You are on page 1of 53

Kabanata 1-16

SCENE 1:

Narrator: Balitang balita sa buong kamaynilaan ang isang malaking pagtitipon na magaganap sa mga
huling araw ng Oktubre. Lahat ay aligaga at labis na naghahanda para sa pakikipagsosiyalan sa nasabing
pagdiriwang.

GIRL 1- Oy, alam mo ba, kumare? Isang pagdiriwang daw ang magaganap sa bahay nina Kapitan Tiyago!

GIRL 2: Aba, kina Kapitan Tiyago nga ba, ine? Hmmm.. Naturalmente lamang na ito’y magiging magarbo!

Lalaki: Aba siyempre, ano! Paniguradong magdaratingan ang mga donya’t don sa tahanan ng mga
Santiago De Los Santos!

GIRL 1: Ay, tama ka diyan!

GIRL 2: Kaya’t kailangan talaga nating magsipaghanda!

Lalaki: Pasosiyalan na naman ito!

GIRL 2: Hayy. O, Bueno! Mauna na, ko ha? Magkitakita nalang tayo doon!

LALAKI: Bueno, siya sige, mabuti pa nga!

GIRL1: Oh, sige paalam na sa inyo! Kita kita nalang!=))

-exit lahat-

SCENE 2:

TIYA ISABEL: Buenos Tardes, mga seniora, senior! Maligayang pagdating sa tahanan ng mga Santiago De
Los Santos!

BAWAT PAPASOK:

-grupo ng kababaihan (unang papasok)

-mga lalaki

-mga nasa bilog na lamesa.

Mga babae: Magandang gabi, Tiya Isabel!

Tiya Isabel: Magandang gai din, mga dilag! Magtipon muna kayo diyan, habang nagaantay ng mga bisita,
ah!

Mga Babae: Salamat po.


1- grabe! Naakaganda ng bahay nila, anoh?

2- Sobra! Parang isang palasyo!

3- TAWANAN!.. =))

Mga Lalaki:

1- Napakaganda naman dito, ano? Napakadaming palamuti! =)

Pari Damaso ay papasok, uupo, nakakunot ang noo

Pari Salvii: Oh, nasan si Kapitan Tiyago?

Tiya Isabel: Siya’y hindi pa dumarating, eh. Teka, paumanhin ngunit magpupunta muna ko sa kusina
(pagod na dahil sa katandaan)

-haay, andaming tao!-( pabulong na reklamo)

Narrator: At sa isang bilog na lamesahang kinauupuan nina Pari Damaso, umaalingasaw ang masaklap na
paglalarawan ng prayle ukol sa ugali ng mga Indiyo.

Pari Damaso: Kahit kailan ay wala talagang kuwenta ang mga Indiyong,iyan! Mahigit dalawampung taon
akong nanilbihan sa bayan ng San Diego. Ang buhay ko bilang pari’y nasubaybayan na nila ngunit ng
ako’y madestino sa ibang lugar, kakaunti lamang ang naghatid saakin!mga walang modo, walang
pasasalamat!

Paisano: Totoo ba yan, Pari Damaso?

Pari Damaso: OO, at isa pa, kung di naman dahil sa nagmamagaling na tenyente heneral natin ay hindi
ako madedestino sa iba. Siya lang angbukod tanging naniniwala na ang taong iyon ay hindi makasalanan!
Aba’y hindi nag- iisip.! Maski sa pagpapalibing sa masamang tao, hindi ako kinunsulta!”

Paisano: OO nga!

Pari Sibyla: “Pari Damaso, mag hulos- dili ka! Tayo’y na sa ilalim ng bubong ng isang Indiyo at hindi ka
naman siguro naghahamon ng ayaw, hindi ba? May kaniya- kaniyang opinyon ang mga tao.”

Tenyente Guevarra: “OO nga ho, at sa pagkakaalam ko sa mga tunay na nangyari, wala ho kayo, Pari
Damaso dito sa San Diego noon kaya inilibing na ang bangkay ng napakamarangal na taong iyon”

Padre Damaso: “Ngunit di parin kayo nagbigay- alam. Lam niyo namang may atraso sa amin ang lalking
iyon. Hindi niyo man lang naisip and pangalan ng kura paroko!”

Tenyente Guevarra: “Dahil sa mabait naman siyang tao. Hindi siya makasalanan kagaya ng pinaparatang
ninyo!” I (nagkakainitan)
Pari Sibyla: “Mga kapatd, ikinalulungkotko ang pagkasabi sa maselang bagay na ito Ngunit pari damaso,
tanggapin niyo nang napabuti kayo sa pagkalipat ninyo.

Pari Damaso: “Napabuti? Baka naging daan para mawala ang pananalig ng mga Indiyo sa Diyos!”

- Pagpasok ni Don Tiburcio de Espadana at Donya Victorina

Don Tiburcio: Anong nangayayari dito?

Pari Sibyla: Paunmanhin sa munting di pagkakaintindihang ito, tayo na’t magantay nalang ng matiwasay
kay Kapitan Tiyago.

——————————katahimikan——————————

Narrator: At sa kalagitnaan ng paguusap nila, dumating na nga si Kapitan Tiyago, hawak ang kamay ng
isang binatang nakaluksa.

Kapitan Tiyago: (mano po pari- mamano kina p. damaso at sibyla)

Mga kaibigan maraming salamat sa pagdalo sa aking munting pagtitipon. Ipinatawag ko kayo sapagkat
mayroong isang napakahalagang tao na nais kong ipakilala sa inyo.

Siya ang anak ng isang kaibigan natin lahat na yumao na, ang anak ni Don Rafael Ibarra, si Crisostomo
Ibarra., mula sa Europa

-mga babae at lalaki ay mamamangha-

Crisostomo: Magandang Gabi sa inyong lahat, ikinagagalak ko po ang maparito.

Tenyente Guevarra: At ikaw pala ang anak ng magiting na si Don Rafael Ibarra.

Crisostomo: Ako nga po, Senior.

Tenyente: Ang iyong ama ay isang napakabuting tao, sana’y mapunta sayo ang kasiyahan na ipinagkait
sa kanya.

Crisostomo Ibarra: sana nga po, tenyente.

Magandang gabi po, Maitanong ko lang ho, (haharap kay Pari Damaso)- hindi ho ba’t kayo si Pari
Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking ama?

Pari Damaso: Ako nga si Pari Damaso ngunit sa tingin ko’y hindi ako ang tinutukoy mo. Kailanma’y hindi
ako naging matalik na kaibigan ng iyong ama. (masungit)

Crisostomo: Naku ho, pasensiya na po, Pari Damaso.

Narator: Bilang kaugaliang natutuhan niya sa Europa, siya ang nagpakilala sa kanyang sarili sa mga taong
hindi pa siya nakikilala
(lalapit sa mga kababahian)- maganadang gabi sa inyong lahat.

-magriring ng bell

Kapitan Tiyago- Bueno, kumain na tayong lahat, mauupo ang lahat.

Kumakain.

PD- yung may leeg at pakpak

CI- yung malaman

Pari Damaso: ano ba naman iyan? Ang laman lang ng aking tasa ay mapayat na leeg at pakpak ng
manok! . (titikman tapos ibababa ang kubyertos at magdadabog)

Laruja : Crisostomo, pagkatapos mong mapagaralan ang mga bansa sa Europa, alin ang masasabi mong
paborito mo?

Crisostomo: Wala akong paborito. Pagkatapos ko malaman ang lahat sa kanila, nalaman ko na wala
naman palang kaganda- gandang katangian ang mga lugar sa Europa

Pari damaso: Iyan lang ba ang natutuhan mo sa Europa? Kahit sino naman ay matututunan yan kahit di
naglulustay ng pera!

Narrator: Kahit pa labis ang katarayan ng prayle, hindi na lumaban si Ibarra, siya ay tumayo nalang at
nagpaalam.

Ibarra: Paumanhin ho sa inyong lahat, kinakailangan ko na hong umalis..

Kapitan Tiyago: Ngunit parating na si Maria Clara. Hindi mo ba siya aantayin?

Ibarra: Pasensiya na ho ngunti mayroon pa kong mas importanteng bagay na kailangang asikasuhin.

Narrator: at tuluyan na nga siyang umalis sa pagtitipon.

SCENE 3:

Narrator: Hindi alam ni Ibarra kung saan siya pupunta. Naglalmig sa kalsada at siya’y walang tiyak na
matutuluyan. Kaya nama’y nagmasid masid siya sa paligid ng kanilang bayan, sa may simbahan at
inaalala na rin niya ang mga alaala niya sa kaniyang nilisang bayan.

Ibarra: Hay, wala paring nagbabago sa aking bayan Nandiyan parin ang magsosorbetes at nagtitinda ng
kakanin, ang mga tindahan ng intsik at iba pa.
(dantayan siya sa balikat ng isang kamay)

Ibarra: ay, kayo ho pala iyan,tenyente!

Tenyente: Pasensiya na, Ibarra, ngunitgusto lamang kita sabihan na magingat.


Ibarra: Mag-ingat po saan, tenyente? Kagaya ng ama ko, ako ay walang kaaway.

Tenyente: Wag kang masyadong pakasisiguro, Ibarraa. Baka ikaw ay magsisi.

Hayyyy.

Hangga’t sa pinakahuling oras ng kanyang pagkakakulong, hindi naniniwala si Don Rafael na siya ay may
mga kalaban.

Ibarra: Mapaumanhin po, Tenyente, kung di po ako nagkakamali ay naging napakabuti niyo sa isa’t isa ng
aking ama, Maaari niyo po bang isalaysay sa akin ang kapalaran na sinapit ng aking ama?

Tenyente: Ay! Ngayo’y hindi niyo pa pala alam?

Ibarra: Opo, hindi ko pa po alam

Tentyente: Gaya nga ng pagkakabatid ng karamihan, sa bilangguan namatay ang inyong ama.

Ibarra: Sa bilangguan? Sinong nabilanngo?

Tenyente: Kayo naman ho! Ang inyong ama na si Don Rafael Ibarra ang nabilanggo.

Ibarra: Ang ama ko, nabilanngo? Sigurado ho ba kayo na iyan ang aking ama

Tenyente: Iisa lang naman po si Don Rafael Ibarra.

Ibara: Tama po kayo diyan, nag-iisa lang ang ama ko.

Tenyente: Isang napakayamang tao sa San Diego ang ama ninyo ngunit iba ang pananaw niya sa buhay
kaya’t siya ay pinaratangan ng simbahan. Siya ay tinawag na erehe at pilibustero. Ang kura paroko ay
palagi siyang pinariringgan s kanyang mga pabasa bagamat hindi binabanggit ang kanyang pangalan.

Dahil ito sa pagkakapatay niya sa isang artilyero.

———————————– flashbacks————————————

Tenyente: Isang araw, isang grupo ng mga bata ang nangaasar ng isang tatanga-tangang artilyero.

At dahil sa busilak ang puso ng inyong ama, ng mapansing sinasaktan ang mga bata ng artilyero ay
ipinagtanggol ito ng iyong ama.

Ngunit napalakas ang pwersa ng iyong ama kaya ay napatay niya ang artilyero.

Dahil dito ay nakulong ang iyong ama sa kulungan, pinaratangang erehe at pilibustero at sa bilanguan na
din ay namatay.

———————————–flashbacks————————————
Ibarra: Bakit ganito kasaklap ang nangyari sa aking ama?

Tenyente: Nasa iyo ang pakikiramay ko, Ibarra. Ngunit hahayaan ko ng si Kapitan Tyago ang magtuloy ng
storya para sa iyo.

Ibarra: Maraming salamat po.

Tenyente: Magiingat ka, Ibarra.

SCENE 4:

Narrator: AT tuluyan na ngang naglayo ang tenyente at si Ibarra.

Ang ating dakuhan ng pansin naman ngayon ay si Kapitan Tyago,, ang isang napakilala at tanyag na
personalidad sa maaraming bayan at mga lalawigan.

-K. Tyago ay nakaupo at tila’y madaming napasasaisip.

Maria Clara: ama, bakit tila’y madaming nasa isip mo ngayon?

K. Tiyago: wala ito, Maria Clara.

-Haay, siguro naman ay naging masaya sila, ano? Kahit pa maagang umuwi si Ibarra?

K. Tiyago: Maria Clara, anak. Hindi mo ba naiisip na siguro ay mas lubos ang kasiyahan natin ngayon
kung hindi maagang namatay ang iyong ina?

