You are on page 1of 8

Pangkat 9

Gawain 10: Isa pang Dula


1.
Ang pangunahing suliranin sa akdang Moses, Moses ay ang nangyaring
pananamantala kay Aida ng anak ng Alkalde sa kanilang lugar. Sapagkat sa
nangyari iyon nagkaroon ng trauma si Aida sa mga pangyayari kung kaya
kinakailangan pa nito ng gamot upang ito ay maging mahinahon. Sa nangyaring
ito kay Aida ang lahat sa pamilya ay nagkaroon ng malaking suliranin. Si Regina
ang gusto ay makamtam ang hustisya, si Tony na ang nais ay mapatay niya ang
anak ng Alkalde. Bandang huli napatay nga ni Tony ang anak ng Alkalde at
aksidenteng napatay naman ni Regina si Tony.
2.
Ang layunin ng alkalde sa pagbisita kay Regina ay ang pakikipagusap na iurong
ang demanda laban sa kanyang anak. Siya ay inalok ng sampung libong piso
kapalit ng pag-uurong ng demanda.

Ang katangian na mahihinuha sa alkalde ang ang kanyang kayabangan at


pagkapresko. Hindi niya alintana na ang kasalanan ng kaniyang anak ay nagbigay
ng sama ng loob kay Regina. Sa halip ay masaya pa siyang nakikipag-usap na
parang walang nangyari.
3.
Hindi natin hinahayaan na tapak tapakan na lang ang ating dignidad. Kagaya ng
ginawa ng alkalde na sinubukang ipang-areglo sa kaso ang sampung libong piso
upang hindi masira ang kanyang ang kaniyang pagkatao, at posisyon.
4.
Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa lipunan. Kasama
rin ang kabuktutan ng pamahalaan kasama na rin ang mga opisyal nito.
Ipinapakita rin nito ang mga kasawian sa buhay na hindi dapat takasan. ‘Moses
Moses’ ang pamagat ng akda sapagkat ito ay tumatalakay sa hustisyang umiiral
sa bansa na tulad ng paglalarawan kay Moses sa bibliya na siyang tumanggap at
nagdala ng mga batas ng Diyos sa mga Israelita o mga taga Israel.  Dapat ay
hindi natin inilalagay sa ating kamay ang hustisya. Ipaubaya na lamang natin sa
Diyos ang lahat. Dahil siya ang higit na nakakaalam kung anong gagawin nya.
Matuto tayong maging mahinahon at wag maghiganti sa mga taong nagkasala sa
atin. Sa hustisya, dapat ay walang mayaman at mahirap. May pera ka man o wala,
karapatan nating makamit ang hustisya kapag tayo ay naargabyado nang kung
sinong tao. Dapat din ay huwag nating ilagay sa ating mga kamay ang batas.
Iwasan nating marumihan ang ating Pangalan. 
5.
Higit na malapot ang dugo kaysa sa tubig, ito ay nasasambit kapag mayroong
pagkakataon na mas pinipili ng isang tao ang kanyang pamilya o mga kaanak
kaysa sa mga taong kakilala lamang. Kahit pa ang pagkakataong ito na ang taong
kaanak niya ay nakagawa ng mali ngunit mas pinili niyang pumabor sa kanyang
kaanak. Sinasabing mas matimbang ang kadugo kaysa sa mga kaibigan o
kakilala. Pinatunayan ito sa akdang ‘Moses Moses’ nang ipagtanggol ng alkalde
ang kanyang anak sa panggagahasa kay aida, at nagawa pa nitong mag-alok kay
Regina ng sampung libong piso para ibagsak ang kaso laban sa kanyang anak.
6.
Tekstong naratibo, dahil nagsasalaysay ito ng serye ng mga pangyayari. Ito ay
nakatuon sa kung paano nangyari ang mga tagpo, kompleto sa panahon, tagpuan,
at mga tauhan.
Wakas

You might also like