You are on page 1of 11

REPLEKSIYON # 1

I. Kabanata/Pamagat
Sa Kubyerta
II. Buod
SIMULA
Isang umaga ng Disyembre, ang Bapor Tabo ay naglalayag sa may Ilog Pasig patungong Laguna.
Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya Victorina,
Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun. Dumating at sumama
sa usapan ang alaherong si Simoun sa tumpukan ng mga mayayaman. Kilala siya sa buong Maynila dahil
siya ang tagapayo ng Kapitan Heneral.
GITNA
Napansin nilang napakabagal ng pagandar ng bapor kaya napag-usapan nila ang pagpapalalim ng
Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik. Sinalungat naman ito ni Simoun na
kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa Maynila. Ang
mga gagawa umano nito ay kahit sino, bata man o matanda.
WAKAS
Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon
at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil
darami raw ang balut na pinandidirihan niya.
III. Pagsusuring pangnilalaman
A. Talasalitaan, Matatalinhagang pahayag, Wikang espanyol
1. Kubyerta- Pang-ibabaw na palapag ng bapor
2. Alahero- Lalakeng nagbebenta ng mga alahas.
3. Quevedo- Salaming bilog ang hugis at para sa isang mata lamang.
B. Pagpapahalagang Pangkatauhan

Mga Kamalayang Panlipunan na Bisa sa Isip at Damdamin Bisa sa Pamilya, Pamayanan at


nakasaad sa Kabanata lipunan

Pagsasalungat ng mga tauhan Ito ay nakakapang-alala at Madalas ito nangyayari sa loob


dahil sa iba’t-ibang suhestiyon at nakakabahala dahil isa ito sa ng isang pamilya dahil sa hindi
opinyon. dahilan ng hindi pagkakaunawaan at mayroong
pagkakaunawaan. Dahil tayo ay sariling pinaglalaban. Ito rin ay
mayroong iba’t ibang saloobin at makikitang nangyayari sa
opinyon, pinaglalaban natin ito at kapaligiran, pamahalaan at kahit
minsan, kahit hindi mabuti ay saan. Ang isyung ito ay mas
ipaglalaban pa rin natin ito. lalong mahirap maagapan sa
Nakakalungkot na ang mga tao pagitan ng mga matatalino at
sa itaas ng bapor ay matatalino mapagmataas na tao dahil hindi
subalit dahil dito, ito ang talaga sila magpapatalo. May
naguugat sa kanilang pagtatalo. mga tao talagang ganito kaya
Ito ay hindi maganda kaya dapat hindi maganda ang kanilang
magkaroon tayo ng malalim na relasyon sa iba. Kaya dapat
pangunawa nang sa gayon ay timbangin mabuti ang sitwasyon
tayo ay magkasundo at hindi at magpasya ng bagay na
mauwi sa pagaalitan. makabubuti sa lahat.
Mahirap na bansa at Nakakalungkot sapagkat sa Pagkatapos natin ayusin ang
mamamayang bumubuo dito kabanatang ito, ang pamalahaan sarili natin, maaapektuhan nito
dahil sa palpak na pamahalaan ng Pilipinas ay aakalaing ang ating sariling pamilya, sunod
maganda(panglabas), subalit ay bayan, hanggang umabot ito
bulok naman ang pamamalakad sa ating bansa. Napakalaki ang
sa loob, katulad ng bapor. ginagampanan ng ating
Mabagal ang pag-usad dahil na pamahalaan kaya tayo naman
