Professional Documents
Culture Documents
(Papasok nang nakayuko si Pilosopo Tasio habang bitbit ang kanyang baston, uupo sa upuan at unti-
unting haharap sa mga manonood.)
PILOSOPO TASIO: Sa panahong ito, sina na ba talaga ang dapat na nasusunod... ang Diyos o ang mga
naghahari-harian? Ano na ba talaga ang mas mahalaga, buhay ng tao o ari-arian? Nakapagbibigay ba
talaga ang relihiyon? O inhustisya lamang ang dala nito sa tao?
(Lights off)Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marami ang
nagdurusa, marami ang nananahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at
naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi.
Kaya kayong mga kalaban ko, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin.(Lights on)
Scene 1:
Manggagamot: (tinitignan kung buntis si donya pia alba:hmm… pagpaumanhin niyo senyorita
ngunit hindi po kayo buntis.
Tiyago: Anim na taon na tayong nagsasama sa iisang bubuong aking iniirog ngunit hindi parin
tayo nabiyayaan ng isang sipling. ako pari'y umaasa na magkaroon ng isang buong pamilya.
Pia: pagpaumanhin mo aking mahal kung Hindi ko maibigay ang iyong munting hiling.
Tiyago: hindi pa siguro dumating ang tamang araw sa atin para magkaroon ng isang sipling
kung iyon ang gusto ng birhen, talagang wala tayong magagawa (Ngumiti)
Tiyago: ako muna'y aalis ng saglit para makakuhaha ng pagkain na ating kakainin.
Hindi na sila Makita sa stage at pawang sigaw at awa lamang ang maririnig ng mga tagapanood)
Pia Alba: ahhh!! Tulong! Maawa ka Padre Damaso, tulong! Tumigal ka!
( si pia’y nangaganak)
Scene 2:
(Tahimik si Maria Clara habang binabasa ang mga sulat na ipinadala ng kanyang minamahal na
Crisostomo Ibarra noon.)
KAPITAN TIYAGO: (lalapit) Anak ko, hindi ka ba nagsasawa sa pagbabasa sa mga sulat ni
Crisostomo Ibarra?
MARIA CLARA: Hindi po. Pwede akong mamuhay araw-araw na ito lang ang aking binabasa.
Ang
kanyang mga sulat, para sa akin, ay parang tinapay. Binubusog nito ang aking puso’t kaluluwa.
Kailan kaya siya babalik ulit? (malulungkot)
MARIA CLARA: (magugulat) Ha?! Talaga?! Kurutin niyo po ako Ama! Sampal-sampalin niyo
na din ako para malaman kong hindi lang ito isang matamis na panaginip!
MARIA CLARA: Angsaya-saya ko, Ama. Mas masaya pa kaysa sa mga ibong nagsisikantahan
tuwing umaga! Kailan po siya babalik?
Scene 3:
Babae 1:Oy, alam mo ba, kumare? Isang pagdiriwang daw ang magaganap sa bahay nina Kapitan Tiyago!
Babae 2: Aba, kina Kapitan Tiyago nga ba, ine? Hmmm.. Naturalmente lamang na ito’y magiging
magarbo!
Babae 1i: Aba siyempre, ano! Paniguradong magdaratingan ang mga donya’t don sa tahanan ng mga
Santiago De Los Santos!
(Sa handaan)
Tiya Isabel: Buenos Tardes, mga seniora, senior! Maligayang pagdating sa tahanan ng mga
Santiago De Los Santos!
Tiya Isabel: magandang gabi din mga dilag! Magtipon muna kayo habang nag-aantay ng mga
bisita. (fake smile)
lalaki: talagang napakaganda ng tahanan ng mga delos santos. Ang daming palamuti!
Tiya Isabel: Ipagpaumanhin ninyo ngunit ako muna’y pupunta sa kusina. Hesusmaryosep!
Maghintay lang kayo, mga bulagsak! (siya ay aalis na para bang nagmamadali)
Pari Damaso: Kahit kailan ay mapagwalang-bahala ang mga Indiyo! Mahigit dalawampung
taon akong nanilbihan sa bayan ng San Diego. Ang buhay ko bilang pari’y nasubaybayan nila
ngunit nang ako’y madestino sa ibang lugar, kakaunti lamang ang naghatid saakin! mga walang
modo, walang pasasalamat!
Pari Damaso: at isa pa, Kung di naman dahil sa nagmamagaling na tenyente heneral natin ay
hindi ako madedestino sa iba. Siya lang ang bukod tanging naniniwala na ang taong iyon ay
hindi makasalanan! Aba’y hindi nag- iisip.! Maski sa pagpapalibing sa masamang tao, hindi ako
kinunsulta!”
