You are on page 1of 71

Ang Diary ni Jeannie Paolo

by BlackLily

=================

Ang Diary ni Jeannie Paolo

Paano kung nainlab ka sa isang babae. Yung tipo ng babaeng sa unang kita mo pa lang
alam mong siya na ang pakakasalan?

Okay na sana di ba?

Pero paano kung ang babaeng yun, may sabit na.

AT nagkataon na ang sabit niya ay kaibigan mo?

Ano ang gagawin mo?

Magpapaubaya ka?

Or
Susulutin mo?

=================

Hindi Prologue

Di na kailangan ng Prologue. Diary nga di ba?Kaya ito na lang ang Author's Note.

Wala talaga akong balak i post ito dito sa wattpad. Matagal ng nakatingga ito sa
aking website. Mas nauna ko itong isulat kaysa sa Tears of Angel. Hanggang sa
nakalimutan ko na. Kaso kanina bumisita ako sa website ko at nagbasa ng comments.
Madaming gustong ituloy ko 2. Mga dalawa sila siguro. Heheheh. Joke lang. Tapos may
nagcomment din dito na sana daw ipost ko ito dito. Kaya sige pagbibigyan ko kayo.

Ang istoryang ito ay kakaiba sa lahat ng mga naisusulat ko. Ito ay nakasulat na
parang diary at hindi Chapters ang bawat update kundi entries. Ito ay sulat ni
Jeannie Paolo Zamora, na kapatid ni JOanne Phoebe Zamora (Wanted: Babymaker) at
Johann Phoebus Zamora (Tears of Angel).Maaring nagtataka siguro kayo kung bakit
biglang nagpakasal itong si Paolo (based on Wnated:Babymaker). Dito niyo malalaman
ang dahilan. Ito ang kanyang diary. Ang diary na walang draft. Kasi lahat ng
updates ay diretso kong ipopost dito. Pagkatapos ng mga entry may mga katanungan
itong si Paolo. Maaari lamang pong magcomment kayo kasi yun ang magiging basis ni
Paolo sa kanyang mga gagawin.
=================

Entry #1

Entry #1Dear Diary,

Carlo sat beside me today, he's so cute. Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat. I
eat too much kase eh. Mula ngayon, goodbye chocolates, goodbye spaghetti, goodbye
hotdogs... aayyy...GOODBYE CARLO! Joke lang dear diary! Ito seyoso na.Maaaring
nagtataka ka kung bakit ako gumagawa ng Diary. Hindi nga naman ugali kasi ng mga
lalaking katulad kong pogi ang gumawa ng diary. Baka isipin mong may berdeng dugo
ako. Ngayon pa lang sinasabi ko sayo, kahit gahiblang berdeng dugo wala ako. Hindi
ko sinayang ang poging mukha na nilikha ng Diyos. Lol.Gumawa ako ng diary kasi,
sabi ng kapatid kong si Joanne, cool daw ang may diary at dahil sa cool ako, gumawa
din ako. Pero di nga dear  diary, may problema kasi ako. AT sa palagay ko ikaw lang
ang makakatulong sa akin. Ganito kasi yun:May kaibigan ako, tawagin na lang natin
siya sa pangalang Johnny. SI Johnny po isang pogi, macho, mayaman, mabait,
gentleman na lalaki. Yung tipong boy next door ang dating. Pero dear diary di hamak
naman na mas pogi ako kay Johnny. Hindi ko po type si Johnny dear diary. Gusto ko
lang siyang ipakilala sayo. In fact nag attach ako ng picture niya.

Ito po kasi ang nangyari.

Isang araw po nagkayayaan ang magkabarkada na magbilliard, ito namang si Johnny,


kung hindi ba naman kasi eengot engot, dinala niya ang kanyang girlfriend sa
bilyaran. ANg pangalan ng kanyang kasintahan ay si Anya. Anya Larrazabal.  Nakabold
yan ha. Bold yung letters, hindi bold na naiisip mo. (Pervert ka ba dear diary?).
Anyway, pagkapasok na pagkapasok pa lang po ni Anya (nakabold ulit) sa bilyaran
napanganga na ako. Nahulog na ang aking puso at napatulo ang aking laway.  Ito
kasing si Anya. Saksakan ng ganda. Para siyang anghel na hinulog ng Diyos mula sa
langit para magbigay ligaya sa mga lalaking pogi katulad ko. Siya na siguro ang
ultimate meaning ng salitang drop dead gorgeous (pasintabi kay Oca). Sa unang kita
ko pa lang sa kanya alam kong siya na ang babaing nababagay sa akin. Pero dear
Diary, gerlpren nga siya ni Johnny. na pogi, macho, mayaman, mabait, gentleman na
lalaki. Yung tipong boy next door ang dating. (Paulit ulit)

Ano po ang gagawin ko? Susulutin ko na ba siya kay Johnny o magpapaubaya ako at
kikimkimin ang nararamdaman ko?

Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa problema kong ito. Kaya please lang
tulungan mo ako. Wag mong hayaang maging malungkot ang isang poging katulad ko.

Nagmamahal,Paolo

P.s. Ilagay mo na lang po ang iyong kasagutan sa ibaba. TY.

Sa susunod po ipopost ko ang picture ni Anya. Hindi ko pa kasi nakuha ang picture
ni Anya sa wallet ni Johnny.

=================

Entry #2

Entry #2

Dear Diary,

Madami ang nagsasabi na kung ayaw daw sa akin ni Anya sa kanila na daw ako. Siguro
mangyayari lang yun dear diary kung hindi ko maaagaw si ANya kay Johnny. OO!
Nakapagdecide na ako na aagawin ko siya kay Johnny. May nakapagsabi kasi na uso na
yun ngayon. Eh di makikiuso ako! Bwahahaha!

OO nga pala, last time umuwi ang pasaway kong kapatid na si Joanne sa bahay kasama
ang mga kaofficemate at kaibigan niya dear diary. Nagkataon na naglalaro ako noon
ng Call of Duty, Black Ops sa sala namin. Tapos na nagulat na lang ako na dumating
sila.
Natulala ako kasi isa sa kanila si Anya. Hindi na ako nakagalaw. Hindi ko na
napindot ang controller ng PS3. Natalo tuloy ako. T_T.

Ang mas nakakagulat pa dear diary, nung nakarecover na ako, nakiupo si Anya sa tabi
ko at nakipaglaro sa akin. Magkalaban kami pero shet lang, hindi ko siya magawang
barilin. Talo tuloy ako.

Hindi man lang ako nakapagpakitang gilas.

SImula noon, palagi ko na siyang tinatanong kay Joanne. Minsan sinasadya ko pang
kunyaring pupunta sa opisina nila ni Joanne para makita lang si Anya.

Alam kung may alam na ang baliw kong kapatid. Malakas kasi ang pakiramdam noon pero
hindi lang siya nagsasalita.Hinahayaan niya akong dumiskarte pero takte ni hindi ko
nga alam kung paano sisimulan ang pang aagaw ko.

Ang hirap pala.


Hindi ko alam ang steps.

tapos nagulat ako nung isang beses, kinamusta ko si Anya kay Joanne at nagulat ako
sa sinagot ni Joanne:

"Okay naman si Anya, ayun ang isang pack ng condom naubos niya ng isang linggo."

Nagulantang ang aking pagkatao.

