You are on page 1of 10

10

FILIPINO
KUWARTER4–MODYUL 3

• Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga


kaisipang namayani sa akda.
• Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayani, kapwa-tao,
magulang.)
Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood o sinuring larawan na bahagi
ng binasang akda sa mga kaisipang namayani sa binasang akda.
 Naisusulat ang pagpapaliwanagng sariling mga paniniwala at
pagpapahalagakaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda.
K to 12 BEC CG (F10PN-IVd-e-85,F10PB-IVd-e-88-89,F10PD-IVd-e-83,
F10PU-IVd-e-87)


KASANAYAN: (PAKIKINIG, PAGBASA, PANONOOD, PAGSULAT)
A. Panimula Magandang
Buhay!

Ngayong natuklasan mo na ang kasaysayan nang pagkakasulat ng nobelang “El


Filibusterismo at ang pagkilala sa mga ilang tauhan ng sikat na libro na bumuhay sa damdaming
makabayan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, sa Modyul na ito ay
mas kikilalanin natin ang mga tauhang binuo ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal
sa kanyang nobela.

Ilan sa mga tauhang nabuo ng may akda sa nobela ay mga hango sa totoong pangyayari o
karanasan ni Dr. Jose P. Rizal sa kanyang pagbalik dito sa Pilipinas hanggang sa kanyang
pagpunta muli sa Europa at ibang bahagi ng mundo. Mga tauhan na nagbigay ng kulay sa buong
akda.

Alam mo ba na…

Paunawa: Ipabasa sa may kakayahang miyembro ng pamilya ang tekstong ito.


Pakinggang mabuti upang masagot ang unang gawain.

Ayon sa Regalian Doctrine ang isang tao ay magkakaroon lamang ng sariling pag-aari sa
pamamagitan ng Real Estate Acquisition and Disposition gamit ang Torrens System of Real State
Ownership. Ito ay may kalakip na kasunduan o kontrata ng magkabilang panig.

Kahit na may ganito tayong pamamaraan sa kasalukuyan, marami pa ring suliraning


pangagraryo ang nagaganap sa lalawigan. Ito ang naging dahilan kung bakit naisabatas ang
repormang agraryo upang mapanatili ang katatagan ng ating mga kanayunan.

Ang pinagmulan nito ay ang pamanang iniwan sa atin ng mga Kastila noong panahon ng
kanilang pananakop. Dito ay nakatuon sa pangangamkam ng lupa na nagiging sanhi ng
malawakang paghihirap, kaguluhang agraryo, at pananamantala ang nagiging resulta nito.

Tulad ni Kabesang Tales, hangad niya na mapataas ang antas ng kanyang kabuhayan ngunit
may mga taong humahadlang. Kung tutuusin, ano ang ilalaban ng isang karaniwang magsasaka sa
mga taong makapangyarihan? Hangang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatapos ang mga usapin
sa mga lupang agraryo sa ating bansa. Ngunit ngayon, ang mga magsasaka ay marunong nang
manindigan, marunong lumaban. Marunong na silang ipagtanggol ang kanilang karapatan. Pero,
paano kung ang iyong karapatan ay niyuyurakan1 ng iyong kapwa?

Mula sa: Sining ng Pakikipagtalastasan I Manual, OLFU Press, 2009, “Obra Maestra El
Filibusterismo” Bucu at Carreon,2012.

B. Pagtatalakay:
Basahin at unawaing mabuti ang Kabanata IV upang masagot ang mga sumusunod na
Gawain.
Kabanata IV KABESANG TALES

Halagang Pangkatauhan: Ipagtanggol ang karapatan sa mapayapang paraan


Si Tandang Selo na umampon noon kay Basilio ay matanda na, ang ama ni Huli at anak ni
Tata Selo na nagngangalang Tales (Telesforo Juan de Dios) ay isa ng Kabesa de Barangay.
Guminhawa ang buhay ng buong mag-anak dahil sa tiyaga. Sa simula ay nakikisaka lamang sila
sa isang mayamang may ari ng lupa at nang makaipon ng sapat na salapi ay nagpasya na silang
magsarili. Nagsimula silang magkaingin sa isang lupa sa bandang dulo ng bayan (Tiani) na
inakala nilang walang nagmamay-ari. Nagtanim sila ng tubo sa lupaing iyon.

Nang mamatay ang asawa ni Tales at ang anak (Lucia) ay inakala nitong sila ay
pinarurusahan. Kinalamay niya ang loob sa pag-aakalang tumigil na sa pagpaparusa ang diyos ng
gubat.

