You are on page 1of 10

Tagpuan : piging sa bahay ni don santiago delos santos

Ibarra : tama nga kaya ang desisyon kong umuwi sa aking bayan ?

Chismosa 1 : tingnan mo oh nakauwi na pala ang anak ni don rafael

Chismosa 2 : hehh sa iyong palagay tulad din kaya siya ng kanyang ama na isang erehe

Chismosa 1 : siguro , malamang sa malamang ay ganun din siya . Sabi nga nila ang prutas ay hindi
nalalayo sa puno

Chismosa 3 : hindi ba't nakakaawa rin siya Pagkauwing pagkauwi eh ang pagkamatay ng kanyang ama
ang sasalubong sa kanya ?

Chismosa 2 : kung ganoon ay nais mo ba siyang tulungan ?

Chismosa 3 : ano ka ba naman ito'y biro lamang . Kahiit pa itaya ko ang buhay ko ay wala rin itong
matutulong

ibarra : Kung inyong mamarapatin maaari bang ikwento niyo ang mga kaganapan na nangyari simula
nung ako'y lumisan ?

Chismosa 3 : Ang iyong ama ay pinaratangang isang erehe ni padre damaso kaya siya'y itiniwalag ng
simbahan at ikinulong ngunit siya'y nagkasakit at namatay na pero ibarra huwag mong sabihin na kami
ang nagkwento sayo ha mahirap nat madamay pa sa gulo .Ito ay sinabi lang din saamin ni tinyente
gueverra

Ibarra : maraming salamat sa impormasyon makakaasa kayo na hindi ko kayo ilalaglag

* sa kabilang table si padre damaso , tinyente guevarra at padre sylbia

Padre sylbia : padre damaso balita ko'y ika'y pinatalsik bilang kuraparoko ng san diego

Padre damaso : ang hari ng espanya na yon ay masyadong pakielamero hindi na dapat sakop ng
kapangyarihan niya kung paano magparusa ang simbahan sa mga erehe

Tinyente gueverra : paano ba namang hindi patatalsikin eh ipahukay ba naman ang bangkay ng isang
pinagbintangang erehe at ipatapon ito sa isang lawa tsk tsk

Padre damaso : hindi ko gusto ang tabas ng dila mo ha masyado kapang mangmang sa mga nangyayari
kaya huwag kang magsalita ng ganyan baka mayamaya lamang ay bumalik saiyo yàn

Padre sylbia : maiba tayo ng usapan kamusta naman ang iyong kalusugan ..

(papasok si kapitan)

Kapitan tiago : magandang araw sa inyong lahat !!


Ibarra : kapitan

Kapitan tiago : ibarra kanina ka pa pala nandito halika't ipappakilala kita sa mga malalapit ba kaibigan ng
iyong ama

(pupunta sa table nila padre)

Kapitan tiyago : padre sylbia !! Padre damaso ikaw pala tinyente gueverra ito nga pala si crisostomo
ibarra ang anak ni don rafael na nagaral sa europa

(kakabahan si padre damaso)

Ibarra : magandang araw ho kinagagalak ko po kayong makilala

(makikipagkamay sana si ibarra kay padre damaso ngunit tatalikod agad at aalis si padre)

Tinyente : ako nga pala si tinyente gueverra kilala ko ang tatay mo siya'y isang napakabuting nilalang yun
ngalang .. siyay maagang binawian ng buhay

(parang pabulong na sinabi ni ibarra)

Ibarra : may mga katanungan pa akong hndi nasasagot tungkol sa pagkamatay ng aking ama ngunit hindi
ako maaaring tumaliwas sa aking layunin sa aking pagbabalik bansa

Tagpuan : village

Kapitan tiyago : ibarra kanina pa tayo naglalakbay saan mo ba talaga nais pumunta

Ibarra : miski sarili ko po ay hindi ko na alam kung saan lulugar kusa nalang akong dinala ng aking mga
paa sa bayan kung saan ako lumaki

Kapitan : hayy ikay magisip-isip muna magpalipas na lang tayo ng araw sa lagi nating tinutuluyan

(sa isang bahay , dudungaw sa bintana si ibarra makikita niya si maria clara)

Tiya isabel : kay gandang babae naman nito o dalagang dalaga na si maria

Maria : tiya naman huwag niyo nga akong bolahin .

