You are on page 1of 90

The Death and Life of Amery

by BlackLily

A story about death, life and love.


A story about what really matters in life.

=================

Prologue

Prologue

Amery woke up to find herself in hell. Literally in hell. Burning hot, scorching
hell complete with devils on the side with burning cherry on top.She can't accept
the fact that she had died. More so that she's in hell. Ang bait bait kaya niya
nung buhay pa siya. Wala siyang sinaway sa sampung utos ng Diyos. Well...hindi
naman kasama sa sampung utos ng Diyos ang mang agaw ng boyfriend ng iba di ba?
Boyfriend pa lang naman at hindi pa asawa.

She must find her way out of hell. According to the devils she'd interviewed iisa
lang daw ang paraan para makaalis siya sa impiyerno. Mangdemonyo daw siyang tao
para isuka siya ng impyerno dahil sa sobrang kademonyohan niya. Kapag nagtagumpay
daw siya makakaalis na siya sa impiyerno na kinasasadlakan niya.

Deal! Yun lang naman pala. Easy! No wonder kukunti na lang ang population sa hell.

The problem is, iisa lang ang taong pwede niyang demonyohin.

At iyon ay walang iba kundi si Lycus Raehel Principal, ex-boyfriend.

Patay na! Paano na yan?

Paano niya dedemonyohin ang lalaking pinagsukuan niya hindi lang ng puso niya kundi
pati ata ng kaluluwa niya?

Pero ano ba ang mas mahalaga? Ang kaluluwa niya na nasa impyerno o ang pride niyang
naaagnas na?

=================

Chapter 1

Chapter 1
Ang init! Patay ba ang aircon? Sino ang walanghiyang pumatay ng aircon?
Napabalikwas ako ng bangon para lamang magulat. I was surrounded by fire. May
sunog ba? Bakit walang sumisigaw? Nasusunog ang bahay ko?

"Sunog! Sunog!" I shouted asking for help.

"Tanga! Walang sunog! Nasa impyerno ka lang!" Nagulat ako nung biglang may
nagsalita sa tabi ko. Paglingon ko muntik na akong mapatakbo. In front of me is a
man with horns. Not an ordinary horn but horns with branches. Parang horn ng isang
deer. Ang mata niya pulang pula pati na din ang buong mukha niya. He looked like a
demon.

"Demonyo!" I uttered. Shocked.

"Tama ka!"Tumawa ang lalaking mukhang demonyo.

"Demonyo ka nga?" Malay ko ba kung nasa costume party lang ako at kinareer ng
lalaking ito ang demonic costume niya. Pero infairness, convincing ha.

"Sa tingin mo fake itong antlers ko?" Napatingin naman ako sa sungay niya na
nagkasanga sanga na.

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Tumingin
ako sa paligid and I noticed that I am on top of a hill. Mapula na mangitim mgitim
ang kalangitan and down the hill in hell is one hell of a fire. May mga taong o
baka kaluluwa na  inihahagis sa apoy and they would come out laughing na parang sa
swimming pool lang sila inihagis. Napatigin ako sa katabi namin at nakita ko ang
dalawang tao or maybe demonyo na nag totong-its sa isang maliit na mesa at ang
pustahan nila...what was that? Did he just cut off his finger nung nanalo ang
kalaban niya? Gross! Panigurado, hindi totoo ang lahat ng ito at nananaginip lang
ako. This is all too bizarre to be true.

"Baliw! Di ka nananaginip. Totoong nasa impyerno ka at ang kinakausap mo ngayon ay


ang isang high level demon." Inilabas pa niya lalo ang dibdib niya na parang proud
na proud sa sarili. Tumaas bigla ang kilay ko. May ganun!?

"Wag ka nang magtaka. Sa candy crush nga may level dito pa kaya sa impyerno?" Hindi
matino itong kausap ko. Teka nga! Bakit ang tagal kong gumising? Ayaw ko na ng
panaginip na ganito. Mamaya bangungutin pa ako at tuluyan pa akong mamatay. At saka
ayaw ko na kausap tong katabi ko, hindi matino kausap.

"Eh di wow! Ikaw na ang matino kausap. Hoy, wag ka nang mag ilusyon, ito na ang
realidad mo. Patay ka na, isa ka nang kaluluwa at nasa impyerno ka!" Tumawa siya na
parang demonyo. Napapansin ko, lahat ng naiisip ko sinasagot niya. May powers ba
siya? Pero teka patay na ba talaga ako?

Truelalu ba ito at hindi lang panaginip?


"Yes! This is the real life, this is not fanstasy. Caught in a landslide, no escape
from reality. Open your eyes, look up to the skies and see..." Sabi niya sa tono
ng Bohemian Rhapsody. Siyempre papatalo ba ako sa isang demonyo? Favorite song ko
ata ang Bohemian Rhapsody.

"I'm just poor boy, I need no sympathy, because I'm easy come, easy go. Little
high, little low. Anyway the wind blows doesn't really matter to me..." Dugtong ko
sa kanta niya at ginamit ko na ang kamay ko at ginawang mic.

"Mama, just killed a man. Put a gun against his head. Pulled a trigger, now he's
dead. Mama life has just begun but now I've gone and thrown it all away. " Feel
na feel na niya ang pagkanta. May pakumpas kumpas pa siya ng kamay at nag babody
wave pa. Wow ha! Papasa nang macho dancer.

"Mamaaaa...oooohhhh. " Sabay na kaming kumanta pero tumigil ako.

"Teka nga! Teka nga! Stahhp it! Stop!" Tumigil nga siya sa pagkanta at napatingin
sa akin.

"Totoo nga bang patay na ako at hindi ito panaginip at nasa impyerno ako?"

"Corrected by." Nakangising sagot niya.

"Ohhhh no!!!" I screamed. Hindi pupwede ito. Paanong nangyari na nasa impyerno ako?
Ang bait bait kong tao. Hindi naman ako nakapatay ng tao.

"Ohhh yes!" Sabi niya sabay suntok sa hangin.

"Shut up!" Sigaw ko sa kanya. Tumawa siya katulad ng isang demonyo. Ay teka
demonyo nga pala talaga siya. Pero di ba kung demonyo siya di ba dapat
binubully niya ako?

"Tange! Di uso ang mga bully dito. Ang uso dito litsunan! Hindi din uso ang
asaran kasi maaasar ka lang na walang naaasar sa pang aasar mo?" Ganun? Hindi na
ako nagtanong kung ano ang litsunan kasi may dumaan sa harap namin na dalawang
demonyo at may buhat na isang demonyo din na nakatali sa isang nagbabagang stick na
parang litson.

Pero teka nga! Bago ko problemahin ang mga issue sa impyerno, paano nga ba ako
namatay? Wait, recall recall. Ang huling naalala ko ay nasa parking akong isang
bar kasama ko si Kian. Si Kian ang bago kong boyfriend. Tapos dumating ang ex-
girlfriend niya na si Sandra. Well, hindi pa naman ex- girlfriend dahil hindi pa
sila naghihiwalay pero eventually hihiwalayan din ni Kian ang babae dahil nga
inakit ko si Kian ng todo-todo.

Pero paano nga ako namatay?


Hindi naman nakakamatay ang sampal ni Sandra nung nakita niya kaming naghahalikan
ni Kian at lalo na ang sabunot niya. Wait... nagsabunutan kami ni Sandra at medyo
dehado ako dahil nga nakainom ako and then natumba kami at nabagok ang ulo ko sa
island ng parking. Yun ang huli kong naalala.

Kaya ba ako namatay? Namatay ako dahil sa catfight? Ang saklap naman, pero buti nga
kay Sandra. Hmm..makukulongsiya, panigurado ako. My parents will make sure na
makukulong siya. Buti nga!

Pero holy shit! Patay na nga ako and worst, nasa impyerno ako!

Ganun ba kalaking kasalanan pag nang-agaw ng boyfriend especially kung hindi naman
pagibig ang nagtulak sa akin para mang-agaw ng boyfriend kundi para lang mang-inis?
I grunted.

Parang yun lang, sa impyerno na agad? Ticket to hell ba ang paglalandi? No! Ayaw
ko dito. Ano na lang ang sasabihin nila Mama at Papa kapag nalaman nila na sa
impyerno ako napunta? Kailangang makaalis ako dito. Pero paano? May way ba palabas
ng hell? Pwede ba akong tumakas?

"Wahahahaha!" Napalingon ako sa tumawa at nakita ko ang demonyong may antlers na


tumatawa at hinahawakan na ang tyan niya dahil sa sobrang tawa niya.

"Nakakatawa ka! Ang tanga tanga mo. Siyempre hindi ka makakatakas sa impyerno. Saan
mo naman nakuha ang idea na yan? But, there's a way to get out of here." That
caught my attention.

"Paano?" Gagawin ko ang lahat makaalis lang sa impyernong to.

"Nakita mo itong mga sungay ko?" Itinuro niya ang antlers niya. Tumaas ang kilay
ko. Sino naman ang hindi makakapansin sa antlers niya.

"Ito ang indication na malapit na akong makalabas dito sa impyerno. Kailangan mo


lang pataasin ang level mo hanggang sa maging sobrang demonyo ka na at isuka ka ng
hell." Huh?

"Saan ka naman mapupunta kung isusuka ka ng impyerno?"

"Aba malay ko pero may lulugar pa ba na mas masahol kaysa sa impyerno?" Kunsabagay
may point siya.

"O sige, papaano ako makakaalis dito?"

"Sabi ko nga kailangan mong pumasa sa bawat level ng kademonyohan. Kailangan tumaas
ang level mo."

"Paano ko nga magagawa yun?"

"Simple lang magparegister ka para makasali ka. Free registration sa mga first time
joiner." Pinagloloko ata ako nito.

"May registration?"

"Kahit saan naman may registration. Wag ka nang magtaka. Ano gusto mo nang
magparegister?"

"Tara! Saan ba nagpaparegister?" Whatever it takes. Sabi nga niya, wala nang mas
sasama pa sa hell. At hindi naman ako siguro mamamatay sa gagawin ko kasi patay na
ako.

"Sa akin." Biglang may lumabas na luma at parang sunog na papel sa kamay niya at
bigla ding nagkaroon ng maliit na mesa at dalawang upuan. Umupo ako nung naupo
siya.

"I fill up mo ito tapos ilagay mo ang pangalan ko sa recruiter's name. Xiclav the
78th."Sinunod ko ang sinabi niya. Pambihira, may recruiters name pa. Ano to pyramid
scheme? Wala naman palang originality dito sa impyerno.

"Dyan ka nagkakamali. Lahat ng kademonyohan sa mundo nanggaling dito sa impyerno.


Kayo ang gaya gaya at walang originality." Oh eh di wow! Kayo na!

"Ano pala ang mangyayari kapag nakapagregister na ako?"

"Siyempre maghihintay ka ng approval. Pagkatapos kapag na approve ka na, ipapatawag


ka sa main office. Doon sasabihin sa'yo kung sino ang naka assign sa'yo."

"Naka assign?"

"Hindi ko pa ba nasabi? Bibigyan ka ng isang taong dedemonyohin mo at habang


nagiging makasalanan ang taong yun dun tumataas ang level mo. Mga mga challenge na
ibibigay sa'yo kung anong klaseng pangdedemonyo ang gagawin mo pero wag kang mag
alala, may mga power ups na binibigay lalo na kapag mahirap ang challenge. Kapag
sinunod ng taong yun ang pangdedemonyo mo, tataas ang level mo. Ganun lang kadali."
No wonder madami ang nadedemonyo sa lupa. Ito pala ang gawain ng mga demonyo.

"Ikaw, anon a ang level mo? Sabi mo high level ka na."

"Level 25 na ako. Cool di ba? Oh, naapprove ka na. Punta na tayong main office."
Ganun kabilis? Akala ko naman maghihintay ako ng matagal.
"Fresh soul ka kasi kaya priority ka. Kung hindi ka na fresh soul, kailangan mo
nang magbayad ng registration fee tapos pipila ka pa. pero kung madami kang souls
na dala pwede mo namang suholan ang taga main office." Naglalakad siya habang
nagsasalita kaay sumunod ako sa kanya. Hindi pa kami nakakalakad ng malayo nung may
nag appear na isang door. Pumasok siya kaya sumunod ako.

"Saan kumukuha ng soul?"

"Sa mundo siyempre. Sa susunod ko na lang eexplain sa'yo yun kapag nag fail ka na.
Sa ngayon kausapin mo muna si Laxan." Just then a beautiful woman appeared in front
of us. Napakaganda niya na sa tingin ko bawal na ang ganung kagandahan. Tumingin
din ako sa paligid ng main office. It was circular, wide and devoid of any thing.
Kahit upuan wala.

"Hindi uso ang courtesy at hospitality dito kaya wag ka nang mag expect." Bulong sa
akin ni Xiclav. I bet hindi din uso ang pagpapakilala.

"Can you please stop reading my thoughts?"

"Ang saya kaya basahin ng utak mo. Isa pa, natutuwa ako sa bago kong power." I just
rolled my eyes.

"Amery." Napatingin ako sa babeng maganda na tinawag ni Xiclav na Laxan.

"Siya ang naka assign na dedemonyohin mo." Just then a big silver screen appeared
in front of us and a scene from earth was revealed. It was a man sitting on a desk
reading something. Then nag angat ng tingin ang lalaki at nanlaki ang mga mata ko.
Napatingin ako kay laxan.

"Siya!? Sigurado ka?" Gulat na sabi ko. Paano ako hindi magugulat? The guy on the
screen is no other than Lycus Raehel Principal ex-boyfriend ko 5 years ago. Teka,
ilang araw na ba ako dito sa impyerno?

"5 seconds ka pa lang dito kaya wag kang mainip." Sagot naman ni Xiclav. 5 seconds?
Sa dami nang napagusapan namin, 5 seconds pa lang ako dito?

"Hoy! Sigurado ka na siya ang dedemonyohin ko?" baling ko kay Laxan.

"Siya nga at wala nang iba."

"Paano ko dedemonyohin yan eh mas demonyo pa yan kaysa sa akin?" Iniwan lang naman
ako ng walanghiya 5 years ago ng walang pasabi. Bigla na lang naglaho na parang
bula ang hayop. Ni walang text, tawag, sulat o kung ano pa man. Tapos makita kita
ko siyang nakaupo sa executive chair? Ay hayup!
"Chance mo na gumanti." Sulsol sa akin ni Xiclav. Kunsabagay. Gagawin kong murderer
yang si Raehel para makulong. Hmmm... ngayong kaluluwa na ako, mumultuhin kitang
lapastangan ka! Makikita mo talaga! Makikita mo! With that thought, I smiled
devilishly.

=================

Chapter 2

Chapter 2

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng opisina ni Raehel sa pamamagitan ng dingding.


Alangan naman na gumamit pa ako ng pinto at kumatok samantalang pwede naman akong
lumusot kahit saan. The perks of being a ghost. Pagkatapos kanina namin mag usap
nina Laxan at Xiclav sa main hall, pinadala na ako kaagad dito. Tama lang, kasi
atat na akong gantihan itong hinayupak kong ex-boyfriend.

Nakita ko siyang nakaupo pa din sa kanyang executive chair at nagbabasa ng kung


ano. Akalain mo nga naman, ang sarap ng buhay ng hayup samantalang ako, hindi
makamove on pagkatapos niya akong iwan ng walang paalam. Inaamin ko, sa loob ng
limang taon pagkatapos niya akong iwan, hindi talaga ako nakamove on kaya bitter pa
din ako. Hindi ko nagawang magseryoso sa mga naging karelasyon koat nawalan ako ng
gana sa mga lalaki dahil tingin ko sa kanilanglahat manloloko katulad ni Raehel.
Yung pagkatapos makuha ang gusto nila sa'yo iiwan ka na lang. I've lost my faith on
men at ang lalaking prenteng nakaupo sa executive chair ang dahilan ng lahat. Kung
may capacity lang akong humawak ng mga bagay bagay baka nahampas ko na siya ng
painting na nasa likuran niya.

Ngayon nasana ang pagkakataon kong makaganti dahil hindi niya napansin na nasa loob
na ako ng opisina niya. Siyempre paano niya mapapansin, invisible na ako. Umikot
ako at pumunta sa harap ng mesa niya. Napatigil siya sa pagbabasa at umangat ang
tingin tapos napakunot noo habang nakatingin sa akin. For a while naconscious ako
kasi sa akin talaga siya nakatingin at parang gulat na gulat. Pero impossible naman
na makita niya ako dahil nga multo na lang ako. Nakipagtitigan ako sa kanya.
Kunyari nakikita niya ang sama ng tingin ko.

Paano nga ba ako makakaganti sa hayop na to? Nag pabalik balik ako sa gitna ng
opisina niya habang nag iisip ng mabuting gawin para makaganti kay Raehel. Then I
suddenly stopped when an idea popped inside my head.

Tama! Mumultuhin ko si Raehel at sisiguraduhin ko na mababaliw siya sa takot. Tama


yun ang gagawin ko. Magmumulto muna ako bago ako mangdemonyo.I am so smart talaga!

Pero...paano ba mangmulto?Wala akong idea. Paano ba magmukhang duguan na white lady


at magpakita sa isang tao? Hmm...I need help.
Bumalik ako sa hell at hinanap si Xiclav the 78th at nakita ko siyang pumupusta sa
mga nagsasabong na kaluluwa. I grimaced at the sight of 2 souls fighting like a
cock.

"Bente sa pula!" He shouted and I really do not have an idea kung ano ang
ipinampupusta niya kasi wala namang pera sa impyerno.

"Xiclav." Napalingon sa akin si Xiclav and he gave me that creepy smile of his.

"Nakabalik ka agad?Ang bilis naman.Sa pula! Sa pula!"Sigaw niya ulit.

"Magpapaturo ako kung paano magmulto." Bigla siyang napatigil sa pagsigaw at


napatingin sa akin tapos tumawa ng malakas. Nangunot ang noo o. Anong problema nito
at tawa ng tawa.

"Namatay ka na't lahat, naniniwala ka pa sa multo?"Di makapaniwalang sabi niya


tapos tumawa ulit. Kunti na lang. Kunti na lang talaga at mapuputulan ko na to ng
isang sanga ng sungay niya.

"Bakit?Hindi ba totoo ang multo?"

"Siyempre hindi! Gawain lang yun ng mga demonyo para magkalat ng takot sa mundo.
And fear my dear, is the most splendid thing. It is why we demons thrive. It is the
air that we breathe, it is our bread and butter." Xiclav said dreamily and it was
kind of OA sa totoo lang. Tapos ang eerie makakita ng demonyo na parang nagd-
daydream. Kadiri lang.

"Ang arte mo. Darating ang araw na marerealize mo kung gaano kaimportante ang takot
ng isang tao para sa mga demonyong katulad natin. Do you know what fear can do to a
person? Lahat! Lahat kayang gawin ng isang taong takot.Lahat kayang baliwalain ng
isang taong takot.Lahat kayang hamakin ng isang taong takot. Lahat na pwedeng
kapitan, kakapitan ng isang taong takot. Maniwala ka. Ganyan kalakas ang
kapangyarihan ng takot at habang natatakot ang mga tao, doon pumapasok ang mga
demonyo. Habang madami ang mga taong takot, dumadami din tayo. When fear is
present, there is no faith, there is no love, no compassion. Demon thrives!
Mabuhay!" Mahabang sabi niya and I just rolled my eyes.

"Gusto ko lang malaman kung paano magmulto. Gusto kong maging white lady na duguan.
Ang dami mo nang sinabi." Pabalang na sabi ko sa kanya.

"Bakit ka magmumulto, hindi ka naman multo.Demonyo ka kaya!"

"Multo pa lang ako. Di pa ako demonyo.Wala pa nga akong sungay." I argued back.
Sino ba ang gustong matawag na demonyo?

"Dyan ka nagkakamali.The moment you signed the registration form and the terms and
condition, isa ka nang demonyo. Pambihira kasi hindi ka nagbabasa ng terms and
conditions." Ganun?

"Sino naman kasi ang gaganahang magbasa ng 1,200 pages na terms and conditions?Ikaw
ba binasa mo yun?" Sige nga! Akala mo kung sinong magaling kung makapagsalita.
Kesyo level 25 na siya nagmamagaling na. Pwe!

"Siyempre hindi din."Nakangising demonyo na naman siya.

"See. Kaya turuan mo na ako kung paano magmulto. Yung nakakatakot ha! Yung sobrang
daming dugo ang mukha ng white lady at umiiyak pa tapos may dalang patalim na may
tumutulong dugo!" Nakikita ko na ang magiging reaction ni Raehel. Titingnan ko lang
kung di siya mabaliw. I can't wait!

"Bueno, kailangan mo ng Shards of Kuldra or in layman terms the power of


transformation para maging white lady ka na duguan." May lumapit sa amin na isang
demonyo at may kinuha kay Xiclav at ibinigay ni Xiclav ang limang vial na parang
may liquid sa loob na transparent.

"Saan naman ako makakakuha ng Shards of Kuldra?"Baka hinahunt?Napatawa ako. Naalala


ko tuloy ang mga gaming days ko kung kelan adik na adik ako sa mga online games
tapos inis na inis si Raehel sa kaadikan ko. Teka nga! Bakit naman inaalala ko pa
ang mga memories namin ng hayup na yun?

"Hindi yun nahahunt.Nabibili yun sa hell secret shop." Wow! Pati sa hell may secret
shop. Wag niyang sabihin na may recipe din yun. Dota lang ang peg?

"Masuwerte ka dahil ready made na yun at mura lang." Napatingin siya sa gitna ng
stadium. Stadium nga ba ang tawag sa lugar na ito? Parang ganun eh."Putang
kaluluwa yan, nagpatalo! Napakaweak mo! Magtanim ka na lang ng kamote sa Tartarus
ulol! Wala kang kwenta!" Bigla ba naman siyang tumayo at malakasna sumigaw nung
matalo ang pinustahan niyang kaluluwa. Sa totoo lang nakakabingi pala ang sabong ng
mga demonyo. Walang humpay na murahan ang nagaganap. Dito ata nanggaling ang
trashtalkan.

"Magkano ang Shards of Kuldra?" Nagpupuyos na sa galit si Xiclav dahil sa pagkatalo


niya pero hindi ko pinansin. Ganun naman palagi ang mga demonyo.Palaging galit.

"Ten souls."

"Souls?Saan ako kukuha ng soul?" Now I realized na kaluluwa pala ang currency ng
mga demonyo. Wow! Hindi gold, hidni silver, hindi gems kundi souls.

"Siyempre sa mga patay. Alangan naman na sa mga buhay." Pabalang na sagot niya at
gustong gusto ko na din siyang sagutin ng pabalang kasi naiinis na ako pero sabi
nga niya, walang asar talo sa hell.
"Human soul?" Kulit ko pa.

"Hindi!Kaluluwa ng damo.Ano kaba naman Amery.Ang kulit mo. Lumayas ka nga at


natatalo na ako dito." Pagtataboy niya sa akin pero sadyang makulit talaga ako.

"Eh..kailangan ko ng soul. Saan ako kukuha?" hindi niya ako pinansin.


Nakikipagpustahan pa din siya kaya ang ginawa ko, naglambitin ako sa sungay niya.

"Ano ba Amery!"

"Tulungan mo akong makakuha ng kaluluwa Xiclav."Todo lambitin pa din ako. In


fairness, ang tibay ng horns niya ha!

"Ibabato kita sa gitna pag di mo ako tinigilan!" irita na sabi niya.

"Sige na kasi! Para ano pa at naging recruiter kita kung di mo ako tutulungan?"
pakunsensiya ko pero tiningnan niya ako nang nakangiwi at parang hindi makapaniwala
sa sinabi ko. He just smirked athindi na ako ulit pinansin. Then it dawned on me,
wala palang kunsensiya ang mga demonyo.

"Hindi ganun kadali makakuha ng kaluluwa Amery.Kailangan mong mangdemonyo ng mga


tao at kapag namatay ang taong yun at mapunta sa impyerno mapapasayo ang kaluluwa
niya." Ganun!? Kung mag iipon pa ako ng kaluluwa gaano katagal bago ako makabili ng
Shards of Kuldra? Baka pumuti na ang buhok ni Raehel at mamatay na siya hidni ko pa
siya namumulto.

"Paano ako makakapangdemonyo kung may dinedemonyo na ako?"

"Pwede ka namang magsideline kasi hindi naman lahat ng tao may demonyong
nangdedemonyo. Sa dami ba naman ng tao sa mundo." So, hindi pala one is to one ang
ratio ng tao sa demonyo.

"Pero kailangan ko pang maghintay na mamatay yung tao."

"Natural." I groaned at his reply.

"Hindi ba pwedeng patayin ko na lang ang masamang tao?" I smiled sheepishly and he
smiled at me too tapos binatukan ako.

"Bagay ka nga dito sa impyerno, may evil mind ka. Ang kaso, hindi ka nag aanalyze
ng cost at benefit. Alam mo ba kung magkano ang power para makapatay ng isang tao?
20,000 souls. Bibili kaba ng power na worth 20,000 para lang sa isang kaluluwa? Mag
isip ka nga!" Eh di ikaw na ang smart! Kainis. Sumimangot na ako. Anonalang ngayon
ang gagawin ko?
"Five souls sa puti!" I heard Xiclav shouted. Ang dami naman ata niyang dalang
kaluluwa? Nag isip ako kung ano ang pwede kong gawin para magkaroon ako ng soul and
an idea struck me. I stood up and shouted.

"Five souls sa pula." And immediately I saw my name on the screen on top of the
arena and my bet.

"Anong ginagawa mo?Wala kang pampusta pero pumupusta ka? Alam mo ba ang mangyayari
sa'yo dahil sa ginawa mo? Ikaw ang isasalang dyan."

"Basta! Watch and learn." Para ano pa at gamer ako kung di ko alam ang mga labanan
na ganito? Nagsimula ang laban ng mga kaluluwa and then, I won!Tuwang tuwa ako at
pumusta ako ulit at nanalo ako ulit. Ang galing! Walang kahirap hirap may pambili
na ako ng Shards of Kuldra. Umabot ng twenty souls ang napanalunan ko bago ko
naisipang umalis. Mahirap na at baka matalo ako.

"Saan ang secret shop?" Tanong kokay Xiclav na nakasimangot na dahil palagi siyang
talo.

"Sa tabi ng main hall.Yung malaking mall dun." Naalala ko ang building na yun. Ang
laki nga nun at hindi ko alam kung bakit tinawag na secret shop gayung kitang kita
ng buong populasyon ng mga demonyo. Pagkadating ko sa secret shop, naaliw ako sa
pagkahightech. Katulad ng mainhall malawak din ang lobby ng secret shop at may
napakadaming parang button kung saan nakaharap ang mga customer.

Itatype lang ang kailangan at ilalagay sa soul counter ang mga bayad mong souls
tsaka lalabas ang binili mo. High tech! Bongga.

Pagkakuha ko ng Shards of Kuldra binasa ko agad ang label.

Shards of Kuldra

The most potent element to transform any soul into whatever it wishes.

Directions: Open and smell.

Duration of effect: 10 human seconds.

Ganun lang kabilis? No wonder ang mga akalang multo ng mga tao ang bilis lang
maglaho. Kisap mata lang. Yun pala ang bilis lang ang effect ng Shards of Kuldra.
Ang daya! Tapos 10 souls and presyo? Overprice naman! Pero kunsabagay, nasa
impyerno ako kung saan ang lahat ay unfair.

Dahil atat na ako, agad akong pumunta sa mundo. Hindi ko alam kung ilang oras o
araw na ang nagdaan sa lupa kasi medyo nagtagal ako sa impyerno. Ang alam ko mas
mabagal ang oras sa impyerno. Ang 5 seconds nga sa impyerno ay katumbas nang ilang
oras sa mundo. Nagsayang tuloy ako ng oras sa hell. Nakakainis kasi si Xiclav.
Napakadamot na demonyo.

Pagdating ko sa mundo, dumiretso ako sa condo ni Raehel. Napahinga ako ng malalim


habang nakatingin ako sa living room ng condo. Ilang beses na akong pumunta dito.
Ang dami naming alaaala na hindi ko na dapat ngayon inaalala.Why am I even
reminiscing? Dapat ngayon ang inaalala ko na lang ay ang pagmumulto ko at ang pang
dedemonyo ko sa kanya.

Tama! Yun na lang dapat ang inaalala ko. Nakangisi ako habang naglalakad papunta sa
kwarto ni Raehel nung mapatigil ako.

"Excuse me! Saan ka pupunta?" I immediately turned around and saw the cutest child
I have ever seen. She's about 3 years old with a curly golden hair. She's wearing
a white garment at namimintog ang dalawa niyang pisngi at namumula. Sobrang cute
niya na ang sarap niyang panggigilan. Walang tigil sa paggalaw ang maliliit niyang
pakpak sa kanyang likod while she's suspended on air.

