You are on page 1of 13

SCENE 01

Sa isang opisina kung saan ay may nakaupong 3 tao na nag uusap usap at may papasok na babae na
ang ngalan ay si nikki

Nikki: Magandang Umaga! oh, andito din pala kayo isay at caloy kayo ah naunahan niyo pa ako.

Nikki: Magandang umaga po mother (at sabay mano ni nikki sa matandang babae na ang ngalan ay
ms.glai ang umampon sa kanilang tatlo nang sila ay nasa punto ng buhay na naghihirap at
nangangailangan ng tulong)

Ms. Glai/Mother: Magandang Umaga rin sayo nikki ako'y talagang masaya na kayong tatlo ay dinalaw
ako dahil alam kung gaano kayo kabisi sa inyong kanya kanyang buhay na.

Nikki: Naku mother! kaya nga po haysss naalala ko na kung hindi po dahil sa inyo ay wala ho kami
ngayon kung nasaan kami ako'y talagang nagpapasalamat sa inyo mother kung hindi dahil sa inyo baka
wala pa rin kaming patutungahan ngayon.

Caloy: Ay Naku mother! talagang kamiy nagpasalamat na kayo ang kumupkop saamin dahil kayo ay
maunawin, mabait at higit sa lahat tanggap niyo kami kung ano man kami noon.

Isay: kaya nga po mother, kayo lang ho ang nakinig sa mga problema namin noon na wala ho kaming
magpasabihan at bukod pa po don ay tinanggap niyo ho kami at itinuring na mga anak kami mo po ay
lubos na nagpapasalamat talaga sa inyo mother.

Ms. Glai/Mother: Ako'y masaya na marinig ang inyong mga sinasabi aking mga anak. masaya ako na
kayo na aking tinulungan at itinuring na mga anak ay susunod sa aking yapak sa pagtulong sa mga taong
nangangailangan kagaya niyo mga kakabaihan na humantong sa kawalan ng pag-asa at isang pusong
babae na ang nais lang ay ang pag-unawa at pagtanggap.

Nikki: masayang masaya ho talaga ako mother na naging isa ho akong psychiatrist dahil nakakatulong
ako sa mga pasyente ko yung iba sa kanila kailangan lang talaga ng taong mapagsasabihan ng kanilang
problema.

Isay:

Caloy: Ako namn po mother naging isa ng barangay chairman at napatunayan ko sa kanila na hindi
hadlang ang kasarian upang makatulong sa mga taong nangangailangan.

Ms. Glai/Mother: Proud na Proud ako sa inyong tatlo kahit na hindi maganda ang simula ng buhay niyo
at nakaranas kayo ng mga bagay na masasama ay hindi iyon naging hadlang maging mabuti at
matulinging tao kayo bagkus ito pa ang ginawa ninyo lakas upag malagpasan at magtagumpay sa buhay.
(Ngiting pagsasabi nito)

Nikki: Kaya nga po naalala ko nanaman ang buhay namin noon. (Sabay tingin sa labas ng bintana)

SCENE 02
Wala sa sariling naglalakad nang nakapaa si Isay na animo'y nasa iba nakatuon ang kaniyang isipin. Tila
hinang hina ang dalaga na naglalakad sa gilid ng isang ilog. Maya maya ay huminto ang dalaga at
humarap sa ilog, nakatulala siya at nakatingin sa malayo. Nagtangka itong tumalon sa ilog ng may
biglang humatak sa braso nito na sanhi para pareho silang tumumba.

SCENE 03

(Sa bahay ni Chiki, gay na kaibigan ni Caloy)

Inabutan ni Chiki ng tubig ang tatlong magkakaibigan na sina Caloy, Isay, at Nikki.

Chiki: Nako naman beh, bakit ka naman tatalon sa ilog buti nalang nakita ka nitong baklang 'to.