Naging maunlad ang ani ni Tales sa kanyang lupain at nang malaman ito ng mga prayle ay
inangkin nila ang lupa at pinilit siyang magbigay ng buwis. Pataas nang pataas ang buwis na
ipinapataw ng prayle. Ayon sa ama ay isipin na lamang niya na ang perang iyon ay nahuhulog sa
balon at kinakain ng buwaya. Ngunit sa bandang huli ay hindi na nakapagpasensiya pa si
Kabesang Tales.

Nagpasya siya na hindi na magbabayad pa ng buwis ngunit binantaan siya ng tagapangasiwa


ng lupa na kung hindi magbabayad ay sapilitan siyang paaalisin sa kanyang lupain at hahanap na
lamang ng panibagong magsasaka rito. Ayon kay Kabesang Tales ay magbabayad lamang siya
kung makapagpapakita ang mga prayle ng kasulatan na nagpapatunay na sila ang tunay na
nagmamay-ari ng lupaing kanyang sinasaka.

Nagmatigas si Kabesang Tales. Ayon sa kanya ay dugo at pawis ang kanyang ginugol sa
lupang iyon. Namatay ang kanyang asawa at anak (Lucia) sa pagtulong sa kanya kaya naman
hindi maaaring basta na lamang itong kukunin ng kung sino. Naglingkod siya sa hari sa
pamamagitan ng kanyang salapi at dapat din siyang gawaran ng katarungan.
Nililibot pa rin ni Kabesang Tales ang kanyang lupain kahit na iba na ang nakatira roon.
Dala-dala ang kanyang baril bilang proteksyon sa sarili habang ang katiwala ay takot na takot sa
2

tuwing makikita si Kabesang Tales na may dalang


armas. Hindi lingid sa kaalaman ng hukom pamayapa ang pangyayaring ito. Sa katunayan ay
alam nilang ayon sa mga tuntunin, ang mga pari ay hindi maaaring magkaroon ng mga lupain.
Walang may gustong magbigay ng hatol sapagkat karamihan sa kanila ay takot na matanggal sa
kanilang katungkulan.

Ang anak naman ni Tales na si Tano ay naging isang kawal. Marami sa kanilang kababayan
ang hindi makapaniwala dahil sa ito’y mabait na anak. Naisip ni Tales na ipaglaban ang anak sa
pamamagitan ng asunto at kapag siya ay nanalo ay alam na niya ang gagawin at kung siya ay
matalo , hindi na niya kakailanganin pa ang anak.

Ipinagpalagay ng iba na nais patayin ni Kabesang Tales ang uldog. Kaya naman nagpababa
ng kautusan ang Kapitan Heneral na nagbabawal sa pagdadala ng baril. Kinumpiska ng mga
guwardiya sibil ang kanyang baril ngunit pinalitan naman niya ito ng gulok. Ngunit muli itong
kinumpiska at muli itong napalitan ng palakol na dating gamit ng kanyang ama. Dumating na nga
ang kinatatakutan ng lahat lalong-lalo na si Huli. Napasakamay ng mga tulisan ang kanyang ama
(Tales) na nanghihingi ng limandaang piso kapalit ng buhay ng kanyang ama (Tales).

Naisip ni Huli (Juliana) na isangla ang lahat ng kanyang mga alahas ngunit hindi pa rin ito
sapat para matubos ang ama. Pinayuhan siya ni Hermana Bali, isang pusakal na pangginggera, na
isangla ang kanilang bahay ngunit wala namang may gusto. Sa wakas ay nakatagpo sila ng isang
may magandang kalooban na magpapahiram sa kanila ng salapi sa kasunduang si Huli (Juliana)
ay maninilbihan hanggang sa mabayaran niya ang kanyang inutang.

Mabigat man sa kalooban ni Huli (Juliana) ay tinanggap niya ang alok ng ginang. Bisperas
ng Pasko noon at kinabukasan, araw ng Pasko, magsisimula na siya. Walang magawa si Tata Selo
kundi ang umiyak na lamang.

Napakalungkot ng gabing iyon para kay Huli. Naiisip niya si Basilio na malapit nang
maging isang ganap na doktor. Alam niyang hindi na sila nababagay sa isa’t isa. Nakita niya ang
laket na bigay sa kanya ng kasintahan at nasabing mas nanaisin pa niyang siya na lamang ang
maisangla kaysa ang laket na iyon.

Naging masalimoot ang panaginip ni Huli.

Mula sa “Obra Maestra” El Filibusterismo nina Bucu at Carreon, Rex Bookstore 2012
Ikaapat na Edisyon.