I cannot believe what I am seeing. Ang demonyong si Raehel ay may guardian angel!

=================

Chapter 3

Chapter 3

"Saan ka pupunta?" Ulit niya sa sinabi niya na nakataas ang kilay. Aba, ke bata
bata pa ng anghel na to marunong nang magtaas ng kilay. Pinagmamalditahan ba niya
ako?Ako? Isang kaluluwa na galing sa impyerno, pagmamalditahan ng bubuwit na ito?

"Paki mo!?" Asik ko sa kanya.

"May pakialam ako kasi ako ang tagabantay niya. Hindi ka basta bastang pumasok sa
kwarto niya. Ngayon, ano ang gagawin mosa kanya at bakit ka papasok sa kwarto ni
Lycus?" She said in a stern voice. Nanay lang ang peg? Aba, mas masahol pa siya sa
mga magulang ni Raehel. Nung kami nga ni Raehel hinahayaan na lang nila ako na
pumasok sa kwarto niya kapag bumibisita kami sa bahay nila sa Laguna. Tapos itong
batang ito, hindi ako papayagang pumasok sa kwarto niya? Hindi ba niya alam kung
ilang beses na akong natulog sa kwartong yan? Hindi ba niya alam na sa kwartong yan
isinuko ko ang lahat lahat?

I immediately erase the memory dahil kapag nagtuloy tuloy ako sa pagrereminisce,
maaalala ko kung bakit galit na galit ako sa lalaking nasa loob ng kwartong yan.
Pero hindi ko napigilan na maalala ang sumunod na pangyayari kaya nabuhay agad ang
galit sa puso ko. Nakakainis! Kahit pala patay na ang isang tao, hindi pala naaalis
ang sakit. Kaya siguro maraing nagmumulto at mga kaluluwang hindi mapakali. Pero
teka, di ba nga sabi ni Xyclav, hindi naman totoo ang multo? Gawain lang dawn g mga
demonyo yun to spread fear in the world.
Napatingin ulit ako sa anghel na cute pero maldita pala. Tumaas ang kilay ko at
dumiretso akong pumasok sa kwarto ni Raehel. Wala siya sa loob at naririnig ko ang
tunog ng shower. Malamang naliligo siya. Papasok na sana ako sa loob ng banyo nung
biglang sumulpot ang angel sa harap ko.

"Hoy!" naku, ang kulit naman talaga. Bumuntonghininga ako at tiningnan siya with a
bored look.

"Mumultuhin ko siya, okay? Masaya ka na?" I crossed my arms in front of me and give
her a challenging look. Tiningnan din niya ako na nakataas na naman ang kilay.
Kunti na lang. Kunti na lang talaga at aahitin ko na ang kilay ng batang to.

"Mumultuhin mo siya?Sa loob ng banyo?"Pakialamera talaga. Bakit may pinipili bang


lugar ang pagmumulto?

"Paki mo ba?"

"Mamboboso ka lang ata eh!" nanlaki ang mga mata ko. Aba! Nambibintang siya? Ni
hindi ko nga naisip na bosohan si Raehel. Isa pa, hindi ko na kailangang bosohan
siya dahil nakita ko na ang silhouette ng lahat lahat sa kanya. Nahawakan ko pa!
Kahit nga ba, silhouette lang dahil madilim nung panahon na yun. Ahh, ewan. Sabi
nang wag alalahanin eh!

"Excuse me!? Ako mamboboso? Gusto ko lang gumanti dahil sa masama ang lalaking yan.
Gusto ko siyang turuan ng leksiyon. Kaya kung ako sa'yo, aalis na ako dito. Hindi
bagay sa katulad niyang masamang lalaki ang magkaroon ng guardian angel. Sinasayang
mo lang ang oras mo kasi hindi na bubuti ang kalooban ng lalaking yan.Hindi mo na
yan mahahatak papuntang langit." She looked at me as if I'm insane. Loko lokong
anghel to ah! Di ba dapat, ang mga anghel mababait, mahinhin, hindi makabasag
pingan at meek? Pero bakit ang isang to napakamaldita? Baka hindi siya guardian
angel? Baka guardian angel in disguise siya! Baka may plano din siyang multuhin si
Raehel. Tiningnan ko siya ng masama pero mukhang hindi siya apektado. Kunsabagay,
wala naman sigurong demonyita na kasing cute niya di ba?

"Maniwala ako sa'yo. Alam mo ba na ang bawat nilalang ay may kabutihang taglay
kahit na gaano pa ito kasama? Kaya hindi ako pwedeng umalis lalo na at andito ka.
Ikaw na lang kaya ang umalis dahil hindi magtatagumpay kung ano man ang plano
mo."She said like a true blue blooded angel that she is, believing in every human
being innate goodness. Eh di siya na ang anghel, ako na ang kaluluwang galing
impyerno at candidate sa pagkademonyo. Kainis! Bakit kasi sa impyerno ako
dumiretso. Hindi tuloy ako makapagmalaki.

"Tingnan lang natin!"Sabi ko na lang to save my partially developed demonic pride.

"Oo ba!" She said proudly,very sure that she will win in a battle to capture
Raehel's soul. May kasama pang taas ng kilay at talagang nairita na ako sa kilay
niya na taas ng taas. Saan nga ba may blade dito at maahit nga! Sa banyo alam kong
may electric shaver si Raehel pero sadly, hindi na ako pwedeng humawak ng mga
bagay.

"Hoy! Wag mo akong mataas taasan ng kilay ha! Ang liit liit mo baka pilipitin
kita." Now, it makes me wonder. Pwede ko ba siyang sabunutan? Pwede bang
magsabunutan ang mga spirits? May mga spirits ba na nag aaway? Nagsusuntukan,
nagbabarilan, nagsasampalan? Masampolan nga ang bulilit na ito.

"Para namang kaya mo. Kahit na maliit ako, mas malakas pa din ang power ko kaysa
sa'yo!" She said raising her chin up, not even hiding her arrogance.

"Aba! Hinahamon ako?" Tuluyan na akong napikon. Bakit ba nagpapabully ako sa batang
to? Mas malaki ako, mas seksi at may mas mahabang buhok. Isa akong kaluluwang
galing impyerno kaya understandable na mas masama ako sa kanya. Bakit ko
hinahayaang i-bully niya ako? Hindi maari ito.Dapat patunayan ko, na mas masama
ako.

"Hindi.Nagsasabi lang ako ng totoo." Nagyayabang ka lang eh. I wanted to say pero
pinigil ko na lang ang sarili ko dahil napapansin ko na ang tagal na naming nag
usap. Hindi ko na tuloy nagawa ang plano ko. Nagsasayang ako ng oras sa bulilit na
ito. Ano nga ba ang magagawa niya kung papasok ako sa banyo ni Raehel? Wala!

"Ewan ko sa'yo. Iniistorbo mo ang mga plano ko. Inaaliw mo ako at dinadivert ang
atensiyon ko. Masimulan na nga. Wag kang susunod, bataka pa!" Ngumisi lang ang
cherubim. Ang cute!Bakit ba ako nacucutan? Demonyo nakaya ako, dapat hindi na ako
naku-cutan sa mga guardian angel.

Inismiran ko siya at naglakad, este lumutang pala papasok sa banyo ni Raehel.


Naliligo nga siya at nakikita ko na naman ang katawan niya kahit hindi clear dahil
stained glass ang shower enclosure. But I am sure na naked siya behind that glass.
Napalunok ako pero kinontrol ko ang sarili ko. So what if he's naked. Hindi ako
dapat nagpapaapekto kasi multo na ako.

Dapat maisagawa ko ang plano ko. Simple lang naman. Magsusulat langako ng warning
sa stained glass ng shower.Susulatan ko ng salitang 'die!'. Hindi aksi pwedeng
mahaba dahil baka maubos ang ten seconds ko. Tapos magpapakita ako sa kanya sa anyo
ng duguan na white lady.

Kinuha ko ang vial ng Shards of Kuldra . Nakalagay sa instruction na para makuha ko


daw ang desired effect, singhutin ko daw mabuti habang iniisip ang gusto kong
image. Binuksan ko na ang vial at sininghot. Napangiti ako. I was about to write in
the smokey stained glass when the shower enclosure door opened and Raehel emerged.
Napatigil ako at napatulala sa kanya. Napatingin din siya sa akin at napatulala.
Pero hindi konapigilan ang sarili ko. Tumingin ako sa bagay sa gitna ng hita niya.
Pakiramdam ko nag init ang pisngi ko. Mabuti na lang multo na ako kasi kung
nagkataon makikita niya ang pagbablush ko. Ano kaya ang itsura ng multong
nagbablush?

10 seconds had passed na magkatitigan kami and I vanished from human sight.
Nakakadisappoint sa totoo lang. Hindi man lang siya tumakbo dahil nakakita ng
duguan ng white lady. Pero ang mas na nakakadisappoint, hindi ko nagawang magbanta
sa stained glass dahil natulala ako sa kakisigan niya.

I grunted and stomped my feet in frustration. May multo bang natutulala? Nung
tingnan ko si Raehel nakatulala pa din siya at nakatingin sa akin. Shock pa din ata
sa nakita niya. Baka hindi talaga siya screamer.

"Nakakainis naman!" naibulalas ko na lang. Hindi naman niya ako naririnig kaya
pwede akong magsisigaw.

"Bakit ba kasi ako natulala! Ano naman ngayon kung nakakita ako ng ano! Nang
tumatayong ano! Bakit ba ako nagulat eh nakita ko naman na yun dati kahit na
silhouette lang!? Asar! Nakakainis! Nakakabwisit! Nagsayang pa ako ng kaluluwa!
Bakit ba kasi di ko magawang magmove on? So what if he'd swiped my v-card and left
me without a word afterwards?" Naramdaman ko ang pag iinit ng sulok ng mag mata ko.
Ang mga kaluluwa pala umiiyak din.

"Dapat nga magpasalamat pa ako kasi nalaman ko agad na wala siyang kwenta! Na
bwisit siya at isa lang ang habol sa akin at hindi niya talaga ako mahal. Bwisit!
At bakit ba ako naiiyak?Leche!" I turned my back sa nakatulala pa ding si Raehel.
Wala akong pakialam kung magiging tulala man siya habang buhay at mamatay siya sa
pagkatulala. Who cares? I was about to went out of the bathroom when I heard him
spoke. Mahina lang ang boses niya at parang bumubulong na lang siya.

"I am so sorry Amery."

Napatigil ako.

=================

Chapter 4

Chapter 4

"Oh anong nangyari?" Bungad agad sa akin ng cute na anghel pagkalabas ko ng banyo
ni Raehel. Nakadapa siya sa kama ni Raehel at nakapatong ang chin sa mga kamay
niya. She looked so adorable.

"Wag mo akong kausapin, badtrip ako!" Sabi ko at nagpalutang lutang na sa taas ng


kama ni Raehel. Kung talagang hidni lang ako lumulusot sa mga bagay bagay,
tinapakan ko na itong bubuwit na ito hanggang sa mapisa. Lalo na ngayong badtrip na
badtrip ako at hidni ko alam kung kanino ako maiinis. Kay Raehel ba dahil sa
maganda niyang katawan, sa manufacturer ban g Shards of Kuldra dahil ang bilis
mawala ng bias o sa sarili ko kasi hindi ko mapigilan ang emosyon ko?

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Nagsayang ako ng souls dahil lang natulala
ako sa katawan ni Raehel.
"Sabi ko sa'yo wag mo nang ituloy eh!" Napatingin ulit ako sa anghel na nakadapa pa
din but now she's swaying her head from left to right na para bang nakikinig siya
sa music. Nagsashine ang hair niya pag natatamaan ng ilaw. Bakit ba ang cute cute
niya? Talaga bang ginawa silang cute para manghinayang ang mga demonyong saktan
sila?

Lumingon sa akin ang nakangising anghel. Pati ba naman ngisi niya angelic pa din?

"Shut up okay! Kunti na lang sasabunutan na kitang anghel ka." Lumapit ako sa
kanya at aktong sasabunutan siya pero hindi man lang siya natinag. Nakatingin lang
siya sa akin at nakataas na naman ang kilay.

"Sungit mong demonyo." Tumayo siya mula sa pagkakadapa sa kama at lumipad palabas
ng kwarto. Sumunoddin ako kasi trip ko lang. Isa pa, baka lumabas si Raehel sa
banyo at walang kahit na anong saplot. Makita pa ng anghel na to kung paano ako
magpanic dahil sa hubad na katawan.

"May demonyo bang hindi masungit?"

"Kunsabagay. Oh saan ka pupunta?" She asked when I wnet out of Raehel's condo. Siya
naman ngayon ang humabol sa akin.

"Sa impyerno! Magpapalamig!" pabalang na sagot ko at nakita ko siyang ngumiwi.

"Weird." Yan lang ang narinig kong sinabi niya bago ako umalis at bumalik sa
impyerno. Gusto ko pa sanang ituloy ang pang mumulto kay Raehel pero wala na akong
souls na pambili ng mga kailangan ko sa secret shop.

Mangungutang sana ako kay Xiclav pero hindi ko siya mahanap. Ayaw ko pang bumalik
sa kay Raehel, gusto ko munang kumalma ang damdamin ko kung meron mang damndamin
ang mga kaluluwa. Nung umayos na kunti ang nararamdaman ko, napagdesisyunan ko nang
bumalik sa mundo.

Talaga namang napakabilis ng oras sa mundo dahil pagdating ko, natapos na ang isang
araw at nasa opisina na ulit si Raehel. Subsob siya sa trabaho at minsan pumapasok
ang sexy niyang secretary. Nakita ko din na nakaupo ang guardian angel niya sa sofa
at naglalaro ng PSP. Aba may PSP ang mga anghel? Sosyal!

"Hoy ano yan?" Lumapit ako sa anghel na saglit lang akong tiningnan tapos
nagpatuloy na sa paglalaro. Umupo ako sa tabi niya at nakisilip.

"I'm playing angels and demons. Gusto mo makita kung paano dinurog ng anghel ang
demonyo?" She showed me her game at talaga nga namang durog ang nangyari sa
demonyo. Ikaw ba naman sagasaan ng pison ng anghel. Natural na magkadurog durog ang
katawan ng demonyo este kaluluwa pala. Hindi ba dapat bawal ang ganyang violent
games sa mga anghel?
"Corny." Sabi ko na lang.

"Bakit ka andito?"

"Para magawa ang misyon ko."

"Misyon mong mamboso kay Lycus?" She feigned shocked. Pinandilatan ko ang anghel
pero napatingin ako agad kay Raehel nung tumikhim siya. Hindi naman siya nakatingin
sa amin. Nagbabasa pa din siya ng mga papeles sa mesa niya. Baka lang nabilaukan ng
sarili niyang laway.

"Excuse me! Bakit ko naman bobosohan yan? Iba ang misyon ko no!" Umirap ako and
crossed my arms in front of me.

"Kung hindi pamboboso, ano?" The angel put down her PSP and looked at me. Lumipad
pa siya at lumapit sa akin at inikutan ako. Parang teacher na may nahuling
estudyanteng may ginagawang masama.

"Wala kang pake!" Lumapit ako sa tabi ni Raehel. Sa may bandang likod niya. Yumuko
ako para magkadikit ang mukha ko sa tenga niya.

"Raehel." I whispered into his ear. Ganito daw ang gagawin ko sabi ni Xiclav.
Bubulungan ko daw si Raehel ng kademonyohan para mabrainwash ko siya at maging
masama siyang tao.

Lumapit ang anghel sa tabi ni Raehel sa kabilang side naman. Ganito pala ang itsura
ng isang tao. May demonyo sa kaliwa at anghel sa kanan. Kaya pala minsan hindi
makapag isip ang tao kung ano ang gagawin. Na coconfuse.

"What are you doing?" Nakataas ang kilay na sabi niya. Tinaasan ko din siya ng
kilay at hindi na pinansin.

"Alam mo bang matagal nang may gusto sa'yo ang secretary mo?" Bulong ko ulit sa
hinayupak kong ex-boyfriend. Tamang tama naman na may kumatok at pumasok ang
secretary niya. Ang sexy. ang iksi ng skirt at ang lalim ng neckline ng sleeveless
blouse nito. Ang landi! Kainis.

"Sir, here's the folder you're asking." Ibinaba ng secretary ang dala nitong folder
sa table ni Raehel. Yumuko siya kahit di naman na kailangang yumuko.

"Woah! Woah! Look at that cleavage." I exclaimed. "Tingnan mo Raehel, silipin mo


ang...ang...double door papuntang langit." Umubo ang anghel at nakita ko siyang
ngumingiti. Pero si Raehel, ni hindi nag angat ng tingin sa binabasa. Ni hindi
pinansin ang secretary.
"Hoy bingi ka ba? Hindi mo ba nakikita na nilalandi ka na ng secretary mo?
Magpalandi ka naman. Stop being so stiff. Hindi bagay sa'yo. Silipan mo siya.
Tingnan mo kung gaano kakinis ang legs niya, kung gaano kalalaki ang boobs niya.
Di mo ba nakikita na nagpapaseksi siya dahil sa'yo at sinasadyang maiksi ang skirt
at mababa ang cleavage ng damit? Sumilip ka na kasi." Walang epekto. Napapahiya na
ako sa sarili ko at sa anghel na kanina pa ako tinitingnan nang nakataas ang kilay.
Dapat magtagumpay ako. Dapat ma demonyo ko ngayon si Raehel na silipan ang
secretary niya para mag level up ako.

Lumabas ako ng office ni Raehel at pumunta sa secretary nito. The secretary is


secretly staring at Raehel's picture na nasa computer nito. May pakagat kagat pa
ito ng labi habang pinagnanasaan si Raehel. Ang sarap sabunutan!

Teka nga! Bakit ba naiinis ako sa secretary na to? Dapat ngang gamitin ko siyang
mabuti para maisakatuparan ang misyon ko.

"Psst...pumasok ka ulit dun sa opisina ng boss mo. Ayusin mo naman ang paglalandi
dahil kunti na lang bibigay na siya. Do you want to kiss him? Do you want to feel
his touch? Seduce him.Kapag nagtagumpay ka, imagine what will happen. Magkakaroon
ka na ng jowa na sobrang pogi, yayaman ka pa!" Pangdedemonyo ko sa secretary ni
Raehel. Saglit siyang nag isip at may kinuhang kung ano sa table. Tapos naglakad
siya at kumatok sa opisina bago binuksan ito at pumasok.

"Sir..."Malandi at maarteng sabi niya. Sarap sipain. Teka nga! Bakit ba ako
naiinis. Ako naman ang nag suggest na landiin niya si Raehel. Ako naman ang
nangdemonyo sa kanya? Bakit ano naiinis? Nagseselos ba ako? Ang mga kaluluwa ba,
nagseselos din? Dapat maging masaya ako kasi kapag nagtagumpay siya, maglelevel up
ako.

"Yes Allyssa?" Saglit na tiningnan ni Raehel ang secretary at tiningnan ulit ang
binabasa.

"Ito po ang...ayyy!" Sadya niyang binitiwan ang hawak na folder na hawak pero
kunyari nabitiwan niya ito. At ang gaga, tumuwad habang kinukuha ang mga nagkalat
na laman ng folder. Halos nakikita na ang singit niya dahil sa iksi ng skirt niya.
At talaga namang malandi kasi nakatalikod siya kay Raehel, tuloy kung titingnan
lang siya ni Raehel, makikita na ang back door ng langit.

Agad akong lumapit kay Raehel. "Look at her, what an ass! Tingnan mo na..silipan mo
na siya." Pangdedemonyo ko pero hindi siya nagreact. Ni hindi sinulyapan ang
nakatuwad na secretary.

"Ano ba Raehel!" I am frustrated. Paano ako maglelevel up kung ganito siya


kamanhid?

"Tumingin ka na kasi!" I shouted kahit na hindi niya ako naririnig.

"Dito ka tumingin, baliw!" Lumapit ako sa nakatuwad pa din secretary na wala na


atang planong umayos. O baka naman namatay na kakatuwad.
"Raehel!!" I shouted again but nothing happened. I stomped my feet.

"Pag ako nainis, ako na lang ang maghuhubad dito! Leche!" Bigla siyang napatingin
sa side ko. Napanganga ako at narinig ko ang hagikgik ng guardian angel niya.

B0V1

=================

Chapter 5

Chapter 5

"I give up!" Sabi ko sabay pangalumbaba. Why? Bakit sa lahat ng taong pwedeng
demonyohin, bakit si Raehel pa ang na assign sa akin? Ang hirap, hirap, hirap,
hirap niyang demonyohin. Oo nga at nag level up ako pero dahil sa tsamba. Kung
hindi siya lumingon, hindi ko nagawa ang una kong pandedemonyo sa kanya.

Sino ang nagsabing madaling mandemonyo? Ang hirap kaya lalo na at hindi niya ako
naririnig o nakikita. Isa pa, I know Raehel to be a righteous guy. Well, not so
righteous, kasi nagawa nga niyang ako iwan di ba?

But still, sa duration ng relasyon namin wala akong natatandaan na pagkakamali


niya. He's an ideal boyfriend. He's sweet, caring and everything a girl could ask
for. But still, he's an asshole. Baka nga pakitang tao lang ang lahat na pinakita
niya sa akin para makuha ang virginity ko. Ang totoo, he's an asshole, a jerk, a
jackass through and through.

Pero ang hirap talaga niyang demonyohin!

Kung palaging ganun ang progress ko sa pandedemonyo sa kanya baka abutin na ako ng
pagguho ng lahat lahat, nasa impyerno pa din ako. Uhh, this is really frustrating.
Paano ako aabot sa level 50? Isa pa, kailangan ko ding maging top scorer palagi
para magkaroon ako ng power bonus na magagamit ko para mas mapabilis ang pag level
up ko.

Napatingin ako sa paligid ko at napangiwi ako nung makita ko ang dalawang demonyong
may nililitson na kaluluwa. Gusto kong mapaiyak.

No! I cannot stay in this place. Hindi maaari! Hindi ako nababagay sa lugar na ito.

"Bagay ka kaya dito. It's like, this place is made for you." Napatingin ako bigla
sa nagsalita at nakita ko ang panget na mukha ni Xiclav. Nangangati ang kamay kong
putulin ang antlers niya.

"Will you stop reading what's on my mind?" Singhal ko sa kanya at ngumuso.

"Hindi ko binasa ang isip mo, dinig na dinig hanggang kabilang dimension ang sigaw
mo." Nakangising sabi niya at tumabi sa akin. Umusog ako palayo.

"Wag kang dumikit sa akin, ang init init! Dikit ka pa ng dikit!"

"Ang arte nito. Ihawin kita sa apoy, makita mo." Inismiran ko lang siya.

"Bakit nga pala andito ka? Bakit hindi ka nangdedemonyo? Alam mo bang time is gold
because patience is a virtue?" Ngumisi ulit siya like a demon pero hindi ako natawa
sa joke niya. How could I laugh when I'm in hell?

"Paano kasi, ang hirap hirap naman ng assignment ko. Ang hirap demonyohin ni
Raehel!" reklamo ko.

"Siyempre mahirap, tanga! Alangan naman na bigyan ka ng assignment para demonyohin


ang isang criminal? Saan ang challenge doon? Kung hindi mo pa narerealize, maarteng
babae, nangdedemonyo ka para gawing masama ang mga mabubuting tao para ang mundo ay
mapuno ng mga masasama at maging extension ng impyerno ang lupa. Naiintindihan mo
na?" nanlilisik ang mga mata niya. Muntik na akong matakot kung hindi ko lang
narealize na patay na pala ako.

May patay bang natatakot sa isang patay na din? Kaloka! Gusto ko na lang tuloy
magpakamatay. Huminga ako ng malalim at nilayasan si Xiclav. Nagsisiklab ang inis
ko kapag kasama ko siya. Pinapaalala lang sa akin ng antlers niya kung gaano pa
kalayo ang lalakbayin ko.

Bumalik ako sa lupa at natagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa passenger seat ng


kotse ni Raehel. Nasa kalagitnaan kami ng EDSA at bumper to bumper na traffic.
Whew! Namatay na ako't lahat, hindi pa din nagbago ang traffic sa EDSA.

I automatically touched the car stereo to change ng station pero lumusot lang ang
kamay ko. Saglit akong natulala. It was an automatic response. Yun na kasi ang
nakasanayan kong gawin tuwing nakasakay ako sa kotse niya.

I wanted to hit myself.

I should stop being bitter. I have to focus on how I could tempt Raehel. Tama! Mas
mabilis ko siyang mademonyo mas maganda. Para sa ikakabuti ng kaluluwa kong
nagdudusa.

I smiled at my realization. Napatingin ako kay Raehel habang nakangiti. Nagkasubong


ang tingin namin at nakita ko ang biglang paglungkot ng mga mata niya. But of
course, guni guni ko lang na malungkot siya dahil nakita niya ako. He can't see me.
I'm already dead, I'm just a soul.

Nag isip ako kung paano ko siya dedemonyohon. Napatingin ako sa daan at nakuha ng
attention ko ang isang kotse na nag-overtake sa sasakyan ni Raehel. Talaga namang
sumingit pa siya! Ang sikip sikip na nga! Muntik na tuloy magpang abot ang mga
sasakyan nila. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kotse. Naku! Kung may
shards of Kuldra lang ako, lumipat na ako sa kabilang kotse at minulto siya!
Pwedeng akong mag transform bilang blacklady na putol ang ulo. Tingnan ko lang kung
di siya mabaliw!

Napatingin ako kay Raehel na nakatingin din sa kotseng sumingit. Nailing na lang
siya at parang resigned na sa nangyari. Lalong naningkit ang mga mata ko.

"What? Iiling ka na lang? Hindi mo ba nakita ang ginawa niya? He cut you off. He
acted as if he owned the whole stretch of EDSA! That asshole! C'mon! Ipakita mo sa
kanya na mas malaki ang tax na binabayaran mo sa gobyerno kaya mas may karapatan ka
sa EDSA! Bigyan mo siya ng leksiyon para di mamihasa! Banggain mo ang kotse niya!"
pandedemonyo ko sa kanya.

Nakita kong kumuyom ang mga kamay niya sa steering wheel at lihim akong napangiti.

"Babanggain na niyan! Babanggain na!" I coaxed him further. Hindi na din maalis
ang ngisi sa mukha ko. I can almost atste victory in my mouth.

Then, narinig ko ang pagbangga ng bakal sa bakal at ang bigla niyang pagpreno.
Nagulat ako kaya lumusot ang kaluluwa ko sa windshield. Damn! Wala bang seatbelt
para sa kaluluwa? Bumalik ako sa loob ng kotse at nakita ko si raehel na sinusuklay
ng kamay niya ang kanyang buhok. Nakikita ang frustration sa buong mukha niya. I
grinned widely.

"Shit!" Dinig kong mura ni Raehel kasabay ng busina ng mga sasakyan. Lalong lumaki
ang ngisi ko at nung marinig ako ang level up sound, I laughed like a demon on
steroids. Oh, what a wonderful day!

Tumigil ang sasakyan na binangga ni Raehel at bumaba ang lalaking driver. Galit na
galit at namumula ang mukha sa galit. Galit na galit na din ang busina ng ibang
assakyan na mas lalong natraffic. Ang EDSA ata ang Hell version 2.0.

Lumapit ang galit na driver sa sasakyan ni Raehel at hinampas ang hood. Kulang na
lang umusok ang tenga sa galit.

"Aba aba nakita mo yan? Ang yabang ah! Akala mo kung sinong pogi! Mas pogi ka naman
sa kanya. Suntukin mo na! Gamitan mo ng martial arts. Di ba black belter ka?
Bugbugin mo na yan! Ihampas mo sa pader, ikiskis mo ang mukha sa kahabaan ng EDSA
at nang manghiram ng mukha sa aso. Akala ko kung sino! Im sure isang sipa mo lang
dyan gagapang na ang hambog na palitong yan!" Talak ko habang binubuksan ni Raehel
ang sasakyan. Lumapit ang panget na driver kay Raehel.
"Hoy! Anong problema mo ha! Tarantado ka pala eh!"

"Rae oh, tinatawag kang tarantado. Sipain mo na!"

"Pasensiya na boss. Hindi ako agad nakapagpreno." Mahinahong sabi ni Raehel.


Nanlaki ang mga mata ko.

"What!? Anong pasensiya? Upakan mo na lang nang wlang sali-salita at nang tumigil
na!" I said.

"I will shoulder the damage. Here's my card. Pasensiya na talaga." Iniabot niya ang
calling card sa driver na panget.

"Sige. Sa susunod kasi, mag ingat ka na! pasalamat ka nagmamadali ako." Kinuha na
ng driver na panget ang card at bumalik sa sasakyan niya. Nanlalaki ang mga mata
kong nakatingin sa nangyari. Bumalik na din si Raehel sa sasakyan niya at siyempre
sumunod ako. Lumusot ako sa windshield at umupo sa passenger sit.