Ano ang ibig sabihin noon? Ay takte! siempre alam ko na ang ibig sabihin nun.
Nagulat lang talaga ako.

Parnag biglang uminit ang paligid.


Kaya may mga katanungan ulit ako dear diary?

Ano ba ang mga steps ng pang aagaw ng gf ng iba?

At......

Kinakailangan ko na bang punuin ang drawer ko ng condoms?

Just in case??
Love,

Paolo

P.S. May picture pala ni Anya sa gilid. Kinuha ko yan one time sa wallet ni Johnny
nung nagkunyari akong hihingi ng discount card sa isang h/motel. Madami kasi siya
noon. Alam na!!!

=================

Entry #3

Entry #3
Dear Diary,

Kunting kunti na lang malalandi na ako ni Casper! Sa  kanya na daw ako oh!
Wahahaha. Pwede! Joke! Kay Anya lang kaya ako!

Oo nga pala, dear diary, nainis ako last time kasi nagdeposit ako sa bangko. At ang
tawag ba naman sa akin ng cashier ay Geenee Paolo Zamora. What the heck di ba?
Hindi naman ganun ang pagpronounced ng name ko. Jeannie is pronounced as Zhahnnie
because Jean is pronounced as Zhahn in French. Sa susunod nga tuturuan ko ng French
word pronunciation ang cashier na yun. Kaya pinull out ko nga ang lahat ng savings
ko sa bangko na yun. As in lahat. Di ko tuloy alam kong saan ko idedeposit ang 10K.
At baka maholdap pa ako! Wahahaha.

Kaya sa lahat ng magkamali sa pagpronounced sa pangalan ko, di na ako magdedeposit


sa inyo.

Anyway ang galing mong mag advice dear diary. Maraming salamat. Kaya susundin ko
ang payo niyo na kikilalanin ko si Anya. At magagawa ko yun kung makukuha ko ang
number niya. Pero dear diary, hindi ko naman inakala na ang mahal pala ng number ni
Anya.Tinanong ko kasi si Joanne ng number ni Anya at ang sagot ba naman sa akin
ay....

"AYOKO NGA" Malutong yan dear diary at naka all caps pa. Takte!
"Bibigyan kita ng iPad 4G" Sabi ko naman sa kanya. Ganyan ako ka desperado dear
diary.

"Anong akala mo sa akin? Masosohulan?" May kasama pang irap yan. Kainis itong
kapatid ko. Ang damot damot.

"May kasamang iPhone 4S" 

"09165006589" Mas mabilis pa sa alas kwatro. Pero nabutas naman ang bulsa ko.
Langya yan!

Pagkakuha ko ng number niya tinext ko siya kaagad.

'Hi! How's your day?' Yan ang text ko sa kanya.  Ngumingiti pa ako niyan kasi
excited ako sa reply niya. Naghintay ako ng mga 10 minutes tsaka ako nakareceive ng
reply. Medyo kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
'Hu u?' Yan ang sagot niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Magpapakilala ba ako?
Pero baka itanong niya kung bakit ako nagtetetx sa kanya. Sasabihin ko na ba agad
na gusto ko siya? Baka magalit siya.

Yan ang mga katanungan ko dear diary habang binabasa paulit ulit ang reply niya.

'I just got your number by a chance' Hindi ko din alam kung bakit yun ang nireply
ko. Feeling ko kais yun ang pinakasafe.

Mga wala pang 1 minute nagreply na siya.

'Fuck you!!!!'

Bakit?
Bakit ganun ang reply niya dear diary?

Sinunod ko naman ang payo mo na kilalanin siya. Kinuha ko naman ang cellphone
number niya para magkakakilanlan kami at para masimulan ang panunulot sa kanya.

Pero bakit bigla kaming umabot sa 'fuck you?'

May mali ba sa ginawa ko?

Naguguluhan,

Paolo
P.S.

Di ba gusto mo dear diary na ipost ko ang pic ko? Ayan po sa gilid ang pic ko.
Pinutol ko kasi bawal daw makita ang pagmumukha ko. Kaya sa ngayon maglaway ka muna
sa abs ko. Wahahaha.

Maglaway ka dear diary.

=================

Entry #4

Entry #4

Dear Diary,

Ano ba ang isasagot mo pag tinext ka ng Fuck you?


Pwede ba akong magreply ng, 'same to you'? Hahahahaha.

Pero siempre hindi ko tinext yun. Baka lalong magalit. Hindi ko muna pinairal ang
kaba ko, para saan pa ang pagiging lalaki ko kung hindi ako marunong magpakilig ng
babae.

At isa pa dear diary, ayaw kong matapos ang pagtetext namin sa isang 'fuck you'.
Kaya ang tinext ko,

"Highblood agad Anya?"

"Bakit kilala mo ako? Sino ka ba? Saan mo nakuha ang number ko?" Ang daming tanong.
Sinasabi ko na nga ba eh. Ganyan talaga ang  mga babae dear diary, madali silang
macurious. They want to know every detail.  Tapos mabilis silang magconclude pero
bago sila makapagconclude, madami munang theory na mabubuo sa utak nila. Hahahaha.
"Kilala mo rin ako, hiningi ko ang number mo sa kapatid ko." Straight to the point
na ako. Takte kasing mga reader ng diary ko, mali daw ang tinext ko. Corny daw! try
kaya nilang maging lalaki. Mga pakyu sila! Hahahahaha. Peace!

"Kulit ng lahi mo ah! Sino ka ba?"

"Jeannie Paolo Zamora." ALam, mo dear diary. nagtataka ako habang sinusulat ko ang
mga entries dito sa diary ko. Bakit naalala ko ang mga text exchanges namin. Di
kaya fabricated lang ang diary na to? Wahahaha.

"Ahhhh, ikaw yung kapatid ni Joanne at kaibigan ni Johnny. Naklu, pasensiya ka na


at natarayan kita. Ang ewan at ang corny kasi nugn reply mo. Hehehe." napangiti ako
sa reply niya. Tama pala ang mga reader nito. Pero medyo nadismaya din ako sa reply
niya.

"Hindi. Hindi ako kapatid ni Joanne at kaibigan ni Johnny." Send. Alam kong nagtaka
siya sa reply ko. Ideny ko ba naman ang kaibigan at kapatid ko. Kung kaibigan okay
lang kasi tatraidurin ko naman yun pero kapatid? tsk. tsk!

Tinawagan ko na siya bago pa siya makapagreply. Bahala na pero todo na talaga to.

"Hello." Ang ganda ng boses niya dear diary, swear.

"Hi!" Ahem ahem! Langya. minamalat ata ako.

"Kung hindi ka kapatid ni Joanne at kaibigna ni Johnny, sino ka?"

 
"Ako si Jeannie Paolo Zamora, ang lalaking may gusto sayo." Natahimik  siya sa
kabilang line. Naramdaman ko din ang paglakas ng tibok ng puso ko. Hinihintay ko
ang sagot niya sa sinabi ko. Maya maya pa, narinig kong tumawa siya.

"haha. Hindi ko alam na mapagbiro ka pala Paolo. Ayos banat mo ah!" Naririnig ko pa
din ang tawa niya sa kabilang line. 

"Seryoso ako Anya."  Hindi na siya nagsalita dear diary, maya maya, narinig ko na
ang busy tone. Binabaan niya ako ng phone. Langya naman!

Mali ba ang ginawa ko?