Paisano: OO nga!
Tenyente Guevarra: padre damaso, sa pagkakaalam ko sa mga tunay na nangyari, ay wala kayo
sa San Diego noon kaya inilibing na ang bangkay ng napakamarangal na tao!
Paisano: padre damaso, napakasakit naman ang mga binibitiwan mong salita, parang hindi mo
matalik na kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak nyang si Maria Clara. Hindi
ba kaibigan mo din yung yumao na si Don Raph. . .
Kapitan Tiyago: magandang gabi sa inyo mga padre ganun dijn sa inyo mga ginoo at binibini,
masaya akong pinaunlakan ninyo ang aking imbitasyon (saglit na napatigil at titingin kay Ibarra)
ikinararangal kong ipakilala sa inyo si Don Crisostomo Ibarra, anak ng kaibigan kong yumao na
si Don Rafael Ibarra. Siya ay galing sa Europa.
Ibarra: ikinagagalak kong Makita kayong lahat. Ah, Reberensya, Nandito pala ang matalik na
kaibigan ng aking yumaong ama, si padre Damaso! Ipagpatawad ninyo kung ako’y nagkamali
Padre Damaso: hindi ka nagkakamali ginoo, ako nga si padre Damaso ngunit kailanman ay
hindi ko nagging kaibigan ang iyong ama. (aalis si tiago)
Tenyente Guevarra: maligayang pagbabalik Don Crisostomo, ayon sa aking pagkakaalam dahil
sa nakasama at nakilala ko ng tunay ang iyong ama’y masasabi kong tunay siyang marangal at
nararapat lamang na siya ay kilalanin.
Ibarra: ginoo, maraming salamat sa inyong papuri dahil sa inyong sinambit ay tila ba’y
nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Sandaling mawala ang aking pagaalinlangan s akanyang
sinapit.
Katulong: magandang gabi po sa inyo mga ginoo at binibini. Nakahanda nap o ang hapag
kainan.
Scene 4:
VICTORINA: (nabwisit) Ay, ano ba? Ganyan ba ang tamang trato sa isang meztisa? Bulag ka ba?
TINYENTE: Hindi naman ako bulag. Sa katunayan, mas malinaw pa ang akin mata.
Pinagmamasdanko lang kasi iyang buhok mong kulot.
VICTORINA: Ay! Alam kong maganda ako. Pero hindi ibig sabihin ay pwede mo nang binyagan
ang
Padre Sibyla: ang upuang ito ay nakalaan sa inyo padre Damaso. Higit kayong nakatatanda,
mataas na katungkulan at kapangyarihan (hawak-hawak parin ang upuan)
Padre Damaso: hindi naman ako ganoon katanda. Sa tingin ko’y ikaw ang para sa upuang ito
sapagkat ikaw na ang kura ng bayang ito.
Padre Damaso: hindi ko ipinag-uutos! (galit at siya ay kumuha na lang ibang upuan)
Ibarra: kapitan Tiago, halina at saluhan ninyo kami, ditto ka na maupo sa aking upuan.
Kapitan Tiago: naku! Huwag ka ng tumindig. Ang salo-salung ito ay sadya kong pinaghanda
bilang pasasalamat sa birhen sa inyong pagdating.
Padre Damaso: ano ba itong ibinigay saaking pagkain! Ang laman ng aking tasa ay mapayat na
leeg at pakpak ng manok!
Donya Victorina: hindi moo ba nakalimutan ang pilipinas? Matagal-tagal din ang pitong taon.
Ibarra: hindi mangyayari iyon, marahil ako ang nalimutan ng aking bayan. Pero ako, lagi kong
aalalahanin ang lupang aking sinilangan.
Ibarra: Nais ko pong mas makilala ang bansang aking sinilangan at ibig kong malaman kung
bakit at paano yumao ang aking ama.
Padre Damaso: upang makilala ang bayang ito? Alam nating lahat, na mga Indio ang nakatira sa
lupaing ito, Napakaliit na bagay ang sinadya mo rito, walang mahalaga sa bayang ito!
Ibarra: Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong bayang Pilipinas
tulad ng Inang Bayang Espanya!
Padre Damaso: Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong! Walang asal,
parang matalino kung magsalita!
Ibarra: ipagpatawad ninyong lahat kung inaakala ng padre Damaso’y ako’y musmos pa rin
kagaya ng dating madalas silang nagsalo ng aking ama. Patawad, ngunit kailangan ko nang
umalis.
