isang tulad
mo." Matyaga niyang paliwanag na
ikinatahimik ko dahil alam kong tama
lahat ng mga sinabi niya. "Kaya ikaw
kung ayaw mong mawalan ng yaya,
asawa, bestfriend, assistant, director,
tagaluto at lahat na, magsorry ka
agad bukas na bukas para hindi na
lumaki pa, ikaw rin ang mahihirapan."
May pangangantyaw sa tono niya
habang itinataas baba ang mga kilay.
"Nakakahiya ako, isa pa siya ang
may kasalanan."
Napailing lang ito sa sinabi ko sabay
tatawa tawang uminom ng alak.
"Anong mas uunahin mo ang
kahihiyan mo o ang isang tulad niya?
alam mo dude minsan nga naiinggit
ako sa'yo e."
Napatitig ako ng wala sa oras sa
seryoso niyang mukha dahil sa mga
huling katagang sinabi niya. "May
gusto ka ba kay King, Third?" May
halong inis na tanong ko.
Fuckshit! Ayokong iisang babae ang
malilink sa'min, ayokong iyon ang
maging dahilan para masira kami.
Natigilan ako sa pumasok sa isip ko.
Wait? Paanong masisira e wala
naman akong nararamdaman para sa
bestfriend ko. Tama, ayos lang
naman na magkaguso siya doon para
naman magkaroon ng sweetness sa
katawanang bestfriend ko.
'Masyado kang OA Second.' Bulong
ko sa sarili.
Naningkit ang mga matang tumingin
sya sa'kin habang seyoso pa rin.
"Yes, I like her."
Naibuga ko ang whisky na iniinom ko
dahil sa deritsahan niyang sagot.
Sinuri ko ang mukha ni Third para
tingnan kung seryoso ba talaga siya
sa sinabi niya. Kahit seryoso siya
hindi ko pa rin magawang maniwala
dahil alam kong hindi ang tipo ni King
ang gusto niya, don't get me wrong,
maganda at pang model ang dating
ng bestfriend ko pero sa ugali nitong
cold and women in few words alam
kong hindi iyon pasa sa panlasa ni
Third.
"Seriously, bro?"
"Sa sobrang OA mo Kuya Second
late reaction ka na." Sabay tawa niya
ng malakas na sumasabay sa
malakas na tugtog sa dance floor.
Medyo lumalalim na ang gabi at mas
lalong dumami ang tao kaya wild na
ang music na pinapatugtog nila. "Yes,
I like her for you, Kuya."
"Tsk. Kahit naman gusto mo siya
bilang babae wala namang kaso
'yon." Depensa ko dahil nagsisimula
na naman siyan mangantiyaw. Kapag
ito talaga nalink sa isang babae
gagantihan ko siya ng pang-aasar.
"Bakit labas sa ilong?" Pang-aasar
niya pa rin.
"Drop the topic bro, hindi ka ba
nagsasawa?" Pikon kong tugon na
mas lalo niyang ikinangisi.
Nawawalan ng pasensya na umiling
nalang ako dahil sa katigasan ng ulo
niya. He's talking nonsense!
"Okay, by the way kaya pala ako
sumugod dito sa'yo para ipakita 'to."
Nakahinga naman ako ng maluwag
dahil tuluyan na niyang iniba ang
usapan, siguro nahalata niya ring
pikon na ako. Hindi ako komportable
kapag palagi nila akong
kinakantiyawan tungkol kay King,
she's my bestfriend nothing more
nothing less. At isa ako sa disagree
sa mga sinasabi nilang halos lahat ng
magbestfriend ay nahuhulog minsan
sa isa't isa at minsan one sided. I
hate it especially the last one.
Malabong mangyari.
"Another death threat?" Walang gana
kong tanong ng makita ang inilapag
niyang sobre. Hindi na ako nag-
aksayang buksan 'yon dahil alam
kong puro paninira at pagbabanta
ang nakasulat sa loob n'on.
"Hindi mo pa ba sasabihin sa iba pa
nating kapatid? Napapadalas ang
pagpapadala ng kung sino ng ganyan
sa'yo e."
"Don't mind me, kung gusto nila
akong patayin ide sana noon pa pero
puro banta lang naman sila e."
Keep on reading and supporting. Vote
and comment. Thank you. And also
read the other series. ;)

---------------------------
--

Chapter 4

"Mission accomplish!" Natatawang


tugon ni Gale sa katawag nito sa
telepono. "Sus, duda ka pa talaga
boss na yakang yaka namin 'to ni
Anton." Bumunghalit pa siya ng tawa
na parang hindi dumaan sa patayan
kani-kanina lang ng sumugod kami sa
isang sikat na bar dito sa New York
dahil nandoon ang lungga ng target
sa misyong ito.
"Kung si Anton panatag akong hindi
pa man siya pinagpapawisan ay agad
niyang matatapos ang misyon pero
kung kasama ka aba malaki ang
syansa na pumalpak." Sagot sa
kabilang linya. Kung magkausap ang
dalawa ay parang hindi heneral ang
nasa kabilang linya.
Napapailing na pabagsak akong
umupo sa single couch bago
bumaling sa floor to ceiling na glass
wall dito sa loob ng hotel suit kung
saan kami nakacheck in ngayon.
Nalilibang akong pagmasdan ang
maliwanag at maingay na syudad ng
New York na kahit napakalalim na ng
gabi ay buhay na buhay pa rin.
Isang linggo na kami dito at ngayon
ang huling araw namin dahil nahuli na
sa wakas ang isang Fil-Am drug
dealer na tauhan ng malaking
sindikato para maipuslit ang mga
droga papuntang Pilipinas. Anim na
araw din ang tinagal namin para
magmanman at humanap ng
magandang tyempo na hindi na ito
makakatakas pa tulad ng palaging
paglusot nito sa ilang ulit na
pagkadakip.
Kasama ko si Desiree Gale Park, ang
partner ko sa lahat ng mission na
hinahawakan ko. Halos limang taon
na kaming magkasama sa trabaho at
dahil halos pareho kami ng likaw ng
bituka ay nagkakasundo kami sa
lahat ng bagay maliban nalang sa
pagiging taklisa nito habang ako ay
tamad na magsalita.
"Miss mo na alaga mo 'no?" Kunot
noo akong bumaling sa kanya na
ngayon ay tapos ng
makipagyabangan sa Uncle nitong
heneral na siyang nag-assign sa'min
ng mission na ito.
May mapang-asar itong ngisi sa labi
na lagi niyang ginagamit kapag
gustong makipagchismisan sa'kin.
Pabagsak rin siyang umupo sa single
couch na kaharap ko at matamang
nakatitig sa mukha ko.
"Alaga?" Litong balik tanong ko. Wala
naman akong aso dahil hindi ako
mahilig sa mga gan'on bagay lalo na
ang pusa kaya wala akong
matandaan na alaga na tinatanong
niya.
Tumango siya at humuhikab na
sumandal sa kinauupuan niya bago
ipatong ang paa sa glass center table
na pumapagitna sa'min. "Yup, si
Second Castillion."
"Ah."
"Anong 'ah'? Gaga, tinatanong kita
kung kumusta na ang alaga mo.
Akala ko ba hindi ka tatanggap ng
mission on field hanggat hindi mo
natatapos ang mission na hawak mo
ngayon. So bakit bigla mo nalang
tinanggap ang misyon na ibinigay
sa'yo ni boss, actually, hindi pala
binigay inagaw mo sa isa nating
kasamahan na dapat siya ang
tatapos nito." Napabuntong hininga
nalang ako dahil sa bilis ng pagkibot
ng nguso niya na parang pwet ng
manok.
"Bored na ako." Simpleng sagot ko.
Totoo ang sinabi niya na hindi ako
tumatanggap ng misyon hanggat
hindi pa tapos ang isa ko pang
misyon na ngayon ay
magdadalawang taon ko ng hindi
natatapos. Pinakamatal na project na
hinawakan ko pero hanggang ngayon
nganga pa rin.
Pero noong isang linggo ay
nagkainitan kami Second kaya
nagpasya muna ako mag-unwind sa
pamamagitan ng on field mission na
natapos namin kanina para naman
mawala ang inis ko sa batugan na
'yon.
"Wow bored? So cool off kayo?" Tila
stars ang mga mata niya na
nagliwanag dahil sa sarili niyang
tanong.
"Ano kami in a relationship?"
"Pwede." Bumunghalit siya ng tawa
dahil sa pagkalukot ng mukha ko.
"Dalawang taon mo ng hawak ang
trabaho mo sa alaga mo pero
hanggang ngayon wala pa ring lead,
minsan nga naiisip ko na sinasadya
mong patagalin para magkasama
kayo ng matagal e. The fuck! Si
Agent Queen Antonia Santez
nagkaroon ng halos dalawang taong
mission tapos hanggang ngayon wala
pa ring pinatutunguha. Para mo na
ring sinabing may pakpak ang mga
baboy." Litanya niya syaka ako
dinamba ng yakap at tinapik tapik ang
balikat ko na parang kinikilig sa kung
ano man ang laman ng walang
kwenta niyang utak.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin


alam kung bakit nasali siya sa hanay
ng mga Agent na magagaling sa
aming departamento. Kung magsalita
parang tambay sa kanto at kahit
nakikipagbarilan panay ang daldal
kung gaano kagwapo ang mga
foreigner na nakikita niya.
"Malapit ko ng matapos." Sabi ko
nalang para matapos na.
Natigilan siya at muling umayos ng
upo kung maayos ba talaga ang pag-
upong nalabukaka at halos kita na
ang singit.
"Bakit parang mabigat sa loob mo
ang katotohanang malapit ng
matapos, don't tell me nahulog ka na
rin sa nakapaglalaway bagag na
alindog ng alaga mo?"
Binato ko siya ng unan na nakapa ko
sa couch na hindi niya nailagan kaya
nasapol ang mukha niya. Napangiti
ako dahil sa gulat na reaction niya.
"Nahulog? My ass, hindi pa ako baliw
para pumasok sa gan'ong bagay."
"Ang bitter mo!" Asik niya sabay balik
sa'kin ng unan pero nasalo ko kaya
mas lalo siya napasimangot. "Hindi
dahil nabigo ang bestfriend mo ng
umibig siya ay kailangan mo ng
matakot na mahulog sa isang tao.
Sadyang gan'on lang ang tadhana
niya pero ang sa'yo ay iba, give your
self a break Anton para maging
masaya ka naman."
Natahimik ako dahil sa sinabi niya.
Bumalik sa isip ko ang alaala ng mga
sandaling hindi ko napigilan ang
matalik kong kaibigan na tapusin ang
kanyang buhay dahil sa pagmamahal
sa isang lalaki. Sa isang Second
Castillion.
"Kung mahuhulog ako sa lalaking
bumigo sa mahal na mahal kong
kaibigan ay para ko na rin siyang
pinatay sa pangalawang
pagkakataon." Puno na lamig ang
boses ko ng sabihin ang mga
katagang 'yon.
Siya naman ang natahimik dahil
siguro ngayon lang nagsink in sa utak
niya kung ano ang mga bagay na
lumabas sa bibig niya. Hindi ako
sensitive sa ganitong usapan na
tungkol sa nangyari sa bestfriend ko
pero naroon pa rin ang sakit kapag
naaalala ko ang pangyayaring iyon.
Masakit dahil wala akong nagawa
para ilayo siya sa pagkahulog sa
lalaking iyon. Wala akong nagawa at
huli na ng malaman ko na
nasasaktan na pala siya dahil sa
pagiging busy ko sa trabaho.
Tumayo na ako at tumuloy sa sarili
kong kwarto habang si Gale ay
tahimik pa rin. Iyon naman ang
magandang parte ng pagiging
madaldal niya dahil kapag alam
niyang off limit na ang mga salitang
lumalabas sa bibig niya ay siya na
mismo ang nagapatahimik sa sarili.
Padapa akong humiga sa kama nang
makapasok sa kwarto dahil sa
pagkayamot. At nang lumapat ang
likod ko sa malambot na higaan ay
doon ako nakaramdam ng sobrang
pagod sa nangyaring engkwentro.
Ilang minuto siguro akong tahimik na
nakatingin sa kisame nang marinig ko
ang tili ni Gale. Hindi ako natinag
dahil may pagkakataon talagang
tumitili siya lalo kapag nanonood ng
korean drama o kapag nang-i-stalk
ng mga modelo ng mens magazine.
Kinikilig siguro.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng
kwarto ko habang siya ay
humahangos na lumapit sa'kin bitbit
ang laptop.
"Tingnan mo dali." Aniya sabay lahad
sa'kin ng laptop niya.
Umirap ako. "Aanhin ko 'yan?"
Hinila niya ako paupo syaka ipinatong
sa mga hita ko ang laptop kaya
napatingin ako doon, may video
siyang nagplay at doon tumambad
sa'kin ang nagwawalang si Second.
"Trending siya dahil sa pagwawalang
ginawa niya sa set ng shooting ng
bago niyang teleserye." Paliwanag ni
Gale.
Halata nga sa background na nasa
location ito ng shooting. Napapailing
akong napahawak sa aking sentido
ng baghagya itong pumitik dahil sa
stress sa mga nakita ko.
Tumayo at iniabot muli kay Gale ang
laptop niya, hindi na ako nag-aksaya
ng panahon para tapusin ang video
dahil hindi na naman iyon bago
sa'kin. Sa sobrang katigasan ng ulo
ng lalaking 'yon ay nasanay na ako,
siguro may hindi na naman
nagustuhan sa mga taong nasa
paligid niya.

"Mag-ayos ka didiretso tayo sa airport


para makauwi agad sa Pinas." Utos
ko at nauna ng maghanap ng
masusuot. Hindi na naman
kailangang mag-impaki dahil tag-
isang backpack lang naman ang dala
namin papunta rito.
"Ngayon na?"
"Oo." Walang lingong sagot ko.
ILANG minuto lang ang naging
biyahe namin papuntang airport.
Rountrip ang ticket namin at ang
destinasyon nito ay ang mga kalapit
na bansa na maaaring puntahan ng
target namin kung sakaling hindi kami
nagtagumpay na dakpin siya dito sa
New York. Naiturn over na namin iyon
kanina sa mga iba pa naming
kasamahan na dito nakabase kaya
bukas na sana ang uwi namin pero
dahil kailangan kong sapukin ang
alaga ko kuno sabi pa ni Gale ay mas
mapapaaga kami.
"Bakit naman biglaan? Wala pa nga
tayong pahinga." Reklamo ni Gale ng
makapasok kami sa eroplano
matapos ang ilang proseso.
"Kung hindi mo ipinakita ang video
ide sana natutulog na tayo ngayon."
Napakamot siya sa batok. "Duh!
Hindi ko naman akalain na kaya
mong hamakin ang lahat para lang
mapuntahan agad ang alaga mo.
Sorry naman 'no, hindi ko alam na
gan'on ka mag-alala kaya imbes na
magpahinga ay tatawirin natin ang
himpapawid sa ganitong oras. Mabuti
sa'na kung sa Pinas tayo dahil
maaga pa doon ngayon." Mahabang
depensa niya.
Pumikit nalang ako habang siya ay
patuloy sa pagtalak ng kung ano
anong reklamo dahil sa napaaga
naming uwi patungong Pinas.
"Hindi ka pa inlove sa alaga mo sa
lagay na iyan, paano pa kaya kapag
minahal mo 'yong tayo baka kahit
nasa Mars ka uuwi ka papuntang
Earth kapag kailangan niyang
pakalmahin sa pagwawala. Naku,
naku Agent Antonia malala ka na."
Hindi pa rin ako umimik, ano ba ang
dapat kong maging reaction sa
pagiging madaldal niya, dapat ba
akong matuwa dahil sa bibig niyang
'yan na parang machine gun minsan
ay nawawala ang boredom ko o
dapat ba akong mainis dahil
nakakarindi ang matinis at maarte
niyang boses?
Queen, namin kasi ano na naman
ang pumasok sa kukute mo para
magwala ka na naman.
Hanggat hindi ako nakakauwi ay hindi
ko malalaman ang dahilan niya.
Gosh, isang linggo lang akong
nawala ang dami na agad niyang
nagawang kalokohan para sirain ang
career niya. Parang hindi artista kung
umasta, but in a second thought ayos
na rin na ipakita niya ang tunay na
siya sa harap o likod man ng camera
dahil ayoko rin kung pipilitin niya ang
sarili na maging anghel kahit ang
totoo ay mahaba ang kanyang
sungay.
"By the way Anton." Kinalabit ako ni
Gale makalipas ang ilang minuto
niyang pagtalak habang ako ay
walang imik na nakapikit.
Dumilat ako para tingnan ang mukha
niyang napakaaliwalas na naman ibig
sabihin may kalokohan na naman na
gustong gawin.
"Di ba kapatid ng alaga mo ang
asawa ko?"
Doon nanlaki ang mga mata ko. "May
asawa ka na?"
Tumawa siya ng malakas hindi
alintanan ang iba't ibang lahi na
nakasakay rin sa eroplano. Pinalo
niya ang balikat ko. "Yan ang
napapala mo sa pagiging boring mo
hindi mo alam ang mundo ng
pagiging millennial, wala pa akong
asawa. Ang ibig kong sabihin na
asawa ay 'yong crush ko, si Third
Castillion." Paliwanag niya.
"Meron o wala lang naman ang sagot
sa tanong ko ang dami mo ng sinabi."
"Ee, sagutin mo na ako, di ba kapatid
niya 'yong alaga mo?"
Tumango ako dahil tama siya, kapatid
ni Queen si Third na mas bata sa
kanya ng isang taon. Ang lahi kasi
nila ay parang hagdan isang taon
lang ang pagitan. "So?"
Napahawak siya sa magkabila niyang
pisngi na ngayon ay klarong klaro
ang pamumula. "Hmm. Kailangan
niya ba ng bodyguard or something
na maaari kong apply-an para
mapalapit sa kanya?"
Kung umasta siya para siyang
teenager na kinikilig, wala na
talagang pag-asa ang babaeng 'to.
"Malay ko hindi naman ako
nakikialam sa buhay ng iba."
Nalukot ang noo niya at padabog na
nag-iwas ng tingin. "Tsk. Malapit ka
kay Second so dapat alam mo rin ang
tungkol sa kapatid niya." Kibot na
naman niya.
"So meaning kapag may boyfriend ka
at nagsex kayo dapat makasex mo
rin ang kaibigan o kapatid niya?"
"No way! Hindi 'no, dapat kung sino
ang boyfriend mo siya lang."
"Exactly my point, kay Second lang
ako malapit hindi sa kapatid niya."
Napailing siya. "Ewan ko sa'yo,
weirdo ka." Asik niya pero hindi ko
pinansin.
Bumalik ako sa pagkakapikit habang
naririnig ang ilang ulit niyang
pagbuntong hininga na parang
napakalaking problema ng malaman
niyang hindi ako malapit kay Third
meaning wala siyang pag-asang
mapalapit doon.
Nakakausap ko naman kahit papaano
ang kapatid na iyon ni Second ayoko
lang talagang maging dahilan para
magkaroon sila ng ugnayan dahil
ayokong matulad siya sa bestfriend
ko.
Wala sa vocabulary ng magkapatid
ang mahulog sa isang babae kaya
alam kong masasaktan lang si Gale
kapag nagpumilit.
At kahit hindi man halata ay nag-
aalala ako para sa kanya kaya tutol
ako sa ideyang mapalapit siya sa
isang lalaking hindi siya kayang
mahalin pabalik.
Please vote and comment.

---------------------------
--

Chapter 5

"Sir Second magready na daw po


kayo dahil kayo na ang susunod."
Sabi sa'kin ng second assistant ni
King.
Sinamaan ko ito ng tingin. "Di ba sabi
ko nga ayokong sumalang ngayon?
Wala ako sa mood." Sigaw ko at
kitang kita ko sa mga mata niya ang
pagbalatay ng takot pero wala akong
pakialam.
"Pero magagalit po si Direk Anton
kapag nalaman niyang walang scene
na natapos habang wala siya."
Depensa nito sa kabila ng
pamumutla, nagagawa niyang
ipagpilitan sa'kin na sumalang sa
scene dahil alam kong kung takot sila
sa'kin mas takot naman sila kay King
dahil talagang kakaibang magalit ang
isang 'yon.
"Ide magalit siya pakialam ko naman
tapos kapag nagalit ulit siya sabihin
mo umalis ulit at wag ng babalik."
Bulyaw ko ulit at sa pagkakataong ito
ay talagang natakot na siya at iniwan
nalang ako dito sa loob ng tent.
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa
sobrang galit. Kahapon nagwala ako
sa set namin at wala talagang
nagpigil sa'kin dahil kapag may
nagtatangka ginugulpi ko. Wala
akong pakialam kung maging
masama ang tingin sa'kin ng publiko
at kahit mawalan pa ako ng fans
basta gagawin ko ang gusto ko.
Araw araw ay napapadalas ang
pagpapadala sa'kin ng death treat
habang si King ay hindi pa rin
bumabalik mula sa kung saan man
siya nagpunta. Kung galit siya sa'kin
dahil sa pagiging matigas ng ulo ko
dapat hinaharap niya ako hindi 'yong
aalis siya ng walang paalam.
Palagi akong pumupunta sa condo
niya pero wala talaga siya doon at
kahit ang trabaho nito ay inasa sa
iba. Nakakainis siya! Naiinis ako sa
kanya.
Pero kahit galit ako ay palagi akong
nandito sa location ngunit hindi para
magshooting kundi para magbigay ng
sakit sa ulo dahil alam kong kapag
hindi na ako kayang ihandle ng mga
tao dito ay mapipilitang bumalik si
King.
"Nakakainis ka! Walang gumigising
sa'kin ng maaga kaya ngayon
masakit ang ulo ko dahil palagi akong
kulang sa tulog para lang hintayin
ang pagsikat ng araw." Asik ko sa
harap ng salamin.
Napabuntong hininga nalang ako
pagkakita ko sa sarili ko. Walang ahit,
gusot ang suot kong polo dahil
walang nagplantsa, tabingi ang
necktie ko dahil hindi ako marunog
mag-ayos at kahit sinturon ko ay wala
sa tamang posisyon dahil hindi ako
marunong kung paano ang tamang
pagkabit. Mga bagay na si King ang
palaging gumagawa at may alam.
I'm totally shit! Nakakapang-init ng
ulo. Natiis niya ako ng isang buong
linggo.
Napasabunot nalang ako sa buhok
na hindi ko nalagyan ng wax dahil
naubos na at hindi ko rin alam kung
saan binibili ni King ang brand niyon
na gustong gusto ko ang amoy.
"Direk!" Dinig kong sigaw mula sa
labas ng tent.
Parang nanlaki ang tenga ko
pagkarinig ko sa sigaw na iyon na
kung hindi ako nagkakamali ay boses
ng second assistant ni King. Isa pa,
isa lang naman ang tinatawag dito na
'direk', si King lang.
"Nandito na siya?" Pabulong na
tanong ko sa sarili at excited na
tumayo pero padabog rin akong
bumalik sa pagkakaupo ng maalalang
galit ako sa kanya.
"Kumusta ang trabaho?" Napangiti
ako ng sa wakas pagkatapos ng
isang linggo ay narinig ko ulit ang
boses niya pero bigla rin akong
sumimangot.
Hindi kaya nagmumukha na akong
baliw dahil sa pinaggagagawa ko?
Kainis!
"Sorry po Direk, wala pong natapos
dahil lahat ng scene po ay nandoon
ai Sir Second kaso ayaw niya pong
sumalang at palaging mainit ang ulo."
Sumbong nila.
Napairap nalang ako. Mga
sumbungera!
"Ako ng bahala." Sagot niya.
"Sorry talaga Direk." Hindi ko na
narinig ang pagsagot ni King, tinamad
na naman sigurong magsalita.

Narinig ko ang pagbukas ng entrance


ng tent pero hindi ako lumingon.
Nananatili lang akong nakaharap sa
salamin kahit sa gilid ng mata ko ay
nakita ko ang pagpasok ni King.
Seryoso ang mukha nito na
pinasadahan ako ng tingin syaka
umiling.
"Bumalik ka pa." Pabalang kong
tugon.
Humakbang siya papalapit sa'kin
pero hindi ko pa rin siya pinapansin.
Wala na ang galit ko! Bakit ba hindi
ko magawang magalit ng matagal sa
babaeng 'to?
Ganito naman talaga ako, kapag
nagagalit sa kanya makita ko lang ulit
ang mukha niya ay nawawala agad
ang galit ko pero ayoko pa rin siyang
pansinin dahil may tampo pa ako.
May karapatan naman siguro akong
magtampo dahil sa pag-alis niya ng
walang paalam.
"Mag-ayos ka na." Utos niya pero
hindi ako natinag.
Napabuntong hininga siya. Natigilan
ako ng iikot niya ang upuan ko
paharap sa kanya, nagkasalubong
ang mga tingin namin pero agad
akong nag-iwas.
Yeah right Second, panay iwas lang
ang gawin mo. So gay!
"Queen." Tawag niya at pilit akong
pinapaharap sa kanya habang hawak
niya ang baba ko pero nagmatigas pa
rin ako.
Pinalis ko ang kamay niyang
nakahawak sa mukha ko at muling
inikot ang upuan ko patalikod.
"Isa." May pagbabanta sa boses
niyang sing lamig ng yelo kung
magsalita. Hindi pa rin ako lumingon.
"Kapag hindi mo ako pinansin ay
aalis ulit ako at tuluyan ng hindi
babalik kahit kailan." Aniya.
Natataranta akong humarap sa kanya
at mahigpit na yumakap sa kanyang
bewang dahil sa sinabi niya. Hindi na
ako nakatiis dahil kapag umalis siya
ulit hindi ko na alam kung anong
mangyayari sa'kin sa mga susunod
na araw.
"Ang sama mo." Sabi ko,
naramdaman ko ang pag-init ng sulok
ng mga mata ko. Kumurap kurap ako
para hindi tuluyang maluha pero hindi
ko talaga napigilan, napasinghot pa
ako. "Iniwan mo ako dahil lang
matigas ang ulo ko."
Naramdaman ko ang masuyo niyang
paghaplos sa buhok ko na ngayon ay
wala sa ayos. Mas lalong humigpit
ang pagkakayakap ko sa kanya
habang nakasubsob ang mukha ko
sa flat niyang tiyan.
"Hindi ako umalis dahil do'n may
kailangan lang talaga akong gawin sa
New York."
Bahagya siyang humiwalay sa
mahigpit kong yakap para tignan ang
mukha ko habang ang mga braso ko
ay nakapulupot pa rin sa kanya.
"Ano naman 'yon, mas mahalaga ba
sa'kin kaya isang linggo mo akong
tiniis?"
Alam ko para na akong bata sa
inaasta ko pero kailan ba ako
nagkaroon ng pakialam sa iba basta
gawin ko lang ang gusto ko? As long
as wala akong naaagrabyado ay
gagawin ko ang gusto ko.
"Don't ask, nandito na ako e."
Pinunasan niya ang mga luha sa
pisngi ko, may ngiti sa labi niya kaya
napangiti na rin ako.
"Hindi ka man lang naawa sa'kin
alam mo namang hindi ko kayang
wala ka sa tabi ko e. See? Ang
dungis ko."
"Gwapo ka pa rin." Aniya, kinurot ang
ilong ko kaya mas lalong lumapad
ang pagkakangiti ko.
Ganito kababaw ang galit na kaya
kong maramdaman kapag siya ang
usapan. She's my only bestfriend at
parte na siya ng buhay ko simula ng
makilala ko siya.
"Gutom na ako." Sumbong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay kaya
napayuko ako. "Nalilipasan ako ng
gutom kasi wala namang tagahanda
ng pagkaing gusto ko dahil iniwan mo
ako."
Alam ko kasing pwede siyang magalit
kapag nalaman niyang naging
pabaya ako sa pagsunod sa pagkain
ng masusustansyang gulay at prutas
na kailangan daw ng katawan ko,
palagi niya iyong ibinibilin kaso hindi
ko nasunod sa loob ng isang linggo.

Dismayado siyang napailing. "Tsk.


Tara kakain tayo pero pagkatapos ay
papayag kang sumalang sa scene na
dapat mong gampanan, 'kay?"
Mabilis akong tumango at hinila siya
palabas ng tent. Lahat ng tao sa set
ay napabaling sa'min kahit ang mga
tagahanga ko at ng kalove team ko
sa teleserye na 'to ng makita kami.
Ngumiti ako sa kanila.
"Kita mo, sabi ng si Direk lang ang
gamot sa sumpong niyang si Sir
Second e." Nagsimula na silang
magbulungan habang ang mga ibang
kababaihan ay nagtititili ng kawayan
ko sila.
Nakaakbay ako kay King habang
papatawid kami sa katapat na resto.
Nasa cafè pa rin ang location dahil
simula ng umalis si King ay wala ng
naging pormal na shooting dahil wala
ako sa mood.
Kung gaano ang lakas ng tili at kilig
ng mga kababaihan sa paligid dahil
sa epekto ko sa kanila ay gan'on
naman kabored at emotionless ang
mukha ng babaeng inaakbayan ko
ngayon. Napapangiti nalang ako
kapag nakikita ang pagkayamot niya.
"Kahapon nakakatakot siyang
magwala pero ngayong dumating na
si Direk ay ang saya saya na niya."
"Ano kaya ang meron kay Direk at
kaya niyang pakalmahin si Sir
Second?"
"Duh, tinatanong pa ba 'yon sa ganda
ba naman ni Direk ay talagang aamo
ka kahit kaano ka kasama sabayan
pa ng malamig na tingin."
Tulad ng dati ay hindi nalang namin
pinansin ang iba't ibang bulungan ng
iba na dinig na dinig naman ng mga
tenga namin dahil sa lakas ng boses
nia.
Sa kabilang banda, sang-ayon ako sa
sinabi ng huli na ang taglay na ganda
nitong bestfriend ko ay may
kakayahang magpakalma ng kahit na
sino.
She's angelic despite of having a cold
stare. Perpekto ang hugis ng
kanyang mukha pati na ang panga,
pointed Aussie nose, high checkbone
na natural ang pamumula dahil sa
taglay na kaputian lalo kapag
nasisinagan ng araw, round brown
eyes na napapalibutan ng malalantik
at mahahabang mga pilik mata na
hindi kumukurap kapag
nakikipagtitigan o gusto magbigay ng
intimidation sa kahit na sinong
kausap. And the best part, her pouty
lips na nasa katamtaman ang kapal,
kahit hindi lagyan ng lipstick ay
natural ang pula. Sa isang tingin
palang ay masasabi mo ng malambot
iyon.
Masarap na halikan at ang bawat
pag-awang nito ay talagang
nakakaakit. At kung katawan ang
pag-uusapan ay talagang
nakakapaglaway ng bagang ang
napakasexy-ing hubog ng kanyang
katawan. 35-24-36, her vital statistics
na panghanay sa mga modelo ng
industriyang ginagalawan namin.
Isa siya sa patunay na hindi lahat ng
maganda at sexy ay pinipiling mag-
artista.
"Your order ma'am, sir?" Napakurap
kurap ako dahil sa pagpukaw ng
boses ng isang waiter.
Hindi ko namalayang nakapasok na
pala kami sa resto at nakahanap na
ng pwesto. Ilang sandali na pala
akong nakatulala sa magandang
mukha ng aking bestfriend. Gan'on
na ba ako kawili sa pagmamasid sa
mala anghel niyang mukha para
mawala sa isip ko ang nangyayari sa
paligid?
Nakatingin rin siya sa'kin pero wala
namang emosyon na mababanaag sa
mukha niya.
"Ahm." Tumikhim ako bago bumaling
sa waiter. "Pakibigyan kami ng
specialty niyo." Ibinalik ko ang tingin
kay King.
"Same." Tipid niyang sagot.
Tumango ang waiter at sandaling
nagpaalam pagkakuha ng order
namin.
"So, ahm." Humugot ako ng malalim
na buntong hininga para sabihin ang
isang bagay na bumabagabag sa isip
ko. "S-Sorry sa nangyari last week, I
know matigas ang ulo kaya sorry na."
Inabot ko ang kaliwang kamay niyang
nakapatong sa table, marahan ko
iyong pinisil. "Sorry na."
Umangot ang sulok ng kanya ng labi
na sinundan ng tango. "Accepted."
"Ee, bakit ang tipid mo na namang
magsalita. Dumaldal ka dahil sobrang
namiss kita e." Ungot ko.
"Ako gusto mong dumaldal?"
Tumango ako. "Nah, nakakapagod."
"Tsk. Wala talaga akong aasahan
sa'yo."
"You sure? Wala kang aasahan
sa'kin?"
Pilit akong ngumiti. "Sinabi ko ba
'yon, wala akong sinabing gan'on ang
sabi ko ikaw talaga ang inaasahan ko
kaya loves na loves kita." Hindi na
siya sumagot.
Dumating ang order namin at mabilis
naman naming inabala ang sarili sa
pagkain. Maraming tao sa resto dahil
lunch time na at karamihan sa mga
iyon ay sa table namin nakatingin.
The place is simple yet relaxing.
Typical dining na tipong mafefeel
mong nasa bahay ka lang.
Masasarap rin ang mga pagkain kaya
hindi nakapagtatakang dinudumog ng
customers.
"By the way, kumusta ka? May
nangyari ba sa'yong kakaiba habang
wala ako?" Hindi ko mapigilan ang
pagkawala ng malapad na ngiti sa
aking labi dahil siya mismo ang
bumasag sa katahimikan na
pumapagitna sa'min. Once in a blue
moon lang mangyari ito dahil nga sa
sakit niyang katamaran sa
pagsasalita.
Napahawak ako sa baba ko para
umaktong nag-iisip. "Hmm, wala
naman as usual mas naging magulo
at mas lalong napadalas ang
pagtanggap ko ng death threat?"
Baliwalang kwento ko.
"Death threat?"
"Yeah, 'yong ikinukwento ko sa'yo na
may nananakot sa'kin, hindi ko
nalang pinapansin dahil alam kong
kaduwagan lang ng kung sino mang
tao ang nagpapadala sa'kin n'on."
Napatitig siya sa'kin pero hindi na
nagsalita pa at muling bumalik sa
pagkain, gan'on rin ako.

---------------------------
--

Chapter 6

Please vote and comment.


Pakisuportahan rin po sana ang
ibang series.
PAGKATAPOS ng shooting na buong
magdamag naming ginawa ng team
ko ay nakatanggap ako ng tawag kay
General. Pinapapunta niya ako sa
headquarter.
Ayoko mang umalis sa condo ko dahil
sa labis na kapaguran hindi ko
maaaring baliwalain ang tawag niya
dahil alam kong trabaho iyon.
"Good evening Ms. Santez." Bati niya
ng makitang papasok na ako sa
kanyang opisina.
Dyes oras na ng gabi pero walang
tulugan silang nagbabantay sa mga
maaaring impormasyon ng mga asset
namin sa labas.
"Good evening." Sagot ko man
kasama pang tango. "What is it all
about General?" Direkta kong tanong
matapos lumapat ang pang-upo ko sa
visitor chair na nasa tapat niya.
Tumitig muna ito sa akin ng ilang
sandali bago napabuntong hininga.
"Anong nangyayari sa hawak mong
kaso Ms. Santez? It's been a year
pero wala pa ring nangyayari."
"Pinatawag mo ba ako rito para
sabihin ang bagay na iyan, sana sa
tawag mo nalang sinabi."
"Hindi lang iyon ang gusto kong
sabihin sa'yo. Ms. Santez napag-
alaman ng source ko na mas lalong
lumalala ang pagpapadala ng death
threat kay Mr. Castillion." Aniya.
"I know."
Napasandal siya sa swivel chair at
bakas sa mukhang ang frustration.
Siya ang General namin, isa sa
pinakabatang heneral at binata ito
pero dahil sa pagiging tutok sa
trabaho ay hindi na nagkaroon ng
oras para humanap ng
mapapangasawa. Kontento na ito na
si Gale lang ang kasama sa buhay,
itinuring niyang anak kahit pamangkin
niya lamang.
Nakasuot siya ng uniporme ng
departamento. Hindi iyon uniporme
tulad ng sa pulis o sundalo dahil hindi
naman kami nabibilang sa gan'ong
ahensya. Isang overall black ang suot
niya ang tanging dekorasyon lamang
ay ang mga star sa bandang dibdib
niya palatandaan kung ano ang
ranggo.
Hindi kami pulis though connected
kami sa ahensya ng gobyerno. Ang
departamento namin ang humahawak
sa mga kasong hindi kayang
hawakan at lutasin ng mga tauhan ng
gobyerno. Tumatanggap rin kami ng
mga kliyente na nangangailangan ng
bodyguards o security. Isang private
agency na hindi kayang kontrolin ng
gobyerno. In short talagang walang
pinapanigan.
Ang nasa loob lang ng field ang
nagsusuot ng gan'ong uniporme pero
ang tulad naming mga out of field ang
kaso ay pangcivilian o ano mang
gusto naming isuot.
"You know? Kung alam mo bakit hindi
ka kumikilos. Ngayon lang naging
ganito katagal ang hawak mong kaso
at hindi tayo pinabayaran ng
matandang Castillion para lang mas
lalong ilagay sa panganib ang anak
niya." Kulang nalang ay sigawan niya
ako pero halatang pinipigil niya lang
iyon.
Oo, isa akong hired bodyguard para
kay Second. Walang nakakaalam ng
bagay na iyon dahil ayaw ng ama na
ipaalam sa kahit na sinong anak dahil
sa pagnanais ng mga ito na maging
normal na tao lamang sa mata ng
lahat. Ayaw nilang lapitan sila ng mga
taong nakapaligid dahil sa yaman na
kanilang taglay, isa pa alam ng ama
ni Second na aayaw ito kapag
sinabing magkakaroon ito ng
bodyguard at babae pa talaga.
Maaapakan ang pride at ego nito
kaya mas mabuting ilihim na lamang.
"Konting panahon nalang." Wala
akong ibang maisagot dahil alam
kong totoo lahat ng mga sinasabi
niya.
"Hindi na mahihintay 'yang sinasabi
mong konting panahon. Tell me the
truth Ms. Santez, sinasadya mo bang
pabayaan ang trabaho mo dahil si
Second Castillion ang dahilan kung
bakit nagpakamatay ang bestfriend
mong si Lorette?" Seryoso siya
habang ako ay mabilis na nag-iwas
ng tingin upang hindi niya makita ang
pagtagis ng mga bagang ko dahil sa
pagbanggit niya sa nawala kong
matalik na kaibigan.

Nakakuyom ang aking mga palad


habang ramdam na ramdam ko ang
muling pagkabuhay ng galit at poot
sa kalooban ko.
Nasa ganitong trabaho na ako ng
mangyari ang bagay na at nalaman
iyon ng buong departamento dahil sa
pansamantala kong pagtigil sa
trabaho na inabot ng isang taon. At
pagkabalik ko ay agad akong
binigyan ng kaso, mapaglaro siguro
ang tadhana dahil ang kaso tungkol
sa lalaking bumigo sa kaibigan ko
ang dapat kong siguraduhin ang
kaligtasan. Sa mga panahong 'yon ay
katatapos ko lang magluksa.
"Iyon ba ang rason kung bakit
pinapabayaan mong makalusot ang
mga death threat na natatanggap
niya? Naghihigante ka ba?"
Puno ng diin ang bawat salitang
binibigkas niya samantalang ako ay
hindi alam kung ano ang tamang
salita para magtigil na siya. I hate this
fucking conversation dahil nawawala
ako sa focus at kusang
nagsisilabasan ang mga emosyong
itinatago ko sa lahat gamit ang
malaming na tingin at pakikitungo.
"Hindi mo maaaring haluan ng
personal na bagay ang kasong
hawak mo dahil bayad ang ating
departamento at trabaho mo ang
pangalagaan ang kliyenteng hawak
mo. Tapusin mo ang kaso at kapag
nagtagumpay ko hindi ako
makikialam sa mga susunod mong
hakbang pero ngayong nasa duty ka
ay maging professional ka."
PAULIT ulit ang pagsuntok ko sa
punching bag na nakasabit sa
training room ng bahay ko. Galit na
galit ako at ito ang tanging paraang
alam ko para mahimasmasan at
muking itago ang emosyon ko
pagkatapos.
"Alam mo Anton niyaya niya akong
magdate tapos ipapakilala niya raw
ako sa mga magulang niya. Ee,
kinikilig ako, ang sweet ng boyfriend
ko di ba?" Halos mangisay na siya
dahil sa pagkukwento tungkol sa
napag-usapan nila ng boyfriend niya.
Hindi ko pa nakikita ang kasintahan
niya dahil abala ako sa trabaho at
hindi rin ako interisado.
"Yeah, Lorette sweet ang boyfriend
mo." Labas sa ilong na sagot ko dahil
hindi ko naman alam kung paano
naging sweet na niyaya lang naman
ng date at ipapakilala sa magulang.
Normal lang naman 'yon kung
seryoso ang lalaki.
"Ewan ko sa'yo Anton, walang tamis
'yang pagkatao mo kaya hindi ka
makarelate. Kulang nalang
magpakasal ka diyan sa trabaho mo,
well, basta ako ay mangangarap
dito." Nangingislap ang mga mata
niyang niyakap ang unan na nasa
kama.
Napapailing ako bago pumikit dahil
sa pagiging assuming niya sa mga
sinasabi kuno ng boyfriend niya.

"Ang sarap mainlove."


Sinipa ko ang punching bag, hindi
ako tumigil hanggat hindi ko
nakikitang butas na ito at lumalabas
na ang mga foam na nasa loob.
Malapit ng maputol ang lubid na
nakatali dito pero hindi pa rin ako
tumigil hanggang sa tuluyan itong
bumagsak.
Hingal na hingal akong napayakap
doon ng nasa sahig na ito.
Parang binabayo ang puso ko gamit
ang baseball bat sa sobrang sakit nito
habang patuloy sa pagpasok ng mga
alaala sa utak ko kasama ang nag-
iisa kong kaibigan.
Siya ang naging pamilya ko simula ng
magkamalay ako dahil pareho
kaming lumaki sa ampunan. Sabay
na nag-aral, sabay lumaki,
grumaduate at sabay na namuhay.
Sa isa't isa lang kami sumandal sa
mga panahong may mga dagok sa
buhay namin pero sa huling
pagsubok na dumating sa kanha ay
hindi ko man lang siya nailigtas.
Iniwan niya ako dahil sa isang
lalaking nanakit sa kanya.
"I'm sorry kung hanggang ngayon ay
hindi ko pa rin natutupad ang
pangako ko." Unti unting bumagsak
ang mga luha sa aking mga mata.
Hinayaan ko iyon dahil sa
pagkakataong ito ay pagod na akong
magpanggap na ayos lang ang lahat
kahit hindi, pagod na akong
magpanggap na hindi ako binabalot
ng galit kapag nakikita kong nakangiti
si Second samantala ang huling
alaala ng kaibigan ko ay lumuluha
dahil sa kanya.
Nakakapagod magpanggap na ayos
lang kahit hindi naman talaga.
"Nangako ako sa'yong magbabayad
ang lalaking nanakit sa'yo at hindi ko
nakakalimutan 'yon." Marahas akong
tumayo at lumapit sa mga baril ko na
nasa isang glass table.
Patuloy sa pagbuhos ang aking mga
luha habang inaassemble ko ang
isang caliber 45 na paborito kong
gamitin.
Hindi na ako nag-abalang magsuot
ng gear pagkatapat ko sa shooting
range area dito sa training room ko.
Ang training room na ito ang tangi
kong stress reliever sa mga ganitong
pagkakataon. Isa itong silid sa
basement ng bahay ko, iba sa
condominium na katabi ng condo ni
Second.
Sa tagal ko sa serbesyo ay
nakapundar ako ng malaking bahay
na minsan ko lang madalaw dahil sa
pagiging abala ko sa trabaho.
Narito lahat ng armas ko, mga baril,
deadly weapon, granada, katana mga
bagay na maaaro kong magamit para
protektahan ang sarili ko.
"Fuck you!" Sigaw ko sabay sunod
sunod na kinalabit ang gatilyo,
nakaturo ang nguso ng baril ko sa
traget kung saan naroon ang isang
poster na katauhan ni Second.
Iniisip kong siya ang tinatadtad ko ng
bala ng saganyon ay humupa ang
galit ko.
"Mamatay ka na!" Muli kong sigaw, sa
isang kisap lang ay naabot ko ang
mga patalim na malapit sa'kin at
walang habas ko iyong pinaghahagis
sa poster. Lahat sa mukha at noo ang
tama.
Nasandal ako sa wall ng matapos
ang lahat ng pagtorture ko sa poster.
Taas baba ang dibdib at balikat ko sa
sobrang hingal.
Ganito ako kapag masyado na akong
binabalot ng matinding emosyon.
Matagal ko ng hinihintay ang
pagkakataon na totohanan kong
magawa kay Second ang lahat ng
ginawa ko sa poster niya.
Gusto ko siyang patayin gamit mismo
ang mga kamay ko para naman
makagante ako sa lahat ng sakit na
idinulot niya sa kaibigan ko at sa'kin
dahil nawala ito ng dahil sa kanya na
labis kong ipinagdurusa.
I hate the fact na ako ang nag-aalaga
ngayon sa kanya para hindi
mapahamak kahit sa loob loob ko ay
ikasasaya ko kapag namatay siya.
Si Lorette sana ngayon ang kasama
ko, ang tanging taong nakakakilala
sa'kin at nababasa ang tunay na
nararamdaman ko sa kabila ng
malamig kung mukha at mga mata.
Nang humupa ang hingal at galit ko
ay syaka lamang ako lumabas ng
training room.
"Good evening ma'am." Bati sa'kin ng
katulong, si Cindy.
Tumango lamang ako. Tuloy tuloy
akong naglakad papunta sa kwarto
ko, sya namang pagtunog ng
cellphone ko na nasa ibabaw ng
kama.
Nagngalit ang mga ngipin ko ng
makita kung sino ang tumatawag.
"What is it Salazar?"
"Woah! Ikaw ang unang nagsalita,
himala." Nang-aasar itong
humalakhak.
"Fuck you."
"Oh, I want to fuck you to baby."
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko
dahil sa nakakakilabot na landi ng
kanyang boses.
"What do you want?" Gusto ko ng
matapos ang usapang ito para
makapagpahinga na ako.
"You know what I want Santez,
sumanib ka sa grupo ko."
Napangisi ako dahil sa muli niyang
alok. Ilang bese na ba niya akong
inalok na mapasama sa grupo niya.
Sampu, bente, trenta? Hindi ko na
mabilang pero ang lagi kong sagot.
"No thanks."
Humalakhak na naman ito na parang
nasa ilalim ng impyerno. "Well, well,
well good luck sa alaga mo baka
mapahamak siya dahil sa katigasan
ng ulo mo."
Magdidiwang pa ang kalooban ko
kapag nangyari 'yon pero mas
masaya pa rin ako kung ako mismo
ang magpapahamak sa kanya.
"I don't care, puro ka lang naman
dada. Do it." Hamon ko.
"You know I can do that in just a
snap."
"Then good luck." Sabay patay ko ng
tawag at padapang humiga sa kama.
Paglapat ng katawan ko ay doon ko
lang naramdaman ang labis labis na
pagod na pati mga binte ko ay hindi
ko na maitaas.
"Hindi mo maaaring haluan ng
personal na bagay ang kasong
hawak mo dahil bayad ang ating
departamento at trabaho mo ang
pangalagaan ang kliyenteng hawak
mo. Tapusin mo ang kaso at kapag
nagtagumpay ko hindi ako
makikialam sa mga susunod mong
hakbang pero ngayong nasa duty ka
ay maging professional ka."
Tama si General, dapat ko munang
tapusin ang trabaho ko sa
professional na paraan at kapag
natapos na ay syaka ako gagawa ng
habang upang makuha ko ang
hustisya para sa kaibigan ko.
Nakakatanga, sisiguraduhin ko ang
kaligtasan niya para walang
makasakit na kung sino man tapos sa
bandang huli ako ang gagawa n'on.
'Masarap mainlove.'
Iyon ang paulit ulit na sinasabi noon
sa'kin ni Lorette na hindi ko
magawang paniwalaan dahil kung
masarap ang mainlove bakit
humantong siya sa pagkitil ng sariling
buhay.
Mimahal ba siya ng lalaking 'yon
tulad ng pagmamahal niya? Hindi
diba? So ano ang ikinasarap ng
pagmamahal kung ito mismo ang
papatay sa'yo.
For me love is shit! Kapag nagmahal
ka para ka na ring naghukay ng sarili
mong libingan.
Bumabagsak na ang mga talukap ng
mata ko pero pinilit ko pa ring abutin
ang picture frame kung saan
nandoon ang picture namin ni Lorette
na parehong nakangiti.
"I miss you, Lorette, my bestfriend."
Bulong ko habang pinakatitigan ang
mga mukha naming masasaya.
"Malapit na nating makuha ang
hustisya sa paraang alam ko, hindi
niya lang pinatay ang katawan mo
pero pati rin ang puso mo at
pagbabayaran niya 'yon."
Niyakap ko iyon bago tuluyang
gupuin ng antok at balutin ng dilim.

---------------------------
--

Chapter 7

Please vote and comment. Sana po


tulungan niyo akong maging
motivated sa pagsusulat. Thank you.
"SO anong plano mo?" Tanong ni
Gale.
Umagang umaga palang ng pumunta
siya dito sa bahay at ngayon ay
kumakain kami ng agahan. Kulang
ang tulog ko pero may lakas pa
naman ako dahil sanay ako sa
pagod.
"Plano?"
Tumango siya habang sumusubo ng
fried rice. "Naikwento sa'kin ni Uncle
ang napag-usapan niyo kagabi at
kapag daw walang naging
improvement sa hawak mong kaso ay
mapipilitan daw siyang sa'kin nalang
ipatapos."
Natigilan ako at pinakatitigan siya
para alamin kung seryoso siya sa
mga sinasabi niya. "Tatanggapin
mo?" Pagkuay tanong ko.
Nagkibit balikat siya. "Well, depende
sa plano mo kaya nga kita tinatanong
e. Isa pa busy rin kasi ako kaya
ayokong tanggapin."
"Good, ako ang tatapos ng kasong
'to." Determinado kong tugon bago
nagpatuloy muling kumain.
"You sure?"
"Yeah, ako ang nagsimula kaya ako
rin ang tatapos."
Akmang sasagot pa siya ng sabay na
tumunog ang mga cellphone namin
na nasa hapag.
Nagkatinginan kami, ako ang unang
pumulot ng cellphone ko pagkakitang
si General iyon.
"Bullshit! Santez!" Sigaw nito sa
kabilang linya. "Niluoban ang condo
unit ni Mr. Castillion at ngayon ay
nasa enkwentro ang mga taong
ipinadala ko."
Natulos ako sa kinatatayuan dahil sa
mga sinabi niya. Mr. Castillion ang
sabi niya at alam kong si Second 'yon
dahil hindi naman siya mag-aalburuto
kung hindi.
"I'm on my way!" Tugon ko syaka
mabilis na tumakbo patungo sa aking
silid.
Kumuha ako ng mga baril at
isinuksok iyon sa holster na nasa hita
ko. Nakasuot ako ng white skirt
above the knee sapat para maitago
ang armas doon.
Isinuot ko ang leather jacket para
may ipatong sa black sando na suot
ko. Doon ko rin inilagay ang ibang
bagay na maaari kong magamit.
"Park, pakikuha ng sasakyan."
Nagmamadali kong tugon ng
maactivate ang speaker na
connected kay Gale.
"Copy, Santez."
Mas minabuti kong magsuot ng boots
para mabilis na makatakbo na siyang
ginawa ko kaya mabilis akong
nakalabas ng gate.
Nakaparada na ang sasakyan ko sa
labas kaya mabilis akong pumasok at
mabilis rin iyong pinasibad ni Gale.
"Tumawag sa'kin ang secretary ni
Uncle dahil hinahanap ka daw,
mabuti nalang at magkasama tayo.
Ano bang nangyari?"
"Niloob ang condo ni Second, at alam
kong hindi pagnanakaw ang motibo
dahil nandoon daw ngayon ang mga
taong ipinadala ni General
nakikipagbakbakan."
Tango lang ang naging sagot niya
habang seryoso ang mga matang
mabilis na iniiwasan ang mga
sasakyan nakaharang sa daan.
Maraming bumubusina at sumisigaw
dahil sa bilis ng takbo namin. Inilabas
ko ang ID ko ng mapadaan kami sa
traffic enforcer sa lane na dinaanan
namin.
"Emergency!" Sigaw ko. Ayokong
tatawag pa siya ng mga kasamahan
niya para lang habulin kami.
Maantala ang lakad namin.
Ilang sandali lang ay nakarating na
namin ang tapat ng condominium.
Hindi pa man iyon tuluyang
naipaparada ni Gale ay agad ko ng
binuksan ang pinto ng sasakyan at
walang pag-aalinlangan na tumalon.

"Sumunod ka." Bulong ko.


"Nasa likod mo lang ako." Sagot ni
Gale.
Pag-apak ko palang sa lobby ay kita
ko na ang mga taong nagkakagulo.
May mga pulis rin na akmang
sasalubungin ako pero natigilan ng
ipakita ko ang ID ko. Marami akong
kopya ng ID para sa mga ganitong
pagkakataon dahil wala kaming
chapa tulad ng mga pulis. Simpleng
ID kang para makilala nilang mula
kami sa aming departamento na
matunog sa mga kawani ng
gobyerno.
"Ingat po ma'am." Imbes ay sabi nito
pero hindi ko pinansin.
Pumasok ako sa elevator na walang
sinasayang na oras. Hindi ako
naglabas ng armas. Matagal ko ng
itinago ang pagiging Agent ko dahil
baka makaabala ito sa aking mga
plano at isa pa iyon ang gusto ng
kliyente namin, ang ama ng Castillion
Brothers.
Hindi ako basta basta gumagamit ng
armas hanggat kaya kong malusutan
ang ganitong pagkakataon.
Pagdating ko sa palapag kung saan
ang condominium ni Second ay rinig
na rinig ko ang putukan. Pasimple
kong ikisana ang baril na kinuha ko
sa aking hita at muli ring ibinalik.
"Nandito na ako." Tugon ko.
Hindi pa man ako tuluyang
nakakababa sa elevator ng makita ko
ang pagbukas ng katabi nitong
elevator.
Ngumiti si Gale sabay kindat sa gawi
ko, siya ang lulan ng elevator.
"Ako muna."
Tumango ako. Nasa dulong bahagi
ang condo at may mga kalabang
sumasalubong sa'min na patuloy pa
rin sa pakikipagputukan sa aming
mga tauhan.
Naglabas ng baril si Gale at gumanti
rin ng putok habang ako sa
nananatiling nasa kanyang likod.
Hindi ako sumali sa kanilang putakan
dahil abala ako sa pagsilip sa loob
kung nasaan si Second.
"Ubos na ang mga nasa labas, tatlo
pa po ang nasa loob hawak si Mr.
Castillion." Malutong akong
napamura ng marinig ang sinabing
iyon ng aming kasamahan pagkakita
sa'kin.
"Anong lagay?" Tanong ko.
"Hindi naman po nila sinaktan pero
hindi nila pinapakawalan."
No choice!
Bumunot ako ng baril at naglakad
palapit kay Gale na ngayon ay nasa
bukana na ng pintuan. Tinapik ko siya
sa braso para matuon ang atensyon
niya sa'kin.
"Cover me, papasok ako."
"Nasa likod lang ako."
Dinukot ko ang panyong nasa bulsa
ng leather jacket ko bago patakbong
pumasok. Ilang putok ang natanggap
ko mula sa kanila ngunit agad akong
nakatago da likod ng couch kaya
walang ni isang bala ang bumaon sa
katawan ko.
Tumango ako kay Gale na seryosong
seryoso ang mukhang
nakikipagbarilin, naglalakad siya
papalapit sa pwesto ko.
"Dalawa nalang."
Sumilip ako at nakita kong
nakahandusay na ang isa sa tatlong
natitira, may tama ito sa noo na
ikinangisi ko.
Nasa loob sila ng kwarto hawak sa
leeg si Second na nagpupumiglas,
nakatali ito sa isang steel chair at
nakatagilid sa gawi ko.
"Hindi ko ipapakita ang armas ko
baka mabuko ako si Second kaya
ikaw ang umalalay sa'kin."
"Tsk. Ano ba naman kasi 'yang utak
mo kung mag-isip, ipagpapalit mo
buhay mo para lang hindi mailantad
sa lalaking 'yan ang tunay mong
pagkatao." Sermon niya.
"Sumunod ka nalang." Pagkatapos
kong sabihin 'yon ay mabilis akong
tumayo kaya naagaw ko ang
atensyon ng dalawa pati na si
Second.
Nakita ko ang panlalaki ng mata niya
pero hindi ko iyon pinansin. Kalmado
akong naglakad papasok habang ang
dalawa ay nakamasid lamang sa
bawat galaw ko. Hindi sila
nagpaputok habang ako ay nakatago
ang basil sa likod.

Hindi talaga sila magpapaputok dahil


ako ang kailangan nila. Mga tauhan
ni Salazar!
"Bakit nandito ka? Lumabas ka dito
King." Utos ni Second na bakas ang
pag-aalala sa mukha.
"Nandito ako para iligtas ka."
Marahas siyang umiling. "No,
mapapahamak ka at iyon ang hindi
ko papayagan." Nagpumiglas siya.
Nagtagis ang bagang ko dahil bigla
na lamang ito hinampas ng baril sa
mukha gamit ang hawakan nito.
"Kanina ka pa maingay." Sigaw ng isa
sa mga tauhan ni Salazar.
Hindi na ako nakapagpigil nang
makita ang pagputok ng labi ni
Second at ang pagdaloy doon ng
masaganang dugo. Fuck! Ako lang
ang may karapatang saktan ang
lalaking 'yan hindi sila.
Ihinagis ko ang hawak kong panyo sa
isang tauhan na ipinagtaka nito.
"Ipaamoy mo sa kanya, don't worry
kakampi niyo ko." Malamig ang boses
ko ng sabihin ko iyon.
Nagliwanag ang mukha ng dalawa na
para bang nasa rurok sila ng
tagumpay.
"Susundin mo na si Boss?" Tanong
ng isa, tumango ako.
Ang panlalaki ng mata ni Second ay
mas lalong nanlaki dahil sa narinig
niya.
"No, no, King! Ano 'to?" Bakas ang
pagkataranta sa kanyang boses pero
hindi ako nagpatinag.
Lihim akong napangiti ng sumunod
sa'kin ang lalaking hinagisan ko ng
panyo.
Gan'on kasabik si Salazar para
mapabilang ako sa grupo nila dahil
kahit mga tauhan niya ay kayang
sumunod sa mga sinasabi ko.
Napakalaki ko nga namang asset sa
grupo nilang kung papanig ako, pero
hindi pa naman ako tuluyang kasapi
ni Satanas para gawin iyon.
Idiniin nito ang panyo sa mukha ni
Second at naging alerto ang kilos ko
ng magsimulang bumagsak ang
talukap ng kanyang mga mata. Nang
masigurong wala na itong malay ay
doon ko lamang inilabas ang aking
baril at walang habas na kinalabit ang
gatilyo para punteryahin ang ulo at
puso ng dalawa.
Kasabay ng pagkaubos ng bala ko ay
siya rin pagbagsak nila sa sahig. Unti
unti ng naliligo sa mga sariling dugo.
Stupido!
"Cool!" Hindi ko nilingon si Gale na
nasa likod ko na pala.
Ibinalik ko ang baril sa holster na
nasa aking hita bago lumapit sa
kinauupuan ni Second. Wala siyang
malay at alam kong mga ilang oras
pa bago siya magigising dahil sa
chemical na pampatulog na inilagay
ko sa panyo.
"Tawagin mo ang iba pa nating
kasamahan para buhatin siya pahiga
sa kama." Utos ko kay Gale na
ngayon ay nakaupo na sa couch na
kanina lang ay tinadtad ng bala.
"Prinsipeng prinsipe ang datingan a.
Hindi pala, prinsesa pala at ikaw ang
knit in shining armor niya. The fuck!
Corny!" Kantiyaw niya habang
ieinawagayway ang mga daliri na tila
may sinesenyasan sa labas.
Nagsipasukan naman ang mga
kasamahan namin.
"Buhatin niyo siya pahiga sa kama."
Agad naman silang sumunod, nang
maayos na ang posisyon nito at
nakumutan ay doon lamang ako
umupo sa tabi ni Gale.
"Ligpitin niyo ang mga kalat na 'yan."
Turo ko sa mga patay na katawan.
"Pati dugo tanggalin niyo."
Napasandal ako sa kinauupuan ko
habang nakatingin sa mga walang
buhay na katawan.
Talagang ginagamit ni Salazar si
Second dahil lang sa gusto nilang
sumapi ako sa kanila na kahit kailan
ay hindi ko naisipang gawin. Kaya
niyang magsayang ng buhay ng iba,
gan'on siya kasama at kapag
pumanig ako para na rin akong
nakipagkasundo kay satanas.
"On the way na raw si Uncle kasama
si ang matandang Castillion."
Imporma ni Gale na ngayon ay abala
na sa kanyang cellphone, siguro ay
katext si General.
Napabuntong hininga ako.
"Natatakot ka bang tanggalin ka sa
kasong 'to?"
Nagtataka ko siyang nilingon dahil sa
naging tanong niya matapos kaming
balutin ng pansamantalang
katahimikan.
"Bakit ako matatakot?"
"Ewan, ang lalim kasi ng buntong
hininga mo kaya akala ko nababahala
ka dahil malaki ang tyansa na alisin
ka sa kaso na 'to lalo at naging
pabaya ka."
"Hindi ako naging pabaya." Kontra
ko. Mariin akong pumikit.
"Kung hindi ka naging pabaya bakit
hindi mo napigilan ang pangyayaring
ito?" Matatalim ang tinging dumilat
ako at tumingin sa kanya. Sinalubong
ako ng seryoso niyang tingin bago
bumaba ang titig niya sa mga kamao
ko na ngayon ay nakakuyom na.
"Namamaga ang kamay mo."
Hindi ko siya pinansin.
Namamaga ang kamay ko dahil sa
paglalabas ko ng galit kagabi, medyo
kumirot iyon ng bahagya dahil sa
pagkakakuyom ko ngunit binaliwala
ko iyon.
"Matuto kang magpatawad Anton
para tuluyan kang maging masaya."
Hirit niya pa at walang paki kahit alam
niyang galit na ako.
Masyadong maikli ang pasensya ko
kapag ganitong mga usapan. Ayoko
ang ganitong mga pangyayari sa
buhay ko, na may taong magsasalita
sa'kin na parang naranasan na lahat
ng naranasan ko. Na parang
naghirap at nagluksa dahil sa
pangungulila tulad ko.
Madali akong magalit sa mga taong
mapanghusga na parang napakadali
ng lahat tulad kung paano ito sabihin.
Dahil alam kong hindi gan'on kadali
ang magpatawad dahil kung madali
lang ide sana nagawa ko na noon pa.
"Mind your own business. Isa pa hindi
ko kailangang maging masaya."
Nag-iwas siya ng tingin. "Mukhang
matigas pa rin ang puso mo kaya ang
hiling ko nalang talaga ngayon ay
sana mahalin mo ang lalaking 'yan."
Sabay turo niya sa walang malay na
si Second. "Alam ko kasing mas
matimbang ang pagmamahal kaysa
sa galit o ano pa mang pakiramdam.
Love is the most powerful feeling,
Anton. Iyon nalang ang tanging pag-
asa para malusaw ang galit sa puso
mo."
Natahimik ako. Tumayo siya at hindi
na ako muling nilingon dahil tuloy
tuloy lang siya sa paglabas.
Napadako ang tingin ko sa binatang
natutulog pa rin. Hindi ko namalayang
humahakbang na pala ang mga paa
ko papalapit sa kanya.
Napakagwapo niya kung panlabas na
anyo ang pababasihan, malaki ang
pangangatawan na halatang halata
sa suot niyang sando.
Napakaamo ng mukha lalo ngayong
natutulog ito. Mapayapa at walang
problema. Makakapal ang itin na itim
na pares ng kilay, mahahaba at
pataas ang hugis ng kanyang pilik
mata, namumula ng bahagya ang
magkabilang pisngi na walang bakas
ni isang tigyawat o pores, makinis na
makinis.
Mas lalong naging agaw pansin ang
kanyang matangos na ilong na
nagpahalata ng lahing Amerikano na
taglay nito. Samahan pa ng kanyang
mga labi na namumula at bahagyang
nakaawang. Manipis iyon na
bumagay sa malaanghel na
kagwapuhan niya.
Hindi kataka takang habulin ng
babae.
Walang duda na hindi na mabilang ng
mga daliri ko ang itinaboy kong
babae na nagkakandarapa sa kanya.
Tunay na biniyayaan talaga ang lahi
nila ng grasya na magpapaiyak ng
kababaihan.

---------------------------
--

Chapter 8

Please vote and comment. Inspired


me to write guys. Thank you.

"Ehem." Napatuwid ako ng tayo kahit


pa sabihing hindi naman ako
nakayuko dahil sa pagkagulat ko sa
biglaang pagtikhim ng kung sino.
Bumaling ako sa pintuan ng kwarto at
doon ko nakitang nakatayo si General
kasama ang matandang Castillion na
tatay ni Second, at sa likod ng mga
ito ay ang nakangising si Gale.
Kumunot ang noo ko ng ituro niya
ako at ang bibig niya.
Agad naman akong napakapa sa
bibig ko at doon ko lang napagtanto
na nakangiti ako. Shit! Nag-iwas ako
ng tingin dahil sa biglaang pag-init ng
magkabila kong pisngi. Palihim kong
ibinalik sa pagkaseryoso ang tabas
ng mukha ko.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit
nakaramdam ako ng hiya as if may
naabutan silang hindi kanais nais na
ginagawa ko.
Shit! Anton, composed yourself
together.
"Kumusta siya Agent Santez?" Agad
na tanong ng ama ni Second.
"Pansamantala ko lamang na
pinatulog upang makapagpahinga."
Sagot ko.
Mukha naman itong nakangiha ng
maluwag bago ngumiti sa'kin.
"Maraming salamat sa pag-aalalaga
sa anak ko." Sinsero niyang tugon.
"Trabaho lang."
"Kahit na, napakadelikado ng trabaho
mo at nagpapasalamat ako dahil
handa kang ibuwis ang buhay mo
para sa anak ko."
Ngayon lang 'to dahil alam ko sa sarili
ko kung bakit ko ginagawa ang mga
bagay na ito.
Tumango nalang ako at hindi na
muling nagsalita. Bumaling ako sa
payapa pa ring natutulog na si
Second.
"Mukha lang malakas ang anak ko
dahil na rin sa laki niya at dating pero
ang totoo ay mahina siya, mahina
ang loob niya." Bumalik ang tingin ko
sa matandang Castillion dahil parang
hindi ko gusto ang patutunguhan ng
usapang ito. Wala na doon si General
at Gale kaya tanging kami nalang ang
nagkakarinig ng usapan ng isa't isa.
"Second is a black sheep in our
family, matigas ang ulo at lumalaban
sa kanyang nakakatandang kapatid
na si First. Ginagawa ang gusto niya
basta maisipan niya but deep inside
him palagi niyang inaalala ang mga
taong nasa paligid niya."
Sinalubong ko ang kanyang tingin.
"Bakit niyo sinasabi sa'kin ang bagay
na 'yan?"
Ngumiti siya bago bahagyang
pasadahan ng tingin ang anak. "Kasi
alam kong isa ka sa mga taong
mahalaga sa kanya, nakikita ko na
parte ka na ng araw araw niyang
buhay dahil bestfriend ka niya."
Napangisi ako sa aking isipan
pagkarinig sa salitang bestfriend.
Nah, for me his not my bestfriend nor
friend. Hindi ko siya itinuturing alin
man sa dalawang 'yon dahil isa lang
ang taong may puwang sa posisyon
na 'yon para sa buhay ko. Pero
kinuha niya sa'kin, siya ang dahilan
kung bakit blanko na ang posisyong
'yon. Siya lang ang nag-assume na
magbestfriend kami pero ang totoo ay
hindi.
Kailangan ko lang gawin ang lahat ng
ito dahil parte ng plano ko.
Make your friends close and your
enemy closer.
"Kaya gusto ko sanang ipakiusap
sa'yo na kung matapos man ang
serbisyo mo bilang bodyguard niya ay
manatili pa rin ang pagkakaibigan
niyo."
"Hindi ko maipapangako ang bagay
na iyan, alam niyo naman na nandito
lang ako sa tabi niya ngayon dahil
iyon ang trabaho ko."
"Naiintindihan ko." Aniya. "Pero
maaaring masaktan ang anak ko
kung malalaman ang bagay na iyan."
"Wala akong magagawa kong
masaktan man siya, isa pa kayo ang
may gusto na wag sabihin kung sino
ako. Wala ako ngayon dito kung hindi
niyo kinuha ang serbisyo ko." Gamit
ang pinakamalamig ng boses habang
nakikipag-usap ako sa kanya.
Ayokong ipagpilitan niya ang bagay
na alam kong impossible kong
maibigay.

"Siguro nga para sa'yo trabaho lang


ang lahat pero hindi man lang ba
napalapit ang loob mo sa anak ko?"
Matanda na ang ama ng
magkakapatid na Castillion, kaya
kahit papaano ay naiintindihan ko
kung bakit palagi niyang iniisip ang
kalagayan ng mga anak kahit na
malalaki na ang mga ito.
He's the father anyway. At
mahahalata sa panlabas nitong anyo
na sakanya nagmana ang mga anak,
sa kakisigan at kagwapuhan dahil
kahit matanda na ito ay bakas na
hinahabol habol ito ng mga
kababaihan ng kapanahonan niya.
Wearing his plain white long sleeve
and black slacks suit him so well,
nagmula nga talaga ito sa
magandang lahi.
Hindi agad ako nakasagot sa naging
tanong niya pero pinilit ko ang sarili
na iawang ang mga labi at magsalita.
Napalapit ang loob sa anak niya?
Nagbibiro ba siya?
"Kapag nasa trabaho ako ay hindi ko
kailanman hinahaluan iyon ng
pakikipaglapit ng loob sa kliyente. I'm
just being professional Mr. Castillion."
Pormal kong sagot.
Napabuntong hininga ito na para
bang nahirapan sa pakikipag-usap
sa'kin. Sinasagot ko lang naman ng
totoo ang mga tanong at sinasabi
niya kaya wala akong dapat na
alalahanin.
Halos mapatalon ako sa sobrang
gulat at pagdagundong ng aking
dibdib dahil sa masuyong paghaplos
ng isang malambot na palad sa aking
kamay.
"K-King."
Nakita ko ang unti unting pagdilat ng
mga mata ni Second. Nagkasalubong
ang aming mga tingin ng tuluyan
siyang makadilat. Hindi humupa ang
kabog ng aking dibdib pagkakita sa
napakaganda niyang mga matang
namumungay.
Wala akong maapuhap na salitang
maaaring itanong sa kanya lalo at
bahagya niyang pinisil ang aking
palad.
"Son." Tawag ni Mr. Castillion dahilan
para maputol ang kanyang tingin
sa'kin at bumaling sa ama.
"Dad." Usal niya.
"Are you okay? Sinaktan ka ba nila?"
Akmang babangon siya ngunit hindi
iyon natuloy dahil sa mariin niyang
pagpikit, sumakit siguro ang ulo dahil
sa gamot na nasinghot.
Palihim kong binawi ang aking palad
mula sa pagkakahawak niya bago
siya alalayan sa pag-upo.
"Dahan dahan."
Ngumiti siya at gan'on nalang ang
panlalaki ng mata ko dahil sa biglaan
niyang pagyakap sa'kin. Hindi ko
alam kung ano ang naging reaksyon
ng aking mukha pero ang puso ko ay
mas lalong tinambol ng kaba.
Pakiramdam ko ay malapit na itong
lumabas sa dibdib ko. May unti unting
tila mga paru-paring nabubuhay sa
tiyan ko. Nakakakiliti pero gusto ko
ang gan'on pakiramdam.
"Tinakot mo ako kanina, wag mo ng
uulitin 'yon ha? Kapag nalaman mong
nasa panganib ang buhay ko wag na
wag kang magtatangkang iligtas ako
dahil mas gugustuhin kong ako ang
mapahamak kaysa ikaw."
"Sobra akong natakot kanina dahil
akala ko sasaktan ka nila." Pabulong
lamang ang bawat pagbigkas niya ng
mga salita pero dinig na dinig ko iyon
dahil na rin sa buhay na buhay kung
sistema dulot ng yakap niya.
"Hindi ako nasaktan at ayos lang
ako."
"Basta mangako ka na hindi mo
ipapahamak ang sarili mo dahil
sa'kin." Tumingala ito habang ang
mga mata ay maluha luha.
Sobra ba talaga siyang nag-alala
para sa'kin? Napiling ako sa akin
isipan.
"Ayokong mangako dahil kapag
kapahamakan mo ang pinag-uusapan
hindi ko alam kung paano pigilin ang
sarili ko."
Ewan ko ba, alam kong parte lang ito
ng aking pagpapanggap upang mas
lalo siyang mapalapit sa'kin
hanggang sa hindi na niya kayang
mabuhay na wala ako pero may parte
sa puso ko na sang-ayon sa mga
binitawan kong mga salita. Parang
iyon talaga ang nais na sabihin ng
pagkatao ko.

Nakita ko ang pagningning ng


kanyang mga mata dahil sa tuwa.
"Ganito pala ang pakiramdam na
kiligin."
"Kinilig ka?"
"Oo, hindi lang naman babae ang
pwedeng kiligin."
Napahiwalay ako sa kanya ng
maramdaman ang tingin ng kanyang
ama. Nakakahiya, nakalimutan kong
nandito nga pala ito para sa anak
tapos nagyayakapan pa kami.
Though si Second ang yumakap
sa'kin at hindi ako, wala akong balak
na gawin ang bagay na iyon. Para ko
na ring sinabing talo ako sa sinimulan
kong laban.
"Mukhang nakalimutan na ng binata
ko ang tanong ko." Natatawa nitong
tugon. Napakamot naman ang anak
sa ulo.
"Sorry, but I'm okay dad hindi naman
nila ako sinaktan lalo at agad namang
dumating ang mga pulis."
"You need a bodyguard son be---"
Agad nitong pinutol ang sana'y
sasabihin ng ama. "No dad, I don't
need it I can handle my self."
"But--"
"Dad naman malaki na ako kaya ko
na ang sarili ko, kung talagang
mapapahamak ide mapapahamak,
kung talagang mamamatay ide
mamamatay." Muling kontra nito sa
hindi matapos sa pagsasalita ni Mr.
Castillion.
Bakit gan'on biglang bumigat ang
puso ko sa kaalamang madali lang
dito ang pagharap sa kamatayan? Na
ayos lang na mamatay siya?
No, mabigat lang ang loob ko dahil
gusto kong maghirap muna siya bago
ako makagante, ayokong maging
madali ang pagkamatay niya. Yeah,
iyon ang dapat.
"Don't ever say that again Second
Castillion, gusto mong masayang ang
buhay mo? That's crazy! Hindi ka ba
natuto sa pinagdaanan ng Kuya First
mo? Halos bawian siya ng buhay
dahil sa naging sakit niya pero
nanatili siyang lumalaban tapos ikaw
parang wala lang sa'yo ang buhay
mo.
"Hindi sinasayang ang buhay dahil
mas marami ang taong nasa bingit ng
kamatayan ngayon pero ginagawa
ang lahat para manatili dito sa mundo
at alam mo 'yan." Galit na tugon ng
matanda.
Tama ito, dahil sa pagiging malapit ko
kay Second ay nalaman kung
nagkasakit noon ang kanilang
nakakatandang kapatid na si First
Castillion pero dahil sa babaeng
minamahal nito ay lumaban at
ngayon ay masaya na sa kanyang
pamilya.
Walang imposible sa pag-ibig sabi ng
karamihan. Love conquer all, lahat
kaya mong banggain dahil sa
pagmamahal kahit kaakibat nito ang
sakit at pagsasakripisyo.
Pero hindi ko magawang maniwala
sa bagay na iyon dahil bukod sa wala
akong karanasan dahil ayoko
talagang maranasan, ay nakasaksi
na ako ng taong kinitil ang sariing
buhay dahil sa sinasabi nilang
pagmamahal.
Nakakalungkot na ang taong 'yon ay
ang bestfriend ko, kung totoong love
conquer all ide sana kasama ko pa
siya ngayon, sana lumaban siya at
hindi sumuko dahil lang sa hindi siya
magawang mahalin ng taong
inalayan niya ng lahat.
If love conquer all kinaya niya sana
ang lahat ng sakit dahil nagmamahal
siya. So that I won't believe in that
saying, para lang iyon sa mga taong
sinuwerte at nakatuluyan nila ang
taong para sa kanila.
What the hell! Why I am talking about
that shit? Yeah, that is my definition
about love, it is a shit as in sacrifices,
heartache, infirmity and torture.
Ayokong maranasan ito man sa isa
sa mga iyon. Not even once.
"Dad, hindi ko sinasayang ang buhay
ko I'm just accepting the possibilities
early as I can." Palusot nito na
ikinailing na lamang ng kausap.

"SAAN ka nga pala pumunta kagabi?


Pumasok ako sa condo mo hindi kita
nakita doon." Seryosong tanong ni
Second habang sumusbo ng steak.
Nandito kami ngayon sa isang resto
na katapat lamang ng aming
condominium building. Pagkatapos
ng pag-uusap nila ng kanyang ama
ay agad siyang nagyaya ng lunch
dahil gutom na raw siya. Wala na
akong oras para magluto kaya
pumayag na rin ako.
"Marami akong trabahong kailangang
tapusin." Simpleng sagot ko na
mukha namang nakakumbinsi sa
kanya.
Hindi niya alintana ang mga taong
nakatingin sa'min na kulang nalang
ay hubaran siya lalo ng nga
kababaihan at mga bakla.
Samantalang ako ay hindi mapigilan
ang iritasyon dahil sa pagkailang.
Bakit hindi nalang sila kumain hindi
'yong parang ginagahasa nila si
Second sa kanilang mga utak?
Kawawa naman 'yong tao.
Tanging pajama at sando lang ang
suot nito dahil hindi na ginustong
magbihis sa pagmamadaling
makakain. Pero kahit gan'on lang ang
ayos niya ay hindi pa rin nabawasan
ang mga kababaihang humahanga sa
kanya. Well, he's fucking hot and
handsome sa bagong gising niyang
hitsura at talagang kahit sinong
madaanan ay magdadalawang
lingon. Ganoon kalakas ang dating
niya.
Given na ang pagiging sikat niyang
artista pero ang mas nakahatak ay
ang kanyang kagwapuhan mag-ayos
man o hindi. Namumutok ang
muscles kahit konting kilos lang ang
gawin. In short, perpekto ang physical
feature, 'yong tipong gugustuhin
mong anakan ka niya at makalahi ng
maganda.
Damn! What I am thinking?
Bumalik ako sa pagkain at hindi na
muking pinansin ang mga nagnanasa
sa kasama ko.
"Bakit pala ganyan ang suot mo?"
Basag niya ulit sa katahimikang
pumagitna sa aming dalawa.
Lihim kong pinasadahan ng tingin
ang suot ko at ng mapansing wala
namang mali ay kunot noo ko siyang
binalingan. "May mali ba sa suot ko?"
"Kita ang cleavage mo at ang iksi ng
skirt mo." Angal nito na para bang
wala na akong itinagong balat.
"It's normal 'coz I'm wearing a sando
under my leather jacket."
"Zipper your jacket." Utos niya na
ngayon ay seryosong seryoso ang
mukha at nakatiim bagang.
"Ngayon mo lang napansin, kanina
ko pa suot ang damit na 'to."
"Magulo ang isip ko kanina dahil sa
sobrang pag-aalala sa'yo kaya hindi
ko agad napansin pero ngayong
natitigan ko na ang suot mo ay doon
ko nakitang hindi magandang
tingnan." Inilapag nito ang hawak na
kutsara at tinidor bago dumukwang
sa'kin at siya na mismo ang nagsara
ng zipper ng jacket ko na hindi ko
naman tinutulan.
Madiin akong napahawak sa
kutsarang nasa kamay ko dahil
nagsimula na namang magsidatingan
ang mga paru-paro sa aking tiyan
dahil sa sobrang lapit niya sa'kin.
"You are my bestfriend kaya ayokong
mabastos ka ng iba." Bulong niya at
ramdam na ramdam ko ang kanyang
mabangong hininga na tumatama sa
gilid ng leeg ko. "Ako lang ang
pwedeng bumastos sa'yo." He
smirked.
---------------------------
--

Chapter 9

Please vote and comment. Sana po


magustuhan niyo ang kwento.
I will leave my heart at the door
I won't say a word
They've all been said before, you
know
So why don't we just play pretend
Like we're not scared of what is
coming next
Or scared of having nothing left
Nagkatitigan kami pagkatapos niyang
bumalik sa pagkakaupo dahil sa
kantang pumailanlang sa buong
resto.
Lahat ay napangiti maliban sa'kin,
lahat ay parang tuwang tuwa dahil sa
kanta maliban sa'kin.
Kahit si Second ay mukhang natuwa
dahil sa kantang iyon na nagsimula
niya ring sabayan, hindi pa rin inaalis
ang tingin sa'kin to the point na
naiilang na ako.
"Look, don't get me wrong
I know there is no tomorrow
All I ask is
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a
friend." Pagsabay niya sa kanta,
napaigtad ako dahil sa paghawak
niya sa palad kong ngayon ay
nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
Ang kaninang mga matang nakatingin
sa amin ay mas lalong dumami dahil
sa pangingibabaw ng magandang
boses ng kasama ko.
Maliban sa pagiging makisig, gwapo
at mayaman ay isa ring asset niya ay
pagkakaroon ng magandang boses
na kapag may concert ay palaging
sold out. Damn! Ang cool niya
habang kumakanta.
His favorite song, All I ask by Adele.
Aside sa Titibo-Tibo.
"Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do
what lovers do
It matters how this ends
'Cause what if I never love again?
I don't need your honesty
It's already in your eyes
And I'm sure my eyes, they speak for
me
No one knows me like you do
And since you're the only one that
matters
Tell me who do I run to?" Titig na titig
lamang siya sa mga mata ko.
Iniwas ko ang aking tingin sa
simpleng pagpasada ko ng aking
mga mata sa mga taong nakatingin
sa'min.
Hanggang sa matapos siya sa
pagkanta ay hindi ako umimik.
Nabalot ng katahimikan ang pagitan
naming dalawa habang ang mga tao
ay masayang pumalakpak sa kanya.
Pinapakiramdaman ko lamang ang
mga galaw niya, gusto kong bawiin
ang aking kamay mula sa
pagkakahawak niya kaso hindi ko
maigalaw ang mga iyon.
"Ma'am, Sir here's your dessert.
Please enjoy."
Lihim akong nagpasalamat sa
pagdating ng waiter dala ang fruit
salad na order namin bilang dessert
dahil doon lang napalis ang tingin ni
Second at nagkaroon ako ng
pagkakataon na ihiwalay sa kanya
ang aking kamay.
"Thank you." Malapad ang
pagkakangiti niya sa waiter.
"You're welcome Sir." Agad din itong
umalis sa aming harapan.
Nagsimula akong kainin ang salad na
nasa harap ko. Hindi ako mahilig sa
matatamis pero sa ganitong
pagkakataon ay napaparami ang
pagkain ko ng sa gayon ay manatiling
nakayuko ang ulo ko at hindi na
muling magsalubong ang mga tingin
namin.
"Akala ko talaga ikaw ang
nagpapapatay sa'kin."
Para akong binuhusan ng malamig
na tubig. Nagsitayuan ang aking mga
balahibo sa batok bago iangat ulit
ang tingin ko sa kanya.
Nananatili siyang nakangiti habang
enjoy na enjoy sa pagkain ng dessert.
"What do you mean?" Naitanong ko,
ipinagpasalamat ko na hindi ako
nautal.

I'm always calm ang cold kaya dapat


manatiling gan'on ang reaction ko sa
harap ng lahat.
Nagkibit balikat siya. "Mukha kasing
kilala ka n'ong mga nanloob sa'kin,
sinunod nila ang inutos mong takpan
ang mukha ko ng panyong may
pampatulog."
Sandali kong inulit ulit sa isip ko ang
paraan ng pagkakasabi niya at wala
akong makapang pagdududa sa
boses niya kaya napanatag ako. As if
he's just talking a about random topic.
I shrugged. "Hindi ko alam na
susundin nila ako. They're stupid."
"Tapos sabi mo kakampi ka nila."
Para itong batang ngumuso.
"Strategy 'yon, kita mo putok ang labi
mo dahil sa kanila kung hindi ko
ginawa 'yon baka buong katawan mo
may pasa."
"Well, it's okay, kung totoo mang
gusto mo akong patayin. Hindi
malabong mangyari 'yon kapag sobra
ka ng nairita sa'kin, just tell me ako
nalang ang papatay sa sarili ko
ayokong madungisan ang kamay mo.
Willing akong mamatay para sa'yo."
Seryoso ang kanyang mga mata
habang sinasabi ang mga katagang
'yon.
"At ayoko ng maulit ang pagkakataon
na dadating ka para iligtas ako kapag
alam mong nasa kapahamakan ako.
I'm a guy, suppose to be a knight not
a damsel in distress. Ako dapat ang
magliligtas sa'yo."
Sinalubong ko ang kanyang
napakaseryosong tingin. I hate the
flow of our conversation.
Ganito ba ang mga salitang
binibitawan niya noon kay Lorette.
Ganito ba siya makitungo noon sa
kaibigan ko kaya ito nahulog ng sobra
sobra sa pag-ibig na hindi naman
pala totoo.
At iyon rin ang ginagamit niya sa'kin.
Nah, hindi ako mahuhulog sa mga
gan'ong klaseng salita dahil kalahati
n'on ay kasinungalingan and the rest
is pambobola meaning walang totoo.
Anong aasahan mo sa mga lalaki?
"You don't need to save me or
whatever." Sagot ko.
"Tsk. Basta wag mo ng uulitin, may
banta sa buhay ko kaya alam kong
isa sa mga araw na ito pwede akong
mamatay--"
Padabog akong tumayo at puno ng
lamig ang aking mga matang tinitigan
siya. Walang emosyon, wala akong
ipinakita ni ano mang maaaring
mabasa sa aking mukha.
"Bakit ba kamatayan an pinag-
uusapan na'tin? That's bullshit,
Segundo."
Walang paalam akong tumalikod at
naglakad palabas ng resto. Narinig ko
ang pagtawag niya sa pangalan ko
pero hindi ko iyon nilingon o
pinagtuunan ng pansin manlang.
Ako ililigtas niya? Ako ayaw niyang
mapahamak? Masabi niya pa kaya
ang mga bagay na 'yon kapag
nalaman niya ang mga plano ko.
Masabi niya pa kaya 'yon kapag
nalaman niyang ako ang matalik na
kaibigan at natatanging pamilya ng ex
girlfriend niyang nagpakamatay dahil
sa panloloko niya. Yeah, that's really
a bullshit!
Napapailing akong napangisi.
Papasok na sana ako sa
condominium building ng may itim na
van ang pumarada sa harapan ko.
Lumabas doon ang limang
naglalakihan ang mga katawang
kalalakihan.
Tumingin muna ang mga ito sa
paligid at ng masigurong walang
ibang tao ay syaka sila lumapit sa'kin.
Kalmado akong nakahalukipkip sa
harap nila habang hinihintay ang
susunod nilang galaw.
Hindi ko man makita alam kong may
mga baril sila sa loob ng leather
jacket at shirt na suot nila.
"Pinapatawag ka ni Boss, Ms.
Santez." Anang isa, nasa loob ng
bulsa ng jacket nito ang isang kamay.
Napabuntong hininga ako dahil sa
sinabi niya. Tumango ako at ako na
mismo ang nagakad papasok ng van
nila. Kita ko ang panlalaki n kanilang
mga mata dahil sa naging kilos ko.

Wala ako sa mood makipagbakbakan


sa kanila ngayon kaya para matapos
na ay sasama nalang ako. Hindi lang
ito ang una, pangalawa o pangatlong
beses na inimbitahan ako ng boss
nila, actually hindi ko na mabilang
pero ito ang unang pagakataon na
walang may pasa at bali sa kanila.
Usually, kapag ako sumama sa mga
tauhan ng boss nila ay mahohospital
muna ang mga ito dahil sa bugbog na
natamo mula sa'kin, pero iba ang
araw na ito. I feel sleepy and tired.
Gusto ko nalang magpahinga at
tamad akong igalaw ang bawat parte
ng aking katawan.
Nasa backseat akong habang
payapang nakatingin sa labas ng
bitana.
"Mabuti at sumama ng matuwasay
kund hospital ang bagsak natin,
nakakapanibago lang pero maswerte
tayo at wala tayong pasa." Sumakay
ito sa driver seat.
"Magaling na nga sa pakikipaglaban
siguradong dehado tayo dahil ayaw ni
Boss na saktan." Dinig ko pang sabi
ng isa na bakas an hindi
makapaniwala sa boses. Sumakay ito
sa passanger seat.
Nagpapanggap akong walang
naririnig at nakikita, kunwari'y abala
ako sa pagtingin sa labas pero gamit
ang peripheral vision ko ay
pinagmamasdan ko ang kanilang
mga galaw.
Nagsipasok na rin ang tatlo at
nagsiupo sa second row ng van.
Mag-isa lamang ako sa likod na
ikinatuwa ko.
Hindi man nila pangalanan kung
sinong boss ang nag-uutos sa kanila
ay alam kong si Salazar iyon. Siya
lang naman ang palaging ginugulo
ang tahimik kong buhay. Hindi na
mabilang ng mga daliri ko sa paa at
kamay ang mga pagkakataon na
may basta nalang hihintong sasakyan
sa harapan ko at pipilitin akong
pasamahin. Hindi siya tumitigil
hanggat hindi ako sumasali sa grupo
niya.
Malaki nga naman akong asset
kapag nagkataon.
But nah, hindi ko gawain ang mga
gawain nila.
Halos kalahating oras ang naging
biyahe at nananatili akong tahimik
hanggang sa matanaw ko na ang
napakalaking gate na kulay silver.
Bumukas iyon ng makita ang
sasakyan na gamit ng mga
kasamahan nila. Bumungad sa'kin
ang napakalawak na harden na
nagsilbing training ground.
May mga kalalakihang nag-iinsayo na
tila mga sundalo. Sa dulong parte ng
garden ay may shooting range, sa
kabila ay may umaakyat sa mga
lubid, may nagpiphysical combat at
ang iba ay gumagapang sa mga
tunnel habang may bumabaril.
Napangisi ako sa nasaksihan.
Desidedo talaga siyang palakasin
ang grupo niya tapos ay gusto niya
akong sumali para mas masigurado
ang paglakas? Sigurista ka talaga
Salazar, hindi ka na nagbago halang
pa rin ang kaluluwa mo.
"Nandito na tayo Ms. Santez."
Anunsyo ng driver.
"I know." Sagot ko.
Bumaba na ako, nabaling ang tingin
sa'min ng lahat at nagsiyuko ng
makita ako. Hindi ko iyon
pinagtuonan ng pansin dahil hindi ako
nagpunta rito para panoorin sila.
"Ms. Santez." Salubong sa'kin ng
katulong na siyang mayordoma sa
mansyon na ito.
"Naghihintay na po si Mr. Salazar."
Aniya.
Hindi ko siya pinag-aksayahan ng
panahon, tumuloy ako sa paglalakad
patungo sa second floor kung
saanang office ni Salazar.
Habang tinatahak ang daan ay hindi
ko mapigilang pagmasdan ang
napakagarang kagamitan ng
mansyon. Malalaki ang vases na
pwedeng maging salamin sa sobrang
linis at tingkad ng pinaghalong ginto
at ruby'ng kulay.
Ang hagdan na tinatapakan ko ay
gawa sa mamahaling mga bato na
nagmula sa Greece. Ang mga
magagarang paintings na nakasabit
na ipinta ng mga sikat na mga pintor
sa buong mundo na milyon milyon
ang halaga.
Pati ang mga upuan at mesa kasama
na ang tila mga dyamanteng ilaw ng
chandelier ay halatang hindi basta
basta ang presyon. Sa madaling sabi
ay naghuhumiyaw sa yaman ang may
ari ng mga ito.
Mahihiya kang umapak sa
napakalinis na floor tile dahil baka
madumingan.
Ito ang lugar kung saan dapat ako
nakatira pero hindi ko ginusto at hindi
ko gugustuhin kailan man.
Nakarating ako sa mismong office ni
Salazar, walang katok katok ko iyong
binuksan at tumambad sa'kin ang
isang malaswang eksina. But I'm not
an ordinary girl, hindi ako tumili o
nagulat.
Nagkibit balikat lamang ako bago
tuluyang naglakad papasok.
Nakarinig ako ng kalabog kaya
bumaling ulit ako sa pwesto nila sa
sofa. Nahulog si Salazar sa
kinuupuan nito kanina.
Nadatnan kong may katalik siyang
babae and she's sucking is cock.
Para iyong kumakain ng ice cream
kung dumila at parang kumakain ng
hotdog kung sumubo.
"Fuck! Santez you don't know how to
knock?" Inis nitong tugon habang
nagsasara ng zipper, ang babae
naman ay nag-aayos ng skirt nito na
nagmistulang panty sa sobrang ikli.
"That's rude you know, may
inaasahan kang bisita tapos
gumagawa ka ng kababuya." Sagot
ko, umupo ako sa couch na kaharap
kung saan sila nagmimilagro kanina.
Sumandal ako at ipinikit ang mga
mata.
"Ako pa ngayon ang rude, tsk. But,
well, thank you at nandito ka." Anito.
Nananatili akong nakapikit. Narinig ko
ang pagsara ng pinto, siguro'y
pinalabas na nito ang babae, ayos
lang naman kung hindi.
"Kahit nandito ako wala pa ring
magbabago sa sagot ko." Deritsa
kong tugon dahil alam kong gets niya
ang tinutukoy ko.
"Kahit buhay ng alaga mo ang
kapalit?"
Doon ako napadilat at bumaling sa
kanya na ngayon ay nakaupo na sa
swivel chair at nakangisi.
Hindi ako nagpatinag syaka walang
pag-aalinlangan akong tumayo. "It's
kay doon rin naman papunta ang
plano ko, walang namang pinagkaiba
kung ikaw ang gagawa. Mabuti 'yon
bawas sa trabah ko."
Dahan dahang napawi ang ngisi sa
labi niya dahil sa naging sagot ko.
Don't me, Salazar hindi ako lalambot
sa mga pain mo.
"Ano ba ang dapat kong i-offer para
sumali ka sa grupo ko?"
"Ano pa ang dapat kung sabihin
tumigil ka sa pangungulit mo?"
"Hindi ako titigil." Pinal niyang sagot.
"Hindi rin ako titigil sa pagtanggi."
Bumuntong hininga ito at tinignan ako
ng matalim dahilan para ako naman
ang mapangisi.
"Kung sabihin ko kaya sa alaga mo
ang plano mo, wala ka pa ring
reaction? Kung sabihin ko kaya sa
kanya na papatayin mo siya sa
bandang huli. Ang gandang kwento
n'on, sarili mong bestriend papatayin
mo, para mo na ring pinatay si
Lorette sa pangalawang
pagkakataon."
Hindi nawala ang ngisi sa aking mga
labi. Hindi ako nagpakita ng kahinaan
kahit ang totoo ay nagsimula na
namang mabuhay ang galit sa aking
dibdib. Ayoko sa mga salitang huli
niyang sinabi. Parang pinipia ang
puso ko dahil sa sakit.
Sanay akong magpanggap na
matatag kahit sa loob ko ay ilang ulit
akong nadudurog lalo kapag
dinadawit ang pangalan ng bestfriend
ko, si Lorette.
Wala na 'yong tao bakit patuloy pa
ring inuungkat.
Kung sa bagay ako nga hindi
makausad sa nangyari ang mga tao
pa kayang gusto akong manipulahin.
"He's not my bestfriend, stop wasting
your time Leoberro Salazar."
Tumayo na ako habang siya ay
nakatingin lang sa'kin.
"I'm not wasting my time Queen
Antonia Santez---"
Bago niya pa maituloy ang sasabihin
ay naglakad na ako papalabas ng
kanyang opisina.
I know, I can't forget but I can
pretend.