Hindi ako mapakali dear diary. Tangna lang. Para akong sinilaban sa pwet. Hindi ako
nakatulog.
Galit ba siya sa akin?

At dahil hindi ako mapakali...

The next day dear diary, nung uwian na nila, pumunta ako sa office nila Joanne,
hinintay ko si Anya, yayayain ko siyang mag dinner. Didiretsahin ko na nga di ba?
Kakausapin ko siya.

Sisimulan ko na ang panunulot. Panget man pakinggan pero yun naman talaga ang
intensiyon ko.
Pero laking panlulumo ko dear diary...

Nakita kong lumabas si Anya sa building nila.

Nakaakbay si Johnny sa kanya.

Ouch!

What now?
Pwede bang i skip ko na lang ang step 1-4? Pwede bang step 5 na agad?

Pwede bang patayin ko na lang ang karibal ko?

Naghihinagpis,

Paolo

P.S. Kahit masama ang loob ko, nilagay ko pa din ang picture ko sa gilid.Takte
lang! Sa sama ng loob ko ngayon papatayin ko ang magsabing mas pogi si Johann kaysa
sa akin!
=================

Entry #5

Entry#5

Dear Diary,

Normal lang sa isang tao ang macurious, kaya naman sinundan ko sina Anya at Johnny
sa pupuntahan nila. Siyempre curious ako sa pupuntahan nila. Curious ako kung saan
ba nakukuha ni Johnny ang mga discount cards niya. Curious lang talaga ako dear
diary. Wag mong ipagkamaling stalker nila ako. Paminsan minsan hindi masama ang
maging curious. Ang author nga dear diary, 'curiosity' is her second name daw.
Therefore I conclude na hindi maging masama ang maging curious.

Normal lang din sa isang tao ang magkamali, kasi nagkamali ako dear diary. Hindi
naman pala sila papunta sa kinukuhanan ni Johnny ng discount card. Pumunta sila sa
isang kainan. May dinner date pala sila dear diary. Tsk tsk.
Normal din dear diary na paminsan minsan makakaisip ka ng kasamaan sa ibang tao.
Kasalanan man dear diary kasi sabi nga sa bible, do not think ill of your brother,
pero hindi ko naman po brother si Johnny dear diary, kaibigan ko po siya. AT
magiging ex friend na. Kaya hindi kasalanan na makaisip akong sana mamatay na lang
siya nung bumaba sila ng kotse at lumanding ang kamay niya sa balikat ni Anya. Kaya
hindi ako naguilty nung naisip kong sana mamatay na siya. 

AT lalong normal lang sa isang tao ang magutom dear diary. Kasi akalain mo yun.
Pagkapasok na pagkapasok nila sa restaurant, akalain mo ba namang magutom ako
bigla. At dahil nga nagutom ako at parang mamamatay na ako pag hindi ako nakakakain
kaagad, pumasok din ako sa resto na pinasukan nila. Ang romantic pala ng ambience,
nakakaganang kumain.

Isa sa mga itinuro ng mga magulang namin dear diary ang maging friendly at wag
maging snob. Kaya naman dahil alam ko naman na doon din kakain sina Johnny at Anya,
hinanap ko kaagad  sla at nilapitan sa table nila.

Siempre binati ko muna si Johnny at nagkunyari akong di ko alam na doon din sila
kakain. Wala namang masama di ba dear diary? Nagiging friendly lang talaga ako. Ika
nga, No man is an island at kailangan ng isang tao ang socialization. 
At mukhang nagulat pa talaga si Johnny na andun ako dear diary. ANg totoo niyan,
tinanong pa niya ako kung may kasama ako. Siempre, sinabi ko ang totoo na wala. At
tinanong ko din kung pwede ba akong mag join sa kanila. Kung di lang  naman
nakakaistorbo. At okay  lang naman daw kaya sumama na akong kumain sa kanila. In
fact, hati pa nga kami n Johnny sa bill. Mukhang tuwang tuwa naman si Johnny na
kasama ako sa dinner nila dear diary. Nakatipid nga naman siya. 

Pero nung nagpaalam si Johnny na mag C-CR dear diary, tiningnan ako ni Anya.
pakshet lang, pero nakakatunaw siya tumingin. Tapos biglang naningkit ang cute
niyang mga mata. tapos sinab niyang...

"Nang aasar ka ba?" 


Sa totoo lang dear diary nagulat ako. Pero hindi ako nagpahalata. Ngumiti lang ako
sa kanya at sinagot siya..

"Hindi ah, kumakain lang naman ako ah!" 

Halos tumawa ako nung umismid siya. Sa totoo lang dear diary, ngayon lang ako
nakcutan sa babaeng nakaismid. 

Sayang nga at biglang dumating si Johnny. Mas mahaba pa sana ang usapan namin.
Dakilang istorbo at epal talaga si Johnny. 
Pero may tanong lang ako dear diary,

Normal lang din siguro na pandilatan ako ni Anya ng mata, sa buong oras na kumakain
kami di ba??

At dear diary, di ba normal lang naman na ijustify mo ang mga actions mo?

Isang normal na tao,


Paolo

PS: Wala ngayong PS kasi easter sunday. Joke lang! Nagmamadali kasi ang author.
Maglalaro pa ng HON. 

=================

Entry #6

Entry #6

'Pwede ba! Tigilan mo ako! Alam mo naman na may boyfriend na ako at kaibigan mo ang
boyfriend ko kaya tumigil ka na. Di kita gusto!'

Yan ang unang text na nareceive ko sa kanya pagkatapos ng dinner namin dear diary.
Nung nakita ko na may message siya, natuwa pa ako kasi first time na siya ang unang
nagtext sa akin pero parang nanghina ako nung mabasa ko ang message.

Ito na ba ang sinasabi nilang basted? Ni hindi pa ako nabasted buong buhay ko.
Ngayon lang dear diary. Masakit pala. Takte lang. Bakit kasi mas naunang nakita ni
Johnny si Anya?

Kung wala ba siyang bf may chance kaya ako sa kanya? Pakness lang dear diary pero
pinanghihinaan na ako ng loob.

bakit ba kasi ako nainlove sa may sabit? Hindi ko naman pangarap ang maging kabit.
At ang mahirap pa ang tibay ng kapit ni Anya kay Johnny.

Paano ko siya susulutin kong ayaw niyang magpasulot. Tangna lang. Hindi pa ako
nagkaroon ng ganitong problema ng dahil lang sa babae. Pwede bang maghanap na lang
ako ng iba? Madami namang nag aapply eh. Ang hirap kasi ng sitwasyon na binigay sa
akin.

Takte! Gusto ko na talagang patayin si Johnny para wala nang sagabal. Kung hindi
lang kasalanan.

Pero sabi nga nila,   kung saan ka pa nawawalan ng pag asa may ray of hope na
darating sa buhay mo at sa pagkakataon na to, dumating sa katauhan ni Joanne na
kahit brokenhearted ng dahil kay JC ay nagawa pang mag advice sa akin. Although
hindi naman advice na matatawag yun. parang nagparinig lang siya. At dahil likas na
matalino ako, nagets ko kaagad ang sinasabi niya.

"Pagawa ka ng plano  sa kompanya namin." Yun lang ang sinabi niya dear diary pero
parang bombilya na may umilaw sa isip ko.

The next day, pumunta ako sa opisina nila at kinausap kung sino man ang dapat kong
kausapin. Nagpagawa nga ako ng plano ng bahay pero may special request.