(Sabay turo kay Caloy na nakaupo sa gilid at nagmamake-up)

Caloy: Hay nako madir, nakakaloka ang babaitang yan. Di tuloy ako naka-attend sa school meeting
namin, SSG president pa naman akes. (Ani nito habang naglalagay ng lipstick)

Nikki: Ayos ka lang, Isay? Parang wala ka sa sarili mo kanina pa, may peoblema ba? (Nag-aalalang tanong
nito sa kaibigan)
Walang anumang salita ang lumabas sa bibig ni Isay at nanatili lang itong nakayuko.
Maya maya ay nakarinig sila ng sumisigaw mula sa labas nina Chiki kaya naman agad itong pinuntahan
ni Chiki.
Chiki: Sir Carlos? A-ano pong ipinunta niyo rito? (Kinakabahang tanong ni Chiki)
Hindi pinansin ni G. Montecillo, tatay ni Caloy si Chiki at agarang pumasok sa loob. Striktong ama si G.
Montecillo at ayaw na ayaw nito sa nga bading kaya mahirap para kay Caloy na ilantad ang kaniyang
tunay na pagkatao.

G. Montecillo: Nasaan si Caloy? (Tanong nito sa mataas na tono)


Chiki: Si Caloy po ba? Nasa CR po masama daw po kasi lagay ng tiyan niya.

Kasunod ng pagbanggit nito ni Chiki ay ang paglabas ni Caloy sa banyo na tanggal na ang mga
koloreteng kanina ay inilalagay nito sa kaniyang mukha.

Caloy: T-tay bakit po kayo nandito?


G. Montecillo: Tumawag sa bahay ang school mo at sinabi na hindi ka umattend sa school meeting niyo
at ngayon makikita lang kita dito sa (tumitig ito kay Chiki mula ulo hanggang paa) bahay ng BAKLANG to?

Caloy: Pa, 'wag dito. Hindi natin 'to bahay.


Chiki: Ah tito kasi po--- (Hindi na naituloy ni Chiki ang sasabihin niya ng titigan siya ni G. Montecillo ng
masama)

G. Montecillo: Tito? Kailan pa kita naging pamangkin? Napapahiyang yumuko nalang si Chiki.
Bumalik ang tingin ni G. Montecillo kay Caloy.
G. Montecillo: Lumabas ka! Isa...Dalawa...
Hindi na hinintay ni Caloy na makabilang ang tatay niya hanggang tatlo at agad na siyang lumabas sa
bahay ni Chiki.
Nang makalabas sila ay agad na sinermonan si Caloy ng kaniyang ama.
G. Montecillo: Bading ka ba? Puro babae tsaka bading madalas mong kasama ah, hindi ba't sinabi ko
sayo na makipagbarkada ka sa mga lalaki? Ano, bading ka ba?!

Caloy: Hindi, Pa. (Seryosong sagot nito.)

SCENE 04

Naglalakad pauwi si Nikki. Nang makarating sa kanilang bahay ay naabutan niya ang nakababatang
kapatid na nilalagnat. Si Adjang at ang kanilang ina nalang ang kasama nito.
Nikki: Adjang, ang init mo. (Nag-aalalang sabi nito sa kapatid)

Adjang: Ate~

Hinanap ni Nikki ang ina at nakita sa sulok ng kwarto na nakatulala. Simula nang iwan sila ng kanilang
ama ay naging ganito na lagi ang kanilang ina, laging nakatulala.
Nikki: Nay. (malungkot na bulong ni Nikki habang nakatingin sa nanay niya) Agad na ibinalik ni Nikki ang
kaniyang atensyon sa nilalagnat na kapatid.
Nikki: Teka lang adjang ah, kukuha lang si ate ng pera sa alkansya para makabili ako ng gamot mo.

Malungkot at tila maluluhang kumuha si nikki ng pera mula sa kaniyang alkansya. Simula nang iwan sila
ng kanilang ama ay siya na ang tumayong ama sa kanilang pamilya at pumasok siya sa iba't ibang part
time jobs.
Nikki: Adjang! Lalabas lang ako ah, bibili ako ng gamot para gumaling ka agad. (Sigaw nito sa pinto ng
kanilang kwarto at bago umalis ay sinulyapan ni nikki ang kaniyang ina ngunit nakatulala pa rin ito.)

