You are on page 1of 227

Prologue

ALL RIGHTS RESERVED 2015

COPY RIGHTS Property of Myvirgo17

-No part of this story or any of its contents may be reproduced, copied, modified
or adapted, without the prior written consent of the author, unless otherwise
indicated for stand-alone materials.

Date Started: March 25, 2014

Date Ended: June 14, 2017

E: This is the third series of Montgomery series, kung hindi niyo pa nababasa ang
Una at pangalawa, I suggest na basahin niyo muna to avoid confusion. Pero pwede
ring stand-alone itong Series 3. Your choice.

NOTE: Hi readers! Nakarating na tayo sa Series 3 ng TMS. Kung nabasa niyo na ang
una at ito ay sobrang nagpapasalamat ako dahil talagang sinusubaybayan niyo. Huwag
sana kayong magsawa! Unlike Series 2, magiging mas Romantic at may touch ng comedy
ang series 3 but not enough to call this a RomCom story. Kung napansin niyo ay sa
Romance category ko siya inilagay. Huwag kayong malungkot dahil hindi naman
mawawala ang wholesome na BS. X)

ENJOY!

Ang mga bida ay nasa kanan>>>>>>>>>>

-------

PROLOGUE

You say you've been overseas


I say over where
You say just a holiday
My Alsatian heir
I say I've been working late, working overtime
Haven't seen that sun since sixty-nine

My eyes are close as I sing ang play, blocking out the sound of the people watching
me. Kapag tumutugtog ako ay sinisiguro kong nasa ginagawa ko lang ang atensyon ko
para hindi magkamali.

Does the moonlight shine on Paris


After the sun goes down
If the London Bridge is falling
Would anybody hear a sound
If you follow that sunset will it ever end
Oh Does the moonlight shine on Paris

Du ru rum du ru rum du du
Will it ever end

I opened my eyes and smile at the people. Nangibabaw ang tilian at palakpakan nila.
Tumayo na ako at yumukod sa harapan ng mga nanuod ng aking mini concert sa isang
kilalang mall at kumaway. Isang oras ang binigay na oras para pumirma ako sa mga
bumili ng album ko at masaya ko naman silang pinaunlakan, Nakangiti akong sumasagot
sa mga tanong nila at nagpa-picture.

Ilang sandali pa ay natapos na rin ang signing at pilit na gumagawa ng daan ang
security team para makalabas kami at makapaunta sa parking lot.

"Where's the nearest comfort room?" balihg ko sa security guard nang sa wakas ay
makalabas na kami.

"Sa loob pa po, Sir." napakamot sa ulong sabi niya.

Bumaling ako sa manager ko at sa personal bodyguard ko. "I need to use it. Ako na
lang mag-isa ang papasok para hindi agaw atensyon. Oh, John. Hihiramin ko muna
itong cap at salamin mo." nakangising sabi ko sa kanila sabay kuha ng cap at
salamin ni John at agad na itong isinuot.

Tututol pa sana sila pero pinigilan ko sila at kaswal naglakad na papasok ulit sa
mall. Mabilis ko nang hinanap ang C.R at nakita ko ito sa dulong pasilyo. Diretso
akong naglakad at pilit na iniyuyuko ang ulo para masigurong walang makakilala sa
akin.

Pero mukhang minamalalas ako dahil may kung sinong bumunggo sa akin. Dahil sa lakas
ng pagbunggo niya ay nalaglag ang suot kong salamin. Napamura na lang ako ng mahina
at muli itong isinuot at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

"Si Isaiah ba 'yon?" rinig kong sabi ng isang babae kaya mas binilisan ko ang
paglalakad ko.

"Oo nga eh, parang kamukha!"

"Nakita ko ang mukha niya, siya nga si Isaiah Montgomery! Omg! Tara magpa-picture
tayo!"

"Si Isaiah! Kyaah!"

Dahil sa pagsigaw nila ay naagaw na ang atensyon ng karamihan. Tumakbo na ako para
iwasan ang mga nagtitiling fan girls. Siniguro kong hindi nila ako nakitang lumiko
papuntang C.R bago agad na pumasok sa unang pintong nakita ko at mabilis iyong
isinara.

"God dammit." mahinang mura ko at isinandal ang ulo sa pinto. Kinapa ang cell phone
sa bulsa para lang muling mapamura ng maalala kong ibinigay ko ito kay Sam.

"Hoy! SIno ka? Ano'ng ginagawa mo sa storage room?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babaeng mukhang tomboy base na
rin sa pananamit at pananalita. Pero ang tinitigan ko ay ang nangungusap niyang mga
mata at ang mapupula niyang mga labi.

"Magnanakaw ka ano?" pang-aakusa niya kasabay ng paglalakad papalapit sa akin.


Pinaliit niya ang mapupungay niyang mga mata.

"Hell no! Look Miss, hindi ako magnanakaw. Kailangan ko lang magtago dahil---"

"Aha! Shop lifter ka?"

"Fuck sake. Miss, let me just hide here for a whi---"


Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang tilian sa labas at ang mga pagtatanong
kung nasaan ako. Narinig ko ring may reporter sa labas na naghahanap din. Muli
akong napamura ng mahina. Hindi na dapat ako umalis pang mag-isa. Now I'm freaking
trapped with a... dangerous girl.

"Lalabas ka ba o sisigaw ako?" pagbabanta niya.

"No! You can't do that! Ilang minuto lang plea--"

"May magnanak--"

I cut her off by putting my hand on her mouth. Isinandal ko siya sa pinto at
sumenyas na tumahimik lang siya. Nanlalaki ang mga mata niya at maya-maya pa ay
napasigaw na lang ako dahil sa pagkagat niya sa kamay ko.

Tinignan ko ang kamay ko at nakita kong namumula ito at may bakas pa ng ngipin.
"Ano ka, aso?! God damn it. Paano ako tutugtog nito mamaya?" inis na tanong ko sa
sarili ko.

Ngumisi lang siya at muling nag-ambang sisigaw kaya naman ginawa ko na kung ano ang
tingin ko'y makakapagpatahimik sa kaniya.

I kissed her. And surprisingly.... I liked it.

--------

I will start this story on... April 8 or 15. Any thoughts? Comments?

Official Song Playlist

Hey guys! Dahil musician ang ating bida, hindi mawawala ang mga kanta kaya ibibigay
ko na ang Final Playlist for the story. I do not own any of them.
Copy rights to the owner.

Official Playlist of The Montgomery Series 3: Worth The Chase

1. Heart On Fire - Jonathan Clay


2. She - Elvis Costello
3. Isn't She Lovely - Stevie Wonder
4. Wonderful Tonight - Eric Clapton
5. All Of Me - John Legend
6. Drop In The Ocean - Ron Pope
7. Moonlight Over Paris - Paolo Santos
8. Have I Told You Lately - Rod Stewart
9. Wanted - Hunter Hayes
10. Everything - Michael Buble
11. Someday Maybe - Harry Styles ft. Meghan Trainor
--
Will start and post the first chapter on May 2! ^^

Chapter One

Andrea Samonte
And I won't let you go,

Now you know,

I've been crazy for you all this time.

I've kept it close

Always hoping

With a heart on fire,

A heart on fire.

With a heart on fire,

A heart on fire.

Marahan kong iniyuyugyog ang ulo ko kasabay ng tugtugin na hindi ko man ginustong
pakinggan ay madalas itong patugtugin sa mga radyo. Kung tutuusin ay dapat akong
mainis, sirain ang radyo o ihagis ito dahil maging ang matalik kong kaibigan na si
Lena ay madalas itong pagtugtugin.

Nakakabaliw at masarap daw kasing pakinggan gaya ng sabi niya. Hindi ko kailanman
aaminin na nagustuhan ko na rin ito.

"Para lang sa tabi!"

Tumingin muna ako sa likuran at gilid bago ko itinabi ang jeep para makababa ang
huling pasahero para sa Umagang ito. binagtas ko na ang daan pauwi sa amin nang
bigla akong harangan ng isang traffic enforcer. Pinigilan ko ang sarili kong mainis
at napaikot na lang ng mata dahil kilalang-kilala ko siya.

Inihinto ko na ang jeep at hinintay siyang makalapit sa akin.

"Sir, ano ho bang problema?" Magalang kong tanong sa kaniya habang nagpupunas ng
pawis at bahagyang inayos ang cap ko kung saan nakatago ang mahaba kong buhok.
Sabi ng iba ay asal tomboy at hitsurang tomboy ako pero alam ko sa sarili ko na
hindi kapwa babae ang gusto ko. Ngunit kailanman ay hindi rin ako magkakagusto sa
lahi ni Adan. matagal ko nang isinumps ang lahi nila, simula ng pagtaksilan ng
tatay namin ang nanay ko at mula nang pagtangkain akong gahasain ng sarili kong mga
pinsan noon.

isinumpa ko na sa sarili kong hindi ako magmamahal ng lalaki. Hindi ako magpapaloko
sa kanila.

"Hi, Andeng." nakangising bati sa akin ni Mang Carpio.

Bahagya akong napangiwi dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto siya
sa akin. Kaedad lang siya ng tatay at may asawang tao. Isa sa mga dahilan kung
bakit ayaw ko sa mga lahi ni Adan. Hindi nila kayang magmahal ng isang babae
lamang. Masyado silang babaero.

"Kamusta ho, Mang Carpio? May problema ho ba?"

"Wala naman, Andeng. Ilang beses ko bang sasabihin na Carpio na lang ang itawag mo
sa akin? Gusto ko lang sanang itanong kung mapagbibigyan mo na ako ng isang date na
matagal ko nang hinihiling sa iyo." Pa-cute na turan niya na ikinainis kong lalo.

"Sige ho... Kapag bumata kayo ng dalawangpung taon at kapag wala na kayong asawa at
mga anak. O pa'no ho, mauna na ako. Uuwi pa ho ako para makapagpahinga." Isang
pilit na ngiti ang ibinigay ko sa nasorpresa niyang mukha at muling pinaandar ang
jeep pauwi sa bahay namin.

Ilang minuto lang ay inihinto ko na ang pampasaherong jeep na pag-aari ng tiyo kong
pumanaw. Ang tiyo kong kaisa-isang hinayaan kong mapalapit sa akin dahil sa
kabaitan niya.
Pabuntong-hininga akong bumaba sa jeep at muling nagpunas ng pawis. Inalis ko ang
cap ko at hinayaang bumagsak ang mahaba kong buhok. Hanggang baywang ito at itim na
itim. Madalas sabihin ni Lena sa akin na inggit na inggit siya sa buhok ko at dapat
daw ay ipinagmamayabang ko ito pero hindi ko siya sinunod.

"Annnnnnn!" Napailing na lang ako ng marinig ko ang matinis na boses ni Lena.

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong excited siyang tumatakbo habang may hawak na
isang magazine.

"Bakit ba nagmamadali ka?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad na papasok sa loob


ng maliit naming bahay. Si Inay, ako at ang bunso Kong kapatid na si Rayane na lang
ang nakatira dito mula nang mamatay ang itay. "Mano ho, Inay." nagmano ako kay Inay
at ginulo ang buhok ng kapatid kong kasalukuyan ng nakaupo sa harap ng hapag-
Kainan.

"Hello, bunso. Kamusta sa school?"

"Magandang tanghali po, Tita Clarice." Rinig kong bati ni Lena kay Inay at nagmano
rin.

"Ayos lang po, Ate! Marami kaming pinag-aralan!" Tuwang-tuwang sagot ni Rayane at
nagsimula ng kumain.

"Halina't makisalo ka na, Lena." Aya ni Inay kay Lena at naupo na rin sa upuan.
Maliit lang ang mesa namin at kasyang-kasya lang sa aming pamilya pero para sa amin
ay malaki na ito lalo na kapag kumpleto ang pamilya.

"Ay, hindi na ho, Tita. May sasabihin lang ako kay Ann Kaya ako napadaan." Magalang
niyang sabi kay Inay bago ako hinila at naupo sa maliit naming sala. Dalawang sofa
na gawa sa kahoy ang gamit namin at isang maliit na t.v na nabili ko ng second
hand.
"Ano ba 'yon, Lena? Ikaw talaga oo, kakain pa ako eh." Reklamo ko sa kaniya at
inilapag na ang wallet na pinaglagyan ko ng kita ko ngayong umaga at ang sumbrero
ko sa mesa.

Napatakip ako ng tainga ng bigla siyang tumili sabay pakita sa akin ng isang
magazine kung saan nasa litrato ang mga lalaki. Ang nakalagay sa headline ay: Who
can resist the Montgomery men?

Napaikot na lang ako ng mata at napailing. Matagal nang baliw na baliw si Lena sa
mga Montgomery na isang angkan ng isa sa pinakamayang pamilya sa bansa.

"O, ano ngayon?" bored kong sabi sa kaniya.

"Hay naku! Babae ka ba talaga, Ann? Sino bang hindi pagnanasaan ang naggwagwapuhan,
nagkikisigan at nagyayamanang angkan na ito? Isa lang sana sa kanila ay mapansin
ako. pwede na akong mamata kapag nagkataon." Nangangarap na sabi niya sabay yakap
sa magazine.

"O.a nito. Mga tao lang din naman sila, ano ngayon kung mayaman sila? Pustahan
tayo, puro masasama ang ugali niyan at mamaliitin lang tayong mahihirap. Sigurado
din akong babaero sila." Hindi ako sigurado kung ilang beses ko na itong sinasabi
sa kaniya pero hindi naman siya nakikinig.

"Hindi sila ganiyan! Updated ako sa mga ginagawa nila at alam kong hindi sila
kagaya ng sinasabi mo. Mababait sila at mapagkumbaba pero habulin talaga ng mga
kababaihan. Si Devon Montgomery at Devlin Montgomery na isa sa pinakasikat na
kambal sa bansa. Si Devon, isang babae lang ang minahal niya at alam kong
naghihintay pa rin siyang bumalik ito. Si Devlin naman ay kasal na at may anak na.
Si Isaiah naman... Haay. Kailan ko kaya siya makikita?"

"Tapos ka na? Pwede na akong kumain?" Matabang kong sabi sa kaniya.

Sumimangot siya pero tumango naman. Tumayo na ako at iniwan siyang hinahalikan ang
magazine at sumabay na sa pagkain .
"KUNG AKO sa'yo ay papatusin ko na 'yang si Mang Carpio para kahit mahuli ka ay
hindi ka na nila mumultahan. Alam mo kasi, Andeng, ang mga babae dapat sa bahay na
lang. Maglalaba, maglulu--"

"Subukan mong ituloy 'yan at ipapakita ko sa'yo na pwede ring manakit ang mga
babae." banta ko kay Gardo na kagaya ko ring nagmamaneho ng jeep. itinaas niya ang
mga kamay niya at pabuntong-hininga na lang akong sumandal sa jeep. "Bakit naman
kasi pinagbabawalan ang mga babae sa pamamasada? Kung kaya niyong mga lalaki, kaya
rin naming mga babae!" reklamo ko sa kaniya.

Kaninang hapon habang namamasada ay pinahinto ako at kinumpiska ang lisensya ko.
Sigurado akong si Mang Carpio ang nagpahuli sa akin dahil binasted ko siya.

"Hindi lahat ng baga ay kayang gawin ng mga babae. Minsan kailangan mong tanggapin
na hindi kayo mabubuhay na wala kaming mga lalaki."

"Patutunayan ko sa'yo na mabubuhay ako na hindi hinihingi ang tulong niyong mga
lalaki." Matigas kong sabi sa kaniya at muli nang sumakay sa jeep ko para maiparada
na ito sa garahe namin.

"O, bakit parang nalugi ka, anak?" Pansin ni Inay nang maupo ako sa sofa namin.

"Eh, hindi na ho ako makakapasada sa mga susunod na buwan, nakumpiska ho ang


lisensya ko at alam kong mahihirapan akong kunin iyon ulit dahil hindi ito ang
unang beses. Kailangan kong maghanap ng ibang trabaho inay." Pabuntong-hininga kong
sabi sa kaniya.

"Nabanggit ng kapitbahay natin na naghahanap daw ang mall ng isang janitor."

"Talaga ho? Susubukan ko na hong pumunta ngayon." pupunta na sana ako sa kwarto
pero pinigilan ako sa braso ni Inay.
"Anak, malakas pa naman ako, kaya ko psng magtrabaho. Sana nama ay payagan mo ako."

"Inay, ayaw ko ho kayong napapagod. Baka ho magkasakit kayo. Ako na ho ang bahalang
kumayod dahil kaya ko naman. Huwag ho kayong mag-alala. Balang-araw ay giginhawa
rin ang buhay natin." Pumasok na ako sa kwarto at naupo sa maliit at makipot kong
kama.

Pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Pinipilit kong magpakatatag para sa pamilya
ko, ayaw kong isipin nila na mahina ako. Ipinangako ko sa sarili ko na ako ang
magtataguyod sa pamilyang ito, ipinangako ko na gagawin ko ang lahat para lang
guminhawa ang buhay namin. Kaya gagawin ko ang lahat para matupad ito.

"HIJA, lalaki ang hinahanap namin at hindi babae. Malaki ang mall na ito at hindi
kakayanin ng isang babae na maglinis dito. Pasensya ka na pero hindi pwede, try mo
sa department store at baka naghahanap sila ng sales lady."

Pinigilan ko ang sarili kong sumagot sa sinabi niya. "Ma'am, hindi man ho ako
lalaki ay kayang-kaya kong gawin ang ginagawa nila. Malakas ho ako at masipag.
Katunayan nga ho niyan ay driver ako ng jeep. Sige na naman ho, kailangan ko lang
talaga ng trabaho ngayon." Pakiusap ko sa kaniya at hinawakan pa siya sa kamay.

Unti-unting naiiba an ekspresyon ng mukha niya habang pabalik-balik ang tingin sa


akin at sa lapag. Ilang segundo pa ay napabuntong hininga na lang siya. "O siya
sige, pero kapag nakita kong tatamad-tamad ka ay hindi ako mangingiming tanggalin
ka."

"Yes! Maraming salamat ho! Hindi po kayo magsisisi." tuwang-tuwang sabi ko sa


kaniya. "Kailan po ako pwedeng magsimula?"

"Kung pwede sana ay bukas na bukas din dahil may guest na isang sikat na singer
kaya siguradong maraming tao."
"Sige ho, wala hong problema! Salamat po ulit! Gagawin ko po ang best ko!" Halos
mapatalon na ako sa labis na saya pero pinigilan ko ang sarili ko at agad ding
lumabas.

"INAY! May trabaho na ho ako!" masaya kong balita kay Inay pagpasok pa lang ng
bahay.

"Naku, magandang balita iyan anak! Saan ang trabaho mo?" masaya ring sabi ni Inay.

"Natanggap ho ako sa mall." nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Annnnn!" Humahangos na sigaw ni Lena nag makapasok sa bahay.

"Ano bang problema at sumisigaw kang baliw ka?"

"Omg! May concert si Isaiah bukas diyan sa mall! Manunuod ako! Samahan mo ako
please!" Pagmamakaawa niya sabay alog sa akin.

Naiiling na lang si Inay na tumalikod at bumalik sa ginagawa.

"Hindi pwede! May trabaho na ako bukas bilang janitor sa mall kaya hindi kita
masasamahan." Pagtanggi ko sa kaniya.

Napanguso siya pero muling nanlaki ang mga mata sa sinabI ko. "Wow, friend. may
bago kang trabaho, nice! Congrats!"

"Salamat." Nakangiti kong sabi sa kaniya.


ANG DAMING tao ngayon sa mall gaya ng sabi ni Ma'am Angelica kahapon. Umaga pa lang
ay marami ng tao pero hapon pa ang mini concert nung Isaiah Montgomery na
kinababaliwan ni Lena. Ano kayang hitsura niya? Teka! Ano bang pakialam ko!

Ibinalik ko ang pansin ko sa paglalampaso. Tama nga ang sinabi ni Ma'am na


napakahirap ng trabahong ito. Masakit sa likod, paa, kamay at leeg pero kailangan
kong magtiis. Para naman ito sa pamilya ko.

Kinahapunan ay isa ako sa mga natokang maglinis sa paligid ng venue dahil sigurado
raw na dudumi ito. Pagdating doon ay marami nang tao ang nakaupo at marami na rin
ang nakatayo a paligid ng harang, para makita ang idol nila. pinagmasdan ko ang
picture ni Isaiah sa stage. Gwapo siya at mukhang mabait Pero alam kong hindi ka
dapat magtiwala sa hitsura ng isang tao. Marami nang naloko ang panlabas na hitsura
ng isang tao.

Kalahating oras bago magsimula ang concert ay nagtilian ang mga tao. Sinubukan kong
tignan ang tinitilian nila pero agad din itong nakapasok sa back stage sa tulong na
rin ng security team.

Pinilit ko na lang ituon ang sarili ko sa ginagawa ko dahil nangangamba akong baka
makita akong hindi gumagawa at tanggalin ako. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho
dahil isa lang akong high school graduate. Sa panahon ngayon ay alam kong mahirap
ang buhay.

Hindi ko pinansin ang malakas na sigawan ng mga tao at ang pagsasalita ng host.
Natigilan lang ako ng marinig ko ang isang pamilyar na tugtugin.

You say you've been overseas, I say over where?

You say just a holiday, my Alsatian heir

I say I've been working late, working overtime

Haven't seen the sun since eighty-nine


Napaangat ako ng tingin at pinagmasdan si Isaiah. Parang nawala ang mga
nagsisigawang tao sa paligid at parang wala akong naririnig na iba bukod sa boses
niya.

Nang mag-angat siya ng mukha at tumingin sa gawi ko ay sumabay ang mabilis na


pagtibok ng puso ko. Ano'ng nagyayari?

Chapter Two

---

Isaiah Montgomery

With a pen in my hand staring at the blank paper in front of me I let out a
frustrated groan and crumple the paper.
It's been five years. Limang taon ko nang sinusubukang makabuo ng isang kanta na
ako mismo ang gumawa pero sa tuwing susubukan ko ay hindi ako makabuo. Laging
nauuwi sa isang basurahang puno ng nilukot na papel.

Bawat pagsubok ay itinatanong ko sa sarili ko kung ano ba ang mali o kulang sa


akin? Bakit hindi ako makagawa ng isang kanta? It's a simple song! Bakit hindi ko
magawa?

People praised me for my talent but they didn't know that I can't even write a damn
song! For five years, ang iba't-ibang composer ang gumagawa ng mga kanta ko at ako
lang ang gumagawa ng tunog pero hindi ako kuntento. Gusto kong makagawa ng sarili
kong kanta.

"Alam mo, hindi maganda ang pag-aaksaya ng papel. Hindi pinuputol ang mga puno para
lang aksayahin mo ng ganiyan."

I rolled my eyes when I heard Godric's annoying voice. Sa mga pinsan ko ay siya ang
ikalawa sa paborito ko pero minsan ay hindi ko maiwasang mainis sa pagiging
mayabang niya.

"Shut up, Ric. You're not helping." tumayo na ako mula sa study table at nahiga sa
kama ko.

Simula nang magkaroon ng anak si Devlin ay hindi na kami madalas na magkausap. True
to his words, he barely left his son's side since the day he was born. I understand
him though. Kaya naman kami ni Godric ang madalas na magkasama.

"Alam mo ba kung bakit hindi ka makabuo ng isang kanta?" pagkuwa'y tanong ni Godric
matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Bakit?" matamlay kong tanong habang nakatitig lang sa puting kisame ng condo ko.

"Because you don't have an inspiration. Seriously Zay, kailan ba mula nang huli
kitang nakitang nakipag-date sa isang babae? It's been what, five years? Masyado
kang naka-focus sa career mo. Subukan mong makipag-date at baka magkaroon ka ng
inspirasyon." pangbubuska niya sa akin.

I sat up and glared at him. "Just because you fuck anything with a skirt doesn't
mean I have to do that, too."
"Hey, now. I'm not the topic here. Consider it, Zay." he said with a chuckle and
took a sip of his wine.

I sighed . "You know that I am picky. I'm really not into beauties and brain kind
of girl. I want someone who will not like me because of my status, money and looks.
I want someone who will like me for what I am and not for who I am."

"Paano mo siya makikita kung hindi ka naghahanap?" tanong niya sa akin. "Huwag mong
sabihin na naniniwala ka sa 'destiny'?" he snorted and laughed.

"No, asshole. You know exactly why."

"Ahh, your angel. Still not giving up?" he said with a nod of his head.

I nodded. "Yep. Umaasa akong makikita ko siya ulit."

"Yeah, yeah you hopeless bastard. I have to go now. See you... whenever." inilapag
niya ang kopita sa mesa at kinuha ang helmet niya sa upuan.

"Saan ka naman pupunta?"

"Oh, you know the usual. I gotta bang some hot ass today before I lost my sanity
too." biro niya sa akin.

Pakaway na siyang naglakad palabas habang napailing na lang ako. I decided to take
a shower. Maybe I should visit my nephew before my mini concert later.

"WHAT brought you here, Zay?" salubong sa akin ni Devlin nang pumasok ako sa
mansion.

Binuhat ko ang humahagikgik na si Calvin. "Hi, Vin. Uncle Zay missed you. I brought
something for you."
Dahil hindi pa gaanong nakakaintindi at nakakapagsalita ay tanging ngiti lang ang
isinagot niya sa akin. Pinisil ko siya sa ilong na muli niyang ikinahagikgik.

"What else? Syempre binibisita ko ang paborito kong pamangkin. Where's Marga?"
tumingin ako sa likuran niya at nakita ko ang hilera ng tagapag-alaga ni Calvin at
ang mga personal bodyguard ng bata. "Nagdagdag ka pa ng isang yaya at isang
bodyguard?" naiiling na pansin ko.

Mula nang ipinanganak si Calvin ay iba't-iba ang naging tagapag-alaga niya. Sa edad
na dalawa ay mayroon na siyang limang yaya at tatlong bodyguard. I don't know if I
should be happy or irritated with Devlin. I mean, Calvin is only two yeas old.
Paano kung masakal ang bata?

"Marga is working and yes, you know I want my son's safety."

"Devlin, hindi kaya masyado ka nang nagiging mahigpit? Paano kung masakal ang bata
hanggang sa paglaki niya?" mahinahon kong tanong sa kaniya at ibinaba ang gumagalaw
na si Calvin. Pagbaba niya ay nagtatakbo na ito at agad namang sinundan ng mga yaya
niya.

"It's my kid, Zay. You have no right to dictate me. All I want is what's best for
my son." he said angrily and turned his back to me. He furiously walk inside the
house and I quickly followed behind him.

"I know, Devlin. Nag-aalala lang naman ako para sa pamangkin ko." pagpapaliwanag ko
sa kaniya.

Naupo siya sa mahabang sofa at nanatili naman akong nakatayo lang.

Bumuntong-hininga siya at inihilamos ang mga kamay sa mukha. "Alam mo naman kung
bakit doble na ang pag-iingat ko. Ayoko nang mangyari ang nangyari noon. Ayokong
masaktan ni isa man sa kanila ni Marga. Don't worry, Zay. If everything's too much,
I will stop it. Alam ko naman kung ano ang gagawin ko."

I decided to just drop the topic. Tumingin ako sa may pinto kung saan nakatayo ang
Bodyguard ko. "John, pakibigay sa akin ang mga regalo."
Lumapit siya sa akin at iniabot ang mga paper bag na naglalaman ng mga regalo ko
kay Calvin. Nagpasalamat ako kay John at bumalik na siya sa pwesto niya.

"Here." inilapag ko sa mesa ang mga regalo.

"I swear, Calvin only loves you because of your gifts." biro ni Devlin habang
tinitignan ang mga laman ng paper bag.

"That's not for you old man." saway ko sa kaniya at nang makita ko ang tumatakbong
si Calvin ay umupo siya sa kandungan ni Devlin. "Hey, Vin. These are my gifts for
you. Sana ay magustuhan mo sila." nakangiti kong sabi sa kaniya at kumuha ng isang
dragon na laruan na alam kong paborito niya at ipinakita ito sa kaniya.
Napapalakpak siya sa tuwa at agad itong pinaglaruan.

Naputol ang pakikipaglaro ko sa kaniya ng biglang tumunog ang cell phone ko. I
fished it out of my pocket and saw my Manager's name on it. Mabilis ko naman itong
isinagot at nagpaalam sandali sa mag-ama.

"Hello?"

"Where are you? Isang oras na lang bago ang event mo dito sa mall. Dapat half an
hour before ay nandito ka na." iritableng sagot ni Sam sa kabilang linya.
Naiintindihan ko ang mood swings niya dahil nagdadalang-tao siya.

"Oh, shoot. Alright. Nandito ako sa bahay ni Devlin pero aalis na kami. See you
there."

"You better hurry up."

"Yeah, yeah. Bye." ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa at muling bumalik sa loob.
Ang laruang kotse naman ang pinaglalaruan ni Calvin na ikinangiti ko.

"Devlin, I have to go. The mini concert is in an hour."

"Sure. Thanks for the gifts and come back anytime, Zay."
"I'd love to. Say hi to Marga for me." lumapit ako kay Calvin at niyakap siya. "I
have to go baby boy, enjoy your gifts. You Uncle Isaiah loves you." I kissed his
chubby cheeks.

"Babay."

Ngumiti ako sa kaniya at tumayo na. Kumaway ako sa kanila at tuluyan nang lumabas.
"Let's go, John." aya ko sa bodyguard ko at sumakay na sa van.

Pagpasok pa lang sa mall ay nahirapan na ang mga security na makapasok dahil sa


dami ng taong gustong makalapit sa akin. I politely smiled at them and wave a
little. I ignored my Manager's warning to not touch anyone's hand. Dahil sa dami ng
tao ay hindi maiwasang magtulakan hanggang sa mahagip ng tingin ko ang isang babae
na natumba at muntik nang maapakan pero naging maagap ako sa paglapit at agad
siyang itinayo.

"Ayos ka lang ba, Miss?" alala kong tanong sa kaniya dahil mukhang hihimatayin na
siya.

"O-Oo." Hindi makapaniwalang sabi niya at natulala.

"Alright, then. Take care of yourself." nakangiti kong sabi sa kaniya na lalo
niyang ikinatunganga.

Nang akmang aalis na ako ay may bigla siyang ibinigay sa akin. Isa itong nakabalot
na regalo. "P-para sa'yo. G-ginawa ko talaga 'yan para lang s-sa'yo."

"Sweet. Thank you!" tinanggap ko ito at ibinigay sa PA ko para itabi. Muli na


kaming naglakad hanggang sa makapunta sa backstage.

"What was that, Isaiah? I told you. Don't touch their hands dahil baka mamaya ay
may sakit sila at mahawa ka pa." galit na sabi ni Sam.

"Hey, calm down, will you? Baka makasama sa'yo 'yan and besides, hindi naman siguro
ako magkakasakit sa simpleng hawak ng kamay. Bakit ko ipagkakait iyon sa kanila?
Hindi naman ako santo na hindi pwedeng hawakan basta-basta." kalmadong sabi ko sa
kaniya.

She just huffed and gave me an alcohol. I sighed but use it anyway. Alam ko naman
kasing hindi siya titigil hangga't hindi ko siya sinusunod.

"Happy now?" nakangiti kong tanong sa kaniya. She just rolled her eyes at me at
sinabihan akong maghanda na.

Nang magsisimula na ay hinintay kong tawagin ang pangalan ko at nang umakyat na ako
sa stage ay nangibabaw ang sigawan at tilian ng mga tao. Ibinigay sa akin ng host
ang mic at hinintay kong tumahimik ang lahat bago nagsalita.

"Magandang hapon ho sa inyong lahat at gusto kong magpasalamat sa inyo dahil makita
ko lang kayo ay masaya na ako." ngumiti ako sa kanilang lahat na sinundan nila ng
sigawan bago ko ibinalik sa host ang mic at naupo na sa harap ng piano. "This song
is for all of you. Moonlight Over Paris."

Sinimulan ko nang igalaw ang aking mga daliri at bahagyang inilibot ang aking
paningin.

You say you've been overseas

I say over where

You say just a holiday

My Alsatian heir

I say I've been working late, working overtime

Haven't seen that sun since sixty-nine

My eyes are close as I sing ang play, blocking out the sound of the people watching
me. Kapag tumutugtog ako ay sinisiguro kong nasa ginagawa ko lang ang atensyon ko
para hindi magkamali.

Does the moonlight shine on Paris

After the sun goes down

If the London Bridge is falling


Would anybody hear a sound

If you follow that sunset will it ever end

Oh Does the moonlight shine on Paris

Du ru rum du ru rum du du

Will it ever end

I opened my eyes and smile at the people. Nangibabaw ang tilian at palakpakan nila.
Tumayo na ako at yumukod sa harapan ng mga nanuod ng aking mini concert sa isang
kilalang mall at kumaway. Isang oras ang binigay na oras para pumirma ako sa mga
bumili ng album ko at masaya ko naman silang pinaunlakan, Nakangiti akong sumasagot
sa mga tanong nila at nagpa-picture.

Ilang sandali pa ay natapos na rin ang signing at pilit na gumagawa ng daan ang
security team para makalabas kami at makapaunta sa parking lot.

"Where's the nearest comfort room?" balihg ko sa security guard nang sa wakas ay
makalabas na kami.

"Sa loob pa po, Sir." napakamot sa ulong sabi niya.

Bumaling ako sa manager ko at sa personal bodyguard ko. "I need to use it. Ako na
lang mag-isa ang papasok para hindi agaw atensyon. Oh, John. Hihiramin ko muna
itong cap at salamin mo." nakangising sabi ko sa kanila sabay kuha ng cap at
salamin ni John at agad na itong isinuot.

Tututol pa sana sila pero pinigilan ko sila at kaswal naglakad na papasok ulit sa
mall. Mabilis ko nang hinanap ang C.R at nakita ko ito sa dulong pasilyo. Diretso
akong naglakad at pilit na iniyuyuko ang ulo para masigurong walang makakilala sa
akin.

Pero mukhang minamalalas ako dahil may kung sinong bumunggo sa akin. Dahil sa lakas
ng pagbunggo niya ay nalaglag ang suot kong salamin. Napamura na lang ako ng mahina
at muli itong isinuot at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

"Si Isaiah ba 'yon?" rinig kong sabi ng isang babae kaya mas binilisan ko ang
paglalakad ko.
"Oo nga eh, parang kamukha!"

"Nakita ko ang mukha niya, siya nga si Isaiah Montgomery! Omg! Tara magpa-picture
tayo!"

"Si Isaiah! Kyaah!"

Dahil sa pagsigaw nila ay naagaw na ang atensyon ng karamihan. Tumakbo na ako para
iwasan ang mga nagtitiling fan girls. Siniguro kong hindi nila ako nakitang lumiko
papuntang C.R bago agad na pumasok sa unang pintong nakita ko at mabilis iyong
isinara.

"God dammit." mahinang mura ko at isinandal ang ulo sa pinto. Kinapa ang cell phone
sa bulsa para lang muling mapamura ng maalala kong ibinigay ko ito kay Sam.

"Hoy! SIno ka? Ano'ng ginagawa mo sa storage room?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babaeng mukhang tomboy base na
rin sa pananamit at pananalita. Pero ang tinitigan ko ay ang nangungusap niyang mga
mata at ang mapupula niyang mga labi.

"Magnanakaw ka ano?" pang-aakusa niya kasabay ng paglalakad papalapit sa akin.


Pinaliit niya ang mapupungay niyang mga mata.

"Hell no! Look Miss, hindi ako magnanakaw. Kailangan ko lang magtago dahil--"

"Aha! Shop lifter ka?"

"Fuck sake. Miss, let me just hide here for a whi--"

Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang tilian sa labas at ang mga pagtatanong
kung nasaan ako. Narinig ko ring may reporter sa labas na naghahanap din. Muli
akong napamura ng mahina. Hindi na dapat ako umalis pang mag-isa. Now I'm freaking
trapped with a... dangerous girl.
"Lalabas ka ba o sisigaw ako?" pagbabanta niya.

"No! You can't do that! Ilang minuto lang plea-"

"May magnanak-"

I cut her off by putting my hand on her mouth. Isinandal ko siya sa pinto at
sumenyas na tumahimik lang siya. Nanlalaki ang mga mata niya at maya-maya pa ay
napasigaw na lang ako dahil sa pagkagat niya sa kamay ko.

Tinignan ko ang kamay ko at nakita kong namumula ito at may bakas pa ng ngipin.
"Ano ka, aso?! God damn it. Paano ako tutugtog nito mamaya?" inis na tanong ko sa
sarili ko.

Ngumisi lang siya at muling nag-ambang sisigaw kaya naman ginawa ko na kung ano ang
tingin ko'y makakapagpatahimik sa kaniya.

I kissed her. And surprisingly.... I liked it.

----------

Magkakaroon ng special chapter ang Series One. Regalo ko ulit sa inyo guys.
SOON. :)

Chapter Three
Hi sa inyo! Lahat ay gusto kong pasalamatan, silent readers, maingay na readers,
voters. Helllooo.

Enjoy!

----

Andrea Samonte

Sandali mang natigilan ay agad kong kinalma ang tila ba nagwawala kong puso nang
marinig nito ang mala-anghel na boses ni Isaiah Montgomery.

Dali-dali akong umliling at muling bumalik sa paglalampaso. Pinipilit ko ang sarili


kong huwag marinig ang boses niya. Kung maaari ko lamang takpan ang mga tenga ko ay
ginawa ko na. Hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko.

Dahil sa kagustuhan makalayo ay nagpaalam ako sa supervisor namin na pupunta sa


storage room para palitan ang panglampaso ko. Agad naman siyang pumayag matapos
akong tanungin kung tapos ko na ang paglalampaso ko sa sahig.

Mabibilis na paghakbang ang ginawa ko upang agad na makalayo. Ngunit kahit saan ako
pumunta ay sinusundan ako ng boses niya.

Pagpasok sa storage room ay sumandal ako sa pinto at napahawak na lamang sa dibdib


ko na unti-unti nang kumakalma. Mula rito ay hindi ko na dinig ang boses niya kaya
naman nagpapasalamat ako.
Napatawa na lamang ako habang umiiling. Ano ba ang problema ko? Para akong tangang
tinatakasan ang boses ng isang singer.

Inilagay ko na sa dating lalagyan ang ginamit kong panglampaso at bahagya itong


nilinis at itinapon naman ang tubig. Habang isinasampay ko ang ginamit kong basahan
ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang kahina-hinalang lalaki na parang
may tinatakbuhan.

Ibinaba ko ang hawak ko at agad siyang kinom-pronta pero ang hindi ko inaasahan ay
nang bigla niya akong halikan sa mga labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad
ako nakagalaw.

Ang mga kamay ko ay nakakuyom habang ang mga mata ko ay nakatingin sa nakasalamin
niyang mata. Nang makabawi sa pagkagulat ay agad ko siyang itinulak palayo sa akin
at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha niya dahilan para matanggal ang
suot niyang salamin.

Napalunok ako at natigilan nang makilala ko ang lalaking nagnakaw ng una kong
halik.

"I-Ikaw?" gulat kong tanong sa kaniya at napasinghap.

Matiim lang siyang nakatingin sa akin habang nakahawak sa pisnging namumula.

Sa unang pagkakataon mula nang isinumpa ko ang lahi ni Adan ay parang gusto kong
yumuko at humingi ng tawad sa kaniya dahil sa pagsampal ko sa kaniya. Gusto kong
patawarin niya ako. Bahagya akong natakot dahil bago sa akin ang ganitong
pakiramdam, takot na baka maging dahilan ito upang muling lumambot ang puso ko.
HIndi. HIndi ako makakapayag!

Makikita ko sa mga mata niya ang galit ngunit meron ding pagtataka. "Alright. I
deserved that for kissing you without your permission."

"Hindi ako hihingi ng tawad sa pagsampal ko sa'yo. Ngayon, bago pa ako mag-reklamo
sa mga nakataas ay umalis ka na." kalmado kong sabi sa kaniya bago siya itinulak
paalis sa harap ng pinto at binuksan ito.
Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang sunod-sunod na kislap ng
mga camera at ang mga nagsisigawang babae. Lumarawan sa mukha nila ang pagtataka
ngunit ng tumingin sila sa likuran ko ay muli silang nagsisigaw at muling kumislap
ang mga camera nila.

"Isaiah, sino ang babaeng ito?"

"Ano ang relasyon niyong dalawa?"

"Bakit kayo nagkukulong sa loob ng storage room?"

Tinakpan ko ang mukha ko mula sa mga camera nila na sa aming dalawa nakatutok at
hindi pinapansin ang mga tanong nila. Pilit ko silang inilalayo para makadaan ako
pero humaharang sila at pilit akong tinatanong.

"Miss, ano ang relasyon mo kay Isaiah?"

"Inakit mo ba siya papunta dito?"

Hindi ko nagustuhan ang huling sinabi ng reporter kaya naman galit ko siyang
binalingan.

"Unang-una, hindi ko kilala ang lalaking ito." duro ko sa likuran ko. "Pangalawa,
hindi ako interesado sa kahit na sinong lalaki kaya tumabi kayo at may trabaho pa
akong kailangang gawin!" bulyaw ko sa kanilang lahat. Mukhang nagulat naman sila.
Marahas ko silang tinabig para makadaan.

Narinig ko pa ang isang boses na tumatawag pero hindi ko ito pinakinggan at agad
nang naglakad palayo sa mga tao.

"KABAGO-BAGO mo pa lamang ay nagdala ka na agad ng kahihiyan sa mall na ito. Ano na


ngayon ang gagawin natin? Na-eskandalo ang mall nang dahil sa'yo!" galit na sigaw
sa akin ni Ma'am Angelica habang nakaupo ako sa harap ng mesa niya.
"Ma'am, ilang beses ko ho bang sasabihin sa inyo na hindi ako ang may kasalanan?
Nagta-trabaho ho ako sa loob ng storage room nang bigla siyang pumasok. Ako pa nga
po ang dehado dahil binastos ako ng walang hiyang lalaking iyon eh!" pag-depensa ko
sa sarili ko.

Muli kong tinapunan ng tingin ang dyaryong nakalapag sa mesa ni Ma'am kung saan
makikita kaming dalawa sa loob ng storage room. Ang nakalagay sa headline nito ay:
Sino nga kaya ang misteryosang babaeng kasama ni Isaiah Montgomery?

Nakasaan doon na may ginagawa raw kaming kababalaghan sa loob at ang labis kong
ikinagalit ay ang nakalagay na inakit ko raw si Isaiah para ayaing makipag-sex!
Ngali-ngali ko nang sumugod sa lugar nila at sabunutan ang kung sino mang naglabas
nito.

Nang makita ito ng Inay kaninang umaga ay halos atakihin siya sa puso. Ipinaliwanag
ko sa kaniya ang nangyari at pinaniwalaan naman niya ako ngunit ang hindi ko
inaasahan ay ang paglaki nito.

"May pruweba ka ba na binastos ka ni Mr. Montgomery? Alam mo, mas paniniwalaan ng


karamihan ang mas kilala, mas sikat at mas ma-impluwensyang tao. Ayaw ko man ay ang
nasa taas na ang nag-desisyon, kailangan ka naming tanggalin para maiwasan ang
kahihiyan sa buong mall."

"Ho? Ma'am naman! Kakausapin ko ho si Isaiah Montgomery o hihingi ako ng tawad sa


harap nila 'wag niyo lang ho akong tanggalin. Kailangang-kailangan ko ho ng
trabahong ito. Pakiusap naman po, Ma'am. Pangako po, hindi na ito mauulit pa."

Umiling siya at bumuntong-hininga. "Pasensya na, Andrea. Ang mismong may-ari na ng


mall ang nag-desisyon. Makakaalis ka na."

Laglag ang balikat akong tumayo at lumabas ng office. Napasandal ako sa pader at
pinigilan ang sariling maiyak, ano na ang gagawin ko ngayon? HIndi na ako pwedeng
bumalik sa pamamasada. Ano'ng kumpanya pa ang tatanggap sa akin lalo na ngayon na
may ganitong eskandalo?

Kasalanan ito ng Isaiah Montgomery na iyon eh! Nananahimik akong nagta-trabaho


tapos sisirain niya lang! Sino ba siya sa akala niya? Bwisit!

Hindi ko pinansin ang mga taong nagbubulong-bulungan sa paligid ko at itinuturo ako


dahil alam ko naman kung ano ang pinag-uusapan nila.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa locker at tahimik na naglakad palabas ng kotse.


Natigilan ako sa paglalakad ng makita ko ang isang kumpol ng mga reporter. Dahan-
dahan akong umatras pero huli na dahil may nakakita sa akin at mabilis na silang
naglakad palapit sa akin kaya naman tumakbo ako palayo hanggang sa nakarating ako
sa parking lot.

Pagtingin ko sa likuran ko ay nakita kong malapit na sila kaya naman nataranta ako.
Ayokong maabutan nila dahil alam kong tatanungin lang nila ako ng kung ano-ano.

May pulang sports car ang biglang huminto sa harapan ko at awtomatikong bumukas ang
pinto. Nang makita ko kung sino ang nagmamaneho nito ay napasimangot ako.

"Get in." inirapan ko lang siya at namaywang. "O mas gusto mo atang malagay ulit sa
dyaryo, okay." Nagkibit-balikat ito at akmang isasara ang pinto pero agad na akong
sumakay.

Dapat ay nagngangalit ako nang muli ko siyang makita. Dapat ay minumura ko na siya
dahil sa ginawa niya sa akin pero parang nalunok ko ang dila ko dahil wala akong
maapuhap na sasabihin.

Isinara na niya ang pinto at mabilis na pinaandar ang kotse. Isinuot ko ang seat
belt sa takot na mahalikan ko ang compartment. Bahagya kong inilibot ang paningin
ko sa loob ng kotse niya at hindi ko maiwasang humanga sa ganda at linis nito.
Sigurado akong napakamahal nito at kahit pa magkandakuba-kuba na ako sa paghahanap-
buhay ay hindi ako makakabili nito.

Bahagya kong sininghot ang mabangong amoy nito at nang may isa pa akong maamoy na
talaga namang napakasarap amuyin ay hindi ko namalayang sinusundan ko na pala ito.

Napatigil ako sa ginagawa ko at nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin
ang braso niya na hindi ko na namalayang inaamoy ko pala.

"Are you seriously sniffing me right now?" bahagya siyang tumawa dahilan para
lumabas ang biloy niya sa kanang pisngi na lalong nakapagpadagdag sa kagwapuhan
niya. Wait, what?

Umiling ako at umayos na sa pagkakaupo.


"Kahapon ay kinagat mo ang kamay ko, ngayon naman ay inaamoy mo ako." Natatawang
sabi niya habang nagmamaneho.

Sinimangutan ko lang siya. "Hindi maganda 'yang dumadaldal habang nagmamaneho."


pagsusungit ko sa kaniya.

"Hindi ka ba magpapasalamat sa pagsagip ko sa'yo?"

"Hindi. Dahil unang-una, ikaw ang may kasalanan kung bakit nila ako hinahabol at
ikaw din ang dahilan kung bakit ako tinanggal sa trabaho ko." inis na sagot ko sa
kaniya.

Nagulat ako nang bigla siyang prumeno. "Ano bang problema mo?!" gulat na bulyaw ko
sa kaniya habang kinakalma ang sarili ko.

"They did what?! Damn it. Let's go back so I can talk to the owner of that mall."
determinado niyang sabi at akmang ibabalik ang kotse pero pinigilan ko siya sa
pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

"Huwag! Ayoko nang madagdagan pa ang kahihiyang tinamo ko. Ayokong tanggapin nila
ako nang dahil lang sa kinausap mo sila."

Hindi siya sumagot at tinignan ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Para naman
akong napaso kaya agad kong binawi ang kamay ko.

"Ibaba mo na lang ako dito at mamamasahe na lang ako." malumanay kong sabi sa
kaniya habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

"Here." may inabot siyang isang kaheta sa akin. "Nag-resign na ang P.A ko kaya
naghahanap ako ng papalit sa kaniya. Call me if you're interested."

"Salamat." bahagya ko siyang nginitian at sinuklian naman niya ng isang totoong


ngiti at binuksan na ang pinto.
Bago bumaba ay pinigilan niya ako sa kamay. "I'm sorry you lost your job because of
me but I will never say sorry for kissing you. Good bye."

Tuluyan na akong bumaba at mabilis naman niyang pinaharurot ang kotse niya palayo.
Sinundan ko ng tingin ang kotse niya habang pilit na iniintindi ang sinabi niya.
Ano ang ibig niyang sabihin? Ginusto niya talaga akong halikan?

Teka? Pakialam ko ba! Ang kailangan kong intindihin ay ang paghahanap ng trabaho!

Napatingin ako sa calling card na ibinigay niya sa akin. Isaiah Montgomery.


Tatanggapin ko ba ang inaalok niya?

Paano naman ang pride ko?

Gigil ko na lang inilagay ang card niya sa bulsa ko. Maghihintay siya sa wala dahil
hindi ko tatanggapin ang alok niya.

"OH MY GOD, oh my god, oh my god! Hindi ako makapaniwalang nasa harap tayo ng
studio ni Isaiah my loves! Salamat talaga sa pagsama mo sa akin friend! Sana ay ako
ang mapili, Hindi sa ayaw kitang magkatrabaho ah pero alam mo namang mahal na mahal
ko si Isaiah, di ba?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Parang gusto ko na tuloy magsisi na isinama ko


itong si Lena para mag-apply bilang P.A ni Isaiah. Paano nga kung siya ang makuha
ay hindi ako?

Pero sabi ni Isaiah ay tumanggi daw ang manager niya na pumili basta-basta kaya
naman kailangan kong mag-apply kasama ng halos isang-daang kababaihan na narito.

Umaga pa lang ay narito na kami ni Lena. Gutom na kaming dalawa ay hindi pa kami
ang natatawag. Kinahapunan ng sa wakas ay tawagin kami kasama ng tatlo pang babae
para sa interview ay nakahinga ako ng maluwag. Ngalay na ang mga paa ko sa
kakatayo.

Habang naglalakad kami papasok ay pinipigilan ko ang sarili kong mag-back out.
Kailangan ko munang kalimutan ang pride ko para sa pamilya ko dahil hindi ko naman
sila mapapakain ng pride ko.

Sabi nga ni Lena, "Alam mo friend, ang pride ay ginagamit panglaba at hindi
nilulunok!"

Ilang beses ko ring sinubukang mag-apply sa iba't-ibang kumpanya pero hindi nila
ako tinatanggap lalo na kapag nakikilala nila ako. Laging laglag ang balikat akong
umaalis.

Kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong tinatawagan ang binigay na card ni Isaiah
at heto nga kami ngayon.

Pagpasok sa loob ay pinaupo kami sa harap ng isang mahabang mesa na may nakaupo
nang isang mukhang masungit na babae.

"Hindi basta-bastang tao si Isaiah kaya naman kailangang suriin ang lahat ng taong
gustong mag-trabaho sa kaniya. Tatanungin ko kayo isa-isa at gusto kong sumagot
kayo ng maayos. Mailnaw?"

"Opo." sabay-sabay naming sagot.

"Good. Unang tanong, bakit kayo nag-a-apply bilang P.A ni Isaiah?"

Isa-isa silang sumagot at katulad ni Lena ay pare-parehas sila ng isinagot.

"Gusto ko pong mapalapit sa idol ko."

Nang ako na ang sasagot ay tinignan ko ang manager sa mga mata. "Gusto kong
magkaroon ng trabaho para matulungna ang pamilya ko."

Tumango-tango siya. "Sunod na tanong, kapag nakikita niyo si Isaiah ay ano ang
iniisip niyo?"

"Ang pogi niya."


"Ang hot niya!"

"Parang ang sarap niyang amuyin."

"Gusto ko siyang yakapin."

Napapailing ako sa sagot nila. "Para sa akin ay isa lang siyang ordinaryong
lalaki." kalmado kong sagot.

Ramdam ko ang tingin nila sa akin pero nagkibit-balikat na lang ako.

Ilang minutong tumahimik si Manager habang nakatingin sa amin. Maya-maya ay may


tinawagan siya.

"This is Kim. Gusto kong pauwiin niyo na ang mga naghihintay sa labas. May napili
na ako para maging bagong P.A ni Isaiah."

Dumagundong ang dibdib ko dahil sa narinig. SIno kaya sa amin.

Ibinaba na niya ang cell phone ay muli kaming hinarap. "Okay. You, I don't like the
way you look at my gadgets. You may go." turo niya sa pinakaunang babae.

"Ikaw naman, ang dumi ng kuko mo. OC si Isaiah kaya hindi 'yan pwede." pansin niya
sa nasa gitnang babae at laglag balikat din itong umalis.

"Ikaw, I don't like your outfit. Hindi dapat itineterno ang checkered sa stripes.
Kailangang may sense of fashion ang P.A."

Umalis na ang pangatlo at kami na lang ni Lena ang natira.

"Ikaw, walang mali sa physical appearance mo pero mukhang pinagnanasaan mo si


Isaiah kaya hindi ka pwede." turo niya kay Lena.
Bumaling siya sa akin. "You're hired."

Chapter Four

Hindi katawan ni Isaiah ang nasa picture, oke? Mas macho ng kaunti. 'Yung tattoo
niya(Isaiah) na feather ay kamukha ng nasa picture, doon din ang pwesto, tanggalin
niyo na lang yung ibang tattoo sa imagination niyo ang iwan ang feather. XD

----

Isaiah Montgomery
"The applicants will arrive soon."

I nodded. "Manunuod lang ako dito, bibigyan kita ng signal kung sino ang gusto kong
piliin mo."

Naningkit ang mga mata niya. "Siguraduhin mo lang na hindi ka magiging bias, Isaiah
Cornett Montgomery." pangangaral niya sa akin.

"Kailan ba ako naging biased? You know me, Samantha Kim Moreno. Ugh, don't call me
that. You know how I hate my second name." I leaned back on my chair.

She snorted and said. "Whut? What's wrong with Cornett? I love your name." she said
batting her eyes at me.

I rolled my eyes at her and shook my head. " Mahal mo lang dahil pinaghihilian mo
ang Cornetto." I said with a grimace.

Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ni Mom para isunod ang pangalan ko sa
isang ice cream! Nang tanungin ko siya noon ay sinabi niyang paborito niya itong
pagkain no'ng bata pa siya at nangako siya sa sarili niya na ipapangalan niya ito
sa bunso niyang anak.

"Grow up, Isaiah. Pft. O siya, nariyan na raw ang mga applicants." tumayo na siya
at naglakad pero muli itong lumingon bago lumabas. "Huwag kang lalabas!"

"Yeah, yeah." natatawa ko na lang na sabi.

Hinintay ko ang pagsisimula ng interview at tahimik lang akong nanunuod at tumatawa


sa ilang sagot ng aplikante. Nakikita ko sila sa kabila ng salamin pero hindi nila
ako makikita kahit lumapit pa sila.

"Ano'ng gagawin niyo kapag nakulong kayo sa isang kwarto kasama si Isaiah?" tanong
ni Sam sa limang babae. Inisa-isa ko sila at hindi hitsura kundi ang pagkilos nila
ang pinag-aaralan ko.
"OMG! Re-rapin ko po si Ser. Hihi."

Muntik na akong mahulog mula sa kinauupuan ko dahil sa diretsang sagot ng isang


aplikante. Hindi ko napigilang tumawa dahil sa isinagot niya.

"Baka mamatay ka na kakatawa."

Saglit ko lang tinapunan ng tingin ang bodyguard at kaibigan kong si John. Umupo
siya sa katabi kong upuan at tumingin sa kabilang kwarto. Noong unang taon sa akin
ni John ay mahiyain siya at seryoso sa trabaho pero nang tumagal ay naging close na
kami at isang matalik na kaibigan ang turing ko sa kaniya.

"Wala ka pang napipili?"

Pinunasan ko ang mga luha dahil na rin sa sobrang pagtawa at umiling. "Wala pa eh.
Nakakatakot itong batch na ito, mukhang mare-rape ako nang wala sa oras."

Umiling-iling lang siya at sa lumipas na oras ay sabay lang kaming nanunuod habang
nagbibigay ng opinyon. Hindi naman talaga ako mapili pagdating sa P.A ko pero si
Sam ang nagpupumilit na dapat ay 'almost perfect' daw ang piliin namin.

Hmm, nandito kaya ang babaeng iyon?

Nang ma-eskandalo ang pangalan ko ay hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Ang


inalala ko ay ang babaeng hinalikan ko. Kasalanan ko naman kung bakit siya nadamay
sa magulo kong mundo. Can't say that I regret kissing her though. Kung may
pagkakataon ay uulitin ko iyon. Tsk, now I sound like a desperate guy.

"Malapit na ang last batch na pero wala pa kayong napipili."

Sasagot pa sana ako pero napako na ang tingin ko sa limang babaeng pumasok, lalo na
sa pinakauna. Tulad ng dati ay nakasombrero siya kaya naman hindi ko alam kung
mahaba ba o maiksi ang buhok niya. Hindi katulad ng iba ay simple lang ang suot at
ayos niya.
"Hindi ba't iyon 'yung babaeng nasa dyaryo kasama mo?" buong pagtatakang tanong ni
John habang nakatingin rin sa dalaga.

"Yep. I invited her."

"Pero hindi ba't parang makakadagdag lang ito sa issue? Pa'no kapag nalaman ito ng
press? Malalagay ka na naman sa dyaryo, Isaiah. Buti pumayag si Kim."

"Look, it's my fault that she lost her job. It's my fault because I was the one who
kissed her. Well, she can't resist me."

Tahimik na lang kami muling nanuod habang paminsan-minsa'y tumatawa sa mga sagot
nila. Pinipilit kong hindi titigan ang dalaga. Napakaseryoso ng mukha niya at alam
kong kailangan niya ang trabahong ito.

"Sunod na tanong, kapag nakikita niyo si Isaiah ay ano ang iniisip niyo?"

Ang sagot na pumasok sa tenga ko ay ang sagot ng babae. I really need to know her
name.

"Para sa akin ay isa lang siyang ordinaryong lalaki."

"Ohh! Sakit sa ego, Zay!" natatawang tukso ni John sa akin.

"Shut up."

Talaga kayang hindi siya attracted sa akin? Hindi man lang ba siya nagwa-gwapuhan
sa akin?
Kinuha ko ang cell phone ko at tinext kay Kim ang number na napili ko.

"Sino'ng napili mo?"

"Listen." pang-iignora ko sa tanong niya.

Nang sabihin ni Kim ang balita sa dalaga ay mababakas ang sobrang saya sa mukha
niya. Nagpasalamat siya kay Kim.

Tumayo na ako at binuksan ang pinto bago lumipat sa kabila. Nakangiti namang
bumaling sa akin si Kim at hinawakan ako sa braso at inilapit sa babae.

"Isaiah, this is your new personal assistant. Andrea, meet your boss, Isaiah
Montgomery."

Andrea. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya.

"It's nice to meet you, Andrea." nakangiti kong sabi sa kaniya at inilahad ang
palad ko.

Pilit ang ngiti naman niya itong tinanggap. Para sa isang babae ay medyo matigas
ang kamay niya. "Ann na lang, Sir Isaiah."
Pinisil ko muna ang kamay niya bago ito binitawan at inilagay sa bulsa ko. My hand
felt empty.

"Just call me Isaiah. Welcome to the company."

"Thank you, Sir! Gagawin ko ang lahat para magampanan ang tungkulin ko!"

Tango lang ang isinagot ko sa kaniya at muling ngumiti.

"Bukas ay maaari ka nang magsimula. Ayos ba sa iyo 'yon?" nakangiting tanong ni Kim
kay Andrea.

"Oo naman po!" masiglang sagot niya.

"Okay. Pwede ka nang umuwi, iwan mo na lang ang contact number mo para ma-text ka
ng mga detalye. May photoshoot bukas si Isaiah ng umaga kaya naman kailangan ay mas
maaga ka sa kaniya."

"Areglado po, Ma'am! Maaasahan niyo po!"

Pinagmamasdan ko siyang mabuti at ngayong nakikita ko siyang nakangiti ay mas lalo


siyang gumanda sa paningin ko. It's unfair though. I find her attractive despite of
her being boyish. Pero siya ay isang ordinaryong tao lang ang tingin sa akin? I'll
have to fix that.
Andrea Samonte

Alas-sais pa lang ng umaga ay narito na ako sa harapan ng building ng agency ni


Isaiah Montgomery. Napagalaman ko na may sarili pala siyang agency at siya mismo
ang may-ari nito. Inihahanda ko na ang mga dadalhin ko para sa photo shoot ni
Isaiah. Lahat ng sinasabi ng Manager at Assistant manager ay pinapakinggan ko.
Sinasabi nila sa akin ang gustong kulay at porma ni Isaiah. Kailangan ko raw itong
dalhin. Buti na lang at may van siya at doon nakalagay lahat ng gamit niya kaya
naman pamimili na lang at pagbibitbit ng mga gagamitin niya ang gagawin ko.

"Nakahanda na ang van ni Isaiah para ihatid ka sa site. May sarili naman kasing
kotse si Isaiah kaya iyon na lang ang gagamitin niya sa pagpunta sa photo shoot.
Maging alerto ka at lagi mong ibibigay kung ano ang kailangan ng alaga mo."

"Naiintindihan ko po."

"Good. O siya, mauna na kayo. Susunod kami ng asawa ko maya-maya." pagtataboy sa


akin ni Manager Kim.

Sumakay na ako sa van at hindi ko napigilang mamangha sa laki nito. Napasinghap ako
ng sa likod ay may makita akong kama. Para itong isang maliit na bahay. Kumpleto sa
kagamitan.

Ngumiti ako sa driver na kilala ko sa pangalang Mang Mike.


Matapos ang ilang minutong byahe ay ipinasok niya ang kotse sa isang magarang gate.

"Nasaan po tayo, Mang Mike?"

"Isa itong private resort na pagmamay-ari ng isang Direktor. Dito gaganapin ang
photo shoot."

Napatango-tango naman ako. "Ganoon ho ba? Salamat po. Kukunin ko na po ang mga
gamit para maipasok na sa loob."

Binuksan ko na ang pinto ng van at sumalubong sa akin ang mga mukhang excited na
kababaihan pero nang makita nila ako ay nalukot ang mukha nila.

"Nasaan na si Isaiah? Anu ba 'yan!" angal ng isa at napapadyak pa.

Pinili ko na lang silang hindi pansinin at tumungo na sa likuran ng van para


kuhanin ang inihandang gamit ni Isaiah. Dahil photo shoot naman daw ito ng isang
sikat na brand ng damit ay siguradong mga damit nila ang ipapasuot nila kay Isaiah
kaya naman ang mga bagay na kakailanganin lang niya ang inihanda ko.

"Miss, sino ka? Bakit ka lumabas sa van ni Isaiah?" tanong sa aking likuran.

"Ako ang bago niyang P.A." sagot ko sa kaniya nang humarap ako.
"P.A? Akala ko gangster." sabi ng isang babae at nagsitawanan na sila.

"Tumigil nga kayo diyan!" Saway naman ng babaeng nagtanong sa akin at muling
humarap sa akin. "Kami ang staff ng company, tara ituturo ko sa'yo kung saan mo
pwedeng ilagay ang mga gamit." nakangiting sabi niya sa akin.

Mukha naman siyang mabait kaya sumunod ako sa kaniya at hindi pinansin ang tingin
ng ibang babae. Mangha akong tumitingin sa paligid ng lugar. Parang sa t.v at
pelikula ko lang nakikita ang ganitong klase ng lugar.

Pumasok kami sa loob ng malaki at modernong bahay. Nag-alangan pa akong ipasok ang
sapatos ko dahil sa sobrang linis ng sahig. Halos makita ko na ang sarili ko sa
lapag ngunit pinigilan ako ng babaeng nagpakilalang si Kaye. May mga naglilinis
naman daw dito.

Pinigilan ko ang sarili kong maglaway at mapanganga ng mapagmasdan ko ang malaking


sala. Sigurado akong mamahalin ang mga kagamitan dito at kapag may nasira akong isa
ay hindi ko ito mababayaran.

Dinala niya ako sa isang kwarto sa baba. Malaki rin ito at may malaking kama sa
gitna.

"Ito ang pahingahan ni Isaiah. Minsan kasi ay inaabot ng hanggang gabi ang photo
shoot at kailangan niyang magpahinga." pagpapaliwanag niya.

Inilagay ko ang dala kong bag sa itinuro niyang mesa.


"Eight o'clock mag-uumpisa. Tatawagin na lang namin kayo kapag okay na ang set. Si
Isaiah ba, ano'ng oras daw darating?"

"Uhm, hindi ko alam eh. Ang sabi sa akin ni Manager Kim ay susunod na lang siya."

Tumango-tango siya. "Sigurado namang hindi siya male-late. Laging on time dumating
'yon. O pa'no? Labas na ako at baka kailangan ako sa pool area." ngumiti siya ulit
bago tuluyang lumabas.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa malaking bintana. Namangha ako dahil
mula pala sa tanawing ito ay tanaw ko ang malaking pool kung saan abala ang mga
tao.