"Gusto kong si Architect Anya Larrazabal ang gagawa ng plano."


Magastos na kung magastos.

Desperado na kung desperado.

Pero para sa future ng mga anak ko to.

=================

Entry #7

Entry #7

Dear Diary,
Nagdate kami ni Anya! Totoo! Hindi ito joke lang. Nag lunch date kami.  At ito ang
nangyari.

Pagpasok pa lang niya sa restaurant alam kong masama na ang mood niya. Nakasimangot
kasi siya pero nevertheless hindi ko iyon pinansin. Pero hindi pa nga siya
nakakaupo ito na agad ang sinabi niya...

"Don't think of it as a date! Pumunta ako dito dahil kliyente ka namin and nothing
else. At kung ano man ang plano mo, hindi ka magtatagumpay" Galit na galit siya
pero ang ganda pa din niya dear diary.  

"Anya, ang alam ko lang na plano ko, ay ang pinapagawa ko sa kompanya niyo."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Hindi niya ata inakalang, susupalpalin ko
siya. Nakita ko siyang namula at walang sabi sabing umupo sa upuan. 

Wala siyang sinayang na oras, agad agad niyang tiningnan ang land title para mapag
aralan at diniscuss kung anong klaseng bahay ang ipapagawa ko. I indulge her. Ayaw
ko namang lalo niya akong kainisan. 
"Wala ka bang picture ng lupa para makita ko?" She is very professional na
nakakaasar. bakit napakaseryoso niya pag ako ang kaharap samantalang pag ibang tao
nagagawa naman niyang ngumiti.

"Wala akong picture. But if you want we could visit the site. Sa QC lang naman ang
lugar." Hindi ko alam kung anong sumapi sa kanyang espiritu pero pumayag siya dear
diary. 

Natuwa ako pero siempre tinago ko. Baka kasi tarayan na naman ako. Naka convoy kami
habang papuntang sa location. Sumusunod siya sa akin.

Sana literal na lang di ba? Literal na lang na susundan niya ako kahit saan ako
pumunta. Hehehe.

Mabilis lang naman kaming nakarating sa location. Tinitingnan ko lang siya habang
chinicheck niya ang lupa. 

Buti pa ang lupa, sinusuri niya samantalang ako, halos hindi niya sulyapan. 
I swear, it was not deliberate on my part nung hawakan ko ang siko niya para
alalayan siya pero pumiksi siya. Bigla akong nainis. First time kong makaranas ng
harapang rejection. 

"Tinutulungan lang kita!" 

"Hindi ko kailangan ang tulong mo. Wag mo akong hawakan." I don't know what did I
do to merit such a treatment from her but I know that I don't deserve it.

"Anya, I know that you knew that i like you, pero hindi ibig sabihin nun
magkakandarapa na ako para sayo. So spare me from your bitchiness dahil kliyente
niyo pa rin ako!" Inis na inis ako dear diary, napuno na rin siguro ako.

Pero hindi ko naman siya masisisi kasi hindi naman niya kasalanan na siya ang
magustuhan ko.

Kasalanan ko naman na siya ang pinili kiong mahalin.


Kaya dear diary,

I give up.

-Paolo.

=================

Entry #8

Entry # 8

Dear Diary,
Ako’y naguguluhan talaga. Ano nga po ang meaning ng give up? Bakit ata nawala sa
dictionary ko?

Parang kelan lang sinabi kong maggigive up na ako kay Anya kasi ang taray niya
pero  wala pala sa bokabularyo ko ang salitang give up kasi nung tumawag siya last
time ng dahil sa plano at narinig ko ang boses niya, parang nawala ang lahat ng
hinagpis ko sa kanya. Hinagpis talaga! Ang lalim lang. DI ko kayang hukayin!
Hahaha.

At napag isip isip ko rin, wala pa pala akong karapatang magtampo sa kanya.

Pero seriously dear diary, naggive up na talaga ako kay Anya.


Kay Johnny na lang ako. Charing!

Hehehe. Hindi ako nababakla dear diary.

Ang ibig kong sabihin dear diary gagamitin ko si Johnny para magkalapit kami ni
Anya. OO na, ako na ang masama kasi aagawan ko na nga siya ng gf, gagamitin ko pa
siya.

Pero hindi ako nakukunsensiya dear diary kasi one time tinanong ko si Johnny kung
kelan ang plano niyang pakasalan si Anya at ang sagot ba naman sa akin ay..
“Ha?” Opo dear diary, isang napakalaking HA! Anong ibig sabihin nun? Hindi niya
papakasalan siya Anya?  What the heck di ba!

Tehn came an opportunity dear diary. Kung opportunity nga bang matatawag ito. We
have planned a scheme para sa ikasasaya ng bunso namin. And that includes
kidnapping the guy and staged a fake marriage to let the guy believed na ikakasal
na si Li’l Sis with a li’l baby in her tummy.

Hindi ko alam kung paano nahikayat ng mga baliw na kaibigan ng kapatid ko si Anya
para siya ang magpanggap na bride pero siya nga dear diary at ang magpapanggap na
groom ay walang iba kundi
Si Johann.

Oo hindi ako. Asa naman na papayag si Anya pag ako ang ikakasal sa kanya.  Baka
biglang magback out pa siya at masira pa ang plano namin at ipanganak ang pamangkin
ko na walang ama. 

So yun nga ang plano, kaso sa hindi namin alam na kadahilanan, nagback out ang
kakambal ko. Alangan naman na hindi matutuloy ang kasal kasi nagback ang groom.

Kaya kahit napilitan ako dear diary, (tsk tsk tsk) nagvolunter akong maging proxy.
Hehehe.
Bukas, ikakasal na kami ni Anya.

Ang tanong ko dear diary,

Totohanin ko ba ang kasal o totohanin?


Excited,

Paolo

P.S. Saan maganda maghoneymoon?

=================

Entry #9

 Entry #9

Dear Diary,

So tagal naman the author to update my diary. So tamad naman her to type. I wanna
kill her na! Wahahaha. 
Anyway, I am dying, to make kwento na what happened during our kasal. As I make
kwento last time, we staged a wedding nga for me and Anyababes. To make JC and
Joanne kiss and make up na with blush on pa and masskara. 

She was so gulat, when she saw me instead of my twinbubbles  to entourage the mini
churchness. But she didn't make any complaints naman kasi we are running out of
oras na. So we proceeded with the wedding. 

Nasight ko siya at she was so Gourgina Wilson talaga dear diary in her wedding
dress. But I also sight na uber nerbiyosness si Anyababes dear diary. Parang
tsutsugiin siya sa kasal.  Wachechecheche.

Anyroads, we finish pa din our weddingbells and of course it's trueness because I
have no more choices naman di ba? So di niya knowssung na trulalu ever ang
weddingbells namin.  She make sign pa nga the paperlue called marriage
certificate. 

Kung you will question if andun si Johnny, aba! Malaysia at Pakistan! Waa me care
kasi  nyosawa ko na si Anyababes. 
At dahil nga trulalu ang weddingbells namin, siempre may lafung! 

Pero nagulatness ever and aking beauty when she asked me if pwede na sila mag
flylalu ni Johnny dahil finish na ang kanyang biznez daw. 

Witchelles pa sana me papayag pero who ba me to make pigil them? Kahit na I am


sooooo Gelli de Belen na, i can't do nada. 