Tiyago: kararating mo ay aalis ka muli. Maghintay ka muna ng mga ilang oras, siguro ay nandito
na si maria clara, sinundo na siya ni Isabel.
Crisostomo Ibarra: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, sadyang may
kailangan akong dalawin ngayon na hindi maaaring ipagpaliban, pupunta ako dito bukas na
bukas din. (aalis si Ibarra)
Padre Damaso: nakita na ninyo? Hindi matanggap na napagsaitaan ng isang kura. Akala mo
kung sinong makaasta. Ito ba ang bunga ng pagaaral sa Europa? Kung ako ang masusunod ay
dapat ipagbawal na ang pagaaral ng mga batang indio sa Europa.
Scene 5:
tinyente: Señor Ibarra.
Ibarra: Tinyente, kayo pala. Ako po’y inyong ginulat.
Tinyente: Mag-ingat kayo, Señor. Nawa’y nagsilbing aral sana sa inyo ang sinapit ng inyong
ama.
Ibarra:Tila may nalalaman po kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong
ikwento sa akin?
Tinyente: hindi niyo pa rin ba nalalaman? Batid ng lahat ang nangyari sa inyong ama. Namatay
ang iyong ama sa loob ng bilangguan.
Ibarra: ang aking ama, Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo’y
nagkakamali lamang?
Tinyente: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael
Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso.
Ibarra: Maaari ba ninyong isalaysay sa akin ang buong pangyayari? At ang puno’t dulo kung
bakit siya ay nakulong?
Tinyente: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging
kolektor ng buwis na dating artilyero. Nang siya’y nangongolekta, minsan siyang
Scene 6:
Maria Clara: Hindi ko nga po maintindihan kung bakit labis na kabado ako eh. Samantalang
magkababata naman kami. Buti pa noon sa beateryo, maaari niya akong bisitahin at hindi ako
nanginginig.
(-tatakbo paalis.)
(Hindi mapakali ang dalaga, kaya’t to ay nagtago sa may silid- dasalan habang nabablisa
naririnig ang tinig ng binata.)
Kapitan : Crisostomo! Mabuti naman at naisipan mong bisitahin ang aking anak.
Tiya Isabel: Hay nako, kung alam mo lang kung gaano ka aligaga iyang si Maria Clara sa
kaaantay sa iyo.
Tiya Isabel: Mukhang alam ko kung nasaan ang batang iyon, sandali lang, ha?
Maria Clara: Mabuti naman, Crisostomo! Kay tagal din nating hindi nagkita, ano?
Crisostomo Ibarra: OO nga eh, talagang napakatagal na nung huli tayong nagtagpo.
Ibarra: kahit kalian ay hindi ako nagsisinungaling sa iyo. Lalo na’t ang mga binibitiwan kong
mga salita sa iyo ay mula sa puso.
Maria Clara: (matatawa ng kunti) kahit kalian talaga ay napakabolero mo. Ah! Heto parin at
tago-tago ko pa ang iyong mga sulat.
Ibarra: maria Clara, ipagpatawad mo ngunit kailangan ko nang umalis, sapagkat bukas ay araw
ng mga patay.
Maria Clara: heto ang bulaklak, ialay mo ito sa libingan ng iyong mga magulang. Crisostomo,
mag-ingat ka.
(sementeryo)
Scene 7 :
CRISOSTOMO: Nasaan nga ba ang puntod ng aking ama?
ALALAY: pasensya na po at hindi ko masyadong nadalaw ang libing ng inyong ama sapagkat
ako po ay nagkasakit. Tinamnan ko po ng bulaklak at nilagyan ng malaking krus ang kanyang
puntod. Nandun!... Banda rito po. Nasaan na?
CRISPIN: kuya, ayoko na dito natatakot na ako. Umuwi na tayo. Sa bahay ay hi ndi ako
natatakot, doon ay hindi ako sasaktan at doon ay hinding-hindi ako pagbibintangang
magnanakaw… ganito naba tayo., kuya? Sana pagkauwi natin ay magkasakit na lamang ako para
aalagaan ako ni inay at hinding-hindi na niya ako pababalikin nang gutom. Ikaw din kuya, sana
magkasabay tayong magkasakit.
Basilio: huwag! Mas mahihirapan tayo kung magkakasakit tayo. Mamamatay sa sama ng loob si
inay at tayo naman ay sa gutom.
Basilio: ano naloloko kana ba? Dalawang piso ang sweldo ko dahil sa malaki ang nabawas dahil
sa ilang beses na multa. CRISPIN: sabi ng sacristan mayor ay papatayin niya ako sa
amamagitan ng palo kapag hindi ko nailabas ang kwarta, kuya kung nasa akin man iyon ay sana
matagal ko ng isinauli. Ang kinakatakot ko ay baka malaman ito ng inay.
(Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor.)
SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang piso dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng
kampana…At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang
ninakaw mo!
CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw.
SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa!
Basilio: ginoo, alas nuwebe po ay hindi maaaring maglakad sa daan siguradong mahuhuli kami
ng guardiya sibil. At bukod doon ay malayo ang aming bahay.
crispin: kuya! (Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito. Ngunit nakahawak rin si
Basilio sa kapatid)
Scene 8:
PEDRO: peste naman o! kung ganoon ay hindi ako kakain!? Yun ba ang iyong kagustuhan?!
(hahawakan ng mahigpit si sisa)
SISA: hindi naman sa ganoon. Sige heto kumain ka na.
PEDRO: ano ba ipina kain mo pagkata… haisst!! Buwisit (itutulak si sisa) (Nakita ni Sisa na
paalis na ang asawa.)
(Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at
kinausap ng utusan.)
Scene 9:
UTUSAN: Para saan ang mga iyan ale?
SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap.
UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito?
SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin.
UTUSAN: Crispin? Kung gano’n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y matapos magnakaw ng
batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at
magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin
ang mga magnanakaw mong anak.
SISA: Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko.
KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! ‘Wag mong iyakan ang iyong mga anak! Wala
kang mapapala sa kanila dahil nagmana sila sa kanilang ama!Huwag kang iiyak dito! Umiyak ka
sa labas!
GWARDYA: Sabihin mo ang totoo at kung hindi’y itatali ka namin sa puno at babarilin ka namin.
SISA: Hindi nagnanakaw ang aking mga anak, kahit sila’y nagugutom. Hindi por que mahirap
kami ay kami na agad ang iyong pagbibigtangan! Hindi lahat ng mahirap, magnanakaw!
SISA: Ah, ah! Bitiwan niyo ako! (pinakawalan ang sarili mabilis na tumungo si Sisa sa kanyang
bahay.
SISA: Crispin! Basilio! Nasaan kayo? (haharap sa ibang side) Crispin! Basilio! ... (haharap sa ibang
side) Crispin! Basilio!
SISA: Ito... Ito iyong... damit ni Basilio. (hahagulhol, iiyak) Hindi, hindi ito maaari! (sisigaw ng
malakas)
Hindi! Hindi pwede! Basilio! (patuloy sa pag-iyak, manginginig na lilingon sa ibang side) ...
Sisa: crispin! Basilio! Mga anak ko nawawala! Hahaha.. nawawala ang aking mga anak.. mga
anak kong makasalanan.. mga magnanakaw.. huhuhu! Ako.. ako’y ina ng mga magnanakaw..
ikaw! ikaw! Ikaw ilabas mo ang aking mga anak! Mabait sila… mabait na .. magnanakaw
hahaha!! Mga anak ko! Ikaw ilabas niyo akng aking anak huhu! Nagugutom sila parang awa
niyo na!.
Sisa: anak! Anak ko andyan ka lang pala! Nasaan ang iyong kapatid? Ha? Kumain ka na ba?
Ale: baliw! Huwag salingan ang aking anak, baka siya’y iyong mahawaan (kukunin ang kanyang
anak)
(palaisdaan)
Scene 10:
Victoria: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra?
MARIA CLARA: Kami ni Ibarra? Anong “kami” ni Ibarra?
Sinang: Hindi ba’t kararating lamang niya?
MARIA CLARA: Oo…sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming
mangingisda…
MGA KAIBIGAN: Uuuuuyy…
MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo.
IBARRA: Maaari na ba tayong umalis?
MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo…
MARIA CLARA: Mahal kong Crisostomo, masaya talaga ako. Hindi ko ito inasahan na yayayain mo akong
mangisda.
Ibarra:: (busy sa pangingisda) Ikaw ang mahal ko, sino pa nga ba ang yayayain ko kung hindi ikaw?
MARIA CLARA: Siguro para sa iyo, ako’y isang tubig. Tubig na kapag hindi mo ininom ay hindi
momakakanayan.
(tatalon si elias)
Leon: huwag kayong mabahala, ang binatang iyon ay kilala sa kanyang husay sa paghuli ng
isang buwaya.
Ibarra: hindi karapat-dapat ang inyong ginawa.. huwag kang padalos-dalos sa iyong mga
desisyon. Mabuti na lamang at walang nangyari sa inyong masama.
Elias: opo, maraming salamat ulit at inyong tandaan balang araw, sa panahong kailangan ninyo
ng tulong, nakahanda po akong tumulong sa inyo.
