You are on page 1of 13

Scene 1: Bapor Tabo

D. Victorina: Jusmiyo! Ang kupad-kupad ng takbo ng bapor na ito! (lumapit sa kapitan) Kapitan Heneral, wala na bang
ibibilis ito? Kebagal-bagal! Hindi kaaya-aya sa paningin ang ilog nakakasura.

Don Custudio: Tama ang donya kap. Heneral. Bakit hindi na lang tayo maglagay ng itik dagdag ganda sa ilog.

D. Victorina: Hindi maaari iyon paano na lang ang mga dumi nito napaka-baho.

Simoun: bakit hindi na lang gumawa ng isang kanal na mag-uugnay sa lawa ng laguna at sa look ng maynila? Upang
maiwasan na rin ang burak at putik sa mga pampangan ng ilog pasig.

D.C: Hindi puwede iyon!

P. Sibyla: Tama! Hindi maaari iyon masyadong malaki ang gugugulin para doon.

D.C: Isa pa, ang pambayad sa gagawa noon.

Simoun: Maaari naman gamitin ang mga bilanggo.

P.sibyla: Ngunit may posibilidad na makatakas sila, delikado ang mga mamamayan.

Simoun: Kung ganoon ang mga taong bayan ang gagawa, maaari silang magdala ng mga sangkap sa paggawa.

(habang nagsasagutan si padre sibyla, simoun at don custudio ay tinititigan lamang sila ng kap. Hen. Masamang tingin
naman ang iginawad ni don custudio at padre sibyla kay simoun dahil wala na itong masabi doon sumingit ang heneral.)

Kap. Hen: Mag sitigil na kayo! Malapit na tayo sa ating paroroonan (hindi na nagsalita ang dalawa at ang iba pang padre
dahil ngilag sila kay simoun, pagkat ito ay kaibigan /tagapayo ng kapitan heneral. Si donya victorina naman ay kunot
noo at mahahalata ang inis sa kanyang mukha dahil sa hindi pag-pansin sa kanya ng mga kalalakihan. )

Scene

Huli: (nagwawalis) Kuya sa iyong palagay, ako kaya’ymakakapag-aral din sa Maynila tulad mo?

Tano: Aba oo naman.

(lumabas ng bahay si Tales at Tata Selo)

(lumapit si Huli at Tano kay Tales)

Tano: Ama, si Huli? Kailan kaya siya makakapunta nang Maynila upang mag-aral?

Huli: Kuya...

Kabesang Tales: Sa isang taon. Magsaya ka nang mahaba at mag-aaral ka na sa Maynilakatulad ng mga dalaga sa
bayan.

Huli: Talaga ama?! (niyakap ang ama)

Tano: Alam mo ama iniisip na niya si Basilio sa mga oras na ito at ang pangako sa kanya nito na pakasal sa
kanya...

Huli: (sinisiko-siko si Tano) Kuya naman...

(hinabol si Tano)

Kabesang Tales: Maganda ang ani natin ama... (bumuntong hininga)

Tata Selo: Maganda? Ngunit ano ang iyong ipinagaalala?

Kabesang Tales: (naglakad upang tanawin ang lupain) Ang mga prayle ama... (bumuntong hininga)

Tata Selo: Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na ang iyong salapi ay nahulog sa tubig at sinakmal ng malaking buwaya
at ang kanyang mga kamag-anak ay sumama sa kanya.

Kabesang Tales: Ngunit ama sila ay umaabuso na!

Tata Selo: Magpaumanhin ka!

(dumating si Padre Camorra kasama si Padre Salvi at mga Guwardiya Civil)

Padre Camorra: Telesforo! Mabuti at nandito ka!

Kabesang Tales: Magandang araw Padre ano po ang naparito ninyo?

Padre Camorra: Kailangan mo nang magbayad nang buwis! Ang buwis ay dalawandaang piso!

Kabesang Tales: Dalawandaang piso??!! Ngunit iyon ay napaka laki naman.

Padre Salvi: Kung hindi magbabayad ibigay sa iba ang tungkulin ng paglilinang dito...!

Padre Camorra: Tama! Kung hindi ka magbabayad ang lupain ay ipalilinang ko na lamang sa aking kasambahay.
Matagal na din siyang naging tapat na maninilbihan sakin.

