You are on page 1of 6

Kabanata 59: Ang Kinagisnang bayan at mga pag-aari

Extra 1

Extra 2

Extra 3

Extra 4

Babae 1

Babae 2

Babae 3

Babae 4

Babae 5

Kapitan tinong

Kapitana tinchang

Primitivo

Dalawang babaeng anak

N: Ang ginawang paglusong ng mga naapi o skemer ay nakarating at napalathala sa mga


diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga
balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro,
damdamin at paniniwala.

(mga prayle yung mga extra)

Extra 1: "Isang Te Deum, isang Te Deum! at ngayo'y sino ma'y huwag magkukulang sa
pagpasakoro! Hindi kakaunting kagalingan ang ginawa ng Dios, na ipakita kung gaano ang
kahalagahan natin."

Extra 2: "Dahil sa ganitong munting turo, marahil ay kinakagat ang kanyang mga labi ng
generalillong bwisit. " Extra 1: Ano kaya ang nangyari sa kanya kung hindi ang mga kapisanan
ng mga prayle?

Extra 2: "At ng lalong uminam ang ating pagdiriwang, ipagbigay alam natin sa uldog na
tagapagluto at sa procurador ..
Extra 1: Amen! Amen! Mabuhay si Salvi! Mabuhay! (iba naman ang nangyari sa isang kumbento)
(mga prayle ulit to)

Extra 3: Nakita na ninyo? Iya'y isang nag-aral sa mga heswita, lumalabas sa Ateneo ang mga
filibustero

Extra 4: At ang mga kaaway ng mga prayle

Extra 3: Sinabi ko na, ipinapahamak ng mga heswita ang lupaing ito, pinahahalay ang ugali ng
kabataan!

Extra 4: At ang Dios ang nakakaalam kung papaano ang mga pagkakagawa!

Extra 3: Siya nga, datapuwa't mangahas kayong sumalansang sa kanila? Sino ang makasusulat
ng mga kahig-manok! Wala, si pari Secchi!..

N: Sa isang bahay naman sa Tondo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay
nagpakita ito ng kagandahang loob kay Crisostomo Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng
asawang si kapitana Tinchang sa harap ng kanilang dalawang anak.

Kapitana Tinchang: "Ay, Virgen sa Antipolo!Ay, Virgen del Rosario at de la Correa! ay!, ay!
Nuestra Señora de Novaliches!"

Bunsong anak: "Nanay! "

Kapitana Tinchang: "Sinasabi ko na sa iyo!sinasabi co na sa iyo! ay Virgen del Carmen, ay!"


Kapitan Tinong: (napapaiyak) Nguni't hindi ka naman nagsasabi sa akin ng ano man!baligtad,
sinasabi mo sa aking mabuti ang aking giinagawa sa pagmamalimit ko sa bahay na iyon at
manatili sa pakikipag-ibigan kay kpitang Tiyago, sa pagka't ... sa pagka't mayaman ... at sinabi
mo sa aking...."

Kapitana. Tinchang: "Ano? ano ang sinabi co sa iyo? Hindi ko sinasabi sa iyo iyan, wala akong
sinasabing ano man sa iyo! Ay! Kung pinakinggan mo sana ako!"

Kapitan Tinong: "Ngayo'y ako ang bibigyan mong kasalanan! hindi mo ba sinabi sa aking
magaling ang aking ginawa na siya'y aking inanyayahang kumain dito sa atin, sa pagka't
palibhasa'y mayaman ... Aba!"

Kapitana Tinchang: "Tunay ngang sinabi ko iyan sa iyo, sapagkat ... sapagkat wala ng magagawa;
wala kang ginagawa kung hindi purihin siya; don Ibarra dito, don Ibarra doon, don Ibarra sa
lahat ng panig, aba!"

Kapitan Tinong: "Nalalaman ko bang paparoon siya roon?"


Kapitana Tinchang: "Aba, dapat mong malaman"

N: Walang maalamang itutol si kapitan Tinong. Hindi pa nasiyahan si kapitana

Kapitana Tinchang: "Ay, kung lalaki lamang ako! Kung lalaki lamang ako, ngayon di'y haharap
ako sa kapitan heneral, upang ako'y humandog sa pakikihamok laban sa mga nanghihimagsik,
ngayon din!"