Maria Clara: Opo naman, ama. Sana’y nakikita niya kung gaano kayo kabuting ama sa akin.

K. Tiyago: Salamat, anak!

Maria Clara: Ay, ama! Ako po’y aalis muna.

K. Tyago: Sige, Mara Clara. Pagpalain ka ng Diyos.

-Kung alam mo lang sana na Pia kung gaano kasaya ang buhay sa ngayon, sana naman ay hindi ka
namatay ng maaga.

Hayy…

Narator: Ito ay napahinga nalang ng malallim habang naghihinagpis sa paghahanap ng kasama sa buhay.
Sa paghahanap kay Pia Alba.

SCENE 5:

Narrator: Kinabukasan, maagang nagsimba ang magtiyang sina Isabel at Maria Clara. Nadismaya si Tiya
Isabel sapagkat nagmamdaling umuwi si Maria Clara. At dahil iyon sa siya ay bibisitahin sa ngayon ni
Crisostomo Ibarra.
-sa bahay, nananahi si Maria Clara.

-nagbabasa ng papeles si k. tyago

-nagwawalis si tiya isabel

Maria Clara: Hay, Tiya! Napakaganda po ng araw ko ngayon. Sapagkat ay bibisitahin ako ng
pinakamamahal kong nilalang sa buong sandaigdigan, si Crisostomo Ibarra.

Tiya Isabel: Hay nako, totoo yan, hija.

Maria Clara: Hindi ko nga po maintindihan kung bakit labis na kabado ako eh. Samantalang magkababata
naman kami. Buti pa noon sa beateryo, maaari niya akong bisitahin at hindi ako nanginginig.

-music ng isang sasakyan

Kapitan Tiyago: Nandito na siya!

Maria Clara: haa?! (matataranta) Naku po!!

-tatakbo paalis.

Narrator: Hindi mapakali ang dalaga, kaya’t to ay nagtago sa may silid- dasalan habang nabablisa at
naririnig ang tinig ng binata.

At sa may salas,

Kapitan : Crisostomo! Mabuti naman at naisipan mong bisitahin ang aking anak.

Tiya Isabel: Hay nako, kung alam mo lang kung gaano ka aligaga iyang si Maria Clara sa kaaantay sa iyo.

Crisostomo: Naku, nakakatuwa nman iyan. Nasaan na nga po ba siya?

Kapitan Tiyago: OO nga, nasaan na ba si Maria Clara?

Tiya Isabel: Mukhang alam ko kung nasaan ang batang iyon, sandali lang, ha?

-lalabas ng pinto.

-hahatakin si Maria Clara

Eto na siya, oh

Crisostomo Ibarra: Kamusta ka, Maria Clara?

Maria Clara: Mabuti naman, Crisostomo! Kay tagal din nating hindi nagkita, ano?

Crisostomo Ibarra: OO nga eh, talagang napakatagal na nung huli tayong nagtagpo.
Kapitan Tiyago: Sige, magpahangin muna kayong dalawa doon sa labas.

Crisosomo: Opo, kapitan Tyago.

Narrator: at doon sila nagtungo sa may asotea. Pinuno nila ng mahika ang buong kapaligiran sa
pananabhik na dulot ng pinagkalayong pag-ibig.

Maria Clara: Kamusta ka, Crisostomo?

Crisostomo: mabuti nman ako. Napakasaya ko talaga’t nakabalik na ako dito sa Pilipinas.

Maria Clara: Talaga? Bakit naman.

Crisostomo: Kasi, mahal na mahal ko ang ating bayan at sa Europa’y hindi ko maiwasan ang
makaramdam ng kalungkutan.

Maria Clara: Aah. Hmm. Crisostomo, Sa Europa ba’y kailanman ay hindi ka tumingin sa ibang mga
babae? Naaalala mo parin ba ako kahit pa ika’y malayo na sa akin.

Crisostomo: Uhh.. Oo naman noh, ni kailanman ay hindi ako tumingin s ibang babae at ni kailanman ay
di kita nalimutan. Hinding hindi ko malilimutan ang isang nagagandahang dilag na nagligtas sa akin mula
sa anumang panganib noong namatay ang aking ina.

Maria Clara: Haha, naaalala mo pa ba ng mamatay ang iyong ina?

Crisostomo: OO naman, anoh. At may isang babaeng matapang na hindi kailanman umalis sa tabi ko a
nangako sa aking ina na kailanma’y hindi niya ako iiwanan.

Maria Clar: At naaalala mo rin ba ang mga paglalaro natin noon ng siklot, sintak at sungka? At ang mga
pagkakataong tayo ay magaaway at magkakasundo rin agad.

Crisostomo: Aba, oo nman, anoh. Kung minsan nga, hindi ko maiwasan ang tumawa sa tuwing naaalala
ko ang mga pagkakataong iyan noong tayo’ymga bata pa.

Maria Clara: Haayy. Alam mo ba, Crisostomo? Sa inaraw araw ngbuhay ko sa loob ng kumbento ay ikaw
lamang ang laman ng isipan ko. Hindi ako nakikinig sa aking kompessor na nag-uutos na ika’y kalimutan
ko na.

Crisostomo: Ikaw din ay di nawalay sa aking isipan, sa katunayan nga, itooh.

-ilalabas ang dahon ng sambalilo.

Maria Clara: Aba, natatago mo pa pala iyan?

Crisostomo: Oo naman. At iyon ay dahil sa mahal na mahal kita, Maria Clara.

Maria Clara: ako din naman, Crisostomo. Sa katunayan nga,naitatago ko pa rin ito.
Crisostomo: Ang sulat ng pamamaaalam ko..

Maria Clara(binabasa):

Mahal kong Maria Clara,

Labis akong nalulungkot sapagkat kailangan kong lumisan.

Ang sabi ng ama, higit na kailangan daw ako ng ating bayan.

Kaya’t kahit pa labag sa aking kalooban ay kailangan muna kita iwanan.

Ako’y magtutungo sa Europa upang makapag-aral

Antayin mo ang aking pagbabalik, mahal ko. Tayo’y magsusumpaan pa sa harap ng altar na magsasama
ngayon at magpakailanman.

Mahal na mahal kita, o irog ko.

At ika’y di mawawala sa aking puso kahit na ako’y nasan pa man.

Paalam, mahalko.

Magkikita tayo muli.

Crisostomo: Ikaw ang nagpalimot sakin na may tungkulin ako sa bayan.

Maria Clara: At sa—

Oh, ayos ka lang ba, Crisostomo? Ahh. Bakit mo naman nasabi ang mga iyon?

Crisostomo: Paumanhin, pagpasensiyahan mo na ako, Maria Clara.

Maria Clara: ayos lang iyon, Ibarra.

Crisostomo: Oh, bueno. Ako’y aalis na muna, Maria Clara.

Maria Clara: aalis ka na? Ngunit kararating mo palang dito.

Crisostomo: Paumanhin ngunit mayroon pa akong mga aasikasuhin, araw ng mga patay na kasi eh.
Huwag kang mag-alala. Magkikita parin tayo muli.

Maria Clara: Oh, siya, sige.

Crisostomo: Paalam

(umiiyak)-naluluha si Maria Clar habang mag-isa.

Kapitan Tyago: Oh, anak ko.


Maria Clara: Ano po iyon ama?

Kapitan Tiyago: Ipagsindi mo ng dalawang kandila sa Ibarra para sa kanyang matiwasay na paglalkbay.

Maria Clara : Sige po, ama- magsisindi.

SCENE 6:

Narrator: At si Ibarra ay nagpabilis ng ragsa ng sasakyan sa kamaynilaan. Hindi niya maiwasang gunitain
ang kalagayan ng Europa at ang kalagayan ng mahal nating Pilipinas. At sa isang sasakyan, nakita niyang
nakasakay si Pari Damaso na nakakunot ang noo at tila mayroon na namang kaaway. Hindi siya
nagkamali doon. Papunta si Pari Damaso sa bahay nina Kapitan Tyago.

Pari Damaso: Kapitan Tyago

Kapitan Tyago: Oh, Pari Damaso. Ano po ang dahilan at napadalaw kayo ngayon?

PAri Damaso: Kailangan nating magusap, Kapitan Tiyago

Kapitan Tyago: (yuyukod at magmamano kay pari damaso.) Ah, sige ho. Dumito muna tayo sa may
upuan.

Pari Damaso: Sana ay maintindihan mo na ikaw ay isang makapangyarihang tao dito sa san diego. At
dahil sa laganap ang kapangyarihan mo, nasa iyo ang panig at impluwensiya ng tao.

Kapitan Tyago: opo, batid ko po iyon.

Pari Damaso: Ayun naman pala eh. Sana’y patotohanan mo. Ano itong nalalaman ko na magpapakasal
daw sina MariaClara at CRISOSTOMO IBARRA na iyon!?!

Kapitan Tiyago: Totoo po iyon, mga bata palang sila ay iniayos na namin ng kanilang mga magulang ang
kanlanng pagpapakasal.

Pari damaso: Kung gayon eh para saan pa atako ang naging ninong ni maria clara? Hindi niyo rin pala
pinapaalam sakin ang buhay ng aking inaanak! Hay, nakakadismaya!

Siguro naman at alam mo na kung ano ang hinihiling ko sa iyo. Hindi na sana nangyari ang ganito kung
ikaw ay sumangguni muna sa akin. Ngunit pinili mo pang suportaahan ang Crisostomo Ibarra na iyon!

Bueno, ayoko nang maulit ang kabalbalang gaya niyan. At pagtiwalaan mo ang aking pagpapasiya.

Kapitan Tyago: Opo, Pari Damaso.

Pari Damaso: Paalam na.

Kapitan Tyago: Nalilito ata ako

(patayin ang kandila)


Narrator: Samantala, sa isang dako naman ng kumbento ng simbahan, nag-uusap ukol sa mga Indiyo ang
dalawang mga prayle.

Prayleng sakitin: Magandang araw sa iyo, Pari Sibyla!

Pari Sibyla: Magandang araw din ho sa inyo. Naku, mukhang hirap na kayo sa ubo niyo ah. Nagpatingin
na po ba kayo sa inyong kalusugan?

Prayle: aba, oo naman noh. At kagaya ng iniisip mo, malapit n nga akong mmatay. Sa tanda kong ito, ano
pa ba ang itatagal ko sa operasyon? At siguro’y kabayaran narin ito sa dami ng taong aking pinahirapan.

Pari Sibyla: Naku, wag naman ho kayo magsalita ng ganyan.

Prayle: Bakit hindi, totoo naman ang lahat ng iyon.

Pari Sibyla: alam niyo ho ba, namomroblema na tayo sa mga Indiyo. Sa hinaba haba ng panahon ay
namulat narin ang mga mata nila.

Nakikita na nila na sila’y ginagamit lamang natin.

Namumulat na sila sa katotohanan na inaabuso natin sila.

Prayle: Nako, hindi maganda iyan. Ang ibig sabihin lamang niyaon ay mawawala na ang paniniwala nila
sa atin. At dail dun, mawawala na ang kapangyarihan ng mga Kastila sa Pilipinas.

Nako, hindi maganda ito. Nagsisimula silang kutyain tayo.

Pari Sibyla: Opo, talagang nanganganib ang kapangyarihan natin

Oh, siya, aalis na po muna ako. Salamat po sa oras ninyo

Prayle: Oh, sige. Salamat din.=)

SCENE:

Narrator: Kapansin- pansin ang pag-aalala ng mga prayle para sa San Diego. Mahiwaga ang kasaysayan
ng bayan na ito. Pag-aari ng mga Ibarra at ang kapangyarihan ay pinamumunuan ng mga kura at ng
alperes.

Isang kaibang tradisyon nating mga Pilipino ay ang pagbibigay ng higit na importansya para sa araw ng
mga patay.

At sa sementeryo, May dalawang tagapaglibing na naglilbing ng bangkay.

1- Hindi ka ba natatakot noong hinukay mo yung bangkay?

2- Paanong hindi? Nanginginig na nga ako sa takot, eh!


1- Bakit kasi kailangan mo pang hukayin ang bangkay na iyan?

2- Siyempre, pag-uutos ng mga prayle, eh! Ikamamatay ko siguro kapagka hindi ko siya sinunod.

1- At pagkatapos noon, anong ginawa mo sa bangkay, Berto?