Scene 11 :
(Sa bahay ni Pilosopo Tasio. Papasok si elias sa bahay ng Pilosopo at maaabutan siyang
nagsusulat.)
IBARRA: Magandang gabi. Nais ko po sanang humingi ng payo sa inyo tulad ng ginawa rin ng
aking yumaong tatay noon. Nais ko po sanang magpatayo ng paaralan at gusto kong malaman
kung sino ang lalapitan ko para rito.
PILOSOPO TASIO: Pangarap ko rin iyan noon. Isa iyang pangarap ng baliw, kaya ang payo ko sa
iyo ay huwag mo na akong tatanungin kailanman.
IBARRA: Pero...
PILOSOPO TASIO: Magkunwari kang sumusunod sa payo ng madla at simbahan nang sa gayon
ay 'di ka pag-isipang baliw o ng kahit na anong masama.
(Scene 12:
Iday:ah! Apat na taon na siyang ganyan. Naninirahan sa libingan ng mga intsik. Ang sabi ng iba
ay nahaa siya sa sakit ng kanyang ina, ang sabi ng iba ay nakuha niya sa loob ng bilangguan.
Lumalayo siya sa mga tao ngunit minsa’y pinapalo siya ng kapitan.
Sisa: tara, magdasal tayo sa simbahan hahaha.. alam mo may mga anak ako.. dalawa, dalawa sila
at sadyang mababait hahaha!
Maria: crisostomo akala ko’y may ginawa ka para matulungan ang babaeng iya?
Ibarra: sa ngayon ay wala pa akong nagagawa. Pero nakausap ko ang kura at handa niya akong
tulungn.
Guardia sibi: malinaw na malinaw ginoo na siya’y nanggugulo kaya siya’y aming huhulihin.
(umalis sila)
Scene 13:
(Pupwesto si Pilosopo Tasio sa labas ngsimbahan. Titingin siya sa madla at tatampalin ang kaniyang noo.)
PILOSOPO TASIO: Dalawang-daan at limampung piso kada ao para sa isang sermon? Hay nako! Sinasabi
ko na nga ba eh, ginagawang negosyo ang debosyon! Pinagkakakitaan lang kayo ng mga pari. Ang bayad
ng isang tao'y katumbas ng tatlong gabing sweldo ng isang actor! Nagsasayang lamang sila ng pera!
Padre damaso: ang iginagawad mo sa kanila ang mabuting kalooban upang palaganapin ang
pangaral, hindi mo binaw I ang biyaya ng salita sa kanilang bibig at sa halip ay binibigyan ng
tubig upang maawi ang kanilang mga uhaw.
Padre Damaso: ang mga salita ng diyos ang magpapaunlad sa inyo, kaya’t kayong
makasalanan masdan niyo siya ng buong paggalang at pagsisisi. Tingnan niyo si Gideon, ang
matapang na si David, ang matagumpay na si Roldan, ang guardiya sibil ng kalangitan na lalong
marahas kesa sa lahat ng mga sibil.
Padre damaso: ikaw ginoong alperes, diba’t higit na matapang at makapangyarihan ng krus
kaysa sa kahit anong sandata.
Padre Damaso: mga kapatid, nararapat na isabuhay niyo ang mga salita ng diyos. Dapat ay
sinasaulo noinyo ang banal na kasulatan para hindi ko na kayo pagsabihan pa.
Elias: magiingat ka kaibigan. Sa iyong pinatayo na paaralan ay huwag kayong lalapit unang
batong ihuhugos at huwag kayong lalayo sa kura.
Elias: may nagaambang panganib po a inyo. Basta’t huwag po kayong magtanong at ito’y
sundin niyo po, ito’y para sa inyo.
(umalis si elias)
Padre Damaso: dapat niyong malaman ang mga mahahalaga at kailangang bagay ngunit marami
sa inyo ang nakakalimot kaya namamatay ng di nagsisisi. Nasasabi nga sa bibliya na “kung
meron kayong isang bahagi ng katawan na nagtutulak sa inyo sa pagkakasala, putulin iyon at
itapon sa apoy” mga kaibigan, magsipagtayo po tayong lahat a sabay-sabay na awitin ang ama
namin.
( set: paaralan)
Scene 14:
(Ang Panghugos : Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng panulukang-bato
ng bahay paaralan na itatayo ni Ibarra.)
ALKADE: Mga butihing mamamayan ng San Diego, sabay-sabay nating purihin ang Ginoo
saaking tabi sa pagpapatayo ng kaniyang sariling paaralang handog lamang para sa inyo.