Kapitan Tinong: "Hindi mo ba nabasa ang diyaryo? Basahin mo!" (tinignan ni kapitana yung
diyaryo) Kapitan Tinong: "nakita mo na? Walang himagsikan!"

Kapitana Tinchang: “Hindi kailangan, dapat kang humarap na gaya ng ginawa ng madla ng
taong 72, at nangakaligtas nga naaán.”

Kapitan Tinong: “Siya ng̃a! humaráp din si parì Burg....”

(bago pa matapos yung salita ni kapitan tinong, tinakpan ni kapitana tinchang yung bibig niya)

Kapitana Tinchang: “Ano! ¡sabihin mo ang pangalang iyan at ng bukas di'y bitayin ka sa
Bagumbayan. Hindi mo ba nalalamang sukat na ang saysayin ang pangalang iyan upang
parusahan k? Ano! sabihin mo!”

Primitivo: “Quid video, ano ang nangyayari? Quare?”

Kapitana Tinchang: “ay, pinsan! (sabay takbo palapit sa kanya habang naiyak) ipinatawag kita,
sapagkát hindi ko maalaman kung ano ang mangyayari sa aming mg̃a babae ... ano ba ang hatol
mo sa amin?”

Primitivo: “Nguni't bago ako magsalit, Quid quaeritis? Nihil est in intellectu quod prius non fuerit
in sensu; nihil volitum quin praecognitum”

(at marahang naupo)

Primitivo: “Bakit kayo naiyak?”

Kapitana Tinchang: “nalalaman mo na ang balità tungkol sa panghihimagsik.”

Primitivo: “At aoó? May utang ba sa inyo si don Crisostomo?”

Kapitana Tinchang: “Wala, ng̃uni't talastasin mong inanyayahan siya ni Tinong na kumain dito,
bumati sa kanya sa tulay ng̃ España. Wiwikain niláng si don Crisóstomo'y kanyang kaibigan!”

Primitivo: “kaibigan? Sabihin mo sa akin kung sino ang kinakasama mo at sasabihin ko sa iyo
kung sino ikaw!”

Kapitana Tinchang: “Bigyan mo nga ng isang argumento si Tinong at ng̃ huwag siyang bitayin!”

Primitivo: “Masama ang giinawa mo, totoong kasamasamaan ang ginawa mo, pinsan, sa iyong
giinawang pakikipagkaibigan sa binatang iyan.” (napailing sa sama ng loob)
(hinimatay si kapitan tinong)

Kapitana Tinchang: “Saturnino, ano ang nangyayari sa iyo! ay, Diyos ko! Namatay! Isáng
manggagamot! Tinong, Tinonggoy!”

(dumating yung dalawang babaeng anak nila para alalayan si kapitan tinong)

Primitivo: itó'y isang panghihimatay lamang, pinsan, isang panghihimatay! Lalo pa sanang
ikatutuwa ko kung ... kung ... datapwat hindi labang panghihimatay,”

(umiiyak)

Kapitana Tinchang: “huwag kang mamatay….”

(winalingan ni primitivo ng tubig ang muka ni kapitan tinong)

Primitivo: “Hala, huwag kayong umiyak! Inveni remedium, nasumpungaan ko na ang gamot.
Ilipat natin siyá sa canyáng hihigán; ¡hala! ¡tapang̃an ninyó ang inyóng loob!

Samantala'y susunuguin ko ang lahat ng mga sulat, mgga papel at mga libro at ng huwag silang
makakita ng̃ ano man, gaya ng guinawâ don Crisóstomo.”

Kapitana Tinchang: “Oo, tanggapin mo pinsan, narito ang susi, suni mong lahat!”

Primitivo: “Pumaroon ka na sa Kapitan Heneral, pabayaan mo na ako rito.”

SCENE 2

Babae 1: “ang catotohanan ay dating totoong nasususot ako sa mga prayle at sa mga guardia
civil, dahil sa kagaspangan ng kanilang mga asal ngunit ngayong nakikita ko ang sa kanila'y
pinakikinabang, halos aking ikagagalak na pakasal sa alín man sa kanila. Makabayan ako.”

Babae 2: “Gayón din ang sabi ko!— sáyang at ngayo'y wala rito ang naunang gobernador; kung
siya ang naririto'y lilinising parang ang bayang ito”!

Babae 3: “At malilipol ang mg̃a lahì ng̃ mg̃a filibusterillo!”

