You are on page 1of 24

33: Malayang Pag-iisip

Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa
kaniya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kaniya. Ipinaliwanag din niya na dapat
pa ring mag-ingat si Ibarra sapaglkat sa lahat ng dako ito ay mayruong kaaway.” Batas ng buhay ang di
pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa
pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan,” pagdidiin pa ni Elias.

Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kaniyang mga ninuno at ama na
nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kaniyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga
kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi
nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing “hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng
kaniyang ama, makikita ninyo.”

Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kaniyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng taong
madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan.
Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang
mababatid ‘buhat sa kaniya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala
niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng Diyos ang
humatol at naging hukom.

Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni
Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni
Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam na ito. Pero, nangako
siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang
na loob kay Ibarra.

34: Ang Tanghalian

Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag.
Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si
Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago,
kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng
makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at
magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kaniyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay
mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-
imik ni Padre Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng
kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.

Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kaniya, maliban kay Ibarra.
Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng
alkalde na panay ang pasaring ni Padre Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero
patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Padre Damaso
ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra.
Biglang dinaluhong niya si Padre Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo
ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.

35: Usap-Usapan

Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego.
Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat na kung
naging matinpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang
makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang
kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kaniyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kaniyang
itinanggi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak na kitlan hininga si Padre Damaso.

Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang
pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kaniyang ama. Nanindigan naman ang
kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang ganito,
anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan
samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.

Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng simbahan. Tanging si
Kapitana Maria lamang at pumili kay Ibarra at sinabing karangalan niya ang magkaroon ng anak na
magtatangol at mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong ama. Sakmal naman ng matinding
pagkatakot ang mga magsasaka na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat bawa’t isa sa
kanila ay naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy ang
pagpapatayo ng simbahan sapagkat tinawag na pilibustero ng prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan
ng mga magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero.
36: Unang Ulap

Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-
Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kaniyang ale at ni Andeng.
Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kaniyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis
ang eskomonyon sa binata.

Saglit na umalis si Kapitan Tiago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na inaalo naman ni
Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang
mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay
nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan.

Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiago. Sinabi nito na inutusan siya ng pari na sirain
ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Padre Sibyla ay nagsabi naman na huwag
tanggapin si Ibarra sa kaniyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiago na P50,000 sa binata ay huwag ng
pabayaran kundi mawawala ang kaniyan buhay at kaluluwa.

Inalo ni Kapitan Tiago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang umiyak nang ito’y
naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at
siyang inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria. Sindak ang mga kausap ni Kapitan lalo na si
Maria na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga taynga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang
Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro.

Dahil kaibigan ni Kapitan Tiago ang Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng
Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang sapagkat ang arsobispo ay isang prayle rin at walang ibang
paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkarrang pagsabihan ng Kapitan si Maria na tumigil na ito sa
kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay.

Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiago ay
nagsimula nang mapuno ng mga tao. Si Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen.
Nasa ganito siyang kalagayan nang pumasok ang kaniyang Tiya Isabel at sinabing gusto siyang makausap
ng Kapitan-Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na siyang nag-ayos ng katawan.

37: Ang kaniyang Kataas-taasan


Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang
binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang
paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng
binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda
ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan.

Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Padre Sibyla, Padre Martin,
Padre Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa Heneral…Dahil hindi
kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nina Padre Sibyla at Padre Salvi na may sakit
ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa Heneral ay sina Kapitan Tiago at Maria.

Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa kaniya,
maaring nautas na si Ibarra si Padre Damaso. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng gantimpala
si Maria na kagyat namang tumutol.

Samantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa Heneral.


Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, Kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis
patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot.

Hindi matiis ni Padre Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay eskomulgado. Pero, hindi siya pinapansin
nito at sa halip sinabi ng Heneral na ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusta na gumaling ito
kaagad. Napamaang ang mga reverencia at sabay sabay na nagpaalam. Nakasalubong nila ang
pagpanaog ni Ibarra. Ngunit hindi sila nagkakibuan. Mata lamang ang nag-usap.

Pagkakita ng Heneral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang ang kaniyang ginawa
lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo tungkol
sa pagkakaeskomulgado ni Ibarra.

Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral noong
siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na tagubiling dala si Ibarra para
sa kaniya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra sapagkat lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral.
Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kaniyang sariling pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino
ang binata. Inamuki niya itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kaniya sa Espanya
sapagkat hindi nababagay ang kaniyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis
ang mamuhay sa bayang sinilangan at pinamuhayan din ng mga magulang nito.

Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala ang
Pilipinas kaysa sa kaniya. Nang maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya
ang kaniyang kasintahan at itagubilinang paparoonin sa kaniya si kapitan tiyago.Ipinagugunita niya kay
Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarr at umalis na. Kapagdaka,tinawag ng Heneral
ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang
maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan
ng kaniyang mga mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral.

Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra.
Nang dumating si tiyago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak at
marangal na manunungangin. Nagprisinta pa ang Heneral na maging ninong sa kasal.

Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya
ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip. Sinabi ni Sinang na
isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra.

38: Prusisyon

Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas


na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad
ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa
bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol sa harap ng kaniyang bahay upang pagdausan
ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan
Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si
Maria.

Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak. Kasunod nila ang
mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay
may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang
kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon.
Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco,
Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San
Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.

Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula sa tabing
may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas.
Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang
prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-
awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kaniyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre
Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang
mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglot na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang
palalahanan siya ng Kapitan-heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-
usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin.

39: Donya Consolacion

Kahit na napatapat ang prusisyon sa bhay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon,
ang asawa na alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya
pinayagang lumabas ng kaniyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang
kaniya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya
Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.’

Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya bukod sa siya ay hindi pinayagang lumabas ng bahay ay
ang pangyayaring sobra kung alipustain at murahin siya ng alperes. Suklam na suklam ang Donya at
iniisip kung paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa kaniyang ng ibayong ngitngit.

Nang araw ngang iyon, bago dumaan ang prusisyon, ipinasara niya sa bantay ang lahat ng mga bintana at
nagpasindi pa ng ilaw. Inutusan din nitong huwag magpapasok maski sinuman. Pinakandado niyang
mabuti pati pintuan. Habang nag-iisip ang Donya narinig niyang umaawit si Sisa na dalawang araw ng
nakukulong sa kwartel. Pinapaakyat ng Donya si Sisa upang pakantahin. Palibhasa, sa wikang kastila ang
utos ng Donya, hindi ito maunawaan ni Sisa. Isa pa hindi matino ang isip, isa na siyang baliw.

Kinuha ng Donya ang latigo ng alperes at muling inutos na kumanta si Sisa. Pero, hindi sumunod si Sisa.
Dahil dito, inutusan ng Donya ang sundalo na sabihin kay Sisa ang gusto nitong mangyari. Kumanta si Sisa
ng Kundiman ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa damdamin ng Donya at nakapagsalita ng Tagalog.
Napamaang ang sundalo, hindi niya sukat akalain na marunong ng Tagalog ang Donya. Napansin ng
Donya ang pagkamaang ng kawal, kaya galit na pinaalis ito. Binalingan ng Donya si Sisa at sa pilipit na
pangangastila ay inutusan itong magbaile o sumayaw.

Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si Sisa at nagisi ang manipis nitong
damit kasabay ng paglabas ng dugo mula sa nabakbak na sugat. Nasisiyahan ang Donya sa gayong
tanawin. Ang kaniyang galit ay naibunton niya kay Sisa.

Hindi napansin ng Donya ang pagdating ng alperes na pasikad na binuksan ang nakasarang pintuan.
Pagkakita ng alperes kay Sisa, sinagilahan ito ng pangangatal ng katawan sa galit at namutla. Bumalasik
ang kaniyang mukha. Ngunit, parang walang anuman ito sa Donya. Tinanong pa niya ang alperes kung
bakit hindi man lang daw bumati ito sa kaniya. Hindi sumagot ang alperes. Inutusan niya ang bantay na
bigyan ng damit at pagkain si Sisa. Kailangang gamutin din ang mga sugat nito, bigyan ng magandang
higaan at huwag lalapastanganin. Ang dahilan si Sisa ay nakatakdang ihatid sa tahanan ni Ibarra
kinabukasan din.

Sa kabilang dako, kung magkaroon man ng kagaspangan ng ugali si Donya Consolacion yaon ay bunga ng
kaniyang kawalan ng sapat na edukasyon. Siya ay dating labandera lamang ng mga sundalo na
mapangasawa niya ang alperes na noon ay isa lamang kabo. Ito ang dahilan kung may plastik na pag-
uugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-aralan, marunong ng kastila at may ugaling Europeo.

40: Karapatan at Kapangyarihan

Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan
habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong
naglalakad patungo sa liwasang bayan.

Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa palabas ay ang Tenyente Mayor na si
Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap ng Tenyente si Pilosopo Tasio at nakasentro ang
kanilang pag-uusap na nagbibitaw na ang Don sa kaniyang tungkulin. Danga’t nalamang hindi tinanggap
ng alkalde ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara
kasama ang mga kaibigan. Kasunod nilang dumating ang kura at ilang kastila. Isa-isa silang inihatid sa
upuan ng tenyente.
Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianito ng Crispino e
la Comare. Ang pansin ng lahat ay nasa entablado maliban kay Padre Salvi na walang kurap na nakatitig
kay Maria Clara.

Taposna na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito
pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito. Tumindig si Padre
Salvi o ang Kura at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Ngunit, hindi sumunod ang Don at sinabing
hindi niya magagawa ang gayon sapagkat nag-abuloy ng malaki si Ibarra. Isa pa, anang Don hindi siya
natatakot sa gagawin ng kura sapagkat maghapong kau-kausap ng Kapitan Heneralat ng Alkalde ng
lalawigan si Ibarra. Kaya, wala itong dapat ipangamba. Napilitan umalis ang Kura at ang mga kasama nito.
May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing huwag pansinin ang paglisan ng kura, sapagkat ang mga
ito ang nagsasabing si Ibarra ay eskumulgaldo. Dahil dito, naitanong ni Ibarra na sila ay nasa panahon pa
ng edad Media.

Nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali siyang mawawala sapagkat mayroong
nalimutang tipanan. Pinigilan siya ni Sinang subalit nangako si Ibarra na babakik na lamang siya.
Papalabas na si Yeyeng upang sumayaw, nang lumapit ang dalawang sibil kay Don Filipo at ipinatitigil ang
palabas dahil hindi raw makatulog sa ingay ang alperes at si Donya Consolacion. Pero, hindi pinagbigyan
ang kahilingan ng mga sibil at natapos na ang dula. Pero, bigla na lang nagkagulo.