Kabesang Tales: Ako ang nag-hirap na mag-tanim at mag-ani dito. Ibinuhos ko ang pawis at dugo ko upang maiahon sa
hirap ang pamilya ko.

Padre Camorra: Ngunit hindi sa iyo ang lupang nililinang mo!

Padre Salvi: Ito ay pag-aari ng korporasyon.

Kabesang Tales: Pag-aari?? May kasulatan ba kayo na nag-papatunay na sa inyo ang lupang ito??

Padre Camorra: Meron!!

Kabesang Tales: At nasaan naman iyon?

Padre Salvi: At bakit mo kailangan makita?

Kabesang Tales: Hindi ako magbabayad ni kalahati ng buwis hanggat wala akong nakikitang katibayan na inyo nga ang
lupang ito.

Tata Selo: (bumulong sa anak) Anak huwag ka nang magmatigas...

Padre Camorra: Hindi ba’t tama ang iyong ama, Telesforo? Wala kang mahihita kung patuloy kang magmamatigas.
Kabesang Tales: Handa akong makipag-usapin maipaglaban lamang ang karapatan namin!! (bahagyang lumapit upang
sugurin ang dalawang prayle)

(pinigilan ng mga Guwardiya Civil si Tales na sugurin ang mga prayle at tinutukan siya ng riffle)

Padre Camorra: Qué barbaridad! Kunin ang anak na lalaki at gawing Guwardiya Civil(pinalo ng riffle ang ulo ni Tata Selo
at hinila si Tano)

Huli: Bitiwan niyo siya! Ama!!

Kabesang Tales: Hindi!!! Wag ang aking anak!!

Tano: Ama!!! Huli!!! Aaahhh!!!!

(pag alis ay babalik ang mga guwardiya sibil)

Guwardiya Sibil: Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno! Kung hindi’y mamamatay ang iyong ama, binibini.

Huli: Saan ako kukuha ng limang daang piso? Ang mga alahas! Liban lamang itong Agnos. Handog ito sa akin ni Basilio!
(hahalikan ang Agnos) (Isusuot ang Agnos) Ngunit ito’y hindi sapat. Tama! Mamamasukan muna ako kay Hermana
Penchang bilang utusan.

Scene

(nagdadasal si Hermana Penchang at Huli)

Hermana Penchang: (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo
mal.

Huli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Hermana Penchang: (binatukan si Huli) Hay naku bata ka!!! Hindi ko alam kung ano ang itinuturo sa iyo sa bahay niyo at
hindi ka marunong magdasal!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y
de todo mal.

Huli: Pasensya na po.

Hermana Penchang: Pasensya?!! Hay naku!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos
señor de la peste Y de todo mal. Sumagot ka nga!! (kinurot si Huli)

Huli: Aray aray... Opo... (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.
Hermana Penchang: Sabagay wala naman kasing babae sa bahay niyo!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte
Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Huli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Hermana Penchang: Kapag hindi mo nakabisado ang dasal na iyan hindi ka patatawarin ng Diyos sa iyong mga
kasalanan. (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Scene 2

(nakita ni Basilio na naghuhukay si simoun malapit sa libingan ng kanyang ina kung saan naroroon ang itinanim ni elias
ang kayamanan ni Ibarra.)

Basilio: P-paanong--- Hindi maaari i-ito. Patay kana... (kinuha ni simoun ang kanyang baril at tinutok ito sa sintido ni
Basilio)

Simoun: Anong ginagawa mo dito?! Bakit ka naririto? (galit na wika ni simoun)

Basilio: (Habang nanginginig sa takot) D-dito nakalibing ang aking ina (tinangkang patayin ni simoun si basilio) Huwag...
Pakiusap! Huwag mo akong patayin!

Simoun: Sige, hindi kita papatayin. Ngunit may isang kundisyon

Basilio: Ano nama iyon?

Simoun: itatago mo ang aking sikreto. Sa oras na may makaalam na iba, hindi ako mag dadalawang isip na kitilin ang
iyong buhay.

Basilio: S-sige, itatago ko ang iyong sikreto. Ngunit bakit ka pa bumalik?