rin sa dinadala nitong mga bilang isang mamamayan ng
mahihirap na mamamayan. Mas bansa ito, pumili tayo ng
lumalala ang sitwasyon ‘kung’ mamumuno na alam nating
tayo ay pinamumunuan pa ng makatutulong sa pagunlad ng
isang kurap, bulag, at hindi bansa. Tayo ay magaral ng
matalinong politiko. Subalit kahit mabuti at naniniwala ako na ang
ganito, wag natin kalimutan na edudakasyon ang magiging susi
magmumula sa atin sarili ang sa lahat, kaya mayroon pang pag-
pagbabago. asa. “Ang kabataan ay ang
pagasa ng bayan.”
Mababa ang tingin sa mga Maraming taong katulad ni Ang pamilya ang unang guro
Pilipino at mapanglait Donya Vicortina na laging natin sa buhay. Sila dapat ang
namumuna ng iba at hindi gumabay sa atin at magturo ng
nakikita ang sariling kamalian. tama at mabuting asal. Malaki rin
Maraming mapagkunwari para ang ginagampanan ng lipunan at
lamang makasabay sa mga pamayanan dahil dito natin mas
mayayaman. Para sa akin, sila ay mauunawaan ang pagkakaiba-iba
nakakaawa dahil sila ay nating tao. Kahit na maraming
nabubulag sa katotohanan. ganitong tao sa ating lipunan,
Nakakainis din ang mga ganitong sana ay magbago na ang
tao dahil hindi nila napapansin na ganitong paguugali para sa
sila mismo rin ang may ikauunlad ng ating bansa.
katangian ng kanilang mga Magtulungan na lang tayo.
pinapataman. Huwag tayo
manghusga at manlait agad.
REPLEKSIYON # 2
I. Kabanata/Pamagat
Sa Ilalim ng Kubyerta
II. Buod
SIMULA
Sa ilalim namang parte ng bapor ay nagsisiksikan ang mga tao at naroon din ang mga bagahe at
kargamento. Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa
Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio.
GITNA
Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa Akademya ng wikang kastila para sa
kanila. Napag-usapan din nila si Paulita Gomez, ang nobya ni Isagani na pamangkin ni Donya Victorina
de Espadaña.
Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta at maya-maya’y lumapit kina Basilio at Isagani.
Ipinakilala siya ni Basilio kay Isagani. Sinabi ni Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina
Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas, na siyang nagpainis kay Isagani.
WAKAS
Nagpatuloy ang sagutan nilang tatlo hanggang sa nangalok si Simoun ng serbesa. Tumanggi sila
dahil tubig lamang ang kanilang iniinom. Sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya
mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar dahil hindi sila nainom ng serbesa at puro tubig lamang.
III. Pagsusuring pangnilalaman
A. Talasalitaan, Matatalinhagang pahayag, Wikang espanyol
1. “Tubig kami, wika ninyo, apoy kayo;”
“napakatamis ng atubig at naiinom, lumulunod sa alak at pumapatay sa apoy. Nagiging singaw ito kapag
pinapainitan; Kapagnaligalig, nagiging karagatan na minsan nang pumuksa sa sangkatauhan at yumanig
sa dibdib ng mundo.”