May dalawang sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang palabas pero ang mga ito ay nahuli
ng mga kuwadrilyero na katulong ni Don Filipo. Tiyempo namang nakabalik na si Ibarra. Kaagad na
hinanap niya si Maria. Kumapit na sa bisig ni Ibarra ang mga nasindakna dalaga. Walang tigil naman sa
kauusal ng letania sa latin si Tiya Isabel. Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwaddrilyero sa tribunal ay
pinagbabato ng mga tao. May mga pulutong ng mga kalalakihan na nagbabalak ng masama sa mga sibil.
Pero, pinakiusapan sila ni Don Filipo na huwag ng palalain pa ang pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin.
Kaya kay Ibarra siya nakiusap. Sinabi ng binata na wala siyang magagawa. Pinakiusap ni Ibarra si Elias na
puntahan ang mga kalalakihang nagbabalak ng masama. Napahinuhod naman ng piloto ang mga lalaki
na huwag ng ituloy ang kanilang mga binabalak. Isa-isa ng nagsialisan ang mga tao.

Mula naman sa kinaroroonan ni Padre Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa liwasan. Dumating din
ang kaniyang utusan na nagbalita rin tungkol sa nangyaring kaguluhan.

Bigla na lamang nakita ni Padre Salvi sa kaniyang pangitain na si Mari Clara ay walang malay-tao, pangko
ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa
liwasan. Ngunit, wala ng tao. Binubulyawan siya ng mga kastila, pero hindi niya alumana. Mabilis na
tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiago. Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino
nina Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa
kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si Padre Salvi.

41: Dalawang Panauhin

Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kaniyang laboratoryo.
Pamaya-maya pumasok ang kaniyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid.
Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kaniyang panauhin ay si Elias.

Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si
Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas
at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kaniya. Hinangad ni Ibarra ang
maluwalhating paglalakbay ni Elias.

Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari sa liwasan. Sinabi ni Elias na
kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang mga ito ay mga sibil. Ang ama ng
magkakapatid na patayin sa palo ang mga sibil na nanggulo sa liwasan. Pero dahil sa may utang na loob
ang magkapatid kay Elias, sila ay madaling napakiusapan nito. Hindi na kumibo si Ibarra, kaya nagpaalam
na si Elias.

Nagbihis at nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa pagkakasakit ng kasintahan. Tutungo siya sa
bahay ni Kapitan Tiyago. Sa daan nakasalubong niya ang isang maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa
kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas at kapatid ng taong madilaw na namatay sa paghuhugos ng unang bato sa
paaralan. Nabanas ng husto si Ibarra sa pangungulit ni Lucas na kung magkano raw ang ibabayad sa
pamilya ng kaniyang kapatid. Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si Lucas dahil dadalaw ito sa isang
maysakit. Ska na nila pinag-usapan ang tungkol sa pagbabayad. Mauubos na ang pagtitimpi ni Ibarra,
kaya tinalikuran niya kaagad si Lucas.

Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra sabay bulong sa sariling si Ibarra ay apo nga talaga ng
nagbilad sa init sa kaniyang ama at iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat… subalit kapag ito
(Ibarra) ay mahusay magbayad ng mataas, sila ay magiging mabuting kaibigan.
42: Mag-asawang De Espadaña

Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiago sapagkat may sakit si Maria. Pinag-uusapan ng magpinsang Tiya
Isabel at Kapitan Tiago kung alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na lumaki, o ang
krus sa Matahong na nagpapawis. Nais malaman ni Tiago kung alin sa dalawang ito ang higit na
mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang dalawang ito upang gumaling kaagad
ang karamdaman ni Maria. Natigil ang pag-uusap ng magpinsan nang mayroong tumigil sa harap ng
bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de Espadaña, na inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso at
tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya.

Inaasahan ni Tiago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala ni Victorina si Linares,
sinamahan sila ni Tiago sa kani-kanilang silid.

Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea. Siya ay isang ginang na may edad na 45,
pero ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang lamang. Noong bata at dalaga pa siya at kapani-
paniwalang maganda ito. Kaya, hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang pinangarap niyang
mapangasawa ay isang dayuhan. Isa siyang social climber at ibig na mapabilang sa mataas na antas ng
lipunan. Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang nasilo. Nalagay siya sa pangangailangan na
kailangang makapangasawa siya ng dayuhan. Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang Kastila na
taga-Espanya itinaboy ng bayang Extremadura at ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Ang kastilang ito ay
Tiburcio de Espanada na may 35 taong gulang,ngunit mukha pang matanda kay Donya Victorina.

Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko dumanas siya ng katakot-takot na
pagkahilo at nabalian pa ng paa. Nahihiya na siyang magbalik sa Espanya, dahil ipinasya na niyang
manatili sa Pilipinas. Eksaktong 15 araw siya sa bansa nang matanggap siya sa trabaho dahil sa tulong ng
mga kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral pinayuhan siya ng mga kababayan na
humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang mediko na ang tanging
puhunan ay ang pagiging kastila. Ayaw sana niyang sumunod dahil nahihya siya, pero dahil sa gipit na
gipit na siya,wala siyang mapagpipilian kundi sumunod sa payo.

Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng mga painitan at
tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan pero wala talagang kaalam-alam sa panggagamot. Sa una
mabana ang singil. Lumalaon pataas ng pataas, sinamantala niya ng husto ang pagtitiwala ng mga Indio.
Dahil dito, umaasa siya na tuloy-tuloy na ang kaniyang pagyaman. Ngunit, nagsumbong ang mga tunay
na mediko sa Protomediko de Manila na siya ay pekeng doktor. Nawalan na siya ng pasyente. Babalik na
sana siya sa pamamalimos sa mga kakilala’t kababayan subalit napangasawa nga niya si Donya Victorina.
Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-gata. Ilang araw ang nagtagal
bumili ng aranya at karomata si Donya Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas para sa
gamit nilang mag-asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-galang. Ang
Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga
palamuti sa katawan. Ilang buwan ang lumipas, Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya
manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak na tatawaging rebolusyunario. Ang kaniyang pangalan
ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Donya Victorina de los Reyes de de
Espadaña.

Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsiyami kayat wala siyang
magawa kundi ang manatili sa “lupaing ito ng mga salvaje.” Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot
at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak.

Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang kaniyang ngitngit
sa asawa nito. Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito
nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung
minsan nama’y hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay.

Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong medicina at cirugia. Tumutol
ang Don sapagakat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa
at sumunod na lamang sa Donya. Tunay na amini’t hindi, siya ay Ander de Saya.

Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na:Dr. DE ESPADAÑA, ESPESYALISTA SA
LAHAT NG URI NG SAKIT at ito ay ikinabit sa kaniyang bahay.

Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang kastila sa kaniyang mga ari-arian sapagkat hindi niya
pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon naman ng Don ang pamangkin si Linares na nag-aaral ng
pagkamananggol, sa gastos ng Donya.

Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Padre Salvi. Dati ng kakilala ng mag-asawa ang pari,
kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya Victorina ang
pamimintas sa mga tag-lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba pang
nasa mataas na poder sa estado.

Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiago na kadadalaw lamang ng Kapitan-Heneral sa kanilang
tahanan. Halos hindi makapaniwala ang Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na
lamang na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Mari disin sanay’y nakadaupang palad nila
ang Henerl.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong
na nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at
nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang kaibigang babae at si Andeng na may hawak ng punpon ng
azucena.

Naitanong naman ni Linares kay Padre Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat may dala itong sulat-
tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares.

Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Ang
iniresetang gamot niya ay: Sa umaga ay liquen con leche, jarabe de altea at dalawang pildoras ng
cinoglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linarez na nabigla sapagkat nakatoun ang kaniyang
mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan.

Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa magandang mukha ni Maria nang sabihin
ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay
putlain mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay
Maria Clara.

43: Mga Balak

Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigan ni Maria at luhaang sisnabi sa “Anak ko, hindi ka
mamamatay.”Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng pari. Ang mga nakakakilala sa prayle ay halos hindi rin
makapaniwala na ang paring may magaspang na ugali at matipunong anyo ay mayroon palang gayong
kalambot na damdamin ng pari. Tumindig si Padre Damaso at nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng
balkkonahe at umiyak na parang batang ibunulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat
na talagang mahal na mahal ng pari ang inaanak na si Maria.
Nang kumalma na ang damdamin ng pari, ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na
siya ay anaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman
niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali
niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central.
Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si Tiyago.

Naiwan si Padre Salvi na malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na lamang siya nang batiin ni Lucas, na
hinihingi umano ng payo tungkol sa pagkamatay ng kaniyang kapatid. Nagdrama ng husto si Lucas, pilit
na nagpapatulo siya ng luha nan isalysay niya ang pakikipagkita niya kay Ibarra at binigyan lamang ng
P500.00 para sa pagkamatay ng kaniyang kapatid. Nagalit ang pari sa kadramahan ni Lucas, kaya
pinagtabuyan niya ito at pasalamat siya’t hindi siya ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na bumubulong-
bulong si Lucas.

44: Pagsusuri ng Budhi

Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kaniyang pagkahibang walang sinasabing pangalan


kundi ang pangalan ng kaniyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang mabuti ng
kaniyang mga kaibigang dalaga. Si Tiago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na
ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.

Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan
ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.

Isang hapon napag-usapan ang nakatakdang pag lipat ng parokya ni Padre Damaso sa Tayabas. Sinabi ni
Kapitan Tiyago na ang ganitong pagkakalayo ng pari ay labis na daramdamin ni Maria sapagkat para na
rin niya itong ama. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga pangyayari
noong pista. Sinabi naman ng kura na mabuti nga ang di pag papahintulot ng kapitan na mag kausap ang
anak at si Ibarra. Pero, tinutulan ng Donya ang ganitong pananaw ng dalaga sapagkat matibay ang
kaniyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang nakapagpagaling kay Maria.

Hindi pinansin ni Padre Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki raw ang nagawa ng
pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi ang lahat namga gamot na gaya ng
pinatutunayan na ng maraming pagkakaton. Dahil dito, nabanas ang Donya at iminungkahi niya kay
Padre Salvi na gamutin ng kaniyang kumpisal Si Donya Consulation na asawa ng alperes.
Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na ipahanda kay Tiya Isabel si
Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan niya ng viatico kinabukasan upang tuloy-
tuloy na ang kaniyang paggaling.