Simoun: upang maghiganti. Alam kong isa ka din sa mga taong naapektuhan ng bulok na sistema ng pamahalaan. Hindi
ba at tama ako? May maganda akong ideya, sumanib ka sa akin basilio, mag kasama tayong maghiganti.

Basilio: Hindi! Ayoko, ipagpapatuloy ko na lamang ang aking pag-aaral. Ayokong makialam sa iyong mga plano.

Simoun: Kung iyan ang nais mo. Sige maiwan na kita.

(tumalikod si simoun dala-dala ang kanyang kayamanan. Sumulyap ito kay Basilio at sinabing...)

Simoun: Basilio, tandaan mo ang sinabi ko hindi ako mag dadalawang isip na kitilin ang iyong buhay kapag may nakaalam
nito. Tayong dalawa lamang ang makakaalam nito.

(tuluyang lumisan si simoun.)

Scene 3

(sound effects: putok)

Placido: (mapapasigaw) Ano ba?!! Hindi ‘yon nakakatawa (nagtawanan ang mga estudyante)

Juanito: (nagpapanggap na si Padre Millon: may salamin at unan sa tiyan) Anong ipinagsisigaw mo diyan na parang
babae??!!
Placido: (nagulat kaya pasigaw na nakasagot) Magandang araw po Padre Millon!!!

Juanito: Galit ka ba?! Bakit ka sumisigaw! Hindi pa naman ako bingi! Placido: Hindi naman ako galit ah!!! (pasigaw)

Juanito: Hindi galit??? Eh bakit sinisigawan mo ako??!! Falta de respeto!!

Placido: Respeto?? Hindi niyo kailangan ng respeto!!! Ang respeto ay hindi hinihingi kundi pinaghihirapan... kung gusto
niyong respetuhin kayo, matuto kayong respetuhin ang ibang tao!!!

Juanito: Pangahas ka!! Anong pangalan mo ha!?

Placido: Placido! Placido Penitente!

Juanito: Placido Penitente? Mas mabuting Placido Disparate!!

Placido: Tama na Padre! Wala kayong karapatang umalispusta ng kapwa!! (tatalikod at aalis kaya hindi mapapansin ang
pag-alis ng balatkayo ni Juanito bilang Padre Millon)

(dadating si Padre Millon)

Juanito: Whooo!!! Bakla ka yata eh!!!

Mga Estudyante: Hahahahahahahaha

Padre Millon: Magandang umaga. (hindi narinig kaya nilakasan) MAGANDANG UMAGA!!

Mga Estudyante: Magandang umaga Padre!!

Padre Millon: Bakit kayo sumisigaw hindi pa naman ako bingi!!

Mga Estudyante: (nagtawanan dahil gayang gaya ni Juanito kanina si Padre Millon) Hahahahahaha

Padre Millon: Hala! Humanda sa isang talakayan! Ang leksyon natin ngayon ay tungkol sa elementong bumubuo sa
salamin. Sinong maaring makapagsabi ng komposisyon nito? (nakita ang natutulog na si Tadeo) Hoy antukin!! Masyado
kang tamad! Alam mo ba ang leksyon at ika’y natutulog na??!!

Tadeo: (biglang nahulog sa kinauupuan) Ah eh... Ano po ba ang sinasabi niyo??

Padre Millon: Tonto!! Bakit ako ang tatanungin mo?? (nagtawanan ang lahat)

Tadeo: (tumuro sa isang dako) Ah!! Padre!!! Hinahanap po kayo ni Padre Fernandez!!

Padre Millon: Huh?? Saan?? (umalis)

Macaraig: (tumayo at pumunta sa unahan) Sasamantalahin ko na ang pag-kakataong ito upang tayo’y makapag-usap.
Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at nabanggit niya sa akin na sa Los Banos daw pinag-usapan ang
lahat. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila na ang Kataas-taasang lupon ng paaralan yayamang ito’y tungkol sa
pagtuturo ng wikang kastila.Isang kagawad doon si don custudio na nagsasabing lulutasin nila ang usapin sa loob
buwang iyon.

Pecson; Subalit paano kung hindi sumang ayon si don custudio sa atin (mahinang loob na tanong ni pecson)
Macaraig: Ganyan din ang sabi ko kay padre Irene.Ngunit sabi nya ay sumaatin na ang ating tagumpay,kung makukuha
natin ang pagkiling ni don custudio ay makakaasa tayo ng tagumpay.Hinggil naman sa Heneral,ipinauunawa nyang wala
syang kikilingan.