Habang naglalakad papuntang pharmacy ay nakasalubong niya si Jackie, isang bugaw.

Jackie: Oy, Nikki! (Kaway nito kay Nikki mula sa di kalayuan)

Nikki: Hi po, ate Jackie


Jackie: Oh saan ang punta mo?
Nikki: Bibili lang po ng gamot, nilalagnat po kasi si Adjang.
Jackie: Nako, edi nagalaw mo nanaman ang ipon mo. Oh eh si Magda, ang nanay mo, ano na ang lagay
niya?
Nikki: Ganun pa rin po, nakatulala pa rin sa bintana.
Jackie: Alam mo Jackie, 'wag ka nang mag tiyaga jan sa mga part time jobs mo na yan, mababa lang din
naman ang kinikita mo.
Nikki: Di po pwede, yun lang po yung pwede kong gawin para kumita ng pera.
Jackie: May alam akong trabaho na mabilis ang kita ng pera. (Tinitigan ni Jackie si Nikki mula ulo
hanggang paa) Alam mo maganda ka eh, tsaka sexy kaya sure akong madaming customer na pipili sayo.

Nikki: Customer? Ano po bang trabaho yan?


Jackie: Madali lang ang gagawin mo, sasama ka lang sa mga parokyano ng isang gabi at lahat ng
ipapagawa nila sa'yo, susundin mo lang. Malalaki magbigay ng tip yung mga yon lalo na 'pag maganda
ang performance mo.

Nikki: Po? Ano pong trabaho yung tinutukoy niyo?


Jackie: Edi mag-pokpok (mahinang bulong nito)
Nikki: POKPOK?! ( Di makapaniwalang tanong nito)

Jackie: Ano ka ba Nikki, baka may makarinig sa'yo.

Nikki: Sorry po, pero okay na po ako sa mga part time jobs ko, wala po sa plano ko na sumabak sa
ganyang trabaho.
Jackie: Nako, wag ka magsasalita ng tapos. Oh siya pag-isipan mong maigi, mauuna na'ko. Basta 'pag
nakapag desisyon ka na, puntahan mo lang ako aa bahay.
Napilitan nalang na ngumiti at tumango ai Nikki tsaka nagpatuloy sa paglalakad upang bumili ng
gamot para sa lagnat ng kapatid.

SCENE 05

(Sa loob ng paaralan)

Nikki: Hi caloy (Nakangiti habang kumakaway mula sa di kalayuan)

Caloy: Oh nikki, kumusta

Nikki: Ito maraming kailangang isipin.


Caloy: Alam kong mahirap ang iyong kalagayan ngunit alam kong malalagpasan mo rin yan at gayundin
ng iyong pamilya.
Nikki: Maraming Salamat, ngunit kung ako ang tatanungin hindi ko nais ang makita silang nahihirapan.
Caloy: Hindi magiging madali ngunit magtiwala ka lang at magiging okay din ang lahat.

Nikki: Gayunpaman ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, gumagawa ako ng paraan upang sa gayon
ay matugunan parin namin ang aming pangangailangan.
Caloy: Ano ka ba, tandaan mong hindi ka nag-iisa maaari mo akong tawagin sa oras na kailangan mo ng
tulong. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya.
Nikki: Hay! Tama na ang drama, pero salamat sa iyong pag-aalala.
Caloy: Wala yun (sabay hampas sa balikat ni nikki ng hindi kalakasan) ah basta pag kailangan mo ng
tulong magsabi ka. Oh siya sige na, at hanapin na natin si isay tiyak na may ginagawa na naman yun.
Mula sa malayo ay naaninag nila si isay na tila marami ngang ginagawa.
Caloy: Si isay na ba yun?
Nikki: Siyang tunay

Lumapit at inusisa kung ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng kanilang kaibigan.


Caloy: Isay (Mahinhin na tawag nito sa kaibigan)

Isay: Oh, caloy at nikki bakit kayo naparito, tila may dala kayong balita kayat hali na kayo rito sa tabi ko
at ikwento sa akin yan.

May lumapit na kamag aral ni isay na isa sa mga nagpapagawa sakanya ng essay.