I am just a guy standing in front of a girl, waiting for her to love him. 

I am so naloloka na dear diary.

And will I make sabi to her na hindi echoz ang aming weddingbells? 

Pero howness dear diary?


Hindi tuloy na go ang aming honeybuwan. Witchelles me kung anik ang gagawin!

Paano na ang aming mga magiging junakiss?

Anik to do dear diary?  

Anik!!!?

Frustration overload,

Paola. :P
PS1: Sa sobrang frustrated ko na hindi natuloy ang honeymoon namin, naging baklush
na ako.

PS2: At dahil baklush na ako, si Johnny na lang ang chuchulutin ever ko! Ahihihi.

PS3: Joke lang ang PS1 at PS2. WiiiiiiiiiiiiiI!!

Xbox at Nintendo!

A/N: hahahahha! tae! Binaboy ko ata ang entry na to ni Paolo!

=================

Entry #10

Dear Diary,
Ang sama ng tingin sa akin ni Joanne lalo na nung malaman niya na hindi fake ang
kasal namin ni Anya. Feeling ko kakainin niya ako ng buhay.  At bago siya nag walk
out may sinabi siyang tumagos sa buto at kalamnan ko.

“Paolo, I never thought that you are this coward. Bakit hindi mo ligawan si Anya?
Why can’t you be man enough to face her and woe her and tell her how you really
feel? Why would you resort to this kind of foolishness? Do you think that you could
pull this off and that Anya will have you for this? Well, I have big news for you
brother, because of what you’ve done, you’ve only shown what a coward you are and
Anya would hate you for this.”

Tapos nag walkout ang buntis. Pero naman! Natamaan ako sa sinabi niya.

Tapos itong si Johann, ito ang sinabi?

“Sabihin mo ang totoo and face the consequence of your action.Magpakatotoo ka.”

Fuck!

Oo na dear diary, gustong gusto ko na sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung
papaano? Parang masisiraan na ako ng ulo kakaisip.
Kaya bago pa ako mabaliw, kinuha ko na ang cellphone ko at ginawa ang sinabi ng
kakambal ko at tinext si Anya.

“Tonight is our wedding night, why aren’t you in my bed, wife?” Kinakabahan pa ako
habang itnataype ko yan dear diary pero sabi nga ni Johann magpakatotoo daw ako.

Nagreply agad siya Dear diary at mukhang maganda ang mood niya.

“It’s because, our marriage is not real, my so-called husband.” She called me
husband dear diary. Kinikilig ako. Wooohhh!

“What if it is real wife?”  Nanginginig pa ata ang kamay ko habang tinatype ko yan.
Putcha!

Nakakakaba.

“There is an “if” in your question. And stop flirting with me Paolo. Kailangan ko
nang magpahinga.”

“Anya, our marriage is real, I’m serious.”


Pikit mata kong sinend ang message dear diary. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Ngayon alng ako nakaramdam ng ganitong nerbiyos.

Naghintay ako ng reply mula sa kanya pero lumipas ng 30 minutes, 1 hour at mahigit
pa pero walang reply mula kay Anya.

Habang tumatagal, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Then my phone started ringing....

Anya calling....

What now dear diary?

What now?

Shivering in the dark,


Paolo

P.S. Ang kanta ngayon ay: Tell him (dapat ata her)

I'm scared, so afraid to show I care Will she think me weak if I tremble when I
speak? Ooh, what if there's another one she's thinking of? Maybe she's in love, I'd
feel like a fool Life can be so cruel, I don't know what to do...

=================

Entry #11

Entry #11

Dear Diary,

Kawawa ang author, na block ang wattpad sa office nila. Di na tuloy siya
makapagwattpad pag office hours. Poor her. Wahahaha!

Anyway, back to reality. Siyempre sinagot ko ang tawag ng asawa ko. Nakaktakot
naman kung di ko sasagutin.  Pero hindi pa nga ako naghehello sigaw niya agad ang
narinig ko.

“Anong ibig mong sabihin na totoo ang kasal natin?” Swear dear diary, halos mabingi
ako! Kulang na lang sumabog ang cellphone sa tenga ko. Wew!

“Anya...” Yan lang ang nakuha kong sabihin. Hindi sa natatakot ako kundi hindi pa
ako tapos magsalita, sumigaw na naman siya.

“Mag usap tayo! Magkita tayo ngayon.” Sa totoo lang hindia ko sanay na inuutusan
maliban lang sa mga kapatid kong suwail pero parang madadagdagan ang mga taong may
guts mag utos  sa akin.
“10PM na Anya....”

“WALA AKONG PAKIALAM!!!” Sinabi na niya ang name ng resto na pupuntahan namin.
Tsss... nakakatakot siya pero pag naiimagine ko ang itsura niya habang nagagalit,
siguro dear diary ang cute cute niya.

Obvious na obvious na atat siyang makipag usap sa akin kasi nauna siya sa
restaurant. At hindi pa nga nakakalapat ng pwet ko sa upuan dear diary  nagsalita
na agad siya.

“Sabihin mo sa akin na biro lang ang lahat.” Sabi niya habang nanlilisik ang mga
mata at nakakuyom ang kamay.

“Biro lang ang lahat.” Biglang umaliwalas ang mukha niya at feeling ko nakahinga
siya ng maluwag.

“Talaga! Akala ko talaga totoo. Ang loko mo talaga Pao.” Nakangiti pa siya habang
sinasabi niya yun. Ako hindi ako nakangiti.

“I already told you it was real.” Biglang nawala ulit ang ngiti sa labi niya. Patay
na talaga.

“Pero sinabi mong biro lang ang lahat.” Alam kong naguguluhan na siya dear diary.
Ako nga din naguguluhan na din. Ikaw ba hindi?

“Kasi sinabi mong sabihin ko yun.” Naningkit ulit ang mata niya tapos namula ang
buong mukha niya. Kung wala kami sa restaurant baka pinatay na niya ako o kaya
inilibing ng buhay. Salamat sa nag imbento ng restaurant dear diary.

“How dare you...”

“Anya?” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dear diary kasi may tumawag sa
kanyang lalaki na sa tingin ko na 40’s na.

“Papa!” Biglang napatayo si Anya at tumingin sa lalaki na sa tingin ko ay ama niya


kasi magkamukha sila.

Napatingin sa aming dalawa ang lalaki.  I saw Anya clenching the table cloth.

“Hindi mo ba ako ipakikilala sa kasama mo Anya?” Sabi nung lalaki.

“Papa...” Halatang ninenerbiyos si Anya. Tumayo ako at pumunta sa pwesto nung


lalaki.
“Sir, I’m Jeannie Paolo Zamora, Anya’s husband.” Tapos kinamayan ko ang ama ni Anya
pero habang nagkakamay kami nakikita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi ko tiningnan
si Anya kasi baka bigla na alng akong mamatay dito.

“Nagpakasal ka ng hindi ko nalalaman Anya Grace?” Ang sama ng tingin ng Papa ni


Anya sa kanya tapos ang sama ng tingin ni Anya sa akin alangan naman na titingnan
ko din ng masama ang Papa niya para amanos. Siempre di ko ginawa yun.

“Papa...”