Samantala, pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa bumbong na kristal at bilin ng
doktor ay itigil ito kapag nakakaramdam siya ng pamimingi. Itinanong ni Maria kay Silang kung hindi
sumulat si Ibrra. Sumagot si sinang na abala si Ibarra sa pag-aasikaso na mapatawad ng arsobispo ang
kaniyang ekskumunyon. Saglit na natigil ang kanilang pag-uusap sapagkat siyang pagpasok ni Tiya Isabel
upang ihanda muli si Maria na sulatan niya si Ibarra at sabihing limutin na niya ito. Di nakapag tanong si
Sinang dahil nagsisimula na si Tiya Isabel, si Maria naman ay nag-iisip ng mga kasalanan. Binasa ni Tiya
Isabel ang sampung utos. Pagkaraan ay nagtulos ng isang malaking kandila sa harap ng altar ng mahal na
Birhen.

Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip na makinig ang pari sa
sinasabin ni Maria, tila ba binabasa ang nasa isip ng dalaga. Nung lumabas ng silid si Padre Salvi, ito ay
namumutla at nakapangagat labi, kunot ang nuo at pawisan. Sa malas, siya ang kinumpisalan na di
nagtamo nag patawad.

45: Mga Inuusig

Nagpunta sa Kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Siya ay sinamahan ng isang lalaki sa yungib
na tila nasa ilalim ng lupa. Nag makita ni Elias ang Matandang Pablo natatalian ang ulo ng isang bigkis na
kayong may bahid ng dugo. Kayat na nagkilala silang dalawa. May anim na buwan na nang huli silang
magkita. Noon, ayon Kay matandang Pablo siya ang naaawa Kay Elias. Subalit, ngayon nagkapalit sila ng
puwesto. Si Elias ay malakas samantalang ang matanda ay sugatan at lugami sa hirap ng katawan at
kalooban. Mayo 15 araw na araw na naibalita kay Elias ang sinapit ni Kapitan Pablo. Katunayan,
pinaghanap siya nito sa kabundukan ng dalawang lalawigan. At ngayon nga ay kaniyang natagpuan.

Ipinaliwanag ni Elias sa Kapitan na nais niya itong isama sa lupain ng mga di-binyagan upang doon na
manirahan nang payapa kahit na malayo sa sibilisasyon, yaman din lamang daw walang nangyari sa
kaniyang paghahanap sa angkang nagpahamak sa kaniyang pamilya. Binigyang diin ni Elias na
magturingan na lamang silang dalawa bilang mag-ama yayamang pareho na silang nag-iisa sa buhay.
Umiilig lamang ang matanda sa kahilingan ni Elias at sinabing wala siyang dahilan para magpanibagong
buhay sa ibang lupain. Kailangan niyang maipaghiganti ang kalupitang sinapit o pagkamatay ng kaniyang
dalawang anak na lalaki at isang babae sa kamay ng mga buhong. Noon anya, siya ay isang duwag ngunit,
dugo at kamatayan ang isinisigaw ng kaniyang budhi dahil sa kaapihang kaniyang natamo. Karumal-
dumal ang sinapit ng kaniyang mga anak kaya ganito na lamang ang kaniyang pagpupuyos.

Ang kaniyang anak na dalaga ay pinagsamantalahan at inilugso ang kapurihan ng isang alagad ng
simbahan. Dahil dito, nagsiyasat ang dalawa niyang anak na lalaki. Pero, nagkaroon ng nakawan sa
kumbento at ang isa niyang anak ay sinuplong. Ang anak niyang ito ay ibinitin sa kaniyang buhok at
narinig niya ang sigaw, daing at pagtawag sa kaniya, pero siya ay nasanay sa buhay na tahimik ay naging
duwag at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na pumatay o magpakamatay. Ang paratang na pagnanakaw
sa kaniyang anak ay di napatunayan, isa lamang malaking kasinungalingan. Ang kurang nagparatang ay
inilipat sa ibang lugar. Pero ang kaniyang anak ay namatay sa sobrang pahirap na dinanas.

Ang isa naman niyang anak ay hindi duwag at pingambahan na siya ay maghihiganti dahil sa sinapit ng
dalawamg kapatid. Ito ay hinuli ng mga awtoridad dahil nakalimutan lamang niyang magdala ng sedula.
Ito ay pinahirapan din hanggang sa magpatiwakal na lamang. Ngayon, wala ng nalalabi sa kaniya kundi
bababa ng bayan upang maghimasik at makapaghiganti. Hindi naman siya nag-iisa, marami siyang kaanib
na kapwa rin pinag-uusig ng awtoridad. Ang mga ito ang bumubuo sa kaniyang pangkat na
pinamumunuan. At sila ay naghihintay lamang na tamang tiyempo at araw upang lumusob.

Naunawaan ni Elias ang paninindigan ni Kapitan Pablo, siya man daw ay tulad nito na sa pangambang
makasugat nang walang kinalaman, kinalimutan niya ang paghihiganti. Pero, para sa kapitan, ang
paglimot ay lubhang napakahirap. Kaya ang ganang kay Elias ay napakadali sapagkat siya ay bata pa, hindi
namatayan ng mga anak at hindi nawawalan ng pag-asa. Nangako ang matanda na hindi rin siya susugat
sa sinumang walang kasalanan tulad ng ginawa nitong pagkakasakit na naging sanhi ng kaniyang
pagkakasugat at huwag lamang ang isang kuwadrilyong tumutupad lang naman ng kaniyang tungkulin.

Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa isang
binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak
din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin,
tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa
heneral ang mga hinaing ng bayan. Tumango ang matanda. Dahil dito, ipinangako ni Elias na malalaman
ni Kapitan Pablo ang magiging resulta ng kaniyang lakad o pakikipag-usap sa binata (si Ibarra) sa loob ng
apat na araw. Sa mga tauhan ng kapitan ang kakatagpuin niya sa may baybayin ng San Diego at sasabihin
niya ang sagot. Kapag pumayag ang binata, may maasahan at makakapagtamo sila ng katarungan at kung
hindi naman, si Elias ang unang kasama niyang maghahadog ng buhay.
46: Sabungan

Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Ito ay nahahati sa tatlong
bahagi. May pasukan ito sa pinto na binabantayan ng isang babaeng naniningil ng bayad sa pagpasok.
Nakahanay naman sa magkabilang daraanan na mga tao ang mga tindera na nagtitinda ng kung anu-ano
na katulad ng pagkain, gamit na maliliit sa bahay, sigarilyo at iba pa. Kalapit ito ng isang may kalakihan
ding lugar na kinaroroonan ng mga tahur, magtatari at mga sobra ang hilig sa sabong. Dito nagpapalipat-
lipat nang mabilis ang kuwarta sa kamay ng mga tao at pakikipagsunduan. Ang tawag sa lugar na ito ay
ulutan. Ang ikatlong bahagi naman ng sabungan ay tinatawag na ruweda. Dito dinaraos ang mga sultada.
Makikita sa lugar na ito ang mga taong may matataas na tungkulin, mayayaman, ang mga tahur at
sentensiyador.

Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Nagtanong si Kapitan Basilio tungkol
sa manok na isasabong ni Kapitan Tiyago samantalang papasok ito sa sabungan na kasunod ang
dalawang alalay o utusan na may dalang isang lasak na manok at isang malaking putting tinali. Bulik
naman ang manok ni Kapitan Basilio. Nagkaroon muna ng batian tungkol sa pagkakasakit ni Maria Clara,
pagkaraan nagkasundo ang dalawa na paglabanin ang bulik at ang lasak sa pustang P 3,000. Parang apoy
na kumalat ang paglalaban. Nagkaroon ng pustahan ang mga sabungero. Lumilitaw na dehado ang pula
at llamado naman ang puti.

Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang
binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta. Sila ay matamang
pinagmamasdan ni Lucas.Pamayamaya ay lumapit ang pinakabata sa dalawa kay Lucas at nakiusap na
pautangin ito ng pera para may maipusta. Sina Bruno at Tarsilo ay may masaklap na karanasan sa mga
sibil, ang kanilang ama ay pinatay sa palo ng mga ito.

Tinanong ni Lucas ang magkapitid kung payag na sila sa kondisyong kaniyang ibinigay. Ayaw ng
nakatatanda. Dahil dito, sinabi ni Lucas na kahit kilala man niya ang magkapatid na ayaw ipaghiganti ang
pagkamatay ng kanilang ama, hindi niya mapapautang ang mga ito ng perang hindi niya pag-aari. Ang
pera, anya ay kay Don Cisostomo Ibarra. Gayunman, kung papayag sila sa kanilang amuki, madali niyang
mabibigyan ng pera ang mga ito. Ikinatwiran ng dalawa, na kundi lamang sa kanilang kapatid na babae ay
matagal na siguro silang nabitay. Pero, sinagot sila ni Lucas na mga nabibitay ay mga duwag lamang,
walang salapi at mahihina at kung sakali ay malapit lamang ang bundok.

Samantala, pinagsalpuk na ang dalawang manok, na ilang sandali lang ay kapwa sugatan. Pero matindi
ang sa puti. May tarak ito sa dibdib samantalang ang sa pula naman ay sa pakpak lamang. Gayunman,
unang bumulagta ang puit na nagkikisay at sumunod naman ang pula na ipinipikit ang mga mata. Ang
nanalo sa labanan ay ang pula. Hiyawang umaatikabo ang sumunod.

Nanghinayang sina Tarsilo at Bruno at hindi sila nakapusta disin sana’y nanalo ng tig-P100 bawat isa. Sa
di kalayuan, nakita nila si Pedro, ang asawa ni Sisa na binibilangan ng pera ni Lucas. Naisip nilang
pumusta sa sususnod na laban.

Tiyempo namang ang isusunod na paglalabanin ay ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan
Tiago. Nakalimutan ng magkapatid ang tungkol sa kanilang kapatid na babae. Naisip nilang walang
mangyayari sa kanila kung kukunin nila ang inaalok na pera ni Lucas sapagkat si Crisostomo ay kaibigang
matalik ng heneral at kasama pa nito sa pamamasyal.