2- Ang sabi nung matabang prayle, ilibing ko daw sa lbingan ng mga Intsik na ginawa ko naman.

1- Ginawa mo iyon?

2- Hay nako, manahimik ka na nga lang diyaan, ituloy mo nalang ang paghuhukay. Kundi malamang ay
mauubusan tayo ng oras.

SCENE:

Narrator: At dahil sa araw ng mga patay, bumisita si Ibarra sa sementeryo.

Crisostomo Ibarra(sa mga tao): Magandang araw ho, alamniyo po ba kung saan ko matatagpuan ang
libingan ng ama ko?

TAO- OO naman senorito, Nilagayan ko ng malaking krus iyon para maging marka ng kanyang libingan.

Crisostomo: Nasaan ba ang libingan ng ama ko? akala ko ho ba alam niyo kung saan nakalibing ang aking
ama?

TAO- Hindi ko nga rin po maintindihan kung bakit nawala ang bangkay ng iyong ama.

Teka! (tuturo sa hinukayan) Kung hindi ho ako nagkakamali ay doon siya inilibing!

Crisostomo: Ngayon ay bakit hinukay??! Teka, baka alam nung mga tagapaglibing na mga iyon. Sst, sst,
BOY! Halika muna dito!

TAO- alam mo ba kung anong nangyari sa bangkay ni Don Rafael?

Berto- aaah, ayun ba, nasunog po.

TAO- sabihin mo nga sakin kung ano talaga ang nangyari.

Berto- Inutos sakin nung matabang pari na hukayin iyon!

Crisostomo: Nasaan ang katawan niya.

Berto- ang sabi sa akin ni—Pari Garrote ata iyon, hukayin ko daw at dalhin sa libingan ng mga Intsik. Mga
ilang buwan na rin ang nakakaraan.

CRISOSTOMO: at sinunod mo naman siya??

Berto: hindi po, umuulan po kasi noon, tapos mabigat pa yung bangkay kaya tinapon ko sa lawa ang
bangkay.
SCENE 9:

Narrator: Nabuo ang galit sa puso ni Ibarra kaya siya’y malungkot na tumalikod at umalis. Samantala,
nakasalubong naman niya si Pari Salvi.

(naglalakad)-Nakita si PS.

CRISOSTOMO: IKAW! Anong ginawa mo sa ama ko (matensyon na yan!)

PS: HA? Wala akong ginagawa sa ama mo?

C: kung hindi ikaw ang prayleng nagpahukay sa kanya, sino? SINO?! Sabihin mo sakin??

P-OO, oo na! Si pari Damaso. Siya! Siya ang nagpahukay!

CRISOSTOMO: Walang hiya!

(ibabagsak lang si P. Salvi at may lalapit na sakristan)

Narator: Nang makauwi na si Ibarra, hindi niya napigilan ang umiyak. At dahil sa paghihinagpis, nanatili
lang ito sa loob ng bahay.

SCENE 10:

At sa taas naman ng simbahan sa san diego, ang magkapatid na sina crispin at basilio ay nagtutunog ng
kampana.

BASILIO: Tama na yan, crispin, mamahinga muna tayo

CRISPIN: Kapatid, isang pagtunog nalang kundi mapapagalitan na naman tayo ng sakristan- mayor.

(naupo ang dalawa panandalian) hayy

CRISPIN: Basilio, magkano ba ang kikitain mo ngayong buwan?

BASILIO: Ba’t mo natanong?

CRISPIN: Ikaw na sana ang pagbabayarin ko dun sa pera na inakusa nilang ninakaw ko.

BASILIO: Hindi pupwede, Crispin, sa dalawang beses na napagaitan ako, wala na akong kkitahin kundi
dalawang piso. Tsaka, sinabi ng mga prayle, ang presyo nung ginto na inakusang ninakaw mo ay mga
tatlumpu’t dalawang piso.

CRISPIN: ngunit hindi naman ako nagnakaw eh! Pag nalaman ni inay ang tungkol dito, panguradong
magagalit siya!

Hay, bakit ba ganito nalang palagi ang buhay natin!?!


BASILIO: wag ka na umiyak, crispin! Kahit pa anong mangyari, ipaubaya na natin sa Diyos, maging
matatag ka at wag ka mawawalan ng pag-asa.

Narrator: at dumating ang sakristan- mayor at nakita silang nagpaphinga.

SM- Basilio, dahil sa hindi mo naipatunog ang kampana sa tamang oras, babawasan kita ng dalawang
reales. At ikaw, crispin! Hindi ka pupwedeng umuwi hangga’t hindi mo ibinabalik ang perang ninakaw
mo, naintindihan mo iyon?!

CRISPIN: ngunit hindi naman ho ako nagnakaw, eh!

SM- Anak ng sinungaling!

(sasampalin!)

BASILIO- etong sayO! (sinubukang lumaban pero natumba at nadapa sa lubid kaya nakatakas)

SCENE 11:

Narrator: at sa kanilang tahanan, nagaantay ang kanilang magiting na ina para sa pag- uwi ng kanyang
mga anak. Nagluto ito ng mga masasarap na putahe para sa kanyang mga anak.

SISA: Naku, siguradong matutuwa ang mga anak ko sa inihaw na tawilis! Matagal ko na silang di nakikita,
nasaan na kaya sila? Bakit hindi pa sila nakakauwi.

(knock, knock, knock). Ay, nandiyan na ata, PASOK!

ASAWA: kakain ako, tabi diyan!

SISA- pero—aah.. ay, sige!

ASAWA: nakakainis, talo na naman ako sa sabong! Naubos na nga ang pera natin at lahat lahat bihira
parin ako manalo! Bwiset!..

SISA- dapat kasi ay hindi ka nalang nagsasabong.

ASAWA: Nasan nga ba ang mga anak mo??

SISA(magiliw): Ang mga anak natin?!! Hindi ko alam eh, Siguro ay pauwi na siya ngayon.

ASAWA: Hay, tapos na ko (aalis, kukunin yung manok)

SISA- hindi mo ba aantayin ang iyong mga anaK?

(alis na, pagbabagsakan ng pintuan)

ASAWA: Ipagtabi mo ako ng piso, aH!

SISA- hay, hindi nalang ako kakain. DI na kasya itong pagkain para sa tatlo, eh!
Nasaan na ba sila?? Mahaba- haba din ang lalakarin ng mga iyon kaya siguradong gutom sila! =)

(dagundong ng pinto)

BASILIO: INay!, Inay!, Inay! Buksan niyo tong pinto, Inay! NANAY, NANAY!!

SISA: Anong nangyari,anak ko??

BASILIO(hinihingal…)

Narrator: Ano na kaya ang mangyayari kay Crispin? Papaano tatanggapin ni sis ang masamang sinapit ng
kanyang anak na si Crispin? Ano pa ba ang mga mangyayari sa pagbabalik ni Crisostomo Ibarra sa
Pilipinas?
Noli Me Tangere

(Music on. . .[”Noli me Tangere”]. . . Curtains off)

Basilio: Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marami ang nagdurusa,
marami ang nananahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko
ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayong mga kalaban ko, mga
dayuhan, huwag niyo akong salingin.

(curtains on. . .palit ng set)

Tiya Isabel: Diyos ko! Narito na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagdating.
(nakaharap sa bisita). . .Ay naku, Tiago, Diyos ko, nasaan ka na!(audience ang parang kausap)

(may mababasag na pinggan: sound effect)

Tiya Isabel: Hesusmaryosep!Maghintay lang kayo, mga bulagsak!(aalis sa set na para bang nagmamadali)

(Padre Damaso, pagala-gala)

Padre Damaso: Tsk, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo sa San Diego, ngayo’y inilipat ako sa
isang bayan; napakawalang asal na mga Indio!(walang kausap, nagsasalita habang pagala-gala)

(napatigil si Padre Damaso ng kausapin ang lalaking kulay mais ang buhok. . .Si Padre Sibyla ay nasa isang
tabi pinapanuod si P.Damaso at makikisawsaw sa usapan ng dalawa)

Lalaking kulay mais ang buhok: Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito!

Padre Damaso: Wala akong pakialam, buwisit, napakatamad talaga ng mga Indio, at makasalanan
pa!Hindi marunong magkumpisal tsk, walang pagbabago sa kalagayan ng bayan!

Padre Sibyla: Maaaring masaktan niyo si kapitan. . .

Padre Damaso: HMP!Matagal nang ipinagpalagay ni Tiago na siya’y hindi isang Indio. Inuulit ko, wala
nang makatatalo sa kamangmangan ng mga Indio!

Lalaking kulay mais ang buhok: Eh, padre, ang sakit mo naming magsalita, parang hindi mo matalik na
kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak nyang si Maria Clara. Hindi ba kaibigan mo din
yung yumao na si Don Raph. . .

(sumabad si Padre Damaso)

Padre Damaso: Tumigil ka!Para kang kung sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin!

(biglang natigil ang usapan)


Tiya Isabel: Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama niyang si. . . .

Ibarra: Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong Makita kayong lahat.

(nagpalakpakan, liban kay Ibarra)

Kapitan Tiago: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwan muna kita. (alis sa set)

Ibarra: Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama na
si Raphael Ibarra!

Padre Damaso: Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsa’y hindi ko naging
kaibigan ang iyong ama!

Tiago: Ah, kilala niyo pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan!

(curtains on. . .palit ng set..habang nagpapalit ng set…*offstage voice*)

Victorina: Argh… wala ka bang mata?!

Tinyente: Mayroon po, Senyora. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok..

Victorina: Argh…

(curtains off..ready na ang set: hapag kainan)

Tenyente: Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa?

Crisostomo Ibarra: Pitong taon po…

Tenyente: Aaaah…pitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito!

Crisostomo Ibarra: Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito.

Padre Damaso: Hmph, sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito?

Crisostomo Ibarra: Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at malaman kung bakit at
paano namatay ang aking ama.

Padre Damaso: Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating lahat na
mga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay ang sinadadya mo rito, walang mahalaga dito
sa bayang ito!

Crisostomo Ibarra: Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong bayang Pilipinas
tulad ng Inang Bayang Espanya!
Padre Damaso: Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong! Walang asal, sinasagot pa
ang reberensya, parang matalinong magsalita!

Crisostomo Ibarra: Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyan na yan siya dati pa at
hindi na nagbabago. Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis.

Kapitan Tiago: Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara ngayong gabi,
sinundo na siya ni Isabel.

Crisostomo Ibarra: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa akong dapat
asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din.

(curtains on…”Ang Erehe at Rebelde”…music on)

(curtains off)

TINYENTE: Señor Ibarra.

CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako.

TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama.

CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong sabihin
sa akin?

TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng
bilangguan.

CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo’y nagkakamali lamang?

TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael Ibarra,
siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso.

CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin a akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong?

TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor ng
buwis. Nang siya’y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata…

(flashback: aalis si Ibarra at tinyente..tha same set magiging araw lang)

Flashback:

offstage voice TINYENTE: Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan
siya ng mga bata.

BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha!


BATA 2: Hindi ba’t hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha!

KOLEKTOR: Tigilan n’yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano’ng sabi n’yo?

offstage voice TINYENTE : Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at
ito’y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan.

KOLEKTOR: Ikaw, ano’ng sabi mo?!

BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh--

RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila!

Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito’y nawalan ng balanse.

RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata.

offstage voice TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil
dito’y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil
sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay.

offstage voice IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko...

(curtains on..gabi ulit)

(Set: Nakaupo si Ibarra nakatingin sa langit..gabi)

(curtains off)

Narrator: Masaklap na karanasan ang dinanas ni Don Crisostomo Ibarra, ang ama niya’y pinagbintangan
ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Ngunit, hindi ang paghihiganti ang agad inisip ng binata, nais
niyang ipagpatuloy ang mga magagandang pangarap ng kanyang ama.

(curtains on/music on)

(nasa harap si Kapitan Tiago..humihimas ng manok at may tabako)

Narrator: (pinapakilala si Tiago)

(curtains off..set: mabulaklak)

Kapitan Tiago: Clarita, sa palagay ko masmaganda na lumipat ka sa Malabon, hindi na kasi sa San Diego
seserbisyo ang ninong mo na si Padre Damaso, inilipat na siya. Sige, maghanda ka na ng mga damit at
magpaalam ka na sa iyong mga kaibigan.