“Sir, pasensiya na po kung madalian ang pagpapakasal namin kasi buntis si Anya at
kailangan ko siyang panagutan.” Narinig ko ang pagsinghap ni Anya. Bahala na dear
diary kung paano ko haharapin si Anya  pero naisip ko kasi na ito na ang
pagkakataon ko.

“Sumunod kayo sa akin, mag uusap tayo.” Tapos naglakad na ang ama niya palabas ng
resto. Sumunod naman kami.

Pero lumapit si Anya sa akin at may ibinulong...

“Mapuputulan  kita Paolo!”

Katapusan ko na ba dear diary? Hindi ba pwedeng patayin na algn niya ako?

Anticipating the pain,

Paolo

P.S. As I have predicted. Ang cute ni Anya pag nagagalit. 

=================

Entry #12

Entry #12
Dear Diary,

‘Hell hath no fury than a woman scorned.’-William Congreve

 Hindi ko inakala na nang gabing yun ko mararanasan ang quote na yan. Grabe dear
diary! Sinasabi ko sayo, grabe ang galit ni Anya sa akin.  Kung pwede pa lang na I
massacre niya ako siguro nagawa na niya. Magpasalamat tayo kay Papa (naks nakiki-
papa na) na andun siya kaya napigilan ang pagmassacre sa akin lalong lalo na ang
pagputol ng aking kaligayahan.

Pero na delay lang pala ng kunti ang galit niya dear diary kasi pagkalabas na
pagkalabas namin sa bahay ng Papa niya mag asawang sampal ang sumalubong sa akin.
It sting dear diary. Whew!

Pero naintindihan ko siya at ang galit niya. Para nga namang pinikot ko siya with
consent. Kung ako din gagawan ng ginawa ko kay Anya magwawala din ako pero sabi nga
ulit ni William Congreve,

‘If this be not love, it is madness, and then it is pardonable.’

Na sinang ayunan din naman ni Anya kasi pagkatapos niya akong sampalin sinabihan
niya akong baliw. Siguro nagbasa din siya ng mga libro ni William. Compatible
talaga kami ni Anya parehas kami ng interest. Hehehe.
Pagkatapos niya akong sinabihang baliw, ilang beses din niyang sinigaw ang ‘I hate
you’ pero hindi ako naniniwala dyan dear diary kasi nga sabi ulit ni William
Congreve,

‘You are a woman: you must never speak what you think; your words must contradict
your thoughts, but your actions may contradict your words.‘

Alam mo naman na fickle minded ang mga babae dear diary di ba? Papalit palit sila
ng isip kaya pag nagpalit na ang isip ni Anya isipin mo na lang kung ano ang paulit
ulit niyang sasabihin sa akin.

^____________________________________________________^

Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.

At isa pa dear diary naramdaman ko sa pag uusap namin ni Papa na gusto niya ako
para sa anak niya. Kaya naman, kung nagawang kung i-Charm ang ama, walang rason
para hindi ko yun magawa sa anak. Oha!

Nagpapasalamat din ako sa kay Papa nung tinanong niya kung kelan daw ba manganganak
si Anya. Excited na siyang magkaapo dear diary. Ibig sabihin magdadalawang isip si
Anya kung puputulan niya ako kasi kung gagawin niya yun, di siya mag kakaanak at di
magkakaapo si Papa. Ibig sabihin din nun, kailangan na naming magdoublt time.

Kailangan ko na bang mag gym dear diary para lumakas ang resistensiya ko?

Kailangan bang everyday, 4 times a day, 3 times or 2 times a day?

Kailangan ko din bang magbasketball para exercise?

Tuwing kelan ba akong pwedeng magbasketball dear diary?

Sa umaga, sa gabi or anytime of the day?

Pampalakas din ba ng resistensiya ang pagswimming? Specifically ang pagsisid?

Grabe napaka inosente ko talaga sa mga bagay na ganito dear diary.

Kailangan ko talaga ng advice mo pag mga ganito na kasi nawawala ako. Alam ko naman
na expert ka sa mga ganitong bagay.

Last na lang pala dear diary. Masarap bang ipatikim kay Anya ang vanilla? Pwede
bang araw arawin yun or kailangan iba iba ang flavor? 

Napakainosente,

Paolo

P.S: Pag eexercise po ang pinag uusapan natin dear diary. Pag eexercise!

=================

Entry # 13

Entry #13

Dear Diary,
Ang cute cute mo! Hindi ko akalaing greenminded ka pala. Wahahaha.

May good news ako!! Sa bahay na namin natira si Anya.  Pinalayas na kasi siya ni
Papa. Hindi yung pinalayas na galit dear diary. Pinalayas kasi may asawa na daw
siyang tao kaya dapat titira na siya sa asawa niya. At ako ang asawa di ba? Alangan
naman na si Johnny!

Mukhang tuloy na tuloy na talaga ang exercise ko. Siguro mas maganda kung sa kwarto
niya ako mag eexercise. May sarili kasi siyang kwarto sa bahay namin.

Pero dear diary, hindi ko akalain na ang hirap pala ng sitwasyon na ganito. Ang
hirap pala na araw araw mo siyang nakikita, araw araw mo siyang nakaksabay sa
pagkain, araw araw mong nakikita ang basa niyang buhok, araw araw mo siyang
nakikitang nakashort na maiksi pero wala kang pwedeng gawin kundi tumingin ng
tumingin ng tumingin.

Isa itong torture.

Iniisip ko tuloy kung nagkamali ba ako ng diskarte. Dapat ba ni rape ko muna siya
bago pakasalan?
Pero sabi nga nila, an eye for an eye and a tooth for a tooth.

Hindi ko naman sinasadya dear diary pero kasi simula nung tumira si Anya sa bahay
namin, at nakikipag englishan kay Inday dumadalas ng dumadalas ang pagsuswimming
ko. Liliwanagin ko lang dear diary. Swimming sa swimming pool. 

Tuwing nakikita ko siyang nakaminiskirt at nakashort at nakasleeveless I always


have this urge to...go for a swim kaya dumidiretso ako sa pool.

Isang tanghali, nag swimming ako dahil katatapos lang namin maglunch and I find her
really sexy while chewing her food. Takte lang.

Umahon ako nung makita ko siyang papunta sa pool. Ganun pa din naman ang suot niya
nung naglunch kami pero natigilan siya nung makita niya ako. Nakita ko din ang unti
unti niyang pamumula at ang paglunok niya. Hindi na ako nagtapis ng tuwalya tinuyo
ko na alng ang katawan ko at lumapit sa kanya. Hindi siya makatingin sa akin dear
diary. At sa tuwing susulyap siya lalo siyang namumula.

How cute is that?

Kaya simula nun, naging ugali ko na magtopless lalo na kung nasa bahay siya. Ang
downside nga lang dear diary, nagppiyesta din ang mga katulong namin.

One time, kinausap niya ako dear diary. Ang nakakapagtaka, hindi siya makatingin sa
akin habang kausap niya ako. Nakatopless ako nun! Pero ewan ko ba at nakatitig siya
sa vase sa tabi ng hagdan gayung magkaharap lang naman kami.

Tapos bigla bigla na lang niyang sinabing...

“Mag Shirt ka nga!” At dahil masunurin akong asawa, nagsuot naman ako ng shirt.
Doon na alng siya nakatingin sa akin dear diary. Ito po ang excerpt ng usapan
namin...

May problema daw kasi siya.

“Papaano ko sasabihin kay Johnny ito?” Yan ang sabi niya. Nakakunot pa ang noo.