Pasalamatan natin ang Diyos, ang mga butihingmga padre, at ang ating gobyerno at
InangBayang walang sawang sumusuporta at gumagabay sa proyektong ito. Para sa lahat ng
kanyang isinakripisyo, isinasakripisyo at isasakripisyo pa para sa atin. Pormal ko nang inaaunsyo
at inululunsad ang pagpapatayo ngpaaralang ito!Maglalagay ang Alkalde ng halo sa rabaw at
magpapalakpakan ang lahat.
(nagtumbahan ang mga bagay at lumikha ng alikabok).
Alkalde: don Crisostomo, ayos lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan? Iakukulong ko ang
nangangasiwa nito.
Ibarra: mabuti naman ako ginoo, at hindi mo na kailangang ipakulong ang nangangasiwa ditto
sapagkat hindi naman natin sigurado kung sino ang may sala. At isa pa hindi natin maibabalik
ang buhay ng lalaking ito.
(close curtain)
(Ang Pananghalian : Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang
ibang mga panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban kay
Ibarra.)
(open curtain)
Scene 15:
IBARRA: maria, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan?
MARIA CLARA: oo, crisostomo
DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin
marunong gumalang sa batas ng simbahan…
IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa!
DAMASO: ...tama lamang na siya’y pinarusahan na mamatay sa kulungan at--
(Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na
hawak-hawak ang isang patalim.)
IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit huwag na huwag ninyong babastusin ang
alaala ng aking ama!
KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo.
IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano ninyo nasabing siya ay alagad ng Diyos? Ang taong ito ang
naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon,
nagawa pa niyang bastusin ang alala nito. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos?
MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, huwag mong
saktan si Padre Damaso.
(Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso.)
IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita niyo na kung may dugo ba
talagang dumadalo’y sa mga ugat ng taong iyan!
(Si Consolacion at Sisa: Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag
niya ito sa mga guardia civil.)
Scene 16:
Sisa: lalalalalala~
Alperes: bihisan mo ang babaeng ito, pakainin siya at gamutin ang kanyang mga sugat. Huwag
niyong hayaan na masaktan siyang muli. At bukas na bukas din ay ihatid kay ginoong crisostomo
Ibarra. Consolasion mag-usap tayo.
Scene 17:
Padre Salvi: maswere ka at nandito si padre damaso sasan diego, at siguro at mayamaya ay
narito na siya.
Tiburcio: ito’y magagamot pa, basta iinumin niya ang kanyang resetang gamot.
Tiya Isabel: (hahawakan sa balikat ang pari) maayos naman daw ang kanyang kalagayan,
kailanagn niyang inumin ang mga gamot na nireseta sa kanya at sapat na pahinga.
Victorina: kapitan tiago, kam’y lilinsan na bagama’t maraming mabagay pa kaming data
asikasuhin.
TIYAGO: maraming salamat sa inyo.
(Close curtain) (ihanda ang bahay Ibarra at alperes)
Scene 18:
(Ang Dalawang Donya: Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang de Espadaña
kasama si Linares hanggang sa napadaan sila sa tahanan ni Doña Consolacion.)
VICTORINA: Pwe! Ano ba naman iyan! Ang papangit naman ng dumadaan!, amoy! Amoy
mahihirap.
VICTORINA: paano mo nasabi na para sa iyo ang mga binibitiwan kong salita?hahaha! alam
ko naman kasi na isang hamak na labandera ka dati hahaha!
CONSOLACION: ano’ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko iyang kulot mong
buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa?
VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang
maganda!
tiburcio: tama na, ang mabuti ay umuwi na tayo.
VICTORINA hindi kailangang matuto ang babaeng ito kung saan siya lulugar ikaw!, hindi mob
a kao kilala? Hindi mob a alam na ako’y nakatira sa maynila? Hindi nakakapasok sa loob ng
aking tahanan ang alperes dahil hanggang pintuan lamang sila!
CONSOLACION: ah talaga? Hanggang pintuan sila? Pero pwedeng pumasok ang mga pilay
kaatulad ng asawa mo! Hahaha!
VICTORINA: talagang
(nagsabunutan at amagitan si don Tiburcio sa kanilang labanan.)
ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!
(umalis sila)
VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na
‘yon?!
TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya?
VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka
maikakasal kay Maria Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao!
Alperes: mabuti naman at napadalaw ka padre sibyla. Pupuntahan ko sana kayo ngayon
bagama’t ang inyong mga kambing ay sinra an gaming bakod. Sa susunod na ito’y magyari ulit
at hindi na magdadalawang isip ko na ito’y aking barilin.