(magkakatinginan sila ibarra at maria)

Maria : ibarra (kakaway kay ibarra at pupuntahan siya)

Maria : nakabalik na pala kay tagal mong nawala . Lagi akong nananabik na makasama ka muli

Ibarra : ako rin naman eh lagi Kong pinapangarap na magkita ulit kita
Maria : kung bakit pa kasi kailangan mo pang sa ibang bansa magpatuloy ng pagaaral

Ibarra : alam mo naman ang aking layunin diba ito ay ang mas mapa buti pa ang hinaharap ng ating
bayan

Ibarra : malapit naring magdapit-hapon

Ako'y may pupuntahan pa

Donya isabel : maria hali ka na't aalis na tayo

Maria : opo tiya mauna narin ako ibarra

Tagpuan : Bayan ng san diego

Extra 1 : halina kayo at magsiaimula na ang pagpapalit ng bagong kuraparoko

Extra 2 : bilis bilis andyan na ang casique

Padre salvi : ako'Y nagagalak na maging bangong kuraparoko ng bayan ng san diego

Alperes : makakaasa kayong lahat na pagbubutihan pa namin at ng lahat ng guwardyang sibil ang
pagbabantay sa bayan

(Tagpuan simenteryo)

Supulturero 1 : sa palagay mo sino ang mas makapangyarihan si padre salvi at ang pinuni ng guwardya
sibil na si alperes o si padre damaso at kapitan tiago

Supulturero 2 : siyempre sila padre salvi pero mamaya na tayo mag kwentuhan at simulan ng maghukay

Supulturero 1 : anong klase ba ng trabaho ang mayroon dito ? Bago lamang kasi ako sa bayan .

Supulturero 2 : may isang bangkay akong hinukay siguro ay mga 20 araw pa lamang itong nakalibing
ngunit gusto itong ipalipat sa libingan ng mga intsik pero sobrang lakas ng ulan noon kaya itinapon ko na
lamang sa lawa

Supulturero 1 : sino namang maguutos ng ganoong bagay ?

Supulturero 2 : huwag mong ipagsasabi ha si Padre garrote ang nag-utos

(umalis si supulturero 2 at dumating si ibarra na may kasamang matanda)

Matanda : nasaan naa ba dito yung labi na may mga tanim na bulaklak at may krus sa gitna ?
Supulturero 1: ahh yung labi ba naiyon sinunog na ang krus at ang labi naman ay ipinahukay at itinapon
sa lawa

Ibarra : sinong tao ang lumapastangan at hindi nagbigay ng galang sa labi ng aking am !!!

Supulturero 1 : si padre garrote ang nagutos

Tagpuan : bayan

Ibarra : padre salvi bakit mo nilapastangan ang aking ama !! Ano ba ang ginawa niya at pati sa
kamatayan ay binaboy ito !!

Salvi : nagkakamali ka ng pinagbibintangan ibarra hindi ako ang nagutos na babuyin ang bangkay ng
iyong ama ngunit kilala ko kung sino

Ibarra : kung ganoon ay sabihin mo sakin kung sino !!?!!

Salvi : si padre damaso na matalik na kaibigan ng iyong ama

(papasok si padre damaso aalis si salvi)

Ibarra : walang hiya kang hayop ka !! Matalik na kaibigan ka ppa man din ng aking ama !! Tapos ganon
ang isusukli mo sa kanya

Padre damaso : wala kang karapatang paratangan ako ng walang proweba !! At sa palagay mo sa ugali
mong iyan ay nababbagay ka kay maria hinding hindi ako papayag

Ibarra : huwag mong ibahin ang usapan !!

(aaktong sasaksakin ni ibarra si padre at pipigilan ito ni maria)

Maria : ibarra huwag mong gawin ito !! Huminahon at magisip kang mabuti hindj matutuwa ang ama mo
sa gagawin mong ito

Ibarra : tsssk tssk

Padre damaso : kay gandang mga dilag para sa gandang umaga Saan naman kayo tutungo ?

Donya isabel : sa Beaterio padrea damaso may mga kukunin lang kaming gamit

Maria clara : mauna na ho kami padre

Padre damaso : sige kayo'y magingat ha kakausapin ko lamang si kapitan tiago

(aalis sila maria at isabel)

Damsao : ano itong naririnig ko nanagkakamabutihan na si ibarra at maria

Tiago : ano namang masama doon ?


Damaso : hindi ko gusto si ibarra para kay maria . Hindi sila bagaay para sa isa't-isa kapag pumayag ka sa
kanilang relasyon para mo na ring ipinaubaya si maria sa isang erehe

Tiago : anong pinagsasasabi mo---

Damaso : ikaw ay binabalaan ko lamang dahil para ko na din anak si maria lam kong hindi makakabuti sa
kanya si ibarra . Kita mo naman sa pagtanga niyang patayin ako !!