---------------------------
--

Chapter 10

Please vote and comment.


Life is tough, so get tougher. Iyon ang
naging prinsipyo ko sa buhay simula
ng magkaroon ako ng malay kung
ano ang totong mundo. Lumaking
walang mga magulang, kapatid o
kapamilya. Lumaki sa isang bahay
ampunan kasama ang mga kapwa ko
walang nagmamahal na mga
magulang, inabanduna at
pinabayaan.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit
mas pinili kong maging mailap, mas
pinili kong isara ang puso ko, mas
pinili kong maging malamig at mas
pinili ko ang wag makaramdam ng
pagmamahal dahil iyon nalang ang
option ko para protektahan ang sarili.
Matatag. Matapang. Walang
kinakatakutan. Kaya ang lahat. Hindi
nasasaktan. Iyon ang tingin sa'kin ng
lahat sa mundong ginagalawan ko.
But deep inside me, I'm weak, fragile
and scared. No one knows that I'm
dying inside, no one knows because I
stayed silent even if it hurts a lot.
Araw araw akong namamatay dahil
sa lungkot but no one knows. No one
knows, 'coz I don't want them to
know.
"Where have you been, King?"
Bungad na tanong ni Second.
Gabi na ng makarating ako sa condo
ko dahil dumiretso muna ako sa
headquarter bago tuluyang umuwi.
Bahagya pa akong nagulat ng makita
ko siyang panay ang paroo't parito sa
sala. Hindi mapakali at ng
malingunan ako ay tila doon lamang
nakahinga ng maluwag.
"Kailangan mo pa bang itanong
'yan?"
"Iniwan mo ako sa resto kaninang
lunch tapos ngayon ka lang umuwi,
saan ka ba galing?"
Napapailing akong umupo sa sofa
habang siya ay nakapamewang sa
harapan ko.
"May pinuntahan lang ako."
"Saan ka nga nagpunta?"
"Doon lang."
"Sa pagkakaalam ko walang lugar sa
Pilipinas o kahit pa sa buong mundo
na doon lang." Emphasizing the word
doon.
"Ano bang pakialam mo?" Pabalang
kong balik tanong.
Nanlaki ang mga mata niya. Siguro'y
hindi inaasahan ang asta ko ngayon.
Hindi naging maganda ang buong
araw ko kaya wala akong balak
magpakasanto sa kanya.
Nakakasawa minsan ang
magpanggap na ayos lang kahit ang
totoo ay hindi. Nakakapagod.
"Anong pakialam ko? Malaki.
Malaking malaki Antonia dahil
bestfriend kita, dahil mahalaga ka
sa'kin kaya gusto kong malaman kug
saan ka nagpunta dahil nag-alala
ako." Seryosong seryoso ang
kanyang mga mata na mainit ang
pagkakatingin sa'kin, tila gustong
higupin at ipatatak sa kaluluwa ko
lahat ng mga salitang sinasabi niya.
"You don't need to worry."
Hindi niya ako pinansin. "But I am,
Nag-alala ako kung baka napahamak
ka, hindi mo alam kung gaano ako
nilulukob ng kaba kapag bigla bigla
ka nalang umaalis tapos biglang
susulpot. Nakakabaliw ang pag-iisip
na baka napahamak ka sa
pinuntahan mo at baka may nanakit
na sa'yo, naiintindihan mo?" Mariing
nakakuyom ang kanyang mga
kamao, ngayon ko lang siya nakitang
ganito kaseryoso pagdating sa
pakikipag-usap sa'kin dahil madalas
isip bata siya at palaging
naglalambing.
Tama 'yan mas bigyan mo ako ng
rason para kamuhian ka dahil kapag
nananatili kang mabait nagugulo ang
lahat.
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa
pag-usbong ng kaba sa dibdib ko.
Nakakainis, ayoko sa uri ng
pananalita niya. Ayoko dahil
nalilinlang ako na puno iyon ng pag-
aalala.
Padabog akong tumayo at tuloy tuloy
na naglakad papunta sa kwarto ko.
Narinig ko ang ilang ulit niyang
pagbuga ng hangin. "Saan ka nga
galing?" Muling tanong niya ngunit
ngayon ay kalmado at malambot na
ang tinig.

"Stop asking, Segundo."


Nagsalubong ang makakapal niyang
mga kilay at seryoso akong tinignan
sa mga mata.
"Why are you calling me Segundo,
now King? Ang pagkakaalam ko
tinatawag mo lang ako sa pangalang
'yon kapag galit ka sa'kin." Mapanuri
ang bawat tingin niya.
"Pati ba pagtawag sa'yo ng pangalan
ay binibigyan mo ng kahulugan?
You're so childish."
Hindi ko alam kung bakit nagiging
ganito ang reaksyon ko, wala
namang masama sa naging tanong
niya sa'kin kanina pero
nakakaramdam pa rin ako ng
pagkairita. And I hate it.
"Hindi kita maintindihan." Anito.
Napahilamos ito sa mukha at bakas
ang frustration.
"Hindi mo ako kailangang intindihin
dahil hindi ko kailangan ang pag-
intindi mo."
"You're unbelievable, kumain ka na
ba?" Naguguluhan akong napabaling
sa kanya dahil alam kong naiirita na
rin siya sa pag-iinarte ko pero hindi
ko inaasahan na magagawa niya
pang magtanong kung kumain na
ako.
No, ganyan lang talaga ang lalaking
'to. No meaning.
"Sa totoo lang naiinis na rin ako sa'yo
ngayon dahil hindi ko alam kong bakit
nagkakaganyan ka, hindi ka naman
ganyan sa'kin e. Yes, hindi ka
palasalita pero hindi ko ramdam ang
panlalamig mo pero ngayon, your
cold as ice. Pero kahit inis ako nag-
aalala pa rin ako kung kumain ka na."
Napasabunot ito sa buhok. "Wow, just
wow tangina di ko maiwasang mag-
alala sa'yo."
"Hindi kita inuutusang mag-alala
sa'kin."
Inaamin kong may parte sa'kin na
naappreciate ang mga sinabi niya
pero mas malaki sa parte ng utak ko
ang nagsasabing hindi ko dapat
paniwalaan ang mga iyon.
"I don't get you, but I hope one day
you'll realize how much I cared."
Hindi na ako sumagot pa sa huli
niyang mga sinabi bago ito lumabas
ng condo ko.
Marahas akong napabuntong hininga
at muling napaupo.
What's happening to you Anton?
That's the right thing to do.
Pabagsak akong humiga sa kama.
Binalot ng katahimikan ang buong
paligid dahil mag-isa na lang ako.
Mag-isa na naman ako. I hate the
silence but I used to it anyway.
Kapag ganitong mga pagkakataon sa
buhay ko hindi ko maiwasang
maalala ang nawala kong matalik na
kaibigan, si Lorette. Hindi ko masisisi
ang sarili ko kung bakit malungkot
ako ngayon dahil ang taong nag-
iisang nagparamdam sa'kin kung
paano ang maging masaya,
nagparanas sa'kin magkaroon ng
pamilya ay wala na.
I want to move on but I can't kasi
hindi gan'on kadali. Hindi gan'on
kadali na tanggaping wala na ang
nag-iisang taong meron ako noon.
"Ikaw talaga Anton napakatahimik mo
bahala ka kapag wala na ako wala ka
na ring spokesperson kaya dapat
ngayon palang magsanay ka na sa
pagsasalita." Punong puno ng pizza
ang bibig niya pero panay ang daldal.
Samantalang ako ay tango lang ng
tango pero natatawa sa mukha niya.

"Hindi ko kailangang masanay."


Owtomatikong tumikwas ang kilay
niya, normal niyang reaction. "At
bakit?"
"Kasi alam kong hindi mo ako iiwan."
"Aww, ang sweet talaga ng bestfriend
ko." Pabiro niya pang pinunasan ang
gilid ng kanyang mga mata na
animo'y may luha kahit wala naman.
Ang kulit lang.
Ngumiti lang ako sabay subo ng
pizza.
"But seriously Bessy Anton hindi
tama na dumepende ka sa'kin
masyado, don't get me wrong
bestfriend pero darating kasi talaga
ang point sa buhay natin na may
makikilala tayong iba kaya dapat
sanay ka na, dadating ang point na
wala ako sa tabi mo. Minsan nasa
trabaho o di kaya nasa date."
Humagikhik siya pagkabanggit niya
ng huling salita. "So, titigil ang mundo
mo kapag wala ako, I don't want that
bessy hindi ka magkakalovelife
matutuyuan ka ng matres."
"I don't need a lovelife."
"Sa ngayon pero malay mo balang
araw may magpatibok sa bato mong
puso, kawawa ang lalaking
magmamahal sa'yo." Umirap siya
kaya natawa ako. Palagi niyang
sinasabi sa'kin ang mga bagay na
'yan pero hindi ko lang pinapansin.
I love my comfort zone. I have her as
my bestfriend and family and that's
enough, I don't need a man. I don't
need someone who'll love me.
"Sana nakinig ako sa'yo noon, tama
ka sana hindi ako masyadong naging
dependent sa'yo dahil kung ginawa
ko 'yon hindi sana ganito kasakit
ngayon." Ramdam ko ang mainit na
likido na nagsimulang dumaloy sa
aking pisngi mula sa mga mata.
"But you know me, may trust issue
ako. Ayokong umalis sa comfort zone
ko dahil takot akong magtake ng risk.
I can't trust anyone because of what
happen, for me trusting again is like
killing yourself for the second time."
Bulong ko sa kawalan habang
nakatitig sa kisame at patuloy sa pag-
iyak.
"Kapag nagtiwala ulit ako at naiwan
ng mag-isa sa pangalawang
pagkakataon alam kong hindi ko na
kakayanin pang tumayo pa.
Mamamatay ako."
Unti unting bumigat ang talukap ng
aking mga mata habang ang kanina'y
tahimik kong pagluha ay naging
hagulhol. Nakakapagod ang lungkot
na nararamdaman ko. Gusto kong
maging masaya pero hindi ko alam
kung paano. How can you be happy if
you can't embrace happiness.

This is my comfort zone, I am scared.


I am broken. I am bruised. This is me,
the real me.
"ALAM mo hindi ko alam kung bakit
nandito ako ngayon sa harapan mo,
pinapunta mo ba ako rito para
makipagtitigan sa'yo? Duh, Anton
busy akong tao at ginto ang halaga
ng bawat segundo ng buhay ko."
Litanya ni Gale, panay ang sipsip
niya ng orange juice.
Segundo? Isang imahe ng lalaki ang
nabuo sa imahinasyon ko ng marinig
ko ang salitang 'yon mula sa kanya.
Lihim akong napailing.
Ilang minuto na akong nakatitig sa
kanya. Iniisip kong tama ba ang
naging desisyon ko na tawagan siya
at makipagkita sa kanya.
Nakatulugan ko kagabi ang pag-iyak
at nang magising ako kanina ay nag-
ayos ako ng sarili. Hindi na ako
tumuloy sa mga trabaho ko dahil wala
ako sa mood at ayokong makita si
Second.
Hindi rin ako ang tipo ng babae na
mahilig magmukmok. So somehow,
may silbi rin si Gale dahil kapag
kailangan ko ng maingay na
environment ay siya agad ang naiisip
kong tawagan tulad ngayon.
"I am a bad person?" I randomly ask,
nabulunan siya at halos lumabas sa
ilong niya ang orange juice na
iniinom. Eww.
Nanlalaki ang mga matang bumaling
siya sa'kin. "Sure ka na 'yan ang
tanong mo?" Hindi
magkandaugagang pinunasan nito
ang mukha. Tumango ako sa tanong
niya.
"Yes, yes, at yes, you're a bad
person, very very bad. Duh, itinanong
mo pa talaga ang bagay na obvious.
Really, hindi mo alam na masama
ka?" Walang pakandungan niyang
sagot. "Ako ang taong nasa harap mo
ngayon at nakakausap pero hindi
kaibigan ang turing mo sa'kin, ano
'yon strangers with benefits ang peg?
Tapos lahat ng ipinakita sa'yo ng
alaga mo ay kabutihan pero sa
kaloob looban mo ay kinasusuklaman
mo siya at galit ka dahil siya ang
sinisisi mo sa nangyari sa bestfriend
mo." Hinihingal siyang napahawak sa
dibdib dahil sa walang prenong
pagsasalita.
"At ang malala ang turing sa'yo ng
tao ay bestfriend tapos deep inside
sa'yo mortal siyang kaaway, wow and
yes wow talaga. Ewan ko lang kung
hindi mo mapalitan si Satanas sa
trono niya dahil sa mga
pinaggagagawa mo." Sinamaan niya
pa ako ng tingin.
Sa laki ng bibig at boses niya ay rinig
sa buong resto kaya pinagtitinginan
kami. Hindi ko iyon pinagtuunan ng
pansin dahil sanay na ako, palagi ring
pinagtitinginan si Se---
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo.
Imbes na mainis sa mga
pinagsasasabi ni Gale ay
nakaramdam ako ng gaan sa loob.
Kahit papaano ay nalilibang ako sa
pagiging madaldal niya.
"Siguro nga hindi mo ako maituring
na kaibigan pero Anton sa tagal
nating magkasama sa trabaho ay
itinuring na kitang kaibigan ko. Hindi
mo man ipahalata ngayon alam kong
may problema ka."
Nag-iwas ako ng tingin, seryoso siya
habang sinasabi iyon at hinawakan
ang kamay ko. "Please dear try to
move on, wala na si Lorette hindi na
siya kailanman babalik at kailangan
mong magpatuloy ng wala siya."
Binawi ko ang kamay ko kaya
napabuntong hininga nalang ito.
I know she's right, it's been twi years
simula ng mawala ang bestfriend ko
pero hanggang ngayon nakakulong
pa rin ako sa nakaraan.
"Sana gan'on lang kadali, sana
talaga." Bulong ko.
"You know what hindi ka magiging
masaya kung mananatili kang
nakadepende sa kanya kahit wala na
siya."
Pilit ko siyang nginitian kahit parang
binabayo ng baseball bat ang puso
ko dahil alam ko totoo lahat ng mga
sinasabi niya.
"Hindi ko kailangang maging
masaya."
Umiling siya. "Pero hindi iyan ang
sinasabi ng mga mata mo ngayon,
yeah your eyes is cold pero hindi
maitatago nito ang lungkot na
nararamdaman mo." Lumapit siya
sa'kin, napasinghap ako ng lumapat
ang palad niya sa pisngi ko at may
pinunasan doon. Luha. Luhang hindi
ko namalayang kusang pumatak.
"Lahat ng tao gustong sumaya at
kahit gaano ka katatag tao ka rin
kaya alam kong isa ka sa mga
gustong sumaya pero pinipigilan mo
lang."
"I don't want to be weak." Usal ko.
"You already are, you're emotionally
weak, Anton."
Ilang ulit akong umiling dahil hindi
ako naniniwalang mahina ako.
Malakas ako at hindi pwedeng
maging mahina dahil masasaktan
siya.
Ayokong masaktan siya.
"Pwede bang samahan mo ako sa
pupuntahan ko ngayon? Iyon talaga
ang rason kung bakit kita pinapunta
dito."
"Tsk. Hindi pa pala ito ang purpose
ko? Ang sama ha." Natatawang angal
niya pero tumango rin naman.

---------------------------
--

Chapter 11
Please vote and comment. Pasensya
na po kapag may pagkakataon na
hindi agad ako nakakapag-update.
Meaning po ay busy talaga ako.
Keep on supporting my stories. :)
-kuyajen
"Pucha! Ako pa ang masama, ako na
nga ang nag-aalala ako pa ang
naging mali sa huli. Ano bang
problema niya at bigla bigla nalang
siyang nanlamig sa'kin?" Asik ko.
Ilang ulit akong lumagok ng tag-iisang
baso ng wine dahil sa sobrang
pagkairita habang inaalala ang
naging sagutan namin kahapon ni
King.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin
kami nag-uusap dahil nagpasya na
muna akong umuwi sa mansyon ng
pamilya ko at hindi muna umuwi sa
condo. Hindi rin kami nagkita sa set
dahil hindi ito pumasok.
Nakakapanibago dahil masyado itong
dedicated sa trabaho tapos ngayon
nagagawa na niyang umabsent.
"Kailangan ba wala akong paialam sa
kanya? Bakit ayaw niyang mag-alala
ako? Tsk. Ewan, argh!" Singhal ko sa
sarili at napahilamos nalang sa
sobrang pagkairita.
"You okay 'bro?"
Napalingon ako ng marinig ang boses
ni First, minsan tinatawag ko rin
siyang Kuya dahil mas matanda siya
sa'kin ng isang taon. Panganay sa
aming pitong magkakapatid.
Seryoso siyang lumapit sa'kin at
umupo sa katabing stool na
kinauupuan ko. Tinignan niya ang
hawak kong baso at ang isang bote
ng red wine na ngayon ay malapit ng
masaid ang laman at bumalik ang
tingin sa'kin.
"So?" Panimula niya ng hindi ko
nagawang sagutin ang una niyang
tanong.
Umiling ako. "Wala 'to Kuya,
nagkatampuhan lang kami ni King."
"Why?"
Hindi ako umimik. Muli akong
nagsalin ng alak sa baso at kumuha
ng isa pang wine glass at sinalinan si
First.
"Kayo na ba?"
Naibuga ko ang wine na nasa bibig
ko dahil sa sunod niyang itinanong.
Nanlalaki ang mga matang tinignan
ko siya at seryoso pa rin ang mukha.
Tanging asawa niya lang naman ang
may kakayahang baguhin ang
expression ng kanyang mukha.
"Ano bang klaseng tanong 'yan,
Kuya?"
"I'm just asking wala namang mali sa
tanong ko, isa pa yes or no lang
naman ang sagot." Balewalang tugon
niya na may kasamang pagkibit
balikat.
"Anong walang mali, Kuya naman
nakakailang ang tanong mo. To think
na parang nililink mo ako sa sarili
kong bestfriend. Hindi kami okay?
Hindi kami at kailanman hindi
magiging kami."
Hindi siya kumibo dahil seryoso lang
ang tingin diretso sa mata ko.
Napaiwas ako ng tingin at syaka
pinagmasdan na lamang ang alak sa
baso.
"Hindi talaga kami dahil hindi kami
talo." Dagdag ko pa.
"Bakit parang ang defensive ng sagot
mo? As I said yes or no lang naman
ang sagot, simple as that."
Natigilan ako pero hindi nagpahalata
dahil tama siya. Yes or no lang ang
dapat na sagot pero bakit
napakahirap sa'kin na tugunin kahit
alam ko naman ang katotohanan na
hindi naman talaga kami ng
bedtfriend ko.
"Bakit ang daldal mo ngayon?"
"So, kung hindi kayo bakit ganyan
ang reaksyon mo dahil lang
nagkatampuhan kayo?"

Naiirita na ako sa mga tanong niya


pero magiging bastos naman ako
kung pabalang ko siyang sasagutin.
Isa pa wala namang mali sa topic na
ginigiit niya, ang mali lang ay ang
nagiging reaction ko.
"Bawal bang magkatampohan ang
magkaibigan?"
Umiling siya, ni hindi manlang
ginalaw ang basong ibinigay ko sa
kanya.
"Hindi."
Napangisi ako at taas noong tumingin
ulit sa kanya. "See? Kaya normal
lang 'to."
"Normal lang naman ang tampuhan
sa magkakaibigan pero ang hindi
normal ay parang mauubos ang
hininga mo dahil lang sa
nagkatampuhan kayo."
"That's not true." Angal ko agad.
Mukhang alam ko na ang pupuntuhin
niya. Marahas akong umiling. No.
Never.
"Well, bumabase lang ako sa kilos
mo."
"Walang ibig sabihin ang kilos ko,
kulit. Naiirita lang ako ngayon dahil
ako na nga ang nag-aalala sa kanya
dahil gabi na siya umuwi galing sa
lugar na hindi ko alam kung saan
tapos siya pa ang galit. Inaalala ko
lang naman kung baka nasaktan siya
o kung napa'no siya habang hindi
niya ako kasama. May masama ba
d'on?" Halos hingalin ako sa
pagpapaliwanag kahit hindi ko alam
kung bakit ako nag-aaksaya ng
panahon na sabihin sa kanya ang
bagay na 'to.
Though, close kaming magkakapatid
pero ang mga ganitong bagay ay
dapat sarilihin kaso hindi ko
mapigilan ang sarili ko. So gay!
"Yeah, may masama nga d'on."
Naguguluhang bumaling ako sa
kanya dahil hindi ko tanggap ang
naging sagot niya. The pack! Kailan
pa naging masama ang pag-aalala.
"Masama dahil kung umasta ka
parang may relasyon kayo, parang
boyfriend niya and you know you're
not." Natahimik ako bigla,
naramdaman ko na parang may
matulis na bagay ang tumusok sa
kalooban ko. "Bestfriend ka lang niya
'bro kaya kailangan mong limitahan
ang pag-aalala mo."
"Limitahan? Bakit sumobra ba?
Ganito na naman ako sa kanya dati
pa 'ha, palagi akong nag-aalala lalo
kapag hindi ko siya makita o wala
siya sa tabi ko. Walang bago, dahil
kapag napahamak siya makakapatay
ako ng tao." Naikuyom ko ang mga
kamao kong nakahawak sa baso, sa
isiping baka mapahamak si King ay
talagang lumalabas ang mga sungay
ko.
Hindi malabo na mangyari ang bagay
na iyon dahil sa mga threat na
natatanggap ko. Baka madamay siya
sa gulo ng buhay ko dahil malapit
siya sa'kin. Paano kung gamitin siya
laban sa'kin? Makakapatay talaga
ako. Kung noon pinapamlapas ko ang
mga death threat na natatanggap ko,
sa oras na idawit nila pati ang
kaibigan ko ako mismo ang susuyod
sa buong Pilipinas mapatay lang
kung sino man ang hayop na 'yon.
"Bingo." Ngumisi siya kaya sinamaan
ko siya ng tingin. Ito ang ayoko sa
pakikipag-usap sa nakakatanda
naming kapatid dahil para siyang
gumagawa ng riddles, maraming
pasikot sikot. Hindi ko maintindihan.
"Leave me alone kuya." Pagtataboy
ko pero hindi siya natinag.
"Alam mo bang bestfriend ko na si
Cristine--"
"Oo, alam ko at wala akong paki."
Hindi ko na itinago ang inis at agad
kong pinutol ang sasabihin niya. Ano
naman ang connect n'on sa usapan
namin at bigla bigla nalang niyang
isasali dito ang bestfriend niya na
kinaiinisan ko noon pa man.
"Bestfriend ko siya simula pa n'ong
college until now pero hindi ako nag-
inom dahil lang sa nagkatampuhan
kami. Hindi pumasok sa isip ko na
kaya kong pumatay kapag
napahamak siya. Hindi ako nag-
alburuto dahil lang sa hindi niya
naappreciate ang pag-aalala ko.
Nagkagan'on lang ako sa baby ko."
Napangiwi ako sa huli niyang sinabi.
Baby ko? Tawag niya 'yon sa asawa
niya, nakakadiri sa pandinig pero
hindi na ako komontra. Sasabihin
niya lang na maiintindihan ko rin ang
kabaduyan niya kapag may dumating
ng babae na para daw sa'kin. Alam
ko namang hindi mangyayari 'yon.
Yeah, maybe mainlove ako pero alam
kong hindi ako magiging baduy
katulad niya.

Kung mainlove ako ide inlove wala ng


baby-baby na nalalaman. Baby my
ass! Ano 'yon sanggol?
"So, anong point mo?"
"Think about it 'bro." Aniya at tumayo
nalang bigla. "Been there done that."
Huling mga sinabi niya bago tuluyang
umalis.
Kunot noong sinundan ko ng tingin
ang papalayo niyang bulto bago
napailing iling. Hindi ko na kailangang
isipin kung ano 'yon dahil kanina ko
pa gets ang ibig niyang sabihin. But
nah, I'm sure hindi tama ang mga
sinasabi niya.
"Been there done that? Line niya 'yon
na isa lang ang ibig sabihin." Bulong
ko. "Tungkol sa pagiging inlove."
Muling tumahimik ang paligid dahil
wala na akong kausap. Nag-iisa
nalang ulit ako dito sa bar counter
katabi ng kusina namin. Napabuntong
hininga akong sumandal sa counter
at tumingin sa may kadilimang lugar,
dim ang light sa kinauupuan ko.
Masyado ng malalim ang gabi at
halos lahat ng tao dito sa bahay ay
nagpapahinga na.
Mariin akong pumikit at hindi na ako
nagulat ng bumungad ang imahe niya
sa pagpikit ng mga mata ko. Kitang
kita ko kung gaano siya kaganda.
Maamo ang mukha at simpleng
simple ang suot na t'shirt at jeans.
Nakangiti habang pumapasok sa gate
ng school namin, tumitingin sa
bulliten board at bahagyang nililipad
ang mahabang buhok.
Walang kaarte arte sa katawan pero
angat na angat ang ganda niya sa
mga babaeng nasa paligid na panay
ang pagpapaganda. She looks
innocent yet seductive.
Siya ang unang babaeng nakabuhay
ng init sa katawan ko sa
pamamagitan lang ng pagtingin sa
maganda niyang mukha at
balingkinitang katawan.
Ipinangako ko noon sa sarili ko na
hindi ako kailan man magkakagusto
sa isang babae not until she came.
Unang kita ko palang sa kanya
parang bulang naglaho ang pananaw
ko but the saddest part is she's gone.
Wala na siya, wala na ang babaeng
'yon. Hindi na babalik at dahil 'yon
sa'kin.
No more smile from her.
Napapailing akong napadilat at
tumuon ang paningin ko sa nag-
uumigting kong pagkalalaki. Ganito
kalakas ang epekto niya sa'kin
hanggang ngayon.
"Bullshit! Wala akong pakialam!
Kasama mo 'yong lalaking 'yon tapos
hindi mo naman pala kilala? Anong
klaseng tao ka?"
Napakunot ang noo ko dahil sa pag-
echo ng familiar na boses sa buong
kabahayan. Boses iyon ni Fourth na
sumisigaw at dahil tahimik ang buong
kabahayan ay mas lalo iyong
malakas sa pandinig.
Isinangtabi ko na muna ang
pagpapakalma sa nag-init kong
katawan syaka naglakad papuntang
sala kung saan nanggagaling ang
boses ng kapatid ko.
"Babae po akong klase ng tao, syaka
po kahit hindi ko sya kilala hinila niya
nalang po ako bigla kaya naisip ko na
baka kilala niya ako at ako lang ang
hindi nakakakilala sa kanya kaya
pinabayaan ko nalang, sabi po kasi ni
daddy dapat friendly at hindi rude."
Sagot ng babaeng kausap nito.
Nakita ko ang dalawa na magkaharap
na nag-uusap habang nakatayo,
nakayuko ang babae, si Demone ang
katulong nina Kuya First and Princess
Mimi. Samantalang si Fourth ay
bakas ang pagkairita sa mukha at
nakapamewang, binuksan nila ang
ilaw sa sala kaya kitang kita ko ang
reaction ng kapatid ko.
"Daddy mo na naman? So kung
hilahin ka ng isang rapist papayag ka
lang ha?" Singhal pa rin ng kapatid
ko habang ang kausap nito ay
inosente lang na nakayuko at hindi
tinatablan ng takot kahit sinisigawan
na.
"Paano po ba humila ang isang rapist
para po malaman ko?"
Natawa ako dahil sa tanong niya,
busy sila sa pag-uusap kaya hindi
nila pansin na nasa bukana ako ng
kusina at nanonood sa kanilang
dalawa.
Mas lalo akong napangisi ng
marahas na hilahin ni Fourth ang
kawawang dalaga at basta nalang ito
nilamukos ng halik sa labi.
Nanlaki ang mata nito at natulala
hanggang sa pakawalan ng kapatid
ko.
"G-Gan'on po humila ang isang
rapist? Nanghahalik?"
Napatakip ako sa bibig ko dahil gusto
ko ng bumunghalit ng tawa. Akala ko
pa naman sasampalin niya si Fourth
'yon pala 'yong tanong pa rin niya ang
iniisip niya.
"Oo gan'on 'yon." Malamig ang boses
ni Fourth pero dahil kapatid ko siya at
pareho kaming lalaki madali kong
mabasa na nagustuhan niya ang
paghalik kay Demone.
Tumili ito. "Rapist ka po?"
Sumilay ang isang ngisi sa labi ng
kapatid ko. "Yeah, at kapag hindi ka
pa umakyat sa kwarto ko ngayon
gagahasain kita dito."
Mukhang natakot naman ito kaya
agad na kumaripas ng takbo
papaakyat kung saan ang kwarto ng
kapatid ko.
"Galawang hokage bro." Tuluyan na
akong lumabas sa kusina at lumapit
sa kapatid kong ngayon ay ngingisi
ngising naupo sa sofa.
"Chismoso ka." Aniya.
"Gago, mas matanda ako sa'yo kaya
wag kang ganyan magsalita."
Pabirong sabi ko.
"Matatanda na tayo kaya hindi na
bagay sa'yo ang tawaging Kuya, not
unless ikaw na si Kuya First."
Tumango tango ako. "Ano 'yong
nakita ko?"
"Anong nakita mo?" Balik tanong
niya. Binuksan niya rin ang t.v.
"Bakit mo hinalikan 'yong bata?"
Natawa ako sa salitang 'bata' well
bata pa naman talaga si Demone,
she's just twenty while my brother
Fourth is thirty, isang taon nalang out
of calendar na ang edad niya.
"None of your business." Iritang sagot
nito at nilayasan ako.
Napahalakhak na ako ng tuluyan.
Hindi ko alam pero bigla nalang
pumasok sa isip ko lahat ng mga
sinabi kanina ni Kuya n'ong
nagkausap kami.
Ganito rin ba ang naramdaman
niyang katatawanan noong ako ang
kausap niya?
Ngayon naniniwala na ako na mas
nakikita mo ang tunay na sitwasyon
kapag nasa labas ka n'on.
Kakaiba ang kinikilos ngayon ni
Fourth pero parang hind siya aware.
Gan'on rin ba ako? Kakaiba ang
kinikilos ko pero hindi ako aware? Not
really.

---------------------------
--

Chapter 12

"Putangina! Grabe ka magluksa


Anton." Yamot na tugon ni Gale
habang humihikab.
Nagpalinga linga ito sa paligid at
bumangon mula sa pagkakadapa sa
damuhan. "Inumaga na tayo." Lalong
bumakas ang inis sa boses niya ng
makitang maliwanag na ang paligid.
Hindi ako nagsalita dahil nananatili
ang tingin ko sa puntod ng aking
kaibigan, nandito kami ngayon sa
private cemetery kung saan inilibing
ang katawan ni Lorette.
Kahapon pa kami dito at hanggang
ngayon ay hindi pa rin kami umuuwi.
Actually panay na ang yaya ni Gale
pero hindi ko pinapansin, sinabi kong
mauna na siya pero hindi pumayag at
panay nalang ang reklamo.
Ilang ulit na kaming dumalaw sa
puntod na ito sa loob ng isang linggo
at madalas ay magpalipas kami ng
gabi. Sapat na sa'kin ang ganitong
mga pagkakataon.
Uupo sa harap ng lapida kung saan
nakasulat ang pangalan ng bestfriend
ko at aalalahanin lahat ng mga
pinagsamahan namin.
"Sabihin mo nga sa'kin Anton, tibo ka
ba?" Tanong ni Gale, kumunot ang
noong binalingan ko siya ng tingin.
Sinusuklay nito ang mahabang buhok
gamit ang kamay at panay ang unat
ng mga braso, nangalay siguro sa
magdamag na paghiga sa damuhan.
"Bakit mo natanong?"
"Tangna naman kasi tinalo mo pa ang
namatayan ng boyfriend kung
pagluksaan mo ang kaibigan mo. I
know bestfriend mo siya, natatanging
naging pamilya sa napakahabang
panahon mula ng magkamalay ka sa
mundo pero bakit naman ganito na
halos isang linggo na tayong palaging
inuumaga sa pagbabantay sa puntod
niya." Halos hingalin na ito sa
sobrang kadaldalan.
"To inform you walang
magtatangkang magnakaw sa lapida
ng kaibigan mo kaya hindi na natin
dapat bantayan. So ano tibo ka ba?"
"What do you think?"
I'm a woman, babae ako kahit minsan
ay mas lalaki pa ako kung gumalaw
sa totoong lalaki. Hindi ako naaatract
sa mga babae, marunong akong
humanga sa lalaki lalo kapag gwapo
though hindi ko iyon
pinangangalandakan.
Masyado lang na lukaret kung mag-
isip si Gale kaya naiisip niya ang
ganyang mga klase ng tanong.
"Paiisipin mo pa talaga ako?"
Nakataas ang kanyang mga kilay.
Napapailing nalang ako dahil sa
sobrang dada niya. Sa isang linggo
kong pagsasama dito sa kanya ay
totoong naappreciate ko ang effort
niya kahit panay ang reklamo ay hindi
niya talaga ako hinahayaang
magpalipas dito ng magdamag na
mag-isa lang.
Kahit pinapapak ng lamok ay hindi ito
nagpatinag at sinamahan pa rin ako.
"Babae ako, sadyang masakit lang
para sa'kin ang sinapit ng nag-iisa
kong kapamilya. Maiintidihan mo rin
ako kung sakaling ikaw ang nasa
posisyon ko."
Natigilan siya dahil sa sinabi ko. Nag-
iwas ako ng tingin ng makita ko ang
pagbalatay ng lungkot at awa sa
kanyang mga mata. Ayokong
kinakaawaan ako dahil hindi ko
kailangan ang bagay na iyon. Kaya
ko ang sarili ko at hindi ko kailangan
ng awa.
"Naiintindihan kita Anton pero gusto
ko lang na mawala ka sa malungkot
na nakaraang kinasasadlakan mo.
Ayokong nakikita kang ganyan dahil
kahit ayaw mo kaibigan na rin ang
turing ko sa'yo, at ang isang kaibigan
ay nanaisin na makitang masaya ang
kaibigan niya." Nakita ko kung paano
mamula ang tungki ng ilong niya at
pagsilip ng mga luha sa kanyang
mata. Seryosong seryoso ang
kanyang magandang mukha, ngayon
ko lang siya nakitang ganito
kaseryoso dahil sa tagal naming
pagiging magpartner sa lahat ng
misyon ay kalahating kalokohan at
purong kabulastugan ang lumalabas
sa bibig nito.
Mapait akong napangiti habang sa
lapida pa rin ang tingin. "Why are you
doing this?"
Bakit pilit mong ibinabaon sa
kalooban ko ang mga salitang 'yan? I
hate it, dahil hindi ko man aminin ay
apektado ako.

"Alam mo kung bakit ko ginagawa


ang bagay na ito, its been two years
already ng mawala siya at sa loob ng
dalawang taon ay napapalibutan ka
ng kalungkutan." Hinawakan niya ang
mga palad ko at bahagya iyong
pinisil.
Dalawang taon na pala? Para kasi
sa'kin kahapon lang nangyari ang
lahat. Buhay na buhay pa rin sa
alaala ko ngayon ang lumuluhang
mukha ni Lorette habang pilit na
kumakalas sa mahigpit kong
pagkakahawak sa kanyang kamay.
Malinaw na malinaw pa rin sa'kin ng
bawian siya ng buhay kaya hindi
gan'on kadali ang makalimot kahit
gustuhin ko man.
"I'm happy." Napangiwi ako dahil
mismo ang kalooban ko ay hindi
sang-ayon sa naging sagot ko.
"Yeah right and fish can fly. Don't me
Anton, but partly naniniwala ako na
masaya ka dahil sino ba naman ang
hindi sasaya kung nasa tabi mo lagi
ang isang Castillion?" Ngumisi ito at
nagniningning pa ang mga mata.
Biglang pumasok sa isip ko ang
gwapong gwapong mukha ni Second.
Ang mapupula niyang mga labi na
palaging nakanguso kapag
nakasimangot at nagdadabog dahil
sa katamaran sa pagbangon. 'Yong
matangos niyang ilong, ang mamula
mula niyang mga pisngi na parang
bata dahil sa sobrang kinis, ang mga
mata niyang kung tumingin ay parang
binabasa ang kaluluwa mo na
binagayan ng makakapal niyang mga
kilay at pilik mata.
Magdadalawang linggo na kaming
hindi nagkikita dahil nagpasya muna
akong hindi pumasok sa trabaho ko
samantalanag ito ay hindi ko alam
ang pinagkakaabalahan.
Namimiss--- Agad kong ipinilig ang
aking ulo dahil sa ediyang pumasok
sa isip ko.
"Don't mention his name, nasa harap
tayo ng puntod ng kaibigan ko."
Malamig ang tinig na tugon ko.
"Wow, grabe bilib na talaga ako sa
pagiging huwaran mong kaibigan."
"Shut up!"
"Fuck you!"
Ngumisi ako. "Fuck you too."
Nagsalubong ang kanyang mga kilay
at napakasama ng kanyang tingin
sa'kin. "Alam mo hihintayin ko talaga
na may magpalambot dyan sa puso
mong 'sing tigas ng bato para
maranasan mo ang pag-aalala ng
mga taong nakapaligid sa'yo."
Padabog itong tumayo. "I hate to say
this pero gusto kong magising ka sa
pagiging huwaran mong kaibigan,
sana dumating ang araw na
magmahal ka ng lalaking
magpapalimot sa'yo sa mga nangyari
sa kaibigan mo."
Naikuyom ko ang mga kamao ko
habang nakatanaw sa malayo,
nagsimula na siyang maglakad paalis
ngunit natigilan ng magsalita ako.
"Tao rin ako, malamig man ang
pakikitungo ko sa iba hindi ibig
sabihin na wala na akong pakialam.
She's my everything dahil siya ang
nagturo sa'kin ng mga rason para
magpatuloy sa buhay kaya hindi ko
masisisi ang sarili ko kung bakit hindi
ako makausad."
Tumayo na ako at binigyan ng huling
sulyap ang puntod ni Lorette syaka
ako tumalikod at naglakad palayo kay
Gale.
"At 'yong sinasabi mong lalaking
mamahalin ko upang makalimot
ako?" Napahalakhak ako. "Malabong
dumating at kung dumating man
sigurado akong hindi ko siya
magagawang mahalin, I don't know
how to love."
Tuluyan na akong naglakad paalis.
Masakit, tumatagos sa kalooban ko
lahat ng mga sinasabi niya pero mas
matatag ang puso ko para salagin
lahat ng iyon.
Ipinangako ko sa kaibigan ko na
ipaghihigante ko siya at walang
makakapagpabago ng plano ko.
MALAPIT na ang tanghalian ng
dumating ako sa condo ko. Ngayon
ko lang naramdaman ang buong
linggong pagod pero pakiramdam ko
wala pa akong karapatang
magpahinga lalo ng tumapat ako sa
pintuan ng unit ko ay tumambad
sa'kin ang kulay iton na box. Nakatali
sa gitna nito ang kulay violet na
ribbon.

I don't know pero kinilabutan ako


dahil ang kulay na iyon ay
sumisimbolo sa patay.
Inalerto ko ang aking sarili at
pasimpleng nagmasid masid sa
paligid pero walang kahinahinala
doon. Tahimik ang hallway at walang
ni isang tao maliban sa'kin.
Nilagpasan ko ang box dahil lumapit
ako sa pinto ng condo ni Second na
katabi lang ng sa'kin. Nakalock iyon,
ilang ulit akong nagdoorbell pero
walang nagbukas.
Sinubukan ko ring buksan gamit ang
password niya pero hindi iyon
gumana. Pinalitan niya?
Sinalakay ako ng matinding kaba sa
hindi ko maintindihang dahilan pero
mas pinili kong pakalmahin ang sarili.
Kunot noong binalikan ko ang tapat
ng unit ko at doon ko
napagpasyahang pulutin ang box.
Walang pag-iingat ko iyong binuksan
at sumalubong sa'kin ang
masangsang na amoy ng dugo. Isang
prosthetics iyon, ulo ng isang tao at
napapaliguan ito ng sariwang dugo.
Hindi ako maaaring magkamali, dugo
iyon ng isang tao.
Naikuyom ko ang aking mga kamao
ng maging malinaw sa paningin ko
kung kaninong mukha iginaya ang
prosthetics na ito. Kay Second!
Kasabay ng pangingilabot ng buo
kong pagkatao. Nagsitaasan rin ang
mga balahibo ko sa batok. Shit!
Mas lalo mong pag-igihin ang
pagbabantay malapit ko na siyang
kunin.
Ilang malulutong na mura ang
lumabas sa bibig ko habang binabasa
ang note na 'yon na nakadikit sa taas
na parte ng takip ng box.
"Hindi po namin nakita kung sino ang
nagdeliver, pasensya na po ma'am."
Sagot ng guard na nilapitan ko ng
muli akong makababa mula sa unit
ko.
"Bakit hindi niyo alam?" Puno ng
diing tanong ko.
Napayuko ang dalawang guard kaya
napabuntong hininga nalang ako.
Wala akong mapapala kung uubusin
ko ang oras ko sa pagtatanong sa
kanila gayong alam ko naman kung
sino ang nagpadala nito.
Hindi talaga siya ttigil at ngayon
sa'kin pa talaga ipinadala? Anong
akala niya masisindak niya ako?
Nagngangalit ang mga ngiping
sumakay akong muli sa kotse ko at
walang habas iyong pinatakbo
patungo sa mansyon ni Salazar.
Walang ibang pwedeng gumawa ng
ganitong bagay kundi siya lang.
Ilang minuto lang ay mabilis kong
narating ang lugar dahil sa bilis ng
pagpapatakbo ko.
Bitbit ang box ay bumaba ako sa
sasakyan. Tumungo ako sa backseat
upang kunin ang kalibre kwarenta y
singko ko. Walang hirap ko iyong
kinasa at taas noong naglakad
papasok. Agad namang binuksan ng
guard ang malaking gate ng makita
ako.
Tulad ng isang linggong pagpunta ko
dito ay gan'on pa rin ang sitwasyon.
May mga nag-iinsayo at yumuyuko
ng bahagya sa tuwing nakikita ako
pero hindi ko sila pinag-aksayahan ng
panahon.
"A-Ano pong ginagawa niyo rito
ma'am?" Nauutal na tanong ng
tauhan ni Salazar na sumalubong
sa'kin ng nasa bukana na ako ng
masyon.
Itinutok ko sa kanyang sentido ang
hawak kong baril at walang pag-
aalinlangan ko iyong kinalabit.
Umalingawngaw ang malingay na
putok na nanggagaling sa armas ko
kasabay ng pagbagsak ng walang
buhay nitong katawan.
Nagkagulo ang lahat at nagkanya
kanya ng kuha ng kanilang mga
armas. Sa isang iglap ay nakatutok
na ang lahat ng baril nila sa'kin pero
hindi manlang ako tinablan ng takot.
"What the hell is happening here?"
Galit na sigaw ni Salazar na ngayon
ay masamang masama ang tingin
sa'kin.
Mas lalong sumidhi ang galit sa
kalooban ko pagkakita ko sa kanyang
mukha. Kung galit siya wala iyon sa
kalingkingan ng galit na
nararamdaman ko ngayon.
Marahas kong ibinato sa kanya ang
hawak kong kahon. Nailagan niya
iyon kaya bumagsak ito sa sahig.
"Fuck you, Salazar. Fuck you." Tila
nagyeyelo sa sobrang lamig ng boses
ko.
Natuon sa nagkalat na dugo at
prosthetics ang atensyon ng lahat.
"Kung gusto mo akong takutin hindi
mo na kailangang gayahin ang
mukha niya at tila pugot na ulong
ipapadala mo sa'kin."
Kating kati na akong kalabitin ang
gatilyo lalo ng muling bumalik sa'kin
ang tingin niya na puno ng pagtataka.
"Playing innocent, ha? Asshole."
Panunuya ko pero gan'on pa rin ang
reaction niya na parang walang
kaalam alam sa bagay na tinutukoy
ko.
Ilang sandali lang ay bumalik ang
pagiging seryoso ng mukha nito.
"Masyado kang judgemental,
Santez." Sinenyasan nito ang mga
tauhan na ibaba ang mga baril at
bumalik sa mga ginagawa.
"Hindi ako ang nagpadala ng bagay
na 'yan dahil kung ako ang gumawa
hindi na ako mag-aaksaya ng
panahon na magpagawa ng
prosthetics na kamukha ng alaga mo
dahil mismong pugot niyang ulo ang
ipapadala ko sa'yo."
Namulsa siya habang
nakikipagtagisan sa'kin ng tingin.
"Magkakamatayan muna tayo."
Ngumisi siya at namulsa. "Mukhang
hindi lang ako ang nagtatangka sa
buhay ng alaga mo Santez, dapat
mong pag-igihin ang pagbabakod sa
kanya. Well, sa case ko ginagamit ko
lang siya para sumali ka sa grupo ko
pero sa isang 'to mukhang malaki
ang galit sa alaga mo or maybe
sa'yo."
"Siguraduhin mo lang dahil kapag
napatunayan kong ikaw ang may utos
nito hindi ako magdadalawang isip
na agad na pabagsakin ang
nagsisimula mo palang na grupo."
Kitang kita ko sa mga mata niya na
tila wala nga siyang alam sa
panibagong death threat na ito.
Sa isiping 'yon ay muli akong
sinalakay ng kaba. Naisip ko kung
ano kaya ang lagay ngayon ni
Second at kung nasaan ito?
Kung hindi si Salazar ang may gawa,
sino? Kanino siya may galit? Sa'kin o
kay Second. Fuck! Hindi pwedeng
hindi ko malaman dahil mas delikado
kung hindi ko alam kung sino ang
kalaban.
"Seriously, wala akong alam. Kilala
mo ang penmanship ko kaya alam
mong hindi ako." Malumanay niyang
tugon.
Alam ko. Pagkakita ko sa sulat
kamay na nasa note ay kakaiba nga
ito sa madalas na pagbabanta na
natatanggap ni Second. Iba ang sulat
kamay, ibig sabihin hindi biro ang
maaaring mangyari.
"Alagaan mo ang alaga mo Santez."
"I can handle this, fuck off."
Sinulyapan ko ulit ang nakakakilabot
na laman ng box bago tuluyang
tumalikod at naglakad palabas. Ang
balak kong pagbaril kay Salazar ay
hindi naituloy dahil pakiramdam ko
hindi talaga siya ang nagpadala n'on.
Paano nalang kung nakita ito ni
Second at natakot?
"Bantayan mo bago mawala sa'yo."

---------------------------
--

Chapter 13

"Bantayan mo bago mawala sa'yo."


Dinig kong pahabol niya na puno ng
panunuya. Tumigil ako sa paglalakad
ngunit hindi na muling humarap sa
kanya.
"Subukan mong kunin siya hindi kita
kailanman kikilalaning tao." Asik ko.
Humahalakhak siya pero hindi ko
iyon pinansin dahil kahit mala
demonyo ang pagtawa niya ay
ramdam ko ang panginginig ng boses
niya.
Ako ang kahinaan niya kaya kayang
kaya ko siyang kontrolin.
Sumakay ako sa kotse ko at tulad ng
kung gaano kabilis akong nakarating
sa mansyon ni Salazar ay gan'on rin
kabilis akong nakalayo.
Itinigil ko ang sasakyan sa isa pang
napakalaking mansyon. Kung malaki
na ang mansyon ni Salazar mas
doble ang laki ng mansyon na
tinitingala ko ngayon.
"Sino po sila?"
Lumapit ako sa guard na nagtanong.
Ito ang unang beses na pag-apak ko
sa mansyon ng mga Castillion.
"Paki sabi kay Mr. Castillion nandito
ako, Santez kamo." Sagot ko.
"Sino pong Mr. Castillion? Si Sir First
po ba, si Sir Second---"
"Ang ama nila." Pagputol ko sa
sasabihin niya.
Sandali muna itong tumitig sa
kabuuhan ko bago pumasok sa guard
house at may tinawagan. Malayo sa
gate ng mga Castillion ang kanilang
mansyon kaya kailangan talagang
may telepono ang mga guard para
mapadali ang trabaho nila.
Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko
dahil sa panaka nakang pagbaling
sa'kin ng guard. I'm wearing a white
ripped jeans, black leather jacket at
sa ilalim nito ay white sando na
pinaresan ko ng boots kaya alam
kong katiwatiwala ang ayos ko.
Nakamessy bun ang buhok ko na
palagi nitong ayos. I don't wear make
ups dahil nangangati ako.
Ilang sandali pa ay muling lumabas
ang guard. "Tuloy po kayo."
Tumango ako. Bumalik sa kotse ko at
mabilis na pumasok sa sementadong
hallway patungo sa parking lot ng
mansyon ng mapagbuksan ng gate.
Nasa bukana palang ako ay
natatanawan ko ng nasa front door
na ang matandang Castillion at alam
kong ako ang hinihintay nito.
Kunot ang kanyang noo, I know
nagtataka siya kung bakit napadpad
ako dito sa teritoryo niya na ngayon
ko lang ginawa.
"What brought you here Agent
Santez?" Bungad na tanong ng
matanda ng makababa ako.
"We need to talk Mr. Castillion."
Nakipagtitigan siya sa'kin ng ilang
sandali bago ako tuluyang igiya
papunta sa kanyang opisina dito
mismo sa loob ng kanilang kaharian.
Hindi na ako nagtaka ng bumungad
sa'kin ang napakagandang loob ng
kabahayan, ang mga mamahaling
mga antique display at vases.
Paintings and modern interior design.
Pinaghalong makaluma at
modernong panahon ang hitsura ng
kanilang mansyon at talagang hindi
biro ang halaga.
Hindi rin magkandaugaga ang mga
katulong sa pagkilos dahil sa mga
gawain. Para akong nasa kaharian ng
England dahil sa mala palasyong
ganda ng bahay at sandamakmak na
mga tauhan.
Wala akong napapansing ibang tao
maliban sa'min at sa mga maids,
wala ang mga anak niya at asawa sa
paligid. Well, sa laki ng lugar ay
talagang hindi imposible kung hindi
kayo magkasalubong sa loob ng
isang linggo.
"Honestly, nagulat ako sa biglaan
mong pagsulpot dahil ngayon mo
lang ginawa ito." Diretsang tugon ng
matanda ng makaupo ako sa visitors
chair.
Nasa opisina na niya kami na
nagmistulang hotel suits sa pagiging
magara. Maraming mga bookshelves
na puno ng mga libro, may sariling
sofa, t.v, center table, may personal
refrigerator din akong nakita sa sulok
at ang pinakadulo ay ang
kinaroroonan namin ngayon.

Nasa swivel chair siya at magkaharap


kami.
"Malala na ang sitwasyon ngayon Mr.
Castillion." Agad na bumakas sa
mukha ng matanda ang pag-aalala.
"What do you mean?"
"May nagpadala sa'kin ng death
threat kanina at mas malala ang
isang ito kompara sa mga simpleng
sulat na ipinapadala kay Second.
May kasama na iyong sariwang dugo
ng tao at pugot na ulong prosthetics
na iginaya sa mukha ng anak niyo.
Parang sinasabi na sa gan'ong
paraan rin nila papatayin si Second."
Nanlaki ang mata niya at bakas na
bakas sa mga mata ang pag-aalala.
"K-Kung gan'on ay ano ang dapat
nating gawin?" Nanginginid ang
kamay nitong nakapatong sa lamesa.
Napabuntong hininga ako. "Kailangan
nating ipaalam sa kanya na
bodyguard niya ako para maging
lantaran ang pagbabantay ko sa
kanya, dahil sa ganitong sitwasyon
mahirap siyang bantayan ng patago.
Kung malalaman niyang bodyguard
niya ako mapapasunod ko siya hindi
bilang kaibigan kundi bilang isang
tagabantay ng kaligtasan niya."
Paliwanag ko.
I hate talking and explaining pero
hindi ko alam sa sarili ko ngayon
kung bakit kusang bumubuka ang
bibig ko para sabihin ang dapat para
sa kaligtasan ni Second.
"Mas lalong lalayo ang anak ko
kapag nalaman niyang may
bodyguard siya."
"Ako na ang bahala kung paano ko
siya pakikitunguhan at papasunurin
kapag nalaman niyang ako ang
bodyguard niya." Pinagmasdan ako
ng matanda at tila pinag-aaralan ang
reaksyon ng aking mukha. "Halos
dalawang taon na kaming
magkaibigan kaya kilala ko siya,
lumayo man siya babalik at babalik
pa rin kapag hindi nakatiis."
"Wala bang lead kung sino ang
nagpapadala ng mga death threat na
'yon sa anak ko?"
Tila hinang hina ito sa naging balita
ko sa kanya. I know hindi dapat pag-
alalahanin ang mga kliyente sa
ganitong mga bagay pero mas mabuti
na alam nila ang mga nangyayari
para maging aware kaming lahat.
Lalo at anak nila ang binata.
"Meron na akong lead sa isang taong
nagpapadala sa kanya pero itong
kasalukuyan ay sisimulan ko palang
ang paghahanap."
"You mean hindi lang isang tao ang
nagtatangka sa buhay ng anak ko?"
Hindi makapaniwalang tanong ng
matanda, ang kulubot na nitong noo
ay mas lalo pang nadagdagan dahil
sa pag-aalala.
Tumango ako. "Kung susuriing
mabuti ang mga death threat ay
madaling masasabi na sa dalawa o
higit pang tao ang nagmamay-ari
nito."
"Nag-aalala ako para sa buhay ng
anak ko." Nanlulumong sinalubong
niya ang aking tingin. "Ikaw ang mas
nakakaalam kung gaano kadelikado
ang sitwasyon kaya sa'yo ko
ipinagkakatiwala ang kaligtasan niya.
Malaki ang tiwala ko sa'yo Agent
Santez."
Wag kang magtiwala sa'kin dahil
kahit ako walang tiwala sa sarili ko
kung ligtas ba talaga sa'kin si Second
o hindi.
Gusto ko mang isatinig ay mas pinili
ko nalamang na manahimik.
"Kung ang pagpapaalam sa kanya na
ikaw ang bodyguard niya ay malaking
tulong para sa kaligtasan niya ay
hindi ako magdadalawang isip na
ipaalam sa kanya ang bagay na
iyon---"
"No need dad alam ko na."
Sabay kaming napabaling ang
atensyon sa bukana ng pinto dahil sa
seryosong tinig na sumabat sa
usapan namin.
Si Second.
Nilamon ng doble dobleng kaba ang
puso ko pagkakita sa seryoso at
malamig niyang tingin pero nanatiling
walang reaksyon ang aking mukha.

Base sa dilim ng kanyang aura ay


alam ko na narinig niya ang pinag-
uusapan namin ng kanyang ama.
Kinakabahan man ay nagawa kong
muling ibaling ang tingin sa
matandang Castillion na ngayon ay
bakas ang pag-aalinlangan ang
mukha.
"Narinig niya ang pinag-uusapan
namin kaya mas madali kong ngayon
mo na ipapaalam ang dapat niyang
malaman." Tugon ko.
Naramdaman ko ang paghakbang ni
Second papalapit sa'min ng kanyang
ama. Masyadong seryoso ang pag-
uusap namin kanina kaya hindi ko
naramdaman ang pagdating niya.
Galit siya. Bakas iyon sa klase ng
tingin niya sa'kin ngayon.
Pinilit kong hindi mapapikit ng
masamyo ko ang pabango niya ng
tuluyan siyang makalapit. Naghahalo
ang mamahalin niyang cologne at
natural na bango ng kanyang
katawan.
"Tsk. Naglihim ka sa'kin, dad." Salat
sa emosyon ang pagkakabigkas niya
ng mga salita.
Hindi ko magawang tumingin sa
kanya pero ramdam kong galit siya.
Ngayon ko lang nakita na ganito
kaseryoso ang isang Second
Castillion, hindi ko alam kong bakit
kinakabahan ako dahil sa kaalamang
galit siya.
"Calm down son." Saway ng ama.
"Kalmado ako, dad." Puno ng
sarkastikong sagot niya bago
bumaling sa'kin kaya wala akong
ibang nagawa kundi salubungin ang
malamig niyang tinging ipinupukol sa
akin. "Bodyguard, ha?" Panunuya
niya.
Tumayo ako at inilahad ang kamay sa
kanya. "Agent Anton Santez."
Pagpapakilala ko na parang ngayon
lang kami nagkita to think na
dalawang taon na kaming
magkaibigan.
"Damn! At cool na cool ka pa na
ipamukha sa'kin na isa kang agent."
Kalmado man ang mga salita niya
pero bakas sa diin nito na hindi ayos
sa kanya ang mga nalaman. "Fire her
dad, hindi ko kailangan ng bodyguard
dahil kaya ko ang sarili ko. I'm a man
at insulto sa'kin na magkaroon ng
bodyguard lalo at babae pa talaga."
Napahilamos ito sa mukha at
padabog na umupo sa isa pang
upuan na kaharap ko. Bumalik ako sa
pagkakaupo at habang nag-aalburuto
ito na parang bulkan na malapit ng
sumabog ay pinagmasdan ko siya.
Damn! Halos isang linggo kaming
hindi nagkita simula ng mag-away
kami at parang ang laki ng
ipinagbago niya sa maikling
panahong 'yon. Mas lalo siyang
gumwapo at mas lalong lumaki ang
katawan. Simpleng kupas na maong
at green t'shirt lang na hapit sa
kanyang katawan ang suot niya at
pambahay na tsinelas pero
naghuhumiyaw pa rin ang karisma.
Neat hair cut at nakatayo iyon na
siguradong ginamitan ng wax.
Ang malapad nitong dibdib ay bakat
sa suot na pang-itaas at ang six
packs abs na kahit tamad sa
pagwowork out ay nananatiling
matitigas.
Bago pa bumaba ang tingin ko
papunta sa mga hita niya ay umiwas
na ako ng tingin. Fuck Anton! Ilang
ulit ko na siyang nakitang naghubad
sa harap ko na ni katiting na tela ay
walang nakatabing sa katawan niya
pero hindi ko pinagnasaan, bakit
ngayon kulang nalang ay gahasain ko
siya?
"Kailangan natin ang serbisyo ni
Agent Santez para masiguro ang
kaligtasan mo anak, mas lalong mag-
aalala sa'yo ang mommy mo kapag
wala kang bantay." Kalmadong
paliwanag ng matanda.
"Hindi na ako bata kaya ko na ang
sarili ko."
"Alam namin 'yon pero gusto naming
makasiguro."
Marahas na tumayo si Second at mas
lalong sumama ang tingin nito.
Salubong ang makakapal na mga
kilay. "No, ilang ulit ko ng sinabi sa
inyo noon pa man na ayokong
magkaroon ng bodyguard. Ayokong
may mapahamak para lang sa
kaligtasan ko."
"You need to understamd--"
"No dad, ako ang dapat niyong
intindihin. Ayoko. Ng. Bodyguard."
Pagdidiin niya. Ni hindi pinatapos ang
pagsasalita ng ama.
"Wag mong pairalin ang katigasan ng
ulo Segundo." Banta ng ama, kahit ito
ay napipikon na sa pag-aalburuto ng
anak. Samantalang ako ay nakikinig
lang sa bangayan nila.
Kumuyom ang kamao ni Second.
"Galit ako ngayon dad kaya kung
magpupumilit kayo baka
magkasakitan lang tayo dito ngayon,
you know me as your black sheep
son. You know me so well dad. Mas
masahol ako sa demonyo kapag
nagagalit."
Hindi na muling sumagot ang
matanda, napapailing na lamang ito
na tumingin sa galit pa ring anak.
Halos hindi ko makilala ang mukha
niya dahil malayong malayo iyon sa
isip bata at matampuhing Second
Castillion na nakiala ko, ngayon ay
para itong tigreng handang lumapa
dahil sa sobrang galit na kahit ang
kanyang ama ay hindi sinasanto.
"Fire her, kung gusto niyong
masiguro ang kaligtasan ko ay hindi
niyo kukunin ang serbisyo niya.
Babae lang siya." Asik nito.
Napatiim bagang ako dahil sa huli
niyang mga sinabi. Babae lang siya?
Anong punto niya, na porke't babae
ako ay hindi ko kayang siguraduhin
ang kaligtasan niya?
"At ikaw babae." Tumuon sa'kin ang
galit nitong tingin. "Mag-uusap tayo
mamaya."
'Yon lang at mabibigat ang mga
hakbang itong umalis.
"Ito ang isang dahilan kung bakit
ayokong ipaalam sa kanya na may
bodyguard siya dahil talagang lalabas
ang sungay ng batang 'yon.
Pagpasensyahan mo na Agent
Santez." Tugon ni Mr. Castillion at
bakad sa boses nito na hirap din sa
pag-intindi sa ugali ng anak. "Mabait
'yang bata pero hindi maaaring
sagarin ang pasensya dahil ika nga
siya ang black sheep ng pamilya,
napakatigas ng ulo at walang
sinasanto kapag nagalit ng totoo.
Ikaw na sana ang bahalang
magpasensya Agent Santez."
Tumango ako at nakapamulsang
tumayo. "Ayos lang sanay na ako,
ako nalang ang kakausap sa kanya."
"Salamat, mabuti na rin na nadinig
niya ang usapan natin at hindi na ako
mahihirapang sabihin sa kanya."
Napabuntong hininga ang matanda.
"Ikaw na ang bahala sa anak ko,
kahit magalit siya hindi kita
tatanggalin bilang bodyguard niya
dahil malaki ang tiwala ko sa'yo
Agent Santez."
"Ako na ang bahala, I need to go."
Paalam ko.
"Sure, balitaan mo ako kung may
mangyari." Anito.
Tango nalang ang isinagot ko bago
naglakad palabas ng kanyang
opisina.
Marahas akong bumuga ng hangin
dahil sa pagpipigil ng kakaibang kaba
habang pinagmamasdan ang galit na
mukha ni Second kanina.
Sanay na ako sa pagiging tamad
niya, pagiging madaldal, pagiging isip
bata at matampuhin kaya akala ko
kilala ko na siya pero hindi pa pala
dahil may itinatago siyang pagiging
seryoso at intimidating kapag
nagagalit.
Isa nga siyang Castillion, dahil
katulad rin siya ng mga kapatid
niyang nakakapanliit kapag
nakakaharap mo na. Mga seryoso sa
buhay at hindi madaling malapitan.
Malapit na ako sa front door ng may
humila sa braso ko at kinaladkad ako
papaakyat sa magarang hagdan ng
kabahayan.
Ang balak kong pagpupumiglas at
pagbalibag sa taong humila sa'kin ay
hindi natuloy ng maamoy ko ang
familiar na amoy ni Second.
Napakahigpit ng pagkakahawak nito
sa braso ko at may balak sigurong
baliin.
"Mag-uusap tayo." Seryosong tugon
nito.

---------------------------
--
Chapter 14

"Mag-uusap tayo."
Hila hila niya ako hanggang sa
makarating kami sa isang kwarto na
siguro ay sa kanya. Pabalang niya
iyong binuksan at muli akong hinila.
Ngumiwi ako dahil sa pagkirot ng
braso ko.
"What the hell, Segundo." Inis na
sambit ko ng pabalang niyang
bitawan ang braso ko.
"What the hell talaga Queen Antonia
Santez or should I say Agent
Santez." Sarkastikong sagot niya na
puno ng diin ang huling mga salita.
Ang kaninang galit na nakikita ko sa
kanyang mata ay gan'on pa rin
ngayon. Seryosong seryoso itong
nakatingin sa kawalan. May kadiliman
sa silid na pinasukan namin kung
hindi ako nagkakamali na sarili
niyang silid dahil sa pagsalubong
sa'kin ng kanyang pamilyar na amoy.
Ngunit kahit madilim na tanging ilaw
lamang ng lampshade ang tanging
liwanag ay kitang kita ko ang
pagtatagis ng kanyang mga bagang
at pagkuyom ng mga kamao.
Nandoon pa rin ang kaba sa dibdib
ko pero hindi ako natinag na
salubungin ang nagbabaga niyang
tingin.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na isa
kang Agent? Na ikaw ang lihim na
hired bodyguard ni Daddy para
bantayan ako?" Gigil niyang muling
tanong.
Napabuntong hininga nalang ako
upang pasimpleng tanggalin ang bara
sa aking lalamunan. "Kapag sinabi ko
ba sa'yo papayag ka bang
magpatuloy ako sa pagiging
bodyguard mo?" Balik ko.
"Hindi." Walang pagdadalawang isip
niyang sagot.
"See? So walang rason para
ipaliwanag ko sa'yo ang sagot sa
tanong mo."
"Pero may karapatan akong malaman
dahil magkaibigan tayo."
Hindi tayo magkaibigan. Gusto kong
isatinig ngunit nangibabaw ang hindi
ko pagpansin sa pag-aalburuto niya.
Hindi ko alam kung ano ang point ng
galit niya kasi kung ako ang nasa
sitwasyon niya ay hindi magiging
ganyan ang reaction ko dahil alam
kung hindi lahat ng bagay ay dapat
sabihin porke't kaibigan mo.
"Bakit ba galit na galit ka dahil sa
paglilihim ko? Maliit na bagay lang
'yon." Yamot kong tugon.
"Fuck! Bakit ganyan ka kung
magsalita? Hindi maliit na bagay 'yon
para sa'kin, isa pa para mo na rin
akong niloko dahil sa paglilihim mo."
Malamig akong tumitig sa kanyang
seryosong mga mata. "This is
nonsense."
Napasinghap ako ng bigla niyang
suntukin ang pintong nasa likod ko.
Ramdam na ramdam ko ang
pagdaan ng hangin sa kaliwa kong
pisngi dahil sa pagdaan ng kanyang
kamao. Mariin akong pumikit.
"Dapat ako ang galit e, pero para
lang akong tanga na nagagalit
samantalang ang taong naglihim
sa'kin ay walang pakialam. Para lang
akong nakikipag-usap sa bingi." Anas
niya na hinihingal pa dahil sa
pagpipigil ng galit. Ramdam ko ang
kanyang hiniga na tumatama sa
tungki ng aking ilong dahil sa
paglalapit namin.
Tinitigan niya ako. "May nagawa ba
ako para ganituhin mo? Mamatay
matay ako sa pag-aalala sa'yo, sa
kaligtasan mo samantalang ikaw
kalmado lang, hindi mo ba alam na
nasasaktan ako sa pagiging malamig
mo?" Isinandig niya ang kanyang ulo
sa aking balikat, natulos ako ng
maramdama ko ang pagtataas baba
ng kanyang mga balikat at ang
bahagyang pagsinghot.
Umiiyak siya.
"Kaibigan mo 'ko King, pero bakit
pakiramdam ko ang layo layo mo na
sa'kin ngayon? Ano bang nangyayari
sa'yo?" Garalgal ang kanyang boses.
Alam kong sa pag-uusap naming ito
ay hindi lang tungkol sa nalaman
niyang ako ang hired bodyguard niya
kundi ang huli rin naming hindi
pagkakaintindihan. Nagkahalo halo at
nagkasabat sabay na.

Tila sinakal ang puso ko dahil sa


naririnig kong pag-iyak niya. Ang
sakit, sobrang sakit sa kalooban lalo
at alam kong ako ang dahilan ng pag-
iyak niya.
Hindi kami magkaibigan kaya dapat
hindi ako makaramdam ng ganito.
No, kahit anong pilit kong ipamukha
sa sarili ko na hindi dapat ako
makaramdam ng ganito ay palaging
nagiging traidor ang puso ko.
I really care for him dahil kung hindi
ay hindi ako makakaramdam ng bigat
sa kalooban na parang dinaganan ng
isang sakong semento.
I hate my self for being like this.
Ako na ang gumawa ng paraan para
maitulak siya at mailayo sa'kin dahil
kung mananatili siyang nakalapit
sa'kin ay tuluyan akong kakapusin ng
hininga.
"From now on I am your bodyguard,
I'm not your friend anymore. Hindi na
kita ituturing na kaibigan at dapat
gan'on ka rin." Sinalubong ko ang
kanyang luhaang mga mata habang
sinasabi ang mga katagang iyon.
Hindi ko pinansin ang bikig sa aking
lalamunan. Masakit sa'kin ang mga
sinabi ko dahil aaminin kong sa
dalawang taong pagiging
magkaibigan namin ay totoong may
pakialam ako sa kanya, hindi bilang
hired bodyguard o dahil kliyente ng
organisasyon namin ang kanyang
ama kundi bilang isang kaibigan kahit
hindi ko sinasadya.
Tama itong desisyon ko dahil ramdam
kong kapag nanatili kaming malapit,
ang konting pag-aalala ko para sa
kanya ay mas lalong lalalim at
mauuwi sa bagay na kinatatakutan
ko. Kapag nangyari 'yon para ko na
ring pinatay si Lorette sa ikalawang
pagkakataon.
"You're so unfair." Sigaw niya. "I don't
want you as my bodyguard."
"Wala ka ng magagawa dahil iyon
ang trabaho ko."
Nanunuya itong napangisi habang
galit na pinupunasan ang mga luha.
"Now I get it, nakipaglapit ka lang
sa'kin dahil sa trabaho mo.
Kinaibigan mo ako para mapadali ang
lihim na pagbabantay mo sa'kin."
Humalakhak siya pero wala iyong
laman. "Ako lang pala ang nag-
aasume na magbestfriend tayo.
Nakakatawa, nakakatawa dahil ang
tanga ko."
Nang kaibiganin ko siya noon ay dahil
gusto kong maisakatuparan ang
plano ko at mas lalong nadagdagan
ang rason na makipaglapit ako sa
kanya dahil sa trabahong ibinigay
sa'kin ni general.
"Enough the drama Segundo."
Nayayamot kong tugon. Mas lalong
tumalim ang kanyang mga mata.
"Hindi na tayo magkaibigan, right? So
stop calling me Segundo dahil hindi
tayo close. Then, starting this day you
should call me sir."
Napangiti ako sa sinabi niya kahit pa
may gumuhit na kirot sa puso ko.
Mas mabuti na ito para maging
madali sa'min ang lahat lalo na sa'kin.
"Yes, Sir." Pormal kong tugon.
Kahit madilim ay malinaw sa paningin
ko ang pagdaan ng lungkot at sakit
sa kanyang mga mata na agad rin
namang napalitan ng lamig.
Tinitignan niya ako ngayon na tila
hindi talaga kami magkakilala, tulad
ng mga tingin ko kapag ipinagpipilitan
ko sa sarili ko na wala siyang epekto
sa'kin. Na siya lang si Second
Castillion na naging dahilan ng
pagpapakamatay ng matalik kong
kaibigan.
Nasasaktan ako dahil ngayon niya
lang ako pinukol ng gan'ong klase ng
tingin, iyong tinging wala na siyang
pakialam sa'yo.
No, no I'm Anton and Anton don't give
a damn about those shits!
"Ginusto mo 'to kaya sana wag mong
pagsisihan, tingnan natin kung
hanggang saan ang pagiging
malamig mo at pagiging walang
pakialam sa paligid." Anas niya syaka
ako tinalikuran at nahiga sa kanyang
kama.
"Get out of here, now!" Sigaw niya.
"Hindi kita kailangan dito."
Hindi ko na siya hinayaang
magdalawang salita sa pag-utos
sa'kin dahil agad akong tumalima
upang makalabas sa kanyang silid.

Doon lamang ako nakahinga ng


maluwag, hindi ko namalayang
kanina pa pala ako nagpipigil ng
hininga. Nakakasuffocate ang
napakabilis na pagtibok ng aking
puso.
"Yeah, this is the right thing." Bulong
ko bago tuluyang lumisan sa
mansyon ng mga Castillion.
KINAGABIHAN. Nagtungo ako sa
headquarters para kausapin si
General.
"Good evening general." Nagsalute
ako.
Abala siya sa kung anong
pinipirmahan niyang mga papeles ng
lingunin ako. Ngumiti ito at
iminuwestra ang aking pag-upo.
"What's up, Agent Santez?" Tanong
niya. Bagets na bagets itong bumati
kaya hindi ako nagtataka kung
magkamag-anak nga sila ni Gale.
"Ipinaalam na ni Mr. Castillion sa
kanyang anak na ako ang bodyguard
nito." Direktang sagot ko. Hindi ito
binakasan ng kahit na anong
emosyon dahil nananatili lamang
itong nakangiti. Siguro'y ipinarating
na ng matanda ang naging pag-
uusap namin kanina.
"So what's your plan?"
Pinakatitigan ko ang kanyang mga
mata bago sumagot. "I need a back
up team na handa sa kahit anong
tawag ko, and give me a month para
tapusin ang kasong ito."
"Okay, no problem."
"May bagong threat sa buhay ng
kliyente kaya mas lalo kong hihigpitan
ang pagbabantay so hindi ako basta
basta makakapunta dito kapag
pinatawag mo ako."
Humalakhak ito dahil sa mga sinabi
ko. "Sino ang general sa'ting dalawa?
Well, okay." Ngumisi pa ito. "Ako lang
ba o talagang napakapormal ng
tawag mo sa alaga mo ngayon."
Kinunutan ko siya ng noo. "Mind your
own business General."
Hindi ako takot na magsalita ng kung
ano ano sa kanya dahil nakasanayan
na niyang ganito ako makipag-usap
at dahil na rin sa pagiging bata niya
kung mag-isip ay hindi niya iyon
alintana.
"Sumpungin ka talagang bata ka."
Wala akong naging kibo kaya binalot
kami ng pansamantalaang
katahimikan hanggang sa basagin
iyon ng isang marahang katok ng
pinto at pumasok ang isang lalaki.
Nakasuot ito ng white ripped jeans at
fitted white V- neck shirt, pati sapatos
ay puti rin. In short man in all white.
Malaki ang pangangatawan, halata
iyon sa mga muscle na namumutok
sa kanyang damit at ang malapad
nitong dibdib.
Tumaas ang tingin ko sa kanyang
mukha na kapansin pansin ang
maaliwalas nitong ngiti. Matangos
ang ilong, may konting stubbles na
mas lalong na padipena sa kanyang
perpektong panga. Singkit ang mga
mata na dahil sa malapad na
pagkakangiti ay tila guhit na lamang
iyon.
"Agent Galero." Muling napabaling
ang atensyon ko kay General dahil sa
pagsasalita nito.
"Good evening General." He salute.
Naglakad ito papalapit sa pwesto
namin at naupo sa katapat kong
upuan na katapat rin ni General.
"This is Agent Santez." Pakilala ni
General at itinuro ako. Mas lalong
lumapad ang pagngiti ng lalaki ng
tumingin sa'kin. Hindi ko ito kilala at
ngayon ko lang nakita sa
departamento namin kaya tango lang
ang itinugon ko bilang pagsang-ayon.
"And Agent Santes this is Agent
Galero, siya ang magiging leader ng
team na gusto mong kunin as back
up para sa kasong hawak mo. Mula
siya sa kabilang departamento at
naasign dito para tulungan ka."
Hindi ako interesado.
"Hi, I'm Agent Winx Galero." Pakilala
nito na hindi ko binigyang pansin
dahil sa pagtataka na parang
napakabilis naman na may leader
agad na napili si General.
"I know what you are thinking Agent
Santez, request rin iyon ng
matandang Castillion kaya bago ka
pa pumunta dito ay tatawagan na
dapat talaga kita para sabihing gusto
ng matanda na dagdagan ang
seguridad ng anak total ay alam na
nito na may hired bodyguard ito."
Paliwanag niya.
"Okay, you know me General
ayokong may sagabal sa trabaho ko
kaya sana tama ang taong pinili mo."
Walang ganang tugon ko bago
tumayo.
Hinarap ko ang lalaking ngayon ay
nakasimangot na, napapailing nalang
ako. Pakiramdam ko walang
gagawing matino ang isang 'to, imbes
na mapadali ang trabaho ko baka
mas lalong tumagal kapag pumalpak
ito. "Hintayin mo ang utos ko." 'Yon
lang at tuluyan na akong lumabas sa
opisina ni General. Wala na naman
kaming dapat na pag-usapan kaya
mabuting umalis na ako.
"Agent Santez, long time no see."
Salubong sa'kin ng iba kong
kasamahan sa trabaho, tango lang
ang sagot ko.
"Mas lalo kang gumaganda Agent
Santez."
Hindi ko pinansin ang komentong
'yon. Nagtuloy tuloy ako sa
paglalakad papalabas ng
headquarter.
"Malamig pa rin siya."
"Ano bang bago, pero sa sobrang
kalamigan at pagiging misteryoso
niya ay mas lalo siyang nagiging
kaakit akit."
Hindi na ako nagtaka na ako ang
pinag-uusapan nila dahil kahit mas
marami ang lalaki sa klase ng
trabaho namin ay mas madadaldal
naman sila lalo sa pagsagap ng
chismis tungkol sa'kin.
Wala akong alam sa salitang
pakikisama kaya hindi ko masisisi
ang mga tao kung ano ang tingin nila
sa'kin.
Pagkaharap ko sa aking motor ay
mabilis akong sumampa doon. Isa ito
sa pinakapaborito kong collection
maliban sa kotseng madalas kong
gamitin.
Sa wakas palagi na kitang
magagamit dahil hindi ko na
kailangang itago kung ano ako.
"Sandali, Agent Santez."
Salubong ang kilay na nilingon ko
ang lalaking tumawag sa'kin. Si
Galero.
Hinihingal itong huminto sa harap ko
habang may ngiti pa rin sa mga labi.
Siguro hindi marunong makaramdam
ng lungkot ang taong 'to.
Hindi ako nagsalita at nananatiling
nakatingin dito.
"Ahm. Bigla ka nalang kasing umalis
kaya hinabol kita." Sa wakas ay
tugon niya ng kumalma habang
napapakamot pa sa batok.
"So?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya
ang ngiti niya ay nauwi sa ngiwi.
"You know, magkakatrabaho tayo
kaya gusto ko sanang
makipagkaibigan---"
"Gawin mo nalang ang trabaho mo
hindi mo ako kailangang kaibiganin."
Anas ko at mahigpit na hinawakan ko
ang silenyador dahilan para mabilis
na sumibad paalis ang motor ko.
Ang lalaki ay naiwang nakatanga.
Napapailing ako habang dinadama
ang malakas na hangin na
humahampas sa mukha ko habang
nasa gitna ng tahimik na daan.

---------------------------
--

Chapter 15

Muntikan na akong mapaigtad ng


pagbukas ng elevator ay bumungad
sa'kin ang seryosong mukha ni
Second.
Kararating ko lang sa condo building
mula ng pumunta ako sa
headquarters at nagulat ako dahil
nandito na ulit siya. Ang buong akala
ko ay magpapalipas pa ito ng isang
linggo sa mansyon nila tulad ng
ginagawa nito kapag may
pagtatampo siya sa'kin.
Wala itong imik na pumasok sa
elevator. Napuno ang apat na sulok
ng kinaroroonan namin ng
napakabango niyang amoy.
Nakaporma ito na halatang may
pupuntahan.
Wearing a simple cargo short, black
semi-long sleeve and white sneakers,
he's hot and sexy.
"Saan ka pupunta?" Ako ang unang
bumasag sa katahimikan.
Hindi ito sumagot, hindi niya rin
pinindot ang button pababa.
Nananatili kaming nakatayo pareho
sa loob ng elevator dahil hindi ko rin
maigalaw ang mga paa ko palabas.
Napapailing akong pinindot ang
hikaw ko kung saan naroon ang
speaker na nakakonekta sa team
leader ng back up group ko.
Automatic itong makoconnect sa
team at kay Galero, gan'on kabilis
ang proseso at high tech ang
departamento namin kaya mabilis
kung lumutas ng mga kasong hindi
kaya ng sangay ng gobyerno.
"This is Agent Santez team, secure
the area may pupuntahan kami."
Tugon ko.
"Copy, Anton. Salute." Pamilyar na
boses ni Galero ang sumagot na
inaasahan ko na.
Bahagya pang kumunot ang noo ko
ng mapansin ko ang tawag niya
sa'kin.
Dahil parang walang balak na
gumalaw si Second sa kanyang
kinatatayuan ay ako na mismo ang
nagpindot ng elevator button
papuntang ground floor.
Tahimik lamang kami hanggang sa
muling bumukas ang elevator tanda
na nasa baba na kami.
"The area is clear, Anton. Salute."
Dinig kong sabi ni Galero.
Naunang humakbang si Second at
nanatili lamang ako sa kanyang likod
habang pamasid masid sa paligid. Ito
ang gawain ko kahit noon pa mang
hindi alam ni Second na ako ang
bodyguard niya, ang pinagkaiba nga
lang ngayon ay lantaran ko iyong
ginagawa at hindi palihim.
Masyado akong mapagmasid sa
paligid upang masigurong walang
kahinahinala at kung meron man ay
mauunahan ko agad.
"Susunod ba kami, Anton? Salute."
Doon na ako nainis. "Drop the Anton
and Salute, Galero. It's Agent
Santez." Saway ko sa pinakamalamig
na boses na meron ako.
"Pero gusto kong 'yon ang itawag ko
sa'yo tapos panay Salute ko kasi
ikaw ang Captain ko." Rason niya na
parang batang nagmamaktol.
Nagtagis ang bagang ko. Naririnig
kami ng buong team niya, kahit pa
walang nagsasalita sa mga ito kaya
ayoko ng mga pinagsasabi nito dahil
baka isipin ng iba na biro lang ang
kasong 'to at gumaya sa kanya.
"Shut it Galero." Asik ko. Natigilan
ako ng hindi ko namalayang
bumunggo na pala ako sa likod ni
Second. Huminto pala ito sa
paglalakad at lumingon sa'kin na
seryoso pa rin ang mukha.
Hindi ako sanay na ganito siya pero
mas mabuti iyon. Trabaho lang.
"Binabayaran ka ni Daddy na
bantayan ako hindi ang
makipaglandian ka sa kung sino man
'yang kausap mo." Aniya at muling
tumuloy sa paglalakad.
"Captain, narinig ko 'yon---"
Mabilis kong in-off ang speaker na
nakaconnect kay Galero at muling
sumunod kay Second palabas.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa
binatang wala pa ring imik at tila
gustong gawin yelo ang paligid sa
sobrang lamig ng emosyon na
sumisingaw sa mata nito.

Nakaramdam ako ng konting inis sa


pagsabi niyang nakikipaglandian ako
pero hindi ko na iyon pinansin pa
upang hindi na lumaki. Isa pa hindi
ako marunong lumandi kaya hindi
ako apektado sa salitang 'yon.
"Sa Sexes." Tukoy niya sa bar na
madalas nilang tambayan ng
kanyang kapatid na si Third.
Pinagbuksan ko siya ng pinto sa
backseat at ako naman ang pumasok
sa driver seat. Sasakyan niya ang
gamit namin dahil motor ang dala ko.
Habang nagmamaneho ay binuksan
kong muli ang speaker. "Sumunod
kayo sa'min pero wag kayong lalapit
sa sasakyan upang mas makita niyo
ang paligid." Utos ko.
"Yes, Anton. Salu--" mabilis ko rin
iyong pinatay matapos kong mag-
utos. Hindi ko na pinatapos ang
sasabihin pa ng nasa kabilang linya
dahil nababanas ako.
"Hanggang ten P.M ka lang pwede at
pagkatapos ay uuwi na tayo." Sabi
ko, sandali akong sumulyap sa rear
view mirror para tignan ang reaction
niya.
Nakatingin ito sa labas ng bintana na
parang malalim ang iniisip ngunit
nagtatagis ang mga bagang.
"Uuwi ako sa oras na gusto ko hindi
mo ako makocontrol." Bumaling ito
sa'kin na tila gusto akong patayin ng
kanyang mga tingin.
"I'm not controlling you, ginagawa ko
'to para sa kaligtasan mo."
"I don't need you." Sigaw niya na
puno ng diin. Nandoon na naman ang
parang kutsilyong humihiwa sa dibdib
ko pagkarinig sa mga sinabi niya.
Yeah, he don't need me but I--
"Stop acting like you care Agent
Santez dahil alam kong wala kang
pakialam sa'kin, you only care for
yourself."
Bakit gan'on lahat ng tao sa trabaho
ko kahit ang ibang nakakakilala sa'kin
ay gustong gusto kong tawagin nila
akong Agent Santez bilang
pagpapaalala na ako ito, ako si Anton
na malakas at kayang mabuhay mag-
isa pero kapag siya ang naririnig
kong bumibigkas n'on ay parang may
pait akong nalalasahan.
I only care for myself? Noon 'yon.
Gustong isatinig ang sinasabi ng
isipan ko pero hindi ko kaya.
"Stop being childish Sir. Uuwi tayo ng
ten P.M sa ayaw at sa gusto mo."
"Lets see, hindi magiging madali ang
trabaho mo." Nanunuya niyang
sambit. Nasa bintana na ulit ang
tingin nito.
"Hindi ko rin gusto na maging madali
ang trabaho ko." Kalmado kong
sagot.
"Fuck you!"
Sandali akong natigilan sa sinabi niya
pero pinatatag ko ang aking loob.
Ngayon lang lumabas sa bibig niya
ang mga salitang iyon na ako ang
sinabihan.
Dapat na siguro akong masanay na
makita ang tunay na pag-uugali ng
isang Second Castillion.
"Fuck you too."
Bumalik sa'kin ang lahat, bakit nga ba
panandalian kong nakalimutan na
siya ang dahilan kung bakit ako
ganito ngayon. Nag-iisa at mailap
dahil takot ng magtiwala at mapalapit
sa mga taong iiwan rin ako sa huli.
Kotang kota na ako sa bagay na 'yon
kaya ayoko na dahil alam kong
walang permanente sa mundo.
People come and go! That's the
reality.
I don't want to trust and feel pain
again because every time I get hurt I
get colder.
WALA ng muling nagsalita pa
hanggang sa makarating kami sa
Sexes. Agad siyang bumaba at
pumasok sa loob.
"Secure the area." Utos ko kay
Galero.
Mabilis akong humakbang papasok
bago pa mawala sa paningin ko si
Second. Masyadong crowded sa
ganitong mga lugar kaya kailangang
hindi siya mawala sa paningin ko.