Padre Sibyla: ngunit hindi po iyon ang ang aking pinuntahan dito.narito ako upang ipahiwatig
sa inyo na nanganganib ang buhay ng marami. Mamayang gabi ay magaganap ang alsa.
Padre Sibyla: huminahon kayo at saaki’y makinig ng mabuti. May sapat na panahon tayo
hanggang ikawalo ng gabi. Nalaman ko ang pag-aalsa sa kumpisalan ng isang babae na
nagsabing sasalakayin nila ang kwartel, ang kumbento, kukunin ang palwa ng mga guawrdiya
sibil at papatayin ang mga kastila.
Alperes: kung gayo’y kailangan nating humingi ng tulog galing sa ibang pangkat.
Padre Sibyla: maraming salamat ginoo. Magiingat kayo sapagkat mamayang ikawalo ng gabi
ay uulan ng bituin at krus. Aalis na ako. Hanggang sa muli.
Scene 20:
(Ang Pagdakip kay Ibarra : Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.)
(sa Bahay ni Pilosopo Tasyo. Hihiga si Pilosopo Tasyo na parang naghihina. Tatayo lamang si Don
Filipo.)
PILOSOPO TASYO: Hindi dapat bumibitaw sa kanilang puwest kung may digmaan.
DON FILIPO: Alam ko, ngunit wala akong magagawa kung hindi tapat ang heneral.
PILOSOPO TASYO: Iba rin ang pag-iisip ng tao, Filipo. Hindi na maaring sugpuin ang kilusan. Ang
PILIOSOPO TASYO: Pahiga na ako sa huling hantungan, pero kayo. Papunta palang kayo
sadigmaan.
PILOSOPO TASYO: Ang gamot ay para laman sa matitira. Sabihin mo kay Ibarra na nais ko
siyang makita, may mahalaga akong sasabihin sa kaniya.
ELIAS: Sunugin ninyo lahat ang ng mga bagay na puwedeng magpahamak sa inyo. Umalis na rin
kayo rito. May mag-aalsa at kayo ang sinasabing lider ng ng lahat!
ELIAS: Umalis ka na. Ngayon din! Magtago ka sa likod ng may kapangyarihan upang hindi ka
mapagbintangan na kasama sa kilusan.
IBARRA: Nuno ko siya sa tuhod, ngunit ano ang kinalaman niya sa iyo?
ELIAS: Siya ang taksil na nagpahirap sa aking nuno! Kay tagal ko nang hinahanap angapelyido na
iyan para mabayran nila ang ginawa niya sa aking nuno! Ngayong inihandog na sa aking harapan
ang isa sa kanila, ibabalik ko na sa kaniya ang lahat ng sakit.
(Kukunin ni Elias ang isang kutsilyo at sasaksakin dapat si Ibarra. Ngunit bibitawan niya ito at
aalissa kanilang bahay.)
(umalis siya di nagtagal ay bumalik siya at wala don si Ibarra inayos niya ng lahat)
(set:lawa)
Iday: balitang balita sa ating bayan na may ginawa si ibarrang isang kasalanan.
Lalaki: tama! At mas malala pa doo'y siya daw ang nagpasimuno nito. at talagang hindi
karapat-dapat sa kanya si maria.
(si maria ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At nakita niya ang isang bangkang
paparating.)
MARIA CLARA: Crisostomo…?
IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas.
MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko.
IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa Iyo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang
lumayo sa Iyo...sa lugar na ito...
MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-
aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong…
IBARRA: Nalaman kong ano?
MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso...
IBARRA: Paano—
MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko,
Crisostomo.
IBARRA: Paalam, Maria Clara... (Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara.)
ELIAS: making kayo sa akin ginoong Ibarra, ito ang aking plano. Dadalhin ko kayo sa bahay ng
isa sa mga kaibigan ko sa mandaluyong, pagkatapos ay ihahatid ko sa inyo ang inyong mga
salapi na naitago ko. Maaari ninyo iyong gamitin upang makapagngibang bansa. (paliwanag
habang namamangka)
IBARRA: mangingibang bansa?
: elias dalawang ulit mo ng niligtas ang aking buhay sa kabila ng kasawian ng iyong
angkan sa aking angkan. Karapat-dapat lamang na isauli ko sa inyo ang yaman ninyo. Sumama
ka sa akin sa ibang bansa at duo’y manirahan na para bang magkapatid. Pareho tayo na sadyang
sawimpald sa sarili nating bayan.
ELIAS: ipagpatawad ninyo ginoo bagama’t hidi po ako makakasama sa inyo. Hindi ako
magiging maligaya sa ibang lupain. Ditto ko nais magtiis at mawalan ng buhay.
