You are on page 1of 2

KABANATA 58: SILANG MGA NALUPIG

TAGPUAN:

Bilangguan— bulwagan

TAUHAN:

Komandante Mga Nabanggit:

Donya Consolacion Bruno

Tarsilo Crisostomo Ibarra

Andong

MGA PANGYAYARI:

1. Lumusob na ang mga tulisan sa kwartel. Labis na nagkagulo ang lahat.


2. Dalawa sa lumusob ang nahuli ng buhay . Si Tarsilo at si Andong.
3. Inimbestigahan si Tarsilo at tinanong siya kung ano ang alok na binigay sa
kanya ni Ibarra upang lumusob sa kwartel.
4. Sumagot si Tarsilo at sinabing walang kinalaman si Ibarra ang tanging pakay
niya at ng kanyang kapatid ay ang ipaghiganti ang kanilang ama.
5. Pinakita kay Tarsilo ang mga bangkay ng kanyang mga kasama ngunit
nanatili siyang walang kibo.
6. Kinutya ni Tarsilo ang alperes sa pagsasabing mas higit pa daw na parusa
ang maging asawa si Donya Consolacion kaysa mabilanggo. Sa inis inutos ng
alperes na siya ay paluin hanggang sa siya ay mamatay.
7. Nakagapos pa din si Tarsilong walang imik nang iutos ng komandante
“Timbain siya.”
8. Ayaw umamin ni Tarsilo hanggang sa dulo kaya nama’y siya ay nilublob sa
balon ng paulit-ulit hanggang sa siya ay mamatay.
9. Matapos ay inusisa naman ng mga guwardiya si Andong Luko-luko at tulad
kay Tarsilo wala silang nakuhang impormasyon mula dito.
10.Tulad ng kapalaran ni Tarsilo si Andong din ay inilagay sa bilangguan at
pinagpapalo.

ARAL:

Lahat ay natatapos pati na din ang paghihirap.

Katotohanan ma’y ‘di matatagpuan kung sa maling bibig ipinagpipilitan.


KAUGNAYAN SA KASALUKUYAN:

Madami ang tulad ni Tarsilo na nakakaranas ng pagmamalupit upang umamin sa


isang katotohanang hindi niya naman tunay na nalalaman. Ang tulad niya ang
siyang nasasaktan habang ang mga tunay na may alam sa takot ay tikom lamang
ang mga labi.

You might also like