C. Iba pang Babasahin

Mga Tulong sa Pag-aaral

Ang agnos ni Huli ay agnos ni Maria Clara na ipinagkaloob sa isang ketongin na napagaling
ni Basilio. Ibinayad ng ketongin kay Basilio ang agnos at ito naman ay inihandog ni Basilio kay
Huli.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit mahirap maging Cabeza de Barangay noon?

Tugon
Siya ay isa lamang tagapaningil ng buwis at kung may di magbayad ay siya pa ang nagpapaluwal.

2. Ano ang ibig sabihin ni Kabesang Tales sa magiging lupa rin tayo at hubad tayong talaga
nang ipanganak?

Tugon
Hindi dapat matakot sa kamatayan dahil tayo namang lahat ay mamamatay at ano ang
ikatatakot sa karalitaan ay nagsimula tayo sa kahirapan, sa walang damit.

3. Anong batas ang pumanig sa mga paring korporasyon upang makuha ang lupa ni
Kabesang Tales?

Tugon
Wala kundi ang batas ng pansariling kaligtasan ng mga eskribano at hukom na takot sa
korporasyon ng mga kura. Kaya silang ialis sa tungkulin ng mga prayle. Ang totoo, mabuti ang
mga batas ng mga kastila na dapat ipasunod ngunit pinasasama ito ng mga namamahala. Gayong
walang naipakitang katibayan ang korporasyon, nakuha nilang masaklit ang lupa ni Kabesang
Tales. Isa ito sa mga nakatulong sa katamaran ng mga Pilipino. Bakit ka pa magpapakasakit na
gumawa at umunlad kung ito ay kakamkamin lamang sa iyo pagkatapos?

4.Bakit matagal na di kinausap ni Tandang Selo ang apong si Tano?

Tugon
Dahil pinayagang magkawal si Tano at di ibinayad ng kapalit na maaaring gawin noon.
Noon ay sadyang nangunguha ng kabataang pinagkakawal nguni’t maaaring kumasundo sa isang
sadyang nagpapaupang kapalit at ang isang anak ng maykaya ay maaaring di na magkawal.

5. Bakit sinabi ni Kabesang Tales na kung siya’y matatalo sa usapin ay di na niya kailangan
ang anak?

Tugon
Kung matatalo siya sa usapin wala na rin siyang maibibigay na kinabukasan sa kanyang
anak at kaya puspusan ang ginagawa niyang paglaban ay sa kapakanan din ni Tano ang kanyang
hangad, ito ang magiging tagapagmana ng kanyang lupain.

6. Sa ano inihambing ng ilan si Kabesang 4Tales sa kanyang pakikipag-asunto sa mga


prayle?
Tugon
Palayok na bumangga sa kaldero; langgam na kumakagat kahit na siya’y titirisin lamang.

7. Bakit kung kailan pa tinanuran ni Kabesang Tales ang lupain at saka pa siya dinukot ng
mga tulisan?

Tugon
Noong una’y walang makalapit na tulisan sa lupain ng kabesa dahil sa siya’y may baril noon
at siya’y magaling mamaril. Nang ipagbawal ang baril, nagdala naman siya ng gulok at siya’y
balita sa arnis. Kaya nang palakol na lamang ang dala niya saka siya napangahasang

lapitan at dukutin ng mga tulisan upang ipatubos.

8. Anong ginawa ni Huli ang pinintasan ni Rizal?

Tugon
Ang pag-sa sa mga milagro. Inilagay ni Huli ang perang napagbilhan ng kanyang mga
alahas sa ilalim ng imahen ng Birhen at umaasang iyon ay magiging doble kinabukasan. Sinanay
ng mga prayle noon ang mga Pilipino sa ganitong pag-asa sa mga milagro upang matuto pang
magtiis ang mga katutubo at iasa ang kanilang bukas sa pagmimilagro ng kanilang mga patrong
santo sa halip na gumawa sila ng mga paraang maaaring sa pag-uusig sa maykapangyarihan ay
humantong sa himagsikan. Ito kaya ang nakatulong sa ating pagpapaubaya ng lahat kay Bathala o
ang kaisipan natin na bahala-na?

http://www.joserizal.ph/fi06.html

Mga Gawain

Gawain I: Sarili Ipahayag Mo :


Panuto: Gamit ang Double Entry Journal, isulat ang mga detalyeng hinahanap ayon sa akda na
may kaugnayan sa dating kaalaman o karanasan.
Panahon ng Kastila Sariling Karanasan o
Kaalaman
Pangyayari sa napakinggang
teksto ukol sa Alam mo ba
na…
Regalian Doctrine

Pamantayan sa pagbibigay puntos;


5 puntos kung maayos na natugunan ang lahat ng kahon.
5
3 puntos kung natugunan lamang ang isang kolum .
2 puntos kung natugunan ang Gawain ngunit may kaibahan sa tamang sagot.