"Ganun na lang yun? Bakit aakuin mo ang gastos? Siya naman ang sumingit. Dapat
sinuntok mo na lang eh." Kapag nag away ang dalawa sa gitna ng EDSA, extra bonus
points yun sa akin at may chance pa ako na maging top scorer.

Narinig ko ang ilang beses na pagbuntonghininga ni Raehel bago pinaandar ang


sasakyan. Napasimangot ako.

"Kaasar naman. Bonus points na sana!" I murmured while sulking. Gusto ko siyang
batukan sa inis pero naalala ko, kaluluwa na lang pala ako. Lulusot lang ang kamay
ko, kapag binatukan ko siya.

=================

Chapter 6

Chapter 6

Pagkabalik ko sa impyerno, nagkakagulo ang lahat ng demonyo at siyempre na curious


ako kaya nakiusyoso ako. Nakapalibot sila sa isang malaking swimming pool. Isang
swimming pool na kulay kape at lahat sumisinghot.

"Anong meron?" Tanong ko sa demonyong katabi ko na kamukha ni Chris Evans pero may
sungay at buntot at may nakatattoo sa abs niyang 'free taste'.

"May nanlibre ng kape." Nakangiting sabi niya sabay singhot sa aroma ng kape.
Gumalaw ang mga muscles niya at talaga namang napakapogi niyang demonyo. Yun nga
lang kahit free taste siya, walang pumapansin sa kanya.

Isa sa mga nalaman ko sa tungkol sa impyerno ay ang katotohanang sagana sa lahat na


bawal ang impyerno. Pag sinabing sagana, nag uumapaw. Too much of the bad things.
For example, lasenggo ang isang kaluluwa. He would constantly be dipped in a pool
full of liquors of his choice. Yun nga lang, nakatali ang mga paa niya tapos
ilulublob sa nag-aapoy na alak ang buong ulo niya at iiwan doon ng mga ilang araw.
Depende kung gaano katagal at depende kung maalala pa ng demonyong nag lublob sa
kanya na may kailangan pala siyang iahon. So siyempre malulunod sa alcohol ang
kaluluwa at dahil kaluluwa, hindi na siya mamamatay. I don't know how it feels to
be drowned countless of time in a burning alcohol. Yung feeling na mawawalan ka ng
hangin, maninikip ang dibdib, mapapasukan ng alcohol ang ilong at baga tapos
mangyayari yun ng paulit ulit. It must be hell. Kunsabagay nasa impyerno naman
kami,

Kung yosi boy ka naman at gusto mong mag yosi. Pwedeng pwede rin. Ipapasok ka sa
isang kwarto na punong puno ng usok ng sigarilyo at iiwan dun hanggang sa ma choke
ka sa usok ng yosi at literal na masunog ang baga habang humihithit ng 1 inch na
yosi na hindi maubos ubos. Hindi ka paalisin hangga't hindi nauubos ang yosi.
Ganun din ang mag drug addicts.

At dahil sagana sa bawal, nagsawa na ang lahat. Ginagawa nang parusa ang pag yosi,
pag inom, pag papakahigh sa drugs, pati ang sex.

Kaya itong si Chris Evans look-alike hindi na pinapansin ng lahat. Keber ang lahat
ng demonya sa kakisigan niya, sa six packs abs niya. Aanhin ng mga demonya ang six
pack abs kung may ibang demonyo ay umaabot sa isang daan ang abs?

"Ganun? Pero bakit singhot lang kayo ng singhot? Bakit di kayo sumandok at uminom?"
Mga adik tong mga demonyong to. Ang dali lang sumandok pero nagtitiis sa
pagsinghot.

"Hindi mo naman masasandok yan. Aroma lang ang meron." Napakunot ang noo ko. Anong
aroma lang? Kitang kita ang kape oh.

"Ayan oh!" turo ko pa sa kanya.

"Illusion lang yan. Aroma lang talaga." Nangunot ang noo ko. I kneeled and dipped
my finger on the coffee and indeed, I cannot touch anything. Parang hangin lang.
Ilusyon nga lang. What a torture sa mga caffeine addict. Buti na lang hindi ako
adik sa kape.

Umalis na ako sa swimming pool ng ilusyon na kape at hinanap si Xiclav pero hindi
ko siya makita. Saan na kaya ang demonyong yun? Tinawag ko siya pero hindi siya
dumating. Nakarinig lang ako ng tawang demonyo at sinabing. 'Hanapin mo ako! Di ako
magpapakita sa'yo!' Parang baliw at hindi ako baliw para hanapin siya kaya bumalik
na lang ako sa lupa. Dumiretso ako sa opisina ni Raehel. Sa saglit na pagpunta ko
sa impyerno, isang linggo na ang nakalipas sa lupa. Ugh! Nag bilis ng panahon sa
lupa. Nakakainis!
"Sir, nanghihingi ng padulas ang mga taga DPWH para daw sa atin I award ang
contract." Napataas ang kilay ko sa narinig ko. An employee is sitting in front of
Raehel. Nakalatag sa harap nila ang mga plano ng isang building. Lumapit ako sa
mesa at nakiusyoso.

"Can't we win the project without it?" Tanong niya sa empleyado habang nakakunot
ang noo. Lumapit ako lalo at pumunta sa likuran niya.

Napakamot ng ulo ang empleyado at napangiwi.

"Sir, alam mo naman po ang kalakaran sa gobyerno."

"Tama siya! Alam mo naman na sobrang corrupt ng gobyerno ng Pilipinas. Kung gusto
mo talaga makuha ang project na yan, dapat magpadulas ka. Para naman makabawi ka,
eh di i-overprice mo. No one would notice if you'll use substandard materials.
Babango pa ang pangalan ng kompanya mo sa mga pulitiko!" Nakangising sabi ko sa may
tenga niya. Nakita ko siyang bumuntong hininga at hinilot ang sentido. Sumasakit na
ata ang ulo niya.

Dati, kapag sumasakit ang ulo niya, gustong gusto niyang humiga sa lap ko habang
hinihilot ko siya sa ulo . He would sleep in my lap and I would end up sleeping on
the sofa. Ang saya saya pa namin...

Napatigil ako.

What the hell Amery! Stop thinking of those times. Tandaan mo ang ginawa ng
lalaking yan sa'yo! Iniwan ka kinaumagahan, pagkatapos niyang nakuha ang virginity
mo! Wala siyang kwentang lalaki at lahat ng ginawa niya sa'yo, pakitang tao lahat!
Pinasakay ka lang niya sa ka sweetan niya!

"Alright, I'll think about it. You can go now." Sabi niya sa empleyado at tumayo
naman ang empleyado at lumabas sa opisina niya.

Umikot ako sa mesa at umupo sa upuan na binakante ang empleyado. Tapos naisip ko,
bakit umikot pa ako sa mesa kung pwede naman akong lumusot na lang papunta sa
upuan. Hay naku! Ang hirap talaga mag adjust sa buhay kaluluwa!

"Alam mo Raehel, wag ka nang magpanggap na matinong lalake at negosyante, okay?


Alam naman nating dalawa na asshole ka. Di ba kapag may ginusto ka, ginagawa mo ang
lahat makuha lang yun? Kahit na manloko ka pa? Hindi ko maintindihan kung bakit
nagpapakipot ka pa sa pagsuhol sa gobyerno. Ako nga nagawa mong lokohin, paasahin
at iwanan, magagawa mo din yan sa taong bayan! Sanay ka nang manloko kaya wag ka
nang pabebe. Go for it!" I saw him pursed his lips and he stood up.

Napatingin ako sa kanya. Mabilis siyang naglakad papunta sa pinto ng office niya.
"Hoy! Saan ka pupunta?" Sigaw ko nung binuksan niya ang pinto ng opisina niya pero
hindi siya lumingon. Narealize ko na hindi pala niya ako naririnig. Dali dali akong
tumayo at humabol sa kanya. Naabutan ko siya sa hallway na mabilis na naglalakad.
I floated towards him at tumabi sa kanya.

"Ano? Pupunta ka na sa empleyado mo ano? Papayag ka na? Sinasabi ko na nga ba na


kunyari lang ang pagiging righteous mo!" Tumawa ako na may pang iinsulto.

Dire-diretso lang siyang naglakad at pumasok sa isang opisina. Opisina ng lalaking


kausap niya kanina. Nagulat pa ang lalaki at biglang napatayo.

"Sir..." Nag float ako palapit sa lalaki at tiningnan siya tapos kay Raehel na
seryosong nakatingin sa empleyado. Pero nakuha ang attention ko ng laptop ng lalaki
na may nagp-play pa na video. The guy is watching porn during office hours.
Siyempre hindi makikita ni Raehel kasi nakatalikod sa kanya ang laptop at walang
tunog ang video.

Tumingin ulit ako sa lalaki at malisyoso ko siyang tiningnan.

"Ikaw ha! Mukha kang disente pero ang panonood pala ng porn ang hobby mo!" I
grinned.

"Bad ka! Pero don't worry, pag nasa impyerno ka na, magsasawa ka sa porn. Hindi ka
na magtitiis sa ma lag na video. HD pa ang porn video mo, pwede ding live show!"
Talagang magsasawa siya kasi based sa kwento ni Xiclav isa yun sa mga punishment
niya nung bago pa lang siya sa hell. Manyak daw kasi siya at hobby niya manood ng
porn videos nung nabubuhay pa siya kaya ang unang punishment niya pinanood siya ng
porn. Tatlong linggo daw siyang pinanood ng porn. Nung mga limang seconds pa lang
daw nag eenjoy pa siya pero naging torture na daw after that. Pero di niya magawang
tumigil. Di daw siya makagalaw, he is rooted on his sit at ang gumagalaw lang ay
ang kamay niyang naglalaro sa ano niya. Walang tulugan daw at walang kainan, Di
daw siya makatayo at kahit kumurap di niya magawa. Lumuluha na daw ang mga mata
niya ng dugo at lumuwa na ang eyeballs niya pero kahit isang pikit di niya magawa.
Ngalay na ngalay na daw ang kamay niya at halos mapudpod na ang ano niya sa
ginagawa niya pero wala siyang magawa. Hindi niya alam kung paano siya nakasurvive.
Actually hindi naman siya nakasurvive kasi patay na pala siya. Ewan ko lang kung
ilang buwan o taon sa lupa ang equivalent ng tatlong linggo sa impyerno. Imagine
watching porn and jerking off for years non-stop. That must be torture. Ayaw na daw
niyang maulit yun. Buti nga sa kanya. Tinawanan ko nga siya ng bongga nung
kinuwento niya yun.

I can almost imagine how this guy would fare in hell.

"I am not doing it." Mahinahong sabi ni Raehel. Nawala ang focus ko sa empleyado
niya at napatingin ako sa kanya. Agad akong lumapit sa kanya.

"What did you say? Hindi ka manunuhol? At bakit? It is the easiest way! C'mon!"
Frustrated na sabi ko. Damn! Ang laking points ang makukuha ko kapag pumayag si
Raehel. Ilang tao ang mapahamak kapag natuloy ang construction na may substandard
materials. Ang mga taong di makikinanbang sa pera ng gobyerno kasi ninakaw ng ibang
pulitiko. Madaming mamatay, madaming kaluluwa ang pupunta sa impyerno!

"Hoy! Ano ang ginagawa mo ha?" Napatingin ako sa biglang lumitaw na


anghel..atribidang bata pala.

"Sa tingin mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tigilan mo na nga siya!" Bulyaw niya sa akin.

"At bakit ko naman siya titigilan aber? Trabaho ko ito kaya wag mo akong
pakialaman! Pumunta ka na lang sa playground at mag swing doon!"

"Trabaho ko din na pangalagaan siya kaya may karapatan akong makialam." Nameywang
na ang anghel.

"Bakit ba ang tapang tapang mong bulilit ka? Ang liit liit mo lang at kayang kaya
kitang tirisin." Lumapit ako sa kanya at nakipagtagisan ng tingin. Ohh, her eyes
are the clearest of blue. Ang ganda.

"Dream on. Ikaw hindi mo alam ang ginagawa mo! Kung ako sayo titigil na ako kasi
wala ka rin namang mapapala sa pagdedemonyo mo kay Lycus. Nagsasayang ka lang ng
panahon!" Malditang sabi niya.

"Anong wala? Marami ang mapapala ko sa ginagawa ko." Makakaalis ako sa impyerno.
Napatingin ako sa pwesto ni Raehel pero wala na siya. Sa pakikipag away ko sa
atribidang anghel, natakasan ako ni raehel.

"Teka nasaan na ang lalaking yun? Kita mo na! Kita mo na? Sinira mo ang diskarte
ko!"

"Just doing my job." Nakangising sabi niya habang palipad lipad.

"Kalbuhin kita dyan makita mo!" Iniwan ko ang anghel at bumalik sa opisina ni
Raehel pero wala siya doon. Tiningnan ko ang tracking device ko at nakita kong
andun siya sa conference room. Pumunta ako sa conference room.

Nakita ko si Tito Raymund, ang daddy ni Raehel at ang isa niyang Tito. Lumapit ako
at umupo sa tabi ni Tito Raymund.

Namimiss ko siya. Ang bait bait niya sa akin. Mabait sa akin ang pamilya ni Raehel
noong kami pa. Pero dahil asshole ang anak nila, yan tuloy. Hays. Tiningnan ko si
Raehel na seryosong nakatingin sa Daddy niya.

"We will not be bidding on DPWH Annex." He announced to the two men and inexplain
kung bakit. Naintindihan naman siya ng dalawang matandang lalaki at sumang ayon sa
kanya. Pagkatapos nilang mag usap bumalik siya sa opisina niya.

Nakasimangot ako habang sumusunod sa kanya. Kung pwede lang magdabog, ginawa ko na,
Pero lulusot lang ang paa ko sa sahig.

"Papuntahin mo si Eman dito." Utos pa niya sa secretary bago pumasok.

Pagdating sa opisina, pasalampak siyang umupo sa sofa at umupo din ako sa kabilang
dulo. I was glaring at him the whole time.

Panay ang buntong hininga niya habang nakaupo. Mukhang ang laki ng problema. Siguro
malaking project talaga ang gi-nive up niya. Tanga kasi eh.

Dumating ang pinatawag na empleyado. Eman pala ang name ng pervert na yun? Siya din
yung kausap kanina ni Raehel.

"Eman, I would like you to file your resignation ASAP." Nakita kong biglang namutla
ang empleyado. Pati ako napanganga.

"Sir..."

"The HR will explain to you why. You may leave now." Wala nang nagawa pa ang
empleyado. Nakayukong naglakad ito papaunta sa pinto.

What the hell happened?

"I am sorry. Gusto man kitang pagbigyan pero hindi pu-pwede. Ang mali ay mali at
kailangang gawin ang tama." Mahinang sabi niya at napatingin ako sa kanya bigla.

Bakit parang ako ang kausap niya at hindi yung empleyado?

I freaked out.

=================

Chapter 7

Chapter 7

"Nakikita niya ako! Nakikita niya ako!" I said pacing back and forth in his
office. Napatingin ako kay Raehel na nakaupo pa din sa executive chair niya na para
bang walang kaluluwa na nagpi –freak out sa harapan niya. Lumapit ako sa kanya at
tumayo sa harap ng table niya.
"Nakikita mo ako?" Tanong ko sa kanya pero walang reaction mula sa kanya. Nakaharap
siya sa computer at seryoso na may binabasa.

"Hindi? Hindi mo ako nakikita o naririnig?" Wala pa ding reaction. Doon na ako
nakahinga ng maluwag.

"Mabuti naman! Ano na lang ang sasabihin mo kung nakikita mo akong patay na? Siguro
pagtatawanan mo ako kasi namatay akong bitter sa'yo. Mabuti na lang talaga. Thank
God! Awww!" Sigaw ko dahil biglang parang pinagsasampal ako ng invisible hand.

"Ouch! What the hell!" Sigaw ko habang umaatras hanggang sa mapaupo ako sa sofa sa
loob ng opisina ni Raehel. Doon lang tumigil ang parang kamay na sumasampal sa
akin. Napahawak ako sa pisngi kong invisible. It stings! Damn! Ang sakit!

"Anong nangyari sa'yo?" Napalingon ako sa anghel na nasa tabi ko na. Nakikita ko
ang concern sa mga mata niya.

"Para kasing may sumampal sa akin ng ilang beses. Ang sakit sa pisngi. Hindi ko
naman nakikita ang sumasampal sa akin." Tumango tango ang anghel.

"Sinabi mo ang name ni God ano?" Napaisip ako. Sinabi ko nga ba? Oo nga!
Nagpasalamat ako.

"Yes."

"Yan kasi ang parusa sa mga demonyo pag nirerecognize pa ang existence Niya."

"Ganun?"

"Yeah." Napasimangot ako. Kahit kailan hindi pa ako nasampal. Nasabunutan oo, pero
nasampal, hindi pa. Kung kelan pa ako naging kaluluwa, tsaka pa ako nasampal. At
hindi lang isang sampal. Mag asawang sampal at may kasama pang ilang kabit. Siguro
kung hindi ako kaluluwa, tumalsik na ang utak ko sa lakas ng pagkakasampal sa akin.

"Bakit mo ba ginagawa ang ginagawa mo? I mean, bakit mo tinetempt si Lycus?


Gumaganti ka ba sa kanya dahil iniwan ka niya pagkatapos ng..." She trailed off at
nanlaki ang mga mata ko sa kanya. She knows? The hell!

"Alam mong...andun ka? Binosohan mo kami!?" Pahisteryang sabi ko. Nakita ako ang
biglang pamumula ng pisngi ng anghel.

"Hindi ah! Wala ako dun. Nalaman ko lang, dahil siyempre tagabantay niya ako."
"Sinungaling!" Akusa ko sa kanya. Naisip ko pa lang na may nanonood sa amin nung
ginawa namin yun ni Raehel, napupuno na ako ng kahihiyan.

"Hindi ako sinungaling. Hindi nagsisinungaling ang mga anghel. Nasusunog ang bahagi
ng pakpak namin kapag nagsisinungaling kami!" She said at napatingin ako sa pakpak
niyang maliit na ang puti puti. Oo nga! Sayang kapag masunog.

"Pero mabalik tayo, bakit mo nga tinietempt si Lycus?" Nakaharap na siya sa akin
habang lumulutang at nakapangalumbaba. She's so adorable and cute.

"Bakit ba Lycus ka ng Lycus? Raehel ang tawag ng lahat sa kanya. Kahit family niya
di ginagamit ang first name niya na Lycus."

"Bakit ba? Walang pakialaman ng tawag sa kanya." Aba!

"Eh di wala ka ding paki sa rason ko. Echosera kang bata ka!"

"Kasi naaawa ako sa'yo. Mahihirapan ka lang sa ginagawa ko. Isa pa, hindi mo alam
ang ginagawa mo." Tumaas ang kilay ko.

"Sure ka?" Puno ng sarcasm na tanong ko sa kanya. Hindi kesyo anghel siya, alam na
niya ang lahat. Chura niya!

"Sure na sure. Kaya bakit mo ginagawa ito? Malay mo di ba, matulungan kita."
Nakangiti nang sabi niya and who could resist her smile? Napabuntonghininga ako at
sumandal sa sofa.

"Kasi gusto kong makaalis sa hell. Ayaw ko dun. Mainit dun. Naglilitsunan ang mag
demonyo. Paano kung ako ang litsunin? At para makaalis ako dun kailangang tumaas
ang level ko. Kailangan ko siyang demonyohin." Napatingin ako kay Raehel na busy sa
ginagawa. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya kasabay ng pagbuntonghininga ng
anghel. Umalis na siya sa harap ko at umupo sa tabi ko.

Kung titingnan, para lang kaming magkapatid na nakaupo sa sofa. O pwede ding mag
ina na hinihintay si Raehel makatapos ng work sa opisina. Paano kaya kung nabuntis
ako nung may nangyari sa amin? Our child would have been five years old by now.

Pero hindi ako nabuntis at nagpasalamat ako kasi kawawa ang bata. Iniwan na ng ama,
namatay pa ang ina sa murang edad.

Isa pa, hindi na dapat ako nag iisip ng mga ganung bagay.

"Hanggang anong level para makaalis sa hell?"


"50."

"Mapupunta ka sa heaven pag nakalevel 50 ka na? Hindi ka tatanggapin sa heaven kasi


sobrang bad ka na nun. Saan pupunta ang soul mo?"

"Malay ko. Pero sabi sa akin, palalayasin ako sa hell pag naging sobrang bad na
ako. Kahit saan, wag lang sa hell. Wala nang mas masama pa sa hell."

"Kunsabagay. So ano na ngayon ang gagawin mo? Baka may maitulong ako. Kung hindi
naman sobrang masama." Napangiti ako. Akalain mo yun? Makikipagtulungan ang anghel
sa akin.

"Ang bait mo pala!"

"Siyempre, anghel ako eh! Ako pala si Afarin." She extended her small hand.

"Amery."

"I know."The angel giggled and I smiled at her. Maybe it is not so bad being friend
with an angel after all.

"Maganda ba ang heaven?" tanong ko sa kanya.

"Sobra. Hindi ko ma explain." She started talking about heaven and I become
engrossed. Pero hindi maalis sa akin ang inggit. Bakit ba sa impyerno ako napunta?
Bakit? I swear, pag nagkaroon ako ng second life, hindi na ako manlalandi ng
boyfriend ng ibang babae. Hindi na ako maglalandi ever! Kahit ipis, hindi ko na
lalandiin

We are so engrossed with our conversation nung pumasok ang seksing secretary ni
Raehel. Naka tube minidress siya. Hindi niya suot ang blazer niya at nagmukha
siyang magbabar at hindi mag oopisina. Bakit nga ba tinanggap ni Raehel ang ganyang
secretary? Pero naisip ko din, hindi ko nga pala lubusang kilala si Raehel. He's an
ass pala. Nainis na naman ako bigla. Tumayo ako at lumapit sa likod ni Raehel.

"Sexy no?" Bulong ko sa tenga niya. Napatingin siya sa secretary niya na may
inilalagay na mga folders sa table niya. Hindi naman kailangang yumuko pero yumuko
talaga ito para magpakita ng cleavage. Sarap dagukan ng malandi.

I'm sure sa hell din ang diretso nito. Naku! Pagnag-abot kami sa hell makikita
niya! Ililitson ko ang cleavage niya ng paulit ulit sa impyerno! Bwisit!

"Itetempt mo ulit siya?" Sabi ng anghel na nasa kabila ni Raehel.

"Siyempre." Ngumiti ang anghel at nag wink sa akin.


"Oo nga Lycus. Ang sexy niya!"

"Yah! Tsansingan mo kaya. I'm sure type ka din niya." Sabi ko pa. Nag apir kami ng
anghel.

Tumayo si Raehel mula sa upuan. Ang laki ng ngisi ko.

Lumapit siya sa secretary at sumandal sa mesa niya habang pinagmamasdan ang


secretary mula ulo hanggang legs. Nagpacute naman ng todo ang secretary. Malandi
talaga.

"Maar."

"Sir..." Maarting sabi ng secretary at hindi na alam kung anong klaseng pagpapacute
ang gagawin.

"I like your dress." Nanlaki ang mga mata ko at muntik ko nang mabatukan si Raehel.

"Anong 'I like your dress?' Baka isipin niyan bakla ka at naiinggit ka sa dress
niya. Sabihin mo, 'I like your boobs' mga ganun!" What the hell! I like your dress
daw. Bwisit.

"It looks good on you. It complimented your boobs." Dagdag pa nito at lumapit sa
secretary. Nakaramdam ako ng panibugho but I ignored the feeling. Dapat maging
masaya ako kasi natetempt ko si Raehel. Pero bakit ganito? Gusto ko silang
paghahampasin ng sofa.

"Thank you Sir." Ang landi! Letse. Makikita mo pag nasa impyerno ka na! Naku!
Nanggigigil ako sa secretary pero hindi ko pinahalata lalo na at nakita kong
nakatingin sa akin ang anghel.

Kinagat ni Maar ang labi niya at inipit ang buhok sa tenga. Hinawakan naman ni
Raehel ang dalawang kamay niya ang nakaexposed na balikat ni Maar at hinipo ang
leeg.

Shit! Gusto ko nang magwala. He can't do that to her! Sa akin lang niya dapat gawin
ang bagay na yan! Hidni ko mapigilan ang sobrang selos na nararamdaman ko. Lalayas
na sana ako kung hindi ko lang narinig ang level up sound.

Dapat matuwa ako kasi naglevel na ulit ako pero wala akong maramdaman na tuwa.
Nasasaktan ako. Bakit ba ganito? Dapat wala akong pakiramdam kasi kaluluwa na lang
ako. Pero bakit hindi maalis sa akin ang magselos? Dapat sa pagkamatay ng isang
tao, dapat namatay na din ang lahat ng emosyon.
"Should he kiss her?" Napatingin ako sa anghel. I bit my lower lip and forced
myself to focus on my mission. Tinutulungan ako ng angehl ni Raehel kaya I should
seize the opportunity. Baka magbago pa ang isip niya sa susunod.

"Of course!" Bwisit.

"Kiss that bitch asshole!" Halos isigaw ko na sa tenga ni Raehel. Narinig ko ang
paghagikhik ng anghel.

Nakita kong humawak ang malandi at maarteng secretary kay Raehel at namungay ang
mga mata. Bumaba ang mga kamay ni Raehel mula sa balikat ni Maar papunta sa bewang
at hinapit niya ito. I gritted my teeth at napapikit ako nung bumaba ang mukha ni
Raehel kay Maar. Hindi ko na nakita ang halikan nila pero narinig ko ang tunog ng
pag level up ko.

If only I have the capacity to cry pero kahit luha pinagkait sa akin.

"Yehey! Success!" Sigaw ng anghel. Dumilat ako at napatingin sa kanya.

"Naglevel ka?" Enthusiastic ang anghel kaya napilitan din akong ngumiti.

"Oo. Dalawang level." Pinilit ko din na maging enthusiastic.

"Let's have lunch." Sabi ni Raehel kay Maar at umismid ako. Hindi ko na sila
tiningnan at sumunod na lang sa anghel na nakaupo na sa sofa.

"Ang bilis mo naman pala maglevel up."

"Habang tumatagal daw, nagiging mahirap. Pero salamat ha! Can you believe it? Level
4 na ako! May sungay na ba ako? Tingnan mo nga. Sabi kasi nung kausap ko sa hell
magkakasungay daw ako habang tumataas ang level ko!" Ang hirap magpanggap na masaya
kung kinakain ng selos ang buong kaluluwa ako.

"Wala pa naman."

"Wala pa?Bakit kaya?" Pati ba sungay ipagkakait sa akin?

The angel conjured a mirror in her hand and gave it to me. Napatingin ako sa
salamin at wala pa nga akong sungay. Pero sabi ni Xiclav magsisismula daw tumubo
ang sungay pag level 4. Baka latebloomer lang ang sungay ko.

Hindi kaya?
=================

Chapter 8

Chapter 8

"Xiclav! I miss you!!!" Malakas na sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya at


naglambitin sa sungay niya. Ahhh...kapag nagtagal tagal magiging gymnast na ako sa
galing ko sa paglalambitin.

"Tangina! Bumitaw ka diyan Amery!" Sigaw niya sa akin at pilit na hinila ako pababa
ng sungay niya.

"You're so mean. Ikaw na nga itong namimiss, ikaw pa ang galit. Pasalamat ka
namimiss kita!" Singhal ko sa kanya pero hindi man lang siya na touch sa sinabi ko.
Instead, binatukan niya ako.

"What the hell!" Reklamo ko habang hinihimas ang batok ko.

"Tanga! Hindi uso sa impyerno ang ganyang ka-echosan. Ano ang nalaklak mo at may
pamiss miss ka pang nalalaman?" Nakasinghal pa din na sabi niya sabay hawak sa
boobs ng seksing kaluluwa na dumaan. Deadma siya sa kaluluwa.

"Level 4 na ako!" Excited na sabi ko.

"Oh ngayon?" Nakataas pa ang kilay niya.

"Malapit na akong makalabas sa hell." Tiningnan niya ako saglit tapos tumawa ng
malakas. His signature demon laugh.

"Nag iilusyon ka tanga! Hindi ganun kadaling umalis dito oi! Akala mo lang madali
kasi sa mga unang level madali lang pero kapag tumagal ka na, mahihirapan ka na!
Tingnan mo ako, hanggang ngayon nasa level 25 pa din."

"Paano ka maglelevel up kung nasa sabungan ka palagi ng mga kaluluwa? Hindi mo


naman tinetempt ang ini-assign sa'yo na tao." Tiningnan niya ako ng seryoso ng
ilang sandali.