Ipinalibot ko ang tingin sa loob ng


makapasok ako. Masyadong maingay
dahil malalim na ang gabi, mausok at
sari sari na ang amoy. Pinaghalong,
alak, sigarilyo at iba't ibang uri ng
mamahaling pabango ng mga tao.
Maramingnagsasayawan sa dance
floor at sumasabay sa maharot na
musika na parang mga tigreng
nakawala sa hawla. Mga hibang at
wala ng pakialam sa sarili kung
nahihipuan o nahahawakan ang
masisilang parte ng mga katawan lalo
ng mga kababaihan.
Umupo si Second sa bar counter,
may mga babae doon na halos luwa
na ang mga dibdib at mukhang
naagaw niya agad ang atensyon ng
mga ito.
Masyado siyang gwapo kaya hindi
nakapagtatakang halos mabali ang
lahat ng kababaihan masilayan lang
siya.
"Hey, handsome." Dinig kong bati ng
babaeng nasa kabilang stool na
kinauupuan ni Second. Akmang uupo
ito sa kandungan niya ng maagapan
ko ang braso ng babae.
Walang kahina hinala sa lugar base
sa pagmamasid ko pero sa lagay ng
kaligtasan ni Second lahat ng tao sa
paligid ay dapat ituring na suspek.
Dapat bantayan.
"What the, anong problema mo?"
Tamaray na tanong nito sa'kin, mas
lalong humigpit ang pagkakahawak
ko sa braso niya kulang nalang ay
durugin ko iyon. Mas matangkad ako
sa babae kaya kayang kaya kong
gawin 'yon sa isang iglap lang.
"Wag kang lalapit---"
Bago ko pa matapos ang sasabihin
ko ay nakawala na ang babae sa
pagkakahawak ko at nasa kandungan
na ito ni Second. Naghahalikan.
Nagtiim bagang ako at napailing,
naglakad ako patungo sa madilim na
parte ng counter isang dipa mula sa
pwesto nila at doon sumandig para
pagmasdan ang galaw ng mga tao.
Ilang sandali akong nagmasid bago
muling bumalik ang tingin ko kay
Second. Naghahalikan pa rin ang
mga ito at nasa loob na ng tube ng
babae ang mga kamay niya.
Hindi siya marunong humalik sa
lagay na 'yan?
Napangisi nalang ako ng maalala ang
pagmamaktol niya noon dahil ayaw
niya sa kissing scene na nasa script
ng bago niyang teleserye dahil hindi
raw siya marunong humalik.
Alam ko allergic siya sa mga babae
lalo sa mga babaeng tulad ng
kahalikan niya ngayon.
Boys are always boys, iisa ang likaw
ng mga bituka.
Kung sa bagay sa ganyan sigurong
strategy niya napaibig si Lorette.
Kunwari perpekto at isip bata pero
ang totoo ay isang halimaw at
mapaglaro sa babae.
Sa dalawang taon masasabi kong
hindi namin kilala ang isa't isa,
pareho kaming nagpapanggap.
"Order ma'am?" Napabaling ako sa
bartender.
Kumunot ang noo ko ng makita ang
nakangiting mukha ni Galero,
nakasuot ito ng uniform ng kapareho
ng isang bartender sa kabilang parte.
Ngiting ngiti siyang naghahalo ng
alak.
"What are you doing here?"
Napakamot siya sa batok. "Captain
naman kasi, boring kasi sa pwesto
namin kaya naisipan kong magpart
time na rin para doble kita. You know
mahilig ako sa multitasking."
Sinamaan ko siya ng tingin kahit pa
hindi ko sigurado kong makikita niya
dahil madilim sa parte namin.
"Stoping playing around Galero
pumayag akong ikaw ang kuning
team leader sa back up ng kasong ito
pero ngayon palang gusto na kitang
palitan."
Ngumuso siya dahil sa pagsimangot
pero agad ring nanumbalik ang ngiti.
Weird. "Hindi naman pala totoo na
woman in one word ka, nagsasalita
ka rin naman pala ng mahaba." Puna
niya at nagulat ako ng dumukwang
siya palapit sa'kin at inunat ang kunot
kong noo. "Ang wrinkles." Boses
baklang sabi niya bago humalakhak.
"Gago!" Asik ko.
Hindi sinasadyang napadako ang
tingin ko sa entrance ng bar. Saktong
papasok doon ang isang sexy'ng
babae na tila may hinahanap dahil sa
paglinga linga nito sa paligid.
Nakasuot ito ng isang red dress na
konting galaw lang ay masisilipan na
at ang bandang dibdib ay kalahati
lang ang natatakpan. Kung malaswa
na ang suot ng babaeng kumandong
kay Second ay triple ang suot ng
babae.
Nakita ko ang pagngisi nito at
pasimpleng pag-aayos ng damit kung
damit bang matatawag ang suot nito
syaka taas noong naglakad papasok.
Sinundan ko ang tingin nito at
napamura ako ng kay Second
nakatutok ang nang-aakit nitong mata
at nakangisi pa rin ang pulang pulang
labi.
Wala namang masama dahil normal
ang paluwaan ng balat sa ganitong
klase ng lugar kaso ang masama ay
ang nakita kong syringe sa kamay
nito.
"Shit!" Ilang ulit akong napamura.
Wala na si Second sa stool na
kinauupuan nito kanina dahil
nakihalubilo na ito sa mga tao sa
dance floor at sa klase ng pagsayaw
niya ay alam kong may tama na siya
ng alak.
Inilang hakbang ko ang dance floor
kong saan ang pwesto ni Second.
Maraming mga babae na ang
nakapalibot sa kanya habang
maharot silang sumasayaw,
naghahalakhakan at naglaladian.
Panay ang haplos ng mga ito sa
katawan ng binata.
Salubong na salubong ang kilay ko,
halos hingalin ako marating lang ang
kinaroroonan niya dahil kailangan
kong maunahan ang babae kundi
siguradong mapapahamak siya.
"Tabi." Mariin utos ko sa mga taong
nakaharang isa isa kong hinawi ang
mga babaeng nakikipagharutan sa
kanya, wala akong pakialam kahit na
minumura na nila ako.
"You're so hot." Nang-aakit na tugon
ng babaeng nakalingkis ngayon sa
kanya na kung hindi ako nagkakamali
ay ito rin ang kandong niya kanina.
Tangna! Mapapahamak ang lalaking
ito dahil sa kalandian niyang tagalay!
"Come closer, Sir." Bulong ko sa
tenga niya sabay kabig ng kanyang
leeg.
Napaatras ang babaeng nakalingkis
sa kanya samantalang ramdam na
ramdam ko naman ang paninigas
niya at ang pagsinghap.
Magkalapit na magkalapit ang aming
mga mukha, tumatama ang kanyang
hininga na pinaghalong alak at mint
sa leeg ko. Ginawa ko iyon upang
ang likod ko ang maiharap sa
babaeng paparating. Kitang kita ko sa
peripheral vision ko na tatlong
hakbang nalang ay makakalapit na
sya ng tuluyan.
"Sir, nanganganib ngayon ang buhay
mo kaya wag matigas ang ulo. Wag
kang magpapahalata sa kilos mo."
Bulong ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng
maramdaman ang pagdiin ng labi
niya sa leeg ko. Mainit iyon at tila ako
kinuryente. "Ano bang dapat kong
gawin?" Tanong niya. Tumaas ang
labing iyon papunta sa tenga ko
dahilan para makiliti ako pero pinilit
kong wag ipakita ang reaction ng
katawan ko sa pamamagitan ng
mariing pagkagat ng aking mga labi.
Lasing siya kaya niya ginagawa iyon.
"Umatras ka ng palihim papunta sa
madilim na parte." Utos ko, balak ko
na sana siyang itulak para harapin
ang babae ngunit pumulupot ang
kanyang mga braso sa bewang ko.
"Okay."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa
parang bilta boltahe ng kuryenteng
lumukob sa'kin dahil sa yakap niya.
Gan'on pa rin ang posisyon namin ng
maramdaman ko ang palihim niyang
paghakbang paatras.
Nakasunod pa rin ang babae at base
sa galaw nito ay hindi niya pa rin
alam na may nakakaalam na sa balak
niya.
Nang marating namin ang madilim na
parte ay marahan kong itinulak si
Second dahilan para mapabitaw ito
sa'kin at bumagsak sa couch na nasa
likod niya.
Sabay igkas ko ng aking paa papunta
sa aking likod. Nasapol ko ang
mukha ng babae na halatang nagulat
sa bigla kong pag-ataki.

---------------------------
--

Chapter 16

"Diyan ka lang wag kang lalapit." Bilin


ko kay Second.
Para namang nawala ang kalasingan
nito ng makita ang pagtumba ng
babae.
Pero kahit malakas ang pagkakasipa
ko sa kanyang mukha ay nagawa
niya pa ring tumayo. May dugong
nagsimulang umagos sa putok niyang
labi.
"Owws, di ako nakapaghanda."
Nakangising sabi nito habang kuyom
ang mga kamao. "May bodyguard na
pala si Second." Panunuya niya.
Nakipagtitigan lamang ako at hindi
nagsalita. Binabasa ko ang maaari
niyang maging galaw habang hawak
pa rin nito ang syringe.
Gusto nitong makuha si Second.
Gumanti ako ng ngising mapanuya.
"Slut!"
Nagtagis ang bagang nito dahil sa
sinabi ko. Mabilis siyang nakabunot
ng baril mula sa kanyang likuran at
itinutok iyon sa'kin.
"K-King." Dinig kong tawag ni
Second.
May kung anong malambot na bagay
ang humaplos sa dibdib ko dahil sa
muli niyang pagtawag sa'kin ng
gan'on. Siya ang nakaisip na
baliktarin ang pangalan namin dahil
madalas daw akong mas lalaki pa sa
kanya kung gumalaw at siya ay mas
babae pa sa'kin.
He's my Queen and I am his King.
"Bitch!" Asik ng babae na may
panlilisik ng mga mata.
Bago pa man niya makalabit ang
gatilyo ay may baril ng nakatutok sa
kanyang ulo.
"Oops, Miss beautiful wag mo
namang saktan ang Captain namin."
Ang nakangising si Galero ang nakita
ko sa likod ng babae. Bumaling ang
tingin sa'kin ng gago at kumindat.
"Salute, Captain." Sabay saludo niya.
Napangiti ako dahil sa kabaliwan
niya. Kahit papaano ay may silbi rin
pala siya.
Samantalang ang mga tao ay
nagsiksikan sa parte ng entrance,
tumigil na rin ang maingay na musika
kaya dinig na dinig na ang komosyon
namin dito.
Binuksan ko ang speaker para
marinig niya ang ibubulong ko.
"Pakidala 'yan sa headquarters, hindi
naman masyadong mapanganib dahil
isa lang naman siya sa mga babaeng
obsess sa amo natin." Tugon ko.
Lumapit ako sa babaeng ngayon ay
halos kulay ube na sa pamumutla,
kung hindi nga lang siguro
namumutok sa kapulahan ang mga
labi ay siguradong puti na 'yon dahil
sa sobrang kaba.
Sinapak ko ang mukha nito matapos
kong makuha ang hawak niyang baril.
"Alamin mo kung sino ang katataluhin
mo." Inagaw ko rin ang syringe na
nasa kamay nito.
Lahat iyon iniabot ko kay Galero.
"Pakantahin mo 'yan at kapag
sintonado patayin mo."
"Copy that Captain, Salute." Tuwang
tuwang sagot ng gago. Lumapit pa ito
sa'kin at bumalong. "Balato mo
nalang sa'kin 'to mukhang masarap
e."
"Ikaw bahala." Tugon ko.
Halos magtatalon naman ito sa tuwa
na hinila ang babae papalabas ng
bar. Naiiling nalang ako ng makita
kong palapit na ang mga bouncer sa
gawi namin.
"Ma'am may problema po ba?"
Tanong ng isa. Inilabas ko ang ID ko
at ipinakita iyon sa kanila.
"Nothing."
"Pasensya na po ma'am kung hindi
naging mahigpit ang pagbabantay
namin."
"It's okay." Ako.
Ibinalik ko ang aking atensyon kay
Second na ngayon ay masama na ulit
ang tingin sa'kin. Nakatayo na ito
pero pulang pula ang mukha dahil sa
tama ng alak. Mukhang natulala pa
sa nakitang pangyayari.
"Lets go Sir." Aya ko sa kanya,
akmang hahawakan ko ang braso
niya para alalayan ay mabilis niya
iyong tinabig at gigewang gewang na
naglakad palabas ng lugar.

Sumunod ako hanggang sa


mapatapat kami sa kanyang
sasakyan.
"Mapanakit ka pala." May pang-
iinsulto sa tinig niya, sumundal ito sa
kotse at mariing ipinikit ang mga
mata.
"Nananakit ako kung kinakailangan
lalo kung sa trabaho."
"Hindi na ako magtataka kung
mamamatay tao ka." Walang
pakandungang sambit nito at tumitig
sa'kin na parang wala akong
kwentang tao.
Naikuyom ko ang aking kamao upang
pigilan ang pagsagot ng pabalang.
Ako mamamatay tao? Yes, dahil
pumapatay naman talaga ako dahil
sa trabaho ko. Tanggap ko sana kung
hindi lang nagmula sa kanya.
Siya ang mamamatay tao dahil siya
ang dahilan ng pagkamatay ng---
marahas akong umiling at tumalikod
para hindi niya makita ang poot sa
aking mga mata.
"Wag mo akong tatalikuran kapag
kinakausap kita." Puno ng diin niyang
tugon at marahas akong isinandal sa
kinasasandalan niya kanina gamit
ang malalakas na mga kamay.
Napangiwi ako ng mapalakas ang
pagtama ng likod ko sa kotse.
"Amo mo ako at bayad ang serbisyo
mo."
Inilapit niya ang mukha sa mukha ko
kaya amoy na amoy ko na ang
hininga niya na tumatama sa aking
ilong.
Uminit ang magkabila kong pisngi
dahil sa sobrang paglalapit ng mga
mukha namin, konting konti nalang at
maglalapat na ang mga labi namin.
Gusto kong umiwas pero tila
naparalisa ang buo kong katawan
dahil hindi ko 'yon maigalaw. Natulos
ako sa pagkakakulong ko sa mga
braso niya.
"Ako dapat ang susundin mo." Bulong
nito, nagkasalubong ang aming mga
tingin dahilan para mapalunok ako.
May kung anong init ang lumulukob
sa buo kong katawan lalo at
nakakaakit ang pamumungay ng
kanyang mga mata dahil sa
kalasingan.
"Second---"
Bago pa ako makapagprotesta at
makaiwas ay dumiin na ang labi niya
sa mga labi ko. Napasinghap ako
kaya nagkaroon siya ng pagkakataon
na ipasok ang mainit niyang dila sa
aking bibig.
Para lang akong poste, hindi alam
ang gagawin at dapat na gawin.
Ramdam ko ang pagngiti niya
habang hinahalikan ako dahil sa
unang pagkakataon sa buong buhay
ko ay hindi ako naging sigurado sa
dapat kung gawin.
Shit! Shit! Shit! Ilang ulit akong
nagmura sa isipan ko.
Ang init na nararamdaman ko kanina
ay mas lalong nadagdagan at umabot
iyon sa mukha ko. Tangna! First kiss
ko ito, kahit hindi importante sa'kin
ang bagay na 'yon ay natulala pa rin
ako.
Hingal na hingal ako ng sa wakas ay
humiwalay ang labi niya sa'kin. Akala
ko tapos na ang kabaliwan niya pero
gan'on nalang ang pagkuyom ng
kamao ko ng bumaba ang basa
niyang labi sa leeg ko. Nagsitayuan
lahat ng balahibo ko sa katawan dahil
sa pagdila niya sa bawat daanan ng
labi niya.
This is fucking wrong! Dapat lumayo
ako.
"Stop it, Segundo." Kung nasa ibang
pagkakataon lang ay papalakpakan
ko ang aking sarili dahil hindi ako
nautal.
"No, ako ang amo mo kaya dapat ako
ang magsasabi ng dapat na gawin."
Nakakalokong sabi nito habang
patuloy pa rin sa ginagawa.
Napahawak ako sa malapad niyang
dibdib para sana itulak siya ngunit
agad niya iyong hinuli at inilagay sa
harapan niya kung saan ang
bumubukol niyang pagkalalaki.

"Shit!" Mura ko.


"I like that, dapat pala palagi kong
gawin sa'yo 'to para mawala ang
pagiging cool at misteryoso mo."
Nakakaakit ang kanyang boses dahil
medyo paos iyon dala na rin siguro
ng kalasingan at hingal sa naging
paghalik niya sa'kin na kulang nalang
ay malagutan ako ng hininga.
"Stop it."
Itinulak ko siya ng malakas pero hindi
ito natinag. Mas lalo lamang nitong
idiniin ang sarili sa'kin kaya tumatama
na ang kanyang pagkalalaki sa puson
ko. Hindi ako komportable.
"Ang bango mo." Ang halik nito sa
leeg ko ay napunta na ngayon sa
panga, nagtagis ang ngipin ko dahil
hindi ko na talaga gusto ang
ginagawa niya.
"Bullshit! Segundo I said stop. Lasing
ka na."
Hindi pa rin ako pinakawalan kahit na
halos sigawan ko na siya. Hindi gaya
noon na kapag may pagbabanta na
sa boses ko ay para siyang
maamong tupa na susunod ngayon
napakatigas ng ulo niya.
"I want you."
"Tangna! Hindi ako parausan,
maghanap ka ng iba." Asik ko,
konting konti nalang at napuputol na
ang pisi ng pasensya ko sa kanya.
"No, nandito ka na bakit pa ako
maghahanap ng iba?" Natigilan ako
dahil sa sinabi niya pero agad ko
iyong inalis sa aking isipan.
"Hindi ko maibibigay ang gusto mo."
Ewan ko pero para sa'kin ay doble
ang kahulugan ng mga sinabi ko.
"Delikado kapag kumuha ako ng iba
dahil baka may balak sila sa'kin at
patayin nila ako kaya ikaw nalang."
Giit niya.
Bumaba hangang sa dibdib ko ang
mga halik niya pero wala akong
magawa dahil kung pilit na pinipii ng
isip ko ang tama ay nananatiling mali
naman ang sinusunod ng puso at
katawan ko.
"Oh.." Fuck! Napaungol ako dahil sa
pagsapo niya sa dibdib ko, may suot
pa akong damit pero ramdam na
ramdam ko pa rin ang mainit niyang
palad.
"Langya! Captain anong nangyayari
sa'yo bakit ka umuungol? Salute."
Doon ako natauhan sa kabaliwan ko
dahil sa biglaang pagsasalita ni
Galero mula sa kabilang linya, hindi
ko maalala na nakabuwas pala ang
speaker kaya sigurado akong dinig
nilang lahat ang pinag-uusapan
namin.
Puno ng lakas kong itinulak si
Second at tuluyan na itong
napahiwalay sa'kin, bahagya pa itong
gumiwang mabuti nalang at mabilis
kong nasalo. Pinatay ko na rin ang
speaker dahil ayoko ng dagdagan pa
ang kahihiyan na dinanas ko.
"Uuwi na tayo." Tugon ko at
inalalayan ko na ito sa back seat,
ihiniga ko siya doon bago ako lumipat
sa driver seat.
Mukhang nakatulog na ito kaya
naging matiwasay ang biyahe namin
pauwi sa kanyang condo. Sinigurado
ko munang secured ang paligid bago
ko siya ginising ng makapagpark ako
ng kotse sa parking lot ng
condominium building namin.
"Sir, gising nandito na tayo." Tinapik
tapik ko pa ang kanyang mukha.
Umungol ito ngunit hindi naman
nagising. Napabuntong hininga ako
dahil sa konsimisyon sa kanya.
"Segundo, gumising ka na. Wake up,
hey." Inalog alog ko siya. Ilang minuto
ang inabot ko sa paggising sa
kanyang bago ito magmulat ng mga
mata.
Nagkasalubong ang tingin namin
pagmulat niya ngunit ako ang unang
umiwas ng tingin.
"Lets go, sa taas mo na ituloy ang
pagtulog mo."
Hindi ako nakarinig ng kahit ano
mang salita mula sa kanya. Seryoso
lang itong lumabas at nauna ng
maglakad papasok sa building.
Sumunod ako hanggang sa
makarating kami sa elevator.
Tulad kanina ng umalis kami ay
gan'on rin ngayon, tahimik at walang
ni isa ang nagsasalita parang hindi
kami magkakilala.
Hindi naman na siguro niya naaalala
ang pinaggagagawa niya kanina,
gan'on siya kapag lasing walang
matinong nagagawa pero kapag
nagising na ay hindi na makakaalala.
Mas mabuti na rin ang bagay na iyon
upang manatili kaming malayo ang
loob sa isa't isa.
Wala pa ring nagsasalita hanggang
sa makapasok na kami sa kanyang
condo. Kailangan ko munang
siguraduhin na ligtas ang buong lugar
bago ko siya iwan dito.
Maayos na ang loob nito hindi tulad
ng huli naming pagpunta na mga sira
dahil sa panloloob sa kanya.
"Magpahinga ka na, pagkatapos kong
i-check ang lahat ay babalik na rin
ako sa condo ko." Bilin ko sa kanya,
binuksan ko ang kanyang kwarto at
doon unang pinagmasdan ang
paligid. Ramdam ko ang pagsunod
niya sa'kin.
"Wag mo ng uulitin ang ginawa mo
kaninang pagsangga ng katawan mo
para hindi ako mapahamak." Malamig
ang boses niyang tugon.
"Hindi ko maipapangako 'yan, kung
kailangan masaktan ako para
siguraduhin kang ligtas ay gagawin
ko."
"Ganyan ka ba kahayok sa perang
ibinabayad ng daddy ko para pati
buhay mo ilagay mo sa panganib?"
Galit ang mababakas sa tono ng
boses niya.
Nilingon ko siya at napasinghap ako
ng makita ang kabuuan niyang
walang saplot.
Nakapamewang ito at tila
ipinagmamalaki pa ang perpektong
hubog ng katawan. Hindi naman ito
ang unang pagkakataon na makita ko
siyang walang saplot ni isa pero
ngayon lang ako nakaramdam ng
kakaibang kiliti sa kaibuturan ko at init
ng makita ko ang kanyang hubad na
katawan.
"Hindi pa man tayo magkakilala ito na
ang trabaho ko." Pasimple kong
inilihis ang tingin ko sa ibang bagay
para hindi ako matuksong pakatitigan
ang katawan niya.
Bagay na bagay sa kanya ang suot
niyang pucha pink brief na paborito
niya.
Namumutok ang kanyang abs at
muscles lalo na ang malaking bagay
na nasa gitna ng mga hita nito.
Tayong tayo iyon at parang handa sa
kahit ano mang laban.
Napalunok ako. Shit! This is bad!
Humakbang ito papalapit sa'kin kaya
humakbang ako papalapit sa ibang
parte ng silid.
"Babayaran kita kahit magkano
pumayag ka lang na hindi ikaw ang
maging bodyguard ko."
"Hindi lang dahil sa trabaho kaya
ginagawa ko ito."
"Kundi sa trabaho sa anong ibang
rason pa?"
Sa bawat hakbang niya ay palayo rin
ako nga palayo hanggang sa hindi ko
namalayang nasa gilid na ako ng
kama at sa muling paghakbang niya
ay napatumba ako doon.
Mabilis akong bumangon pero gan'on
rin kabilis ang pagdagan niya. Pigil ko
ang aking hininga dahil sa kakaibang
sensasyong namumuo sa puson ko.
"Hanggang kailan ka ba magiging
ganito? Hanggang kailan mo
iiwasang wag magkaroon ng paki sa
ibang tao. Nag-aalala ako sa'yo
kapag naiisip ko na maaari kang
mapahamak." Usal niya.
Mariin akong pumikit dahil sa walang
humpay na pagtibok ng aking puso
mabilis kaysa sa normal nitong tibok.
"Ano ba Segundo." Asik ko pero ang
pagtulak ko ngayon sa kanya ay
walang lakas dahil kahit nakahiga ako
ay ramdam ko ang panlalambot ng
mga tuhod ko.
"Ano bang ginawa mo sa'kin at ganito
ako kabaliw kapag ikaw ang pinag-
uusapan, ha?"
"Stop talking nonsense Segundo."
Hindi ito nagpatinag, pinilit niyang
hulihin ang aking tingin. Kitang kita ko
ang pagdaan ng emosyon hindi ko
mapangalanan sa kanyang
namumungay na mga mata.
"You are my bestfriend pero bakit sa
isang iglap parang ayoko ng maging
bestfriend mo lang?"

---------------------------
--

Chapter 17

I'm back! Pasensya na po sa matagal


na update, nasira po kasi ang cp na
siyang ginagamit ko sa paggawa ng
kwento kaya nastop ako.
Thanks for reading by the way.
-kuyajen
"You are my bestfriend pero bakit sa
isang iglap parang ayoko ng maging
bestfriend mo lang?"
Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
Nandoon na naman ang pagtambol at
pagwawala ng puso ko.
"Iisipin kong wala kang sinabi, lasing
ka lang."
Mas lalong dumilim ang kanyang
maamong mukha pagkarinig sa
sinabi ko.
"Nakainom ako oo, pero hindi ako
lasing." Asik niya. "Kahit anong lamig
ng pakikitungo mo sa'kin hindi ko
magawang hindi ka ituring na
kaibigan kahit ayaw mo. Hindi mo
maiaalis sa'kin na hindi mag-alala
sa'yo dahil mahalaga ka sa'kin."
Umiling ako. "We're not friends,
friends don't kiss." Tutol ko pa rin.
"Yeah, hindi naghahalikan ang
magkaibigan tulad ng paghalik ko
sa'yo kaya nga sinasabi kong hindi
nalang pagkakaibigan ang gusto ko."
Hindi pa rin nagbabago ang
ekspresyon ng kanyang gwapong
mukha.
"Kung ano man ang gusto mo wala
kang mapapala sa'kin."
Alam ko ang bagay na iyon dahil
hindi ako manhid. Oo, hindi ako
handa na darating pala ang
pagkakataon na darating kami sa
ganitong punto. Noon ay natatapos
ang araw namin na inaasikaso ko
siya at siya ay nangungulit pero ibang
iba na ngayon dahil hindi ko na
kayang magpanggap na ayos lang
ang lahat kahit ang totoo ay may galit
na nakatanim sa kalooban ko.
"Hindi naman tayo ganito dati,
nasaan na ang King ko na palaging
nandyan para alagaan ako? Nasaan
na ang bestfriend ko na hindi
naglilihim sa'kin?"
"Wala na, isipin mo nalang na patay
na ang bestfriend mong 'yon, nasa
realidad na tayo Segundo. Realidad
na bodyguard mo lang ako at ikaw
ang kliyente ko." Pilit kong gustong
ipaintindi sa kanya na nagbago na
ang lahat, dapat nga matagal ng
nangyari 'to dahil kailangan ko na
talagang tapusin ang misyon ko at
ang pangako ko kay Lorette. Tama
nga siguro si General at si Park,
nagiging pabaya ako kaya mas lalong
tumatagal ang paglutas sa kasong
ito.
"I hate you, galit ako sa'yo alam mo
'yon? Galit ako sa'yo dahil sa
pagtatago mo ng tunay mong
pagkatao, sa paglilihim mo sa'kin
tungkol sa totoo mong trabaho at sa
biglaan mong pagbabago pero mas
galit ako sa sarili ko dahil sa kabila ng
lahat ng 'yon hinahanap hanap pa rin
kita." Nag'iwas siya ng tingin ngunit
hindi nakaiwas sa paningin ko ang
pamumula ng kanyang mga mata.
Gusto kong hawakan ang mukha niya
at pawiin ang pagtatampo niya sa'kin
pero mas nangibabaw pa rin sa'kin
na palagpasin na lamang ito dahil
kung susuyuin ko siya babalik na
naman kami sa dati at back to zero
na naman ang kasong hawak ko.
"Ayos lang lahit magalit ka sa'kin
dahil wala ng magbabago. Ito ang
totoong ako at mananatili 'yong
gan'on." Wala mang emosyon na
makikita ngayon sa mga mata ko ay
hindi pa rin nakatakas ang kalooban
ko na makaramdam ng konting
konsensya. Naging mabuti siya sa'kin
simula noong maging magkaibigan
kami pero hindi dapat ako
magpalinlang dahil alam kong tulad
ko ay mapagbalatkayo rin siya.
"Nasasaktan ako." Bulong niya at
doon tuluyang umagos ang kanyang
mga luha. "Nasasaktan ako dahil
wala akong halaga sa'yo. I hate you, I
hate you Queen Antonia Santez. I
hate you." Pahina ng pahina ang
kanyang boses hanggang sa pumiyok
ito dahil sa pagpipigil ng pag-iyak.
Umalis siya sa pagkakadagan sa'kin
at binalot ang buong katawan ng
kumot. Nakatalikod siya pero dinig na
dinig ko pa rin ang pag-iyak niya.
Mapait akong napangiti. Nasasaktan
siya? Kung gan'on ay unti unti ko ng
natutupad ang pangako ko kay
Lorette? Pero bakit wala akong
maramdamang saya?

Nakatitig lamang ako sa kanyang


likod ng halos ilang minuto rin,
pinapakinggan ang paghagulhol niya
kahit mabigat sa kalooban ko.
"Umalis ka na." Dinig kong sabi niya
gamit ang garalgal na tinig.
Tumango ako kahit na hindi niya
nakikita at bumaba sa kami na hindi
inaalis ang tingin sa kanya. "Kapag
nakalabas na ako maligo ka at wag
magtalukbong ng kumot baka
mainitan ka. Matulog ka agad." Bilin
ko.
"I know what to do hindi mo na
kailangang ipaalala dahil hindi tayo
magkaibigan, umakto ka ayon sa
posisyon mo sa buhay ko." Galit
niyang sigaw habang nasa pareho pa
ring posisyon.
Hindi na ako kumibo pa at nagpasya
nalang na lisanin ang lugar niya.
Gulong gulo ako hanggang sa
makalabas ng condo niya. Ito ang
tama diba? Ito 'yon! Asik ko sa sarili
para kombinsihin ang kalooban ko na
pilit gustong bumalik sa loob at bawiin
lahat ng sinabi ko.
Napasandal ako sa pinto ng condo ko
at napahilamos sa mukha. Umakto ka
ayon sa posisyon mo sa buhay ko.
Right, kailangan kong panindigan ang
lahat dahil simula't sapol ay iyon ang
plano ko.
Tuluyan na akong pumasoksa sarili
kong condo at derideritsong nagtungo
sa banyo. Matapos kong hubarin
lahat ng saplot ko ay agad akong
pumailalim sa malamig na tubig mula
sa shower.
Natigilan ako ng maalala ang naging
halik sa'kin kanina ni Segundo. "Hindi
na naman niya kailangang magpaturo
kung paano humalik." Natatawa
nalang ako dahil doon.
Nature na siguro ng mga lalaki ang
pagiging maalam sa gan'ong bagay
kahit hindi pag-aralan.
KINABUKASAN. Mabigat man ang
pakiramdama ay pinilit ko pa ring
bumangon dahil kailangan.
Mabilis akong naglinis ng katawan at
nag-ayos wearing my usual attire
bago nagpasyang katukin si
Segundo. Agad namang bumukas
ang pinto at bahagya pa akong
natigilan ng bumungad sa'kin ang
mukha ng panganay na Castillion, si
First. Siya ang nagbukas ng pinto.
Niluwagan lamang nito ang
pagkakabukas ng pinto at walang ni
isang salitang sinabi syaka muling
bumalik sa loob. Seryoso lamang siya
at parang tuod.
Lihim akong napangiti sa asta nito,
hindi ako nakaramdam ng ilang o
takot sa nakakaintimedate nitong
aura dahil alam kong may itinatago
itong pagkaisip bata lalo sa harap ng
asawa.
"Sama ka nalang kasi sa'min Kuya
Second, maraming chicks doon at
siguradong hindi ka mazezero." Ilang
hakbang palang ang nagagawa ko ay
dinig ko na ang familiar na boses ni
Fifth, siguro'y narito ang
magkakapatid.
"No thanks." Si Segundo.
"Kaya ka nagkakaganyan dahil sa
boring mong lifestyle, dapat sa'yo
nagsesettle down." Dinig ko rin ang
boses ni Third.
"Settle down your ass! Nahiya naman
ako sa nagpayo ng bagay na 'yon."
Sinundan iyon ng mga tawanan bago
sila matigilan ng makita ako.
Nakaupo sa sahig sina Third, Fifth at
Seven habang si Six ay nakadapa at
tutok sa T.V, si First at Fourth naman
ay sa couch. Nagkalat ang box ng
pizza at coffee na may pangalan pa
ng starbucks na sa baba lang
makikita.
Samantalang si Segundo ay topless
habang nakapamewang sa harap ng
mga kapatid. Lahat sila napabaling
sa'kin.
"Oh hi Beautiful." Agad na bati sa'kin
ni Fifth na may nakakalokong ngiti na
palaging nasa labi nito.
"Good morning Anton." Tugon ni
Third.
"Good morning Agent Santez." Si Six.
Tumango ako. "Good morning."
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay
humarap ako kay Segundo na
ngayon ay kasing lamig na ng yelo
kung tumingin. "Hindi ka muna
pupunta sa kahit saang lugar
ngayong araw, aayusin ko ang bago
mong schedule at ikakansela lahat ng
event na pupunta mo sa mga public
places para makasigurado." Bilin ko,
awtomatik na nagsalubong ang
kanyang mga kilay na inaasahan ko
na.

"Ano ba kita nanay o bodyguard?"


Pabalang niyang tanong.
Tahimik lamang ang kanyang mga
kapatid at nawala ang ingay ng
asaran ng mga ito ng marinig ang
sinabi niya. "I am your bodyguard,
pero tandaan mo na ako rin ang
manager mo at humahawak sa
career mo."
"Maghahanap ako ng bagong
manager----"
"No, wag matigas ang ulo mo dahil
para rin ito sa'yo." Pagpuputol ko sa
mga sasabihin niya dahilan para mas
lalong mabakas ang iritasyon niya.
"Bodyguard lang kita kaya wala kang
karapatang dektahan ako." Seryoso
niyang tugon.
Doon na tumaas ang kilay ko,
pinanindigan niya talaga ang mga
sinabi niya kagabi. Pwes,
magpapatigasan kami ng ulo.
"Hindi kita dinidektahan, kaligtasan
mo lang ang inaalala ko."
Ngumisi siya ng mapanuya.
"Kaligtasan ko o ang sweldo mo?"
"Bahala ka kung ano ang gusto mong
paniwalaan basta sumunod ka
nalang."
"Paano kung hindi ako sumunod?"
Panghahamon niya. Tsk. Isip bata pa
rin talaga kahit seryoso.
"Try me Segundo, wag kang
sumunod para makita mo ang
hinahanap ko."
Naputol lamang ang paglalaban
namin ng malamig na tingin dahil sa
pagpalakpak ni Fifth.
"Andres de saya, dude." Humalakhak
pa ito na animo'y tuwang tuwa.
"Tangna! Mukha silang mag-asawang
may LQ." Dagdag ni Six. Hindi ko
pinansin ang kabaliwan nila at muling
bumaling kay Segundo.
"Gawin mo ang sinabi ko." Iyon lang
at umalis na ako.
Pagkarating ko sa groundfloor ay
agad ma sumalubong sa'kin ang may
ngiting asong mukha ni Galero.
"Stand by kayo dito, aalis lang ako
saglit. Wag niyong hahayaang
lumabas si Segundo at pakisecure
pati kaligtasan ng mga kapatid niya."
Bilin ko.
"Captain pansin ko lang nagiging
madaldal ka lang kapag tungkol kay
Boss Second ang usapan." May
bahid ng kantyaw ang boses niya na
tinaasan ko lang ng kilay.
"Atupagin mo ang trabaho mo wag
ang pagiging chismoso." Tugon ko,
napakamot nalang siya sa kanyang
batok. "In case na magpumilit siyang
lumabas tawagan mo agad ako."
"Yes Captain, copy. Salute." Tumango
nalang ako. "Nasa parking lot na nga
pala ang motor mo, inayos ko na."
Nagtungo ako sa parking lot at ng
makita ang motor ko ay agad akong
sumampa doon. Sa wakas
magagamit na rin kita ng hayagan.
Mabilis ko iyong pinaharurot palayo
sa lugar at tinahak ang direksyon
papunta sa CBE building na pag-aari
ng mga Castillion, pinamumunuan ito
ni Third at ito ang network na
kinabibilangan ni Segundo.
"Good morning Direk." Salubong
sa'kin ng assistant ko pagkarating ko.
"Nasaan ang team?" Tanong ko.
"Nasa office niyo po Direk
naghihintay."
Naglakad ako papasok hanggang sa
makarating sa dulong bahagi ng first
floor kung saan ang designated office
ko, may office ako dito dahil regular
ditector ako na nangyari sa
kagustuhan ni Segundo.
Agad na nagsitayuan ang mga taong
naabutan ko doon at kanya kanyang
bumati na ginantihan ko lamang ng
tango.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa,
ipupull out ko si Second Castillion sa
project."
Nagkatinginan sila at bakas sa mga
mukha ang kaguluhan. Naiintindihan
ko ang mga reaction nila, ngayon
lang nangyari ito na bibitaw si Second
sa project niya pero mas makakabuti
iyon sa ngayon para hindi siya
maexpose sa tao.
"Ahm, Direk pwede po bang
malaman kung bakit?"
"Personal matter but don't worry
hahanap ng bagong main character
ang direktor na papalit sa'kin
pansamantala." Ayaw ko mang
magpaliwanag ay wala akong
pagpipilian. Napasinghap sila pero
hindi na ako nag-abalang pansinin
iyon.
"Magpapakasal na po ba kayo?"
Nagulat ako sa tanong ng isa ko pang
kasamahan. "What?"
"Personal matter 'yon diba? At sabay
pa kayong magpupull out sa project."
Sinamaan ko ito ng tingin dahilan
para yumuko. "That's none of your
business, tuloy ang project kahit wala
kami. No more questions, that's final."
Puno ng awtoridad kong tugon, agad
naman silang nagsitanguan.
Muli akong humarap sa assistant ko.
"From now on wala munang updates
sa social media ang dapat na
lumabas tungkol kay Second, wag
mong ipapaalam ang schedule niya
sa publiko at kung ano man ang
ginagawa niya."
"Yes Direk, ako na po ang bahala."
"Okay, aa---" natigilan ako ng
magvibrate ang cellphone ko na nasa
bulsa. In-on ko ang speaker na nasa
tenga ko. "Yes?"
"Captain natakasan po kami ni Boss
Second." Hingal na bungad ni Galero.
Napamura ako at agad na lumabas
kahit hindi pa nagpapaalam sa mga
taong kausap ko.
"Sinabi kong bantayan niyo ng maigi."
Singhal ko habang malalaki ang mga
hakbang palabas.
"Binantayan naman namin kaso ng
umalis ang mga kapatid niya lumabas
din siya at pinagbubugbog kami
noong pinigilan namin." Paliwanag
nito.

"Nagpabugbog naman kayo?"


"Captain dehado kami dahil hindi
namin siya pwedeng gantihan."
Napapailing ako sa sobrang
frustration. Napakatigas ng ulo niya at
talagang sinusubukan ako.
Pagkarating ko sa motor ko ay siya
namang pagdating ni Third. Kumunot
ang noo nito ng makita ang
pagmamadali ko.
"What happened?" Tanong niya.
"Yong kapatid mo tinakasan ang mga
bantay niya."
Natawa ito. "Pagpasensyahan mo
na."
"Pagpasensyahan mo na rin kung
hindi ko siya maabutang buhay dahil
sa pagiging pasaway niya."
Natigilan ito at agad na bumalatay
ang pag-aalala sa mukha. Agad ko
namang pinaharurot ang motor ko.
Ibinalik ko sa linya si Galero habang
nasa daan.
"Nasundan niyo ba?"
"Yes Captain, pumasok siya sa isang
hotel."
"Hotel? Nang ganito kaaga?" Singhal
ko.
Tumawa ng pagkalakas lakas si
Galero na ikinainis ko. "Captain ang
libog ng mga lalaki walang pinipiling
oras." Anito.
"I know, bantayan niyo at i-secured
ang area."
"Copy that Captain."
"I-send mo sa'kin ang address ng
hotel."
Ilang sandali lang ang hinintay ko at
agad kong natanggap ang address
ng hotel. Hindi na ako nag-aksaya ng
oras at agad ko iyong pinuntahan.
Mas dinoble ko ang bilis ng
pagmamaneho upang makarating
agad doon.
Lumalabas na talaga ang totoong
kulay mo Segundo. Nagtagis ang
bagang ko dahil sa inis.
Pagkarating sa naturang hotel ay
nakita ko agad na papalapit sa'kin si
Galero sapu sapo nito ang panga
pero nakangisi pa rin.
"Captain---" hindi pa man natatapos
ang sasabihin niya ay sinalubong ko
siya ng isang suntok at tumama iyon
sa kanyang mata. "Ouch!"
"Mga walang kwenta, kung 'yong
binabantayan niyo nga naisahan kayo
paano pa kaya ang nagtatangga sa
buhay niya." Singhal ko. Para naman
itong batang napayuko.
"Pasensya na Captain."
Nilagpasan ko siya. "Sa susunod
kapag naulit 'to tatanggalin ko kayo
sa kasong 'to."
Lumapit ako sa receptionist. "Anong
kwarto si Second Castillion, miss?"
Nakatitig lamang ito sa'kin at hindi
kumukilos kaya tinaasan ko siya ng
kilay.
"Ma'am hindi po kami pwedeng
magbigay ng info---"
"Kapag may nangyaring masama sa
amo ko mawawalan ka ng trabaho."
Nanlaki ang mga mata ng babae at
dali daling tumalima.
"Room 2116 po, second floor."
Naglakad ako patungong elevator at
pinindot ang second floor. Hinanap ko
ang nasabing kwarto at nakita ki iyon
sa pinakadulo. Kumatok ako ng ilang
beses ngunit walang nagbubukas.
Nagsimula na siguro ang seremonyas
nila. Inulit ko ang pagkatok pero wala
pa rin kaya napilitan akong buksan
iyon sa paraang alam ko.
Kumuha ako ng pin na nasa buhok ko
at kinalikot ang door knob, ilang
sandali lang ay narinig ko na ang
pagclick nito hudyat na bukas na.
Pinasok ko ang kwarto ngunit walang
tao, hinalughog ko ang bawat sulok
nito pero wala akong nakitang
Segundo. Shit!
Nagvibrate ang cellphone ko kaya
mabilis ko iyong sinagot. "What?"
"Anong what? Bakit mo iniwan dito
mag-isa ang alaga mo?" Matinis na
tinig ni Park ang sumalubong sa'kin.
"Saan?" Naguguluhang tanong ko.
"Saan pa ide sa condo niya. Tsk. Ano
ka ba naman paano kung napahamak
siya dito-----"
Pinatay ko ang tawag at
nanghihinang napaupo sa kama.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil
sa katangahan ko. Bakit hindi ko
naisip ang bagay na 'yon?
"Hindi siya umalis sa condo kung
gan'on? Sino ang sinasabi ni Galero
na sinundan nila at gumulpi sa
kanila?"

---------------------------
--

Chapter 18

Seventeen years ago.


"Bro, bakit napakaaga natin ngayon?"
Humihikab na tanong ni Third.
"Sumunod ka nalang kaya."
Hila hila ko ang kwelyo niya ng
tuluyan kaming makapasok sa school
campus. This is my first time go to
school this early pero wala akong
paki.
"Anong demonyo ang sumapi sa'yo
'bro at ang sipag mo ngayong
pumasok kung hindi ko pa alam ay
isa ka sa palaging nangunguna sa
pagkacutting classes tapos ngayon
6:00 A.M palang nandito na tayo." Sa
kabila ng antok ay mababakas ang
pagkamangha at pagtataka sa boses
niya.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap
si Third. Nahihiya akong napakamot
sa batok ko. "Actually pumasok ako
ng maaga dahil may gusto akong
makitang babae." Pagtatapat ko.
Parang magic word ang salitang
babae dahil sa mabilis na pagliwanag
ng mukha niya at nawala bigla ang
antok.
"Babae? Maganda ba? Sexy? Hot?
Magaling ba?" Hindi magkamayaw na
tanong niya kaya binatukan ko siya.
"Kapag talaga babae nabubuhayan
ka, oy totoy third year high school ka
palang wag puro pambababae ang
atupagin mo." Kantiyaw ko.
"Ako pa ngayon ang pambababae
ang inaatupag, oy intoy fourth year
high school ka palang wag puro
paglalandi ang atupagin mo." Sagot
niya at talagang ginaya pa ang boses
ko.
Akmang babatukan ko ulit siya ng
umiwas siya at tinalikuran ako pero
ang kumag ay may nabunggo dahil
hindi tumitingin sa dinadaanan.
Kaagad akong tumakbo sa kanya at
sa babaeng nabunggo niya. Nalaglag
ang mga dala nitong libro kaya
mabilis ko iyong tinulungan gan'on
din si Third.
"I'm sorry miss hindi ko sinasadya."
Paumanhin niya.
Matapos naming pulutin ang mga
libro ay mabilis din kaming tumayo at
hinarap ang babae.
"Ayos lang, maraming salamat sa
pagpulot ng mga libro ko." Nakangiti
niyang sagot gamit ang malamyos na
boses.
Natigilan ako at napakurap kurap
dahil ang babaeng nasa harap namin
ngayon ay ang babaeng dahilan kung
bakit maaga akong pumasok sa
unang pagkakataon sa tanang buhay
ko.
Napakaganda niya lalo at nakangiti.
Tuwid na tuwid ang hanggang
bewang na maiitim na mga buhok.
Maliit ang hugis pusong mukha na
may magagandang mga mata na
hindi man singkit ay hindi rin naman
malaki. Matangos ngunit maliit ang
ilong at may maninipis na pares ng
mga labi.
Para siyang anghel na nagmula sa
langit at pinababa sa lupa upang
maghasik ng kagandahan.
Bakas sa maamo niyang mukha ang
pagiging mahiyain.
"Walang ano man miss kasalanan ko
naman." Dinig kong sagot ni Third
samantalang ako ay nakatulala lang
sa kanya.
Yumuko siya na tila nahihiya. "Sige
una na 'ko."
Para akong may nakikitang mga stars
at paru paro sa paligid dahil sa
pagkabighani sa ganda niya. Siya
ang pinakamagandang babae na
nakita ko simula ng matutunan ko
ang salitang maganda.
"Hoy 'bro nakaalis na kaya pwede mo
ng itikom 'yang bibig mo at baka
mapasukan ng langaw." Doon
lamang ako natinag ng maramdaman
ko ang tapik ni Third.
Napakurap kurap ako at nagpalinga
linga sa paligid. "Saan nagpunta?"
"Mukhang ikaw 'yong mas inaantok
pa sa ating dalawa e." Kantiyaw niya.
Hindi pinansin ang tanong ko.
"Shit! 'Bro siya 'yong babaeng
sinasabi ko sa'yo. Nakita ko siya na
tumitingin sa bulletin board last friday
at puta talagang nagandahan ako
sakanya." Parang asong ulol kong
pinanggigilan ang leeg niya at sinakal
gamit ang mga braso ko.

Napangiwi siya. "Ouch! O-Oo


maganda nga at sexy pero mukha
walang interest sa'yo."
Binatukan ko siya dahil sa sinabi
niya. "Gago, kikilalanin ko siya at
sisiguraduhin kong mapapansin niya
ko."
"Mas gago ka, sa kagwapohan ko
nabighani hindi sa'yo."
Nakawala siya sa pagkakasakal ko
kaya hinabol ko siya.
Simula ng araw na una kong makita
ang babaeng 'yon ay hindi na siya
mawala sa isip ko.
Araw araw akong maagang
pumapasok tulad ng oras ng
pagpasok niya. At palagi kong nililibot
ang buong campus kapag break time
pero hindi ako nagkaroon ng
pagkakataon na malapitan at
makausap manlang siya. Ni pangalan
niya ay hindi ko nagawang itanong sa
mga panahong 'yon.
Hanggang tingin at pagpapantasya
nalang ako mula sa malayo.
"Sir, sir gising."
Napabalikwas ako ng bangon dahil
sa mga yugyog na naramdaman ko.
Nasapo ko ang ulo ko dahil sa naging
panaginip ko. Hindi ko alam kung
magiging masaya ako o
maguguluhan dahil after seventeen
years bumalik na naman sa'kin ang
gan'ong klase ng mga panaginip na
matagal ko nang kinalimutan.
"Are you okay?" Napatingala ako
mula sa pagkakaupo ko sa couch
dahil sa familiar na tinig ni Anton.
"Ayos lang ako." Don't worry. Gusto
ko sanang idugtong pero ayokong
mapahiya dahil alam ko namang wala
siyang pakialam sa'kin.
Nag-iwas ako ng tingin dahil titig na
titig siya sa'kin na tila inaarok kung
nagsasabi talaga ako ng totoo.
"Mabuti nalang talaga at nandito ako
kung hindi matagal ng napugutan ng
ulo 'yang alaga mo." Tugon ni Gale
na nasa single couch sa harap ko.
Ilang sandaling namayani ang
katahimikan sa pagitan naming tatlo.
Gusto ko sanang itanong kay King
kung bakit kaaalis niya lang at
nandito na agad siya pero mas pinili
mo na lamang na manahimik dahil
hanggang ngayon hindi pa rin ako
sang-ayon na siya ang tumatayo
kong bodygurad.
"Get up sir." Pagbasag niya sa
katahimikan. Lihim akong napangisi
dahil sa pagtawag niya sa'king sir.
Pinangatawanan niya talaga, ibig
sabihin lang walang halaga ang
pinagsamahan namin bilang
magkaibigan. "May pupuntahan
tayo." Doon ako napatingin muli sa
mukha niya.
"Saan tayo pupunta?" Naguguluhang
tanong ko, bumaling ako kay Gale
para sana magtanong pero nauna na
siyang magkibit balikat.
"Magbihis ka nalang, suotin mo ang
pinakakomportableng damit na
pwede mong suotin." Utos niya.
Naguguluhan man ay sinunod ko
nalang ang gusto niya. Kung matigas
ang ulo ko ay mas doble ang sa
kanya kaya alam kong mauuwi sa
hindi maganda kapag sinabayan ko
siya.
"ANONG nangyari at mukhang balisa
ka?" Bakas ang kuryusidad na
tanong ni Gale ng makitang
nakapasok na si Second sa kwarto
nito.
Pabagsak akong umupo sa couch na
kanina lang ay kinahihigaan ni
Second. Kadarating ko lang galing sa
hotel at hanggang ngayon ay wala pa
rin akong makitang butas kung sino
ang tinutukoy ni Galero kanina.
Ikweninto ko iyon kay Gale at sa
buong sandaling pagsasalaysay ko
ay seryoso lang siyang nakatingin
sa'kin.
"Pagdating ko kanina dito ay nandito
pa ang magkakapatid na Castillion at
noong nagsialisan at sinabing wala
ka ay nagpaiwan na ako para
masigurado ang kaligtasam ng alaga
mo."
Tumango ako. "Salamat."
"Wala sa'kin 'yon, so anong plano
mo?"
Napabuntong hininga ako dahil
pakiramdam ko ay hapong hapo ako.
"Balak ko siyang turuan ng self-
defense at paghawak ng baril."

"What? Sigurado ka ba sa bagay na


'yan?"
"Yes, napagtanto ko kanina noong
nasa hotel ako at wala akong
dinatnan ay nalinlang ako. Dahil do'n
masasabi ko na hindi nga biro ang
mga banta sa kanya, magaling ang
kung sino mang nasa likod ng kasong
ito kaya gusto ko siyang turuan para
kung sakaling maulit ang ganitong
pagkakataon ay maprotektahan niya
ang sarili niya." I explained.
"Mahihirapan ka sa plano mo kung
magiging bihasa siya sa
pakikipaglaban."
Natigilan ako at sandaling napaisip
kung ano ang tinutukoy niyang plano.
Napailing ako ng maintindihan ang
pinupunto niya. Sandali kong
nakalimutan na balak ko palang
paghigantehan si Second.
"Hindi na muna iyon ang iniisip ko sa
ngayon." Katwiran ko.
"Kung magiging magaling siya sa
pakikipaglaban mahihirapan ka, para
mo na ring ipinaalam ang kahinaan
mo sa kaaway."
"Ako ang magtuturo kaya alam kong
hindi ako mahihirapan kapag
isinakatuparan ko na ang plano ko."
Pinakatitigan niya ang mukha ko at
ilang sandali lang ay napapailing na
tila hindi sang-ayon. "Tandaan mo na
minsan mas nagiging mas magaling
isang estudyante kaysa sa teacher
niya."
Hindi na ako kumibo pa dahil sa
sinabi niya sakto naman siyang
paglabas ni Second. Nakabihis na ito,
wearing a black plain shirt na
pinatungan ng leather jacket at denim
jeans. Sneakers ang saplot nito sa
paa na inaasahan ko na dahil alam
kong iyon ang get-up na
pinakakomportable siya.
Tumayo na ako at iniwasang
mapatingin sa gwapo niyang mukha
dahil ayokong hangaan 'yon.
"Let's go, sumama ka Park para may
alalay ako." Tugon ko na hindi
lumilingon.
"Wow, grabe ang bait mo talaga
Anton ginawa mo pa akong alalay."
Asar niyang tugon. "Kapag talaga
nakahanap la ng katapat mo ay
pagtatawanan kita ng sobra sobra,
labas pati gilagid."
Nagkibit balikat lamang ako.
"Saan ba tayo pupunta?" Singit ni
Second at hinila ako para humarap
sa kanya. Walang nag-iba sa reaction
niya seryoso at malamig.
Akmang bubuka palang ang bibig ko
para sumagot ay dumada na si Gale.
"Sa bahay niya, tuturuan ka ng self-
defense at paghawak ng baril para
maprotektahan mo ang sarili mo."
Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha
niya dahil sa narinig. "Really?"
"Yeah." Simpleng sagot ko.
"Lets go then." Aniya at nauna ng
lumabas ng condo.
"Check the premises, pababa na
kami." Utos ko kay Galero na nasa
kabilang linya.
"Yes Captain, Salute."
Nasa elevator na kami ng
magsalitang muli si Second.
"Kumusta nga pala ang schedule
ko?" Nakasandig ito sa metal na
dingding at nakapaloob ang
dalawang mga kamay sa kanyang
bulsa.
"Ayos na, sa susunod na araw
magseset ako ng appointment mo
para sa isang live interview para
pormal kang magpaalam sa
panandilian mong pagtigil sa
showbiz." Pormal kong paliwanag.
Tinatamad akong magsalita pero
wala akong pagpipilian kundi ang
magsalita ng magsalita dahil
kailangan kong isalaysay sa kanya
ang bawat detalye para maging
madali ang lahat.
"Seriously? Kailangan kong tumigil?"
Hindi makapaniwalang tanong niya.
Well, naiintindihan ko ang reaction'ng
'yon dahil kahit pasaway siya sa
larangan ng trabaho niya ay alam
kong mahal niya ang pag-arte at
masaya sa na gawin 'yon.
"Yes, para maiwasang mapunta ka sa
lugar na maraming tao at maging
private lahat ng nangyayari sa'yo."
Marahas siyang napabuga ng hangin.
"I'm a public figure kaya kahit wala
ako sa showbiz ay hindi ako
magkakaroon ng privacy."

"Exactly, public figure ka kaya mas


madaling malaman ng tatangka sa
buhay mo kung nasaan ka dahil
maraming mga tao ang
sumusubaybay sa'yo at hindi 'yon
maiiwasan pero maaari naming
bawasan at iyon ang purpose ng
pansamantala mong pagtigil.
Kailangang mabawasan ang mga
matang nakasunod sa'yo."
Nawalan siya ng pagkakataon na
umangal dahil bumukas na ang
elevator. Tuloy tuloy ako sa
paglalakad habang nasa likod ko siya
at bahagyang nahuhuli sa kanya si
Gale.
"Clear Captain, ligtas ang lugar kaya
pwede na kayong lumabas." Dinig ko
ang boses ni Galero.
"Good."
HALOS isang oras ang itinagal ng
pagmamaneho ko bago makarating
sa bahay. Tahimik lang sa tabi ko si
Secomd samantalang si Gale ay
nakatulog na sa backseat.
"Kaninong bahay 'to?" Nagtatakang
tanong ni Second ng awtomatikong
bumukas ang gate ng tumapat doon
ang kotse ko.
Tama, dito ko siya dinala sa bahay ko
dahil wala na naman akong dapat na
ilihim sa kanya dahil alam na niyang
isa akong agent. Isa pa ay wala
akong ibang maisip na ligtas na lugar
na maaari kong pagdalhan sa kanya.
Yeah right, sinasabi mong ligtas ang
lugar mo sa kanya?
Ligtas nga ba?
"Bahay ko."
Hindi makapaniwala itong bumaling
sa'kin at muling ibinalik ang tingin sa
bahay ko.
"Really? Sa'yo 'to?'
Itinigil ko ang sasakyan sa front door.
"Oo, dugo at pawis ang pinuhunan ko
para maipatayo ito."
Lumingon ako sa backseat at
bahagyang tinapik ang balikat ni Gale
para gisingin ito. "Wake up, nandito
na tayo." Umungol ito at ilang sandali
lang ay nagmulat na ng mga mata.
"Baba na."
Deri-deritso akong naglakad papasok
sa bahay dahilan para matigilan ang
mga katulong. Lahat ng mga ito ay
yumuko at sa kanilang tatlo ay
tanging si Cindy lamang ang
naglakas ng loob na lumapit sa'kin.
"Maghahanda po ba ako ng
pananghalian?" Magalang niyang
tanong.
"Yes, please." Sabat ni Second na
ngayon ay nakangiti sa kaharap.
Yumuko ito habang namumula ang
magkabilang pisngi. "S-Sige po."
Nauutal niyang sagot.
Naiilang itong tumingin sa'kin bago
tuluyang magtungo sa kusina.
Kumunot ang noo ko ng
makaramdam ng inis dahil kinawayan
pa ito ni Second, kung hindi ako
nagkakamali ay walang interes ang
taong 'to sa kahit sinong babae. Pero
bakit--- well I don't give a damn!
"Sa basement tayo." Tugon ko.
"Ang ganda at ang laki ng bahay mo
bakit mas gusto mo sa condo?" Si
Second.
Hindi ako sumagot.
"Remember, binabantayan ka niya
kaya hindi siya pwedeng maglagi dito
dahil mapapalayo sa'yo." Paliwanag
ni Gale.
Naging tahimik muli ang dalawa
hanggang sa makarating kami sa
basement.
"Wow!" Bulaslas niya pagkakita ng
loob.
A typical training room. Maraming
mga baril at ang nasirang punching
bag ay pinapalitan ko na.
Mabuti at nalinis ni Cindy. Sa isipan
ko dahil hindi ko na nakita ang mga
poster niya na pinag-initan ko ng huli
akong umuwi.
"Hindi ka naman siguro takot
humawak ng baril?" Si Gale.
"Minsan na akong dinala ni daddy
noon sa shooting range."
Kinuha ko ang dalawang pares ng
gloves dahil gusto kong simulan ang
pagtuturo sa kanya kung paano ang
tamang pagsuntok.
"Here." Ihinagis ko iyon sa kanya na
mabilis niya namang nasalo. "Hubarin
mo ang jacket mo para mas maging
komportable ka."
MABILIS akong tumalima ng ihagis
niya sa'kin ang gloves. Habang
ipinapalibot ang tingin sa training
room na kinatatayuan namin ngayon
ay masasabi kong hindi ko pa pala
talaga siya lubusang kilala.
Wala ni sa panaginip ko na
makakatuntong ako sa ganitong lugar
na siya ang nagmamay-ari.
Ilang ulit akong napabuntong hininga
habang namamangha pa rin sa iba't
ibang uri ng mga baril na nakalatag
sa metal na lamesa. May iba't ibang
uri rin ng patalim. May shooting range
at boxing ring.
May hindi pa kaya ako alam sa
pagkatao mo?
Pagkatapos kong hubarin ang leather
jacket ko ay sinuot ko ang gloves.
Nakatingin lamang ako kay King na
abala rin sa pagsusuot ng gloves.
Kahit anong lihim pa ang unti unti
kong natutuklasan sa totoo niyang
pagkatao ay hindi ko tuluyang
magawang magtanim ng galit sa
kanya. Walang akong lakas ng loob
na kagalitan siya kahit naglilihim siya
sa'kin
Siguro kunting tampo dahil matagal
niyang inilihim ang pagiging agent at
hired bodyguard niya pero mas
nangingibabaw pa rin sa'kin ang
kagustuhan na nasa tabi ko siya.
Pipilitin kong maging magaling at
matutunan lahat ng ituturo niya para
maprotektahan ko siya. Hahayaan
kong maging bodyguard siya pero
hindi ko hahayaang mapahamak siya
ng dahil sa'kin.
Not my King.
Yes, she's mine.

---------------------------
--

Chapter 19

Editing pa po itong chapter na 'to.


Pakibalikan nalang po mamaya.
Thank you.
-kuyajen
Abala ako sa pagbabasa ng history
book ng dumating si Lorette at tila
bulating binudburan ng asin dahil
parang nangingisay.
"Oh my g, talaga! Nakasalubong ko
sila." Tili niya at sinamahan pa ng
hampas sa braso ko.
Nakangiwi akong bumaling sa kanya
at inayos ang pagkakaupo sa paanan
ng puno na madalas kong tambayan
dito sa loob ng campus.
"Tsk. Para lang bulate."
Bumungisngis siya, ni hindi pinansin
ang sinabi ko at niyakap ang mga
libro. "Grabe ang gwapo niya talaga,
kahit umaga palang ang hot na niya."
"Okay." Sagot ko. Mukha siyang
nangangarap kaya nagkibit balikat
nalang ako.
"Gusto kong mapakanta ng, nasa'yo
na ang lahat. Eeeee, grabe
napakagwapo na napakabait pa
niya."
Napapakamot ako sa tenga dahil sa
pagkatulili sa sigaw niya. "Alam mo
kung sino man 'yang dahilan ng kilig
mo goodluck sa kanya dahil naagaw
niya ang pansin mo." Sarkastikong
tugon ko.
"Ang sama nito, naappreciate ko
talaga na kaibigan kita." Tatawa tawa
niyang sagot at mahigpit akong
niyakap. "Alam mong matagal ko ng
gusto 'yong tao kaya pagbigyan mo
na ako."
"I don't trust men. Masasaktan ka
lang."
Nagkibit balikat siya. "I know
masasaktan ako, pero who cares at
least sumaya ako."
"Hindi ko alam kung paano ka sasaya
kung masasaktan ka naman."
"Pain is part of love and loves is
happiness."
"Yan ang bagay na hindi ko kayang
intindihin."
Napahagikhik siya dahil sa sinabi ko.
"One day may lalaking magtuturo
sa'yo ng bagay na 'yon at
maiintindihan mo ang sinabi ko."
"I don't think so."
Bumalik ako sa pagbabasa ng ilang
ay nakaigtad ako sa biglaang pagtili
ni Lorette.
"Si Second." Pinagkukurot niya ako
habang tinuturo ang isang lalaki na
sinundan ko ng tingin pero dahil
nakatalikod ay hindi ko nakita ang
mukha.
"Ang gwapo gwapo niya talaga, naku
kapag siya naging boyfriend ko
ipapalasap ko sa kanya ang tunay na
kahulugan ng langit."
Nagkibit balikat ako sa pero agree
ako sa sinabi niyang gwapo nga ang
lalaki dahil kahit likod lang ang nakita
ko ay agaw pansin ang ganda ng
kanyang katawan.
ILANG sandali lang ay nasa loob na
kami ng ring. Titig na titig pa rin ako
sa kanya dahil hindi ko mapigilang
hindi humanga sa ganda niya.
Ngayon lang ako nakakita ng babae
na ganito kacool wearing a boxing
glove, nakamessy bun ang
mahabang buhok, nakasports bra at
fitted sport leggings at nakayapak.
Seryoso ang magandang mukha
habang kinokondisyon ang katawan.
"Ayoko na." Sabi ko.
Kunot noong bumaling siya sa'kin.
"Hindi pa tayo nagsisimula."
"Yon nga e, hindi pa man tayo
nagsisimula tinamaan na ako sa'yo."
"What the! What are you talking
about Segundo? Hindi pa nga ako
sumusuntok."
Nag-iwas ako ng tingin dahil base sa
reaction niya ay hindi niya nagets ang
ibig sabihin ko. Lihim nalang akong
napailing habang pinapakiramdaman
ang mabilis na tibok ng puso ko.
Bakit ba nakalimutan kong wala
siyang sense of humor pagdating aa
bagay na 'yon?
Tinapik ko ang dibdib ko na ilang ulit
ko ng sinaway pero ayaw pa rin
patigil sa pagwawala. Kilalang kilala
talaga kung sino ang amo niya.

Napailing ako. No, no, Segundo hindi


makakabuti sa inyo ang nasa isip mo.
Dahil sa pagkatulala ko ay hindi ko
namalayang paparating ang kamao
niya. Napangiwi ako ng tumama iyon
sa mukha ko at natumba ako. Mabuti
nalang at foam ang sahig ng ring at
hindi ako gaanong nasaktan.
"FIRST, you need to focus, wag kang
titingin sa kung saan saan para
maiwasan ang distraction." Sabi ko
habang nakatingin sa nakangiwing si
Second.
"Ang ganda mo namang distraction."
Nailang ako sa klase ng tingin niya,
nagbigay iyon sa'kin ng ibang bilis ng
pagtibok ng puso ko kaya nasuntok
ko siya ng biglaan.
I am distracted to his presence na
masamang sinyales.
"Bakit hindi mo sinabing magsisimula
na?"
"Kapag nasa totoong laban ka na sa
tingin mo sasabihin sa'yo ng kalaban
mo na susuntukin ka na niya?"
Sarkastikong sagot ko.
Dahan dahan siyang tumayo habang
ini-stretch ang leeg.
"Wag mong iaalis ang tingin mo sa
kalaban at sa galaw niya para madali
mong mabasa kong ano ang sunod
niyang ataki." Bilin ko na mabilis
naman niyang tinanguan.
Mataman siyang nakatingin sa'kin at
kahit alam kong sinusunod niya
lamang ang itinuturo ko ay hindi ko
pa rin maiwasang hindi makaramdam
ng ilang.
Ano ba Anton, kailan mo pa binigyan
ng ibug sabihin ang mga tingin niya?
"Suntok." Udyok ko sa kanya pero
ilang ulit lang siyang umiling.
"Ayoko."
"Suntok na."
"Ayoko nga." Pagmamatigas niya.
"Bakit ayaw mong sumuntok?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ba, ayokong saktan ka may
masama ba d'on?"
"Hindi mo ako masasaktan."
"Ayoko pa rin."
"Sa ganitong pagkakataon hindi
maiiwasan na magkasakitan tayo."
Pinaningkitan ko siya ng mata para
iparating na naiinip na ako pero hindi
siya nagpatinag at humalukipkip lang.
"Ide iiwasan ko."
"Nandito tayo ngayon para turuan ka
hindi para makipagtalo sa'yo kung
masasaktan ako o hindi."
Nagkibit balikat siya. "Hindi nalang
pala ako magpapaturo kung
magkakasakitan naman tayo.
Haharapin ko nalang ang taong nasa
likod ng mga threat sa buhay ko
kaysa ang saktan ka gamit ang
kamao ko."
Dahil sa mga pinagsasabi niya ay
inigkas ko ang kanang kamay ko para
padapuan siya ng isang suntok sa
mukha pero hindi ko inaasahang
masasalag niya at ang bruho pinigilan
ako sa pamamagitan ng pagyakap sa
mga braso ko at mukhang sinadyang
magpatumba kaya sa huli ay
bumagsak kami sa sahig. Nasa
ibabaw ko siya habang ako ay hindi
makapiglas sa ilalim niya.
"Bakit ba pinipilit mo akong saktan
ka?" Natatawang bulong niya.
"As if matatamaan mo ako."
"Gusto kitang tamaan pero kung
masasaktan ka, wag nalang." Biglang
naging seryoso ang tabas ng mukha
niya habang magkasalubong ang
aming mga tingin.
"Hindi kita hahayaang saktan ako
kung 'yan ang inaakala mo."
Sinubukan ko ulit na magpumiglas
pero ni hindi ko siya natinag.
"Wala rin naman akong balak na
saktan ka." Aniya, dahan dahan
niyang iniangat ang isa niyang kamay
ay ihinaplos iyon sa mukha ko, para
akong natuod dahil sa paninigas ng
katawan ko sa simpleng paghawak
niya ngunit nagdulot ng bolta
boltahing kuryente sa katawan ko.
"Hindi ko ba nasabi sa'yo na black
builter ako sa taekwando noong high
school ako? Tinuruan din ako ni
Daddy noon ng judo at boxing kaya
kahit hindi mo na ako turuan kaya
kong ipagtanggol ang sarili ko."

Ngumisi ako. "Kung kaya mong


ipagtanggol ang sarili mo bakit
nasaktan ka nila noong nasa condo
ka?"
Nagkibit balikat siya habang titig na
titig pa rin sa mga mata ko.
"Natutulog pa ako noong dumating
sila kaya naunahan ako."
"Kahit natutulog ako at humihilik hindi
ako maiisahan ng taong may balak
sa'kin."
Nilabanan ko ang sarili na hindi
mapapikit ng haplusin niya ang buhok
ko. "Naramdaman mo na ba 'yong
pakiramdam na kahit gusto mong
magalit sa isang tao ay hindi mo
magawa dahil mas nangingibabaw
sa'yo ang sinasabi ng puso mo?"
Hindi ako nakasagot.
"Sinubukan ko namang magalit sa'yo
dahil sa pagsisinungaling mo sa'kin
pero kapag nakikita ko na ang
mukhang 'to natitibag nalang bigla
lahat ng inipon kong galit." Bumalik
ang haplos niya sa pisngi ko.
Nakakatitig lang ako sa kanya dahil
sa unang pagkakataon ay nawalan
ako ng sasabihin. Biglang nablangko
ang utak ko at hindi makalikha ng
mga salitang pwedeng itumbas sa
mga sinsasabi niya.
"Alam mo ba 'yong kaisa isang
paniniwala ng angkan namin?"
Pagkuay tanong niya, para akong
napaso na umiling. "Paniniwala
namin na kung sino ang unang ititibok
ng puso namin ay siya na ang huli,
simula kay lolo kay papa hanggang
kay Kuya First ay naging totoo ang
paniniwala na 'yon kahit sa mga
ninuno namin gan'on rin."
"B-Bakit mo sinasabi sa'kin ang
bagay na 'yan?" Hindi ko binigyang
pansin ang pagkautal ko.
"Nararamdaman ko kasi na sa unang
pagkakataon ay mababali ang
paniniwala na 'yon."
May kung anong matulis na bagay na
tila tumusok sa puso ko dahil sa
sinabi niya. Wala man akong
karanasan sa bagay na 'yon pero
nababasa ko sa emosyon ng mga
mata niya ang gusto niyang iparating.
Dapat natutuwa na ako dahil kayang
kaya ko na siyang saktan emotionally,
mas masakit iyon kaysa pisikal pero
bakit gan'on nasasaktan rin ako sa
isiping masasaktan ko siya dahil hindi
ko masusuklian ang kung ano man
ang nararamdaman niya para sa'kin.
Paghihigante para sa pagkamatay ng
kaibigan ko ang dahilan kaya lumapit
ako sa kanya at gusto kong manatili
'yon pero paano ko gagawin 'yon
kung ramdam kong ako rin ang
nahulog sa bitag na inilagay ko bilang
pain.
"Ahem. Ahem." Sabay kaming
napalingon sa tumikhim at lihim
akong nagpasalamat ng makitang si
Gale iyon. Nakalimutan kong kasama
nga pala namin siya.
"Dahil marunong naman pala si
Second sa taekwando, judo at boxing
mukhang okay na sa self-defence."
Nakangising sambit niya habang
itinataas baba ang mga kilay. Nang-
aasar.
Pasimple kong itinulak ang dibdib ni
Second palayo sa'kin at laking
pasalamat ko ng kusa siyang umalis
sa ibabaw ko.
"First time may nakapagpatumba kay
Agent Santez sa physical combat,
ako nga hindi ko natitinag 'yan pero
ikaw napatumba mo." Natatawang
sabat pa niya.
"Really?" Bakas ang saya sa boses ni
Second kaya sinamaan ko ng tingin si
Gale pero ang bruha ay tinalikuran
lang ako at naglakad papunta sa
firing area.
"Don't mind her." Bumababa na ako
sa ring at sumunod kay Gale.
"Ang galing ko talaga." Sigaw ni
Second.
Nagsimula akong mag-asemble ng
baril habang nasa tabi ko ang bruha.
"Bat ka na ngingiti?" May pang-aasar
pa rin sa boses.
"Hindi ako nakangiti."
"Nakasmile lang, landi mo."
"Mas malandi ka."
"Ikaw kaya."
Natigil lang kami sa pagsasagutan ng
maramdaman naming nasa likod ko
na si Second.

"Marunong na rin ako nito pero hindi


pa magaling na magaling." Tugon
niya at pumulot rin ng baril.
"What if magpustahan kayo para may
thrill naman ang training." Suhestyon
ni Gale at alam ko kapag siya ay may
hidden agenda.
"I agree, so anong ipupusta mo
King?"
"Wala akong pera."
"Hindi lang naman pera ang pwedeng
ipampusta." Humawak pa ito sa baba
na tila nag-iisip at ilang sandali pa ay
nakangisi na itong tumingin sa'kin.
This is bad!
"Tama, paunahan ng limang tama sa
noo ng target dapat sa pinakacenter
at ang mananalo ay may tatlong
kahilingang tutuparin ng natalo."
Limang tama sa noo? Sa
pinakacenter? Doon ako napangisi
dahil sa hamon niya, alam kong
malabong manalo siya.
"Deal." Sagot ko.
"Deal." Nagshakehands kami at
nagsimula ng magsuot ng gear.
"Goodluck lovebirds!" Sigaw ni Gale.
Sinamaan ko siya ng tingn dahil sa
sinabi niya. "Ako ang magiging
scorer, limang bala lang ang ilalagay
para walang daya."
Sabay kaming naglagay ng limang
bala sa mga baril namin. Halos
dalawang dipa ang layo namin ni
Second sa isa't isa at may kalayuan
rin ang kinatatayuan ng target.
Nagkatinginan kami at sabay na
nagkasa.
"Pwesto." Command ni Gale.
Iniready namin ang mga sarili at
hinintay ang go signal.
"One, two, three! FIRE!"
Pagkarinig na pagkarinig ko sa huling
salita niya ay agad kong kinalabit ang
gatilyo ng limang beses hanggang sa
magclick ang baril ko tanda na wala
ng bala.
Halos sabay kaming nagbaba ng baril
ni Second at napangisi sa isa't isa.
"Waaaaaa! Ang galing mo 'bro." Tili ni
Gale.
Hinintay namin ang paglapit ng target
sa harap namin at napakunot ang
noo ko sa nakitang resulta.
"Grabe, hindi ka pa magaling sa
lagay na 'yan." Natatawang tugon ni
Gale habang binibutingting sa harap
ko ang target na binaril ni Second.
"Limang bala iisa lang ang butas na
tinamaan at sa pinakacenter pa."
Itinago ko ang pagkamangha sa
galing ni Second sa pagbaril at
pinasadahan ng tingin ang tinamaan
ko.
Limang bala sa iisang butas din
tumama pero medyo lihis ang isa at
hindi sa pinakasentro samantalang sa
kanya ay tuwid at consistent ang
tama.
Tumaas ang kilay ko ng bumaling
siya sa'kin na nakangisi. "Ako ba
pinaglalaruan mo?"
"Hindi, hindi naman talaga ako
magaling syamba lang 'yon." Kaila
niya. Kapani paniwala sana kung isa
o dalawang bala lang dahil pwedeng
maging syamba 'yon pero hindi ang
lima.
"Saan ka natutong bumaril?"
"Di ba nga sabi ko pumupunta kami
ni daddy sa mga shooting range
kapag may time kami, paminsan
minsan lang naman." Napapakamot
sa ulong sagot niya.
"At naging gan'on ka kagaling sa
paminsan minsan na 'yon?"
Biglang sumingit si Gale. "Actually,
nakasabayan ko 'yang si Second
noong nag-aral ako sa PMA."
"PMA? Philippine Military Academy?"
"Yeah, hindi lang siya ordinaryong
estudyante naging class valedictorian
siya sa batch namin. Ewan ko nga sa
kanya kung bakit mas pinili niyang
maging artista kaysa pumasok sa
military." Pagkukwento nito habang
ako ay hindi inaalis ang tingin kay
Second na agad namang nag-iwas
ng tingin.
"Akala ko alam mo?" Hindi
makapaniwala si Gale. Ipinagkibit
balikat ko lamang iyon dahil sa totoo
mas masaya ako sa nalaman ko.
Hindi ko pa talaga siya kilala.
Atleast alam ko na ngayon na kaya
niya ngang suportahan ang sarili
niya.
"Ano pang silbi nitong training kung
mas magaling pa pala sa'kin ang
tuturuan ko?" Napapailing akong
naglakad palabas ng training room at
dumiretso sa kusina.
"Sorry hindi ko sinabi sa'yo." Si
Second na sumunod pala.
"Its okay, patas na tayo ngayon. Hindi
ko sinabi sa'yong agent ako at ikaw
PMA graduate."
"Wala lang naman 'yon, matagal na
akong graduate sa PMA."
"Bakit?"
"Anong bakit?'
"Bakit wala ka ngayon sa military?"
Curious na tanong ko.
"Boring e." Baliwalang sagot niya at
bigla nalang akong niyakap. "Yong
three wishes ko ha? Hihingin ko 'yon
sa'yo sa mga darating na araw.
Hmmm?"
Wala akong ibang nagawa kundi ang
tumango.

---------------------------
--

Chapter 20

Someone's POV

Abala ako sa pagbuga ng usok mula


sa sigarilyo na kauubos lang habang
nakatanaw sa maingay at buhay na
buhay na ilaw sa syudad ng New
York.
Malalim na ang gabi pero parang
umaga lang iyon sa mga tao. Ibang
iba sa mataas na gusaling
kinatatayuan ko ngayon na madilim at
walang kabuhay buhay.
Kung hindi pa sa liwanag ng buwan
ay mapagkakamalang hindi ito nag-
eexist.
Mula dito sa rooftop ay ramdam na
ramdam ko ang malamig na simoy ng
hangin na tumatama sa mukha ko at
naglilipad ng mahaba kong buhok.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto na
gawa sa metal pero hindi ko iyon
pinansin.
"Madame nandito na po siya."
Doon lamang ako nabuhayan,
ramdam ko ang mabilis na
pagkabuhay ng dugo ko sa katawan
dahil sa familiar na tinig niya.
Dahan dahan akong lumingon at
doon mismo sa kasama niya natuon
ang atensyon ko. Para akong
pambirang uhaw sa dugo na
nasisiyahan habang pinapanood ang
panginginig ng katawan nito.
"I-I'm sorry M-Madame p-pumalpak
ako sa trabaho ko, hindi ko po
napaghandaan na may bodyguard na
pala si Mr. Second Castillion."
Nagkandautal na tugon niya at
mabilis na gumapang papunta sa
paanan ko.
"Don't touch my precious boots."
Natatawang sabi ko at sininyasan si
W na hawakan ang babae. "Paupuin
mo, nakakahiya naman sa kanya."
Agad namang tumalima at walang
panama ang babae kahit anong
pagpupumiglas niya dahil sa laki ng
katawan ni W.
"P-Please wag po, Madame
n-nagmamakaawa po ako. P-Patayin
niyo nalang ako kung gusto niyo."
Sobra sobra ang takot na mababakas
sa boses nito pero ako hindi manlang
nakaramdam ni konting awa.
Bagay lang itong gagawin ko sa
kanya dahil sa pagpalpak niya. Ayoko
sa lahat ay 'yong mga taong malaki
ang ibinabayad ko tapos wala naman
palang patutunguhan ang
naiwawaldas kong pera. Though,
hindi issue sa'kin ang salapi dahil
marami ako n'on. Ayoko lang talaga
sa palpak.
"No, no, no my dear hindi agad kita
papatayin para maranasan mo muna
ang pagkakataon sa buhay mo na
pagsisisihan mong nabuhay ka pa sa
mundo." Malambing ang boses ko
pero kabaliktaran noon ang bawat
diin ko sa mga salita.
"P-Patayin niyo nalang ako!" Sigaw
niya at pilit pa ring nagpumiglas lalo
at tuluyan na siyang naiupo ni W sa
upuang kaharap ko at nasa gilid
namin ang isang mahabang glass
table kung saan nakapatong ang
martilyo, kutsilyo, nail cutter, pako,
tire wire at ilan pang kasangkapan na
maaari kong gamitin sa unti unting
pagkitil ng buhay niya.
Humalakhak ako sa sobrang saya
pagkarinig sa nanginginig niya boses.
Pinulot ko ang martilyo at hinimas
himas iyon habang patuloy sa
pakikinig sa pagsigaw niya.
"P-Patayin ny---" natigil ang huli
niyang pagsigaw ng iangat ko ang
martilyo at walang pag-aalinlangan
kong ipinukpok sa bibig niya.
"Sapol." Tuwang tuwang tugon ko lalo
at maliwanag pa sa sinag ng buwan
ang pagdugo ng kanyang bibig at
ilang sandali lang ay umuubo na siya
at iniluluwa ang mga ngiping
natanggal.
Hinawakan ko ang baba niya at pilit
siyang pinaharap sa'kin habang pisil
pisil ko iyon. "Iyan ang napapala ng
mga taong tanga." Marahas kong
muling binitawan ang mukha niya.
"Hmm. P-please p-p-p-ata-yin n-niyo
n-a ako." Pagmamakaawa niya.
"Nah-uh, hindi gan'on kadali 'yon.
Mas wawasakin ko pa ang maganda
mong mukha dahil hindi naman
pinakinabangan." Angil ko.
Alam kong takot na takot na siya
dahil kilala niya ako. Kapag may
inutusan akong pumalpak ay mas
matindi pa kay kamatayan ang
sasapitin, hindi nila ako matatakasan
dahil kayang kaya ko silang hanapin
kahit saang sulok ng mundo sila
magtago.

"Sayang, kung nadala mo ng


matiwasay dito si Second Castillion
sana ay masaya ka ngayon at wala
sa kinauupuan mo. Sayang." Naiiling
na tugon ko bago bitawan ang
martilyo at ang sunod kong pinulot ay
kutsilyo.
"P-Patawad p-po talaga, pa-rang
a-awa niyo na." Bumubula na ang
bibig niya sa pagmumog ng sarili
niyang dugo.
Nagkibit balikat ako ng tumingin kay
W. Tahimik lang itong nakatayo at
nakapamulsa habang
pinagmamasdan ang ginagawa ko.
Muli akong humarap sa pobreng
babae at masuyong hinaplos ang
maganda niyang mukha na wala
namang silbi.
"Bye bye beautiful face." Masaya
akong natawa dahil puno ng sakit
siyang sumigaw.
Well, hiniwa ko lang naman ang
magkabila niyang pisngi sa
pinakamahinhing paraan na hindi siya
masasaktan. Kung possible nga ang
bagay na iyon.
Napapalakpak ako ng makitang puno
na ng sariwa niyang dugo ang
kalahating parte ng kanyang mukha.
"Tadah! In just a snap wala na ang
beautiful face mo." Pumalakpak ako.
"Pero mas better kung babalatan
natin." At iyon nga ang ginawa ko,
gamit ang matulis at matalim na
kutsilyo ay matyaga kong inalis sa
mukha niya ang mga balat nito
hanggang sa kitang kita na ang
laman ng matambok niyang pisngi.
Sa bawat pagsigaw niya dahil sa
sakit ay mas lalong nabubuhay ang
dugo ko na pahirapan siya. Mas
malakas na sigaw mas exciting. Mas
malakas na hagulhol at
pagmamakaawa mas matagal na
proseso. Ang saya lang!
"Aaaaaaaah! Aaaaaaah! A-Ayoko
n-na."
"Ayaw mo na? Ee, kawawa ka naman
dahil gusto ko pa." Puno ng lungkot
na sabi ko na sinundan ng malakas
na tawa dahil ang sayang panoorin
na hirap na hirap na siya.
Naikuyom ko ang kamao ko habang
may mga imahe ng mga taong gusto
kong makaranas ng ganito na
pumapasok sa isip ko.
Konting panahon nalang mangyayari
na ang araw na matagal ko ng
kinasasabikan. Konting konti nalang.
Matapos kong balatan ang buo
niyang mukha ay kinuha ko ang tire
wire at humarap kay W.
"Babe, pwedeng paki sindihan 'to?"
Malambing kong tugon habang
inaabot sa kanya ang isang gasira.
Masaya siyang ngumiti at sandali
munang pinahid ang tumalsik na
dugo sa mukha ko.
"Sure my Madame, anything for you."
Puno ng pagsuyo niyang sagot at
sinunod ang gusto ko.
Hmm. Ang tanga niya talaga dahil
nauuto ko siya at lahat ng gusto ko at
pinapagawa ko ay walang
pagdadalawang isip niyang
sinusunod. What a pathetic creator!
Nang makita ko ang apoy na nasa
gasira ay itinapat ko doon ang dulo
ng tire wire na pinutol ko na ang haba
ay dalawang dangkal lang siguro.
"Tatahiin natin ang bibig mo para
hindi ka mapaos kakasigaw ha?" Bilin
ko sa babae, siya ang babaeng
inutusan ko na akitin si Second
Castillion at dalhin dito sa New York
para masimulan ko ang matagal ko
ng plano pero ang bruha ay
pumalpak dahil nahuli kaya ito ang
premyo ko sa kanya.
"N-No, n-n-o please." Naghalo na ang
dugo at luha sa kanyang mukha na
mas lalong nagpaganda sa tanawin.
Sa sandaling uminit ang tire wire ay
itinusok ko iyon sa sulok ng kanyan
labi dahilan para mas lalo siyang
magpumiglas. Agad namang
tumalima si W at itinali ng lubid ang
babae mula sa upuan kaya nawalan
na ito ng pagkakataon na pumalag.
"Aaaaaah!"
"Wait lang sandali lang 'to." Dahil
medyo mahirap itusok ay inabot ko
ang plies at iyon ang inalalay ko sa
pagtahi ng bunganga niya gamit ang
tire wire.
Dinig na dinig ang bawat pagbaon
nito sa labi niya at unti unti naman ay
nawawalan siya ng boses hanggang
sa tuluyan ng na seal ng wire ang
kanyang bunganga.

Mainit na mainit ang sariwang dugo


nito na umagos pati sa mga kamay
ko. Nakangisi kong punagmasdan
kung paano siya maghirap at indahin
ang sakit.
Sa oras na magawa ko na ang plano
ko ay mas malala pa dito ang
sasapitin ng mga taong matagal ko
ng kinamumuhian.
Second Castillion at isasama ko pati
ang bodyguard niya.
Napahalakhak ako dahil sa naisip.
Wala na sigurong mas sasaya kung
silang dalawa ang nasa kalagayan ng
babaeng ito at luluhod sila sa'kin para
buhayin. Na hinding hindi ko
gagawin.
"There is more darling." Sunod kong
pinulot ay ang nail cutter. Sandali
kong pinutol ang kuko ko habang siya
ay magpupumiglas pa rin.
Malayong malayo na ang hutsira niya
ngayon sa sexy'ing postura niya
ngayon. Hinding hindi na sita
makikilala ninuman.
"Hmm. H-Hmm. Hmmm." Ungol niya.
"Sa mukha pa lang 'yan darlin' meron
pa sa katawan at talampakan."
Hinaplos ko ang buhok niya bago
iyon agad na higitin ng mahigpit.
Gamit ang nail cutter ay unti unti kong
binabawan ang tenga niya na parang
kuko ko lang.
Habol na niya ang hininga pero hindi
pa rin ako tumigil, nakukulong sa
bibig ang sigaw at nag-uumapaw na
ang kanyang mga luha. But who
cares? Not me.
"Ang ganda ng hikaw mo."
Hinawakan ko iyon at hinila para
alisin sa tenga niya, naputol ang
butas ng tenga na kinasasabitan ng
hikaw.
Isinubo ko ang hikaw na iyon at
ninamnam ang lasa ng dugo niyang
natira doon bago ko idura sakanya
pabalik.
Gan'on rin ang ginawa ko sa kabila at
ilang minuto lang ay wala na siyang
tenga. Napatawa ako dahil sa hitsura
niya. "Ang talented ko talaga, kaya
kung magtanggal ng tenga gamit lang
ay nail cutter."
Kinuha ko ang alcohol para ugasan
ang kamay ko na puro dugo at ang
sobra ay isinaboy ko sa mga sugat
niya.
"H-Hmmmm. Hmmm."
"Yes? May sinasabi ka?" Tanong ko
na sinagot niya lamang ng ungol.
Ang tanga ko naman sa naging
tanong ko. Malamang hindi siya
makakapagsalita dahil nakatahi ang
bibig niya.
Napahawak ako sa baba ko na tila
nag-iisip. Ayoko namang maging bias
kaya dapat ay pakinggan ko ang
gusto niyang sabihin. May paraan pa
naman.
Kinuha kong muli ang plies at iniipit
doon ang wire na nasa bibig niya
syaka iyon mabilis na hinila. Dahil sa
ginawa ko ay nadala pati ang mga
labi niya.
"Ooops, sorry." Napahagikhik ako
samantalang ang pobreng babae ay
tuluyan ng nawalan ng malay pero
ramdam kong humihinga pa siya.
Meaning hindi pa tapos. Sabi nga sa
kasabihan ng mga Filipino, hangga't
humihinga may pag-asa.
Pinagsiklop ko ang dalawa niyang
mga kamay bago ko itusok ang isang
malaking pako doon at ibinaun gamit
ang martilyo.
"Sino ang bodyguard ni Second?"
Tanong ko at kahit hindi ako tumingin
sa kanya ay alam ni W na siya ang
tinatanong ko.
Ipinagpatuloy ko ang pagtutorture sa
babae habang hinihintay at sagot
niya.
"Si Agent Antonia Santez, isang
magaling na agent sa departamento
nila at siya ang humahawak ng buong
team tungkol sa kaso ng
pagpapadala ng mga death threat
kay Second Castillion." Paliwanag
niya.
Kumunot ang noo ko ng marinig ang
familiar na pangalan na binanggit
niya.
"Sino nga ulit?"
"Queen Antonia Santez."
Naikuyom ko ang mga kamao ng
makumpirmang tama nga ang dinig
ko. Queen Antonia Santez, I know
that bitch!
"Bakit siya?" Sigaw ko dahil
nagsisimula na namang umusbong
ang matinding galit ko sa kanya.
Sundulan hanggang empyerno ang
galit ko sa kanya dahil sa mga
ginawa niya sa'kin at parang
mapaglaro nga talaga ang tadhana
dahil sa dinami dami ng agent sa
mundo ay siya ang naging bodyguard
ni Second Castillion.
Ibinunton ko ang lahat ng galit sa
babaeng ngayon ay wala pa ring
malay at siaiguraduhin kong hindi na
magkakamalay kailanman.
Antonia Santez!
Antonia Santez!
Paulut ulit na nag-eecho sa isip ko
ang pangalan at mukha ng babaeng
iyon. That bitch!
Nasa palad ko ang kutsilyo at walang
habas kong pinagbubuno iyon sa
katawan ng babae dahil sa
nagsusumidhi kong galit sa mga
taong matagal ko ng kinamumuhian.
Panay ang sigaw at tawa ko sa bawat
pagbaon ng kutsilyo sa laman niya
habang iniisip na si Anton ito at
Second.
"Papatayin ko kayo! Wala akong
ititira! Papatayin ko kayo." Sigaw ko.
Hanggang sa mabutas ko ang dibdib
ng babae at pati ang puso nito ay
malinaw na malinaw na sa paningin
ko ay hindi ko pa rin tinigilan.
Dudurugin ko rin sila tulad nito.
Para akong nasisiraan ng ulo ng
makitang wakwak na ang katawan ng
babae. Kinuha ko ang puso nito at
dinurog mismo sa mga palad ko.
"Ganito ang sasapitin niyo kapag
nagkaharap tayo." Tumawa ako, hindi
ko pinansin ang pag-iinit ng sulok ng
mga mata ko at pagsimulang pagtulo
ng mga luha ko.
Mainit na mainit ang palad ko dahil sa
sariwang dugo at bahagya pang
paggalaw ng puso.
Tumatawa akong humarap kay W na
matiim lang na nakatitig sa lahat ng
ginagawa ko. Hindi niya ako mapipigil
dahil kapag ginawa niya iiwan ko siya
na alam kong ikakabaliw niya kapag
nangyari.
Masyado niya akong mahal kaya ang
tangi niya lang pagpipilian ay
suportahan ako.
"Uuwi tayo ng Pilipinas bukas."
Deklara ko.
Matagal bago siya sumagot. "Are you
sure?"
"Yes, magkasama na silang dalawa
kaya mas mapapadali ang lahat.
Hitting two birds with one stone."
"If that's what you want, aasikasuhin
ko na ang lahat para maging maayos
ang buhay mo kapag nasa Pinas ka
na." Malambing niyang sagot bago ko
naramdaman ang puno ng
pagmamahal niyang yakap. "Anything
for you."
Napangisi ako habang ang tingin ay
nasa babaeng wasak na ang buong
katawan.
See you soon, bitch!
"Ipadala mo sa kanila ang ulo ng
babaeng 'yan." Tugon ko.
"Okay."
Malapit ko ng makuha ang gusto ko
at sisiguraduhin kong sasapitin rin
nila ang sinapit ng babaeng ito. I will
kill them using my bare hands.

---------------------------
--

Chapter 21

"NASAAN na si Fifth?" Nayayamot na


tanong ni Fourth habang ako ay
nagkibit balikat lang at tutok ang mata
sa t.v.
"Nambabae na naman 'yon." Si Six.
"Kay aga aga nambabae na agad?"
Si Kuya First na halata na rin ang
pagkayamot.
"Ang libog ba Kuya may tamang
oras?" Nagtawanan kami dahil sa
pagsabat ni Third.
Nandito kami ngayon sa condo ko
nakahilata dahil pinagbawalan akong
lumabas ni King lalo at mas lalong
napapadalas ang death threat sa'kin
ngayon.
At para hindi ako mabored dito mag-
isa ay nagmagandang loob ang mga
kapatid ko na samahan ako.
Sa ganda kong lalaki nagmumukha
tuloy akong bakla ngayon.
"Basta ganyang usapan
nabubuhayan kayo."
"Gan'on talaga kapag gwapo Kuya."
Si Seven.
"Usapang gwapo ba?" Si Fifth na sa
wakas ay dumating rin. May bitbit
itong mga pagkain na agad naming
dinamba dahil sa sobrang gutom.
Wala pa kaming agahan. "Kung
kagwapuhan lang naman ay wala
kayong panama sa'kin, kita niyo nga
natagalan ako dahil dinumog ako ng
mga babae sa baba napagkamalan
akong Greek god." Pagyayabang
niya.
"Ipapaubaya ko na sa inyo 'yan,
ayokong maging gwapo. Kahapon
pagpunta ko sa mall hindi ako
pinapasok ng guard." Si Six.
"Why?" Sabay sabay naming tanong.
"Kailangan ko raw ng marshall
para makadaan ako ng maayos dahil
sa dami ng mga babaeng
dumudumog sa'kin."
"Well, ayos lang sa'kin na kayo ang
mas gwapo nakakasawa rin naman.
Last week nakulong ako dahil may
sinapak ako sa bar at ng malaman ng
mga kababaihan ninais nilang maging
kriminal makasama lang ako sa
loob." Nagkibit balikat si Third.
"Ayokong mapasama sila ng dahil
sa'kin."
Napabaling kami kay Fourth na
siyang hindi nagsasalita sa sulok at
panay lang ang kain.
"What? Don't give me that look guys,
wala akong maipagmamayabang."
Aniya. "Alam ko namang hindi bagay
sa'kin ang salitang gwapo, lagpas na
kasi ako sa stage na 'yon." Pagkikibit
balikat niya.
"Naks! Lakas n'on." Natatawang
sabat ni Seven. "Well, ako bilang
bunso tanggap ko na na hindi ako
gwapo, isa pa ayoko rin dahil iyon
ang dahilan kung bakit nag-quit ako
noon bilang sakristan. Unang araw
ko, nagmukhang EDSA ang
simbahan at hindi nakapagmesa si
Father dahil sa dami ng nagpapicture
sa'kin naubos ang oras niya."
Nakipag-apir siya sa'min habang
panay ang tawa. Kapag talaga
ganitong usapan lumalabas ang
itinatagong kayabangan ng mga
ungas na 'to.
Napabaling kami kay Kuya First na
kumunot agad ang noo. "Ilang ulit
akong natulog sa labas ng kulambo
dahil nalaman ng baby ko na
pinagkaguluhan ang madumi kong
damit sa laundry shop." Seryosong
sagot niya na sabay sabay naming
ikinangiwi. The work baby ko, yucks!
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang
tanong nila ng tumayo ako bigla.
Nagkibit balikat siya at itinuro ang
daan papuntang kusina.
"Sa kitchen, nakakailang pala na ako
ang topic niyo." Sabi ko sabay tawa
ng malakas dahil sa mga mukha
nilang parang natuklaw ng ahas.
Nakapasok na ako sa kusina ng
marinig ko ang mga mura nila. Mga
slow, hindi agad nagets ang sinabi
ko.
Kumuha ako ng maiinom bago
bumalik sa sala. Nakita ko silang
pinagkakaguluhan ang cellphone ni
Six.
"What's that?" Tanong ko.
Natatawang bumaling sa'kin si Fifth.
"Itong si Six pinag-aaksayahan ng
oras 'yong babaeng nakilala niya sa
fb. If I know poser 'yan."
"Hindi siya poser 'bro, nakita ko na
siya sa personal at talagang
maganda." Sabat ni Six na hindi inalis
ang tingin sa cellphone, pati ako ay
nakidungaw na rin at nakibasa sa
conversation nila.