Tiya Isabel: Pinsan! Ano ka ba, mas-hiyang ang anak mo sa San Diego, sigurado akong masisiyahan siya
doon, nandoon kasi si Ibarra.

Kapitan Tiago: Ah! Tama, nagpasya nga si Crisostomo dito!


Maria Clara: Ano?!

Tiya Isabel: Ano ba yung dalagang iyon, Clarita! Si Crisostomo nandito! Halika nga dito, ikaw talaga,
pahiya-hiya ka pa!

Crisostomo Ibarra: Maria Clara!

Maria Clara: Crisostomo!

Maria Clara: Hmph, nakalimutan mo na ata ako, sigurado ako na may nakita kang ibang babae sa
bansang pinuntahan mo.

Crisostomo Ibarra: Maari ba kitang malilimutan? Araw at gabi ay ikaw ang aking iniisip!

Maria Clara: Ikaw talaga! Hindi talaga kita nakalimutan, natatandaan ko pa yung mga oras na naglalaro
tayo. Noong nasa beateryo ako, sinasabihan ako na kalimutan kita, pero hindi, Hindi kita makalimutan
Crisostomo!

Crisostomo Ibarra: Maria Clara!(hinaplos ang buhok)

Maria Clara: Bukas, Todos los Santos na…eto, mga bulaklak, ialay mo iyan sa libingan ng mga magulang
mo. Crisostomo, magkita tayo sa loob ng ilang araw ha? Inaasahan kita!

Crisostomo Ibarra: Ha, sige Maria Clara, aalis na ako…

Kapitan Tiago: Masayang Biyahe!

(curtains on…tunog ng kalesa…set:sementeryo)

Sepulturero 1: Ughhh! Ayoko na! Napakaselan naman nito!

Sepulturero 2: Oo nga, bagung libing pa ata iyan ah!

Sepulturero 1: Tingnan mo nga, may buhok pa, ang mga buto, may bahid ng mga dugo!

Sepulturero 2: Hindi yan nakakatapat sa aking hinukay , dalawampung araw pa lang na patay, pinahukay
na sa akin para ilipat sa sementeryo ng mga Tsino, ngunit, umuulan at walang ilaw, nahirapan ako kaya
itinapon ko nalang sa ilog.

Sepulturero 1: Huh? Ibig mo bang sabihin na ipinahukay ang isang tao para ilipat sana sa sementeryo ng
mga makasalanan?

Sepulturero 2: Oo nga, Tiyak na may malaking kasalanan ang taong iyon.

Dumating na sina Crisostomo at ang kanyang alalay.

CRISOSTOMO: Nasaan ba?


ALALAY: Sa likod po ng malaking crus, senyorito.

CRISOSTOMO: Dito ba?

ALALAY: Ngunit…hindi po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at ipagtatanong ko.

Nilapitan ng alalay ang naghuhukay at nagtanong.

ALALAY: Alam mo ba kung saan ang malaking krus na itinirik dito?

LALAKI 2: Ah, iyong malaking krus? Sinunog ka na iyon.

ALALAY: Ano? Bakit mo naman ginawa iyon?

LALAKI 2: Napag-utusan lamang ako ng malaking kura.

CRISOSTOMO: At anong ginawa mo sa bangkay?!

LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga Intsik.

CRISOSTOMO: At ginawa mo naman?!

LALAKI 2: ‘Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at umulan pa nang gabing
iyon kaya…itinapon ko na lamang ito sa ilog.

CRISOSTOMO: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa!


Crisostomo Ibarra: Ikaw! Hindi ba ikaw ang Pari ng bayan! Walang hiya ka! Anong karapatan mong
ipahukay ang bangkay ng aking ama!

Padre Salvi: Binata, Hindi kita naiintindihan, wala akong pinahukay dito!

Crisostomo Ibarra: Huwag kang magsinungaling! Nagkamali ka sa paghukay ng bangkay ng ama ko!

Padre Salvi: Nagkakamali ka! Hindi ako ang nagpahukay ng bangkay ng ama mo! Ang pinalitan ko na Pari,
si Padre Damaso!

Crisostomo Ibarra: Hindi…hindi ako makapaniwala!

SCENE 5 Ang Dalawang Sakristan

Nangangampana ang dalawang sakristan na sina Basilio at Crispin.

BASILIO: Magpahinga na muna tayo Crispin.

Naupo silang dalawa sa may sulok.

CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya?

BASILIO: Dalawang piso, bakit ba?

CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko.

BASILIO: Sira ka ba, Crispin? Diba’t tatlumpu’t dalawang piso ang binibintang nila sa iyo? Kahit isang taon
pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan.

CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuya…Kapag nalaman ‘to ng
Inay...natatakot ako.

BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. ‘Wag kang mawalan ng--

Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor.

SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng kampana…At
ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw mo!

CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw.

SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa!

Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin si
Basilio sa kapatid.

BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n’yo na po—
Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito’y hindi na halos makatayo. Muli niyang hinila si
Crispin at ito’y ikinaladkad pababa ng hagdan.

CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako!

BASILIO: Crispin…

Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid ng
kampana.

End of Scene.

SCENE 6 Ang Pamilya ni Sisa

Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak.

SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya
naghanda ako ng masarap na pagkain...

Biglang dumating ang lasing na si Pedro.

PEDRO: May makakain ba?

SISA: Mayroon.

PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo’t nagugutom na ako!

SISA: Ahh- Oo. Narito na.

Kinain ni Pedro ang lahat ng pagkain.

SISA: Wala nang natira? Ngunit paano’ng mga anak mo?

PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?!

SISA: Wala. Wala—

PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon?

SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila—

Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa.

SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin?

PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto!

At umalis na nga si Pedro.

SISA: Kawawang mga anak ko. Magsasaing na lamang ako ulit.


Ilang minuto lamang ay dumating si Basilio.

BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay!

SISA: Basilio! Anak ko! Anon’ng nangyari sa’yo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan?

BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At si Crispin po--

SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya?

BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan siyang
nagnakaw.

SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating
magdusa?

SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating
magdusa?

BASILIO: Inay…

SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, heto…heto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko.

BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay.

SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama.

BASILIO: Dumating si Itay?

SISA: Oo.

BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba?

SISA: Basilio!

BASILIO: Patawad po, Inay.

Isinara ni Sisa ang pinto at siya’y napabuntong-hininga.

SISA: Diyos ko... Ano bang gagawin ko?

End of Scene.

SCENE 7 Ang Pagkabaliw ni Sisa

Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng
utusan.

UTUSAN: Para saan ang mga ‘yan ale?


SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap.

UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito?

SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin.

UTUSAN: Crispin? Kung gano’n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y matapos magnakaw ng batang
iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa
katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw
mong anak.

SISA: Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko.

KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! ‘Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa
kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama!

Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil.

GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw?

SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko.

GUARDIA CIVIL: ‘Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung
saan mo itinago si Crispin!

SISA: Señor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin.

GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak!

SISA: Señor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang
magnakaw, maniwala kayo.

GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi
isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila.

SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n’yo na, ‘wag n’yo po akong
ikulong…

Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel.

GUARDIA CIVIL: Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo!

Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa.

ALPERES: Kamalian ‘yan ng kura! Pakawalan n’yo siya at ‘wag n’yo na siyang gagambalin pa, at kung
gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n’yo sa kanya na manalangin siya kay San
Antonio!
Agad nilang pinakawalan si Sisa.

GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa’yo! Ha! Ha! Ha!

Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay.

SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo?

May nakita siyang damit na duguan.

SISA: Ano ‘to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang
magnanakaw kong anak! Ako’ ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo!

At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa

SCENE 8 Ang Pangingisda

Si Maria Clara ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan.

KAIBIGAN 1: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra?

MARIA CLARA: Kami ni Ibarra? Anong “kami” ni Ibarra?

KAIBIGAN 2: Hindi ba’t kararating lamang niya?

MARIA CLARA: Oo…sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming mangingisda…

MGA KAIBIGAN: Uuuuuyy…

Hindi katagalan…

MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo.

IBARRA: Maaari na ba tayong umalis, mahal ko?

MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo…

Sa palaisdaan…

ELIAS: Señorita Maria Clara, saan po ninyo gustong pumunta?

MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba?

ELIAS: Naku hindi po, señorita. Ilang sandali na lamang at makakarating na rin tayo doon.

MARIA CLARA: Ano iyon?

ELIAS: Marahil ay kahoy lamang po.

MARIA CLARA: Ah kahoy lamang pala.


IBARRA: Kahoy pa rin ba iyon?

ELIAS: Sandali lamang po at titingnan ko— Isang buwaya!!!

MARIA CLARA: May buwaya!

ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwaya na iyan!

MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya!

IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya.

MARIA CLARA: Ibarra!

Makalipas ang ilang sandali.

MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila.

TAUHAN: Ligtas sila! Ligtas sila!

ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Señor Ibarra. Balang araw, sa panahong
kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo.

KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra! Mabuhay ka!

End of Scene.

SCENE 9 Ang Panghugos

Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay paaralan na
itatayo ni Ibarra.

GOBERNADOR: Señor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng bato.

IBARRA: Ikasisiya ko po, gobernador.

Lumapit si Ibarra sa malaking bato upang ilagay ang palitada.

IMBENTOR: Isang maling galaw mo lamang, tiyak patay ka.

Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at ito’y namatay. Nagulat ang
lahat sa kanilang nakita.

IBARRA: Ano’ng ibig-- Elias?

ELIAS: Mag-iingat kayo, Señor. Hindi lamang ito ang maaaring mangyari sa inyo. Saka ko na lamang
sasabihin sa inyo ang lahat.

Tumakbo palayo si elias.


IBARRA: Sandali—Ano’ng nangyari sa taong ito?

TAUHAN: Muntik na kayong patayin ng taong iyan!

GOBERNADOR: Ngunit siya rin ang nabiktima sa masama niyang balak.

IBARRA: Kung gano’n, ako na lamang ang magpapalibing sa kanya.

TAUHAN: Paumanhin Señor Ibarra, ngunit hindi ba’t pinagtangkaan niya ang inyong buhay?

IBARRA: Oo nga, ngunit...siya ang nasawi. Ano pa bang parusa ang dapat niyang matanggap?
Pinapatawad ko na siya.

KABABAIHAN: Ang bait-bait talaga niya. Mabuhay ka, Crisostomo Ibarra!

End of Scene.

SCENE 10 Ang Pananghalian

Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang mga panauhin. Biglang
dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban kay Ibarra.

IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan?

MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko.

Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura.

DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang tingin niya sa
kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba’y akalain mong sino kung umasta!

MARIA CLARA: ‘Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko.

IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan.

DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin marunong
gumalang sa batas ng simbahan…

IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa!

DAMASO: ...tama lamang na siya’y pinarusahan na mamatay sa kulungan at--

Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-
hawak ang isang patalim.

IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit ‘wag na ‘wag ninyong babastusin ang alaala ng aking
ama!

KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo.


IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n’yo nasabing siya’y alagad ng Diyos? Ang taong ito ang naghatid sa
aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang
bastusin ang alala nito. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos?

MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, ‘wag mong saktan si Padre
Damaso.

Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso.

IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n’yo na kung may dugo ba talagang
dumadalo’y sa mga ugat ng taong iyan!

Lumisan si Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara.

SCENE 11 Si Donya Consolacion at Sisa

Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia civil.

CONSOLACION: Mga guardia civil!

GUARDIA CIVIL: Bakit po Señora?

CONSOLACION: Sino iyang kumakanta?

GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw.

CONSOLACION: Dalhin n’yo siya rito.

GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Señora.

Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa.

GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Señora.

CONSOLACION: Pakantahin n’yo siya.

GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na!

At umawit naman si Sisa.

CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.

GUARDIA CIVIL: Opo, Señora.

Umalis ang mga guardia civil.

CONSOLACION: Hoy Baliw!

SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw!


CONSOLACION: Sumayaw ka!

SISA: Sumayaw?

CONSOLACION: Gayahin mo ako.

Sumayaw ang donya.

SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw!

CONSOLACION: Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw!

SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw!

CONSOLACION: Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw!

SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha!

Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo.

CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!

SISA: Aray!

Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya.

ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?!

CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na ‘yan!

ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano?

SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!

ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n’yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n’yo siya sa
tahanan ni Crisostomo Ibarra.

End of Scene.