"Nawalan na ako ng ganang i-tempt ang nakaassign sa akin. Mas mabuti pang magsabong
na lang." Binuksan niya ang soul container niya at binilang ang mga souls niya. Ang
dami! Ang dami na niyang souls. Pwede na ata siya bumili ng house and lot dito sa
impyerno. May real estate din ba sa impyerno?

"Ang dami mong soul! Pahingi!" Bigla niyang isinara ang container. Ang damot ng
demonyong ito.
"Magsabong ka din para dumami ang soul mo. Tutal magaling ka naman."

'Wala akong pantaya." Nakasimangot na sabi ko.

"Problema mo na yun."

"Di mo ako pauutangin?" I smiled at him and tried my best to be charming. He looked
at me and regarded me for a while. Then he smiled and I smiled too. Pauutangin nga
niya ako?

"May 1000% na interest." He grinned.

"Hala! Wag na lang. Mas masahol ka pa sa bombay!"

"Siyempre, demonyo ako eh! Utak nito!"

"Pero teka nga! Mabalik tayo. Sino ba ang naka assign sa'yo at ayaw mo nang i-
tempt? Sobrang bait ba?" Tanong ko pa habang humahabol sa mabilis niyang
paglalakad.

"Gusto mong makilala?"

"Oo ba!" Excited na sabi ko. Sino kaya ang tinetempt ni Xiclav at nawalan na siya
ng gana? Hinawakan niya ako sa braso at sabay na kaming nag teleport sa lugar kung
nasaan ang tao na naka assign kay Xiclav. It was just a split second teleportation
and now we're standing on top of the St. Peter's Basilica.

What in the hell are we doing here?

Confused na napatingin ako kay Xiclav and he have this look of resignation on his
face.

"Bakit andito tayo?" Hindi kaya kami masunog dito? I mean, we're in Vatican
particularly on top of the St. Peter's Basilica. This is a holy land!

"Ano ang ginagawa natin dito?" Halos magpanic na ako at ineexpect ko na anytime ay
mag aapoy ang paa ko.

"Magpapapako sa krus?" Puno ng sarkasmo na sagot niya at tiningnan ako ng masama.

"Akala ko ba gusto mong makita ang assignment ko?"


"Dito?"

"Hindi! Sa kabilang planeta pa!" Galit na ang boses ni Xiclav.

"Naman eh! Siyempre kasi dito siya nakatira!" Naglakad siya at sumunod ako hanggang
sa makarating kami sa isang garden. The place is eerie. Maybe because I'm a demon
pero kung normal akong tao siguro hahanga ako sa ganda ng garden.

"Siya." Napatingin ako sa tinitingnan ni Xiclav at nanlaki ang mga mata ko.

"Si-siya?" I can't barely pronounced the word. What the hell!

"Ang Pope ang assignment mo?" Tumango si Xiclav at parang nanghina. Hindi ako
makapaniwala. No wonder na parang nawalan na ng pag asa si Xiclav. Ikaw ba naman
ang mag tempt sa Pope.

"Pero bakit tumaas ng ganyan ang level mo?"

"Kasi naman nung bata pa yan, ang dali lang niyang I tempt. Kaya ang bilis ng level
ko. Malay ko ba naman na magpapari siya? At sa kasamaang palad, naging Pope pa.
Alam mo ba kung ilang anghel ang nagbabantay diyan? Naku! Ni hindi nga ako
makalapit. Kaya mas mabuti pang magsabong na lang ako." Iiling iling siya. Ako
naman, hindi maalis ang tingin ko sa Pope. Nakaupo lang siya sa isang bench at
nakapikit. I bet he's praying. Ang hindi makakalapit ang demonyo sa isang taong
nananalangin.

Kaya siguro hindi makalapit si Xiclav. Mukhang minu-minuto nananalangin ang Santo
Papa. Poor Xiclav.

Pagtingin ko kay Xiclav, nasa itaas na ulit siya ng Basilica at nakapangalumbaba.

"Ibig sabihin, hindi ka na makakaalis sa impyerno Xiclav?"

"Hindi ah! Magpapa re-assign ako! Gusto mo palit tayo?" Nagningning ang demonyong
mata niya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Ulol!" Sabi ko at iniwan siya sa Basilica. Pumunta ako kay Raehel. Nasa opisina na
naman siya at busy sa trabaho. Napatingin ako sa oras. Mag uuwian na and I bet
hindi pa yan uuwi. Kadalasan inaabot siya ng 10PM sa opisina. Nagtaka tuloy ako
kung bakit ganito na siya ngayon. Dati naman, hindi siya pumapalya sa pagsundo sa
akin. Kadalasan pa nagdedate kami sa gabi kaya sigurado ako na hindi siya
nagbababad sa opisina ng ganun kagabi. Ngayon, workaholic na siya!

"Hello Afarin." Sabi ko nung mapatingin ako sa isang painting ng angel sa wall.
Parang tanga tong anghel na to. Nagtago pa sa painting, eh halata naman kasi
gumagalaw ang pakpak niya.

"Hi Amery!" Lumapit ako sa anghel at pinagmasdan ang ginagawa aniya.

"Anong trip mo?" She's trying to squeeze her body and her face.

"Tinatry kong maging square at flat para mas havey!" Tumaas ang kilay ko. Kalokohan
ng anghel na to.

"Halika, tutulungan kitang maging square. Gusto mo lagariin natin ang part ng body
mo para maging square. Anong gusto mong hiwa? Pag adobo o pang caldereta?"

"You're evil." She said grimacing.

"I know. Alam mo, maglaro ka na lang kaya sa sofa kung wala kang maisip na mabuting
gawin?" Suggestion ko sa kanya. Ano ba kasi ang naisip niya at gustong niyang
maging square? Baliw!

"Alam ko na! Magtatumbling na lang ako dito sa opisina ni Lycus!" Tuwang tuwa na
sabi ni Afarin at nagsimula nang magtumbling.

Busy ako sa panonood sa trip niya nung may kumatok sa opisina ni Raehel at pumasok
si Maar. As usual, seksi na naman ang damit niya. Kumulo ang dugo ko pagkakita ko
sa kanya. Teka wala na pala akong dugo.

"Sir, dinnertime na po." Nakangiti ang mahadera. Nagtaka pa ako na andito pa siya.
Usually maaga siyang umuuwi. Umismid ako.

Ano ngayon kung dinner na? Na kay Raehel ba ang bibig mong malandi ka?

"Just order something for me Maar." Seryosong sabi ni Raehel at bumalik na ulit sa
ginagawa. Napatingin ako kay Maar na nakatayo pa din sa harap ni Raehel. Parang
naghihintay ng kung ano. Then I realized that she's waiting for a dinner
invitation.

I rolled my eyes but at the same time I saw an opportunity to tempt Raehel. Ayaw
ko naman matulad kay Xiclav na hinintay pang maging Pope ang naka assign sa kanya.
Yan tuloy, nganga siya. Kaya ako, I should seize every opportunity.

Lumapit ako kay Raehel at bumulong sa kanya.

"Thank you Maar." He dismissed her at mukhang nakaintindi naman ang malanding
secretary kaya lumabas na ng kwarto.
"Ano ka ba! Naghihintay yun ng invitation mo. Nag eexpect kaya yun na magdidinner
kayo!"

"Yan ka na naman Amery." Nakangiting sabi ni Afarin. Natapos na siya sa


pagtatumbling at nakaupo na sa sofa.

"Why don't you invite her for dinner?" Nakangiting sabi ko sa gilid niya. "She'll
like it. No...she'll love it. Bring her to a fancy resto. Alam mo yun, yung dating
ginagawa mo sa akin? Madali lang yun para sa'yo. O kung gusto mo, invite her for a
dinner in your condo tapos gawin mo sa kanya ang ginawa mo sa akin. Have a one
night stand with her at pagkatapos, iwan mo na lang siya basta. Di ba ganun ka
naman? Di ba.." Napatigil ako sa pagsasalita nung bigla siya tumayo at padabog na
binagsak ang binabasa sa table. Binagsak din niyang sinara ang laptop.

Bigla akong napalayo sa kanya. Anyare?

But then he faced me. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. He's
looking directly at me. Of course not! He's not looking at me. He's looking at the
wall behind me. Hindi naman niya ako nakikita eh. Pero kahit ganun hindi maalis ang
kaba sa dibdib ko.

Nakikita ko ang galit sa mga mata niya at ilang ulit siyang bumuntonghininga. He
angrily brush his hand on his hair and clenched his jaw.

"Sumusobra ka na Amery!" Lalong nanlaki ang mga mata ko. Napaatras ako.

He called me! He fucking called my name! Ano ang nangyayari sa mundo?

"Hindi ako ganun! Hindi ko ginustong iwan ka!" Galit na sabi niya. There's anger
ang frustration in his eyes.

Nanlalaking mga mata na napatingin ako kay Raehel tapos tumingin ako kay Afarin.
Nakatingin lang ang anghel sa amin habang nakangiwi.

=================

Chapter 9

Chapter 9

Napatingin ako kay Afarin na nakapangalumbaba at kay Raehel na nakayuko. Palipat


lipat lang ang tingin ko sa kanila at gusto kong magsalita pero wala akong maisip
na sabihin. Sa dami ng gusto kong sabihin, hindi ko alam kung ano ang uunahin.

"What the hell!" I blurted out and both of them looked at me. Nakikita ang guilt sa
mga mukha nila.

"Alam mo?" Baling ko kay Afarin at tumango siya ng mahina habang kagat kagat ang
ibabang labi.

"Amery..." Lumipat ang tingin ko kay Raehel. Nagkasalubong ang tingin namin at
umiwas siya ng tingin. Lumapit ako sa kanya at tiningnan siyang mabuti. Nag focus
ang tingin ko sa noo niya.

"May third eye ka?" Yun lang ang pwedeng maging rason kung bakit niya ako nakikita
at naririnig.

"Wala." Mahinahong sabi niya. Dapat lang siya magpakahinahon kasi ako malapit nang
magpanic.

"Kelan mo pa ako nakikita? Kelan mo pa ako naririnig? Bakit mo ako nakikita at


naririnig?"

"Nakikita na kita mula pa simula."

"What!?"

"And you didn't tell me? Nagmukha akong tanga sa pang dedemonyo sa'yo. Kung ano ano
pa ang pinagsasabi ko. Inisip ko pa kung gaano kahirap ang demonyohin ka kasi hidni
mo ako nakikita at naririnig." Tuloy tuloy ang pagsasalita ko. Bawat sentence ata,
tumataas ang boses. Pilit kong tinatakpan ng galit ang kahihiyan na unti unting nag
sisink-in sa akin.

Shit! Naririnig pala niya lahat ng kabitteran ko.

Damn!

Ano pang mukha ang maihahharap ko sa kanya. Siguro ngayon tuwang tuwa siya sa
katangahan ko. Tama si Xiclav! Tanga nga ako. Namatay na ako't lahat, tanga pa din
ako.

Pero malay ko ba naman na nakikita at naririnig niya ako.

"Kung wala kang third eye, bakit mo ako nakikita? Ermitanyo ka ba? May anting
anting? What?"

Nagkatinginan si Afarin at Raehel. Matagal, na para bang nag uusap sila ng isang
language na hindi ko nakikita o naririnig.
"Sabi ko kasi sa'yo dati wag mo nang ituloy ang pandedemonyo sa kanya kasi wala
kang mapapala. Ang tigas kasi ng ulo mo." Lumapit na si Afarin sa amin ni Raehel.
She's hovering above the executive desk.

"Malay ko ba naman na nakakakita siya sa mga kaluluwa?" Paismid na sabi ko kay


Afarin. Napatingin ako ulit kay Raehel at nakatingin na naman siya sa akin.
Inismiran ko din siya.

Akalain mo yun, after five years, nagkausap kami ulit? Worst, nagkausap kami na
kaluluwa na ako! Kung iisipin,wala kaming closure at hindi ko alam kung gugustuhin
ko pa magkaroon ng closure. Aanhin naman ng kaluluwa ko ang closure mula kay
Raehel? Maaalis ba ng closure na yyun ang kaluluwa ko sa impyerno? No, I don't want
closure. Wala nang magagawa ang closure sa aming dalawa. I'm dead, he's alive.

"Hindi lahat ng bagay ay pwede mong malaman." Matigas na sabi ni Afarin. Maybe
she's right. Katuald na lang ng rason kung bakit ako iniwan ni Raehel.

"Kunsabagay, nasanay na rin naman akong pinaglilihiman. Nasanay na akong niloloko."


Buong kabitteran na sabi ko. Gusto kong sipain ang sarili ko. Hindi ba pwedeng
kahit ngayon lang, tigil tigilan ko ang pagpapahiya sa kaluluwa ko? Hidni ba
pwedeng kahit ngayon lang ay macontrol ko ang emosyon ko?

"Amery..." Ang sama ng tingin ko nung tingnan ko si Raehel. Sa sunod nga pag
iipunan ko ang potion para pumatay ng tao at papatayin ko itong si Raehel.
Makaganti man lang di ba?

"Ano? Nagiguilty ka?"

"Amery, hindi kita niloko. Hindi kita ginawang one night stand. Alam mong minahal
kita. Ayaw kong iwan ka pagkatapos ng gabing yun. God know's I never wanted to
abandon you. It's just that I've made a terrible mistake!" Napasuklay siya sa
buhok niya gamit ang mga kamay. Nakikita ko din ang pagsusumamo sa mga mata niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Mula noon, hanggang ngayon hindi ko matiis tingnan
siya na parang nagmamakaawa. Nakakainis kasi demonyo na ako at walang lugar ang awa
sa puso ng isang demonyo. I don't even have a heart for devil's sake! I am a soul!

"Ayaw kong marinig ang sasabihin mo. Ang paliwanang mo dahil maliwanag pa sa aikat
ng araw ang katotohanan na ginamit mo ako, niloko para makuha ang gusto mo! And
honestly I don't care. Whatever your reason is, no longer matters. Isa pa, wala
nang magagawa ang kung ano man ang sasabihin mo. It's too late Raehel, I'm already
dead, so save your breath." Kahit hidni ko man gustuhin pero nakaramdam ako ng
panghihinayang. Bakit ngayon pa ulti kami nagkausap? Bakit hindi nung panahon na
buhay pa ako? Kung saan may pagkakataon pa na maayos namin ang lahat o kung hindi
man at least we could forgive each other. Bakit naging huli na ang lahat para sa
amin? Bakit hindi kami nabigyan ng second chance?

Hindi banaging sapat ang pagmamahal namin para hindi na kami bigyan ng panibagong
chance? Siguro nga hindi, kasi mukhang ako lang naman sa aming dalawa ang nagmahal.
Hindi naman niya siguro ako iiwan kung mahal niya ako di ba?

"Kailangan mong marinig. You need to listen to me Amery." He's frustrated, I can
tell but I am also frustrated. Hindi ko alam kung sino ang mas frustrated sa amin.

Parang isinasabuhay ko talaga ang kasabihan na 'Aanhin pa ang damo kung patay na
ang kabayo'.

Aanhin pa ang mga paliwanag kung patay na ako? Para saan? So my soul may rest in
peace? I can't even have that peace because I am in hell and probably will be
staying in hell for the rest of my existence. Kaya wala nang kwenta! Wala nang
lahat! Kahit ako wala na. I am just a soul, I am not even a smoke!

"Ayaw ko!" I vehemently disagreed.

"Ayaw kong makinig sa'yo. Ni ayaw ko nang makausap ka!" Hindi ko na napigilan ang
sumigaw. The fact that it's too late for both of us crashed me. Parang ayaw kong
tanggapin.

"He's an angel." Mahina ngunit klarong klaro na sabi ni Afarin. My head whipped
towards her. She's looking at me and I've never seen her so serious. Mukha pa din
siyang bata pero kakaiba ang aura niya. Parang ang tanda na niya. Kakaiba ang klase
ng tingin niya at hindi ko kayang salubungin ang tingin niya sa akin. He stare
command respect.

"Afarin!" Saway ni Raehel pero ni hindi siya tiningnan ni Afarin.

"Ayaw niyang makinig sa'yo pero hindi naman niya sinabing hindi siya makikinig sa
akin. Kaya ikaw makinig ka!" Mahina pa ding sabi niya pero parang may sumigaw sa
tenga ko. I opened my mouth to say something but no words came out. Hindi ako
makapagsalita. I can't even move. Ano ang ginawa niya sa akin.

"Tama na Afarin." Mahinahong sabi ni Raehel pero tiningnan siya ng masama ni Afarin
at nung tumingin sa akin ang anghel ay may galit na sa mga mata niya.

"Bulag ka lang Lycus pero walang karapatan ang kaluluwang ito na sigaw sigawan ka.
Hindi ka pwedeng magpakumbaba at ibaba ang sarili mo dahil lang sa kanya!" Saglit
niyang sinulyapan si Raehel pero agad ding bumalik ang tingin sa akin. Lumipad siya
malapit sa akin at umikot na para bang tinitingnan kung karapat dapat akong tingnan
at kausapin niya.

"Listen, you worthless soul! He's an angel, a seraphim at kahit saang anggulo
tingnan hindi ka nababagay sa kanya. You are not even worth a glance from him!"
Galit na sabi niya.

Lumipat siya sa swivel chair ni Raehel at umupo sa tuktok tapos nangalumbaba. Ilang
beses siya bumutonghininga at naramdaman ko ang pagluwag ng parang tali sa katawan
ko.

"However, love is strong. So strong that even us angels are vulnerable. He loved
you. Para sa akin ay isa iyong kahinaan, isang kahangalan, pero sino ako para
humusga? Hindi ako ang nakakaramdam. Kahit sino ay walang karapatang humusga kung
pag ibig ang pinag-uusapan dahil iyon ang pinakamakapangyarihang regalo Niya.

But he had a union with you and that is forbidden. An angel cannot be overcome by
the calling of the flesh. At paano kung magbunga ang nangyari sa inyo? The child
will never be welcomed in this world nor it will be welcomed in heaven. That would
be a terrible fate for a child. That's the reason why he was forcefully removed
from earth after your union. Kaya akala mo iniwan ka niya. Hindi ka niya iniwan.

Dapat paparusahan siya. Dapat aalisin na siya sa hanay ng mga seraphim at maging
mortal na din siya but the heaven cannot punished an angel because of true love.
Pero bilang parusa sa kapangahasan niya, inalisan siya ng isang power. He can no
longer foresee the future that's why I am here. An angel without the power to
foresee what's going to happen is like a blind man. I am not his guardian angel.
I am a seer. I am his eyes, ako ang nagsasabi sa kanya ng mga mangyayari. Pero
hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang mga bagay na tungkol sa kanya at sa'yo. Hindi
ko pwedeng sabihin na patay ka na at isa ka nang kaluluwa. Hindi ko pwedeng sabihin
sa kanya na darating ka para maging kasangkapan para sa ikakasama niya. Nagulat din
siya nung makita ka niya. I must admit that this time the devils had used their
rusty brain." Afarin smirked at tumalikod na sa amin.

Napatingin ako kay Raehel na nakatingin din sa akin. His eyes are glassy with
tears.

"Amery..." Lumapit siya sa akin.

"Bakit hindi mo binalikan agad? Bakit hinayaan mong magalit ako sa'yo?"

"You should have known by now the difference of time here and in the other world."

"Pero nakikita kita sa facebook!" I bite my lower lip at my revelation.

"An angel pretended to me while I was away. Amery I'm sorry!" He took another step
pero umatras ako. Masyado akong nagulat sa mga pangyayari. Ang hirap tanggapin.
Kung kanina naisip ko na too late na para sa amin ngayon iba na naman ang naiisip
ko.

Simula pa lang pala, hindi na kami nababagay. Anong klaseng paglalaro ang ginawa ng
kapalaran sa akin?

"Iwan mo muna ako.Wag mo muna akong kausapin." I orbed out and went back to hell.
=================

Chapter 10

Chapter 10

Pagdating ko sa impyerno, wala akong ginawa kundi ngumawa sa iyak. Kahit na


kaluluwa na lang ako, ramdam na ramdam ko ang sakit at pighatidahil sa mga nalaman
ko. Ang masama pa, todo ngawa na nga ako pero kahit isang luha walang pumapatak sa
pisngi ko.

Madami na din ang mga demonyong napapatingin sa akin at siguro nagtataka kung bakit
ganito ako ngumawa. Yung iba nga nginitian pa ako at tinawanan, Mga walang awa,
walang puso! Mga demonyo!

Siguro kung sa langit ako napunta, hindi ko mararanasan ang ganitong sakit, ang
ganitong sama ng loob. Maybe, kung sa langit ako napunta, may pagkakataon kami ni
Raehel. May pag asa ang pag ibig namin. Pero ngayon, malabo pa sa uling ng impyerno
na magkaroon kami ng happy ending. Yun ang masakit. Kasi mula simula pa lang parang
itinakda na hindi kami magkakatuluyan at masasaktan lang kami. Pero bakit pa kami
pinagtagpo at pinaibig sa isa't isa kung sa ganito kami hahantong? Bakit?

Ano ba ang napakalaking kasalanan ko?

"Amery! I missed you!" Napatingin ako bigla kay Xiclav na slow-mo na tumatakbo
palapit sa akin. Feeling niya ata nasa isang low budget movie siya.

Ang laki ng ngiti niya nung makalapit na sa akin. Hindi ako nag react. Wala ako sa
mood na makipag usap kahit kanino. I wanted to be alone. Gusto kong namnamin ang
kabiguan ko.

"Pero siyempre alam mong hindi kita namimiss at ginagago lang talaga kita.
Sinubukan ko lang kung bagay sa akin ang kaartehan mo last time." Daldal pa din
niya pero hindi ko siya pinansin kahit na kakaiba ang sigla ngayon ni Xiclav.

Nung napansin ata niyang deadma ako sa kanya tiningnan niya akong mabuti.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit parang namatayan ka?" Tumawa siya ng malakas kaya
umirap ako sa kanya.

"Xiclav, mukhang hindi na ako makakaalis dito sa impyerno." Malungkot na sabi ko.
The loneliness is overwhelming. Nitong mga huling araw, punong puno pa ako ng pag
asa na makakaalis ako dito pero ngayon, lahat ng pag asa ko nadurog. Paano ko
dedemonyohin ang isang anghel? Paano ko magagawang demonyohin ang taong...ahmmm
anghel na nagkaroon ng malaking puwang sa puso ko?

Kung pagbibigyan man ako ni Raehel, makakaya kaya ng kaluluwa ko ang guilt dahil
nagawa ko siyang gawing masama? Ahhh..ang hirap! Gusto ko na lang magpakamatay!
Sadly, I am already dead. Sino ba ang nagsabing matatapos ang lahat sa kamatayan ng
tao?

Sa kamatayan pala ng tao magsisimula pa lang totoong buhay. Kung buhay ngang
matatawag ito! Real existence started upon death because that existence would last
till eternity. Walang oras, walang araw, walang taon. The concept of time is non-
existent.

"Bakit mo naman nasabi yan? Naglelevel up ka naman ah." Nagpalabas si Xiclav ng


isang mesa at may tatlong upuan. Umupo siya sa isang upuan at umupo din ako. Tapos
hinatak niya ang isang dumaang kaluluwa at pina upo.

May inilabas siyang baraha at nagsimulang mag deal. Gusto niya atang maglaro ng
tong its. Nagsimula na silang maglaro.

"Nalaman ko kanina lang na anghel pala si Raehel. Kung ikaw nag-give up kasi Pope
ang assignment mo, mas lalo na ako! Anghel siya Xiclav! Anghel! Paano ko
dedemonyohin ang isang anghel? nakikita niya ako, naririnig. Alam niyang
dinedemonyo ko siya!"

"Hindi mo alam na anghel siya?" Kumuha siya ng isang baraha sa nakafold na baraha
at pinalitan ang hawak niyang card. Nandadaya siya ng harapan at walang pakialam
ang kalaro niya.

"Alam mo?" Nanlalaking mga mata na tumingin ako sa kanya.

"Aba'y matagal na. Simula nung na assign siya sa'yo." Baliwalang sabi niya. What
the hell! Alam din ni Xiclav. Ako lang ata ang hindi nakakaalam. Ang tanga ko
naman.

"Alam mo, pero hindi mo sinabi sa akin!?" Tumaas na ang boses ko.

"Hoy! Wag mo akong pagtataasan ng boses! Nagtaka nga ako kung bakit hindi mo alam.
Nakabalandra kaya ang bio niya. Isa pa, sa pagkakatanda ko, sabi mo di na kailangan
ng bio niya kasi kilala mo na siya! Di ba? Di ba? Naalala mo? Tapos ngayon,
ngangawa ka dyan at sisisihin mo ako? Dagukan kaya kita?" Sabi niya sabay batok sa
akin.

Hindi ako nakapagsalita. Tama si Xiclav, hindi ko nga binasa ang bio ni Raehel. I
was so overwhelmed by the knowledge that day that I didn't bother to look at his
bio. Akala ko kasi sapat na ang nalalaman ko tungkol sa kanya. Yun pala may isang
mahalagay bagay tungkol sa pagkatao niya ang hindi ko alam. At ang bagay na yun ang
pinakaimportante

"Sa tingin mo Amery, bibigyan ka ng madaling assignment? Bakit sa palagay mo ang


daming kaluluwa dito? Kung madali lang ang assignment na binibigay, di sana kukunti
na lang ang demonyo? Naku, ang noob mo talaga!" Bigla niyang ibinagsak ang hawak
niyang baraha at ngumisi.

"Tong its! Talo ka na!" Nakatawang sabi niya.

"Tang ina ka pala eh! Kakadeal pa nga lang! Paanong natalo ako?" Reklamo ng
demonyong kalaro ni Xiclav. Mukhang amateur pa ang demonyo,

"Sinabi ko eh. Pag sinabi kong talo ka! Talo ka! Ibigay mo sa akin ang mga souls
mo!" Utos ni Xiclav pero tiningnan lang siya ng masama ng demonyo.

Kalmado pa din si Xiclav at bumuntonghininga.

"Saglit lang Amery. Makikipagsuntukan lang ako sa newbie na to." Sabi niya at
lumapit sa demonyo. In an instant, the poor demon was suspended on air at
nagmukhang punching bag with chains and all. Tapos nagsimulang magsusuntok si
Xiclav sa pobreng kaluluwa. Nung nagsawa siya, kinuha niya ang soul container ng
pobreng kaluluwa at itinapon ang kaluluwa sa bangin na may nag aapoy na ilog sa
ibaba.

"Sana hinoldap mo na lang para mas mabilis."

"Where's the thrill in that? Anyway, saan na nga tayo?" Inilalagay na niya ang mga
kaluluwang nakolekta niya sa container niya.

"Mabubulok ako dito sa impyerno Xiclav!" Bumalik na naman ang lungkot at panic sa
akin.

"Tanga! May kaluluwa bang nabubulok?" Oo nga naman pala.

"Xiclav!" I wailed again.

"Bakit kasi si Raehel?"

"Kasi ang mga anghel, kapag naging demonyo, tawag sa kanila fallen angels. Ang mga
fallen angels ang nagsisilbing mga army dito sa impyerno. Kumbaga sa mundo, tayong
mga ordinaryong kaluluwa ang mga citizen at ang mga anghel ang mga SEALS, FBI,
Army, Navy, Air Force. Basta sila ang tinatawag na SAPI. Samahan ng mga Anghel na
Panay ang Ihi!" Napatigil ako sa pag iyak at napatinginkay Xiclav. What the hell!

"Kailangan ng impyerno ang mga fallen angels para mapalakas ang SAPI at kung
magtagumpay ka sa sa pangdedemonyo kay Raehel isang malaking advantage yun para sa
impyerno dahil si Raehel ay isang seraphim." Pagpapatuloy niya.

"How did you know that?"


"Nasa bio nga! Kulit mo naman!" Masama na ang tingin niya sa akin kaya minabuti ko
na lang na manahimik at makinig sa kanya.

"Ano ba ang kaibahan ng pagiging Seraphim ni Raehel?" Tanogn ko ulit. Nakalimutan


ko na dapat manahimik pala ako.

Pero kasi dalawa na silang nagdabi nun. Yun din ang sabi ni Afarin. Isang seraphim
si Raehel.

"Para sa isang tanga at ignoranteng katulad mo, mag eexplain ako. The Seraphims are
the highest class among the angels. May siyam na class or hierarchy ang mga
anghel at nahahati ito sa tatlong sphere. Ang pangatlo at pinakamababang sphere ay
binubuo ng tatlong class. Ang angels, archangels at rulers. Ang pangalawang sphere
ay binubuo ng powers, virtues and lordships at ang una at pinakamataas na sphere a
binubuo ng mga thrones, cherubims at seraphims. Ang seraphims ang pinakamataas at
ang isang anghel na may pinakamababang class ay equivalent sa 10,000 times 90 human
soul. Ang ex-boyfriend mo Amery ay isang Seraphim. Alam mo ba kung ilang kaluluwa
ang katumbas kapag naging demonyo siya? I-compute mo kasi sumasakit ang sungay ko
kapag math ang pinag uusapan.