SixCastillion
Anong tipo mong lalaki?
AlezyChing
'Yong lalaking mabait, matalino,
masipag, mapagmahal sa pamilya at
makadiyos.
Naghalakhakan kami dahil sa reply
nito.
"Patay tayo dyan, sa lahat ng
binanggit niya wala kang tinaglay ni
isa." Kantyaw ko.
Nalukot ang mukha niya at hindi
magkandaugaga. "Anong irereply
ko?"
"Akin na ako magtatype." Pag-aagaw
ni Seven at siya na ang humawak ng
cellphone ni Six.
SixCastillion
Ahm. Sige out muna ako kasi
papaliguan ko pa 'yong kapatid ko at
tutulungan 'yong kapitbahay namin sa
pagbubuhat ng bagahe nila.
Nagkatinginan kami habang
pinapanood ang ngising asong si
Seven habang libang na libang na
nagtatype.
SixCastillion
Magrereview rin kasi ako para sa bar
exam, gusto kasi ni mommy na
maging topnatcher ako. Alam mo
naman na mahal na mahal ko ang
mommy ko at gusto kong maging
proud sa'kin si Dad.
Sige, baka mamayang gabi na ako
makachat dahil sa hapon pupunta pa
ako sa simbahan para tumulong kay
Father sa pagvovolunteer na
tulungan ang mga nasalanta ng
bagyo noong nakaraan.
Bago niya pindutin ang send ay puno
ng pagmamayabang siyang humarap
sa'min.
"Woooh! Burn!" Kantiyawan namin.
"Naks, 'bro lakas ng dating n'on."
"Dapat lang sakyan ang mga babae
para madaling makuha." Aniya.
"Masarap nga namang sakyan ang
mga babae." Sabat ni Fifth at
humalakhak.
"Quite guys nagreply na." Muli
naming ibinalik ang tingin sa
cellphone ni Six na nasa kanya na
ulit.
AlezyChing
Ang bait mo naman palang anak.
"Sabihin mo, masipag rin akong
gumawa ng anak." Suhestyon ni Fifth
kaya binatukan ko siya.
"Gago 'bro wag mong madaliin." Angil
ko.
"Ide sabihin mo, I'll be gentle."
"Sagwa mo, ako na nga lang." Agaw
ni Third at siya na ang nagreply.
SixCastillion
Hindi naman, pinapahalagahan ko
lang ang mga mahal ko.
AlezyChing
Ang sarap mo naman palang
magmahal, mapagpahalaga.
Bakas na bakas sa mukha ni Six ang
excitement habang binabasa ang
reply ng babae habang kami ay aliw
na aliw.
"Sabihin mo 'bro, masarap din akong
dumila at kumagat, nakakatirik ng
mata." Si Fifth.
"Kahit talaga kailan kalahating gago
at purong malibog ka 'bro." Si Fourth
na himala ay nakikisali sa mga
kalokohan namin.
SixCastillion
Gusto mo mahalin din kita para
maranasan mo ang pagpapahalaga
ko?
Siya ang sumagot.
Kaagad na umangal si Fifth. "Ano ba
'yan masyadong mga pabebe ang
mga reply niyo. Dapat paspasan."
"Mas maganda kong dahan dahan."
Sabay sabay naming sigaw sa kanya.
AlezyChing
Pwede rin naman.
"Bigyan mo ng knock knock para
kiligin." Sa lahat ng suggestion ni
Fifth ay doon lang kami sumang-
ayon.
Napakamot sa batok niya si Six.
"Wala akong alam na knock knock."
Namula pa ang mga pisngi niya kaya
inulan siya ng kantyaw.

"Leave it to me." Pagmamayabang ng


kumag. "Knock knock."
"Who's there?" Sabay sabay naming
sagot.
"Bulaklak."
"Bulaklak, who?"
Tumikhim siya bago nagsimulang
kumanta with action pa.
"Bubuka 'yong bulaklak, papasok ang
penis niya.
Sasayaw ng chacha ang sarap sarap.
Boom tihaya, boom tihaya, boom
yeah yeah.
Boom tihaya, boom tihaya, boom
yeah yeah~"
"Nice 'bro, nice." Sigaw ko at
nananakit na ang tiyan ko kakatawa
dahil sa kalibugan niya.
"Kadyuta da'yon 'dong." Tugon niya
pa.
"Puta, ang lala n'on."
"Yon ba talaga ang irereply ko?"
Bakas ang pagdadalawang isip ni Six
habang kami ay panay lang ang
tawa.
"Mas mabuti rin kung may pick up
line ka." Si Fifth pa rin.
"Makaluma na 'yon 'bro." Ako.
"Mas makaluma mas kikiligin ang
mga babae."
"Sige, anong pick up line?" Si Six.
"Itype mo dyan. Alam mo bang mula
ng makilala kita ay naging maborito
ko na ang buko?"
"Bakit?"
"Ang sarap kasi ng katas mo. Isa pa
ang buko mo ang tinatangi ko."
Naghiyawan kaming lahat lalo ng
maisend iyon ni Six.
Para kaming mga tanga na hindi
malaman.
"Tangna 'bro buti hindi ka
nasasampal ng mga babaeng
naidedate mo?" Tatawa tawa pa ring
tanong ni Fourth.
"Nah-uh, hindi nila mapapasampal
ang tulad ko dahil kapag ako gumanti
tirik pa sa sikat ng araw ang mga
mata nila."
"Kapag nagkatulo ka good nalang
sa'yo." Nakangiting tugon ni Kuya
First.
"Nagreply na." Pukaw ni Six kaya
muli kaming nabalik sa kachat niya.
AlezyChing
Bastos!!
"Itanong mo kung kailan ang
buwanang dalaw niya." Pangungulit
ni Fifth na hindi ko alam kung ano na
naman ang pumasok sa malibog na
kukote.
Agad na umiwas si Six. "Ayoko nga."
"KJ nito, ako na nga." Sabay agaw
niya ng cellphone, kami naman ay
halos magkapalit na ng mga mukha
dahil sa pagsisiksikan at pag-
uunahan na tumingin sa screen.
SixCastillion
Kailan ang buwanang dalaw mo?
AlezyChing
Gago! Napakabastos mo! Wala kang
respeto sa babae!
SixCastillion
Gaga! Itinatanong ko para mabilhan
kita ng napkin kapag kailangan mo.
HINDI KO SINABI NA IPAPAKITA KO
SA'KIN ANG REGLA MO! ANG
CHOOSY MONG BABAE KA!
KARANGALAN PARA SA MGA
BABAE ANG MABASTOS KO!
AlezyChing
Seen. 9:34 AM
"HAHAHAHAHAHA!" Sabay sabay
kaming bumunghalit ng tawa dahil
gigil na gigil si Fifth habang
nagrereply.
Pagulong gulong kami sa sahig
habang siya ay salubong ang mga
kilay.
"Yan ang napapala mo dahil malibog
ka." Ako.
"Fifth 'The Libog' Castillion. Burn!"
Kanyaw ni Seven at Third habang
kami panay na ang bunghalit ng
tawa.
"Dinamay mo pa ako." Angal ni Six
na natatawa rin.
"Patuwarin ko kaya ang babaeng
'yon." Asik niya at padabog na
naglakad patungo sa pinto para
siguro umalis na pero pare pareho
kaming tumigil sa pagtawa at
pagtanyaw ng may magdoorbell.

Dahil siya ang pinakamalapit sa


pintuan ay siya na rin ang nagbukas.
"Wala namang tao." Aniya.
Nagsitayuan kami at sumunod sa
kanya,nnagpalinga linga kami sa
paligid at tama siya wala ngang tao.
"May box." Itunuro ni Third ang box
na siya namang agad na pinulot ni
Fifth.
Isa iyong box na kulay black at may
violet na ribbon. Inalog alog niya iyon
at nagkatinginan kami dahil may
tumutunog doon.
"Buksan natin sa loob." Sumang-ayon
kami at dali daling bumalik sa loob.
Inilapag niya iyon sa center table at
walang pag-iingat na sinira ang
wrapper at ribbon hanggang sa
mabuksan at tumambad sa'min ang
pugot ulo ng babae.
"Waaaaaaaa!" Sabay sabay naming
sigaw at sabay sabay rin kaming
napatakbo patungo sa kwarto ko.
Ilang ulit akong napamura ng hindi
maalis sa isip ko ang ulong iyon na
sandali kong nasilip. Sigurado akong
ulo iyon ng babae dahil sa haba ng
buhok.
Nangangamoy na ang dugo na
naipon doon, wasak ang labi nito na
tila tinahi sa brutal na paraan,
binalatan ang buong mukha at
hiniwahiwa.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko
dahil doon. Nanginginig na kinapa ko
ang cellphone ko sa bulsa para
tawagan si King.
"Fuck! Nakakasuka!" Asik ni Fifth na
ngayon ay namumutla rin. Tumakbo
ito patungo sa bintana at doon
tuluyang sumuka.
"Totoong ulo iyon ng tao." Si Third na
bakas ang pag-aalala na nakatingin
sa'kin na hanggang ngayon ay
nanginginig pa rin ang mga kamay.
"Sinong halang ang kaluluwa ang
nagpadala n'on?"
"Creepy!"
Sa isang iglap ay nabura ang mga
halakhak namin at kasiyahan
napalitan iyon ng pangingilabot at
takot. Lahat kami ay mababakasan
ng pagkagulat, takot at pangingilabot.
Sandaling natulala dahil sa
nasaksihan.
Kahit mga lalaki kami ay may
kinakatakutan pa rin at hindi ko talaga
kayang sikmurain ang nakita ko.
Napakabrutal ng kung sino mang
may gawa n'on at to think na
ipinadala dito ay alam kong para sa
akin iyon at isa na namang threat.
"K-King, I need you here." Hindi ko
napigilan ang panginginig ng boses
ko ng sa wakas ay sagutin niya ang
tawag.
"What happened?"
"B-Basta, pumunta ka rito."
"I'm on my way." Kaagad rin nitong
pinutol ang tawag.
Alam kong abala siya ngayon sa pag-
aasikaso ng interview na pupuntahan
ko para ipahayag ang sandali kong
pag-alis sa showbiz pero hindi ko
mahahandle ang ganitong klase ng
sitwasyon. Kailangan ko siya ngayon
dito.
"Relax 'bro." Tinapik ni Kuya first ang
balikat ko bago muling binuksan ang
pinto na pinasukan namin kanina
dahil sa sobrang pagkabigla. "Ang
lalaki nating mga tao nagsitakbuhan
tayo."
"Nagulat ako sa sigaw niyo kaya
napatakbo na rin ako." Si Third.
"Hindi ko rin kasi inaasahan na 'yon
ang laman, creepy." Si Fifth.
Nagsilabasan sila habang ako ay
nananatiling nakatayo sa gilid ng
pinto.
Malakas na malakas ang tibok ng
puso ko at hindi ko mapigilan ang
sarili ko na mangamba na baka sa
susunod ulo ko na ang nakalagay
d'on.
Ramdam kong iyon ang purpose ng
kung sino mang nagpadala nito.
Gusto niyang iparating kung gaano
siya kabrutal at kung ano ang maaari
kong kalagyan kapag nagtagumpay
siyang lapitan ako.
Hindi pa man ay nagsisitayuan na
ang mga balahibo ko sa katawan.
"Mukhang lagare pa ang ginamit sa
pagputol ng ulo niya." Dinig ko ang
tinig nila na nasa sala.
Pinilit kong iginalaw ang mga paa ko
at naglakad patungong sala. Nasa
center table pa rin ang box at
nandoon ang ulo.
Dilat ang mga mata habang balot ng
dugo ang buong mukha, natuyo na
rin ang dugo sa buhok nito na ngayon
ay walang direksyon. Wala na ang
magkabila nitong tenga.
Hindi ko napigilan ang masuka ng
masamyo ang masangsang na amoy
nito.
Mabilis akong tumakbo papunta sa
lababo at doon inilabas ang lahat ng
maaari kong isuka. Naluluha ako sa
sobrang pagbigay ng sikmura ko
habang nagmunumog ng tubig para
maibsan.
"Nasaan si Second?" Boses ni King
at ilang sandali lang ay narinig ko na
ang mga yabag niya papalapit sa'kin.
"Are you okay?"
Kaagad akong yumakap sa kanya.
"Natatakot ako." Bulong ko.
"Don't be, nandito ako.
Poprotektahan kita." Gumante siya
ng yakap at ramdam ko ang maingat
niyang paghagod sa likod ko para
kumalma.
"Natatakot ako para sa kaligtasan
mo."
"Wag mo akong alalahanin dahil
matagal na ako sa trabahong ito."
Hindi na ako nagsalita pa at nanatili
na lamang na nakayakap sa kanya.
"Pumasok ka muna sa kwarto mo at
magpahinga mukhang nanghihina
ka." Utos niya pero hindi ako
nagpatinag.
"Ayoko."
"Sige, akong bahala." Napilitan akong
humiwalay sa pagkakayakap sa
kanya ngunit nakaakbay pa rin ang
isang braso ko sa balikat niya.
Pinakatitigan ko ang kanyang
napakagandang mukha at dahan
dahan kong iniangat ang kamay ko
para haplusin iyon.
"Wag mong ipapahamak ang sarili
mo kasi kapag nawala ka baka hindi
ko kayanin."

---------------------------
--

Chapter 22

Nang masigurong nasa malalim ng


pagtulog si Second ay syaka ako
lumabas sa kanyang silid at tiim
bagang na bumalik sa sala kung
nasaan ang pinadalang regalo, hindi
pa rin umaalis ang magkakapatid na
ipinagpasalamat ko dahil may
pansamantalang bantay ito.
Ikinonekta ko ang speaker kay
Galero. "Umakyat ka dito."
"Yes, Captain."
Humarap sa'kin si First matapos
nitong pagmasdan ang
nakakasukang ulo na nasa center
table.
"Hindi na siya ligtas dito." Aniya.
Tumango ako. "I know."
"Masyado ng napapalapit sa
panganib ang kapatid ko kaya kung
maaari ay gusto kong matapos na
ang kasong 'to."
"Yon rin ang gusto ko, don't worry
sisiguraduhin kong ligtas siya
hanggang sa matapos ang lahat."
Pinakatitigan niya ng husto ang
reaction ko at muling nagsalita gamit
ang seryosong tinig. "Sana nga."
Kunot noo ko siyang tinaasan ng kilay
dahil sa naging sagot niya. "What do
you mean?"
He just shrugged. "Kilala kita."
Bago pa man ako makasagot ay
bumukas na ang pinto at pumasok si
Galero.
"Salute." Sumaludo siya na sinagot
ko ng tango.
Naglakad ako papalapit sa center
table na sinundan naman niya.
"Gusto kong imbestigahan mo ito at
ibigay sa'kin ang resulta bukas na
bukas din." Utos ko.
Walang pag-aalinlangan niyang
pinulot ang box at nilinis ang
pinagpatungan nito. "Yes Captain,
bukas na bukas din."
"Go on." Pagkatapos niyang
sumaludo ay agad rin siyang
naglakad palabas. Pansin ko naman
ang mapanuring tingin ni First na
nakasunod dito.
"Sino siya?"
"Head ng security team ko in case na
maingkwentro habang binabantayan
si Second."
"Mapagkakatiwalaan ba siya?"
Napakibit balikat ako. "Masasagot
'yan ng instinct mo."
"Okay." Tumalikod na siya at tinapik
sa balikat ang mga kapatid. "Lets go."
"Nasusuka pa rin ako hanggang
ngayon." Dinig kong sabi ni Fifth.
"Una na kami Anton, please take of
our brother." Si Third at bahagyang
tinapik ang balikat ko.
"Graduate si Kuya Second sa PMA at
isa sana siyang magaling na alagad
ng gobyerno ngayon kaso ay hindi
iyon natuloy dahil sa nangyari sa
kanya, hindi na niya kayang
ipagtanggol ang sarili niya kaya kahit
ako umaasa sa'yo." Seryoso ang
mukha ni Fourth, hindi ko mapigilang
makaramdam ng pagkamangha dahil
ngayon ko lang siya narinig na
mahabang nagsalita pero mas
nangibabaw sa'kin ang laman ng
sinabi niya.
"Anong nangyari sa kanya?"
Naitanong ko.
"Pagkatapos ng graduation ni Kuya
noon ay may mga masasamang tao
na kumidnap sa kanya. Magaling sila
kaya wala ni isa sa amin ang
nakaalam sa nangyari, although
magaling si Kuya Second sa kahit
anong uri ng labanan ay hindi niya
naipagtanggol ang sarili niya dahil
marami ang mga ito at naunahan
siya, they even drug him dahil alam
nila hindi nila kakayanin si Kuya
kapag nasa ayos ito." Panimulang
kwento ni Six. "Halos isang buwan
siyang nawala n'on at ng ibalik sa'min
ay halos hindi na namin makilala,
natrauma siya at ang balak niyang
maging sundalo ay hindi natuloy dahil
sa ginawang pagtorture sa kanya ay
nabali ang mga paa niya at ibang
parte ng katawan kaya mas pinili
nalang ng mga magulang namin na
maging artista siya, happy-go-lucky at
gawin ang gusto niya as long as hindi
siya napapahamak."
"Isang taon ang itinagal ng iba't ibang
treatment na ginawa sa kanya bago
siya bumalik sa dati, after that
incident ay may lihim ng mga
nagbabantay sa kanya. Kahit kami ay
binabantayan siya. As you can see
malaking tao si Kuya Second pero
mahina siya kaya kailangan ng isang
taong handang magbuwis ng buhay
para sa kaligtasan niya and I don't
know kung bakit ikaw ang napili ni
Daddy." Ngumiti sa akin si Seven.

Tahimik lamang akong nakikinig sa


kanila pero tahimik at lihim na tila
pinipilas ang bawat parte ng puso ko.
Hindi ko namalayang nakakuyom ang
mga kamao ko habang nakikinig sa
kanilang kwento.
"Lahat ng gusto niya ay ibinibigay at
pinakaiingatan namin siya kaya sana
gan'on ka rin. Please, alagaan mo
siya at pagpasensya kapag nagiging
matigas ang ulo niya. He's fragile at
hindi man niya sabihin alam naming
takot siya sa banda sa kanyang
buhay." Napatitig lamang ako kay
Third ng sabihin niya iyon. Tango
lamang ang isinagot ko sa lahat ng
sinasabi nila.
Naistatwa lamang ako sa
kinatatayuan ko hanggang sa
makaalis na ang magkakapatid.
I don't know, pero pagkatapos kong
marinig ang pinagdaanan niya ay
gusto kong hanapin ang mga taong
may gawa n'on sa kanya at patayin
mismo gamit ang sarili kong mga
kamay.
Mabilis kong pinunasan ang mga
luhang hindi ko namalayang tumulo.
Dahan dahan akong bumalik sa silid
ni Second at naabutan siyang
natutulog pa rin. Umupo ako sa gilid
ng kama habang tinititigan ang
gwapo niyang mukha na payapang
natutulog.
Hinaplos ko ang makinis niyang
pisngi. Napatiim bagang ako at mas
lalong nakaramdam ng galit sa mga
taong nagpahirap sa kanya ng makita
ang isang peklat niya sa may kilay.
Ngayon ko lang iyon nakita dahil
kung sa malayuan ay hindi iyon
malinaw dahil natatakpan ng kilay.
"Naguguluhan ako." Bulong ko. "Sa
bawat araw na nakakasama kita kahit
anong isip ko na nagpapanggap ka
lang na mabait at nagbabalatkayo na
mabuting tao ay pilit naman iyong
pinapamukha sa'kin na mali ako."
Mariin kong kinagat ang aking labi
para pigilan ang gbbabadyang luha at
pagbara sa aking lalamunan.
"Simula ng makilala kita hindi ko
nakita ang isang katangian na may
kakayahang manakit ng isang tao.
Hindi ko makita sa'yo na kaya mong
saktan ang kaibigan ko." Tuluyan
akong napahagulhol.
I hate the fact na kinukwestyon ko na
ngayon ang mga plano ko. Noon
naman ay buong buo ang loob ko na
maghigante dahil sa sobrang galit na
nararamdaman ko sa kanya pero
ngayon ay hindi ko na maintindihan
pati ang sarili ko.
Nakita ko sa mga mata niya kung
gaano siya katakot dahil sa
ipinadalang regalo ng kung sino.
Samantalang noong mga sulat
palang ang ipinapadala ay parang
balewala lang sa kanya. Siguro tama
ang mga kapatid niya, he maybe a
big man but he's fragile and weak
inside.
Ipinapapakita niya lang na malakas
sya sa harap ng lahat dahil isa siyang
lalaki at ang alam ng lahat ang isang
lalaki ay dapat malakas.
Mas lalong naging masagana ang
pagdaloy ng aking mga luha dahil
naalala ko kung paano niya ako
yakapin kanina. Para siyang batang
takot maiwan ng mga magulang aa
gitna ng maulan na kagabi dahil sa
takot sa kulog at kidlat.
Hindi ko alam kung ilang segundo,
minuto o oras ang igunugol ko sa
pagtitig sa napakagwapo niyang
mukha hanggang sa gumalaw ito.
Mabilis pa sa alas kwatro kong
pinunas ang mga luha ko at
naghanda ng isang ngiti, kahit pilit pa
iyon.
"K-King?" Nakapikit pa rin ito pero
dinig kong tinatawag niya ang mukha
ko. "K-King?" Bumaling baling ang
kanyang ulo sa magkabilang side.
Hinawakan ko ang kanyang kamay
para maramdaman niyang nandito
ako. "I'm here, I'm here."
Dahan dahan siyang nagmulat ng
mga mata at ng makita ako ay agad
niya akong dinamba ng yakap,
napakahigpit niyon na parang
sinasabing wag akong umalis.
"Baka kunin ka nila, ayokong kunin
ka nila." Para siyang bata na
nagsimula umiyak.
Napapikit ako ng mariin dahil sa
nanginginig niyang boses at katawan.
Natrigger ba ang trauma nito dahil sa
brutal na nakita kanina sa ipinadalang
regalo? Maaaring mangyari iyon dahil
alam ko na kahit kumaling ang isang
taong nakaranas ng gan'on ay may
pagkakataon na bumalik iyon lalo
kung makakakita ng mga bagay na
may kaugnayan sa nangyari sa
kanya.

"Hindi nila ako kukunin, hindi ako


papayag kasi ayokong iwan ka."
Masuyo kong bulong habang
hinahaplos ang malambot niyang
buhok.
Mas lalo siyang nagsumiksik sa
katawan ko habang umiiyak. "Wag
mo akong iiwan baka bumalik sila."
"Stop crying na, hindi ako aalis at
hindi kita iiwan." Mas lalo niyang
isiniksik ang mukha sa leeg ko.
"Natatakot ako, paano kung sa
susunod ulo ko na ang putulin nila
pagkatapos nila akong pahirapan?"
Punong puno ng takot ang bawat
salitang lumalabas sa bibig niya.
Naikuyom ko ang mga kamao ko.
Putangina! Kapag nakita ko ang mga
taong nasa likod ng mga
pangyayaring ito ay papatayin ko sa
paraang alam kong hindi nila
makakalimutan kahit nasa ilalim na
sila ng lupa!
"Ipagtatanggol kita kaya hinding hindi
nila magagawa iyon. Walang
mananakit sa'yo hanggang buhay
ako dahil sino mang magtangka na
saktan ka dadaan muna sa'kin."
Patuloy ang pag-aalo ko sa kanya.
Bahagya kong ihiniwalay ang
katawan niya sa'kin para punasan
ang kanyang mga luha. Gamit ang
mga palad ko ay tinuyo ko iyon. "Stop
crying, big boy don't cry di ba?"
Nakatitig lang siya sa mukha ko at
naramdaman ko nalang ang mga labi
niyang lumapat sa mga labi ko.
Napakurap kurap ako dahil sa
kakaibang kuryenteng dumaloy sa
buo kong katawan na nagmumula sa
kanyang napakalambot na labi.
This is not my first kiss pero ang
pakiramdam ko kapag siya ang
humahalik ay parang palaging una.
Mas lalong dumiin ang kanyang labi,
ilang segundong nasa gan'on kaming
sitwasyon bago nagsimulang
gumalaw ang mga labi niya.
Ipinagpasalamat ko na nakaupo ako
sa gilid ng kama dahil ramdam na
ramdam ko na naman ang
panghihina at panginginig ng mga
tuhod ko. Para akong hinihili sa mga
halik niya dahilan para mapapikit ako
at magpatangay sa hindi ko
maipaliwanag na sensasyong
ibinibigay niya.
Damn! Bakit ang sarap niyang
humalik?
Ilang sandali pa ay naramdaman ko
ang mga kamay niyang humahaplos
at pumipisil sa bewang at hita ko
habang ako ay gumaganti sa halik
niya.
"Hmmm." Shit! Napamura ako sa isip
ng mapaungol ako.
Nakagat ko ang aking mga labi dahil
sa pagbaba ng halik niya sa panga ko
patungo sa leeg. Hindi ko alam kung
itutulak ko siya o hahayaan nalang na
namnamin ang masarap na
pakiramdam na dulot ng kanyang
mga haplos.
"S-Segundo, y-you need to stop
pupunta pa tayo sa interview mo."
Pinilit kong pabalikin sa katinuan ang
isip ko pero sadyang makulit siya
dahil mas lalo lang niyang pinag-igi
ang ginagawa.
He's now kissing the valley of my
breast. Sucking ang licking my skin at
tracing it with his wet kisses. Mas
lalong tumaas ang kamay niya sa hita
ko at konti nalang ay mahahawakan
na niya ako doon. Ang kamay niyang
nasa bewang ko kanina ay nasa loob
na ng suot kong damit paakyat sa
dibdib ko.
Pinipilit kong pigilan ang mga ungol
ko dahil sadyang malapit na akong
mahibang sa pinaggagagawa niya.
I'm maybe a serious and cold type of
woman but I'm still human at
naaapektuhan ako sa mga haplos
niya.
Oh! Shit!
Nasa ibabaw ko siya at halos lahat ng
bigat niya ay nasa akin na. Nakahiga
na ako sa kama at nasa ibabaw ko
siya. Muling bumalik ang mga labi
niya sa labi ko.
"H-Hey, stop may pupuntahan tayo."
Pagkausap ko sa kanya.
Nakahinga ako ng sa wakas ay
tumigil siya pero hindi pa rin umalis
sa ibabaw ko at ang kamay niya ay
nasa hita ko pa rin. Tinitigan niya ako
gamit ang mapupungay niyang mga
mata, punong puno iyon ng
pagnanasa dahilan para mapalunok
ako.
Ito ang unang pagkakataon na hindi
siya lango sa alak habang
hinahalikan niya ako.
"Kailangan ba talaga 'yon?"
Nakangusong tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo."


"Ayokong lumabas, dito nalang tayo."
Ungot niya.
Sa laki niyang tao ganyan siya
umasta, ngumunguso at nangungulit
na parang bata but honestly I miss
this. I miss him. Hindi kami naging
maayos noong nakaraan at pormal
lang kami sa isa't isa.
"We need to, pagkatapos naman n'on
ay hindi ka na lalabas mag-e-stay ka
nalang sa bahay ko." I said.
Nanlaki ang mga mata niya. "Sa
bahay mo? Itatanan mo na ako?"
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa
sinabi niya. "Doon ka muna
pansamantala dahil masyado ng
delikado dito, mas ligtas doon dahil
secured ang lahat para hindi na
maulit ang nangyari kanina."
Paliwanag ko.
Naisip kong gawin ang bagay na iyon
hanggat hindi ko pa natatapos ang
misyon ko. Tama si First masyado ng
delikado ang condo'ng ito ni Second
kaya kailangan ko siyang dalhin sa
mas safe na lugar.
"Sige na magbihis ka na para
makaalis na tayo, ipapakuha ko
nalang ang mga gamit mo."
Hindi siya siya natinag sa
pagkakadagan sa'kin. "Basta
patulugin mo muna siya." Sabi niya.
Noong una ay hindi ko nakuha ang
ibig niyang sabihin not until idiniin
niya ang mga hita niya sa'kin. Nanlaki
ang mga mata ko ng maramdamang
may tumusok sa puson.
"What the fuck!" Mura ko dahil sa
sobrang pagkabigla.
Nag-init ang magkabila kong pisngi
lalo ng makitang nakangisi siya at
parang nang-aasar. "Ang dumi ng
bibig mo."
"Umayos ka nga." Pinilit kong maging
mataray ang boses ko pero wala sa
kanya 'yon. Mas lalo lang niyang
inilapit ang mukha niya sa'kin at paulit
ulit na dinadampian ng magaan na
halik ang labi ko.
"Ang sarap ng labi mo." Bulong niya,
napangiwi ako ng kagatin niya ang
pang-ibaba kong labi at bakas ang
panggigigil niya.
Palakas ng palakas naman ang tibok
ng puso ko dahil sa mga ginagawa
niya. Halos kapusin ako ng hininga
dahil sa kakaibang pakiramdam. I
don't know pero para sa'kin ang
sweet ng ginagawa niya. At sa isiping
'yon mas tinatambol ng kaba ang
dibdib ko.
Nakahawak ang mga kamay ko sa
balikat niya habang ang mga braso
niya ay nakatukod sa magkabilang
parte ng ulo ko.
"Sabi mo tuturuan mo akong humalik
pero hindi ka naman pala marunong."
Natatawang sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi nga
pero natututunan naman 'yon, ikaw
sabi mo hindi ka marunong humalik?"
Napakamot siya sa batok na parang
nahihiya. "Hindi nga pero
nagparactice nalang ako."
"At nagpractice ka kasama ang mga
babae mo?" Para akong tanga dahil
bakas sa boses ko ang inis, naiinis
lang ako dahil sa isiping nagpractice
siya na parang dace steps lang.
"Mga babae?" Kumunot ang noo
niya. "Wala naman akong mga
babae." Seryosong sabi niya at mag-
sasalita na sana ako ng bigla siyang
ngumiti. "Ay meron pala."
Hindi ko ipinahalata ang pagdaan ng
kirot sa puso ko. Bakit naman ako
masasaktan sa kaalamang meron
nga siyang mga babae. Sa pagiging
magkaibigan namin sa halos
dalawang taon ay wala akong
nakitang babae niya dahil takot nga
siya, ang mga babae ang humahabol
sa kanya kaya akala ng iba na
babaero siya pero malay ko naman
kung may secret girlfriend siya na
hindi ko alam. Hindi naman lahat ng
bagay ay tapat sabihin niya sa'kin.
Nakangisi na siya noong mula akong
tumingin sa kanya. "Yang kilay mo
salubong na naman." Puno ng
lambing ang boses niya habang
pinaghihiwalay ang mga kilay ko
gamit ang hintuturo niya. Hinaplos
niya rin ang pisngi ko. "May mga
babae na naman talaga ako at kahit
kailan hindi mawawala 'yon."
Wala naman akong paki. Kahit na
parang piniga ang puso ko sa
bulgaran niyang pagsabing may mga
babae siya wala akong paki.
"Okay." Nagkibit balikat ako at
umiwas ng tingin dahil ayokong
makita niyang apektado ako.
Yes, apektado ako sa mga sinabi niya
at naiinis ako sa nararamdaman ko.
"Hey, look at me." Hinawakan niya
ang baba ko kaya napabalik ang
tingin ko sa mga mata niya. "May
mga babae ako at hindi mawawala
'yon, si mommy at ikaw. Hindi kayo
mawawala sa'kin."
Ang mommy niya at ako? Ang mga
babae niya? Ilang ulit akong
napakurap. Ibig sabihin ang tinutukoy
niya ay hindi girlfriend o flings?
"Oh, bakit ka nakangiti?" Nakangisi
niyang tanong. Mabilis kong tinakpan
ang bibig ko.
Nakangiti ba ako? Parang hindi
naman.
"Hindi ako nakangiti." Angal ko.
Dumampi na naman ang mga labi
niya sa'kin pagkatapos niyanf
tanggalin ang kamay ko sa bibig.
"Nakakarami ka na, ha!"
"Ang sarap nga kasi ng labi mo."
Ungot niya.

---------------------------
--

Chapter 23

"Good afternoon viewers, I am your


host Alen and our guest for today is
our most drop-dead-gogeous artist,
hunk model and in demand endorser
Mr. Second Castillion." Masayang
tugon ng host habang nagsisimula na
ang show.
This is an afternoon show ng CBE
network at ini-schedule ko ito para sa
pansamantalang pamamaalam ni
Second aa showbiz, hindi naman
maaaring basta nalang siya mawala
ng pasabi.
Nakangiting pumasok si Second kaya
nagsimulang magsigawan ang
kanyang mga fans, may hawak pang
mga banner ang mga ito kung saan
nakalagay ang pangalan at mukha ni
Second.
Umupo siya sa couch na kaharap ni
Alen, ang host. Suot ni Second ang
kanyang semi formal attire na mas
lalong nagpagwapo sa kanya kaya
hindi nakapagtataka kong bakit halos
magwala na ang mga kababaihan na
nasa studio.
"Hello, it's nice to see again Second."
Panimula ni Alen.
"It's nice to back her in your show
Alen." Ngumiti siya, kahit ang host ay
hindi naitago ang kilig. Napailing
nalang ako.
Nasa gilid lamang ako habang abala
sa pagmamasid sa mga tao. May
mga camera man sa paligid at sa
kabilang sulok ay nandoon ang ibang
mga staff ng show.
Nagsimula na nyang tanungin si
Second sa mga bagay bagay na
gustong malaman ng mga
humahanga sa kanya.
"Captain." Napalingon ako dahil sa
pagdating ni Galero.
Sandali akong tumingin kay Second
at ng makitang komportable na siya
sa pakikipag-usap ay muli kong
binalingan si Galero.
Bahagya akong naglakad palayo pero
kita ko pa rin ang pwesto niya. Nasa
likod lang ako ng camera man na
nasa area namin.
"Anong resulta?" Tanong ko agad.
May inabot siyang folder na binuklat
ko naman agad. Nakita ko ang
identification ng babaeng nagmamay-
ari ng ulong iyon. Napatiim bagang
ako at salubong ang mga kilay na
binalingan si Galero.
Nakayuko ito. "Ito ang babaeng
nagtangka noon kay Second sa bar,
hindi ba sinabi ko sa'yong dalhin mo
sa departamento?" Mahina lamang
ang boses ko pero halata doon ang
galit.
Tumingin siya sa'kin. "Hindi po kami
natuloy sa department noon kasi nga
di ba inalbor ko siya."
Napahilot ako sa sentido ko dahil
kahit hindi man niya linawin ang
sinabi niyang inalbor niya ay alam
kong nagpakasawa siya sa katawan
ng babaeng 'yon.
"Hindi ko siya nadala sa department
kasi paggising ko wala na siya sa tabi
ko, nakatakas na."
"Bullshit!" Hindi ko mapigilang mura
sa kanya. Mabuti nalang at walang
nakakapansin sa amin ngayon dahil
bukod sa abala ang lahat sa
nagaganap na show ay maingay ang
paligid. "Inuna mo ang libog mo
kaysa sa trabaho mo. Kung hindi ka
natakasan ide sana maaari tayong
makakuha sa kanya ng
impormasyon."
"Pasensya na po talaga."
"Wala bang nakitang kahit anong hint
kung sino ang may gawa n'on?
Finger prints?"
"Wala po, malinis po ang
pagkakagawa nila at kahit ang
nagdala n'on sa condo ni Sir Second
ay hindi nakita sa CCTV ng
condominium."
Napasabunot ako sa buhok dahil sa
sobrang frustration. "Siguro akong
kung sino ang nag-utos sa kanyang
kunin si Second ay siya ring may
gawa n'on, pumalpak siya kaya
pinatay."
Hindi umimik si Galero, nakatingin
lang ako sa kanya dahil wala naman
akong mahihita. Palpak na naman.
"Bumalik ka na sa pwesto mo."
Ibinalik ko sa kanya ang folder.
"Sige po, Captain. Salute."
Pagkatapos n'on ay agad din siyang
umalis.
Napapailing na kinuha ko ang
cellphone ko at tinawagan si Gale.
Mabuti at agad niya namang sinagot
matapos ang ilang ring.

"What's up?" Bungad niya.


"Pakikuha ng mga gamit ni Second
sa condo niya at pakidala sa bahay
ko. Lahat ng sa tingin mo ay
importante." Utos ko.
"Wow, maglilive in na kayo?
Aasawahin--" bago pa man siya
tumalak ng tumalak ay binabaan ko
na siya tutal tapos ko ng sabihin ang
gusto kong sabihin.
Bumalik ako sa kinatatayuan ko
kanina at tumingin kay Second na
abala pa rin.
"Ayon sa scoop na nakuha namin
Second ay pansamantala kang aalis
sa mundo ng showbiz? Is it true?"
Magalang na tanong ni Alen. Iba't iba
ang naging reaction ng mga
manonood na live sa studuo
audience.
"Nakakalungkot man pero kailangan
kong umalis muna may kailangan
akong ayusin, personal matter. But,
babalik rin ako kapag ayos na." Sagot
niya.
Nakita kong may umiiyak sa mga
fans niya.
Kahit hindi niya sinasadyang
makapagpaiyak ay may umiiyak pa
rin talaga dahil sa kanya. Perks of
being gwapo.
"Pwede bang malaman kung gaano
ka katagal mawawala? Siguradong
malulungkot ang mga fans mo."
Tumingin siya sa gawi ko kaya
tinanguan ko siya.
"Hindi ko pa masasabi pero siguro
hindi naman ako magtatagal."
Ipinagpatuloy niya ang pagsasalita.
Nagpasalamat sa mga fans at mga
taong sumusuporta sa kanya. Kahit
naman bad image siya sa mundong
ginagawalan niya ay alam kong
mahal ni Second ang trabaho niya
kaya mahirap para sa kanya ito.
Natigilan ako dahil sa hindi ko
sinasadyang mapatingin sa gawi ng
mga staff ay nakita ko ang isang
camera man na nakahawak sa
kanyang likod ngunit animoy busy sa
pagkunga ng anggulo.
Nakita ko ang konting paglabas ng
isang metal na kulay silver sa likod
nito at hindi ako maaaring magkamali
baril iyon.
"Back up." Bulong ko sa speaker na
nakakonekta sa team bago mabilis na
tumakbo sa gawi ni Second.
Wala akong pakialam kung magtaka
ang lahat o magkagulo ang mahalaga
ay ang mailabas ko siya sa lugar na
ito dahil mapanganib.
Humarang ako sa kanya bago mabilis
na bumunot ng baril. Nakita ko ang
panlalaki ng mata ng camera man at
bago pa man ito makakalabit ng
gatilyo ay naunahan ko na.
Nagkagulo sa buong studio habang
ako ay nakaharang pa rin kay Second
at hawak ng mahigpit ang kamay
niya.
"Are you okay?" Tanong ko dahil
nanginginig ang mga daliri niya.
"Baka mabaril ka." Sabi niya.
"Don't worry about me." Hinila ko siya
habang nagkakagulo pa ang mga tao
pero natigilan ako ng may isa pang
camera man kanina na may hawak
na ng baril.
Shit! Nasabutahi ang mga pinili kong
staff para sa show.
"Dapa Segundo." Sigaw ko at pinilit
ko siya padapain kahit ayaw niya
dahil mas iniisip niya na baka
masaktan ako.
Nakipagpalitan ako ng putok habang
nakatago kami sa likod ng couch na
kinauupuan ni Second kanina.
Hinihingal ako napatagong muli dahil
tatlo katao na ngayon ang
nagpapaulan sa'min ng bala. Itinaas
ko ang suot kong skirt at inilabas ang
isa pang baril na nasa holster ko.
"Use this." Iniabot ko kay Second ang
baril at mabilis niya namang
tinanggap 'yon.
"In three counts sabay tayong aataki
at pipilitin nating makalabas sa lugar
na 'to." Bilin ko sa kanya.
"Okay, be careful baka matamaan
ka." Puno ng pag-aalala ang makikita
ko sa mga mata niya. Tumango ako.
"One." Pagsisimula ko sa bilang.
"Two...three!" Sabay kaming umangat
mula sa pagkakatago sa couch.

Dalawa ang natamaan ni Second at


puro sa ulo iyon ako naman ay isa at
sa ulo din. Napamura ako ng
makarinig ng maraming mga yabag.
"Hindi tayo makakadaan sa exit ng
studio na ito dahil may paparating pa
kaya kailangan nating umisip ng
ibang paraan."
Pareho kaming nagpalinga linga sa
paligid para humanap ng
malalabasan.
"Doon."
Napatingin ako sa kanya ng ituro niya
ang isang tented glass wall at
siguradong sa kabilang studio ang
labas namin kapag binasag iyon.
Sinimulan niya iyong pagbabarilin
para mabasag. Nagkakaputukan na
rin sa labas kaya alam kong nandyan
na ang back up namin.
Mabilis kong ikinonekta kay Gale ang
speaker. "Park kailangan kita dito
ngayon para ilayo si Second."
"Copy, papunta rin ako sa CBE."
Sagot niya.
"Lets go." Hinila ako ni Second ng sa
wakas ay nabasag na niya. Tumakbo
kami papunta sa kabilang studio pero
hindi pa man kami tuluyang
nakakalayo ay nakarinig ako ng putok
at naramdaman ko ang pagbaon ng
mainit na metal sa bandang tyan ko.
Shit!
Lumingon ako at agad na pinuntirya
ang bumaril sa'kin. Nakapasok na sila
sa studio'ng kinaroroonan namin
kanina.
Sumunod pa rin ako sa pagtakbo kay
Second kahit napapangiwi ako dahil
sa tama ko. Sinapo ko ang tyan ko
para kahit papaano ay maampat ang
pagdurugo ng sugat ko.
Nakarinig pa rin ako ng putukan
hanggang sa makarating kami sa exit
ng pangalawang studio ay may
biglang humila sa'ming dalawa ni
Second at ipinasok kami agad sa
elevator.
Pareho kaming hinihingal na
napasandal sa malamig na dingding
ng elevator ng magsimula itong
umandar pataas.
"Puta! Third anong klaseng security
meron ang building mo bakit walang
nakaalam na may mga nakapasok na
armado?" Narinig ko ang sigaw ni
First na umalingawngaw sa apat na
sulok ng elevator. Doon ko lang
narealize na sila ang humila sa'min,
ang Castillion Brothers. Nandito
silang lahat mula kay First hangang
sa bunso nilang si Seven.
"I'm sorry Kuya kanina ko lang rin
nalaman ng dumating ako ay tulog
ang security guard sa entrance at pati
na ang mga guard sa CCTV room ay
may mga tama na ng bala."
Paliwanag ni Third. "Kaya agad kong
pinuntahan ang studio kung nasaan
si Second pero bago pa ako
makarating ay nakarinig na ako ng
putukan."
"Ang lakad ng loob ng mga gagong
'yon at pumasok pa talaga sa
teritoryo natin. Tayo pa ang sinugod."
Si Fourth.
Mariin akong pumikit dahil sa pagkirot
ng sugat ko, mabuti napang at itim
ang suot kong sando at hindi
gaanong halata ang dugo.
Nakikinig lang ako sa usapan ng
magkakapatid ng maramdaman ko
ang noong lumapat sa noo ko at ang
pagtama ng hininga sa mukha ko.
Hindi man ako magdilat ay kilala ko
na kung sino iyon, si Second base sa
malakas tibok ng puso ko.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong
niya.
Tumango ako kahit ang totoo ay
nanginginig na ang tuhod ko sa
sobrang sakit ng tama ko.
"Fuck! Dugo, may tama si Ate Anton."
Dinig ko ang familiar na boses ni
Seven.
Rinig na rinig ko ang mga mura nila
at pagkataranta lalo na si Second.
Hinawakan ko ang kamay niya para
kumalma.
"I'm okay don't worry."
"Anong okay, okay ka pa sa lagay na
'yan e namumutla ka na. Bakit hindi
mo sinabi agad na may tama ka?"
Halos sigawan niya ako sa sobrang
pagpapanic. Napangiwi nalang ako.
"Santez, nasa rooftop ako nandito
ang helicopter na hinirap ko kay
General. Masyadong maraming
tauhan ng kalaban ang nasa baba
kaya dito na ako dumiretso. Dito kayo
pumunta." Sabi ni Gale sa kabilang
linya, mabuti nalang ay nananatiling
activated ang speaker naming
dalawa.
Nakapikit pa rin ako ng magsalita. "S-
Sa rooftop tayo nandoon si Gale."
Imporma ko sa kanila.
"Sa rooftop daw." Si Second, base sa
timbre ng boses niya ay umiiyak siya.
Siguro talagang napakahirap ng
pinagdaanan niya noong nakidnap
siya at ang epekto n'on ay madali
siyang panghinaan ng loob.
Napakahina niya para sa isang lalaki
at sa laki ng kawatan niya. Umiiyak
agad siya.
He's maybe serious, snob,
demanding and dominant to others
but deep inside him, he's fragile as
baby.
"Baby naman bakit hindi mo sinabing
may tama ka?" Tanong niya sa basag
na boses.
Baby? Napangiti ako.
Naramdaman kong binuhat niya ako
ng bumukas ang elevator. Tumatakbo
siya habang dinig ko na ang ungong
ng helicopter at ang malakas na
hangin na nagmumula sa elise nito ay
ramdam ko.
"Hold on baby." Paulit ulit na bulong
ni Second sa taenga ko.
Gusto kong dumilat pero hindi ko
kaya dahil sa pagbigat ng
pakiramdam ko.
"Third and Seven kayo ang sumama
sa hospital, samahan niyo si Second
sa pagdala doon kay Anton kami na
ang bahala rito." Bilin ni First.
"Yes Kuya."
Nakasakay na kami sa helicopter
habang inaayos ang posisyon ko.
"Wag kang matutulog, Baby." Bulong
na naman ni Second.
"Don't worry Second masamang
damo 'yan kaya mahirap mamatay."
Boses ni Gale at humagikhik pa.
Baliw talaga ang babaeng 'to
nasaktan na nga ako nakuha pang
dumaldal. Hindi naman ako natatakot
na natamaan ako dahil alam kong
hindi ako napuruhan, isa pa hindi ito
ang unang pagkakataon na tinamaan
ako ng bala. May mas malala pa nga
dito pero nakaligtas pa rin ako.
"Shut up okay? Kung wala kang
maitutulong tumahimik ka." Singhal ni
Third.
"Duh, ako walang maitutulong? Ako
kaya nagdala ng helicopter na ito at
ako rin ang magpapaandar." Mataray
na sagot ni Gale. Gaga talaga.
"Kuya kailangan muna nating talian
ng tela ang sugat niya habang wala
pa tayo sa hospital." Tugon ni Seven
habang nagbabangayan pa rin ang
dalawa.
Doctor si Seven kaya panatag ako na
alam niya ang gagawin niya.
"Wag mo akong iiwan baby, ha?" Iyon
ang huling mga salita na narinig ko
mula kay Second bago ako mawalan
ng malay.

---------------------------
--

Chapter 24

HINDI ako mapakali at panay ang


pabalik balik ko habang nasa labas
ng operating room. Kanina pa sa loob
si King dahil tinatanggal ang bala sa
katawan nito.
Kulang nalang ay himatayin ako
n'ong mawalan siya ng malay kanina
habang papunta kami dito sa
hospital. Hindi ko kayang makita siya
sa gan'ong lagay kaya panay ang
iyak ko dahil wala akong nagawa
para salagin ang bala kanina, ni hindi
ko nga alam na natamaan pala siya.
"Relax Second, magiging okay din
siya." Naramdaman ko ang pagtapik
ni Third sa balikat ko.
"Paano ako magrerelax kung alam
kong nasa panganib ang buhay niya."
Napasabunot ako at nanghihinang
napasandal sa wall.
Hanggang ngayon nagwawala pa rin
ang kabog ng dibdib ko dahil sa
sobrang takot na naramdaman ko ng
makitang may dugong masaganang
dumadaloy sa katawan niya.
"This is my fault, kung hindi dahil
sa'kin wala sana siya sa ganitong
sitwasyon. Kung hindi nasa panganib
ang buhay ko hindi na sana niya ako
kailangang bantayan para iligtas."
Naiiyak na naman ako habang
tulalang nakatingin sa pintuan ng
operating room.
"Don' t say that Kuya, walang may
kasalanan sa nangyari. Well, kung
meron man ay 'yong mga taong nasa
likod nito." Si Seven.
Naikuyom ko ng mariin ang mga
kamao ko dahil gustong gusto ko
ngayon ay patayin ang mga taong
nasa likod nito. Galit na galit ako sa
kanila dahil wala silang mga puso,
ano bang ginawa ko sa kanila para
pagbantaan nila ng ganito ang buhay
ko?
"Malakas si Anton kaya wala kang
dapat na ipag-alala. Sisiw lang sa
kanya 'yan isang bala lang naman sa
iba nga naming kasong hinawakan
halos tadtarin na siya ng bala pero
buhay pa rin siya. Masamang damo
'yan." Natatawang kwento ni Gale na
parang katuwa tuwa nga 'yong
kwento niya.
"Ang hilig mong sumabat sa usapan
ng may usapan, napakadaldal mo."
Inis na sagot ni Third at masama ang
tingin kay Gale.
Namewang naman siya at ginantihan
ng masamang tingin ang kapatid ko.
"Ako Tres wag mong kinakausap ng
ganyan baka makatikim ka sa'kin
makita mo. Inaano ka ba, ha?"
Singhal nito habang nakapamewang
pa rin na akala mo napakalaking tao.
"Hindi lang ako nakipagsex sa'yo
nagkaganyan ka na."
Napangiti ako. Kahit papaano ay
gumagaan ang pakiramdam ko dahil
sa kakulitan nitong kaibigan ni King.
Nagtataka lang ako dahil kung gaano
katahimik si King ay gan'on naman
kadaldal ang babaeng 'to, paano sila
naging magkaibigan?
"The fuck! Kuya Third, is that true?"
Manghang tanong ni Seven.
"Wag kang maniwala sa babaeng
'yan sa sobrang kabaliwan
nagkakaganyan na." Seryosong
sagot ni Third.
"Mabuti alam mo na baliw na baliw
ako sa'yo." Parang wala lang na sabi
nito samantalang si Third ay
natameme, mas lalo tuloy akong
napangiti.
"Burn." Kantyaw ni Seven habang
panay ang tawa sa bangayan ng
dalawa. Kanina pa kasi sila panay
ang away kahit noong nasa helicopter
palang.
"Anyway, Ate Gale ang hot mo kanina
habang nagpapalipad ng helicopter."
Manghang sabi pa ni Seven.
Napangisi si Gale at kumaway kaway
na parang beauty queen na sasalang
sa pagent at taas noong naglakad.
"Ako pa ba, kailangan kong maging
hot para mainlove sa'kin 'yong Kuya
mong tuod." Sabay kindat niya.
Abala ako sa pagmamasid sa kanila
ng bumukas ang pinto ng operating
room. Dali dali akong lumapit sa
doctor.
"Doc kumusta po siya?"
"She's okay now Mr. Castillion,
maraming nawalang dugo sa kanya
mabuti nalang at nasalinan agad siya.
So for now let her rest, ililipat na siya
sa room niya paki hintay nalang."
Paliwanag nito habang nakangiti,
nakahinga ako ng maluwag dahil sa
magandang balitang sinabi niya.
Naramdaman ko ang pagtapik sa'kin
ni Doc bago ito tuluyang umalis.

"Thank god." Usal ko.


"See? Sabi ko naman sa'yo na hindi
siya mamamatay kasi kapag namatay
siya papatayin ko ulit siya, double
kill."
Napapailing ako dahil sa kabaliwan
niya.
"HMMM!" Napangiti ako habang
panay ang halik ko sa pisngi at labi ni
King.
This is insane, naaadik ako sa lips
niya to the point na ayoko ng bitawan.
Hanggang ngayon ay hindi pa siya
gising halos buong maghapon na
siyang tulog at nag-aalala ako para
sa kanya.
"Baby, gising na." Hinalikan ko siya
sa labi ngunit dampi lang iyon.
"Malandi rin pala ang kapatid mo ano
Tres?" Hindi ko pinansin ang
pagpaparinig ni Gale.
Nandito kaming magkakapatid sa
private room na pinagdalhan kay
King, even my dad and mom is here
pero hindi ako nahihiya kahit sabihan
pa nila akong malandi.
Kanina panay ang iyak ni mommy
dahil akala niya napano na ako at
ngayon hinihintay nila na magising si
King para magpasalamat sa ginawa
nito.
"Mas malandi ka sa kanya, kapal ng
mukha mo nandito ka pa di ka naman
kapamilya." Asik ni Third.
"Your mouth Third!" Saway ni
mommy.
"Sorry mom."
Tumawa si Gale ng malakas at
gan'on rin ang mga kapatid ko.
Kanina pa ito maingay pero hindi
manlang nagising si King. Namimiss
ko na agad siya kahit kasama ko
naman siya buong maghapon.
Pinakatitigan ko ang napakaganda
niyang mukha. Mahahaba ang itim na
itim niyang mga pilik mata,
mamulamula ang mga pisngi ngunit
ang labi niya ay medyo maputla dahil
siguro sa nangyari.
Sya ang pinakamagandang babae na
nakita ko. 'Yong tipong titignan ka
lang ng malamig niyang mga mata
magwawala na agad ang puso mo at
panlalambutan ka ng mga tuhod.
Alam ko dahil iyon palagi ang
nararamdaman ko kapag titignan niya
ako.
"S-Second." Napakurap kurap ako ng
makita kong nakatitig ang mga mata
niya sa'kin.
Dinamba ko siya ng yakap dahil sa
sobrang saya ko na gising na ulit
siya.
"Ouch!" Daing niya.
"Shit! I'm sorry baby hindi ko
sinasadya." Nataranta ako dahil
nadiinan ko pala ang sugat niya.
Hinaplos haplos ko kung nasaan ang
sugat niya pero mabilis niyang tinapik
ang kamay ko.
"Kamay mo bumababa." Seryosong
sabi niya.
"Hehe. Baby naman gusto ko lang
naman mawala ang sakit sa sugat
mo."
"Kaya balak mo akong gahasain?"
Sinamaan niya ako ng tingin kaya
napayuko ako.
"OMG! Anton gising ka na, bakit hindi
ka tuluyang kinuha ni Lord? Wala na
bang space o sadyang hindi ka
tanggap d'on?" Agad na lumapit
sa'min si Gale gan'on din ang mga
kapatid ko at mga magulang.
"Ang ingay mo." Inis niyang sabi at
sinabunutan ang kaibigan niya ng
lumapit ito para yakapin siya.
Nakangiti siya habang ako ay hindi
na naman napigilan ang pagkatulala
dahil sa ganda ng tanawin na nasa
harapan ko ngayon. Minsan ko lang
siya makitang nakangiti at kapag
nangyayari 'yon ay mas lalong
nadadagdagan ang pagkagusto ko sa
kanya.
Yes, I like her. I really really like her at
hindi ko alam kung saan nagsimula
pero nagising nalang ako na
napakalaki na ng epekto niya sa'kin.
Nagising nalang ako na hindi
kompleto ang araw ko kapag hindi ko
manlang siya nasilayan bago
matapos ang buong magdamag.
Nagising nalang ako na labis ang
pag-aalala ko kapag wala siya sa tabi
ko. Nagising nalang ako na pumasok
sa isip kong pumatay kapag may
nangyaring masama sa kanya.

Napakalakas ng epekto niya sa'kin


kahit wala siyang ginagawa. Hindi ko
maipaliwanag ang nararamdaman ko
pero masaya ako kapag
nararamdaman 'yon.
Kapag masaya siya masaya na rin
ako, kapag nakikita kong malungkot
ang mga mata niya ay mas
nalulungkot at nasasaktan ako.
Palakas ng palakas ang pagkabog ng
dibdib ko habang pinagmamasdan
ang bawat pagkibot ng labi niya dahil
sa pagsasalita, ang pagsalubong ng
mga kilay, ang pagkunot ng noo at
ang panlalamig ng mga. Kapag
nakikita ko ang gan'ong mga
reaksyon sa mukha niya ay parang
may kung anong humihila sa'kin
papalapit sa kanya.
She's perfect in my eyes. Wala akong
maipintas sa kanya dahil siguro kahit
may flaws siya ay tanggap ko pa rin.
"Matunaw." Napabaling ako kay Kuya
First. Nakatayo siya sa tabi ko
habang pinagmamasdan din niya ang
asawa niyang nakikipag-usap kay
Anton.
"Naiintindihan na kita ngayon." Wala
sa loob na sabi ko. Nakita kong
tumango siya.
"Wag mong sabihin 'yan dahil alam
kong hindi ka pa nangangalahati sa
pinagdaanan ko." Seryoso niya iyong
sinabi.
"I know pero alam kong malaki ang
puwang niya sa buhay ko and for me
that's enough para sabihing kaya na
kitang intindihin ngayon." Natatawang
sagot ko. "Alam ko na ngayon ang
pakiramdam na gustong gusto ko
siyang tawagin sa iba't ibang
endearment dahil gusto kong ako ang
maaalala niya kapag narinig ang
salitang 'yon. Corny but the hell I care
sa sasabihin ng ibang tao."
Doon ko nakitang ngumiti siya at
tinapik ang balikat ko. "Ingatan mo
siya hindi lang ito ang pagdadaanan
mo-niyo, ano mang mangyari lagi
kang maniniwala sa kanya."
"I trust her." Usal ko.
"I know at nakikita ko 'yon kung
paano mo siya titigan. Gusto sana
kitang pagtawanan ngayon kaso sa
susunod nalang kapag alam kong
lunod ka na." Biro niya.
Natawa ako dahil sa sinabi niya.
Gustong gusto niyang gumante dahil
kapag nagiging sweet siya aa asawa
niya ay kulang nalang masuka kami
sa pandidiri dahil sa pagiging corny at
nakakabakla ang paglalambing niya
lalo 'yong endeaments.
Honestly, literal na nangingilabot ako
noon kapag nakikita siyang hindi
magawang humiwalay sa asawa niya
at parang laging aagawan. I find it
gross pero ngayon ramdam kong
gan'on na rin ako kay King.
Ngayon kinakain ko na lahat ng
pandidiri ko sa kasweetan niya.
Para akong sinisilaban kapag
nakikitang may lalaking kumakausap
o lumalapit kay King. Nag-iinit agad
ang ulo ko at gusto kong manuntok
kapag gan'on. Gusto kong yakap lang
siya palagi at nahahalikan.
"Anak." Napakurap ako at bumaling
kay mommy na siyang tumawag
sa'kin.
"Mom?"
"Ayos lang ba sa'yo ang plano ni
Anton?"
"Yon po bang doon muna ako sa
bahay niya?" Tumango siya. Ngumiti
ako. Ang hitsura ko bang 'to ang
tatanggi? "Ayos lang mom para rin
naman sa kaligtasan ko."
"Wow, that's good to hear iho.
Nakakapagtaka, kamakailan lang
galit na galit ka ng malaman mong
siya ang secret hired bodyguard para
sa'yo tapos ngayon ay parang
gustong gusto mong magkasama
kayo." Singit ni Daddy kaya inulan
ako ng kwantyaw.
"Wala na naman akong magagawa
dad---"
"Wala na siyang magagawa kaya
inienjoy na lang niya para makaisa."
Pagpuputol ni Fifth sa isasagot ko.
"Matagal na niyang gusto si Anton
kaya advantage sa kanya ang
ganitong pagkakataon."
"Hala si Kuya Second namumula."
Tawa ng tawa si Princess Mimi, ang
asawa ni Kuya First.
"I'm not." Tumingin ako kay Anton
para humingi ng tulong pero nakataas
na agad ang kilay niya sa'kin. "Baby
oh inaaway nila ako."

"Yucks! Baby daw." Si Six habang


tumatawa.
"Eww, gross nahawa na siya kay
Kuya First." Si Fifth na umaktong
nasusuka.
"Baby, creepy." Si Fourth na ngumisi
pa sa'kin.
"Kinikilabutan ako, nakakasuka." Si
Seven.
Napasimangot ako pero napatingin
kay Third dahil napansin kong wala
lang siyang reaction. Si Kuya First
hindi na ako nagtaka dahil galing siya
sa ganitong klase ng kantyawan.
"What?" Iritang tanong ni Third ng
mapansing sa kanya kami
nakatinging lahat.
"Nakakapanibago lang na wala kang
reaction dati kasi nangunguna ka pa."
Sagot ko. Hindi na siya sumagot kaya
napabaling naman ako kay Gale dahil
ang tahimik na nito ngayon, nasa
sulok siya at nakasimangot.
Padabog na tumayo si Third at
walang paalam na lumabas mukhang
mainit ang ulo.
"Anong nangyari d'on?" Sabay sabay
na tanong namin pero wala ring
nakasagot.
"Akala niya naman susuyuin ko siya.
Hmp, manigas siya! Galit ako sa
kanya kaya break na kami." Biglang
nagsalita si Gale, para lang niyang
kinakausap ang sarili niya pero
napalakas ang pagkakasabi kaya
dinig namin.
"Kayo na ba ni Kuya Third?" Tanong
ni Seven.
Lihim akong napangiti ng mapansing
nawala na ang atensyon nila sa amin.
Inabot ko ang kamay ni King at nilaro
laro 'yon. Kahit puro baril ang hawak
niya at pakikipagbakbakan ang
ginagawa ay napakalambot pa rin ng
kamay.
Sinamaan niya ako ng tingin ng
dalhin ko 'yon sa mga labi ko para
halikan.
"Hindi 'no, di ko na siya type ang
pangit niya." Padabog din na
lumabas si Gale habang ang mga
kapatid ko ay nagtawanan dahil
halata namang nag-aaway sila ni
Third.
I don't know kung sinagot na ng
kapatid ko ang babaeng 'yon.
"Nagugutom ka na baby?" Tanong ko
kay King.
"Bakit ba panay ang baby mo, anak
mo ba ako?" Seryosong tanong niya.
"Hindi pero aanakan kita." Sagot ko.
"Subukan mo, puputulan kita."
Napasimangot ako.
"Baby naman."
"Tigilan mo ako sa pet name na 'yan."
Hindi na ako sumagot kasi
napakaseryoso niya.
"Daddy wala naman siguro sa lahi
natin ang Andres de saya di ba?"
Biglang tanong ni Fifth. Nagpaparinig
na naman ang kuting lupa.
"Andres de saya? Wala 'yon sa lahi
ng mga Castillion, sa angkan natin
ang mga lalaki ang palaging
nasusunod." Pagyayabang ni Daddy.
"Mabuti pa dad ay bumili ka ng dinner
natin." Utos ni mommy.
"Bakit ako? Ang lalaki na ng mga
anak mo ako pa uutusan mo."
Seryosong seryoso siya at
nakakatakot ang anyo habang
nakatingin kay mommy.
Pigil ang tawa namin ng padabog na
tumayo si mommy at nameywang sa
harap ni daddy. Napalunok siya dahil
parang tigre si mommy na ano mang
oras ay lalapain na siya.
"Ako ba ay sinusubukan mo, kung
ayaw mo ako nalang pero wag na
wag ka ng lalapit sa'kin." Singhal
niya, nagkukumahog si daddy na
tumayo dahil mabilis na naglakad si
mommy palabas.
"Honey, joke lang ano ka ba naman
nagpapabida lang naman ako sa mga
bata." Dinig naming sigaw ni daddy
n'ong nasa labas na sila.
Sabay sabay kaming nagtawanan
dahil sa eksina nila. Napapailing
nalang ako. Hindi naman lingid sa
kaalaman ko na sa lahi namin lahat
ng lalaki ay under samantalang
kapag babae ay mala mga tigre.
"First ko inaantok ako, buhatin mo
ako." Ungot ni Princess Mimi habang
hinihila hila ang laylayan ng long
sleeve ni Kuya.
"Tsk. Wife, I'm tired." Biglang
sumimangot si Princess Mimi at
ibinababa ang kamay. Nakasimangot
itong naglakad papunta sa couch at
doon bumaluktot ng higa.
"Tsk. Baby." Agad na tawag ni Kuya
at mabilis na lumapit sa kanyang
asawa.
"Natatakot talaga akong mag-asawa
ayokong matulad sa kanila. Ang lalaki
ng mga katawan tapos parang mga
tutang panay ang sunod sa mga
asawa." Napapailing na sabi ni Fifth
habang nakatingin kay Kuya na
inaalo si Princess Mimi.
"Tatanda nalang akong binata
ayokong mapasali sa Castillion
Andres de saya clan." Tawa ng
tawang sabi ni Seven.
"Castillion Andres de saya clan?"
Sabay sabay na tanong namin
habang ako ay patuloy sa paglalaro
sa kamay ni King na ngayon ay
bumalik na sa pagtulog.
"Clan ng mga Castillion na
nagsisipag-asawa at si Daddy ang
founder, si Kuya First ang co-
founder."
Nagtawanan kami dahil sa kalokohan
niya.

---------------------------
--

Chapter 25

Nakatanaw lang ako sa labas ng


bintana kung saan nakikita ko ang
sinag ng araw. Ayoko ng amoy ng
hospital at kahit pa sabihing private
room ang kinuha sa'kin ni Second ay
hindi pa rin ako komportable.
Ayoko ng amoy ng gamot at ang dull
na atmosphere dito pero wala akong
choice kundi ang manatili dahil
kailangan kong magpagaling.
Dalawang araw na akong
nakatunganga dito at walang
ginagawa.
"Ayos ka lang ba?" Napabaling ako
kay Gale na kadarating lang.
Tumango ako. "Alam mo ang lakas
mo sa mga Castillion, biruin mo halos
puno ng security team ang buong
hospital para lang mabantayan ang
kaligtasan mo habang nandito ka."
Daldal niya.
"Hindi ko kailangan 'yon."
"Gaga, kahit di mo kailangan ay
gagawin pa rin 'yon ni Second. Naku,
kung alam mo lang kung gaano nag-
alala 'yon ng makitang nabaril ka.
Nakakainlove nga siya kasi para
siyang knight in shining armor na
handang protektahan ang isang
damsel in distress." Umupo siya sa
gilid ng kamang kinahihigaan ko.
"I'm not a damsel, I'm a beast."
Pagtatama ko sa walang katotohanan
niyang imahinasyon.
"Ang gaga mo, alam ko naman na
beast ka sa sama ba naman ng mga
binabalak mo sa taong ang bait bait
beast lang talaga makakagawa n'on."
Walang pakandungan niyang sagot.
Mapait akong ngumiti bago tumingin
sa kanya.
I'm a beast!
Ilang sandali kaming binalot ng
nakakabinging katahimikan bago ako
nagsalita.
"Naguguluhan ako." Usal ko.
Tumaas ang kilay niya habang
nakatingin sa'kin. "Naguguluhan ka?
Nagdadalawang isip ka kung itutuloy
mo ang paghihigante mo o hindi na?
Naguguluhan ka dahil
nakokonsensya ka na
pinagbabalakan mo ng masama ang
isang lalaking puro kabaitan ang
ibinibigay sa'yo?" Tumango ako.
"Siya ang dahilan ng pagkamatay ni
Lorette." Tanging sagot ko.
Napapadyak siya dahil sa sobrang
inis. Alam ko namang nakakainis ako
lalo ang mga sinasabi ko pero iyon
ang totoo.
"Siya ang dahilan pero hindi siya ang
mismong pumatay. I don't care kung
magalit ka sa mga sasabihin ko sa'yo
ngayon." Nagtataas baba na ang
kanyang dibdib dahil siguro sa inis
samantalang ako ay nakatingin lang
sa kanya at handang makinig sa lahat
ng mga sasabihin niya.
"Napakatanga mo!" Simula niya,
naikuyom ko ang mga kamao ko.
"Bakit ikaw ang nagpapakahirap dahil
sa naging kabiguan niya? Bakit ikaw
ang dumadala ng sakit ng mga
naiwan ni Lorette kung ang totoo
naman ay siya ang may kasalanan
kung bakit siya nalagay sa gan'ong
sitwasyon. Siya ang nagmahal Anton,
siya ang may gusto na mawala at
walang may kasalanan n'on.
Sigurado ka ba na talagang sinaktan
siya ni Second? Sigurado ka ba na
naging sila ni Second?" Para akong
binubuhusan ng malamig na tubig
habang tumatagos hanggang kaloob
looban ko ang mga tanong niya.
"Ang hirap sa'yo isang side lang ang
pinaniniwalan mo, hindi ba unfair iyon
sa sitwasyon ni Second? Galit ka sa
kanya na hindi niya alam dahil
nakukulong ka sa naging pagkamatay
ng kaibigan mo. Maraming anggulo
ang maaaring tingnan at kung
hahanapin mo ang mga anggulong
'yon baka sakaling may makita kang
magmumulat at magpaparaya sa'yo
sa kinakukulungan mong madilim na
mundo." Hingal na hingal siya pero
hindi bumibitaw ng tingin sa'kin. Kita
ko ang pangingilid ng luha niya.
"Bakit parang kampi ka kay Second?"
Tanong ko, wala akong masabing iba
pagkatapos kong marinig lahat ng
mga sinabi niya.
"Hindi ako kampi kanino man
sadyang nakikita ko lang na hindi ang
tulad ni Second Castillion ang may
kakayahang manakit ng kapwa."
"Hindi mo siya kilala, sandali pa lang
mula ng makita mo siya kaya paano
mo nasasabi na hindi ang tulad niya
ang may kakayahang manakit ng
kapwa?" Hamon ko.
"Exactly, hindi ko siya kilala pero
alam kong kilala mo siya. Nagpakita
ba siya ng kasamaan na darating sa
punto na hahayaang may taong
mamatay? Tama ka hindi ko siya
gaanong kilala but how ironic right,
sandali ko palang siyang nakilala
pero kitang kita ko na may mabuti
siyang puso pero ikaw hindi mo
makita 'yon dahil itinatanggi mo.
Nagpapakabulag ka dahil sa
pagkawala ng bestfriend mo."

Natameme ako. Wala akong


nakapang kahit na anong salita para
salungatin ang mga sinabi niya dahil
alam kong tama lahat ng 'yon. Tama
lahat ng mga sinabi niya at
nasasaktan ako dahil sa mga
katotohanang sinabi niya.
Katotohanang pilit kong itinatanggi.
Naramdaman ko ang padabog niyang
pagtayo. "Please, don't hurt him
intentionally just because he hurt you
accidentally. Kapag nagpatuloy 'yon
sa huli pareho kayong talo." At
tuluyan siyang umalis.
Natulala ako sa kawalan ng tuluyan
siyang umalis. Napangiti ako, truth
hurts ika nga. Pero paano ko
kakalimutan ang lahat? Paano ako
makakalimot kung araw araw ay
sinisisi ko ang sarili ko sa mga
nangyari.
Hindi ako pinapatulog gabi-gabi dahil
sa konsensya ko na wala akong
nagawa para iligtas siya. Kabaliwan
mang matatawag ay gusto kong
isama si Second sa mga bangungot
ko, gusto kong sumisi ng ibang tao
para kahit papa'no ay mabawasan
ang dinadala kong bigat pero wala
ring nangyari.
I'm selfish! I am nothing but a selfish
beast.
Masama akong tao kaya siguro dapat
kong dalhin ang bigat ng damdamin
at guilt sa pagkamatay niya.
Napahikbi ako dahil pagod na pagod
na ako. Pagod na pagod na ako sa
klase ng buhay na meron ako. Laging
nakabuntot sa alaala ko ang mukha
ni Lorette, umiiyak at gustong
bumitaw sa kamay ko. Gustong
magpakamatay.
Laging nasa loob ko ang galit na
meron ako kay Second dahil kung
hindi sa kanya wala sana ako sa
malungkot na parte ng buhay ko
ngayon.
"Hindi kita hinahayaan mamuhay ng
mag-isa pa umiyak ng ganyan."
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko
dahil sa familiar na boses na 'yon.
"Anong ginagawa mo rito?" Malamig
ang tinig na tanong ko.
"Dinadalaw ka, nag-aalala ako."
Napangisi ako at bumaling sa kanya.
Nasa bukana siya ng pinto at
nakapamulsa suot ang usual attire
niyang khaki short at simpleng shirt.
"Nag-aalala? Kailan ka pa tinubuan
ng pag-aalala sa katawan mo."
Sarkastikong sabi ko. Naglakad siya
palapit sa'kin at bigla akong niyakap.
"What the fuck, Leoberro Salazar."
Inis ko siyang itinulak pero hindi siya
nagpatinag.
"You're so vulnerable, hindi gan'on
ang Anton na kilala ko." Bulong niya.
Nagpumiglas pa rin ako dahil sa
higpit ng yakap niya hanggang sa
mapagod ako at hinayaan nalang
siya.
I am vulnerable? Hindi nga ako 'yon
dahil alam ng lahat na isa akong
malamig at tuod. Wala akong
emosyon pero ng sabihin niya 'yon ay
alam kung natibag na lahat ng yelong
itinayo ko para protektahan ang puso
ko.
"Sumama ka nalang sa'kin para
maalagaan kita, alam kong
napakahirap para sa'yo na mag-isa
habang dala ang alaala ni Lorette."
Bulong niya ulit.
Mahigpit akong napakapit sa braso
niya dahil sa sobrang pagpipigil ng
luha pero sa huli ay umalpas rin iyon
at muling nauwi sa paghikbi.
Bakit ba napakaiyakin ko ngayon?
Nabaril lang naman ako pero para
akong nasiraan ng ulo.
"Nanaisin ko pang mag-isa kaysa ang
sumama sa'yo dahil alam kong sa
huli iiwan mo rin ako tulad ng ginawa
mo noon."
Naramdaman ko ang masuyo niyang
paghaplos sa likod ko. "I'm sorry kung
iniwan kita noon pero nandito na ako
ngayon at hinding hindi na ako aalis
sa tabi mo."
"Alam kong ginagawa mo lang ito
dahil gusto mo ako sa grupo mo."
Humiwalay siya sa pagkakayakap
sa'kin at masuyong hinawakan ang
magkabila kong pisngi para punasan
ang mga luha ko.
"Yes, gustong gusto kita na
mapasama sa grupo ko hindi dahil
para mas lalong lumakas, gusto
kitang mapasama sa grupo ko para
maalagaan kita. Ginagawa kong
palakasin ang kapangyarihan ko para
maprotektahan ka sa kahit na sinong
gustong manakit sa'yo. Ginagawa ko
'yon lahat para malaman mo na kaya
kong ibigay sa'yo lahat ng kailangan
mo." Inayos niya ang magulo kong
buhok. "Gusto kitang alagaan tulad
noon."
"Kahit anong gawin o sabihin mo
hindi ako sasama sa grupo mo."
Seryoso kong tinignan ang mga mata
niya. Napabuntong hininga siya at
kita ang lungkot sa mga mata.
"Hindi kita pipilitin pero lagi mong
tatandaan na ano man ang mangyari
pwede kang lumapit sa'kin, kahit ano
sabihin mo lang hindi ako
magdadalawang isip na ibigay sa'yo."
Hindi ako umimik.
Si Leoberro Salazar ay ang nag-
iisang lalaking naging parte ng buhay
ko noon. Siya lang ang lalaking
pinayagan kong lumapit sa'kin pero
hindi bilang boyfriend o ano pa mang
may special na relasyon kundi bilang
isang nakakatandang kapatid. Siya
ang tumayo kong Kuya noong nasa
ampunan pa kami ni Lorette, sila lang
ang pamilya ko.
Siya ang naging tagapagtanggol ko
noon, naging sandalan at lahat pero
kinalimutan kong naging parte siya ng
buhay namin noong umalis siya ng
ampunan ng walang paalam. Mga
bata pa kami noon at napakasakit
sa'kin ng naging pag-alis niya. Sabi
niya hindi niya ako iiwan pero ginawa
niya pa rin.
Simula ng araw na iyon ay
kinamuhian ko na siya at lahat ng
alaala na kasama siya noong
kabataan ko ay kinalimutan ko.
Mas lalong sumidhi noon ang galit ko
sa kanya ng bigla nalang siyang
bumalik noong ipinagbuburol ko si
Lorette. Simula n'on palagi na niya
akong ginugulo.
Nagkaroon kami ng encounter noong
may mission ako para dakpin ang
mga malalaking drug dealer dito sa
bansa. Isa siya sa mga iyon kaya
doon ko nalaman na illegal ang mga
gawain niya. Dahil sa naging
pagdakip ko sa kanya ay bumagsak
ang lahat ng meron siya at ngayon ay
nagsisimula palang na bumangon.
Simula ng tagpong 'yon ay hindi na
siya tumigil sa pangungulit sa'kin na
sumapi sa grupo niya. Sinabi niya
pang sa mansyon niya ako tumira at
handa siyang ibigay sa'kin 'yon pero
hindi ko tinanggap.
Hindi ko ipinagbibili ang tiwala ko.
"Boss, nandito na po 'yong mga
pinamili niyo." Sabay kaming
napatingin sa pinto dahil sa pagpasok
ng isa niyang tauhan.
May dala itong bulaklak at isang
basket ng prutas. Lumapit doon si
Salazar at kinuha ang mga dala nito
tapos ay muling umalis ang tauhan
niya.
Inilapag niya ang mga prutas sa bed
side table at umupo sa couch na
kaharap ko. Iniabot niya sa'kin ang
bulaklak pero hindi ko iyon tinanggap
kaya inilagay niya napang sa
pinaglagyan niya ng mga prutas.
"Kumain ka ng mga prutas para
bumalik agad ang lakas mo." Sabi
niya. "Ipagbabalat kita."
"No need, pwede ka ng umalis."
Seryosong tugon ko.
"Dito muna ako hanggat hindi ko
nasisigurong okay ka na."
"Bakit parang biglang nag-iba ang
ihip ng hangin? Bakit mabait ka baka
nakakalimutan mong magkalaban
tayo."
Ngumiti siya, ngiting malayong
malayo sa mga ibinibigay niya sa'kin
noong mga nakaraang encounter
namin.
"Alam mong mabait ako kapag ikaw
ang usapan at alam mo rin na hindi
tayo magkalaban dahil kung maging
magkalaban man tayo hindi ako
magdadalawang isip na sumuko agad
sa'yo." Nagsimula siyang magbalat
ng mansanas pero agad rin siyang
natigilan. "Allergic ka nga pala sa
mansanas." Mabilis niya iyong binaba
at kumuha nalang ng orange at iyon
ang binalatan.
Walang ibang nakakaalam na allergic
ako sa prutas na 'yon kundi siya at si
Lorette lang. Nakatingin lang ako sa
kanya habang abala sa pagbabalat.
"Pumunta ka dito hindi ka ba
natatakot na baka ipadakip kita?"
Tugon ko.
Agad siyang umiling. "Nope,
natatandaan mo noong
nagkaencouter tayo sa pagdakip mo
ng mga drug dealer nahuli mo ako
noon, hindi ako nanlaban kahit pa
may kakayahan naman akong
tumakas. Hinayaan kong mahuli mo
ako at mapabagsak dahil hindi kita
kayang labanan, ayokong masaktan
ka kaya mas pipiliin kong bumagsak
lahat ng mga pinaghirapan ko wag
lang makipagbarilan sa'yo." Tila bale
walang nagkibit balikat siya.
"How nice." Bakas ang sarkastiko sa
pagkakasabi ko n'on.
"Yes nice talaga." Humarap siya
sa'kin at itinapat sa bibig ko ang
piraso ng orange na nabalatan niya.
"Here."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Kaya ko."
"Alam ko pero gusto kong subuan ka
para naman makabawi ako sa'yo
kahit papa'no."
"Who you?"
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko
kaya nakatanggap siya ng isang
malakas na suntok mula sa'kin.
Napangiwi pa ako dahil sa
bahagyang pagkirot ng sugat ko.
"Ang sakit." Daing niya habang sapo
ang pisngi.
"Umalis ka na." Pagtataboy ko.
"Ayoko." Itinapat na naman niya ang
orange sa bibig ko. "Hindi ako aalis
hanggat hindi ka nagpapasubo."
Sinamaan ko siya ng tingin pero nag-
iwas lang siya. Napamura ak ng bigla
niyang hawakan ang mukha at
pinanganga ako sabay mabilis niyang
ipinasok sa bibig ko ang pagkain.
"Fuck you." Singhal ko ng sa wakas
ay nakabawi ako sa ginawa niya.
"Salamat ka di tayo talo kundi
pagbibigyan kita." Natatawa niyang
sabi.
Tarantadong 'to anong akala niya na
ayos kami? Kapal ng pagmumukha.
Sa sobrang inis ko ay pinulot ko ang
mga mansanas na nasa basket at
pinagbabato siya.
"Ouch!" Natamaan siya ulo at
nagtago sa likod ng couch.
"Get out!" Asik ko.
"Binibiro lang naman kita. Sorry na."
Muli ko siyang binato at saktong
inangat niya ang ulo niya kaya
nasapol siya sa mukha. Napangisi
ako ng mapasigaw siya.
"What's happening here?!" Parang
kulog na umalingawngaw ang galit na
boses ni Second sa buong sa silid.
Natigilan naman ako dahil sa tabas
ng mukha niya. Salubong ang mga
kilay at kuyom ang mga kamao na
para bang handang pumatay.
---------------------------
--

Chapter 26

KUNOT na kunot ang noo ko habang


naglalakad sa hallway papunta sa
room ni King dahil nakita kong paalis
na si Gale. What the! Sinong
nagbabantay kay King?
"Bakit mo iniwan si King? Paano
kung may kailangan siya sinong
magbibigay sa kanya? Bakit mo
iniwan?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Wag
kang O.A, may kasama naman siya
d'on."
"Yeah right, hindi naman 'yon
makikipag-usap sa mga guards."
Sarkastiko kong sabi.
"Nandoon naman si Leoberro." Bale
walang sagot niya at nagkibit balikat
pa.
Kumunot ang noo ko. "Leoberro, who
the hell is that?"
"Ewan ko."
Napairap ako dahil sa sobrang inis sa
kanya. Basta basta nalang niya
iniwan si King sa kung sino, paano
kung may balak sa kanya ang taong
'yon? At itong mga guard naman ay
walang mga kwenta sinabi ko ng wag
magpapapasok ng kahit na sino pero
hindi nakinig.
Malalaki ang naging hakbang ko
papalapit sa room ni King at talagang
kumulo ang dugo ko dahil sa
nadatnan. Mukhang masayang
masaya silang naghaharutan.
Binabato ni King ang lalaki na siya
namang nagtatago sa likod ng couch.
What a scene? Nice!
"What's happening here?!" Hindi ko
mapigilan ang mabakasan ng galit sa
naging pagsigaw ko.
What the hell!
Salubong ang mga kilay na tinitigan
ko ang lalaki, siya siguro 'yong
sinasabi ni Gale na Leoberro.
Umayos ito ng tayo na mas lalong
ikinainit ng ulo ko dahil lumapit ito kay
King at humalik sa noo.
Tinignan ko ang reaction ni King pero
poker face lang ito at parang wala
lang paki.
Ayos lang sa kanya na halik halikan
siya ng gagong 'to?
Naikuyom ko ang mga kamao ko.
Hinahawakan niya ang pag-aari ko at
sa mismong harapan ko pa. Tinignan
ko mula ulo hanggang paa ang
gagong lalaki. Napangisi ako, wala
namang panama ang katawan at
mukha niya sa kagwapuhan ko at sa
laki ng katawan ko. Magmumukha
siyang pangit kapag itinabi sa'kin.
"Guards!" Sigaw ko dahil hindi ko
matagalan ang nakikita ng mga mata
ko.
Parang gusto kong manapak at
bumali ng leeg dahil sa sobrang galit
na lumulukob sa'kin. Tangna lang!
Ilang ulit akong napapamura sa isip
ko.
"S-Sir?" Nagsidatingan ang mga
bantay ni King na binilin kong walang
kahit sinong papapasukin.
Dahil sa galit ay lumipad ang mga
kamao ko sa mga mukha nila.
Sumadsad sila sa sahig pero wala
akong pakialam.
"Segundo!" Dinig ko ang galit na
boses ni King pero wala akong paki.
"Wag mong kong maSegundo, mag-
uusap tayo mamaya." Baling ko sa
kanya sabay turo sa lalaking nasa
tabi niya pa rin.
Gago! Hindi manlang nakaramdam
na dapat na siyang umalis dahil
kapag nagtagal pa siya baka diretso
morque ang katawan niya.
"Ilabas niyo ang lalaking 'yan at
kapag naulit pa 'to lahat kayo
papatayin ko." Sigaw ko sa security
team na nasa harap ko.
Mabilis naman silang lumapit kay
gago para kaladkarin ito palabas.
"No need to drag me, aalis na rin
naman ako." Sabi niya ng akmang
hahawakan na siya ng mga tauhan
ko.
Naglakad ako papalapit kay King,
hinding hindi pa rin nababawasan
ang galit ko. Muli na naman sana
niyang hahawakan si King na siyang
nagpaigting sa panga ko.
"Sige hawakan mo ng
magkamatayan tayo." Banta ko kaya
ang kamay niya ay nabitin sa ere.
"Alam kong hindi mo 'yan magagawa
Mr. Castillion." Natatawang sabi niya.

"Try me asshole, try me." Ngumisi


ako sa harapan niya. "Kaya kitang
patayan ngayon din mismo dyan sa
kinatatayuan mo."
"Hindi--" Hindi na ako nakapagpigil
kaya sinuntok ko siya at tumama 'yon
sa mukha niya. Natumba siya pero
nakangisi lang.
"Ilabas niyo na 'yan." Sigaw ko.
"Yes Sir."
Hindi na ito nakapalag ng kaladkarin
ito palabas. Ilang ulit akong huminga
ng malalim para pakalmahin ang galit
ko pero hindi ako nagtagumpay.
Naglalaro pa rin sa isip ko ang
paghalik niya sa noo ni King.
Nakakairita!
"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong niya.
"Wag mo akong kausapin." Asik ko.
"K."
Masama ang tingin na binalingan ko
siya dahil sa sagot niya. Wala talaga
siyang pakialam sa nararamdaman
ko. Napakamanhid niya talaga, hindi
niya ba alam ang rason kung bakit
galit na galit ako? Dahil ako alam na
alam ko ang rason. Putangna!
Nagseselos ako tapos siya parang
wala lang.
Mas lalong nadagdagan ang galit ko
dahil sa nakita kong mga prutas at
bulaklak sa bed side table niya. Wow!
Ilang minuto lang akong nawala para
kausapin ang doctor niya tapos may
nanligaw na. Bwesit!
"Guard!" Galit kong sigaw.
"Sir?"
"Pakitapon 'yang mga 'yan." Sabay
turo ko sa mga walang kwentang
prutas at bulaklak.
Wala akong narinig na pagtutol kay
King, mabuti dahil baka kami pa ang
mag-away kapag pinigilan niya ako
sa pagpapatapon ng mga 'yon.
Hindi na talaga siya nagsalita. Inis
akong lumabas sa room niya, nilock
ko iyon bago ako humarap sa mga
guard.
"Bakit niyo pinapasok ang lalaking
'yon?" Puno ng diin ang bawat
salitang lumalabas sa bibig ko.
Lahat sila nagsiyuko. "Pasensya na
po Sir sabi po kasi niya ay kaibigan
siya ni Ms. Santez."
"Sinabi lang na kaibigan pinapasok
niyo na. Paano kung hindi naman
talaga siya kaibigan ni King? Anong
gagawi niyo kung napahamak siya,
ha?" Sigaw ko.
"Pasensya na po."
"Kapag naulit 'to at nasaktan kahit
dulo ng daliri niya pasensya na rin
kung anong magawa ko sa inyo."
Taas baba ang dibdib ko dahil sa
sobrang galit.
Naghahalo-halo sa'kin ang sobrang
pag-aalala at selos. Kinuha ko ang
cellphone ko sa bulsa habang
masama pa rin ang tingin sa mga
tauhan na kinuha ni dad. Mga walang
kwenta!
Tinawagan ko ang number ni daddy.
"Hello, son?"
"Yes dad, pwede po bang paki palitan
itong mga tauhan niyo na
nagbabantay kay King?" Pakiusap ko
kahit hirap akong itago ang galit ko.
"Why? What happened?"
"Basta po paki palitan nalang." Hindi
ko napigilan ang inis.
"Okay, okay calm down. Tatawagan
ko agad si General Park para sabihin
ang request mo."
"Thanks dad."
Pagkatapos kong makausap si daddy
ay si Fifth naman ang tinawagan ko.
Ilang ring lang ay sinagot na niya.
"Yow, Kuya Second anong
maitutulong ng pinakagwapo mong
kapatid?" Bungad niya.
"Gago mas gwapo ako sa'yo."
Singhal ko. "Seriously, ikaw ang
tinawagan ko dahil sa ating
magkakapatid ikaw ang mas may
alam sa mga bulaklak."
"Yes, alam ko rin ang iba't ibang
flavor ng bulaklak, you know libangan
ko ang kumain ng bulaklak." Tatawa
tawang sagot niya. Gago talaga!
"Tsk. 'Yong totoong bulaklak ang
sinasabi ko hindi 'yang iniisip mo."
"Oh, akala ko sasapi ka na sa clan
namin ni Six." Disappointed na sagot
niya.
Clan nilang puro pagkakama ng
babae ang inaatupag.
"Pakiorder ako ng bulaklak tapos
chocolates, samahan mo na rin ng
teddy bears." Seryosong sabi ko.
Narinig ko ang pagtikhim niya sa
kabilang linya dahil narinig niya
sigurong wala akong panahon
makipagbiruan.
"Kuya Second, maraming uri ng
bulaklak, maraming klase ng
chocolates at iba't iba rin ang hitsura
at size ng mga teddy bears."
Napakamot ako sa ulo dahil wala
naman akong alam sa bagay na 'yon.
Isa pa hindi ko alam kung ano ang
gusto ni King.
Nagliwanag ang mood ko ng
makitang naglalakad na si Gale
pabalik sa room ng kaibigan niya.
Magkaibigan sila so siguradong may
alam siya sa mga gusto at ayaw ni
King.
"Gale." Tawag ko.
"What?" Mataray siyang
nakapameywang sa harap ko.
"Anong paboritong bulaklak ni King?
Chocolates at teddy bears?"
Pinakatitigan niya ako mula ulo
hanggang paa tapos ay ngumisi.
"Sasabihin ko sa'yo basta ilalakad mo
ako kay Third."
"Hindi pa ba kayo?" Takang tanong
ko.
Mabilis siyang umiling. "Hindi."
Kapag hindi ako pumayag alam kong
hindi siya sasagot. "Deal."
Nawalan ang katarayan niya at
nagulat pa ako ng bigla niya akong
yakapin dahil sa sobrang tuwa.
"Waaa! Thank you."
"Ang landi." Sabay kaming napatingin
sa likod niya at doon nakita namin
ang hindi maipintang mukha ni Third.
Masama ang tingin sa'kin. Natawa
nalang ako dahil sa reaction niya
habang si Gale ay nakahawak pa rin
sa leeg ko.
Hindi nito pinansin ang kapatid ko.
"Hindi mahilig si Anton sa mga girly
stuff kaya kung gusto mong
magpaimpress sa kanya bilhan mo
siya ng fishball, kwek kwek, kikiam,
nilagang pugo at indian mango na
may baguong." Masayang sagot niya.
"What? Ano 'yon?" Ngayon ko lang
narinig ang mga sinabi niya. Hindi ko
alam kung pagkain ba 'yon o mga
laruan.
"Street foods 'yon at 'yon ang mga
paborito niya. Naku, panis ang mga
bulaklak, chocolates at teddy beara
d'on."
"Are you sure?" Panigurado ko.
"Yeah sure na sure."
Binalikan ko ang tawag ko kay Fifth
na hanggang ngayon ay hindi pa rin
pinuputol ang linya. "Narinig mo
'yon?" Tanong ko.
"Oo pero wala akong alam na lugar
na bilihan ng mga 'yon, ni hindi ko
nga kilala kung ano 'yon." Yamot na
sagot niya.
"Tsk. Ako na nga bahala, wala kang
kwenta." Agad kong binaba at tinapos
ang tawag bago humarap kay Gale.
"Saan makakabili n'on?"
"May alam akong lugar na malapit
lang dito at doon kami bumibili ng
pagkain ni Anton."
Napangiti ako. "Tara samahan mo
ako."
"Libre mo rin ako, ha?"
"Sure." Akmang aalis na kami ng
makita kong hinawakan ni Third ang
braso ni Gale.
"Tsk. Sasama ako, ako na maglilibre
sa'yo." Sabi niya na seryoso pa rin
ang mukha.
Natatawa na napapailing nalang ako
dahil sa asta ng kapatid ko. Castillion
way!
Humarap ako sa mga bantay niya
King. "Wala kayong papapasukin na
kahit sino." Seryosong bilin ko.
"Yes sir." Sagot nila.