IBARRA: ngunit, bakit mo ako pinapayuhan na mangibang bansa?
ELIAS: sa ibang bansa’y hindi kayo makakadanas ng hirap. Maari kayong magtagumpay doon.
Kung daranasin ninyo ang hirap ditto ay baka dumating ang panahon na kasusuklaman ninyo ang
inyong bayan.
IBARRA: hindi totoo iyan! Kahit kailann ay hindi ko magagawa ang itakwil ang sarili kong
bayan. Wala akong inisip kung hindi ang makakabuti sa aking bayan.
ELIAS: may katwiran ka.aaminin ko na ako’y nagakamali umayon lamang ako sa takbo ng
mundo. Ngayon ay malinaw na ang lahat sa akin, may kanser an gating lipunan na kailanga
nating gamutin at sugpuin. Ako na nagtaanggol sa sarili kong bayab ay isang pilibustero.tatlong
daang taon silang nagpasasa sa atin habang tayo ay nagging sunod-sunuran lamang. Ngayon ay
halos nawawalan tayo ng pag-asa… unti-unti na tayong nawawalan ng pag-asa. Wala ng natitira
sa atin kung hindi ang ating lakas at karapatan.
:mahiga kayo upang matakluban kayo ng mga dmo, mukhang natuklasan nila ang inyong
pagtakas
Elias: galling po ako ng maynila, nirarasyunan kop o ng damo ang kura at ang hukom sa
maynila.
Gwardya: ah, ganun ba? Sige ika’y maaari ng magpatuloy sa inyongpaglalakbay. Huwag kang
magsasakay ng kahit na sino sa iyong Bangka sapagkat may isang bilanggo na nakatakas at
ngayo’y pinaghahanap.
(ilang sandali ay sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil.)
ELIAS: crisostomo tayo’y hinahabol ng mga guardia sibil. Kayo ang mamangka at ako’y
tatalon. Ililigaw ko sila.
ELIAS: hindi tayo mananalo sa kanila saagkat wala tayong sandata. Magkita na lamang tayo sa
noche Buena sa libingan ng inyong mga ninuno. Mauna na kayo ginoo, paalam!
(Tumalon si Elias at sa tuwing siya Ay lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng
kanyang dugo ang ilog.)
Scene 21 :
(Ang Paliwanag ng Pari : Nakatitig kay Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni
Crisostomo.)
PADRE DAMASO: Alam mo ba, galing pa ako sa lalawigan para masaksihan ang iyong kasal.Iiyak si Maria
Clara.
PADRE DAMASO: Bakit anak? Nagtagpuan ba kayo ni Linares? Tutuloy pa rin ang pag-iyak ni Maria Clara.
PADRE DAMASO: Anak, ako ang nasasaktan sa ginagawa mo.
MARIA CLARA: Totoo ba, itay? Kung ganoon, tulungan niyo ako na patigilin ang kasal. Mahal ko si Ibarra!
Ang aking buhay ay umiikot sa kanya. Ang bawat segundo ay nakatayo na parang patay na puno simula
noong namatay siya. Ngayon, wala na akong iba pang ibig puntahan kundi ang kumbento o libingan.
PADRE DAMASO: Ako ang rasonkung bakit ka naghihirap ngayon. Patawarin mo ako. Ikaw ay napamahal
na sa akin na parang isang anak.
PADRE DAMASO: Diyos ko, ako ang iyong paghigantian. Ngunit, iligtas ninyo ang anak ko.
SISA: Sino ka! Hindi ikaw ang aking anak. Mga anak ko nasaan na kayo.. kailangan ko nang
maghain gutom na sila.
BASILIO: Inay, si Basilio po, ang inyong anak!
SISA: hoy! Tumigil ka…Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anak…hindi kita kilala.
BASILIO: Inay, huwag po kayong matakot sa akin. Inay!
SISA: Basilio?
BASILIO: Opo inay, ako nga po.
SISA: Anak ko— (Biglang nawalan ng malay si Sisa.)
BASILIO: Inay! Inay! Bakit niyo po ako iniwan, Inay. Inay!
ELIAS: Anak ka ba ng babaeng 'yan?
(Susunugin ni Basilio ang puno kasama sina Elias at ang kaniyang nanay. Maiiyak si
Basiliohabang ginagawa iyon)
ELIAS: Mamamatay akong hindi man lang makikita ang bukang-liwayway sa mahal kong bayan.
Kayong mga nakasaksi nito, batiin niyo siya at huwag sanang kalimutan kaming mga namatay at
nagtanggol sa inang bayan. (Tumingala si Elias sa langit at nawalan na ng buhay)