Nagpapagawa ng essay(1): Hi isay tapos kana? ang galing ko naman pwede bang magpagawa ulit sayo
ng essay, sige na naman oh.

(Pagmamakaawang sambit nito kay isay)

Isay: Oo sige.

Nagpapagawa ng essay(1): Thank you isay, the best ka talaga. (Sabay yakap kay isay)

Nagpapagawa ng essay(2): Hi isay, pwede din ako.

Sa paglapit nito ay kasabay ang iba pang kamag-aral nito na nagpapagawa din ng essay kay isay

Habang nakatingin si caloy at nikki sa mga lumalapit kay isay ay kanilang napansin na oo lang ito ng oo
kung kaya't kanilang inaway ang mga kamag-aral nito na inaabuso ang kabaitan ni isay sa kanila.
Caloy: hoyyy! Magsi-tigil nga kayo masyado kayong abuso sa kabaitan na binibigay sainyo.

Nikki: Kung ako sainyo magkukusa kayong gawin yan dahil hindi lang naman kayo ang dapat isipin ng
kaibigan namin.
Isay: Tama na yan, ayoko ng gulo.
Nikki: Masyado ka din kasing mabait, oo ka lang din ng oo kaya ka naaabuso.(Sambit nito kay isay ng
may pag aalala).
Caloy: Kaya kung ako sainyo, ititigil niyo yan kung ayaw niyong matawag tayo pare-pareho sa

principal's office.

Sa naganap na sagutan sa pagitan ng mga kaibigan ni isay at sa kanyang mga kamag-aral ay tumigil na
nga ang mga ito sa pagpapagawa kay isay ng essay.

SCENE 06
COMING SOON….

SCENE 07

Kakauwi lang ni Nikki galing sa eskwelahan nang makita niya si Adjang na nakatingin at nakaturo sa sulok
kung saan nakaupo ang ina. Nang dumungaw siya sa pintuan ng kanilang kwarto ay sinalubong siya ng
kaniyang ina na hindi na nakaupo at nakatulala lang sa silya nito kundi ay nakasabit na sa lubid na tinali
sa kisame, nagpatiwakal ang kanila ina.
Nikki: Nay?~ (Nanginginig na bigkas nito habang papalapit sa ina)
Adjang: Ate si nanay, bakit nanjan si nanay? (inosenteng tanong nito)
Nikki: Nay! Nay! (Sigaw nito habang hinahaplos ang malamig nitong paa)

Kumaripas ng takbo si Nikki papuntang kusina para kumuha ng gunting. Pagbalik sa kwarto ay agad
niyang ginupit ang lubid na nakatali sa sahig at nahulog sa sahig ang kanilang ina.
Nikki: Nay! Gising na po, Nay! (Sigaw nito habang tinatapik ang ina sa pisngi na animo'y ginigising lang sa
pagkakatulog)

Sa kaloob looban ay gustong humagulgol ni Nikki ngunit walang luha na lumalabas sa kaniyang mga
mata. Lumingon ito at lumapit sa kapatid sabay yakap ng mahigpit

Fast forward sa lamay

(Sa bahay ni Jackie)

Jackie: Sino yon? (Tanong nito sa kumakatok sa pintuan at bumungad si Nikki na blangko ang
ekspresyon)
Jackie: Oh Nikki, nabalitaan ko ang nangyari sa nanay mo, Condolence. (Sinserong bigkas nito)
Nikki: Magkano?

Jackie: Magkano? A-ang alin? (Takang tanong nito)

Nikki: Prostitute, magkano kikitain ko? (Diretsong sabi nito na nananatili pa ring seryoso)

Jackie: Depende kung ilan ang customer at depende sa tip na ibibigay sayo, pinakamababa na yung 3k sa
isang araw.
Nikki: Gusto ko na magsimula mamaya.
Jackie: M-mamaya? S-sige, hahanapan na kita ng customer ora mismo. (Nagtataka ngunit nakangiting
banggit nito).
Ang tanging laman lang ng isip ni Nikki ay kung paano niya masusuportahan ang kapatid ngayong wala
na ang kanilang Ina at wala siyang ibang choice kundi ang lumapit kay Jackie at maging isang bayaran.