Sabay sabay kaming umalis ng


hospital para bilhin ang mga sinabi ni
Gale na mga paborito ni King.
Honestly, nakaramdam ako ng
lungkot dahil kahit magbestfriend
kami ni King ay hindi ko alam ang
mga hilig niya. Magkalapit kami pero
parang hindi ko siya kilala.
HALOS isang linggo na ang
nakalipas simula ng dumalaw sa'kin
si Salazar at makita ko ang galit na
galit na mukha ni Second. At isang
linggo na rin kaming hindi nag-uusap,
n'on sinabi niyang wag ko siyang
kausapin ay sinunod ko dahil mas
pabor sa'kin ang bagay na iyon dahil
nagwawala ang kaloob looban ko
kapag malapit siya pero hindi ko
naman akalain na seryoso siya at
hindi talaga ako kinibo ng isang
linggo.
Inaalagaan niya ako pero hindi niya
ako kinakausap at wala rin naman
akong lakas ng loob na magsimula ng
usapan.
Ngayon ay lalabas na ako ng hospital
at siya ang nagtutulak ng wheelchair
ko. Hindi na naman kailangan dahil
magaling na ako at kaya ko na pero
mapilit siya na kailangan ko raw iyon
para hindi mabinat. Hindi na rin ako
nakipagmatigasan pa.
"Sa bahay ko tayo tumuloy." Tugon
ko habang papasakay na kami sa
sasakyan niya.
"Okay." Tanging sagot niya.
Napansin kong maraming mga
bodyguards ang nasa paligid at
nagbabantay sa'min. Napapailing
nalang ako dahil ang O.A niya.
"Bakit nilagyan mo pa siya ng
wheelchair? Magaling na siya." Lihim
akong napangiti ng makita kong nasa
sasakyan rin si Gale.
Hindi ko naman dinamdam ang mga
sinabi niya noon at sanay na ako sa
pagiging prangka at madaldal niya. In
the end ay kinakausap niya pa rin ako
na parang walang nangyari.
"Baka mabinat siya." Sagot ni
Second.
"I'm okay." Sinamaan niya ako ng
tingin dahil sa sagot ko.
"Alam ko pero ayokong mabinat ka."
Asik niya.
Malamig man ang boses ng
pagkakasabi niya n'on ay hindi ko
mapigilang hindi makaramdam ng
kakaiba dahil halata naman ang pag-
aalala niya. Nagwawala na naman
ang puso ko dahil sa presenya niya.
Si Gale lang ang panay ang salita
hanggang sa marating ang bahay ko.
Tahimik lang kami ni Second, siya
ang nagdadrive at ako ang nasa tabi
niya samantalang si Gale ay nasa
backseat at busy sa kanyang
cellphone.
"We're here." Anunsyo ni Second.
Napakunot ang noo ko ng makitang
nasa labas ang mga katulong ko at
parang may hinihintay. Nang
makapasok sa garahe ang sasakyan
ay nagkanya kanya silang punta sa
kung saan.
Dahil sa pagtataka ay hindi ko
namalayang nabuksan na ni Second
ang pinto ng sasakyan sa pwesto ko.
Walang sabi sabing binuhat niya ako
kaya napakapit ako sa leeg niya para
hindi mahulog.
"Ibaba mo ko." Angal ko dahil hindi
ako komportable sa posisyon namin.
Para akong kinukuryente. Seryoso
lang siyang nakatingin sa'kin at hindi
nakinig.
Naglakad siya papasok sa bahay
habang buhat pa rin ako hanggang
sa makarating kami sa garden.
Nagtataka akong timingin sa paligid
kung anong meron at bakit nagpunta
kami dito.
Napanganga ako ng makita kung ano
ang nasa paligid. Nanlalaki ang mga
matang napatingin ako kay Second
ng ibaba nya ako.
"Surprise!" Tili ni Gale habang nasa
tapat ng cart ng fishball.
Nagmukhang bilihan ng street food
ang gilid ng pool dahil sa mga
nalahilerang mga cart na may iba't
ibang klase ng mga street foods, sina
Cindy at ang iba pang mga katulong
ang nagluluto.
Halos maluha ako ng makita ko ang
mga binalatang indian mango na may
baguong.
Napuno ng saya ang puso ko dahil ito
ang mga bagay na parte ng buhay
ko. Ang mga pagkaing nabibili sa
kalye ay parte na ng pagkatao ko
mula noon hanggang ngayon dahil
iyon ang nagpapaalala sa'kin kung
saan ako nagmula at kung ano ang
mga pinaghirapan ko.
Humarap ako kay Second at mariin
siyang hinalikan sa mga labi habang
mahigpit akong nayakap sa kanya.
Hindi siya nakagalaw dahil sa ginawa
ko.
"T-Thank you." Naluha ako dahil sa
sobrang saya.
Sa tanang buhay ko ngayon lang may
nag-effort sa'kin ng ganito.
Pakiramdam ko bumalik ako sa
pagkabata.
"Welcome home, ma'am." Sabi ng
mga katulong.
Para akong lumulutang sa alapaap.
Simpleng bagay lang ito kung sa iba
pero sa'kin ay napakaspecial. Wala
pang gumawa sa'kin nito si Second
palang.
"T-Thank you so much." Mahigpit ko
ulit siyang niyakap at walang pag-
aalinlangan na tumakbo papunta sa
mga indian mango at mabilis akong
kumain n'on.
"See? Nawala ang poise niya at
pagiging mailap dahil sa surprise
natin. Walang puwang sa kanya ang
mga bulaklak o kung ano pa man,
'yan lang sapat na." Dinig kong sabi
ni Gale pero hindi ko pinansin, siguro
kausap niya si Second.
Naluluha ako sa sobrang saya.
Pakiramdam ko nakawala ako sa
madilim na kulungan na kinakulungan
ko sa mahabang panahon.
Habang abala ako sa pagkain ay
naramdaman ko ang pagpulupot ng
mga braso sa bewang ko.
"Are you happy?" Tanong ni Second
na siyang yumakap sa'kin mula sa
likod.
Mabilis akong tumango at sinubuan
siya ng manggang kinakain ko.
"Masaya ako." Nginitian ko siya.
Titig na titig lang siya sa'kin pero hindi
ko na iyon pinansin dahil gusto kong
sulitin ang pagkain nito.
"I'm sorry." Bulong niya. Tumingin ako
sa kanya.
"Sorry sa?"
"Sorry dahil hindi kita kinausap ng
isang linggo. Ginawa ko 'yon para
effective ang surprise ko sa'yo, last
week pa sana 'to kaso sabi ni Gale
wag daw madaliin."
"Effective nga naman."
"Bati na tayo." Hinalikan niya ang
batok ko kaya siniko ko siya na
tinawanan niya lang naman.

---------------------------
--

Chapter 27

KINABUKASAN. Umaga palang ay


gising na gising na ako dahil
nagpasya akong magtraining kahit
sandali. Pakiramdam ko ay nawala
ang kakayahan ko sa
pakikipaglaban dahil sa halos
magdadalawang linggo kong
paghiga sa hospital bed.
Ngayon lang ako nagtagal ng
gan'on sa hospital dahil kahit
ayos na ako ay hindi talaga
pumayag si Second na lumabas
ako na hindi pa magaling ang
sugat ko.
Pagkababa ko ay dumiretso ako
sandali sa kusina para kumuha
ng tubig na maaari kong inumin
habang nag-iinsayo.
"Good morning ma'am." Bati sa'kin
ni Cindy na nakasalubong ko
habang papalabas siya ng kusina
samantalang ako ay papasok
doon.
Tumango ako at nilagpasan siya.
Look, don't get me wrong
I know there is no tomorrow
All I ask is
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a
friend.
Natigil ako sa pagpasok ko sa
kusina dahil sa boses ni Second
na sumalubong sa'kin.
Nadatnan ko siyang nagluluto ng
itlog habang pakanta kanta pa.
He's only wearing a boxer short
and half naked, tanging apron ang
nakakayakip sa pangtaas niyang
katawan. Napailing ako ng
mapagmasdan kung gaano
katambok ng pang-upo niya.
Ang bastos ko!
"Marunong ka ba?" Tanong ko na
nagpalingon sa kanya.
Bahagya pa siyang napakislot
dahil siguro sa gulat. Hindi niya
namalayang nasa likod niya ako
dahil abalang abala siya sa
ginagawa at sa pagkanta.
"H-Hindi naman." Sagot niya at
pilit na ngumiti.
Napabaling naman ang tingin ko
sa piniprito niya. Napangiwi ako
ng makitang itim na itim na ang
scrambled egg na ginagawa niya.
"Gross." Nasabi ko kaya nahihiya
siyang yumuko at napakamot sa
batok.
"S-Sorry, gusto kong ipagluto ka
ng breakfast dahil alam kong
bawal ka pang maggagalaw baka
mabinat ka."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Nabaril
lang ako pero hindi alo nalumpo.
Tsk. Ako na nga dyan." Inagaw ko
sa kanya ang pagluluto.
Napasimangot siya pero
ipinaubaya na sa'kin ang pagluluto.
Alam ko namang walang alam sa
kusina ang lalaking 'to dahil
lumaking mayaman at ako ang
naghahanda sa pagkain niya kung
hindi naman ay nagpapadeliver.
Hindi na naituloy ang balak ko
sanang pag-iinsayo dahil ako na
ang nagluto ng breakfast namin.
Nagluto ako ng scrambled egg,
sunny side up na paborito niya,
fried rice, nagprito rin ako ng tuyo
at ipinagtimpla siya ng kape.
"Umupo ka na d'on para
makakain ka na." Utos ko sa
kanya.
Simula ng magluto ako hanggang
sa matapos ay nasa likod ko lang
siya sunod ng sunod. Para siyang
bata na ayaw mawalay sa ina.
Napakaisip bata talaga nito.
"Turuan mo akong magluto." Ungot
niya habang umupo sa dinning.
"Tsk. Tuturuan kita pero hindi muna
ngayon alam mong may ibang bagay
akong dapat unahin. "
Nakatitig lang siya sa'kin habang
nilalapag ko ang pinggan sa harap
niya. Seryoso siya pero bigla bigla
nalang na ngumiti.

"Wag na pala." Hirit niya.


"Bakit biglang nagbago ang isip mo?
"
Nagkibit balikat siya. "Naisip ko na
hindi ko na pala kailangang matuto
dahil nandyan ka naman."
Natigilan ako dahil sa biglang
pagwawala ng puso ko dahil sa sinabi
niya. Dahil hindi ko alam kung paano
ipapaliwanag 'yon ay inirapan ko na
lamang siya.
"Kumusta na pala ang sugat mo?"
Tanong niya nang magsimula na
kaming kumain ng agahan.
"Magaling na."
"Kahit na, wag mo pa ring bibiglain
ang sarili mo baka bumuka ang tahi
ng sugat."
"K." Sagot ko.
Nagsalubong ang mga kilay niya at
kumunot ang noo.
"Wag mo na ngang uulitin 'yan." Asik
niya.
"What?"
"Kapag nag-uusap tayo wag mo
akong sasagutin ng 'K' pakiramdam
ko kasi ay ayaw mo 'kong kausap.
Nakakairita."
"K." Pang-aasar ko dahil seryosong
seryoso talaga ang mukha niya at
hindi maipinta.
"Isa pa makikita mo ang hinahanap
mo." Banta niya. Napangisi ako.
"K."
"Wag mo 'kong subukan kung ayaw
mong halikan kita."
Hindi ako nagpatinag dahil alam ko
namang hindi niya tototohanin ang
banta niya.
"K." Sagot ko at huli na para
pagsisihan 'yon.
Nanlaki ng sobra ang mga mata ko
ng sa isang iglap ay nasa harap ko
na siya at biglang idiniin ang mga labi
niya sa labi ko. Napasinghap ako
dahil hindi ko talaga inaasahan na
gagawin niya 'yon.
Akala ko ay hihiwalay na siya pero
mas lalo niya lang idiniin sa'kin ang
labi niya at nagsimula iyong
gumalaw. Hindi ko alam ang dapat
na gawin kaya para lang akong tuod
na nakaupo doon, naninigas ang
buong katawan habang siya ay
nakayuko para maabot ako.
"Ahem. Ahem."
Hindi ko na alam kung gaano katagal
ang naging paghalik niya sa'kin.
Naghiwalay lang kami ng makarinig
ng tikhim.
"Ang sarap naman ng agahan niyo,
make out agad." Nang-aasar na sabi
ni Gale na siyang tumikhim kanina.
Walang salitang bumalik ako sa
pagkain habang siya ay umupo rin sa
kabilang side na kaharap namin ni
Second.
"What are you doing here, Park?"
Tanong ko ng maalalang hindi siya
dapat narito.
"Ako na ang sumama sa security
team na ipinadala ni General."
"Security team?" Iyon ang kumuha ng
atensyon ko kaya bumaling ako sa
kanya. "Wala akong naalala na
nagrequest ako for security team."
"Ako ang nagrequest kay daddy,
sinabi ko sa kanya na kailangan natin
iyon dahil kahit marunong tayong
makipaglaban ay hindi pa rin
maiiwasan ang aksidente tulad
nalang ng nangyari sa'yo." Paliwanag
ni Second.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"
"Alam kong hindi ka papayag, don't
worry kung ano ang plano mo ay iyon
pa rin ang masusunod basta hayaan
mo lang na magdagdag ako ng
security para kung sakali ay hindi ka
basta basta masasaktan."
Hindi na ako umapila pa. Hanggang
sa matapos ang pagkain namin ay
hindi na ako nagsalita. Ipinaligpit ko
sa mga katulong ang mga
pinagkainan bago ako dumiretso sa
kwarto ko para kunin ang baril ko at
speaker. Isinuksok ko iyon sa likod ko
at inilagay naman ang huli sa tenga
ko.
Muli akong bumaba at nagtungo sa
labas kung nasaan ang security team
na tinutukoy ni Gale.
"Good morning Captain. Salute."
Nakangitung salubong sa'kin ni
Galero, tumango ako bilang
acknowledgement.

"Ituturo ko sa inyo ang mga area na


dapat ay bantayan niyo. 24/7 ang
pagbabantay, walang tutulog tulog o
tatanga tanga." Panimula ko.
"Opo." Sabay sabay nilang sagot.
Nagsimula akong i'assign sila sa mga
area na dapat ay siguraduhing ligtas.
May inilagay ako sa labas ng village,
sa bawat kanto, sa harap ng
mismong gate ng bahay ko, sa likod
at pati na rin sa mga kalapit na bahay
para kung sa kaling may susugod ay
matitimbrehan agad ako.
Pagkatapos ko iyong gawin ay
nagtungo naman ako sa CCTV room
na nasa third floor ng bahay ko. Ang
buong palapag ay tanging mga
surveillance camera lang at mga
computer ang nakalagay.
Umupo ako doon at sinimulang
i-instrall lahat ng mga camerang
inilagay ko sa buong village.
Deactivated ang ilan sa mga ito at
tanging ang CCTV's lang sa bahay
ang gumagana dahil hindi naman ako
madalas dito pero iba ngayon dahil
kailangang doble ang pag-iingat dahil
nandito si Second.
Napabuntong hininga ako ng
matapos kong i-activate lahat.
Kitang kita ko ang lahat ng mga
kaganapan sa loob ng village pati
na rin sa intrada ng gate at
guard house. Kahit ang mga
kalapit na bahay ay nakamonitor
sa CCTV.
Akmang aalis na ako ng mahagip
ng tingin ko ang isang surveillance
camera na nasa pinakadulong
parte kung saan nakalagay ito sa
likod ng bahay. May isang lalaki
doong nakatayo at base sa suot
nito ay isa sa mga tauhan na
ipinadala ni General. Wala namang
kaso ang paglilibot libot niya sa
area na 'yon pero iba ang kutob
ko.
May isa pang lumapit sa kanya at
nakipag-usap. Pinindot ko ang
zoom para maklaro ng husto ng
mukha ng kausap nito at
napakunot ang noo ko ng
mapagsino.
Oh come on!
Nagtagis ang mga bagang ko
dahil sa galit na umusbong sa
kalooban ko.
Mukhang hindi niya ako lubos na
kilala dahil kung kilala niya ako
ay hindi siya papasok sa teritoryo
ko at kikilos na parang kakampi
ko.
In-on ko ang speaker na nasa
tenga ko. "Galero, kailangan ko ng
tulong mo."
"Ano 'yon Captain? Salute."
"Pag-igihin mo ang pagbabantay
sa likod ng bahay." Sagot ko
habang nakatingin pa rin sa
dalawang taong nag-uusap.
"Yes, Captain."
Kaya pala kahit anong pag-iingat
ang gawin ko ay palagi akong
nasasalisihan at may nakakalapit
kay Second dahil may ahas na
nakapasok sa teritoryo ko.
Kuyom ang kamaong lumabas ako
ng silid.

ABALA AKO sa paglilinis ng mga


baril sa basement ng makarinig
ako ng sunod sunod na mga
putok. Napamura ako! Mabilis
akong humugot ng baril at
lumabas.
Narinig mo ang paggagantihan ng
putok mula sa labas ng bahay at
sa likod. Tumakbo ako papuntang
second floor para puntahan si
Second.
Shit!
Pagkarating ko sa kwarto niyang
katapat lang ng silid ko ay hindi
ko siya nakita doon. Nagsimulang
umusbong ang kaba sa dibdib ko
dahil hindi ko alam kung nasaan
siya.
Muli akong tumakbo pababa nang
may makasalubong akong
armadong lalaki. Pinaulanan niya
ako ng bala ngunit mabilis akong
nakatago sa likod ng hagdan.
Gumanti ako ng putok at hindi
siya tinigilan hanggat hindi siya
natatadtad ng bala.
"King."
Lumingon ako sa gawi ng daan
papunta sa kusina dahil sa pagtawag
sa'kin ni Second. Para akong
nabunutan ng tinik sa lalamunan ng
makitang ligtas siya.
Naglakad ako papunta sa direksyon
niya para malapitan siya ng biglang
may tumakip sa bibig ko.
Nagpumiglas ako pero nauwi sa
singhap dahil sa kutsilyong bumaon
sa tagiliran ko kung saan ako
tinamaan ng bala.
Pinilit kong lumaban pero isa na
namang patalim ang tumarak sa hita
ko. Nakita king tumagos iyon at
sumirit ang dugo. Nabitawan ko ang
baril na hawak ko.
Tumingin ako kay Second at gan'on
nalang ang panghihina ko ng
makitang duguan ito.
"Aaaah!" Sigaw ko pagkatapos ay
hinugot ko ang patalim na nasa hita
ko. "Aaah!" Sobrang sakit, para
akong pinapatay ng paulit ulit.
Ramdam kong may tao sa likod ko at
siya ang patuloy na sumasaksak
sa'kin. Hindi pa man ako nakakabawi
ay sinaksak na naman ako sa dibdib.
"Ngayon ay mamamatay ka na."
Nakakakilabot ang tinig ng nagsalita
at tumawa ito na parang baliw.
Napaubo ako sa sakit ng pagsaksak
niya na sinisigurado talagang
tumatagos sa katawan ko. Wala
akong laban dahil nanghihina na ang
katawan ko at nanlalabo.
"Matagal kong hinintay ang bagay na
ito at ngayon ay maisasakatuparan
na." Humalakhak na naman ito.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko
ng makita ang walang buhay na
katawan ni Second na nasa bukana
ng kusina. Dilat ang mga mata
habang umaagos ang sariwang dugo
sa bibig. May tama ito ng baril sa
noo.
"Ipaparanas ko sa'yo ang lahat ng
hirap!" Nakatanggap ako ng sasak sa
isa ko pang hiya dahilan para
mapaluhod ako.
Nanginginig ang buong kalamnan ko
dahil sa tanang buhay ko ay ngayon
lang ako nakaramdam ng takot.
Gumapang ako para malapitan si
Second. Natatakot ako na baka
totoong patay na nga siya.
"Gapang, sige gapang pa Anton."
Nagpatuloy ako sa paggapang pero
ng malapit ko ng maabot ang kamay
niya ay may kutsilyong bumaon sa
kamay ko.
"Aaaaah!" Sigaw ko dahil sa sobrang
sakit.
Napahikbi ako ng tuluyan ng
sabunutan niya ako at kinaladkad
palayo kay Second.
No! Kahit manlang mayakap ko siya
ay ayos na sa'kin. Kahit sandali lang
gusto kong maramdaman ang init ng
katawan niya
"Tama na!" Sigaw ko pero mukhang
mas natuwa pa ito.
Palakas ng palakas ang iyak ko dahil
sa halu halong pakiramdam. Literal
na sakit sa buong katawan at sakit sa
kalooban. Hindi ko inaalis ang tingin
ko kay Second kahit na anong
mangyari. Gusto kong sulitin na
nakikita ko siya dahil ramdam ko
na rin na ito na ang huling araw
na magkakaroon ako ng
kakayahang huminga.
"Babalatan kita ng buhay. Dudukutin
ko ang nga mata mo. Paghihiwa
hiwalayin ko lahat ng parte ng
katawan mo pati na ang laman loob."
Tuwang tuwang kwento niya.
Nilabanan ko ang kagustuhan kong
mapapikit dahil sa saksak na ibinigay
niya sa'kin at sa pagkakataong 'to ay
sa braso ko tumama.
Aaaah! Aaaaah! Panay ang sigaw
ko sa loob ko.
Ito ang unang pagkakataon na
naramdaman kong wala akong
kwentang tao dahil hindi ko kayang
lumaban at hindi ko nailigtas ang
lalaking mahalaga sa buhay ko.
Hinayaan ko siyang mamatay
habAng nasa pangangalaga ko siya.
Gusto kong magsisisigaw para
makahingi ng tulong sa kung sinoman
pero wala na akong lakas dahil sa
dami ng dugong nawala sa'kin.
Naliligo na ako sa sarili kong dugo at
wala akong magawa kundi ang
umiyak nalang ng umiyak at hintayin
ang katapusan ko.
Hiniwa niya ang pisngi ko habang
masayang masaya aiyang tumatawa.
Napaubo ako at nakaramdam ng
pagkahilo, sumusuka na ako ng dugo
pero wala pa rin siyang tigil sa
pagpapaulan ng saksak sa buo kong
katawan.
Sinabunutan na naman niya ako pero
this time ay patingala kaya sa wakas
ay nakita ko ang pagmumukha niya.
Mas lalong dumagsa ang mga luha
ko na humalo nasa pulang pulang
dugo ng makilala ko kung sino
siya.
Hindi ko akalain na magagawa niya
sa'min 'to. Tama nga ako , hindi
dapat basta basta nagtitiwala sa kahit
na sino maliban sa sarili mo mismo.
"Pupugutan kita ng ulo."
Pagkasabi niya n'on ay siya namang
pagdaan ng patalim sa leeg ko.
Sumuka ako ng dugo bago
pangapusan ng hininga at tuluyang
mawalan ng diwa.
Second. Second.

---------------------------
--

Chapter 28

A/N: (Kuyajen) Salamat po sa


pagbabasa ng kwentong ito. Sa mga
gusto pong magpabati comment niyo
lang po mga pangalan niyo isasama
ko po 'yon sa next update ko. Thank
you.
NAPABALIKWAS ako ng bangon
dahil sa masamang panaginip na
'yon. Hapong hapo ako at may mga
luha sa mga mata ko dahil
pakiramdam ko totoo. Akala ko talaga
ay doon na matatapos ang buhay ko.
Hindi pa man ako tuluyang
nakakabawi sa hingal at takot sa
panaginip na iyon ay napasinghap
ako dahil may biglang tumakip sa
bibig ko. Sinubukan kong
magpumiglas pero mas malakas ito
sa'kin. Napakadilim ng kwarto ko
dahil pinapatay ko ang lahat ng ilaw
kapag natutulog ako kaya hindi ko
makita ang mukha ng taong
tumatakip ngayon sa'kin.
"Pssh, it's me." Sabi ng familiar na
boses ni Second.
Bigla akong napayakap sa kanya at
akmang bubuksan ko na ang
lampshade ngunit pinigilan niya ako.
"May mga tao sa baba, mga armado
sila at mukhang hinahanap tayo."
Mahinang bulong niya.
Naging alerto ako dahil sa sinabi
niya. Mabilis akong bumaba sa kama
at hinila siya papunta sa closet ko.
Inilas ko ang isang malaking bag at
doon isinilid lahat ng mga armas ko
na pinakatatago ko dito.
Kakailanganin namin ito.
"Gamitin mo 'to in case of
emergency." Bilin ko ng mabigyan ko
siya ng baril.
Matapos kong isilid lahat ay dahan
dahan ko siyang hinila palabas ng
kwarto. Madilim ang buong
kabahayan pero may naririnig akong
mga yabag at kaluskos.
Dumiretso kami sa CCTV room,
inilock ko iyon at tumakbo sa isang
cabinet na nasa dulong parte nito.
Pinaglalagyan iyon ng mga ibang
parts ng computer at cameras in case
na may masira.
"Dalian niyo ang paghahanap bago
pa magising ang mga tao dito." Dinig
ko ang isang tinig sa labas.
Siguradong malapit na sila.
Puta! Hinding hindi ko hahayaang
magkatotoo ang mga nasa panaginip
ko. Magkakamatayan kami pero
sisiguraduhin kong hindi madadamay
dito si Second.
Pilit kong kinalma ang sarili ko ng sa
wakas ay matanggal ko ang mga
nakalagay sa cabinet. Hinanap ko
ang pulang button na nasa pinasulok
ng ikatatlong shelve nito at pinindot
iyon. May lumabas na screen kaya
nagmamadali ko ring inilagay ang
password nito.
Umatras ako ng ilang hakbang ng
magsimula itong bumukas. Isa itong
secret door na pinasadya kong
ipagawa ng sa klase ng trabaho ko
alam kong darating ang araw na
kakailanganin ko ito. Tulad ngayon.
"Tara na." Muli kong hinila si Second.
"Mauna ka na."
Napatiim bagang ako ng umiling siya.
"Ikaw ang mauna."
"Hindi ito ang panahon para
makipagmatigasan ka ng ulo." Asik
ko na puno ng diin.
Mukhang nagdadalawang isip pa siya
pero sa huli ay tumalima naman.
Makipot lamang ang daan kaya
medyo natagalan siya.
"Fuck! Wala sa kwarto nila." Sabi ng
mga nag-uusap usap sa labas at
sigurado akong sila ang gustong
pumatay sa'min.
Ikinasa ko ang baril ng marinig ang
mga yabag nilang papalapit. Marahil
ay nasa hagdan na sila patungo dito
sa third floor at ilang sandali nalang
ay makikita na nila kami.
"King." Tawag sa'kin ni Second,
nakapasok na siya.
Iniabot ko sa kanya ang bag na puno
ng mga armas at ako naman ang
pumasok.
"Baka nandito sila."
"Nakalock boss."
"Tangna! Barilin niyo para
mabuksan."
Napayuko ako ng magsimulang
umulan ang mga bala. Pinagbabaril
nila ang mga pinto at tumatagos iyon
hanggang sa loob. Nagkakandasira
sira na ang mga monitors pero wala
akong pakialam.

Nang makapasok ako ay pinindot ko


ang closed button kaya automatic na
sumara ang cabintet at bumalik iyon
sa normal. Sinigurado kong hindi nila
mabubuksan iyon hanggat hindi pa
kami nakakarating sa kalsada sa
labas ng village na siyang hangganan
ng tunnel na ito.
"Takbo!" Sabay kaming tumakbong
dalawa. Hindi namin alintana ang
mga suot naming pantulog lang pati
na rin ang mga putik at maruming
tubig sa dinadaanan namin.
Tumatalsik iyon sa mga katawan
namin.
Ang mahalaga ay ang maging ligtas
siya.
Halos kinse minutos siguro ang
itinakbo namin ng makita ko na ang
dulo ng tunnel. Pinatigil ko si Second
ng malapit nakami doon.
"Wag kang susunod hanggat hindi ko
sinasabi."
"But---"
"Just listen okay? Mamaya ka na
magpasaway kapag ligtas na tayo."
Hindi siya nakakibo.
Lumakad ako papalapit sa pinto at
dahan dahan iyong binuksan.
Ihinanda ko ang baril ko bago
lumabas. Tahimik ang paligid dahil
nasa kalagitnaan ng hating gabi
ngayon.
Tumingin ako sa guard house na
ilang dipa lang ang layo. Tahimik
akong napamura ng makitang
nakahandusay ang mga guard at ang
mga taong ini-assign ko doon.
"Lumabas ka na." Agad namang
sumunod si Second.
Napabaling ako sa daan ng makarinig
ng mga humaharurot na sasakyan.
Hinawi ko si Second at bahagyang
itinulak pabalik sa tunnel para
makapagtago.
Mga armado ang dumating at
napakarami nila. Pinagmasdan ko
ang mga suot nila at nasisiguro kong
hindi ito tauhan ni Salazar.
Sinagasaan nila ang gate para
tuluyang makapasok sa village.
Kinuha ko ang speaker at ikinonekta
kay Gale. Hinanap ko rin ang remote
control na nasa mga gamit ko.
"Santez." Mabilis niyang sagot sa
kabilang linya.
"Sina Cindy?"
"Ligtas sila, sinunod ko ang utos mo.
Pasimple ko silang inutusang mamili
ng mga grocery kanina bago ang
dinner at sinigurado kong walang
nakahalata sa mga tauhan na nasa
bahay mo." Paliwanag niya, tumango
ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Saan ka banda?"
"Nasa kabilang village lang ako, may
mga dumating na naman at
napakarami nila." Bakas ang pag-
aalala sa boses niya.
"Ayos lang kami, nandito kami sa
tunnel pero wag ka munang pupunta
dito."
"Copy." Hindi ko pinutol ang linya
dahil kakailanganin ko siya mamaya.
Napangisi ako ng masigurong nasa
loob na ang mga armado.
Tsk. I'm not Agent Anton Santez for
nothing.
Noong hindi ko pa alam kung sino
ang tumatraidor sa'kin hindi nila ako
naisahan paano pa kaya ngayong
alam ko na.
Pagkatapos kong makita kanina ang
lahat sa CCTV room ay agad kong
kinausap si Gale at inutusan na ilayo
sina Cindy at lahat ng katulong sa
bahay ko upang hindi madamay.
Nilagyan ko ng mga bomba ang
buong paligid ng bahay ko at bawat
sulok nito. Alam kong mangyayari 'to
pero hindi ko inasahan na ngayon
mismo. Kung sa bagay
sasamantalahin nila dahil akala nila
mahina ako dahil kagagaling ko lang
sa hospital.
Laking pasalamat ko lang dahil agad
akong nagising kanina bago pa nila
kami maabutan.
Nakangisi kong pinindot ang isang
button sa hawak kong remote.
Umalingawngaw ang isang malakas
na pagsabog at alam kong galing
iyon sa bahay ko.
Magkakalayo ang mga bahay sa
village na ito kaya alam kong walang
madadamay na iba kundi ang bahay
ko lang. Pinaghirapan ko iyon ng
napakahabang panahon pero hindi
ako manghihinayang kung buhay
naman ang magiging kapalit.

"Segundo." Tawag ko kay Second.


"What?"
"Pagdating ni Gale sumama ka sa
kanya---"
"No, hindi ako sasama wala akong
paki kung magalit ka sa'kin dahil
matigas ang ulo ko pero hindi ako
sasama sa kanya kapag wala ka."
Galit niyang sagot. Napapailing
nalang ako.
"Park, pumunta ka na dito." Utos ko
kay Gale.
"Copy."
Sunod sunod kong pinindot ang iba
pang button kasunod din n'on ay ang
ilang ulit na pagsabog. Siguradong
lahat ng nasa premises ng bahay ko
ay matutusta.
Ilang sandali lang ay huminto sa
harapan namin ang sasakyan ni
Gale. Agad kong ihinagis sa kanya
ang bag na naglalaman ng mga
armas ko at hinila si Second pasakay.
Sumama na ako dahil alam kong
matigas ang ulo niya at tototohanin
niya ang sinabi niya kaninang hindi
siya aalis hanggat hindi ako kasama
at kapag nagkataon pareho kaming
mapapahamak at mababaliwala lahat
ng plinano ko.
Mabilis ko kinabig ni Gale ang
monobila paU-turn pero hindi pa man
kami nakakaalis ay may mga putok
na nang baril ang nagpaulan sa'min.
Nagmumula iyon sa village.
"Puta! Hindi sila naubos." Asik ko.
Gumanti ako ng putok gan'on din si
Second habang pareho kaming nasa
backseat at si Gale ay abala sa
pagdadrive.
"Bilisan mo." Sigaw ko.
Panay ang palitan namin ng putok
habang sumusunod ang mga
kalaban. Dalawang van ang
sumusunod sa'min at siguradong
kapag nahuli kami hindi lami
bubuhayin.
"Wag mong hahayaang mabaril nila
ang gulong dahil katapusan na
namin."
"Ako bahala." Si Gale.
"Dalawang baril ang gamitin mo."
Iniabot ko kay Second ang hawak
kong baril. Napapayuko kami dahil sa
napakaraming putok ang ganti nila.
Mabuti nalang ay bullet proof ang
sasakyang dinala ni Gale.
Kinuha ko ang basoka na nasa bag
ko. Hindi man sila natusta kanina
ngayon siguradong letchon sila.
"Buksan mo ang likod." Utos ko kay
Gale na mabilis naman niyang
sinunod.
Bumukas ang likod na parte ng
sasakyan kaya naging mabilis ang
galaw ko. Nilagyan ko ng bala ang
hawak kong basoka at itinutok iyon
sa van na nasa unahan. Napangisi
ako ng tumama sa harap nila iyon at
sumabog.
Muling isinara ni Gale ang likod pero
bigla nalang kaming gumewang.
"Anak ng pating! May paparating pa."
Sigaw niya kaya napabaling kami sa
harapan at tama siya may tatlong van
pa ang paparating at may isang
bumubuntot sa'min.
Biglang umalis si Second sa tabi ko
at lumipat sa harap. "Ako na ang
magdadrive tulungan mo nalang si
King na patayin ang mga kalaban."
Napatingin sa'kin si Gale at tumango
ako para sabihing sang-ayon ako sa
gusto ni Second. May tiwala ako sa
kanya at alam kong kaya niya dahil
kung hindi, hindi siya magbovolunteer
na humawak ng monobila ngayong
nasa panganib kami.
"Napakarami nila." Usal ni Gale.
Kumuha siya ng baril sa bag ko at
kinasa iyon.
"Kailangan naming patayin ang mga
tao sa van na nasa likod natin."
Tugon ko. Sinipa ko ang pinto na
nasa gawi ko para bumukas iyon.
Gumewang na naman ang sasakyan
namin pero hindi iyon naging
hadlang, muli kong ginamit ang
basoka para pasabugin sila at
nagtagumpay ako.
"Gawin mo ang lahat para
malagpasan natin sila." Baling ko kay
Second.
"Okay."
Nakikipagbarilan na si Gale sa mga
van na sumasalubong sa'min pero
napakarami nila.

"Puta! May basoka sila." Tugon niya.


Sumadsad ang sasakyan namin sa
pinakagilid ng kalsada dahil sa pag-
iwas ni Second sa bala ng basoka.
Napangiwi ako ng mauntog ang ulo
ko sa bakal na pinto.
"Magseatbelt kayo." Sigaw ni
Second.
Hindi namin kakayanin 'to.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial
ang numero ng taong akala ko
hinding hindi ko na kakailanganin ang
tulong. Pero no choice nasa
alanganin kami ngayon.
"Hello?" Ilang ulit na namatay ang
tawag bago nito masagot.
"Leoberro kailangan ko ang tulong
mo." Tugon ko.
"Anong nangyari?"
"Basta bigyan mo ako ng back up
malapit kami sa village ng bahay ko."
"Okay, be careful."
Pagkababa ko ng tawag ay gumanti
na rin ako ng pakikipagbarilan.
Malapit na naming makasalubong
ang dalawang van.
"Humawak kayo." Sigaw ni Second.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko
na ang tila paglipad ng sasakyan
namin. Initurbo niya at dumaan ang
kotse sa bubong ng dalawang van.
"Shit!" Dinig kong mura ni Gale kaya
napabaling ako sa kanya. Sapo sapo
niya ang braso niya at dumudugo
iyon. "Pero ayos lang."
Lumipat ako sa harapan dala ang
shotgun. Ilang ulit kong pinagbabaril
ang isa pang van napapasalubong
sa'min. Gumewang iyon at bumangga
sa puno, sinundan iyon ni Gale ng
ilang ulit na pagbaril bago tuluyang
sumabog.
Dalawa nalang.
Malayo na kami sa village pero
nakasunod pa rin sa'min ang
dalawang van na natitira.
"Bilisan mo." Hinihingal akong
napasandal sa passenger seat dahil
sa pagod ng pakikipagbarilan. "Ayos
ka lang Gale?" Lumingon ako sa
kanya.
"Ayos lang ako, malayo sa bituka."
Nakangiwing sagot niya.
Tumingin ako kay Second na
seryosong nagmamaneho pa rin.
Alam kong magaling siyang humawak
ng monobela pero hindi ko alam na
napakagaling niya pala sa
pagmamaneho. Ang dami talagang
surpresa sa pagkatao ng isang 'to.
"Ayos ka lang?" I asked. Tango lang
ang isinagot niya.
"May paparating." Itinuro ni Gale ang
harapan kaya doon rin natuon ang
atensyon ko.
Pinagmasdan ko ang sasakyan at
mga suot ng mga tao sa limang van
na kulay green at nakahinga ako ng
maluwag ng makilalang mga tauhan
iyon ni Salazar.
Lumampas sa'min ang limang van at
sila ang sumugod sa mga kalabang
natitira. Huminto ang sasakyan ni
Salazar di kalayuan sa'min.
"Itigil mo sa tabi ng kotse na 'yan."
Utos ko kay Second pero hindi siya
nakinig dahil lalo lang niyang binilisan
ang pagpapaandar.
Napailing nalang ako. Wala talagang
pinipiling lugar at sitwasyon ang
katigasan ng ulo niya.
Narinig ko ang pagtunog ng
cellphone ko at nakita kong si Salazar
ang tumatawag. Agad ko iyong
sinagot.
"Are you okay?" Bakas ang pag-
aalala sa boses niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa
pagod. Ngayon ko lang naramdaman
ang antok pero hindi ako pwedeng
matulog.
"Ayos na." Sagot ko.
"May tama ka ba? Gusto mong dalhin
kita sa hospital?"
"No need ayos lang kami mas
delikado sa hospital."
"Okay, okay just call me kung
kailangan mo ng tao."
"K." Ibinaba ko na ang tawag.
Sa mansyon ng mga Castillion dinala
kami ni Second. Pagkaparadang
pagkaparada ay padaboy itong
lumabas at hindi na kami nilingon.
"Tsk. Nasa bingit na ng kamatayan
nagawa pang magselos."
Natatawang tugon ni Gale, lumabas
na rin siya ng sasakyan kaya
sumunod ako.
Maglalakad palang sana kami
papasok sa front door ng makita
namin ang humahangos na si Third.
Nakasuot pa ito ng pantulog at sa
hitsura nito ay siguradong kagigising
lang.
"What happened? Tsk." Galit na
sigaw nito kay Gale na ikinangiwi
naman ng huli. Hawak lang niya ang
brasong dumudugo.
"Napasabak lang ng konti ayos lang
naman." Cool na sagot niya.
Napapailing akong nagpatuloy sa
paglalakad papasok sa mansyon nila
dahil balak kong kausapin ang
matandang Castillion.
"Ayos lang ba ang lagay na 'yan?
Namumutla ka na tapos nagawa mo
pang magyabang. Kung gusto mong
magpakamatay sabihin mo sa'kin ako
nalang ang gigilit sa leeg mo." Dinig
kong sermon ni Third at galit na galit
ang boses nito.
Castillion is always a Castillion.

---------------------------
--

Chapter 29

MAGKAKAHARAP kami sa
napakalaking sala ng mga Castillion.
Kompleto silang magkakapatid pati
na ang kanilang mga magulang.
Lahat sila seryoso samantalang si
Second ay panay ang irap sa'kin.
Ewan ko ba sa lalaking 'to kanina pa
wala sa tama ang pakikitungo sa'kin.
Imbes na magpahinga ay minabuti ko
nalang na kausapin ang buong
pamilya.
"Ayos ka lang ba talaga anak?" Nag-
aalalang tanong ni Mrs. Castillion,
ang nanay nila kay Second.
Nakayakap ito sa asawa at kanina pa
umiiyak dahil sa pag-aalala.
"I'm okay mom, don't worry." Sagot
niya.
"Magpahinga ka muna." Tugon ko
kay Second, mas lalong sumama ang
tingin niya sa'kin.
"Gusto mo akong magpahinga kasi
balak mong balikan 'yong syota mo."
Asik niya.
Lahat napatingin sa'kin dahil sa
sinabi niya. Tangna! Naging isip bata
pa.
"Magpahinga ka kasi alam kong
pagod ka, malalim na ang gabi at
kulang ka pa sa tulog." Pinilit kong
pakalmahin ang sarili ko kahit gusto
ko na siyang bigwasan.
"Pakialam mo ba." Sagot niya.
"May pakialam ako kasi alam kong
pagod ka--" hindi ko pa man
natatapos ang sasabihin ko ay
nagsalita na siya.
"Wag mo akong kausapin nagseselos
pa ako."
Parang may anghel na dumaan dahil
biglang nawalan ng kibo ang lahat,
kahit ako hindi nakagalaw dahil sa
sinabi niya.
"Naknang!"
"Putcha! Corny!".
"Burn."
Iba't ibang reaksyon ng mga kapatid
niya. Napapailing ako habang
nangingiti. Ramdam ko naman iyon
kahit noong nasa hospital pa kami ng
dumalaw si Salazar pero iba pa rin
'yong inamin niya mismo.
I don't know, simpleng bagay pero
pakiramdam ko ang saya ko.
"Wag ka ngang ngumiti." Angal niya
pa ng mapatingin sa'kin.
"Bakit?" Takang tanong ko. May mali
ba sa pagngiti?
"Nawawala ang inis ko sa'yo kasi ang
ganda mo tapos ngingiti ngiti ka
ngayon, gusto mo ba talagang
mabaliw ako sa'yo? Kainis ka!" Sigaw
niya at padabog na umalis.
Napakamot ako sa batok at muling
humarap sa mga kasama ko.
Nakangiting tumingin sa'kin ang
matandang Castillion.
"Pagpasensyahan mo na iha,
mukhan nagbibinata." Biro ng ama
nila.
Gusto kong matawa dahil sa term
nitong nagbibinata gayong lagpas na
sa kalendaryo ang edad ng anak nila.
"Ayos lang." Sagot ko.
"Akala mo naman kung umasta si
Kuya Second ay siya ang babae."
Humalakhak pa si Fifth. "Feeling
virgin."
"Yong bibig mo Fifth!" May
pagbabanta sa boses ng ina nila kaya
agad na napayuko si Fifth.
"Nahahawa na si Kuya Second kay
Kuya First." Hirit ni Seven.
"Sunod niyan si Kuya Third na."
Kantyaw pa ni Six.
Tumayo ako kaya napatingin sila
sa'kin. "Excuse me lang po
kakausapin ko lang si Segundo."
"Sure iha, pasensya na talaga sa
ugali ng batang iyon." Maagap na
sagot ni Mrs. Castillion.
Tumango ako. Malalaki ang hakbang
na pinuntahan ko ang direksyon kung
saan ko nakitang pumunta si Second
at dinala ako ng mga paa ko sa
garden.
Malawak ang garden ng masyon nila
tulad ng inaasahan ko. Maraming
pananim na mga bulaklak na may
iba't ibang kulay na kitang kita ko
dahil na rin sa napaliwanag na
buwan. May isang statue sa gitnang
parte nito na nasa sentro ng fountain.
Maraming mga benches sa paligid at
sa pinakahuling bench ko nakita si
Second.

Nakayuko siya sa madilim na parteng


'yon. Naglakad ako papalapit sa
kanya at umupo sa kanyang tabi.
Alam kong ramdam niya ang
presensya ko pero hindi manlang siya
tumingin sa'kin.
"Mahamog dito." Pagbasak ko sa
katahimikan. Dahil na rin siguro sa
lalim ng gabi ay dinig na dinig ang
ingay ng mga kulisap sa paligid.
"D-Don't talk to me."
Natigilan ako ng marinig ang basag
niyang boses. Nagsalubong ang mga
kilay ko dahil sa pagtataka. Sinilip ko
ang mukha niya at doon nakita ko
ang mga luha sa pisngi niya na
mabilis niyang pinunasan.
"S-Second." Tawag ko sa pangalan
niya dahil nagulat akong makitang
umiiyak siya.
Nandyan na naman ang mga patalim
na paulit ulit na sumasaksak sa puso
ko kapag nakikita siya sa ganitong
sitwasyon.
"Why do I have this feeling na kaya
kong maging mamamatay tao kapag
may ibang lalaking lumalapit sa'yo?"
Tanong niya na hindi ko
napaghandaan. Naikuyom ko ang
mga kamao ko ng marinig ang
pagsinghot niya at paghikbi. "Hindi
naman dati ganito pero bakit ngayon
ibang iba na. Wala naman akong paki
noon kung sino man ang lumapit
sa'yo pero ngayon nakakaramdam
ako ng galit sa kanila dahil
pakiramdam ko aagawin ka nila
sa'kin. Nababaliw ako kahit na wala
ka namang ginagawa sa'kin. Para
akong tanga kakaisip kung napapa'no
ako kahit alam ko na ang sagot."
Kitang kita ko ang pagkislap ng mga
luha niya pero hindi ko magawang
gumalaw sa kinauupuan ko. Ayaw
tanggapin ng sistema ko na
nagkakaganito siya dahil lang kay
Leoberro. Ayokong nakikita siyang
ganito dahil nagseselos siya dahil
kung magpapatuloy 'to mas lalo ko
lang siyang masasaktan.
Aaminin ko wala na sa isip ko ag
paghihigante sa nagawa niya kay
Lorette. Masakit man pero lihim ko na
siyang napapatawad ng hindi ko
namamalayan. Unti unti ko ng
napapakawalan ang galit na meron
ako sa kanya dahil tama si Gale hindi
ko dapat siya saktan intentionally
dahil aksidente niya akong nasaktan,
ang kaibigan ko.
Wala na 'yong poot at galit na
umuusbong sa'kin kapag nakikita
siyang nakangiti. Wala na 'yong pag-
aalinlangan kong pagkatiwalaan siya.
Hindi ko alam kong paano nangyari
'yon at kung bakit basta nagising
nalang ako isang araw na gusto ko
siyang protektahan sa mga taong
gustong manakit sa kanya, gusto ko
siyang ilayo sa mga taong nasa likod
ng mga death threat na natatanggap
niya. Wala na sa'kin na gantihan siya
pagkatapos ng lahat ng ito.
Pero hindi bukas ang pagkatao ko
para sa ibang bagay na mas higit pa
sa kung anong meron kami. I am a
broken glass, hindi na ako mabubuo
dahil hindi pa rin nawawala ang takot
ko na sumugal sa isang bagay na
ikinapahamak ng kaibigan ko. Maybe,
may tiwala ako sa kanya ngayon pero
wala akong tiwala sa sarili.
I need to protect myself, especiallyy
heart. Ayokong mabasag sa
pangalawang pagkakataon dahil
kapag nangyari 'yon sa basurahan
ako pupulutin.
"Ang gago ko! Nagseselos ako sa
simpleng bagay, nasasaktan ako sa
isang bagay na hindi ko naman pag-
aari. You're my bestfriend kahit na
ayaw mo pero hindi ko inaasahan na
makakaramdam ako ng higit pa d'on.
I hate this feeling, but the more I
resist it, the more it pushes me to fell
for you." Halos kapusin ang hininga
ko ng bumaling siya sa'kin gamit ang
luhaan niyang mga mata.
"I don't want to fall in love with
someone kahit ikaw pa 'yon pero
bakit natutunan kang mahalin ng
puso ko kahit ayoko?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot
ko kaya nanatili akong tahimik at
nakatitig lang sa kanya. Natatakot
ako dahil hindi ko inaasahan na
ganito ang kalalabasan ng lahat.
Ilang sandali lang kanina ay nasa
gitna kami ng bakbakan pero ngayon
heto siya umiiyak dahil sa sinasabi
niyang nararamdaman niya para
sa'kin.
Ni hindi pa nga namin nagawang
linisin ang mga katawan namin pero
nasa ganito na kaming sitwasyon and
I hate it too. Ayoko sa mga
nangyayari ngayon.
"Ayokong magmahal dahil ayokong
masaktan, ayokong umiyak tapos
mawawala ako sa sarili dahil ang
pagmamahal ko ay hindi naman
matutugunan pero nakakatawa dahil
'yong mga bagay na ayaw kong
maramdaman noon ay siyang
nararamdaman ko ngayon.
"Nasasaktan ako ngayon kahit ayoko,
umiiyak ako kahit ayoko at ramdam
kong mawawala ako sa sarili ko
kapag hindi 'yon natugunan, hindi ko
mapigilan lahat ng sinasabi ng puso
ko kaya bago pa ako mabaliw sa
pagmamahal ko sa'yo mamahalin mo
ako kahit ayaw mo." Seryoso niyang
sabi habang nakatitig sa'kin.
"What the hell are you talking about
Segundo?" Inis kong tanong.
Nababaliw na ba siya?
"Alam kong desperado ang tunog ng
nga sinabi ko pero mas ayos na
sa'kin na paniwalaan na kaya mo rin
akong mahalin hindi man tulad ng
pagmamahal ko sa'yo at least
magkapuwang manlang ako sa puso
mo."
Tumayo siya pagkatapos punasan
ang mga luha niya at naglakad paalis
pero bago pa man siya mawala sa
paningin ko ay nagsalita siya.
"Just stay and I'll do the rest. Wala
kang ibang dapat na gawin kundi ang
manatili sa tabi ko habang ako
mamahalin kita, aalagaan at
pagsisilbihan hanggat kaya ko."
Hindi na ako nakasagot pa dahil
tuluyan na siyang bumalik sa loob ng
kabahayan.
This is bullshit!
"GOOD morning Agent Santez." Bati
sa'kin ng nakasalubong kong kapwa
agent ng makapasok ako sa head
quarters.
Pagkagising na pagkagising ko ay
dito na ako dumiretso habang si
Second ay nasa mansyon pa ng mga
magulang niya. Kailangan kong
tapusin lahat ng mga nasimulan ko
bago pa man lumala ang sitwasyon at
umabot sa puntong masaktan si
Second.
"Long time no see Agent Santez."
"Hi Agent Santez."
Hindi ko na nagawang pansinin pa
ang mga bumabati sa'kin dahil sa
pagmamadali kong makausap si
General.
Pagkarating ko sa pinto ng office niya
ay saktong bumukas naman iyon.
Nakasalubong ko si Galero, pareho
kaming natigilan dahil muntikan
kaming magkabungguan. Ngumiti
siya ng makita ako at sumaludo.
"Good morning Captain, salute."
Sumaludo rin ako bilang gante at
nagbigay daan para makaalis siya sa
pinto.
Pagkaalis niya ay pumasok ako sa
office ni General. Naabutan ko itong
abala sa pagbabasa ng papeles.
"General." Tawag ko sa pansin nito at
nagtagumpay naman ako. Nalipat
ang tingin niya sa'kin.
"Agent Santez." Aniya.
Umupo ako sa visitor's chair na nasa
harap niya.
"Kumusta si Mr. Second Castillion?"
Panimulang tanong niya.
"Ayos na, nasa safe house ko siya."
Pagsisinungaling ko.
"Iniwan mo siya d'on sigurado ka
bang safe iyon? 'Yong bahay mo
ngang puno ng security team ay
napasok paano pa kaya ang safe
house na sinasabi mo." Bakas ang
galit sa boses niya. I know, alam na
agad nila ang nangyari kaninang
hating gabi dahil siguradong
nagreport na si Galero kung hindi
naman ay si Gale.
"Iyon nga rin ang ipinagtataka ko
General, napuno ng security team
ang bahay ko at doon naman ako
napasok samantalang noon na ako
lang ang nandoon at mga katulong ay
wala ni aninu ng masamang loob ang
nakakapasok."
Kumunot ang kanyang noo. "What do
you mean?"
"You are not a General for nothing."
Malakas niyang pinalo ang mesa niya
at nanlilisik ang mga matang tumingin
sa'kin. Hindi ako nagpatinag.
"Pinalalabas mo bang nagmula sa
security team na ipinadala ko ang
nanloob sa bahay mo?"
Nagkibit balikat ako. "Yes, nanggaling
sa team na ipinadala mo ang
sumasabutahi sa mga plano ko para
ilayo ang kliyente ko sa
kapahamakan."
"May ebidensya ka? Alam mong hindi
tama ang mag-akusa ng walang
katibayan."
Dinukot ko sa bulsa ng suot kong rip
jeans ang isang USB. "Naglalaman
'yan ng mga CCTV footage ng bahay
ko tungkol sa mga kaganapang
nangyari kahapon at kagabi at dyan
mo makikita ang hinahanap mong
katibayan." Agad naman niya iyong
kinuha.
"Aalis ako at hindi muna magrereport
hanggat sa matapos ang kaso."
Tugon ko pa, tumayo na ako dahil
iyon lang naman talaga ang ipinunta
ko dito. Ang magpaalam sa kanya
bilang nakakataas sa ranggo ko.
"Hindi pwedeng mawalan ka ng
komunikasyon sa departamento
Santez dahil sa atin nakaatang ang
kasong iyan."
"Alam ko pero mas ligtas kung
walang nakakaalam ng mga galaw
ko."
Nagtagisan muna kami ng tingin bago
siya napabuntong hininga na parang
suko na.
"Mukhang kahit ako hindi mo na
pinagkakatiwalaan." May himig ng
pagtatampong sabi niya.
"May tiwala ako sa'yo pero sa
sitwasyon ngayon wala akong dapat
na pagkatiwalaan kundi ang sarili ko.
Kung may pakpak ang balita may
tenga naman ang mga ahas na nasa
syudad." Ngumisi ako sa harap niya.
"And one more thing gusto kong i-pull
out ang security team na ibinigay mo
sa'kin."
"Kung iyon ang pasya mo hahayaan
kita pero siguraduhin mong hindi ka
magtatagal."
Tumango ako. "Copy." Tumalikod na
ako sa kanya para umalis pero
natigilan rin ako ng may maalala. "By
the way, kapag napanood mo na ang
laman ng USB na 'yan sana mahuli
mo ang tinutukoy ko." 'Yon lang at
naglakad na ako paalis.
Lumapit sa'kin si Galero ng nasa
labas na ako ng headquarter.
"Saan tayo pupunta, Captain?"
Tanong niya.
Humarap ako sa kanya ng
makarating sa tapat ng motor ko.
"Pull out na ang team mo sa kasong
ito."
Nanlaki ang mga mata niya. "What?
Bakit may nagawa ba kaming mali?"
Umiling ako. "No, kailangan lang
talaga."
"Bakit? Atleast manlang malaman ko
ang dahilan as head ng team, di ba?"
Napakakulit talaga ng lalaking 'to.
"Binitawan ko na ang kaso."
Mas lalo siyang nagulat dahil sa
sinabi ko. Sinong hindi magugulat
kung bigla bigla ko nalang na
sasabihing binitawan ko na ang
kasong halos pag-alayan ko ng
buong buhay ko.
Madali lang naman ang
magsinungaling lalo kung ang
trabaho ay tulad ng trabaho namin.
"Bakit mo naman binitawan?"
Sumampa na ako sa motor ko at
isinuot ang itim kong helmet at
pinasibad iyon kahit hindi ko pa
nasasagot ang tanong niya.
Dahil sa bilis ng pagmamaneho ko ay
ilang minuto lang ay narating ko na
ang mansyon ng mga Castillion.
Agad naman akong pinapasok ng
mga tauhan nila.
Nakita kong nasa garahe ang
magkakapatid habang ipinapasok
ang mga maleta ni Second.
Napabaling sila sa'kin ng marinig ang
motor ko.
"Kailangan ba talagang ilayo siya
dito?" Nag-aalalang tanong ni Mrs.
Castillion, kalalabas lang nito kasama
ang asawa.
Naiintindihan ko ang pag-aalala niya
dahil ina siya ni Second at kahit
sinong magulang ay magiging ganito
ang reaksyon kapag kapakanan ng
anak ang pinag-uusapan.
"Masyado na pong delikado dito sa
syudad para sa kanya at hindi po siya
pwedeng manatili dito sa inyo dahil
madadamay kayong lahat at kapag
nangyari 'yon mas lalaki ang
problema." Paliwanag ko.
"Sasama nalang kami." Sabat ni Fifth.
"Kung sasama kayo ano pang silbi ng
paglayo niya dito?" Sarkastikong
tanong ko sa kanya.
"Fifth, wag kang sasabat sa usapan
ng may usapan lalo kung wala
namang maitutulong ang mga
sinasabi mo." Galit na tugon ni
Second. Padabog niyang ibinaba ang
comparment ng kotseng gagamitin
namin paalis.
Galit pa rin siya.
"Ipinahanda ko na iha ang isla at
sana ingatan mo ang anak namin."
Tugon ng matandang Castillion.
"Makakaasa kayo, pagbalik namin
matatapos din ang hide and seek na
'to. May lead na ako sa kung sino
man ang puno't dulo ng lahat ng ito."
"Panghahawakan namin 'yang sinabi
mo." Sagot ng asawa nito.
Tumango ako at nagpaalam sa kanila
bago sumunod kay Second sa
sasakyan. Lahat ng gamit na
kakailanganin ay nakahanda na dahil
inayos ko na iyon kagabi pa kaya
hindi na ako nag-abalang mag-ayos
pa.

---------------------------
--

Chapter 30

HALOS hapon na ng makadaong ang


bangkang sinakyan namin patungo
sa Isla Castillion, ang isla na pag-aari
ng pamilya ni Second. Dito kami
pansamantalang magtatago para
masiguro ang kaligtasan niya. Ito ang
dahilan kung bakit kinausap ko ang
pamilya niya kagabi na agad namang
sinang-ayunan ng matanda.
Ihinanda niya ang pribadong isla na
pag-aari ng angkan nila para ilayo si
Second habang ako ay aalamin ang
motibo kung bakit galit ang kung sino
mang taong 'yon sa kanya.
"Tara na." Aya ko sa kanya.
Isa isa niyang pinulot ang mga maleta
niya at mga bag ko samantalang ako
ay kinuha ang mga groceries good for
one week. Isang linggo lang ang
hiningi ko dahil ramdam kong sa loob
ng pitong araw na iyon ay mahuhuli
ko na ang salarin.
Kaming dalawa lang ang nandito
kaya alam kong safe siya.
"Alam mo ba kung saan ang bahay
niyo dito?" Tanong ko, nauuna siyang
maglakad sa'kin at walang kibo
simula ng umalis kami sa syudad.
"Tsk. Malamang amin ang islang ito
kaya alam ko do you think
papupuntahin tayo dito ni daddy ng
gan'on gan'on lang. Tsk."
Sarkastikong sagot niya. Napailing
nalang ako pero imbes na mainis
dahil sa pagsusungit niya ay
natatawa pa ako.
Wala lang ang cute niya kasi.
Ilang minuto ang nilakad namin mula
sa dalampasigan bago ko natanaw
ang isang bahay. Kulay puti iyon at
hindi kalakihan,
bungalow type.
Maraming puno ng niyog sa paligid at
para sa'kin kung bubuksan ito sa
publiko ay talagang dudumugin ng
mga turista. Puti rin ang buhangin at
malinis ang paligid. A virgin forest in a
middle of white sand beach.
Napangiti ako dahil napakapreko ng
hangin. Pagpasok namin ay inilagay
ko sa center table ang mga groceries
at patumbang nahiga sa couch na
nasa sala. Malinis naman ang paligid
kaya walang problema.
"Nakakapagod." Bulong ko, dahil sa
nangyari kagabi ay hindi na ako
nakatulog at ginawa nalang ang mga
dapat gawin.
Ngayon ramdam na ramdam ko na
ang pagod at pamimigat ng mga
talukap ko.
Ramdam ko ang presensya ni
Second sa paanan ko pero hindi ko
na nagawang magdilat dahil hinihila
na ako ng antok.
Tinanggal niya ang suot kong boots
at medyas tapos ay dahan dahang
hinilot ang mga paa ko. "Mukhang
pagod na pagod ka talaga, ikaw
naman kasi masyado mong
ginugugol lahat ng oras mo sa
trabaho." Pasermon niyang sabi pero
bakas pa rin ang lambing.
Hindi ako umimik. Naalala ko 'yong
sinabi niya sa'kin kagabi.
Wala kang ibang dapat na gawin
kundi ang manatili sa tabi ko habang
ako mamahalin kita, aalagaan at
pagsisilbihan hanggat kaya ko.
Kaya kong magstay sa tabi niya pero
hindi gan'on katagal, siguro
hanggang sa matapos lang itong
kasong hawak ko. Balak kong
magpakalayo layo para hanapin ang
sarili kong nawala na ng mga
nakalipas na dalawang taon.
Susubukan kong buuhin ulit ang sarili
ko but this time hindi ako dedepende
sa kahit na sino kundi sa sarili ko
lang.
Parang alikabok na nilipad ng hangin
ang antok ko dahil sa init ng palad
niya na masuyong humihilot sa paa
pero hindi ako dumilat hanggang sa
marinig ko siyang naghahum ng
isang kantang familiar sa'kin.
I will leave my heart at the door
I won't say a word
They've all been said before, you
know
So why don't we just play pretend
Like we're not scared of what is
coming next
Or scared of having nothing left

Napakaganda ng boses niya pero


hindi ko alam sa sarili ko kung bakit
sunod sunod na pumatak ang mga
luha ko pagkarinig n'on.
Look, don't get me wrong
I know there is no tomorrow
All I ask is
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a
friend.
Mariin kong kinagat ang mga labi ko
para pigilan ang paghikbi.
Napakaraming senaryo ang bumalik
sa isip ko dahil sa kantang 'yon. Mga
pangyayaring matagal ko ng ibinaon
sa limot dahil alam kong walang
patutunguhan. Mga panahong natuto
akong humanga at magparaya ng
palihim.
First day of school ngayon at fourth
year high school na ako. As usual
mag-isa na naman akong naglalakad
sa hallway dahil wala naman akong
mga kaibigan maliban kay Lorette na
ngayon hindi ko mahagilap sa kung
saan.
Nakaearphone ako pero hindi ko pa
piniplay ang music dahil marami pa
namang tao sa paligid. I really love
music pero hindi naman ako sumasali
sa mga bagay na may kaugnay doon.
Papunta na ako noon sa building
kung saan ang room ko ng
mapadaan ako sa bulletin board.
Wala namang espesyal na
announcement pero naagaw ang
atensyon ko sa isang picture ng lalaki
na nasa pinakaunahan ng listahan ng
member ng Glee club. Maraming mga
picture ang nakapaskil pero siya ang
napagtuunan ng mga mata ko.
Ilang sandali akong natulala doon at
hindi ko namalayang nakangiti na
ako. Ang cute niya kasi tapos lalaking
lalaki ang dating niya habang
nakasuot ng uniform ng school at
may guitar case na nakasabit sa
balikat.
Ano kayang pangalan niya? Wala
nama kasing nakalagay maliban sa
sinasabing siya ang president ng club
na 'yon.
Nagkagulo na rin ang mga
estudyante kaya pinili ko nalang na
umalis pero simula ng araw na 'yon
hindi na siya nawala sa isip ko.
Sinasadya ko palaging dumaan sa
bulliten board para makita ang mukha
niya dahil hindi naman inaalis iyon sa
board.
Isang araw ay pumasok akong
aligaga sa mga librong pinadala
sa'kin ni Lorette dahil gagamitin niya
daw iyon sa report niya at hindi halos
hindi ko na mabuhat ay hindi ako
nakaiwas ng may lalaking
nakabangga sa'kin.
Nagkalat ang mga libro na agad ko
rin naman sinimulang pulutin.
"I'm sorry miss hindi ko sinasadya."
Sabi nito at tinulungan rin akong
magpulot ng libro na lihim kong
ipinagpasalamat dahil kahit papaano
hindi ako mahihirapan.
May isa pang lalaking tumulong
sa'min na siguro'y kasama ng
nakabunggo sa'kin. Hindi ko iyon
napagtuonan ng pansin dahil
nagmamadali ako.
"Ayos lang maraming salamat sa
pagpulot ng mga libro ko." Sabi ko ng
sa wakas ay mapulot lahat at doon na
lang ako nagkaroon ng pagkakataon
na tumingin sa kanila.
Natigilan ako at natulala dahil
nakasalubong ng tingin ko ang
lalaking araw araw kong tinitingnan
sa bulliten board. Ramdam kong
nanginig ang mga kamay ko dahil sa
sobrang kabang naramdaman ko lalo
at nakatingin rin siya sa'kin.
Kung gaano siya kagwapo sa picture
ay mas gwapo pala siya sa personal.
Iisang school lang kami pero ngayon
lang kami nagkasalubong dahil hindi
ako lumalabas ng room hanggang sa
mag-uwian.
"Walang ano man miss kasalanan ko
naman." Doon lang naputol ang
pagtitig ko sa kanya ng magsalita ang
kasama niya.
Napayuko ako dahil sa pag-init ng
pisngi ko. Nahiya ako bigla dahil aa
ganito pang tagpo kami nagkita.

"Sige una na ako." Sabi ko at tuluyan


ng umalis. Napangiti ako ng
tumalikod na sa kanila.
Crush ko na siya.
Tuluyan akong napahagulhol habang
inaalala 'yong mga panahong una
kong naranasan na kiligin kahit sa
simpleng picture lang, na magkaroon
ng hinahangaan kahit na anti-social
ako.
Nasira lang lahat ng 'yon ng malaman
kong ang lalaking palaging tinitilian at
kinakikiligan ni Lorette ay iisa sa
lalaking lihim kong hinahangaan.
Simula n'on hindi na ako dumadaan
sa bulletin board at pilit kong inaalis
ang paghanga sa kanya dahil
ayokong masaktan si Lorette kapag
nalaman niyang crush ko ang lalaking
gusto niya. Ayokong matapos ang
pagkakaibigan namin dahil lang sa
lalaki.
Nagkaroon siya ng boyfriend pero
hindi ko alam na si Second iyon,
nalaman ko lang noong narinig ko
ang pangalang iyon bago siya
magpakamatay.
Doon tuluyan kong binura ang kung
anong nararadaman ko sa kanya
dahil napalitan iyon ng galit at poot.
Kahit anong mangyari kasi pipiliin at
pipiliin ko ang kaligayahan ng
kaibigan ko bago ang sarili ko.
Ngayon inamin sa'kin ni Second na
mahal niya ako at magsisinungaling
ako kung sasabihin kong hindi ako
masaya. Masaya ako dahil mahal ako
ng taong minsan kong hinangaan ng
sobra kahit sa palihim na paraan pero
may hadlang dahil pakiramdam ko
nagtataksil ako sa kaibigan ko.
Parang nabaliwala lang lahat ng effort
ko na kalimutan siya para sa
ikasasaya ni Lorette kung tutugunan
ko ang nararamdam ni Second
ngayon.
"Hey, are you okay?" Napadilat ako at
nakita ko ang mukha ni Second na
may labas na pag-aalala. Hindi ko
namalayang nasa tabi ko na siya.
Umupo ako at ikinulong sa mga palad
ko ang gwapo niyang mukha. Bigla
kong naitanong sa sarili ko kung
paano kaya kung ipinaglaban ko
noon ang nararamdaman ko sa
kanya at hindi ako nagparaya? Paano
kaya kung hinayaan kong masira ang
pagkakaibigan namin ni Lorette? May
posibilidad bang masaya ako
ngayon?
"Namiss kita." Nasabi ko habang
hinahaplos ang mukha ni Second.
"Namiss mo ako kaya ka umiiyak?"
Kunot noong tanong niya at tumango
ako. "Nandito lang naman ako palagi
sa tabi mo tapos sasabihin mong
namiss mo ako." Unti unting sumilay
ang masayang ngiti sa labi niya.
Namiss ko siya, namiss ko 'yong mga
panahon na araw araw akong
matutulala sa bulliten board para
pagmasdan ang mukha niya tapos
n'on buo na ang araw ko.
Hinawakan niya ang mga kamay ko
at dinala sa labi niya para halikan.
"Masaya ako kasi alam kong namiss
mo ako pero ayokong nakikita kang
umiiyak. Nasasaktan ako kapag
nakikita ko ang luha mo." Pinunasan
niya ang mga luha ko gamit ang isa
niyang kamay, nakaluhod siya sa
harapan ko habang ako ay nakaupo
sa couch.
"Wala akong maibabalik sa
nararamdamam mo." Bulong ko dahil
halos hindi ko na iyon sa masabi.
May lungkot na dumaan sa mga mata
niya pero nakangiti pa rin siya. "Ayos
lang, di ba nga sabi ko sa'yo ang
dapat mo lang gawin ay manatili sa
tabi ko at ako ng bahala sa iba, ako
ng bahala na mahalin ka, ako na ang
bahala na alagaan ka at ako na ang
bahala na sundin lahat ng gusto mo.
Mahal na mahal kita kaya lahat ng
'yon gagawin ko."
"Masasaktan ka."
"I know pero sanay na ako sa sakit
na 'yon at tanggap ko gusto ko lang
iparamdam sa'yo ang pagmamahal
ko na matagal kong itinago at hindi
ipinaglaban."
Naguguluhan akong tumitig sa kanya.
"What do you mean matagal?
Dalawang taon pa lang tayo simula
noong magkakilala." Well, ako
mataga ko na siyang kilala hindi nga
lang bilang Second Castillion kundi
bilang lalaking nasa bulliten board.
Humugot siya ng malalim na buntong
hininga at tila nagdadalawang isip pa
kung sasagutin ang tanong ko o
hindi.
"Para sa'yo ay dalawang taon lang
pero sa'kin fifteen years na, hindi pa
kasama doon ang dalawang taon na
sinasabi mo."
Nanlaki ang mga mata ko. Kung
fifteen years meaning ay high school
palang ako ng mga panahong 'yon.
"Fifteen years ago ay nakilala ko ang
isang Queen Antonia Santez na
masayahin, mahinhin, mahiyain,
laging nag-iisa at ayaw sa mga tao.
Una kong nakita ang Anton na 'yon
noong tumitingin siya sa bulliten
board, siya pinakamagandang
babaeng nakita ko sa buong buhay
ko. Nagkakasalubong kami peri
mukhang hindi niya ako napapansin
hanggang sa nagkabungguan sila ng
kapatid ko at doon ko unang narinig
ang mahinhin niyang boses. Lagi ko
siyang sinusundan saan man siya
magpunta. Naging stalker ako pero
ayos lang kasi kapag nakikita ko siya
ay sulit na ang buong araw ko.
Simula n'on ay isinali na kita sa mga
pangarap ko kahit ako lang ang may
alam."
Gulat na gulat ako habang
nagkukwento siya. Kasabay n'on ang
walang humpay na pag-agos ng mga
luha ko.
"Fifteen years siyang nandito." Sabay
turo sa dibdib niya kung saan
nakatapat ang puso. "Then two years
ago nakilala ko naman si Queen
Antonia Santez na matapang, walang
emosyon, malamig, walang pakialam
sa paligid at hindi basta basta
malalapitan. Wala na doon ang dating
Antonia na minahal ko dahil nagbago
na siya at hindi ko alam ang dahilan.
Matagal na panahon kong hindi
nakita ang dating Antonia pagkatapos
ng high school dahil tinutupad ko ang
mga pangarap ko kaya akala ko wala
na siya sa sistema ko. Akala ko
nakamove on na ako, tanggap ko na
kasi na wala ng pag-asa dahil kahit
anong gawin kong pagpapapansin
noon ay hindi mo ako napagtuunan
kahit isang tingin.
Hinalikan niya ang noo ko habang
hinahaplos ang luhaan kong mukha.
"Pero makulit talaga ang puso ko,
kahit na pilit kong pinapaniwala na
magkaiba ang pagmamahal ko sa
Antonia noon at ngayon ay hindi pa
rin nagpapigil. Mas lalo ka niyang
minahal at wala akong magawa para
pigilan para 'yon kaya heto ako
ngayon sa harap mo."
"Ayokong saktan ka dahil tulad mo
nasasaktan din ako kapag nakikita
kang malungkot, umiiyak at
nasasaktan lalo kung dahil sa'kin."
Hinalikan ko siya sa mga labi pero
sandali lang iyon. Nakita kong
namumula na ang mga mata niya at
ilang sandali lang ay umiiyak na rin
siya tulad ko. "Hindi ka mahirap
mahalin Second pero hindi pa sapat
ang tiwala ko sa sarili ko para tugunin
ang nararamdaman mo. You can't
give what you don't have ika nga nila
at hindi ko maibibigay ang tiwala at
pagmamahal ko sa'yo dahil kahit ako
hindi ko alam kung mahal ko ang
sarili ko at kung nagtitiwala ako.
Ayokong magpadalusdalos dahil sa
huli alam kong pareho lang tayong
masasaktan."
Nitong mga nakalipas na mga araw
ay napapansin kong napapangiti ako
ng dahil sa kanya, nagiging madaldal
dahil sa kakulitan at kasungitan niya
at nagiging mababaw ang
kaligayahan ko tulad ng kung ano ako
noon. Nakakapanibago pero naging
masaya ako dahil kahit papaano ay
nakakalimutan ko ang lungkot.
Niyakap niya ako ng napakahigpit
habang pareho kaming
humahagulhol. Nakasandal ang
mukha niya sa gilid ng leeg ko
habang ako ay nakasandal sa ulo
niya.
Ilang minuto kaming nasa gan'ong
posisyon at sa bawat paglipas ng
sandali ay pahigpit ng pahigpit ang
pagkakayakap niya sa'kin na parang
hindi na ako gustong pakawalan.
"Mahal na mahal kita." Paulit ulit niya
iyong ibinubulong sa'kin.
Hanggang sa tumigil kami pareho sa
pag-iyak ay nasa gan'ong posisyon
pa rin kami. Magkayakap habang
nasa gitna ng napakatahimik na
lugar.
Gustong gusto ko 'yong ganito lang
kami parang may sariling mundo
tapos ang mundong 'yon ay tahimik
lang pero masaya. Iyon ang ideal
kong buhay simula noon pero
mukhang hindi ko na makakamit 'yon
susulitin ko nalang itong pagkakataon
na nakakaramdam ako ng
kapayapaan kasama si Second.
"Can you do me a favor?" Pagbasag
niya sa katahimikan. Medyo paos ang
boses niya dahil na rin siguro sa pag-
iyak.
"Ano 'yon?"
Mas lalo siyang nagsumiksik sa leeg
ko. "Habang nandito tayo pwede
bang akin ka lang?" Para siyang bata
na humihingi ng laruan.
Napangiti ako ng magets ko ang
sinabi niya. Humiwalay ako sa
pagkakayakap sa kanya para tignan
ang mukha niya. Namumula ang ilong
ni Second kaya natawa ako. 'Yong
nguso niya pwede ng sabitan ng
hanger dahil sa paghaba.
"Pero hindi ba masama 'yon na
parang niloloko natin ang mga sarili
natin."
Agad siyang umiling. "Gusto ko lang
maramdaman na mahal mo rin ako
kahit ilang sandali lang, 'yon lang
sasaya na ako. Babawiin ko ang
mga taon na hindi ako nagpahayag
ng pagmamahal sa'yo. Just this one,
please."
Ngumiti ako habang hinahalikan ko
ang ilong niya at namalayan ko
nalang na tumatango na ako at
sumasang-ayon sa gusto niya.

---------------------------
--

Chapter 31

"BABY, come here." Sigaw ni Second


habang nakasimangot. May hawak
siyang tuwalya habang nasa
buhanginan samantalang ako ay
naliligo sa dagat. Tanging bra at
napakaikling short lang ang suot ko.
"Mamaya na!" Sigaw ko pabalik at
muling lumangoy.
"Kanina ka pa dyan baka sipunin ka
wala tayong mabibilhan ng gamot
dito." Sabi ko niya.
Sumisid pa ako ng ilang beses bago
ako tumahon at tumakbo papalapit sa
kanya. Napangiti siya ng makita ako,
mahigpit ko siyang dinamba ng yakap
ng magkalapit kami.
Gusto ko siyang lambingin kasi gusto
kong makita siyang maging masaya.
Hindi ako nahihirapang umakto ng
kung sino ako dahil sabi niya gusto
niyang makasama ulit 'yong dating
ako. Though, wala kaming naging
pag-uusap noon pero gan'on talaga
siguro kapag pareho kayo ng
nararamdaman parang ayos ang
lahat kapag magkasama kayo.
Ipinulupot niya sa katawan ko ang
tuwalya at ang isang towel na hawak
niya ay pinunas niya sa basa kong
buhok.
"Bakit ayaw mong magswimming?"
Tanong ko habang nakayakap pa rin
sa kanya.
Ngumiti siya at nanggigigil na
hinalikan ang baba ko. "Baby, mas
masaya kasi akong panoorin ka."
Napasimangot ako. "Don't call me
that."
"What?"
"Ayokong tinatawag mo akong baby,
I'm not a baby anymore." Tinaasan ko
siya ng kilay at humalukipkip sa
harapan niya.
Natawa siya ng malakas at kinagat
ang labi ko. Napansin ko na 'yon sa
kanya simula kaninang makarating
kami at pagkatapos naming mag-
usap ang hilig hilig niyang kinakagat
ang ibabang labi ko, hindi naman
masakit actually.
"Bakit ayaw mo ng endearment na
'yon?"
"Ang corny sa pandinig tapos ang
sagwa." Umakto pa akong nandidiri
dahil talaga namang ayoko sa
tawagan na 'yon.
"Anong gusto mong itawag ko sa'yo,
ayokong tawagin ka sa pangalan mo
kapag naglalambing ako." Ungot
niya.
Napaisip naman ako. "Hmm.King and
Queen nalang tulad ng dati."
Bumalik ang ngiti niya tapos kinagat
na naman ang labi ko. "Okay, but this
time ako na ang King mo tapos ikaw
ang Queen ko. Ako ang hari mo na
handang ibigay ang lahat ng gusto
mo tapos ikaw naman ang reyna ng
buhay ko."
Nag-iwas ako ng tingin dahil
naramdaman ko na naman ang pag-
iinit ng pisngi ko. Babae rin lang ako
at alam ko ang ibig sabihin ng kilig at
iyon ang nararamdaman ko ngayon.
"Nag-iwas ng tingin kasi nagbablush
na." Kantyaw niya.
"Hindi kaya, dahil sa alat ng tubig
kaya ako namumula." Deny ko.
"Sige na nga ako nalang ang kinikilig
ayaw mo naman kasi." Natatawang
sabi niya. "Tara na sa loob para
makakain na tayo." Aya niya.
Akmang lalakad na ako ng pigilan
niya ang kamay ko. Napatingin ako
sa kanya.
"Wala kang sapin sa paa baka
masugatan ka ng mga bato." Napatili
ako dahil bigla niya akong kinarga
hindi 'yong parang bridal style kundi
'yong klase ng pagkarga sa bata. Sa
laki niya ay nabuhat niya ako.
Nakapangiti ako at mahigpit na
yumakap sa leeg niya. Ginagalaw
galaw ko ang mga paa ko habang
naglalakad siya.
"Ang gaan mo. Tsk. Hindi ka kasi
kumakain ng marami." Sermon niya.
"Kumakain kaya ako." Apila ko dahil
totoo namang palagi akong kumakain
sadyang hindi lang ako tabain.
"Di bale simula ngayon palagi kitang
bubusugin hindi lang sa totoong
pagkain pati na rin sa pagmamahal."
Kinindatan niya ako habang sinasabi
'yon.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko


habang nakatitig sa gwapo niyang
mukha na ngayon ay napakaaliwalas.
He's only wearing a white sando and
boxer short kaya pati katawan kitang
kitang matikas. At kahit palubog na
ang araw ay maliwanag pa rin sa
mata ko ang kagwapuhan niya.
"Sinong nagturo sa'yo sa mga
ganyang hirit?"
"Wala ako lang hindi naman 'yon hirit
nagsasabi lang ako ng totoo."
"Bakit hindi ka naman ganyan dati."
Hinalikan niya ako sa pisngi. "Gan'on
na ako dati pa hindi mo lang
pinapansin."
"Parang hindi naman." Sabi ko.
Aliw na aliw ako sa paglalaro sa
buhok niya dahil nililipad iyon ng
hangin. Ang linis niya lang kasing
tingnan.
"Meron akong knock knock." Pagkuay
sabi niya habang ngiting ngiti,
napangiti rin ako dahil nakakahawa
talaga ang saya niya.
"Okay, ano 'yon?"
Tumikhim siya na para bang kakanta
kaya kinurot ko siya sa pisngi habang
panay tawa ko. Masaya ako dahil
kasama ko siya.
"Knock...knock!"
"Who's there?"
"Queen."
"Queen, who?"
"Yong babaeng pinakamamahal ko."
Seryosong sagot niya.
Natulala ako dahil buong akala ko
kakanta siya dahil iyon naman kasi
'yong alam kong ginagawa kapag
may knock knock pero bigla akong
napahalakhak ng magets ko siya.
Tangna! Nagwawala na ang puso ko
sa sobrang kilig kahit parang tanga
siya.
"Tinawanan mo lang ako hindi ka
manlang kinilig." Reklamo niya.
Nakarating na kami sa bahay na
tinutuluyan namin kaya napilitan
syang ibaba ako. Natatawa pa rin ako
habang siya ay nakasimangot na.
"Ako naman ang may knock knock."
"Ano naman?" Iritang tanong niya.
"Knock...knock!"
"Who's there?" Nakasimangot pa rin
siya.
"King."
Nagsalubong na ang mga kilay niya
habang ako pigil ang ngiti. "King,
who? Tapos sasabihin mo 'yong
lalaking pinakamamahal ko?" Bigla
siyang ngumiti pero agad ring
nadismaya ng umiling ako.
"Umayos ka kasi wag mo 'kong
pangunahan."
"Oo na. King, who?"
Ngumiti ako ng matamis bago
kumanta.
"You are my King, my only King, You
make me happy,
When skies are grey,
You’ll never know King, how much I
love you, please don’t take my King
away."
Natigilan ako ng bigla nalang siyang
tumakbo papunta sa nag-iisang
kwarto na meron ang bahay na 'to at
doon kami matutulog mamaya.
Mabilis akong sumunod dahil baka
nagalit siya sa'kin. Naabutan ko siya
nasa kama tapos nakatalukbong ng
kumot. Lumapit ako at pilit tinatanggal
ang kumot sa mukha niya.
"King, may nasabi ba akong
masama?" Tanong ko nagtataka pa
rin ako kasi akala ko magugustuhan
niya 'yong knock knock ko.
Sinubukan ko ulit tanggalin ang
kumot sa mukha niya pero
nagpumiglas siya.
"King." Tawag sa kanya.
"Eeeh, wag ka nga. Ayokong makita
mong kinikilig ako." Sagot niya
habang nasa loob pa rin ng kumot.

Napapailing ako at nangingiti dahil sa


sinabi niya. Kinikilig siya kaya siya
nagkakaganyan. Isip bata talaga.
You are my King, my only King,
You make me happy,
When skies are grey,
You’ll never know King, how much I
love you, please don’t take my King
away.
Inulit ulit ko 'yong pagkanta habang
tumatawa. Narinig kong humihikbi na
siya. Gago talaga minsan ang isang
'to.
Sinubukan ko ulit na tanggalin ang
kumot sa mukha niya at ngayon
nagtagumpay ako. Bumungad sa'kin
ang luhaan niyang mga mata.
"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang
tanong ko.
"Ang daya mo kasi ako kinikilig sa
lahat ng sabihin mo tapos ikaw wala
lang sa'yo kapag sinasabi kong
mahal kita." Parang batang sumbong
niya tapos nagsumiksik sa tyan ko.
Nakaupo kasi ako sa gilid ng kama.
Jusko! Ang laking tao niya tapos
'yong lang iiyakan pa.
"Kinikilig kaya ako sa mga sinasabi
mo, kapag nakita mo akong nakangiti
kinikilig ako n'on ng dahil sa'yo."
Paliwanag ko, ngumiti ako para
makumbinse siya.
"Talaga? Meaning kinikilig ka
ngayon?" Tanong pa niya.
"Oo, nakangiti ako e."
Hindi ko alam kung anong
mararamdaman ko, kung matatawa o
maiiyak dahil nagkakaganito siya
dahil sa kilig kilig na 'yan.
PAGKATAPOS ng mahabang
kumbinsihan ay sa wakas nawala na
sa isip niya iyong kilig kilig na 'yon
kaya nakaligo at nakapagpalit na ako
ng damit. Mabuti nalang talaga at
hindi gaanong nabasa ang kama ng
umupo ako doon.
Ngayon ay nagtutulong kami sa
paghahanda ng makakain namin.
Nagluto kami ng adobong manok
bilang ulam bago isinunod ang kanin.
Yumakap siya sa'kin ng nag-aayos na
ako ng mga pinggan sa mesa. Halos
wala naman siyang naitulong dahil
panay lang naman ang yapos niya
sa'kin. Hindi ko alam na ganito pala
siya kaclingy, hindi lang pala siya isip
bata nag-iinarte ring dalaga.
"Mamaya ka na nga sa kakaganyan
kumain muna tayo." Saway ko sa
kanya.
"Ee, ang bango mo kasi kasalanan
mo 'yon." Kontra niya.
"Alangan naman maging mabaho
ako."
Sininghot singhot niya pa ang leeg
ko. Napangiwi nalang ako dahil sa
kiliti.
"Ayos lang sa'kin na mabaho ka ako
lang naman ang aamoy sa'yo e."
Sagot niya.
Pigil ang ngiti dahil sa panlalandi niya
sa'kin. Alam ko na ngayon kung
anong landing tinatago ng isang
Second Castillion. Since ng makilala
ko siya two years ago wala akong
nakitang babaeng nakadate niya
kaya hindi ko alam na ganito siya.
Mukhang ibinuhos niya lahat ngayon.
"Kain na nga tayo." Pinaupo ko na
siya, bahagya pa akong napatili ng
hilahin niya ako para maupo sa hita
niya.
"Subuan mo ako, hmm?"
Paglalambing niya habang ang isang
palad ay humahaplos sa isang hita
ko. Nakasuot akong pajama at
manipis lang iyon kaya ramdam na
ramdam ko ang init ng palad niya.
"Oo na nga. Tsk. 'Yong kamay mo
nagtatravel." Sita ko, sumandok ako
ng kanin at ulam sa iisapang pinggan
at nagsimulang subuan siya. Panay
pa rin ang amoy niya sa'kin.
"King, baka mag-amoy ulam ako
niyan."
"Ayos lang nga kakainin rin naman
kita." Tatawa tawang sagot niya.
Siniko ko siya dahil sa inis, sinong
hindi maiinis kung panay ang tukso
niya sa'kin.

"Tsk. Kapag hindi ka tumigil hinding


hindi na kita papansinin kahit kailan."
Banta ko.
"Hindi na po, hindi na." Itinaas niya
pa ang mga kamay sa ere at
hanggang sa matapos kaming
kumain ay hindi na niya ako
hinawakan pero hindi pa rin nawala
ang kalandian niya.
"Matulog ka na may gagawin pa ako."
Nakangiti akong lumapit sa kanya
noong nasa loob na kami ng kwarto.
"Pero wait ako naman." Natatawang
sabi ko bago yumakap sa bewang
niya. Tumingkayad ako at hinalikan
siya sa baba at tumaas 'yon
hanggang sa labi niya. Naramdaman
kong ngumiti siya habang magkalapat
ang mga labi namin.
"Ee, kinikilig na naman ako. May mga
paru-paro sa tyan ko." Tugon niya.
Binuhat na naman niya ako tulad ng
pagkarga niya sa'kin kanina. "Ang
lakas mo talagang magpakilig sa'kin
e."
"Kinikilig rin kaya ako sa'yo." Pag-
amin ko.
Masyadong vocal si Second sa
nararamdaman niya kaya iyon din
ang gagawin ko para maging masaya
siya.
"Wait lang sayaw tayo." Aniya.
Ibinaba niya ako tapos ay lumapit
siya sa bed side table para kunin ang
cellphone niya. Ilang sandali pa ay
pumailanlang na ang kantang palagi
niyang kinakanta kapag magkasama
kami.
All I ask is
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a
friend.
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do
what lovers do
It matters how this ends
'Cause what if I never love again?
Nakatingin lang kami sa mata ng isa't
isa habang nagsuswa. Mahigpit ang
pagkakayakap niya sa bewang ko
habang sinasabayan ang kanya
habang ako ay nakayakap ang mga
braso sa leeg niya.
I don't need your honesty
It's already in your eyes
And I'm sure my eyes, they speak for
me
No one knows me like you do
And since you're the only one that
matters
Tell me who do I run to?
"Naalala ko noon madalas kang
tumambay sa room ng Glee club."
Masayang masaya ang ngiti niya at
nangingislap ang mga mata sa tuwa.
Ni minsan wala sa hinagap ko na
malalagay ako sa ganitong
sitwasyon. Iyong tingin niya palang
nagsusumigaw na kung gaano niya
ako kamahal. Nakikita ko ang matiim
niyang pagtitig sa bawat parte ng
mukha ko na parang kinakabisado.
"Mahilig kasi ako sa tahimik na lugar
at iyon ang madalas na walang tao
kasi minsan lang kayo magpractice."
Pero ang totoo naging madalas ang
pagpunta ko doon kasi gustong gusto
kong pakinggan ang boses niya
kapag kumakanta. Palagi aking may
earphone kapag pumapasok doon at
may ball cap para pantakip sa mukha
at magpapanggap akong tulog sa
pinakadulo. Wala namang sumisita
sa'kin dahil tahimik lang ako at
mukhang laging tulog. Props ko lang
noon ang earphone ko para malaya
kong marinig ang boses niya.
"Akala ko pa naman ako ang dahilan
ng pagpunta mo doon palagi, paasa
ka ng hindi mo namamalayan." Pang-
aasar niya.
"Minsan ikaw naman talaga ang
dahilan kaya ako nandoon." Pag-
amin ko.
Nanlaki ang mga mata niya at parang
hindi makapaniwala. "Really?"
"Yup, ang gwapo mo kasi lalo kapag
kumakanta ka."
Mariin siyang napapikit tapos ay
humugot ng malalim na buntong
hininga. "Naririnig mo ba 'yong
reaction ng heart ko?" Tanong niya.
"Anong reaction?"
"Sumisigaw."
Kumunot ang noo ko. "Sumisigaw?
Ano namang sinisigaw."
"Sinisigaw niya 'yong pangalan mo.
Sabi niya Queen...Queen...Queen.
Kilala niya kung sinong boss niya."
Dumilat siya at kinindatan ako.
"Ang landi mo." Wala akong ibang
masabi dahil abala ako sa
pagpapahupa ng kakaibang reaksyon
ng puso ko.
"Malandi talaga ako kapag ikaw ang
lalandiin."
Inilapit ko ang tenga ko sa dibdib niya
at doon sumandal. Dinig na dinig ko
ang malakas na tibok ng puso niya at
iyon na siguro ang pinakamagandang
melody ng isang musika na narinig ko
buong buhay ko.
Lihim na pumatak ang luha ko dahil
sa saya sa isiping may isang lalaking
tulad niya na nagmamahal sa'kin at
ako ang tinitibok ng puso niya.
"Mahal na mahal na mahal na mahal
kita. I love you I love you I love you
so so much. You are my Queen, ang
reyna ng buhay ko." Paulit ulit niyang
bulong habang dinadampian ng halik
ang noo ko.
Pumikit ako at hinayaan ang sarili ko
na malunod sa pagmamahal niya.
"Lagi mong tatandaan na tulad ng
lyrics ng paborito kong kanta, All I ask
is you, always you my Queen. Always
you at hinding hindi magbabago
'yon." Bulong niya.
Tuluyan ng bumigay ang mga talukap
ng mga mata ko habang may ngiti sa
mga labi. Hinayaan kong makatulog
ako sa bisig niya as if doon
nakadepende ang buhay ko.
Binabayaan ko ang sarili ko na
magpahulog sa pagmamahal niya
kahit ngayon lang.
Ako rin My King, all I ask is you.
Always you my King. Always you.
At tulad rin ng lyrics ng kanta, I will
never love again kung hindi ikaw ang
lalaking 'yon.