Ngayon naiintindihan mo na kung bakit sa'yo ibinigay si Raehel? Dahil ikaw ang
kanyang kahinaan. Mahirap hanapan ng kahinaan ang mga anghel and having you in hell
is an asset." Kung may balahibo lang ako, nanayo na ito dahil sa pinagsasabi ni
Xiclav. I feel dreadful. Ngayon pa lang sigurado na ako, hindi na ako makakaalis
dito sa impyerno. I'm doomed.

Ngayong, alam ko na ang lahat, mas lalong hindi ko kayang demonyohin si Raehel. I
cannot risk too many souls just for my soul. Ang kailangan ko na lang ay tanggapin
ang kapalaran ko.

I will stay in hell for eternity.

Para akong nauupos na kaluluwa habang nakatingin sa mapulang mga maa ni Xiclav at
ngayon maliwanag ko nang nakikita ang emosyon sa mga mata niya.

Desperation, Frustration, Pain, and Hopelessness.

Those emotions exactly mirrored mine.

=================

Chapter 11
Chapter 11

Ito yun eh! Ito yun! Ganito pala ang feeling ng magpapaalam. Hindi ko alam kung
ikatutuwa ko ba ang katotohanan na may pagkakataon pa ako para magpaalam sa kanya o
malulungkot ako kasi ito na ang huli kong pagkakataon. Ito na ang huli naming
pagkikita. Pagkatapos nito hindi ko na siya makikita, hindi ko na makakausap.

Isipin pa lang yun naluluha na ako o baka nga umiyak na ako kung may luha lang na
lumalabas sa mga mata ko. Ang sakit! Ramdam na ramdam ko ang bigat sa puso ko. Pero
mas mabuti pa ang ganito kesa patagalin pa.

Pinindot ko na ang tracking device ko para makapagteleport ako kay Raehel.


Ibabalik ko ang tracking device sa impyerno kapag pinaalam ko na hindi ko na
itetempt si Raehel. Kung bibigyan nila ako ng bagong assignment, bibigyan ako ng
panibagong tracking device. The Tracking device is our only ticket to get in and
out of hell. Without it, we cannot go anywhere. Yun nga lang, exclusive ang
tracking device sa taong nakaassign sa'yo kaya automatic doon nagteteleport kapag
lumabas ng hell. Pero siyempre, pagnakalabas na ng impyerno pwede nang gumala kahit
saan sa lupa. Kaya siguro ang mga ibang demonyo, nakakakolekta ng souls. Nagsa-
sideline ng ibang matetempt. Ngayong naisip ko, ang bilis lang makapasok sa
impyerno pero ang hirap lumabas. Ang dali lang gumawa ng mga kasalanan, it was
even fun at first pero sa huli, doon ka pagbabayarin sa lahat ng mga kasalanan mo.
If only humans were given a glimpse or a taste of hell upon birth. If only they
were oriented on what will happen if they're in hell, then maybe, there will be
world peace. Kung sa simula pa lang itinanim na na puso at isip ng mga tao ang
mangyayari sa kanila.

But then, maybe, the world is really created with balance. Balance even with the
good and evil. and souls are given a chance to choose. Hence, the human freewill.
Every decision is a choice, a choice between good and evil, a choice of salvation.
I was also given that choice. I once owned that decision but now it's too late to
retract everything. Pero kahit na huli na ang lahat para sa akin, naniniwala akong
may kakayahan pa din akong magdesisyon ng tama.

Yes, nakapagdesisyon na akong hindi na itutuloy ang balak kong pangdedemonyo sa


kanya. Hindi ko kaya. Bahala nang mabulok ako sa impyerno. Bahala na kung litsunin
man ako ng mga demonyo o kaya ipansabong. Hindi ko kaya isakripisyo ang ang
napakaraming kaluluwa para lang sa kaluluwa ko.

I pressed the tracking device and I was teleported to Raehel's bedroom at nakita ko
siyang nakaupo sa isang upuan sa veranda at nakatingin sa itaas. Para bang
minememorize niya ang bawat bituin.

Hindi niya napansin ang pagdating ko kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataon na


panoorin siya. For the past five years, his physical features didn't change. Pogi
pa din siya. Nakatalikod man, nakatagilid o nakaharap.

Dati natanong ko siya kung bakit niya ako nagustuhan. He was an accomplished man at
age 23 and I was just a careless graduating college student. Nagkakilala lang kami
dahil tinulungan niya ako nung muntik na akong masagasaan nung patawid ako sa
kalsada. Ngumiti lang siya sa akin nung panahon na yun but I was captivated. He
have this certain aura within him and now I know why.

Nung umagang nagising ako na wala na siya sa tabi ko, naisip ko kaya siguro hindi
niya sinagot ang tanong ko dahil hindi naman talaga niya ako nagustuhan.
Pinaglaruan lang niya ako.

Pero ngayong alam ko na kung sino talaga siya, bumabalik na naman ang tanong sa
isip ko, bakit niya ako nagustuhan?

Bakit ako?

Am I even worthy of his love? Sabi nga ni Afarin, I am not even worthy of his
glance.

Oo at tanggap ko na hindi na kami magkakatuluyan pero ang katotohanan na minahal


ako ng isang anghel ay sobra sobra na. Halos hindi ko mapaniwalaan. It's
overwhelming.

"Rae..." I said softly and he turned and looked at me. Naglakad ako palapit sa
kanya habang hindi namin inaalis ang tinginan namin. The way we used to look at
each other. With adoration and love. Naiiyak na naman ako at nanghinayang.

Ours is a wasted love and I can't barely accept that we're doomed from the very
start. Pero kailangan kong tanggapin. Kelan ba nagkatuluyan ang tao at anghel?

"Akala ko hindi ka na babalik." Nakita kogn bumuntonghininga siya.

"Ayaw mo na akong bumalik?" Pain lanced through me and again I was faced with our
complicated situation.

"I don't know. Frankly Amery, hindi ko alam. Natutuwa ako kapag nakikita kita at
the same time, nasasaktan din, dahil alam kong hindi man lang kita mahawakan at
mayakap. Nasasaktan ako kasi bakit ka nagkaganyan? Bakit ka namatay? Why so sudden?
Inalagaan kita sa napakahabang panahon." Napayuko siya.

"Raehel." Nanginig ang boses ko sa pagpipigil ng emosyon. What should I say? Should
I say, 'I'm sorry that I died?'

"Yet, I couldn't honestly say that I don't want you here because deep inside me, I
wanted to see you, even just a glimpse of you, even just a fragment of you."
Napaupo ako sa isang upuan katabi ng upuan niya dahil pakiramdam ko nanghina ako
dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagpahid niya sa gilid ng mga mata niya.
Napayuko ako. Ilang beses ba niyang pinahiran ang luha ko dati nung kami pa? Pero
ngayong umiiyak siya, kahit pagpahid ng luha niya, hindi ko magawa. Ang totoo, ano
nga ba ang ginawa ko para sa kanya dati? Sure, minahal ko siya, but was that love
enough?

Nabalot kami ng katahimikan. Napatingin din ako sa kalawakan kung saan siya
tumitingin pero hindi ko mapigilan ang lumingon sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko
pagkatingin ko sa kanya. He's glowing! Hindi ang klase ng glow na nakakasilaw.

"Raehel, you're glowing." How come ngayon ko lang ito nakita? Dahil ba gabi ngayon?

Nakita ko siyang tumingin sa akin at napangiti. Pero ang ngiti niya may halong
lungkot.

"Angels glow. But only souls can see us glow." Nagkatinginan ulit kami at itinaas
niya ang kamay niya palapit sa mukha ko pero sa huli, mukhang nagdalawang isip siya
kasi ibinaba niya ulit ito.

"Are you here to tempt me again? I'm willing to cooperate. You can even ask me to
jump off the veranda, however, I won't even have a scratch." He again gave me that
empty smile.

"No...I will no longer tempt you. I came here to say goodbye." Napatingin siya
bigla sa akin.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Nag decide na akong tumigil sa pagtetempt sa'yo. Ngayong alam ko na kung sino ka,
siguro tama lang na tumigil na ako." Ang lungkot ko. Dapat maging masaya ako kasi
sa tingin ko ginagawa ko naman ang tama pero nalulungkot kasi kasi ibig sabihin nun
ay hindi ko na siya makikita. I will have to return the tracking device.

"I'm so sorry Amery."

"Hindi mo naman kasalanan Rae..."

"No...kasalanan ko. Alam kong mahal kita pero naging mahina ako. Pagkatapos ng
nangyari para akong sinampal sa realisasyon na hindi pala lubos ang pagmamahal ko
sa'yo. Pero huli na ang lahat. I made a mistake at tanggap ko ang naging punishment
ko pero hindi ko inakala na kasama ito sa mga parusa sa akin. I accepted my
punishment with all my heart. Pero hindi ko alam kung kelan ko matatanggap ang
katotohanan na wala ka na at kung hanggang kelan ko pagsisisihan."

"Alam kong minahal mo ako Rae. It's enough for me." Pinatong ko ang kamay ko sa
kamay niya pero nanlumo ako nung lumusot lang ang kamay ko. I swallowed a lump in
my throat. Gusto ko na namang magngingiwi. Can't we have the last chance of holding
each other? Bakit naging ganito kalupit?
"I could have offered you more Amery. Nakalimutan kong hindi ako tao at nakalimutan
kong may mas magandang hinaharap para sa atin. I succumbed to humanely love, an
ordinary love, a love that is selfish,darkly rooted in desires and satisfactions
and in return, I deprived you of our eternity. I would forever regret that I've
ruined my one true love and sent her to hell. Hindi ko alam kung paano itatama ang
lahat." Napatingin siya sa akin na punong puno ng luha ang mga mata. It hurts me so
see him this way.

"Hindi mo kasalanan na namatay ako. Siguro tanggapin na lang natin ang lahat. Maybe
we are not really destined to be together from the very start. Aalis na ako
Raehel." Malungkot na sabi ko. Matagal kaming nagtitigan bago ako tumalikod. I was
about to orbed out when he spoke.

"I can't allow you to leave. There must be a way." Napalingon agad ako sa kanya.

"Wala nang paraan para makaalis ang kaluluwa ko sa impyerno. Siguro ganun talaga."
Gumaralgal na ang boses ko.

"Hindi. Mag iisip ako ng paraan Amery. Just give me time. Let's buy some time shall
we? Hanggang sa makahanap ako ng paraan." His voice and his eyes pleading but I can
also see desperation. Kahit ako desperado. Sino ba ang hindi magiging desperado sa
sitwasyon namin?

"Raehel...malalaman nila na hindi na kita denedemonyo."

"I'll help you with that. Just give me a little bit time. Please." Umiwas ako ng
tingin dahil sa nakita kong pagmamakaawa sa mga mata niya.

He's literally saying that he'll do evil things just for my salvation. It was
tempting. Very tempting yet very heartbreaking.

=================

Chapter 12

Chapter 12

The selfishness in me prevailed. Hindi ko alam kung dahil ba sa nanaig ang pagiging
demonyo ko o ang kagustuhan na makasama pa siya ng mas matagal sa huling
pagkakataon. Hindi ko binalik ang tracking device sa impyerno pero wala na din
akong planong demonyohin pa siya. Hindi ko na kakayanin. Hindi ko alam kung saan
ang kahihinatnan ng lahat. We are just hoping that we could trick hell somehow.
Sana hindi nila malaman na wala na akong planong gawin ang pinapagawa sa akin. Pero
kung malaman man nila at paparusahan ako, it doesn't matter, wala na sigurong mas
masamang parusa kesa sa manatili sa impyerno.

"Hindi mo naman kailangang gawin Rae." Napatingin ako sa kanya na nakasimangot


habang nagyoyosi siya sa veranda ng condo niya at narinig ko ang level up sound.
Napabuntonghininga na lang ako. Kahit ayaw ko nang i-tempt siya, nagpumilit pa din
siya. Sabi niya, mahahalata daw kasi kapag hindi gumagalaw ang level ko. Kapag
maaga daw akong mabuko, paano pa niya gagawin ang mga dapat niyang gawin. He have a
point of course.

Narealize ko din na kahit konting temptation lang kay Raehel, kunting kasalanan
lang ang gawin niya, naglelevel na ako. Maybe because he is an angel and angels are
suppposed to be faultless and sinless. Malaki ang impact sa isang munting
pagkakasala ng isang anghel.

"Naglevel ka?" Nakangiting sabi niya at mukhang tuwang tuwa pa sa mga nangyari.
Tuwang tuwa siya, samantalang ako, punong puno na naman ng guilt.

"Raehel, pwede namang hindi mo gawin. Isa pa, kahit hindi ka pa patay, para mo na
ding sinusunog ang baga mo sa yosi na yan." Naalala ko na naman ang mga ginagawa sa
impyerno sa mga kaluluwang adik sa yosi. Unlimited yosi till you can't breathe and
then the soul would experience death again and again. Ang sakit ng pagkakaroon ng
lung cancer at mararanasan yun ng paulit ulit kahit na gumagapang na ang kaluluwa.
It was a dreadful and pitiful sight.

Binaba niya ang yosi sa ashtray at diniin para mamatay tapos tiningnan niya ako at
ngumiti. I can see fondness in his eyes, the way he always looked at me.

"I remember you scolding your Dad about it. You were a force to reckon with even
when you were still young Amery." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. He's smiling
at the memory. The memory that I can't remember.

"Ano nga ba ang sinabi mo noon? 'Kapag namatay ka dahil sa lung cancer Daddy, I
won't cry. I won't even glimpse at your nicotine stained corpse.'" Tumawa siya at
lalong nangunot ang noo ko. Ano ba ang pinagsasabi niya?

"You were just ten at that time Amery and you said it in front of all the board of
directors who are equally smoking. Hindi ko alam kung napansin mo ang mga mukha
nila habang binababa nila ang mga cigar nila. I nearly laughed at loud."

"Wait a sec. You saw me when I was ten?Nung time na muntik na akong maaksidente
nung fourth year college ako, it wasn't the first time that we've meet?" Hindi ko
naalalang nagkakilala na kami dati. As far as I can remember, nakilala ko siya sa
daan nung muntik na akong masagasaan. He saved me that time.

"No. I've meet you when you were 10 years old. I was one of the directors. Luckily,
hindi ako naninigarilyo kaya hindi ako nasama sa nasita mo. Siguro hindi mo ako
napansin kasi masyado kang nakafocus sa Daddy mo pero napansin kita. I've noticed
how beautiful and vibrant you are."

"Paanong? Apat na taon lang ang tanda mo sa akin, paanong andun ka sa meeting na
yun? Wala akong nakitang 14 years old na bata doon." Wala talaga! Naalala ko na
ngayon ang scene na yun. It was my father's birthday. Nasa bahay kami at hinanap ko
si Daddy. Turns out, nasa may open pavilion sila kasama ang mga friends niya at
nagyoyosi sila habang nagkakatuwaan. Hindi ako natuwa dahil ayaw ko ng amoy ng yosi
kaya pinagalitan ko si Daddy. Pero wala doon si Raehel!

"I was Mr. Simons." He smiled indulgently at me at nanlaki ang mga mata ko. No way!
I looked at him at umiling iling. Paanong siya si Mr. Simons?

"You're the old american guy with a balding head? The guy who always gave me a big
pack of chocolates?" Nung one time na pumunta ako sa office ni Daddy, nakita ko si
Mr. Simons at inabutan niya ako ng isang bar ng chocolate. Simula noon, tuwing
pumupunta siya ng Pilipinas, palagi niyang pinapaabot kay Daddy ang mga chocolates
na pasalubong niya sa akin.

"What the fuck Rae! Niligawan mo na pala ako kahit na ten years old pa lang ako?
You're such a cradle snatcher!"

"I was fond of you as a kid. The feeling wasn't still there. You're adorable. Even
your father adores you. You're like my kid." He said defensively. Tinaasan ko siya
ng kilay.

"Pero teka nga! Paano? Pagkaalala ko ang tanda na ni Mr. Simons. He died na nga di
ba? Naalala ko nung sinabi ni Daddy." Yeah, I remember now. I even cried kasi wala
na akong supplier ng imported chocolates.

"And you cried buckets dahil wala nang magbibigay ng chocolates sa'yo. User!"
Natawa ulit siya at pinanlakihan ko siya ng mga mata. He saw it.

"How did you even know about it? Teka nga! Naguguluhan ako. Matanda ka dati, Paano
ka naging ganyan ngayon?" Paano siya naging macho gwapito ngayon? Ano na naming
kababalaghan ito?

"Human bodies are our shell Amery. Pero hindi kami basta basta na lang makakapasok
sa katawan ng mga tao. A body can only accommodate a single spirit, otherwise, it
would be unstable. Kaya ang mga nasasaniban, nagiging baliw kapag hindi naagapan.
Ang mga anghel katulad din ng mga tao. An angel is brought into the earth upon
conception. Although we are born like humans, upon birth we already have the
knowledge as to our identity however we have to act like a human child. Kapag
namatay ang katawan, we need to move out of that shell. We could either be born
again or could switch with another angel who already have a shell. In my case, when
Mr. Simons died, I switched with an angelwith a shell of a 10 year-old boy. That
angel needed to return to heaven. May pumalit din sa aking anghel nung sapilitan
akong pinabalik sa langit pagkatapos ng may nangyari sa atin. Kaya sa tingin mo
niloko kita." Ohhh...so ganun pala yun? Yan ba ang sinasabi nilang reincarnation?
Pero exclusive lang sa angels?
"Lahat ng anghel ganun?"

"No. There are specific angels who do the job. Sila ang mga anghel na kailangan mag
disguise para magawa ang misyon nila. There are also angels who are spirits, just a
speck of light and they stay as such. Katulad ni Afarin, she's a light, she's a
seer. She cannot be seen by humans, demons or by any spirits. Even some angels
cannot see her." Nangunot na naman ang noo ko.

"Nakikita ko siya."

"Nagpapakita siya sa'yo. There's a difference." Tiningnan niya ako at siguro


halatang naguguluhan ako.

"She's helping me...us and I'm grateful." Ako din. Kahit na makulit si Afarin,
malaki ang utang na loob ko sa kanya. Siya ang tumutulong kay Raehel at sa akin.
Dahil nakikita niya ang future, minsan sinasabi niya ang mga mangyayari o kung may
papalapit na demon. Minsan kasi may pinapadala na demonyo para tingnan kami kung
ginagawa namin ang mga mission namin. She always gives us a heads up.

"So kapag ba namatay ang katawan na yan, babalik ka ulit sa simula? Kukuha ka ulit
ng shell." Samantalang ako, spirits na lang at hindi na magrereincarnate.

"Not necessarily. Sabi ko nga may mga anghel na gumagawa ng ganung trabaho. Hindi
ko trabaho ang pumunta sa mundo at umaktong tao. I was sent before to check on
something. May hinahanap ako dito."

"Ako?" Napangiti siya sa sinabi ko.

"Hindi. I'm glad that I found you though. Hanggang ngayon hindi ko pa siya
nakikita. Importanteng makita ko siya. Importanteng makuha ko siya bago pa siya
makuha ng impyerno. Kaya nasa lupa ako. There are things that's beyond human
knowledge Amery. Mga bagay na hindi na kailangan malaman pa ng mga tao."
Napabuntonghininga siya at napatingin sa kalawakan.

"So, habang hindi mo pa nakikita ang hinahanap mo, hindi ka makakabalik sa langit?"

"Nakakabalik ako paminsan minsan pero babalik ako ulit para hanapin siya. I cannot
give up."

"Paulit ulit ka lang na mag rereincarnate. Mabuti naman at hindi napapagod o kaya
naagnas ang spirit mo ano?" Tumingin siya sa akin at ngumiti. Natatawa ata siya sa
sinabi ko.

"Spirits do not die Amery. Hindi din napapagod. Siguro napapansin mo din yan." Oo
nga. Simula nung mamatay ako di ako napagod. Ang mga kaluluwa, hindi na
nakakaramdam ng physical pain, kasi di na nga naman kami physically present. Pero
nakakaramdam pa din ako ng emosyon. That must be it. Napansin ko din sa impyerno,
wala ang concept ng edad at oras. Parang gumagalaw ka pero hindi lumilipas ang oras
o dahil wala talagang oras. Yun siguro ang tinatawag nilang eternity.

"Okay! Unfair. Samantalang ako, nauntog lang, namatay na!" Now I realized how
fragile humans are. Lahat ginagawa ng tao para mapabuti at mapaganda ang katawan
pero kung tutuusin ang oras na nilalaan sa mundo ay napakaiksi. Ang daming tao ang
ginagawa ang lahat, ginagastos lahat ng pera para mabuhay at para gumanda, para
tumaas ang status sa tinatawag sa society. Para saan? Sa huli, it doesn't matter
who you are. Oo nga at mayaman ang pamilya namin, pero hindi ko yun nadala sa
impyerno. Sa impyerno, isa lang akong kaluluwa na makasalanan kaya andun ako. Sabi
nga ni Xiclav, isa lang akong tangang kaluluwa. No identity, no status. Just a
soul.

Ang saklap. Nasa huli na nga ang pagsisisi kasi ngayong alam ko na ang lahat hindi
ko na pwedeng balikan ang lahat. Hindi ko na pwedeng bawiin ang lahat ng mga
kasalanan ko. Tama nga ang mga sinasabi ng iba. Feed your spirit, not your body.

"That's how you die? Nauntog ka lang?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Yeah,
trivial death. Sino ang mag aakala? Sana namatay na lang ako sa cancer o kaya sa
heart attack o kaya namatay man lang sana ako sa pakikipaglaban para sa world
peace. Hindi yung, namatay ako dahil sa kalandian. Nakakahiya, sa ibang kaluluwa.
Tama nga ata na nasa impyerno ako. Indeed, what did I do, to deserve heaven?

Wala. Isang tumataginting na wala.

"Hindi mo alam?"

Hindi. Wala ako dito at nung bumalik na ako, I can no longer relieve the past nor
could I see the future. Hindi kita makita . Yun pala patay ka na. Bakit ka
nauntog?" No...ayaw kong sabihin sa kanya.

"Uhmmm..." Umiwas ako ng tingin. Nakakahiya na nga na namatay ako dahil sa untoig,
mas nakakahiya ang dahilan kung bakit ako nauntog. Hindi ko ata kakayanin.

"C'mon Amie.." There it is. Yan ang tawag niya sa akin kapag naglalambing siya.
Alam na alam din niyang hidni ko siya kayang tanggihan kapag nagpapacute na siya.

"Ahmm...nakipagsabunutan ako sa isang girl. Tapos natumba kami kaya nauntog ako." I
bit my lower lip. Gusto ko na lang bumalik sa impyerno dahil sa kahihiyan na
naranasan ko pero ayaw ko siyang iwan.

"What? Nakipagsabunutan ka?" Nakita kong pinigilan niya ang ngiti niya pero sa
huli, hindi din niya napigil kaya napatawa siya.

"Pinagtatawanan mo ang kamatayan ko?" Tiningnan ko siya ng masama. Ilang beses


siyang tumikhim bago nagsalita.
"I couldn't imagine you doing it. You were always so prim and proper. Hindi ka
pumapatol sa mga ganyan." He's right. Pero nagbago ako nung iniwan niya ako.

"Siya naman ang nauna! She saw me and Kian, her boyfriend, kissing at the parking.
Hindi ko naman aagawin ang boyfriend niya. Nilalandi ko lang naman! Isa pa..." I
said defensively.

"Stop." Natigil ako at napatingin sa kanya. Hindi na siya nakangiti at nagging


seryoso na ang mukha niya. Alam na alam ko ang mukhang yan. Ang ganyang
expression.

"Nagseselos ka?"

"Okay na yung nalaman ko." Napangiti ako. He didn't deny it. Alam kong hindi siya
magsisinungaling. Nagseselos nga siya.

"Oh Rae, I wanted to hug you!" Hindi ko napigilan ang kilig at tuwa na nararamdaman
ko. It has been a long time. Siya lang ang may kakayahang iparamdam sa akin ang
ganitong klaseng damdamin.

"Then hug me." Nakangiti nang sabi niya.

"Nagbibiro ka ba? Kaluluwa na lang kaya ako." But then something happened. Pumikit
si Raehel and then his spirit when out of his body. Napanganga ako habang
nakatingin sa maliwanag na lalaki na ngayon ay nasa harap ko na.

Pabalik balik na tiningnan ko ang Raehel na tao at ang Raehel na spirit. Nakangiti
siya sa akin at inabot ang kamay ko.

"Nahahawakan mo ako!" Gusto kong mapaiyak dahil sa tuwa. Napatingin ko sa mukha


niya. He's way more handsome than the Raehel I've known. Nagliliwanag ang buong
katawan niya. His beauty go beyond perfection.

"Ganyan ang totoong itsura mo? Mas pogi ka pag ganyan!" I blurted out and he
smiled. Hidni ko napigilan ang emosyon ko, umiyak ako at naramdaman ko ang pagyakap
niya sa akin. Lalo akong naiyak.

"I missed you so much Amery." 

=================

Chapter 13
Chapter 13

"Hoy! Ikaw!" Napapitlag ako pagkarinig ko sa tawag ni Xiclav. Humarap ako sa kanya
at tiningnan siya ng masama.

Die! Die now! I chanted as I looked at Xiclav. Malay mo madala sa orasyon ang
demonyo.

"Anong problema mo!?" Singhal ko sa kanya. Nenenerbiyos na nga ako, ginugulat pa


niya ako. I've been nervous eversince I return to hell. Baka kasi mabuko ako bigla
at malaman na hindi ko na ginagawa ang misyon ko. Hindi ko alam ang magiging parusa
ko pero tatanggapin ko. Sabi ko nga wala nang mas mabigat na parusa kesa sa mapunta
sa impyerno.

"Wala! Feel ko lang na sindakin ka. Nasindak ka ba?" Ngising ngisi na sabi niya. I
rolled my eyes at him. Umupo siya sa tabi ko at ginaya ang posisyon ko.

"Alam mo ba, ang laki ng napanalunan ko sa pokerdap." Tuwang tuwa na sabi niya at
binuksan ang soul container niya. Pinakita niya sa akin kung ilang kaluluwa ang
meron siya at nalula ako. May 10,000 souls siya! Ang dami nun!

"Pokerdap?"

"Yung larong kunyari yayayain mong magpoker ang isang kaluluwa pero ang totoo,
hoholdapin mo. Pokerdap. Ang galing noh? Palakpakan!" Tumayo siya at pumalakpak
mag isa. I rolled my eyes again. Hindi ko alam na may mga baliw din palang demonyo.

"Pero wag mong ipagsabi na madami akong kaluluwa ha. Baka malaman ng mas
makapangyarihang demonyo at holdapin din ako. Ikaw lang naman ang pinagsasabihan ko
dahil tatanga tanga ka." He grinned as I give him my deathly stare na alm ko naman
na walang epekto sa kanya. How frustrating!

"Ano ngayon ang gagawin mo sa madaming kaluluwa?"

"Pupunta akong disneyland!Hongkong disneyland!" Excited na sabi niya at nangunot


ang noo kong napatingin sa kanya. Seryoso siya?

"Are you nuts? Gagastos ka pa ng kaluluwa para makapunta sa disneyland? Pwede ka


namang magteleport doon." Tiningnan ako ni Xiclav tapos nangunot ang noo.

"Tanga!" Isang malutong na malutong ang natanggap ko mula sa kanya. "Kung pwede
lang sana gawin ng lahat ng demonyo na andito sa impyerno ang sinasabi mo, wala
nang natira dito. Pero hindi, dahil ang mga pwede lang lumabas sa impyerno ay ang
mga miyembro ang SAPI, ibang matataas na demonyo at tayong binigyan ng tracking
device. Pero kahit na may tracking device tayo, sa iisang lugar lang tayo pwedeng
mag teleport. Sa lugar kung nasaan ang naka assign sa atin. Hindi mo ba napapansin
yun na hindi ka makapagteleport kung saan saan? Kunsabagay, tanga ka nga pala.
Bakit ka nga ba napunta dito sa impyerno? Ang mga napupunta dito yung mga toso at
di nagpapalamang." Napanganga ako sa sinabi niya. Kaya pala na automatic na kay
Raehel ako napupunta.

"Gets mo na? Tayong mga kaluluwa, walang sense of direction. Kaya nga madami ang
ligaw na kaluluwa. Sa kagustuhan na makita ang pamilya nila literal na naliligaw
sila sa mundo dahil hindi nila alam ang daan papunta sa mga pupuntahan nila. Tayo
namang mga demonyo makakagala lang sa mundo kung kasama ang taong naka-assign
sa'yo." Dahil sa sinabi ni Xiclav bigla kong naalala sina Mommy at Daddy. Kamusta
na kaya sila? Paano nila natanggap ang kamatayan ko? Suddenly, I felt the need to
see them, to know how they are.

