Professional Documents
Culture Documents
PAGBABALIK-ARAL
a. Kailan natapos ilimbag ni Rizal ang El Filibusterismo?
Calamba, Laguna (Oktubre, 1887) Lugar at petsya kung saan nagsimulang sinulat ni Rizal ang El Fili
Mga lugar kung saan isinulat ni Rizal ang El Fili
o Calamba, Laguna
o London, Inglatera
o Paris, Pransiya
o Madrid, Espanya
o Biarritz, Germany
Biarritz, Germany (Marso 29, 1891) Lugar at petsya kung saan tinapos ni Rizal ang El Fili
b. Kanino inihandog ang kanyang ikalawang nobela?
GOMBURZA, ang tatlong paring Indio na hinatulang mamatay sa pamamagitan ng GAROTE dahil
umano´y sangkot sila sa pag-aalsa sa Cavite
Mariano Gómez, José Burgos, at Jacinto Zamor
Dahilan kung bakit inialay ni Rizal ang El Fili sa Gomburza
o Dahil itinuturing niya ang tatlong pari na biktima ng kasamaang ipinangako niyang
lalabanan
o Upang magsilbing pagpupugay sa tatlong makabayan
c. Ano ang kahulugan ng salitang El Filibusterismo?
Ang Paghahari ng Kasakiman
Ang aklat na El Filibustresimo ay ang karugtong ng Noli Me Tangere sinasabing mas kakaunti ang
katatawanan sa aklat na ito at hindi gaanaong idealism at hindi rin masyadong romantiko na
kagaya ng Noli Me Tangere ito ay mas rebolusyonaryo at kalunos-lunos kesa Noli.
Ang orihinal na manuskrito ng el Filibusterismo na nasa sulat kamay ni rizal ay iniingatan sa
Filipiniana Division ng Bureau of Public Libraries sa Maynila.
Ito ay binili ng pamahalaang Pilipino kay Valentin Ventura sa halagang P10,000.00. at ito ay
binubuo ng 279 na pahina ng mahabang pirasong papel.
d. Mga Dahilan sa Pagsulat ng El Filibusterismo Ayon sa Liham ni Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt
Hindi niya inilimbag ang aklat upang gumanti
Upang mapabuti ang kalagayan ng mga nagdurusa
Ipagtanggol ang lahing Tagalog sapagkat mayroon silang karapatan
PAGTATALAKAY
a. Ano ang pangalan ng bapor? Ilarawan ang katangian nito at bakit ito tinawag na”daong ng
pamahalaan”?
Ito ay hugis bilog kaya walang direksyon.
Ito ay sumusunod lamang sa paggalaw ng mga alon.
Luma na ngunit pinilit na pagandahin gamit ang bagong pintura
Napakabagal at nakakahilo ang pagtakbo
Hugis bilog
b. Sinu-sino ang mga lulan o sakay sa Bapor Tabo? Ano ang pinagkaiba ng mga pasahero sa ibabawat
ilalim ng kubyerta?
Itaas na kubyerta (mayayaman at makapangyarihan)
Ibabang kubyerta (mahihirap na Indio at Intsik)
Sa ilalim ng kubyerta ang mga manlalakbay ay nakaupo lamang sa mga maliliit na silya at bangko
kung saan nakalagay rin ang kanilang mga maleta, baul, basket at iba pa. Dahil sa init,
naghalohalo ang mga singaw ng mga tao at napakaingay pa dito dahil malapit lang ang makina ng
bapor sa ilalim ng kubyerta. Ipinapakita nito na hindi komportable ang kapaligiran sa ilalim ng
bapor. Sa kabila ng kalagayan ng mga pasahero sa ilalim ng bapor, masaya pa rin sila at
nananabik nang magbakasyon para sa kapaskuhan.
Sa ibabaw naman ng bapor ay mas maganda at komportable ang kapaligiran. Dito ang mga
mayayaman nakaupo, kabilang na si Simoun. Si Isagani at Basilio, mga mag-aaral, ay mataimtim
na nag-uusap kasama si Kapitan Basilio sa layunin ng mga mag-aaral na makapagpatatag ng
akademya para sa pagtuturo ng wikang Kastila.
PAGLALAPAT
Panukala ni Simoun
Humukay ng isang matuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog Pasig hanggang sa labasan at sa
daraanan sa Maynila.
Magbukas ng isang bagong ilog at tabunan ang dating ilog Pasig.
Gamitin ang mga bilanggo at bihag kung hindi sasapat, ang taong-bayan, ang mga bata, at mga
matatanda’y pagawain.
Sa halip na 15 araw ng sapilitang paggawa ay pagawin sila ng tatlo, apat o limang buwan ukol sa
pamahalaan.
Bukod dito, pilitin ang bawat isa na magdala ng pagkain at kani-kaniyang kasangkapan.
Panuka ni Don Costudio
Pipilitin niya na ang lahat ng mga bayan sa tabing Ilog na mabuhangin ay mag-alaga ng pato para
kumain ng mga suso na magpapalalim ng gulud-guluran ng tabing ilog
PAGTATAYA
TATSULOK
Ang kantang ito ay nagsasalaysay tungkol sa away-militar at ang ugat ng mga pag-aaway sa ating
bansa. Noong sumisikat pa lang ang kantang ito, ang ala-ala ng mga anti-communist vigilante
groups ay sariwa pa sa isipan ng mga tao, lalo na sa pagsulpot ng ibang grupogaya ng Alsa Masa
at iba pang “death squads”.Parehong insidente ng death squads ang lumaganap kasabay ng
extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Arroyo. Ang mga napatay na ito ay
binansagang: “NPA Supporters”.Sa bandang huli, sinasabi ng kanta sa atin na ang pagtatalo ay
hindi lamang sa pagitan ng NPA at ng rehimeng Aquino noon (pula’t dilaw). Ang ugat ng
pagaaway-away na ito ay kahirapan, ang “social pyramid”.