Random person: Paano natin mapakikiling si don Custudio.

Macaraig:Itinuro sa akin ni padre irene ang dalawang paraan...Ito ay sa pamamagitan ni Pepay na isang mananayaw na
kulasisi ni Don Custudio,at sa tulong ni G.Pasta ang manananggol na bukod tanging pinanganganimuhan ni Don
Custrudio.

Isagani:Unahin muna natin ang paraang hindi mahalay.Pupunta muna ako kay G.Pasta sya y isang pilipino at naging
kamag aral ng aking amain,kung walang mapapala sa aking lakad ay saka niyo gawin ang inyong nais gawin sa
mananayaw at sa mananahi.

SCENE 4

Simoun:magandang umaga sa iyo Basilio

Basilio:Ginoong Simoun!

Simoun: Nais ko lang sana muling na hikayatin na sumanid sa akin.

Basilio:Kinlaro ko na sa iyo ang lahat noong huli tayong nagkita Ginoo.

Simoun:Alam kong gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan.Parehas tayong uhaw sa katarungan kayat
nararapat lamang na tayo ay magtulungan.

Basilio:Oo nga!Parehas tayo na uhaw sa katarungan,ngunit kailanman ay hinding hindi ako gagamit na dahas upang
matamo ito.

Simoun:Sabihin mo nga paano natin makakamtan ang katahimikan kung hindi gagamit ng dahas.

Basilio:Kaya nga naisipan naming mag aaral na magpatayo ng isang akademya ng wikang kastila upang sa ganoon ay hindi
na kailangan gumamit ng dahas upang makamtan ang katahimikan.

Simoun:Ang wikang kastila’y kailan man hindi magiging wikang pangkalahataan,sapagkat sa mga kulubot nng kanayng
isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan.iilan lamang ang nakapagsasalita sa
wikang kastila at ang mga ito ay nawalan ng sariling kakayahan,magpailalim sa iba at nagpapaalipin.

Basilio:Tama ka,sige pumapayag na akong sumanib sa iyo.

Simoun:Mabuti!Ngunit bago tayo maghiganti ay kailangan mo akong tulungan na mailigtas ang aking iniirog na si maria
clara.

Basilio:Kailan natin ililigtas ang iyong iniirog?

Simoun:Sa susunod na araw magkita dito ng tanghali. Lubos akong nagpapasalamat sa iyo basilio

(umalis si simoun at naiwang muli si basilio sa tapat ng libingan ng kanyang ina.)

BAHAY NI KAPITAN TIYAGO


Kapitan TIyago: Diyata’t si Basilio dinakip, Padre Irene?

Padre Irene: Oo ngunit huwag sana kayong mabahala, Kapitan! Makasasama sa inyo! (Pipilitin tumayo ni kapitan
tiyago)Kapitan TIyago Huwag! Patay na siya! Pagpalain nawa ang kanyang kaluluwa!

Scene:

Juli: Ano ang wika ninyo Hermana Bali? Dinakip si Basilio?

Hermana Bali: Oo Juli! Nakabilanggo siya ngayon kasama ng ibang mga estudyante!

Juli: Hindi! Si Kapitan Tiyago naman ay pata na! Sino pa ang nalalabing tutulong kay Basilio? Sino!

Hermana Bali: SI Padre Camorra, hindi ba siya ang nagpalaya sa iyong Lolo Selo?Hingan mo siyang muli ng tulong! Tiyak
na mapapalaya niya si Basilio!

Juli: Diyos ko! Tulungan mo po si Basilio!

Padre Camorra: Juli!

Juli: Kailangan kop o ang inyong tulong Padre Camorra! Tungkol poi to kay Basilio!

Padre Camorra: Aking tutuparin kung ako’y iyong pagbibigyan.

(Babatuhin ng bote ni Hermana Bati si Padre Camorra at sasampalin ito ng Padre at makakatakas si Juli paakyat sa
kumbento at tatalon sa bintana ng kumbento)

(Mabilis na lumipas ang oras. Araw na ng kasal ni Paulita kay Juanito. Nakalaya na rin si Basilio. Agad na tinungo ni
Basilio ang bahay ni Simoun.)