Lalaki:Mg̃a guinoong babae, nalalaman ng̃ capitán general cung anó ang canyáng catungculan;
ayon sa aking náring̃ig ay totoong galit na galit siyá; sa pagcá't canyáng pinuspós ng̃ mg̃a
biyaya ang Ibarrang iyán.

Babae 2: Pinuspos ng mga biyaya, tingnan na nga lamang ninyó ang pagka hindi marunong
kumilala ng utang na loob nitong mga indio!

Militar: At nalalaman ba ninyo ang aking naringig? ang tanong ng isang militar.

Babae 1: Tingnán natin.

Babae 2: Anó iyón?


Babae 3: Anó ang sinasabi nilá?

Militar: Pinagtitibay ng mga taong mapaniniwalaan, ang lahát ng mga kaingayang iyon sa
pagtatayo ng isang páaralan ay wala kung di pawang katakata lamang.

Babae 5: Jesus! Nakita niyo na? nangag sisipaniwalà na sa katakata.

Militar: Isang sangkalan lamang ang paaralan; ang banta niya’y magtayao ng isang kuta, at ng
buhat doo'y makapanganlng kung sila'y lusubin na namin....

Babae 1: Jesus! ¡pagkalakilaking kataksilan! Ang isang indio nga lámang ang tanging
makapagtataglay ng ganyang paglaimbiimbing mga isipan. kung ako ang kapitan heneral,
nakita sana nila…nakita sana nila…

Babae 2: Gayon din ang sabi ko! Darakpin ko ang lahat ng abogadillo, cleriguillo,
mangangalakal, at silá'y aking itatapon o ipadadala sa ibang lupain. Bawa't masama'y bunutin
pati ng ugat!

Babae 4: Nalalaman ba ninyó ang narinig kong salitaan? Ang asawa raw ni kapitan Tinong…
naaalaala ba ninyo?

Babae 1: Iyon bang may dalawáng anak na babae?at ano?

Babae 4: Aba, ang babaeng iyó'y bagong kahahandog ngayong hapon sa kapitán heneral ng
isang singsing na isang libong piso ang halaga!

(napalingon sila sa sinabi niya)

Babae 3: Siya nga ba? at bakit

Babae 4: Ang sabi raw ng̃ babae, iyón daw ay bigáy niyang papasko....

Babae 3: Isáng buwán pa muna ang lalampas bago dumating ang pasko!

Babae 1: Marahil nanganganib nab aka lagpaakn siya ng sigwa

Babae 2: At kaya siya'y kumukubli.

Babae 4: Ang pagsasanggalang kahi't hindi pinupukol nino man ay pagpapakilalang tunay na
may kasalanan.

Babae 1: Kinakailangang tingnang magalíng iyan

Babae 2: Nakakulong na pusa iyan na nga! Iyan na nga sana ang sasabihin ko!—

Babae 5: At ako, ang asawa ni kapitang Tinong ay napakaramot ... hanggang ngayo'y hindi pa
tayo pinadadalhan ng ano mang handog, gayong tayo'y napaparoon na sa kanyang bahay.
Tingnan ninyo, pagka ang isang maramot at makamkam ay nagbibitiw ng̃ isang handog na
isang libong piso'y ...

Babae 4: Ng̃uni't totoó ba iyán.


Babae 5: At napacktotoo! ¡at napakatunay! sinabi sa aking pinsáng babae ng nangingibig sa
kanya, na ayudante ng kapitán heneral. At halos ibig kong aalaing ang singsíng na iyon ang suot
ng panganay n araw ng̃ kapiyestahan. Siya’y laging batbat ng brillamnte.

Babae 4: Isang paraan din namang magaling upang makapagbili, na gaya rin ng alin man sa
ibang mga paraan. Nang huwag ng bumili pa ngg isang tautauhan o bumayad pa ngg isang
tindahan....

N: At ng̃ macaraan ang dalawáng oras, ng̃ nang̃atutulog na ang lahát, tumangáp ang
iláng namamayan sa Tundo ng̃ isáng anyaya sa pamamag-itan ng̃ mg̃a sundalo ... Hindî
mapabayáan ng̃ Punong may capangyarihang ang mg̃a tang̃ing táong mg̃a mahal at
may mg̃a pag-aari ay matulog sa caniláng báhay

You might also like