---------------------------
--

Chapter 32

NAGISING ako dahil sa sikat ng


araw na tumatama sa mukha ko.
Kumunot ang noo ko ng
maramdamang wala si Second sa
tabi ko. Agad na nilukob ng kaba ang
sistema ko dahil baka napa'no na
siya.
Mabilis akong bumangon para
hanapin siya, ni hindi ko nagawang
ayusin ang sarili ko dahil sa kaba.
Alam kong safe dito pero maraming
mga posibilidad na mapahamak siya.
Hinanap ko siya sa buong kabahayan
at kapag hindi siya nakikita sa bawat
sulok nito ay mas lalong
nadadagdagan ang kaba ko.
Lumabas ako ng bahay at
sinubukang libutin hanggang sa likod
pero wala pa rin siya.
Hinihingal na ako dahil sa lakad
takbong ginawa ko. Huli kong
binaybay na daan ay patungo sa
dalampasigan.
Thank god! Nausal ko ng sa wakas
ay makita ko siya sa tabing dagat.
Naglalaro siya sa buhangin.
Napangiti ako habang
pinagmamasdan ang ginagawa niya,
gumagawa siya ng sand castle sa
ilalim ng sikat ng araw. Maaga pa
kaya hindi pa masyadong masakit sa
balat ang sikat nito.
Naglakad ako papalapit sa
kanaroroonan niya. Ilang dipa nalang
ang layo ko pero mukhang masyado
siyang focus sa ginagawa dahil hindi
niya napansin ang presensya ko.
"This is my little castle at para ito sa
reyna ko." Masayang tugon niya
habang abala pa rin.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko
dahil sa narinig ko. Nakakataba ng
puso na kahit sa simpleng bagay ay
kasama niya ako sa plano niya.
Napalingon siya sa gawi ko at biglang
napangiti ng makita ako. Nagpagpag
siya ng kamay bago tumakbo palapit
sa'kin. "My Queen!" Sigaw niya.
"Good morning My King." Nakangiting
sabi ko.
"Mas good ka pa sa morning."
Hinalikan niya ako, napangiwi ako ng
maalalang hindi pa ako
nakakapagmumog manlang.
"Mabaho ang hininga ko hindi pa ako
nagtotoothbrush." Sabi ko sabay iwas
sa labi niyang kakagat na naman sa
labi ko.
"Ee, okay lang 'yon kasi kapag mahal
mo ang isang tao kahit ano pa ang
amoy niya ay mabango pa rin para
sa'yo." Sagot niya at muli na naman
akong hinalikan. Ewan ko ba sa
lalaking 'to at bakit parang palaging
nanggigigil sa'kin. "Gumawa ako ng
sand castle hindi pa kasi kita
mabibigyan ng palasyo dahil nandito
pa tayo but promise kapag naging
maayos na ang lahat ay tuluyan na
kitang magiging reyna." Kitang kita ko
sa mga mata niyang masayang
masaya siya at wala akong balak na
putulin iyon. Ayokong makitang
malungkot siya.
"Tapos gagawa tayo ng maraming
little Second and little Antonia." Sabi
niya pa.
Natigilan ako at napatingin sa kanya
kung seryoso ba siya sa mga
sinasabi niya. Ang usapan namin ay
ganito lang kami sa mga araw na
pananatili namin dito sa isla pero
hindi ko napaghandaan na may plano
siyang gan'on. Bumalik siya sa
paggawa ng sand castle habang ako
ay nakatulala lang sa kanya.
Ayokong sirain ang moment na ito
dahil napakaaga pero hindi
mapigilang kumirot ng puso ko sa
isiping napakarami niyang plano
kasama ako pero hindi ko nakikita
ang sarili ko na masasamahan siya
sa mga panahong 'yon.
Aaminin kong mahal ko siya. Mahal
na mahal kung iyon ang
pagbabasihan dahil minsan ko rin
siyang pinangarap at hanggang
ngayon pinapangarap ko pa rin pero
iba na ang sitwasyon namin ngayon.
Mahal ko siya pero hindi ko kayang
panindigan dahil sa isyu ko sa
pagtitiwala sa iba at sa sarili ko. Sa
huli alam kong magkakasakitan lang
kami.
Tumalikod na ako ng mamalayan
kong tumutulo na ang mga luha ko.
Muli akong bumalik sa bahay at
tumuloy sa kusina. Napangiti ako
pero masagana pa rin ang mga
luhang lumalabas sa mga mata ko
pagkakitang may nakahanda ng
pagkain.
Nanginginig na kinuha ko ang
bulaklak na nandoon na hindi ko alam
kung saan niya nakuha. Napatingin
ako sa piraso ng papel na nandoon.
Binasa ko iyon.

Good morning My Queen.


Pinaghanda kita ng breakfast pero
pagpasensyahan mo na dahil hindi
ako marunong pero puno naman 'yan
ng pagmamahal. Mahal na mahal kita
My Queen. Eat your breakfast okay?
Gagawa lang ako ng palasyo na
magsisilbing mundo natin.
Sobra sobrang nagmamahal,
Your King.
Napahikbi akong umupo sa tapat ng
mga pagkaing ihinanda niya.
Napangiti ako ng makitang sunog ang
hotdog na prinito niya tapos ang
sunny side up ay itim na itim ang
gitna tapos hilaw ang gilid. May fried
rice din na hindi ko alam kung
makakain ko ito na hindi sasakit ang
tyan ko.
Una kong tinikman ay ang tinimpla
niyang gatas. Napakatamis n'on pero
hindi ko ininda. I hate sweets pero
kung siya ang gagawa n'on ay pipilitin
kong ubusin. Kung ginawa niya ito na
may pagmamahal ay kakainin ko
naman lahat na puno rin ng
pagmamahal. Ito nalang ang mga
simpleng bagay na magagawa ko
para sa kanya.
Panay ang iyak ko hanggang sa
matapos ako sa pagkain ng agahan.
Muli akong bumalik sa kwarto para
maglinis ng katawan. Ilang minuto
lang ay nakapagbihis na rin ako.
Inilabas ko ang mga gamit ko para
simulan ang trabaho. Lahat ng death
threat na ipinadala sa kanya ay
ihiniwalay ko base sa penmanship.
Napakunot ang noo ko habang
binabasa ang mga 'yon at sinusuri
ang sulat kamay.
Base doon ay sa dalawang tao
nanggagaling ang mga threat na ito.
Ang isa ay puro pagbabanta lang at
magkakapareho, nasa limang piraso
lang 'yon at alam kong galing iyon
kay Leoberro kaya hindi ako
nakaramdam ng pagkahabag
samantalang ang pangalawa ay halos
bente at magkakaiba ang nakasulat.
Matagal akong naghabol sa'yo pero
ni minsan hindi mo ako pinagtuunan
ng pansin ng dahil sa kanya kaya
pagbabayaran mo ang lahat.
Papatayin kita!
Iyon ang una kong nabasa. Ngayon
ko lang nalaman ang mga ito dahil
ibinigay ito sa'kin ni Third Castillion
noong nag-aayos ako ng gamit n'ong
gabi bago palang kami umalis sa
syudad. Ang sabi niya ay hindi
nabasa ni Second dahil hindi niya ito
pinapansin kapag may nagpapadala
tanging si Third lang ang
nagbubukas.
Kung hindi ka rin naman magiging
akin pwes walang makikinabang
sa'yo kundi ang mga uod sa lupa. I
will kill you Second Castillion.
_
Magpakasaya ka dahil malapit na
akong maningil.
_
Hindi ako naging masaya at
sisiguraduhin kong pati ikaw ay
magdudusa.
_
I loved you, but damn you Second
Castillion kahit anong gawin ko siya
pa rin talaga kaya papatayin ko kayo!
Hindi ko alam pero binundol ng kaba
ang kalooban ko dahil sa mga banta
na 'yon. Inilihim ito sa'kin ni Second
at kung hindi pa ibinigay ni Third ay
hindi ko malalaman. Buong akala ko
ay si Leoberro lang talaga ang
nagpapadala ng threat may mas
malala pa pala pero ang mas
napakaba sa'kin ay familiar sa'kin ang
sulat kamay na ito.
Walang nakasulat na pangalan pero
parang kilala ko ito.
Nanginginig na hinanap ko ang
cellphone ko para tawagan si Gale.
"Ano atin?" Bungad niya.
"Pumunta ka sa bahay ko, sa kwarto
ko. May isang box sa loob ng walk in
closet tapos buksan mo, paki
kuhanan ng litrato ang mga nakasulat
sa mga notebooks doon." Utos ko.
"Tangna! Pinasabog mo ang bahay
mo do you think may natira pa do'n
maliban sa mga abo?"
"Just try it, kung wala pumunta ka sa
dati kong school isisend ko sa'yo ang
address at hanapin mo ang records
ko."

"Ano bang connect n'on?" Narinig ko


ang pagharurot ng motor niya kaya
alam kong patungo na siya aa bahay
ko.
"Basta dalian mo."
"Oo na nga on the way na ako."
Napapabuntong hininga ako dahil sa
kaba habang nakatitig sa mga death
threat. Para akong sinasakal wala pa
man, napakafamiliar kasi sa'kin ng
pagkakasulat.
Habang hinihintay si Gale na
sumagot sa kabilang linya ay inilabas
ko ang laptop ko. Mahina ang signal
sa lugar na ito pero dahil high tech
ang gamit kong mga device ay may
kakayahan itong magkaroon ng
malakas na connection.
Binuksan ko ang files ng
departamento namin at hinanap lahat
ng records ng mga agent. Bawal
itong buksan pero kailan ko lang
magmadali para hindi nila matrace na
hinack ko ang system ng department
namin.
Winx Galero.
Binuksan ko iyon ng mabasa ko ang
pangalan niya. Bumungad sa'kin ang
record niya at agad ko 'yong sinave
sa files ko. Naghalungkat pa ako ng
mga information na meron sa records
niya.
"Shit!" Napamura ako ng makita ang
red dot na kumikislap sa taas na
parte ng mga files meaning nalaman
na nilang may pumasok sa system.
Agad kong dinilete ang account ko at
sinara ang files bago ko binura lahat
ng pinaanan ko bago mahack ang
system at in-off ko agad ang laptop.
"Nandito na ako sa bahay mo. Tsk.
Sayamg sirang sira na." Nadinig ko si
Gale sa kabilang linya.
"Gawin mo na ang inuutos ko."
"Oo na."
Muli kong binuksan ang laptop ko
pagkalipas ng ilang sandali. Lihim
akong nakahinga ng maluwag ng
mapansin hindi nila ako natrace.
Binuksan ko ang file ni Galero.
Napakunot noo ako ng mabasa iyon.
Winx Galero. 30 years old.
"Bakit ito lang?" Bulaslas ko.
Hindi pwedeng ito lang ang record
niya dahil bago makapasok sa
departamento namin ay kailangan
lahat ng impormasyom tungkol sa
pagkatao mo ay ilagay mo sa file.
Unless nauna na niyang hinack ang
system para burahin lahat ng tungkol
sa kanya.
Mas lalo akong naghinala dahil sa
natuklasan ko. Hindi ko pa alam
ngayon ang koneksyon niya sa mga
threat ni Second pero ramdam kong
may kinalaman siya. Simula palang
sa una ko siyang nakita ay wala na
akong tiwala sa kanya.
"Anton, may mga natira diro kaso
punit punit na tapos sunog ang ibang
mga parte." Natuon ulit kay Gale ang
atensyon ko.
"Kunan mo lahat ng nakasulat dyan
tapos isend mo sa'kin."
"Ano bang gagawin mo dito sa mga
notes ni Lorette? Base sa
pagkakabasa ko mga lecture ito
noong siguro nag-aaral pa kayo."
Tanong niya.
"Oo, itinago ko 'yan kasi nga wala
naman akong ibang paglalagyan."
"Anong gagawin mo dito? Wag mong
sabihing mag-aaral ka ulit, hoy
matanda ka na."
"Basta, sundin mo nalang ang mga
sinabi ko."
Hindi na siya sumagot hanggang sa
mamatay ang tawag. Ilang sandali
lang ay may natanggap na akong
mga litrato galing sa kanya. Binuksan
ko iyon at zinoom.
Habol habol ang kaba ko ng itapat ko
iyon sa mga papel na nasa harap ko.
Napasinghap ako ng makitang
magkahawig ang mga ito. Inulit ko sa
isa pang litrato dahil baka nagkamali
lamang ako hanggang aa halos lahat
na ay naikompara ko pero iisa pa rin
ang kinalalabasan.
Parehong pareho ang penmanship na
nasa death threat sa sulat kamay ni
Lorette na nasa lecture. Nabitawan
ko ang cellphone ko dahil sa sobrang
pagkabigla. Para akon natuklaw ng
ahas dahil sa pagkatulala habang titig
na titig sa mga iyon. Kusang tumulo
ang mga luha ko dahil sa natuklasan.
Pumipintig ang sentido ko dahil ayaw
tanggapin ng isip ko na nagkatugma
ang hinala ko. Kaya ba pamilyar na
pamilyar sa'kin ang penmanship na
'yon? Si Lorette ba talaga? Paano at
bakit? Kitang kita ng mga mata ko
ang pagkahulog niya sa building na
'yon at sa hospital...
Natigilan ako ng maalala ang
nangyari sa hospital.
Nagkakagulo ang lahat ng
makarating kami sa hospital dahil
may aksidenteng nangyari at dito
dinala ang mga nasugatan.
Dinig ko rin na busy ang mga doctor
dahil sa operasyon na gaganapin
para iligtas ang panganay na anak ng
mga Castillion at unica ija ng mga De
Vera, malaki ang ambag nila sa
hospital ayon sa usap usap sa loob.
Hindi ko alam kung sino ang
tatawagin para maisalba si Lorette.
Punong puno na ng luha ang mga
mata ko. Tumitibok pa ang puso niya
kaya sa kabila ng mga galos sa
katawan ay umaasa akong
mabubuhay siya. Mabuti nalang at
hindi siya bumagsak sa semento
kundi sa truck ng basura na saktong
nakaparada doon para maghakot ng
mga basura mula sa mga apartment
doon. Sa taas ng nahulugan niya ay
malakas pa rin ang impact.
"Doc please tulungan niyo ako!"
Sigaw ko.
Nagpasalamat ako ng may mga
nurse na lumapit sa'min. Mabilis
siyang dinala sa kabilang ER,
nadaanan pa namin noon ang kwarto
kung saan nakaconfine si Firts
Castillion.
Nanghihina akong napaupo sa labas
ng ER habang ang mga tao ay
nagkakagulo pa rin. Dinig na dinig ko
ang iyakan at kitang kita ko ang
nangyayari sa pamilya Castillion.
Sandali akong natigilan dahil sa
pagtunog ng cellphone ko. Tumawag
si General kaya sinagot ko at
lumabas ng hospital, nagtagal ako sa
labas dahil nagkasagutan pa kami at
naikwento ko pa sa kanya ang
nangyari sa kaibagan ko pero
ikinabigla ko ang nadatnan ko.
Ipinapasok na sa operating room si
Lorette kasunod ng isang babae, si
Mimi De Vera.
"Anong nangyayari?" Umiiyak na
tanong ko sa nurse. May iniabot siya
sa'kin papel at nagsasabing ginusto
ni Lorette na idonate ang puso niya.
May pirma iyon sa ilalim.
"Nagising po siyang umiiyak at
sinabing ayaw na niyang mabuhay
sakto namang nangangailangan ng
donor ang kabilang pasyente, ng
malaman niya 'yon ay sinabi niyang
handa siyang ibigay ang puso niya.
Pinigilan namin pero nagpumilit siya."
Paliwanag ng nurse.
Napaluhod nalang ako. Gusto kong
bawiin siya sa loob ng operating room
pero hindi ko na nagawang gumalaw.
Para akong pinapatay ng ilang ulit.
Dahil sa sakit ay iniatang ko sa
mapunan na sila ang mag-ayos ng
burol ni Lorette dahil hindi ko kayang
mag-isa. Para akong pinatay ng mga
panahong 'yon kaya nagkalakas ako
ng loob na magpakita ng macrimate
siya. Ayokong makita ang patay
niyang katawan dahil alam kong hindi
ko kakayanin.
Patuloy ang pag-iyak ng maalala ang
araw na iyon. Hindi kaya hindi siya
ang taong nagdonate ng puso? Pero
bakit niya gagawin 'yon? Sino 'yong
taong sumailalim sa crimation?
Naguguluhan ako.
Ano ba talaga ang totoo?

---------------------------
--

Chapter 33

ANG sakit sakit ng puso ko habang


patuloy ako sa pag-iyak.
Naguguluhan ako. Hindi ko na alam
ang gagawin ko. Pakiramdam ko
mawawala ako sa katinuan kapag
hindi nasagot ang mga tanong ko.
Tulala lang ako habang lumuluha.
Ayokong gumalaw. Natatakot ako sa
mga bagay na pumapasok sa isip ko.
Kung pareho ang sulat kamay niya sa
mga death threat ibig sabihin ay
malaki ang galit niya kay Second.
Dahil ba sinaktan siya nito noong
magkarelasyon sila? Sino ang
dahilan?
"Queen?" Narinig ko ang boses ni
Second na papalapit. "Bakit ka
umiiyak?" Agad na nabakasan ng
pag-aalala ang boses niya ng makita
ako.
Mas lalo akong napahagulhol ng
marinig ko ang malambing niyang
boses.
Lumapit siya sa'kin at pilit na
pinaharap sa kanya. Tinitigan ko ang
mga mata niya, mga matang puno pa
rin ng pagmamahal kapag tumitingin
sa'kin.
"B-Bakit?" Hindi ko alam kung bakit
iyon ang lumabas sa bibig ko. Sa
dami ng tanong sa isip ko ay
naguguluhan na ako.
"Anong bakit? Tell me my Queen,
anong gusto mong itanong sasagutin
ko just please don't cry nasasaktan
ako." Sabi niya habang pinupunasan
ang mga luha ko.
Mariin akong pumikit at pilit
pinapatatag ang loob. Natatakot
akong magtanong pero kailangan
para malaman ko ang puno't dulo ng
lahat at kung bakit kami nasa
ganitong sitwasyon.
Akala ko noon simpleng
pagpapakamatay ang dahilan ni
Lorette, dahil nasaktan siyanng sobra
pero sa sitwasyon ngayon parang
may mas malalim pang kwento sa
likod ng istoryang pinaniwalaan ko sa
mahabang panahon.
"B-Bakit mo sinaktan si Lorette?"
Nabitin sa ere ang kamay niyang
humahaplos sa mukha ko dahil sa
naging tanong ko.
Hindi siya nakaimik. Nakatitig lang
siya sa mukha ko.
"Bakit mo sinaktan si Lorette?" Pag-
uulit ko sa mas matatag na tono.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit
at lumuhod sa harapan ko. Mahigpit
na mahigpit na parang ayaw akong
pakawalan.
"Wag mo akong iwan." Bakas ang
pagmamakaawa sa boses niya.
Nagtaka ako kung bakit iyon ang
sinabi niya. Bakit niya naisip na iiwan
ko siya?
"Sagutin mo ang tanong ko."
Hindi siya kumibo hanggang sa
naramdaman ko ang pagtaas baba
ng balikat niya. Umiiyak din siya.
"Sabihin mo sa'kin lahat ng alam mo
para matapos na tayo dito." Tugon ko
pa. Mas lalong lumakas ang pag-iyak
niya.
"H-Hindi ko sinasadyang saktan siya,
sinabi ko sa kanyang ikaw ang mahal
ko simula pa noon." Pag-amin niya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil
sa mga sinabi niya.
"P-Pero bakit ka nakipagrelasyon sa
kanya kung mahal mo ako? Bakit mo
siya pinaasa?"
Nag-angat siya ng tingin at bakas na
bakas ang kaguluhan sa luhaan
niyang mga mata na parang may
hindi siya naintindihan sa sinabi ko.
"Sinong nakipagrelasyon?" Takang
tanong niya kaya kahit ako ay
naguluhan. Hinawakan niya ang
magkabilang kamay ko habang
masagana pa ring lumuluha. "Please
maniwala ka sa'kin, hindi ako
kailanman nakipagrelasyon sa kahit
na sino. May golden rule ang mga
Castillion na nagsasabing kung sino
ang first love namin ay siyang last
and true love at pinanghahawakan ko
'yon kaya hindi ako nakipagrelasyon
sa kahit na sino dahil kahit matagal
ng panahon ay umaasa pa rin ako at
naghihintay sa'yo." Puno ng
sinseridad ang boses niya.
"Wala man tayong naging formal na
pagkakakilala noon pero ikaw na ang
nagmamay-ari ng puso ko. I love you
since the first time I saw you at
walang nagbago d'on hanggang
ngayon. Hindi ko ako nagpaasa ng
kahit na sino dahil ayokong
makasakit." Titig na titig siya sa mga
mata ko gan'on rin ako sa kanya.

"I know Lorette, kilala ko siya dahil


palagi kong nakikita na kasama mo
siya kapag sinusundan kita. One time
lumapit ako sa kanya noon para
hingin ang number mo at ibinigay
niya namin. Araw araw akong
tumatawag sa'yo kahit na hindi ka
nagsasalita ayos lang kasi alam kong
nakikinig ka, maramdaman ko lang
ang presensya mo noon masaya na
ako."
Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi
ako makapaniwala sa sinabi niya.
Nanginginig ang mga labing nagsalita
ako. "W-Wala akong natatanggap na
tawag sa'yo noon dahil hindi ako
gumagamit ng sim dahil ang purpose
lang noon ng cellphone ko ay para
makapakinig ng music."
Mapait siyang napangiti. "I know,
nalaman kong number niya pala ang
ibinigay niya sa'kin at hindi sa'yo
noong nasa college na ako. Nagalit
ako sa kanya kaya hindi na ako
kailanman lumapit sa kanya. Lagi
niyang ipinagkakalat na boyfriend
niya ako noong college days pero
walang katotohanan 'yon, palagi
siyang nakasunod sa'kin pero wala
akong pakialam sa kanya. Hindi kita
nakikita ng mga panahong 'yon."
"Nagsimula na akong magtraining
noon para sa pagiging agent." Sabat
ko. Ngumiti siya pero umiiyak pa rin
gan'on din ako.
"Pumasok ako noon sa PMA para sa
pangarap ko, akala ko natigil na siya
sa pagsunod sunod sa'kin pero two
years ago ay bigla nalang siyang
nagpakita sa'kin at palagi niyang
sinasabi na may relasyon kami kahit
wala naman. Palagi niyang kasama
noon si Winx, 'yong head ng security
team na kinuha mo. N'ong una
nagtaka ako pero pinagsawalang
bahala ko lang ang importante kasi
sa'kin ay ang makasama ka."
Ikinulong niya sa mga palad niya ang
mukha ko at ilang ulit akong hinalikan
sa labi. "Promise my Queen hindi ko
siya sisasadyang masaktan, mahal
kita kaya hindi ko magagawa 'yon sa
kaibigan mo kahit minsan sobra na
siya."
Napayakap ako sa kanya. Naaawa
ako sa kanya dahil sa mga sinabi
niya pero mas naiiyak ako dahil mas
naaawa ako sa kaibigan ko. Hindi ko
alam na lahat ng magagandang
sinasabi niya tungkol sa boyfriend
niya noon ay imahinasyon niya lang.
Sobra niyang mahal si Second at
kitang kita ko iyon noo pero hindi ko
alam na siya lang ang nagmamahal
at pinagpipilitan niya ang bagay na
hindi pwede.
Wala akong kaalam alam dahil buong
akala ko maayos talaga siya, akala
ko mahal siya ng sinasabi niyang
boyfriend noon at kapag nakikita ko
siyang umiiyak ay akala ko nag-
aaway sila. Hindi ko kailanman naisip
na gan'on ang nangyayari.
Nakokonsensya rin ako dahil halos
dalawang taon akong namuhi kay
Second, nagtanim ng galit at poot
gayong inosente pala siya sa lahat at
wala siyang ginawa. Nasasaktan ako
dahil naiipit ako sa dalawang taong
malaki ang puwang puso ko.
"Natatakot akong sabihin 'yon sa'yo
dahil baka hindi ka maniwala at mas
lalo kang lumayo sa'yo."
"I'm sorry. I'm sorry." Paulit ulit kong
bulong. Humihingi ako ng tawad dahil
minsan kong inisip na sana mamatay
nalang siya. Humihingi ako ng tawad
dahil minsan kong binalak na kitilin
ang buhay niya.
"Wag mo akong iiwan, ha? Hindi ko
kaya." Pagmamakaawa niya.
Mahigpit akong napayakap sa kanya.
Siya pa ang nagmamakaawa gayong
wala naman siyang ginawang
masama. Simula't sapol ay siya ang
naghihirap dahil kahit hindi man niya
sabihin alam kong mahal niya ang
buhay niya at nakakaramdam siya ng
takot sa lahat ng death threat na
natatanggap niya.
"Mahal na mahal kita, wag mo akong
iiwan."
Sinapo ko ang mukha niya at ngumiti
ako sa kabila ng pag-iyak. "Hindi kita
iiwan, nandito lang ako." Sabi ko.
"Mahal na mahal kita." Pag-uulit niya.
Binuhat niya ako papunta sa kama
habang pareho kaming luhaan.
Nahiga kami doon habang yakap ang
isa't isa. Hinayaan namin ang mga
sarili namin na maramdaman ang
isa't isa. Nakaunan ako sa dibdib niya
habang ang mga braso niya ay
nakayakap sa'kin. Ipinikit ko ang mga
mata ko para ipanatag ang kalooban
ko.

Masakit para sa'kin ang mga


nalaman ko at the same time ay
masaya dahil namulat ako mula sa
isang bagay na matagal kong
pinaniwalaan na kasinungalingan
pala.
HANGGANG sa muling sumapit ang
gabi ay walang natinag sa pwesto
namin. Walang nasasalita at
hinayaan naming lukubin kami ng
katahimikan. Sandali akong napaidlip
at nagising ako dahil sa masuyong
mga halik ni Second sa buhok ko.
"I love you." Bulong niya sa'kin.
Tumingala ako at tinitigan ang gwapo
niyang mukha. Dahil sa ginawa ko ay
napunta sa leeg ko ang mga labi ko
at doon nagsimulang humalik.
Hinayaan ko siya sa ginagawa niya
dahil gusto kong iparamdam sa
kanya lahat ng nasa puso ko na hindi
ko kayang sabihin sa kanya gamit
ang mga salita.
Mahal ko siya pero gusto kong
ipangalandakan ang salitang 'yon
kapag nasa tama na ang lahat.
Ayokong may panghawakan siya
habang nasa ganito kaming
sitwasyon dahil hindi ako sigurado
kung makakabalik ako ng buhay
kapag nakaharap ko ang mga tao sa
likod ng pagbabanta at tangkang
pagpatay kay Second.
"Please wag mo munang isipin ang
mga bagay na gumugulo sa isip mo,
di ba sabi ko tayo lang dalawa?"
Bulong niya.
Tumango ako. "Tayo lang dalawa."
Naramdaman ko ang isang kamay
niya na humahaplos sa hita ko
habang patuloy siya sa paghalik sa
leeg ko papunta sa panga.
Mariin kong napaglapat ang mga labi
ko para pigilan ang ungol na gustong
kumawala sa bibig ko. Kakaiba ang
dulot ng mga halik niya sa katawan
ko.
Tumaas ang halik niya patungo aa
pinakasensitibing parte ng tenga ko.
A moan escape from my lips when
Second's lips touches to taste my
lips. Damn! Hindi ko na napigilan ang
pag-ungol dahil sa init na unti unting
namumuo sa pagitan naming dalawa.
This is not my first kiss pero
pakiramdam ko ito ang unang beses
na nahalikan niya ako dahil sa
kakaibang sensasyong dulot nito. Iba
ang paraan ng paghalik niya ngayon
pero nagugustuhan ko iyon.
Mapaghanap at mapaghangad na
malugod kong tinutugon.
"Ohh." Shit! Anong ginagawa mo
sa'kin Second?
Hindi ko napigilan ang pag-iinit ng
katawan ko dahil sa klase ng halik na
ibinibigay niya pati na ang paglalaro
ng mga palad niya para damahin ang
iba't ibang parte ng katawan ko.
I moved my lips and kiss him back
the way how he kissed me. Para
kaming sabik na sabik sa isa't isa
lalo at naririnig ko pa ang sensuwal
na tunog ng mga labi namin kapag
naglalapat.
"Hmm. Ohh."
"I want you, my Queen." Tugon niya
habang magkasalubong ang mga
mata namin. Nandoon ang
pagmamahal at pagnanasa sa klase
ng tinging ibinibigay niya.
I want him too. Iyon ang sinasabi ng
puso ko at wala akong lakas para
suwayin iyon. Ngumiti ako at
tumango bilang pagpayag.
Muli niya akong hinalikan sa labi
habang bumubulong. "Thank you so
much, I'll be gentle my Queen just
trust me."
"I trust you my King." Ganting bulong
ko.
He dropped wet kisses from my lips
down to my neck down to my
collarbone. Mariin akong napapapikit
kapag nararamdaman ang pagdampi
ng mga labi niya sa parteng iyon ng
katawan ko.
"Ohh." Ungol lang ang lumalabas sa
labi ko.
"Yes my Queen moan for me." Husky
ang boses niya at hindi ko alam pero
para akong inaakit dahil doon.
Shit! My body is burning with fire
because of his sensual touched. His
tongue move lower to the valley of my
breast and lick every part of it.
Napaarko ang katawan ko ng
umakyat ang palad niya papunta sa
magkabila kong dibdib. Palming my
breast and rubbing his finger around
my nipples.

"Second." Napasinghap ako ng isubo


niya ang isa nito, hindi ko
namalayang naitaas na niya ang suot
kong t'shirt.
Natigilan siya kaya kumunot ang noo
ko dahil titig na titig siya aa katawan
ko. Nag-init ang magkabila kong
pisngi ng makita ang ginagawa niya.
Naiinis na sinabunutan ko siya. "Wag
mo ngang tingnan." Asik ko dahil
doon ko lang naramdaman ang hiya.
Napakaliwanag pa naman dahil
bukas ang ilaw.
"Tinitignan ko lang naman kung
gaano ka kaganda." Natatawang
sagot ko. Sasagot pa sana ako ng
bigla na naman niya akong halikan.
Tinulungan ko siya ng dahan dahan
niyang hubarin ang damit niya
habang magkalapat pa rin ang mga
labi namin. Pati ang damit at bra ko
ay hinubad niya.
"Damn! S-Second." Nagkandautal
ako ng maramdaman ang pagpasok
ng kamay niya sa short ko.
"Ohh. Ohh. Second." Paulit ulit kong
daing sa pangalan niya habang
naglalaro ang mga daliri niya sa
pagkababae ko.
He was moving his lips from my left
breast to right na parang isang
sanggol na gutom na gutom. He's
sucking and licking my nipples.
Nanunuyo na ang lalamunan ko sa
pag-ungol ng pangalan niya. Ilang ulit
akong napalunok dahil sa ginagawa
niya sa katawan ko.
Napaawang ang labi ko dahil mas
lalong bumaba ang mga labi niya
hanggang sa pagitan ng mga hita ko.
Ibinaba niya ang saplot na siyang
tanging tumatakip sa maselang
bahagi ng katawan ko.
Nakatingin siya sa mga mata ko
habang dinadampian ng magagaang
halik ang puson ko.
"Oh...fuck. Second."
"Yes my Queen?" Ngiting ngiti siya at
halatang nasisiyahan sa reaction ko.
"Oh..." Mahigpit akong napahawak sa
bedsheet ng tuluyang bumaba ang
labi niya papunta sa pagkababae ko.
Nandoon pa rin ang nga daliri niya na
mas lalong nagpawala ng katinuan sa
isipan ko.
Fuck the pleasure and damn those
tingling sensation.
"Wag mo naman akong sabunutan."
Natatawang sabi niya. Hindi ko
namalayang sinasabunutan ko na
pala ang buhok niya. Kinagat ko ang
labi ko dahil sa kiliti dulot ng mainit
niyang hininga na tumatama sa
pagkababae ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa'kin?"
Parang tangang tanong ko, paos na
paos na ang boses ko dahil sa
pagnanasang lumulukob sa'kin.
My breathing ragged. Putangna!
Napakagwapo talaga ng lalaking 'to.
Walang bakas ng pagiging isip bata
habang may ginagawang milagro.
Duh, hindi naman kasi pambata ang
ginagawa namin.
Ayokong pumikit kahit na gustong
gusto ng mga mata ko dahil sa
sobrang sarap pero pinipigilan ko
dahil gusto kong pagmasdan ang
napakagwapo niyang mukha. May
butil butil na ng pawis ang noo niya at
alam kong ako rin.
How can he manage to be hot and
sexy at the same time?
Nakakapaglaway bagang ang
pagiging adonis niya.
Castillion Blood as they say.
Napaawang ang labi ko ng maglabas
pasok ang dalawang daliri niya sa
pagkababae ko. Napaigtad ako dahil
sa ginagawa niya. May namumuo sa
puson ko kaya naalarma ako.
"M-May lalabas, S-Second." Usal ko.
Hingal na hingal na ako.
"Let it be, Queen."
Nanginig ang buong kalamnan ko
habang ang mga daliri ni Second ay
mas lalong bumilis ang paglalabas
masok niya. Sinabayan iyon ng basa
niyang dila. Napaangat ang balakang
ko at napasabunot aa sariling buhok
habang umaalog ang mayayaman
kong dibdib.
"Oh...Oh...Second..Aah..Second."
Paulit ulit kong usal hanggang sa
tuluyang sumabog ang kanina ko pa
pinipigilan. Halos tumirik ang mga
mata ko kasabay ng panginginig ng
mga tuhod ko dahil doon.
Pakiramdam ko naabot ko ang langit
dahil sa sarap ng ginawa niya.
Naramdaman kong may dumadaloy
na likido sa pagkababae ko at lahat
iyon ay sinalo ng labi ni Second.
Pagod na pagod na bumagsak ang
katawan ko sa kama dahil sa ginawa
niya.
I was breathing heavily when Second
crawled unto my body while his
hands caressing my inner thigh ang
rubbing on my wet mound. Gustong
gusto ng katawan ko ang klase ng
paghaplos niya.
"Ready?" Tanong niya, nangingislap
ang mga mata niya habang titig na
titig sa pagod na pagod kong mukha.
Nakadagan na ang hubad niyang
katawan sa katawan kong walang
saplot.
"Hey, Queen nagsisimula palang tayo
wag mo akong tulugan."
Nakasimangot niyang sabi ng
makitang pumipikit pikit na ang mga
mata ko.
Ang kaninang pagod kong mga mata
ay napadilat bigla dahil naramdaman
kong humahagod ang nag-uumigting
niyang pagkalalaki sa kaselanan ko.
Hinubad na niya ang suot niyang
boxer at kitang kita na ng dalawang
mga mata ko ang kahabaan niya.
Damn! Ang laki at ang haba!
"Second." Imbes na pagsaway ay
nauwi sa ungol ang pagtawag ko sa
pangalan niya.
Pinaghiwalay niya ang mga hita ko at
ipinulupot iyon sa bewang niya.
"Kapag sobrang masakit kagatin mo
lang ang balikat ko para kahit
papaano makaya mo, okay? Hmm."
Malambing niyang tugon habang
kinikintalan ng mga masusuyong
halik ang buo kong mukha.
Kahit natatakot ay tumango ako dahil
nangingibabaw pa rin sa'kin ang
antisipasyon na maramdaman siya sa
loob ko.
Napakapit ako ng mahigpit sa balikat
niya habang ang mukha niya ay
nakasubsob sa leeg ko. Kinakabahan
ako ng sobra sobra dahil first time
kong gagawin 'to pero may tiwala ako
sa kanya kaya dapat hindi ako
matakot.
"Ouch!" Napangiwi ako ng
magsimulang bumaon ng dahan
dahan ang pagkalalaki niya sa
basang basa kong pagkababae.
Parang pinupunit ang kaluluwa ko
dahil sa pagsidhi ng labis na kirot.
Mariin akong napapikit at mas lalong
humigpit ang pagkakahawak ko sa
balikat niya dahil naluluha ako sa
sobrang sakit.
"Ssshh! Kalahati palang." Aniya.
Tangna! Kalahati palang pero para ng
pinaghihiwalay ang kaluluwa at
katawan ko.
Mas lalo niyang ibinaon kaya doon na
ako napahikbi. Ang sakit sakit sobra,
sa laki ba naman kasi niya talagang
kulang nalang panawan ako ng ulirat.
"Stop crying Queen, hindi ako
gagalaw hanggang makapag-adjust
ka." Paglalambing niya habang
hinahalik halikan ang mata at pisngi
ko.
"Fuck!" Malakas kong mura ng bigla
niyang isagad. Nakagat ko ang
balikat niya ng sobrang diin dahil sa
ginawa niya. Patuloy sa pagdaloy ang
nga luha ko.
Sinabunutan ko siya. "S-Sabi mo
hindi ka gagalaw hanggat hindi ako
nakakapag-adjust pero sinagad mo."
Humihikbi na ako.
"Sorry, para kasi kapag nag-adjust ka
tuloy tuloy na. I love you, sorry na."
Sagot niya, pinunasan niya ang mga
luha ko at madiin akong hinalikan sa
mga na agad ko namang ginantihan.
Ilang sandali siyang nakasteady lang
hanggang sa dahan dahan siyang
gumalaw sa ibabaw ko. Nakagat ko
ang labi niya dahil may kirot pa rin
akong nararamdaman.
"Queen naman 'yong labi ko
masakit." Sabi niya.
"Mabuti nga ikaw labi mo lang." Asik
ko.
Bigla siyang umulos kaya
napasinghap ako. Sinabunutan ko na
naman siya dahil nabigla ako.
"Sabi mo gentle lang!"
Hinalikan niya na naman ako. "Hindi
kasi tayo matatapos panay reklamo
mo e."
Hanggang sa nasanay na ako sa laki
niya. Ang kaninang kirot ay unti
unting napalitan ng kakaibang sarap.
Bawat ulos niya ay napapaungol ako
gan'on din siya. Napuno ng ungol
naming dalawa ang buong silid dahil
sa pag-iisa ng aming mga katawan.
I love you My King. Sa isipan ko.

---------------------------
--
Chapter 34

Sorry for the late update. Sobrang


busy po kasi talaga. Thank you for
supporting and reading my stories.
-kuyajen
"QUEEN sige na, isa nalang." Ungot
ni Second.
"Tama na, napakahilig mo." Sagot ko.
Jusko! Ngayon ko lang nalaman na
napakahilig ng lalaking 'to. Bawing
bawi ang sinasabi niyang fifteen
years and two years total of
seventeen years na gusto niyang
habulin. Hindi ko na nga halos
maitayo ang mga paa ko dahil sa
panghihina pero sige pa rin.
"Isa nalang." Kulit niya ulit habang
ang isang palad ay nasa hubad kong
dibdib. Nilalaro niya ang nipples ko.
"Kagabi ka pa sa isa nalang
hanggang sa naging sampu 'yang
sinasabi mong isa ayaw mo pa rin
tumigil."
"Seventeen years kaya 'yon kaya
may utang ka pang pitong rounds."
Sagot niya. Napasentido nalang ako
dahil sa kakulitan niya. Kung
makapaningil siya akala mo candy
'yong utang ko.
"Isa pang pangungulit tatamaan ka
sa'kin." Tinapik ko ang kamay niyang
nasa dibdib ko dahil baka ipagkanulo
pa ako ng katawan ko.
Ang landi pa naman ng lalaking 'to.
"Sabi ko nga hindi na." Napipilitang
sabi niya habang nanunulis na
naman ang nguso.
Minuto lang ang pahinga namin
kagabi dahil panay ang hirit niya pero
mukhang hindi manlang napagod
samantalang ako mukhang lantang
gulay na.
Tinalikuran niya ako at hinila ang
kumot na nasa katawan ko syaka
binalot sa katawan niya. Malapad ang
kumot kaya kasya sa'min pero nag-
iinarte siya kaya umaasta siyang
ganyan.
Napangiwi ako ng magpumilit akong
bumangon dahil para akong galing sa
hazing at napaddle ang mga bente
ko. Hindi ako makatayo kaya bumalik
ako sa pagkakahilig sa headboard ng
kama habang si Second ay
nakatalikod pa rin.
"King." Tawag ko sa kanya pero hindi
siya kumibo.
"King pakikuha naman ako ng damit
at underwear magbibihis lang ako."
Utos ko pero hindi pa rin talaga na
tinag. Kinuha niya ang unan tapos
itinakip sa tenga niya.
Isip bata talaga ang isang 'to.
Lumalabas lang ang pagiging lalaki
kapag nasa love making.
Hindi na ako nagsalita ulit dahil
mukhang wala naman siyang balak
na sumunod. Napabuntong hininga
nalang ako at pumikit.
Ilang sandali pa ay narinig kong
padabog siyang tumayo. Dumilat ako
at nakita ko siyang padabog na
naglalakad papunta sa cabinet kung
nasaan ang mga damit namin.
Nanunulis pa rin ang nguso niya.
Kumuha siya ng damit niyang malaki
at panty ko bago ulit siya padabog na
lumapit sa'kin.
Akmang kukunin ko na sa kanya ang
pinakuha ko pero hindi niya binigay.
Inalis niya ang unan na itinakip ko sa
katawan at umakyat sa kama paupo
sa tabi ko. Isinuot niya sa'kin ang
t'shirt pagkatapos ay dahan dahan
niya akong sinuotan ng panty pero
panay ang irap niya sa'kin.
Pagkatapos niyang gawin 'yon ay
nagsuot siya ng boxer short niya.
Napatili pa ako ng bigla niya akong
buhatin at dinala sa CR. Pinaupo niya
ako sa gilid sink bago siya kumuha
ng towel. Binasa niya iyon at maingat
na ipinunas sa mukha ko. Nakatitig
lang ako sa kanya dahil hindi ko alam
kong natatawa ako o maiinis sa
ikinikilos niya.
Kumuha siya ng toothbrush at
nilagyan iyon ng toothpaste bago
itinapat sa bibig ko, akmang kukunin
ko iyon para ako na ang
magtoothbrush sa sarili ko pero
tinapik niya ang kamay ko at
pinandilatan ako ng mata kaya wala
akong nagawa kundi ibuka ang bibig
ko at hayaan siyang sipilyuhan ako.
Siraulo ata ang lalaking 'to panay ang
dabog pero iba naman ang kilos.
Hindi ako nagsasalita at gan'on rin
siya. Nakatitig lang ako sa mukha
niyang nakasimangot.

Pagkatapos niya akong sipilyuhan ay


ibinalik niya ako sa kwarto at ipinaupo
sa gilid ng kama. Sandali siyang
nawala sa paningin ko at ng bumalik
siya ay may dala ng suklay.
Sumampa siya sa kama at pumwesto
sa likod ko. Sinimulan niyang suklayin
ang buhok ko habang binabalot kami
ng katahimikan. Hindi ko na napigilan
ang mapangiti dahil sa asta niya.
"Gustong gusto mo talaga 'yong
naaapi ako e." Sa wakas ay tugon
niya.
Napatawa ako. "Hindi naman kita
inaapi."
"Yeah right." Inirapan niya ako.
Nahahawa ako sa pagiging baliw ng
damulag na 'to. Natatawa ako sa
kanya.
"Saan ka nga ulit natututong
humalik?" I randomly ask.
Kagabi pa ako tanong ng tanong sa
kanya kung saan ba siya natutong
humalik gayong noon sinabi niyang
ayaw niya ng mga kissing scenes sa
projects niya dahil hindi siya
marunong humalik pero para sa'kin
ang galing niya.
"Tsk. Nagpractice nga ako." Asar na
sagot niya.
"Sino naman pinagpractice-an mo?"
Panay pa rin ang pagsusuklay niya
sa buhok ko.
"Ikaw." Asik niya.
Kumunot ang noo ko dahil wala
naman akong naaalalang nagpractice
kami ng halik.
"Hindi naman tayo nagpractice."
"Nagpractice kaya." Angal niya pa.
"Bakit hindi ako aware?"
"Syempre nagpapractice ako kapag
tulog ka."
Nanlaki ang mga matang nilingon ko
siya. Salubong ang mga kilay niya at
nanunulis pa rin ang nguso.
"Hinahalikan mo ako kapag tulog?
Ginagahasa mo ang labi ko?"
Napakamot siya sa batok at
nayayamot na pinatalikod ulit ang ulo
ko. "Tinitikman ko lang naman." Dinig
kong bulong niya.
"Ano akala mo sa labi ko free taste?"
Kinurot ko siya sa tagiliran kahit
nakatalikod ako sa kanya.
"Anong free taste hindi 'no ako lang
ang pwedeng tumikim sa labi mo.
Subukan mong ipatikim sa iba 'yan
sasapakin kita." Banta niya,
napangiwi ako.
"Sasapakin mo ako?"
"Oo, sasapakin kita ng maraming
maraming halik at bubugbugin rin kita
ng romansa akala mo, twenty rounds
para malumpo ka."
Napatawa ako dahil sa sagot niya
damang dama kasi 'yong panggigigil
niya habang sinasabi 'yon.
"Papuputukan ko naman ng baril
'yang ulo mo."
"Ayos lang kasi kapag pinutukan
naman kita ng ulo ko hindi kana
makakahawak ng baril." Ganti niya.
Hanggang sa matapos siyag itali ang
buhok ko ay nakikipagsagutan pa rin
siya sa'kin.
Ilang minuto ang lumipas habang
panay ang harutan namin ng
magpasya kaming mag-agahan.
Medyo maayos na ang pakiramdam
ko at kahit papaano ay nailalakad ko
na ang mga paa ko.
"Pwede bang dito nalang tayo wag na
tayong umuwi sa syudad kasi puro
gulo lang naman ang meron d'on."
Sabi niya. Nasa couch kaming
dalawa, nakaupo ako habang siya ay
nakahiga sa hita ko at pinaglalaruan
ang buhok ko.
Nakatitig lang ako sa mukha niya.
"Nope, kailan nating bumalik doon
kahit ayaw natin dahil nandoon ang
mga taong umaasa sa'tin."
Paliwanag ko. "Lahat ng ito
pansamantala lang kaya hindi mo
dapat sanayin ang sarili mo."
"Kahit sanayin ko ang sarili ko ayos
lang kasi hindi ako papayag na
magkahiwalay tayo. Not even in my
dream. I love you and that's enough
for me to fight for you no matter what
happen." Nakangiti siya na tila
napakadali lang ng lahat.

Hinaplos ko ang malambot niyang


buhok at akmang magsasalita na ako
ng biglang bumukas ang pintuan.
Napalingon kami doon at bumungad
sa'min ang nagpupuyos sa galit na
matandang Castillion. Ang ama ni
Second. Nasa likod nito ang
magkakapatid na pare-parehong mga
seryoso ang mga mukha.
Agad na napabangon si Second at
nagtatakang tumingin sa ama.
Tumayo rin ako.
"Dad bakit nandito kayo?" Tanong
niya at sandaling bumaling sa'kin.
Wala akong ideya kung anong
ginagawa nila dito at kung bakit tila
nagpupuyos sa galit si Mr. Castillion.
Malalaki ang naging paghakbang nito
papalapit sa'min at gan'on nalang ang
pagkatulala ko ng bigla niya akong
sampalin ng pagkalakas lakas.
Napabaling ang ulo ko dahil sa lakas
ng sampal niya. Ramdam ko ang
pamamanhid ng pisngi kong sinampal
niya at alam kong mag-iiwan iyon ng
marka doon, mamamaga.
"What the hell, dad!" Umalingawngaw
ang galit na sigaw ni Second. Naging
mabilis ang pangyayari kaya kahit
siya ay hindi nagawang pigilan ang
ama.
Hindi ko inaasahan 'yon pero ngayon
palang ay sinasalakay na ako ng
matinding kaba. Hindi ako natatakot
na saktan niya ako pero kinakabahan
ako sa dahilan kung bakit niya
ginawa 'yon.
"Kilala mo ba talaga ang babaeng
iyan, ha Dos?" May inilapag itong
folder sa center table. Kumalat ang
mga litrato at cd tape na laman niyon
dahil sa marahas niyang paglapag
nito.
Para akong nabato ng makita ang
mga larawan namin ni Lorette na
magkasama noong mga panahong
nasa high school at college pa kami.
Kumunot ang noo ni Second na
bumaling sa'kin bago isa isang
pinulot ang mga litrato.
"What is this dad? Napasugod kayo
dito para lang ipakita sa'min 'to?"
"No, nandito kami para ilayo ka dyan
sa babaeng 'yan. Nagkamali ako na
siya ang pinagkatiwalaan ko para sa
kaligtasan mo. Hindi ko alam na ang
taong pinabantay ko sa'yo ay siyang
magpapahamak sa'yo." Kitang kita
ang litid sa leeg ng matanda dahil sa
sobrang galit nito. Puno ng
pagkamuhi ang mga matang
nakatingin sa'kin.
"Tumigil na kayo dad." Saway ni
Second habang ako ay tahimik lang
na nakikinig sa ama niya. "Kuya
naman, bakit ba nagkakaganito si
daddy?" Baling niya kay First.
Nagkatinginan kami ni First at pati ito
ay nakatiim bagang pero wala ni
isang salitang lumabas sa bibig nito.
Naiiling na tumingin sa'kin si Second
at nabakasan ng pag-aalala ang mga
mata nito. Lumamlam ang titig niya
sa'kin ng mapatingin sa pisngi ko.
Hinaplos niya iyon.
"I'm sorry sa ginawa ni daddy." Aniya.
"Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko
dahil kung tutuusin ay hindi pa iyon
sapat, ang babaeng 'yan ang gustong
magpapatay sa'yo Dos."
Nabitin sa ere ang kamay ni Second
na marahang humahaplos sa pisngi
ko samantalang ako ay
pinanlalambutan na ng mga tuhod
pero mas pinili kong manatiling
nakatayo sa tabi niya.
May inilapag na cellphone si Third at
doon nagsimulang magplay ang
isang video. Ako ang nasa video na
'yon habang kausapan si General.
Naalala ko ang araw na nangyari ito.
"Anong nangyayari sa hawak mong
kaso Ms. Santez? It's been a year
pero wala pa ring nangyayari."
"Pinatawag mo ba ako rito para
sabihin ang bagay na iyan, sana sa
tawag mo nalang sinabi."
"Hindi lang iyon ang gusto kong
sabihin sa'yo. Ms. Santez napag-
alaman ng source ko na mas lalong
lumalala ang pagpapadala ng death
threat kay Mr. Castillion."
"I know."
"You know? Kung alam mo bakit hindi
ka kumikilos. Ngayon lang naging
ganito katagal ang hawak mong kaso
at hindi tayo pinabayaran ng
matandang Castillion para lang mas
lalong ilagay sa panganib ang anak
niya."

"Konting panahon nalang."


"Hindi na mahihintay 'yang sinasabi
mong konting panahon. Tell me the
truth Ms. Santez, sinasadya mo bang
pabayaan ang trabaho mo dahil si
Second Castillion ang dahilan kung
bakit nagpakamatay ang bestfriend
mong si Lorette?"
"Iyon ba ang rason kung bakit
pinapabayaan mong makalusot ang
mga death threat na natatanggap
niya? Naghihigante ka ba?"
"Hindi mo maaaring haluan ng
personal na bagay ang kasong
hawak mo dahil bayad ang ating
departamento at trabaho mo ang
pangalagaan ang kliyenteng hawak
mo. Tapusin mo ang kaso at kapag
nagtagumpay ko hindi ako
makikialam sa mga susunod mong
hakbang pero ngayong nasa duty ka
ay maging professional ka."
Malinaw na malinaw ang kuha sa
video'ng iyon ang pag-uusap namin
at sunod na nangyari ay noong nasa
training room ako. Noong mga
panahong nagpupuyos ako galit dahil
sa ginawa ni Second sa kaibigan ko.
"I'm sorry kung hanggang ngayon ay
hindi ko pa rin natutupad ang
pangako ko."
"Nangako ako sa'yong magbabayad
ang lalaking nanakit sa'yo at hindi ko
nakakalimutan 'yon."
"Fuck you!" Panay ang sigaw ko
doon at galit na galit akong
pinagbabaril ang poster niya. Kitang
kita ang pagkamuhi ko.
"Mamatay ka na!"
Ipinakita rin doon ang pagpasok ko
sa kwarto ko at ang pagtawag ni
Leoberro. Sa iisang araw lanf
nangyari ang mga iyon at tila pili ang
mga pangyayaring inilagay sa video
dahil ang siyang nandoon ay ang
mga pagkakataon na ipinapakita ko
ang pagkamuhi ko kay Second at ang
nais na paghihigante ko sa kanya.
"What do you want?"
"You know what I want Santez,
sumanib ka sa grupo ko."
"No thanks."
"Well, well, well good luck sa alaga
mo baka mapahamak siya dahil sa
katigasan ng ulo mo."
"I don't care, puro ka lang naman
dada. Do it."
"You know I can do that in just a
snap."
"Then good luck."
Tutok na tutok ang kuha niyon sa
bawat pagbuka ng bibig ko habang
nasa kama ako ng mga panahong
'yon.
"Malapit na nating makuha ang
hustisya sa paraang alam ko, hindi
niya lang pinatay ang katawan mo
pero pati rin ang puso mo at
pagbabayaran niya 'yon."
Ang huling ipinakita ay ang
pagpapasundo sa'kin ni Leoberro
upang muling alukin na sumali sa
grupo niya.
"Ano ba ang dapat kong i-offer para
sumali ka sa grupo ko?"
"Ano pa ang dapat kung sabihin
tumigil ka sa pangungulit mo?"
"Hindi ako titigil."
"Hindi rin ako titigil sa pagtanggi."
"Kung sabihin ko kaya sa alaga mo
ang plano mo, wala ka pa ring
reaction? Kung sabihin ko kaya sa
kanya na papatayin mo siya sa
bandang huli. Ang gandang kwento
n'on, sarili mong bestfriend papatayin
mo, para mo na ring pinatay si
Lorette sa pangalawang
pagkakataon."
"He's not my bestfriend, stop wasting
your time Leoberro Salazar."
Iyon ang huli hanggang sa mamatay
na ang video.
Hinayaan kong pakinggan nila ang
lahat ng iyon dahil wala akong lakas
na magdeny. Totoo ang lahat, binalak
ko talagang patayin siya pagkatapos
ng lahat ng ito hanggang sa
natagpuan ko ang sarili kong
nahuhulog na sa kanya at doon lang
nabago ang plano ko. Kinalimutan ko
ang lahat dahil sa nararamdaman ko
para sa kanya na wala ni sa hinagap
kong mangyayari sa'kin.

I love him pero siguro kailangan ko


ring pagbayaran ang naitanim kong
galit at poot sa kanya gayong wala
siyang kasalanan.
Nang makita ko ang mga kuha sa
video doon ko narealize na
napakarami na palang nabago sa'kin
g hindi namamalayan. Sa lahat ng
anggulo doon kapag binabanggit o
napag-uusapan si Second ay bakas
na bakas ang pagkasuklam ko sa
kanya pero noong mga nagdaang
araw ay hindi ko naramdaman 'yon
noong kasama ko siya. In fact, mas
madali niya akong napapatawa at
nagagawa kong maging madaldal
makausap lang siya.
I really changed. Parang bumabalik
ang dating ako bago ko maranasan
ang mga dagok sa buhay ko.
May kung anong bikig sa lalamunan
ko na pilit kong pinipigilan dahil
ayokong mabasag sa harap nila.
Pagkatapos ng mga video na
ipinakita ay natahimik ang lahat
habang si Second ay nanghihinang
napaupo sa couch. Kuyom ko ang
mga kamao ko upang pigilan ang
mga luha kong nagbabadya na.
Napahilamos siya at bakas ang
frustration sa mukha. "D-Di ba sinabi
ko naman sa'yo noon na kung may
balak kang patayin ako sabihin mo
lang sa'kim dahil ako mismo ang
papatay sa sarili ko." Puno ng
hinanakit ang boses niya na parang
mga kutsilyong tumatarak sa puso ko.
"H-Handa akong mamatay para
sa'yo." Doon nabasag ang boses
niya.
Mariin kong kinagat ang labi ko dahil
sa pagpipigil ng luha. Walang galit na
mababakas sa boses niya kaya mas
lalo akong nilamon ng sakit. Gusto
kong sigawan niya ako. Gusto kong
saktan niya ako. Gusto kong ilabas
niya ang galit niya sa'kin pero hindi
niya ginawa ang inaasahan ko.
"Mahal na mahal kita at hindi ko
kayang magalit sa'yo, gustuhin man
ng isip ko pero ayaw ng puso ko."
Tumingin siya sa'kin at dahan dahang
tumayo. Luhaan ang mga mata niya
at hindi man niya sabihin ay sapat na
ang labis na sakit na mababakas sa
mga mata niya para maramdaman ko
ang pagkabigo niya.
Mariin niyang hinawakan ang mga
braso ko at pinakatitigan ako.
"Magsinungaling ka, please. Itanggi
mo ang lahat ng nakita ko, sabihin
mong mali lahat ng sinasabi nila.
Paniniwalaan kita basta sabihin mo
lang na hindi ikaw 'yon. Please."
Pagmamakaawa niya.
Yumuko ako dahil hindi ko kayang
gawin ang sinasabi niya. Naikuyom
ko ang mga kamao ko.
Hindi ko gagawin ang sinabi niya.
Hindi ko na uulitin ang pagkakamali
ko sa pagkakataong ito.
"Please, lahat ng kasinungalingan ay
kaya kong paniwalaang totoo kapag
dahil sa'yo." He's begging and its
breaking my heart.
Humugot ako ng malalim na buntong
hininga. "Totoo lahat ng 'yon." Doon
na tuluyang nabasag ang boses ko.
Wala na akong pakialam kong
magmukha akong mahina sa harap
nila. For the first time I allow other
peoplo know how mesirable my life is.
I let them see the other me, broken,
sad and fragile Queen Antonia
Santez.
Napabitaw siya sa mga braso ko.
"Wag mo naman akong patayin ng
pauliy ulit." Aniya.
Napahikbi ako at halos isumpa ko
ang sarili ko nang makita siyang
lumuhod sa harapan ko.
"Kakalimutan ko ito basta sabihin mo
lang na mahal mo ako. Ang sakit
sakit kasi na isipin na ang babaeng
pinakamamahal ko ay gusto akong
mawala sa mundo. Hindi ko tanggap
na nasusuklam ka sa'kin."
Lumuhod ako sa harap niya at
mahigpit siyang niyakap. "Wag mong
gawin 'to sa sarili mo." Bulong ko.
Marahas siyang umiling. "Patayin mo
nalang ako." Sigaw niya. "Lahat
naman ng 'to nangyayari dahil buhay
pa ako kaya patayin mo nalang ako.
No, no ako nalang ang papatay sa
sarili ko." Nagwawala na siya.
Nang makawala siya sa yakap ko ay
mabilis siya tumakbo papunta sa
kwarto. Nanginig ako ng makitang
hinahalungkat niya ang mga gamit ko
kung nasaan ang mga baril.
"Second." Sigaw ko. Nilukob ako ng
matinding takot. "Please, Second
wag."
Tumakbo ako patungo sa silid.
Basang basa na ang mukha ko dahil
sa luha.
Oh god, bakit ko hinayaang
humantong sa ganito ang lahat.
"Papatayin ko nalang ang sarili ko
para hindi ka na mahirapan, hindi ko
kayang tanggapin na galit ka sa'kin.
Mahal na mahal kita kaya gagawin ko
'to para sa'yo." Masagana sa
pagdaloy ang kanyang mga luha
habang ang nakuha niyang baril ay
nakatutok sa ulo niya.
Halos hindi na ako huminga dahil sa
sobra sobrang pangamba na baka
makalabit niya ang gatilyo.
Nanginginig kong tinaas ang kamay
ko upang makalapit sa kanya na hindi
siya gumagawa ng kahit anong
galaw. "Ibaba mo 'yan Second,
please." Pakiusap ko. Umiling siya.
"Kuya ibaba mo 'yan." Umiiyak na rin
si Seven. Nasa likod ko sila habang
ako ay dahan dahang lumalapit sa
kanya.
"Second wag mong gawin 'to." Si
Third.
"Anak nagmamakaawa ako sa'yo
ibaba mo 'yan baka masaktan ka."
Pagsusumamo ng ama nila.
Napatingin ako kay First na siyang
tumango sa'kin.
Lahat kami nag-iiyakan na lalo at
mukhang desidedo siya sa gagawin
niya.
Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan
ko 'to.

---------------------------
--

Chapter 35

First love will be the last and true


love. The golden rule of the Castillion
Clan.
-kuyajen
ILANG ulit akong lumunok. Ang sakit
sakit ng puso ko habang nakatingin
sa kanya. Kulang ang sabihing
nababasag ako ngayon. Sobra sobra
ang kirot na nasa puso ko dahil ang
lalaking mahal ko ay nasa ganitong
sitwasyon.
"Please don't do this, my King."
Malumanay kong pakiusap pero
nadudurog ako.
Wala akong pakialam kung wala sa
sitwasyon ang mga salitang sasabihin
ko. Wala akong pakialam kung hindi
pa maayos ang lahat ang mas
mahalaga ngayon ay mailayo siya sa
balak niyang gawin.
"Kung gagawin mo 'to paano naman
ako?" Natigilan siya. "Kailangan kita
at aaminin kong iyon ang plano ko sa
una pero nagbago lahat ng 'yon dahil
sa pagmamahal na naramdaman ko
sa'yo. Mahal na mahal din kita, kung
magpapakamatay ka ngayon iyon rin
ang gagawin ko sa sarili ko." Mas
lalong napalakas ang paghikbi ko
habang sinasabi ko ang mga
katagang 'yon.
Kayang kaya kong magpakamatay
kapag nawala siya.
"Aaminin kong nagalit ako sa'yo ng
sobra sobra dahil akala ko ikaw ang
nanakit sa kanya. Pangalan mo ang
binabanggit niya habang nasa bingit
siya ng kamatayan kaya buong akala
ko iniwan mo siya o nagloko ka bilang
kasintahan niya. Buong akala ko
nasa relasyon kayo at pinaasa mo
siya sa isang bagay na nagdala sa
kanya sa gan'on sitwasyon pero
pinagsisisihan ko na iyon dahil
nalaman kong siya lang ang
nagmulat sa sarili niya na pag-aari ka
niya."
"I'm really sorry, naghanap ako ng
isang taong masisisi sa mga
nangyari. Patawarin mo ako kasi
niloko kita sa mahabang panahon.
I'm sorry." Sambit ko. "Lorette is my
bestfriend, my sister, my only family
in this world kaya sobra akong
nasaktan sa pagkawala niya kaya ko
plinano ang lahat ng 'yon."
"Isang tanong isang sagot, lahat ba
ng ipinakita mo sa'kin two years ago
ay parte ng plano mo?" Nanginginig
ang mga labi niya dahil sa sobrang
emosyon at pag-iyak.
Tumango ako at sa simpleng
pagtango ko ay nabakas ko ang labis
na sakit sa mga mata niya.
"Lahat 'yon parte ng plano ko pero
hindi noong sabihin kong mahal kita,
hindi noong inaalagaan kita, hindi
kapag nag-aalala ako sa'yo at lalong
hindi kapag napapangiti ako sa
simpleng mga galaw at sinasabi mo.
Lahat ng 'yon nagagawa ko dahil
mahal kita hindi dahil sa kasama sa
plano ko. I love you and that is the
only thing out of my plan." Patuloy
ako sa paghikbi.
Hanggang sa tuluyan akong
makalapit sa kanya ay hindi naputol
ang pagtitig ko sa kanyang mga
mata.
Dahan dahan kong itinaas ang mga
kamay ko para hawakan ang baril na
hawak niya.
"Ibaba mo na ito, please. I'm your
Queen and you are my King, right? At
ang hari ay dapat hindi iniiwan ang
reyna." Puno ng pagsuyo ang boses
ko habang sinasabi iyon sa kanya.
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa
baril kaya madali ko iyong nakuha.
Agad ko iyong itinapon sa labas ng
bintana upang ilayo sa kanya at
mahigpit ko siyang niyakap.
"I'm sorry, patawarin mo ako kung
nasasaktan kita ngayon. Hindi ko
sinasadya." Paulit ulit kong bulong.
Mariin akong napakagat labi ng
maramdaman ko ang pagganti niya
ng yakap.
"Mahal na mahal kita at naniniwala
ako sa mga sinabi mo. Gagawin ko
ang lahat para mawala ang galit mo
sa'kin." Tugon niya.
Dahil sa sinabi niya natanong ko ang
sarili ko kung ano bang magandang
nagawa ko sa mundo para
makatagpo ng isang lalaking tulad
niya? Pakiramdam ko katiting lang
ang nararamdaman kong
pagmamahal kaysa sa pagmamahal
na ibinibigay niya sa'kin.
"You don't need to do anything."
Bulong ko.
Mas lalong humigpit ang yakap niya
sa'kin.
"But I want to."

Third POV
"Dad naman kasi bakit kasi nakialam
ka pa." Yamot na tugon ni Fifth.
"Hindi niyo ako masisisi dahil nag-
aalala ako sa kaligtasan ng Kuya
niyo." Tugon ni Dad.
"Ikaw din naman ang naging dahilan
kung bakit naging malapit si Kuya
Second kay Ate Anton." Si Seven.
Nasa sala kami ng maliit na bahay na
tinutuluyan nina Kuya Second dito sa
isla. Magkakaharap kaming
magkakapatid kasama si Daddy na
panay ang iyak kanina. Lahat kami
nag-iyakan dahil sa muntik ng
pagpapakamatay ni Kuya.
Lahat kami ay tahimik lang kanina
matapos ng nangyari dahil sa
paghysterical ni Kuya Second.
Ngayon nasa silid sila at magkasama
ni Anton, siguro'y nag-uusap.
Hindi ko alam kung anong
mararamdaman ko pero
nagpapasalamat pa rin ako sa kanya
dahil siya ang nakapigil kay Second.
Masyado ng hulog sa kanya ang
kapatid ko at alam kong makakasama
sa kanya kapag malayo kay Anton.
Love really suck!
"Marami ng pinagdaanan ang kapatid
niyo kaya gumawa ako ng paraan
para mapalapit siya kay Agent
Santez. Nakita ko sa mga gamit niya
ang picture nito at hindi lang iilang
beses ko siyang nakitang iniiyakan
ang picture nito noon pa man. I didn't
know na may galit pala sa kanya ang
babaeng 'yon." Rason ni Daddy.
Naiintindihan ko siya pero tutol pa rin
ako sa biglaan niyang sugod kanina
at ng dahil d'on muntik na kaming
mawalan ng isang kapatid.
"Hindi ka dapat sumugod agad dad."
Sa wakas ay nagsalita si Fourth. "I
understand na nagalit kayo sa
nalaman niyo, kahit ako rin naman
pero naisip ko kung balak niya ngang
patayin si Second bakit hindi niya
ginawa? Marami siyang pagkakataon
pero wala tayong nabalitaan na
nasaktan si Kuya Second ng dahil
kay Anton, ilang beses niya itong
iniligtas sa kapahamakan. Ginawa
niya ring shield ang sarili para hindi
matamaan ng bala si Kuya noong
mangyaring engkwentro sa CBE
building." Napapailing siya habang
nagsasalita. Minsan lang siya kung
magsalita pero lahat ng lumalabas sa
bibig niya ay tama at may sense.
"Isinakripisyo niya ang bahay na
matagal niyang ipinundar para
mailigtas si Kuya Second kaya hindi
sapat na umakto kayong gan'on dahil
lang sa nalaman niyong plano niyang
patayin ito."
Sang-ayon kaming lahat sa sinabi
niya. "Saan mo ba kasi napulot lahat
ng litrato at cd tapes na 'yan? Even
the videos na isinend mo sa'min?"
Tanong ko.
"May nagpadala nito sa bahay
kaninang umaga." Sagot ni daddy,
bakas sa mukha niya ang pagsisisi
dahil siguro nalinawan na siya sa
mga sinabi ni Fourth.
"See? May naninira kay Anton at
siguro ay iyon ang tunay na may
balak kay Kuya Second." Natatawang
tugon niya.
"You even accused her na siya ang
nasa likod ng lahat ng ito kahit wala
tayong ebidensya." Si Six.
"I know Antonia Santez from the
start." Napabaling lahat ng atensyon
namin kay Kuya First ng magsalita
ito.
Nakahilig siya sa sandalan ng couch
at nakapikit ang mga mata, nasa
dibdib ang nakahalukipkip na mga
braso.
"Alam mo ang naging galit niya sa
kapatid mo?" Hindi makapaniwalang
tanong ni Daddy.
"Yeah, and I know the story behind it."
Balewalang sagot niya.
Magtatanong pa sana kami ng
bumukas ang pinto ng kwarto kung
saan sina Kuya Second and Anton.
Siya lang ang lumabas doon.
Malamig ang emosyong nasa mga
mata kahit namumugto iyon. Seryoso
at hindi mababakasan ng takot o
pagkailang.
"Tulog na siya at maaari niyo na
siyang kunin." Tugon niya.
"What do you mean?" Tanong ko.
"Iuwi niyo na siya dahil mas ligtas
siya kung nasa inyo siya."

"Are you sure? Nakita mo naman


kung ano ang naging reaction niya
kanina, he loves you very much kaya
hindi papayag 'yon na umalis dito ng
wala ka." Naiinis na sagot ko.
Ayoko sa ideyang pinupunto niya.
Kahit mga lalaki kami ay sobra ang
takot na naramdaman namin ng
magtakang magpatiwakal si Kuya
Second kanina at alam kong mauulit
pa iyon kung ilalayo namin siya kay
Anton.
"Kaya nga dadalhin niyo siya ng
tulog, don't worry hindi siya
magigising hanggang sa makauwi
kayo sa syudad. Pinatulog ko siya."
Walang kaabog abog niyang sagot.
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Sa
aming pitong magkakapatid ako ang
pinakamahaba ang pasensya pero sa
mga pagkakataon na kapakanan ng
mga kapatid ko ang pinag-uusapan
ay lumalabas ang totoo kong ugali.
"So sinasabi mong hahayaan mong
magtangka ulit na magpakamatay si
Second?" Sarkastikong tanong ko.
Nakipagtitigan siya sa'kin at
nakaramdam ako ng inis dahil sa
paraan ng tingin niya ay parang wala
siyang uurungang ano mang laban.
Parang hindi babae.
"Gagawin mo na ang plano ko sa
oras na makaharap ko ang taong
gustong pumatay sa kanya at gusto
kong malayo siya sa'kin." Aniya.
"Why?" Sabay sabay naming tanong.
"Gusto kong masanang siyang wala
ako dahil kapag nagawa ko ang plano
ko ay hindi ko alam kung buhay pa
ako pagkatapos n'on."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa
sagot niya. Kahit ang mga kapatid ko
ay napasinghap habang si Daddyy ay
matiim na nakatitig sa kanya na tila
inaarok kung ano ang nasa isip niya.
"Isasakalan mo ang sarili mong
buhay para lang sa kaligtasan ni kuya
Second?" Hindi makapaniwalang
tanong ni Fifth.
Walang pag-aalinlangan na tumango
siya. "Malaki ang kasalanan ko sa
kanya kaya ito ang alam kong paraan
para makabayad sa pagkakasalang
'yon. I love him pero hindi sapat iyong
mahal lang namin ang isa't isa dapat
kong magpapatuloy ang
nararamdaman namin ay walang
kahit na sinong masasaktan o
maaapakan." Nagkibit balikat siya.
"Alagaan niyo siya at wag na wag
palalabasin ng mansyon niyo."
Nakatulala lang kami sa kanya pero
hindi nakaligtas sa paningin ko ang
palihim niyang pagpahid ng mga luha
ng tumalikod siya at bumalik sa
kwarto na pinag-iwanan niya kay
Second.
Magpapakamatay siya para sa
tinatawag na pagmamagal. Damn! So
unbelievable!
Love is complicated.

Anton POV
Wala akong imik na bumalik sa
kwarto na tinutulugan namin ni
Second. Patuloy sa pagdaloy ang
mga luha ko kahit ilang ulit ko na
iyong pinunasan.
Nasasaktan ako sa naging desisyon
ko pero alam kong ito ang
makakabuti sa kanya. Hindi tama
'yong palagi kaming tatakbo kapag
may nagtatangka sa buhay niya.
Kailangan namin iyong harapin pero
dahil ayokong pati siya ay masaktan
ako mag-isa ang haharap sa puno't
dulo niya.
Aalamin ko muna ang hinala ko kung
si Lorette nga ba ang dahilan ng lahat
ng ito. Hindi ko magawang maniwala
kahit pa pareho ang penmanship ng
nagbabanta kay Second sa sulat
kamay ng kaibigan ko.
Ayokong maniwala pero kailangan
kong mamulat sa realidad ng buhay.
Minsan na akong nakulong sa mga
maling paniniwala ko dahil hindi ko
tinignan ang dalawang anggulo ng
sitwasyon. Agad akong nagpalamon
sa galit kaya hindi ko namalayang
nasasaktan ko na ang taong inosente
at walang muwang sa paghihimagsik
ko.
Naupo ako sa gilid ng kama at
pinakatitigan ang mukha niya.
Walang ampat sa pagtulo ang mga
luha ko dahil tila pinipilas ang bawat
parte ng puso ko.
"Wait for me pero kung hindi mo kaya
ay matatanggap ko dahil wala na rin
namang kasiguraduhan kong
makakabalik ako." Bulong ko sa
kanya.
Unti unti kong kinokonsedira ang
posibilidad na si Lorette ang may
gawa ng lahat ng ito at kaya may
pakiramdam akong maaaring hindi na
ako makabalik dahil kapag
nagkaharap kami hindiko alam kong
kaya ko siyang saktan o patayin tulad
ng dapat kong gawin as bodyguard ni
Second.
Gulong gulo pa rin ang isip ko
ngayon.
"Hindi ang kaibigan mo ang heart
donor ng asawa ko." Natigalgal ako
ng marinig sa likuran ko ang boses ni
First.
Hindi si Lorette ang heart donor ni
Mimi? Si Mimi ay asawa niya na
minsang nagkasakit sa puso at
kinailangang sumailalim sa heart
transplant. Kaya buhay ito ngayon ay
dahil sa puso ni Lorette pero sinasabi
ni First na hindi si Lorette ang donor,
so sino?
"Nakilala kita dahil minsan tayong
nagkakasabay sa semeteryo para
dalawin ang donor ng asawa ko as
gratitude dahil sa ginawa niya.
Kaibigan mo daw iyon sabi ng asawa
ko pero ng makita ko ang picture na
hawak ni papa kanina ay doon ko
nasabing hindi siya ang donor."
Paliwanag niya. "Hindi ang kaibigan
mo ang babaeng nasa operating
room ng mag-undergo ng transplant,
hindi siya ang nagbigay ng puso sa
asawa ko."
Hindi ko alam kong anong sasabihin
ko habang nakatitig sa kanya.
Seryoso ang mukha niya na
sinasalubong din ang tingin ko.
"Bakit mo sinasabi sa'kin 'yan?"
Nagkibit balikat siya. "Just so you
know, nakita ko ang bestfriend mo sa
airport kahapon kadarating lang nito
galing New York." Pagkatapos niyang
sabihin iyon ay agad siyang naglakad
palabas ng silid.
Natulos ako sa kinauupuan ko.
Lorette is alive?

---------------------------
--

Chapter 36

Lahat po ng stories ko ay unedited so


please pakiintindi nalang po. Type
and published agad ang paggawa ko
kaya may mga typo po at
grammatical error. Pasensya na po.
-kuyajen

HINDI na naman maampat ang mga


luha ko habang tinatanaw ang
papalayong speed boat na dala ng
mga Castillion. Hinayaan kong dalhin
nila si Second dahil sa ganitong
sitwasyon mas safe nga naman siya
sa poder ng mga ito.
Nakadungaw lang ako sa asul na
dagat habang hinahayaang mapalayo
sa lalaking pumukaw sa damdamin
na matagal ko ng pinatay dahil sa
mga pinagdaanan ko.
Napapailing ako habang patuloy sa
paghikbi. Nagiging iyakin ako nitong
mga nagdaang araw dahil sa bigat ng
pakiramdam ko. Kung sakaling mang
buhay si Lorette ay kailangan kong
mamili sa kanila ni Second.
At ngayon ay pipiliin ko si Second sa
pamamagitan ng pagsasakripisyo ng
sarili ako.
Yakap yakap ko ang sarili ko habang
nakaupo sa puting buhangin dito sa
tabing dagat. Ayokong malayo kay
Second sa totoo lang dahil kapag
malapit siya puro saya lang ang
nararamdaman ko at hindi ko
gaanong iniisip ang realidad ng
buhay na meron kami. Kapag
kasama ko siya pakiramdam ko
magiging maayos rin ang lahat. He's
my comfort zone pero ako ang risk
zone niya at hindi makakabuti 'yon.
Halos isang oras na siguro akong
nasa ganong posisyon ng makarinig
ako ng ugong ng isang sasakyang
pandagat kaya muli akong
napabaling sa karagatan. Natanaw ko
ang isang bangkang de motor at
naaninag ko doon si Gale.
Sinadya kong magpaiwan dito dahil
wala pa akong plano kung anong
gagawin ko para matapos ang lahat
at binabalot ako ng takot kung
hahanapin ko ba si Lorette o
hahayaan siyang makalapit sa'kin.
Mariin kong kinagat ang mga labi ko
dahil sa masagang pagdaloy ng mga
luha ko ng makita ang labis na pag-
aalala sa mukha niya ng makadaong
ang sinasakyan.
"Oh my juice, Anton bakit ganyan ang
hitsura mo?" Gimbal na tanong niya
at agad akong dinamba ng yakap.
Mas lalo akong napahagulhol ng
maramdaman ko ang pag-aalala niya.
Ni minsan hindi ko itinuring na
kaibigan si Gale dahil natatakot ako
na baka mawala rin siya sa'kin at
masaktan na naman ako. Sa klase ng
trabaho namin ay hindi malabong
mangyari 'yon pero kahit gan'on ay ni
minsan hindi siya umalis sa tabi ko.
Hindi siya nagsasawang damayan
ako kahit hindi kaibigan ang tawag ko
sa kanya. Palagi siyang nakaalalay
sa'kin at sinusunod ang utos ko pero
wala akong mabuting naigante sa
kanya dahil sa takot kong mapalapit
sa ibang mga tao.
Napakalaki ng impact sa'kin ng
pagkawala ni Lorette sa mismong
kamay ko kaya ngayon hindi ko alam
kung anong mararamdamang sa
posibilidad na buhay siya.
"Bakit ka umiiyak? Nakasalubong ko
ang mga Castillion dala nila si
Second, ano bang nangyari?"
Tinitigan ko siya. "S-Sorry." Iyon ang
salitang lumabas sa bibig ko.
Kumunot ang noo niya. "Sorry para
saan?"
Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
"Patawad kong hindi kita maituring na
kaibigan sa kabila ng mga sakripisyo
at tulong mo sa'kin." Tugon ko.
Napakurap kurap siya na tila hindi
makapaniwala.
"Kahit hindi mo ako itinuring na
kaibigan ay palagi pa rin akong nasa
tabi mo dahil ramdam kong may pag-
aalala ka ring nararamdaman sa'kin.
Wala mang label na magkaibigan
tayo pero sa kilos mo ay nakikita at
nararamdaman kong kaibigan ang
turing mo sa'kin diyan sa puso mo."
Tumingala siya at natawa dahil may
mga luhang namumuo sa gilid ng
mga mata niya. "Malamig ka man
makitungo but you are just a human
kaya alam kong naaappreciate mo
lahat ng effort ng mga tao sa paligid
mo masyado ka lang takot na maiwan
ulit." Tuluyang dumaloy ang mga luha
niya.

"Nawalan man ako pero nandyan ka


hanggat kaya mo akong intindihin
kaya maraming salamat sa'yo.
Ayokong maging kaibigan ka kasi
baka madamay ka sa kamalasan ng
buhay ko." Usal ko. Ikinulong niya
ang mukha ko sa mga palad niya at
pinunasan ang mga luha ko.
"Ang sama ko ba kasi kahit
malungkot ka nakakaramdam ako ng
konting saya dahil nakikita kitang
ganito ngayon? Natuuwa ako dahik
nakikita ko ang totoong laman ng
puso mo, nakikita ko ang pagiging
vulnerable mo at nakikita ko ang
mahinang ikaw. Walang halong
pagpapanggap na malakas at walang
kinakatakutan." Aniya.
Pareho na kaming umiiyak ng umupo
siya sa tabi ko at tumanaw sa
malawak na karagatan. "Matagal
kong hinintay na mag-open up ka
sa'kin dahil gustong gusto kitang
tulungan na maahon sa kalungkutan."
"Bakit napakabait mo sa'kin kahit
minsan hindi kita trinato ng tama?"
Pilit kong sinusubang pahirin ang
mga luha ko kahit pa napakahirap na
patigilin iyon.
"Dahil tulad mo rin ako, nakaranas
din ako ng kalungkutan. Nagkaiba
lang tayo ng way sa paghandle n'on,
ikaw naging distant sa tao at ayaw
mong mapalapit sa kanila while ako
dinadaan sa kadaldalan at kalokohan.
Nasasaktan ako kapag nakikita kong
sinisisi mo ang sarili mo sa
pagkawala ni Lorette."
"Namatay siya dahil hindi ko
hinigpitan ang pagkapit ko sa kamay
niya." Naisagot ko.
"Siya ang gustong bumitaw, ginawa
mo ang lahat para mailigtas siya pero
siya ang may kagustuhang mamatay
siya, well iyon ang conclusion ko not
until nalaman kong buhay pa pala
siya." Napapailing siyang nagpunas
ng mga luha. "Don't depend yoyr
happiness to someone kasi talagang
masasaktan ka."
Hindi na ako nagtaka kung bakit alam
niya ang bagay na 'yon. Mahilig
siyang humanap ng mga sagot sa
katanungan niya at alam kong isa
iyon sa mga tanong niya.
Binalot kami ng katahimikan habang
pareho kaming panay ang singhot.
"Sa loob ng dalawang taon puro
pagluluksa ang ginawa ko dahil
buong akala ko wala na siya at
ngayong buhay siya ay hindi ko alam
ang dapat na maramdaman."
Pagbasag ko sa katahimikan.
"Patawarin mo ang sarili mo Anton,
pilitin mong magmove on sa mga
nangyari two years ago dahil hindi
maganda anh epekto n'on sa'yo
ngayon." Hindi ako nakakibo.
Hindi ko alam kung paano
papatawarin ang sarili ko at kung
kailan mawawala ang pagsisising
nararamdaman ko kapag naiisip ko
ang pangalan niya. Pero ngayong
alam kong buhay siya ay hindi ko
mapigilang makaramdam ng sama ng
loob dahil sa dami ng bakit na gusto
kong masagot.
Napatingala ako ng bigla siyang
tumayo at muling bumalik sa dala
niyang bangkang de motor.
Nakatingin lang ako sa kanya ng
bumalik siya sa pwesto ko na may
dalang folder.
"Pumasok tayo sa loob ng bahay may
importante akong sasabihin sa'yo."
Tugon niya gamit ang seryosong
boses at alam kong kapag ganito ang
tono nya ay seryosong trabaho ang
sasabihin niya.
Inayos ko ang sarili ko bago ako
sumunod sa kanya papasok sa
bahay. Tahimik lamang kaming
magkapanabay na naglakad papasok
at agad na diretso sa sala.
Napabuntong hininga ako ng maupo
dahil naalala ko na naman si Second.
Namimiss ko na agad siya.
Mabilis konh pinahid ang mga luha
kong lalabas na naman sa mata.
Nakakainis na mga luha!
"Kailan maging handa ka, I'm happy
dahil nakita ko na ang pagiging
vulnerable mo pero sa ganitong
pagkakataon ay hindi 'yon dapat ang
pairalin mo. Ibalik mo ang dating
Anton na matapang at walang
kinakatakutan." Payo niya sabay abot
sa'kin ng folder na hawak niya
kanina.
Nanginginig na kinuha ko iyon at
dahan dahang binuklat.
"Aksidente kong napanood ang
video'ng nasa USB na binigay mo
kay General bago kayo umalis at
pagkatapos n'on ay agad akong nag-
imbestiga, lahat ng koneksyon ko
ginamit ko na para malaman ang
lahat." Panimula niya habang ako ay
nakatulala lang sa mga larawan na
nandoon sa loob ng folder. Puro
larawan ni Galero.

"Si Winx Galero ang nasa CCTV


footage at ang nagplano sa
pagsalakay sa bahay mo. Siya rin
ang nagdala sa New York ng
babaeng nakaencounter niyo sa bar,
tinorture siya at pinatay. Siya rin ang
punot dulo ng paglinlang sa'yo sa
hotel na nagsasabing lumabas si
Second noon sa condo niya para
iparating sa'yo na kaya ka nilang
kalabanin. Bigla nalang siyang
nawala bago pa man namin
pagplanohan na hulihin siya. He's an
expert againt and a great hacker,
pinasok niya ang ganitong field dahil
gusto niyang tulungan ang amo niya."
Hindi na ako nagulat dahil sa mga
sinabi niya dahil lahat ng 'yon ay
naobserbahan ko na kay Galero.
Simula palang ng sabihing siya ang
head ng security team ay naghinala
na ako sa mga kilos niya at iyon ang
sinasabi ng instinct ko na minsan ay
hindi pa nagkamali pero pinabayaan
ko lang dahil alam kong siya ang
magdadala sa'kin sa amo niya.
Sunod kong binasa ang huling pahina
at tumambad sa'kin ang mukha ni
Lorette, may date kong kailan ito
nakuhanan at ang nakalagay ay
noong isang linggo hanggang sa
paglabas nito sa NAIA.
"Lorette Alegron, siya ang amo ni
Galero at oo buhay ang bestfriend mo
na ipinagluksa mo sa loob ng
dalawang taon. Simula ng dalhin mo
siya sa hospital ay nabuhay siya pero
habang nagkakagulo sa
pagkakataong 'yon ay sumalisi si
Galero at kinuha ang katawan niya.
Planado ang lahat, simula sa
pagkahulog siya sa building,
pagbagsak niya sa garbage truck at
pagdodonate kuno ng puso." Kitang
kita ang pagkuyom ng mga mata niya
habang sinasabi sa'kin ang mga
impormasyon na 'yon. Samantalang
ako ay hindi pa rin maabsorb lahat ng
sinabi niya.
"Sino ang nagdonate ng puso?" Pilit
kong naitanong halos bulong nalang
iyon na lumabas sa bibig ko.
"Isa sa mga taong nasali sa
aksidente at dahil wala na naman
daw itong babalikang pamilya dahil
namatay sa mismong aksidente rin ay
minabuti nalang na ibigay ang puso
niya sa taong gusto pang mabuhay.
Ang katawan niya rin ang nacremate
that time at hindi ang kay Lorette.
Nice plan actually, pinupuri ko sila sa
effort at talino nila na alam kong si
Galero ang nagplano." Sarkastikong
tugon niya at pabalang na umupo.
"Tangna, baliw na baliw ako kay Third
Castillion pero wala sa hinagap ko na
magiging ganyab ako kadesperada
para lang makuha ang pagmamahal
ng lalaking hindi nga ako tinatapunan
ng tingin. At least naman kasi 'yong
panlalandi ko kay Third ay
nagreresponse siya at nag-eenjoy."
Komento niya pa habang ako ay titig
na titig pa rin sa mukha ng matalik
kong kaibigan. Masaya siya sa
larawan at tila hindi nangyari ang
nangyari noon sa kanya dalawang
taon na ang nakakalipas.
"Gan'on ba talaga niya kamahal si
Second para ipahamak niya ang sarili
niya? Muntik na siyang mamatay that
time." Usal ko.
"Hindi 'yon pagmamahal, obsession
'yon. Obsess siya kay Second at
alam niyang hindi siya mamamatay
kaya ginawa niya 'yon tapos ngayong
hindi niya makuha ay gusto nalang
niyang patayin, lakas makaJudy Ann
Santos ng motto niya. Walang
liligaya." Sinundan niya 'yon ng
malakas na tawa.
"She's been in New York for two
years at siya ang nagpapadala ng
mga threat kay Second?"
"Hindi lang kay Second dahil kasali
ka sa mga pinapadalhan ng threat."
Kontra niya.
"Bakit niya ginagawa sa'kin 'to?"
"Duh, hindi pa ba obvious na gusto
ka niyang mawala dahil ikaw ang
hadlang para mapasakanya ai
Second. Ikaw lang ang tumuturing na
precious gem ang pagkakaibigan niyo
pero sa kanya ay basura 'yon.
Walang kwenta."
Naikuyom ko ang mga kamao ko
dahil sapol na sapol ako sa mga
sinabi niya. Siguro nga totoo iyon
dahil kung may pagpapahalaga siya
sa pagkakaibigan namin ay hindi niya
gagawin 'to. Mas pinili niya ang isang
lalaki kaysa pagkakaibigan namin.
Ang sakit. Ang sakit sakit ng
katotohanan na ako lang 'yong
nahirapan sa mga panahong wala
siya samantalang siya ay nagpaplano
kung paano ako papatayin.
"Nandito na siya sa Pilipinas dahil
siya na ang gagalaw at hindi na si
Galero."
Napatayo ako at mabilis na nagtungo
sa silid para ayusin ang mga gamit
ko. Pagkatapos n'on ay lumabas ako
at humarap kay Gale.
"Lets go, babalik na ako syudad total
alam ko na kung sino ang kaaway
kaya wala ng rason para magtago.
Isa pa wala si Second sa'kin ngayon
kaya wala akong aalalahanin."
Determinadong tugon ko.
Napag-isip isip ko na kailangan ko na
siyang harapin kung ako nga talaga
ang pakay niya bago pa man siya
makalapit kay Second.
Pinili niya ang pagmamahal niya sa
isang lalaki kay pagkakaibigan namin
pwes pipiliin ko rin si Second kaysa
pagkakaibigan namin.
Inilock ko ang bahay bago sumunod
kay Gale sa pagsakay sa dala niyang
bangka. Siya rin ang nagpaandar
niyon para makaalis kami sa isla.
"Anong plano mo?" Tanong ni Gale.
"Haharapin ko sila."
"Hindi ka pwedeng sumugod ng
basta basta." Aniya.
"I know, magpapanggap akong
walang alam."
"Nandito lang ako kapag kailangan
mo ng back up."
Napatingin ako sa kanya habang
naluluha. Niyakap ko siya ng
mahigpit.
"Thank you." Bulong ko.
"You are always welcome, so
friends?" Inialok niya sa'kin ang
kamay niya habang natatawa.
Masaya ko iyong inabot at
nakipagkamay sa kanya. "Friends."
Naalala ko si Lorette. Masakit para
sa'kin ang gagawin ko dahil kahit
hindi niya ako pinili ay itinuring ko
siyang kaibigan, kapatid at magulang
pero siguro nga ito ang realiadad ng
buhay. You can't trust anyone than
yourself.
Naniniwala akong kapag masyadong
malapit ang pagkakaibigan ng
dalawang tao ay dadating talaga ang
panahon na may sisira n'on. At ito na
siguro ang unos sa pagkakaibigan
naming dalawa.
Pag-ibig.
Iyon ang nagwasak sa'min dahil hindi
niya nahandle ang nararamdaman
niya.
Nang masigurong komportable na
ako sa kinauupuan ko ay binuksan ko
ang cellphone at laptop ko. Napangisi
ako ng makita ang red dot na nasa
mapa ng cellphone ko.
Kung tuso sila mas tuso ako.
Kitang kita ko ang red dot na hindi
gumagalaw. Siguro nagkita na silang
dalawa ngayon. Nilagyan ko ng
tracking device lahat ng gamit ni
Galero ng hindi niya namamalayan
dahil simula ng una siyang ipakilala ni
General ay duda na ako sa kanya.
Kaya pala simula ng maisali ang
team nila sa kasong hawak ko ay
palagi na akong palpak dahil
sinasabutahe ako.
Ngayon siya ang magdadala sa'kin
kay Lorette.
Dead or alive sisiguraduhin kong
magiging malaya si Second sa
kapahamakan.

