You are on page 1of 2

KABANATA 61: ANG KASAL NI MARIA CLARA

TAGPUAN:

Bahay ni Kapitan Tiyago

MGA TAUHAN:

Linares Crisostomo Ibarra

Kapitan TIyago Don Filipo

Donya VIctorina Elias

Maria Clara

Tiya Isabel

MGA PANGYAYARI:

1. Itinatwa ni Kapitan Tiyago ang dating mga kaibigang Pilipinong inimbestigahan dahil sa takot na
pati siya ay paghinalaan ng pamahalaan.
2. Marami ang nagtipon sa bahay ni Kapitan Tiyago at dito pinagmalaki ni Donya Victorina ang
binatang si Linares.
3. Napawalang-bisa sa hukuman ang mga palsipikadong papeles na nakuha sa bangkay ni Lucas.
4. Nadinig ni Maria Clara ang iba’t-ibang pahayag ng mga tao kay Ibarra. Ayon sa ilan nasusuklam
sila sa pananakit na ginawa ni Ibarra sa isang pari.
5. Umiyak si Maria Clara sa loob ng kanyang silid.
6. Bagamat mapahamak ay nagpakita si Ibarra kay Maria Clara.
7. Nais sanang lumayo ni Maria Clara si Ibarra sa takot na baka hindi nito matanggap ang kanyang
lihim na pagkatao.
8. Naikwento ni Maria Clara na may nagtapat sa kanya kung sino ang kanyang tunay na ama at na
pinagbawalan siya nitong ibigin si Ibarra.
9. Inabot ni Maria Clara kay Ibarra ang dalawang sulat at ibinulong sa binata ang pangalan ng
kanyang tunay na ama.
10. Nagulat si Ibarra sa nalalaman ngunit sinabi ni Elias na kailangan na nilang lumisan. Naiwang
nananangis ang puso ni Maria Clara.

ARAL:

Tanda ng kamusmusan ang labis na panggagagad.

Sa panahon ng kagipitan, nakikilala ang tunay na kaibigan.


KAUGNAYAN SA KASALUKUYAN:

Sa panahon ngayon ay walang kupas pa ring ipinaglalayo ng mapanghusgang lipunan ang mga taong
dati’y mabuting magkakaibigan at nagmamahalan.

Ngayon din madami ang gaya ni Ibarra na sa kabila ng kabutihang hinangad para sa bayan ay
tinakwil siya ng mga mamamayan dahil sa pagtaliwas niya sa mga makapangyarihan.

You might also like