You are on page 1of 3

PLACIDO PENITENTE

Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan. Naaayon nga sa kanya
ang kanyang pangalan, na ang ibig sabihin ay “Tahimik na Nagdurusa,” kapag siya ay mahinahon. Ngunit
kahit na anong hinahon ng isang tao kapag iyong ginalit ay nagiging mas mabangis na walang makapipigil
na makapatay o mamatay.

KABESANG ANDANG

Ina ni Placido na mula pa sa Batangas at naghihintay na sa kanyang tahanan upang mamili at bigyan siya
ng kuwalta. Si Kabesang Andang ay isang halimbawa ng ignoranteng ina noong panahong iyon na kaya
lamang nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang makapagmalaki bilang ina ng isang
nakapag-aral at nagkatitulo. Kung alam niya na ang ibubunga ng pag-aaral ni Placido ay bilangguan o
bibitayin, na siyang tiyak na ibubunga ng masikhay at matining na pag-aaral noon, ay papag-aralin pa
kaya niya ito?

SIMOUN

Ang paghihimagsik na inilunsad ni Simoun ay may iisang layon – paghihiganti. Hindi siya maghihimagsik
para sa kabutihan ng bayan kundi upang pagbigyan ang kauhawan niya sa paghihiganti. Ngunit sa
paniniwala niya, ang kanyang tunay na layunin ay pagsugpo sa kasamaan ng pamahalaan. At ang
masama niyang pamamaraan ay binibigyang katwiran niya sa inaakala niyang layuning makabayan. Ang
sandaling pag-aatubili ni Simoun sa kanyang mga balak ay nagpapatotoong sa kaibuturan ng kanyang
diwa ay nag-aalinlangan siya sa kanyang pamamaraan.

SABIHIN NG UNA

Sa ating kabanata, nakahanda nang pasabugin ni Simoun ang mitsa – ang damdamin ng pagkagalit.
Matapos niyang udyukan at palusugin ang masasamang hilig at sa tulong ng kanyang salapi’y nagawa
niyang ipapatay ang mga kalalakihan at ipagahasa ang kababaihan at ipatapon ang mga ama ng tahanan.
Ngayong dumating na ang pagkakataong maipaghiganti niya ang kanyang ama at ang taong umaasa ng
pagbabago’y inusig naman siya ng kanyang sariling budhi . . .

PART 1 STORY

Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais
niyang maghiganti.
PART 2 STORY

Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Di niya ito
inaasahan. Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina at nakiusap kay Placido.
Nagpaalam si Placido sa ina. Mainit pa ang ulo niya. Nakaramdam siya ng gutom kaya’t naisipang umuwi.
Inakalang wala na sa bahay ang ina`t nagtungo na sa kapitbahay. Ngunit nagkamali siya. Naroon pa si
Kabesang Andang at naghihintay.

PART 3

Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa
nakagalit na Dominiko ngunit ayaw ni Placido at sinabing tatalon muna siya sa ilog o manunulisan bago
bumalik sa unibersidad. Sinabihan siya ng kaniyang ina ukol sa pagtitiis. Di na muna kumain ang binata at
muling umalis ng bahay. Nagtungo siya sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong,
magpayaman at kalabanin ang mga prayle.

PART 4

Ginabi siya. Wala siyang natagpuang kaibigan. Nagtungo siya sa perya at doon nakita niya si Simoun.
Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang pumuntang Hongkong.

Isinama ni Simoun si Placido. Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal. Kinainisan niya
sina Simoun at Isagani. Nagpatuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang
bahay na munting pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng isang dating guro sa San Diego.
Nagtanong ang guro sa di pa nila kahandaan. Ani Simoun: sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging
kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria Clara.
Tumalima ang dating guro.

Dalawang oras na nag-usap sa bahay ni Simoun ang magaalahas at ang binata bago umuwi sa kaserahan
si Placido.

PART 5

Nang mapag-isa si Simoun, ay nagtalo ang loob niya . Sinurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng
kabulukang nais niyang puksain. Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na
tumututol sa kanyang ginawa.

Ngunit umiling siya. Kung ako`y tumulad sa inyo ay patay na ako, aniya. Gumawa ako ng masama upang
mabigyang daan ang mabuti. Nilalagnat noon si Simoun.
PART 6

Kinabukasan ay buong bait na nakikinig si Placido sa nangangaral na ina. Hindi tumututol sa mungkahi
nito.

Ipinayo na lamang sa ina na bumalik na sa lalawigan kaagad dahil kung malaman daw ng prokurador na
naroon si Kabesang Andang ay hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

You might also like