SCENE 12 Si Alfonso Linares

Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang isang binatang
Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara.

TIYAGO: O Doña Victorina, kayo pala. Tuloy kayo.

VICTORINA: Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel.

TIYAGO: Mukhang may kasama yata kayo—


VICTORINA: Ahh oo--

ALFONSO: Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares.

TIYAGO: Magandang araw rin sa iyo, iho.

TIBURCIO: Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara?

ISABEL: Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio.

Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara.

TIBURCIO: Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam?

MARIA CLARA: Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor.

ALFONSO: Doña Victorina, siya po ba si Maria Clara?

VICTORINA: Oo, Alfonso.

ALFONSO: Tunay nga po talagang napakaganda niya.

Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso.

TIYAGO: Magandang araw po, Padre Damaso.

DAMASO: Nasaan na siya?

TIYAGO: Nagpapahinga po siya sa kanyang silid.

Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso.

DAMASO: Maria Clara!

MARIA CLARA: Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo.

DAMASO: Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad.

MARIA CLARA: Opo.

DAMASO: O sige iha, magpahinga ka muna.

MARIA CLARA: Opo, padre.

Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala.

VICTORINA: Padre Damaso.

DAMASO: Victorina, sino iyang kasama mo?


VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso
Linares, ang inaanak ng inyong bayaw.

DAMASO: Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos?

ALFONSO: Opo, ako na nga po, padre.

DAMASO: Ano’ng saya ko’t sa wakas ay nakita na kita, iho.

ALFONSO: Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala.

VICTORINA: Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre.

DAMASO: Ng mapapangasawa? Madali lamang iyan...maghintay ka lamang, iho.

End of Scene.

SCENE 13 Ang Dalawang Donya

Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang de Espadaña kasama si Linares hanggang sa


napadaan sila sa tahanan ni Doña Consolacion.

CONSOLACION: Pwe! Ano ba naman ‘yan! Ang papangit naman ng dumadaan!

VICTORINA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?!

CONSOLACION: Bakit, nataman ka ba? Ha! Ha! At ano’ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko
‘yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa?

VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda!

Bumaba si Doña Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumatig ang alperes.

CONSOLACION: Ano’ng sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo?

VICTORINA: Hindi kita uurungan!

Namagitan si don Tiburcio sa kanilang labanan.

ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!

VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam!

ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae—

TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan.

CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot!


Nagtungo ang mag-asawang de Espadaña sa tahanan ni Kapitan Tiyago.

VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na ‘yon?!

TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya?

VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka makakasal kay Maria
Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao!

End of Scene.

SCENE 14 Ang Pagdakip kay Ibarra

Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.

ELIAS: Tao po! Tao po!

IBARRA: Elias!

ELIAS: Señor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito.

IBARRA: Ano’ng ibig mong sabihin?

ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito.

IBARRA: Ngunit sino ang…?

ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Señor.

IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin?

ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit
saan—iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa
bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan.

IBARRA: Maraming salamat, kaibigan.

Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla
silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas. Nataranta silang lahat at
nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla namang may kumalabog sa pinto.

IBARRA: Sino ‘yan?

SARHENTO: Kami’y mga alagad ng batas!

IBARRA: Bakit po—

SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin!


Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na
umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay.

End of Scene.

SCENE 15 Tugisan sa Lawa

Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga
panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na
si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at
pinagmasdan ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating.

MARIA CLARA: Crisostomo…?

IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas.

MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko.

IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa’yo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang lumayo
sa’yo...sa lugar na ito...

MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin
kapag nalaman mong…

IBARRA: Nalaman kong ano?

MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso...

IBARRA: Paano—

MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo.

IBARRA: Paalam, Maria Clara...

Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara.

IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo?

ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Señor.

IBARRA: At pagkatapos?

ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa.

IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid?

ELIAS: Para saan pa?


IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong
mo.

ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo.

Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil.

ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan?

IBARRA: Oo.

ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sarili…ililigaw ko sila.

IBARRA: ‘Huwag Elias, labanan natin sila—

ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo.

Tumalon si Elias at sa tuwing siya’y lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng kanyang dugo
ang ilog.

End of Scene.

SCENE 16 Ang Paliwanag ng Pari

Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni Crisostomo.

MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari...mahal ko...

DAMASO: Ano’ng nangyari sa’yo, anak ko?

MARIA CLARA: Masaya na po ba kayo?

DAMASO: Ano’ng ibig mong sabihin—

MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko...

DAMASO: Ngunit—

MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si Alfonso…at hindi ako
magpapakasal sa kanya.

DAMASO: Ngunit—

MARIA CLARA: Kung itutuloy n’yo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawa…magpapakamatay ako!

DAMASO: Patawarin mo ako, iha. Patawarin mo ako…kung nanghimasok ako sa inyo ni Ibarra…sa buhay
mo. Patawad, anak ko.

MARIA CLARA: Magmomongha na lamang ako.


DAMASO: Kung iyan ang iyong kagustuhan.

Iniwan ni Maria Clara ang nakaluhod niyang ama.

DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan?

End of Scene.

SCENE 17 Noche Buena

Nagkitang muli sina Basilio at Sisa.

BASILIO: Inay!

SISA: Sino ka?

BASILIO: Inay, si Basilio po, ang anak n’yo!

SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anak…hindi kita kilala.

Pumasok si Sisa sa libingan ng matandang kastila.

BASILIO: Inay, ‘wag po kayong matakot sa akin. Inay!

SISA: Basilio?

BASILIO: Opo inay, ako nga po.

SISA: Anak ko—

Biglang nawalan ng malay si Sisa.

BASILIO: Inay! Inay! Bakit n’yo po ako iniwan, Inay. Inay!

ELIAS: Iho…

BASILIO: Sino po kayo?

ELIAS: Ano’ng gusto mong gawin sa inay mo?

BASILIO: Gusto ko po siyang ilibing sa sementeryo...ngunit wala po akong pera.

ELIAS:Kumuha ka na lamang ng panggatong. Malapit na rin ang kamatayan ko, iho. At sa sandaling
mangyari iyon, sunugin mo ang aming mga katawan hanggang sa maging abo. Pagkatapos, maghukay ka
at may makikita kang kayamanan, gamitin mo ito sa iyong kinabukasan. Naiintindihan mo ba?

BASILIO: Opo, ginoo.

ELIAS: Mamamatay akong…hindi masisilayan…ang pagsikat ng araw...sa aking bayan.


Tumingala si Elias sa langit at nawalan na ng buhay...

End of Scene.

Kabanata 46- Sabungan

Pag-uusap ng mga sabungero:

Kapitan Basilio: Naibalita po sa akin ni Sinang kagabi na si Ma. Clara pod aw ay pabuti na ng pabuti.

Kapitan Tiago: Nawalan na po siya ng lagnat subalit mahina pa.

Kapitan Basilio: Natalo po ba kayo kagabi?

Kapitan Tiago: Kaunti po. Alam kong kayo’y nanalo. Ngayon ay titingnan ko kung ako’y makakabawi.

Kapitan Basilio: Ibig po ba ninyong ilaban ang lasak?

Kapitan Tiago: Tingnan po natin kung may pusta.

Kapitan Basilio: Magkano ang ipupusta ninyo?

Kapitan Tiago: Kung kulang sa dalawa ay di ko ilalaban.

Kapitan Basilio: Nakita ninyo ba nag aking lasak? Magkano?

Kapitan Tiago: (Titignan kunwari ang manok)

Kapitan Basilio: Magkano ang ipupusta ninyo?

Kapitan Tiago: Kung magkano ang ibig ninyo.

Kapitan Basilio: Dalawa at kalahati

Kapitan Tiago: Tatlo.

Kapitan Basilio: Tatlo!


MAGSISIGAWAN ANG MGA TAO SA SABUNGAN.. SA PULA! SA PUTI! SA PULA! SA PUTI! SA PULA! SA
PUTI!

Bruno: Magsisimula na ang sultada. Pahiramin mo kami ng dalawa- tatlo at apt na piso. Ibabalik naming
ito sa dobleng halaga mamaya.

Lucas: (Napakamot sa ulo) Ang perang ito ay hindi sa kin. Ito ay ipinagkaloob ni Ibarra sa mga taong
handing tumulong sa kanya. Ngunit natitiyak kong hindi kayo katulad ng inyong ama.

Bruno: Tinatanggap naming. Pagkat di naman magkaiba ang mamatay sa baril at bitay.

Tarsilo: Ang isang maralitang tulad naming ay wala ng iba pang kinauukulan.

Bruno: Tama ang sinabi mo Tarsilo ngunit dapat mong isipin ang ating kapatid na babae.

SA PULA! SA PUTI! SA PULA! SA PUTI! (simula na ng sabong at nagsisigawan ang mga sabungero)

Talo sina Bruno…(malungkot, parang nagsisisihan…) Hahanapin nila sila Lucas at makikita nilang kausap
nito sa Pedro at binibigyan niya ng pera.

Tarsilo: (kay Bruno) Alam mo ba ang susunod na sultada?

Bruno: Bakit hindi mo ba narinig? Ang bulik ni Kapitan Basilio at lasak ni Kapitan Tiago?

Tarsilo: Nakahanda ka na ba?

Bruno: Ako kanina pa. ngunit paano ang ating kapatid na babae?

Tarsilo: Hindi ba’t ang kwalta ay kay Don Crisostomo Ibarra? Hindi ba’t si Ibarra ang laging kasa-kasama
ng Kapitan Heneral? Ano ngayon ang ipinangangamba natin?

Lalapit sila kay Lucas…

Tarsilo at Bruno: (sabay na magsasalita) Magkano ang ibibigay ninyo sa amin?

Lucas: Nasabi ko na sa inyo. Kung hahanap kayo ng makakasama upang salakayin ang kwartel, ay
bibigyan ko kayo ng tigtatatlumpumg piso at sampu naman sa bawat kasama ninyo. Kung mahusay ng
pagkakasalakay ay tatanggap ang bawat isa ng isangdaang piso at kayo naman ay doble. Si Don
Crisostomo ay mayaman.

Bruno: Payag ako! Ibigay na ninyo ang kwalta.

Lucas: Kayo’y katulad ng inyong ama, matapang!


Lucas: (habang ibinibigay ang kwalta sa magkpatid) Bukas ay dadating ang mga may dala ng sandata ni
Crisostomo Ibarra. Sa ganap na ika-walo ng gabi ay magtungo kayo sa libingan at doo’y sasabhin ko sa
inyo ang huling pasya. Mayroon pa kayong panahon upang humanap ng inyong makakasama.

Kabanata 47- Ang Dalawang Doña

Doña Victorina: Hindi ko malaman kung paano sila nabubuhay ditto? Kailangan ngang maging Indio. Mga
walang pinag-aralan at mapagmalaki pa. Biruin mo, nakakasalubong natin ay di man lamang
nagpupugay. Paluin mo nga ng sombrero Tiburcio at turuan ng urbanidad.

____________________________________________________________________________

Doña Victorina: (kay Doña Consolacion) Ngayon, ano ang nangyayari sa inyo Doña? Bakit ba ako’y
tinitingnan ninyo ng ganyan? Naiinggit ba kayo sa akin?

Doña Consolacion: Ako? Naiinggit sa iyo? Oo nga, naiinggit ako sa inyong kulot na buhok.

Don Tiburcio: Tara na at wag mo ng pansinin

¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬Doña Victorina: (tatabigin ang asawa) Bayaan mong turuan ko ito ng magandang
asal.

Doña Victorina: Kilalanin ninyo ang inyong kausap. Huwag ninyong ibilang na ako’y taga lalawigan! Sa
aming bahay sa Maynila ay hindi nakakpasok ang mga alperes; sukat na sila’y mag-antay sa pinto.

Doña Consolacion: Aba! Escelentisima Señora Puput! Hindi nakakapasok ang mga alperes, ang
nakakapasok ay ang mga pilantod!

Doña Victorina: (mang iinsulto) Hoy Doña Consolacion! Ako’y nakukutayang makipag-usap sa inyo, ang
mga taong mararangal. Gusto niyo bang labhan ang damit ko? Kayo’y babayaran ko ng mahal. Para
naming hindi ko alam na kayo’y isang labandera!

Doña Consolacion: Akala mo ba’y hindi ko alam kung sino kayo at kung sino ang inyong kasama? Nasabi
na yata iyan ng aking asawa!

Doña Victorina: Bumaba ka dito! Bumaba ka ditto!