- Ang tubig ay tumutukoy sa mga indiyo, samantalang ang apoy naman ay ang mga mga fraile o espanyol.
Sinsabing nagkaka-singaw na nanganguhulugan sa isang rebolusyon; at kapagnagsama-sama at nagkaisa
ay magkakaroon ng malakas na kapangyarihan.
2. Eminensiya negra- “kamahal-mahalang itim’ Wais na tagapayo ng Kapitan Heneral’ Kardinal Moreno
3. Serbesa- Isang inuming nakakalasing na kadalasang iniinom ng mga mayayaman dahil sa kamahalan
ng presyo.
B. Pagpapahalagang Pangkatauhan

Mga Kamalayang Panlipunan na Bisa sa Isip at Damdamin Bisa sa Pamilya, Pamayanan at


nakasaad sa Kabanata lipunan

Kalagayan ng lipunang Filipino Maraming mga kaganapang Laganap ang diskriminasyon at


noon. Hindi pagkakapantay- nangyari noon na tungkol sa pag-uuri sa mga tao sa mundo.
pantay diskriminasyon. Nakakalungkot Ito ay nagbubunga ng hindi
dahil kahit matagal na natin itong pantay na pagtrato sa mga tao sa
nilalabanan at pinaglalaban, lipunan at kaguluhan. Mas
hindi pa rin ito mawala-wala. binibigyan nila ng halaga ang
Mabababa ang tingin nila sa mga mga mayayaman, sikat, o ano pa
Pilipino dahil salat sa edukasyon mang uri ng tao sa mundo na
subalit hindi natin ito kasalanan nagdudulot ng hindi
dahil tayo ay kinakawawa noon. pagkakapantay-pantay. Ito ay
Mabuti nga ngayon, ay mapapansin natin sa ating
nagkaroon na tayo ng boses lipunan kahit ngayon. Dapat, ano
upang marinig ang ating pa mang lahi, kulay, o status ng
ipinaglalaban laban sa mga isang tao, isaisip ang prinsipyo
ganitong sitwasyon. ng pagkakapantay pantay at
tulungan ang talagang
nangangailangan.
Hindi magawang tutulan ang ibig Ito ay isang mapait na Maswerte tayo kung ang ating
ng magulang at susundin dapat katotohanan na nararanasan ng magulang ay suportado tayo sa
ang gusto nila para sayo. ilang mga kabataan ngayon. kung ano mang landas ang ating
Ayaw nilang mabigo ang pipiliing tahakin. Malaki ang
magulang kaya hindi sila masaya epekto ng ating lipunan at
sa ginagawa, pipilitin pa ring pamayanan sa ating pipiliing
maging ‘proud’ sa kaniya ang desisyon att naririrto ang ating
kaniyang magulang. mga magulang upang gabayan
Nakakalungkot at nakakaawa ang lamang tayo sa buhay. Ngayon,
kanilang sitwsyon. Kaya sana, sana ay huwag hayaang
bilang magulang ay huwag magpatali sa kagustuhan ng iba
diktahan ang iyong anak at kahit hindi mo naman ito gusto
suportahan at gabayan ito sa dahil hindi tayo mabubuhay ng
kaniyang tatahaking landas. masaya kung ganon. Ipaglaban
kung ano ang bubuo sa buhay
mo.
Katapangan at pagpupunyagi ng Kahanga-hanga ang katauhan ni Malaki ang ambag ng ating
mga kabataan para sa kanilang Isagani dito sa kabanatang ito pamilya upang mas lalo tayo
pangarap kasama na rin si Basilio dahil sa magsikap sa buhay. Sabi nga ng
kanilang katapangan at lagi nating naririnig na ang
paniniwalang sila ay kabataan ay ang pagasa ng
magtatagumpay sa kanilang bayan. Huwag tayo maligaw sa
pakay. Magaling sila dahil landas at igihin ang pagaaral
ginagamit nila ang kanilang dahil maswerte tayo dahil malaya
talino upang baguhin ang pangit tayong nakakapagaral ngayon
na sistemang pamamalakad sa kumpara noon. Gamitin natin ang
panahon nila. Hindi sila ating mga natututunan upang
nawawalan ng pagasa. Dapat makatulong naman sa ating bansa
natin itong tularan. at bayan.

REPLEKSIYON # 3
I. Kabanata/Pamagat
Mga Alamat
II. Buod
SIMULA
Namomoblema si Padre Camorra dahil sa mga taong ayaw magbayad ng buwis sa kanila. Nang
biglang dumating si Simoun sa itaas na bahagi ng bapor at nagsimulan silang magusap ukol sa mga
alamat.
GITNA
Unang nagkuwento si Kapitan Basilio. Ito ay ang alamat ng Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat,
ang mga katutubo ay sumasamba sa mga bato at naniniwala sa mga espiritu.
Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya Geronima. Nagkaroon daw ng
kasintahan ang Donya ngunit naging arsobispo ito sa Maynila. Sinundan daw ng babae ang katipan at
kinulit sa alok na kasal. Upang makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang yungib malapit sa Ilog Pasig.
Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin ng isang
buwaya. Naging bato daw ang buwaya nang dasalan ng Intsik ang santo.
WAKAS
Napunta ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra at ang ama nito. Tinanong ni Ben Zayb
kung saan iyon banda sa Ilog Pasig. Biglang nahilo at namutla si Simoun.
III. Pagsusuring pangnilalaman
A. Talasalitaan, Matatalinhagang pahayag, Wikang espanyol
1. Balat-kayo- Isang katagang Filipino na tumutukoy sa pagiging mapagkunwari, mapagkaila, at
mapangloko ng isang tao.
2. Bise-rector- Representante o katulong ng Rector (namumuno sa isang paaralan).
3. Gobernador eklesiyastiko- Taong namumuno sa isang simbahang Kristiyano; Arsobispo
B. Pagpapahalagang Pangkatauhan

Mga Kamalayang Panlipunan na Bisa sa Isip at Damdamin Bisa sa Pamilya, Pamayanan at


nakasaad sa Kabanata lipunan

Pinapahalagahan ang pangako at Kinakailangan nating tandaan na Maraming pwedeng mangyari sa