Ang sarap siguro ng buhay nila. Hindi nila kailangang pagpawisan para kumita ng
pera. Mayayaman na sila. Kahit mamatay sila ay mayaman pa rin sila. Samantalang ang
pamilya ko, kahit na ibuhos ko ang lahat ng lakas ko sa paghahanap buhay ay hindi
kami magkakaroon ng ganito karangyang buhay.

Tumingin ako sa pailigid at napabuntong-hininga. Ano ngayon ang gagawin ko habang


naghihintay?

PAGLABAS ko ng banyo ay muntik na akong mapatalon ng bumungad sa akin si Isaiah.

"Ayy, kayong bulag!" gulat kong bulalas at napahawak sa dibdib ko.


Napatawa naman ito. "Kabayong bulag? Really? Magugulatin ka pala." tumatawa pa ring
sabi niya.

"Kasi naman, hindi ka man lang nagsasabi na darating ka na pala! Bigla-bigla ka na


lang susulpot!" inis kong sabi sa kaniya.

Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabing sinisigawan mo ba ako?

"Uhm, sorry, Sir. Nandiyan na pala kayo. Hehe." napakamot na lang ako sa batok ko
at napakagat labi.

Nang tumingin ako sa kaniya ay nakita kong nakatingin siya sa labi ko. Pinigilan ko
ang pagkagat dito at muling bumalik ang tingin niya sa mga mata ko. Ilang sandali
lang kaming nakatingin sa isa't-isa hanggang sa magsimula siyang humakbang palapit.

"Ordinaryong tao?" nanunudyong sabi niya habang lumalapit.

Humahakbang naman ako paatras para mapalayo sa kaniya hanggang sa madikit ang
likuran ko sa pader. Napalunok na lang ako dahil sa lapit niya.

"You know, kakaiba ka talaga. Habang ang ibang babae ay ako ang pinakagwapong
lalaki para sa kanila. Isa lang ordinaryong tao ang tingin mo sa akin. Tell me,
hindi ka ba nagwa-gwapuhan sa akin?"

"A-ahm, er- oo. Ang ibig kong sabihin syempre, artista ka kaya gwapo ka."
"Kung halikan kaya kita ulit? Ano'ng gagawin mo?" nanlaki ang mata ko ng unti-unti
niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Ito ang gagawin ko." sabi ko sabay sipa sa binti niya dahilan para mapayuko siya
at mahawakan ito.

"I was just joking! Geez! Para sa isang babae, you're violent!"

Nagkibit-balikat lang ako at binelatan siya.

May sasabihin pa sana siya pero bumukas ang pinto at pumasok si Kaye. "Ready na po
ang set. Ang model na lang ang hinihintay. Ito na pala ang mga isusuot mo. Ang
bilin ni Direk ay unahin mong isuot itong swimming trunks."

"Alright. Thank you. We'll be there in five." pilit ang ngiting sabi ni Isaiah na
pinilit tumayo ng maayos.

Tinignan muna kami ni Kaye na puno ng pagtataka bago lumabas ng tuluyan. Nilapitan
ko naman ang inilapag niya sa mesa at inilabas ang mga nakalagay sa paper bag.
Nakita ko ang isang blue trunks kaya inihagis ko ito sa kaniya.

"Thank you." sarkastikong sabi niya at paika-ikang pumasok sa banyo.


Napatawa naman ako ng mahina sa hitsura niya. Alam kong dapat ay magpakabait ako
dahil baka tanggalin niya ako pero sa hindi malamang dahilan ay alam kong hindi
niya iyon magagawa.

Inihanger ko ang mga damit na ibinigay na nakalagay pa sa supot. Mukhang mamahalin


talaga ang mga ito.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ako kaagad lumingon mula sa ginagawa
ko.

"How do I look?"

Lumingon ako at bahagyang nanlaki ang mga mata sa nakita.

AyyKabayo!

----
Chapter Five

Isaiah Montgomery

I grin at my reflection when I thought of something to do to tease Andrea. I wonder


if I can make her blush, squeal or faint seeing my body. Hindi ako katulad ni
Godric na diyos na ang tingin sa sarili pero I could say that I'm confident enough.
I've seen different reactions when people see my body.

With one last look. I turned the door knob. Sumalubong sa akin ang nakatalikod na
si Andrea na kasalukuyang inaayos ang mga gagamitin ko para sa photo shoot. Kung
tutuusin ay hindi naman ako madalas tumanggap ng ganitong project dahil singer ako
at hindi artista pero dahil kakilala at kaibigan ko naman ang ilan sa kanila ay
pinagbibigyan ko na sila.

"How do I look?" untag ko sa nakatalikod na dalaga.

Lumingon siya at muntik nang mabitawan ang hawak. Kitang-kita ko kung paanong
nanlaki ang mata niya habang sinusuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Oh shit, her reaction is giving me a freaking boner.


She opened her mouth to say something pero sinara niya ito at bago pa siya
makatalikod ay nakita ko na ang pamumula ng buo niyang mukha na sinubukan niyang
itago ng sombrero niyang suot.

"Ang laswa! H-Hindi ba dapat ay sa banyo ka lang nakasuot ng ganiyan?" pinilit


niyang patigasin ang boses pero alam kong nanghihina siya.

Naglakad ako palapit sa kaniya hanggang sa halos nakatayo na ako sa likuran niya.

"T-Tara na at baka naghihintay na s-si-" hindi na niya natapos pa ang sasabihin


dahil sa paglingon niya ay bumunggo siya sa dibdib ko. Hinawakan ko siya sa baywang
para hindi siya matumba pero naging resulta ito ng pagdidikit ng mga katawan namin.

Pinilit niyang makawala mula sa pagkakahawak ko pero hindi ko siya hinayaan. Yumuko
ako ng konti para magpantay ang aming mga mukha. "You're blushing. Why? Akala ko ba
ay ordinaryong lalaki lang ang tingin mo sa akin?"

"B-bitawan mo nga akong hudyo ka! HIndi ako nakikipagbiruan sa'yo! Bibilang ako ng
tatlo. Kapag hindi mo ako binitaw-"

"Ano? Sisipain mo ulit ako? Hindi na ako papayag. I'll make you pay."

Unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa kaniya at lalo namang lumalaki ang mga
mata niya. Nagwala siya mula sa pagkakahawak ko at may isang parte ng katawan ko
ang nagsimulang mabuhay dahil sa lapit ng katawan niya. Tila naman naramdaman niya
ito kaya napasinghap siya.
Bago pa man niya magawa ang binabalak niyang pagtuhod sa akin ay naiiwas ko na ang
sarili ko.

"Woah! Don't hurt my little man, Andrea! Gusto ko pang magkaroon ng maraming anak!"

"M-manyak! Pare-parehas talaga kayong mga lalaki!" kumawala ulit siya mula sa
pagkakahawak ko at hinayaan ko na siya. Galit siyang lumabas at halos masira na ang
pinto sa lakas ng pagkakasara niya rito.

Napapailing na lang ako habang nakangiti pa rin. I almost got my precious part hurt
but it's worth it. I've got the reaction that I want to see. So adorable. Gusto ko
ulit makita ang namumula niyang mukha.

I looked down and groaned. Paano ngayon ito mawawala?

"ALRIGHT, face your left side, Isaiah. I want you to look sexy. I want your eyes to
look like you are seducing someone."

Ginawa ko ang sabi niya at nagtama ang mga mata namin ng inis pa ring si Andrea na
may hawak na tuwalya. Pinigilan kong mapangiti at ginawa ang utos ng photographer.
Tumingin ako kay Andrea na para bang inaakit siya. Pinalamlam ko ang mga mata ko at
tumiim-bagang.

May ibang kababaihan sa paligid ang nagkunwaring nahimatay.


"Perfect! That's it! Don't move!"

Naaakit ka na ba?

I chuckled when I saw her blush once again. God damn, so beautiful.

"Ang swerte naman ni Ateng P.A. Siya ang tinitignan ni Isaiah!" dinig kong bulong
pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.

"Alright! We've got the perfect photo! Ipagpapatuloy natin ang photo shoot later at
exactly 2pm." anunsyo ng photographer at nagsimula nang mag-ayos ang staff para
ilipat ang mga kagamitan sa loob ng mansion kung saan magaganap ang ikalawang photo
shoot.

Hinintay kong makalapit si Andrea sa akin para mapunasan ako pero hindi pa siya
nakakalapit ay nakita ko ang mga babaeng patakbong papunta sa direksyon ko. Tila
walang pakialam na may ibang tao sa harapan nila. Ganoon na lamang ang gulat ko
nang maitulak nila si Andrea sa pool.

Hindi na ako nag-aksaya pa nang pagkakataon at agad na sumisid para sagipin ang
tila hindi marunong lumangoy na si Andrea. Nang makalapit ay hinawakan ko siya sa
baywang at inilangoy sa mababang parte ng swimming pool. Binuhat ko siya at
inihiga.

Agad ko siyang binigyan ng mouth-to-mouth resuscitation at hindi binigyang pansin


ang mga taong nakikiusyoso. Ilang minuto pa ay nagsuka na siya ng tubig at
nakahinga na ako ng maluwag. Inalalayan ko siyang maupo habang nakasandal siya sa
braso ko. Ngayon ko lang din napansin na natanggal pala ang suot niyang sumbrero at
malayang nakalugay ang mahaba niyang buhok na bahagyang nakatabing sa mukha niya.
Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya at hinaplos ang mukha niya.

"Are you alright?"

Nanghihinang tango lang ang ginawa niya. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at
binuhat na siya para madala sa loob ng bahay.

"Oh my god, what happened?!" nag-aalalang tanong ng kararating lang na si Kim.

Tumingin ako sa grupo ng babae na nakatulak kay Andrea at nag-iwas naman sila ng
tingin. "I don't know. One second, she's walking and the next think I know is she's
drowning. I want you to investigate this, Kim. Hindi ko mapapalampas ang ginawa
nila sa assistant ko. I'll take her inside."

Tango lang ang isinagot niya at sinundan na lang kami ng tingin.

"I-Ibaba mo na ako. Hindi pa naman ako patay. Kaya kong maglakad." mahinang utos
niya.

"Shut up and rest. I'm your boss so you'll do what I said."

Hindi na ulit siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa kwarto.

Marahan ko siyang inilapag at inalalayan habang nakatayo. "You're all wet, you need
to change your clothes. Do you want me to help you?"

"H-Hindi! Kaya ko na ito mag-isa!" pagtanggi niya at nagsimula nang maglakad


papasok sa banyo.

Nang makapasok siya ay napailing na lang ako. She's so damn stubborn. Reminds me
someone.

Kumuha ako ng tuwalya sa cabinet at sinimulang punasan ang katawan ko habang


naghihintay sa paglabas niya.

"Uhm, Sir Isaiah?"

"Yes?"

"Wala akong dalang extrang damit."

Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Napalunok ako at


napatiim-bagang na lang. I shook my head to compose myself. Nahahawa na ata ako sa
pagiging manyakis ni Godric.

"You can wear my... shirt." I cleared my throat and started looking for a shirt and
boxer for her to wear. Sa huli ay ang isang white tee shirt at isang bagong boxer
short ang napili ko.
Kumatok ako sa pinto bago nagsalita. "The boxer is new and this is the smallest tee
shirt I have. I will ask Kim if she has a spare clothes for you pero ito muna ang
pagtiyagaan mo."

Binuksan niya ng konti ang pinto at inilabas lang ang kamay. Natatawa ko namang
inilagay sa kamay niya ang mga damit.

"I am not a rapist you know." pahabol kong sabi sa kaniya bago niya isara ang
pinto. Narinig ko pa ang pag-ismid niya na lalo kong ikinatawa.

Habang hinihintay siyang matapos ay ako naman ang naghanap ng maisusuot ko habang
naghihintay ng pangalawang photo shoot.

"Isaiah?" katok ni Kim sa pinto.

Lumapit ako at binuksan ang pinto. "Nakausap ko na ang mga babaeng nakabunggo kay
Andrea. 'Yung iba sa kanila ay inosente pero may isang babae na alam kong
nagsisinungaling. May palagay ako na siya ang nagtulak kay Andrea."

"Who is she?"

"She's Angelina from the editor's team."

"Fire her."
Napataas naman ang kilay niya. "Mukhang nagiging protective ka na sa bago mong
assistant? Do you like her, Isaiah?"

"Don't be silly, Kim. Anyway, may extra ka bang damit na magagamit niya?" pag-iiba
ko sa topic dahil ayaw kong bigyan niya ng malisya ang kung anumang nararamdaman ko
kay Andrea.

"Oh no! Wala akong dala dahil maya-maya rin ay aalis na kami ni hubby eh. Sorry,
Isaiah."

"Nah, it's okay. May sasabihin ka pa ba?"

"Yes! Bukas na ang party ng Producer mo sa bahay nila. Kailangan mong pumunta dahil
magtatampo 'yun."

"Yeah, yeah. HIndi ko naman nakalimutan. Kung wala ka nang sasabihin, pwede ka nang
umalis at magpapahinga pa ako. "

"Alright! Bye! Use protection!" biro niya bago tatawa-tawang naglakad palayo.

"Shut up!" naiiling kong isinara ang pinto. Lumingon na ako at nagulat nang makita
si Andrea sa likuran ko. "Damn it! Hindi ko man lang nari-"
Natigilan ako sa sinasabi ko nang mapagmasdan kong mabuti ang kabuoan niya. Her
long hair is still wet and dripping. My tee shirt is too big for her it almost
reach her knees. I clench my fists to stop myself from devouring her like a starved
man.

But when she bit her lip and blushed something in me snaps and said fuck it.

Lumapit ako sa kaniya at hinapit siya sa baywang.

"You are tempting me, Angel. You don't know how sexy you look right now. I just
want to take you. I'm always patient but with you, you make me want to lose my
control . You're making me insane with want."

For the second time, I captured her lips.

"BAKIT ka ba kasi nagkaroon ng bakat ng sampal sa mukha ha, Isaiah? Dati naman ay
hindi ka nagkakaroon ng ganiyan. Kailangan pa tuloy nating takpan para hindi makita
ng mga guest mamaya sa party ni Sir Allan." sermon sa akin ni Kim habang pinapanuod
ang make-up artist sa paglalagay ng kung ano-ano sa mukha ko para hindi mahalata
ang namumulang kanang pisngi ko.

I'm proud to wear it though. I got to kiss her again but ended up with a burning
face after she slapped me. God, hindi ko tuloy alam kung masokista ba ako o
talagang gusto ko lang ang babaeng iyon. Can't say that I'm happy with what she
did. I'm pissed as hell. Siya pa lang ang babaeng nakapanakit sa akin ng gano'n
karaming beses.

"It's nothing big, really." I said nonchalantly.


"Kapag ako talaga, Cornett nalaman ko na may kalokohan kang ginagawa na posibleng
makasira sa career mo ay hindi ko iyan mapapalampas."

"Don't stress yourself over this, Kim. It's really not a big deal."

"Whatever. Gusto nga palang makilala ni Sir Allan si Andrea kaya inimbita rin niya
ito."

"Pft. 'Wag mong sabihing tuxedo rin ang isusuot niya?" napapapalatak kong tanong sa
kaniya. Don't get me wrong though, I know that Andrea's beautiful. The most
beautiful girl I've ever seen, really. Pero hindi siya ang tipo ng babae na mahilig
magsuot ng gown o hindi kaya naman ay makihalubilo sa ibang tao.

"Don't be like that. Tell you what, I will personally prepare her. Kapag nalaglag
ang panga mo ay Cornett na ang itatawag ko sa'yo forever." panghahamon niya.

"Deal." walang pag-aatubili kong sabi ko sa kaniya. Gusto kong makita kung ano ang
magiging resulta ng ipinagmamalaki niya.

"Ha! You'll regret that. Kakainin mo ang mga sinabi mo."

"We'll see."
"Tapos na, Madame. Gwapings na ulit si Fafa Isaiah." untag sa amin ni Queenie.
Tinignan ko ang mukha ko at napatango. Natural lang ang ginawa niya at hindi na
mapapansin ang pamumula ng kaliwang pisngi ko.

Pumalakpak si Kim. "Okay! Mauna na kayong umalis at susunod na lang kami ni Andrea.
Remember our deal, Isaiah." nakangising sabi ni Kim at itinapat pa ang dalawang
daliri sa mga mata bago ito itinuro sa akin.

Napailing na lang ako at lumabas na ng dressing room. Sabay na kaming naglakad ni


John pababa ng building at pasakay sa van.

Pagdating sa mansion ni SIr Allan ay marami nang nakaparadang kotse sa labas.


Ipinarada na ang van sa nakareserbang pwesto sa amin at sabay na kaming naglakad ni
John papasok sa loob ng bahay. Dahil iba't-ibang klase ng tao mula sa industriya
ang bisita ay hindi mawawala ang mga reporter pero hanggang labas lang sila.

Pina-pwesto nila ako at sunod-sunod nang nagkislapan ang mga camera. Nakita ko ang
isa ring malapit na kaibigan na si Cristina. Isa siya ngayon sa hinahangaang aktres
ng karamihan at hinahangaan ko rin siya dahil sa pagiging down to earth niya.

Hinalikan niya ako sa pisngi at sunod-sunod na naman ang pagkislap ng mga camera
nila. Ilang beses na kaming na-issue pero alam naman naming pareho na hanggang
kaibigan lang ang tingin namin sa isa't-isa dahil mayroon na siyang nobyo.

"Zay, I missed you boo. Naging busy kasi ako kaya hindi kita nakamusta." naka-pout
niyang sabi. Natawa kami parehas at iniyakap niya ang braso niya sa braso ko at
sabay na kaming naglakad papasok sa loob.

Binati ko ang lahat ng taong kilala ko at ganoon din ang ginawa niya. Nang makita
namin ang birthday boy ay sabay kaming lumapit.
"Glad you two are here for this old man's birthday." madramang sabi ni Sir Allan na
bukod sa pagiging producer ay kaibigan din ni Daddy kaya naman malapit siya sa akin
at parang pangalawang ama na ang tingin ko sa kaniya.

"Don't be silly, Sir Allan! How young are you anyway, twenty nine?" biro ni
Cristina na ikinatawa naming tatlo. "Happy birthday, Ninong." bati niya at
hinalikan ito sa pisngi.

"Salamat, inaanak sa bati at sa bola." bumaling siya sa akin at niyakap ko naman


siya. "Ah, my favorite singer is here!"

"Excuse me guys." paalam ni Cristina at lumayo na sa amin.

"Zay, pwede ba akong mag-request sa iyo? Pwede mo bang buksan ang party sa
pamamagitan ng pagtugtog? Gusto ko kasing isayaw ang Tita Abby mo."

"Sure, Tito! Ano'ng kanta ba ang gusto niyo?" masigla kong tanong sa kaniya.

"She by Elvis Costello."

"No problem, Tito. Basta kayo."

"Thank you, son. Excuse me." tango lang ang isinagot ko at nakita kong nilapitan
niya ang isang lalaki na sa hinuha ko ay siyang host ng party. Tumango ang lalaki
at may ibinulong naman sa DJ.

Pumunta na sa harap ang host kaya naman nalipat ang atensyon ng mga tao sa kaniya.
"Good evening ladies and gentleman! First of all, I want to greet our beloved
producer Mr. Allan Romero for his fifty second birthday!" nagpalakpakan ang mga tao
at ngumiti naman sa kanila si Tito Allan. "It's my honor to say that Isaiah
Montgomery will sing a song for the birthday boy and his beautiful wife. Let's
welcome, Mr. Isaiah Montgomery!" nagpalakpakan ang mga tao at binigyan ko naman
sila ng ngiti habang naglalakad sa piano.

Nang nakapwesto na ako ay awtomatiko na silang tumahimik. "This song is for you
Tito and Tita."

Sinimulan ko na ang pagtugtog habang nakapikit.

She may be the face I can't forget

The trace of pleasure or regret

May be my treasure or the price I have to pay

She may be the song the summer sings

May be the chill the autumn brings

May be a hundred different things

Within the measure of a day

She may be the beauty or the beast

May be the famine or the feast

May turn each day into a heaven or a hell

She may be the mirror of my dreams

The smile reflected in a stream


She may not be what she may seem inside her shell

Nakangiti akong tumingin sa nagsasayaw na mag-asawa. They look so in love. I want


that someday. I want someone to look at me like that and I will look at her like
it's the last time.

She may be the reason I survive

The why and wherefore I'm alive

The one I'll care for through the rough in many years

Me, I'll take her laughter and her tears

And make them all my souvenirs

For where she goes I've got to be

The meaning of my life is she

She

She

Nang matapos ang kanta ay dumilat ako at nagtama ang mga mata namin. Wala akong
ibang masabi kung hindi... "Wow."
Chapter Six

----

Andrea Samonte

"Inimbitahan ka ng Producer ni Isaiah dahil gusto ka niyang makilala."wika ni


Manager Kim nang personal niya akong kausapin habang inaayos ang ilan sa mga gamit
ni Isaiah kahit pa wala naman akong masyadong kailangan ayusin dahil likas nang
malinis at masinop si Isaiah.
Bahagya akong napakamot sa ulo dahil sa sinabi niya. "Eh, Ma'am Ki--"

"Kim. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na Kim na lang or Sam ang itawag mo sa
akin?"

"Sorry. Nasanay lang. M'a-err--Kim, hindi ako mahilig sa party. Siguradong


mayayaman at kilalang tao ang naroon kaya ayaw kong mapahiya si Sir Isaiah."
Pagtanggi ko sa alok niya.

"Ann, mabait na tao si Sir Allan and I'm sure mag-e-enjoy ka. Besides, hindi ako
p'wedeng umatras sa usapan naming ni Cornett." Binulong niya ang huli niyang sinabi
kaya naman hindi koi to naintindihan.

"Ha?"

"Wala 'yun. Pumunta ka na please?"

"Ang totoo kasi niyan ay wala talaga akong isusuot." Kagat-labi kong pag-amin sa
kaniya.

Lumiwanag ang mukha niya at napapalakpak pa. "Hindi iyan problema! Hayaan mo nang
si Fairy God Manager mo ang magpaganda sa'yo!" tuwang-tuwa niyang sabi at walang
tigil na sa pagsasalita.

Takang-taka naman ako sa tinuturan niya. Fairy God Manager? Ano kaya ang pakulo
niya? Sana naman ay hindi ako magsisi sa desisyon kong pumunta. Mula pagkabata pa
lamang ay iniiwasan ko nang pumunta sa mga party lalo na kung pang-mayaman dahil
naranasan ko na noon kung paano nila ako apihin at insultuhin. Dahil na rin sa
pagiging 'boyish' ko ay pulos panlalaking damit ang gamit ko kaya naman hindi
maiwasang maging issue. Isang beses akong pinagsuot noon ni Inay ng gown para sa
sagala at dahil bakla ang nag-make up sa akin ay nagging makapal naman ito at
tinukso akong clown. Mula noon ay todo iwas na ako sa pagpunta sa mga party.

"The party will start in an hour kaya kailangan na nating magsimula! Let's go
shopping!" masayang anunsiyo ni Kim na kung hindi lang siguro malaki ang tiyan
dahil sa pagbubuntis ay nagtatalon na sa sobrang kasiyahan.

Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa sinabi niya. "Wala akong pera eh. May matino
naman akong polo shirt at pantalon sa bahay baka na--"

"No, no, no! Hindi 'yan maaari! Ako ang bahala sa'yo. Doncha worry my dear."

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa loob ng isang boutique na pag-aari raw ng
asawa ng pinsan ni Isaiah.

Pagpasok ay sumalubong sa amin ang isang napakagandang babae. Halos mahiya na akong
tumayo sa harap niya dahil sa sobrang ganda niya. Para siyang isang modelo na
kagagaling lang sa isang photo shoot. Hindi ko maiwasang manliit dahil na rin sa
hitsura niyang halata mong mayaman. Wala sa sarili akong napatingin sa kabuuan ko
at napangiwi.

"Marga, hi! How are you?" masiglang bati ni Kim sa magandang babae na siya palang
may-ari nitong boutique.

Napaka-s'werte ng napangasawa nito dahil bukod sa maganda ay mukhang mabait pa ito.

"Kim, natutuwa akong makita ka ulit. Kamusta na ang asawa mo?" nakangiting tanong
ni Margareth kay Kim at napatingin naman siya sa akin. Nginitian niya ako at wala
akong nabakas na panghuhusga sa maganda niyang mukha. "

"Who's your friend?"

"Oh, how rude of me. She's Isaiah's new P.A, Andrea Samonte. Ann, meet Devlin
Montgomery's wife, Margareth Montgomery."

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Nakipag-beso siya sa akin at bahagya pa akong
niyakap. Hindi ako makapaniwalang ang isang kagaya niyang sosyal at eleganteng
babae ay yayakapin ang isang mahirap na kagaya ko.

"It's nice to meet you, Andrea! What can I do for you ladies?" nakangiti pa rin
niyang tanong.

"Pupunta kasi kami sa party ni Sir Allan at inimbitahan niya si Andrea. Gusto ko
sanang pumili ng gown na babagay sa kaniya, 'yung tipong mapapanganga at matutulala
ang taong makakakita sa kaniya. Alam kong mahusay ka sa ganito kaya sa'yo agad ako
lumapit, Marge."

Tumango-tango si Margareth at sinimulan akong obserbahan. Inilagay niya ang daliri


niya sa baba niya at sandaling nag-isip. Maya-maya pa ay napapalakpak siya.
"I know the perfect dress for her!"

Dress? Hala ka. Ano na naman ba itong pinasukan mo, Andrea?

Matapos ang mahigit isang oras na pagdadamit sa akin ni Kim ay lulan na kami ng van
papuntang party. Pagkagaling naming sa Margareth's Boutique ay wala akong nagawa ng
dalhin niya ako sa isang sikat na parlor para paayusan. Kung ano-ano ang ginawa
nila sa mukha ko na hindi ko naisip gawin buong buhay ko. Pinaayos niya ang kilay
ko, kinulot ang mahaba kong buhok at nilagyan ng kung ano-anong kolorete sa mukha.

Nang matapos sila sa ginagawang ekperimento sa akin at iniharap ako sa isang


malaking salamin para tignan ang sarili ko ay halos hindi ko na makilala ang
babaeng kaharap ko. Ilang minuto lang akong nakanganga habang nakatitig sa sarili
ko at hindi makapaniwalang sarili ko ang nakikita kong magandang babae.

Isang berdeng dress na hindi kahabaan. Nakalitaw ang maputi kong balikat. Ang buhok
ko ay tinipon nila sa kanang bahagi ng balikat ko kaya naman malaya mong makikita
ito.

"Ako ba talaga ito?" namamanghang tanong ko sa sarili ko habang wala pa ring patid
sa pagtingin sa kabuuan ko.

"Yes. Alam ko na noon na maganda ka pero hindi ko inakalang ganito ka kaganda, Ann.
Gosh, I can't wait to see Cornett's reaction!" impit na tili ni Kim na binigyan ng
makahulugang titig si Margareth.

Hindi ko na lang binigyan ng pansin ang makahulugan nilang tingin at muling


tinignan ang sarili ko. Naninibago ako sa pananamit at at hitsura ko pero hindi ko
maitatangging nagustuhan ko ito.

"Here, Ann. Wear this."

Iaabot sana ni Kim ang isang sandals na halos lumuwa na ang mata ko sa taas ng
takong. Matigas ang ginawa kong pag-iling at hindi ito tinanggap.
"Hindi ako sanay magsuot ng ganiyan at kung maaari sana ay ako naman ang masunod sa
isusuot ko sa paa." nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa.

MATAPOS ang ilang minutong byahe papunta sa part ng producer ni Isaiah ay sabay
kaming bumaba ni Kim. Bahagya na naman akong nakaramdam ng panliliit ng mabungaran
ko ang isang kumpol ng mga reporter na nakatingin sa aming bagong dating.

"Tara na. Baka nagsisimula na ang party." aya ni Kim sa akin.

Bago siya makahakbang palakad sa red carpet ay pinigilan ko siya. "Uhm, kailangan
ba talaga ako sa loob? Hindi pa naman ako nakikita ni Isaiah baka p'wedeng umalis
na lang ak--"

"Andrea. Nakabihis ka na. You look so beautiful. I'll be honest with you dear,
kayang-kaya mong pantayan ang ganda ng mga artista at modelo sa loob... p'wera na
lang sa porma. Ugh! Bakit kasi ayaw mong magsuot ng heels?" reklamo nito sabay pout
na ikinatawa ko.

Muli kong tinignan ang simpleng sandals na napili ko. Flat ito pero may dating pa
rin at bagay na bagay sa suot ko.

"Ayoko kasing mapahiya sa harap ng maraming tao kapag natapilok ako at bumagsak sa
sahig." pangangatwiran ko sa kaniya.

iniikot lang niya ang mga mata niya at inakay na ako palakad sa red carpet na
kailangang daanan para makapasok sa loob ng malaking mansion. Dahil kilala ng
reporters si Kim ay may mga kumuha sa kaniya.

Nagulat ako nang biglang magkislapan ang mga camera habang nakatapat sa akin at
sunod-sunod na ang mga tanong nila.

"Sino siya, Ms. Samantha? Bagong model?"

"Bagong alaga mo para maging artista?"


"Ang ganda niya ngayon ko lang siya nakita!"

Bahagya naman akong pinamulahan ng mukha dahil sa mga papuri nila. Hindi ako sanay
sa ganito at ang Inay ko lang at si Lena ang nagsasabi nito sa akin.

"She's... A very special friend of mine. Excuse us." Nakangiting paalam ni Kik bago
ako marahang hinatak palakad.

Bumubungisngis siya at parang nakaramdam na ako ng takot dahil baka nawawala na


siya sa sarili niya,

"I can't wait to see his face~" bulong niya sa sarili niya.

Napapailing-iling na lang ako sa kaniya habang pilit na sinasabayan ang bilis ng


paglakad niya. Hindi man sanay ay pinipilit ko ang sarili kong maglakad na parang
isang mahinhing binibini base na rin sa turo ni Margareth at Kim. Hindi naman daw
bagay kung kilos lalaki pa rin ako gayung babaeng-babae ang hitsura ko.

Pagpasok pa lang sa loob ay pumapailanlang na ang isa sa paborito kong kanta.


Nakilala ko naman kaagad kung kanino nanggagaling ang boses.

Naglakad pa kami ni Kim hanggang sa tumigil siya ilang dipa ang layo mula sa pwesto
ni Isaiah na payapang-payapang kumakanta, animo'y walang tao sa paligid. Nakapikit
siya habang kumikilos ang mga daliri kasabay ng pagkanta niya.

Nang mga sandaling iyon ay muling bumalik sa akin ang naramdaman ko noong unang
beses ko siyang napanuod at narinig na kumanta. Ngayong kitang-kita ko ang mukha
niya ay parang mas dumoble pa ang nararamdman ko,

Nang matapos ang kanta ay dumilat siya at sakto namang nagtama ang aming mga mata.
Hindi kaagad ako nakakilos at nakatitig lang sa kaniya. Para bang kaming dalawa
lang ang tao, walang ibang tao sa paligid, walang nagbubulong-bulungan.

Nakita ko siyang napalunok habang hinahagod ako ng tingin. Nang ibalik niya ang
tingin sa mga mata ko ay muntik na akong mapasinghap dahil sa nakitang labis na
paghanga sa mga mata niya. Ibig sabihin kaya ay nagustuhan niya ang hitsura ko?
Teka! Ano bang paki ko kung nagustuhan niya o hindi ang suot ko? Hindi naman para
sa kaniya kaya ako nagpaganda!

So, inaamin mong nagpaganda ka nga? Usig naman ng konsensya ko.

Umiling ako para iwaksi ang mga bagay na iyon sa isipan ko. Hindi ko dapat iyon
iniisip!

"Is that really you Andrea? Wow... I just... Wow. I don't know what to say. You
look.. Beautiful. Hell, the word beautiful isn't enough to descibe you."

Gulat na lang akong napatingin sa nakalapit na palang si Isaiah. Gano'n ba kalalim


ang iniisip ko at hindi ko siya namalayang lumapit?

Binuksan ko ang bibig ko para magsalita pero walang lumalabas na anumang salita
kaya sinara ko ito ulit.

"Ahem. Isn't she lovely, Cornett?" may bahid panunuksong sabi ni Kim kay Isaiah.

Sinamaan naman ng tingin ng binata si Kim dahil sa sinabi nito.

"Okay! Okay! Kakausapin ko pa si Sir Allan. See you both later~. Bye Ann, Bye
Cornett!" Magiliw na paalam ni Kim at naglakad na palayo.

Wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya ng tingin. Nakaramda ako ng kaba dahil
kaming dalawa na lang.

Biglang pumailanlang ang kantang Wonderful Tonight at nakita kong isa-isa nang
nagsasayawan ang magkakapareha.

Napakagat-labi ako dahil hindi ko alam ang gagawin.


"May I have this dance, my lady?" Nakangiting aya ni Isaiah sabay lahad ng palad.

Ilang sandali kong tinignan ang kamay niya na para bang anumang sandali ay may
lalabas dito.

"Uhh, hindi ako marunong magsayaw." Nahihiya kong sabi sa kaniya.

Ngumiti lang siya at nabigla ako nang bigla niya akong hapitin sa baywang at
hawakan sa kamay. "I have forever to teach you."

Hindi ako nakapagsalita, bagkus ay inilagay ko na lang ang Isa ko pang kamay sa
braso niya habang marahang sumasayaw sa saliw ng kanta. Ilang beses ko siyang
natatapakan pero ngumingiti lang siya at marahan akong tinuturuan ng tamang
paggalaw.

"Have I told you that you look lovely tonight? You are the most beautiful girl in
this house."

Naramdaman kong nag-iinit ang mukha ko kaya naman bahagya akong yumuko. "Tigilan mo
nga ako, Sir Isaiah. Hindi magandang magsinungaling."

"Sino ang nagsabing nagsisinungaling ako?"

Nakagat ko ng mariin ang pangibabang labi ko bago nagsalita. "Bakit nga pala
Cornett ang tawag sa'yo ni Kim?" Pag-iiba ko sa usapan.

"That's my second name." Nakangiwing sabi niya na bahagya kong ikinatawa.

"Parang Cornetto." Natatawang sabi ko.

"Oh you don't know how long she'll call me that because of you."

"Ako? Ano naman ang kinalaman ko?" Taka kong tanong sa kaniya.
"Malaki." nakangiting sabi niya. Nagkaro'n ako ng pagkakataong tignan ang mukha
niya. Itanggi ko man ay alam ko sa sarili ko na humahanga ako sa taglay na
kagwapuhan ni Isaiah Montgomery.

"I have a wish."

"Wish? Ano naman?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot at naramdaman ko na lang ang kamay niyang nakahawak sa baywang
ko na lumipat sa mukha ko na marahan niyang hinahaplos.

"I wish that you won't disappear just like what Cinderella did." Matapos niyang
sabihin 'yon ay unti-unti na niyang inilalapit sa mukha ko ang mukha niya habang
nakatingin siya sa mga labi ko.

Hahalikan niya ako! Dapat ay umiwas ako, itulak siya o hindi kaya naman ay sipain
siya pero nang ipikit niya ang mga mata niya ay natahpuan ko na lang ang sarili
kong napapikit na rin at hinintay ang sunod na mangyayari..

----

I will try my very very best to update this weekend again to make it up to you
guys.

Also, pinag-iisipan ko nang simulan ang story ni Godric BUT I decided na magiging
mas erotic ito kaysa sa ibang Montgomery Series. Kapag nagawa ko na ang prologue ay
ipo-post ko siya someday. thank you!

Chapter Seven

Chapter Seven
Isaiah Montgomery

Bago pa man tuluyang maglapat an gaming mga labi ay nagpalakpakan ang mga tao sa
paligid naming kaya naman parang napasong lumayo sa akin si Andrea at nahihiyang
inilibot ang paningin sa paligid at pilit na iniiwasang mapatingin sa akin.

I cursed silently. It was so damn close! I was close to kissing her again, dammit.
I lost control over myself once again. Hindi ko alam pero nang makita ko siya ay
labis akong humanga sa kagandahan niya. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niya at
napakaganda niya sa suot niya. I was totally smitten by her beauty.

Ano nga ba ang mayro'n sa kaniya na naka-agaw ng pansin ko?

I cleared my throat and smiled at people looking at me with amuse and curious eyes.
Damn, another issue.

Nakita kong papalapit sa amin si Tito Allan kaya naman ngumiti ako sa kaniya.
Nakita kong nakatingin siya kay Andrea na halatang kinakabahan nang makitang
papalapit ang producer ko.

"Thank you for that wonderful performance, Isaiah."

"It's my pleasure, Tito." Nakangiti kong sagot sa kaniya. Nang muli niyang tignan
si Andrea ay ipinakilala ko ito sa kaniya. "Andrea, I'd like to introduce to you,
my producer, Allan Gomez, Tito, meet my new personal assistant, Andrea Samonte."

"H-hello. Happy birthday, Sir." Rinig kong sabi ni Andrea. Bahagya ko siyang
sinulyapan ng tingin at nakita kong ang kaba niya.

"Hello, Andrea. I've heard so much about you. Wow, you sure you're his personal
assistant? Kung hindi ko lang alam ay aakalain kong siya ang date mo Isaiah base na
rin sa mga tingin mo sa kaniya." He blatantly said making Andrea blush.

"Tito.." apela ko sa akusa niya sa akin.

"What? She's beautiful, isn't she? Come, I'll introduce you to my wife and
children, hija." Nakangiting aya niya kay Andrea.
Tumingin muna sa akin si Andrea na para bang humihingi ng permiso, tango lang ang
isinagot ko sa kaniya at sumama na siya kay Tito Allan.

Was I really that obvious? Tanong ko sa sarili ko nang makalayo na sila.

"Hi Cornett~"

I groaned at playfully glared at my Manager.

"Why are you calling me that? Nanalo ka na ba?" panghahamon ko sa kaniya kahit pa
alam kong siya naman talaga ang nanalo.

She smirked at me and held up her phone. My eyes widened in surprise when I saw the
photo of me and Andrea. Magkalapit ang mukha naming at parang walang pakialam sa
paligid.

"Need I say more? I win! Mula ngayon ay Cornett na ang itatawag ko sa'yo. Gosh,
Zay. You should have seen your face! Nang una mo siyang makita ay natulala ka at
parang na-hipnotismo. You got it bad. Tsk."

"Shut up, Kim. Aren't you worried that this might come out? This is an issue."
Paalala ko sa kaniya na ikinibit balikat lang niya.

"Who cares? Besides, hindi nila makikilala si Ann kapag hindi na siya naka-make up.
Mahihirapan lang silang hanapin ang 'mahiwagang babae'." Pagbibigay katwiran niya
sa akin.

"Bakit parang pakiramdam ko ay itinutulak mo siya sa akin, Samantha?" seryosong


tanong ko sa kaniya. Napatingin ako sa gawi nila Andrea at Tito Allan at nakita ko
siyang nakangiti. Parang may malamig na kamay na humaplos sa puso ko dahil sa ngiti
niyang iyon.I got it bad, alright.

She sighed. "Zay, it's been years mula nang makita kitang nagkagusto sa isang
babae, umabot na nga sa puntong naisip ko na baka lumipat ka na ng team."
Natatawang sabi niya pero tumikhim ng makita ang hitsura ko. "Honestly, yes. Gusto
ko si Andrea para sa'yo. Alam kong bagay kayo sa isa't-isa at ako ang magiging
number 1 fan ng love team niyo. May ship name na nga ako eh, Ansaiah. Parang
an'saya 'no?" tumawa siya ng malakas matapos niya iyong sabihin dhailan para
mapatingin sa kaniya ang ilang guests. Naiiling na lang ako sa kabaliwan niya.

"I swear, sana hindi magmana sa'yo ang magiging inaanak ko."

"Tse. Anyway, your birthday is tomorrow, same plan or you want something new?"

I shook my head a little. "Same old, same old. It's nothing special for me."

Muli akong napatingin sa gawin ni Andrea at nakita ko siyang naglalakad na pabalik


sa amin. She's smiling shyly at other people and when she saw me looking at her,
she blushed and bit her lip.

Oh fuck me, I think I like her.

Andrea Samonte

Araw ng sabado ay nagmumuni-muni lang ako sa labas ng bahay namin. Hanggang ngayon
ay hindi mawaglit-waglit sa isipan ko ang nangyari sa party. Para bang... ibang
Andrea ang naroon. Hindi lang dahil sa panlabas na kaanyuan kun'di dahil na rin sa
mga kinilos at nararamdaman ko.

Bakit ang g'wapo ni Isaiah Montgomery sa paningin ko? Bakit parang may kilig akong
nararamdaman dahil sa mga sinasabi niya? Hindi kaya... nagkakagusto na ako sa isang
lalaki?

Umiling-iling ako at isinampal ang dalawang kamay sa mukha ko. HIndi p'wede!
Isinumpa ko na noon pa man na hinding-hindi ako magkakagusto sa lahi ni Adan!
"Andrea!!"

Napapiksi ako nang dahil sa malakas na pagtawag sa pangalan ko na kilalang-kilala


ko na kung sino.

Nang makalapit si Lena ay hinampas niya ako sa braso at may inilapag na dyaryo sa
hita ko pagkatapos ay padabog na naupo sa tabi ko. Tinignan ko siya at nakita kong
nakalabi siya kaya naman napataas ang kilay ko sa inasal niya.

"Ano'ng problema mo, bruhilda?" taka kong tanong sa kaniya na hindi inaalis ang
tingin sa mukha niya.

Inirapan niya ako bago sumagot. "Tignan mo 'yang dyaryo! Nakakasama ka na nang
loob. Sabi mo hindi ka magkakagusto sa mga lalaki, eh ano 'yan? Inaagaw mo na ang
asawa ko! Huhu!" madramang sabi niya kaya naman taka kong tinignan ang d'yaryo para
lang manlaki ang mga mata.

"Mukhang may kinahuhumalingan na ang sikat na singer/pianist na si Isaiah


Montgomery. Sino kaya ang mahiwagang dalagang kasayaw niya?" basa ko sa headline.
Makikita ang picture namin na magkalapit ang mukha habang nakapikit.

Agad akong pumunta sa page kung saan ito nakalagay at mabilis iyong binasa.
Nakalagay doon kung paano ako raw akong tignan ni Isaiah na buong paghanga.
Nakalagay din doon na hindi nila ako kilala pero pilit aalamin daw nila kung sino
ako at ano ang tunay na relasyon ko kay Isaiah.

"Paktay." bulalas ko habang nakatingin lang sa dyaryo. Kahit hindi ito ang unang
beses ay nakakainis pa rin na nalagay na naman ako sa dyaryo pero kahit papaano ay
nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nila ako basta-basta makikilala.

"Umamin ka nga sa akin ha, Andeng. Gusto mo na ba 'yang si Isaiah?" diretsong


tanong ni Lena sa akin na seryoso ang mukha.

"H-Hindi 'no! Boss ko lang siya at sinabi ko na sa'yo na hindi ako magkakagusto sa
kahit na sinong lalaki! Kahit gaano pa siya ka-gwapo o kayaman o kasikat! Itaga mo
'yan sa bato!" depensiba ko sa kaniya.

"O.A mo friend. Oo at hindi lang ang sagot sa tanong ko ay napunta na sa tagaan.


Naku, defensive much?" panunundyo niya sa akin.

"Heh! Tigilan mo nga ako. Sa'yong-sa'yo na 'yang si Isaiah dahil wala akong interes
sa kaniya."

"Akin na naman talaga siya." nangangarap na sabi niya pero maya-maya ay biglang
sumeryoso. "Seriously, ayos lang sa akin na magkagusto ka sa kaniya, matatanggap ko
iyon. Alam ko naman kasi noon pa man na mas maganda ka talaga sa akin at alam ko
rin na hindi niya mapapansin ang isang kagaya ko." pabuntong-hiningang sabi niya na
ikinailing ko na lang.

Binilot ko ang dyaryo at bahagya itong ipinalo sa mukha niya. "Drama mo."

Napatakip ako sa mga tenga ko nang bigla siyang tumili nang ubod nang lakas. "Omg,
Ann! Muntik ko nang makalimutan! Alam mo ba kung ano'ng araw ngayon?"

"Uhm, sabado?"

"Ting! Mali! Napaka-espesyal ng araw na ito! HIndi mo alam kung ano ang okasyon
ngayon? My God!" eksaheradang sabi niya na napaikot pa ng mata.

"HIndi nga. Ano bang meron?"

"Birthday ni Isaiah Cornett Montgomery! June 12 na ning! Alaga mo hindi mo alam ang
birthday?"

"Oh." tanging nasabi ko na lang dahil parang nasabi nga nila sa akin na birthday
niya ngayon pero nakalimutan ko siguro. "Ano namang espesyal doon? Lahat naman tayo
ay nagdaraos ng birthday."

Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko ito mula
sa bulsa ko at nakitang si Isaiah ang tumatawag. Biglang kumabog ang dibdib ko sa
hindi malamang dahilan. Bakit ba ako kinakabahan? Parang tumatawag lang naman siya.

Sumenyas ako kay Lena na huwag magsalita at umakto naman siyang sinasara ang bibig.
Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag.
"Hello?"

"Hey! I know it's your day off but can you accompany me today? Meron lang tayong
mga gagawin at pupuntahan and I need your help." may bakas ng pagsusumamo ang tono
niya.

"Ah, eh. Wala naman akong gagawin. SIge sasamahan kita." napapakamot kong sagot sa
kaniya.

"Great! Pick you up later at exactly... 2pm. Bye."

"Bye."

Ano kayang meron at nagpapasama siya?

"Si Isaiah 'yun?" tanong ni Lena nang maibalik ko ang cell phone sa bulsa ko at
muling naupo sa tabi niya.

"Oo siya nga. Nagpapasama siya mamaya at may gagawin daw kami. Ano naman kaya
'yun?" takang tanong ko sa sarili ko.

"Iyan ang sasabihin ko dapat kanina. Lagi niya 'yang ginagawa kapag birthday niya."
nakangiting sabi niya sa akin.

"Ano naman 'yun? Mag-party? Mambabae? Mag-ubos ng pera?"

Natigilan siya habang nakatingin lang sa akin at maya-maya ay umiling. "HIndi siya
ganiyang klase ng tao, Ann. SIge, aalis na ako." tumayo na siya at walang-lingong
umalis.

Problema n'on?
"THANK you for coming with me, Andrea." nakangiting sabi ni Isaiah habang nakasakay
kami sa van niya.

Napakagat ako ng labi dahil ilang beses ko nang tinatangka siyang batiin pero hindi
ko magawa. Ano bang problema sa akin? Dalawang salita ang naman iyon.

"May gusto ka bang sabihin?" pansin niya.

"Ah, eh. Happy b-birthday." nauutal kong sabi sa kaniya na nag-iwas ng tingin.

"Thank you. You don't have to be nervous around me, you know? Hindi naman ako
masamang tao."

Pinili ko na lang hindi sagutin ang sinabi niya bagkus ay iniba ang usapan. "Saan
ba tayo pupunta?"

"You'll know soon enough."

Huwag mong sabihin na sa isang club o mamahaling hotel kami pupunta? SImpe lang ang
suot ko at hindi bagay sa mga ganoong lugar. Ngunit bago ko pa masabi sa kaniya ang
bagay na ito ay huminto na ang kotse at pagtingin ko sa labas ay nagtaka pa ako
nang makitang nasa labas kami ng isang bahay ampunan.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" takang tanong ko pero may isang ideya ang pumasok sa
isip ko. "Mag-aampon ka?" gulat kong tanong sa kaniya.

Tumawa lang siya at umiling." No, silly. Come on." bago pa man ako makapag-protesta
ay nahawakan na niya ako sa kamay at hinila na papasok sa loob ng bahay ampunan.
Pagpasok doon ay nakita ko ang mga batang masayang kumakain, inilibot ko ang
paningin ko at nakita kong may mga palaro at mga lobo rin.

Na-imbitahan kaya siya dito?

"Mga bata, dumating na ang ating birthday boy! Batiin niyo na siya at pasalamatan!"
masayang sabi ng isang madre sa masasayang bata.

"Happy birthday, Kuya Isaiah! Salamat po sa pagkain!" sabay-sabay na sabi ng mga


bata na ikinatahimik ko. Napatingin ako kay Isaiah na tuwang-tuwang nakatingin sa
mga bata.

"Walang anuman, mga bata! Kumain lang kayo ha? Magpakabusog kayo!" masaya niyang
sabi sa mga ito.

Sa mga lumipas na minuto ay pinapanuod ko lang kung paano siyang makipag-kulitan sa


mga bata. Nang lapitan niya ang isang malungkot na bata at kausapin hanggang sa
mapangiti niya ito ay natagpuan ko na lang ang sarili kong napapangiti na rin.
Sakto namang napatingin siya sa gawi ko kaya agad kong binawi ang ngiti at tingin
ko.

Matapos ang dalawang oras ay nagpaalaman na ang lahat at nalaman kong ilang taon na
pa lang bumibisita sa kanila si Isaiah kaya naman kilala na nila ito. Nang sumakay
kami ulit sa van ay inakala kong tapos na pero sunod naming pinuntahan ang isang
home for the aged.

Nasa tabi niya lang ako habang isa-isa niyang kinukumusta ang mga matatanda. Parang
may isang malamig na kamay ang humaplos sa puso ko sa paraan ng pakikisalamuha
niya. Para bang mga kadugo niya ang mga ito kung ituring niya. Hindi nakaligtas sa
akin ang pamumula ng mga mata niya ng malaman niya na namayapa na ang isang
matandang lalaki na napalapit na pala sa kaniya.

Habang lulan ng van ay tahimik lang siya. Nang sulyapan ko siya ng tingin ay
nakatingin lang siya sa labas ng van.

Muntik pa akong mapatalon ng magsalita siya matapos ang ilang minutong katahimikan.

"His name is Fred, inabandona na siya ng mga anak niya dahil sa katandaan. Ang
asawa niya ay niloko siya at iniwan. Mag-isa na lang siya sa buhay kaya naman
napalapit ako sa kaniya. Itinuring ko siyang parang sarili kong Lolo, kapag may
oras ako ay lagi ko siyang binibisita. Napakabait niyang tao. Hindi man lang ako
nakapagpaalam sa kaniya bago siya nawala. Sabi sa akin ni Mother Rosalie na hinanap
niya ako bago siya mawala pero nasa ibang bansa ako noon. Hindi nila pinaalam sa
akin dahil alam nilang malulungkot ako. Kung maibabalik ko lang ang oras... ginawa
ko na." pasinghot-singhot siya kaya naman alam kong umiiyak siya.

Hindi ako nagdalawang-isip pa at niyakap ko siya at hinaplos-haplos sa likuran.


"Sigurado akong masaya siya ngayon kung nasaan man siya."

Pinapanuod ko siya ngayon habang nakikitawa sa mga batang pulubi at ilang pamilya
na binilhan niya ng regalo at pagkain. Hindi mababakas sa kaniya ang panghuhusga o
pandidiri.

Marami akong nalaman tungkol kay Isaiah ngayong araw... hindi siya kagaya ng ibang
mayayaman. Mali ang ginawa kong panghuhusga sa kaniya. Mabait siya at matulungin.
Hindi ka niya huhusgahan kahit ano ka pa o kung anuman ang katayuan mo sa buhay.

Chapter Eight

-----

Isaiah Montgomery

Andrea... Andrea... Andrea

"Fucking hell!" I said miserably. I sat up and ruffled my hair in frustration.

Matapos ang ilang beses na pagbiling ay sumuko na ako. Mukhang hindi ako
makakatulog. I've known her for what, a month pero gusto ko na siya. I can't get
her out of my mind. She's all I've been thinking of. Para akong isang bagito na
nararanasan pa lang ang unang crush niya. Damn it.

Dahil mukhang hindi ako dadalawin ng antok ay naisipan ko na lang tumugtog. Tumayo
ako at bumaba kung saan naroon ang piano ko. I closed my eyes and started playing a
song.

Boom ba-dum
Boom ba-dum
Boom ba-dum
Boom ba-dum
Boom ba-dum
Boom ba-dum
Boom ba-dum
Boom ba-dum

I still remember when I first saw her


Eating cake off a plastic saucer
All my thoughts began to form a single file line.
Let's keep our eyes in a safe location
Take a stab at a conversation
Lets move slow, she's lovely though
A sample of my eye
As far as I can tell
She had no one, a magic spell but

I can't stop thinking about you


I can't stop thinking about you
It seems there's nothing I can do
To stop from thinking about you.
Let me know, let me down
Just let me hear the sound of your voice
I have no choice
I can't stop thinking about you.

Parang nagkaroon ng flashback sa isip ko simula ng makilala ko siya. Her beautiful


face, her voice. Everything about her makes me want to take the risk. She's one of
a kind. One in a million. Am I willing to give this a chance?

Paano ko siya makukuha gayung ayaw niya sa lahi namin? Well fuck it. I will take
the risk. I will chase her.

Kinabukasan ng umaga, pagdating pa lang sa studio ay kinausap ko na ng sarilinan si


Kim.

"I think you should know this because you're not just my manager but you're also my
friend. I will court Andrea." walang pag-aatubili kong sabi sa kaniya at hinintay
ang reaksyon niya.

Ang inaasahan kong gulat o inis na lalarawan sa mukha niya ay hindi nangyari sa
halip ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi niya sabay sabing.
"Finally! It took you a month, huh? Ang bagal mo, Cornett." nanunuksong sabi niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Importante sa akin ang opinyon
niya bilang isang kaibigan pero kahit hindi siya pumayag ay itutuloy ko pa rin
naman ang plano ko.
"You're not mad?" paniniguro kong tanong sa kaniya.

She snorted and shook her head no. She surprised me by hugging me. "Isaiah, I've
been waiting ages for you to date someone. Alam kong may hinahanap ka kaya ka
alangang maghanap ng babaeng magugustuhan but I know that you and Andrea are
perfect together."malambing niyang sabi.

Nakangiti ko naman siyang niyakap at nagpasalamat pero dahil sa sinabi niya ay


natigilan ako. Mula nang dumating sa buhay ko si Andrea ay nakalimutan ko na ang
Angel ko.

"ZACH, wala ka bang bagong nalaman?" tanong ko sa pinsan ko habang naghihintay na


matapos ang paghahanda nila para sa pagre-record ng bago kong kanta.

"Zay, alam mong mahirap itong pinapagawa mo sa akin dahil ni pangalan niya ay hindi
mo alam. Ang alam mo lang ay ang lugar na pinagtitirahan nila na iba na ang
nakatira. Sinabi ko na rin sa'yo na hindi nila alam kung saan na nakatira ang
dating nakatira doon. I'm sorry bro but it's been thirteen years. You have to give
up."

Nanlumo ako dahil sa sinabi niya. Nang magkaisip ako ay hindi na ako tumigil sa
paghahanap sa kaniya pero siguro nga ay hindi kami itinadhanang magkita ulit.

"I guess you're right. Thanks, Zach."

Bumalik ang alaala sa aking labing-tatlong taon na ang nakararaan.

We are on a vacation sa probinsya ng mga Lolo at Lola ko. The kids around me are
laughing and playing with each other while I sat here sulking because my Yaya won't
allow me to play.

Maya-maya pa ay may lumapit kay Yaya at nagsimula silang mag-kuwentuhan. Hindi ko


naririnig ang pinag-uusapan nila pero lumayo sila para mag-usap. Napangiti ako
habang tinatanaw sila at ibinalik ang tingin sa mga batang tuwang-tuwang naglalaro.

Lumapit ako sa kanila at nginitian sila. Tumigil sila sa paglalaro at tinignan ako
mula ulo hanggang paa.
"Hi! Can I play with you guys?" magiliw kong tanong sa kanila.

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagtawa nila habang nakaturo sa akin.

"Hoy batang may gintong kutsara sa bibig! Huwag mo kaming iniingles at lalong ayaw
naming makipaglaro sa'yo!" sigaw ng isang batang lalaki na sa tingin ko ay ka-edad
ko lang.

"B-But I just want to play." malungkot kong sabi sa kanila.

"Aw, tignan mo pinaiyak mo si labanos. Ganito na lang, ibigay mo na lang sa amin


iyang damit at sapatos mo para pumayag kami." nakangising sabi ng isang lalaki sa
akin sabay turo sa suot ko.

"H-Hindi pwede." pagtanggi ko sa kanila.

"Aba ayaw mo? Pwes kukunin na lang namin sa'yo!" bago pa ako makatakbo palayo ay
sinimulan nilang hubarin sa akin ang damit at sapatos ko habang naiiyak na lang ako
at nakikiusap sa kanilang tumigil sila.

"Hoy! Ano'ng ginagawa niyo ha? Bakit niyo hinuhubaran 'yan?!" sigaw ng isang boses
na hindi ko agad nakita dahil sa nakahiga ako.

Mabilis namang nagsilayuan sa akin ang mga bata kaya inayos ko ang nahubad kong
damit at sapatos habang umiiyak. Gusto ko lang namang makipaglaro sa kanila pero
bakit ayaw nila sa akin?

"Hehe, sorry, boss! Nakikipagbiruan lang kami. HIndi ba, bata?" panlalaki ng mata
sa akin ng pinakamalaki sa kanila.

Tinignan ko ang taong tumulong sa akin para lang matigilan. Isa itong babae.
Magandang babae.

Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo. "Totoo ba 'yun?" tanong niya sa
akin.

Napalunok ako at muling tumingin sa grupo ng mga bully na tinatakot ako. "O-Oo."

Napataas ang kilay niya at sinamaan ng tingin ang mga lalaki na napapiksi naman.
Nagtaka ako kung bakit takot sila sa isang babae gayung mas maliit pa ito sa
kanila.

"Alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo kaya bibigyan ko ng leksyon 'tong mga ungas
na 'to." lumapit siya sa mga natatakot na lalaki at isa-isa silang binigyan ng
batok sa ulo.

Pinigilan ko ang sarili kong mapatawa dahil sa hitsura ng mga bata. Babae lang pala
ang magpapatiklop sa kanila.

"O siya. Alis! Huwag niyo na ito ulit gagawin ha!" pasigaw na sabi ng babae at
sunod-sunod ng kumaripas ng takbo ang mga lalaki. "Mga duwag!" habol pa ng babae.

Buong paghanga naman akong nakatingin sa kaniya. Kinaya niyang takutin ang mga
lalaking iyon.

"Oh, ano pang tinatayo mo diyan? Hindi ka pa uuwi? Base sa suot mo ay hindi ka
nababagay sa lugar na ito."

"What's wrong with you guys? Bawal ba akong makipaglaro sa mga bata just because
I'm different?" bumalik ang lungkot na naramdaman ko at umupo sa naroong bench.

"Alam mo, gano'n talaga ang buhay, kapag magkaiba, hindi magkatugma. Huhusgahan ka
ng ibang tao. Kami kasing mahihirap dito ay may takot sa mayayamang tulad niyo
dahil ilang beses na kaming pinapaalis dito."

"Bakit ikaw hindi ka takot sa akin?"

"Mukha ka namang mabait eh." nakangiting sabi niya. Ngumiti rin ako sa kaniya at
nag-kwentuhan pa kami ng ilang bagay hanggang sa mapasin kong dumidilim na.
Naputol ang pagku-kuwentuhan namin ng may marinig kaming ingay. Nakita ko ang mga
lalaki kanina na may kasamang ibang bata at papunta sa direksyon namin.

"Hala ka, nagsama pa sila ng mga ungas din. Tara!" tumayo siya at hinila ang kamay
ko.

"Saan tayo pupunta? Baka hanapin ako ng Yaya ko."

"Basta sumunod ka na lang kung ayaw mong umuwi ng nakahubad!" wala na akong nagawa
ng hitakin niya ako at nagsimula kaming tumakbo.

Rinig na rinig ko ang pagsigaw ng mga lalaki sa likod namin at nakaramdam ako ng
takot.

"Bilisan mo!" sigaw niya at binilisan nga namin ang takbo. Hindi ko alam kung saan
kami pupunta, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero sumama na lang ako.
Ilang beses kaming lumiko at pumasok sa mga eskinita hanggang sa nawala ang mga
sumusunod sa amin.

Tumigil kami sa harap ng isang parola habang parehas na hinahabol ang paghinga.
Mayamaya pa ay sabay kaming tumawa.

"Grabe. Ngayon lang kita nakilala pero napasuong ako sa problema."

Napatigil ako sa pagtawa at nakatingin lang sa nakangiti niyang mukha. Mukha pala
siyang isang anghel. Isa siyang anghel dahil iniligtas niya ako kanina.

Tumingin ako sa parola at namangha sa kagandahan nito.

"Ganda 'no? Dito ko paboritong tumambay kapag gusto kong lumayo sa Itay ko."
lumarawan ang lungkot sa mga mata niya.

Gusto ko mang magtanong ay hindi ko ginawa dahil alam kong hindi pa kami
magkakilala.
"Gabi na. Paano ka na makakauwi? Alam mo ba kung saan ang address niyo?"

Umiling ako at inilagay ang mga braso ko sa tuhod ko para mangalumbaba. "Lagi akong
may kasama at ngayon lang ako nawala. Paano ako makakauwi?" natatakot na sabi ko sa
kaniya.

"Uhm, hindi ka rin pwede sa bahay namin. Sasamahan na lang kitang pumunta sa
barangay para sila na ang maghahatid sa'yo."

"Saan ka nakatira?"

"Ako? Malapit lang dito. Katabi lang 'yun halos ng barangay. Madaling makita ang
bahay namin dahil iyon lang ang bahay na maraming halaman dito."

Pumayag ako at naglakad na kami papunta sa barangay na sinasabi niya. Pagdating don
ay hindi niya ako iniwan at sinamahan niya ako hanggang sa dumating ang Mommy at
Daddy ko na alalang-alala sa akin. Nalaman na rin pala dito na nawawala ako kaya
hindi na sila nahirapang makilala ako.

"My friend helped me, Mom." nakangiti kong sabi kay Mom.

"Friend? Who?"

"Siy---" ituturo ko sana ang batang babae na nagligtas sa akin pero nawala na ito
sa kinauupuan. Kumalas ako kay Mommy at inilibot ang paningin ko pero hindi ko na
siya nakita.

Nalungkot ako at nanghinayang. I forgot to ask her name.

Thirteen years after. She's still on my mind. HIndi ko siya nakalimutan. At dahil
hindi ko alam ang pangalan niya ay tinawag ko siyang Angel. My Angel. Pinangako ko
sa sarili ko na hahanapin ko siya at aalamin ko ang pangalan niya. I even got a
feather tattoo because of her.

I sighed and leaned back on my chair.


I was snapped out of my thoughts nang may kumatok sa pinto ng office ko. Dumungaw
si Kim na nakangisi sa akin.

"Uwian na. Baka gusto mong ihatid ang liligawan mo? Nakita ko siyang nag-aayos na
ng gamit. You're welcome." pagkasabi niya noon ay sinara na niya ang pinto.

Naiiling na lang ako pero tumayo na rin para ihatid siya. Buong maghapon ay
pasulyap-sulyap lang ako ng tingin sa kaniya at kumukuha ng pagkakataon para
makausap siya.

Kinuha ko ang kotse ko at paglabas ng building ay nakita ko siyang nag-aabang ng


masasakyan. Huminto ako sa tapat niya at ibinaba ang salamin.

"Hop in." nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Ah, ayos lang. May dadaan namang jeep, baka maabala ka pa." pagtanggi niya.

"I insist."

Napabuntong-hininga na lang siya bago sumakay. I grinned at myself at pinaandar na


ang kotse. "Where to?" tipid kong tanong sa kaniya.

"Gagabayan na lang kita."

Tinatapik ko ang mga daliri ko sa manibela habang pasulyap-sulyap sa kaniya.

"Can I ask you a question?" pagbubukas ko ng usapan.

Sandali siyang sumulyap sa akin at muling ibinalik ang tingin sa daan. "Sige. Teka,
kanan ka dito."

Kinabig ko ang manibela pakanan bago siya tinanong. "Why do you hate my team so
much?"
Hindi siya kaagad sumagot at para bang hindi niya ako narinig na nagsalita.

"Mawawalan ba ako ng trabaho kapag hindi ko 'yan sinagot?" seryosong tanong niya sa
akin.

"Of course not!" mabilis kong sagot sa kaniya.

"Sorry pero hindi ko sasagutin ang tanong mo."

Napabuntong-hininga na lang ako. Inaasahan ko na naman ang sagot niya.

"I want to know you more, Andrea. I want to know everything about you." natagpuan
ko na lang ang sarili kong sinasabi iyon.

Hindi siya nagsalita at nakaramdam ako ng kaba. Shit, am I moving too fast?

"Pakihinto na lang sa tabi." Inihinto ko ang kotse sa tapat ng isang simpleng bahay
na may malawak na bakuran. "Salamat sa paghahatid." matapos niyang sabihin iyon ay
bumaba na siya.

I cursed silently bago tinanggal ang seatbelt at bumaba bago mabilis siyang
pinigilan sa braso. "Wait."

Hindi siya lumingon pero huminto siya. I gulped and opened my mouth to tell her
that I like her and I want to court her nang may magsalita.

"Ikaw na ba 'yan, anak? May bisita ka pala. Hala pasok kayo!"

