Naglalakad ang mag-asawang de Espadana sa lansangan
sa katanghaliang tapat. Tumitingin-tingin sila sa mga bahay ng mga Indiyo, habang panay pintas at panlilibak ang maririnig sa bibig ni Dona Victorina.
Dona Victorina: Ang papangit ng mga bahay! Talagang
isang Indiyo lamang maaaring tumira! At aba! Mga wala pag galang! Hindi man lamang magbigay-pugay sa mga katulad nating mga maharlika! Hindi kataka-takang puro pangungutya ang maririnig mo sa mga prayle tungkol sa kanila!
(Nakasalubong ng mag-asawa ang Alperes, ngunit
tiningnan lamang sila nito at saka umalis)
Napadaan ang mag-asawa sa bahay ng Alperes. Tulad ng
dati, ay matatanaw si Dona Consolacion sa bintana ng bahay, suot ang kanyang pranela at may tabako sa bibig. Hinagod niya ng tingin si Dona Victorina at saka lumura.
Dona Victorina: Bakit ganyan kayo makatingin? Naiinggit
ba kayo?
Don Tiburcio: (pabulong) Mahal kong esposa, huwag
kang mag-iskandalo dito! Nakakahiya sa mga tao! Dona Victorina: Huwag kang humarang kung ayaw mong tumilapon ang pustiso mo (tinabig ng malakas ang Don na halos masubasob)
Dona Consolacion: Kayo? kaiinggitan ko? At bakit? A,
kinaiinggitan ko nga pala ang inyong kulot. (ngingisi)
Extra 1: Napagkagandang tanawin! Dalwang donyang
walang asal na nag-away sa mismong durungawan ng bintana ng bahay ng Alperes. Extra 2: (tatawa) Ano kaya ang kahihinatnan niyan?
Dona Victorina: Para sabihin ko sa’yo Dona Alperesa,
hindi ako probinsyanang katulad mo. Sa sobrang sopistikada kong tao, walang nakakapasok na alperes sa aming bahay kundi naghihintay lamang sa aming pintuan!
Dona Consolacion: Aba! Excelentisima Senyora Puput!
Hindi nga nakakapasok ang mga alperes kundi ang mga pilakyod na tulad ng iyong asawa. (tatawa ng malakas)
Dona Victorina: Aba talagang ginagalit mo ako ah…
Bumaba ka rito walang galang. Paraanin niyo ako mga walang modo! Bumaba ka diyan Dona Consolacion! Dito tayo magtuos, walang hiyang probinsyana! Labandera ka lang naman noon ng napikot mong asawa! (Pinipigil siya ni Don Tiburcio ngunit kumakawala siya) Bitawan mo ako!
Dona Consolacion: Gusto mo ng gulo?(kinuha ang latigo)
Pagbibigyan kita Senyora Grosera! Nagsabunutan ang dalawa na labis na ikinatuwa ng mga kanina pang nanonood. May mauulinigan pang nagpupustahan kung sino ang unang titimbuwang. Hanggang sa dumating ang Alperes…
Alperes: Hesusmaryosep! Consolacion! Anung gulo na
naman ito? Magtigil ka at nakakahiya sa mga tao!
Dona Victorina: Ibili mo yan ng disenteng damit at kung
wala kayong pera, magnakaw kayo sa taong-bayan…may mga sundalo naman kayo!
Alperes: Ikaw ang bumili ng asal! Mga walang modo.
Naturingang mayaman ngunit sayad sa lupa ang ugali! Don Tiburcio: Magtigil ka Alperes! Kung makaalipusta ka sa amin ay parang kayganda ng iyong moral! Napadaan si Padre salvi sa kalye ng bahay ng Alperes at nakita ang namuong komosyon. Padre Salvi: Magtigil kayo sa ngalan ng Panginoon! Para kayong mga hayop! Mga edukado naman kayong mga tao! Nakahihiyang isipin na pati kayong mga taga-alta de sociedad ay tumutulad na sa mga Indiyo! Hala, pagsisihan nin ang inyong mga kasalanan at siguraduhin ninyong magkukumpisal kayo. Intiendes?
Lahat: Si, Reverencia.
Padre Salvi: Kayong mga manonood, magsiuwi na kayo!
Nandito na kayo’t lahat ay hindi pa ninyo inawat! (titingala) Diyos ko po, patawarin mo sila at hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa! (maiinis)
Dona Victorina (wala na ang Alperes at si Dona
Consolacion): Luluwas tayo ng Maynila. Magsusumbong tayo sa KapitanHeneral. (Inis na inis sa asawa) Hindi mo man lang ipinaglaban ang pagkalalaki mo! Dapat ay hinamon mo ang Alperes ng rebolber o kaya’y sable o kaya’y…(napatingin sa pustiso ng asawa)
Don Tiburcio: Iha, alam mo naming hindi pa ako
nakakahawak ng…
Hindi na natapos ng Don ang pagsasalita pagka’t
dinagukan siya sa ulo ng asawa na ikinalaglag ng kanyang pustiso. Pagkalaglag nito sa lupa ay tinapak-tapakan ito ng Dona.