DARATING ANG ALPERES, AAWATINANG ASAWA, SUSUNOD NA DAATING SI PADRE SALVI

SA BAHAY NI DON TIBURCIO

Doña Victorina: Ngayon din ay luluwas tayo sa Maynila at haharap sa Kapitan Heneral! Pagkat ikaw ay
hindi isang lalaki! Sayang ang pantaloon mong isinusuot!

Don Tiburcio: Ngunit ako’y isang pilay.

Doña Victorina: Dapat mo siyang hamunin ng rebolber o sable! (titingnan ng Doña ang pustiso ng asawa
at bigla itong hinablot sa bibig ng asawa)
PAPASOK SA EKSENA SI LINARES

Doña Victorina: (Kay Linares) Pinsan, hamunin mo ngayon din ang alperes ng duwelo. Maglaban kayo sa
pamamagitan ng rebolber.

Linares: Bakit? (gulat)

Doña Victorina: Basta! Hamunin mo siya sa isang paglalaban ngayon din! At kung hindi ay ipagtatapat ko
sa lahat dito kung sino ka!

Linares: Ngunit Doña Victorina?

Doña Victorina: Akalain mo! Tayo’y hinahamak ng alperes at ipinahayg kung sino ka! At itong si Tiburcio,
pinabayaang siya’y maalipusta! Parang di lalaki! Ngayon din ay luluwas kami ng Maynila! Ikaw Linares ay
maiiwan upang hamunin mo sa pakikipaglaban ang alperes. Kapag hindi mo ito nagawa, ipagtatapat ko
kay Don Santiago na kasinungalingan ang lahat ng mga pinagsasabi mo sa kanya.

Linares: Ngunit Doña victorina, maghunos dili kayo. Huwag ninyong ipaalala sa akin yan.

PAPASOK SA EKSENA SI KAPITAN TIAGO

Doña Victorina: Don Santiago, ang alperes ay hahamunin ni Linares sa pakikipaglaban’ narinig ninyo?
Kung hindi! Huwag ninyong ipakasal ang inyong anak sa lalaking ito, pagkat siya’y duwag at di marapat
na mapangasawa ni Ma. Clara.

Kabanata 49- Tinig ng Pinag-uusig

C. Ibarra: Ano po ba ang sasabihin ninyo sa akin?

Elias: Ginoo, ako po’y tagapagdala ng maraming hangarin ng sawimpalad.

C. Ibarra: Ang sawimpalad?

____________________________________________________________________________

C. Ibarra: Kung gayon, ang hinihiling ay ganap na pagbabago.

Elias: Sa paanong paraan? Ang kaunting paggalang sa karangalan ng tao sa kapanatagan ng


mamamayan, ang pagbabawas sa paggamit ng lakas at ng mga kawal sandatahan, pagbabawas din sa
kapangyarihang bigay sa hukbong ito na madaling pagbubuhatan ng kasagwaan.

C. Ibarra: Elias, hindi ko alam kung sino kayo ngunit alam kong hindi kayo pangkaraniwang tao. Ang
inyong isipan ay hindi katulad sa iba. Nauunawaan ninyo ako kapag sinabi kong ang kasalukuyang
kalagayan ng mga bagay-bagay ditto sa atin. Maaring makipag-usap ako sa Kapitan Heneral subalit wala
silang magagawa, kahit na ang mataas na punong ito, dahil wala silang gaanong ksapangyarihan upang
magpasok ng gayong pagbabago. Maging ako man sa ganang akin ay hindi rin makagagawa ng anumang
hakbang na nauukol ditto. Ngayon ko napag-isip-isip, ang korporasyong iyan, bagamat may kasiraan,
siya’y kailangan sa ngayon. Sila ang tinatawag na masamang kailangan.

Elias: (gulat na gulat)(nanginginig ang tinig) Naniniwala ba kayo na kailangang gumawa ng masama
upang makagawa ng mabuti?

C. Ibarra: Hindi po ako naniniwala sa isang marahas na lunas na ating ginagamit kapag gusto nilang
mapagaling ang sakit.

Elias: Sa ngayon, ang ating lupain ay isang lipunang may maluwatang sakit, at upang magamot ang
pamahalaan ay nangangailangan ng mga paraang marahas ngunit kapaki-pakinabang.

Itinuturing ko pong masamang manggagamot ang isang manggagamot ang isang walang sinisikap kung
hindi sugpuin at lapatan ng lunas ang tanda ng mga sakit, Hindi po kaya dapat ay palakasin ang katawang
may-sakit at bawasan ang karahasan ng gamot?

C. Ibarra: Ang pagbabawas sa lakas ng guwardya sibil ay ilalagay sa panganib ang kapanatagan ng bayan.

Elias: Maglalabinlimang taon na ngayon na may gwardya sibil sa baying ito, at nakita naman ninyo na
hanggang ngayon ay mayroon pa in tayong mga tulisan. Mayroon din tayong naririnig na niananakawan
ang bayan at may mga nanghaharang sa lansangan. Ang nakawan ay nagpapatuloy . Ang kasamaan ay
naririyan at malayang nakakalaya ang tunay na salarin..

C. Ibarra: Ako po ay sang-ayon sa mga kabuktutan.

C. Ibarra: Ginugulo ninyo ang isipan ko. Ipalalagay ko na kayo’y may katwiran. Subalit alamin ninyo ang
isang bagay at ito’y huwag ninyong daramdamin, sapagkat kayo’y itatanggi ko at ituturing na
kataliwasan. Tingnan ninyo kung sino ang humihingi ng mga pagbabago. Halos lahat ay mga salarin.

Elias: Sila’y mga salairin, sapagkat ang kanilang katahimikan ay kanilang binabagabag.

____________________________________________________________________________

C. Ibarra: Ano na nga ang kanilang hinihingi?

Elias: Ang pamamalakad ng mga prayle. Ang sawimpalad ay humihingi ng lalo pang malaking tangkilik
laban sa mga prayle. Laban sa ang- aapi sa kanila, ginoo.

C. Ibarra: Nakalimot na kaya ang di- matutumbasang utang na loob ng Pilipinas sa korporasyon ng mga
prayle?

Elias: (gulat na gulat, halos di makapaniwala) Ginoo, sinasabi po ba ninyo na walang utang na loob ang
mga mamamayan?

Elias: Nung tayo’y nasakop ng mga misyonero, ano ang nangyari sa lupaing ito?
C. Ibarra: Ngunit pinaniniwalaan din po ba ninyo na dahil sa mga prayle ay mapapamalagi ang
kapanatagan ng bayan?

Elias: Opo, dahil ito ang paniniwala ng lahat ng tao sa Pilipinas. Hindi ko po akalaing magkakaroon kayo
ng ganyang napakaabang palagay ukol sa pamahalaan at bayan. Isang baying sumusunod pagkat
dinaraya, at isang pamahalaan na kaya nakapag-uutos ay dahil na rin sa pandaraya.

Patawarin ninyo ako ginoo. Pero may palagay akong ang pamahalaan ang mang mang at imbi sapagkat
ikinasisiya ang gayon. Pinasasalamatan ko po ang inyong kagandahang-loob. Saan ko po kayo ihahatid?

C. Ibarra: Huwag po. Kailangang magpatuloy tayo ng pagtatalo upang malaman kung sino ang may
katwiran.

Elias: Ipagpatawad po ninyo. Hindi po ako mahusay manalita upang kayo’y mapaniwala ko. Kung ako
man ay nakapag-aral ng kaunti, ako naman ay isang Indio. Ang aking pagkatao ay kahina-hinala; ganon
din ang aking pangungusap. Ako ngayon ay nag-aalinlangan na sa aking mga sariling pananalig at
naniniwalang maaai ngang namamali. Aking sasabihin sa mga sawimpalad na ang pagbibigay- tiwala sa
mga tao ay ilipat na sa Diyos. Muli pinasasalamatan ko kayo at sabihin ninyo kung saan ko kayo ihahatid.

C. Ibarra: Elias, ang inyong pangungusap ay umabot sa aking puso at nagbibigay sa akin ng alinlangan.
Hindi ako nakapag- aral sa piling n gating bayan. Ako’y sa kolehiyo ng mga Jesuita nag- aral ng
elementarya. Ako’y sa Europa lumaki. Sa mga aklat ko hinubog ang aking pag- iisip. Gayunman, tulad
ninyo ay iniibig ko ang aking bayan. Utang ko sa kanya ang aking kaligayahan.

Elias: At ako naman, utang ko’y aking kasawian…

C. Ibarra: Opo kaibigan, alam kong kayo’y nagtitiis dahil kayo’y sawimpalad, at dahil dito’y madilim ang
inyong nakikita sa hinaharap…

Elias: Pero ang kasawian ko po ay may ibang pinagbuibuhatan. Kung alam kong ito’y magbibigay ng
kaunting katuturan ay isasalaysay ko sa inyo.

C. Ibarra: Siguro magbabago ang aking pag- aakala kapag nabatid ko ang nasabing kasawian. Tandaan
ninyo, ako’y nag- aalinlangang maniwala sa mga likhang- isip pagkat lalo akong nananalig sa mga
nangyayari.

Kabanata 51- Pagbabago

Pagbasa ni Linares sa sulat ni Doña Victorina…

Linares: (puno ng pag-aaalala) (sasabihin nya sa sarili) Paano kung murahin ako ng alperes at kagalitan?
Kung matagpuan ko ang kanyang asawa, sino ang papatol na maging padrino ko? Ang kura? Si Kapitan
Tiago? Sumpain ang mga ipinakinig ko sa kanyang mga payo. Hindi ba siya ang nag-utos sa aking
maghambog, magsabi ng kabulaanan, maglangis upang makapagsamantala! Ngayon ano ang sasabihin
sa akin ni Clarita? Ngayon ko lubusang nararamdaman kung gaano kabigat ang pagsasabi ko na ako’y
kalihim ng lahat ng kagawad-bansa!
SIYANG PAGDATING NI PADRE SALVI

Padre Salvi: Ginoong Linares, nag-iisa yata kayo. Nasaan si Don Santiago?

PAPASOK SI KAPITAN TIAGO AT HAHALIK SA KAMAY NG KURA

Padre Salvi: Mayroon akong mabuting balita sa inyong lahat. Ako ay tumanggap ng sulat sa Maynila, na
nagpapatotoo sa bagay na ibinalita sa akon ni Ibarra kahapon. Kung gayon Don Santiago, ang sagabal ay
nawala na.

PATLANG SANDSALI

Padre Salvi: Ngayon ay aking napagtanto na si Ibarra ay isang binatang nakalulugod. Noon una, ang
totoo ay hindi maganda ang naging palagay ko sa kanya. Siya’y may kapusukan, ngunit siya ay marunong
namang mag-ayos ng kanyang pagkukulang. Siya’y hindi maaaring kapootankung hindi lamang kay Padre
Damaso. (titingin kay Ma. Clara na noon ay nakikinig sa usapan pero hindi halata)

Linares: At si Padre Damaso po?

Padre Salvi: (nakatingin pa rin kay Ma. Clara ) Opo, si Padre Damaso ay nagsabi na hindi niya
papayagang… dahil sa ninong siya sa binyag ni Ma. Clara. Datapuwat iniiisip kong maayos ang lahat kung
si Ginoong Ibarra ay hihingi ng patawad sa kanya.

AALIS NA SI MARIA CLARA SA EKSENA

Kapitan Tiago: Paano kung di siya patawarin ni Padre Damaso?

Padre Salvi: Kung magkakagayon ay bahala na si Maria Clara. Tutal, si Padre Damaso ay

Kanyang kopesor, palagay ko’y magkakaunawaan sila.

SIYANG PAGDATING NI C. IBARRA

C. Ibarra: (babati kay Kapitan Tiago, at bahagyang yuyukod kay Linares)

Padre Salvi: (tatayo at lalapit at magiliw na kakamayan si C. Ibarra) Huwag ninyong pagtakhan, ngayon
lamang ay pinupuri ko kayo.

C. Ibarra: Salamat po.

C. Ibarra: (lalapit kay Sinang)

Sinang: Saan ka ba nagtigil maghapon? Napag-usapan ka naming at lahat ay may kanya-kanyang palagay
kung saan nagtutungo ang mga kaluluwang kahahango sa purgatoryo?