obligasyon ng bawat isa ang pangangako ay isang bagay buhay, hindi natin alam kung ano
na kailangang tuparin, dahil nga ang mangyayari bukas o sa
nangako ka. Nakakalungkot lang susunod na mga taon. At bilang
na mula noon at magpahanggang isang aktibong mamamayan na
ngayon, hindi na nila namumuhay sa lipunan,
pinpapahalagahang ang pangako kinakailangan natin gawin ang
at ito ay natutuluyan nang ating obligasyon ng maayos at
mapako. Kaya dapat, kung tapat. Maaaring
mangangako tayo ay yung magkakomplikasyon ang iyong
sigurado at mas maganda ngang nagawang pangako at sa iyong
wag na lang mangako. Mabuhay obligasyon gaya ng nangyari sa
na lang tayo at maghintay ng yungib ni Donya Victorina. Kaya
kung anong mangyayari basta kinakailangan na isipin ang iba’t
hindi mawawala ang ibang mangyayari sa ating
determinasyon mo sa bagay na lipunan, pamayan na maaari rin
iyon. dahil sa dikta ng ating pamilya
ng mabuti bago magbitaw ng
pangako lalo na kung ito ay
tungkol sa pagmamahal.
Ang hindi pagkakasundo ng mga Dapat ay magkasundo tayo sa Sa lipunan, mayroon tayong iba’t
mamamayan at ng nasa posisyon babayaring buwis. ibang pangangailangan. Tayo ay
sa buwis na ipinapataw sa kanila Nakakalungkot lamang na nagtatrabaho upang may
ngayon, may mga ‘corrupt’ na maipangtutos sa buhay. Sa mga
opisyal na gahaman sa pera. Sa lugar na hawak ng gobyerno, ang
buwis nagkakasahod ang ilang kanilang sinasahod ay galing sa
mga tao. Sabi nga ni Padre mga buwis ng mga Pilipino.
Camorra, hindi nakikita ng mga Kaya rin tayo nakakapagaral ng
indio ang kanilang gastos, kaya libre ay dahil sa buwis. Nararapat
nararapat lamang din naman na lamang na magbayad tayo ng
itaas nila ang buwis. Basta tamang buwis dahil lahat naman
lamang ay huwag tayo maging tayo ay nakikinabang dito.
sakim.
Pagkukuwento ng mga istorya o Nakakamangha dahil ngayon, Tayong mga Pilipino ay
alamat na may makukuhang aral umunlad na ng umunlad ang palakuwento tungkol sa iba’t
sistema ng ating literatura. Kung ibang makabuluhang bagay.
noon ay ito ay salin salin lamang, Maaari natin itong makuha mula
ngayon ay mayroon nang sa ating pamilya, lipunan o
nakalathala sa libro at para kapag pamayanan. Maraming mga
ito ay kinuwneto, ay walang mahuhusay na manunulat sa
maidaragadg at makukulang. Ito Pilipinas at tayo, bilang isang
ay maganda dahil ang mga ito ay mambabasa, atin itong
may pinanghuhugutan mula sa pahalagahan at suriin mabuti
taonglumathala at may dahil sa pamamagitan nila, ating
makukuha tayo ritong mabuting pinapakita ang tunay na
mesahe. kakanyahan ng sining.

REPLEKSIYON # 4
I. Kabanata/Pamagat
Kabesang Tales
II. Buod
SIMULA
Ipinakilala si Tandang Selo na may anak na si Kabesang Tales. Si Kabesang Tales ay may tatlong
anak na sina Lucia, Tano, at Juli. Sila ay nakatagpo ng isang gubat na pedeng panghanap buhay. Inayos
nila ito na naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang asawa at panganay na anak na si Lucia.
Magbubukid siya at umasenso ang kanilang tubuhan. Nang may dumating na mga prayle at sinabing sa
kanila ang lupang iyon at bilang kapalit ay magbabayad sila ng buwis kada taon.
GITNA
Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Naisipan niyang mapag-aral din si Juli
ng kolehiyo kagaya ng kasintahan nitong si Basilio. Subalit, mayroong mga buwaya at tinaasan sila ng
buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin na ng tuluyan ng mga prayle ang kanilang lupa. Nahuli siya sa
pagbibitbit ng ip[inagbabawal na bagay at dinala ito sa korte ngunit natalo siya. Nakulong si Tales.
Pinatutubos naman siya sa halagang 500 piso. Gumawa ng paraan si Juli at ipinangtubos ang kaniyan mga
alahas maliban sa isang agnos.
WAKAS
Ngunit di ito sapat kaya napilitan si Juli na mamasukan kay Hermana Penchang noong
Disyembre 24. Hindi na nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga. Bago
manilbihan si Juli kay Hermana Penchang, napaniginipan niya ang kaniyang mga kapatid at si Basilio.
III. Pagsusuring pangnilalaman
A. Talasalitaan, Matatalinhagang pahayag, Wikang espanyol
1. Cabeza de barangay- Ang pinuno ng baryo noong panahon ng mga Kastila. Sila ang pumalit sa mga
pinunong datu at katumbas ngayon ng kapitan ng barangay.
2. “Sa alabok tayo babalik, Ama, at isinilang tayong walang damit’’- Tayo ay nabuhay ng walang kung
anuman at mamamatay na ganito rin. Hindi natin madadala sa ating hukay ang pera sa mundo. Ito ay
nagpapakita na mahirap man o mayaman, tayo ay mamamatay na walang madadalang mga bagay sa ating
hukay.
3. Padron-Ang listahan ng mga mamamayan na isang nayon.
B. Pagpapahalagang Pangkatauhan

