You are on page 1of 4

Levin: Mga kapatid, si Kristo ay naparito upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan.

Nicole : Tss, here we go again. Nandyan na naman ‘yang mga alive-alive na ‘yan. Paulit-ulit lang naman
ng sinasabi, si Kristo ay Diyos at Tagapagligtas blablabla. Funny!

: Hay naku besh, ano ka ba, bad ‘yan.

Nicole : Talaga naman eh. ‘Di ba sila nasasawa? Ako kasi sawang-sawa na!

Oliver: Bakit naman? ‘Di ka ba naniniwala sa Diyos?

Nicole : No way! Walang Diyos, hindi totoo ang Diyos. Ako ang diyos, ‘cause I’m a goddess. Goddess of
beauty and goddess of beer!

(Tawanan)

Narrator : Masayang nagtatawanan ang magkakaiban nang dumating ang katrabaho nilang si Fatima. Si
Fatima ay isang dalaga na naglilingkod sa Diyos. Araw-araw syang tinutukso ng kanyang mga katrabaho
dahil ni minsan ay hindi sya nakasama ng mga ito sa kanilang kasiyahan.

Nicole : Look who’s here, the ever strange and weird Fatima.

Oliver: Hi, Fat! Do you want to join us?

Fat : Pasensya na ha, sasama naman ako sa inyo kung walang alak eh.

Nicole : That’s so boring! Can you even imagine that? Sabagay, ikaw nga mismo boring eh. Puro ka kasi
church tsaka salita ng Diyos.

(tawanan)

Narrator: Madalas maging tampulan ng tukso si Fatima dahil sa pagiging Kristiyano niya. Isa syang
probinsyana na nakahanap ng trabaho sa Maynila. Weirdo ang tingin ng mga katrabaho nya sa dalaga,
lalo na si Nicole. Si Nicole ang pinaka malakas manukso sa kanya. Madalas syang pagtawanan nito dahil
sa kanyang pananampalataya.

Nicole : Naniniwala ka sa Diyos? (tawa) old school hahahahahahaha

Fat : Totoo ang Diyos.

Nicole : Really? Nakita mo? Hindi diba? Pathetic. Guys, let’s go clubbing!

Oliver: Sure, let’s go. O, Fatima, una na kami ha, alam naman naming ‘di ka sasama eh.

Levin: Mag-alive-alive ka muna dyan.

(tawanan)

Narrator: Isang araw habang pauwi mula sa trabaho si Fatima ay may nakita syang dalawang tao na nag-
aaway sa isang madilim na eskinita.

Richard: Pambihira naman! Tabi!

Nicole : No, Richard, no, ‘wag mo ‘kong iwan!


(tunog ng sampal)

Richard : Tumabi ka nga! Ayoko na nga eh!

Nicole : Iiwanan mo ‘ko para sa babaing yun? Manloloko ka! Sinungaling!

Richard : Oo, manloloko ako! Oo, sinungaling ako! At ayoko na sa’yo!

Nicole : Hindi, Richard, hindi mo ko iiwanan.

Richard : Tama na, Nicole! Ayoko na sa relasyon na ‘to! Pwede ba?!

Nicole : Magpapakamatay ako!

Richard : Sige. Hindi ako natatakot, mas mabuti pang mamatay ka na nga!

Nicole : Richard, ‘wag mo akong iwan. Richaaarrrddd!!!

Narrator: Tuluyan nang umalis ang lalaki. Lalakad na sana palayo si Fatima nang mamukhaan nya ang
babaeng umiiyak.

Fat : Nicole?

Nicole : Bakit ka nandito? Sinadya mo ba ‘to? Do you want to see how pathetic I look right now para
makaganti ka?

Fat : Nicole, hindi…

Nicole : Ngayon mo sabihing totoo ang Diyos. Ngayon mo sabihing may kapangyarihan Sya.

Fat : Nicole, bakit mo hinahayaan na-------

Nicole : No, umalis ka na. Wala kang nakita, wala kang narinig, maliwanag? Go away!

Fat : Nicole, mahal ka ng Diyos, makikinig Sya---

Nicole : Umalis ka na!!!

Narrator: Walang nagawa si Fatima kundi iwanan si Nicole. Kinabukasan ay maaga syang pumasok sa
trabaho.

Fat : Nasa’n si Nicole? ‘Di pumasok?

Levin : Baka may hangover.

(tawanan)

Oliver : Oo nga, alam nyo naman motto nun eh, “Live your life to the fullest” at…

Oliver/Levin : YOLOOOOOO!!!