C. Ibarra: Sabihin mo nga sa akin kaibigan, nagagalit ba si Maria sa akin?


Sinang: Ewan ko. Pero ang sabi niya, limutin mo na siya. Iyak nga ng iyak pagkat ang nais ni Kapitan Tiago
ay pakasal na sya sa binatang iyon, maging si Padre Damaso ay ganoon din ang payo. Ngunit sila ay hindi
sinasagot ng oo ohindi. Kaninag umaga, ay nagtanong kami ukol sa iyo, at kami’y sinagot nab aka
nangingibig na sa iabang dalaga. At pagkatapos ay sumagot sa akin “mano naman” at saka umiyak.

C. Ibarra: Pakisabi kay Ma. Clara na ibig ko siyang makausap ng sarilinan.

Sinang: Nang sarilinan!

C. Ibarra: Ganap na suliranin. Kaming dalawa lamang, hindi kaharap ang binatang iyan (titingin kay
Linares)

Sinang: Mahirap siguro yan, ngunit wag kang mag-alala at aking sasabihin.

C. Ibarra: Kailan ko malalaman ang kanyang sagot?

Sinang: Bukas! Magsadya ka ng maaga sa bahay. Kahit kalian ay ayaw mag-isa ni Ma. Clara kaya’t siya’y
aming sinasamahan.

AALIS SI IBARA

Kabanata 52 – Ang Mga Tao Sa Libingan

Ang pag-uusap ng 3 anino

Unang Anino: Nakausap mo ba si Elias?

Ikalawang Anino: Hindi, pero natitiyak kong kasama natin siya. Nailigtas na minsan ni Don Crisostomo
ang kanyang buhay.

Ikatlong Anino: Dahil nga riyan kaya ako pumayag. Ipinadala ni Don Crisostomo sa Maynila ang aking
asawa upang maipagamot sa mga dalubhasang doktor. Ako ang sasalakay sa kumbento upang
makapaghiganti sa mga walang hiyang kura!

Ikalawang Anino: Kami naman ang lulusob sa kwartel, upang patunayan sa mga sibil na an gaming ama’y
may mga anak na lalaki!

ANG PAGDATING NG ISANG ANINO

Ika-apat na Anino: Psst! Psst! (lalapit sa 3 anino) Maghiwa-hiwalay tayo, may sumusunod sa akin. Ang
inyong mga sandata ay bukas ninyo tatanggapin. Sa gabi ng inyong pagsalakay, ang isisigaw ninyo ay
VIVA DON CRISOSTOMO!

AALIS NA ANG 3 ANINO AT MAGTATAGO KUNWARI ANG IKA-APAT NA ANINO


Ika-apat na Anino: (habang nakatago, sasabihin niya sa sarili) Aabangan ko kung sino ang sumusunod sa
akin.

Darating ang sumusunod na anino (Ang ika-apat na anino ay nakatago pa rin)

Ikalimang Anino: Ako yata’t nahuli ng dating. Pero siguro’y magbabalik din sila (sisilong siya kunwari at di
sinasadyang mapupunta at mapapatabi siya sa inagtatagian ng ika-apat na anino)

BIGLA SILANG MAGUGULAT PERO HINDI NAGKAKAKITAAN NG MUKHA DAHIL MADILIM

Ikalimang Anino: Sino kayo?

Ika-apat na Anino: At sino rin kayo? (walang imikan, tahimik)

Ika-apat na Anino: Inaantay kong tumugtog ang ika-walo ng gabi upang makipaglaro ng baraha sa mga
patay. Ibig kong manalo ngayong gabi. Kayo, ano ang sadya ninyo rito?

Ikalimang Anino: Kagaya rin po ninyo.

Ika-apat na Anino: Ako’y maraming dalang baraha.

ANG DALAWA’Y NAGKASUNDONG MAGLARO NG BARAHA SA IBABAW NG NITSO.

Kabanata 53- Ang PAgsulong ng Isang Magandang Umaga

ANG PAGDALAWA NI DON FILIPO

Pilosopo Tasyo: Ang totoo ay hindi ko alam kung dapat ko kayong batiin sa pagkakatanggap sa inyong
pagbibitiw sa katungkulan. Kayo ay nakikipagtunggali sa mga guwardiya sibil na di naman nararapat.

Don Filipo: Opo, ngunit ang Kapitan Heneral ang nagkanulo. Ayon sa alam ninyo, kinabukasan ng
aumaga ay pinawalan ng Kapitan ang mga sibil na aking nahuli. Kung walang kapahintulutan sa aking
puno ay wala akong magagawa.

Pilosopo Tasyo: Kayo, na nag-iisa ay wala nga, ngunit kung kakaktigan ng lahat, ay marami kayong
mgagawa. Sana’y sinamantala ninyo ang pagkakataon upang mabigyang halibawa ang ibang bayan.

Don Filipo: Ano po ang magagawa ko laban sa kinatawan ng mga matatakutin? Malaki ang magagawa ni
Ibarra sapagkat siya’y naniniwala sa karamihan. Inaakala ba ninyong siya’y naniniwala sa
“excommunion”.

Pilosopo Tasyo: May pagkakaiba kayo sa kalagayan. Si Ibarra ay ibig magtanim at upang magtanim ay
kailangang makibagay at sumunod sa kalikasan. Kayo naman, ang inyong tungkulin ay magpakilos, at
upang makapagpakilos ay kailangan ng lakas at pagtulak. Kaya ang pakikipagtunggali ay hindi dsaat
gawin laban sa Kapitan, kundi laban sa mga nagmamalabis sa kanilang kapangyarihan, laban sa
manliligalig sa katahimikan, laban sa nagkukulang sa kanyang tungkulin.
Don Filipo: Iyan po ba ang inyong paniniwala?

Pilosopo Tasyo: Ang bagong binhi ay maliit. Subalit kung ang lahat ay magtutulong- tulong sa
pagtataguyod sa pagpapaunlad na binili ng napakamahal sa mga prayle, maaring mainis yaon.

AT MARAMI PA SILANG NAPAG-USAPAN

___________________________________________________________________________

Pilosopo Tasyo: Tayo yata ay nalalayo. Hindi ba ang dapat nating pag-usapan ay may kaugnayan sa pag-
unlad ng Pilipinas? Tayo ngayon ay pumapasok sa panahon ng pakikipaglaban. Lalo’t higit sa lahat ay
kayong mga kalaban, dahil kaming mga matatanda, kumbaga sa araw ay malapit. Pero, ako’y
nalulungkot.

“Ang ating mga kabataan ngayon ay walang inisip kundi ang manligaw at magsaya. Lalong maraming
panahon ang ginugugol nila sa paglugso sa puri ng isang babae kaysa sa pag-, at sa paggawa ng mga
bagay na kahiya-hiya. Ang mga babae naman ay malaki pa ang inilalagi sa simbahan at kanilang
nakakalimutan na sila ay may tahanan at pamumuhay na dapat sinupin. Kaya tuloy, ang masasamang
halimbawa nila ay nakikita ng mga musmos pa at maasahan lamang na gagayahin kapag nagkaisip.
Ikatutuwa kong mamatay ngayon!

Don Filipo: Ibig ba ninyo ng gamot?

Pilosopo Tasyo: (iiling) Sapagkat ang mamatay daw ay di na po nangangilangan ng gamut. Kayong mga
maiiwan ay OO. Pakisabi na lamang po ninyo kay Ibarra na dalawin ako bukas at may mahalagang bagay
akong sasabihin sa kanya. Sa loob ng ilang araw ay mamamatay na ako. Subalit hanggang sa
kasalukuyan, ang bayan ay tumatahak pa rin sa kadiliman.

Kabanata 54- Anumang Lihim Ay Nabubunyag

Mabilis na umakyat si Padre Salvi sa bahay ng Alperes at makailang beses na tumawag. Lumabas naman
ang Alperes na kunot-noo kasunod- sunod ang asawang si Doña Consolacion.

Alperes: Padre Kura! Ako’y talagang papunta sa inyo dahil sa inyong kambing. Hindi ko na maitutulot
sirain sa tuwi-tuwina ang aking bakod kaya pag nagbalik ay babarilin ko.

Padre Salvi: (Humihingal) Iyan ay kung mabubuhay pa kayo hanggang bukas.

Alperes: Ano? Inaakala po ba ninyo na mapapatay ako ng pipituhing buwang taong iyan? Akin siyang
uutasin sa isang sipa lamang.

Umurong si Padre Salvi at tinitigan ang Alperes


Padre Salvi: (Nanginginig) Sino ang binaggit ninyo?

Alperes: Sino pa kung hindi iyong naghahamon sa akin ng barilan?

Padre Salvi: Ang sadya ko sa inyo ngayon ay ukol sa isang madaliang pangangailangan.

Alperes: Huwag na ninyo akong alalahanin sa mga bagay na iyan! Baka mamaya ay kagaya na naman
iyan ng dalawang magkapatid na bata.

Padre Salvi: Kapag ako’y ganitong nagkukulang sa aking tungkulin ay may mabigat akong dahilan.

Alperes: Bakit kayo nagmamadaling naparito?

Padre Salvi: Wala ba kayong nalalamang balita?

Alperes: Kung gayo’y sabihin na ninyo.

Padre Salvi: Natuklasan ko ang isang malaking pag-aalsang magaganap. Isa pong kakila-kilabot na
paghihimagsik ang sisiklab ngayong gabi.

Alperes: Sino? Sino ang huhulihin ko? Babarilin ko ang lahat.

Padre Salvi: Huminahon kayo!

____________________________________________________________________________

Alperes: Paalam po Padre, at marahil ay magiging Obispo naman kayo.

Padre Salvi: Mag-iingat kayo. Sa ikawalo ng gabi ay uulan ng bituin at krus.

Samantala si Elias…

Elias: (Humahangos, tumatakbo papunta kay Ibara)

C. Ibarra: (Habang gumagawa ng isang pagsubok sa kanyang laboratoryo) Kayo pala Elias. Naisip ko kayo.
Nalimutan ko kahapong itanong sa inyo ang pangalan ng Kastilang tinithan ng inyong nunong lalaki.

Elias: Ginoo, ang sadya kop o ay hindi ukol sa akin kundi…

C. Ibarra: (Hindi pansin ang pagkabalisa ni Elias) Tingnan ninyo. Ako’y nakagawa ng isang pagkakatuklas;
ang kawayang ito ay hindi nasusunog.

Elias: Ginoo, hindi pagsubok sa kawayan ang dapat nating pag-usapan. Ang kailangan po ang pagtitipo at
pagliligpit, tumakas kayo agad! Sunugin ninyo ang lahat ng maaaring makapaganyaya sa inyo at sa loob
ng isang oras kailangang makaraitng kayo sa isang lugar na ligtas sa panganib.

C. Ibarra: Bakit po?

Elias: Sinupon ninyo ang lahat ng kasulatang isinulat ninyo o ipinadala sa inyo.
C. Ibarra: Bakit po?

Elias: Sapagkat katatapos ko lamang pong matuklasan ang isang gagawing pag-aalsa. Kayo ang
pinagbibintangang namumuno sa pag-aalsang ito upang kayo’y mapalungi.

C. Ibarra: Isang pag-aalsa? Sino po ang nagbabalak?

Elias: Hindi ko na po nakuhang siyasatin ang pangalan ng may balak mag-alsa. Hindi pa po nagtatagal na
ako’y nakipag-usap sa isa sa mga sawimpalad na sadyang binayaran upang isagawa ang pag-aalsa at
wala akong nagawa upang sila’y pigilan.

C. Ibarra: Hindi ba nabanggit sa inyo kung sino ang nagbayad sa kanila?

Elias: Opo, matapos akong pilitin na ilihim ko ang bagay na ito ay ipinagtapat na kayo raw ang nagbayad.

C. Ibarra: Diyos ko!

Elias: Ginoo, wag na kayong mag-alinlangan pa. Huwag na nating aksayahin ang panahon, pagkat ang
pag-aalsa ay maaaring magsiklab sa araw na ito.

Si Ibarra ay dilat ang mata at nakadaop ang palad sa ulo.

Elias: Ang gulo ay di na po maaaring mapigil. Ako’y nabalam ng pagparito, di ko kilala ang mga
namumuno. Lumigtas kayo Ginoo, at ingatan ang inyong sarili alang-alang sa Inang Bayan.

C. Ibarra: Saan po dapat tumakas?

Elias: Sa alin mang bayan sa Maynila.