---------------------------
--

Chapter 37

"GUSTO kong makita si Queen,


gusto ko siyang makita!" Panay ang
sigaw ko habang nagwawala ako sa
kwarto ko.
Lahat ng mahawakan ng kamay ko
ay tinatapon ko dahil sa sobrang galit.
Halos dalawang linggo na simula ng
makauwi ako dito ng hindi ko
namamalayan at halos dalawang
linggo ko na ring hindi nakikita si
Queen. Para akong mababaliw sa
sobrang pagkamiss sa kanya lalo at
hindi ako pinapayagang lumabas.
Palaging nakabantay sa'kin si Daddy
o di kaya ay mga kapatid ko.
Sa bawat araw na lumilipas na hindi
ko siya nakikita ay nadadagdagan
ang kabang nararamdaman ko. Only
god knows what her doing right now,
kung okay ba siya o kung ligtas ba
ang lugar na kinaroroonan niya.
Naiiyak ako habang sumasagi sa isip
ko ang nakangiti niyang mukha at
ang paglalambing niya. Natatakot ako
at baka hindi ko na makita ang mga
'yon. 'Yong mga mata niyang
misteryoso pero kapag masaya ay
kumikinang. Natatakot ako na baka
hindi ko na marinig ang mga banat
niyang mas nakakakilig pa kaysa sa
mga sinasabi ko sa kanya.
I really miss you my Queen.
Ibinalibag ko ang lampshade na
nahawakan ko at binato iyon sa
pintuan. Hindi ako titigil sa
pagwawala hanggat hindi nila ako
dinadala kay Queen, hanggat hindi ko
siya nakikita.
"Gusto ko siyang makita!" Sigaw ko,
bumukas ang pinto at nakita kong
pumasok si Kuya. Agad akong
tumakbo papunta sa nakabukas na
pinto pero bigla niya akong hinarang.
"Stop it Segundo." Seryoso niyang
tugon habang tinutulak ako papasok.
"Ano ba! Lalabas ako dahil
pupuntahan ko si Queen." Sigaw ko
sa kanya, wala akong pakialam kahit
na maging bastos ako sa harapan
niya. Si Queen lang ngayon ang nasa
isip ko.
"Hindi ka lalabas." Madiin niyang
tugon.
Sa galit ko ay kwinelyuhan ko siya,
magkasing laki lang ang katawan
namin kaya kayang kaya ko siya.
"Wala kang pakialam dahil buhay ko
'to." Galit na galit ako. Bakit nila ako
kinukulong dito gayong kaya ko ang
sarili ko, may sarili akong isip.
"May pakialam ako dahil kapatid ka
namin."
Umiling ako at itinulak siya dahilan
para magkaroon ako ng pagkakataon
na makadaan. Ilang hakbang palang
ang nagagawa ko palabas sa kwarto
ko ng magsidatingan ang mga
kapatid ko kasama si Daddy.
Umigting ang panga ko ng pigilan ako
ni Third sa braso.
"Makinig ka naman sa'min, ginagawa
namin 'to para sa kaligtasan mo."
Tugon niya. Umiling ako at pilit
tinatanggal ang mahigpit niyang
hawak sa braso ko.
"Wala akong pakialam kahit
mapahamak ako masigurado lang na
ligtas siya." Patuloy sa pagdaloy ang
mga luha ko dahil sa pinaghalong
galit at pag-aalala.
"Siya ang may gusto nito at kung
susuwayin mo siya ay mababalewala
lahat ng pinaghirapan niya masiguro
lang na ligtas ka." Sabat ni Fourth,
sinamaan ko siya ng tingin at
malakas na itinulak si Third.
"Mas gugustuhin ko pa na ako ang
mapahamak kaysa ang hayaang
masaktan siya."
Akmang hahawakan na naman nila
ako ng magwala ako. Ano bang hindi
nila maintindihan sa kagustuhan kong
makita si Queen? Hindi nila
nararamdaman ang nasa kalooban
ko ngayon kaya gan'on sila umasta.
"Fuck! Seven wag mong tuturukan si
Second." Galit na sigaw ni Kuya.
Doon ako napabaling kay Seven na
may dalang syringe. Hawak hawak
niya ang kamay nito na akmang
ilalapit sa'kin.
"Pero Kuya kailangan niya 'to para
kumalma." Aniya.
"No, hindi siya tuturukan ng kahit na
ano, hayaan niyo siyang magwala
lilipas din 'yan."
Nagdilim ang paningin ko kaya
nasapak ko si Kuya. Napakadali lang
sabihin para sa kanya. "Lilipas? Bakit
ganyan kayo sa'kin? Bakit hindi niyo
maintindihan na gusto kong
masigurong ligtas siya."
Nakaramdam ako ng panghihina
dahil sa paghikbi ko. Yumuko ako at
sumandal sa pader. "Naranasan mo
na rin 'to Kuya kaya alam kong
naiintindihan mo ako, mahal ko 'yong
tao at hindi ako matatahimik sa
isiping pwede siyang mapahamak."
Itinakip ko ang mga braso ko sa
mukha.
Kuyom ko ang mga kamao sa
pagpipigil ng emosyon. Miss na miss
ko na si Queen at sa loob ng
dalawang linggo para akong araw
araw na pinapatay lalo kapag
nagigising ako na wala siya sa tabi
ko.
Noong nasa isla kami ay masaya
pero bigla nalang nagkaganito. Akala
ko ayos na noong huli kaming mag-
usap pero hindi ko naisip na
hahayaan niya akong sumama kina
Daddy. Kung alam ko lang sana hindi
nalang ako natulog. Sana hindi ako
nadala pauwi dito.
"Mamamatay ako kapag nasaktan
siya, ako 'yong lalaki kaya ako dapat
ang nagtatanggol sa kanya. Ako
dapat ang nasa sitwayson niya
ngayon." Basag na basag na ang
boses ko pero hindi ko alintana ang
pagkawasak ko sa harap nila. They
are my family at kung hindi man ay
wala pa rin akong pakialam.
Pag-iyak nalang ang kaya kong
gawin ngayon para kahit papaano ay
maibsan ang pangungulila ko sa
kanya. I'm a crybaby but the hell I
care.
"I understand pero mas mahalaga
ang kaligtasan mo." Sagot ni Kuya.
Umiling iling ako dahil hindi ako sang-
ayon sa sinabi niya. "Hindi man ako
mapahamak sa kamay ng mga taong
gustong pumatay sa'kin, ako naman
ang tatapos sa buhay ko kapag
napahamak siya." Determinadong
tugon ko. Kayang kaya ko 'yong
gawin, kapag nawala siya sa'kin ano
pa ang dahilan para mabuhay ako?
Kaya kong maging masaya at
mabuhay araw araw kahit araw araw
rin akong habulin ni Kamatayan basta
nasa tabi ko lang siya.
Kung maging ligtas naman ako ay
baliwala kung masasaktan naman
siya at mawawalay sa'kin.
She's my life, my Queen.
"Sana hindi nalang kayo
nagsipagbinata, mabuti pa noong
maliliit pa kayo puro kakulitan lang
ang kaya niyong gawin hindi 'yong
ganito." Dinig kong tugon ni Daddy.
Bumaling ako sa kanya at yumakap
sa mga binti niya. "Please dad, dalhin
mo ako kay Queen." Pagmamakaawa
ko.
"Gustuhin ko man anak ay hindi rin
namin alam kung nasaan ngayon si
Agent Santez, hindi na siya
nagparamdam simula noong umalis
tayo sa isla."
Para akong nauupos na napaupo sa
sahig. Ramdam ko ang kirot sa puso
ko dahil sa kalungkutan at pag-aalala
sa kanya. Namamanhid ang ulo ko sa
pag-iisip ng paraan kung paano ko
siya makikita. Hinding hindi ako
mapapanatag kapag hindi ko siya
nahanap.
Tumayo ako dahil kung hindi nila
alam kung nasaan si Queen pwes
ako ang hahanap sa kanya. Kayang
kaya kong libutin ang buong mundo
mahanap lang siya at maibalik sa tabi
ko.
"Putangina! Second sinabi ng hindi
ka pwedeng lumabas ng bahay na
'to." Dumagundong ang malakas at
galit na sigaw ni Kuya First sa buong
kabahayan. "Makinig ka naman, hindi
katigasan ng ulo mo ang solusyon
dito."
"Bakit noon ba pinakialaman ko ang
desisyon mo?" Balik sigaw ko.
"Noong ginawa mo ang mali dahil sa
pagmamahal mo kay Princess Mimi
diba hindi naman ako nagbawal
sa'yo? Wag kang umastang perpekto!
Nagmamahal lang ako."
"Naiintindihan kong nagmamahal ka
pero intindihin mo rin ang
nararamdaman ng mga magulang
natin, ng mga kapatid natin."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
Napatingin ako kay daddy na nag-
iwas ng tingin pero hindi nakatakas
sa paningin ko ang luha sa mga mata
niya gan'on din ang mga kapatid ko.
Mas lalong dumoble ang bigat na
nakadagan sa dibdib ko dahil sa
nasaksihan ko. Sapol na sapol sa
kalooban ko ang mga salitang sinabi
niya.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil
gulong gulo na ako at hindi ko na
alam ang gagawin.

LUMIPAS ulit ang ilang mga araw


pero na hindi ko magawang lumabas
ng bahay lahit na gustong gusto ko.
Naaawa ako kay mommy at daddy
dahil minsan ko silang nakitang
umiiyak dahil sa nangyayari sa'kin.
Umiiyak ako gabi gabi dahil sa
pangungulila sa kanya pero hindi ko
magawang maging makasarili ngayon
dahil nanghihina ako kapag nakikita
ang lungkot sa mga mata ng mga
magulang ko.
Halos magmamadaling araw na pero
hindi pa rin ako makatulog. Panay
ang iyak ko kahit anong pigil ko sa
mga luha ko.
Nakakabakla minsan dahil kalalaki
kong tao pero napakababaw ng mga
luha ko. Ganito lang naman ako
kapag si Queen ang pinag-uusapan.
Siya ang nagpapalambot sa'kin kahit
madalas siyang malamig.
Padabog akong tumayo mula sa
pagkakahiga sa kama para magpunta
sa kusina at kumuha ng beer. Gabi
gabi kailangan kong magpakalasing
para lang dalawin ng antok.
"Pupunta ka d'on?"
Kumunot ang noo ko at natigilan sa
paghakbang ng nasa bukana na ako
ng kusina dahil sa galit na boses ni
Third. Hindi siya sumisigaw pero
puno ng diin ang bawat salita niya.
Tahimil ang buong kabahayan ang
tanging ang kusina lamang ang
bukas ang ilaw.
"Kailangan ako ni Anton."
Doon tuluyang naagaw ang atensyon
ko. Pinag-uusapan nila si Anton, si
Queen.
"At mapapahamak ka rin?" Asik ni
Third.
Nakatayo lamang ako sa bukana at
sinigurado kong hindi nila ako
makikita.
"Kaibigan ko siya Intoy at hindi ko
siya pwedeng pabayaan." Angal pa
rin ni Gale, siya ang kausap ng
kapatid ko.
"Tsk. I know pero paano kung
mapahamak ka?"
"Ide mapahamak, pupuntahan ko na
siya ngayon dahil sisimulan na ang
plano niya."
Nadinig ko ang mga hakbang nila
papalabas ng kusina kaya
nagmamadali akong nagtago sa likod
ng vase na nasa gilid para hindi nila
ako makita.
"Malayo ang hotel na 'yon at
madaling araw na baka mapa'no ka
sa daan, paano kung maligaw ka?"
Galit pa rin si Third.
"May address ako dito kaya alam
kong makakarating akong buhay
d'on."
Mariin akong napapikit at nagkaroon
ng pag-asa ng marinig ang sinabi
niya. May address siya? Kung gan'on
ang kailangan ko lang gawin ay kunin
sa kanya ang address na 'yon at
kapag nagawa iyon ay makikita ko na
ulit si Queen.
Syaka lang ako lumabas sa
pinagtataguan ko ng makalabas na
sila ng bahay. Sumunod ako at
nagtago sandali sa trabaho. Ihinatid
ni Third palabas si Gale, may dala
itong motor.
"Be careful, gaga ka pa naman." Sabi
ni Third.
"Gago ka naman."
Napatingin ako sa medyo maikling
kahoy na nasa ilalim ng kotse ni Fifth
na siyang tinataguan ko. Pinulot ko
iyon at pigil ang hininga ko hanggang
sa makapasok ulit sa bahay si Third.
Dahan dahan akong tumakbo
palabas ng gate kung nasaan si Gale.
Binubuhay palang nito ang motot na
dala at napabaling pa sa'kin ng
makita ako.
Itinaas niya ang salamin ng helmet na
suot. "O, bayaw bakit nandito ka sa
labas? Gabi na."
Hawak ko ang kahoy at itinago ko
iyon sa likod ko. Lihim na akong
humihingi ng tawad sa kanya dahil sa
gagawin ko. Alam kong magagalit
sa'kin ang lahat pero ito na ang
pagkakataon para makita ko si
Queen at masigurong ligtas siya.
"Ahm. Saan ka pupunta?" Alanganing
tanong ko. Alam ko kung saan siya
pupunta pero kailangan ko siyang
libangin kahit saglit.
"Basta, pumasok ka na sa loob at
baka may nakaabang sa'yo dito."
Pagtataboy niya sa'kin.
"Sorry." Tugon ko, bumakas ang
pagtataka sa mukha niya pero bago
pa man siya makapagtanong ay
iniangat ko na hawak kong kahot at
pinukpok iyon sa ulo niya.
"Damn! I'm really sorry kailangan ko
lang talagang gawin 'to." Bulong ko,
sinalo ko ang katawan niya dahil
nawalan siya ng malay.
Sana talaga hindi siya napuruhan sa
lakas ng hampas ko.
Inilapag ko siya sa front door at dali
daling kinapa sa bulsa ng jeans niya
ang address na tinutukoy niya pero
wala iyon doon. Kinapa ko rin ang
suot niyang leather jacket at doon
may nakapa akong maliit na papel.
Mabilis ko 'yong kinuha at ng
mabasang isa iyong address ng isang
lugar ay mabilis rin akong lumabad.
Napabuntong hininga bago sumampa
sa motor. Nandoon pa rin ang susi
kaya nakahinga ako ng maluwag.
"I'm coming my Queen." Bulong ko at
agad na pinaharurot ang motor.
Nakasuot lang ako ng simpleng V
neck shirt at boxer.
Tangna! Hindi manlang ako
nakapagbihis.
Tahimik na ang mga kalsadang
dinadaanan ko pero hindi ako
nakaramdam ng kahit anong takot.
Para sa babaeng mahal ko itong
ginagawa ko kaya alam kong
magagawa ko 'to.
Wala sa hinagap ko na mababaliw
ako ng ganito sa isang babae. Na
magmamahal ako ng sobra sobra na
tipong mas mahal ko pa siya kaysa
sa sarili ko. Matagal na akong may
nararamdaman sa kanya pero pilit ko
iyong kinalimutan sa matagal na
panahon pero sa huli siya pa rin
talaga ang tinitibok ng puso ko.
I really love her at magiging masaya
akong mamatay kung ang dahilan ay
kaligtasan niya.

---------------------------
--

Chapter 38

Malapit na po tayong matapos. :)


Konting tiis nalang at sisimulan ko na
ulit ang Third Castillion pagkatapos
nito.
Thank you for reading.
-Kuyajen
ABALANG abala ako sa paglocate
kung nasaan na ngayon si Galero.
Tangna! Halos lalagpas na ang isang
buwan sa paghahabulan namin. Alam
ko na ngayong alam niyang may
nailagay akong tracking device sa
mga gamit niya dahil nililinglang niya
ako kung nasaan siya ngayon. Lahat
ng location na sinasabi ng device ay
napuntahan ko pero wala akong
naaabutan na Winx Galero at Lorette
Alegron.
Ngayon kailangan ko silang hanapin
sa sariling sikap ko. Gusto ko ng
tapusin ang lahat dahil miss na miss
ko na si Second, halos hindi ako
nakakatulog gabi gabi dahil hindi siya
mawala sa isip ko. Namamalayan ko
nalang na umiiyak ako habang iniisip
siya. Mag-isa lang ako sa hotel suite
na ito kaya damang dama ko ang
lungkot.
Nabitin sa ere ang mga daliri ko na
abala sa keyboard ng laptop dahil sa
nadinig kong doorbell. Agad akong
tumayo dahil baka nandyan na si
Gale, ngayon siya pupunta dito dahil
dadalhin niya ang mga gamit
nakakailanganin ko, tulad ng mga
baril at bala.
"Ang tagal mo---" napanganga ako at
namanhid ang buong katawan ko ng
makita kung sino ang nasa pinto,
hindi siya Gale tulad ng inaasahan ko
kundi si Lorette.
Alam na alam kong buhay siya base
sa lahat ng impormasyon na nakalap
ko pero hindi pa rin nakatakas sa'kin
ang makaramdam ng pagkabigla at
kakaibang emosyon. Gustong gusto
ko siyang yakapin dahil miss na miss
ko na siya, sa maling paraan man
niya ipinalabas na patay na siya ay
lihim akong nagpapasalamat na
buhay siya kahit alam kong
kapahamakan ko ang gusto niya.
Naikuyom ko ang kamao ko para
pigilan ang sarili ko na umiyak sa
harap niya. Malaki na ang pinagbago
niya, ang dating masayahing mga
mata ay wala ng buhay, walang
emosyon na pinapakita ang mukha
niya at dama ang panlalamig.
She's wearing a red fitted dress with
lacy strap. Magandang magand na
ang katawan niya at tila matagal
talagang inalagaan.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko
habang nakikipagtitigan sa kanya.
Ganito pala ang pakiramdam na
makitang buhay ang taong akala mo
ay patay na pero kahit anong
kagustuhan kong yakapin siya ay
alam kong mali iyon dahil hindi na
kami tulad ng dati, hindi na kami
magbestfriend dahil pumapagitna
sa'min ang galit niya.
"Long time no see, bessy."
Sarkastikong bungad niya.
Punong puno ng pagkamuhi ang
tinging ipinupukol niya sa'kin. Palihim
kong kinapa ang baril sa likod ng
bewang ko pero napamura ako ng
wala akong makapa. Naiwan ko sa
ibabaw ng kama.
Akmang ibubuka ko palang ang bibig
ko para sumagot ng bigla niya akong
sampalin. Pumaling ang ulo ko dahil
sa lakas n'on.
"Mukhang naging masaya ka noong
nawala ako." Aniya, pareho pa rin
kaming nakatayo sa may pintuan.
Sa kabila ng lahat ay matalik na
kaibigan pa rin ang turing ko sa
kanya, mahal ko siya bilang kapatid
at kapamilya pero hindi ko dapat siya
pagbigyan dahil hindi na tama ang
ginagawa niya, nagiging kriminal na
siya at malayong malayo iyon sa
kung ano siya dati.
Inigkas ko ang isang kamay at
sinapka siya sa mukha, mabilis ang
naging paggante ko kaya hindi niya
nailagan. I don't slap, sumusuntok
ako.
"Mukhang hiyang ka sa
pangangalaga ni Galero."
Sarkastikong ganti ko.
Puta! Ni wala sa panaginip ko na
hahantong kami sa ganitong
sitwasyon na kami mismong dalawa
ang pagkakasakitan.
Sumidhi ang galit na ibinubuga ng
mga mata niya. "Mang-aagaw ka."
Sigaw niya.
"Wala akong inagaw sa'yo, sa lahat
ng pagkakataon sa ating dalawa, ako
palagi ang nagpaparaya ako palagi
ang nagbibigay kaya wala kang
karapatang sabihin na mang-aagaw
ako dahil hindi totoo 'yan." Pagdidiin
ko sa lahat ng sabihin ko dahil
nagagalit ako sa kanya.

Sinong hindi makakramdam ng galit


kong ang itinuring mong kaibigan ay
kaaway pala ang tingin sa'yo dahil sa
putanginang pagmamahal na 'yan.
Itinapon niya lahat ng meron kami
dahil lang sa isang lalaki.
"Kung wala sana masaya na kami
ngayon ni Second."
Napatawa ako pero hindi ko napigilan
ang pagtakas ng luha sa mga mata
ko. Sa kabila ng galit ko ngayon ay
nasasaktan ako para sa kanya.
Matagal siyang nabuhay sa
imahinasyon na gawa ng isip niya.
Matagal siyang nabuhay na sila ni
Second kahit ang totoo ay wala.
Matagal siyang umasam ng isang
bagay na hinding hindi
mapapasakanya dahil sa simula
palang ay wala na siyang mapapala.
Napakadesperada niya.
"Kahit wala ako at kahit hindi tayo
naging magkaibigan ay hinding hindi
siya magiging sa'yo dahil hindi ka
niya kahit kailan mamahalin." Galit
siyang sumigaw habang kuyom
kuyom ang mga kamao.
"Hindi naman talaga tayo naging
magkaibigan, simula palang hindi na
kita itinuring na kaibigan. Ikaw lang
iyong pinagsisiksikan ang sarili para
mapalapit sa'kin."
Sumikip ang dibdib ko dahil sa kirot
na naramdaman n'on dahil sa mga
sinabi niya tagos na tagos ang mga
salita niya at nasasaktan ako. Hindi
ako nakapagsalita.
"Malakas ka lang sa panlabas na
anyo pero ang totoo ay uto uto ka,
mahina ka at takot."
Kumawala ang hikbi sa bibig ko dahil
sa mga sinabi niya. "Itinuring kitang
kaibigan pero paano mo nagagawa
sa'kin 'to? Paano mo hinahayaang
siraan ang pagkakaibigan natin ng
dahil lang sa lalaki?" Puno ng
hinanakit na tugon ko.
Ngumisi sya. "Dahil lang sa lalaki?
Bakit simpleng lalaki lang ba para
sa'yo si Second Castillion?"
Natigilan ako sa naging tanong niya.
Simpleng lalaki lang ba para sa'kin si
Second? No, hindi siya simpleng
lalaki dahil kung simpleng lalaki lang
siya para sa'kin ay hindi ko
magagawang ipain ang sarili ko
masiguro lang na matigil ito at
maging ligtas siya. Kung simpleng
lalaki lang siya ay hindi ko
mararamdaman ang kagustuhan na
talikuran ang pagiging matalik naming
magkaibigan ni Lorette para sa
kanya.
Somehow, ngayon naiintindihan ko si
Lorette kung bakit niya nagagawa
ang lahat ng ito. Mahal na mahal niya
si Second sabi nga ng ilan na lahat
ng bagay na imposible ay maaaring
maging posible kapag pag-ibig ang
pinag-uusapan. Sadyang
nakatadhana lang siguro talaga na
magmahal kami ng iisang lalaki.
"Hindi ka makasagot? Dahil mahal
mo siya at kahit sabihin mong
nagparaya ka noon ay sa'yo pa rin
ang bagsak niya dahil malandi ka."
Halo halong galit, pagtitimpi at
lungkot ang mababakas sa boses
niya.
Pilit mong ibinubulong sa sarili ko na
labanan siya ng patayan kung
kinakailangan pero may parte pa rin
sa'kin na hayaang mamatay sa mga
kamay niya. Hindi madali itong
desisyon ko dahil kailangan kong
pumili sa kanila ni Second.
Hahayaan kong mamatay sa kamay
ni Lorette ng hindi lumalaban para
patunayan na tunay na kaibigan niya
ako pero mapapahamak ng tuluyan si
Second o lalaban ako ng patayan at
papatayin ko siya ng totohanan para
maging malaya si Second sa
panganip pero mawawala naman
sa'kin si Lorette.
"Sa'yo na nanggaling na kahit anong
pagpaparaya ko pilit kaming
pinaglalapit at ibig sabihin lamang
noon ay kami ang para sa isa't isa."
Tugon ko dahilan para mas lalo
siyang magliyab sa galit. Bumulot
siya ng baril at itinutok sa noo ko.
Napasinghap ako dahil sa bilid ng
galaw niya. Nakangisi siya na parang
demonyo habang nanunuyang
nakatingin sa mga mata ko.
"Kung gan'on magsasama kayo sa
impyerno."
Kinalabit niya ang gatilyo pero mabilis
akong nakaiwas, nanggigil siya sa
nangyari at inataki ako ng sipa.
Tumakbo ako patakbo sa kwarto ko
pero hindi pa man ako tuluyan
nakakapasok ay nakarinig ako ng
isang putok ng baril at ang pagsidhi
ng init sa kaliwang hita ko, tinamaan
niya ako.

"Hindi ka makakatakas sa'kin." Para


siyang nawawala sa sarili habnag
sumusigaw at pinagbabaril ang
buong paligid.
Napangiwi ako pero mabilis kong
nadamba ang baril na nasa kama ko
kahit na iika ikang tumakbo. Ikinasa
ko iyon at nagtago sa likod ng pinto.
Panay pa rin ang pamamaril niya sa
labas. Napatiim bagang ako dahil
wala na talaga itong atrasan.
Nagpasya na ako at hindi na
magbabago 'yon, kailangan ko siyang
harapin para sa kaligtasan ni Second.
Pumihit ang door knob pabukas kaya
ihinanda ko ang sarili ko. Pagpasok
niya ay agad ko siyang sinikmuraan.
Naluluha ako dahil ayoko mang
saktan siya ay kailangan. Pagod na
pagod na rin akong magparaya sa
mga bagay na pareho naming
nagugustuhan.
Simula pagkabata ng ituring ko
siyang kaibigan ay lahat ng gusto
niya binibigay ko kung kaya ko.
Ginusto niya noong maghiwalay kami
sa college kaya pumasok ako sa
training para maging agent, ginusto
niya noong maging valedectorian
noong high school at gusto ko rin
pero sa huli ako ang nagpakumbaba.
Hindi ko siya kinalaban sa lahat ng
activities at performances sa school
para maging numero uno siya, sapat
na sa'kin ang maging pangalawa
basta maging masaya siya pero sa
ganitong pagkakataon may karapatan
naman siguro akong maging
makasarili dahil sobra sobra na ang
naibigay ko.
Hindi ako humihingi ng kahit anong
kapalit sa mga nagawa ko dahil bukal
iyon sa loob ko pero hindi ko
nagugustuhan ang nangyayari sa
kanya ngayon.
"Shit!" Dinig kong mura niya ng
mabitawan niya ang baril niya.
Umataki siya sa'kin at
nakipagsuntukan pero hindi ako
tanga. May baril ako kaya binaril ko
siya sa kanan niyang braso.
Napasigaw siya pero nagmitulan
akong bingin at inataki siya ng sipa at
tumama iyon sa sikmura niya.
"Ilang taon akong namuhay na
pumapatay ng tao kaya kayang kaya
kitang ibaon ngayon sa lupa." Tugon
ko sa pinakakalmadong boses.
Ngumisi siya at tila hindi alintana ang
sakit na dulot ng bala at sipa ko.
"Well, ako namuhay na mamamatay
tao." Humalakhak siya. "Mas tuso ako
sa'yo."
Pagkasabi n'on ay siya namang
naramdaman kong may kung anong
bumaon sa batok ko. Mabilis ko iyong
kinapa at hinablot ang bagay na
tumusok sa'kin. Isa iyong maliit na
syringe, lumingon ako sa likod ko at
doon nakita ko ang seryosong mukha
ni Galero na nakasampa sa glass
window ng hotel suite ko.
"Damn---" bigla akong nakaramdam
ng hilo at panlalambot ng tuhod.
Mariin akong pumikit at namalayan ko
nalang ang sarili ko na bumagsak sa
sahig. Nakapikit ang mga mata ko
pero nadidinig ko ang mga
nangyayari sa paligid.
Wala akong kakayahang igalaw ang
buo kong katawan dahil para lang
iyong mga paralisado. He drug me!
Hinawak ni Lorette ang baba ko
habang nakasalampak ako sa sahig.
Namamanhid ako kaya hindi ko alam
kong madiin ang pagkakahawak niya
sa'kin pero basi sa mabalasik niyang
anyo ay gan'on na nga.
"Matagal kong pinaghandaan ang
araw na ito kaya sisiguraduhin kong
hindi na makikita ang katawan mo."
Humalakhak siya at dinuraan ako sa
mukha. "Simula ngayon ay patay na
si Queen Antonia Santez, bigla ka
nalang maglalaho sa buhay ni
Second at magsisilbing alaala
nalang." Nakakakilabot niyang tugon.
Pabalang niya akong binitawan kaya
ang ulo ko ay malakas na tumama sa
sahig pero wala akong naramdaman
dahil patay ang katawan ko.
"Nakita mo ang pugot na ulo na
ipinadala ko? Gan'on ang gagawin ko
sa'yo, paghihiwala hiwalayin ko ang
buo mong katawan ang bawat araw
isang parte mo ang ipapadala ko kay
Second." Para lang siyang
naglelecture ng process ng
evaporation kung magsalita.
Nangilabot ako dahil naalala ko ang
nakakasukang pugot ulo na ipinadala
sa condo ni Second. Kung siya ang
nagpadala n'on ay hindi talaga
malabong 'yon rin ang maranasan ko
sa kanya.
Gusto kong sumigaw ng bigla niyang
dukutin ang bala na nasa hita ko
gamit mismo ang kamay niya pero
hindi ko maigalaw masku ang bibig
ko kaya nakulong na lamab iyon sa
bibig ko. Naiisip ko kung gaano
kasakit ang ginawa niya.
"Mas maganda kong mamamatay ka
ng paunti unti. Hmm." Hinaplos niya
ang ulo ko samantalang ako ay tulala
lang sa kanyang harapan at
nakahandusay pa rin sa sahig.
"Una kong ipapadala ay ang mga
mata mo." Tumawa na naman siya na
parang wala sa sarili. "Oops, limang
daliri nalang muna sa kanang para
para naman makita mo kung paano
ka unti unting makarne."
Naiisip ko palang na gagawin niya
sa'kin lahat ng mga sinasabi niya ay
nanaisin ko nalang na mamatay agad
kaysa ang maranasan ang labis labis
na sakit sa mga gagawin niya.
"W, lets go kaladkarin mo na ang
babaeng 'yan." Mataray niyang utos
at tumayo na, nauna siyang lumabas
samantalang si Galero ay lumapit
sa'kin.
Walang emosyon ang mukha niya,
malayong malayo sa pilyong head
security na nakilala ko noong una.
Walang kapilyuhan na mababakas sa
mukha niya at para siyang
reincarnation ni Satanas.
Natigilan siya sa paglapit sa'kin,
nadinig kong nagriring ang cellphone
ko.
Fuck! Wag mong sasagutin baka si
Gale 'yon at masali pa siya sa bagay
na 'to.
Gusto ko mang magprotesta ng
lumapit siya sa bedside table para
kunin iyon ay wala akong nagawa.
Naiiyak ako dahil pakiramdam ko
wala akong silbi pero pati mga luha
ko ay natuyo na rin at parang pati sila
ay nafreeze.
Nakatulala lang ako sa kisame ng
sagutin niya ang tawag.
"Shit! Anton tumakas si Second at
papunta na siya ngayon diyan, baka
mapahamak siya." Iyon agad ang
ibinungad ni Gale at damang dama
ko ang pangamba sa boses niya.
Nanginig ang katawan ko dahil sa
paglukob sa'kin ng sobrang takot
para kay Second. Papunta siya
ngayon ay kapag nagkaabot sila ni
Lorette ay katapusan na naming
dalawa. Hindi ko kakayaning makita
siyang pinapahirapan.
Please god, I'm begging not my King
please ako nalang. Ako nalang ang
aako ng lahat ng hirap wag niyo lang
hayaang masaktan siya.
Pinatay agad ni Galero ang tawag
pagkatapos ng sinabi ni Gale at
sadyang mapaglaro talaga ang
sitwasyon dahil siya namang
pagtunog ng doorbell.
Second. Nangangambang sigaw ko
sa isipan pero hindi ko nagawang
isatinig.
Please, please, please not my King.

---------------------------
--

Chapter 39

BASAHIN MUNA...
Please vote and comment. :) Sana po
ay kung magcocomment kayo wag
puro 'update please' 'UD na po' sana
po magbigay kayo ng mga reactions
for motivational purposes sometimes
kasi tinatamaan ako ng pagiging
nega at ang mga comment niya at
malaking tulong para mas maging
mabilis ang UPDATE ko. Thank you.
-kuyajen
TULALA ako habang mabibigat ang
mga hakbang papasok sa hotel suite
ni Queen na tinutukoy sa address.
Sira sira at magulong magulo ang
buong suite. Nilibot ko iyon at para
akong nauupos na kandila na
napaupo sa couch na wala rin sa
ayos.
Nasabunutan ko ang sarili ko dahil sa
sobrang pagsisisi at takot na
nararamdaman ko. Base sa hitsura
ng lugar ay alam kong may kumuha
sa kanya at alam ko rin na ang mga
taong 'yon ay ang nasa likod ng mga
banta sa'kin.
Tumuloy ako sa kwarto niya kahit na
nakita ko ng walang tao doon ay inulit
ko ulit baka hindi ko lang talaga siya
nakita, binuksan ko ang CR at closet
pero wala talaga siya. Walang Queen
na sumalubong sa'kin gamit ang
malalamig na mga mata.
Napasinghap ako at kulang nalang ay
mawala ako sa katinuan ng makita
kong may dugo sa sahig na malapit
sa kama at bukana ng pinto ng
kwarto. Hindi pa iyon tuyo at sariwa
pa.
Bullshit!
Panay ang mura ko sa sarili ko
habnag tumatakbo palabas ng hotel
suite at nagbabakasakaling
maabutan ko si Queen at kung sino
mang tumangay sa kanya.
Hindi sana mangyayari 'to kung mas
dinoble ko ang bilis ng pagpapatakbo
ko ng motor. Sana naabutan ko pa
sila at sana nagkaroon ako ng
pagkakataon na protektahan siya at
ipagtanggol para hindi masaktan.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng
suite ay sinalubong ako ng malakas
na suntok sa mukha dahilan para
matumba ako dahil hindi ko
napaghandaan. Bumungad sa'kin
ang galit na galit na mukha ni Third.
Nasa harap ko ang mga kapatid ko
ngayon na tanging mga pantulog lang
ang suot kasama si Gale na
tumatagos sa katawan ko ang talim
ng tingin.
"Putangina! Second, hindi ka ba nag-
iisip? Nagaw mong saktan si Gale
para lang tumakas at magpunta dito."
Sigaw niya. Hinawakan siya ni Kuya
First sa balikat.
Si Gale ay mabilis na pumasok at
hinalughog ang buong lugar habang
hawak ang isang baril.
"Tangina! Wala na si Anton." Sigaw
niya.
"Kung hindi ka kasi nagmagaling
sana napuntahan agad ni Gale ang
kaibigan niya." Asik pa ni Third. Galit
na galit siya at naiintindihan ko 'yon
pero dahil galit rin ako ay hindi ko
napigilang sapakin siya.
"Hindi ko 'to gusto!" Sigaw ko. Para
akong mawawala sa katinuan habang
naglalaro sa isip ko ang duguang
katawan ni Queen. Hinding hindi ko
mapapatwad ang sarili ko kapag
tuluyan siyang nawala sa'kin. "Wala
kang karapatang sigawan ako dahil
hindi mo alam kung anong
nararamdaman ko ngayon, sobrang
sakiy dahil wala akong nagagawang
mabuti para hindi siya masaktan.
Nababaliw ako kakaisip kung ano ang
lagay niya ngayon kaya sana wag
niya ng dagdagan." Halos mamalat
ako dahil sa pagsigaw, umiwas ako
ng tingin dahil sa paglabo ng mga
mata mo at pag-agos ng mga luha
ko.
Ganito ako kaiyakin kapag si Queen
ang pinag-uusapan at hindi nila ako
masisisi dahil mahal ko 'yong tao,
siya ang buhay ko at ngayon nasa
panganib siya ay nasa panganib rin
ang buhay ko dahil kapag nawala
siya alam kong susunod ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Para
akong mauubos ano mang oras
habang nasa isip ko ang sariwang
dugo na 'yon na sigurado akong
galing sa katawan niya. Ayokong
isipin pero hindi na matanggal iyon sa
utak ko, baka naghihirap siya ngayon
at baka puro sakit nalang ang nasa
katawan niya.
Nagtaas baba ang mga balikat ko
dahil kahit anong pigil ko sa pag-iyak
ay napahagulhol pa rin ako. Hindi
mapagod pagod ang mga luha ko
dahil sa pag-aalala.

Sa unang pagkakataon sa buhay ko


ay hindi ako nagdalawang isip na
lumuhod at magmakaawa sa isang
tao. I'm a Castillion at dapat kami ang
niluluhuran but damn that power and
wealth kung wala naman 'yong silbi
ngayon. Lumuhod ako sa paano ni
Gale at ng mga kapatid ko.
"Please help me, tulungan niyo akong
hanapin siya at iligtas."
Pagmamakaawa ko. "A-Ayokong
mahirapan ang reyna ko, ayoko kong
saluhin niya lahat ng paghihirap na
dapar ay ako ang makakaranas."
Nakayuko ako habang
pinagmamasdan ang mga luha kong
masaganang tumutulo sa sahig.
Naramdamanan ko ang pagtapik nila
sa balikat ko. "You don't need to beg
brother, magtutulong tulong tayo para
mailigtas si Anton. Gagamitin natin
ang mga connection natin just to find
her." Boses iyon ni Kuya First.
"Tumayo ka na and I'm sorry for
punching you." Si Third at tinulungan
akong tumayo, inalalayan nila ako
paupo sa couch.
Dahil sa sobrang bigat ng
nararamdaman ko ay humiga ako
doon at namaluktot habang yakap ko
ang sarili ko. Panay pa rin ang iyak
ko habang nasa isip ko ang
magandang mukha ng reyna ko.
"G-Gusto kong mahanap si Queen
baka sinasaktan na siya ngayon."
Paulit ulit kong bulong.
"Don't worry mahahanap natin siya
bago sumikat ang araw." Tugon ni
Gale.
Hindi ko na nabigyang pansin ang
mga tao sa paligid ko dahil sa sakit at
pangungulila na nararamdaman ko
ngayon.
"Hello, General kailangan ko ng mga
tao." Si Gale.
"Ipasara mo ang lahat ng airport sa
Pilipinas at walang palalabasing mga
tao sa bansa. Understood? Bayaran
mo lahat ng airline kahit magkano
basta isara nila ngayon din, tell them
that I am First Castillion."
"Hello, Mr. President? Sorry for
disturbing you at this hour, this is
Third Castillion, yeah the third son.
Pwede po bang magpalagay kayo ng
check point sa lahat ng sulok ng
bansa dahil may tao kaming
hinahanap, she was kinapped. Yeah I
will send the details to the PNP chief,
thank Mr. President."
"Fuckboy, yes Tarinio Castillion this is
your cousin Fifth the gwapo
Castillion, putangina ka diba
magaling kang hacker? Yes, may
isesend akong address sa'yo ng hotel
can you hack their CCTV at hanapin
mo ang kahit na anong sasakyan na
kahinahinala then report it to me kung
saan nagpunta. Yeah, yeah fuck you
too. I need ASAP."
"Kuya Second lets go kailangan na
nating umalis dito bago pa bumalik
ang mga taong gustong pumatay
sa'yo." Dinig kong sabi ni Seven,
hindi ako natinag sa posisyon ko
panay lang ang iyak ko.
Ang sakit para sa'kin na wala akong
magawa parasa babaeng
pinakamamahal ko.
Queen Anton POV
"Aaaaaaaah!" Malakas na malakas
ang pinakawalan kong sigaw ng
buhusan ni Lorette ng alcohol ang
sugat ko.
Kadarating lang namin sa lugar na
pinagdalhan nila sa'kin hindi ko alam
kung gaano kami katagal sa
sasakyan pero ang tantya ko ay mga
dalawang oras tanda na nasa malayo
kaming lugar. Malayo sa syudad.
Nasa magara akonf kwarto na hindi
ko alam kung sino ang nagmamay-
ari. Mariin akong napapikit dahil sa
pagsidhi ng labis labis na sakit sa
sugat ko. Nanginginig ang mga hita
ko dahil sa sakit. Gusto kong umiyak
pero hindi ko gustong maging
masaya siya sa pagpapahirap sa'kin.
"Sumigaw ka pa dahil masayang
masaya ako kapag nakikita kang
nahihirapan." Tuwang tuwa siya
habang nakatayo sa harapan ko.
Napatiim bagang ako dahil gustong
gusto ko ng kumawala mula sa
pagkakagapos niya sa'kin sa upuan.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil
nabalewala lahat ng plano ko,
pakiramdam ko nawalan ng silbi ang
mga training na pinadaanan ko sa
mahabang panahon dahil hindi ko
magawang ipagtanggol ang sarili ko.
Wala akong magawa para lumaban
kahit gusto ko.

"Patayin mo nalang ako para mas


maging masaya ka ng tuluyan."
Seryosong tugon ko.
Natatawa siyang umiling. "No, no, no
wag kang magmadali dahil dadating
din tayo dyan, mas gusto kong
pahabain ang paghihirap mo para
naman maranasan mo ang mga
naranasan ko."
"Naranasan ko na lahat ng
kalungkutan na naranasan mo kaya
hindi mo na kailangang gawin 'to.
Wag mong dumihan ang kamay mo
para lang sa pagmamahal na hinding
hindi mapapasayo."
Sinampal niya ako ng napakalakas,
pumaling ang mukha ko at ramdam
ko ang palad niyang bumakat doon.
Parang nagvibrate ang pisngi ko dahil
sa lakas ng impact nito hanggang sa
malasahan ko ang dugo sa labi ko.
"Damn you, nagmamatapang ka kahit
hawak ko na ang buhay mo." Sigaw
niya.
Napapailing ako dahil sa paraan ng
pagsabunot niya sa sariling buhok at
ang hindi mapirmi niyang mga mata.
Para siyang wala sa katinuan na hindi
mapakali dahil sa sobrang galit,
malayong malayo sa Lorette na
kinaibigan ko noon na malambing,
masayahin at madaldal. Siguro ganon
talaga kapag ang isang tao ay
nabulag sa pagmamahal. Nawawala
sa sarili at hindi na iniisip kung ano
ang tama sa mali.
"Ayos lang na mawala ako at kunin
mo ang buhay ko." Tugon ko sa
pinalamalalim na boses dahil malaki
ang parte sa puso at isip ko na
tumututol sa sinabi ko. Gusto ko pang
mabuhay para makita at makapiling
ko si Second pero kung ito na ang
katapusan ko ay malugod kong
tatanggapin. "Sa lahat ng naging
desisyon ko sa buhay iisang bagay
ang labis kong pinagsisisihan."
Tumitig ako sa mga mata niya at
doon ko hinayaang tumulo ang mga
luha ko.
Noong mawala ang bestfriend ko ay
tinanggap ko 'yon simula ng makita
ko siyang mahulog sa gusaling iyon
kahit masakir pero mas masakit pala
ang malaman na buhay siya pero
ipinamumukha niya sa'king ni minsan
hindi niya ako tinuring na kaibigan
tulad ng pagturing ko.
"Simula ng araw na itinuring kitang
kaibigan at kapamilya ay ang mga
araw na pinagsisisihan ko. Ngayon
hiniling ko na sana hindi nalang kita
minahal bilang kaibigan. Nasayang
lahat ng pagmamahal na meron ako
sa'yo, nasayang ang mga taon na
iginugol ko na kasama ka,nasayang
lahat ng mga sakripisyo ko para
sumaya ka. Lahat iyon pinagsisisihan
ko dahil kung alam ko lang matagak
na akong nabuhay na hindi ka parte
ng pagkatao ko." Patuloy ako sa
paghikbi habang nakatingin sa kanya.
Kuyom ang mga kamao kong
nakagapos.
Mabigat na mabigat ang loob ko
habang sinasabi ko iyon dahil ang
totoo ay wala akong pinagsisisihan sa
mga araw na itinuring ko siyang
kaibigan. Sinasabi ko lamang ang
mga ito para isalba ang sarili ko sa
pagkapahiya sa katotohanang halos
bawiin ko ang sarili kong buhay noon
dahil sa pagkawala niya.
Sinakal niya ako habang natatagis
ang mga bagang. Hapong hapo ako
at napaubo ubo dahil sa sobrang
higpit ng hawak niya sa leeg ko.
"Papatayin kita. Papatayin kita."
Paulit ulit niyang tugon at pagkatapos
akong sapalin ay ilang ulit niya akong
pinagsasampal ng pagkalakas lakas.
Hindi lang pag-asawang sampal ang
ibinigay niya sa'kin dahil hindi ko na
mabilang iyon. Lasang lasa ko na ang
dugo at ramdam kong dumadaloy
iyon sa magkabilang gilid ng labi ko.
"Bakit hindi ka manlang maging
mahina!" Sigaw niya.
Gusto gusto niya akong maging
mahina pero hindi ko iyon ipapakita
sa kanya sa kabila ng sakit na
ibinibigay niya sa'kin. Ayokong
maging masaya siya, hindi ko na siya
kaibigan kaya hindi ko na
responsibilidad na pasayahin siya.
The truth is, I'm weak inside I just
know how to pretend to be strong.
"Aaaaaaaah!" Muli akong napasigaw
ng pagkalakas lakas dahil dinukot ko
na naman niya ang sugat sa hita ko
at ipinasok doon ang mga daliri niya.
Parang pinupunit ang pagkatao ko
dahil sa ginawa niya. Hindi ko na
alam kong saan ako tutungin dahil sa
pag-inda ng sobrang sakit. Mas
lalong dumami ang dugong umaagos
doon. Kagatin ko man ang labi ko ay
wala ring silbi dahil napapasigaw pa
rin ako sa sobrang sakit.
Tumawa siya ng tumaw bago
tanggalin ang mga daliri sa sugat ko
at siya namang pagpasok ni Galero.
May dala itong cart na naglalaman ng
iba't ibang gamit tulad ng martilyo,
alambre, pako, plies, kahoy, nail
cutter, gunting, kutsilyo at iba pang
mga gamit na maaaring makasugat.
Maram iyon at alam ko kung saan
gagamitin.
Sa pagpapahirap sa'kin.
Umiiyak ako pero hindi ako natatakot
na harapin ang sakit na ibibigay niya
sa'kin. Tatanggapin ko lahat pero
hindi ko kaya ang isiping kailanman
ay hindi ko na makikita si Second.
Mahal na mahal ko siya, sobra sabro
ang pagmamahal na meron ako para
sa kanya.
"Lets start." Pumapalakpak na sabi ni
Lorette at walang pag-aalinlangan na
ibinaon sa sugad ko ang kutsilyong
hawak niya.
Napamura ako sa panibagong sakit
na lumukob sa buong pagkatao ko.
Halos maputol ang mga litid sa leeg
ko para lang pigilan ang sigaw.
Kulang ang salitang sakit para
ilarawan ang nararamdaman ko
ngayon. Ipinaikot niya ang kutsilyo sa
pagkakabaon nito habang nakangiti
at masayang masaya na nakatingin
sa mukha kong hindi maipinta sa
pag-inda ng parusa niya.
"Putangina mo!" Hindi ko mapigilang
sigaw sa kanya.
Hindi lang sakit ang nangingibabaw
sa'kin kundi galit para sa kanya.
"Demonyo ka! Ipagdasal mo na rin na
hindi ako makawala dito dahil sa oras
na mangyari 'yon ay ako mismo ang
papatay sa'yo." Sumabog ako sa
sobrang galit. Ramdam kong
humapdi ang palad ko dahil sa
pagbaon ng kuko ko doon, kuyom na
kuyom ang kamao ko dahil sa galit.
Dalawang taon kong sinisi ang sarili
ko dahil wala akong nagawa ng
mahulog siya sa gusaling iyon pero
ngayon minumura ko ang sarili ko
dahil sa paggiging tanga ko. Wala
manlang akong ideya na hindi pala
kaibigan ang turing niya sa'kin kundi
kaaway.
"Kahit anong mura mo sa'kin wala
kang magagawa." Humalakhak siya
na parang demonyo.
Pinulot niya ang dos por dos na nasa
cart, halos isang dipa ang haba niyon
at malakas niyang hinampas sa
sugatan kong hita.
Halos panawan ako ng ulirat at
mariing pumikit habang patuloy sa
pagsigaw sa isipan ko.
Oh God, please save me from this
witch! Kayanin ko man ang sakit
natatakot ako na baka ang katawan
ko mismo ang bumigay.

---------------------------
--

Chapter 40

Please drop a comment. Gusto ko


pong kayo ang magdecide, happy
ending or tragic? Malapit ng matapos.
Comment your answer, majority wins.
Thanks for reading.
-kuyajen

NAKAYUKO ako dahil sa hilam na


hilam na ng luha ang mga mata ko at
ayokong makita iyon ni Lorette. Hindi
ko akalain na darating ang araw na
'to, na makakaranas ako ng sakit sa
pisikal na aspeto na siya ang may
gawa. Walang wala ang mga balang
natamo ko sa mga engkwentro ng
mga kasong nagdaan sa'kin sa sakit
na pinapadanas niya sa'kin ngayon.
Mabuti pa sa mga engkwentro ko
noon kapag nabaril ako, bala lang
ang pumapasok sa katawan ko hindi
tulad ngayon na halos manhid na ang
hita kong may tama dahil bukod sa
tinamaan ng bala ay kung ano anu
pang bagay ang ipinasok doon ni
Lorette.
Pero sa kabilang banda ay mag-
ipinagpapasalamat pa rin ako dahil
noong paalis kami ng hotel ay ang
mga tauhan nila ang nagdoorbell na
akala ko ay si Second.
Nagpapasalamat ako dahil hindi niya
kami naabutan doon dahil kung
nagkataon ay kasama ko siya ngayon
na naghihirap at hindi ko 'yon
kakayanin.
Ngayon kahit kaawa awa na ako sa
sitwasyon ko ay hindi ako nawawalan
ng pag-asa dahil alam kong ligtas
siya at kung makakaalis man ako dito
ay may babalikan akong mahal ko
kahit papaano.
"Magmakaawa kang pakawalan kita."
Nang-uuyam na sulsol sa'kin ni
Lorette.
Nasa pareho pa rin kaming silid at
patuloy pa rin siya sa pagpapahirap
sa'kin habang nakatanaw lang sa'min
si Galero na nakasandal sa pintuan.
Tumingin ako sa mga mata ni Lorette.
"Kahit patayin mo ako sa sakit,
sisigaw ako at iiyak pero hinding hindi
mo maririnig ang pagmamakaawa
ko." Dahil sa sinabi ko ay
sinabunutan niya ako at inilublob ang
mukha ko sa plangganang may
dinurog na sila.
Nanunuod ang anghang niyon sa
laman ko dahil sa mga sugat ko sa
mukha na nagtamo ng hindi ko na
mabilang na sampal at suntok.
Namamanhid na ang labi ko pero
pinilit ko iyong isara ng mariin pati na
ang mga mata ko.
"Matigas ka talaga kahit kailan." Galit
na galit niyang tugon bago marahas
na bitawan ang buhok ko.
Habol ang hininga ko ng mag-angat
ako ng mukha. Ramdam na ramdam
ko ang init na siningaw ng mga siling
pinino niya. Wala akong magawa
dahil nakatali ng kadena ang mga
kamay at paa ko sa isang upuan.
Hinayaan ko na lamang siyang gawin
ang gusto niya.
"Plinano kong magpakamatay noon
dahil alam kong makokonsensya ka
at sisisihin mo ang sarili mo, akala ko
magiging dahilan iyon ng pagkitil mo
sa sarili mong buhay dahil hindi mo
kakayanin ang sinisigaw ng
konsensya mo pero nagkamali ako
dahil nakita kong nagpatuloy ka sa
buhay at nagawa mo pang maging
masaya sa piling ni Second." Puno
ng pagkasuklam ang bawat salita
niya samantalang ako ay puno rin ng
pagkasulam ang nararamdaman ko
sa kanya ngayon.
Wala na ni katiting na puwang sa
puso ko ang pagkakaibigan namin
dahil ang gusto ko nalang ngayon ay
ipagpalit ang pwesto namin dahil
kapag nangyari 'yong dobleng
pagpapahirap ang gagawin ko sa
kanya kaysa sa ibinibigay niya sa'kin
ngayon.
"Hindi ako naging masaya sa loob ng
dalawang taon. Napuno ng lungkot
ang pagkatao ko ng mawala ka." Asik
ko na ikinangisi niya.
"Hindi sapat ang lungkot na dinanas
mo para patawarin kita sa pag-agaw
mo sa'kin sa lalaking mahal ko."
"Walang akong inagaw dahil ang
lalaking minahal mo ay hindi ka
mahal. Kahit patayin mo man ako
hindi mababago ang katotohanang
ako ang mahal na mahal ni Second,
bagay na hindi mapapasayo kahit
patayin mo kaming lahat."
Bumakas ang lungkot sa mga mata
niya pero kasabay n'on ang pagsiklab
ng labis na galit. Pumulot siya ng
martilyo at pinitpit iyon sa talampakan
ko. Halos maputol ang litid sa
lalamunan ko dahil sa sobrang lakas
ng sigaw na kumawala sa bibig ko.

Ang sakit sakit. Ang sakit sakit. Iyon


ang paulit ulit na sinisigaw ng isip ko
habang patuloy sa pag-iyak. Papaliy
palit niyang minartilyo ang mga paa
ko at rinig na rinig ko ang pagkabali
ng mga buto ng mga daliri ko doon.
Ito na nga siguro ang sinasabi nilang
empyerno at si Lorette ay babaeng
bersiyon ni Satanas. Nanginginig ang
mga kamay ko dahil sa pag-inda ng
sakit.
"Demonyo ka! Demonyo ka!" Paulit
ulit kong sigaw habang siya ay paulit
ulit sa ginagawa.
Daang daang kirot ang bumalatay sa
buo kong pagkatao dahil sa pasakit
na ginagawa niya sa'kin.
"Matagal na akong demonyo." Bakas
ang saya sa mukha niya ng tumigil at
tumingin sa paa ko, punong puno
iyon ng dugo at halos hindi ko na
makilala na paa iyon ng tao.
Tumayo sa harapan ko at
pumalakpak siya namang paglapit ni
Galero sa kanya. Maydala itong
malaking box at marahas niya iyong
inilapag sa harap ko.
"Here you go, ang mga letter na
ipinapadala sa'yo ni Second
seventeen years ago na hindi
dumarating sa'yo dahil palagi kong
nahaharang." Binuksan niya iyon at
tumabad sa'kin ang maraming mga
papel at may mga teddy bears doon,
may mga wrapper ng chocolates at
bulok na mga petals.
Pumulot siya ng isang letter at
binuksan niya iyon. Nagtagis ang
mga bagang niya ng tuluyang makita
ang nakasulat.
Dear, My Queen.
It's me your King, your secret
admirer. You know what I fell for you
the first time I saw you looking at the
bulletin board. Hindi ko alam kong
anong meron sa'yo pero sa dami ng
babae sa school at saang lugar man
ako magpunta ikaw lang ang
nakaagaw ng atensyon ko.
Sa'yo ko naramdaman 'yong sinasabi
nilang malakas na pagtibok ng puso
na parang nagwawala. Sa'yo ko
naramdaman ang sinasabi nilang
butterfly in the stomach at sa'yo ko
naramdaman ang sinasabi nilang
slow motion. I really like you. No, let
me rephrase it, I really love you.
Hell yeah, you can call it a love at first
sight my Queen. Sana magkaroon
ako ng pagkakataon na makausap ka
manlang kahit sandali, gusto ko lang
talagang marinig ang boses mo.
Nagmamahal, your King.
Nakusot iyon dahil sa bawat pagbasa
niya sa mga katagang nakasulat ay
siyang pagdidilim ng anyo niya at
pagkuyom ng mga kamao.
Marahas niyang hinawakan ang baba
ko na ikinasigaw ko dahil may sugat
ako doon pero wala siyang pakialam.
Nilukot niya ng tuluyan ang papel at
pilit na isinubo sa'kin. Umiling iling
ako para makaiwas pero mas lalo
niyang diniinan anf baba ko.
Pakiramdam ko ay madudurog ang
buto ko doon hanggang sa
pagtagumpay siya. Napaubo ubo ako
ng bitawan niya ako.
Wala na akong ideya kung saan parte
ng katawan ko ang masakit at dapat
kong unahing indahin dahil sobra
sobra na ang ginagawa niya pero
wala manlang mababakas na pag-
aalinlangan sa kanya sa bawat
hakbang niya na parang sanay na
sanay na sa ganitong gawain. Siguro
hindi lang ako ang unang beses na
nakaranas nito at ngayon palang
naaawa na ako sa ibang ginanito niya
at gagawan palang ng ganitong
klaseng pagpapahirap.
"See? Ikaw wala kang ginawa noon
kundi ang magbasa ng libro pero
minahal ka niya samantalang ako
halos ialay ko na lahat pero hindi ako
tinapunan ni tingin manlang."
Sarkastiko itong tumawa.
"I-Iyon ang patunay na hindi napipilit
ang pagmamahal. Love is
unexpected at hindi mo kailangang
ialay pati kaluluwa mo para lang
mahalin ka dahil kung totoong mahal
ka kahit wala kang gawin mamahalin
ka pa rin." Pautal utal ko iyong sinabi
sa kanya.
"Hindi, kung wala ka sa'kin niya
ibabaling ang atensyon niya." Para
siyang baliw na napasabunot sa
buhok at ng wala siyang ibang
magawa ay mariin niyang sinakal ang
leeg ko. Para siyang halimaw na
gusto akong kainin habang ako ay
hindi na makahinga. Pinagkakalmot
niya ang leeg ko at ramdam mo ang
hapdi no'n, kitang kita ko rin ang sarili
kong dugo sa palad niya.
Gustuhin ko mang matulog nalang ay
hindi ko magawa dahil hindi ako
mapatulog ng sakit na nunuot sa
katawan ko. Hapdi, kirot at
pamamaga, halo halo iyon sa
katawan ko.
Binitawan niya ako ng makita niyang
namumutla na ang mukha ko. Ayaw
niya akong patayin agad dahil gusto
niyang madanas ko muna ang hirap
sa empyerno, hindi man puro apoy ay
puro naman sakit.
Muli siyang kumuha ng letter na nasa
box at muli iyong binasa.
Dear, My Queen.
It's me your King, your secret
admirer. Nandito ako ngayon sa ilalim
ng puno malapit sa palagi mong
tinatambayan. Napakaganda ng
pwesto ko dahil kitang kita ko ang
maganda mong mukha. Hindi ako
nagsasawang tingnan ang isang tulad
mo, hindi ako magrereklamo kung
ang pagmasdan ka araw araw ang
maging trabaho ko buong buhay ko.
I can't wait to talk to you pero hindi pa
siguro ngayon dahil may aayusin pa
ako. Always remember how much I
love you my Queen.
Nagmamahal, your King.
Napahikbi ako habang pinapakinggan
ang sulat na iyon ni Second, alam
kong matagal na panahon na simula
ng isulat niya iyon at pruweba doon
ang kalumaan ng mga papel pero
masaya ako dahil parang ngayon
niya lang ginagawa iyon at
ipinaparating na maging matatag ako
dahil mahal na mahal niya ako kahit
na anong mangyari.
Gustohin ko mang kagatin ang labi ko
para pigilan ang hikbi ay hindi ko
magawa dahil punong puno iyon ng
sugat at masasaktan na naman ako
kapag ginawa ko.
Sa bawat pagbasa ni Lorette ng mga
sulat na iyon ay paulit ulit niya din
akong sinasakal at pinagkakalmot at
sinasakal. Paulit ulit ang prosesong
iyon hanggang sa magsawa siya at
sandaling tumigil pero hindi siya
tumigil sa pagpapahirap sa'kin.
"Aaaaaaah!" Sigaw ko, namamaos na
ako pero hindi ko mapigilan ang
sumagiw.
Kumuha siya ng pako at itinapat iyon
sa isang gasera na may apoy at ng
makitang umuusok na ang talim nito
sa sobrang init ay ibinaon niya iyon
sa braso ko. Damang dama ko ang
pagsidhi ng init sa laman ko dahil sa
ginagawa niya.
"Putangina mo! Aaaaah!"
Kumuha na naman siya ng
panibagong pako at ininit sa apoy at
itinurok sa kabila kong braso.
"Mas masaya kung unti unti kang
mamamatay." Payo niya sa'kin na tila
magkaibigan kaming tunay.
"P-Patayin ko nalang ako!" Sigaw ko
pero mukhang hindi na iyon sigaw
dahil sa pagkamalat ng boses ko ay
halos bulong nalang.
"No, no my bestfriend gusto ko pang
nakikita kang nahihirapan.
Magmakaawa ka muna." Kumindat
pa siya sa'kin at kumuha ulit ng pako.
Hindi ko na mabilang kung ilang pako
ang naubaon niya sa magkabila kong
braso basta ang alam ko lang ay
namamanhid na ang mga iyon sa
sobrang sakit.
"K-Kahit magmakaawa ako alam
kong papatayin mo rin ako at
pahihirapan kayaas gugustuhin kong
tanggapin lahat ng ito kaysa
magmakaawa sa'yo bago ako
mamatay." Ganting tugon ko at sa
sobrang galit na lumulukob sa'kin ay
dinuraan ko siya sa mukha.
Nanlaki ang mga mata niya, may
dugo ang naidura mo sa kanya kaya
kumalat iyon sa mukha niya. Ngumisi
ako sa kabila ng kirot ng labi ko. Hindi
hindi ko ibibigay ang tunay na saya
niya sa pagpapahirap sa'kin. Hindi
ako pinanganak na mahina at hindi
rin ang tulad niya ang
makakapagpataob sa'kin.
"Putangina mo!" Mas bumagsik ang
mala demonyo niyang anyo.
Nagmamadali siyang kumuha ng
plies at itinapat iyon sa mga daliri ko
sa paa na ngayon ay mga durog na.
Lahat ng parte ng katawan ko ay may
pasa na maliban sa tiyan at dibdib ko.
Ang damit ko ay kulay dugo na at ang
iba ay natuyo na doon at ang iba ay
sariwa pa.
Ang singkit ko ng mata dahil sa
pamamaga ay tuluyan kong ipinikit
dahil ayokong makita kong paano
niya hulbutin ang mga kuko ko sa paa
gamit ang plies na hawak niya.
Habang unti unti akong namamatay
sa sakit ay pilit kong inaaninag ang
gwapong mukha ni Second sa alaala
ko. Hindi naman ako nahirapan dahil
palagi naman siyang nasa isipan ko.
Napangiti ako kahit na para akong
tinatanggalan ng kaluluwa dahil
ramdam ko ang pagkatanggal ng
mga kuko ko sa paa.
Mahal na mahal ko si Second
Castillion at kung bibigyan man ako
ng pangalawang buhay pagkatapos
nito ay talagang mas mamahalin ko
siya ng sobra sobra at bawat araw ay
susulitin ko kapag muli ko siyang
makasama.
Kahit papaano ay nababawasan ang
sakit na nararamdaman ko dahil sa
nangiting imahe ng lalaking mahal ko
na nasa isipan ko.
Napadilat ako ng makarinig ako ng
click at kasunod ang pagflash ng
camera. Nakita ko si Galero na
kinukuhanan ng litrato ang kalagayan
ko.
"Ipadala mo 'yan kay Second dahil
siya na ang isusunod ko, ilagay mo
itong mga kuko niya sa box at ipadala
mo rin." Utos ni Lorette.
Ngiting ngiti siya habang nakatingin
sa'kin. Alam kong hindi na makikilala
ang mukha mo sa larawan dahil sa
tinamo kong mga sugat at pasa pero
natatakot ako na baka makita iyon ni
Second at siya mismo ang magpain
sa sarili niya kay Lorette.
"N-No, w-wag niyong gawin 'to."
Tugon ko pero nagmistulan silang
mga bulag at bingi.
Please god, hihilingin ko ulit ito sa
inyo. Not my King please. Ako
nalang!

---------------------------
--

Chapter 41

Kung may mga katanungan po kayo


na hindi pa nasagot sa daloy ng
kwento don't hesistate to drop a
comment dahil ilang chapter nalang
matatapos na tayo.
-kuyajen

Second Castillion POV


MASAYANG masaya ako habang
naglalakad papunta sa parking lot.
Kakatapos lang ng graduation namin
sa PMA at masayang masaya ako
dahil ako ang nagrank 1. Matutupad
ko na ang pangarap kong maglingkod
sa bayan at ipagtanggol ang mga
nabibiktima ng karahasan.
Hawak hawak ko ang parangal na
ibinihay sa'kin ng presidente ng
Pilipinas. Nasa parking lot na ang
mga magulang at kapatid ko dahil
nauna sila marami kasing bumati sa
akin sa loob ng academy kaya pinuna
ko na sila.
Natigil ako sa paglalakad at
napalingon sa likod ko dahil ramdam
kong may sumusunod sa'kin at may
mga yabag akong naririnig na
papalapit sa'kin pero paglingon ko ay
wala namang tao.
Kinapa ko ang baril na dala ko kanina
pero napamura ako ng maalalang
ipinadala ko nga pala iyon kay Third
na nasa parking lot na din ngayon.
Hindi pa man ako tuluyang
nakakahakbang nang may biglang
isang van na pumarada sa harapan
ko at lumabas doon ang mga
nakabonet na mga lalaking sa tantya
ko ay lagpas sampo.
Ihinanda ko ang sarili ko ng lumapit
sila sa'kin. Ang isa ay sinugod ako ng
suntok pero nailagan ko iyon at siya
ang nasipa ko sa sikmura. Sumugod
sila ng sabay sabay at hindi ako
nakaramdam ng pagpapanic dahil
alam kong kaya ko silang lahat.
Nakipagbuno ako at nakipagsapakan
sa kanila kahit na hingal na hingal na
ako. Tinamaan ako sa mukha at
sikmura pero hindi iyon dahilan para
mawalan ako ng pag-asa.
"Mga gago! Gamitan niyo ng baril."
Dinig kong sigaw ng isang boses
babae sa likod ko.
Nilingon ko iyon ngunit may
naramdaman ako itinurok sa leeg ko.
Tinabig ko ang kamay nito at sinipa
sa sikmura, natanggal ang bonnet na
nasa mukha nito at nalaglag ang
mahabang buhok. Agad nitong
naiiwas ang mukha kaya hindi ko
nakita pero nahagip ng mata ko ang
kanang leeg niya na may tattoo na
letter L at may ahas na nakabalibot
doon.
"Dalhin niyo." Utos nito.
Pumalag pa rin ako hanggang sa
maramdaman ko ang panlalabo ng
mga mata ko at pagkahilo. Nawalan
ako ng balanse at bumagsak sa
sahig. Binuhat ako ng mga
kalalakihan at naramdaman kong
ipinasok ako sa van bago ako
tuluyang mawalan ng malay.
"Bakit mo siya dinala rito?" Tinig ng
isang lalaki.
"Alam mo namang mahal na mahal
ko ang lalaking 'yan pero kung hindi
ako ang makikinabang mas mabuting
mawala nalang siya." Sinundan iyon
ng boses ng isang babae at kung
hindi ako nagkakamali ay siya ang
babaeng may itinurok sa leeg ko
bago ako mawalan ng malay.
"Hindi ka ba natatakot sa gagawin
mo?" Kontra ng lalaki.
"No, wala na naman patutunguhan
ang buhay ko." Sagot ng babae.
Tuluyan kong iminulat ang mga mata
ko at bumungad sa'kin ang magarang
silid na tanging ang kamang
kinahihigaan ko lang ang gamit.
"Hey there, gising ka na pala."
Napakurap kurap ako at bumaling sa
pinaggagalingan ng boses. 'Yong
babae kanina at nasa paanan ko siya
kasama ang isang lalaki. Pareho
silang nakasuot ng maskara, ang
babae ay kulay gold ang mask na
may balahibo sa gilid at bibig niya
lang ang nakikita gan'on din ang
lalaki pero kulay itim naman ang nasa
kanya.

"Anong kailangan niyo sa'kin?"


Kalmado kong tanong. Akmang
babangon ako paalis sa kama ng
mapagtanto kong nakagapos ako
gamit ang mga kadena.
Lihim akong napamura dahil hindi
ako makakalaban kung nasa ganito
akong posisyon.
"Ikaw ang kailangan ko darling."
Malandi siyang gumapang papunta
sa katawan ko.
Familiar sa'kin ang boses niya pero
hindi ko matandaan kung sino ang
nagmamay-ari n'on at kung saan ko
narinig.
"Fuck! What are you doing? Are you
a slut?" Asik ko dahil ayokong may
babaeng lumalapit sa'kin pakiramdam
ko kasi nagtataksil ako sa reyna ko.
Nakatanggap ako ng malakas na
sampal galing sa kanya kaya
napatiim bagang ako.
"I'm not a slut!" Sigaw nito.
Nanlilisik ang mga matang tumingin
ako sa kanya. "I think you are,
walang matinong babae ang pupunta
sa ibabaw ng katawan ng lalaki kundi
ang mga malalandi at pokpok lang."
Marahas itong napabuntong hininga
at galit na umalis sa kama. Humarap
ito doon sa lalaki at may sinabi na
kung ano, hindi ko marinig dahil
nagbubulungan sila at ilang sandali
lang ay naghahalikan na.
Nag-iwas ako ng tingin, puta naglive
show pa sa harap ko. Ano bang
kaingalan nila sa'kin? Naalala ko ang
mga kapatid at magulang ko baka
nag-aalala na sila.
May pumasok na limang kalalakihan.
Kung hindi ako nagkalamali ay
kasama sila sa mga dumukot sa'kin.
Ibinaba nila ako sa kama at pinaluhod
sa sahig bago sinimulang bugbugin.
Hindi ko mabilang kung ilang suntok
at tadyak ang natanggap ko
hanggang sa hinang hina akong
napahiga sa sahig. Umuubo ako at
sumusuka na ng dugo dahil sa
natamo ko.
Wala akong laban dahil bukod sa
nakagapos ako ay nanghihina ako
dahil siguro sa gamot na itinurok
sa'kin. Maybe it is a kind of drug na
nagpapawala sa katinuan dahil hindi
ako makapag-isip ng matino.
"Pahirapan niyo at siguraduhin
niyong pagsisisihan niyang nabuhay
pa siya." Utos ng babae.
Sinunod siya ng mga ito, kumuha ang
mga ito ng bat at walang awa akong
pinaghahampas. Puro sigaw ang
kumawala sa'kin habang tumatama
sa buo kong katawan ang bat nila.
"T-Tama na!" Sigaw ko. Para akong
nabasagan ng bungo ng hampasin
ako ng malakas sa ulo. Nabingi ako
dahil sa malakas impact n'on at doon
tuluyang tumulo ang mga luha ko.
I'm a strong man, kinakatakutan ako
ng lahat lalo kapag nagagalit ako
pero sa ganitong sitwasyon ko ay
pag-iyak nalang ang naisip ko.
Natatakot ako baka mamatay ako ng
tuluyan at hindi ko na makita ang
mga mahal ko sa buhay.
Kaya sa unang pagkakataon ay
umiyak ako na ibang tao ang dahilan.
Sa unang pagkakataon ay
nagmakaawa ako.
"T-Tama na, please ayoko na." Ilam
na hilam na sa luha ang buo kong
mukha, naghalo na ang dugo, pawis
at luha sa katawan ko pero hindi sila
tumigil.
Dinig na dinig ko ang pagkabali ng
mga buto ko sa bawat pagtama ng
bat sa katawan ko.
"P-Please parang awa niyo na."
Walang nakarinig sa pagmamakaawa
ko. Nagtatawanan lang sila habang
ang babae at lalaking may maskara
ay patuloy lang sa paghahalikan.
Pinadapa nila ako at walang humpay
na pinagpapalo ang mga binti ko.
"Aaaaaaaaah!" Siga ko dahil sa
sobrang sakit.

Tumigil sila ng manhid na ang


katawan ko. Hindi ko na maigalaw
kahit anong parte nito. Bali bali na
ang mga buto ko at naliligo na ako sa
sarili kong dugo pero ang akala kong
tapos na ay simula palang pala.
Lumapit sa gawi ko ang babae
habang ang mga tauhan nito ay
pinaupo ako sa dala nilang balal na
upuan. Dumaing ako dahil walang
pag-iingat ang paghawak nila sa'kin.
Nilukob ako ng matinding takot at
nanginig ang kalamnan ko ng
makitang may hawak na martilyo ang
babae.
"P-Please wag." Puno ng
pagmamakaawa ang boses ko kahit
halos hindi na ako makapagsalita.
"Kawawa ka naman, kung sina kasi
ako ang pinili mo masaya na sana
tayo ngayon at wala ka sa ganitong
sitwasyon." Malambing ang boses ng
babae at masuyo itong humawak sa
mukha kong puro sugat at pasa,
namamaga na rin iyon.
"S-Sino ka?" Takot kong tanong.
Buong buhay ko ngayon lang ako
natakot, ngayonko lang naramdaman
na napakahina ko na sa kabila ng
mga trainings ko sa PMA ay mahina
pa rin ako at walang silbi.
"Ako ang babaeng sinaktan mo."
Nakangisi niyang sabi at inangat ang
martilyo at malakas niya iyong
ipinukpok sa ulo ko.
Sigaw. Iyak. Hagulhol.
Pagmamakaawa. Iyon lang ang tangi
kong nagawa sa pagkakataong iyon.
Hinang hina ako at walang magawa. I
am hopeless! Mahina ako. Mahina
ako.
"A-Ayoko na! Parang awa niyo na
ayoko na!"

NAPABALIKWAS ako ng bangon na


basang basa ng luha ang mga mata
ko. Nanginginig na niyakap ko ang
sarili ko at sinuri kong may dugo ako
o mga pasa at nang makita kong
ayos lang ako ay napaiyak nalang
ako.
Napapanaginipan ko na naman ang
mga bagay na 'yon na matagal ko ng
kinalimutan pero patuloy pa rin sa
paghabol sa'kin ang bangungot na
iyon.
Malinaw na malinaw pa rin sa'kin ang
pinagdaanan kong sakit sa araw na
iyon at sa mga sumunod pang
sandali sa kamay ng babaeng 'yon.
Akala ko noon iyon na ang katapusan
ko pero laking pasalamat ko ng
pakinggan ng diyos ang dasal ko na
bigyan pa ako ng pangawalang
pagkakataon.
Nakatakas ako sa empyernong 'yon
dahil sa tulong ng isang lalaking
nagngangalang W. Siya ang lalaking
kahalikan ng babaeng nagpahirap
sa'kin. Ihinatid niya ako sa labas ng
village namin noon. Wala akong alam
na rason kung bakit niya ako
tinulungan pero nagpapasalamat pa
rin ako sa kanya.
Nakatakas nga ako sa kamay ng
babaeng 'yon pero hindi naman ako
nilubayan ng bangungot at takot
hanggang sa nakasanayan na ng
pagkatao ko na kapag natatakot ako
ay wala akong ibang inisip na gawin
kundi ang umiyak. Palagi kong iniisip
na mahina ako dahil kung malakas
ako ay hindi ko mararanasan ang
bagay na iyon.
Taon ang itinagal para makarecover
akong muli pero hanggang ngayon ay
nandito pa rin sa'kin ang takot.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi
ko magawang iligtas ang babaeng
mahal ko dahil sa takot na iyon.
Napaigtad ako ng marinig ko ang
pagtunog ng cellphone ko na nasa
bedside table. Bukas ang ilaw sa
kwarto ko dahil hindi ako nakakatulog
kapag madilim.
Isang araw na simula ng umuwi kami
galing sa hotel suite kung saan huling
pinuntahan ni Queen at hanggang
ngayon ay wala pa ring balita sa
kanya.
Nanginginig akong kinuha ang
cellphone ko. May isang mensahe
mula sa unknown number. Nilukob
ako ng labis na takot pero pinilit ko pa
ring buksan iyon na pinagsisihan ko
agad.
Para akong mawawala sa katinuan
ng makita ko ang katawan ng
babaeng mahal ko na nakagapos sa
isang upuan. Hindi na makilala ang
mukha niya dahil sa napakaraming
sugat at pasa na natatakpan rin ng
dugo. Alam kong siya 'yon dahil
bawat parte ng katawan niya ay kilala
ko.

May isa pang babaeng nasa picture


at may isang kuha doon na nakayuko
ito sa paa ni Queen may hawak na
plies at tinatanggal ang kuko ni
Queen sa paa. Ang mas lalong
nagpagimbal sa akin ng makita ang
isang litrato na may hawak itong
martilyo at nakalapat iyon sa hita ni
Queen.
Martilyo na napakapamilyar sa'kin.
Para ako binuhusan ng malamig na
tubig sa kaalamang nasa gan'on
siyang kalagayan. Para akong
namamatay habang nakatitig sa mga
larawan.
"M-My Queen." Nangangatal ang
mga labi ko dahil sa sobrang
emosyon na pumapatay sa puso ko.
Nazoom ko ang isang larawan na
nakayuko ang babae ng makita kong
may tattoo ito sa leeg at dahil
nakayuko at hindi nakatakip ang
buhok nito doon ay malinaw na
malinaw sa'kin iyon.
Letter L na napapalibutan ng ahas.
Siya ang babaeng 'yon. Nabitawan ko
ang cellphone ng makita ang mukha
nito.
Si Lorette.
Parang gripong masaganang umagos
ang mga luha ko. Hindi ko alam ang
mararamdaman dahil naghahalo ang
galit, sakit at takot sa puso ko.
Nahihirapan ng sobra ngayon ang
reyna ko sa parehong babaeng
nagpahirap sa akin noon at alam
kong hindi biro ang mga kaya nitong
gawin.
Alam ko dahil naranasan ko. Niyakap
ko ang katawan ko habang
humahagulhol at akmang lulukot ako
sa kama para doon umiyak ng
sumagi sa isip ko ang nakangiting
mukha ng babaeng mahal ko.
No, hindi dapat ako umiyak nalang sa
tabi at hayaang saktan niya ng sobra
sobra ang babaeng mahal ko.
Kailangan ko siyang iligtas.
Pero paano kung mas nananaig
sa'kin ang takot?
Hindi, hindi dapat ako matakot dahil
para ito sa reyna ko. Kailangan ko
siyang iligtas. Kailangan maging
malakas ako.
Mas lalo akong napaiyak dahil hindi
ko alam ang gagawin ko. May
sumunod na mensahe at isa iyong
video. Binuksan ko iyon at kitang kita
at rinig na rinig ko ang hirap na
pinagdadaanan niya ngayon.
"Aaaaaaaaaah!" Parang pinilas ang
puso ko ng marinig ang nahihirapang
sigaw ni Queen.
May address na ibinigay doon sa
mensahe dahilan para mabilis akong
mapatayo.
Ililigtas ko ang reyna ko.
Muntikan pang mahulog ang
cellphone ko dahil sa panginginig ng
kamay ko. Marahas kong pinunasan
ang mga luha ko. Hindi ako dapat
umiyak dahil mas kailangan kong
maging matapang dapat ako ang
magligtas sa kanya.
Taas baba ang dibdib ko sa sobrang
galit. Minsan na nila akong inilagay
sa gan'ong sitwasyon at pati
pangarap ko ay mawala dahil sa
kanila pero hinding hindi ko
hahayaang gawin nila iyon sa
babaeng mahal ko.
Hindi ako dapat matakot dahil hindi
ito para sa sarili ko kundi ang
kaligtasan ng reyna ko ang
nakasalalay.
Buhay na buhay sa isipan ko ang
mga larawan na ipinadala nila dahilan
para lukubin ako ng hindi
matatawarang galit. Galit na galit ako
kay Lorette at pagsisisihan niyang
bumalik pa siya sa buhay namin.
Kuyom ang kamaong bumangon ako
at pumasok sa walk in closet ko
habnag patuloy ako sa pagkumbinse
na hindi dapat ako pangunahan ng
takot. Dapat kong harapin ang takot
ko para mailigtas ko ang reyna ko.
Inilabas ko ang tatlong case na
naglalaman ng mga gamit ko noong
nag-aaral pa ako para maging
sundalo. Tumambad sa'kin ang mga
baril na matagal kong itinago dahil
akala ko hindi ko na magagamit.
Nagbihis ako ng pinalakomportableng
damit na meron ako. T'shirt na puti at
pinatungan ko iyon ng leather jacket
na maraming secret pocket sa loob.
Itinago ko doon ang tatlong baril.
Sunod kong sinuot ay ang combat
jeans ko at sapatos. Isinuot ko ang
dalawang holster sa magkabila kong
hita at doon inilagay ang mga patalim
ang dalaw ako pang baril. Naglagay
ako ng napakaraming bala.
Hindi dapat ako matakot. Para ito sa
reyna ko. Bulong ko sa sarili ko ng
nagsimula na namang umagos ang
mga luha ko.
Natatakot ako pero hindi dapat. Mas
nangingibabaw na sa'kin ngayon ang
galit at hinahayaan ko iyon dahil alam
ko ang kakayahan ko kapag nagalit
ako.
Isa akong Castillion at kapag ako ang
nagalit wala akong sinasanto.
Malapit ng gumabi ng bumaba ako sa
sala at doon naabutan ko ang mga
kapatid at mga magulang ko pati na
si Gale na seryosong nag-uusap
usap.
Nabaling ang atensyon nila sa gawa
ko at sabay sabay na napatayo ng
makita ang ayos ko.
"S-Second."
"Kuya Second."
Seryoso akong lumapit sa kanila kahit
na naluluha na naman ako. Inilapag
ko ang cellphone ko sa center table
at doon sila napatingin. Pare pareho
silang napasinghap ng makita ang
larawan ni Queen habang ako ay
halos magwala dahil sa galit. Kuyom
na kuyom ko ang kamao ko.
Napaiyak si mommy at kitang kita ko
rin ang pagluha ni Gale. Marahas
niyang pinulot ang cellphone ko at
tinignan ang number.
"Putanginang Lorette na 'yan,
matagal na akong nagtitimpi sa
kanya. Magpapatayan kami." Galit na
galit rin siya.
"Gale, magtigil ka." Sigaw ni Third.
"Wag ngayon Third dahil kapag may
pumigil sa'kin ngayon kahit ikaw pa
mapapatay ko." Seryoso niyang
sagot at tumingin sa'kin. "Nasa likod
mo ako." Aniya.
Tumang ako at naglakad palabas ng
bahay. Pinigilan nila ako pero hindi
ako nagpapigil.
"Alam mo na ang gagawin mo First."
Dinig ko pang tugon ni Gale kay
Kuya.
Ako ang papatay kay Lorette.

---------------------------
--

Chapter 42

Heyey! Lorette's POV muna tayo.


Pati ako nawendang ng balikan ko
'yong UD ko.
-kuyajen
Lorette Alegron POV
MASAYA akong humalakhak ng
makita ang duguang katawan ni
Anton. Oh my poor bestfriend
nakakaawa siya. Halos hindi na
makilala ang mukha at katawan niya
na sobrang ikinasaya ng puso ko.
Oopps! May puso pa ba ako?
Tumawa na naman ako. Ang saya
saya sa pakiramdam na nakikita
siyang nahihirapan. Matagal ko ng
pangarap na magawa ito sa kanya at
ngayon abot kamay ko na kaya
pakiramdam ko ay lumulutang ako sa
alapaap.
Itinuring niya akong matalik na
kaibigan samantalang ako itinuring ko
siyang mortal na kaaway. Well, well,
well masyado kasi siyang tanga para
paniwalaan ang friendship na siya
mismo ang nagtatag.
Napapailing akong tinignan ang
hitsura niya bago ako humarap kay
W. Siya si Winx Galero, ang lalaking
mahal na mahal ako at sinusunod
ang lahat ng gusto ko. Siya ang
kasama ko noong mga panahong
baliw na baliw ako kay Second
Castillion simula noong high school
days palang. Siya ang kasama ko
kapag umiiyaka ako at nasasaktan at
hanggang ngayon siya pa rin ang
kasama ko. Palagi siyang nakaalalay
sa'kin kahit alam niyang hindi ko siya
mahal.
My gosh! Hindi ako tanga para
magmahal ulit ng isang lalaking hindi
si Second Castillion, ginagawa ko
ang lahat ng ito para tuluyan na
kaming magkasama. Walang Queen
Antonia Santez na hadlang.
"Hindi pa tayo tapos." Ngiting ngitinh
tugon ko sa nakayukyok na si Anton.
Lumapit ako kay W na seryoso lang
na nakatayo at nakatingin sa mga
ginagawa ko.
"Babe." Tawag ko sa kanya at doon
lamang lumambot ang expression ng
mukha niya ng tumingin sa'kin.
Iniyakap ko ang mga braso ko sa
leeg niya habang siya ay malambing
na ipinalibot ang mga kamay sa
bewang ko.
He's kind. He's gentleman. He's a
knight. He's handsome, very
handsome. He's rich and powerful.
Lahat ng hahanapin ng isang babae
ay na kay W na but he's not Second
kaya walang siyang amor sa'kin.
"I'm tired na." Sabi ko. Bumakas ang
pag-aalala sa mukha nito at maingat
na kumalas sa'kin at kumuha ng
alcohol. Kunot noo niyang binuhusan
ng alcohol ang kamaya ko, may
tuyong dugo doon na nagmula kay
Anton at tinanggal niya iyon gamit
ang alcohol.
"Sabi ko sa'yong wag kang
magpapagod di ba?" Hinaplos niya
ang mukha ko na mas lalong
ikinalapad ng ngiti ko.
"Kaya nga gusto kong ikaw na ang
magtapos sa pagpapahirap sa
kanya." Sabay turo ko kay Anton,
sandali siyang tumingin sa
kinauupuan nito bago bumalik sa
mukha ko ang tingin.
"How?"
Naglalambing akong yumakap sa
kanya. "Rape her." Walang kaabog
abog kong sagot.
"What?" Hindi makapaniwalang
tanong niya.
"Please, you said you can do
everything for me basta sa ikakasaya
ko right?" Tumango siya. "Then, I
want you to rape her at kapag
nagawa mo 'yon magiging happy
ako."
Ilang sandali niya akong pinakatitigan
sa mukha bago ito napabuntong
hininga at dahil sa gan'ong reaction
niya alam kong pagbibigyan niya ako.
"Gusto kong makitang pinupwersa
mo siya ay gusto kong magmakaawa
siya."
Dahan dahan siyang tumango at
hinalikan ako sa noo bago mahigpit
na niyakap. "Anything for you."
Bulong niya.
Nagdewang ang kalooban ko sa mga
sinabi niya. Sumandal ako sa
nakasarang pintuan at tuwang
tuwang nakamasid sa kanya na
naglalakad papalapit kay Anton.

Kinuha niya sa kanyang bulsa ang


susi ng kadena. Pinakawalan niya
ang pagkakagapos ng mga paa ni
Anton pero hindi ang kamay.
Nakayuko lamang ito at hindi na
gumagalaw.
Nakahalukipkip ako habang pangisi
ngising nasasaksihana ng paghihirap
niya. Dapat lang sa kanya ang mga
nangyayari ngayon dahil masyado
siyang pabida.
Marahas itong hinila ni W patayo pero
bumagsak lang mula ito sa upuan at
sumigaw. I know, masasaktan talaga
siya dahil sa natamo ng paa niya.
Malapit na 'yong madurog at
puputulin ko iyon ng tuluyan mamaya.
"Aaaaaaaaaah!" Muli siyang sumigaw
ng haklitin ni W ang buhok niya at
muling pinatayo. Nang hindi nito
magawa ay binuhat niya ang hindi
makagalaw niyang katawan ang
ibinato sa kama.
Napaungol si Anton sa sakit at sa
bawat sigaw at daing niya ay mas lalo
akong nasisiyahan.
"Pagsawaan mo siya babe at kapag
tapos ka na ay syaka natin
paghihiwahiwalayin ang kanyang
mga katawan." Utos ko.
Sumampa siya sa kama kung nasaan
ang babae at hinila ang mga binti nito
papalapit sa kanya na muling
ikinadaing ng isa. Sugatan na ang
kanyang mga hita ka talagang
masasaktan siya.
Ang puting kobre kama ay agad na
namantsahan ng dugo at ilang
sandali lang ay pula na iyon.
Napahalakhak ako.
"Bullshit!" Galit na sigaw ni W.
Sinampal niya ng pagkalakas lakas si
Anton ng pumalag ito at nasuntok sa
sa mukha.
"N-No, d-don't do this to me." Tutol
nito sa paos na boses.
"Wag ka ng pumalag dahil mas lalo
ka lang masasaktan." Kitang kita ko
ang mala demonyong ngisi ni W. Isa
siya sa mga taong nakilala ko na mas
demonyo pa sa'kin. Madalas siyang
kalmado pero kapag nagalit ay hindi
nangingiming pumatay.
"N-No, wag...wag mong gawin 'to.
Tama na." Panay ang pagpapasag ni
Anton kahit na halos wala na siyang
lakas.
Napapailing ako dahil inip na inip na
akong marinig ang pagpeplease niya
at pagmamakaawa na tigilan na siya
pero hindi niya iyon masabi sabi.
Matigas talaga siya.
"Don't worry masasarapan ka rin
mamaya at lahat ng sakit na nasa
katawan mo ay mapapalitan ng
sarap." Ani W. Tumango ako bilang
pagsang-ayon.
"M-Mga demonyo." Nagsimula na
naman itong humikbi dahilan para
mariing sabunutan.
I know, I know mga demonyo kami at
ang nararanasan niya ngayon ay
panimula pala ng mga demonyong
tulad namin. Inagaw niya sa'kin ang
kasiyahan na dapat ay natamasa ko
kaya ipaparanas ko rin sa kanya ang
tunay na kahulugan ng lintik lang ang
walang ganti.
Walang pag-iingat na pinaghiwalay
niya ang mga hita nito at
kinubabawan ang babae. Panay ang
baling ni Anton para iwasan ang mga
mapagparusang halik ni W.
Ano ba 'yan nakakainip naman.
"Babe, mas marahas mas mabuti."
Bilin ko. Kinuha ko sa bulsa ko ang
pakite ng sigarilyo at ang lighter ko.
Sinindihan ko iyon bumuga ng apoy
habang nanonood sa mga
kaganapan.
Ang saya lang na nakikita ko siya sa
ganitong sitwasyon.
Napapalakpak ako ng umakyaka ng
mga kamay ni W sa mga hita niya at
pinunit ang pang-itaas niyang saplot.
Agad na isinubsob nito ang mukha sa
dibdib ni Anton kahit may bra pa ito.
Oh, I must say na biniyayaan siya ng
hinaharap.
"T-Tama na. Waaaaaaag! Ayoko na!"
Nagpumiglas siya pero dahil mas
malakas si W ay hindi ito natinag
"Fuck it! Wag kang maingay." Galit na
tugon niya at sinuntok si Anton sa
mukha. Mariin itong napapikit habang
umiiyak, naghahalo ang luha at dugo
nito sa mukha.

Tuluyang inalis ni W ang bra niya at


tila ito hayok na hayok ng makita ng
tuluyan ang mga dibdib nito.
"P-Please no."
Parang may mga fireworks akong
nakita ng marinig ko ang dalawang
salitang sinabi niya. Napaangat ako
mula sa pagkakasandal sa pinto at
masayang masayang napapalakpak.
"Oh my gosh, you just said the magic
word."
Para akong nasa cloud nine dahil sa
narinig ko. Ngayon ko lang narinig na
nagmakaawa siya at para sa'kin ay
napakalaking achievement n'on. The
Great Queen Antonia Santez is
begging. That was a blast!
"T-Tigilan niyo na ako! Patayin niyo
nalang ako please. Hindi ko na kaya
please." Patuloy siya sa
pagmamakaawa habang patuloy rin
si W sa pagmomolestya sa kanya.
Hithit buga ang ginawa ko sa natitira
pang sigarilyo na nasa mga daliri ko
habang pinapakinggan ang
pagmamakaawa niya. Hinding hindi
ko papalagpasin ang ganitong
pagkakataon dahil once in a blue lang
ito, at talagang once dahil ito na ang
huling araw na makakapagsalita siya.
Pagkatapos nito ay papatayin ko na
siya.
"I will give you a privacy babe para
mas mag-enjoy ka sa ginagawa mo."
Humalakhak ako habang sinasabi
'yon. Ang bilis niya pati ang pang-
ibabang saplot ni Anton ay naibaba
na niya at ikinikiskis ang pagkalalaki
niya sa pagkababae nito.
W is a great performer in bed kaya
alam kong ilang sandali lang ay
mapapaungol na si Anton ng dahil sa
sarap at hindi dahil sa sakit.
"I trust you kaya ikaw na ang bahala
sa kanya." Pahabol ko bago ako
tuluyang lumabas ng silid. Narinig ko
na naman ang pagmamakaawa niya
na bumuo ng isang taon ko.
Poor Anton.