Pagkatapos ng walang kwentang usapan namin ni Xiclav bumalik na ako kay Raehel.
He's in the middle of a meeting at bigla na lang akong lumitaw sa tabi niya. Hindi
nakaligtas sa akin ang saglit niyang pagngiti pagkakita sa akin. Kinilig ako bigla.
Sino ang mag aakala na ang isang kaluluwang katulad ko ay may kakayahan pang
kiligin?

Tumayo ako sa tabi niya at hinintay na matapos siya.

"Kamusta ang impyerno?" Napatingin ako kay Afarin na bigla na lang lumitaw sa tabi
ko.

"Ganun pa rin, mainit." Napangiwi si Afarin at tumingin sa papers na hawak ni


Raehel.

"Tapusin mo na ang meeting. Naiinip na ang demonya, pupunta pa kayo sa bahay ng


future ex in-law mo." Nakangiting sabi ni Afarin kay Raehel. Pinandilatan ko siya
ng mga mata pero nginitian lang niya ako. Ito ang nakakainis sa anghel na to eh.
Inaabuso ang pagiging seer. Ang hilig hilig niyang ibuko ang mga plano ko kay
Raehel. Pero sa isang banda, nakakatuwa din siya kasi kapag nakikita niya ang
hinaharap na maglalandian kami ni Raehel, bigla na lang siyang mawawala.
Binibigyan kami ng privacy ng atribidang anghel.

Sinulyapan ako ni Raehel at nginitian ko lang siya. Nag discuss pa sila saglit bago
tinapos ni Raehel ang meeting at hinintay na umalis ang lahat ng tao.

"Pupunta tayo kina Tito?" Umismid ako at umupo sa isang upuan. Si Afarin naman
gumulong gulong sa taas ng mesa na parang bola. Enjoy na enjoy siya. Ahhh.. hindi
lang pala mga demonyo ang mga nababaliw, may anghel din palang nababaliw.

"Gusto ko silang makita Rae. Gusto ko silang kamustahin. Gusto kong malaman ang
nangyari sa kanila pagkamatay ko. Hindi ko sila mapuntahan dahil baka mawala ako."
Saglit niya akong tiningnan tapos niligpit ang mga gamit at tumayo. Sumunod kami ni
Afarin sa kanya hanggang sa makarating kami sa opisina niya. nagbilin siya sa
secretary niya at nagyaya nang umalis.
"Relax." Sabi niya habang nasa byahe kami. Napansin ata niya na hindi ako mapakali.
Hindi ko kasi maiwasang kabahan at ma excite. Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang
mas matimbang, ang excitement ko o ang kaba na nararamdaman ko.

"Rae, sabihin mo sa kanilang mahal na mahal ko sila." Ngayon ko lang narealize kung
gaano ko kamahal sina Mommy at Daddy. Ngayon ko lang naappreciate ang pagmamahal
nila sa akin. Kung alam ko lang na hindi pala ako magtatagal sa mundo sana ginugol
ko na lang ang oras ko na kasama sila. Sana binawasan ko ang paglalakwatsa at
pagbabar. Totoo nga na nasa huli ang pagsisisi at huling huli na talaga ako.

"Sabihin mo din kay Daddy na bawas bawasan ang pagiging workaholic kasi di naman
niya madadala ang pera namin pag namatay siya. Isa pa, wala na silang tagapagmana.
Dapat magresign na siya at gumala na lang sila ni mommy at mag enjoy. At pakisabi
na din na sorry kasi di ako naging mabuting anak."

"Amery..." sumulyap siya sa akin at nakita ko din ang lungkot sa mga mata niya.

"Rae, ngayon lang ako nagsisisi sa mga pagrerebelde ko dati sa kanila. Namatay lang
ako na hindi nila nalaman na nag Ilocos tayo dati. Yun kaya ang dahilan kung bakit
ako nasa impyerno? Kasi nagsisinungaling ako sa parents ko?" Nanlalaki ang mga mata
ko at sakto naman na tumingin siya sa akin.

Then I remembered na hindi pala niya alam na hindi ako nagpaalam kina Mommy.

"It's okay Amery." Mahinahon na sabi niya. Napapikit ako. Kaya nga siguro ako nasa
impyerno. Nagsinungaling ako sa isang anghel at sa parents ko. Napakagat labi ako
at halata ang guilt sa mukha ko.

"Amery..."

"Please wag mo akong sisihin. Masamang sisihin ang isang patay! Mumultuhin ka!" I
blurted out at nakita ko siyang napangiti at napailing.

"Liars go to hell kasi." Napatingin ako bigla kay Afarin na nasa backseat at
nagboblow ng bubbles.

"Totoo pala yun Afarin?"

"Oo naman. Kasi ang isang kasinungalingan, gaano man kaliit ay may malaking impact,
hindi man sa'yo, sa mga taong nakapaligid sa'yo. Katulad na lang ng
pagsisinungaling mo sa parents mo. Alam mo bang pinagalitan si Lycus ng Daddy mo
kasi nalaman niya na nag Ilocos kayo? As a result, pinull out ng Daddy mo ang
investment niya sa foundation. Yun sana ang ipapatayo nina Lycus ng orphanage.
Hindi natuloy. Imagine kung ilang bata sana ang natulungan." Napanganga ako sa
sinabi ni Afarin at napatingin kay Raehel.
"Pinagalitan ka ni Daddy?" Hindi ko nalaman ang bagay na iyon.

"It's partly my fault. Dapat personal kitang pinagpaalam." Hindi eh! Sinabi ko sa
kanya na ako na ang bahala at nagpaalam na ako.

"Rae sorry talaga!" Gusto ko na namang umiyak. Tama nga atang nasa impyerno napunta
ang kaluluwa ko.

"That's all in the past Amery. Hindi dapat nac-stress ang mga kaluluwa. Nagmumulto
sila." Tiningnan niya ako at ngumiti. I gave him a half-hearted smile.

Tama si Afarin, a lie is a lie, no matter how trivial it is. Ang isang maliit na
kasinungalingan, possibleng magkaroon ng malaking epekto sa ibang tao.

"Isa pa, mabilis ngayon magtrabaho ang mga Lax. High tech na din sila. Fast
acting." Ngumisi si Afarin.

"Sino sina Lax?"

"Sila ang mga anghel na tinatawag na Rulers. Sila ang nagreregulate sa mundo ng mga
tao at sa mga anghel na pinadala sa mundo. They maintain peace and order. Pero may
isang grupo sila na ang especialty ay ang pagpaparusa sa mga taong masasama though
in a subtle way, just to remind the human na mali ang ginawa niya. Sa mundo niyo
ang tawag sa group nila ay Karma. Ang leader nila ay si Colax. High tech na sila.
Nung nagvisit ako sa headquarters nila, nag upgrade na sila ng system kaya mabilis
na din ang dating ng karma. Hindi na ma lag pero siyempre minsan di maiwasan ang
mga system glitches." Nakanganga lang ako habang nakatingin sa Afarin. Group pala
ng mga anghel ang nagbibigay ng karma?

Nagkwento pa ng kung ano ano si Afarin at hindi ko namalayan na nasa tapat na kami
ng bahay namin. Pinatay na ni Raehel ang makina ng sasakyan at lumabas. Sumunod
kami niAfarin sa kanya. Nag doorbell siya at ang tagal bago magbukas ng pinto. Baka
wala sina Mommy at Daddy?

Pagkatapos ng ilang sandali bumukas ang maliit na gate at dumungaw si Manang


Cynthia.

Nanlaki ang mga mata niya pagkakita kay Raehel.

"Sir Raehel! Bakit ngayon ka lang pumunta dito? Diyos ko! Kung alam mo lang ang
nangyari." Halos magpanic na si Manang pagkakita kay Raehel. Kunsabagay, kahit kasi
sa mga katulong mabait siya. Pati aso namin malapit ang loob sa kanya. Hindi na ako
nagtataka ngayong alam ko na isa pala siyang anghel.

"Andiyan po ba sina Tito Manang?" Biglang nag iba ang timpla ng mukha ni Manang
Cynthia. Bigla nalungkot at bumuntong hininga pa siya.
"Naku Sir, hindi na halos umuuwi ang mag asawa dito simula nung may nangyari kay
Ma'am Amery. Nakakalungkot. Parang nawalan ng buhay ang bahay na to at ang buong
pamilya." Nagpahid na si Manang Cynthia ng luha. Naramdaman ko ang lungkot na
nararamdaman niya.

"Paano ko sila pwedeng makausap Manang? Kailangan kong makausap sina Tito at Tita."

"Sir, puntahan mo na lang sila sa hospital. Halos doon na sila tumira simula nung
ma coma si Ma'am Amery anim na buwan na ang lumipas."

Nanlaki ang mga mata ko. Isang salita ang ang nagregister sa utak ko.

Coma. Comatose ako?

Hindi ako patay!?

=================

Chapter 14

Chapter 14

"Hindi ako patay!" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Raehel.
Nakatulala din siya habang nakatingin kay Manang Cynthia. Mukhang nagulat din siya
sa kanyang nalaman. Sino ang hindi magugulat? Hindi ako patay! Holy Shit!

"Let's go." Biglang sabi ni Raehel. Mukhang nakalimutan niya na hindi kami nakikita
ni Manang Cynthia. Tuloy, nalilitong nakatingin lang sa kanya si Manang.

"Po? Sir?"

"Ibig kong sabihin Manang, aalis na po ako. Saan palang hospital si Amery?" Sinabi
ni Manang ang pangalan ng hospital.

"Naku Sir, sana magising na siya pag narinig ka niya. Kasi nung naghiwalay kayo
para umalis na din ang katinuan ni Ma'am Amery. Naging wild na siya, naging
pasaway. Pinilit sina Mommy niya na bilhan siya ng sariling condo para kahit hindi
siya umuwi magdamag, walang magagalit sa kanya. Ikaw lang ang nagpapatino kay
Ma'am Amery Sir. Kayang tuwang tuwa ako na bumalik ka na." Walang preno na sabi ni
Manang at kung may kakayahan lang ako, mabusalan ko na ang bibig niya dahil sa
kadaldalan. Di bali, pag nagising na ako pagsasabihan ko si Manang.
"Salamat Manang. Aalis na po ako." Bumalik na siya sa kotse at sumunod kami ni
Afarin. Pagkasakay niya hindi agad niya pinaandar ang kotse at tumingin kay Afarin.

"Alam mong hindi pa siya patay?"

"Hindi. Nagulat din ako.!" Tumingin si Afarin sa akin at ang laki ng ngisi niya.

"Hindi ka patay Amery! Hindi ka demonyo!" She flung herself to me at nagyakapan


kaming dalawa. Nagtitili kami ni Afarin sa kasiyahan dahil sa nalaman namin. Kami
lang ata ang natuwa sa kaalaman na comatose ako.

"Rae, hindi ako patay!" I said excitedly and threw myself at him forgetting that I
am a ghost. Lumusot lang ako sa driver's seat sa tuwa ni Afarin.

"Hmp! Di bali pag nagising na ako mula sa coma, mayayakap na din kita in flesh,
hindi lang in spirit." Ngumiti siya sa akin pero maya-maya lang tumingin ulit siya
kay Afarin na nakakunot ang noo.

"Afarin, bakit napunta siya sa impyerno? Hindi dapat siya nakalusot sa barrier."
Lumipad si Afarin mula sa backseat at lumipad lipad sa harap ni Raehel habang
nakakunot din ang noo.

"Hindi ko din alam Lycus. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa barrier.
Maliban na lang kung may sumundo sa kanya." Nagkatinginan sila at hindi na ako
makatiis dahil hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"Anong barrier ang pinagsasabi niyo at anong sundo?"

"Hindi ka dapat napunta sa impyerno Amery. Souls like you just hovered above your
body or on earth. Habang pumipintig pa ang puso ng isang tao, hindi pwedeng lumayo
ang kanyang kaluluwa. You wouldn't be able to pass the realm of hell or heaven
because your soul is still incomplete. Maliban na nga lang kung may sumundo sa'yo.
May naalala ka ba bago ka makarating sa impyerno? Do you remember your travel to
hell? May kasama ka ba?" Lalo akong naguluhan sa sinabi ni Afarin.

"Wala akong maalala na nagtravel ang kaluluwa ko. Basta pagkagising ko nasa
impyerno na ako. Akala ko nga nananaginip lang ako." Nagkatinginan ulit sina Raehel
at Afarin at parang nag usap pero hindi ko maintindihan.

"Bakit masama ba na sa impyerno ako dumiretso, Rae?"

"Alam kong gala ka nung nabubuhay ka, pero pati pala kaluluwa mo gala din."
Nakangiting sabi niya pero napansin ko ang pag iwas niya sa tanong ko. Para bang
may ayaw siyang sabihin sa akin.
"Rae..." My voice quivered and he might have sense my agitation.

"Everything will be alright Amery. Sisiguraduhin kong walang mangyayaring masama


sa'yo." He assured me and I felt instantly calm. Katulad ng nangyayari sa akin
kapag nasi-stress ako dati. Isang salita lang niya, humihinahon na ako.

Wala nang nagsalita pa sa kanila ni Afarin hanggang sa makarating kami sa hospital


pero hindi nakaligtas sa akin ang tinginan nila salamin.

Sumunod kami kay Raehel nung papasok na siya sa hospital at dumiretso sa kwarto
kung nasaan ako. Hindi ko na pinansin ang sangkatutak na kaluluwa na nasa loob ng
hospital. Wala na akong panahon para usisain kung buhay pa ba sila o katulad ko na
comatose lang. Pagkarating namin sa isang suite room, kumatok siya ng isang beses
at binuksan ang pinto.

Hindi ko na hinintay na makapasok si Raehel, agad akong lumusot at agad kong nakita
si Mommy na nakaupo sa lazyboy at nanonood ng tv.

Ang laki ng ipinayat ni Mommy at gusto kong yakapin siya ng mahigpit. I wanted to
assure her that everything will be alright. Magiging okay na ang lahat kasi babalik
na ako sa katawan ko.

"Tita..." Napalingon si Mommy sa may pinto.

"Raehel!" Agad na tumayo si Mommy at lumapit kay Raehel. My Mom just broke down in
front of him. Agad siyang inalalayan ni Rae at iniupo sa lazyboy.

"Hindi pwedeng mawala si Amie, Rae. She's our everything. Kahit na maghirap pa kami
basta mabuhay lang siya." Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko binubutas
ito sa sakit na nararamdaman ko. It was heartbreaking seeing my Mom like this.
Ngayon ko pinagsisihan ang mga panahon na sinasagot sagot ko siya, ang mga panahon
na nag iisip ako ng masama sa kanya, sa mga panahon na inisip ko na sana hindi na
lang siya ang naging Mommy ko. How cruel am I to even think of it? How ungrateful,
how totally selfish. Ni hindi ko man lang naisip na kahit isa, wala pa akong nagawa
para sa kanya. Hindi ko man lang naisip na kahit na ano pa ang gawin ko, hindi yun
magiging sapat para mapantayan ang sakripisyo at pagmamahal niya sa akin.

May mga panahon pa na nagalit ako sa kanya at hindi ko siya kinausap. Tiniis ko
siya, nagalit ako dahil nag aalala siya. How stupid of me to get mad just because
someone cares for me?

Hindi ko man lang inisip na kaya ako pinapagalitan at sinasaway ay dahil nag aalala
siya at nagmamahal sa akin. Dahil kung hindi, hindi siya magagalit, hindi niya ako
sasawayin, wala siyang pakialam kung ikasasama ko man lang pinagagagwa ko, kung
mapapariwara man ako.
Dahil ang taong totoong nagmamahal at nag aalala sila lang ang may pusong sumaway
sa pagkakamali, sila lang ang may kakayahang punain ang mga kasalanan mo. Dahil
sila ang nasasaktan kapag nasaktan ka, sila ang naaapektuhan kapag tinutuligsa ka
na. Others, just wouldn't give a damn, baka nga i-tolerate ka pa kasi ikakasiya
nila na naging masama ka, na nakikipag away ka.

Hindi ko nakayanan ang eksena ni Raehel at Mommy, nagfloat ako papunta sa kabilang
room na wall panels lang naghihiwalay sa mini living room kung saan sina Mommy at
Raehel.

There, I saw myself lying on a bed. I am connected to different medical equipment


pero hindi nakaligtas sa akin ang payat kong mukha. Hindi bagay sa akin ang sobrang
payat, I looked ten years older.

Note to self: Wag magpapayat ng sobra.

Napansin ko si Afarin na nagpaikot ikot sa hospital bed habang nakatingin sa


katawan ko.

"Afarin, paano ako makakabalik sa katawan ko?"

"Hintayin natin si Lycus." Maya maya pa narinig ko na nagpaalam si Mommy. Raehel


persuade her to rest. Pinauwi muna siya at si Raehel na daw ang magbabantay sa
akin. He assured her that he'll call her as soon as something came up.

Lumapit si Raehel sa katawan ko and it's weird looking at him, looking at my body
with love and longing. Hindi ko alam kung kikiligin ako o magseselos. Ang pangit
naman pakinggan na magseselos ako sa sarili kong katawan.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at naupo sa tabi ng hospital bed. Maya maya pa
hinahaplos na niya ang pisngi ko at nakita ko kung paano namuo ang luha sa mga mata
niya.

"Wag mo muna akong iyakan hindi pa naman ako patay." Pigil ko sa pagmomoment niya
sana with my comatose body.

"Tsaka mo na gawin yan pag nakabalik na ako. Paano ako makakabalik?" Tumingin siya
sa akin at ngumiti.

"Float on top of your body and then lie down on the bed. Mararamdaman mo na parang
may humihigop sa'yo then you can hear a click. If that happens, nakabalik ka na."

"Ganun lang kasimple?"

"Yes. Ganun lang."


Ginawa ko ang sinabi niya. Humiga ako sa hinihigaan ng katawan ko. I felt a certain
pull and my vision became hazy until it turns dark. Hanggang sa wala na akong
makita. Bumigat na din ang pakiramdam ko. I waited for that click pero wala akong
click na narinig.

Naghintay ako kasi baka matagal. Baka kailangan ng tune up? Parang kotse? I don't
know, I should have ask Raehel how long will this process take. Pero ayaw ko naman
na bumalik kasi baka pag umalis ako sa katawan ko, kung saan saan na naman ako
mapunta. So I waited and waited.

"Amery..." I heard Raehel's voice.

Gising na siguro ako. Baka naman nagclick na at hindi ko lang narinig.

"Bakit ang tagal?" Narinig ko ang maliit na boses ni Afarin. Naririnig ko pa din
siya? Weird.

"I don't know."

"Dapat may movement na." Si Afarin ulit. I tried feeling my body but I can't.
Pakiramdam ko nakafloat pa din ako.

I waited again hanggang sa marinig ko ang boses ni Raehel. Puno ng pag aalala.

"Afarin what's happening?"

"Hindi ko din alam." Hindi ako nakatiis, bigla akong naupo sa kama.

"Bakit hindi ako makabalik?" Nanlalaki ang mga mata nina Afarin at Raehel habang
nakatingin sa akin.

"Anong nangyayari?" Wala pa ding nagsasalita sa kanila pero nagtinginan sila.

"Rae, bakit hindi ako makabalik?" Nagsisimula na akong magpanic at lalong lumala
ang pakiramdam ko kung tumingin si Raehel sa akin. When I looked at him, he seemed
lost, lost than my lost soul.

=================

Chapter 15
Chapter 15

Raehel's POV

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Afarin habang nakatingin ako sa kanya. Hindi
nakikita o naririnig ni Amery ang pag uusap namin dahil gumagamit kami ng sarili
naming language. The language of angels. The human eyes are too slow to catch us
talking our human mouth barely moved.

"Hindi ko alam Lycus. Dapat madali na lang sa kanya ang pagbalik." For a seer not
to know anything is alarming. For Afarin not foreseeing what will happen to Amery
is something that I should be worried about.

Napatingin ako kay Amery at nakita ko ang takot sa mga mata niya. Gusto ko siyang
pakalmahin at gusto kong sabihin sa kanya na magiging okay lang ang lahat pero
kahit ako, hidni ko makuhang pakalmahin ang sarili ko. My aura of calmness is
gone.

"Get a grip Lycus. Makakahanap tayo ng paraan." Narinig kong sabi ni Afarin gamit
pa din ang language namin. Napansin niya ang panic na nagmumula sa akin. Napansin
niya ang takot na unti unting umuusbong sa akin. Hindi ako pwedeng matakot. Angels
do not fear anything. We cannot allow demons to fed on our fear. Pero hindi ko
mapigilan.

"Amery, ano ang naalala mo pagka untog mo sa parking?" Afarin asked Amery.

"Wala. Akala ko nga nananaginip lang ako. Akala ko nasusunog lang ang bahay kasi
sobrang init. Tapos nagulat na lang ako nung may lumapit na demonyo sa akin at
sinabing nasa impyerno nga ako." Walang sumundo sa kanya. Tama lang dahil hindi
naman siya patay. Pero bakit dumiretso siya sa impyerno. Walang kahit na anong
kaluluwa ng tao ang makakalusot sa barrier. Maliban na lang kung may
makapangyarihan na nagdala ng kaluluwa niya.

"Ano ang pangalan ng demonyo? Ano ang itsura?"Afarin further prove.

"Xiclav. Panget siya at atribido pero tinulungan niya ako sa impyerno. Mahaba na
yung sungay niya at may sanga sanga katulad ng deer dahil high level demon na daw
siya. Si Pope ang assignment niya." A low kind of demon. Ang ganung klaseng demonyo
ay walang kakayahang mabuksan ang barrier.

"Paanong tulong ang ginawa niya?"

"Tinulungan niya akong makabalik dito. Ini-assign sa akin si Raehel para


demonyohin. Ganun daw kapag newbie ka sa hell. Magpaparegister ka para mabigyan ka
ng assignment at para tumaas ang level..." Tuloy tuloy an kwento niya but something
caught my attention.
"Register?" Napatingin siya sa akin.

"Yes. May registration na binigay sa akin..." My heart started to race. No... she
didn't... ohh God!

"Did you sign it?" Please... tell me you didn't Amery.

"Yes. I need to sign it." Napapikit ako ng mariin. Para akong dinaganan ng sampung
impyerno. Napatingin ako kay Afarin at nakanganga lang din siya. Nakikita ko ang
gulat sa mag mata niya. Maybe shock was an understatement,

Biglang tumingin si Afarin sa akin na nanlalaki pa din ang mga mata. Nung
magsalubong ang mga mata namin, lalong nanlaki ang mga mata niya. A decision had
just been made.

"You wouldn't." She disappeared in Amery's sight pero kitang kita ko pa din siya.
Nag iba ang anyo niya, she became a light. A light too blinding for any spirits
except for spirits higher than her. Ang mga ibang uri ng anghel at ang lahat ng
demonyo ay mabubulag kapag tiningnan siya.

"Hindi mo gagawin Lycus." Matigas na sabi ni Afarin pero ang isang tulad niya ay
walang kakayahang utusan ang isang tulad ko. Kung hindi ako anyong tao, hindi niya
akkayaning tumingin sa akin kung hindi ko gugustuhin.

"Hindi ka papayagan, isang kang Seraphim!" nakikita ko ang panic sa mga mata niya.

"Alam mong hindi yan totoo. Alam mong may kakayahan tayong magdesisyon, mamili sa
gusto nating pupuntahan. Alam mong bukas ang pintuan para sa mga katulad natin
Afarin." The seer's eyes started to welled up with tears.

"Kailangan ko nang umalis Afarin. Bantayan mo siya."

"Hindi mo gagawin..." Nanginginig na ang tinig ni Afarin habang umiiyak sa harap


ko.

"Sa ating dalawa, ikaw ang mas nakakaalam ng mga mangyayari Afarin."

"Tama ka! Ako ang nakakaalam, at hindi mo alam ang kahihinatnan ng naging desisyon
mo. Lycus pwede pang magbago ang desisyon mo. Marami ang maapektuhan, marami ang
magdudusa, mamamatay ang isang bahagi ng mundo." Napapikit ako sa mga sinabi niya
dahil alam ko ang kahihinatnan ng pagtalikod ng isang seraphim. Alam ko ang
magiging epekto hindi lang sa amin kundi pati sa mundo ng mga tao, sa ibang
dimension.

"Magiging makasarili ako Afarin." Tiningnan niya ako ng masama habang panay ang
tulo ng mga luha niya at bigla na alng siyang nawala.

Napabuntong hininga ako at yun lang ang nakita ni Amery.

"Rae..." Ngumiti ako sa kanya at pumikit then I willed myself to went out of my
shell. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

I floated towards her and stop just in front of her. Hinawakan ko ang kamay niya at
iginiya siya papunta sa sofa.

"Ang...ang katawan mo?" She looked at my sleeping shell.

"Natutulog."

"Baka..baka may makakita sa atin." Hindi siya makatingin sa akin and I smiled.

"I wonder what would be their reaction seeing two souls cuddling in the sofa. That
would surely be entertaining." Umupo ako at pinaupo siya sa tabi ko. Pakiramdama ko
ang tagal na simula nung naging ganito kami kalapit. Although, I really miss her
warmth but then, the pleasure of physical closeness is just fleeting.

"Rae, hidni pa ako nakakabalik sa katawan ko. Bakit?" Ayaw ko siyang sagutin. Hindi
niya kailangang malaman.

"Makakabalik ka. Malapit na." Alam kong hindi siya kuntento sa sagot ko at alam
kong magtatanong pa siya pero hinawakan ko na ang pisngi niya at pinaharap siya sa
akin.

"I assure you, babalik ka sa katawan mo. Please trust me, Amie." Tumango siya at
ngumiti ng alanganin.

"Aalis ako dahil may aasikasuhin ako, pero ikaw, wag mong iwan ang katawan mo. Dito
ka lang. Wag ka munang bumalik sa impyerno, wag ka ding magteleport sa akin. Iiwan
ko ang katawan ko sa ibang anghel. Baka burahin ka niya kapag nakita niya ang
kaluluwa mo so don't you dare teleport to my shell. Other angels are merciless to
demons. Babalik si Afarin para samahan ka dito." Sundin mo ang sasabihin niya." I
caress the side of her cheek at napapikit siya.

"Bakit ka aalis? Dahil ba sa akin? May nagawa ba akong mali? May kasalanan ba ako?
Sorry Rae." Ngumiti ako ulit ako sa kanya.

"Amie wala kang kasalanan. Aalamin ko kung bakit hidni ka makakabalik and before
you know it, I'm back. Magtiwala ka." She nodded at napangiti ako ulit. She's my
Amery and I wouldn't allow anything or anyone to harm her. Kahit na isakripisyo ko
ap ang lahat.
I cupped both of her cheeks with my hands. Napapikit siya nung hinaplos ko ang
pisngi niya.

My Amery.

I lowered my face and kissed her lips.

My spirit rejoice when our lips touched.

I kissed her and whispered my love to her.

I kissed her to give her protection.

It's a forbidden kiss.

Still...I kissed her.

I kissed her because it might be my last.

=================

Chapter 16

Chapter 16

Raehel's POV

The place is deserted and eerily quiet. This used to be a joyful place but now, not
even a single angel is in sight. Walang anghel ang nalalagi sa lugar. Iniiwasan
hangga't makakaya dahil nagdadala ng kalungkutan ang lugar na ito. Nagdadala ng
kalungkutan sa lahat ng mga nakaalala at nakasaksi sa mga nangyari. Ang
pangyayaring naging sanhi kung bakit nagbago ang lahat ng bagay. The event that
divided the ranks of angel, the event that cause the creation of mankind. Ang rason
kung bakit tuluyang naisara ang lahat ng pintuan ng langit. All because of greed
for power and pride. Hindi lang ang mga itinakwil ang nagdusa, hindi lang ang mga
nagtaksil ang nasaktan, hindi lang ang mga ipinatapon ang nagdalamhati. Lahat ng
naiwan at umalis. Kaya naman, wala nang gustong bumalik sa lugar na ito. Ang lugar
kung saan nangyari ang pakikipaglaban. The place of the great rebellion.

Pero ito ako ngayon, bumabalik sa lugar na ito dahil ito lang ang nag iisang daanan
papunta sa kawalan. Ang lugar sa pagitan ng langit at impyerno. A place void of
everything, void of light and darkness.
Napabuntonghininga ako nung makarating ako sa harap ng isang napakalaking pinto.
Ang pinto na palaging bukas mula sa loob at hindi mabubuksan nino man mula sa
labas. Isa sa mga naging desisyon pagkatapos ng laban ay ang pagpapanatiling bukas
sa pintuang ito. To avoid rebellion, any angel that remains to His service is free
to go. Kung gugustuhin ng isang anghel na pumunta sa impyerno at magsilbi kay
Lucifer ay pupwede pero ang mga anghel na ipinatapon ay kailanman hindi na
makakabalik sa langit.