Napakamot ako sa ulo ko bago sumunod sa tahimik na si Andrea papasok sa loob ng


bahay nila. Pagpasok ay nakita kong malinis ang bahay nila kahit pa konti lang ang
gamit.
"'Nay, siya ho ang boss ko." pagpapakilala niya sa akin.

Nakangiti akong nagmano sa Nanay niya na maganda pa rin kahit na may edad na.
"Magandang gabi ho. Ako po si Isaiah Montgomery. At.." tumingin ako sa nakatingin
din sa aking si Andrea bago nakangiting sinabing. "Gusto ko ho sanang ligawan ang
anak niyo."

Chapter Nine

--------

Andrea Samonte

Gulat lang akong napatingin kay Isaiah matapos niyang sabihin iyon sa Inay ko.

"Totoo bang manliligaw mo ang binatang ito, Andeng?" seryosong tanong ni Inay sa
akin na nakatitig sa akin.
BInuksan ko ang bibig ko para itanggi ang sinabi ni Isaiah pero wala akong maapuhap
na sasabihin kaya naman muli ko na lang itong isinara at muling tinignan si Isaiah.

"Ma'am, alam ko hong nagiging pangahas na ako pero totoo po ang sinabi ko at walang
halong kasinungalingan. Gusto ko hong ligawan ang anak niyo pero gusto ko ho munang
hingin ang permiso niyo." nakangiting sabi niya kay Inay.

Sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan pang magsalita. "Teka, teka, teka! Sandali
lang ho Inay ha, kakausapin ko lang itong boss ko at baka nalipasan ng gutom."
paalam ko kay Inay at hinitak papalabas si Isaiah. Paglabas ay sinamaan ko siya ng
tingin at ngumiti lang siya ng matamis. "Ano 'yon? Bakit mo sinabi ang bagay na
'yon sa Inay ko? Gusto mo ba kaming paglaruan?" kalmado pero inis na tanong ko sa
kaniya.

Bumuntong-hininga siya bago kinuha ang kamay ko. Hihilahin ko sana ito pero lalo
lang niyang hinigpitan ang hawak niya. "Andrea, I've never been this serious
before. Lahat ng sinabi ko sa Inay mo ay totoo. Lahat 'yon ay galing dito..."
inilagay niya ang kamay ko sa tapat ng puso niya at tinignan ako sa mga mata. "I
like you at gusto kong maging akin ka."

Bago sa akin ang mga ganitong bagay kaya naman hindi kaagad ako nakasagot at
nakatingin lang sa mga mata niya na puro sinseridad lang ang nakikita ko.

"Kaya nga sinabi ko na gusto kong makilala kita ng lubus---"

"Bakit hindi mo ako pa-imbestigahan? Iyan naman gawain ng mayayaman, 'di ba?"
nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya na hindi na napansin ang kamay kong hawak
pa rin niya.

"Paiimbestigahan mo rin ba ako?" balik-tanong niya.

"Huh?" taka kong tanong.

"Because I want you to know everything about me too."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at binawi ang kamay sa kaniya bago siya
tinalikuran. Bakit parang nag-iinit ang mukha ko? Ano'ng nangyayari?
Napahawak ako sa mukha ko at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mga ito.

"Wait, are you blushing? You are right?" may himig ng panunukso niyang sabi at
pilit akong inihaharap sa kaniya pero hindi ako pumapayag.

"Sino namang may sabi sa'yo na papayag akong ligawan mo ako?" paanas kong tanong sa
kaniya na tinanggal na ang mga kamay sa mukha.

"Alam kong hindi ka papayag kaya naman ang Inay mo ang tinanong ko. Kapag pumayag
siya... yari ka sa'kin."

Huwag kang mamumula. Huwag. Ayaw mo sa kanila, 'di ba?

"Asa ka namang papayag ang Inay ko!" matapos sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya
at muling pumasok sa bahay. Nakaupo na si Inay sa maliit naming sofa at mukhang
hinihintay kaming bumalik.

"Si Rayane ho, Inay?"

"Natutulog na, Bakit namumula ang mukha mo?" takang tanong ni Inay.

"Kinikilig ho sa akin." sagot ni Isaiah na nakapasok na pala sa bahay.

"Hoy ang kapal mo!" singhal ko sa kaniya na sinamaan siya ng tingin.

Hindi siya sumagot at bagkus ay kinindatan lang ako.

"Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan ang boss mo, Andrea." pangangaral ni Inay sa
akin at bumaling kay Isaiah." Ikaw, ipakilala mo ang sarili mo sa akin at gusto
kong malaman kung ano ang nagustuhan mo sa anak ko."

Nagpigil ako sa pagtawa ng makitang napalunok si Isaiah pero tumalima naman ito
nang paupuin ni Inay sa katapat niyang sofa.

"Ako ho si Isaiah Montgomery, I'm twenty three years old. Isa ho akong pianist at
singer. Tatlo ho kaming magkakapatid at ang mga magulan ko naman ay may business.
Bakit ko ho nagustuhan ang anak niyo?" ulit niya sa tanong ni Inay bago muling
tumingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa paraan niya ng pagtitig
sa akin. "Si Andrea po kasi.. iba siya. Iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko.
She's tough, kind and beautiful. Pinapakita niyang kaya niya ang lahat ng bagay.
Matapang siya at hindi hahayaan ang sinuman na tapakan siya. I like everything
about her." ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya naman ibinalik ko ang
tingin ko sa kaniya.

Totoo kaya ang mga sinabi niya? Totoo kayang posibleng magkagusto sa isang katulad
ko si Isaiah? Paano kung isa lang palang pagsubok ang tingin niya sa akin? Paano
kung gusto lang niya akong paglaruan?

Habang nakatingin sa mga mata niya ay tinanong ko siya sa isipan ko. Totoo ba lahat
ng sinabi mo?

Parang narinig nya ang tanong ko dahil ngumiti siya sa akin at muntik na akong
mapahawak sa dibdib ko nang bigla itong tumibok ng mabilis.

"Alam mo, Isaiah. Nag-iisang anak ko si Andrea at alam kong kailanman ay hindi siya
nagkaro'n ng nobyo o kahit na kaibigang lalaki man lang. Kaya sana ay maintindihan
mo kung hindi ako basta-basta papayag kahit pa sabihin nating mayaman ka. Hindi ko
ipagbibili ang sarili kong anak. Gusto kong patunayan mo ang sinasabi mo."

"Naiintihan ko ho at hindi rin ako magmamadali. I waited a good twenty three years
of my life just to find someone like her. She's worth the wait."

Ilang sandali nagtama ang mga mata namin hanggang sa tanungin pa siya ni Inay
tungkol sa ibang bagay. Nang matapos ay hinatid ko siya sa labas nang walang
lumalabas na anumang salita sa bibig ko. Tahimik lang akong naglalakad habang
nakayakap sa sarili ko.

Nagtatalo ang isip at puso dahil alam kong kailanman ay hindi ko aaminin ang
anumang nararamdaman ko.

"I'm serious you know." basag niya sa katahimikan ng nasa tapat na kami ng kotse
niya.
Bahagya akong luminga sa paligid at nakitang may mga chismosang kapitbahay namin
ang nagkakandahaba ang leeg sa pag-usyoso.

"Sumakay ka na. Ayokong maging laman ulit ng mga balita, Isaiah."

Narinig ko siyang bumuntong-hininga pero hindi ko siya sinulyapan.

"Good night, Andrea."

Tango lang ang isinagot ko sa kaniya at tumalikod na para pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok sa loob ay isinara ko na ang pinto at sumandal doon. Hinintay kong
makaalis ang kotse niya bago pabuntong-hiningang pumasok sa sarili kong k'warto.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko at tumingin lang sa kisame.

Ngayon lang nagulo ng ganito ang isip ko. Ngayon ko lang ito naramdaman at aaminin
ko na... natatakot ako.

"DIOS MIO!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni Inay kaya naman agad
akong tumayo kahit pa gulong-gulo ang buhok ko.

"Bakit Ina---" kusa akong napatigil sa pagsasalita ng paglabas ko ng bahay kung


saan nanggaling ang sigaw ni Inay ay bumungad sa akin ang napakaraming bulaklak.
Iba't-ibang klase ito at iba't-iba rin ng kulay. "Hala, bakit ang daming bulaklak
sa bakuran natin, Inay?!" gulat kong tanong kay Inay na gulat ring nakatingin sa
mga ito.

"Hindi ko alam! Lumabas ako para sana magwalis pero ito ang tumambad sa akin!"

Habang mangha pa rin kaming nakatingin sa mga bulaklak ay may isang pamilyar na
kotse ang huminto sa harap ng bakuran namin. Tama ang hinala ko kung sino ito nang
bumaba ang nakangiting si Isaiah na may hawak namang isang malaking bungkos ng red
roses.

Bahagya akong nag-panic na may makakita sa kaniya lalo na at unti-unti nang


dumadami ang tao sa tapat ng bahay namin kaya naman mabilis ko siyang hinitak
papasok sa loob ng bahay namin.
"Nabubuwang ka na ba?! Bakit ka nagpunta dito nang wala mang lang kasama o hindi
man lang nakatakip ang mukha?" inis kong tanong sa kaniya na pasilip-silip sa labas
ng bahay. Mahirap na dahil baka mamaya ay may sumusugod ng reporters.

Napakamot siya sa batok niya at nagkibit-balikat. "So what? Let them see me."
pagwawalang bahala niya at iniabot sa akin ang hawak niyang bulaklak na alangan
kong tinanggap. "This is for you. Sorry about the mess outside of your house. HIndi
ko alam kung anong gusto mong bulaklak kaya naman kinuha ko lahat ng klase."

"Sa'yo galing ang lahat ng 'yon?! Wala kaming balak magtinda ng bulaklak kaya
p'wede mo nang dalhin lahat ng bulaklak na 'yon." paismid kong sabi sa kaniya.

Lihim kong sinamyo ang binigay niyang bulaklak at pinigilan ko ang sarili kong
mapangiti dahil ito talaga ang gusto kong bulaklak. Kahit na isa akong babae ay
kailanman walang nagbigay ng bulaklak sa akin kaya naman hindi ko alam kung ano ang
gagawin.

"You look cute like that." sabi niya na ikinataka ko.

Napatingin ako kay Inay na pinipigilan ang sariling mapatawa pero hindi
nagtagumpay. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong kagigising ko nga lang pala.

"Eep! Inay bakit naman hindi niyo pinaalala sa akin?!" dahil sa hiya ay itinakip ko
ang bulaklak sa mukha ko at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng banyo.

Tumapat ako sa salamin at unti-unting binaba ang bulaklak para makita ang hitsura
ko. Halos panawan ako ng ulirat nang makita ko ang hitsura ko sa salamin. Sabog-
sabog ang mahaba kong buhok at may muta at tuyong laway pa ako sa gilid ng labi ko.

Impit akong napasigaw habang inuuntog ang sarili ko sa salamin. "Nakakahiya.


Nakakahiya. Nakakahiya! Ano na lang ang iniisip niya nang makita niya ang histura
kong ito?" miserable kong tanong sa sarili ko at kusa ring natigilan. "Teka, paki
ko ba?"

"Tapos ka nang kausapin ang sarili mo?"

Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat nang magsalita si Isaiah at nang makita ko
itong prenteng nakasandal sa pader. Kahit na hindi ko tignan ang mukha ko ay alam
kong kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon.

Isinara ko ang pinto at mabilis na inayos ang sarili ko. Nagmumog ako at nagsuklay.

"Huwag ka nang mahiya. Alam mo naman na kaya kita nagustuhan dahil sa totoong tao
ka, 'di ba?"

Umirap lang ako kahit na hindi niya ako nakikita. Nang masiguro kong ayos na ang
hitsura ko ay kinuha ko ang bulaklak sa ibabaw ng balde at lumabas na.

"Ano bang ginagawa mo dito?" kaswal kong tanong sa kaniya kahit pa nahihiya pa rin
ako dahil sa nangyari. Naglakad na ako palabas sa sala at hinanap si Inay.

"She's outside. Mukhang gusto ni Tita ang mga bulaklak."

"Tita?" taas kilay kong tanong sa kaniya. Inilapag ko ang roses sa mesa at naupo sa
sofa.

"Yep. Kaya ako nandito dahil sinabi ko sa'yo na magsisimula na akong sa panliligaw
ko sa'yo, 'di ba?"

"Hindi pa pumapayag si Inay." paalala ko sa kaniya.

Napangiti siya at nagkibit-balikat. "Siya muna ang nililigawan ko."

Lumipas ang isang linggo mula nang simulan niyang 'ligawan' si Inay ay hanggang
ngayon ay wala pa ring sagot si Inay pero hindi naman siya sumusuko. Araw-araw
siyang pumupunta sa bahay at binibingyan ng kung ano-ano si Inay. Nariyan ding mag-
iigib siya o gagawin ang sira naming lababo. Maging ang kapatid kong si Rayane ay
binibigyan niya ng laruan.

"Si Isaiah?" tanong ni Kim. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. Malapit na siyang
manganak kaya naman anumang araw mula ngayon ay mamamalagi na lang siya sa bahay.
"Nasa bahay at kumakain ng luto ni Inay." nakasimangot kong sabi sa kaniya.

Bahagya siyang natawa at maya-maya ay biglang sumeryoso. "Ann, pwede ba tayong mag-
usap?"

"Oo naman." Naupo muna siya kaya naman naupo rin ako sa harap niya. "Ano'ng pag-
uusapan natin?"

"Ann, ano'ng nararamdaman mo para kay Isaiah?" walang paligoy-ligoy niyang tanong.
"Huwga kang mag-alala, ang lahat ng mapag-uusapan natin ay hindi makararating kay
Isaiah. This is between you and me. Babae sa babae."

Ilang sandali akong hindi nakasagot dahil pilit kong iniisip kung ano na nga ba ang
nararamdaman ko para sa kaniya. Mapagkakatiwalaan ko nga ba siya?

Nakita niya siguro ang pag-aalinlangan ko kaya muli siyang nagsalita. "Let me tell
you a story. Bago kami magkakilala ng asawa ko, naging tagahanga rin ako ni Isaiah.
I used to think that he's kind, amazing and handsome. Almost perfect. Lahat na ata
ng hinahanap ng isang babae sa lalaki ay nasa kaniya na. Mabait, pasensyoso,
maiintindihin, marespeto, gwapo. Pero habang tumatagal ay lalo ko siyang nakilala,
hindi siya tulad ng inaakala nang lahat. Meron siyang mga kamalian, hindi siya
perpekto pero isa lang ang masisiguro ko sa'yo, Andrea."

Hinawakan niya ako sa kamay at tinignang maiigi. "Si Isaiah, kapag sinabi niya ang
isang bagay ay hindi siya nagbibiro. Kapag sinabi niyang gusto ka niya, iyon talaga
ang nararamdaman niya. Isa siya sa pinakatapat na tanong kilala ko. Hindi niya
sasabihin ang isang bagay hangga't hindi niya ito pinag-iisipan nang mabuti.
Gagawin niya ang lahat para lang mapatunayan sa isang tao na totoo ang sinasabi
niya. Gano'n siyang klase ng tao."

Napakagat ako sa labi ko bago sumagot. "H-hindi ko alam, Kim. Naguguluhan ako. Sa
buong buhay ko ay hindi ako nagmahal ng lalaki dahil isinumpa ko sa sarili kong
kailanman ay hindi ako magpapaloko sa kanila at magpapaalipin. Hindi ko alam kung
ano ang nararamdaman ko para sa kaniya."

Pinisil niya ang kamay ko bago ngumiti. "Let him in. Hayaan mong iparamdam niya
sa'yo kung gaano siya kaseryoso sa'yo at makikita mo ang sinasabi ko. Bakit hindi
ka magsimula sa pagkilala sa kaniya? Hindi ko sinasabing pilitin mo ang sarili mong
magustuhan siya dahil kaibigan ko siya pero sana ay bigyan mo siya ng pagkakataon."
Nginitian ko rin siya at tumango. "Pag-iisipan ko."

Pagdating ko sa bahay nang araw na iyon ay nadatnan kong masayang nagtatawanan ang
Inay at si Isaiah. Nang makita ko kung ano ang pinagtatawanan nila ay namula ang
mukha ko at pinilit agawin sa kanila ang photo album ko pero ayaw nila itong
ibigay.

"Inay naman eh!" reklamo ko kay Inay bago nagmano.

"Anak naman, pinapakita ko lang sa kaniya ang cute kong anak noon. HIndi ba,
Isaiah?"

"Oho, Tita. Napaka-cute niya no'ng bata... pero mas cute siya ngayon." nanunuksong
sabi niya.

Inirapan ko lang siya at bumaling kay Inay. "Kumain na ho kayo?"

"HIndi pa at hinihintay ka namin. Tara at kumain na tayo, tamang-tama dahil


katatapos lang naming magluto ni Isaiah."

Hindi na ako sumagot pa at papasok na sana sa kwarto ko para magpalit ng damit nang
muling magsalita si Inay.

"Naku, oo nga pala! Nag-text ang Tita Neng mo at gusto niya tayong mag-bakasyon sa
Pampanga kahit dalawang araw lang. Pumayag na ako dahil matagal na rin tayong hindi
nagagawi sa kanila."

"Pero paano ang trabah---"

"Don't worry about that. I took care of it." pagputol ni Isaiah sa sasabihin ko.
"By the way... I'm going with you."

---------
Chapter Ten

-------

Isaiah Montgomery

"I wish they'll just leave me alone." I said with a sigh habang nasa opisina kasama
si Kim. Mamaya lang ay aalis na kami papuntang Pampanga nila Andrea pero tinawagan
ako ni Kim para kausapin tungkol sa laman ng dyaryo.

Muli niyang sinulyapan ang dyaryo na nakalagay mismo sa headline ang pangalan ko.
"Isaiah Montgomery, may nililigawan na nga ba?" pangungutiya niya at humagikgik pa.
"It's though, Cornett. I thought Andrea will not be your 'little secret'?"

"Of course. But I hate the fact that Andrea or her family will be affected over
this. This is my private life. Hell I'm not even an actor to begin with. This is
another bad shot to her, dammit." gigil kong nilamukos ang dyaryo at itinapon ito
sa basurahan.

"Hindi ka man artista, sikat kang tao kaya maraminng interesado sa buhay mo."

"Yeah, I know. I just want to have fun with them. Gusto kong maramdamang isa lang
akong simpleng tao. I love singing but I hate the media, I swear." I groaned and
picked up my phone.

Handa na ba ang mga regalo, John?

"Then have fun! Probinsya 'yon, I'm sure na mag-e-enjoy ka. Turn off your phone if
you have to. Basta siguraduhin mo lang na sa pagbalik mo ay girlfriend mo na si
Andrea." panunukso niya sa akin habang nakangiti.

I smiled back at her. "I'd be the happiest man alive kapag nangyari 'yan but sadly,
alam nating parehas na malabo pa 'yang mangyari sa ngayon." may bahid nang lungkot
kong sabi sa kaniya. She smiled sadly at me.

Nang mabuo ang desisyon kong ligawan siya ay alam kong magiging mahirap, alam kong
hindi magiging madali. Hindi ko alam kung gaano katagal aabutin ang paghihintay ko
pero kagaya nga ng sabi ko, handa akong maghintay sa kaniya. I just hope that
someday, she'll open her heart for me. That she'll let me hold it like the way
she's holding mine. Alam kong hindi lang ito panandaliang damdamin na mawawala rin
kapag napasagot ko na siya. She's more than that. She'll be worth the chase.

"BAKIT KA NGA ulit sumama?" pabuntong-hiningang tanong ni Andrea na parang


mawawalan na ng pasensya sa akin habang nilalagay ni John ang mga dala nila sa van.

I grinned at her and bent down to look at her straight n the eyes. "Because you'll
miss me." I whispered.
She blushed and pushed me away. "A-Ang kapal mo." pagmamasungit niya na ikinatawa
ko lang. Dahil sa panggigigil ay hindi ko napigilang pisilin ang dalawa niyang
pisngi.

"You're too cute." panunukso ko sa kaniya.

"Bhitawan mwo nga akow."

"Huh? What's that?" pang-aasar ko sa kaniya habang inilalapit ang tenga ko para
marinig ang sinasabi niya.

Pabigla niyang tinanggal ang mga kamay ko at sumigaw sa tenga ko. "HEH!"

Napahawak ako sa tenga ko at lihim na napamura dahil parang umuugong pa ito. "That
hurts." reklamo ko sa kaniya na ikinairap ang niya.

"Okay na ang lahat, Sir. Pwede na tayong bumyahe." pagsingit ni John na nagpipigil
nang pagtawa. Nang samaan ko siya ng tingin ay umubo siya at pumasok na sa driver's
seat.

"Let's go?" Aya ko sa kaniya sabay lahad ng kamay ko.

Tumingin siya sa akin at sa kamay ko bago kagat-labing umiling at pumasok na sa


loob ng van. I smiled at little and sighed before dropping my hand.

Siniguro kong komportable silang pamilya bago sumakay sa harap. Sinimulan na ni


John na paandarin ang mahigit dalawang oras na byahe papuntang Pampanga. Minsan na
akong nakapunta roon nang magkaroon ako ng mall tour pero hindi ako nagkaroon ng
pagkakataong mamasyal kaya naman hindi ko maitatangging natutuwa ako.

"Tingin mo ba, magugustuhan nila ang mga dala natin?" Mahinang bulong ko sa
katabing si John para hindi marinig nila Andrea sa likod.

He chuckled before answering. "Isaiah, you bought them almost every gift so I am
sure they'll like it."

"Oh shut up. It's not much." Pagwawalang bahala ko sa sinabi niya at palihim na
sumilip sa likuran para lang mapangiti dahil sa nakita. Nakasandal si Andrea kay
Tita habang si Rayane naman ay nakahiga sa kandugan ni Andrea.

Nagtama ang mga mata namin ni Andrea nang dumilat siya pero agad ding siyang nag-
iwas ng tingin na ikinadismaya ko. She can't even look at my eyes.

"Sure. A dozen of different types of flowers, jewelries, foods, clothes and toys.
Not much? It seems like christmas to me." Naiiling na sabi niya at may mapanuksong
ngiti sa mga labi.

I coughed and scratched my head a little. "Okay. Maybe a little too much but can
you blame me? Gusto ko lang maging maganda ang impression nila sa akin. Ang pangit
naman kung wala man lang akong dala, 'di ba?"

"Naiintindihan ko. You're madly in love."

I chose to ignore his comment at tumingin na lang sa labas ng bintana. Words are
not enough so I will do everything to show her that I am serious. I will not give
her empty words and promises. I will show it.

Sana lang ay hindi niya ako tanggihan sa huli. Sigurado akong hindi ko kakayanin.
Matapos ang isang oras na byahe ay pinatigil ko muna ang kotse sa gasolinahan para
makapag-meryenda. Sinuot ko ang shades at cap para hindi makilala bago bumaba. I
will not give the reporters what they want.

"Saan niyo gustong kumain?" Nakangiting tanong ko sa kanila nang makababa sa van.

"Naku kahit saan na lang, Hijo. Hindi naman kami choosy. Nakakahiya naman sa'yo."
Naksngiting sagot ni Tita na hawak si Rayane.

"Wala naman po 'yon. Ikaw, baby boy, saan mo gustong kumain?" Nakangiting tanong ko
naman sa mahiyaing si Rayane. Paminsan-minsan lang niya ako kausapin dahil naiilang
pa rin siya sa akin pero nakikita ko ang tuwa sa mukha niya kapag binibigyan ko
siya ng laruan.

"Jollibee!"masayang sigaw niya bago tinakpan ang bibig na para bang nagulat.

Sabay-sabay kaming tumawa bago ko ginulo ang buhok ni Rayane at iginiya na sila
papuntang Jollibee. Pagpasok ay naghanap na kami ng mauupuan. Pinaupo namin sila ni
John at tinanong kung ano ang gusto nila.

"Ikaw na ang bahala, Isaiah. Sobrang abala na kapag kami pa ang namili." Pagtanggi
ni Andrea sa kalmadong boses na hindi man lang tumitingin sa akin.

Tita smiled sadly at me and nodded her head.

Ngumiti rin ako sa kaniya bago inaya si John para pumila.

"She's ignoring me." I muttered silently to John while waiting.

"That sucks bro. May nagawa ka ba o sinabing hindi niya nagustuhan?"

"Siguro ang tamang tanong ay kung may nagustuhan ba siyang sinabi o ginawa ko para
sa kaniya dahil sa totoo lang... Mukhang wala pa."

Bahagya siyang napailing bago ako tinapik sa braso. "I'm sure she'll come around."

Hindi na ako nakasagot dahil kami na ang nasa pila. Natulala ang babaeng nasa harap
ko at nakanganga.

"Miss? Hello? Are you alright?" Pagpukaw ko sa atensyon niya.

Gumana naman ito at bumalik siya sa huwisyo. Ilang beses na kumurap bago namula.
"H-Hello, welcome to Jollibee! Ano p-pong order nila?" Nauutal na sabi niya.

"I want five orders of burgers, spaghetti, chicken joy, sundae, what else? Fiv---"

"Woah, Isai---I mean bro, meryenda lang ang kakainin natin hindi hapunan."
Natatawang sabi ni John na sinamaan ko lang ng tingin.

"Para marami silang pagpipilian." Bumaling ako sa pangiti-ngiting kahera. "Lahat ng


sinabi ko kanina please. Thank you." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Okay po, Sir. Ang g-gwapo niyo po. Hala sorry po!" Binigay ko na lang sa kaniya
ang bayad at agad naman niyang kinuha ang orders namin.

Tumingin ako kay John na nagkibit-balikat lang. Nang matapos ay kinuha na namin ang
mga tray. Narinig ko pa ang pahabol na bulong ng kahera. "Come again... Please."

I chuckled at that. Napaikot na lang ng mga mata si John bago ngumiti ng ibaba
namin ang mga inorder ko. Bakas sa mukha nilang tatlo ang gulat nang makita ang
pagkain.

"Ang dami naman nito, hijo!" Gulat na sabi ni Tita at napakamot na lang ako.

Naupo na kami at nagsimulang kumain.

"NANDITO NA ANG aking mahal na kapatid ang mga pamangkin!" Rinig kong sigaw ng
isang ginang na sa tingin ko ay kapatid ni Tita base sa pagkakahawig.

Naglabasan na ang mga tao mula sa loob para salubungin kami at nagyakapan naman
sila. Ang mga mata ko ay nakapako kay Andrea na para bang ibang tao. Nakangiti siya
at nakikipag-usap at kitang-kita ko kung gaano siya kasaya. Ibang-iba sa Andrea na
nakakausap ko.

Kailan ka kaya ngingiti ng ganiyan sa akin?

Nang mapatingin sila sa aming dalawa ni John ay natahimik sila. Napalunok ako bago
ngumiti. "Magandang hapon ho sa inyong lahat."

"Sino ang gwapong batang ito?" Tanong ng Tita ni Andrea.

"Ah, siya ho ang boss ko. Gusto niya ho kasing sumama sa amin."

Lumapit ako sa kanila bago tinanggal ang shades at cap para magmano. "Ako po si
Isaiah. Isaiah Montgomery." Magalang kong pakilala sa kanila.

Napasinghap sila nang makita ang mukha ko at ang iba ay nagtilian pa.

"OMG. Si Isaiah 'yan diba?!"

"Ang gwapo niya sa personal!"

"Ang swerte ni Andeng!"

"Ang taray mo ha! May amo kang sikat at napakagwapo!" Panunukso ng isang babae kay
Andrea na ikinakamot ko ng ulo.

"Bakit hindi mo sinabing may kasama kayong artsista, di sana ay mas magarbo ang
handa namin!" Bulalas ng tita ni Andrea na si Tita Neng habang nakatingin sa
kanila.

"Ah, eh.." Walang maapuhap na sabihin si Tita kaya naman ako na ang sumagot.

"Excuse me po, uh, ayos lang po sa akin. Ako nga ho itong nakakaabala dahil sumama
pa ako."

"Naku hindi! Hala kayo, pasok na sa loob para makapag-kwentuhan at para makakain na
kayo." Aya ni Tita Neng bago nauna sa loob kasama sila Andrea.

May ilang lumapit sa akin at kinausap ako. Nakangiti ko naman silang sinasagot
habang naglalakad papasok.

Kahit na naiilang dahil sa atensyong natatanggap ay pinilit kong makisama sa kanila


kahit pa minsan ay hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila. Nang oras na para
kumain ay muntik na akong mapapikit dahil sa sarap ng pagkain. Tama nga sila na
magagaling magluto ang mga kapangpangan.

May ilang personal na bagay silang tinatanong na malugod ko namang sinasagot. Kahit
na ilang minuto pa lang ako dito ay ramdam ko na ang saya dahil sa pagiging mabait
at maasikaso nila. Ganitong klase ng pagsasalo ang gusto ko pero sa amin ay hindi
ito nangyayar. Puro tungkol sa negosyo ang pinaguusapan.

"So, Isaiah, may girlfriend ka na ba?" Diretsang tanong ni Chloe, isa sa mga pinsan
ni Andrea.

Napatingin ako sa tumatawang si Andrea habang kausap ang isa sa mga pinsan niya.

"Wala pa pero may hinihintay ako." Nakangiting sagot ko sa kaniya.

Para naman silang kinilig dahil sa sinabi ko kaya napangiti na lang ako. Dumako ang
tingin ko kay John na mukhang enjoy na enjoy kausap ang panganay sa magkakapatid na
pinsan ni Andrea. Napailing ako pero sa loob-loob ko ay natutuwa ako.

"Pwede bang mag-request, hijo?" Nakangiting tanong ni Tita Neng nang lumapit sa
akin.

"Oo naman po."

"Pwede ka bang tumugtog para sa amin? May piano kami pero medyo matanda na."

"It'll be my pleasure po." Nakangiti kong tango sa kaniya. Nauna siyang tumayo at
agad naman akong sumunod. Huminto kami sa harap ng isang itim na piano, mukha ngang
luma na ito. Sinubukan ko ang mga tiklado at nang matantiyang ayos naman ito ay
binigyan ko ng thumbs up si Tita Neng.

"Ladies and gentlemen, tutugtog si Isaiah para sa atin!" Magiliw na sigaw ni Tita
sa lahat at nagpalakpakan naman sila.

Naupo na ako sa harap ng piano habang nag-iisip ng tutugtugin. Nang hindi


sinasadyang magtama ang mga mata namin ni Andrea. Napangiti ako nang may isang
kanta ang pumasok sa isip ko at nagsimula nang tumugtog.

You know I'd fall apart without you


I don't know how you do what you do
'Cause everything that don't make sense about me
Makes sense when I'm with you

Like everything that's green, girl, I need you


But it's more than one and one makes two
Put aside the math and the logic of it
You gotta know you're wanted too

'Cause I wanna wrap you up


Wanna kiss your lips
I wanna make you feel wanted
And I wanna call you mine
Wanna hold your hand forever
And never let you forget it
Yeah, I, I wanna make you feel wanted

Tumingin ako sa mga mata niya habang patuloy na kumakanta at tumutugtog. This song
is for you. Every lyrics are exactly what I feel for you.

Nang matapos ay nagpalakpakan silang lahat. Nakangiti naman akong tumayo at


bahagyang yumuko bilang pasasalamat.

Bumalik ang lahat sa ginagawa at kinuha ko naman ang pagkakataon para lapitan si
Andrea. "Can we talk outside? Please?" Pagsusumamo ko sa kaniya nang akmang
tatalikuran niya ako.

Napabuntong-hininga siya bago tumango at nauna nang lumabas. Sinundan ko naman siya
habang naglalakad. Ilang minuto kaming naglakad bago huminto sa harap ng isang
malaking puno ng mangga.

Nakatalikod siya sa akin at hinintay akong magsalita.

"I don't know what I did wrong for you to ignore me. Kung ano man 'yon, I'm sorry.
Pero sana huwag mo akong iwasan, le---"

"Iyon na nga eh! Wala kang ginagawa pero naguguluhan ako! Hindi ko alam kung ano
ang nararamdaman ko!" Sigaw niya sa akin na mababakas sa mukha ang nararamdaman.

Hindi ako nagdalawang-isip at niyakap siya. "I'm sorry. Ssh. Don't cry please. I
hate seeing you cry."

"Ikaw ang may kasalanan nito eh. Ginugulo mo ang buhay ko." Umiiyak niyang sabi.

"Hindi ko sinasadya. All I wanted is to be part of your life. I never wanted to


hurt you." Masuyo kong sabi sa kaniya habang hinahaplos ang mahaba niyang buhok.

"Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Gulong-gulo na ako."

Marahan ko siyang inilayo sa akin at pinunasan ang mga luha niya. "Do.. Do you want
me to stay away from you?"

"Hindi!" Mabilis na sabi niya pero biglang napaiwas ng tingin at inayos ang sarili.
"Haist! Ayoko ng drama! Masaya ang araw na ito eh. Teka, na-miss kong umakyat sa
punong ito ah!" Sabik na sabi niya habang nakatingala sa puno.

Bago ko pa siya napigilan ay nagsimula na siyang umakyat sa puno. "Andrea, I don't


think that is a good idea. Kung gusto mo ng mangga ay ibibili kita pero bumaba ka
na. Baka masaktan ka!" Kinakabahan kong sabi sa kaniya habang pilit na itinatapat
ang mga braso ko sa kaniya para saluhin siya.

"Anong akala mo sa akin? Lampa? Expert kaya ako sa pag-akyat sa mga puno!"
Natutuwang sabi niya nang makaakyat at ngayon ay nakaupo sa isang tangkay ng puno.
"Kitam? Sabi ko sa---AAH!"

Kitang-kita ko kung paano dumulas ang isa niyang paa nang tangkaih niyang tumayo.
Pakiramdam ko ay tumigil ang oras . Mabilis akong kumilos at bago pa siya bumagsak
ay sinalo ko na siya pero dahil sa may kataasan ang puno ay natumba pa rin kami
parehas. Nakahiga siya sa akin habang ako naman ay napahiga. Nakaramdam ako ng
sakit sa likod ko pero hindi ko iyon inintindi.

"Ayos ka lang? May masakit ba?" Alalang tanong ko sa kaniya.

"Wala naman. Nagulat lang ako."

Nakahinga ako ng maluwag bago natigilan. Ngayon ko lang napansin na magkalapit pala
ng mga mukha namin.

"Well, I guess you fell for me." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

-----
Chapter Eleven

-----

Andrea Samonte

"O, Ano'ng nangyari sa'yo, Isaiah?!" gulat na bulalas ni Inay ng makita kami. Nang
naglalakad na kami papunta sa bahay ay napansin ko ang nakangiwing si Isaiah at
kahit hindi niya sabihin ay alam kong sumakit ang likod niya, marahil ay nang
sapuhin niya ako.

Labag man sa kalooban niya ay pilit ko siyang inalalayan hanggang sa makauwi. May
nararamdaman din akong guilt dahil alam kong ako ang may kasalanan kung bakit siya
nasaktan.

"Ah, eh ka---"

"Nadulas ho ako. Hindi po kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." pagputol niya sa
sasabihin ko.

Tinignan ko siya at pinanlakihan ng mata pero kumindat lang siya at umiling na para
bang sinasabing huwag ko nang sabihin ang tunay na nangyari.

"Ay diyaske kang bata ka! Ano'ng masakit sa'yo? Dadalhin ka na ba namin sa
hospital?" nag-aalalang tanong ni Inay na sinisipat ang buong katawan ni Isaiah.

"Hindi po. Ayos lang po ako. Konting pahinga lang po ay mawawala rin itong sakit ng
likod ko." nakangiting pagtanggi niya.

"Sigurado ka?"
"Oho."

"Ay siya sige, Andeng, alalayan mo siya hanggang sa tutuluyan nilang kwarto.
Asikasuhin mo ha?"

Labag man sa kalooban ko ay tumango na lang ako at muling inalalayan si Isaiah


papasok ng bahay. Tulad ni Inay ay nagtanong din ang iba kung ano ang nangyari pero
muling nagsinungaling si Isaiah. Nang makarating kami sa kwarto ng pinsan ko na
nasa ibang bansa ay inalalayan ko siya sa pag-upo.

"Bakit ka nagsinungaling?" kaswal kong tanong sa kaniya at sumandal sa pader habang


nakahalukipkip.

Ginalaw-galaw niya ang katawan niya at napangiwi bago sumagot. "Ayokong mapagalitan
ka nila."muli siyang ngumiwi bago dahan-dahang humiga.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Baka kailangan natin iyang ipa-ckeck up sa Doctor."
may bahid ng pag-aalalang sabi ko sa kaniya.

"Parang ang sarap namang pakinggan. Dapat pala mas madalas kitang nasasalo para
lagi kang nag-aalala sa akin, 'no?" panunukso niya sa akin. Kinagat ko na lang ang
dila ko para pigilan ang sarili kong sumagot ng hindi maganda. "Seriously though,
I'm fine. Medyo masakit pa pero alam kong mawawala rin ito kapag naipahinga ko na."

Tinignan ko muna siyang maigi pero mukhang paninindigan niya ang sinabi niya kaya
napabuntong-hininga na lang ako. "Ikaw ang bahala. Sige, hayaan na muna kitang
magpahinga at dadalhan na lang kita ng pagkain kapag hapunan na." naglakad na ako
papuntang pinto pero bago pa ako nakalabas ay tinawag niya ang pangalan ko. Hindi
ako lumingon at hinintay ang sasabihin niya.

"Salamat."

Umiling ako at binuksan na ang pinto. "Ako ang dapat magpasalamat sa'yo dahil..
sinalo mo ako." pagkasabi niyon ay lumabas na ako. Pagdating sa salas ay nakita ko
si Inay, sinenyasan niya akong lumapit kaya naman naupo ako sa tabi niya.

"Ano talaga ang nangyari? Naku, 'wag mong sabihing umakyat ka na naman sa puno at
isinama mo pa si Isaiah?"

Napakamot na lang ako sa batok ko at ngumiti sa kaniya. "Eh, parang ganoon na nga
ho. Pero hindi siya umakyat, sinalo niya ho kasi ako ng muntik na akong malaglag."

"Naku, naku, naku! Ikaw talagang bata ka! Ilang beses ba kitang pagbabawalan na
umakyat doon? Mula pa noon ay alam mo nang tutol ako sa pag-akyat mo sa puno pero
ginagawa mo pa rin tignan mo ang nangyari, may nasaktan pang iba!" pangangaral ni
Inay habang kinukurot ako sa tagiliran.

"Aray naman Inay! Sorry na ho hindi ko napigilan at---aray! Hindi ko naman ho


sinabing saluhin niya ako!" pangangatwiran ko naman sa kaniya habang umiiwas sa
kamay niya. Sa huli ay lumipat ako ng upuan para malayo sa kaniya.

"At kasalanan pa no'ng tao na nag-aalala lang sa'yo. Naku, Andrea! Dahil ikaw ang
may kasalanan, aalagaan mo si Isaiah hanggang sa makauwi tayo."

"Oo na ho." nakalabi kong sagot sa kaniya habang minamasahe ang tagiliran ko na
nabugbog ng kurot.

Nang makaalis si Inay ay muli akong napabuntong-hininga bago sumandal. Naalala ko


ang mga nasabi at inarte ko sa harap ni Isaiah at hindi ko maiwasang mahiya. Anong
masamang espiritu ba ang sumanib sa akin at sinabi ko ang mga bagay na iyon?

Hindi kaya... nagugustuhan ko na rin siya?

Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling at tinakpan ang mukha. Hindi pwede! Hindi ko
siya pwedeng gustuhin!

Pilit kong iwinaksi ang isiping iyon at tumayo na para pumunta sa kusina para
tumulong sa paghahanda ng hapunan.

Oras ng hapunan ay masayang nagkwe-kwentuhan ang mga tao habang ako ay tahimik
lang. Hindi matahimik ang konsensya ko dahil imbes na nakikisali si Isaiah ay
naroon siya sa kwarto at ipinapahinga ang masakit na likod nang dahil sa akin.
Tumayo na lang ako at kinuha ang inihandang pagkain ni Inay para kay Isaiah bago
tinungo ang kwarto nila. Alam kong mag-isa lang siya doon dahil ang driver niyang
si John ay abala sa pakikipaglandian sa pinsan ko.
Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto gamit ang isa kong kamay habang ang isa
naman ay binabalanse ang hawak kong tray. Pagpasok ay nakita ko siyang payapang
natutulog. Inilagay ko ang tray sa maliit na mesa sa tabi ng kama bago napakagat ng
labi. Gusto ko sana siyang hayaang magpahinga pero mahigpit na ibinilin ni Inay na
dapat siyang makainom ng gamot para mabawasan ang pananakit ng likod niya.

Habang iniisip ang dapat gawin ay hindi ko namalayang tinititigan ko na pala ang
mukha niya. Para sa isang lalaki ay mahaba ang pilikmata niya, matangos na ilong at
mapupulang labi. Hindi ko namalayang tumagal pala ang titig ko sa parteng iyon ng
mukha niya nang maalala ko ang ginawa niyang paghalik sa akin noon.

Kahit na minsan man ay hindi ako nagkaroon ng nobyo o manliligaw. Marunong pa rin
akong tumingin ng gwapo at hindi maikakailang napakagwapong lalaki ni Isaiah.
Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung talaga bang may gusto sa akin ang isang
kagaya niyang mayaman, gwapo at sikat. Samantalang ako ay totomboy-tomboy, mahirap
at walang maipagmamalaking ganda.

"Alam mo, kung nakakatunaw lang ang pagtingin, kanina pa ako tunaw."

Muntik na akong mapatalon nang bigla siyang magsalita. Nang ibalik ko ang tingin ko
sa mga mata niya ay nakadilat siya at nakatitig sa akin. Hindi ko naman napigilan
ang sariling mamula dahil sa pagkahuli niya sa akin. Napalunok ako at tumikhim.

"Gigisingin sana kita para pakainin. Ibinilin din ni Inay na uminom ka ng gamut
para mabawasan ang sakit ng likod mo. Sige labas na ako."

"Sandali lang." pigil niya sa akin sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. "Pwede
bang... subuan mo ako? Masakit pa rin kasi ang likod ko at kikirot kapag kinilos ko
ng kinilos ang braso ko."

Napabuga ako ng hangin bago kinuha ang tray sa mesa at umupo sa kama na
kinahihigaan niya. "Ano pa nga ba'ng magagawa ko, kasalanan ko rin naman kung bakit
ka nakaratay kaya ito na lang ang pasasalamat ko."

Ngumiti siya at marahang umupo at sumandal sa pader. "Salamat."

Hindi na ako sumagot pa at sinimulan na siyang subuan. Napag-alaman kong mas


mahilig pala siya sa gulay kaysa sa karne kaya naman puro gulay ang pinapakain ko
sa kaniya.
"P'wede ba kitang tanungin?"

Iniabot ko muna sa kaniya ang baso ng tubig bago sumagot. "Depende sa tanong."

Nagpasalamat siya at uminom bago ibinalik ang baso. "Ano'ng paborito mong kulay?"

"Marami akong paboritong kulay, red, blue, yellow, black at white. Nakadepende kasi
sa mood ko." kaswal kong sagot sa kaniya at muli siyang sinubuan ng pakbet.

Ngumuya muna siya at lumunok bago muling nagsalita. "May gano'n pala. Ako kasi,
mula pa noon ay paborito ko na ang blue. What's your favorite childhood memory?"

Natahimik ako dahil sa tanong niya at nag-iwas ng tingin. Pilit bumabalik sa isipan
ko ang mga alaala noon na pilit ko nang kinakalimutan. "Tapos ka na bang kumain?
Tutulong pa kasi ako sa paghuhugas ng pinggan eh." malamig kong sagot sa kaniya
sabay tayo.

"May nasabi ba akong mali? Look, I'm sorry I did---"

"Sige. Labas na ako." hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at lumabas na.
Dumiretso ako sa kusina at inilagay roon ang pinagkainan ni Isaiah bago mabilis na
lumabas at napagpasyahang magmukmok sa duyan.

Napapikit ako ng may isang alaala ang pumasok sa isip ko.

"Inay hindi pa ho ba tayo kakain? Gutom na ho kasi ako." pagmamaktol ko kay Inay
habang nakaupo sa harap ng mesa at tinitignan lang ang nakahaing pagkain.

"Anak, hintayin na natin ang Itay mo, pauwi na iyon galing trabaho." malumanay na
sagot ni Inay.

"Sige ho."
Ilang minuto pa ang lumipas ay pareho kaming napaigtad ni Inay dahil sa malakas na
tunog ng pagbukas ng pinto. Halos masira na ang pinto namin. Nakita ko si Itay na
mainit na naman ang ulo nito. Marahas niyang inilapag ang mga gamit sa
pagkakarpintero.

"Akala mo kung sino 'yung tarantadong 'yun kundi pa pare-parehas lang kaming
binabayaran!" galit niyang sigaw.

Natakot akong lumapit para magmano dahil baka kagaya ng dati ay mapagbuhatan niya
ako ng kamay kaya nagkasya na lang ako sa pag-upo.

"Nariyan ka na pala. Nakahain na. Kumain na tayo." mahinahong aya ni Itay kay Inay.

Lumapit si Itay sa mesa at gusto ko nang maiyak nang makitang lalo itong nagalit.
"Sardinas na naman?! Tang inang 'yan! Araw-araw akong nagbabanat ng buto tapos puro
sardinas ang ipapakain mo sa akin?!" gigil niyang sabi. Hindi pa siya nagkasya at
hinawi pa ang laman ng mesa kaya naman nalaglag ang ulam at kanin at nabasag naman
ang mga pinggan at baso.

Napasigaw ako at hindi na napigilan ang sariling mapaiyak. Si Inay ay hindi na


nagsalita at sinimulang linisin ang mga nakakalat na pagkain. Kitang-kita ko kunng
paano niya hinablot ang buhok ni Inay at itayo ito bago sinigawan. Hinndi pa ito
nakuntento at binigyan ng sampal si Inay kaya naman nasadlak siya sa sahig.

Dali-dali akong lumapit kay Inay para alalayan siya. Nang makita kong nagdurugo ang
labi ni Inay ay hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nakaramdam ako ng labis na
galit kay Itay dahil sa ginawa niyang pananakit kay Inay.

Tumayo ako at nilapitan si Itay bago siya pinagpapapalo sa katawan. "Bakit mo


sinasaktan si Inay?! Masamang manakit ng babae! Galit na galit ako sa'yo, Itay!
Huwag mong sasaktan si Inay!"

"Aba't! Manahimik kang bubwit ka!" marahas niya akong itinulak dahilan para tumama
ang ulo ko sa mesa. Nakaramdam ako ng matinding sakit at pagkahilo.

"Andrea!" rinig kong sigaw ni Inay pero hindi ko magawang bumangon.

"'Yan ang napapala ng mga pakialamera! Kakasira kayo ng araw! Pwe!" narinig ko ang
yabag niya paalis at ang malakas na pagsara ng pinto.

Naramdaman ko ang paglagay ni Inay ng aking ulo sa kandungan niya. Pilit kong
inaaninag ang mukha niya pero nanlalabo na ang paninginn ko.

"Patawarin mo ako anak. Patawarin mo ang pagiging mahina ko." humahagulgol na sabi
ni Inay ang narinig ko bago ako nawalan ng malay.

Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako kung hindi pa may pumahid ng luha ko.
Napadilat ako at tumambad sa aking harapan si Isaiah na malungkot ang mukha.

"Sinundan kita kasi nag-aalala ako. Sorry kung may nasabi man akong hindi mo
nagustuhan, please stop crying."

Pinunasan ko ang luha ko at pilit na ngumiti. "H-hindi mo naman kasalanan. May


naalala lang akong isang mapait na alaala ng nakaraan."

"I will not ask you about it pero gusto kong malaman mo na kung kailangan mo ng
karamay ay nandito lang ako. Hindi bilang isang manliligaw mo kung hindi bilang
isang kaibigan." nakangiting sabi niya sa akin.

"Salamat, Isaiah."

Pinilit kong kalimutan ang nangyari ng gabing iyon at nakisama sa mga pinsan ko.
Nakikanta ako sa kanila habang nagtatawanan. Nang sumunod na araw ay kinailangan na
naming umuwi ng hapon. Mababakas sa mukha ni Isaiah na nag-enjoy siya sa pamamalagi
niya sa Pampanga. Hindi na rin masyadong masakit ang likod na kaya naman nakahinga
na ako ng maluwag.

"FRIEND, kanina pa ako dada nanng dada dito oh, hindi ka naman pala nakikinig.
Nasaan ba ang isip mo? Kay Fafa Isaiah?" humahagikgk na tanong sa akin ni Lena
habang nagliliwaliw kami sa paborito naming park.

Dahil nagpapahinga pa si Isaiah ay pinauwi na lang niya ako pero hindi matahimik
ang kalooban ko. Nai-kwento ko na rin dati kay Lena ang ginagawang panliligaw ni
Isaiah at kinailangan kong takpan ang bibig niya para pigilan siya sa pagtili.
Noong una ay inakala kong magtatampo siya at hindi ako papansinin dahil gusto niya
si Isaiah pero natuwa pa siya para sa akin.

"May iniisip lang kasi ako."

"Ano naman 'yan? Juice ko Lord. Sinayang mo ang precious laway ko sa kakadada."
madramang sabi niya sabay hawi ng buhok.

"Paano mo ba malalaman kapag seryoso ang isang tao sa'yo?"

Biglang sumeryoso ang hitsura niya at may inilabas na notebook mula sa bag niya.

"Saan galing 'yan? Tinatanong kita bruha tapos magsusulat ka?" sarkastiko kong
tanong sa kaniya.

"Gaga. Isinulat ko rito ang sagot sa tanong mong iyan. Galing pa ito kay Pareng
Google." pagmamalaki niya habang binubuklat ang notebook.

Napailing na lang ako sa kabaliwan niya.

"Aha! Hm, may limang nakalagay dito kung paano mo malalaman kung seryoso ang isang
lalaki sa iyo at hindi ka niya lolokohin. Una, kapag nagpakilala siya sa pamilya at
kamag-anak mo ibig sabihin seryoso siya sa'yo."

Napatango naman ako at sumenyas na ipagpatuloy niya ang pagbabasa.

"Panagalawa, kung wala siyang paki sa pagkakaiba ng estado niyo sa buhay."

Two points. "Pangatlo?"

"Kung handa siyang gawin ang isang bagay na kinatatakutan niya para sa'yo."

Hm, parang wala pa naman siyang nagagawang gano'n.


"Pang-apat, kung handa siyang ipagsigawan sa buong mundo ang pagmamahal niya
sa'yo."

Naalala ko ang pinaggagawa ng lalaking iyon kaya naman napailing na lang ako. Three
points.

"Pinakahuli at pinaka-importante sa lahat. Tentenenen!" ibinigay niya sa akin ang


notebook at ipinabasa ang number five.

"Kung ipinakilala ka niya sa mga magulang niya at kung handa ka niyang ipaglaban
sa mga ito."

Ibinalik ko sa kaniya ang notebook at napabuntong-hininga. Iniisip ko pa lang na


ipapakilala niya ako sa mga magulang niya ay hindi ko kaya. Ayokong matahin ako ng
pamilya niya kapag nalaman nilang isang mahirap lang ang nagugustuhan ng anak o
kapatid nila.

"Alam ko 'yang iniisip mo! Kuh, tigilan mo nga ang pagiging nega, Ann. Nakita mo ba
si Isaiah? Ang bait no'ng tao sigurado akong gano'n din ang pamilya niya."

"Ibig mong sabihin, kapag nagawa niya ang limang nakasulat diyan ay seryoso talaga
siya sa akin?" pag-iiba ko sa usapan.

"Oo girl! Pramis, hindi pa nagkakamali ang notebook ni Lena! Hehe. Pero alam mo,
may isa akong idadagdag, nababasa ko ito sa mga story eh." kumuha siya ng ballpen
at nagsulat bago ito pinakita sa akin.

"Kung handa siyang masaktan o mamatay para sa'yo?"

Biglang pumasok sa isip ko ang ginawa niyang pagsalo sa akin. Hindi siya
nagdalawang-isip noon kahit na alam niyang masasaktan siya. Oras na ba para buksan
ko ang puso ko?
Chapter Twelve

----

Isaiah Montgomery

"Isaiah, para naman ito sa---"

"For the last time, Kim. No. And that is final." Pagputol ko sa anumang sasabihin
niya.

Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa akin. "This is for the music video of
your new song, Zay. Alam ng Direktor na mas magiging maganda ang video kung sa
Palawan niyo ito gagawin."

"And I said no. Alam mo naman ang pakiramdam ko sa pagba-biyahe, Samantha. Sigurado
akong may iba pang location but please, don't force me. I'll be in my office if you
need me." I said in defeat and started walking away. I saw the sad and
understanding look on her face but I just have to get away. Muli na namang
bumabalik ang mapait na karanasan kong iyon.

"I'm sorry, Zay." Rinig kong habol ni Kim sa mahinang boses but I am too upset to
walk back to her and say that it's okay.

It's been eight years sure but the memory and feelings are still there.

"Mom, we have a trip in Cebu tomorrow and I'm excited to travel again!" The fifteen
year old me shouted excitedly at my Mom.

I love travelling, siguro ay dahil na rin ito sa pagsama-sama sa akin ni Mommy at


Daddy kapag may business trip sila.

"Oh, really? That's good son. I know how you love travelling. But remember, always
take care of yourself. Travelling is good but remember that accident happens."
Paalala ni Mommy sa kabilang linya. Ngayon ay nasa Las Vegas sila ni Daddy for a
business trip at tumawag ako para magpaalam.

"I know, Mom. I'm always careful. Where's Dad?"

"May kausap na kliyente pero ako na ang magsasabi sa kaniya, don't worry. Oh! I
have to go now, Zay. Take care alright? Love you son."

"Love you too, Mom."

Dumating ang araw ng trip namin at lahat ng kaklase ko ay excited nang sumakay ng
eroplano para pumunta ng Cebu.
Nang pasakayin na kami ay tuwang-tuwa pa kaming nagtutulakan at nagbibiruan ng mga
kaklase ko. Parang mga bata na pupunta sa Zoo.

Naging magkatabi kami ng best friend kong si Ayish o mas kilala bilang si Clarice.
Madalas kaming itukso ng mga kaibigan at kaklase namin pero hindi namin iyon
iniinda dahil kaibigan lang talaga ang turing namin sa isa't-isa.

"I'm so excited, Zay!" She said excitedly and I winced a little when she suddenly
shook me from side to side.

"Yeah yeah. Hindi naman halata." Sarkastikong sabi ko sa kaniya.

She huffed and crossed her arms while pouting. "Whatever. Some best friend you
are."

Natawa lang ako sa sinabi niya at nang ianunsyong ikabit na ang seat belt namin ay
natahimik na kami at hinintay na lumipad ang eroplano.

Para hindi mainip sa byahe ay nakipag-kwentuhan ako sa mga katabi ko. Dahil hindi
pa sila nakakarating ng Cebu ay tinanong nila sa akin kung ano ang mga lugar na
magandang puntahan.

"May gustong pasalubong ang Nanang ko at ibibili ko siya. Hindi na kasi siya
makabiyahe kaya gusto ko siyang uwian." Masayang sabi ni Freddie na siyang pinaka-
mabait sa aming klase. Masunurin siya at hindi pasaway.

"Ako bibilan ko ng magandang damit si Marie doon para sagutin na niya ako." Bibo
namang singit ni Bunoy na siyang pinakamakulit sa klase. Sabay kaming nagtawanan
pero bigla kaming natigilan ng biglang umalog ang eroplano. Sumigaw ang lahat ng
tao at napahawak sa dibdib. Maging ako ay nakaramdam ng takot kahit pa normal naman
ito.

"Stay calm, everyone. Please remain seated."

"Ano'ng nangyayari, Zay?" Kinakabahang tanong ni Ayish habang mahigpit ang


pagkakahawak sa kamay ko.

"Ssh. Stay calm. Nothing will happen to us, okay? Makakarating tayo sa Cebu ng
maayos." Kalmado kong sabi sa kaniya kahit pa maging ako ay nakakaramdam ng takot
lalo na at hindi pa rin payapa ang lipad ng eroplano.

"Maupo po ang lahat. Ikabit ang seat belt at huwag tatayo. Magkakaroon po tayo ng
emergency landing."

Dahil sa sinabi ng stewardess ay napasigaw na sa takot ang mga tao at ang iba ay
umiiyak na habang nagdadasal.

"Ayoko pang mamatay! Ang bata ko pa! Natatakot na ako, Isaiah." Histerikal na sabi
ni Ayish. Hindi ko siya magawang pakalmahin dahil kahit ako ay gusto nang maiyak sa
sobrang takot.

Napahawak ako ng mahigpit sa upuan at napapikit nang maramdaman ko ang mabilis na


pagbulusok ng eroplano. Para bang nawalan na ito ng makina at mabilis na
bumabagsak.

Puro iyak, sigaw at panalangin ang naririnig ko sa paligid ko habang unti-unting


bumabagsak ang eroplano.
God please, if you are listening right now. Please save us, don't let anything
happen to us. I want to see my Mom and Dad again.

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil parang nabingi na ako.
Naramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng eroplano sa lapag. Dahil na rin sa
sobrang takot ay natulala na lang ako habang umiiyak.

"---ay! Isaiah! Isaiah!"

I was snapped out of my thoughts and blinked up at Kim's worried face.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "I'm so sorry, Zay. Hindi ko
ginustong ipaalala sa'yo ang nangyari. Please don't cry."

Hindi ko namalayang umiiyak pala ako kaya pinunasan ko ang mukha ko at gumanti ng
yakap sa kaniya.

"It's okay. I'm still not over it, Kim. Gusto kong mawala ang takot na ito pero
hindi ko alam kung paano. Sa tuwing susubukan ko ay hindi ko magawa."

No'ng araw na iyon, sa huling sandali ay nagawang i-landing ng maayos ng piloto ang
eroplano pero naging malakas pa rin ang impact ng pagkakatama nito sa lupa. Sa awa
ng Diyos ay walang nasawi pero may mga nasaktan. Kasama na ang mga kaibigan ko.
Ako? I was okay. But that accident left me with this fear. Fear I cannot overcome.

"You should rest, Zay. Uwi ka na muna at ako na ang bahala." Pagkuwa'y sabi ni Kim.

Tumango ako at napabuntong-hininga. Siguro nga ay kailangan kong magpahinga.

STARING blankly at the ceiling, like it'll will talk to me. I shut down again.
Nangyari na ito noong mga unang araw ng aksidente. Lagi lang akong tulala, hindi
makausap. Walang pakialam sa mundo.

Pumailanlang sa tahimik kong condo ang tunog ng door bell. I groaned not wanting to
stand up. Sino ba naman ang dadalaw sa akin?

Nalukot ang mukha ko nang sunod-sunod pa nitong patunugin ang door bell. It must be
Godric. That asshole.

Inis akong tumayo at naglakad papuntang pinto. Hindi na ako nag-abala pang tumingin
sa peep hole sa pag-aakalang si Godric ang nasa kabila pero gano'n na lang ang
gulat ko nang bumungad sa akin ang pinaka-huling taong bibisita sa akin.

I opened my mouth to ask but closed it again. Napataas naman ang kilay niya nang
hindi ako makapagsalita.

"Nakalimutan mo kung pa'no magsalita? Uhh, hindi ba ako pwedeng pumasok?" The angel
in front of me asked.

Dahil sa sinabi niya ay natauhan ako at binigyan siya ng daan para makapasok.
Pumasok na siya at ibinaba ang mga dala sa mesa.

"Sabi ni Kim ay hindi raw maganda ang pakiramdam mo kaya naisipan kitang bilhan ng
prutas pero pasensya ka na kasi rambutan at bayabas lang ang ka---"

Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya at agad siyang niyakap ng mahigpit.


Naramdaman kong nanigas siya sa mga bisig ko. Naramdaman kong unti-unti nang
kumakalma ang naramdaman ko dahil sa alaala ng nakaraan.
"Salamat. Pinalakas mo ang loob ko. Makita lang kita ay ayos na ako." Masuyo kong
sabi sa kaniya.

Unti-unti siyang nag-relax sa yakap ko at marahan akong tinapik sa likod.

"Ahm, mabuti naman kung gano'n."

"Salamat sa mga dala mo. Uubusin ko lahat ito." Magiliw kong sabi sa kaniya habang
kinakain ang dala niyang rambutan.

"Dapat lang 'no." Sabi niya habang inililibot ang tingin sa condo ko. Wala naman
masyadong abubot ang condo ko pero marami akong albums at pictures na nakasabit sa
wall.

Lumapit siya sa collections ko at sinundan ko lang siya ng tingin. Isa-isa rin


niyang tinignan ang pictures na nakalagay sa mahabang mesa.

"Ang laki pala talaga ng pamilya niyo 'no. Ang saya niyo siguro."

"It's nice to have a huge family pero minsan masakit din sa ulo. Lalo na kapag may
mga pinsan kang babaero, matigas ang ulo at pasaway."

Tumango-tango siya at natigilan at may tinitignan. Nagtaka naman ako kung ano ang
tinitignan niya at natigilan siya kaya lumapit ako at pinigilang matawa ng makita
ko kung paano niya tignan ang picture ni Ayish. Sa picture na iyon ay nakayakap ako
sa kaniya at hinahalikan naman niya ako sa pisngi.

"If looks could kill, she's probably dead by now." I said while chuckling. Natigil
ang pagtawa ko ng ako naman ang samaan niya ng tingin. "Andrea, she's my best
friend. Her name is Ayish and you don't have to be jealous. You are my one and
only."

Nakita kong namula ang pisngi niya bago siya sumimangot at lumayo sa akin. "Tigilan
mo ako. Hindi ako nagseselos. Ano ba kita?" Pagmamasungit niya.

Imbes na malungkot ay napangiti na lang ako sa inaakto niya. Hindi man niya sabihin
ay halata sa hitsura niya ang nararamdaman niya.

"Teka nga, nakatulog ka na ba?" Pag-iiba niya sa usapan habang naka-pamaywang na


nakaharap sa akin.

She looks so cute like that. "Not yet. Hindi ako makatulog eh. There's... so many
things inside my head that I couldn't sleep."

Napailing siya at tumingin sa orasan niya. "Matulog ka na at aalis na ako at


malapit nang gumabi."

Kinuha niya ang bag niya at nang dumaan siya sa tapat ko ay pinigilan ko siya sa
braso. Taka niya akong tinignan pero hindi tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso
niya.

"Stay with me for a little while. Until I fell asleep. Please?"

Ilang segundo muna niya akonv tinignan na tila ba pinag-iisipan ang tanong ko.
Mukha siguro akong tuta na ayaw iwan ng amo pero wala akong paki.

Maya-maya ay pabuntong-hininga siyang tumango.


"Salamat!" Masaya kong sabi sa kaniya at marahan siyang hinila papasok sa kwarto
ko.

Nahiga na ako habang siya naman ay nakatayo sa tabi at hindi alam kung ano ang
gagawin.

"I know I'm asking for too much pero... can you hold my hand?"

Natigilan siya sa request ko at mukhang tatanggi pero lumapit siya sa kama ko at


naupo. Nakangiti ko namang inabot ang kamay niya at hinawakan ito.

"Salamat, Andrea." Nakangiti kong sabi sa kaniya at pumikit na.

Andrea Samonte

Pinagmasdan ko ang payapa niyang mukha habang natutulog. Ilang minuto rin bago siya
nakatulog. Nai-kwento sa akin ni Kim na masama ang pakiramdam ni Isaiah kaya naman
dinalaw ko siya. Maging sa sarili ko ay tinatanong ko kung bakit ko iyon ginawa.
Siguro dahil kahit hindi ko sinabi sa iba ay inamin ko na sa sarili kong may
kakaiba na akong nararamdaman kay Isaiah.

Bago ko pa napigilan ang sarili ko ay nailapit ko na ang isang kamay ko sa mukha


niya at marahang hinaplos ang mukha niya. Nang gumalaw siya ay nanlaki ang mga mata
ko at natanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumayo na.

Tinignan ko siyang mabuti kung nagising ba pero nang muling kumalma ang ekspresyon
ng mukha niya ay napangiti ako. Nadadalas na rin ata ang pagngiti ko nang dahil sa
kaniya.

Marahan na akong lumabas ng kwarto niya bago tuloy-tuloy na lumabas ng condo niya.

"Mano po, Inay."

"Kaawaan ka ng Diyos, anak. Bakit na-late yata ang uwi mo?"

"Ah eh, masama ho kasi ang pakiramdam ni Isaiah kaya dinalhan ko siya ng prutas."
Sagot ko habang nilalagay ang mga gamit sa kwarto ko.

"Naku! Kamusta na siya ngayon? Pinagluto mo ba ng lugaw?" Alalang tanong ni Inay


mula sa labas.

"Si Inay naman, hinay-hinay lang. Wala naman ho siyang lagnat, masama lang talaga
ang pakiramdam. Okay na ho siya." Nakangiti kong sagot kay Inay habang nagbibihis.

"Anak, pwede ba kitang makausap?"

