Professional Documents
Culture Documents
Tapos ano?
Janiya: (Narr) Bangayan at sigawan, ‘yan ang tanging maririnig mo sa aming tahanan.
pakinggan. Inaakala kong sa mga bagay lang na ito umiikot ang aking mundo. Yung
tipong nakasanayan ko na ang mga eksenang ito ngunit hindi ko inaasahan na mayroon
Janiya: Shhh Clea hayaan mo muna si Mommy at saka anong oras na ah pumasok ka na sa
nun mamaya.
Hailey: Sige na nga...gisingin niyo po ako mamaya kapag dumating na si Daddy ha?
Janiya: Sige bunso, pamgako iyan. Huwag mong kalilimutan magdasal bago ka matulog.
Anne: Hindi nga sumasagot ‘yang tatay mo,,,hindi ko na alam ang gagawin hayst!
Janiya: Baka naman po marami lang talagang ginagawa sa trabaho ma. Kilala mo naman po si
tatay, hindi tumitigil kaka-trabaho. Magpahinga na po kayo ma, saka huwag niyo na po
Anne: (Buntong hininga) Sige na nak at magpahinga ka na rin. Ako na ang bahala sa tatay niyo,
tiyak na pauwi na nga iyon. Pasensiya na’t pati kayo’y nag-aalala ha? Tabihan mo muna ‘yong
kapatid mo habang hinihintay ko ang tatay niyo. Magdasal kayo bago matulog.
Anne: Anong oras na Joaquin ah? Saan ka na naman galing at ginabi ka na naman?
Nathan: Pwede ba Amalia pagod ako! Hindi ba pwedeng bigyan mo naman ako ng katahimikan
Anne: Paano ako tatahimik eh halos hindi ka na nga umuwi sa bahay na ‘to!
(Singhot) At saka bakit amoy babae ka ha? Trabaho ba talaga ang inaatupag mo?
Nathan: Ano ba Amalia! Sinabing pagod ako at ano na naman bang pinagsasabi mo? Paano kita
uuwian kung araw-araw ka ring kuda nang kuda? Nakakasawang buhay ‘to!
Orlan: (Kumatok) Joaquin, Amalia, pwede bang pumasok?
Nathan: Kailangan ko talaga makaalis dito at makapagpahinga ng ilang lingo sa dinami dami ng
aking problema.
Anne: (Huminga ng malalim) Gawin ninyo kung ano ang gusto ninyo. Hindi ko na ito kaya!
Janiya: Simula ng gabing iyon ay ilang araw din naming hindi nakapiling si papa. Gabi-gabi ay
naging miserable ang buhay ni mama, palaging nag-iinom, at hindi makausap ng maayos. Unti-
unting nasira ang pag-asa ko na muling mabubuo ang aming pamilya. Hindi ko alam ngunit ang
nasa isip ko na lang ay lumayo sa aming bahay upang magkaroon ng katahimikan. Samantala,
ang tanging naging takbuhan ko ay ang aking barkada’t walang katapusang pagwa-walwal.
Janiya: Hayaan mo muna akong magpakasaya Tiffany, ngayon na nga lang ako nakatakas sa
Baste: Oo nga Tiffany, napaka-KJ mo talaga kahit kailan. Napaka-lungkot naman ng buhay mo!
Leona: Hoy Dongs! Imbes na tulungan mo akong patigilin ‘tong si theang eh kinukunsinti mo pa
Janiya: Alam niyo kung magbabangayan lang din kayo sa harapan ko eh pwede bat’t layuan niyo
muna ako?
Leona: Layuan ka diyan, alam mo kasi kung ano man yang problema na dinadala mo eh hindi
sagot ang alak diyan. Parati naman kaming nasa tabi mo para pakinggan ka basta’t handa ka ng
Baste: Sus dami-dami mo pang sinabi eh ayaw mo lang talaga uminom. KJ!
Anne: Jusmeyo ka talagang bata ka kahit kailan! Halika na’t uuwi na tayo.
Anne: Tapos ano? Magpapakalunod ka diyan sa bisyo mo? Kailan ka pa natutong mag-inom ha,
Janiya: Eh ano na naman kung nag-iinom ako? Wow ha may pake ka pa pala sa’kin.
iinom mo?
Janiya: Bakit hindi mo yan tanungin sa sarili mo? Pareho lang tayo nawalan ma pero bakit
naman kailangan mo kaming pabayaan ng kapatid ko. Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan!
Anne: Ah ganon? Sige’t sirain mo nang tuluyan yang buhay mo. Magsama kayo ng tatay mo!
Gio: Ako na nga tong nagmamalasakit tapos magsusungit ka lang? Ano bang nangyari at mukha
Janiya: Pwede ba? Hindi mo alam ang pinagdadadaanan ko tapos ang lakas ng loob mong
nagsusungit diyan noh. Seryoso ako dito miss, ano ba talagang nangyari?
Janiya: Alam ko naman na huhusgahan mo lang din ako kaya bakit pa ako magsasayang ng
Gio: (NGITI) Paano naman kita huhusgahan eh ni hindi ko nga alam ang pangalan mo.