Nang lumapit ang magkapatid kay Lucas, hindi sila nabigo. Sila ay binigyan ng tig- P30.00 sa kasunduang
sasama sila sa pagsalakay sa kuwartel. Kapag sila ay nakapagsama pa, tig-sasampu uli sa bawat maisama
nila. Kapag nagtagumpay sila sa gagawing pagsalakay, may tig-P100 at ang mga kasama nila at sila naman
ay tig-P200 ang tatanggapin. Tumango sila pareho sa lahat ng kondisyon. Kaagad na tinanggap ang
perang hinihingi nila. Tinagubilinan ni Lucas ang magkapatid na kinabukasan ay darating ang mga
sandatang padala ni Ibarra. Sa ikawalo naman ng gabi sa makalawa ay kailangan magtungo sila sa
libingan upang tumanggap ng utos. Ito lamang at naghiwalay na silang tatlo. Tuloy ang sabong.

47: Dalawang Senyora

Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiago, magkaakbay naman na namamasyal sina Donya
Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga indio. Ayon sa Donya pangit ang mga bahay
ng mga Indio. Sa kanilang paglakad, nababanas siya ng husto kapag hindi nagpupugay sa kanila ang mga
nakakasalubong. Dahil dito, inutos niya sa Don na mamalo ng sumbrero. Pero, tumanggi ang Don bunga
raw ng kaniyang kapansanan.

Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin.
Parehong matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa
kabila. Sinugod ng Donya ang alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo… Binanggit ng Donya ang
pagiging labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at
mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na
nanaog si Donya Consolacion, upang daluhugin si Donya Victorina. Pero, Bago mag-pang-abot ang
dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao
na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.

Dumating ang kura at pinatitigil ang dalawa, ngunit pasinghal na binulyawan siya ng alperes kasabay sa
pagtawag ditong ‘mapagbanal-banalang Carliston’. Nagalit naman ng husto si Victorina at sinabi kay
tiburcio na kailangan hamunin niya ang alperes sa pamamagitan ns sabelo o rebolber. Tumanggi ang
Tiburcio, kaya nahablot na naman ng di oras ang kaniyang pustiso ng nagtatalak na asawa.

Pagdating sa bahay ng mag-asawa, inabutan nilang kausap ni Linares si Maria at ang mga kaibigan nito.
Kay Linares nabaling ang atensiyon ng Donya, inutusan nito na siya ang humamon sa Alperes sa
pamamagitan ng baril o sable at kung hindi ibubulatlat nito sa madla at kay Kapitan Tiyago ang tunay
nitong pagkatao. Namutla si Linares at humingi ito ng paumanhin sa Donya.

Siya namang pagdating ni Kapitan Tiago na lugo-lugo sapagkat natalo ang kangyang lasak. Hindi pa
nakapagpapahinga si Tiago, Tinaltalan kaagad siya ng Donya. Sinabi niya sa Kapitan na hahamunin ni
Linares ang alperes at kapag hindi niya ito nagawa, di dapat itong magpakasal kay Maria. Sapagkat ang
duwag ay hindi nababagay sa inyong anak, pagdidiin pa ng Donya. Dahil sa narinig nagpahatid si Maria sa
kaniyang silid.

Kinagabihan, bago umalis sina Donya Victorina at Don Tiburcio iniwan nila ang kuwenta sa paggagamot
kay Maria at ito’y umaabot sa kung ilang libong piso. Naiwan naman si Linares na nasa gipit na kalagayan.

48: Hiwaga

Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at Bruno. Ang
unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiago upang ibalita na siya ay hindi escomulgado at
dalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura at nagsasaad na inaalis
na ang excomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang
mapangasawa ng kaniyang pamangkin si Maria ang kastilang si Linares. Tinawag ni Isabel si Maria at
pinatuloy si Ibarra.

Ngunit biglang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng kasintahan si Linares na nasa
balkon. Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak na abaniko. Sa may paanan nito ay nandoroon si
Linares na nagkukumpol ng rosas at sampaga. Namulat si Linares ng makita si Ibarra samantalang si
Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo, pero
hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si Linares ay waring napapatda at hindi makapagsalita.

Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kaniyang diipinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa
kaniya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kaniyang labi. Malungkot si Maria,
kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw. Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso
ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kaniyang isip. Sa paglakad niya, humantong siya sa
ipinapagawang paaralan. Binati siya ni Nyor Juan at mangagawang dinatnan niyang abalang gumagawa.
Binigyang diin ni Ibarra sa mga dinatnan na wala ng dapat ipangamba sa kaniya ng sinuman sapagkat siya
ay hindi na eskomulgado. Pero, tinugon siya ni Nyor Juan na hindi nila pinapansin ang excommunion
sapagkat silang lahat ay pawang eskomulgado.

Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod si Elias at ipinahiwatig sa
pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa kaniya. Dahil dito, inutusan ni Ibarra si
Nyor Juan na kunin at ipakita sa kaniya ang talaan nito ng mga obrero upang kaniyang tignan. Nilapitan ni
Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias na nais niyang makausap
ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong mamangka sila sa baybay ng lawa sa bandang hapon
upang pag-usapan ang isang napakahalagang bagay. Tumango lamang si Ibarra nang makitang papalapit
na sa kanila si Nyor Juan. Si Elias naman ay lumayo na. Nang tignan ng binata ang talaan ng mga obrero,
wala ang pangalan ng pilotong si Elias.