Basilio: Isa akong masamang anak at kapatid G. Simoun. Nakalimutan kong piñata ang aking kapatid at pinahirapan ang
aking ina. Ngayo’y pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na akong nararamdaman kundi galit at paghihiganti.

(Hindi kimubo si Simoun.)

Basilio: kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at ako’y nakulang kahit wala akong kasalanan.
Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas nang dahil sa inyo. Ngayon, handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang
bayan.

Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon, dahil umiibig pa ako noon.
Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahilan para umatras. Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo ako’y
magtatagumpay. Magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng bango at rangya, ikaw nama’y gigising sa mga kabataan
sa gitna ng dugo.

(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito ang kanyang mga gamit at eksperimento
sa kemika. Sa loob ng laboratoryo ay makikita ang isang lampara na may kakaibang hugis.)

Basilio: Para saan naman po ang lamparang iyan?

Simoun: Hintayin mo.

(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na nitrogliserina, isang pormula na ginagamit sa
paggawa ng dinamita.)
Basilio: Dinamita!

Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mga kagagawang walang katwiran
at mapang-api. Ngayong gabi, makakarinig ng pagsabog ang Pilipinas at mapaparusahan ang mga makasalanang hindi
magawang parusahan!

(Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)

Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna ng handaan. Napakaningning
nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang. pagkaraan ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng
lampara. Kapag inayos ang mitsa, sasabog ang bomba!Basilio: Kung gayo’y hindi na pala ninyo ako kailangan.

Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang kinasundo ko noon.
Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta. Mesa. Sabay-sabay na susugod ang lahat.
Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin na ring lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa
bahay ni Quiroga dahil doon nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami naman ni Kabesang Tales ay susubukang agawin
ang tulay. Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng hindi handa!

Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban?

Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimula muli. Mula sa mga dugong
dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na kahit kailan ay hindi na magpapa-api!

Basilio: At ano na lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?

Simoun: Pupurihin tayo ng daigdaig!

Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin nila ito o hindi? Bakit ko
kailangang linagpin ang mundong kalian man ay hindi lumingap sa akin!

Simoun: Tama ka!

(Inabot ni Simoun ang isang rebolber kay Basilio.)

Simoun: Hintayin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi. Lumayo kayo sa Daann Analogue sa
alas-nuwebe.

Basilio: Kung gayo’y magkita na lamang tayo mamaya.

(At tuluyan nang umalis si Basilio.)

Scene:

Doña Victorina: Napaka ganda mo ngayon hija!!! Magnifico!! Bonito! Bonito! Hija!! Kamukha na kita ngayon. Maganda.
Iba na talaga pag lahi ng magaganda!!!

Paulita: Salamat Tiya.

(maglalakad si Paulita patungong altar at sasalubungin ni Juanito)

Padre Irene: Sa ngalan ng ama, ng anak at espirito santo. (magdarasal na parang may ginagawang ritwal o pray
over)Juanito, tinatanggap mo ba bilang asawa ang babaeng ito, magsasama ng tapat sa hirap at ginhawa habang
buhay hanggang sa kamatayan?
Juanito: Opo Padre.Padre Irene: Paulita, tinatanggap mo ba bilang asawa ang lalaking ito, magsasama ng tapat sa hirap
at ginhawa habang buhay hanggang sa kamatayan?Paulita: Opo Padre.

Padre Irene: Ngayon... kayong dalawa ay kasal na.

EXTRA: Wala ba kayong mga kamay?!

Juanito: (itataas ang belo ni Paulita) (hahawakan ang pisngi ni Paulita) (daha dahang ilalapit ang mukha) May dumi ka
sa mukha. (papagpagin ang dumi at ibababa ulit ang belo)

Scene:

(Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang bahay ni Kapitan Tiago, na pagdadausan ng
kasal nila Paulita at Juanito. Ang pagdating ng Kapitan Heneral na lamang ang hinihintay upang magsimula ang pista.
Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at nagmamasid.)

Simoun: Si Paulita ay ikakasal na pala kay Juanito Pelaez! Kaawa-awang Isagani!

Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman sila. Payuhan ko na lamang kaya
ang ilan na umalis upang hindi madamay.(Papalapit na siya sa bahay.)

Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain ang pagtitiwala niya. Siya ang
naglibing sa aking ina at ang mga tao sa loob ng pumatay! Sinubukan kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang
lahat ay may hangganan din!

(Nakita niya ang pagdating ni Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan Heneral ay isa si Simoun sa sumalubong.
Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang pinaligiran ng mga taong mangha sa liwanag na binibigay ng lampara.)

Scene:

Simoun: Ito ang handog ko sa bagong kasal!

Paulita Gomez: Napakagandang ilawan!

Juanito Pelaez: Maraming Salamat Don Simoun.

Paulita Gomez: Maaari nab a naming itong magamit?

Simoun: oo, bakit hindi? Ilagay ninyo roon sa kainan. (aalis si SImoun)

Scene:

Basilio: Hindi sila dapat madamay!

(Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)

Basilio: Papasukin nyo ako! Ililigtas ko sila!

Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyong suot!

Basilio: Papasukin ninyo ako!

(Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)
Simoun: Tayo na sa Escolta, madali!

(At tuluyan nangnumalis si Simoun)

Basilio: Ililigtas na niya ang kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.

(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan, patungo sa pista.)

Isagani: Anong ginagawa mo dito?

Basilio: Isagani! Tara na! umalis na tayo dito!

Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang makita.

Basilio: Gusto mo na bang mamatay?

Isagani: Hindi ko alam.

Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mang oras ngayon! Tara na!

Isagani: Bukas ay iba na siya….

Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.

Scene:

(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay nagkakainan na ang mga bisita nang may
nakita silang papel.)

Kapitan Heneral: Nakasulat dito, “Mane thecel, pares” – Crisostomo Ibarra.

Ben Zayb: Isang biro lang iyan!

Donya Victorina: hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang namayapa!

(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)

Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!

Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta ang ganyang biro.

Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?

(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)

Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.

Padre Irene: Isang saglit lamang.

(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa lampara.)

Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!

(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang lampara. Ilang saglit pa ay, isang
nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)
Scene:

(Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang
ilang armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng
lason at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal.)

Padre Florentino: Masama ba ang inyong pakiramdam?

Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandali. Anumang oras ay tatalab na ang lason sa
aking katawan.

Padre Florentino: Diyos ko!

Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking lihim. Maaari mo bang
sabihin sa akin kung totoong may Diyos?

Padre Florentino: Kahit saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.

Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan! Ako si Crisostomo Ibarra, na malaon nang ipinapalagay na
patay. Noong araw, pagkatapos kong mag-aral sa Europa ay umuwi ako rito upang pakasalan ang babaeng iniibig kong
si Maria Clara. Ngunit ito’y hindi natupad.

Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na ikaw ay nasilaw lamang ng
galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat nang nangyari. Hindi nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya.
Sapagkat alam Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.

Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian man ay hindi Siya naghangad ng masama
para sa atin.

Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?

Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng dakila.

Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na walang dulot kundi kasamaan?

Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.

(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni Simoun ang kamay ng pari.)

Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.

(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tuluyan itong nawala sa pagkakahawak. Kinuha ni Padre
Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno sa talampas. Inihagis ni padre Florentino ang kaymanan ni Simoun
sa karagatan.

Scene:

Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat… ngunit kung kakailanganin ka ng tao para sa isang
marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka muna,
hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.
(Magsasagwan lahat at si SImoun ang maglalayag ng BAPOR.)

Scene

SETTINGS: Sa isang napakagandang hardin

(Nagising si Crisostomo/ Simoun dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. At nang tuluyan na niyang
mabuksan ang kanyang mga mata ay isang napakagandang Paraiso ang sa kanya’y bumulaga. Agad siyang bumangon mula
sa pagkakahiga at sinuri ang lugar na tila hindi siya pamilyar, maglalakad na sana siya ng makarinig siya ng isang pamilyar na
tinig.)

???: Crisostomo!! (Nanigas si Crisostomo sa knyang kinatatayuan at tila ayaw gumawa ng kahit na anong galaw. Nagmula sa
likod niya ang tinig ngunit batid niyang may kalayuan pa din ito mula sa kaniyang kinatatayuan.)