C. Ibarra: At kung ako na rin ang magsuplong sa pag-aalsa?

Elias: Kayo ang magsuplong sa pag-aalsa? Ipalalagay kayong taksil ng mga nagsilusob at duwag naman sa
paningin ng iba.

C. Ibarra: Ngunit ano ang aking gagawin? (Litong-lito)

Elias: Sinabi ko sa inyo. Sirain ang lahat ng kasulatang may kinalaman sa inyong pagkatao. Tumakas kayo
at maghintay sa mga pangyayari.

C. Ibarra: At si Maria Clara? Hindi kailangang mamatay na muna.

Elias: Gayon man, ilaganman lang ninyo ang dagok, Humanda kayo sa gagawin sakaling kayo’y
maparatangan nila.

C. Ibarra: Kung gayon ay tulungan ninyo ako kaibigan. Diyan sa mga karpetang iyan natatago ang mga
sulat ng aking pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama. Basahin ninyo ang mga lagda.

Naghalungkat sina Elias at maya maya’y nandilat ang mga mata…


Elias: (nanginginig ang tinig, hawak hawak ang isang papel) Nakilala ba ng pamilya ninyo si Don Pedro
Eibarramendia?

C. Ibarra: (Kinuha ang papel) Siya po ang aking nuno sa tuhod.

Elias: (Namutla at nabago ang anyo) Inyong nuno sa tuhod si Don Pedro Eibarramendia?

C. Ibarra: (Parng walang anuman) Opo, Pinaikli namin agn apelyido pagkat siya’y mahaba. Pero ano ang
nangyayari sa inyo?

Elias: (Pasuntok na idiniin sa kanyang noo ang kamay at tinitigan si Ibarra)

C. Ibarra: (Mapapaurong sa nakitang anyo ni Elias)

Elias: (Nagngingitngit) Kilala ba ninyo si Don Pedro Eibarrame

Elias: (Nagngingitngit) Kilala ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia? Si Don Pedro Eibarramendia ang
umapasala sa aking nunong lalaki, an siyang dahilan ng lahat n gaming kasawiang palad. Aking
pinaghahanap ang kanyang apelyido at kayo ang itinuro sa akin ng Diyos. Ipagsulit ninyo ngayon sa akin
ang lahat naming kasawiampalad.

(Sinunggaban at niyugyog si Ibarra na puno ng poot at ngitngit) Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan
ninyo kung ako nga’y nagtitiis, samantalang kayo’y nabubuhay, umiibig, may kayamanan, tahanan,
pinagpipitagan, nabubuhay, nabubuhay!

(Nawalan ng bait si Elias, kumuha ng sandata, ngunit kanya rin itong binitiawan, tiningnan si Ibarra at
patakbong nilisan ang bahay)

Kabanata 55 – Ang Pagkapahamak

Tumuloy si C. Ibarra sa kanyang gabinete at nagmamadaling naghanda ng isang maleta. Kanyang


binuksan ang kahang at kinuha ang lahat ng salapi na naroroon at isinilid sa supot. Ang mga hiyas ay
kanyang inipon at ibinaba ang larawan ni Ma. Clara. Kanyang isinakbat ang isang balaraw at dalawang
rebolber at pumunta sa lagayan ng mga kasangkapan.

Maya maya ay nakarinig ng 3 malalakas na putok. Dumating ang mga guwardiya sibil.

Guwardiya Sibil 1: Buksan ninyo ang pinto sa ngalan ng hari! (pasigaw)

Guwardiya Sibil 2: Buksan ninyo ito at kung hindi ay gigibain naming ang pinto!

Natigilan si Ibarra, lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binuksan niya ang pinto at
pumasok ang mga guwardiya sibil at hinuhuli si C. Ibarra

Sarhento: Hinuhuli naming kayo sa ngalanng hari!

C. Ibarra: Bakit?
Sarhento: Sa kwartel na kayo magtanong!

C. Ibarra: Ako ay napailalim sa inyo at inakala ko na ito ay malulutas sa sandaling oras lamang.

Sarhento: Kung gayo’y nangangako kang hindi ka tatakas. Hindi namin kayo gagapusin. Ito’y kaluwagang
ipinagkakaloob ng alperes. Ngunit kung kayo’y tatakas…

At si Ibarra ay dinakip ng mga guwardiya sibil

Kabanata 56 – Ang mga Haka-haka

Kinabukasan pagkatapos ng gulo, ang mga lansangan ay tahimik, sisip sa bintana ni Hermana Rufa…
Ngingitian siya ni Hermana Pute.

Hermana Pute: Sus! Ang akala mo’y isang misa de grasya, isang kastilyo.

Hermana Rufa: Maraming putok, sabi nila mga pangkat daw ni Matandang Pablo.

Hermana Pute: Mga tulisan ba?

Hermana Rufa: Hindi marahil.

Hermana Pute: Ang balita ay ang kwadrilyero na kalaban ng mga sibil at iyon ang dahilan kung bakit
hinuli si Don Filipo. Sinasabing may labing apat na patay.

At nagsimula na ring maglabasan ang iba pang mga tao sa lansangan. At nagsimula ng maglabasan ang
samut saring balita.

Tao: Tinangka daw kasi ni Ibarra na itakas si Ma. Clara kaya ipinagtanggol ni Kapitan Tiago ang dalaga sa
tulong ng mga guwariya sibil.

Tao 2: Nasugatan si Kapitan Tiago at dadalhin daw sa Maynila.

Dumating ang isang lalaki sa umpukan ng mga nag-uusap…

Lalaki: Kagagaling ko pa lamang sa tribunal at doon ay nakita ko si Don Filipo at si Don Crisostomo Ibarra.
Ang mga nangyari kagabi ay ipinagtapat ni Bruno. Tulad ng alam ninyo, ipakakasal ni Kapitan Tiago ang
anak sa binatang kastila. Ito ay dinamdam ni Don Crisostomo Ibarra at tinangka daw maghiganti at
patayin ang lahat ng kastila pati na ang kura. Kagabi daw ay nilusob ang kwartel at kumbento. Mabuti na
lamang at sa awa ng Diyos, ang kura ay nasa bahay noon ni Kapitan Tiago. Marami daw ang nakatakas.
Sinunog daw ng mga sibil ang bahay ni Ibarra at kung hindi ito nahuli noon, siya din ay susunugin.

Samantala isang utusang babae ang nagsabi na nakita niya sa looban ng isang kapitbahay ang bangkay ni
Lucas na nakabitin sa sanga ng isang punong santol

Kabanata 57 – Kaawa-awang mga Natalo


Alperes: (kay Padre Salvi) Ito po ang matapang na nagtanggol at ngapatakas sa kanyang mga kasama.
(Ituturo si Tarsilo)

May inilabas ding isang lalaki na umiiyak.

Isang lalaking kaawa-awa: (umiiyak ng parang bata) Kaawaan po ninyo ako ginoo, maawa po kayo sa
akin. (sisigaw) Hindi na po ako muling papasok sa patio!

Alperes: Isang luko-luko ito (sabi sa kura). Ginusto niyang tumakas kaya siya nasugatan sa pigi. Ang
dalawang ito ang tanging buhay sa nadakip.

Alperes: (kay Tarsilo) Ano ang pangalan mo?

Tarsilo: Tarsilo Alasigan

Alperes: Ano ang ipinangako sa iyo ni Crisostomo Ibarra para lusubin ang kwartel?

Tarsilo: Si Crisostomo Ibarra ay di kailanman nakipag-alam sa amin.

Alperes: Huwag kayong magkaila. Dahil diya’y tinangka ninyong mabigla kami.

Tarsilo: Namamali kayo. Pinatay ninyo sa palo ang aming ama kaya naghihiganti kami. Yun lang. Ngayon
ay patayin na ninyo ako at wala kayong malalaman sa akin.

Alperes: Dalhin ninyo ang taong iyan sa kinalalagyan ng mga bangkay. (Utos ng alperes sa mga sibil)

Alperes: Nakikilala mo ba ito?

Hindi umimik si Tarsilo kaya hinampas siya ng hinampas sa likod.

Alperes: (galit na galit) Paluin ninyo hanggang sa pumutok ang katawan.

Padre Salvi: (kay Tarsilo) Nakikilala mo ba ito?

Tarsilo: (nakatingin sa bangkay) Ngayon ko lamang po nakita.

Alperes: (Binuntal at pinagsisipa si Tarsilo) Igapos siya sa Bangko!

At patuloy na pinahirapan ng husto si Tarsilo, lalo na sa pamamagitan ng paglubog sa isang balon.


Hanggang sa siya’y namatay.

Pagkamatay ni Tarsilo, nabaling sa isang bilanggo ang pagtatanong

Isang lalaking kaawa-awa: Ginoo, ginoo. Sasabihin ko na po, magtatapat na po ako.

Alperes: Mabuti kung gayon! Hala tingnan natin. Ano ang ngalan mo?

Isang lalaking kaawa-awa: Anding po ginoo.


Alperes: Ang apelyido mo? Anong salita ang idadagdag mo sa iyong pangalang Andong?

Andong: Andong luko-luko po.

Tawanan ang lahat

Alperes: Ano ang hanapbuhay mo?

Andong: Taga kapon po ng niyog ginoo, at alila ng aking biyenan.

Alperes: Sino ang nag-utos sa iyong sumama sa paglusob sa kwartel?

Andong: Wala po

Alperes: Ang itinatanong ko sa iyo ay kung sino ang nag-utos sa iyong mag-alsa?

Andong: Anong pag-aalsa?

Alperes: Bakit ka naroon kagabi sa patio ng kwartel?

Andong: Ang akin pong biyenan ay pinakain ako ng bulok at tira-tirahang pagkain. Humilab po aking
tiyan. Pumunta po ako sa patio na kalapit ng kwartel. Ako’y “nagkuwan” at ng matapos akong
“magkuwan” ay nakarinig ako ng maraming putok ng baril.

Isang palo ng yantok ang hinampas kay Andong

Alperes: Ipasok sa bilangguan! Ngayon ding hapon ay dalhin sa dulong-bayan!

Kabanata 58 – Ang mga Isinumpa

Sa labas ng bilangguan ay maraming tao.

Aling Doray: (iyak ng iyak)

Isang kakilala: Umuwi na kayo, ang inyong anak ay maaring lagnatin.

Aling Doray: Ano pa ang kabuluhang mabuhay siya kung mawawalan ng isang amang makapag-papaaral
sa kanya.

Aling Tinay: (umiiyak din) Antonio! Antonio!

Isang Babae: Sa lahat ng ito, ang totoong may sala ay si Don Crisostomo Ibarra.

Nasa paligid din sina Kapitana Tinay, ang guro, Nol Juan (Nagluluksa pagkat ipinalalagay niya na namatay
na si Ibarra)

Inilabas na ang mga bilanggo na nakahanap


Don Filipo – Nakagapos, nakangiting bumati sa asawa (Napahagulgol si Doray, yayakapin sana ang asawa
ngunit pinigil ng sibil)

Antonio – Parang batang umiiyak

Andong – Umiiyak din ng malakas ng Makita ang biyenang babae

Albino – Nakagapos din

Magkapatid na kambal – Nakagapos din

C. Ibarra – Hindi nakagapos, napapagitnaan ng 2 sibil, siya’y namumutla at naghahanap ng kaibigan.

Mga Tao: (sumigaw nang Makita si Ibarra) Iyan ang may sala! Iyan ang may sala! Bakit hindi siya
nakagapos?

Biyenan ni Andong: Bakit ang manugang ko na walang nagawang kasalanan ang siyang nakaposas?

C. Ibarra: (may diin) Gapusin ninyo ako at gapusing mabuti, abut-siko.

Sibil: Wala pang utos sa amin.

Iginapos siya.. lumabas ang alperes at sampung guwardiya sibil.

Aling Doray: (umiiyak) Ano ang nagawa sa inyo ng aking asawa at aking anak? Tingnan ninyo ang
kawawa kong anak. Inalisan niyo siya ng ama.

Galit ang mga tao..

Biyenan ni Andong: (pasigaw) Ikaw ang isang duwag!

Isang lalaki: (pasigaw) Habang ang iba’y nakikipaglaban dahil sa’yo, ikaw naman ay nagtatago. Sumpain
ka anwa!

Kamag-anak ni Albino: Sumpain ka! Sumpain ka! MAbitay ka sana!

You might also like