"Sandali lang ho." Matapos magbihis ay inilagay ko sa marumihan ang pinaghubaran ko


at lumabas na. Naupo ako sa harap ni Inay na mukhang seryoso.

"Bakit ho Inay?"

"Andrea, nasa tamang edad ka na naman. Nakikita ko ang mga kislap sa mga mata mo at
hindi mo maitatanggi sa akin na wala kang nararamdaman para kay Isaiah. Naranasan
ko na iyan noon kaya hindi ka pwedeng magsinungaling sa akin. Ngayon, gusto kong
malaman mo na pumapayag na akong manligaw si Isaiah sa iyo at nasa iyo na kung ano
ang isasagot mo sa kaniya. Basta anak, kung saan ka masaya ay sundin mo ang tibok
ng puso mo. Huwag kang matakot masaktan dahil parte ng pagmamahal iyan. Kapag
nagmamahal ka, masasaktan ka. Ang mahalaga naman ay maging masaya ka, ang matuto
ka."

Hindi ko na sinubukan pang itanggi kay Inay dahil alam kong magsisinungaling lang
ako.

"Hindi ko ho alam, Inay. Papayag na ba ako? Paano kung trip lang pala niya ako?"

"Alam mo ba, no'ng mga panahong nililigawan pa lang din ako ng Itay mo. Ginawa rin
niya ang lahat, umakyat ng ligaw sa mga lolo at lola mo, binigyan ako ng kung ano-
anong regalo at tandang-tanda ko pa kung paano niya akong hinarana sa harap ng
maraming tao." Malungkot na sabi ni Inay. Nakita niya siguro ang pag-aalangan sa
mukha ko kaya ngumiti siya. "Kahit na nagbago ang Itay mo, ramdam kong tunay ang
pagmamahal niya sa akin noon. Pero nagbago siya dahil na rin sa hirap ng buhay.
Nalulong din siya sa bisyo pero noon ay hindi gano'n ang Tatay mo. Ramdam kong
mabait na bata si Isaiah, malayo siya sa Itay mo."

Ngumiti ako kay Inay. "Salamat ho, Inay. Nakapag-desisyon na ho ako."

"HINDI PUMAYAG ang Direktor na iiba ang location ng shoot ng Music Video ni Isaiah
at namo-mroblema ako dahil sa isang linggo na ang leave ko. Ayokong mag-leave nang
hindi ayos ito eh. Hindi matatahimik ang kalooban ko."

"Bakit ba ayaw niyang pumayag na pumunta sa Palawan?" Taka kong tanong sa kaniya
habang ibinabalik ko ang mga damit ni Isaiah sa pagkaka-hanger.

"May nangyaring aksidente noon na siyang naging dahilan para magkaroon siya ng
sobrang takot sa eroplano. Mula rin noon ay hindi na siya sumakay pa ng eroplano.
Hindi niya magawang labanan ang takot niyang iyon."

Nakaramdam naman ako ng lungkot at simpatiya para kay Isaiah dahil sa sinabi ni
Kim. Sa kabila pala ng pagiging masayahin niya ay may itinatago siyang takot.

"Susubukan ko siyang kumbinsihin."

"Pwede ka bang makausap?" Tanong ko sa nakaupong si Isaiah. Mukhang mas ayos na


siya ngayon kaysa kahapon.

"Sure. About what?" Nakangiti niyang tanong at inilapag ang hawak na ballpen.

"Tungkol sa Palawan sana."

Sa narinig ay napabuntong-hininga siya at sumandal. "Let me guess, Kim asked you to


convince me?"

"Hindi. Uhm, kusang loob akong pumunta dito para pilitin ka." Pagtanggi ko.

Umiwas siya ng tingin at umiling. "I'm sorry, as much as I want to, I-I can't."

"Bakit hindi mo muna subukan? Nai-kwento sa akin ni Kim ang nangyari noon at wag ka
sanang magalit sa kaniya. Gusto lang din niyang makatulong sa'yo."

"No. The answer is still no." Matigas niyang pagkakasabi.

"Paano kung sabihin kong sasamahan kita? Na hahawakan ko ang kamay mo buong byahe
para makalimutan mo ang takot mo?"

Natigilan siya at sandaling nag-isip habang nakatingin sa akin.

"I'd love that... but, still a no."


Sabihin mo na, Andrea! Wag mong sabihing umaatras ka na naman? Tudyo ng isip ko sa
akin.

Napakagat-labi ako bago muling nagsalita.

"Paano kung sabihin ko sa'yo na papayag na akong ligawan mo kapag nagawa mo ito?"

-------

Konting silip sa mangyayari sa Chapter Thirteen:

"Hindi ako maganda, hindi ako mayaman. Wala akong maipagmamalaki."

"You are perfect for me." Walang anumang sabi niya.

"Nasaktan ako, Isaiah. May takot ako." Giit ko sa kaniya.

"I'll fix you." Hindi kumukurap na sabi niya.

"Hindi ko alam kung kailan kita magagawang mahalin. Pwede kitang masaktan. Marami
ka pang dapat na patunayan para makumbinsi mo ako."

"You are the risk that's worth chasing for, Andrea. It'll be worth the chase."

"Gusto na yata kita, Isaiah Montgomery." Bulalas ko.

Chapter Thirteen

Chapter Thirteen! Enjoy guys <3

==

Isaiah Montgomery

Why did I agree into this? Why am I stuck in this plane?


Oh, right. Because Andrea's with me. Because she's holding my hand while I'm
controlling my breathing. Higit sa lahat, pumayag ako dahil sa wakas ay papayag na
siyang ligawan ko siya. Pumayag ako dahil hindi ko siya magawang tanggihan.

Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakaupo kami sa private jet ni
Godric. Dahil ayaw kong gumawa ng kahihiyan sa harap ng maraming tao sakali mang
magkaroon ako ng panic attack ay hiniram ko muna ang jet niya.

I mentally cursed when the plane took off. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko at
hindi ko namalayang napahigpit na rin pala ang hawak ko sa kamay ni Andrea na
nakahawak sa akin. Naramdaman ko na lang ang marahan niyang pagpisil sa magkahawak
naming kamay.

"Buksan mo ang mga mata mo, hindi mo ba na-miss makita ang view mula sa taas? Kapag
hindi mo kaya, ipikit mo ulit ang mga mata mo o kaya naman ay higpitan mo pa ang
hawak sa kamay ko. Ayos lang sa akin."

Ilang beses muna akong huminga ng malalim bago unti-unting binuksan ang mga mata.
Unang tumambad sa akin ang upuan sa harap bago ko ito ibinaling sa mukha ni Andrea
na inoobserbahan ako. Napalunok ako bago naglakas-loob na tumingin sa labas ng
bintana kung saan makikita ang paliit nang paliit na lupa. Ayaw ko man ay bumalik
sa isip ko ang pangyayari noon. Ang mga sigaw at takot ng mga kasakay ko sa
eroplano. Ang tunog ng eroplanong pabagsag at ang impact ng pagkakabagsak nito.

Napahawak ako sa magkabila konng tenga at napayuko. Bakit ba hindi ko iyon magawang
kalimutan?!

"--iah! Isaiah! Uy, ayos lang 'yan. Tumingin ka sa akin. Huwag mong isipin ang
nakaraan. Tapos na 'yun okay? HIndi na iyon mauulit pa. Ssh, nandito lang ako sa
tabi mo." tinanggap ko lang ang yakap niya at pilit na kinakalma ang sarili Tama
siya, nakaraan na iyon. Dapat ko nang kalimutan.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap. Humiwalay lang ako sa kaniya
nang masiguro kong ayos na ang pakiramdam ko.

"Ayos ka na?" alalang tanong niya.

Marahan akong tumango at ngumiti. "I'm fine. I'm sorry you have to witness this.
Pathetic isn't it? Kalalaki kong tao ay takot akong sumakay ng eroplano."

Kumunot ang noo niya at napailing. "Kahit naman sino ay may kinatatakutan kaya
hindi ka dapat mahiya. Isa pa, hindi ka nakakaawa. Naiintindihan kita dahil kahit
ako ay may kinatatakutan din."

Kinuha ko ang isang kamay niya at pinisil ito. "Thank you for coming with me. I
really appreciate it."
"Sus, wala 'yun. O siya, sumandal ka sa balikat ko at magpahinga ka para hindi mo
mamalayan ang oras. Malay mo paggising mo ay nasa Palawan na tayo." nakangiting
sabi niya sa akin. Sandali kong pinagmasdan ang mukha niya. Mula sa mahaba niyang
buhok na itinali niya, mga matang nangungusap, ilong at bibig na aaminin kong
nananabik akong muling maangkin.

Namula siya dahil na rin siguro sa paraan ng pagtingin ko bago umayos ng upo.
Bahagya naman akong napangiti bago sumandal sa balikat niya at pumikit.

"Ang bait mo ngayon. Sana laging ganiyan." wala sa sariling sambit ko habang
nakapikit pa rin.

"Sulitin mo na dahil matatapos din 'yan."

I chuckled. Ilang sandali pa ay namigat ang mga talukap ko.

Naalimpungatan ako nang dahil sa dalawang boses na nag-uusap.

"Ang cute nila 'no? Bagay sila in fairness."

"May camera ka ba diyan? Picturan natin habang tulog pa sila." pinigilan kong
batukan si John dahil gusto ko ring makita ang picture namin ni Andrea.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng click kaya naman dumilat na ako. Bahagya pang
nagulat si John at ang kapalit ni Kim na si Eloisa. Sumenyas akong tumahimik sila
at hiningi ko ang cell phone ni Eloisa para tignan ang picture. Hindi ko magawang
kumilos dahil nakasandal sa akin si Andrea. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari
pero dahil na rin siguro sa pagod ay hindi ko na namalayan ang nangyari.

Iniabot naman niya sa akin ang picture at napangiti ako ng makita ko ito.
Napakapayapa ng mukha ni Andrea at parang komportable na talaga siya sa akin kaya
naman walang pagsidlan ang kaligayahan ko. Ibinalik ko ang cell phone kay Eloisa at
tumingin sa labas para lang makitang nasa airport na pala kami ng Palawan.

"We landed ten minutes ago. Hindi lang namin kayo magising dahil mukhang himbing na
himbing kayo sa pagtulog." sabi ni John na nahulaan siguro kung ano ang nasa isip
ko.

"Ang mga gamit ay nasa kotse na, nauna na ang iba na nakasakay sa public plane.
Nasa Hotel na silang lahat at nagpapahinga. Nagsabi na rin si Direk na magpahinga
ka daw dahil mamayang hapon na ang shooting ng MV mo."

Tumango-tango lang ako at lumingon sa katabi ko. Kumunot ang noo niya at maya-maya
pa ay unti-unti nang nagmulat ng mga mata para lang magtama ang mga mata namin.
Dahil na rin siguro sa gulat ay nanlaki ang mga mata niya at napaayos ng upo.
"Good morning! Narito na tayo sa Palawan kung saan kita unang liligawan." bati ko
sa kaniya at sinuklian naman niya ako ng namumulang mukha nang humagikgik si
Eloisa.

"Ah, eh. Good morning. Uhm, tara na?" pag-iiba niya ng usapan at nauna nang tumayo
at lumabas dala ang mga gamit.

John snorted while Eloisa giggled again. I rolled my eyes at them at kinuha ang
personal things ko bago sinundan si Andrea.

Naabutan ko siyang inililibot ang paningin sa paligid.

"First time kong makapunta dito, sayang at hindi ko nakita ang buong isla bago
lumapag ang eroplano." may bahid ng lungkot na sabi niya.

"Okay lang 'yan. Cheer up! Uuwi pa tayo oh? Sisiguruhin ko na makikita mo ito.
Let's go?" aya ko sa kaniya at sumenyas na mauna na siyang maglakad papunta sa
sasakyan.

Binati ko ang driver na nagbukas ng pinto sa amin bago sumakay na rin. "To the
Hotel please."

"Uy teka? Paano 'yung dalawa?" takang tanong ni Andrea.

"They have they own car, don't worry." ang totoo niyan ay gusto ko rin siyang
masolo. Pagkatapos ng shooting ay iisip na ako ng paraan para simulan ang
panliligaw ko sa kaniya.

"The shooting is this afternoon, I have my own stylist for the shooting so you
don't have to bother choosing. All you have to do is be my cheerleader." biro ko sa
kaniya at nakatanggap naman ako ng isang palo sa balikat. Tumawa ako ng bahagya. "I
was just kidding, babe."

"Babe? Mukha ba akong baboy?" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.

"So, it's alright for me to call you anything?" panunukso ko sa kaniya.

Tumikhim siya bago tumingin sa labas ng bintana. "Hindi pa tayo 'no."

I bit my lip to stop myself from smiling too much. "Hindi PA tayo? Kailan nga ba
magiging tayo, Angel?"

"Tse. Masakit ang ulo ko sa byahe." pagsusungit niya.


Imbes na mainis sa pambabalewala niya sa akin ay natawa na lang ako ng mahina dahil
nasanay na rin naman ako sa pagiging masungit niya. It's cute anyway.

"SANA ay maging ligtas at matagumpay po ang shooting namin ngayong araw. Amen."
panunguna sa dasal ng Direktor na si Albie. Kaedad ko lang siya at isa ring
kaibigan dahil na irn sa ilang beses na nagkasama sa trabaho. Ilang matagumpay na
video ko na rin ang nagawa niya kaya naman malaki ang tiwala ko sa kaniya.

Bumalik na sa kaniya-kaniyang trabaho ang mga tao habang lumapit naman sa akin si
Albie. Halos tapos na ang pag-aayos sa akin at hinihintay na lang ang babaeng
modelo na kinuha nila para makasama ko sa music video ng kanta kong, "Thinking
About You".

Nakangisi siyang lumapit sa akin at bahagya akong binunggo sa balikat at ininguso


ang abalang si Andrea. Kahit na sinabi kong umupo na lang siya at manuod ay hindi
siya pumayag at pilit na tumutulong sa staff.

"So, she's the one, huh?" nanunuksong tanong niya sa akin.

"She is." pagkumpirma ko sa kaniya. Nang minsang magkausap kasi ami ay naikwento ko
sa kaniya ang isang babaeng kinahuhumalingan ko.

"Hm, she's pretty and sexy I must say. Kahit na tomboy siya manamit." pagsipat niya
kay Andrea mula sa malayo.

"Back off, man. She's mine." kunwari'y galit pero seryosong sabi ko sa kaniya.

"Nagbibiro lang ako. Alam mo naman ang tipo ko, gusto ko 'yung laging game. If you
know what I mean." pilyong sabi niya sabay kindat.

Napailing naman ako. "Horn dog."

Magsasalita pa sana siya pero humahangos na dumating ang assistant niya. "Si...
ha... hindi na siya... wooh."

"Teka nga, Aaron. Huminga ka muna bago ka magsalita, wala akong maintindihan."

"Delayed ang flight ni Carla. Baka bukas ng umaga pa daw siya makakuha ulit ng
flight." humihingal na sabi ni Aaron.

"What?! Hindi pwede 'yan dahil magagahol na tayo sa oras. Bakit naman na-delay pa?"
iritadong tanong ni Albie.
"Nagkaroon daw sila ng LQ ng boyfriend niya at inayos niya muna kaso ayun nga hindi
a siya umabot." kibit-balikat na sabi ni Aaron.

Napasabunot naman sa ulo si Albie. "That is so unprofessional. Ano na ang gagawin


natin ngayon? Handa na ang lahat, hindi naman nating pwedeng i-delay dahil lang
wala ang isa." frustrated niyang sabi.

"Uhm, excuse me, may pinapasabi lang si Kim sa'yo pero kung busy kayo ay mamaya ko
na lang sasabihin." singit ni Andrea na halatang nahihiya. Aalis na sana siya pero
pinigilan siya ni Albie.

"Hm, pwede mo bang tanggalin ang pagkakapusod ng buhok mo?"

Taka namang napatingin sa kaniya si Andrea bago sa akin pero maging ako ay
nagtataka sa ipinapagawa ni Albie. Nabagalan na rin siguro si Albie sa desisyon ni
Andrea kaya naman siya na lang ang biglang nagtanggal ng pusod ni Andrea at
bumagsak ang mahaba niyang buhok.

Napasipol si Albie na inundayan ko ng mahinang batok at sinamaan ng tingin.


Inikutan lang niya ako ng mata bago lumapit kay Andrea at tinignan siya mula ulo
hanggang paa.

Maya-maya pa ay tumango siya at pumalakpak. "Okay! Stylists! Make-up artists!


Ayusin ang ating model para makapagsimula na tayo."

Lumapit naman ang mga tinawag niya at pilit na hinihila ang nagpo-protestang si
Andrea. "Teka ano 'to? Hindi ito kasama sa trabaho ko. Isaiah!" paghingi niya ng
tulong.

Tumayo ako para sana tulungan siya pero pinigilan ako ni Albie at bumulong sa akin.
"May kissing scene sa Music Video mo, right?"

Natigilan ako at napangisi. "Sorry, Angel." kunwari ay malungkot kong sabi kay
Andrea.

Naningkit ang mga mata niya bago siya nawala sa paningin namin nang ipasok na siya
sa dressing room.

"I knew you're my friend for a reason. I owe you one, man."

"No problem."

"Palabas na raw ang leading lady. Okay na ang lahat?" tanong ni Albie sa lahat
gamit ang megaphone niya.
"Alam na ba niya ang mga gagawin?" tanong ko kay Albie habang magkatabi kami sa
pwesto niya.

"Yep. Sinabihan ko na ang script writer na gabayan si Andrea sa mga dapat gawin."

Tumango-tango lang ako at itinutok muli ang mga mata sa pinto ng dressing room at
hinihintay itong bumukas.

Nang sa wakas ay bumukas na ito ay tumambad sa akin ang mala-dyosang kagandahan ni


Andrea, literally. Dahil isang dyosa ang gagampanan niya ay nakalugay ang mahaba
niyang buhok na bahagya nilang kinulot. Natural lang ang make-up niya pero lalong
nangibabaw ang ganda niya at ang suot niyang puting bestida ay nakalitaw ng bahagya
ang kanan niyang hita. I had to swallow to stop myself from drooling.

"Whew. You're one lucky beast, Zay. She's beautiful. A rare one."

And she's all mine.

Puwesto na kami sa gubat. Sinimulan na namin ang pag-s-shoot at ginagabayan ko


naman si Andrea kapag nakakalimutan niya ang gagawin. Hindi ko aam kung ilang oras
ang tinagal ng shooting dahil hindi ko naman ito namamalayan. Basta't siya ang
kasama ko ay sulit ang oras.

Ang kwento ng Music Video ay isang panaginip. Isang dyosang pumasok sa isipan ko
na nagpagulo sa isipan ko. Sa tuwing matutulog ako ay gusto ko siyang nakikita at
kapag gising naman ay puro siya ang nasa isipan ko. Hanggang sa isang araw, habang
mag-isa akong naglalakad sa daan ay may nabunggo akong babae. Hindi lang kung
sinong babae kung hindi ang babae sa panaginip ko. Dahil sa gusto kong mapatunayan
sa sarili kong hindi na siya panaginip na lang ay hahalikan ko siya.

And that's why I found myself leaning down to kiss her. Nakatingin kami sa mata ng
isa't-isa habang unti-unting lumalapit ang mga mukha namin. Napalipat ang tingin ko
sa mga labi niya bago ko iyon tuluyang inangkin. At tulad ng una kong naramdaman ay
parang may sumuntok sa dibdib ko. Ganoon kalakas ang epekto niya sa akin. Her lips
are the softest and sweetest lips that I kissed. I can say that I'm addicted to it.

Tulad na rin ng nakalagay sa script ay itinulak niya ako dahil sa gulat at tumakbo
na palayo. Hahabulin ko sana siya pero pagtingin ko sa lapag ay nakita ko ang
koronang bulaklak na laging suot ng dyosang nasa panaginip ko.

Muli kong siyang tinignan para lang makitang natigilan iya at unti-unting lumingon.
Nakangiti akong tumingin sa korona at ipinakita ito sa kaniya. Naglakad ako palapit
sa kaniya at ibinalik sa kaniya ang korona.

And now that I see you


Baby, you look familiar
I know I've seen you before
Because I'm always thinking about you

"Hindi ko alam pero parang nakita na kita noon." marahang sambit niya.

Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. "Naniniwala ka ba sa destiny?"

Oh baby, I'm thinking about you.

"CUT! That's a wrap everyone! Good job Andrea and Isaiah. Good job."

"Maraming salamat sa inyong lahat." nakangiti kong pasasalamat sa lahat.

Bago pa makaiwas si Andrea sa akin ay hinawakan ko siya sa braso. "Let's go. Saan
mo gustong pumunta?"

"Gusto ko sanang pumunta sa... perya."

"Sure."

"FIRST TIME ko ring makapunta ng perya." dinig kong bulong ni Andrea habang
nakasakay kami sa ferris wheel sa isang perya. Para matupad ang kagustuhan niya
nang hindi ko nasisira ay naka-hoodie ako at salamin para hindi makilala ng mga
tao. Hindi dahil sa ikinahihiya ko siyang kasama kundi dahil sa ayokong masira ang
gabing ito.

Gulat akong napatingin sa kaniya. "Kahit isang beses lang noong bata ka pa?"

Malungkot siyang ngumiti at umiling. "Noong tinanong mo ako kung ano ang paborito
kong alaala noong bata pa ako. Wala akong maisagot sa'yo dahil pilit ko nang
kinalimutan ang kabataan ko. May mga.. bagay na hindi ko pa masasabi sa'yo sa
ngayon pero hindi naging katulad ng ibang bata ang buhay ko noon, Isaiah." nakita
kong may pumatak na luha mula sa mga mata niya kaya naman agad ko itong pinunasan.

"Naiintindihan ko. Hindi kita pipilitin. Handa akong maghintay kung kailan ka
magiging handang sabihin iyon sa akin." malumanay kong sabi sa kaniya habang
hinihimas ang likuran niya.

Tinitigan niya ako sa mga mata kahit pa nakasuot ako ng salamin. "Bakit mo ba kasi
ako nagustuhan?"

"Hindi ko masasagot 'yan. Hindi ko naman kasi inutusan ang sarili kong gustuhin ka.
Pero kung kailangan mo ng valid reason, baka abutin tayo ng magdamag dito."
"Hindi ako maganda, hindi ako mayaman. Wala akong maipagmamalaki."

"You are perfect for me." Walang anumang sabi ko.

"Nasaktan ako, Isaiah. May takot ako." Giit niya sa akin.

"I'll fix you." Hindi kumukurap na sabi ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung kailan kita magagawang mahalin. Pwede kitang masaktan. Marami
ka pang dapat na patunayan para makumbinsi mo akong tunay ang nararamdaman mo at
hindi mo lang ako pinaglalaruan."

"You are the risk that's worth chasing for, Andrea. It'll be worth the chase. You
are worth the wait." puno ng sinseridad kong sabi sa kaniya.

Hindi ako nakasagot sa sunod niyang sinabi.

"Gusto na yata kita, Isaiah Montgomery."

=========

Chapter Fourteen

Andrea Samonte

"Can you say that again? Parang pinaglalaruan kasi ako ng imahinasyon ko."
Namamanghang sabi niya has titig na titig sa akin.

Sa sobrang bilis naman ng tibok ng puso ko ay hindi ako kaagad nakapagsalita. Hindi
ako makapaniwala na nasabi ko sa kaniya ang mga salitang iyon gayung nangako ako sa
sarili kong hindi ako makikipaglapit sa mga lalaki. Ngunit ano itong ginagawa ko
ngayon?
Totoo nga bang gusto ko na siya o nadala lang ako sa matatamis niyang salita?

Oo. Iyan ang sagot na nakuha ko at hindi ko napigilang makaramdam ng kaba at takot.

Kabado akong tumawa at umiling. "Nagkakamali ka yata. Wala akong sinasabing anuman.
Haha. Ay tingnan mo oh? Tapos na pala tayo. Baba na tayo." Hindi ko na siya
hinintay pang sumagot at tumayo na para lumabas. Binilisan ko ang lakad ko ngunit
dahil na rin siguro mas mahaba ang mga binti niya ay naabutan niya ako.

Kabado akong ngumiti at tumingin sa kaniya. Nangungusap ang mga mata niya na
kitang-kita ko dahil nakalimutan na rin pala niyang isuot ang shades niya dahil na
rin siguro sa pagmamadali.

"Say it. What you said back there, Andrea. Please. Say it again."

"Huy! Isuot mo nga iyang shades mo! Mamaya may makakilala sa'yo dudumugin tayo
sige." Pag-iiba ko sa usapan.

"Huwag mong ibahin ang usapan, Andrea. Ulitin mo kung ano 'yung sinabi mo bago pa
ako mabaliw."

Ilang sandali ko siyang tinignan at makikita ngang desperado siya. "Sinabi ko na


rin sa'yo, 'di ba? Wala akong sinabi. Guni-guni mo lang iyon. Ngayon tara na para
makapagpahinga ka pa at maaga tayong aalis bukas." Tinalikuran ko na siya at
nagsimula nang maglakad palayo pero natigilan ako ng bigla siyang sumigaw.

"Gusto rin kita, Andrea Samonte!"

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa paligid para lang makitang naagaw ni
Isaiah ang atensyon ng mga tao sa paligid.

"Si Isaiah ba 'yun?"

"Ayy omg! Si Isaiah pero ano'ng ginagawa niya dito?"

"Baliw. Nabaliw na siya nang tuluyan. Paano na 'to?" Pinipigilan ko ang sarili kong
mag-panic pero unti-unti na siyang dinudumog ng mga taong gusto siyang mahawakan o
makapagpa-picture man lang sa kaniya.

Kagat labi akong naglakadlakad habang pabalik-balik ang tingin sa baliw na lalaking
si Isaiah at ang mga tao. Paano ko ba siya maaalis sa sitwasyong iyon?

Teka, alam ko na! Masama itong biro pero wala na akong ibang maisip.

Tumikhim muna ako bago sumigaw nang malakas. "Sunog! May nasusunog!"

Nang mag-panic ang mga tao ay agad kong hinila ang nakangising si Isaiah patakbo
papunta sa kotse. Nang makasakay ay habol namin parehas ang mga hininga namin.

"N-Nababaliw ka na ba, Isaiah Montgomery?" Tanong ko sa kaniya sa pagitan ng


paghinga.

"Sa'yo? Oo matagal na."

Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa dibdib ko at sinamaan siya ng tingin. "Bakit mo


ginawa iyon? Bakit ka sumigaw? Hindi mo ba naisip na baka ma-issue ka?"
Nagkibit-balikat siya. "You made me do that. Kung sinagot mo na lang ang tanong ko
hindi ko sana ginawa iyon. At wala akong paki sa media, you should know that by
now."

"Ikaw wala ako meron. Paano kung madamay ako? Hahalungkatin nila ang buhay ko at ng
pamilya ko."

"I'm sorry. That was very childish. Nagkamali ako at hindi na mauulit. Natuwa lang
ako nang aminin mong gusto mo na rin ako."

Nag-init ang magkabilang pisngi ko kaya naman umiwas ako ng tingin at hindi
sumagot.

"Hindi mo ba ikakaila?" May bahid ng panunuksong tanong niya sa akin.

Lumingon ako sa kaniya at bahagya akong napasinghap nang makitang ga-sinulid na


lang ang layo ng mga labi namin. Halos maduling na rin ako kakatingin sa mga mata
niya.

"P-Para saan pa? Narinig mo naman pala."

Hindi siya sumagot at mataman lang na nakatingin sa akin nang itaas niya ang kamay
niya ay bahagya na akong napapikit sa pag-aakalang hahalikan niya ako.

Napadilat lang ako nang marinig ko ang mahina niyang tawa. Nakaayos na siya ng upo
at naka-seatbelt na rin.

"Better wear your seatbelt, Angel."

Nakagat ko ang labi ko at padabog na isinuot ang seatbelt ko at umayos ng upo.


Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng paandarin niya ang kotse at muling
tinignan ang Perya. Para sa unang karanasan ay hindi na masama ang nangyari. Gusto
ko namang masubukan ang iba pang rides sa susunod. Pero paano kung sa susunod ay
ibang bagay naman ang masabi ko sa kaniya?

"Bakit ang tahimik mo? Galit ka ba dahil hindi kita hinalikan?" Panunukso niya.

Inismiran ko lang siya pero hindi tumingin. "Asa ka naman."

"Oo, umaasa nga ako. I'm sorry if you're disappointed. Pinigilan ko lang ang sarili
ko. I feel like I'm taking advantage of you. Hindi pa tayo pero ilang beses na
kitang nahalikan, not that I'm complaining but I just want to respect you, you
know?"

Hindi na lang ako sumagot pero bahagya akong napangiti dahil sa sinabi niya. Haay,
ano bang ginagawa mo sa akin, Isaiah Cornett Montgomery?

"I saw that. But if you want that kiss, just ask and I will gladly give it to you."

Inambahan ko siya kaya naman natahimik na siya. "Magmaneho ka na lang."

"Yes, Ma'am."

BUKSAN mo ang mga mata mo, Cornett. Ang ganda kaya ng view oh?" Pangungulit ko sa
kaniya habang nakatingin sa labas kung saan makikita ang mga ulap. Dahil noong una
ay nakatulog ako kaya hindi ko napagmasdan ang kalangitan ngayon ay siniguro niyang
makikita ko ito.

Hanggang ngayon ay nakikita kong takot pa rin siya kaya naman muli kong hinayaan na
hawakan niya ang kamay ko.

Nanatili siyang nakapikit at sinabing. "Angel, this isn't the first time na
nakasakay ako ng eroplano, I'm scared but I'm not innocent."

"Ahh." Napatango-tango naman ako sa sinabi niya.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang namamangha ako sa


kagandahan ng karagatan sa baba. Napakaganda ng Palawan. Kung sana ay nakikita lang
ito nila Inay at Rayane.

"Bakit naging malungkot ka?"

Hindi ko namalayan na natulala na pala ako. Nang tumingin ako kay Isaiah ay
nakatingin na rin siya sa akin.

Ngumiti ako ng tipid at umiling. "Naisip ko lang na sana ay kasama ko ang pamilya
ko. Sana nakikita rin nila ang mga nakikita ko."

"Don't be sad, Angel. I promise I will take you three on a trip okay. Para saan pa
at nagkaroon ka ng manliligaw na gwapo at mayaman?"

Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya at marahan siyang hinampas sa balikat.
"Ang hangin mo."

"Isaiah, we have a bad news." Biglang sulpot ni John na seryoso ang mukha.

"What is it?"

"Reporters are camping outside the company, your condo and unfortunately, outside
Andrea's house too."

Marahan akong napasinghap at lumapit kay John. "Sila Inay? Kamusta sila? Baka
nasasaktan na sila!" Histerikal kong tanong sa kaniya.

Ito na nga ang kinakatakot ko kaya ayokong mapalapit kay Isaiah. Pati ang pamilya
ko ay madadamay dahil sa akin.

"Calm down, Ann. They are fine. Inutusan ko ang ilan sa mga security team ko na
bantayan sila at huwag hayaang makalapit ang mga reporters sa kanila."

Sa sinabi niya ay bahagya akong nakahinga ng malalim pero hindi pa rin nawala ang
pag-aalala ko. Siguradong nagtataka na si Inay.

Nagpabalik-balik ako ng lakad habang nag-iisip ng posible kong gawin pag-uwi ko.
Hindi na matatahimik ang buhay namin mula ngayon. Alam na rin nila kung saan kami
nakatira paano na ang privacy namin? Paano naman kami lilipat gayung wala naman
kaming ibang mapupuntahan?

"Hey, I want you to calm down. Okay? Malapit na tayo at sisiguruhin kong magiging
okay kayo ng pamilya mo. This is all my fault. Dahil sa magulo kong buhay ay
nadamay pa kayo. I'm so sorry." Naramdaman ko ang mga bisig niya na nakayakap sa
akin habang sinasabi niya ito kaya naman naramdaman ko ang sinseridad niya.

Pinilit ko ang sarili kong kumalma dahil wala namang magagawa ang pagpa-panic ko.

"Listen, I'm sorry for dragging you and your family into this. I know this may seem
rude and fast but I want you and your family to move in my condo building. I own it
kaya hindi basta-basta nakakapasok ang mga reporters. Gusto kong doon kayo
manirahan para masiguro kong hindi kayo kukulitin ng mga reporter at para na rin sa
ikapapanatag ng kalooban ko. Please huwag ka sanang tumanggi."

Gusto ko mang pag-isipan muna ito ay alam kong hindi agad titigil ang mga reporter.
May isang bagay lang akong pinagtataka.

"Bakit nila pinuntahan ang bahay ko?"

Nagkibit-balikat siya at kumalas sa pagkakayap sa akin. "I guess someone must have
told them about you and me. Don't worry, I will not let this one go. John, I want
you to investigate and sue them if you need to. They are invading someone's
privacy."

"Alright. I'm on it. You guys better sit down, we'll land soon."

Pinauna niya akong maupo at inayos ang seatbelt ko bago siya naman ang naupo.
"What's your decision? Angel, gusto kong malaman mo na hindi kita pinipilit. You
are free to decide whatever you want. Pwede kayo sa ibang lugar tumira pero hindi
na kayo pwedeng manatili sa bahay niyo."

Kung makikitira naman kami kina Lena ay baka madamay pa ang pamilya nila.
Tatanggapin ko ba ang alok niya?

Tinignan ko siya ng maigi at nakikita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya.

"Sige. Payag na ako."

"PASENSYA na ho talaga kayo at nadamay pa kayo sa magulo kong buhay. At dahil na


rin ho sa nililigawan ko ang inyong anak kaya nagulo ang buhay ninyo."

"Ayos lang iyon, hijo. Nang payagan kitang ligawan ang anak ko ay alam ko namang
posible na magbago ang buhay namin. Pero ayos lang ba talaga sa iyo na dito muna
kami tumira? Naku anak, masyadong malaki ang bahay na ito baka hindi namin kayanin
itong bayaran." Nahihiyang sabi ni Nanay kay Isaiah habang nakaupo kami sa sofa ng
bagong 'bahay' namin gaya ng sabi niya. Katapat lang ito ng unit niya. Kasing laki
ito ng condo unit niya at mas malaki pa sa dati naming bahay kaya naman nakaramdam
ako ng pagkailang.

Kumpleto na rin ang mga gamit dito kaya naman wala na raw kaming iintindihin pa.
Pagkalapag namin ay pinasundo kaagad ni Isaiah ang pamilya ko at agad na pina-
diretso dito at heto nga kami ngayon at nag-uusap.

"Nako ho, huwag niyo na hong intindihin ang bayad. Pag-aari ko ho itong buong
building kaya hindi ko na ho kayo pagbabayarin. Kumpleto na ho ang mga kagamitan
dito pero gusto niyo po ay pwede niyong ibahin o dagdagan. Just let me know po. At
'yung mga gamit niyo ho sa bahay ay ako na po ang bahala na ipadala dito dahil baka
nandoon pa ang mga reporters. Pasensya na ho ulit."

"Maraming salamat, anak. Napakabuti mong bata at napakaswerte naman ng anak ko sa


iyo." Nakangiting sabi ni Inay sa aming dalawa.

"Inay! Ang ganda ng banyo nila may maliit na swimming pool! At 'yung kwarto ko
naman sobrang laki ng kama! Dito na ba talaga tayo titira, Inay at Ate?" Tuwang-
tuwang sabi ni Rayane at umupo sa tabi ni Inay at hinaplos naman ni Inay ang buhok
ni Rayane.

"Oo, bunso. Mula ngayon ay dito muna tayo maninirahan." Nakangiti kong pagkumpirma
sa kaniya.
"Yehey! Maganda na ang bahay natin at hindi na ako tutuksuhin sa eskwelahan na
bulok ang bahay natin!" Nagtatatalon niyang sabi sabay yakap kay Isaiah. "Salamat,
Kuya!"

"You're welcome." Natatawang sabi ni Isaiah na pinisil pa ang pisngi ng kapatid ko.

Pinigilan kong mapaluha dahil sa sinabi ni Rayane at kinalabit si Isaiah. "Pwede ba


tayong mag-usap sa labas?"

Ngumiti muna siya kela Inay at Rayane bago tumango. Nauna na akong tumayo at
lumabas ng unit. Bumuga muna ako hangin bago siya hinarap. "Bakit mo sinabi kay
Inay iyon? Alam kong mahal itong bahay na ito pero hindi kami pulubi para bigyan mo
na lang, Isaiah. Hindi kami charity case. Oo pumayag akong dito tumira pero
magbabayad ako."

"Look, hindi pulubi o charity case ang tingin ko sa inyo. I offered this, right? At
ano'ng klaseng manliligaw ba ako kung pagbabayarin ko 'yung babaeng gusto ko sa
condo na pag-aari ko naman? Angel, this isn't a big deal to me. Natutuwa ako na
makakasama ko kayo and I will be able to see you everydag first thing in the
morning. Maybe we can even sneak out to date, right?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya dahil alam kong may punto siya. "P-Pero-"

"No buts. It's fine, really. You can repay me by staying and hell say yes and I
will gladly give the whole building to you."

Napaikot naman ako ng mata dahil sa sinabi niya. "Huwag ka ngang O.A." pero hindi
ko napigilan ang sarili kong mapangiti dahil sa ka-cornihan niya.

"Is that a smile? Is that a yes?" Excited na tanong niya.

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Yes mo mukha mo. Hindi mo ako ganun kadaling makukua
'no. Wala ka pa nga sa kalahati, eh." Pagtataray ko sa kaniya bago naglakad na
papasok sa loob.

"Damn it." Rinig kong mahina niyang mura. Nagpigil naman ako ng tawa.

Napatigil ako sa paglalakad ng mag-vibrate ang cell phone ko. Nang tignan ko kung
sino ito ay napakunot-noo ako sa unknown number.

"Magandang buhay! Ito si Clarissa Natividad ng Grade 6 section Emerald ng National


Academy. Iniimbitahan ka namin sa isang reunion sa araw ng Biyernes September 13 sa
ganap na ika-3 ng hapon. Magsuot ng formal. We're excited to see you! Attendance is
a must! Huwag kj." Basa ko sa text at napangiwi. Grade 6 at Clarissa? Kung hindi
ako nagkakamali ay siya 'yung kaklase namin na sobrang GGSS. Balita ko ay
nakapangasawa ng Mayor kaya lalong yumabang.

"Enjoy na lang kayo!" Nakasimangot kong sabi sa bulok kong cell phone bago ito
muling itinago sa bulsa ko.

"'Nay, kain na tayo!"

"AYOKO. A-Y-O-K-O. Puro kayabangan lang ang mangingibabaw sa party na iyon.


Pagandahan at pabonggahan. Tss." Inis kong sagot kay Lena nang sa muling
pagkakataon isang linggo matapos kaming lumipat sa condo at isang linggo matapos
kong natanggap ang imbitasyon. Myerkules na ngayon at sa Byernes na iyon pero dahil
wala naman akong balak pumunta ay hindi ko ito pinagkakaabalahan.
Isang linggo na ring mainit ang mga mata ng mga pesteng reporters sa akin at kay
Isaiah. Dahil na rin sa issue ay lagi kaming magkasama at hindi niya hinahayaang
mag-isa akong lumalabas ng bahay. Ngayon ay ako naman ang naka-disguise habang nasa
isang cafè kami ni Lena at nag-uusap. Tuwang-tuwa siya ng malaman niya na
nililigawan ako ni Isaiah taliwas sa pag-aakala kong maiinggit siya.

"Eh hindi ka ba man lang curious kung ano na ang mga hitsura nila ngayon? Nako
girl, kung ako sa'yo ay iinggitin ko sila. Biruin mo inaapak-apakan at minamaliit
ka nila noon dahil sa estado natin sa buhay pero ano sila ngayon? Ikaw ang
nililigawan ni Isa---" bago pa niya matuloy ang sinasabi niya ay tinakpan ko na ang
bibig niya at sinenyasan siyang manahimik.

"Magdalena?"

Rinig kong sambit ng isang boses ng babae. Nang tignan ko kung sino ito ay nakita
ko ang isang maganda at mukhang mayamang babae.

Tinanggal ni Lena ang kamay kong nakatakip sa bibig niya at inis na tinignan ang
babae. Dahil na rin siguro tinawag siya nito sa buo niyang pangalan na ayaw na ayaw
niya.

"Clarissa. Ano'ng ginagawa mo dito?" Malamig niyang tanong.

Naitago ko naman ang pagkagulat ko nang makilala ko siya. Lalo siyang gumanda pero
lalo ring numipis ang mga kilay niya.

"Well, why wouldn't I be? This is my cafè after all and wait... Andrea, is that
you?" Kunwari'y gulat niyang tanong at lumapit sa akin at tinignan ko mula ulo
hanggang paa.

"Kamusta?" Pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kaniya at tumango.

"My, my. Ang liit talaga ng mundo. Akalain ko bang dito ko kayo makikita? Wala
kayong masyadong pinagbago ha. Haha. Just kidding. Anyway, I'm very busy kasi kaya
mauna na ako ha? Huwag niyo na bayaran iyang mga order niyo. Mukhang kailangan niyo
ng pera eh. Oh pa'no? See you this friday!"

"Aba't ang yabang nitong pekeng barbie na ito ah!" Susundan ko pa sana siya pero
pinigilan ako ni Lena.

"Huwag na bes, hindi siya worth it. Pak ganern! Alam mo na ngayon kung bakit ko
gustong um-attend? Gusto kong makita 'yung mga dati nating kaibigan at ayaw ko ring
magpatalo diyan sa pugitang iyan. Pero sadly bes, wala tayong fairy god mother para
pagandahin tayo." Malungkot niyang sabi sabay buntong-hininga.

Nginitian ko siya at kinindatan. "Meron naman tayong fairy god manager."

Kinuha ko ang phone ko at ni-dial ang number ni Kim.

"Hello?"

"Hello, Fairy God Manager! P'wede ba akong humingi ng tulong?"

"OMG, BES! Ang bait at ang ganda naman ni Marga. Grabe bes, sobrang proud akong
kaibigan kita biruin mo nakilala ko na si Isaiah, na-meet ko na rin si Devlin
Montgomery! Grabe muntik nang tumulo 'yung laway ko kanina dahil sa sobrang gwapo
at yummy niya. Huhu. Bagay na bagay sa kaniya 'yung pangalan niya. At grabe ang
sweet nila, kitang-kita mong mahal talaga nila ang isa't-isa. At huy? Nakikinig ka
ba?" Untag niya sa akin.
Hindi ko mapigilang kabahan habang nasa sasakyan kami na pinahiram sa amin ni Kim,
'pumpkin' daw namin ni Lena papunta sa City of Dreams kung saan gaganapin ang
reunion namin.

Iniling-iling ko ang ulo ko at kagat labing tumingin sa kaniya. "Kinakabahan ako.


Parang ang peke-peke kasi ng dating ko. Ikaw ok maganda ka naman talaga pero ako?
Nadaan sa make-up. Hay."

"Ay? Ay? Andrea Samonte ikaw ba 'yan? Anyare? Nasaan na 'yung kaibigan kong hindi
marunong matakot? Ayan. Ayan sinasabi ko sa'yo, girl. Sabi ko kasi sa'yo na sabihin
mo kay Isaiah 'to eh, siguradong sasama 'yun para suportahan ka."

"Anu ka ba? Ayoko namang abalahin 'yung tao. Busy 'yun sa pagpo-promote ng bago
niyang album." Saway ko sa kaniya. At muling tinignan ang sarili ko sa salamin.

"At teka wit! Ano nga ulit 'yung sinabi mo? Ako maganda? Ay girl. Kumpara sa'yo
mukha akong patatas 'no? Ang ganda mo, Ann. Seryoso. Nakakatomboy ang kagandahan
mo."

"O.a naman nito." Kinakabahang sabi ko sa kaniya sabay tawa.

"Kidding aside, bes. Eh, sure ka na ba? Siguradong may media doon dahil nalaman na
nilang ikaw ang nililigawan ni Isaiah. Ready ka na ba na humarap sa kanila?"

Dahil sa sinabi niya ay napahawak ako sa dibdib ko. "Pinaalala mo ayan tuloy
kumabog na naman ang dibdib ko." Ilang beses akong huminga ng malalim. "Sabi ni Kim
ay may tinawagan siya para pigilan silang makalapit sa akin pero kinakabahan pa rin
ako. Paano kung madapa ako? Ang haba pa naman nitong gown ko."

"Ano ka ba? Kaya natin 'to! Fighting! Ipakita natin sa kanilang lahat na tayo ang
star of the night! At omg! Nandito na tayo!"

Napatingin ako sa labas at muli na namang kumabog ang dibdib ko. Nagkikislapan ang
mga camera at may mahabang carpet kung saan nakatapat ang kotse.

"Okay. It's now or never!" Pagbibigay lakas loob ko sa sarili ko.

"Wow, english 'yon ah. Okay. Tara na?"

"Tara na."

======

Next chapter preview:

"I thought a famous singer and pianist is courting you, Andrea? What happened?
Madali bang nawala ang kinang ng cheap mong diamond o baka naman nakahanap ng mas
maganda kaysa sa'yo? Aww. This is why you shouldn't believe in fairy tales, my
dear. Kawawa ka naman." I heard someone said in mockery. Insulting my girl and I
won't have that.

I stepped out of the shadow and slowly walk towards them. I heard gasps and squeals
around me but my eyes are on her. I glared at the bitch who dare insult my Angel. I
will make you pay for what you did.

I wrapped my arms around her when I reached her. She gasped and lifted her head to
look at me.
"Sorry if I'm late, Angel. But a Prince will always be there for his Princess,
right?"

-------

Chapter Fifteen

Chapter Fifteen

Isaiah Montgomery

I swear it wasn't my intention to listen to her plans but dang it I'm glad I did.
When I heard about her reunion, I immediately called my assistant and cancelled my
plans for that day. Tinawagan ko na rin ang aking personal stylist and friend na si
Marga para igawa ako ng bagong suit na maisusuot sa party ni Andrea. I know she
doesn't want to come but better be prepared than sorry, right?

I want to surprise her.

I smiled to myself and lifted the necklace my Grandmother gave to me before she
passed away. Sinabi niya noon na ibigay ko lamang ito sa babaeng sigurado na akong
makakasama ko habang-buhay at sigurado akong si Andrea na ang taong iyon. Hindi ko
na kailangan pang mag-isip at maghintay dahil alam ko, alam ng puso ko na siya lang
ang magmamay-ari nito. Kahit pa iwan niya ako someday.

I heard knocks on my door kaya naman itinago ko ulit ang kwintas sa bulsa ko at
umayos ng upo. Bumukas ang pinto at iniluwa si Andrea. Awtomatiko naman akong
napangiti nang makita ko siya. God, I probably look like a god damn teenager who's
having his first crush but I really don't care. When I met her, I told myself that
I will be honest, I will be true to myself and I will show her the real me.

"Yes, babe?" malambing kong tanong sa kaniya nang makapasok na siya. May mga dala
siyang folder at yakap-yakap niya ito. I've never been jealous to a folder before.

Sumimangot siya at nilapag ang mga ito sa mesa ko. "Sinabi ko na sa'yong 'wag mo
akong tawagin ng ganiyan dahil hindi ako baboy. At itong mga ito pinatingin sa'yo
para mamili ka. Mga offers yata iyan sa'yo na prinint para makita mo. Kapag approve
sa'yo ay ibigay mo lang sa akin para makasagot kaagad."

Habang nagsaasalita siya ay nakatitig lang ako kaya naman bahagya siyang naiilang
na siya namang ikinatuwa ko. Hanggang ngayon ay umuulit-ulit pa rin sa akin ang
pag-amin niya sa Palawan na gusto niya rin ako kaya naman mula noon ay para akong
nasa ulap dahil sa labis na kaligayahan.

Alam kong hindi pa niya ako sinasagot kaya naman kino-control ko pa ang aking
sarili para hindi siya yakapin at hagkan sa tuwing nakikita ko siya. But our
feelings are mutual and that's good enough for me.

"Sorry, Angel. Well, have a seat while I choose, hm?" masuyo kong sabi sa kaniya
sabay kuha ng folder. Naupo naman siya sa upuan sa harap ng mesa ko at inilibot ang
tingin sa buong opisina ko.

Ginaya ko ang ginagawa niya at napangiti. Sa loob ng ilang taon ko bilang isang
pianist at singer ay ilan na rin naman ang mga nagawa ko kaya proud kong isinasabit
ang mga album at award ko sa opisina ko para gawin silang inspirasyon.

Itinaas ko ang folder at kunyaring namimili pero pasimple akong tumitingin sa


kaniya kapag hindi siya nakatingin. Kapag naman nahuhuli niya ako ay magkukunwari
akong nagbabasa at napapailing naman siya.

Bahagya naman akong napasimangot dahil sa mga offer. May ilang nag-i-invite sa akin
para gumawa ng pelikula o hindi kaya naman ay teleserye. Kailanman ay hindi ko
ginustong maging artista kaya naman nilagpasan ko lang sila. Muntik naman akong
mahulog sa kinauupuan ko nang makita ko ang mga nude magazine na inaalok din ako.
Nilukot ko ito at itinapon sa basurahan ko. Sunod naman ang ilang commercial, sa
totoo lang ay hindi rin naman ako interesadong gumawa ng TVC, si Kim lang ang
mapilit noon dahil dagdag promotion daw ito sa albums ko.

Nang matapos ay isa lamang ang kinuha ko at nang tumingin ako kay Andrea ay nahuli
kong nakatingin siya sa akin. Napangiti ako nang umiwas siya at namula ang mukha
niya dahil na rin siguro sa hiya na nahuli ko siya.

"Enjoying the view?" I asked teasing her.

"Tss. Asa ka." Nakairap naman niyang sabi.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon para siya naman ang titigan ko. Noon ay lagi siyang
nakasumbrero at nakatago ang mahaba niyang buhok pero ngayon ay ipinupusod na niya
ito kaya naman natuwa ako. Gustong-gusto kong naaamoy ang mabango niyang buhok nang
walang sagabal.

"That's too bad. Well, I'm enjoying the view." inilapag ko na ang folder at
ipinatong ang mga kamay ko roon habang nakatingin sa kaniya.

Ilang beses kaming nagtitigan bago siya umiwas at tumayo na. Kinuha niya ang folder
at ang isang papel na nakaibabaw na inihiwalay ko.

"Uhm, ibibigay ko na ito kay Joan. Nga pala, may kikitain akong kaibigan ko mamaya
pero magme-meryenda lang kami. Baka kasi hanapin mo ako at may iutos ka."
Nahihiyang sabi niya.

"Kaibigan?" tanong ko sa kaniya. It took everything in me not to sound jealous and


possessive but I guess she sensed it.

"Si Lena! Siya ang kikitain ko." Mabilis niyang sabi.

I sighed in relief and smiled at her. "Go on then. Have fun and you can go home
after, may lakad kami ng mga pinsan ko after this kaya doon na ako didiretso."

"Okay. Salamat." Ngumiti siya ng bahagya at tumalikod na.

"YOU fucked her yet?" Godric asked while sipping his Cognac.

"Shut up you pig. Hindi iyan ang intension ko sa kaniya."

"Whatever you saint." Pambabara naman niya.

"I'm not a saint. I just know how to respect a woman not like you." I snapped at
him.

"Ohh, burn. Godric just got burned." Panunukso naman ni Devon habang nakasandal sa
mahabang sofa at hawak sa isang kamay ang baso niya.
Godric just rolled his eyes at him. "Shut up, you have no say in it. You used to
fuck them bitches before you met Paige." He pointed out.

"Used to. Past tense. I have her now so I will not look at any other women ever
again. I fell in love, Ric. You should try that sometime."

"Nah. I'll pass. Just looking at you now makes me want to puke my guts out. Falling
in love is digusting," natatawang sabi ni Godric.

"Falling in love is the best feeling in the world. Just look at Marga and I."
singit naman ni Devlin na natapos na palang makipagusap sa asawa.

"Hey! Huwag niyo nga akong pagtulungang tatlo. I'm older than you guys, baka
nakakalimutan niyo." Depensa naman ni Godric at binato pa ng tissue ang tumatawang
si Devlin.

"Yeah and look at how immature you are." Sarkastikong sabi ni Devon.

"Oi, tigilan mo ako. Kamusta na pala plano mo okay Miss Andrada? Is she pregnant
yet? Hah. I told you my plan is brilliant." Pagmamalaki ni Godric sabay toast sa
akin.

I confusedly look at Devon. Hindi ko alam ang plano nilang iyon. Base sa mukha ni
Devlin ay hindi rin niya alam ang plano ng dalawa.

Godric must have seen my confused state. "Well, our cousin here drunkenly asked for
my advice dahil mukhang ayaw na sa kaniya ni Paige so I came up with a plan and I
told him to impregnate Paige para wala na itong kawala."

"Asshole." Sabi ni Devlin.

"You're a dick." Nailing ko namang sabi sa kaniya.

"What? I thought it's the best thing to do! He's desperate!"

Devon sighed loudly. "She hates me. Pag-uwi naming galling Baguio ay hindi na niya
ako pinansin."

Nakaramdam naman ako ng awa para sa nakatatandang pinsan ko. Alam kong mahal na
mahal niya si Paige dahil naroon ako ng mga panahon na miserable siya nang iwanan
siya ni Paige.

Devlin snorted at Godric." Brilliant my ass."

Hindi naman nagpatinag si Godric. "Just wait my cousin, something good will
happen."

"Maghintay lang tayo, Devon. She will come back to you." Pagbibigay ko ng lakas ng
loob sa kaniya habang tinatapik siya sa balikat.

Well, we thought so.

Matapos lang ang ilang araw matapos ng pagkikita naming magpipinsan ay nabalitaan
kong binaril ni Troy si Devon.

Iniwan ko ang meeting naming ng composer ko at agad na pumunta sa ospital.


Pagdating doon ay halos mapuno ang waiting rooms sa labas ng OR dahil narito sila,
Devlin, Marga, Godric, si Kuya Xavier pati na sina Kuya Alcarge na nakababatang
kapatid ni Godric, napansin ko rin ang nakatulalang si Paige sa gilid na tahimik
lang.

"What happened?!" humahangos kong lapit sa kanila. Lahat sila ay may pag-aalala sa
mukha at ang iba ay hindi mapakali.

"That bastard Troy kidnapped Paige and Devon that stupid man used his body as a
goddamn shield." Gigil na kwento ni Devlin na pinapakalma naman ni Marga.

I gulped and clenched my trembling fists. Gusto kong bugbugin si Troy pero alam
kong mas kailangan ako dito. "Where's the fucker?" mahinahon pero tiim-bagang na
tanong ko.

"In jail where he belongs." Godric said between clenched teeth.

Tumingin muna ako sa pintuan ng Operating Room bago lumapit kay Paige at lumuhod sa
harap niya. Mabibilang sa daliri kung ilang beses ko na siyang nakita at nakausap
pero ramdam kong kailangan niya ng makakaramay ngayon.

Marahan kong hinawakan ang mga kamay niyang nanginginig. "Are you alright?"

Ilang sandal ang lumipas bago siya tumango. Hindi na ako nagdalawang-isip na
yakapin siya ng makita kong unti-unting bumabagsak ang mga luha niya. Hinimas-himas
ko ang buhok niya para pakalmahin siya.

"Ssh. He'll be okay. Palaban ang pinsan kong iyon at sigurado akong hindi ka niya
iiwan. Just trust him, okay?"

"REALLY? Oh, thank God. Salamat sa impormasyon, Godric. Pupunta na ako diyan."
Nakangiti kong nilapag ang cell phone ko sa table at kinuha ang susi ng kotse ko
bago mabilis na lumabas ng condo unit ko at pumunta sa parking lot.

Matapos ang isang lingo ay nagising na si Devon at ligtas na siya sa panganib.


Isang linggo rin kaming nangamba dahil sa kalagayan niya kaya naman labis ang
nararamdaman kong tuwa ngayon na gising na siya.

Pagdating sa ospital ay dumiretso kaagad ako sa kwarto ni Devon. Pagbukas pa lang


ay nakita ko siyang nakasandal sa unan niya at sinusubuan naman siya ni Paige ng
prutas.

"Hi, Paige." Nakangiti kong bati ko sa kaniya. Halatang pagod siya pero hindi
maikakaila na sobrang saya niya habang sinusubuan si Devon.

Tumaas naman ang kilay ni Devon. "Since when are you close with my girlfriend?"
kunwari'y inis na tanong nito.

"Since you used your body as a shield you superhero wannabe." Pang-aasar ko sa
kaniya pero marahan siyang sinuntok s braso niya. "You almost gave us a heart
attack. Natutuwa akong ligtas ka na. last mo na 'yon, ha?"

Ilang sandali pa akong nagtagal doon bago nagpaalam at dumiretso sa boutique ni


Marga para kunin ang suit ko. Binalak ko nang hindi ituloy ang pagpunta sa reunion
party ni Andrea dahil sa kalagayan ni Devon pero ngayong maayos na ang lahat ay
wala nang makakapigil pa.

"Hey, handsome." Nakangiting bati sa akin ni Marga.


Hinalikan ko siya sa pisngi. "Don't let your husband hear what you said." Biro ko
sa kaniya.

"Yeah well, bahala siya. Nanggaling ka na sa ospital? Galing na kami ni Devlin


kaninang umaga. I'm so glad he's awake."
"Ditto. And yes, doon ako galing. So, where's my suit?"

I wanted to go as incognito but I guess that is impossible kaya wala akong nagawa
kung hindi humarap sa media. They asked some questions pero hindi ako sumagot at
dumiretso na sa loob dahil sabik na akong makita ang Angel ko. Marga told me that
she looks so beautiful and I just had to see her with my own eyes.

Ignoring the people's murmur, excited gasp and squeal around me I search for my
Angel. Hindi naman nagtagal at nakita ko siya kaagad. May kausap siya kaya naman
lumapit lang ako ng kaunti at sumandal sa pader na hindi gano'n kaliwanag.

"I thought a famous singer and pianist is courting you, Andrea? What happened?
Madali bang nawala ang kinang ng cheap mong diamond o baka naman nakahanap ng mas
maganda kaysa sa'yo? Aww. This is why you shouldn't believe in fairy tales, my
dear. Kawawa ka naman." I heard someone said in mockery. Insulting my girl and I
won't have that.

Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang mga sinabi ng babae kay Andrea kaya naman
hindi na ako nakapaghintay pa. I stepped out of the shadow and slowly walk towards
them. I heard gasps and squeals but my eyes are on her. I glared at the bitch who
dared insult my Angel.

I wrapped my arms around her when I reached her. She gasped and tried to get away
but I tightened my hold on her. She whipped her head to glare at me but her eyes
widen in surprise.

"Sorry if I'm late my Angel. But a Prince will always be there for his Princess,
right?"

"Hala, ano'ng ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Andrea. Her beautiful eyes are
wide and her mouth is slightly open. I resisted the urge to kiss her so I just
smiled and closed her mouth with my fingers.

"I came for you, my princess."

"Oh God, it's really you, Isaiah. I'm a fan of yours! It's a pleasure you came, you
must have heard about this party, come and I'll introduce you to everyone!"
maarteng aya ng babaeng kausap ni Andrea sa akin sabay hawak sa braso ko.

Ayaw ko namang maging bastos sa kaniya kaya marahan kong tinanggal ang kamay niya.
"I'm sorry, Miss. But I came here for this beautiful lady right here." I wrapped my
arms around her once again and pulled her closer to me. "So please excuse us
because I want to dance with my princess." I told her with a smile. We left her
with her mouth hanging open I almost laughed.

Nang nasa gitna na kami ay pumailanlang ang isang malamyos na kanta. Inilagay ko
ang mga kamay niya palibot sa batok ko at inilagay ko naman ang mga kamay ko sa
bewang niya at marahan na akong umindak sa saliw ng kanta.

"Hindi ko alam kung paano mo nalaman itong reunion pero salamat. Salamat kasi
niligtas mo ako sa babaeng iyon. Muntik ko na nga siyang masapak." Inis na sabi
niya.
I laughed and pulled her closer to me. "Don't mind her, Angel. Let's enjoy the rest
of the evening. You look beautiful by the way. Hindi ako magsasawang sabihin sa'yo
ito."

Bahagya siyang yumuko pero nakita ko na ang ngiti niya. "Tumigil ka nga."

I lifted her head and look at her eyes. "I swear to you, my heart stops when I saw
you. Akala ko wala ka nang igaganda, meron pa pala."

The moment is perfect, she's perfect. I almost told her how I feel but I know she's
not ready for that.

Tinanggal ko ang isang kamay ko sa bewang niya at kinuha ang kwintas sa bulsa ko.
Ipinakita koi to sa kaniya at napasinghap naman siya sa ganda nito. Isa itong hugis
notang kwintas na may isang asul na diyamanteng siyang pinakamalaki at
napapalibutan ng iba pa.

Kinuha ko ang kamay niya at marahang inilagay ang kwintas doon. "I will not put it
on you yet dahil gusto kong ikaw mismo ang magsuot nito. I want you to wear it
kapag handa ka ng tanggapin ako. Kapag suot mo na 'to, ibig sabihin ay tinatanggap
mo na ang puso ko. That you are mine and I am yours. So, take all the time you
need, Angel. Narito lang ako at maghihintay sa'yo." I smiled at her and excused
myself. Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa Piano na nasa gilid. I asked the
lady if I can play a song and she nodded with a smile.

Umupo ako sa harap ng piano at tumikhim muna bago hinawakan ang mic.

"Good evening ladies and gentlemen, please don't mind me. And I would like to greet
you guys a happy reunion. You guys aren't kids anymore, huh?" Biro ko sa lahat at
nagtawanan naman sila. "I would like to dedicate this song to my Angel right there,
Andrea Samonte. She's beautiful, right? Right. Angel, this one is for you. Feel
every lyrics because that is exactly how I feel for you."

What would I do without your smart mouth?


Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind


I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright

My head's under water


But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind

'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh oh

======

Chapter 16 preview:

"Kaya mo 'to, Andrea. Lalabas ka lang doon at ipapakita mo ito sa kaniya. Okay,
okay. Inhale. Exhale." Pagbibigay ko ng lakas ng loob sa sarili ko habang nakaharap
sa salamin. Tumango ako at ngumiti bago lumabas ng C.R.

Bumalik ako sa gitna ng Ice Skating Rink kung saan nakatayo at naghihintay si
Isaiah. Nakatalikod siya kaya naman pilit kong pinapakalma ang sarili ko bago siya
humarap. Inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid para siguruhing kaming dalawa
lang ang tao.

Nang makalapit at huminto ako ng isang talampakan sa kaniya at nagbuga ng hangin.


Tinignan ko ang sinuot ko bago nagsalita.

"Isaiah.."

Mabilis siyang lumingon at ngumiti pero unti-unti itong nawala ng makita ang bagay
na nakakabit sa leeg ko.

====

Chapter Sixteen

Andrea Samonte

"We're almost there, Angel. Calm down, please?" hinging pakiusap ni Isaiah habang
nagmamaneho.

Alas-otso ng maaga ay nag-text sa amin si Allen na nanganak na si Kim kaya naman


agad kong hinila ang pupungas-pungas pang si Isaiah para bisitahin si Kim at ang
baby niya. Dahil sa sobrang pananabik ay hakis tumalon na ako mula sa kinauupuan
ko. Mahilig kasi talaga ako sa mga bata lalo na sa mga baby.

"Excited lang kasi akong makita ang baby ni Kim, tingin mo? Girl kaya o boy? Mas
pinili kasi nilang hindi sabihin sa atin para surprise pero feeling ko babae."
"Let's make a bet, kapag lalaki, you will kiss my cheek at kapag babae naman, I
will grant you one wish." nakangiting sabi niya sa akin habang pasulyap-sulyap.

"Sige." agad naman akong pumayag dahil wala namang masama sa kondisyon niya.

"Mahilig ka sa mga bata?" pagkuwa'y tanong niya.

"Oo naman! Ang cute kaya nila kahit medyo makulit. Masarap silang alagaan at
nakakwala ng pagod."

"Then you'll be a great Mother to our children."

Hindi ko narinig ang sinabi niya kaya naman bahagya kong inilapit ang tenga ko sa
kaniya. "Ha? Ano 'yun?"

"You're my Angel." bulong naman niya sabay tawa.

Inirapan ko lang siya at umayos ng upo. Muntik ko nang buksan ang pinto ng makitang
nasa ospital na kami pero naalala kong automatic nga pala ito kaya naman hinintay
ko siyang makapag-park at nauna na akong bumaba ng kotse. Nang makababa siya ay ako
na mismo ang humila sa kamay niya papasok sa loob.

Para na rin sa privacy ni Isaiah ay alam na namin ang kwarto at idagdag mo pa na


nakasuot siya ng face mask. Malaya kaming nakadaan sa ibang tao at sa k'warto ni
Kim. Pagpasok sa kwarto ay hinanap kaagad ng mga mata ko ang baby at agad na
lumapit pero hindi ito kaagad hinawakan.