SCENE 08

Puno ng ingay at bulong bulungan ang pasilyo ng skuwelahan dahil sa litrato ni nikki na malalaswa na
kumalat labis na kahihiyan ang nararamdamn ni nikki

Isay: Nikki totoo ba 'to ? Ikaw ba yung babae sa sa picture?Mahinahong tanong nito. Di nagsalita si nikki
dahil sa labis makahihiyan

Rina: Patingin nga!Sabay kuha ng cellphone ng isang studyante, halata sa mukha nito ang pandidiri.

Rina: Seriously Nikki? Di ka ba tinuruan ng nanay mo ng magandang asal? Ay oo nga pala nakalimutan ko
patay na nga pala nanay mo, condolences ha.Agad kinuha ni caloy ang cellphone hawak ni rina
bahagyang tinulak ito
Caloy: Pwede ba Rina, for once manahimik ka?
Chiki: Oo nga, ilang beses kaba pinakain ng nanay mo ng pwet ng manok?(Pangungutsa nito)
Rina: Bagay kayong magsama samang tatlo... The problematic trio.(Pagtataray nito.)
Chiki: Apat kami ah saan ako dun?
Ambahan sana ng sambunot ni Chiki si RIna nang biglang may sumigaw na student.
Student: Caloy, yung papa mo!

Caloy: Bakit!? (Natataranta nitong tanong).

Pagkarating sa kabilang classroom akmang guguputin ni G. Montecillo ang buhok ng isang transgender

G. Montecillo: Hindi ka makakapagtest hanggat di mo ginugupitan yang buhok mo!Agad na tinakbo ni


caloy ang kaibigang transgender naka upo na sa sahig sa pag mamakaawang wag guputin amg buhok
nito.

Caloy: PA! ANO 'TO?! (Sigaw na pagkakasabi ni caloy).

G. Montecillo: Carlo umalis ka dyan, dapat turuan ng disiplina ang taong to na WAG GAWING CIRCUS
ANG SKWELAHAN KO! (Nanggigigil na sigaw ng ama ni caloy).
Caloy: Para saan pa yung sinasabi ninyong bukas tayo sa lahat ng kasarian sa skuwelahan na to?! Para
saan? Para di nila mahalatang homophobic ka? (Prangkang pagkakasabi nito.)
G. Montecillo: Bat ganyan kana kung makapagsalita? Yan ba natutunan mo kakasama sa mga bading?
Rina: Birds with the same feather, flocks together
Agad na tumingin ng masama lahat ng tao kay Rina, gayun din ang titig ng ama ni caloy na bakas
samukha pagkalito
Rina: Oh bakit ganyan kayo maka tingin? Sinabi ko lang yung natutunan ko sa English class
bagaman di sinabi ni rina nang daretso agad itong naintindihan ng ama ni caloy.
G. Monticello: BAKLA KA?!
Hindi sumagot si caloy, katahimikan nya na ang nagsasabi ng totoo. Napakamot ng ulo si G.
Montecillo dahil di makapaniwala sa nalaman, itinayo ni caloy ang kaibigan bago pa man sila makalabas
ay nagbilang pa si G. Montecillo para pabalikin ang anak

G. Montecillo: BUMALIK KA DITO! ISA... DALAWA..


Taas noong umalis si caloy nang di lumilingon sa ama

SCENE 9

GALIT NA GALIT NA UMUWI ANG PRINCIPAL DAHIL SA PAGPULL OUT NI CALOY SA SSG ELECTION AT
NAKITANG NA WALA SI CALOY SA BAHAY AT ANG ILANG MGA GAMIT NITO KAY TINAWAGAN NIYA ITO

sounds of calling

G. Montecillo: Bakit mo pinull out name mo sa candidates na tatakbo sa susunod na SSG election at
nasaan ka at bakit wala ang ilang mga damit mo dito ha?