Mga Kamalayang Panlipunan na Bisa sa Isip at Damdamin Bisa sa Pamilya, Pamayanan at


nakasaad sa Kabanata lipunan

Pagiging ganid at mapanlamang May mga taong sinasalamantala Ang mga may kapangyarihan ang
sa kapuwa ang kabaitan ng isang tao. dapat natulong sa mga
Marami ang nabubulag sa pera at nangangailangan at hindi ang
nakakalungkot dahil ito ay ang inaabuso pa ang kahinaan nito.
mapait na katotohanan. Wag Kung gusto natin umunlad ang
tularan ang ganitong gawain at ating lipunan, ibahin natin ang
makuntento sa kung ano ang pagiisip, alisin ang pagiging
mayroon ka at paunalrin ito sa ganid at ipaglaban ang
tamang paraan. katarungan at hustisya sa buhay.
Huwag tayo mabulag sa
kapangyarihan at mula dito,
asahan nating uunlad ang ating
bansa.
Pagsusumikap ng isang tao Pinagpapala ang taong may “Hindi kasalanan ang mabuhay
upang umunlad sa buhay determinasyon at gawa sa buhay, ng mahirap, kasalanan kapag
katulad na lamang ni Kabesang ikaw ay namatay ng mahirap.”
Tales. Hanga ako sa mga taong Malaking hamon talaga sa ating
ganito at sila ay karapat-dapat lipunan ang mabuhay ng salat sa
talaga sa mga natatamasa nila. pera pero hindi ito ang dahilan
Sabi nga nila, “Kapag may upang sumuko. Nariyan ang
tiyaga, may nilaga.” Kaya ating mga magulang upang
patuloy tayong magsumikap sa maging ispirasyon at motibasyon
buhay at asahan natin may sa buhuay at harapin ang hamon
maganda tayo paroroonan. na mayroon ang ating lipunan.
Tayo ay maniwala na
malalampasan natin ito at tayo ay
magiging matagumpay sa buhay.
Pagsasakripisyo para sa Hindi biro ang magsakripisyo. Katulad ng ating mga magulang,
minamahal sa buhay Kaya hangang hanga ako at may sila ay nagsasakripisyo para
paggalang sa mga taong lamang tayo ay magkaroon ng
nagsasakripisyo para lamang sa magandang buhay. Sila ay
kanilang minamahal sa buhay. nagtatrabaho para sa atin lalo na
Talagang aking pinapahalagahan ang mga OFWs na tinitiis ang
ang kanilang mga ginagawa at lungkot sa ibang bansa. Ito ay
itatatak sa isip na huwag silang dahil mahal natin ang tao. Sa
biguin. Ang pagsasakripisyo ay lipunan at pamayanan naman,
isa sa mga bagay na nariyan ang mga taong hindi
nagpapatunay ng ating natatakot magsalita upang
pagmamahal sa bagay o taong tuligsain ang hindi magandang
iyon. Huwag sayangin ang pamamalakad ng gobyerno at
pagkakataon at magkaroon ng sinasakripisyo nila ang kanilang
utang na loob. pagkatao para lamang
magkaroon ng katarungan ang
lahat.