Tumambad sa akln ang isang napakalusog at magandang baby girl, May nag-abot sa akin
ng alcohol kaya naman kinuha ko ito kaagad nang hindi tinitignan ang nagbigay. Agad
akong naglagay at hinawakan ang maliit at malambot na kamay ng baby.

"Ang cute cute naman ng baby na 'yan. Coocoo, sigurado akong paglaki mo ay ang
ganda-ganda mo."

"Okay lang ako, Ann. Ayos naman ang panganganak ko. Kamusta ka na rin?" rinig kong
sabi ni Kim/
Nagtawanan naman si Isaiah at Allen kaya nag-init ang mukha ko. "Sorry, Kim.
Sobrang excited lang akong makita ang baby mo. Kamukha niyo siya." ngumiti lang ako
kay Kim at agad na ibinalik ang tingin sa naghihikab na baby. "Wah ang cute cute!
Pwede ko ba siyang ilagay sa bulsa ko?" biro ko sa kanila habang marahang hinihimas
ang pisngi.

"Hay nako, Andrea. P'wedeng-pwede ka na namang gumawa ng sarili mo oh. I'm sure
willing na willing itong si Cornett." natatawang biro ni Kim na siyang ikinapula
ko.

"Stop teasing her, woman. What's her name, Kim?" dinig kong tanong ni Isaiah.

"Amelia Grace. Ang ganda 'no? Pinaghalong pangalan namin ni Allen at ng mga
magulang namin." masayang sabi ni KIm kahit pa halata sa kaniya ang paghihirap.
"Gusto nga pala kitang kuning Ninang, Andrea. Kayong dalawa ni Isaiah." tumingin
ako sa kaniya at tumango at ngumiti ng todo.

"Ang ganda. Bagay na bagay sa kaniya." nakangiti kong sabi kay Kim sabay baling sa
baby. "Hi, Amelia Grace. Ako nga pala ang NInang mo."

"AYOKO, Isaiah. Nakakahiya at tsaka isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang
malagay tayo sa balita dahil doon sa nangyari sa Reunion Party namin. Mainit pa ang
tingin sa akin ng mga tao tapos ngayon gusto mo akong manuod sa interview mo. Ano
na lang sasabihin nila? Para na rin tayong umamin. Ayokong masira ka nang dahil sa
akin, Isaiah." tanggi ko sa kaniya habang nasa loob kami ng van niya. Pababa na
kami para pumasok sa building na pag-aari ng Kuya Godric niya dahil may interview
siya sa isang kilalang show nang pigilan niya ako at kausapin.

"Andrea, please. It's time na may maipakilala ako sa kanilang isang babaeng
mahalaga sa akin. Proud kong isisigaw sa buong mundo kung gaano ka kaimportante sa
akin. Hindi kita ikakahiya tulad ng kinakatakot mong mangyari. Wala na akong
pakialam sa sasabihin nila ang importane ay ikaw." tinitigan niya ako sa mga mata
bago ngumiti at kinuha ang mga kamay ko. "Gusto kong magawa nating lumabas na hindi
natin kailangang magtago sa mga tao na para bang may ginawa tayong kasalanan.
Please?"

Ilang sandali kong tinitigan ang nagsusumamo niyang mukha bago tumango. Nakaramdam
ako ng kaunting hiya dahil parang lumalabas na ako ang nahihiyang malaman ng iba na
nililigawan niya ako. Para akong isang maganda at mayamang babae na nag-iinarte
gayung wala naman akong maipagmamalaki. Dapat nga ay magpasalamat pa ako dahil
gusto niya akong ipagmalaki sa lahat ng tao.

Niyakap niya ako at bumulong ng pasasalamat bago kumalas at inalalayan na akong


bumaba sa van. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa
dressing room niya. Kitang-kita ko kung paano magbulungan ang mga tao habang
nakatingin sa amin. Pinigilan ko ang kagustuhang hilahin ang kamay ko mula sa
pagkakahawak niya. Naramdaman kong pinisil niya iyon kaya naman bahagya ko siyang
nginitian.

Nakaupo lang ako sa isang tabi habang binibihisan siya ng crew niya pero paminsan-
minsan ay magkakatinginan kami at ngingiti siya kaya naman hindi ko mapigilang
mapangiti. Inaamin kong kinakaban ako sa posibleng kahinatnan ng gagawin niya pero
sa kabilang banda ay natutuwa rin ako.

"Guys, five minutes left. " sabi ng isang staff kaya naman kumabog bigla ang
damdamin ko.

Kaya mo 'to, Andrea. Wala ka namang sinusukuan, 'di ba?

"John, please assist Andrea and make sure that she will sit in front of the people.
Don't leave her unattended. Thank you."

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at sumulyap muna kay Isaiah na binigyan ako ng
isang thumbs up bago sumunod kay John.

Kahit gustong-gusto ko nang iyuko ang ulo ko ay hindi ko ginagawa, pilit kong
itinaas ang noo ko kahit pa halos lahat ng makakasalubong ko ay tinitignan ako ng
may kasamang panghuhusga sa kanilang mga mata. Pinilit ko na lang silang ignorahin
at naglakad lang pasunod kay John. Nang dumaan kami sa isang malaking salamin ay
tinignan ko ang suot ko at nagpasalamat na pinili kong magsuot ng pambabaeng damit
kahit ngayong araw lang. Nakasuot ako ng blue na blouse na may ruffles na design
at ripped jeans na pinilit ipabili sa akin ni Lena. Salmat, bes! Ang mahaba kong
buhok ay unat na unat at nakalugay lang kaya malayang gumagalaw. Nakasuot naman ako
ng flat shoes kaya hindi ako kinakabahang mapapatid ako sa harap ng maraming tao.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at gaya ng inaasahan ay puno sa loob ng studio,


nang makita ako ng ilang reporter na inimbitahan din ay napalunok ako. Iginiya ako
ni John paupo sa harap katabi ng ilang audience. Rinig kong may mga gustong mag-
interview sa akin pero tinatanggihan sila ni John at pinipigilang lumapit sa akin.

Napabuntong-hininga ako dahil pakiramdam ko ay wala na akong pinagkaiba sa mga


artista. Ayoko ng ganitong pakiramdam, 'yung halos lahat ng tao ay nakabantay sa
galaw mo at naghihintay na magkamali ka para mahusgahan ka nila.

Napatingin ako sa stage ng umilaw n a ang paligid at naghanda na ang mga camera.
Nakaupo na rin ang host sa gitna katapat ang isang bakanteng sofa kung saan uupo si
Isaiah.

"Good morning, viewers! Wow, mukhang kakaiba ang energy niyo ngayon ha? Dahil ba sa
bisita natin?" hiyawan ang mga tao kaya naman napatawa ang host. "Okay. Well, hindi
ko na patatagalin pa ang paghihintay niyo. Please welcome, Isaiah Montgomery."

Nakipalakpak ako sa mga tao at halos mabingi namna ako sa lakas ng tilian ng mga
kababaihan. 'Yung iba sa kanila ay nakasuot ng damit na may mukha ni Isaiah at ang
iba naman ang may hawak na banner.

Lumabas ang gwapong-gwapong si Isaiah at kumaway sa mga tao bago naupo sa pwesto
niya. Kinuha niya ang mic niya sa upuan at bumaling sa mga fans. "Good morning sa
inyong lahat. I'm so happy to be here. Thank you so much for inviting me, Ferd."

"It's my pleasure having you here, Isaiah. So, how are you today? Ako lang ba o
lalo kang guma-gwapo?" biro ng bading na host na ikinatawan namin.

"It's just you." Ganting biro ni Isaiah na ikinatawa nila. "Anyways, okay naman.
Okay naman ako today. Never been better. How about you?"

"I'm good, thank you for asking. Ah, you have a new album, correct?"

"Yes. It's called 'Always' and it will be out next month."

Ilang katanungan pa ang tinanong ng host bago ito nagtanong ng isang bagay na hindi
ko na ikinagulat pero bahagyang nakaramdam ng kaba.

"So, I will ask you some personal questions now, Isaiah. Isang tanong na gumulo sa
mundo ng showbiz, nagpaiyak sa fans at makikita sa kabi-kabilang balita sa social
media. Isaiah Montgomery, are you dating someone?"

Humawak sa labi si Isaiah bago sumulyap sa akin at tumango sa host. "Yes. I'm
actually in the process of courting her."

"Hm, will you please tell us how you met her if it isn't too much to ask?"

"Not at all, Ferd. Well, I met her in one of my mall shows back then, it wasn't
your typical meeting. It was a bit complicated but it was the reason why I became
attracted to her." tumingin siya sa akin bago nagpatuloy. "Hindi naging madali na
gustuhin siya, naging mahirap dahil sa komplikadong buhay ko. I wanted to protect
her." napa-aww naman ang audience dahil sa sinabi niya. "Kaya hindi ko kaagad
nasabi sa lahat ang tungkol sa kaniya but this time, alam kong handa na kami
parehas. I'm ready to face the world with her by my side."

Nagtilian ang mga kababaihan at tumingin sa gawi ko. Kahit ang host ay sa akin na
rin nakatingin. Bahagya akong nakaramdam ng panlilit dahil hindi ako sanay sa
ganitong atensyon.

"Please introduce her, Isaiah. Sigurado akong sabik ang ating mga kababayan na
makilala ang babaeng nakapagpatibok ng puso mo."

Lalong lumakas ang tilian ng mga tao nang tumayo si Isaiah at nagsimulang lumapit
sa kinauupuan ko. Ramdam ko rin ang mga camera na nakatututok sa amin. Inilahad
niya ang kamay niya sa akin at kinuha ko naman ito sa nanginginig kong mga kamay.
Pinagsiklop niya ang mga kamay namin at tumingin sa akin.

"Her name's Andrea and she's the reason behind my happiness right now. She's my
inspiration and my soon-to-be girlfriend... hopefully." may himig ng pagbibiro
niyang sabi.

At ngayon nga ay magkaharap kami at lahat ng atensyon ng tao ay nasa aming dalawa
lamang.

"I ALREADY contacted someone to close the place para tayong dalawa lang ang
gumamit." sabi ni Isaiah habang papunta kami sa lugar kung saan may ice skating
rink.

Nang matapos ang interview niya at tanungin niya ako kung ano ang wish na gusto ko
ay sinabi ko sa kaniya na gusto kong mag-ice skating at agad naman siyang pumayag.
Tumango lang ako at hindi na sumagot. Bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming mga
kamay at naramdaman naman niya ata ang tingin ko kaya sinubukan niyang bitawan ang
kamay ko pero hinigpitan ko lang ang hawak ko rito at tumingin sa labas ng kotse
para hindi niya makita ang ngiti ko.

"I can see you smiling you know." pasinghap akong tumingin sa kaniya para magtanong
pero itinuro niya ng ulo niya ang salamin ng pinto. Naramdaman ko ang pag-iinit ng
mga pisngi ko kaya naman babawiin ko dapat ang kamay ko sa kaniya pero siya naman
ang naghispit. "Sorry, Angel. Please don't, I love holding your hands."

Hindi naman pala kalayuan ang lugar kaya naman agad rin kaming nakarating doon at
tulad ng sabi niya ay wala ngang tao. Maging sa labas ay mabibilang mo ang mga
taong dumadaan.

"Hindi mo naman kailangang paalisin ang mga tao. Nakita na tayo sa t.v eh. Ano pa
ba ang itatago natin?"

"Hindi naman iyan ang dahilan. Gusto ko lang ding masolo ang pagkakataon. Tayong
dalawa lang, walang ibang taong nagmamasid."

Hindi ko man aminin ay nakakaramdam ako ng kilig dahil sa mga sinasabi niya.

Marahan na niya akong hinila papasok. Huminto kami sa harap ng isang counter at
wala ring tao. Binitiwan muna niya ang kamay ko at pumunta sa likod nito.

"Huy! Ano ginagawa mo? Pagnanakaw 'yan ah!"

Tumawa lang siya at kumuha ng isang Skate Shoes na para sa kaniya. "Silly, We own
this rink. Now tell me, what size are you?" tanong niya habang nakatalikod sa akin
at naghahanap.

"Uhm, five and a half." nahihiyang sabi ko sa kaniya.

Nakita kong umalog-alog ang balikat niya dahilan para maningkit ang mga mata ko.
"Pinagtatawanan mo ba ako?"
"Nope. Here's your size... five and a half." pigil tawang sabi niya at nauna nang
pumasok sa loob.

"Ah ganon? At least hindi kasing laki ng paa ni The Hulk ang paa ko!" habol ko sa
kaniya.

"Huwag mo akong bibitawan sinasabi ko sa'yo, Isaiah Cornett Montgomery!" mabilis na


sabi ko sa kaniya habang inaalalayan niya ako papasok sa rink.

"Never. But if you fall, I will fall with you."

Hindi ko maiwasang mapatili-tili kapag feeling ko ay matutumba o di kaya naman ay


madudulas ako. Tawa naman nang tawa ang walanghiyang lalaki. Tuwang-tuwa sa
paghihirap ko. Matapos ang ilang minutong pagtuturuan ay unti-unti akong natututo.

Hindi ko na namalayan kung ilang oras kaming nagturuan, sobrang nag-e-enjoy kami at
natuto na rin akong gumalaw paikot-ikot sa loob ng rink nang hindi niya inaalalayan
pero dahil makulit siya ay nariyan pa rin para umalalay kapag medyo nawawala ako sa
balanse. Nang parehas mapagod ay nagpaalam muna ako sa kaniya na pupunta sa C.R.

"Kaya mo 'to, Andrea. Lalabas ka lang doon at ipapakita mo ito sa kaniya. Okay,
okay. Inhale. Exhale." Pagbibigay ko ng lakas ng loob sa sarili ko habang nakaharap
sa salamin. Tumango ako at ngumiti bago lumabas ng C.R.

Bumalik ako sa gitna ng Ice Skating Rink kung saan nakatayo at naghihintay si
Isaiah. Nakatalikod siya kaya naman pilit kong pinapakalma ang sarili ko bago siya
humarap. Inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid para siguruhing kaming dalawa
lang ang tao.

Nang makalapit at huminto ako ng isang talampakan sa kaniya at nagbuga ng hangin.


Tinignan ko ang sinuot ko bago nagsalita.

"Isaiah.."

Mabilis siyang lumingon at ngumiti pero unti-unti itong nawala ng makita ang bagay
na nakakabit sa leeg ko.
Ang kwintas na ibinigay niya sa akin.

"Ito na ang sagot ko, Isaiah. SInasagot na kita." ngumiti ako ng bahagya sa kaniya
dahil kinakabahan ako. Mas kinakabahan ako ngayon kaysa kanina.

Hindi kaagad siya nakasagot. Pabalik-balik ang tingin niya sa mukha ko at sa


kwintas hanggang sa lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa baba. Naramdaman ko na
lang ang malambot niyang mga labi na nakalapat sa aking mga labi kaya ipinikit ko
ang aking mga mata.

Inililagay niya ang mga kamay niya sa baywang ko at ipinalupot ko naman sa leeg
niya ang mga kamay ko. Hinapit pa niya ako palapit sa kaniya at diniinan ang
paghalik sa akin na siyang tinugon ko kahit na wala pa akong gaanong karanasan.
Ginagaya ko lang ang paggalaw ng mga labi niya.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay parehas kaming naghahabol ng hininga.
Nanatiling magkadikit ang mga katawan namin at hindi ko sinubukang lumayo sa
kaniya. Tama na ang ilang buwang pagtikis ko sa kaniya. Hindi na ako lalayo pa.

"You made me happy, Angel. This is the best day of my life. I promise you will not
regret this. Araw-araw kong ipapakita sa'yo ang nararamdaman ko."

"Nagtitiwala ako sa'yo, Isaiah. Alam kong hindi ko pagsisisihan ang desisyon ko."
nakangiti kong sabi sa kaniya at ako na mismo ang gumalaw para muling maglapat ang
aming mga labi.

**********

Preview:

Galit kong itinumba ang mga upuan dahilan para mabasag ang mga kagamitan at matigil
ang tawanan nila. They have the audacity to laugh.

"You call yourselves human?! Even animals behave better than you morons do!" I
shouted at them with so much fury and they flinched back.
I turned back at the person who's responsible to all of this. God, it's taking
everything in me not to hurt her for what she'd done.

Instead I forced myself to calm down. "If you really love me you will not
intervene with my life! This is my life and she is my happiness and I will never
let you hurt her ever again. Hurt her again and I swear, kakalimutan ko kung ano
man ang kaugnayang mayroon tayong dalawa."

Chapter Seventeen

**

Isaiah Montgomery

No words can explain how happy I am right now. My Angel finally said yes and I
couldn't be happier. Sa wakas ay may karapatan na akong tawagin siyang akin. I can
finally things only couple do with her. And I don't mean that in any sexual way.
Alam kong mahaba-habang panahon ang hihintayin ko para sa bagay na iyan at handa
naman akong maghintay.

Kapansin-pansin rin na hindi na rin niya ako iniiwasan sa tuwing hahawakan ko ang
kamay niya o kaya naman ay hahagkan ko siya. Minsan nga ay ginugulat pa niya ako
kapag siya na mismo ang maglalambing sa akin sa pamamagitan ng paghawak sa kamay
ko. Nakakabakla man pero aaminin kong kinikilig ako. I will find myself smiling
kapag naaalala ko ang mga nangyari noong isang araw sa Ice Skating Rink.

I smiled like a damn fool while looking at a blank piece of paper in front me. I
shook my pen a little and lick my lips. I think I can finally compose a song or two
because I have enough inspiration.
I puffed out a sigh. "Okay, you can do this Isaiah. Think of her. I will dedicate
my first ever composed song to her. Damn, what a sappy shit." I shook my head with
a small laugh. I feel like a retard talking to myself right now.

Ilang sandali pa ay hindi ko namalayang kusa na palang nagsusulat ang aking mga
kamay.

My Life's always been the same

But then, you bumped into me

And I know, baby, you are the one

I finally found someone like you

You're afraid of love, oh baby, why?

I promise you, I'm not kidding,

I've never been this sure

Believe me when I say, you are the one

The only one

Natigil ako sa ginagawa ng tumunog ang buzzer ko. Napatingin ako sa orasan para
makitang alas-siyete na ng gabi. SIno kaya ang bibisita sa akin ng ganitong oras?

I glanced back at the paper in my hand and decided to just continue it some other
time. Itinago ko ito sa loob ng drawer ko. I got up and walk out of my bedroom.
Nang tumingin ako sa peep hole ay isang malawak na ngiti kaagad ang sumilay sa
aking mukha nang makita ko kung sino ang aking unexpected visitor. My girlfriend.

I immediately opened the door and smiled at her. "I'm happy that you're here,
Angel. But it's seven, how can I help you?" biro ko sa kaniya.

She smiled at me. Oh, how I love her smile. May inilabas siya mula sa kaniyang
likuran at kunot-noo ko lang itong tinignan.

"A guitar?" I asked her confused.

"Oo. Hindi ka ba marunong nito?" she asked as she pushed past me. Dumiretso siya sa
living room ko at naupo.

"I do. Pero ilang kanta lang, what? Want me to play for you?"

Tumango siya nang sunod-sunod na ikinatawa ko naman. "Eh, kasi dati marunong din
ako nito pero nakalimutan ko na." nakalabi niyang sabi.

I couldn't resist not kissing those lips kaya naman ginawa ko and she surprise me
yet again by not complaining. Kung dati ko siguro ito ginawa ay baka nakatikim na
ako ng suntok o sipa. Naupo ako sa tabi niya at kinuha ang gitara. Pinaglaruan ko
ito sandali at inayos ng kaunti ang tono. Nang tignan ko siya ay nakapangalumbaba
siya habang nakatitig sa akin.

"Ano? Manghang-mangha ka na naman?" nakangiting biro ko sa kaniya.

"Oo. Ang swerte ko pala talaga sa boyfriend ko."


Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. I gaped at her not
believing what she just said. She just laughed and wave her hand in front my face.
Napailing-iling naman siya dahil sa pagkatulala ko.

"I will never get used to this." namamanghang sabi ko sa kaniya. Tumikhim muna ako
bago pumalatak. "Let's have a deal, I will play your guitar but you have to dance
while I'm playing. How's that?" it was meant to be a joke but she stood up.

"Sure!"

I blinked a few times. Nananaginip siguro ako o nangangarap? Because there's no way
Andrea just accepted my deal. Somebody pinch me.

"Huy!" sigaw niya sa mukha ko at nang bahagya akong mapatalon ay tumawa siya at
pumwesto sa harapan ko. "Ready na ako. Hindi ako ganoon karunong sumayaw kaya 'wag
mo akong pagtatawanan ha?" paalala niya.

I nodded. "Not gonna happen. Okay, here goes nothing."

(Play the music sa link sa taas if you want para mas feel)

I met you in the dark


You lit me up
You made me feel as though
I was enough
We danced the night away
We drank too much
I held your hair back when
You were throwing up

I watch as she dance, the way she moves, it's like my eyes are glued to her. Hindi
siya expert pero she knows how to move her body.

Then you smiled over your shoulder


For a minute, I was stone cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said, I already told ya
I think that you should get some rest

Gaya sa lyrics ay ngumiti siya sa akin habang nakalingon at nakatalikod. I smiled


at her and blow her a kiss.

I knew I loved you then


But you'd never know
Cause I played it cool when I was scared of letting go
I know I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go

She bent her body a little and winked at me and I laugh a little. It was then when
she's beckoning me to come closer that I snapped. I couldn't contain my feelings
anymore. I have to say it. Binitawan ko ang gitara niya at lumapit sa kaniya. I
wasted no time by holding the back of her head and claiming her lips.

I kiss her one more time not opening my eyes and not letting go of her head. "I
love you." I whispered and opened my eyes to stare at her eyes.

She stared at me and bumped her nose with mine. "I love you too."

Now we're both looking at the beautiful view outside. We can see the buildings and
lights. As well as the moon and stars.

I nuzzled her head and put my head on her shoulder why hugging her from behind. Sa
mga oras na ito ay wala na akong mahihiling pa. I smiled at how cheesy this moment
is. She asked me to play the song I played earlier and I'm hugging her while
looking at a beautiful scenery.

I'm so in love with you


And I hope you know
Darling your love is more than worth its weight in gold
We've come so far my dear
Look how we've grown
And I wanna stay with you
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go

"Ang romantic ng setting natin, 'no?" natatawang sabi niya habang nakadantay sa ulo
ko.

"Anything for you, my Angel. I only want the best for you."

I wanna live with you


Even when we're ghosts
Cause you were always there for me
When I needed you most

"Ang ganda ng kanta. Parang sinulat talaga para sa atin. Iyan na lang ang theme
song natin ah?"

I nodded in agreement and kiss her shoulder. "Just like the song, say you won't let
me go."

I'm gonna love you till


My lungs give out
I promise till death we part
Like in our vows
So I wrote this song for you
Now everybody knows
That it's just you and me
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go

Kumalas siya sa pagkakayap ko sa kaniya at humarap sa akin. She held my face in her
hands and I nuzzled it with a smile.

"Hinding-hindi. In english, never." she said while looking up at me.

Just say you won't let go


Oh, just say you won't let go

I put my hand on top of her hand holding my face and turned my head a little to
kiss it.
"ANO?!" gulat na tanong ni Andrea habang narito kami sa isang Cafe. Na-realize niya
sigurong napalakas ang boses niya kaya naman napayuko siya.

I chuckled and repeat what I said. "Sabi ko, gusto kang makilala ni Mom.
Ipapakilala kita sa kaniya later on sa party na hinanda para sa birthday niya.
Isama na rin natin si Inang at Rayane."

"P-Pero.. wala akong magandang damit na isusuot at isa pa, hindi pa ako handa,
Isaiah. Ano na lang ang sasabiin ng Mama mo sa akin?" nanlulumong tanong niya
habang hinahalo-halo ang kape niya.

Kinuha ko ang isang kamay niya na nakapatong sa mesa at aware naman ako sa mga tao
sa paligid namin na pinapanuod kami na parang isang telenovela pero hindi ko na
lang sila binigyan ng pansin. Nagpapasalamat na lang ako at pumayag si Andrea na
lumabas kami sa publiko.

"Angel, I promise you, mabait si Mom at sigurado akong magugustuhan ka niya. In


fact, siya pa nga ang nagsabi na imbitahan kita at ang pamilya mo para ipakilala sa
kaniya." pagbibigay lakas ng loob ko sa kaniya.

Napakagat-labi siya at muling tumingin sa akin. "Talaga ba? Pero.." she trailer
off.

"Kung ang inaaalala mo ay ang sasabihin nh ibang tao, 'wag mo na silang pansinin.
At sa isusuot mo naman, come on, para saan pang boyfriend mo ako? I will buy you a
dress right after this."

'Tila nag-iba naman ang timpla ng mood niya dahil binawi niya ang kamay niya mula
sa pagkakahawak ko. "Isaiah, ayokong masabi ng pamilya mo o ng ibang tao na
pineperahan lang kita. Kaya ko namang bumili ng sarili kong damit o hindi kaya
naman ay manghiram kay Lena." pagmamatigas niya.

Napabuntong-hininga naman ako sa tinuran niya. Ito ang isa sa hindi nagbago,
hanggang ngayon ay ayaw na ayaw niyang ginagastusan ko siya.

"Andrea, girlfriend na kita at normal na lang para sa magkasintahan ang magbigayan.


Pera ko naman ang gagamitin ko at hindi pera ng mga magulang ko o nino man so
please. Hayaan mo na akong ibigay sa'yo ang mga gusto mo o kahit na ito na lang
dress. Please?" pagsusumamo ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot bagkus ay tumayo pa at nagsimulang maglakad palabas. I sighed


and stood up. Agad ko siyang sinundan at marahang pinigilan sa braso niya. Nang
makita ko ang lungkot sa mukha niya ay para akong kinurot sa puso.

I hug her with a sigh. "What did I do wrong, Angel. Tell me, please. I hate seeing
you sad."

"Ikinakahiya mo ako sa ibang tao kaya gusto mo akong bilhan ng magagandang gamit,
'di ba?" she said in a small voice.

I frowned and pulled myself away from her. Hindi ko itatangging nasaktan ako sa
sinabi niya. "What made you say that? Kahit kailan ay hindi kita ikinahiya, sana ay
alam mo 'yan after what we've went through." I turned to John. "Please escort her
to the office. Uuwi muna ako sa bahay." hindi ko na hinintay pang makasagot si John
at agad na sumakay sa kotse ko. Buti na lamang at dala din namin ang van kaya doon
siya maaaring sumakay.
Habang nagmamaneho papunta sa Mansion ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.
Matapos ang lahat ng sinabi at ginawa ko ay hindi pa rin pala niya ako kilala nang
lubusan. I will do anything for her damn it I'll even leave my world for her.
Kulang pa ba ang lahat ng ipinakita ko sa kaniya?

I heaved a sigh and slumped down in my seat. I'm not mad but I admit that I was
hurt. How could she doubt me like that?

Iginarahe ko ang kotse ko sa harap ng Mansion at kinuha muna ang white lilies sa
passenger seat na paborito ni Mom at lumabas na. Abala na ang mga tao sa pag-aayos
para sa party ni Mom mamaya at sa bahay namin ito gagawin dahil ayaw niyang
magpagod pa sa pag-aayos ng isang malaking party. Napangiti naman ako ng makita ko
siyang abala sa pag-uutos sa mga tauhan at kasambahay.

Nakangiti akong lumapit sa kaniya at agad siyang hinalikan sa pisngi. "Happy


birthday to the best and beautiful Mom in the world." ibinigay ko sa kaniya ang mga
bulaklak.

Marahan niya akong hinampas at tinanggap ang bulaklak sabay samyo dito. "Bolero ka
talaga kahit kailan, Zay. Hm, thanks for the flowers. Linda, pakilagay naman ito sa
vase." tawag nito sa isa naming kasambahay.

Nang maibigay ang bulaklak ay bumaling siyang muli sa akin. "Bakit mag-isa ka?
Where's your girlfriend?"

I scratched my head a little. "Something happened. Oh, wow, ang ganda naman ng
pagkaka-design mo dito, Mom." pag-iiba ko ng usapan. Pinilit kong iwaglit sa isipan
niya si Andrea dahil hindi ko alam kung pupunta ba siya.

Two hours later ay isa-isa nang nagdadatingan ang mga malalapit naming kamag-anak
at mga kaibigan. Nasa tabi ako ni Mom habang binabati ang mga bisita. Ang Kuya kong
si Xavier ay may importanteng business sa Hong Kong kaya naman wala ito at nagbigay
lang ng mamahaling necklace bilang regalo kay Mom.

Ang akala kong magiging boring at ordinaryong gabi ay napalitan ng saya nang makita
ko si Andrea at ang pamilya niyang papalapit. Isang mapalad na ngiti ang lumarawan
sa mukha ko at agad silang sinalubong. Hinalikan ko sa pisngi si Andrea at nagmano
kay Inang at pinisil naman ang pisngi ni Rayane.

"Maraming salamat ho at nakarating kayo. Tara ho sa loob at ipapakilala ko kayo sa


Mom ko." I held Andres's hand at marahan na siyang hinila papasok sa loob kasabay
ng pamilya niya. "Mom, I'd like you to meet my girlfriend and this is her Mom,
Linda, and her brother, Rayane. SIya naman po ang Mom ko." nakangiting
pagpapakilala ko sa kanila.

I saw my Mom hesitated a little before she smiled. "Maraming salamat at nakarating
kayo."

Nahihiyang inabot naman ni Andrea ang isang kahon na nakabalot ng pulang gift
wrapper. "Happy birthday po."

Tinanggap ito ni Mom at ibinigay sa katulong na nakaalalay. "Hindi ka na sana nag-


abala pa. Pasok kayo. Please enjoy yourselves, I'm sure my son will entertain you."
she said with a smile at binati na ang iba pang bagong dating.

"Ihahatid ko ho kayo sa magiging mesa niyo." muli ko silang iginiya papasok sa


loob. Tumigil kami sa isang mesa na nasa pinakaharap ng stage. "Upo na ho kayo.
Mag-uusap ho muna kami ni Andrea." nakangiting paalam ko kay Aling Linda at
hinintay silang makaupo bago marahang hinila si Andrea papunta sa k'warto ko.

"K'warto mo?" tanong niya habang inililibot ang tingin sa buong k'warto ko.

"Yep. Mula pagkabata hanggang pagbibinata." pagkumpirma ko sa kaniya at naupo sa


kama ko. "Natutuwa nga ako at wala silang iniba." nakangiting sabi ko sa kaniya
habang tinatapik ang kama ko para maupo siya sa tabi ko.

"Hm, ilang babae naman kaya ang nakabisita dito?" nanunuksong tanong niya at naupo
sa tabi ko.

Kunwari ay nag-isip ako. "Hm, hindi ko na mabilang, eh." ganting panunukso ko sa


kaniya. Pinalo naman niya ako sa braso at nahiga. "What? Mga kasambahay namin, si
Mom at s'yempre ikaw."

"Psh. Maniwala ako."

I hovered above her. "Oh, believe me. Ikaw lang ang ipinasok ko sa k'warto ko." I
wiggled my eyebrows at her. "How about we do something... nice?"

Pinisil niya ang ilong ko at kinintalan ko naman ng halik ang labi niya. "I'm sorry
for leaving you."

"Ako ang dapat mag-sorry dahil mali ang sinabi ko. Alam kong hindi mo ako
ikinakahiya sana ay intindihin mo lang na buong buhay ko ay nasanay na ako na ako
ang gumagawa ng paraan, ako ang kumikilos kaya naman bago sa akin ang may taong
gumagastos para sa akin. Pangako, mula ngayon ay hahayaan na kita. Basta't hindi mo
uubusin ang pera mo sa akin."

"Promise." I leaned my head down to claim her lips pero pinigilan niya ako sa
pamamagitan ng pagtakip sa bibig ko.

"Hep! Baka kung ano na ang isipin nila. Tara na sa labas at baka hinahanap ka na ng
Mom mo." nauna na siyang tumayo habang ako ay nanatiling nakatungkod ang braso sa
kama at nakatingin sa kaniya.

"You look beautiful, by the way."

She did a curtsy that made me laugh. "Thank you."

"I WILL sing this song for my beautiful and young Mother, Noreen. This is your
favorite song, Mother. " nagtawanan ang lahat at kinindatan ko naman si Mom habang
nakatayo sa harap nilang lahat.

I'm five years old


It's getting cold
I've got my big coat on

I hear your laugh


And look up smiling at you
I run and run

Past the pumpkin patch


And the tractor rides
Look now -- the sky is gold
I hug your legs and fall asleep
On the way home
Lumapit ako kay Mom at kinuha ang kamay niya. The people clapped and whistled. My
Mother laughed when I twirled her.

I don't know why all the trees change in the fall


I know you're not scared of anything at all
Don't know if Snow White's house is near or far away
But I know I had the best day
With you today

"I love you, Mom and happy birthday." bulong ko sa kaniya. She told me she loves me
too. Pagkatapos kumanta ay nagpaalam muna akong magpupunta sa restroom pero ang
totoo ay pumunta ako sa k'warto ko para kunin ang regalo ko kay Mom.

Nakangiti akong naglakad pabalik sa baba para lang matigilan ng makarinig ako ng
tawanan. Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng aking
Ina. Ang aking Ina na kailanman ay hindi ko inisip na kayang mang-insulto ng ibang
tao.

"You're shameless, Miss Samonte. I bet you're opening your legs to any rich men who
ask for it. I'm telling you now, hindi seryoso sa'yo ang anak ko. Isa ka lamang
pampalipas ng oras para sa kaniya. Look around you, tingin mo ba ay nararapat ka sa
lugar na katulad nito? No! You are nothing but a pathetic excuse of a human!" she
shouted and I heard some gasps.

I agrily threw away the gift and stomped my way down the stairs. The sight that
greeted me made my blood boil. I clenched my fists and gritted my teeth.

The sight of my girl slumped on the ground crying in front of me while her Mother
is soaked and Rayane is crying.

Galit kong itinumba ang mga mesa dahilan para mabasag ang mga kagamitan at matigil
ang tawanan nila. They have the audacity to laugh.

"You call yourselves human?! Even animals behave better than you morons do!" I
shouted at them with so much fury and they flinched back.

I turned back at the person who's responsible to all of this. God, it's taking
everything in me not to hurt her for what she'd done.

Instead I forced myself to calm down. "If you really love me you will not intervene
with my life! This is my life and she is my happiness and I will never let you hurt
her ever again. Hurt her again and I swear, kakalimutan ko kung ano man ang
kaugnayang mayroon tayong dalawa, Mother." I spat out at her shocked face.

Tinulungan kong makatayo si Andrea at ang pamilya niya bago sila inalalayan
palabas.Pagdating sa labas ay sumalubong kaagad sa amin si John.

"Please escort them safely." tumango naman siya at inalalayan na si Nay Linda at
Rayane pasakay sa van.

I gently pulled a silent Andrea towards my car. Nang maisakay sa loob ay hinarap ko
siya. Hinawakan ko siya sa mukha at iniharap sa akin. "Don't let her words affect
you. She's lying. You know that I love you, right? Hindi kita magagawang paglaruan.
Just listen to me and only me, alright?"

She nodded and cried again. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at agad siyang
ikinulong sa bisig ko. Hinding-hindi kita bibitawan kahit pa pigilan ako ng lahat.
****

Chapter Eighteen Preview:

Gulat lang akong nakatingin sa babaeng nasa harapan namin ngayon. Natigilan ako sa
rebelasyon niya.

Tinignan ko ang gulat ding si Isaiah pero maya-maya pa ay lumapit siya sa babae na
siyang ikinagulat ko.

"What did you say?" ulit ni Isaiah sa babaeng nakangiti sa kaniya.

"Ako 'yung babaeng matagal mo nang hinahanap."

"My... Angel?" hindi makapaniwalang sabi ni Isaiah.

Tumango ang babae at tumingin sa akin. Kitang-ktia ko kung paano niya ako
nginisihan habang hindi nakatingin si Isaiah. Ngising mapanghamon, nagsasabing
maghanda na ako sa mangyayari.

***

Chapter Eighteen

Chapter 18

Andrea Samonte

Pinilit kong ignorahin ang nagbubulungang tao sa paligid namin. Ang iba ay puro
panghuhusga sa akin at sa pamilya ko ang sinasabi. Pilit ko na lang nginingitian si
Nanay at Rayane. Si Nanay ay alam kong naririnig rin niya ang bulungan pero para sa
akin ay nagpapanggap na lang siyang walang naririnig.

Nakita kong papalapit ang Mommy ni Isaiah sa table namin kaya naman umayos ako ng
upo. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin akong harapin siya pero sabi naman ni
Isaiah ay mabait ang Ina niya kaya nagtitiwala ako.

"Are you enjoying the party?" nakangiti niyang tanong nang makalapit sa mesa namin.

"Ah, eh. Oho. Maraming salamat po." pinilit kong ngumiti kahit na kinakabahan at
sana ay hindi ito nagmukhang ngiwi.

Bumaling siya kay Nanay. "May mga natirang ulam. Baka gusto niyong iuwi."

Doon na nawala ang ngiti sa labi ko. Pero siya ay nakangiti pa rin na para bang
hindi niya kami ininsulto.

"May mga urungin nga rin pala sa likod. Kulang yata sa tao. Baka gustong mag-
volunteer ng Nanay mo, Andrea?" patuloy na panunuya ni Madam Montgomery.
Nakuyom ko ang kamao ko at pilit na pinapaalala sa sarili na Ina pa rin ito ng
boyfriend ko at hindi tamang bastusin ko siya sa sarili niyang pamamahay. Sa naisip
ay niluwagan ko ang pagkakakuyom ko sa kamay ko.

"Hindi ho. Ako na lang ho." tatayo na sana ako pero bigla siyang kumuha ng basong
may lamang tubig at walang pasubaling ibubuhos sana ito sa akin pero humarang si
Nanay.

Napahawak ako sa braso ni Nanay at pilit siyang itinatabi. '''Nay."

"Mas matatanggap ko pa kung ako na lang ho ang iinsultuhin niyo. Sige, maghuhugas
ako ng pinggan. Iuuwi ko kahit mga pagkain na pang-aso na lang pero nakikiusap ako,
huwag na huwag niyong kakantiin ang mga anak ko dahil hindi ako mananahimik lang."
halata sa boses ni Nanay na nanginginig na siya sa inis.

Ngayon ay lahat na ng tao sa party ay nakikinig sa amin. Niyakap ko si Inay at


nakita kong naiiyak na rin ang bunso kong kapatid na si Rayane. Pumunta ako sa
harap ni Nanay at hinarap si Mrs. Montgomery.

"Ako na lang ho ang saktan niyo. Huwag ang Nanay ko."

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko dahilan para masadlak ako sa lapag.
Hinawakan ko ang nananakit na pisngi ko.

Doon ko na narinig ang galit na sigaw ni Isaiah. Iyon ang unang beses na narinig ko
siyang sumigaw at makitang magalit. Gusto ko rin sana siyang pigilan ng sigawan
niya ang Mommy niya dahil sa akin dahil hindi iyon tama. Kahit pa nasaktan niya ako
ay hindi ko pa rin gustong magalit siya sa Mommy niya.

Pagkatapos ng pangyayari ay inihatid niya kami sa bahay namin. Hawak-hawak niya ako
sa bisig niya habang magkayakap naman si Nanay at Rayane.

"Patawad po talaga sa nagawa ng Mommy ko, Inay. Hindi ko alam kung bakit niya iyon
nagawa. Mabait na tao naman po si Mommy kaya kahit ako ay nadismaya sa ginawa niya
sa inyo." ramdam ko ang dismaya sa boses ni Isaiah. Bumuntong-hininga siya bago
hinimas-himas ang braso ko.

Nakaramdam ko ng isang masuyong halik sa ulo ko. "Sorry, Angel. Pangako kakausapin
ko si Mommy."

Isiniksik ko ang sarili ko sa bisig niya. "Isaiah, ayokong masisigawan mo ang Mommy
mo dahil lang sa akin. Please hangga't maaari ay huwag mo iyong gagawin." hinging
pakiusap ko sa kaniya.

Marahan niya akong inilayo sa kaniya at tinitigan. "Angel, you're my girl kaya
natural lang na ayaw kong masisigawan ka ng sinuman kahit pa sarili kong Ina pero
oo alam kong nagkamali rin ako. I promise hindi na mauulit."

Ngumiti ako sa kaniya at muling bumalik sa bisig niya. "Thank you."

"MALDITA rin naman pala 'yang future mother-in-law mo." kumento ni Lena isang araw
nang bisitahin niya kami sa condo.

"Ssh. Ano ka ba?" saway ko sa kaniya. Kasalukuyan kaming gumagawa ng meryenda


ngayon dahil mamaya rin ay lilipat si Isaiah.

"Talaga naman, ah? Matapobre pa. Grabe naman siya, kasalanan mo bang sa'yo tumibok
ang puso ng anak niya?" naiiling-iling na lang niyang sabi sabay papak ng sauce ng
spaghetti.
"Kanina ka pa papak nang papak baka maubos mo na 'yan." natatawang puna ko. Ngayong
napapansin ko nga ay parang nadadagdagan ang timbang ng kaibigan ko. "Bakit parang
tumataba ka yaya, Lena?"

Natigilan siya sa paghahalo ng sauce at pagkuwa'y tumawa ng pilit. "Ang dami kasing
masarap na pagkain, eh. Hehe."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at iniwan ang nakasalang na pasta at lumapit
sa kaniya. Nakita ko ang kaba, lungkot at galit sa mukha niya kaya naman napagtanto
kong may problema ang kaibigan ko.

Hinawakan ko siya sa braso at iniharap sa akin. "Lena, patawad kung nagiging busy
ako sa mga problema ko at salamat dahil nariyan ka palagi para damayan ako pero
oras naman siguro para ako ang makinig. May dapat ba akong malaman?"

Doon na na siya naiyak at napayakap sa akin. "B-buntis ako, Andeng!"

"Ha?!" Gulat kong sigaw at inilayo siya sa akin. "Paano?! Sino ang ama?!"

"Si.. si..." lumapit siya sa akin at bumulong. "Si Piolo Pascual." tumawa siya at
muling ibinalik ang atensyon sa niluluto. "Gaga. Wala nga akong boyfriend
mabubuntis ako."

Napanguso ako at kinurot siya sa tagiliran. "Akala ko totoo na, baliw ka! Muntik na
akong maniwala."

"Oh, well papel."

Nagkulitan pa kami habang naghahanda at maya-maya lang ay dumating na si Rayane na


sinundo ni Inay galing sa School.

"Wow, spaghetti!" excited na bulalas ni Rayane pagkakita sa nakahanda sa mesa.

Sakto naman ang pagtunog ng buzzer. "Ako na ang magbubukas ng pinto." naglakad na
ako papunta sa pintuan at binuksan ito. Ganoon na lang ang pagtataka ko ng wala
akong makitang tao at isang kahon lang ang nasa lapag.

Kinuha ko ito at nakitang may nakalagay na pangalan ko. Nagkibit balikat ako at
binuksan ito pero agad ko ring nabitawan kasabay ng isang sigaw dahilan para
malaglag ito. Isang patay na daga ang nasa loob ng kahon.

"Ano'ng nangyari?" hangos na tanong ni Inay at siya rin ay napasigaw sa nakita. Si


Lena naman ay napansin ang isang sulat na kasama sa kahon at kinuha ito.

"Malapit na matapos ang masasayang araw mo, Andrea."

Hindi ko napigilang panlambutan ng tuhod dahil ito ang unang beses na may nagbigay
sa akin nito.

"Isa kaya sa mga faney ni Isaiah? Grabe. Baliw lang ang gagawa niyan."

Inalalayan na akong maupo sa loob ni Nanay. Hindi ako nanginginig pero hindi ako
makapagsalita sa gulat. Sino ang gagawa noon?

Nang marinig ko naman ang boses ng nobyo ko ay agad akong napatingin sa pinto.
Ilang sandali niyang kinausap si Lena bago siya lumapit sa akin at mahigpit akong
niyakap.
"Are you alright?" Tumango ako sa braso niya bago gumanti ng yakap. "I will
investigate this myself. Hahanapin ko kung sino ang naglagay niyan sa pintuan at
pangako na paparusahan ko sila."

"Ssh. Calm down now, baby. I'm here."

Nawalan ako ng ganang kumain pero pinilit ko silang lahat na kumain para hindi
masayang ang grasya. Pilit naman akong sinusubuan ng makulit kong nobyo, nariyang
magpapa-cute siya o kaya naman ay makikiusap para lang sumubo ako. Pero pagkatapos
ng dalawang subo ay tumanggi na ako.

"Mom wants to apologize, Angel. Gusto niyang magkasama tayong tatlo mamaya sa
dinner. Papayag ka ba?"

Pinunasan ko ang gilid ng labi niya bago marahang tumango. "Oo naman. Nakakahiya
naman sa Mommy mo kapag tumanggi ako gayung gusto pala niyang humingi ng
paumanhin."

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. "You're the best girlfriend in the
world."

Napaikot naman ako ng mata sa sinabi niya. "Oo na. Kumain ka nang kumain."

SUOT ang simpleng floral dress na iniregalo sa akin ni Marga noon ay pumasok kami
sa isang restaurant. Nakahawak sa baywang ko si Isaiah at habang naglalakad kami ay
may ilang namangha habang nakamasid at may iba namang binabati si Isaiah.

Ngumingii naman ako kapag pinapakilala niya ako sa ilang kakilala niya. Pwede na
siyang tumakbong Presidente sa dami ng nakakakilala sa kaniya at kilala niya.

Palapit pa lang sa mesa ay tanaw ko na ang Mommy ni Isaiah. Hindi ko maiwasang


kabahan nang ngitian niya ako at besohan.

"I'm sorry for whatever I did, Dear. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan
ko. Siguro nagselos lang ako kasi parang mas mahal ka na ng anak ko kaysa sa akin."
biro niya sabay pukol ng masamang tingin kay Isaiah.

Tumawa lang si Isaiah bago hinalikan sa pisngi ang Ina. "Mom, I love Andrea but
you'll forever be number one in my heart."

"Kuh, bola. O siya, maupo na tayo at kumain. I want to know more about you, Andrea.
Gusto ko ring marinig ang kuwento niyong dalawa." isang matamis na ngiti ang
pinakawalan niya at tumawag na ng waiter.

Pinisil ni Isaiah ang kamay ko sa ilalim ng mesa at ngumiti naman ako sa kaniya at
tumango. "I love you."

"Mahal din kita."

Sabay-sabay na kaming um-order ng pagkain at unti-unting nawala ang pangamba ko


habang tumatagal ang pag-uusap namin ni Mrs Montgomery. Siguro nga ay nagkamali
lang talaga siya.

Tulad ng gusto niya ay ikwinento namin ni Isaiah kung paano kami nagkakilala, paano
akong niligawan at napasagot ni Isaiah.

Sa kalagitnaan ng kaininan ay nagpaalam akong pupunta sa Restroom. Nag-alok si


Isaiah na samahan ako pero tumanggi na ako. Ayokong iwanan niyang mag-isa ang Mommy
niya at isa pa ayokong isipin ng Mommy niya na tinatali ko na masiyado sa akin si
Isaiah.

Papasok sa loob ng C.R ay may nakabungguan akong isang babaeng maganda at


sopistikada ang dating. Hindi man lang siya nag-sorry kaya naman natigilan ako.
Pilit kong kinalma ang sarili ko para hindi siya awayin at mag-demand ng sorry sa
kaniya. Ayoko namang mapahiya ang mga kasama ko kaya pinalagpas ko na lang.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina bago bumulong. "Weak."

Okay, kalma, Andrea. 'Wag kang gagawa ng eskandalo.

Hindi ko pinansin ang babae at dumiretso na sa loob. Ginawa ko ang gagawin ko bago
sinipat ang hitsura sa salamin. Pulbos at konting lipstick na ibinigay ni Kim lang
ang ginamit ko dahil ayoko talagang mag-make up. Nang masigurong ayos naman ang
hitsura ko ay lumabas na ako at naglakad pabalik sa mesa namin pero isang eksena
ang hindi ko inasahang madadatnan ko.

Ang babaeng bumunggo sa akin ay nasa tapat ngayon ni Isaiah. Hindi ko makita ang
mukha ng babae dahil nakatalikod siya sa akin pero nakikita ko ang gulat na mukha
ni Isaiah. Para bang may narinig siyang hindi niya mapaniwalaan.

"What did you say?" ulit ni Isaiah sa babaeng nakangiti sa kaniya.

"Ako 'yung babaeng matagal mo nang hinahanap."

"My... Angel?" hindi makapaniwalang sabi ni Isaiah.

Tumango ang babae at lumingon sa akin. Kitang-ktia ko kung paano niya ako
nginisihan habang hindi nakatingin naman si Isaiah sa kaniya. Ngising mapanghamon,
nagsasabing maghanda na ako sa mangyayari. At hindi ko iyon gusto.

Chapter Nineteen

Chapter 19
Expect the unexpected

Isaiah Montgomery

"I'm really sorry for what I did to your girlfriend, son." Mom said while squeezing
my hand.
I caress her hand in mine and lifted it para halikan. Ngumiti ako kay Mommy at
binitawan na ang kamay niya.
"You're forgiven, Mom. Ako ang dapat na mag-sorry sa nagawa kong pagsigaw sa inyo o
sa mga nasabi kong hindi maganda. Hindi ko lang na-kontrol ang emosyon ko. I'm
sorry, Mom." I smiled apologetically at her.
Binitawan niya ang hawak na kutsara at lumapit para hawakan ako sa mukha. "Hindi ko
naman kayang nagalit sa'yo o kahit sino sa inyong magkakapatid. Mga anak ko kayo,
sa akin kayo galing. Naiintindihan kita higit sa kanino man."
"I love you, Mom."
"I love you too, my Cornett."
Nag-usap kami ng kung ano-ano lang hanggang sa may isang babae ang huminto sa harap
ng mesa namin.
She smiled seductively at me and I smiled politely Maybe she's a fan?
"May I help you?" tanong ni Mom sa babae matapos punasan ang labi.
"Kumusta ka na?" tanong niya sa akin na hindi sinasagot ang tanong ni Mommy.
Okay, that's rude. "Do I know you?" ayoko sanang maging bastos but she just ignored
my Mother.
"Yes. Very much so. Tanda mo ba ang batang babaeng nagligtas sa iyo noon?"
Sa sinabi niya ay doon na ako natigilan. No freaking way.
"M-my Angel?" may halong kaba sa dibdib na tanong ko.
She inclined her head and smiled. "At your service." she looked over her shoulder
but my eyes stayed on her.
Posible nga bang ang babaeng matagal ko nang hinahanap at hindi makita-kita ay nasa
harapan ko na ngayon? Pero bakit ngayon pa? Ngayon pang may isa na akong anghel sa
piling ko.
Noon ko lang napansin si Andrea na nakatayo sa likod ng babae at kasalukuyan silang
naglalabanan ng tinginan. By now ay naagaw na ng atensyon ng mga tao sa paligid ang
eksena. Parang isang eksena sa isang Drama na pinapanuod.
"May I join you guys? Gusto kasi kitang maka-kuwentuhan. But I see that you're
busy..." she trailed off and smiled sadly at me and looking at Andrea. "Maybe next
time." tatalikod na sana siya pero hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na
pigilan siyang umalis. Siguro ay gusto kong alamin kung siya nga ba ang batang
nagligtas sa akin noon?
Pagkatapos ay ano? Maybe we could be friends.
"No. Please stay and join us." I smiled at her.
Uupo na sana ulit sa tabi ko ang nobya ko pero muli itong nagsalita. "Puwede ko
bang makatabi si Isaiah? You know. Catching up. I'm sure you don't mind?"
I felt Andrea tensed beside me but before I could protest, My Angel nodded her head
and smiled at me. Tumayo siya at umupo sa tabi ni Mommy.
The woman sat beside me. "Ako nga pala si Scarlet Andrada. It's nice to see you
again, Isaiah." she offered her hand to me and I shook it a little.
"Kumain ka na ba?" kaswal kong tanong sa kaniya.
"I was about to pero natanaw kita mula sa malayo kaya hindi natuloy."
"Okay. Let's order."
"I'm sorry but I'm not yet quite convinced na ikaw nga ang batang sumagip sa akin
noon. Marami na rin kasing nagpanggap dati nang malaman nila ito. May proof ka ba?"

Scarlet glanced at my Mother and Andrea na kasalukuyang nag-uusap bago bumaling sa


akin. "Handa kong patunayan sa'yo ang lahat ng gusto mong marinig pero.. this is
not the time." tinuloy niya ang pagkain at nagkatinginan kami ni Andrea.
My girlfriend looks a little jealous and that made my heart flutter. I smiled at
her and send a wink. Inirapan lang niya ako at ibinalik ang atensyon sa tinutusok
na cake. She's too cute for her own good and I am one lucky man to have her.
"How long have you been together?"
I turned back to Scarlet while my foot nudged Andrea under the table. *Oh, we just
started our relationship."
Andrea glared at me and I looked at her innocently. Pabigla niya akong sinipa sa
binti kaya namab napa-aray ako at nahawakan ko ang binti ko. Kahit kami na ay
sinisipa pa rin niya ako katulad ng ginagawa niya noon.
"Are you okay?" Scarlet asked worriedly at hinawakan ako sa braso. Nakita ko kung
paano naningkit ang mga mata ni Andrea habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak
sa akin at gusto kong matawa.
"Oh, yes! I'm good. Nabunggo lang ang binti ko sa table." tumawa ako ng pilit at
marahang tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
I pursed my lips as I saw my girlfriend's expressionless face. Okay, the fun is
over. Now... I'm dead.
Kumuha ako ng kaheta sa loob ng suit ko at iniabot ito kay Scarlet. "I'm really
sorry to leave you like this pero kailangan na naming umalis ng girlfriend ko."
bumaling ako kay Mommy. "Mom, is your driver with you o gusto mong ako na ang
maghatid sa'yo?"
She raised her hand dismissively. "Carl is waiting outside no need for that. O
pa'no. I'm happy na nakapag-bonding tayo, Andrea. Please visit me sometime sa
mansion at tuturuan kitang magluto ng ilang paborito kong recipe na paborito rin ni
Isaiah." Mom stood up and Ann did the same. Nagbeso silang dalawa at lumapit na ako
sa tabi ni Andrea matapos magbayad ng bill.
"Bye, Mom." I kissed her cheeks and she hugged me. "Bye, Scarlet." Baling ko kah
Scarlet na itinigil ang pagkain at may kakaibang emosyon sa mga mata na hindi ko na
pinansin.
Hinawakan ko sa baywang si Andrea at sabay na kaming lumabas ng restaurant.
Pagdating sa labas ay pabigla niyang tinaggal ang kamay ko sa baywang niya at nauna
ng maglakad papuntang kotse. Pinagbuksan siya ni John sumakay na siya. Pabuntong-
hininga ko naman siyang sinundan. Pagpasok sa loob ay tahimik siyang nakatingin sa
labas ng kotse.
Silent treatment. Good job, Isaiah. That's what you get for teasing her.
I sighed and poked her but she just ignored me. "Andrea?" No response. "Angel?" A
huff from her. "Baby?"
"Tse. 'Wag mo akong kausapin."
Pinigilan kong matawa dahil sigurado akong lalo siyang magagalit. Jealous Andrea is
my new aesthetic.
"Come on, Angel. I was just being friendly, a gentleman. Alam mo namang hindi ako
nambabastos ng babae, right?" pagpapaliwanag ko.
Hindi siya sumagot pero nakita ko ang pagbuga niya ng hangin. "Hindi naman ako
sa'yo naiinis. Do'n sa babaeng iyon. Makaasta akala mo kung sino."
I chuckled and leaned my head on her shoulder. Itinapat ko ang bibig ko sa tenga
niya at hinipan ito dahilan para kilabutan siya. "Let's not talk about her. Ikaw
lang at ako."
"Okay."
Inilapit ko pa ang bibig ko sa tenga niya bagong bumulong. "Mahal kita. Ikaw lang
ang nag-iisang anghel para sa akin."
She turned her head and surprised me by smacking her lips against mine. "Mahal din
kita."
I captured her lips again, savoring the sweet taste of her lips against mine. I
gently suck on her bottom lip before letting go and looking at her in the eyes. I
bumped my nosed against her and smiled lovingly.
"You're making me lose my mind. Your eyes... your nose..." I trailed off and peck
her lips and look at it. "Your lips."
I want to do bad things to you but I know you're not ready. I said inside my head.
Kaya naman makukuntento na lang ako sa kiss at yakap.
We heard an awkward cough and we laughed while I rest my forehead against her.
"Ang tamis. Matamis masiyado. Nakakaumay."
I rolled my eyes at John's statement. "Whatever."
"I hate to ruin your moment but I just received a call from an investigator tungkol
sa inutos mo."
Naramdaman ko ang paninigas ni Andrea kaya naman niyakap ko siya sa akin.
"Go on."
"Well, to put it simply, it's well planned. Lahat ng CCTV ng oras na iyon ay burado
na kaya hindi makita kung sino ang culprit."
I cursed silently. "And the fingerprints?"
"None. Mukhang pinagplanuhan talaga ng maigi."
"Damn it."
Pilit akong kinalma ni Andrea sa pamamagitan ng paghaplos sa dibdib ko. Pero labis
na pagkadismaya ang nararamdaman ko. Paano ko na malalaman kung sino ang tumakot sa
kaniya? Paano kung maulit pa ito?
"I want you to post a 24/7 guard outside her door."
Napahiwalay sa akin si Andrea sa utos ko. "Ano? Teka, okay na. Hindi na kailangan,
Isaiah. Ayoko namang makaabala pa. Siguro naman ay hindi na iyon babalik pa."
"Hindi tayo dapat magpakasiguro, Angel. Who knows kung ganiyan lang ang gagawin
niya? Paano kung may masaktan na sa inyo? O ikaw? Hindi ko iyon hahayaang mangyari
so please."
Napabuntong-hininga siya bago tumango. Hinawakan ko siya sa likod ng ulo niya at
inilapit para hagkan ang noo niya.
"Thank you."

Andrea Samonte

"Inay, napapadalas ho yata ang pag-ubo ninyo? Baka kailangan na ho kayong


magpacheck-up. Gusto niyo ay sasamahan ko na kayo ngayon din." pansin ko habang
nagtitiklop ng damit. Nitong mga nakakaraang araw ay napapansin kong dumadalas na
ang pag-ubo niya.
Umubo ulit siya bago marahang iwinasiwas ang kamay. "Hindi na, anak. Dagdag
gastusin lang iyon. Ayokong makadagdag sa ginagastos mo. Mawawala rin ito."
"Inay." tutol ko. "Kailan man ay hindi kayo magiging pabigat sa akin. Kayo ang
Nanay ko, lahat ng paghihirap ay naranasan niyo na kaya naman oras na para ako
naman ang kumilos. At ang gusto ko ay magpatingin na kayo."
Ngumiti si Inay at tumango. "Oo sige. Kailan ba ako nanalo sa iyong bata ka?"
Ngumiti ako at tumingin sa orasan. "May mall show ngayon si Isaiah pero maaga akong
uuwi para masamahan kayo. Ayos ba sa inyo iyon? O kaya ay magpapaalam ako kay
Isaiah sigurado akong maiintindihan niya ako."
Matigas ang ginawang pag-iling ni Inay. "Iyan ang 'wag mong gagawin, anak. Huwag
mong ipagpalit ang trabaho mo. Narito naman si Rayane. Hihintayin na lang kita pag-
uwi mo."
"P-pero..."
"Sige na, Anak. Lumakad ka na at hihintayin kita."
Napabuntong-hininga na lang ako bago tumayo at kinuha ang bag ko. Lumapit ako kay
Nanay at nagmano. "Pangako, magpapaalam kaagad ako kapag natapos na para masamahan
ko ho kayo."
"Mag-iingat ka, Andrea."
Ang nakangiting mukha ni Nanay ang huli kong nakita bago ko isinara ang pinto.
Nabungaran ko ang naghihintay na si Isaiah na handang-handa na. Lumapit ako sa
kaniya at sinipat ang hitsura niya. Ngumuso ako at kunwari ay hindi aprub sa porma
niya.
Inilagay niya ang mga kamay sa baywang ko. "Hindi mo ba gusto ang porma ko? Ibahin
ko ba?"
Sumimangot ako. "Masiyado kang gwapo sa suot mo."
Natawa siya at kinintalan ako ng isang mabilis na halik sa labi. "Only for you,
Angel. Only for you."
Ang hirap lang na ang daming babae ang kaagaw ko sa nobyo ko. Dahil masiyado siyang
sikat at guwapo ay maraming nagkakandarapa sa kaniya. Lalo na 'yung Scarlet na
'yun. Sa tuwing maaalala ko kung paano niya ngitian at kapitan si Isaiah ay gusto
ko siyang hanapin at kaladkarin.
Pagdating sa mall ay marami nang tao ang nagsisisigaw at sinisigaw ang pangalan ni
Isaiah. Dahil kilala na rin ako ng iba ay hindi na ako puwedeng humalo sa ibang
tao, lagi pang may nakasunod na sariling bodyguard. Pakiramdam ko tuloy ay isa na
rin akong artista.
Pinagmasdan ko si Isaiah mula sa pagakyat sa stage, sa pagkanta hanggang sa album
signing niya. Nakakamangha ang suporta ng mga fans niya sa kaniya na hindi
nabawasan kahit pa ipinakilala na niya ako sa madla.
Nang matapos siya ay nagpasalamat na siya. Bigla na lang akong nakaramdam ng
malagkit na tumama sa mukha ko. Nang hawakan ko ito ay nakita ko ang basang itlog.
Bago pa tumama sa akin ang ibang binatong itlong ng kung sino ay humarang na ang
security. Sabay-sabay na singhap ang narinig sa paligid dahil sa nangyari. Gusto ko
namang maiyak dahil sa pagkapahiya at sa lungkot na nararanasan ko ito.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng pamilyar na init ni Isaiah at naramdaman ko
rin ang pag-protekta niya sa akin pero para akong nasa outer space dahil sa
naranasan ko. Sa tana ng buhay ko ay ngayon lang ako nabato ng itlog sa harap ng
maraming tao.
"Angel? Andrea, can you hear me?" Ramdam kong inaalog-alog ako ni Isaiah at doon na
bumuhos ang mga luha ko.
Napakarami ko nang naranasan dahil lang sa pagmamahal ko sa kaniya. Ganoon ba
katutol ang tadhana sa pagmamahalan namin? Gaano pa karaming pagsubok ang kailangan
kong maranasan para lang manatili sa tabi niya? Isang napakalaki bang kasalanan na
mahalin ng isang kagaya niya ang isang katulad ko?
"Ssh. I'm so sorry, Angel. You've gone through so many things because of me."
Napasigok ako at hinigpitan ang yakap sa kaniya. Ayos lang, Isaiah. Kakayanin ko
ang lahat para sa'yo dahil mahal na mahal kita.
Kinailangang umalis ni Isaiah at ayaw man niya ay pinilit ko na siyang bumalik.
Ayokong dahil sa akin ay masira ang career niya.
Tunog ng cell phone ko ang pumukaw sa pagninilay-nilay ko. Nakita ko ang pangalan
ni Lena kaya naman agad itong sinagot. Siguro ay nakita na niya agad ang balita at
tatanungin niya ako kung ayos lang ako.
"Hello? Ang bilis naman atang kumalat?" biro ko.
Pero nawala ang ngiti sa labi ko ng makarinig ako ng iyak sa kabilang linya.
Nakaramdam ako ng tambol sa dibdib ko.
"B-bakit? A-anong nangyari?"
"Ann.. A-ann.." palahaw ni Lena sa kabilang linya.
"Ano'ng nagyari, Lena?!"
"Ang N-nanay mo, Ann!"
Hindi ko na namalayang nahulog ang hawak kong cell phone hanggang sa pumailanlang
sa paligid ang tunog ng paglapat nito sa sahig.

*
Preview:

"Gusto ko nang maghiwalay tayo." matigas kong sabi sa kaniya.


"W-what? Angel, you're kidding, right? Sabihin mong nagbibiro ka lang. Hindi
nakakatuwa. Please tell me you're lying." puno ng pakiusap niyang sabi.
"Seryoso ako, Isaiah. Hindi kita minahal at kahit na kailan ay hindi kita
magagawang mahalin. Ginamit lang kita para sa pera at impluwensya mo."
Kitang-kita ko kung paano siya umiyak. Iiwanan ko na sana siya pero pinigilan niya
ako sa pamamagitan ng pagyakap sa baywang ko. Lumuhod na siya at rinig ko ang
paghagulgol niya.
"Sinungaling. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo. Mahal mo ako at naramdaman
ko iyon kaya sabihin mo kung bakit ka nagkakaganito. Bakit mo ako sinasaktan ng
ganito? Bakit sinisira mo tayo?"

Chapter Twenty

And.. we're down to the last ten chapters! Sana ay subaybayan niyo ang WTC hanggang
sa huli!

*
Chapter Twenty

Shattered Heart

Isaiah Montgomery

I held my Angel's hand and held her close to me habang umiiyak siya. Tanging
comfort lang ang maibibigay ko habang nasa biyahe kami papuntang hospital. I almost
missed her when she came running outside, her security running after her trying to
protect her from the reporters and fans.