Tiago : sige huwag kang magalala dahil sa para ka na din namng pangalawang ama ni maria susundin ko
ang gusto mo at hindi ko hahayaan na magkalapit pa sila

Narrator: Kinaumagahan ay maagang namitas si Sisa ng mga pinakahinog at pinakaberdeng gulay sa


kanyang gulayan.Inilagay niya ito sa isang bakol at saka umalis upang pumunta sa simbahan at kausapin
ang Kura. Sa kumbento ng simbahan…

Sisa: Tao po, magandang araw po.Kusinera: (mataray) Sino kayo?Sisa: Ako po si Sisa, ang ina ng sakristan
na si Crispin. May dala ho akong mga gulay para sa Kura. (iaabot ang basket)

Kusinera: (hahawakan at susuriin ang mga gulay) O, sige. Ilagay mo na lang diyan.Sisa: Saan ho?Kusinera:
Kahit saan diyan.Sisa: Maaari ko ho bang makausap ang kura?

Kusinera: Hindi maari. May sakit ang Kura.Sisa: Kung gayon ay kahit makausap ko na lamang ang anak
kong si Crispin.Kusinera: Huwag ka nang magkaila. Alam ng lahat na si Crispin ay nasa inyo nang bahay.

Sisa: Si Basilio ho ay nasa bahay ngunit si Crispin ay naiwan dito. Ibig ko sanang makita…

Kusinera: Naiwan nga ngunit tumakas din pagkatapos magnakaw ng maraming bagay. Baka nga
hinahanap na siya ng mga guardia civil sa inyo, eh. Alam mo, napakabuti mong asawa ngunit masasama
naman ang mga anak mo tulad ng kanilang ama. Lalo na yung maliit? Naku! Baka higitan pa niya ang
ama niya.Sisa: (mapapaupo sa bangko ng kusina at mapapaiyak)Kusinera: Hindi mo ba naintindihan?
May sakit ang Kura! (itutulak si Sisa palabas) Hala, doon kayo humagulgol sa lansangan! Sulong!

Narrator: Tumatakbo si Sisa dahil sa takot na mahuli ang kanyang mga anak dahil sa kasalanang hindi
nila ginawa. sa kalituhan ay halos madapa-dapa siya sa daan.

Sisa: O Diyos ko, huwag po ninyong pababayaan ang aking anak!

Narrator: Pagdating sa kanilang dampa ay nagulat siya sa nakita. May mga guardia civil na naghahanap
sa kanilang bahay, tila may hinahanap na tao. Nagtago muna siya, ngunit nakita rin ng mga ito.

Guwardiya Civil 1: Ikaw ba si Sisa ang ina ng mga magnanakaw na bata?

Sisa: Opo, ako si Sisa. Ngunit hindi mga magnanakaw ang aking mga anak.
GC2: Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Ilabas mo ang iyong mga anak! Nakatakas ang
nakatatandang anak mo.Nasaan yung mas bata?

Sisa: Hindi ko alam dahil hindi pa siya umuuwi simula kahapon!

GC 1: Kung gayon ay ikaw ang isasama naming. Hindi ka makalalabas ng kwartel habang hindi mo
itinuturo ang mga anak mo!

Narrator: Dinala na ng mga guardia civil ang kaawa-awang si Sisa sa kuwartel ng mga guardia civil. Doon
siya ikinulong habang hindi niya itinuturo ang mga anak.

GC 2: (itinulak si Sisa sa kulungan) Iyan, diyan ka nababagay. Mabubulok ka sa bilangguan na iyan


hanggang sa ituro mo ang iyong mga anak.

Narrator: Walang magawa si Sisa kundi ang umiyak. Nakarating sa Alperes ang balita kaya’t
nagdesisyon itong palayain si Sisa, dahil na rin sa kawalan ng katibayan.

Alperes: (kausap ang isang guardia civil) Ang krimeng iyan ay kasalanan ng kura! Pakawalan ang bihag at
huwag na siyang abalahin kailanman! Kung gustong makuha ng kura ang nawalang ginto, sabihin mo ay
manalangin siya kay San Antonio! Pari siya ay hindi niya alam ang bagay na iyon? Huh!

GC 3: Si, Señor Alperes. (aalis at pupuntahan ang selda ni Sisa) O, makakalaya ka na daw. Wala nang
ipapakain sa iyo ang gobyerno dito! (tatawa)

GC 1: Kasi naman eh. Mag-aasawa na lang yung wala pang kwenta. Tapos mag-aanak pa ng
magnanakaw! Tsk. Tsk. Tsk.