Queen Antonia POV


HINDI ko na alam ang gagawin kong
pagmamakaawa para lang tigilan na
nila ako. Ngayon lang ako
nagmakaawa ng ganito at kahit
ayokong isatisfy si Lorette pero wala
na akong ibang makapang salita para
tigilan na ako sa mala empyernong
pagpaparusa sa'kin.
Minomolestya ni Galero ang buong
katawan ko at labis akong naiiyak
dahil iniisip kong wala na akong
mukhang ihaharap kay Second kapag
tuluyan niya akong nagalaw.
Pakiramdam ko ang dumi dumi ko na
at sa pagkakataong ito ay gusto kong
mamatay nalang ng tuluyan.
"I will give you a privacy babe para
mas mag-enjoy ka sa ginagawa mo."
Narinig kong tugon ni Lorette. Kuyom
ko ang mga kamao ko dahil sa
sobrang galit sa kanya.
Hanggang sa makalabas siya ay
bakas na bakas ang saya sa mukha
niya at alam kong dahil iyon sa
narinig niya akong magmakaawa.
Muli akong napasigaw ng sampalin
ako ni W. Nandidiri ako dahil
ikinikiskis niya ang pagkalalaki niya
sa harap kong tanging panty nalang
ang nagsisilbibg harang.
Ni minsan hindi ko pinangarap na
may ibang lalaking gagalaw sa'kin
maliban kay Second kaya ngayon ay
labis labis ang paghihinagpis ko.
Wala akong laban at kung ano man
ang gawin sa'kin ni Galero ay
magagawa niya kahit magpumiglas
ako. Mahinang mahinga na ako at
kahit konting galaw lang ay parang
hihiwalay ang kaluluwa ko sa
katawan ko dahil sa sobrang sakit.
Isinubsob ni Galero ang mukha niya
sa leeg ko, nagawa niya iyon sa
kabila ng pag-iwas ko.
"P-Please nagmamakaawa ako sa'yo
wag, kahit ito nalang. Wag please."
Muli kong pamamakaawa. Bulong
nalang iyon dahil wala na akong
boses.
Tanggap ko ng mamamatay na ako
pero hindi ko tanggap na dadanasin
kong mandiri muna sa sarili ko bago
ako mawala sa muna.
"Please---"
"I'm sorry."
Natigilan ako sa pag-iwas ng marinig
ang ibinulong ni Galero, akala ko ay
guni-guni ko lang iyon pero muli
niyang inulit kaya tuluyan akong
natigilan.
"I'm sorry. Patawarin mo ako
Captain." Bulong niya muli. Nakita
kong nagtaas baba ang mga balikat
niya at sinundan iyon ng mga hikbi.
"Patawarin mo ako sa nagawa mo
sa'yo. Hindi ko sasabihing hindi ko
sinasadya dahil ginawa ko talaga
pero nagagawa ko lang ito dahil sa
sobrang pagmamahal ko sa kanya."
Basag ang boses niya habang
sinasabi iyon. Inilayo niya ang mukha
niya sa leeg ko kaya malaya kong
napagmasdan ang luhaan niyang
mga mata.
Nanlalabo ang mga mata ko dahil
bukod sa mga luha ay putok na ito at
namamaga na pero nagawa ko pa rin
ang lungkot at pagsisisi sa mga mata
niya.
Tuluyan siyang lumayo sa'kin at
kinuha ang mga damit kong marahas
niyang hinubad kanina.
"Patawarin mo ako, kailangan ko
iyong gawin dahil nakaharap siya. I'm
really sorry, mahal na mahal ko si
Lorette at handa akong gawin ang
lahat para sa kanya at kasama doon
ang manakit ng kapwa." Tulala
lamang akong nakatitig sa mukha
niya dahil hindi ako makapaniwala sa
mga lumalabas sa bibig niya.
"Simula noon ay siya lang ang
babaeng pingarap ko kaya ng
magkaroon ako ng pagkakataon na
makasama siya ay ipinangako kong
gagawin ko ang lahat mapasaya lang
siya." Mas lalong lumakas ang hikbi
niya, itinakip niya ang mga kamay sa
mukha niya. "Alam kong mali pero ito
lang ang paraan na alam ko para
maiparamdam na mahal ko siya, ang
sundin lahat ng gusto niya. Pareho
tayong nagmamahal at alam kong
naiintindihan mo ako, hindi man sa
paraang gusto ko pero sana intindihin
mo."
Wala akong masabi dahil tulad niya
ay panay na rin ang hikbi ko. May
parte sa puso ko na naaawa sa
kanya pero sa ngayon ay mas lalong
ang konting sayang nararamdaman
ko dahil hindi naituloy ang balak
niyang paggahasa sa'kin.
Muli niya akong dinamitan habang
pareho kaming walang tigil sa pag-
iyak. Napasinghap ako ng lumuhod
siya sa harapan ko.
"Palalayain kita kahit magalit siya
dahil hindi ko na kayang makita kang
nasa ganitong sitwasyon pero please
ako naman ang magmamakaawa
sa'yo. Wag mo siyang saktan, hindi
ko kakayanin kapag nakita siyang
nasasaktan. Please." Puno iyon ng
pagmamakaawa ang boses niya.
Hindi ko alam ang isasagot kaya
nanatili akong nakatitig sa mukha
niya. Naaawa ako kay Galero sa
kabila ng lahat dahil kitang kita ko
ang lungkot sa mga mata niya at ang
takot sa maaaring mangyari kay
Lorette. Mahal na mahal niya ito at
wala akong duda doon pero ang
pagkakamali nga lang ng sitwasyon
ay hindi siya ang mahal nito.
Alam kong masakit para sa kanya na
ang babaeng itinuring niyang mundo
niya ay may mahal na iba at saksi
siya sa lahat. Sa pagkabaliw nito kay
Second at pagpapakadesperada.
Nanlilimos ito ng pagmamahal kay
Second samantalang nasa tabi niya
si Galero na handang ibigay sa kanya
ang mundo pero hindi niya makita
iyo.
"A-Alam kong galit na galit ka sa
kanya dahil sa pagpapahirap na
ginawa niya sa'yo pero please wag
mo siyang sasaktan. Sa'kin mo
ibuhos ang galit mo para sa kanya,
ako nalang ang patayin mo. Iyon lang
ang hiling ko."
"B-Bakit?" Sa wakas ay naitanong ko
ng makabawi sa lahat ng mga sinabi
niya. "B-Bakit hinayaan mong maging
gan'on siya kasama?" Patuloy ako sa
pagluha.
"Dahil iyon ang gusto niya at wala
akong magawa kundi ang suportahan
siya dahil natatakot akong iwan niya
ako. Nakuntento nalang ako sa nasa
tabi niya sa lahat ng oras kahit hindi
ako ang mahal niya para lang
masiguro kong ligtas siya at hindi
masasaktan ng kung sino." Yumuko
siya habang nakaluhod pa rin.
"Bakit siya ang minahal mo?"
Umiling siya. "Walang rason basta
mahal ko lang siya dahil iyon ang
sinasabi ng puso ko, tulad ng
pagmamahal mo kay Second.
Walang pwedeng magkwestyon dahil
hindi masusukat." Yumakap siya
sa'kin. "Please ako nalang ang
patayin mo at wag mo siyang
sasaktan, hindi ko kakayanin.
Mababaliw ako."
Hindi ako nakasagot sa pakiusap niya
dahil kahit sa sarili ko hindi ko alam
kong magagawa kong patawarin si
Lorette sa mga nagawa niya sa'kin.
Wala akong makapang-awa dahil
purong galit iyon.
Kapag nagkaroon ako ng
pagkakataon dobleng sakit ang
ipaparanas ko sa kanya.

---------------------------
--

Chapter 43

Winx Galero (W) POV


ANG sakit sakit sobra. Sabi nila
kapag daw mahal mo papalayain mo
para maging masaya ito, pero
nakakapangmura ang nagsabi n'on
dahil hindi naman totoo 'yon. Para
sa'kin if you love someone don't give
up, keep on loving despite of his/her
flaws. Wag kang susuko kahit
napakasakit na.
I really really love Lorette Alegron
despite of everything. Hindi siya
perpekto, masama siya sa mata ng
lahat pero para sa'kin ay siya ang
pinakaperpektong babaeng nakilala
ko.
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya
kahit masakit na ay ayaw ko pa ring
bumitaw. Hindi ko na matandaan
kung ilang taon na akong nasa ganito
sitwasyon. Nagmamahal ng isang
babaeng hindi ako makuhang
mahalin pabalik. We've been together
since high school pero hindi niya ako
nakita bilang isang lalaking dapat
mahalin, ang tingin niya sa'kin ay
bagay na mapapakinabangan para
mapaibig niya si Second Castillion.
Bullshit! Ang martyr ko lang, masakit
oo pero alam kong mas masakit kung
mawawala siya sa'kin dahil alam
kong hindi ko kakayanin kaya
hanggat hindi napapagod ang puso
ko na tumibok para sa kanya ay hindi
ako bibitaw.
Honestly, gusto ng sumuko ng isip ko
pero 'yong puso ko ay masyadong
mahigpit ang kapit aa paniniwalang
balang araw ay mamahalin niya rin
ako. Kailan ba mangyayari 'yon?
Siguro hindi na. Alam ko ang
katotohanang 'yon pero mas pinipili
kong paniwalain ang sarili mo na
darating ang araw na iyon may
panghawakan manlang ako para
maging rason na patuloy siyang
mahalin.
Bumukas ang pinto at alam kong si
Lorette ang pumasok. Nakatulala
lang ako sa kawalan habang iniisip
ang mga bagay bagay. Nananatili
akong nakaupo sa kama kung
nasaan si Captain kanina.
Kahit naging malaki ang kasalanan
ko ay Captain pa rin ang tawag ko
kay Anton, she's an amazing woman
at masasabi kong napakaswerte ni
Second Castillion.
"NASAAN SI ANTON?" Nagpupuyos
sa galit na sigaw ni Lorette ang
ibinungad niya sa'kin. Pumailanlang
iyon sa buong silid.
Hindi ako sumagot dahil baka
mabasag ang boses ko. May bikig sa
lalamunan ko na alam kong ilang
sandali lang ay bibigay na.
Putangina! Kalalaki kong tao
napakaiyakin ko.
"W, nasaan si Anton?" Lumapit siya
sa'kin na mabangis ang mukha.
Nanlilisik ang mga mata niya dahil sa
galit.
"P-Pinakawalan ko siya." Nauutal
akong sumagot at tulad ng inaasahan
ko ay agad na dumagsa ang luha ko.
Ang bigat bigat ng dibdib ko, halos
dekada ko rin itong kinimkim at dinala
ng kalooban ko pero ngayon nag-
uumapaw na.
Sinampal niya ako ng pagkalakas
lakas. Nalasahan ko ang dugo sa
gilid ng labi ko. Nanatili akong
nakayuko dahil wala akong balak na
gumanti, mahal na mahal ko siya
kaya hinding hindi ko siya kayang
pagbuhatan ng kamay. Not even in
my dream.
"Putang ina ka! Ginawa mo na
naman ulit. Punagkatiwalaan kita
pero binigo mo na naman ako."
Sigaw niyang muli at sinabunutan
ang buhok ko para umangat ang ulo
ko at mapatingin sa maganda niyang
mukha.
Napakaganda niya at wala na siguro
akong ibang mamahalin kundi siya
lang.
"Ginawa mo na ito kay Second noon,
tinulungan mo siyang makalaya ng
wala ang permiso ko."
Totoo iyon, noong kinidnap namin
noon si Second Castillion ilang taon
na ang nakalipas ay pinahirapan rin
siya ni Lorette tulad ng ginawa nito
kay Anton at hindi ko masikmura iyon
kaya lihim ko itong itinakas at ibinalik
sa village nila. Ginawa ko iyon para
hindi tuluyang maging mamamatay
tao si Lorette, hindi ko kaya 'yon. Oo
pinapahirapan niya ang mga taong
gusto niyang gantihan gamit mismo
ang kamay niya pero ako ang
tuluyang kumikitil sa buhay nila dahil
ayokong maging mamamatay tao.

Kahit ako nalang wag na siya. Kaya


kong akuin ang lahat para sa kanya.
Gan'on ko siya kamahal.
"Binigo mo ako!" Sinampal na naman
niya ako at tulad kanina ay halos
mamanhid ang mukha ko dahil sa
sobrang lakas.
"I-I'm sorry, kailangan kong gawin
'yon para mailigtas ka." Tanging sagot
ko. Umiiyak ako sa harapan niya pero
wala siyang pakialam. Ano bang
aasahan ko palagi namang gan'on
dapat sanay na ako pero nasasaktan
pa rin ako.
"Mailigtas ako? Palaging 'yan ang
rason mo pero ang totoo ay
ipinapahamak mo ako." Bumunot siya
ng baril at itinutok iyon sa sentido ko.
Mariin akong pumikit at wala akong
balak na umiwas. Sa totoo lang
magiging masaya ako kung
mamamatay ako ngayon para tuluyan
na akong makatakas sa sakit na
kinasadlakan ko sa napakahabanh
panahon dahil nagmahal ako ng
totoo.
"Papatayin kita." Galit na galit pa rin
siya.
Malungkot akong ngumiti, ramdam ko
ang mainit na luhang umaagos sa
pisngi ko.
"Hindi mo na kailangang gumamit ng
baril para patayin ako dahil ang
katotohanang may mahal kang iba ay
sapat na para unti unti akong
mamatay." Naibulong ko, ang tahimik
kong pag-iyak ay nauwi sa paghikbi
hanggang sa naging hagulhol na.
Itinakip ko ang kamay ko sa bibig ko
para hindi na lumakas pa 'yon.
Nakatutok pa rin ang baril niya sa ulo
ko. Kahit sa huling pagkakataon lang
gusto kong sabihin sa kanya ang
lahat. Ngayon ko lang gagawin 'to
dahil noon panay lang okay ang
sagot ko sa lahat ng sabihin niya.
Ibinigay ko lahat ng hiling niya kahit
alam kong minsan over the limit na.
Para akong enervon pagdating sa
kanya. I am proud to be limitless.
Naging agent ako dahil iyon ang
gusto niya. Pinag-aralan kong mabuti
kung paano manghack dahil sinabi
niya. Naging head security ako ng
back up team ni Captain dahil utos
niya. Buong buhay ko siya ang
sinunod ko siya pero kulang pa rin
pala.
She can't love me back and it kills me
real hard. Paulit ulit akong pinapatay
ng sakit pero mahal ko pa rin siya.
Hindi ko gusto ang ganitong buhay
pero hindi ko rin naman magawang
umahon sa pagkahulog sa kanya
kaya hihintayin ko nalang ang
katapusan ko.
"A-Ang naging kasalanan ko lang
naman ay ang mahalin ka." Walang
halong panunumbat pero gusto kong
ipamukha sa kanya ngayon kung
gaano ako kabaliw sa kanya. "Hindi
ko pinagsisisihan na nakilala kita at
minahal kita. You are everything to
me Lorette, I love you so much and it
pains me seeing you like this. Full of
anger and hatred. Kung maibabalik
lang ang noon gustong gusto kong
burahin lahat ng sakit na
naramdaman mo ng mahalin mo si
Second. Gusto kong kunin lahat ng
sakit na nararamdaman mo at ako
ang papasan n'on para hindi ka
mahirapan."
Iniangat ko ang tingin ko at tumitig
diretso sa mata niya, nanlalabo ang
mga mata ko dahil sa dami ng
iniluluha ko. Dahan dahan kong
itinaas ang kamay ko at hinaplos ang
maganda niyang mukha.
Walang emosyon ang mga mata
niyang nakatitig sa'kin pabalik. Gusto
ko mang ibalik ang saya doon tulad
ng una kaming magkakilala ay alam
kong hindi ko magagawa dahil hindi
ako ang lalaking mahal niya.
"Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo ay
sinusuportahan kita kahit sa mga
bagay na alam kong hindi tama. Sa
sobrang pagmamahal ko sa'yo kaya
kong mamatay mailigtas ka lamang."
Bulong ko.
Nagtagis ang mga bagang niya at
galit niyang pinagbabaril ang paligid
ko. Nagwala siya at lahat ng mga
gamit na dinala dito sa silid ay
pinagtatapon niya. Taas baba ang
dibdib niya ng muling bumaling
sa'kin. Hindi nabawasan ang galit
doon nang muli niyang itutok sa'kin
ang baril.

"Sinabi ko sayong hindi kita kayang


mahalin. Sinabi ko 'yon sa'yo." Asik
niya.
Mariin kong nakagat ang pang-
ibabang labi ko. Alam ko, sinabi niya
iyon simula't sapol at kitang kita ko
iyon kahit hindi niya sabihin pero tao
lang ako at tulad ng lahat ng
nagmamahal ay pinangarap ko ring
masusuklian ang nararamdaman ko
para sa kanya.
Hindi lang iilang beses ko iyong
hiniling pero siguro hindi talaga siya
para sa'kin dahil hindi niya ako
magawang mahalin.
"Pinalaya ko si Captain dahil hindi
niya deserve na maranasan ang mga
ipinaranas mo sa kanya." Tugon ko.
Mas lalong nagdilim ang mukha niya
na tila bagyong nagbabadya ng
malakas na ulan.
"Bakit deserve ko ba lahat ng sakit na
naranasan ko dahil sa kanya?"
Umiling ako. "No."
Tumawa siya. "Alam mo naman pala
pero pinili mo pa ring suwayin ako."
"Ikaw ang pumili na masaktan, ikaw
ang nag-isip na mapapasa'yo si
Second kung wala siya kaya umabot
sa ganito. You choose to be in pain
than to let go the past."
Dahil sa mga sinabi ko ay tuluyan
niya akong binaril. Tumama iyon sa
balikat ko pero hindi ako dumaing o
nagreklamo kahit na masakit. Sanay
na akong masaktan at mas gusto ko
ang pisikal na sakit kaysa ang sakit
na nararamdaman ng puso ko.
"Sabi mo mahal mo ako pero bakit
pinakawalan mo?"
"I do love you, mahal na mahal kita at
alam mo 'yan. Pinalaya ko siya dahil
kapag pinatay mo siya ng tuluyan ay
sigurado akong hindi ka
mapapatawad ni Second Castillion at
papatayin ka rin niya." Iyon ang
maraming bagay na tungkol kay
Lorette na kinakatakutan ko, kilala ko
ang kapasidad ng mga Castillion
kapag nagagalit sila. Kung demonyo
ako ay mas triple ang pagiging
Satanas nila at ayokong maranasan
ni Lorette iyon.
Mahigpit akong yumakap sa kanya,
kahit nagpupumiglas siya ay hindi ko
ginawang bumitaw. Tulad ng
nararamdaman ko sa kanya, panay
man ang kawala niya sa pagmamahal
ko ay hindi bumibitaw ang puso ko.
"Nagmamakaawa ako sa'yo, umalis
nalang tayo dito. Bumalik tayo sa
New York, bumalik tayo sa tahimik
nating buhay at magsimula muli.
Please sumama ka sa'kin." Alok ko,
bahagya akong humiwalay para
makita ang reaksyon niya.
"Magpakalayo layo tayo para hindi ka
nila matunton. Hayaan mong mahalin
kita ulit habang nasa malayo tayong
lugar. Runawat with me, Lorette."
Tuluyang gumuho ang mundo ko ng
umiling siya. Halos kapusin ako ng
hininga dahil sa paninikip ng dibdib
ko. Masakit. Masakit na masakit na
masakit. Masakit. Sobrang sakit.
Napakasakit. Hindi maipaliwanag na
sakit ang lumukob sa buong
pagkatao ko sa simpleng iling na
iyon.
"No, hindi ako aalis kasama ka.
Tatapusin ko ang nasimulan ko. I
don't love you and I can't runaway
with you this time." Matatag niyang
sagot.
Naikuyom ko ang kamao ko para
kumuha ng lakas sa sarili ko dahil
para akong mabubuwal mula aa
pagkakatao dahil sa tila mga patalim
na mga salitang lumabas sa bibig
niya.
Pero hindi pa rin ako susuko.
Hinawakan ko ng masuyo ang
magkabila niyang palad habang hindi
ko inaalis mga mata sa pagkakatitig
sa kanya. Kahit awa nalang ang
maging dahilan ng pagsama niya
sa'kin ay malugod kong tatanggapin.
"Sumama ka sa'kin, parang awa mo
na. Mapapahamak ka kapag nagtagal
ka dito." Lumuhod ako. Pangalawang
beses na akong lumuhod ngayong
araw pero hindi ito ang unang beses
na lumuhod ako sa harap niya.
Napakaraming beses na pero iisa
ang dahilan. Ang manatili siya sa tabi
ko.
Lumuhod rin ako noon ng malaman
niyang pinatakas ko si Second at
kulang nalang patayin niya ako. Ang
naranasan ni Second at Captain sa
kanya ay naranasan ko rin. Ang totoo
mas malala pa doon ang pinagkaiba
lang ay willing akong tinanggap ang
sobrang sakit na duloy n'on para lang
mapatawad niya ako sa nagawa ko at
hindi niya ako iwan.
I am a masochist! I am martyr! Hindi
lang mga babae ang martyr sa pag-
ibig meron ring lalaking tulad ko.
Hindi lang balde balde ang nailuha ko
para sa kanya pero heto pa rin ako
hanggang ngayon mahal na mahal pa
rin siya kahit ang sakit sakit na.
"Kahit mamatay ka ngayon sa
harapan ko ay hinding hindi ako
sasama sa'yo. I'm done with you and
I don't need you anymore." Parang
bomba iyong sumabog sa
pagmumukha ko. Dumating na ang
araw na pinakatatakutan ko. Nabingi
ako dahil sa mga narinig ko.
Sandaling hindi gumana ang utak ko
dahil hindi nito kayang tanggapin ang
mga katagang iyon. Napakurao kurap
ako ng ilang ulit.
I'm done with you and I don't need
you anymore.
"Wag mo namang sabihin 'yan,
nasasaktan ako." Yumakap ako sa
binti niya at doon ibinuhos lahat ng
luha ko.
Mamamatay na ata ako.
"Mamamatay ako Lorette, baby
mamamatay ako kapag hindi mo na
ako gusto sa tabi mo. Please naman
wag ganito. Ayoko hindi ko kaya."
Hanggang sa halos wala na akong
mailuha ay nagmakaawa ako sa
harap niya hanggang sa makarinig
kami ng mga putok ng baril sa labas.
Natuod ako at agad na napatingin
kay Lorette na nakatingin na rin
sa'kin. Itinulak niya ako at ihinanda
ang baril niya.
"Hayop ka kasalanan mo 'to." Sumbat
niya. Ako tulala lang.
Nandito na sila, ibinigay ko ang
address kay Second dahil akala ko
pagdating nila ay nakaalis na kami ni
Lorette sa lugar na 'to pero hindi ko
siya nakumbinse at ako ang
nagpahamak sa'ming dalawa.
Please guide me Lord.

---------------------------
--

Chapter 44
Hi guys, gumawa po ako ng facebook
account. Kuyajen Wp (Official) po
ang name. Please add niya po ako
doon para chika chika tayo. Gusto
kong makilalaa mga readers ko. Kung
gusto niyo lang naman.
Queen Antonia POV

KAGAT kagat ko ng mariin ang mga


labi ko para pigilan ang pagkawala ng
aking hikbi dahil sa sobrang sakit ng
mga sugat na natamo ko. Nanghihina
na ako sa dami ng dugong nawala
sa'kin, manhid na ang buo kong
katawan at wala na akong
kakayahang igalaw ang bawat parte
nito.
Nandito ako sa kabilang kwarto na
pinagdalhan sa'kin ni Galero dahil
hindi daw niya ako basta basta
maiilabas ng napakadami ng bantay
na nakapalibot sa buong bahay. Isa
pala itong napakalaki at
napakagarang bahay na pag-aari
niya. Sinuguro niyang hindi ako
mapupuntahan ni Lorette dito na
siyang ilang ulit kong ipinagdasal.
Sana nga dahil kung muli niya akong
pahihirapan ay talagang bibigay na
ang katawan ko. Mamamatay ako ng
tuluyan.
Nakasandal ako sa likod ng pintuan
habang walang tigil sa pag-agos ang
mga luha ko. Para iyong gripo ng
hindi maampat kahit anong pigil ko.
Naaawa ako sa sarili ko ng makita ko
ito kanina sa reflection ng bintana.
Wasak na wasak at kahit ako hindi kp
nakilala ang katawan ko. Hindi ko
mabilang ang pasa, sugat at hapdi na
natanggap ko. Ang tanging
pinanghahawakan ko nalang ngayon
ay ang pagtibok ng puso ko na kahit
iyon ay pahina na rin ng pahina.
Nanginginig ang buo kong katawan at
hindi ako sigurado kung
makakarecover pa ako pagkatapos
nito. I am bruise. I am beaten up. I
sufferred a lot na ni sa panaginip ko
ay hindi ko nalamang mararanasan
ko.
Mariin akong napapapikit ng
makarinig ako ng mga putok sa
labas. Nagkaroon ako ng konting
pag-asa pagkarinig ko ng gantihan ng
putok ng baril. Siguro ito na ang
sagot sa mga dasal ko, mailalayo na
siguro ako sa lugar na ito.
"M-My King." Hirap na hirap kong
bulonh habang iniisip si Second.
Sana makita ko pa siya. Sana
makasama ko pa siya. Sana
makasabay ko pa siya sa pagkain.
Sana makakulitan ko pa siya. Sana
magkaroon ako ng pagkakataon na
maipakita sa kanya kung gaano ko
siya kamahal.
Habang tuloy ang malakas na
putukan ay ramdam ko nalang unti
unti ng humihina ang katawan ko.
Nabibigat na ang mga talukap ng
mga mata ko pero ayokong matulog
dahil natatakot ako na baka hindi na
ako magising pero sobrang pagod na
ang natamo ko.
Kailangan kong labanan ang pagod
ko.
Kailangang may paglibangan ako
para hindi ako makatulog. Napahigpit
ang hawak ko sa damit ko ng
maramdamang bumibigat ang
paghinga ko. Para akong nauubusan
ng hangin sa katawan.
I-I will leave my heart at the door
I won't say a word
They've all been said before, you
know
So why don't we just play pretend
Like we're not scared of what is
coming next
Or scared of having nothing left
Patuloy kong kinakanta ang
paboritong kanta ni Second gamit
ang isip ko kahit ang totoo ay pati ang
utak ko ay bibigay na rin.
Hindi ko na alam ang nangyayari sa
katawan ko. Ang kaninang malinis na
sahig na kinauupuan ko ay nagkalat
na ang sarili kong dugo. Sariwang
sariwa iyon at kahit ako nagigimbal
sa maraming dugo na nawala sa
katawan ko.
Nauwi sa hikbi ang pagpipigil kong
umiiyak habang patuloy kong
isinisiksik sa utak ko ang lyrics ng
kantang palaging kinakanta sa'kin ni
Second. Habang kinakanta ko iyon
pakiramdam ko kasama ko siya kaya
kahit papaano ay kumakalma ako.

Look, don't get me wrong


I know there is no tomorrow
All I ask is
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a
friend.
Iidiniin ko ang ulo ko sa pintuan dahil
bibigay na ito. Wala ng lakas para
itindig ko. Wala na. Mamamatay na
siguro ako sa lugar na ito.
"C-Captain, open the door kailangan
na kitang mailabas dito." Dinig ko ang
familiar na boses ni Galero habang
sinasabayan niya iyon ng mga katok
sa pinto.
Hindi ako nakasagot dahil kahit ang
bibig ko ay hindi ko na alam kung
paano ibubuka. Sobrang sakit,
sobrang hapdi. Isa akong kaawa
awang babae na wala ng lakas para
labanan ang sumusundo sa'king
kamatayan.
"C-Captain." Basag ang boses ni
Galero, narinig ko ang pagclick ng
doorknob at dahil nakasandal ako sa
pinto ay dahan dahan niya iyong
binuksa. Sa sobrang hindi ng
katawan ko ay natangay lang ako sa
pagbukas niya ng pinto. "Damn."
Mura niya ng makita ang kalagayan
ko.
Maga ang mga mata niya at pulang
pula ang mga 'yon habang nakatingin
sa'kin. Agad niya akong dinaluhan at
binuhat. Mas lalo akong napaluha ng
gumalaw ang mga katawan ko at
para iyong kusang maghihiwahiwalay.
"H-Hold on wag kang bibigay."
Bulong niya, nakita ko ang mga luha
niyang tuluyang umagos. "I'm sorry,
I'm sorry." Paulit ulit niyang tugon
habang binubuhat ako palabas.
Patuloy pa rin ang nadidinig kong
putukan.
"M-My K-King, I l-love him. Pakisabi
mahal na mahal na mahal ko siya."
Kahit hirap na hirap ay sinabi ko iyon
sa kanya. "P-Please iparating mo sa
kanya." Hindi ko ng magawang
kumapit sa kanya dahil talagang wala
na akong lakas. Bawat galaw ay
pasidhi ng pasidhi lalo ang kirot.
Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko
ay siya ring pagtulo ng mga dugo ko
sa sahig.
Dumaan kami sa likod ng malaki
niyang bahay. Sabay kaming
humihikbi habang sinisikap niyang
mailabas ako.
Tumingin siya sa'kin na puno ng awa
at pagsisisi. Umiling ako ng dalawang
beses kahit hirap na hirap.
"I-Iwan mo na ako dito, hindi ko na
kaya." Naibulong ko.
"QUEEN!" Napangiti ako ng marinig
ko ang boses ng lalaking
pinakamamahal ko. Ang Second
Castillion ko.
Tumigil si Galero sa paglalakad at
hinintay niyang makalapit sa'min si
Second. May hawak itong baril at
nagpupuyos sa galit pero ng makita
ang kalagayan ko ay para siyang
mawawala sa katinuan.
"M-My Queen." Dinig ko agad ang
hikbi niya. Mabilis niyang binitawan
ang baril na hawak niya at kinuha ako
sa mga bisig ni Galero.
"M-Mahal na mahal kita." Tugon ko.
Ilang ulit siyang tumango at bakas ko
ang takot sa kanyang mga mata.
Alam ko dahil sa hitsura ko ay para
na akong patay.
"I love you too, wag mo akong iiwan
please." Pagsusumamo niya.
"H-Huwag mo akong iyakan.
Nadudurog ang puso ko kapag
nasasaktan ka." Pilit pa rin ang
paglabas ng boses sa bibig ko.
"Wag ka munang magsalita, tutuloy
tayo sa hospital." Aniya, dahil nasa
bisig niya ako ay ramdam na ramdam
ko ang panginginig niya.
Akmang hahakbang na siya ng bigla
akong makaramdam ng kakaibang
sakit sa puson ko. Akala ko manhid
na ako sa brutal na pagpapahirap
sa'kin pero hindi pa pala. Halos
mamilipit ko sa labis na sakit sa
puson ko. Mahigpit akong napahawak
sa balikat ni Second dahil parang
may dumakot sa laman ng puson ko.
"Aaaaaaah!" Sigaw ko. Lahat ng
kakaunting lakas na meron ako ay
naibigay ko sa sigaw na iyon.
Wala na akong ideya kung gaano
karami ang ibinubuhos kong luha
habang nakahawak ako sa puson ko.
May likido akong naramdaman na
lumabas sa pwerta ko at halos
mawalan ako ng ulirat ng makapang
may dugong lumalabas doon.

"Queen...Queen...Queen!" Paulit ulit


na sambit ni Second habang
nakatingin rin sa mga hita ko. Ang
tuyong dugo na naroon ay napalitan
ng sariwa na nagmumula sa
pagkababae ko.
God, please no sana mali ang iniisip
ko.
Ang takot na naramdaman ko ay
triple ng maalalang halos isang
buwan na akong hindi dinatnan.
Nagmamakaawa akong napatingin sa
mga mata ni Second habang patuloy
sa paghilab sa sakit ang puson ko.
Labis man akong nanghihina ay alam
ko ang nangyayari sa katawan ko.
Mahigpit akong yumakap kay
Second.
"S-Sorry, sorry hindi ko alam." Bulong
ko.
Niyakap niya ako habang patuloy sa
masaganang pagdaloy ang dugo sa
mga hita ko. Hindi ko maisip na
galing iyon sa mga sugat na ibinigay
sa'kin ni Lorette dahil ang parte ng
puson at katawan ko ay hindi niya
nasaktan. Mula sa hita hanggang paa
lang at mula sa kamay hanggang
mukha ang napinsala niya pero hindi
sa puson at tiyan ko.
Namalayan ko nalang na tumatakbo
na si Second para ilayo ako sa lugar.
Malawak na grassland ang
bumungad sa'kin. Wala na ako sa
tamang pag-iisip. Nasasaktan.
Naguguluhan. Natatakot.
Nananalangin. Nanginginig. Hindi ko
na alam.
Patuloy ako sa paghagulhol habang
hawak ko ang puson ko. Ramdam
kong may kakaiba doon. Ayokong
pangalanan dahil natatakot ako na
baka tama ang iniisip ko. Hindi
malabong mangyari iyon dahil may
ilang ulit na nangyari sa'min ni
Second noong nasa isla pa kami.
"LORETTE!" Nakarinig ako ng sigaw
ng nasa kalagitnaan na kami ng
grassland. Sigaw ni Galero. Kasunod
ang putok ng baril.
Tumigil si Second sa pagtakbo at
mas lalong humigpit ang
pagkakayakap niya sa'kin.
"H-Hold on, my Queen." Bulong niya.
Muli siyang naglakad habang buhat
buhat ako samantalang ako ay tolero
na.
Bakit nangyayari sa'min ang bagay
na ito? Kulang pa ba lahat ng
paghihirap ko para parusahan kami
ng sobra sobra sa inaakala namin?
Hindi ko mapigilang itanong ang
bagay na iyon dahil sa sobrang hirap
at kaawa awang sitwasyon namin
ngayon.
"M-Mahal kita." Bulong ni Second.
Ang takbo niya kanina ay naging
mabilis na lakad at naging mahina.
Ilang ulit siyang umubo na tila hirap
na hirap at kulang pa pala lahat ng
pagdurusa namin. Natulala na
lamang ako ng makitang may dugong
lumalabas sa bibig nita habang pilit
pinipigilan ang pag-ubo.
"M-Mahal na mahal kita." Ulit niya.
Niyakap niya ako habang parehong
masaganang ang paglabas ng mga
luha namin hanggang sa sabay
kaming bumagsak sa damuhan.
"M-My King." Naibulong ko. Pilit
siyang ngumiti sa'kin. Hindi ko alam
ang nangyayari at pinanalangin ko na
sana hindi ko nalang nalaman dahil
naging dahilan iyon ng tuluyang
pagguho ng mundo ko.
Nakapa ko ang likod niya dahil
nakayap pa rin ako ng mahigpit sa
kanya at doon ko nalamang may
tama siya sa likod kong saan ay na
pwesto ng puso. Ilang sandali pa ay
basa na ng dugo ang dibdib niya.
Nabingi ako. Napipi. Namatay ng
paulit ulit ang pagkatao ko habang
pinagmamasdan siya. Hindi ako
humiwalay ng yakap. Itinapat ko ang
tenga ko sa dibdib niya kung nasaan
ang puso. Tumitibok pa iyon at iyon
nalang ang naging lakas ko dahil
wala na akong kakapitan lalo at hirap
rin ako sa pagpigil ng paghila ng
kamatayan sa'kin.
Gumante siya ng yakap at sabay
kaming mariing pumikit. Ito na siguro
ang katapusan namin. Kahit anong
sakripisyo at pangangako kong hindi
ko hahayaang masaktan siya ay doon
pa rin nauwi.
Wala na akong naririnig na putukan at
wala na akong maintindihan sa
nangyayari sa paligid. Mapait akong
napangiti, wala na akong marinig na
hikbi naming dalawa dahil pareho na
kaming manhid at hinahayaan nalang
ang sarili naming mga luha para
magluksa sa'min.
Ito na siguro ang kapalaran namin
pero ang mas masakit lang ay may
batang nasa sinapupunan ko ang
nadamay.
Sa huling pagkakataon ay hinayaan
kong bumalik sa alaala ko ang
masasayang mga araw namin ni
Second
"Bakit ayaw mong magswimming?"
Tanong ko habang nakayakap pa rin
sa kanya.
Ngumiti siya at nanggigigil na
hinalikan ang baba ko. "Baby, mas
masaya kasi akong panoorin ka."
Napasimangot ako. "Don't call me
that."
"What?"
"Ayokong tinatawag mo akong baby,
I'm not a baby anymore." Tinaasan ko
siya ng kilay at humalukipkip sa
harapan niya.
"Bakit ayaw mo ng endearment na
'yon?"
"Ang corny sa pandinig tapos ang
sagwa."
"Anong gusto mong itawag ko sa'yo,
ayokong tawagin ka sa pangalan mo
kapag naglalambing ako." Ungot
niya.
Napaisip naman ako. "Hmm.King and
Queen nalang tulad ng dati."
Bumalik ang ngiti niya tapos kinagat
na naman ang labi ko. "Okay, but this
time ako na ang King mo tapos ikaw
ang Queen ko. Ako ang hari mo na
handang ibigay ang lahat ng gusto
mo tapos ikaw naman ang reyna ng
buhay ko."
Akmang lalakad na ako ng pigilan
niya ang kamay ko. Napatingin ako
sa kanya.
"Wala kang sapin sa paa baka
masugatan ka ng mga bato." Napatili
ako dahil bigla niya akong kinarga
hindi 'yong parang bridal style kundi
'yong klase ng pagkarga sa bata. Sa
laki niya ay nabuhat niya ako.
"Di bale simula ngayon palagi kitang
bubusugin hindi lang sa totoong
pagkain pati na rin sa pagmamahal."
"Meron akong knock knock."
"Okay, ano 'yon?"
"Knock...knock!"
"Who's there?"
"Queen."
"Queen, who?"
"Yong babaeng pinakamamahal ko."
"Tinawanan mo lang ako hindi ka
manlang kinilig." Reklamo niya.
"Ako naman ang may knock knock."
"Ano naman?" Iritang tanong niya.
"Knock...knock!"
"Who's there?"
"King."
"King, who? Tapos sasabihin mo
'yong lalaking pinakamamahal ko?"
"Umayos ka kasi wag mo 'kong
pangunahan."
"Oo na. King, who?"
"You are my King, my only King You
make me happy,
When skies are grey,
You’ll never know King, how much I
love you, please don’t take my King
away."
"Talaga? Meaning kinikilig ka
ngayon?" Tanong pa niya.
"Oo, nakangiti ako e."
"This is my little castle at para ito sa
reyna ko."
"My Queen!" Sigaw niya.
"Good morning My King." Nakangiting
sabi ko.
"Mas good ka pa sa morning."
"Mabaho ang hininga ko hindi pa ako
nagtotoothbrush."
"Ee, okay lang 'yon kasi kapag mahal
mo ang isang tao kahit ano pa ang
amoy niya ay mabango pa rin para
sa'yo."
"Gumawa ako ng sand castle hindi pa
kasi kita mabibigyan ng palasyo dahil
nandito pa tayo but promise kapag
naging maayos na ang lahat ay
tuluyan na kitang magiging reyna."
"Tapos gagawa tayo ng maraming
little Second and little Antonia."

Tanging mga alaalang mababaon ko.


Ngumiti ako para iparating sa
kanyang kinikilig ako. Hindi man kami
nakagawa ng castle dito ay alam
kong sa kabilang buhay ay
maipagpapatuloy namin iyon. Doon
namin tutuparin ang mga pangarap
namin na magkaroon ng little Second
at little Antonia.
Doon na malayo sa pasakit at
pagkabigo.
"E-Even death can't do us part."
Bulong ko.
Rinig na rinig ko ang sabay na
paghina ng tibok ng mga puso namin
at kasabay rin n'on ang pagkawala ng
kirot sa puson ko.

---------------------------
--

Chapter 45

Malapit na tayong matapos. Please


magbigay naman po kayo ng reaction
about the story. :( Iyon nalang ang
motivation ko para tapusin 'to.
-kuyajen
SABAY na naibaba ang strecher na
kinahihigaan nina Anton at Second.
Sabay na nilalabanan ang
kamatayan. Sabay na nasa bingit ng
pagkawala sa mundo.
Nag-iiyakan. Puno ng takot at
paghihinagpis. Hikbi. Singhot.
Lungkot. Pangungulila. Pagkalito.
Awa. Hindi na alam ng magkakapatid
na Castillion ang dapat na
maramdaman kasama si Gale
habang nakikisabay sila sa pagtakbo
ng mga nurse at doctor papunta sa
emergency room.
Humihikbi si Gale habang hawak ng
mahigpit ang kamay ni Anton.
Naaawa siya sa tinamo nito, kanina
hindi niya alam kung saang parte ng
katawan nito ang hahawakan niya
dahil puro iyon sugat at paso.
Nakakaawa ang mga ito.
Nagtagis ang mga bagang niya ng
maalala ang nangyari kanina ng
sumugod sila sa bahay ni Galero.
Galit na galit noon si Second at lahat
ng humugarang ay walang awa
niyang pinapaulanan ng bala. Kita
niya ang pagkabalisa nito pero
pinipilit na maging matapang para
iligtas si Anton.
Nagkagantihan ng putok at sabay
sabay silang sumugod kasunod ang
magkakapatid na Castillion at ang
mga tauhan na galing sa
departamento nila.
Humiwalay sa kanila si Second
kanina para hanapin ang dalaga.
Lumabas ito sa may garden at nakita
nilang sunod na tumakbo doon si
Lorette kaya hindi sila nag-aksaya ng
panahon na sundan ito. Nangingitngit
din siya sa galit ng mga oras na iyon.
Naabutan nilang itinatakbo na ni
Second ang lasog lasog na katawan
ni Anton samantalang si Galero ay
nakikipagbuno kay Lorette para hindi
nito mahabol ang dalawa.
Hindi nila naagapan ang lahat dahil
sa bilis ng pangyayari. Nagpaputok
ng ilang ulit si Lorette at sa
kamalasan ay tumama ang isang
bala sa likod ni Second.
Itinaas niya ang baril at binaril si
Galero sa magkabilang balikat at binti
gan'on din si Lorette. Akmang
magpapaulan ng bala ang
magkakapatid na Castillion papunta
sa gawi ng mga ito ng sumigaw siya.
"PUTANGINA! BUHAYIN NIYO! WAG
NIYONG HAHAYAANG MAMATAY
DAHIL HINDI NARARAPAT SA
KANYA ANG MAMATAY NG
WALANG KAHIRAP HIRAP! TRIPLE
ANG MARARANASAN NIYA SA LAKI
NG KASALANAN NIYA SA
KAIBIGAN KO!" Iyon ang saktong
mga salitang isinigaw niya. Hindi niya
napigilan ang mga luha ng
mapatingin sa pwesto nina Anton at
Second.
Nangangati ang mga kamay niyang
pabaunin ang mga bala ng baril niya
sa ulo ni Lorette pero nagpigil siya.
Pahihirapan niya ito hanggang sa ito
na mismo ang humiling namamatay
siya.
Sinabunutan niya ito at kinaladkad
palabas ng lugar habang sina First ay
agad na binuhat sina Second at doble
ingat kay Anton hanggang sa
maisugod ito sa hospital. Dumating
doon ang ambulance saktong
pagkalabas nila kasama Leoberro.
Ang mga tauhan nito ang naging
kasama nila sa pagsugod dahil alam
niyang maaasahan ang binata kapag
si Anton ang usapan.
"Ikaw na muna ang bahala dito,
babalikan ko ang demonyong 'yan.
Isama mo na rin si Galero."
"You can count on me." Tumango
siya at sumunod sa ambulance kung
saan lulan ang kaibigan niya.
"Bawal po kayo sa loob." Pigil sa
kanila ng mga nurse. Ipinasok ang
dalawa sa magkaibang silid.
Samantalang sila ay tila mga lantang
gulay na napasandal sa pader
hanggang sa tuluyang maipasok ang
dalawa.
Walang umiimik sa kanilang lahat,
tanging mga tahimik na pag-iyak
lamang ang gagawa. Naaawa siya sa
kaibigan dahil sa hindi matatawarang
paghihirap na naranasan nito.
"Bakit hinayaan mong mabuhay ang
babaeng 'yon?" Galit na tanong sa
kanya ni Fifth na bumasag sa
mabigat na katahimikang bumalot sa
kanilang lahat.
"Kailangan niyong mahirapan, kung
babarilin natin siya sa ulo ay
mamamatay siya ng gan'on nalang
hindi niya mararanasan ang sumigaw
at humiyaw dahil sa mga paso at
pagpitpit ng mga kamay at paa niya."
Naikuyom niya ang mga kamao dahil
muli na naman niyang naalala ang
ginawa nito kay Anton.

"At sino ang magpapahirap, ikaw?"


Sabat ni Third. Nanlilisik ang mga
matang binalingan niya ito.
"Hindi kahit gustong gusto ko. Si
Second ang magpapahirap sa kanya
dahil alam kong sa kabila ng lahat
may parte pa rin sa puso ni Anton
ang demonyong babaeng 'yon." Puno
ng pagtitimpi niyang tugon.
Muling namayani ang katahimikan
pagkatapos niyang sabihin ang mga
'yon. Siguradong pasasalamatan pa
siya ni Second kapag nalaman nito
ang ginawa niyang pagbuhay kay
Lorette.
Mahigit walong oras silang naghintay.
Pare parehong hindi mapakali sa
bawat paggalaw ng kamay ng oras.
Lakad dito. Lakad doon. Kabang
kaba ang bawat isa dahil wala silang
ideya sa nangyayari sa dalawa.
"Sino ang kamag-anak ni Ms.
Santez?" Tanong ng doctor. Para
siyang napasong agad na tumayo ng
makita ang silid na pinagpasukan kay
Anton.
"Kaibigan niya po ako doc." Aniya.
"Mga bayaw naman kami." Si Third.
Tumango tango ang doctor at
napatingin sa kanilang lahat bago ito
bahagyang tumikhim.
Siguro'y naasiwa ito sa mga hitsura
nila. Mga duguan at may mga baril.
Agad niyang itinago ang baril bago
muling humarap dito. Gan'on din ang
ginawa ng magkakapatid.
"Nalinis na at nalagyan ng gamot ang
mga sugat niya. Ngunit mahina ang
tibok ng puso niya dahil na rin sa
dami ng dugong nawala sa kanyang
katawan kaya kailangan iyon salinan
upang maging stable ang kanyang
lagay." Paliwanag nito.
"Bakit hindi niyo pa salinan?" Iritang
tanong niya.
"Kailangan niyang sumailalim
operasyon, kailangang alisin ang bata
na nasa sinapupunan niya upang
maisagawa ang mga treatment na
dapat gawin sa kanya."
Nahigit nila ang mga hininga ng
marinig ang sinabi nito. Wala silang
kaide'ideya na buntis si Anton.
Ngayon ay mas lalong nadagdagan
ang pangamba nila.
"K-Kumusta ang bata?" Dinig niyang
tanong ni First, nautal pa ito dahil sa
sobrang kaba.
"Buhay ang bata, mabuti at naagapan
ang pagdala sa kanya dito pero
kailangang maalis siya sa katawan ng
kanyang ina dahil baka hindi nito
kayanin dahil sa hina ng kanyang
katawan."
"Gan'on gan'on lang? Aalisin niyo?
ano po bang akala niyo sa bata, tuta
lang?" Asik niya.
"Well, kailangan niyong pag-isipan
ang bagay na iyan. I know hindi
madali, kailangan niyong mamili.
Bubuhayin ang bata sa tiyan ng ina
dahilan para bumigay ang katawan
nito o tatanggalin ang bata para
maging maayos ang ina. I'm also a
human kaya alam ko ang
pakiramdam ng option na 'yon pero
bilang doctor ay sinasabi ko sa inyo
ang totoo. Dalawa silang
manganganib kapag hindi naagapan
ang operasyon." Seyosong tugong ng
doctor.
"We understand doc, pero pwede po
bang hintayin nating magising ang
ama ng bata dahil siya lang ang may
karapatang magdesisyon sa ganyang
bagay." Si First. Tumango tango ang
doctor.
"Gagawin namin ang lahat pero mas
maaga mas ligtas." Aniya. "Excuse
me." Umalis na ito.
Napahilamos siya sa mukha dahil sa
sinabi ng doctor. Buntis ang kaibigan
niya at ang tanging paraan para mas
madali ang parecover nito ay
tanggalin ang bata. Napakahirap
pagpilian ang bagay na iyon pero
may punto ang doctor. Kapag
tuluyang bumigay ang katawan ni
Anton dalawa rin silang mawawala.
Pero kung papagayang alisin ang
bata ay malaki ang posibilidad na
mabuhay siya at maging ligtas.
Nanghihina siyang napabalik ng upo
gan'on rin ang magkakapatid. Ilang
oras ulit ang hinintay nila bago
lumabas ang doctor na nag-opera
kay Second para tanggalin ang bala
sa dibdib nito. Tinanggal ng doctor
ang glove na nasa kamay nito at ang
mask bago humarap sa kanila.

"Kami po ang mga kapatid." Agad na


tugon ni Third.
"The patient is stable. Naging
mahirap nga lang ang operasyon
dahil malapit iyon sa puso pero
pasalamat nalang tayo at hindi mismo
doon tumama ang bala. Ililipat na siya
sa private room para
makapagpahinga. Puntahan niyo
nalang doon."
"Maraming salamat po."
Magkapanabay na sagot nilang lahat.
Kahit papaano ay gumaan ang loob
nila dahil sa magandang balitang iyon
pero hindi pa rin magawang lubusang
maging masaya dahil hindi pa rin
ayos si Anton.
"Paano kung matagalan ang
paggising si Kuya? Paano na si Ate
Anton." Tanong ni Seven.
"Kailangang mapadali ang desisyon
pero wala tayong karapatang
makialam doon." Si Fourth.
Napayuko siya dahil sa sunod sunod
na problemang dumadating sa kanila.
Hindi niya rin mapigilang hindi sisihin
ang sarili, kung sana ay hindi siya
naging pabaya ay agad niya sanang
napuntahan si Anton at natulungan
niya ito. Hinding hindi ito madadala ni
Lorette kung mas maaga siyang
dumating.
Lorette. Lorette. Putangina mo!
"Where are you going?" Takang
tanong ni Third.
Hindi niya ito nilingon dahil sa
sobrang galit. "May papatayin."
Nagtatagis bagang niyang sagot at
malalaki ang hakbang na naglakad
palabas ng hospital.
"Gale, come back here." Tawag ni
Third pero hindi niya pinansin.
Pagkarating sa parking lot ay agad
siyang nagpara ng taxi at nagpahatid
sa address kung nasaan ang bahay
ni Leoberro Salazar. Mabuti at kilala
niya ito dahil naging kasama niya si
Anton sa paghuli nito noon. Napag-
alaman niyang kaibigan ito ni Anton
pero tulad niya noon ay hindi ito
tinatratong kaibigan ng huli.
Naiintindihan niya ang bahay na 'yon.
Sa dami ba naman ng pinagdaanan
nito ay gusto nalang na maging
mailap sa mga taong nakapaligid sa
kanya at takot magtiwala.
"Nasaan ang boss niyo?" Bungad
niya sa guard ng makarating sa harap
ng malaking gate ng bahay ni
Leoberro.
"Sino po kayo ma'am?" Balik tanong
nito.
"Sabihin mo si Gale Park." Aniya.
"Sandali lang po ma'am." Kumuha ito
ng cellphone at may sandaling
kinausap. "Masusunod boss." Muli
itong humarap sa kanya at binuksan
ang gate. "Pwede na po kayong
pumasok ma'am." Tumango siya at
sinunod ang sinabi nito.
Malalaki ang mga hakbang na
nagtungo siya sa loob ng bahay nito.
Nakangising sumalubong sa kanya si
Leoberro.
"Welcome to my masyon." Kantyaw
pa nito.
"Gago, hindi ako nagpunta dito para
pakinggan ang kayabangan mo.
Nasaan sila?" Tinaasan niya ito ng
kilay.
"Nasa basement buhay pa rin tulad
ng gusto mo."
"Mabuti naman. Saan ba ang daan?"
"I will lead the way." Nakangisi pa rin
ito pero bakas naman ang pag-aalala
sa mga mata at alam niya kung bakit.
"Hindi pa rin ayos ang lagay ni Anton
but don't worry hindi namin siya
pababayaan." Tugon niya kahit hindi
ito nagtanong. Narinig niya ang
pagbuntong hininga nito.
"Kung sana hindi ko itinigil ang
pagpapasunod sa kanya sa mga
tauhan ko hindi sana humantong sa
ganito." Tulad niya ay puno rin ng
pagsisisi ang boses nito. Pare pareho
lang naman sila pero wala ng puwang
ngayon ang pagsisisi. Ang mas
mahalaga ay ang makaharap nila ang
puno't dulo ng lahat.
"We're here." Anunsyo nito ng sa
wakas ay makarating sila sa
basement.
Pumasok sila sa nag-iisang pinto
doon at bumungad sa kanya ang
nakagapos na si Lorette habang si
Galero ay nakahiga sa isanv couch
halatang hirap na hirap ito sa
kalagayan dahil sa tama ng bala.
Kumuha siya ng isang stool at
tumapat sa nakasadlak na si Lorette
sa sahig. Napaangat ito ng tingin ng
maramdaman ang presensya niya.
Pero bago pa man ito makatingin sa
kanya ay agad na niyang sinalubong
ng napakalakas na sampal.
"Demonyo ka! Ngayon ikaw naman
ang maghihirap." Puno ng diing tugon
niya at sinabunutan ito para iharap sa
kanya ang mukha.
Hindi ito nabakasan ng takot bagkus
ay nakangisi pa ito na parang walang
pakialam sa paghihirap na
mararanasan nito.
"Ayos lang nakaganti na naman ako
kay Anton." Tumawa ito na parang
bruha.
Sa gigil niya ay muli niya itong
sinapak sa mukha. Dumugo ang labi
nito pero hindi pa rin nabakasan ng
takot. Mas lalo siyang nanggigil kaya
sinakal niya ito hanggang sa mamutla
ang mukha.
"T-Tama na, w-wag niyo siyang
saktan." Dinig niyang tugon ni Galero.
Hirap na hirap itong bumangon pero
nagpupumilit pa rin para lang pigilan
siya.
"Dalhin mo 'yan sa hospital pero
siguraduhin mong hindi tatakas
mapapakinabangan natin siya."
Tugon niya ng makaharap kay
Leoberro.
Madilim na madilim ang mukha nito
habang nakatingin sa nakangising si
Lorette. Alam na alam niyang
gustong gusto rin nitong patayin ang
demonyong nasa harap nila pero
nagpipigil lang. Kahit naman siya ay
gan'on din.
"Ako ng bahala rito." Aniya. Tumitig
muna ito sa dalaga bago tumango at
sundin ang sinabi niya.
Dinala nito si Galero palabas kahit
ayaw nito. Wala pa rin siyang
magagawa dahil nanghihina siya.
Nang masigurong silang dalawa
nalang ay syaka nito ito pinaulanan
ng suntok sa mukha.
Panay ng daing at ungol nito sa
bawat lakas ng pagtama ng kamao
niya sa mukha nito pero hindi siya
tumigil.
"Papatayin kita." Hindi niya mapigilan
ang galit na galit na sigaw.
Kinuha niya ang kadenang
nakagapos dito at ipinalibot iyon sa
leeg nito at sinakal. Nakanganga na
ito at halatang hirap ng humingi pero
hindi siya nakaramdam ng kahit
konting awa.
Ang mga taong dapat kaawaan ay
'yong walang mga muwang hindi ang
tulag nitong mamamatay tao.
Halos pumuti na ang mga mata nito
ng tigilan niya sa pagsakal. Umubo
ito ng umubo pero hindi pa siya
tapos, dinukot niya ang balang
nakabaon sa balikat nito.
"Aaaaaaaaah!" Malakas nitong sigaw
ang pumailanlang sa pribadong
basement.
"Sige sigaw ka dahil 'yan nalang ang
magagawa mo ngayon." Nang-uuyam
niyang tugon.
Hindi siya nakontento sa sakit na
dulot ng ginawa niya at dinukot niya
ang bala sa kabila nitong balikat at
isinunod ang nasa mga hita.
"Ihahatid dito sa pintuan ng
empyerno."
Nang makuha niya ang mga bala ay
ipinasok niya iyon sa bibig nito at
siniguradong lulunukin nito.
Bago ka mamatay maniningil muna
kami.
Masyado ng nahihirapan ang mga
characters kaya tama na muna. ;)
Please vote and comment. Reaction
niyo po sa kwento.
Epilogue na.
-kuyajen

---------------------------
--

Chapter 46

Second Castillion POV


NANGINGINIG akong inabot ang
ballpen da doctor. Nakatitig ako sa
papel na ibinigay niya sa'kin. Isang
kapiraso ng papel pero kapag
pinirmahan ko na ay kapalit ang
pagkawala ng buhay ng magiging
anak ko.
Parang pinupunit ang puso ko
habang binabasa ito. Nakasulat doon
na pumapayag akong ipagpatuloy
ang operasyon ni Queen at
tatanggalin ang anak ko sa tyan niya.
Ni hindi ko manlang nakita o
nahawakan ito pero kukunin na agad
sa'min. Masakit oo pero kailangan
kong gawin iyon kaysa naman si
Queen ang mawala sa'kin mas lalong
hind ko kakayanin.
Dalawang araw akong tulog ayon sa
kwento nila matapos ang operasyon
ko at ngayon lang ako nagising pero
ito agad ang bumungad sa'kin. Hindi
pa rin ako makapaniwala hanggang
ngayo na buhay ako. Sinwerte daw
ako dahil hindi dumiretso sa puso ang
bala dahil kung nagkataon ay dead
on arrival ako.
May parte sa'kin na sana tuluyan
nalang akong namatay dahil sakit at
lungkot pa rin ang kinagisnan ko.
Nasa panganib ang buhay ng
babaeng mahal ko at kailangan kong
hayaang mamatay ang anak ko para
mailigtas siya. This is the most painful
decision I've made in my whole life
pero wala akong ibang choice kundi
iyon dahil kung hindi dalawa silang
mawawala sa'kin.
"Malaki ang posibilidad na mailayo
siya sa panganib kapag naalis ang
buhay sa kanyang tiyan dahil wala ng
aagaw ng lakas niya." Paliwanag ng
doctor pero tila ako bingi habang
sinisimulang ilapat ang dulo ng
ballpen na hawak ko doon sa papel.
I love you so much my Queen kaya
gagawin ko 'to. Sana hindi ka magalit
sa'kin.
Nanginginig kong pinirmahan iyon at
mabilis na ibinalik sa doctor. Umiyak
ako ng umiyak at yumakap sa
mommy ko na nakaupo sa tabi ng
kamang kinahihigaan ko. Tanging ang
malakas kong hagulhol ang naririnig
sa buong silid.
"A-Ang sakit mommy, 'yong babay
ko." Bulong ko habang panay ang
hikbi.
"I know anak, but please stop crying
makakasama sa sugat mo." Hinaplos
niya ang mukha ko pero hindi pa rin
kumalma ang sakit na nararamdaman
ko.
"Sisimulan na ngayon ang
operasyon, pwede mo siyang makita
bago gawin ang lahat." Sabi ng
doctor.
Tumingin ako sa kanya gamit ang
luhaan kong mga mata. "G-Gusto
kong makita ang reyna ko." Para
akong batang nawalan ng laruan
dahil sa malakas kong iyak.
"Pero anal hindi pa magaling ang
sugat mo hindi ka pwedeng
maggagagalaw." Pigil sa'kin ni
mommy.
"N-No I want to see my Queen."
Sigaw ko.
"Ako na ang sasama sa kanya
mommy." Presenta ni Kuya.
Wala na silang nagawa. Lumapit
sa'kin ang nurse na may wheelchair
at tinulungan ako ng mga kapatid ko
na umupo doon dala ang swero.
"Follow me." Tugon nito kay Kuya.
Lumabas kami sa kwarto kong saan
ako nakaconfine. Malakas na
malakas ang tibok ng puso ko
habang tinatahak namin ang daan
papunta sa silid ng reyna ko. Hindi
maampat ang luha ko dahil patuloy
iyon sa pagdaloy. Para akong
hinahati sa dalawa habang iniisip na
mawawala siya sa'kin.
Ilang sandali lang ay nakarating kami
sa isang pribadong silid. Natatakpan
ng green na kurtina ang bawat
binatana nito na gawa sa salamin.
Pinagsuot kami ng hospital gown,
mask at gloves. Nilagyan rin kami ng
sanitizer bago payagang pumasok.

Napahawak ako sa dibdib ko ng


makita siya. Nakaratay sa isang
kama habang may mga aparatong
nakakabit sa bibig niya, sa mga daliri
at braso. Balot halos ang buo niyang
katawan ng benta dahil sa grabeng
mga sugat na natamo niya.
Para akong pinagkaitan ng hininga ng
makita ko ang sariwang mga sugat
niya noong itakbo ko siya palayo sa
lugar na pinagdalhan sa kanya pero
ngayon kahit natatakpan na iyon at
nalinis na ay mas lalong lumala ang
awa at sakit na nararamdaman ko
dahil sa kalagayan niya.
Kung pwede lang ay akuin ko lahat
ng sugat at pasa na natamo niya ay
hindi ako magdadalawang isip.
Naiwan kami doon niya kuya at
inilapit niya pa ako lalo sa katawan ni
Queen. Maingay sa silid dahil sa mga
makinang nagsilbi niyang life support.
"M-My Queen." Bulong ko. Gustong
gusto ko siyang hawakan pero
natatakot ako na baka masaktan siya,
naalala kong paraming paso ang
braso at kamay niya.
Pinakatitigan ko siya. Hindi ako
kumurap habang nakatingin sa
walang buhay niyang mukha.
Naaawa ako dahil alam kong
nahihirapan siya ngayon.
Mariin kong naikuyom ang mga
kamao ko at dahan dahang iniangat
iyon ng mapatingin ako sa tyan niya.
Gusto kong hawakan iyon para kahit
papaano ay maramdaman ko ang
anak namin.
"B-Baby, please forgive daddy. Mahal
na mahal kita kahit nandyan ka pa
lang. Sana mapatawad mo ako."
Basag na basag ang boses ko tulad
ng pagkatao ko habang sinasabi ang
mga katagang 'yon. Nakahawak ako
sa impis na tiyan ni Queen at masuyo
ko iyong hinahaplos.
"Hindi ka man makita ni daddy pero
tandaan mo na mahal na mahal kita,
kayo ng mommy mo." Hindi ko
kinaya, naitakip ko ang kamay ko sa
bibig ko. Kumikirot ang sugat ko sa
dibdib pero hindi ko iyon alintana.
Madiin akong humawak sa
wheelchair para makatayo at laking
pasalamat ko ng mabilis akong
inalalayan ni Kuya. Inilapit ko ang
mga labi ko sa tiyan ni Queen.
"Please forgive me baby." Bulong ko.
Hinaplos ko ang mukha ng reyna ko.
Pilit kong sinasabi sa sarili ko na
natutulog lang siya pero hindi ko
makumbinse dahil mismo ang puso
ko ang nagsasabing baka hindi na
siya magising.
"I love you, My Queen." Hinalikan ko
siya sa pisngi at noo. Iniyakap ko ang
mga braso ko sa kanya at doon
ibinuhos lahat ng luhang natitira
sa'kin.
Pinapanalangin ko na sana
makasama ko pa siya ng mas
matagal. Malayo sa sakit at
pagdurusa.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto
pero hindi ako natinag sa pagtitig sa
magandang mukha ng babaeng
mahal ko.
"Sir, magsisimula na po ang
operation kaya kailangan na po
naming dalhin ang pasyente sa
operating room." Sabi ng nurse na
siyang pumasok.
Tinapik ako ni Kuya. "Lets go, you
need to rest habang undergo ang
operation." Yaya niya.
Kahit ayoko ay pilit kong ibinalik ang
sarili ko sa pagkakaupo sa
wheelchair at tumango. Panay pa rin
ang iyak ko kahit nasa hallway na
kami pabalik sa silid ko.
"Alam ko ang nararamdaman mo, I
was been in that situation kaya
naiintindihan kita. Kahit na
napakabigat na ng lahat ay wag kang
susuko dahil lahat ng lumalaban ay
nagwawagi. Palagi mong isipin na
pagkatapos nito ay magiging masaya
na kayo. Kapag nalagpasan niyo ito
mas lalo mo siyang mamahalin. Trust
me, magagawa niyong maging
masaya ulit." Payo ni kuya habang
tulak tulak niya ang wheelchair ko.

"Natatakot ako Kuya." Sagot ko.


"I know but being scared is part of
being inlove. Natatakot ka kasi baka
mawala ang taong mahal mo pero
kung matapang mo itong haharapin
ay masasanay ka sa takot hanggang
sa nalalabanan mo na ito."
Pinahid ko ang mga luha ko pero
patuloy pa rin ito. Mahapdi na ang
mga mata ko pero hindi pa rin
napapagod sa pag-agos.
"Ganito rin ba ang naramdaman mo
noong nasa ganitong kayong
kalagayan ni Princess Mimi, ng
asawa mo?" Tanong ko.
"Tulad mo ay takot na takot din ako at
napakasakit n'on. Hiniling ko noon na
sana ako nalang ang mahirapan at
wag na siyang madamay pero dahil
hindi na mababago ang lahat ay
matapang ko nalang na hinarap. Look
at me now, happy and contented."
Hanggang sa makabalik kami sa silid
ko ay panay ang payo niya sa'kin ng
mga salitang nakakapagpalakas ng
loob.
"Salamat Kuya." Sabi ko sa kanya,
ginulo niya anh buhok ko at ngumiti.
Nagpapasalamat ako sa kanya dahil
lagi siyang nasa tabi ko. Hindi siya
palasalita pero nagbigay siya ng
mahabang payo sa para sa
ikagagaan ng loob ko.
DAY had pass until week pero
hanggang ngayon ay hindi pa rin
nagigising ang reyna ko. Hindi lang
balde ang nailuha ko sa loob ng isang
linggong nakikita siyang nakaratay.
Naging successful ang operation pero
nandito pa rin ang kirot ng pagkawala
ng baby namin. Alam kong mahirap
pero dapat tanggapin.
Nakatulala lamang ako sa harap ni
Queen habang hawak ko ang kamay
niya. Ang iba niyang mga sugat na
hindi gaanong malalalim ay
naghihilom na pero marami pa rin
ang sariwa pa at araw araw na
nililinis at nilalagyan ng mga gamot
para gumaling.
Samantalang ako ay heto
nagpapalakas kahit na para akong
kandilang araw araw na nauupos.
Bakit ba ang tagal matapos ng
paghihirap namin? Bakit hindi kami
tuluyang maging masaya?
Habang patuloy ako sa paghihintay
ay hindi nawala sa tabi ko ang mga
magulang ko para alalayan at
gabayan ako. Minsan nga naiisip
kong magpakamatay na lang kaso
alam kong hindi iyon ang solusyon sa
lahat. Nandito pa ang reyna ko
lumalaban kahit hirap rin siya kaya
'yon din ang dapat kong gawin.
"My Queen, gumising ka na
magpapakasal pa tayo baka lahat ng
pari na inontrata ko ay magback out
sige ka hindi ka agad magigin Mrs.
Castillion." Pinasigla ko ang boses ko
habang may ngiti sa mga labi ko pero
hindi ko talaga mapeke ang mata ko
dahil sa luha.
Araw araw ko siyang kinakausap
dahil gusto kong kahit nasa gitna siya
ng hirap at sakit ay naririnig niya
akong nasa tabi niya lagi. Ayoko
siyang iwan at ayokong magsayang
ng segundo na wala siya sa tabi ko.
"Bahala ka maraming nagkakagusto
sa'kin kapag hindi ka gumising baka
gahasain nila ako." Biro ko pa.
Masuyo ang paghaplos ko sa buhok
niya at pisngi. Kahit papaano ay
nagkakaroon ako ng lakas dahil
nakikita kong bumabalik na ang kulay
ng kanyang mukha, hindi tulad noong
bago siya operahan na maputla siya.
"May pupuntahan nga pala ako
ngayon kaya wag kang magtampo ha
babalik rin ako agad may kailangan
lang akong gawin. Basta tatandaan
mo na mahal na mahal ka si Segundo
Castillion. Remember, I your King."
Isinubsob ko sa pisngi niya ang ilong
ko at hinalik halikan ko iyon.
"Marami rin akong mga knock knock
at jokes para kapag nagising ka ay
mapapakilig na kita." Pinunasan ko
ang takas na luha na nasa pisngi ko.
Nasa gan'on lang akong posisyon
habang lumilipas ang oras ng may
tumikhim sa likod ko pero hindi ako
natinag sa posisyon ko.
"Sabi ng doctor ay pwede kang
makalabas ngayong araw pero
kailangan mo ring bumalik agad dahil
baka magdugo daw ang sugat mo."
Tinig iyon ni Gale.
Hinalikan ko sa noo at pisngi si
Queen bago ako humiwalay sa kanya
at bumaling sa kaibigan niya.
"Tara na." Aya niya, tumango ako at
muling sumulyap sa reyna ko.
"Dito ka lang my Queen may sisingilin
lang ako." Bulong ko bago tuluyang
sumunod kay Gale.
Tahimik lang ako hanggang sa
makarating kami sa bahay ni
Leoberro. May kasama akong isang
nurse dahil hindi pumayag si mommy
na basta basta nalang ako aalis ng
hospital at baka mapano daw ako.
Pinapasok ang sasakyan na lulan
kami hanggang sa front door ng
mansyon. Agad akong bumaba doon
kahit hindi pa tuluyang naipaparada.
Sabik na sabik kasi akong maningil
sa taong malaki ang pagkakautang
sa'kin.
Buhay ang kinuha niya kaya buhay
rin ang sisingilin ko.
Nakarating kami sa basement dahil
doon alo dinala ni Gale.
"Maiwan ka muna dito." Tugon ko sa
nurse. Takot naman itong tumango.
Pabalang kong binuksan ang pinto at
agad na tumuon ang galit kong mga
mata sa babaeng nakasadlak sa
malamig na sahig. Marami itong mga
pasa at sarado na ang isang mata
dahil sa bugbog na tinamo. Punit
punit na ang damit at duguan.
Napangisi ako ng makita siya. Ni
gatuldok na awa ay wala akong
naramdaman. Nag-uumapaw ang
poot na nasa dibdib ko habang
nakikita siyang humihinga.
"Ayon sa record niya ay patay na siya
so kahit anong gawin mo sa kanya
ngayon walang maghahabol." Sambit
ni Leoberro.
Nakahalukipkip sila sa gilid kasama
ang mga kapatid ko at si Gale. May
mahabang lamesa sa harap at may
mga gamit na nakapatong doon. May
bat, martilyo, baril, kutsilyo at iba
pang pwedeng gamitin sa
pagpapahirap sa kanya.
"Binuhay talaga namin siya para
sa'yo." Si Gale. Masaya akong
tumango dahil sa sinabi niya.
Nagtagis ang mga bagang ko ng
makita kong gumalaw siya. Nag-
angat siya ng tingin at natuon 'yon
sa'kin. Mapang-asar siyang ngumisi
ng makilala ako.
"O-Oh, nandito na ang future
husband ko." Aniya.
Pagkarinig ko sa mga sinabi niya ay
hindi ako nakapagpigil. Pinulot ko ang
bat na siyang malapit sa'kin at
hinampas ko siya ng walang humpay.
Tumama 'yon sa ulo niya pero hindi
iyon sapat para maibsan ang galit ko.
Kung hindi dahil sa kanya sana
buhay pa ang anak ko. Kung hindi
dahil sa kanya sana hindi
nakikipagpatentero ngayon ang
babaeng mahal ko kay kamatayan.
Tumulo ang mga luha ko sa sobrang
galit at pagkasuklam sa kanya. Wala
akong pakialam kung saang parte ng
katawan niya tumatama ang malakas
na pagpalo ko ng bat. Sinurog ko ang
mga buto niya at mas lalo akong
nabubuhayan lapag naririnig ang mga
daing niya.
"Kulang ang buhay mo para ipalit sa
ginawa mo sa reyna ko, kulang ang
buhay mo para makagante sa
pagkawala ng anak ko." Sigaw ko.
Sumabog ang labis labis na galit sa
dibdib ko. Hindi ko na inisip na babae
siya dahil kahit sino pa siya hindi ako
manghihinayang na patayin siya ng
sinaktan niya ang babaeng mahal ko
at kinuha niya sa'min ang anak
namin.
Kinuha ko ang kutsilyo at ilang ulit
iyong isinaksak sa kanya.
Papatayin ko siya. Papatayin ko siya.
Akmang pupulutin ko na ang martilyo
para tuluyang ibasag sa bungo niya
ng pigilan ni Kuya ang kamay ko.
Umiling siya at ipinakita sa'kin ang
cellphone.
"Gising na siya." Simpleng tugon
niya.
Para iyong mahika na nagpabalik sa
katinuan ko. Mabilis kong binitawan
ang martilyo at tumakbo palabas ng
silid na iyon.
"Ako na ang tatapos sa kanya." Dinig
kong sabi ni Leoberro at
pumailanlang ang tatlong putok ng
baril.
Kasunod ko sa pagtakbo si Gale at
ang mga kapatid ko. Agad silang
nagsisakay at pinagarurot ang
sasakyan.
"Here, punasan mo ang dugo sa
kamay mo." Iniabot sa'kin ni Gale ang
wipe at mabilis ko iyong tinanggap.
Nag-uumapaw ang saya sa dibdib ko
sa kaalamang gising na ang reyna
ko.
Thank you so much dahil binigyan mo
kami ng ikalawang pagkakataon.

---------------------------
--

Epilogue

Second Castillion POV


"AYOKO na. Aaaaaaaah! Tama na!"
Natulos ako sa kinatatayuan ko ng
marinig ang malakas na sigaw ni
Queen, nasa tapat na ako ng kwarto
niya.
Nagsipasukan na ang mga kapatid ko
at si Gale pero ako ay natulala sa
may pinto. Halos mabingi ako dahil
sa lakas ng tibok ng puso ko,
kinakabahan ako dahil baka maiyak
na naman ako sa loob.
"Tama na, please tama na." Patuloy
siya sa pagsigaw.
Inalis ko lahat ng pag-aalinlangan ko
syaka ako nagmamadaling pumasok.
Nawasak ang puso ko sa nadatnan
ko, nagwawala siya at bakas na
bakas ang takot sa mga mata.
Naikuyom ko ang kamao ko para
pigilan ang emosyon. Parang
nadidinig ko ang literal na
pagkabasag ng puso ko. Nakikita ko
ang sarili ko sa kanya noong mga
panahong dinanas ko rin lahat ng
naranasan niya sa kamay ni Lorette.
"Bullshit! Bitawan niyo baka
masaktan." Galit at naluluha kong
sigaw, tumakbo ako papalapit sa
kanya at itinulak ang mga lalaking
nurse na pumipigil sa kanya. "Kapag
nasaktan siya papatayin ko kayo."
Sigaw ko at mahigpit na niyakap si
Queen kahit na nagpupumiglas siya.
"Hindi ko na kaya, please tama na."
Itinulak tulak niya ako pero hindi ako
nagpatinag, pinagbabayo niya ang
dibdib ko at kumirot ang sugat ko
pero mas inuna ko siya.
"M-My Queen ako 'to, ako 'to." Paulit
ulit kong bulong sa tapat ng tenga
niya at paulit ulit rin ang masuyo kong
paghalik sa noo niya. "Ako 'to si
Second Castillion, your King."
Natigilan siya bigla at nanlalaki ang
mga matang napatingin sa'kin. Doon
nawala ang takot niya ng makilala
ako. Mabilis siyang gumante ng
yakap sa'kin.
"K-King, King sinaktan nila ako."
Parang batang sumbong niya.
Mariin akong napapikit at nakagat ko
ang mga labi ko dahil sa pagpipigil na
magwala. Nasasaktan ako ng sobra
sa sinapit niya. Kulang pa ba ang
mga sugat at paghihirap niya? Bakit
nasa ganito siyang sitwasyon?
Malayong malayo sa Queen Antonina
Santez na matapang, walang
kinakatakutan, malamig at mailap.
Pero ngayon ay kitang kita na mahina
siya at wasak.
"Nandito na ako wala ng mananakit
sa'yo." Ikinulong ko ang luhaan
niyang mukha sa mga kamay ko at
masuyo iyong pinunasa. Kinintalan ko
siya ng halik sa noo, sa magkabilang
pisngi, sa tungki ng ilong at sa mga
labi.
"P-Pero baka bumalik sila." Mas
lalong humigpit ang pagkakayakap
niya sa'kin.
Pilit akong ngumiti at bahagyang
inayos ang buhok niyang nakatakip
sa noo niya.
"Hindi na sila babalik wala na sila. I'm
here hindi kita iiwan. Remember I am
your King?"
Umaliwalas ang mukha nito pero
agad rin iyong napalitan ng takot ng
lumapit ang doctor, may dala itong
syringe.
"Ayoko, King sasaktan niya ko.
Ayoko." Umiiyak na naman siya
habang nagsusumbong sa'kin.
Bumaling ako sa doctor. "Pwede
bang mamaya na 'yan? Nakikita mo
namang natatakot siya tapos ipinakita
mo pa." Hindi ko mapigilang bakasan
ng galit.
"Kailangan niya ang gamot na 'to
para kumalma." Apila nito, nagtagis
ang mga bagang ko pero hindi ko
ipinahalata kay Queen dahil ayokong
kahit sa akin ay matakot siya.

"Mamaya na, kapag natatakot siya


lumayo kayong lahat walang
hahawak sa kanya. Ako lang, ako
lang ang lalapit." Mahina pero puno
ng diin kong tugon. Yumuko ang
doctor.
"I understand." Aniya bago lumabas.
"U-Umalis na siya." Tuwang tuwang
sabi ni Queen. Mabilis akong ngumiti
ng makitang nakasilip siya sa'kin
habang nakasiksik ang ulo niya ang
sa tiyan ko.
Nakaupo siya sa kama samantalang
ako ay nakatayo sa gilid. Akmang
lalapit si Gale ng sinyasan ko siya
gamit ang iling. Malungkot siyang
tumango at nakita ko pa ang
pagpahid niya ng luha.
"May masakit ba sa'yo?" Nag-
aalalang tanong ko. Bahagya kong
ikinalas ang mga braso niya sa'kin
para ihiga siya at tabihan pero
nagsimula na naman siyang umiyak
at matakot kaya hindi ko na ituloy.
"Higa tayo, okay?"
"Ayoko kasi iiwan mo ko."
Malambing kong hinaplos ang buhok
niya. Ang ganda ganda talaga ng
reyna ko pero nasasaktan ako ng
sobra kapag nababakasan ng takot
ang mga mata niya.
"No, no, no hindi kita iiwan yayakapin
kita hanggang sa gusto mo." Alo ko
sa kanya, dahan dahan akong
sumampa sa kama habang siyang ay
hindi pa rin humihiwalay sa'kin
nakatitig lang siya sa mukha ko.
Maingat ko siyang ihiniga at tumabi
ako, pinaunan ko ang ulo niya sa
braso ko. Nakamasid lang sa'min at
mga kapatid ko kasama si Gale.
Mahigpit ko siyang niyakap at
isiniksik ang ulo ko sa pagitan ng
balikat at leeg niya. Doon ako
nagsimulang umiyak ng tahimik.
Nasasaktan ako at the same time
masaya, masasaktan ako dahil
mukhang natrauma siya at masaya
ako dahil sa wakas ay gising na siya.
Hindi na ako matatakot araw araw na
baka magising ako na wala na siya.
Wala na ako sa mga panahon ng
buhay ko na ayokong pumikiy dahil
baka hindi ko na siya makita.
Masayang masaya ako dahil
nayayakap ko na ulit siya ngayon at
nakakausap na may kakayahan
siyang sumagot.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.
"Masaya ako Queen kasi hindi mo
ako iniwan." Sagot ko.
Naramdaman ko ang kamay niya na
humahaplos sa likod ko dahilan para
mas lalo akong maiyak.
"Stop crying na King kasi kapag
umiiyak ka nasasaktan ako. Wag la
ng umiyak." Lumapat ang labi niya sa
pisngi ko habang ang isang kamay ay
pinupunasan ang mga luha ko.
Hinalikan ko siya sa tungki ng ilong. "I
love you, mahal na mahal kita ng
sobra."
Ngumiti siya. "Mahal na mahal din
kita, di ba nga ako ang reyna mo."
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya
hinalikan ko siya sa labi. Doon ko
ibinuhos lahat ng sakit pangungulila
ko noong nakaratay pa siya. Mahal
na mahal ko siya at ipinapangako
kong lagi akong nasa tabi niya para
alagaan siya sa lahat ng oras.
Hinding hindi ko siya iiwan kahit
kailan.
"May masakit ba sa'yo?" Ulit ko sa
tanong ko kanina.
Tumango siya kaya agad akong
nilukob ng kaba. "Oo, masakit ang
tiyan ko." Itinuro niya ang tiyan niya
kung saan may opera. Opera iyon
kung saan inilabas ang baby namin.
Napahikbi ako dahil sa sinabi niya.
Paano ko sasabihin sa kanya na wala
na ang sana ay anak namin? Baka
mas lumala ang lagay niya kapag
nalaman niya.

"Masakit kasi ang pagkuha nila kay


baby kaya nasugatan ako." Sabi niya
pa, nanigas ako sa kinahihigaan ko at
hindi makapaniwalang napatitig ako
sa kanya. Parang piniga ang puso ko
ng makitang may luha na naman sa
mga mata niya. "I'm sorry kung
nahirapan ka habang wala ako, sorry
kung hindi ko naalagaan si baby,
kung sana alam ko nag-ingat sana
ako. Patawarin mo ako." Bulong niya.
"Hindi, hindi mo kailangang magsorry
ako dapat ang sisihin mo sa lahat
dahil hindi ako dumating sa oras."
Pagbawi ko, hindi ko kayang
makitang sinisisi niya ang sarili niya
sa bagay na hindi naman niya gusto.
"I'm sorry kung naranasan mo lahat
ng 'to. I promise hinding hindi ako
mawawala sa tabi mo simula
ngayon."
"Mahal na mahal kita."
Ngumiti ako. "I know, mahal na mahal
din kita higit pa sa kaya kong ipakita."
Hinaplos niya ang dibdib ko. Habang
humihikbi pa rin. "Sana ako nalang
ang tinamaan ng bala."
"Don't say that Queen, don't worry
about me ayos na ako ang importante
ay 'yong ngayong gising ka na.
Natakot ako akala ko hindi ka na
babalik." Tugon ko.
"Ayokong nahihirapan ka."
Dahil sa mga salitang lumalabs sa
bibig niya ay mas lalong lumalalim
ang malalim ko ng pagmamahal sa
kanya. Siya ang nag-iisang babaeng
nagparamdam sa'kin ng ganito at
ipapalit kahit ang buhay ko wag lang
mawala ang ganitong pakiramdam.
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya
ay hindi ako natatakot na pulit ulit na
malunod.
Pinakatitigan ko ng matagal ang
maganda niyang mukha. Ayokong
kumurap dahil gusto kong sulitin ang
bawat pagkakataon na nasa bisig ko
siya. Kaya kong itaya lahat ng yaman
at ari-arian ko para sa mga ganitong
pagkakataon ng buhay ko na kasama
siya. Siya lang, buong buo na ang
buhay ko.
Kayang kaya kong tumanda na ganito
lang kami. Nagmamahalan, at kahit
anong problema ay alam kong
malalagpasan namin.
"Kahit mahirapan ako ay hindi ako
dadaing basta para sa'yo. I can do
everything for you my Queen. Sabihin
mo lang gagawin ko."
Masaya siyang ngumiti tapos at
inilapit ang tungki ng ilong niya sa
ilong ko. "Lahat?"
Walang pag-aalinlangan akong
tumango dahil totoo ang mga sinabi
ko. "Anything."
Nagkunwari siyang nag-iisip at muling
tumingin sa'kin. "Kung gan'on
pakasalan mo ako."
Nanlaki ang mga mata ko at hindi
agad nakapagsalita. Napakurap
kurap ako habang ilang beses na
inulit sa isipan ko ang mga sinabi
niya. Bumuka ang bibig ko para
magsalita pero walang anomang
salitang lumabas doon. Natulala ako
sa maganda niyang mukha.
"R-Really? Gusto mong pakasalan
kita?" Nauutal na tanong ko.
Itinulak niya ako at inirapan. "Hmp,
wag nalang pala parang ayaw mo
naman. Sa lahat ng pinagdaanan
natin wala ka palang balak na
pakasalan ako. Sana pala hindi
nalang ako gumising."
"Queen naman wag ka ngang
magsalita ng ganyan. Of course
gustong gusto kong maging asawa ka
ako pa ba ang tinanong mo sa bagay
na 'yan. Iyon na nga dapat ang
sasabihin ko kaso inunahan mo ako.
Magpapakasal tayo sa lahat ng
simbahan sa Pilipinas para wala ka
ng kawala." Ngumiti ako pero sa
pagkakataon ay buong buo na ang
sayang nararamdaman ko.
Sa isiping magpapakasal kami ay
ngayon palang naluluha na ako sa
sobrang ligaya paano pa kaya kapag
nandoon na mismo. Maglalakad siya
sa altar suot ang wedding gown na
pipiliin niya samantalang ako ay nasa
harap ng altar hinihintay siya.
"I love you." Sabi niya.

"I love you too, paglabas mo dito


gaganapin ang engagement party
natin." Muli ko siyang niyakap.
HALOS dalawang linggo pa ang
itinagal ni Queen sa hospital dahil
sumailalim siya sa iba't ibang
treatment at observation para
masigurong ayos na siya. Ang mga
sugat niya ay magaling na kahit ang
sa paa, apat na kuko ang natanggal
doon pero ngayon ay bumabalik na
sa dati.
Kumuha kami ng magaling na doctor
sa balat para tanggalin ang mga pilat
na naiwan ng mga sugat niya.
Isang bagay na hinangaan ko sa
kanya ay ang pagiging malakas niya.
Sa kabila ng natamo niyang hirap at
pasakit ay naging madali ang
recovery niya. Unti unti na siyang
bumabalik sa dati pero naroon pa rin
na minsan at takot siya sa tao kaya
may session siya kay Seven para
maovercome ang trauma niya.
Pumayag siya sa bagay na iyon at
ngayon ang araw ng labas niya sa
hospital.
Sa bawat araw na lumipas ay hindi
ako nawala sa tabi niya. That is the
only thing I can do for her. Ginawa ko
ng bahay ang hospital habang sabay
naming binubuo ang pagkatao namin
ng magkasama.
"Queen nga dahan dahan." Saway
ko.
"Eh, excited na akong pumunta sa
engagement natin." Ungot niya.
Napangiti ako. Kung may bagay man
na nagustuhan ko sa pagbabago niya
ay 'yong pagiging showy niya, hindi
na siya natatakot sabihin lahat ng
nasa loob niya tapos madalas na
siyang nakangiti. Ipinakapakita na
niya ang emosyon niya at may mga
time na nagiging isip bata siya.
Sabi ng doctor ay normal lang daw
iyon dahil gan'on daw ang pagharap
niya sa mga nangyari sa kanya.
Gustong gusto ko ang pagiging hyper
niya at pagiging matampuhin dahil
pakiramdam ko sa mga pagkakataon
na 'yon ay kailangang kailangan niya
ako. Hindi tulad noon na mas matigas
pa ang expression niya sa'kin.
"Dadating din tayo d'on kaya wag
kang magmadali baka madapa ka."
Saway ko.
Tumatakbo kasi siya papunta sa
parking lot. Kagabi pa niya ako
kinukulit na lumabas ng hospital dahil
magaling na daw siya pero sabi ng
doctor ay hintayin na namin ang
umaga bago lumabas at ngayon ay
kitang kita ko ang saya sa mukha
niya ng makalabas kami.
"Dalian mo na kasi, gwapo ka na
naman na kaya hindi mo kailangang
maglakad na parang model."
Humalukipkip siya sa harapan ko
habang nakataas ang kilay.
"Nakakahalata na ako ha, parang
ayaw mong maengage sa'kin. Ikaw
ba may babae kaya nayayamot ka sa
pagmamadali ko?" Mataray niyang
tanong.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi
para pigilan ang ngiti ko. Bakit ba,
masayang masaya lang naman ako
na nakikita siyang nagtatanong na
parang asawa ko na talaga siya.
"May babae nga ako." Natatawang
sagot ko.
Napakunot ang noo ko ng makitang
bumalik siya papasok sa hospital.
"Where are you going?" Agad akong
sumunod sa kanya, salubong ang
kilay niya at parang inis na inis
talaga.
"Pupuntahan ko si Gale hihiram ako
ng baril at babarilin ko ang babae
mo." Seryosong sabi niya.
Natawa ako sa sagot niya. Malalaki
ang hakbang na hinabol ko siya at
madali ko namang naabutan. Niyakap
ko siya mula sa likod, maraming tao
sa lobby ng hospital at lahat na
patingin sa'min pero hindi ako
nakaramdam ng hiya.
Bakit ako mahihiya kung yakap yakap
ko ang babaeng mahal ko? Wala
akong ikahihiya kahit buong mundo
ang nanonood sa'min.
"Sorry na, joke lang 'yon ang ganda
ganda mo kasi kapag naiinis ka."
Tumawa ako at pinaharap siya sa'kin.
Humahaba ang nguso niya kaya
dinampian ko siya ng halik. "Meron
akong babae, ikaw 'yon. Bakit hindi
ka ba babae? Di ba nga ikaw ang
babaeng mahal ko. Ang reyna ko,
ang boss ko at ang buhay ko."
Inirapan niya ako kaya natawa na
naman ako.
"Hindi ako nayayamot na pumunta sa
engagement party. Sino ba ang
mayayamot kung ang babaeng
pinakamamahal ko ang kasama ko sa
pagdiriwang na 'yon. Hindi ako
nagmamadali dahil may gusto pa
akong gawin." Kumikislap ang mata
ko sa sobrang saya. Kumakabog ng
sobra ang dibdib ko habang nasa
kamay kong nasa loob ng bulsa ang
isang maliit na kahon.
"Ano naman 'yon aber?" Dudang
tanong niya at bago pa man siya
tuluyang magalit sa'kin ay lumuhod
na ako sa harap niya. Napasinghap
ang mga tao habang ako ay titig na
titig sa kanya.
Umawang ang bibig niya ng makita
ang inilabas kong kahon. Binuksan ko
iyon at tumambad sa kanya ang
diamond ring na may nakaengrave na
initial ng pangalan niya.
"Ayokong pumunta sa engagement
party natin na hindi ako pormap na
nagpropose sa'yo kaya heto ako
ngayon nalaluhod sa harapan mo
para tanungin ka." Naramdaman ko
ang panunubig ng mga mata ko.
Kahit siya ay naluluha rin. "My
Queen, will you marry me?" Tanong
ko.
Tuluyang tumulo ang mga luha ko
gan'on din siya pero sa
pagkakataong ito ay luha iyon dahil
sa sobrang kaligayahan.
Para ako nasa alapaap ng makita ko
ang pagtango niya. Nag-uumapaw
ang ligaya na nasa dibdib ko na
tipong hindi ko na alam kung saan pa
ilalagay iyon.
"Yes, I will marry you my King." Sagot
niya.
Damn, I really deeply madly inlove
with this Queen. Queen of my life.

---------------------------
--
Special Chapter

Thank you for reading Kjens.


(Kuyajen)
This special chapter can be read in
the published printed book and
ebook. SOON.
You can add me in my facebook
account:
Kuyajen Wp

---------------------------
--

Kuyajen

Thank you so much guys for the


support, on reading my story, voting
and giving comments as motivational
weapon so I could finish this story.
Pinalakas niyo po talaga ang loob ko
dahil sa mga nakakaoverwhelm na
comments and reaction niya at sa
votes.
Sa mga active or silent readers thank
you so much dahil ipinaparamdam
niyo sa'kin na kaya kong lumikha ng
isang kwento.
SHOUT OUT SA MGA SILENT
READERS SANA PO PARAMDAM
KAYO SA'KIN, OKAY? GUSTO KO
KAYONG MAKILALA.
Hindi po ako snob kaya kung may
tanong kayo o message ay rereplyan
ko kayo hanggat may oras.
Thank you. Salamat. Thank you and
salamat talaga. Sana po ay
ipagpatuloy niyo po ang pagsuporta
sa mga likha ko. Sana
sumabaybayan niyo ang kwento ng
natitira pang Castillion Brothers
upang lubos silang makilala.
Maraming salamat talaga. Please
drop your reactions about Second
and Antonia Santez-Castillion' s story.

You might also like