Lucifer, the light bearer. Madami ang nasilaw sa kanyang liwanag, madami ang
sumunod, kahit siya nasilaw sa dala niyang liwanag. One-third ng mga anghel ang
itinakwil dahil sa pagsunod sa kanya. Since then, he no longer bears the name
Lucifer, he is called Satan the Prince of Darkness, the name Lucifer have been
erased for eternity. He had forgotten that just like any angels he is created to
serve the Almighty and no matter how blinding his light is, he could and will never
equal his creator. Michael had been merciless in his judgement, firm to the cries
of the fallen ones.

Isang kahangalan ang ginawa ni Lucifer. Isang kahangalan kung inisip niyang kayang
takpan ng kadiliman ang liwanag, for darkness itself won't exist if there is light.
Darkness only manifests during the absence of light. Pero nangyari na ang lahat.
Ang rebellion ay simula pa lang. Ang pagtatakwil ay hindi katapusan ng lahat. Until
now, the war between the demons and angels is on-going. The war of good and evil
will never cease for as long as there are humans. Ginagawa ng mga demonyo ang lahat
para patunayan na kaya nilang puksain ang kabutihan at ginagamit nila ang mga tao
para patunayan ang bagay na yun. Gusto nilang, katulad nila, tatalikuran din ng mga
tao ang naglikha sa kanila. Because indeed, humans are the most loved creatures of
God, and being thwarted by your beloved is the most painful. That's how devious
they are.

Pero ang nangyari kay Amery ay isang pagtataksil. Pagtataksil ng isang anghel
dahil walang kakayahan ang kaluluwa ni Amery na makadaan sa lagusan. She's not yet
dead. Unless, she is accompanied by an angel. Pero bakit sa impyerno siya dinala?

"Lycus" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Afarin. Tumatakbo siya papunta sa


akin. Ni hindi niya naisipang gamitin ang pakpak niya.

"Afarin." Nung makalapit na siya sa akin nakita ko ang luha sa mga mata niya. A
seer is crying. Hindi basta basta umiiyak ang mga seer dahil higit sa lahat sila
ang nakakaalam ng mga mangyayari. Alam nila ang kahihinatnan. Walang rason para
iyakan nila ang mga bagay na alam nila hindi masama ang kahihinatnan.

"Lycus...wag." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Wag mong buksan."

"Alam kong alam mo na mangyayari ito Afarin. Alam mo kung ano ang magiging desisyon
ko." Yumuko si Afarin at iniwas ang tingin sa akin.

"Hindi mo kailangang gawin. You can change your mind." She looked at me with her
tear-stained eyes.

"Nakita mo bang nagdalawang isip ako?" Again, yumuko ang seer.


"Kailangan kong gawin Afarin. Mawawalan ng saysay ang lahat at hindi ko mapapatawad
ang sarili ko kapag pinabayaan ko siya." Just thinking of Amery suffering in hell,
kills me. I don't even know how it feels like to die pero pakiramdam ko, mawawalan
ng saysay ang existence ko.

"Bawat segundo may kaluluwang napupunta sa impyerno, isang kaluluwa lang si Amery,
isa kang anghel, isa kang seraphim. Isang kahangalan Lycus, It's a selfish act.
Para sa kabutihan ng lahat, ng maraming kaluluwa. Wag mong gawin." Kung pwede lang
sigurong lumuhod si Afarin sa harapan ko ay ginawa na niya. Pero iisa lang ang
sinasamba ng mga anghel.

"You're right. It's a selfish act on my part. That's why love is selfish and kind
as well. I choose to be selfish."

"Lycus..." Nanlulumong napatingin sa akin si Afarin. Nawalan na ata ng pag asang


magbago ap ang isip ko.

"Can't angels sacrifice for love?" Yumuko lang si Afarin at hindi na nagsalita
dahil alam niya ang sagot. For God so loved the world, He gave His only son.
Napabuntong hininga ako.

Amery is my world.

A selfish act of an angel, a sacrifice for love.

Hinawakan ko ang pinto palabas ng langit at umatras si Afarin. It would be painful.


What she will hear from the other door will be painful for her. Hinintay ko siyang
makalayo bago ko itinulak ang pinto.

The moment the door opened, shrieks and cries of anguish almost rendered me deaf.
Napapikit ako at pilit na inignora ang mga nakikita at naririnig ko.

The moment I stepped out the door shut. Hindi na ako maaring bumalik.

Napatingin ako sa paligid ko. Kung gaano katahimik sa kabilang bahagi ng pinto,
kabaliktaran ang nasa kabila. Swarms of fallen angels are lying, kneeling beside
the door. Hindi sila maaring lumapit dahil masisilaw sila sa liwanag.

Sila ang mga kasamang pinatalsik. Kasama ng mga anghel na nasilaw ng liwanag pero
kalaunan ay nagsisi. They refuse to stay in hell yet they can no longer enter
heave. Kaya nanatili sila sa kawalan. Too bad, for angels there is no redemption.

Nakita ko ang pagyuko ng ibang anghel pagkakita sa akin. Ang iba nagtataka dahil
sino ang anghel ang lalabas ng langit at pumunta sa kawalan?
I walked and ignored the cries of anguish and pain. Naglakad ako hanggang sa
makarating ako sa isang bahagi ng kawalan. There I saw Thesia playing with her
cards. Humans call her fate or destiny. She's neither a demon nor an angel, just a
creature of the unknown. She was created when demons started to dwell with humans.
Nung magsimulang magkasala ang mga tao at nagkaroon ng uncertainty sa mundo. She
was created because humans started to doubt and became uncertain. Humans refused to
decided on their own and levae everything to destiny or fate.

"Seraphim!" Biglang tumayo si Thesia pagkakita sa akin. Halos hindi makapaniwala na


nandito ako sa harapan niya. Ilang segundo siyang nakatulala lang sa akin.

"Hindi mo ba nakitang darating ako Thesia?" Yumuko si Thesia at iniwas ang tingin
sa akin. Nasisilaw siya sa akin alam ko.

"Ano ang ginagawa mo dito Seraphim?" Napangiti ako kay Thesia.

"Dadaan ako Thesia." Nanlaki ang mga mata ni Thesia.

"Pero hindi mo na kailangang dumaan dito kung gusto mong pumunta sa mundo ng mga
tao. Isa kang anghel..."

"Pupunta akong impyerno Thesia." Lalong nanlaki ang mga mata niya.

"Anong nangyayari? Bakit mas gugustuhin niyong mga anghel ang impyerno?" Nangunot
ang noo ko sa sinabi niya.

"Mga anghel?"

"Isang katulad mo. Isang seraphim. Kumakailan may isang seraphim na dumaan dito
mula sa mundo ng mga tao. May dala siyang isang kaluluwa at pumunta silang
impyerno." Tama ako kung ganun. Isang anghel ang nagdala kay Amery sa impyerno.
Isang traidor.

Tinalikuran ko na si Thesia at naglakad papunta sa pinto na palaging bukas mula sa


labas. Ang lahat ng klase ng kaluluwa ay pwedeng pumasok pero wala nang pwedeng
lumabas.

I entered the door without any doubt in my heart. Tumingin ako sa paligid at
napangiti. They really made an effort to make this place somehow similar to heaven.
Sobrang linis ng paligid, sobrang cozy at sobrang ganda pero hindi maiaalis ang
amoy ng kadiliman. Dapat lang sigurong bigyan nila ng magandang welcome ang isang
anghel na pumanig sa kanila.

Agad na may lumapit sa akin ang isang magandang babae at may bitbit na pagkain pero
hindi ko siya pinansin.
Hindi ako nagsalita at naghintay ng ilang sandali. Hidni nagtgal bumukas ang isang
pinto at lumabas ang isang napakagandang babae. Her beauty is almost a sin. She's
wearing a white garment, her skin is translucent. Her blond hair shines like a
crown. Pero agaw pansin ang itim niyang pakpak.

"Laxan." The angel that I've been looking for decades. Huminga ako ng malalim.

She gracefully walked towards me with a gentle smile on her face.

"Lycus. Maligayang pagdating. Handa ka na ba sa kapalit ng kahangalan mo?


Kahangalan na tinatawag mong pag ibig?" She gave me a triumphant smile.

=================

Chapter 17

Chapter 17

Raehel's POV

"Nagpapasalamat ako dahil kung hindi dahil sa'yo, hindi ko makikita ang pag ibig ko
Laxan." Pinilit kong hindi magalit. I maintained a blank expression. Ang tagal ko
siyang hinanap at sa lahat ng lugar dito ko pa siya makikita sa impyerno. Kaya pala
ang hirap niyang hagilapin.

"Ikaw ba ang nagdala ng kaluluwa niya dito?" Nakita ko ulit ang pagngiti niya.

"Hindi ako nagkamali. Gagawin mo ang lahat para sa kanya. Tatalikuran mo ang lahat
para sa isang walang kwentang kaluluwa Lycus. Isa kang hangal." She shouted and her
blue eyes turned red and fiery.

"Hindi ba kahangalan din ang ginawa mo Laxan? Hindi ba isang kahangalan din ang
pagtalikod mo upang maging tagapagsilbi ng isang talunan na nilalang?" Lalong nag
apoy ang tingin ni Laxan sa akin.

"My allegiance had always been with him. Mga hangal lang kayo dahil hindi niyo agad
nalaman iyon. Pinahanap niyo pa ako! I made a fool out of you!" She laughed and I
looked at her.

"Sa tingin mo? Hindi kaya ikaw ang naisahan Laxan? Tingnan mo ang sarili mo? Pag
ibig ang nagdala sa'yo dito, pero nakuha mo ba ang sinasabi mong pag ibig? Isang
kang seraphim sa langit, ano ka dito sa impyerno? Isang utusan? Minahal ka din ba
niya katulad ng pagmamahal mo sa kanya ngayong andito ka na sa tabi niya? Hindi di
ba? Alam mo kung bakit? Dahil wala siyang kakayahang magmahal ng iba. Sarili lang
niya ang kaya niyang mahalin. Hindi mo ba yan nakita nung rebellion? Isang
makasarili ang minahal mo." Binigyan ako ng masamang tingin ni Laxan.

"Damn you!" She shouted and unsheathed her sword but suddenly stopped. Alam niyang
hindi niya ako masasaktan. She'll face the consequence to her beloved if she hurt
me. Hindi siya nito patatawarin dahil mas matimbang sa kanya ang kapangyarihan na
maibibigay ko kaysa kay Laxan.

"Palayain mo ang kaluluwa ni Amery Laxan. Yun ang ipinunta ko dito. Dalawang
kaluluwa kapalit ko." Matigas na sabi ko at nakita ko siyang ngumisi.

"Dalawa?" Tumawa siya ng malakas.

"Kulang pa yun kapalit ng kaluluwa ko Laxan." Tiningnan niya ako ng matagal bago
ikinumpas ang kamay. May lumabas na maliit na vial. Amery's soul essence. Ang part
ng kaluluwa ni Amery na nakulong nung pumirma siya ng registration form. It like
selling your soul to the devil and most of the souls in hell are doing it without
any idea what they're into.

Kinuha niya ang vial at binuksan at the essence evaporated. Napahinga ako ng
maluwag.

"Kaninong kaluluwa ang isa?" Nakataas ang noo na tanong niya.

"Xiclav." Napasinghap si Laxan.

"He's a demon. You cannot free a demon's soul!"

"A low level demon. Ano ba naman yun kapalit ng kaluluwa ko Laxan. Alam mong
pupwede." Masama ang tingin na kumumpas ulit si Laxan ang lumabas na naman ang
isang vial na may pulang soul essense. Mabuti na lang at hindi itim. Kung itim,
wala nang pag asang mailabas ko pa. She uncorked the second vial and the essence
evaporated.

"Are you ready?" Nakangising sabi ni Laxan sa akin. Alam ko ang mangyayari. They
will burn my wings. Pero hindi tuluyang masusunog ang mga pakpak ko. Katulad ng kay
Laxan, magiging kulay itim ito. It's a painless and easy process. Walang sakit.
Ganun kadali ang maging demonyo. Ganun kadali ang magpakasama.

Sa isang bahagi ng kwarto lumitaw ang isang maliit na lawa ng apoy. On top of it is
a mini falls where fire instead of water flows. Naglakad si Laxan palapit sa lawa
at sumunod ako sa kanya. Tumigil siya nung makarating siya sa gilid ng lawa at
tumingin sa akin.

"Just dip the tip of your wings. Hindi ka masasaktan Lycus. Not even a prick." Sabi
niya at binigyan ako ng daan para makalapit lalo sa lawa.
Naglakad na ako palapit at tumigil sa gilid. Nangangamoy ng sulfur ang lawa.
Nangangamoy kasalanan.

"Kaluluguran ka ng ibang demonyo Lycus. Luluhod sila sa'yo. Sasambahin ka nila.


Pagsambang hindi mo naranasan sa langit. Everything is at your disposal." Alam ko.
Ang mga anghel na katulad ko ay magkakaroon ng mataas na posisyon sa impyerno. We
will be revered and worshipped. Yan ang pinangako niya sa mga anghel sa sumama sa
kanya. Mga anghel na katulad niya ay ganid sa kapangyarihan.

"Wala kang pagsisisihan. Maluwag ka niyang tatanggapin. Matutuwa siya kapag nakita
ka niya. Matagal kayong nagsama, alam niya kung ano ang kakayahan mo. He would
welcome you with open arms." Excited na sabi ni Laxan. I can almost see her
salivating at the prospect of me becoming one of them.

Tiningnan ko si Laxan at sinalubong ang nagbabaga niyang titig.

"Iisa lang ang kaya kong sambahin Laxan." I frimly said and I suddenly unsheathed
my sword and cut off my wings.

The pain is excruciating. Parang mawawalan ako ng malay dahil sa sakit. Biglang
nanlabo ang paningin ko at halos hindi ko na marinig ang sigaw ni Laxan.

Nakita ko paglamon ng apoy sa pakpak ko na nahulog sa lawa ng apoy. The embers of


bluish white flew around the room.

"What the hell did you do?" Laxan shouted at me.

"Kaluluguran pa din ba niya ang pagdating ko Laxan?" I smiled at her despite the
pain that I'm feeling.

"Lapastangan!" Nag aapoy ang mga mata ni Laxan dahil sa galit. She unsheathed her
sword and pointed it at me.

"Alam mong hindi mo kayang saktan ang kaluluwa ng isang tao Laxan." Yes, Isa na
akong tao. I smiled again at her, ignoring the pain. This is killing me.

"Pero kaya kitang ikulong dito habangbuhay. Magiging katulad ka ng pinakamamahal


mong tao." She shouted and conjured something. Pero bago pa niya magamit sa akin,
pinindot ko ang susi na kanina ko pa hawak at bigla akong bumalik sa kawalan sa
labas ng pinto ng impyerno.

Gumapang ako palapit kay Thesia. Ang isang kaluluwa ng tao ay hindi pwedeng
magtagal sa kawalan. Pero kailangan kong makausap si Thesia bago pa mahuli ang
lahat.

"Thesia!" I shouted when I saw her. Napatingin siya sa akin na nanlalaki ang mga
mata.

"Seraphim!" Agad siyang tumakbo palapit sa akin at nagulat sa itsura ko.

"Wala ka nang pakpak. Nasaan ang pakpak mo Seraphim? Hindi ka na isang anghel? Isa
ka nang...ordinaryong kaluluwa." She said almost breathless. Hindi ko na pinansin
o sinagot ang mga sinasabi niya dahil alam kung kulang na ako sa oras.

Hinawakan ko ang kamay niya at ibinigay sa kanya ang susi. Susi na ginamit ko
kanina para makalabas sa impyerno.

"Bago mo gamitin, may isa akong kahilingan kapalit ng susi na yan." Nanlalaki ang
mga mata na nakatingin sa akin si Thesia at sa susing ibinigay ko. Halos hindi
makapaniwala na binigyan ko siya ng isang susi para lang sa mga anghel. The key
given to angels, in case demons defeat them. It's an emergency key. Ang susi na yun
na lang ang siguradong paraan para kapag namatay ako bilang tao, ay didiretso ako
sa langit. For creatures like Thesia, the key is their key to freedom, susi para
makaalis siya sa kawalan. Alam kong pangarap niya ang makaalis sa kawalan. No one
would like to stay in this place.

Pero kahit mawala man si Thesia sa kawalan, may agad na papalit sa kanya. For as
long as humans believe, fate or destiny will never cease to exists.

"Sabihin mo seraphim. Ano ang kahilingan mo?" Nakayuko si Thesia sa akin at


mahigpit na hawak ang susi.

"Let me die when she dies." I said before something pulls me out. Out of
nothingness and towards the uncertainty.

=================

Chapter 18

Chapter 18

Raehel's POV

So this is how it feels to be a human soul. Hinayaan ko ang sariling kong tangayin
papunta sa kung saan. It was a bit uncomfortable floating aimlessly towards God
knows where. Hindi ako sanay dahil bilang anghel, nasanay akong alam ang
patutunguhan at nakokontrol ang lahat ng bagay. Pero ngayon, wala akong ideya kung
saan ako patutungo. Sana hindi maligaw ang kaluluwa ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagpatangay sa kung ano mang elemento na nagdadala
sa kaluluwa ko. I was floating aimlessly when I felt a strong presence beside me.
"Hi!" Napadilat ako pagkakita ko sa nakangiting anghel sa tabi ko.

"Empra," Lalong ngumiti ang anghel at naramdaman ko na lang na sumusunod ang galaw
ko sa kanya. I am no longer free-falling. Someone or something is ushering me. Alam
kong si Empra ang nag gaguide sa akin.

Empra is one of the Virtues and I was surprised to see her. Virtues seldom
manifests themselves even to other angels. Although their presence can always be
felt.

"Isang karangalan Lycus." Nakangiting sabi niya.

"It is an honor to escort a human soul that embodies all the virtues. We don't want
you to go astray."

"Inutusan ka ba ni Mefen?" Si Mefen ang pinuno ng mga virtues.

"I volunteered and it's an honor." She looked around and suddenly I saw a group of
guardian angels flying behind us, on guard.

"This is not VIP treatment. Just a call of duty." Nakangiti pa ding sabi niya
habang ginigiya niya ako papunta dapat naming puntahan.

I closed my eyes again feeling at ease. Alam kong walang makakagalaw sa akin habang
kasama ko sila. Alam kong hindi ako mapapahamak. For as long as I have faith, I
will never go astray.

Flashback

"Si Laxan ang haharap sa'yo." Napatingin ako bigla sa nagsalita. Si Mycin. Isa ding
seraphim at tagapangasiwa ng mga kasulatan. The angel of knowledge. He knows all
the secrets of every dimension. He is the head seer. Ang ibang seer ay limitado
lang ang kakayahang makakita ng hinaharap katulad ni Afarin. Karamihan sa mga seer
ay nakikita lang ang future ng mundo ng mga tao o ang future mismo ng isang tao.
Si Mycin, nakikita niya ang mga nangyayari sa mundo at pati sa ibang dimension.
Maliban na lang sa langit at impyerno.

"Laxan?" Nangunot ang noo ko. Matagal ko nang hinahanap si Laxan. Siya ang
nawawalang seraphim. It was odd dahil hindi nawawala ang seraphim. Pinadala ako sa
mundo dahil sa kanya. Dahil sa pangambang nakuha siya ng mga demonyo. Hanggang sa
oras na yun ay hindi ko pa siya nakikita at nakakagulat ang sinabi ni Mycin.

"Laxan, the traitor. Pumanig na siya sa dilim. Siguro matagal na siyang pumanig at
hindi lang natin nalaman. Pero base sa nakuha nating intel, she's now one of them.
Alam nating lahat kung gaano niya kamahal si...ang prinsipe ng kadiliman. Inakala
nating mas matimbang pagmamahal niya sa Malikha dahil hindi siya sumanib sa kanila
nung rebellion pero mukhang nagkakamali tayo.She had shown her true color. So, you
will face her in hell." Naglakad siya palapit sa akin at may kinuhang isang makapal
na aklat at sinimulan itong basahin.

Basi sa kakayahan ni Mycin alam kong alam niya ang plano ko.

"Kailangan kong gawin Mycin. Hindi ko pwedeng pabayaan si Amery." Malungkot na sabi
ko in an effort to explain myself.

"Alam ko Lycus. Alam ng lahat kung gaano kadakila ang pag ibig mo. Alam nating
lahat na wala kang sapat na lakas para labanan ang pag ibig. Yan ang isang bagay na
hindi natin dapat kinukwestiyon ang kapangyarihan. Alam din ng lahat na gagawin mo
ang nararapat." Talking to Mycin is always enlightening. Kahit papaano lumuluwag
ang pakiramdam ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Kung alam niyo na ang plano ko, bakit kinakausap mo pa ako?"

"Dahil hindi mo gagawin ang plano mo Lycus. Alam natin kung gaano katuso ang mga
demonyo at mapaglamang but we must not forget that we have the knowledge and the
wisdom. Yun ang gagamitin natin. Hindi mo kailangang sumanib sa kanila. There is
another way." Nagkasalubong ang tingin namin at napatingin ako sa libro na hawak
niya. The book contain names of angels who choose to stay on earth. Earth bound
angels. Doon ko naintindihan ang sinasabi niya.

"I'll cut off my wings and become human." Napangiti si Mycin at napatango.

"Yes. Kapag napakawalan na ang essence ng mahal mo. You can cut off your wings. It
will be an extremely painful Lycus. Wala pang anghel ang nagkusang pumutol sa mga
pakpak niya. Wala pang anghel ang ginustong maging totoong tao at ipagsapalaran ang
kaluluwa pagkamatay niya. Pero bilang isang seraphim, may susi ka ng kalayaan.
Magagamit mo ang susi para makaalis sa impyerno kapag naging tao ka na. Magagamit
mo din ang susing yan kapag namatay ka para makabalik agad dito. Yun ay kung handa
kang isakripisyo ang lahat para kay Amery Lycus." Nakangiting sabi ni Mycin. Alam
kong alam na niya ang magiging sagot ko sa sinabi.

"If I'm willing to trade my soul for her soul, mas handa akong magpakatao para
lumaya siya Mycin." Lalong lumaki ang mgiti ni Mycin at napatango. He seemed
contented with my answer.

"Alam mong isang bagay ang kinamumuhian sa impyerno Lycus."

"Sacrifices for love." I supplied.

"And faith. Yan ang rason kung bakit hindi sila nananalo sa laban Lycus. Kung bakit
palaging nananalo ang kabutihan sa kasamaan. There is always someone who loves
unconditionally and is willing to sacrifice for it. There will always be someone
who will give his all for that love. Yan ang isang bagay na hindi maintindihan at
hindi matanggap ni Satan. Yan ang isang bagay na hindi niya pinag ukulan ng pansin.
When God breathes into man's nostril on the day of man's creation, He also gives
His unconditional love. At habang humihinga ang tao, hindi maalis ang pag ibig na
binigay Niya Lycus. Hindi ka kayang kunin ng impyerno hangga't may pag ibig sa puso
mo.Pero kailangan mong magsakripisyo. Kailangan mong maging tao dahil alam nating
ang anghel na nakarating sa impyerno ay hindi na makakabalik dito sa langit.
Anyway, you have the key. When your days on earth is over, you can always come
back." Tumango ako kay Mycin.

"May isa ka pang kaluluwa na isasalba Lycus. Xiclav ang pangalan ng kaluluwa.
Kailangan mo siyang mailabas sa impyerno."

"Xiclav?" Nakakunot ang noo na napatingin ako kay Mycin.

"A Nephilim. A very naughty nephilim." Lalong kumunot ang noo ko. Nephilim are sons
of fallen angels to humans.

"Xiclav is the son of a fallen angel toa woman. A fallen angel who choose to stay
on earth. Bata pa siya ay nalaman na niya kung paano ihiwalay ang ang kanyang
kaluluwa sa kanyang katawan at na master niya yun hanggang siya ay lumaki. When his
mother died, he went out of his body and followed her soul not knowing that his
mother is going to hell. Dahil isa siyang nephilim, nakapasok siya sa barrier
papasok sa impyerno at hindi na nakalabas." Napapangiti si Mycin pagkatapos niyang
magkwento.

"Hindi ka tatanggihan ng impyerno Lycus. Di hamak na mas malaki ang pakinabang ng


kaluluwa mo kumpara sa kaluluwa ng isang tao at kaluluwa ng isang Nephilim."
Tumango ako at iniwan na ako ni Mycin.

End of flashback

"You're one brave an...man." Narinig kong sabi ni Empra at napatingin ako sa kanya.
Nasa loob na kami ng condo ko at nakikita ko ang shell ko na nanonood ng TV. Si
Eozep, isang guardian angel ang pumalit sa akin sa shell. Napatingin siya sa amin
at pinatay na ang TV. He closed his eyes and went out of the shell.

"How are you Eozep?" Nakatawang tanong ni Empra.

"Toxic. Daming trabaho ni Lycus. Hindi magaling magturo si Afarin." Just by the
mention of her name, Afarin appeared. Nanlaki ang mga mata niya na napatingin sa
akin at nginitian ko siya.

"Oh my... hindi ka isang demonyo. Hindi ka sumanib sa kanila. Isa ka nang....tao."
Her enthusiasm faded the moment she realized what I have become.

"I wonder why you haven't seen it Afarin."

"Wala akong kakayahang makita ang nangyayayri sa impyerno. Anyway, nagising na si


Amery kahapon. Hinanap ka ng parents niya." I nodded at her.

Nagpaalam na si Eozep at Empra at iniwan kami ni Afarin. Tinulungan ako ni Afarin


na bumalik sa katawan ko.

"Hindi mo na ako makikita pag pumasok ka na sa shell mo. Your memory of heaven and
hell will be erased. Alam mo na, human brains can only take so much. Things that
are incomprehensible are naturally disregarded by the human brain. Ang mga alaala
mo sa mundo ang matitira. You will not even remember us. Kaya naman pinasulat ko
kay Eozep ang mga bagay bagay na importante. Wag kang mag alala, hindi ka
magugulat sa mga mababasa mo sa sinulat niya. May warning naman." Napangiti si
Afarin at tumingin sa papel na nakalagay sa center table.

I read the first line.

'Warning: This might seem shocking but it really isn't. This is educational. Read
on.'

"You're ready?" Lumipat ang tingin ko mula sa papel pabalik kay Afarin.

"Yes."

"Mamimiss kita Lycus." Natawa ako sa sinabi niya and she smiled sheepishly.

"You know that it isn't that long. Maybe I'll just stay here for a couple of months
kung ang oras natin ang pagbabatayan Afarin."

"Nonetheless, mamimiss kita. Ikaw ang pinakamatapang na Seraphim na nakilala ko.


Sige na bumalik ka na sa katawan mo at sana madala mo ang katapangan mo sa mundo ng
mga tao. Goodluck Lycus." Afarin said something at parang may puwersang humila sa
akin papunta sa katawan ko.

I woke up in a trance at agad na nakuha ng atensiyon ko ang papel sa center table.

Kinuha ko ang papel at binasa ang nakasulat. It was a very intricate handwriting
but the warning caught my attention. I read on.

'Reminder: Don't forget to visit Amery at the hospital ASAP.'

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkabasa ko ng pangalan ni Amery. Hidni na


ako nag isip pa. Kinuha ko ang susi ng kotse at lumabas ng condo para puntahan si
Amery sa hospital. I am excited. Hidni ko alam kung saan nanggaling ang tuwa na
nararamdaman. It's like being reunited with her after a long time.

I remember us breaking up 5 years ago dahil sa iniwan ko siya pagkatapos ng may


nangyari sa amin. Hindi na ako nakapagpaalam nung may tumawag sa akin dahil
naaksidente sina Mommy at Daddy nung nagbabakasyon sila sa US. I immediately flew
to the US without telling her. Naging busy ako sa business at nawalan na ako ng
panahon para suyuin siya. Sa US na din ako nakabased for the past years.

Nagulat ako nung pinuntahan ko siya sa bahay nila at nalaman kong nasa hospital
siya at comatose.

Agad akong pumunta sa kwarto niya pagkadating niya sa hospital. I opened the door
of her suite room. Nakita ko agad ang Mommy at Daddy niya na nasa tabi niya.
Napalingon sila sa akin at ngumiti,

Napatingin din siya sa akin at nakita ko agad ang pagkunot ng noo niya.

"Amie..."

"What are you doing here, you asshole? Get out!" She shouted.

=================

Chapter 19

Chapter 19

Amery's POV

I should be weak after waking up from a 6-month coma pero pagkakita ko kay Raehel
kaagad na nabuhay ang dugo ko at parang nagka adrenaline rush ako. No...it's not
because I missed him so. It's the exact opposite. Nabuhay at kumulo ang dugo ko
pagkakita ko sa kanya dahil anong karapatan niyang magpakita sa akin pagkatapos ng
limang taon?