???: Crisostomo!! ( At sa pangalawang pagkakataon na natawag ang kaniyang pangalan ay lumingon na din siya sa wakas. Sa
sandaling siya ay lumingon ay nakita niya ang kaniyang sinisinta na si Maria Clara.)

Maria Clara: Juan Crisostomo Ibarra! Aba at hindi mo man lamang ba ako bibigyan ng pansin? ( Hindi na maintindihan ni
Crisostomo ang sinasabi nito ni hindi nya namalayang nasa harapan na niya pala ang dalaga.)

Maria Clara: Ah ganoon? Hindi mo talaga ako kakausapin? Sige lilisanin ko na lamang ang lugar na ito ng mag-isa.

( maglalakad na sana palayo si Maria Clara ng higitin ni Ibarra ang isa nitong kamay at agad na niyakap ng mahigpit.)

Ibarra: totoo ba talaga ito? Pakiusap sabihin mo sa akin na hindi ito isang magandang panagnip lamang.

(Wika niya habang yakap pa din ang kaniyang kasintahan.)

MAeia Clara: Hindi ito isang panaginip lamang Ibarra. Ito na ang katotohanan. Magkasama na tayong muli at kailanma’y hindi
na tayo magkakahiwalay.

(Tugon ng dalaga at mahigpit ding ginantihan ng yakap si Ibarra. Ilang sandal din silang nasa ganoong posisyon ng kumalas
na si Ibarra, hawak pa din nito ang magkabilang bras ni Maria Clara. Akmang may sasabihin ito ng sampalin siya ni Maria
Clara)

Ibarra: A…nong?? Bakit??

(halatang nagulat ang binate sa ginawang pagsampal sa kanya ng dalaga, pruweba na dito ang medyo naka-awang din
niyang labi. Hawak- hawak din niya ang pisnging sinampal ng kanyang kasintahan.)

Maria Clara: Bakit? Bakit mo hinayaang kainin ng galit ang buong pagkatao mo?

Ibarra: Nabulag ak mahal ko. Nais kong ipadama sa lipunan ang sakit na dinulot nito sa akin, akala ko’y… (Malungkot ang tinig
nito) magiging masaya ako sa oras na nagawa ko ito. Ngunit hindi pala lalo lang akong nilugmok ng paghihiganting ito.
Patawarin mo sana ako mahal ko, hindi ko alam ang aking iniisip noong mga panahong iyon. Pagpasen—

Maria Clara: Sshhh… Hindi ko sinasabi na humingi ka ng tawad sapagkat hindi naman ako galit sayo, nais ko lamang malaman
kung bakit ka nagpadala sa galit na nararamdaman mo. Pasensya na kung pinaalala ko pa saiyo ang nagging karanasan mo.
Ngayong magkasama na tayo ay gagawa tayo ng mga panibagong ala-ala, mahal na mahal kita Crisostomo.

Ibarra: kay tagal kong hinintay ang sandaling ito at sa wakas tapos na ang lahat ng kaguluhan. Naririto ka ng muli sa aking tabi
mahal na mahal din kita Maria. * Play romantic/love song preferable on the wings of love*

(unti unting nagkakalapit ang kanilang mga mukha. Papalapit ng papalapit, hanngang sa …)
???: Maria!! Crisostomo!!

(nagulat man sa nadinig na tinig ay nilingon na din nila ito. Ang nagmamay-ari pala ng tinig na iyon ay ang ama ni Crisostomo
na si Don Rafael Ibarra.)

Don Rafael: Crisostomo anak, tara na! Tinatawag na tayo (aniya kasabay ng pagturo sa itaas) sunod kay ha?

Ibarra: Malapit na sana tsk (dahil sa sinabi ni Crisostomo ay hinampas siya ni Maria sa balikat)

Maria: Naku nagawa pang magbiro tara na nga.

Ibarra: Sandali! (Inilahad nito ang kanyang kamay na agad namang tinanggap ni Maria) huwag na huwag kang bibitaw ha?

Maria: Hinding-hindi ako bibitaw anuman ang mangyari pangako sayo.

(nilisan nila ang lugar na magkahawak ang kanilang mga kamay ay may ngiting nakapaskil sa kanilang mga mukha)

*****WAKAS*****

You might also like