(Nakaharap ito sa kawalan na para bang nakatulala at naghihintay sa isasagot ni Caloy)

hindi sumagot si Caloy

G. Montecillo: Ano ba ‘tong ginagawa mo? Gusto mo ba ako patayin sa konsumisyon? (Sigaw at
nanlalaking matang pamungad nito kay caloy na kasalukuyang nakayuko)

Caloy: Sino ba gumagawa ng ikinakokonsume mo?

bigla tumingin sa cellphone

Caloy: Diba ikaw lang naman? (Malambot at mahinahong pag kakasabi nito.)

G. Montecillo: Caloy ano bang problema mo at nasaan ka ba?

Caloy: di rin maman tayo magkakasundo pa, ano pang lugar ko diyan kaya mas mabuti pang umalis na
lang ako. (sabay baba na tawag)

----------

Caloy: kaya ayun nilayasan ko na

Pagkukwento nito sa mga kaibigan habang nakaupo at kumakain ng tsitsirya

Chiki: balita ko nanalo sa SSG election si Rina as President...bakit mo kase pinull out name mo?

Parehas na sinangayunan ni nikki at isay

Caloy: hayaan mo sya, yun lang naman kaligayahan nya tsaka wag na kayo mag expect na may
matutulong sya sa schoolPangungutsa nito kay rina na hinaluan ng halakhak ng apat
Rina: Ang sabihin mo inggit ka lang!

Napalingon at napatayo ang apat

Rina: kase ako nanalo sa election nang di simisipsip sa mga teacher at di ginagamit ang pagiging principal
ng papa ko

Caloy: oh bat ako maiinggit e ikaw lang naman may gusto nyan?

Nikki: alam mo Rina yung pagka-alog ng utak mo, sakit na yan!

Isay: oms, actually malala na nga e

Carlo: ano bang tawag dun?

Chiki: ah! may imaginary haters

SCENE 10

Dumating si isay sa bahay nila at naabutang ang tyohin na nakaupo sa sala. Kakamustahin at tatanungin
ni isay kung nasaan ang kapatid nyang babae.
Tiyo: (tinignan si isay pababa hanggang paa) nandito kana pala
Isay: (may kumplikadong mukha) asan ho si milan?

Tiyo: nasa kwarto natutulog, bakit?

Isay: sige ho (pumunta sa kwarto at sinilip si milan)Tiyo: mula kaninang umaga di pa ako kumakain e,
bumili ka nga ng ulam sa labas!
Isay: (may komplikadong itsura dahil nagdadalawang isip sumagot) Hintayin ko na lang po gumising si
milan para may katulong po ako at kasama sa pamimili
Tiyo: Anong pinagsasabi mo jang kasama at katulong? inutil ka ba at hindi mo kayang mamalengke mag-
isa?
Isay: hindi namn po sa ganon gusto ko lng sana isama milan
Tiyo: (nagagalit) lapit lapit lang ng palengke, bakit mabigat ba dadalhin mo at isasama mo pa si milan?
Kung kanina kapa umalis edi kanina kapa sana nakabalik!
Isay: (natatakot)
(paglabas ng pinto nilock nang tyohin ni isay yung pinto tsaka lang pipilitin ni isay buksan dahil baka
gawin din sa kapatid nya ang ginawa ng tyohin nya sa kanya)
*Tunog ng pagsarado ng pinto at paglock
Isay: (tumingin sa saradong pinto na may pangambang mukha) tito! tito! tito! (habang kumakatok at
hinahampas ang pinto.) Tito! buksan niyo yung pinto!!!!!
(nagpatulong sya sa mga kapitbahay buksan pinto after nun bubugbugin nila yung tyohin)

Isay: Tulong! tulong! tulungan niyo kung buksan ang pinto (sigaw ni isay sa mga kapitbahay at mga
tambay sa kanila)
Isay: pakiusap! tulungan niyo po akong buksan ang pinto ( paiyak na pagsusumamo ni isay)
kapitbahay#1: ay ineng ano bang problema?