Labis na galit ang naramdaman ko nang makita kong may mga itlog na binabato sa
direksyon niya at natamaan na siya ng itlog bago ko pa ito mapigilan mabuti na lang
din at mabilis kumilos ang security niya para protektahan siya. This is getting
ridiculous! I can't even protect her myself. Hindi makita ang taong gumawa noon sa
kaniya at pakiramdam ko ay napakawalang kuwenta kong boyfriend.

"I'm here for you, Angel. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo." hinalikan ko ang ulo
niya bago ipinatong ang baba ko sa ulo niya.

Sana ay walang nangyaring masama kay Nanay dahil alam kong hindi iyon kakayanin ni
Andrea.

Pagdating sa Hospital ay magkahawak-kamay kaming tumakbo papasok sa loob. Agad


naming nakita si Lena na nakaupo sa labas ng Emergency Room at umiiyak. Nagyakap
ang magkaibigan at marahan ko namang hinagod ang likod ni Lena sandali bago
hinaplos ang mahabang buhok ni Andrea at inalo-alo habang umiiyak sila.

I blinked back my own tears. I have to be strong for them. Nakita ko ang tahimik na
umiiyak na si Rayane kaya naman nilapitan ko siya. Lumuhod ako sa harapan niya para
magpantay ang mukha namin.

"Hey, buddy. Kumusta?" hinaplos ko ang buhok niya at patuloy lang siya sa pag-iyak.

"Kuya, magiging ayos lang ba si Inay?" lumuluha niyang tanong kasabay ng


pagsinghot.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at pinisil ito. "Oo naman! Malakas si Nanay at
hinding-hindi niya kayo iiwan." inalo-alo ko pa siya bago muling nilapitan ang
aking nobya.

"Ano bang nangyari, Lena? Kaninang umaga naman ay malakas pa si Nanay kahit na
umuubo." I wrapped my hand around her waist and pulled her close to me.

Suminghot si Lena at nagpunas ng luha bago sumagot. "Tanghali iyon ng dumalaw ako
sa inyo, si Rayane ang nagbukas ng pinto at umiiyak. Nang tignan ko ang pangyayari
ay nakita ko na si Nanay na nakahiga sa sahig at walang malay. Kahit anong gising
ko sa kaniya ay hindi siya gumigising at lalo akong kinabahan ng makita ko ang
kamay niyang may dugo. Ang sabi ni Rayane ay nag-uubo daw ang Nanay bago ito
bumagsak."

Muling umiyak si Andrea kaya naman niyakap ko siya. I closed my eyes and pray when
I opened them again, nakita ko ang isang Doctor na lumabas mula sa E.R.
"Kayo ba ang pamilya ni Mrs. Samonte?"

"Yes. How is she, Doc?" tanong ko dahil ako lang ang makakausap nito sa ngayon.

"Yes. I'm so sorry but she has a lung cancer, stage 4. Kailangan natin siyang
maoperahan before it's too late. Excuse me."

"Thank you, Doc." pahabol ko sa Doctor at tumango naman ito.

Pumalahaw muli ng iyak ang tatlo sa narinig at maging ako ay nanlumo pero
kailangang magpakatatag.

"Baby, it's fortunate na maaga natin iyong nalaman. Kapag na-operahan siya sa
madaling panahon ay mawawala na ito. Let's be strong for Nanay. Kailangan niya
tayo." sabi ko sa kaniya habang pinipisil-pisil ang braso niya.

Unti-unting humina ang pag-iyak nila. Andrea then looked up at me with puffy eyes.
I wiped the tears from her cheeks and smiled. "She's a fighter like you, Angel.
She'll get throught this. We'll get through this." I peck her lips.

"P-pero paano ang operasyon? Konti pa lang ang i-ipon ko."

"Angel, you have me, right? I will lend you some and you can pay me back later,
okay?" I offered. Alam ko kasing hindi niya tatanggapin ang pera ko kung ibibigay
ko ito kaya naman naisip ko na lang siyang pahiramin.

"Maraming salamat, Isaiah." pabigla niya akong niyakap ng mahigpit at ilang segundo
akong natigilan bago napangiti at yumakap sa kaniya. "Hindi ko alam ang gagawin ko
kung wala ka." she whispered.

"I'd do anything for you." I kiss her shoulder and whispered. "I love you."

"I love you too."

Sandali kong iniwan sila Andrea para bumalik sa condo. Pero bago umalis ay siniguro
ko naman na nasa maayos na kwarto ang Nanay. Pagdating sa condo ay inayos ko lang
ang mga kailangan kong gawin para manatili sa tabi ni Andrea. She needs me and
she's more important than my stupid career.

Tumunog bigla ang buzzer at nagtaka naman ako dahil wala naman akong inaasahang
bisita. Nilapag ko ang laptop ko at tumayo na para buksan ang pinto.

"Oh, hey Mom." nakangiti kong sabi sa kaniya nang mabungaran ko siya sabay halik sa
pisngi niya. "What brought you here?"

"Cornett, my son. Look who I bumped into!" she tugged a shy looking Scarlet making
me even more confused. Kailan pa sila naging close?

"Nakasalubong ko siya sa mall at dahil daraan din naman ako dito ay sinama ko na
siya. I'm sorry kung hindi ako nakapagsabi. Oh, come. Pasok tayo, hija." tumabi ako
para makapasok sila and I didn't miss the way Scarlet intentinally brushed her
chest against my arm.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang isang oras na akong wala sa hospital. I need to
go back but I just can't leave my Mother.

I sighed and went straight to the kitchen. "You girls want anything?"
"Water is fine. How about you, Scarlet?" I heard my Mother said as I pour her a
water for her.

"Tubig na lang din po." she said in a timid voice.

Kumuha pa ako ng isang baso at sinalinan ito bago nilagay ang mga ito sa tray at
naglakad na papunta sa living room. Inilapag ko ang tray sa mesaat ibinigay sa
kanila ang mga baso.

"So, bakit ka napadalaw, Ma?" kaswal kong tanong kay Mama at muling kinuha ang
laptop. Sinend ko na ang ginawa kong email sa company at pinatay na ito.

"Masama bang dalawin ko ang bunso ko? Bakit nakaistorbo ba ako?" may himig tampong
sabi niya.

Napabuntong-hininga ako bago naupo sa tabi niya at niyakap siya. "Of course you're
welcome anytime. Pero this... isn't reall a good time."

"Why?"

"Na-ospital ang Nanay ni Andrea and I want to be there with her." I stood up and
put my keys inside my pocket. "I'm really sorry but I have to go. Ihahatid ko na
kayo paglabas."

Kinuha ko na ang bag ko na naglalaman ng ilang damit pero agad na napalingon nang
makarinig ako ng singhap. I dropped my bag immediately when I saw my Mother
clutching her chest and her face is contorted with pain.

Agad akong lumapit kag Mommy at inalalayan siya. "Mom? Mom, what's happening? Are
you alright? Tara dadalhin na kita sa hospital."

I was about to carry her when she stop me by holding my hand. "Son, it's okay.
Bigla lang akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib ko. Please don't leave me."
niyakap niya ang braso ko at sumandal sa akin.

I bit my lip and sighed. Hindi ko siya puwedeng iwan ng ganito. "Okay. I will stay.
Just let me call my girlfriend first." tatayo na sana ako para kunin ang phone ko
sa bag pero hinigpitan ni Mommy ang hawak niya sa akin.

"Please. Kahit ngayong oras lang na ito think about Mom, Isaiah. I'm sure Andrea
won't mind."

I'm torn between staying and leaving but my Mother needs me now and I just can't
leave her. Pero paano si Andrea? Hinihintay na niya siguro ako ngayon.

"Let me rest here and talk to each other. I'm sure magiging ayos na rin ang
pakiramdam ko later." inalalayan ko siyang mahiga sa sofa ko at nilagyan siya ng
unan sa ulunan. Inalis ko rin ang suot niyang sandalas at hinalikan siya sa noo.
She patted my cheek and whispered a thank you.

Inaya ko si Scarlet sa veranda ng condo para magpahangin. "I'm sorry kung naudlot
ang lakad mo dahil sa amin. I.. I can leave if you want?" she offered as she tuck a
strand of her hair behind her ear.

I smiled a little and shook my head. "You can stay. Listen, why don't we use this
as an opportunity to prove that you're my Angel?"

Gusto kong malaman kung siya nga ba ang Anghel ko noon o isa lang din siyang
impostora.
"Sa Visayas 'yun about thirteen years ago. May nakita akong bata na inaapi ng mga
bully sa lugar namin, mukha siyang mayaman kaya hindi na ako nagtaka na
pinagtutulungan siya. Hindi ako nagdalawang-isip na tulungan siya. We started
running hanggang sa makarating tayo sa lighthouse."

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o malungkot dahil finally, matapos
ang ilang taong pagpapahanap ko sa kaniya ay nasa harapan ko na siya ngayon. I feel
happy dahil nakita ko siya ulit at malungkot dahil she's no longer My Angel
anymore.

Andrea is and will always be my Angel from now on.

"So.. kumbinsido ka na ba?" She asked hopefully.

Kinagat ko ang labi ko at pinagsiklop ang mga palad ko. "I'm so glad to finally
meet you. Hindi mo alam kung gaano kita katagal na hinanap." her eyes lit up.
"But.. I'm sorry. That's it. I'd love to be friends with you but I already have My
Angel and that is my girlfriend... Andrea."

Tears welled up in her eyes and she suddely took off. I sighed and massaged my
head. Wala akong nagawa kung hindi sundan siya. Paglabas ng pinto ay naabutan ko
siya kaagad.

"Scarlet, wait." hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya at agad rin itong
binitawan. "Please listen to me."

She looked over my shoulder and before I can say shit, her lips are on mine. I was
too shock to do anything. Ilang segundo lang ay nabawi ko na ang sarili ko at
itinulak siya. Pinunasan ko ang labi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Why would you do that?! Alam mo na namang may girlfriend ako. Now if you can't
respect that, kindly get the fuck out of my life."

Iniwan ko siyang nakanganga at muling pumasok sa loob. What a witch. I can't


believe I wasted half of my life looking for that kind of woman.

Andrea Samonte

Matapos makatanggap ng text mula kay Isaiah na puntahan ko siya sa condo niya dahil
may emergency ay ihinabilin ko muna si Nanay kay Lena. Payapang natutulog si Inay
nang iwanan ko at nagising sandali na ikinapanatag ng loob ko kahit na papaano.
Umaasa akong matutulungan kami ni Isaiah para matuloy ang operasyon sa lalong
madaling panahon. Ipinapangako ko rin na babayaran ko iyon lahat sa kaniya.

Sumakay ako ng elevator pagdating sa condo at naghintay na sumapit ito sa 15th


floor. Pagbukas nito ay bumungad sa harapan ko ang nag-uusap na sina Isaiah at
Scarlet. Nakaramdam ako ng kabog sa dibdib ko. Nakatalikod sa akin si Isaiah habang
nakita naman ako ni Scarlet. Ang sunod niyang ginawa ang labis na nakadurog ng puso
ko. Idagdag pa ang hindi kaagad pagtanggi ni Isaiah sa halik. Hindi ko na sila
kinompronta at agad na muling sumakay sa elevator. Bumuhos ang luha ko habang lulan
nito. Hindi matatawaran ang labis na sakit na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Bakit? Akala ko ba naiiba siya? Nagkamali lang ba ako?

Hanggang sa jeep ay tahimik akong lumuluha, hindi makapaniwalang magagawa akong


lokohin ng lalaking inakala kong naiiba. Pero hindi ko rin naman siya masisisi,
sino ba ako kumpara sa babaeng matagal na niyang hinahanap? Siguro nga hindi talaga
kami para sa isa't-isa.

Pero paano na ang lahat ng sakripisyo namin para sa isa't-isa?

Nang malapit na sa hospital ay pilit ko nang kinalma ang sarili ko. Ayokong makita
nila akong ganito. Ayokong makadagdag sa nararamdaman ni Nanay. Pero paano ang
operasyon ni Nanay? Hindi ko makakayang harapin si Isaiah sa ngayon at ayokong
tanggapin ang anumang pera na manggagaling sa kaniya.

Isang oras na akong nagbabantay kay Nanay sa hospital ay tulala pa rin ako.
Nagpapasalamat na lamang ako na tulog si Nanay. Muli kong sinulyapan ang kaawa-
awang lagay ng aking Ina. Kailangan na siyang maoperahan para maibsan naman ang
sakit na nararamdaman niya at para hindi na ito lumala pa pero saan ako kukuha ng
pera?

Bigla akong napatayo nang pumasok mula sa pinto ang Mommy ni Isaiah. "Magandang
gabi ho." magalang kong bati sa kaniya.

Hindi siya ngumiti at tinignan ang Nanay. Muli siyang bumaling sa akin. "Pwede ba
tayong mag-usap sa labas?"

"Oho." sinulyapan ko ulit si Nanay para siguruhing ayos lang ang pagkakahiga niya
at lumabas na. Marahan kong isinara ang pintuan at lumapit sa nakatalikod na Mommy
ni Isaiah.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Hiwalayan mo ang anak ko."

"P-po?"

"Hiwalayan mo si Isaiah at ako na ang bahala sa operasyon ng Nanay mo."

Sa tono ng pananalita niya ay parang wala akong karapatang tumanggi. Para bang
pinal na ang desisyon niya at hindi na kailangan ng pagpayag ko.

"Nirerespeto ko ho kayo bilang Ina ni Isaiah at bilang isang nakatatanda pero hindi
ko ho matatanggap ang inaalok ninyo. Maghahanap ho ako ng ibang paraan para
maoperahan si Nanay." matigas ang ginawa kong pagtanggi.

Tumawa ito ng malakas at may halong panunuya. "At ano? Masusundan nang masusundan
ang paghingi mo ng pera sa anak ko?! Kilala ko ang tipo niyo. Hangga't may
magbibigay sa inyo ay kakapit kayo ng mahigpit hanggang sa mawili na kayo."

Naikuyom ko ang mga kamao ko at humahapdi na ang mga mata ko sa labis na galit at
insultong nararamdaman. "Oo nga ho mahirap kami pero ito ang masasabi ko sa inyo,
may prinsipyo kami at paninindigan. Marangal akong naghahanap buhay para sa pamilya
ko nang hindi nang-iinsulto ng kapwa. Kayo ho? Oo maganda ang pananamit niyo, may
magarang kotse, may mansion pero mas bulok pa sa basura ang ugali niyo."

Napasinghap ako ng dumapo sa pisngi ko sa ikalawang pagkakataon ang kamay niya.

"Ang bastos mo talagang babae ka! Hindi ko malaman kung saan ka napulot na
basurahan ng anak ko gayung ang dami-daming babae diyan!" hindi pa siya nakuntento
dinuro-duro pa niya ako. "Hindi mo ako kilala, Ms. Samonte. Hindi mo alam ang kaya
kong gawin. Kayang-kaya kong pigilan ang pagpapa-opera ng Nanay mo sa alinmang
hospital sa bansa at kahit si Isaiah ay hindi ako mapipigilan."

Hindi ako halos makapaniwala sa mga naririnig ko sa kaniya. "Tao pa ho ba kayo? Ano
bang nagawa kong kasalanan sa inyo? Hindi ko kasalanan na nagmamahalan kami ng anak
ninyo!"

"Ha! Pagmamahal. Ano'ng mapapala niya sa pagmamahal ng isang kagaya mo? Ano na lang
sasabihin ng ibang tao kapag ikaw ang napangasawa niya. Nakakahiya!" may kinuha
siya sa bag niya at ibinato sa akin ang isang papel. "Wala ka nang magagawa pa kung
hindi sumunod sa gusto ko. Bayad na ang operasyon ng Nanay mo at pera ko ang
ginamit ko. Ngayon rin ay makikipaghiwalay ka sa anak ko! Kung ayaw mong may gawin
akong hindi mo magugustuhan." pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ako.

Sa gitna ng hallway ng hospital ay napasalampak na lang ako at napaiyak. Nanlalabo


ang mga matang tinignan ko ang resibo na nagpapatunay na bayad na ang operasyon ni
Nanay. Niyakap ko ito at walang nagawa kung hindi humagulgol.

"HEY, ANGEL. I'm sorry kung ngayon lang ako dumating. Dumating kasi si Mommy at may
dumating ring problema sa company kaya kinailangan kong dumaan muna." hinging
paumanhin ni Isaiah at hahalikan sana ako sa labi pero umiwas ako dahilan para
dumapo ang halik niya sa pisngi ko. "May problema ba?" takang tanong niya.

Sumulyap ako kay Nanay na natutulog pa rin. "Maglakad-lakad tayo sa labas." malamig
kong tugon kay Isaiah at nauna nang lumabas. Naglakad ako papuntang elevator at
tahimik kaming sumakay. Hindi ko na siya hinintay at mababagal ang mga hakbang na
tumungo sa garden ng hospital.

Sunod-sunod ang ginawa kong pagpikit para hindi bumagsak ang mga luha ko sa mga
mata bago huminto sa tapat ng isang puno.

"Angel, come on you're scaring me. May nangyari ba?"

"Nakita ko ang halikan niyo ni Scarlet kanina." sabi ko nang hindi humaharap sa
kaniya para hindi niya makita ang namumula kong mga mata.

"Angel, it's not what you think. She kissed me and I didn't wan--"

Humarap ako sa kaniya. "Gusto kong maghiwalay na tayo." matigas kong sabi sa
kaniya. I'm sorry, Isaiah.

"W-what? Angel, you're kidding, right? Sabihin mong nagbibiro ka lang. Hindi
nakakatuwa. Please tell me you're lying." puno ng pakiusap niyang sabi.

"Seryoso ako, Isaiah. Hindi kita minahal at kahit na kailan ay hindi kita
magagawang mahalin. Ginamit lang kita para sa pera at impluwensya mo." Mahal na
mahal kita. Sa'yo lang umiikot ang mundo ko. Ikaw ang nagpabago sa akin. Hindi mo
ba nararamdaman?

Kitang-kita ko kung paano siya umiyak. Iiwanan ko na sana siya pero pinigilan niya
ako sa pamamagitan ng pagyakap sa baywang ko. Lumuhod na siya at rinig ko ang
paghagulgol niya.

"Sinungaling. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo. Mahal mo ako at naramdaman
ko iyon kaya sabihin mo kung bakit ka nagkakaganito. Bakit mo ako sinasaktan ng
ganito? Bakit sinisira mo tayo?"

"Ayaw na kitang makita pa." Unti-unti nang namamatay ang kalooban ko, Isaiah. Hindi
ko kayang mawala ka.

Marahas kong inalis ang mga kamay niyang nakapalupot sa akin at tinignan siya sa
mga mata. Punong-puno na ng luha ang mga ito at gusto ko nang bawiin lahat ng
sinabi ko pero hindi pwede.

"Pinaglaruan lang kita." parang may sumasakal sa puso ko nang sabihin ko iyon lalo
na nang makita ko ang sakit sa mga mata niya. "Paalam, Isaiah." tumalikod na ako at
iniwan siyang umiiyak. Dinig na dinig ko ang pagpalahaw niya at unti-unti na ring
bumagsak ang mga luha ko.

"Andrea, no! Please come back! I love you.. I can't live without you." unti-unting
humihina ang boses niya bago siya muling sumigaw. "I don't believe you!"

Siguro ay hindi tayo para sa isa't-isa at siguro ay hindi pa rin ito ang oras para
sa atin.

Three days later...

Naging matagumpay ang operasyon ni Nanay at kasalukuyan siyang nagpapagaling bago


kami lumabas ng hospital. Iniiwasan ko ring mapagusapan si Isaiah matapos ang
hiwalayan naming dalawa.

"Anak pakikuha naman ako ng tubig."

Tumayo ako at pumunta sa maliit na mesa. Nagsalin ako ng tubig sa babasaging baso
at kinuha na ito.

"Kadarating lang ng balita. Isang sikat na Pianist at singer ang naaksidente at


kasalukuyang nag-aagaw buhay ngayon sa hospital."

Natigilan ako't napatingin sa maliit na t.v.

"Kinilala ang biktima na si Isaiah Montgomery..."

Hindi ko na narinig pa ang mga susunod na sinabi ng reporter dahil nabitwan ko ang
hawak kong baso dahilan para malaglag ito at mabasag. Katulad ng pagkabasag ng puso
ko ng mga oras na iyon.

Chapter Twenty One

Chapter Twenty One

Loving You From a Distance

Isaiah Montgomery

I saw the necklace I gave her lying on the cold ground. Kinuha ko ito at kinuyom
ang kamao.

Nanatili akong nakaluhod sa lupa at lumuluha, umaasang babalikan niya ako at


babawiin niya lahat ng sinabi niya. Na hindi pa kami hiwalay, na mahal niya ako at
hindi niya ako pinaglaruan kagaya ng sinabi niya.

"Isaiah, let's leave." I heard John said but I stayed on my spot.

"She's coming back. Babawiin niya lahat ng sinabi niya and we'll be together
again." I said mostly to myself and let out a bitter smile. She has to.

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas na para akong isang tangang nakaluhod sa
sahig hanggang sa bumuhos ang isang malakas na ulan. Naikuyom ko ang mga kamao ko
at pumukit ng mariin pero nanatiling nakaluhod.

"Hindi na siya babalik pa, Isaiah! Nakipaghiwalay na siya sa'yo! It's all over!
Kaya tumayo ka na riyan at umuwi na tayo bago ka pa pagpistahan ng buong bansa
bukas."

Media? Scandal? Ano namang paki ko sa kanila gayung iniwan na niya ako? Wala na
akong natitirang lakas para maghintay pa. Ngawit na ako, babalik ka pa ba?

Tumingin ako sa paligid at tumingala sa langit at hinayaan ang ulan na malaglag sa


mukha ko. Maybe it'll wash out all my tears as well as all the pain I'm feeling
right now. Maybe.. just maybe.

Andrea... My Angel.. is this the end? Should I stop chasing you now?

When John lifted me up at inalalayan ay hindi na ako tumanggi. Para na akong


lantang gulay, walang ganang gumalaw, walang lakas na natitira. Hindi ko na
namalayan pa ang mga susunod na pangyayari pero naramdaman ko ang malamig na shower
na itinama sa akin.

"Babae lang 'yan, Isaiah. Don't ruin yourself like this. Kapag tapos na tapos na.
You still have a life. "

I laughed bitterly and another round of tears fell down from my eyes. "How? When
she took my life with her."

Hindi ako halos nakatulog ng gabing iyon. Paulit-ulit kong tinitignan ang mga
picture namin sa Gallery ko. Paulit-ulit ko rin siya tinatawagan at umaasang
sasagot siya pero hindi niya sinasagot hanggang sa maging out of reach na ito.
Kinabukasan naman ay hindi ako nag-abalang tumayo mula sa kama ko. Wala akong
ganang magkikilos o kumain. I want her with me. I need her beside me.

My Mom visited me later that afternoon. John probably gave the spare key to her.
Nagtalukbong ako ng kumot at tinalukuran siya. Narinig kong bumuntong-hininga si
Mommy bago ko naramdaman ang pag-upo niya sa tabi ko. I felt her hand on my
shoulder, soothing me.

"Anak, huwag mo siyang bigyan ng satisfaction sa ginawa niya sa'yo. Kapag nalaman
niyang ganito ka ay siguradong tatawa iyon."

"Hindi siya gan'on, Mom." pagtatanggol ko kay Andrea.

"The first time I saw her alam ko namang hindi siya mabuti para sa'yo. I'm sorry
but I need to tell you this. Kahapon ay lumapit siya sa akin at humingi ng malaking
pera kapalit ng pag-iwan niya daw sa'yo."

Sa narinig ay napabangon ako at tumingin sa kaniya. "Mom, please don't lie to me."

"Kailan ba ako nagsinungaling sa'yo, Isaiah? Dumalaw ako sa Nanay niya at doon na
siya nanghingi ng pera. See? That girl is nothing but a gold digger. Pera lang
natin ang habol niya kaya huwag mo na siyang pag-aksayahan ng panahon."

"Andrea isn't the type of person who will ask for money!" I snapped at her. "She
will not even let me pay for her drink without feeling bad tapos ngayon sasabihin
niyo sa akin na nanghingi siya ng pera? Hindi siya ganoon, Mom. I know her better
than I know myself." I mumbled the last part.

"Look at what she's done to you! Nasisigawan mo na ako at nasasagot-sagot! All


because of that girl!" natahimik ako sa sinabi niya at muling nahiga. "Isaiah,
siguro ay hindi pa lang niya inilalabas ang tunay niyang ugali para mapaniwala ka
niya na hindi pera mo lang ang habol niya. Don't choose a woman you barely knew
over your own Mother. I carried you for nine months, son. I am your Mother and I
want the best for you. Hinding-hindi ko magagawang magsinungaling sa'yo."

I closed my eyes and a lone tear fell. Totoo ba, Andrea? Totoo ba ang sinabi ni
Mommy? Totoo ba ang mga sinabi mo? Ginamit mo nga lang ba ako?

"I love her, Mom. I was ready to spend the rest of my life with her." I sniffed and
covered my eyes with my arm.

"Mom is here with you, baby. I will not leave you like she did." Mom said as she
hugged me.

"MAY HIMALA ba o produkto lang ng madumi kong imahinasyon ang nakikita ko ngayon?"

I turned my head and saw Godric, my eldest cousin. I went back to drinking. I
decided to drown myself with alcohol three days after Andrea broke up with me. It
will not make me forget about her but it will surely numb me and forget it for a
few hours.

"So, what brought you here? Where's your little girlfriend?" He sat beside me and
ordered something.

"To forget." kaswal kong sabi.

Napapalatak siya. "Ahh, trouble in paradise. Ano'ng nangyari?"

"None of your goddamn business."

"Chill. Gusto ko lang namang makatulong. You don't have to be an ass about it."

Nilagok ko nang sunod-sunod ang hawak na bote na para lang akong umiinom ng tubig.
It was snatch out of my hold before I can finish it.

"Nababaliw ka na ba? Gusto mong malason?! If you want to die, I will do it for
you!" sigaw sa akin ng pinakamatanda kong pinsan.

"Stay out of business, Godric!" ganting sigaw ko sa kaniya.

"Oh, I'm just Godric now? Tell you what, Isaiah." He slammed the bottle down before
stepping in front of me. "I''ve been there, I know how it feels like to have your
heart ripped out of your chest and you feel like nothing matters anymore. Like you
just want to jump to the nearest bridge and die."

My chest tightened at his words. Oo nga pala. Sinaktan siya ni Sarah noon.

"But here I am. Better than I was before. I'm still breathing, still alive. This?"
kinuha niya ang bote at pinakita sa akin bago ibinalik sa counter. "Will only make
you feel like shit. Oo makakalimot ka pero kapag nawala na ang ispiritu ng alak ay
babalik ang sakit. Because it never left anyway." he sighed and bumped his forehead
against mine and sat down again.

Muli na rin akong naupo sa tabi niya at humingi ako ng tubig.


"Hindi alcohol ang solusyon sa problema mo. Ikaw lang ang makakapagpabago ng
nararamdaman mo. You are the master of your emotions, you control it, not the other
way around."

"Thank you, Kuya." pasasalamat ko sa kaniya kasabay ng marahang suntok sa braso.

"Nah. Don't mention it. Sino pa ba ang mag-aayos sa inyong mga hampaslupa kayo kung
hindi akong pinakamatanda?" he took a sip of his beer and laughed.

I laughed with him and my plan to drown myself with alcohol didn't happen.

I look at the bright sky and sighed. Kinuha ko ang kwintas ni Andrea sa bulsa ko at
tinignan ito bago hinalikan at sumakay na sa kotse. Nauna na akong umuwi kay Godric
dahil may 'client' pa daw siyang kikitain at dahil hindi naman ako lasing ay hindi
na ako nagpahatid.

I drove with one hand on the wheel and the other holding her necklace. My mind says
not to trust her anymore after what she did but my heart says not to believe
whatever my Mom said.

The necklace suddenly slipped out of my grasp making me curse. Tumingin ako sa
harap at nakitang wala namang masiyadong sasakyan kaya namab kinapa-kapa ko ang
kwintas sa lapag habang hawak ang steering wheel. Nang makapa ko na ito ay inalis
ko sandali ang tingin ko sa harapan at tinignan ito sa lapag. Napangiti ako ng
makita ko na ito at agad na kinuha. Nang umayos ako ng upo ay huli na ng makita ko
ang isang papatawid na matanda. Mabilis kong kinabig ang manibela para hindi siya
matamaan. Everything happened so fast, I felt the impact when my car collided with
something.

Masakit ang lahat ng parte ng katawan ko at hindi ko na magawang idilat ang mga
mata ko. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kwintas at kahit na nasasaktan ay napangiti
pa rin.

I will wait for My Angel to save me.

Andrea Samonte

Hindi, hindi, hindi! Sana nagkamali lang sila. Sana hindi siya ang naaksidente.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kaniya.

Magkasiklop ang mga kamay at tahimik na nagdadasal habang walang patid ang mga
luhang tumutulo habang lulan ng isang taxi papunta sa hospital na binanggit ni Kim.
Inakala kong hindi niya ako sasagutin pero laking pasasalamat ko na sinagot niya
ako.

Isaiah, sana ay ligtas ka.

Pagbaba pa lang ng taxi ay agad na akong lumabas. Sumalubong sa akin ang


napakaraming media at mabuti na lamang ay handa ako at nagtakip muna ng sumbrero at
naglagay ng facemask bago umalis. Inayos ko ang sumbrero ko bago sila nilagpasan.
Nang makapasok ay nakahinga ako ng maluwag at agad na tinungo ang VIP floor. Nang
makararing roon ay natigilan ako dahil may mga guard na nakaposte. Nakita ko rin si
John na kinakausap sila.

Huminga ako ng malalim bago naglakas loob na lumapit. Agad akong hinarang ng isang
security bago pa ako makalapit kay John.
"Bawal dito."

Tinanggal ko ang suot kong facemask at tumingin kay John. Biglang nanlisik ang
tingin niya sa akin at napapiksi naman ako.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Narito ka ba para i-check kung nagtagumpay ka sa pagsira


ng buhay niya?" galit nitong tanong nang makalayo kaming dalawa sa mga bodyguard.

Napalunok ako sa tono niya. "John, alam kong mali ang ginawa ko at wala akong
magandang paliwanag sa nagawa ko. Please naman hayaan mo lang ako masilip siya.
Sisilip lang ako tapos aalis na rin ako kaagad, pangako." pagmamakaawa ko sa
kaniya.

Ilang saglit niya akong tinignan bago napatiim-bagang. "Bibigyan kita ng limang
minuto."

"Salamat." sumunod ako sa kaniya at saglit niyang kinausap ang mga bantay bago
binuksan ang pinto. Nang makapasok at makita ang kalunos-lunos na hitsura ni Isaiah
ay nakaramdama ko ng panlulumo. Hindi ko na napigilang mapaiyak habang nakatingin
sa kaniya. Nang makalapit ay napatutop na lang ako sa bibig.

May iba't-ibang aparato ang nakakabit sa kaniya at marami ring pasa sa iba't-ibang
parte ng katawan niya.

"Isaiah... sorry. Patawarin mo ako." unti-unti akong napaluhod sa tabi ng kama


niya. "Hindi ko ito ginusto. Hindi ito ang gusto kong mangyari."

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay, maingat na
hindi mabunggo ang nakakabit sa kaniya.

Inilapit ko ang kamay niya sa pisngi ko at tinignan siya. Pumikit ako at inalala
ang masasaya naming alaala. Ang ngiti niya, ang tawa niya, ang lahat-lahat sa
kaniya. Lahat iyon ay nasira nang dahil sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang Mommy ni Isaiah at nasa


tabi nito si Scarlet. Marahan kong ibinaba ang kamay ni Isaiah bago siya hinarap.

"Gusto ko lang hong makita si Isaiah. Hindi na rin ako magtatagal pa." sinulyapan
ko ulit ang nakahigang si Isaiah. Mahal na mahal kita. "Aalis na ho ako." dadaan na
sana ako sa harapan nila nang magsalita pa ito.

"Tinanggap mo na ang kabayaran kaya sumunod ka sa usapan. Mula ngayon ay ayaw ko


nang makikita iyang pagmumukha mo sa paligid ni Isaiah."

Tinignan ko siya at ang nakangising si Scarlet. "Makakaasa ho kayo."

Mabibigat ang mga hakbang na nilisan ko ang hospital.

Dalawang linggo matapos maoperahan si Nanay ay binigyan na kami ng permisong


makauwi. Nakahanap na ako ng malilipatan naming maliit na apartment sa Bulacan at
mayroon na rin akong bagong trabaho bilang cashier sa isang mall doon. Araw-araw ay
kinakapalan ko ang sarili kong magtanong kay Kim ng balita tungkol kay Isaiah at
hanggang ngayon daw ay hindi pa rin ito nagigising. Ang ikinalumo ko ay may
posibilidad daw na hindi na nakakakita si Isaiah dahil sa ilang bubog na pumasok sa
mga mata niya.

Ngayon ay lulan na kami ng isang bus papunta sa Bulacan. Noong una ay gusto pa
kaming pigilan ni Lena pero hindi na ako nagpapigil. Ayos na rin ito. Mailalayo ko
ang pamilya ko sa gulo ng Maynila. Mailalayo ko sila sa mga mata ng mga taong
nakakakilala sa amin roon.

Karuwagan nga sigurong maituturing ang gagawin kong ito pero wala naman akong
magagawa. Mahirap lang ako at walang kayamanan. Walang sapat na kapangyarihan para
makita si Isaiah. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam.

Isang buwan matapos ang aksidente ay ibinalita ni Kim na nagising na si Isaiah


ngunit nakumpirma ang hinala nila dahil paggising raw ni Isaiah ay wala itong
makita. Agad raw akong hinanap nito at nagwala nang malamang wala ako sa tabi niya
at kinailangan pa siyang turukan ng pampakalma.

Magdamag akong hindi nakatulog noon kakaiyak at labis na pagpipigil ang ginawa ko
para hindi lumawas kaagad ng Maynila para makita siya. Miss na miss ko na siya ay
para akong mamatay sa kada oras na lumilipas na hindi ko siya kasama. Gustong-gusto
ko na siyang makita muli, mayakap at mahagkan.

Limang buwan ang mabilis na lumipas. Kumakain ako noon dahil break namin nang may
lumapit sa aking kasamahan ko at sinabing may naghahanap daw sa akin. Itinigil ko
ang pagkain ko at pumunta sa parking lot kung saan natanaw ko ang isang matangkad
na lalaking nakatalikod.

Nagulat ako ng makita ko si John at kumabog ang dibdib ko. Muli akong napatingin sa
nakatalikod na lalaki at ayoko mang umasa ay hindi ko napigilan.

Napahinto ako sa paglalakad at nakatingin lang sa nakatayong lalaki.

"I-Isaiah?"

Chapter Twenty Two

Chapter Twenty Two

Back at it again

Andrea Samonte

"I-isaiah?"

Parang slow motion ang ginawang paglingon ng lalaki ngunit ganoo na lang ang
dismaya ko ng hindi ang inaasahan kong tao ang nakita ko ngunit kamukha ito ni
Isaiah. Isang kapatid?

"You must be Andrea." mabait ang ginawa niyang pagngiti sa akin bago lumapit at
inilahad ang kamay. "I'm Isaiah's older brother, Xavier Montgomery."

Tinanggap ko naman ang kamay niya at agad ring binitawan. "Andrea Samonte po."
Iwinagayway niya ang kamay. "Hindi mo na kailangang magpaka-pormal."

Napatingin ulit ako kay John na naghihintay lang bago muling binalingan si Xavier.
"Ano hong maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Actually.. sa akin wala pero sa kapatid ko ay meron." kinuha niya ang dalawang
kamay ko at tinignan ako ng may halong pagsusumamo. "Andrea, gusto kong sumama ka
sa akin. Gusto kong ikaw ang mag-alaga kay Isaiah at kumbinsihin mo siyang magpa-
opera ng mga mata para muli siyang makakakita." pakiusap niya.

Umiwas ako ng tingin at marahang inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Sorry
pero hindi na pwede. Tapos na kaming dalawa at wala akong magagawa para tulungan
siya." pagtanggi ko at tinalikuran na siya.

"My Mother isn't here." napatigil ako sa paglalakad. "I know you want to see him.
Alam kong binawalan ka ni Mommy na makita siya. This is your chance, Andrea."

KUMAKABOG ang dibdib ko habang nakatingin sa mansion ng mga Montgomery. Nariyan


siya sa loob at makikita ko na siya ilang sandali na lang, kumusta na kaya siya?

"Madalas siyang nasa kuwarto lang. Ngayon pa lang ay pinapaalalahanan na kita,


masusungitan ka niya o kaya ay masisigawan. Mas madalas siyang iritable dahil sa
stress and I hate seeing him like that." iginiya ako papasok sa loob ng mansyon at
pumasok na kami. Umakyat siya sa hagdan at sinundan ko naman siya. Nang makita ko
na ang pamilyar na pinto g kwarto ni Isaiah ay nakaramdam ako ng kabog sa dibdib
ko. Magkahalong pananabik at kaba ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
Tumigil si Xavier sa kwartong katabi ng kwarto ni Isaiah at binuksan ang pinto.
"This will be your room habang narito ka para mas malapit ka sa kaniya. Feel free
to settle in. Balikan kita later para ipakilala kuno sa kaniya." nginitian niya ako
at iniwan na sa loob ng kwarto.

Pilit akong ngumiti at tumayo. Ang bait ng Kuya ni Isaiah, malayong-malayo sa ugali
ng Nanay nilang matapobre. Inilibot ko ang tingin ko sa loob at nalula sa lako
nito. Hinuha ko ay isa ito sa mga guest room nila. Inilapag ko ang mga gamit ko sa
kama at naupo doon pagkuwa'y tumingin sa dingding. Hindi ako makapaniwala na abot
kamay ko na lang siya ngayon. Makikita ko siya at makakausap kahit sandali at
gagawin ko ang lahat para makakita siya ulit. Dahil ako rin naman ang may kasalanan
ng lahat.

"He can't play the piano, anymore." parang bombang sumabog ang sinabi ni Xavier
nang balikan niya ako sa kwarto matapos ang isang oras. "Sabi ng Doctor niya, wala
namang problema sa kamay niya physically pero emotionally at mentally ay meron. In
short, si Isaiah lang ang may problema, pwede pa rin siyang tumugtog basta't
malabanan lang niya ang sarili niya. Are you ready?"

Napalunok ako ng laway bago tumango. Muli siyang ngumiti bago nauna na sa paglabas,
sumunod naman ako sa kaniya at huminto kami sa tapat ng pintuan ni Isaiah.
Napakagat ako ng labi bago niya ito buksan.

Parang tumigil ang oras at para akong hindi makahinga nang makita ko siyang nakaupo
sa kama niya at may nilalarong bola. Gusto kong maiyak dahil sa laki ng ipinayat
niya. Humaba na rin ang balbas at bigote niya, malayong-malayo sa hitsura niya
noon.

Muntik na akong mapasigok mabuti na lang ay natakpan ko agad ang bibig ko. Hindi ko
na napigilang umiyak ng tahimik sa awa at galit ko sa sarili ko dahil ako ang may
kagagawan nito. Ako ang sumira sa buhay niya.
Pinilit kong ibahin ang boses ko nang kausapin ko siya at dahil na rin sa ginawang
pag-iyak ay naging natural ang pag-iiba ng boses ko. Habang sinusubuan ko siya
ngayon ay hindi ko maialis ang tingin ko sa mukha niya. Pilit kong pinipigilan ang
sarili ko para hindi ko ito haplusin.

Isaiah.. Ako ito. Oras na para ako naman ang maghabol sa'yo.

Isaiah Montgomery

I was having a wonderful dream, Andrea and I are together and we were happy.
Katulad ng dati at parang walang nagbago. Nagpi-picnic kami sa park habang nakaulo
ako sa kandungan niya at hinihimas niya ang buhok ko.

"I'm sorry, Isaiah." bulong niya bigla at isang patak ng luha ang bumagsak sa
pisngi ko.

"What? Sorry for what, Angel?" takang tanong ko at tumayo. Tumayo na rin siya at
unti-unting naglalaho. "No! Andrea, 'wag kang umalis, pakiusap." i reached out but
my hand connected with nothing.

Please if this is a dream, wake me up. It hurts too much. Wake up, Isaiah. Wake up!

I woke up with a gasp, I opened my eyes but I saw nothing but darkness. Huh? Gabi
na ba? Inikot ko ang paningin ko pero kahit saan ako tumingin ay dilim lang ang
nakikita ko. Isang panaginip pa rin ba ito?

Itinaas ko ang kamay ko pero hindi ko ito makita. Unti-unti na akong nakaramdam ng
kaba. "Mom? Angel? Anyone? Bakit ang dilim?"

Nakarinig ako ng pagsinghap bago ko naramdaman ang paghawak sa kamay ko. "Oh my
God, Isaiah. You're awake. Mommy is here, baby."

"Mom? Bakit wala akong makita?" garalgal kong tanong sa kaniya. Lumunok ako dahil
nakaramdam ako ng pagkauhaw. "W-water."

Binitawan ni Mom ang kamay ko at nakarinig ako ng paggala at sandali pa ay


naramdaman ko ang isang straw na itinatapat sa bibig ko, ibinuka ko ang labi ko at
sumipsip.

"Thanks, Mom. W-what happened?" huling tanda ko ay pauwi na ako at may iniwasan
akong matanda.

"Your car crashed, Isaiah." there's a sadness in her voice.

"The old lady? How is she?"

"'Yung masasagasaan mo dapat? She's okay. But you on the other hand..." hinawakan
niya ang mga kamay ko at pinilit kong tignan kung nasaan siya. "S-sabi ng Doctor ay
nabulag ka dahil sa mga bubog na pumasok sa mata mo." sabi niya sa pagitan ng
pagsigok.

I closed my eyes and tried to calm myself. Bulag... hindi na ako makakakita. Paano
na.. paano ko na makikita si Andrea?

"Nasaan si Andrea? Is she here? Angel?" kahit na sumisigaw lahat ng parte ng


katawan ko na muli akong mahiga ay hindi ko ito pinakinggan at pinilit na umupo
kinapa-kapa ko ang kama. "Mom, where is she? Where is she?!"

"Isaiah, please. Huwag mong pahirapan ang sarili mo ng ganito. Mommy's here. Hindi
mo siya kailangan. Sabi ng Doctor ay may tiyansa ka pang makakita kailangan lang
natin ng donor---"

"I need her! Mom, please... get her. I want to at least hear her."

I froze when she slapped me.

"Gumising ka, Isaiah! Hindi ka na niya babalikan! Sa tatlong linggong nasa hospital
ka ay hindi ka man lang niya sinilip! You wanna know where she is? She left you!
Umalis na sila ng pamilya niya na hindi nagpapaalam sa'yo!"

I shook my head in denial. "No. I don't believe you." I laughed bitterly. "Hindi
niya ako iiwan. I will beg her, beg her to come back to me." kahit na nahihirapan
ay inalis ko ang mga nakakabit sa akin at hindi nagpapigil. Pakapa-kapa ang ginawa
ko.

"Stop it before you hurt yourself! John! John!"

I tried to fight them but my body is still weak. Nakaramdam na lang ako ng tusok sa
braso ko bago ako nakaramdam ng panghihina. Muli nila akong inihiga at hinayaan
kong malaglag ang mga luha.

"Bakit mo ako iniwan? Hindi mo na ba talaga ako mahal?"

"Anak, ako ang nandito sa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan. Kalimutan mo na ang
walang pusong babaeng iyon. Hindi ka na niya mahal at wala na siyang paki sa'yo.
Ipangako mong susubukan mo na siyang kalimutan. Para sa akin at para sa sarili mo."

"Pangako, Mom."

"I SAID NO and that is final!" I said for the nth time when my Mother insisted on
having an operation. "Wala nang dahilan pa para makakita ako. Hayaan niyo na akong
maging ganito."

Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang maaksidente ako at tatlong linggo na
ang nakakaraan nang makalabas ako ng hospital. Walang araw na hindi mainit ang ulo
ko at madalas kong masigawan ang nag-aalaga sa akin. Mula rin noon ay pinipilit
nila akong lahat na magpaopera pero para saan pa? Mabuti na rin siguro ito. Wala
akong nakikita katulad ng wala na akong nararamdaman.

"Isaiah, you promised Mom you'd try, right?"

Natigilan ako at napakuyom ng kamao. "Hindi ito para sa kaniya. Ito ang desisyon ko
at ito ang pinipili ko." Lies.

Narinig ko siyang napabuntong-hininga. "Nariyan nga pala si Scarlet, gusto ka


niyang bisitahin."

"Ayoko ng bisita, Mom."


"Well, that's too bad dahil narito na ako." I heard Scarlet said bago ko narinig
ang tunog ng heels niya. Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa bandang kanan ko
pero hindi ako nag-abalang harapin siya. "Isaiah, may pag-asa ka pang makakita.
Bakit ba ayaw mong pumayag? Forget about that witch, narito naman ako." I felt her
hand on mine, pinisil niya ang kamay ko pero marahas ko itong binawi sa kaniya.

"Get out." malamig kong taboy sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit kami
naghiwalay ni Andrea. Siya ang dahilan kung bakit ako miserable ngayon. "Before I
make you."

"Sige. Aalis ako pero babalik rin ako at hindi mo na ako maitataboy pa."

Hindi na ako nag-abala pang sumagot at narinig ko na lang ang papalayo niyang lakad
bago ang pagsara ng pinto. Tumayo ako mula sa pagkakasandal sa kama at kinapa-kapa
ang daan papalapit sa piano.

Hindi man nakakakita ay kabisadong-kabisado ko pa rin ang bawat pyesa nito. I know
the keys like the back of my hand. I started playing the familiar sound of Say you
won't let go. Pero sa kalagitnaan ng pagtugtog ay nagsimulang manginig ang kanang
kamay ko kaya naman hindi ko na nailtuloy pa ang pagtugtog. Isa rin ito sa dahilan
kung bakit ayoko nang makakita pa.

Dahil hindi na ako muli pang makakatugtog ng piano.

Two months later...

Dahil may negosyo sa America at dalawang buwan ring mawawala si Mommy ay ang
nakatatandang Kuya ko ang kasalukuyang nagbabantay sa akin, si Xavier. Ang Doctor
kong kapatid.

"Hey, little bro. Ano'ng gusto mong gawin ngayon?"

"Nagbibiro ka ba, Kuya?" walang gana kong tanong sa kaniya habang iniikot-ikot ang
isang bola sa kamay ko. "Saan ka galing?"

"Oh, here and there. I went to fetch someone."

"Who?" taka kong tanong.

"Your new caretaker. Dahil nag-resign na si Marisa, hindi kinaya ang kasungitan
mo."

I snorted and shook my head. "Sinabi ko na kasing ayoko na ng tagapag-alaga. Hindi


ako baldado, bulag lang ako pero hindi ako tanga."

"Hm. Her name is Angel by the way." My heart started beating fast when I heard her
name. Pero agad ko rin itong pinalis, talaga bang nang-iinis itong Kuya kong ito at
kumuha ng tagapag-alaga na Angel ang pangalan?

"Tss. You're so childish."

Xavier chuckled and I felt a pat on my head. "I love you, little bro. Remember that
I want nothing but the best for you."

Bago pa ako nakasagot ay narinig ko na ang paglalakad niya palayo. Ano'ng problema
n'on at bigla-biglang nagiging cheesy?

I felt a presence and before she can even speak I lifted my hand. "Unang-una, ayoko
nang hinahawakan ako. Huwag mo akong aalalayan kahit pa mahulog ako sa hagdan.
Pangalawa, 'wag mong papakialaman ang mga gamit ko, kung saan ko nilagay ang isang
bagay ay doon ko rin ito kukunin. Pangatlo, ayoko ng madaldal. Maliwanag ba?"

"O-oho." sagot ng isang mahina at mahiyaing boses.

I frowned because her voice sounded a little hoarse. "May ubo ka ba?"

"O-oho." Ah, that's why.

"The more reason na hindi mo ako dapat hawahan. Bulag na nga ako magkakaubo pa
ako." nanunuya kong sabi bago tumayo. "I'm hungry pero ayokong dinadalhan ako dito
sa k'warto kaya lalabas ako para kumain sa kitchen table."

Hindi ito sumagot at napaikot na lang ako ng mata. Masiyado naman niyang sineryoso
ang sinabi kong ayoko ng madaldal. Mukhang hindi rin siya magtatagal sa tabi ko.

Gamit ang tungkod ko ay kinapa-kapa ko ang daan papunta sa kitchen. Pagpasok pa


lang sa dining area ay naamoy ko na ang mabangong aroma ng adobo. Naglakad ako
palapit sa upuan ko at inilapag ang tungkod sa katabing upuan.

"S-sandali lang at kukunin ko ang pagkain m-mo."

Naghintay ako habang nakatingin sa kawalan, minsan ay iniisip ko rin kung ito ba
talaga ang gusto ko. Ayaw ko na ba talagang makakita o dahil lang sa wala siya kaya
ayokong makakita? God, I'm so pathetic. Siguro ay masaya siya kung nasaan man siya
ngayon pero heto ako, miserable, bulag, hindi na makatugtog, sira na ang career.

I miss her. Every hour, minute and seconds na lilipas ay walang oras na hindi ko
siya naiisip. I miss her so goddamn much, lahat-lahat sa kaniya ay nangungulila
ako. Gusto ko siyang makasama, mahagkan at mayakap pero mukhang malabo na iyon
mangyari ulit.

I miss you, Angel.

"Ito na ho, Sir." naamoy ko ang mabangong amoy ng pagkain nang ilapag ito sa
harapan ko. "Uhm, s-susubuan ko ba kayo?"

"No. Let the spoon get into my mouth." I said sarcastically.

"S-sorry ho." narinig ko ang tunog ng mga kubyertos na tumatama sa pinggan. "Ahh."

I stared blankly at what I believe is her. "Miss, bulag ako hindi bata." ismid ko
sa kaniya bago ibinuka ang bibig at tinanggap ang pagkain.

Ayoko mang sinusubuan ay ito lang ang tanging hindi ko pa magawa sa ngayon. Noong
huling beses na sinubukan kong kumain mag-isa ay nagkalat ang pagkain sa lapag
dahil naitutulak ko lang pala ang mga ito at konti lang ang nakukuha ko.

Nakarinig ulit ako ng paggalaw ng kubyertos at nakaramdam ng inip. "Bakit ang bagal
mong kumilos?"

"P-pasensya na, Sir. Tinatanggal ko pa kasi ang balat at buto bago ko isubo sa
inyo." paliwanag niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. "Paano mo nalamang hindi ako kumakain ng balat ng
manok kapag may sabaw?"

"A-ah, e-eh kasi sinabi ni Sir Xavier, tama! Sinabihan na niya ako." sabi niya na
para bang ang sarili ang kinukumbinsi at hindi ako.
"And yet he didn't tell you that you should feed me?"

Hindi siya kaagad sumagot at ipinagpatuloy ang pagpapakain sa akin. My mind is


running wild, my heart is racing. No. It can't be. She can't be her.

"Wala na akong gana."

"Pero nakakailang subo ka pa lang? Isa na lang." pilit niya na ikinainit ng ulo ko.

"I said no!" naitulak ko ang kamay niya nang hindi sinasadya at napalakas iyon
dahil nakarinig ako ng pagbagsak ng baso sa sahig.

"Aray." mahinang daing niya.

Nakaramdam ako ng panic at agad na kinapa kung nasaan siya. Una kong nahawakan ang
balikat niya. "Miss, I'm sorry hindi ko sinasadya. Ayos ka lang ba?" Inalalayan ko
siyang tumayo at nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mahawakan ko ang pamilyar na
init ng mga kamay na hinahanap-hanap ko.

Para makasiguro ay hinahanap ng mga kamay ko ang mukha niya at gusto kong maiyak
nang masiguro kong siya nga ang babaeng kaharap ko ngayon. Hindi ako nagdalawang-
isip na yakapin siya ng mahigpit.

"Angel. You came. You came back."

Chapter Twenty Three

May new series ako guys at On Going ang first series called Stay To Remember. Sana
ay mabasa niyo rin siya! Maraming salamat!

Chapter Twenty Two

You and me against them all

Andrea Samonte

Napapikit ako at ninamnam ang pakiramdam na makulong muli sa mga bisig niya. Sa
ilang buwan na nagkahiwalay kami ay ilang beses ko rin itong hinanap-hanap. Ilang
buwan ba akong nangulila sa kaniya at pinangarap na muli siyang mayakap?

"Angel." bakas sa tono niya ang pananabik at ramdam ko ang pananabik niya sa akin
sa pamamagitan ng mahigpit niyang yakap. "You came. You came back."

Ilang beses kong ipinikit-pikit ang mga mata ko para hindi maiyak. Ilang beses na
ba akong umiiyak? Sawang-sawa na ako. Hindi naman ako iyakin dati pero simula ng
makilala ko siya ay naging iyakin na ako. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at
tinugon ang yakap niya. Kahit sandali lang ay maramdaman ko ulit ang mga yakap
nila. Habang wala pang hadlang.

"Bakit? Dapat ay kinamumuhian mo ako ngayon. Ako ang may kasalanan kung bakit ka
nabulag, ako ang may kasalanan kung bakit ka naaksidente. Ako ang may kagagawan
kung bakit nasira ang buhay mo kaya bakit? Bakit?!" humiwalay ako sa kaniya at
hinarap siya. "Isaiah, sinabi ko na sa'yong ginamit lang kita, hindi ba? Pera mo
lang ang habol ko! Bakit mo sinisira ang buhay mo dahil sa akin? Wala akong
kwentang babae! Kamuhian mo ako sak---"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang pabigla niya akong kabigin at siilin
ng halik. Doon ay hindi ko na napigilang maluha dahil sobrang nangulila ako sa mga
halik niya. Ipinaramdam niya sa akin ang lahat ng emosyon na nararamdaman niya sa
pamamagitan ng halik.

Galit, pangungulila, saya at pagmamahal.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay ipinagdikit niya ang mga noo namin. "I know
you like the back of my hand, Angel. I could never hate you for what you did. Kahit
patayin mo ako ngayon ay patatawarin kita ngayon. My love for you is greater than
any hate I felt. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo iyon ginawa."

Napasibi ako sa sinabi niya at tumagos sa puso ang lahat ng sinabi niya. Hinawakan
ko ang mga kamay niyang nakahawak sa mukha ko. "Kung gan'on ay magpa-opera ka para
makakita ka ulit. Lahat ng tao ay nag-aalala sa'yo. Gusto ka nilang bumalik sa
dati, Isaiah. Huwag mo silang biguin."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at binitawan ako. "My Brother's the one who
brought you here?" lumayo siya sa akin at tumawa ng pagak. "He asked you to convice
me. Hah. I should've known na hindi ka pupunta dito ng kusa." may halong
pagdaramdam na sabi niya at kinuha ang tungkod. Nagsimula na siyang maglakad
pabalik sa kwarto niya.

Sinundan ko siya at pilit na inalalayan. "Oo siya ang nagdala sa akin dito pero
gusto ko rin na makakita ka ulit, Isaiah. Gusto kong bumalik ka sa dati."

"So you can leave me again?" tumigil siya at lumingon sa pinanggalingan ng boses ko
bago muling naglakad papunta sa direksyon ng kwarto niya. "Mas mabuti pa nga
sigurong bulag ako para hindi mo iwan." saad niya bago pumasok sa kwarto niya at
ini-lock ang pinto.

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya pero hindi ako susuko. Kung siya nga
ay natagalan ako kaya ko ring magsakripisyo para sa kaniya. Hindi ako titigil
hangga't hindi siya pumapayag na magpa-opera. Hindi ako aalis hangga't hindi siya
bumabalik sa dati.

Ann, 'wag mong kakalimutan na kaya ka pumayag na sumama kay Xavier para mapapayag
na magpa-opera si Isaiah. Hindi na bumalik dito para makipagbalikan sa kaniya dahil
hangga't nasa lupa ka at kasing-taas siya ng langit ay hindi kayo pupuwede. Paalala
ko sa sarili ko.

Sa bawat paglipas ng araw ay nariyang susungitan niya ako o hindi kaya naman ay
hindi ako papansinin pero hindi ko siya tinitigilan sa pangungulit kagaya ng
ginagawa niya noon. Hindi ako nagpapaapekto sa pagsusungit niya dahil alam ko
namang nagtatampo lang siya.

Ngayon ay kasalukuyan ko siyang inaalalayan papunta sa hardin dahil gusto raw


niyang lumanghap ng sariwang hangin. Maya-maya ay naramdaman ko ang braso niya na
pumupulupot sa balikat ko. "Para hindi ako madapa o mapatid." pagpapaliwanag niya.
"Pft. Hokage moves ka lang kamo." pabulong kong sabi na ikinaismid niya.

"Tss."

Tumigil siya sa isang mahabang bench at naupo. Naupo naman ako sa tabi niya at
napatingin sa kalangitan. "Ang ganda ng langit, Isaiah. Kung sana ay nakakakita ka
lang. Makikita mo ang kagandahan ng paligid." pagpaparinig ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at tumingin sa ibang direksyon. Napairap na lang ako at
tinignan ang paligid ng hardin. May iba't-ibang klase ng bulaklak sa paligid na
halata mong alaga talaga.

Napaawang ang bibig ko nang bigla siyang humiga sa kandungan ko. Pero agad ring
nakabawi at hinimas ang mahaba na niyang buhok kasama ng bigote at balbas niya.
"Mukha ka ng taong gubat. Wala ka bang balak magpagupit o mag-ahit?" biro ko sa
kaniya.

Tumaas ang isang kilay niya bago humalukipkip. "Miss, sumosobra ka na sa opinyon
mo. Know your place." masungit niyang sabi na nanatiling nakapikit.

Ako naman ang nagtaas ng kilay sa inasal niya. "Eh bakit ka nakahiga sa kandungan
ko?"

"Whatever."

Maya-maya pa ay unti-unting lumalim ang paghinga niya tanda na nakatulog na siya.


Sumilay ang isang ngiti sa labi ko at pinasadahan ng darili ko ang mga kilay niya,
mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi. "Na-miss kita." pabulong kong sabi
at pinagsawa ang mga mata sa pagtitig sa mukha niya.

Hindi pa rin matatawaran ang kagwapuhan niya kahit pa nabawasan siya ng timbang at
nagkaroon ng bigote at balbas.

Isaiah, hindi ako titigil hangga't hindi ka muling nakakakita. Tandaan mo iyan.

Minsan kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan namin pero pinapahaba ko ang


pasensya ko at pilit siyang iniintindi.

Gabi na noon at naabutan ko siyang nakaupo sa harapan ng piano at nakatitig sa


kawalan. Sumandal ako sa pader at pinagmasdan lang siya. Maya-maya ay itinaas niya
ang kamay at nagsimulang tumugtog.

From the way you smile to the way you look


You capture me unlike no other
From the first hello, yeah, that's all it took
And suddenly we had each other

Parang may humaplos sa puso ko ng magsimula siyang kumanta. Ito ang isa sa mga
bagay na na-miss ko; ang marinig ang pagtugtog niya at ang malamyos niyang tinig.

And I won't leave you


Always be true
One plus one, two for life
Over and over again

Nakita ko kung paano siyang tumigil at unti-unting nanginig ang kanan niyang kamay.
Napapukpok siya sa piano at nagsimulang magsisigaw. Agad akong lumapit sa kaniya at
niyakap siya.
"I'm worthless, now. I can't even do what I used to do." umiiyak niyang sabi sa
akin.

"Ssh. Nandito lang ako, Isaiah. Handa akong maging mga kamay at mata mo hanggang sa
kaya mo na." nagawa ko siyang patahanin at naupo ako sa tabi niya. "Tutugtog ka at
ipapatong ko ang mga kamay ko sa kamay mo. Sasabayan kita at ako ang magsisilbing
lakas mo." inilagay ko ang mga kamay niya sa piano at ipinatong ko naman ang mga
kamay ko.

Nagsimula siyang tumugtog ulit at sinusubukan ko siyang sabayan. Sa pagkakataong


ito ay ako naman ang kumanta.

So, don't ever think I need more


I've got the one to live for
No one else will do, and I'm telling you
Just put your heart in my hands
Promise it won't get broken
We'll never forget this moment
Yeah, we'll stay brand-new 'cause I'll love you
Over and over again
Over and over again

Nang tumigil siya at maramdaman kong unti-unting nanginginig ang kanang kamay niya
at akmang tatanggalin na niya ang kamay sa piano ay ako naman ang naggiya sa mga
darili niya sa pagtugtog.

"Nasa isip mo lang ang lahat, Isaiah. Ang kilala kong Isaiah noon ay makakalimutan
ang sakit na nararamdaman at pipiliting magbago para sa kapakanan ng iba." bulong
ko sa kaniya at nagpatuloy kami sa pagtugtog.

Ganiyan nga, Isaiah. Malapit na.

Tumingin ako sa iniabot niya sa akin at sa mukha niya. Pabalik-balik.

"Gusto mong ako ang mag-ahit sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Yes. Dahil kapag ako ang gumawa ay baka masugatan ko pa ang sarili ko."

"P-pero hindi ako marunong at baka masu---"

"I trust you."

Natigilan ako at hinigpitan ang hawak sa shaving cream at razor. "S-sige."

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakaharao sa kaniya habang nakaupo siya sa


lababo.

"First, put some cream on your hand and spread it on ny face." turo niya na ginawa
ko naman. Inilagay ko ang cream sa parte ng baba niyang mabalbas. "Good. Next,
shave it carefully. Isipin mo na lang ay armpit mo ang inaahit mo."

Hindi ko maiwasang mapatawa at napalo siya sa braso. "Para mo na ring sinabing


mukha kang kili-kili." nagpatuloy ako sa pagtawa pero natigilan nang makitang
seryosong-seryoso ang mukha niya. "Sorry."

"Halimbawa lang iyon."

"Okay." kinuha ko na ang razor sabay bulong. "Sungit."


"May sinasabi ka?"

"Wala." pagtanggi ko bago huminga ng malalim at itinapat ang razor sa kanang panga
niya. "'Wag kang gagalaw." sinimulan ko na ang marahang pag-aahit sa mukha niya,
tripleng pag-iingat ang ginagawa ko para hindi ko siya masugatan. Nang matapos ay
napangiti ako. "Iyan tapos na!"

"Sunod mo naman ang bigote ko."

Napalunok ako bago inulit ang ginawa ko sa balbas niya. Nakatikom ang bibig niya
para hindi ko masugatan ang mga labi niya. Nang matapos ay pinunasan ko ang mukha
niya at sumilay ang isang ngiti.

"Ayan. Pogi ka na ulit."

Gumalaw ang kanang labi niya tanda na muntik na siyang mapangiti. "Uy ngingiti na
'yan." tukso ko sa kaniya.

"Shut up and let me do this." bago ko pa matanong kung ano ang ibig sabihin niya ay
hinitak na niya ako gamit ang mga binti niya at iniyakap ang mga ito sa akin bago
niya hinawakan ang mukha ko at bahagya pa itong itinaas at ilang sandali pa ay
magkalapat na ang aming mga labi.

Mapusok, mapanabik, labis na nakakadarang ang ginagawa niyang paghalik sa akin na


hindi ko naman tinutulan. Nabitawan ko ang hawak kong cream at razor at iniyakap
ang mga kamay ko sa leeg niya.

Kinagabihan ay hindi mawala-wala ang pamumula ng pisngi ko at maging ang mga ngiti
sa labi ko dahil sa nangyari kanina. Oo na, kinikilig na ako kung kinikilig pero
sino bang hindi?

Mabuti na lang at hindi niya ako nakikita.

"O, bakit ang pula ng mukha mo at bakit para kang baliw na ngumingiti riyan?"
pansin ng isang boses na nagsalita at napapikit ako bigla sa hiya. Narinig ko ang
mahinanh pagtawa ni Isaiah na kasalukuyang kumakain ng prutas.

Sinamaan ko siya ng tingin bago ilang na ngumiti kay Xavier. "W-wala naman."

Naningkit ang mga mata niya at nagpalitan ang tingin niya sa aming dalawa. Inilagay
niya ang mga kamay sa baba at ngumuso. "Hm, base sa pamumula mo at sa pagngisi ng
ugok kong kapatid.." itinaas baba niya ang mga kilay bago ngumisi. "Gumawa kayo ng
baby 'no?"

Nabulunan bigla si Isaiah. Buti nga sa'yo. Ako naman ay lalong pinamulahan ng
pisngi at mabilis na tumanggi. "Mali ang iniisip mo."

Tumaas ang kilay niya bago siya nagkibit-balikat. "Oh well, I came to tell you guys
that I'll be leaving later. May seminar ako sa Makati at hindi pwedeng hindi ako
um-attend."

"Ingat ka na lang kung ganoon."

"Salamat." Kumindat siya sa akin. "Go on, feel free to do anything you... want."
tukso niya bago tatawa-tawang umalis.