“Ako na lang ang magsasabi.” Sus. Ang dali dali lang eh. Sasabihan ko lang si
Johnny ng..’Fuck Off’

“Ikaw ang magsasabi? Gusto mo nang mamatay?”  Napangiti ako sa sinabi niya. Langya
pero kinilig ako doon. Kaya sinabi ko na lang na...

“Concerned?” Namula ulit siya dear diary at iniwan ako.


Dear diary... effective ata ang pagiging half naked ko? 

Pero wag lang niyang maisip na maligo sa pool ng naka two piece kasi baka mapilitan
akong maglakad sa bahay ng nakahubad. 

Still half naked while writing,

Paolo

P.S. May plano akong iparenovate ang LAHAT ng kwarto sa bahay except MY room.  What
do you think dear diary?

=================

Entry #14

Entry #14

Dear Diary,

Ampupu! Walang akong maisulat.  Lutang talaga ako ngayon dear diary na kahit
pagsulat ng entry di ko magawa. Wala naman kasing magandang nangyari sa buhay ko. 
Yun lang. nagsulat lang ako para sabihin na wala talagang magandang nangyari sa
buhay ko. Araw araw na lang kasi akong nasasaktan. Kaya tuloy araw araw akong
pumapasok sa banyo. Napakahirap ng ganitong sitwasyon dear diary. Pucha! 

Habang tumatagal lalo akong nasasaktan. Bakit ko ba kasi pinasok ang ganitong
buhay. Napapabuntunghininga na lang ako lalo na pag dumadaan si Anya sa harapan ko
tapos maamoy ko ang maayang amoy niya at magsisimula na naman akong masaktan.  Ang
sakit talaga! Pucha!

Kaya nung isang gabi nung hindi ko na nakayanan ang sakit pumunta ako sa swimming
para mag night swimming.  Nakakailang lap na ako pabalik balik nung mapansin ko na
may nakatingin sa akin. Nung tumingala ako, nakita ko si Anya na nanonood sa
pagsuswimming ko. Nasa terrace siya.

Umahon ako tapos nagpunas at naglakad  papunta sa kanya. Nakita ko siyang


nakatulala nung malapit na ako. 

Ang ganda talaga ng asawa ko dear diary lalo na at nitong nakaraan hidni na niya
ako masyadong tinatarayan.

Nakalapit na ako't lahat nakatulala pa din siya. Gusto ko nang matawa pero baka
magalit siya.  Tapos nung tinawag ko ang pangalan niya saka siya parang nagulat. 

Tapos nagyuko siya bigla at aalis na sana kung hindi ko lang nahawakan ang braso
niya. Tapos hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinapit ko siya palapit sa akin at
saka siya hinalikan. 

Nung una, nagulat siya sa ginawa ko, at sabihin ng mapagsamantala ako pero hindi ko
kayang tumigil.  Nung una akala ko sasampalin niya ako pero nagulat ako nung
hinalikan din niya ako. 

Medyo nagtagal ang halikan namin dear diary, at sa huli nagkatinginan kami tapos
sabay na napayuko. Tapos umalis na lang siya bigla at parang nakikita ko pa na
namumula siya.

Dahil sa nangyari dear diary, mas lalo akong nasaktan. nabaliwala ako ilang laps na
pagsuswimming ko. At kailangan ko na talagang magcr ulit.

Medyo nabawasan ang sakit pagkalabas ko ng CR.

Kaya ito ako ngayon.... 

Lutang,

Paolo

P.S. Si BlackLily daw nabitin sa kwento. Kasalanan din naman niya. Ayaw niyang
idetalye. 

=================

Entry #15

Entry #15
Dear Diary,

Pasensiya na at ang tagal ko bago magsulat. Kung ikaw sa kalagayan ko, panigurado,
hindi mo na din maisipian ang magsulat. Pero dahil close tayo... sige na nga!

Hindi ko na iisa isahin ang nangyari dear diary. Isasummarize ko na lang. 

Umuwi ang parents ko at laking gulat nila nung malaman nila na ikinasal na ako.
Pero siempre wala silang magagawa. Mabuti naman ang pakikitungo nila kay Anya at
close na agad sila ni Mommy.

Nung una, nainis pa ako kasi umuwi pa sila sa pamamahay nila, pero kalaunan natuwa
na ako. First time ko atang natuwa sa mga magulang ko Dear Diary.  

Kasi naman dear diary, nung kinagabihan na, nung papasok na si Anya sa guest room,
tinanong siya ni Mommy kung bakit sa guest room siya papasok. Nagkatinginan kaming
dalawa at para hindi mahalata na magkaiba kami ng kwarto, nag alibi na lang kami na
dahil sa maselan ang pagbubuntis niya kaya temporarily doon muna kami natutulog na
dalawa sa guestroom.

Kayasimula nun dear diary,

Anya is sleeping in my room. 


 Siempretuwang tuwa ako dear diary. Sino ba naman ang hindi matutuwa na makakatabi
ko na din sa wakas si Anya. Pero hindi ko naman inakala na ang bilis pala ng karma.
At kinarma ako paglabas na paglabas ni Anya mula sa banyo wearing only her pink
nighties. 

Hindi naman sa sobrang manyak na ako dear diary pero lalaki lang ako and I’ve been
sexually deprived simula nung ikasal kami. At ampupu pagod na pagod na akong
magbanyo! Parang awa naman!

Siguro nga naramdaman din niya ang tension kasi hindi siya makatingin sa akin ng
diretso.   Noong una, nahihiya pa siya pumunta sa kama pero alangan naman na sa
sahig siya matutulog. At lalong ayaw kong tumayo mula sa pagkakahiga ko kung ayaw
kong makita ni Anya ang kasalukuyang kalagayan ko.

Kaya labag man sa kalooban ko. (Winks). Tabi kaming natulog na dalawa.

At ano pa ba ang mangyayari pag nagkatabi ang isang  hot na babae at isang hot na
lalaki?

But then I discovered something that I have never expected.

My wife was a virgin.

I have a shock of my life.


But still...

Wanting more,

Paolo

P.S.:

^________________________________________________________________________^

=================

Entry #16

Entry #16

DEAR PAOLO,
WHAT THE FUCK IS THIS?

CAN'T WAIT FOR TONIGHT WHERE YOU WILL BE SLEEPING OUTSIDE YOUR ROOM,

ANYA.

P.S. EXPLAIN OR DIE.

P.S. S. DO YOU REALLY HAVE  TO MENTION HERE THAT I WAS A VIRGIN? DO YOU REALLY
WANNA DIE?
=================

Entry #17

Entry #17

Dear Diary,

Hahahahaha! Di ko akalain dear diary na mapagbiro ka pala. At nakakatuwa na


nagrereply ka na ngayon at mas lalong nakakatuwa kasi ang lakas pala ng sense of
humor mo. Akalain mo bang muntik mo na akong mapaniwala na ikaw talaga si Anya.
Hahaha!

For a split second, kinabahan ako dear diary. Pero for a split second lang naman.
Akala ko talaga mabubuko na ako. Whew! Buti na lang joke lang ito. Kasi impossible
namang makita ka ni Anya eh nakalagay ka sa ilalim ng mattress ng kama namin. Ang
kapal kapal ng mattress kaya impossibleng maramdaman ka niya. Ikaw talaga dear
diary kung makapag joke, wagas! You almost got me there! Almost! Hehehe.