kapitbahay#2: oo nga isay bakit ka sumisigaw riyan

Isay: tulungan niyo po akong buksan yung pinto yung tiyo ko sinarado yung pinto at ang kapatid kung
babae nasa loob baka gawin niya rin ang ginagawa niya sakin sa kapatid ko (sigaw at umiiyak na sabi ni
isay)

kapitbahay#1: ano ba ang ginagawa niya sa iyo isay? ( may takang mukha ngunit may idea na nais lang
kumpirmahin kung ang iniisip niya ay tama ganon din ang ibang mga kapitbahay at tambay) Isay: yung
kapatid ko tulungan nyo!
Napaluhod at nagmamakaawa sa mama
Isay: nilock niya po ang pinto baka gawin niya rin ito sa kapatid ko (umiiyak pa rin na sabi ni isay) Ang
mga kapitbahy pagkatpos marinig ang sinabi ni isay ay wala ng sabi sabi ay sinira ang pinto ng bahay
kung saan pagpasok nila sa loob ang tiyo ay nasa kwarto kung nasaan si milan at halatang may gagawin
na masama sa bata.
Tiyo: Anong ginagawa niyo rito??

ang mga kapitbahay ay wala wala ng sabing pinagbubugbog ang tiyo ni isay at dadalhin sa barangay.

SCENE 11

Ilang beses na katok ang narinig ni jackie sa kanya pinto bago nya ito buksan
Jackie: sandali! ... Ano ba yan may lakad ba bat nagmamadali ?!

Pag bukas ng pinto si nikki agad ang nakita nyaJackie: oh nikki andito kana pala! Upo ka Magiliw na pag
tanggap nya kay nikki habang na busangot naman ang dalaga
Jackie: hoy nikki ah alam mo ba may lalaking dadayo dito fresh from Netherlands, medyo may katandaan
nga lang pero pwede na! Wag mo ko kalimutan ah pag mayaman ka--
Nikki: ayoko na (naputol ang pag sasalita ni jackie sa sinabi ni nikki)
Jackie: gaga kaba? Nikki pera yun! Di pwedeng umayaw ka nabayaran na nya ako alangan ibigay ko pa
Nikki: yung mga picture? Ano yun !?
Jackie: binenta ko, e bat ka ba nagagalit? Di ko na kasalanan yun sisihin mo yung internet kase sila
nagkalat!
Nikki: ayoko na!

Tatayo sana at lalabas ng bahay si nikki bago pa man maka labas ay hinawakam na sya ni jackie sa braso

Jackie: hindi, sayang pera ko if magiging bato pa


Ilang beses pumiglas at nagbuno ang dalawa hanggang napansin ito ng mga di nakauniform na pulis

Lalake: PO1 Bartolomeo, maam. Bitawan nyo po yung bata!


Jackie: nikki naman!

Agad na dinampot ng mga lalake si jackie

Jackie: bitawan nyo ko! Kakaligo ko lang di pa nga ako nakakapagsunscreen

SCENE 12

Naka upo si isay habang nakasandal ang ulo ni milan sa balikat nya nang maabutan ni nikki sa baranggay.
Nikki: Isay?
Isay: Nikki? Anong ginagawa mo rito?

Bago pa man makapagsalita si nikki ay pinasok ng mga di nakauniform na tao si jackie sa baranggay dahil
sa pambubugaw ng mga minor de edad
Jackie: Kuya papasok naman ako ah need talaga escortan? Wala ako kasalanan tanungin nyo si nikki sya
yung lumapit sakin!
Lalake: Dami mong pang sinasabi e, pumasok kana!
Naiiritang sabi ni ng lalake kay jackie. Pumaroon din si caloy nang malaman nya ang nangyare kay nikki,
ganun nalamg din ang gulat nya nang makita si isay.
Caloy: Nikki?.... Isay? (Pagtatakang tanong nito).

Caloy: Isay anong ginagawa mo rito? Wag mong sabihin kasama ka sa mga binugaw nung jackie?

Isay: Hindi...(Malungkot nito reaksyon at napayuko nalang)

Caloy: Eh ano pala??