Alas-diyes ng gabi ay hindi ko magawang matulog sa dami ng iniisip ko. Inaalala ko


rin si Nanay at Rayane kahit pa pinabantayan ko sila sa kapitbahay namin. Hindi na
ako maaaring magtagal pa dito dahil may pamilya akong kailangang balikan.

Sa sobrang lalim ng iniisip ay muntik pa akong mapatalon nang biglang may mga
brasong yumakap sa akin mula sa likuran nang makitang si Isaiah lang ito ay agad
rin akong nakampante.

"Bakit naman nanggugulat ka?"

"Sorry. Hindi kasi ako makatulog at naisipan kitang puntahan dito. Hindi kita
nakapa sa kama at naramdaman ko ang hanging nanggagaling sa veranda kaya alam kong
narito ka."

"Bakit hindi ka makatulog?" takang tanong ko sa kaniya bago isinandal ang likod ko
sa dibdib niya. Inihiga ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

"Iniisip kasi kita." masuyong sabi niya bago kinintalan ng halik ang balikat ko.
"Bukas, gusto kong bumalik tayo sa Ice skating rink. I will wait for you like
always. Kapag dumating ka, ibig sabihin ay hindi mo na ako iiwan at magpapaopera
ako. Kapag hindi ka dumating... pipilitin na kitang kalimutan." malungkot ang
pagkakasabi niya sa huli.

Napakagat ako sa labi dahil sa sinabi niya. Pinapapili na niya ako, siya o ang
pamilya ko, umalis o harapin ang mga darating pang pagsubok. Ano'ng pipiliin ko?

Napasinghap ako ng simulan niyang halik-halikan ang balikat ko papuntang leeg ko.

"I love you, Angel. Only you. It's always been you." mahina akong napaungol nang
maramdaman ko ang kahandaan niya sa likuran ko. "Please. I need you."

Bumitaw ako sa kaniya at hinarap siya. Ako na mismo ang sumiil ng halik sa mga labi
niya. Wala na kaming inaksayang oras at agad na bumagsak sa naghihintay na kama.

Nang gabi ring iyon ay tuluyan naming ipinaramdam ang pagmamahal sa isa't-isa. Nang
gabing iyon ay buong puso kong isinuko ang sarili ko sa kaniya. Nang gabing iyon ay
naging isa ang aming mga katawan.

Paggising kinabukasan ay nakaramdam ako ng sakit sa buong katawan ko tanda ng


nangyari kagabi pero wala akong pagsisising naramdaman bagkus ay labis na saya ang
nararamdaman ko.

Hindi ko nakita si Isaiah sa tabi ko bagkus ay isang papel na kinapapatungan ng


kwintas na ibinigay niya noon sa akin.

I'll be waiting, Angel. P.s thank you. You were amazing and I can't wait to do it
again and again. I love you with all my heart.

Napangiti ako at hinalikan ang papel. Mahal na mahal rin kita, Isaiah.

Tumayo ako kahit pa may hapdi akong nararamdaman at nagbihis. Isinuot ko ang
kwintas at lumabas na. Nakapag-desisyon na ako, hindi ko isusuko si Isaiah. Sabay
naming lalabanan ang Nanay niya hanggang sa kami ang manalo. Hindi na ako tatakbo
at hindi ko na siya iiwan.

Ngunit ang ngiting iyon ay agad na napalis ng makasalubong ko ang Mommy ni Isaiah.
Agad akong nakaramdam ng kaba ngunit pinilit kong lakasan ang loob ko. Sa tabi niya
ay nakatayo si Scarlet na nginisihan ako. Sa likod rin nila ay may ilang
kalalakihang nakakatakot ang hitsura.

"At saan mo balak pumunta?" tanong ni Mrs. Montgomery.


"Wala na ho kayo roon." matigas kong sabi sa kaniya bago siya nilagpasan. Napa-aray
ako nang maramdaman kong hinila niya ako sa buhok at pabiglang itinulak dahilan
para mapasalampak ako.

"Well, I'm sorry to tell you, Andrea that fairy tales in real life don't exist.
Gumising ka na kasi sa katotohanan na hinding-hindi kayo magkakatuluyan ng anak ko
because Scarlet is the only woman for him. Ipapakasal ko silang dalawa at wala kang
magagawa."

"Hindi ako papayag! Ako ang mahal ni Isaiah at simula ngayon ay hindi ko na siya
iiwan pa." buong lakas loob na sagot ko sa Nanay ni Isaiah. Nakaramdam ako ng sakit
sa kanang pisngi ko at napahawak roon. Sinamaan ko ng tingin si Scarlet at tumayo
para sampalin rin siya. Akala niya ay hindi ko siya papatulan! "Ikaw na haliparot
ka, hinding-hindi ka papatulan ni Isaiah dahil mukha kang isda! Maganda lang ang
kaliskis mo pero bulok ang kalooban mo!"

Maya-maya pa ay pinagtulungan ako ng mga lalaking ilayo kay Scarlet at muling


itinulak sa sahig. Hinihingal na tinignan ko ang dalawang babae sa harapan ko.

"You have to realize that in this world, if you have no power, para kang isang kuto
na madaling matitiris. Langit si Isaiah at isa ka lang dumi sa putik. Kailanman ay
hindi ka magiging karapat-dapat sa anak ko!"

Lumapit sa akin si Scarlet at biglang hinitak ang kwintas ko. "I'm sorry but this
is mine." bumaling ito sa mga lalaki. "Ano pang hinihintay niyo? Itapon niyo na ang
basurang ito kung saan siya nararapat!"

Pinilit kong lumaban para makawala pero ano bang laban ko sa limang malalaking
lalaki. Wala akong nagawa ng isakay nila ako sa van kasama ang bruhang si Scarlet.
Nilagyan nila ako ng tali at tinakpan ng tape ang bibig ko. Wala akong magawa kung
hindi magsisigaw pero walang nakakarinig. Maya-maya pa ay binuhat nila ako at
inilagay sa ginta ng mga truck ng basura.

Marahas na hinawakan ni Scarlet ang baba ko. "Dito ka nabibilang, Andrea. Huwag
kang mag-alala dahil ako na ang bahala kay Isaiah. Sisiguruhin ko na makakalimutan
ka niya. Bye and enjoy!" tumatawa-tawa siyang umalis kasama ng mga alipores niya at
umandar na ito.

Wala akong ibang magawa kung hindi umiyak at tumingin-tingin sa paligid para
humingi ng saklolo pero dahil mataas ang truck ay walang nakakakita at nakakarinig
sa akin.

Kailangan kong bumalik. Naghihintay si Isaiah.

Isaiah.

Chapter Twenty Four

Chapter
Twenty Four
Everything
Has Changed

Andrea Samonte

Three years later...

Ibinaba ko ang ang isang paa ko mula sa kotseng sinasakyan at tuluyan ng lumabas
habang inaalalayan ng driver. Ngumiti ako at nagpasalamat kay Mang Berting na
siyang pinagkakatiwalaan kong driver.
Tinanggal ko ang suot kong salamin at inilagay sa hawak na bag bago naglakad
papasok sa loob ng Mall na minsan kong pinagsilbihan noon pero ngayon ay pag-aari
ko na.
Sinalubong ako ng General Manager na si Mauricio. "Good morning, Madam. How are
you?" bungad niya sabay abot ng sales report sa nakaraang tatlong buwan na nawala
ako.
"Ayos naman. Hm, naging maayos ba ang lahat habang wala ako?" kaswal kong tanong sa
kaniya at ibinalik ang report sa kaniya matapos itong pasadahan ng tingin. Dahil
isa siya sa pinagkakatiwalaan ni Mrs. Robrinso ay kailangan ko rin siyang
pagkatiwalaan.
"Yes, Madam! Wala namang naging kaguluhan, everything is fine."
Tumango-tango ako kasabay ng isang tipid na ngiti. "Good."
"Good morning, Madam!" sabay-sabay na bati ng mga nakahilerang empleyado ng Mall.
"Good morning." ganting bati ko sa kanila at naglakad na papuntang elevator at
pumasok. Pinindot ko ang top floor kung saan naroon ang office ko. Pagdating doon
ay binati ako ng secretary ko at tango lang ang tanging sinagot ko bago tuluyang
pumasok sa opisina. Inilapag ko ang hawak kong bag at pabuntong-hiningang tumingin
sa labas. Ang branch na ito sa Bulacan ang isa lang sa mga branches ng Robrinso
Mall pero narito ang puso ko dahil dito ako nagsilbi noon. Isa lang ito sa mga
negosyong ipinamana sa akin ng isang napakabuting tao na sa kasamaang palad ay
lumisan na.
Ang taong naging dahilan ng pagbabago ko ngayon, ang taong pinagkakautangan ko ng
kung anumang karangyaang tinatamasa ko ngayon na ni sa hinagap ay hindi ko inisip
na makakamit ko balang-araw. Siya ang taong itinuring kong pangalawang Ina, siya
ang pumulot sa akin sa basurahang kinasadlakan ko noon.

Three years ago...


Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng truck ng basurang pinaglagyan nila sa
akin, hindi ko rin alam kung ilang oras o araw na kaming nasa daan. Mahapdi na ang
mga kamay kong nakatali, manhid na ang bibig kong natatakpan ng tape at kumukulo na
rin ang tiyan ko sa gutom. Sinubukan ko noong tumayo para sumilip sa labas ngunit
wala talaga akong matanaw.
Sa wakas matapos ang napakahabang paghihintay ay huminto ang truck. Isiniksik ko
ang sarili ko sa basurang nasa likuran ko para subukang protektahan ang sarili sa
sinumang taong magbubukas ng harang. Maya-maya pa ay ibinaba na ito at sumalubong
sa akin ang mukha ng isa sa mga alipores ni Scarlet. Nginisihan niya ako at umakyat
sa truck.
"'Wag kang mag-alala, ang bilin sa akin ay saktan lang kita kapag nagtangka kang
tumakas kaya magpakabait ka ha? Tara na at papasok na tayo sa bago mong bahay."
isang nakakalokong ngiti ang binigay niya na ikinakilabot ko. Hinintay ko siyang
makalapit sa akin at nang malapit na siya ay ginamit ko ang lahat ng lakas ko at
inumpog ang ulo ko sa ilong niya. Nakaramdam ako ng sakit sa ulo ko pero hindi na
ito ininda at sinamantala ang pagkakataong nahihilo ito bago mabilis na tumakbo.
Kahit na nanghihina sa gutom ay pinilit ko ang mga paa kong tumakbo para makalayo.
"Hindi mo ako matatakasan!" sigaw nito sa likuran ko dahilan para lalo kong bilisan
ang takbo. Nakaramdam ako ng pag-asa ng matanaw ko ang daan at muling nilingon ang
lalaki para makitang malapit na siya sa akin. Dahil hindi nakatingin sa daan ay
hindi ko namalayan na nasa gitna na ako ng daan. Hindi ko na nagawa pang iwasan ang
sasakyan sa harapan ko, nakaramdam ako ng sakit sa katawan bago natumba at tuluyang
nawalan ng ulirat.
Nang magising ako ay isang puting kisame ang nakita ko, ipinikit-pikit ko ang mga
mata ko dahil sa pagkasilaw sa ilaw at unti-unting inilibot ang paningin para lang
makitang nasa hospital pala ako. Huh? Bakit ako narito? Ang huling tanda ko ay
tinatakasan ko ang lalaking nakakatakot ang mukha at nasilaw ako sa ilaw ng kotse
tapos.. ano nangyari pagkatapos?
"Oh, gising ka na pala, hija." napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang
matandang babae na may mabait na ngiti sa mga labi. "Tatlong araw kang walang malay
matapos kang muntik na mabangga ng driver ko, mabuti na lamang at nakapag-preno
siya kaagad kaya lamang ay natamaan ka pa rin. Kumusta ang pakiramdam mo?"
Tatlong araw? Paano ang pamilya ko baka nag-aalala na iyon! Si Isaiah, kailangan ko
siyang puntahan!
Nagpilit akong tumayo pero pinigilan niya ako "Miss, mahina ka pa at hindi ka pa
puwedeng tumayo."
"Hindi ho puwede! May kailangan akong balikan sa Maynila! Pakiusap ho, hayaan niyo
na akong makaalis, nag-aalala na ang pamilya ko at may isang taong naghihintay sa
akin."
Tumingin siya sa akin na puno ng lungkot sa mga mata. "Hija, nasa Nueva Ecija
tayo."
Sa narinig ay nanlumo ako, apat na oras rin mahigit ang biyahe bago ako makarating
ng Maynila o Bulacan. Kasalanan ito lahat ng Scarlet na iyon at ng Mommy ni Isaiah.
Wala silang mga puso.
"P-puwede ho ba akong makitawag?"
Ngumiti siya at pinisil ang kamay ko. "Oo naman." may kinuha siya sa bag niya at
iniabot sa akin ang cell phone niya. Kinuha ko ito gamit ang nanginginig kong mga
kamay ay dinial ang number ni Nanay. Itinapat ko ito sa tenga ko at naghintay.
"Hello?"
"I-Inay?" napasigok ako dahil na rin sa tuwa at saya na ayos lang sila.
"Andrea? Oh, anak napatawag ka? Kumusta riyan at kumusta naman ang lagay ni
Isaiah?"
Sa isang banda ay nagpapasalamat ako na hindi niya alam ang nagyari sa akin dahil
baka makasama pa sa kaniya ang labis na pag-aalala kaya naman napag-desisyunan kong
huwag sabihin sa kaniya ang totoo.
"Ayos naman ako, Inay. Kayo ho ni Rayane?"
"Okay naman kami, anak. Ito, matakaw at makulit pa rin ang kapatid mo. Ayos naman
ang pakiramdam ko."
"Hindi ho ba kayo nagpapakapagod?" naluluhang tanong ko.
"Hindi. Huwag kang mag-alala, anak. Hindi ko pababayaan ang sarili ko para sa
inyong mga anak ko. Gusto pa kitang makitang maglakad sa altar."
Sa tinuran ni Inay ay napakagat labi ako para pigilan ang sariling mapaiyak lalo.
Nakaramdam ako ng hawak sa kamay ko at isang ngiti ang isinukli ko sa mabait na
babaeng sumagip sa akin.
"Uuwi na ho ako, Inay."
"Bakit? May naging problema ba?"
"Sa bahay ko na lang ho sasabihin ang lahat. Mahal na mahal ko ho kayo."
"Mahal na mahal rin naman kita, Anak. Maghihintay kami ng kapatid mo at mag-iingat
ka."
"Oho, Inay." pinatay ko na ang tawag at ibinalik sa kaniya ang cell phone. "Salamat
ho..."
"Ms obrinso, iyan na lang ang itawag mo sa akin."
"Maraming salamat ho sa lahat hindi ko ho alam kung paano ko kayo mababayaran sa
kabutihang ginawa ninyo sa akin. Hindi niyo po alam ngunit sinagip niyo po ang
buhay ko at labis-labis po ang pasasalamat ko."
Tinapik-tapik niya ang kamay ko. "Huwag mo nang alalahanin iyon..?"
"Andrea po."
"Andrea. Walang kapalit ang ginawa kong pagtulong sa'yo. Bukal ito sa kalooban ko
because you know what? You remind me of the old me. Sa pamilya lang umiikot ang
mundo. Now, why don't you tell me what happened to you? Bakit ka hinahabol ng
lalaking iyon at bakit ka nakatali? If you don't mind me asking." naupo ito sa
upuan bago hinintay ang sagot ko.
"Mayroon po kasi akong nobyo pero malaki ang agwat ng antas namin sa buhay. Tutol
ang Ina niya sa pagmamahalan naming dalawa at ginawa nito ang lahat para lang
mapaghiwalay kami. Nang pupuntahan ko na sana ang lalaking mahal ko ay pinigilan
niya ako kasama ng mga tauhan niya at ng babaeng gusto siyang agawin sa akin."
Tumango-tango siya at maya-maya ay mahinang napatawa. "Hindi pala nalalayo ang
kuwento natin. Ako naman ay ginamit lamang ng aking asawa at tinangkang kunin lahat
ng mana ko pero mabuti na lamang at maaga ko siyang nabuking. Ang Ina rin niya noon
ay tutol sa amin at pinaghiwalay kami. Pero in my case, sana pinakinggan ko siya."
biro niya na ikinatawa ko na rin.
"I'm actually on my way back to Manila nang mabunggo ka namin, I'm sorry for that
anyway. Kapag maayos ka na ay isasabay na kita."
"Maraming salamat ho at ako nga ho ang dapat na humingi ng pasensya dahil ako ang
hindi tumitingin sa dinaraanan." nahihiyang sagot ko.
"It's nothing, Dear. I'm actually glad na nasa tamang oras kami para sagipin ka."
Sa ikalimang araw ko sa hospital ay pinayagan na akong makalabas ng Doctor pero
hindi pa ako makalakad ng maayos at walang tulong ng saklay. Bilang patunay sa
kaniyang sinabi ay sinabay nga ako ni Mrs. Robrinso sa pagbalik sa Maynila. Habang
nasa daan ay nakapag-usap pa kami at nalaman kong wala pala siyang anak at ang mga
kamag-anak naman niya ay nasa ibang bansa lahat. Nakaramdam ako ng lungkot para sa
kaniya dahil halos ka-edad na siya ni Inay, pero wala siyang katuwang sa buhay.
Napakalungkot siguro ng buhay niya dahil mag-isa lamang siya.
Matapos ang limang oras ay nakarating kami sa Maynila. Gusto pa sana niya akong
ihatid sa bahay na pupuntahan ko pero tumanggi na ako dahil ayoko nang makaabala
pa. Binigyan niya ako ng isang kaheta na itinabi ko naman. At kahit anong tanggi ko
ay pinilit niyang tanggapin ko ang limang libo para raw pangkain at pamasahe ko.
Halos maiyak ako sa kabaitan niya kaya naman tinanggap ko na ito.
Dahil ayokong makita ako ni Mrs. Montgomery at ni Scarlet kung sakali mang nasa
bahay sila ay sa kumpanya ako dumiretso. Pagdating doon ay pinapasok naman ako ng
guard at dumiretso ako sa opisina ni Isaiah at umasang naroon ito pero nanlumo ako
ng wala ito roon. Bumukas ang pinto at pumasok si Kim, nanlaki ang mga mata niya ng
makita niya ako at agad na isinara ang pintuan.
"Saan ka ba nanggaling, Ann?" napasinghap siya ng makita ang kalagayan ko. "Ano'ng
nangyari sa'yo?"
"Nagkaroon kasi ng aksidente pero ayos naman ako. Kim, si Isaiah? Hindi ba siya
pupunta dito? Baka puwede mo naman siyang papuntahin dito oh? Sinubukan ko siyang
tawagan pero hindi naman sumasagot." hinging pakiusap ko sa kaniya.
Lumarawan ang lungkot sa mukha niya. "Ann, hindi mo pa ba nabalitaan?"
"Nabalitaan? Ang alin?" taka kong tanong.
"Ann... ikakasal na siya kay Scarlet. Mamaya na ang engagement nila."
Muntik na akong matumba sa narinig mabuti na lang ay nakahawak ako sa mesa. Umiling
ako at pinilit na ngumiti. "Baka nagkakamali ka lang? Hinihintay niya ako, Kim. May
usapan kaming dalawa at alam kong hindi niya ako basta-basta iiwan."
Tinignan lang niya ako ng may awa sa mga mata. Maya-maya ay nakarinig kami ng
usapan sa labas, nag-panic si Kim at agad akong hinila patago sa naroong closet.
Sinenyasan niya akong tumahimik at naghintay kami. Ilang saglit lang ay kumabog ang
dibdib ko ng marinig ko ang boses ni Isaiah at John na nag-uusap.
"Sigurado ka na ba talaga sa plano mo, Zay?" rinig kong tanong ni John.
"Yes. There's no turning back now." matigas ang ginawang pagsagot ni Isaiah. Walang
mababakas na emosyon sa tinig niya.
"Pero paano si.. Andrea?"
Sabay kaming napatalon ni Kim nang makarinig kami ng isang malakas na hampas.
"Don't even mention her name! She lied to me! She betrayed me and made me believe
that she still loves me. Pinaghintay niya ako na parang isang tanga sa Ice Skating
Rink at ni anino niya ay hindi dumating tapos malalaman ko na itinapon niya sa
basurahan ang kwintas na ibinigay ko sa kaniya at iniwan na naman niya ako. She
left me for the third time like a freaking fool and I'll be damned if I will let
her hurt me again. Sawa na akong maghintay at umasa. Susundin ko na lang ang gusto
ni Mommy."
"Paano kung bumalik siya?"
Parang nakalimutan kong huminga sa paghihintay ng sagot niya. Gusto kong lumabas at
ipagsigawan sa kaniya na hindi totoo ang lahat ng sinabi niya pero ang labis na
poot sa boses niya ang pumigil sa akin. Ang sumunod niyang sinabi ay halos dumurog
sa puso ko at sa buong pagkatao ko at alam ko... huli na ako.
"Nakapili na siya at hindi ako iyon. Wala na siyang babalikan pa dahil simula
ngayon ay kakalimutan ko na siya.

Napadilat ako mula sa alaala ng nakaraan. Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala
ako kung hindi ko pa naramdamang basa ang pisngi ko. Agad ko itong pinunasan bago
pa may makakita sa aking empleyado. Umalis ako sa harap ng salamin at naupo sa
upuan ko. Anumang tinatamasa ko ngayon ay dahil sa tulong ni Mrs. Robrinso ngunit
pinatunayan ko naman sa kaniya noon na karapatdapat ako.
Nang marinig ko ang mga katagang iyon galing kay Isaiah ay agad na akong umalis sa
tulong ni Kim na hindi nakikita ng sinuman. Umuwi ako ng Bulacan at agad na niyakap
ang pamilya ko. Nagtanong si Nanay sa nangyari sa akin ngunit itinago ko ang
katotohanan. Iniwasan ko rin ang anumang katanungan tungkol kay Isaiah. Ikakasal na
siya at pinili niyang paniwalaan ang ibang tao kaysa sa akin kaya naman hindi ko na
ipipilit pa ang sarili ko. Itutuon ko na lang muna ang atensyon ko sa pamilya ko.
Nalaman kong si Ms. Robrinso pala ang nagmamay-ari ng pinapasukan kong Mall noon at
doon kami muling nagkita. Mula noon ay naging magkaibigan kami, inalok niya ako ng
mas mataas na posisyon pero tinanggihan ko ito. Sa paglipas ng panahon ay unti-unti
siyang nanghina at sa huli ay na-diagnose siya na may brain aneurysm at anumang
oras ay maaari nang pumanaw. Sabi ng Doctor ay mabuti nga raw na nalaman ito dahil
sa ibang cases ay bigla na lamang namamatay ang isang tao. Hindi ako umalis noon sa
tabi niya habang nasa hospital siya, gusto kong nasa tabi niya ako hanggang sa
huling sandali ng buhay niya. Ni isang kamag-anak niya na nasa ibang bansa ay
walang nag-abalang dumalaw, pero ang dati niyang asawa ay dumalaw sa kaniya at
nanggulo. Pinipilit nitong ilipat sa pangalan niya ang mga ari-arian ni Ms.
Robrinso pero ako na ang humarap. Ipinadampot ko ito sa mga pulis at ikinulong.
Isang araw bago pumanaw si Ms. Robrinso ay sinabi niya sa akin na iniwan niya ang
lahat ng pera niya sa mga bahay ampunan, bahay para sa mga matatanda, sa mga
hospital at nagulat naman ako ng sabihin niyang sa akin niya iniwan ang pamamahala
ng lahat ng branches ng Robrinso Mall. Gusto ko sana itong tanggihan pero nakiusap
siya at hindi na ako tumutol pa para hindi sumama ang pakiramdam niya.
Isa siya sa mga pinakamabait na taong nakilala ko at kahit hindi niya ako kadugo ay
nagawa niya akong tulungan. Ipinangako ko sa kaniya na hinding-hindi ko pababayaan
ang negosyo niya at bagkus ay gagawin ko ang lahat para lumago ito. Nag-aral ako ng
business management sa America ng dalawang taon at nang makatapos ay hinawakan ko
na ang negosyo. At ngayon nga ay isang buwan ko na itong pinamamahalaan.
Siya? Pinilit ko ang sarili kong huwag alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa kaniya
upang makalimot. At sa loob ng tatlong taon ay napaniwala ko naman ang sarili kong
nakalimutan ko na siya... o akala ko lang. Dahil habang pinagmamasdan ko ang
diyaryo kung saan ay nakalagay sa headline ang pangalan niya ay isang kirot ang
naramdaman ko sa puso ko, isang patunay na ang pusong nasugatan ay hindi kagaad
makakalimot kahit pa anong pilit mo.
Kasal na kaya sila ni Scarlet? Nakalimutan na kaya niya talaga ako? Kumusta na kaya
siya?
Bumukas ang pinto at bumungad ang isang mukhang dahilan ng lahat ng ginagawa ko
ngayon at ang inspirasyon ko. Ang lalaking mahal na mahal ko higit pa sa buhay ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo at ibinuka ang mga braso. Isang matamis na ngiti aang
sumilay sa mukha niya na sinuklian ko rin.
"Mama!"
Chapter Twenty Five

Chapter Twenty Five

A mini replica

Isaiah Montgomery

Do you know how it feels like to be alive but it's like you're dead too? That is
what I've been feeling for the last three years.

Para akong robot na naka-program, gagalaw kapag inutusan, magsasalita kapag


kailangan at higit sa lahat.. walang damdamin. Bakit nga ba naging ganito ang buhay
ko?

Let's sum it up, naghintay akong parang tanga para sa kaniya noon pero hindi niya
ako sinipot, I've waited for five hours. Five freaking hours pero ni anino niya ay
hindi nagpakita! Tapos pag-uwi ako ay may kaunti pa ring pag-asa sa akin na baka
naroon pa siya at hinihintay ako. Ano ang dinatnan ko? The necklace I gave her
inside the trash can. Para bang itinapon na rin niya ang puso ko sa ginawa niyang
iyon. Kaya naman noong araw ring iyon ay nakapili na siya kaya naman pinangako ko
sa sarili kong susubukan ko na siyang kalimutan.

But like a fool, she still owns my goddamn heart until now. Siya pa rin ang
itinitibok at isinisigaw nito and I hate it.

Idagdag mo pa ang conspiracy ni Mommy at ni Scarlet na pakasalan ko ang huli, sa


huli ay pumayag na lamang ako na ituloy ito. Yet again, on the day if our wedding
after a year of being engaged, I hoped that she'll show up and stop the wedding,
pero walang Andrea na dumating kaya naman natuloy ang kasal and I never regretted
anything like I did. Hindi ako makapaniwala na ang tinatawag kong Angel ay isa
palang Demonyita all along. Sa dalawang taon naming pagsasama ay nakita ko ang
tunay niyang ugali, nariyang lagi siyang nakasigaw sa mga kasambahay, may magawa
lang na hindi niya gusto ay patatalsikin niya. She's also a nagger and it hurts my
ear everytime kaya naman mas madalas ako sa condo kaysa sa bahay.
As for my eyes... I had a secret surgery and I hid it from my Mother and Scarlet.
Ayokong malaman ng ninuman na muli na akong nakakakita. Si Kuya Xavier lang ang
nakakaalam na nakakakita na ako. Kapag kaharap ko sila ay nagpapanggap pa rin akong
bulag.

Career? Idineklara ko ang pagpapahinga ko. Siguro panahon na rin para tuluyan akong
mag-quit sa magulo at maingay na mundo ng industriya. Masiyadong maraming nangyari
at nagbago dahil doon. Mahal ko ang musika pero minsan sa sobrang pagmamahal mo sa
isang bagay ay nakakalimutan natin na may iba bang bagay na mahalaga sa atin ang
kailangan ng atensyon.

I was currently cleaning my room when my Mom barged in. I rolled my eyes and
pretended to feel my way back to my bed.

"Isaiah, what's this all about? Pumunta sa akin si Scarler at nagsumbong na


hanggang ngayon ay hindi mo pa rin siya magawang tabihan sa pagtulog, paano ako
magkakaapo niyan sa inyo? Alam mo naman na gustong-gusto ko nang magka-apo,
Isaiah." she ranted.

Palihim akong ngumisi, oo nga at dalawang taon na kaming kasal ngunit kahit isang
beses ay hindi ko pa siya ginalaw at iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit
madalas siyang wala sa mood. Oh, she tried, many times to seduce me pero hindi
umubra. Walang umubra sa mga plano niya para makipagsiping sa akin.

"Mom, I did what you asked, I married her for your sake but a child with her? I'm
sorry but I will save this world from another possible Scarlet." I cringed just
thinking about having a child with her is making my stomach churn.

I saw her threw her hands up in the air frustratedly. "Why can't you just do what I
tell you to? Talaga bang isa ka nang suwail na anak ha, Isaiah?!"

Umangat ang dulo ko sa ulo ko dahil sa sinabi niya at itinapon ang anumang
nahawakan ko which is a lamp. Napasigaw siya ng mabasag ito.

"I did everything you asked, Mother! Lahat ng gusto mo ay ginawa ko at ibinigay ko
but look where am I now! Tignan niyo kung anong buhay ang mayroon ako!" I shouted
in anger. All my pent up emotions are showing. "Mukha ba akong masaya? Mukha ba
akong kuntento?! No! Mom, I'm miserable. For the past three years, I've been a
living dead pero napansin mo ba? Ang tanging gusto mo lang masunod ay ang
kagustuhan mo! Oo anak mo ako, oo Ina kita pero lahat ng bagay ay may limitasyon.
I'm sorry, Mother. But I'm tired of being your puppet, I will do what I want now.
Now if you're done, please see yourself outside." tinalikuran ko siya at hindi
pinansin ang sakit na nakita sa mukha niya. I'm tired of being her puppet. Minsan
parang hindi na niya ako anak, eh. Now I understand why my older brothers rarely
ever goes home.

"I did it for you, Isaiah. Mommy just wants the best for you." I heard her say in a
low voice.

I laughed bitterly. "Look at what you did to me and tell me if you've done a good
job."

Kahit na mabigat ang dibdib ay nagawa ko pa ring magkunwaring bulag. Pumasok ako sa
loob ng banyo para takasan siya. Tumingin ako sa harap ng salamin para makitang
namumula ang mga mata ko. Binuksan ko ang gripo at pinagsiklop ang mga palad at
itinapat sa gripo. I splashed my face with water to calm myself.

I closed my eyes and a face popped inside my head. A face I will never forget no
matter how hard I try to.
Angel...

Kumusta na kaya siya? Sila Nanay at Rayane? I smiled bitterly. Siguro may bago na
siya. I chuckled to myself. As long as she's happy and as long as he's treating her
right. Parang may sumasakal sa puso ko sa isiping may bago na siya at may ibang
lalaki ang nagpapasaya sa kaniya. May ibang humahaplos, humahalik at... bago ko pa
masuntok ang salamin ay pinigilan ko na ang sarili kong isipin ang mga bagay ba
iyon dahil sarili ko lang ang pinapahirapan ko.

Kung tutuusin ay kayang-kaya ko siyang ipahanap at alamin lahat ng nangyayari sa


kaniya pero hindi ko ginawa. Ayokong pahirapan ang sarili ko at ang totoo niyan ay
natatakot rin akong malaman na mayroon na ngang ibang lalaki sa buhay niya.

Lumabas na ako at nakahinga ng maluwag na hindi ko na nakita si Mommy. I plopped


myself down on my bed. Nahagip ng paningin ko ang lampara at napailing. Nadagdagan
pa ang liligpitin ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang hilahin ng antok.

I woke up with a small moan, my body is hot and I can feel small kissed down my
neck to my exposed chest. Small hands are caressing my body.

"Angel?" dahil hindi pa tuluyang gising ay malabo pa ang mukha ng humahalik sa akin
pero malinaw kong nakita ang kwintas niya.

"Oo. Ako nga ito, Isaiah." tugon nito at pinagpatuloy ang ginagawa.

Unti-unti nang nalulukob ng init ang buong katawan ko at alam kong malapit ko nang
isuko ang sarili ko sa kamunduhang nararamdamab pero pinilit kong nag-isip ng
matino. Unang-una, hindi ganito ka-agresibo si Andrea. Pangalawa, itinapon niya ang
kwintas kaya there's no way na suot niya ito. Pangatlo, wala siyang access sa loob
ng bagong condo ko. At isa lang ang ibig sabihin noon.

Bago pa maibaba niya maibaba ng tuluyan ang huling saplot ko sa katawan ay nagawa
ko na siyang itulak dahilan para mahulog siya sa kama.

"The hell, Isaiah?!" gigil na sigaw ni Scarlet at tumayo sa pagkakasadlak. I saw


the way she looks but it did nothing to excite me. Oo nga't maganda siya, sexy,
pero bulok naman ang ugali niya. Malayong-malayo sa totong anghel na kilala ko.
"Why did you push me?!"

Iniwas ko ang tingin ko para hindi niya mapansin ang masamang tingin ko sa kaniya.
I feel dirty at gusto kong maligo para mawala ang amoy at laway niya sa katawan ko.

"What are you doing here? Paano kang nakapasok?" I sighed and massaged my temple.

"I'm your wife, dapat bang may dahilan para puntahan ko ang asawa ko?" few seconds
later and I felt her hands on my shoulder and her breath tickling my skin, making
me shudder and not in a good way. "Come on, baby. Alam kong gusto mo rin ito, stop
fighting yourself. Make love to me, Isaiah." she said in a seductive tone.

Humarap ako sa kaniya at kunwari'y kinapa ang mukha niya pababa sa leeg niya.
Nakita ko ang tagumpay sa ngiti niya bago ito napalis nang tanggalin ko ang kwintas
sa kaniya.

"This isn't yours." I clenched my hand around the necklace and made my way to the
bathroom. "You know where the door is." I said before I closed the door.

Narinig ko ang pagsigaw niya bago ang malakas na pagsara ng pinto. Kahit baligtarin
ang mundo ay hinding-hindi ko mamahalin ang babaeng iyon. Hell no. It's bad enough
that she's carrying my name.

Itinaas ko ang kamay kong nakahawak sa kwintas at tinitigan ito. The only person
I'll let to wear my Grandmother's necklase is Andrea and Andrea alone. Pero dahil
ayaw niya dito at sa akin ay mas mabuti pa sigurong itago ko na lang ito ulit.
Pumasok ako sa loob ng shower stall at hinayaang tangayin ng tubig ang bakas ni
Scarlet sa katawan ko. Who knows who that woman slept with before she went here.
Yes, I am aware that my so called wife's been sleeping around but do I care? No.
Not in the slightest. I couldn't care less kung anuman ang gawin niya pero ang
dungisan ang pangalan ko ay hindi ko mapapalagpas. One of these days ay maghahain
ako ng divorce at may sapat akong ebidensya para roon. Magalit na si Mommy pero
hindi ko na kaya pang pakisamahan ang babaeng iyon.

"I WILL BUY that mall. The Robrinso Malls nationwide. I think it's about time na
mapasaatin na iyon ngayong wala na ang totoong may-ari. Base sa narinig ko ay isang
hindi kilalang tao ang pinagbigyan niya nito. Hah. The nerve of that woman, matapos
kong makipag-negotiate sa kaniya? Five of her stock holders are even on our side
pero wala rin silang nagawa."

"And what do you want me to do?" matabang na tanong ko kay Mommy.

Ito na ang pinagkakaabalahan ko ngayon, ang maging CEO ng kumpanya namin, ang
Montgomery Corp na business partner ng Montgomery enterprises na pinamamahalaan
naman ng pinsan kong si Devon.

"You're the CEO now that your Father retired. Nakipag-set ako ng meeting at 2 in
the afternoon. Gusto kong kausapin natin pareho ang bagong may-ari at kumbinsihin
siyang ibenta sa atin ang ownership."

"Mom, their business isn't even on the verge of dying, bakit ba gigil na gigil kang
bilhin iyon?"

"I have my reasons."

I groaned and tap the pen I'm holding. "Whatever."

Time passed and at exactly ten minutes before 2 pm ay nakarating na kami sa


Robrinso Mall. When I looked up, I felt a strange feeling inside me pero hindi ko
malaman kung bakit. Para bang may mangyayaring hindi ko inaasahan.

I swallowed and used my cane habang si Mommy ay nakahawak sa braso ko. Sinalubong
kami ng General Manager at sinabing naghihintay na raw ang may-ari sa taas. Habang
lulan ng elevator ay nakaramdam ako ng pagpapawis sa kamay ko na siyang ikinataka
ko. Just what the hell is happening?

Iginiya kami ng GM sa mahabang pasilyo at sa dulo ay makikita ang isang nakasarang


pintuan. Kumatok muna siya.

"Madam, the visitors are here."

"Send them in." a melody like voice said and I swear I stopped breathing. I'd
recognize that voice anywhere. Please don't let that be her.

The GM opened the door and I believe the heaven didn't hear me because the face I
thought I'd never see again is now in front of me, ang mga matang inakala kong
hindi ko na ulit matititigan ay lumalaban ng tingin ngayon sa akin. Nakaramdam ako
ng pananabik despite of what she's done to me. Napakaganda pa rin niya at mas lalo
pa siyang gumanda. She stood up from her sit and she approached us.

I was snapped out of my thoughts when my Mother let go of my arm. Nang sulyapan ko
siya ng palihim ay nakita ko ang pagtataka at gulat sa mukha niya habang nakatingin
kay Andrea.

Her mouth opened and closed like fish. "This can't be. What? How?" hindi
makapaniwalang tanong ni Mommy.

My eyes went back to Andrea and I remind myself that I'm 'blind'. Kaya naman
tumingin ako sa kawalan at pinanindigan ang pagiging bulag kahit pa ang gusto ko
lang gawin ay titigan siya. I stared at nothing with a straight face.

"Well, what a small world indeed. Please have a seat, Mr. and Mrs. Montgomery.
Please serve them a tea, the most expensive on for our special guests. Thank you."
she gave us a small smile before pointing at a large couch and sitting in the
middle.

I let my Mom led me to the couch and I sat beside her. Nakita ko sa gilid ng mata
ko na pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko. Siguro ay naaawa siya sa kalagayan ko.

"Is this some kind of a joke?" asik ni Mommy ng makabawi sa gulat. "How come you're
the CEO of Robrinso Mall?"

"Well, Mrs. Montgomery, sabihin na lang natin na bilog talaga ang mundo. Kung
kahapon ay nasa ilalim ka, ngayon ay nasa ibabaw ka na."

My Angel changed so much. That much is obvious. Para na talaga siyang lumaki sa
isang mayamang pera kung magsalita, marunong na rin siyang sumagot hindi katulad
dati. She's not the Andrea I loved before.

"Don't act so highly now, hindi porke't nagkaroon ka na ng accent ay mataas na ang
tingin mo sa sarili mo. I'm sorry to burst your bubble but you're still the woman
who accepted my money for her Mother. Isang hampaslupa na gagawin ang lahat para sa
pera at kahit na nagdamit ka na ng maganda ay hindi na iyon mababago pa."

"Mom, please." saway ko kay Mommy. Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo niya
kay Andrea kahit pa wala na kami.

"Oh, it's fine, Mr. Montgomery. Your Mother is just proving me that not everyone
who has the power and money is educated enough. It looks like I'm more educated at
nanggaling ako sa putik. What a shame, really. Hindi talaga matatakpan ng anumang
mamahaling kagamitan ang totoong ugali ng isang tao."

"You--"

"Mom!" putol ko kay Mommy at tumingin sa direksyon ni Andrea at nag-ingat na hindi


magtama ang mga mata namin. "Let's get down to business."

"Ah, yes. Ano ba ang sadya ninyo sa isang hampaslupang kagaya ko?"

I gritted my teeth at the sarcasm in her voice.

"We want to buy the whole share and own the Robrinso Malls." direktang sabi ni
Mommy.

Andrea hummed. "Last time I checked, hindi ko naman ito ibinebenta at lalong hindi
pa ito palugi. I'm sorry but you're wasting your time. If that's what you came for,
feel free to leave." She said with in with finality in her voice before I saw her
stood up.

My eyes followed the way her hips move and my eyes trailed down to every curve of
her body. Before she can caught me ay inalis ko na ang tingin ko sa kaniya.

"Bakit? Dahil ba bitter ka pa sa nangyari sa inyo ni Isaiah dati?"

I heard Andrea laughed making me clench my fist at the insult. "Please, don't make
me laugh. Matagal na iyong tapos. I do not mix business with pleasure but
unfortunately, you don't know the meaning of that hm, Mrs. Montgomery? Please say
hi to your husband, Mrs. Robrinso asked me to before she died."

I frowned and glanced at my Mother to see her face paled. What is the meaning of
that?

"Let's go, Isaiah." mahinang sabi ni Mommy pagkuwan. Muli niya akong inakay sa
braso at bago tuluyang lumabas ay nakita muli akong lumingon kay Andrea. She held
my gaze and I saw the sadness in them before she quickly looked away.

Nang makababa sa ground floor ay nagpaalam muna si Mommy na pupunta ng comfort room
kaya naman nauna na akong naglakad palabas. Dahil nga bulag-bulagan at dahil na rin
sa malalim na iniisip ay hindi ko na namalayan pang may bumunggo sa akin. Nang
tignan ko ito ay isang nakayukong bata pala.

I crouched down in front of him and held his shoulders. "I'm sorry. Are you okay,
little one?"

He looked up and I swear my whole body froze at lahat ng buhok ko sa katawan ay


tumayo.

It's like looking at myself. I'm looking at an exact replica of me.

Preview:

"Ibabalik kita sa basurahang pinanggalingan mo at kung saan ka nararapat!"

Bago pa niya ako maitulak ay inunahan ko na siya. Sa harap ng mga tao ay itinulak
ko siya at pagkatapos ay kinuha ang basurang dapat ay itatapon ko na. Lumapit ako
sa kaniya at ibinuhos ang mga laman nito sa ulo niya.

"Ano, Scarlet? How's a taste of your own medicine? Masarap ba?"

Chapter Twenty Six


Chapter Twenty Six

The New Man in her life?

Isaiah Montgomery

I blinked back my tears and bit my lip to stop myself from weeping like a fool as I
stared at him.

I swallowed the lump in my throat at hinimas ang kulot niyang buhok. "How old are
you, little guy?"

Gusto kong makasiguro kahit pa may hinala na ako.

"Two!" he giggled and held up his two fingers.

Hindi ko na napigilan ang isang luhang pumatak mula sa mata ko at niyakap na siya.

"Oh, God." Totoo ba 'to? Baka naman nananaginip lang ako? May anak na ako? Kami?
Nagbunga ang nangyari sa amin noon?

Gusto kong humagulgol ng iyak, gusto kong harapin si Andrea at mag-demand ng sagot
mula sa kaniya. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit itinago niya sa aking may
anak kami?

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at muling tinignan ang mukha niya. He got
my eyes, his nose is like her Mom's and his lips are exactly like mine. Hindi
maitatangging akin siya at hindi rin maitatanggi ang lukso ng dugong nararamdaman
ko. No DNA needed.

"Isaac!" I heard Andrea's voice behind me and I immediately let go of my son kahit
pa gusto ko pa siyang hawakan at yakapin.

"Mama!" The little boy waved at me and ran past me.

Hindi ako lumingon dahil baka makita niya ang emosyon sa mga mata ko at siguradong
mabubuko na niya na nakakakita na ako. Sa ngayon rin ay hindi ko muna siya ko-
komprontahin.

Mabibigat man ang mga paa ay naglakad na ako palabas ng mall dala ang puso kong
nangungulila sa kanila. I can't face them right now, at least not while I'm still
married to another woman. Kailangan ko munang i-settle ang lahat at pagkatapos ay
tiyaka ko haharapin si Andrea. God knows if she's single or.. married. I waved that
thought from my mind at sumakay na sa kotse.

Isaac. I smiled a little. I can only hope that she got that name for me. Shit... I
have a son. I have my own child!

Hindi ko maiwasang matawa at mabuti na lang ay nasa loob na ako ng kotse. Ngayon pa
lang tuluyang nagsink-in sa akin ang totoo. Mayroon na akong tagapagmana. I can't
wait na malaman ito ng mga pinsan ko.

"What's got you so happy? 'Wag mong sabihing 'yung babaeng 'yun, nako, Isaiah.
You're a married man now."

Itinikom ko ang bibig ko at piniling huwag sumagot imbes ay binalingan ko ang


driver. "Please drop my Mom off the bulding first, may pupuntahan pa akong iba."

"Saan naman iyon?"

"Para malaman ang katotohanan." tanging isinagot ko kay Mommy bago tumingin sa
labas.

"Hey, Dad." bati ko kay Daddy na nagsisibak ng kahoy. Sa edad na fifty seven ay
malakas pa rin siya.

"Oh, Isaiah son. Mabuti naman at naisipan mo akong dalawin. Kumusta?" tinigilan
niya ang ginagawa at nagpunas ng pawis. Kung titignan mo si Dad ngayon sa suot
niyang sira-sirang pantalon at lumang sando ay hindi mo aakalaing isa siyang
milyonaryo. My Dad's always been humble. Hindi siya naging mayabang at laging
nakaapak ang mga paa sa lupa. He frowned when he take a good look on me.
"Nakakakita ka na?"

"Well, yes. Pero hindi alam ito ng iba." naupo ako sa upuang naroon at sumunod
naman siya. "Dad, I came to ask you something."

Tinapos niya ang pag-inom ng tubig bago sumagot. "Wait a second." Nag-inat siya at
nakarinig ako ng mga tunog ng buto. "Hay iba talaga kapag tumatanda na. Okay, go
ahead, son."

"About Mom..." nang mabanggit ko si Mom ay umasim ang mukha ni Dad. "And Ms.
Robrinso." I added.

Nakita ko kung paano siyang natigilan at tumingin sa akin. "What about them?" He
sighed and wiped his hands.

"Kanina kasi my uhm, my ex mentioned that Ms. Robrinso said hi to you before she
passed away and Mom got paled. I can't ask my ex and I'm sure hindi rin ako
sasagutin ni Mom kaya sa'yo ako lumapit. I want answers, Dad. Para kasi akong nasa
dilim."

He took a deep breath. "Your Mom and I, produkto lang din kami ng arranged
marriage." panimula niya. "Bago kami ikasal, I was in love with Leila Robrinso and
your Mom is in a relationship with Romeo, Leila's ex husband. Ang gulo, 'di ba?" he
chuckled bitterly.

"May.. Naging kayo ba ni Ms. Robrinso?"

Umiling siya at muling tumayo at namulsa. "Nah. It was a one-sided love. Leila
loved her husband."

"Ano'ng nangyari kay Mom at kay Romeo?"

"Ang Mom mo kasi noon, tutol ang mga magulang niya sa relasyon nila ni Romeo dahil
mahirap lang ito kaya pinaghiwalay sila and then, we got married."

"Kaya pala. Kaya pala ganoon na lang ang pagtutol niya sa relasyon namin ni Andrea
at kaya pala gustong-gusto niyang bilhin ang pag-aari ng masirang Leila Robrinso."

"Your Mom has always been petty. Nagtatanim ng galit at poot, when she found out
that I was in love with Leila, she ordered Romeo to make Leila fall in love with
him at sirain ang buhay ng huli. Wala akong nagawa kasi pinili kong maging sunod-
sunuran sa mga lolo at lola ninyo." inilagay niya ang kamay sa braso ko. "At 'wag
mo na ulit ulitin iyon, son. Do what will make you happy. Follow your heart."
"Do you still love her, Leila I mean?"

He looked away and smiled. "She was my first love and I guess first love never dies
but in my case,I chose to let her go."

"Paano si Mom? Kaya ba umalis ka ng bahay?"

"Noong una kasi akala ko magbabago ang ugali ng Mommy mo. Pero habang tumagal ay
parang mas lalong lumala kaya pinili ko na lang umalis sa sarili kong bagay at
manatili dito sa maliit na bahay na ito."

"Thanks, Dad. I will not make the same mistake you did."

"SO, WHAT'S THE OCCASION?" bored na tanong ni Godric habang magkakaharap kaming
magpi-pinsan. I invited the twins and him for a dinner sa restaurant ni Devlin.
When they all see that I'm I can see now ay abot-abot na panunumbat ang inabot ko
na itinago ko sa kanila anh katotohanan. Napag-desisyonan ko na kasing tumigil sa
pagpapanggap.

Kinuha ko sa wallet ko ang picture ng anak ko na pinakuha ko sa isang photographer.


Kunwari ay kumukuha ito ng random shots sa loob ng mall pero palihim niyang
kinuhanan si Isaac habang naglalaro. Inilapag ko ito sa gitna ng mesa at sabay-
sabay silang tumingin doon.

"Your baby picture? Really? What is this, throwback thursday?" Devon said
sarcastically and rolled his blue eyes at me.

"Take a good look, dimwit and you'll see the difference."

Devlin took a closer look and frowned. "Ang nakalagay na date ay kahapon? So what--
Damn, don't tell me?" lumarawan ang gulat sa mukha niya.

"You reprinted it?" Godric said and we groaned.

"Yes. Tama ang iniisip niyo."

"No way."

"Whew."

"About time."

They all grinned at me and congratulated me. Kinuha ni Godric ang picture at
pinakatitigan. "Wow, it's like a carbon copy."

"You're just jealous dahil wala ka pang anak." kinuha ko sa kamay niya ang picture
at ibinalik sa wallet ko.

He snorted a laugh. "Malapit na 'wag kang mainip."

"How about the Mother? And your bitch of a wife?" Devlin asked. Kahit kailan talaga
ay walang filter itong lalaking ito.

"Well, pinapagawa ko na ang divorcement paper as for Andrea, I'll take care of that
after I'm a free man."

"You should hurry then." Devon said while looking at something behind me. I
followed his line of sight and the sight that greeted me made my blood boil.
May kasama si Andrea na isang lalaki at mukhang masayang-masaya sila sa pinag-
uusapan nila. It made me wonder though, tumawa ba siya ng ganiyan habang kami pa?

Ibinalik ko ang tingin ko sa mesa at sa pagkaing kinakain ko.

"Maybe he's a friend."

"... with benefits."

"A friend."

"A fubu."

Napabuntong-hininga na lang ako sa pagtatalo ng kambal. "You're not helping guys."

"The bastard stood up." I turned my head and saw that the guy is in fact leaving.
Nakita ko siyang pumasok sa restroom.

"I can beat him up for you, Zay. Snatch your little girlfriend and have you way wih
her." Godric suggested.

"Like what you did to Elizabeth?" Devon retorted.

"Oh, shut up, Mr-I will catch a bullet." balik naman ni Godric kay Devon.

Tumayo na ako at iniwan silang nagtatalo. Para akong may kasamang mga bata. Dumaan
ako sa parteng hindi ako mapapansin ni Andrea. Pagpasok sa loob ay naabutan kong
umiihi ang lalaki. Tumayo ako sa katabing urinal at umihi na rin.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang sumulyap sa akin. Hindi ko siya binigyang


pansin at tinapos na ang ginagawa pagkatapos ay naghugas ng kamay.

I heard a phone ring as I wash my hands. The bastard answered it before washing his
hands. "Yes, baby?"

Napatigil ako sa paghuhugas ng kamay sa narinig.

"Miss me that much? Yes. Pagkatapos dito ay uuwi na ako. Oo naman, paniwalang-
paniwala siya na may gusto ako sa kaniya. Ang dali niyang bolahin. Consider it a
job well done, I will fuck her first."

Hindi na ako nakapagpigil pa at inundayan ng malakas na sapak sa mukha ang lalaki.


Hindi niya nagawang umiwas.

"The hell? Anong problema mong gago ka?!"

Hinawakan ko siya ng mahigpit sa kuwelyo at tiyaka itinayo at marahas na inihampas


sa pader. "Ikaw ang gago. I'm warning you now you fucker. Stay away from her or I
will kill you."

Tumawa ito sa kabila ng sakit. "At sino ka naman para sundin ko?"

Isang malakas na suntok ang iginawad ko sa tiyan niya dahilan para mamilipit siya.
"Your worst nightmare." I spat at him and before I can kill him ay lumabas na ako
sa restroom. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalapit sa nakatalikod
na si Andrea. Hinablot ko siya sa braso, kinuha ang bag niya at hinila na siya
palabas ng restaurant. I saw my cousins cheering at me but I'm too angry ti
respond.
"Isaiah? Nakakakita ka na? Bitawan mo nga ako! Bakit ba hinihila mo ako, saan mo
ako dadalhin? May kasama pa ako!"

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya at patuloy lang siyang hinila at isinakay
sa kotse ko. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at ibinigay sa driver ko. "Take a
taxi." pagkatapos ay sumakay na. Pinaandar ko na ito bago pa makababa si Andrea.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at halos madurog na ang mga ngipin ko


dahil sa labis na galit na nararamdaman ng mga oras na iyon.

Andrea Samonte

Ang bilis ng mga pangyayari, hinihintay ko lang si Erol na bumalik mula sa banyo
nang may biglang humila sa akin. Labis akong nagulat nang makitang si Isaiah ito.
Kahit na anong sabihin ko at pagpigil ko ay nagawa pa rin niya akong isakay sa
kotse.

Kitang-kita ko ang mga kamay niyang namumuti habang hawak-hawak ang manibela. Nang
tignan ko ang mukha niya ay bakas rin ang galit doon na ikinataka ko. Bakit ba
nagagalit siya ng ganito?

Noong una naming pagkikita matapos ang tatlong taon aaminin kong lumundag ang puso
ko nang makita ko ang mukha niya. May humaplos sa puso ko ng magtama ang mga mata
namin pero nakaramdam rin ako ng lungkot dahil inakala kong bulag pa rin siya at
gusto ko na namang sisihin ang sarili ko dahil kung hindi ko siya iniwan ay sana
nakapagpa-opera siya.

Hindi rin maipaliwanag na kaba ang naramdaman ko nang makita ko siyang kaharap ang
anak namin. Si Isaac Drei Samonte. Apelyido ko ang ibinigay ko sa anak ko dahil
lahat naman ng karapatan ay nasa akin. Ako ang naghirap, ako ang nagpalaki sa
kaniya. Pero sa isang banda ay alam kong mali rin na itinago ko kay Isaiah ang
katotohanang may anak kami. Pero para saan pa bang sabihin ko gayung may asawa na
siya? Baka nga may anak na sila.

Nakuha ko ang pangalan ng anak namin sa pinaghalong pangalan naming dalawa para
kahit papaano ay wala naman siyang maisumbat. Alam ko rin naman kasing magkikita at
magkikita silang dalawa.

Kailan pa kaya siya nakakakita? Noong magkabunggo kaya sila ni Isaac ay nakita na
niya ang anak niya? Pero bakit nagpanggap siyang hindi ito nakilala?

Dahil imposibleng hindi niya maisip na anak niya si Isaac. Para silang pinagbiyak
na bunga at isa ito sa dahilan kung bakit hindi naging madali sa akin ang makamove-
on dahil sa tuwing titignan ko ang anak ko ay mukha niya ang nakikita ko. Mula sa
ngiti, biloy, mga mata at labi.

"Saan mo ba ako dadalhin?" basag ko sa katahimikan. "Isaiah, wala tayong dapat pag-
usapan kaya ibaba mo ako."

"Marami tayong dapat na pag-usapan, Andrea." malamig niyang sabi.

"Isaiah, matagal nang tapos ang lahat sa atin kaya ano pang---"

"Bakit itinago mo sa akin ang katotohanang may anak tayo?"

Natahimik ako at hindi kaagad nakasagot.


"Akala mo ba ay hindi ko malalaman na nagbunga ang nangyari sa atin? How can you be
so selfish, Andrea? He's my son too! My own flesh and blood damn it!" pabigla
niyang itinabi ang sasakyan pero mabuti ay nakahawak ako.

"Nababaliw ka na ba?!" inis kong sigaw sa kanya.

"Oo!" ganting sigaw niya na ikinatahimik ko. "Oo, nababaliw na nga siguro ako dahil
nakita lang kita ay para na akong masisiraan ng bait."

Umiwas ako ng tingin at hinigpitan ang pagkakahawak sa bag. "May asawa ka na,
Isaiah."

Rinig ko ang malalim niyang paghinga. "Why did you leave me, Andrea? I waited for
you. Pinagmukha mo akong tanga!"

"Hindi mo alam ang totoong nangyari kaya 'wag mo akong husgahan." kalmado kong sabi
sa kaniya.

"Then tell me! Bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam? Did you know how miserable I
was? You were my everything but I was just nothing to you!"

Hindi ko na napigilang mapaluha dahil sa sinabi niya. "Huli na ang lahat para sa
explanation."

Iniharap niya ako sa kaniya at nakita ko ang mga mata niyang namumula na rin. "Tell
me it really wasn't your intention. Tell me the truth, Angel and I will believe
you. Ikaw lang ang paniniwalaan ko."

I closed my eyes when I heard him say the endearment I used to hear before.

Tinitigan ko siya sa mga mata kahit pa nanlalabo ang mga ito. "Ask your Mother,
Isaiah. Ask her what she and your wife did to me." inalis ko ang pagkakahawak niya
sa braso ko at bumaba ng sasakyan. Saktong may dumaang taxi at agad akong sumakay
roon. Habang lulan ng taxi ay hindi ko napigilang lumuha.

Akala ko ay matigas na ang puso ko, akala ko ay magagawa ko siyang harapin ng hindi
umiiyak pero mali ako. Maling-mali dahil ang sakit-sakit. Mahal na mahal ko pa rin
si Isaiah at hindi iyon nagbago.

MALUNGKOT man ay pinilit kong bumalik sa mall dahil may ilang papeles pa akong
pipirmahan. Pagpasok ay sinalubong ako ng ngiti ng ilang empleyado at tango lang
ang tanging isinagot ko.

Biglang humarang sa daraanan ko si Scarlet na hindi pa rin nagbago ang hitsura. Oo


nga't maganda pero alam na alam ko na ang nasa likod ng kagandahan niya.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa nang may pang-iinsulto pagkatapos ay
tinaasan ako ng kilay.

"So, totoo nga ang balita. May himala nga pala, 'no?"

"Wala siguro dahil wala ka pa ring pinagbago." nakangiting sagot ko sa kaniya.

Bahagyang nawala ang ngiti niya sa labi pero hindi niya ito pinahalata. "Well,
dear. Balutin ka man ng ginto, hindi pa rin maitatangging isa ka pa ring malansang
isda." pang-iinsulto niya.

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko at natawa pa sa sinabi niya.


"May nakakatawa ba?" inis niyang tanong sabay pamaywang.

"I'm sorry, 'Dear'. Dahil ang tanging amoy na naaamoy ko lang ay ang bulok mong
ugali."

She flipped her hair. "Siguro nga ay sinuwerte kang yumaman pero kahit kailan ay
hindi ka magiging classy na kagaya ko. I'm born with class."

By now ay may ilang mamimili na ang natawag ng pansin ng sagutan naming dalawa.

"Oh, Dear. If you're the definition of class then I don't ever want to be one.
Because last time I checked, a classy woman will not do this." I gestured around us
to make a point.

The people around us laughed and some even said a chorus of 'burn'.

Scarlet shouted in anger. Lumabas na ang totoo niyang kulay.

"Ibabalik kita sa basurahang pinanggalingan mo at kung saan ka nararapat!"

Bago pa niya ako maitulak ay inunahan ko na siya. Sa harap ng mga tao ay itinulak
ko siya at pagkatapos ay kinuha ang basurang dapat ay itatapon na ng janitor.
Kinuha ko sa kaniya ang plastic bag na puno ng basura. Lumapit ako kay Scarlet at
ibinuhos ang mga laman nito sa ulo niya.

Napasinghap siya at ang mga tao sa paligid.

"Ano, Scarlet? How's a taste of your own medicine? Masarap ba?"

Umiiyak siyang tumayo at lumayo lahat ng tayo ay nakasunod ng tingin sa kaniya at


pinagtatawanan siya.

Good riddance.

Sorry for the late UD!

Tomorrow ay haharapin ni Isaiah ang Mommy niya para malaman ang totoong nangyari.
Are you guys excitedddd?

Chapter Twenty Seven

Chapter Twenty Seven

Sugar, Spice & Everything Nice

Isaiah Montgomery
"Mom!" I shouted as soon as I step on the mansion, not pretending to be blind
anymore. "Where are you?!" Umakyat ako sa hagdan habang hinahanap siya.

"Isaiah? What is it at bakit ka ba sumisigaw?" lumabas siya mula sa kwarto nila


dati ni Daddy at tumigil sa harapan ko.

"Mom I want to know the truth. Gusto kong magsabi kayo ng totoo sa akin walang
halong pagsisinungaling." I said looking at her straight in the eyes.

She gasped and held my face in her hands. "Nakakakita ka na, anak? Oh my, kailan
pa?" niyakap niya ako pero hindi ko ito sinuklian.

Nang maramdaman niyang hindi ko siya niyakap ay taka siyang humiwalay at ibinaba
ang mga kamay. "Ano ba ang gusto mong malaman?" pagkuwa'y tanong niya.

"What did you do to her?"

Her eyes went cold at the question. "Ano na namang kasinungalingan ang sinabi sa'yo
ng babaeng iyon at bakit ba kasi kinakausap mo pa siya gayung kasal ka na?"

"Siya nga ba ang nagsisinungaling o kayo?"

Natigilan siya at napaawang ang bibig. "Don't tell me mas paniniwalaan mo ang
babaeng iyon kaysa sa akin?" gulat niyang tanong.

"You're pushing me to, Mom. Kaya nga sa'yo ko gustong marinig ang katotohanan." I
held her hand in mine. "Mom, I love you. You're my Mother and I respect you so
please, tell me the truth. Ano'ng ginawa niyo sa kaniya?"

Hindi nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya nang tanggalin ang kamay na hawak ko at
tinalikuran ako. "Wala akong dapat na sabihin dahil wala akong ginagawang masama.
Hindi ako nagsinungaling sa'yo, Isaiah. Whatever I did is for your own good."

"Then explain to me kung bakit sa inyo nakapangalan ang operasyon ng Nanay niya."

Napatigil siya sa paglalakad pero hindi lumingon.

"I checked the date and time you payed for her and it just doesn't add up, Mom.
No'ng sinabi mong nanghingi siya sa'yo ay magkasama kami so there's no way na
nanghingi siya sa inyo. Please, Mom. Tell me the truth!" hindi ko na naiwasan pang
mapasigaw dahil sa nararamdaman.

"I paid her!" She bursted. "Okay? Binayaran ko siya para layuan ka niya dahil tutol
ako sa relasyon ninyo. Hindi ko siya gusto para sa'yo." She admitted.

Natigilan ako at parang may isang kamaong sumuntok sa tiyan ko. I felt so betrayed.
I trusted my Mom, naniwala akong hindi na siya tutol at nagbago siya pero mali pala
ang akala ko.

"Why?" nanghihinang tanong ko. "Can't you just be happy for me?"

"Gaya ng sabi ko, nagawa ko lang iyon dahil mahal kita."

"Bullshit!" I bursted in anger. "You did it for yourself because she reminds you of
your failed romance with that bastard! Gusto mo akong maging miserable kagaya ng
pagiging miserable mo!"

Dumapo ang kamay niya sa mukha ko pero hindi ko ito ininda. Napatiim-bagang na lang
ako.

"How dare you say that to me! I'm still your Mother, Isaiah!"

"It's true though, right?" umiwas siya ng tingin at bahagyang nabawasan ang galit
ko ng makita ko ang pag-iyak niya. "Ano pa ang itinatago niyo sa akin, Mom? No'ng
araw na hindi ako sinipot ni Andrea, kagagawan niyo rin ba iyon?"

Gusto kong sa kaniya mismo malaman ang lahat ng sa gano'n ay hindi ko magawang
lubusang magalit sa kaniya.

"I'm sorry, this time ay hindi ko na iyon ginawa. It's all your wife's doing. She
kidnapped her and sent her to a dumpsite in Nueva Ecija and even planned to keep
her captive until you're married."

I clenched my fists, ramdam ko ang panginginig ng laman ko sa sobrang galit. "But


you did nothing to stop her." sumbat ko sa kaniya na ikinayuko naman niya.

"I'm sorry, Isaiah."

"I lost her because of you, Mom. Pray to God na maging akin siya ulit kung hindi ay
hindi ko kayo mapapatawad." tinalikuran ko na siya at mabibigat ang hakbang na
bumaba. Nang palabas na ay nakita ko si Scarlet na umiiyak at magulo ang hitsura
pero ang tanging nakita ko lang ay isang ahas na naghahanap ng bagong makakain.

She stopped when she saw me and her face turned soft. She started sobbing at nang
makalapit ay niyakap ako.

"Look at what that bitch did to me, babe! Pinahiya niya ako sa harap ng maraming
tao! Ipagtanggol mo naman ako, Isaiah! Do something!" pagsusumbong niya.

I pushed her away from me. "Maybe you deserved it for what you did to her."

Natigilan siya at ang pagmamakaawa ay napalitan ng panlilisik ng mga mata. "What?!


Isaiah, ako ang asawa mo at hindi siya! Dapat ay ako ang ipinagtatanggol mo at
hindi siya!" she noticed my eyes and gasped. "You can see now!"