Janiya: Sa dinarami-rami ng tao sa mundong ‘to, bakit ba ako napunta sa pamilyang wala naman
pakialam sa amin. Buong buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi sundin ang gusto nila na
kahit alam kong nasasakal na ako eh sinusunod ko pa rin kasi nga magulang ko sila. Pero bakit
hindi nila kami magawang pakinggan? Hindi man lang nila naisip yung nararamdaman namin ng
kapatid ko sa tuwing nag-aaway sila sa harap namin. Bakit mas pinili pa nilang takbuhan yung
problema nila kaysa mag-ayos at sabay-sabay kumain ng hapunan? Siguro nga’t wala talaga
akong silbi sa pamilyang iyon kaya nagagawa nila ang lahat ng ito.
Gio: Alam mo kasi miss kahit baliktarin mo pa ang mundo eh sila pa rin ang pamilya mo. Kahit
gaano pa kabigat ‘yang nararamdaman mo, sa huli ay sila pa rin ang uuwian mo. Siguro nga
ngayon ay nagkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan pero naniniwala ako na darating yung
araw na masasagot lahat ng “bakit” mo, na muling mabubuo ‘yang pamilya mo.
Janiya: Mabubuo? Nagpapatawa ka ba? Bakit pa ako maniniwala diyan kung kitang-kita ko
Gio: Ayan ka na naman sa bakit mo. Sa tingin mo ba’t bibihisan ka nila at papakainin sa araw-
araw kung wala silang pakialam sa’yo? Isipin mo nga miss, simula ba noong lumabas ka sa
kino-kontrol ka nila pero baka naman gusto lang nila na na maging maayos ang lagay mo.
Janiya: Sa kagustuhan nilang maging maayos ang lagay namin ng kapatid ko eh nakalimutan
nilang may nararamdaman din kami at tanungin kung ayos lang ba ang pinaggagawa nila.
Gio: Pero miss gaya nga ng sinabi ko, sila pa rin ang mga magulang mo. Wala namang magulang
ang hindi nagmahal ng anak pero mayroong idinadaan sa ibang bagay para lang maipakita ang
kanilang pagmamahal. Huwag mong hayaan na tuluyang balutin ng galit 'yang puso mo miss.
Ang tanging maipapayo ko lang sa iyo ay umuwi ka nang nauunawaan mo ang lahat, na walang
Leona: (TIKHIM) Grabe naman ang mala word of wisdom natin diyan insan.
Leona: Ano ka ba Thea siya yung madalas kong ikwento sa’yo na pinsan kong ubod ng
kahanginan. Naloka naman ako sa pag-dadrama niyo riyan ha, pakiramdam ko tuloy ay pati ako
ay natauhan.
Leona: Tse! Pero salamat ha, hindi kasi nakikinig sa’kin itong kaibigan ko. Hindi mo naman
sinabi sa akin Thea na pinsan ko lang pala ang kailangan mo para magising ka!
Gio: Hep! Bago pa kayo tuluyang mag bangayan diyan eh mabuti pa’t ihahatid ko na kayo
Gio: (NGITI) Maliit na bagay. Sana’y kahit paano ay gumaan ‘yang pakiramdam mo. Mag-iingat
mananatili pa rin akong nakatayo sa labas ng aming bahay at nag-aantay na pagbuksan ng aking
ina. Tila natauhan ako sa bawat salitang ibinato niya sa akin. Mas pinili kong ipagbukas na lang
ang paghingi ng tawad at hinayaan na tuluyang maging malinaw sa akin ang sitwasyon ko
ngayon.
Anne: Masiyado naman atang malalim ang iniisip ng panganay ko. Heto at mag-almusal ka
muna.
Janiya: (IYAK) Ma, patawad po. Patawad po kung naging sutil ako. Patawad po kung pinag-
alala at hindi ako nakinig sa inyo. Patawad po kung iniwan ko kayo noong oras na kailangan mo
ng yakap. Patawad po kung mas inuna ko yung galit kaysa magpakatatag at tulungan ang
pamilyang ito.
Anne: Hindi mo kailangang humingi ng tawad anak. Kung tutuusin ay kami dapat ng papa mo
paghihigpit, at sa mga pagkukulang namin bilang mga magulang ninyo. At ako bilang ina mo,
pasensiya anak kung naging mahina ako at kung nagpadala ako sa emosyon kaya nasabihan kita
Janiya: Ma, hindi ka naman mahina eh hanga nga kami sa’yo ni bunso kasi ikaw ang sumasalo sa
Anne: Kailanman ay hindi ka nagkulang anak. Sobra-sobra pa nga ang pahihirap mo bilang
panganay sapagkat madalas mong akuin ang mga responsibilidad na hindi mo naman dapat
hindi ko rin po kayo masisisi kung bakit tayo umabot sa puntong ito. Mahal na mahal ka namin
Anne: Mahal na mahal ko rin kayo anak. Tama na nga ang drama, masiyado mo naman
pinapaiyak si mama. Nakausap ko ang papa mo kagabi, pauwi raw siya sa makalawa, sa araw ng
Anne: Sus ako pa! Sige na’t tawagan mo na ang mga bisita mo, huwag mong kalilimutan si
malamang na pupunta po ‘yon. Sige na po at titingnan ko rin muna si bunso paniguradong na-