REPLEKSIYON # 5
I. Kabanata/Pamagat
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero (Buod)
II. Buod
SIMULA
Gabi na nang makarating si Basilio sa kanilang bayan dahil nasabay siya sa prusisyong pang-Noche
Buena. Kung kailan mayroong mga pista at sila'y naabala sa daan dahil nalimutan ni Sinong, ang kutsero,
ang kanyang sedula at siyay binugbug ng guardia sibil.
GITNA
Napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, ang pinakamatandang taong namalagi sa daigdig.
Idinaan naman ang rebulto ng tatlong Haring Mago na nakapagpaalala kay Sinng kay Haring Melchor.
Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ang kanang paa ng bayaning si Bernardo
Carpio na naipit umano sa bundok sa San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng mga Pilipino si Carpio na
makapagpapalaya sa kanila. Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa. Dinala na
siya sa presinto at si Basilio ay naglakad na lamang.
WAKAS
Sa paglalakad niya ay napansin niyang wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit Pasko na.
Dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago at naisalaysay ang pangyayari kay Kabesang Tales at Juli.
Napansin niyang nagbebenta pa ri ng alahas si Simoun kahit bisperas na ng pasko. Nabalitaan din niya
ang pagtulis ni Kabesang Tales; dahil doon kay hindi nakakain ng hapunan si Basilio.
III. Pagsusuring pangnilalaman
A. Talasalitaan, Matatalinhagang pahayag, Wikang espanyol
1. Nag-apuhap- Kumapa; maghanap
2. Karomata- Sasakyang may dalawang gulong at hinihila ng kabayo
3. Sedula- Ito ay isang uri ng pagkakakilanlan sa isang mamamayan ito ay katulad ng mga ID
kahalintulad ng Passport at Driver’s license.
B. Pagpapahalagang Pangkatauhan

Mga Kamalayang Panlipunan na Bisa sa Isip at Damdamin Bisa sa Pamilya, Pamayanan at


nakasaad sa Kabanata lipunan

Pagpapahalaga ng mga Pilipino Nakakatuwa dahil sa Hinid puwedeng hindi


sa tradisyon (pagdiriwang ng pamamagitan ng ganitong magdiwang ng pasko ang mga
kapaskuhan) okasyon, tayo ay nagbibigayan at Pilipino. Kahit walang wala tayo,
kahit walang kapalit, basta tayo tayo ay gumagawa pa rin ng
ay masaya sa ginagawa. paraan upang ipagdiwang ito. Ito
Nakakaantig ng puso na tignan ay dahilan kung bakit
ang masasayang mukha ng mga nagkabuklod-buklod ang mga
taong nanonood sa mga parada, pamilya. “Season of giving.’’
habang nagbibigayan at Ang mahalaga na tayo ay sama-
tumatanggap ng mga aginaldo. sama at masayang pinagdiriwang
At dapat hindi ito natatapos dito. ito sa ating pamayanan at
Araw araw ay tayo ay lipunan.
magbigayan at mahalin ang
kapuwa.
Pangaalipusta at pagiging Nakakalungkot dahil hanggang Ang mga taong namumuhay sa
marahas sa mga mahihirap ngayon ay hindi pa rin ito lipunan ay mayroong iba’t ibang
nawawala. Mababa ang tingin karapatang tinatamasa. Ang
nila sa ibang taong mahihirap pangaabuso sa at ay lumalabag sa
dahil lamang sila ay mayaman o karapatang pantao. Kaya narito
may posisyon. Nakakagalit ito ang mga batas na ginawa ng
dahil walang kalaban-laban ang ating pamayanan upang
tao at hinahayaan na lamang ito protektahan tayo sa mga ganitong
dahil kung lumaban sila, mas pangaabuso. Huwag mahihiyang
malala pa ang mangyayari. Pero magsumbong sa iyong pamilya o
ngayon, sana ay magkaroon tayo kaibigan kung ikaw ay
ng katapangan at huwag hayaang nakakaranas ng ganito.
alipustahin tayo at lumapit sa
kinauukulan. Ipaglaban ang
karapatan.
Pagpapahalaga sa negosyo at Hanga ako sa mga taong kahit na Kung talagang ikaw ay ‘Business
sinusulit ang mga pagkakataon may kaya na sa kanilang buhay, Minded,’ wala dapat tayong
ay hindi pa rin tumitigil pinapalampas na oras at
magnegosyo at hindi pangyayari. Lalo na’t halimbawa,
mayayabang. Ginagawa nila ang ay pasko, maraming tao ang may
kanilang trabaho ng tapat at pera kaya magandang
walang tinatapakan na iba. pagkakataon ito upang magbenta.
Magandang tuluran ito at maging Basta huwag lang natin
madiskarte nang sa gayon ay kalimutang alagaan ang ating
tayo ay maging matagumpay sa sarili dahil kaya naman tayo
buhay. naghihirap sa pagtatrabaho ay
para sa ating mga pamilya.

You might also like