I ignored what she said and looked her over. "You're too dirty, maybe we should
clean you." without warning, I pushed her and she fell into the pool. Nagkakawag
siyang parang aso at nagsisigaw na parang tanga. "Too bad hindi kayang linisin ng
chlorine and masama mong ugali." I grinned evilly at her and started to walk away.

"You're regret this, Isaiah!"

"Not even close, woman. Goodbye, soon-to-be-ex-wife." iniwan ko siyang nakanganga


at sumakay na sa kotse ko. Dahil sa nararamdamang pagod ay sa condo na muna ako
dumiretso, bukas ko na lang haharapin si Andrea at sana bukas rin ay ma-file na ang
divorcement namin ni Scarlet.

And hopefully.. makasama ko na ang mag-ina ko.

I WOKE UP because my phone's constantly ringing. I answred it with my eyes closed.

"Hello?" I yawned and scratched my nose.

"I'm sorry to disturb your sleep but I have news regarding your case." Creo said on
the other line.
"What? Parang ang bilis naman yata? Kaka-file ko lang days ago?" takang tanong ko
sa kaniya.

"Exactly. Well, it shows here that your marriage is... null and void. Ibig sabihin,
nagpakasal kayo, you both said your vows and signed a paper but that paper isn't
void, Isaiah. You guys aren't even married."

Dahil sa narinig ay napaupo ako at nawala ang antok ko. "What?!"

"Yes, bro. Tama ang dinig mo. I think someone stopped your wedding from being
registered. Kasal kayo sa mata ng lahat pero hindi sa mata ng law. No need to file
a case, bro. You've been a free man since day one."

Confusion, anger, happiness and amusement. Lahat na ay nararamdaman ko. Sino naman
ang pipigil noon?

Could it be...?

"Bro, thank you for the information but I have to call someone now. I'll see you
and Mandy sometimes. Bye." pinatay ko ang linya at agad na tinawagan ang taong
pinaghihinalaan ko.

"Hell--"

"Is it you? Ikaw ba ang pumigil sa pagkaka-register ng kasal namin ni Scarlet?"


putol ko sa anumang sasabihin niya.

I heard a sigh on the other line. "Yes. I couldn't do it in the end, Isaiah. The
last minute ay nagbago ang isip ko at pinigilan iyon."

"But why.. Mom? Bakit pinaniwala niyo pa rin akong kasal kami?"

"Kasi inakala kong mahuhulog rin ang loob mo kay Scarlet at tototohanin niyo na ang
kasal niyo balang-araw pero hindi rin nangyari and I'm glad I stopped it. Ayokong
magaya ka sa naging kapalaran ng Daddy mo sa akin. Hindi siya naging masaya at
nakulong sa pagsasama naming walang pagmamahal."

"Mom.."

"I love you, Son. Oo siguro nga ay nabulag ako ng inggit noon pero hindi matatalo
noon ang pagmamahal ko sa inyong mga anak ko. I'm sorry for whatever I did, Isaiah.
I hope you can forgive Mom."

"Of course, Mom. I love you and I forgive you."

Narinig ko ang pagsigok niya sa kabilang linya. "T-thank you, Zay. I love you too
and please be happy."

"I will, Mom. I will."

I FEEL SO HAPPY and it feels like a heavy weight has been lifted off my shoulders.
Tatlong taon rin akong hindi nakahinga ng maayos. Tatlong taon rin akong naging
malungkot at mag-isa.

I do not know why the hell I even think of marrying that woman.
With a bouquet of flowers in one hand and a bunch of toys with another, I step out
of my car. Mayroong mga lumingon at siguro'y nakilala ako pero pinili ko ng hindi
sila bigyang pansin. Hindi mawaglit-waglit sa mga labi ko ang isang matamis na
ngiti. Sino ba naman ang hindi magiging masaya gayung ilang minuto na lang ay
makikita ko na ang mag-ina ko.

I hope Isaac is with her dahil sabik na sabik na akong mayakap siya ulit at this
time ay bilang Ama na niya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" gulilat na sabi ni Andrea ng pumasok ako sa opisina


niya. "Thank you, Grace. I'll take it from here." She smiled at her assistant and
she left.

"For you." binigay ko sa kaniya ang bulaklak na dala ko at alangan naman niya itong
tinanggap.

"Thank you sana hindi ka na nag-abala pa. Ano bang sadya mo? Kung tungkol ito sa
Mall I'm sorry pero hindi na magbabago ang isip ko. Hindi ko ito ibebenta sa inyo
kahit pa anong mangyari."

"Hindi ako narito para do'n. I'm here to visit you and.. our son. Where is he?
Andrea, I want to officially meet him as his Father."

Biglang tumigas ang ekspresyon ng mukha niya. "Isaiah hindi ko ipagdaramot sa'yo
ang anak ko pero ngayon pa lang ay pinapaalalahanan na kita, hindi ninyo makukuha
sa akin ang anak ko kahit mamatay pa ako."

"Woah, slow down, tiger. Hindi ako narito para agawin siya sa'yo. Gusto ko lang
siyang makilala, gusto kong makilala niya ako and we'll be complete." tinaas ko ang
hawak na plastic. "I bought these for him. Sana ay magustuhan niya."

Kumunot ang noo niya sa narinig pagkatapos ay tinalikuran ako at inilapag sa mesa
niya ang bulaklak. "Does your wife know about this?" tanong niya habang
nakatalikod.

Ibinaba ko ang hawak ko sa couch at lumapit sa kaniya. I breathed down on her bare
neck making her shiver. "Wife? The only wife I will have is... you, Angel."

She whipped around with a frown on her face. "Anong laro ito, Mr. Montgomery? I'm
sorry but I don't have all day. Isaac is with his Nanny at naglalaro. I will call
them right now."

I watched her every move like a predator, now that is nothing and no one is between
us anymore, wala nang makakapigil sa nararamdaman ko. Hinintay kong matapos ang
pagtawag niya bago ko siya hinitak palapit sa akin.

Nanlaki ang mga mata niya at inilagay ang mga kamay sa dibdib ko. "Isaiah,
nababaliw ka na ba? You're a married man!"

"Our marriage is null and void. Hindi kami naikasal kahit na kailanman. Niloko lang
nila ako and I know the truth now, Angel. I feel like a fool for siding with them,
I'm sorry for not believing you, Angel." ginawa ko ang gusto kong gawin una ko pa
lang siyang makita ulit, ang yakapin siya. I nuzzled my face against her neck
breathing in her scent. Still the same. I smiled against her neck. "Please forgive
me. Please give me another chance."

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Hindi iyon ganoon kadali lang, Isaiah. Marami
nang nagbago."
"Pati ba ang nararamdaman mo sa akin ay nagbago?" kumalas ako sa pagkakayakap ko
sa kaniya at tinitigan siya sa mga mata.

Umiwas siya ng tingin at napangiti akong muli. "Kasi ako hindi nagbago ang
nararamdaman ko, oo sumama ang loob ko no'ng hindi ka sumipot and I acted on
impulse and ended up marrying Scarlet, pero gusto kong malaman mo na pinagsisihan
ko iyon. I never touched her dahil ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko. You're
still the one, Angel. I'm still in love with you."

Nakita ko kung paano niya pigilan ang pag-iyak at hindi rin naman ako naiiba.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa mga mata niya at sa mga labi niya. Tinagalan ko
ang titig sa mga mata niya na para bang nanghihingi ng permiso. Nang hindi siya
tumutol o pumayag ay unti-unti kong inilapit ang labi ko sa kaniya.

Nang malapit nang maglapat ang mga labi namin ay biglang bumukas ang pinto at
pumasok si Isaac sunod ang Yaya niya. Napabitaw sa akin si Andrea at nag-ayos ng
sarili. Tumikhim naman ako para mabawasan ang tensyon.

Nang makalapit si Isaac ay umuklo ako para magpantay kami. "Hey again, little
buddy."

He smiled and waved at me. "Hellow!" Kinurot ko ang pisngi niya dahil sa ka-cutan
niya.

Natutuwa ako dahil hindi lumaking takot sa tao at masungit ang anak ko kagaya ng
Mama niya.

"Kilala mo ba ako, Isaac?" panimula ko.

He blinked his big brown eyes at me before touching my face. "Dada!" he said
happily while clapping.

Gulat akong napatingin kay Andrea na may mga luha sa mata ng may pagtatanong sa mga
mata.

"Mula nang ipanganak siya ay lagi kong ipinapakita ang picture mo sa kaniya. Siguro
hindi ka lang niya nakilala agad noong una."

I lifted my son off the ground threw him in the air and catch him, raining kisses
to his face making him giggle. Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi maipaliwanag
ang sobrang sayang nararamdaman ko.

"Yes, baby. It's me, your Dada. I love you so much, son." I kissed the side of his
head. "Pwede ko ba siyang masolo, Angel?" tanong ko kay Andrea na pinapanuod lang
kami na may ngiti sa mga labi.

She sniffed and nodded. "Go ahead, Isaiah. I'll be right here."

I smiled at her and wih my son in my arms, lumabad kami ng opisina at sumakay ng
elevator. Hindi pa man ganoon katatas si Isaac ay pilit kong iniintindi ang iba
niyang sinasabi. I love it when he giggles and laughed, reminds me so much of my
Angel.

Nilibot namin ang buong mall habang kine-kwentuhan ko siya ng kung ano-ano tungkol
sa akin. Minsan ay magsasalita siya pero mas madalas ay nakikinig lang siya. My son
will be a smart guy someday, I just know it. Tahimik namang nakasunod sa amin ang
Yaya niya.
Maya-maya ay biglang tumunog ang fire alarm sa paligid at nagpa-panic na
nagtakbuhan palabas ang mga tao. Niyakap ko si Isaac at pilit na tumabi. Nilapitan
ko ang nakita kong Guard at tinanong kung saan nangagaling ang sunog.

"Sa top floor po, Sir." sagot nito bago iginiya ang mga tao palabas.

Napamura ako ng mahina at agad na ibinigay ang anak ko sa Yaya niya. "Baby boy, I
will just check on Mama, okay?" He nodded and I focus my attention on his Nanny.
"Huwag na huwag mo siyang bibitawan at lumabas na kayo ng building. Pumunta kayo
kung saan safe, maliwanag ba?"

"Opo, Sir." tumango-tango siya bago sumama sa agos ng mga tao. Siniguro ko munang
nakalabas sila ng maayos bago patakbong umakyat ng hagdan para makarating sa 5th
floor.

Nang makarating doon ay puno na ng usok ang paligid pero hindi ko ito ininda,
kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at tinakpan ang bibig ko.

"Andrea? Andrea!" I shouted as I ran at walang pagda-dalawang isip na pumasok sa


loob. "Angel!" nakita ko siyang nakahandusay sa sahig kaya naman agad ko siyang
nilapitan at niyugyog. Napansin kong may dugo siya sa gilid ng ulo niya na
ikinabahala ko.

Binuhat ko siya at kahit na nasusulasok na sa usok ay pinilit kong makalabas ng


opisina niya. Iniwasan ko ang mga parte ng dingding na unti-unti nang nilalamon ng
apoy at binilisan ang mga hakbang. Bago bumagsak ang kisame ay nagawa kong bumaba
ng hagdan palayo sa pinagmumulan ng sunog.

Kahit na nanghihina na ay pinilit kong makababa sa ground floor, sinalubong kami ng


ilang rescue team at binuhat si Andrea mula sa akin, inilagay sa stretcher at
binigyan ng oxygen. Umubo ako nang umubo at binigyan din ako ng oxygen. Hindi ko
inalis ang tingin ko kay Andrea habang nilulunasan siya.

Nang makahinga ng maayos ay inalis ko ang oxygen at nilapitan siya. I held her hand
in mine and look at her face. Ang ipinagtataka ko ay bakit may sugat siya sa ulo.

"Angel, please, wake up. I just got you.. I can't lose you again." inilagay ko ang
kamay niya sa pisngi ko habang hinihintay na ibukas niya ang mga mata niya.
"Please, baby."

Pabigla siyang nagdilat ng mga mata at tinanggal ang oxygen mask sa mukha niya at
nag-uubo. Nakahinga ako ng maluwag at agad siyang niyakap. "Thank God."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at inilapat ang mga labi ko sa labi niya ng


dalawang beses. "Thank you, Angel. Akala ko mawawala ka na naman." I smiled against
her lips and kiss it one more time. "I love you." bulong ko sa mga labi niya at
tinignan siya sa mga mata. "I will chase you again if I have to because you're
worth it."

Sorry guys! Weekend is a bit busy for me. �


Chapter Twenty Eight

Chapter Twenty Eight

Nothing's Too Late if The Heart is Sincere

Andrea Samonte

Mayroong nakapagkit ba kuntentong ngiti sa mga labi ko. Kahit na anong pilit kong
mag-focus sa trabaho ay hindi ko magawa dahil paulit-ulit kong nakikita ang
masayang mukha ng mag-ama ko.

Mag-ama. Kahit kailan yata ay hindi ako masasanay na sabihin iyan. May kilig na
dulot ito sa kailaliman ng puso ko ngunit mayroon ring kaunting pag-aalinlangan.

Hindi ko lolokohin ang sarili ko at sabihing wala na akong nararamdanan kay Isaiah
gayung alam kong siya pa rin ang nagmamay-ari nito. Oo nga at may ilang sumubok na
makuha ang puso ko pero hindi sila nagtagumpay dahil may iba nang nagmamay-ari
nito.

Ngayong nalaman kong hindi naman talaga siya kasal at single pa rin siya ay unti-
unting natutunaw ang itinayo kong pader sa pagitan namin. Masiyadong nagiging
mabilis ang mga pangyayari.

Pero paano ang Mommy niya? Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako
matatanggap. Natigil ang pag-iisip ko ng sigawan sa labas.

"Ano'ng nangyayari?" tanong ko sa sarili at binitawan ang hawak na papel at


ballpen. Tumayo ako at maglalakad sana palabas nang bigla itong bumukas at bumungad
si Scarlet.

Bahagya akong nagulat sa hitsura na, madalas kasi ay singkapal ng icing ang make up
niya at laging mamahalin ang mga suot pero ngayon ay para siyang tinakasan na ng
bait sa histura niya.

"Anong ginagawa mo dito?" kaswal kong tanong sa kaniya at umayos ng tayo. Hindi ako
magpapasindak sa kaniya.

Tumawa siya ng malakas at tumaas lahat ng balahibo ko sa braso dahil sa kilabot na


nararamdaman. Mistula na talaga siyang isang baliw.

May kinuha siya sa bag niya at ipinakita sa akin ang dalang isang mineral bottle at
lighter. Doon na ako nakaramdam ng kaba dahil malakas ang hinala kong gaas ang
laman ng hawak niyang bote.

"Scarlet. Nababaliw ka na ba? Ibaba mo 'yang hawak mo at mag-usap tayo. Scarlet


alam kong may galit ka sa akin pero 'wag sa ganitong paraan, maraming tao ang
maaaring madamay, pakiusap."
Ibiniling niya ang ulo niya sa kanan bago ngumisi. "Nasaan ang tapang mo noong
isang araw habang pinapahiya mo ako sa ibang tao? Alam mo ba kung gaanong kahihiyan
ang dinulot mo sa akin? Kumalat sa buong bansa ang ginawa mo at pinagtawanan ako ng
lahat! Tapos ngayon makikiusap ka? Ano ako? Bale?" tumawa-tawa siya at sinimulang
buksan ang hawak na gaas.

Bago pa niya tuluyang mabukas ang bote ay nilapitan ko na siya at nakipag-agawan na


ako. Inuntog niya ang ulo niya sa ulo ko dahilan para makaramdam ako ng hilo at
mabitawan siya. Napahiga ako at nakaramdam din ako ng mainit na likido sa ulo ko.

Nakita ko kung paano niya ibuhos sa paligid ang gaas bago nakangising sinindihan
ang lighter at habang nakatingin siya sa akin ay itinapon niya ito. Mabilis na
kumalat ang apoy sa paligid at bago pa ako mawalan ng ulirat ay narinig ko pa
siyang nagsalita.

"Dapat lang na mawala ka na, Andrea. Para kailanman ay hindi na niya malaman ang
katotohanan at para ako na ang mahalin niya."

Bago ako tuluyang panawan ng ulirat ay narinig ko pa ang boses ni Isaiah. He came.
Napangiti ako bago tuluyang nilamon ng dilim.

"Angel, please, wake up. I just got you.. I can't lose you again." rinig ko sa
kabila ng panghihinang nararamdaman. Isaiah? "Please, baby." ramdam ko ang lungkot
at pagmamahal sa boses niya.

Gising, Andrea. Balikan mo sila, balikan mo ang mag-ama mo. Si Isaiah. Si Isaac.

Napasinghap ako at hindi makahinga ng maayos, tiyaka ko lamang napagtanto na may


oxygen mask pala na nakakabit sa akin kaya naman tinanggal ko ito at napaubo.

"Thank God." naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pero masiyado akong nanghihina
para suklian ito.

Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa akin ng dalawang beses. "Thank you,
Angel. Akala ko mawawala ka na naman." he smiled against my lips and kiss it one
more time. "I love you." bulong niya sa mga labi ko at tinignan ako sa mga mga
mata. "I will chase you again if I have to because you're worth it."

"T-thank you. Niligtas m-mo ako."

"Ssh. I got you, Angel. Always." muli niya akong niyakap at hinaplos-haplos sa
buhok.

"Si Isaac?!" pabigla kong tanong sa kaniya ng maalala sa anak ko. Bakit ko
nakalimutan ang sarili kong anak? "Nasaan ang anak natin, Isaiah?"

"Don't worry, Angel. He's safe." tumango siya sa likod ko at may pinalapit.

"Mama!" iyak ni Isaac nang ibaba siya ng Yaya niya.

Kahit na nanghihina pa ay niyakap ko ang anak ko at hinalik-halikan siya. Natakot


akong baka hindi ko na siya makita pa ulit, na hindi ko na siya makakasama pa at
hindi ko man lang masasaksihan ang paglaki niya pero mabuti na lamang at iniligtas
ako ng Diyos.

Hinalikan ni Isaiah at ulo ni Isaac bago niya rin ito ginawa sa akin. "I love you
both."
"ARE YOU SURE you're okay, Angel?" naninigurong tanong ni Isaiah habang
nagpapahinga ako sa hospital. Ayaw ko na sana pang ma-confine pero mapilit ito para
raw masigurong walang anumang masama sa akin. "Andrea, gusto kong malaman kung
bakit ka may sugat sa ulo nang makita kita."

Sinulyapan ko ang payapang natutulog na si Isaac sa malaking sofa na tinitignan ng


Yaya niya bago muling sinulyapan si Isaiah na seryoso ang mukha at alam kong kahit
anong iwas ko ay hindi ko siya maiiwasan.

"Dumating si Scarlet sa opisina ko na may dalang gaas at lighter. Sinubukan ko


siyang pigilan pero inuntog niya ako kaya naman wala akong nagawa." pumikit ako at
napabuntong-hininga. "Mabuti na lamang at walang nasaktan sa insidente at hindi
gaanong kumalat ang apoy kung hindi ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

Lumarawan ang galit sa mukha niya at binitawan ang kamay ko. Nang akmang tatayo na
siya ay pinigilan ko siya. "Saan ka pupunta?"

"Pupuntahan ko ang babaeng iyon! You could've died! Ipapakulong ko siya."

Napakunot-noo ako bago kinagat ang pang-ibabang labi. "May nag-iba sa kaniya,
Isaiah. Tingin ko ay nasisiraan na ng bait si Scarlet kaya niya iyon ginawa."

"Matagal nang baliw ang babaeng iyon."

"Huwag kang umalis.. please." pinisil ko ang kamay niyang hawak ko at ngumiti siya
bago muling naupo.

"Alright. Pero ipapahanap ko ang babaeng iyon para mahuli. Baka kung ano pa ang
magawa niya."

Habang nakikipag-usap siya sa cell phone ay hindi ko naman maiwasang titigan siya.
Bumalik na ang dating hugis ng katawan niya at sa palagay ko nga ay mas lalo siyang
naging makisig. Nang sagipin niya ako at hindi man lang inisip ang sariling
kaligtasan ay natunaw na ang anumang galit o hinanakit na nararamdaman ko. Alam ko
namang nabulagan lang rin siya ng pagmamahal niya sa kaniyang Ina. Kilala ko si
Isaiah at napakabuti niyang tao. Kailanman ay hindi niya nanaising manakit ng
sinuman pwera na lang kung ang pamilya niya ang kantiin mo dahil hinding-hindi ka
niya patatawarin.

Iyan naman ang isa sa mga hinahangaan ko sa kanilang mga Montgomery, laging inuuna
ang pamilya, nagmamahalan, may malasakit sa isa't-isa kahit pa malalayo at higit sa
lahat ay handang magdamayan.

"Baka matunaw naman ako niya."

Napapikit-pikit ako at hindi ko namalayang nakatitig na lang pala ako sa kaniya


habang nag-iisip. Pinamulahan ako ng pisngi at iniwas ang tingin sa kaniya.

"How I miss that color on your cheeks."

"Heh." singhal ko sa kaniya.

"That too."

"Magtigil ka nga." saway ko sa kaniya.

"I miss everything about you. Walang oras na hindi kita naiisip, Angel. Ilang beses
kitang napaginipan at ilang beses kong hiniling na sana'y makita kita ulit." pag-
amin niya sa mahinang boses. Sigurobay dahil may ibang tao o para hindi magising si
Isaac.

"Hindi ganoon kadaling babalik sa dati ang lahat, Isaiah. Oo nga't utang ko sa'yo
ang buhay ko pero hindi ibig sabihin noon ay tayo na ulit."

Kinuha niya ang kamay ko at kinintalan ito ng halik. "I'm willing to start all over
again. Liligawan kita ulit kung kailangan."

Pinili kong hindi sumagot pero isang ngiti ang pinakawalan ko.

Matapos lang ang isang araw ay nagpilit na akong lumabas dahil kailangan ko pang
asikasuhin ang nangyari sa Mall. Sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito binubuksan
dahil inaayos pa ang nangyari sa top floor, nangangamba rin akong baka mamaya ay
matakot na ang mga taong bumalik sa mall.

Gusto pa sana akong pilitin ni Nanay at Isaiah na pagpahingahin pero hindi na ako
pumayag. Speaking of Nanay, naging emosyonal ang muling pagkikita nila ni Isaiah at
maging si Rayane. Sobrang saya ni Nanay na muling makita si Isaiah at biniro pa
niya akong baka matuloy na ang nais niyang kasal na ikinahiya ko naman. Si Nanay
talaga, gustong-gusto na akong ikasal.

Pumasok kaagad ako sa trabaho at iniwan sa pangangalaga nila Nanay kasama na ni


Isaiah si Isaac. Kadalasan ay isinasama ko sila ni Yaya Nela sa trabaho pero ngayon
kasi ay siguradong magiging abala ako at hindi ko mabibigyan ng oras ang anak ko.
Pero ipinangako ko sa sarili ko na pagkatapos nito ay magba-bonding kaming tatlo.

Pagdating sa mall ay may mangilan-ngilang empleyado ang sumalubong sa akin. Agad


akong humingi ng report at nalaman kong malapit nang matapos ang construction ng
top floor. Dahil hindi pa ito tapos ay mas pinili kong gumawa sa opisina ng General
Manager. Buong araw ay puro meeting, inspection at purol papel ang kaharap ko at
pagdating ng gabi ay grabe ang pagod ko. Pero agad rin naman itong nawala ng
masilayan ko ang nakangiting mukha ng anak ko.

"Miss mo ba si Mama?"

"Opo." ipinakita niya sa akin ang hawak na malaking toy na mcqueen. "Papa bigay
Isaac!" humahagikgik niyang sabi. Napasulyap ako kay Isaiah na nakatayo lang sa
tabi.

"Wow! Ang ganda naman. Happy ka?"

"Opo!"

Kahit na pagod ay naglaan pa rin ako ng oras para sa kaniya, sa amin na nag-hapunan
si Isaiah at siya rin ang nagpatulog kay Isaac sa kwarto niya.

"Tired?" masuyong tanong niya habang nakahiga ako sa kama at nakaupo naman siya
roon. Hinawi niya ang ilang buhok ko na tumatabing sa mukha ko.

"Hm." tanging naisagot ko sa sobrang pagod. Hindi ko na namalayang nakatulog na


pala ako dahil sa paghaplos niya sa buhok ko.

Apat na araw matapos ang insidente ay muling nagbalik sa operasyon ang Mall. Nang
pumasok ako ay konti ang nakita kong tao pero hindi ako pinanghinaan ng loob dahil
mahaba pa naman ang araw. Ngunit pagdating ng gabi ay nalaman kong kalahati lang ng
bilang ng kadalasang namamasyal ang pumasok sa Mall.

Malungkot akong umuwi noon sa bahay pero hindi ko ipinakita kay Isaac.
"Bad day?" pansin ni Isaiah habang nakaupo ako sa kama at paupo rin siyang
nakaharap sa akin.

"Kalahati ang nawala sa mamimili." nanlulumo kong sabi. "Parang hindi yata ako
karapatdapat na mamahala sa naiwan ni Ms. Robrinso."

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tinitigan ako. "Angel, hindi ka naman niya
pagkakatiwalaan kung hindi niya alam na maaalagaan mo ito. Hindi mo naman
kasalanan, kasalanan ito ni Scarlet. Lilipas ang araw at babalik rin sila. 'Wag
kang mag-alala." pagbibigay lakas ng loob niya sa akin.

Tulad ng sinabi ni Isaiah ay umasa ako, isa, dalawa, tatlong buwan ay nadagdagan ng
kaunti ang mga mamimili pero hindi pa rin ito umabot sa karaniwang bugso ng mga
tao. Iba't-ibang klase na ng stratehiya ang naisip namin para maka-attract ng
atensyon nila pero wala pa rin.

Hanggang isang araw..

Pagpasok ko isang linggo matapos ang pangyayari ay nagulat ako sa dami ng tao.
Hindi magkamayaw ang mga ito at nag-uunahan pa sa pagpasok.

"Anong meron?" tanong ko kay GM pero nagkibit lang siya ng balikat. Pinanliitan ko
siya ng mga mata dahil alam kong may itinatago siya.

"Omg! He's back!"

"Yes, girl! Finally!"

"Naiiyak ako, huhu! Akala ko tuluyan na siyang titigil."

Ilan lang iyan sa mga naririnig ko mula sa mga kabataan, kababaihan na dumaraan na
lalo kong ikinataka. May activity ba ang isang artista o singer? Pero bakit wala
akong alam dito?

Dahil pagpasok pa lang ng mall ay ang activity area na kitang-kita ko ang dami ng
mga tao na nasa paligid ng stage.

It's been a long and winding journey, but i'm finally here tonight
Picking up the pieces, and walking back into the light
Into the sunset of your glory, where my heart and future lies
There's nothing like that feeling, when i look into your eyes...

Agad akong natigilan ng marinig ko ang pamilyar na lamyos ng tinig ni Isaiah.


Binilisan ko ang lakad ko at hindi nga ako nagkamali dahil siya nga ang tumutugtog
sa ibabaw ng stage habang nakaupo sa harap ng piano.

Nagsigawan ang mga tao, ang iba ay hindi magkamayaw sa pagkuha ng pictures at
videos, ang iba naman ay naiiyak na.

My dreams came true, when i found you


I found you, my miracle...

Tinitignan ko ang bawat galaw ng mga daliri niya at may mga namumuo ng mga luha sa
mata ko. Ginawa niya ito para sa akin. Para tulungan ako.

Hay Isaiah, kailan ka ba titigil sa pagpapakilig sa akin? Handa na naman akong muli
kang tanggapin, eh.

If you could see, what i see, that you're the answer to my prayers
And if you could feel, the tenderness i feel
You would know, it would be clear, that angels brought me here...

Nakita ko kung paano siyang matigilan sa pagtugtog. Natahimik ang mga tao at
nakatingin lang sa kaniya. Hinawakan niya ang kanan niyang kamay at napatingin sa
paligid hanggang sa magtama ang mga mata namin.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti sabay bulong sa hangin. "You can do it."
he smiled at me pero nakita ko pa rin ang hesitation sa mga mata niya. "I love
you." dagdag ko. Natigilan siya at bahagyang nagulat, may ilang nakapansin ng
titigan namin pero bago pa malipat ang atensyon sa akin ay muli na niyang
itininuloy ang pagtugtog.

Standing here before you, feels like i've been born again
Every breath is your love, every heartbeat speaks your name...

Hanggang sa matapos siya ay hindi na nanginig pang muli ang mga kamay niya. Nang
matapos siya ay yumuko siya sa harap ng mga tao at nagpasalamat. Dahil sa dami ng
tao ay pinadalhan ko na lang siya ng text na nagsasabing sa opisina ko na lang kami
magkita.

Dahil sa sunog ay naiba ang disenyo nito pero bukod doon ay wala nang nag-iba pa.

"Hey, Angel." bati ni Isaiah nang pumasok siya sa pinto.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago pinamulahan ng mukha. "Hi." tipid kong
sagot.

Ilang segundo kaming nagtitigan, hindi ko sigurado kung sino ang unang gumalaw pero
natagpuan ko na lang ang sarili kong magkalapat na ang aming mga labi. Punong-puno
ng pananabik sa isa't-isa, may halong rahas, pusok at pagmamahal.

Nang matapos ay pareho kaming naghahabol ng hininga.

"I love you. So so much."

"I love you too." sagot ko naman sa kaniya.

"Your place or mine?"

"Yours."

Nag-half day lang ako ng araw na iyon at pagkatapos ay dumiretso sa condo ni


Isaiah. Maghapon naming ipinadama sa isa't-isa ang pananabik sa isa't-isa.
Ipinadama ang pagmamahal, walang halong pangamba kong muling isinuko ang aking
sarili.

Kinabukasan ay nagpaalam siyang aalis dahil sa importanteng meeting. Naiwan naman


ako sa condo niya at naglibot. Nang mapadako ang tingin ko sa hilera nila ng mga
pictures. Pamilyar talaga ang ang mukha niya hindi ko lang maalala kung saan ko
siya nakita.

Hanggang sa makita ko ang isang partikular na picture, kinuha ko ito at


pinakatitigan at ganoon na lamang ang gulat ko nang mapagtantong sa probinsya namin
ito sa Visayas.

Ngayon ay naaalala ko na kung saan ko siya nakita at nakilala.


Chapter Twenty Nine

Bukas na ang ending guys. Huhu.

Chapter Twenty Nine

When a chapter ends, start a new one

Isaiah Montgomery

Lahat na ng gusto ko ay nasa akin na. Nagkabalikan na kami ni Andrea at kasama ko


pa ang anak ko, wala na akong mahihiling pa.

Ngunit hindi ko magawang tuluyang maging masaya dahil nasa paligid pa rin si
Scarlet. Hindi pa rin siya nahuhuli dahil sa ginawa niya kay Andrea at nangangamba
akong balikan niya ang mag-ina ko kaya naman nagtalaga ako ng security nila.

Ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin ako panatag. Matatahimik lang ang kalooban
ko kung mahuhuli si Scarlet at makukulong. Isa na ring dahilan ay dahil gusto ko
nang tuluyang iharap sa altar si Andrea. But I can't do that as long as Scarlet is
free.

Ngayon nga ay dumaan ako sa isang jewelry store pagkagaling sa isang meeting.
Inisa-isa ko ang mga singsing at iniisip kung babagay ba ito kay Andrea.

"Sir gusto niyo po bang makita ang best sellers namin?"

"Nah. Gusto kong maiba ang ibigay ko sa kaniya at walang katulad. Pwede ba akong
magpasadya?"

"Of course, Sir! Kukuha lang po ako ng notebook at pen." tumalikod na siya at
kinuha ang sinabi. Bumalik naman ito kaagad wala pang isang minuto at naghintay.

"I want the middle to be a 24 karat diamond, not too big but not too small, gusto
kong meron itong feathers sa gilid ng diamond na mag-aabot sa gitna. Sa ring, i
want you to put every single diamond on it, walang matitirang space na walang
diamond. At sa loob please engrave, 'My Angel'.

Kinikilig naman ang babae habang isinusulat ang request ko. "Please leave your
contact details, Sir and we will contact you once the ring is done. Kailangan po
ninyong magbigay muna ng down payment, the rest will be given once the ring is
done."

Tumango-tango ako bago ibinigay ang card ko. "As soon as possible, please." tipid
akong ngumiti bago pumirma at muling kinuha ang card at umalis na.

I jogged my way back to the car and drove my way to My Angel's home. Gusto ko
sanang magsama-sama na kami sa isang bahay pero alam kong maaga pa dahil isang
linggo pa lang mula nang magkabalikan kaming dalawa.

"Dada!" masayang salubong sa akin ni Isaac nang makita niya ako. Tumayo siya at
tumakbo palapit sa akin. Agad ko naman siyang binuhat at hinalikan.

"How's my baby?" malambing kong tanong sa anak ko at muli siyang inilapag. "Where's
Mama?"

"Cook!" I grinned at my son and ruffled his curly hair before he went back to his
toys.

Naglakad ako papunta sa kitchen ng bahay nila Andrea. Isa lang itong simpleng two-
story house, kung tutuusin ay kaya niyang bumili ng mas mahal pero dahil simple
lang ang nobya ko ay hindi niya iyon ginawa.

Nakita ko siyang abalang nagluluto mag-isa. I sneaked my way to his back, siniguro
kong hindi siya mapapaso bago ko siya ginulat. Napatalon siya ng kaunti bago
hinampas ang braso ko.

"Baliw ka talaga."

"Sa'yo lang." niyakap ko ang likuran niya bago idinikit ang sarili ko. "How's my
other baby? Anong niluluto mo?"

"Ayos lang naman. Nagluluto ako ng paborito mong adobo."

I groned softly at her ear. "Hm, yummy. Gutom na ako."

"Malapit na itong matapos."

"But I'm not hungry for food." I bit her earlobe making her gasp.

"Hoy magtigil ka nga! Napaka mo, hindi mo na nga ako pinatulog kaagad kagabi eh.
Hindi ka pa ba kuntento?" saway niya sa akin na pilit na inilalayo ang sarili.

"Never. Dali na, Angel. Sundan na natin si Isaac."

"Heh! Akala mo ba gan'on kadaling manganak? Magpigil ka!" naitulak niya ako kaya
naman napanguso na lang ako. "Sus. Parang bata. Maghain ka na para makakain na
tayo."

"Yes, boss."

Ganoon na nga ang naging routine namin sa loob ng ilang linggong relasyon, minsan
ay ako ang natutulog sa kanila, minsan ay sila ni Isaac ang matutulog sa condo ko o
kaya naman ay siya lang para masolo namin ang isa't-isa.

Ilang beses na ring dapat na may sasabihin si Andrea pero hindi niya ito maituloy-
tuloy. Para bang may pumipigil sa kaniya na hindi ko naman maintindihan. Ilang
beses ko na siyang pinilit na magsalita pero pilit niyang iniiba ang usapan.
Araw noon ng linggo nang makatanggap ako ng tawag mula kay Mommy, gusto raw niyang
makita ulit si Andrea at makilala ang apo niya. Pinaalam ko ito kay Andrea at noong
una ay hindi siya kaagad pumayag hanggang sa napapayag ko rin siya.

Malamig ang mga kamay niya habang nakahawak sa kamay ko. Si Isaac ay natutulog sa
kandungan niya.

"Don't be nervous, Angel. I know what my Mom did was horrible pero magtiwala ka na
nagbago na siya. It was all Scarlet's doing, nabulag lang ng sakit ng kahapon si
Mommy and she wanted to make it up to you."

"Hindi ko alam, Isaiah. Nagtitiwala naman ako sa sinasabi mo kaya lang mahirap
kasing kalimutan na lang lahat ng ginawa niya sa akin noon para lang paghiwalayin
tayo."

Pinisil ko ang kamay niya at hinalikan siya sa gilid ng noo. "Naiintindihan ko,
Angel. Hindi kita pipiliting patawarin siya kaagad at pakisamahan. Thank you for at
least agreeing on meeting her again and our son."

"Gusto ko rin namang makilala ni Isaac ang pamilya mo."

Pagpasok pa lang sa gate ng mansion ay nakita ko na si Mommy na naghihintay sa


harap ng mansion. Nang huminto ang kotse ay nauna akong bumaba at humalik kay Mom
bago pumunta sa kabilang pinto para pagbukas ang mag-ina ko. Dahil tulog pa si
Isaac ay binuhat ko siya pero nang nasa braso ko na siya ay unti-unti siyang
nagising. Tahimik namang bumaba si Andrea mula sa kotse.

"Andrea, I'm so glad to see you again. No words can explain how sorry I am sa mga
nasabi o nagawa ko sa'yo. I was so blinded by my own hatred and old pain. I hope
may pag-asang magkasundo tayo." My Mom was about to hug her but Andrea raised her
hand to stop her.

"Please, Mrs. Montgomery. Hindi ho ganoon kadaling babalik ang respeto ko sa inyo
at hindi rin ganoon kadaling kalimutan ang lahat dahil lang sa nagsisisi kayo."

My Mom smiled sadly. "I understand." She then saw my now awake son and gasped
loudly. "Oh my! Kamukhang-kamukha mo nga siya, Isaiah. May I?" paalam niya sa amin
ni Andrea.

I saw a reluctant nod from Andrea kaya hinayaan kong mabuhat ni Mom si Isaac.
Mayroon siyang mga luha sa mga mata habang tinititigan ang anak namin at niyayakap.

"Oh my goodness, para akong bumalik sa nakaraan! Parang ikaw lang din ang buhat ko,
Isaiah." masayang sabi ni Mom at si Isaac naman ay hindi nawawala ang tingin sa
kaniya. "Hi, baby Isaac. I'm your grandmother. Call me grandma."

"Granma."

I smiled at the sight in front of me and when I look at my Angel, she has a small
smile on her face.

"Tara pasok tayo sa loob. Nagpahanda ako ng masarap na tanghalian para sa inyo at
may regalo rin ako para sa apo ko. Gusto mo ba ng gift, Isaac?"

"Opo!" masayang sabi ni Isaac at pumalakpak.


Nauna na silang pumasok at sumunod naman kaming dalawa ni Andrea kasunod ang Yaya
ni Isaac. Excited na ipinakita ni Mommy kay Isaac ang baby pictures ko maging kay
Andrea at manghang-mangha si Andrea dahil para nga kaming pinagbiyak na bunga.

Binigyan ni Mommy ng isang malaking regalo si Isaac at nang buksan ito ng anak ko
ay tuwang-tuwa niya itong niyakap. Ngayon ko lang nakita si Mommy ulit na ganito
kasaya mula nang umalis si Daddy at ang mga kapatid ko. Matapos ito ay kumain na
kami ng tanghalian. Si Mommy na rin ang nag-volunteer na subuan si Isaac at unti-
unti silang naging close.

"What do you think, Angel?" mahinang bulong ko sa kaniya habang pinagmamasdan namin
ang mag-Lola.

"Sa totoo lang ay ngayon ko lang siya nakitang ngumiti at tumawa ng ganiyan. Iba
nga sa Mommy mo noon. Nakikita kong tunay ang pagkagiliw niya kay Isaac."

"Please give her another chance."

"I'll try, Isaiah." she said giving me a timid smile.

"Thank you, Angel."

Matapos kumain ay muli kaming bumalik sa sala. Tinutulungan ni Mommy na bumuo ng


puzzle si Isaac habang tinitignan naman ni Andrea ang photo album ko.

"Ano ba kasing hinahanap mo?" taka kong tanong sa kaniya.

"Basta."

"Sus. Wala kang makikitang pangit na picture ko, Angel." biro ko sa kaniya.

Inirapan lang niya ako bago muling ibinaling ang atensyon sa album.

Biglang may pumalakpak at natigilan ako dahil nang tignan ko iyon ay nakita ko si
Scarlet. Tama nga ang sinabi ni Andrea, mukha na itong tinakasan ng bait at sobrang
payat na rin.

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita ang hawak niya pero agar na nilagay si
Andrea sa likuran ko. Sinulyapan ko si Mommy at si Isaac at nakitang yakap-yakap
naman ni Mommy si Isaac.

"What a happy family. Ang saya-saya ninyo habang ako ay miserable at nagtatago."
nanunuyang sabi nito bago itinaas ang hawak na baril at itinutok ito sa akin. "Wala
naman akong ginusto kung hindi maging isang ganap na Montgomery, nabigo na ako kay
Devon noon nang itapon niya akong parang basura nang magsawa na siya sa akin tapos
nabigo pa rin ako sa'yo." tumawa siya ng pagak.

"Scarlet. Kung ako ang pakay mo, mag-usap tayong dalawa lang. Huwag mo silang
idamay dito."

"Too bad, Isaiah. Nadamay na sila ng malaman kong hindi pala totoo ang kasal natin
dahil diyan sa Nanay mo at iyang babae sa likuran mo naman ang umagaw sa'yo sa akin
at ang dahilan kung bakit hindi mo ako nagawang mahalin. At iyang bubwit na iyan?
Iyan lang naman ang dahilan kung bakit kayo nagkabalikang dalawa kaya walang ligtas
sa inyong lahat!"

Sinubukan kong maglakad palapit sa anak ko at kay Mom pero nagpaputok si Scarlet
dahilan para matigilan ako at umiyak si Isaac. "Hep hep! Walang gagalaw. Hm, sino
ba ang uunahin ko sa inyong apat? Ang matanda? Ikaw? Iyang bruha sa likuran mo o
ang batang bubwit?"

"Ako na lang. Ubusin mo sa akin 'yang bala mo kung gusto mo 'wag mo lang silang
sasaktan."

"Isaiah!" sabay na sabi ni Momny at Andrea.

"Mag-pinsan nga kayo ni Devon. Mga tanga! Nakapili na ako."

Isang putok ng baril ang pinakawalan niya at kitang-kita ko kung paano niya itong
itinutok sa gawin nila Mommy bago nagpaputok. Bago pa niya muling makabit ang
gatilyo ay binato ko na siya ng nahawakang lampshade dahilan para mabitawan niya
ang baril at mawalan siya ng malay. Agad kong kinuha ang baril at tinanggal lahat
ng bala nito bago tumawag sa 911.

Nang matapos ay lumapit ako kay Mommy at Isaac. Patuloy pa rin ang pag-iyak ni
Isaac na ngayon ay yakap na ni Andrea habang nakatingin lamang siya kay Mommy.

"Mom." binuhat ko ang nanghihinang katawan ni Mommy at naramdaman ko ang patuloy na


pag-agos ng dugo mula sa likuran niya. "Hold on, Mom. Help is on the way." hindi ko
na napigilang maiyak dahil sa nakikitang paghihirap at sakit sa mukha ni Mommy.

Nakita ko kung paanong hawakan ni Andrea ang kamay ni Mommy. "Lumaban ho kayo.
Nagpapasalamat akong iniligtas niyo si Isaac pero huwag kayong susuko."

"K-kabayaran na rin siguro ito s-sa mga n-nagawa ko noon." tumawa ng mahina si
Mommy bago bumulwak ang dugo sa bibig niya na lalo kong ikinaiyak. "I-I'm so s-
sorry. I love y-you, son."

"Please don't talk, Mom. You'll live, makikita mo pang lumaki si Isaac at
magkakasama pa tayo. Mom, please."

Ngumiti siyang muli bago tuluyang lumungayngay ang kamay at ulo niya.

"Mom!"

Chapter Thirty

Thank you so much you guys! Salamat sa paghihintay, sa mga hindi nanawang maghintay
na ibalik ko ito, maraming-maraming salamat po! Please read the chapter next,
preview ng Montgomery Series 4. Thanks again, Dearies! <3

(The proposal is inspired by a Korean Game show I saw before. But the rest is my
idea)

Chapter Thirty

Worth The Chase

Andrea Samonte
Sabi nila, it it's meant to be, it will be. If you're meant to be together, kahit
gaano kayo kalayo sa isa't-isa o kung nasaan man kayo ay magkikita at magkikita
kayo.

Hindi ako naniwala noon sa destiny o fate. Aanhin ko ba 'yun? Ang inatupag ko lang
noon ay ang pamilya ko. Lalaki? Sus. Mabubuhay akong wala sila. Isinumpa ko na ang
lahi nila dahil ilang beses na akong nasaktan ng lahi ni Adan. Para sa akin ay
pare-pareho lang silang mga manyak, nananakit, manggagamit at paasa.

Pero nagbago ang pananaw kong iyan ng makilala ko siya... si Isaiah Montgomery.
Pinatunayan niya sa aking mali lahat ng inakala ko. Pinaramdam niya sa akin ang
tunay na pagmamahal at tinulungan niya akong maramdaman ang mga bagay na hindi ko
naman naramdaman noon. Pinalasap niya sa akin ang sarap ng pagmamahal na makakamtam
mo lang kung tunay ang pagmamahal niyo sa isa't-isa.

Naging pasensyoso siya sa akin, ginawa niya lahat makuha lang ang tiwala at puso
ko. Bumaba siya sa pedestral na kinaroroonan niya at bumaba sa mundo ko para maabot
ako. Inintindi niya ako no'ng mga panahong hinuhusgahan ako ng lahat, hindi niya
ako iniwan no'ng mga panahong kailangan ko siya. Hindi niya ako pinilit gawin ang
anumang bagay na ayaw ko.

Katulad ng ibang relasyon ay marami kaming pinagdaanan ngunit sa huli pala ay kami
pa rin talaga ang nakalaan sa isa't-isa.

Sino ba ang mag-aakalang ako pala ang Anghel na hinahanap niya noon pa? Sino ba ang
mag-aakalang muli kaming pagtatagpuin ng mapagbirong tadhana?

Nang araw na masiguro kong siya nga ang batang iniligtas ko noon sa probinsya namin
ay nakaramdam ako ng saya at tuwa. Tunay ngang maliit ang mundo. Pero naunahan ako
ng hiya noon kaya pinili ko munang itago ito at sabihin sa tamang panahon.

Isang taon na mula nang mangyari ang panggugulo ni Scarlet at nabaril ang Mommy ni
Isaiah. Noong una ay akala namin ay nawala na ito pero nagawa siyang i-revive ng
dumating na medics at agad na dinala sa hospital pero idineklara ring kritikal ang
kondisyon. Nagdasal ako noon sa panginoon na iligtas ang Mommy ni Isaiah dahil
malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Nang araw ring iyon ay napatawad ko na siya.

Ilang araw lumaban ang Mommy ni Isaiah bago ito tuluyang pumanaw dahil sa tama ng
bala. Labis na nagdalamhati si Isaiah at hindi ako umalis sa tabi niya hanggang sa
mailibing ang Mommy niya. Maging ako ay nalungkot dahil nangyari, kung kailan handa
na akong mag-umpisa kami ng bago ay saka pa ito nawala. Hindi naging madali para
kai Isaiah na tanggapin ang pagkawala ng Ina pero sa tulong ko at ng mga taong
nagmamahal sa kaniya ay unti-unti na niya itong natanggap. Pero alam ko, araw-araw
ay hindi nawawala ang Mommy niya sa isip niya.

Si Scarlet? Sa Mental Hospital siya nakapiit at siniguro naming hindi siya


makakatakas at makakalaya. Bago mamatay ang nasirang Charice Montgomery na siyang
Ina ni Isaiah ay inamin niyang siya ang nagsabi kay Scarlet ng kwento ni Isaiah at
ng Angel niya para magpanggap ito.

Natapos man ang gulo ag nag-iwan naman ito ng isang peklat na hindi kailanman
mabubura.

Isang taon matapos ang naging kaguluhan ay nag-aya siyang pumunta sa isang theme
park. Pihadong isa na naman ito sa mga pakulo niya.

Pagdating doon ay sinalubong ako ni Kim at may ibinigay na card. Nang tignan ko ito
ay pulos tanong ang nakalagay.

"Ano 'to?" taka kong tanong kay Kim.

"Questionaire, Ann. This is a maze " turo niya sa likuran niyang may maze. "Sa
bawat entrance ay may dalawang sagot, left and right, kapag nasagot mo ng tama ang
lahat ng tanong ay makikita mo si Isaiah sa dulo." kinikilig niyang paliwanag.

Napailing naman ako kasabay ng isang ngiti. "Ito talagang si Isaiah kahit kailan."

"Sus! Kaya ka nga na-inlababo eh! O siya, mag-umpisa ka na para makita mo na siya."
hinila niya ako palapit sa unang mga sagot. "Goodluck!" pahabol niya bago umalis.

"Okay. First question, saan mo ako unang sinagot?" basa ko sa unang tanong sabay
tingin sa baba. "Left, sa ice skating rink, right, sa Mall." agad akong pumunta sa
kaliwa bilang sagot at naglakad ng konti habang sinusundan ang arrow at huminto sa
tapat ng second quesion.

"Ano'ng title ng una kong album? Left, Alluring, right, The Odds." nag-isip ako
sandali bago bumaling sa kaliwa at muling naglakad. "Third, name of my Father?
Left, Ruston, right, Arauillo." Left. That man is like an older version of Isaiah.
Napakabait.

Left. Sus, ang dali naman nito?

"Next, what is the name of your Mall?" Left, Robrinso, right, SNM. Robrinso,
makakalimutan ko ba naman ang pangalan ng sarili kong negosyo?

"What is the letter before Z? Left N, right Y." Edi Y. Ano ba 'tong naiisip ni
Isaiah?

"Next, who do I love?" Left, myself, right, ME."

Teka hindi ba dapat YOU ito? Hindi ko na ito pinansin ang lumiko sa kanan.

"I have one last question pero gusto ko itong itanong sa iyo ng harap-harapan. WILL
you please turn left and meet ME?

Ginawa ko ang nakasaad at marahang naglakad sa kaliwa, nang makaliko ay nakita ko


siyang nakatalikod.

"Isaiah?" mahina kong tawag sa kaniya.

Unti-unti siyang limingon ng may ngiti sa mga labi.

Time goes by
And I've been holding everything inside
But now I've got nothing left to hide
When I'm with you, oh, you

"You made it, Angel."

But I can see


How strong a man I'm gonna have to be
To do for you what comes so naturally
It's in the way you move

Naglakad ako hanggang sa magkaharap na kami. "Ang dadali kaya ng mga tanong mo."
And all I want
Is a chance to prove
Show all I can do

"Dinalian ko talaga para hindi ka mahirapan. But the real question here is.. Angel,
you know I love you since the day you bit my hand, iba ka sa ibang babaeng nakilala
ko kaya naman hindi nahirapan ang puso kong mahalin ka. I chased you because I know
you're worth it. You're the only risk I'm willing to chase because I know that
you're worth it. You're worth the chase. We fell, we got hurt, we were apart, we
reunited, we loved, we cried, we laughed but most importantly... We found each
other." napiyok siya at tumingala habang ako naman ay tuluyang naiyak sa mga sinabi
niya. Muli siyang tumingin sa akin at may mga luha na sa mata niya. Pinunasan ko
ang mga luha niya bago ko siya hinalikan sa labi. Ngumiti siya at may kinuha sa
bulsa. Naoasinghap ako ng makita ko ang isang napakagandang singsing. "You're my
Angel, my everything, my one and only, my best friend, my lover, the Mother of my
children. Andrea Samonte, will you Mall Alluring Ruston Robrinso Y ME?" natatawa
niyang tanong at para kaming mga tangang tumawa at umiyak.

I believe in starting over


I can see that your heart is true
I believe in good things coming back to you
You're the light that lifts me higher
So bright, you guide me through
I believe in you

"Oo. Oo pakakasalan kita kahit ang corny-corny mo." natatawa kong biro sa kaniya
bago niya isinuot sa akin ang singsing at iniangat ako. Hinawakan ko ang mukha niya
at hinalikan siya sa labi ng mariin. "Mahal na mahal kita."

"I love you more."

And I don't mind


If you want to hold onto me tight
You don't have to sleep alone tonight
If you don't want to

And all I want


Is to know you're near
You're all I need here

We prepared the wedding for three months. Hands on ako at kahit na maliit na
detalye ay gusto kong ako ang mamahala. Nagkasundo kami ni Isaiah sa isang simple
pero magarbong kasal. Ang mga malalapit lamang naming kamag-anak ang dadalo.

The day of our wedding came on November 22th. Hindi ako mapakali sa loob ng bridal
car habang naghihintay kami ng instruction ng coordinator. Kinakabahang masaya,
iyan ang nararamdaman ko. Nang magbigay na ng hudyat ang coordinator ay lumabas na
ako at inayos nila ang gown ko bago ako marahang naglakad sa harap ng entrada ng
Church.

It's been a long and winding journey, but i'm finally here tonight
Picking up the pieces, and walking back into the light
Into the sunset of your glory, where my heart and future lies
There's nothing like that feeling, when i look into your eyes...

Ilang beses akong kumukurap-kurap para pigilan ang sariling maiyak. Totoo ngang
kapag ikakasal ka na ay doon mo mararamdaman lahat ng emosyon at hindi mo
mapipigilang umiyak. Naiisip ko pa lang lahat ng pinagdaanan namin bago ang araw na
ito ay sapat na para maiyak ako.
My dreams came true, when i found you
I found you, my miracle...

"Anak, sa wakas ay natupad na ang gusto ko." masayang sabi ni Inay na siyang
aalalay sa akin na maglakad sa aisle. "Masaya ako pa sa inyong dalawa dahil saksi
rin ako sa lahat ng pinagdaanan niyo bago kayo naging masaya."

"Inay. Maraming salamat ho."

If you could see, what i see, that you're the answer to my prayers
And if you could feel, the tenderness i feel
You would know, it would be clear, that angels brought me here...

Parang tinatambol ang dibdib ko nang sabihin ng coordinator na maglalakad na kami.


Bumukas ang malaking pinto at unti-unting nahawi ang mga usok para makita ako ng
lahat.

Standing here before you, feels like i've been born again
Every breath is your love, every heartbeat speaks your name...

Ang pinipigilan kong pag-iyak ay hindi ko na nakaya nang makita ko siyang


naghihintay sa harap ng altar. Pinisil ni Inay ang kamay ko bago kami marahang
naglakad sa aisle. Pilit kong nginitian ang bawat bisitang mararaanan pero dahil sa
kaba ay hindi ko nagawa ng maayos. Natigilan ako sa paglalakad ng pumailanlang sa
simbahan ang boses ni Isaiah, nang tignan ko siya ay kumakanta siya sa kabila ng
pagluha.

My dreams came true, right here in front of you


My miracle...

If you could see, what i see, you're the answer to my prayers


And if you could feel, the tenderness i feel
You would know, it would be clear, that angels brought me here...

Napahikbi ako at pilit namang pinupunasan ng mga nakaalalay sa akin ang mukha ko
para hindi masira ang make up ko. Pinalakas ko ang loob ko at pinagpatuloy ang
paglalakad hanggang sa ibinigay na ni Inay ang kamay ko kay Isaiah. Kinuha ito ni
Isaiah at nagbulungan kami ng pagmamahal bago siya nagpatuloy sa pagkanta at
tumigil kami sa gitna ng altar.

Tumigil na siya at ang singer ang nagpatuloy bago sinimulan ang kasal.

Naging payapa ang seremonyas ng kasal, nang natapos ang palitan ng vows at oras na
ng unang halik bilang mag-asawa ay dinig ang sigawan ng mga tao.

Kumindat si Isaiah sa akin bago yumuko para angkinin ang labi ko. Matapos ang kasal
ay nagulat ako nang ang sumalubong sa amin ay ang jeep na ginagamit ko noon.

"Come on, Mrs. Montgomery!" hinila niya ako pasakay sa passenger seat bago siya
mabilis na sumakay sa driver's seat.

Hindi matigil-tigil ang pagtawa ko dahil sa pakulo niya. Hay, mahal na mahal ko
talaga ang asawa kong ito. Ini-start niya ang makina bago humarap sa akin at muling
naglapat ang aming mga labi.

Mula ngayon ay ako na si Mrs. Andrea Samonte-Montgomery.

Isaiah Montgomery
Who would've thought na kami rin pala hanggang sa huli? Sino ba ang mag-aakalang
mahahanap ko ang pagmamahal sa isang man-hater na kagaya ni Andrea Samonte? But I
did, falling in love with her has been the greatest decision I've ever made.

After the wedding, my wife insisted on doing our honeymoon sa Maldives pagkatapos
niyang sabihin ang isang importanteng bagay na dapat daw ay matagal na niyang
sinabi.

When I woke up three days after the wedding, I patted her side only to find it
empty. Umupo ako at hinanap siya sa paligid.

"Angel?" tawag ko sa kaniya at tumayo. Nilibot ko ang buong condo ko pero hindi ko
siya nakita kaya naman bumalik ako sa kwarto.

Nahagip ng tingin ko ang picture ko noong bata pa ako, may nakasulat na note roon
na nasasabing, "I played your game, let's play mine. Find me, husband." na
nakalapag sa mesa at napangiti na lang ako. Nang kuhanin ko ang isa pang papel ay
napakunot ang noo ko nang makita ito. Namangha dahil ito ang lyrics na pilit kong
tinatapos noon pero hindi ko na nagawa pa.

"Where you found me,


it was a twist of fate
Never thought it was you all along
if your heart is empty,
You know where to find me,
the first time we met."

"Sa Mall!" I shouted as I scrambled to get ready. I took a quick shower, got
dressed at kinuha ang susi ng kotse ko.

Let's play your game, Mrs. Montgomery. I grinned as I drove.

Nang makarating roon ay kinailangan kong mag-disguise na muli para makarating sa


Locker room ng mga empleyado pero laking pagtataka ko ng wala siya roon. Napatawa
na lang ako sa sarili nang makita ko ang isang papel na nakadikit sa pader at
nakalagay ang "Nice try, hubby. Try again."

Pero napatigil rin ako at nag-isip, dito naman talaga kami unang nagkita. Hinding-
hindi ko iyon makakalimutan.

Muli kong tinignan ang hawak na picture ko at ang lyrics na idinagdag niya. Kung
tama ang pagkakatanda ko, ito ang picture ko noong bakasyon namin sa Cebu kung saan
ko nakita ang Angel ko, I re-read the lyrics and my heart pounds.

No freaking way.

Agad kong kinuha ang cell phone ko sa bulsa at nagpa-book ng ticket papuntang Cebu
after a few minutes ay muli siyang tumawag at sinabing dalawang oras pa ang susunod
na flight.

I have no other choice. I dialled a familiar number ang waited. "Hello? Yes hello?
Aren't you on your honeymoon?"

"Ric, I need your help."

Habang sakay ng heli ni Godric ay hindi ako mapakali, kung pwede lang ay pabilisin
ko ang andar nito makita lang ang asawa ko para siguraduhin kung tama ba ang
iniisip ko.
Finally after a few hours ay lumapag na ito sa isang helipad at hindi na ako nag-
aksaya pa ng oras at agad na nagpahatid sa kotse papunta sa lugar kung saan ako
dinala ng batang babae na nagligtas sa akin noon. Nang makarating doon ay lakad
takbo ang ginawa ko hanggang sa makita ko ang pamilyar niyang likod na naghihintay.

"Angel?" I called out to her.

She turned around with a serious look on her face.

"Ganda 'no? Dito ko paboritong tumambay kapag gusto kong lumayo sa Itay ko." sabi
niya at iyong-iyon ang sinabi ng batang babae na nagligtas sa akin noon.

I closed the gap between us and engulfed her in my arms. "Ikaw nga. Ikaw nga ang
batang iyon. You're my Angel. All this time ay nasa tabi lang pala kita. I'm sorry
for not recognizing you."

"Hindi mo naman alam. Pareho nating hindi nalaman kaagad, kung hindi ko pa nakita
ang baby picture mo ay hindi ko malalaman. Nakakatuwa 'no? Pinagtagpo tayo ulit ng
tadhana."

Kumalas ako sa yakapan namin at hinawi ang ilang buhok niyang tumatabing sa mukha
niya. "Our hearts found each other."

"I'm glad you found me." she smiled at me before getting something inside her
pocket. She placed it on my hand and I froze.

"T-totoo ba ito, Angel?" she nodded her head. "Oh my God. Oh my God!" I lifted her
off the ground and twirled us around. "I'm going to be a Daddy again!"

"Isaiah, ayos lang ba sa'yo na gamitin ko ang pangalan ni Mommy mo? Kapag kasi
naging babae o lalaki ang susunod nating anak ay gusto ko siyang ipangalan after
your late Mother and Ms. Robrinso." tanong ng asawa ko habang nakahiga kami sa
damuhan at magkabaligtad.

"Anything you want, Angel. I'd be more than happy to." I turned my head to her
forehead.

"Kapag lalaki ulit, Charlie, Kapag babae, Ricella, okay lang ba sa'yo?"

"I love them." nakatitig ako sa mga mata niya na puno ng pagmamahal. "I love you."
I lifted my head a little to kiss her lips.

"I love you, too. Thank you for taking the risk."

I smiled at her and said, "You're worth the chase."

Thank you so so so much! Love you guys! My Dearies <3

Montgomery Series 4 is now posted!

Ang series 4 po ay pwedeng-pwede nyo na mabasa sa profile ko. Again, maraming-


maraming salamat po sa lahat ng nagbasa ng series 3. Sana ay subaybayan nyo rin ang
series 4!

Worth The Chase(Montgomery Series 4)

PROLOGUE

Life has always been hard for Elizabeth Cruz. Nang maulila ay naiwan sa
malupit na pangangalaga ng abusong Tiyuhin at siya na rin ang tumayong ina at ama
sa kaniyang nakababatang kapatid. Halos ibigay na niya ang lahat ng mayro'n siya,
ma-protektahan lang ang kapatid. Wala na siyang paki kahit magkandabali-bali pa ang
mga buto niya basta matulungan lamang ito.

One moment, she's cursing the hell out of the arrogant, cocky, bad boy,
womanizer Godric Montgomery for hurting her little sister and the next thing she
knew... dumapo na ang kamao niya sa mukha nito. Pero imbes na ito ang masaktan ay
siya ang nasaktan. Ayaw na sana niyang makita ito dahil ayaw na niyang maalala ang
kanilang nakaraan pero hindi siya pinatahimik ng binata. Pinaramdam nito sa kaniya
ang galit nito sa ginawa niya sa kaniya noon.
Akala ni Elizabeth ay hanggang doon na lang ang titiisin niya hanggang sa
ibinenta siya ng tiyuhin niya para pambayad utang at maging alila at parausan ng
kung sino mang lalaki.

Will she ever find happiness? Paano kung muling umusbong ang ibinaon na
niyang pakiramdam para kay Godric? Susugal ba siyang muli? Muli ba niyang
ipapaubaya ang sarili niya? At sino nga ba ang misteryosong lalaking bumili sa
kaniya na nakamaskara?

Both are willing to do anything, everything.... whatever it takes.

"I am not a damn toy, Godric! This isn't love! This is obsession! Please,
pakawalan mo na ako."

-Elizabeth Cruz

"I will hurt you the same way you hurt me that you'll be left with nothing
and no one but me. I'll do anything to make you stay. Whatever it takes."

-Godric Montgomery

---

Sneak peek

"This slave is sold to.... Mr. Zeus Scott!"

Napapikit na lang ako nang mai-anunsiyo na ang hatol sa akin. Wala na. Lahat ng
pag-asa kong makalaya ay nawalang parang bula. Ngayon ay mapapasakamay ako ng isang
taong hindi ko naman kilala. God knows kung ano ang sasapitin ko sa piling niya.

Ma, Pa, kayo na ang bahala sa akin.

Suot ang isang manipis na lingerie ay ma rahas nila akong inupo sa loob ng isang
kwarto Habang hinihintay ang taong nakabili sa akin. Madilim ang paligid at tanging
ilaw lang ng buwan ang nagbibigay liwanag Sa kwarto.

Gusto kong umiyak, gusto ko na lang kitilin ang sarili kong buhay para matapos na
ang lahat nito pero hindi. Hindi pwede. Para sa kapatid ko ay kakayanin ko ito.

Napapiksi ako nang bumukas ang pinto at nang makarinig ako ng mga yabag ay
napaatras ako hanggang sa headboard. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko
habang naglalakad siya palapit sa kamang kinauupuan ko.

Napasinghap ako nang yumuko siya at tumambad sa akin ang isang lalaking naka-
maskara. Nakasuot siya ng isang gintong maskara at ang tanging makikita lang ay ang
mga mata at bibig niya.

"P-Please, huwag mo akong sasaktan." i whimpered and scooted away from him.

I trembled in fear when he said nothing and climbed up the bed instead. Unti-unti
niyang inilapit ang mukha niya. Napapikit na lang ako at hinintay ang sunod niyang
gagawin. Ang inaakala kong gagawin niyang paghalik o pananakit ay naramdaman ko ang
mainit niyang hininga sa tenga ko.

"There's one rule that you have to remember from now on." He said huskily that made
me shiver and I'm not sure if it's from fear or pleasure.

Inilayo niya ang mukha niya sa akin at tinitigan ako. His brown eyes staring back
at me. Itinaas niya ang isa niyang kamay at marahang hinaplos ang pisngi ko.

"You are mine to please, mine to fuck. Your body, face, heart and soul. They are
all mine. You. Are. Mine."

You might also like