Paanong niyang nagawang magpakita sa akin pagkatapos ng lahat and still looked
so...so handsome? Ang unfair! Parang hindi man lang siya naapektuhan ng mga
nangyari samantalang ako, pagkatapos ng ginawa niya, nag iba na ang buhay ko. My
life took a 360 degrees turn. Naging wild ako, naging pakawala, nanlandi ako at ang
naging resulta, na-coma ako dahil sa paglalandi.

"Palabasin niyo siya Mommy! Ayaw ko siyang makita!" I shrieked. Mabuti na lang at
inalis na kanina ang IV ko kaya kahit na magwala ako, okay lang.

"Amery..." Nilapitan ako ni Mommy at pinakalma.

"Mabuti pang mag usap kayong dalawa Amery." Matigas naman na sabi ni Daddy. Niyaya
na din niya si Mommy na lumabas sa room ko. Pagkasara nila ng pinto, galit na
tumingin ako kay Raehel na kalmado pa din na nakatayo sa dulo ng hospital bed ko.

"Anong ginagawa mo dito? You're checking if I'm dead? Too bad, hindi pa ako patay."
Matigas na sabi ko sabay taas ng noo.

"Let's talk Amie." Naglakad siya palapit sa akin at tumayo sa gilid ng bed ko.

"Wala na tayong dapat na pag usapan. Natapos na sa atin ang lahat 5 years ago. You
left me and that's it. We're done, we're over. Get out!" I shouted again but he
remained calm. Nakatingin lang siya sa akin. Yan ang nakakainis kay Raehel. Palagi
siyang kalmado kahit na naghuhuramentado na ako. No one could break his calm. Dati
I find it comforting. Sino ang aayaw sa lalaking kalmado palagi at pwedeng sandalan
sa lahat ng oras? Pero ngayon, I find it irritating. Bakit hindi ako maiinis,
halos pumutok na ang mga ugat ko sa galit pero siya parang wala lang. parang hindi
ko siya sinisigawan.

"You didn't even give me a chance to explain." Mahinahon pa ding sabi niya.

"Wala ka nang dapat pang e-explain. Your action says it all. Pinakita ng ginawa mo
kung anong klaseng tao ka. Jerk! Asshole! User! Paasa! Get out! Out! Now! Ayaw kong
makipag usap sa'yo! Ayaw kong makita kahit ang dulo ng buhok mo. Ayaw kong maamoy
kahit ang pabango kaya lumayas ka na!" Sigaw ko sabay turo sa pinto.

Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya pero hindi ako nagpaapekto. Nagdadrama lang
siya I'm sure.

"Ano pa ang hinihintay mo? Labas!" I shouted at him again pero bigla akong
napatingin nung bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor.

"Time for meds." Nakangiting sabi ng doctor. Natigil ako sa pagwawala at pinilit
na kinalma ang sarili ko. Nakangiting tumingin sa akin ang doctor. Hinawakan niya
ang kamay ko at kinuha tapos pinakiramdaman ang vitals ko. Ibinaba niya ang hawak
niyang chart at humarap sa akin.

Then her eyes narrowed and she slapped me hard. Nagpanting ata ang tenga ko sa
pagsampal sa akin ng doktor. Napahiga ako sa kama dahil sa pinaghalong impact ng
sampal at gulat sa nangyari.

"Amery!" Agad na lumapit sa akin si Raehel para alalayan ako. Gusto ko sanang
itulak siya pero nagulat ako sa ginawa ng doctor. What the hell! Bakit niya ako
sinampal?

Napatingin ako ulit sa doktor at ganun na lang ang panggigilalas ko nung hindi na
doktor ang nasa harap namin kundi isang...isang taong may pulang balat at may
antlers na sungay. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapagsalita. Umalis ako
sa kama at pumunta sa kabila palayo sa doktora na naging monster.
"Rae..." Bigla akong kumapit ng mahigpit sa braso ni Raehel. Shit! Sino siya?
No...mali ata ang tanong ko. Ano siya? Bakit ganyan ang itsura niya?

"Si-sino ka?" Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. Tumayo na ako sa


kabilang side ng kama at nagtago sa likod ni Raehel. Damn! I should be mad at Rae,
pero sa sitwasyon ngayon, hindi ko magawang magalit. Takot na takot ako dahil sa
nakita ko.

"Hindi mo ako maalala? Hindi umepekto ang memory potion? Isa pa nga!" Bigla siyang
nawala sa kinatatayuan niya and suddenly he's in front of me. Gusto kong tumili
pero hindi ako makatili dahil sa shock.

Then, naramdaman ko ulit ang pagsampal niya sa akin. Parang umikot ang mundo ko sa
lakas ng sampal niya. Pakiramdam ko saglit akong nawalan ng malay dahil as ginawa
ng panget na nilalang.

Pero sa saglit na yun, may mga scenes na nagflash sa akin. Scenes that involve me,
Raehel, Afarin and this monster named...

"Xiclav!" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa demonyong punong puno ng
antlers. God! I know him! Kilala ko siya! Shit! Nababaliw na ba ako? Bakit ako may
kilalang pangit na...demonyo?

"Aha! Naalala mo na. Sinasabi ko na nga ba at kulang lang sa lakas ang unang sampal
ko kaya di agad umepekto ang memory potion. Ang galing ko talaga." Ngumisi siya at
tumayo ang mga balahibo ko dahil sa ngisi niya. He's such a creepy creature.
Creepy, ugly and scary.

"Ang pogi pala ng anghel sa personal." Tiningnan ni Xiclav si Raehel ng matagal.


Gusto kong takpan ng katawan ko si Raehel. Natatakot ako na baka bigla na lang
saktan ng demonyong yan si Rae.

"Kaya pala kahit na kaluluwa na, bitter na bitter pa din si ate! Pero...hindi ako
nasisilaw sa'yo...hindi ka na anghel? What the fuck! Tang ina! May isa pang
tanga!" Malutong na mura ni Xiclav. Habang tumatagal mas naalala ko siya.

"So, totoo ka pala. Akala ko hindi totoo ang nakasulat sa papel. It was nice
meeting you Xiclav." Nakangiting sabi ni Rae kay Xiclav. He even extended his hand
to him. Gusto kong alisin ang kamay niya na nakaextend kay Xiclav.

"Fuck you?" Nakakunot naman na sabi ni Xiclav. Mukhang hindi sure kung papaano
pakikiharapan si Raehel. He even raise his middle finger pero agad din na binawi.
For the first time, I saw him disoriented.

Nagkaroon ako ng lakas loob dahil sa itsura ni Xiclav. Nawala na ang takot na
kanina naramdaman ko dahil naalala ko na kung sino siya.
"Ikaw ang fuck you! Bakit mo ako sinampal? Walang hiya ka! Pwede mo namang sabihin
sa akin ang lahat. Kailangan sampalin ako?" Umalis na ako sa likod niRaehel.
Nakarecover na ako sa shock.

"Hindi e-epekto ang potion kung di kita sasampalin. Kita mo umepekto kaagad?"
Baliwala namang sabi niya at umupo sa hospital bed.

"Walang hiya ka palang demonyo ka eh! Alam ko naman na singhot lang gagana na ang
memory potion. Pinagloloko mo ako, bwisit ka!" Akma ko siyang susugurin pero
pinigilan ako ni Raehel.

"Amery..."

"Gago yan eh! Masakit kayang masampal. Kagagaling ko lang sa coma, sampal ang
ihaharap niya sa akin?" parang bata na sumbong ko kay Raehel.

"Mag ingat ka sa mga sinasabi mo Amery, magdahan dahan ka sa pagsasalita. Baka sa


impyerno pa din ang bagsak mo. Sayang ang sakripisyo niyang jowa mo." Napatingin
ako bigla kay Raehel at lahat ng galit na naramdaman ko sa kanya nawala. Naalala
ko na ang mga nangyari nung naging kaluluwa ako kaya wala nang rason para magalit
pa ako sa kanya.

"I'm sorry..."

"It's okay Amie." Nagngitian kami at nagtinginan. Hindi pa sana matatapos ang
moment namin kung hindi lang kami nakarinig ng tikhim. Napalingon ako kay Xiclav na
ngayon ay nakahiga na sa kama ko.

"Bakit andito ka?" Inis na sabi ko sa kanya. Turukan ko kaya siya ng needle?

"Nabalitaan ko kasi na wala ka na sa hell. Ayun bumili ako ng pangteleport sa'yo.


Kaya pala nung dumating ka sa impyerno walang demonyong nagmamay ari sa'yo. Hindi
ka pala patay, tanga ka lang talaga. Alam mo, ikaw lang ang nakilala kong kaluluwa
na nakapunta sa impyerno kahit di na patay. Ibang level talaga ang katangahan mo!"
Naningkit ang mga mata ko kay Xiclav. Sumosobra na siya! Sisinghalan ko sana siya
nung marinig kong parang nabilaukan si Raehel. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin
siya kay Xiclav at nangingiti. Nakatingin din si Xiclav kay Raehel.

"Ang creepy ng anghel...ex-anghel pala. Ngumingiting mag isa. Anyway, dahil alam ko
naman na makakalimutan mo ang lahat pag bumalik ka na sa katawan mo, binilhan na
din kita ng memory potion kasi alam kong iiral ang katangahan mo kahit tao ka na.
Sige, aalis na ako." Tumayo na si Xiclav mula sa pagkakahiga sa bed at pumikit.
Naghintay akong maglaho siya pero matagal na siyang nakapikit at hindi pa din siya
nawala o nakapag teleport.

"What the hell!" Mura niya at sinubukang magteleport ulit pero wala pa ding
nangyayari.
"Tangina bat di na ako makabalik?" Halos magdabog na si Xiclav at naguguluhan na
napatingin sa amin. Nagkatinginan kami ni Raehel.

"Di ka na makabalik?" Lumapit na ako kay Xiclav at pinagmasdan siyang mabuti.

"Oo. Tangina this!" Sinubukan ulit pero ganun pa din.

"Baka magiging tao ka na din!" Excited na sabi ko.

"Tanga! Anong maging tao? Pag naging tao ako at ganito ang itsura ko, malamang
mamamatay agad ako. Baka ibenta pa sa palengke ang laman ko kasi mag aakala silang
deer ako!" Napatutop ako sa bibig ko. Oo nga ano? Ang panget panget pa naman niya.

"Eh di masaya. May panget na demonyo sa mundo!" Nakatawang sabi ko. Pag nagkataon,
makakabawi na ako sa lahat ng lait na binigay niya sa akin.

"Sampal, gusto mo ulit? Wala kang utang na loob. Alam mo ba kung magkano ang
ginastos kong kaluluwa para lang makapagteleport sayo? Para makabili ng potion mo?
Para makapagpanggap na babaeng doktor? Naubos ang 10K souls ko. Wala na akong
pansabong at pag tong its! Para lang malaman mo! At dahil tao ka na sana
makunsensiya ka!" Mahabang litanya ng demonyo. Pero siyempre hindi ako
nakunsensiya.

"Sino ang may sira ulong nag sara ng lagusan ng impyerno? Sino?" Pagwawala ni
Xiclav. Napatingin ako kay Raehel na kalmadong nakatingin lang kay Xiclav. Parang
normal lang na may nagwawaalng demonyo sa harap namin.

Palakad lakad si Xiclav sa loob ng kwarto at panay ang mura.

"Anong ang ginawa mo Nephilim?" Napatingin ako bigla sa nagsalita. Napatingin din
si Xiclav at si Raehel. Sa itaas ng kama prenteng nakaupo si Afarin at ang sama ng
tingin kay Xiclav.

"Tangina! Oh my balls!" Napatalon bigla si Xiclav.

"Sino ka? At anong Nephilim? Demonyo ako, di ako Nephilim." Nanginginig ang boses
na sabi ni Xiclav habang sumisiksik sa sulok ng kwarto. Halatang takot sa anghel na
dumating. Afarin just rolled her eyes at Xiclav. Gusto kong tumawa pagkakita ko sa
itsura ni Xiclav. Buti nga sa kanya!

Umupo na ako sa sofa sa tabi ni Raehel at pinanood ang anghel at demonyo.

"Hindi mo dapat binigyan ng memory potion si Amery. Pasaway ka! Kahit kailan. Hindi
ka na natuto. Hindi ka na makakabalik sa impyerno, pinalaya ka na ni Lycus kasama
ng kaluluwa ni Amery." Lalong nanlaki ang mga mata ni Xiclav.
"Ano!? Kung hindi na ako makakabalik sa impyerno, saan ako pupulutin? Ha! Grabe
kayo! Wala man lang heads up?"

"Akala ko ba gustong gusto mo nang umalis sa impyerno?" Hindi ko na napigilang


sumabat. Xiclav gave me a warning look. Tumahimik na lang ako at ninamnam ang init
na dulot ng kamay ni Raehel na nakahawak sa kamay ko.

"Quiet." Sabi niya sa akin.

"Ikaw ang manahimik. Hay naku! Panigurado mahihirapan kami sa'yo. You need some
training. You need to be tamed. Simulan na natin ngayon!' Tumayo na si Afarin at
umingin sa amin tapos ngumiti. Naglakad siya palapit kay Xiclav at nilagpasan ito.
Ang nakakamangha sumunod si Xiclav kay Afarin. Parang may force na humihila kay
Xiclav.

"Hoy bulilit! Saan mo ako dadalhin?" Ni hindi siya nilingon ni Afarin at tuloy
tuloy lang na naglakad papunta sa wall. Lumusot si Afarin habang para kinakaladkad
na si Xiclav na nakasunod sa kanya.

"Fuck!" Huling sigaw niya bago siya nawala sa dingding ng kwarto.

=================

Chapter 20

Chapter 20

Amery's POV

"So, the angel became human and married the love of his life?" Nakakunot ang noo
ng pangalawa at bunso naming pitong taong gulang na anak pagkatapos ng kwento ko.
Tiningnan pa niya ako ng matagal na para bang pinagloloko ko siya.

"Yes Val, he did." Nakangiting sabi ko.

"But Mommy, why did he do it? He's already an angel. Everyone wants to be an
angel." Kontra pa din niya sa akin. Hindi talaga makapaniwala sa kwento ko.

Kunsabagay, sino nga ba ang maniniwala sa mga nangyari? Kaya nga hindi na namin
kinuwento ni Raehel ang mga nangyari. Sa mga anak namin, we told it as a tale.
Kahit nga ako minsan hindi makapaniwala. Parang pakiramdam ko, panaginip lang ang
lahat. Minsan, napapaniwala ko na ang sarili ko na hindi totoo ang lahat ng
nangyari lalo na at wala nang ibang manifestation ng mga anghel o demonyo sa buhay
namin. The last time we saw Afarin and Xiclav was during that day.

"Because of love Val. The angel did it for love." Napalingon ako kay Raehel na
hindi ko napansin, nasa likod ko na pala. Yumuko siya at hinalikan ako ng mabilis
sa labi bago kinuha sa akin si Val at kinarga.

Tumayo na ako mula sa sofa at sumunod sa mag ama ko. Hindi ko mapigilan ang ngiti
sa mga labi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. It has been 10 years. Ten
years of happiness with my very own angel, my husband, my love.

Flashback

Namalikmata pa ako habang nakatingin sa wall na nilusutan nina Xiclav at Afarin.


Gusto kong tumawa dahil sa wakas nakakita si Xiclav ng katapat niya pero hindi ko
magawa dahil para hindi kapani-paniwala ang lahat.

"Rae...sampalin mo ako." Mahinang sabi ko sa nanlalaking mga mata.

"Sabihin mong hindi totoo ang lahat at nananaginip lang ako. Sabihin mong hindi ako
nakakita ng isang demonyo at anghel at sabihin mong hindi ka anghel." Nagsimulang
tumaas ang boses ko dahil sa pagbalik ng shock sa sistema ko.

"Totoo lahat Amery." Mahinahong sinabi niya sabay kuha ng kamay ko at banayad na
pinisil. Bigla akong napalingon sa kanya tapos umiling iling.

"No...Oh my God!"

"Kahit ako, halos hindi din matanggap ang lahat pero nakita ko at narinig. Noong
una halos hindi ko mapaniwalaan ang mga nakasulat sa papel but what happened a
while ago confirmed the things that are written in the letter. Amery we were given
a chance. A second chance." Hinawakan na niya angdalawang kamay ko at pinaharap ako
sa kanya.

"Hindi Rae, you've sacrificed so much for that chance. Why? I am not worth it."
Ilang libo o baka milyon pang kaluluwa ang pinagpalit niya para sa akin. I felt
awful, I don't deserve his sacrifice.

"I love you." Madamdaming sabi niya habang nakatingin sa akin at naramdaman ko ang
biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa lakas ng heartbeat ko pakiramdam ko hindi
na ako makakahinga ng maayos. Naramdaman ko ang pag iinit ng mga mata ko and I
fight the urge to cry. Why did I ever do to deserve him? To be worthy of his
sacrifice.

"Raehel..." Tuluyan nang tumulo ang luha ko and he wiped it with his fingers.
"Amery sa pagmamahal hindi na kailangan ng maraming rason. You don't need to have a
valid and concrete reason to do something for your loved ones. Hindi kailangang may
kapalit palagi ang lahat ng effort. You do it because you love them and doing it
makes you happy. Kungmangyayari ulit ang mga nangyari, I would still do the same. I
would still choose to love you, to sacrifice for you. Minsan ang hirap intindihin
pero ganun ang totoong pag ibig. You don't have to understand it, you just have to
feel it." Hinawakan na niya ang magkabilang pisngi ko at pinupunasan ang luha ko na
panay na ang tulo.

"I'm sorry Raehel.."

"If you love you don't ask why, you don't justify your love. Hindi mo kailangan ng
rason para magmahal Amery katulad nang hindi mo kailangan ng rason para maniwala na
may Diyos. You don't have to question God's power, same with love. You don't have
to say sorry dahil hindi ako nagsisi na minahal kita." Tuluyan na akong humagulgol
at yumakap sa kanya. I pour out my emotions on his shoulders.

Tama siya, hindi ko na kailangang magtanong at maghanap ng rason. Kailangan ko na


lang tanggapin at magpasalamat sa sakripisyo niya at sa chance na binigay sa amin
dahil hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon. Hindi lahat nabibigyan ng second
chances kaya kapag nabigyan ka ng second chance, make the most out of it.

"Love." Napatingin ako bigla kay Raehel nung tinawag niya ako at napatingin sa
natutulog na anak namin. Namangha ako kung papaano niya nagawang mapatulog agad si
Val. Kanina hirap akong patulugin siya kaya nga napakwento ako. Lumapit ako sa
kanya at sabay namin pinanood ang tulog ng na anak namin.

"Rae, sa tingin ko, you didn't really lost all of your powers." Nakangiting
napatingin siya sa akin.

"Anong powers?" Inakbayan na niya ako at iginiya palabas sa kwarto ni Val.

"You have this power to make me calm. Dati kapag nagpapanic ako or agitated ako,
you will just say some soothing words at makakalma na ako. Maybe that power stayed
with you."

"Or maybe you just love me that you felt a sense of security whenever I'm near."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Andun na tayo sa mahal kita at secure ako sa'yo. Pero naaalala ko na ginamitan mo
ako ng powers mo nung kaluluwa pa lang ako." Humarap ako sa kanya at sinimulang
alisin ang tie niya. I love doing it. Kapag umuuwi siya galing office, ugali ko
nang alisin ang tie niya at ang polo niya. Ugali ko na ding ipaghanda ang mga gamit
niya bago maligo at matulog. I find joy in those small things.

"You see what you did with Val? Alam mo ba kung gaano kahirap patulugin yun ngayon?
Samatalang ikaw, kinarga mo lang siya papasok sa kwarto niya, tulog agad."
Tatalikod na sana ako para ikuha siya ng shirt sa closet nung hinawakan niya ang
braso ko kaya napaharap ako ulti sa kanya.

"Dahil siguro nararamdaman niyang kailangang magsolo nina Mommy at Daddy niya." Ang
kamay niyang nakahawak sa braso ko lumipat na sa bewang ko at hinapit pa niya ako
lalo para magdikit ang mga katawan namin.

"How are you my lovely wife?" Napangiti ako at tumingala sa kanya.

"Missing you." Ikinawit ko na ang mga braso ko sa balikat niya.

"I've missed you too." He softly said before he lowered his face and claimed my
lips. Napapikit ako pagkalapat ng mga labi namin.

I felt the familiar tingling sensation as our kiss deepened. I felt a sense of
contentment as his body molded mine. It has always been like this with Raehel and
me.

"I love you Amie." He said as we catch our breath.

"I love you too Rae." He again lowered his head and claimed my lips before he
scooped me up and carried me to our bed.

Hindi ako magsasawa, hindi ako magrereklamo dahil binigay na sa akin ang lahat ng
kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa.

A/N: Last Chapter before Epilogue.

=================

Epilogue

Epilogue

Death. Many people fear death. Many people tried their very best to avoid or defy
death. But one thing is certain, no one can really defy or escape it. If it's your
time to die, you will die. Hindi kayang bilhin ng pera ang buhay, hindi pwedeng
bayaran ng kayamanan ang kamatayan para maabsuwelto. Kung pwede sanang ganun,
madami na ang immortal sa mundo.
Madami ang nagtatanong kung bakit kailangan pang mabuhay kung mamamatay rin lang.
Why did God create human if they are destined to die in the end? Parang wala lang
kwenta di ba? But you see, death is necessary for humans to appreciate life. Death
is necessary, so humans would remember where they came from. Death is a reminder
to humans that life on earth is not the end, that death itself is just a beginning.
Paano mo nga naman pahahalagahan ang isang bagay kung wala itong katapusan?

Madami ang natatakot na mamatay pero sa tingin ko, hindi ang pagkamatay ang
kinatatakutan nila. They are scared because they haven't lived their life to the
fullest. They are scared because they have so many unfinished businesses in life.
They are scared because they are uncertain as to what might happen to them, to
their soul. But once, you have live your life to the fullest, you will not be
scared of death. Instead, you will embrace death like a long lost love.

Siguro sasabihin ng iba na nagmamagaling ako, na madali lang sabihin pero mahirap
gawin. Sasabihin ng iba na hindi madali ang buhay. Ang daming issues, ang daming
problema ang daming complications. Pero ang totoo, madali lang ang buhay. It's us
who create our own struggles. Ginagawa nating mahirap ang buhay natin kasi hindi
tayo makuntento. Dahil mas may magaling sa atin, may mas maganda, may mas mayaman
at gusto natin na magkaroon din kung ano ang meron sila. Pero naisip ba natin na
ang taong hinahangaan natin ay may sarili ding struggle? May sarili din
discontentment and frustrations sa buhay. Life is an endless struggle, an endless
chasing of wants, of things that doesn't really matter. Pero sino ba ang nagsabi
sa'yong dapat ganito at ganyan ka? Sino ba ang nagsabi na dapat may ganito at
ganyan ka? Wala di ba? Sarili mo lang. It's all you. You are making things hard
for yourself.

Pasalamat na lang siguro ako na maaga kung nalaman ang mga bagay bagay. Na
nagkaroon ako ng pagkakataon maranasan at malaman na kapag namatay ka, wala kang
ibang dadalhin sa buhay mo sa mundo kundi ang kaluluwa mo. When you die, you will
not be measured by the wealth you've accummulated, neither by the accollades you've
received. Masakit man isipin pero magiging walang kwenta ang lahat ng material na
bagay na pinaghirapan mo sa mundo. Kahit ang kasikatan ay hindi mo madadala dahil
hindi kasama ang audience impact sa criteria para mapabuti ang kaluluwa mo.

Pero di ba masaya naman talaga ang buhay na walang pressure? Yes, society could be
very judgemental and stereotyping is very rampant. Bilang tao ayaw nating
hinuhusgahan tayo kaya nakikibagay tayo sa kung ano ang uso kung ano ang tingin ng
ibang tao na tama. Pero napapasaya ba natin sila? Ang mas importante, napapasaya ba
natin ang sarili natin? Ang mga mahal natin? Ang mga taong nanghuhusga ay palaging
makakakita ng mga bagay na ihuhusga sa'yo. Don't waste your life trying to meet
their expectations, because you will never meet their expectations. Never. Not in
your lifetime. Ang mga tao lang na makaakappreciate sa'yo ay ang mga taong tanggap
ka kung ano ka man and I suggest you start accepting yourself as who your are and
not as what other people think you are. Enjoy life and embrace death. Always
remember that you are created with a purpose and that purpose is not to please
other people. It's not your job kaya wag kang magmagaling na kaya mong paligayahin
ang lahat ng tao.

Raehel and I died in a planecrash. I was 56 at hindi ako nanghinayang sa buhay ko.
Alam kong panahon ko na and I embraced death. I am not scared because I know I've
done my share in life. I've loved my family, I made my husband and family happy
and I've lived my life to the fullest. That's all matters. Namatay akong masaya.
No regrets. I can even say that I died confidently. Kung hindi nga lang creepy,
baka ang laki pa ng ngisi ko sa kabaong ko.

"Dapat atang binigyan natin siya ng glimpse ng past niya." Napatingin ako kay
Raehel at kay Mycin na katulad ko nakatingin sa isang monitor.

"No. It's part of his test." Matigas naman na sabi ni Mycin. Nagkatinginan kami ni
Raehel at napangiti. Nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Bilang ama ni Xiclav,
tama lang na mag aalala siya. Yes, our youngest son, Val is Xiclav. Nalaman lang
namin nung namatay na kami. Kaya pala ganun kalikot at kapasaway nung bata pa
siya.

"Pero Mycin, we are exposing him to the demons..."

"Lycus, he can manage. Dati siyang demonyo, kahit hindi niya alam, alam kong
makakaya niya. Isa pa, may nagbabantay sa kanya." Nakangiti si Mycin habang hindi
inaalis ang tingin sa screen at pumasok sa opisina ni Val ang isang napakagandang
babae. Her whole aura illuminates the whole room. Pero siyempre, hindi nakikita ni
Val ang aura ng babae.

Of course, I know her. She's Sophia aka Afarin, Val's longtime girlfriend.
Napangiti si Val pagkakita kay Pia pero sinalubong siya ni Pia ng sampal. Napangiwi
ako.

"What the! Why did you slap me? What did I do this time Pia?" Rinig kong sabi ng
anak namin habang hawak ang pisngi na sinampal ng girlfriend niya.

"Wala pa! Gagawin mo pa lang kaya ngayon pa lang inuunahan na kita!" Singhal ni Pia
kay Val.

"What are you talking about?"

"Lalabas ka mamaya kasama ang mga kaibigan mo, pupunta kayo ng bar at mag iinuman.
Tapos may lalapit na babae sa'yo at hahalikan ka. Dahil sa malandi ka kaya
hahayaan mo ang babaeng yun na halikan ka!" Binatukan niya ulit si Val. Naaawa na
ako sa anak ko.

"Anong pinagsasabi mo? Paano mo nasabing mangyayari yun? You know that I love you
at I won't kiss any other girl."

"Gagawin mo mamaya!Walanghiya ka! Manloloko!"

"Teka! Hindi kita niloloko!"

"Hindi pa ngayon. Pero lolokohin mo ako mamaya! Mamayang 11:33PM, lolokohin mo ako,
magpapahalik ka!" Singhal ni Pia kay Val at naguguluhan lang na nakatingin sa
kanya si Val at nakikita na din ang inis sa mukha. Pero agad ding nawala ang inis
sa mukha ni Val aka Xiclav nung magsimulang umiyak si Pia. Agad niyang niyakap ang
girlfriend at inalo.

"Okay, para hindi ka na magalit hindi na ako sasama kina Martin mamaya. Is that
okay with you?"

Napatingala si Pia kay Val at ngumiti. Mukhang nagbago na ang kapalaran nila dahil
sa naging desisyon ni Val.

"Good."

"Paano mo nasasabing lolokohin kita?"

"Instinct." Napabuntonghininga na lang si Val at napakamot ng batok.

"Pia, we're getting married next month at hindi kita lolokohin kahit kailan." Val
assured Pia before he kissed her.

"See? Kayang kaya ni Afarin si Xiclav. No need to worry." Nakangising sabi ni Mycin
kay Raehel. Napatingin naman si Raehel sa akin at nginitian ko siya.

"He's going to freak out on their wedding night." Sabi ko habang nakatingin kay
Raehel. Sasabihin na ni Afarin kay Val ang lahat sa gabi ng kasal nila. Their
wedding will not be ordinary. The union of two angels will never be ordinary.

"He'll manage. Let's go." Nakangiting sabi niya sabay akbay sa akin.

"Where to?"

"To our eternity, my love."

-End-

A/N: Thanks for reading everyone.

You might also like