Narrator: Hindi maiwasan ni Fatima na mag-alala kay Nicole. Nasa malalim syang pag-iisip nang biglang
tumunog ang kanyang telepono.
(ring)

Fat : Hello?

Nicole : Fatima, ayoko na. Pagod na pagod na ‘ko. Gusto ko nang mamatay.

Fat : Nicole? Nicole, nasa’n ka?

Nicole : Gusto ko nang mamatay, gulung-gulo na ‘ko.

Fat : Nicole, hindi, makinig ka sakin, nasa bahay ka ba? Pupuntahan kita.

Narrator: Dali-daling umalis ng opisina si Fatima upang puntahan si Nicole.

Fat : Nicole, ‘wag! Wag mong ituloy yan!

Nicole : Walang nakakaintindi sa’kin, walang nagmamahal sakin. Ayoko na!!!

Fat : Nicole, making ka, mahal ka ng Diyos. Mahal na mahal. Naiintindihan ka Nya. Lumapit ka lang sa
Kanya, makikinig Sya.

Nicole : Hindi totoo ang Diyos! Kung totoo Sya, bakit hinahayaan Nya akong masaktan? Mula pagkabata
ko walang nagmahal sa’kin nang totoo. Iniwan ako ng nanay ko, sinasaktan ako ng madrasta ko,
minomolestya ako ng mga tiyuhin ko at lahat ng lalaking minahal ko, niloko ako! Ngayon mo sabihin na
totoo ang Diyos!

Fat : Halika, ipapanalangin kita. Lumapit tayo sa Kanya.

Narrator: Araw-araw ay pinupuntahan ni Fatima si Nicole upang bahaginan ng Salita ng Diyos. Nung una
ay nagagalit ito sa Kanya ngunit kalaunan ay nakikinig na ito.

Nicole : Fatima, salamat ha. Salamat dahil hindi mo ko iniwan, salamat dahil nandyan ka palagi, salamat
sa mga panalangin mo. Nakita ko na totoo ang Diyos mo sa buhay mo.

Fat : Walang anuman, Nicole. Mahal ka ng Diyos.

Narrator: Ngunit makalipas ang ilang buwan ay nabalitaan ni Fatima na nagresign na si Nicole, wala na
rin ito sa inuupahan nito. Sinubukan nya itong tawagan ngunit hindi na rin nya macontact ang dalaga.

Isang araw ay naabutan ni Fatima na nagkakasiyahan sa kanilang fellowship ang mga kasamahan niya sa
Young Professionals, dali-daling lumapit si Fatima sa mga kasamahan.
Nicole : Hindi ko inakala na makakakilala ako sa Panginoon. Halos ilang beses kong tinangkang wakasan
ang buhay ko, pero salamat sa Diyos dahil may ginamit Sya upang makakilala ako. Hindi ko rin inakala na
ang isang tulad ko ay magsasalita ng mga bagay patungkol sa Diyos.

Narrator: Lumakas ang kabog ng dibdib ni Fatima nang marinig nya ang boses ng nagpapatotoo.

Fat : Nicole?

Levin : Uy, Fat! Andyan ka na pala. Kanina ka pang hinihintay nitong si Nicole.

Bati ng kanilang leader kay Fatima. Hindi napigilan ng dalaga na mapaluha nang makita ang kaibigan na
si Nicole na nagpapatotoo tungkol sa Diyos.

Nicole : Hi, Fat! Namiss kita. Dito na ko magchuchurch, salamat sa buhay mo, nakilala ko ang totoong
nagmamahal sakin ---- ang Diyos.

Oliver: Madalas nating nababalewala ang ating pagiging Kristiyano.

Cla: Madalas nahihiya tayong ipaalam na Kristiyano tayo.

Kyla: Madalas nating ipagsawalang bahala ito lalo na kung dumarating ang mga pag-uusig.

Levin: At madalas hindi na natin naiingatan ang ating patotoo para lamang hindi tayo layuan ng mga tao.

Oliver: Tila ba nalilimutan natin ang totoong mensahe ng ating misyon.

Cla: “To raise up passionate and equipped ministry teams who will disciple every people group that will
influence the community.”

Kyla: Nawa kahit saan tayo mapunta, isapuso at isabuhay natin ang ating misyon. Tayo ay maging
impluwensya sa bawat grupo ng tao sa ating komunidad.

Levin: Maniniwala ang mga tao na totoo ang ating Diyos kung nakikita nila si Kristo sa ating buhay.

Narrator: Saan man tayo dalhin ng ating mga paa, anumang komunidad ang ating kinabibilangan, nawa
tayo ay maging mabuting patotoo upang madala natin sila kay Kristo.

You might also like