Pero alam ko naman na kaya mo ginawa yun kasi miss mo na ang pagsusulat at ang
pagkkwento ko. Kaya magkukwento na ako sa mga nangyari these past few days. Medyo
kasi naging busy ako.

Anyway, kinausap ko si Johnny para matapos na ang mga hadlang sa pagmamahalan namin
ni Anya. Nung una kaming nagkita, galit na galit siya sa akin kasi nga sinulot ko
si Anya. Susuntukin niya sana  ako kasi traidor daw akong kaibigan. Oo na! Sinulot
ko na ang girlfriend niya. Oo na, pinlano ko ng agawin si Anya sa kanya. Oo na
niloko ko na siya. Pero hindi lang naman ako ang nagtraidor, hindi lang naman ako
ang nanloko.
Kung makapagsalita siya, akala mo isa siyang dakila, isa siyang bayani  at  isang
ideal boyfriend. Pero kung naloko niya si Anya, ako hindi niya maloloko. Dahil
walang matinong boyfriend ang magkakaroon ng sangkatutak na discount card sa
kanyang wallet gayong ang kanyang girlfriend ay isang virgin.  Nagsasuggest pa siya
dati ng motel na may magandang room at facility sa amin na para bang napasukan na
niya ang lahat ng motel sa Metro Manila. Kung hindi si Anya ang dinadala niya doon,
alangan naman matulog siya doon mag isa.

Kaya ayun, bago niya ako nasuntok, naunahan ko na siya. Pero nasuntok din niya ako,
hindi nga lang ako nasapol. Hindi ko hahayaang masuntok niya ang mukha ko, ang pogi
ko kaya!

So, yun ang nangyari. Hidni ko muna sinabi kay Anya na nakausap ko si Johnny kasi
sabi niya siya daw ang kakausap. Para namang papayag ako na makipagkita siya doon.

Sa susunod dear diary, wag ka ng magbiro ng ganun ha. Kung namimiss mo ako sabihin
mo lang.

Hastalavista baby!

Paolo

P.S.  Paano nga kaya kung mabasa ni Anya ang diary ko? Mabubuhay pa kaya ako sa mga
susunod na  araw?

=================

Entry #18
Dear Paolo,

Adik ka ba? May diary ba  na nagsusulat? 

And remember the night when you broke my necklace and put it underneath the
mattress? 

You are so dead.

Freaking mad,

Anya

P.S. Sa tingin ko hindi ka na masisikatan ng araw. 

=================

Entry #19

Entry #19

Dear Diary,
Matagal tagal na din tayong nagsama. Alam mo ang lahat ng sekreto ko, lahat ng
kalokohan ko, lahat ng pinag iisip ko at lahat ng kabaliwan ko. Lubos kitang
pinagkakatiwalaan at alam kong hinding hindi mo ako ipagkakanulo at hindi mo ako
iiwanan. Kulang na nga lang ikaw na lang ang asawahin ko. Pero pasensiya ka na kasi
mas nauna kong nakita si Anya. Kung nagkataon lang na mas nauna kitang nakita baka
ikaw ang pinikot este pinakasalan ko. Ahehe. 

Pasensiya na din Dear Diary at hindi kita iningatan, nakita ka tuloy ni Anya.
Nalaman tuloy niya ang sekreto nating relasyon at ngayon ay nanganganib ang ating
matiwasay at tahimik na pagsasama. Lubos kong ikinalulungkot ang mga pangyayari at
lubos kong pinagsisisihan ang aking kapabayaan. (Chos!)

Nakakalungkot mang isipin na malamang ito na ang magiging huling pagtatagpo natin.
Dahil alam kong sa susunod na pagtatagpo natin, makikita at malalaman iyon ni Anya.
At ayaw kong simulan iyon ng aming away. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal
di ba? (Anya, wag ka munang kiligin, okay?)

Pero bago tayo maghiwalay Dear Diary gusto kong ibahagi sayo ang isang bagay na
nalaman ko 30 minutes ago. Hindi ko gustong ipagkait ito sayo. Nalaman ko Dear
Diary na....

Virgin pa pala ako!

Joke lang! Wahahahaha. (Ayan tumawa ka na. Joke nga eh!)

Ito na talaga Dear Diary, 2 hours ago, sa paghahanap ko ng Marriage contract namin
ni Anya na hidni ko matandaan kong saan ko nailagay, nabuksan ko ang drawer sa
isang closet namin na naglalaman na ngayon ng mga damit ni Anya. Sa pagbukas ko ng
drawer may nakita akong isang notebook na pink na may hello kitty na design.
Alangan namang akin yun di ba? 
Na curious naman daw ako sa notebook kaya binuksan ko ito. Sa unang page pa lang na
nakasulat na...

UNAUTHORIZED PERSONS KEEP OUT. 

in pink ink.

Hindi ko sana babasahin Dear Diary, pero naisip ko kasi, asawa ko si Anya, at dahil
mag asawa kami, what's mine is hers and what's hers is mine. In short conjugal
property. Kaya sure ako na hindi ako unauthorized person. Kaya ayun I turned the
second page and the first line says...

Dear Diary...

And 2 hours ago, nagsimula akong magbasa. Nasa page 10 palang ako.

At magugulat ka sa mga nabasa ko. 

Hanggang dito na lang Dear Diary. Masakit man pero magpapaalam na ako sayo. Because
the moment I closed this book, hindi na kita pagmamay ari. Magiging conjugal
property ka na rin. WAhahahaha!
Lubos na nagpapasalamat at nagmamahal,

Paolo

P.S.:

Anya dear,

Alam kong nababasa mo ito. At tama ka, nabasa ko ang diary mo. So far, sa 10 pages
na nabasa ko, I found something very interesting and intriguing. Doon pa lang pala
ako sa part wherein you wrote...

'...I have this awful crush with Joanne's brother Jeannie Paolo...'

'...alam kong mali kasi may boyfriend ako pero...'

'...naglaro kami ng PS3 sa bahay nila and I find him really attractive. God! I
think I'm already falling for him. And it's so wrong because...'

I now have your diary kasi hindi ko pa tapos basahin. If you want it back you have
to get it from me but first we've got to have that talk you've been asking. But I
must insist that we must only talk about two things.

One: We could discuss the contents of our diary (Which I think is unnecessary but
if you insist, then,  fine.)

And the second and most important is:


Your Acceptance to my marriage proposal.   

Love,

Paolo.

P.S.S. Dear Diary, sa tingin ko hindi ako matutulog sa labas ng kwarto mamaya. What
do you think? ^__^

=================

Author's Note

Bitin ba?

Hanggang dito na lang po talaga ang Diary ni Jeannie Paolo. Dito na po nagtatapos
at hidni na po madudugtungan ang Diary.

Kung kayo ba kasi sa kalagayan ni Paolo, may nakabasa na ng diary niyo at may
access na ang iba, sa tingin magsusulat ulit kayo sa diary na yun? 
This ia a diary and alam naman nating lahat na ang diary ay wala talagang ending
kasi descretion ng tagasulat kung magsusulat pa siya ng entry o hindi.

Pero malay natin pag nakaluwag ako makakapagsulat ako ng kwento ni Anya at Paolo.
Sa ngayon kasi hindi pa pwede kasi madami akong on going stories. 

Yun lang po. 

You might also like