Narrator: Mabilis na tumakbo papalayo ng kuwartel si Sisa habang umiiyak. Gula-gulanit na ang kanyang
damit dahil sa pangit na kondisyon sa kulungan. Hindi na ininda ni Sisa ang nangyari sa kanya, bagkus ay
hinanap na lamang niya ang kanyang mga anak. Nagpunta siya sa kanilang dampa upang tingnan kung
nandoon si Basilio.

Sisa: (nasa dampa, sumisigaw) Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nasaan na kayo?

Basilio: (hinahanap ang ina sa lansangan) Inang! Inang! Nasaan na kayo, Inang? Inang!

Narrator: Pumunta si Sisa sa bahay ni Pilosopo Tasyo, ngunit wala siyang nadatnang tao.

Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nandyan ba kayo? Tandang Tasyo! Andyan ho ba ang mga anak ko?
Wala atang tao. (iiyak)

Basilio: (Uuwi sa dampa) Inang! Inang! Nandyan ba kayo, Inang? Inang! (sumilip sa bangin malapit sa
bahay)

GC 3: Hoy! Ikaw yung hinahanap naming bata ah. Huwag kang gagawa ng masama!Narrator: Sa takot ni
Basilio ay napatakbo siya at di sinasadyang napunit ang tela ng kanyang damit na may bahid na ng dugo
at nasabit sa sanga ng isang malagong halaman malapit sa bangin. Nakarinig si Sisa ng putok ng baril
mula sa kanilang bahay kaya’t pinuntahan niya iyon.(hindi na naabutan ni Sisa ang guardia civil at si
Basilio)Sisa: Diyos ko po! Mga anak ko! Crispin, Basilio! (titingin sa may bangin at makikita ang piraso ng
damit ni Basilio na may dugo) Basilio? Basilio! Damit ito ni Basilio! May dugo. Mapula. (tatawa at
ngingiti) Damit ni Basilio may dugo! (tatawa ng malakas)

Narrator: Kinaumagahan, makikita na si Sisa na pagala-gala sa lansangan, kinakausap ang lahat ng lalang
ng kalikasan.

Basilio: Nasa bahay, sa labas ng Bayan

Sisa: (nakatingala) Crispin! Basilio! Nasan na kayo? Mahal kong mga anak! Hangin, nakita mo ba ang mga
anak ko? Hindi? (iiyak at tatawa ulit) Ikaw puno, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi rin? (iiyak at
tatawa ulit)(haharap sa audience) Kayo? Nakita niyo ba ang anak ko? Nakita niyo ba siya? (kakausapin
ang mga naglalakad na extra sa set) Kapag nakita niyo ang mga anak kong sina Basilio at Crispin, sabihan
ninyo ako ha? (tatawa at maiiyak)

Basilio: (Hinahanap ang nanay sa dampa) Inang! Inang! Nandito na ako Inang! Inang! Inang! (maiiyak)

Sa may sinaunang Bilanguan (ipapasok pa lang siya)

Narrator:Sinalakay ng mga taong pinag uusig ang kwartel ng gwardiya sibil at sinisi nila ang dahilan na si
Ibarra ang may kasalanan kaya't siya'y hinuli ng mga gwardiya sibil

Ibarra:Bitawan ninyo ako,bakit ninyo ko hinuhuli kung ganoong wala naman akong kasalanan

Gwardiya Sibil:Sinabi nila sa amin na ikaw daw ang dahilan kung bakit sinalakay ng mga taong pinaguusig
ang kwartel namin.

Ibarra:Wala akong alam sa sinasabi ninyo,kung maari ay bitawan niyo na ko

Narrator:Patuloy pa din sa pagpipiglas si Ibarra ngunit hindi pa rin siya binitawan ng gwardiya sibil,at siya
ay binilanggo na.Sinusubukang makalaya ni Ibarra ngunit ginawa na ang lahat ng nakakaya ay hindi pa
din siya makalaya

(sa loob ng sinaunang kulungan)

Ibarra:Marahil ay nag aalala na sakin si Maria,susulatan ko siya ng liham upang malaman niyang nasa
maayos akong kalagayan

Narrator:At gumawa na nga siya ng liham para kay Maria Clara ngunit ang sulat ni Ibarra kay Maria Clara
pinalitan at iniiba ang sulat ng laman nito at sa kabilang dako naman ay nagpunta sa simbahan si Maria
Clara upang magsimba sa araw na iyon,at matapos nga ng kaniyang pagsisimba ay nakasalubong niya si
padre damaso

Maria Clara:Padre(magmamano kay padre)

Padre Damaso:May nais akong sabihin sa iyo Maria


Maria Clara:Ano po iyon padre?