Tanging boses lang ni isay napagmamakaawa at ng kanyang tiyong abusado ang kanyang naririnig,
bagaman ayaw nyang pagusapan sa harap ng kanyang kaibigan desidido syang mag sampa ng reklamo sa
kanyang ama-amahan na muntik nang pagsamantalahan ang nakababatang kapatid.

Caloy: Oo, naiintindihan ko na

Mula sa pagkakayuko tumingin si isay kay caloy na para bang naluluha, walang nagawa si caloy kundi
ayusin ang pagkakatali ng buhok ni isay at lumingon kay nikki.
May lalapit sa kanilang isang babae at silang tatlo ay kakausapin

Ms. Glai/Mother: Anong ginagawa na mga bata na kagaya niyo dito nasaan ang mga magulang ninyo?

Caloy: Ah e sino hi sila?

Ms. Glai/Mother: ay pasensya na hindi pa pala ako nagpapakilala ako nga pala si Glaiza Ablay (sabay
bigay ng papel ng kanyang pagkakakilanlan at trabaho) Nagtratrabaho ako sa Women's Crisis Center.

Caloy: Women's Crisis Center ano po yun?


Ms. Glai/Mother: Ang Women's Crisis Center (WCC) ay isang organisasyon na nagbibigay ng serbisyo sa
mga kababaihan na nakakaranas ng iba't ibang uri ng krisis tulad ng pang-aabuso sa tahanan, sekswal na
karahasan, panggagahasa, at iba pa.

Caloy: ganon po pala

Ms. Glai/Mother: E sya balik tayo sa tanong ko ano bang ginagawa niyo rito? Nandito ba mga magulang
ninyo?

Nikki: Mga wala na ho kaming magulang

Ms. Glai/Mother: kung ganon anong ginagawa niyo rito?

Nikki: Yunv sinasabi niyo pong WWC matutulungan niyo po ba kami?

Ms. Glai/Mother: Ano ba ang nangyari sa inyong tatlo? Huwag kayo mag-alala ito'y trabaho ko upang
maunawan kung paano ko kayo matutulungan sa inyong mga problema

Isay: Ginahasa po ako ng tiyo ko at natakot po ako na baka gawin niya rin yun sa kapatid ko kaya nandito
po ako.

Nikki: Ako naman po pumasok sa prostitution dahil wala po akong makagawa kailangan ko ng pera para
sa pampapalibing sa aking nanay na kakamatay lang na ngayon kasama na ng aking itay sa itaas.

Caloy: Ako naman po naglayas sa bahay dahil ang tatay ko po homophobic hindi niya ho ako tanggap.

Nikki: Matutulongan niyo po ba kami?

Ms. Glai/Mother: Ganon pala ang nangyari at magkakaibigan pa kayong tatlo.

Ms. Glai/Mother: Teka mga menor de edad pa lang kayo basi sa mga kasuotan at mukha ninyo

Caloy: opo

Ms. Glai/Mother: Ay naku kung ganoon kakausapin ko ang mga pulis upang isama kayo saakin upang
matulungan namkn kayo hindi pwedeng ang mga menor de eda na kagaya niyo ay walang mga
mamatandang humahalili.

(kakausapin ang mga pulis)

Ms. Glai/Mother: Halikat kayo ay sumama na sa akin

(Naglakad paalis ng barangay)

LAST SCENE

Ang tatlong magkakaibigan ay naglalakad paalis sa office


Caloy: Ang swerte talaga natin ng makilala si mother ano

Nikki: Oo nga mula ng tinulungan niya tayo e itinuring na natin siyang tatlo bilang ina lalo kana pasimuno
ng pagtawag sa kaniya ng mother.

Issay: Kaya nga grabe talaga no ang bilis ng panahon parang dati lng tayo ang nangangailan ng tulong
pero ngayon tayo na ang mga tumulong sa mga kapwa natin babae napaksaya pala ang tumulong.

Nikki: Tama ka isay napakasaya talaga kaya dapat mas pagbutihin pa natin ang mga ginagawa natin at
ipaglaban ang mga karapatn natin tama ba caloy?

Caloy: Correct ka jn bhe hahhaahahahaha

You might also like