49: Tinig ng mga Inuusig

Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng
paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang
alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang
siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na
napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kaniyang isip ang kaniyang pangako kay
Maria.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga
sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (si Kapitan Pablo) na hindi
na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay
(1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga
kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng
gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at
bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng
paglapastangan sa karapatang pantao.

Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang makakasama. Sinabi
nitong maaari niyang pakilusin ang kaniyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na
ang Kapitan-Heneral ay kaniyang mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay
hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat kung may kasiraan man ang
korporasyon, ay matatawag naman nilang masasamang kailangan.

Nagtaka si Elias, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala satinatawag na
masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang
makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang
mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito
ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi
ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa
pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang
habas na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay naman sa panganib ang
katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang mga
tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan
sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan
ang cedula personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga
kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol.

Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao dahil sa matinding
pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago
sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra
na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at
patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may-kapangyarihan.

Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi
napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra
na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala
na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.

50: Ugat ni Elias


Isinalaysay ni Elias ang kaniyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa
mga swimpalad. Mayo 60 taon na ang nakakalipas, ang kaniyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang
bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kaniyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.
Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kaniyang nuno sa salang
panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo
sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa,
nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang
may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kaniyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang.
Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kaniyang nuno ang sapin-
saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang
bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin. Pero, ito
ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis noon. Gayunman, pagkasilang
niya, ginawa ang hatol.

Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila sa kalapit na lalawigan. Sa
paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan. Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang
maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat. Ang lahat ay natakot sa
kaniyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na haliparot,delingkuwente at napalo at ang
bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng ina.

Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay nakabulagta ssa ilalim ng isang
puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kaniyang katawan ay
ibinaon samantalang ang mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kaniyang ina.
Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas.
Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Madali
naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng magandang ugali.

Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kaniyang kabuhayan hanggang sa
makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kaniyang inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya
ng matinding pangamba na mamanhikan. Nangangambasiyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao.
Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido siyang panindigan ang nagawa.
Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala siyang kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay
nakulong sa halip na makasal siya sa babae.

Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay nagkaroon
ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa
sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama. Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa
lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasa’y may kaya ang nuno si
Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia. Nagmamahalan
silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno
kaya’t umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan. Maganda ang kanilang
hinaharap, ang kaniyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahyal sa kaniya,
ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kaniyang salapi at ugaling
mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay
pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang
kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago
ito namatay naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid.

Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal sa iba ang
kaniyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang ito’t sukat. Lumipas ang anim na buwan nabalitaan
na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na may
tarak sa dibdib. Ito ang kaniyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa iba’t-ibang lalawigan bunga
ng iba’t-ibang pagbibintang tungkol sa kaniya na hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay
ni Elias.

Nagpalitan pa ng iba’t-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya
sa mga sumugo sa kaniya na siya (Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming. Lamang,
wala siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng kapwa sama rin.
Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong kasalanan din. Nang makarating na sila sa
baybayin, nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang
kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung
di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kaniyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng
pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.

51: Mga Palitan at Pagbabago

Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya
Victorina na nagsasaad ng ganito:

"Itinatanging pinsan,

Sa loob ng tatlong araw inaasahan kong malaman sa yo kung ikaw pinatay ng alferez o ikaw sa kaniya
ayoko lumampas pa ang isang araw na wala ang hayop na yan sa kaniyang parusa kung lumampas ang
taning at di pa hinahamon mo siya sasabihin ko ke Don Santiago na ikaw kelanman di naging segretaryo
ni Canobas ni makipaginuman sa Heneral arseño Martines sasabihin ko ke Clarita na lahay ang bola at di
ikaw bibigyan ko ni isang kusing pa kung hahamunin siya pangako sa yo lahat ng ibbig kaya tinggnan
natin kung hahamunin mo pinagpapaunako sa yo na alang nang paluggit at dahildahilan.

Iyong pinsang maal kang buompuso

Victorina de los Reyes de De Espadaña

Sampaloc lunes I ka 7 ng Gabi."

Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman
kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang
kaniyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang
nagpatianod sa kapritso ng Donya.

Dumating si Padre Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang tungkol sa sulat na
padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay Ibarra kasabay ng kaniyang pagpupuring ang
binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal na lamang sa
pagpapatawad ay si Padre Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat
inaama niya ang pari. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.

Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiago pumasok si Ibarra na kasama si Tiya Isabael. Binata
niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Padre Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at
sinabi nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay
sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang upang itanong kung galit sa kaniya si Maria. Ipinasasabi
raw ni Maria ani Sinang na limutin na siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra ng gusto niyang makausap ng
sarilinan ang kasintahan. Di nagluwat, umalis na si Ibarra.

52: Baraha ng mga Patay at ang mga Anino

Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot
ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan.
Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito
sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag
na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kaniyang asawa upang ipagamot. Siya ang
sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama
ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa
pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sila ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga
anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.

Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na


sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng
gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw na “Mabuhay Don Crisostomo”! ang tatlong
anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan.

Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kaniyang paligid. Umaambon palibhasa, sumilong ito
sa pintuan kaya’t nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo
sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at sa ibabaw ng
punto ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa
mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal
ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.

Nang gabing iyon dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang tungkol sa
paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan.
Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa.
Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang
nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang
lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa kaniyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo
sa simbahang pinasukan ni Lucas

You might also like