Gawain II: Tulong sa Pag-unawa :

Panuto: Mula sa binasang Kabanata IV – Si Kabesang Tales, piliin ang tamang letra at isulat sa
patlang ang tamang sagot sa bawat katanungan.

____1. Siya ang anak ni Tata Selo na yumaman dahil sa kanyang tiyaga at kasipagan.

A.Tano B. Lucia C. Basilio D. Tales E. Huli

____2. Ang tunay na pangalan ni Kabesang Tales?

A. Telesforo B.Thales C.Aldous D.Simoun E. Kapitan Basilio

____3. Magkano ipinatutubos ng mga tulisan si Kabesang Tales sa kanyang pamilya?

A. Tatlumpung Piso B. Isan Daang Piso C. Limandaang Piso D. PisoE. Limang Piso
____4. Ano ang ikinamatay ni Lucia na anak ni Kabesang Tales?

A.. Malarya B. Covid -19 C.Dengue D.Tuberkulosis E. AIDS

____5. Ang ngalan ng ginang na nagtulak kay Huli na ibenta ang kanyang mga alahas
upang matubos ang kanyang ama mula sa mga tulisan.

A. Hermana Moreno C Hermana Penchang E. wala sa nabanggit


B. Hermana Bali D. Hermana de Dios

Gawain III: SURIIN AT TUKUYIN MO

Panuto: Pagsusuri sa Kabanata: Suriin ang mga pahayag at tukuyin ang kaisipan na
ipinapahayag nito. Piliin ang kasagutan sa loob ng kahon at isulat sa patlang.
EDUKASYON PAMAMAHALA MAKA-DIYOS MAKABAYAN PAMILYA KALUPITAN

PAKIKIPAGKAPWA KABAYANIHAN KARUWAGAN KAPANGYARIHAN AT SALAPI

KAHIRAPAN KARAPATAN KAWANGGAWA PAGLILIBANG PANININDIGAN

__________1. Binalak pag-aralin ni Kabesang Tales si Huli sa Maynila upang matulad kay
Basilio na nagmula sa hirap at nakapag-aral sa isang unibersidad.
__________2.Sa kabayanihan ni Kabesang Tales para sa kanyang pamilya laban sa
Korporasyon ng mga prayle ang lupang kanyang sinasaka kanya
itong tinanuran.

__________3.Si Kabesang Tales ay nagsimula sa pagiging kasama ng isang mayaman


hanggang sa nakaipon at naghawan ng sarili niyang tubuhan at kaingin.

__________4.Ibinatay ni Dr. Rizal ang kabayanihan ng tauhang Kabesang Tales sa


kanyang mga kamag-anakan na inagawan ng lupang pagmaymay-ari sa

Laguna.

__________5.Noong panahon ng mga Kastila ay may takot ang mga opisyales ng pamahalaan
sa mga prayle na lubhang nakaaapekto sa kanilang pamamahala.

__________6. Matapos pahiramin ni Hermana Penchang ng kuwalta si Huli, inilagay niya ito
sa paanan ng santong Inang Birhen dahil sa kanyang paniniwala sa milagro.

__________7. Sa pagiging makabayan ni Kabesang Tales, kung hindi makababayad ng


buwis ang kanyang nasasakupan ay siya na ang nag-aabono upang wala ng
mga tanong pa ang pamahalaang Kastila.

__________8. Ilalaban ni Kabesang Tales ang lupa para sa kanyang anak na si Tano upang
sa pagdating ng panahon ay siya ang magmana rito.

__________9. Natatakot ang uldog kay Kabesang Tales dahil kilala ang Kabesa sa
kagalingan nitong gumamit ng baril.

__________10. Pilit na inaagaw ng korporasyon ng mga prayle ang lupa ni Kabesang


Tales at tinataasan pa ang buwis nito upang mapilitan itong makuha.

__________11. Tinulungan ni Tandang Selo ang batang si Basilio nang ito ay nawala sa
gubat ng San Diego.

__________12. “ Dugo at pawis ng aking pamilya ang pinuhunan ko sa lupang ito, kung sino
man ang kukuha nito sa akin ay kailangan ding mataya ng
kanyang dugo sa lupang ito,” matikas na sambit ni Kabesang Tales.

__________13. Naging libangan ng pamilya ni Kabesang Tales ang pagtutulungan


upang mapalago nila ang kanilang bukurin.
__________14. Dahil sa kanyang kasipagan at pag-angat sa kahirapan napili ng mga
tao si Kabesang Tales na maging Cabeza de Barangay.

__________15. Mula sa dalawampung pisong buwis, naging tatlumpung piso at ng


lumaon ay naging limampung piso ang buwis na kinukulekta ng mga
sakim na korporasyon ng mga prayle kay Kabesang Tales.

Binabati kita sa ipinakita mong tiyaga upang matutuhan at maunawan ang modyul na
ito. Ngayon ay handa ka na sa pagtataya.
7

Pangalan ng Mag-aaral:________________________________________________________
Baitang at Seksiyon:_________________________________ Petsa:____________________
Guro:______________________________________________________________________
Panghuling Pagtataya

A. Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa bawat katanungan at isulat ito sa


patlang o sa iyong sagutang papel.

______1. Kaugaliang ipinakita ni Gat. Jose P. Rizal sa Kabanata IV na hanggang ngayon


ay pamana pa rin ng mga Kastila.

A. Paniniwala sa kasabihan C. Paniniwala sa sakit mula sa lupa


B. Paniniwala sa milagro D. Paniniwala sa parusa

______2. Bunsong anak ni Kabaseng Tales na kasintahan ni Basilio.

A. Lucia B. Huli C. Tano D. Bali

______3. Unang halaga ng buwis na sinisingil ng korporasyon ng mga pari sa pamilya ni


Kabesang Tales.

A. Limampung Piso B. Tatlumpung Piso C. Dalawampung Piso D. Piso

______4. Tunay na pangalan ni Kabesang Tales?

A. Telesforo de Dios C. Telesforo Juan de Dios


B. Thales Juan de Dios D. Thalesforo de Dios

______5. Pamagat ng Kabanata IV ng nobelang El Filibusterismo.

A. Tata Selo B. Pilosopong Tasyo C. Kabesang Tales D. Kabesang Tano


______6. Nagbawal sa paggamit ng baril.

A. Hukom tagapamayapa B. Hukom bitay C. Hukom paalaala D. Hukom 45

______7. Ang alahas na hindi maibenta ni Huli dahil sa mahalaga ito para sa kanya.

A. Agnos B. Hikaw C. Singsing D. Dyamante

______8. Grupo ng mga pari na umaangkin sa lupa ni Kabesang Tales.

A. Korporasyon ng mga pari C. Kanonisadong pari


B. Kurapsiyon ng mga pari D. Samahan ng mga pari

______9. Ano ang unang itinanim ng pamilya ni Kabesang Tales sa lupang kanilang hinawan?
8

A.Tubo B. Palay C. Mais D. Uling

_____10. Magkano ang halaga na hinihingi ng mga tulisan upang matubos si Kabesang Tales?

A. Isang libong piso B.Limandaang piso C. Isandaang piso D. Piso

B. Paunawa: Gumuhit o kaya ay gumipit ng isang larawan ng pamilyang Pilipinong


magsasaka, Gawin ito sa loob ng kahon. ( 10 Puntos)

Panuto: Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap na may kaugnayan sa binuo o dinikit
na larawan.

Pamantayan sa Pagpupuntos:

1.Kaangkupan ng larawan - 5 puntos


2.Kabuoan ng ugnayan ng Larawan at Paliwanag 5 puntos

C. Panuto: Sumulat ng isang sanaysay upang ibigay ang iyong sariling kaisipan
sa pangyayari sa Kabanata IV. Isulat sa isang malinis na papel. (5 puntos)
Pamantayan:
Katibayan ng Opinyon 2 puntos
Nilalaman ng kaisipan 3 puntos

SANGGUNIAN:

Mga Aklat

De Guzman, Maria Odulio, 1960, “ANG FILIBUSTERISMO (Karugtong ng Noli Me Tangere ”, Revised
Edition, National Book Store, Cacho Hermanos, Inc. Pines cor. Union Sts. Mandaluyong City. Pp. 28-39.

Bucu, Amelia V., Carreon MArga B., Cuańo Felicidad Q, 2012, Obra Maestra IV (El Filibusterismo),
Ikaapat na Edisiyon, Rex Book Store Inc. Nicanor Reyes st. Sampaloc, Manila pp. 25 - 31

Internet Site:

http://www.joserizal.ph/fi06.html
Jose Rizal ph Buod ng El Filibusterismo Kabanata V

10

You might also like