Padre Damaso:Ako ang iyong totoong ama,at hindi si kapitan tiyago

Maria Clara:Ano?ang akala ko ba ay si Kapitan Tiyago ang aking ama,ako ay naguguluhan(sasabihin niya
na parang naguguluhan siya)

Padre Damaso:Maria!(pasigaw na sabi)

Narrator:Naguguluhan sa nalaman si Maria Clara kaya't siya ay tumakbo papalayo sa kanyang


ama.Kinabukasan ay may nais ianunsyo si Kapitan Tiyago sa mga mamayan

(Sa may labas ng bahay nila sinaunang village kung saan maraming tao)

Kapitan Tiyago:Magandang araw sa inyong lahat,at ngayon ay may mahalaga akong nais ianunsyo sa
inyong lahat,nais ko na inyong malaman na ikakasal na si Maria at Linares sa darating na buwan kaya't
lahat kayo ay gusto kong malaman niyo ito

Narrator:Ngunit nagulat si Maria Clara sa kanyang natunghayan kaya't siya ay tumakbong muli ngunit
may humablot sa kanyang kamay sisigaw sana siya

(sa may malaking puno sila nag uusap)

Maria Clara:Tulo-

Ibarra:Maria ako ito si Ibarra

Narrator:Niyakap ng mahigpit ni Maria Clara si Ibarra sa sobrang pagkasabik nito sa kanya dahil matagal
siyang nawala dahil siya ay nabilanggo,tinulungan siya ni Elias kaya siya'y nakatakas

Maria Clara:Akala ko ay hindi nakita muling makikita Ibarra

Ibarra:Maari ba iyon Maria,gagawin ko ang lahat para lamang tayo ay magkitang muli

Maria Clara:Ngunit ako'y nais ipakasal ni Ama kay Linares,ayokong magpakasal sa kanya Ibarra dahil
ikaw lamang ang mahal ko,ikaw lamang nais kong pakasalan

Ibarra:Ikaw lamang ang aking mahal at pakakasalan Maria,ngunit Maria sa mga oras na ito ay kailangan
ko ng umalis,maghahanap ako ng paraan upang muli tayong magkita,mag iingat ka Maria,mahal na
mahal kita

Maria Clara:Saan ka pupunta Ibarra?mag iingat ka!

Narrator:At dali dali na ngang tumakbo si Ibarra at hindi na nasagot pa ang tanong ni Maria Clara

Lugar: Karagatan
Narrator:Tuluyan na ngang tumakas si Ibarra at sumakay sa bangka ngunit naabutan sila kaya

Elias:Kailangan kong tumalon

Upang maligaw na silang yaon

Ibarra:Suba---

Elias:sa muli nalang nating pagkikita

Kaibigan ko,Ibarra.

(Tatalon si Elias)

Ibarra:Elias!Kaibig-gan!Paalam (iiyak)

Narrator:Sa desisyon na pagtalon

Si Elias ay pinagbabaril,kung kayat namatay sapagkat pinagkamalan Ibarra ang ngalan kaya ang
nagngangalang Elias tatangayin na lamang

Ibarra:Kasalanan ko ang lahat ng ito

Patawad,patawad!Napakabuti mo kaibigan!Hanggang sa muli

Di pa ito ang huli

Narrator:Samantalang nag madre na si Maria Clara ,sa pag aakalang si Ibarra

Na kanyang kasintahan ay yumao na

(Sa simbahan habang nakaluhod at mataimtim na nagdadasal)

Maria Clara:Paalam mahal ko

Sana naging tama ang naging desisyon ko,kasiyahan sanay iyo ng makuha

Pagkat yan ang pinagkait sayo ng tadhana

Madre1:Maria,Halika na

Maria Clara:Sge,susunod na

(Sa karagatan ule)

Narrator:Sa kabilang dako

Si Elias bago mawalan ng hininga

May huling binigkas ang bibig nya


Ito ang kanyang habilin

Para sa iba at lalo na sa atin

Elias:(nawawalan na ng boses)sanay kanilang matandaan

Ang aming pinamalas na kagitingan

Binuwis ang buhay para sa laban

At pagtatanggol sa bayan.

Kabayanihan

Para sa mamamayan

At sa hinihinging kalayaan at kaayusan

Pp-aalam....

You might also like