Mga Buod ng Kabanata 31- 45 Kabanata 31: ANG SERMON • Si Padre Damaso ang nagpiling magsermon sapagkat marami siyang alam sa patrong si San Diego. (Ang unang bahagi ng sermon ay Kastila, ang ikalawang bahagi ay Tagalog)
• Habang nagsesermon si Padre Damaso
naiinitan ang mga tao at ang karamihan ay natutulog. Kabanata 31: ANG SERMON • Panay ang parinig ni Padre Damaso kay Ibarra na nagtitimpi lamang.
• May lumapit na lalaki kay Ibarra
(Elias) na binalaan siya at kailangang mag-ingat sa araw ng paghuhugos (ground breaking ceremony) para sa kanyang paaralan. Kabanata 32: ANG PANGHUGOS • Ang panghugos ay ginawa ng Taong Madilaw . (anak ng isa sa mga naging tauhan noon ni Don Saturnino na nakaranas ng kalupitan ng Don)
• Isang malaking handa ang ibinigay rin ni
Ibarra.
• Si Padre Salvi ang magbabasbas sa
panukalang-bato. Kabanata 32: ANG PANGHUGOS • Napansin ni Ibarra si Elias sa kalayuan na tila nagpapaalala sa sinabi niyang babala sa simbahan.
• Hiniling na si Ibarra ang maglagay ng palitada
pagkatapos maglagay rin ang kanyang mga bisita.
• Biglang nasira ang panghugos at bumagsak ito na
tamang-tama na nakababa sa hukay si Ibarra. Kabanata 33: MALAYANG KAISIPAN • Binisita ni Elias si Ibarra – pinasalamatan siya ni Ibarra subalit ibinabalik lang daw niya ang ginawang pagligtas sa kanya noon.
• Binalaan siyang muli ni Elias na mag-
iingat sa kanyang mga kaaway. Kabanata 33: MALAYANG KAISIPAN • Sinabi ni Elias kung paano niyang nalaman na may masamang balak sa kanya noong araw na iyon.
“Lahat tayo ay may kaaway sapagkat ang tunggalian ay
batas ng buhay.”
“Kailangan kong maniwalang mabuti sa Diyos sapagkat
nawala ang paniniwala ko sa tao.”
“Ingatan ninyo ang inyong sarili, alang- alang sa bayan.”
Kabanata 34: ANG PANANGHALIAN • May dumating na telegrama mula sa Kapitan Heneral habang nasa bahay ni Kapitan Tiago nananghalian ang mga matataas na opisyla.
• Sinabi sa telegrama na darating siya at
tutuloy ito sa bahay ni Kapita Tiago. Kabanata 34: ANG PANANGHALIAN • Ikinainis ng mga prayle na hindi sa kanila tutuloy ang Kapitan Heneral.
• Panay na naman ang pagpaparinig ni Padre
Damaso kay Ibarra.
• Sumabog ang galit ni Ibarra at di napigilang saktan
si Padre Damaso na muntik na iyang saksakin.
• Inawat sila ni Maria Clara.
Kabanata 35: MGA KURU-KURO • Naging isang malaking usapan sa bayan ang nangyari sa pananghalian.
• Iba-iba ang sentimyento ng mga tao.
Kapitana Maria – natutuwa dahil ipinagtanggol
lamang ni Ibarra ang kanyang ama. Kabanata 35: MGA KURU-KURO ● Don Filipo – sana ay nagtimpi si Padre Damaso
● Mga Magsasaka – nalulungkot sapagkat
baka di na matuloy ang ipinapatayong paaralan ni Ibarra
● • Ang iba – nagagalit kay Padre Damaso,
nagagalit din kay Ibarra. Kabanata 36: ANG UNANG PANGANORIN • Malaki ang epekto kay Maria Clara nang nagyari gulo kina Ibarra na kanyang kasintahan at Padre Damaso na kanyang ninong.
• Pinagbabawalan si Maria Clara na makipag-
usap kay Ibarra sapagkat ito ay excommunicado. Kabanata 36: ANG UNANG PANGANORIN • Napagdesisiyunan ni Kapitan Tiago na di na matutuloy ang kasal nina Ibarra at Maria Clara.
• Darating daw ang isang kamag- anak ni Padre
Damaso na siyang mapapangasawa ni Maria Clara (Linares)
• Dumating ang Kapitan Heneral at nais nito
kaagad makausap si Maria Clara Kabanata 37: ANG KAPITAN HENERAL • Nasa bahay na ni Kapitan Tiago ang Kapitan Heneral.
• Mas una pang kinausap ng Kapitan Heneral
ang ibang tao kaysa sa mga prayle.
• Nainis ang mga prayle sa pagpapahintay sa
kanila ng Kapitan Heneral. Kabanata 37: ANG KAPITAN HENERAL • Kinausap nig Heneral si Maria Clara at si Ibarra.
• Ipinangako niya ka Ibarra na mawala ang
kanyang pagka-excommunicado.
• Ninais sanang kausapin ni Ibarra si Maria
Clara ngunit ipinagtaka niya ang di pagkausap nito sa kanya. Kabanata 38: ANG PRUSISYON • Lumabas na sa simbahan ang ikaapat na prusisyon.
• Nais makinig ng Kapitan Heneral sa loa (tulang papuri
kay San Diego)
• Habang nagpruprusisyon, panay naman ang pamamalo
ng mga agwasil (tangapangalaga ng kapayapaan)
• Pagtapat ng prusisiyon sa bahay nina Kapitan Tiago
namangha ang lahat sa awitin ni Maria Clara. Kabanata 39: SI DONYA CONSOLACION Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Kabanata 39: SI DONYA CONSOLACION Ikinahihiya ng Alperes ang katawa- tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara. Kabanata 40: ANG KARAPATAN AT LAKAS Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Kabanata 40: ANG KARAPATAN AT LAKAS
Tapos na ang unang bahagi ng dula
nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito. Kabanata 41: DALAWANG DALAW ● Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si Elias. Kabanata 41: DALAWANG DALAW Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra.
Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may
sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias. Kabanata 42 : Ang Magasawang De Espadaña ● Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag anak ni Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya at ang kanyang asawa na si Donya Victorina na sa biglang tingin ay napapagkamalang isang Orofea. Kabanata 43: MGA BALAK O PANUKALA Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay anak anakan ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabaho at mapapangasawa. Kabanata 43: MGA BALAK O PANUKALA
Ayon kay Damaso madali niyang
maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si Tiyago. Kabanata 44: PAGSUSURI SA BUDHI ● Nabinat si Maria Clara pagkatapos makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Kabanata 44: PAGSUSURI SA BUDHI Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti unti namang bumaba ang lagnat ni Maria. Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa. Kabanata 45: ANG MGA PINAG-UUSIG Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Kabanata 45: ANG MGA PINAG-UUSIG
Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni
Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan.