You are on page 1of 85

1

PANIMULA:

Ang Modyul na ito ay pagmamay- ari ng Filipino Department ng Enriqueta Montilla De


Esteban Memorial High School. Naglalaman ito ng pangkalahatang pagtatalakay ng akda ni
Jose P. Rizal na El Filibusterismo. Mula sa buod, mga tauhan at mga gawaing pang akademiko
ay kinompayl upang maging madali ang pagtatalakay nito sa gabay ng Most Essential learning
Competency Filipino 10.
Ang mga gawain, paglalapat, paglalahat at pagtataya ay kinuna mula sa Dibisyon ng Negros
Occidental -Learning Activity Sheets.
Ito ay ginawa ni G. Arben Vincent Ordaniel guro sa Filipino at Filipino Club Adviser sa
pahintulot ni Gng. Glory E. Delima Master Teacher I at G. Elizer B. Pineda, Punongguro ng
nasabing Paaralan.
Gagabayan ka ng modyul na ito sa pagtatalakay ay pag-uulat ng bawat kabanata sa
pamamagitan ng MELC. Naglalaman rin ito ng buod ng bawat kabanata na kung saan
maaaring pagbatayan ng mga mag-aaral sa kanilang pag-uulat at panghuling gawain na
Pagsasadula nito.

Nawa’y maging maalab pa ang ating pagmamahal sa bayan, sa kapwa at sa Diyos sa


pamamagitan ng akdang El Filibusterismo.

2
Talaan ng mga Nilalaman:

Gabay at Daloy sa Pag-uulat……………………………………………………………………..….6

MELC 1: Pagsusuri sa Pagkakaugnay ng mga Pangyayaring Napakinggan tungkol sa Kaligirang


Pangkasaysayan ng El Filibusterismo………………………………………………………………..7

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo……………………………………………………8

MELC 2: Pagtitiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda sa Pamamagitan ng: Pagtukoy sa mga


Kondisyon sa Panahong Isinulat ang Akda, Pagpapatunay ng Pag-iiral ng mga Kondisyong ito sa
Kabuuan o ilang bahagi ng Akda, at Pagtukoy sa Layunin ng May-akda sa Pagsulat ng Akda…….12

MELC 3: Pag-uugnay ng Kahulugan ng Salita Batay sa Kaligirang Pangkasaysayan


Nito………………………………………………………………………………..……………….....14

MELC 4: Pagsasalaysay ng magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El


Filibusterismo………………………………………………………………………………………...15

MELC 5: Pagsusulat ng buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa ginawang


timeline……………………………………………………………………………………………… 17

MELC 6: Pagtutukoy sa papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda…………………………...18

MELC 7: Pagbibigay-kahulugan sa Matatalinhagang Pahayag na Ginamit sa Binasang Kabanata ng


Nobela………………………………………………………………………………………………..21

MELC 9: Pagsulat ng buod ng binasang mga kabanata……………………………………………...25

MELC 10: Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang
namayani sa akda……………………………………………………………………………………..28

MELC 8: Pagsusuri sa Binasang Buod batay s Katangian ng Tauhan, Pagkamakatotohanan ng


Pangyayari at Tunggalian sa Bawat Kabanata………………………………………………….……28

3
MELC 1: Nasusuri ang mga Kaisipang Lutang sa akda (Diyos, Bayan, Kapwa tao, Magulang)……31
MELC 13 at 14……………………………………………………………………………………….33
Mga Tauhan sa El Fili………………………………………………………………………………..34
Kabuuang Buod ng El Fili……………………………………………………………………………36
Kabanata 1 – Sa Ibabaw ng Kubyerta………………………………………………………………..39
Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta…………………………………………………………………40
Kabanata 3 – Ang mga Alamat………………………………………………………………………42
Kabanata 4 – Kabesang Tales………………………………………………………………………..43
Kabanata 5 – Ang Noche Buena ng Isang Kutsero……………………………………….………….44
Kabanata 6 – Si Basilio………………………………………………………………………………45
Kabanata 7 – Si Simoun……………………………………………………………………………...47
Kabanata 8 – Maligayang Pasko……………………………………………………………………..49
Kabanata 9 – Ang mga Pilato……………………………...…………………………………………50
Kabanata 10 – Kayamanan at Karalitaan…………………………………………………………….51
Kabanata 11 – Los Baños…………………………………………………………………………….52
Kabanata 12 – Placido Penitente……………………………………………………………………..54
Kabanata 13 – Ang Klase sa Pisika…………………………………………………………………..55
Kabanata 14 – Sa Bahay ng mga Mag-aaral…………………………………………………………56
Kabanata 15 – Si Senyor Pasta……………………………………………………………………….57
Kabanata 16 – Ang Kasawian ng Isang Intsik……………………………………………………….58
Kabanata 17 – Ang Perya sa Quiapo…………………………………………………………………59
Kabanata 18 – Ang mga Kadayaan…………………………………………………………………..60
Kabanata 19 – Ang Mitsa…………………………………………………………………………….61
Kabanata 20 – Si Don Custodio……………………………………………………….………….… 62
Kabanata 21 – Mga Anyo ng Taga-Maynila…………………………………………………………63
Kabanata 22 – Ang Palabas…………………………………………………………………..………65
Kabanata 23 – Isang Bangkay……………………………………………………………….……….67
Kabanata 24 – Mga Pangarap……………………………………………………………….………..69
Kabanata 25 – Tawanan at Iyakan………..…………………………………………………….……70
Kabanata 26 – Mga Paskil…………………………………………………..………………….…….71
Kabanata 27 – Ang Prayle at ang Estudyante………………………………………………………..72
Kabanata 28 – Pagkatakot………………………………...………………………………………….74
Kabanata 29 – Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago……………..……………………………76
Kabanata 30 – Si Huli……………………………………………………………..…………………77

4
Kabanata 31 – Ang Mataas na Kawani………………………………………………………………78
Kabanata 32 – Ang Bunga ng mga Paskil………………...………………………………………….79
Kabanata 33 – Ang Huling Matuwid………………………………………….……………………..80
Kabanata 34 – Ang Kasal ni Paulita………………………………………………………………….81
Kabanata 35 – Ang Piging………………………………..………………………………………….82
Kabanata 36 – Mga Kapighatian ni Ben Zayb…………………………………………...…………..83
Kabanata 37 – Ang Hiwagaan………………………………………………………………………..84
Kabanata 38 – Kasawiang-palad………………………………………………………………………x
Kabanata 39 – Katapusang Kabanata………………………………………………………………….x

5
Linggo at Daloy ng Pag-uulat ng mga mag-aaral sa bawat Kabanata
(Paalala: Ang daloy ay hindi nakabatay sa numero ng bawat kabanata ito ay nakabatay sa
daloy ng kuwento na makikita sa iba’t-ibang kabanata)
Linggo 2 Linggo 3 Linggo 4 Linggo 5 Linggo 6 Linggo 7 Linggo 8
*Pagsisimula *Kab. 4 *Kab.17 *Kab. 10 *Kab. 24 *Kab. 33 *Kab. 37
ng nobela *Kab 30 *Kab.18 *Kab. 11 *Kab. 26 at 34 *Kab. 38
*Kab. 1 and 9 *Kab.20 *Kab. 14 *Kab. 27 *Kab. 35 *Kab. 39
*Kab. 2 *Kab. 6 *Kab. 21 *Kab. 15 *Kab. 29
*Kab. 3 *Kab. 7 *Kab.22 *Kab. 25
*Kab *Kab. 23
12,13 at *Kab. 31
19

Pangwakas na Gawain/ Araw ng Kulminasyon sa Filipino 10 (El


Filibusterismo sa Nagbabagong Daigdig)

Ikaw ay inaasahang makakagawa ng isang dula, Maikling pelikula na kung


saan tampok ang mahahalagang pangyayari sa loob ng nobelang El
Filibusterismo. Ito ay gagawin sa huling lingo ng klase. Ikaw ay
mamarkahan batay sa pamatayang ibibigay ng guro.

6
Linggo 1
MELC 1: Pagsusuri sa Pagkakaugnay ng mga Pangyayaring Napakinggan tungkol sa
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
(F10PN-IIIa-b-83 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.)
Ang El Filibusterismo ni Dr Jose Rizal ay isang akdang pampanitikan na bunga ng kanyang
pagpupunyaging gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng panulat.
Nauukol ang mga kabanata sa kalagayang politikal at panlipunang pangyayari na maiuugnay sa
kasalukuyang kalagayan ng ating bayan. Nakatutulong ang nobelang ito upang malinaw na
maunawaan ang ating kasaysayan maging kung paano harapin ang mga suliraning panlipunan at
bigyang solusyon.
Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang
nobelang isinulat at buong pusong iniaalay ng may-akda sa tatlong paring martir na lalong kilala sa
bansag na Gomburza o Gomez, Burgos at Zamora. Ito ang karugtong o sequel ng Noli Me Tangere at
tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang isinusulat niya ito at tulad din nito, nakasulat din sa
Kastila.

Gawain 1:
Panuto: Ang Nobelang El Filibusterusmo ni Jose Rizal ay karugtong ng kanyang Noli Me
Tangere. Bago mo umpisahan ang pagbabasa at pagsusuri sa nobelang ito ay mainam na magbalik –
tanaw ka muna sa mahahalagang pangyayari at aral na iyong nakuha sa Noli Me tangere.
Makatutulong kung isusulat mo pa ng dalawang pangunahing tauhang naging daan upang mapalabas
ang mga gintong aral na taglay ng nobela.

Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Paano nakatulong sa paglinang ng iyong diwang makabayan ang pag-aaral ng Noli Me Tangere?
2. Irerekomenda mo ba itong pag-aralan, basahin at suriing mabuti ng mga mag-aaral sa ikasiyam na
antas? Bakit?
3. Ano-ano naman ang inaasahan mong matutuhan sa nobelang El Filibusterismo? Bakit?

7
Gawain 3:
Panuto: Basahin ang Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo.
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestra ng ating pambansang bayaning si Dr Jose
Rizal. Ito ay karugtong ng Noli Me Tangere na una niyang isinulat. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang
kaibigang si Dr Ferdinand Blumentritt ang kahulugan nito noong una hanggang masaksihan nila ang
malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir. Malinaw pa sa kanyang alaala ang
matinding takot na hatid ng kahulugan ng salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbabawal sa
kanilang tahanan ang pagsambit man lamang ng salitang Filibustero. Sa murang edad ay naging saksi
siya sa mapapait, masasakit at madilim na bahagi ng buhay ng ating mga ninuno kaya tumino sa
kanyang puso ang pagnanais na mailantad ang kabuktutan ng mga mananakop. Ginamit niya ang
pinakamabisang sandata sa pagkamit ng minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino –ang
kanyang panulat.
Gaya ng nabanggit ang unang obra maestra ni Rizal ay ang Noli Me Tange na matagumpay na
lumabas noong Marso 1887. Maraming makabayan ang nagalak at humanga sa katapangan ni Rizal
sa pagsulat sa mga kabuktutan at pagmamalabis ng mga Espanyol subalit tulad ng inaasahan,
nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang Espanyol matapos mabasa ang nilalaman nito.
Bitbit ang kaba sa puso ay nagpasiya siyang bumalik sa Pilipinas kahit batid niyang ito ay
mapanganib. Noong Agosto 1887, muli niyang nasilayan ang kanyang pamilya. Isinagawa niya ang
kanyang mga layunin sa kanyang pagbabalik. Ginamot niya ang mata ng kanyang ina; nakipag-usap
kay Leonor Rivera, at inalam ang pagtanggap ng mga Pilipino sa kanyang isinulat na nobela.
Nang ipagbawal ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas ang pag-aangkat, pagpapalimbag, at
pagpapakalat ng nobela ay nakaramdam ng higit na panganib si Rizal. Hinimok si Rizal ni
Gobernador Heneral Emilio Terrerong lisanin ang bansa upang maiiwas siya at ang kaniyang
pamilya sa lalo pang kapahamakan at sa pagmamalupit ng mga makapangyarihang prayle sa kanyang
pamilya. Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernador-heneral at palihim na tumalilis ng Pilipinas
noong Pebrero 1888. Nagtungo siya sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika at sa Europa.
Napakarami niyang natutuhan sa mga paglalakbay na iyon.
Sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusrerismo sa London noong 1890. Ayon kay Mario
Odulio De Guzman, binabalangkas ni Rizal ang pagkatha ng El Fili noong mga huling buwan ng
1884 at mga unang buwan ng 1885 nang isinulat pa niya ang Noli.habang isinusulat ni Rizal ang El
Fili, naisasabay rin niya ang pagbisita sa mga kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar sa
Europa. Lubhang nasiyahan nang matutukang mabuti at mapag-isipan nang lubusan ang pagsulat ng

8
nobela kasama ang kaibigang si Jose Alejandrino ay nanirahan sila roon. Naggamot din siya upang
matugunan ang mga pangangailangan niya roon
Patong-patong na suliranin ang kanyang naranasan habang isinusulat niya ang El Fili. Kung
kinulang siya sa pananalapi nang isulat niya ang Noli ay higit siyang kinapos nang isinulat niya ang
El Fili kaya sadya siyang naghigpit ng sinturon. Halos lumiban siya sa pagkain makatipid lamang.
Nakapagsanla rin siya ng kanyang mga alahas upang matustusan ang pagsusulat. Matindi ang
pagnanais niyang tapusin na agad ang nobela dahil maging sa kanyang pagtulog ay napapanaginipan
niya may namamatay sa kanyang mga mahal sa buhay. Iniwasan niyang kapusin ang panahon sa
pagsusulat. Batid niyang walang ibang makatatapos ng kanyang obra kung hindi siya lamang.
Hindi lamang kawalan ng pondo ang kanyang suliranin upang matapos ang El Fili. Naging balakid
din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya at sa mga kaibigan. Nakarating sa kanyang kaalaman na
ang kanyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay ipinakasal ng mga magulang nito sa ibang lalaki.
Ipinagpalagay na mababakas ang pighati niya sa pangyayaring ito sa nobela sa bahaging nagtalusira
si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito. Nabatid din niyang ang kanyang
magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol dahil sa usapin
sa lupa at sa maling paratang. Labis siyang nag-alala sa mga mahal niya sa buhay sa Calamba,
Laguna. Maiuugnay ito sa kuwento ni Kabesang Tales na may ipinaglalabang usapin hinggil sa
pangangamkam ng lupa ng mga prayle kahit wala silang katibayan ng pag-aari at nakuha pang
maningil ng buwis sa nasabing kabesa na siyang may –ari ng lupa. Sa pagpapatuloy ng pagsusulat ni
Rizal ng nobela ay nagkaroon siya ng iba’t ibang pangitain. Ganito rin ang pangyayri sa buhay ni
Simoun nang nag-uurong –sulong siyang isagawa ang katuparan ng kanyang plano. Nakita niya ang
nagdusang ama at Elias sa kanyang pangitain. Lumayo rin kay Rizal ang mga kasama niya sa La
Solidaridad. Ikinalungkot din niya ang nakitang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino Ilustrado sa
Espanya na sila sanang pag-asa ng nakalugmok na mamamayan ng Pilipinas. Dahil sa samo’t saring
suliraning naranasan, naisip ni Rizal na sunugin na lamang ang kanyang mga isinulat. Sinasabing
may bahagi sa nobela ang hindi niya napigilang ihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kanyang mga
alalahanin.
Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa
pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang Espanyol ay pinagtibay niya ang kanyang kalooban upang
ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit kulang sa panustos mula sa pamilya. Nang matapos ito noong
Marso 29,1891 at makahanap ng murang palimbagan, ang palimbagang F.Meyer -van Loo sa
Ghent,Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino. Sa kasamaang
palad hindi natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isandaang pahina pa lamang ito nang
maipahinto na dahil naubos na ang kanyang pambayad mula sa salaping kanyang natipid at nang

9
hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Nilimot din ng ilang
mayayamang kaibigang Pilipino ang kanilang pangakong tulong sa paglilimbag ng nobela. Sa oras
ng pangangailangang ito ay himalang dumating ang saklolo ng mayamang kaibigan si Valentin
Ventura. Siya ang gumastos upang maituloy ang nahintong paglilimbag ng nobela noong Setyembre
1891. Dahil mabuting kaibigan si Rizal ay inalay niya ang isang panulat at ang orihinal na
manuskrito ng El Fili kasama ang isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat at pagtanaw
ng malaking utang na loob sa kaibigang si Valentin Ventura. Ipinadala ni Rizal sa Hongkong ang
karamihan ng mga aklat at ang ibang bahagi ng mga ito ay sa Pilipinas napunta pagkatapos niyang
mabigyan ng kopya ang mga kaibigang sina Juan Luna, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena
at Dr Ferdinand Blumentritt.Sa kasamaang palad, nasamsam sa Hongkong ang mga aklat na
ipinadala ni Rizal gayundin ang mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas. Ipinasira ng Pamahalaang
Espanyol ang mga sipi ng nobela subalit may ilang nakalusot at nagbigay ng malaking inspirasyon sa
mga naghihimagsik. Patuloy nitong naantig at nagising ang damdamin ng mga Pilipino. Kung ang
Noli ang gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin ng mga Pilipino ukol sa mga karapatan,
nakatulong naman nang malaki ang El Fili kay Andres Bonifacio at sa katipunan upang iwaksi ang
mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896.
Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa bagumbayan
noong Pebrero1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora dahil
lamang sa maling hinala ng mga Espanyol. Bilang paggalang at pag-aalala sa kanilang sakit at
hinagpis, inihandog niya ang nobela. Wika niya:
“Sa di pagsang-ayon ng relihiyon na alisan kayo ng karangalan sa pagkapari ay inilagay sa
alinlangan ang kasalanang ibinibintang sa inyo; sa pagbabalot ng pagkakamaling nagawa sa isang
masamang sandal at ang buong Pilipinas, sa paggalang sa inyong alaala at pagtawag na kayo’y mga
pinagpala, ay hindi lubos nakilala ang inyong pagkakasala.
Samantala ngang hindi maliwanag na naipakilalang ang inyong pagkakasangkot sa
pagkakagulo sa Kabite, maging bayani man o hindi ng hilig sa kalayaan ay may karapatan akong
ihandog sa inyo, bilang ginahis ng kasamaang ibig kong bakahin, ang aking akda. At habang
hinhintay namin na kilalanin ng Espanya balang araw ang inyong kabutihan at hindi makipanagot sa
pagkakapatay sa inyo, ay maging putong na dahong tuyo man lamang ang inyong liblib na libingan
ang mga dahon ng aklat, at lahat nang walang katunayang maliwanag na umapasala sa inyong alaala
ay mabahiran nawa ang kanilang kamay ng inyong dugo.”
Ayon sa pag-aaral, hindi napatunayan ang pagkakasangkot ng tatlong paring martir sa pag-
alsa sa Cavite. Hindi rin pinayagan muli ng mga Espanyol na mabuksan ang kanilang kaso upang
hindi lumabas pa ang katotohanan. Inihambing naman ni ginoong Ambeth Ocampo ang Noli sa El

10
Fili. May halos apatnapu’t pitong (47) pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura at binago.
Samantalang sa Noli Me Tangere ay ang kabanata lamang tungkol kina Elias at Salome ang hindi
niya naisama sa pag-imprenta subalit buo ito at maaaring isalin at pag-aralan din. Ayon din sa kanya
noong 1925 binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela mula kay Valentin Ventura.
Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang adhikain
subalit siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang
El Filibusterismo na nagsilbi at patuloy na nagsisilbing inspirasyon ng lahat ng Pilipino sa bansa at
maging sa mga Pilipinong nasa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nawa’y isapuso nating lahat ang
mensaheng taglay nito.

Paglalapat:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong upang maipahayag mo ang ang iyong pagkaunawa sa
ilang bahagi ng kasaysayan sa pagkakasulat nito.
1. Ano-anong pangyayari ang nagtulak kay Rizal upang isulat ang El Fili?
2. Saan at kailan niya sinulat ang ikalawang nobela?
3.Ano-anong suliranin ang kanyang naranasan habang isinusulat niya ang nobela? Paano niya
nalalampasan ang mga suliraning ito?
Mga Batayang Tanong
4.Bakit nagmuntik-muntikan nang hindi malimbag ang nobela? Ano ang naging papel ni Valentin
Ventura sa pagkakalimbag nito?
5.Ano-ano kaya ang damdaming naghari kay Rizal nang dumating ang kaibigang si Valentin Ventura
sa panahong napakatindi ng kanyang pangangailangan? Kung hindi sa kanyang napapanahong
pagdating ano kaya ang nangyari sa obra maestro ni Rizal? Maghinuha.

Pagtataya: Batayan sa pagbibigay ng iskor (Rubrik ay nakabatay sa guro)


Panuto: Pumili ng isa sa mga namamayaning pangyayari sa panahong isinusulat ni Rizal ang
nobelang El Filibusterismo at ilahad ang epekto nito sa kanya

11
Linggo 1
MELC 2: Pagtitiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda sa Pamamagitan ng:
Pagtukoy sa mga Kondisyon sa Panahong Isinulat ang Akda, Pagpapatunay ng Pag-iiral ng
mga Kondisyong ito sa Kabuuan o ilang bahagi ng Akda, at Pagtukoy sa Layunin ng May-
akda sa Pagsulat ng Akda
F10PB-IVa-b-86– Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
- pagpapatunay ng pag-iiral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda)

Pagtatalakay: Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre,1887, marami
nang kasawiang dinanas ang kanyang kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng
kanyang nobela. Dumaan sa maraming pagsubok at paghihirap si Rizal para lang matapos at
mailimbag ang nobela subalit hindi siya sumuko dahil sa matinding layunin niya sa pagsusulat na ito.

Gawain:
Panuto: Basahing muli ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo, Lagyan ng tsek (/) kung ang
pahayag ay tumutukoy sa layunin at kondisyon sa panahon na isinulat ang El Fili at ekis (X) naman
kapag hindi.
___ 1. Nabatid din niyang ang kanyang magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng
pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang
___2. Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino
laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang Espanyol

Paglalapat: Panuto: Bigyang patunay na umiiral ang mga sumusunod na kondisyong ito sa panahon
na isinusulat ni Rizal ang akda sa kabuuan o ilang bahagi ng akda.
1. Kinulang siya sa pananalapi nang isulat niya ang Noli at higit siyang kinapos nang isinulat niya
ang El Fili.
2. Nabatid din niyang ang kanyang magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng
pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang.
3. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso.
Paglalahat:
Panuto Sagutin ang sumusunod:
1. Paano hinarap ni Jose Rizal ang mga balakid sa kanyang pagsusulat ng nobela?
2. Makatarungan ba ang ginawang pagpapahirap ng pamahalaang Espanyol sa kanyang pamilya?

12
Pagtataya:
Pagbatayan sa Pagbibigay ng Iskor
Panuto: Sumulat ng paglalarawan ng sitwasyong naranasan ng mga Pilipino sa panahon na isinusulat
ang nobelang El Filibusterismo.

13
Linggo 1
MELC 3: Pag-uugnay ng Kahulugan ng Salita Batay sa Kaligirang Pangkasaysayan Nito
Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito. F10PT-Iva-b-86

Pagtalakay:
May ilang salitang ginagamit sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela na mababasa mo rin sa ibang
bahagi ng nobela. Ang mga salitang ito ay nagtataglay ng kasingkahulugang madaling maunawaan
ng mga mambabasa. Maari ding maunawaan ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa kaligirang
pangkasaysayan ng nobela sa mga diksyonaryo o halawin ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap kung saan ito ginamit.
Gawain 1:
Panuto: Basahing muli ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo at magbigay ng mga salitang
sa palagay mo mahirap unawain at ibigay ang kahulugan nito.
Halimbawa
1. obra-maestra ng may-akda 4. lumiban sa pagkain
2. mga kabuktutan ng mga Espanyol 5. pagkakasangkot sa pagkakagulo
3. palihim na tumalilis
Paglalapat: Panuto: Kilalanin ang mga salitang magkasingkahulugan sa pangungusap. Isulat ang
mga ito sa sagutang papel.
1. Hindi lamang kawalan ng pondo ang naging suliran ni Rizal kulang din ang perang pambayad sa
paglilimbag ng nobela.
2. Naging usapin din ang pangangamkam ng mga Espanyol sa lupain ng mga magulang ni Rizal, pilit
na inangkin ang lupang kanilang sinasaka.
3. Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan ng mga Pilipino naging layunin din niya sa
pagsulat ang gisingin ang damdamin ng mga Pilipino.
Pagtataya: Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang
pahilig sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Nasamsam na mga kopya A. kopya
2. Balakid sa pagsusulat B. mawala, maalis
3. Sipi ng nobela C. sagabal, hadlang
4. Hinimok na umalis D. kinausap upang mapapayag
5. Maiwaksi sa isip E. nakuha

14
Linggo 1
MELC 4: Pagsasalaysay ng magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo
Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo. F10PS
Iva-b-85
Pagtatalakay:
Maging si Jose Rizal at ang kanyang mga pamilya ay naging biktima ng pang-aapi at pagmamalupit
ng mga Kastila. Ito ang mga dahilan kung bakit naging paksa na rin ng kanyang obra-maestra ang
ganoong mga karanasan niya na naging inspirasyon niya sa pagsusulat ng akda. Sa pamamagitan ng
paglalarawan niya at pagbibigay buhay ng mga tauhan sa akda naging matagumpay si Rizal sa
kanyang layunin sa pagsulat ng nobela na gumising sa puso at isipan ng mga Pilipino sa pang-aapi
ng mga Kastila.
Gawain 1:
Panuto: Basahing muli ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo, ibigay ang mga suliraning
kinaharap ni Rizal habang isinusulat niya ang kanyang nobela.
1.
2.
3.
Gawain 2:
Panuto: Tukuyin ang mga kaugnay na pangyayari sa mga naging suliranin ni Rizal sa ilang bahagi ng
kanyang nobela.
1.
2.
3.
Gawain 3:
Panuto: Ano-ano ang naisipang gawin ni Rizal sa kanyang nobelang isinusulat?
1.
2.

15
Gawain 4:
Panuto: Isulat o ilahad ang magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo batay
sa sumusunod na mga sitwasyon:
A. Mga Balakid na Naranasan ni Rizal sa Pagsulat ng El Filibusterismo
1. ____________________________________________________________________.
2._____________________________________________________________________.
B. Mga Naging Pangyayari Upang Matagumpay na Matapos ang Nobela
1.______________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________
C. Mga Hakbang na ginawa ng mga Espanyol Upang Mapigilan ang Pagsulat, Paglathala at
Pagdating ng Nobela sa Kamay ng mga Pilipino.
1._______________________________________________________________________

2._______________________________________________________________________
Repleksiyon
Naging salamin ba ang mga pangyayari sa buhay ni Rizal ang mga pangyayari sa kanyang akda?
Patunayan.

16
Linggo 1
MELC 5: Pagsusulat ng buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa
ginawang timeline
Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa ginawang timeline
F10PS Iva-b-85
Gawain 1:
Panuto: Basahing muli ang kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo at ibigay ang mga
pangyayari sa sumusunod na petsa at lugar.
1. Marso 1887 –
2. Agosto 1887
3. Pebrero 1888
Gawain 2:
Panuto: Batay sa nabasang kasaysayan ng El Filibusterismo, isulat nang patalata ang mga pangyayari
sa lugar at petsa na nabanggit sa kaligirang pangkasaysayan ng nobelang El Filibusterismo.
1. Europa-huling buwan 1884 at unang buwan ng 1885
2. London noong 1890
3. Ghent, Belgium Marso 1891-Setyembre 1891
Gawain 3:
Panuto: Pagkatapos mong mapag-aralan ang kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo, gawan
mo ito ng buod batay sa timeline na makikita mo sa ibaba. Isulat ito nang patalata.

17
(PAG-UULAT NG KLASE SA BAWAT KABANATA)
Linggo 2
MELC 6: Pagtutukoy sa papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda
Layunin: Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda. (F10PB-c-87)
Panimula (Susing Konsepto)
Ang araling ito ay naglalaman ng mahahalagang kabanatang kinasasangkutan ni Basilio at iba
pang tauhang may kaugnayan sa kanya. Bahagi rin ng pagtalakay sa mga piling kabanata ng El
Filibusterismo ang mahahalagang tanong tungkol sa akda na susukat sa iyong dunong na umunawa at
magpahalaga sa kulturang umiiral sa isang tiyak na panahon.
Kilala si Basilio sa pagkakaroon ng magandang pananaw sa buhay ngunit natutong lumaban
at maghiganti pagkatapos dumanas ng kasawian sa buhay. Kung naalala mo pa ang naging karanasan
ni Basilio sa Nobelang Noli Me Tangere ay masasabing masalimuot ang kanyang buhay. Ang
kanyang kapatid na si Crispin na walang kmauwang – muwang sa mundo ay ginawan ng masama ng
mga sakim na prayle. Naging miserable ang kanilang buhay nang iniwan sila ng kanilang ama at
nabaliw ang ina sa kahahanap sa kanila lalo pa nang mamatay ito sa kanyang harapan.
Inilarawan ni Basilio ang isang katangian na nasisisyahang sumunod sa takbo ng pangyayari upang
mapabuti ngunit nagbago ng takbo ng kaniyang pagkatao dulot marahil ng mga kabiguang wala sa
kaniyang hinagap.
Malaki ang ginagampanang papel ng tauhan sa akda. Sila ang nagpapagalaw at nagbibigay
kulay sa isang kuwento. Mas nabibigyang diin nila ang bawat daloy ng pangyayari, napaliliwanagan
ang tunggalian at maging ang tagpuan sa akda.
Pagkatapos ng araling ito ay matutukoy mo ang papel na ginagampanan ng tauhan sa akda sa
pamamagitan ng pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa tunggaliang naganap, pagtiyak sa
tagpuan at pagtukoy sa wakas.
KABANATANG TATALAKAYIN:
WEEK 2 WEEK 3
KABANATA 1 KABANATA 4
KABANATA 2 KABANATA 30 at 9
KABANATA 3 KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 12,13 at 19

18
Mga Batayang Tanong:
Unawain at pag-isipan ang iyong mga kasugutan at isulat ito sa iyong sagutang papel.
a. Ano ang suliraning masisilayan sa binasang kabanata na makikita rin sa kasalukuyang
panahon? Patunayan ang sagot.
b. Kung ikaw si Basilio sasang-ayon ka ba sa binanggit ni Simoun? Bakit?
c. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ni Basilio at Simoun sa binasang kabanata?
Ipangatuwiran ang sagot.

Gawain 1: Papel ng Tauhan


Panuto: Tukuyin kung ano ang papel na ginagampanan ng sumusunod na tauhan.

HANAY A HANAY B
________1. Mayamang mag-aalahas pinagka- a. Kapitan Heneral
Malang indiyong Ingles. b. Simoun
________2. Isang binatang may matayog na isipan c. Huli
Makata at katipan ni Paulita Gomez. d. Isagani
________3. Katipan ni Basilio, anak ni Kabesang e. Basilio
Tales nagpaaila upang matubos ang ama. f. Juanito Pelaez
________4. Isang binatang nagsumikap at nakapag-
Tapos ng medisina.
________5. Ang pinakamataas na pinuno ng bayan.

Gawain 2: Papel na Ginagampanan ng Tauhan


Tukuyin ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamgitan ng pagtukoy ng
kanilang kilos, paniniwala at gawi.
BASILIO
A. Kilos
_________________________________________________________________________________
B. Paniniwala
_________________________________________________________________________________
C. Gawi
_______________________________________________________________________________
D. Paninindigan
_________________________________________________________________________________

SIMOUN

19
A. Kilos
_________________________________________________________________________________
B. Paniniwala
_________________________________________________________________________________

C. Gawi
_________________________________________________________________________________

D. Paninindigan
_________________________________________________________________________

20
Linggo 3
MELC 7: Pagbibigay-kahulugan sa Matatalinhagang Pahayag na Ginamit sa Binasang
Kabanata ng Nobela
Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng nobela
F10PBT-IVb-c-83

Panimula:
Nabubuhay tayo ngayon sa isang lipunang lubhang laganap ang paggamit ng ipanagbabawal na
gamot. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang paggamit ng mga bawal na droga ay nauna nang sinubok at
ginamit bilang panlunas o pampaginhawa a lahata ng uri ng sakit o karamdaman. Subalit inaabuso
ang paggamit nito hanggang nakasanayan ng isang tao sa ibinibigay nitong ginhawa at kasiyahan.
Galing ito sa mga mangangalakal na intsik. Ang gamot na ito ay tinatawag na Opyo. Ipinagbawal
ang paggamit ng opyo subalit lumaganap na ang taniman nito sa Pilipinas, bagay na nakapagpalubha
sa problema ng bayan sa kasalukuyan.
Ang pamahalaan ang dapat magprotekta sa mamamayan kasama ang buhay at mga karapatan nito.
Gayundin dapat ibigay ng mamamayan ang kaniyang walang pag-iimbot na kapanagutan sa baying
pinamumunuan ng pamahalaan. Ang suporta ng mamamayan ang magpapatatag ng mga batas sa
ilalim ng imiiral na Saligang Batas ng bayan.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga kaganapang palasak sa ating lipunang ginagawalan.
Matutunghayan mo ang mga naging karanasan ng mag-aaral noong unang panahon kung paano nila
itinataguyod ang kanilang karapatan bilang mamamayan ng Pilipinas. Mababatid mo rin ang
karanasan ng mga tauhan na maaaring magbukas ng iyong isipan sa malawakang pananaw batay sa
mga bagay-bagay sa kasalukuyan.
Ang matatalinghagang pahayagay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng
paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino. Narito ang ilang halimbawa ng
matatalinghagang pahayagat ang kahulugan ng mga ito. Matalinghagang Pahayag / Kahulugan
magsunog ng kilay/ mag-aral nang mabuti
balitang kutsero/ hindi totoo
mababa ang luha/ iyakin
tulog na mantika/ mahabang oras ng pagtulog
nagtataingang kawali/ nagbibingi-bingihan
pinagbiyak na bunga/ magkamukha
bugtong na anak/ kaisa-isang anak
kabiyak ng dibdib/ asawa

21
ilista sa tubig/ kalimutan
nalakad-pagong/ mabagal
Ang matalinhagang pahayag ay nagbibigay kulay sa mga nais nating bitawang kataga o pahayag.
Nabibigyang diin nito ang layunin natin sa pagpapahiwatig ng ating nararamdaman. Sa Nobelang El
Filibusterismo ay mayroong mga bagay na nais tumbukin ang ating bayaning si Jose Rizal at upang
mas kaaya-aya ito, siya ay gumamit ng matatalinhagang pahayag sa mga pangyayaring nagaganap sa
kabanata. Pagkatapos ng araling ito ay mabibigyan mo ng kahulugan ang matatalinhagang
salita/pahayag na makikita sa binasang kabanata ng nobela.
KABANATANG TATALAKAYIN:
Linggo 3
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 31
Gawain 1: Paglahad ng Kaisipan
Panuto: Ibigay ang nais ipabatid ng sumusunod na pahayag sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
katanungan sa ibaba.
A. “Ang tao at ang pamahalaan ay magkaayon. Ang masamang pamahalaan ay hindi
nararapat sa mabuting tao, gayon din naman, walang masasamang tao sa ilalim ng
makatarungan at matatalinong pinuno”. - Jose Rizal

B. “Kapag naman “malinaw ang tubig” pinakapuri-puri siya at tinatawag pang anak.”
Gabay na Tanong:
1. Ano ang kaisipang nais ipabatid sa unang pahayag?
2. Ano ang ibig sabihin ng “Ang masamang pamahalaan ay hindi nararapat sa mabuting tao?”
Pangatuwiranin ang sagot.
3. Pansinin ang ikalawang pahayag ano ang nais nitong ipabatid?
4. Ano nag kahulugan ng Malinaw na tubig?
5. Ano ang tawag natin sa mga pahayag na hindi literal ang pagpapakahulugan?

22
Mga Batayang Tanong:
Unawain at pag-isipan ang iyong mga kasugutan at isulat ito sa iyong sagutang papel.

a. Ano ang sanhi ng pagguho ng mundo ni Simoun? Bakit?


b. Paano hinarap ni Basilio ang dagok na kanyang natamo sa binasang kabanata?
c. Paano umiiral ang kasamaang dulot ng pamahalaan sa kabataan?
d. Ano ang balak ng Heneral sa binitawang katagang - kapag sa ibang araw ay nakapagsalita na
sila (mga Pilipino) ay alalahanin nilang sa Espanya ay may pusong tumitibok sa kanila at
nakikipagtunggali ng dahil sa karapatan ng mga Indio.? Ipaliwanag ang sagot.
e. Paano nakatutulong ang matalinhagang pahayag sa pagsasalaysay?

Paglalapat: Ang Matatalinhagang pahayag


Panuto: Balikan ang kabanata 23. Pumili ng matatalinhagang pahayag na sinalungguhitan at ibigay
ang kahulugan ng mga ito.
Matalinhagang salita/pahayag:
__________________________________________________________________________
Kahulugan:
__________________________________________________________________________
Matalinhagang salita/pahayag:
__________________________________________________________________________
Kahulugan:
__________________________________________________________________________
Matalinhagang salita/pahayag:
__________________________________________________________________________
Kahulugan:
__________________________________________________________________________

Pagtataya: Pagbibigay kahulugan


I. Panuto: Bigyang kahulugan ang nasalungguhitang matatalinhagang salita/pahayag.

__________1. Nagsunog ng kilay si Basilio upang makakuha ng mataas na karangalan


sa kanyang pag-aaral.
__________2. Parang nakalutang sa ulap si Padre Salvi sa tuwing makikita si Maria
Clara.

23
__________3. Talagang daranak ang dugo kung walang magtitimpi sa mga pang-
aabuso ng mga may kapangyarihan.
__________4. Tila naging tinik sa lalamunan ng Heneral ang mga mag-aaral.
__________5. Nanlumo ang kapitan nang malamang namatay ang bugtong na anak.
__________6. Bukas-palad ang kawani sa nangangailangan ng tulong.
__________7. Hindi maipagkakaila ni Basilio na binigyan siya ng kapitan ng maalyaw
na buhay.
__________8. Nais ni Simoun na ibaon na lamang sa hukay ang nangyari sa irog
bagamat hindi na ito makararanas pa ng kasamaang hatid ng pamahalaan.

__________9. Isang malaanghel na kamay ang kumalinga kay Basilio.


__________10. Sumagi sa isip at damdamin ni Simoun ang di-matingkalang lungkot
tungkol sa masasayang araw nila ng kasintahan.

24
Linggo 4-5
PAUNAWA: Mauuna muna ang MELC 9 upang matalakay ang mga karugtong na mga
kabanata

MELC 9: Pagsulat ng buod ng binasang mga kabanata


Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata (F10PU-IVb-c-86)

Mga tatalakaying mga kabanata:


Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 25

Ang Buod ay maaaring tumukoy sa:


• Buod (pilosopiya), ang "katas" ng isang bagay na nagbibigay-katiyakan dito
• Konklusyon, isang panukala sa pagtatapos ng isang argumento, pagkatapos ng isang saligan
• Paglalagom, ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda o narinig na maikling paraan na
ginagamitan ng sariling pananalita.
Buod, lagom o sinopsis, presi, hawig, sintesis, at abstrak
paraan ng pagbubuod upang mag-ugnay ng impormasyon at ideya:
Buod ay maaaring tumutukoy sa siksik at pinaikling bersiyon ng teksto. Ang teksto ay maaaring
nakasulat, pinanood, o pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang
ideya o datos.
Mahalaga, kung gayon, ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na
teksto. Kadalasan, nakatutulong ang pagbubuod sa paglilinaw sa lohika at kronolohiya ng mga ideya
lalo na sa mga hindi organisado o komplikadong paraan ng pagkasulat sa teksto.
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda; bagkus ay gumagamit ng sariling
pananalita.
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.
Pangunahing mga katangian ng pagbubuod:
1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.
2. Sa mga nakasulat o kabanata ng isang pinanood, pinakinggan o binasa, tukuyin ang paksang
pangungusap o pinakatema. Tukuyin din ang mga susing salita (key words).
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.

25
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto. Huwag gumamit ng mga salita o
pangungusap mula sa teksto.
5. Huwag maglalagay ng mga detalye, halimbawa, at ebidensiya.
6. Makatutulong ang paggamit ng mga signal word o mga salitang nagbibigay transisyon sa
mga ideya.
7. Huwag magsisingit ng mga opinyon.

Mga hakbang sa pagbubuod:


1. Maaaring gumawa muna ng story map o graphic organizer upang malinawan ang daloy ng
pangyayari.
2. Isulat ang buod sa isang talata kung saan ilalahad ang pangunahing karakter, ang tunggalian,
at ang resolusyon ng tunggalian.
Lagom o Sinopsis
Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.
Karaniwang di-lalampas ito sa dalawang pahina. Ito rin ang ginagamit sa mga panloob o panlabas ng
pabalat ng isang nobela na tinatawag na jacket blurb.
1. Basahin ang bawat kabanata.
2. Isulat ang mga tema at simbolismo sa bawat kabanata.
3. Igawa ng balangkas ang bawat kabanata. Bubuuin ito ng mahahalagang puntos at
impormasyon tungkol sa tauhan. (suliraning kinakarahap nito)
4. Gumawa ng isa hanggang dalawang pangungusap na buod, storyline, o tema.
5. Gawan ng sinopsis ang bawat kabanata. Ikuwento ang buong istorya gamit ang mga datos
mula sa bawat kabanata. Hindi kailangang ipaliwanag ang lahat ng bagay.
6. Sundin ang kronolohiya ng istorya. Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa.
Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit dito.

Gawain : Pagbuod
Panuto: Pumili ng dalawang kabanata ng El Filibusterismo na tinalakay sa linggong ito at ibuod ito
sa loob ng dalawang talata.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

26
Gawain 2: Pagbabalangkas
Ibuod ang buong kabanatang binasa sa linggong ito sa pamamagitan ng pagpapasunud-
sunod ng mahahalagang pangyayayari sa ibaba.
_____1. Hindi matanggap ng mataas na kawani ang ginawa ng heneral sa hindi niya pagpapalaya kay
Basilio.
_____2. Mag-uumaga na nagpaalaman na silang dalawa. May pabaong bilin si Simoun sa binata,
hindi niya pinipigilan ito na ibunyag ang lihim at kung kailangan nito ng tulong niya ay magpunta
lamang siya sa Escolta.
______3. Sinalat ni Basilio ang baril sa kanyang lukbutan. Nababagot na siya sa pagdaan ng oras, at
sinabing sanay dumating na ang kahindik-hindik na sandali.
______4. Pabalik na sa bayan si Basilio nang makita niya si Simoun. Nagulat siya sa kanyang
natuklasan . Hindi siya nagkamali ,si Simoun at si Ibarra ay iisa.
______5. Nais ni Simoun na pangunahan ni Basilio ang isang pangkat ng kalalakihang wawasak sa
pintuan ng kumbento at kunin si Maria Clara. Pero ayon kay Basilio, wala nang kabuluhan ang
kanilan ng paghihirap, sapagkat nang hapong yaon ay namatay na si Maria Clara.

27
Linggo 6
MELC 10: Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipang namayani sa akda. F10PN-IVd-e-85

Kabanatang Tatalakayin:
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29

Repleksiyon
“May mga Pilipino ring nagpapahirap sa kapwa Pilipino”.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
LINGGO 6
MELC 8: Pagsusuri sa Binasang Buod batay s Katangian ng Tauhan, Pagkamakatotohanan
ng Pangyayari at Tunggalian sa Bawat Kabanata.
Layunin: Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda batay sa:
Katangian ng mga tauhan, pagkamakatotohanan ng mga pangyayari at tunggalian sa bawat
kabanata (F10PS-IVb-c-86)

Panimula (Susing Konsepto)


Ang nagkakaisang damdamin, aspirasyon at ideolohiya ang nagbunsod sa makasaysayang
People Power noong 1986. Hinangaan at pinalakpakan ng daigdig ang mapayapang rebolusyon sa
Pilipinas. Kinilala ang kahanga-hangang pagpapalit ng liderato mula sa itinuturing na diktatoryal na
pamamahala tungo sa isang demokratikong sistema. Pinatunayan ng kasaysayan na maaaring
lansagin ang isang di-makatuwirang pamahalaan sa pamamagitan ng mapayapang kilusan. Hindi
kailangan ang armas at madugong labanan para makamit ang ninanais na pagbabago. Walang
sinuman ang may karapatang magpasiya sa buhay ng iba; Diyos lamang ang makagigiba at babawi
sa buhay ng Kanyang nilikha.

28
Ang kasagraduhan ng kasal ay hindi mailalarawan sa karangyaan ng paghahanda. Ang
pinakamahalaga sa lahat ay ang katapatan ng pag-iisang dibdib ng mga ikakasal. Samantala, ang
pagpili ng mga ninong at ninang ay dapat sumentri sa tunay na kadahilanan ng pagkakaroon nito sa
mga ikinakasal. Dapat isaalang-alang ang kanilang mga tungkulin at kapanagutan sa mga inaanak.
Ang mga ninong at ninang ay ikalawang magulang ng mga ikinakasal o binibinyagan. Ito ang tunay
na diwa ng kanilang tungkulin. Ang wagas na pag-ibig ay walang kapantay, hindi mapag-imbot ni
mapagkunwari, ito’y sumisibol sa puso’t damdaming marangal.
Tatalakayin sa araling ito ang tungkol sa pakikipaglaban ng karapatan ng mga tauhan na may
kaugnayan sa kasaysayan ng Pilipinas. Matutunghayan sa aralin kung paano magbibigay aral ang
dagok na ito sa buhay ng isang tao. Gayundin ang kahalagahan ng pag-iisang dibdib. Ang pagiging
sagrado nito na nararapat na naayon sa batas ng Panginoon at kulturang nakagisnan.
Sa araling ito ay inaasahang makasusuri ka ng katangian ng mga tauhan,
pagkamakatotohanan ng mga pangyayari at tunggaliang makikita sa binasang buod ng bawat
kabanata.
Gawain 1: Katangian ng Tauhan
Panuto: Gamit ang venn diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ni Basilio at Simuon.

Gabay na Tanong:
1. Anong katangian ni Simoun at Basilio ang lubos mong hinahangaan? Ipaliwanag.
2. Ano ang pagsubok na tinatamasa ni Basilio na naranasan ng iilang magaaral ngayon?

Mga tatalakaying Kabanata


Kabanata 33 at 34
Kabanata 35

Mga Batayang Tanong:


Unawain at pag-isipan ang iyong mga kasugutan at isulat ito sa iyong sagutang papel.

29
a. Ano ang ibig pakahulugan ni Simoun sa pahayag na “Ang mga amang may lahing duwag ay
magmamana kundi mga alipin.”? Pangatuwiranin ang sagot.
b. Ano ang balak ni Simoun sa kanyang isinagawang pagpaplano?
c. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Basilio sasanib ka rin ba sa plano ni Simoun? Ipaliwanag
ang sagot.
d. Anong uri ng tunggalian ang masisilayan sa binasang buod?
e. Makatotohanan ba ang naging karanasan ni Basilio magpahanggang ngayon?
Paglalapat: Pagsusuri sa binasang buod
Panuto: Suriin ang binasang buod at ibigay ang mga sumusunod.
Pumili ng tauhang binanggit sa binasang kabanata
Ilarawan ang kanilang katangian
Ilahad ang suliraning kanilang kinaharap at tukuyin kung anong uri ng tunggalian.
Patunayan kung ito ay nangyari sa totoong buhay.

SULIRANING MAKATOTOHANANG
MGA TAUHAN KATANGIAN NARANASAN SA PANGYAYARI
KUWENTO
1.

2.

3.

30
Linggo 6
MELC 11: Nasusuri ang mga Kaisipang Lutang sa akda (Diyos, Bayan, Kapwa tao, Magulang)
Layunin:m Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa tao at magulang).
F10PB-IVd-e-88

PANIMULA (Susing Konsepto)


Ang PANINIWALA SA DIYOS ito ang taong may takot at malakas ang pananampalataya sa
Diyos na kaya niyang malampasan ang mga hamon sa buhay. Ang pag-asa sa mga milagro. Inilagay
ni Huli ang perang napagbilhan ng kanyang mga alahas sa ilalim ng imahen ng Birhen at umaasang
iyon ay magiging doble kinabukasan. Sinanay ng mga prayle noon ang mga Pilipino sa ganitong pag-
asa sa mga milagro upang matuto pang magtiis ang mga katutubo at iasa ang kanilang bukas sa
pagmimilagro ng kanilang mga patrong santo sa halip na gumawa sila ng mga paraang maaring sa
pag-uusig sa maykapangyarihan ay humantong sa himagsikan. Ito kaya ang nakatulong sa ating
pagpapaubaya ng lahat kay Bathala o ang kaisipan natin na BAHALA NA?
Ang PAGMAMAHAL SA BAYAN dito natin makikita kung meron bang pagpapahalaga ang
isang tao sa kanyang bayan kung handa ba siyang magsilbi sa bayan para sa ikabubuti ng kanyang
mamayanan. Si kabesang tales ay sumisimbolo sa mga Pilipinong gusto ng makatakas sa higpit ng
mga kastila, mga Pilipinong ayaw na maging sunod-sunuran na lamang, mga Pilipinong pagod na sa
kanilang pamamahala.
Ang PAG IBIG SA MAGULANG ay kailan man ay hindi mapapantayan dahil simula't
pagkabata sila na ang nag aruga, nag alaga at nagbigay buhay sa atin. Si Kabesang tales ang ama ng
dalaga na si Lucia at isang cabeza de barangay na yumaman dahil sa tiyaga. Masipag, Matiyaga, at
responsableng ama si Kabesang Tales nagsumikap siya upang mabuhay nang maayos ang kanyang
pamilya maganda ang pangarap nya sa kanyang mga anak, lalo na kay Juli gusto niya itong papag-
aralin sa Maynila kaya naman nagsisipag siya nang mabuti.
Ang PANINIWALA SA KAPWA TAO naniniwala si Kabesang Tales na ang mga hukom ay
takot sa mga prayle. Kung tutuusin ang mga batas na ipinapasa ng mga Kastila ay mabubuti iyon nga
lang ay pinapadumi ito ng mga prayle na walang ibang ginawa kundi mang-agaw ng mga lupain at
mang-api ng mga PIlipino.

31
Pagsasanay/aktibidad
Gawain 1:
Panuto: Ang mga sumusunod na larawan ay kakikitaan ng kaisipan mula sa akdang binasa. Suriin
kung ito ay tungkol Diyos, bayan, kapwa tao at magulang. Panindigan ang sagot.
1. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

2.____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

Pagtataya: Panuto: Suriin ang pahayag mula sa akda. Gawin ito sa tatlong pangungusap lamang.
“Mangungutang na lamang ako kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang isang utusan”
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

32
MELC 13
Naipapaliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng:
- Karanasang pansarili
- Gawaing pangkumunidad
- Isyung pambansa
- Panyayaring pandaigdig
-
MELC 14:
Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang
hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin (F10WG-IVD-e-80)

WAKAS NA PAGTATALAKAY

Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39

33
EL FILIBUSTERISMO
Mga Tauhan
• Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng
Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
• Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
• Basilio - ang mag-aarál ng medisina at kasintahan ni Juli.
• Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na
inaangkin ng mga prayle.
• Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kaniyang sariling apo.
• Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
• Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez.
• Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning
pampaaralan.
• Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
• Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
• Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
• Padre Florentino - ang amain ni Isagani
• Don Custodio - ang kilalá sa tawag na Buena Tinta
• Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
• Juanito Pelaez - ang mag-aarál na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang
angkang may dugóng Kastila
• Macaraig/Makaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
• Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
• Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin
ni Paulita.
• Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
• Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
• Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
• Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
• Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
• Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
• Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

34
• Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibígan daw ni Don Custodio.
• Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang
panlabas na anyo.
• Tiyo Kiko - matalik na kaibígan ni Camaroncocido.
• Gertrude - mang-aawit sa palabas.
• Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
• Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina

35
Ang Kabuuang Buod ng El Filibusterismo
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa
mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang
nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si
Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang
si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun
na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang
layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang
kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino
ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila.
Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagkat napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito
ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang
pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa
binabalak niyang paghihimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa
kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subalit hindi naibunsod ang ganitong gawain
dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hápong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang samâ ng loob ukol sa
kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salusalo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga
talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang
pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na
lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa,
at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng
mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang
malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang
mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang
dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa
halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng
pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa
negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang

36
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang
Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na
katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun.
Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang
ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara
na may hugis-granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog
sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang
kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawán ay magbibigay ng isang
maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas
ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang granada
ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan — at walang
sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa
lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni
Simoun.
Mag-iikapito pa lámang ng gabí ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng
bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na
yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana ngunit namalas
niyang dumating si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas
ngunit di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana
subalit hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na
loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay
nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa
bahay ni Pari Florentino, sa baybáyin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga
alagad ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahúli nang buháy.
Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya dito ang malungkot na
kasaysayan ng kanyang búhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong
taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa
pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik.
Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.

37
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang
naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga buktot na gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa
karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

El Filibusterismo Buod ng Bawat Kabanata at mga Talasalitaan

Kabanata 1 – Sa Ibabaw ng Kubyerta Kabanata 21 – Mga Anyo ng Taga-Maynila


Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta Kabanata 22 – Ang Palabas
Kabanata 3 – Ang mga Alamat Kabanata 23 – Isang Bangkay
Kabanata 4 – Kabesang Tales Kabanata 24 – Mga Pangarap
Kabanata 5 – Ang Noche Buena ng Isang Kabanata 25 – Tawanan at Iyakan
Kutsero Kabanata 26 – Mga Paskil
Kabanata 6 – Si Basilio Kabanata 27 – Ang Prayle at ang Estudyante
Kabanata 7 – Si Simoun Kabanata 28 – Pagkatakot
Kabanata 8 – Maligayang Pasko Kabanata 29 – Ang Huling Pati-ukol kay
Kabanata 9 – Ang mga Pilato Kapitan Tiyago
Kabanata 10 – Kayamanan at Karalitaan Kabanata 30 – Si Huli
Kabanata 11 – Los Baños Kabanata 31 – Ang Mataas na Kawani
Kabanata 12 – Placido Penitente Kabanata 32 – Ang Bunga ng mga Paskil
Kabanata 13 – Ang Klase sa Pisika Kabanata 33 – Ang Huling Matuwid
Kabanata 14 – Sa Bahay ng mga Mag-aaral Kabanata 34 – Ang Kasal ni Paulita
Kabanata 15 – Si Senyor Pasta Kabanata 35 – Ang Piging
Kabanata 16 – Ang Kasawian ng Isang Intsik Kabanata 36 – Mga Kapighatian ni Ben Zayb
Kabanata 17 – Ang Perya sa Quiapo Kabanata 37 – Ang Hiwagaan
Kabanata 18 – Ang mga Kadayaan Kabanata 38 – Kasawiang-palad
Kabanata 19 – Ang Mitsa Kabanata 39 – Katapusang Kabanata
Kabanata 20 – Si Don Custodio

38
Kabanata 1 – Sa Ibabaw ng Kubyerta

Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng Disyembre. Patungo ito sa Laguna
at lulan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral,
Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun.Mataas ang tingin ng mga tao kay Simoun dahil na rin alam nila,
lalo na ng mga tao sa Maynila, na naiimpluwensiyahan nito ang Kapitan Heneral.Dahil sa kabagalan
ng bapor habang sila’y naglalakbay ay napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta ang pagpapalalim ng
ilog Pasig.Sa kanilang usapan ay iminungkahi ni Simoun na gumawa ng tuwid na kanal na mag-
uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.Nagkasagutan sila ni Don Custodio na isang
opisyal na konsehal at nagbigay ng solusyon na kumbinsihin na lang diumano ang mga tao na mag-
alaga ng itik. Kinakain daw kasi ng mga itik ang mga suso sa ilog. Sa ganitong paraan, huhukayin
daw ng mga tao ang ilog upang may makuhang suso na kanilang ipapakain sa mga alagang itik.
Ngunit hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang naturang suhestyon dahil nadidiri siya sa balot.

Talasalitaan:
Garote – bitayan na ang isang lubid na nakasilo sa leeg ng bibitayin ay napipilipit ng isang pamihit sa
likod ng bibitayin hanggang mamatay sa sakal
Kubyerta – bahagi ng bapor
Pagpugay – paggahasa, pang-rape
Pagtutsada – pagmumura nang may paghamak
Panukala – mungkahi, balakin
Paring regular – uri ng pari, kasama sa orden o korporasyon
Paring sekular – uri ng pari, karaniwa’y Pilipino na walang kinasasapiang samahan o orden
Tandisan – tuwiran, harapan
Tikin – mahabang payat na kawayan na ginagamit sa pagpapatakbo ng sasakyang-pantubig sa
pamamagitan ng mga bisig
Uldog – pari, prayle

39
Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta
Pumunta si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Palibhasa’t lahat ng gamit at mga kargamento ay
doon din matatagpuan kaya naman masikip masikip sa lugar na iyon para sa mga pasahero. Naroon
sa ilalim ng kubyerta ang dalawang estudyate na sina Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay
nang manggamot, at si Isagani na isang makata at katatapos pa lamang sa Ateneo. Kausap ng dalawa
si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng kanilang pag-uusap si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya,
ani Padre Irene na naging tagapayo ng kapitan nitong nga huling araw. Napunta naman ang usapan
sa paaralang balak ng mga estudyante tungkol sa pagtuturo ng mga Kastila. Ayon kay Kapitan
Basilio ay hindi raw ito magtatagumpay. Tutol naman dito ang dalawang binata. Maya-maya pa’y
lumayo na si Kapitan Basilio. Noo’y napag-usapan nila si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani
na maganda, mayaman at may pinag-aralan na pamangkin ni Donya Victorina. Ipinahahanap ng
Donya kay Isagani ang kanyang asawa na si Don Tiburcio de Espadaña. Ito ay nasa bahay pa ni
Padre Florentino na amain ng binata, nagtatago. Ilang sandali pa’y dumating si Simoun at kinausap
ng magkabigan. Agad na ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Ani Simoun, hindi niya
nadadalaw ang lalawigan nina Basilio dahil ang kanilang lalawigan ay mahirap at di makabibili ng
alahas. Tinutulan naman ito ni Isagani at sinabing hindi sila namimili ng alahas dahil hindi naman
nila kailangan. Napangiti si Simoun sa sinabi ng binata. Paliwanag niya, dukha daw ang lalawigang
nabanggit niya dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino. Inanyayahan ni Simoun ang magkaibigan
sa pag-inom ng serbesa ngunit ito’y tinanggihan ng dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi umano ni
Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at hindi ng serbesa.
Tinugon siya ni Basilio at sinabing, “sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng
tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan.” Dagdag pa ni
Isagani, “lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak;
nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan.” Tinananong naman ni Simoun kung
ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na
karagatan ang tubig. Sinagot siya ni Isagani ng “kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting
ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao.” Binigkas din ni
Basilio ang isang tula ni Isagani tungkol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina
(steam engine). Ngunit ayon kay Simoun ay pangarap daw iyon dahil ang makina ay hahanapin pa.
Nang umalis na si Simoun ay saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na
tinatawag ding Kardinal Moreno. Pamaya-maya pa’y may dumating na utusan upang ipatawag ang
pamangkin ni Padre Florentino. Ngunit nakita ng kapitan ang pari kaya ito ay inanyayahang
pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.

40
Talasalitaan
Alintana – iniinda
Makihalubilo – makisama
Namula – napahiya
Paurong – paatras
Pinagpupugayan – ibinabalik ang pagbati
Sagabal – hadlang
Sumabat – sumingit
Sumugat – nakasakit
Tutulan – tatangihan
Umiral – namayani

41
Kabanata 3 – Ang mga Alamat
Naabutan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga tao sa itaas ng kubyerta. Pinag-
uusapan ng mga pari ang pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan.
Pagkaraan ay dumating si Simoun. Aniya, sayang raw at hindi niya nakita ang mga dinaanan ng
bapor. Wala daw kwenta sa kanya ang alinmang pook na kanyang makikita kung wala rin namang
alamat ang mga ito. Kaya naman sinimulang isalaysay ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato.
Anang Kapitan, ito daw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang
tirahan daw ito ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, sa halip ay nasalin sa mga tulisan ang
takot. Nabanggit ng Kapitan ang alamat tungkol kay Donya Geronima at inanyayahan na si Padre
Florentino ang magsalaysay ng alamat. May magkasintahan umano sa Espanya at ang lalaki ay
naging arsobispo sa Maynila. Nagbalatkayo daw ang babae, sinundan ang kasintahan sa Maynila at
hinihiling na sundin nito ang pangako na magpakasal sila. Ngunit may ibang naisip ang arsobispo. Sa
halip na pakasal ay itinira niya ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig. Nagandahan si
Ben Zayb sa alamat. Nainggit naman si Donya Victorina at ibig ding manirahan sa kweba. Tinanong
ni Simoun si Padre Salvi ng, “Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang
beateryo tulad ni Sta. Clara?” Sinagot ng pari ang tanong ni Simoun at sinabing hindi daw siya
makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo. Upang mabago naman ang kanilang usapin ay
isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwaya.
Naging bato diumano ang mga buwaya ng dasalan ng Intsik ang santo. Nang datnan ng bapor ang
lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan banda doon napatay ang isang Guevarra,
Navarra o Ibarra. Itinuro naman ng Kapitan kung saan. Sa tubig ay naghanap pa ng bakas si Donya
Victorina ng pagkamatay kahit labingtatlong taon na ang nakalilipas mula ng mangyari iyon. Ayon
kay Padre Salvi, nakasama daw ng ama ang bangkay ng kanyang anak. Dagdag naman ni Ben Zayb,
‘yon daw ang pinakmurang libing. Kaya naman nagtawanan ang iba. Namutla naman si Simoun at
walang kibo. Ipinagpalagay na lamang ng Kapitan na nahihilo ito dahil sa paglalakbay.

Talasalitaan
Baging – halamang gumagapang
Bangketa – handaan
Muog – pader
Sinisiyab – binabangga
Taripa – buwis

42
Kabanata 4 – Kabesang Tales
Si Tandang Selo na umampon noon sa gubat kay Basilio ay matanda na. Ang anak nitong si
Kabesang Tales ay isa nang Kabesa de Baranggay. May tatlo itong anak, sina Lucia, Tano, at Juli.
Namatay si Lucia at ang kanyang asawa dahil sa malaria. Sina Tano at Juli na lamang ang buhay.
Yumaman na sila dahil sa tiyaga. Nakisama si Kabesang Tales sa namumuhunan sa bukid at nang
makaipon ng kaunti ay nagbungkal ng lupa sa gubat. Nang maipagtanong na walang may-ari sa
naturang lupa ay ginawa niya itong tubuhan. Inisip din niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Juli upang
mapantay kay Basilio na kasintahan nito. Nang umunlad ang bukid ay inangkin ito ng mga prayle at
pinagbayad ng buwis si Kabesang Tales. Tinaasan ng tinaasan ng mga pari ang buwis at nang di na
kinaya ng Kabesa ay nakipag-asunto ito sa mga prayle. Dinala ni Kabesang Tales sa korte upang
maayos ang problema. Ngunit natalo ang Kabesa dahil nasa ilalim ng impluwensya ng mga prayle
ang gobyerno. Nang tuluyan nang hindi makabayad ng buwis si Kabesang Tales ay ipinaglaban pa
rin niya ang lupa sa pamamagitan ng pagbabantay dito. Sa kanyang pagbabantay ay nagdala siya ng
baril na kinumpiska ng prayle. Sumunod ay itak naman ang kanyang dinala ngunit ipinagbawal itong
muli ng mga pari. Sa huli ay palakol na lamang ang dinala ng Kabesa sa pagbabantay. Kalaunan ay
dinakip ng mga tulisan si Kabesang Tales dahil may perang nakita sa kanya at nakakapagbayad ng
abogado para sa kaso niya. Ipinatubos naman siya sa halagang 500. Upang may maipantubos sa ama
ay ibinenta ni Julia ang kanyang mga alahas liban sa bigay ng kanyang nobyo na isang laket na
pagmamay-ari ni Maria Clara. Nang di sumapat ang perang pantubos ay namasukan siyang katulong
sa tahanan ni Hermana Penchang. Bisperas noon ng Pasko kaya kinabukasan ay maninilbihan na siya
bilang isang alila. Dahil sa pangyayaring ito ay hindi na nakapag-aral si Juli. Masalimuot naman ang
naging panaginip ng dalaga ng gabing iyon.
Talasalitaan
Gulok – isang malaking kutsilyo; bolo
Kabesa de Barangay – pinuno ng Nayon noong panahon ng Kastila
Manilbihan – maglingkod
Naidlip – nakatulog
Nilinang – tinamnan
Pag-asenso – pag-unlad
Palayok – isang lalagyan para sa pagluluto; kaldero
Pusod – gitna
Sinamsam – kinuha o ipinatapon
Tulisan – taong humaharang sa mga taong naglalakbay upang magnakaw

43
Kabanata 5 – Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Gabi na noon at kasabay ng pag-uwi ni Basilio sa bayan ng San Diego ay ang nagaganap na
prusisyong pang-noche Buena. Nalimutan ng kutserong si Sinang ang kanyang sedula kaya’t ito’y
kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil. Pagkatapos ay napag-usapan nila ang
imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod nito’y idinaan ang
mga imahen ng tatlong Haring Mago. Dahil dito’y naalala ni Sinang si Haring Melchor na
kayumanggi ang balat. Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni
Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Pinaniniwalaan kasi na hari ng mga Pilipino
si Bernardo Carpio na makakapagpalaya diumano sa bayan. Pagkaraan ay nadaan rin nila ang ilang
mga imahen, ang huli sa mga ito ay ang imahen ng birheng Maria na tila malungkot. Nahuli muli si
Sinang dahil hindi niya namalayang namatay na ang ilaw ng kanyang kalesa. Sa pagkakataong ito ay
dinala na sa presinto ang kutsero kaya bumaba na lamang si Basilio at naglakad. Sa paglalakad ni
Basilio ay napansin niya na wala masyadong parol ang mga bahay at tahimik ang karamihan maliban
sa bahay ni Kapitan Basilio na puno ng kaligayahan. Nakita niya dito ang alperes, ang kura, at si
Simoun. Nakarating din si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan siya’y binati ng mga
katiwala. Ikinuwento ng mga ito kay Basilio ang tungkol sa mga pangyayari sa bukid kung saan
maraming namatay na hayop at katiwala at sa balitang nadakip si Kabesang Tales, ang ama ng
kanyang nobyang si Juli.

Talasalitaan
Ipipiit – ikukulong
Karumata – kalesa
Karumata – kalesa
Kinulata – hinampas; pinukpok ng baril
Kutsero – taong nagpapatakbo ng kalesa
Natubigan – natigilan
Pitagan – paggalang
Sambalilo – sumbrero
Takba – tampipi

44
Kabanata 6 – Si Basilio
Nang sumapit ang madaling-araw ay umalis ng tahimik si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago
saka nagtungo sa gubat ng mga Ibarra. Anibersaryo kasi ng pagpanaw ng kanyang ina sa mismong
gubat na iyon. Ipinagdasal niya ang kaluluwa ng kanyang ina at inalala ang mga angyayari labing-
tatlong taon na ang nakararaan. Naalala niya na may isang lalaki na sugatan. Inutusan siyang
maghakot ng kahoy na ipansusunog sa kanyang ina at sa lalaki. May isa ring lalaki na tumulong sa
kanya sa paglilibing sa lalaking sugatan pati na rin sa kanyang ina. Pagkaraan ng mga pangyayaring
iyon ay umalis na si Basilio sa gubat at lumuwas sa Maynila. Sa sobrang hiraap at gutom ay ninais na
niyang magpasagasa sa mga karwaheng dumadaan. Sakto namang dumaan ang karwahe ni Kapitan
Tiyago na lulan din si Tiya Isabel. Kapapasok pa lamang ni Maria Clara noon sa kumbento at pauwi
na sana nang madaanan nila si Basilio. Isinama si Basilio ni Kapitan Tiyago at naging katulong siya
sa bahay nito. Wala siyang sweldo ngunit ang kapalit ng kanyang paninilbihan ay pinag-aral naman
ng Kapitan si Basilio sa Letran. Sa unang taon ng kanyang pag-aaral ay wala siyang nabibigkas
kundi ang pangalan niya at ang salitang “adsum” o narito po. Minamaliit din siya doon dahil sa
kanyang luma at gulanit na kasuotan. Gayunpaman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon.
Nagkaroon ng isang gurong Dominiko si Basilio. Minsan ay tinawag niya ang binata upang lituhin
ito sa pagtatanong ng leksyon. Subalit sinagot siya ni Basilio nang tuloy-tuloy at walang kagatul-
gatol. Dahil dito’y tinawag siyang loro ng propesor sa gitna ng katuwaan ng klase.
Nang minsang bigyan muli ng guro si Basilio ng katanungan ay nasagot niya muli ang mga ito. Sa
pagkakataong ito ay wala ang inaasahang katatawanan. Dahil dito’y napahiya ang Dominiko at
sumama ang loob kay Basilio. Nagkaroon pa sila ng alitan at hamunan sa labanang gagamitan ng
sable at baston. Natutuwa namang iniharap siya ng mga mag-aaral sa kanilang propesor. Mula noon
ay nakilala na at nakatuwaan si Basilio. Siya ay nagkaroon ng markang sobresaliente. Dahil masikap
sa pag-aaral si Basilio ay hinikayat siya ni Kapitan Tiyago na lumpat sa Ateneo Municipal.
Namumuhi kasi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Doon ay
pinili ni Basilio ang pag-aaral ng medisina dahil ito rin naman ang kanyang hilig. Sa kanyang
ikatlong taon ay marunong nang manggamot ang binata kaya ng makaipon ay nakapagbihis na siya
nang maganda at nakapag-ipon din nang kaunti. Nasa huling taon na ng pag-aaral ng medisina si
Basilio at kapag nakatapos ng pag-aaral ay pakakasal na sila ni Juli.

Talasalitaan
Aprobado – mainam na marka
Bunton – tambak o tumpok

45
Dalamhati – paghihirap ng kalooban
Dupikal – sunod-sunod na tunog ng kampana
Gatol – hindi nagdadalawang isip o sigurado
Naaninag – makita
Nauliningan – narinig
Pagsisiga – pagsusunog
Primer ano – unang taon
Sable – espada
Sipilis – isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipag talik
Sobresaliente – pinakamataas o pinakamahusay na marka
Tanyag – Sikat
Tari – sandata na kinakabit sa paa ng panabong na manok sa tuwing labanan
Tinalunton – hinarap

46
Kabanata 7 – Si Simoun
Uuwi na sana si Basilio nang may nakita siyang liwanag na paparating at makarinig ng
yabag. Nagtago siya sa puno ng baliti at sa kabilang dako ng punong kanyang pinagtaguan ay tumigil
ang taong dumating. Nagsimula itong maghukay gamit ang asarol. Nakilala siya ni Basilio. Ang
taong dumating ay ang mag-aalahas na si Simoun. Siya rin ang taong tumulong sa paglilibing sa
kanyang ina at sa lalaking sugatan labing-tatlong taon na ang lumipas. Lumabas sa pinagtataguan si
Basilio at lumapit kay Simoun upang tumulong sa paghuhukay. Ngunit tinutukan siya ng baril ni
Simoun at itinanong kung siya daw ba ay nakikilala nito. Tumugon si Basilio at sinabi na nakikilala
siya nito. Siya diumano ang taong tumulong sa kanya labing-tatlong taon na ang nakalilipas. Inakaala
ng lahat na siyang patay na ngunit kinilala siya ni Basilio na ang lalaking kausap ay walang iba kundi
si Ibarra. Ani Simoun, malaking sikreto ang nalalaman ni Basilio kaya di niya pagsisihan na patayin
ito dahil ayaw niyang maburilyaso ang kanyang planong paghihiganti. Ngunit dahil sa halos pareho
sila ng sinapit ni Basilio at uhaw din sa katarungan ay dapat daw silang magtulungang dalawa.
Inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra at ikinuwento na nilibot niya ang buong daigdig upang
magpayaman upang sa kanyang pagbabalik ay mapabagsak ang pamahalaang sumira sa kanyang
buhay. Siya raw ay bumalik upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik laban sa
pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan. Di rin sang-ayon si Ibarra sa plano nina Basilio na
pagtatayo ng paraalan ng Wikang Kastila at sa paghingi nilang gawing lalawigan ng Espanya ang
Pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ayon kay Simoun,
magbibigay lamang daw ito ng daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro,
walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Katwiran naman
ni Basilio, ang kastila umano ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas. Bagay
na pinabulaanan ni Simoun. Kailan man ay di raw magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ang
wikang Kastila. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila at ang iilang ito ay mawawalan ng
sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, at paaalipin. Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat
na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang
wika pati ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika.
Dagdag pa ni Simoun, mabuti raw kung ayaw silang turuan ng mga Kastila ng kanilang wika. Mas
maigi umano na paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at
magkaroon ng mga layuning pambansa. Dapat din ay huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila
ang panginoon dito at sila’y bahagi ng bayang ito kundi sila’y mga manlulupig at dayuhan. Sa gayon
daw ay mas matatamo nina Basilio ang tunay na paglaya. Inamin ni Simoun na ito ang dahilan kung
bakit hinayaan niyang mabuhay si Basilio, Isagani at Makaraig na binalak niyang patayin dahil baka
maging hadlang ang mga ito sa pinaplano niyang paghihiganti. Paliwanag naman ni Basilio, di daw

47
siya isang pulitiko. Napalagda lamang siya sa kahilingang tungkol sa paaralan dahil inaakala niyang
iyon ang mabuti. Ngunit sa panggagamot daw talaga ang hilig niya. Sa kasalukukuyang kalagayan
daw ng lipunan ay hindi makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun dahil mas
dapat umanong unahing gamutin ang sakit ng bayan. Ngunit para kay Basilio, kaya nga daw niya
pinili ang siyensiya ay upang makapaglingkod sa bayan. Kalaunan ay nauwi sa kadakilaan ng
karunungan ang pag-uusap nina Basilio at Simoun. Napansin ni Simoun na tila hindi naantig ang
kalooban ni Basilio kaya tinuya niya ito. Ani Simoun, wala namang ginagawa si Basilio kundi
tangisan ang bangkay ng kanyang ina na parang isang babae. Tutulungan daw niya si Basilio sa
paghihiganti. Ngunit ano naman daw ang mapapala niya sa paghihiganti kung hindi naman daw
mabubuhay ang kanyang ina at kapatid kahit gawin niya ito, sagot ni Basilio. Ngunit tinugon siya ni
Simoun na ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan, ito’y kasalanan kung nagbibigaay-daan sa
pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin. Saka ipinaalala ni Simoun na sa pag-aaral
ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi
ay siya pa ang kamumuhian. Ani Simoun, likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi. Nguni’t di
naman daw sila pinakikialaman ni Basilio kaya pabayaan daw nila siyang makagawa at mabuhay.
Tinugon naman ni Simoun si Basilio at sinabing magkaanak din ito ng mababait na alipin at ang mga
damdaming mabuti o masama ay namamana ng kanyang magiging anak. Dagdag pa ni Simoun,
walang hangad si Basilio kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang
dakot na bigas; mithiin rin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa kanila, ituturing nilang
sila’y mapalad na. Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang
lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa
Escolta. Nagpasalamat naman si Basilio at iniiwan si Simoun na nag-iisip. Di raw kaya niya
napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak din itong maghiganti ngunit naglilihim lamang at
nais sarilinin o sadyang wala nang hangad na maghiganti? Ngunit lalong nagtumining sa loob ni
Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti.

Talasalitaan:
Agam-agam – alinlangan
Alatiit – tunog
Asarol – kagamitang panghukay
Dumanak – dumaloy
Kasagwaan – kapangitan
Lihis – salungat
Magpakita – lumantad

48
Mulala – tanga; hangal; walang malay; inosente
Mulato – mestisang negro
Nagkikibit-balikat – nagwawalang-bahala
Natigatig – natinag; nabahala
Paghahabol – pagtugis
Rebolber – maikling baril

Kabanata 8 – Maligayang Pasko


Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ng kinalalagyan ng Mahal na Birhen upang alamin
kung may dalawandaan at limampung piso na sa ilalim nito. Sa kasamaang palad ay hindi naghimala
ang Mahal na Birhen kaya inaliw na lamang niya ang sarili at inayos ang damit na dadalhin pagtungo
sa tahanan ni Hermana Penchang. Dahil Pasko noon kaya ang mga bata ay binibihisan nang magara
ang kanilang mga anak upang magsimba at pagkatapos ay dadalhin sa kanilang mga ninong at
ninang upang mamasko. Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga kamag-anak upang
mamasko ngunit nang babatiin na niya ang mga ito ay laking gulat niya na walang salitang lumabas
sa kaniyang bibig. Pinisil niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang leeg at sinubukang tumawa ngunit
kumibut-kibot lamang ang kanyang mga labi. Ang ingkong ni Juli ay napipi.

Talasalitaan:
Alatiit – pigil na salita
Ingkong – lolo
Ketong – sakit sa balat na umaagnas sa laman ng tao at nag-aalis ng pakiramdam
Nakapinid – nakasara
Nananagis – umiyak
Salabat – paboritong inumin ng karaniwang Pilipino. Ito ay dinikdik na luya, pinakuluan sa sapat na
tubig at minamatamisan ng panotso o asukal
Sinunong – ipinatong sa ulo
Tampipi – sisidlan ng damit na yari sa kawayan o buli

49
Kabanata 9 – Ang mga Pilato
Naging usap-usapan sa bayan ang mga nangyari kay Tandang Selo. Karamihan sa mga tao ay
walang pakialam samantalang ang iba ay walang habas kung pagtsismisan ang matanda. Anang ilan,
kung di lamang daw umalis si Kabaesang Tales ay baka hindi hindi daw nangyayari iyon kay
Tandang Selo. Nag-usap-usap din ang mga ito kung sino ba ang may kasalanan kaya nangyari ang
kamalasan kay Tandang Selo. Ibinunton naman ni Hermana Penchang ang sisi sa lolo ni Juli. Aniya,
parusa raw ito dahil sa kakulangan ng pagdadasal at hindi pagturo ni Tandang Selo kay Juli nang
maayos. Nang mabalitaang ng Hermana na tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay sinabi niyang ang
binata ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Samantala, nakauwi na si Kabesang Tales dahil sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni
Juli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang. Nalaman din niyang nagpaupang utusan si Juli,
ang kanyang lupa ay pagmamay-ari na ng iba, at napipi ang amang si Tandang Selo. Pinapaalis na
din siya sa kanyang bahay sa utos na rin ng hukuman at binigyan lamang ng tatlong araw para
maialis ang lahat ng kanilang gamit. Ito nama’y ikinatuwa ng mga pari at ng bagong may-ari ng
kanyang lupa. Dahil sa mga kaganapang ito ay naupo lamang sa isang tabi ang Kabesa at nanatiling
walang kibo.

Talasalitaan:
Mabubulid – mahuhulog
Matutudla – tatamaan
Nabalisa – nag-alala; hindi mapakali
Nagkibit – balikat – pinagsawalang-bahala
Paglusob – pagsalakay
Pagsanggalang – pagtatanggol
Sumasalungat – tumututol

50
Kabanata 10 – Kayamanan at Karalitaan
Nakipanuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales na nasa pagitan ng bayan ng San
Diego at ng Tiyani. Naghihirap na noon si Kabesang Tales samantalang dala nang lahat ni Simoun
ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas. Ipinagmalaki rin niya sa Kabesa
ang dala niyang rebolber. Maya-maya pa’y nagdatingan na ang mga mamimili ng alahas. Doon ay
dumating sina Kapitan Basilio, ang anak nitong si Sinang at asawa nito, at si Hermana Penchang na
mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang
dalawang maleta ng alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan. Inilabas ni Simoun ang mga
bago niyang hiyas at doon namili si Sinang. Sinabi rin ni Simoun na namimili rin siya ng alahas.
Tinanong niya si Kabesang Tales kung may ipagbibigli itong alahas. Iminungkahi ni Sinang ang
kwintas na agad tinawaran ni Simoun ng limandaang piso nang makilala niyang kay Maria Clara nga
iyon na kanyang kasintahan na nagmongha. Ngunit ayon kay Hermana Penchang ay hindi daw dapat
iyon ipagbili ni Kabesang Tales dahil minabitu pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isangguni
raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon na sinang-ayunan naman ni Simoun. Nang
lumabas ng bahay si Kabesang Tales ay natanawan niya ang prayle at ang bagong may-ari ng
kanyang lupa. Kinabukasan, wala na si Kabesang Tales sa kanyang tirahan. Nawawala rin ang
rebolber ni Simoun at ang naroroon lamang ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng
paumanhin si Kabesang Tales sa pagkuha niya ng baril ng mag-aalahas dahil kinailangan niyang
sumapi sa mga tulisan. Pinagbilinan din niya si Simoun na mag-ingat sa mga tulisan dahil
mapahamak ang mga ito. Si Tandang Selo ay hinuli ng mga gwardiya sibil. Natuwa naman si
Simoun dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang taong kanyang kailangan, isang pangahas ngunit
marunong tumupad sa mga pangako. Samatala, tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon:
ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito na putol ang leeg at puno ng lupa ang
bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na may nakasulat na “Tales” na isinulat ng daliring
isinawsaw sa dugo.

Talasalitaan
Indulgencia – utang na loob
Karalitaan – kahirapan; dalita; sakuna
Kayamanan – pag-aari; mga mahalagang bagay na naipon o naitago; bagay na mataas ang halaga;
pagkaingat- ingatan
Lantay – tunay
Lugmok – nakalubog
Mahalughog – halungkatin; suriin mabuti

51
Nagdarahop – naghihirap
Namamalikmata – di makapaniwala
Narahuyong – naakit
Niyurakan – sinira
Panggigilalas – pagkagulat
Umaalipusta – nanglalait

Kabanata 11 – Los Baños


Nangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-boso ngunit wala siyang nahuli dahil natatakot ang
mga hayop sa dala niyang musiko. Ikinatuwa naman ito ng Heneral dahil ayaw niyang malaman ng
mga kasama na wala siyang alam sa pangangaso. Kaya naman sila ay umuwi na lamang sa bahay ng
Kapitan Heneral. Sa isang bahay-aliwan sa Los Baños ay naglaro ng baraha sina Padre Irene, Padre
Sybila at ang Kapitan. Naiinis naman si Padre Camora dahil lagi siyang talo. Hindi nagtagal ay
pinalitan siya ni Simoun sa paglalaro. Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa
kondisyong ipupusta ng mga prayle ang pangakong magpapakasama sa loob ng limang araw. Sa
Kapitan Heneral naman ay ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Simoun na magpakulong at
magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin. Dahil sa mga kakaibang kundisyong ito ng
pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio, Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang Mataas
na Kawani ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling. Tinugon ito ni
Simoun na para daw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo. Iniisip ng mga
nakarinig na kaya ganun na lamang ang kaisipan ni Simoun ay dahil sa pagkakaharang sa kanya ng
mga tulisan. Ayon naman kay Simoun, walang kinuha sa kanya kundi ang dalawa niyang rebolber at
mga bala. Kinamusta pa nga daw ng mga ito ang Kapitan Heneral at sinabing marami raw baril ang
mga tulisan. Tumugon naman ang Heneral at sinabing ipagbabawal niya ang mga sandata. Katwiran
naman ni Simoun ay marangal daw ang mga tulisan. Sila lamang raw ang tanging marangal na
kumikita ng ikabubuhay nila. Dagdag pa ni Simoun, “Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang di
man lang kukunin ang aking mga alahas? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga
tulisan sa bayan at siyudad.” “Gaya ninyo”, ani Padre Sibylang nakatawa. “Gaya natin”, ganti ni
Simoun, “Tayo nga lamang ay mga di-hayagang tulisan.” Kalahating oras na lamang at
magtatanghalian na kaya tinigil na ng Kapitan Heneral ang laro. Maraming suliranin pa silang pinag-
usapan. Isa na dito ang pagbabawal ng Heneral sa armas de salon. Tutol man ang Mataas na Kawani
dito ngunit wala naman siyang nagawa. Nagbigay pa ng payo si Simoun na huwag ipagbawal ang
armas de salon sa halip ay magkaroon na lamang ng iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. At

52
ito ang nasunod. Sumunod na pinag-usapan ay ang paraalan sa Tiyani. Iminungkahi ni Don Custodio
na gawing paaralan ang sabungan kahit sa loob ng isang araw sa isang linggo na tinutulan kaagad ng
Kapitan Heneral. Ang ilang mga sa pari ay tutol sa pagpapatayo ng Akademya dahil sa ito’y
makakaepekto sa karapatan, isang paghihimagsikan at dapat raw ay hindi nag-aaral ang mga Indiyo.
Sumang-ayon dito si Simoun at sinabi na ito’y kahina-hinala. Kaya naman pinutol na ng Heneral ang
usapin at sinabing pag-iisipan niya ang mga bagay na iyon. Pamaya-maya pa’y dumating ang kura ng
Los Baños na nagsabing handa na ang pagkain. Ang kawani naman ay bumulong sa Kapitan Heneral
na si Juli ay tatlong araw na pabalik-balik at nagmamakaawa na palayain ang kanyang nuno. Sinang-
ayunan naman ito ni Padre Camorra kaya pumayag rin ang Heneral.

Talasalitaan
Apyan – opyo
Armas de salon – sandatang pambulgaw o pandekorasyon
Dumagok – suntukin
Kagyat – kaagad-agad
Katigan – sang-ayunan
Masinsinan – seryosong pag-uusap
Masusugpo – mapipigil
Mulato – tao na may isang magulang na puti at isang magulang na negro; biracial
Nakayungyong – nagbibigay lilim
Pag-aalipusta – paghamak
Pag-aalsa – paghihimagsik
Pangangamkam – pagkuha
Punglo – bala
Rebolber – uri ng baril
Tresilyo – sugal na baraha
Tulisan – rebelde; magnanakaw

53
Kabanata 12 – Placido Penitente
Patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente. Malungkot ang kanyang mukha
dahil ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi sa dalawang sulat niya sa ina. Nasa ika-apat
na taon na siya ng pag-aaral ngunit pinakiusapan na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.
Palaisipan sa mga kababayan ni Placido sa Tanawan, Batangas kung bakit nais na niyang tumigil sap
ag-aaral. Siya pa naman ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi
naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang
Basyong Makunat. Nasa liwasan ng Magallanes na si Placido nang tapikin siya sa balikat ni Juanito
Pelaez. May kayabangan si Juanito, mayaman, may pagkakuba, at paborito ng mga guro. Anak siya
ng isang mestisong Kastila. Napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa bakasyon ni Juanito sa Tiyani.
Nangharana raw sila ni Padre Camorra ng magagandang babae at ipinagyabang na wala raw bahay
na hindi nila napanhik. Dagdag pa ni Juanito, tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad
ni Huli dahil susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra. Nagtanong ng leksyon si Pelaez kay
Penitente dahil noon lamang siya papasok. Ani Placido, tungkol daw sa salamin ang leksyon. Ngunit
niyaya ni Juanito si Placido na maglakwatsa, bagay na tinutulan naman ng huli. Natigil lamang ang
kanilang pag-uusap ng manghingi ng abuloy si Juanito para sa monumento ng isang paring
Dominikano. Nagbigay naman ito ng abuloy dahil alam niyang makatutulong ito para sa pagpasa ng
estudyante. Sa unibersidad ay naroon si Isagani na nakikipagtalo tungkol sa aralin. Ang ibang
estudyante naman ay tinitingnan ang mga magagandang dalagang nagsisimba. Pinagtinginan ng mga
estudyante ang isang karwaheng parating kung saan lulan ang katipan ni Juanito na si Paulita Gomez.
Nginitian siya ng tiyahin ni Paulita na si Donya Victorina. Ang estudyanteng si Tadeo na kaya
lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis na at
magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan.
Nagpasukan na sa paaralan ang mga mag-aaral ngunit may tumawag kay Placido. Pinalalagda siya sa
kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Makaraig. Walang panahon si Placido na basahin ang
kasulatan kaya ayaw niya sanang lumagda. Ngunit dahil mapilit ang kausap ay napalagda si Placido.
Dahilan kaya siya ay nahuli sa klase. Bagama’t huli ay pumasok pa rin sa klase si Placido. Pinatunog
pa niya ang takong ng kanyang sapatos sa pagbabakasakaling ang pagkakahuli niya ay pagkakataon
na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro. Sila’y mahigit isang daan at limampu sa klase.
Hindi naman siya nagkamali at napansin nga siya ng kanyang guro. Ngunit nabastusan ito kay
Placido at nasabing magbabayad daw ito sa kanya.

Talasalitaan:
Bulastog – mayabang

54
Dia-pichido – ipit na araw na hindi na pinapasukan ng ibang mga estudyante
Loob ng Maynila na namoogan – Intramuros o Walled City
Mangilak – manghingi
Panghihinawa – pagkasawa
Penitente – nagdurusa
Placido – kalmante o mapayapa
Puerta – pinto
Tandang Basiong Macunat – isang aklat na naglalaman ng mga payo ng kura at mga salaysay
tungkol sa kasamaang dulot ng pagpapaaral ng mga anak
Umiibis – bumababa
Victoria – karuwahe

Kabanata 13 – Ang Klase sa Pisika


Isang mahaba at rektangular na bulwagan ang silid ng klase sa Pisika, maluluwang ang
bintana nito at narerehasan ng bakal. Sa magkabilang tabi ng silid ay may tatlong baitang na batong
natatapakan ng kahoy. Doon nakaupo ang mga estudyanteng nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod
ng letra ng kanilang mga apelyido. Walang palamuti ang dingding ng silid. May mga kasangkapan
nga sa pisika ngunit ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay
ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pari. Samantala, ang batang
Dominikong pari na si Padre Millon ang guro sa klase ng Pisika. Siya’y napabantog sa pilosopiya sa
Kolehiyo ng San Juan de Letran. Katapat ng pintuan, sa ilalim ng larawan ni Santo Tomas de Aquino
ay doon nakaupo ang propesor. Tinawag ng propesor ang antuking estudyante na may buhok na
parang iskoba. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin,
bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante at sunod na tinawag si
Pelaez. Sumenyas ito kay Placido na tila ba sinasabing, “Makinig ka’t diktahan mo ako.” Sa
katatapak sa paa ni Placido ay napasigaw ito sa sakit. Sa kanya tuloy nabaling ang galit ng propesor.
Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at sabihang “espiritu sastre”. Nasabihan
din siyang “pakialamero” at dahil dito ay pinaupo na si Juanito at siya na ang tinanong.
Nagkandautal si Placido sa pagsagot sa mga tanong ng propesor. Tinawag pa siya nitong Placidong
Tagadikta. Wala siyang nabigkas sa mga leksyon kaya naglagay ang propesor ng guhit kay Placido.
Tumutol dito si Placido at nagpaliwanag. Inihagis ni Placido ang hawak niyang aklat, tumindig,
hinarap ang propesor at walang-galang na umalis sa klase. Natigilan ang klase. Di nila lahat akalain
na magagawa iyon ni Placido. Nagsermon at nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang
kampanilya, hudyat na tapos na ang klase.

55
Talasalitaan
Ampliacion – mataas na kurso
Asoge – Mercury o Merkurio
Binuling – pinakinis
Dominus Vobiscum – sumaiyo ang Panginoon
Eskaparate – salaming dibisyon
Espiritu Sastre – pauyam na termino ni Padre Millon sa Espiritu Santo
Hinuha – palagay
Iskoba – brush
Kamagong – Mahogany; kahoy na kulay itim
Lavvoiser, Secchi, Tyndall – mga banyagang siyentipiko
Pag-aglahi – pang-iinsulto
Pagupak – patunog na yari sa kahoy na ginagamit sa misa kung Biyernes Santo sa halip na
kampanilyang metal
Pilosopastro – pauyam na tawag sa pilosopo
Ponograpo – pangkaraniwang aparatong pampatugtog
Requiescat in pace – sumalangit nawa
Salamin – isang matigas, babasagin at nakaaaninag na materyal
Santisimo – banal na sakramento
Sihang – Panga
Ultimatum – pinakahuling pahayag

Kabanata 14 – Sa Bahay ng mga Mag-aaral


Ang tinitirahang bahay ni Makaraig ay malaki. Maluwag ito at puro binata ang mga nakatira
na pawang nangangasera. Mayaman si Makaraig at kumukuha ng kursong abogasya. Siya ang
pinuno ng kilusan para sa Akademya ng wikang Kastila. Inimbitahan ni Makaraig ang mga
pangunahing mag-aaral na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez upang pag-usapan ang kanilang
pakay. Si Isagani at Sandoval ay naniniwala na maaprubahan ang pagbukas ng paaralang
samantalang si Pecson ay nag-aalinlangan. Nagkaroon sila ng debate sa maaring maging aksiyon sa
kanilang paaralan. Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga
Pilipino. Isang magandang balita ang ibinahagi ni Makaraig. Si Padre Irene umano ang nagtatanggol
sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Dagdag pa niya, kailangan ng kanilang
grupo ang pagpanig ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig.

56
Dalawang tao ang maari umano nilang lapitan upang kumbinsihin si Don Custodio na pumanig sa
kanila. Ito raw ay si Ginoong Pasta na isang manananggol at ang mananayaw na si Pepay.
Napagkasunduan nila na kay Ginoong Pasta lumapit upang maging marangal ang kapamaraanan.

Talasalitaan:
Abuloy – kontribusyon
Aktibidades – gawain
Facultad – nag-aaral ng kursong pampropesyunal o pang-akademiko
Hangarin – pangarap
Kasigabuhan – silakbo
Magpalikaw-likaw – magpaligoy-ligoy
Mapakiling – pumanig; mapapayag; mapasang-ayon
Nagpapasimuno – nagsimula
Nagpipingkian – nag-iiskrima
Nang-uulot – nang-uudyok
Nobya – kasintahan

Kabanata 15 – Si Senyor Pasta


Sinadya ni Isagani ang opisina ng manananggol na si Senyor Pasta, isa sa mga may
pinakamatalas na pag-iisip sa Maynila na sinasangguni ng mga pari kung ang mga ito’y nasa gipit na
kalagayan. Pinakiusapan niya ang Senyor na kung maari ay mamagitan upang kanilang mapasang-
ayon kung sakaling sumangguni na sila kay Don Custodio. Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta
ang tungkol sa balaking kilusan. Nakinig ng mabuti ang Senyor na tila walang alam at kunwari’y
wala siyang pakialam sa gawain ng mga kabataan. Pinakikiramdaman naman ni Isagani ang naging
bisa ng kanyang mga salita sa abogado. Nais sana ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang
nais nilang akademya ng Wikang Kastila ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ng abogado na huwag
makialam dahil maselan ang usapan at mas mabuting hayaan daw na ang gobyerno ang kumilos.

Talasalitaan
Anasan – pag-uusap sa mahinang boses; bulung-bulungan
Kilatisin – uriin
Kondesa – tawag sa asawa ng konde
Nagmamaang-maangan – nagkukunwang walang alam
Pabulalas – pasambulat

57
Pagsasapantaha – panghihinala
Pahat – kaunti; munti
Palikaw-likaw – pahipit-hipit, pasikot-sikot
Pangangayupapa – pagpapakumbaba, pagyukod, pagluhod, pagpapatirapa, o iba pang kilos na
tanda ng pagpapasakop o pagbibigay-galang
Pasaliwa – pabaliktad
Rector – punong pari
Silyon – isang upuang may patungan ng mga kamay
Sumuong – lumusob
Upaw – kalbo

Kabanata 16 – Ang Kasawian ng Isang Intsik


Ang negosyanteng Intsik na si Quiroga ay naghahangad magkaroon ng konsulado ang
kanyang bansa kaya siya ay naghandog ng isang hapunan. Dumalo ang mga tanyag na panauhin
kabilang na ang mga kilalang mangangalakal, mga pari, mga militar, mga kawani ng pamahalaan
pati na din ang kanilang mga suki. Nang dumating si Simoun ay sinigil niya si Quiroga sa kanyang
utang na nagkakahalaga ng siyam na libong piso. Nalulugi daw ang Intsik kaya hindi makakabayad
sa mag-aalahas. Inalok siya ni Simoun na babawasan ng dalawang libong piso ang utang kung
papayag umano si Quiroga na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Wala daw dapat
ipangamba ang Intsik dahil ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay
gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang
kumita. Napilitan namang sumang-ayon si Quiroga. Samantala, ang pangkat ni Don Custodio ay nag-
uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga
sundalo. Ang grupo naman ng mga prayle ay pinag-uusapan ang tungkol sa ulong nagsasalita sa may
perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.

Talasalitaan
Bulalas – pahayag
Consulado – ukol sa gawain ng konsul
Kapighatian – kahirapan, kalungkutan
Konsul – isang tao na ipinag-utos ng pamahalaan na naninirahan sa ibang bansa para maging
kinatawan ng kanyang bansa.
Kopa – goblet

58
Nakahuhughog – nakasasaid
Nanduduwit – nangunguha
Paghahamok – labanan, away
Piging – handaan, kainan
Pulseras – bracelet
Sikolo – 25 sentimo
Tsampan – kumikislap na alak (Champagne)
Walang kapangi-pangimi – malakas ang loob

Kabanata 17 – Ang Perya sa Quiapo


Pumunta sa peryahan sa Quiapo ang labindalawang galing sa bahay ni Quiroga. Patungo sila
sa kubol ni Mr. Leeds. Ikinatuwa ni ng makamundong pari na si Padre Camorra ang mga
nasasalubong nilang magagandang dalaga lalo pa ng makita niya si Paulita Gomez na kasama ng
kanyang tiya na si Donya Victorina at ni Isagani na nobyo ng dalaga. Naiinis naman si Isagani sa
bawat tumititig kay Paulita. Dumating sila sa isang tindahan kung saan maraming makikita na
estatwang kahoy. Ang isang estatwang mukhang mulato ay kinilala nilang si Simoun dahil sa parang
pinaghalong puti at itim ito. Wala roon ang mag-aalahas kaya’t napag-usapan nila ito. Ani Padre
Camorra, baka daw natatakot si Simoun na pagbayarin nila sa pagpasok sa peryahan. Wika naman ni
Ben Zayb, baka natakot si Simoun na matuklasan nila ang lihim ng kanyang kaibigan na si Mr.
Leeds.
Talasalitaan
Galaw – kilos
Kalantiriin – inisin
Katog – tunog
Kinamumuhian – kinagagalitan, kinaiinisan
Kkutsero – ang nagkokontrol sa kabayo
Liwasan – parke, plasa
Mabunggo – maumpog, mabangga
Namimirinsa – namamalantsa
Prinsa – plantsang bilog na ang ginagamit na painit ay uling o kahoy.

59
Kabanata 18 – Ang mga Kadayaan
Sa peryahan ay sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin. Isa siyang Amerikano na
magaling magsalita ng Kastila dahil sa matagal na namalagi sa Timog-Amerika. Bago naman
magsimula ang palabas ay nagsiyasat muna si Ben Zayb at hinanap ang salamin na maaring
ginagamit ni Mr. Leeds sa pandaraya. Ito naman ay may pahintulot ng Amerikano ngunit walang
natagpuang salamin si Ben Zayb. Pagkaraan ay pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at paglabas ay
may dala na siyang kahong kahoy. Aniya, natagpuan daw niya iyon sa libingang nasa piramid ni
Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na
kinasusulatan ng dalawang salita. Kapag binigkas ang unang salita ay nabubuhay ang abo at
nakakausap ang isang ulo. Kapag ang pangalawang salita naman ang binanggit ay bumabalik ito sa
dating kinalalagyan. Maya-maya bumigkas ng isang salita ang Amerikano. Lumabas ang isang ulo
at sinabi nitong siya si Imuthis. Siya daw ay umuwi sa kanyang bayan pagkatapos ng pag-aaral at
mahabang paglalakbay. Nang dumaan daw siya sa Babilonia ay nalaman niya ang isang lihim na
hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama, isang magnanakaw ng
kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Dahil sa takot na isumbong siya kay
Cambises ay binalak niyang patayin si Imuthis sa tulong ng mga saserdoteng taga-Ehipto. Samantala,
si Imuthis ay umibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos.
Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal si Imuthis, napiit, tumakas, at
saka napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig
ang ulo kay Padre Salvi habang nagsasalita ito kaya dahil sa takot ay hinimatay ang pari.
Kinabukasan ay naglabas ng utos ang Gobernador na nagbabawal sa palabas ni Mr. Leeds ngunit huli
na dahil wala na ang Amerikano at nagpunta na sa Hongkong dala ang kanyang lihim.
Talasalitaan
Alingasaw – Singaw
Iginugumon – Inilulubog
Kabuhungan – Kasamaan
Kahindik-hindik – Nakakatakot
Pinaunlakan – Pinagbigyan

60
Kabanata 19 – Ang Mitsa
Galit na galit na lumabas sa klase si Placido Penitente. Halos hindi na siya makapagtimpi at
nais na gumawa ng isang libo’t isang paghihiganti. Nakita niyang nagdaan lulan ng isang sasakyan si
Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog. Nang mapadaan naman
sa Escolta ay may nadaanan siyang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig niya
sanang pag-uundayan ng suntok ang mga ito ngunit nagpigil si Placido. Nadaanan din niya ang
dalawang kadete na nakikipag-usap sa isang kawani saka sinagasa mga ito. Sa kanyang tinutuluyan
ay dumating si Kabesang Andang na kanyang inang taga-Batangas. Naghinagpis ang ina nang
magpaalam si Placido na hindi na mag-aaral. Ilang sandali pa ay umalis na si Placido at nilibot ang
Sibakong, Tundo, San Nicolas, at Sto. Kristo. Mainit ang ulo ni Placido. Maya-maya’y nakaramdam
siya ng gutom at naisipang umuwi. Inisip niya na wala na sa kanyang tinutuluyan ang ina at
nagtungo na sa kapitbahay upang makipangginggi. Ngunit mali siya ng akala dahil naroon pa ang ina
at naghihintay sa kanya. Pinakiusapan daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos
ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ngunit matigas si Placido. Tatalon daw muna siya
sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli. Muling nagsermon ang ina tungkol sa pagtitiis.
Hindi na lang kumain si Placido at saka muling umalis. Pumunta siya sa daungan ng bapor. Doon ay
naisip niya na magpunta ng Hongkong upang magpayaman at kalabin ang mga pari sa kanyang
pagbabalik. Gabi na at dahil sa walang natagpuang kaibigan ay nagtungo siya sa perya. Doon niya
nakita si Simoun. Ikinuwento niya dito ang nangyari sa kanya at ang planong magpunta sa
Hongkong. Isinama ni Simoun Placido sa kanyang karwahe. Nakita nila sina Isagani at Paulita na
magkasama. Nainggit naman si Placido kina Isagani at Simoun. Pagkaraan ay muling nagpatuloy sa
paglalakbay ang dalawa. Nakarating sila sa isang bahay na pagawaan ng mga pulbura na
pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego. Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang
tenyente at ang kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales. Anang guro ay di pa sila handa.
Ngunit ayon kay Simoun ay sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang
rehinameyento ng mga kawal dahil kung ipagpapaliban pa raw nila ang plano ay baka patay na si
Maria Clara. Dalawang oras din na nag-usap sa bahay ni Simoun at ang binata bago umuwi sa
kaserahan si Placido. Kinabukasan ay nakikinig na sa pangaral ng kanyang ina si Placido. Hindi na
rin siya tumutol sa mga payo nito. Pagkaraan ay pinauwi na niya ang ina sa Batangas dahil baka
malaman pa daw ng prokurador na naroon siya at hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

Talasalitaan
Arabal – hangganan ng bayan
Basar – tindahan

61
Candelabra – mahabang tubo na may kandila sa dulo
Ciriales – mahabang tubo na may krus sa dulo
Fenix – isang mahimalang ibon na nabubuhay ng limandaang taon
Iginugupo – pinaghihina
Kabuluhan – may kapupuntahan, may katutururan
Karabinero – isang kawal na armado ng karabin
Kastilyero – tagagawa ng mga paputok
Kinatitirikan – kinatatayuan
Lipakin – hamakin
Malamlam – mapanglaw
Mitsa – isang parte ng bomba na sinisindihan para ito’y pumutok; nagsisilbi rin itong orasan kung
iilan nalang na oras ang bibilangin bago pumutok ang bomba
Nagngingitngit – labis na galit
Nakaririmrim – nakapandidiri
Platero – tagapanday ng pilak
Procurador – pinuno ng isang relihiyosong korporasyon
Promotor piskal – pinunong abogado ng isang distrito

Kabanata 20 – Si Don Custodio


Nasa mga kamay ni Don Custodio ang usapin sa akademya ng wikang Kastila. Siya ang
pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
o kilala sa tawag na “Buena Tinta” ay tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila. Nakapag-asawa siya
ng mayaman at sa pamamagitan nito ay nakapag-negosyo. Siya ay pinupuri kahit kulang sa kaalaman
sa mga tungkuling kanyang hinahawakan dahil si Don Custodio ay masipag. Nang magtungo sa
Espanya ay walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan. Wala pang isang
taon ay bumalik na rin siya sa Pilipinas at nagyabang sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring
magandang karanasan sa Madrid. Ipinalagay niyang siya’y isang amo at manananggol. Naniniwala
siyang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Para sa kanya, ang mga
Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan. Pagkaraan ng labinlimang araw ay nakabuo na ng
pasya si Don Custodio at handa na niya itong ipaalam sa lahat.
Talasalitaan
Bantog – kilala
Di-masusupil – di mapipigil
Ginugol – inaksaya

62
Himala – kababalaghan
Katukayo – kapangalan
Masawata – masupil
Matapang – malakas ang loob
Nakagagambala – nakagugulo
Nakikini-kinita – nagugunita
Nalathala – naipahayag
Pananalig – paniniwala
Pangahas – nangunguna
Panukala – mungkahi
Sinang-ayunan – kinampihan

Kabanata 21 – Mga Anyo ng Taga-Maynila


Ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses ay may pagtatanghal sa Teatro de
Variendades ng gabing iyon. Mabilis na naubos ang mga tiket para sa dula. Hindi abalang pumasok
sa tanghalan ang Kastila na tila pulubi na si Camarroncocido. Nilapitan siya ni Tiyo Kiko, isang
matandang lalaki na nakasuot ng amerikanang hanggang tuhod at ipinakita ang anim na pisong
galing sa mga Pranses na kinita niya sa pagdidikit ng mga paskil. Ngunit sinumbatan ni
Camarroncocido si Tiyo Kiko at sinabing ang kikitain sa buong palabas ay mapupunta sa mga pari.
Ang pagtatanghal ay humati sa Maynila. Masagwa daw at laban sa moralidad ang palabas sabi ng
mga tutol na sina Don Custodio, mga pari, pati na mga babaeng may asawa at may kasintahan. May
mga taong nagtatanggol naman sa palabas kagaya ng mga pinuno ng hukbo, mga marino, mga
matataas na tao, mga kawani at mga babaeng walang kasintahan. Naging malaking bulung-bulungan
ang palabas at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at ang mga artista.
Pinuna ni Camarroncocido ang mga nais manood na kaya daw naroon ay para malaman kung bakit
bawal at dapat ipagbawal ang palabas. Nang umalis na si Tiyo Kiko ay may napansin si
Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari niya ay umiiwas na
mapuna. May isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat
pulutong. Pagkaraan ay masiglang lumapit ang kagawad sa isang karwahe na lulan si Simoun. May
narinig si Camarroncocido na wikang Kastila na ang ibig sabihin ay “Ang hudyat ay isang putok”,
saka niya nasabi sa sarili na tila may binabalak ang mga ito. Nagpatuloy sa paglalakad ang pulubi.
May dalawang tao siyang naririnig na nag-uusap at sinabing ang mga kura ay malakas kaysa
Heneral. Umaalis daw ang Heneral samantalang ang mga pari ay naiiwan at ang hudyat na isang
putok ang kanilang ikayayaman. Naaawa man sa bayan ngunit wala namang pakiaalam si

63
Camarroncocido sa mga narinig. Samantala, sa labas ng dulaan ay makikita si Tadeo na niloloko ang
isang kababayang tanga sa pagsasabi ng mga kahanga-hangang kasinungalingan. Sinabi ni Tadeo sa
kausap na kilala niya ang mga malalaking tao na nadaan at kaibigan niya ang mga ito kahit hindi
naman totoo. Dumating ang mga mag-tiyahin na sina Donya Victorina at Paulita Gomez. Kahit na
nagbabalatkayo ay nakilala pa rin ni Tadeo si Padre Irene na di naitago ng tunay na katauhan dahil sa
mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio. Nang dumating sina Makaraig, Pecson,
Sandoval at Isagani ay lumapit si Tadeo sa kanila saka bumati. May sobra silang isang tiket dahil
hindi sumama si Basilio. Dahil dito’y inanyayahan nila sa Tadeo sa loob, agad siyang sumama sa
apat, at iniwan ang kababayang kanina lamang ay kausap ngunit ngayon ay nag-iisa na.

Talasalitaan:
Alingasngas – usap usapan
Bihasa – sanay, eksperto
Hampaslupa – mahirap
Hudyat – palatandaan
Kalmen – eksapularyong isinusuot bilang deboto sa isang santa o santo
Kawani – opisyal
Kinakatigan – pinapakinggan o kinakampihan
Malamlam – mapungay, malabo
Mapanibughuin – seloso
Masagwa – kahalayan
Nag-ibayo – tumitindi
Nagkukumahog – nagmamadali
Nagpatumpik-tumpik – nagpabagal-bagal
Nanlilimahid – maruming-marumi
Natitigatig – nayayanig
Naulinigan – narinig ng bahagya
Pabuya – premyo, gantimpala
Pagala-gala – paikot-ikot
Pagbabalatkayo – pagkukunwari
Pagkakarinyosa – pagkamalambing
Pakana – plano
Pangingimbulo – pagkainggit
Panunuligsa – pambabatikos

64
Paskil – karatula
Patid – tigil, hinto
Pinakakalansing – pinapatutunog
Sekreta – pulis
Tiktik – espiya
Walang muwang – walang alam

Kabanata 22 – Ang Palabas


Punong-puno ng tao sa dulaan ngunit lampas na sa oras ay di pa rin nagsisimula ang palabas
dahil hinihintay pa ang Kapitan Heneral. Marami nang naiinip, nagsisipadyak at sumisigaw na
buksan na ang tabing. Ang lugar na tinatawag na palko na may pulang kurtina ay uupuan ng Kapitan
Heneral. Isang ginoo ang umupo sa butaka at ayaw tumindig. Si Don Primitivo kasi ang may-ari ng
upuan kinauupuan nito. Dahil dito’y tinawag ni Don Primitivo ang tagapaghatid sa upuan nang
makita niya na ayaw tumindig ng ginoo. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdulot ng
kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip. Samantala, habang nagaganap ang kaguluhan ay
biglang tumugtog ang marchareal dahil dumating na ang Kapitan Heneral. Sinasabing manonood ang
Kapitan Heneral ng palabas dahil sa dalawang dahilan. Ang una ay hinahamon diumano ito ng
simbahan at ang pangalawa ay dahil ito ay may pagnanasa lamang na makita ang pagtatanghal. Nasa
loob din ng dulaan si Pepay at katapat ng mga estudyante ang kinauupuang palko nito. Kinuntsaba
siya ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang palambutin ang puso nito.
Noong hapong iyon ay sumulat si Pepay sa kagalang-galang na tagapayo at naghihintay ng
kasagutan. Naroroon din si Don Manuel na panay ang pasaring kay Don Custodio. Si Makaraig ay
makahulugang tumitingin kay Pepay na parang ibig ipahiwatig na mayroon siyang sasabihin. Masaya
ang mga estudyante, si Pepay pati na si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan
si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal. Maya-maya’y umawit si Gertude, isang Pransesa.
Sige sa pagsalin si Tadeo sa wikang Kastila ng mga salitang Pranses na naririnig. Gayon din ang
ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita Gomez at Donya Victorina. Lamang ay madalas mali ang
pagsalin ni Juanito. Dito rin nagsimula ang paghanga ng Donya sa kanya at hinangad na pakasalan
ang binatang kuba pag namatay ang mister na si Don Tiburcio. Umawit din si Serpolette. Mayroong
pumalakpak na nakilala ni Tadeo na si Padre Irene. Pinapag-espiya pala ito ni Padre Salvi kung
sadyang masama nga ang palabas ng mga Pranses. Namukhaan ng mananayaw si Padre Irene at
kakilala pala siya ni Serpolette doon pa sa Europa. Pagkaraan ay may isang bababeng dumating na
may kasamang asawa. Ipinagmamalaki pa niya ang pagkahuli ng dating. Nang makitang wala pang

65
laman sa may palko ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao at sa inis ay tinawag
niya ang mga ito na mga “ungas” at akala mo daw ay marurunong mag-pranses. Si Ben Zayb naman
ay panay ang panunuligsa sa pinapanood at sinabing ang mga nagsiganap ay hindi mga artista at di
marunong umawit. Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga
kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat
hindi itinanghal ang hinihintay nilang cancan. Napag-usapan din ang di pagsipot ni Simoun sa
dulaan. Pinagtalunan naman ng mga estudyante ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses.
Galing si Makaraig kay Pepay, malugkot ang hitsura kaya naman pagbalik niya ay nag-usisa ang
mga kapwa mag-aaral. Dala niya ang balita na may pasya na daw tungkol sa paaralan ayon kay Padre
Irene. Sinang-ayunan daw ang paaralan ngunit ito’y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas sa
pamamahala ng mga Dominikano.

Talasalitaan
Alingawngaw – tinig na bumabalik sa pandinig
Artilyero – kanyunero
Ayuntamiento – Pamahalaang lungsod
Butaka – upuang may patungan ng braso; pang-ibabang mga hanay ng upuan sa teatro o tanghalan
Butaw – donasyon
Cancan – isang masiglang sayaw na nagsimula pa noong ika-19 na siglo na ang pinakatampok na
galaw ang pasipang pataas sa saliw ng mabilis na tugtog
Dagok – suntok o dating ng suliranin
Dometiques – domestic o pantahanan
Entrada General – teatro
Gora – sombrero
Guniguni – imahinasyon
Ipalulon – ipalunok, ipakain
Kahali-halina – kaakit-akit
Matikas – matipuno
Manunuligsa – namumuna
Mapakali – mapalagay
Mapanudyo – mapanukso
Masasal – mabilis at malakas na ubo
Masatsat – masalita, madaldal
Masigabo – mainit na pagtanggap o palakpakan

66
Nakapukaw – nakagising
Nakaririmarim – nakadidiri, nasusuka
Nakimatyag – nakiusyoso
Nakukutya – namamaliit
Natitigatig – natitibag
Nayamot – nainis
Palko – balkonahe, upuan sa itaas ng teatro
Panlulumo – panghihina
Pasaring – parinig
Peluka – wig, pekeng buhok
Pinagkuskos – pinagkiskis
Servantes – servants o tagapaglingkod
Tabing – kurtina
Tampalasan – walang galang, bastos
Tisiko – may sakit sa baga o tuberculosis
Tumambad – lumitaw
Udyok – tulak
Umilandang – humagis
Winawasiwas – iwinagayway

Kabanata 23 – Isang Bangkay


Hindi nanood ng palabas si Simoun sapagkat mayroon itong ibang pinagkakaabalahan.
Malungkot siyang umalis sa kanyang bahay sa Escolta ng alas siyete ng gabi. Alas-otso naman nang
Makita siya ni Macaraig na naglalakad malapit sa kombento ng Sta. Clara at noong bandang alas-
nuwebe naman ay nakita siya ni Camaroncocido sa tabi ng dulaan na may kausap na mukhang
estudyante.
Si Basilio ay hindi rin nanood ng palabas sapagkat magmula nang tubusin niya si Huli
ay wala na siyang inatupag kundi ang pag-aaral niya ng medisina at ang panggagamot kay kapitan
Tiyago na igunupo ng sakit. Naging bugnutin ito lalo, naroon pang murahin siya, sumbatan at saktan.
Wala naming magagawa ang binata dahil malaki ang utang na loob niya sa matanda. Kapag naman
“malinaw ang tubig” pinakapuri-puri siya at tinatawag pang anak. Desidido siyang mapagaling ang
kapitan, pero kapag galing siya sa ospital ay inaabutan niya ang kapitan na parang bangkay na ang
itsura. Pinagbawalan na niya itong humithit ng apyan. Ang ipinagtataka niya ay kung saan kumukuha
ng ipinanghihithit na tabako o apyan ang matanda gayong ang dumadalaw lamang dito ay dadalawa,

67
si Simoun at Pari Irene. Si Simoun ay madalang lamang dumadalaw samantalang si Padre Irene ay
tinatagubilinan pa siyang alagaang mabuti ang maysakit sa pangakong bibigyan niya ito ng mataas
na tungkulin sa isang lalawigan.
Dahil buhos na buhos sa pag-aaral si Basilio, hindi halos niya namalayan ang pagdating
ni Simoun na noon lamang nakipagkita sa kanya pagkatapos ng nangyari sa kanila sa San Diego.
Nais ni Simoun na pangunahan ni Basilio ang isang pangkat ng kalalakihang wawasak sa pintuan ng
kumbento at kunin si Maria Clara. Pero ayon kay Basilio, wala nang kabuluhan ang kanilang
paghihirap, sapagkat nang hapong yaon ay namatay na si Maria Clara.
Ayaw maniwala ni Simoun sa pagsasabing kaya siya nagbalik ay upang iligtas si Maria
Clara at papagsiklabin ang himagsikan. Hindi niya matatanggap ang balita ni Basilio. Ramdam
niyang para siyang pinagtakluban ng langit at lupa. Nang hindi maniwala si Simoun ipinakita ni
Basilio ang sulat ni Padre Salvi na dinala ni Pari Irene na nagsasaad na ipinababatid sa kapitan ang
pagkamatay ng kanyang anak na si Maria. Parang bulkang sasabog ang dibdib ni Simoun, kasabay
ng kaniyang pagnguyngoy na kaya siya nabubuhay ay dahil kay Maria. Iniwanan ni Simoun si
Basilio na balot ng matinding kalungkutan ang puso. Awang-awa naman si Basilio sa masamang
kapalarang sinapit ng magsing-irog.

Talasalitaan:
Balaan – bigyan ng paunang paalala
Baligho – laban sa katwiran
Bugnutin – bigla o madaling magalit
Dalisay – puro o walang dungis
Dinaluhong – sinugod
Humimlay – matulog o mahimbing
Kabig – kakampi
Kahindik-hindik – katakot-takot
Lipos – puno
Lubay – tigil o patid
Nagpalahaw – umatungal sa iyak
Nagugulumihanan – naguguluhan
Nag-uulol – nababaliw o nawawala sa isip
Nakabubulahaw – nakaiistorbong ingay
Nangakatanikala – nakagapos o nakatali
Nangatal – nanginig

68
Natighaw – mabawasan o humina
Pagpapaunlak – napasunod o nagbigay
Pantalya – lampara
Polyeto – lampara
Sinisikil – iniipit o pinahihirapan
Sulak – agos
Talamak – marami o kumalay
Tigib – masobrahan o matambakan
Tigmak – basa o babad

Kabanata 24 – Mga Pangarap


Ang magkasintahang sina Isagani at Paulita ay mag-uusap sa Luneta. Galit si Isagani dahil
nakita niyang magkasama sina Paulita at Juanito sa dulaan. Ngunit napag-alaman niya na si Donya
Victorina raw ang may ibig kay Pelaez kaya nagkatawanan sila ng kausap. Nagkapalitan din sila ng
mga pangarap sa hinaharap. Nais raw ni Isagani na sa nayon manirahan. Para sa kanya, ang bayang
iyon ang tangi niyang kaligayahan bago pa nakilala at nakita si Paulita. Ngunit nabatid niyang parang
naging may kulang sa kanya ang bayang iyon at natitiyak niyang ang kulang ay ang kanyang nobya.
Ngunit ayaw pumunta doon ni Paulita. Ayaw daw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik.
Ang nais niyang paglalakbay ay sa pamamagitan ng tren. Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin
ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galing sa
digma. Sa mga sugatang kawal ay ni walang pumapansin subalit kay Simoun ay nabahala ang
marami. Iba na raw ang mayaman ayon sa binata. Ang bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas
kundi pati ang Espanya. Nang dumating sina Paulita ay nginitian niya ang nobyo. Ngumiti rin si
Isagani at tila ba napawi lahat ng kanyang pagka-inis. Masaya na sana si Isagani ngunit biglang
itinanong ni Donya Victorina kung nasa kanilang nayon ba nagtatago ang asawa niyang si Don
Tiburcio. Ipinagkaila ng binata ang kanyang nalalaman. Ngunit may pahabol na tanong ang Donya
na ano daw kaya kung pakasal siya kay Juanito. Kinaiinisan man ang kanyang kamag-aral ngunit
pinuri pa niya si Juanito sa harap ng Donya. Pinagbigyan ni Donya Victorina na magkausap ang
pamangkin at ang nobyo nito. Kung magkakatuluyan nga naman si Paulita at Isaganiay masasarili
niya si Juanito.

Talasalitaan:
Naulinigan – narinig
Mapaniil – mapang-abuso

69
Naghulas – pagtutubig, lusaw, tunaw, tagas
Pagkabusabos – pagkaalipin
Sumilay – sumulpot, sumipot, dumating

Kabanata 25 – Tawanan at Iyakan


Ang piging ay idinaos ng mga mag-aaral sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing-apat
silang lahat kabilang na si Sandoval. Matatalim magsalita ang mga estudyante. Kahit pa
nagtatawanan sila ay ramdam pa din ang kanilang hinanakit. Dumating na din si Isagani. Si Pelaez na
lang ang wala. Sana daw ay si Basilio na lang ang inimbitahan kaysa kay Juanito, ani Tadeo.
Malalasing pa daw sana nila si Basilio at baka sakaling mapaamin ang lihim tungkol sa nawawalang
bata at sa isang mongha. Habang kumakain ay inihandog nila kay Don Custodio ang pansit lang-
lang, ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala, ang lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene at
ang torta’y inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol si Isagani. Di daw dapat isama sa panunumpa
ang isang pari. Sinegundahan ito ni Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga
prayle. Ang pansit gisado naman ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ani Makaraig, ang pansit ay
katutubong lutuing Pilipino. May gusto daw mag-alay ng pansit kay Quiroga na isa raw sa apat na
kapangyarihan sa Pilipinas. Samantalang may nagsabi na sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat
ialay ang pansit. Hindi handa si Tadeo ng mahilingan siyang magtalumpati. Nagtalumpati din si
Pecson na inatake ang mga pari. Aniya, mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay mga pari
ang kasama natin. May nakakita sa isang utusan ni Padre Sibyla (biserektor sa Unibersidad) na
sumakay sa karwahe ni Simoun. Nagtitiktik pala ito sa mga mag-aaral. Nasambit tuloy ni Makaraig
ang mga katagang “Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral!”
Talasalitaan
Naaninaw – nabanaagan
Nagmamanman – nag-iimbestiga
Pagtalima – pagsunod
Piging – handaan
Sinipat – tinignan

70
Kabanata 26 – Mga Paskil
Maagang nagising si Basilio. Dadalawin niya ang pasyente sa ospital ng San Juan de Dios
saka pupunta sa Pamantasan para sa kanyang lisensiyatura. Kakatagpuin rin niya si Makaraig para
mangutang ng salapi na kanyang gugugulin. Ang mga naimpok niya kasi ay nagamit na niya sa
pagtubos kay Juli. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang propesor na malapit sa kanyang
loob. Tinanong siya ng propesor kung nasa piging siya kagabi. Mabuti raw at wala ito doon. Nang
malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nito ang binata na umuwi na at sirain ang
lahat ng kasulatang magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman
dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Anang kausap ay may ibang mga
kamay na nakapangingilabot dito. Tinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Ngunit ang
sagot ng propesor ay wala raw dahil puro estudyante daw ang sangkot. Sa unibersidad daw ay
nakakita ng mga paskin o paskil na mapanghimagsik. May nasalubong silang isa pang propesor na
kakilala ni Basilio. Ang sabi’y nangangamoy na raw si Kapitan Tiyagoat nilalapitan na siya ng mga
uwak at buwitre. Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio. Napag-alaman niya na marami raw mga
estudyanteng papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, at ibabagsak sa pag-aaral. Naalala ni Basilio ang
sinabi ni Simoun na oras na sila’y itiwalag nila ay di sila makatatapos sa kanilang karera. Dito’y
pinaghinalaan ni Basilio si Simoun na may kinalaman sa mga paskil. Tinawag ni Simoun si Sandoval
ngunit para itong walang narinig. Tuwang-tuwa naman si Tadeo dahil wala na raw klase. Ibibilanggo
raw lahat ng mga estudyanteng kasama sa kapisanan. Si Juanito naman ay parang baliw na paulit-ulit
na sinasabing wala siyang kinalaman. Saka umalis nang makitang may papalapit sa kanilang tanod.
Natanaw ni Basilio si Isagani na namumutla ngunit pinagpupuyusan ng kalooban. Ani Isagani ay
hindi na daw mahalaga kung sino ang sumulat sa mga paskil dahil tungkulin ng mga pari ang alamin
iyon. Kung nasaan daw ang panganib ay doon sila dumako dahil naroon ang karangalan. Dagdag pa
niya, kung ang nasasabi raw sa paskil ay kaayon sa kanilang kalooban, sino man ang sumulat noon
ay dapat daw nilang pasalamatan. Kung hindi naman ay sapat nang tutulan nila at tanggihan. Di
naman sang-ayon dito si Basilio kaya tumalikod ito sa kaibigan saka umalis dahil pupunta na siya
kay Makaraig para makahiram ng pera. Di niya pinansin ang mga senyas ng mg mga kapitbahay ni
Makaraig. Nang makaharap ang dalawang tanod na beterana ay sinabi niyang naroon siya para
makipagkita sa kaibigang si Makaraig. Nagkatinginan lamang ang dalawang tanod. Saka dumating si
Makaraig, ang kabo, at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig sa pagparoon ni Basilio. Inusig ng
kabo si Basilio saka isinama sa pagdakip. Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang sadya
kay Makaraig. Sinabi ni Makaraig na maaasahan siya ni Basilio at kapag nakapagtapos daw siya ng
pagdodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na dumakip sa kanila.

71
Talasalitaan
Gugol – gastos
Kabo – sundalong may rangong “Corporal” sa militar
Kanto – salikop
Magara – magarbo
Nagunita – naalala
Naimpok – naipon
Nakaligtaan – nakalimutan
Paskin o Paskil – poster
Putahe – pagkain

Kabanata 27 – Ang Prayle at ang Estudyante


Ipinatawag ng isang katedratikong si Padre Fernandez si Isagani. Ito’y labis na iginagalang
ng binata. Narinig daw umano ng pari ang pagtatalumpati ni Isagani. Itinanong din nito kung
kasama ba siya sa hapunan. Pinuri ng pari ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan. Nagpatuloy
sa pagsasalita ang pari at sinabing may mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o
sinikap niyang turuang mabuti at karamihan doon ay pumupula at lumalalos sa mga prayle ngunit
walang makapagsalita nang tapatan o harapan. Ayon naman kay Isagani ay di kasalanan ng kabataan
na magsalita laban sa may kapangyarihan na agad naman nilang pararatangan ng pilibustero dahil
alam ng pari ang ibinubunga ng gayong paratang. Sinabi ng pari na di niya inuusig si Isagani at
malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa nga daw niya si
Isagani. Pangiti namang nagpasalamat ang binata at sinabing itinatangi rin niya ang katedratiko. Di
raw gaya ni Padre Fernandez ang ibang prayleng Dominikong katedratiko. Saka nisa-isa ang mga
sakit sa pagtuturo ng mga prayle. Napakagat-labi lamang si Padre Fernandez at sinabi nitong lampas
na sa guhit ng pag-uusap ang mga paratang ni Isagani. Giit naman ni Isagani na ang mga prayle sa
lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila umano ang nagsasabi mismo sa mga
mag-aaral na hindi raw sila nararapat matuto dahil balang araw ay magpapahayag ang mga ito ng
paglaya. Dagdag pa ni Isagani, ang kalayaan ay katambal ng tao at gayundin ng talino at katarungan.
Ang pagtanggi ng mga prayle na matuto sila at lumaya ang dahilan ng kawalan ng kanilang
kasiyahan. Anang pari, ang karunungan daw ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang.
Ipagkaloob daw iyon sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin.
Ngunit tinutulan ito ni Isagani. Aniya, kung ano daw sila ngayon ay ang mga pari ang may gawa.
Ang bayan daw na inaalipin ay natutong magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin.
Ipagpalagay daw nila, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay mga walang dakilang asal at

72
katibayan ng loob. Sino daw ang may kasalanan? Sila daw ba o ang mga nagturo sa kanila sa loob ng
may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng
palayok kundi mga sira, siya’y napakatanga na raw marahil. O baka daw marumi ang putik na
ginamit? Dagdag muli ni Isagani, “Kung gayo’y higit pang napakahangal gayong alam na palang
masama at marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon, at di lamang
hangal, kundi manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa
niya’y patuloy pa sa pagtangap kabayaran at di lamang hangal, mandaraya at magnanakaw kundi isa
pang talipandas dahil ayaw nilang subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng magiging kapaki-
pakinabang.” Nakilala ng pari ang kanyang kagipitan at noon lamang siya nakaranas ng pagkatalo sa
isang estudyanteng Pilipino lamang. Nabanggit ng pari na ang utos na sinusunod nila ay galing
lamang sa pamahalaan. Ngunit pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng
pamahalaan. Muling nangatwiran ang pari at sinabing ang ibig daw niyang sabihin ay may mga batas
na mabuti ang layon nguni’t masama ang ibinubunga. Ang masamang ugali ng mga mag-aaral ay di
daw dapat isisi sa kanila o kahit sa Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag umano ng kanilang
kapisanan. Ani Isagani, “Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na
hanapin ang kanilang kaganapan ng pagkatao. Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at
lalong matindi ang nais na ito rito dahil ito’y hinahadlangan. Ang bumubuhay sa pamahalaan ay
humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang lalong makatulong sa bansa. Pamahalaan na rin at ang
mga prayle na rin ang pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng karunungan dahil sa inyong
pag-aglahi sa amin sa kawalang pinag-aralan at kamangmangan. Kami’y inyong hinuhubaran at
pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo ang aming kahihiyan.”

Talasalitaan
Buhong – mapanlinlang
Capista – tagapaghatid
Inuupasalaan – manirang-puri
Itinangi – pinapahalagahan, pinag uukulan ng mamumukod na pagmamahal
Karangalan – dignidad
Katedratiko – paring propesor
Lumait – umapi, kumutya
Mangmang – walang alam
Nakatutop – nakalagay
Pagbabalatkayo – pagkukunwari
Paghuhulo – pagkakaintindi

73
Payabungin – paunlarin
Pensing – eskrima
Salat – kulang
Siniil – ginipit
Tinakpan – ipininid
Tinutuligsa – pinupuna
Tutusin – bibilangin
Kabanata 28 – Pagkatakot
Sa El Grito ay pinangalandakan ni Ben Zayb na tama siya sa madalas niyang sabihin na
nakasasama sa Pilipinas ang pagtuturo sa kabataan. Pinatutunayan umano ito ng mga paskil.
Binalot ng takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga Intsik. Hindi na din nakapunta sa basar
ni Quiroga ang mga prayle. Inayos din ng mga Intsik ang kanilang mga tindahan upang madali itong
maisara kung sakali. Naisip ni Quiroga na sumangguni kay Simoun upang itanong kung panahon na
upang gamitin ang mga baril, pulbura at bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa napag-usapan nila
ni Simoun ay palihim na ilalagay ang mga baril sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang
pamahalaan. Maraming madarakip lalo sa mga mayayaman at ito ay magpapatulong sa kanila na
mangangahulugan ng malaking salapi. Ngunit hindi nakausap ni Quiroga si Simoun. Ipinasabi
lamang na huwag galawin ang anuman sa kinalalagyan. Pumuta si Quiroga kay Don Custodio upang
isangguni kung dapat niyang sandatahan ang sariling tahanan. Subalit ayaw rin tumanggap ng bisita
si Don Custodio. Kaya naman kay Ben Zayb nagtungo si Quiroga. May dalawang rebolber na
nakapatong sa mga papeles ng manunulat kaya ng makita niya ang mga ito ay nagpaalam kaagad ang
intsik at nagdahilang may sakit. Kinahapunan ay may kumalat na balitang may panayam ang mga
estudyante at mga tulisan sa San Mateo. Ang balak daw na paglusob ng mga ito sa lungsod ay nabuo
sa isang Pansiterya. May bapor pandigma pa daw ang mga Aleman. May mga estudyante daw na
nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas
kaya ang mga ito ay pinagkukulong. Naligtas daw ang Heneral dahil noo’y nakikipanayam sa mga
puno ng orden o provincial sa Pilipinas. May nagmungkahi na magpabaril ng isang dosenang
pilibusterilyo upang matigil ang gulo. Sabi naman ng isa’y sapat nang palakarin sa mga lansangan
ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon upang ang lahat ay magsisipanhik ng bahay para
manahimik. Anang isa, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang bayan. May naghalughog sa
bahay ni Kapitan Tiyago kung saan si Basilio ay nanunuluyan. Hinahanap nila ang mga kasulatan ng
binata. Maya-maya’y dumating si Padre Irene saka nagbalita ng mga nakakatakot sa matanda.
Natakot si Kapitan Tiyago sa mga kwento ng pari. Napadilat ang Kapitan habang nakakapit sa kura.
Nagpumilit siyang makabangon ngunit hindi niya kaya. Bumagsak ito na bumubula ang bibig saka

74
namatay. Nakahawak ang patay kay Padre Irene na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid. Sa
isang binyagan kinagabihan ay may nagsabog ng kwalta. Nag-agawan ang mga bata kaya maingay sa
may pinto ng simbahan. May nagdaang opisyal at nabigla ito sa mga nakita. Inakala niyang gawa
iyon ng mga pilibusterilyo kaya hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan.
Nagtakbuhan ang mga tao dahil nagsimula na raw ang himagsikan. May dalawang tao na nahuling
nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla. Hinabol ng mga tao ang dalawa upang
ibigay sa pamahalaan ngunit hindi nila iyon nahuli. Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari
pang makasugat sa gagamit. May beteranong napatay ng isang kawani sa pag-aakalang isa itong
estudyante. Patay rin ang isang bingi na hindi sumagot ng tanungin. Sa isang tindahan ay napag-
usapan si Tadeo. Binaril na raw ito kaya napadaing ang babaeng kausap. Marami raw kasing utang sa
ginang si Tadeo. Sinabihan naman siya na baka raw madamay pa kay Tadeo ang may-ari ng tindahan
kaya natahimik ang babaeng kanina lang ay dumaraing. Si Isagani naman daw ay kusang
nagpadakip. Isa daw siyang luku-luko ayon sa usapan. Malamang daw ay babarilin din iyon. Wala
namang paki ang babae dahil wala naman daw utang sa kanya ang binata. Baka daw pakasal na din
sa iba si Paulita. Halos lahat ng mga bahay ay may nagru-rosaryo. Sa tinutuluyan nina Palcido
Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Si Padre Salvi lang daw ang may gawa noon.
Ayon naman sa isa ay si Quiroga ang may gawa dahil may ibig daw ipasok na kontrabando ang
Instik na nasa look na sandaang libong pisong mehikano. Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan
ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi. Pagkaraan ay may narinig silang mga yabag. Kay
Quiroga naputol ang usapan ngunit kunwari’y binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang dumating
pala ay si Placido kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura ni Simoun. Hindi raw nakausap ni
Placido ang mga bilanggo. Ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing
iyon. Hindi daw mangyayari iyon sabi ng isa dahil si Simoun na siyang madalas magpayo ng ganun
ay maysakit. Nagkatinginan na lang ang dalawang bagong dating. Pinalitan ang mga tanod sa pinto
ng siyudad nang gabing iyon. Mga artilyerong Kastila ang ipinalit. Kinabukasan sa Luneta ay may
nakitang bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos hubad ang bangkay. Nakita man iyon ni
Ben Zayb ay di na rin niya ibinalita.

Talasalitaan
Albacea – tagaganap ng huling bilin o testamento ng namatay
Aleman – taong taga-Germany
Kimi – namumula ang pisngi
Kuwalta – salapi, pera
Pahumal – nauukol sa ilong

75
Pinagpipiit – pinagkukulong
Sable – espada
Timpiin – supilin
Tudling – kulubot

Kabanata 29 – Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago


Marangya ang libing ni Kapitan Tiyago. Hinirang si Padre Irene na tagapamahala at
tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Ang malaking kayamanan ng namatay ay napunta sa Sta.
Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. Ang dalawanpung piso ay itinira para pangmatrikula
ng mga estudyanteng mahihirap. Inalis ni Kapitan Tiyago ang dalawampu’t limang piso na pamana
kay Basilio dahil sa kawalang-utang na loob umano nito ngunit isinauli ni Padre Irene at siya na raw
ang magpapaluwal sa sariling bulsa. Pinagtatalunan nila kung anong damit ang susuotin ni Kapitan
Tiyago. Ipinirisinta ni Kapitan Tinong ang kanyang sirang damit-Pransiskano na nabili niya sa isang
prayle sa halagang tatlumpu’t anim na piso. Handa raw niya itong ibigay sa kaibigan na ni minsan ay
hindi niya nadalaw noong nabubuhay pa. Ang sastre ay tumutol at sinabing dapat prak ang ipasuot
dahil ito ang suot ng kapitan nang magpakita sa mga mongha at ito ay laging naka-prak kapag
dumadalo noong araw sa mga pagtitipon. Nagprisinta pa ang sastre na hindi sisingilin nang mahal
kapag sa kanya ipinagawa ang ipababaong damit. Tatlumpu’t dalawang piso ang halaga ng niyari
niyang damit. Ngunit sa bandng huli ay si Padre Irene pa rin ang nasunod kaya isang lumang damit
ng Kapitan ang ipinasuot nito. Usap-usapan na nagpakita umano ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago.
Dala ng namatay ang kanyang sasabunging manok, ang pisngi niya ay nananambok sa nganga at
nasa kanyang bibig ang opyo. Ang mga kasama ni Kapitan Tiyago sa sabungan na naroon ay pinag-
usapan kung hahamunin kaya ni Kapitan Tiyago si San Pedro na pagsabungin ang kanilang manok sa
langit. Ayon kay Don Primitivo, naniniwala siyang parehong mananalo sina San Pedro at Kapitan
Tiyago sa pagsasabong. Sinalungat naman ni Martin Aristorenas ang teorya ni Don Primitivo. Para
sa kanya, meron talagang mananalo at matatalo. Tatlong pari ang nagmisa sa libing. Maraming
kamanyang ang sinunog at agua bendita ang ipinandilig sa kabaong. Hindi rin mabilang ang inawit
na mga awiting Latin tungkol sa patay. Marami rin ang sumakit ang ulo sa katutugtog ng plegarya.
Humanga ang lahat sa libing ni Kapitan Tiyago. Si Donya Patrocinio na kalaban naman ng kapitan
noon sa pagkabanal ay inggit na inggit sa libing ni Kapitan Tiyago at tila nagnanais na mamatay na
rin kinabukasan upang magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing yumaong katunggali.

76
Talasalitaan:
Apyan – sigarilyo
Budhi – kalooban
Dayukdok – gutom an gutom
Hitso – nganga
Kuwakong – pinaglalagyan ng Tabako
Maringal – marangya
Prak – barong Tagalog
Pinawalang-bisa – binalewala
Sumakabilang-buhay – namatay

Kabanata 30 – Si Huli
Balita sa buong San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at pagkakadakip kay Basilio.
Dinamdam ito ng buong bayan lalo na si Huli. Hindi mawala sa kanyang isip ang sinapit ng katipan.
Nais niyang makalaya ito kaya naisip niyang lapitan si Padre Camorra dahil alam niyang isang salita
lamang ng pari ay makakalabas ng kulungan si Basilio. Gabi-gabing hindi pinapatulog ng pangamba
ang dalaga at madalas din siyang bangungutin. Urong-sulong siya kung hihingi ng tulong sa pari o
hindi. Makaraan ang ilang araw ay nabalitaan niyang nag-iisa na lamang sa kulungan si Basilio dahil
nakalaya na ang ibang mga nakapiit. Wala tagapagtanggol si Basilio at wala rin naman kamag-anak
lalo pa’t kamakailan lang ay namatay na si Kapitan Tiyago. Ipatatapon daw ito sa Carolinas. Ayaw
mang pumunta ni Huli sa kumbento upang humingi ng tulong kay Padre Camorra dahil natatakot
siya sa binabalak at hinihinging kapalit nito ay napilitan pa rin siyang humingi ng tulong dito. Pinilit
din siya ni Hermana Bali sa pag-aakalang ang pari na lamang ang pag-asa ni Basilio. Nang hapong
iyon ay nagawa ni Padre Camorra ang panghahalay kay Huli. Kinagabihan, usap-usapan si Huli at
ang pagtalon niya sa bintana ng kumbento na kanyang ikinamatay. Patakbo siyang nilapitan ni
Hermana Bali at bumaba sa pinto ng kumbento. Ang lolo ni Huli na si Tandang Selo ay nagsisigaw
at nagwala sa harap ng kumbento. Hindi niya kinaya ang nangyari sa apo. Bigo rin siya sa
paghahanap ng hustisiya kaya naisipan na lang ng matanda na sumama sa mga tulisan.

Talasalitaan
Agua Bendita – Banal na tubig (Holy Water)
Islas Carolinas – lugar kung saan ipatapon si Tano na maaaring pagtapunan din kay Basilio
Kandili – proteksyon

77
Nahimatay – nawalan ng malay-tao
Takipsilim – dapit-hapon
Umiimik – kumikibo
Umuukilkil – paulit-ulit

Kabanata 31 – Ang Mataas na Kawani


Hindi nabalita sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Huli. Ang tanging nabalita sa tulong ni
Ben Zayb ay ang kabutihan umano ng Heneral. Nakalaya na sina Makaraig at Isagani at tanging si
Basilio na lamang ang hindi. Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw ito at
malapit nang matapos sa panggagamot. Lalo lamang napahamak si Basilio dahil bawat sabihin ng
kawani ay panay ang tutol ng Heneral. Dapat daw ay magkaroon ng halimbawang di dapat tularan
ang mga mahilig sa pagbabago. Pinagbintangan si Basilio ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat
sa medisina. Ayon sa Kawani ay dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa lamang ang Heneral
dahil wala umano siyang pakialam sa bayan sapagkat ang naglagay sa kanya sa pwesto ay ang
bayang Espanya at hindi ang bansang Pilipinas. Kapag itinanggi umano sa isang bayan ang liwanag,
tahanan, katarungan at kalayaan ay ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.
Pagkaalis ng Kawani makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw ito sa tungkulin at nagsabing siya’y
uuwi na sa Espanya lulan ng kasunod na bapor.

Talasalitaan
Katampalasanan – kalupitan
Koreo – sulat
Lakayo – komikero (clown)
Padrino – ninong
Umalingawngaw – magkalat ng balita

78
Kabanata 32 – Ang Bunga ng mga Paskil
Dahil sa mga nangyari sa mga mag-aaral ay hindi na nagpaaral ng mga anak ang mga
magulang. Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at sa
kanilang kurso. Hindi man nakapasa ay ikinatuwa pa rin iyon ni Tadeo at sinunog pa ang kanyang
mga aklat. Hindi rin nakapasa sina Makaraig, Pecson, at Juanito Pelaez.
Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Nagmadali namang pumunta sa Europa si Makaraig. Sina
Isagani at Sandoval lamang ang nakapasa. Si Basilio naman’y hindi pa nakakakuha ng pagsusulit
dahil nasa bilangguan pa. Sa bilangguan na rin niya nalaman ang pagkawala ni Tandang Selo at
pagkamatay ni Juli. Sa tulong ng kutserong si Sinong na tanging dumadalaw sa kanya ay nalaman
niyang lahat ang mga pangyayari. Samantala, ayon kay Ben Zayb ay mabuti na ang lagay ni Simoun.
Mamamahala umano ito ng isang piging sa bahay ni Kapitan Tiyago na nakuha ni Don Timoteo
Pelaez sa murang halaga. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na usap-usapan
ng iba na pinakisamahan na niya. Ilang linggo lang ay nabalitang ikakasal na si Juanito kay Paulita.
Bagay umano ang dalawa dahil pareho silang walang isip at makasarili. Buwan na ng Abril at limot
na ang mga pangamba. Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal nina Juanito at
Paulita. Isang bagay lang ang pinagkakaabalahan at iniisip ng ilan, ang makipagkaibigan kay Simoun
at Don Timoteo Pelaez para maimbita sa kasal. Ninong daw ang Kapitan Heneral sa nalalapit na
kasal at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito.

Talasalitaan
Bilangguan – piitan, bilibid
Bitayan – entablado
Hukom – tagahatol
Mabimbin – maantala
Mapawi – maparam, kumupas
Pagsalakay – paglusob
Palugid – pagpapaurong sa parusa
Talumpati – panayam

79
Kabanata 33 – Ang Huling Matuwid
Maaga pa ay inayos na ni Simoun ang kanyang mga hiyas at armas. Araw na ng kanyang
pag-alis at sasabay na siya sa Kapitan Heneral. Naniniwala ang marami na hindi magpapaiwan si
Simoun dahil baka marami ang mga taong galit at maghiganti sa kanya o kaya naman ay pag-uusigin
siya ng kahaliling Heneral. Kinahapunan ay nagkulong si Simoun sa kanyang silid at nagbilin na
wala siyang ibang tatanggapin kundi si Basilio lamang. Dumating si Basilio at nagulat ni Simoun sa
laki ng ipinagbago ng binata. Payat na payat na ito, humpak ang mga pisngi, gulo ang buhok, walang
ayos ang pananamit at wala na ang dating amo ng kanyang mga mata. Si Basilio ay tila isang patay
na muling nabuhay. Nasambit ni Basilio kay Simoun na naging masama siyang anak dahil hindi niya
ipinaghiganti ang kasawian ng kanyang ina at kapatid. Sa kanyang pag-iwas kay Simoun at sa mga
plano nito ay wala umano siyang napala kundi ang pagkakulong. Handa na raw siyang sumanib dito.
Nagsalita si Simoun at sinabing nasa panig daw pala niyang talaga ang katwiran. Ang kanyang
usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio. Tumayo si Basilio at sinabing
matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya nag-aalinlangan. Si Simoun naman ay nagsabi na
ang nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak ay ang mga mabait na hindi
makapagdesisyon ng maigi at ayaw ng gulo. Kung nagkatulungan na daw sana noon pa ang mga
nasa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba, ang gawain sana ay mapagkawanggawa at hindi
madugo at buktot. Nagpunta sila sa laboratoryo at ipinakita ni Simoun ang isang granada kay Basilio.
Napag-usapan nila kung paano ito ginagamit at saan nila ito gagamitin. Sa kapistahan daw umano
nila gagamitin ang tila ilawan ngunit isang granada na pipinsala sa mga bisita sa pista. Ang plano ay
magtatagpo sina Kabesang Tales at Simoun sa siyudad upang agawin ang mga armas na itinago ni
Simoun sa tindahan ni Quiroga. Si Basilio naman ang namumuno sa mga arabal at pag-aagaw ng
mga tulay. Magkukuta siya roon upang sumaklolo kina Simoun. Papatayin niya ang lahat ng laban sa
paghihimagsik at lahat ng lalaking tatangging sumama at humawak ng sandata. Sinabihan ni Simoun
si Basilio na sa ikasampu ng gabi ay magkikita sila sa tapat ng simbahan ng San Sebastian para sa
mga huling tagubilin.

Talasalitaan
Balang – lukton
Makahuma – makagalaw
Nag-aatubili – nag-uunong-sulong, nag-aalinlangan
Nagbunsod – nagtulak
Pinaglagakan – pinagtaguan

80
Kabanata 34 – Ang Kasal ni Paulita
Ika-walo na ng gabi. Nasa daan pa si Basilio ng maisip na makituloy sa kaibigang si Isagani.
Ngunit hindi pala umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na lang at sasabog na
ang ilawan ni Simoun. Marami tiyak ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at
naalala ang babala ni Simoun na lumayo siya sa daang Anloague. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay
nasa daang iyon. May binanggit na kasayahan si Simoun kung saan sa bahay na iyon idaraos ang
piging sa kasal nina Paulita at Juanito. Nakita niya ang pagdating ng sasakyan ng bagong kasal.
Naisip niya ang kaibigang si Isagani. Naawa siya rito at naisip na yakaging sumama sa himagsikan.
Ngunit naisip din niya na malamang ay di papayag si Isagani dahil hindi pa naman nito naranasan
ang mga naranasan ni Basilio. Muli niyang naalala ang kanyang pagkabilanggo, ang kabiguan sa
pag-aaral, at ang nangyari kay Huli. Saka muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang
dumating na sana ang sandaling hinihintay. Dumating ang sasakyan ni Simoun kasama ang
kutserong si Sinong. Sumunod sila sa sasakyan ng bagong kasal. Nagtungo din si Basilio sa Anloage
sa bahay ni Kapitan Tiyago. Doon kasi gaganapin ang hapunan at nandoon din ang Kapitan Heneral
na ninong sa kasal. Dala naman ni Simoun ang ilawan na kanyang handog. Sa bahay ni Kapitan
Tiyago ay makikita sa mga dingding ang mga magagarang palamuting papel, aranya, at mga
bulaklak. Ang kurtina sa bahay ay may pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng
pangalan ng mag-asawa. Napakagara ng bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang
pagdarausan ng hapunan. Para sa mga dakilang panauhin ang mesa at ang mga diyus-diyusan ay sa
asotea nakalagay. Pipito ang doon ay nakaupo. Naroon ang pinakamasarap at mahal na alak. Ubos-
kaya si Don Timoteo, ang ama ng lalaking ikinasal.

Talasalitaan
Bumabaha – umaapaw
Gumigiit – pumipilit
Lasug-lasog – wasak, punit-punit, durog
Mawaglit – mawala
Nasinagan – nasikatan
Pagdarausan – paggaganapan
Puluhan – tangkay, tatagnan, bitbitan
Pumpon – kumpol, bungkos

81
Kabanata 35 – Ang Piging
Ikapito ng gabi nang simulang dumating ang mga bisita sa bahay ni Kapitan Tiyago kung
saan naroon ang piging para sa ikinasal. Unang dumating ang maliliit na tao hanggang sa may
malaking katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ng mga bisita ay pinagpupugayan ni Don
Timoteo. Dumating na rin ang bagong kasal kasama si Donya Victorina. Si Padre Salvi ay naroon na
ngunit wala pa ang Heneral. Pupunta sana sa palikuran si Don Timoteo ngunit di siya makaalis dahil
wala pa ang Heneral. Mayroong pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit ang Don at sinabing iyon
daw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. Kinabukasa’y sisingilin daw niya ang utang ng
pumintas. Dumating na rin ang Heneral. Nawala ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. Si Basilio
naman ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala
niyang mga walang malay na mamamatay roon kaya naisip niyang bigyan sila ng babala. Ngunit ng
makita niya sina Padre Salvi at Padre Irene ay nagbago ang kanyang isip. Nakita rin ni Basilio si
Simoun na dala ang ilawan. Kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy at parang nag-
aalinlangan din ito sa pagpanhik. Ngunit nang magtuloy ay sandali niyang kinausap ang Heneral at
iba pang mga bisita. Saka siya nawala sa paningin ni Basilio. Nalimot na naman ni Basilio ang
kapighatiang dinanas ng kanyang ina, kapatid, at ni Huli. Namayani ang kanyang kabutihang loob at
ninais na iligtas ang mga nasa bahay ngunit siya’y hinadlangan ng mga tanod dahil sa marusing
niyang anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay
sa kanya. Ang mukha niya’y tila nagsasabi na tumuloy sa sasakyan at nag-utos na, “Sa Eskolta.
Matulin!” Mabilis na lumayo si Basilio ngunit may nakita siyang lalaki na nakatanaw sa bahay. Si
Isagani pala iyon kaya niyaya niya itong lumayo. Ipinaliwanag niya ang tungkol sa ilawan saka
hinila si Isagani. Ngunit na mabilis na nagpasya ang binata ng makitang nagpupuntahan na sa kainan
ang mga bisita. Naisip niya na kasamang sasabog sa bahay si Paulita. Sa loob ng bahay ay may
nakita ang mga nagpipiging na isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat. MANE THACEL
PHARES JUAN CRISOSTOMO IBARRA Ani Don Custodio ay isang biro lamang iyon dahil
matagal nang patay si Crisostomo Ibarra. Ngunit ng Makita ni Padre Salvi ang papel at ang nakasulat
doon ay namutla ito. Lagda daw iyon ni Ibarra kaya napahilig siya sa sandigan ng silya saka
nanlambot sa takot. Magpapatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral ngunit ng walang
makita kundi mga utusan na hindi niya naman kilala ay sinabi na lamang nito na magpatuloy sa
pagkain at wag intindihin ang ganoong klaseng pagbibiro. Ngunit ang Heneral ay nagkunwari
lamang na hindi takot kahit pa ang lahat sa loob ng bahay ay takot na takot sa nasaksihan. Maya-
maya’y nagsalita si Don Custodio. Sa wari daw niya’y ang kahulugan ng sulat ay papatayin silang
lahat noong gabing iyon. Hindi sila lahat nakakibo. May nagsabi na baka lasunin sila kaya binitawan
ang mga hawak na kubyertos. Siya namang paglabo ng ilawan. Anang Kapitan Heneral kay Padre

82
Irene ay itaas nito ang mitsa ng ilawan. Bigla namang may mabilis na pumasok, tinabig ang utusang
humadlang dito, saka kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea, at itinapon sa ilog. May nagsabing
magnanakaw daw iyon at may nanghingi pa ng rebolber. Ang anino naman na kumuha sa ilawan ay
tumalon rin sa ilog.

Talasalitaan
Lumagpak – bumagsak, nahulog
Nagbabantulot – nag-aalinlangan
Nagbuwal -nabagsak
Panibugho – inggit, selos
Pumanhik – umakyat

Kabanata 36 – Mga Kapighatian ni Ben Zayb


Matapos malaman ang pangyayari ay patakbong nagtungo si Ben-Zayb sa kanyang bahay.
Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay umuwi si Ben Zayb sa kanila. Hindi siya natulog ng gabing
iyon. Nagtiis siyang iwan ang hapunanan at sayawan. Sa kanyang pagsusulat ay tila gumagawa si
Ben-Zayb ng panibagong istorya. Ayon sa kanyang pagkakasalaysay, ang Heneral ay naging bayani,
ang pagsuot ni Padre Irene sa ilalalim ng mesa ay naging udyok ng katapangan dahil ginawa niya ito
sa patatangkang paghuli sa nagkasala. Kay Don Custodio naman ay inalala ang katalinuhan at
paglalakbay, samantalang ang pagkahimatay ni Padre Salvi ay gawa umano ng malaking dalamhati
ng mabait na Pransiskano. Ngunit matapos niyang isulat ng lahat ng iyon ay ibinalik sa kanya ng
patnugon ng pahayagan ang kanyang sinulat. Ipinagbawal pala ng Kapitan Heneral ang pagbanggit
sa nangyari nang gabing iyon. May balita naman mula sa Pasig na nilusob daw ng maraming tulisan
ang bahay-pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha umano
ang prayle at dalawang utusan nito. Muli na namang umandar ang imahinasyon ni Ben Zayb.
Gagawin daw niyang bayani ang isang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang
ginamit laban sa mga tulisan. Agad siyang nagtungo sa Pasig at doon ay natagpuan niyang sugatan si
Padre Camorra. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo ang pari. Tatlo diumano ang
mga magnanakaw na may dalang gulok at limampung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay
hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan.
Samantala, may nadakip sa mga tulisan. Pinaamin ito at sinabing sila raw ay inanyayahang sumama
sa pangkat nina Matanglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Isang
Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabi ay kumikilos sa utos ng Kapitan
Heneral na kaibigan niyang matalik ang diumano’y mangunguna sa kanila. Katulong pa raw nila ang

83
mga artilyero kaya wala raw dapat ikatakot. Ang hudyat pa nga daw ay isang malakas na putok
ngunit dahil walang putok na narinig ay inakala nilang nilinlang sila ng kanilang tagapanguna. Ang
ilan daw sa kanilang mga kasama ay nagsibalikan na sa bundok. Binalak nilang maghiganti sa
umano’y Kastilang makalawa beses na umanong lumoko sa kanila. Kaya naman ang tatlong tulisan
ay nagpasyang manloob. Ayaw paniwalaan ang tulisan sa kanyang paglalarawan na si Simoun ang
kanilang pinuno. Si Simoun naman ay hindi matagpuan sa kanyang bahay. Marami silang nakitang
bala at pulbura doon. Samantala, si Don Custodio ay naghanda ng habla laban sa mag-aalahas.
Mabilis na kumalat ang balita tungkol kay Simoun. Maraming tao ang di makapaniwala sa kanilang
nabalita.
Talasalitaan
Entreswelo – mesanin, isang silid na mas mababa sa pangalawang palapag
Kalakip – kasama
Nilooban – ninakawan
Pagkatigal – pagkabigla
Tinuligsa – binatikos

Kabanata 37 – Ang Hiwagaan


Sa kabila ng pagpipigil sa balita sa mga kaganapan noong gabi sa piging ay nalaman pa rin
ito ng madla. Naging usap-usapan ito ng lahat ngunit palihim nga lamang. Ang payat na platerong si
Chikoy ay nagdala kasi ng hikaw kay Paulita. Tinatanggal na noon ang mga palamuti at sa mga
hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang maraming supot na pulbura sa ilalim ng
mesa, sa silong, sa bubungan, at sa likod ng mga upuan. Ayon daw kay Ginoong Pasta ay iisa ang
maaring gumawa ng gayon. Maaring isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito kay Paulita.
Binalaan agad ng may-ari ng bahay na si Kapitan Loleng kung saan nanunuluyan si Isagani na
magtago ito. Ngunit ngumiti lamang ang binata. Ipinagpatuloy ni Chikoy ang pagbabalita. Aniya,
dumating daw ang mga sibil ngunit wala namang mapagbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si
Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na pinagdausan ng piging. Pinaalis daw ang lahat ng
mga di kailangan sa imbestigasyon. Natakot ang mga babaeng nakikinig sa ibinalita ni Chikoy.
Hinulaan nila kung sino ang may kagagawan ng lahat. May nagsabing ang mga prayle daw. Ang iba
ay si Quiroga daw, o kaya ay ang mga mag-aaral. Baka daw si Makaraig. At tumingin si Kapitan
Toringgoy kay Isagani. Ang sabi ni Chikoy, ayon daw sa ilang kawani ay si Simoun ang may
kagagawan noon. Kaya naman nagtaka ang lahat. Biglang naalala ni Momoy, isa sa mga dumalo sa
piging, ang pag-alis ni Simoun bago magsimula ang hapun.

84
85

You might also like